You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02
Schools Division of Nueva Vizcaya
Radio-based Instruction

EDUKASYON sa
PAGPAPAKATAO
QUARTER 4: MODULE 2
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong
Pananaw, Pag-asa, at Pagmamahal sa Diyos at
Kapwa
ANA LIZA_____
D. SEBASTIAN
Teacher Broadcaster
Subukin
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at
Diyos at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel
Tama 1. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay ng pag-asa sa tao.
_______

Mali 2. Ang pagtulong sa kapwa ay sapat na kahit hindi ka magsimba.


_______

Tama 3. Kapag dumaranas ng problema, ang pagdarasal ay nakapagbibigay ng


_______
pag-asa.

Tama 4. Ang pag-iwas sa paggawa ng kasalanan sa kapwa ay pagpapakita


_______
ng pagmamahal sa Diyos.

Tama 5. Mahalaga na palagi tayong may positibong pananaw sa bawat


_______
problemang ating hinaharap.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Subukin
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at
Diyos at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel

Tama Sa lahat ng oras at anumang pagkakataon, dapat tumulong sa kapwa.


_______6.

Tama 7.Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Diyos kahit hindi siya


_______
nakikita nang personal.

Mali 8. Sa bawat pagkakataon, dapat na unahin ang sarili.


_______

Mali 9. Ipagwalang-bahala ang damdamin ng iba.


_______

Tama 10. Pagbibigay ng lakas ng loob at pagdamay sa taong dumaranas ng


_______
isang mabigat na pagsubok.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Aralin
Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong Pananaw, Pag-asa,
1 at Pagmamahal sa Diyos at Kapwa

Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Diyos. Ang taong nanalig sa


Diyos aynagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa
kapwa. Nagiging madali ang pagbibigay ng pang-unawa at pagmamahal sa
kapwa kung may pananalig tayo sa Diyos.

Anuman ang antas ng pananalig natin sa Diyos, mahalaga na


makapagbigay tayo ng pag-asa sa ibang tao at maramdaman na ang
pananalig sa Diyos ay angnagdadala ng positibong pananaw, pag-asa at
pagmamahal sa kapwa. Halina’t buksan ang kaisipan kung paano
magkaroon ng positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa Diyos at
kapwa.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Balikan
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita
ng patunay na nagpaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad at MALI naman kung
wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tama 1. Pumunta si Marlon sa pook dalanginan upang manalangin


_________
nang taimtim kahit siya ay pilit na inaanyayahan ng mga kaibigan
niyang pumunta sa party.

Tama 2. Pakikilahok sa mga panrelihiyong pagdiriwang tulad ng


________
“World Youth Day”.

Mali
_________ 3. Itinago ni Luisa ang sobrang sukli na ibinigay ng tindera sa
kanya noong bumili siya ng tinapay at juice.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Balikan
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita
ng patunay na nagpaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad at MALI naman kung
wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tama 4. Pakikinig nang mabuti at pagtanggap sa iba’t ibang


_______
paniniwala ng iyong mga kaibigan mula sa iba’t ibang
relihiyon.

Tama 5. Dinalaw mo ang iyong kaklase na may sakit at dinalhan ng


_______
makakain gaya ng pagkain at mga prutas.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Tuklasin
Panuto:Basahin ang parabula. Suriin kung paano ipinakita ng
tauhan ang pagmamahal sa kanyang kapwa. Pagkatapos, sagutin
ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel .

Ang Mabuting Hangarin


Orihinal na sinulat ni Pilsen Kate Advincula

Malakas ang buhos ng ulan, nag-aagaw ang kulogat


kidlat. Pagod at walang pahinga ang isang matandang lalaki
na si Mang Kanor. Mahirap isipin na sa kanyang edad at
sitwasyon ay nagtitinda pa ito ng halamang-ugat sa baryo
upang matugunan ang kumakalam nitong sikmura. Matagal
na itong namumuhay ng mag-isa sa loob ng apat na taon.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Tuklasin
Panuto:Basahin ang parabula. Suriin kung paano ipinakita ng
tauhan ang pagmamahal sa kanyang kapwa. Pagkatapos, sagutin
ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel .

Tinatahak nito ang daan pauwi tungo sa kanyang kubo sa paanan


ng bundok nang ito ay mitumba dahil sa gutom dala ang karampot
napera.
Nakahandusay siyang nakita sa gitna ng kalsada ng dalawang guro
habang papuntang paaralan na nasa bundok. Tumigil sila at
pinagtulungang buhatin ito sa gilid ng kalsada. Sa kanilang
pagmamalasakit, bumalik ang isa sa kanila sa pinakamalapit na
tindahan at bumili ng tinapay at tubig kahit alam nilang halos kulang
ang kanilang dalang panggastos para sa isang linggo.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Tuklasin
Panuto:Basahin ang parabula. Suriin kung paano ipinakita ng
tauhan ang pagmamahal sa kanyang kapwa. Pagkatapos, sagutin
ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel .

