You are on page 1of 28

MGA

KALUSUGANG
PERSONAL

1. Kalusugang Mental
2. Kalusugang Sosyal
3. Kalusugang Emosyonal
KALUSUGANG MENTAL

- Ito ay kakayahan ng isang tao na maging masaya sa


buhay ,may kakayahang harapin ang mga pasanin, at
malampasan ang mga hamon ng pang-araw-araw na buhay
ang panahon sa kahirapan.Kabilang dito ang sumusunod:
●paggawa ng desisyon
●pag-angkop at pagkaya sa mga mabibigat na suliranin
●pagpapahayag ng mga pangangailangan
●pagnanais na makagawa ng solusyon sa bawat kinakaharap na
problema
Mga Paraan upang Mapanatili ang
Kalusugang Mental

1.Magkaroon ng regular na ehersisyo.


2.Gamitin ang oras sa mga kapakipakinabang na
gawain.
3.Magkaroon ng sapat na tulog,hindi labis o
kulang.
4.Kumain ng masusustansiyang pagkain.
5.Iwasan ang alak at sigarilyo.
KALUSUGANG EMOSYONAL

-Ito ay pagpapakita ng positibong emosyon at pag-uugali.Ito rin ang


kakayahan ng isang bata na harapin at lutasin ang mga pagsubok sa buhay.
Ito ay tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na pagkatao na kung saan
makikita ang kalidad ng relasyon at abilidad na kontrolin at pangasiwaan
ang naramdaman.Ang mga kakayahan ng taong may malusog na emosyon
ay mga sumusunod:
●Maging masaya o magkaroon ng dahilan /kakayahang pasayahin ang sarili
●Kakayahan na mapanati li ang magandang relasyon ng mga taong nakakasama
● Pagkakaroon ng mataas na paghahalaga sa sarili
● Pagkakaroon ng ti wala sa sarili
● Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
● Kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao
● Pagkakaroroon ng positibong pananaw sa buhay
● Walang tinatagong lihim o walang pagkukunwari
● Kakayahang tanggapin ang mga limitasyon sa lahat ng

pagkakataon
●Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari
sa
Positibong pamamaraan
Mga Paraan upang Mapanatili ang
Kalusugang Emosyonal

1.K umain ng tama at mag-ehersisyo.


2.G umawa ng tamang desisyon.
3.I wasan ang alcohol at droga.
4.M akinig ng kaaya-ayang musika at manood ng kapaki-
pakinabang na palabas.
5.M aging magiliw sa kaibigan , kamag-aral, o kamag-anak.
6.G awin ang makapagpasaya sa sarili.
7.I takda ang layunin sa sarili at sikaping makamtan ito.
8.I wasan ang pag-iisip ng negatibo.
9.P anatilihin ang pagpapahalaga sa sarili.
10.Isipin ang kapakanan ng kapwa.
KALUSUGANG SOSYAL

Kakayahang makihalubilo at makisama


sa iba’t –ibang uri at ugali ng mga
tao,kung paano makisalamuha ang mga
tao sa iyo at kung paano ka makipag-
ugnayan sa iyong lipunang
kinabibilangan.
Mga Katangian ng Taong May
Kalusugang Panlipunan
• Palakaibigan
• Bukas sa pakikipagkomunikasyon
• Marunong makisalamuha sa iba’t-ibang uri ng tao
• Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba
• Kayang harapin at lutasin ang mga suliranin o tensiyon
• May tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya
• May paggalang sa nararamdaman sa kapwa.
• Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng
kaibigan ,Kamag-aral,o katrabaho
• Marunong making at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa
Mga paraan upang malinang ang
kalusugang sosyal

1. Magkaroon ng maraming kaibigan.


2. Ugaling pakinggan at unawain ang saloobin at
hinaing sa kapwa.
3. Igalang ang nararamdaman ng kapwa.
4. Tanggapin ang pagkatao, ugali at asal ng
kawpa.
5. Subukang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng
iba.
A. Panuto: Iguhit ang( ) masayang mukha kung ang larawan ay nagpapakita ng paraan sa pagpapanatili ng kalusugang mental, emosyonal, at
sosyal at
( ) malungkot na mukha kung hindi.

1. 4.

2. 5.

3. 6.
CONTINUATION:

7. 9.

