You are on page 1of 39

Matatalinghagang Pahayag

at Simbolismo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo

Gaano na ba kahalaga ang paggamit ng mga matatalinghagang pahayag?


Ito ba ay importante pa sa kasalukuyan? Ito ba’y makakaapekto sa
pakikipagtalastasan ng mga tao sa kanyang kapwa?
Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga
matatalinghagang salita o pahayag sa iyong kapwa. Isa sa mga dahilan ay:
1. Sa pakikipagtalastasan natin sa ating kapwa, ay nagbabahagi tayo ng kaalaman
sa mga bagay-bagay.

2. Nahuhubog nito ang intelektwal ng isang tao.


3. Mas mahuhubog ito kung gagamit tayo ng matatalinghagang salita o pahayag
sa ating kapwa upang magamit niya ang kanyang isip.
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo

Sa usaping pampanitikan napakahalaga ang mga pagpapahayag ng ideya


sa matalinghagang istilo sapagkat mas binibigyan nito ng kahusayan ang isang
akda kaya’t ito ay masasabing isang sining.
Gumagamit ang mga manunulat ng Idyoma, Tayutay at Alusyon at iba pa.
Narito ang mga istilo sa matalinghagang pagpapahayag upang mabigyan
ng mas makulay ang akda pasulat man o pasalita.
IDYOMA

Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Ang


matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.
Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Ang isang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal – sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di- tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Ang idyoma ay maaaring tumukoy sa:
1. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. Moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. Salawikain, mga kasabihan o kawikaan
 Sa pamamagitan ng
idyoma, nakikilala ang
yaman ng isang wika
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

1. Palagi na lang butas ang bulsa mo dahil


WALANG PERA
palagi kang nagsusugal.

2. Magaling ang aming ilaw ng tahanan


INA
pagdating sa pagluluto.

3. Alog na ng baba na kayo para magbuhat


MATANDA NA
ng mabigat.

4. Bakit ba bahag ang buntot mo?


DUWAG
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

5. Ang alimuom niyo naman po.


MABAHO

6. Ikuros mo sa noo mo na ako na ang


TANDAAN
bahala sa iyo.

7. Napakabukas-palad mo.
MATULUNGIN

8. Huwag mo akong ibaon sa hukay.


KALIMUTAN
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

9. Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang


pamangkin, si Ganiva ay isa palang ahas. TAKSIL O TRAYDOR

10. Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay


MAHIRAP
anak-dalita.

11. “Mga anak, huwag kayong masyadong maging


masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya UTUSANG WALANG BAYAD
ay alilang-kanin lang.

12. Huwag kayong mag-alala, hindi basta naniniwala


ang boss naming sa mga balitang-kutsero. BALITANG HINDI TOTOO
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

13. Mag-ingat sa mga taong balik-harap. MABUTI ANG PAKIKITUNGO


SA HARAP NGUNIT TAKSIL
Sila’y hindi magiging mabuting kaibigan.
SA LIKURAN
14. Sa alinmang uri ng samahan, may mga
TAONG NAGBABAIT-BAITAN
taong bantay-salakay.

15. Huwag ka nang magsinungaling pa. Basa na ang


papel mo sa ating punungguro na si Ginang Matutina. BISTADO NA

16. Maging masinop ka sa buhay. Mahirap ang magipit.


NAGPAPAUTANG NA MALAKI
Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong
magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
ANG TUBO
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

17. Wow! Parang di madapuang langaw si


MAGANDA ANG BIHIS
Terso sa suot nitong tuxedo.

18. Sa isang tahanan may pagkakataong isa o


dalawang anak ang nagiging itim na tupa. MASAMANG ANAK

19. Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. WALANG GAANONG


Tumanda na sa pagtatrabaho ang anak ni Mang Julio HALAGA/ HINDI GAANONG
ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita. MAIPAGMAMALAKI
20. Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni
Daniela kaya hindi nakakapagtaka kung si Daniela ay MAPERA
laging makapal ang bulsa.
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA

21. Makapal ang palad ni Romina kaya


MASIPAG
umunlad ang kanyang buhay.

22. Parang nakalutang sa ulap si Joshua dahil


sinagot na siya ng kanyang nililigawan. MASAYA

23. Malaking karangalan ang makausap


MARAMING NALALAMAN
ang taong malawak ang isip.

24. Masyadong mababaw ang luha ng


IYAKIN
aking kaibigan.
HALIMBAWA:

Kapilas ng Buhay asawa

Basag ang pula Luko-luko

Tuyo ang Papel Maganda ang imahe

Bahag ang buntot Duwag

Pusong bakal ‘Di marunong


magpatawad
HALIMBAWA:

1. Ayon sa sarbey ng NSO, parami ng parami ang mga


Pilipinong nagbibilang ng poste.

WALANG TRABAHO
HALIMBAWA:

2. Sa lungkot man o saya, sina Lani at Karen ay


magkahiramang suklay.

