You are on page 1of 20

ARALIN 3

MGA
ALALAHANING
MENTAL,
EMOSYONAL,
AT SOSYAL
IBABAHAGI NINA:

JENELLA R. CEDRON FENALYN TABAN


ARALIN 3
MGA ALALAHANING MENTAL,
EMOSYONAL, AT SOSYAL

LAYUNIN SA ARALIN
Nailalarawan ang ilang alalahaning
mental, emosyonal, at sosyal
Natatalakay ang mga epekto sa
kalusugan ng mga alalahaning
mental, emosyonal, at sosyal

MAHALAGANG IDEYA
Ang mga alalahaning mental,
emosyonal, at sosyal ay may malaking
epekto sa kalusugan ng tao, bata man
o matanda.
SOCIAL ANXIETY
O PAGKABALI SA SA PAKI KI SALAMUHA

Ito ay tumutukoy sa mga taong labis ang


pagkatakot sa pakikisalamuha sa ibang tao, may
mataas na antas ng pagiging mahiyain, kulang ang
tiwala sa sarili, sensitibo, at nag-iisip ng punang
negatibo. Nakakaramdam sila ng depresyon,
pagkapahiya, at pangliliit sa sarili.
MGA PALATANDAAN NG PAGKAKAROON NG
SOCIAL ANXIETY
1. Ang mga taong may social anxiety ay
nakararanas ng ibang emosyon, pighati, lungkot, o
pagkatakot sa tuwing;

Ø Ipinakikilala sa ibang tao


Ø Tinutukso o pinupuna
Ø Nagiging sentro ng atensyon o pinag-uusapan
SOCIAL ANXIETY
O PAGKABALISA SA
PAKIKISALAMUHA

MGA PALATANDAAN NG PAGKAKAROON NG


SOCIAL ANXIETY
1. Ang mga taong may social anxiety ay
nakararanas ng ibang emosyon, pighati, lungkot, o
pagkatakot sa tuwing;
Ø Tinitignan habang may ginagawa
Ø Nakikisalamuha ang mga nakatataas sa kaniya
Ø Dumadalo sa anumang okasyon o pagsasalo
Ø Pagsasalita o nagbabahagi sa harapan ng klase
Ø Tinatanong ng guro sa harap ng klase

2. Ang pagkakaroon ng pagkabalisa sa


pakikisalamuha ay kakikitaan din ng mga
sumusunod;
Ø Mabilis sa pagtibok ng puso
ØSobrang pamamawis sa katawan
SOCIAL ANXIETY
O PAGKABALISA SA
PAKIKISALAMUHA

MGA PALATANDAAN NG PAGKAKAROON NG


SOCIAL ANXIETY
2. Ang pagkakaroon ng pagkabalisa sa
pakikisalamuha ay kakikitaan din ng mga
sumusunod;

ØPamumula ng pisngi tuwing may kausap


ØPanunuyot ng lalamuan at bibig
ØPanginginig ng katawan
ØHirap sa paglunok ng pagkain
ØPagkatakot na mapuna ng ibang tao
ØPaglalayo sa lugar na matao
ØHirap sa pagkakaroon ng kaibigan o mapanatili
ang kaibigan
ØPagsusuka o pagsakit ng tiyan kapag
napapaligiran ng ibang tao
SOCIAL ANXIETY
O PAGKABALISA SA
PAKIKISALAMUHA

MGA DAPAT GAWIN KAPAG NAKAKARANAS NG


SOCIAL ANXIETY
1. Mag-isip ng positibo
2. Pagtuunan ng pansin ang mga bagay na
nakatutuwa at nakapagpapasaya, at mga bagay na
dapat ipagpasalamat
3. Magkaroon ng hobby o bagay na gagawin na
nakagigiliw o nakapagpapasaya.
4. Mag-aral ng isang isport o instrumentong
pang musika
5. Mag-isip ng paraan upang mapabuti ang sarili
tulad ng pagbabasa ng magagandang aklat na may
positibong mensahe.
6. Sumama at makipagkaibigan sa mga taong
positibo mag-isip at maaliwalas ang pananaw sa
buhay.
SOCIAL ANXIETY
O PAGKABALISA SA
PAKIKISALAMUHA

