You are on page 1of 36

REPORT SA ARALIN

PANLIPUNAN
LEADER: Joram Raj G. Bautista
Members: Jemimah Mejia, Hannah Tolosa, Jackie Danielle Laurente, Roby William Santos
VI - Zoology
BALITAAN
Mini-rollout ng mga bakuna para sa A4, A5
nakakasa sa Hunyo 7: Galvez

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., may "mini" rollout muna para sa priority groups na A4 at
A5 o economic frontliners at mahihirap sa Hunyo 7.
Pero sa kalagitnaan ng Hunyo pa inaasahang tuluyang bubuksan ang COVID-19 vaccination sa
naturang priority groups sa "NCR Plus 8" areas.
Kasama rito ang National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite,
Laguna, Pampanga, at Rizal.
Halos 10 milyong vials nang bakuna ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong Hunyo.
"Ang pinaka-rollout ng ating economic frontliners at government workers ay sa pagdating nang main
bulk ng Covid – 19 Vaccine," ani Galvez.
PANGULONG ESTRADA AT
PANGULONG ARROYO
MODULE 4
PAMUNANG ESTRADA (1998-2001)

 Si Joseph Ejercito Estrada ang ikalabing - tatlong


pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1998
hanggang 2001.
 Siya ay isinilang sa Tondo, Lungsod ng Maynila.
 Siya ay tanyag na artista sa telebisyon at pelikula.
Kilala siya bilang “Erap” at ang kaniyang banner
program na “Erap para sa Mahirap”.
 Bago siya naluklok bilang pangulo ay nanungkulan siya bilang punong lungsod
sa San Juan.
 Si Estrada ay naging pangalawang pangulo ng bansa mula 1992 hanggang 1998.
 Ang pagiging artista at ang kaniyang mga nagawa noong pamunuang Ramos ang
nagdala sa kaniya sa pagkapanalo bilang pangulo ng Pilipinas.
Ilan sa mga nagawa ng Pamunuang Estrada.

NAPC
National Anti-Poverty Commission na
alinsunod sa RA No. 8425, layunin ng
komisyong ito na magplano at ipatupad
ang mga pambansang programa upang
labanan ang kahirapan sa bansa.
PAOCC
Presidential Anti-Organized Crime
Commission kasama ang Presidential
Anti-Organized Crime Task Force
(PAOCTF) na layuning mag-imbestiga
at panagutin ang mga masasamang tao
na gumagawa ng mga krimen sa bansa.
PAGPAPALAKAS NG KAPULISAN
Nilagdaan ni Pangulong Estrada ang RA
8551 na nagpapalakas sa Philippine
National Police (PNP) sa pamamagitan
ng pareporma dito at pagtatag ng
National Police Commission (NPC).
Ang nasabing batas ay nagbibigay din
ng pantay na oportunidad sa
kababaihang pulis sa PNP.
CLEAN AIR ACT OF 1999
Ang batas na ito (RA 8749) ang
magbigay-daan sa paggawa ng mga
programang magpapanatili ng mabuting
kalidad ng hangin sa bansa at
masolusyonan ang patuloy na paglala ng
polusyon.
SOLO PARENTS’ WELFARE ACT
Ito rin ang RA 8972 na bubuo ng
komprehensibong programa para sa
kapakanan ng mga solo parent at
kanilang mga anak.
ISYU AT HAMON ANG PAMUNUANG ESTRADA

