You are on page 1of 27

MABALACAT CITY COLLEGE

Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan

Isang Pamanahong-Papel na Inihaharap sa Kaguruan ng


Mabalacat City College
Mabalacat City, Pampanga

Bilang Bahagi ng Pagtugon sa mga Pangangailangan Para sa


Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Nina:
Arnoco jr, Arnold P.
Chiu, Errol Bener M.
De Jesus, Michael C.
Kwan, Ken Alexie H.
Piczon, Zyrone P.

Isinumite Kay:
Gng. Annette L. Bagaoisan

Pahina 1 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ito’y nagpapatunay na ang pananaliksik na may paksang “EPEKTO NG


PAGKAIN NG STREET FOODS SA KALUSUGAN” na inihanda at
iniharap nina Ginoo. Arnold P. Arnoco jr, Errol Bener M. Chiu, Michael C.
Dejesus, Ken Alexie H. Kwan, Zyrone G. Piczon ay matagumpay na
ipinagtanggol at inapruhan noong ika-15 ng Mayo 2018.

Tagapayo/ Kritikong Mambabasa

Sa pamamagitan nito, ang pananaliksik na ito ay tinanggap bilang bahagi


ng pagtupad sa mga pangangailangan ng kurso sa Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik para sa digring Batsiler sa Sekundarya
Edukasyon.

(Dekano ng Kolehiyo)

Pahina 2 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aming pinaaabot sa mga


sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong,
kontribuson at suporta tungo sa ang matagumpayna reyalisasyon ng
pamanahong-papel na ito.

 Kay BB. Annette Bagaoisan, Ang aming minamahal na guro sa


Filipino 2, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa
pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala ang aming
pamanahong-papel.

 Sa Google, Awtor, Editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan


ng mahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong
papel na ito.

 Sa mga respondiyente, sapaglalaan ng panahon at sa matapat na


pagsagot saaming inihanda ng kwestyoner.

 Sa Diyos Amang Maykapal, sa pagdinig ng aming mga dalangin na


bigyan kami ng lakas ng luob, lalung-lalo na sa sandaling kami’y
pinanghihinaan na ng pag-asang matapos namin ito nang maayos
sa itinakdang panahon, Salamat Ama.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Pahina 3 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

DEDIKASYON

Sa aming guro na ginabayan kami sa paggawa ng pamanahong-papel,


Sa mga mag-aaral ng Mabalacat City Collage na nagsilbing respondent,
Mga tagapayong walang sawang sumuporta,
Mga pamilyang tunay na nagmamahal ang munting obrang ito ay handog
naming sa inyo.

Arnoco jr, Arnold P.


Chiu, Errol Bener M.
De Jesus, Michael C.
Kwan, Ken Alexie H.
Piczon, Zyrone P.

Pahina 4 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Talaan ng Nilalaman
Page
Pamagat .………………………………… i
Dahon ng Pagpapatibay .…………………………………. ii
Pasasalamat .………………………………… iii
Dedikasyon .…………………………………. iv
Talaan ng mga Nilalaman .…………………………………. v

Kabanata I, Suliranin at Kaligiran Nito


A. Panimula ………………………………………... 7-8
B. Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………… 9
C. Paglalahad ng Suliranin ……………………………… 9
D. Tiyak na Suliranin …………………………………… 9
E. Saklaw at Limitasyon ………………………………... 10
F. Modelong Konseptual ……………………………….. 10
G. Pagbibibgay Kahulugan ng mga Terminolohiya ……. 11

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral sa Literatura


A. Kaugnay na Literatura ………………………... 12-14
B. Kaugnay na Pag-aaral ………………………... 14-15

Kabanata III, Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik


A. Disenyo ng Pananaliksik ………………………... 16
B. Paraan ng Pangagalap ng mga Datos ………………… 16
C. Estadistikong Paglalapat ng mga Datos ….................. 17

Pahina 5 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Kabanata IV, Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos ...18-20

