You are on page 1of 2

Pagod na pagod na ako

Tulad ng iba, isa rin akong tao. May pakiramdam, may damdamin.

Nagugutom, nasasaktan, at napapagod din.

Pagod na akong lokohin, utuin, abusaduhin, ng mga taong nangako ng pag-ibig sa akin.

Walang manloloko kung walang magpapaloko. Sabi ng iba.

Ngunit para sa akin, hindi mo malalaman na niloloko ka ng isang tao,

Dahil ang pinaniniwalaan mo ay inaakala mong totoo.

Pagod na kong abusuhin mo. Pagod na akong maniwala sa bawat pakita mo ng motibo.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang meron tayo. Kaibigan? Kakilala? O baka estranghero lang ako sayo?

Oo, mabait ako. Ngunit hindi iyon ang tamang dahilan upang kausapin mo lang ako sa oras na gusto mo.

Tama na. Sobra na. Para lang akong isang laruan na kailangan mo kapag wala ka nang magawa.

Bakit? Bakit ko hinahayaan ang isang tulad mo na tratuhin ako ng ganito?

Hindi naman ako pinanganak upang maging isang alipin o pampalipas ng oras mo.

Sa totoo lang, pagod na pagod na ako umintindi sa mga taong tulad mo.

Pinipilit kong maging masaya kahit hindi naman na talaga. Pinipilit kong ngumiti kahit na alam kong may
gusto kang iba.

Pinipilit kong tumawa kahit na ang sakit sakit na.

Marami pa namang iba diyan sabi ni ina. Hayaan mo na ang lalaking iyan. Hindi siya kawalan. Ang
sabi ng ama.

Ngunit ang sabi ng puso ko, huwag kang making sa kanila. Magbabago rin siya.

Maniniwala ba ako at magpapaloko kung sinasabi ng isip ko na tumayo ka at lumaban dahil, alam kong
pagod na pagod ka na.

Pinili ko noon ang maniwala. Nagpaabuso, nagpa-uto, nagpaloko at nagpagamit kahit na masakit.

Sinamantala lamang ang kabaitan at pag-ibig kong kahit kailan, alam mong hindi ko sayo ipagkakait.

Nakakatuwa mang isipin na ang isang taong matalino, maganda at mabait ay umasa, nagpaloko at
namalimos ng pag-ibig at oras mo.

Mga bagay na ipinagkait mo sa akin at ibinigay mo sa iba. Huwag kang mag-alala, sapagkat ito na ang
huli.

Huling tula, hinaing at pagpapatama ko para sa iyo. Oo sayo.


Ikaw na siyang naging dahilan ng ngiti at pighati sa mga labi at puso ko.

Ikaw na siyang naging basehan ko ng inaakala kong walang hanggan. Ikaw na siyang nagsabi sa akin ng
paulit-ulit na patawad. Patawad sa mga nagawa kong kasalanan. Ngunit hindi pa rin nagbabago.

At ngayon, gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.

Dahil ayoko na. Siguro nga panahon na.

Panahon na upang ibaling ko ang atensyon ko sa iba.

You might also like