Tulad ng mga naging pangulo ng bansa ay


naharap din sa mga isyu at hamon ang
Pamunuang Estrada.
 Humina ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa
pagtaas ng presyo ng mga pangunahing
bilihin. Gayundin ang paghina ng piso laban
sa dolyar, at ang pagtaas ng bilang ng mga
taong walang hanapbuhay.
VFA ng Pilipinas at Amerika
Naging pambansang isyu rin ang pagpirma ni
Pangulong Estrada ng Visiting Forces
Agreement (VFA) noong 1998. Ito ay tungkol sa
pagbibigay ng karapatan para sa mga
Amerikanong militar at sibilyan sa bansa,
kasabay din ng pagpapahintulot na makapasok at
madala ang mga sasakyang pangmilitar at suplay
nito sa mga lugar na itinakda ng VFA. May mga
grupong Filipino ang tahasang kinondena ang
kasunduang ito.
 Ang pagpapanumbalik ng pamahalaang
Estrada sa parusang kamatayan sa
pamamagitan ng lethal injection ay mahigpit
na tinutulan ng Simbahang Katoliko at iba
pang grupo.
Ang pinakamalaking kontrobersiya sa panahon
ng panunungkulan ni Pangulong Estrada ay ang
pagbunyag ng katiwalian laban sa kaniya ng
dating kaibigan at politiko na si Luis “Chavit”
Singson, Gobernador ng Ilocos Sur noong
Oktubre 2000. Pinaratangan si Pangulong
Estrada na nakatatanggap ng milyon-milyong
piso mula sa ipinagbabawal na sugal at maging
mula sa buwis ng tabako mula sa lalawigan ng
Ilocos Sur. Bukod dito, may mga lumitaw na
isyu ng korupsiyon laban kay Pangulong Estrada
tulad ng pagmamay-ari ng mga magagandang
bahay at hindi maipaliwanag na yaman.
 Noong Nobyembre 2000 ay nagbukas ang
impeachment trial laban kay pangulong
Estrada. Ang impeachment trial ay paglilitis
para sa matataas na opisyal ng pamahalaan
tulad ng pangulo ng bansa. Kung
mapatutunayang nagkasala ang nililitis na
opisyal ay maaari siyang mapatalsik sa
kaniyang puwesto. Ang Senado ang
nagsilbing impeachment court sa
pangunguna ni Chief Justice Hilario Davide
Jr.
 Hindi na natapos ang impeachment trial nang
magsagawa ang taumbayan ng pakikibaka
upang patalsikin si Pangulong Estrada.
Tinawag ito bilang EDSA Dos na naganap
mula Enero 16 hanggang Enero 20, 2001. Sa
huli ay bumaba sa puwesto si Pangulong
Estrada at humalili bilang pangulo ang
kaniyang pangalawang pangulo na si Gloria
Macapagal-Arroyo.
PAMUNUANG ARROYO (2001-2010)

Si Gloria Macapagal-Arroyo ang


ikalabing-apat na pangulo ng Pilipinas.
Siya ay anak ng dating pangulo na si
Diosdado Macapagal. Nag-aral ng
kursong ekonomiks si Pangulong
Arroyo.
 Ang kaniyang mga naging posisyon sa pamahalaan ay undersecretary ng Department of Trade
and Industry, senador, at pangalawang pangulo naman sa panahon ng pamunuang Estrada.
 Naluklok siya bilang pangulo nang palitan niya si Pangulong Estrada noong 2001 at tinapos ang
termino noong 2004. Muli siyang tumakbo bilang pangulo sa halalan noong Mayo 2004 at
nagwagi para sa bagong termino. Ang kaniyang banner program ay “Strong Republic” o “Matatag
na Republika”. Ibig sabihin ay hinahangad ng kaniyang pamunuan na magkaroon ng malakas,
matatag, at maunlad na Republika ang Pilipinas pagdating ng 2010.
Mga nagawa ni Pangulong Arroyo sa kaniyang panahon ng
panunungkulan.

Paglaban sa Ilegal na Droga


Nilagdaan niya ang RA 9165 o ang
“Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”
bilang paglaban sa lumalalang suliranin ng
bansa pagdating sa mga ilegal na droga. Itinatag
din sa batas na ito ang Philippine Drug
Enforcement Agency (PDEA) upang pigilan at
wakasan ang mga gawaing may kaugnayan dito.
Anti - Trafficking in Persons Act of 2003
Inaprubahan ni Pangulong Arroyo ang RA 9208.
Ito ang batas laban sa ilegal na pangangalap,
pagbiyahe at paglipat ng isang tao sa ibang lugar
nang walang pahintulot o kaalaman mula sa
biktima. Mabigat na parusa ang kahaharapin sa
paglabag ng batas na ito.
Pag – unlad ng Transportasyon
Ito ang Roll-on Roll-off System o RORO. Ito
ay ang pagpapaunlad ng transportasyon kung
saan ang mga barkong panlayag ay maaaring
dumaong sa mga ginawang estasyon o daungan
sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang mga
barkong ito ay may kakayahang magsakay din
ng mga sasakyan tulad ng kotse at trak upang
makapunta sa ibang lugar, mapa-turismo man o
pangkalakalan.
Pag-angat sa Kalagayan ng Kababaihan
Sinang-ayunan ni Pangulong Arroyo ang RA
9710 o Magna Carta of Women na naglalaman
ng mga karapatan ng bawat kababaihan at iwaksi
ang diskriminasyon laban sa mga babae.
4Ps
Ang ibig sabihin nito ay Pantawid Pamilyang
Pilipino Program na nagsimula noong 2008. Ito
ay nagbibigay ng kaukulang salapi para sa mga
mahihirap na pamilya upang makatulong na
maging malusog at makapag-aral ang kanilang
mga anak
Mga isyu at hamon ang Pamunuang Arroyo