Kabanata V, Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


A. Lagom …………………………………. 21
B. Konklusyon …………………………………. 21-22
C. Rekomendasyon …………………………………. 22

Listahan ng mga Sanggunian

Pahina 6 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Street Foods pangalan palang ay may ideya na tayo kung ano


ito.”STREETFOODS” ang tawag sa mga pagkaing nabibili sa kalsada o sa
iba pang pampublikong lugar. Adidas, Fishball,Goto,Halo-halo,Isaw, Kwek
Kwek at iba pa. Isa lamang ito sa mga kinahiligan nating kainin sa araw-
araw pero alam nyo ba na ang pagkain ng madalas ng mga Street Foods
ay nagkakaroon ng masamang Epekto sa ating Kalusugan? Hihintayin mo
pa ba ang magkasakit ka o mag kasakit pa ang pamilya mo? Halika na
hinihikayat ka namin na mag basa sa aming akda o pananaliksik upang
malaman at maunawaan mo kung ano nga ba ang Masamang Epekto sa
Kalusugan ng madalas na pagkain ng Street Foods.

Ayon sa https://prezi.com/6kjmzyajg-4g/mga-sakit-na-maaaring-
maidulot-ng-madalas/ mababatid nating maraming Pilipino ang
tumatangkilik sa mga produktong may mas mababang presyo kagaya ng
mga pagkaing kalye o mas kilala sa tawag na Street Foods. Ang katagang
“Pagkaing Kalye” ay tumutukoy sa isang malawak na pagpipiliang mga
madadaling kaining pagkain at inumin na inihahanda sa mga
pampublikong lugar, particular sa mga lansangan. Ito ang depinisyon ng
pagkaing kalye na napagkasunduan sa naganap na FAO Regional
Workshop on Street Foods in Asia na ginawa sa Jagjakarta, Indonesia
noong 1986 pa.

Ayon sa Food And Agriculture Organization Of The United Nations,


Halos 2.5 bilyong katao ang kumakain ng street foods bawat araw sa atin
dito sa Pilipinas. Ang ibang tao’y kumakain ng street food pangmeryenda,
habang ang iba’y ginagawa na itong ulam sa pang-araw-araw. May mga

Pahina 7 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

medyo nagtitipid kaya ginagawa na itong pantawid gutom habang ang


iba’y gusto lamang matikman ang kakaibang sarap na nabibigay nito.

Ayon kay Alyzza Sanchez kung gusto mong maglakbay, dapat


mong malaman na ang isa sa mga pinaka maganda na karanasan ay
subukan ang iba’t ibang pagkaing kalye na inaalok ng lokal dahil ito ang
paraan kung paano ipakita ang iyong sarili sa kanilang kultura.
(www.psst.ph/pinoy~street-foods)

Street Foods ay hinahanda o niluluto ng mga Vendor sa mga kalye


o sa iba pang pampublikong lokasyon para sa agarang pag konsumo.
Karaniwan, ang pagkain o inumin ibinebenta sa kalye sa isang merkado.
Bawat rehiyon sa Pilipinas maaari mong laging makita ang mga Street
Food na pinalalaki at tinatamasa ng karanamihan sa mga Pilipino. Ngunit
kung minsan ang mga pagkain sa kalye ay maaring maging Sanhi ng
pinsala sa ating kalusugan pati na rin depende sa kung paano ihahanda
ng mga Vendor ang kanilang Produkto. (https//prezi.com/vfmabsc/street-
food)

Idinagdag pa ni Tinker sa kanyang librong Street Foods: Urban


Food and Employment in Developing Countries (1997), ang mga
nagtitinda ay kadalasang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at hindi
nasanay sa paghahanda ng pagkain. Madalas nagtratrabaho din sila na
hindi man lang iniisip ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili. Kaya
ayon sa mga pananaliksik, nagpapakita ang karamihan ng mga tinitindang
pagkain ng mga bakterya at bayrus. Nasiyang nagiging dahilan ng
pagkakasakit ng mga kumakain nito, at sa kasamaang palad marami na
rin ang namatay dito. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na
malaman ang Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa kalusugan ng tao.

