You are on page 1of 7

Kabanata III

Disenyo at Metodolohiya ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik ang ginamit ng

mananaliksik sa pagbuo ng pag-aaral na ito upang maiulat ng maayos

ang mga datos na nakalap. Ang AZ metodolohiya ang naangkop na

gamitin sa pananaliksik na ito sapagkat ang layunin ng mga

mananaliksik ay mailahad ang epekto ng pag-inom ng alcohol sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente

Ang mga respondent sa mga talatanungan na inihanda para sa

pananaliksik na ito ay pasumala na pinili mula sa iba’t ibang seksyon

ng baiting 11 na mga mag-aaral sa mataas na paaralan ng Doña

Teodora Alonzo. Gumamit ang mga mananaliksik ng sampling na

pamamaraan ng pagpili ng respondent upang makapagbigay ng

pantay na representasyon ng mga datos tungkol sa epekto ng pag-

inom ng alcohol sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.


Tanging tatlumpong estudyante lamang mula sa iba’t ibang

seksyon ng baiting 11 ang nabigyan at tumugon sa mga talatanungan

ng pananaliksik. Tanging mga estudyanteng nakainom na o

kasalukuyang umiinom ng alcohol ang napili para sagutan ang mga

talatanungan.

Instrumento sa pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay napiling gumamit ng talatanungan

upang makakalap ng datos. Ang mga talatanungan ay ipinasagot sa 30

respondente na nakiiisa sa mga mananaliksik. Ang talatanungan ang

aming napili , dahil ang mga impormasyong kailangan makalap ay

maibibigay lamang ng sariling pananaw ng bawat respondente, at ang

tanging paraan para ito ay makalap ay sa pamamagitan ng pag-

iinterbyu o mga talatanungan. Ang mga mananaliksik ay isinaalang-

alang rin ang pamamahala sa oras at ang pag-iwas sa mga abala sa

pagpili ng talatanungan bilang instrumento.

Ginamit ng mga mananaliksik ang internet upang makakuha ng

mga impormasyon mula sa pananaliksik ng mga banyaga at para

makakuha ng impormasyon sa mabilis na pamamaraan. Naging

mahalagang instrument ang internet sapagkat ito ay nakapagbibigay

ng maraming impormasyon sa maikiling panahon lamang. Naging


malaking tulong ang mga thesis na nalimbag sa mga silid aklatan sa

pagbuo ng pananaliksik na ito. Ang mga thesis na nalimbag ay isang

mahalagang instrumento sa pagkagawa ng pag-aaral na ito sapagkat

nakakapagbigay ito ng impormasyon na tiyak na.

Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Pagpili ng Paksa

Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng interes na alamin ang

mga epekto ng pag-inom ng alcohol sa mga mag-aaral. Napili ng

mga mananaliksik ang epekto ng pag-inom ng alcohol sa mga mag-

aaral bilang paksa sa pananaliksik na ito, sapagkat ito ay isa sa mga

napapanahong isyu na kailangang pag-tuunan at mabigyan nang

karampatang lunas. Naaangkop ang paksa ng pananaliksik na ito sa

panahon na inilaan para sa mga mananaliksik na may bilang na

dalawang buwan. Inaasahan na ang paksa nang pananaliksik na ito ay

makatutulong sa lipunan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga datos

na nakalap ng bawat mananaliksik.

Pagbuo ng Katanungan

Ang mga katanungan nabuo sa pananaliksik na ito ay ibinatay sa

mga gustong makalap na imporsmasyon ng mga mananaliksik. Ang


mga katanungan ay laging nakapaloob sa dahilan at epekto ng pag-

inom ng alcohol sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral upang

makalap ang mga impormasyong tanging sariling pananaw lamang

ang makakaresponde

Pagkalap ng Datos

Para makakalap ng mga datos ang mga mananaliksik ay

naglimbag ng mga talatanungan na nahahati sa mga kategoryang

pinapaksa ng pag-aaral.

Tritment ng mga Datos

Itinally ang mga nakuhang impormasyon at nilapatan ng

karampatang pormulang istatistikal upang malaman ang bahagdan ng

markang isinumite ng mga respondante sa bawat bahagi.

Ang pormula ay: P= bahagdan

𝐹 F= dalas
𝑃= × 100%
𝑁
N= bilang ng mga respondante
Kabanata IV

Presentasyon at interpretasyon ng Datos

Ang kabanata na ito ay ipinapakita ang mga datos na nakalap,

ang mga resulta ng estatikong pagsusuri at ang mga

pagpapakahulugan ng mga natuklasan.

Talahanayan 1

Kasarian at kalimitan ng mga respondente

Kasarian Prikwensya Bahagdan

Babae 15 50%

Lalaki 15 50%

Kabuuan 30 100%

Interpretasyon: Ipinapakita sa talahanayang ito ang porsyento

ng mga babae at lalaki na respondente na pinili para sa pagsagot ng

mga talanungan.

Talahanayan 2

Unang tanong Sang-ayon Hindi sang- Walang

ayon sumasang-

ayon

babae 46.66% 33% 20%

lalake 53.33% 20% 26.66%


Dahong Dagdag
Talasanggunian

1.) https://www.sciencedaily.com/releases/2007/12/0712040918

54.htm

2.) rssocar.psa.gov.ph/article/higlights-2015-global-school-

based-student-health-survey-gshs-alcohol-and-tobacco-use

3.) https://rmn.ph/5-masamang-epekto-ng-pag-inom-ng-alak/

4.) https://tl.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo

5.) www.kalusugan.ph

6.) www.theclassroom.com/drinking-affect-students-12686.html

You might also like