Nang makabili dali-daling bumalik ang isang guro habang ang isa
naman ay umaalalay kay Mang Kanor. Pinakain nila ito at sinamahan
hanggang sa bumuti ang pakiramdam. Mababakas sa mukha ng matanda
ang pasasalamat sa kanila. Inalam ng dalawang guro angpangalan nito at
tinulungan sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang litrato sa facebook.
Si Mang Kanor pala ay limang taon nang hinahanap ng kanyang mga
kamaganak. Muling nakapiling ng kanyang mga anak si Mang Kanor
dahil sa mabuting intension ng mga gurong may mabubuting puso.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Mga Tanong:

1. Paano ipinakita ng mga tauhan ang pagmamahal sa kanyang kapwa?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Naging madali ba ang pagtulong ng mga guro kay Mang Kanor?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang naging bunga ng pagtulong ng mga guro kay Mang Kanor?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Kaya mo rin bang mahalin ang iyong kapwa katulad ng ginawa ng
mga guro sa matanda? Paano?

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Suriin

Ang pananalig at pag-asa ang nagtuturo sa atin na


magtiwala sa Diyoskahit na hindi natin siya
nakakasalamuha nang personal. Kapag pinauunladnatin
ang ating relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng
pananalig sa Kanya,tayo ay lumilikha ng kabutihan at
sumusunod sa kabanalan. Ito rin ay nagbubunga ng
pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at
pagmamahal sa kapwa at Diyos.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Suriin

Narito ang mga indikasyon ng may maunlad na


ispiritwalidad ang ating pagkatao:

 Pagkakaroon ng Positibong Pananaw


Ang isang taong may positibong pananaw ay umaasa na
ang lahat ng mga bagay at pangyayari ay magiging maayos at
mabuti. Ito ay bunga ng pagkakaroon niya ng
pananampalataya at tiwala sa Diyos na Siyang aagapay sa
kanya. Dahil dito, nagkakaroon ng pag-asa ang isang
indibidwal na kakayanin niya ang anumang hamon at
gawain.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Suriin

 Pagkakaroon ng Pag-asa
Ang pagkakaroon ng pag-asa ay bunga ng ating pananalig
sa Diyos. Ang Diyos ang ating nagiging sandigan sa bawat
pangyayari sa ating buhay, lalo na sa mga panahon na
sinusubok ang ating kakayahan at pagtitiwala sa Kanya. Ito
rin ay nagbibigay ng lakas sa atin upang harapin ang
kinabukasan nang may pananalig sa Diyos. Sa
gayon, may positibong pananaw tayo sa bawat sitwasyon o
bagay na dumarating sa atin dahil naniniwala tayo na may
Diyos na nakaagapay o tutulong sa atin.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Suriin

 Pagmamahal sa Diyos at Kapwa

Ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagtitiwala sa


Diyos nagbubunga sa isang indibidwal ng kanyang nais na
mahalin ang ating kapwa. Ito ay sumasalamin sa
pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin, kung saan ay
ginagamit niya tayo upang ipadama sa iba ang
kanyang pagmamahal. Maaari itong mangyayari sa
pamamagitan ng paghahandog ng ating sarili sa paglilingkod
sa ating kapwa upang makapagdala ng pag-asa at
matulungan din sila na magkaroon ng positibong pananaw.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang maikling sanaysay tungkol sa buhay ni Allan K. Suriin
kung anong pananaw at pag-uugali ang ipinakita ni Allan K. kaya siya
nagtagumpay sa buhay. Isulat ito sa sagutang papel.
Allan K sa Likod ng Entablado

Si Alan Joveness Quilantang o kilala bilang “Allan K” ay tubong Bacolod City


Negros Occidental. Naging matagumpay sa larangan ng pagpapatawa sa
industriyang pantelebisyon at pagnenegosyo. Sa likod ng kanyang tagumpay,
puhunan niya ang pagsisikap, positibong pananaw at pangarap sa buhay.
Nagtrabaho siya sa “The Library” dito umunlad ang kanyang angking galing sa
pagpapatawa sa entablado. Taong 1994, binigyan siya ng oportunidad na maging
parte ng sikat at tanyag na noontime show sa Pilipinas. Ngayon ay isa na siya
sa mga kinikilala sa larangan ng komedya sa ating bansa. Philippine
Entertainment Portal Inc. (PEP) Lifestyle Section
Sanggunian: https://www.pep.ph/lifestyle/15679/alan-k-the-chairman

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang maikling sanaysay tungkol sa buhay ni Allan K. Suriin
kung anong pananaw at pag-uugali ang ipinakita ni Allan K. kaya siya
nagtagumpay sa buhay. Isulat ito sa sagutang papel.

