You are on page 1of 23

5

HEALTH
Quarter 1 -Module 8
Kalusugang Personal:
Mental, Emosyonal at Sosyal na
Kalusugan

1i
Panimula
Ang modyul na ito ay nilikha para sa iyo, upang matulungan kang tukuyin ang mga
palatandaan ng malusog at hindi malusog na relasyon, malaman ang kahalagahan nito para
sa kabuuang kalusugan at kagalingan ng isang tao at matutunan ang mga paraan ng
pamamahala sa mga hindi malusog na relasyon. Sa modyul na ito malalaman mo rin ang
mga alalahanin tungkol sa kalusugang mental, emosyonal at sosyal at kung paano ito
mahahadlangan at pangasiwaan.

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin, ito ay ang mga:

• Aralin 3- Malusog at Hindi Malusog na Relasyon


• Aralin 4- Mga Alalahaning Mental, Emosyonal at Sosyal
• Aralin 5- Paghahadlang at Pangangasiwa sa mga Alalahaning Mental,
Emosyonal at Sosyal

Subukin
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong uri ng relasyon ang nakapagbibigay kasiyahan sa isang tao?


A. Magulong relasyon C. Masalimot na relasyon
B. Malusog na relasyon D. Masamang relasyon
2. Anong alalahanin ang tumutukoy sa pabago-bago ng emosyon, minsan masaya,
minsan malungkot, minsan napakaliksi o mabilis kumilos at minsan naman
nanlulumo sa kapaguran?
A. Panunukso C. Mood Swings
B. Panliligalig D. Social Anxiety
3. Ito ay tumutukoy sa alalahanin kung saan may mga gawaing sinasadya upang
saktan ang damdamin ng isang tao ng paulit-ulit sa loob at labas ng paaralan.
A. Pambubulas C. Panliligalig
B. Pang-aabuso D. Panunukso
4. Alin ang palatandaan ng pagkakaroon ng malusog na relasyon?
A. may pagbibigayan
B. walang oras sa pakikipag-usap
C. Nagseselos kapag may kasamang iba ang kaibigan.
D. Walang Kalayaan upang makapagpahayag ng opinion o idea.
5. Alin ang palatandaan ng hindi malusog na relasyon?

A. Masaya kapag may kasama.


B. Natatanggap ang kahinaan ng bawat isa.
C. May kinikilingan o hindi pantay ang pagtingin sa iba.
D. Malayang naipapadama ang nararamdaman na atensiyon.

1
6. Ano ang palatandaan ng isang batang may social anxiety o pagkabalisa?

A. may tiwala sa sarili C. pabago-bago ang emosyon

B. nag-iisip ng negatibong puna D. palakaibigan


7. Sino sa sumusunod na pamilya ang mayroon malusog na relasyon?

A. Ang mga magulang ni Nelia ay nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga


kagamitan sa bahay sa tuwing sila ay nag-aaway.
B. Ang Pamilyang Ramos ay nag-uusap ng mahinahon sa tuwing may
hindi pagkakaunawaan sa bawat kasapi ng pamilya.
C. Ang mga anak nila Mang Ben at Aling Tess ay walang kalayaan upang
makapagpahayag ng kanilang saloobin at problema sa kanilang
pamilya.
D. Sa magkapatid na Alfred, Ben at June, palaging mas binibigyan ng
atensiyon at pinapanigan si June ng kanyang mga magulang dahil siya
ang bunso.
8. Sino sa mga bata ang nakakaranas ng pisikal na pang-aabuso?
A. Si Minerva ay palaging pinagtatawanan ng kayang mga kaklase dahil
sa kanyang kapansanan.
B. Si Albert ay nakakarinig ng masasakit na salita mula sa kanyang Tiya sa
tuwing nagkakamali siya sa pagsunod sa utos nito.
C. Si Selena ay pinapalo ng sinturon sa tuwing siya ay nakakakuha ng
mababang marka sa pasulit.
D. Si Leo ay palaging inaagawan ng baon ng kanyang mga kamag-aral.

