You are on page 1of 15

Proyekto sa Filipino

Ipinasa Ni:
Marianne Josel C. Valladores
VII-SSC

Ipinasa Kay:
Bb. Roselyn Espelimbergo
Guro


*SALAWIKAIN
- ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong
magbigaypatnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng
mga karunungan.

Mga Halimbawa:



Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan:
Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ayhumahantong din ito sa kasalan.
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit
Kahulugan:
Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas nabagay na maaaring maging
dahilan upang lalu lamang siyang magipit.
Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot
Kahulugan:
Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyangmamuhay ng naaayon sa kanyang
kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sapamumuhay.
Kung hindi ukol, hindi bubukol
Kahulugan:
Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan parasa iyo.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
Kahulugan:
Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulanng sikap at gawa upang
matamo ang mimithing biyaya.
Lahat ng gubat ay may ahas
Kahulugan:
Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o
nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa iyong biyenan
Kahulugan:
Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang
mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o
mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.
*Dula
-ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan
ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may akda.

Halimbawa:

KAPALARAN
DULA DULAAN

BY: DAWN CONDES

Tauhan: jhon at si rou

Unang pasok ng klase, na kita ni jhon si rou sa isang upoan sa likod ng kanilang room...

Jhon: hi !
Rou: hi...
Jhon: kamusta ang unang araw mo dito ?
Rou: ayos lang , sayu?
Jhon: ayos lang din.

Pumasok na ang kanilang guro.
Nagpakilala sila isat isa, pag katapos ng kunting kwentohan pinalabas na sila ng kanilang guro.
Pinuntahan ni rou si jhon , para makisabay na lumakad papunta sa susunod na klase.

Jhon: o, gusto mong sumabay?
Rou: ou
jhon: marami ka na bang nakilala?
Rou: medyo, eh ikaw?
Jhon: marami na. Ang babait naman kasi nila. Mahiyain ka anu???
Rou: sinabi mo pa.
Jhon: hhe, masanay kana... Tatagal ka naman dito eh
rou: ewan ko lang kung tatagal ako dito ..
Jhon : o, bakit naman?
Rou: baka kasi lilipat kami ng bahay sa susunod na buwan.
Jhon: nako sayang naman, gusto sana kitang imbitahin sa aking kaarawan sa susunod pang buwan.
Rou: ah, ganun ba? Sige susunokan ko...

Nakalipas ang isang buwan lumipat na ng bahay sina rou...
Pumasok na rin sya sa bago nyang paaralan... Nag chachat parin naman si rou at si jhon at nag tetext, kaya may
kumonikasyon parin sila...

Jhon: o, palapit na ang kaarawan ko pumonta ka ha.
Rou: oo ba.

Nakalipas na ang limang taon... Nawala ang kanilang kumonikasyun dahin sa subrang busy nila...

sa isang mall, habang bumibili si rou sa isang restaurant nka sabay nya si jhon sa pila.

Jhon: ikaw ba yan rou?
Rou: jhon?
Jhon: oo , ako si jhon..
Rou; di ko akalaing magkikita pa pala tayo..
Jhon : ou nga..

Nag usap si jhon at si rou tungkol sa buhay nila ngayon ....

lumipas ang 2 taon...
Nagpakasal silang dalawa



*Komiks
- Ang komiks ay naglalaman ng iba't-ibang mga imahinasyon ng tao na
naglalaman ng nakakatawang kwento,nakakaiyak,nakaka aliw at mga
mensahe na gustong ipa-abot ng co-maker.

Halimbawa:













*Tula
- ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at
taludtod.Ang tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.

Mga Halimbawa:

SAWSAWAN
ni: Kiko Manalo

Ikinasal kahapon si Mama Sita,
Si Papa Ketsup po ang napangasawa,
Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,
Si Mang Tomas ito na nakakaawa!

Ang nagkasal po sa magkasintahan
Si Datu Puti na lider ng angkan,
Namroblema naman bisita sa handaan,
Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!




NGAYONG TAG-ULAN
ni: Kiko Manalo

Magdala ng kapote ngayong tag-ulan,
Sa sakit at sipon, magandang panlaban,
Sakto rin sa lahat ng kalalakihan,
Upang AIDS, STD sadyang maiwasan!

