You are on page 1of 38

Talambuhay

Talambuhay Dr. Jose Rizal


Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng.
Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-
aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng
Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong
1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”
naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga
Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo
14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at
hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa
pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba
upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam)
upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
Talambuhay ni Elpidio Quirino

Ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas, si Elpidio Quirino, ay isinilang noong Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos
Sur. Natapos niya ang kanyang antas sa batas sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1915. Nagsimula ang kanyang
misyon na tumulong sa kapwa nang siya ay naging guro sa isang baryo sa Vigan, at sinundan ng isang katungkulan
sa Kawanihan ng mga Lupain. Siya ay naging property clerk sa Departamento ng Pulis Maynila, at pagkatapos ay
naging pribadong kalihim ni Manuel Quezon, na noo'y Pangulo ng Senado.

Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika bilang isang halal na kinatawan ng Ilocus Sur noong 1919 at naging
senador noong 1925. Siya ay muling inihalal bilang senador noong 1931. Si Qurino ay isa sa mga miyembro ng mga
delegado na tumulong sa pagpasa sa Tydings-McDuffie Act na sa huli ay nagbigay daan patungo sa Kalayaan ng
Pilipinas. Naging bahagi ng kombensyon si Quirino na naghanda ng konstitusyon para sa bagong Philippine
Commonwealth. Siya ay pinili ni Pres. Quezon na maging Kalihim ng Pananalapi. Nang maglaon, siya ay naging
Kalihim ng Panloob sa gobyerno ng Komonwelt. Nang siya ay nahalal bilang Bise Presidente ni Roxas, nagtatrabaho
siya bilang Kalihim ng Pananalapi at naging Kalihim ng Ugnayang Panlabas.

Si Quirino ay nabihag at nabilanggo noong panahon ng pananakop ng Hapon dahil sa kanyang pagtutol sa
pananakop. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at ang kanilang tatlong anak ay pinatay ng mga sundalong
Hapon. Matapos ang digmaan, muling nakuha niya ang kanyang lumang posisyon sa gobyerno. Siya ay inihalal na
Bise Presidente noong 1946 kasama si Manuel Roxas. Gayunpaman, naging presidente ng republika si Quirino nang
namatay ang noo'y kasalukuyang presidente na si Manuel Roxas. Tumakbo muli si Quirino para sa pagka pangulo sa
halalan ng 1949 at nanalo laban sa kandidato ng Nacionalista.

Sa panahon ng pagkapangulo ni Quirino, ang kanyang pamahalaan ay may dalawang pangunahing layunin: ang
mabawi ang tiwala at kumpiyansa sa pamahalaan, at ibalik ang kapayapaan at kaayusan. Nakakalungkot lang na
ang kanyang pamahalaan ay nakaranas ng masamang publisidad, at sa kauna-unahang pagkakataon sa
kasaysayan ng Pilipinas, isang impeachment trial o layuning pagpapatalsik sa puwesto ang isinampa laban sa
pangulo dahil sa isang ginintuang arinola umano ang binili ni Quirino sa isang malaking halaga gamit ang pera ng
gobyerno.
Balagtasan

BALAGTASAN SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA


SA PASUGUAN NG PILIPINAS SA NAIROBI

Pagkatapos ng sabay-sabay na pagkanta ng Lupang Hinirang na pinamunuan ni G. Randy Gudaca,


binasa ni Consul Donna Feliciano-Gatmaytan, pangsamantalang Tagapangasiwa ng Pasuguan ang
kanyang ginawang tula na pinamagatang “Ang Ating Wika” na siyang nagsilbing Pampasiglang
Pananalita. Sa tula ni Bb. Feliciano-Gatmaytan ipinaalala niya na maraming wika ang mga Pilipino tulad
ng Cebuano, Bicolano, Bisaya, Tagalog at mayroon ding Pambansang Wika, ang Filipino. Sinabi niya na
mahalaga na gamitin ang mga wikang ito. Aniya, “Napaka-ganda at napakayaman ng mga wika ng
Pilipino. Sana ay alalahanin natin at pagyamanin natin ito. Dahil sa wika ay nailalahad natin ang kwento
ng ating lahi. Ipamana natin ito sa susunod na mga henerasyon. Ituro natin ang ating wika sa ating mga
anak at mga kabataang Pilipino, maging sa mga dayuhan kahit saan man tayo naroon.”

Nagkaroon din ng Parada ang mga bata. Ang mga bata ay binansagang mga Munting Butuin at
kumatawan sa mga lalawigan ng kanilang mga magulang -- ang Aklan, Baguio, Bicol, Cavite, Dumaguete
at mga lungsod ng Kalakhang Maynila. Sama-sama silang pumarada sa entablado at isa-isang
nagpakilala. Sinambit din ng ilan sa kanila ang ilang ginintuang Salawikain na pagpapa-alala ng ating
magagandang kinaugalian at gabay sa pamumuhay at pakikitungo sa kapwa. Naging kalugod-lugod
panoorin ang karikitan ng mga bata, and bagong henerasyon at naka-bubuhay ng damdamin na makita
silang nakiki-sali sa pagpupugay at pagpapahalaga sa wikang pambansa.

Lalo pang pinahangga ang mga manunuod sa galing ng mga bata nang bigkasin ng pitong-taong gulang
na si Lian Arago ang tulang “Sa aking mga Kababata”, ni Gat Jose Rizal.

Ang mga Pari at Madre naman ay nagtanghal ng isang maikli ngunit kasiya-siyang sarswela na
pinangunahan at pinalooban ng harana para sa mga manunuod. Ang mga nagsiganap ay sina Padre
Narciso Cellan, Padre Eustaquio Mula, Padre James de la Cerna, Madre Esperanza Paragua, Madre
Elizabeth Paragua, Madre Virginia Abon, Madre Tessie Mendoza, at Madre Estrelita Tuscano.

Sa isang balagtasan naman nagpaliksahan sa galing sina G. Pedro Berena laban kay Dr. Acosta tampok
ang paksang “Dapat bang palitan ang pangalan ng Pilipinas?” Si G. Romeo de la Cruz ang nagsilbing
Lakandiwa. Nagpakitang-gilas sa pag-tula si Bb Gloria Salazar. Kanyang binigkas ang tula ni Jose
Corazon de Jesus na may pamagat na “Ang Pagbabalik”. Nagkaroon din ng pagtuturo ng kanta para sa
mga bata tulad ng “Bagong Alpabetong Pilipino” at “Kumusta” na pinamunuan ni Bb Jekelyn
Arago. Nanalo naman sina Bb Liv Morano-Castillo, G. Edward John Rodriguez at G. Isabelo Rodriguez
sa Tagisan ng Talino.

Sina Bb. Jessery de Puyart at G. Pedro Berena ang nagsilbing mga guro ng palatuntunan.

Bilang pangwakas, nagsi-awitan ng mga paboritong kantang-Pilipino ang mga nagsidalo hanggang sa
kailaliman ng gabi pagkatapos nilang pagsaluhan ang inihandang Arroz Caldo, Adobo, Ginisang Gulay,
Pancit at siyempre ang Lechon. WAKAS
BALAGTASAN: DAPAT BA O HINDI DAPAT ITUPAD ANG K+12 POLICY SA
PILIPINAS