8. 10.
Panuto: Lagyan ng (√) ang patlang kung ito ay mga katangian
nagpapahiwatig ng malusog na relasyon at ekis (x) kung ito ay hindi
malusog na relasyon.

____ 1. pagtitiwala
____ 2. pag-aaway
____ 3.pagseselos
____ 4 Nangungumusta sa isa’t-isa
____ 5.Madaling maapekto sa mga balita tungkol sa Covid-19
____ 6.Pagbibigay paalala sa bawat isa
7.Sinisiraan ang kapwa
8. Nagbibigay kasiyahan sa iba
9. May respeto sa opinion ng iba
10. Walang pananampalataya sa Panginoon
III. Isulat ang KM kung ito ba ay kalusugang mental, KE kung ito ba
ay kalusugang emosyonal at KS naman kung ito ba ay kalusugang
sosyal.

1. Bukas sa pakikipagkomunikasyon

2. Paggawa ng desisyon

3. Marunong gumawa ng solusyon sa bawat problema.

4. Pagkakaroon tiwala sa sarili

5. May kakayahang pasayahin ang sarili

6. Palakaibigan

7. May tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya.

8. Makaunawa sa mga nararamdaman ng ibang tao

9. Pagkaya sa mga mabibigat na suliranin

10.May positibong pananaw sa buhay.


IV. Sagutin ang katanungan.

1.Paano malinang at maalagaan ang


kalusugang mental?

2.Paano mo mapapanatili ang pagkakaroon


ng kalusugang emosyonal?

3.Paano mo ilalarawan ang taong malusog?


MGA EPEKTO SA KALUSUGAN NG MGA
ALALAHANING MENTAL, EMOSYONAL AT SOSYAL

1.Social Anxiety

2.Mood Swing o Pagkasumpungin

3.Teasing o Panunukso

4.Bullying o Pambubulas

5.Harassment o Panliligalig/Panlulupig

6.Pang- aabusong Pisikal at Emosyonal


Social Anxiety

- Ito ay tumutukoy sa mga taong labis


ang pagkatakot sa pakikisalamuha sa
ibang tao, may matinding
pagkamahiyain, kawalan ng tiwala sa
sarili, labis na pagkasensitibo at nag-
iisip ng punang negatibo.
Mood Swing o Pagkamasumpungin

- ay ang pagbago- bagong emosyon ng tao, minsan


masaya at minsan naman ay malungkot, minsan
napakaliksi o napakabilis kumilos at minsan
naman nanlulumo sa kapahuran

• Bipolar Disorder- labis- labis na pagbabago ng


damdamin

• Depresyon- labis- labis na kalungkutan.


Teasing o Panunukso

- Ay may iba’t- ibang kahulugan at


epekto sa buhay ng isang tao. Ito ay
maaaring magdulot ng kasiyahan, sakit,
o sama ng loob at nakapagbibigya ng
aral o leksiyon na nakapagpapabago sa
maling asal o gawi.
Bullying o Pambubulas

- Ay isang uri ng pang- aapi o panunupil at pang- aabusong


emosyonal. Ito rin ay ugaling mapanlakay at agresyon na
kakikitaan ng dahas, pamimilit, o pamumuwersa.

Uri ng Pambubulas:

1. Paslitang Pambubulas

2. Sosayal na Pambubulas

3. Pisikal na Pambubulas

4. Cyberbullying
Harassment o Panliligalig

- Ito ay ang mga Gawaing sinasadyan upang saktan


ang damdamin ng isang tao at paulit- ulit na
ginagawa sa loob at labas ng paaralan. Ito rin ay
ang pagsasabi ng masasakit na salita sa isang tao
tungkol sa kanilang hitsura o abilidad, pisikal na
pananakit, at maling pagtrato sa kapwa dahil sa
katayuan nila sa buhay.
Pang- aabusong Pisikal at Emosyonal

• Pisikal na Pang- aabusoi- Ito ay marahas at bayolenteng


pakikitungo sa tao.

