Pangunahing tungkulin ng mga guro sa Filipino ay ang paggamit ng wasto sa wika.
Nagpapakita ito ng kawastuhan at malinaw na pagpapahayag ng wikang ginamit. Samakatuwid, kinakailangang alam ng mga guro sa Filipino ang tamang gamit ng wika, pasalita o pasulat man. Higit sa lahat kailangang malinang ang kakayahang panggramatika ng mga guro tungo sa pagtuturo ng asignaturang ito. Ayon kay Dr. Erlinda Mangahis, ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. Kaya isang hamon ito sa mga guro ng Filipino sa pagpapalagananap at pagpapahalaga sa wikang Filipino tungo sa pagtuturo ng asignaturang ito. May mga pamamaraan sa pagpapayaman ng kakayahang gramatika sa mga guro sa Filipino. Maraming mga sanayang aklat ang naglabasan ngayon na makatutulong ito sa paglinang ng kakayahang pangwika na magagamit sa kani- kanilang pagtuturo. Maaring mapauunlad ang kakayahang ito kung dadalo sa iba’t ibang mga pagsasanay,
Ang paggamit ng tamang gramatika tungo sa pagtuturo sa Filipino ay
napakahalagang matutunan ng mga guro sapagkat marami sa ating mga guro ang nahihirapan na gamitin ang gramatika sa Filipino pasulat o pasalita man.