You are on page 1of 1

Paghilom

Takot, naiilang, nagkakagulo, sakit, pagkawasak at pagkasira.


Tila ang taon na ito'y isang sumpa.
Masyado nang madaming nagaganap, kung ano anong balita ang lumalaganap. Hanggang
kelan ba tayo babalutin ng takot na baka bukas, ay ang wakas.

Mga abong nagkalat kung saan,


halos tabunan ang bubungan nang bawat kabahayan.
Mga taong nagsisiksikan sa pamilihan,
Nilukob na ng kaba ang bawat isa.

Sakit na nagpatahimik sa mundong unti unting winawasak ng nasasakupan.


Naglaho ang mga sasakyang noon ay parang nakikipagkarera sa daan.
Ang mga taong nagwawaldas ng pera sa kung saan, kinulong ang sarili sa tahanan at ngayon
ay walang mapagkukunan.
Mga trabahong naglaho nang bigla, dumudulong sa nakatataas nang tuling mula sa kanila.
Parang naging preso sa sariling bansa ang bawat isa,
umaasa na ito'y di na magtatagal pa

Pagkalipas ng ilang buwan, tila tadhana'y talagang magpaglaro at tayo'y pinagkakaisahan.


Dumating ang sunod sunod na bagyong nagwasak sa tahanang inaasahan nang iba na
magliligtas sa kanila sa epidemyang nagkalat.
Tinumba ang mga pader na naging sandalan ng lahat.
Rumagasa ang tubig at nilunod ang ilan sating kababayan. Kabuhayan na pinagkukunan nang
lahat ay nawala na parang bula sa kalupaan.

Puno nang sakit ang taong ito sa ating lahat.


Kahit saan tayo magtungo tila wala tayong takas
delubyong ating tinatamasa.
Ngunit sa kabila ng lahat, pinanghinaan man tayo ng loob sa una.
Narito pa rin ang bawat isa at nagtutulungan sa abot nang makakaya. Nagagawa pa ding
magbigay ngiti sa pusong nawawalan na nang pag asa.

Walang mawawala kung patuloy tayong aasa.


Haharapin ang takot at magpapakatatag.
Dahil balang araw ang pusong uhaw sa kalayaan ng bawat isa, ay unti unting maglilihom at
babalik ang sigla.

You might also like