Pahina 8 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Kahalagaan ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod na matutuklasan sa Pag-aaral na ito ay mag


sisilbing patunay at makatulong sa mga sumusunod:

Sa mga magulang

Sa mga magulang na mas mauunawaan ang epekto ng pagkain ng


Street Foods na madalas sa panahon ngayon ay nakahiligan na nang
mga kabataan o ang kanilang anak ang pagkain ng Street Foods nang sa
gayon ay mapa-alalahanan nila ang kanilang mg anak.

Sa mga mag-aaral o kabataan

Upang malaman ng mga mag-aaral na hindi ligtas ang Pagkain ng


Street Foods, at mas mauunawaan nila ang Epekto nito sa Kalusugan at
para malaman pa nila ang masamang dulot at maiwasan.

Paglalahad ng Suliranin

Alamin ang iba’t ibang Epekto sa Pagkain ng Street Foods sa mga


estudyante o sa mga tao na tumatangkilik dito.

Tiyak na Suliranin

1. Ilang persyento ang mahiligkumain ng Street Foods?


2. Gaano kadalas kumain ng Street Foods?
3. Anong Epekto sa Kalusugan ang Pagkaing Street Foods?

Pahina 9 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Saklaw at Limitasyon

Ang Pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng Pagkaing Kalye


sa Kalusugan ng mga mag-aaral ng Mabalacat City Collage.

Ang pag-aaral na ito ang masamang Epekto lamang sa Kalusugan


ng mga taong tumatangkilik sa Pagkain ng Street Foods ng mga mag-
aaral ng Mabalacat City Collage buhat sa instituto ng IHM nalalahokan ng
20 respondiyente.

Modelong Konseptual

• Batay sa lumalaking bilang ng mga Pilipinong nag kakasakit dahil sa


pagkain ng Street Foods.

• Nakikita ng mga mananaliksik ang dami ng mag-aaral na mas


Input kinagigiliwan ang pagkaing kalye na hindi naman tiyak ang kaligtasan.

• Ang mga paraan na gagamitin ng mga pananaliksik ay

• Sarbey
• Internet
Process • Silid - aklatan

• Maipahatid sa mga mag-aaral ang sakit na maidudulot sa kalusugan


ang madalas na pagkain ng Street Foods.

• Malilimitahan ang mga mag-aaral sa pagkonsumo o pagkainng Street


Output Foods.

Pahina 10 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Pagbibigay Kahulugan ng mga Terminolohiya

Adidas – Ang inihaw na paa ng manok mas kilala sa tawag na


adidas ito ay masarap pampulutan o pang – ulam sa mainit na kanin
Fishball – Ang fishball ay mga maliit na bola-bola na gawa sa
harina at hinimay na isda. Ito ay kadalasan piniprito nang lubog sa
mantika at isinasawsaw sa suka o kaya’y sa sweet and sour na maaaring
mahanghang man o hindi.

Isaw – Ito ang tawag sa inihaw na bituka ng manok na mabibili ng


tatlong piso bawat tuhog madalas may kasama itong balunbalunan ng
manok.

Kwek-Kwek – Ito ay nilagang itlog ng manok o itlog ng pugo na


binalutan ng harina, pinirito ng lubog sa mantika.

Street Foods – Ito’y mga Pagkain na makikita sa gilid ng mga


kalye o bangketa ito ay mga Pagkain na “ Ready to Eat “ o pagkain na
lamang o preparado na.

Pahina 11 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL SA LITERATURA

Kaugnay na Literatura

Makikita sa bahaging ito ang mga Publikasyon may kinalaman sa


pag-aaral na ito kasama na ang mga Pahayag, Aklat, at Web page, gayun
din ang ibang mga kaugnay na pag-aaral.

Ayon kay Fronly Y RA ang pagkain ng Street Foods ang


nakakatulong sa mga tulad naming estudyante na maraming ginagawang
pang-eskwela na pamatid gutom. Mas maliit ang nakokonsumong oras sa
pagkain dahil sa mga Ready-To-Eat na ito. Sa pagkain ng Street Foods
nakakatulong din ng malaki dahil sa murang presyo nito na kung minsan
ay mas pinababa pa para maluwang sa bulsa ng mga estudyante.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, makakabuting magdala


na lamang ng sariling pagkain at tubig upang maiiwas sa mga posibleng
sakit na makukuha mula sa mga kontaminadong Pagkain Kalye. Ilan ditto
ay ang binalatang berdeng Mangga, Hotdog, Juice, Gulaman, at Fishballs,
Squid balls. Posibleng nakalantad ito sa alikabok at iba pang organismo
na naka pagdudulot ng sakit.

