0% found this document useful (0 votes)
3K views3 pages

Monologue Script Sample 2021

Ang dokumento ay tungkol sa isang babae na nagtatrabaho sa isang call center na nagpaplano ng pagreresign dahil hindi na siya masaya sa kanyang trabaho. Ngunit naiisip niya ang kanyang pamilya na nakasalalay sa kanya at ang mga responsibilidad niya bilang anak. Sa huli, nagdesisyon siya na maghintay muna bago siya magresign upang masuportahan muna ang kanyang pamilya.

Uploaded by

Ri M
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Sa Susunod Nalang

ACT 1
Astrid:
Hindi na ako masaya,
Pa ulit-ulit na lang,
I’ve given a lot of time, effort, integrity,
Love, pride, and a part of me.
And I think it’s time for me to choose myself,
To finally pursue what I want.

Good morning! Welcome to Mixtape Philippines,

This is Astrid Sierra from the front desk, how may I help you?
Sir?
Is there anything I can help you with?
Hello Sir?
Tinalakan ako, hindi naman ‘to Call Center, pero
Daig na daig ng incoming calls namin ang isang angry mob
Araw-araw. Hindi ko naman pinangarap na mapunta sa corporate world,
Ang gusto ko?
Maging malaya,
Magsulat, gumawa,
Sarap pakinggan,
Kaso sa buhay, lagi kang taya, kaya ikaw maghahabol, ikaw makikisama,
Mag-aadjust, wala ka namang choice.
Para tayong pawns sa isang chessboard.
3 years na akong nag-aaccept ng calls. Front desk tasks.

Kadalasang tanong ng mga kaibigan ko sa Highschool,

masaya raw ba ako sa trabaho ko, lagi ko namang sagot, syempre hindi.
Sabi nila bakit? Good pay, tapos sikat na kompanya,
Eh wala namang katumbas ang kahit na ano pag gusto mo ginagawa mo diba?

ACT 2
Astrid:
Kaya ngayong week, gagawa na ako ng resignation letter,
Ipapasa ko rin agad sa taas.
Tatlong taon rin akong naghintay sa pagkakataon
Nararamdaman kong ngayon na ‘yun.
Kaso pag umalis ako, hindi ko na makikita crush ko,
Pansin ko nga lately, madalas siya dumaan dito tapos…
Shet andyan siya, andyan siya
Dadaan siya dito,
Alam ko dadaan siya wag ka maingay!
Ang gwapo talaga!
Siguro, pag alis ko, siya lang talaga mamimiss ko sa lahat sa buong tatlong taon
Hmpk! Minsan nga naiwan niya ID niya, edi hindi siya makapag log-in
Ako lang tao sa desk non, tutal mapagparaya ako, pinapasok ko na,
Pinapasok ko na rin siya sa buhay ko! Kaso isang beses, umuulan, time out na
lahat, nakita ko siya, may hinihintay
Ready na sana ako magalit sa babae, lalabas na mala-Claudine Baretto
kong mga linya,
Pero pag tingin ko ulit, ang gwapo din ng hinihintay!
Nag kiss sila! Taken na pala. Yung papa ko may papa din.
Mananatili akong ally ha, I have nothing against them. Love wins kaya.

Kaya heto ako ngayon, tuloy parin sa agos

Tuloy na tuloy na mga desisyon ko.
Noong araw na ‘yun ang saya-saya, lahat kako on track na,
Hanggang sa nakauwi ako sa bahay--
Heto na naman tayo.
Hindi ko alam kung gatasan nalang talaga ako,
Papalapit silang lahat sakin,
Asawa ng ate ko, kuya ko, pamangkin ko, tatay ko, pinsan ko,
‘yung bunso kong kapatid,
Sabay-sabay,
Hindi ako makahinga,
Pambayad sa bills, pamasahe, pahingi isang daan, pang-date,
pambili gatas tsaka diaper,
pa-utang naman.

ACT 3
Astrid:
Noong nagsimula ako sa trabaho ko, good pay nga,
Wala namang maiiwan sayo kung lahat sila naka asa sa’yo.
Dito gumugulo isip ko,
Kapag ba nagresign ako, magiging malaya agad ako?
Hindi ba, makukulong rin ako sa kung ano-anong masasabi nila?
Hindi na sila lalapit sakin, hindi nila ako papansinin. Mawawalan ako
Ng kwenta sa mga mata nila.

Good morning! Welcome to Mixtape Philippines,

This is Astrid Sierra from the front desk, how may I help you?
Sir?
Is there anything I can help you with?
Hello Sir?
Tinalakan ako, hindi naman ‘to Call Center, pero
Daig na daig ng incoming calls namin ang isang angry mob
Sa araw-araw ‘yun ah.

Hindi pa rin ako masaya,

Pa ulit-ulit na lang, pa ulit-ulit na lang.
I’ve given a lot of time, effort, integrity,
Love, and pride.
Pati ako.
And I think I’m going to compensate, as a daughter. For my family.
Soon, I’ll finally pursue what I want.

Baka sa parallel universe, Queen ako sa chessboard.

Makakapaghintay pa naman ako.
Kaya, sa susunod na lang.

You might also like