9. Napipikon na si Harry sa panunukso sa kaniya ng mga kalaro dahil sa biglang


pagtaas ng kanyang timbang noong bakasyon. Ngunit imbes na sumagot ay
nakitawa na lamang ito. Kalaunan ay tumigil na rin ang mga kalaro. Anong
paraan ng pag-iwas sa panunukso ang ipinapakita niya?
A. Komunikasyon o pakikipag-usap
B. Pagpapahayag ng nararamdaman
C. Pagpasya o paggawa ng desisyon
D. Pansariling pamamahala
10. Ang sumusunod na mga bata ay nagpapakita ng tamang pag-iwas sa mga
panunukso, pambubulas at pang-aabuso maliban sa isa:

A. Si Ronnie ay nakikipagsuntukan sa tuwing may mga bata na nanunukso


sa kanya.
B. Hindi tumitigil sa pambubulas ang mga kamag-aral ni Alice, kaya
nagsabi ito sa punong guro at mga magulang.
C. Pinaaalahanan ni Erwin ang kanyang nakababatang kapatid na hindi
magandang pag-uugali ang pagtawanan ang kapansanan ng isang tao.
D. Humanap ng paraan si Gina na makausap at kaibiganin si Jenny at
Karla. Simula noon ay tumigil na sila sa pang-iinis at panunukso sa
kanya.

2
Aralin MALUSOG
A AT HINDI
3 MALUSOG
1 NA RELASYON

Alamin
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga palatandaan ng malusog at di malusog na relasyon;
2. naipapaliwanag ang mga positibong epekto sa kalusugan ng pagkakaroon
ng malusog na relasyon;
3. natatalakay ang mga paraan ng pamamahala sa mga hindi malusog na
relasyon.

Balikan
Panuto: Alamin kung anong kalusugan ang tinutukoy.

Isulat sa loob ng ulap ang KM kung Kalusugang Mental, KE


kung Kalusugang Emosyonal, at KS kung Kalusugang Sosyal.

1. paggawa ng desisyon

2. pagkakaroon ng tiwala sa sarili

3. bukas sa pakikipagkomunikasyon

4. kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao

5. pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin.

3
Tuklasin/Suriin

Panuto: Kulayan ang mga larawan at iayos ang mga titik na nasa loob na
kahon upang mabuo ang pangalan ng mga larawan. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

1 2

PAMAGYAMILKA KLAMAGKASE

_______________________ _______________________

3 4

BI KAMAGGANI KAMAGPITKAHAYBA

_______________________ _______________________

4
Ano-ano ang mga salitang iyong nabuo?
Ang mga salitang magkapamilya, magkaibigan, magkaklase at magkapitbahay ay
ilan sa mga salitang tumutukoy sa mga relasyon na nabubuo sa pagitan ng isang
tao at ng mga tao sa kanyang paligid mula pagkabata hanggang sa pagtanda.
Ngunit ang isang relasyon ay hindi lamang tungkol sa ating nakakasama. Kasali na
rito ang ating pakikipag-ugnayan sa mga tao na ating nakakasalamuha araw-araw.
Ang pakikisalamuha o pakikipag-ugnay sa iba ay maaring malusog o hindi malusog.
Ang malusog na pakikipagsalamuha ay nagdudulot ng kasiyahan samantalang ang
hindi malusog na pakikipag-ugnayan ay nagdudulot ng kalungkutan.

Mga Palatandaan ng Malusog at Hindi Malusog Relasyon

MALUSOG HINDI MALUSOG


➢ May pagmamahal, respeto ➢ Kulang ang pagmamahal,
supporta at tiwala sa bawat respeto, supporta at tiwala sa
kasapi ng pamilya, bawat kasapi ng pamilya,
magkaibigan o kaklase. magkaibigan o kaklase.
➢ Pantay na pagtingin sa bawat ➢ May kinikilinga o hindi pantay ang
isa. pagtingin sa iba.
➢ May pagpapahalaga sa ➢ Walang pagpapahalaga sa
nararamdaman ng bawat isa. nararamdaman ng bawat isa.
➢ Malayang naipapakita ang ➢ Walang kalayaan na ipakita ang
totoong nararamdaman at pag- totoong nararamdaman at pag-
uugali uugali
➢ May epektibong pakikipag- ➢ Walang oras sa pakikipag-usap
usap o komunikasyon ➢ Nagseselos kapag may
➢ May pagbibigayan kasamang ibang kaibigan
➢ Masaya kapag magkakasama ➢ Puna at paninira ang
ngunit nakakagawa rin ng mga natatanggap ng bawat isa
gawain na mag-isa ➢ Hindi natutuwa sa mga
➢ Nalulutas ang problema sa magandang pangyayari o
mahinahong pamamaraan. nakamit ng kapamilya o kaibigan
➢ May pananampalataya sa ➢ Walang paggalang o respeto sa
Panginoon. opinyon o ideya ng bawat isa.