MATALIK NA
MAGKAIBIGAN
HALIMBAWA:

3. Ikinararangal si Jem ng kaniyang mga magulang dahil


nagsusunog siya ng kilay.

NAG-AARAL NANG MABUTI


HALIMBAWA:

4. Lumaki siyang anak-dalita subalit nakapagtapos siya ng


pag-aaral.

MAHIRAP
HALIMBAWA:

5. Mahuhuli na tayo sa pagpupulong kilos pagong ka kasi.

MABAGAL/MAKUPAD
GAWAING-UPUAN :

Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na nakatala sa ibaba. Isulat


ang iyong sagot sa inyong mga kuwaderno.

1. “Pag nagtanim ng hangin


Bagyo ang aanihin”

2. “Daig ng maagap
ang masipag”
3. “Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga”
4. “Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin”
5. “Madaling maging tao
Mahirap ang magpakatao”
6. “Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib”
7. “Ang binabait ng bata
Sa magulang nagmumula”

8. “Walang naninira sa bakal kundi ang sarili niyang


kalawang”
9.“Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib”

10. “Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon”

11. “Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa


gawa”
SIMBOLO

Mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan tulad


halimbawa ng tula ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.
Ngunit ang pagpapakahulugan ng mambabasa ay kailangang hindi malayo sa
tunay na intensyon ng makata sa kanyang tula.
Nasabi na sa unahan na isa sa mga nagpapaganda sa akdang binabasa ang
paggamit ng manunulat ng mga simbolo/imahe at pahiwatig. Pinag-iisip nito ang
mambabasa at dinadala sa mayamang mga imahinasyon.
Isa sa mga manunulat na gumamit nito ay si Amado V. Hernandez. Kinilala siya bilang
“Makata ng Manggagawa”. Isinilang siya noong Setyembre 13, 1903 sa Tondo at pumanaw
noong Marso 14, 1970. Bukod sa pagiging makata, isa rin siyang mamamahayag, unyonista, at
makabansa. Itinuring siyang higante ng Panitikang Pilipino. Ang kanyang hindi mapapantayang
pagmamahal sa bayan at sa uring manggagawa ay napatunayan nang ikinulong siya ng lima at
kalahating taon mula 1951 hanggang 1956. Pinawalang sala lang siya ng Korte Suprema noong
1964.
NARITO ANG ISANG TULA NIYA NA MAY
PAMAGAT NA “TINAPAY
TINAPAY
Ni Amado V. Hernandez

Siya’y nakakulong
na ilan nang taon,
tanikalang bakal mandin ng panahon
na sa kanyang buhay nagkabuhol-buhol.

Putol na tinapay
At santabong sabaw
sa nabuksang pinyo’y iniwan ng bantay,
Halos lahat sy sinaklot ng maruming kamay
Noong isusubo
Ng abang bilanggo,
Tinapay ay basa ng luhang tumulo,
Nasalang na bigla ang sugat ng puso

Naisip kung bakit


Siya napipiit:
Minsan ay nagnakaw ng sanlatang biskwit
Pagkat dumaraing ang bunsong may sakit.

Nagtangkang umiwas
Sa kamay ng bata,
At ang tumutugis ay kanyang inutas..
Di na nakabalik sa piling ng anak!

Nasayang ang buhay


Sa isang tinapay;
May tinapay siya ngayon araw-araw,
Subalit ang anak-sa gutom namatay!
MGA KATANUNGAN:

• Sa iyong palagay, bakit kaya ito ang naisip na pamagat ng makata? May nakikita
ka bang mas malalim na dahilan?

• Ano-ano ang pumapasok sa isipan mo nang mabasa mo ang pamagat ng tula na


“TINAPAY”?

• Ano-ano ang pumapasok sa isipan mo nang mabasa mo ang pamagat ng tula na


“TINAPAY”?
bata pagkain
kahirapan ng
almusal/ isang pamilya buhay
meryenda
HALIMBAWA:

PUTI SIMBOLO NG KALINISAN O KADALISAYAN

PULA SIMBOLO NG KATAPANGAN O KAGULUHAN

BABAE SA TULA SINISIMBOLO NITO ANG IMAHEN NG BANSANG


PILIPINAS

BUNDOK PAGSUBOK O PROBLEMA

PUNO KATATAGAN
HALIMBAWA:

