You are on page 1of 8

Kabanata 3

Introduksyon

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa metodolohiya ng pag-aaral, paksa, o instrumento

ng pananaliksik, pagkuha ng datos upang magkaroon ng sistematikong resulta at analisasyon ng

pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang ginawang pag-aaral ng mananaliksik ay isang deskriptibong pananaliksik na

gumamit ng particular na pagtatanong gamit ang kwestiyonaryo(questionnaire). Napili ng

mananaliksik ang disenyong ito dahil ito ay akma sa mga kalahok upang makalap ang mga

impormasyon ng deskriptibong pag-aaral.

Mga kalahok

Ang kalahok ng pananaliksik ay ang mga mag-aaral ng Baliwag Polytechnic College

partikular ang mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo. Napili ng mananaliksik ang mga

kalahok na ito dahil kadalasan na mga nasa unang taon ng kolehiyo ay pumapasok ng maaga at

mas may posibilidad na hindi makakakain ng agahan. Random na pamamaraan ang ginamit ng

manananliksik at nasa 18 hanggang 20 ang edad ang nagsagot ng mga talatanungan

(Questionaire).

Instrumento ng pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng kwestyonaryo (Questionaire). Ang talatanungan ay

naglalaman ng demograpikong propayl na mayroong pangalan, edad, taon ng pag-aaral, ano ang
epekto ng hindi pagkain ng agahan at ano ang madalas na dahilan nito. Ang mga impormasyong

nakalap ay gagamiting basehan sa layunin ng pag-aaral.

Paraan ng pagkuha ng datos

Una sa lahat, ang mananaliksik ay nakikipag-ugnayan sa mga guro upang makuha ang

permiso na magsagawa ng survey sa loob ng paaralan. Ikalawa, nakipagpalagayan ng loob sa

mga kalahok at pinasagutan ang talatanungan na humihingi ng impormasyon ukol sa epekto ng

hindi pagkain ng agahan bago pumasok ng paaralan. Ikatlo, pagkatapos malikom ng

mananaliksik ang mga datos ay susuriin ng mananaliksik kung ano ang kabuuang perspektibo ng

mga mag-aaral sa pagkain ng agahan at karanasan ng mga kalahok. Positibo o Negatibo ay

balido dahil ito ang karanasan ng kalahok.

Pagsusuri ng Datos

Una ay pinagsama-sama ng mananaliksik ang kasagutan ayon sa layunin ng pananaliksik.

Pangalawa ay nilagom ang mga kasagutan na magkatulad ng pahayag upang makabuo ng iba’t

ibang tema ayon sa pananaliksik.


Kabanata 4

Pagsusuri ng Datos

Sa kabanatang ito ang mananaliksik ay pinagsama-sama at inilagay sa naaayon sa

kanilang tema.

Ang mga datos na nakolekta ay inalisa ng mananaliksik. Ang mananaliksik ay bumuo ng

mga tema base sa sagot ng mga kalahok. Una, kabuuang perspektibo sa pagkain ng agahan at

pangalawa ang kabuuang karanasan sa pagkain ng agahan.

Talahanayan 1.1: Demograpikong propayl ng mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo

Kasarian Limit Porsiyento

Babae 9 60%

Lalaki 6 40%

Total 15 100%

Talahanayan 1.1: Ang limit at porsiyento ng edad ng mga kalahok

Ang talahanayan ay nagpapakita ng datos na 60% ng mga babae na kalahok at sumagot

sa talatanungan samantalang 40% naman sa mga lalaki.

Edad Limit Porsiyento

18 5 33.33

19 8 53.33

20 2 13.33

Total 15 100
Ang talahanayang ito ay nagpapakita ng datos ukol sa edad ng mga kalahok. Ang

edad ng mga kalahok ay 18 hanggang 20. Lahat ng kalahok ay nasa unang taon ng kolehiyo at

pumapasok ng 7:30 ng umaga.

Kabuuang Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Pagkain at Hindi Pagkain ng Agahan

Ayon kay Ramos (2013) agahan ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng lakas at

enerhiya na kinakailanga upang gampanan at punan ang mga gawain sa buong araw. Ang mga

kalahok ay nagbahagi ng perspektibo tungkol sa pagkain ng agahan at ang ilang sumusunod na

pahayag ay sinipi ng mananaliksik.