Ang mga pananaw at pag-uugali ni Allan K:


_________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Pagyamanin
Gawain 2
Panuto: Markahan ang iyong mga gawaing nagpapalalim ng iyong
pananampalataya sa antas na 1 hanggang 5, kung saan 5 ang pinakamataas.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Pagdarasal sa pook-dalanginan
_________

_____ 2. Paglahok sa pangrelihiyong pagdiriwang


_____ 3. Pagpapatawad sa nakagawa sa iyo ng pagkakamali
_____ 4. Pagpapakain sa nagugutom
_____ 5. Pakikipag-usap sa mga kasing-edad tungkol sa iyong relihiyon
_____ 6. Regular na pagpunta sa mga spiritual leaders
_____ 7. Araw-araw na pagdarasal
_____ 8. Regular na pagninilay-nilay at pagmumuni-muni
_____ 9. Pagdalaw sa may sakit
_____ 10. Pagdalaw sa mga ulila at matatanda

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Isaisip
Sa pagkakataong ito, inaasahan na natutunan mo na ang ispiritwalidad
na aspeto ng pagkatao ay nakakatulong upang ang isang indibidwal ay
magkaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at
Diyos
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Sagutin ang mga
katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang indikasyon na umuunlad na ang pananalig ng isang


tao?
______________________________________________________________________________

2. Paano mo maipapakita ang iyong pananalig at pag-asa sa Diyos?


_______________________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad ang iyong


pananalig at pagtitiwala sa Diyos?
______________________________________________________________________________

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Isagawa
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa isang taong inyong itinuturing
na modelo sa pagbibigay ng pag-asa at pananalig sa Diyos. Matapos nito,
sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isinagawang panayam. Gamitin ang
mga gabay na tanong na ito sa pagsasagawa sa gawain:

 Ano ang kanilang pangalan, edad, lugar ng kapanganakan, at


pinagkakaabalahan o trabaho?
 Ano-ano ang mga pagkakataon sa kanyang buhay kung saan ay
nagpakita sila ng kabutihan sa kanilang kapwa?
 Ano-ano ang kanyang mga naging pagsubok sa buhay? Paano ito
nakaapekto sa kanyang ispiritwalidad na aspeto?
 Ano ang kanyang iyong ginawa upang mapaglabanan ang pagsubok sa
buhay?

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Rubriks
Batayan sa Pagbibigay ng Marka Puntos
Naglalaman ng mga impormasyong nagpakita ng
pagbibigay ng pag 5
asa at pananalig sa Diyos
Nagamit ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng
5
sanaysay
Naisulat nang maingat, wasto at angkop ang
5
paggamit ng wika
Makabuluhan ang nabuong sanaysay 5
Kabuuan 20

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ilagay ang tsek (/)
kung nagpapakita ng maunlad na pagkatao bunga ng pananalig o
pananampalataya, at ekis (x) naman kung hindi. Sipiin at gawin ito sa
sagutang papel.

_______ 1. Si Lilia ay aktibo sa pagsali sa mga gawain sa


kanilang simbahan.
_______ 2. Pinag-iisipan at pinipili ni Renato ang kanyang mga
salita bago niya ito sabihin.

_______ 3. Mahirap man ang buhay ng pamilya ni Mang Nifer


ngunit buo pa rin ang kanyang pag-asa na sila’y makakaahon sa
kahirapan

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ilagay ang tsek (/)
kung nagpapakita ng maunlad na pagkatao bunga ng pananalig o
pananampalataya, at ekis (x) naman kung hindi. Sipiin at gawin ito sa
sagutang papel.

_______ 4. Maagang pumanaw ang ama ni Mildred kung


kaya’t nagsikap siyang mabuti upang matulungan ang
kanyang ina sa pagpapaaral sa kanyang mga nakababatang
mga kapatid.
_______ 5. May tiwala si Bea sa kanyang sarili, kaya alam
niyang magtatagumpay siya kahit hindi na siya magdasal.
_______ 6. Hindi sinasang-ayunan ni Angel ang pagpapakain
ng kanyang ina sa mga batang nakatira sa lansangan.

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ilagay ang tsek (/)
kung nagpapakita ng maunlad na pagkatao bunga ng pananalig o
pananampalataya, at ekis (x) naman kung hindi. Sipiin at gawin ito sa
sagutang papel.
_______ 7. Nagkaroon ng matinding karamdaman ang lolo ni
Teban. Sa halip na malungkot, ipinagdarasal niya na
gumaling agad ito sa kanyang karamdaman.
_______ 8. Bawat araw ay naglalaan si John ng oras para sa
pagdarasal.
_______ 9. Tinutulungan ni Ian ang mga taong nanghihingi
sa kanya tuwing siya ay pumapasok sa paaralan.
_______10. Inaalagaan ni Jepoy ang kanyang lola, sa
pamamagitan ng pagsabay sa kanya na kumain at pakiki
pagkwento sa kanya

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4


Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng pangako para sa


inyong sarili upang paunlarin ang
iyong ispiritwalidad na aspeto ng pagkatao
sa pamamagitan ng mga gawaing
makakapagpalapit sa Diyos. Isulat ito sa iyong
kuwaderno

SDO NUEVA VIZCAYA * EMPOWERMENT TECHNOLOGIES * QUARTER 4 * MODYUL 4

You might also like