You are on page 1of 204

Broken Melody (EndMira: Ayen)

(By @alyloony)
Chapters/Parts: 46
Sad songs, broken melody, two lonely souls.

=================

Prologue

BROKEN MELODY
Written by Aly Almario

Her Pain
MIA MILLS
"I was a dreamer before you went and let me down."
- Taylor Swift, White Horse

"Mia! Dali! Masaya rito!" sabi ng pinsan kong si Pam sabay hatak sa akin.
Napatingin ako sa signage ng bar na papasukan namin. Sa labas pa lang
ay tanaw ko na ang iba't-ibang makukulay na ilaw. Na-i-imagine ko na rin ang
sitwasyon pag pumasok kami sa loob.
Dim lights, may stage sa harap, puno ng usok ng sigarilyo ang paligid.
Gusto ko nang umatras. I just wanna go home. I just want to stay inside
my room and do a Korean drama marathon.
Pero for the first time simula nang dumating ako dito sa Pinas, niyaya
ako ni Pam na lumabas kasama ng mga friends niya.
I thought she hates me kaya naman nagulat ako sa invitation niya.
Ngayon ang chance na maka-bonding ko sila kaya hindi ako maka-atras.
"Oh, 'di ba mas uso ang mga bar sa States?" tanong ng kaibigan niyan si
Lauren sa akin. "Mas wild pa nga mga tao doon. Bakit parang ngayon ka lang nakakita
ng bar? Hindi ka ba gumi-gimik noon nung nasa States ka pa?"
Kung alam lang nila. Party like a rockstar talaga ako nung nasa States
ako. But eversince ma-aksidente ako nung panahong umuwi ako na sobrang lasing,
tinigil ko na ang pag punta sa mga bar. Kahit ang pag-iinom.
"H-hindi ah, madalas din ako pumarty before," sagot ko sa kanya at
nginitian ko sila.
"Then what are we waiting for?! Let's go inside!" sabi ni Pam at nanuna
na siyang pumasok sa loob.
Sumunod naman sa kanya si Lauren at yung isa pa nilang kaibigan na si
Phoebe.
Napatingin ulit ako sa signage ng bar then napalunok ako.
Walang mangyayaring masama.
Sinundan ko sila sa loob.
~*~
Ang ingay ng tugtugin. Nahihilo ako sa ilaw ng disco ball. Dati sanay
na sanay ako sa ganito, sobrang wild ko pa nung nasa States ako. Pero naging good
girl na naman ako nang bumalik ako dito sa Pinas.
I am a member of a band here in the Philippines. Indie band pa lang.
Vocalist ako at yung lead guitarist naman ng banda namin ay yung boyfriend kong si
Sam. May mga gig din kami sa mga bars pero hindi ako takot dahil kasama ko naman si
Sam. At usually, after namin tumugtog, umuuwi rin kami agad ni Sam dahil alam nga
niya ang phobia ko sa mga bar.
Napatingin ako sa paligid ko. Nakita kong pare-pareho nang may hawak na
margarita sina Pam habang sumasayaw sa dance floor. Naiwan ako mag-isa sa may bar
counter and the bartender is patiently waiting for my order.
"Hi Miss! Are you alone?" tanong sa akin nung isang lalaking kanina pa
rin nakatingin sa akin habang busy akong mag-isip kung ano ang iinumin ko.
Bakit pagpili lang ng drink nahihirapan na ako?
I miss Sam. Sana kasama ko siya ngayon. Bakit kasi ngayon pa siya umuwi
sa Cebu.
"Would you mind if I buy you a drink?" tanong ulit nung lalaki.
"No thanks, I can manage," sabi ko sa kanya at tumalikod ako at dali
daling naglakad palayo doon sa lalaki.
Nasaan na ba sina Pam? Wala na sila doon sa pwesto nila kanina. Sana
in-order ko na lang din yung binili nila. Or kahit weird tignan, sana talaga nag
mango shake na lang ako.
Napatingin ako sa dance floor. Nagtatatalon ang mga tao doon habang
sinasabayan ang kanta. Yung iba, nag d-dance showdown na. I tried looking for Pam
and her friends sa crowd pero ang dami talagang tao.
Nagsumiksik ako sa dance floor at nababangga-bangga pa ako ng mga
nagsasayaw. But finally, nakita ko rin sina Pam.
"Hey! Where have you been!" sigaw ni Pam sa akin. Medyo malakas ang
music kaya hirap kaming magkaintindihan.
"D-diyan lang sa may bar. Bibili sana ako ng drink."
"Oh, wag ka nang aalis. May tutugtog na banda ngayon!"
"T-talaga? Sino?"
"Endless Miracle!" sigaw ni Phoebe.
Biglang nabuhay ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan ng bandang
tutugtog.
"Oh my god! Endless Miracle?! Are you sure?!" natataranta kong sabi.
"OMG! OMG!!" at nagtatatalon ako.
Napatawa sila, "ayan, lumalabas na ang pagka-wild ni Mia!" sabi ni Pam.
Napatawa rin ako at naki-sayaw sa kanila. Ramdam ko ang excitement sa
buong katawan ko. Hindi nakalagay sa fan page ng EndMira ang gig nila dito kaya
naman this is such a great surprise!
I've been down lately pero ngayon parang sasaya na ulit ako.
Maririnig ko na ulit ang awesome drum skills ni Jasper Yu.
Pati na rin ang magagaling na pagtugtog ng gitara nina Geo at William.
Ang magandang boses ni Ice Monasterio, my god!!! Maiinlove na naman
ako!
At...at yung mga kanta nila. Yung mga kantang tagos na tagos sa buto
ko. Yung tipong damang dama ko ang bawat salita sa mga lyrics nito.
Yung mga kantang isinulat ni Ayen Reyes.
Napatingin ako sa paligid ko.
Alam ko, everytime na tumutugtog ang EndMira, Ayen is with them. Minsan
pinapaakyat pa nila ito sa stage.
I saw him once nung grand concert nila. Ang pogi pogi niya nun. He's
glowing. Simple lang ang damit niya, simple lang ang dating niya, pero ang lakas ng
tama ko sa kanya.
Sana mamaya makamayan ko man lang siya. I just want to tell him how his
songs meant so much to me.
Nag end yung song na pinatutugtog kaya naman lahat kami ay napatigil sa
pagsasayaw.
Maya maya ay may nag-akyatang mga members ng banda. Dahil madilim,
tanging silhouette lang nila ang naaninag namin.
Holy shit!
Feeling ko may kiti-kiti sa tyan ko. Nagtititili ako kasabay nina Pam.
Naka akbay sa akin si Pam at ramdam ko rin ang excitement niya dahil ang higpit ng
pagkakahawak niya sa balikat ko.
Nagbukas ulit ang disco lights at nagsimulang tumugtog ang banda. Tanaw
na ang tumutugtog sa stages. Naghihiyawan ang mga tao. Isang sikat na kanta ang
pinatutugtog kaya naman nasasabayan nila.
Samantalang ako, napako na sa kinatatayuan ko. Hindi makagalaw.
Nakatitig lang sa bandang tumutugtog sa harapan.
Hindi sila ang Endless Miracle.
Ibang banda.
It's my band.
Sa harap ay kumakanta ang boyfriend kong si Sam. Sa tabi niya ay may
ka-duet siya. Isang babae, may katangkaran, mestiza, sexy, mature looking---si
Natasha, our manager.
Fuck. What is this?
"Are you guys having fun?" sigaw ni Natasha at nag cheer ang crowd.
"I'm Natasha, the vocalist of the band. This is Eric, our drummer.
Matt, our bassist. Chad, our guitarist. And Sam, our leader and my boyfriend,"
pakilala ni Natasha at naghiyawan ulit ang mga tao.
Lumapit sa kanya si Sam at hinalikan siya sa labi.
Nabingi ako sa sigawan ng mga tao.
Napatingin ako kay Pam, my eyes are getting blurry dahil sa mga luhang
guto nang bumagsak mula rito.
Pero kahit ganun, I still saw the smile on Pam's face.
"You knew," I choked.
"Yep. He's cheating on you, Mia. You think you're that great? Well sad
to say dear, sa mata ni Sam, kulang ka pa. Kaya siya naghanap ng iba."
I blinked. Bumagsak ang luha sa mata ko.
This is not happening.
I gave him everything. Iniwan ko ang family ko sa States para sundan
siya. Binuo ko ang mga pangarap ko kasama siya.
This is just a bad dream. A nightmare.
This isn't real.
Napatalikod ako at naglakad palayo.
Naririnig ko ang boses ni Natasha na kumakanta. Sinasabayan siya ni
Sam.
Lugar ko yun, eh. Ako yung vocalist. Ako yung nasa tabi ni Sam.
Paano nila nagawa ito? May mali. Hindi 'to totoo.
Napa-hawak ako sa unang table na malapitan ko at napapikit ako.
Nag f-flash sa utak ko ang mga pagpapakatanga ko.
Kaya ba lagi silang may meeting ni Natasha na silang dalawa lang?
Kaya ba lagi siyang kay Natasha nagpapatulong sumulat ng kanta.
He's always at Natasha's place. Nag s-sex ba sila madalas habang ako
walang kamalay malay?
At nung mga panahong nag seselos ako sa kanila, siya pa ang galit sa
akin at ako pa ang nag s-sorry. Ako ang umaamo sa kanya. Ako ang nag e-effort na
magkaayos kami. Ako ang konsensyang konsensya dahil nag hinala ako.
Damn. I am so naïve. I am so stupid.
Hinanap ko ang pinto palabas. Hirap na hirap akong dumaan dahil sa mga
taong nagkakasiyahan sa bandang nasa harapan nila.
Dapat nandyan ako, eh. Dapat kasama nila akong tumutugtog.
Bumangga na naman ako sa isang katawan at napa-upo na lang ako sa sahig
at hindi ko na napigilan ang pag hagulgol.
"M-miss! Sorry!"
Inalalayan ako nung lalaking naka-bangga sa akin na tumayo.
"S-sorry. May masakit ba? Why are you crying?"
Umiling ako at ayokong i-angat ang tingin ko doon sa lalaki dahil
hiyang hiya na ako sa biglaan kong pag-hagulgol.
Tinabing ko ang kamay niya sa balikat ko at tumakbo ako palabas ng bar.
Nakakita agad ako ng taxi at sumakay ako doon.
And the whole ride home, wala na akong ibang ginagawa kundi ang
humagulgol ng iyak.
~*~
His Pain
JARREN REYES
"I will stop trying to fall in love again, and keep it a secret. It never works
out, anyway."
- Ed Sheeran, Everything You Are

Where is she?
Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang babaeng nakabangga ko
kanina. I didn't even saw her face but I'm worried na nasaktan siya nang husto nung
tumumba siya dahil iyak siya nang iyak.
And aside from that...
Napatingin ako sa hawak kong bracelet na may music notes na charm.
Nahulog
niya kanina. Ibabalik ko sana kaso ang bilis niyang nawala.
"Ayen!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na yun. Lumingon
ako and I saw her deep eyes staring at me. Naka-ngiti siya sa akin and I can't help
myself but to smile back at her.
Damn that smile.
"Stephanie Mikael Cruz, why are you here?"
"Wow ha! Buong buo ang pangalan ko, Jarren Reyes. Well, pinilit ako ni
Jasper Yu manuod. Might as well panuorin ko na."
Tumango ako at tumingin ng diretso sa stage, "susunod na sila diyan."
"Ba't hindi ka nila kasamang tumugtog? Hindi pa rin ako maka-get over
sa decision mo na tumigil sa pagtugtog. I mean, why, Ayen? Halos gawin mo nang jowa
yung gitara mo dati dahil hindi kayo mapaghiwalay dalawa."
Napangiti ako ng bahagya kay Stephanie—Timi, kung tawagin naming siya.
"Nag b-break din ang mag jowa. Nag break na kami ng gitara ko. But
don't worry, going strong pa rin kami ng mga pagkain ko."
Napatawa si Timi ng malakas at hinampas ako sa braso. Mas napangiti
ako.
At least I can make her laugh.
"Alam mo, tama ka. Nag b-break din ang mag jowa. Paano pa kaya yung
hindi mag jowa?"
Napa-diretso ang tingin ni Timi sa stage at kapansin pansin ang
pagbabago ng mood niya. I saw the pain in her eyes.
"Timi---"
"Ang panget naman ng boses nung babae," sabi niya habang nakaturo doon
sa vocalist nung bandang tumutugtog. "No offense pero halatang hindi niya
inaalagaan ang boses niya. Tapos puro pa-sexy at puro sila kiss nung isa pang
vocalist. Nakakadiri."
Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya kaya napa-angat ang tingin niya
sa akin. I pinched her nose.
"Aray! Masakit Ayen ha! I-b-ban kita sa restaurant ko!"
"Ikaw kasi, masyado kang bitter. Hindi ka naman inaano nung bokalista."
She squinted her eyes, "don't tell me type mo siya?"
"Nope. Not my type."
"Eh ano bang klaseng babae ang type mo?"
Yung katulad mo. Ikaw. Ikaw na ikaw. Ikaw ang gusto ko.
But you are way out of my league.
"Yung type ko? Yung may dalawang patties, maraming bacon, may lettuce,
tomatoes—"
"Pagkain na naman!" pagputol niya sa sinasabi ko.
Napangiti ulit ako at ginulo ko ang buhok niya.
"Uy grabe ka! I spend two hours fixing my hair!"
"Bakit ka nagpapaganda? Dahil ba kay Ice?" tanong ko.
She rolled her eyes at me, "hindi 'no!"
Sana pwede kong paniwalaan yang sinasabi mo. Sana totoo ngang hindi.
Kaso halatang halata ka, Timi. You are still in love with him.
Ang hirap ng ganito. Bakit ba kasi napunta sa ganito ang nararamdaman
ko?
I know high school pa lang kami, I already have a little crush on her.
Pero hindi ko iniintindi dahil tropa kaming dalawa at isa pa, alam ko naman na wala
akong pag-asa.
Nung nasaktan siya nang dahil kay Ice, I want to be there for her pero
lumayo siya sa amin at pumunta sa ibang bansa.
At ngayong bumalik na siya ulit dito, akala ko okay na siya. Akala ko
naka-move on na siya. Pero the way she looks at him, alam kong mahal pa niya ito.
At ganun din si Ice. Alam kong mahal pa rin siya ni Ice.
It's a matter of time, magkakabalikan din sila. Alam ko yun. Dama ko
yun.
That's why I am hating myself right now.
I am in love with my friend.
At alam kong wala akong pag-asa.
Pero bakit hindi ko maiwasang hilingin na sana, magustuhan din niya
ako?

~*~
Copyright © 2016 by Aly Almario (Alyloony)
All rights reserved. This story or any portion thereof may not be reproduced or
used in any manner whatsoever without the express written permission of the authpr
except for the use of brief quotations in a book review.

=================

First Stanza

First Stanza
MIA MILLS
"I put my faith in you, so much faith, and then you just threw it away."
- Paramore, For a Pessimist, I'm Pretty Optimistic

Smile lang, Mia. Smile lang. Act like everything's okay. Kunyari wala kang alam.
Kunyari hindi mo siya nakita nung isang araw.
Napahawak ako sa wrist ko para kapain yung music note na charm bracelet
ko na regalo pa sa akin ng mommy ko, kaso na-iwala ko nga pala 'to nung time na
nagpunta ako sa bar.
Kada talaga nagpupunta ako sa bar ang daming bagay na nawawala sa akin.

Dati, yung relasyon ko sa daddy ko ang nawala nung nag punta ako sa
bar.
Muntikan pang mawala ang buhay ko dahil sa drunk driving, which is
kasalanan ko naman talaga.
Tapos ngayon, yung cham bracelet ko ang nawala.
Kasama na ang boyfriend ko.
"Hi babe!"
I raise my head and saw my boyfriend, Sam, walking towards me.
Hinalikan niya ako sa pisngi and then naupo siya sa tapat ko.
"Kanina ka pa nag-iintay?" nakangiting tanong niya.
I tried my best to smile, "h-hindi naman. Ngayon ngayon lang."
Tumango siya, "good. Um-order ka na ng coffee?"
Umiling ako. "Iniintay kitang dumating."
"Oh.." sagot niya sabay tingin sa phone niya. "Order mo naman ako,
babe. Ikaw muna. Ako na lang sa pamasahe natin," sabi niya without looking at me.
Tinitigan ko si Sam. Busy siya sa phone niya. Feeling ko may ka-text
siya kasi napapangiti siya habang nakatingin dito.
Si Natasha ba 'yan?
Napa-angat ang tingin ni Sam sa akin, "babe? Sabi ko ikaw muna um-
order."
"A-ah.. o-okay. Caramel latte, right?"
"Yep!"
Kumuha ako ng pera sa purse ko at tumayo ako.
"Ah, wait babe..." tawag ni Sam at napalingon ako sa kanya. "Café mocha
na lang pala sa akin."
Napatigil ako saglit.
Caramel latte, favorite coffee niya. Regular drink niya. Nung nasa
States kami hanggang sa umuwi kami sa Pinas, ayun ang madalas niyang i-order.
I am the one who introduced that drink to him. He used to hate drinking
coffee. Pero pag caramel latte, gustong gusto niya.
"Wow, iba na drink mo," sabi ko sa kanya.
"Syempre nakakasawa na ang caramel latte. Maiba naman."
Tumango ako at naglakad papunta sa counter.
Nakakasawa.
Kaya ba niya ako tinu-two time ngayon kasi nagsasawa na siya sa akin?
Ang galing naman. Parang regular drink lang sa Starbucks, ah? Kapag
sawa ka na, iba naman ang titikman.
Ayos. Ang saya.
I ordered our drinks. Caramel latte pa rin ang akin. Punyeta kasi,
hindi pa ako sawa dito at nag h-hold on pa ako. Leche. Kaya nga kahit harap harapan
na akong ginagago, nandito pa rin ako.
I saw him with another girl. Sabi niya nasa Cebu siya but it turns out,
may gig pala siya sa isang bar dito sa Manila. Kasama niya ang banda namin—na dapat
ako ang vocalist. Pero sa gig na yun, ibang babae ang vocalist niya. Si Natasha na
manager namin. At ang galing, ipinakilala niya si Sam hindi bilang leader ng banda
kundi bilang boyfriend niya.
They even kissed in front of me.
Ang galing ni Sam. Ang galing nila. Ang galing galing nilang pumili ng
lugar para mag gig.
Alam nilang never akong pupunta sa mga bar ng hindi sila kasama dahil
may phobia ako rito. Alam nilang wala akong kaibigan sa Pilipinas kasi sa kanila
lang umiikot ang mundo ko.
Ang galing nila.
Ang tanga ko.
"Tall caramel latte and tall mocha for Mia."
Kinuha ko ang drink namin at bumalik ako sa table namin ni Sam. Abala
pa rin siya sa phone niya at pangiti-ngiti.
Inilapag ko sa harapan niya ang kape niya.
"Café mocha," sabi ko rito.
"Thanks babe," sagot niya sabay inom. Nakapako pa rin ang tingin sa
phone.
Tinitigan ko maigi si Sam. Halos walang pinagbago ang itsura niya nung
first time ko siyang makilala noong nasa States pa kami.
Same style ng damit—may pagka ragged. Rakistang rakista eh. Medyo messy
hair. May pagka kayumanggi ang kutis niya. Yung ngiti niya na nakakahawa.
Naalala ko kung gaano ako nahulog sa kanya noon. Yung passion niya sa
music. Yung kada naguusap kami about sa musikang nililikha niya, nakikita ko ang
saya niya.
At dati, yung kada titignan niya ako, ramdam na ramdam ko ang
pagmamahal niya. Yung parang bukod sa musika, sa akin umiikot ang mundo niya.
And same with me.
Kaya nga nung niyaya ako ni Sam na bumalik dito sa Pilipinas para dito
namin tuparin ang dream namin na makilala ang banda namin, pumayag ako agad. Kahit
nag away kami ni daddy dahil doon. Kahit hanggang ngayon hindi ako kinakausap ni
daddy.
Kahit na nakatira ako sa bahay ng grandparents ko at kasama ko sa bahay
ang pinsan kong si Pam na grabe ang pagka insecure sa lahat ng bagay, tinitiis ko.
Because Sam is with me. Nasa tabi ko siya at sinusuportahan ako at laging
nakaalalay sa akin.
Ni hindi ako lumalabas kung hindi sila ang kasama ko.
I became so dependent with this guy that's why what I saw in that bar 2
days ago really broke me.
Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. At ngayon, hindi ko alam ang gagawin
ko.
Sasabihin ko ba sa kanya na alam ko na? O hahayaan ko siyang lokohin
ako?
O aasa pa rin ako na sa huli, ako pa rin ang pipiliin niya?
"S-so, how was Cebu?" halos pabulong kong tanong sa kanya.
"It was great. I really had a lot of fun."
"I see. S-so, kelan ang next gig natin?"
"Wala muna. Mag pahinga muna tayo."
"Pero ang tagal na nating hindi tumutugtog, Sam. Namimiss ko nang
kumanta."
"Akala ko ba busy ka doon sa online shop mo?"
"Pero kasi, sideline lang yun. Alam mo naman kung bakit nandito tayo,
di ba?"
Napakunot ang noo ni Sam and I can feel his irritation.
Lately ang dali niyang ma-irita sa akin.
Bakit hindi ko nga ba napansin? Lagi kaming nagaaway dahil sa maliliit
na bagay lang. Palagi siyang nagagalit at palagi ako ang sumusuyo sa kanya.
"Alam mo minsan iniisip ko yung pagbabanda lang talaga ang habol mo sa
akin," inis na sabi ni Sam sa akin. "Wala kang ibang bukambibig kundi pagtugtog at
pagbabanda. Umamin ka nga, do you really love me?"
Napahawak ako sa wrist ko at muli kong kinapa yung charm bracelet ko.
Bakit kasi ngayon pa yun nawala kung kelan kailangan ko siya?
Kada naiinis ako o kinakabahan o nasasaktan, lagi kong hinahawakan ang
bracelet ko dahil kumakalma ako. Pero ngayon na wala na 'to, hindi ko na alam kung
paano ko pa papakalmahin ang sarili ko.
Gusto kong sigawan ang lalaking nasa harapan ko ngayon pero pakiramdam
ko may nakabara sa lalamunan ko.
How dare he blame this on me?!
"Ah excuse me po..."
Napalingon kami doon sa nagsalita at nakita ko ang isang teenager na
nahihiya-hiyang lumapit kay sam.
"Kayo po yung tumugtog kagabi di ba? Doon sa bar?" tanong nung teenager
na babae.
"H-ha? Ah.. eh..."
"Ang galing mo po, kuya! Pwedeng pa picture?"
"Ah, si-sige..."
"Ate pa-picture-an naman kami," pakiusap nung babae at inabot ang phone
niya sa akin.
Umakbay si Sam doon sa teenager at kinunan ko sila ng photo.
"Yay! Thanks kuya! Nasaan po yung girlfriend mo?" sabi nung babae.
"Ah.. w-wala siya."
"Ay sayang naman! Ang galing din ni Ate Natasha! Sige po, salamat po!"
Nagpaalam na yung babae at naiwan kaming dalawa ni Sam doon.
Napatingin sa akin si Sam. Kita ko ang kaba at pagkabigla sa mga mata
niya.
While me?
Ni-hindi ko na naramdaman na tumutulo na pala ang luha sa mata ko.
"I love you," I choked.
Ibinaba ni Sam ang tingin niya at binitiwan niya ang mga katagang
nagaguho sa mundo ko.
"I'm sorry, Mia..."
Napakasimpleng mga salita. Hindi na kailangan pang ipaliwanag ang mga
bagay.
Ang sakit.
Inangat ko ang tinging ko while trying my best to stifle a sob.
"Kelan pa?" tanong ko sa kanya.
"O-one month ago..."
Napapikit ako at hinayaan kong tumulo ang mga luha sa mata ko.
Isang buwan na niya akong niloloko at ni hindi ko man lang 'to
nahalata.
"Mia, I'm so sorry. I tried my best pero hindi talaga nag w-work out.
L-lagi kang kinakabahan kapag kumakanta ka. Lagi kang natatakot. Nahihila mo pababa
ang banda..."
"Kaya pinalitan mo ako sa banda ng hindi mo man lang ako iniinform? At
pati sa buhay mo Sam, pinalitan mo rin ako?"
I buried my face in my hands para walang makarinig ng paghagulgol ko.
Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao rito at ayoko mang gumawa ng eksena,
hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Mas nangibabaw ang sakit kesa sa kahihiyan.
"I'm sorry. Mia, I'm so sorry."
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at inangat ko ang tingin ko kay Sam.
Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
"Please tell me na ako pa rin, Sam. Please?"
Yumuko si Sam, bumagsak din ang luha sa mata niya.
"I'm sorry, I'm in love with her."
I feel like dying.
"Bakit? Anong nagawa ko sa'yo, Sam, ha? Ano?!"
Naramdaman ko ang mga mata ng tao sa paligid ko sa biglaang pagtataas
ng boses ko.
Pero kahit na pinagtitinginan na ako, hindi magawang tumingin sa akin
ni Sam ng diretso.
"I hate you. I hate you so much," nangingining kong sabi sa
kanya at dire-diretso akong naglakad paalis.
All eyes are on me habang nag w-walkout ako.
Kaya kitang kita rin nila kung paano ako bumangga sa isang barista na
may dala-dalang tray ng mga frappuccino at tumapon ito sa damit ko.
"Oh my god, ma'am! Okay lang po kayo?" tanong nung barista na
natataranta.
Hindi ko siya pinansin. Hindi ko pinansin ang panlalagkit ko dahil sa
dami ng tumapon na Frappuccino sa blouse kong puti.
Dire-diretso na lang akong lumabas sa Starbucks habang pigil na pigil
ang pag-iyak ko.
Congratulations Mia, this is the worst day of your life.
~*~
JARREN REYES
"And I tried to sing but I couldn't think of anything. And that was the hardest
part."
- Coldplay, The Hardest Part

"Bakit hindi na lang lumingon?


Bakit hindi na lang ako ang iyong tignan?
Siguro naman kaya rin kitang mahalin
Katulad ng pagmamahal na ibigay niya sa'yo..."

"Ayen!!"
May biglang yumakap mula sa likuran ko kaya naman na-itupi ko ng di-
oras ang notebook na pinagsusulatan ko.
Nilingon ko si Timi na ngiting ngiti na nakasilip sa akin habang
nakayakap sa likuran ko.
"Para kang sira," sabi ko sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at naupo sa bar stool sa tabi
ko.
"Ano na naman ang ginagawa mo rito sa restaurant ko? Mangungutang ka na
naman ng pagkain!" naka pout niyang sabi.
Napangiti na lang ako at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Naka-suot siya ng chef's uniform habang naka-tali naman ng mataas ang
buhok niya. Walang make up. Medyo pawisan ang noo dahil kalalabas pa lang niya sa
kitchen.
Pero ang ganda pa rin niya.
"The best talaga ang buffalo wings dito sa restaurant mo kaya bumabalik
balik ako," nakangiti kong sabi.
"Sus! Buffalo wings talaga? Baka naman may type ka sa isa sa mga staffs
ko?" sabi niya habang nakapangalumbaba at nakangiti sa akin.
"Paano mo nahulaan yun?!" tanong ko sa kanya na may halo pang kunyaring
pagkagulat.
"Sino sa kanila?" tanong naman ni Timi na pagsakay sa biro ko. "Si Jane
'no? Yung receptionist? Sexy eh. Pero feeling ko mas type siya ni Jasper Yu. O baka
naman si Hannah, yung sous chef ko kasi binibigyan ka ng extra serving?"
Napailing na lang ako habang ngingiti-ngiti.
"O si Nica? Kasi feeling ko yung type mo mga tahimik na babae, eh,"
sabi niya habang nakaturo kay Nica na nag s-serve doon sa isang table.
"Hindi kaya tahimik na babae ang type ko," sabi ko sa kay Timi habang
nakatitig pa rin sa kanya.
"Waaaaitt! So may type ka nga talaga! Huy ikaw Ayen, ha! Sino yan?"
"Actually—"
Biglang tumunog ang phone ni Timi at pareho kaming napatingin dito.
Ice Monasterio
Calling...
"Hay naku! Tumatawag na naman 'to! Ayoko nga siyang kausap, eh."
"Then don't answer the phone."
Nag-kibit balikat si Timi, "hindi pwede. Client ko siya ngayon. Excuse
lang, ah."
She answered the call at medyo lumayo siya sa akin.
Kita kong salubong ang dalawa niyang kilay at nakikipagtalo siya kay
Ice pero hindi rin niya mapigilang mapangiti.
Napabuntong hininga na lang ako.
Si Ice ang vocalist ng Endless Miracle—ang banda kung saan ako
nagsusulat ng kanta.
Once upon a time, he broke Timi's heart. I hate what he did to her but
at the same time, I also saw his pain. I understand why he did that and I know he
deserves a second chance.
At mukhang hindi naman malabong mangyari yun dahil sa nakikita ko,
mahal pa rin siya ni Timi.
Ewan, I should be happy kasi hindi na masasaktan ang babaeng mahal ko.
Pero nakakatawa pala talaga ang kasabihan na yan.
Kahit gusto mong sumaya ang taong mahal mo, kung hindi naman ikaw ang
magpapasaya sa kanya, masasaktan at masasaktan ka pa rin.
Katulad ngayon...
Tumayo ako at iniligpit ko ang notebook na dala-dala ko. Hindi ko na
maduktungan yung kantang kanina ko pa binubuo. Kailangan kong mag lakad lakad.
Sinenyasan ko si Timi na aalis na ako pero mukhang hindi niya ako
masyadong napansin kaya nag iwan na lang ako ng text message sa kanya.
Dumiretso ako sa mall at doon ko naisipan kong tumambay sa may arcade.
Nakakatawa na sanay na sanay akong gumala mag-isa. Madalas kasing busy
ang EndMira sa mga photoshoots at kung anu-ano pang mga kanya kanya nilang raket
kaya wala akong mayaya. Isa pa, pag dinala ko sa mall ang mga yun, pagkakaguluhan
lang sila. Sakit sa ulo.
Samantalang ako, hindi naman ako kilala ng mga tao. Pangalan ko lang
ang matunog sa kanila dahil ako madalas ang sumulat ng kanta ng EndMira at ibang
mga sikat na artista.
Pero minsan nga yung songwriter hindi na rin napapansin sa bawat kanta,
eh.
"I had so many dreams about you and me.
Happy endings, now I know~"
Napalingon ako sa parte ng arcade na may open videoke. Nakita kong
pinalilibutan din ng mga tao yung babaeng kumakanta kaya lumapit ako.
"Coz I'm not a princess, this ain't a fairytale.
I'm not the one you'll sweep off her feet,
Lead her up the stairwell."
May nakita akong petite na babae, waist length hair, mestiza, naka
white spaghetti strap na dress at boots na itim.
Kumakanta siya sa gitna habang nakapikit ang mga mata. At habang
pinapakinggan ko siya, I feel goosebumps all over my body.
"This ain't Hollywood, this is a small town.
I was a dreamer before you went and let me down.
Now it's too late for you and your white horse to come around."
Hindi mataas yung kanta. Tama lang. Pero damang dama ko siya habang
pinapakinggan kong kumanta ang babaeng ito sa harapan ko.
Wait, she looks utterly familiar. I think I've seen her before pero
hindi ko matandaan kung saan.
Sa TV ba? May banda ba siya?
But with a voice like hers, for sure matatandaan ko siya.
Natapos niya ang kanta at nagpalakpakan ang mga tao. Napadilat siya and
she was taken aback dahil mukhang hindi niya in-expect na nakahatak siya ng crowd
habang kumakanta siya.
Kita ko ang pamumula ng mukha niya at dali-dali siyang bumaba sa stage.
Muntik-muntikanan pa siyang mapatid sa cable nung mic.
Nakita kong nagmamadali siyang naglakad palayo doon sa crowd na kanina
lamang ay napa-mangha niya.
Agad ko siyang hinabol.
"Ah, m-miss! Miss saglit lang!"
Hindi siya lumilingon sa akin at dire-diretso pa rin siyang naglalakad.
"Miss!" tinapik ko ang balikat niya at napalingon siya sa akin.
Nakakunot ang noo at parang naiirita—pero napalitan agad ng pagkagulat
ang expression niya at pagtataka.
"Ah, miss, napanuod kasi kita kanina doon kumanta. Ang galing mo. I'm
Ayen by the way. Songwriter ako. Yung agency kasi namin naghahanap ng mga bagong
talents. Baka gusto mong mag try...?"
I trailed off dahil nabigla ako nang makita kong naluluha ang mata
niya.
"M-miss? B-bakit ka—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang yumakap
sa akin ng mahigpit at humagulgol ng iyak. Her face is buried in my chest at
pakiramdam ko nababasa ng luha niya ang damit ko.
Okaaaay? Anong meron? Lord, nagkamali ba ako ng nilapitan ngayong araw?
At bakit amoy kape siya?
Hinawakan ko siya sa balikat at bahagya ko siyang inilalayo sa akin
pero ang higpit ng pagkakayakap niya sa bewang ko at pinagtitinginan kami ng mga
tao. Feeling ata nila ako nagpaiyak dito.
Wala akong kasalanan!
"M-miss? O-okay ka lang ba? Uy. B-ba't ka umiiyak?"
Inangat niya ang tingin niya sa akin and I saw her tearstained face and
smudge lipstick..
Napalunok ako.
Smudge lipstick.
At nakaputing polo ako ngayon. Parang ayoko nang tignan ang ginawa niya
sa damit ko.
"K-kuya?" tawag niya sa akin habang di pa rin siya umaalis sa
pagkakayakap sa akin at tuloy tuloy pa rin ang tulo ng luha niya.
"Y-yes?"
Suminghot siya at bahagya siyang humiwalay sa akin. Kinusot niya ang
mata niya gamit ang palad niya at nang tumingin ulit siya sa akin, nakita kong yung
eyeliner naman niya ang nag smudge.
"Pwedeng mag request?" tanong niya habang humihikbi-hikbi pa rin.
"A-ano?"
Inilabas niya ang phone niya at tinignan ko naman ito ng may halong
pagtataka.
"Pwedeng pa-selfie? Idol na idol kasi kita. I'm Mia nga pala! Number
one fan mo."
To be continued...
AN
Thank you po sa mga nagbabasa! Nakita ko po last update na may mga nagtatanong kung
ano ang title ng lyrics na nilagay ko sa first line ng mga POVs nila. Maari po
lamang na paki-basang maigi para masagot ang inyong katanungan. Salamat! <3

=================

Second Stanza

Second Stanza
JARREN REYES
"Silver lining the cloud. Oh and I. I wish I could work it out."
- Coldplay, The Hardest Part

"Binata na si Ayen! Nabinyagan na siya!" sabi ni Jasper Yu---ang drummer ng EndMira


at kabarkada ko.
Hawak hawak niya ang puting polo ko na may mantsa ng lipstick sa bandang dibdib at
iwinawagayway niya nito sa harap ng iba pang members ng EndMira.
Ang gago talaga ng isang 'to.
Itinago ko na nga yun sa kaila-ilaliman ng laundry para walang makakita, sukat
nahalungkat pa nitong ungas na 'to.
Kaya ayokong nag-iiwan ng kahit anong gamit dito sa headquarters ng EndMira, eh.
Sadyang di ko lang din kayang i-uwi yung polo na yan sa bahay dahil pag lola ko
naman ang nakakita niyan, baka atakihin siya sa puso.
"Ayen, grabe ka pre!" sabi ni William habang tinitignan yung polo. "Normal na
lipstick mark sa may manggas o collar, pero sa'yo sa dibdib?! Grabe ka! Ibang
klase!"
"Hindi ko ma-imagine kung paano ka nagkaroon ng lipstick mark sa lugar na 'yan,
Ayen," sabi naman ni Geo na para bang ina-assess pa niyang maigi yung mantsa ng
lipstick. "Nakarating na agad yung labi ng babae sa parte mong yan?"
"Baka may kagatan ng nangyari," naka-ngising sabi ni Jasper
"Gago," sabi ko sabay hablot nung damit ko kay Jasper.
Nagtawanan yung tatlong ungas. Napakamot na lang ako sa likod ng tenga ko dahil sa
inis at iniwan ko sila doon atsaka ako pumasok doon sa laundry area.
Isang bahay ang headquarters ng EndMira. Isang floor lang 'to na may anim na kwarto
sa baba kaya medyo malawak. May mini kitchen at mini dining area, may garden din at
pool.
Dito madalas nag p-practice ang EndMira at dito rin ginagawa ang mga meetings
namin. May pagkakataon din na dito kami umuuwi kaya parang nakatira kami sa isang
bahay.
Ako naman, dito ako madalas nagsusulat kasi karaniwan, ako lang naman mag-isa dito.
Medyo maingay kasi sa bahay namin dahil maraming bata. At least dito, tahimik.
Umiingay lang pag nandito na ang ibang members. Madalang dito matulog sina Geo,
William at Ice. Si Jasper medyo madalas---pag umuuwi siyang lasing at may
dinadalang babae.
Nung isang araw nga nag live show pa yan sa harap ko habang nakikipag one night
stand sa isang artista, eh. Parehong lasing yung dalawa kaya naman di nakita na may
ibang tao pa sa headquarters bukod sa kanila.
Ibinaon ko ulit sa kaila-ilaliman ng laundry basket ang polo ko.
Bwiset na babae sa mall yun. Sukat inginudngod ang mukha sa polo ko habang iyak
siya nang iyak.
Hindi na nag si-sink in ang mga sinasabi niya sa akin doon kasi busy akong ma-
concious sa tingin ng mga tao sa paligid namin. Pagkabigay ko sa kanya ng contact
number ng talent agency namin, nagmamadali na agad akong umalis kasi grabe na ang
eksenang ginagawa namin sa gitna ng mall.
But on the other hand, I was amused by her. I didn't realized na there's someone
who would recognize me.
First time kong maranasan na may nagpa-picture sa akin and it's kind of----
overwhelming.
Kapag tinitignan ko ang ibang EndMira at may nag papa-picture sa kanila, parang
sanay na sila at wala na lang sa kanila yun. Pero masarap pala sa pakiramdam.
Paano kung hindi ko iniwan ang pag tugtog ng gitara? Paano kung kasama pa rin nila
akong tumutugtog sa stage?
Napatingin ako sa palad ko at bumuntong-hininga ako.
"Ayen! Nandito na sina Ice! Mag m-meeting na tayo!" sigaw ni William.
"Wag mo nang labhan yung polo, nakita na namin yan!" duktong ni Jasper at narinig
ko ang tawanan nila.
Napangiti ako ng bahagya.
At least I still have them.
"Eto na, palabas na!"
~*~
MIA MILLS.
"It's nice to know we had it all, thanks for watching as I fall and letting me know
we were done."
- Avril Lavigne, My Happy Ending
"Anak, dumating na ba yung mga padala ko?" tanong ni mommy sa akin mula sa kabilang
linya.
Napatingin ako sa box na nasa harapan ko. Kagabi ko pa ito nakuha but up until now,
hindi ko pa rin nabubuksan.
"Yes mommy, it's already here."
"Have you seen the red dress? Ako namili niyan! Pwede mong isuot sa isa sa mga gig
niyo."
Hinawakan ko yung wrist ko at automatic na hinanap ng mga daliri ko ang charm
bracelet ko na lagi ko na lang nakakalimutan na nawala ko na nga pala ito.
"Opo ma, nakita ko po. Maganda. I love it!" pasisinungaling ko. "Thank you po."
"You're welcome anak! Don't forget to send me photos na suot mo 'yan ha? Nga ala
yung rubber shoes diyan, that's for Sam."
Medyo natahimik ako nang mabanggit niya ang pangalan ni Sam.
"Tsaka may mga vitamins na pinadala ko bigyan mo si Sam ha? Lagi kayong iinom ng
vitamins dalawa para hindi kayo magkakasakit."
Napahinga ako nang malalim at ramdam na ramdam ko ang sakit ng dibdib ko.
"Opo, ma. Thank you."
"Eh kamusta na pala kayo diyan dalawa? Sam's mom was here last night. Nagkwentuhan
kami about sa inyo. Matagal na rin pala ang relasyon niyo 'no? Three years?
Nagbibiruan nga kami na baka mamaya nagpakasal na kayo diyan nang di sinasabi sa
amin. Wag naman sana. Dapat invited kami!" pagbibiro ni mommy.
Napalunok ulit ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Naiiyak ako at alam
kong pag nagsalita ako, mababasag ang boses ko at maririnig ni mommy sa kabilang
linya.
Paano ko sasabihin kay mommy ang totoo na wala na kami ni Sam? Na iniwan niya na
ako?
Hindi ko kaya.
Alam kong masasaktan si mommy kasi itinuring din niyang anak si Sam.
"Anak?"
"Ah s-sorry po, medyo nawawala wala yung signal mom. I'll call you next time okay?"
"Sige anak. Ingat ka diyan ha? Ikamusta mo na lang ako kay Sam."
"Alright mom."
"And I miss you."
"I miss you too."
"I love you, anak."
"I love you too, mom."
The moment she ended the call, I started to cry.
Alam kong nakakapagod ang paulit ulit na pagiyak pero bwiset na yan, hindi ko
mapigilan.
Totoo pala 'no, pag naranasan mo ang ganito, mapapatanong ka talaga sa sarili mo
kung ano ang kulang sa'yo? Yung ma-ikukumpara at ma-ikukumpara mo ang sarili mo sa
ibang babae.
Dahil ba mas matangkad sa akin si Natasha? Dahil ba ang galing niya mag bitiw ng
joke at napapatawa niya si Sam? Dahil mas mataas ang self confidence niya kesa sa
akin?
Mas maganda ba siya kaya siya ang minahal ni Sam? Mas magaling?
Ano?
Maybe because Natasha is whole while I'm broken and such a mess.
I opened my phone at mas lalo kong tinorture ang sarili ko sa pagtingin ng mga
photos namin ni Sam.
Nung unang beses kaming nagkakilala, hanggang sa naging close friend kami, hanggang
sa naging magkarelasyon kami.
Sa loob ng tatlong taon na yun, nakilala ko ng husto si Sam.
Alam ko ang mga ayaw at gusto niya. Alam ko ang mga bagay na nagpapasaya at
nagpapatawa sa kanya.
Alam ko ang positive at negative na bagay sa kanya.
I know his dreams and his fears. Alam ko na madalas pa rin niyang mapaniginipan ang
ate niyang nag suicide. Alam ko na hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka move
on doon.
And same with me. Sam knows me well. Minsan nga iniisip ko na mas kilala pa niya
ako kesa sa sarili ko.
I also have my fair share of nightmares and he was there for me. Ang nagiisang
taong nakakaintindi sa akin noon, ang taong nagbigay sa akin ng lakas ng loob.
I'm here because of him. I took the leap of faith because of him.
At hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, iiwa niya lang ako sa ere. Na ganun
lang kadali sa kanya na hiwalayan ako.
Damn, it hurt so much.
Siguro kung dati pa siya jerk sa akin, hindi na magiging ganitong kasakit 'to
ngayon. Kung dati pa siya loko-loko, siguro aasahan ko na ang bagay na 'to.
But no.
Alam ko sa sarili kong minahal ako ni Sam. Alam ko yun.
Kaya nga ang sakit, eh.
Anong dahilan bakit na fall out of love ka sa akin? Am I not good enough?
I swiped our photos at lumabas naman yung picture ko kahapon kasama si Sir Ayen.
Napangiti ako nang bahagya at medyo napatawa sa selfie namin.
I look so wasted. Itim na itim ang gilid ng mata ko dahil sa nagkalat na eyeliner
ko nung nag iiyak ako. Smudge ang lipstick ko at namantsahan ko pa ang polo niya na
puti.
Nakatali ang buhok ko into a messy bun. Itinaas ko yun kasi nga natapunan ako ng
kape nung nag walk-out ako kay Sam. Buti na lang at nasa mall ako kaya nakabili ako
ng pampalit na damit. Pero sigurado akong amoy na amoy pa rin ang kape sa katawan
ko nung time na yan.
But Sir Ayen has been so kind to me even though I am such a mess nung nilapitan
niya ako.
Pumayag siyang makipagselfie sa akin. He even lend me his handkerchief na hanggang
ngayon nasa akin pa at hindi ko nilalabhan.
Binigyan pa niya ako ng calling card ng talent agency na nagpapa go-see ngayon para
sa mga gustong mag debut na singers.
Napabuntong hininga ako at tinignan ko ang gitara ko.
So what kung iniwan ako ni Sam at pinatalsik niya ako sa banda? So what kung mag-
isa na lang ako?
Being a soloist is not a bad thing.
Besides, I can play the guitar pretty well. Marunong din akong mag drums.
Kaya kong mag-solo. I don't need their help.
Magagawa ko 'to.
Papasa ako sa audition na yan at sisikat ako at dudurugin ko ang banda ni Sam.
Ipapamukha ko sa kanya ang pagkakamali niya na inalis niya ako sa banda at sa buhay
niya.
Hindi naman pwedeng ako lang ang makaranas ng ganitong sakit, 'di ba?
I wipe my tears then I stood up at kinuha ko ang gitara ko.
~*~
So hindi pala talaga puchu-puchung go-see itong pinuntahan ko.
Ang daming nagpunta para mag audition! Mas dumoble tuloy ang kaba sa dibdib ko
habang palinga-linga ako sa paligid ko.
Kinakabahan ako at feeling ko dumadating na naman ang panic attacks ko.

Nakita ko yung isang babae na matangkad na naka red na bowler hat at


white na dress na nag-p-practice sa isang sulok.
Maganda, maputi, makinis, sexy at maganda rin ang boses.
Pang artista nga siya, bwiset.
Anong laban ko eh ang liit ko? Hindi rin naman ako ganung kagandahan.
Inunat ko yung red spaghetti strap dress na pinadala ni mommy sa akin.
Napatingin ako sa paa ko.
Tama bang tinernuhan ko 'to ng boots o dapat nag suot na lang ako ng
mas formal na sapatos?
Feeling ko tuloy ang jologs ko.

Napahinga ako nang malalim at kinuha ko yung panyo ni sir Ayen sa bag ko at
hinawakan ko 'to ng mahigpit.
Dahil nga wala na yung charm bracelet ko na nahahawakan ko every time
nagkakaroon ako ng panic attacks, itong panyo na ni Sir Ayen ang napagdidiskitahan
ko to help me calm my nerves.
Nandiyan kaya si Sir Ayen ngayon sa loob? May mukha pa ba akong
maihaharap sa kanya after ng nakakahiya kong experience nung isang araw?
Napangiti ako ng bahagya.
Nakakahiya man, but it is still one of the best encounter I've ever
had.
"Oh my god! I'm so kinakabahan! OMG talaga! I think I'm gonna faint na.
Wait I need to take a seat! OMG! Shet! Eto na!"
Napalingon ako doon sa babaeng conyo na palapit sa pwesto ko at tumabi
sa akin. Kita kong ninenerbyos din siya.
Matangkad siya, mahaba rin ang buhok na kinulot niya sa dulo. Ayos na
ayos ang make-up. Naka crop top na off shoulder na tinernohan niya ng jeans.
Napatingin ako sa kabilang side ng room at kita kong may mga
nagtatangkaran at ayos na ayos ding mga kababaihan ang nag-aantay sa labas ng
audition room sa right side. Samantalang kami naman na may dala dalang mga music
instruments ang nagiintay dito sa left side.
Narinig ko kanina na sabi nung isa na may go-see rin para sa mga
gustong pumasok sa modelling agency nila.
"Hi," bati sa akin ni conyo girl at nag wave siya ng bahagya. Medyo
namumula ang mukha niya at kahit nakangiti siya, halata pa rin ang kaba sa mukha
niya.
"Kakanta ka?" tanong niya sabay turo doon sa left audition room.
Tumango ako, "y-yep! Ikaw? Modelling?"
Tumango rin siya at ngumiti, "yep. Hehe, katawa tayo, obvious naman sa
itsura natin kung ano ang pinunta natin dito, nagtanungan pa tayo."
Napatawa rin ako ng bahagya---a nervous laugh.
We both cleared our throat then tinignan namin ang isa't-isa.
Then nawala ang ngiti sa mga mukha namin.
"Kinakabahan ako!" sabi niya at nakita ko ang maluha-luha niyang mata.
"Ako rin!" I told her at feeling ko maiiyak din ako.
Hinawakan niya pareho ang kamay ko.
"You can do it, girl! I'm not a singer but I think ang pinaka important
naman talaga diyan is maramdaman ka nila, right? I can feel you now kaya I know
kaya mo yan."
Napatawa ulit ako, "you can feel me kasi pareho tayong kinakabahan."
Napa-pout siya then she shrugged, "well....that too!"
"Pero ikaw din, galingan mo," sabi ko sa kanya sabay tingin sa mga ka-
kumpetensya niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at bumulong, "mas maganda ka
sa kanila."
Napatawa naman siya.
"I don't know. Maybe may lamang ako physically but I'm not really
confident. Feeling ko I will make a fool out of myself kapag nag audition ako
doon."
Napabuntong hininga ako.
"I want to give you more encouraging words pero ganyan din ang na f-
feel ko," napatingin ako sa kanya. "Wait, what if we make a deal?"
"Deal? Paanong deal?"
"Kapag hindi tayo nakuha sa audition na 'to, gagawin natin ang isang
bagay na ayaw nating gawin. Parang consequence ba sa failure natin."
Tumango siya, "well, sige. Kung may ganung consequence, baka mas ma-
push ako na galingan." She smiled. "Alright! Kapag hindi ako nakuha dito, babalik
na ako sa bahay namin kung saan nandoon ang mommy at ate ko na sobrang liit ng
tingin sa akin. Sasabihin ko sa kanila na they're right, I'm not as good as my
ate."
"Well uhmm.." sabi ko. "Ang bigat pala ng consequence mo."
"Kung hindi natin bibigatan, wala ring saysay."
Tumango ako. She's right.
"Okay. Sa akin naman, if hindi ako matatanggap dito.." napapikit ako at
napahinga nang malalim. "If, hindi pa ako matatanggap dito, babalik na ako ng
States at mag aaral ng business ad doon katulad ng gusto ni daddy at kakalimutan ko
na ang dream ko na maging singer."
Napangiti siya.
"Ayan. Ibig sabihin mas gagalingan na natin."
Tumango ako.
"Gagalingan talaga natin."
"At ipapamukha ko sa ate ko na mas lamang ako sa kanya!" sabi niya.
"At ipapamukha ko sa ex ko na nagkamali siyang ipagpalit ako sa iba at
tanggalin ako sa banda!"
"Wait, what? Talaga?" gulat niyang tanong.
"Yes! Ay naku, he's the real reason why I'm here. Kaya lang naman
talaga ako sumabak sa audition na 'to ay dahil brokenhearted ako at may gusto akong
patunayan. Gusto ko lang isampal sa mukha ng ex ko kung sino ang iniwan niya.
Makakganti na ako, kikita pa ako ng pera!" natatwa tawa kong sabi.
"And you will fulfill your dreams!"
"Yes. I will fulfill my dreams!"
"Wait, kanina pa tayo magkausap hindi pa natin alam ang name ng isa't-
isa. What' your name nga pala?"
"I'm Mia. You are..?"
"Sam."
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang sabihin niya ang name niya.
I love this girl but out of all the names---!
"Oh why?" tanong niya nang makita niya ang expression sa mukha ko.
Umiling ako, "wala. Name kasi ng ex ko ay Sam."
"What? Really? Well, di bale! At least mabait akong Sam."
Napangiti ako.
"I know."
May lumabas na babae doon sa left audition room na may hawak na
clipboard.
"Mia Mills?" tawag niya.
Napatayo ako.
"Shet, this is it," bulong ko.
"Good luck!" sabi ni Sam.
Tumango ako at naglakad sa audition room. Kabadong kabado.
Hinawkan ko ng mahigpit ang panyo ni Sir Ayen, trying my best to find
comfort in there.
Smile lang, Mia. Smile lang. Everything will be okay.
Pumasok na ako sa loob.
To be continued...

Aly's Note
Mga besshie may twitter ako! Bwahahaha. Just in case trip niyo maingayan sa flood
ng tweets ko. Ito po username ko -- iamalyloony

=================

Third Stanza

Third Stanza
MIA MILLS
"Just watch my wildest dreams come true. Not one of them involving you."
- Paramore, Misery Business

THREE MONTHS LATER


"Patingin ng shade ng lipstick na ginamit mo," sabi sa akin ni Sam---yung Sam na
babaeng nakilala ko doon sa go-see three months ago.
Actually, I started calling her Sammie dahil hindi ko talaga kayang
banggitin ang name ng leche kong ex. And she agreed saying na ang cute ng name na
Sammie.
Nag pout ako sa harapan niya para makita niya ang lipstick na gamit
gamit ko.
"Ayan! You're so beautiful na talaga!" masayang sabi niya.
I look at her from head to toe at napangiti ako sa outfit niya.
"You too! You look so beautiful today!"
Napangiti siya then si flipped her hair.
"Of course! At sino pa bang magsasabihan na maganda tayo kundi ang
isa't isa? Since wala tayong boyfie na magsasabi niyan."
Napatawa na lang ako habang iiling-iling.
May pictorial na pupuntahan si Sammie. While me? May recording ako ng
kanta.
Yes, isang kanta na sinulat para sa akin ni Jarren Reyes.
Three months ago, I passed the audition.
Naalala ko kabadong kabado ako na pumasok doon sa audition room. Apat
silang naka-upo sa harapan namin nun. Wala si Sir Ayen kaya naman mas dumoble ang
kaba ko.
Or no.
Baka mas ninerbyos ako kung nandoon si Sir Ayen.
Anyway, may isang lalaki doon sa audition room. I think isa sa mga
producers. Kahawig na kahawig niya ang leche kong ex kaya naman habang kumakanta
ako, nakatitig ako sa kanya at inaalala ko lahat ng ginawa niya sa akin.
Kulang na lang umiyak ako sa harapan nila. Buti napigilan ko ang sarili
ko at ibinigay ko na lang sa kanta ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko.
And just like that, I was able to use my heartache para makakuha ng
break.
Then during nung anniversary ng company nila, na-invite akong kumanta
kasama ang isang banda. Baguhang banda rin yung nakasama ko pero magaling sila. Mas
at ease akong nakapag-perform noon kasi mababait yung mga nasa banda na yun at
nakatugma ko agad.
Pero dahil doon sa performance na yun, narinig ako nung pinaka boss ng
company at sinabihan agad ang mga producers na gusto niyang mag release ako ng
kahit isang single muna.
At ang inutusan nilang mag compose ng single ko ay si Sir Ayen.
I cried hard nung sinabi nila sa akin yun. Hanggang paguwi ko iyak ako
nang iyak at mukha akong sira.
Si Jarren Reyes, magsusulat ng kanta para sa isang kagaya kong baguhan?
Ang laking privilege nun. Isa pa, sobrang idol na idol ko yun.
Sayang lang at hindi ko pa ulit siya nakikita eversince nung encounter
namin sa mall. No, actually I saw him once nung nasa studio ako. Kasama niya ang
leader ng Endless Miracle nun na si Geo Fernandez. Gusto ko sanang lumapit ulit
para mag pa-picture at para magpasalamat sa kanya na sinabi niya sa akin yung about
sa go-see na yun, pero nahiya naman ako kasi naalala ko yung mga pinag-gagagawa ko
nung last time na nagkita kami.
Pero ngayon, makakausap ko na ulit siya at na-e-excite ako.
"Girl, galingan mo later ha? I-impress mo si Sir Ayen mo! Ayieee!" sabi
sa akin ni Sammie sabay kurot sa tagiliran.
Natawa naman ako, "ano baaaa!" sabi ko sabay ipit ng buhok sa gilid ng
tenga.
"Ay ang harot harot. Magpa-selfie ka ulit ha? Ayos na ayos na ang fes
mo ngayon. Maganda ka na ngayon. Para naman ma-ipost mo na sa Instagram mo yung
selfie niyo."
Napatawa ulit ako. Talagang plano kong makipag-selfie sa kanya mamaya!
"Ikaw, galingan mo rin mamaya diyan sa photoshoot mo ah? Ibigay todo mo
ang pag-e-emote."
"Oo, totodo ako ng pag-eemote habang hawak hawak ko ang lata ng
sardinas na ineendorse ko!" sarcastic na sabi niya at napahagalpak na ako nang
tawa.
Three months ago, nang palarin ako na makuha doon sa audition, si
Sammie naman ay minalas na matanggal. Pero tama nga sila na kaya may mga bagay na
hindi ka nakukuha is because may mas bigger pa na plan si God para sa'yo.
At ayun nga ang nangyari kay Sammie. She got depressed kasi hindi siya
nakuha sa audition. At dahil may pagka loka-loka si friendship, nag upload siya ng
video na puro hugot habang kumakain ng sardinas at ayun, nag viral siya.
Bukod sa endorser na siya ng sardinas na yun, mas matunog pa ang name
niya kesa doon sa napili sa audition.
After that, we got reunited at naisip namin na tumira na tumira na lang
sa isang condo unit at hati kaming dalawa. Masayang masaya naman ako kasi nakalayas
ako sa house ng grandparents ko kung saan din nakatira ang cousin kong si Pam na
ubod ng sama ng ugali.
Sabay kaming umalis ni Sammie. Siya, papunta sa photoshoot ng sardinas
at ako naman ay papunta sa recording studio.
Pagkarating ko sa recording studio, dumiretso muna ako sa restroom para
mag-ayos. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.
Naka suot ako ng putting spaghetti strap na damit. Naka-lugay ang
auburn brown hair ko na may red na highlights.
Red as a sign of fiereceness.
Huminga ako nang malalim at hinawakan ko ng mahigpit ang panyo ni sir
Ayen. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. At ito na naman yung mga negative
thoughts na ang hilig tumambay sa isip ko.
Yung pagka-rami raming negative na what ifs.
What if hindi nila nagustuhan ang way ng pagkakakanta ko sa sinulat ni
Sir Ayen?
What if ma-realize nila na hindi ako magaling?
What if manigas ako sa harapan nila at hindi makakanta?
Bigla kong naalala yung sinabi ni Sam sa akin nung nag-break kami.
'Lagi kang kinakabahan kapag kumakanta ka. Lagi kang natatakot.
Nahihila mo pababa ang banda...'
Nahihila ko sila pababa. Hindi kami umaangat noon dahil sa akin. Ilang
gig ang pumalpak dahil pinangunahan ako ng kaba.
I stalked Sam's social media. Nakita kong mas marami silang gig ngayon.
Nakita kong mas nadagdagan ang fans nila.
Dahil ba nawala na ako sa banda nila?
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
No. No Mia. Wag kang iiyak. Wag mong i-d-down ang sarili mo. Kapag
pumalpak ka rito, sarili mo rin ang hihilahin mo pababa kaya wag na wag na wag kang
papalpak.
Huminga ako nang malalim at pinakalma ko ang sarili ko.
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin and I tried my best to smile.
Ayan Mia, smile lang okay? Smile lang.
Isang huling tingin sa salamin and after that, lumabas na ako at
dumiretso sa recording room.
~*~
"So, what can you say about the song?" tanong sa akin ni Sir VJ, yung
producer na ha-handle sa single ko. Nasa mid-30s na si Sir VJ. Friendly siya at
magaan kausap.
Pagdating ko kasi rito, si Sir VJ pa lang ang nandoon. Sabi niya on the
way na rin si Sir Ayen at intayin na namin siya bago kami magsimula.
Magkahalong kaba at excitement naman ang naramdaman ko sa pagiintay kay
Sir Ayen. I feel so giddy. Ganitong ganito ako dati nung Highschool everytime na
inaantay ko yung crush ko na pumasok. Yung tipong maya't maya akong tumitingin sa
pintuan.
"Maganda po, sir. Talagang gustong gusto ko yung kanta. It's very
poetic but at the same time, relatable."
Napangiti si Sir VJ, "relatable?"
Tumango ako, "opo. Pang heartbroken kasi tsaka ma-hugot yung kanta. Eh
di ba po ayun ang uso ngayon dito? Yung mga hugot songs. Ayon kasi sa research, sa
sampung taong umiibig, walo ang brokenhearted at dalawa lang ang masaya."
Napatawa si Sir VJ, "oo nga at usong uso ang mga hugot sa mga kabataan
ngayon. Now I wonder saan nakukuha ni Ayen ang mga hugot niya eh hindi naman siya
mukhang broken hearted."
Napaisip din tuloy ako.
Ano nga ba ang itsura ng isang broken hearted?
Wasted? Madumi? Mabaho? Parang laging lasing? May signage ba kami sa
ulo na broken hearted kami?
Ako ba, kung titignan nila, mukha ba akong broken hearted? Kasi sabi ni
Sammie ang ganda ko raw ngayon. Blooming.
At kung hindi man nagsisinungaling ang friend ko na yun, ibig sabihin
ay hindi halata na broken hearted ako.
Magaling kasi ako magtago.
At baka si Sir Ayen ay ganun din.
Biglang may kumatok sa recording room at halos mapatalon ako sa
kinauupuan ko. My heart jumped nang magbukas ang pinto at makita ko ang mukha ni
Sir Ayen.
Naka white shirt lang siya na pinatungan ng itim na jacket. Naka maong
pants. May blue na headset na nakasabit sa leeg. Simpleng simple lang ang ayos niya
ngayon, pero iba talaga ang dating niya sa akin.
Naka-suot siya ngayon ng eyeglass at ang lakas maka-nerdy look ng
itsura niya pero ang pogi niya pa rin.
Napatingin ako sa gilid niya at napansin ko na he is not alone. May
kasama siyang isang babae. Medyo matangkad, mahaba at itim na itim ang buhok.
Maganda ang tindig, maganda manumit, very classy ang itsura.
Ang ganda naman niya. Girl friend kaya siya ni Sir Ayen?
Bagay sila.
Napayuko ako. Ano ba yan. Medyo nakaramdam ako doon ng onting onting
selos ah. Pero siguro normal lang naman yun kapag fan girl ka. Kasi siyempre sa
fantasy mo, boyfriend mo ang idol mo.
Nakangiti akong lumapit sa kanila at binati ko agad sila.
"H-hi Sir Ayen!" tinignan ko yung girl na kasama niya. "Hi po!"
Nginitian ako nung babae and I smiled back. She looks friendly.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Sir Ayen.
"Uhm, ang ganda po ng sinulat mong kanta! Thank you po talaga!"
Shet
ang pogi niya, Lord!
"Oh, ikaw yung singer?" tanong nung kasama niya sa akin.
"Ah, opo. Ako po yun. Mia po pala," sabi ko sabay lahad ng kamay sa
kanya.
Nakipag shake hands siya sa akin habang nakangiti.
"I'm Timi," pakilala niya. "Ayen's friend."
Mas lalo akong napangiti.
"I-I see!"
Friend. Friend. Friend lang siya!
Okay, feeling ko nag somersault ang puso ko.
Binalik ko ulit ang tingin ko kay Sir Ayen.
"Uhm, thank you po talaga, Sir Ayen!"
Nagulat ako nang tumango lang siya at tinalikuran ako. Ni hindi siya
ngumiti sa akin.
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko.
Bakit parang bad mood si sir?
"Let's start," he told me coldly.
"S-sige po..."
Parang biglang bumalik lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina. Yung
kaba na pilit kong inaalis sa dibdib ko.
Feeling ko ayaw sa akin ni Sir Ayen. Dahil ba doon sa nangyari sa mall?
Shit Mia. What have you done?
Pumunta ako sa kabilang side ng recording room kung saan ngayon ay
napapagitnaan na kami ng salamin. May mic sa gitna at isinuot ko ang headset.
Seryosong nakatingin sa akin si Sir Ayen. Habang si Miss Timi at Sir Vj
naman ay parehong nakangiti sa akin.
Mas kinabahan ako. Feeling ko lalabas ang puso ko sa dibdib ko.
Pumikit na lang ako at nagsimula na ang kanta.

"Nagsimula ang ating musika,


Sa unang stanza ng isang kanta
Doon una kong narinig,
Ang iyong mala-anghel na tinig..."

Buong kanta ay nakapikit lang ako. Feeling ko kasi pag dumilat ako at
makita ko ang seryosong mukha ni Sir Ayen na nakatingin sa akin, mas lalo akong
hindi makaka-kanta ng maayos.
May mga part na alam kong halata ang kaba sa boses ko. At kada
kakabahan ako, ipinapasok ko na lang ang kamay ko sa bulsa ng bestida ko at doon ay
hinahawakan ko ng mahigpit ang panyo ni Sir Ayen.

"Hindi ko alam na sa pagtatapos pala nitong musikang ito,


Isang malungkot na kanta ang ating magagawa..."