Ilan din sa mga sakit na pweding makuha mula sa mga


kontaminadong pagkain ay ang Pagtatae, Hepatitis, Kolera, maging ang
pagkalson at iba pang gaya niti. Kung makakaranas ng mga sintomas ng
pananakit ng tiyan, pagsusuka at panghihina makakabuting pumunta na
agad sa pinakamalapit na Hospital o Health Center para maagapan ang
nararamdaman.

Pahina 12 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Ayon kay F.G Winarno at Annelies Allain taong 1986 (Consultant in


Food Technology Development Center, Bogor Agriculture University,
Penang Malaysia). Tumataas ang bilang ng populasyon ng mga Street
Foods vendor sa mga pook urban. Karamihan sa mga taong
nagtratrabaho o mga estudyante ay mas pinipiling kumain sa labas ng
bahay. Ang pagbebenta ng Street Foods ay isang mabisang paraan ng
paghahanap buhay lalo na ng mga mamamayan na nasa mababang
antas ng lipunan o di kaya’y mga unemployed citizens. Patok na patok
ang mga Street Foods sa mamamayan dahil ito ay sadyang napakamura.

Sa libro naman ni Madigan na Brock Biology of Microorganisms


(2006), Ang mga sakit na nagsimula sa pagkain, ay nagreresulta ng
pagkalason at impeksyon. Ang impeksyon ay nagsisimula sa pagkakaruon
ng bakterya sa katawan. Ang pagkalason sa pagkain naman ay sakit na
nagsimula sa pagsamasama ng mga pagkain na may bakterya at lason.
Ang bakterya ay laging nasa mga pagkaing hilaw . Kaya dapat laging
niluluto ang mga pagkain ng mabuti upang ang mga bakterya ay mawala.

Ayon naman kay A.P Simopoulos at R.V Bhat (2001). Ang Street
Foods ay isang “Phenomenon” para sa maraming mamamayan.
Inilarawan ito ng United Nations Food ang Agriculture Organization na “
Ready to Eat Foods” na inihahain ng mga nagtitinda o “Hawkers”. Sa
kalye at mga publikong lugar. Base sa pag-aaral, mababa ang nutritional
quality ng ganitong klaseng mga pagkain. Ito ang pangunahing sanhi ng
mga foodborne infection dahil sa hindi malinis na paghahanda ng mga ito.

Ayon kanina Muinde Ok at E.Kuria (2005) sa pananaliksik na


“Hygienic and Sanitary Practices of Vendors of the Street”, Tatlumpu’t
limang bahagdan (35%) ng mga bendor ay nasa taong dalawangpu (20%)
hanggang dalawampu’t lima (25). Anim napung bahagdan (60%) ng mga
bendor ay lalake at apatnapung bahagdan (40%) naman ang babae. Sa

Pahina 13 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

kanilang pananaliksik animnapu’t dalawang bahagdan (62%) ng mga


bendor ay pag-aaral lamang sa Primarya ang natapos. Gayun din sa
kanila animnapu’t isang bahagdan (61%) ng mga bendor ay natutunan
ang pagluluto ng kanilang tinda sa pamamagitan lamang ng pagmamasid,
tatlumpu’t apat na bahagdan (34%) ay minana sa kanilang mga magulang
at limang bahagdan (5%) ay sa pagsusubok-subok lamang. Ito ay
nangangahulugan na mataas ang porsyento ng mga bendor ang hindi
alam kung ano ang tamang pagluluto at malinis na paraan ng paggawa
nito.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa Pananaliksik nina John E. Ehiri, Marcel C. Azubuike,