nina Vanessa Lee at Marl Yjuv Toquero


Lakandiwa:
Magandang umaga mga Binibini at Ginoo,
Ako po’y nagaagalak makaharap kayo.
Isang makabuluhang pagtatalo ating matutunghayan.,
Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa ating bayan.
Noong umupo bilang bagong pinuno,
bilang isang pangulo.
Ang napasikat at napakadilaw na Noynoy Aquino.
Sari-saring batikos binato sa kanya,
Batikos na sadyang minulat ang ating isip at mga mata.
Ang K+12 Policy ating paksa,
Paksang ukol sa edukasyon ng ating bansa.
Ang high school raw ay dagdagan ng dalawang taon,
Ang K naman ay para sa kinder institutionalization.
Ngayon ating dinggin ang babaeng malakas ang dating,
Ang babaeng galing Korea na kinasal sa isang Pilipino,
Ang babaeng nangangalan ay Nesa,
Na tutupad sa repormang edukasyon.
Palakpakan natin siya,
Pakinggan at intindihin si Binibing Vanesa.
Vanesa:
Ako’y kinikilala bilang boss ng DepEd,
Pilipinong buong buo sa dugo, puso’t isipan.
Ang pangalan ko ay Vanesa Lee Roque,
Narito ako para bigyang tamang pag-unawa ang proyekto ng gobyerno.
Isa munang paglilinaw bago po magkagulo ang lahat,
Sana’y makinig kayo.
Ang K+12 project ay platapormang tungo sa pagbabago,
Pagbabago para sa ating bansang nangangailangan.
Upang ang edukasyon ng Pilipinas ay malinang.
The fruit of this change will benefit the next generation,
On behalf of the government, I speak to erase the misconceptions.
Yjuv:
Salamat sa unang pananalita, Binibining Roque.
Ngunit sayo’y may kokontra,
Ang lalaking to,
Ay si Yjuv Toquero.
Ginoong galing probinsya, ginoong akibista.
Ako po si Yjuv Toquero,
Sa usapin ng K+12, tutol ako.
Sapagkat ang programang sadyang ay hindi
“Ang tanging solusyon t’wina sa edukasyon”
Problema ng ating bansa.
Vanesa:
Ang edukasyon ay para sa lahat,
Ito’y aming tutuparin na tapat
Bibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata,
Para sa kinabukasang walang problema
Tulad ng Europe, East Asia, Amerika at iba pa,
Ang total number of years ng primary education ay dapat labindalawa.
Oras na ng pagbabago,
Pilipinas nalang ang inaantay ng mundo
Yjuv:
Ako po’y lumaki sa probinsya,
Probinsyang dukha.
Nanay ko, tatay ko, magsasaka.
Sapat na kita nila,
Upang kami’y makatuka.
Pagdadagdagan pa ng dalawang taon,
Naku! Tuition fee ko!
Paghihirap nila madagdagan pa.
Isipin mo, ang dalawang taon na iyon,
Pwede nang dalawang tao sa kolehiyo ngayon.
Ang K+12 ay magastos sa parte ng gobyerno,
At lalong mas magastos sa parte ng pamilya ko.
Vanesa:
Ang edukasyon ay isang investment.
Investment sa mga anak nating magiging doctor, abogado, teacher, nars, pati seargent,
Kung ikaw nasasayangan para sa magiging produkto na ang mga magulang din ang makikinabangan,
H’wag ka nalang mag-aral!
Ang proyektong to’y para sa kabubuti ng bansa.
Batay sa pag-aaral, lagpak ang Pinas sa Math at Science
Dahil kulang sa pagsasanay at aplikasyon mga guro
Kailangan i-angat ang Pilipinas! Oo, i-angat natin to!
Yjuv:
Mga kaibigan, h’wag kayong magpabulag sa kaibigan kong duwag!
Ako’y paniwalaan, na K+12 ay hindi lamang ang solusyon sa edukasyon ng ating bayan.
Gobyerno’y sana’y mas paigtingin,
Ang problema sa kaledad ng mga guro natin.
Isipin mo to Madame Koreana,
Sige mag-aral ka nga mahabang panahon.
Ngunit guro mo ay hindi trained at incompetitive,
Haha…ang K+12 ay di napapanahon!
Vanesa:
Ano ba silbi ng high school diploma?
Bumabata ang ating workforce, nakakahiya naman.
Ang bansa ay nangangailangan ng skilled workers! Hindi mga batang nagtratrabaho.
They belong to the classrooms studying and exploring the world,
At hindi sinasayang ang talino.
Maawa naman po tayo sakanila.
Ganap na propesyonal, sila’y hindi pa.
Yjuv:
Papabulaanan ko ‘yang mga binaggit mo.
Ako’y babalik sa konsepto ng “kalidad” ng edukasyon rito.
Di mo ba alam na tataas ang drop out rates kapag tinupad ang K+12?
Tignan mo, gumawa pa ng mas malaking problema ang policy!
Isa pa, alam mo bang kulang ang mga silid, upuan, at eskwelahan?
Ang K+12 mo rin ba ay kayang resolbahin ang problema sa kakulangan ng libro
O K+12 lang ba ang talaga ay kabaliwan ng gobyerno?
At alam mo binibini, h’wag mo na ipagpilitan,
K+12, walang silbi yan.
Isipin mo, ano nga ba ang problema,
Kung bakit sistema ng edukasyon natin sabog sabog!
Dula
Dula-dulaan sa FilipinoPag-iibigan ni Jeny at Max
Tagapagsalaysay: Unang araw ni Jeny sa paaralan bilang ika-lawang taon ng sekundaryaat nabalitaan
nilang magkakaibigan na sina Ron, Jeny, Ciara, Len, Diana, Mika namaraming bagong lipat na mga
estudyante sa kanilang paaralan at isa na rito si Max naisang mayaman at maraming alam at minsan ay
may kakulitan din siya.Habang nagmamadaling maglakad si Jeny ay nakabunggo niya si Max.Max: Ay
sorry po! Tulungan ko na po kayo miss.Jeny: Hindi huwag na kaya ko na to.Max: Hindi! Tutulungan na
kita. Saan ba ang punta mo at parang nagmamadali ka?Jeny: Makulit ka din eh! Papasok na kasi ako sa
aming klase eh.Max: Ganito talaga ako ahaha...sige mag-iingat ka!Tagapagsalaysay: Pagpasok ni Jeny
sa kanilang silid-aralan ay pagod na pagod dahil sapagmamadali pero hindi niya pinansin ang mga
kaibigan niyang nagkwekwentuhan dahilsa nangyari kanina.Jeny: Nakakapagod! Sino kaya yung
nakabunggo ko kanina??? (kinakausap ang sarili)Tagapagsalaysay: Nilapitan siya ni Ron at kinausap
dahil nagtataka si Ron bakit hindi silakinausap ni Jeny.Ron: May problema ka ba??-Hoy!
Jeny: ah eh wala wala…
.sa isang libro!Tagapagsalaysay: Umalis si Ron at umupo nalang sa kanyang upuan at parang
nalungkotsa nalaman narinig niya kay Jeny.
Ciara: Hoy! Mga tsismosa…nanjan na si sr.
Mika: Eto naman makapag tsismosa wagas.. sampalin kaya kita..Len: Hoy! Maldita! Nanjan na nga si sr.
eh naguusap pa kayo! (pasungit)
Pumasok ang Teacher

Guro: Magandang hapon sa inyong lahat mga bata!Estudyante: Magandang hapon din po!Guro: May
bago kayong kaklase! Sige Iho pumasok ka na at magpakilala...
Pumasok si Max.
Max: Hello po ako nga pala si Max mula ako sa Manila.Tagapasalaysay: Nagbulungan bigla ang
magkakaibigan nang malaman nilang iyon angnakabunggo kay Jeny.
Mika: Hala Girl! Yan ba yung sinasabi mong nakabunggo mo kanina…
Diana at Ciara: Kachaka mo girl!!Len: Hmmft! Ako nalang sana nakabunggo niya!! (kinikilig)Diana: Friend
naman! Selos ka na agad andito naman si Ron!Ciara: Oo nga naman!Len: Pakielam ko jan!Guro: Sige
Max maraming salamat dun ka umupo sa bakanting upuan sa tabi ni Jeny.Max: sige po maraming
salamat.
Nagulat si Max dahil nakita niya ung nakabunggo niya kanina.
Max: Oh miss!! Ikaw pala yan dito din pala ung punta mo nagsabay nalang sana tayo paradi na tayo
nagkabunggo pa.Jeny: Ah! Eh! Teka! Teka! Hindi po miss pangalan ko!! Ako po si Jeny..Max: Eh gusto
ko miss eh ahaha

Jeny Ewan ko sayo

kagulo mo

Max: Bakit miss? Anu ba ginagawa ko?Jeny: Sabi ko Jeny hindi missMax: Miss!Jeny: Jeny!Max: Sabi na
ngang Miss!Jeny: Sabi ko Jeny!--
Len: Friend ! Tignan mo parang kilala na nila agad ung isa’t isa.
Ciara: Oo nga eh..!! kakainggit ahaha.Diana: Pero teka tignan niyo si Ron mukhang malungkot.
Nobela