Nang matapos ang kanta, idinilat ko ang mga mata ko and I saw Miss Timi
clapping her hands while Sir VJ is giving me a thumbs up.
Pero si Sir Ayen, seryoso pa rin ang tingin sa akin.
Napalunok ako at nanginginig ang mga tuhod ko na naglakad palapit sa
kanila.
Smile lang, Mia. Smile lang.
I forced myself to smile.
"K-kumusta po? Ano pong masasabi niyo?" tanong ko sa kanila.
"You did a great job, Mia!" sabi ni Sir Vj. "How about you, Ayen? What
can you say about Mia's performance?"
"It's...okay."
My heart dropped.
He doesn't look satisfied.
Shit, nagbabago na ba ang isip niya sa akin?
Nagsimula ako makaramdam ng pagpapanic. Inilagay ko ulit ang kamay ko
sa bulsa ko at muling hinwakan ng mahigpit ang panyo ni Sir Ayen.
"Medyo kulang lang sa emosyon," dagdag na comment ni sir.
Napalunok ako. Mas tumindi ang kaba sa dibdib ko.
"Tsaka hindi ko gusto yung facial expression niya habang kumakanta,"
sabi ni Sir Ayen kay Sir VJ habang nakaturo sa akin. Ibinaling niya ulit ang tingin
niya sa akin, "pag gagawa na tayo ng music video, wag mong gagawin yan ha? Even sa
mga mall shows mo."
I dropped my gaze at tumango na lang ako. Nagiinit ang mukha ko at
parang medyo hindi na ako makahinga dahil sa kaba ko.
Lumunok ako at sinubukan kong mag salita.
"G-ganun po ba? S-sige po. Gagalingan ko next time," sabi ko sa kanya
at halatang halata ang pangangatog sa boses ko.
I really hate myself right now. Sir Ayen is just giving a constructive
criticism na makakatulong sa akin pero ganito na agad ang nararamdaman ko.
"In my opinion," dinig kong sabi ni Miss Timi, "ang ganda ng
pagkakakanta mo, Mia! As in! Wow! Bibili ako ng album mo! Pa-autograph ah? Ako na
number one fan mo!"
Napa-ngiti ako bigla at kahit papaano ay nabawasan ang paninikip ng
dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"T-talaga? Thank you po!"
"Don't listen to her. Wala siyang masyadong alam sa music," singit
naman ni Sir Ayen and then he glared at Miss Timi. After that he lead her outside
the recording room at isinara ang pinto.
"Okay!" sabi ni Sir VJ, "you two talk. May aasikasuhin lang ako
saglit," at sumunod na si Sir VJ lumabas kaya naiwan na lang kami ni Sir Ayen sa
loob ng recording room.
"S-Sir Ayen, sorry po, kinabahan lang talaga ako," sabi ko sa kanya.
Tumango siya nang hindi man lang ako tinitignan. Busy siya sa pagtingin
ng mga papel na nakapatong sa table.
"I-p-practice ko po ulit."
"Mabuti pa nga. Mag practice ka muna bago tayo mag record."
"S-so hindi po muna ako mag rerecord ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Yes. Mag practice ka muna."
Tumango ulit ako, "o-okay po."
"Ah Mia?"
"Yes po?"
"Next time pag kakanta ka, lagyan mo ng puso. Yung mga singers na
nagiging successful, sila yung may puso sa pagkanta at hindi lang basta talent.
Lagyan mo ng emosyon para hindi naman masyadong halata na you're just doing this
for money."
Natigilan ang sa sinabi niya at hindi ko maitago ang pagkabigla dahil
sa mga binitiwan niyang salita.
"Pero Sir Ayen—"
"Galingan mo next time," he said, cutting me off. "Para hindi naman
masayang yung isinulat kong kanta."
After he said that, lumabas na rin siya ng room at napaupo na lang ako
sa sofa. Nanginginig ang mga kamay ko at lumalalim ang paghinga ko.
Bakit ganun?
Dahil sa mga sinabi ni Sir Ayen sa akin... feeling ko na reject na
naman ako.
Feeling ko, I failed again.
To be continued...

=================

Fourth Stanza

Fourth Stanza
MIA MILLS
"Do you have to make me feel like there is nothing left of me?"
- Demi Lovato, Skyscraper
Mag h-hi ba ako? B-beso? Makikipag shake hands? Mag h-hello? O wag ko na lang kaya
siyang pansinin?
May meeting ngayon ang bagong mga singer ng J&R Entertainment para
pag-usapan ang mga susunod na plano sa amin.
Kararating lang ni Sir Ayen at isa-isa niyang kinakamusta yung mga
kasamahan ko. Ngiting ngiti siya habang nakikipagkamay dito. Yung ibang mga kilala
niya na, tinatapik niya sa braso.
"Sir Ayen! Grabe ha, pinapakinggan ko yung new single ng EndMira
ngayon. Ang ganda!" puri ni Jasmine, yung vocalist ng bagong banda na binubuo nila.
"Syempre magaling ang EndMira, eh!" proud na proud na sabi ni Ayen.
"At ang ganda ng kanta! Ang galing nung gumawa!" sabi ni Jasmine.
"Sus, binobola mo naman ako," natatawa-tawang sagot ni Ayen.
Napayuko ako bigla.
Bakit ang friendly ni Sir Ayen kay Jasmine at doon sa iba pa? Eh sa
lahat sa amin dito, ako yung nagiisa niyang ginawan ng kanta pero ang sungit sungit
niya sa akin.
Naalala ko na naman tuloy bigla yung sinabi niya sa akin.
'Lagyan mo ng emosyon para hindi halata na you're just doing this for
money.'
Buong gabi akong umiyak nun dahil sa mga binitiwang salita ni Sir Ayen
sa akin. Yung feeling na yung taong grabe mong hinahangaan ang huhusga sa'yo nang
ganyan?
Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga bagay na yun sa akin. Ni
hindi niya alam kung ano ang dahilan ko sa pagtugtog, hindi niya alam ang mga bagay
na ginive-up ko para lang ma pursue ko ang pangarap na 'to.
Hindi niya alam na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap ako.
Isa siya sa mga inspirasyon ko.
Tapos bigla akong makakarinig ng mga ganung salita mula sa kanya.
Feeling ko tuloy mas lalong nabawasan ang kakarampot na self confidence
ko.
That night, umaayaw na ako. Dapat tatawagan ko na si mommy para
sabihing babalik na ako sa States. Aaminin ko na rin na break na kami ni Sam. Kaya
lang si Sammie, pinutol ang internet connection namin at tinago ang phone at laptop
ko. Nakatikim ako ng katakot-takot na pangaral mula sa kanya. Na kesyo ang mga
pangarap, hindi sinusukuan agad, blah blah blah.
She is also the one who forced me to attend this meeting. In all
honesty, I don't know if it is a good idea na pumunta ako rito ngayon.
Ayoko makita si Sir Ayen.
But at the same time, gusto ko rin talaga siyang makita. As in gustong
gusto. At gusto ko rin makipagbiruan sa kanya tulad ni Jasmine. Gusto kong maging
friends kami.
Kasi naman! Ang init ng dugo niya sa akin. Talaga bang dinamdam niya
ang pagkakalagay ko ng lipstick sa polo niya?
"Oh ikaw yung marunong tumugtog ng violin?" dinig kong tanong ni Sir
Ayen.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong kinakausap na ni sir yung
katabi ko na lalaking nakasalamin.
"Opo sir! Hans po," sabi nito at nakipagkamay kay Sir Ayen.
"Ayos yan pre. Galingan mo," tinapik siya ni Sir Ayen sa balikat.
Biglang napatingin si Sir Ayen sa pwesto ko at nagtama ang mga tingin
namin.
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig nang tignan niya ako.
I smile at him and then I wave awkwardly. Hindi niya ako nginitian pero
tumango siya bilang pagbati sa akin.
Ibinaba ko ang kamay ko at ipinatong ko na lang ulit ito sa lap ko. My
heart is beating fast.
Hindi niya ako nginitian. Ang friendly niya sa iba pero pag dating sa
akin ang sungit sungit niya.
Well at least tinanguan niya ako. Hindi niya ako totally dinedma.
That's a start.
Nagdatingan na ang ibang producers pati yung pinaka boss namin. After
that, naupo si Sir Ayen sa tapat namin---as in katapat na katapat ko at nakakainis
maya't-maya, napapatingin ako sa kanya.
May ipinapaliwanag yung isang producer doon at si Sir Ayen naman, naka-
cross arm habang nakikinig dito. Seryoso ang kanyang mukha. Wala siyang suot na
eyeglass ngayon pero nasa leeg pa rin niya yung headset niya.
Tinitigan ko ang mga expression ng mukha niya. May mga times na nangingiti siya pag
nagbibiro yung producer. Minsan naman, half smile. Pero madalas, serious face. Yung
mararamdaman mong sineseryoso niya talaga ito maigi. Yung concern na concern siya
sa magiging projects ng bawat isa sa amin.
Gwapo si Sir Ayen, aminado ako diyan. Feeling ko kung hindi siya
tumigil sa pagtugtog, katakot takot din ang magiging fans niya.
Dati pa lang, sinusuportahan ko na ang bandang Endless Miracle. Mga
college pa lang sila nun at hindi pa nananalo sa battle of the bands, fan na fan na
nila ako. Kaya nga nalungkot ako nang mag migrate kami sa States dahil hindi ko na
sila napapanuod ng live. Lalo pa akong nalungkot nang malaman kong nag quit na sa
pagtugtog si Sir Ayen. Siya pa naman ang pinaka favorite ko sa kanila at ilang
linggo akong lumuha kasi alam kong never ko na siyang mapapanuod tumugtog.
Tapos ngayong nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya, ang init ng
dugo niya sa akin.
May balat ba 'ko sa puwet? Feeling ko kasi ang malas malas ko.
Biglang lumingon si Sir Ayen sa pwesto ko at nagtama ulit ang mga
tingin namin. Agad akong napaiwas sa kanya ng tingin at ibinaling ko ang atensyon
ko doon sa producer. Kunyari walang nangyari at busy ako makinig but deep inside,
naglululundag na naman ang puso ko.
Shit naman. Nakapangalumbaba pa naman ako habang titig na titig sa
kanya kanina. I look like a love struck puppy tapos nahuli niya ako. Ano ba? Lagi
ko bang ipapahiya ang sarili ko sa lalaking 'to?!
"And I was thinking na mag-sama ng isa sa inyo sa bagong album na i-l-
launch ng Endless Miracle," sabi nung producer. Biglang napabaling ang atensyon ko
sa kanya. "I was thinking, baka okay kung si Mia ang isama natin?"
Napaayos ako bigla nang upo at hindi ko mapigilan ang pag lawak ng
ngiti ko.
"T-talaga po? Ako po? S-sure! I'm very much willing to do it!" masigla
kong sabi.
Napangiti sa akin yung producer, "that's good to hear!" Ibinabling niya
ang tingin niya kay Sir Ayen, "so what do you think, Ayen?"
Napatingin ako kay sir Ayen at nakita kong nagsasalubong na naman ang
dalawa niyang kilay.
"Pagusapan natin mamaya," sabi niya.
Bigla akong kinabahan at dito na ako nakaramdam ng medyo onting inis sa
kanya.
Aayawan ba niya ako? Sasabihin ba niya na wag ako ang kunin?
Bakit? Ano bang mali at ayaw na ayaw niya sa akin?
Natapos ang meeting ng lutang na lutang ang utak ko. Alam kong may
sinasabi sa akin yung producer na isa ko pang gagawin pero hindi na pumapasok sa
isip ko yung mga ipinapaliwanag niya.
After nung meeting, nagpaiwan ako saglit at hinintay kong maka-labas
lahat ng new artists. Nakita kong lumabas na rin si Sir Ayen at hinabol ko siya
agad.
"S-Sir Ayen! Sir!"
Humarang ako sa kanya at napahinto naman siya sa akin.
"Yes? Do you need anything?" he asks me coldly. Kita sa mga mata niya
na ayaw niya talaga sa akin. Ano bang nagawa ko sa'yo?
"S-sir, gusto ko po talaga makasama doon sa bagong album na i-l-launch
ng EndMira. Please, isama mo po ako. Wag niyo po akong tanggalin. I'll do my best."
Napakunot ang noo ni Sir Ayen.
"And bakit mo gustong sumama sa EndMira?"
"K-kasi po idol na idol ko sila simula pa lang---"
"—at kilala ang EndMira kaya chance mo na para makilala ka rin?"
pagduduktong niya sa sinabi ko.
Napalunok ako. Ramdam ko ang grabeng kaba sa dibdib ko.
"'Di ba po, lahat naman ng mga singers eh gusto makilala? Lahat kami,
ang aim namin ay dumami ang taong makakarinig sa boses namin. May masama po ba kung
gusto kong makilala?"
Sir Ayen took a step forward seryoso niya akong tinitigan sa mata.
Pakiramdam ko matutunaw ako.
"Walang masamang makilala kung passion mo naman ang pagkanta. Ang
masama ay yung ginagamit mo ang talent mo sa ibang motibo. Ayoko nang ganung
klaseng tao."
Napalunok ako.
Nakakainis naman. Nararamdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata
ko. Bakit ba ang babaw babaw ng luha ko? Nakakayamot na napaka-dali ko talagang
paiyakin.
"S-sir... passion ko naman po ang pagkanta."
"Ah...talaga? Hindi ko maramdaman, eh."
After he told me that, tinalikuran na niya ako at iniwang nakatayo
doon. Bigla na lang akong napaiyak kaya naman dali dali akong tumakbo papasok ng
comfort room at nagkulong doon.
Paulit ulit kong naririnig ang mga boses nila.
"Mas magaling kumanta si Ashley kesa kay Mia. Siya na lang ang isali
natin sa singing contest."
"Hala siya oh! Pumiyok siya habang kumakanta! Nakakatawa naman!"
Napatakip ako nang tenga pero nakakainis. Nandoon pa rin ang mga boses
nila. Yung boses ng mga taong ilang beses tinapakan ang confidence ko.
"Mia, it's better if you quit that band! Just study business management
so you can help me with our business!!"
Pumasok sa isip ko ang mukha ng daddy ko na galit na galit sa akin.
Yung sarili kong ama na hindi naniniwala sa akin.
"Lagi kang kinakabahan kapag kumakanta ka. Lagi kang natatakot.
Nahihila mo pababa ang banda natin."
"Lagyan mo ng emosyon para hindi halata na you're just doing this for money."
Napahagulgol na lang ako nang iyak. Dire-diretso. Narinig kong may kumakatok sa
cubicle na kinalulugaran ko pero hindi ko pinansin. Patuloy lang ako sa pag iyak
hanggang sa mapagod ako at maubos ang luha sa mga mata
ko.
Minsan iniisip ko, sa dami nang nagpamukha sa akin, bakit ko pa ba 'to
itinutuloy?
Nakakapagod na, eh.
Baka nga hindi talaga 'to para sa akin.
~*~
JARREN REYES
"Hold on, feeling like I'm headed for a break down, and I don't know why."
- Matchbox 20, Unwell
"Sino yun?" tanong sa akin ni Jasper Yu, ang drummer ng EndMira, nang makita niya
akong naglalakad palayo kay Mia. "At bakit nakasimangot ka?"
"Wala," matipid kong sagot kay Jasper.
"Pre, mukhang umiiyak yung babae!" sabi ni Jasper habang palingon
lingon siya sa likod niya.
Hindi ko siya pinansin at diretso lang ang tingin ko.
Medyo nakakaramdam ako ng konsensya sa lahat ng binitiwan kong salita
sa kanya lalo na't kung napaiyak pa siya nito pero nangingibabaw pa rin ang inis
ko.
Mia is a very talented girl. Narinig ko siyang kumanta. Narinig ko kung
gaano kaganda ang boses niya. Hindi lang yun, she can play the guitar very well.
Kaya naman hindi ako nagtataka kung bakit gusto nila na si Mia ang isama sa album
ng EndMira ngayon. Alam nila na magagawang sabayan ni Mia ang pagkanta ni Ice—ang
bokalista ng EndMira. At oo nga, yung timbre ng boses ni Mia ay magandang pang
blending sa boses ni Ice.
Pero hindi ko magawang suportahan siya.
I've overheard her conversation with her friend a few months ago, nung
panahong nasa go-see pa lang sila. Narinig ko kung paano niya sabihin ang tunay na
motibo niya kung bakit siya kumakanta---dahil sa ex niya at dahil sa pera. Doon pa
lang, bad shot na bad shot na siya sa akin. Napilit lang nila akong gawan siya ng
isang kanta pero sa totoo lang, hindi ko siya gusto.
Hindi ko gusto ang mga taong inaaksaya ang talento nila.
Hindi ba niya alam kung gaano siya kaswerte dahil malaya niyang
magagamit ang talento niya?
Napatingin ako sa palad ko at napakuyom ako. Nakaramdam na naman ako ng
sobrang pagkainis.
"Huuuy! Ang seryoso mo! Sabi ko, nag lunch ka na ba? Tara na kumain na
tayo! Lilibre na kita dahil bad mood ka!" sabi ni Jasper sa akin. Napabalik tuloy
bigla ang atensyon ko sa kanya.
"Hindi na. Uuwi muna ako sa bahay namin. Doon na ako kakain."
Biglang nanlaki ang mata ni Jasper.
"MAY HIMALA! Tinatanggihan mo ang grasya ngayon?! Anong problema, pre?
Broken hearted ka ba? Dahil ba doon yun sa chikababes na kausap mo kanina, ha?"
"Ewan ko sa'yo, Jasper."
"Pre ba't ang suplado mo ngayon? May period ka? O nahawahan ka lang ni
Ice?"
Napailing na lang ako at dumiretso papunta sa kotse ko. Hindi ko na
pinansin si Jasper Yu na nakasunod sa akin.
"Kulang ka lang sa sexlife kaya ka ganyan!" sigaw niya.
"Ulol!" sigaw ko sa kanya.
"Tuyot!"
Sumakay na ako sa kotse at umalis na ako. Ayoko nang patulan si Jasper
Yu. Minsan matindi ang sira sa utak niyan. Baka mahawa pa 'ko.
Dumiretso ako sa bahay namin.
Ang totoo talaga, bahay ito ng lolo't-lola ko sa motherside. Sa kanila
na ako lumaki. Dito kasi ako iniwan ng mama ko na ngayon eh hindi ko na alam kung
saang sulok ng mundo siya nandoon. Ang tatay ko naman, nasa ibang bansa. Pinuntahan
ko once kaya lang ayaw akong kilalan na anak kaya sinukuan ko na siya.
"Ayen! Apo!" salubong sa akin ni lola nang makita niyang pababa ako ng
kotse.
"La!" nakangiti kong bati at agad ang lumapit sa kanya para yakapin
siya at halikan sa noo.
"Naku naman! Sabi mo dito ka matutulog ng Linggo! Eh miss na miss ka na
namin. Lagi ka nang wala dito!"
Napatawa ako nang mahina, "la naman. Tatlong araw lang po akong
nawala."
"Tito Ayeeeen!!!" dinig kong sigaw ng pamangkin kong si Aileen. Agad
siyang tumalon sa mga braso ko at nagpabuhat sa akin.
"Naku ang bigat mo na! Ano bang kinakain mo habang wala ako, ha?"
"Gulay!"
"Weh? Gulay? Baka naman puro matatamis kinakain mo, ha?"
"Ay naku yang si Aileen pagsabihan mo. Maya't-maya bumibili ng
chichirya sa kanto!" sabi ni lola.
"Aileen. Masama yun, ha? Wag sosobra," pangaral ko.
Nag pout siya sa akin pero tumango siya, "opo."
"Good girl," nakangiti kong sabi.
Habang buhat buhat ko siya ay naglakad na ako papasok sa loob ng bahay.
Nakasunod naman si lola sa akin.
Pag pasok ko, si Jordan naman ang sumalubong sa akin—yung bunsong
kapatid ni Aileen.
Si Aileen ay eight years old samantalang si Jordan naman ay five.
Ibinaba ko si Aileen at si Jordan naman ang binuhat ko.
"Nakuuu ang bigat din ni Jordan! La, ang dami mo atang pinapakain sa
kanila!"
"Eh yaan mo na para lumaki agad!"
Ibinaba ko si Jordan at nag-umpisa na ulit sila maglaro ni Aileen.
Pumunta naman ako sa kusina kung saan nandoon si lola at tinulungan ko siyang mag-
ayos ng mesa.
"La, ako na po," sabi ko at kinuha ko ang mangkok ng sinigang na hipon
na dala dala niya at inilapag ko ito sa hapag-kainan.
"Ayen, kelan pala uli bibisita si Timi dito?" tanong ni lola.
Natigilan ako bigla.
"Ah..lola, busy si Timi, eh."
"Aaah, ganun ba? Naku minsan imbitahin mo ah? Namimiss ko na matikman
ang luto ng batang yun. Aba'y napaka-sarap niyang magluto ng kaldereta."
Napangiti ako bigla, "syempre naman la. Magaling po na chef ni Timi."
Tumango si lola, "oo nga at maganda pa. Ang swerte ng mapapangasawa ng
batang yun. Apo, ba't hindi mo kaya ligawan?"
Nginitian ko lang si lola pero hindi ko siya sinagot.
Kung alam niyo lang lola, matagal ko na siyang gustong ligawan. Kung
alam niyo lang, gusto ko ako yung maswerteng lalaki na mapapangasawa niya.
Kaso alam kong wala akong pagasa.
At alam kong sa oras na umamin ako sa kanya, mawawala pati ang
pagkakaibigan namin.
To be continued...
AN:
Hi guys! Sorry medyo natagalan ang update. But since medyo makakapag-focus na ako
sa story na 'to, hopefully mas tuloy tuloy na ang update.
Usually makakapag post ako ng update every weekend since may pasok ako pag
weekdays. But if ever naman na wala akong masyadong work at maisisingit ko ang pag
t-type ng update, gagawan ko ng paraan na makapagpost din ng weekdays.
Ayun, salamat sa pag intindi! 

- Aly

=================

Fifth Stanza

Fifth Stanza
MIA MILLS
"When it's all said and done, you can walk instead of run."
- Lady Antebellum, Compass

Smile, Mia. Smile. You can do this. Smile.


Huminga ako nang malalim and I raised my hand para kumatok sa pintuan
ng recording room pero hindi ko magawa.
Kabadong kabado ako. Para akong pinanlalambutan ng tuhod.
Ano pang mukha ang maihaharap ko kay Sir Ayen? After niyang sabihin sa
akin na hindi niya maramdaman ang passion ko, paano ko pa magagawang pumasok sa
loob ng recording room na 'yan lalo na't alam kong eto na naman, kakanta na naman
ako sa harapan niya at puro masasakit na salita na naman ang maririnig ko mula sa
kanya.
Napa-hinga ulit ako nang malalim.
Gusto kong sumuko. Sobrang na-t-tempt na ako. Gusto ko nang bumalik sa
States. Gusto ko nang paniwalaan ang sinasabi nila na wala akong future dito.
Pero hindi ko kaya.
Kada naiisip ko na titigil na ako, pakiramdam ko ikamamatay ko. Nawala
na sa akin si Sam. Hindi ko kakayanin kung pati itong musika ko ay mawawala pa sa
akin.
Bahala na.
Si Sir Ayen—dati ang taas ng respeto at pag-hanga ko sa kanya. Pero
dahil sa mga sinabi at ipinaramdam niya sa akin, I now treat him as my enemy.
Akala niya ganun niya ako kadali mapapatumba?
Hindi.
Akala niya titigil ako sa pagkanta dahil sa kanya?
Mukha niya!
So what kung di niya maramdaman passion ko?
Hindi ko kasalanan na ipinaglihi siya sa anesthesia ng nanay niya kaya
ganyan siya kamanhid!
Kala mo kung sino siya! Diyos ba siya para husgahan ako ha?! Supla-
suplado pa niya. Feeling niya kung sino siyang gwapo! Hindi naman siya kagwapuhan.
Mas pogi kaya sa kanya si Ice at Jasper! Feeling ko kung itinuloy niya ang
pagtugtog kasama ng EndMira siya ang may pinaka-onting fans kasi di naman siya
kagwapuhan!!
Biglang bumukas ang pinto ng recording room at biglang bumungad sa akin
ang mukha ni Sir Ayen. Naka-eyeglass siya ngayon. Nakaitim na shirt. Dark blue na
jacket. Messy hair...
Shit ang pogi niya today.
Arrghhh!! Ano ba, Mia! Ano ba!
Tinaasan ako ng kilay ni Sir Ayen. Nginitian ko siya. Yung malawak na
ngiti.
"Hi sir! Good afternoon!" masigla kong bati at pumasok ako sa loob ng
recording room.
Isinara niya ang pinto at sumunod sa akin sa loob habang naka-kunot ang
noo niya sa akin.
Bakit kahit naka-kunot ang noo niya, ang pogi pa rin niya?
Ano ba, Mia! Stop it! Stop those inappropriate thoughts!
"What are you doing here?" tanong niya sa'kin.
"Ahm.. s-sir, practice po...'di ba?"
"For what?"
"Y-yung para po sa EndMira---"
"Hindi pa sigurado kung tuloy yun," pagputol niya sa sinasabi ko.
"P-pero po 'di ba naghahanap talaga ng babaeng singer na makaka-duet ni
Ice doon sa dalawang kanta na ilalabas sa bagong album nila?"
Tumango si Sir Ayen, "yes, pero hindi pa naman confirm na ikaw yun, 'di
ba? Sinuggest pa lang pero hindi pa ako pumapayag."
I balled my hand into fist. Nararamdaman ko ang panlalambot ng mga
tuhod ko at parang gusto ko na lang mag walk out.
No, Mia. Stay. Wag kang papatalo.
"B-bakit po ba ayaw niyong pumayag na ako yung kakanta?" "I
think I already made myself clear yesterday, Mia."
Umiling ako, "sir hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo po makita
ang passion ko. But I really hope you give me another chance. Ikaw naman po ang
nagpasok sa akin dito. Kung hindi mo ako nilapitan sa mall nun, wala ako ngayon
dito. And the mere fact na nilapitan mo ako dati, ibig sabihin po nun hindi ba na
nakita mo ang passion ko?"
Tinalikuran ako ni Sir Ayen and he made himself busy doon sa mga
control.
"Siguro nagkamali ako ng dinig sa'yo," mahina niyang sabi.
Mahinahon ang pagkakasabi niya, halos pabulong. Pero ang lakas ng
impact nito sa akin. It feels like he crushed my heart and soul.
Kasing sakit ito nung nalaman kong niloloko lang ako ni Sam.
Napalunok ako at ramdam ko na ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.
"Bakit ba parang inis na inis ka sa akin?" tanong ko sa kanya. "Did I
do something wrong?"
Hindi umimik si Sir Ayen at naka-pako lang ang tingin niya doon sa
ginagawa niya.
"Sir Ayen!"
Iniwas niya ang tingin niya sa akin.
"Just go."
"Sir naman, eh! You're so unfair! Alam mo ba napakataas ng paghanga ko
sa'yo? You are one of my inspirations! But right now, you are breaking me."
Hinarap niya ako at kitang kita ko ang inis sa mga mata niya.
"Ayoko sa mga taong tine-take for granted ang talento nila. Narinig ko
ang sinabi mo, Mia kung bakit ka nandito. For revenge and to earn money?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Narinig niya. Narinig niya ang usapan namin ni Sammie..
"S-sir, hindi yun. H-hindi mo naiintindihan—"
"Ayos lang," pagputol niya sa sinasabi ko. "It's none of my business.
Kung ayan ang dahilan mo, wala naman akong magagawa. Pero labas ka na rin doon kung
ano man ang maging opinyon ko tungkol sa'yo. At kung atat na atat kang mapunta sa
tuktok para maka-ganti ka sa taong nanakit sa'yo at kumita ng pera, pasensyahan na,
pero hindi ganun kadali yun. Kung ang mga taong may tunay na passion sa pagtugtog
ay kailangan pang dumaan sa butas ng karayom para umangat, ikaw pa kaya?"
Napapikit ako at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
Wow. Walang kwenta ang pagpipigil ko ng luha. Umiiyak na ako sa harap
ni Sir Ayen and I feel so pathetic.
Gusto kong hawakan ang panyo niya to find comfort pero grabe ang inis
na nararamdaman ko sa lalaking 'to.
Sana hindi ko na lang na-iwala yung bracelet na bigay ni mama.
Tinalikuran ulit ako ni Sir Ayen.
"Hindi ako madaling maawa sa babae kahit umiiyak pa siya. You're just
wasting your tears, Mia. Just go."
"I hate you," I hissed. "Akala mo kung sino ka! Anong sabi mo? You hate
those people who's taking their talent for granted? Hindi ba ganun ka rin?!"
Hinarap ulit ako ni Sir Ayen, "what did you say?"
"Ganun ka rin! You're telling me na hindi mo maramdaman ang passion ko,
but you are the same! Kasi kung pinahahalagahan mo ang talent mo, kung mahal mo ang
pagtugtog katulad ng sinabi mo noon nung nagsisimula pa lang kayo, hindi ka mag qu-
quit! Tandang tanda ko ang mga sinabi mo noon sa interview! Sabi mo, buhay mo ang
pagtugtog, pero bakit ka nag quit?! O baka naman nasabi mo lang yun for dramatic
purposes?!"
Kita ko ang gulat sa mga mata ni Sir Ayen dahil sa mga binitiwan kong
salita. Gulat na madaling napalitan ng ibang expression.
Pain.
Hindi nagsalita si Sir Ayen. Hindi siya sumagot sa lahat ng mga
binitiwan kong salita. Instead, mahinahon siyang lumabas ng recording room at
iniwan akong mag-isa doon.
And the moment na nag-sara ang pinto, pakiramdam ko parang gumuho na
rin ang pangarap ko.
~*~
JARREN REYES
"The say bad things happen for a reason. But no wise words gonna stop the
bleeding."
- The Script, Breakeven

'Sabi mo, buhay mo ang pagtugtog. Pero bakit ka nag-quit?'


Nagmamadali akong bumaba sa kotse ko at pumasok sa loob ng HQ ng
EndMira papunta sa rehersal room namin. Walang ibang tao rito ngayon kundi ako lang
mag-isa.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko ang ilaw sa loob ng
rehersal room.
Ayaw mawala sa isip ko ang mga binitiwang salita ni Mia. Paulit ulit
kong naririnig. Parang sirang plaka sa loob ng utak ko.
'Kung pinahahalagahan mo ang talent mo, kung mahal mo ang pagtugtog
katulad ng sinabi mo noon nung nagsisimula pa lang kayo, hindi ka mag qu-quit!'
Agad hinanap ng mata ko ang gitara ko at nakita ko ito sa kasulok-
sulukang bahagi ng kwarto. Lumapit ako rito at kinuha ko ito.
Maalikabok na. Halatang hindi na nagagamit. Kumuha ako ng basahan para
linisin ito. Matapos yun, tinignan ko kung nasa tono pa ang gitara.
Maayos pa. Maganda ang tunog.
I strummed. Napapikit ako sa tunog na nililikha ko.
I started playing a song. Pero bawat pag strum ko, bawat tunog na
nililikha ko, parang patalim na sumasaksak sa dibdib ko.
It's not the same anymore. It'll never be the same.
I used to be so good at playing the guitar. At oo, ayun ang sinabi ko
dati, buhay ko ang pagtugtog.
Pero hindi ko na kayang gawin yun ngayon. Kahit gustuhin ko, hindi ko
na kaya.
Because the music that I'm creating right now is just a broken melody.
Hindi na ito kasing ganda tulad noon.
Binitiwan ko ang gitara ko at napasigaw na lang ako dahil sa sobrang
frustration na nararamdaman ko.
Gusto ko ulit tumugtog kasama sila. Gusto ko ulit mag perform sa stage.
Buhay ko ang pagtugtog pero kinuha sa'kin 'to. Pakiramdam ko sa araw araw na
gigising ako sa umaga, para akong unti-unting pinapatay.
Bakit lahat ng mga gusto ko ay hindi ko pwedeng makuha? Bakit lahat ng
minamahal ko ay hanggang panaginip na lang?
Ang pangarap ko at ang babaeng mahal ko. Parehong hindi ko pwedeng
angkinin.
My hand got fractured at simula nun, hindi ko na magawang tumugtog.
Kahit ilang therapy pa ang gawin ko, wala pa rin. Hindi na raw ito maibabalik sa
dati.
Ayaw kong paniwalaan. Ilang beses akong sumubok. Paulit ulit. Pero wala
talaga. Hindi na talaga ako pwedeng tumugtog.
Walang nakakaalam ni-isa sa EndMira. Hindi ko magawang masabi sa
kanila. Kasi kada
iisipin ko ang magiging reaksyon nila sa akin, mas naawa ako sa sarili ko.
Isa pa, ayoko nang hilahin ang kahit na sino pang tao sa pagka-
miserable ko. Ayun ang ipinangako ko sa sarili ko noon.
Pero yun ang ginagawa ko ngayon kay Mia.
At oo inaamin ko, wala siyang kasalanan, wala siyang mali. Ako ang may
mali. Ako ang may problema. At hindi tama lahat ng ginagawa ko sa kanya. Hindi tama
ang mga binibitiwan kong salita sa kanya.
Pero hindi ko maiwasan kasi kada nakikita ko siya, naiisip ko kung
gaano siya kaswerte kasi malaya niyang nagagamit ang talento niya at ginagamit niya
ito sa maling paraan.
Bakit hindi siya tumugtog para sa sarili niya? Hindi ba niya naririnig
kung gaano siya kagaling? Bakit kailangang maging dahilan ang lalaking nanakit sa
kanya para tumugtog siya?
But still...alam kong mali pa rin ang ginagawa ko sa kanya. Alam kong hindi ko
dapat ibinubuntong sa kanya lahat ng pagiging miserable ko. The reason why she's
playing is non of my business.
She's a talented girl. Dapat doon ako mag focus.
Napa-singhap ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
I forced myself to be okay and pull myself together.
Tumayo ako at kinuha ko ang gitara ko at ibinalik ito kung saan siya
naka-pwesto kanina.
Matapos yun, lumabas na ako sa rehersal room na para bang walang
nangyari.
Kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Inilabas ko ang phone ko and I dial Ice's number. After a few rings,
sinagot niya ang tawag ko.
"Oh Ayen, napatawag ka?"
"Ice.. about lang sana doon sa isang kanta ng EndMira, yung may
duet..."
"What about that?"
"Nakahanap na ako ng makakasama mong kumanta. Let's set a date kung
kelan mo pwedeng i-meet si Mia Mills."
To be continued...
Merry Christmas, readers! <3 

=================

Sixth Stanza

Sixth Stanza
MIA MILLS.
"Love is a ruthless game unless you played it good and right."
- Taylor Swift, State of Grace
"Okay ka naman ba diyan, Mia? Are you eating well?" tanong sa akin ng mommy ko mula
sa kabilang linya.
"Yes mom, I'm fine. Don't worry, I'm eating a lot."
"Yung apartment na inuupahan mo, is it safe? Naku, mas makakampante ako
kung babalik ka na muna doon sa mga tita mo. Isa pa, hindi ka marunong magluto!
Paano ka ngayon? Don't tell me puro prito ulam mo?"
"Mom, don't worry about me. It's safe. I love my roommate, magaling
siyang mag-luto, and besides, malapit lang 'to doon sa studio. Mas madali akong
nakakapunta doon."
"Okay, okay. How about Sam? How is he? Nagustuhan ba niya yung sapatos
na pinadala ko sa kanya last time?"
Hindi ako naka-imik agad sa tanong ni mommy. Parang pakiramdam ko may
bumara sa lalamunan ko.
"Mia?"
Napalunok ako.
"H-he's fine, mom. Don't worry about him."
"Good! May ipapadala ulit ako sa inyo diyan, ha? I saw a cute couple
shirt. Naku! Babagay sa inyong dalawa ni Sam yun. Isuot niyo sa isa sa mga gig
niyo."
"Mom, you don't have to.."
"Nabili ko na! I'll send it to you! Ah basta, wear it in one of your
gigs, okay? Mag selfie kayo ni Sam and send it to me! I'm expecting it!"
Napapikit ako at pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Nilalamon ako
ng konsesnya ko.
Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni mommy ang about sa amin ni Sam.
Hindi pa rin niya alam na hiwalay na kami. Hindi niya alam na nagso-solo na ako
ngayon. Hindi rin niya alam na kaya ako umalis kina tita ay dahil ang maldita sa
akin ni Pam.
Hindi niya alam na hindi ako okay.
At hindi ko masabi sa kanya kasi ayokong mag-alala siya sa akin.
"Mom about Sam--"
"Don't tell me magpapakasal na kayo?!" pangunguna ni mommy sa akin. "Oh
my gosh! Magpapatahi na ba ako ng gown ko?!"
"Ma naman! Hindi!"
"Don't tell me kasal na kayo?! Naku Mia ha, magtigil ka! Hindi pwede
yan! Dapat present kami pag nagpakasal kayo! Naku! Pero kelan niyo ba balak? Lahat
kami nagiintay na rito! Alam mo naman na botong boto kaming lahat kay Sam kaya bago
pa makakawala yan, naku, itali mo na!" pabirong sabi ni mommy then she laughed.
Sorry ma, nakakawala na siya, eh.
"Mom?"
"Oh?"
"I love you," mahina kong sabi.
Natahimik si mommy mula sa kabilang linya.
"Anak? Is something wrong?"
"No ma. Kayo naman. Nag I love you lang ako."
"Eh I love you too, Mia! Kami ng daddy mo."
"Parang hindi naman. Ni ayaw akong kausapin ni daddy."
"Eh hayaan mo muna siya. Tampong pururut lang yun pero hindi ka nun
matitiis."
Napangiti ako nang bahagya.
Two years na akong tinitiis ni daddy.
"S-sige na ma, ma-l-late na ako sa appointment ko. I have to go."
"Mag-iingat ka Mia, ha? I love you anak!"
"Love you too, ma."
I ended the call.
At katulad nang dati, the moment na ibinaba ko ang phone, napa-hagulgol
na lang ako nang iyak.
Lagi na lang ganito kada nakakausap ko sa phone si mommy. Lagi na lang
ako nagpipigil ng pagiyak. Lagi na lang akong nagpapanggap na okay ako but the
truth is, hirap na hirap na 'ko. Hindi ko masabi kasi ayokong mag-alala siya. Ang
dali pa naman niyang mag worry.
I miss her so much. I want to hug her. Gusto kong umiyak sa kanya at
sabihin lahat nang sama ng loob ko. After all, sa lahat ng taong nag give up sa
akin, si mommy ang nagiisang naniniwala sa kakayahan ko.
But now, I feel so lost.
Wala si Sammie. Naka out of town siya dahil sa isang raket. Ngayon,
mag-isa lang ako. Ni wala akong maka-usap.
Sa two years kong pagbalik dito sa Pinas, kay Sam lang umiikot ang
mundo ko kaya naman wala akong naging kaibigan bukod sa kanya at sa mga kabanda
namin.
Kaya ngayon, eto ako. Kung wala si Sammie, mag-isa ako.
Ang bigat bigat nang pakiramdam ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang
mangyayari sa akin.
Naalala ko lahat ng mga binitiwan kong salita kay Sir Ayen. Naalala ko
ang expression ng mukha niya nung sabihin ko sa kanya ang mga bagay na yun.
I know tama lang din yun. Hinusgahan niya ako kaya hinusgahan ko rin
siya. Pareho lang kami. But in the end, I cannot erase the fact na mas mataas siya
sa akin. Na sakanya pa rin nakasalalay ang future ko rito. At sa ginawa kong pag-
sagot sa kanya, ako ang talo at dehado sa aming dalawa.
Nakakaiyak.
Biglang nag ring ang phone ko at nakita ko sa screen na tumatawag sa
akin yung producer na si Gina.
Kinalma ko ang sarili ko at pinahupa ko ang pagiyak ko then I answer
the call.
"H-hello Ms. Gina?"
"Mia? Hi! I just want to ask, are you free today?"
"N-ngayon po? Y-yes po. Bakit po?"
"Can you drop by sa office? Gusto ka lang sana namin kausapin about
something."
Napapikit ako. She sound so serious like I'm doomed.
Parang alam ko na ang paguusapan namin mamaya.
Tumayo ako and I took a quick shower. After that, I grab the first
dress I saw on my closet. Isang white spaghetti strap dress na pinatungan ko lang
ng cardigan. Kinuha ko yung doll shoes kong itim at ayun ang isinuot ko.
Ni hindi ko na naisipang mag patuyo ng buhok at mag make-up pa.
Para saan pa?
Nang makapag-bihis na ako, nag taxi na lang ako papunta sa office.
Para akong bangkay na naglalakad habang papasok sa loob. Lutang ang
isip, hindi na iniitindi ang mga taong nakapaligid sa akin.
Nag good afternoon yung guard sa akin pero hindi ko na rin siya
napansin.
Nasa isip ko na lang kung paano ko pipigilan ang luha ko pag sinabi na
sa akin ang bad news. Wala pa naman akong dalang panyo o tissue man lang.
Napahinto ako sa paglalakad at napahinga nang malalim. Nanginginig ang
buong katawan ko. Para akong naglalakad papunta sa kamatayan ko. Ngayon pa lang,
nangingilid ngilid na ang luha sa mata ko.
Smile Mia. Smile. Smile. Smile. Smile. Smile.
I forced myself to smile pero hindi ko magawa. Parang any minute tutulo
na ang luha ko.
Then naramdaman kong may bumangga sa akin.
"Ay sorry miss! Nakaharang ka kasi!"
Napatingin ako doon sa bumangga sa akin at na-realize kong baka nga
hate ako ni God? Mabuti naman akong tao, pero bakit hindi pwedeng pa-isa-isang
kamalasan lang?
"Mia?" gulat na sabi ng babaeng nakabangga sa akin.
It's Natasha—yung babaeng pinagpalit sa akin ni Sam.
"Mia, is that you?"
"W-what are you doing here?" tanong ko.
Nakita kong napangiti siya—an arrogant smile, "ah wala naman. I just
signed a contract to J&R Entertainment. Guess what? Magkaka-album na ang banda!
Sam is so happy!"
I balled my hand into fist. Nakaramdam ako ng sobrang inis, at sakit,
at inggit sa babaeng kaharap ko.
Nung makuha ako sa J&R Entertainment, akala ko angat na ako sa
kanila. Akala ko any minute pwede ko nang maipamukha sa mga ito kung sino ang
sinayang nila.
Pero mukhang that's not the case. In the end, mas angat pa rin sila sa
akin.
Single lang ang ilalabas ng J&R Ent. sa akin pero sa kanila, full
album na.
Mukhang tama nga si Sir Ayen, hindi nga ganoong kadali yun. Siguro kaya
ako nasaktan sa lahat ng binitiwan niyang salita is because a part of it is true.
Akala ko ang galing ko na. Akala ko mabilis ko silang malalampaso.
Pero mali ako.
"How about you? What are you doing here?" tanong niya sa akin.
Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya
kaya iniwas ko na lang ang tingin ko.
"You look pale," duktong pa niya. "At mugto ang mga mata mo. Did you
cry?"
Umiling ako.
"Ah. Akala ko umiyak ka. You look horrible. Wait, kaya ka ba nandito?
To beg the producers na bigyan ka ng project? Ohh, I feel sorry for you, Mia."
Napa-angat ang tingin ko sa kanya and I look at her in disbelief. She's
smiling at me na para bang tuwang tuwa siya na makita akong miserable.
"You know what? I'm glad iniwan ka ni Sam. You are dragging him down.
Ang laki ng potential niya pero hindi niya nagagamit dahil hinihila mo siya pababa.
Alam mo, simula nang maghiwalay kayo, mas naging masaya siya, Mia. Mas lumago ang
career niya. I've never seen him this happy before nung kayo pa. At kaya lang naman
siya nag stay sa tabi mo noon dahil naawa siya sa'yo. But the truth is, matagal ka
na niyang hindi mahal."
I balled my hand into fists. Nanginginig ang katawan ko. Pero
nakakainis, hindi ko magawang makapagsalita. Tanging masamang tingin lang ang
naibibigay ko sa kanya.
Nasaan ang boses ko ngayong kailangan ko siya? Wala bang ni-katiting na
lakas ng loob akong mahuhugot para lang ma-sampolan ko 'tong babaeng 'to ng
magkapatid na sampal?
Pero ito ako, nakatitig lang sa kanya habang inaapak-apakan niya ang
pagkatao ko.
"Just wait and see, Mia. Lalago ang career ni Sam. Just wait and see.
Makikita mong tama ang naging desisyon niya na hiwalayan ka. And if you still love
him, sana maging masaya ka para sa kanya."
I blink.
May bumagsak na luha sa mata ko.
Gaga ka! Karibal mo yan! Dapat pinatitikim mo yan ng sabunot at
maanghang na salita. Pero bakit ka umiiyak sa harapan niya?! Bakit ang weak weak
mo, ha?! Ano palagi na lang bang ganito? Damsel in distress?!
Ipagtanggol mo ang sarili mo!!
"My simple advice? Balik ka na lang sa States, Mia. Para sa'yo rin yun.
Mas may future ka doon."
Napailing ako.
"T-that's not true. Tutugtog ako. Kakanta ako. K-kahit wala si Sam.
Kahit solo ako..."
Biglang tumawa nang malakas si Natasha.
"Solo ka? Can you hear what you're saying?! Eh may kasama ka ngang
banda, halos himatayin ka sa kaba everytime na mag p-perfom ka ng live. Paano kung
mag-isa ka pa?!"
Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko pero may tumulo ulit na isa.
Ano ba! Bakit hindi huminto ang pag-iyak ko! Talong talo na nga ako
rito sa mga pinagsasasabi niya, iyak pa ako nang iyak!
Ayoko na.
Tatalikod na sana ako at mag w-walk out na lang kaya lang, nagulat ako
nang biglang may umakbay sa akin.
"Mia, nandito ka na pala. Kanina pa kita inaantay."
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si....si Sir Ayen na
nakangiti sa akin habang naka-akbay.
T-teka... hindi kaya dahil sa sobrang sama ng loob ko ay nag ha-
hallucinate ako?
"S-sir....?"
"Good thing you're here. Kanina ka pa inaantay ng EndMira. They can't
wait to work with you."
Nagulat ako sa sinabi niya.
Tama ba ako nang naririnig? Totoo ba 'tong nangyayari ngayon?
Napatingin si Sir Ayen kay Natasha na gulat na gulat ding nakatingin sa
kanya.
"You're Mia's friend?"
Hindi malaman ni Natasha kung tatango siya o i-iling sa tanong ni Sir
Ayen. Pero nginitian lang siya ni Sir Ayen and I saw her blushed.
"You should congratulate Mia. Gustong gusto siya ng mga producers. At
kahit yung vocalist ng EndMira na si Ice na sobrang hirap i-please eh nagustuhan si
Mia. Sabi nila, Mia is a star in the making. Magaling 'tong kaibigan mo."
Natasha just gawked at him at parang hindi siya makapaniwala sa mga
naririnig niya.
Tinignan ako ni Sir Ayen.
"Let's go?"
Tumango ako and I let him lead me away from Natasha.
At habang naglalakad kami, hindi ko pa rin magawang tumigil sa pag-
iyak.
"S-sorry.." sabi ko sa kanya at pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata
ko. "S-sorry, uhmm, n-nakasuot ako ng bagong contact lense. Hehe grabe mag luha
mata ko! Hindi ko mapigilan! Grabe!" at may sumunod na naman na luhang bumagsak.
Hinawakan ni Ayen ang braso ko at nagulat ako nang hatakin niya ako
papasok sa fire exit.
"S-sir A-Ayen—"
"Here," inabutan niya ako ng panyo.
"S-salamat po..." kinuha ko yung panyo at pinunasan ko yung luha sa
mata ko.
Napa-angat ako ng tingin kay Sir Ayen na seryosong nakatitig sa akin.
Napaiwas ulit ako ng tingin.
Shit naman. Ba't ganyan siya makatingin? Parang may plano siyang
tunawin ako.
"Ang galing naman ng contact lense na yan. Bukod sa napapaluha ka,
napapahikbi ka pa."
Napakagat ako nang labi. Feeling ko kasi hahagulgol na ako ng iyak.
"Narinig ko kayo kanina..."
Napayuko ako.
"Hobby mo na po ata ang makinig sa usapan ng iba?" tanong ko at naupo
ako sa gilid ng hagdanan.
Tumabi sa akin si Sir Ayen at naamoy ko ang pabango niya.
Bakit ang bango niya?
At bakit naisipan ko pang pansinin ang amoy niya sa kabila ng masasakit
na salitang narinig ko?
"You should learn how to defend yourself," sabi niya.
Napayuko ako, "weak po ako, eh."
"Nagawa mo na nga kahapon sa akin, eh. You defended yourself to me."
Parang mas lalo akong nanliit sa sinabi niya.
"S-s-sorry po! H-hindi ko po sinasadya yung sinabi ko! S-sorry talaga,
Sir Ayen. I'm really sorry. Please wag niyo po akong paalisin dito. Please po.
Please please please."
Napahagulgol na ako nang iyak sa kanya.
"M-Mia..."
"Sir, k-kung hindi ko passion ang pagkanta, hindi po ako magpapakababa
ng ganito sa harap mo. Kung pera lang ang habol ko, edi sana naghubad na lang ako
sa harapan mo ngayon para lang bigyan mo ako ng projects kesa pinahihirapan ko pa
ang sarili ko!" pahikbi-hikbi kong sabi.
Bigla siyang napatawa nang mahina.
Umiiyak na ako sa harapan niya at tinatawanan niya pa ako.
"Hindi ako nakukuha sa paghuhubad ng babae sa harapan ko. Just saying."
Napahikbi ako at gusto ko siyang hampasin dahil sa sinabi niya. Pero
syempre pinigilan ko ang sarili ko dahil sa kanya nakasalalay ang career ko.
"Please tell me what to do para maramdaman mo ang mga kanta ko.."
Natahimik si sir at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Naramdaman ko na kanina nung minamaliit ka niya..."
Napapikit ako at feeling ko, ang liit liit ko ngayon. Hiyang hiya ako
sa sarili ko.
Narinig niya lahat ng mga sinabi sa akin ni Natasha. Narinig niya lahat
ng flaws ko at hiyang hiya ako ngayon to the point na hindi ko magawang tumingin ng
diretso sa kanya.
Tumayo si Sir Ayen at pumunta siya sa harapan ko. I can feel his gaze
pero hindi ko makuhang i-angat ang tingin ko sa kanya.
"You should pull yourself together. Hindi kita pwedeng ipakilala sa
EndMira habang umiiyak ka. Iisipin nila, pinaiyak kita at hindi ako patatahimikin
ng mga yun, lalo na ni Jasper."
At doon na napa-angat ang tingin ko sa kanya.
"I-ipapakilala niyo po ako sa EndMira?"
"Oo. Di ba yun ang sabi ko sa'yo kanina? You think I'm joking?"
Napatulala ako sa sinabi ni Sir Ayen at nakakainis, mas lalo akong
napa-iyak.
"Mia..."
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang side ng mukha ko
at inangat niya ito para mag tama ang mga tingin namin.
"I'm sorry doon sa mga nasabi ko sa'yo. Hindi ko dapat binitiwan ang
mga salitang yun."
Napailing ako, "s-sorry din po sa lahat. Sorry din po."
"I'll help you. I'll train you. Pero hindi ko maipapangako na hindi ako
magiging masungit sa'yo."
"O-okay lang po kung makakatulong sa akin yun."
"Then sumunod ka sa akin ngayon. You should pull yourself together and
stop crying. Hindi pwede ang iyakin sa industriya na 'to. Patibayan ng sikmura dito
dahil marami ka pang makikilala na mas malala sa akin."
Lumunok ako at gamit ang panyong pinahiram niya, pinunasan ko ang luha
ko at huminga ako nang malalim.
Inalalayan ako ni Sir Ayen sa pagtayo.
"Okay ka na?" tumango ako.
"Then smile, Mia. Smile."
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti sa sinabi niya.
Lagi kong sinasabi sa sarili ko 'yan pero iba pa rin talaga kung may
ibang tao ang magsasabi sa iyo niyan.
Mas madaling ngumiti kapag ganun.
Napangiti rin si Sir Ayen nang makita niya akong ngumiti.
My heart skipped a beat and just like that, bumalik na naman yung
matinding admiration ko sa lalaking 'to.
Come to think of it, hindi naman talaga nawala.
"Let's go, Mia."
To be continued...
Aly's Note
Kapag fractured hand, Heartstrings agad ang peg? Hindi ba pwedeng Doctor Strange?
Charot! xD
Bumabawi ang author niyong lingkod sa paguupdate hangga't Christmas break pa. Sana
naeenjoy niyo ang pagbabasa! <3

=================

Seventh Stanza

Seventh Stanza
JARREN REYES
"Don't it always seem to go that you don't know what you got till it's gone?"
- Counting Crows, Big Yellow Taxi

She's trembling. Hindi siya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko ang kaba niya
habang nag-lalakad kami papunta sa recording room kung saan ngayon naka-tambay ang
EndMira.
She's smiling from ear to ear but still, halata kong she's just forcing
herself to smile.
I sighed.
Hay naku.
Huminto ako sa paglalakad at pumunta ako sa harapan ni Mia. Hinawakan
ko ang magkabila niyang braso at tinignan ko siya ng diretso sa mata.
Agad siyang napayuko at iniwas ang tingin sa akin.
"Look at me. Kung ako pa lang, hindi mo na matignan, paano mo pa
magagawang tignan ang ibang members ng EndMira? I'm telling you, their presence is
more intimidating than mine. Lalo na si Ice. Kaya kung sa akin pa lang kinakabahan
ka na, what more kung sila na ang kaharap mo?"
"P-pero sir, iba ka kasi..."
"Iba? Paanong iba?" I asked her, confused.
Umiling si Mia and she forced herself to look at me.
She's blushing.
Dahil ba nahihiya siya sa akin? O dahil sa kaba niya sa EndMira?
Medyo dumistansya ako sa kanya dahil napansin kong ang lapit ko na pala
sa kanya and I might envading her private space. I heard her sigh a relief nung
medyo dumistansya ako.
"Sorry, did I made you feel awkward?"
"H-h-hindi po!" natataranta niyang sagot sa akin.
Tumango lang ako.
She's way too kind.
Pero sana mas maging matapang siya. Hindi biro itong mundo na gusto
niyang pasukin ngayon. At yung masyadong mabait, nasasamantala.
Huminto ako sa tapat ng pinto ng recording room at tinignan ko ulit si
Mia. Nakayuko na naman siya and this time, kitang kita na ang kaba sa mukha niya.
"Mia, they are not going to eat you. They may be intimidating pero
mababait yang mga yan."
Napalunok si Mia at tumango siya.
"Ready?"
"R-ready.."
Kumatok ako at binuksan ko ang pintuan.
"Ayen!!! Ano na? Ang tagal mong dumating! Nambabae ka pa ata!"
pambungad na bati sa akin ni Jasper.
"Ginaya mo pa 'ko sa'yo."
"Kanina pa namin pinaguusapan ang hiwaga ng lipstick mark sa dibdib ng
puting polo mo. Paano napunta yun dun? Sino ang babaeng gumawa nun?" nakangisi
niyang sabi.
Natigilan ako. I saw Mia stiffened beside me and her face became a
deeper shade of red.
Gugulpihin ko si Jasper Yu mamaya.
Nanakawin ko yung box ng condom niya.
Ay hindi---lalagyan ko na lang ng mga pulang langgam ang box ng condom
niya.
Bakit ngayon pa siya kailangan dumaldal?!
Mamaya kung ano isipin ni Mia!
"Oh...there's a lady!" sabi ni Jasper nang mapansin niya si Mia.
"Ah, guys, this is Mia. Siya yung sinusuggest ko sa inyo na isama sa
album ng EndMira."
"Hi Mia! Jasper Yu at your service!" pakilala ni Jasper at nakipagkamay
siya kay Mia.
"H-hello po!" kabado pero masayang bati ni Mia.
"Alam mo ba kung bakit Jasper Yu ang pangalan ko?" tanong ni Jasper.
I glared at him habang takang taka naman si Mia na nakatingin dito.
"Ay wait! Don't answer that! Masama tingin sa akin ni Ayen.
Nagseselos," sabi ng gago kong kaibigan sabay hagalpak ng tawa.
Malakas tama nito. Palibhasa brokenhearted kaya ganyan. Naapektuhan na
ang pag-iisip.
"Wag mong pansinin si Jasper. Sira-ulo yan," sabi naman ni Geo, yung
leader ng EndMira, habang nakangiti kay Mia. Natawa naman si Mia.
"I'm Geo," pakilala nito at nakipag-shakehands din siya kay Mia. "Yun
naman si William, guitarist namin," sabi niya sabay turo kay Will.
"Hi Mia!" nag wave si Will sa kanya.
"H-hello po!"
"And si Ice, vocalist."
Ice gave her a slight nod.
"Hindi talaga palasalita si Ice," sabi ni Jasper. "Ipinaglihi yan ng
mama niya sa bulldog kaya palaging naka-simangot."
Napatawa nang mahina si Mia.
"Okay Mia," paguumpisa ni Geo, "I heard great things about you from
Ayen. You must be really talented for you to impressed him."
Napatingin sa akin si Mia at kita kong hindi siya makapaniwala sa
naririnig niya ngayon.
"T-talaga po?"
Hindi ko siya sinagot but I gave her a meaningful smile.
"Oo, totoo yun!" sabi ni William. "Kulang na lang mag volunteer 'tong
si Ayen na maging manager mo, eh."
Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Mia at napailing na lang ako.
Minsan talaga ang mga kaibigan moa ng manlalaglag sa'yo 'no?
Mukhang hindi lang si Jasper ang gagantihan ko.
"Anyway, okay lang ba kung marinig ka namin kumanta ngayon?" tanong ni
Geo.
Nakita ko ang pag-p-panic sa mata ni Mia.
"Mia, any song will do," sabi ko sa kanya. "Okay lang yan. Kami kami
lang 'to. Gusto nilang marinig kung babagay ang boses mo kay Ice."
Huminga nang malalim si Mia then I saw her eyes full of determination.
"S-sige po. Go po ako!"
Inabutan ko ng gitara si Mia at nagsimula siyang tumugtog.
Tinignan ko ang bawat pag strum niya ng strings. Tinitigan ko ang kamay
niya and I don't know why I feel sad and happy at the same time habang pinapanuod
ko siya.
Naalala ko bigla kung paano ako tumgtog dati. Kaparehong kapareho niya.
Naalala ko ang sarili ko kay Mia.
And yet, I'm broken while she is whole.
Sana alagaan niya ang sarili niya para hindi siya matulad sa akin.
Nagsimula nang kumanta si Mia.
"You're the one that never lets me sleep
To my mind down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy."
Napapikit ako at sinubukan kong pakinggan maigi ang kanta niya.
Maganda talaga ang boses ni Mia, wala akong masabi doon.
Pero bakit hindi ko talaga maramdaman? Hindi na naman ako galit sa
kanya. Ngayon na nag decide akong tanggapin siya, bakit hindi ko pa rin maramdaman
ang koneksyon niya sa kinakanta niya.
She is just singing it but without a heart.
Napatingin ako kay Ice at nakita kong he's also listening intently sa
boses ni Mia. At kung ibabase ko sa expression niya, I know he is not that
impressed.
This is bad.
"Your love is like a river
That flows down through my veins
I feel the chill inside."
She ended the song at lahat kami natahimik. Wala munang umimik.
Napansin kong natataranta na siya sa harap and any moment, parang iiyak na siya.
Another thing na dapat niyang matutunan---she should learn how to
control her emotions.
"May I ask why you choose to sing this song?" tanong ni Ice kay Mia.
"Uhm... ayun po kasi yung unang pumasok sa isip ko..."
"I wonder why..."
Hindi umimik si Mia.
"Sorry Mia, just an honest opinion," pagpapatuloy ni Ice. "The song is
about a person who's clearly so in love with someone. But the thing is, I cannot
feel that while you're singing."
"Ah Mia," sabi ni William. He gave her an encouraging smile, "you have
a very beautiful voice. Ayen's right, ikaw yung hinahanap namin para maka-duet ni
Ice. But I have to agree with Ice. Pero okay lang yun! Siguro nabigla ka lang
ngayon sa amin dahil pinakanta ka namin agad agad. Don't worry, willing ulit kami
na pakinggan kang kumanta," siniko ni William si Geo, "di ba?"
"Oo naman. Pili ka ng kanta na sa tingin mo makaka-connect ka tapos
anytime naman pwede ka namin pakinggan ulit."
"Oo nga!" singit ni Jasper. "Tsaka smile ka na! Magaling ka," he winked
at her.
Napangiti si Mia.
"T-Thank you po! Thank you talaga!"
"Sus! Thank you kasi willing kang kumanta para sa amin," sabi ni Geo.
"Fan ng EndMira si Mia," sabi ko sa kanila. "Kaya kukunan ko kayo ng
picture kasama siya."
Her face lit up at nakita ko ang saya sa mga mata ni Mia.
Napangiti na lang ako.
Pumwesto sila para sa picture. Si Mia nasa gitna katabi ni Ice. I saw
Ice gave her an encouraging pat in the back at napangiti na lang din ako.
Alam kong mababa ang self confidence ni Mia. Alam ko rin na medyo harsh
mag comment si Ice. But atleast he made a gesture para palakasin ang loob ni Mia at
nakita ko sa mga mata ni Mia na na-apprecite niya 'to.
Damn
Bakit ba ako nagiging protective sa kanya? Plano ko na ba talagang
maging manager nito?
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Pre nangangawit na panga namin sa pag ngiti, bilisan mong kumuha ng
picture!" sabi ni Jasper.
"Ito na. One, two, three, smile..."
~*~
MIA MILLS
"You build up a world of magic, because your real life's a tragic."
- Paramore, Brick by Boring Brick

Feeling ko nasa panaginip ako. It feels like I'm floating in the air. Matapos nang
lahat ng nangyari, ngayon na lang ako ulit sumaya nang ganito.
Kanina nung papunta ako sa office, akala ko katapusan na ng pangarap
ko. Kanina nung kausap ko si Natasha, sobrang nanliliit ako.
At ngayon? Gusto kong magkulong sa loob ng kwarto ko at magtatatalon sa
tuwa.
Okay na kami ni Sir Ayen.
Na meet ko ang EndMira.
Shit! Na meet ko ang EndMira!
Kanina, pigil na pigil akong mag fangirl pero sa totoo lang, gusto ko
silang yakapin ng mahigpit isa-isa. Nagsama-sama sa isang kwarto ang mga idol ko. I
feel the luckiest girl alive.
Thought nakakalungkot na hindi sila na-impress
sa pagkanta ko, pero weird kasi mas nagkaroon ako ng urge na galingan pa next
time.
Napatingin ako sa phone ko at tinitigan ko maigi ang picture namin.
Ipapa-print ko 'to tapos ipapa-frame ko! O kakapalan ko ang mukha ko at
ipapapirma ko sa kanila ang picture na 'to!
Kaso nakakalungkot na wala si Sir Ayen sa litratong 'to. Para sa akin,
parte pa rin siya ng EndMira at hindi niya maalis yun!
At siya pa rin ang pinaka idol ko sa kanila. Siya pa rin ang bias ko.
Hindi niya maalis yun sa akin.
Napangiti ako bigla nang maalala ko ang sinabi nina Geo at William sa
akin kanina. Yung kinukwento ako ni Sir Ayen sa kanila at maraming magagandang
bagay siyang sinasabi tungkol sa akin.
Shit, kinikilig ako!
"Mia, you okay?"
Napatayo ako bigla nang bumalik si Sir Ayen sa loob ng recording room.
Kaming dalawa na lang ang nandito ngayon dahil nagsi-alisan na ang EndMira.
Tumango ako sa kanya habang ngiting ngiti.
"O-opo. T-thank you talaga Sir Ayen! Thank you!"
"Ayan, narinig mo comments nila. Mag practice ka ha?"
"Opo! Mag p-practice talaga ako! Promise yan!"
"Good, so gusto mong mag dinner?"
I feel butterflies in my stomach at 100% sure akong hindi gutom 'to
kundi kilig.
Niyayaya niya ako mag dinner?!
"S-sige po. G-gutom na rin po ako.."
Nginitian ako ni Sir Ayen and my heart skipped a beat.
Bakit ang pogi niyaaaa?!
"Tara. I know a place."
Sinundan ko siya papunta sa parking lot at nagulat ako nang makita ko
ang kotse ni Sir Ayen.
Napatingin ako sa kanya and he's smiling at me.
"Surprised?" tanong niya.
"Uhmm..." I seriously don't know what to say.
"Uy grabe ka! Luma man 'tong honda civic ko, ayos pa rin aircon nito at
kayang kaya pang mag out of town nito."
Napangiti ako, "hindi po. Akala ko lang kasi you're the type of guy
who's riding a badass looking car."
"But I'm not a badass looking guy. I'm quite old school. So, do you
want to eat dinner with this old school? My treat."
Mas napangiti ako.
"S-syempre naman po!"
"Then hop in!"
Sumakay ako sa kotse ni Sir Ayen at hindi na nawala ang ngiti sa labi
ko.
Actually, old school is better.
To be continued...
Aly's Note
Hala silaaaa nilamon na ng Kdrama!! Hahahaha. Yung Doctor Strange po na tinutukoy
ko ay HINDI yung kdrama ni Lee Jong Suk (na ngayon ko lang nalaman dahil sa mga
comments niyo hahaha) kundi yung MARVEL po na Doctor Strange. Yung kay Benedict
Cumberbatch po.
Doon kasi sa Doctor Strange, na-fracture din ang kamay ni Doctor Strange kaya hindi
na siya pwedeng mag opera ng pasyente. Lol.
 

