You are on page 1of 9

MGA SAWIKAIN

HALIMBAWA KAHULUGAN
Bukas ang Palad Matulungin
Amoy Pinipig Mabango
Kabiyak ng Dibdib Asawa
Butas ang bulsa Walang pera

Abot-tanaw Naaabot ng tingin

Agaw-buhay Naghihingalo; malapit nang


mamatay; muntik nang maputulan
ng hininga

Agaw-dilim Malapit nang gumabi

Lantang Gulay Sobrang pagod

Ahas Taksil, traydor

Alilang-kanin Utusang walang bayad, pakain lang,


pabahay at pakain ngunit walang
suweldo.

Nagsusunog ng Kilay Masipag mag-aral

Bahag ang buntot Duwag

Balat kalabaw mahina ang pakiramdam, di agad


tinatablan ng hiya
Makapal ang Palad
Masipag

Kilos Pagong Mabagal


Mapurol ang Utak Hindi matalino
Bantay-salakay Hindi mapagkakatiwalaan

Basa ang papel Bistado na

Bukal sa loob Taos puso

Guhit ng tadhana Itinakdang kapalaran


MGA SAWIKAIN Talusira
Kahulugan: Madaling magbago
Halang ang kaluluwa
Kahulugan: Masamang tao Tatlo ang mata
Kahulugan: Maraming nakikita,
Hawak sa leeg mapaghanap ng mali
Kahulugan: Sunud-sunuran

Sukat ang bulsa


Itim na tupa Kahulugan: Marunong gumamit ng
Kahulugan: Masamang anak pera; marunong mamahala ng ari-
arian o kayamanan
Isang kahig, isang tuka
Kahulugan: Nabubuhay sa hirap Namuti ang mata
Kahulugan: Nainip sa kahihintay,
matagal nang naghihintay
Kaututang dila
Kahulugan: Katsismisan
Nagbukas ng dibdib
Kahulugan: Nagtapat na nais
Kidlat sa bilis pakasalan ang kasintahan
Kahulugan: Napakabilis

May krus ang dila


Lantang gulay Kahulugan: Taong may alam sa kung
Kahulugan: Halos hindi na maigalaw ano ang mangyayari sa hinaharap

ang katawan sa sobrang pagod


May magandang hinaharap
Kahulugan: May magandang
Lumagay sa tahimik kinabukasan
Kahulugan: Magpakasal  
Matalas ang dila
Kahulugan: Masakit mangusap

Magdilang-anghel
Kahulugan: Magkatotoo sana Alsa balutan
Kahulugan: Naglayas

Magaan ang dugo


Anghel ng tahanan
Kahulugan: Madaling makapalagayan
Kahulugan: Maliit na bata
ng loob
MGA SAWIKAIN
Bakas ng kahapon Kahulugan: Nakaraan, alaala ng kahapon

Balat kalabaw Kahulugan: mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya

Balat-sibuyas Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin

Balik-harap Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran

Balitang kutsero Kahulugan: Maling balita, hindi totoong balita

Bantay-salakay Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan

Bukang liwayway Kahulugan: Malapit nang mag-umaga

Bukas ang isip Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa

Bukas na kaban Kahulugan: Mapagkawanggawa

Bulaklak ng dila Kahulugan: Pagpapalabis sa katotohanan

Bulaklak ng lipunan Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan

Dalawa ang bibi Kahulugan: Mabunganga, madaldal

Dalawa ang mukha Kahulugan: Taksil, balik-harap

Dapit-hapon Kahulugan: Malapit ng dumapo ang hapon

Di mahapayang gating Kahulugan: Sobrang yabang

Di makabasag-pinggan Kahulugan: Mahinhin

Malamig ang ulo Kahulugan: Maganda ang “mood”, nasa magandang kondisyon ang

pakiramdam.