Pagkilos sa EDSA
Nagsagawa ng malawakang kilos-protesta ang
mga tagasuporta ni dating Pangulong Estrada
laban sa pamunuang Arroyo noong Abril 2001.
Sila ay nagmartsa patungong Malacañang upang
6 hilingin ang pagbaba sa puwesto ni Pangulong
Arroyo. Sa huli ay nabigo ang naturang pagkilos
na nagsimula sa EDSA
Hello Garci Tape Scandal
Naging kontrobersiyal noong 2005 ang recorded
audio ng paguusap nina Pangulong Arroyo at
isang opisyal ng COMELEC na ipinapalagay na
si Virgilio Garcillano na nag-uutos na
pangalagaan ang boto ng pangulo noong 2004.
Mga Isinagawang Kudeta
Naging masalimuot din ang pagharap ni
Pangulong Arroyo sa mga tangkang kudeta
laban sa kaniyang pamumuno. Ito ay ang
Oakwood Mutiny (2003) na pinamunuan nina
Captain Gerardo Gambala at Lieutenant
Antonio Trillanes IV. Gayundin ang Manila
Peninsula Seige (2007) sa pamumuno nina
Antonio Trillanes IV, General Danilo Lim at
iba pa. Parehong nabigo ang mga inilusad na
kudeta.
Isyu ng Katiwaliaan
Humarap din sa mga isyu ng katiwalian ang
pamunuang Arroyo. Halimbawa nito ay ang
pagkasangkot ng asawa niya na si Jose Miguel
“Mike” Arroyo sa pagkuha ng kontrata sa
kompanyang NBN-ZTE ng China. Ito ay may
kinalaman sa proyekto ng pamahalaan na
magbibigay ng telecommunication network na
mag-uugnay sa lahat ng opisina at ahensiya ng
pamahalaan. Ang nagbunyag ng isyu na ito ay si
Jose de Venecia III na anak ni Ispiker Jose de
Venecia.
Tangkang pagpapalit ng Saligang Batas
(Charter Change)
Naging isyu rin ang pagnanais ni Pangulong
Arroyo na baguhin ang saligang batas at palitan
ang demokratikong pamamahala ng
parliyamentaryong pamahalaan.
Nagwakas ang pamunuang Arroyo nang ilipat nito ang
kapangyarihan sa nagwaging pangulo ng bansa noong
Halalan 2010 na si Benigno S. Aquino III.
SHORT QUIZ

1. Anong programa ang ipinatupad ni Pangulong Estrada para sa mahihirap?


A. Philippine National Police
B. Philippine Military Academy
C. National Anti-Poverty Commission
D. Philippine National Police Academy
2. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan kay Pangulong Estrada?
A.Ang kaniyang banner program ay “Erap para sa Mahirap”.
B.Siya ay naging pangalawang pangulo ng bansa.
C.Natapos niya ang kaniyang termino ng panunungkulan.
D.Lahat ng pagpipilian ay may kaugnayan sa kaniya.
3. Bakit isinagawa ang impeachment trial kay Pangulong Estrada?
A.Siya ay nagkamali sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
B.Siya ay inakusahan ng paglabag sa Saligang Batas at sinang-ayunan ng
Mababang Kapulungan para sa paglilitis.
C.Siya ay inakusahan ng mga pribadong mamamayan at politiko.
D.Siya ay magtatapos na ng kaniyang panunungkulan.
4. Alin sa sumusunod ang isyung kinaharap ni Pangulong Arroyo na may kaugnayan sa
katiwalian sa pamahalaan?
A.Ang sinasabing maanomalyang pagkuha ng kontrata sa NBN-ZTE.
B. Ang ipinapalagay na paglagda ng pangulo sa batas laban sa droga.
C. Ang tangkang pagpapalit ng Saligang Batas ng 1987.
D.Ang pagpapahinto ng kilos-protesta laban sa kaniya.
5. Ano ang isang programa ni Pangulong Arroyo upang makatipid sa gastusin ang
mga nagbibiyahe?
A. Roll-on Roll-Off
B. B. 4Ps
C. C. RA 9208
D. D. RA 9165
ANSWERS:

1. C
2. C
3. B
4. A
5. A

You might also like