=================

Eighth Stanza

Eighth Stanza
MIA MILLS
"You've got every right to a beautiful life."
- Selena Gomez, Who Says
Hinga malalim.
Relax, Mia. Pigilan ang sarili. Poker face lang. Kunyari wala lang
sa'yo 'to. Kunyari keber lang na kasama mo si Jarren Reyes sa loob ng isang kotse
na kahit hindi ito kasing ganda ng kotse ni Sam, at least, comfortable ka.
Wag kang ngingiti at wag mong ipahalata sa kanya na malapit ka nang
mangisay sa kilig.
Enebenemenkeseeh!
"Mia, okay lang ba sa'yo na Pinoy food ang dinner natin?"
I blinked at nginitian ko siya.
"S-sure po! Sige po! Okay lang po! Mahilig ako sa Pinoy food!"
Hindi ka naman masyadong eager na eager niyan?
Ngumiti si Sir Ayen habang nakapako pa rin ang tingin niya sa daan.
"Great. I know a perfect place na masarap mag luto ng lutong bahay."
I bit my lower lip.
Shit. Lutong bahay? Ibig sabihin...dadalhin ba niya ako sa bahay nila?
Meet the parents na ba? Ang bilis naman! Pwede bang ma-get to know each other muna
namin ang isa't-isa?
Ano ba, Mia! Tumigil sa kaharutan. Behave.
Napatingin ako sa labas ng bintana at napangiti na lang ako.
But I think I deserve to be happy. Even if it's just for one night.
~*~
"And, we're here!" masayang sabi ni Sir Ayen.
Napangiti ako nang makita ko kung saan ako dinala ni Sir Ayen. Hindi
man ito sa bahay nila, pero hindi ko makuhang ma-disappoint kasi dinala niya ako sa
isang overlooking na restaurant dito sa Antipolo.
Pumwesto na kami ni Sir Ayen sa isa sa mga tables doon. Kung saan tanaw
na tanaw city lights mula sa lugar namin. After that, nilapitan kami nung waiter
para kunin ang order namin.
"What's your order, Mia? Yung mga servings dito, usually for sharing.
Tell me what you want, ayun ang kakainin natin."
"Ahmm.. kayo na lang po pumili. Libre niyo naman."
"Eh dali na, pumili ka na. Anong gusto mo?"
Tumingin ako sa menu. Sa totoo lang ang dami kong gusto pero kasi
mamaya hindi naman gusto ni Sir Ayen? Hindi ko naman alam ang mga hilig niya.
Then nakita ko yung favorite kong dynamite sa menu.
Tinignan ko si Sir Ayen, "uhmm, sir, kumakain po ba kayo ng dynamite?"
"Dynamite? Oo naman. Masarap pampulutan yun. Order tayo?"
Tumango ako, "opo, kahit ayun lang po masaya na ako. And water lang ang
drinks."
"Sure ka ayun lang gusto mo?"
"O-opo. Kayo na po bahala sa iba."
"Okay, if you say so," nilingon ni Sir Ayen yung waiter, "Isang order
ny dynamite. For sharing naman 'tong sinigang na hipon, right? Gusto mo ba ng
sinigang na hipon, Mia?"
"O-opo. Favorite ko.."
"Good. One order of sinigang na hipon, tsaka itong inihaw na pusit,
lumpiang shanghai...parang masarap din 'tong kaldereta niyo? Ay oo pala, na-try ko
na 'to! Sige isang kaldereta, baked tahong in oyster sauce....at apat na order ng
rice. Water na lang yung drinks."
Tinignan ako ni Sir Ayen, "sure kang wala ka nang idadagdag?"
Natulala na lang ako.
Parang isang barangay ang papakainin niya sa dami ng inorder niya at
tinatanong pa niya ako kung may idadagdag pa ako?
"Mia?"
"A-ah... w-wala na po. Wala na."
"Okay, yun lang," sabi ni Sir Ayen doon sa waiter.
Tumango yung waiter, "okay po sir. May darating pa po ba kayong
kasama?"
"Wala na. Kami lang."
Medyo alangang tumango yung waiter. "sige po. Ah sir, inform ko lang
po, yung mga inorder niyo po, good for sharing po lahat yun. For 2-3 person each
po."
"Yeah I know," nakangiting sabi ni Sir Ayen. "Kaya naming ubusin ni Mia
'yan."
"Okay po!"
At umalis na yung waiter.
Siguro naman pwedeng magbalot ng tira dito? Sa sobrang dami niyang
inorder, feeling ko marami ang tira.
~*~
"Sir nakakahiya naman po. Ikaw na nga po nagbigay sa akin ng
opportunity, ikaw pa ang manlilibre ngayon," sabi ko kay Sir Ayen habang kumakain
kami.
Infairness, nakaka-gana nga. Ang sarap ng luto nila. Fresh na fresh
kasi. Plus ang ganda pa ng ambiance.
Nasa loob kami ni Sir Ayen ng parang isang kubo at sa gilid namin,
tanaw na tanaw namin ang city lights. Malamig ang hangin ngayong gabi kaya naman
nagpapasalamat ako na nagsuot ako ng cardigan ngayon.
"Okay lang yun, pambawi ko yan sa'yo," sabi niya habang enjoy na enjoy
siyang kumain.
Isa pang dahilan kung bakit nakakagana kumain, masarap kasabay si Sir
Ayen sa kainan. Para kasing enjoy na enjoy siya kaya naman nadadala niya ako.
"Hindi niyo naman po kailangan bumawi. Tama rin naman po yung sinabi
niyo. Tsaka ganun din po yung comment nina Ice sa akin kaya..."
"Ano ka ba, i-enjoy mo na lang yung panlilibre ko sa'yo ngayon. Once in
a blue moon lang ako manlibre kaya mapalad ka. Kapag nag hit na ang single mo, ikaw
naman ang manlilibre sa akin."
Napangiti ako.
Kung mag h-hit ang single ko, may chance ulit na mag dine out kami ni
Sir Ayen kasi ililibre ko siya? Ibig sabihin kaming dalawa lang ulit?
Shet! Go!
"Sure!!"
"Pangako yan ha? Binabalaan kita, malakas akong kumain."
"Ayos lang po. Game ako!"
Basta ba ma-solo kita. Aba! Ang swerte ko!
Napatawa si Sir Ayen at pakiramdam magpa-palpitate na ako sa kilig
dahil sa kanya.
Ang pogi niya. Mas lalo pa siyang pogi sa paningin ko kapag tumatawa
siya.
Usually ng mga kilala kong fan din ng EndMira, lagi nilang sinasabi na
ang pinaka gwapo ay si Ice or si Jasper. Minsan si Geo or William. Maraming hindi
nakakakilala kay Sir Ayen kasi umalis siya sa EndMira bago pa sila sumikat.
Pero para sa akin talaga, si Sir Ayen ang pinaka gwapo.
Kapag pinapanuod ko siyang tumugtog, mas na-i-inspire akong pag-igihin
ang ginagawa ko. Kapag naririnig ko ang mga kantang isinusulat niya, mas na-p-push
akong galingan.
"So Mia...mind to share kung ano ang nangyari at bakit gustong gusto
mong mag revenge sa ex mo?"
Muntikan na akong mabilaukan sa tanong ni Sir Ayen.
Straight to the point. Ni wala siyang paligoy ligoy.
"Uhmm, sir.."
"If I am going to help you, I think I need to know kung anong
nangyari."
Napalunok ako.
Shit. Hindi ko expect na itatanong niya yan.
Huminga ako nang malalim.
"Sir?"
"Hmm?"
"Ahm, hindi naman po kayo madaling malasing, 'di ba?"
He gave me a meaningful look, "bakit?"
"Tingin ko kailangan ko ng alak." Nilingon ko yung waiter, "kuya,
dalawang bote ng Red Horse, please."
~*~
JARREN REYES
"We only got 86,400 seconds in a day to turn it all around or throw it all away."
- Kris Allen, Live Like We're Dying
"So ayun na nga! Gago yung ex ko di ba? Parang timang? I mean biruin mo yun? Nagawa
niya yun sa akin? Tangina niya eh! Gago siya! Gago!"
Tinungga ni Mia ang ika-apat na bote ng Red Horse na iniinom niya.
Namumula na ang pisngi niya at halatang halata sa kanya na lasing na siya.
Kanina lang ay ipinagmamalaki niya na hindi siya madaling malasing.
Party girl daw siya nung nasa States pa siya kaya lang huminto siya sa paginom kasi
naaksidente siya dahil sa pag d-drunk driving na ikinasira ng relasyon nilang mag-
ama.
Actually nakwento na niya sa akin halos lahat ng buhay niya.
Aliw na aliw naman akong nakikinig sa kanya kasi para siyang nag
transform into a different person. Biglang ang daldal daldal niya, eh.
At ayun nga, nauwi na kami sa usapin about sa ex niya.
"Three years yun! Three years kami! Tangina, akala ko siya na! Punyeta!
Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano niya nagawang lokohin ako?! Shit na yan!
Pakyu, Sam! Pakyu!"
Tumango ako, "oo, pakyu siya," pag sang-ayon ko.
Kukuha sana ako ng dynamite sa plato na nasa tapat namin nang paluin ni
Mia ang kamay ko.
"Akin yan. Umorder ka ng iyo. Dami dami mo na nga kinain."
"Ay sorry..." I cleared my throat at nagpipigil akong tumawa.
"Tapos ayun na nga! Ipinalit niya sa akin yung Natasha na yun?! Bakit?
Anong lamang niya sa akin ha? Ano? Ang sakit sakit, hayop siya! Binigay ko lahat!
LAHAAAAT. As in lahat!!"
Biglang natigilan si Mia at nakita kong namuo ang luha sa mga mata
niya.
"Shit!"
"O-oh bakit?"
"Alam mo ba....sinuko ko ang bataan?"
I blinked.
"Sinuko ko sa kanya ang bataan!!! Ibinigay ko sa kanya ang v-card!
Punyemas! Akala ko kasi siya na! Akala ko kami na hanggang dulo! Ang perfect kasi
namin, eh! Ang perfect namin para sa isa't isa. Pero nakalimutan ko na wala nga
palang perpekto sa mundong 'to! Shit! Ang sakit sakit!!"
Napakamot ako sa likod ng ulo ko.
Parang nasobrahan na ata ang pagkukwento niya. Pati yung mga hindi ko
dapat marinig, sinasabi niya.
Damn. Now I am having a very unapporiate thoughts.
Kinuha ko yung bote ng red horse sa harap ko at ako naman ang uminom.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
"Kuya, pa-add pa nga ng dalwang bote ng red horse!" sabi ko.
"Sige po sir!"
"Yang mga lalaking yan? Mga tarantado yan. Dapat hindi minamahal. Dapat
sa mga yan, tinatadyakan sa bayag! Alam mo ba kung saan ka makakakita ng perfect na
lalaki, ha?"
"Saan?"
"Sa Koreanovela! Doon lang sila nag e-exist! In short, di sila tunay!
Kahit yung mga Koreanong artista na gumaganap sa mga Koreanovela, paano ka
makakasiguro
na hindi sila gago in real life? For sure mga gago rin yun. Mga manloloko! Pare-
pareho lang sila lalo na yung mga pogi! Palibhasa ang dali nilang makakuha ng
babae!"
"Oy ma'am grabe ka na sa aming mga pogi!" singit nung waiter na nags-
serve ng beer sa table namin.
Pareho kaming napatingin sa kanya.
"Kuya wag ka na umepal. Nag e-emote ako sa harap ng crush ko. Umalis
ka."
Napatingin ulit ako kay Mia.
"Crush mo?"
Napangiti si Mia ng malawak.
"Yes. My crush. You. You are my crush. You're so handsome today, you
know? Tapos pinapakilig mo pa ako ngayon. Feeling ko nasa cloud nine ako."
Napailing na lang ako.
"Lasing ka na nga."
"Haaay Ayen my loves! Alam mo bang lagi kong dala yung panyo na
pinahiram mo sa akin? Sorry di ko pa maisolo because I'm using that para makahanap
ako ng strength kada kinakabahan ako. Kaso di ko dala ngayon kasi inis ako sa'yo ng
ilang araw. Pero bawing bawi ka naman ngayon. Ang sarap mo i-kiss!"
"Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga sinasabi ng taong
lasing."
"Eh, believe me! Ikaw ang crush ko sa EndMira! Kung baga sa kpop group,
ikaw ang bias ko!"
"Bias?"
"Bias! The one who stole my heart. This," itinuro niya ang bahagi ng
dibdib niya kung saan located ang puso, "this, beats for you! Oppa, saranghae!!"
"Marami ka na talagang nainom, Mia."
"Pero wag kang mag-alala, crush kita pero hindi kita mahal. Bawal pa
akong ma-inlove. Masakit, eh. Lalo na ikaw pa ang unang lalaki na nagpaiyak sa
akin!"
"At paano naman naging ako ang unang lalaking nagpaiyak sa'yo?"
"Nung umalis ka sa banda! Hayop ka! Ilang buwan akong nagiiyak nun!
Leche ka! Ang sakit sakit! Gago ka rin 'no?! Bakit mo iniwan ang EndMira! Bwisit ka
talaga!"
At humagulgol siya nang iyak.
"Oh, kung iyakan mo ako para kong ginawa sa'yo ang ginawa ng ex mo."
"Eh masakit kaya! It hurts so much! You know what?" suminghot siya.
"Alam mo? Isa sa mga dream ko ay ang mapanuod ka ulit tumugtog sa stage."
Yumuko si Mia at ipinatong niya ang ulo niya sa lamesa habang
humihikbi-hikbi pa.
Napabuntong hininga ako.
"Pareho pala tayo ng pangarap, eh. Ayun din ang gusto ko, Mia. Ang
makatugtog ulit sa stage," napatingin ako sa palad ko, "kaya lang, wala nang pag-
asa."
Kinuha ko yung bote sa harapan ni Mia.
"Wag ka nang uminom, masyado ka nang lasing. Ihahatid na kita sa inyo."
Hindi siya kumibo at busy pa rin siyang umiyak.
Sumaglit ako sa counter para magbayad ng mga kinain namin at ininom.
Pag balik ko sa pwesto namin, naka-tungo pa rin si Mia.
"Mia," tinapik ko siya sa braso, "Mia, we're going home."
Hindi siya kumibo.
"Mia?"
Lumapit ako sa kanya at inangat ko ang ulo niya at nakita ko
siyang....mahimbing na natutulog.
Shit. She already passed out.
"Mia, wake up! Hindi ko alam kung saan ang bahay niyo!" tinapik ko siya
sa pisngi. "Huy, Mia!"
Hindi siya kumibo at naghihilik na siya.
Napakamot na lang ako sa gilid ng tenga ko dahil sa inis.
Ang mga babae talaga ang sakit sa ulo.
To be continued...
Aly's Note:
Happy New Year, everyone! 

=================

Ninth Stanza

Ninth Stanza
JARREN REYES.
"Umaasa na sana, pagkagising ko sa umaga ay nalimutan na kita."
- Endless Miracle, Hanggang Kelan Pa
I should stop judging Mia Mills.
When I judged her about her passion, she spits fire on me.
When I judged her that she looks someone who could hold her liquor, she
passed out on me.
Napa-buntong hininga na lang ako habang nakatingin sa babaeng nasa
passenger seat ko at mahimbing na natutulog. Naghihilik pa siya.
Napa-iling na lang ako.
Bago ko siya ma-isakay sa kotse ko, naka-ilang beses siyang sumuka. Sa
awa ng Diyos, hindi pa niya sinusukahan itong kotse ko. Maawa siya. Bulok na nga,
susukahan pa niya.
Pero buti na lang at sa Antipolo lang din ang bahay ni lola. Kesa
dalhin ko si Mia sa HQ, naisipan kong dito na lang. Mahirap na, puro lalaki ang
nasa HQ. Sino na lang ang magpapalit sa kanya ng damit doon? Alam kong mag v-
volunteer si Jasper Yu, pero hindi ko pinagkakatiwalaan ang isang yun.
Wag lang sanang atakihin sa puso si Lola kapag nakita niyang nag-uwi
ako ng babaeng lasing sa amin.
"Mahabaging-langit! Sino yan, Ayen?!" gulat na sabi ni lola nang makita
niyang buhat buhat ko si Mia habang papasok ng bahay namin.
"La, kaibigan ko po. Nalasing kaya dinala ko po muna dito."
"Hala eh hindi ba yan hahanapin sa kanila?"
"Pareho pong nasa ibang bansa ang magulang niya, la."
"Eh naku ba't naman kasi kayo nag inom!"
"La patulong naman po na palitan siya ng damit. Nasukahan niya damit
niya, eh," sabi ko habang inilalapag ko si Mia sa kama ko.
"Sige ako na ang bahala rito. Kumuha ka ng damit ng ate Jona mo. Kunin
mo rin yung maliit na planggana at lagyan mo ng tubig pati bimpo.
Sinunod ko ang utos ni lola at hinayaan kong siya ang umasikaso kay
Mia.
Ako naman, naisipan kong mag shower muna saglit. Hindi naman ako nalasing dahil o-
onti lang ang nainom ko pero ramdam ko pa rin ang pagka tipsy.
Nang makalabas ako sa banyo, nakita ko si lola na palabas na rin ng
kwarto ko.
"Salamat po, la."
"Oh ikaw, saan ka matutulog?" tanong niya.
"Dito po sa sala."
"Mabuti naman. Mamaya kung ano pang mangyari pag tinabihan mo siya.
Tama na ang dalawang bata dito sa bahay. Tsaka ka na."
Napatawa ako nang bahagya, "la naman, kaibigan ko lang po yan si Mia.
Tsaka naku, matagal pa po kayong magkaka-apo sa akin."
Napa-ngiti na rin si lola dahil sa sinabi ko. Hinawakan niya ang pisngi
ko.
"Mabuti yan, pero wag naman masyadong matagal para malagaan ko pa sila,
ha?"
Niyakap ko siya, "la naman."
"Maganda yung kaibigan mo. May lahi ba yun?"
"Opo la. Sa pagkakaalam ko, Fil-Am si Mia."
"Ohh," nakita ko nag ningning ang mga mata ni lola at parang alam ko na ang
tumatakbo sa isipan niya. Napatawa na lang ako.
"Kaibigan ko lang po si Mia."
"Wala naman akong sinasabi! Lahat na lang kaibigan mo. Si Timi kaibigan mo. Si Mia
kaibigan mo. Kelan naman na may ipapakilala ka sa akin na nobya mo?"
Napailing ako, "pag dumating na siya."
Napaismid si lola, "mamaya dumating na pala masyado ka lang mabagal."
"La naman.."
"Hala sige matulog ka na diyan. Diyan ka sa sala ha? Tsaka ka na mag-anak pag
malaki na sina Aileen at Jordan."
Iniwan na ako ni lola doon. Pumasok ako saglit sa kwarto ko para kumuha ng unan at
kumot. Nakita kong mahimbing na natutulog si Mia. Ang sarap pa ng pagkakayakap niya
sa unan ko. Maamo ang mukha. Akala mo di makabasag pinggan samantalang kanina kung
makahampas ng kamay sa akin nung kukuha ako ng pagkain.
Naalala ko bigla yung sinabi niya na crush niya ako at ako ang pinaka gusto niya sa
EndMira.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha ko.
Bwisit. Bakit parang ang saya ko?
Agad kong iniwas ang tingin ko at lumabas na ako sa kwarto.
~*~
MIA MILLS
"Sa bawat himig dama ko ang sakit. Bawat stanza na aking kinakanta, ramdam ko ang
unti-unti mong pagkawala."
- Mia Mills, Musika
Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang sobrang halo-halong emosyon.
Inis sa sarili dahil nalasing ako kagabi.
Confusion dahil wala akong matandaan sa mga nangyari.
Takot dahil baka kung anu-anong kagagahan ang ginawa at sinabi ko sa harapan ni Sir
Ayen.
Kilig....kasi natulog ako buong magdamag sa kwarto ni Sir Ayen.
Idagdag mo pa na kumakalam ang sikmura ko kasi gutom ako at parang mabibiyak sa
sakit ang ulo ko dahil sa hangover.
Hindi ko alam kung worth it ba ang pag-inom ko kagabi or is it a huge mistake?
"Oh, tapos ka na mag shower," sabi ni Sir Ayen nang muli siyang pumasok sa kwarto
ko---I mean kwarto niya. "Kakain na ng breakfast."
Lumapit siya sa kama at inumpisahan niyang itiklop yung ginamit kong kumot. Nahiya
naman ako kaya napatayo agad ako at tinulungan ko siyang ayusin ang kama.
"Ah sir Ayen...pasensya na po talaga sa abala. Hindi ko talaga ine-expect na
malalasing ako kagabi..."
Napatingin siya sa akin at ngumisi.
Shet ang pogi naman.
"Sus, weak ka lang sa inuman."
Biglang nag init ang mukha ko.
"S-sorry po talaga!"
Narinig ko siyang tumawa nang mahina, "joke lang. Nakakatawa ka kaya kagabi.
Biglang ang daldal mo. Alam ko na ang buong kwento ng buhay mo."
Mas lalong nag-init ang mukha ko at napapikit ako.
"Shit.. ano po ang mga kinuwento ko sa'yo?"
"Kung paano kayo nagkakilala ng ex mo, saan ang unang monthsary niyo, ano ang
first gift niya sa'yo, tapos sinimulan mo na siyang mura-murahin sa harapan ko. May
na-i-kwento ka pa sa akin tungkol sa pag-suko ng bataan," natatawa-tawa niyang
sabi.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa huli niyang sinabi at pakiramdam
ko nawala ang hangover na nararamdaman ko.
Shit. Shit talaga. Shit shit shit.
"Sumunod ka sa baba ah? Kakain na ng almusal," naka-ngiting sabi ni Sir Ayen at
iniwan niya ulit ako sa loob ng kwarto niya.
Nang ma-isara niya ang pinto, nanlalambot akong napaupo sa kama niya at naramdaman
ko ang pag-init ng mata ko. Huminga ako nang malalim at pinilit kong pigilin ang
pagbagsak ng luha sa mata ko.
Hindi lang nakakahiya ang sinabi ko, parang pakiramdam ko idinegrade ko ang
pagkatao ko sa harapan ni Sir Ayen.
Pati ba naman yun ikinuwento ko sa kanya?
Ipinatong ko ang ulo ko sa kamay ko at pilit kong pinakakalma ang sarili ko.
Alam ko kung nasa States ako, hindi big deal ang sinabi ko. But here? I know that
somehow, conservative pa rin ang mga tao rito---lalo na pagdating sa mga
kababaihan. At hindi ko alam kung positive na bagay ba yun o hindi kasi sa pagiging
conservative nila, may iba ring nagiging mapang-mata na.
Shit. Shit talaga.
Napahawak ako sa mga braso ko kasi biglang nagtaasan ang balahibo ko. Nanlalamig
ang mga kamay ko.
Ano na lang ang iisipin sa akin ni Sir Ayen?
Easy to get ako?
Malandi?
Tatanga tanga at madaling bumigay?
Napapikit ako.
Hindi ganun yun. Mahal ko kasi siya. Mahal na mahal ko siya. And he made me feel
loved as well.
I blinked at pakiramdam ko tutulo na ang luha sa mga mata ko.
Eh ano ngang tawag doon? Tanga. Tanga. STUPID.
Hindi ko kayang harapin si Sir Ayen.
I know I shouldn't care about what others think about me. But sad truth, ganun ako.
Lalo na kay Sir Ayen. Mahalaga ang opinyon niya sa akin.
I immediately grab my bag at dali dali akong lumabas ng kwarto. Kaso nung pababa
ako, nakasalubong ko agad si Sir Ayen.
Napayuko ako. Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata. Nahihiya ako sa mga pinag
gagagawa ko.
"O, san ka pupunta?" gulat na tanong niya. "Kakain na tayo."
"Sir kasi I really need to go. "
"Ah... Ganun ba? Ayaw mo muna ba mag breakfast? O kahit kape manlang pampawala ng
amats."
"Hindi na po. Aalis na po ako," sabi ko sa kanya nang hindi ko pa rin siya
tinitignan.
"Okay... Wait kukunin ko lang ang susi ng kotse. Ihahatid na kita."
"No need sir. Mag co-commute na lang po ako."
"But Mia..."
Hindi ko na siya pinatapos mag salita. Dire-diretso akong lumabas ng bahay nila,
pero bago ako makalabas ng gate, hinatak na agad ako ni Sir Ayen.
"Mia wait!"
Natigilan lang ako at nakayuko. Hindi ko man lang magawang i-angat ang tingin ko
kay Sir Ayen.
Huminga nang malalim si sir at ramdam ko ang mga tingin niya sa akin.
'Siguro kung sa ibang sitwasyon 'to, kinilig na ako. Pero hindi ko magawa yun
ngayon dahil sa overflowing na kahihiyan na nararamdaman ko.
"Okay Mia, here's the thing---I...never had a girlfriend."
Doon napa-angat ang tingin ko sa kanya.
Eh? Ba't niya sinasabi sa akin ang bagay na 'yan?
"My point is, hindi ko alam kung anong problema. Bakit ka aalis agad and why are
you avoiding my gaze? Did I do something wrong? Please enlighten me kasi slow ako
pagdating sa pagbabasa ng kilos ng mga babae."
Kung sa ibang pagkakataon, baka napangiti na ako sa sinabi niya. Pero
hindi ko magawa ngayon dahil pinangungunahan ako ng hiya.
Napahinga ako nang malalim at tinignan ko siya.
"Sorry sir, wala po kayong nagawa. I-It's me. I'm hating myself right
now for the things I've said to you. Mga bagay hindi ko na dapat ikinuwento sa'yo.
Nakita mo tuloy ang katangahan ko. Nalaman mo tuloy na hindi na ako..." napapikit
ulit ako dahil ramdam ko na naman ang pangingilid ng luha ko. "Y-yes, I gave it to
the wrong guy. Yes, I'm so stupid. Ang tanga tanga ko. And yes, it is my fault
because I gave in."
"Mia..."
"S-sorry sir, h-hindi po talaga kita kayang harapin ngayon."
Naramdaman ko ang pag buntong hininga ni sir Ayen sa tabi ko then
hinawakan niya ang braso ko.
"Mia, hear me out first, okay?"
Pinaupo ako ni sir Ayen sa wooden swing sa porch nila at tumabi siya sa
akin.
Hindi ko makuhang tumingin sa kanya kasi bukod sa nahihiya ako sa mga
nalaman niya, nahihiya rin ako sa kadramahan ko.
"You know....my sister used to be a stripper," sabi ni Sir Ayen.
Agad akong napalingon sa kanya
dahil sa sinabi niya. Tinignan ko ang mukha niya kung nan-j-joke lang ba siya o
pinapagaan niya lang ang loob ko, but there's sadness in his eyes.
"Hindi namin nakilala ni ate ang tatay namin. Ang nanay naman namin,
bigla na lang kaming iniwan. High School graduate lang si ate nun, elementary
student pa ako noon. Walang may gustong tumanggap sa kanya sa trabaho, kung meron
man, masyadong maliit para pagkasyahin sa gastusin namin. Ayaw niyang huminto ako
sa pag-aaral kaya naman napilitan siya gawin yun. Para sa akin. Para sa kinabukasan
ko.
Nag i-strip-dance siya sa isang club. Medyo malaki ang bigay kaya
natutustusan ang pag-aaral ko. Besides, I have a scholarship sa Prince Academy kaya
naman kahit papaano, nakakatulong yun kay ate.
Hindi siya nagpapagalaw sa mga customers nila. Hanggang pagsasayaw at
paghuhubad lang siya. May mga nag offer sa kanya, pero tinatanggihan niya. But
then..."
Napapikit si Sir Ayen at napahinga siya nang malalim.
"But then she... she got raped."
Bigla akong napatakip ng bibig dahil sa sinabi niya.
"S-Sir Ayen..."
"She got raped at nagsumbong kami sa mga pulis pero alam mo kung sino
ang lumabas na masama? Si ate. Sa uri raw ng trabaho niya, magagahasa siya. Kung
hindi daw sana nagtatrabaho na lang siya nang marangal, hindi mangyayari ang bagay
na yun sa kanya."
Nakita kong napakuyom ang kamay ni Sir Ayen at kita ko ang galit sa mga
mata niya, "yung mga pulis at maging ang mga taong nakapaligid kay ate, kung tignan
siya nung panahon na yun, parang siya ang madumi, siya ang may mali. Kung
makapagsalita sila na sana humanap siya ng disenteng trabaho, akala nila ganoon
kadali iyon. Para sa kanila madaling sabihin dahil wala sila sa sitwasyon namin
noon.
Lahat kay ate ang sisi. Pero hindi ba nila naisip na kung walang
magulang na basta basta nangiiwan ng mga anak niya, hindi mahahantong si ate sa
ganun? Na kung walang lalaking haling ang kaluluwa, hindi magagahasa si ate. Pero
ang ipinagtataka ko, kung pagsalitaan nila noon ang ate ko, parang siya ang gumawa
ng kahayupan at hindi yung nang-rape sa kanya."
Tahimik akong umiiyak habang pinapakinggan ko si sir Ayen. Bawat
salitang binibitiwan niya, dama ko ang sakit na dinadala niya.
He look so happy kapag tinitignan ko siya pero hindi ko akalain na may
ganun pala siyang karanasan.
Nilingon ako ni Sir Ayen at tinignan niya ako nang diretso sa mata.
"Kaya Mia, if you think na dahil sa sinabi mo sa akin, nagiisip na ako
ng masama sa'yo, then you're wrong. I've seen how they treated my sister kaya
hinding hindi ko isisisi sa isang tao kapag alam kong siya ang biktima. And please,
wag mong isipin na tanga ka. Wag mong isipin na kaya nangyari yun ay dahil madali
kang bumigay. No. Nagmahal ka nang sobra. Matagal ang naging relasyon niyo. And
honestly speaking, sa panahon ngayon normal ang ganyang bagay. At sa inyong dalawa
ng ex mo, kung meron mang nakakadiri at nakaka inis at isang malaking tanga, siya
yun at hindi ikaw. Ibinigay mo sa kanya ang buong sarili mo tapos pinagpalit ka
niya sa babaeng walang kwenta? Bobo siya."
Napahikbi na lang ako sa sinabi ni Sir Ayen at pakiramdam ko parang
nabawasan ng tinik ang dibdib ko.
For the first time, parang biglang gumaan ang pakiramdam ko.
"Tsaka isa pa," pagpapatuloy niya. "Kung yung kaibigan ko ngang si
Jasper Yu, kung sinu-sino ang nakaka-sex pero hindi ko naman siya hinuhusgahan,
ikaw pa kaya na isang lalaki lang at doon pa sa mahal mo talaga?"
Napatawa ako bigla sa sinabi ni Sir Ayen.
"Ay! Wag mo palang ipagkakalat ang sinabi ko about Jasper. Mamaya
masira career nun. Sa atin dalawa na lang yun."
Tumango ako, "opo. My lips are sealed. S-sir... s-salamat po ah?
Salamat. Nadamay ka lang talaga sa kadaramahan ko. Pero yung totoo po kasi... na-f-
frustrate lang po talaga ako kaya ako ganito. Kasi naman..." bigla na lang ulit
akong pahagulgol nang iyak. "Kasi sir, I still love him. I hate myself because I
still love him. Ang hirap hirap hirap maka-move on sa kanya. Sobra. Ang sakit
sakit. I gave everything to him pero bakit? Hindi ko maintindihan."
"Shit happens," bulong ni sir Ayen.
Pinakalma ko ang sarili ko para matigil ako sa pag-iyak.
"Mia?"
"S-sir.."
"I'll help you with your revenge."
"S-sir...?"
"Tutulungan kita. Sige na, payag na 'ko. Pababagsakin natin ang banda
nila."
Parang biglang nag ningning ang mga mata ko nang sabihin ni Sir Ayen
yun.
"T-talaga po? Gagawin niyo yun para sa akin? Kahit against na against
kayo nung una doon?"
"Yes. But in one condition."
"A-ano po?"
"Pag nagawa na natin yun...you should start singing for yourself at
hindi na para sa ibang tao."
Napangiti ako nang sobrang lawak dahil sa sinabi niya. Feeling ko
lumulutang ako sa sobrang saya ngayon.
Hindi lang dahil sa tulungan ako ni Sir Ayen kundi pati na rin gusto
niyang kumanta ako para sa sarili ko.
What he said warms up my heart.
"Punasan mo nga yang luha mo," sabi niya at inabutan niya ako ng panyo
na agad ko naman kinuha.
"S-salamat po.."
"Pangatlo na yan. Siguro sapat na yan para makakuha ka ng strength."
Napahinto ako sa pagpunas ng luha ko at tinignan ko siya agad.
Nakangisi siya sa akin ng malawak and this time, alam kong nangaasar
siya. Alam kong katakot takot na rin na panghuhusga at tumatakbo sa isip niya.
SHIT SHIT SHIT SHIT SHIT
IKINUWENTO KO RIN SA KANYA ANG ABOUT SA PANYO NIYA?!
FUCK! SHIT!! OH MY GOD! SHET! MIA ANO 'TO?! MIA ANO BAAAAA!!
"Kakain na, Mia. Pumasok ka na sa loob, marami pa akong panyo dito."
At bago pa ako makasagot, inunahan niya na ako papasok sa loob ng bahay
habang tumatawa siya ng malakas.
To be continued...

Aly's Note (medyo mahaba but I hope tyagain niyong basahin):


Hi guys! Back to reality na naman ako. Balik office na naman. Susubukan kong mag
update ng mabilis ah? Pero hindi ako makaka promise na makakapag-update ako ng
weekdays kasi sobrang daming ginagawa. Kapag may free time, I'll try. Pero sure na
yung weekend (except pag may ganap lang ako sa weekend, iinform ko naman kayo :) )
Anyway, sabi na may mga mag rereact about Mia not being a virgin eh wahahaha. Nag
dadalawang isip ako nung una but I decided na ituloy yan kahit pa may mga mag drop
nitong story na 'to.
Here's the thing: I want to write a "realistic story" at para makasulat ako nun, I
need "realistic characters" Ang mga characters, hindi sila magiging realistic kung
masyado silang perfect. That's why naglalagay ako ng flaws nila. Parang tayo, lahat
tayo may "flaws" lahat tayo may nagawang "pagkakamali"
Sorry kung hindi si Ayen ang first ni Mia. Pero di nga tayo nag react nung hindi si
Nica ang first ni Jasper di ba? Dahil ba girl si Mia at lalaki si Jasper? Then
that's double standard.
Pero kung reality man ang paguusapan natin, sorry, pero kailangan ko po talaga sa
storya yun.Mia and Sam has a long term relationship. They are both adult plus sa
States pa sila nag kakilala dati. States = mas openminded ang mga tao doon when it
comes to love making. Para ko naman niloko ang sarili ko kung walang nangyari sa
kanila.
I'm not saying I'm pro pre-marital sex. Of course iba pa rin ang inintay ang kasal.
But what I'm saying is, ginawa ko ang character ni Mia na malapit sa reality ng
iba. Just like Nica and Aiscelle's character. Pare-pareho silang my flaws. Hindi
sila "perfect na perfect.
Ang goal ko ay makapagsulat ng totoong kwento na maaring mangyari rin sa totoong
buhay. If you are looking for a fairytale-like story with goody goody perfect
characters then maybe, this story is not for you.

=================

Tenth Stanza

Tenth Stanza
MIA MILLS.
"I don't want to fall to pieces, I just want to sit and stare at you."
- Avril Lavigne, Fall to Pieces
"Talagang nilabhan mo pa nang husto ang mga panyong 'yan bago mo ibalik? At
bonggabells, pina-plantsa mo pa!" sabi ni Sammie habang nakataas ang kilay na
pinapanuod ako habang pinaplantsa ko ang tatlong panyo na pinahiram sa akin ni Sir
Ayen.
"Eh nahuli na niya ako rito. Inasar-asar pa niya ako. Edi ibabalik ko
na sa kanya."
"Ibabalik mo nang mabangong mabango ang mga panyo."
"Of course. Nakakahiya naman kung ibabalik ko nang mukhang dugyot?"
Napangiti si Sammie, "ikaw friend, tell me the truth. Are you like,
falling in love with him na ba?"
Muntikan na akong mapaso sa plantsa dahil sa tanong ni Sammie. Inangat
ko ang tingin ko sa kanya.
"Loka loka, hindi. Allergic pa ako diyan kaya hanggang crush lang muna
ako. Tsaka matagal ko na namang crush si Sir Ayen even before pa bago niya malamang
nag e-exist ako sa mundong 'to."
Isa pa, pagbali-baliktarin ko man ang sitwasyon, mahal ko pa rin talaga
siya.
"Okay na yan girl! More than three months na kayong break ni Sam gago
kaya gora ka na. Pogi naman si Sir Ayen mo."
Napangiti ako kasi naalala ko na naman yung bonding namin ni Sir Ayen
last week. Nung nag dinner kami, nalasing ako, dinala niya ako sa bahay nila. Ang
dami kong kahihiyang naranasan but still, nangingibabaw pa rin ang kilig. Kasi
naman, ang bait ni Sir Ayen sa akin. Ang gentleman niya. Tapos ang galing niya pang
mag-pagaan ng loob. Tapos ngingiti pa siya sa akin eh ang pogi niya lalo kapag
ngumingiti. Kinikilig tuloy ako.
Crush ko talaga siya, sobra. Pero feeling ko mababali ang panata kong
wag ma-in love kahit kanino kapag tinugtugan ako ng gitara ni Sir Ayen. Yun talaga.
Mamamatay ako sa kakiligan pag tumugtog ulit siya nang gitara.
"Earth to Miaaaaaa! Hala siya, nag fly away na naman ang mind niya."
Napabalik ang atensyon ko kay Sammie na naka-kunot na ang noo sa
harapan ko.
"Ang sabi ko, are you going to eat dinner ba dito? Para alam ko kung
idadamay na kita pag nagluto ako."
"Ha? Ah, hindi, hindi na. Baka sa labas na lang ako mag dinner."
"Sus. You mean to say, you're expecting na sabay kayo mag d-dinner ni
Prince Ayen mo."
Napailing na lang ako pero di ko maiwasan mapangiti, "ewan ko sa'yo,
Sammie."
"Ewan ko rin sa'yo, Mia. Tigilan mo na ang kaka-plantsa mo sa panyo na
yan. Malapit nang numipis yan."
Hinugot ni Sammie sa pagkakasaksak yung plantsa at nginitian ako.
"What if, yung hair mo na lang ang i-plantsa ko? You want?" tanong
niya.
"Hmmm, kung i-curl mo kaya?"
"Bongga! Tara aayusan kita para maganda ka sa practice niyo mamaya ni
Sir Ayen."
Excited akong sumunod kay Sammie papasok sa room niya.
Wala naman siguro masamang magpaganda? Hindi porket broken hearted ako,
hindi na ako mag-aayos.
Inayusan ako ni Sammie. Mula buhok hanggang sa make-up ko. Simple lang
pero feeling ko ang ganda ganda ko. Siya pa ang namili ng isusuot kong damit
ngayon. With accessories pa.
Perks of having a model bff. May taga-ayos ako. At infairness, ang
ganda ko today.
Sana makasalubong ko si Sam. Sana madapa siya pag nakita niya ako. Sana
makita niya kung sino ang sinayang niya. Sana magsisi siya nang bonggang bongga.
Sige Mia. Asa pa.
"Oh, the hankies, baka maiwan mo," Sammie hand me Sir Ayen's three
neatly folded handkierchieves at inilagay ko naman ito sa handbag ko. "Good luck sa
practice. Uwi ka nang maaga ha? Sabayan mo akong mag marathon ng Goblin mamayang
gabi."
Natawa ako. Ang tinutukoy niya ay yung kinaadikan naming Korean drama
ngayon. Kaya kami nagkakasundo nitong si Sammie, eh. Pareho kaming mahilig sa
Kdrama.
"Oo na. I'll go home early kaya wag kang manunuod nang wala ako."
"Yeah yeah!" she said, waving me off. Busy na siyang nakatutok sa
laptop niya.
Nag cab na ako papuntang office. Sayang naman kasi yung ayos ko kung
ma-h-haggard ako pag sumakay ako nang jeep.
Pagkababang-pagkababa ko pa lang ng cab, nakita ko agad si Sir Ayen na
naglalakad sa lobby habang kausap si Jasper.
Naka pastel green na hoodie siya ngayon and as usual, may naka-sabit na
naman na blue headset sa leeg niya. Naka-suot din siya ng salamin ngayon.
Lord, ang pogi niya. Bakit ang pogi niya? Nakakainis na po. Lagi na
lang ba akong kikiligin kada makikita ko siya?
Napalingon si Sir Ayen sa direksyon ko at nagtama ang tingin namin.
Nginitian niya ako at sumenyas siya na lumapit ako sa kanya.
At ako naman, parang tanga na lumapit sa kanila habang ngiting ngiti
ako. From ear to ear talaga. Kinikilig kasi ako, bakit ba!
"H-hi po!" bati ko.
"Aga mo ah!" bati naman ni Sir Ayen.
"Baka excited siyang makita ka," sabi ni Jasper sabay tawa. Bigla na
lang nag init ang mukha ko.
Shit! Am I that obvious?!
"Pero excited din naman si Ayen na makita ka kaya patas lang kayo,"
naka-ngising sabi ni Jasper.
Tinignan ko si Sir Ayen at nakangiti na lang siya habang i-iling iling.
"Ewan ko sa'yo Jasper. Sa lahat na lang talaga, inasar mo 'ko 'no? Pati
si Mia dinamay mo."
Tumawa ulit si Jasper.
"Eh kasi naman puro ka pagkain!" hinarap niya ako. "Mia tulungan mo nga
akong hanapan nang lovelife 'tong si Ayen. Mamaya ma-impacho 'to kasi kain nang
kain, eh."
"Hanapan mo 'ko, yung magaling magluto," dagdag naman ni Sir Ayen.
Napatawa na lang ako.
So nagbibiruan lang pala sila at nadamay lang ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi ibig sabihin, hindi talaga
halata na tuwang tuwa akong makita siya, o malulungkot kasi joke lang din na
excited din si Sir Ayen na makita ako?
Tsaka shit. Gusto niya yung magaling mag luto! Hindi ako marunong mag
luto!
"Puro ka naman pagkain!" sabi ni Jasper sabay kamot sa likod nang tenga
na para bang na f-frustrate sa kaibigan.
"Speaking of pagkain, lunch muna tayo?" yaya ni sir Ayen sa akin.
Napangiti naman ako nang sobra. I cleared my throat. Shet halata na
talaga ako. Pinilit kong bawasan ang ngiti ko kasi masyadong malawak.
"S-sige po. Okay lang."
"Yun! Ikaw? Sama ka?" tanong ni Sir Ayen kay Jasper.
"Saan ba kayo kakain?"
"Siguro sa resto na lang ni Timi."
"Pass. Banned ako sa resto ni Timi. Di ko pa bayad ang last na utang ko
sa kanya."
"Ako nga never pang nagbayad," sabi ni Sir Ayen at nagtawanan silang
dalawa.
Hindi kaya nalulugi sa kanila ang kaibigan nila?
"Pero pass muna ako. May dadaanan pa ako."
"Babae na naman yan?"
"Gago hindi. Sige na!" tinapik ni Jasper sa braso si Sir Ayen. "Sige
Mia. Mag date muna kayo ni Ayen!" pangaasar ulit niya at umalis na siya.
Naiwan na lang kami ni Sir Ayen ngayon.
Mahal ko si Jasper. Hanga ako sa kanya. Idol ko rin siya. Wala akong
ma-say sa drum skills niya.
Pero mas lalo ko ata siyang minahal ngayon nang iwan niya kami ni Sir
Ayen para makapag solo.
Shet.
"So, let's go? Dala ko yung kotse kong old school."
Napatawa ako.
"Namiss ko po yung kotse mong old school."
"Na muntikan mo nang sukahan last week."
Napalingon ako sa kanya, "t-talaga?!"
Tumawa si Sir Ayen, "oo. Pero mabait ka kahit lasing kaya hindi mo
ginawa."
Napangiti ako.
Tawa pa lang niya, busog na ako. Makakakain pa ba ako ng lunch nito?
~*~
Nandito na kami ngayon ni Sir Ayen sa restaurant ni Miss Timi. Naalala
ko siya. Siya yung kasama ni sir dati nung unang beses akong kumanta sa harap niya.
Yung magandang babae na napagkamalan kong girlfriend ni sir.
Um-order ng baby back ribs si sir Ayen at dalawang serving ng rice. Ako
naman, nag pasta lang ako kasi feeling ko hindi ako makakakain nang maayos.
"Sure kang yan lang ang pagkain mo?"
"Opo. Di pa naman ako masyadong gutom."
"Basta wag kang mahihiya kay Timi. Okay lang yan."
Napangiti ako, "sir, pansin ko malakas kang kumain. Buti di ka
tumataba."
Napatawa siya, "mahilig akong mag exercise. For the sake lang na ma-
burn ko ang kinakain ko para makakakain ulit ako ng marami. Pero wala naman akong
mine-maintain na katawan. Kaya minsan naiinggit sa akin sina Jasper kasi may times
na kailangan nilang mag diet. Alam mo na."
Tumango ako, "ah, so ako rin po pala 'no?"
Tinignan ako ni Sir Ayen at para akong na-conscious bigla.
"Petite ka naman, eh. Basta mag exercise ka lang din. Pero teka, anong
meron at ayos na ayos ka ngayon?"
Parang biglang nag-init ang mukha ko.
Shit. Napansin na niya. Nagagandahan ba siya sa akin ngayon?
"Ah, parang hindi naman po! Normal na ayos ko lang 'to," pagkukunyari
ko but deep inside, kinikilig na ako.
"Parang hindi. You look so..." he trailed off at napabaling ang tingin
niya sa likuran ko, "beautiful today..." halos pabulong niyang sabi.
Kikiligin na sana ako nang bongga kaya lang napalingon din ako sa
likuran ko at nakita ko si Miss Timi na papalapit sa pwesto namin.
She's wearing a chef's uniform. Walang make up. Her hair is on a messy
bun.
And yes, she looks so beautiful.
Maybe the way she carries herself?
Bakit parang na-insecure ako bigla?
"Ayen, you're here again!" bati niya
kay sir.
Nakita kong napangiti sa kanya si sir Ayen.
A smile that reaches his eyes.
"Ang sarap kasi talaga mag luto ng chef dito," sabi niya.
"Hay naku nambola na naman siya. Hindi naman magbabayad!" napatingin sa
akin si Miss Timi at nginitian ako, "Mia! How's the food?"
"M-masarap po..."
"Really? I'm glad! Naku, try our almond jelly. Promise, the best yun!
Padadalhan kita mamaya."
"S-salamat..."
"Grabe siya, kay Mia nag alok, sa akin hindi!" reklamo ni sir.
"Parang ilang beses mo na naman kasing nakain yun. Ikaw Ayen, ang takaw
takaw mo talaga."
"I can't help it. The food here is really good. Ang galing talaga nung
chef, eh."
Inakbayan ni Miss Timi si sir, "ang pinaka bolero kong kaibigan. Wag
kang masyadong magpapa bola dito, Mia ha?"
Napatawa ako nang mahina.
"Grabe, kung bolero ako, ano pa si Jasper?"
"Manyak."
Nagtawanan silang dalawa.
Napaiwas ako nang tingin.
Shit. Bakit parang feeling ko bagay sila?
At bakit parang feeling ko nagseselos ako?
Masama 'to.
"Sige na, babalik na muna ako sa loob ng kitchen. Enjoy your lunch,
guys!" sabi ni chef Timi.
"Agad? Sabayan mo na kaya kami," sabi naman ni sir Ayen.
"I have a lot of things to do. Sige na! Enjoy!" at umalis na si Miss
Timi.
Sinundan siya nang tingin ni Sir Ayen hanggang sa maka-pasok ito sa
loob ng kitchen. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya.
"Baliw din yang si Timi. Masaya kasama yan," sabi niya sa akin.
Tumango naman ako, "halata naman po. Tsaka ang ganda ganda pa niya."

"Yeah, but she's more than just a pretty face. That girl's amazing..."
sabi nito habang nakatingin doon sa kitchen door kung saan pumasok sa loob si Miss
Timi.
"Close po talaga kayo 'no?"
Tumango lang siya pero hindi siya nagsalita. Inalis niya ang tingin
niya doon sa kitchen door at ibinalik niya ang tingin niya sa kinakain namin.
Nakita kong nag iba ang expression ng mukha niya.
Naging malungkot.
He cleared his throat.
"Pero bakit nga ang ganda mo ngayon?" tanong niya sa akin habang
nakangiti.
Napangiti na lang din ako at umiling. Hindi ko siya sinagot.
Malapit na akong kiligin. Malapit na lumundag ang puso ko. Kaso
napansin ko ang ngiti niya.
Hindi katulad nang ngiti na ibinigay niya kay Miss Timi na abot
hanggang mata.
At ewan, parang nalungkot ako bigla.
To be continued...
Aly's Note:
Hi guys! If mag t-tweet po kayo ng anything about Broken Melody, kindly use this
hashtag po ---> #BrokenMelodyByAly para po mabasa ko yung mga tweets niyo! Thank
youuu.
Anyway, gumawa po ako ng Spotify playlist para sa Broken Melody. Kada i-u-update ko
'to, mag a-add din po ako ng songs dito sa playlist na 'to. Tamang soundtrip lang
sa mga feels nina Mia at Ayen. Pero sorry walang Taylor Swift songs sa Spotify
hahaha.
Follow niyo po if may Spotify kayo. Just search: Broken Melody by Aly A.

=================

Eleventh Stanza
Eleventh Stanza
JARREN REYES.
"I shouldn't love you, but I want to, I just can't turn away. I shouldn't see you,
but I can't move. I can't look away."
- Jesse McCartney, Just So You Know
"Hay naku, you're here again. Ang haba na nang listahan ng utang mo sa akin, ha,
Jarren Reyes!" sabi ni Timi nang makita niya akong papasok ng kitchen ng restaurant
niya.
Nakita kong may buhat buhat siyang isang malaking container ng mga gulay. Agad kong
kinuha ito sa kamay niya at ako ang nagbuhat.
"Saan 'to dadalhin?"
"Sa cold storage na lang."
Sinundan ko siya papasok sa cold storage at agad naman nag fog yung salamin na suot
ko dahil sa sobrang lamig. Inalis ito ni Timi at pinunasan gamit ang apron na
nakatali sa bewang niya. Inilapag ko naman yung container na buhat buhat ko doon sa
shelf na tinuro niya.
"Kaya mo ba ako tinutulungan kasi gusto mo na naman makalibre nang pagkain?" tanong
niya habang isinusuot ulit sa akin ang salamin ko.
Nginitian ko si Timi, "parang ganun na nga."
She rolled her eyes at me at may kinuha siya sa bulsa niya na inabot niya sa akin.
"Ayan, candy, kainin mo."
"Ayun oh! Thanks, Timi! You're the best!" masigla kong sabi as kanya.
Napangiti na rin siya habang tatawa-tawa, "ewan ko sa'yo Ayen. Ang babaw nang
kaligayahan mo. Ang dali mong pasiyahin!"
Napatawa na lang din ako sa sinabi niya.
Kung alam mo lang, Timi. Kung alam mo lang.
"So bakit ka nga nandito?" tanong ulit niya habang may hinahanap sa shelf na nasa
harapan namin.
"Wala nga lang, napadaan lang," dahil gusto kitang makita. "Ikaw, kumusta ka naman?
Masyado ka na atang na b-busy sa restaurant mo."
"Kasi nalulugi ako dahil sa'yo."
"Okay lang, ine-endorse ka naman ng EndMira kaya ang dami dami mong customers
palagi."
Napatawa si Timi then biglang sumeryoso ang expression ng mukha niya.
"Ayen?"
"Yes?"
"About Ice..."
Napaiwas ako nang tingin bigla sa kanya.
Mabanggit pa lang niya ang pangalan na yun, parang gusto ko na lang maglaho na
parang bula.
Si Ice. Ang lalaking mahal niya.
"What about him?" tanong ko, trying to sound casual.
"Uhmm, you think... You think, seryoso siya sa akin? I mean, alam mo naman yung
ginawa niya sa akin dati, 'di ba? Should I give him another chance?"
Hindi ako nakaimik agad. Hindi ako makasagot. Nagtatalo ang isip ko. Alam kong
seryoso sa kanya si Ice. Alam kong mahal siya ni Ice. At alam na alam kong aalagaan
siya nito.
Pero hindi ko magawang maamin kay Timi kasi masakit. Dahil alam ko the moment na
ma-realize niya ang mga bagay na yun, tuluyan na akong mawawalan nang pag-asa.
Minsan hinihiling ko, sana hindi na lang niya ako naging kaibigan para hindi niya
ako hinihingan nang advice. Masyadong masakit, eh.
"Mahal mo ba?" tanong ko sa kanya.
Isang tanong na nakaka-tanga kasi masyado namang obvious ang sagot.
Hindi umimik si Timi. Hindi siya nagsalita. Pero sa expression nang mukha niya,
alam ko na ang sagot.
At ang sakit sakit makita.
Pinilit kong ngitian si Timi. Sana hindi niya mahalata yung sakit.
Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw nang ulo niya at ginulo ko ang buhok niya.
"Hindi mo naman na kailangan itanong sa akin yan, Timi. You already know the
answer."
Napangiti rin siya, "ewan ko sa'yo. Ginulo mo ang buhok ko!"
I chuckled at binuksan ko yung candy na ibinigay niya sa akin at kinain ko 'to.
"Salamat sa meryenda. Aalis na ako at ma-l-late na 'ko sa meeting ko sa EndMira.
Baka binubully na nila si Mia doon."
Lumawak ang ngiti sa labi ni Timi at siniko niya ako.
"Ikaw ha! May gusto ka kay Mia, 'no? Masyado kang protective sa kanya, eh!"
Napailing na lang ako habang pilit na ngumingiti.
Kung alam mo lang kung sino talaga ang gusto ko.
"Sige na, umalis ka na at baka inaagaw na ni Jasper yung nililigawan mo."
"Ewan ko sa'yo Timi. Puro ka kalokohan."
Lumabas na ako sa kitchen nila at the moment na makaalis ako, nawala bigla ang
ngiti sa labi ko.
Parang biglang ang bigat nang dibdib ko. Huminga ako nang malalim at pakiramdam ko,
may nakabara sa lalamunan ko.
Gusto kong bumalik at harapin ulit si Timi. Gusto kong sabihin sa kanya na oo,
mahal siya ni Ice pero mahal ko rin naman siya. At kaya ko rin siyang alagaan. Kaya
ko siyang protektahan. Ibibigay ko sa kanya lahat lahat lahat.
Kaya ko yun.
Pero may nag-iisang bagay na lamang sa akin si Ice na hinding hindi ko kayang
tapatan.
Mahal siya ni Timi at kahit pa nasaktan na niya ito, sa kanya lang sasaya si Timi.
Maaring kaibigan ko si Timi at alam kong dapat maging masaya ako para sa kanya.
Pero mas nangingibabaw ang nararamdaman ko sa kanya kaya hindi ko maiwasang
masaktan kesa maging masaya.
~*~
MIA MILLS.
"As the sky outside gets brighter, and my eyes begin to tire. I'm slowly drowning
in memories of him."
- Krissy and Ericka, 12:51
"Cause I'll prove you wrong that I can move on through this song
So much stronger ~"
I ended the song at nagpalakpakan ang EndMira sa harapan ko. I tried my best to
smile at ibalik ang mga ngiti nila.
Main reason kung bakit ayokong kumanta ng heartbreaking song---alam kong maiiyak
ako. Alam kong masasaktan ako.
Alam kong maalala ko siya.
Right now, I can feel the heaviness of my heart. Na kahit ang ganda ng reaction ng
mga iniidolo ko dahil sa akin, hindi ko magawang maging masaya nang husto.
Huminga ako nang malalim at pilit kong pinapakalma ang emosyon ko.
At least nandito ka na, Mia. Wag mo na siyang isipin. At least, angat ka na. At
least nagustuhan ka nila. Ipakita mo na lang sa kanya at hayaan mo siyang magsisi.
"Great job, Mia!" sabi ni Geo sa akin. "So ano na? Pwede ka bang kumanta para
sa'min?"
"Oo naman po! It would be my honor!"
"Yun oh! So sasabihin na namin sa management at sa handler mo ha?" sabi ni William
"Hay salamat! May maganda na rin akong makaka-work!" sabi naman ni Jasper at
inakbayan ako.
"Isama kaya natin si Mia sa gig?" sabi naman ni Ice.
"S-sa gig po? Saan po?"
"Doon sa high-end bar na madalas naming tugtugan," sagot nito sa akin.
"Ay oo nga! Para mapakilala ka na rin namin sa mga tao! Go na, Mia!" sabi ni
Jasper.
Nakaramdam ako nang kaba bigla nang marinig ko ang word na bar. Napatingin ako kay
Sir Ayen and he's giving me an encouraging look.
"Oo Mia, magandang opportunity yun, sumama ka na. Nandoon din naman ako."
"Yun oh! Nakabantay!" pangaasar ni Jasper Yu.
"Magdadala ako nang maraming panyo, mainit doon eh," sabi ni Sir Ayen then he gave
me a meaningful smile.
Napangiti na lang din ako.
Nakakahiya man, pero alam niyang minsan akong kumuha nang lakas ng loob sa panyo
niya.
"Sige po, game ako!"
"Apir!" nakipag high five sa akin si Jasper at um-apir naman ako sa kanya.
Isa isa ulit nag congratulate sa akin ang EndMira at nagpaalam na sila. Naiwan kami
ni Sir Ayen doon at masigla akong lumapit sa kanya.
"Sir!! Ayan ha, ginalingan ko. Sana na feel mo na ako this time."
"Oo naman, ang galing mo nga eh," sabi niya then he smiled at me.
"Dinner tayo? My treat!"
"Pass muna. Kailangan ko nang umuwi, eh. Okay lang ba uuna na ako?"
Medyo nawala ang ngiti sa labi ko.
Kanina habang kumakanta ako, nakayuko lang si Sir Ayen at parang ang lalim nang
iniisip. Para ngang wala sa akin ang atensyon niya kanina. Wala sa pagkanta ko.
Hindi ko alam bakit ako nalulungkot. Nakuha ko ang atensyon nilang lahat at nagiisa
lang si Sir Ayen, but still, sa kanilang lahat, siya ang pinaka gusto kong i-
please.
"Congrats again," sabi niya then he tapped my shoulder at nauna na siyang maglakad
paalis.
Ang lungkot nang aura niya.
Para tuloy mas na-depress ako which is wrong kasi dapat nag sasaya ako ngayon.
Dahil medyo maaga-aga pa, naisipan kong dumaan muna sa mall para bumili ng stocks
ng pagkain namin ni Sammie sa apartment. Napadaan naman ako sa isang pastry shop at
nakita kong naka-display sa harapan nila yung yung strawberry cheesecake na
paborito ko.
Naalala ko dati, everytime na mag b-birthday ako, lagi akong binibilhan ni Sam ng
strawberry cheesecake. Yung may strawberry talaga sa ibabaw yung pinipili niya.
Sabi niya kasi, ang Japanese term for strawberry is ichigo. At another meaning ng
ichigo is number 1. At para sa kanya, ako ang number 1 na singer na nakilala niya.
Wala raw makakaalis sa lugar ko na yun sa puso niya.
Then I remember yung mga huling sinabi niya sa akin bago kami maghiwalay, na
hinihila ko pababa ang banda.
Grabe, from being number one to being the one who destroys them.
Nakakalungkot isipin.
"Mia?"
Para akong binanlian nang malamig na tubig nang marinig ko ang boses na yun.
Shit.
"Mia?" naramdaman kong may humawak sa balikat ko at ayoko mang lumingin, gustuhin
ko mang tumakbo palayo, wala na akong takas.
Nilingon ko siya at nakita ko ang mukha ng lalaking nanakit sa akin.
"Sam..." I choked.
"Mia, k-kumusta ka na?"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko siya masagot. Kumusta na nga ba ako? Matapos nang
ginawa niya sa akin, matapos nang mga pinagdaanan kong sakit nang dahil sa kanya,
ayan ang itatanong niya. Kumusta ako? Seryoso siya? Kumusta ako?
Gusto kong umiyak at magalit at sapakin atsaka pagmumurahin ang lalaking nasa
harapan ko. Napaghandaan ko na 'to, eh. Ilang beses ko na 'tong pinractice sa harap
ng salamin. Yung mga bagay na sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami ulit.
Pero hindi ako makapagsalita ngayon. Parang umurong ang dila ko.
At ang mas nakakainis? Wala akong maramdaman ni-katiting na galit sa kanya.
But instead, damang dama ko kung gaano ko siya ka-miss.
Damn. I want to hug him. I want to beg him to come back to me.
I hate myself.
"O-okay naman ako. May audition akong pinuntahan kanina. I passed."
"T-that's great!"
Tumango ako. Nakita kong na-awkward-an din siya at para bang nagsisisi siya na
nilapitan pa niya ako.
"Sige, I'll go ahead," sabi niya.
Hindi ako umimik at hinayaan ko siyang umalis.
Wag mo siyang hahabulin. Wag mo siyang tawagin. Hayaan mo lang siyang umalis. Hindi
na siya importante. Hayaan mo na siya, Mia. Mag move-on ka na.
Shit.
"S-Sam!"
Lumingon siya sa akin nang may pagtataka ang mukha.
"Uhmm, p-pwede ba tayong magkita ulit?"
Napaiwas siya nang tingin. Ramdam kong hesitant siya.
Ramdam kong ayaw niya.
Ang sakit.
"May mga padala lang kasi si mama pati ang mama mo. Nakasama doon sa package ko,
ibibigay ko lang sa'yo. Yun lang."
Tumango siya.
"S-sige dadaan na lang ako sa bahay niyo."
"I don't live there anymore."
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero hindi na siya nagtanong.
"Let's just meet tomorrow sa coffee shop na madalas nating puntahan noon. Around
11am?"
"Sige. Okay lang."
Tumango ako, "okay."
"See you."
Nag wave siya at umalis na habang ako, naiwang nakatayo doon magisa habang
nakatingin sa likuran niyang naglalakad palayo sa akin.
Mia, ang tanga mo.
To be continued...