“Nagbibigay lakas sa buong araw pisikal at mental”

“May lakas ka para sa gawain sa isang araw”

“Nabubusog at nagfufunction ng mabuti ang utak”

Ang mga kalahok na kumakain ng agahan ay nagpakita ng positibong sagot sa mga

tanong. Ipinakita ng mga sagot ang magandang epekto ng pagkain ng agahan na tumutulong

upang mas maging maganda ang resulta ng kabuuang galaw sa paaralan. Mas inspirado, ganado

at handa ang isipan upang tumanggap ng panibagong impormasyon mula sa talakayan.

Sa kabilang banda nagpakita din ng negatibong epekto ang mga kalahok uikol sa hindi

pagkain ng agahan. Ang ilang pahayag ay sinipi ng mananaliksik;

“Hindi nakakapagfocus sa pag-aaral”

“Wala ng time magprepare.”


Nagpakita ang mga pahayag na ito na mayroong hindi magandang epekto ng hindi

pagkain ng maaga ipinakita dito na hindi nagiging handa ang isipan upang tumanggap ng

panibagong kaalaman mula sa talakayan.

Ayon sa fofoca-organization Philippines (2017) ang almusal nay akma matapos ang

mahabang gabi na walangb pagkain o meryenda ay kailangan upang basagin ang pag-aayuno

upang may mapagkunan ng enerhiya na kaagad nagagamit ng katawan. Ang almusal ang unang

pagkakataon na parehong enerhiya at nutrients na kailangan ng katawan sa simula ng araw.

Ipinapakita rin na ang almusal au tumutulong sa mga bata na mas maging alerto at magkaroon ng

isang mahusay na mood sa umaga. Ito rin ay tumutulong sa pisikal na aktibidad.

Karanasan ng mga Kalahok sa Pagkain at Hindi Pagkain ng Agahan

Ang mga kalahok ay nagbahagi ng karanasan sa pagkain ng agahan. Inilahad ng

mananaliksik ang mga ilang pahayag ng mga kalahok.

“Ang kahalagahan ng pagkain ng almusal ay nakapagbibigay bng enerhiya tuwing

umaga.”

“Hindi, wala na kong time.”

“Laging late.”

Ayon kay Mangilman (2018) pinagkukunan ng lakas, enerhiya at nutrisyon ang pagkain

ng maaga ngunitb marami ang hindi kumakain ng agahan sa kadahilanang nagmamadali sa

pagpasok, katamaran sa pagluluto at personal na kagustuhan. Batay sa sagot ng mga kalahok

tungkol sa kanilang karanasan siyam sa mga kalahok ay kumakain ng agahan at nagkakaron ng


enerhiya, mas maayos na pag-iisip, nagiging epektibo, nakasasabay at madaling intidihin ang

talakayan. Naglahad ng ilang pahayag galing sa mga kalahok ukol sa epekto o dulot ng hindi

pagkain ng agahan.

“Kapag may laman ang tiyan may laman ang utak.”

“Nagdudulot ng enerhiya na kailangan n gating katawan upang magkaroon ng gana

buong araw”

“Hindi nakakapagfocus sa pag-aaral.”

Ang ilan sa mga dahilan ng hindi pagkain sa agahan ay ang kawalan ng oras, kawalan ng

maghahanda at hindi gutom. Ang mga dahilang ito ay nagdudulot ng ilang epekto gaya ng

kawalan ng focus at kwalan ng gana sa pag-aaral.

Grap ng kumakain at hindi kumakain

Kumakain
40%
Hindi kumakain
60%
OO

Hindi

Figure 1: Porsyento ng kumakain at hindi kumakain ng agahan

Ipinapakita sa figure 1 ang porsyiento ng kumakain at hindi kumakain ng agahan


Kabanata 5

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng mga nakalap na impormasyon,

konklusyon at rekomendasyon base sa mga datos na naanalisa sa nakaraang kabanata.

Ang pananaliksik na ito ay nag-umpisa sa layunin ng mananaliksik na malaman

ang epekto at kahalagahan ng pagkain ng agahan sa mga mag-aaral. Gayundin, sa pamamagitan

ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral, mga nakalap na impormasyon, mga nakalap na datos,

ang mga mananaliksik ay nalaman ang mga sagot tungkol sa epekto ng agahan.

You might also like