You are on page 1of 2

Joy Angelique P.

Javier

I
Saan ka mang panig ng mundo
Wikang Filipino ay maririnig mo
Ginagamit sa lahat ng oras
Dahil ito ang susi sa tuwid na landas

II
Nauugnay ang lahat saan man sila naroroon
Walang pinipiling relihiyon o panahon
Binubuklod ang ating bansa
Upang tayoy umunlad at magkaisa

III
Wika natin ang dahilan ng kalayaan
Nagbigay ng katarungan at kapayapaan
Sa atin ay naghatid ng karunungan
Kaya ngayon ay lumaya sa kamangmangan



IV
Binubuhay ng wika ang kulturang malapit ng mamatay
Upang makamit ang matamis na tagumpay
Panibagong bukas sa bansa ay iaalay
Para maipagpatuloy ang ating paglalakbay

V
Wika natin ang nagiisang tuwid na daan
Magagamit na sandata laban sa kahirapan
Makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran
Kaya wika ay ipagmalaki, igalang, at pagkaingatan

You might also like