You are on page 1of 12

KABANATA I

Introduksiyon

Sa bawat henerasyon ng teknolohiya ay may maraming kahalagahan ang

naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang

facebook ay isa sa mga produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang

komunikasyon , Ayon kina Espina at Boija(1996) Napapabilis nito ang isang

makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat likha ang kakayahang

maipaliwanag ng buong linaw ang kanyang naiisip at nadarama.

Dahil sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo marami ang nagbabago

kabilang na dito ang pagbago ng pananaw ng mga estudyante sa mga bagay na

produkto ng teknolohiya masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga

estudyante sa ngayon ang computer kung saan may social networking site at ang

pinaka sikat ng social networking site ay ang facebook.

Ayon kay Wasta Fan(2010), Ang facebook ay isa sa pinakasikat na website

dahil sa patuloy na dumarami ang gumagamit nito. Hindi matatawaran ang kabutihang

madudulot nito upang pabukludin ang iba’t-ibang uri ng indibidual, subalit kung

pagbabasehan ang katotohanan na ang isang tao ay maaaring gumawa ng pekeng

account, ito ay lubhang nakakapagkuha ng atensyon ng lahat para sa seguridad

nalalaman ni Fan na ang mga mag-aaral na lubus na nahuhumaling sa facebook ay

nawawalan ng ganang gumawa ng takdang araling dahil sa malaking oras na

nagugugol nila sa pag fefacebook.


Paglalahad ng mga Suliranin

Ang mga suliranin ng pag-aaral na ito ay:

1. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng facebook sa mga mag-aaral?

2. Bakit gumagamit ng facebook ang mga mag-aaral?

3. May maganda bang maidudulot ang facebook sa kanila?

Layunin ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito binibigyan ng halaga ng bawat layunin ang mga

sumusunod:

1. Makakuha ng malawak na impormasyon o datos sa paksang ginamit.

2. Matukoy ang positibo at negatibong epekto ng facebook sa mga mag-aaral.

3. Malaman kung ano ang dahilan kung bakit gumagamit ng facebook ang mag-

aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang epekto ng Facebook o Social Media sa mga estudyante ngayon

maaaring mabuti o masama ang dulot nito depende sa pag kontrol ng taong

gumagamit. Ang mga sumusunod ay ang mga maaaring makinabang sa pananaliksik

na ito.

Sa mga mag-aaral

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring malinawagan ang kanilang isipan

tungkol sa mga positibo at negatibong epekto ng facebook sa kanilang pag-aaral at


upang magkaroon sila ng ideya kung paano ang tamang paggamit ng social media

facebook bilang Instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sa mga Guro

Upang mabigyang ideya ang mga guro tungkol sa social media na kadalasang

pinagtutuung pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang

napulot maaari nilang magabayan ang mga mag-aaral at malimitahan ang kanilang

lubos na pagkahumaling sa facebook.

Tagapangasiwa ng Paaralan

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagpapaunlad ng mga programa at

mga Gawain at iba pang mga hakbang para makatulong sa mga mag-aaral na mapa-

unlad ang kanilang perpesyon o pananaw tungkol ditto.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap

Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay kung sakaling ang inyong paksa ay may

kaugnayan sa pag-aaral at maaari din ninyonh pagkuhanan ng mga bagong ideya.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at

negatibong epekto ng facebook sa mga piling mag-aaral sa Agusan National High

School taon 2018-2019.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa ika sampung baiting ng Agusan

National High School. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin ang pananaw o

persepyon ng mga napiling mag-aaral sa epektong dulot ng facebook sa mga mag-


aaral sa huli, bibigyan ng mga pananaliksik ng mga solusyon upang maiwasan at

mabawasan ang mga mag-aaral na nahuhumaling sa facebook.

Teoritikal at Konseptuwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga negatibo at positibong

epekto ng facebook sa mga mag-aaral ng Agusan national high school sa ika sampung

baiting sa paraan ng deskriptib interbyu sa kanilang sinagutan upang makakalap ng

mga kinakailangang Impormasyon

EPEKTO NG
FACEBOOK

MGA MAG-
AARAL SA IKA
SAMPUNG
BAITANG
BAITANG

NEGATIBONG POSITIBONG
EPEKTO EPEKTO
CARL ROGER (THEORY OF INTERPERSONAL RELATIONS)