Ama (Nobela)Ang Huling TimawaAng MagpapawidAng MonghitaAng ProbinsiyanaAng Singsing ng Dalagang


MarmolBagong KristoBayang NagpatiwakalBulaklak ng Bagong PanahonDaluyongEl filibusterismoHalimuyakHalina
sa Ating BukasIpaghiganti mo ako!Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at NenengLagrimasLakandulaLandas ng
Pag-ibigLihim ng Isang PuloLuha ng BuwayaNoli me tangereSanggumaySanlibong Pisong KagandahanDoktor
SatanLope K. SantosSi Tandang Bacio MacunatSugat ng AlaalaUrbana at Felisa
Ang mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag, pulitiko at iba pang naging
bahagi ng mga rali't demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating kasaysayan—ang
dekadang 1970.Ang nobelang Dekada '70 (Carmelo & Bauermann; 228 pahina) ng premyadongmanunulat na si
Lualhati Bautista ay natatanging akda sa wikang Filipino hindi lang dahilsa pagkamit nito ng unang gantimpala sa
Palanca Memorial Awards for Literature noong1983 kundi dahil sa mapangahas na inilarawan nito ang isang
lipunang noo'y nasa bingitng pagbabago sa gitna ng papalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitikang ligalig bago
naganap ang tinaguriang EDSA People Power Revolt ng 1986.Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome
(tagapagsalaysay ng nobela) ang mgasakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.Ang mahabang salaysay
ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sakung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga
tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa
pagpapalakisa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista nasumapi sa
rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay
nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat nanaghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging
biktima ng salvaging at siBingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.

Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga
militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sadigmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha
ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ngmamamayan sa
diktadurya sa panahon ng batas militar.Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-
pansin ang hiligni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mgaanak at sa mga
usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules,nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari
"dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at
mgakaburgisan," wika nga ni Amanda.Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na
kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-untiniyang
natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Wellhoney, it's a man's world."Isang
mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanyalaban sa tuition fee increase sa
paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sasandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang
katangian niya bilang isangrebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang
nakapukawsa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhaynoong sumulat siya
sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si KahlilGibran:"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak,
Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y
walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mgaaktibistang estudyante ngayon
sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawasa kanilang ginagawa!At gaya ng maraming
magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mgaginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na
para mamili ang tao. Alinman sa dito kao do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo
ka rin sa uringmapang-api?Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas
militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang orasmatapos itong palayain
ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalanng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang
nagawa kundi ang tumangis sa kawalan nghustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang
Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindinagkakaintindihan sa
mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit naugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa
pagkakalayo ay may paglalapit din."Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing
panggatong salumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod nadekada
Maikling Kwinto

Ang Inang Matapobre

Laging bukambibig ni Aling Osang na ang anak na engineer na si Monching ay dapat lang makapag-
asawa ng isang mayaman dahil may mataas itong katungkulan sa kumpanyang pinapasukan at
topnotcher pa sa board exam. Kaya gayon na lamang ang galit at pagkabigla nito nang malaman niyang
si Corazon na kapitbahay niya ang naging kasintahan ng anak. Ayaw niya sa babaeng ito. Gagawa siya
ng paraan upang mapaglayo ang dalawa.Kinausap ni Aling Osang ang anak, ipinakakalas kay
Corazon.“Ngunit Mama, si Corazon ay mahal ko at mahal din niya ako. Mabait siya, masipag, magalang,
at kilala n’yo ang pamilya. Isa rin siyang kapita-pitagang guro. Bakit ayaw n’yo sa kanya?”“Gusto ko’y
mayaman ang mapangasawa mo. Kung si Corazon lang, hindi ako makapapayag.”“Pero, hindi mahirap
sina Corazon, Mama. May lupa’t bahay sila, may tindahan at may niyugan.”“Pero hindi rin sila mayaman!
May tindahan at niyugan nga, tatlo naman silang magkakapatid na maghahati kung saka-sakali. Baka
maging sandalan ka lang ng pamilya niya pagdating ng araw. Higit pa kay Corazon ang babaeng
hinahangad ko para sa iyo, anak. Huwag mo sana akong bibiguin.”Tumahimik na lang si Monching upang
huwag nang humaba pa ang pagtatalo nila ng ina. Nag-iisa siyang anak at lumaki siyang masunurin.Mula
noon, naging madalang na ang pagkikita nila ni Corazon. Tinanggap ni Monching ang malalaking project
ng kumpanya sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao. Si Corazon naman ay naging abala rin sa
pagtuturo lalo na nang ma-promote ito bilang Head Teacher.Mahigit dalawang taon ang mabilis na
lumipas.Nakatanggap ng sulat si Aling Osang mula kay Monching. Ito pala ay may asawa’t anak na sa
Bacolod.Anang isang bahagi ng sulat:“Mama, napikot po ako ng solong anak ng boss ko. Nagpakasal po
kami at ngayon ay 3 months old na ang baby girl namin na kamukha ninyo. Napakayaman po ng boss ko,
na ama ni Lanie. Binilhan po kaming lupa at bahay na pinuno ng mamahaling kasangkapan. May
ipinagawa rin akong playhouse sa gilid ng bahay. Sana mabigyan ko kayo ng maraming apo, Mama.
Kalakip nito ang Twenty-thousand pesos para sa pagbabakasyon n’yo ni Papa rito sa Bacolod. Aasahan
ko po kayo sa Linggo.Excited na itiniklop ni Aling Osang ang sulat.“Martes pa lang ngayon, hindi ko na
mahihintay pa ang araw ng linggo. Sabik na akong makita sila.”Nang araw ring iyon ay bumiyahe ang
mag-asawa mula Bohol patungong Bacolod via Cebu. Nang sapitin nila ang tahanan ng anak, sa gate ay
sinalubong sila ng katulong at napag-alamang wala roon si Monching. Nasa Davao kasama ang Father-
in-law at sa Sabado pa ng gabi ang dating.Miyerkules na noon kaya nag-pasiya ang mag-asawa na
hintayin na lang ang anak kaysa bumalik pa ng Bohol.
ALAMAT
Ang alamat ng Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya
tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.
Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na
ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at
kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda.
Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang
nanay.
"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.
"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa
kanyang anino sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng
matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at
kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang
sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali,
siya ay pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon
ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang
suklay at kuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na
pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot
niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang
dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't
hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit
na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang
pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang
palay.
Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo
naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit.
Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong
gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay
mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang
gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at
nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At
anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"
Ang Alamat ng mga Unang Alitaptap

Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito ay hindi
totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit
gumagamit ng apoy ang mga alitaptap?
Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na
iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin
ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?
Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang
kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing
maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila
sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?
Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng
isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon
namang nagkubli sa mga talulot.
"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot?
Kayo ba ay natatakot sa dilim?"
"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.
"At saan?" ang tanong ng sampaguita.
"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.
"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b akayo ng
mga kabag-kabag?"
"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at
iyon na ang katapusan ng aming buhay."
"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.
"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti
nang pakaunti."
"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."
"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.
"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng
sampaguita.
"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng
isang kulisap.
"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.
"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.
"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo
kung ano and dapat ninyong gawin."
"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-
sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."
"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.
"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.
Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay
nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong
lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.
Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.
"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."Mula na noon tuwing lalabas ang
mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang
tinatawag ngayong "ALITAPTAP."
Ang alamat ng Pinagmulan ng Lahi

Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng


marami ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi malaunan at siya ay
nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong
pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.

Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay
malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang
ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang buksan ay
maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita. Hindi
nasiyahan si Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na
anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng una, hinango agad sa
kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at
iniluto sa hurno. Palibhasa'y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang
pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang
kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan natin.
ANG ALAMAT NG UNANG SAGING

May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang Maganda. Ang kanyang
tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming magaganda't mababangong halamang
namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat na ito. Namimitas siya ng mga
bulaklak na katangi-tangi ang ayos.

Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang prinsipe. Magandang lalaki ang
prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang Maganda ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin.
Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob.

Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang prinsipe. Palibhasa'y
sadyang may inilalaan nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at tinanggap ang
iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.

Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng mabangong halamanan ng
prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon sa aming kaharian ay
higit na magaganda at mababango; walang makakatulad dito sa inyo."
"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang magtanong si
Mariang Maganda. "Mangyari'y…" at hindi na nakuhang magpaliwanag ang prinsipe.
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam.
"Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko sanang isama kita, nguni't
hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"
"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe.

Nang malapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ng prinsesang naghihintay sa
loob ng hardin. Nag-usap na naman sila ng nag-usap. Kung saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap.
Hawak-hawak ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe.

Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na ako, Mariang Maganda.
Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisan ay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na subali't
tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at ginawaran ng halik ang mga talulot na labi ni Mariang
Maganda.

Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng kanyang
minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga palad ng dalaga
ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang
halamanan at ibinaon ang mga kamay.

Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sa pinagbaunan niya. Malalapad ang mga
dahon at walang sanga. Ilan pang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ng prinsesa
ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mga bulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang
mga daliring nagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa daigdig
Alamat ng Durian
Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo’y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni
Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka’t siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga
kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng
isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata’y pinangalanang Durian, na ang gusting sabihi’y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng
labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-
kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian
ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at
nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya’y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa
ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito
ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito’y namulaklak at
namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati
ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay
malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito’y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang
tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang
kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito’y si Sangkalan. Sa huli’y siya ang naging datu. Kanyang
dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan
ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang narinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang
mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming
tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang
karunungan.

Noon di’y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni
Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di’y itinanghal na
bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at
ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama’y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.

Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.


Talumapti
Isang Talumpati para sa Kabataan

Talumpati ni jam canlas jumawan


Sa tingin nyo kung makikita ni Dr. Jose Rizal ang kabataan ngayon, matutuwa kaya siya?
Sabi niya ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, pero sa nangyayari sa kabataan ngayon, mukang
magiging malabo ang tinatawag nating pag-asa.
Kung ikukumpara natin ang kabataan noon sa kabataan ngayon, naku, walang gawa ang kabataan
ngayon. Sa ngayon kasi, hindi na uso ang po at opo. Nakalimutan na ang pagmamano. Wala nang
saysay ang paga-aral. At higit sa lahat wala nang saysay ang virginity.
Dota ng dota, hindi naman nag-aaral. Hindi mo naiisip ang magulang mo na nagpapa-aral sayo. Hindi nila
tinatae ang perang pinapang-aral mo. Edukasyon na nga lang ang kaya nilang ibigay sayo, hindi mo pa
ma-appreciate. Na-first blood ka no? Kung hindi ka parin tinablan, eto pa.
Hindi na bago ngayon ang makakita ng grupo ng kabataang babae na parang kinulang sa tela ang mga
suot. Kitang-kita ang mga parte ng katawan na hindi naman dapat ipakita sa publiko. Ang aga-aga
mangati, nagpakamot sa kapwa kabataan, ayun nabuntis. Sabi ng matatanda, ang pinakamagandang
regalo na maibibigay mo sa asawa mo sa araw ng honeymoon nyo e, ang virginity. Kaso winalang bahala
mo ang kasabihan yun kasi hindi ka na marunong makinig sa matatanda. Feeling mo mas may alam ka
sa kanila kasi nabubuhay ka sa panahon ngayong may internet at pwede mo i-Google ang lahat.
Kung titignan natin, mas matalino at maabilidad sila noon. Walang internet na makakapagbigay sa kanila
ng impormasyon tungkol sa research nila pero nakapasa sila’t nakapagtapos. Walang copy-paste noon,
ita-type mo mano-mano ang research mo, malas mo pa kapag nagkamali ka ng kahit isang letra kasi
walang erase ang gamit mong typewriter. Pero sa kabila ng hirap noon, hindi sila tinamad gumawa ng
assignments. E ikaw, copy-paste na nga lang kailangan mong gawin, tinamad ka parin at pina-xerox mo
nalang yung assignment ng utu-uto mong classmate!
May pagkain ka sa tapat mo pero hindi mo kinain kasi diet ka. Bat ka ba nagda-diet? Mainstream kasi? O
trip mo lang? Hindi mo ba naiisip yung mga batang namamalimos sayo kanina? Nakita mo yung katawan
nila na sa ilalim ng balat e, buto kaagad at wala nang laman? Ganun ang mangyayari sayo kung hindi ka
makakain. Yung mga batang yun, salat sa pagkain, e ikaw nasa harap mo na yung biyaya hindi mo pa
kinain. Nag-aaksaya ka masyado, kung ipagpapatuloy mo yan, dapat ikaw nalang yung naging bata sa
kalsada at yung bata nalang yung may sapat na pagkain. At least siya, maa-appreciate niya yung
pagkain na nasa harap niya.Bisyo, hay, bisyo. Pang matanda lang ‘to kaso curious ka kaya tinry mo din.
Yosi ka ng yosi, bat di ka pa namatay? Tutal unti-unti mo namang binabawasan ang oras ng buhay mo sa
pagyoyosi. Isang yosi ay katumbas ng limang minuto ng buhay mo. Hindi ka naman siguro kawalan sa
mundo kung sakaling mamatay ka dahil sa bisyo mo, pero malaking kawalan ka para sa mga magulang
mo at mga nagmamahal sayo. Isipin mo naman sila.Nagpakahirap ang nanay mo na dalhin ka sa tiyan
niya ng siyam na buwan tapos ngayon magpapakamatay ka? Wag kang timang sa katotohanan. Kahit
gaano kasakit ang katotohanan kailangan mo ‘tong tanggapin. Hindi pagpapakamatay ang sagot sa
problema. Isipin mo, may isang tao sa isang parte sa mundo na mamamatay na dahil sa isang sakit. Sila,
nagkukumahog na mabuhay pa ng mas matagal tapos ikaw, ikaw na mahaba pa ang buhay, gusto
magpakamatay? Siguro kapag mamamatay na tayo, dun lang natin naiisip na dapat ginawa nating
makabuluhan ang buhay natin para kahit nasa kabilang buhay ka na, wala kang regrets. Dun lang din
natin maiisip na mahalaga pala ang buhay at dapat hindi natin pinangunahan ang Diyos dito. Habang
hindi mo pa oras, gumawa ka na ng mabubuting bagay para kapag dumating na yung oras na kailangan
na maghiwalay ng katawan mo at kaluluwa mo, hindi ka masusunog sa nagbabagang apoy sa impyerno.
Bata ka pa, madami ka pang tatahakin kaya hindi mo kailangan dibdibin yang tampuhan niyong
magsyota. Laslas, sus, emo. Tapos ipagmamalaki mo yang sugat mo sa braso? Try mo sa leeg minsan.
Hindi kasi nakakamatay yang sa braso e. Ang labo ko no? Kanina ayoko kayong magpakamatay, ngayon
sinasabihan ko kayong i-try maglaslas sa leeg. Kasi naman, bakit ba natin sinasaktan ang sarili natin e,
nasaktan na nga tayo? Ano yun, gusto mo ma-double kill? Bakit hindi natin i-try na magpakasaya kapag
nasasaktan? Sana naman may naitulong ako sa inyo. Kung hindi ko man naimulat ang mga nakapikit
nyong mata, sana minuta kayo dahil medyo naluha kayo sa mga sinabi ko. Hindi pa huli ang lahat para
magbago ka. Bata ka pa.
Talumpati Tungkol sa Pamilya
Sa anumang oras ng pangangailangan, anumang hidwaan at hindi pagkakaunawaan mayroon tayo, sa
hulit-huli ang pamilya pa rin ang ating natatanging kanlungan sa buhay.
Tayo bilang isa sa mga bansang nabibilang sa Asya ay may kaugalian at kulturang kinagisnan na may
malapit na ugnayan sa bawat miyembro ng ating mga pamilya.
Hindi bago sa atin na nakakakita tayo ng mga uri ng pamilya sa ating lugar na kung saan ay halos lahat
hanggang sa mga lolo, lola at mga tiyahin at iba pang kasapi ng pamilya ay kasama sa loob ng isang
maliit na tahanan.
Hindi natin iniinda kahit na maliit ang tirahan at nagsisiksikan, ang mahalaga ay buo at masaya ang
pamilya. Ganyan ang buhay pamilya nating mga Pilipino.
Ang ganitong uri ng sistema minsan ay may naidudulot na kabutihan, minsan naman ay may hindi
magandang dulot. Maganda sa tanang, nakakabuo ito ng mahigpit na samahan at pagkakabuklod-buklod
ng bawat isa.
Pero ang ganitong uri ng samahan minsan ay nagdudulot ng pagiging pala-asa ng mga iba. Hindi tayo
matututo na tumayo sa ating mga sariling paa. Habang buhay tayong aasa sa lakas at tulong ng mga
mahal natin sa buhay.
Ang pagkakaroon ng pamilya lalo na sa mga bago pa lamang ay hindi gawaing biro at laru–laro lamang.
Kaakibat nito ay ang napakalaking obligasyon na nakaatang sa ating mga balikat.
Lalo na kapag may mga anak na tayo na umaasa sa atin. Ang pagpasok sa estadong ito ng buhay ay
dapat na masusing pinag-hahandaan. Handa tayo dapat sa aspetong pang-pinansiyal at ganun rin sa
emosyonal.
Walang kasing saya ang pakiramdam ng may pamilyang sarili na maituturing at maipagmamalaki mo sa
buhay. Kayamanang tunay kung ito ay sabihin ng mga nakatatanda.
Ang pamilya na kahit ano pa mang uri ng bagyo ang pagdadaanan, ang samahan ay pansamantalang
mabubuwag ngunit kusa pa rin itong mabubuo dahil sa masidhing pagmamahalan ng bawat isa.
Kabataan pag asa ng bayan