Malapad ang papel Kahulugan: Maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong

Malawak ang isip Kahulugan: Madaling umunawa, maraming nalalaman

Malikot ang kamay Kahulugan: Kumukuha ng hindi kanya, kawatan, magnanakaw

Manipis ang mukha Kahulugan: Mahiyain

Mapait na lunukin Kahulugan: Kahiya-hiyang pagkabigo

Pangarap
“Inay! Inay! Hingal na hingal sa pagtakbo habang tinatawag ni Loisa ang
kaniyang ina. “Naku! Anak, dahan-dahan ka naman sa pagsigaw at pagtakbo. Ano
ang nangyari sa iyo at parang masayang-masaya ka ngayon,” tanong ng kaniyang
ina. “Nanay, saan po si tatay?” tanong ni Loisa sa ina. “Ewan ko, baka nasa
kusina,” sagot ng nanay na may pag-aalinlangan. “Inay, alam mo, nakakuha ako
ngayon ng mataas na marka sa aming pagsusulit, kaya natuwa ang aking guro sa
akin,” tuwang-tuwang balita ni Loisa sa kaniyang ina. “Salamat anak, masipag at
masunurin kang bata sa iyong pag- aaral, sana huwag mo kaming biguin ng iyong
ama,” paalala ng ina kay Loisa. Biglang niyakap ni Loisa ang ina. “Maraming
salamat din po sa inyo ni itay, inay, gagalingan ko pa po ang aking pag-aaral.
Gusto ko rin na makatapos ng pag-aaral at makamit ang aking ninanais na kurso,
makapagtrabaho, at makatulong na rin sa inyo ni itay. Palagi ko pong
pinapanalangin sa Panginoon na maabot ko ang aking pangarap. Ito ang buhay ni
Loisa punong-puno ng pag-asa dahil na rin sa tulong at gabay ng kaniyang mga
magulang.

1. Sino ang hinahanap ni Loisa sa ina?


Ang hinahanap ni Loisa sa ina ay ang kaniyang itay.

2. Ano ang magandang balita na dala ni Loisa?


Ang magandang balita na dala ni Loisa sa ina ay ang pagkakuha niya ng mataas na marka
sa pagsusulit.

3. Ayon sa ina, nasaan ang tatay ni Loisa?


Nasa kusina ang itay mo.

4. Kailan nag-usap sina Loisa at ang kaniyang ina?


Pag-uwi niya ng hapon pagkatapos ng klase.

5. Bakit kailangang maabot ni Luisa ang kaniyang pangarap?


Gusto ni Loisa na makatapos ng pag-aaral, makatrabaho, at makatulong sa pamilya.

6. Kung ikaw si Loisa, gagayahin mo rin ba siya? Paano?


Opo, dahil sa kaniyang pangarap nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral at nagsilbing
inspirasyon sa kaniyang adhikain.
ANG PINAKAHIHINTAY KONG PASUKAN
Mainit at mahaba ang bakasyong ito sa tag-init para sa aming magkakapatid. Hindi kasi kami
nakapamasyal at nanatili lang kami sa bahay. Wala kaming badyet para sa pamamasyal sa ibang lugar
kaya nagkasya na lamang kami sa paglalaro sa palaruan, pagpapalipad ng saranggola sa mga hapong
mahangin, at sa walang katapusang panonood ng telebisyon sa bahay. “Sana pasukan na,” ang madalas ko
tuloy maibulong sa sarili. Sabik na akong pumasok dahil naiinip na ako sa bahay. “Dalawang linggo na
lang at pasukan na,” ang sabi ni Nanay isang Linggo ng umaga. “Wow! Pasukan na!” halos sabay-sabay
naming sigawang magkakapatid. “Bili nap o tayo ng mga gamit sa paaralan, ‘Nay!” Lumungkot ang
mukha ni Nanay. “Mga anak, tila hindi pa tayo pwedeng bumili aggad. Nagamit na natin ang perang
naipon naming ng tatay n’yo para ipambayad sa tuition fee noong ipa-enrol ko kayo at ipinambili rin ng
mga aklat n’yo. Hintayin muna natin ang susunod na padala ng tatay n’yo at saka na tayo bibili ng mga
gamit ha,” ang sabi ni Nanay. “‘Nay, hindi nap o tayo bibili ng bag. Pwede pa po ang bag ko. Kaunting
linis lang po at magagamit na ito,” sabi ng panganay na kapatid kong si ate Gina. “Ako naman po ay hindi
na bibili ng mga lapis at krayola, ‘Nay. Tatasahan na lang po natin ang mga pudpod na,” sabi naman ng
bunso naming si Nica. Hindi agad ako nakakibo. Sa totoo lang ay gusto ko sanang maging bago lahat ang
gamit ko ngayong pasukan. Kaya lang naiintindihan ko si Nanay. Makatutulong nang Malaki sa aming
badyet kung gagamitin pa naming ang mga lumang gamit naming pwede pa. “‘Nay, huwag nap o tayong
bumili ng mga plastic envelope. Pwede pa po ang mga dati ko at saka ito rin pong ruler ko ay maayos pa.
Marami pa rin po akong natirang malilinis na pahina ng notebook. Pwede nating pagsama-samhin at
tahini sa gilid para magamit uli,” sabi ko kay Nanay. “Naku, ang babait naman ng mga anak ko. Salamat
at naiitindihan n’yo ang sitwasyon natin,” ang sabi ng nanay habang masuyong inaakbayan kaming
tatlong anak. “Tela na lang ang bibilhin natin para makapagpatahi ng bagong uniporme n’yo. Lumaki na
kasi kayo kaya hindi na kasya ang mga dati,” dugtong pa ni Nanay. “‘Nay, nakatutulong din po tayo sa
kalikasan kung gagamitin uli natin ang mga gamit na pwede pa,” sabi uli ni Ate Gina. “Tama ka, Gina.
Bago natin itapon ang anumang baga na itinuturing na nating basura ay dapat nating tandaan ang 3R’s o
‘Reduce, Reuse, Recycle’ para sa ikabubuti ng kapaligiran,” paliwanag naman ni Nanay.