MGA DAPAT GAWIN KAPAG NAKAKARANAS NG


SOCIAL ANXIETY
7. Dagdagan ang pananampalataya sa Panginoon.
Matutong magdasal araw-araw.
8. Mag-ehersiyo kasama ang ibang tao
9. Kumain ng masustansiyang pagkain
10. Ibahagi ang nararamdaman o suliranin sa
kapamilya o pinagkakatiwalaang tao
11. Magkaroon ng tiwala sa sarili
12. Isipin na ang puna ng kapamilya o kaibigan
ay para sa iyong kabutihan
13. Magkaroon ng empatiya (empathy) o abilidad
na makibahagi, maunawaan, at madama ang
kalooban ng iba.
14. Matutong maglibang kasama ang ibang tao
15. Maging makatao o pagkakaroon ng
magandang kalooban o simpatiya.
PAGKAMASUMPUNGIN
O MOOD SWINGS

Ang pagkasumpungin ay ang pabago-bagong


emosyon ng tao- minsan masaya at minsan naman
ay malungkot, minsan napakaliksi o napakabilis
kumilos, at minsan naman nanlulumo sa kapaguran.
Alam niyo ba?
Kapag masaya ang isang tao, ang iniisip lang niya
ay ang magagandang pangyayari sa buhay at
nakakalimutan ang mga masaklap na pangyayari
samantalang kapag malungkot naman panay
kapighatian o kalungkutan ang iniisip,
nakakalimutan ang magagandang pangyayari sa
buhay.
PAGKAMASUMPUNGIN
O MOOD SWINGS

MGA PALATANDAAN NG TAONG SUMPUNGIN


1. Ayaw kumain, maglaro, mag-aral, o
magtrabaho
2. Gustong mapag-isa
3. May kakaibang katahimikan
4. Ayaw makipag-usap
5. Masaya ng isang sandali ngunitt malungkot
o galit sa susunod
6. Masaya at biglang mananahimik upang
magnilay-nilay
7. Ayaw sumali sa pangkatang Gawain
8. Walang ipinakikitang pagmamahal sa
kapamilya, kaibigan, o sa kapwa
9. Ayaw makisalamuha sa mga kaibigan
10. Hindi gustong makipag-usap kahit na kanino
PAGKAMASUMPUNGIN
O MOOD SWINGS

MGA DAHILAN NG PAGIGING SUMPUNGIN


1. Hindi pagkain sa tamang oras
2. Sobrang pagkain ng mga produktong sagana sa
asukal na nagging epekto ng pabago-bago o pagtaas
at pagbaba ng blood sugar o asukal sa dugo
3. Sakit na may kaugnayan sa utak ng tao
4. Depresyon o labis na pagbabago-bago ng
damdamin
5. Bipolar disorder o labis na pagbabago-bago ng
damdamin
6. Kulang sa tulog
7. Suliraning nararanasan sa paaralan o sa
pinagtratrabauhan
8. Mga ninanais na bagay na hindi naibibigay o
nakukuha
9. Labis na inggit sa kapatid, kamag-aral, o
kaibigan
10. Nakararamdam ng kawalang-halaga
PANUNUKSO
O TEASING

Ang panunukso ay may iba’t ibang kahulugan at


epekto sa buhay ng isang tao. Ito ay maaaring
magdulot ng kasiyahan, sakit, o sama ng loob, at
nakapagbibigay ng aral o leksiyon na
nakapagpapabago sa maling asal o gawi
PAMBULALAS
O BULLYING

Ang bullying ay isang uri ng pang-aapi o


panunupil at pang-aabusong emosyonal. Ito rin
ay ugaling mapanalakay at agresyon na
kakkikitaan ng dahas, pamimilit, o
pamumuwersa. Hindi lamang ito naisasagawa sa
paaralan o sa pamayaning kinabibilangan,
naisasagawa din ito sa paggamit ng makabagong
teknolohiya kagaya ng Internet o cellphone na
kung tawagin ay cyberbullying.

