You are on page 1of 13

Pagbabagong Pisikal sa

Panahon ng Pagdadalaga at
Pagbibinata
Ang isang yugto ng buhay na may
maraming nagaganap na pagbabago ay ang
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o ang
puberty stage. Ito’y mula 10-16 na taong
gulang.
Ang mga nagaganap na pagbabago ay nagsisimulang
mapansin sa kaanyuan, pangangatawan, at pagkilos.
Ito ang panahon na dapat makita at makilala ng
iba’t ibang bahagi ng katawan upang lubusang
mapahalagahan at maunawaan ang mga ito. Isang
normal na pangyayari sa nagdadalaga o nagbibinata
na maramdaman ang iba’t ibang pagbabago na di
dapat ikahiya. Kailangang unawain ng may sariling
katawan at mga kaanak ang mga pagbabagong
nagaganap upang mapagtulungang subaybayan at
nang mapalawak at mapaunlad ang isipan at
damdamin sa panahong ito ng pagbabago.
•  
Mga Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata
 

May mga pagbabagong nagaganap sa isang


bata sa panahon ng puberty stage. Ito’y sanhi
ng kaniyang pituitary gland na naghuhdyat sa
ibang bahagi ng katawan na may kinalaman sa
kasarian. Ang glandulang ito ay tumutulong sa
paglaki ng katawan at pag-unlad ng kaisipan.
Pagsulong ng Taas at Bigat
Sa panahong ito, ang isang normal at malusog na
batang lalaki ay tumatangkad ng 7 hanggang 12
sentimetro at ang babae naman mula 6 hanggang
11 sentimetro. Ang biglang paglaki ay unang
mapapansin sa mga babae kaysa sa mga lalaki lalo
na kung nagkaroon na ng regla sa maagang
panahon. Ang mga lalaki ay mabilis na tumatangkad
matapos matuli. Sa gulang na 14 hanggang 19 ay
mabilis na hahabol ng taas at timbang ang mga
lalaki sa mga kasinggulang na babae.
Pagbabago sa Sukat ng Katawan

Dahil sa pagsulong ng taas at timbang, ang


mga bahagi ng katawan ay nagkakroon din ng
mabilis na pagbabago tulad ng paglawak ng
balikat at dibdib ng lalaki. Sa mga babae naman
ay ang pag-umbok ng dibdib at paglapad ng
balakang. Ang pag-unlad ng kalamnan ng lalaki ay
nagdudulot sa kanila ng higit na lakas at
kakayahang gumawa ng mabibigat na gawain.
Ito rin ang sanhi ng kanilang pagiging mahilig sa
mga larong pampalakasan na nagpapaunlad
ng isipan at lakas ng katawan. Ang mga
kababaihan naman ay nagiging maingat sa
paglaki ng katawan upang mapanglagaan ang
wastong sukat at timbang.
Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian

Ginigising ng pituitary gland ang iba’t ibang


bahaging pangkasarian ng isang nagbibinata o
nagdadalaga upang masimulang gampanan
ang mga tungkulin sa pagsulong ng
pangkasariang ganap.
Sa panahong ito ay nagkakaroon ng
buwanang daloy o pagreregla at
nagsisimulang magkahugis ang dibdib ng
babae. Bukod dito ay lumalapad ang
balakang, tumutubo ang balahibo sa kilikili at
ibabaw ng ari sa mga kababaihan, ito’y hudyat
na malapit na ang buwanang daloy o
pagreregla. Nagiging makinis at malambot ang
kutis ng nagdadalaga dahil lumalabas ang
maruming dugo sa katawan sa pamamagitan
ng pagreregla.
Ang mga lalaki naman ay tinutubuan ng
bigote at mga balahibo sa binti, dibdib at sa
maselang na bahagi ng katawan. Lumalabas
na rin ang laalgukan o adam’s apple ng lalaki
at nagbabago ang boses na kung minsan ay
bumababa o pumipiyok. Bahagya ring
lumalaki ang dibdib at lumalapad ang balikat,
ngunit kumikitid ang balakang ng nagbibinata.
May pagbabago ring mararanasan ang isang
nagdadalaga at nagbibinata tulad ng pagtubo
ng taghiyawat sa mukha, leeg, balikat, likod at
dibdib. Ito ay sanhi ng pagiging aktibo ng oil
glands. Mararanasan din nila ang labis na
pagpapawis, ito naman ay sanhi ng pagiging
aktibo ng sweat glands dahil sa pagbabago ng
hormons ng katawan. Kaya nagkakaroon ng
kakaibang amoy ang katawan.
Tandaan
Normal sa isang bata ang magkaroon ng
mga pagbabago sa sarili sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga. Ang mga
pagbabagong ito ay palatandaan ng pag-unlad
o pagkahubog ng kasarian. Kailanganang
pahalagahan at pangalagaan nang wasto ang
sarili sa panahong ito.
Sagutin ang Gawin natin sa pahina 7
Piliin ang tamang sagot.
•adam’s apple •pagreregla •sweat gland
•mabilis •pituitary gland
1. Ang _______________________ ay naghuhudyat ng may
kinalaman sa kasarian ng pag-unlad ng katawan at kaisipan
ng mga nagdadalaga at nagbibinata. 
2. Mas _______________________ tumangkad ang mga
babae kaysa lalaki sa panahon ng puberty.
3. Ang _______________________ ay buwanang daloy ng
dugo sa babae.
4. Ang _______________________ ay lumalabas sa lalaki at
nagbabago ang boses.
5. Ang _______________________ ay sanhi ng labis na
pagpapawis.

You might also like