Talumpati ni Anne Carpo

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang kabataan ang magpapaunlad sa susunod nahenerasyon.Ang
kabataan ang mag-aangat sa Pilipinas. Pag-asa pa nga ba tayo ng bayan?Kaya nga ba nating
mapaunlad ang susunod na henerasyon? Mapapa-angat nga ba natin angPilipinas o tayo pa ang
magpapabagsak dito? Maaaring ang ilan sa inyo ay sasagot ng hindi na.Para sa akin, kung magsisikap
tayong mga kabataan maaari pa rin tayong matawag na pag-asang bayan. Kung babaguhin lamang sana
natin ang mga maling kaugalian natin sa panahonngayon.Bumalik tayo sa nakaraan, hindi ba’t tuwing ika-
anim ng gabi ay nasa loob na ng kani-kaniyang bahay ang lahat. Ang pananamit ang kilos ng kababaihan
ay kagalang-galang, “MariaClara” nga kung sila’y ating tawagin. Kung gusto naman ng isang binata ang
isang dalaga ay hindi niya agad nakukuha ang matamis na oo ng dalaga, kailangan pang sumuot ng
butas ngkarayom. Sa ilang programang ating napapanuod sa telebisyon, kailangan munang mamanhikan
ng lalaki upang masigurong magiging maalwan ang buhay ng kanilang anak sapiling ng lalaki. Ang mga
kabataan noon ay masunurin, magalang, walang bisyo at maka-Diyos. Ang mga kabataan rin noon ay
tutok sa kanilang pag-aaral.Subalit ngayon, napakadali na lamang para sa isang lalaki na mapasagot ang
isang bababe. Ang ilan nga’y sa text na nagkaligawan at nagkatuluyan. Maging sa pananamit, karamihan
sa mga kadalagahan ngayon ay hindi na iginagalang dahil sa paraan ng kanilang pananamit. Ngayon
halos hindi na iginagalang ng ilang kabataan ang kanilang magulang at hindi na rin sila marunong
sumunod. Karamihan din sa kabataan ngayon ay walang inatupag kundi mag-Dota. Hindi iniisip kung
anong hirap ang dinaranas ng kanilang magulang mapag-aaral lamang sila. Nakakalungkot mang isipin,
ngunit ito na ang larawan ng kabataan ngayon. Tayong mga kabataan lalo na sa mga kababaihang
katulad ko, dapat nating tandaan, balikan at muling isabuhay ang mga kaugaliang noon. Wala man ito sa
uso ngayon ngunit maaari natin itong ibalik sa uso. Subalit ano pa man ang mga kabataan noon at
ngayon, ang mahalaga’y hindi natin malimutan ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa
ngbayan.

Mga mahal kong kamag-aral, kaklase at kapwa kong kabataan, sama-sama at tulong-tulong nating
patunayan na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Patunayan nating kaya nating mapaunlad ang
susunod na henerasyon. Patunayan nating kaya nating iaangat ang Pilipinas sa kasalukuyang estado
Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?

Talumpati ni Micheal john sabio

Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayong mga kabataan
ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin ito sa kahirapan at
ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang bandilang ating bayan
patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan. Ito ay ilan lamang sa mga
katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan.

Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at sa kaisipang nais
nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang paniniwalang ‘to. Masyado na yatang mabilis
ang takbo ng panahon. Kasabay sa paglipas nito at sa pagsilang ng bagong henerasyon ay marahil ang
paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang mga kabataan.

Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan ng makabagong
henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip sa mga sandaling ito at
alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo. Ngayon, sagutin ninyo ang tanong ko: kayo ba’y
pag-asa pa rin ng bayan? Kung ako ang inyong tatanungin, hindi ako mahihiya at mag-aatubiling sabihing
“Oo!” Sapagkat lahat tayo ay pag-asa pa rin ng bayan. Sakabila ng katotohanang may iilan sa atin na
mga nagrerebelde, pasaway, batugan at parang wala ng tamang nagawa sa buhay. Umaasa akong
balang araw maintindihan nila ang tunay nilang tungkulin at pananagutan.

Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? Aba simple lang naman!
Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan, pagkamakabayan, disiplina at pagmamahal. Ipamalas
natin ang ating kasipagan sa lahat ng bagay na nakakabuti o nakatutulong. Hindi ‘yong tipong upo lang
ng upo habang hawak ang cellphone at nanunuod ng tv maghapon. Katapatan – maging matapat tayo sa
lahat lalo na sa ating sarili. Pagkamakabayan – ang pagtangkilik sa produktong sariling atin ay halimbawa
ng gawaing makabayan. Pagmamahal – sino ba naman ang di nakaranas ng pagmamahal? Lahat tayo
ay nagmahal at minahal. Kung disipina naman ang pag-uusapan, lahat ng nabanggit ay may kaakibat na
pagdisiplina. Lagi nating tatandaan na magtatapos din ang ating pagiging kabataan ngunit tayo’y
magiging magulang nagagabay at magtuturo sa susunod na henerasyon ng kabataan.
Ang Papel ng Kabataan sa Bayan

“Kabataan ang pag-asa ng bayan” isa ito sa mga nabanggit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan.

Ngunit sa henerasyon natin ngayon, masasabi mo pa bang tayong mga kabataan ang siyang pag-asa ng
ating bayan? Kung sa kahit saang anggulo natin tignan, parang naiimpluwensyahan na tayo ng mga
makamundong kagamitan. Marami nang kabataan ngayon na imbes na gamitin sa pag-aaral ang pera,
mas binibigyan pa nila ng importansya ang mga bawal na droga. Kaysa igugol ang oras sa pagskwela
mas iginugogol pa natin ito sa pamamasyal kasama ang mga barkada. Marami naring mga kabataan
ngayon na sa murang edad palang nagkaroon na ng sariling pamilya. Kung ito ang ating pagbabasehan,
masasabi mo pa bang “kabataan ang pag-asa ng bayan” ?

