You are on page 1of 28

Usad-pagong ang ekonomiya ng ating

bansa dahil sa katiwaliang ginagawa


ng mga taong nasa kasalukuyang
panunungkulan.
Alog na ang baba ng aking Lolo ngunit
masigla pa rin itong nagbabahagi ng mga
kuwento sa akin. Dahil raw sa kamay na
bakal ng mga Kastila ay namulat ang mga
Pilipino sa pinanggagawa nito sa kanila.
SAWIKAIN
(Idyoma)
Salita o pangkat ng mga salitang
patalinghaga ang gamit. Ito’y
nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.
Ang Sawikain/talinhaga/idyoma ay
karaniwang pailalim ang
pagpapakahulugan at di-gaanong
gamitin ng mga tao.
Karaniwang hango mula sa karanasan
ng tao, mga pangyayari sa buhay at sa
paligid subalit nababalutan nang higit
na malalim na kahulugan.
Usad-pagong ang ekonomiya ng ating
bansa dahil sa katiwaliang ginagawa
ng mga taong nasa kasalukuyang
panunungkulan
Usad-pagong

Mabagal
Alog na ang baba ng aking Lolo ngunit
masigla pa rin itong nagbabahagi ng mga
kuwento sa akin. Dahil raw sa kamay na
bakal ng mga Kastila ay namulat ang mga
Pilipino sa pinanggagawa nito sa kanila.
Alog na ang baba
 Matanda

Kamay na bakal
 Mahigpit na pamamalakad; malupit
Nararapat lamang na antabayanan sa
lahat ng oras ang mga anak nang sa
gayon ay hindi sila mapariwara.
Antabayanan sa lahat ng oras

• Bantayan sa lahat ng oras.


Dumalo siya sa handaan at
umuwing amoy-tsiko.
Kasama mo na naman siguro ang
mga kaibigan mo, dahil amoy-ubas
ka!
Amoy ubas/Amoy tsiko

LASING
Makailang ulit ko nang pinagsabihan
yan sa mga maling pinanggagawa niya
hindi pa rin nagbabago. Balat-kalabaw
kasi.
Walang pakiramdam, hindi
pinapansin ang puna sa
pagkakamali, walang hiya.
Sariwa pa sa aking alaala ang
bakas ng aming kahapon.
Sariwa sa alaala
 Palaging naaalala, hindi
makalimutan

Bakas ng kahapon
 Nakaraan, alaala ng kahapon
Hindi ka makakahanap nang taong
magmamahal sa iyo ng totoo hangga’t
patuloy kang namamangka sa
dalawang ilog.
Namamangka sa dalawang ilog
 Salawahan, nangangaliwa
Napakapurol ng utak ng babaeng iyan.
Pitong taon siyang nanatili sa hayskul
dahil sa pamamayabas niya.
Mapurol ang utak
 Bobo

Namamayabas
 Hindi nag-aaral nang mabuti.
SAWIKAIN KAHULUGAN
Lumang tugtugin Laos na o alam na ng lahat ang
ibinalita o ikinukuwento.

Makapal ang mukha Pangahas, hindi nahihiya

Magbanat ng buto Magtrabaho o magsipag upang


mabuhay.

Maghalo ang balat sa tinalupan Maglabu-labo, mag-away-away

Mahapdi ang bituka Gutom, hindi pa kumakain


1. Hinahabol ng Tila hinahabol ka ng karayom ngayon
karayom dahil sa dami ng punit ng iyong damit.

2. Parehong kaliwa ang Kaya pala ayaw siyang pasalihin ni Gng.


Cruz sa ating sayaw dahil parehong
paa kaliwa ang paa niya.

3. Tulain mo na lamang Tulain mo na lamang ang awit natin para


Bukas para hindi maging sinntonado
kalalabasan ng palabas natin.

Masyadong mahangin talaga si Pareng


4. Mahangin/Bumabagyo Ben kaya pala walang may nakikipag-
usap sa kanya.

Parang suman ka sa sinuot mong damit,


5. Parang suman nakakahinga ka pa ba n’yan?
Pinagkaisahan si Rigor ng mga tambay nung
isang araw. Nagmistulang basang-sisiw siya,
6. Basang-sisiw kahit siya naman ang may kasalanan.

Ang mga taong nalulong sa droga ay pawang mga


7. Batong-lansangan batong-lansangan lang talaga sa ating lipunan.

Kahit kailan ay di naman naging batayan ang


8. Isip-bata edad upang masabing di ka na isip-bata.

9. Huling Baraha Tanging ang katapatan ni Noel lang ang huling


baraha ko dito.

Sa sementeryo talaga ang naging huling


10. Huling hantungan hantungan ni Roberto dahil sa bisyo nito..
1. Hinahabol ng karayom – may sira ang damit
2. Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong
sumayaw
3. Tulain mo na lamang – hindi magaling umawit
4. Mahangin/bumabagyo – hambog o mayabang
5. Parang suman – masikip ang damit
6. Basang sisiw – kaawa-awa, inaapi.
7. Batong lansangan – Taong walang silbi
8. Batang-isip - walang muwang
9. Huling baraha – natitirang pag-asa
10. Huling hantungang - libingan

You might also like