You are on page 1of 4

Commercial – goin’ bulilit

Plot for MMK:


Bida – lynette
Nanay - janine
Charo – dar
Kontrabida – mheg
Boyfriend – romeo
Kaibigan – cath
- Ivy
- Anj
Prof - Alecks
Kapatid na matalino na laging nacocompare - Boni

With diary – where everything is written


 Piled up stress – triggered suicidal tendencies
 Compared at house
 Boyfriend found with someone else
 “nag-iinarte”

S: *insert quote about suicide* Bilang tao, iba't-ibang pagsubok ang hinaharap nating lahat. Sa
kasamaang palad, may ilang hindi kinakayang harapin ang kanilang problema, at nauudyok na kunin ang
sariling buhay.
(Pan out)

(Naglalakad sa hallway)
J: OFW ang aking mister at ako naman ay isang mananahi. Kahit na magkalayo, masaya kami at ang
aming dalawang anak.

Scene 1: Sa hallway
Anj:Lynette, Lynette! *tumatakbo*
Lynette: *tingin sa tumatawag* Oh, Anj, bakit?
Anj: Lynette *hinihingal*
Lynette:Oh, hinga ka muna *habang tumatawa*
Anj: Kelan ipapasa yung revision ng thesis?
Lynette: Ah, next week pa yun. Sa Tuesday pa
Ivy: Guys! Punta tayo ng SM, karaoke tayo!
Cath: Oo nga, malapit na mag-exam,nasstress na ko. Sige na punta na tayo.
Lynette: Pass muna ko diyan guys, kailangan ko pa mag-aral.
Ivy: Wag na, ikaw pa ba. Kayang kaya mo ‘yan.
Lynette: Ano kasi… *phone rings* Ay wait lang. Hello Romeo?
Romeo: Hello? San ka Lynette? Sunduin kita
Lynette: Pauwi na--
Anj: *inagaw ang phone* Hello Romeo? Sasama namin sa SM si Lynette, dun mo nalang sya sunduin
ha. See you later! *inakbayan si Lynette* Oh ayan na, pinaalam na kita. Tara na! *MMK*

INSERT COMMERCIAL

Scene 2: Sa SM
Cath: *nakita si Romeo* Ayan na pala siBoyfriend
Romeo: Oh anong meron?
Ivy: Magpapakasaya hangga't pwede pa. Mag-eexam na kasi diba?
Anj: Oo nga, magpapakamatay nanaman tayo kaka-aral.
Lynette: Nako feel na feel ko yan. Literal na magpapakamatay (tawa) (pagtitinginan). Uy, joke lang!
(Tawa) San na tayo?
Cath: Uh, Tara kanta!
Ivy: Dun tayo sa K-Hub.

(Karaoke scene. Masaya si lynette)

Nag text si ate : umuwi ka na daw sabi ni mama

R: bakit?
L: nag text si ate, pinapauwi na daw ako ni mama
R: kahit kelan talaga kontrabida yang ate mo? Lika, hahatid na kita
L: Uy, ate ko parin yu. Guys, una na kami ha, pinapauwi na ko eh.

(Walking out with boyfriend)

Insert commercial

Scene: Bahay scene

M: oh gabi ka na naman umuwi?


L: sorry ma , nagkasayahan lang kami magkakaibigan
M: di ka tumulad sa ate mo, hindi nagbo-boyfriend at nag aaral ng mabuti

Insert * walking si ate may kinakain , habang may binabasang libro .


Mabibiro
L : ma, alam mo naman si ate, tatandang dalaga yan
B: Nako, Lynette, wag ako.
L: Laughing pa din
Scene: kwarto , nag susulat sa notebook
Dim light scene
Kinabukasan, sa school

Nag susulat sa notebook, prof. mababa sa school magisa

L: Tinatawagan si romeo
Cannot be reached, nakasalubong sa daan barkada
L: ui nakita nyo ba si romeo
I: nasa room, puntahan mo na lang.
C: Mag papasa lang kami ng revision ha.
L: sige, sund na lang ako, pupuntahan ko pa si romeo.
A: sige

Scene 4: room

M: (mahina) kelan mo ba sasabhin kay lynette?