Magiging pag-asa lamang tayo kun magpupursige tayo sa ating pag-aaral. Ngunit kahit mga mag-aaral
ngayon ay hindi na marunong magbigay ng importansya sa mga aral na natututunan nila sa kani-kanilang
mga guro.May kasabihan nga tayo na “Ang kabataan ay hindi lang maging pag-asa ng bayan kundi dapat
maaasahan din ng bayan.” Maaasahan nga ba tayo? Sa panahon ngayon, mahirap nang sagutin ang
tanong na yan. Magpakatotoo lang po tayo, hindi ko ibig sirain o maliitin ang imahe nating mga kabataan
sa kasalukuyan. Sa katunayan, ibig ko lamang na magising tayong lahat sa katotohanang nangyayari sa
ating kapaligiran. Alam kung sumasang-ayon kayong lahat sa kasabihang “Ang tunay na studyante
konting ulan lang, suspension of classes na agad ang nasa isip.”Kung ganito tayo lahat mag-isip, para
narin nating sinabi na hindi mahalaga sa atin ang bawat sentimong pinaghirapan ng ating mga magulang
para lang tayo ay makapagtapos ng pag-aaral. Naisip ba natin na sa bawat sentimong yun, dugo at pawis
ang naging puhunan nila? Masuwerte pa nga tayo, dahil mayroon tayong mga magulang na handang
magsikap upang tayo ay mabigyan ng kinabukasan.

Karamihan pa atin ngayon ay tamad nang pumasok sa paaralan, tapos may kasabihan pa tayong
nalalaman na”Hindi ka naman tamad tulad ng iniisip nila, masipag kalang talagang magpahinga.” Paano
natin magagampanan ang papel nating mga kabataan sa bayan, kung puro tayo kalokohan? Paano natin
mapapaunlad ang ating kinabukasan kung ang ipinapairal natin sa kasalukuyan ay katamaran? Isa lang
naman po ang ibig kung ipahiwatig sa gabing ito, yun ay “Magkaisa tayo sa paglaganap ng kasipagan
tungo sa mga susunod nating kabataan.
Anekdota

Anekdota sa buhay ni Jose Rizal

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon
lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni
Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit
kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga
titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang
lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga
magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.
Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni
Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng
Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars.
Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna
niya sa maysakit ang kanyang pagdating.

Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi,
"Mr. President, the prest is here."

Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay
isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa
impyerno."

Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at
narinig ang pahayag na yaon.
Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang
sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag
nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat.
Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka
ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa
paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng
karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na
gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa
dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay
wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa
kaniyang paglakad.
Anekdota ni Pao-Pao

Nong isang araw, ang ligalig namin nila mama at Pao sa bahay. Nakaupo lang ako sa sahig habang si
Pao ay nakahiga pa sa air-bed naming. Marami kaming pinag-kekwentuhan nong oras na yun. Nag-tatalo
kami minsan sa mga simpleng bagay, nagtatawanan kami nang bongga sa mga nakakabaliw na nangyari
sa min dati, nag-aalala kami sa mga problemang hinaharap namin ngayon. Pero higit don ang pakikinig
lang namin sa mga walang kwenta man o may kwenta naming usapan.

Tapos may nabanggit si Pao tungkol sa madalas kong pag-susulat ng maikling kwento. Sabi nya di nya
raw kayang mag-sulat tulad ng ginagawa ko. Minsan naiinis na sya sa kin, kasi tuliro ako sa pag-iisip ng
mga kwento. Sabi ko sa kanya, punung-puno kasi ng magagandang kwento yung utak ko. Imbakan ba
kumbaga ng bago at lumang kwento. Kwentong nagmumula sa karanasan ko’t sa obserbasyon ko sa
mga tao. Minsan naman ang ginagamit ko eh taong malapit o di man sa kin at nagkainteres ako sa storya
nya..

Ganito kami mag-usap magkapatid- paliwanag kung paliwanag. May mga pagkakataong para nya kong
guro, at estudyante ko sya at kung minsan malambing ako habang kausap ko sya, yung tipong
hahaplusin ko pa yung dry hair nya..haha

At kapag gumanti sya paninindigan nyang para pa rin syang limang taong gulang kong
kapatid. At dahil don, nagawa naming maglakbay sa isang karanasan namin na pag-kasaya-saya.
Napag-usapan naming yung unang pagkakataong nagpabunot sya ng ipin.
Anekdota Nelson Rolihlahla Mandela

ay ang kauna-unahang Pangulo ng Aprika na may itim na balat. Naglingkod siya sa Timog Aprika sa
taong 1994 hanggang 1999. Kilala itong anti-apartheid icon dahil sa pakikipaglaban sa apartheid system
o ang sistema ng racial segregation noon sa Timog Aprika. Sa kaniya ring pag-upo bilang pangulo,
nilabanan ni Mandela ang kahirapan at deskriminasyon at isinulong ang rekonsilasyon ng iba’t-ibang
lahi.

Nagsilbi si Mandela bilang presidente ng African National Congress (1991-1997) na siyang ruling party pa
rin ngayon sa nasabing bansa at secretary general ng Non-Aligned Movement noong 1998-1999.
Kinikilala rin itong ama ng demokrasya ng Timog Aprika.Ipinanganak noong July 19, 1918 sa Mvezo,
Umatu na dating bahagi ng Cape Province. Dati itong tinaguriang Rolihlahla o “troublemaker” pero
ngayon ay kilala na sa kaniyang clan name na “Madiba.”

Si Mandela ay miyembro ng Thembu royal family na namumuno noon sa rehiyon ng Transkei.

Tatlong beses itong ikinasal at may anim na anak habang 17 ang mga apo. Sinasabing istrikto si
Mandela pagdating sa mga anak pero malambing daw ito sa kaniyang mga apo.

Bagama’t walang pinag-aralan ang mga magulang, si Mandela ay nagsikap mag-aral at nagtapos sa Fort
Hare University at University of Witwatersrand kung saan siya nag-aral ng abogasya.

Ngunit sa kaniyang paglipat sa Johannesburg, naging bahagi ito ng anti-colonial politicsat naging founder
ng Youth League ng ANC. Nang simulang ipatupad ang apartheid system, nakilala naman si Mandela
dahil sa “Defiance Campaign” ng ANC noong 1952.

Ilang beses itong inaresto sa akusasyon ng sedition at nilitis sa Treason Trial noong 1956-1961 pero
napawalang sala. Si Mandela ay co-founder ng grupo ng militante na Umkhonto we Sizwe (MK) na
nanguna sa bombing campaign laban sa gobyerno.
Limang uri ng bugtong

Walang sinumang nakakaalam


Pagdating ng kadiliman.
“Kamatayan”

Puting prutas na parang kuwintas


Berde at rosas ang kinadenang balat.
“Kamatchile”

Lima para sa isa,


Isa para sa lima.
“Kamay”

Dalawang magkaibigan
Ikutan nang ikutan.
“Kamay ng Orasan”

Dalawahang saging na magkaagapay sa katawan


Magkapatid na magkapareho sa kalahatan.
“Kambal”
Sampung halimbawa ng Palaisipan
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya

4.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela

5. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.Sagot: kubyertos

6. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo

7. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig

8. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.Sagot: siper

9. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo

10. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy


Sampung halimbawa ng Salawakain

1. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao

2. Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak

3. Kung ano ang puno, siya ang bunga

4. Kung walang tiyaga, walang nilaga

5. Ang taong nagigipit,, sa patalim kumakapit

6. Ang mabigat ay gumagaan, kng pinagtutulungan

7. Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahirin mo muna ang iyong uling

8. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi

9. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili

10. Ang pili ng pili, natatapat sa bungi


Mga Halimbawa ng Sawikain

1. butas ang bulsa - walang peraHalimbawa: Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka
nagsusugal.
2. ilaw ng tahanan – ina Halimbawa:Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.
3. alog na ng baba - tanda naHalimbawa:Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.
4. alimuom – mabahoHalimbawa:Alimuom niyo naman po.
5. bahag ang buntot – duwagHalimbawa:Bakit ba bahag ang buntot ka?
6. ikurus sa noo – tandaan Halimbawa: Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.
7. bukas ang palad – matulungin Halimbawa: Napakabukas ang palad mo.
8. kapilas ng buhay – asawa Halimbawa: Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.
9. nagbibilang ng poste - walang trabaho Halimbawa: Bakit siya ay nagbibilang ng poste?
10. basag ang pula - luko-luko Halimbawa: Napaka basag ang pula mo .
Limang Halimbawa ng Pabula