Collins N. Ubbaonu, Ebere C. Anyanwu, Kasimir M. Ibe, at Michael O.
Ogbonna “Critical Control Points of Complementary Food” (2001). Tuwing
nagluluto, ang lahat ng mga pagkain ay natatamo ang tamang
Temperatura na may kakayahang patayin ang mga bakterya sa pagkain.
Gayunpaman, ang panganib ng kontaminasyon ay nadagdagan tuwing
iniimbak ang mga pagkain sa maling temperature. Ganun din sa
pagpapainit nito sa maling paraan at pagdaragdag ng mga sangkap na
kontaminado na. Bagaman, hindi ligtas ang kapaligiran kung saan
maraming mga panganib sa pagkain ng mga estudyante, tulad ng
kalinisan at kalidad ng hinahandang pagkain. Maaring maging panatag
ang mga magulang kung ang pangunahing prinsipyo ng mga bendor ay
kaligtasan ng pagkain at ang kalinisan nito.

Ayon sa Pananaliksik nina Md Mizanur Rahman, Mohd.


Taha Arif, Kamaluddin Bkar, at Zainab Tambi (2002). Ang pagtitinda ng
pagkain sa kalye ay isang umiiral at kapansin-pansing bahagi ng isang
malaking impormal na sector sa isang bansa. Ang kaligtasan ng pagkain

Pahina 14 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

ay isa sa susi na dapat pagtuunan ng pansin, dahil napakalaki ng


bahagdan (%) ng mga tao ang kumakain sa mga pagkaing kalye.

Sa pananaliksik ng “Street Foods in ACCRA, Ghana: How Safe are


They?” pinunto nina Patience Mensah, Dorothy Yeboah-Manu, Kwaku
Owusu-Darko, at Anthony Ablordey (2002). Maraming sakit ang maaring
makuha sa madalas na pagtangkilik sa pagkaing kalye. Ang mga sakit
ayon sa mga pananaliksik, ay Diarrhea, Hepatitis, Hepatitis A at Hepatitis
B at Typhoid Fever. Ang mga ito ay nakukuha sa pamamagitan ng
pangtangkilik ng mga pagkain na kung saan dinapuan na ng bakterya.
Ang Diarrhea ay nakukuha naman sa hindi malinis na inumin. Ang
Hepatitis ay isang sakit na kung saan tinatamaan ang atay, at nakukuha
sa paghahalo-halo ng mga nakakalasong bakterya at bayrus. Ang Typhoid
Fever ito ay infectious disease kadalasan ang mga nagkakaroon ng sakit
na ito ay mga taong nakatira sa maruming kapaligiran at sa maduming
mga pagkain.

Pahina 15 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipinisinta ang paraan ng pananaliksik mga


Disenyo ng Pananaliksik, Paraan ng Pananaliksik, at ang Estadistikong
Paglalapat ng mga Datos.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng


pamamaraang Deskriptib – Analitik na Pananaliksik. Tinangkang ilarawan
at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang kaalaman at
Pananaw ng mga mag-aaral sa Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa
Kalusugan ng Tao.

B. Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng


pagsarsarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey
kwenstyuner na naglalayang makahanap ng mga datos upang malaman
ang salik sa Epekto ng Pagkain ng Street Foods. Mag sasagawa din ng
pangangalap ng impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t-ibang
hanguan, sa aklatan tulad ng mga Aklat, Dyaryo, Magasin at
pamanahunang papel, kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang
impormasyon sa internet.

Pahina 16 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

C. Estadistikong Paglalapat ng mga Datos

Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral ang


mga mananaliksik ay nangalap ng datos buhat sa mga aklat na may
kinalaman sa kanilang Paksa. Ang mga mananaliksik ay nangalap din ng
datos mula sa iba’t-ibang Websayt sa Internet, iba’t-ibang thesis na
maaring iugnay sa paksa. Bukod sa mga nabanggit ang mga mananaliksik
ay nakapangalap din ng datos mula sa mga taong ekspert o kaalaman sa
paksang napili ng mga mananaliksik.