Aly's Note:
Hi guys! Doon po sa mga hindi makahanap nung Spotify playlist, try to search muna
yung account ko. Aly Almario
Sa mga patuloy na nagbabasa ng stories ko, thank you po talaga! Sorry kung hindi
man ako kasing bilis mag update ng ibang authors. But I want you to know, na kahit
ganun, I'm always trying my best. 
Kaya thank you! <3

=================

Twelfth Stanza

Twelfth Stanza
MIA MILLS.
"I wish I had missed the first time that we kiss, 'cause you broke all your
promises."
- Christina Perri, Jar of Hearts

My mom's a smart lady. Sabi nila, nagmana raw ako sa mommy ko.
Before we migrated to States, bago pa kami i-petition ni daddy, we live in a small
house. Pero maliit man ang bahay namin, proud ako doon kasi sa sala namin, maraming
naka-display na kumikinang na ginto.
What I mean is, mga gold medals and trophies na nakuha ni mommy nung
nag-aaral pa siya. Ang ilan doon ay akin.
Sabi nila, I'm like my mom. Matalino at madiskarte sa buhay.
Pero bakit ganun? Right now, I feel like the stupidest person alive.
Nakaharap ako sa salamin ng kwarto ko. Ayos na ayos. I braided my hair
kasi alam kong gustong gusto niya kapag yun ang ayos ko. I'm wearing the pink dress
he bought for me as a birthday gift. I am even wearing his favorite brand of
perfume.
Napapikit ako.
Makikipagkita ako kay Sam ngayon and yet, talagang gumising ako nang
maaga para mag ayos. At talagang nagpaganda ako para sa kanya.
Ngayon, nasaan yung sinasabi nilang tulad ako ni mommy na matalino?
Wala ang talino kasi pag nagmahal ka, natatanga ka na lang talaga.
Kinuha ko yung isang malaking paperbag ng mga pasalubong na padala ni
mommy para kay Sam. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at napabuntong-
hininga na lang ako.
I'm thankful that Sammie is not here right now. For sure, tatanungin
niya ako kung bakit ako ayos na ayos ngayon which is so unlikely of me. At pag
nalaman niyang kay Sam ako makikipagkita, malamang sa malamang ay itatali niya ako
sa kama para lang hindi ako makaalis ng apartment.
Sorry Sammie. I know I'm an idiot but I really want to see him.
Lumabas na ako ng apartment at nag cab na ako papunta sa mall.
Nagulat ako nang makarating ako doon sa coffee shop kung saan kami
magkikita ni Sam, nandoon na rin siya at inaantay ako.
I'm 30 minutes early and yet, nauna pa siya sa akin dito.
My heart skipped a beat. Parang nagwawala ang puso ko sa kaba. My knees
wooble while I'm walking towards him.
Napalingon si Sam sa direction ko and then, our eyes meet. Parang
kinuryente ang buo kong katawan. The same electrifying feeling that I felt nung
unang beses ko siyang makita. Nung unang beses na magtama ang mga mata namin sa
isang bar sa San Fransisco kung saan tumutugtog ang banda niya at nanunuod ako. The
same feeling when he asked me to dance that night and I've never been happier in my
life.
Three years, Sam. Three years. We had so much fun. We're so good
together. Pero bakit ganito na ang scenario nating dalawa ngayon?
"Mia..."
Nginitian ko si Sam, "hi."
Napatingin ako sa kapeng iniinom niya. Hindi ito naka-papercup,
instead, they served it in a mug. At doon sa caramel drizzle na nasa ibabaw nito,
alam kong caramel latte yung iniinom niya.
Our drink.
Naiinis ako sa sarili ko ngayon because I am having this hopeful
feeling na hindi ko na dapat maramdaman.
"Y-you want something to drink?" tanong niya.
Tumango ako, "wait, o-order lang ako."
"Ah, ako na. Caramel latte?"
Tumango ulit ako at siya naman, pumunta na sa counter para um-order.
The whole time, I'm staring at him. Kausap na niya yung barista na
kumukuha ng order niya. Kilala siya nito kasi regular customer kami rito kaya naman
medyo nakikipag-kwentuhan pa siya doon sa barista. He's smiling and yet, malungkot
ang ngiti niya. Kilala ko siya. Alam ko kung tunay o hindi ang ngiting ipinapakita
niya.
Maya maya lang, bumalik na rin siya sa pwesto namin dala ang kape ko.
"Ah, ito pala yung padala ni mommy," ini-abot ko sa kanya yung paperbag
na dala-dala ko.
"Thanks, but you should tell her na hindi na niya kailangan magpadala
pa nang kahit ano para sa akin."
Napayuko ako, "hindi niya maiiwasan yun. Para ka na niyang anak, eh."
"Mia—"
"I miss you," pagputol ko sa sasabihin niya. "I miss you, Sam. Alam mo,
ang daming magagandang bagay na nangyayari ngayon sa buhay ko. At lagi kong
naiisip, how I wish nasa tabi pa rin kita so I could share all those great things
to you."
Napaiwas nang tingin sa akin si Sam at gusto ko na rin mag laho na
parang bula.
Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko. Tuloy tuloy na, eh.
Lumalabas na naman yung tunay kong nararamdaman na akala ko noon, napatay ko na.
"Tell me, Sam, after everything you've done to me, why do I still love
you?"
A tear fell from my eye.
Hindi ganito yung na-imagine ko sa pagkikita namin ulit. In my
imagination, I was strong, I was fierce. In my imagination, it is Sam who's crying
in front of me, begging me to forgive him, asking me to give him another chance.
But in reality, ako ang gumagawa nun ngayon. And I feel so pathetic.
Nakita ko ang pag-hinga nang malalim ni Sam.
"I have to go."
Kinuha niya yung paperbag na ibinigay ko sa kanya at he looked at it
with a pained expression.
"I'll send this back to your mom."
He was about to go nang bigla kong hawakan ang wrist niya para pigilan
siya. Napahinto siya.
"Wala na ba talaga?" I asked, almost whisper.
"I'm sorry..." he choked. Then unti unti niyang inalis ang pagkakahawak
ko sa kamay niya.
At habang naglalakad siya palayo sa akin, parang unti-unti na ring
gumuguho ang mundo ko.
~*~
JARREN REYES.
"That may be all I need. In darkness she is all I see."
- Maroon 5, Sunday Morning
"Sure ka talagang gusto mong manuod ng practice namin ni Mia?" tanong ko kay Timi
habang naka-kapit siya sa braso ko at mukhang excited na excited.
Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa HQ ng EndMira kanina. Wala raw
siyang magawa kaya naman sasama na lang siya sa akin manuod ng practice.
Ilang beses na akong na-tempt na i-cancel na lang ang practice na ito
and just spend a day with Timi. Yung kaming dalawa lang. Igagala ko siya,
patatawanin ko siya. Alam kong gulong gulo ang isip niya ngayon kaya madalas siyang
mang gulo sa amin ni Jasper. Kami lang naman kasi ang nakakaladkad niya kung saan
saan. Wala kasi siyang panama kay Geo at William.
Pero sana palagi na lang siya sa akin lumapit. Kahit istorbohin pa niya
ako. Kahit mag open up pa siya nang about kay Ice, okay lang. Basta kasama ko siya.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko si Timi, "you know what? Kumain
na lang kaya tayo? Sa Antipolo? Tapos may magandang museum doon. Gusto mong
pumunta?"
"Eh paano yung practice niyo ni Mia?"
"Maaga pa. I think nandoon pa siya sa apartment niya. I-te-text ko na
lang siya na bukas na lang kami mag practice."
"Loko ka. You need to prepare her para sa gig next week. Doon siya
unang ipapakilala, 'di ba? Mag focus ka muna sa kanya. Pwede pa naman tayong gumala
sa susunod."
"Sure ka?"
"Oo naman! And besides, I want to hear her sing!"
Napangiti ako, "may isa nang fan si Mia. Matutuwa yun."
"Naman! Mas gusto ko siya kesa doon sa mayabang na bandang EndMira na
puro pa-pogi lang ang alam gawin nung members kasama na nung songwriter nila!"
"Huy, hindi sila pa-pogi. Pogi talaga sila. Walang patapon ang itsura
sa EndMira. Lalo na yung songwriter nila. Balita ko yun ang pinaka-pogi, eh."
Biglang hinawakan ni Timi ang noo ko at pakiramdam ko, parang biglang
huminto ang pag-hinga ko.
"Shet, I think nahawaka ka na sa ipo-ipo diseases na dala ni Jasper
Yu."
Tinabing ko ang kamay niya and I gently pressed her palm.
I love the feel of her hand.
"Dapat ata iniiwasan ko na si Jasper."
"Oo, masamang impluwensya yung mokong na yun," pag agree ni Timi.
"Timi?"
Agad na hinila ni Timi ang kamay niya sa pagkakahawak ko nang marinig
namin ang boses na yun.
Napatingin kami pareho kay Ice na naglalakad papalapit sa amin.
Ngiting ngiti siya habang nakatingin kay Timi.
"You're here," nakangiti niyang sabi.
"Hindi ikaw ang pinunta ko rito, 'no!" mataray na sagot ni Timi sa
kanya.
"I know, wala naman akong sinasabi," nakangiti pa ring sabi ni Ice.
I saw Timi blushed.
"Come with me. I have to show you something," sabi ni Ice at hinawakan
niyaang kamay ni Timi.
"P-p-pero, I'm with Ayen!"
Napatingin sa akin si Ice pati na rin si Timi.
Hinihila ni Timi ang kamay niya sa pagkakahawak ni Ice but her
expression is opposite.
Siguro dahil ang tagal ko na siyang kasama kaya nababasa ko na ang
takbo ng isip niya. Siguro dahil kilalang kilala ko na siya kaya alam ko na gusto
naman niya talagang sumama kay Ice but she's just too scared to admit it.
Gusto kong magpaka-selfish at hilahin pabalik si Timi sa akin at
sabihing nauna ako. Ako ang kasama niya ngayon kaya wag na siyang sumingit.
Pero alam kong kapag ginawa ko yun, buong araw kong mararamdaman ang
lungkot ni Timi.
Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Hindi ka ma-b-bore kapag si Ice ang kasama mo."
"A-Ayen! I thought you're my friend, you traitor!" inis niyang sabi
habang hinihila siya ni Ice palayo sa akin.
At walang kahirap hirap siyang nahatak ni Ice dahil hindi naman siya
pumiglas.
Tumalikod na lang ako agad para hindi ko na sila makita.
Ang hirap maging kaibigan.
~*~
"Ayen, sorry hindi na ata ako makakabalik diyan. Na-kidnap ako ni Ice
at hindi mo ako tinulungan!"
Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang text ni Timi at pakiramdam
ko, mas lalong nasira ang araw ko.
"You lift my feet off the ground, and spin me around. You made me
crazier, crazier..." kanta ni Mia habang tumutugtog ng gitara.
Napatingin ako sa kanya. Blangko ang expression sa mukha at parang
tamad na tamad siya sa pagkanta. Kung dati, wala akong maramdaman sa kanya, ngayon,
gusto kong agawin ang gitarang hawak niya at tanungin siya kung gusto ba talaga
niya ang ginagawa niya.
"Seryoso ka?" tanong ko sa kanya kaya napahinto siya sa pagtugtog at
inangat ang tingin sa akin.
"Huh?"
"Seryoso kang ganyan ang performance na ipapakita mo sa gig ng EndMira?
Dapat na ba kaming magdalawang isip kung tama bang sa'yo namin ibinigay ang
opportunity na 'to?"
She rolled her eyes at me.
Anong problema nang isang 'to?
"Paano po bang pagkanta ang gusto niyo? Dapat ba umiiyak ako para
maramdaman niyo?"
Napakunot ang noo ko, "may regla ka ba ngayon? Ang sungit mo, eh."
"Eh kasi naman sir, nagrereklamo ka sa pagkanta ko samantalang ang layo
ng lipad nang utak mo. Maya't-maya ka pang nakatingin sa phone mo. Ni-hindi mo nga
rin ako pinakinggan kumanta nung time na nag perform ako sa harap ng EndMira. Tapos
ngayon, cini-criticize mo ang way ng pagkanta ko?"
Napahinga ako nang malalim.
"Hindi dahil hindi ako nakatingin sa'yo ay ibig sabihin hindi ako
nakikinig. At yung pagkanta mo ngayon? Ang sakit sa pandinig. Bakit hindi na lang
yung 12:51 yung kantahin mo? Mas okay yun kesa ito."
"Bakit? Dahil masaya itong kantang 'to kaya hindi ko na kayang
kantahin? Kaya hindi mo maramdaman kasi hindi ako masaya ngayon?"
"Oo," diretsahan kong sagot. "Nakaka apekto yung emosyon mo sa mga
kinakanta mo. Hindi mo pa kayang kontrolin ang nararamdaman mo."
"Kakayanin ko. I chose this song. Ito ang kakantahin ko."
"Hindi ko marinig na kinakaya mo. Nakailang ulit ka na diyan pero wala
pa rin akong maramdaman na emosyon sa'yo."
"Then help me!" she said, sounding so frustrated. Tumayo siya at inabot
sa akin ang gitara. "You play and I'll sing. Maybe in that way, mas maramdaman ko
ang kanta."
Hindi ko inabot ang gitara at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Hindi makakatulong yun," halos pabulong kong sabi.
"Please sir..." Mia's voice broke at nagulat ako nang makita ko siyang
umiiyak. "Please let me hear you play. I feel so down today. I feel so useless and
pathetic. Ang bigat bigat nang nararamdaman ko. I—I just want to hear you play.
Kahit isang kanta lang. Kahit isang beses lang. Promise, hindi na ako mag rerequest
ng ganito sa'yo kahit kailan. Please?"
Tinignan ko si Mia, ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya pababa sa
gitarang hawak hawak niya.
Gusto kong kunin sa kanya ang gitara. Gusto ko siyang pagbigyan para
tumigil na siya sa pagiyak. Para hindi na siya malungkot.
Pero hindi ko kaya. Hindi ko na kasi magagawa yun.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot ko sa kanya ito.
"Hanggang ganito lang ang tulong na kaya kong ibigay," mahina kong sabi
sa kanya at nilagpasan ko na siya palabas ng music room.
At bago ko pa tuluyang maisara ang pinto, narinig ko ang malakas na
paghagulgol ni Mia sa loob.
To be continued...
Aly's Note
Nabanggit doon sa mga previous chapter na sa Prince Academy nag-aral ng High School
si Ayen at scholar siya doon.
Para po sa mga nakabasa na ng The Falling Game, nabanggit din po doon na sa Prince
Academy nagaaral sina Timi.
At para sa mga nakabasa ng My Prince at kinuwestyon ito dahil akala nila si Arcie
lang ang nagiisang scholar ng Prince Academy, magkaiba na po ng era si Ayen at
Arcie. Nung panahon ni Arcie, iilan lang ang tinatanggap nilang scholar. Sa panahon
nina Ayen, marami na ang scholar na nakakapag-aral sa Prince Academy kasi through
the years, mas naging open sila dito.
So ayun lang. :)

=================

Thirteenth Stanza

Thirteenth Stanza
MIA MILLS.
"This isn't a love song. No, it's more like a plea."
- Leanne & Naara, Again
First rehearsal with EndMira. Dapat excited ako. Dapat kinikilig na ako ngayon at
halos mag palpitate na. Dream come true, eh. Kahit front act lang ako sa gig nila
bukas, iba pa rin yung makakasama ko silang mag rehearse.
I should be happy. Ang aga ko nga eh. Two hours early ako. Pero hindi
ko magawang umakyat. Nandito lang ako sa coffee shop at nagpapalipas ng oras at
kabadong kabado ako. Parang gusto ko nang umuwi.
Sinasabi ko sa sarili ko na nakakatakot nga naman mapahiya sa harap ng
mga idol mo. But I know deep inside that's not the reason.
Kinakabahan ako kay Sir Ayen.
Hindi maganda yung huling paguusap namin. I don't know what the hell
I'm thinking when I asked him to play for me.
I was so down. I feel so lonely. I must be so desperate para mag
request sa kanya nun. At alam kong out of place ang paghiling ko sa kanya na
tugtugan ako.
But still, it hurts me when he turned me down.
Nakakahiya na nakakafrustrate.
Yes, mabait na siya sa akin ngayon. He's a perfect gentleman. Pero
ramdam na ramdam ko ang pag f-feeling ko nung ni-request ko sa kanya yun at
tinanggihan niya ako.
Parang isinampal sa akin na hindi porket mabait sa'yo ang isang tao ay
concern na siya sa'yo at may paki siya sa kung anong nararamdaman mo.
At shit, Mia. Anong karapatan mong mag demand na maging concern sa'yo si Sir Ayen?
Sino ka ba sa buhay niya?
Napabuntong-hininga ako.
Nakakainis naman. Kung kelan namang okay na kaming dalawa tsaka pa ako
gagawa ulit ng bagay na ikakasira ko sa kanya.
Diretso kong ininom ang mint blend tea na nasa harapan ko at bigla naman napaso ang
dila ko.
"Aw."
"Ayan! Hindi nagiingat!"
Napa-angat ang tingin ko sa nagsalita and I saw Jasper Yu smiling
widely at me.
"Hi Mia!"
"Jasper..."
Naupo siya sa tapat ko, "ang aga mo ah?"
Napangiti ako, "medyo excited po."
"Nag handa ka ba ng magandang kanta para sa'min? Mukhang tutok na tutok
si Ayen sa pag pa-practice sa'yo ah?" he gave me a playful smile at napangiti rin
ako sa kanya.
And I want it be a kind smile pero parang hindi ko rin magawang ma-
iangat man lang
"Oh? Bakit ganyan ang ngiti mo?" Tanong niya. "Pinapahirapan ka ba ni
Ayen?"
"Hindi naman po. Hindi. H-he's actually very helpful to me."
"Weh? Sus, I know Ayen. Mahigpit yan pagdating sa pagtuturo. May isa na
ngang napa-quit nung siya ang nag train."
Nanlaki ang mga mata ko, "t-talaga po?"
Ngumisi si Jasper, "oo! Mukha lang mabait yun pero masungit yun. Ako pa
rin ang pinaka mabait at friendly sa EndMira! Pero pansin ko rin naman mabait siya
sa'yo. Siguro dahil babae ka at maganda."
Parang biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi ni Jasper.
Nagagandahan kaya sa akin si Sir Ayen?
Shit, Mia. Ano ba! Paki mo ba? Ano ba yang pumapasok sa isip mo!!
Ni-hindi ka nga niya magawang tugtugan kahit umiiyak ka na sa harapan
niya.
"Uhmm, Jasper....may gusto lang po sana akong itanong. I'm just
curious.."
"Yes I'm single but I cannot hit on you, Mia. Magagalit sa akin si
Ayen. Baka ako ang ma-hit niya sa ulo."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya sa sobrang pagtataka, "h-ha?"
Tinignan niya ako at bigla siyang tumawa.
"Joke lang! Joke lang!" tawang tawa niyang sabi. "So ano ang itatanong
mo?"
Buti na lang talaga ang galing ni Jasper Yu tumugtog ng drums at pogi
pa kaya mahal ko pa rin siya kahit ganyan siya.
"Ahmm.. si Sir Ayen po---"
"--ay single and available."
"Hindi yun!"
"Ay sorry. Akala ko type mo. Oh ano si Ayen?"
"Kasi, curious lang ako.. bakit siya nag quit sa pagtugtog?"
"Ayaw raw niyang ma-invade ang private life niya."
"H-ha?"
"Ewan ko doon. Gusto niya raw ng tahimik na buhay at ayaw niyang
sumikat kaya siya nag quit. Parang timang 'no? Kala naman niya sisikat siya eh ka-
member niya ako? Syempre lahat ng atensyon ng mga girls nasa akin," at tumawa ulit
siya.
"Ayun lang talaga ang dahilan niya?"
"Well, ayun ang sabi niya. Syempre ayaw namin pumayag but he's
unstoppable. Kaya wala naman kaming ibang nagawa kundi tanggapin na lang. He's a
great composer, though. Sayang lang kasi sobrang galing niya talaga sa pagtugtog.
Kung may hinahangaan man ako sa larangan na yun, si Ayen yun."
"Never na po talaga siyang humawak ng gitara after niya mag quit?"
Biglang natigilan si Jasper at napaisip, "hmm come to think of it,
parang hindi ko na nga siya nakitang humawak ng gitara matapos niyang mag quit.
But, I think tumutugtog pa rin naman siya. He's a composer. Kailangan niya yun,
eh."
Tumango lang ako.
Bakit kaya ayaw ni Sir Ayen ma-invade ang private life niya? Dahil ba
doon sa nangyari sa ate niya at baka mahalungkat iyon?
But that's impossible. Alam kong hindi ganun si Sir Ayen.
O ayun ba talaga ang dahilan ng pag q-quit niya?
Maya maya lang din ay nagyaya na si Jasper na pumunta sa rehersal room.
Dumoble na naman ang kaba sa dibdib ko dahil makikita ko si Sir Ayen.
Damn, why am I like this?
Kagabi, halos hindi ako nakatulog kakaisip sa encounter namin ni Sir
Ayen. Nakatingin lang ako sa panibagong panyo na inabot niya sa akin habang ang
sama sama nang loob ko.
At nakakatawa, yung mga sinabi ko kay Sir Ayen ang paulit ulit na nag
p-play sa utak ko nung gabing yun at hindi yung eksena namin ni Sam sa coffee shop.
Yung mas hiyang hiya ako sa pinagsasasabi ko kay Sir Ayen kesa sa mga
nasabi ko kay Sam.
Ang ganda nga namang distraction sa heartache ni Sir Ayen.
Pero bakit parang mas heartbroken pa ako ngayon dahil sa kanya?
Nakakainis.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging ganitong ka-emo.
"So ayun na nga, tingin ko ang unfair talaga kasi ang gwapong tulad ko,
nasa likod naka-pwesto. Minsan hindi pa ako napapansin doon. Kaya nag-re-request
ako na ilawan ako kasi kawawa naman yung mga fans na pumupunta sa mga concerts at
gigs namin na gusto akong masilayan, 'di ba?" kwento ni Jasper habang nakasakay
kami sa elevator.
Tumango na lang ako.
Gwapo talaga siya at aware na aware siya doon. Sana mainlove siya sa
isang babaeng kaya siyang sapakin.
Hindi ko magawa eh kasi idol ko rin siya. Kainis.
Nag bukas ang elevator at lumabas na kami ni Jasper doon. Pag kaliwa
namin, agad akong napatalikod at nagtago sa gilid ng fire exit. Takang taka naman
akong sinundan ni Jasper.
"Oh Mia, bakit ka biglang nagtago?"
Shit. Shit talaga!
Si Sam. Nandito si Sam.
And he's with Natasha.
Ano ba. Ayoko siyang harapin! Ano ba!
"Pinagtataguan mo ba yung lalaki doon?" tanong niya.
Infairness, ang dali niyang makahalata ah?
Tumango ako.
"Bakit? May utang ka ba sa kanya?"
Umiling ako.
Shit. Paano ba ako lalabas?
Then, an idea hit me.
Napatingin ako kay Jasper at napangiti.
"J-Jasper, can you do me a favor?"
"Ano yun?"
"Kasi.. yung lalaki doon.. actually, h-he's my...crush."
Napatango siya, "o—kay?"
"Kasi, ano, gusto ko sana siyang i-invite sa gig niyo para mapanuod
niya rin akong tumugtog pero nahihiya kasi akong lapitan siya. P-pwede mo ba siya
i-invite para sa akin?"
Napangiti nang malawak si Jasper, "sure! Yun lang pala, eh!"
Tumalikod na siya at lalapitan na sina Sam kaya lang hinawakan ko yung
braso niya.
"Ah, w-wag mo na lang sabihin na ako ang nag i-invite."
"Don't worry, I got this," sabi niya sabay kindat.
Sinilip ko sina Sam habang papalapit sa kanila si Jasper. Hindi ko
marinig ang sinasabi ni Jasper pero kita kong napangiti si Natasha at Sam.
Nagtatatalon pa si Natasha sa tuwa. After nun, umalis na yung dalawa at lumabas
naman ako.
"Pupunta raw sila at excited na sila."
I smiled at him, "thank you, ah?"
Pupunta sila. Mapapanuod nila ako.
Sana magsisi kayo sa mga ginawa niyo.
"No worries," he winked. "Pero type mo talaga yun? Mas pogi si Ayen
dun."
"Ay naku po, lagi mo na lang ako inaasar kay Sir Ayen."
Napatawa si Jasper, "shit. Nahalata mo na 'ko. Pero wala bang pagasa si
Ayen sa'yo?"
Napatawa rin ako, "baka ako pa po ang walang pag-asa sa kanya."
Napakamot siya sa likod ng ulo niya, "yung isang yun kasi puro pagkain
ang inaatupag. Di bale, kung sakali mang maisipan mong magustuhan si Ayen, lumapit
ka lang sa akin at tutulungan kita."
Tinawanan ko na lang si Jasper.
Aminado ako na hindi malabong mangyari yun. Yung ma-fall ako kay Sir
Ayen?
But as much as possible, ayoko muna. Ayoko munang ma-fall kahit kanino.
Ngayon nga, hirap na hirap akong makapag move-on, maiisipan ko pa bang
ma-inlove ulit?
Ayoko muna.
Pumasok na kami sa rehersal room at dahil medyo maaga-aga pa, si Geo pa
lang ang nandoon.
"On the way na si William," sabi niya sa amin. "Si Ice naman nandyan
na, nag p-park lang."
"Eh si Ayen?" tanong ni Jasper.
"Hindi makakapunta, eh."
Parang bigla akong nalungkot sa sinabi niya.
Wala si Sir Ayen ngayon. Bakit kaya? Dahil ba doon sa mga
pinagsasasabi
ko sa kanya kahapon?
"Ha? Aba. First time. Ba't wala yung mokong na yun?" tanong ni Jasper
kay Geo.
"Ay naku, may date daw siya ngayon."
"Date?!" sabay na sabi namin ni Jasper.
"Oo. Nagulat din ako!"
"Sino?!" tanong ni Jasper.
He shrugged, "ayaw sabihin, eh."
My heart sinks.
May ka date si Sir Ayen. May lovelife pala siya. Sabi niya sa akin, he
never had a girlfriend. Pero sa pogi niyang yun, impossibleng wala nagkakagusto sa
kanya. At impossibleng wala siyang nagugustuhan.
Sino kaya ang ka-date niya?
Si Timi?
I remember the way Sir Ayen looks at Timi nung nandoon kami sa
restaurant niya.
Baka siya yung ka-date niya? Baka sila na?
"Luma-lovelife si Ayen? Nang hindi natin nalalaman?" takang taka na
sabi ni Jasper.
"Hayaan mo na yung tao. Baka ayaw pa niya i-share. Magsasabi rin yan."
"Pero pakiramdam ko talaga may babae 'tong si Ayen, eh. Naalala mo yung
lipstick stain sa polo niya?" tanong ni Jasper.
"Oo!" natatawa-tawang sabi ni Geo. "Yung hindi niya maipaliwanag sa
atin kung bakit nagkaroon ng lipstick stain sa bandang dibdib nung polo niya."
At nagtawanan yung dalawa.
Habang ako, nandito sa isang gilid, tahimik at ramdam na ramdam ko ang
paginit ng mukha ko dahil parang alam ko ata kung sino yung naglagay ng lipstick
stain nay un sa polo ni sir.
"Baka yun yung ka-date niya ngayon!" sabi ni Geo. "Pero ayos na rin at
least hindi puro pagkain at trabaho ang nasa isip ng kaibigan natin na yan."
Napabuntong hininga ako.
Sana nga yun yung ka-date niya ngayon. Kaso hindi.
Shit.
Bakit nalulungkot ako?
~*~
JARREN REYES
"You bleed just to know you're alive."
- Goo Goo Dolls, Iris
"Oh musta ang practice? Nag i-start na ba?" tanong ko kay Geo mula sa phone.
"Oo, naka break lang kami saglit. Musta date?"
Natawa ako sa kanya, "susunduin ko pa lang siya. Nandito ako sa office,
may dinaanan lang."
"Oh? Daan ka rito."
"Hindi na. Medyo nagmamadali rin ako."
"Sus. Grabe ka. Pinagpapalit mo kami sa babae."
Napatawa ako nang mahina, "sorry na. Importante siya sa akin, eh."
"Oo na. Oo na. Sige na."
"Ah, Geo... kumusta diyan si Mia?"
"Okay naman siya rito. Masaya naman siya sa amin. Okay rin ang pagkanta
niya, inaalalayan namin siya."
Medyo nakahinga ako nang maluwag.
"Kayo muna bahala sa kanya, ah?"
"Wag kang mag-alala. Hindi namin pababayaan si Mia. Pero ikaw ha,
masyado kang concern sa kanya."
Natahimik ako.
Hindi ko nga rin ba alam kung bakit.
"Basta bantayan niyo na lang siya."
"Oo na. You want to talk to her?"
"Ah, wag na. I have to go."
"Sige pre, ingat ka."
We ended the call.
Sa totoo lang, gusto ko talaga silang silipin pero nahihiya ako kay Mia
dahil sa inasal ko kahapon. Ang gago ko lang kasi. Iniwan ko siya na umiiyak doon
kahapon.
I badly want to comfort her, but I can't. Kung kaya ko lang ang
hinihiling niya sa akin, ginawa ko na.
Gusto kong tumugtog. Gusto ko siyang tugtugan para maging okay na siya.
Pero paano?
Ni hindi ko magawang masabi sa kahit kanino ang nangyari sa kamay ko.
Alam ko kasi na pipilitin nila akong tumugtog. Alam kong sasabihin nila na may
pagasa pa. Alam kong pauulanan nila ako ng mga positibong bagay katulad ng pag
nagsumikap ako, babalik din ulit sa dati ang kamay ko.
Pero hindi, eh. Hindi ganun yun.
Sinubukan ko na yan. Sa ilang espesyalista na ako nagpatingin. Ilang
beses na akong nag practice, pero wala.
Dahil nga may diperensya na ang kamay ko, bukod sa hindi na maganda ang
tunog na lumalabas sa gitara, hindi ko matagalan ang pagtugtog dahil nararamdaman
ko agad ang pananakit ng kamay ko.
I compose songs using technology at nakakalungkot. Kasi gusto ko rin
tugtugin ang mga isinusulat ko.
Pero kung hindi ko nga magawang i-comfort ang sarili ko sa nangyayari
sa akin, paano ko pa i-cocomfort si Mia sa mga pinagdadaanan niya?
Lumabas na ako sa opisina ko at nakita ko naman si Gerard, isa sa mga
road managers dito. May kasama siyang lalaki na may katangkaran, ragged looking
pero hindi maangas ang dating.
Natigilan ako.
Kilala ko 'tong lalaking 'to. Nakita ko na siya sa phone ni Mia nung
lasing na lasing siya. Iwinawagayway niya sa mukha ko ang picture ng ex niya.
Si Sam.
"Oh Sir Ayen!" bati ni Gerard. "Nakuuu ipapakilala ko sa'yo ang bagong
alaga ko!"
Hinatak niya palapit sa akin si Sam na ngiting ngiti.
"Si Sam nga pala, magaling na gitarista yan!"
"Oh.. talaga?" tinignan ko siya ng seryoso ang mukha. Pero nakangiti
siya.
"Kumusta po sir? Sam po," nakipagkamay siya sa akin.
"Si Sir Ayen, magaling na gitarista dati yan!" sabi ni Gerard.
"Ah, opo, kilala ko yang si sir. Idol na idol yan ng...ng kaibigan ko."
Ni Mia, baka ibig mong sabihin. Yung babaeng sinaktan mo.
"Edi maganda! Sir Ayen, baka naman bet mo ring i-train itong bago kong
junakis? Magaling siya! Promise, hindi sasakit ulo mo sa kanya."
Nakita kong hopeful si Sam na nakatingin sa akin. Mas sumeryoso ang
itsura ko.
"Hindi, eh. Focus kasi ako ngayon kay Mia. Gusto ko si Mia lang ang i-
t-train ko muna."
"Ay sayang naman," sabi ni Gerard.
"Sir.. Mia, as in Mia Mills po ba?" tanong niya.
"Oo, si Mia Mills. Very talented girl. I adore her. Kilala mo siya?"
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero hindi ko inaasahan ang
sumunod niyang reaksyon.
Ngumiti siya. Tunay na ngiti at kita ang saya sa mga mata niya.
"Talaga?! You're training Mia?! Siya yung tinutukoy ko na idol na idol
ka! Naku sir, hindi ka magsisisi sa pag t-train sa kanya. She's really a very
talented girl! At hindi lang magaling kumanta, pakinggan niyo siyang tumugtog,
magaling din siya. Actually, she can also play the piano and violin. Onting
practice lang, magagamit din niya yun. Alagaan niyo siya, sir ah? Alam kong sisikat
siya."
Napatango na lang ako at parang ako pa ang nabigla sa reaksyon niya.
"Tsaka, mabait yun, si Mia," pagpapatuloy ni Sam. "She's very down to
earth. Yun nga lang nerbyosa. Kailangan mo lang siyang bigyan ng mga encouraging
words lalo na kung mag p-perform siya. Madaling manlamig ang kamay niya bago mag
perform dahil sa nerves niya kaya kung tutugtog siya, find someone who could hold
her hand para mawala ang panlalamig nito. O kaya bigyan niyo siya ng mainit na
tsaa. Pero pag nakapag perform naman siya ng maayos, hahanga ka sa kanya."
Tumango ako and I observe him.
"Mukhang kilalang kilala mo siya, ah?"
"Ah...n-nagkasama lang kami dati.."
"Ah, I see."
"Ay beh, ma-l-late na tayo sa appointment natin!" sabi ni Gerard kay
Sam. Ibinalik niya sa akin ang tingin niya, "sige Sir Ayen una na kami ha?"
"Sige."
Umalis na yung dalawa.
Napatingin ako kay Sam habang naglalakad sila papalayo.
Does he still love Mia?
Gagong yun. Kung mahal niya pala talaga eh bakit niya niloko?
Pero kung babalikan ba niya si Mia, makikipagbalikan ba ito sa kanya?
Napabuntong hininga ako.
Alam kong oo ang sagot.
Pero bakit parang gusto ko na lang na makapag move on na sa kanya si
Mia?
To be continued...

Use hashtag #BrokenMelodyByAly if you're tweeting something about this story para
mas madali ko pong. Nag re-retweet kasi ako kung minsan :) 

=================

Fourteenth Stanza

 Fourteenth Stanza
MIA MILLS.
"Nobody said it was easy. No one ever said it would be this hard."
- Coldplay, The Scientist
"Ayan, you're so maganda na!" sabi sa akin ni Sammie matapos niya akong ayusan.
"Thank you, Sammie. Sorry ah? Sa'yo pa talaga ako nagpaayos."
"Keribells lang, 'nu ka ba! For sure kapag sumikat ka na and you finally have your
own make-up artist, itchepwera na ang talent ko sa pag m-make up."
"Loka. Pag nangyari yun, 'di mo na rin ako maayusan kasi masyado ka nang busy sa
dami ng mga photoshoot mo. Baka nga artista ka na rin nun."
"Or beauty queen!"
Napatawa ako, "gusto ko 'yan!"
Nagtawanan kaming dalawa.
"Sorry Mia, ah? I can't go to your concert."
"Loka, hindi ko naman concert yun. Front act lang ako sa gig ng EndMira."
"But still! EndMira pa rin yun. For sure dagsa ang mga tao mamamay. Kaya ikaw,
galingan mo, ah? Ask your baby Ayen to take a video of you para mapanuod kita!"
Napangiti ako, "magkaaway kami ngayon. Tsaka hindi ko siya baby. Magtigil ka nga."
"Ay sus, lovers quarrel ang peg. Pero sayang talaga. Kung 'di lang malaking
opportunity itong pupuntahan kong shoot, sasamahan talaga kita. Crush ko pa naman
yung cutie nilang gitarista. Si William?"
"Di bale, marami pang pagkakataon."
"Yeah, kaya galingan mo para isama ka ulit nila. Tsaka dapat bigay todo ka doon ah?
Dapat performance level! Yung tipong front act ka lang pero ang performance mo pang
grand concert na!"
Natawa na lang ako sa sinabi ni Sammie.
Honestly speaking, kinakabahan ako ng sobra ngayon. Yung kaba na parang any minute,
gusto ko nang mag back out. Pero dahil kay Sammie, medyo nawawala ang kaba ko.
Kaso paano na lang ako mamaya kapag wala siya?
Maya maya lang din ay nagpaalam na ako sa kanya. Talking to her calm my nerves pero
ngayon na nasa byahe na ako papunta sa event's place, nanginginig na ang mga tuhod
ko.
Isang high-end bar yung lugar. Puntahan ng mga elites. Usually na nag g-gig dito ay
mga kilala ring mga banda.
Ibinaba ako ng cab sa entrance ng bar.
Nandito pa lang ako sa labas, grabe na agad ang kaba ko. Ni hindi ko makuhang
maglakad papasok. Para bang na glue ang paa ko sa sahig.
Napapikit ako at parang nag flashback na naman ang mga nangyari sa akin noon sa
States.
Gabi. Nagaway kami ni daddy kasi nagpaalam ako sa kanya na sasama na ako kay Sam sa
Pinas. Naglasing ako. Puno ng alak at usok ang lugar. Nasa bar ako. I'm so wasted.
I think someone slipped a drug on my drink. Pumunta ako sa kotse ko at nagmaneho
pauwi. I lost control of the wheel. Bumangga ako sa puno. Nagising ako sa ospital.
Sabi nila, I almost died that night. Sabi nila, nung kinuha nila ako sa koste ko,
few inches away na lang from my throat yung isang matulis na sanga ng puno na
pumasok sa loob ng kotse ko. Kung nagkataong tumusok sa akin yun, maaring patay na
ako ngayon. Or kung hindi man, hindi na ako nakakapagsalita.
Napahawak ako sa leeg ko.
I almost lost my voice that night. I almost lost my life. Kaya ayoko na ng alak o
ng usok. Ni ayoko nang mag drive ng kotse.
Napatingin ako sa malaking sign board ng bar.
Hindi ako mapakali. Hindi pa ako nakakapasok sa loob pero parang mauubusan na agad
ako nang hininga.
Kinakabahan na nga ako dahil mag p-perform ako mamaya, mas dumoble pa kasi hindi ko
malaman kung paano ko hihilahin ang sarili ko papasok sa bar.
Hindi pa ulit ako nakakapasok dito ng walang kasama. Usually hinahawakan ni Sam ang
kamay ko at pinapakalma niya ako para makapasok ako sa loob.
Si Sam. Hindi ko na pwedeng i-asa sa kanya ang mga bagay na yun kasi iniwan niya na
ako.
Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng skirt ko at hinawakan ang panyo ni Sir Ayen---
yung bago niyang pahiram sa akin.
Dapat isososli ko sa kanya 'to but I found myself keeping it inside my pocket.
Siguro pwede ko naman hiramin kahit hanggang ngayong araw lang? Kahit hanggang sa
matapos lang ito.
I just want something to hold on to.
Biglang may tumapik sa likod ko at halos mapatalon ako sa gulat. Agad ko itong
nilingon at nakita ko ang seryosong mukha ni Sir Ayen na nakatingin sa akin.
"Ba't 'di ka pa pumapasok?" tanong niya.
"A-ah, kasi po---"
"Let's go. Kailangan pang mag handa."
Nauna siyang maglakad sa akin at ako naman, naka-sunod lang sa kanya.
Galit pa rin siya. Ang sungit na naman niya, eh. At kung makatingin na naman sa
akin akala mo inagawan ko siya ng pagkain. Kunot na kunot ang noo. But shit, he's
still handsome as fuck.
Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Ang OA ko nung huli naming pagkikita.
Paiyak iyak pa ako habang nirerequest sa kanya na tugtugan niya ako.
Ano ka Mia? Girlfriend?
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at ngayon lang nag sink in sa akin ang mga
pinag gagagawa ko.
Shit na 'yan.
To think na ginawa ko pa yun nung mga panahong hindi ako lasing. I'm completely
sober. Nakakahiya pala talaga.
Ano kaya ang mga bagay na tumatakbo sa isip ni Sir Ayen ngayon? For sure inis na
inis pa rin siya sa akin. Siguro this time, forever na siyang turn off.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong kanina pa kami nakapasok sa loob ng
bar. Nadaanan na namin ang stage nang hindi ko namamalayan at ngayon ay papasok na
kami sa backstage.
Sobrang lumilipad ang isip ko sa kakaisip sa kanya to the point na hindi ko na
kinailangan pang pwersahin ang sarili ko na pumasok sa loob ng bar.
At ngayong nandito na ako sa loob, yumuko ako at dire-diretsong nag lakad. For the
sake na hindi ko makita ang stage, ang mga tao, ang disco balls at ang mga alak.
Makakadagdag lang 'yan sa kaba ko ngayon.
"Aw!"
Napahinto ako sa paglalakad kasi bumangga ako sa dibdib ni Sir Ayen.
Napa-angat ang tingin ko sa kanya and he's looking at me seriously.
Medyo napa-atras ako nang bahagya kasi masyado akong malapit sa kanya.
"S-Sir...?"
"You invited them."
"Huh?"
Tumingin si Sir Ayen sa bar area at sinundan ko naman ang tingin niya doon. Nakita
kong nakaupo doon si Sam at umiinom kasama si Natasha.
So nandito na pala ang ahas at ang nagpa-ahas.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at hindi ko sinagot si Sir Ayen.
"Are you planning something, Mia?" tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya and he's looking at me na para bang nahihibang na ako.
Yung mga mapanghusgang tingin na naman niya.
"Opo. Ano naman pong masama kung inimbitahan ko sila? Gusto kong makita nila akong
mag-perform. Masama ba yun?"
Napabuntong hininga si Sir Ayen at napailing siya na para bang isa akong malaking
kunsumisyon sa kanya.
Medyo nakaramdam ako ng inis.
"This is the first night you're going to sing as a solo artist. I just thought you
want to dedicate this night for yourself and not for those people who have hurt
you."
Matapos niyang sabihin yun ay tinalikuran na niya ako at pumasok siya sa loob.
Great.
Sinundan ko siya papasok ng backstage at hinawakan ko siya sa braso kaya naman
napatingin siya sa akin.
"Sir Ayen, I really appreciate all your efforts sa pagtuturo sa akin pati na rin sa
pakikinig sa akin. Sobrang thankful ako sa'yo sa maraming bagay. Pero kasi ito,
personal na bagay ko na 'to at tingin ko naman kung sino man ang inimbitahan ko
ngayong gabi at kung ano man ang dahilan ko sa pagkanta eh labas ka na doon."
Nung una ay blangko ang expression niya sa mukha, hanggang sa kumunot ang noo niya
at biglang....biglang namula ang tenga niya.
Eh?
"Ay nagaaway ang mag shota."
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Jasper Yu at napatingin ako sa kanya.
Nakita ko siyang ngiting ngiti sa amin ni Ayen at katabi niya sina Geo at William
na pareho ring ngiting ngiti sa aming dalawa.
"Yun oh! May LQ!" pangaasar ni William
This time, hindi na lang si Ayen ang pulang pula kundi ako na rin.
Shit naman! So narinig nila lahat nang sinabi ko? Hindi talaga ako namimili ng
lugar kung saan ako magda-drama 'di ba?
Nakakahiya!
Tumayo si William at nilapitan si Sir Ayen tsaka tinapik sa braso.
"Pre, wag ka masyado mag selos sa mga iniimbita ni Mia. Kaw talaga."
"L-loko, hindi... Wag nga kayong magulo," medyo naiinis na sabi ni Sir Ayen.
"Mia, binabakuran ka na ba nitong si Ayen?" tanong naman sa akin ni Geo.
"H-hindi po..."
"Ha? Hindi pa?!" gulat na gulat na sabi ni Jasper. "Naku, bilisan mo na Ayen at
baka maunahan ka nung crush ni Mia na ininvite niya ngayon."
Shit. Love ko si Jasper pero gusto ko siyang sapakin ngayon. Bakit kailangan niyang
i-bring up yan?!
Napatingin ako kay Sir Ayen at mas lalong kumunot ang noo niya.
"Yun oh! Kilos kilos din, pre!" pangaasar ni William at nagtawanan sila.
"Hindi ko crush yun!" pag d-depensa ko.
"Sabi mo crush mo! Kaya nga pina-invite mo pa sa akin," sabi ni Jasper.
Ayoko na pala sa kanya. Hahanap na ako ng ibang idol na drummer.
Napatingin ako kay Sir Ayen at nakatingin siya sa akin. Baka sang disappointment sa
mga mata niya.
My heart sinks.
Tumalikod si Ayen, "labas muna ako." At bago pa siya mapigilan, dire-diretso na
siyang lumabas.
"Luh, anyare doon?" tanong ni Jasper.
"Napikon," sabi ni William.
"Kasi kayo inaasar niyo, eh," tatawa tawanag sabi naman ni Geo.
"Nag-selos yun," sabi naman ni Ice na kanina lang eh tatahi-tahimik.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Hindi siya nagseselos. Naiinis siya kasi ang tanga tanga ko.
~*~
"EndMira! EndMira! EndMira!"
Napasilip ako sa mula sa backstage at nakita kong ang dami nang tao sa labas na
nagaantay sa EndMira.
Akala ko simpleng gig lang 'to. Pero punong puno ang bar.
Wala nga palang simple pag dating sa Endless Miracle.
Dati, nung mga baguhan pa lang sila, halos wala ring nanonood sa kanila. Ngayon,
halos magpatayan na ang mga tao mapanood lang sila.
Feeling ko kung hindi ako tutugtog ngayon, malamang isa rin ako sa crowd na
nagaantay sa EndMira.
"Mia, in fifteen minutes, aakyat ka na sa stage, ah? Standby ka na," sabi nung
organizer. "Naka-set up na rin yung stage."
Tanging tango lang ang na-isagot ko sa kanya.
Napahinga ako nang malalim at napatingin ako sa pader na nasa tapat ko. Unti-unting
nag mute sa tenga ko ang ingay sa paligid at para akong nabingi. Para rin
nagdidilim ang paningin
ko at tanging naririnig ko lang ay ang malalim kong paghinga.
Kinakabahan ako. Madalas mangyari sa akin 'to pero ito na ata ang pinaka malala sa
lahat.
Shit, I am having panic attacks and I feel so alone right now.
Tama ba 'tong pinasok ko? Kaya ko ba talaga?
Parang ayoko na ata.
Sabihin ko na kaya sa kanila na hindi maganda ang pakiramdam ko?
Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko at parang nagliwanag bigla ang
paningin ko. Nakita ko si Sir Ayen na nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa akin.
Binitiwan niya ang kamay ko at may iniabot siya sa akin na cup.
"Chamomile tea? Sorry hindi ko natanong kung anong gusto mo."
Nanginginig ang kamay inabot yung tea at bahagya akong napangiti sa kanya.
"T-thank you po."
Muntikan ko nang mabitiwan yung tea dahil sa sobrang panginginig ng kamay ko kaya
naman inilapag ko na lang ito sa tabi ko.
"Uhmm, mamaya ko na lang po iinumin."
Hindi umimik si Sir Ayen at nakatingin lang siya sa akin. Napaiwas ako kasi para
akong matutunaw sa tingin niya.
Nakakadagdag sa kaba, sa totoo lang.
"Mia, relax," muli niyang kinuha ang magkabila kong kamay at hinawakan niya ito
nang mahigpit. "Nanlalamig ang mga kamay mo. Calm down. Hindi ka kakainin ng mga
tao sa labas."
My heart stopped beating at natuon na lang ang atensyon ko sa kamay niya na
nakahawak nang mahigpit sa kamay ko.
Uhmm...parang nauubusan na talaga ako ng hininga pero feeling ko this time hindi na
ito dahil sa kinakabahan ako.
"Mia?"
Hindi ako makasagot sa kanya.
"Mia," binitiwan niya ang kamay ko at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
Inangat niya ang ulo ko at tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata.
I think I'm going to die.
Napaiwas agad ako nang tingin. Natutunaw ako, eh.
"Mia, look at me."
Paki-explain kung paano ko siya titignan nang hindi ko ikamamatay?
"Mia, alam kong nakakatakot at nakakakaba. Pero 'di ba ito ang gusto mo? Ang mag
perform sa harap ng maraming tao? Kahit masungit ako sa'yo, alam kong magaling ka
kaya alam kong makakapag-perform ka nang maayos ngayon."
Napalunok ako at pilit iniiwas ang tingin kay Sir Ayen. Hindi ko na naiintindihan
ang mga sinasabi niya. Hindi nag si-sink in sa utak ko. Masyado akong na-di-
distract sa mga kamay niyang nakahawak sa magkabila kong pisngi at sa mga tingin
niya sa akin.
Ang init ng kamay niya. Feeling ko may kuryenteng lumalabas doon kasi parang
kinukuryente ako eh. At bakit ganyan siya makatingin? Ganyan siya palagi. Kapag
kausap ko siya, grabe tingin niya. Yung talagang sayo lahat ang focus niya. At
pakiramdam ko, kitang kita niya ang kabuuan ng mukha ko. Nananalangin na lang ako
na hindi ako namumula ngayon.
Shit. May pimple pa naman ako sa may baba. Bwisit. Sana natago ng concealer yun.
Sana hindi halata. Nakakahiya!
"Mia..." inalis ni Sir Ayen ang pagkakahawak niya sa mukha ko at ipinatong niya ang
mga kamay niya sa balikat ko. "Bakit hindi ka nagsasalita? Please talk to me."
Lumunok ako, pero parang nawala bigla ang boses ko.
Paano nga ulit magsalita.
"Hey, Mia. Kaya mo yan, ha? Kaya mo yan. Kapag nakapag perform ka ng maayos,
ililibre kita ng dinner."
Dinner date?!
Biglang nawala ang kaba sa dibdib ko at napangiti na lang ako.
"G-gagalingan ko po!"
Napangiti rin siya. Shit, heaven.
"Good!"
"Mia, on stage na po!" sabi nung organizer.
Napapikit ako. Shit. This is it.
Tumayo si Sir Ayen and he offered his hand to me. I held his hand and he lead me
paakyat ng stage.
"Goodluck. Show them what you got," he whispered then he gently pressed my hand
before he let go.
Umakyat ako sa stage at pumwesto.
"EndMira! EndMira! EndMira!" sigawan ng mga tao.
Lumapit ako sa tapat ng mic at isinukbit ko sa balikat ko ang gitara.
Napahinga ako nang malalim then, I introduce myself.
"Hi guys, I'm Mia Mills! Bago po natin mapakinggan ang EndMira, gusto ko muna
kayong handugan ng isang awitin!" masigla kong sabi kahit deep inside, nanginginig
ako sa kaba.
"EndMira na! Mamamaya ka na!" rinig kong sabi nung isa.
"Oo nga!"
"EndMira! EndMira! EndMira!"
Bigla akong pinanlambutan ng tuhod. Para akong na freeze sa harapan nilang lahat.
Kita ko sa mga gestures nila na pinapaalis nila ako sa stage.
Shit shit shit. Nanlalamig ako. Shit. Nabablangko utak ko. Paano ba? Ano bang
gagawin ko? Hindi ko matandaan ang chords nung kakantahin ko. Teka, ano nga ulit
ang lyrics ng kakantahin ko?
Kinakabahan ako.
"EndMira na! EndMira!"
"Boo! Alis na diyan!"
"Wag ka na! EndMira pinunta namin dito!"
"EndMira! EndMira! EndMira!"
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.
Teka... bababa na lang ako.
Hindi ko kaya.
Hindi talaga. Ayaw naman nila akong pakinggan. Pinapaalis naman nila ako.
Aalis na lang ako.
"Go Mia! Go Mia!"
Napa-angat ang tingin ko at nakita ko si Sir Ayen sa pinaka harapan na isinisigaw
ang pangalan ko.
Sinenyasan niya ako.
'Look at me. Just look at me'
Napalunok ako and I started strumming the guitar. Hindi ko inaalis ang tingin ko
kay Sir Ayen.
"I'd never gone with the wind.
Just let it flow.
Let it take me where it wants to go."
The whole song, people are shouting na tapusin ko na agad ang kanta ko. Na gusto na
nilang marinig ang EndMira. Na ang tagal nilang nag intay at cause of delay lang
ako.
And I tried my best to mute them. I tried my best na tapusin ang kanta.
Tinitigan ko si Sir Ayen. The whole song, sa kanya lang ako nakatingin dahil alam
kong sa dinami-rami ng tao rito, siya lang ang nakikinig sa akin.
Pinilit kong tapusin ang kanta. At nang tuluyan kong matapos ito, nag bow ako sa
harap nilang lahat at dali-dali akong tumalikod at naglakad pababa sa stage. Kaya
lang nakalimutan kong alisin ang pagkakasukbit ng gitara sa balikat ko, and because
of that, I tripped and fall flat on my face---sa stage, sa harap ng maraming tao.
And that is the time na kumawala na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ko alam kung paano ako tatayo sa kinalulugaran ko dahil dinig ko ang lakas ng
tawanan ng mga tao.
Sobrang nanliliit ako ngayon at nanginginig at para akong nauubusan ng hininga.
Naramdaman kong may umalalay sa akin patayo. That person lead ma papunta sa
backstage.
At nang makaalis ako sa mata ng maraming tao, napaluhod na lang ako dahil sa
sobrang panlalambot at napahagulgol sa pagiyak.
Siguro nga kaya ako ganito, kaya ganito kababa ang self-confidence ko, siguro kasi
may natural talent ako sa pagpapahiya ng sarili ko sa harap ng maraming tao.
To be continued...

=================

Fifteenth Stanza

Fifteenth Stanza
MIA MILLS
"One day I'll forget about you. You'll see I won't even miss you.
Someday...someday."
- Nina, Someday

"Nakakatawa si Mia. Pumiyok siya habang kumakanta. Sabi na dapat si Stacey na lang
yung pinakanta nung convocation natin, eh!"
"Hindi naman magaling si Mia, nadaan lang sa pa-sweet. Mas magaling pa
rin si Faye kesa sa kanya."
"Mia, I told you, stop this non sense! You are telling me you're giving
up college to pursue singing? Are you out of your mind?! You don't have any future
in that field!"
"Lagi kang kinabahan kapag kumakanta ka. Lagi kang natatakot. Nahihila
mo pababa ang banda..."
Napatakip ako ng tenga.
Ang daming boses. Napakaraming boses. Hindi ko na marinig ang sarili
ko. Gusto kong magtago sa isang tahimik na lugar pero alam kong kahit gaano pa
katahimik ang lugar na puntahan ko, patuloy ko pa rin maririnig ang mga boses na
yun.
They are all inside my head.
Nung highschool ako, kumanta ako sa isang event sa school namin.
Nagkamali ako sa harap ng maraming tao nun at pinagtawanan nila ako. After that,
hindi na nakalimutan ng mga ka-schoolmates ko ang nangyari. Lagi nilang inaasar sa
akin yun. Paulit ulit pinapaalala ang most embarrassing moment ko. At nakakatawa?
Kada kakanta ako, they are all expecting na magkamali ako.
Doon ko unang nakuha ang stage fright ko. Dahil sa nangyaring yun, lagi
akong kabado mag perform dahil baka magkamali ako. At sa sobrang kaba ko,
nagkakamali nga ako.
After ko mag highschool, lumipad ako sa States kasama ni mommy para
doon na tumira with my dad. Akala ko pagdating ko doon, ma-c-cure ko na ang stage
fright ko. Bagong lugar, eh. Walang nakakakilala sa akin. Hindi nila alam ang
history ko.
But I was wrong.
Kapag pala naging traumatic sa'yo ang isang bagay, wala ka nang takas
dito. Kahit saan ka magpunta, dala dala mo pa rin ang experience na yun.
Umabot sa punto na halos hindi ako makahawak ng mic at ayoko nang
kumanta. But then I met Sam. Siya ang nag push ulit sa akin para gawin ang bagay na
mahal ko. Lagi siyang nakaalalay sa akin. Sinusuportahan niya ako. Nawawala ang
kaba ko kapag kumakanta ako sa stage kasama siya dahil sa kanya lang ako
nakatingin. At dahil doon, mas minahal ko ang musika. Alam kong wala na akong ibang
gustong gawin kundi ang tumugtog.
Sinabi ko sa daddy ko yung bagay na yun.
Pero ang nakakalungkot? Kahit siya mismo ay naniniwala na hindi ako mag
s-succeed dito.
I hate my dad for that. Ipinipilit niya sa akin ang pangarap niya pero
hindi niya pinagbibigyan ang pangarap ko.
Pero ngayon naisip ko, what if tama talaga siya? What if wala naman
talaga akong future sa pagkanta?
What if ang pinakamagandang gawin ngayon ay sumuko na lang at umuwi?
"Mia?"
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at inangat ko ang tingin ko.
I was expecting Sir Ayen pero nagulat ako nang makita ko na si Sam ang
nasa harapan ko.
Napaatras ako sa kanya at tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa
balikat ko.
"Don't touch me."
"Mia---!"
Tinalikuran ko siya, "I don't want to see you. Pwede bang umalis ka?"
Nasaan si Sir Ayen? I need him. I badly need him. Siya lang ang gusto
kong makausap at makita. Nasaan siya?
Napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong yakapin ni Sam mula sa
likod. Agad akong pumiglas at pilit kumawala sa kanya pero ang higpit nang
pagkakayakap niya sa akin. Ayaw niya akong bitiwan.
"Let me go! Ano ba! Lumayo ka sa akin!!"
"Mia. I'm so sorry Mia. I'm sorry. I'm sorry."
I heard his voice broke. Naramdaman kong nanginginig siya at narinig
kong umiiyak siya ngayon sa likuran ko.
Napaiyak din ako.
How dare he?
How dare he cried kung siya ang nangiwan? Siya ang nagloko? Siya ang
unang sumuko?
Bakit napaka-dali sa kanya ang humingi ng tawad sa akin?
Akala niya ganun ganun lang yun.
Humarap ako sa kanya at sinampal ko siya ng malakas.
"I hate you," nanginginig kong sabi sa kanya. "Sobrang sakit nang
ginawa mo, Sam. Sobrang sakit."
Pinaghahampas ko siya habang patuloy akong umiiyak. "I hate you. I hate
you so much. I really, really hate you!"
Paulit ulit kong sinasabi kay Sam ang mga bagay na yun. Tahimik lang
siya. Tinatanggap niya lahat ng hampas ko. Lahat ng masasakit na salitang
binibitiwan ko. Hanggang sa manlambot ako. Hanggang sa mapaupo na lang ako sa
harapan niya.
Naririnig ko ang ingay sa labas. Nasa stage na ang EndMira kaya naman
kaming dalawa lang ni Sam ang nandito.
Nasaan si Sir Ayen? Please, dumating ka na. Ilayo mo ako kay Sam kasi
kung hindi...baka magmakaawa na naman ako sa harapan niya.
"You're right," pahikbi hikbi kong sabi sa kanya, trying to calm myself
down. "Hindi ko kayang mag perform dahil sa ganitong personality ko. Tama ka nga.
Nakita mo naman sa harap mo ang nangyari, di ba? Congratulations, tama ka ng
desisyon na tanggalin ako. Kaya wag mo akong iyakan ngayon, Sam. Wala kang
karapatan."
Tumango si Sam at naupo siya sa tabi ko. Pilit pinipigilan ang muling
pagbagsak ng luha sa mga mata niya.
"Kahit ganun ang nangyari kanina, I just want you to know, you did
great, Mia."
Nilingon ko si Sam at napayuko siya. Hindi niya kayang salubungin ang
mga tingin ko.
"Why are you saying that? Why are you praising me?"
"Kasi deserve mo yun.."
"I still love you, Sam. At alam mo ba ang magiging epekto sa akin ng
simpleng papuri mo na ganyan ha? Bakit, may plano ka bang balikan ako?"
Umiling siya.
Napapikit ako.
Bakit ang sakit sakit pa rin?
May bumagsak na luha sa mga mata ko.
"Sam...hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung paano mo
nagawa sa akin 'to. We planned our future together, pero bakit? Bakit mo 'to
nagawa? Ang sakit sakit. Is she way better than me? Mas higit ba ang pagmamahal
niya sa'yo? Tell me, Sam. I need to understand."
"Mia...I lied. I'm so sorry. I lied to you. I don't love Natasha. I'm
so sorry."
Natigilan ako because of what he said.
"H-ha? A-anong ibig mong sabihin."
"We are just using each other. She used me for her dreams... I used
her, dahil naduwag ako sa'yo."
"Sam please! Hindi ko naiintindihan! Wag ka nang magpaligoy ligoy pa!
Just tell me the truth!"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo na I fell out of love with
you."
Natahimik ako. Napatitig lang ako kay Sam. Parang biglang huminto ang
pagikot ng mundo ko.
"I fell out of love at hindi ko rin alam kung paano ko i-e-explain
sa'yo kaya mas minabuti ko pang mag loko para madali mong maintindihan."
Napakapit ako sa magkabila kong braso at ramdam ko ang panlalamig ng
mga kamay ko.
Bakit parang mas masakit 'to kesa nung nalaman kong tinu-two time niya
ako?
"A-anong nagawa ko, Sam? Bakit? Bakit ka na fall out of love, ha?
Masaya tayo. Masaya tayo sa isa't isa. Anong nagawa ko?"
Hindi umimik si Sam. Nakita kong bumagsak na naman ang mga luha sa mata
niya.
"Sam ano ba! Tell me kahit gaano pa kasakit yan! Naguguluhan ako! I
need to know!"
"Nasakal ako, Mia!" he bursts. "Nasakal ako sa'yo. Laging dapat
iintindihin kita. Laging dapat aalalayan kita. Sa'yo na umiikot ang mundo ko. Pero
paano naman ang mga gusto kong gawin? Paano naman yung mga pangarap ko? I also have
my own dreams, Mia. Pero hindi ko magawa kasi ang atensyon ko nasa'yo. Kapag
naiiwan kita, natataranta ka. Nagiging dependent ka masyado sa akin at hindi ko
alam kung paano ko babaguhin yun. Nasasakal ako at the same time, natatakot ako
para sa'yo. Paano ka matututong tumayo sa sarili mong mga paa kung palagi kang
nakakapit sa akin?"
Hindi ako nakaimik matapos sabihin ni Sam ang mga bagay na yun. Damang
dama ko ang pagkagunaw ng mundo ko. Biglang isinampal sa mukha ko lahat ng mga
bagay pangit sa akin.
Napahinga ako nang malalim at tumayo ako. Kinuha ko ang gamit ko at
naglakad ako palayo.
"Mia..."
Hinawakan ni Sam ang braso ko upang pigilin ako.
"Mia, I'm so sorry."
Umiling ako habang pilit na nilalabanan ang mga luha sa mata ko.
"No, Sam. I'm sorry. Sorry for making your life miserable. Sorry dahil
nakabigat ako sa'yo. Now I understand."
"Mia, I still care for you."
"No you don't. If you really care for me, sasabihin mo sa akin ang mga
bagay na yan. Makikipaghiwalay ka ng maayos. Kung ginawa mo yun, baka mas tanggap
ko pa. Baka mas naintindihan ko pa. Pero ang hindi ko masikmura, paano mo kinaya na
lokohin ako nang ganun? Pakiramdam ko, lahat ng respeto, lahat ng pagmamahal at
lahat ng pagsasama natin, ibinasura mo nang ganun ganun na lang."
"Mia—"
"Kung hindi ka siguro nagsinungaling, baka sakaling hindi ganito
kasakit ang nararamdaman ko."
Tinabing ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.
"Thanks for everything. Be happy."
I tried my best to smile kahit na naiiyak na ako.
"I still care for you too, Sam."
Tinalikuran ko na siya at naglakad ako palabas. I raised my chin up
while trying my best not to cry.
Nung lumabas ako, may ilang nakakita sa akin. Yung mga nanuod kanina.
Siguro kabilang din sila sa mga tumawa sa akin.
Nangangati ang kamay ko na tawagan si Sir Ayen para puntahan ako.
Gustong gusto ko na rin tawagan si Sammie para iyakan at ikwento ang mga nangyari.

But no.
Hindi ko yun ginawa.
Buong lakas loob akong naglakad sa bar kahit na pinagbubulungan ako ng
mga tao at palihim na pinagtatawanan.
Buong lakas loob akong naglakad ng hindi umiiyak at walang tinatawag na
tao para alalayan ako.
Dahil isinampal na sa akin ni Sam ang lahat.
Dahil sa mga sinabi niya, natauhan ako.
Ayoko nang maging dependent sa kahit na sinong tao.
I should learn that by the end of the day, ako at ako pa rin ang
magtatayo sa sarili ko.
To be continued...