Ang Daga at ang Leon


Isang magandang araw ang bumungad sa masiyahing daga. Nasa kalagitnaan siya ng pamamasyal at
paglalaro nang makita niyang himbing na natutulog ang isang malaking leon. Natuwa siya sa malawak na
likuran nito na animo’y isang malaking padausdusan kaya’t naisip niyang umakyat doon at
magpadausdos paibaba. Hindi niya naman namalayan na nagising ang natutulog na Leon. Sa
pagkagising ng Leon ay agad niyang dinakma sa buntot ang kawawang daga at umaktong isusubo ito,
nang malapit na sa bibig ng Leon ay nagsalita ang Daga at humingi ng paumanhin.
“Kaibigang Leon, ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan, hindi ko sinasadyang gisingin ka sa
gitna ng iyong pagtulog, labis lang akong natuwa kung kaya’t naisipan kong maglaro sa iyong likuran.
Nawa’y patawarin mo ako at hayaan akong mabuhay pa. Huwag mo kong kainin sapagkat ako’y malansa
at hindi ka mabubusog sa kakarampot kong katawan.” Anang Daga.
Naawa naman ang Leon sa Daga kung kaya’t pinakawalan niya ito.
“Sa susunod ay wag mo nang gagambalain ang pagtulog ko. Makakalaya ka na.” Sabi ng Leon.
“Salamat Kaibigan, baling araw ay masusuklian ko din ang kabutihang loob mo.” Sabi ng daga.
“Ang isang maliit na dagang gaya mo? Ano naman kayang pabor ang magagawa mo para sa isang
malakig hayop na gaya ko. Nagpapatawa ka Kaibigan.”
“Balang araw Kaibigan, matutulungan din kita. Hanggang sa muli, Paalam!”

Lumipas ang mga araw na masayang namumuhay ang Daga hanggang sa minsan sumagi sa isip niya
kung kamusta na kaya ang kalagayan ng kaibigan niyang Leon. Naisipan niyang dalawin ang Leon sa
tahanan nito pero laking gulat niya nang makitang nasa loob ng lambat na nakasabit sa isang puno ang
malaking Leon. Agad –agad namang nginatngat ng Daga ang lubid na lambat at matapos ang ilang

“Maraming Salamat Kaibigang Daga. Minaliit ko ang kakayahan mo, di ko inakala na ikaw pa ang
makapagliligtas sa akin. Utang ko sa’yo ang aking kalayaan at ang aking buhay. Maraming Salamat
Kaibigan!”
“Walang anuman Kaibigan, hindi ba’t sinabi ko sa’yo? Matutulungan din kita baling araw. Maliit man ako,
maabilidad naman ako!”
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad niya
itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa. Dali-dali niya itong
hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig. Sa kanyang
paglalakad ay napadaan siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim ng tulay ay ang
ilog, habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa repleksyong nakita niya.
Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita, sa pag-aakalang ibang aso ito,
tinahulan niya ito ng tinahulan, upang ito’y matakot at ibigay sa kanya ang buto. Kakatahol, nabitawan
niya ang bitbit na buto at nalaglag pa siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at ang buto namang dapat
ay dala niya ay naanod sa ilog.
Ang Madaldal na Pagong
Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita ang magkakaibigan sa sapa, Sina Inang gansa,
Amang gansa at Madaldal na pagong. Sila’y nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay hanggang sa
magpaalam ang dalawang gansa na sila’y uuwi na.
Naisipan ng Pagong na nais niyang sumama sa tahanan ng mga gansa. “Bakit hindi ninyo ako isama sa
inyong tahanan? Nais kong sumama!”
“Ngunit wala kang pakpak Pagong. Paano ka makakalipad papunta sa aming tahanan?” sabi ni Inang
Gansa.
Nag-isip ang tatlo ng paraan kung paano makakasama si Madaldal na Pagong.
“Alam ko na!” sabi ni Amang Pagong. “Kukuha tayo ng kahoy na maari nating kagating tatlo. Kakagatin
namin ni Inang gansa ang magkabilang dulo at ikaw ay kakagat sa bandang gitna at sabay kaming lilipad.
Sa ganoong paraan ay makapupunta ka sa aming tahanan. Ngunit lagi mong tatandaan, huwag na
huwag kang magsasalita kundi ika’y mahuhulog sa lupa.”
“Pangako, tatandaan ko!” anang Pagong.
Napangiti si Pagong sa ideya at dali-daling humanap ng kahoy. Maya-maya pa ay lumipad na ang
dalawang gansa bitbit ang madaldal na Pagong.
Labis na natuwa ang Pagong dahil sa bagong tanawin na kanyang nakikita.. Maya-maya ay
nagtumpukan ang mga bata sa ibaba at sinisigaw ang kanilang pagkamangha sa nakikita.
“Ang galing ng Pagong! Siya’y lumilipad! Ang galing!” sigaw ng mga bata.

Labis na natuwa ang Pagong at naisipan niyang magyabang sa mga bata.

“Ako ang Dakilang Pago—“

Hindi na naituloy ng pagong ang kanyang sasabihin dahil nahulog siya mula sa pagkakakagat sa kahoy.
Lumagpak siya sa lupa at sising-sisi,dahil sa pagmamayabang ay nahulog siya at di nakasama sa mag-
asawang gansa.
Ang Agila at Ang Maya
Isang araw ay nakasalubong ni Maya ang mayabang na Agila habang ipinagmamalaki nito ang bilis di
umano nito sa paglipad, dahil nayabangan si Maya, naisip niyang yayaing makipagdwelo sa Agila.

Makulimlim ang kalangitan at tiyak niyang uulan mamaya-maya kung kaya’t nakaisip ng magandang
ideya ang Maya. “Agila, akin kitang hinahamon sa pabilisang lumipad.”
“Niloloko mo ba munting Maya? Ako? Ang Agila? Ay hinahamon sa isang dwelo?” anang Agila na
sinundan ng mapanglait na tawa.
“Oo, magaling na Agila. Tama ka. Hinahamon kita. Paunahang makarating sa bundok na iyon! Ngunit
lilipad tayong may bitbit, mamili ka, asin o bulak?”
“May bitbit?” Napaisip ang Agila, kung ang bulak ang dadalhin niya ay tiyak na mananalo siya dahil ito’y
magaan hindi gaya ng asin na ubod ng bigat. “Akin ang bulak!”bulalas ng Agila.
Lihim na napangiti ang Maya sa desisyon ng Agila. “Magaling, Bulak ang iyo, Asin ang akin. Tayo nang
mag-umpisa!”

Sa pag-uumpisa ng karera ay talaga namang hirap na hirap ang munting Maya sa paglipad lalo na at kay
bigat nang dala niyang asin. Tuwang-tuwa naman ang Agila dahil alam nyang siya na ang mananalo.
“Ano ba naman kasi ang nasa isip ng Maya na iyon? Nagawa pa kong hamunin e alam naman ng lahat
na mabilis talaga akong lumipad. Kaawa-awang Maya. Ako na naman ang mananalo!”

Sa kalagitnaan ng karera ay nag-umpisa nang bumuhos ang ulan, sa pagpatak nito ay siya namang tuwa
ng Maya. Unti-unting gumaan ang dalahin ng Maya dahil unti-unting natunaw ang Asin na dala-dala niya.
Kabaligtaran naman nang kay Agila na mas bumigat ang dalahing bulak dahil nabasa ito ng tubig. Dahil
sa paggaan ng dala ni Maya ay unti-unti siyang nakabawi sa karera at kalaunan ay nanguna sa dwelo.
Lumong-lumo ang Agila ng makarating sa bundok, mabigat man sa loob ay tinanggap niya ang kanyang
pagkatalo.
Ang Alitaptap at ang Paru-paro
Isang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang nanghuli sa kanya at siya’y
pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at panay ang kawag sa lupa.
Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang Langgam ngunit dahil madami
itong gawain ay iniwan siya nito. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang kaibigan niyang gagamba
ngunit hindi rin siya nito tinulungan sapagkat ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito.

Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro. Pagod at gutom ang
nararamdaman nang Paru-paro. Pinanghihinaan siyang may mga kapwa insekto pang makakita sa kanya
lalo na’t magdidilim na. Hanggang sa maya-maya ay may naaninag siyang munting ilaw na papalapit sa
kanya.
“Anong nangyari sa’yo Paru-paro?” tanong ng Alitaptap.
“Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may batang lumapit at
pinaglaruan ako.”
“Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan kita.” Sabi ng Alitaptap.
“Maraming Salamat , Alitaptap.”
Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na ang Paru-paro at umuwi sa
kanyang tahanang bulaklak.
PARABULA

Ang Aso at ang Ibon

Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting
buto ang nahalang sa kanyang lalamunan, Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding
paghihirap ay napahalinghing nang ubod- lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapa-aalis ng kanyang bikig. Parang
namamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang
anumang mayroon siya sa makapag aalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang ulo
hanggang leeg upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, "Akin na ang aking
gantimpala." Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil. "Magpasalamat ka, at naipasok mo
ang iyong ulos sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak", wika ng aso na waring
nanunumbat.
Ang Pulubi

Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga nagdaraan. Isang
gabi, sila'y ginising mula sa pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na iyon
ay may namataan silang isang pambihirang nilalang.

Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito. Natuwa ang dalawang pulubi. "Ito
na marahil ang hari ang mga hari," ang sabi ng isa. "Tama! Pagkakalooban niya tayo ng kayamanan, at
hindi na uli tayo kailangan pang mamalimos!"

Lumapit nga sa kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong
nito. Nagtaka and isang pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang naisaloob niya.

Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at kumuha ng


pinakamalaking piraso ng tinapay na mayroon siya. "Anong gagawin mo?" ang tanong ng naunang pulubi
dito. "Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay." "Nababaliw ka na ba? At papaano ka?"
"Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at ito ang aking gagawin!"

Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang aking maipagkakaloob,"
ang sabi pa nito sa hari." Ngunit ito na po ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin
ninyo." Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng pulubi.

Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng naghahagilap ang pulubing
iyon sa paghahanap ng maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais.
Inalay nito sa hari ang naturang butil ng mais. "Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi
pa nito. Iyon lang at tinanggap iyon ng hari. At bigla ngang naglaho ang liwanag at nawala na rin ang hari.
Maya-maya'y may napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat iyon. Nang
buksan niya iyon, laking gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang malaking
piraso ng ginto na 'sing laki ng tinapay na ipinagkaloob niya sa hari! Napalunok ang isa pang pulubi nang
makita iyon. Nang bisitahin din niya ang kanyang sako, hindi siya nagulat nang makita niyang nakalagay
na ginto doon. Gintong 'sing liit ng isang butil ng mais na ipinagkaloob niya.
Ang Kambing at ang Magsasaka

Isang araw ay nahulog ang kambing sa balon. Umatungal ito ng umatungal na nakapagpataranta sa
magsasakang may-ari ng kambing.

Wala siyang malamang gawin para maiakyat niya ito mula sa malalim na balon. Kaya minabuti niyang
tabunan na lang ng lupa ang balon kasama ang kambing. Tutal matanda na ang kambing at ang balon
naman ay wala ng tubig na makukuha.

Kaya humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay upang matabunan kaagad ang balon para matigil na ang
pa-atungal ng kambing.

Lalong umatungal ang kambing nang maunawaan niya ang gustong gawin ng magsasaka. Ibabaon siya
ng buhay.

Ilang sandali lang ay tumahimik na ang kambing. Dumukwang ang magsasaka kung bakit wala ng ingay
na nanggagaling sa balon. Nakita niya ang kambing na nakatayo sa lupang kanilang itinatabon. Tuwing
may itinatapon na lupa ay niluluksuhan ng kambing para makarating siya sa itaas. Hanggang nang
mapupuno na ang balon, ay tumalon ang kambing sa itaas na ikinagulat ng mga tao.

Para rin yang mga taong nagtatapon sa inyo ng dumi. Kagaya ng kambing ay tinatapakan lang niya at
pinapalis ang dumi hanggang sa siya ay makarating sa itaas.
Ang Gutom Na Aso

Mayroong isang malupit na mapang-alipin na hari kaya ang diyos na si Indra ay nagbalatkayong isang
mangangaso.

Kasama niya ang Demonyong si Matali na nag-anyong napakalaking aso, sila ay bumaba sa lupa.
Pagpasok nila sa palasyo ay umatungal nang napakalungkot kung kaya ang mga gusali ay nayanig ang
kailaliman nito. Ang malupit na hari ay nag-utos na dalhin ang mangangaso sa kaniyang harapan at
tinanong ang dahilan ng pag-aalulong ng aso.

Sabi ng mangangaso, "Ang aso ay gutom ". Kaya dali-daling nag-utos ang hari na kumuha ng pagkain.
Pagkatapos ubusin ang hinandang pagkain, umalulong ulit ang aso. Nag-utos ulit na magdala ng pagkain
ang hari para sa aso hanggang maubos ang kanilang inimbak na pagkain, hindi pa rin huminto ang aso
sa kaaalulong. Naging desperado ang hari. Siya ay nagtanong, "Walang makakabusog sa asong iyan?"
"Wala", sagot ng mangangaso. "Maliban siguro kung ipapakain ang balat ng kaniyang mga kaaway. "At
sino ang mga kaaway niya ?" urirat ng hari.

Sumagot ang mangangaso: Ang aso ay [atuloy na aalulong hanggang may naguguton na tao sa kaharian
at ang kaniyang mga kaaway ay ang mga malulupit na umaapi sa mahihirap.

Ang hari na tinutukoy ng Mangangaso ay naalala ang kaniyang masasamang gawi at siya ay nagtika at
sa unang pagkakataon ay nakinig siya sa pangaral ng kabutihan.
Ang Parabula ng Asarol

sang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga nagdaang taon. Mahirap na
trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang sarili niya bakit nagpapakahirap
siya.May isang monghe na kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip niya na maganda ang
buhay ng monghe, walang masyadong responsibilidad.

Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin.Pagkataos niyang umalis
sa bahay, naramdaman niyang walang kalaman-laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang
laging hawak ang asarol sa araw-araw at ngayon ay para siyang nanibago.

Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung ano ang gagawin niya
doon. Nanghihinayang siyang itapon yon dahil yon ay matalim at makintab dahil sa dalas nang gamit
niya.Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit siya.Ang magsasaka ay
nagpumilit matupad ang mga kinakailangan para maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan
ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol tuwing mapapadaan sila sa isang taniman. Umuuwi siya at
hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik ulit siya sa templo.

Dumaan ang pito hanggang walong taon, naramdaman niyang tila hindi siya masaya ay malayang
monghe pagkataos niyang magpakabanal. Mayroong sagabal at iyon ang nagpapabigat sa kaniyang
kalooban. Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at itinapon niya sa lawa.Pagkatapos lumubog
ang asarol. tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka nang, "Nanalo ako, Nagwagi ako.Nang oras na
yon ay dumaraan ang hari ang batalyon nito mula sa matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang
monghe at tinanong, "Ano ang iyong napanalunan? Bakit ka napakasaya?"

"Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga
materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa aking nais na maging isang nilalang.Namasdan ng hari na
masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga pagnanasa sa mga bagay na
materyal.Nag-isip din siya."Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko ang mga lupang hindi
sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay. Napag-isip din ng hari na ang tunay na matagumpay ang
karaniwang tao na napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na makakapagpaligayang pang
materyal ay ang tunay na nagwagi.
PROYEKTO
SA
PAKSANG
IKALAWANG FILIPINO

PROYEKTO GALING KAY: IBRAHIM P. MUCRAM, BSRT ll

Ipapasa kay Ginang Luzvisa Pitogo

You might also like