Pahina 17 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

KABANATA IV
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Paglalahad

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa


mga mag-aaral sa Mabalacat City Collage buhat sa instituto ng IHM na
lalahokan ng 20 respondiyente

1. Mahilig kabang kumain ng Street Foods?


a. Oo
b. Hindi

Datos

B
15%

A. Oo
B. Hindi
A
85%

Interpretasyon
Batay sa mga nakalap na mga datos mula sa mga respondiyente
85% ang sumagot ng OO,na mahilig kumain ng Street Foods at 15%
naman ang HINDI.

Pahina 18 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

2. Gaano ka kadalas kumain ng Street Foods?


a. 1-2 beses sa isang araw
b. 3-4 beses sa isang araw
c. 5-6 pataas sa isang araw

Datos

0%

10%

A. 1-2 beses sa isang araw


B. 3-4 beses sa isang araw

90% C. 5-6 pataas sa isang araw

Interpretasyon

Batay sa mga nakalap na datos mula sa mga respondiyente 90%


ang sumagot ng 1-2 beses sa isang araw sila kumain ng Street Foods at
10% naman ang 3-4 beses sa isang araw kumain ng Street Foods at 0%
ang 4-5 pataas sa isang araw.

Pahina 19 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

3. Ano mga epekto ng pagkain ng Street Foods sa kalusugan ng tao?


a. Bacteria
b. Diarrhea
c. Hepatitis A & B
d. Infection
e. Poisoning
f. Typhoid Fever

Datos
F
5%

E A
22% 23% a. Bacteria
b. Diarrhea
D B c. Hepatitis A & B
12% 18% d. Infection
C
20% e. Poisoning
f. Typhoid Fever

Interpretasyon

Sa dalawangpung respondiyente sa datos 23% ang sumagot nang


Bacteria, 18% sa Diarrhea, 20% sa Hepatitis A & B, 12% sa Infection,
22% naman sa Poisoning, at 5% sa Typhoid Fever.

Pahina 20 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Kabanata V
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kaalaman ng mga mga-aaral sa


Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa kalusugan. Napili ang paksang ito
ng mananaliksik upang mapalawig ang kaalaman ng mga
estudyante,magulang,guro. Ang Street Foods ay isang sikat na mga
pagkain sa isang bansa. Ang katagang “Pagkaing Kalye” ay tumutukoy sa
isang malawak na pagpipiliang mga madadaling kainin na pagkain at
inumin na inihahanda sa mga pampublikong lugar, particular sa mga
lansangan mababatid nating maraming Pilipino ang tumatangkilik sa mga
produktong may mas mababang presyo kagaya ng mga pagkaing kalye o
mas kilala sa tawag na Street Foods. Isa lamang ito sa mga kinahiligan
nating kainin sa araw-araw pero alam nyo ba na ang pagakain ng
madalas ng mga Street Foods ay nagkakaroon ng masamang Epekto sa
ating Kalusugan?

Ang mananaliksik ay gumamit ng iba’t-ibang paraan upang mabuo


ang pananaliksik na Epekto ng Street Foods sa kalusugan ng tao. Ang
mga impormasyon na kalap ay nang galling sa Library, Internet, Journal at
Survey nag karoon 20 na respondiyente na nang galing sa mga mag-aaral
ng Mabalacat City Collage. Ito ang bumuo sa pananaliksik nang mga
mananaliksik tungkol sa Epekto ng Street Foods sa kalusugan ng tao.

Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mananaliksik ay humantong


sa mga sumusunod:

Pahina 21 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

 Karamihan sa mga Mag-aaral ng Mabalacat City Collage ay mahilig


kumain ng Street Foods
 Halos sa Karamihan din ng mga estudyante sa Mabalacat City
Collage ay 90% o 1-2 beses sila kumakain nang Street Foods sa
isang araw at 10% o 3-4 beses sila kumain ng Street Foods
 Batay sa aming nakalap na mga datos sa aming pag survey sa
paaralan ng Mabacat City Collage ay ang madalas na pweding
makuhang sakit sa pagkain ng Street Foods ay ang Bacteria,
Poisoning, Hepatitis A & B, Diarrhea, Infection at ang pinakang
mababa na frequency at bahagdan ay ang Typhoid Fever.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangan datos sa mga