R: Di pa ko maka -tiyempo eh.
M: (simangot) Sino ba mas mahal mo sa amin?
R: syempre, ikaw
M: Pero bakit parang ayaw mo pa siyang hiwalayan?
R: Nakaawa naman kasi.
L: Naging nakakaawa lang ako dahil niloko mo ko. Two years, Romeo. Awa lang ba ang naramdaman
para sakin?
R: Lynette, sorry-- (L walks out)
(insert another convo)

Commercial
Scene 5: walkin
Scene 6 : 1 week na
S: Matapos niyang malaman ang panloloko ng kasintahan, isang linggong hindi pumasok si Lynette.
Kwarto*
B: Hoy Lynette, ilang araw ka nang ganyan, wag ka ngang tatamad-tamad.
M: anak, pumasok ka na. Sinasayang mo lang ang pinagpapaguran namin ng papa nyo. Buti pa tong ate
mo, masipag mag-aral!
L:Sige na ma, papasok na. Pero feeling ko po kasi pagod na pagod ako eh
B: Sus, wala ka na ngang ginagawa, tapos napapagod ka? Wag mong pansinin yan ma, nag-iinarte na
naman yan.
L :Sige na, oo na Nako,pag ako nawala, mamimiss niyo din ako. (Bleh 😂)
M: sige na, bumangon ka na't mag lalaba pa ko
L: papasok na po ako (pilit na ngiti)

Sa school
A: uy. Ang tagal ka namin di nakita ah
L: ah oo, di lang maganda pakiramdam ko.
I: Tara, alis tayo mamaya!
C: Yes, karaoke!
L: sorry pass talaga (ngiti) pagod na pagod kase ako
A: Lakas din ng tama mo eh, isang linggo ka nang absent, pagod ka pa rin. Tinotoyo ka na naman no?
L: Hindi ah. (tatawa) Sige na, mag-karaoke na kayo, mag-enjoy kayo ha, baka ma-miss nyo ko masyado.
C: Geh, bahala ka. Ikakanta ka na lang namin. Bye!
L: (tawa)
( sa isang gilid nag susulat)

Commercial
J: Lynette!(Pause) Nako, di na naman sumasagot yang kapatid mo. Tawagin mo na dun sa taas, nang
makakain na tayo.
B: Tsk, nag-iinarte na naman yun.
M: Sige na akyatin mo na.
B: Opo (Aakyat, kakatok) Lynette, kain na daw! (Pause) Lynette? (Buksan ang pinto) Lynette! Ma, si
bunso!

(insert – script )
L: Last letter

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na hindi ko napansin ang pangangailangan ng aking anak.
Marahil ay ito na ang pinakamalaking pagkukulang ko bilang magulang. Kung di dahil sa diary nya ay di
ko pa malalaman ang mga hinanakit nya. Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga ay hindi na
hahantong sa pagkuha ng sariling buhay si Lynette. Araw-araw ay buong pagsisisi kong hinihiling na muli
siyang makasama, pero alam kong huli na.
Isang masklap na leksyon ang itinuro ng pagkawala ng aking anak. Ang depresyon ay hindi biro, at sanay
hindi ko ito ipinagsawalang bahala. Huli na ng maintindihan ko iyon, pero sana'y magsilbi itong babala
para sa lahat ng manonood.
Dalawang taon na mula nang mangyari iyon. Mas tumibay ang samahan naming mag-anak, at kahit na
mahirap tanggapin ay kakayanin namin, para kay Lynette.

S: Sabi ng marami, "Suicide is a permanent solution to a temporary problem". Nawa'y magsilbing paalala
ang sulat natin ngayon sa bawat manonood na ang mga problema ay pansamantala lamang, at kayang
lampasan sa tulong ng mga mahal sa buhay.

You might also like