You are on page 1of 5

GRADE 1

PAKSA 2: NILIKHA AKO NG DIYOS NA NAIIBA

LAYUNIN :

1. Natutukoy na ang tao ang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos.


2. Nakaaawit ng awiting “Salamat sa Buhay” bilang pasasalamat sa
Diyos.
3. Nakapagbabahagi ng mga tamang paraan ng paggamit at pag-
aalaga sa mga bahagi ng katawan.

KAHALAGAHAN : Tamang paggamit ng mga bahagi ng katawan.

SITWASYON NG BUHAY :

GAWAIN : AWIT : Sampung mga Daliri.

Sampung mga daliri


Kamay at paa
Dalawang tainga, dalawang mata
Ilong na maganda.
Maliliit na ngipin
Masarap ikain
Munting dila, nagsasalita
Huwag magsinungaling.

 Tungkol saan ang inawit natin?


 Magbigay ng isa sa mga nabanggit na bahagi ng katawan at
ituro mismo sa sarili kung nasaan ito:

 Kamay
 Paa
 Mata
 Ilong
 Tainga
 Bibig

Masaya ka ba dahil mayroon kang mga bahagi ng katawan tulad ng mata,
tainga, ilong, bibig, paa at kamay?
Masaya tayo dahil hindi lang basta bahagi kundi mayroon itong gamit/nagagawa

Ano ang gamit ng :


 Mata – upang makakita

1
 Ilong – upang makahinga
 Tainga – upang makarinig

 Bibig – upang makapagsalita


 Kamay– upang makahawak
 Mahalaga ba ang mga nagagawa ng mga bahagi ng ating katawan? Bakit?

PAG-UUGNAY : Mahalaga ang bawat bahagi ng ating katawan dahil ito’y may
kanya-kanyang nagagawa na nakakatulong sa atin upang tayo ay
mabuhay.
Lagi nating pagsumikapan na gamitin sa mabuti ang mga bahagi
ng ating katawan. Kapag ginamit natin sa mabuti ang mga bahagi
ng ating katawan makikita sa atin kung paano tayo ay nilikha ng
Diyos na naiiba sa lahat.

Paano nga ba nilikha ng Diyos ang tao na naiiba sa lahat? Alamin


natinsa Banal naAklat

SALITA NG DIYOS : GEN 1:26-27


“Pagkatapos… ngayon lalangin natin ang tao, ating gagawin siyang
kalarawan natin.
 Sino ang huling nilikha ng Diyos?
 Paano nilikha ng Diyos ang tao?
 Ano ang ibig sabihin ng kalarawan? (katulad, kapareho, kahawig)

Pinakahuli man sa lahat na nilikha ng Diyos ang tao ngunit pinakanaiiba


naman sa lahat dahil bukod tanging tao lang ang nilikhang
kalarawan/katuladngDiyos. Nagiging kalarawan/katulad natin ang Diyos
kapag ang mga bahagi ng ating katawan( mata, bibig, ilong, tainga,
kamay at paa) ay ginagamit natin sa mabuti at iiwasang gamitin sa
masama. AngDiyos ay mabuti kaya ang taong nilikhaNiya ay mabuti. Hindi
Niya nilikha ang mga hayop, halaman, ibon, atbp. na katuladNiya. Sino
ang nilikha ng Diyos na katulad niya? Ang tao po.

Sino ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha ng Diyos?

PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

KATOTOHANAN : ANG TAO ANG PINAKA-ESPESYAL NA NILIKHA NG


DIYOS (KPK 334, KIK 343, 356-357)

2
Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mahalaga ngunit ang pinakamahalaga at
naiiba sa lahat ay tayong mga tao, pinaka-espesyal sa lahat dahil bukod tanging tao
lamang ang nilikhang kalarawan ng Diyos. Noong nilikha ng Diyos ang mga bagay-
bagay tulad ng halaman, sinabi Niya “magkaroon” at lumitaw nga subalit nang likhain
Niya ang tao, hiningahan Niya ito at nagkaroon tayo ng buhay.

Bilang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos, paano natin gagamitin ang mga


bahagi ng ating katawan?