Payong naman para sa mga babae,
2-folds, 3-folds o kahit na iyong malaki,
Double purpose ito lalo na sa gabi,
Sa holdaper at rapist, pwedeng pang-garote!
*Maikling Kwento

Mga Halimbawa:

Ang Liham
Anak,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na kami sa
Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo
ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong
araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat
kasi FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko
sa Walmart at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat
kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako
sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa
iyo sa Federal Express medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay
tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag
dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na
maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag-
gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa
masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang
ng madalas.
Love,
Papa
p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha
*Bugtong
- isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan

Mga Halimbawa:



1. Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamit-
gamitan. (ahas)
2. Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali. (alimango)
3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso)
4. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak
mo. (baka)
5. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan
nanggaling. (kalapati)
6. Bagama't maliit, marunong nang umawit. (kuliglig)
7. Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto)
8. Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong
ko? (elepante)
9. Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. (gagamba)
10. Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas. (gamugamo)
11. Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas. (igat )
12. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo, turan mo kung
ano. (ibong batu-bato)
13. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal. (loro)
14. Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon. (langgam)
15. Pag munti'y may buntot, paglaki ay punggok. (palaka)
16. Tumatanda na ang nuno, hindi pa rin naliligo. (pusa)
17. Narito na si pilo, sunong-sunong munting pulo. ( pagong)
18. May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod. (tutubi)
19. Kawangis niya'y tao, magaling manguto, mataas kung lumukso. (unggoy)
20. Anong insekto sa mundo na naglalakad na walang buto. (uod)

*Epiko
- ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga
kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli,
isang pandiwa) ay isang paglalahad namakabayani o bumabayani,
samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-
bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Halimbawa:






BIAG NI LAM - ANG
Sina Don Juan t Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak
nalalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok
upangparusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.Nang isilang si Lam-ang, apat na
hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una natumulong sa mga hilot kung
manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mgakasambahay nila ang
tumulong sa pagsilang ni Namongan.Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na
"Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya.Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong
pa rin niya sa ina ang ama, kungsaan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang
pagkasilang. Sinabi na ina angkinaroroonan ng ama.Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-
ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya itosa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang
sandata at mga antng-anting na makapag-bibigay-lakassa kamiya at maaaring gawin siyang hindi
makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito.Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng
pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya atnapangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay
pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit siLam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya
mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote.Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng
dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa sykaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang
siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyangtapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang
nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatayng ama niya.Nang siya'y magbalik sa Nalbuan,
taglt ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sailog ng Amburayan, dahil ito'y
naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya.Matapos na paliguan si Lam-
ang, nanagmatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay nanakatira sa tubig dahil sa kapal
ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito.Sa kabutihan naman may isang dalagang
balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan.Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang
upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang atabuhing aso. Isang masugid na manliligaw
ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutyakay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at
dito'y muling nagwagi si Lam-ang.Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't
gumawa sila ng paraan upang sila aymakatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay
ang nabuwal sa tabi. Si Ines aydumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang igalp,
tumindig uli ang bahay na natumba.Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y
ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-ankay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga
magulang ng dalaga na sila'y payag na magingmanugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng
boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arianng magulang ng dalaga.Nang magbalik si Lam-ang
sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ayikinasal. Dala nila ang lahat ng
kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayangpagdiriwang ay sinimulan s
Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawapagkatapos ng kasal nila.Isa
parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid silog
upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat
tmapatay ng berkakan (isang urinng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat
ayipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay
tumilaok,ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto.Sa muling
pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati atmatiwasay sa
piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.
Ang Awiting-Bayan o Kantahing Bayan.










*Pabula
- ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na
kumikilos at nag-aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay ng moral na aral
sa mga batang mambabasa. Patuk na patok sa mga bata ang ganitong uri
ng kwento sapagkat napupukaw ang kanilang atensyon sa mga karakter
na bumubuo sa istorya.

Halimbawa:




Ang Aso at ang Kanyang Anino
Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa
lupa. Agad niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang
nakatusok sa lupa. Dali-dali niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang
naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig. Sa kanyang paglalakad ay napadaan
siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim ng tulay ay ang ilog,
habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa repleksyong
nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita,
sa pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang itoy matakot at
ibigay sa kanya ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa
siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay
naanod sa ilog.