Naranasan mo na ba na makisalamuha sa iba?

Ano-ano ang mga palatandaan ng mabuti at hindi mabuting relasyon?

Anong uri ng relasyon mayroon ka sa iyong pamilya at kaibigan?


Ito ba ay mabuti? O hindi mabuti?

5
Napakahalaga ng suporta at pagmamahal mula sa pamilya at kaibigan upang
maiwasan ang tensiyon na nakapagdudulot ng iba’t ibang karamdaman.

Narito ang ilan sa mga positibong epekto ng pagkakaroon ng malusog na relasyon


sa ating kapwa.

Nadadagdagan ang
tiwala5sa sarili
Nakapagpapagaan Madaling gumaling
ng buhay ng isang tao MGA sa karamdaman
EPEKTO NG MALUSOG
NA RELAYON SA ATING
KALUSUGAN
Nakapagdudulot ng
Nagiging malaya
kasiyahan
Maiiwasan ang sakit
sa pag-iisip at iba pang
karamdaman sa katawan
na dulot ng stress.

Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malusog na relasyon sa ating kapwa ay


napapanatili rin nating malusog ang ating kalusugan ngunit may mga pagkakataon
na tayo ay nahaharap sa isang hindi malusog na relasyon.

Naranasan mo na ba ang hindi malusog na relasyon?


Ano ang iyong naramdaman?
Ano ang dapat gawin sa mga pagkakataon na tayo ay nakararanas ng hindi
malusog na relasyon sa ating kapwa?

Ang bawat isa ay dapat may kakayahang pamahalaan o dalhin ang pagkakaroon
ng hindi malusog na relasyon sa tahanan, paaralan o maging sa pinagtratrabahuan
upang maiwasan ang iba’t ibang karamdamang pisikal o pangkaisipan.

Matutong magtiwala at
makinig sa hinaing ng
kapamilya o kaibigan
Maging matatag na Dagdagan ang
harapin ang mga pananampalataya
suliranin sa buhay, sa Panginoon

Pamamahala sa
Hindi Malusog na
Isipin ang Relasyon Magkaroon ng positibong
kakahinatnan ng pananaw sa buhay
bawat kilos o gawi.

Maging mahinahon sa
lahat ng pagkakataon

6
Ano-ano ang mga paraan ng pamamahala sa mga
hindi malusog na relasyon?
Ano-ano ang mga positibong epekto ng malusog
na pakikisalamuha sa iba?

Isaisip
Malusog at Hindi Malusog na Relasyon

Ang malusog na relasyon ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa buhay ng


isang tao samantalang ang hindi malusog na relasyon ay nakapagdudulot
ng tensiyon o alalahanin.

Ang bawat isa ay dapat may kakayahang pamahalaan o dalhin ang


pagkakaroon ng hindi malusog na relasyon sa tahanan, paaralan o maging
sa pinagtratrabahuan upang maiwasan ang iba’t ibang karamdamang
pisikal o pangkaisipan.

Isagawa
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang Tama kung ang
pangungusap ay nagpapahiwatig ng tamang kaisipan at Mali kung
hindi.
________1. Ang malusog na relasyon ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa
buhay ng isang tao samantalang ang hind malusog na relasyon ay
nakapagdudulot ng tensiyon o alalahanin.

_______ 2. Ang bawat isa ay dapat may kakayahang pamahalaan o dalhin ang
pagkakaroon ng hindi mabuting relasyon upang maiwasan ang iba’t
ibang karamdamang pisikal o pangkaisipan.

________3. Ang pagkakaroon ng malusog na relasyon ay nakapagpapagaan ng


buhay ng isang tao.

________4. Ang kakulangan sa pagmamahal, respeto,supporta at tiwala sa


bawat kasapi ng pamilya ay isang halimbawa ng malusog na
relasyon.

_______ 5. Isang paraang ng pangangasiwa sa hindi malusog na relasyon ay


ang pagtatanim ng sama ng loob sa kapwa.