=================

Sixteenth Stanza

Sixteenth Stanza
JARREN REYES
"Lights will guide you home and ignite your bones. And I will try to fix you."
- Coldplay, Fix You

I heard everything.
Lahat ng pinagusapan ni Mia at Sam. Lahat ng sinabi ni Sam kay Mia. And
the whole time I was listening, gustong gusto ko nang lumabas at hilahin paalis si
Mia.
Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong kailangan nilang mag-
usap dalawa. Alam kong kailangang harapin 'to ni Mia at hindi ako pwedeng makielam
sa kanya.
Nakita ko siyang umalis. She's keeping a straight face at hindi siya
umiiyak. I want to follow her but I know she needs to be alone so I gave her space.
Tinignan ko si Sam na nasa backstage. Naka-upo siya sa monoblock chair
habang nakapatong ang ulo sa dalawang kamay niya.
Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya.
Inangat niya ang tingin niya sa akin.
"Narinig mo?" tanong niya.
Tumango lang ako.
"I did what I can. I did my best para alagaan siya, pero may hangganan
din ako. At mas mabuti na 'to. Mas mabuti nang naghiwalay kami. Kung hindi ko 'to
ginawa, hindi siya matututong tumayo sa sarili niyang mga paa. Kaya tama na rin
'to."
Napakuyom ang kamay ko at pakiramdam ko, gusto kong manapak ngayon.
Huminga ako nang malalim at pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Ilang taon nga ulit kayo ni Mia?"
Medyo nagtaka siya sa tanong ko pero sinagot pa rin niya ito, "three
years."
Tumango ako.
"You know her past?"
Hindi umimik si Sam and he look so guilty.
"You know how badly she got bullied in high school?" tanong ko ulit.
Hindi pa rin siya sumagot.
"Isang simpleng insidente na nagkapatong patong. Isang simpleng
kahihiyan na nauwi sa mas malalang bagay na naka-apekto nang husto sa kanya. Mia
got traumatized. At ang trauma na ay hindi lang basta basta trauma. Hindi lang yun
basta basta dahil weak siya o matatakutin siya o madali siyang kabahan. Alam mo
yung trauma na naka cause sa kanya is a serious mental illness to the point na
kinailangan niya rin pumunta sa isang psychologist. You know that, Sam?"
"Pero may buhay rin ako!" inis na sabi ni Sam. "At nasakal ako sa
kanya!"
"Oo. Maaring tama ka. Naiitindihan kita. Pero yung mga sinabi mo kanina
kay Mia, parang siya lang lahat ang may mali. Napaka simple lang nung pinagdadaanan
niya at pinabibigat lang niya lahat. Alam mo ang kalagayan niya and yet, ginawa mo
yan."
"Hindi mo naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko!"
Umiling ako, "you said you loved her. Pero duwag ka nga talaga. Bakit
pinaabot mo sa puntong nasasakal ka na? Pwedeng ayusin yun kung umpisa pa lang,
nagpakatotoo ka na sa kanya. Dahil akala niya, ayos lang sa'yo ang lahat. Hindi ka
umiimik na napipilitan ka na lang. Tapos bigla mo siyang iiwan? Maaring may mali
siya, pero hindi lang siya ang may mali. Sa inyong dalawa, mas gago ka."
Nakita ko ang galit sa mga mata ni Sam pero hindi siya makapag salita.
Hindi siya makaangal dahil alam niyang tama ako.
Hanggang sa huli duwag pa rin siya dahil isinisisi niya lahat kay Mia.
"Sa tingin mo tinutulungan mo si Mia sa ginawa mong pagsisinungaling?
Tingin mo makakabuti sa kanya yun? Hindi mo ba naisip na sa ginawa mo, maaring
tinuruan mo siya na wag nang magtiwala sa kahit na sino?"
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Sam as realization hits him.
"You could have saved your relationship kung umpisa pa lang,
nagpakatotoo ka na sa kanya."
Tinalikuran ko siya at nagumpisa na akong maglakad palayo.
"I've loved her," halos pabulong na sabi ni Sam. "I really did."
Hindi na ako sumagot at iniwan ko na lang siya doon.
Siguro kung hindi ako nakwentuhan ni Mia nung panahong lasing siya,
maaring kinampihan ko si Sam. Maaring side niya ang sinang-ayunan ko.
Pero nalaman ko ang past ni Mia.
Alam kong maraming makaka-misunderstood sa kanya. Maaring maraming
magiisip na mahina siya. Maraming hindi makakaintindi sa sitwasyon niya ngayon.
But I understand dahil nararanasa ko rin yun.
Alam ko ang pakiramdam na ma-traumatize ka sa isang bagay. Alam ko yung
grabeng takot na hindi mo mapigilan. Yung halos maubusan ka nang hininga. Yung
kulang na lang atakihin ka sa puso. Alam ko yun. Nagkataon lang na madali kong
naiiwasan ang bagay na pwedeng makapagpa-trigger sa trauma ko. Pero kay Mia?
Kailangan niya harapin yun dahil sa pangarap niya. She have to deal with her panic
attacks every single time na mag p-perform siya. At kung iniisip ni Sam at nang
ibang tao na mahina si Mia, they are wrong. Dahil kung mahina siya, matagal na
siyang nag quit. Kung mahina siya, unang beses pa lang, umayaw na siya. Alam niya
ang magiging epekto sa kanya nito but still, lumalaban siya.
At kanina, sa harap ng maraming tao, kahit pinapaalis siya ng mga ito,
tinapos niya ang kanta.
Sa mata ng ibang tao, she's pathetic.
Pero sa mata ko, she's the bravest girl I've ever seen.
Sana aware siya kung gaano siya katatag.
~*~
MIA MILLS
"Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead."
- Adele, Someone Like You
"Anak, I really want to hug you. Uwi ka na please. Umuwi ka na," iyak ni mommy mula
sa kabilang linya nang telepono.
Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa amin ni Sam. At katulad nga ng
inaasahan ko, grabe ang iyak ni mommy sa telepono. At parang mas nakakadagdag 'to
sa sama nang loob ko. I know she'll react like this kaya hirap na hirap akong
aminin sa kanya yun. Alam kong grabe siyang mag-aalala sa akin. She is so
protective of me. At alam ko naman na kahit sinong magulang, magaalala para sa anak
nila. Kahit sino, ganyan ang magiging reaksyon dahil malayo sila sa anak nila.
At kung ako ang tatanungin, I badly want to hug her too. I want to see
her. I miss her so much. I want to go home.
Pero alam ko na the moment na bumili ako ng plane ticket pauwi, baka
hindi ko na kayanin pang bumalik sa Pinas. Baka tuluyan ko nang i-give up lahat ng
mga pangarap ko.
"Mom, I'm okay!" sabi ko sa kanya habang pilit nagpapakasigla. "Three
months na kaming hiwalay and I've already moved on. Kaya hindi ko po sinabi agad
sa'yo kasi alam kong magaalala ka. But I'm fine now so you don't need to worry
about me, okay?"
"Pero sino na lang ang kasama mo ngayon?" pahikbi-hikbing tanong ni
mommy.
"I told you about Sammie, right? Tsaka nandyan naman sina Tita. Isa pa,
kaya ko na pong mag solo sa pag p-perform."
"Mia... are you really okay?"
"Oo naman po ma! Alam mo ba kanina, nag front act ako sa gig ng
EndMira."
Nabuhayan bigla ang boses ni mommy, "talaga?! As in solo ka?!"
"Yes mom! Nag solo akong kumanta at tumugtog sa harap ng maraming tao.
You should be proud of me! Natapos ko yung kanta nang hindi ako nagkakamali o
pumipiyok. I did a great job, mom."
Tinakpan ko ang bibig dahil naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga
mata ko at pakiramdam ko mapapahagulgol ako nang iyak ngayon at ayokong marinig ni
mommy yun.
"Really?! May video ka?! Gusto kitang mapanuod! Naku, Mia I am so happy
for you!" masayang masaya na sabi ni mommy. "For sure, marami kang naging fans
ngayong gabi. Baka mas maging sikat ka pa sa EndMira ha? Naku, ang galing galing mo
pa naman. Alam kong mahal na mahal ka na nang mga nakapanuod sa'yo."
Inilayo ko ang phone sa tenga ko and I put it in loud speaker mode.
Hindi ko mapigilan ang paghikbi habang tuloy tuloy na bumabagsak ang
luha sa mga mata ko.
Huminga ako nang malalaim at lumunok.
"Oo naman po ma. Nagustuhan po nila ang performance ko. Nakaka
encourage yung init nang pag tanggap nila sa akin."
Kahit iisang tao lang ang nakinig. Kahit lahat sila, pinapaalis ako.
"Isend mo sa akin yung video ha? I want to see your performance!"
"Sorry ma, hindi ako nakapagpakuha ng video, eh."
"Ano ba naman yan. Dapat nagpapakuha ka ng video sa mga ganyan.
Remembrance yan!"
"Sorry po, 'di bale next time."
Pilit kong iniba yung topic namin. Malayo kay Sam at sa performance ko.
After a while, nagpaalam na rin si mommy kaya naman naiwan na lang akong nakatulala
sa kwarto ko.
No. Ayoko nang tahimik. Kung anu-ano kasing hindi magagandang bagay ang
naiisip ko. Wala pa naman si Sammie ngayon. Wala akong kasama rito.
Agad akong lumabas ng kwarto at in-on ko yung tv namin. I connected it
to my laptop at naghanap ako ng Korean drama na pwedeng mapanuod.
Tinodo ko yung volume. Malakas na malakas. Malinaw ang kopya ko.
Malinaw ang subtitles, pero wala pa rin akong maintindihan. Nakatitig lang ako sa
screen. Nagpupumilit pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina.
Yung gig. Yung mga tao. Yung mga sinasabi nila. Si Sam. He fell out of
love with me. Kelan pa? Kelan pa niya naramdaman yun? Bakit niya pinatagal? Ibig
sabihin ba nun, yung mga huli huling pag aalaga niya sa akin, napipilitan na lang
siya? Alin doon ang tunay at hindi? Alin doon yung inaalagaan niya ako dahil mahal
niya ako at yung inaalgaan niya ako kasi naaawa na lang siya sa akin?
Napatakip ako ng tenga and I screamed and screamed and screamed.
I hate myself for being like this. I hate it kasi naapektuhan niya ang
pangarap ko. At ngayon, malalaman ko na ito rin ang dahilan kung bakit ako iniwan
ni Sam.
I tried everything to be better. Para mawala ang trauma sa isipan ko.
Para hindi na ako magkaroon ng panic attacks. But I guess I'm weak kasi hindi ako
gumaling galing.

Ang hirap hirap hirap.


Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may kumakalampag sa
pintuan ng apartment namin.
Sumilip ako sa bintana para tignan kung sino ito at mas nagulat ako
nang makita kong si Sir Ayen ito.
What is he doing in here?
Binuksan ko yung pinto at sumalubong sa akin ang nakakunot niyang noo.
"I told you mag d-dinner tayo! Bakit mo ako inindian?" tanong niya.
"H-ha?"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Magpalit ka na nang damit. Gutom na talaga ako."
"P-pero Sir Ayen, sorry but I'm not in the mood t---"
"HEH! Quiet!" sabi niya at tinulak niya ako papasok. "Bilisan mo na mag
bihis. Na b-beastmode ako pag gutom. Sige ka!"
At wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.
To be continued...
Aly's Note:
Pansin ko lang sa mga comments, it's either you love Mia because you can relate to
her or you hate her because it's hard for you to understand her XD Either way,
natutuwa ako kasi she's an effective character at so far, siya ang pinaka malapit
sa heart ko XD
Anyway
Not sure kung makakapagupdate ako next week dahil busy but I'll do my best. Salamat
sa pagintindi. 

=================

Seventeenth Stanza

Seventeenth Stanza
JARREN REYES
"I listen to sad songs, singing about love, and where it goes wrong."
- Ed Sheeran, One

"Sir Ayen, pansin ko lang po ang dami mong alam na kainan," sabi sa akin ni Mia
habang iniikot niya ang tingin sa Japanese restaurant kung saan ko siya dinala.
The receptionist lead us in the far end corner of the restaurant. Tabi
nang bintana kung saan tanaw ang city lights.
"Mukha pong mamahalin dito. Hindi po ba nakakahiya na dito niyo pa 'ko ililibre.
Masaya na 'ko sa Jollibee," biro niya.
"Hindi yan! Basta um-order ka lang!" sabi ko habang inaabot sa kanya nung
receptionist yung isang menu.
"Ang mahal nga, sir!" sabi niya habang tumitingin sa menu.
"Don'y worry, I got this," naka-ngiti kong sabi sa kanya.
Buti na lang nadamay ako sa membership ng EndMira sa restaurant na 'to
kaya may fifty percent discount ako. Pero syempre nakakahiya naman aminin kay Mia
yun. Gustuhin ko man siya ilibre sa ibang lugar, ang kaso 'di pa ako bayad doon sa
mga bagong kantang ginawa ko.
Ang hirap kumita ng pera.
Syempre yung kinikita ko, hindi kasing laki ng kinikita ng EndMira. Isa
pa may pinagaaral akong dalawang pamangkin.
Kaya sorry Mia, babawi na lang ako sa'yo next time.
Maya maya lang, may lumapit na waitress para kunin ang order namin. Mia
ordered ramen habang ako naman ay yung set menu nila na gyu don with side dish na.
I also ordered one bottle of sake—yung Japanese wine.
"Iinom ka?" tanong ni Mia.
"Iinom tayong dalawa. Kailangan nating mag celebrate."
"Nang ano?" she asked.
Nang pagkanta mo kahit pinapaalis ka nila. Nang pagharap mo kay Sam
kahit sobra kang nasaktan.
"Wala lang."
"Di ko po feel uminom ngayon."
"Nasa Japanese restaurant ka at sa tradition nila, pag tumanggi ka
kapag may nag offer sa'yo ng sake, sign ng rudeness yun. Kaya umayos ka."
Napangiti siya, "opo sir. Sige na."
"Good."
Sa totoo lang, wala sa plano ko ang uminom. Kaya lang mula nang sunduin ko siya sa
apartment niya hanggang sa makarating kami rito, she's acting so---normal. At kung
hindi ko alam ang nangyari kanina, malamang iisipin ko wala siyang problema.
At hindi ko na alam kung paano ko ibi-bring up sa kanya ang mga nangyari. Hindi ko
alam kung saan magsisimula. I just want her to feel better and I have no idea how.
Nung inilapag na sa harapan namin ang bote ng sake, parang gusto kong sapakin ang
sarili ko dahil parang may mali ata akong nagawa.
Bakit nga ba sake ang in-order ko para pagaangin ang loob ni Mia?!
Masyado ba akong nasanay na puro mga lalaki ina-advice-an ko at nadadaan naman sa
inuman ang mga sawing puso nila?!
What the hell are you thinking! Sana in-order-an mo na lang siya ng chocolate cake!
Di ba sumasaya ang mga babae kapag nakakakain ng chocolate? Or no? Kasi mamaya diet
pala siya at umiiwas sa matamis?
Tinignan ko si Mia. Nakatitig siya sa phone niya at parang malalim ang
iniisip. Dinededma niya ang bote ng sake sa harapan namin.
Hindi effective.
"Ah Mia, wait, mag-restroom lang ako," paalam ko sa kanya.
"Sure, go ahead."
Nang medyo malayo na ako, agad kong kinuha ang phone sa bulsa ko at tinawagan si
Jasper.
"Oh pre? Miss mo na 'ko agad?" pambungad niya.
"Loko. May tatanong lang ako."
"Ano?"
"Kasi, kunyari may babae kang kaibigan..."
"Maganda?"
"Oo."
"Ay hindi ko na kaibigan yan. Shota ko na yan."
Napakamot ako. Walang katino-tinong kausap.
"OKAY. Let's just say si Timi."
"Ay ayoko kay Timi. Di ko type."
Ako, type ko siya.
I cleared my throat.
"Okay, si Timi, malungkot. Paano mo siya pasasayahin."
"Madali lang yan!"
"Paano?"
"Padadalhan ko siya ng picture ni Ice na nakahubad."
Bakit nga ba siya ang tinawagan ko?
"Edi ibang babae! Maganda, pero kaibigan mo lang siya na gusto mong
pasayahin dahil malungkot! Anong gagawin mo?!" medyo inis kong sabi.
"Teka nga, ba't mo ba tinatanong yan ha?"
"W-wala! Research!"
"Para saan?"
"Sa sinusulat ko..?"
"Na kanta? Kelan ka pa nag research sa pagsusulat ng kanta?"
"Nobela gusto kong isulat!"
"Ah... wow! May kilala rin akong writer na babae. Pakilala kita. Kaso
mga sinusulat niya ata puro patayan. Ang cute pa naman niya. Type ko," at tumawa
siya.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko!"
"Ah.... Ano nga uli tanong mo?"
"Kung anong gagawin mo para pasayahin siya!!" inis kong sabi.
Hindi pa nakakainom si Jasper sa lagay na yan pero para na siyang
lasing kausap. Sabihin ko nga sa manager nito na ipa-drug test siya at baka
humihithit ng droga ang isang 'to.
"It's so easy pre! Sumayaw ka sa harapan niya."
"Huh?"
"May abs ka naman. Hindi nga lang kasing toned ng abs ko pero pwede na pagtyagaan
yung iyo. Abs pa rin yan. Sasaya pa rin yung kaibigan mo. At kung si Mia man yang
tinutukoy mong kaibigan, sasaya talaga yan. Type ka nun, maniwala ka sa akin!" at
humagalpak siya nang tawa.
"Gago!"
I ended the call bago pa kung anong katarantaduhan ang sabihin sa akin ni Jasper.
Bwisit. Hindi siya nakakatulong.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Bakit ba kasi ako sobrang concerned kay Mia?! To
the point na tinawagan ko ang tukmol kong kaibigan para manghingi ng advice? At
kelan pa ako nanghingi ng advice? Sa aming magkakaibigan, ako ang palagi nilang
hiningan ng advice and not the other way around!
Sa inis ko, bumalik na lang ulit ako sa table namin. Napansin kong tinanggal ni Mia
yung cardigan na suot niya. Ngayon ay naka spaghetti strap na lang siya na blouse
na medyo loose.
"Nandito na yung food natin!" nakangiting sabi niya. "Mukhang masarap 'tong ramen
na in-order ko."
Medyo nag lean forward siya para abutin yung spicy oil sa gitna at napababa yung
tingin ko sa.....
Agad akong tumingin sa kisame at napalunok.
Kita ang cleavage niya.
Teka ang init.
Umayos ako nang upo at itutuon ko na sana ang atensyon ko sa pagkain na nasa harap
ko kaso nadaanan na naman ng mata ko.
Ang init bigla. Sira ba ang aircon?
Sabihin ko ba? She seemed unaware. Pero kapag sinabi ko baka isipin niya tinitignan
ko yung ano niya!
Teka, napadaan lang ang mata ko! Hindi ko naman sinasadya na mapatingin, eh! Hindi
talaga! Hindi ako si Jasper Yu!
Ang init talaga dito! Bakit ba dito ko dinala si Mia?! Ang init!
I rolled up the sleeves of my polo at binuksan ko yung first two
buttons nito. Matapos yun ay agad kong binuksan yung bote ng sake at naglagay ako
sa baso sabay inom nito ng diretso.
Ang init.
"Sir Ayen?"
"Yes?" sagot ko nang di ko siya tinitignan.
"Sir, namumula po ang tenga mo. Okay ka lang ba? Mamaya allergic ka sa iniinom mo
ha?"
"H-hindi ako allergic. Ayos lang ako. Wag mo akong intindihin."
"Sir, is there something wrong? Para pong hindi kayo mapakali."
"Ha? Wala! Everything's fine! Ikaw ba? Hindi ka ba nilalamig? Naka sleeveless ka.
Baka gusto mong isuot uli yung cardigan mo? Ang ginaw dito sobra."
Napatingin si Mia sa sleeves ng polo ko then balik ang tingin sa akin
na parang takang taka.
"H-hindi naman po. Medyo mainit."
"Ah hehe oo nga eh," tinawag ko yung waitress, "miss, yung aircon paki
lakasan. Ang init. Paki todo ah?"
Naglagay ulit ako ng sake sa baso ko at ininom ko.
Sana lumamig na agad. Hindi ako makahinga, eh.
~*~
MIA MILLS.
"I gotta let my spirit be free to admit that I'm wrong."
- Jordin Sparks, Tattoo
"Gago talaga yung ex mo 'no? Gago," sabi ni Sir Ayen sabay inom ng alak. Halos siya
na ang umubos ng sake na inorder niya.
Ang weird ni sir bigla. After niyang mag restroom, parang bigla na lang siyang
hindi mapakali na ewan. Ang pula pa ng mukha, umabot hanggang leeg ang pula.
May pinagdaraanan ba 'to?
Akala ko, ako lang ang may pinagdaraanan sa aming dalawa pero mukhang mas malala
yung kanya.
At ngayon lasing na siya, bina-bash niya bigla ang ex ko sa di ko malamang
kadahilanan.
"Yung gago na yun, laki naman ng butas ng ilong!" sabi niya.
Napatawa ako nang mahina. Infairness, naeenjoy ko yung pambabash niya kay Sam.
"Ba't mo nagustuhan yung gagong yun? Di porket musikero, sweet lover! May mga
musikero rin na fuck boy kaya magiingat ka!"
Tumango ako, "ganun po ba kayo, sir Ayen?" pabiro kong tanong.
"Ha?! Ako?! Fuck boy?! 'Di no! Ako? Ha! Virgin pa nga ako, eh. Never been touched.
Kaiyak."
Humikbi siya at nagulat ako na may tunay na luhang pumatak sa mga mata niya.
Shit! Is he seriously crying in front of me?!
"Grabe ka maka-judge!" sabi niya sabay takip ng mata.
Uhmm... napaiyak ko ba siya?
"S-sorry po..."
"Sorry sorry. Ganyan naman kayo. Ang sakit ng sinabi mo! Ako? Fuck boy? Eh iisang
babae nga lang ang minahal ko, eh! Friendzoned pa ako! Lecheng yan!"
"Uhmm..."
"Alam kong mas matangkad yung ungas na yun sa akin. Sige na nga, mas pogi na rin
siya! Pero bakit ba?! At least ako pala tawa samantalang siya parang pinaglihi sa
sama ng loob! Ayun ba mga tipo niyong lalaki? Yung mga ipinaglihi sa sama ng loob?
Paano naman kaming mga simple lang?!"
At ngayon ibang lalaki na ang binabash niya.
"Pero wala eh, siya ang gusto ni Timi at hindi ako. Kahit ako ang naunang dumating
sa buhay niya. Kahit ako yung hindi nangiwan."
Napaayos ako nang upo dahil nagulat ako sa sinabi niya.
So all this time tama pala ang hinala ko na gusto niya si Timi?
Ewan pero mas nalungkot ako.
Inagaw ko yung bote sa kamay niya at ako naman ang uminom nito.
"May kanta akong ginawa para kay Timi. Gusto mong marinig?"
"Ha? Ah eh--"
"Ganito yun," sabi niya then he cleared his throat at nagsimulang kumanta.
"Mahal kita pero mahal mo siya
Dahil ba mas pogi siya?
Ano bang laban ng isang tulad ko
na cute lang?
Mahal kita pero mahal mo siya
Dapat na ba akong mag alay ng itlog sa altar para maging akin ka?
Ang laki ng tenga niya lagi pang naka busangot ang mukha
Di tulad ko na laging smiling face may dimple pa.
Mahal kita pero mahal mo siya
Tara sapakan na lang."
Napatulala ako sa kanya nang marinig ko yung kanta niya.
Teka, si Sir Ayen ba 'to? As in si Jarren Reyes na idol na idol ko sa pag compose
ng mga kanta?
Hindi kaya nasapian siya?
"What can you say?" ngiting ngiti niyang tanong.
"Ahmm.."
"Alam mo pwede nating isama yan sa album mo!"
Katapusan na ng career ko.
Shit, lasing na lasing na si Sir Ayen.
Bago pa niya maisipan na mag compose ulit ng bagong kanta on the spot, nag bill out
na ako. Dahil nga wasted na 'tong kasama ko, ako na muna ang nagbayad ng kinain
namin. Buti na lang talaga at may 50% discount pala si Sir Ayen dito kaya di
kalakihan ang binayad ko. Wala pa naman akong pera ngayon.
After that, tumawag na lang ako ng grab para ihatid si Sir Ayen sa HQ ng EndMira.
Gustuhin ko man na i-drive ang kotse niya, alam kong maibabangga ko lang 'to.
Simula kasi nung ma-aksidente ako, hindi na ako nag drive pa ulit ng kotse.
Buti na lang at alam ko kung saan ang HQ nila. Thank you sa pagiging sobrang
stalker ko sa EndMira noon.
Hindi kalayuan ang HQ ng EndMira dito sa restaurant kaya in less than
twenty minutes, nakarating na kami.
Walang tao ngayon sa headquarters. Siguro nasa labas pa ang ibang
members.
Nakuha ko ang susi sa bulsa ni Sir Ayen kaya nakapasok naman kami agad.
"Sir, saan ang kwarto mo rito?" tanong ko sa kanya habang akbay akbay
ko siya. Bwisit ang bigat. Kanina pa masakit ang leeg ko sa pag akay sa kanya!
Bakit ba kasi naglasing ang isang 'to?
Itinuro ni Sir Ayen kung saan ang kwarto niya at binuksan ko yun atsaka
ko siya inihiga sa kama. Mabuti na lang at hindi siya sumuka.
Iniayos ko siya ng higa sa kama at tinanggalan ko siya ng sapatos at
medyas. Nagdadalawang isip ako kung papalitan ko ang polo niya o hindi pero hindi
naman siya pawis dahil ang lamig bigla doon sa restaurant. Tinodo nga ata talaga
nung waitress ang aircon.
Medyo lumapit ako sa kanya and I saw his eyes slightly opened habang
nakatingin sa akin.
"Sir, alis na po ako," bulong ko.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang wrist ko at hinatak niya ako
palapit sa kanya kaya naman napahiga ako sa tabi niya.
"S-sir Ayen---?"
"You know what? You're exactly my type."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at biglang bumilis ang
tibok ng puso ko.
W-wait. W-what's this?
"You are an amazing woman and I hate what he did to you," he whispered.
"Kung una ka sigurong dumating sa buhay ko, baka ikaw ang minahal ko and not Timi."
I don't know what to feel. Is that a complement kasi yung idol ko, type
ako. Or should I be sad kasi hindi ako ang nauna sa buhay niya.
No.
I actually understands him.
I smiled at him and I whisper, "me too, Sir Ayen. Kung hindi lang ako
nasasaktan ngayon at kung sana bukas ang puso ko, baka ikaw rin ang minahal ko."
Napapikit siya.
"It's such a shame..."
"Pero malay mo po, kapag naka-move on na tayo, baka may chance."
Nakita kong napangiti siya dahil sa sinabi ko.
"Sana nga..."
After he said that...he kissed...my forehead.
To be continued...
Aly's Note:
Hi guys! Mag b-booksigning po ako sa event ng PSICOM na "Love at First Write" na
gaganapin po this February 12, sa SM Megamall Building B - Megatrade Hall -
Function rooms A and B.
11am po ang start ng event pero around 1pm po ang booksigning. 
Mabibili niyo po doon ang mga books ko na published under PSICOM in a discounted
price. 
Sana po makapunta kayo! Kita-kits! Tayo na lang ang mag date sa Valentines
wahahaha. 
For more info, check out my page: facebook.com/alyloony and PSICOM's page
facebook.com/psicompublishing

=================

Eighteenth Stanza

Eighteenth Stanza
MIA MILLS.
"I wanna love you, but I don't know if I can."
- Coldplay, X and Y
He kissed my forehead.
At nang maramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa noo ko, pakiramdam
ko parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko.
For a second, I can't move. My heart stopped beating. My head is
spinning. I can't think straight.
Then I noticed, hindi gumagalaw si Sir Ayen. Nanatili siya sa pwesto
niya. Nakadampi pa rin ang labi niya sa noo ko.
Bigla akong napahiwalay sa kanya at nakita kong mahimbing na siyang
natutulog.
Napasimangot ako.
Ay wow! Tulog siya! Nalasing na nga, tinulugan pa ako!
So ano? Hinalikan ba niya ako o hindi lang talaga sinasadyang tumama
ang labi niya sa noo ko? Sipain ko kaya 'to? Matapos niyang sabihing type niya ako,
tutulugan niya ako! Wow ha! Wow!
At ngayon ano na? Ano ang dapat kong isipin at maramdaman?
Napatitig ako sa mukha ni Sir Ayen. Ang himbing ng tulog nito. Ang amo
ng mukha. Napansin ko rin na mahaba pala ang pilik mata niya. Kaya pala ang amo ng
mga mata niya. Pero nakakatakot din siya kapag nagsisimula nang kumunot ang noo
niya. At nakaka-intimidate siya, sobra. As in sobra.
Yes, EndMira members are so intimidating. Pero kasi kapag nagsimula ka
nang makasama sila, madaling maging comfortable around them. Makulit si Jasper,
friendly si Geo at William, si Ice kahit tahimik yun, siya yung tipong masasanay ka
na lang sa katahimikan niya.
But Sir Ayen...
Yes, he's friendly, gentleman, kind, palatawa rin naman siya, minsan
masungit pero madalas namang nakangiti. But still, pag tinitignan ko siya, hindi ko
malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Parang palagi siyang may tinatago.
Parang ang daming walls na nakaharang sa kanya na hindi ko matibag tibag. He's
mysterious and deep. At feeling ko kada titignan niya ako, para niya akong
sinusuri.
Nakaka conscious. And there's this feeling na parang gusto ko siyang
palaging i-please. Gusto kong palaging magpakitang gilas sa kanya.
Dahil ba idol ko siya?
Ewan.
I brush my fingertips on his forehead.
What's going on inside your mind?
I lower my gaze to his lips. Yung mga labing kanina ay nakadampi sa noo
ko. I can still feel the ghost of his soft lips on my forehead.
Bakit kasi sa noo? Ba't hindi na lang diniretso sa labi?
Eh kung i-deretso ko na kaya? Tutal tulog naman siya.
Biglang nag init ang mukha ako at dali dali akong tumayo at lumayo kay
Sir Ayen.
What the hell am I thinking?!
Okay, okay relax Mia. Relax lang.
Uminom ka rin. Tama. Kahit papaano nakainom din naman ako. And I'm
broken and lonely and...and...
Shit.
Napabalik ulit ang tingin ko kay Sir Ayen and I heave a sigh.
Tinalikuran ko na siya at naglakad palabas ng kwarto.
I don't want to fall for him. Panibagong sakit na naman yan sa puso.
Kaya tama na. Wag kang bibigay, bruha. May mahal siyang iba.
"Mia?!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pangalan ko.
"J-Jasper?!" gulat na gulat ko ring sabi.
Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa akin. Then napatingin siya sa
pinto ng kwarto ni Sir Ayen kung saan kalalabas ko pa lang. Then binalik niya ang
tingin niya sa akin and he gave me a meaningful look. A look full of accusations.
FUCK.
"M-may party kanina! Y-yung isang kasamahan namin sa prod team
nantreat," pagsisinungaling ko dahil baka kung ano ang tumakbo sa isipan niya kapag
nalaman niyang kaming dalawa lang ni Sir Ayen ang lumabas. "Naparami ang inom ni
Sir Ayen k-kaya hinatid ko siya. Yun lang. Yun lang talaga! I swear walang
nangyari! Please don't look at me like that!"
Napangisi si Jasper Yu at mas lalo kong naramdaman ang pag init ng
mukha ko dahil sa pag ngisi niya. Parang feeling ko mas lalo siyang nagduda dahil
sa mga sinabi ko sa kanya.
Bakit kasi ramdam na ramdam ko ang guilt samantalang wala naman talaga
kaming ginawa ni Sir Ayen?!
Except nung sinabi niya sa akin na type niya ako kaso andyan si Timi.
At umamin din ako na type ko siya kaso ayoko munang magmahal.
At sinabi kong sana balang araw may chance kami.
At hinalikan, o aksidenteng nahalikan niya ako sa noo.
At muntikan ko na siyang halikan sa lips.
The heck.
"Wala naman akong sinasabi, Mia," naka-ngisi pa rin niyang sabi.
Napaiwas ako nang tingin.
God, this is so embarrassing!
"S-sige uwi na ako!" I told him at tumalikod na ako.
"Ah wait!" pagawat ni Jasper. "Please help me," itinuro niya ang sofa
ng living room nila at nagulat ako nang may makita akong babaeng nakahiga rito.
"Lasing kagaya ni Ayen."
Tumango ako at nilapitan ko yung girl. Dahil medyo madilim, hindi ko
masyadong naaninag ang mukha. Pero nang makalapit ako at makita ko kung sino 'to,
napaatras ako.
"Shit! I-is that—is that Aiscelle Monasterio? Ice's twin sis?"
Napataas ang kilay ni Jasper, "paano mo siya nakilala?"
"Stalker ako ng EndMira."
"Oooh. So kilala mo lahat ng naging ex ko?"
Umiling ako, "hindi. Mahirap nang alamin yun kasi masyado silang
marami."
Napangisi si Jasper na parang proud pa siya doon. Napailing na lang
ako.
Then natauhan ako at napaharang sa harap ni Aiscelle.
"Wait! D-don't tell me, m-may balak kang anuhin siya?!"
"Huh? Anong anuhin?"
"I-kama! Wag! Tandaan mo, kapatid yan ni Ice na kaibigan mo. Masisira
ang EndMira kapag nangyari yun! Isa pa, lasing siya! Don't take advantage of her!"
Napatingin sa akin nang takang taka si Jasper then biga na lang siyang
napahagalpak ng tawa.
"Wag kang magalala wala akong planong galawin siya. Dadalhin natin siya
sa kwarto ni Ice at ikaw ang magpapalit ng damit sa kanya. Isa pa, hindi ako
nakikipag-sex sa babaeng lasing. Hindi masaya. Kung tutuusin, kapag nakikipag-sex
ako, ako yung lasing at hindi yung babae. Kaya sila ang nag t-take advantage sa
akin."
Napatango na lang ako sa kanya at baka kung ano pa sabihin niya. Ayoko
nang kontrahin. Hindi naman ako mananalo dyan.
He carried Aiscelle papunta sa room ni Ice at nung nandoon na,
pinalitan ko ang damit niya. May nahalungkat na shirt at shorts si Jasper sa
cabinet ni Ice.
After that, lumabas na ako at nadatnan ko si Jasper sa may bar area.
"Okay na siya," sabi ko doon.
"Thanks, Mia," sagot nito na para bang malalim ang iniisip.
Ang seryoso bigla ng mukha niya at hindi ako sanay kasi parati ko
siyang nakikitang masigla at parang sira-ulo.
Then naisip ko, hindi kaya---may something sila ni Aiscelle?
Maybe Aiscelle is the only girl he can't have? I don't know. Pero kita
ko sa kanya ang lungkot.
Gusto ko sanang tanungin pero nanahimik na lang ako. Syempre kahit nga
idol ko ang mga 'to, I still respect their privacy. Inaalam ko lang ang mga bagay
na pinapaalam nila sa public pero hindi ko na sinusubukan alamin ang mga tinatago
nila.
"Alis na ako," paalam ko sa kanya.
"Ah Mia?"
"Yes po?"
"About what happened doon sa gig..."
Napaiwas ako nang tingin.
Ayokong pagusapan. Nakakahiya.
Naramdaman kong ipinatong ni Jasper ang kamay niya sa ulo ko.
"Don't worry about that. Pinagtanggol ka namin sa mga fans," he winked.
"You did great awhile ago. Buong EndMira na-amaze sa'yo"
Napangiti ako nang malungkot, "salamat po. Masaya na 'ko na nakinig ang
mga idol ko."
"Lalo na si Ayen," nakangiti niyang sabi.
"Ay naku. Lagi mo 'kong inaasar kay Sir Ayen!"
"Kasi very eager siya na pasayahin ka kanina."
Nagtaka ako sa sinabi ni Jasper.
"B-ba't niyo naman po nasabi?"
"He called me. Tinatanong ako kung paano pasayhin ang kaibigang babae
na malungkot. Sabi ko sa kanya mag strip dance siya sa harap mo, eh. Ginawa ba niya
yun?"
Wala ako sa sariling umiling kay Jasper.
"Ano ba yan! Ang hina talaga nitong si Ayen!" i-iling iling niyang
sabi.
Habang ako, tulala.
Kaya ba hindi siya mapakali kanina kasi di niya malaman kung paano ako
pasasayahin? Kaya niya ako niyayang mag dinner ngayong gabi.
All of a sudden, I feel light. Yung bang parang nawala bigla yung mga
hinanakit na dinadala ko. Feeling ko lumulutang ako sa ere at parang biglang
gumanda ang mood ko.
Para tuloy gusto ko nang bumalik sa loob at halikan talaga si Sir Ayen.
I can feel butterflies in my stomach. I feel light. Then all of a
sudden, I have this strange nostalgic feeling.
Yung parang naramdaman ko na 'to dati?
Oo tama. Naramdaman ko na 'to, eh.
Ganitong ganito ako dati nung nagsisimula akong magkagusto kay Sam.
Teka, hindi pwede. Bakit ganito.
Kanina, I was so down at ang bigat nang pakiramdam ko. Damang dama ko
yung sakit dahil sa ginawa sa akin ni Sam. Yung sakit na tuluyan ko na talagang
binitiwan ang pag-asa na magkabalikan kami.
Tapos ngayon, I feel light and alive and...and what? Itigil mo yan,
Mia. Mag focus ka muna sa goal mo.
Nag volunteer si Jasper na ihatid ako sa amin at pumayag naman ako
dahil hating gabi na. Nang makarating ako sa apartment, diretso agad ako sa kwarto
ko at nahiga.
Pinilit kong matulog.
Pinilit kong alisin sa isip ko ang sinabi sa akin ni Sir Ayen.
One heartbreak
is enough. Ayoko na muna ng panibago.
~*~
JARREN REYES.
"I'm weak it's true, 'cause I'm afraid to know the answer."
- Ryan Cabrera, True
"Paano mo nagagawa yun?" tanong ko kay Jasper Yu. Nandito kami ngayon sa living
room ng EndMira. Umaga. Nakita kong nakatambay si Jasper dito at mukhang kakagising
lang. Himala dahil alas syete pa lang ng umaga.
"Ang alin?" tanong niya.
"Yung pag nakainom ka, nakakalimot ka sa mga pinag gagawa mo nung
lasing ka?"
"Pre, natural talent ko yun. Hindi yun napag-aaralan," sagot ni Jasper.
Napailing na lang ako at napabuntong hininga.
It's been two days eversince nangyari na nalasing ako. At nang magising
ako, malinaw pa sa sikat ng araw ang mga bagay na pinagsasasabi ko kay Mia. Yung
mga pinag gagagawa ko. Heck, I can still remember the song that I sing about Timi
and Ice.
At oo na, sa kabobohan ko, nalasing ako at alam na ni Mia na may gusto
ako kay Timi. Dahil sa kagaguhan ko, nalaman niya na ang tagal ko nang friendzoned
dito.
At hindi lang yun... yung sinabi ko sa kanya na...na type ko siya.
Shit.
Napa-suntok ako doon sa unan na hawak ko.
Napipikon talaga ako sa sarili ko kada naalala ko ang bagay na yun.
Yes, Mia is very attractive. At oo na, lalaki lang ako at na-a-attract
din ako sa mga babaeng magaganda. Pero hanggang doon lang yun. Paano ko nasabi sa
kanya ang mga bagay na yun? Na kung siya siguro ang unang dumating, siya ang mahal
ko ngayon at hindi si Timi? Anong pumasok sa kukote ko at nasabi ko yun?!
Ni-hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko na nagmamahal ng ibang babae
bukod kay Timi...
Nakakainis.
"Ano bang ginawa mo kay Mia?" tanong ni Jasper.
"Huh?! Anong anong ginawa? Wala akong ginagawa!" irita kong sabi.
"Eh bakit ganyan mga reaksyon mo? Bakit gustong gusto mong makalimutan
ang araw na nalasing ka?"
Hindi ko siya inimikan.
"Nagtapat ka na ba kay Mia at binasted ka niya?"
"Gago!" ibinato ko sa kanya yung unan na kanina lamang ay sinasapak ko.
"Wala akong gusto kay Mia!"
"Talaga lang ha?"
"Oo nga. Kaya ikaw, tigil tigilan mo ang kaasar mo sa aming dalawa.
Mamaya mailang na sa akin si Mia."
Naalala ko bigla yung sinabi niya sa akin.
'Pero malay mo po, kapag naka-move on na tayo, baka may chance'
Napapikit ako dahil sa sobrang inis sa sarili.
Please lang, sana hindi ko siya napaasa dahil sa mga nasabi ko. Sana
nasabi lang niya ang bagay na yun dahil malungkot siya sa nangyari, o dahil kahit
papaano nakainom din siya.
Ayokong makasakit.
Maya maya lang ay nagising na rin sina Geo at William. Wala si Ice.
Hindi siya natulog ngayon sa HQ.
Dahil mga tinamad mag luto ang mga 'to, nagkakayaan na lang kaming
dumiretso sa condo ni Timi para doon mag breakfast. Tutal malapit lang din naman
dito ang condo ni Timi, madalas naming gawin 'to---ang i-surprise visit siya sa
umaga.
Medyo gumaan ang mood ko kasi ilang araw ko na ring hindi nakikita si
Timi. Medyo naging busy kay Mia at sa pag gawa ng mga kanta para sa album niya kaya
naman ilang araw akong hindi naka-daan sa restaurant niya.
"Masasapak na naman tayo nun," natatawa-tawang sabi ni William habang
nasa elevator kami paakyat sa condo ni Timi.
Napangiti ako. Na-i-imagine ko na naman kasi ang galit niyang mukha.
Panigurado, inis na inis na naman yun kasi wala na naman kaming pasabi na pupunta
kami. Baka nga tulog pa yun, eh. Mamaya gulo gulo pa ang buhok niya.
But still, she's beautiful.
Kung alam lang niya, pangarap ko na mukha niya ang una kong makikita
kada pagkagising ko sa umaga. Wala akong paki kung hindi pa siya nagsusuklay o may
panis na laway siya, basta alam ko kahit anong maging itsura niya, maganda siya sa
paningin ko.
May pag-asa bang maranasan ko yun? May pag-asa kaya na magbago ang ihip
ng hangin at ma-realize niya na ako pala talaga ang mahal niya?
"Timiiii!!" sigaw ni Jasper nang makapasok kami sa loob ng condo ni
Timi. May susi si Jasper at hindi ko alam kung saan niya nakuha yun. "Timi? Wer na
you? Dito na us!"
"Tulog pa ata," sabi ko.
"Eh tara gisingin natin!"
Dire-diretso kami sa kwarto niya at agad binuksan ni Jasper ang pinto
nito nang wala man lang katok katok.
"Timi gising n---FUCK!" sigaw ni Jasper kaya lahat kami ay napa-silip
sa loob ng kwarto.
At nakita namin na hindi lang nag-iisa si Timi sa kwarto niya.
She's with Ice....and it seems like they slept together.
Parang biglang gumuho ang mundo ko.
To be continued...
AN:
Guys, may ongoing nga pala kaming giveaway ni J.C. Quin sa migme.

Get a chance to win My Prince 1 and 2, Hiling and A Kiss in the Rain.

Sign up on mig.me using this link -->  http://bit.ly/coffeerainandstories


Or you can download the migme app on App Store or Google Play

Visit my twitter account (iamalyloony) and check out the pinned tweet for the
mechanics :)

=================

Nineteenth Stanza

Nineteenth Stanza
JARREN REYES
"Ibubulong ko na lamang sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko."
- Silent Sanctuary, Maalala Mo Sana
"What the hell are you doing here?! Paano kayo nakapasok sa condo ko?!" sigaw ni
Timi at bakas sa kanyang mukha ang pagkairita.
"Anong ginagawa niyong dalawa?!" tanong ko at hindi ko mapigilan ang
pagtaas ng boses ko sa kanya. Parang biglang nagdidilim ang paningin ko. Ikinuyom
ko ang mga kamay ko dahil nanginginig ako sa sobrang galit.
"Shit ka pre. Kahapon lang natin napagusapan ang tungkol sa bataan,
ginawa mo na agad!" sabi ni Jasper kay Ice.
"Mali ang iniisip niyo--!" sabi naman ni Ice na agad pinutol ni William
ang paliwanag niya..
"Isang tanong isang sagot, kayong dalawa na ba?" tanong niya.
Sabay na tumango si Timi at Ice.
Gusto ko nang mamatay.
Tangina. Ang sakit.
Tinanong ni William ang dalawa kung may nangyari ba sa kanila. Pareho
nilang sinabi na wala. May mga sinabi pa sina Jasper pero halos hindi ko na
naiintindihan ang mga yun.
Sila na. Sila na. Sila na.
Tangina, sila nang dalawa.
Ine-expect ko na naman na darating ang araw na 'to. Alam ko namang
malaki talaga ang chance na magkabalikan silang dalawa dahil maliwanag pa sa sikat
ng araw na mahal pa rin nila ang isa't-isa.
Pero pucha naman, bakit naman ganitong kasakit pa rin? Akala ko
naihanda ko na ang sarili ko. Pero shit talaga. Ang sakit.
Tinignan ko si Ice. Busy siya makipagtalo kina Jasper.
Napahinga ako nang malalim.
"Ice, tumayo ka! Maguusap tayo ng masinsinan!" sabi ko sa kanya at kita
ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa biglaan kong pagtataas ng boses. Kahit
kailan hindi ko siya pinagtaasan ng boses. Nilingon ko si Timi at kita kong iritang
irita na siya. "Timi, dito ka lang sa kwarto mo!" utos ko sa kanya.
"Aba hoy! Pamamahay ko 'to!"
"I don't care!" sigaw ko at natahimik siya. Tinalikuran ko sila at
nauna akong naglakad papalabas ng kwarto niya.
Napahawak ako sa pader bilang suporta. Napahinga ako nang malalim.
Nakakabaliw naman 'tong sakit na 'to. Pakiramdam ko unti unti akong
pinapatay.
~*~
We talked to Ice. Mostly, Jasper, William and Geo do the talking. Ako,
nakikinig lang. Mahal niya talaga si Timi. Mahal na mahal niya talaga si Timi at
hindi niya 'to sasaktan.
And I want to be happy for her. Kaso siguro nga sobrang selfish ko.
Walang ibang pumasok sa isip ko kundi, ganun ko rin naman kamahal si Timi, hindi ko
rin naman siya sasaktan. Pero bakit? Bakit hindi ako ang mahal niya? Bakit si Ice?
Nung sinaktan siya ni Ice, ako ang nasa tabi niya. Nung pumunta siya sa
ibang bansa, ako ang madalas kumontak sa kanya para kamustahin siya. Ako ang palagi
niyang kausap. Nung makabalik siya rito, ako ang madalas nasa tabi niya. Pilit ko
siyang pinasasaya. Gusto ko lagi siyang nakangiti. Sa mga panahong nasasaktan siya,
mas nasasaktan ako kaya ginagawa ko ang lahat maging okay lang siya.
Pero bakit in the end, hindi pa rin ako ang minahal niya?
Maya maya lang ay lumabas na rin si Timi sa kwarto niya. Nagugutom na
raw kasi siya at hindi na siya makatiis. Nag sabi siyang ipagluluto niya kami.
Ako? Gusto ko nang umuwi pero hindi ko makuhang umalis. Nangunguna pa
rin ang takot na baka makahalata siya sa nararamdaman ko para sa kanya.
Nakakainis. Hinihiling ko na sana ako na lang ang minahal niya pero
lagi naman akong takot na malaman niya ang nararamdaman ko.
Kaso kung sabagay, para saan pa? Wala na rin namang kwenta kung
malalaman niya.
Habang nagkakainan kami ng almusal, pilit akong nagpapakasaya. Pilit
akong nakikipagbiruan. Nakikipagtawanan ako sa kanila kahit na unti unti akong
namamatay sa loob. Katapat ko si Timi at Ice. Napakagaling. Kitang kita ko kung
gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Parang ibinigay sa akin ang front row seat ng
isang palabas na maari kong ikamatay.
Matapos kaming kumain, sinundan ko si Timi sa kusina at tinulungan ko
siyang ipasok ang mga pinagkainan namin. Nahatak na naman kasi ng tatlo si Ice at
bibigyan daw nila ng advice kung paano ang gagawin niya kapag na meet na niya ang
mga magulang ni Timi.
"Ano, pinapahirapan pa rin ba nila ang future husband ko?" tanong ni
Timi sa akin.
"Medyo," sagot ko.
Napangiti si Timi, "kayo talaga. Grabe niyo tinatakot si Ice. Mamaya
niyang umatras yan," natatawa-tawa niyang sabi.
"Kung aatras siya, ibig sabihin hindi ka niya talaga mahal."
Mas lalong napalawak ang ngiti ni Timi, "buti na lang talaga mahal niya
ako. Tumalab ang gayuma ko sa kanya."
"Timi?"
"Oh? Ba't ang seryoso ng mukha mo diyan?"
"Mahal mo ba talaga si Ice?"
"Ano ka ba! Oo nga. Mahal ko siya."
"At sigurado ka sa pagbibigay sa kanya ng second chance?"
Natigilan si Timi. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Grabe ka ba talagang nagaalala sa akin?"
Tumango ako. Napangiti siya.
"Yes, Ayen. Sigurado ako sa pagbibigay sa kanya ng panibagong chance.
Mahal ko, eh. Sobrang mahal ko. At kung matatakot ulit ako, walang mangyayari sa
akin. Kung mas lalo kong pipigilan ang nararamdaman ko sa kanya, baka mas lalo
akong magsisi. I love him so much, Ayen. At nakakainis man aminin o masyado mang
cheesy pakinggan, pero alam kong siya lang ang makakapagpasaya sa akin."
Inalis ko ang brasong nakaakbay sa akin ni Timi at pumunta ako sa
harapan niya. Tinitigan ko siya sa mata. Sinuri ko ang maganda niyang mukha.
Nakangiti siya. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya.
Ang babaeng mahal ko, pagmamay-ari na ng iba.
Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa mga braso niya at pilit akong
ngumiti. Isang tunay na ngiti kahit sobrang sakit ng mga narinig ko.
"I'm so happy for you, Timi. At least alam kong napunta ka sa lalaking
deserve mo."
I pulled her close at niyakap ko siya ng mahigpit. She hugged me back.
"Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka niya, ipatutumba ko siya," bulong
ko.
Napatawa ng mahina si Timi.
"Thank you Ayen ha? Lagi kang nandyan sa akin at hindi ka nagsawa sa
pakikinig sa mga reklamo ko sa buhay. Thank you for being a great friend."
Friend.
Nakakalungkot na hanggang doon na lang talaga.
~*~
MIA MILLS
"Mabuti pang umiwas pero salamat na rin at nagtagpo."
- Moonstar88, Torete
'Mia, thanks last night. Nakakahiya ikaw pa ang naghatid sa akin. Lasing na lasing
ako, wala akong matandaan. Bawi ako sa'yo next time, promise!'
Napabuntong hininga ako.
Ayan ang text sa akin ni Sir Ayen kinabukasan after niyang magpaka-
lasing. So wala siyang naalala. Hindi ko alam kung dapat ba akong makahinga nang
malalim kasi at least nakalimutan niya ang sinabi ko sa kanya, o dapat ba akong
malungkot kasi nakalimutan din niya ang sinabi niya sa akin.
Hindi ko ni-replyan ang text ni Sir Ayen pero sa dalawang araw na
nakakulong ako sa bahay, paulit ulit kong sinisilip ang phone ko para tignan kung
nag text ba siya sa akin. Kaso wala. Ayun lang ang nagiisang message niya.
Dahil ba hindi ko siya ni-replyan? Hindi kaya iniisip niya na galit ako
sa kanya?
Pero kung ganoon, edi sana dapat nag reply na siya para alamin kung
galit ba ako!
O baka naman he's trying to give me space?
O baka masyado lang ako nag o-overthink at isa lang naman talaga ang
reason kung bakit hindi siya nagrereply---WALA SIYANG PAKI SA AKIN.
Bwisit.
Ang hirap naman kapag may period ka. Hindi ko alam kung moodswings ba
'to o sadyang apektadong apektado lang ako kay Sir Ayen.
At ayokong maapektuhan sa kanya! Ano ba!
At wow, talagang si Sir Ayen ang pinoproblema ko ngayon. Himala. Hindi
ako nagmumukmok sa kwarto at nagiiiyak dahil kay Sam, pati na rin doon sa nangyari
nung gig ng EndMira.
I don't know kung positive na bagay ba yun o hindi.
Kasi feeling ko dapat heartbroken ako ngayon eh. Pero bakit ibang tao
ang iniisip ko.
Napabuntong hininga ako.
Please don't tell me I'm falling in love with him. He's a great guy, I
know. But he's also a huge heartbreak waiting to happen.
So i-t-text ko na ba si Sir Ayen?
Bwisit ka, Mia!
Biglang may nag doorbell kaya naman napatayo ako sa kama.
Si Sammie? Nakabalik na ba siya agad?
I open the door at nabigla ako nang makita ko si Sir Ayen sa harapan
ko.
My heart jumped.
Shit ka heart, ba't ka lumulundag. Behave please. Behave.
"S-sir? W-what are you doing here?"
"Hindi ka kasi nag reply sa text ko. Tinitignan ko lang kung okay ka."
Uhmm why do butterflies suddenly appear?
Punyetang mga paru-paro, saan kayo nag mula?!
"G-ganun po ba? A-ayos lang naman po ako. Sorry hindi ako nakapagreply
kasi---" kasi nag d-debate pa ang isipan ko kung masaya akong wala kang naalala o
hindi.
"Can I come in?" tanong niya.
"S-sure."
Pinapasok ko siya sa loob ng apartment namin at para akong hihimatayin
dito.
Si Sir Ayen at ako sa loob ng apartment namin. Binisita niya ako dahil
hindi ako nagrereply sa kanya!
Good job Mia! Buti na lang hindi ka nag reply!
Napadako ang mata ko sa sofa at nakita kong nandoon yung pinaghubaran
na damit ni Sammie.
Shit.
"Sorry medyo makalat," sabi ko habang pinupulot yung damit na nakakalat
ni Sammie. Ba't kababaeng tao namin, ang
kalat namin?! "H-hindi pa ako nakakapag linis. Ahm, you want water? Juice? Coffee?
Softdrinks? Ay, wala pala kaming juice at softdrinks. Coffee na lang? Wait
ipagtitimpla kita."
"Mia..."
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Sir Ayen ang braso ko at hinatak
niya ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
I stopped breathing.
"S-sir...?"
He tightened his hug as he buried his face on my shoulder.
"Mia...naalala ko lahat ng mga sinabi ko sa'yo nung nalasing ako. Sorry
I lied..."
"Sir Ayen bakit---"
"At alam kong alam mo na mahal ko si Timi."
Natigilan ako.
"Ikaw lang ang nakakaalam ng bagay na yun kaya sorry sa'yo ako pumunta.
Sila na ni Ice, Mia. Sila na. At ang sakit...."
"Sir Ayen..."
"Baka kasi kung ano ang magawa ko kapag mag isa ako at wala akong
mapuntahan. Sorry Mia, pero okay lang ba? Pwedeng....paiyak?"
To be continued...
Aly's note:
Sorry maikli lang. Try ko ulit mag update ng isa pa ngayon weekday. Pero bahala na
si batman xD
Anyway, suggest naman kayo ng OPM song na pwede magamit dito sa story :)

=================

Twentieth Stanza

Twentieth Stanza
MIA MILLS.
"Iiyak mo na ang lahat sa langit. Iiyak mo lang ang lahat sa akin."
- 6 Cycle Mind, Sandalan
"Pwedeng....paiyak?"
Nakakatawa kasi the moment na sinabi niya sa akin yan, mas nanunang bumagsak ang
mga luha ko kesa sa kanya.
There's something about how he said those words that hit me hard.
Siguro dahil ramdam na ramdam ko ang pain niya. Damang dama ko kung gaano siya
kalungkot ngayon. And I can understand him because I know how he feels. Dahil
naramdaman ko na ang nararamdaman niya ngayon. Dahil alam ko na sobrang hirap
dalhin yung pain na yun.
I raised my arms and I was about to hug him back nang bigla siyang humiwalay sa
pagkakayakap akin.
"S-sorry. I---I shouldn't be doing this. Hindi dapat kita dinadamay."
"Sir Ayen---"
"Sorry sa istorbo," tinapik niya ako sa braso, "you take care." At bago ko pa siya
mapigilan, dire-diretso na lang siyang lumabas sa apartment namin.
Napatulala na lamang ako habang nakatingin kay Ayen na pasakay na sa kotse niya at
nagmamadaling umalis.
Nang tuluyan siyang maka-alis, napa-upo ako sa sofa namin dahil sa sobrang
panlalambot.
Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko na-
brokenhearted ako nang pangalawang beses.
Yung itsura kanina ni Sir Ayen, yung boses niya, yung mga tingin niya, parang any
moment bibigay na siya. Parang nagmamakaawa siya sa akin na tulungan ko siya kasi
hindi niya kinakaya ang sakit.
And I want to help him. I want to comfort him. Willing akong maging sandalan at
panyo niya habang umiiyak siya. He did a lot of things for me. Binigyan niya ako ng
chance na maabot ang pangarap ko. Tinutulungan niya akong maging mas mahusay pa.
Nung gig, kahit nag-away kami nun, ginawa pa rin niya ang lahat maalis lang ang
kaba ko. Siya ang dahilan kung bakit ko natapos ang kanta na yun kahit pinapaalis
na ako ng mga tao. At nung araw na malungkot ako, he tried his best para mapasaya
ako.
At gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong tulungan siya. Wala akong paki kung
madamay ako. Kung ako lang ang taong mapagsasabihan niya ng sama ng loob, pwedeng
pwede siyang lumapit sa akin.
Pero mas pinili pa rin niyang harapin 'to nang mag-isa.
Hindi ba siya nalulungkot? May mga tunay siyang kaibigan pero mas pinipili pa rin
niyang i-isolate ang sarili niya.
Lagi siya ang hingian ng advice pero pag siya na ang nasasaktan, wala na siyang
mahingan ng tulong.
Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
And this time, I'm not crying for myself.
I'm crying for this sad, broken guy because I feel sorry for him.
~*~
Kinabukasan, pumunta ako sa studio para kunin ang bayad sa akin doon sa
gig ng EndMira na tinugtugan ko. Pagkarating ko doon, nakausap ko naman yung isang
producer na naging ka-close ko na rin---si Sir VJ. Napagusapan naming ang about sa
nangyari sa akin sa gig.
"Don't feel bad about sa nangyari. Hindi magandang experience, pero
pinagdaraanan talaga yan. Alam mo ba kahit ang EndMira napalayas din dati nung nag
front act sila sa concert ng isang sikat na banda dati? But look at them now. Mas
sikat na sila kesa doon sa bandang yun."
Napangiti ako, "okay lang po Sir VJ. Sanay naman akong tinataboy."
Natawa siya, "ay ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nag drama na siya!"
Pareho kaming nagtawanang dalawa. Nakakahiya talaga ang nangyari at
naalala ko na naman kung gaano ako ka-wasted nung araw na yun. Pero nakakatuwa
isipin na nagagawa ko na lang itong tawanan ngayon. Dahil din siguro ito kay Sir
Ayen. Dahil sinamahan niya ako nung panahong sobrang down na down ako.
Kumusta na kaya siya ngayon?
Kagabi nung pag-alis niya, sisingsisi ako na hindi ko siya pinigilan.
Kabado ako. Hindi kasi siya sumasagot sa mga texts at tawag ko. Natakot ako na baka
mamaya kung ano na ang ginagawa niya sa sarili niya. Mamaya nag lasing yun mag isa
at hindi nakauwi. O baka naglalaslas na yun. Hindi naman siya mukhang suicidal but
you'll never know. Tinawagan ko si Jasper at nakahinga ako nang malalim nung
sabihin niyang magkasama sila ni Sir Ayen sa HQ. Busy lang si Sir Ayen na
nagsusulat ng kanta kaya hindi nakakasagot.
Hindi ko na siya kinulit nun.
Maaring mas nakahanap siya ng comfort sa pagsusulat kesa sa akin and I
understand.
"Nandito po kaya si Sir Ayen?" tanong ko kay Sir VJ. "Gusto ko sanang
mag hi."
"Ay oo. As usual nasa recording room siya. Daan ka lang doon."
Natuwa naman ako sa sinabi ni Sir VJ kaya agad akong nag excuse sa
kanya at dumiretso ako ng recording room.
Nang makarating ako doon, hindi ko makuhang kumatok. Nakatayo lang ako
na parang sira sa tapat ng pintuan.
Kapag pumasok ako sa loob, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Sir Ayen.
I-c-comfort ko ba siya? Ku-kumustahin ko ba siya? O kakausapin ko siya na parang
walang nangyari?
Paano kung mas makakatulong sa kanya kung iwan ko na lang muna siyang
mag-isa? Paano kung ayaw naman niya ng kausap?
Bakit ang hirap niyang basahin? Palaging hindi ko malaman ang ikikilos
ko sa harapan niya.
I just want to know if he's okay.
"Mia!"
Biglang may tumapik sa braso ko at agad naman akong napalingon sa
likuran ko at....para siguro akong nakakita ng ghost nang makita ko kung sino ang
tumapik sa braso ko.
Shit.
"Chef Timi..."
"Oh? Ba't nanlalaki mata mo?" tanong niya. "Pinupuntahan mo rin si
Ayen?"
Tanging tango lang ang nasagot ko.
"Ay naku, me too! Paano kasi kagabi hindi ko ma-contact. Marami pa
naman akong ikukuwento sa kanya. Busy ata."
Oo. Busy maging broken dahil sa'yo, gaga.
Nginitian ko siya, "busy nga po siya."
"Ay tara puntahan natin!"
Bago ko pa siya mapigilan, she already opened the door at dire-diretso
siya sa loob. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.
Nakita ko si Sir Ayen, nasa harap niya ang kanyang laptop, may headset
sa tenga at may isinusulat siya sa isang maliit na notebook na nasa harapan niya.
"Uy, Ayen!" bati ni Chef Timi.
Nang makita niya si chef, agad niyang itinago ang notebook na
pinagsusulatan niya at tinanggal ang kanyang headset.
"T-Timi, what are you doing here?"
"Wala lang! Napadaan lang. Sinamahan ko si Ice sa photoshoot niya eh,
busy pa ang loko kaya pumunta muna ako rito."
"Ah..wow, supporting girlfriend," ngiting ngiti na sabi ni Sir Ayen.
Yung ngiting parang walang tinatagong sakit.
Napalingon si sir sa akin.
"Oh, Mia, nandito ka rin pala," nakangiti niyang bati.
I tried my best to give him a smile...but I fail. Hindi ko makuhang
ngitian si Sir Ayen at alam kong masaydong obvious ang expression ko ngayon kaya
naman yumuko na lang ako.
Parang ako yung nasasaktan para sa kanya. Ramdam na ramdam ko siya, eh.
Kaya nga nagtataka ako, paano niya pa nakukuhang ngumiti? Ako nga na nakaka-witness
lang, nasasaktan na para sa kanya, what more yung nararamdaman niyang pain ngayon?
Siguro kung ako ang nasa lagay niya, nag breakdown na ako.
"Ikaw naman Ayen, ano ang pinagkakaabalahan mo ha? May bago kang
sinusulat na kanta?" tanong ni Timi habang nakatingin sa notebook na hawak ni Sir
Ayen.
"Ah...oo."
"Ano yan? Patingin!" akmang aagawin ni chef yung notebook pero itinago
agad ito ni Sir Ayen sa likuran niya.
"Wag muna. Hindi pa buo. Tsaka pangit, wala kasi akong maisip," palusot
ni Sir Ayen at nagkatinginan kami kaya lang, agad niyang iniiwas ang tingin niya sa
akin.
"Ikaw kasi, puro ka pagkain!" sabi ni chef. "Alam mo ikaw, dapat ma-
inlove ka para mas ma-inspire ka!"
Manhid. Hindi mo ba naririnig yung mga kantang ginagawa ni Sir Ayen?
Hindi mo ba nahahalata kung sino ang pinatatamaan nun?!
Napatawa si Sir Ayen, "syempre masarap ma-inlove sa pagkain!" sabi niya
sabay kindat kay chef. "At kung in love ka, wag mo na akong idamay!" ngiting ngiti
niyang sabi.
Nakangiti siya pero bakit ang sakit?
"Ganyang ganyan ka parati!" natatawa tawang sabi ni chef Timi. "Alam mo
Mia, nung bago ko pa lang na kaibigan ang EndMira, highschool days yun eh, crush ko
'tong si Ayen."
I froze. Napatingin ako kay Sir Ayen at nakita ko ang pagkawala ng
ngiti sa labi niya.
"Kaso, wala, ang puso nasa pagkain kaya nag move on na lang ako sa
kanya!" natawa si Chef Timi at narinig ko ang pilit na tawa ni Sir Ayen. Pero dahil
nasa gilid siya ni chef, ako lang ang nakakakita ng expression ng mukha niya.
"Mas type ko ang pagkain kesa sa'yo," sabi ni Sir Ayen.
Hinampas siya sa braso ni chef, "oo na! Tanggap ko na! May Ice na naman
ako!" natatawa-tawa niyang sabi.
Bakit ang manhid niya, ha? Bakit ganun? Kitang kita sa mata ni Sir Ayen
na nasasaktan siya. Ramdam na ramdam ko mula sa pwesto ko ang pag guho ng mundo
niya. Pero bakit hindi nakikita yun ni chef?
Please stop hurting him!
"Ay, patapos na ata si Ice! Tara puntahan natin siya!" aya ni chef.
Really? Hindi ka pa tapos na i-torture siya?
"Actually," singit ko at napatingin silang dalawa sa akin, "uhm, m-may
kailangan po kasi akong sabihin kay Sir Ayen. Pwede ko po ba siya mahiram saglit?"
"Oh, sure!" bahagyang itinulak ni chef Timi si sir papalapit sa akin at
may halo pang pangaasar. "He's all yours," sabi niya then she winked.
Tinapik niya sa braso si sir Ayen at binulungan, "galingan mo!" she
giggled at iniwan niya na kaming dalawa sa loob ng rehearsal room.
"So," pagsisimula ni Sir Ayen, "ahmm... wag mon a lang masyadong
intindihin si Timi. Ang hilig lang talaga ako nun inaasar kung kani-kanino," sabi
niya habang
nagliligpit ng gamit. "Ano nga pala ang sasabihin mo?"
Nilapitan ko si Sir Ayen.
"Tara shot tayo."
Natigilan si Sir Ayen sa pagliligpit at biglang napa-angat ang tingin
sa akin.
"Ano naman ang pumasok sa isip mo at gusto mong uminom? Madali ka pa
naman malasing."
"Ikaw rin naman."
Napangiti siya nang bahagya, "then dapat iwasan na muna natin uminom ng
magkasama. Baka kung ano pang mangayri sa ating dalawa."
"O baka kung ano na naman ang maamin mo sa akin?"
"Mia--!"
"Okay, kung ayaw mong mag shot, sige kain tayo sa labas."
"Pass. I'm not hungry."
"Kape tayo."
"Mia, why are you doing this?"
Huminga ako nang malalim, "okay, kung ayaw mo mag kape, then dito na
lang."
I locked the door at lumapit ulit ako sa kanya at naupo sa silya na
nasa tapat niya.
"Mia...."
"Umupo ka."
"Teka, inuutusan mo ba 'ko?"
"Yes," mariin kong sabi and I know I'll get into trouble after this
pero wala na akong paki. "Ma-upo ka, Ayen."
Nagulat siya nang tawagin ko siyang diretso sa pangalan pero hindi siya
nagsalita. Sinunod na lang nya ako at naupo siya sa tapat ko.
"Kung tungkol 'to kahapon as pagpunta ko sa'yo, pasensya ka na sa
abala. And you don't have to worry about me. I'm fine."
Fine fine mo mukha mo! Ilang beses ko na yan sinabi sa sarili ko after
namin mag break ni Sam pero malayo sa 'fine' ang nararamdaman ko.
"Sa EndMira, si Jasper Yu ang actor at hindi ikaw. Hindi ka magaling
um-arte."
Napangiti nang bahagya si Sir Ayen at napakamot siya sa ulo niya,
"ganun ba? Akala ko magaling ako. Paniwalang paniwala sila, eh."
"Sila yun. Ako hindi. Kitang kita ko, eh."
"So...ayun ang gusto mong sabihin sa akin? Na kitang kita mo ang
pagpapaka tanga ko?"
Umiling ako.
"Hindi. Gusto kong sabihin sa'yo na kung hindi mo masabi sa iba, pwede
mo naman sabihin sa akin. Promise, makikinig ako."
"Mia---"
"Promise, hindi kita pagtatawanan. Kahit mag mura ka pa o magwala ka o
kahit humagulgol ka sa akin ng iyak, I won't judge you. Mahirap kaya yung wala kang
mapagsabihan. Mahirap kaya kimkimin lahat yan. Pwede mo naman kasi sabihin sa akin,
eh. You were there for me kaya gusto ko nandyan din ako para sa'yo. Kaya please,
wag mong isipin na nakakaabala ka sa oras ko kasi hindi. Alam kong nasasaktan ka,
hindi mo kailangan mag pretend na okay ka sa harapan ko. Pwede kang magpakatotoo sa
akin."
"Mia..."
"What?!"
"Why are you crying? Inunahan mo na ako ng iyak."
"H-ha?"
Napahawak ako sa pisngi ko at doon ko na lang napansin na umiiyak na
pala ako.
Dali dali kong pinunasan ang luha sa mata ko.
"Ikaw kasi, eh. Hindi ka makaiyak kaya ako na lang."
Natawa si Sir Ayen at hindi iyon yung katulad ng tawa na ibinigay niya
kay chef Timi kanina.
Ito, totoong tawa.
Napangiti ako.
"O ngayon nakangiti ka na," sabi niya. "Pagpasok mo kanina rito, hindi
ma-ipinta ang mukha mo. Para kang constipated na ewan."
"Kasi nga ako na lang din ang naglalabas ng emosyon mo dahil mukha kang
tanga kanina na ngingiti-ngiti kahit hindi na ka-ngiti ngiti yung sitwasyon!"
"Best actor ako, eh."
"Pero sa akin hindi."
"Buti na lang sa'yo, hindi."
Napa-ngiti ulit kami sa isa't-isa.
"So uhmm," he cleared his throat. "Niyayaya mo akong mag shot kanina?"
"Gusto mo ba?"
Tumayo siya at isinukbit ang bag sa balikat, "tara, shot!"
Napatawa ako nang mahina at tumayo na rin.
"So Mia, ano ba ang dapat inumin ng isang broken hearted na tulad ko?
Brandy? Rum? Tequila?"
Napangisi ako.
"Red Horse."
To be continued...
Aly's note:
Hi po. Request ko lang po sa patuloy na tumatawag at nag c-comment sa character ko
na si Mia ng "Mia Khalifa" maari po lamang na paki tigil na po. Bukod sa na-a-
associate ang character ko sa isang porn star, may mga inosenteng minors din pong
nagbabasa dito na na c-curious kung sino ba si Mia Khalifa kaya naman sini-search
nila without knowing na isa siyang porn star. Hindi po maganda at hindi po
nakakatawa.
Salamat sa pag intindi.