Ang CONGRUENCE ay terminong ginagamit upang maayos na maipakita

ang pagkapantay-pantay ng karanasan, kamalayan at pakikipagtalastasan ng isang

indibidwal. Ang karanasan ng isang tao ay naipapakita sa proseso ng kanyang pag-iisip

at pakikipagtalastasan. Lahat tayo ay nangangailangang maging kapantay ng pag-iisip

ng iba upang lubusan nating maunawaan ang kanilang kalagayan. Habang lumalaki

ang antas ng ating karanasan at kamalayan, lumalaki rin ang ating kakayahang

makipagkapwa at makipagtalastasan. Ang reciprocal communication o

pakikipagtalastasang pantay sa paglalahad at pagtanggap ng mga impormasyon ay

nagdudulot ng interaktibong pakikipagkomunikasyon na nagigingbunga ng mas

malawak na pagkakaintindi . Sa gayon, ang persepsyon ng receiver ng komunikasyon

ay mahalaga sa interpersonal na relasyon. Ang give and take na pamamaraan ng

komunikasyon ay lubos na mahalaga sa pakikipagkapwa. R. STEINBERG

( TRIARCHICH THEORY) Ayon sa triarchich theory ni Steinberg, ang kaalaman ay

nababatay sa kung paano aayon ang isang indibidwal sa pagbabago ng kapaligiran sa

kanyang buong buhay. Ang paggalaw ng utak ay ibinase niya sa tatlong components.

Ang una ay ang metacomponents na kung saan ang ating utak ay nagpoproseso sa

paglutas sa suliranin at paggawa ng mahahalagang desisyon. Ang pangalawa ay ang

performance components na kung saan ang proseso ng utak ay gumagalaw sa ating

memorya. Ang paggawa ay nababantay sa kung ano ang dati nating alam at pag-

uugnay nito paggamit nito sa isang bagong gawain. Ang pangatlo ay ang knowledge-

acquistion components na kung saan ang utak ay pumipili sa mga bagong kaalamang

ating nakukuha. Kung alin ang tama at mahalaga o alin ang mali o hindi gaanong
mahalaga. Kasabay ng tatlong ito ay ang kakayahang makaadap ng isang indibwal

sakanyang mundong ginagalawan (adaptation) upang siya ay makakaadjust o

makasabay sa mga pagbabagong ito.

Kahulugan ng mga katawagan

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa

binigynan naming ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung

paano ginamit ang mga salita sa pamanahong papel na ito.

Social Media- ay isang daan upang makipag kominukasyon sa mga taong nasa

malayo, at ito rin ay may malaking kontribusyon sa pakikipagkaibigan sa mga tao kahit

hindi natin sila nakikita.

Facebook- ay isang makabagong ideya na nag-aalok sa ating ng pagkakataong

makipag-ugnayan sa isang website kung saan may marami tayong makikilala ng mga

bagong kaibigan.

Social Networking Sites- ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t-

ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tec, mas madali at higit sa lahat mas

mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malayo sa atin,

magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga

serbisyong pang publikong nagrerehistro (ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob

sa isang system,pinahihintulutan na makita ang mga profile ng isang indibidwal na

kasama niya sa system. Idinagdag pa ng mga manunulat na ang social networking ay

nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang

ibang tao.

Ayon sa tesis na ginawa nu Suarz Asper tungkol sa Social Media, sinabi niya na

lubos na nakakaapekto sa ating pakikipagkapwa ang mga social networking sites dahil

ito ay nagbukas ng makabagong paraan sa pakikipagkomunikasyon. Ayon sa

panananliksik niya, lubos na nakatulong ang mga networking sites upang pagbuklurin

ang iba't-ibang klaseng tao na may iba't-ibang pananaw dahil sa: una, ginawang posible

nito ang pakikipag-usap nito sa iba sa tamang oras gaano man ito kalayo. Pangalawa,

ito ay nagbukas ng pagkakataong makonekta ang isang tao sa libo-libong tao sa buong

mundo na gumagamit din nito na naging mabuting daan upang makipaglitaan ng

interaksyong sosyal ang isang lahi sa ibang lahi. Pangatlo, ito ay nagbukas ng

pagkakataong maihayag ng isang tao ang kanyang sarili ng may kalayaan sa

pamamagitan ng pagshare, paglike at pagcomment sa mga litratong nakalagayo

inilagay nito. Sa pakikipagkapwa ayon sa artikulong "Human Relation" lahat ng tao

walang-hanggang pakikipag inter-ak sa iba. Sa pamama gitan ng pakikipagpalitan ng

kaalaman, nagkakaroon ng malaking impluwensiya ang kapaligiran o ang mga taong

nakapaligid sa isang indibidwal sa kanyang pag-uugali ng isa't-isa. Ang Reciprocal


determinalism o palitan (bigay-kuha) ng impormasyon ay isang salik sa nakakaapekto

sa kaalaman/pakikipagkapwa ng isang indibidwal sa kapaligirang kanyang

ginagalawan.

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring

magingbasehan para sa interaksyong sosyal na pagsulong ng kagamitan ng kompyuter

sapakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang pagtayo ng isang websayt

kung saanang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase at

magkaroon ngkomunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang University (2007), si Randy

Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na

ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga residente ng Estados Unidos at

Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noong sila’y nagaaral,

nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar. Ayon kina Boyd at Nicole, ang

pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na SixDegrees.com. Sa websayt na ito,

nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawang kaibigan. Pagkatapos

naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng SixDegrees.com

noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002, Multiply.com at

Myspace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman noong 2004.