“At mga anak, ang pinakamabuting epekto nito’y makapagtitipid tayo. Gusto nating makaipon para
pagbalik ng Tatay n’yo mula sa ibang bansa ay hindi na niya kailangang muling umalis. Pag nakaipon
tayo, pwede na niyang itayo ang pinapangarap niyang talyer,” dagdag ni Nanay. “‘Nay, sama kami riyan!
Gustong-gusto nap o naming makasama nang permanente si Tatay!” sabay-sabay na sabi naming tatlo.
Napangiti si Nanay, “Napakapalad talaga namin sa pagkakaroon ng mabubuti at mababait na mga anak,”
ang kanyang nasabi

1. Bakit hindi nakapamasyal ang magkakapatid nang tag-init na iyon?


Wala silang badyet para sa pamamasyal sa ibang lugar

2. Sa paanong paraan nila pinalipas ang bakasyon?


Nagpasya na lamang sila sa paglalaro sa palaruan, pagpapalipad ng saranggola sa mga hapong mahangin,
at sa walang katapusang panonood ng telebisyon sa bahay.

3. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, paano mo magagawang kapaki- pakinabang ang iyong
bakasyon kahit kayo ay kapos?
Tutulong ako sa gawaing bahay, magbabasa o mag-aaral ng bagong skills o hobbies at magbobonding sa
aking pamilya.

4. Ano ang mensahe ng akda? Mahalaga ba ito para sa iyo, bakit? Sa paanong paraan mo ito
misasabuhay?
Ang pagpapanitiling malinis ang kalikasan at pagtuto tungkol sa sustainable environment.Opo, ito ay
mahalaga sa akin. Maisasabuhay koi to sa paraang pagsunod din sa 3r’s at pagtuturo nito sa iba.
Ang bansang Pilipinas ay madalas dalawin ng bagyo. Hindi natin ito maiwasan ngunit ang tindi ng epekto
nito ay maaari nating mabawasan.

Bb. Noble: Sa kasalukuyan nagpapabago-bago na ang ating panahon, dulot ito ng climate change. Ang
climate change ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAGASA) ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit
ng mundo. Naghahatid ang climate change ng iba’t ibang sakuna gaya ng heat wave, pagbaha, o tagtuyot.
Mga bata, may mga epektong dulot ang climate change sa ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.

Kokoy: Ano-ano po ba ang dapat gawin upang makatulong kaming malutas ang suliraning ito?

Bb. Noble: Kaugnay ng iyong katanungan, may ipakikilala akong isang dalubhasa sa larangang ito. Siya
si Dr. Nucio. Pakinggan ninyong mabuti ang kaniyang ibabahagi.

Dr. Nucio: Salamat, Bb. Noble. Mga bata, makatutulong tayo sa suliraning ito kung marunong tayong
magtanim ng mga puno sa ating mga bakuran, iwasan din nating ang pagsunog ng mga basura, at ugaliing
ireseklo ang mga kagamitang sa tingin natin puwede pang magamit muli. Ang lahat ng mamamayan ay
dapat na makialam na mabawasan ang problema tungkol sa climate change kaya halina’t kumilos at
magsagawa ng mga bagay na kaiga-igaya.