END
Aral: Huwag maging ganid bagkus ay makuntento ka sa kung anong meron ka.







*Parabula
- ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa
Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na
nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay
maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na
kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na
magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o
magdesisyon.

Halimbawa:


Ang Alibughang Anak
(Lucas 15 :11-32)

Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso. "Ama, ibigay n'yo na po sa akin ang mamanahin
ko." At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang
ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo'y nilustay ang lahat sa di
wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing
iyon, at nagdalita siya. Kaya't namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing iyon. Siya'y pinapunta nito sa bukid
upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit na ng bungang kahoy na ipinapakain
sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip- isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa
kanyang sarili, " Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa samantalang ako'y
namamatay na sa gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.
Hindi na po ako karapatdapat na tawagin ninyong anak; ibilang n'yo na lamang akong isa sa inyong mga alila." At
tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.
Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama at ito'y labis na nahabag sa kanya, kayat patakbo siyang sinalubong,
niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo, hindi na po ako karapat-dapat
na tawagin ninyong akong anak." Ngunit tinawag ng kanyang ama ang kanyang mga alila. "Madali! Dalhin n'yo rito
ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinakamatabang
guya at patayin; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala
ngunit nasumpungan." At silay nagsaya.
Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at ng malapit na sa bahay ay narinig niya tugtugan at
sayawan. Tinawag niya ang isa sa alila at tinanong: "Bakit? May ano sa atin?" "Dumating po ang inyong kapatid!"
Tugon ng alila. "Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit."
Nagalit ang panganay at ayaw nitong pumasok sa bahay. Kayat lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya.
Ngunit sinabi nito, "Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma'y hindi ko kayo sinuway.
Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga
kaibigan. Subalit noong dumating ang anak ninyong lumustay ng iyong kabuhayan sa masasamang babae,
ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!" Sumagot ang ama, "Anak lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian
ko'y sa iyo. Ngunit dapat tayo'y magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; nawala ngunit nasumpungan."


*Alamat
- ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Halimbawa:


Ang Alamat ng mga Bituin

Noong unang panahon, walang makikitang buwan o mga bituin sa kalangitan upang magbigay
ng liwanag sa gabi. Si Haring Buwan ay naninirahan pa noon sa lupa. Kilala siya bilang isang
mahigpit at di pala-ngiting hari.
Wala pang asawa ang hari sapagkat ito ay mapili. Marami nang mga hari ang ninais na
ipakasal ang kanilang mga anak na dalaga kay Haring Buwan wala ni isa dito ang nagustuhan
niya.
Sa di kalayuan sa kaharian ni Haring Buwan ay may isang mag-asawa na may magandang anak
na dalaga na nagngangalang Aurora. Ang dalaga ay hindi lamang maganda, ito rin ay mabait
at matulungin.
Napag-alaman ni Haring Buwan ang tungkol sa magandang dalaga kayat dali-dali itong
pinuntahan ang bahay ng mag-anak. Nabighani ang hari sa dalaga at iniutos nito na mag-
pakasal sila ng dalaga. Tumangi ang dalaga sapagkat meron na itong kasintahan. Ngunit
walang silbi ang pagtanggi nito sapagkat iniutos ng hari na kapag hindi papakasal ang dalaga
sa kanya ay ipapakulong niya ang mga magulang nito.
Walang nagawa ang dalaga kundi magpakasal sa hari. Binigyan ni Haring Buwan si Aurora ng
isang magandang pulseras na gawa sa mga kumikinang na bato bilang regalo sa kanilang pag-
iisang dibdib. Ang mga bato ay parang mga munting araw na kumikinang maski sa kalayuan.
Dinala na nga ni Haring Buwan si Aurora sa kanyang kaharian. Ngunit hindi naging masaya si
Aurora sa kaharian kayat madalas itong lumalabas upang mamasyal. Napansin ito ni Haring
Buwan at naisip nito na baka nakikipagtagpo ang kanyang asawa sa dati nitong kasintahan.
Pinagbawalan ni Haring Buwan si Aurora na lumabas ng palasyo. Nalungkot si Aurora. Ayaw
nitong maglagi sa palasyo ng buong araw kasama ang bugnutin at palasigaw na asawa niya
kung kayat tumatakas ito sa tuwing natutulog ang asawa ng hapon.
Ngunit isang hapon nagising ang hari bago makauwi si Aurora at nalaman nito ang ginawang
paglabas ng asawa. Inantay nitong dumating si Aurora at pinagalitan. Napagbuhatan ni
Haring Araw si Aurora nang sabihin nitong hindi niya mahal ang asawa kung hindi lamang niya
ito tinakot na ipakukulong ang mga magulang ay hindi ito magpapakasal sa kanya.
Tumakbo palayo si Aurora. Iiwanan na daw niya ang masungit na asawa. Hinabol siya ni
Haring Buwan na humihingi ng tawad sa kanya. Nahawakan ng hari ang kamay ng asawa
ngunit nagpumiglas ito at patuloy na tumakbo. Dahil dito, naputol ang pulseras na ibinigay ng
hari sa asawa.
Umiyak si Haring Buwan at napagtanto nito na mali ang kanyang nagawa sa asawa. Pinulot ni
Haring Buwan ang mga makikinang na bato at itinago baka sakaling bumalik pa ang asawa ay
muli niya itong ipapagawang pulseras para sa kanya.

