You are on page 1of 4

20

KABANATA III

Metodolohiyang Ginamit

Ipinapahayag sa kabanatang ito ang mga metodolohiyang

ginamit sa pag-aaral na ito.

Disenyo o Metodo

Deskriptibo o paglalarawan ang ginamit na metodo ng mga

mananaliksik. Ayon kay Pauleen Fontillas (2013), ang deskriptibo ay

naglalayong magpakita o mapakita o maglarawan ng mga kalangian,

anyo at hugis sa nasaksinan.

Ito ang ginamit na metodo ng mga mananaliksik nang sa gayon

ay masagutan ng tama at wasto ang paksa na “Mga dahilan at epekto

ng paglaganap ng impormal ng Wika.”


21

Paglalarawan ng Respondente

Ang mga napili ng mga mananaliksik na respondent ay ang mga

mag-aaral ng Rizal Technological University – Pasig Campus na nasa

pangkat ng Senior High School kung saan pipili ang mga mananaliksik

ng tatlongpung respondente.

Napili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng Senior High

School ng Rizal Technological University sa pagkat sila ay may

karanasan ukol sa paggamit ng impormal na wika at dahil dito tiwala

ang mga mananaliksik na masagutan nila nang maayos ang mga

nakapaloob sa talatatungan.

Instrumento o kasangkapan sa pangangalap ng datos

Ang pananaliksik na ito ay ginagamitan ng instrumentong

talatanungan o sinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Naghanda ang mga mananaliksik ng talatanugan na binubuo ng

dalawangpung katanungan para mangalap ng mga ideya at opinion

ukol sa “Mga dahilan at epekto ng paglaganap ng impormal na wika”

Masasagutan ng mga respondente ang mga tanong sa bawat

bilang sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kahon at sa ibabaw


22

nito ay may nakalagay na Oo at Hindi na kung saan ay doon sasagot

ang mga respondenteng aming napili

Paraan sa pangangalap ng impormasyon at datos

Ang unang hakbang na ginagawa ng mga mananaliksik ay

binubuo ng dalawampung tanong batay sa paglaganap ng impormal na

wika, ikalawa ay ipinabalideyt o ipinasuri ang mga tanong na nabuo

kay Gng. Valentina Bulatao upang makasiguro ang mga mananaliksik

na tama at hindi ito makakaapekto o pakakasakit sa damdamin ng

mga mag-aaral at kung angkop ba ang naturang tanong sa paksa,

ikatlo ay ipina-photocopy ng mga mananaliksik sa tatlumpung kopya

ang talatanungan. Ang ikaapat ay ipinapamigay ng mga mananaliksik

sa tatlumpung respondent ng Rizal Technological University at ang

ikalima ay kinolekta ng mga mananaliksik ang mga talatungan upang

masuri ito at pagkuhaan ng mga datos na susuporta sa pananaliksik.


23

Kahusayan ng Pagsubok

Ang talatanungan na ginamit ng mga mananaliksik ay

pinabaledeyt kay Gng. Bulatao upang Makita kung tama o wasto ang

ginawang talatanungan. Ginawa ng mga mananaliksik tungkol sa pag-

aaral ng mga opinion ng mga mag-aaral sa Senior High School ng

Rizal Technological University pang campus na hinaing ng mga mag-

aaral hingil sa paglaganap ng impormal na wika; at kung ito ay

naipabalideyt na, saka

pa lamang maipapamahagi ng mga mananaliksik ang mga ito sa

mga respondent upang makakalap ng sapat na datos para sa pag-

aaral.

Pagsusuri sa nakalap na Datos

Pagkatapos pasagutan ang talatanungan ay isinagawa na ang

pagtataly ng mga nakalap na datos . ang pagtataly ay batay sa bilang

ng mga sumagot ng Oo at Hindi ng Senior High School. Pagtataly sa

bilang ng sumagot ng Oo at Hindi sa edad 16-17, 18-19, at 20-pataas.

Pagtataly sa bilang ng sumagot ng Oo at Hindi sa babae at lalaki ng

Senior High School.

You might also like