=================

Twenty-First Stanza

Twenty-First Stanza
MIA MILLS
"Kahit ano pang sabihin nila, tayong dalawa lamang ang makakaalam."
- Up Dharma Down, Indak

"I feel so lucky today," sabi ni Ayen habang binubuksan niya ang pang—hindi ko na
alam kung pang ilang bote na ng red horse yun.
"Bakit naman, Ayen?" ngiting ngiti kong tanong.
Napangiti rin siya at tinuro ako, "enjoy na enjoy mo ang pagtawag sa
pangalan ko ha?"
"Nilulubos ko na because I know after this I'm back to calling you Sir
Ayen again."
Kumunot ang noo niya, "itigil mo yan!"
"What?"
"Yung pagsasalita mo ng english."
It's my turn para kumunot ang noo, "bakit naman?! Hindi naman mali mali
ang grammar ko!"
"Alam ko. Pero mas gusto ko kapag nagtatagalog ka. Kaaliw eh. Fil-Am na
Fil-Am itsura mo pero ang tatas mo magsalita ng tagalog," sabi niya sabay tawa nang
malakas.
Napailing na lang ako.
Lasing na 'to.
Hindi pa siya nagkukwento ng tungkol sa pagiging sawi niya, lasing na
agad. Tapos kung anu-ano pa ang mga tinatanong sa akin. Wala na. Hindi ko na siya
mapapakinabangan. Mamaya tulog na tulog na 'tong bwiset na 'to.
At dahil nga na-diskubre naming pareho kaming nawawala sa sarili kapag
nakakainom, dito na lang kami sa headquarters nila tumambay. Bumili ako ng chicken
skin bilang pulutan. Siya naman, gumawa ng beef nachos. At syempre, ilang can din
ng red horse ang binili namin.
"Pero sagutin mo ang tanong ko!" sabi ko sa kanya, "why do you feel
lucky today?"
"Tagalugin mo muna yan."
Lecheng 'to.
"Bakit tingin mo eh swerte ka ngayon?"
Ngumisi siya, "secret."
"Gago ka!"
Halos maibuga niya ang iniinom niya at napatingin sa akin. Siguro
nagulat na tinawag ko siyang gago.
I just rolled my eyes at him.
"Lasing ka na."
"Ikaw ang lasing."
"Nope. Ikaw ang lasing. Bukod sa Ayen lang ang tawag mo sa'kin, ang
lakas pa ng loob mo na i-gago ako," nakangiti niyang sabi.
Napatawa ako sabay subo ng nachos. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko
at para bang nawawala ako sa sarili. Pakiramdam ko lumulutang na 'ko.
"Lasing na nga ata ako," sabi ko sa kanya. "At feeling ko ikaw hindi
pa. Kasi kung lasing ka na, nagsimula ka na sa pagkukwento ng about kay Chef Timi."
Natahimik si Ayen. Tinignan ko siya. Parang biglang ang lalim ng
iniisip niya.
"Uy! Ano na? Pinagiisipan mo na ba kung paano mo ilalabas lahat ng sama
ng loob mo?" tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako at ngumiti siya.
Shit ang pogi.
"Ano pa bang ikukwento ko? Minahal ko siya, na-friendzoned ako, may iba
siyang gusto, hindi kami ang end game. The end."
"Eh yung feelings mo?"
Napatawa siya nang bahagya, "feelings ko? Nasasaktan, ano pa nga ba?"
"Naiiyak ka ba?"
"Hindi."
"Bakit hindi?"
"Kasi nauna ka na. Umiyak ka na para sa akin."
"Eh paano kung—"
"Paano kung ako naman ang magtanong sa'yo?" pagputol niya sa sinasabi
ko. "Ang dami mo nang tanong tungkol sa akin. Ako naman."
"Go, fire away!" sabi ko.
"Kumusta ka?"
Napangiti ako sa tanong niya, "eto lasing. Eto parang lumulutang. Eto
nakikipag inuman sa idol niya."
"Idol. Bakit ako ang idol mo?"
"Bakit hindi?"
He shrugged, "wala lang. Sanay lang ako na laging naririnig na idol
nila si Ice, o si Jasper, o si William, o si Geo. Pero yung idol nila si Ayen? Tss.
Bihirang mangyari. Kalokohan."
"Idol ko si Ayen."
"Liar."
"I'm not. Idol ko talaga si Jarren Reyes. Magaling siyang mag compose
ng kanta. Pag siya ang nag sulat, yung lyrics ng kanta sobrang ano eh..." tinuro ko
ang dibdib ko, "sobrang tagos. Masakit bes. Ang raw ng emosyon. Damang dama."
Napatawa si Ayen.
"Yung kada naririnig ko yung mga kantang isinulat niya parang gusto ko
na lang maglaslas," pagpapatuloy ko.
"Compliment ba yan?"
"Naman! Tsaka alam mo ba yung isa pang gusto ko sa kanya?"
"Ano?"
Humagikgik ako at bumulong sa kanya, "ang pogi niyaaaa!"
Nakita ko ang pag-lawak ng ngiti sa labi ni Ayen. Mas lalo akong
lumutang sa alapaap.
"Pero sabi nila mas pogi raw si Ice at Jasper kesa kay Ayen," sabi niya
sa akin.
"Sabi lang nila yun! Basta sa mata ko si Jarren Reyes ang pinaka-pogi,"
nagpangalumbaba ako at tinitigan ko siya. "Ang ganda kaya ng mata niya. Full of
emotions. Sayang lang laging natatakpan ng salamin. Tapos yung mukha niya, ang amo.
Ang bait bait. Though nakakatakot siya kapag nagagalit. Pero bwisit, ang hot pa rin
niya tignan. Nasaan ang hustisya doon, 'di ba?"
Napatawa si Ayen dahil sa sinabi ko.
"Tapos... mabuti siyang apo, mabuting kapatid, mabuting tito sa mga
pamangkin niya," pagpapatuloy ko. "Ano pa ba? Mabuti siyang kaibigan. Yung tipong
mas pipiliin na lang niyang siya ang masaktan kesa sila. Tapos ang swerte swerte
swerte swerte ng babaeng minahal niya. Sa sobrang swerte niya, feeling ko hindi
niya deserve yung pagmamahal mo kasi hindi ka naman niya kayang mahalin."
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Ayen. Naging seryoso ang mukha niya habang
nakatingin sa akin.
"Bakit ba doon na in love si Ayen? Bakit doon pa sa taong hindi kayang suklian ang
love niya? He deserves more than that," halos pabulong kong sabi at nakakainis.
Nakakainis talaga. Lasing na nga kasi talaga ako kaya ang lakas ng loob kong
sabihin lahat nang 'to. At dahil lasing ako, nagiging emosyonal na naman ako. Kaya
nga eto, umiiyak na naman ako sa harapan ko.
Dahil lasing ako.
Sige, isisi na lang natin ito sa alak.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"Bwisit! Ako na naman ang umiiyak para sa'yo. Grabe ka na ah?"
Binuksan ni Ayen ang bag niya at inilabas yung maliit na notebook na
pinagsusulatan niya kanina.
"Iniyak ko na kasi lahat dito sa sinulat kong kanta. Wala nang luhang
natira sa'kin." Napahinga siya nang malalim at dama ko ang bigat nang dinadala
niya, "tsaka anong silbi kung iiyak ako? Mamahalin ba niya 'ko kung iniyakan ko
siya? Kung oo edi sana hulog na hulog na siya sa'kin ngayon kasi ilang beses na,
eh."
Tinitigan ko si Ayen. Magaling siyang magtago ng nararamdaman niya.
Madalas, hindi mo mabasa ang expression sa mukha niya.
But right now, he is so vulnerable.
Kitang kita nang dalawang mata ko kung gaano siya nasasaktan at para
bang pati ako, nadudurog din sa sakit.
Why do I feel so much about this guy? Bakit ako sobrang na-a-apektuhan?
"Don't you think it's about time to tell her how you really feel? Para
sana kahit papaano aware siya na nasasaktan ka rin. Alam kong wala siyang kasalanan
dahil hindi naman niya alam ang totoong nararamdaman mo. But sorry, pero naiinis
ako. Siguro dahil sobrang bias ko sa'yo. Siguro dahil ang hirap mong makita na
nasasaktan."
Napayuko siya at napaiwas nang tingin.
"Masasaktan din siya kapag sinabi ko."
"Minsan ba naisip mong magpaka-selfish? Kahit isang beses lang? Para
lang sa sarili mo?"
Inangat niya ang tingin niya sa akin at nginitian niya ako.
"Mahal ko talaga siya, eh. Ayoko siyang masaktan."
Napangiti rin ako habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Tuloy tuloy
ang pagbagsak nito. Hindi ko mapigilan. Pinunasan ko ang luha pero ayaw pa ring
huminto.
"Sorry. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Kainis."
Tinakpan ko ang mukha ko at napahagulgol na lang ako nang iyak.
Napakaraming bagay ang iniiyakan ko. Naghalu-halo na.
Si Sam. Yung nangyari sa gig. Si mommy. Si daddy. Si Chef Timi. Si
Ayen.
At yung punyetang bagong nararamdaman ko ngayon dahil, shit, hindi
pwede. Hindi pwede 'to. Hindi talaga. Wag sa kanya. Wag muna. Wag sa ngayon.
Pwede bang magpahinga ka muna, puso?!
"Mia..."
Naramdaman ko ang mga kamay ni Sir Ayen na hinahawakan ang mga kamay ko
at inaalis ito sa pagkakatakip sa mukha ko. Nang tuluyan na niyang maalis, he
brushed my tears away.
"S-sorry. Sorry," sabi ko. "Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Ikaw
kasi."
"Masyado na ba talaga akong nakakaawa para umiyak ka nang ganyan?"
medyo pabiro niyang tanong.
Tumango ako habang pinupunasan ko ang mata ko, "mej."
Napatawa si Ayen.
Leche wag ka ngang tawa nang tawa. Hindi mo ba alam epekto niyan
sa'kin?!
"Okay. Sige na nga. Change topic."
"Wag mong mababanggit banggit si Sam o ang nangyari sa gig kung ayaw
mong pareho na tayong luhaan."
Napatawa ulit siya.
Hoy puso! Kalma ano ba!
"O sige. Iba na lang. Ano ba maganda. Ahmm.. Ah! Alam ko na! Answer
this question. Kung may papakasalan ka na Hollywood celebrity, sino?"
Napangiti ako.
"Easy question! Syempre si Ryan Gosling!"
"Bakit?"
"Nakita mo ba katawan nun?"
Bumalik si Ayen sa pwesto niya sa tapat ko habang iiling-iling. Nilagok
niya ang Red Horse na hawak niya.
"Ayan! Ayan! Ganyang ganyan kayong mga babae! Maka-puri ka sa idol mo
kanina! Pero ang gusto mo rin naman palang pakasalan yung may abs! Nakuuu! Wag ako!
Nakuuuu!"
Napa-simangot ako.
"Ang pait mo rin 'no? Hindi lang naman basta may abs si Ryan Gosling!
Aba, magaling din siyang actor, magaling kumanta, ang pogi pogi pa. In short,
complete package na siya!"
"Edi siya na! Pakasal kayo!"
Problema neto?!

"So kapag tinanong ko kung sino ang gusto mong pakasalan na Pinoy
celebrity, ang sasabihin mo si Jasper Yu?!" inis niyang sabi.
"At bakit naman naisip mo si Jasper Yu? Tingin mo Ryan Gosling level na
siya?" tanong ko.
"Hindi uy!"
Natawa ako.
"Hindi naman pala, eh."
"Pero sino nga sa mga Pinoy celebrity?"
Napangiti ako, "Ian Veneracion."
"Eh ayun!" dismayado niyang sabi. "Type mo yung mga tatay na."
Aba't---!!
Binato ko nga siya ng isang pirasong nachos at tinamaan siya sa pisngi.
"Huy! Wag batuhin ang pagkain. Magagalit si Lord!" saway niya.
"Ay sorry po Lord."
"Ayan. Mag sorry ka. Salbahe ka."
Inirapan ko siya.
"Ikaw kasi makalait ka sa mga type ko! Eh ikaw? Sinong Hollywood
celebrity ang papakasalan mo?"
"Ha! Emma Watson!" sabi niya.
Natigilan ako.
Wait. Wala akong malalait kay Emma Watson. Masyado siyang disente.
Bwisit.
"Eh sikat na Pinoy Celebrity?" panghahamon ko sa kanya.
"Hmmm.." nagpangalumbaba siya. "Pwedeng singer?"
"Go! Sino yan?
"Hmm..." tinignan niya ako at ngumiti siya from ear to ear. "Tsaka ko
na sasabihin kapag sikat na siya."
"Eh? Sino nga! Ang daya naman nito!"
Napapalo siya sa noo.
"Ang malas ko talaga!" sabi niya
"Ano na namang kadramahan yan?"
"Wala. Malas talaga ko. Yung babaeng mahal ko, ang manhid. Pati ba
naman yung crush ko manhid din? Malas. Mga babae MANHIIIIID."
Napailing na lang ako.
Nabaliw na si koya.
Kinuha ko yung iniinom kong Red Horse pero ubos na. Tinignan ko sa
supot pero wala nang natira.
"Ano ba yan. Wala nang alak."
"Ubos na," sabi ni Ayen. "In-ubos na natin."
Nag stretch ako at napahikab ako.
"Pa-idlip sa couch," sabi ko at tumayo ako atsaka naglakad papunta sa
sofa nina Ayen.
Sumampa ako sa couch ng living room nina Ayen at nahiga doon.
Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ko.
"Thank you Mia," he whispered. "Because of you, it's less painful."
At hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ang nangyari pero...I
feel his lips on my cheek.
At tuluyan na akong nakatulog.
To be continued...

=================

Twenty Second Stanza

Twenty Second Stanza


JARREN REYES
"I take one step away, then I find myself coming back to you."
- Parokya ni Edgar, Your Song (My One and Only You)
"Anong naisipan mo at naglasing ka?" tanong ni Jasper Yu.
Nandito kami sa dining area ngayon. Enjoy na enjoy siya sa pagkain ng
pandesal na sinasawsaw pa niya sa kape habang ako naman, hinihimas himas ko ang noo
ko. Ang sakit ng ulo ko, sobra. Lalo na ang sama pa ng pagkakagising ko.
Kagabi nung nakatulog si Mia, binuhat ko siya papunta sa kwarto ko para
doon siya matulog at ako naman eh sa sala na nakatulog. Nagising ako ng sipain ako
sa pwet ni Jasper. Halos masapak ko siya sa sobrang yamot ko.
Mag biro na siya sa lasing at bagong gising, wag lang sa taong lasing
at bagong gising.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kumuha na lang ako ng pandesal na
kinakain niya at sinawsaw ko ito sa kape ko.
"At take note. Nakipag-lasingan ka pa kay Mia," ngumisi siya sa harapan
ko. "May nangyari sa inyo 'no?"
Tinignan ko siya ng masama, "gago, wag mo 'kong i-gaya sa'yo."
"Walang nangyari?"
"Wala! Parang timang 'to."
Napailing siya, "hina mo, pre."
"Tumigil ka nga."
"Wala. Mananatili kang birhen."
"Kesa naman sa'yo na malapit nang magka STD."
"Hoy, marunong akong gumamit ng proteksyon. Tsaka isa pa, hindi na ako
nakikipag sex kung kani-kanino ngayon. Good boy na 'to, tol."
"O baka dahil busy ka lang mamroblema sa paglutas ng past at present
mo?"
Kumunot ang noo niya.
"Ulol."
"Pakyu."
Nakarinig kami ng mga yapak papunta sa dining area kaya naman
napalingon kami pareho ni Jasper. Nakita namin si Mia na bagong gising at nakahawak
din sa kanyang noo.
"Good morning!" masiglang bati ni Jasper. "Halika kain tayo ng
breakfast."
"T-thank you," sabi ni Mia at tumabi siya sa akin.
Nagkatinginan kami at pareho kaming napangiti sa isa't isa.
"Hangover?" tanong ko.
Napatango siya, "I used to drink a lot and avoid hangover. Pero mukhang
hindi na ako sanay talaga ngayon. Ang sakit ng ulo ko."
"Uminom ka ng kape. Saglit, pagtitimpla kita," sabi ko.
"Ako na," sabi naman ni Jasper. "Para naman makapagsolo kayo."
Kinindatan niya si Mia bago siya umalis para magtimpla ng kape.
Napailing na lang ako.
"Ang gago talaga," bulong ko.
"Ha?" tanong ni Mia.
"Ah, wala."
Hindi siya nag react. Medyo wala pa siya sa sarili dahil bagong gising
lang. Napatitig naman ako sa kanya.
Ang gulo ng buhok niya. Burado na ang make-up niya. Gusot gusot pa ang
suot niyang puting bestida dahil natulog siyang ayun ang suot.
Sobrang simple niyang tignan ngayon. She's at her most vulnerable
state. Alam kong maganda naman si Mia, pero mas naappreciate ko ang ganda niya
ngayon kasi kahit wala siyang make-up, kita pa rin ang ganda sa mukha niya.
Napalingon ulit siya sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Napangiti siya kaya napangiti na rin ako.
"Ah.. Sir Ayen---"
"Ngayon, balik ka na sa pagtawag sa akin ng Sir Ayen," ngingiti-ngiti
kong sabi.
"Eeeeh, hindi na kasi ako lasing."
Napatawa ako.
"Pero yun na nga, Sir Ayen, paano po ako napunta sa kwarto mo? The last
thing I remember, sa sala ako nakatulog."
"Binuhat kita. Hindi naman kita pwedeng hayaan matulog sa sala. Mamaya
pag nadatnan ka ni Jasper, doon ka niya dalhin sa kwarto niya. Mahirap na."
Napatawa siya ng mahina, "I doubt na may gagawin siya sa akin. Pero
thank you po."
"No prob." Nag stretch ako at humawak sa balikat ko, "ang sakit ng
balikat ko. May binuhat kasi akong mabigat kagabi," pangaasar ko.
Tinignan niya ako ng masama at napatawa naman ako.
"At ngayon nakuha niyo pang magtawanan."
Sabay kaming napalingon kay Jasper na ngayon ay may dala-dala nang tasa
ng kape.
"Oh Mia uminom ka ng kape para mawala ang hangover mo," sabi niya at
inilapag niya ang kape sa harapan ni Jasper.
"Thank you."
Naupo si Jasper sa tapat namin at nagpangalumbaba.
"Alam niyo bang ang daming bote ng Red Horse ang niligpit ko kanina?
Naubos niyong dalawa yun?"
Nagkatinginan kami ni Mia at sabay tumango.
"Tss. Tas pareho kayong wasted na wasted," napailing si Jasper. "Mga
kabataan talaga ngayon. Ang w-wild."
Nilingon ko si Mia at binulungan, "don't mind him. May pinagdadaanan
yan kaya ganyan."
Napatawa si Mia.
"Love problem ba pinoproblema niya?" tanong ni Mia.
"Oo. Dala-dalawang babae ang kumakatok sa puso niyan ngayon. Si past at
present. Applicable din ba sa mga lalaki ang banat na 'haba ng hair?'"
Mas napatawa si Mia, "haba ng hair niya!"
"At talagang kung pagusapan niyo 'ko parang wala ako sa harapan niyo?!"
sabi ni Jasper.
Napatawa na lang kaming dalawa ni Mia.
~*~
"Ihahatid na kita. I insist."
"Hindi na," sabi ni Mia at pinakita niya sa akin ang phone niya. "Ayan
oh, 5 minutes away na lang si kuya Uber driver."
"Ba't kasi nag book ka pa. Pwede naman kitang i-hatid."
"Okay lang. You need to rest."
"Mag text ka kapag nakauwi ka na," sabi ko kay Mia.
"Opo sir!" natatawa-tawa niyang sabi.
"Sir na naman.." sabi ko.
"Bakit?"
Napailing ako, "wala. Parang mas gusto ko kung Ayen na lang ang tawag
mo sa'kin. Lakas makatanda ng sir."
"Pero sir po kita."
"Eh ka-edad ko lang naman sina Jasper. Sila nga hindi mo tinatawag ng
sir, eh. Ayen na lang."
Napangiti siya, "sige po, Ayen."
Napatawa ako nang bahagya. "Wala ngang sir pero may po naman."
"Uhmm, one step at a time po."
I chuckle, "okay. One step at a time. So Mia... gusto mo ba bukas,
before tayo mag practice, sabay tayong mag lunch?"
"S-sure po! Sure. I-I would love to."
"Great. Sunduin kita sa inyo at around ten thirty?"
Napangiti siya nang malawak, "okay po." Napatingin siya bigla sa phone
niya, "ay, nandito na ang Uber driver ko."
"Hatid na kita palabas."
Pinagbuksan ko ng pinto si Mia at inantay ko siyang makasakay bago ako
ulit pumasok sa loob ng HQ.
Napangiti ako.
Nung araw na nalaman kong si Timi na at Ice, ramdam na ramdam ko ang
sakit. Pakiramdam ko nga nung araw na yun, mamamatay na 'ko. Para kasi akong paulit
ulit na sinasaksak at hindi ko malaman kung paano ko makukuhang bumangon sa sakit.
Pero nung nakausap ko si Mia, kahit hindi naman masyadong na-open ang
topic about kay Timi, I feel better. Hindi todo, pero kahit papaano gumaan ang
pakiramdam ko.
Ewan, ang saya niyang kausap. Ang sayang alamin ng mga bagay na tungkol
sa kanya. Gusto kong marinig kung ano ang sunod niyang sasabihin.
Kapag kausap ko siya, parang nagkakaroon ako ng dahilan para maging
masaya.
"O, pre ngiting ngiti ka ah?" sabi ni Jasper sabay akbay sa akin.
"Natututo ka nang dumamoves. May pa-invite invite ka nang mag lunch. Ganyan nga.
Dapat ganyan muna kesa yung yayayain mo agad sa inuman."
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin, "gago. Wala lang yun. Walang
malisya yun loko."
"Eh yung pag-i-invite mo kumain sa kanya sa labas?"
"Wag mong lagyan ng malisya ang lahat ng bagay. Kapag ininvite sa
labas, may meaning na agad? Hindi ba pwedeng dahil kaibigan ko siya."
"Utut mu."
"Utut mu mabaho."
"Pero pre," inakbayan ulit niya ako. "Advice lang ha? Tutal ako ang
eksperto sa mga babae dito at hindi ikaw. Yang mga ganyang galawan na yayayain ang
babae kumain sa labas, galawan yan ng mga lalakeng interesado sa babae at hindi
dahil—and I quote---friends lang sila. Ang mga babaeng, madaling mag assume ang mga
yan. Kung sa'yo walang malisya, pustahan tayo, kay Mia meron. Kaya kung di ka naman
interesado sa kanya at ayaw mo siyang masaktan, tigilan mo ang mga ganyang
galawan."
Napatigil ako sa sinabi ni Jasper.
Si Mia? Mag-a-assume? Imposible naman ata yun. Isa pa, kahit nag m-move
on na siya, ramdam ko pa rin naman na kahit papaano, si Sam pa rin ang mahal nun.
Kaya hindi yun mag a-assume sa akin.
Hindi yun ma-i-inlove sa akin.
Imposible naman.
Kung anu-ano lang sinasabi nitong si Jasper Yu.
Walang malisya kay Mia yun.
~*~
MIA MILLS
"Akin ka na lang, akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo."
- Itchyworms, Akin Ka Na Lang
Oh my god! OMG! Oh my goodness!!
He invited me for lunch! He invited me!! Tapos ilang beses pa kaming
nagkangitian kanina! Tapos tapos...sabi niya i-text ko siya kapag nasa bahay na
ako.
Teka yung puso ko. Teka kalma. Teka kinikilig ako. Teka si Kuya Uber
driver na-w-weirduhan na sa akin! Shit!
Inginudngud ko ang ulo ko sa hand bag ko at doon ako nagtititili.
Kinikilig talaga ako.
"Ah.. ma'am. Okay lang po ba kayo? May pinagdadaanan po ba kayo? Pwede
po kayong mag share sa akin," sabi ni kuya driver.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya then I cleared my throat at umayos
ako nang upo.
"Okay lang po ako kuya. I-I'm just practicing..."
"Practicing?"
"Y-ya. Practicing....uhmm... you know...p-proper breathing."
"Paghinga?" takang taka niyang tanong.
"O-opo. Paghinga. As in inhale exhale. I—I'm a singer a-at t-training
namin yung ginagawa ko."
"Aahhh.. Talaga po ba ma'am? Effective
po ba?"
"O-opo! Effective naman...." Shet napapaniwala ko talaga siya.
"Aba. Mapagawa nga yang proper breathing exercise na yan sa anak ko. Eh
kung hindi niyo naitatanong, gusto rin maging singer nun."
Napatawa na lang ako.
"Good luck po sa anak niyo."
"Thank you ma'am!" masigla niyang sabi.
Jusko, wala sanang mangyaring masama sa batang yun kapag nginudngod
niya ang mukha niya sa handbag at nagtititili.
Napatingin ako sa bintana at napangiti.
Sabi niya wag ko na siyang tawagaing sir.
Napabuntong hininga ako.
Ano ba 'to. Wala na nga talagang atrasan 'to. Nakuha ko nang kiligin ng
husto, eh.
Unti unti na talaga akong nahuhulog sa kanya.
~*~
Hindi ko masyadong binonggahan ang damit ko. Simpleng black dress lang
at white sneakers ang suot ko. Nakalugay ang buhok. Light make up, at syempre
pabango. Yung tipong parang pupunta lang talaga ako sa practice.
Mamaya mahalata na naman niyang nagpaganda ako.
Oo na! Nagpaganda na nga ako! Slight okay? Slight.
Narinig kong may nag doorbell. Dali dali 'kong binuksan ang pinto at
nakita ko si Sir---I mean---si Ayen sa front door ng apartment namin. Naka-hoodie
siyang pula. Wala siyang suot na salamin ngayon kaya kitang kita ko ang mata niya.
Medyo magulo ang buhok niya but it perfectly suits him.
"Ready to go?" nakangiti niyang sabi.
Tumango ako, "y-yep."
"Taralets!" masigla niyang sabi. "I'm starving."
Natawa ako, "lagi naman."
Nilingon niya, "naku natututo ka na talagang awayin ako."
I gave him a wide smile, "one step at a time."
He chuckled.
Biglang tumunog ang phone ni Ayen at kinuha niya ito sa bulsa niya.
Hindi ko nakita kung sino ang tumawag pero kita ko ang pag-a-alinlangan ni Ayen
kung sasagutin niya ba o hindi ang call.
"Sagutin mo. Baka importante," nakangiti kong sabi.
"Wait."
He answered the call.
"Hello Timi?"
Si Timi pala. Bakit parang nagsisisi ako na ipinasagot ko sa kanya ang tawag?
Tinignan ko si Ayen. Napapikit siya. Nakita kong napa-hinga siya nang malalim at
kinakabahan ako sa kung ano ang sinasabi ni Timi sa kabilang linya.
"S-sige. Okay. I understand. S-see you."
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba when he ended the call and he look guiltily at
me.
"What happened?" tanong ko.
Napaiwas siya nang tingin. "I-I'm sorry Mia. I-it's Timi.. M-may
emergency kasi siya at---"
"Okay lang," pag putol ko sa sinasabi niya at pilit akong ngumiti. "Puntahan mo na
siya."
Hinawakan niya ako sa braso at tinitigan ng diretso sa mata, "thanks! Babawi talaga
ako sa'yo!"
Hindi ko na nagawa pang makapag respond dahil patakbo siyang lumabas sa
apartment ko habang ako, naiwan sa loob.
My heart sinks.
Sabi sa'yo eh. Wag muna. It's too early. Heartbreak lang ang hanap mo.
To be continued...

=================

Twenty Third Stanza

IMPORTANT NOTE. PLEASE READ. 


Guys, binago ko yung isang part sa 22nd Stanza. Yung part kung saan may tumawag kay
Ayen kaya umalis siya. Karugtong kasi yun ng isang part sa "Game Over" kong story
at may na-overlook ako. Hindi si Jasper ang tumawag kay Ayen kundi si Timi. Kaya
naman doon sa in-edit ko, mas ouch kay Mia yung eksena. Balikan niyo na lang muna
yung part na yun then tsaka niyo basahin 'tong update. Magkadugtong kasi XD
~*~

Twenty Third Stanza


JARREN REYES
"They gave me the heartache and in return I gave a song. It goes on and on and on"
- Ed Sheeran, Save Myself
Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho ako. Ramdam ko ang matinding galit na
naguumapaw sa akin ngayon. Pero mas nangingibabaw ang pagaalala ko sa babaeng
katabi ko ngayon.
Kay Timi.
Kasalukuyan siyang humahagulgol ng iyak ngayon.
Si Timi ang tumawag sa akin kanina. Sinabi niyang magkita kami dahil
may importanteng importante siyang sasabihin sa akin. Yung boses niya parang
problemadong problemado kaya kahit nakokonsenya ako sa pangiiwan ko ngayon kay Mia,
hindi ko makuhang tanggihan si Timi.
At ang nadatnan ko sa mall? Si Timi na nakikipag-away kay Ice. Si Ice
na nahuli ni Timi na may kasamang ibang babae.
Pansamantalang nag dilim ang paningin ko kanina at nasuntok ko si Ice
habang hinihila si Timi palayo sa kanya.
Nanginginig ako sa galit. Inis na inis ako. Nangako si Ice, nangako
siya sa akin na hindi niya sasaktan si Timi pero ano 'tong ginawa niya ngayon?
Dinig na dinig ko ang pagiyak ni Timi at mas masakit pang marinig ito
kesa nung sabihin niya sa akin na mahal pa rin niya si Ice. Mas dobleng sakit ito
kesa nung sabihin niyang sila na ni Ice. Dahil doon, kahit masakit kasi hindi ako
ang mahal niya, at least alam kong masaya siya.
Pero ito. Itong pag-iyak niya. Ang hirap pakinggan. Parang nababasag
ang puso ko.
Dinala ko siya sa condo unit niya. By the time na makarating kami doon,
hindi na siya humahagulgol ng iyak pero tahimik siya, walang expression ang mukha,
para bang bigla na lang siyang nawalan ng pakiramdam.
Nang makapasok kami sa loob ng condo niya, agad kong pinaupo si Timi sa
sofa. Kumuha ako ng isang basong tubig at inabutan ko siya.
"S-salamat," sabi niya. Kinuha niya ang baso ng tubig na inabot ko pero
hindi siya uminom. Instead, inilapag lang niya ito sa lamesa na nasa harapan niya.
Kinuha ko ang kamay ni Timi at hinawakan koi to ng mahigpit.
"Timi, gusto mo ba ako ang kumausap kay Ice about this?"
Agad siyang napatingin sa akin at umiling. "Ayoko. Ayoko nang malaman
lahat ng mga dahilan niya. Ayoko."
"But you still need to know kung ano man ang sasabihin ni Ice."
"Para ano? Para maloko ulit?!"
Napatingin ako sa kisame at huminga nang malalim. Pilit kong
pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong isinasaksak sa kukote ko na baka nagkakamali
lang kami ni Timi. Na imposibleng magagawa yun ni Ice. Alam ko kung gaano niya
kamahal si Timi. Kitang kita yun ng dalawa kong mga mata.
Pero inaamin ko, parte sa akin, nagsusumigaw na sana ako na lang ang
mahalin niya. Na sana akin na lang siya. Ako na lang, Timi. Please? Mula umpisa
nandito na ako para sa'yo. Ako na lang kasi.
Ayen, ano ba 'yang iniisip mo. Mali yan.
"I can't believe it..." halos pabulong kong sabi. "Kita ko kung gaano
ka niya kamahal. Paano niya nagawa 'to? Hindi pwede 'to..."
"He's a good liar!" sigaw ni Timi at nakita ko na naman na muli siyang
napaiyak. "Napaikot na naman niya ako! Sila ni Erin. Ayen...ang sakit. Ganito ba
ako ka-tanga para hindi makita yun? Bakit ganun? Bakit binigyan ko pa siya ng
chance? Ang sakit sakit sakit."
Hinila ko papalapit sa akin si Timi at niyakap ko siya nang mahigpit.
Kung pwede lang na ilipat na lang niya sa akin ang lahat ng sakit na
nararamdaman niya. Kung pwede ko lang kunin yun. Kung pwedeng ako na lang ang pumas
an.
"Please stop crying Timi. Please..."
"S-sorry. Ang sakit lang talaga sobra. Sobra sobra, Ayen."
Napapikit ako.
Hindi ko na rin kaya, Timi. Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ko siya sa mata. I
touch her cheek and wiped her tears away.
"A-Ayen...?"
"Ang sakit makita kang ganyan alam mo ba?" halos pabulong kong sabi sa
kanya.
Mula sa mata niya ay napababa ang tingin ko sa mga labi niya.
At hindi ko alam kung ano ang kagaguhang ginawa ko. Siguro pinaghalu-
halo nang mga emosyon na nararamdaman ko. Yung matinding pagmamahal ko sa kanya,
yung sakit na nararamdaman ko kasi iba ang mahal niya, yung mas dobleng sakit kasi
nasasaktan siya ngayon, panghihinayang, lahat na.
Kaya naman natauhan na lang ako nang ma-ilapat ko na ang labi ko sa
labi niya.
At pinagsisihan ko agad ang ginawa ko dahil nang lumayo sa akin si
Timi, kitang kita ko ang sobrang pagkagulat sa mga mata niya.
"N-no. No Timi. I-I'm sorry!" I tried to touch her shoulder pero umiwas
siya sa akin.
"Don't touch me," mariin niyang sabi sa akin.
My heart sinks.
What have I done?
"I'm so sorry Timi. W-walang ibig sabihin ang halik na yun! I swear! I
just...I just..."
I just love you so damn much.
Napaiwas ako nang tingin.
Hindi ko na kaya pang magbitiw ng kasinungalingan sa kanya tungkol sa
nararamdaman ko.
"Kelan pa nagumpisa," halos pabulong niyang tanong.
Napahinga ako nang malalim at napalunok ako. Tumingin ako sa taas para
lang mapigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko.
Hindi pwedeng pumatak ito. Hindi sa harap ni Timi. Mas masasaktan siya.
"Mula nung bumalik ka galing Paris," sabi ko.
Pero hindi ko na talaga sigurado kung kailan. Maaring nung pag-alis
niya. O maaring noon pa, nung mga highschool pa kami.
Basta alam ko, sobrang mahal na mahal ko na siya.
Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko sa mga mata niyang nasasaktan
siya.
Nasasaktan dahil sa akin.
"Timi... please...."
Hinawakan ko ang kamay niya pero hinila niya ito sa akin at mas lalo
akong nanlumo.
"S-sorry Ayen, I want to be alone."
"No! Hindi ko kayang iwanan ka ng ganyan! Please! Hindi ko na uulitin
yun. Hindi rin kita hahawakan!" desperadong sabi ko. "But please, let me stay. I'm
still your friend. 'Di ba? Magkaibigan pa rin tayo 'di ba Timi?" pagsusumamo ko sa
kanya.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at ni hindi niya ako magawang
lingunin.
Ang sakit sakit naman nito.
"Please Ayen, I need to be alone. I promise you I'll be okay. Basta
iwan mo muna ako. Gusto kong mag-isip! Please Ayen! Please leave me alone!"
Hindi ako agad nakakilos sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako kay
Timi. Gusto kong mag stay. Gusto ko siyang i-comfort. Ayokong umalis hangga't alam
kong hindi siya okay. I want to make her happy.
Pero alam ko naman na hindi ako ang kailangan niya.
Hindi ako sapat para maging okay siya.
Dahil masakit man isipin, pansamantalang sandalan lang ang role ko sa
buhay niya. Yun lang. Hanggang doon na lang yun.
Napahinga ako nang malalim at tumayo ako.
"I'm sorry..." halos pabulong kong sabi at tuluyan na akong umalis.
~*~
Nadatnan ko si Ice sa headquarters ng EndMira. He's being confronted by
their manager, Rochelle at pati na rin ni Jasper.
"Pre dapat mong sabihin kay Timi," dinig kong sabi ni Jasper kay Ice.
"She needs to know the truth."
"Na ano?" sabat ko. "Anong totoo?! Na niloloko mo siyang gago ka?!"
"Ayen---!" pag awat ni Rochelle ngunit hindi na niya natuloy pa ang
sasabihin niya dahil dire-diretso na akong lumapit kay Ice at sinuntok ko siya ng
malakas.
"Ice!" nilapitan ni Rochelle si Ice at inalalayang tumayo.
"Pre ano ba!" sabi naman ni Jasper habang hatak hatak ako. "Umayos ka!"
"Gago ka!" sabi ko kay Ice at dinuro ko siya. "Gago kang hayop ka!
Paano mo nagawa kay Timi yun, ha?! Mahal na mahal ka niya!"
"Ayen, relax!" sabi ni Rochelle. "You misunderstood the situation---"
"Let him explain!" I shouted, cutting her off. "O naputol na rin ba ang
dila ng punyetang yan at kailangan may ibang magpapaliwanag para sa kanya?!"
Umayos ng tayo si Ice at pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya.
Huminga siya nang malalim at tinignan ako.
"I love Timi," sabi ni Ice. "I love her so much at mali ang
pagkakaintindi niya sa sitwasyon. Oo, marami akong itinago ka sa kanya pero gusto
ko ng itama ang pagkakamali na yun. Ayokong mawala sya ulit sa akin..." his voice
broke at kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahawak ni Jasper at nilapitan ko si
Ice at kinwelyuhan.
"Ayusin mo yan," nangingigil kong sabi sa kanya. "At wag na wag na wag
mo na ulit siyang sasaktan."
Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Ice at tinalikuran ko na
sila. Dire-diretso akong lumabas ng HQ. Naririnig ko ang pag tawag sa akin ni
Jasper pero hindi ko siya pinapansin.
"Huy! Pre ano ba! Bwisit naman oh!" sabi niya at hinawakan niya ang
balikat ko atsaka ako hinatak paharap sa kanya. "Anong eksena yung kanina? Ba't
ganun ka naman makapag react kay Ice? Sa EndMira, ikaw yung pinaka kalmado tapos
bigla bigla kang nanunugod ng ganun."
Napahinga ako nang malalim.
"Ano bang alam niyo sa akin?"
"Huy, ba't ka ganyan? May problem aka ba?"

Hinarap ko si Jasper.
"Sapakin mo nga ako."
Mas lalong kumunot ang noo ni Jasper.
"Tangina pre, may amats ka ba?"
"Mahal ko si Timi. Hinalikan ko siya kanina nung down na down siya kay
Ice at—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sinapak na ako ni Jasper.
"Tangina Ayen! Anong kagaguhan ang ginawa mo!" galit na sabi niya sa
akin.
Hinatak niya ako sa pagkakasalampak ko sa sahig at kinwelyuhan niya
ako.
"Tangina! Bakit si Timi?! Kaibigan natin yun! Parang kapatid na natin
yun, Ayen! Bakit?!"
Napangiti ako at napatawa ng malungkot.
"Isang malaking kasalanan nga na mahalin siya," halos pabulong kong
sabi.
"Ayen..."
Tinabing ko ang kamay ni Jasper at dire-diretso akong sumakay sa kotse
ko.
Nakakasawa na yung ganito. Nakakapagod na.
Akala ko magiging okay lang ako kung mamahalin ko si Timi mula sa
malayo. Sabi ko sa sarili ko, ayos lang, basta magkaibigan kami. Kahit hindi ako
ang mahal niya, at least nasa tabi ko siya.
Okay nang ako ang masaktan kesa siya.
Ayos nang palihim akong nahihirapan basta nakikita ko siyang masaya.
Pero nakakapagod pala ang ganito, 'no? Nakakapagod maging kaibigan
lang.
Hindi ko na ata kayang mahalin siya.
Tama na yun. Tama na siguro. Ayoko na, eh. Gusto ko nang kumawala.
Masyado na kasing masakit.
Buong buhay ko palagi na lang ibang tao ang iniisip ko. Pero ngayon, gusto ko nang
intindihin ang sarili ko.
Kung sakaling matutunan kong mag mahal ulit, kung sakaling dumating na
siya, hinding hindi na ako magpaparaya para sa iba.
Nagmaneho ako nang nag maneho hanggang sa makahanap ako ng isang
tahimik na lugar.
Isang lugar kung saan ko isusulat ang huling kantang gagawin ko para
kay Timi.
At pagkatapos nito, bibitiw na talaga ako.
To be continued...

=================

Twenty Fourth Stanza

Twenty Fourth Stanza


MIA MILLS.
"Kung pwede lang ang puso ko'y huwag mo ng lapitan."
- Lovi Poe, Kung Pwede Lang
"Shit shit shit bessy it's so nakakakilig!!" sabi ni Sammie habang nagpapagulong
gulong sa kama. Sa sobrang kilig niya, nasipa pa niya ang laptop na nasa harap
namin at muntikan pa itong mahulog sa kama.
Paano kasi, nanunuod kami ng Kdrama at may isang nakakakilig na part doon kaya
naman itong si Sammie akala mo parang lintang binudburan ng asin.
Inayos ko ang laptop at pinagpatuloy ang panunuod. Ang tagal naman ng kissing scene
na 'to. In public pa talaga ha? Sa park pa talaga. Para ano? So that they could
capture this beautiful scenery? Pandagdag kilig?
Pwes, hindi ako kinikilig. Gusto ko silang hampasin dalawa. Pagka ako napadaan sa
park at nakakita ng couple na naglalaplapan, sasaksakin ko sila pareho ng sanga ng
puno.
"Saranghae," sabi nung bidang lalaki. "And I will always love you until my last
breath."
Ulol, pakyu, walang forever! Minsan na akong nasabihan niyan and guess what?
Nakipag break siya sa akin.
Biglang isinara ni Sammie ang laptop kaya napalingon ako sa kanya.
"Hey, I'm watching!" inis kong sabi.
"Bessy nakakakilig ang pinapanuod natin pero yung expression mo pang semana santa.
Seriously, ilang ampalaya ang nilaklak mo today?"
Inirapan ko siya at nahiga atsaka ako nagtalukbong ng kumot.
"Now you're avoiding my question. Si Sam pa rin ba?" tanong niya.
"Wala na akong paki sa kanya," sabi ko.
"Then who?"
Hindi ako umimik.
"Si hot songwriter 'no?"
Napabuntong hininga ako at hinarap ko siya.
"Sammie...ayokong ma-inlove sa taong may ibang mahal."
"Naku, patay tayo diyan," napailing siya. "You're falling for him!"
Tumango ako, "alam mo ba, dapat may lakad kami last week kaso hindi natuloy kasi
may emergency siya," malungkot kong sabi.
"And that emergency is a girl?" tanong niya.
"Yung babaeng mahal niya. Yung iniiyakan niya," medyo bitter kong sabi. "Isang
tawag lang nung babaeng yun, sugod agad siya, eh hindi naman siya mahal nun."
At after tawagan ni Chef Timi si Ayen, hindi ko na ulit siya nakita. Nag text na
lang siya sa akin kinabukasan nun na nasa bakasyon siya at baka hindi kami mag-meet
for a week or two. Basta tuloy tuloy lang daw muna ako sa pag p-practice ng
dalawang kanta na sinulat niya. Kinumusta ko ang pagkikita nila ni chef, according
to him, may pinagusapan lang sila pero hindi naman daw importante.
Ewan ko kung totoo. Feeling ko hindi lang basta basta ang pinagusapan nila, eh.
Kasi bakit naman siya biglang mapapa-out of town?
O baka masyado lang akong napapraning? Baka binibigyan ko lang ng meaning ang mga
bagay bagay?
Ewan ko ba.
Tsaka ano ba kasing pakielam ko?
"The girl he likes....siya ba yung chef?" tanong ni Sammie.
Tumango ako, "siya nga."
"Alam mo kung saan ang restaurant niya?"
"Yep. Kumain na kami minsan doon..."
Sammie gave me an evil smile at tumayo siya, "good! Magpaganda ka girl! Pupunta
tayo sa resto na yun!"
"W-wait! Susugurin natin siya? Ayoko! Ayokong gumawa nang gulo. Isa pa, okay naman
kami ni chef Timi."
"Loka, of course hindi natin susugurin. Maglalabas lang tayo ng bitterness doon."
"Huh?"
"I mean, gusto ko lang siyang tignan para malait. Tignan natin kung gaano kalaki
ang lamang ng beauty mo sa kanya. Promise, effective yun pang release ng
bitterness," natatawa-tawang sabi ni Sammie.
"Sammie, mahirap siyang laitin."
"Sus. Lahat nang tao may kapintasan. Mag ayos ka na girl! Let's go na kasi!"
hinatak niya ako patayo sa kama.
Tumayo na lang din ako at sinakyan ang trip ni Sammie. Kesa naman
mag mukmok ako rito might as well mag release na lang din ako ng stress.
Ayoko na siyang isipin.
~*~
"Look at her skin! Ano kayang lotion ang gamit niya?" bulong ni Sammie sa akin
habang pareho kaming umiinom ng mojito dito sa bar area ng resto ni chef Timi at
tinitignan si chef mula sa malayo. Busy siya ngayon makipag meeting sa isa nilang
client.
Tinignan ko siya nang masama.
"What I mean is, look at her skin. Makinis pero halatang nagpa-injection lang kay
Belo. It look so unnatural," sabi niya sabay irap pataas pero alam naman namin na
hindi totoo ang sinasabi niya.
Napatawa na lang ako nang mahina, "I told you, mahirap siyang laitin."
Sammie flipped her hair, "hmp, basta for me mas maganda ka pa rin."
"That's because I'm your best friend."
"Why? You think she's prettier than you?" taas kilay niyang tanong.
"Honestly speaking? Yes."
"Mia--"
"At hindi lang yun," I said, cutting her off. "Ang strong din ng personality niya.
Malakas ang loob, Palaban. May sense of humor. No wonder Ayen falls for her. She's
almost perfect. While me? I'm her exact opposite."
"Mia, don't say that. Hindi yan totoo."
"Totoo yun. Tignan mo nga mga tipo niyang babae. Si chef Timi, si Emma Watson, mga
palaban na babae. Unlike me na onting kibot natatakot at kinakabahan."
"Ano ka ba naman girl---" hindi natuloy ni Sammie dahil biglang lumapit sa amin si
chef Timi.
"Mia! You're here!" masigla niyang bati sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Anything you want to eat? My treat!"
"Meron po ba kayo sa menu na pwedeng kainin ng mga taong sawi?" tanong ni Sammie sa
kanya. Siniko ko naman agad siya.
"Don't mind her," sabi ko kay Chef Timi. "Best friend ko po pala, si Sammie."
Natawa naman si chef, "naku Sammie, lahat ng nasa menu pwede para sa mga sawi.
Makakalimutan mo ang pagka brokenheart mo pag natikman mo ang pagkain namin."
"Ay wow!" kinuha ni Sammie yung menu, "bessy mamimili ka na. Mag t-take out tayo.
Kailangang kailangan mo 'to."
Bwiset na babaeng 'to. Sarap sabunutan. Ba't ko ba naging friend 'to?
Inagaw ko sa kanya yung menu.
"Naku chef, thank you po but we're good."
"Sure? Basta tawag lang kayo ng server pag nagbago isip niyo."
Pareho naming nginitian si chef Timi. Bigla naman nag ring yung bell sa entrance ng
restaurant at napalingon siya doon kaya napatingin din kami.
Nakita naming papasok si Ice Monasterio and chef Timi's face lit up.
"Excuse lang ah?" sabi niya sa amin at dire-diretso siyang lumapit kay Ice.
Sinalubong siya nito at niyakap nang mahigpit atsaka hinalikan sa noo.
"Alam ko na kung ano ang lamang mo kay Timi," bulong sa akin ni Sammie.
"Ano?"
"Mahal mo si Ayen at siya, hindi."
Nilingon ko si Sammie and I gave her a sad smile, "dapat ba akong maging masaya
diyan?"
"Hindi ko na rin alam, bessy."
Napabuntong hininga ako.
"You know what? I think it's really too early to fall for him. He's still in love
with Timi at kung mamahalin ko siya ngayon, heartbreak lang ang hanap ko. I want to
be there for him. I want to help him move on. But in the process of healing him,
ako naman ang masasaktan. At wala rin namang kasiguraduhan kung mamahalin niya ako
in return. Ang selfish mang pakinggan pero, ayoko nang ganung scenario, Sammie.
Kota na ako sa heartbreak. Gusto ko munang ipahinga puso ko."
"Oww," tinapik ni Sammie ang balikat ko. "I understand, bessy. Tsaka okay na yan,
habang pasimula pa lang, pigilan mo na."
I nod, "right. Habang pasimula pa lang, I better stop this nonsense feelings."
~*~
Twenty one days na.
Napatingin ako sa phone ko. No missed calls. No unread messages.
Twenty one days. Three weeks.
Ganun na katagal nagbabakasyon si Ayen.
Hindi siya nagpaparamdam sa akin at hindi ko maiwasang mag-alala kaya
naman two days ago, hindi na ako nakatiis at tinanong ko si Jasper kung nakakausap
ba niya si Ayen. Sabi niya oo. Madalas naman daw magparamdam sa kanila.
Ewan, parang sumama ang loob ko nun. Sa akin kasi hindi siya nag t-text. But then
naisip ko, bakit naman siya mag t-text sa akin? Sino ba 'ko sa kanya?
Tsaka isa pa, hindi ko rin naman siya tinetext. Hindi rin naman ako
nagpaparamdam sa kanya. Ayokong ma-attach. Delikado nga sabi.
Itinago ko sa bag ko ang phone ko.
Okay Mia. Wag mo nang antayin ang text at tawag niya. Mag focus ka na
lang sa mga dapat mong gawin.
May photoshoot kaming mga bagong artists ngayon. Pang portfolio namin
at para pang lagay sa catalog ng agency.
On time naman akong nakarating sa studio. Maaga pa ako ng ten minutes
doon sa call time sa akin.
"Uy sakto dating mo!" sabi ni Hani, isa sa mga assistant. "Inaayusan na
si Rose. Susunod ka na sa kanya."
Si Rose ay isa ring singer but mostly, pop music ang kinakanta niya.
Sumasayaw rin kasi siya.
"Ay sige po, lapag ko lang po gamit ko. Kami pa lang po ni Rose?"
"Nandyan na rin si Maureen, naayusan na siya."
Si Maureen naman yung bagong host/actress.
Pumasok ako sa loob ng studio. Nakita kong nakaupo si Maureen sa isang
monobloc chair doon. Ayos na ayos na. May make-up na rin. Ang ganda niya tignan.
Napansin kong may kausap siya. Nung una, hindi ko agad napansin. Pero
nang tuluyan akong makapasok sa loob, doon ko lang nakita kung sino ang kausap
niya.
Shit.
Si Ayen.
Busy silang magtawanan kaya hindi ako napansin ni Ayen nang pumasok ako
sa loob. Masyado silang malapit sa isa't isa. May ikinukwento si Maureen sa kanya
at titig na titig naman si Ayen dito habang nakangiti.
"Sa una nakakatakot mag surf, pero once na na-overcome mo na, naku, mag
e-enjoy ka talaga," rinig kong sabi ni Maureen dito.
"Na-engganyo tuloy ako. Parang gusto kong i-try," masiglang sabi ni
Ayen.
"Try mo. I swear, you'll have a lot of fun. Nakaka-itim nga lang kasi,
you know, dagat. Tignan mo ko, nog nog."
"Uy hindi ah. Bagay sa'yo pagka-tanned mo. Maganda tignan."
"Nambola pa siya."
"I'm not. Seriously, bagay sa'yo. Maganda ka."
Tumalikod na ako at dire-diretso akong naglakad papasok sa loob ng
dressing room.
Wow. Mukhang okay naman pala siya. Masaya siya tignan. Mukhang naka-
move on na rin naman ata siya kay Timi. Flirting na agad sa ibang girl, eh. Ayos.
Good for him. At least hindi siya
malungkot. Kinabahan pa naman ako kung anong nangyari sa kanya. Buti naman at okay
naman siya.
Buti naman.
Napahinga ako nang malalim.
Kainis naman. Nakakaselos.
Humarap ako sa salamin at pilit kong pinapakalma sarili ko. Pakiramdam
ko kasi may nakabara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko rin naninikip ang dibdib ko. At
bakit parang naluluha ako.
No. I don't want to cry. Pag umiyak ka, para mo na ring in-open ang
puso mo sa kanya. Para na ring umamin ka na nasasaktan ka. Wag, Mia. Focus. Focus
lang sa trabaho.
Smile, Mia. Smile. Smile lang. Wag papaapekto. Hindi ka pwedeng
mainlove. Mag focus ka muna sa sarili mo. Smile. Smile.
"Mia?"
Napayuko ako.
Shit naman. Bakit siya pumasok dito.
"Mia! Namiss kita!" masiglang sabi ni Ayen and he gave me a quick hug.
Quick hug pero nagwala na agad ang puso ko.
Leche.
Pilit akong ngumiti sa kanya, "nakabalik na po pala kayo Sir Ayen."
"Oh? Balik na naman ang pagtawag mo sa'kin ng sir. Ano ba yan. 'Di ba
sabi ko Ayen na lang?"
Umiling ako, "pero po kasi sir kita, eh. Hindi ko na po ma-i-aalis ang
pagtawag po sa'yo ng sir."
"Sus. Sabi mo one step at a time. Kaya umpisahan mo na nga ngayon."
Ayoko nga sabi! Kasi pag hindi na kita tinawag na sir, baka ma one step
at a time na rin ako na mahulog nang husto sa'yo. Baka nga hindi lang one step,
baka ten pa.
"Nga pala Mia, last time, inindian kita sa lunch natin. 'Di ba nag
promise ako na babawi sa'yo? So ano? Dinner tayo later? May i-ku-kwento ako sa'yo."
Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Sobrang na t-tempt akong sumama pero
kasi...
Hindi pwede. Mas lalo lang akong mahuhulog.
"Sorry sir, may plano po ako mamaya, eh."
"Ay ganun ba? Bukas kaya? Lunch? Treat ko."
"May lakad din po ako bukas."
"Kelan ka free?"
Huminga ako nang malalim at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Bakit ka ganyan? Ano ba? Bakit mo ginagawa 'to? Ayokong mahulog sa'yo
kaya tigilan mo na ako. Kagagaling ko lang sa isang heartache. Napakaaga para maka-
experience ulit ako nang panibago.
"Sir Ayen, di po ata dapat tayo kumain na sa labas."
Nakita ko ang pagiiba sa expression ng mukha ni Sir Ayen. Parang
naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.
"Bakit naman?"
"Kasi sir po kita at ayoko pong ma-issue ka na may favoritism ka. Ayoko
lang po ng gulo."
"But Mia---"
"Mia, m-make-up-an ka na!" tawag ni Hani.
Save by the bell.
"Sige po sir, maiwan ko po muna kayo," sabi ko at umalis na ako.
At pagka talikod ko, parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko sa
kanya.
Pero okay na 'to.
Hangga't maaga pa, itigil na ang kahibangan.
To be continued...
Nagsalita na ang taong bayan.
Ayen and Mia = Red Horse couple.
Hahaha langya. XD

=================

Twenty Fifth Stanza

Twenty Fifth Stanza


MIA MILLS
"Tanggap ko 'to aking sinta, pangarap lang kita."
- Parokya ni Edgar, Pangarap Lang Kita