Ngunit hindi na bumalik si Aurora sa kaharian. Nagpakalayo ito kasama ang mga magulang
upang hindi na mahanap pa ng hari. Dahil sa lungkot, napagpasyahan ni Haring Buwan na sa
langit na lamang maglagi. Kinuha nito ang mga makikinang na mga bato mula sa naputol na
pulseras ng asawa at isinaboy ito sa kalawakan. Ang mga ito ay naging mga bituin. Sa gabi, si
Haring Buwan ay lumalabas kasama ng mga makikinang na bato nagbabaka sakaling makita ni
Aurora ang mga ito at mapag-isipang bumalik sa piling niya.



*Kasabihan

Mga Halimbawa:


Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kung may isinuksok, may dudukutin.
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot








*Idyoma
- Talinghagang tinumbasan ng mga katangian ng hayop, ibon, isda,
kulisap, at halaman

Mga Halimbawa:

Asong-pungge - susunod-sunod sa dalaga
Balat-kalabaw - Matibay ang hiya; walanghiya
Balat-sibuyas - maramdamin; madaling umiyak
Basang-sisiw - api-apihan; kalagayang sahol sa hirap
Buhay-alamang - laging nasusuong sa panganib; hikahos
Buhay-pusa - mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib
Buwayang-lubog - taksil sa kapuwa; hindi mabuti ang gawa
Dagang-bahay - taksil sa kasambahay
Kakaning-itik -api-apihan
Kutong-lupa - bulakbol; walang hanapbuhay
Lakad-kuhol - mabagal utusan; patumpik-tumpik kapag inutusan
kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa.
Maryakapra (marya-kapra) - babaing masagwa o baduy magbihis
Mataas ang lipad - hambog
Matang-manok - Malabo ang paningin kung gabi; Di-makakita kung gabi
May sa-palos- Hindi mahuli. Mahirap salakabin. Madulas sa lahat ng bagay.
Nagmumurang kamatis - nagdadalaga
Nagmumurang kamyas - bagong naniningalang-pugad; bagong nanliligaw.
Paang-pato - tamad; makupad; babagal-bagal kung lumakad
Pagpaging alimasag - walang laman
Puting-tainga - maramot
Putok sa buho - Walang tiyak na ama nang isilang
Salimpusa (saling-pusa) - hindi kabilang sa anumang panig;
Sangkahig, sangtuka - Ginagasta ang siyang kinikita.
Tagong-bayawak - madaling makita sa pangungubli
Tawang-aso - tawang nakatutuya

Talinghagang tinumbasan ng mga bahagi ng katawan o kaya'y kilos ng tao
Buks ang palad - magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot
Kadaupang-palad- kaibigang matalik
Kumindat sa dilim - nabigo; nilubugan ng pag-asa
Lawit ang pusod - balasubas
Ligaw-tingin - torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan
Mababang-luha - iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak
Mabigat ang dugo - kinaiinisan
Magaan ang bibig - palabati; magiliw makipagkapuwa
Magaan ang kamay - magandang magbuwana mano,

You might also like