You are on page 1of 3

Local studies

ayon kay Lucas (2016), ang pagiging responsable at ang pagkakaroon ng limitasyon sa

paggamit ng social media lalong lalo na sa paggamit ng group chat sa facebook ay ang nararapat

na gawin bilang isang mag-aaral upang makamit ang pagiging makataong paggamit ng

teknolohiya.

Ayon kay Mejorada (2017), ang group chat sa facebook ay may malaking ambag o

pakinabang sa mga pag-aaral ng mga mag-aaral sa senior high hindi lang sa pakikipag talastasan

kundi sa pagkakaroon ng alternatibong lugar sa pakikipag palitan ng impormasyon at mensahe sa

mga mag-aaral.

napatunayan nina E. Guevarra, J. E. Perez, J. J. Salas, R. Mutuc (2014) sa pag-aaral na E-

Learning: Digital Logic Design for Freshmenna ang sagot na mga tagatugon na ang kahalagahan

ng social media sa pag-aaral ng mga aralin ay pagiging daan upang magkaroon ng komunikasyon

ang mag-aaral tungkol sa kanilang aralin (chat/group chat) na maiuugnay sa pag-aaral na bilang

bagong konsepto ng edukasyon

ayon kay Fionamae Abainza (2014), ang facebook group chat ay isang daan na maaaring

makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isana dito ay ang maaring magkaroon ng malayong

ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahil sa paggamit nito. Isa ring dulot

ng mga facebook group chat ayon sa mga pag-aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng

mga impormasyon.
Ayon kay Pascual at Bataan (2016), karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa

gulang na 14-29. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang madaling pagpapadala ng mensahe,

mabilis na pakikipag ugnayan sa mga tao.

Local Literature

Ayon kay Santos (2016), ang iba ay gumagawa ng group chat sa facebook.

Ginagamit nila ito upang makapagtanong sa kanilang mga kaklase kung ano ang kanilang takdang-

aralin kinabukasan. Maaari rin silang manghingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng mga

takdaling-aralin na ito. Sa pamamagitan din ng group chat, nagagawa nilang makahingi ng lektyur

sa kanilang mga kaklase sa mas madaling paraan. Nalalaman din nila ang mga mahahalagang

anunsyo na kailangan nilang malaman.


sa Larangan naman ng komunikasyon ay may positibo din naitutulong ang internet gaya

na lamang ng pakikipagkomunikasyon sa mga mahal natin sa buhay na nagtatrabaho sa ibang

bansa, pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa loob at labas

ng bansa, at ang pagkakaroon ng mga update tungkol sa buhay ng mga mahal natin sa buhay gaya

na lamang ng mga masasayang nangyari sa kanila na gusto nilang ibahagi sa iba. Kung mayroong

positibo at mayroon ding negatibo gaya na lamang ng una, pakikipagkomunikasyon upang

makapangloko ng tao gaya na lamang ng mga scam. Pangalwa, upang magpakalat ng mga maling

impormasyon laban sa pamahalaan at iba pang organisasyon. Panghuli, pagpapalaganap ng

chismis gaya na lamang ng mga patungkol sa mga artista at ibang tao.

You might also like