"So, sa La Union ka madalas mag surf?" tanong ni Ayen doon sa model na kausap niya
na si Maureen.
Mine-make-up-an na ako at talagang pumwesto pa yung dalawa sa tabi ko
kaya rinig na rinig ko an gang pinaguusapan nila. Masyado silang close, ha? Kanina
ko pa gustong mag walk out kaso di ko magawa dahil nga inaayusan ako.
"Yep. Minsan sa Baler, minsan sa Siargao pero mas madalas ako sa La
Union."
"Nice. Parang gusto ko tuloy mag bakasyon para i-try yan."
Bakasyon na naman? Kakabakasyon mo pa lang. Ano, na brokenhearted, nag
adik sa bakasyon? Ako nga di makapagbakasyon nung nag m-move on kay Sam, eh!
Bwiset!
"Alam mo, pupunta kami next month sa Siargao. You want to join us?"
tanong ni Maureen kay Ayen.
Nagyaya pa talaga ang bakla.
"Talaga?" masiglang tanong naman ni Ayen. "Sure! Gusto kong sumama.
Game ako diyan. Sabihan mo 'ko ha?"
"Alright! Naku mag-eenjoy ka doon," sabi ni Maureen sabay wink kay
Ayen.
Ang lawak lawak naman ng ngiti ng loko.
"Nararamdaman ko nga," sagot niya kay Maureen.
Halatang excited.
Pss. Excited makita si Maureen na nakabikini, ganon? Excited mag sight
seeing?
'Di ko mapigilang mapa-irap. Kainis, eh.
"Ay Mia, wag igalaw ang mata. Ayan kumalat yung eyeliner mo," sabi sa
akin nung make-up artist at dali dali niyang pinunasan yung eyeliner ko.
"S-sorry," pabulong kong sabi.
Nakakainis kasi. Hmp.
Nakita ko sa salamin na napatingin si Ayen sa akin. Nang magtama ang
tingin namin sa reflection ng salamin, he smiled at me at kumaway pa.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
Ang cute niya bwiset siya. Nakakainis siya! Ano baaaaa? Paano baaaa?
Too early pa para ma-inlove sa kanya 'di ba? Pero bakit siya ganyan?!
Huminga ako ng malalim.
Mia, ano baaaaaaa. Ngumiti lang siya at kumaway sa'yo. Ayun lang ang
ginawa nya. Bakit parang may nagsabog na agad ng granada sa feelings mo?
Juskolord, malala na 'ko.
"Maureen, you're next!" tawag nung photographer.
"Ay, wait, ako na," paalam niya kay Ayen. "Kwentuhan ulit tayo later?"
"Sige. Dito lang naman ako."
So may part two ang pahaharutan nila, ganun? Kung siya nalang sana
niyaya niya mag dinner kesa ako, 'di ba? Mukhang enjoy na enjoy naman siya
makipagusap doon about surfing!
Edi mag surfing sila ng sabay! Bwiset. Lamunin sana sila ng pating!
Hay. Kalma, Mia. Kalma. Wag ka nang iirap. Baka masampal ka na nitong
make-up artist mo.
Napansin kong tumayo si Ayen sa kinauupuan niya. Akala ko susundan niya
si Maureen para panuorin ang photoshoot nito pero nagulat ako nang lumapit siya sa
akin at pinanuod ang pag m-makeup sa akin.
"Ang ganda naman," nakangiting sabi sa'kin ni Ayen.
Mia, wag kang ngingiti. Wag kang kikiligin. Kaya mo yan. Breathe in.
Breathe out. Cool lang. Hindi ka maapektuhan sa kanya. Hindi yan. Kaya mo yan.
Wag kang ngingiti. Wag kang---SABI NANG WAG KANG NGINGITI, EH!
"Thanks," ngiting ngiti kong sabi sa kanya.
Masasabunutan ko sarili ko mamayang gabi.
Naupo si Ayen sa tabi kong upuan at sinilip niya ang mukha ko habang
ngiting ngiti. Gusto ko siyang sapakin dahil nako-concious na 'ko kaso hindi ako
makapalag kasi inaayusan ako ng buhok.
"Mukhang good mood ka na," sabi niya. "Uuuuyy, sa-sama na yan sa'kin
mamaya mag dinner."
Pinindot niya ang braso ko at para naman may dumaloy na kuryente sa
buong katawan ko.
Naka-sleeveless ako kaya yung balat nya dumikit sa balat ko. Daliri
lang yun, oo, pero bakit ang lakas ng epekto sa akin?
Lord, ano po ba 'to? Ayoko, eh. Please? Ilayo Niyo po ako sa tukso.
"Hindi po talaga ako pwede mamaya," sabi ko kahit gustong gusto ko nang
um-oo.
"Nu ba yan," nag pout siya. "Kala ko pa naman namiss mo 'ko."
Eh ikaw nga hindi nag t-text sa akin, leche ka! Hindi ka nagpaparamdam
sa akin. I thought you got abducted by an alien! Leche ka!
Nginitian ko lang siya kahit gusto ko nang bumuga ng apoy.
"Saan ka pupunta mamaya?" tanong niya.
Bakit ba siya nagtatanong?! Paki ba niya ha? Kami ba, ha? Jowa ko ba
siya? Type ba niya ako? Ha? Ha? Ha?!
"Mag di-dinner kami ni Sam," sabi ko.
Kumunot bigla noo niya.
"Okay na kayo nung ex mo?"
"I—I mean, si Sammie! Yung bestfriend ko na ka-housemate ko rin. Babae
yun. Nagluto kasi siya ng dinner ngayon kaya uuwi ako," pagpapaliwanag ko.
Teka, bakit ako nagpapaliwanag? Bakit ako natataranta? Bakit ang
defensive ko?
Eh paki niya rin ba kung ang Sam na tinutukoy ko ay yung ex ko?!
Tsaka ba't ba siya tanong nang tanong?!
"Oh, I see," bumalik ang ngiti sa labi niya.
"Done!" sabi nung make-up artist. Nakita kong she tied my hair into a
messy bun pero yung klase na maganda pa ring tignan. Light make up lang ang nilagay
niya sa akin at yung pinasuot niyang damit ay black spaghetti strap dress and knee
high boots na kulay puti.
Yung style ko talaga.
"Very Mia," nakangiting sabi sa akin ni Ayen habang tinitignan niya ang
reflection ko sa salamin.
"Ganda niya 'no, Ayen?" tanong nung make-up artist.
"Naman! Maganda talaga yang si Mia," pag-sangayon niya.
At oo na, napangiti na naman ako kahit pigil na pigil ako. Kinilig na
naman ako kahit hindi dapat.
Akala ko madali lang ang pagiwas ko sa kanya. Kaso nakakainis kasi kada
small gestures nya, kinikilig na agad ako.
Masama kiligin, nakakamatay ng puso pag nagtagal at lumalim.
"O siya, you're done. Doon ka na muna sa labas. Susunod ka na kay
Maureen," sabi nung make-up artist.
"Thank you."
"Tara doon. Panuorin natin si Maureen," aya ni Ayen.
Tumango na lang ako kahit gusto kong mag stay dito sa make up room at
solohin si Ayen at kami naman dalawa mag kwentuhan. Kaso wala, nagyaya sa labas.
Gusto panuorin si Maureen. Nakakainis.
Kung sumasama ka na lang kasi sa kanya mag dinner, 'di ba?
Napailing ako.
Ano ba, Mia. Kalma. Ang moody moody mo ngayon. Hindi mo malaman kung
ano ang gusto mo.
Push ba o pull?
Heart: Push
Mind: Pull
So sino ang mas matimbang? Sino ang dapat pakinggan? Bakit ayaw nilang
magkaisa ng desisyon?
"Uy Rose!" bati ni Ayen doon sa dancer-singer. Yung naunang kinunan ng
pictures.
"Hi Sir Ayen!" masigla namang bati ni Rose at bumeso siya kay Ayen.
"Ang ganda mo ah?" masayang sabi ni Ayen.
"Ay sus. Nambola si sir!" natatawa tawang sabi ni Rose.
Okay, pull. Pull.
Leche. Lahat pala kami sinasabihan niyang maganda.
Akala ko ako lang.
Naiinis ako. Nakakainis talaga!
Nagtuloy tuloy ako ng lakad at iniwan ko si Ayen doon. Bahala siya
doon.
Naupo ako sa isang gilid at pinanuod ko na lang si Maureen habang
nakabusangot ako.
Sirang sira ang araw ko. Gusto kong sisihin si Ayen pero alam kong wala
naman siyang kasalanan. Hindi naman niya ako fini-flirt pati na rin yung iba pang
artist. Casual lang ang papuri niya. Binitawan niya yun in a way na wala namang
malisya.
Sadyang gustong gusto ko lang siya kaya ako pikon na pikon ako sa
sarili ko.
Bakit ba kasi ang hirap hirap niyang iwasan? Akala ko ba kapag pasimula
pa lang ang feelings, madali itong pigilan?
Pero bakit ito ang hirap?
Do I really like him that much?
"Uy! Nangiiwan 'to," sabi sa akin ni Ayen at naupo siya sa tabi ko.
"Sorry, akala ko busy ka doon," sabi ko.
Napapikit ako.
Tunog bitter. Mia, control your feelings ano ba.
"'To naman. Binati ko lang si Rose nainip ka na agad."
Hindi ako sumagot.
"Ba't nakasimangot ka?"
Hindi ko siya inimikan.
"Grabe ang sungit mo ngayon. May regla ka ba?"
Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
Oo nireregla ako ngayon bwiset! At mas nagkaka moodswings ako dahil
sa'yo!
"S-sorry!" sabi niya habang natatawa tawa. "Wag ka nang magalit sa
tanong ko."
Ibinalik ko ang tingin ko kay Maureen.
Bagay nga sa kanya ang pagkaka-tanned ng balat niya. Ang kinis pa niya.
Nakakainis.
"Ang ganda ni Maureen 'no?" tanong ko kay Ayen.
Tumango siya, "yep. Hot talaga yang si Maureen. Kaklase ko dati yan
nung college. Daming nagkakagusto diyan."
At talagang sumang-ayon siya. At talagang kinuwento pa niya?
"Ba't hindi mo po siya ligawan? Bagay po kayo," sabi ko.
Hala sige Mia. Saktan mo ang sarili mo.
Napatawa naman nang mahina si Sir Ayen.
"Engaged na yang si Mau. Katropa ko yung mapapangasawa nya. Tsaka hindi
siya yung tipo kong babae."
Lumingon siya sa akin at ngumiti.
Napangiti rin ako.
Ano ba! Ayoko nang magka regla. Nagiging moody ako. Kanina iritang
irita ako, tapos ngayon kinikilig na naman ako.
May sapi na talaga ako.
"Eh ano po ba yung tipo mo?" tanong ko. "Well, uhmm bukod doon sa..
sa..." sa kung anong nakita mo kay chef Timi.
"Tipo ko? Let's see... Ah, sa totoo lang, ngayon, dalawa na lang ang
hinahanap ko sa isang babae."
"Ano?"
Nginitian niya ulit ako, "una, dapat mahal
niya 'ko. Pangalawa, dapat mahal ko siya."
Napatango na lang ako.
"Tama nga naman po."
Pasok na sana ako, kaso sablay ako doon sa pangalawa.
~*~
"Good job, Mia. Ang gaganda ng mga photos mo," sabi sa akin ni Sir
Mark, yung photographer.
"Thank you po!"
"I'll give you a soft copy pag naayos ko na. Sa ngayon, pwede ka nang
umalis. Rest well."
"Wow! Thanks thanks!"
Dali dali akong pumunta sa dressing room bago pa ako makita ni Ayen.
Nakita ko siya kanina na busy makipagusap doon sa mga bagong artists na boys. Ni
hindi siya nanuod ng photoshoot ko. Samantalang yung kay Maureen pinanuod niya.
Okay Mia, tama na ang selos ano ba. Wala kang karapatan!!!
Napahinga na lang ako nang malilim.
Aalis na lang ako bago pa niya ako mahatak na kumain kung saan. Mamaya
tuluyan na akong 'di makapagpigil at sumama ako bigla sa kanya.
Parang gusto kong uminom ngayong gabi.
Kinuha ko yung phone ko sa bag ko at tinawagan ko si Sammie.
"Hello beshieee? Yes? How's the photoshoot?"
"Okay lang. May kukwento ako sa'yo mamaya sa bahay."
"Dito mo na ikwento. I'm not going home later remember? Nasa out of
town shoot ako."
"Shit, ngayon ba yun?!"
"Well, yah."
"So ako lang magisa sa bahay?"
"Yep."
"So walang pagkain?"
"Ganern ne nge."
"Ano ba yan. Yayayain pa naman kita uminom. O siya, mag take out na
lang ako sa labas tapos uwi na ako."
"Okay! You make kwento na lang tomorrow pag uwi ko. By beshiebells!"
And she ended the call.
Out of town shoot my face! Gumigimik ka lang, eh!
Inis kong inilagay ang phone ko sa bag ko at isinukbit ko sa balikat
ko. Paglingon ko sa pintuan ng dressing room, halos mapatalon ako sa gulat nang
makita kong nakatayo doon si Ayen at abot hanggang langit ang ngiti sa labi niya.
Yung ngiting parang nanalo siya sa lotto?
"S-s-sir Ayen..."
"Ha! Narinig ko lahat!" nakangisi niyang sabi.
"A-ang alin po?"
"Hindi tuloy ang lakad mo kaya makakasama ka sa akin mag dinner
ngayon!"
"M-may pupuntahan po ako!"
Nilapitan niya ako at pinanliitan ng mata.
"Malinaw ang sinabi mo na mag-t-take out ka na lang tapos uuwi ka na."
"Uhmm," napatingin ako sa kisame. "Ahmm.. m-may pupuntahan po akong
ibang lugar."
"Sama ako."
"Hindi po pwede."
"Dali na kasi. Mag dinner na tayo."
Huminga ako nang malalim at tinignan ko siya ng seryoso.
"Di ba po sabi ko dapat pong iwasan na natin ang pagkain sa labas?
Ayoko pong isipin nila na may favoritism ka. Ayoko po ng issue. If you want someone
na makakasama kumain o ng kakwentuhan, marami naman pong iba diyan. Ba't hindi na
lang sila yayain mo?"
Tinaasan niya ako ng kilay. Then kinunutan niya ako ng noo. He took a
step forward at tuluyan nang nag alboroto ang puso ko nang bigla niya akong
akbayan.
"Eh ikaw ang gusto kong kakwentuhan, eh. Tsaka ano naman kung lagi
tayong magkasama? Ano naman kung isipin nilang ikaw favorite ko? Natural lang naman
na maging close tayo at lagi tayong magkasama kasi ikaw lang naman ang nag-i-isa
kong apprentice 'di ba?"
Natigilan ako.
So ano na, Mia?! Ano nang idadahilan mo?
Kung pwede lang umamin. Kaso for sure, mas lalo na kaming di
makakapagtrabaho ng maayos nito pag sinabi ko.
"O baka naman may nagugustuhan ka nang lalaki?"
"Huh?!"
"Baka may...nag s-selos sa ating dalawa?"
Umiling ako, "wala wala! Wala kaya! Wala."
"Oh wala naman pala. So walang problema! Tara na!"
At hinila na niya ako palabas. Wala na akong nagawa.
Pray for my heart.
To be continued...
Aly's Note:
Mga katambay!! Sorry! Medyo magpapaka know-it-all lang ako at grammar nazi saglit.
I know hindi rin ganun ka perfect ang english grammar ko at wala akong karapatan,
pero sorry na, na b-bother lang talaga ako. Dagdag learnings din 'to sa iba na
hindi aware.
Since story 'to ni Ayen, marami ang nag-c-comment about "pagkain"
In english: "food"
At marami akong nababasang comments na  "foods" dito. As in with "s"
Common mistake naman 'to kaya okay lang, pero ang singular AT plural po ng "food"
ay "FOOD". Wala pong salitang "FOODS" 
Wahahaha ayun lang. Trivia. XD

=================

Twenty Sixth Stanza

Twenty Sixth Stanza


MIA MILLS.
"I've been spending the last eight months thinking all love ever does is break and
burn and end. But on a Wednesday, in a café, I watched it begin again."
- Taylor Swift, Begin Again
"Diet?" nakangiting tanong sa akin ni Ayen nang ilapag ng waiter ang order ko sa
lamesa. "Green na green ang pagkain mo ah? Pesto pasta?"
Napangiti na lang din ako pero hindi ko na siya sinagot. Tinignan ko
ang order niyang American size na burger with maraming side dish na fries.
Sa totoo lang, gusto kong um-order ng steak pero pinagsabihan kami na
bawasan ang pagkain ng marami dahil sunod sunod ang photoshoot namin ngayong buwan.
Isa pa, malapit lapit na rin i-launch ang new single ko. Mukhang isasama rin ako
doon sa isang music video ng EndMira. Kaya eto, napipilitang mag diet.
Honestly speaking, kung ako ang tatanungin, hindi ko naman kailangan
magpa-sexy at magpaganda. By the end of the day, singer ako at hindi artista. Mas
mahalaga pa rin ang talent ko sa pagkanta kesa sa mukha ko. Pero masakit man
isipin, ang katotohanan ay malaking factor pa rin ang physical appearance lalo na
dito sa Pilipinas kung papasok ka sa mundo ng showbiz.
At isa iyon sa kinakatakot ko. Hindi naman ako ganoong kaganda. At
hindi ko sinasabi yun dahil mababa ang self confidence ko kundi ayon talaga ang
katotohanan. Siguro naman alam natin sa sarili natin kung maganda tayo o hindi, di
ba?
"Alam mo, pwede kang um-order ng steak o fries o burger. Sumama ka na
lang sa akin mag gym bukas para tunaw yang kinain mo," nakangiti niyang offer.
Nakaka-tempt um-oo. Gusto kong sumama sa kanya mag gym hindi dahil
gusto kong mag gym kundi dahil gusto ko siyang makasama. Baka nga kapag niyaya niya
akong samahan siyang bisitahin si Satanas sa hell, sumama ako.
Bwiset na Ayen na yan. Sabi nang iiwas ako sa kanya, eh.
"Pass po muna ako sa gym, madali akong mapagod eh."
"Naku kaya dapat mas lalo kang mag exercise para hindi ka madaling
mapagod. Mag swimming na lang kaya tayo? Makakatulong din yan sa'yo. Proper
breathing 'di ba? Lalo na pag kumakanta ka ng high notes. Diyan na train dati si
Regine Velasquez."
Swimming daw kami oh. KAMI.
May 'kami' ba? Leche.
"Anyway, kumusta ka naman Mia nung wala ako?"
I shrug, "ayos lang naman po. Wala pa naman masyadong ganap. Kung wala
ako sa workshop o walang photoshoot, nasa bahay lang ako. Nagpapahinga..." iniisip
ka, namimiss ka, inaalala, iniisip ko kung bakit di ka nag t-text sa akin, punyeta
ka. Gumagawa ng plano kung paano ako iiwas sa'yo at paano ko pipigilan ang
nararamdaman ko. Leche ka.
"I see. Nakapagpahinga ka naman nang maayos?"
"Oo naman!" pero yung puso ko ang energetic mag mahal. Parang di
nasaktan. Ayaw mag pahinga. "Eh ikaw? Kumusta po ang pamumundok?"
Napatawa siya nang mahina.
"Bakit mo naman naisip na namundok ako?"
"Dahil broken hearted ka?"
Napangiti siya nang malawak, "bakit, nung na-broken hearted ka ba kay
Sam namundok ka rin?"
Hindi ako umimik.
"Shit. Namundok ka 'no?" tuwang tuwa niyang tanong.
"Eh sabi nila effective daw. Kalokohan. Hindi naman, eh."
"Hindi nga. Kaya sa isla ako pumunta hindi sa bundok."
"Isla?"
Tumango siya, "oo. Sa dagat ako dumiretso at hindi sa bundok. Umupa ako
ng kwarto sa probinsya, yung malapit sa dagat at doon ako nag c-compose ng kanta.
Medyo mahirap nga lang ang signal doon. Iisa lang din ang payphone sa bayan na yun
kaya sa telepono ko lang nakakausap sina Jasper."
Kaya pala hindi siya nag t-text. Now I know. Napangiti ako bigla.
Teka, bakit parang ang saya ko?
"Pumunta ka pala sa malayong kabihasnan. Iba pala talaga ang epekto
nang nalaman mong may boyfriend na si chef."
Medyo natahimik si Ayen at napayuko. Nakita ko siyang nag buntong
hininga.
"Mia... nung time na dapat kakain tayo sa labas? Yung tumawag si Timi
sa akin..."
"Ay oo nga pala, anong nangyari doon? Emergency? Okay lang ba siya nun?
Bahagyang tumango si Ayen, "nung panahon na yun, sinabi ko na sa kanya
ang nararamdaman ko."
Natahimik ako sa sinabi ni Ayen sa akin at napaayos ng upo. Naibaba ko
bigla ang tinidor na hawak ko and for some reason, halos hindi ko malunok ang
kinakain ko.
So alam na pala ni Chef Timi.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko pero dama ko ang kaba sa dibdib
ko.
"Shit, really?" I whispered but loud enough for him to hear. "What's her reaction?"
Ngumiti si Ayen. Isang magandang ngiti.
Hindi ko alam kung positive na bagay ba yun para sa akin o hindi.
He looks happy sa kung ano man ang naging resulta nung pagamin niya kay
Timi.
At oo, selfish mang pakinggan, pero hinihiling ko ngayon na sana ni-
reject siya ni Timi.
I forced a smile.
"A-ang ganda ng smile mo. So it's a good news? She likes you too? Kayo na?"
Pero nakita ko sila ni Ice sa resto nung isang araw....
"Hindi ko masasabing good news pero yung resulta nung nangyari is
something good sa parte ko."
"What do you mean?"
"Hinalikan ko siya kaya niya nalaman na mahal ko siya."
Nanlaki ang mga mata ko at nabitiwan ko bigla ang tinidor na hawak hawak ko.
Teka, ang sakit.
"Did she responded to your kiss?" tanong ko sa kanya at hindi ko na
alam kung masyado na bang obvious ang sakit sa tono ng boses ko o sa expression ng
mukha ko ngayon. Pero mukhang hindi naman nahalata ni Ayen.
It's either manhid siya, o magaling lang ako umarte, o manhid siya, o
hindi siya nagpapahalata na may nahalata siya o baka manhid lang talaga siya.
Umiling siya, "actually, she pushed me away. Nung hinalikan ko siya,
nung umamin ako tungkol sa nararamdaman ko sa kanya, kitang kita sa expression ng
mukha niya ang gulat. Dama ko na hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko sa
kanya. Alam kong mali na hinalikan ko siya. Pinagsisisihan ko yun hanggang ngayon.
Pero alam mo, nung panahon na yun, nasaktan din ako sa reaksyon niya. Hindi yung
pagtulak niya sa akin palayo kundi yung kawalan niya ng idea sa nararamdaman ko.
Alam kong kasalanan ko rin kasi tinago ko pero ang tagal na rin naming magkaibigan.
Nakakalungkot lang na sa tagal ng pinagsamahan namin, all this time wala siyang
nahalata about sa nararamdaman ko."
Napatango ako sa sinabi ni Ayen, "oo. May mga tao talagang manhid."
Shit. Ano baa ng sinasabi ko? At ba't ganyan ang tono ng boses ko?
Masyadong malaman. Buti na lang manhid siya at hindi niya mahahalata.
"Kaya po ba kayo nagbakasyon ay para makalayo kay Timi?"
"Nagkaayos na kami ni Timi bago ko pa maisipang magbakasyon. Kaya ako
umalis ay para mabigyan ko ng time ang sarili ko. Ang korny pakinggan 'no? Pero
sobrang nakatulong yun para sa akin. Ang dami kong na-realize nun."
"Tulad ng ano po?"
Na-realize mo po ba na nagpapaka-tanga ka diyan kay Timi eh pwede
namang ako na lang ang mahalin mo? Oo, mas maganda siya pero mas mahal naman kita.
"Katulad ng... yung bagay na iniiwasan ko dati, yun pala yung dapat na
matagal ko nang ginawa. Alam mo dati, sobrang iwas na iwas akong malaman ni Timi
ang nararamdaman ko sa kanya. Plano ko na ngang itago na lang. Pakiramdam ko kasi,
pag nalaman niya, masisira ang pagkakaibigan naming dalawa. Pero nakakatawa kasi
nung nalaman na ni Timi ang lahat, kabaligtaran ng inaasahan ko yung nangyari.
Hindi ko inaasahan na sa pag-amin ko sa kanya, gagaan din pala ang pakiramdam ko.
Feeling ko nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib. Yung bang, after kong
sabihin ang nararamdaman ko sa kanya, bigla ko na lang nasabi sa sarili ko na, 'ay
tanggap ko na. Hanggang kaibigan lang talaga.' Yung ganun? Siguro may onting sakit
pa rin? Pero at least alam ko na ngayon na tanggap ko na."
Hindi ko mapigilang mapangiti nang malawak dahil sa sinabi ni Ayen.
Ramdam na ramdam ko yung saya kahit ayokong madama siya nang husto.
"Ganyan din ako kay Sam. Nung nalabas ko na sa kanya laha ng sama ng
loob ko at nung nasabi na rin niya sa akin yung dahilan kung bakit siya na fell out
of love sa akin, parang bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko. Siguro nga, isang
malaking step sa pag m-move on ay dapat may closure kayo ng taong mahal mo."
Napatawa siya nang mahina, "at hindi lang mag ex ang may closure. Kahit
yung mga nagkaroon ng unrequited love, may karapatan din silang umamin at mag move-
on."
Itinaas ko ang palad ko, "appear tayo diyan!"
"Appear!" sabi niya at nakipag appear siya sa akin.
At yung saglit na pagdikit ng palad niya sa palad ko, pakiramdam ko may
dumaloy na kuryente sa buong katawan ko.
Napainom tuloy ako bigla ng tubig.
Shet. So pag na-unrequited love ako dito kay Ayen, kailangan ko ring
umamin. Mga after ilang years? 10 years ganon? Parang di ko kaya.
"So kumusta naman ang pag-stay mo isla---kung saan mang isla yun."
"Nakagawa ako ng limang kanta!" proud niyang sabi.
"Talaga ba?"
"Oo. Actually, yung isa doon, pang closure na kanta rin. Huling kantang
ginawa ko para kay Timi."
"Last na ba talaga yan?"
"Oo last na yun. Hindi ko na yun susundan. At sana... ikaw yung kumanta
nun."
Napangiti ako, "ayaw mo na si Ice ang kakanta?"
Sumimangot siya, "sige sasabihin ko kay Geo siya na lang."
Napatawa ako nang malakas, "joke lang! Syempre naman po, go ako diyan.
Ikaw ang sumulat eh. Alam mo naman, idol kita."
Napangiti rin si Ayen sa akin.
"Idol din kita."
"Nanloko pa."

"Never akong naging manloloko."


Napatawa na lang ako.
Ang saya saya ko ngayong gabi.
At doon ko na-realize, delikado na talaga ang puso ko.
~*~
"Cheers muna bago ka bumaba," sabi ni Ayen sa akin.
"Cheers!" sabi ko at pinagdikit namin ang bote ng Red Horse na iniinom
namin.
Hinatid ako ni Ayen dito sa apartment namin pero bago kami dumiretso,
dumaan muna kami sa tindahan para bumili ng tig-isang bote ng Red Horse. Kailangan
daw namin uminom as a celebration sa pag m-move on niya at sa mga bagong kantang
nagawa niya. Pumayag naman ako kasi tig-isang bote lang kami. Safe sa kalasingan.
Ngayon ay nakaparada siya sa tapat ng apartment ko. Pareho kaming
nandito sa loob ng kotse niya at inuubos ang alak na hawak namin.
"So, Sir Ayen---"
"Ayen," pag c-correct niya. "Walang sir."
"Okay po, Ayen... ano na ang next sa'yo?"
"Paanong next?"
"I mean, pagdating sa lovelife. Curious lang ako. Stop muna ba? Focus
muna sa career, ganun?"
"Hindi naman. Basta go with the flow lang."
Napatango ako, "eh paano kung may dumating na someone new?"
"Edi thank you Lord!" natatawa tawa niyang sabi.
"Eh paano kung bukas siya dumating? As in agad agad. As in ngayon na
hindi ka pa fully healed? Nasa process ka pa lang ng pag m-move on?"
"Edi thank you, Lord pa rin!"
"Hindi mo pipigilan ang feelings mo kahit fresh pa ang sakit? Kasi 'di
ba, once na masaktan na tayo because of love, nagkakaroon na tayo ng trauma na mag
mahal ulit?" tanong ko sabay inom ng alak dahil dama ko ang kaba sa dibdib ko.
"Pero 'di ba, kaya rin naman nakaka move on ang isang tao sa past nila
ay dahil may dumating na bago? Isa pa, pasaway ang puso ng tao. Hangga't
pinipigilan mo, mas lalo kang nagkakagusto. Kaya anong saysay?"
Hindi ako sumagot at dire-diretso ko na lang ininom ang alak na hawak
ko.
Eh shit, kaya naman pala ganito ako. Kaya naman pala kahit anong gawing
iwas ko, wala pa ring saysay.
May mga bagay talaga na sadyang hindi na pwedeng pigilang mangyari.
"Eh ikaw Mia, may nagugustuhan ka na ba ngayon?"
"Oo," mabilis kong sabi.
SHIT.
"Talaga? Sino? Kilala ko ba yan?" ngiting ngiti niyang tanong. "Sabihin
mo sa akin nang makilatis ko."
"W-wala. Joke lang!"
Pinanliitan niya ako nang mata. Bwiset, ang cute!
"Wala, nadulas ka na. Hindi mo na maitatanggi. Sino nga? Kilala ko ba?"
"H-hindi ah..."
"Oh eh ba't ka nauutal? Kilala ko yan 'no? Kilala ko!"
"H-hindi nga."
"Sabihin mo na kung sino. Para matulungan kita."
"Ayoko!"
"Eto naman. Ikaw nga alam mo secret ko samantalang ayaw mong mag open
up sa akin."
"Eh ayoko nga sabi! Ba't ka ba nakikielam?!"
"Nagtatanong lang! Ba't ang sungit mo?"
"Eh kasi ang kulit mo!"
"Eh ba't hindi mo kasi masabi sa akin?"
"Eh bakit kasi inaalam mo?"
"Eh gusto ko lang malaman! Ano masama? Ito naman ang sungit sungit."
"Eh wala kang paki doon!"
"Eh ba't kasi hindi mo masabi kung sino?!"
"Eh ba't nagagalit ka na ayaw kong sabihin?!"
"Hindi ako galit! Ikaw ang galit! Naiirita ka na agad."
"HINDI AKO GALIT!"
"Ba't ka naninigaw?"
"Hindi ako naninigaw! Ewan ko sa'yo!"
Lumabas ako ng kotse niya at ibinalibag ko ang pinto.
Ang kulit bwiset! Hindi naman ako galit! Hindi naman ako naninigaw!
Napataas lang ng very light ang boses ko kasi ang kulit kulit niya bwiset siya!
Kung sinabi kong siya ang gusto ko, edi nganga siya!
Kayamot.
Diyan na siya.
Bahala siyang mag move on.
Kainis.
Kala mo jowa kung makapagtanong.
Mag move-on siya, mag m-move on din ako sa kanya!
To be continued...
Aly's note:
Hi guys! Remind ko lang ulit, every weekend po ako nag uupdate kasi ayun yung
pinaka maluwag na araw ko since may work ako ng weekdays. Pero may times na
naguupdate ako ng weekdays kapag may free time or kung di naman, kapag hindi ko
nagawang mag update ng weekend.
Ayun po, para malinaw lang.
May times na medyo matagal ang update kasi ayun yung mga panahon na busy talaga
ako. Hindi iyon dahil sa may "quota" akong tinatarget na number of reads, votes and
comments.
FYI lang po lalo na sa mga bago kong readers, matagal na akong nagsusulat sa
Wattpad. Hindi pa sikat ang Wattpad, nagsusulat na ako rito. Ibig sabihin, matagal
ko na rin po nalagpasan ang pagbabantay ng number of reads, votes and comments.
Nandito na ako sa stage kung saan hindi na sa akin big deal yun at mas big deal na
sa akin na mapaganda ko ang storya ko.
Ayun lamang.
Sana naenjoy niyo ang chapter na 'to :) I'll update as soon as I can :)

=================

Twenty Seventh Stanza

Twenty Seventh Stanza


JARREN REYES
"You get under my skin, more than anyone's ever been."
- Hailee Steinfeld, Rock Bottom
May nagugustuhan siya. Okay, may nagugustuhan siya. Sino naman kaya? Panigurado
kilala ko 'yan, eh. Imposibleng hindi. Nung tinanong ko siya kung kilala ko yung
nagugustuhan niya, bigla siyang nautal. Tapos yung pag-iwas pa ng tingin niya sa
akin. Halatang halata na nag sisinungaling siya!
So kilala ko yung gusto niya. Pero bakit ayaw naman niyang sabihin?
Alam naman niyang hindi ko ipagkakalat at tutulungan ko pa siya. Siguro medyo
aasar-asarin ko siya pero hindi ko naman siya ilalaglag.
Ang init agad ng ulo niya kanina. Nagtatanong lang ako, nairita na agad
siya. Sinigawan niya ako at nag walk out pa palabas ng kotse ko. Matapos ko siyang
ilibre ng dinner at red horse! Kalahating bote pa lang ang naiinom nya nun kaya
sigurado akong hindi siya lasing!
Come to think of it, kahit doon sa photoshoot ang sungit sungit niya sa
akin. Ilang beses niya akong inismiran nun. Isang buwan kaming hindi nag kita tapos
ang sungit na niya agad. Parang iritable siya sa akin. May nagawa ba 'ko sa kanya?
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Mia. Unang ring pa lang,
sinagot na niya ang tawag ko.
Napangiti ako.
"Hi Mia!" masigla kong sabi.
"Oh? Bakit po?" cold niyang tanong.
"Galit ka pa rin sa'kin?" tanong ko.
"Hindi po ako galit!"
Napataas ang kilay ko.
"Eh ba't ang sungit mo ngayon?"
"Hindi po ako masungit!"
"Eh ba't nagtataas ka sa akin ng boses?"
"Normal ko po 'tong ganto!" iritable niyang sabi. "Ba't ka po ba kasi
tumawag?"
Natigilan ako.
Oo nga, ba't nga ba ako tumawag sa kanya? Wala naman akong sasabihin.
Ano bang pumapasok sa isip ko?
"W-wala. Gusto ko lang i-check kung hindi ka na galit sa'kin."
"Hindi nga po sabi ako galit sa'yo!"
"Eh kasi kanina mo pa ako sinusungitan. Doon pa lang sa photoshoot
iniismiran mo na 'ko---"
"Hindi kita iniismiran, ha!"
"Oo kaya! Hindi mo lang nahahalata pero ilang beses kitang nahuli na
iniirapan ako. Ba't ka ba iritable sa'kin? May nagawa ba 'ko?"
"Hindi naman ako iritable sa'yo ah! At hindi nga kasi ako galit!"
"Eh ba't naninigaw ka?"
"Kasi nakakainis ka! Pinagpipilitan mong galit ako sa'yo kahit hindi
naman! Tapos tatawag ka lang para mambwisit, at mangulit at ipagpilitan na galit
ako! Natutulog na ko eh! Ngayon, naiinis na talaga ako kasi ang kulit kulit mo!
Sige na, bye!"
And she ended the call.
Ayun ba ang hindi galit? Eh iritang irita siya? Bakit kasi ayaw na lang
niyang sabihin ang ikinaiinis niya? Mukha ba akong manghuhula?
Napailing na lang ako.
Mga babae ang hirap basahin.
Sasabihin nilang hindi sila galit pero yung actions naman nila halatang
galit sila.
Tsaka sino ba kasi talaga yung nagugustuhan niya at hindi niya masabi
sabi sa'kin?
Isa kaya sa EndMira?
Hindi kaya.......ako?
Napangiti ako nang malawak at napailing bigla.
Ano ba ang pumapasok sa isip ko? Sus. Si Mia? May gusto sa akin? Sus!
"Oy Ayen!"
Biglang pumasok ng kwarto ko si Jasper at napaayos ako ng upo sa study
table ko then I cleared my throat.
"Ba't ngiting ngiti ka?" tanong niya at napatingin siya sa notebook na
sinusulatan ko. "Ayos yung kantang ginagawa mo?"
Agad kong sinara yung notebook ko.
"Ah, oo," I cleared my throat again. "A-ayos naman. Ayos naman."
Tinapik ako ni Jasper sa braso.
"Tara inom?"
~*~
"Buti naman pre okay ka na," sabi ni Jasper habang nandito kami sa
veranda at parehong may hawak na bote ng beer.
Napatawa ako, "nabigla ka ba?"
"Oo gago ka kasi. Hindi ko inaasahan na gusto mo talaga si Timi."
"Nagalit ka ba?"
"Hindi pre. Nabigla lang talaga ako. Alam mo naman, parang kapatid ko
na yung si Timi. Akala ko lahat tayo ganun ang tinign sa kanya. Pero kung sabagay,
hindi rin maiiwasan yun. Naawa ako bigla sa'yo. Ang hirap siguro dalhin nyan, 'no?"
Bahagya akong napangiti, "nung bago ko sabihin sa kanya, mahirap. Pero
ngayon, mas ayos na 'ko."
"Mukhang nakatulong talaga sa'yo ang pag layo."
"Nakatulong sa akin ang pagsasabi ko sa kanya ng totoo."
"Ayos yan. So libre ka na ulit mag mahal ng panibagong chiks?"
Napatawa ako, "gago."
"I-cheers natin yan!" sabi ni Jasper at pinagdikit namin ang mga bote
ng beer na hawak hawak namin.
"Cheers."
"Pero seryoso pare, ang galing mong magtago. Ikaw na. Akala ko nung una
talaga si Mia type mo, eh."
Napatingin ako sa kanya.
"Si Mia? Ba't mo naman naisip yun?"
"Wala. Iba yung pakikitungo mo sa kanya, eh. Nung una sobrang sungit mo
sa kanya. Tapos biglang parang concerned na concerned ka sa kanya. Tapos nahuhuli
pa kita na madalas mo siyang obserbahan. Ultimo nga ata pag hinga niya, nag re-
react ka."
"Loko. OA mo ha."
"Totoo nga, pre! Basta iba yung pakikitungo mo kay Mia."
"At iba rin naman ang pakikitungo ko kay Timi."
"Pero kasi si Timi, matagal na nating kilala yun. Lahat naman tayo
overprotective sa kanya. Pero si Mia, halos kararating lang nun sa buhay natin pero
tignan mo kung paano mo siya tratuhin. Bakit nga ba ganun ka kay Mia?"
Tinungga ko yung beer na hawak ko at napabuntong hininga ako.
"Sa totoo lang.... hindi ko rin alam kung bakit."
~*~
MIA MILLS
"If you ask me if I love him, I'd lie..."
- Taylor Swift, I'd Lie
Halos hindi ako nakatulog kagabi kaya naman halata ang puyat sa mata ko. May
meeting pa naman kami today.
Paano bwiset kasi si Ayen, ginugulo ang isipan ko. Yamot na yamot pa rin ako sa
kanya.
Sukat tumawag sa akin para tanungin kung 'di na ba ako galit sa kanya?
Malamang sasabihin ko, hindi!
It's as if I'll admit na inis ako sa kanya. Anong sasabihin ko? Na kaya
ko siya iniirapan nun sa photoshoot kasi nagseselos ako doon sa babaeng kausap
niya? Tapos ano pa? Aaminin ko sa kanya na siya ang gusto ko? Bwiset siya!
Nakakainis! Mas lalo tuloy ako naiinis! Tatanong tanong siya, hindi niya alam na
siya yon! Manhid! Bwsiet! Manhid.
And why do he even want to know?! Paki niya ba kung sino ang guto ko?
At bakit niya ipinagpipilitan sa akin na malaman yun, ha? Paki ba niya?!
Hindi kaya... nagseselos siya?
Napangiti ako.
No no. That's impossible. For sure naman hindi pa niya totally
nakakalimutan si Timi. At ba't mag seselos yun? As if naman magkakagusto siya sa
akin.
Oo na! Hindi na ako kasing lovable ni Timi. Hindi na ako kasing ganda
niya! Hindi rin ako kasing strong ng personality niya!
Edi doon siya sa mga babaeng bubbly, strong ang personality at may
malakas na self confidence. Wala akong paki! Basta wag na lang niya akong matanong-
tanong ulit kung sino ang gusto ko!
Humarap ako sa salamin at nag lipstick ako. Naglagay rin ako ng
eyeliner dahil naniningkit ang mga mata ko dahil sa puyat.
Kasalanan mo 'to Jarren Reyes! Pinuyat mo ako! Ngayon, magpapaganda ako
nang husto at bahala kang malaglagan ng brief mamaya sa meeting pag nakita mo 'ko!!
"So ansaveh ng red lipstick mo?" tanong ni Sammie nang pumasok siya sa
kwarto ko. "At wow, nag d-dress ka na ngayon na medyo kita cleavage huh?"
I just flipped my hair at pinagpatuloy ko ang paglalagay ng blush on sa
pisngi ko.
"May laban ka bang pupuntahan ngayon?"
"Meron," sabi ko sa kanya na may kasamang panlilisik na mata.
"Lemme guess. Bumalik na si hot songwriter 'no?"
Tumango ako, "oo. At binuwisit niya ako kahapon! Landi landi niya. Nag
move on lang, hinaharot na lahat."
"Oh my gee! You go girl! You make paganda na at isampal mo sa face niya
kung sino ang sinasayang niya."
"Talagang talaga! Bwiset siya!"
Tinulungan ako ni Sammie mag ayos. She tied my hair into a messy bun at
nang maayusan ako, mukha akong kpop idol sa porma ko.
"Ilugay ko na lang kaya ang buhok ko at magpalit ako ng damit?" tanong
ko kay Sammie. "Baka pagkamalan akong member ng Girls Generation."
"Cute kaya! Ay naku, you go na bago ka pa ma-late!"
"Sure ka?"
"Yes! Ay believe me, maganda ka na. Tutulo na laway ni hottie sa'yo."
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Sammie at umalis na ako.
Medyo maaga akong nakarating sa office. Nauna pa ako sa conference room
kung saan ang meeting dahil wala pa ni-isa sa kanila ang dumarating.
Dapat pala medyo nagpa-late ako 'no? Para grand entrance ang kpop look
ko today.
Napailing ako.
No.
Mas okay nang na-una at least on time. Kesa yung agaw eksena nga, late
naman.
Napatingin ako sa shelf sa isang side ng conference room at nakita kong
may mga pictures na naka-display dito. Lumapit ako para tignan ito. Puro mga photos
ng EndMira.
Meron nung time na nag concert sila. Meron din nung nag bakasyon sila
at yung isa naman ay yung sa isang tv commercial shoot.
May mga solo solo rin silang photos.
Ini-scan ko yung mga photos na naka-picture frame at naghahanap ako ng
picture ni Ayen. May nakita ako, nagiisang picture na nga, may kasama pa siya.
Kinuha ko yung picture frame para mas matitigan ko yung photo niya.
Kasama niya rito si Geo---yung leader ng EndMira. Sa gitna nila ay may
cute na aso at pareho
silang naka thumbs-up dalawa at ngiting ngiti. Sa likod nila ay kita ang logo ng
isang animal shelter.
Ang saya ng ngiti ni Ayen dito. Umaabot hanggang mata. Mukhang matagal
na rin yung photo na 'to kasi medyo totoy pa ang itsura niya rito.
Napabuntong hininga ako because my heart is fluttering.
"Wala na," bulong ko. "Wala na talaga. Hindi ko na mapipigilan. I'm
already in love with you..."
"Kanino?"
"Ay pusang gala!"
Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Ayen na nakatingin sa picture
na hinahawakan ko at sa sobrang gulat ko ay nabitiwan ko ito. Agad naman niya itong
nasalo bago pa ito tuluyang bumagsak sa sahig.
"Shit muntik na!"
Ay shit! At shit shit shit!
Narinig niya 'ko! Narinig niya 'ko!!! FUCK.
Inilapag ni Ayen ang picture na hawak ko doon sa shelf and he look at
me seriously. Dumoble ang kaba sa dibdib ko.
"Mia...y-yung sinabi mo kanina..." napatingin siya ulit sa photo at
nakita kong namula ang tenga niya. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "D-do
you.. do you like m—"
"I like Geo!" I blurted out bago pa niya matapos ang tanong niya.
Napa-atras nang bahagya si Ayen at kita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Si Geo... si Geo ang gusto mo?" tanong niya at ramdam ko na parang
ayaw niya akong paniwalaan.
Kasi hindi naman totoo! Ikaw ang gusto ko pero ayokong aminin sa'yo
kasi... wala! Ayoko talaga!
"Y-yes!" I faked a laugh. "Ha-ha-ha. Ba't ganyan ang reaksyon mo!"
mahina ko siyang hinampas sa braso. "Hindi ba kapani-paniwala?!"
"Uhmm.. medyo? Hindi ko alam na naging close kayo?"
"W-well, hindi naman kami ganoong ka-close p-pero kasi, wala ang bait
niya sa akin tapos yung ugali niya, grabe, sobra kong hinahangaan. K-kaya eto!
Hehe. Ayun. Boom. Na-inlove ako. Hehe!"
SHIT. WHAT THE HELL AM I SAYING? CAN I DIE?
"A-ah. Okay. Wow. Di ko inexpect. Haha," sabi ni Ayen.
Tumango ako, "g-galing kong magtago 'no?" and I fake a laugh again.
"Yeah. Ang galing. Akala ko iba ang gusto ko. Mali ako nang hula."
"S-sino naman nasa isip mo?"
"A-ah. Wala, wala."
"S-so! Ahmm... s-sana secret lang natin 'to?"
"Oo naman. Oo naman. Secret lang natin 'to. Tutulungan kita kay Geo
like what I promised!"
"Talaga? Yay!" awkward kong sabi.
Malapit na talaga akong mamatay.
"Hehe. Yay. Sana maging kayo! Broken hearted din yun ngayon, eh." sabi
naman ni Ayen. "Kung magiging kayo, e-edi ayos. Boto naman ako sa'yo."
Tumango ako.
"Thanks."
Boto rin ako sa sarili ko, pero para sa'yo at hindi kay Geo!!
Shit. Ano ba 'tong pinasok 'ko?!
To be continued...

=================

Twenty Eighth Stanza

Twenty Eighth Stanza


JARREN REYES.
"Or maybe I'm confused when you are near me. I don't know what to do or I should
be."
- MYMP, A Little Bit
Si Geo ang gusto niya. Si Geo. Okay, edi si Geo!
Nagsisimula na ang meeting namin pero hindi ako makapag concentrate sa pinaguusapan
dahil ayan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.
Hindi mawala sa isip ko! Kinakabahan ako kay Mia. Tama ba na magustuhan niya si
Geo?!
Kung sabagay mabait naman yung ungas na yun. Kung tutuusin, sa EndMira, siya ang
pinaka matino. Si Jasper babaero, si Ice menopausal, si William parang palaging
merong sapi, ako? Sige na, cute ako pero masyado akong maraming pinagdaraanan sa
buhay. Eh si Geo?
Matino yung lokong yun. Gentleman sabi ng mga babaeng fans ng EndMira.
Boring siya! Boring.
Nakakagulat lang na maiinlove si Mia doon. Matagal ba akong nawala? Nagkakasama ba
sila nung mga panahong nasa isla ako?
Tsaka hindi ko aakalain na ganun ang mga tipong lalake ni Mia. Kung si Jasper Yu pa
maiintindihan ko eh. Magka-aura kasi sila ng ex niyang si Sam. Rakistang rakista
ang pormahan at kung maglakad akala mo rarampa sa entablado.
Pero si Geo?! Talaga ba?!
Oo na! Kaibigan ko si Geo. Tropa ko yun! Hirap lang talagang paniwalaan. Akala ko
iba ang gusto ni Mia, eh.
Akala ko ako.
Oo na! Kapal ng mukha ko sa parteng yun. Pero kasi ang sabi niya ako ang idol niya
sa EndMira. Nung nalasing siya, sinabi pa niya sa akin na crush niya ako. Paanong
hindi ko maiisip yun?!
Hindi naman sa gusto ko na ako.
Pero... Talaga ba? Si Geo?
Dahil ba bad boy na ang aura ng ungas na yun? Medyo gumaganon ganon ang isang yun
ngayon, eh. Paano kasi sawi sa pagibig dahil kay Rika--yung best friend ni Timi na
matagal na niyang nililigawan.
Napailing na lang ako.
Yung mag best friend na yun talaga, ang hilig manakit.
Pero yun na nga, malamang sa malamang eh sobrang mahal pa niya si Rika. Mamaya
niyan pag nalaman niyang may gusto sa kanya si Mia, gawin lang niyang panakip-
butas.
Napatingin ako kay Mia. Seryoso siyang nakatingin at nakikinig doon sa producer na
nag p-present sa harap patungkol sa mga plano nila para sa mga new artists.
Nakataas into a messy bun sa tuktok ng ulo niya ang kanyang buhok. May ilang
strands ang bumagsak sa may bandang tenga niya. Maganda rin ang porma niya at ayos
niya ngayon. Parang ang fresh niya tignan. Blooming?
Dahil ba in love?
Napailing ako.
Hindi, eh. Hindi siya pwedeng maging panakip butas ni Geo. She deserves more than
that. Dapat yung mahalin na lang niya ay yung lalaking mahal din siya ng totoo at
hindi yung gagawin siyang panakip butas.
Si Geo? Kaibigan ko siya pero nararamdaman kong may mali siyang gagawin kapag
nalaman niya ang nararamdaman ni Mia sa kanya.
Kaya hindi niya dapat malaman ang nararamdaman ni Mia.
Hindi talaga!
"May problema ba Ayen?" tanong nung producer sa akin.
Nabaling agad ang atensyon ko sa kanila at napansin kong lahat sila ay nakatingin
sa akin---even Mia.
"H-ha? W-wala naman. Bakit?"
"Eh alin po sa presentation ko ang tinutukoy mo na 'hindi talaga!' ?"
Shit. Nasabi ko ba yun ng malakas?
"A-ah!" I faked a laugh. "K-kasi may ka-text ako. May tinatanong. Hehe nasabi ko
nang malakas yung reply ko."
"Okay, please stop texting during our meeting," cold na sabi ni producer.
Napatungo na lang ako.
"Sorry."
Tss. Bwiset. Napagalitan pa tuloy ako.
Napatingin ako kay Mia at nakita ko siyang nakatingin din sa akin kaya agad akong
umiwas nang tingin.
Kainis talaga.
~*~
"Ayen, pwede mo rin i-train sina Tom at Gerard. Di ba si Mia pa lang ang wino-
workshop mo so far?" tanong ni Katie, yung producer na nag p-present kanina, right
after our meeting. Kalalabas lang ng mga artists, hinila niya ako sa isang sulok
para kausapin.
"Oo. Pero hindi ba mas mainam kung sa isa lang muna ako tutok? Para one on one
talaga. Mas maganda yun para mas nababantayan ko yung artist, mas nakikita ko ang
development niya."
"Pero paano naman yung iba kung kay Mia ka lang tutok?"
"Marami naman ang pwedeng mag train sa kanila," pakikipagtalo ko sa kanya.
"I know that. It's just that, iba talaga kasi kapag ikaw ang nag train. Pag isipan
mo maigi. Honestly speaking, mas nakikitaan ko ng potential ang star factor si Tom
at Gerard."
"But Mia is good---"
"I get that," pag putol niya sa sinasabi ko. "She's good, yes. But still, not good
enough to rise above all of them." Tinapik niya ako sa braso, "pag-isipan mo
maigi." Matapos nun ay lumabas na rin siya ng conference room.
Napa-buntong hininga ako.
Humanda kayong lahat. Pag yang si Mia sumikat, kakainin niyo ang mga sinabi niyo.
Anong walang star factor? Nerbyosa lang siya at medyo mahiyain, pero pag na-develop
nya ang self confidence niya, makikita niyo kung gaano siya kagaling.
And I'll make sure of it.
Lumabas na ako ng conference room.
Ginutom ako doon.
Hatakin ko kaya si Mia na mag lunch? Libre naman niya ngayon!
Nakita kong nagkukumpulan yung ibang artists doon. May kinakausap silang isang
lalaki---si Geo.
BAKIT NANDITO SIYA?!
After siyang kausapin nung mga nagkukumpulan na artists doon, lumapit siya
kay...kay Mia.
"O Mia! Nandito ka rin!" masigla niyang sabi. "May hinihintay?"
"Ah.. Wala... Wala naman."
Napakunot noo ko.
Wala raw?! Sus! Sabihin mo hinihintay mo si Geo!
"Ano? Kumusta meeting? Kelan na natin ire-record yung collab natin?"
"Hopefully po soon!" ngiting ngiti niyang sabi.
"Sana nga. Excited na kami!"
"Ako rin po!" masigla niyang sabi at kita sa mukha na kinikilig siya.
Kinilig naman 'to. Binobola ka lang niyang gago na yan!
Napatingin sa side ko si Geo.
"Ayun pala si Ayen eh. Pre!" tawag niya sa akin.
Tinatawag tawag mo diyan? Sapakin kita, eh.
Nakasimangot akong lumapit sa kanila.
"O ba't nakasimangot ka? Inaway ka ba ni Miss Katie?"
"Hindi ah," nakasimangot kong sabi.
"Kumain na kayo?" tanong ni Geo. "Tara lunch tayo."
Napatingin ako kay Mia. Nakita kong nakatingin din siya sa akin. I gave her a
meaningful look na para bang bina-blackmail ko siya na may alam ako about sa
nararamdaman niya kay Geo. Na aasarin ko talaga siya pag sumama siya.
Her face turned a deeper shade of red.
Napangisi ako. Ang cute, eh.
"Sige tara kain tayo," sabi ko kay Geo. "May ikukwento kami ni Mia sa'yo."
"Kayo na lang!" sabi naman ni Mia. "I need to go home."
"Ah ganun ba?" nakangisi kong sabi. "Sige ingat!"
Pinanlisikan ako ng mata ni Mia bago siya tuluyang umalis.
"Anong nangyari doon?" tanong ni Geo.
"Malay. 'Di pala ako gutom. Ikaw na lang ang kumain.
Nilayasan ko rin si Geo habang ngiting ngiti.
Sorry Mia, sisirain ko ang pangako ko sa'yo. Hindi kita tutulungan kay
Geo.
~*~
MIA MILLS.
"I'm a little bit of crazy. I'm a little bit of a fool. I'm a little bit of
lonely."
- MYMP, A Little Bit
"Nakakainis siya, Sammie! Nakakainis talaga! Nangigigil ako sa kanya nakuuuu!
Talagang yung mga tingin niya parang ilalaglag niya na ako kay Geo! Sinasabi sabi
niya sa akin na tutulungan niya ako kapag nalaman niya kung sino ang gusto ko pero
tignan mo ang ginagawa niya! Yung mga tingin pa lang niya nanlalaglag na!" rant ko
kay Sammie habang kumakain kami ng dinner.
Sa sobrang inis ko, napabili ako ng two piece spicy chicken sa
Jollibee. Nag d-diet pa naman ako ngayon pero wala! Nababanas talaga ako!
"Maka-reklamo ka naman, bes, para namang truelalu na crush mo si Geo."
Napa-pout ako, "eh kasi! Kahit na hindi totoo yun! Still."
Sammie rolled her eyes.
Bwiset. She's so supportive of me!
"Why kasi hindi mo na lang sinabi to him na he's the one you like. In
that way, hindi ka niya mailalaglag. Pwede ka ba naman niyang ilaglag sa sarili
niya eh hulog na hulog ka na? Ano yun? Double fall? Masakit yun."
Napabuntong hininga ako at kinagat ko yung chicken na kinakain ko.
"That's the reason why I didn't told him how I feel. Masakit ma-fall.
Mas masakit ma-double fall. Pero pinaka masakit ang hindi masalo. And that's what
he's going to do. Hindi niya ako sasaluhin so shut up na lang ako."
"Malay mo naman," sabi niya. "Hindi mo naman alam ang feelings niya.
You'll never know unless you try."
"Wag na. Dito na ako sa safe side. Mas mabuti na ngang hindi niya alam.
Buti na lang wala siyang idea kasi manhid siya. Ang manhid manhid niya."
"Paanong manhid?"
"Wala. Tanong nang tanong sino ang gusto ko, hindi ba niya napapansin
na siya yun? He's so dense, Sammie!"
Napatawa si Sammie.
"What's funny?" tanong ko.
"Wala lang. It's just that we girls love saying na manhid ang mga boys.
Pero kung tutuusin, pilit talaga nating itinatago ang feelings natin for them, so
paano nga naman talaga nila mararamdaman 'di ba?"
Natahimik ako.
Kung sabagay. Pilit ko nga talagang itinatago. Pero yun lang, minsan
pag na t-trigger, lumalabas ito ng kusa.
Napabuntong hininga ako.
Kaya ayokong na-i-in love, eh.
"So ano na ang plano mo regarding diyan sa pagpapanggap mong may
feelings para kay Geo?"
"Edi push. Mukhang hindi naman ako tutulungan niyang si Ayen. Aasarin
lang niya ako. Hayaan mo lang siyang pikunin ako tutal diyan naman siya magaling,"
bitter kong sabi. "Tandaan niya, wala na siyang makakasabay ngayon kumain. Hinding
hindi ko na talaga siya sasamahan kumain kahit ilibre pa niya ako at pilitin pa
niya ako.
Biglang tumunog ang phone ko.
"Speaking of the devil," sabi ko sabay pakita kay Sammie kung sino ang
tumatawag sa akin.
"Ayieee, tumatawag na si hot songwriter mo. Go answer the phone."
"Naku may kailangan lang 'to kaya yan tumatawag," sabi ko sabay irap.
Sinagot ko ang tawag niya.
"Yes? Bukod po sa pangaasar, may iba ka pa po bang reason kung bakit
napatawag ka?" pambungad ko sa kanya.
"Saan ka?" tanong niya.
"Sa apartment ko bakit?" mataray kong tanong.

"Nag dinner ka na?"


Napatingin ako sa kinakain kong manok. I cleared my throat.
"P-paki mo?"
"Kung hindi pa tara sabay tayo. Di kita nakasabay kaninang lunch eh."
"Paano nangasar ka!"
"Wala akong ginagawa ah!" natatawa-tawa niyang sabi mula sa kabilang
linya.
Nagkaila pa ang bwiset.
"So ano? Tara na?"
"Uhmm..." napatingin ulit ako sa kinakain ko.
"On the way na ako."
"Eeeh kung on the way ka na pala, okay sige. Sasabay na nga ako sa'yo
mag dinner!"
"Napipilitan ka ata..."
"Hindi nga! Gutom na ako! Manlibre ka!"
Napatawa si Ayen, "Oo naman! Ililibre kita! See you Mia."
"Bye!"
I ended the call.
Napatingin ako kay Sammie na nakataas ang kilay.
"Eh ayun!" sabi niya sa akin. "Kumain na nga ng chicken joy, kinain mo
pa yung sinabi mo na di ka na sasama sa kanyang kumain. Busog na busog ka na
siguro, paano ka pa makakakain?"
"He said he's on his way! Wala akong magawa!"
"Oo nga. Halatang halata na napipilitan ka," ngiting ngiti niyang sabi.
"Ay ewan ko sa'yo! Wait, I'll just change clothes!" sabi ko at tumayo
na ako.
"Wear the lipstick I bought for you!" dinig kong sabi niya nang
makapasok ako sa room ko.
Lumabas ulit ako, hinarap siya at kinunutan ng noo.
"Makikipagkita lang sa kanya, mag m-make up pa 'ko?!"
"Kaya pala hawak mo na yung make up kit mo," sabi niya.
I glared at her and slammed the door of my room habang sa labas ay
dinig na dinig ko ang malakas na pagtawa ni Sammie.
Bwiset! Hindi naman ako magpapaganda para kay Ayen!
Siguro slight lang.
To be continued...
VERY IMPORTANT AN: (Read bago niyo ako hingan ng update. Lol)
Guys, wala pong update this weekend. Baka April 8 or 9 na ang susunod na update.
Magbabakasyon lang si author ng isang linggo. Tatakas muna ako panandalian sa mga
responsibilities at sa adult life. Lol. Please bear with me! Thank you sa mga
makakaintindi!
- Aly
=================

Twenty Ninth Stanza

Twenty Ninth Stanza


MIA MILLS.
"Ayoko na munang umibig. Itutulak palayo ang sinuman."
- Silent Sanctuary, Abot Langit

"Beshie, can you please make palit the doll shoes you're wearing? It's not bagay sa
suot mo. Wear the red one." sabi ni Sammie sa akin sabay irap. Pinasok na niya ako
dito sa room ko. Naramdaman niya sigurong ngarag ako sa pag aayos dahil parating na
si Ayen.
"Hindi ko naman kasi kailangan magpaganda! Kakain lang naman kaming dalawa, eh!"
irita kong sabi. Pero kahit ganun, sinunod ko pa rin siya. Hinubad ko ang suot kong
doll shoes at isinuot yung sapatos na tinuro sa akin ni Sammie. Syempre, mabuti
nang mag tiwala sa taste niya. Mas maalam siya rito.
"Sus. Wag ako. Tarantang tara ka nga sa pag aayos diyan, eh. Chill my friend.
Napaghahalataang gustong gusto mo siyang makita," sabi naman niya habang
isinasaksak niya ang pangplanta ng buhok sa power outlet.
"Hindi 'no!"
Napangiti si Sammie, "Mia, why are you even denying it? I know that you like him
that's why I totally understand why you're acting that way. Wala namang mali doon
girl. You don't have to feel ashamed. Tsaka ano ka ba, babae rin ako so-- been
there, done that," she winked at me. "So ano? Kulot o straight?"
Napangiti na lang ako, "anong mas bagay sa akin?"
Napatawa na lang din si Sammie, "straight muna para hindi masyadong
over."
Umupo ako sa harap ng salamin at uumpisahan na sana ni Sammie ang
pagaayos ng buhok ko nang biglang may mag door bell.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Shit! Shit! He's here! Hindi pa ako nakakapag-ayos ng buhok!"
"Okay, chill! Akong bahala! I'll entertain him! Bilisan mo mag ayos!" inabot sa
akin ni Sammie ang pang plantsa ng buhok at dire-diresto siyang lumabas ng kwarto
ko.
Napatingin ulit ako sa salamin at bigla akong natigilan. Tinitigan ko
ang reflection ko.
I'm wearing a white floral dress. Naka eyeliner ako, naka-lipstick, may blush-on
pa. At ngayon, plano ko pang mag unat ng buhok.
Oo na. Nagpapaganda na ako para kay Ayen. Kakain lang kami ng dinner sa labas and
it's not even a date and yet, nagpapaganda ako.
So ito ba ang tamang ginagawa ng taong iniiwasan ang feelings niya?
Ganito ba pigilan ang nararamdaman para sa isang taong hindi ka naman mahal?
Mali na 'to.
I better stop this nonsense. Kahit ano namang ayos ko, kahit anong paganda ko,
hinding hindi ko makukuha ang atensyon niya.
I heave a sigh at hinugot ko ang plantsa na nakasaksak sa power outlet.
Pumasok ako sa bathroom ko at dali dali akong nag hilamos to erase my make-up.
After that, I grab a pair of t-shirt and jeans at nagpalit ako ng damit. Itinaas ko
na lang din ang buhok ko into a pony tail. Ni hindi ko na ulit tinignan ang sarili
ko sa harap ng salamin dahil mamaya mag bago na naman ang isip ko at ma-tempt na
naman akong mag-ayos.
Kakain lang kami sa labas. Yun lang.
Pagka-labas ko sa room, nadatnan ko si Ayen na naka-upo sa sala namin habang
kinakausap siya ni Sammie.
"OMG! Really? You've seen my sardinas video? Nakakaloka 'di ba? Actually lasing ako
nung ginawa ko yun at in-upload. It's so nakakahiya at first, but oh well, ayun
naman ang nagpasikat sa akin kaya keribells!" masiglang sabi ni Sammie habang
kinukwento ang tungkol sa viral video niya dati na hugot sa mga sardinas.
Napatawa si Ayen, "Okay lang, cute nga eh. Relatable pa. Pero pareho pala kayo ni
Mia kapag nalalasing 'no? Kung anu-ano ginagawa."
"I know right! That's why we're BFFs!" proud niyang sabi. "Parehong praning you
know? Pero pareho ring tapat mag mahal at grabe ma-in love," tumawa nang malakas si
Sammie.
Bago pa kung ano ang makuwento nitong si Sammie kay Ayen, nilapitan ko na sila.
"Ready na 'ko," sabi ko at pareho silang napalingon sa akin.
Kita ko ang gulat sa mata ni Sammie nang makita niya ang itsura ko. Pinanlakihan
niya ako ng mata na para bang hindi siya makapaniwala sa pinag gagagawa ko. I just
gave her a sad smile.
"Tara na po," sabi ko kay Sir Ayen.
"Yun! Gutom na 'ko!" masiglang sabi ni Ayen habang nakangiti sa akin.
Binasa ko ang expression sa mukha niya. Pinakiramdaman kung may pagtataka ba na
hindi ako nakaayos ngayon pero kita ko sa mga mata niya na dedma lang siya sa
itsura ko. Parang di niya napansin. Parang wala siyang paki.
At hindi ko alam kung positive ba na bagay yun o negative.
"Have fun guys," sabi naman ni Sammie.
"Sama ka na sa amin," nakangiting yaya sa kanya ni Ayen.
"No thanks. Sosolohin ko muna ang boylet namin ni Mia dito sa apartment!" sagot
niya at tumingin siya sa akin. "Wala munang threesome tonight! He's all mine!" at
nag evil laugh pa ang bruha.
Napairap ako bigla, "hoy, wag mong pagurin si oppa ah? Matulog kayo ng maaga."
"Kung makakayanan kong tumigil," at kinindatan niya kami.
Napatawa na lang ako sa kaibigan ko, "sira ka!"
Nilingon ko si Ayen at nakita kong kunot na kunot ang noo niya at halos magsalubong
na ang dalawang kilay niya.
"Ayen? Let's go?"
Hindi siya sumagot at tinalikuran niya lang ako atsaka siya nauna maglakad.
Nagkatinginan kami ni Sammie.
"Anyare doon?" bulong niya.
I shrugged, "ewan!"
"Ay sige! Umalis ka na! Manunuod na ako ng Kdrama. Inaantay na ako ni Kim Soo
Hyun."
"Oo na! Solohin mo na siya ngayon! Akin siya pagdating ko."
"Wag ka na. May real life oppa ka naman," nakangisi niyang sabi sabay
tingin kay Ayen na papasok na sa loob ng kotse niya.
"Loko! Sige na bye!" at tumakbo na ako papunta sa kotse ni Ayen.
~*~
Hindi niya ako pinapansin. Nakasimangot lang si Ayen habang nag d-drive. Tinanong
ko siya kung saan kami kakain kaya lang di niya ako sinagot.
Ano na naman ang problema nito? Niyaya ako tapos di naman ako
papansinin? Ang init pa ng ulo. Dahil ba hindi ako nakaayos ngayon kaya siya
nagkakaganyan?!
"Hay nakakainis talaga!" singhal niya kaya napalingon ako.
"What the hell is your problem?!" irita ko ring tanong kaya napatingin
siya sa akin ng masama.
Nagulat ako nang bigla niyang itabi sa gilid ang kotse niya at inihinto
ito.
"Okay? Bakit ang init ng ulo mo?" tanong ko sa kanya.
Napahinga siya nang malalim, "alam kong hindi ako dapat makielam sa---
sa k-kung ano ang ginagawa niyo! Pero kasi talagang paguusapan niyo ang bagay na
yun sa harap ko?! Lalaki ako at mga b-babae k-kayo!"
Napataas ang kilay ko dahil sa mga sinasabi niya.
"Ang...alin po?"
"W-wag ka ngang painosente!"
"Eh hindi kasi kita ma-gets."
"Yung ano! Y-yung..basta yun! G-gets mo naman, eh! Inaasar mo lang
ako!"
"Hindi ko po talaga gets ang sinasabi mo."
Huminga ulit siya ng malalim, "y-yung... yung t-t-threesome..."
Teka, medyo nag l-loading ang utak ko.
"Alam kong hindi ako dapat makielam kung...kung gusto niyo yung ganung
bagay," pagpapatuloy niya, "p-pero dapat pag paguusapan niyo yun, kayo kayo na
lang. Mamaya may iba pang makarinig. Pinas pa rin ito at marami pa ring
conservative na tao rito. Lalo na kayo celebrity kayo. May iniingatang imahe. Hindi
ko kayo hinuhusgahan, c-concern lang. Concern! T-tsaka dapat kasi ginagawa niyo
lang yan sa taong mahal nyo! Bakit kasi ganyan kayo!"
Hindi ako makapagsalita at napatulala na lang ako sa harap ni Ayen.
Pilit ina-absorb ang lahat ng sinabi niya.
"U-uy, mag react ka naman. Na offend ka ba? Kaya ayoko sabihin eh kaso
hindi talaga ako mapakali sa narinig ko. N-next time wag ganung ka blunt ang
paguusap niyo about doon..."
At hindi ko na napigilan, napahagalpak na lang ako ng tawa.
"Oh my god! Oh my god! This is so funny! Threesome? Oh my gosh!" at
patuloy ako sa pagtawa na parang walang bukas.
Nakita ko na mas nainis ang mukha ni Ayen kaya mas lalo akong natawa.
"Sige! Tawanan mo 'ko! Ako na nga ang concern sa'yo, ako pa tatawanan
mo? Ni hindi mo na 'ko ginalang!" sabi niya na puno ng pagtatampo.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko pero tawang tawa pa rin ako.
Talagang iniisip niya na me and Sammie is sharing while having sex some random
dude? Kasi naman 'tong si Sammie, sukat ginamit ang word na threesome walangya!
"Sorry na po, hindi ko lang napigilan. Kasi naman grabe talaga kami
kinilig ni Sammie sa ganyang mga bagay!" I giggled.
Magkadikit na ngayon ang mga kilay ni Ayen dahil sa sobrang
pagkakakunot ng noo. Sayang lang at gabi. For sure pulang pula rin ang mukha nito.
"Talagang sige ka lang sa pag kukwento sa akin niyan ha?" may halo nang
pagbabanta ang boses niya.
Inilabas ko ang phone ko, "gusto mong makita yung mga ka threesome
namin ni Sammie?"
"At talagang balak mo pa ipakita sa'kin?!"
Hindi ko siya inintindi at itinapat ko na lang sa mukha niya yung
picture.
"Ayan si Kim Soo Hyun, ang pinaka favorite naming paghatian," sabi ko.
"Paano ba naman kasi, mga tingin pa lang niya, tagos na tagos na agad sa bone
marrow ang feels. Yung parang damang dama mo na love ka talaga niya."
From magkasalubong na kilay, napalitan nang pagtataka ang expression ng
mukha ni Ayen. Nag swipe ako.
"Ayan naman si Lee Jong Suk, magaling siya humalik. And look at that
innocent smile. Nakakatunaw 'di ba?"
Nag swipe pa ulit ako.
"And this one is Song Joong Ki. Ang manly ng dating 'di ba? Yung tipong
ipagtatanggol ka sa lahat. And he really rocks that military outfit."
"S-so..."
Tumango ako, "so... me and Sammie are talking about our oppas. Our
favorite Korean actors. And what she meant about "threesome" ay lagi kaming
naghahati sa mga oppa namin dahil wala ni isa sa amin ang gustong mag paraya."
He cleared his throat nang malinawan siya sa mga sinabi ko
"O-okay! S-sorry! J-just don't ever use that term again para hindi
kayo na mi-misunderstood!"
Misunderstood ka diyan. Green minded ka lang!
Napangiti ako nang malawak, "yes boss!"
"T-tsaka yung Kim Soo Hyun? Yung favorite niyo?"
"O ano po meron sa kanya?"
"Naalibadbaran ako sa mukha niya. Kahawig ni Ice. Di naman gwapo."
Napakunot ang noo ko dahil sa komento niya pero hindi ko na lang din
pinansin.
Dapat dinedema lang talaga ang mga basher.
Tsaka isa pa ililibre niya ako ng dinner, eh.
~*~
"Wala nang paligoy ligoy," sabi ni Ayen habang kumakain kami. "Bakit mo nagustuhan
si Geo?"
Halos masamid ako dahil sa tanong niya. Bwiset. Hindi nga talaga
nagpaligoy ligoy ang loko!
"Bakit hindi?" balik kong tanong sa kanya.
"Wala. Curious lang ako. Hindi naman kayo close."
Eh leche ka pala! Ikaw nga hindi ko pa na-m-meet dati, gusto na kita!
"E-eh kasi, gentleman siya. Pogi. Mabait. Ganun."
"So feeling mo ang perfect ni Geo, ganun? Walang lalaking perfect."
Ano na naman ang problema niya?!
"Perfect siya sa paningin ko bakit ba?! Kasi di ba if you truly love
that person, hindi mo na papansinin ang mga imperfections niya?"
"So you mean to say, you love him already?"
I LOVE YOU ALREADY.
"YES!"
Napailing siya, "boring kasama yun."
"Huh?"
"Tsaka alam mo ba? Naghihilik yun pag natutulog."
"Teka nga, sinisiraan mo ba siya sa akin?"
"Hindi ah! Iniinform lang kita. Tsaka ang hirap kasi talagang
paniwalaan na si Geo ang gusto mo. Parang nan-j-joke ka lang, eh. Feeling ko iba
talaga ang gusto mo, hindi mo lang masabi."
Napalunok ako.
Shit? Am I that obvious? Nakakahalata na ba siya?
Dati sinasabi ko, ang manhid manhid niya. Hindi siya makaramdam! Ngayon
naman na parang nakakahalata na siya, hinihiling ko na sana hindi!
Sana talaga hindi!
"S-si Geo talaga gusto ko! Siya talaga. Wala akong paki kung naghihilik
siya matulog at hindi naman ako ma-b-bored kapag kasama ko siya because I really
like him!" pagpupumilit ko.
Sorry Geo. Alam kong wala kang malay dito, pero sorry talaga! Ikaw lang
ang pag-asa ko para hindi ako mabuko!
"Pero hindi si Geo ang favorite mo sa EndMira..."
"Siya na ngayon!"
Kita kong kumunot ang noo ni Ayen.
"Wow. Sabi mo ako ang "bias" mo. Hindi ka pala loyal," sabi niya.
"Eh syempre na in love na ako. Yung loyalty ko nandoon sa taong mahal
ko."
"At mali ang minamahal mo!"
"And who are you para husgahan kung tama o mali ang minamahal ko?"
"Ako na nga ang concern ikaw pa galit!"
"Kung concern ka sa akin, tutulungan mo na lang ako kay Geo!"
Mia! Jusko Mia! Ano ba ang pinagsasasabi mo!
"Ayokong tulungan ka."
Nagulat ako sa sinabi niya, "at bakit?!"
"Ayoko sa'yo para kay Geo."
Aba't--! Itong lecheng 'to---!!
"Tatay ka ba ni Geo?! Ha?! At anong mali sa akin?! Bakit ayaw mo sa
akin para sa kanya ha?!"
"Basta."
"Anong basta?! Ano nga!"
"Lasinggera ka, matino si Geo. Mamaya maimpluwensyahan mo pa siya sa
masama mong bisyo. Concern lang ako sa kaibigan ko. Don't get me wrong."
Naramdaman ko ang pag init ng ulo ko. Gusto ko siyang balibagin ngayon
sa harap ko kahit gaano ko pa siya kagusto. Pero dahil hindi ako bayolenteng tao, I
just grab my purse and was about to walk out nang biglang may lumapit sa table
namin na dalawang babae. Mukhang mga highschool students
"Ah m-miss, excuse me po!" sabi nung isang girl. "Ikaw po si Mia Mills
'di ba?"
"Ah o-oo, ako po yun. Bakit po?"
"Oh my god!" nagkatinginan yung dalawang girls na parang kinikilig.
"Sabi sa'yo eh!"
Napatingin ako kay Ayen nang may pagtataka at nakita kong ngiting ngiti
rin siya sa akin.
"Ahm, Miss Mia! Napanuod po namin kayo doon sa gig ng EndMira at
nagalingan kami sa'yo. Pwede po bang pa picture?"
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta nakatayo na lang ako
kasama silang dalawa at kinukuhanan na kami ng picture ni Ayen. Hanggang sa
magpaalam yung dalawang babae, lutang na lutang pa rin ako.
First time yun. First time na may nagpapicture sa akin.
Teka, masarap pala sa feeling? Nakaka overwhelm.
At sinabi nila, nagalingan sila sa akin? Ibig sabihin kahit majority
nun, pinapaalis ako sa stage, meron pa rin palang mga naka-appreciate sa akin.
"Ano? Okay ka lang?" ngiting ngiti na sabi ni Ayen. "You're blushing."
"Shocks. Ngayon pa talaga kung kelang hindi ako nag lagay ng make up,"
nahihiya kong sabi.
"Ay hindi ba?" sinilip ni Ayen ang mukha ko at medyo napaatras ako.
"Hindi naman halata na wala kang make-up. Hindi ko nga nahalata eh. Maganda ka pa
rin kasi."
Pakiramdam ko mas nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya kaya naman
napainom na lang ako ng tubig. Nawala na rin sa isip ko ang pag w-walk out.
Dahil sa simpleng compliment niya---just like that, nawala na ang inis
ko.
To be continued...    
Sorry natagalan! Salamat sa mga nag antay sa update! <3 

=================

Thirtieth Stanza

Thirtieth Stanza
JARREN REYES.
"Maybe I'm stranded. I'm stuck in this place alone."
- Hale, Tollgate
So ganito ang mga klaseng lalaki na tipo ni Mia? Tanong ko sa sarili ko habang
nakatingin ako sa mga litratong na search ko sa laptop ko.
Napailing na lang ako.
Marunong ba talaga mamili yung babaeng yun?
Sinearch ko sa google kanina yung mga Koreanong artista na binabanggit
ni Mia kanina sa akin. Gusto ko lang makita kung gwapo ba talaga. Hindi ko halos
napansin doon sa mga litratong ipinakita niya sa akin nung isang gabi, eh. At nung
sinearch ko, na-disappoint lang ako.
Hindi naman mga gwapo.
Una kong hinanap yung Kim Soo Hyun. Yung sinasabi kong kahawig ni Ice.
May nakita akong gif niya na sumasayaw siya. 