PAGSASABUHAY : NAIS NG DIYOS NA GAMITIN NATIN ANG MGA BAHAGI NG


ATING KATAWAN SA KABUTIHAN AT PANATILIHING MALINIS

Paano gagamitin sa kabutihan ang iba’t-ibang bahagi ng ating katawan?

 Mata – gamitin sa pagbabasa, panonood ng kabuluhang palabas


 Tainga – pakikinig sa magulang, guro at nakatatanda
 Ilong – paghinga
 Bibig – pagsasalita ng mabuti
 Kamay – pagtulong
 Paa – pang-jogging, paglalaro

 Paano naman natin iingatan at pangangalagaan ang mga bahagi ng ating


katawan?

 Mata – iiwasang magbasa sa dilim, iiwasan ang sobrang panonood ng


tv at paggamit ng mga gadgets
 Bibig – hindi mag-iingay at magsasabi ng kasinungalingan
 Kamay/Paa – hindi mananakit
 Tainga – linisin, huwag magbingi-bingihan
 Ilong – takpan kapag mausok/mabaho

Hindi lamang mga bahagi ng katawan ang aalagaan at iingatan natin kundi
maging ang buong katawan natin. Sikapin nating panatilihing malinis di lang sa
panlabas kundi maging ang mga ginagawa natin, kailangang malinis o mabuti
upang makita sa atin ang pagiging kalarawan ng Diyos.
Tularan natin si San Antonio de Padua (June 13) na dahil sa paggamit niya ng
kanyang katawan sa mabuti lalo na ang kanyang dila sa pagtuturo ng salita ng
Diyos kahit namatay na siya ay di nabulok ang kanyang dila.

Masaya ka ba at nalaman mo na nilikha kang naiiba at pinaka-espesyal sa lahat


ng nilikha ng Diyos?

3
Ano ang sasabihin mo sa Diyos? Paano mo Siya pasasalamatan?

PAGSAMBA : SA PANALANGIN, MARAPAT NA PURIHIN AT PASALAMATAN ANG


DIYOS SA PAGLIKHA SA ATIN (SALMO 139: 13-14)

Araw-araw sa ating pagdarasal sabihin natin sa Diyos na tayo ay


nagpapasalamat sa buhay na bigay Niya sa atin at sa pagkakalikha Niya sa atin bilang
katulad Niya at pinaka-espesyalsalahat. Higit sa lahat magpapasalamat tayo sa Diyos sa
pagdalo natin sa Banal na Misa tuwing Linggo.
Ngayon, saglit tayong manahimik at tayo’y manalangin. Gamitin natin ang iba’t-
ibang bahagi ng ating katawan. Sa pamamagitan ng ating mga paa, maupo tayo ng
maayos at gawin natin ang ating mga kamay na magkadaup-palad, ipikit ang mga mata
upang isipin ang Diyos at gamitin natin ang ating bibig sa pagpupuri sa Diyo at
sumunod kayo sa bawat sasabihin ko;

Ang anumang aking sangkap, ikaw o Diyos ang lumikha


Sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata
Pinupuri kita, o Diyos
Ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay
Sa loob ng aking puso ito’y nakikintal.
(Salmo 139:13-14)

BUOD :
Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil siya
lamang ang bukod tanging nilikha na katulad Niya. Gagamitin natin ang mga bahagi ng
ating katawan sa mabuti at pananatilihin ang buong katawan na malinis at sa
panalangin pupurihin at pasasalamatan natin Siya sa pagkakalikha Niya sa atin.

TUGON NG PANANAMPALATAYA

PANININDIGAN – Ako ang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos.


PAGTATALAGA – Paano gagamitin sa mabuti ang mga bahagi ng katawan dito
sa paaralan, sa bahay, sa simbahan at sa lugar kung saan ka nakatira?

PAGDIRIWANG –Awit : Salamat Sa Buhay

O salamatsabuhay
Na sa akin ibinigay
Ng Amang mapagmahal
O kayganda ng buhay.

Ang matako ay buhay


Ang ilong ko ay buhay
4
Ang bibig ko ay buhay
Ang kamay ko ay buhay
Ang paa ko ay buhay.
O kay ganda ng buhay.

ASSIGNMENT – Magdala ng family picture sa susunod na pagkikita.

You might also like