You are on page 1of 5

Kakayahan ng Guro sa Gramatika ng wikang Filipino: Susi sa

kahusayan sa pagtuturo sa asignaturang Filipino ng Higit na mataas


na Paaralan ng Mabinay National High School.

I. INTRODUKSYON

PANIMULA
Pangunahing tungkulin ng mga guro sa Filipino ay ang paggamit ng wasto sa wika.
Nagpapakita ito ng kawastuhan at malinaw na pagpapahayag ng wikang ginamit. Samakatuwid,
kinakailangang alam ng mga guro sa Filipino ang tamang gamit ng wika, pasalita o pasulat man.
Higit sa lahat kailangang malinang ang kakayahang panggramatika ng mga guro tungo sa
pagtuturo ng asignaturang ito. Ayon kay Dr. Erlinda Mangahis, ang wika ang pinakamahalagang
kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. Kaya isang hamon ito sa mga guro ng Filipino sa
pagpapalagananap at pagpapahalaga sa wikang Filipino tungo sa pagtuturo ng asignaturang ito.
Ang Pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kakayahan ng mga Guro sa Gramatika
ng wikang Filipino at kung paano ito nagiging susi sa kahusayan sa pagtuturo ng asignaturang
Filipino upang mas epektibo ang pagtuturo sa wikang Filipino sa mga mag-aaral.
May mga pamamaraan sa pagpapayaman ng kakayahang gramatika sa mga guro sa
Filipino. Maraming mga sanayang aklat na ngayon ang naglabasan na makatutulong sa paglinang
ng kakayahang pangwika na magagamit sa pagtuturo ng mga guro.
Sa katunayan, ang ilan sa mga gurong nagtuturo ng Filipino ay hindi lahat medyor ito.
Ang ilan ay nahihirapan sa pagtuturo sa kadahilanang kulang ang kaalamang pangwika. May
mga pagkakataong hindi nagkakaunawaan o iba ang naging interpretasyon ng mga mag-aaral sa
wikang ginamit ng guro. Ang kakulangan sa mga dalubwika o guro sa Filipino ay nagiging
dahilan ng paglaganap sa mga sitwasyong kagaya nito sa mga matataas na paaralan sa DepEd.
Bunga nitong pangkasalukuyang kalagayan, nais ng mga mananaliksik na alamin at
tuklasin ang kakayahan at kahusayan na makamtan o matamasa ng mga guro na nagtuturo sa
Filipino sa tamang paggamit ng gramatika.
Sa pag-aaral na ito ay naisagawa at nalaman ang mga kakayahan ng guro sa gramatikang
Filipino sa mataas na paaralan ng Mabinay National High School, natukoy ang iba’t ibang
kahusayan sa mga guro sa pagtuturo sa asignaturang Filipino sa nabanggit na paaralan.
TEORITIKAL NA BALANGKAS

Ayon kay Ross Alonzo ng Unibersidad ng Pilipinas (1998), ang gramatika ay


bahagi ng diskurso. Isa itong mahalagang sangkap na ating ginagamit sa mga
kasanayang makro ng wika, i.e. pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at
panonood. Aniya, “hindi epektibo ang komunikasyon kung wala tayong kakayahang
gamitin ang gramatika at diskursong angkop sa sitwasyon at kausap.” Bilang guro,
magiging higit na mahusay ang ating pagtuturo kung alam atin kung paano natutuhan
at ginagamit ang gramatika.

Ang gramatika ay batayang balangkas ng wika at sa balangkas na ito mabubuo ng


mga mag-aaral ang kanilang gagawin at masusukat ang kanilang pag-unlad.
Binigyang-diin niya na sa gramatika bilang produkto ay alam na alam ng guro ang
perspektiba ng gramatika bilang produkto. Nakikita ito sa libro ng gramatika kaya
nahahati sa bawat kabanata, i.e. pananalita, parirala, at sa mga pangungusap. Iisa ang
pagtingin sa gramatika at istatik ito.

Ang bawat anyo ay batay sa gramatikal na pagsusuri ng gramaryan o linggwista


tulad ng case grammar ni Fillmore na siyang batayan ng pokus ng pandiwa. Sa
pamamagitan ng pagtalakay sa mga anyong gramatikal, natutulungan ang mga mag-
aaral upang maunawaan ang gramatikal na sistema ng wika at ang mga kahulugang
ipinapahayag nito pinagsusunod-sunod ang mga aralin batay sa mga kaayusan o
popularidad sa wika.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS

GURO

KAKAYAHAN NG GURO SA
GRAMATIKA

MALAYANG BARYABOL
DI MALAYANG
GAWI BARYABOL
 EDAD PROSESO KAGAMITANG
 KASARIAN PANGKAISIPAN
 SARBEY/ INTERVIEW
 ANTAS NG
 TALATANUNGAN  KAGAMITAN SA
EDUKASYON
PAGSUSULIT
 KURSONG NATAPOS TALATANUNGAN
 DOKUMENTASYON
 MEDYUR PAGSUSULIT
 ANALYSIS
 BILANG NG TAON  PAGSASANAY
SA PAGTUTURO  PAGGAMIT NG
WIKA

BUNGA

MAY KAHUSAYAN SA PAGTUTURO SA


ASIGNATURANG FILIPINO
A. Paglalahad ng Suliranin
1. Ano ang Propayl ng mga respondante batay sa:
1.1 Kasarian
1.2 Edad
1.3 Antas ng Edukasyon
1.4 Kursong natapos
1.5 Medyur
1.6 Bilang ng Taon sa Pagtuturo
2. Ano ang mga suliranin ng mga guro sa gramatika batay sa:
2.1 Morpolohiya
2.2 Sintaks
3. Ano ang mga paraang ginagawa ng mga Guro sa Filipino sa
pagpapayaman ng kanilang kaalaman sa gramatika sa Filipino?
4. May solusyon ba upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
Guro sa kakayahan sa gramatika?

B. Ipotesis
1. Mayroong pagkakatulad ang kaparaanang ginagawa ng mga guro sa Filipino
sa pagpapayaman ng kanilang kaalaman sa gramatika sa Filipino.
2. Mayroong pagkakatulad ang mga solusyong ginamit upang matugunan ang
mga pangangailangan ng mga guro sa kakayahang gramatika.

II. REBYU NG LITERATURA AT KAUGNAY NA PAG-AARAL

III. SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahusayan sa pagtuturo sa asignaturang


Filipino ng higit na mataas na paaralan ng Mabinay National High School. Ang mga
respondente ay ang mga guro sa mahigit na mataas na paaralan ng Mabinay National
High School taong panuruan, 2021-2022. Ang mga Senior high na guro sa Mabinay
National High School ang pangunahing pinaghanguan ng mga impormasyon sa
pananaliksik na ito. Ang mga respondente ay dalawanpu (20 ) mga guro.

IV. DESINYO NG PANANALIKSIK, PAMAMARAAN AT METODO


A. Desinyo ng Pag-aaral
B. Lokasyon ng Pag-aaral
C. Respondente ng Pag-aaral
D. Instrumento ng Pananaliksik
E. Pamamaraan ng Paglikom ng Datos
V. RESULTA AT DISKUSYON
VI. LAGOM, REKOMENDASYON, KONGKLUSYON
VII. BIBLIOGRAPIYA

You might also like