Halimbawa:
- Pananampal - Panununtok - Pananakal
- Paninipa - Pagsabunot ng buhok - Panghahampas

• Emosyonal na Pang- aabuso- ito ay pang- aabuso sa pamagitan ng


pagkakait sa kapwa at pagbitaw ng masasakit at maaanghang na
salita na nagdudulot ng matinding kirot o sakit ng damdamin.
Mga Kasanayang Dapat Matutuhan Upang Maiwasan at
Hindi Maranasan ang Panunukso, Pambubulas, at Pang-
aabuso:

1. Kommunikasyon o Pakikipag- usap ( Communication )- ito ay isang


proseso ng pagdala at pagtanggap sa mensahe na maaaring pasalita o
pakilos sa mga taong kausap

2. Pagpapahayag ng nararamdaman ( Assertiveness )- ito ay


pagpapahayag ng sariling Karapatan, ninanais sa buhay at
pagpapahalaga sa Karapatan o pananaw sa buhay ng kapwa tao.

3. Pangsariling Pamamahala ( Self- Management )- ito ay kasanayan na


nagpapakita kung paano hawakan o kontrolin ang sariling emosyon sa
harapan ng mga bata o matatandang mahilig manukso o mambulas.
4. Pagpasya o paggawa ng decision ( Decision- Making )- ito ay
matalinong pagpapasya o desisyon na pinag- iisipang Mabuti ang
magiging kahihinatnan ng mga ikikilos o isasagawang desisyon.

Mga Desisyong Dapat Gawin sa Sarili Laban sa Nanunukso

1. Huwag bigyan ng pansin o atensisyon ang batang nanunukso.

2. Iwasang mag- isa sa mga lugar na tahinik at walang tao.

3. Maghanap ng mga kaibigang may positibong pag- uugali.

4. Tumanggi kapag hinikayat ka na sumali sa grupo ng mga


nanunukso.

5. Humingi ng tulog sa mga nakatatanda kapag hindi ka nila


tinitigilang tuksuhin .
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Punan
patlang upang mabuo ang dayalogo.

• Sitwasyon A

Nanunukso: Alam mo bang bata ka pa, pero mukha ka nang


matanda.

Titnutukso: _________________________________________

• Sitwasyon B

Nanunukso: Kamukha ka ng tatay mong panot!

Tinutukso: __________________________________________
Quiz # 1.6
10- 26-22

I. Alamin kung anong ang inilalarawan


sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa iyong
kuwaderno.
Cyberbullying Mood Swing social Anxiety
Harassment Bullying Komunikasyon
Assertiveness Self- Management Decision- Making
Social Media Depression Bully
Tinuktukso Pasalitang Pambubulas Bipolar Disorder

1.Ito ay tumutukoy sa mga taong labis ang pagkatakot sa


pakikisalamuha sa ibang tao.
2.Ito ay mga gawaing sinsadya upang saktan ang damdamin ng
isang tao at paulit- ulit na ginagawa sa loob at labas ng
paaralan.
3.Ito ay ang labis labis na kalungkutan dahil sa mga
problemang kinahahantungan sa kanyang buhay.
4.Ito ay ang labis na pagbabago- bago ng damdamin ng isang
tao.
5.Ito ay ang ugaling mapanalakay at agresyon na kakikitaan ng
Cyberbullying Mood Swing social Anxiety
Harassment Bullying Komunikasyon
Assertiveness Self- Management Decision- Making
Social Media Depression Bully
Tinuktukso Pasalitang Pambubulas Bipolar Disorder

6. Ito ay paninirang puri at emosyon gamit ang Internet at ibang


makabagong teknolohiya.
7. Ito ay pabago- bago ng emosyon, minsan sobrang kasiyahan at
minsan naman ay labis na kalungkutan.
8. Ito ay ang pagpapakita kung paano hawakan o kontrolin ang
sariling emosyon.
9. Ito ay ang pagpaplano kung ano ang nararapat gawin.
10. Ito ay ang pagpapahayg ng sariling Karapatan at ninanais sa
buhay.
Cyberbullying Mood Swing social Anxiety
Harassment Bullying Komunikasyon
Asser tiveness Self- Management Decision- Making
Social Media Depression Bully
Tinuktukso Pasalitang Pambubulas Bipolar Disorder

11. Ito ay ang proseso sa pagpadala o pagtanggap ng mensahe na


maaaring pasalito o pakilos.

12. Siya ang taong mahilig manukso o mahilig sa pambubulas.

13. Siya ang taong biktima ng panunukso at pambubulas.

14. Ito ay ang paraan ng pambubulas gamit ang cellphone o


computer.

15. Ito ay ang pagsasalita ng masasamang salita laban sa isang tao.

You might also like