estudyante ng Mabalacat City Collage ay nabuo ng mga mananaliksik ang
mga rekomendasyon:
 Kung naka hiligan muna ang pagakain ng Street Foods, limitahan
lang ang pag konsumo ng pagkain kalye dahil kapag napa sobra ay
nakakasama sa kalusugan.
 Huwag masyadong tangkilikin ang Street Foods dahil ito ay may
masamang epekto sa kalusugan
 Sa pagkalap ng mga datos ng mga mananaliksik ay nalaman ang
iba’t-ibang mga sakit sa pagkain kalye kapag ito ay madalas mong
kainin. Ang maiirekomenda ng mga mananaliksik sa mga madalas
o nakahiligan na sa pagkain ng Street Foods ay dapat maskakabuti
nalang na kumain sa bahay o mag dala ng sariling pagkain o
inumin para maiwasan ang mga masamang Epekto ng Street
Foods sa kalusugan ng tao.

Pahina 22 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Pangalan: Arnold P. Arnoco jr.


Address: Sta.Lucia Resettlement Magalang
Contact Number: +639493577433
Email Address: arnoldarnoco@yahoo.com

EDUKASYONG NATAMO:

Kolehiyo: Mabalacat City College


Sekondarya: Dasmariñas National High School
Elemetarya: Palusapis Elementary School

PERSONAL NA DETALYE

Edad: 24
Petsa ng Kapanganakan: Ika 29 ng Abril, 1994
Lugar ng Kapanganakan: Baliwag Bulacan
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Roman Catholic

Pahina 23 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Pangalan: Errol Bener M. Chiu


Address: Sta.Lucia Resettlement Magalang
Contact Number: +639971020701
Email Address: errol.chiu05@yahoo.com

EDUKASYONG NATAMO:

Kolehiyo: Mabalacat City College


Sekondarya: Tinajero High School (ANNEX)
Elemetarya: Cabalantian Elementary School

PERSONAL NA DETALYE:

Edad: 18
Petsa ng Kapanganakan: Ika 5 ng Hulyo, 1999
Lugar ng Kapanganakan: Balitukan Magalang, Pampanga
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Baptis

Pahina 24 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Pangalan: Michael C. De Jesus


Address: Sta.Lucia Resettlement Magalang
Contact Number: +639067184398
Email Address: mikecatolico@yahoo.com

EDUKASYONG NATAMO:

Kolehiyo: Mabalacat City College


Sekondarya: Tinajero High School (ANNEX)
Elemetarya: Cabalantian Elementary School

PERSONAL NA DETALYE

Edad: 21
Petsa ng Kapanganakan: Ika 16 ng Oktubre, 1996
Lugar ng Kapanganakan: JBL San Fernando, Pampanga
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Roman Catholic

Pahina 25 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Pangalan: Ken Alexie H. Kwan


Address: Xevera Tabun, Mabalacat City
Contact Number: +639123522036
Email Address: kwankenalexie@yahoo.com

EDUKASYONG NATAMO:
Kolehiyo: Mabalacat City College
Secondarya: Doña Asuncion Lee Integrated School
Elemetarya: Lobusan Elementary School

PERSONAL NA DETALYE:

Edad: 20
Petsa ng Kapanganakan: Ika 4 ng Nobyembre, 1997
Lugar ng Kapanganakan: Malabon City
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Born Again

Pahina 26 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan
MABALACAT CITY COLLEGE

Pangalan: Zyrone G. Piczon


Address: Tabun Fiesta, Mabalacat City
Contact Number: +639053961835
Email Address: zyrhonepiczon@yahoo.com

EDUKASYONG NATAMO:

Kolehiyo: Mabalacat City College


Sekondarya: Lapaz National High School
Elemetarya: Engracio M Castañeda Elementary School

PERSONAL NA DETALYE:

Edad: 21
Petsa ng Kapanganakan: Ika 24 ng Hulyo, 1997
Lugar ng Kapanganakan: Quezon City
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Roman Catholic

Pahina 27 ng 27
Epekto ng Pagkain ng Street Foods sa Kalusugan

You might also like