Sa bahaging ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng pangkalahatang estratihiya
upang makakalap ng impormasyon sa aming napiling paksa, sa maayos at lohikal na paraan.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang ang pangunahing dahilan ng mga mananaliksik sa napiling paksa, upang
malaman ang epekto ng migrasyon sa edukasyon sa mga piling ag-aaral ng Quezon NHS. At mahinuha ang kahalagahan patungkol sa kasalukuyan nilang karanasan.
PAGPILI NG RESPONDANTE
Sa pagpili ng respondante ng mga mananaliksik ay gumamit ng paraang random
sampling, na kung saan ay kahit sino ay pwedeng maging respondante. Ang maaaring kalahok nito ay ang mga piling mag-aaral ng Quezon NHS, partikular sa seksyon ng Grade XI EIM- BLK. 1 at BLK.2, H.E, at HUMMS, anuman ang kasarian ay maaari naming maging respondante.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Upang mapadali ang pananaliksik ng mga mananaliksik, ay gumamit ang mga
mananaliksik ng mga katanungan at talatanungan, at ang tatanungan ay ibinahagi sa mag-aaral ng Quezon NHS, partikular sa seksyong Grade XI- EIM BLK 1 at BLK 2, H.E, at HUMMS, upang makakalap ng impormasyon sa kinakaharap nilang problema sa migrasyon sa edukasyon at malaman kung ano ang kahalagahan at epekto sa kanila nito. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Sa paraan ng pananaliksik, gumagamit ang mga mananaliksik ng internet, aklat,
talatanungan o mga katanungan na makakalap ang mga mananaliksik ng impormasyon at iba pang paraan, a kung saaan ay makakalikom ng impormasyon ang mga mananaliksik patungkol sa migrasyon sa edukasyon na kinakaharap ng mga piling mag-aaral ng Quezon NHS.