PAMBULALAS
O BULLYING

MGA URI NG BULLYING


1.Pasalitang Pambulalas
Ito ay pagsasalita ng masasamang salita laban
sa isang tao. Kabilang dito ang mga sumusunod:

·Pangangantiyaw
·Pangungutya
·Panunukso
·Panlalait
·Pang-aasar
·Paninigaw
·Pagmumura
·Pang-iinsulto
·Pagpapahiya sa hirap ng maming tao
PAMBULALAS
O BULLYING

MGA URI NG BULLYING

2. Sosyal na Pambulalas
Ito ay may layuning sirain ang reputasyon at
pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kasama dito ang
mga sumusunod:
·Hindi pagtanggap sa isang tao o pang-iiwan sa
kaniya sa maraming pagkakataon
·Panghihikayat sa ibang mag-aaral na huwag
makipagkaibigan sa isang particular na indibidwal
o pangkat
·Pagkakalat ng tsismis
·Pagpapahiya sa ibang tao sa gitna ng
nakararami
PAMBULALAS
O BULLYING

MGA URI NG BULLYING

3. Pisikal na Pambubulas
Ito ay isang pisikal na pananakit sa isang
indibidwal o pangkat, o paninira ng kanyang pag-
aari o pagpapakita ng hindi magandang senyas ng
kamay. Kabilang dito ang mga sumusunod:
·Panununtok
·Paninipa
·Pananampal
·Pangungurot
·Biglang pag-alis ng upuan habang nakatalikod
upang mitumba ang nakaupo
PAMBULALAS
O BULLYING

MGA URI NG BULLYING

4. Pambubulas gamit ang makabagong


teknolohiya o cyberbullying

Ito ang paninirang puri at pananakit ng


damdamin tulad ng pagkakalat ng tsismis at
pang-iinsulto gamit ang Internet, cellphone, o iba
pang makabagong teknolohiya
PANLILIGALIG
O HARASSMENT

Ito ang mga gawaing sinadya upang saktan


ang damdamin ng isang tao at paulit-ulit
na ginagawa sa loob at labas ng paaralan.
Ito rin ay ang pagsasabi ng masasakit na
salita sa isang tao, tungkol sa kanilang
hitsura o abilidad, pisikal na pananakit, at
maling pagtrato sa kapwa dahil sa
katayuan nila sa buhay.
PANG-AABUSONG
PISIKAL AT EMOSYONAL
PHYSICAL AND EMOTIONAL ABUSE

Pisikal na Pang-aabuso- ito ay marahas at


bayoleteng pakikitungo sa tao. Ginagamit ang
bahagi ng katawan kagaya ng kamay, paa, at mga
bagay na matatagpuan sa paligid upang
makapanakit. Ang pananakit ay nag-iiwan ng marka
o pasa sa katawan. Ito ay hindi pinahihin-tulutan
at may kaakibat na kaparusahan sa lahat ng mga
gumagawa ng pisikal na pang-aabuso sa kapamilya,
kaibigan, kamag-aral, o sa mga taong nakapaligid.
Ang mga halimbawa ng pisikal na pang-aabuso ay
ang mga sumusunod.
·Pananampal
·Paninipa
·Panununtok
·Pagsabunot ng buhok
·Pananakal
·Panghahampas at panghahagupit
PANG-AABUSONG
PISIKAL AT EMOSYONAL
PHYSICAL AND EMOTIONAL ABUSE

Emosyonal na Pang-aabuso- ito ay pang-aabuso sa


pamamagitan ng pagkakait ng pag-mamahal sa
kapwa at pagbitaw ng masasakit at maanghang na
salita na nakapagdudulot ng matinding kirot o sakit
ng dadamdamin. Ang mga halimbawa ng emosyonal
na pang-aabuso ay ang pagsasalita ng tulod ng mga
sumusunod:
·Walang kuwentang tao
·Mahina sa klase
·Hindi maasahan
·Pabigat o pansin sa buhay
·Hindi kailangan sa mundo
·Hindi dapat mahalin
·Sana hindi ipinanganak
·Pagkakait ng pagmamahal
BALIKAN NATIN
A. Basahin at sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong sa iyong kuwaderno.
1. Ano-ano ang palatandaan ng pagkakaroon ng
pagkabalisa sa pakikisalamuha?
2. Ano-ano ang mga palatandaan kapag may
sumpong ang isang tao?
3. Bakit nakararanas ng pagkasumpungin ang
tao?
4. Ano-ano ang tatlong epekto ng panunukso?
ipaliwanag ang bawat isa.
5. Paano masusugpo ang paghahari-harian o
bullying sa loob at labas ng paaralan?

You might also like