You are on page 1of 7

Sawikain o Idyoma

Sawikain o Idyoma
Ang sawikain o tinatawag rin na idyoma
ay nagtataglay ng mga diwang naiiba sa
literal nitong kahulugan.

Ang idyoma ay isang matalinhagang


pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito
sa komposisyonal na paliwanag ng isang
ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na
hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
Halimbawa
 Abot-tanaw : Naaabot ng tingin
Abot-tanaw ko na ang bayan ng Echague. 

 Asal hayop: Masama ang ugali


Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung taong asal
hayop.

 Balat-sibuyas: maramdamin o sobrang sensitibo ang


damdamin
Noon pa man ay balat-sibuyas na iyang si Angge kaya
piliin mo lamang ang mga sasabihin mo sa kanya.
 Butas ang bulsa: Walang pera
Mahirap talaga kapag butas ang bulsa.
 
 Haligi ng tahanan: Ama o Tatay
Responsable at mapagmahal ang aming haligi
ng tahanan.
 
 Isang kahig, isang tuka: Nabubuhay sa hirap
Dati kaming isang kahig, isang tuka.

 Kabiyak ng dibdib: Asawa


Si Alyana ang kabiyak ng dibdib ni Cardo.
 Kumukulo ang sikmura: Nagugutom
Kumukulo ang sikmura ko kanina pa.

 Laylay ang balikat: Bigong-bigo


Lapansin ni Aling Judy na laylay ang balikat
ng kanyang anak kaya agad niya itong
kinausap ng masinsinan.
 Sagutin ang gawain 1 (1-10) pahina 16
 Sagutin ang gawain 2 pahina 17.

You might also like