1. Sino-sino ang nag-uusap tungkol sa climate change?


Sina Bb. Noble, Dr. Nucio, at mga bata

2. Ano ang madalas na kalamidad na nararanasan sa Pilipinas?


Bagyo

3. Anong bansa ang madalas dalawin ng bagyo?


Pilipinas

4. Anong ahensiya ng gobyerno ang nanaliksik tungkol sa climate change?


Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

5. Kailan nagaganap ang climate change


Nagaganap ito kapag tumaas ang greenhouse gases na nagpapainit ng mundo.

6. Sa iyong pagkaunawa, ano ang climate change?


Ito ang dahilan kung bakit maraming bagyo sa ating bansa.

7. Ano-ano ang naging epekto ng climate change sa ating mundo?


Naghahatid ito ng sakuna na nakakaapekto sa ating kalusugan, kabuhayan, at kaligtasan.

8. Sino-sino ang dapat magtulungan para hindi na lumala pa ang problema sa climate change?
Mamamayan
GAWAING PAGGANAP 2

“Tayo nang umuwi.”

“Sandali lamang. Jo. Tingnan natin ang mga anunsiyo sa paskilan.”


“May gaganaping pagpupulong pala ang ating mga magulang sa darating
na Sabado. Pag-uusapan sa pulong ang tungkol sa darating na
pagtatapos ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang.”

“Oo nga, ipaaalam ko kay nanay para makadalo siya!”

“Ako rin ipapaalam ko rin kay nanay. Halika na! Umuwi na tayo.”

GAWAING PAGGANAP 4

Magandang Hapon po.


Itatanong ko lang sana kung
sa inyo po ang basurang
nakakalat?
Sa amin iyan. Inayosnamin
kahapon iyan ngunit sa tingin
ko’y kinalat ulit ng aso.

Ganoon po ba. Tutulungan po


kitang maglinis nito at para
maiwasan po natin ito ay maaari
niyo pong itapon ang inyong
mga basura sa waste bin na para
sa ating street. Sige. Maaraming Salamat sa
pagtulong at pagpapaalam
tungkol sa waste bin.
GAWAING PAGGANAP 2

Jayden: Kamusta ka na Royce?

Royce: Mabuti naman ako. Ikaw ba kamusta na?

Jayden: Okay rin ako kahit dito lang sa bahay palagi.

Royce: Matagal na nga tayong hindi nakakalabas dahil sa Covid-19 pero okay lang

iyan. Ang mahalaga ay ligtas at malusog tayong lahat.

Jayden: Ganyan diin ang iniisip ko. Sana nga ay matapos na itong pandemya para

makapagpasyal na ulit tayo sa mga malls at restaurants.

GAWAING PAGGANAP 4

Mag-aaral: Magandang araw po Gng.Liu. Kami po ay mga estudyante na nasa ika-anim na

baitang at nais mo sana naming humingi nagtulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Romy.

Gng.Liu: Paano naman ako makakatulong sa inyo?

Mag-aaral: Pwede po kayong mag donate ng mga lumang damit o magbigay ng pagkain o iba

pang mga essential needs nila kagaya po ng sabon, toothbrush, towels.

Gng.Liu: Sige. Iipunin ko lamang ang mga hindi na nagagamit na mga damit.

Mag-aaral: Maraming salamat po.


GAWAING PAGGANAP 2

Tony: Lei, natapos mo na ba itong gawain natin sa Filipino?

Lei: Hindi pa ako nakakagawa. Ikaw, nagawa mo na iyan?

Tony: Hindi rin. Hindi ko kasi alam kung paano ito gawin.

Lei: Ganyan din ang problem ko. Itanong na lang kaya natin kaya Gng. Yang?

Tony: Sige. Tanungin na lang natin siya para matapos na natin ang gawain.

GAWAING PAGGANAP 4

Callie: Hello. Pasensya po sa abala, napapansin ko ko pa kasi na hindi kayo nakasuot na inyong
mask at hindi rin nakasocial distancing.

Cristina: Okay lang naman yan. Magkakilala naman kami.

Mer: Magkaibigan naman kaming dalawa.

Callie: Okay lang naman po na mag-usap kayo pero dapat suot niyo pa rin ang facemasks niyo at
sundin din natin ang rule sa social distancing dahil para rin naman po sa kaligtasan niyo at nating
lahat iyon. Marami pong salamat.

You might also like