7
Pagyamanin

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at bilugan ang kamay


na sumasang-ayon ( ) kung ito ay nagpapakita ng malusog na
relasyon at bilugan ang kamay na di sumasang-ayon ( )
kung ito ay hindi.

MALUSOG HINDI MALUSOG


1. may tiwala sa isa’t isa

2. pantay ang pagtingin sa


bawat isa.

3. may negatibong panananaw


sa buhay

4. may pagbibigayan

5. pagpuna at paninira ang


natatanggap ng isa’t isa

6. kulang sa pagmamahal at
supporta mula sa pamilya

7. nagseselos kapag may kasamang


iba ang kaibigan.

8. may pananampalataya sa Panginoon

9. walang oras sa pakikipag-usap

10. may paggalang sa opinion o


ideya ng isa’t isa

8
Aralin MGA ALALAHANING MENTAL,
4 EMOSYONAL AT SOSYAL

Alamin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nailalarawan ang ilang alalahaning mental, emosyonal at sosyal;
2. natatalakay ang mga epekto sa kalusugan ang mga alalahaning mental,
emosyonal at sosyal.
.
Balikan
Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng malusog at hindi malusog na relasyon.
Kulayan ang loob ng bilog ng iyong sagot.

Katangian Malusog Hindi Malusog

1. pagtitiwala

2. pananakit

3. pagseselos

4. pagkakaisa

5. pagkakaintindihan

Tuklasin/Suriin
Pagmasdang mabuti ng larawan.

Bakit kaya malungkot ang isang bata sa larawan?


Ano-ano ang mga bagay na pinoproblema ng isang batang tulad mo?

9
Ang mga alalahaning mental, emosyonal at sosyal ay may malaking epekto sa
kalusugan ng tao, bata man o matanda. Kapag may suliraning hinaharap ang
isang tao madalas hindi ito nakakakain, hindi nakakatulog, at walang ganang
kumilos. Pati pag-aaral at trabaho ay apektado kapag hindi nakahanap ng
kalutasan sa suliranin.
Mahalaga na malaman ang mga suliranin na ito at kung paano ito maiiwasan.

Ang mga Alalahaning Mental, Emosyonal at Sosyal


Pagkabalisa sa Pakikisalamuha (Social Anxiety)

Tumutukoy sa mga taong labis sa pagkatakot sa pakikisalamuha sa ibang


tao, matinding pagkamahiyain, kulang ang tiwala sa sarili, labis na
pagkasensitibo at nag-iisip ng punang negatibo.

Pagkamasumpungin (Mood Swings)


Ang pabago-bago ng emosyon, minsan masaya, minsan malungkot,
minsan napakaliksi o mabilis kumilos at minsan naman nanlulumo sa
kapaguran.

Panunukso (Teasing)

Ang isang tao ay pinagtawanan at pinipintasan sa paraan na maaaring


magdulot ng kasiyahan, sakit, o sama ng loob at nagbibigay ng aral o
leksiyon na nakapagbabago sa maling asal o gawi.

Panliligalig(Harassment)

Ito ay mga gawaing sinasadya upang saktan ang damdamin ng isang tao
ng paulit-ulit na ginagawa sa loob at labas ng paaralan.

Paghahari-harian o Pambubulas(Bullying)

Isang uri ng pang-aapi o panunupil at pang-aabusong emosyonal. Ito rin


ay ugaling mapanalakay at agresyon na nakikitaan ng dahas, pamimilit o
pwersa.

Cyber Bullying- ito ay paninirang puri at emosyon gamit ang internet at


at ibang makabagong teknolohiya.

Pang-aabuso(Pisikal at Emosyonal)

Marahas at bayolenteng pakikitungo sa tao


Pisikal na Pang-aabuso- ginagamit ang bahagi ng katawan kagaya ng
kamay, paa at mga bagay na matatagpuan sa paligid upang makapanakit.
Ang pananakit ay nag-iiwan ng marka o pasa sa katawan.
Emosyonal na Pang-aabuso pang-aabuso sa pamamagitan ng pagkait
ng pagmamahal sa kapwa at pagbitaw ng masasakit at maaanghang na
salita na nagdudulot ng matinding kirot o sakit sa damdamin.

10
Ano-ano ang mga alalahaning mental, emosyonal at sosyal?

Alin sa mga alalahaning ito ang iyong naranasan?


Ano kaya ang epekto ng mga alalahaning ito sa ating
kabuuang kalusugan?

