Professional Documents
Culture Documents
araw
ay itong Poong maalam
niyakag ang tanang kawal,
at pumasok kapagkuwan
sa Herusalem na bayan.
At sa bahay ng katoto
agad silang napatungo,
ang nasa nilang totoo
doon sila magpapasko
sampung tanang disipulo.
Nang dumating na si Hesus
doon sa bahay ni Markos,
binati niyang tibobos,
ng buong galang na puspos
ang katoto niyat irog.
Ama ko, kung kalooban,
mangyaring iyong iliban
at huwag kong mainuman,
ang kalis ng kapaitan
na darating sa katawan.
Datapuwa nga anakin,
ito man ay aking hiling,
ang loob koy di ko sundin,
kundi ang iyong loob din
siya kong tatalimahin.
Yaring aking kaluluwa
nahahanda sa lahat na
anong gagawin ko, Ama,
ang katawan ay balisa,
siyang tantong
nangangamba.
Nang iharap na si Kristo
doon sa taksil na lilo
punong bayan ng hudyo.
ay nangusap na totoo
na ang wika ay ganito.
Aba ito nga aniya
mapangaral sa lahat na
mapagsampalataya,
mapagmalikmata tuwi na
ang ugaly iniiba.
Kapagdakay nagtatakap
kay Hesus yaong si Kaipas
ang kamay ay ikinumpas
sampung matay nandidilat
kagalitay dili hamak.
Anoy sa hindi mapigil
Dinulog at nilapitan
sa paay di humiwalay
ang pusoy halos matunaw,
at gayon din si San Huan
na pamangking minamahal.
At bagamat naghiwalay
ang kaluluwat katawan
ay ang buong kadiyosan,
niya at kapangyarihan
na kapuwa nilangkapan.