You are on page 1of 2

ANG MGA PASKIL

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG POSTER NG PELIKULA


Ikatlong Markahang Proyekto sa Filipino 3
Araw ng Pagpasa: IKA-11 NG MARSO, 2019

Eskala ng Puntos:
9-10 -lubos na naisakatuparan
7-8 -naisakatuparan
5-6 -parsiyal na naisakatuparan
4 -hindi naisakatuparan

Mga Inaasahan: Puntos:


Ang poster ng pelikula (El Filibusterismo) ay nararapat na nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

1. Gumamit ng personal na larawan ng mga artistang nagsiganap

2. Nakapanghihikayat ang dating sa manonood.


3. Ginamitan ng tagline o siniping pahayag mula sa nobela

4. Nailahad ang mahahalagang detalye: (pamagat, direktor, artistang magsisiganap, atbp)

5. Malikhain ang pagkaka-edit ng poster

6. Angkop at malikhain ang ginamit na pamagat ( ________Pamagat______________ hango sa nobelang El Filibusterismo ni Dr.Jose Rizal )

7. Maayos na naisaalang-alang ang tuntuning panggramatika

8. Angkop ang ginamit na font style at nababasa ang mga nakapaloob na salita/teksto

9. Naangkop sa pormat na ibinigay ng guro (dalawang magkaibang poster na kasinlaki ng short bondpaper. printed o nakalimbag, at may parehong pamagat)

10.May pakikilahok at naiambag ang bawat miyembro sa ginawang poster


KABUOAN:

Ang maagang pagpasa dalawang araw bago ang itinakdang petsa ay katumbas ng karagdagang 3% ng kabuoang marka samantalang parehong bahagdan din ang kabawasan sa huling magpapasa at patuloy na tataas batay sa bilang ng araw.

‘Di man nasaktan subalit patuloy na nagmamahal,

Salvador D.L.S. Lumbria


Alagad ng Wika at Panitikang Filipino

You might also like