Ang mga alalahanin sa kalusugan ay may malaking epekto sa ating mental,


emosyonal at sosyal na pag-unlad. Kung ito ay patuloy nating nararanasan ito ay
maaring maging sanhi ng mga sumusunod:

kakulangan ng tiwala sa sarili

labis na takot
Mga Epekto
sa Kalusugan
ng depresyon
Alalahaning
Mental,
Emosyonal dahilan ng pagkasira ng buhay
at Sosyal
humahantong sa pagpapakamatay

mababang pagpapahalaga sa sarili

Isaisip
A .Panuto: Isulat sa patlang ang mga alalahaning mental, emosyonal at sosyal.

1._______________ 4._______________
Mga
Alalahaning
Mental,
2._______________ Emosyonal 5._______________
at Sosyal

3._______________ 6._______________
___
11
B.Panuto: Isulat sa patlang ang mga epekto sa kalusugan ng alalahaning
mental, emosyonal at sosyal.

1._________________
_
Mga Epekto 2._________________
sa Kalusugan _
ng
3._________________
Alalahaning
Mental, _
Emosyonal 4.__________________
at Sosyal
5._________________

6.________________
__

Isagawa
Panuto: Pagtambalin ang mga sitwasyon na nasa hanay A sa mga
alalahaning mental, emosyonal at sosyal na nasa hanay B.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

A B
________1.Masayang nagbibiruan ang A. panunukso
magkaibigan na Jack at Rose nang
bigla na lamang nagalit si Rose at B. pang-aabuso
umalis.
C. paghahari-harian o
________2.Si Lelia ay palaging nakakakuha ng pambubulas
mababang marka sa pasulit kung
kaya’t palagi siyang sinasampal at D. pagkamasumpungin
pinipingot ng kanyang nanay.
E. pagkabalisa sa
________3.Ang kapitbahay ni Darwin ay pakikisalamuha
nagpopost sa facebook ng mga hindi
kanais-nais na salita tungkol sa kanya. F. panliligalig

________4.Sa tuwing na papaligiran ng maraming


tao si Trisha ay nakakaranas ito ng
labis na takot at kakulangan sa tiwala
sa sarili.

________5.Pinagtatawan si Alex ng mga kalaro


dahil sa biglaang pagtaas ng kanyang
timbang noong nagdaang bakasyon.

12
Pagyamanin
Panuto: Alamin kung anong alalahanin ang tinutukoy. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang iyong sagot.

cyber bullying panunukso pakabalisa

pagkamasumpungin panliligalig

________________1. Ito ay ang paninirang puri at emosyon gamit ang internet at


iba pang teknolohiya.
________________2. Ito ay tumutukoy sa mga taong labis ang pagkatakot sa
pakikisalamuha sa ibang tao.
________________3. Ito ay ang pabago-bago ng emosyon, minsan sobra ang
kasiyahan at minsan naman ay labis na kalungkutan.
________________4. Ang isang tao ay pinagtawanan at pinipintasan sa paraan na
maaaring magdulot ng kasiyahan, sakit, o sama ng loob at
nagbibigay ng aral o leksiyon na nakapagbabago sa maling
asal o gawi.
________________5. Ito ay mga gawaing sinasadya upang saktan ang damdamin
ng isang tao at paulit-ulit na ginagawa sa loob at labas ng
paaralan.

PAGHADHALANG AT
Aralin PANGANGASIWA SA MGA
5 ALALAHANING MENTAL,
EMOSYONAL AT SOSYAL

Alamin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. naipapamalas ang kakayahang masupil at pamahalaan ang bullying,
panunukso, harassment at pang-aabuso;
2. natutukoy ang mga tao at bagay-bagay na maaaring makatulong sa mga
alalahaning mental, emosyonal at sosyal.

13
Balikan
Panuto: Ano-ano ang mga alalahaning mental, emosyonal at sosyal ang
pinapakita sa larawan? Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Ibigay mo sa akin
ang baon mo!
Kung hindi
susuntukin kita!

. 1 2

_______________________ _______________________

Wala kang
kwenta!
Sana hindi ka
nalang
ipinanganak!

3 4

_______________________ _______________________

Tuklasin/Suriin
Lampang payatot!
Lampang
Payatot! Ha!Ha!Ha!
payatot!
Payatot!
Ha!Ha!Ha!

