Kaya mo yan! Salitang naririnig ko pa lang, ako ay tila kinakabahan. Kakaiba itong sensasyon na aking nararamdaman. Para bang umaasa ang lahat sa aking kakayahan. Hindi ko alam. Hindi ko alam Gusto ko pero natatakot ako. Hindi ko sinasabi dahil ayaw kong malaman ninyo. Oo---naging isa rin akong talunan dati. Nagpatalo sa takot kaysa magpursigi Mas pinairal ang negatibo kaysa positibo. Sige---sisimulan ko na lang upang mas maintindihan ninyo Umpisahan natin sa panahong ang buhay koy puno ng tanong. Mga katanungang mahirap masagot. Mga kasiyahang may kasunod na lungkot. Mga panahong sana walang katapusan At mga panahong sana di na lang nasimulan Bakit? Bakit? Bakit? Bakit sa tuwing kinakailangan ang aking kakayahan, hindi ko ito magamit. Hindi ba sapat ang aking kakayahan? O sadyang meron pang kulang? Bakit? Bakit? Bakit? Bakit ko susubukan ang isang bagay na mahirap makamit? Paano kung ako ay mabigo? Ayokong maramdaman yon kaya lagi akong sumusuko
Pero sa aking paglalakbay
Sa bagong kabanata ng aking buhay, Nalaman kong sa mga bakit koy tiwala sa sarili pala ang sagot. Dahil ang mundong itoy nilikhang masalimuot. Sapat ba ang pagsusumikap kung sa sariliy walang pagtitiwala? Kung iyan ang iyong pananaw, Kaibigan--Kailangan mong mabatid na ang pagpupunyagi moy mauuwi sa wala Wag na wag kang matatakot magkamali, Kaibigan. Dahil hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Kayat lahat ng pagkakamaling nagawa mo, maitatama mo pa. Kaya nga may pambura yung lapis, di ba? Wag mong alalahanin ang pagkabigo. Isipin mo ang sarili mong paglago. Bigyang pansin mo ang pagkakataong maaring masayang Kung hindi mo ito susubukan Oodati akong duwag at walang tiwala sa sariling kakayahan. Kulang sa lakas ng loob at walang paninindigan. Pero wag din natin kalimutan na may mga taong nagpapahalaga, Kung hindi dahil sa kanila, di tayo magkakaroon ng lakas ng loob na ipaglaban sila.. Kayat huwag kang magpapaapekto sa mga taong ayaw sayo. Dahil lalo ka nilang iinisin at papaulanan ng insulto. Sabik silang makita kang galit. Gusto nilang masilayan kang puno ng hinanakit.
Yon ang nagsisilbing pagkain nila sa
maghapon. Kaya bilang ganti, hayaan mo silang mamatay sa gutom. Tularan mo ang ibon sa sanga. Hindi takot mahulog kung mabali man ang kinatatayuan niya. Ang tiwala niya ay wala sa sanga Kundi sa sariling pakpak niya.