You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS  


Gov. Pablo Borbon Campus II, Lunsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG INHENYERIYA, ARKITEKTURA AT PINONG SINING
TeleFax Number: +63(43) 425-0139 local 118/2121. 

Gawain 4: Pagsusuri

Panuto: Basahin ang pagsusuri na isinagawa ni Feorillo Peronillo A. Demeterio III ukol
sa Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa. Isa
isahin ang mga katangian ng pananaliksik na nakapaloob dito. Buksan ang link sa ibaba. 
https://www.academia.edu/7636621/Sistematikong_Multilingguwalismo_Lunsaran_ng_Mas_Ma
tatag_na_Wikang_Pambansa

Ang pagsusuri na pinamagatang Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas


Matatag na Wikang Pambansa na isinagawa ni Feorillo Peronillo A. Demeterio III ay nagtataglay
ng sistematikong katangian ng pananaliksik sapagkat batay sa nilalaman ng nasabing papel,
kakikitaan ito ng tiyak na proseso o pagkakasunod-sunod ng mga ideya na nakatuon sa pagkamit
ng pangunahin nitong layunin na patatagin ang ating pambansang patakarang pangwika sa tulong
ng pagsusulong ng multilingguwalismo. Sa panimula ng pagsusuri kung saan tinalakay ang
semiotikong pagsusuri sa political cartoon na “School Begins” na iginuhit ni Louis Dalrymple,
maingat na inilahad dito ang mga kontradiksyon na nakapaloob sa nasyonalista at pedagohikal na
diskurso na pangunahing tagapag-hugis ng ating pambansang patakarang pangwika. Ang
panimulang ito ang nagsilbing background na syang sumusuporta sa kung paano magiging isang
mabisang tugon ang sistematikong multilingguwalismo na inilunsad noong 2009 gayundin ang
pagbibigay diin sa pinagkaiba nito sa mga multilingguwal din na programang inilunsad noong
1973. Matapos mailahad ang panimula, sinundan naman ito ng maikling kasaysayan ng ating
pambansang pagpaplano sa wika. Sa bahaging ito, higit na binigyang diin kung gaano
kasistematiko ang pagsusuring ito sapagkat detalyadong inilahad dito ang biswal na
representasyon na nagpapakita ng pitong wika at yugto ng wika
at pitong mga programang pangkwika na masusing inilatag sa pamamagitan ng isang timeline.
Matapos nito, inilahad din ang mga kontradiksyong nakapalood sa kasaysayan ng ating
pambasang pagpaplano sa wika gayundin ang sistematikong multilingguwalismo bilang tugon sa
mga kontradiksyong ito. Sa puntong ito, mas malalim na sinuri ang mga kontradiksyong
nakapaloob sa nasyonalista at pedagohikal na diskurso at matapos na matukoy ang mga ito,
binigyang pokus naman ang huling layunin ng pagsusuring papel na ito na nakatuon sa kung
paano matutugunan ang mga nabatid na kontradiksyon ng inilunsad na “sistematikong
multilingguwalismo”. Sa huling bahagi ng pagsusuri, inilahad dito ni Demeterio ang mga
konklusyon batay sa nagalugad na mga ideya at impormasyon bunga ng malalim na pagsusuri.
Ibinahagi rin niya ang mga sangguniang kanyang pinagkunan ng mga kontekstong sumusuporta
sa pangunahin niyang konsepto at ideya. Sa pangkalahatan, mula sa panimula hanggang sa
konklusyon o wakas ng papel na ito, hindi maikakailang tunay ngang ang pagsusuring ito ay
nagtataglay ng sistematikong katangian ng pananaliksik.

You might also like