Eh Ano ngayon kung Isusumbong ko


payatot at lampa! kayo sa tatay ko.
Apektado ba kayo? Hu-hu-hu!

Alin sa dalawang sitwasyon ang dapat gawin ng mga batang tinutukso? Bakit?
Bakit may mga batang mahilig manukso at maghari-harian?

14
Dapat bang gayahin ang mga batang bullies o bida sa pambubulas?
Ang mga biktima ng mga panunukso o pambubulas ay ang mga batang mahina,
hindi marunong lumaban, laging nag-iisa, at iilan lang ang kaibigan o minsan ay wala
pa. Ang mga mahilig manukso o mahilig sa pambubulas ay kalimitang mga batang
kulang sa pansin o may problema sa pamamahay nila.
May mga kasanayan na dapat matutunan para maiwasan o mahinto ang panunukso,
pambubulas, at pang-aabuso. Ano-ano ang mga ito?

Mga Kasanayan na Dapat Matutunan upang Maiwasan at Hindi


Maranasan ang Panunukso, Pambubulas at Pang-aabuso.
1. Komunikasyon at Pakikipag-usap(Communication)
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagdala at pagtanggap ng
mensahe na maaring pasalita o pakilos sa mga taong kausap. Ito ay isa sa
mabisang kasanayan upang masugpo o mapamahalaan ang mga alalahaning
mental, emosyonal at sosyal.
2. Pagpapahayag ng nararamdaman (Assertiveness)
Ito ay pagpapahayag ng sariling karapatan, ninananis sa buhay at
pagpapahalaga sa karapatan o pananaw sa kapwa-tao. Ito rin ay pakikinig sa
pahayag ng iba at pagsasabi ng pagsangayon o hindi pagsang-ayon hingil sa
napakinggan.
3. Pansariling Pamamahala (Self-management)
Ito ay kasanayan na nagpapakita kung paano hawakan o kontrolin ang
sariling emosyon sa harapan ng bata o matatandang mahilig manukso o
mambulas. Ito rin ay pagpapakita ng katatagan ng loob at pagpapahalaga sa
sarili.
4. Pagpapasya o Paggawa ng Desisyon (Decision-making)

Ito ay kasanayan na maaring matutuhan o mapagsanayan. Ito ay


pagpaplano kung ano ang nakabubuti at dapat gawin. Magkaroon ng
matalinong pagpapasya o desisyon. Dapat pinag-iisipan ng mabuti ang
magiging kahihinatnan ng ating mga ikikilos o isasagawang desisyon.

Ano-ano ang mga kasanayan na dapat matutunan upang


maiwasan at hindi maranasan ang panunukso,
pambubulas at pang-aabuso ?

Sino-sino ang mga dapat lapitan o hingan ng tulong kapag nakararanas ng


panunukso, pambubulas o pang-aabuso?
magulang social worker
Mga Dapat Puntahan o
guro Lapitan sa Oras pulis

doktor ng Pangangailangang guidance counselor

Mental, Emosyonal security guard ng


nakatatandang paaralan
kapatid o kaklase at Sosyal
punong guro baranggay tanod
(principal)

15
Isaisip
Ano-ano ang mga kasanayan na dapat matutunan upang maiwasan ang panunukso,
pambubulas o pang-aabuso?

KOMUNIKASYON Mga PANSARILING


O PAKIKIPAG-USAP Kasanayan na PAMAMAHALA
Dapat Matutunan upang
Maiwasan ang
panunukso,
PAGPAPAHAYAG NG pambubulas PAGGAWA NG
NARARAMDAMAN o pang-aabuso DESISYON