Ayon kay Wasta Fari (2010), ang facebookay isa sa pinakasikay na Website

dahil sa patuloy na gumagamit nito. Hindi matatawaran ang kabutihang naidudulot nito

upang pagbukludin ang iba't ibang uri ng indibidwal, kasama sa iba't- ibang

nakakaengganyong abilidad na maaring gawin dito ay ang katotohanang maaari kang

gumawa ng isang birtwal na pagkatao upang makakilala ng bagong mga kaibigan.

Subalit kung babasehan ang katotohanan na ang isang tao ay maaaring gumawa ng
pekeng account upang manira ng ibang tao, ito ay lubhang nakakapagkuha ng

atensyon ng lahat para sa seguridad. Sa mga inobserbahang estudyante, nalaman ni

Fari na ang mga mag-aaralna lubos na nahuhumaling sa facebook ay nawawalan ng

ganang gumawa ng takdang aralin dahil sa malaking oras na nagugugol nila sa pag

fefacebook. Ayon pa sa kanya ang oras na ginagamit ng mag-aaral sa facebook ay

sapat na upang maubos ang dapat nang nakalaan aa mga extra-curricular na aktibidad

sa paaralan. Gayon pa man ang perspective ng paglalahad ng mga epektong ito ay

upang maging responsible ang isang mag-aaral sa tamang paggamit ng kanyang oras

sa pakikipagkaibigan, paglahok sa mga extra-curricular activities, pagfefacebook at

paggawa ng takdang aralin.

Ayon sa isang pag-aaral na ginagawa ni Ma. Fe Gannaaban, PhD (2013),

ang social media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na

magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaaring magbigay

ito ng opurtunidad sa mga guro upang komonekta sa kaniyang mga mag-aaral.

Sinasabing hindi lamang sa mga mag-aaral mayroong advanteyj ang social

media, kundi o maging sa mga guro.

Batay naman sa mga pag-aaral ni Flonamae Abainza 2014, ang social media

katulad ng facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng mganda sa mga

kabataan. Isa na dito ay ang maaaring magkaroon ng malayong ugnayan ang mga

bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahil sa paggamit nito. Isa ring dulot ng

social media ayon sa mga pag-aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga

impormasyon.
Ito ay maoobsebahan kahit sa grupo ng aming pangkat sa paaralan, dito

nagpapahatid ng mga mahahalagang impormasyon ang pangulo ng aming kaklase ukol

sa mga mahahalagang paalala sa aming kamag-aral. Ang mga naturang impormasyon

ay naipapahatid ng mas mabilis at sa mas madaling paraan.

Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga mag-aaral ang social

media, huwag lamang itong aabusin at ito na ang kumain sa ating mahalagang

panahon. Marami ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media sa ating mga

pamumuhay bilang estudyante.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Disensyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay deskriptibo at deskriptibong interbyu ang napili ng

mga mananaliksik. Isinagawa ang interbyu sa mga piling respondent na siyang

panggagalingan ng mga kakailanganin mga datos. Sa ganitong paraan naniniwala ang

mga mananaliksik na mas mapapadali ang pag-kalap ng mga kinakailangan mga datos

galing sa mga repondente.

Lugar ng Pananaliksik

Sa pagkuha ng mga datos gagawin ang pag-aaral na ito sa Agusan National High

School na nasa Zone 1 Sambulawan Agusan, Cagayan de Oro City

Mga respondente ng Pananaliksik

Ang mga piling estudyante ng Agusan National High School na nasa ikasampung-

baiting ang siyang mga respondente sa pag-aaral na ito kung saan sampu higit pa ang

pagkukunan ng mga kinakailangan mga datos at mahahalagang impormasyon


Instrumento ng Pananaliksik

Matapos matiyak ang lokasyon ng pag-aaral gumawa ng mga gabay na katangunan

ang mga mananaliksik na siya naman gagamitin sa internet upang mas madami ang

pag-kalap ng mga datos

Proseso ng pagkuha ng datos

Sa pagkuha ng mga kinakailangang mga datos o impormasyon ay kinakailangan ng

mga mananaliksik na gumawa ng mga katanungan na itatanong sa mga iinterbyuhin,

pagkatapos makuha lahat ng sagot ng mga respondent ay titiponin lahat ng

impormasyon at iaanalisa, bigyang kahulugan at bigyang kasagutan kung ano-ano ang

mga epekto ng facebook sa mga mag-aaral. At pang huli ay iisa-isahin ng mga

mananaliksik ang mga kung ito ba ay negtibo o positibong epekto para sa mga mag-

aaral

You might also like