MARUMING KAMAY SUMISIMBOLO SA NAGAWANG KASALANAN

TANIKALANG BAKAL SIMBOLO NG KAWALAN NG KALAYAAN

SUGAT NG PUSO SUMISIMBOLO SA PAGTITIIS AT MATINDING


PAGSUBOK

KALAPATI KAPAYAPAAN

SISA BALIW
Ngayong nakapagbigay ka na ng kahulugan sa mga simbolo ng ginamit ng
makata sa tula, nakita mo na ba ang mahalagang gampanin ng mga simbolo sa
isang akdang pampanitikan?
SUBUKIN NATIN:
Narito ang iba pang mga bagay na madalas ginagamit ng
mga manunulat sa kanilang mga akda. Alamin ang simbolo
ng mga ito kapag ginamit sa isang akda.
A B
1. silid-aklatan a. Mahirap na buhay
2. Ulan b. Kadiliman/kawalan ng pag-asa
3. Bulaklak c. Matigas ang loob
4. Kalapati d. Pagsubok/patibong
5. Ilaw e. Pagmamahal/pag-ibig
6. Bagyo f. Babae
7. Bato g. Karunungan/kaalaman
8. gabi h. Ina ng tahanan
9. Bukid i. Kasaganaan
10. Alamang j. Kalungkutan/kabiguan
k. Kalayaan
SUBUKIN NATIN:
Narito ang iba pang mga bagay na madalas ginagamit ng
mga manunulat sa kanilang mga akda. Alamin ang simbolo
ng mga ito kapag ginamit sa isang akda.
A B
1. silid-aklatan a. Mahirap na buhay
2. Ulan b. Kadiliman/kawalan ng pag-asa
3. Bulaklak c. Matigas ang loob
4. Kalapati d. Pagsubok/patibong
5. Ilaw e. Pagmamahal/pag-ibig
6. Bagyo f. Babae
7. Bato g. Karunungan/kaalaman
8. gabi h. Ina ng tahanan
9. Bukid i. Kasaganaan
10. Alamang j. Kalungkutan/kabiguan
k. Kalayaan
Ang Guryon
Ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Na yari sa patpat at papel de hapon Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Magandang laruang pula, puti’t asul, Makipaglaban ka, subalit tandaan
na may pangalan mong sa gitna naroon Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
Ang hiling ko lamang bago paliparin At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Ang dulo’t palo’y sukating magaling Kung saka-sakaling di na mapabalik
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Saka, pag humihip ang hangin, ilabas Ang buhay ay guryon; marupok, malikot,
At sa papawiri’y bayaang lumipad; Dagiti’t dumagit saan man masuot…
Datapwat ang pisi’y tibayan mo, anak O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
At baka lagutin ng hanging malakas Bago patuluyang sa lupa’y sumubsob.
Ano ang isinisimbolo ng mga sumusunod?

1. Munting guryon a. matulungin/mapakalinga


2. Papawirin b. Pagkakaroon ng pasensya/pagiging
matiyaga
3. Pisi
4. Hanging malakas c. Pag-ibig

5. Maawaing kamay d. Mga gintong aral


e. Pagiging mapagkumbaba
6. Lupa
f. Buhay
g. Suliranin sa buhay/pagsubok
Ano ang isinisimbolo ng mga sumusunod?

1. Munting guryon a. matulungin/mapagkalinga


2. Papawirin b. Pagkakaroon ng pasensya/pagiging
matiyaga
3. Pisi
4. Hanging malakas c. Pag-ibig

5. Maawaing kamay d. Mga gintong aral


e. Pagiging mapagkumbaba
6. Lupa
f. Buhay
g. Suliranin sa buhay/pagsubok
GAWAING-UPUAN :

Ibigay ang sinisimbolo ng bawat salita.


KAPANGYARIHAN PANGAKO
1. korona 6. bahaghari
KASIPAGAN KAPALIGIRAN
2. langgam 7. berde

3. Dahon ng Laurel KATALINUHAN8. buwaya KORAP

KATAPUSAN/ MAHINHIN
4. paglubog ng araw KAMATAYAN 9. Maria Clara
PAGSUBOK
5. bukang-liwayway 10.
BAGONG PAG-ASA tinik
Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may
salungguhit?
1. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot... (Ildefonso Santos, Ang Guryon )
a. pagsubok sa buhay c. isang laruan
b. problema/suliranin d. pangarap

2. At sa kubong butas-butas
ay naglagos ang pangarap (Teo T. Antonio, Kasal ni Kikay)
a. tahanan/bahay c. kahirapan
b. pamilya d. kayamanan
Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may
salungguhit?
3. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y
nagisnan na naming magkakapatid. ( Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato )
a. katandaan c. pamana
b. panahon d. kabuhayan

4. Sa bawat tao ay may naghihintay na lupa ng sariling baying sinilangan (Rogelio


Sicat, Sa Lupa ng Sariling Bayan)
a. lupang sinilangan c. lupang lilibingan
b. lupang sakahan d. lupang pagkukunan ng kabuhayan
Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may
salungguhit?
5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang
Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking
bayakan. (Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit)
a. katakawan c. gahaman sa yaman
b. kabulastugan d. kasakiman

6. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran ng
lupain mong kawawa (Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking
Bayan)
a. damdamin c. pag-ibig sa bayan
b. mga pasakit/pagdurusa sa bayan d. pagliligtas sa bayan

You might also like