Isagawa
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung anong paraan ng pag-iwas sa
panunukso, pambubulas at pag-aabuso ang ipinapakita. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang.
A. Komunikasyon
B. Pagpapahayag ng nararamdaman
C. Pagpapasya o paggawa ng desisyon
D. Pansariling pamamahala
_______1. Napipikon na si Hannah sa panunukso sa kaniya ng mga kalaro dahil sa
biglang pagtaas ng kaniyang timbang noon bakasyon. Ngunit imbes na
sumagot ay kinatuwa na lamang ito. Kalaunan ay tumigil na rin ang mga
kalaro.
_______2. Salamat at nakahanap ako ng paraang makausap at kaibiganin sila
Benny at Karl. Simula noon, Tumigil na sila sa pang-iinis sa akin.
_______3. Hindi tumitigil sa pambubulas ang ilang sa mga kamag-aral ni Alice,
kaya nagsabi ito sa punong-guro at sa magulang.
_______4. “Hindi mo dapat pagtawanan ang isang taong may kapansanan. Hindi
tayo naka hihigit sa kaniya at lalong hindi sukatan ng pagkatao ang
pagkakaroon ng kapansanan. Ako ang nangliliit sa iyong pag-uugali.”
Paalala ni Erwin sa batang kapatid.
_______5. Sa tuwing tinutukso si Noel tungkol sa kulay ng kanyang balat ay
nginingitian lamang niya ang mga nanunukso at nagkukunwaring hindi
siya apektado.

16
Pagyamanin
Panuto: Kilalanin ang mga taong inilalarawan sa bawat numero na maaari mong
lapitan sa oras ng pangangailangang mental, emosyonal at sosyal.
_______________ 1. Sila ang nagpalaki, nag-alaga at nagbigay ng pagmamahal sa
atin.
_______________ 2. Siya ay tinuturing na ating pangalawang magulang sa
paaralan.
_______________ 3. Siya ang ating pinupuntahan kapag tayo ay may sakit.
_______________ 4. Sila ang nagpapatupad ng batas at nagpapanaliti sa kaayusan
at kapayapaan sa isang lugar.
_______________ 5. Sila ay tumutulong sa paggabay ng mga mag-aaral at
nakikinig sa kanilang mga suliranin.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa sagutang papel. (Huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan,
grade level, pangat o section at bilang ng modyul).
1. Alin ang katangian ng malusog na relasyon?
A. walang tiwala sa isa’t isa C. palaging nag-aaway
B. walang pagkakaunawaan D. may pagkakaintindihan
2. Ito ay ang paninirang puri at emosyon gamit ang internet at ibang makabagong
teknolohiya.
A. cyber bullying C. mood swings
B. harassment D. social anxiety
3. Ang mga sumusunod ay mga taong maaari mong lapitan sa oras ng
pangangailang mental, emosyonal at sosyal maliban sa isa?
A. guidance counselor C. magulang
B. guro D. taong may kakulangan sa pag-iisip
4. Ang mga sumusunod ay ang mga epekto ng alalahaning mental, emosyonal at
sosyal maliban sa isa?
A. depresyon
B. kawalan ng tiwala sa sarili
C. kawalan ng interes sa pag-aaral
D. nananatiling positibo ang pananaw sa buhay
5. Sino sa mga magkapatid ang may malusog na relasyon?
A. Si Dina at Nilo ay palaging nag-aaway sa harap ng hapagkainan.
B. Si Oscar at Olive ay hindi nagpapansinan at hindi nag-uusap.
C. Si Rita at Alex ay nagtutulungan sa paggawa ng kanilang takdang
aralin.
D. Si Norman at Bert ay nagsusuntukan sa tuwing sila ay may hindi
pagkakaunawaan.

17
6. Alin sa sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng malusog na relasyon?
A. kawalan ng tiwala sa sarili
B. nagdudulot ng kalungkutan
C. nagpapahirap sa buhay ng tao
D. Maiiwasan ang sakit sa pag-iisip at iba pang karamdaman sa katawan
na dulot ng stress.
7. Sino sa mga batang ito ang nagpapakita ng tamang pakikitungo sa kapwa tao?
A. Si Ferry at ang kanyang kaibigan ay may di pagkakaunawaan kung kaya’t
nagkakalat siya ng masamang kwento tungkol sa kanyang kaibigan.
B. Ang mga magulang ni Willy ay abala sa trabaho kaya naman gumagawa
siya ng gulo sa paaralan para mapansin ng mga ito.
C. Inilihim ni Carmen sa kanyang mga magulang ang panunukso sa kanya
sa paaralan.
D. Nakikinig sa payo ng mga magulang si Danica.

8.-10. Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?


8. May kapatid kang nagtatago sa tuwing may darating na bisita. Ayaw din niyang
makipag-usap. Gusto niyang palagi mapag-isa.Paano mo siya tutulungan?
A. Pagtawanan siya sa kanyang inaasal.
B. Pabayaan lamang siya sa kanyang ipinapakitang pag-uugali.
C. Pagalitan siya at pagsabihan na dapat siyang makipagsalamuha sa mga
bisita.
D. Kausapin ng mahinahon ang kapatid at ipapangako na sasamahan ito
hanggang sa umalis ang mga bisita.
9. Palagi kang inaabangan ng kapitbahay mong si Ronnie sa iyong pag-uwi at
hinihingan ka ng pera. Nagbanta itong bugbugin ka kapag hindi mo ibibigay ang
kanyang hinihingi.
A. Makikipagsuntukan ako kay Ronnie.
B. Lalaitin at pagsasalitaan ng masama si Ronnie.
C. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng aking pera para hindi na niya ako
guguluhin.
D. Tatakbo at iiwasan si Ronnie. Ipapaalam ko sa aking mga magulang
ang nangyari.
10. May kaibigan kang may suliranin sa kanilang tahanan. Sinasabi ng kaibigan mo
na gusto na niyang umalis sa kanilang tahanan dahil madalas na nag-aaway ang
kanyang mga magulang. Anong payo ang ibibigay mo sa kanya?
A. Gumamit ng bawal na gamot upang malimutan ang problema.
B. Imbitahan siyang tumira muna sa aming bahay.
C. Papayuhan siya na ipagpatuloy ang kanyang plano kung iyon ang sa
tingin niyang nararapat gawin.
D. Kakausapin ko siya at sasabihin na dapat ay isipin muna niyang mabuti
kung ano ang kahihinatnan ng kanyang gagawin.

18
19
ARALIN 3 ARALIN 3 ARALIN 3
(BALIKAN) (TUKLASIN/SURIIN) (ISAGAWA)
1. KM 1. MAGKAPAMILYA 1. TAMA
2. KE 2. MAGKAKLASE 2. TAMA
3. KS 3. MAGKAIBIGAN 3. TAMA
4.KE 4.MAGKAPITBAHAY 4. MALI
5. KM 5. MALI
ARALIN 4 ARALIN 4 (ISAISIP) A ARALIN 4 (ISAISIP) B
(BALIKAN) 1. PAMBUBULAS 1. kawalan ng tiwala sa sarili
1. MALUSOG 2. PANLILIGALI 2. labis na takot
2. HINDI MALUSOG 3. PAGKABALISA 3. depresyon
3. HINDI MALUSOG 4. PANUNUKSO 4. dahilan ng pagkasira ng
4. MALUSOG 5. PANG-AABUSO buhay
5. MALUSOG 6. PAGKAMASUMPUNGIN 5. humahantong sa
pagpapakamatay
6. mababang pagpapahalaga
sa aarili
ARALIN 4 (ISAGAWA) ARALIN 4 (PAGYAMANIN)
1. D. 1. CYBERBULLYING
2. B. 2. PAGKABALISA
3. C. 3. PAGKAMASUMPUNGIN
4. E 4. PANUNUKSO
5. A. 5. PANLILIGALIG
Susi sa Pagwawasto
20
ARALIN 5 (BALIKAN)
1. PANUNUKSO
2. PANLILIGALIG
3. PANG-AABUSO/PANG-AABUSONG EMOSYONAL
5. CYBERBULLYING
ARALIN 5
(ISAGAWA) ARALIN 5 (PAGYAMANIN)
1. D 1. MAGULANG
2. A 2. GURO
3. C 3. DOKTOR
4. B 4. PULIS/BARANGGAY TANOD
5. D 5. GUIDANCE COUNSELOR
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Main Reference:

Mamorno, Miaga et.al, 2016.Dazzle Shining brightly in Music, Arts, Physical Education and
Health 5p.197-217, Innovative Educational Materials, Inc.
Gatchalian, Ramos et.al.2016. Masigla at Malusog na katawan at Isipan 5 (Batayang Aklat)
p.126-145, Vibal Group Inc.
Gatchalian, Ramos et.al.2016. Masigla at Malusog na katawan at Isipan 5 (Manwal ng Guro)
p.59-71, Vibal Group Inc.

Internet Sources:
Retrieved from:https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-
health-q1q4, Retrieved on: August 5, 2020

21
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education-Cebu City Division,


Curriculum Implementation Division

3rd Floor, DepEd Bldg., Imus Avenue, Cebu City, Philippines 6000

Telefax:(632) (032)255-1516

Email Address: cebu.city@deped.gov.ph

You might also like