Napaisip ako doon sa nakita ko kung tunay ba siyang lalaki. Kung maka-giling
baklang bakla, eh. Pakiramdam ko tuloy parang nakita ko si Ice na gumigiling.
Kinilabutan ako.
Sinunod ko yung Lee Jong Suk. Yung sinasabi ni Mia na magaling humalik.
At nakita ko yung picture niya na may bulaklak siya sa ulo.
Napailing na lang ako. Mga tipo ni Mia yung para bang may pangarap din maging
flower girl sa kasal?
Huli kong hinanap yung SongJoong Ki. May nakita akong picture niya na nakapang
military tapos naka shadepa. 

Kulang na lang gitara at pwede na siyang maging bulag na namamalimos sa kanto.


Napatingin ulit ako sa kanya.
May shades akong ganto eh. Pakiramdam ko mas gwapo pa ako kung ako
magsusuot ng ganyang shades.
"Ano yan?"
Bigla kong naisara yung laptop ko nang may magsalita sa likuran ko.
Napalingon ako at nakita ko si William na panguyanguya ng chichirya sa likuran ko.
"Bakit nagtitingin ka ng mga Koreano? Type mo pre?"
"Gago! Nag r-research lang ako."
"Nag r-research? Ng mga lalaking Koreano?" tanong niya at kita ko sa
mukha niya ang pagsususpetya.
Huminga ako nang malalim, "kpop pre. Kpop. Inaalam ko lang kung anong
meron at mabentang mabenta sa millennials."
"Ahhh.. pero bakit sa images ka nag s-search."
"Kasi inaalam ko yung mga istilo nila sa pananamit! Baka magamit niyo!"
irita kong sagot.
Kainis.
Ang EndMira, mga kalalaking tao, kung mga makapagtanong akala mo asawa.
"Inis na inis ka na naman. Kumain ka na nga lang," inabot ni Will sa
akin ang bag ng chichirya na nilalantakan niya at kumuha ako.
"Himala. Nag grocery ka ng mga makakain?" tanong ko sa kanya habang
nginunguya yung chichirya.
"Hindi. Galing kay Geo yan."
Bigla kong idinura sa basurahan na katabi ko yung chichirya na kinakain
ko.
"Uy ano ba! Nakakadiri naman 'to, oh!" sabi ni Will nang iwasan niya
yung idinura ko. "Problema mo?"
"Kadiri lasa! Ilayo mo nga sa'kin yan!"
"Huh? Okay naman?" at tumikim ulit ang loko. "Weird mo pre," sabi niya
habang iiling-iling pa na naglalakad palayo sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako.
Hay. Ano ba 'tong inaasal ko? Ilang araw na 'kong ganito. Ilang araw na
hindi mapakali dahil kay Mia.
Si Geo ba talaga?
Ilang beses ko nang tinanong yan sa sarili ko. At oo na, inaamin ko na
na malaki naman talaga ang posibilidad na magustuhan ni Mia si Geo. Pero bakit
ganun? Knowing that fact, hindi pa rin ako makapaniwala. Parang may mali.
At ang nakakainis? I can't let it go! Ilang beses ko nang sinabi sa
sarili ko na, edi si Geo gusto niya! Paki ko ba? Sino ako para isipin kung sino ang
dapat magustuhan niya? Sino ba siya para problemahin ko? Yeah, we're friends but
may limitasyon din naman kung hanggang saan ako dapat makielam sa kanya.
Pero hindi pa rin mawala wala ito sa isip ko!
I even wrote a song about this! Akala ko kapag naisulat ko na,
mabibitiwan ko na, kaso hindi. Binubulabog pa rin niya isip ko. Wala pa rin ibang
pumapasok sa kukote ko kundi 'si Geo ba talaga gusto niya? Bakit? Paano? Bakit
siya?'
Paano kung malaman ni Geo na may gusto si Mia sa kanya? Paano kung
gawin siya ni Geo na rebound? Matinong tao si Geo alam ko, pero sa sitwasyon niya
ngayon, pakiramdam ko naging sira-ulo na rin ang isang yon. Lalo pa't si Jasper ang
madalas niyang kasama nitong mga nagdaang araw eh.
Hala! Eh paano kung maging sila ni Mia at rebound lang pala talaga si
Mia at may mangyari sa kanila at mabuntis niya si Mia?! Tapos hindi niya
pananagutan?!
Shit!
Napakamot ako sa ulo ko.
Ano ba Ayen! Ilang araw ka nang ganito! Ni hindi ka na makapagsulat ng
matinong kanta. At wala ka nang ibang ginawa kundi ang isipin nang isipin si Geo at
Mia!
Napahinga ako nang malalim at parang ang sikip ng dibdib ko.
Ano ba, bakit ko nararamdaman ang mga bagay na 'to? Totoo ba 'to? Hindi
ba masyado pang maaga?
Kinuha ko yung phone ko at in-open ko ang Facebook. Pinuntahan ko yung
profile ni Mia.
Yung profile picture niya, pakiramdam ko kuha sa states. Back shot.
Nakaupo siya sa bench habang may hawak ng gitara at nakatingin sa lake na nasa
harapan niya.
Nagtingin ako ng iba pang mga picture niya. Merong selfie na naka peace
sign siya. Mukhang bata pa siya rito. Mas payat din siya sa picture na 'to. Buti na
lang kahit papaano nagkalaman siya. Siguro epekto ng kakayaya ko sa kanya kumain sa
labas.
Nag swipe ako at hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa sunod na
picture na nakita ko.
Edited photo. Doon sa picture, akala mo magkaakbay si Mia at yung
Koreano na puro nguso. Ano pangalan non? Lee Jong Nguso ba yun or something.
Napailing na lang ako.
Ano siya? Elementary?
Nag swipe na lang ulit ako.
Nagulat ako sa sumunod na picture na nakita ko.
Picture nila nung ex niyang si Sam. Magkaakbay.
Wow. Di ba pag naghiwalay dapat binubura na ang mga picture nila na
magkasama? Talagang nandito pa 'to?!
Tinitigan ko maigi yung litrato.
Mukhang drug addict si Sam. Di sila bagay ni Mia. Buti na lang nag
break na sila.
Itinigil ko na ang pagtingin ng mga naging profile photo niya. Mamaya
makakita lang ako ng mukha ni Sam o ng mga koreanong crush niya, maalibadbaran lang
ako.
Pinuntahan ko na lang yung profile niya. Nakita kong nag status siya.
Isang line ng lyrics ng isang kanta ni Ed Sheeran.
Nag comment ako at dinuktungan ko yung lyrics na pinost niya.
At tigilan ako.
At napatingin ako doon sa comment ko sa status niya.
Napabuntong hininga na lang ulit ako.
So ano na, Ayen? Ayan ka na naman.
Agad kong dinelete yung Facebook app ko at inilagay ko sa drawer ko ang
phone ko.
Mamaya kasi maisipan ko pa ulit i-stalk ang profile niya.
Mamaya matuluyan na ako.
~*~
MIA MILLS.
"We got questions we should not ask but how would you feel if I told you I loved
you?"
- Ed Sheeran, How Would You Feel
Mia, relax. Walang meaning yun, okay? Dinuktungan lang niya yung pinost mong lyrics
ng kanta. Yun lang. Kaya napapahamak ang mga babae kasi lahat ng bagay binibigyan
nila ng meaning kahit wala naman.
Katulad ngayon.
Gusto kong magtatatalon sa kilig pero kasi...alam kong maling hinala
ako at wala namang dapat ikakilig!
Tinignan ko ulit yung status na pinost ko sa Facebook kagabi. Nakikinig
ako ng mga kanta ni Ed Sheeran nun bago matulog at may isang line sa isang lyrics
ako na pinost. At ayun na nga, pagkagising ko ng umaga, nakita ko na nag comment si
Ayen sa status ko.
Mia Mills is listening to – Ed Sheeran – How Would You Feel (Paean)
"I'll be taking my time, spending my life~"
Jarren Reyes: --falling deeper in love with you. So tell me that you love me too.."
Nakakaloka 'di ba? So paano? Paano ako hindi kikiligin? Paano na ang
puso ko? Paano ko pipigilan 'to na wag maglulundag?
MIA. DINUKTUNGAN LANG NIYA YUNG KANTA. KUMALMA KA.
Huminga ako nang malalim then ni-like ko yung comment niya at nag reply
ako.
Mia Mills: "Ganda nung song 'no?"
After ko mag reply, I deleted my Facebook app dahil ayoko na makita pa
ang reply niya at baka mamaya mapaamin lang ako nang 'di oras.
Nakakainis.
"O, bad mood ka na naman bessy," sabi ni Sammie habang palabas ng
kwarto niya at may kaladkad na maleta.
Nag pout ako, "iiwan mo na naman kasi ako ng isang linggo!"
"Sorry na. Alam mo na, kumakayod para kumita at matupad ang mga dreams
and everything!"
Natawa ako, "anong oras flight mo?"
"12:10pm. I'm kinda late na nga so I'm thinking na sa airport na mag
breakfast."
"Oo. Doon ka na mag breakfast at lumayas layas ka na. Traffic pa naman
papunta sa airport."
"Alright! Ikaw? Anong ganap mo today?"
"May meeting kami. About doon sa collaboration ko with EndMira."
"Oh my gosh!" excited na sabi ni Sammie. "You go girl! You make paganda
ha? Mag ayos ka. Look presentable!"
"Yes ma'am," natatawa tawa kong sabi.
"O sige na! I'll get going na! I'll just bring home some pasalubong
from Thailand!"
"Aasahan ko yan!"
Nag book ng uber si Sammie at tinulungan ko naman siyang ipasok lahat
sa kotse yung mga bagahe niya.
Nang makaalis siya, naligo na ako at nag-ayos na rin para sa meeting.
At dahil madalas akong excited, madalas din akong early bird.
Ako na naman ang naunang dumating.
Makapag restroom na nga lang muna at makapag re-touch.
Dumiretso ako sa restroom sa may lobby ng office kaya lang pag liko ko,
nakita ko si Geo na palabas ng restroom ng mga guys
kaya napaatras ako bigla at napatago sa gilid ng pader.
Shit.
Dahil sa kagagahan ko, hindi ko na magawang ipakita ang mukha ko kay
Geo. Alam kong wala siyang alam na ginagamit ko siya pero syempre nakaka guilty pa
rin.
Ang gaga gaga ko kasi, eh. Ayan. Ayan ang napapala ko! Okay naman kami
ni Geo ngayon, na a-awkward-an na rin ako. Puro kasi ako kalokohan. Puro kagagahan.
Ayan tuloy!
Sinilip ko kung nakaalis na siya at nang makita kong nakapalgpas na si
Geo, napahinga ako nang maluwag.
"At ba't ka nagtatago?"
"Oh shit!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Nakita ko
si Ayen sa gilid ko, nakasandal din sa pader na pinagtataguan ko at nakataas ang
kilay habang nakatingin sa akin.
"Ba't mo pinagtataguan si Geo?"
"No I'm not!"
"Na huli kita. Bakit? Na g-guilty ka kasi ginagamit mo siya?"
Uhmm.... Nasabi ko dati na manhid si Ayen. Binabawi ko na po.
PAANO NIYA NAHULAAN YUN?!
"Ginagamit saan?" painosente kong tanong.
"Ginagamit para pagtakpan ang feelings mo para sa iba."
"Ewan ko sa'yo. Kung anu-ano ang sinasabi mo! At tingin mo naman kung
hindi si Geo ang gusto ko, sino? Sino ang nasa isip mo?"
Hindi umimik si Ayen.
"See? Wala kang masabi. Si Geo kasi talaga yun," sabi ko sa kanya.
"Basta. Feeling ko hindi siya ang gusto mo."
Napairap na lang ako, "sige, i-push mo lang yang feeling mo na yan."
Napatayo ng maayos si Ayen at tinignan ako ng diretso sa mata. Medyo
napaatras ako kasi ang seryoso ng tingin niya sa akin.
"Kapag ba pinush ko 'tong feeling na 'to, hindi mo 'ko iiwasan?"
Napalunok ako. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga mata
niyang seryosong nakatingin sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
T-teka, ano raw? Ano sabi niya? Tama ba ako ng pagkakaintindi o---
"I-I m-mean, pag nalaman ko kung sino ang gusto mo, wag mo 'kong
iiwasan kasi aasarin talaga kita," sabi niya sabay ngiti ng mapangasar.
Mali. Mali ang pagkakaintindi ko. Sabi nang wag bigyan ng meaning ang
lahat para hindi na masaktan.
Huminga ako nang malalim.
"Sige, papatunayan ko na lang na si Geo gusto ko."
"Paano?"
Nginitian ko siya, "tatabihan ko siya sa meeting mamaya and just
observe and learn."
I winked at him at dire-diretso akong pumasok sa loob ng conference
room.
Bwiset ka Jarren Reyes. Bwiset ka.
To be continued...
AN:
Bago magalit mga fans ni Kim Soo Hyun, Lee Jong Suk at Song Joong Ki, gusto ko pong
malaman niyo na mahal ko rin sila at ayoko silang laitin kaya lang kailangan kong
isulat ang thoughts ni Ayen. Hahahahaha.

=================

Thirty First Stanza

Thirty First Stanza


JARREN REYES.
"Tulad mo ba akong nahihirapan lalo't naiisip ka?"
- Join the Club, Nobela
Ngayon ko lang na-realize, hindi pala talaga madali ang ginagawa ni Jasper Yu.
Dapat pala sambahin ko ang mokong na yun sa tibay ng loob niya, eh. I mean, paano
niya nagagawang bumanat nang hindi ito binabawi?
'Kapag ba pinush ko 'tong feeling na 'to, hindi mo 'ko iiwasan?'
Napakamot ako sa gilid ng ulo ko dahil sa inis.
Sinabi ko ba talaga yun? Potek. Anong kalokohan ang pinagiisip ko at bumanat ako
nang ganun?
At oo na, nasabi ko na, hindi ko pa nagawang panindigan. Sukat gumawa pa ako ng
palusot sa kanya. Isang napaka-lame na palusot. Ayan, na-beastmode tuloy siya.
Inalisan ako at tinabihan si Geo.
Paano kung mapatunayan nga niya sa akin na si Geo talaga ang gusto
niya? Paano kung makumbinsi niya talaga ako?
Bahagyang nakabukas ang pinto ng conference room at mula rito sa kinatatayuan ko sa
labas, tanaw ko si Mia na nakaupo sa tabi ni Geo. Naguusap silang dalawa. May
sinabi si Geo kay Mia na ikinatawa naman ni Mia.
Ang saya nang tawa niya ha? Nakakabadtrip.
Napatingin si Mia sa pwesto ko at nang magtama ang mga tingin namin, she winked at
me.
Aba't---!
Ibinalik niya ang tingin niya kay Geo at yung mokong naman na yun, tuloy tuloy sa
pagkukwento. Akala ko ba broken siya? Lately ang anti-social niya, eh. Pero kung
makapag kwento siya ngayon kay Mia akala mo walang pinagdaraanan.
At ito namang si parang aliw na aliw sa mga sinasabi ni Geo! Nakapangalumbaba pa
siya habang nakikinig sa kwento nang mokong na yun. Masyado siyang maganda sa
pwesto niya na yan. So talagang inaakit niya si Geo?
Shit. Paano kung mahulog si Geo sa kanya? Hindi malabong mangyari yun.
Napatalikod na lang ako at muling napakamot sa ulo.
Ano ba. Ang affected ko masyado. Kung mahuhulog man si Geo sa kanya,
hindi ba't magandang bagay yun? At least, hindi niya magiging panakip butas si Mia.
Pag nangyari yun, makaka move-on na rin si Geo sa past love niya. At ganun din si
Mia. Mabuti silang tao pareho and they both deserve each other.
Napabuntong hininga ako.
Napaka positive na bagay but still, ang bigat sa loob ko.
I hate this. Kagagaling ko lang sa ganitong sitwasyon tapos eto na
naman?
"Uy pre!"
Napalingon ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko at nakita
ko si Geo.
"Oh... ikaw pala yan."
"Kanina ka pa ba rito?" tanong niya.
"Halos kararating lang," sabi ko naman. "Saan ka punta?"
"Aakyat lang ako saglit. Babati kay boss," sabi niya. Ang boss na
tinutukoy niya ay yung may ari ng agency namin.
"Ah, sige lang."
Nang makaalis si Geo, agad akong pumasok sa loob ng conference room at
umupo doon sa kaninang pwesto niya.
"Hey! Diyan si Geo!" Mia hissed.
I grinned. "Not anymore."
Napairap si Mia, "now you're sabotaging my plan. Gusto mo lang talaga
i-push yang feeling mo."
"Oo naman. Gusto ko talagang i-push 'to."
"Edi i-push mo."
"I-p-push ko talaga."
"Itulak kita diyan, eh," sabi niya sabay irap.
"Nagawa mo na."
Napabalik sa akin ang tingin ni Mia at nang magtama ang mga tingin
namin, naramdaman ko yun. Yung bagay na nararamdaman ko dati kada tinitignan ko sa
mata si Timi.
Shit.
"Uy! Ang aga niyo ah!"
Sabay kaming napaiwas ng tingin ni Mia sa isa't-isa at tumingin sa
nagsalita. Si Miss Katie, yung producer namin. At kasama niya si Sandie, yung
kasabayang artist ni Mia.
Napakunot ang noo ko.
Bakit parang bigla akong kinabahan?
"Ah nandito na si Geo," sabi ko sa kanya. "Waiting na lang sa iba pang
members."
"No need," sabi naman ni Miss Katie. "Nandoon sila lahat sa kabilang
conference room. May importanteng meeting sila with the boss."
"Ah so tayo na lang? I thought we're talking about Mia's collaboration
with them?"
"About that..." naupo si Miss Katie sa harapan namin at sa tabi naman
niya ay pumwesto si Sandie. "Since natanong mo naman, hindi na ako magpapaligoy
ligoy pa. Actually, the management have decided na ang isama muna sa album launch
ng EndMira ay si Sandie."
"What?" napatayo ako. "Pero napagusapan nang si Mia yun. At gusto ng
EndMira na si Mia ang isama nila sa album," diretsahan kong sabi at wala na akong
paki kung kaharap ko pa si Sandie.
"I know. Kaya nga may meeting ang EndMira ngayon with the boss.
Pinapaliwanag ngayon sa kanila kung bakit dapat si Sandie muna ang isama sa
kanila," lumingon siya kay Mia. "You see, iba ang album na ilalabas ng EndMira
ngayon. Mas rock ang genre kumpara sa ballad. Between you Mia, and Sandie, mas
suwak si Sandie sa genre na ito. Aside from that, we are planning to build another
band with Sandie as the lead kaya kailangan niya ang exposure na ito."
"But Mia worked hard for this project!" inis na sabi ko sa kanya.
"And so is Sandie! And I'm really sorry, I have to be brutally honest
with you guys but between Mia and Sandie, mas malaki ang inimprove ni Sandie---"
"That's not true!"
"At paano mo nasabi, Ayen?" tanong ni Miss Katie. "Naka focus ka lang
kay Mia. Hindi mo nakikita ang improvement ng ibang artist."
Napaupo na lang ako at ramdam ko ang frustration ko. Hindi ko
maipagtanggol si Mia. Ni hindi ko siya magawang tignan.
She waited for this. Alam ko kung gaano siya ka excited sa
collaboration na 'to tapos biglang aalisin sa kanya?
"Okay look...medyo crucial ang lagay ng EndMira ngayon. Alam naman
nating dumarami ang kalaban nila. Kaya naman very particular din kami sa isasama
namin sa project. I'm judging the situation in a producer's point of view, at alam
kong hindi pa ready si Mia sa ngayon. Sana wag niyo masamain ang desisyon ko. Hindi
lang EndMira ang inaalagaan ko kundi pati si Sandie at Mia."
Nasinghap ako nang malalim.
Naiintindihan ko ang naging desisyon niya. Malinaw na malinaw. Kaya nga
naiinis ako lalo kasi wala akong mahanap na butas. Wala akong magawa para maibalik
kay Mia ang project na 'to.
May inilabas na form si Miss Katie mula sa folder na dala niya.
"Ongoing ang singer search sa isang network ngayon and it's going to be
big," sabi ni Miss Katie. "I want you to join, Mia. Kapag naipanalo mo ito, malaki
ang magiging angat ng career mo. We can back you up if you want. Pwede ka nang
hindi mag audition sa preliminary. But make sure, sa mga susunod, gagawin mo ang
lahat para manalo."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pinagsasasabi ni Miss Katie.
Napalingon ako kay Mia at titig na titig siya sa sign up form na nasa harapan niya.
Gusto ko itong hatakin at punitin sa harap nila because this is so
absurd. Minamanage na ng kompanyang ito si Mia and yet, gusto nila itong sumali sa
contest na 'to?
Anong kalokohan 'to?
Agad na kinuha ni Mia ang form at itinago niya ito sa bag.
"Thank you po Miss Katie," nakangiti niyang sabi. "Naintindihan ko po.
Pero okay lang po ba kung pagisipan ko po muna ang tungkol sa contest?"
"Of course Mia. Nasa iyo pa rin ang decision."
"Thank you po."
"Okay that's it. Kailangan pa namin pumunta ni Sandie sa kabilang
meeting. So we'll go ahead."
Hindi ako nag react. Nginitian naman ni Mia si Sandie.
"Good luck. Galingan mo. Idol ko yang mga yan."
"Thanks Mia!" tinapik siya nito sa braso.
After that, lumabas na yung dalawa.
Agad akong napaharap kay Mia.
"Mia, hindi mo kailangang sumali sa contest na yun. At di-diresto ako
sa mga boss. Titignan ko kung ano ang magagawa ko para maibalik sa'yo yung
project."
"Okay lang, siguro hindi yun para sa akin."
"Babawiin natin. Patutunayan natin sa kanila na para sa'yo yun."
"Okay lang po..."
"Mia!"
Gulat na napatingin si Mia sa akin dahil sa bigla kong pagtataas ng
boses.
"Ano ba? Ibibigay mo na lang basta yun kay Sandie? Hindi ka man lang
lalaban?!"
Hindi siya umimik.
"Mia, ano ba? Palagi ka na lang bang ganyan?! Bakit hindi ka nag re-
react? Bakit hindi mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo kanina?! Palagi ka na
lang bang mananahimik at tatanggapin ang lahat ng mga sinasabi nila?!"
Napaangat ang tingin ni Mia sa akin and I was taken aback nang makita
ko ang namumuong luha sa mga mata niya.
"Anong sasabihin ko? Na mali siya? Na I'm way better than Sandie? Pero
hindi eh. She's right. Malaki ang inimprove ni Sandie kumpara sa akin. Paano ko
ipagtatanggol ang sarili ko kung ako mismo alam ko ang pagkukulang ko?"
"Mia---!"
"Hindi porket nanahimik lang ako eh ibig sabihin nun tinatanggap ko na
ang mga sinasabi nila. Sadyang alam ko lang kung kailan ako talo at walang laban,"
sabi niya at agad siyang tumayo at nag walk out palabas.
~*~
Hindi ako mapakali.
Mula nang makarating ako sa HQ nang EndMira, hindi na ako mapirmi sa
isang lugar. Ni hindi ko magawang mag sulat.
Kumusta na kaya si Mia?
Kanina nung nag walk out siya, hinabol ko siya. Ayoko siyang iwanan
pero pinagtutulakan naman niya ako. Sabi niya, kailangan niya ng time magisip,
kailangan niyang mapag-isa at itsura niya kanina sa akin, halos lumuhod na siya at
mag makawaa sa akin na umalis muna ako. At doon ko naramdaman na baka nga kailangan
niyang mapag-isa pansamantala. Naiintindihan ko naman siya, eh. Pag may problema
ako, mas pinipili ko rin mag-isa kasi mas nakakapag-isip ako maigi.
Pero ngayon, nagsisisi ako na iniwan ko siya.

Kanina nag text ako sa kanya kung okay na ba siya, hindi siya nag
reply. I tried calling her phone pero nakapatay ito.
Ngayon, hindi na ako mapakali kasi mamaya kung ano na ginagawa nun.
Hindi naman siguro suicidal si Mia 'di ba?
Shit.
Eh paano kung suicidal siya?
Napasipa ako dahil sa inis at tumama ang paa ko sa kanto ng lamesa kaya
naman napatalon ako dahil sa sakit.
Damn that woman! She's making me insane!
Inayos ko ang sarili ko at huminga ako nang malalim.
Di ko na kaya! Wala akong paki kung gusto niyang mapag-isa! Pupuntahan
ko na talaga siya!
Dali dali kong kinuha yung susi ng kotse ko at wallet ko. Palabas na
sana ako nang makasalubong ko si Geo na may dala-dalang mga posters.
"Oh Ayen, saan ka punta?"
Hindi ko siya sinagot, imbes tinignan ko ang mga dala niya, "ano yan?"
"Ah, yung unlimited posters na ipamimigay doon sa album launch. Eh
binigyan kami kanina ng copy."
Pinakita sa akin ni Geo yung isang poster na solo niya. "Pogi ko sa
poster na 'to, 'no?" sabi niya.
"Pre, pwede makahingi isa?"
"Bakit? Lalagay mo sa kwarto mo?"
"Ungas! Hindi! Bibigay ko lang doon sa isa mong fan na problemado
ngayon."
"O sige, kunin mo na 'to. Pirmahan ko ba?"
"Oo sige. Paki pirmahan."
Tss. Kikiligin si Mia dito at nababanas ako pero sige na, kung ito ang
makakapagpasaya sa kanya ngayon.
Kumuha ng pentel si Geo at susulatan na ng dedication yung poster, "ano
name niya?"
"Ah.. M-Mia..."
Napaangat ang tingin niya sa akin, "si Mia? Mia Mills?"
"Gago hindi! Ibang Mia! Wag kang umasa. Ako ang idol nun at hindi
ikaw."
Napatawa siya, "nagtatanong lang. Edi ikaw na ang idol nun. Masyado
kang possessive."
"Pumirma ka na lang diyan."
Sinulatan ni Geo ng dedication yung poster at pinirmahan. After nun,
ni-rolyo na niya ulit ito at inabot sa akin.
"Salamat pre!" sabi ko at tinapik ko siya sa braso atsaka ako tuluyang
lumabas.
Nang makapasok ako sa kotse, tinignan ko yung dedication ni Geo.
Mia,
Thanks sa suporta! I love you!
- Geo
Aba't! Gagong 'to ah!'
Kinuha ko yung pentel at binura ko yung I love you sa dulo.
Ungas. I love you ka pa diyan! Di mo naman sasaluhin. Bwiset.
Nakakainit ng ulo. Drawingan ko ng sungay 'tong poster mo, eh.
Huminga ako nang malalim.
Kailangan kong ikalma ang sarili ko at isipin na itong poster lang na
'to ang makakapagpasaya kay Mia ngayon. Pagbigyan ko na.
Nakakabanas talaga.
Nag drive ako papunta sa apartment nina Mia. Dahil malapit lang ito sa
HQ, nakarating din ako agad.
Kumatok ako pero walang sumasagot. Alam kong may tao sa loob kasi bukas
ang ilaw ng dining area nila.
"Mia?"
Kumatok ulit ako.Then, may narinig akong hagulgol ng iyak.
Shit!
"Mia! Mia, buksan mo 'to!" kinalampag ko na yung pinto pero hindi pa
rin niya ito binubuksan. Mas lalong lumakas ang iyak sa loob.
Shit shit shit!
Napatingin ako sa gilid ng pintuan nila at napansin ko yung paso doon.
At doon sa paso, may nakalagay na susi.
Agad kong kinuha ito at ginamit upang buksan yung pinto. At kung
sinuswerte ka nga naman, nabuksan ko yung pinto.
"Mia--!"
Natigilan ako nang makita ko siya.
Nakaupo siya sa sofa, may headset na nakasabit sa tenga, at may
pinapanuod siyang drama sa laptop niya.
"Pag hindi ito happy ending ayoko naaaa!" sabi niya habang humahagulgol
nang iyak.
Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang panlalambot kaya
napasandal na lang ako sa pinto.
Yung kaba ko kanina abot langit nang marinig ko siyang humahagulgol
nang iyak tapos nanunuod lang pala siya?
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, eh. Relieved o inis?
Napalingon si Mia sa direksyon ko at kita kong napatalon siya sa gulat
nang makita akong nakasandal sa pinto.
"A-Ayen!" agad niyang inalis ang headset sa tenga niya. "Anong ginagawa
mo rito? Paano mo nabuksan ang pinto?"
Huminga ako nang malalim.
"You," tinuro ko siya, "come with me."
"H-ha? P-pero---"
"Walang pero! Malaki atraso mo sa akin. Alam mo bang simula nang iwan
kita kanina, halos hindi ako mapakali, ha? Hindi ka nag rereply sa text ko at
nakapatay pa ang phone mo! Tapos narinig pa kitang umiiyak sa labas! Grabe ang
taranta ko! Yun pala, ang chill mo lang dito at panuod nuod ka lang ng drama!"
"A---Ayen.. k-kasi---"
"Wag ka nang magdahilan!" pagtataas ko ng boses. "Aantayin kita sa
labas. Ten minutes lang! Pag di ka bumaba, sasabihin ko talaga kay Geo na gusto mo
siya!"
Tinalikuran ko si Mia at dumiretso ako sa kotse ko.
She's really making me insane.
To be continued...

=================

Thirty Second Stanza

Thirty Second Stanza


JARREN REYES.
"We're not broken just bent and we can learn to love again."
- Pink, Just Give Me a Reason
Ang saya saya niya. Ang saya saya niya talaga. At kahit natutuwa akong makita na
okay na siya, naiinis naman ako sa dahilan nang ikinasisiya niya.
Dinala ko si Mia sa isang Korean BBQ restaurant. Dahil mukhang adik na adik naman
siya sa mga Koreano kaya dito ko naisipang kumain. Um-order siya ng maraming
samgyeopsal o pork belly kung saan iihawin namin doon sa ihawan na nasa gitna ng
lamesa. Bukod doon, umorder pa kami ng Korean ramen. Yung maanghang.
Tuwang tuwa si Mia. Pero mas ikinatuwa niya nung inabot ko yung poster ni Geo sa
kanya. Kanina pa siya patawa tawa habang pailing-iling habang tinitignan yung
poster.
Kilig na kilig. Wala namang kakilig kilig.
"Bakit may bura sa dedication niya?" ngiting ngiti niyang tanong.
I clear my throat, "ano kasi... Nagkamali siya ng sulat kaya binura na lang."
"Ano ba sinulat niya?"
"Ewan, basta wrong spelling ata kaya binura niya."
"Ah..." sagot niya habang tatango tango at ngiting ngiti pa rin. "Isasabit ko 'to
sa kwarto ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng solo poster ni Geo."
Napa-kunot ako ng noo, "mamaya pagawan mo pa nang altar yan, ha."
Nginitian niya ako, "good idea!"
Sinimangutan ko lang siya.
"Pero talagang hiningi mo kay Geo ang poster na 'to para sa'kin?"
"Ano bang ine-expect mo? Na kusa niyang ibingay yan para sa'yo? Wag kang umasa."
Napangiti nang malawak si Mia, "so hiningi mo nga?"
"Ano pa nga ba?"
"Akala ko ba hindi ka naniniwala na gusto ko si Geo?"
Napaiwas ako nang tingin at itnuon ko na lang ang atensyon ko sa iniihaw ko.
"Naniniwala na 'ko sa'yo. Ang saya saya mo ngayon, eh." halos pabulong kong sabi.
"B-buti naman naniniwala ka n-na."
Hindi ko siya sinagot at diretso lang ako sa pag kain ng samgyeopsal na binalot sa
lettuce.
Oo na. Sige na. Si Geo na ang gusto niya. Kung hindi ko sasabihin na naniniwala ako
sa kanya, araw araw lang niyang ipagdidiinan sa akin yun.
Ayoko na ngang makita, eh.
"S-so what's next?" tanong ni Mia.
"What's next na ano?"
"D-dahil naniniwala ka nang gusto ko si Geo, ano na gagawin mo?"
Pinanliitan ko ng mata si Mia.
Ano bang gusto niyang gawin ko? Magpa-party dahil napatunayan niyang gusto niya si
Geo? Ano magsasaya ba ako? Magpapabili ng maraming red horse? Iinom ako magdamag
hanggang sa mabaliw ako sa kalasingan?
Nilagyan ko ng samgyeopsal ang plato niya.
"Kumain ka na lang diyan."
"Hindi mo ba 'ko tutulungan kay Geo?"
"Pinagiisipan ko pa kung gusto kita para sa kanya."
Nakita kong kumunot ang noo niya, "bakit ba ayaw mo sa'kin?" inis
niyang tanong.
"Sino ba nagsabing ayaw ko sa'yo?"
Natigilan siya at napaiwas nang tingin. She cleared her throat.
"A-anyway, thanks kanina ah? I—I know nag alala ka sa'kin. I'm
sorry..."
Napabuntong hininga ako, "sorry rin, Mia. I know sobrang excited ka sa
collaboration niyo ng EndMira. Don't worry, I'll try to talk to Geo and Ice. Baka
mas pakinggan sila kesa sa akin."
Umiling si Mia, "no. You don't have to do that. Okay lang. Tanggap ko
naman."
"Mia..."
"Okay fine, hindi siya okay, hindi ako okay. Pero tanggap ko. Kahit ako
rin naman alam kong mas deserve ni Sandie yun. Tumayo siya sa sarili niyang mga paa
habang ako laging umaasa sa inyo. At tama rin naman si Miss Katie kaya naitindihan
ko."
"But Mia..."
"Medyo nainis lang ako nung inalok niya sa akin yung singing contest
tas sinabi nia b-back up-an niya ako para makapasok sa preliminary round. Nakaka
hurt ng ego. Kaya ayun, bukas sasabihin ko sa kanya. Hindi niya ako kailangan back-
up-an. Sasali ako doon at makakapasok ako dahil sa talent ko. Gagalingan ko
talaga!" masigla niyang sabi.
"Sasali ka talaga?"
Tumango siya, "yep! Magandang chance 'to para patunayan ko sa kanila at
sa sarili ko na rin na kaya ko."
Nginitian ako ni Mia. Isang magandang ngiti. Kitang kita ko sa mata
niya ang determinasyon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa ginagawa niya.
It's making my heart flutter.
I lean forward at nabauntong hininga na lang ako. Tinitigan ko si Mia
sa mata at napangiti ako.
"Ano nang gagawin ko, Mia?"
"Ha?" takang takang tanong niya.
Ano nang gagawin ko? Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Wala na.
Nahulog na 'ko. Dahil sa ngiti mo, ramdam na ramdam ko nang nahulog na 'ko.
At alam kong hindi na ako makakaatras...
~*~
That night, nagkulong ako sa kwarto ko sa HQ at nagsulat ako ng kanta.
Isang kanta na hindi ko alam kung kaya ko bang ipakanta sa iba.
Madalas akong tanungin ng EndMira kung saan ako kumukuha ng hugot.
Madalas kong isagot, sa pagkain. Hindi ko alam kung utu-uto ba sila o nagpapanggap
lang pero nainiwala sila sa akin kada sinasabi ko yun.
Pero malamang ngayon, alam na ni Jasper na yung mga kantang ginawa ko
dati eh para kay Timi yun.
At ngayon, panigurado, kada kantang gagawin ko, kukwestyunin na niya.
Napangiti ako.
Kung sabagay, wala naman akong planong itago, eh. Ang hirap kaya. Tama
nang yung kay Timi na lang ang tinago ko. Tama na yun. Siguro ngayon, pwede na
naman akong magmahal ng isang tao na hindi palihim?
Napahinga ako nang malalim.
Yun lang, nandyan si Geo. Dapat ata kausapin ko na siya. Kailangan kong
malaman kung may tyansa bang magkagusto rin siya kay Mia. Kasi kung wala, ilalayo
ko na talaga si Mia sa kanya. Gagawin ko ang lahat para ako ang magustuhan niya.
Pero kung meron....
Napakamot ako sa ulo.
Kung meron, ano? Magpaparaya ka na naman na parang sira?
Hindi.
May the best man win.
Napatayo ako.
Kailangan ko nang kausapin si Geo ngayon. Mamaya pag nagtagal pa
matakot na akong alamin ang sagot niya. Mabuti nang magkaalaman ngayon hangga't
malakas pa ang loob ko.
Lumabas ako ng kwarto at pupuntahan ko na si Geo sa kwarto niya kaya
lang natigilan ako dahil nakita kong may ibang taong nakaupo doon sa sofa ng living
room namin.
"Ayen?"
Napangiti ako, "Timi! Napadaan ka?"
"Ah p-pinuntahan ko si..." natigilan siya at napaiwas nang tingin.
"Si Ice?" tanong ko. "Gusto mo katukin ko sa kwarto niya?"
"Ah no. He's taking a bath."
"Hmm. Pinagaantay ka niya rito? Naku. Sapakin ko siya. Pinagaantay niya
yung tagapagligtas ng tyan kong gutom."
Napatawa si Timi sa sinabi ko... at nagulat ako nang bigla na lang
siyang humagulgol ng iyak. Taranta akong lumapit sa kanya.
"T—Timi what's wrong?"
"Tangina ka Ayeeeen!" hagulgol niya at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Miss na miss na kitang humal ka! Ang tagal mo 'kong iniwasan! Hindi mo ba alam
grabe ang konsensya ko ha?" pahikbi hikbi niyang sabi.
"Timi.."
Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin.
"Sorry ha? Sorry talaga. Hindi ko alam na nasasaktan na kita. Ang
manhid ko at nakakainis. At wala akong magawa ngayon para hindi ka na masaktan
at---"
"Baby back ribs," pagputol ko sa sinasabi niya.
"B-baby back ribs?"
Tumango ako, "Dapat may lifetime free serving ako ng baby back ribs sa
restaurant mo."
Natigil siya sa pag iyak at kita kong kumunot ano noo niya.
"Aware ka ba kung gaano kamahal ang baby back ribs?"
Tumango ako habang ngingiti ngiti, "oo naman. Kaya nga yun ang hiniling
ko sa'yo. Sabi mo 'di ba wala kang magawa para hindi na ako masaktan? Mero at ayun
ay pakinin ako ng baby back ribs. Libre. For the rest of my life."
Mas lalong kumunot ang noo ni Timi.
Humawak ako bigla sa dibdib ko at nagpanggap na nasasaktan, "aray.
Grabe yung pinagdaanan ko dahil sa first love ko. Biruin mo yun? Na-friendzoned na
ako, naging tulay pa ako para magkabalikan sila ng ex niya? Ang lupit ng tadhana
sa'kin. Kawawa naman ako. Araaaay."
Pinunasan ni Timi ang luha sa mata niya at tinignan niya ako nang
masama.
"Mag dusa ka," she hissed at tinalikuran ako sabay pasok sa kwarto ni
Ice.
Ay naku. Natulad na rin ba siya kay Ice? Bato ang puso?
Akala ko pa naman makakalibre na ako. Tss.
Napangiti ako habang i-iling iling.
Hay Timi, akala ko hindi na darating ang araw na makaka move on ako
sa'yo.
Na-miss din kita.
"Ayen may package ka! Galing sa babae!" sigaw ni Jasper Yu na kapapasok
pa lang.
"Huh?"
Napalingon ako sa kanya at kita ko ang package na hawak niya.
"Galing kay... Carmina Trinidad? Sino 'to? Chiks mo?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan na yun.
Agad kong nilapitan si Jasper at hinablot ko yung package sa kamay
niya.
"Woah! Chill bro. Hindi kita aagawan ng babae."
Hindi ko siya pinansin at agad akong pumunta sa likod bahay at tinapon
ko yung package doon nang hindi binubuksan.
Ilang buwan din siyang hindi nagpapadala ng package. Akala ko sumuko na
siya. Akala ko tinanggap na lang niya na wala nang magagawa yang pagpapadala niya
sa akin ng mga gamit. Pero eto na naman siya.
Akala niya makakatulong sa akin 'to. O baka ginagawa lang niya 'to
dahil nilalamon siya ng konsensya sa nagawa niya. Ginagawa niya 'to para sa
ikababawas ng guilt na nararamdaman niya.
Napatingin ako sa kamay ko at parang biglang bumalik lahat sa akin ng
nangyari. Napa-kuyom ako at sinuntok ko ang pader na nasa harapan ko.
Kahit ilang beses niya akong bilhin, hindi niya mababayaran ang kinuha
niya sa'kin.
To be continued...

=================

Thirty Third Stanza

ALY'S NOTE:
Sorry guys ang tagal ng update, bukod sa busy, may writer's block, I've also been
struggling this past few weeks. Pasensya na po. 

Thirty Third Stanza


MIA MILLS.
"Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idaraan."
- Kamikazee, Narda
"Wait, ano ulit?" gulat na tanong sa akin ni Sammie. "Hindi na tuloy ang collab mo
with EndMira? At pinalitan ka?"
Halos kararating lang ni Sammie from her one week photoshoot at eto na
nga, naikwento ko na ang mga nangyari sa akin this past few days.
Tumango ako, "that's right!"
"And you're grinning from ear to ear kasi.... Ayen gave you a poster of
Geo with his signature?"
"Tumpak!" masigla kong sabi.
Napatingin si Sammie sa poster ni Geo na nakasabit sa pader ko---katabi
ng iba pang mga posters ng EndMira.
"Okay, 'di ko gets bes. Why are you happy na hindi na ikaw ang
makikipag collab with EndMira? At bakit kinikilig ka sa poster ni Geo? Are you like
natuluyan na bang ma-fall sa kanya? You don't like the hot songwriter anymore?"
"Loka hindi! Hindi naman ako masaya na hindi tuloy ang collab. Syempre
malungkot ako dahil doon but hindi ko magawang maging sobrang lungkot because of
Ayen."
"Dahil binigyan ka niya ng poster?"
Tumango ako, "kahit ayaw niya sa akin para kay Geo, binigyan niya ako
ng poster. Tapos grabe ang caring niya sa akin. Mas affected pa siya nung sinabing
hindi na ako ang ka-collab ng EndMira. Siya yung nagwawala doon imbes na ako."
Sammie gave me a knowing smile, "oh, so hindi ka masyadong sad sa
nangyari because natabunan na ng kilig feels mo towards Ayen ang sadness mo."
Nahihiya-hiya akong napangiti, "parang ganun na nga bes."
"As in malala pa sa kilig na naramdaman mo everytime may kissing scene
si Kim Soo Hyun at Lee Jong Suk?"
Tumango ulit ako.
"Oo. Matindi pa doon."
Napabuntong hininga na lang si Sammie, "and yet you're telling me,
gusto mong mag move on sa kanya. Bes, in my opinion, malabo na. Wala nang atrasan
yan. In love ka na ng bonggabells, eh."
"Yun nga eh. Yun na nga, Sammie. Hindi lang ako basta in love. Umaasa
na rin ako sa kanya. I mean, yung mga kinikilos niya, mga sweet gestures niya,
hindi ko maiwasan na hindi bigyan ng meaning yun. But I know naman na sweet guy
talaga siya at normal lang sa personality niya yung ganung bagay pero kasi alam mo
yun bes? Dahil gusto ko siya, nabibigyan ko ng meaning ang mga bagay na alam kong
wala naman talaga? At nakakainis, I should be scared for myself. Kung mas lalala pa
'to, masasaktan ako. Pero wala, na cloud na ng kilig lahat ng takot na pwede kong
maramdaman."
"I know bes. I understand you naman. Hindi ko rin naman ma-say kung
yung mga pinapakita ba niya is sign na ba or wala lang. Hindi naman talaga natin
matutukoy, right? Siguro ang pinaka maigi mong gawin ngayon is, go with the flow.
Enjoy the moment."
"Eh paano kung mahulog na ako nang husto sa kanya?"
"Bakit? Hindi pa ba?"
Natigilan ako.
Oo nga naman. Sa lagay na 'to, hindi pa ba?
Napabuntong hininga ako, "paano kung masaktan ako?"
Sammie gave me a sad smile, "bes, kahit anong iwas at ingat mo,
masasaktan at masasaktan ka pa rin. I-enjoy mo na lang si life."
Napangiti ako sa sinabi ni Sammie.
Tama naman siya. Yun na lang naman ang magagawa ko. Kahit pagbali-
baliktarin ko ang sitwasyon, masasaktan pa rin ako. Kaya might as well na i-enjoy
ko na lang muna ngayon.
Malaya ko siyang mamahalin nang hindi niya nalalaman dahil alam niya,
iba ang gusto ko.
Ayos na yun.
Para kung sakaling hindi ko man maligtas sa pain ang puso ko, at least
maligtas ko man lang ang sarili ko sa kahihiyan.
~*~
"So, you're planning to play an acoustic version of this for your
audition?" tanong sa akin ni Ayen habang nakatingin sa music sheet na ibinigay ko
sa kanya.
Nandito kami ngayon sa music room and I presented to him the song that
I want to play for my audition sa "Let Your Music Be Heard" – yung contest na
sasalihan ko.
Narda ng Kamikazee ang napili kong kanta, and I arranged it para maging
acoustic. Ako rin ang tutugtog ng live nito. Sa Let Your Music Be Heard kasi,
kailangan ikaw rin ang tutugtog ng sarili mong kakantahin. Kahit anong musical
instrument basta kailangan mong tumugtog. Hindi lang basta singers ang hanap nila
but musicians.
"Oo sana..." sagot ko sa tanong ni Ayen.
"May I ask kung bakit ito ang napili mo?"
Napangiti ako, "nakakahiya ang dahilan."
Pinanliitan niya ako nang mata, "dahil sa ex mo?"
I rolled my eyes, "oh please. Hinding hindi na ako kakanta ng para sa
kanya."
Napakunot ang noo niya, "ah, gets ko na ang dahilan."
"Talaga?"
"Oo," nakasimangot niyang sabi.
"Kung gets mo na eh bakit nakasimangot ka?"
"Para kay Geo yan 'no? Kasi marami siyang fangirls at gusto mong
magpapansin sa kanya."
"Huh?" gulat kong tanong at bigla na lang akong napahagalpak nang tawa.
Mas lalong sumimangot si Ayen, "sige, tawa pa. Saya saya mo, eh."
Pilit kong pinakalma ang sarili ko pero kada sisilipin ko yung mukha ni
Ayen, natatawa ako.
Bakit ba siya ganyan? Mamaya isipin ko nang nagseselos siya....Kahit
imposible.
"Hindi lang dahil kay Geo kaya ayun ang napili kong kanta. Dahil sa
buong EndMira yun," lalo na sa'yo, gusto kong iduktong.
"Dahil sa EndMira? Bakit?"
"Narda. Yan yung kinanta nyo nung unang beses ko kayong napanuod at
naging instant fan ako."
Natigilan si Ayen at nawala ang pagkaka-simangot ng mukha.
"Kelan yun?"
"Yung tumugtog kayo doon sa baranggay namin. Fiesta yun, eh tapos kayo
banda na tumutugtog sa sayawan sa plaza."
Nakita ko sa expression ni Ayen na naalala na niya yung tinutukoy ko.
Napatawa siya bigla.
"Ayun yung time na pipitsuging banda pa kami. Yung kahit anong raket
pinapatos namin," natatawa tawa niyang sabi.
"Medyo jologs pa kayo pumorma nun," sabi ko, "pero wala eh, ang tindi
ng hatak niyo sa akin. I immediately became a fan."
"Kami pa ba?" pagyayabang ni Ayen.
"Pero namimiss ko yun..."
"Yung alin?" tanong niya.
"Yung ano... yung time na tumutugtog ka. Mahal ko ang EndMira hanggang
ngayon, pero iba pa rin nung nandoon ka sa stage kasama nila."
I was about to ask him kung ano nga bang dahilan ng pag q-quit niya at
kung may pag-asa pa bang tumugtog ulit siya kaso napansin kong nag bago ang
expression ng mukha niya. Hindi siya makatingin sa mga mata ko at parang ilang na
ilang siya dahil sa sinabi ko.
Bakit kaya?
"Ahm Ayen---"
"Dito sa arrangement mo," pagputol niya sa sinasabi ko habang nakapako
lang ang tingin sa music sheet, "may mga naisip ako na notes na mas okay gamitin.
Okay lang ba ayusin ko ng onti?"
Tumango ako, "s-sure. K-kung sa ikagaganda."
Nilingon niya ako at nginitian, "okay! I'll do this tonight then let's
meet tomorrow? Practice tayo?"
"S-sure! Before lunch?"
"Pwede rin. Mas okay yun, maaga tayong magsisimula," he winked.
I think my heart stopped beating dahil lang sa kindat na yun.
Tumayo si Ayen, "tara. Let's eat dinner?"
"Alam mo, kaka-dine out natin, nasisira ang diet ko. Nagagalit na ang
RM ko," I told him playfully.
"Eh hindi ka naman tumataba," sabi niya then he touched my cheek at
pinisil 'to. Pakiramdam ko na kuryente ang buong katawan ko dahil lang sa hawak na
yun. "Ay joke. Tumambok pala pisngi mo."
Hinampas ko siya nang pabiro, "loko." Natawa naman siya.
"Tara naaaa. Samahan mo na 'ko mag dinner. Medyo depress ako ngayon,
kailangan ko ng makakasama kumain."
"Ba't ka naman depress?"
He shrugged, "wala lang. May nagbabalik lang na tao sa buhay ko na
ayoko nang bumalik kaya na stress ako."
"S-si Timi ba 'to?"
"Huh? No. Not Timi. Nagusap na kami. Okay na kaming dalawa. And guess
what? Hindi ko na siya mahal," ngiting ngiti niyang sabi.
I think my heart did a somersault dahil sa sinabi niya sa akin.
Nakapag move on na siya!
But wait...
"Eh sino yung tinutukoy mo?"
"Basta. Isang taong may mabigat na kasalanan sa akin," hinawakan ni
Ayen ang braso ko and he gently pulled me up, "tara na. Libre ko," he said with a
wink.
Putek.
Kindat na naman.
Patay na ho puso ko.
"Ginagawa mo naman akong stress reliever," sabi ko sa kanya habang
tumatayo sabay sukbit ng bag sa balikat ko.
Inakbayan ako ng Ayen at tuluyan nang huminto ang paghinga ko.
"Happy ako pag kasama ka, eh."
I smile widely.
Ano ba yan. Hulog na hulog na talaga ako.
~*~
JARREN REYES.
"Kung kaagaw ko ang lahat may pag-asa bang makilala ka?"
- Kamikazee, Narda
Isang buwan. Isang buwan na halos lagi kaming magkasamang dalawa. Isang buwan na
halos araw araw nagkikita kami.
Tinutulungan ko si Mia mag practice, pero bukod doon, kahit hindi naman
namin kailangan magkita, nagkikita kami.
May mga times na yayayain ko siyang kumain sa labas at pumapayag siya.
Minsan naman, siya ang nagpapasama sa akin sa mall kapag may kailangan siyang
bumili. May times pa na tinulungan ko siyang mag grocery.
I don't mind. Gusto ko rin naman na kasama siya, eh. Masaya ako kapag
nandyan siya sa tabi ko. Gumagaan ang pakiramdam ko kada naririnig ko siyang
tumugtog at kumanta. Gumaganda ang
araw ko kapag napapangiti at napapatawa ko siya.
At sa loob ng isang buwan, ilang beses ko nang tinangkang sabihin sa
kanya na gusto ko siya. Pero lagi na lang akong napapa-atras. Ang daming kumukontra
sa utak ko.
Busy si Mia, kailangan niyang mag focus sa contest. Pag umamin ako, baka ma
distract lang siya.
Paano kung si Geo ang gusto niya? Paano kung ma-ilang siya sa akin?
Kaya pinipigilan ko muna ang sarili ko. Humahanap ng tamang tyempo.
Ayokong pumalpak.
I don't want to lose this chance.
Sa ngayon, ine-enjoy ko na lang muna ang mga araw na magkasama kaming
dalawa.
Pero napapaisip ako, nakakahalata na kaya siya sa akin? Yung mga sweet
gestures ko, yung mga simpleng pagpaparamdam ko sa kanya?
Sana oo.
Sana hindi siya manhid.
The day of the audition came. Katabi ko si Mia at ang tahimik niya. Ramdam
ko na kinakabahan siya. Napatingin ako sa kamay niya na nanginginig.
"Mia," kinuha ko ang magkabila niyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit.
"Mia, relax."
"Kinakabahan ako Ayen. Ayoko na. Uwi na lang akong States at doon maghahanap
ng mapapangasawa."
"Wag, ano ka ba. Hindi pwede. Mamimiss kita."
Hinila niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko at hinampas niya ako ng
mahina.
"Ewan ko sa'yo!"
"Hindi, seryoso nga," kinuha ko ulit ang kamay niya, "wag kang aalis.
Nandito ang future mo."
"Paano ka naman nakakasigurado?"
Kasi nandito ako.
"Basta. Hindi ka pwedeng mag give up agad."
"Miss Mia Mills?" tawag nung isang staff.
"Shit," Mia cussed under her breath.
"Ikaw na."
"Shit. Kinakabahan ako."
"Hey," binitiwan ko ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang side ng
mukha nita. I tilted her head para tignan niya ako ng diretso sa mata. "Mia,
magaling ka. Pero kailangan mong maging confident para maipakita mo ang galing mo.
You want to prove to them na kaya mo 'di ba?"
Tumango siya.
"Then go, prove it. Kung kinakabahan ka, tumingin ka lang sa akin. Diretso
lang sa akin. Nandito lang ako okay?"
Nakita kong nagbago ang expression ng mukha ni Mia. Kung kanina ay halata
ang kaba niya, ngayon ay napuno ito ng determinasyon.
Nginitian niya ako.
"I'll do my best."
She gave me a quick hug bago siya umakyat ng stage.
At sa buong performance niya, sa akin lang siya nakatingin.
At siya lang din ang tangi kong nakikita.
To be continued...
Last update be like:
Ayen: *tingin sa kamay* Kahit ilang beses niya akong bilhin, hindi niya mababayaran
ang kinuha niya sa'kin.
Some readers: Shet! Virginity ba ang kinuha sa kanya?!
Ayen:
Ayen's fractured hand:
Ayen's virginity:
Carmina Trinidad:
Alyloony: Potek yoko na! *flips table*

=================

Thirty Fourth Stanza

Thirty Fourth Stanza


MIA MILLS.
"Asan ba 'ko sa'yo? Aasa ba 'ko sa'yo?"
- Moonstar88, Migraine
Before, kada mag p-perform ako sa harap ng maraming tao—mapa-gig man o audition,
there's this part of my brain na nag o-auto delete sa ginawa ko sa performance ko.
Ang tanging naaalala ko lang ay yung kaba na naramdaman ko, yung takot na mapahiya
ako, atsaka yung mga pagkakamali ko. The rest is a blur.
Pero itong performance ko na 'to, mula sa pag akyat ko sa stage, sa
unang strum ko ng gitara, sa unang linya ng kanta, hanggang sa matapos ako---
tandang tanda ko lahat.
How can I forget it kung sa buong performance ko, nakatitig siya sa
akin? Nakangiti, nag ch-cheer. Yung itsura niya, proud na proud sa akin.
Tapos nabuhat pa nya 'ko sa sobrang saya niya nang i-announce na pasok
ako sa preliminary. Na isa ako sa mga sasabak sa stage.
Napayakap ako nang mahigpit sa unan ko at napatingin sa orasan. Alas-
dos na ng hating gabi. Kanina pang six pm kami nag hiwalay ni Ayen. By ten pm,
nakahiga na ako sa kama. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog. Paulit
ulit na tumatakbo sa isipan ko yung mga nangyari. And fuck, kinikilig ako ano ba.
Ayen naman, eh. Why? Why are you making me feel this way? Natatakot na
ako! Sobrang saya ko ngayon, feeling ko may kapalit ito. Pero kasi naman!
Kinuha ko ang phone ko at in-open ko na lang ang Facebook ko para i-
stalk si Ayen kahit alam kong bihira lang yun mag online.
Nagulat naman ako na may notification ako galing sa kanya. He tagged me
sa isang photo. I opened it at nakita kong yung selfie namin kanina nung audition.
Doon sa photo, naka-akbay siya sa balikat ko. Ngiting ngiti siya at parang proud na
proud siya sa akin.
Nilagyan pa niya ng caption na: "So proud of her!"
Nagpagulong gulong ako sa kama then I buried my face on my pillow
atsaka ako nagtititili. With matching padyak pa sa ere.
Ano ba! Feeling ko balik highschool ako sa tindi ko kiligin eh.
Plano ata akong patayin ni Ayen?
Kinuha ko ulit ang phone ko at nag comment ako sa photo ni Ayen with
matching heart react doon sa post.
Mia Mills: "Magaling kasi yung nag turo <3"
Gusto kong kurutin ang sarili ko. Ang harot harot ko. So may pa-puso
puso pa akong nalalaman? Hindi ko na talaga makuhang pangunahan ng hiya.
Bago ko pa maisipan ulit i-delete ang Facebook app ko, inilagay ko na
lang ang phone ko sa ilalim ng unan ko at nagtangkang matulog. Pero wala pang
tatlong minuto ang nakakalipas, naramdaman kong nag v-vibrate ito.
Kinuha ko ang phone sa ilalim ng unan at chineck ko kung ba't nag v-
vibrate. Halos mabitawan ko ito nang makita kong tinatawagan ako ni Ayen.
Fuck.
He's calling me. And it's already two midnight.
Nanginginig ang kamay kong sinagot ang phone.
"Hello?"
"Hi Mia," he answered from the other side of the line. His voice is
husky and quiet. It's making my heart jump. "Bakit gising ka pa?"
Dahil sa'yo, leche. Kinikilig ako kaya hindi ako makatulog.
"Can't sleep," sagot ko habang ngiting ngiti. Buti hindi niya ako
nakikita ngayon. "Ikaw? Why are you still awake?"
"May tinapos lang. Ba't 'di ka makatulog? Iniisip mo yung kanina 'no?"
Parang biglang nag init ang mukha ko.
Shit. Paano niya nahulaan?!
"Uhhmm.."
"Don't worry, normal lang yun. Syempre masaya ka kasi nakapasok ka.
Pero wag papakampante. Mas galingan mo pa."
Oh.
Akala ko naman ang iniisip niya eh dahil nung kumanta ako, titig na
titig siya sa'kin.
"Oo naman, gagalingan ko," basta lang makita ko na pinapanuod mo ako at
proud ka sa akin. "Ano pala yung tinapos mo?"
"Nagsulat ako ng dalawang kanta."
"Really?" excited kong sabi. "Pwedeng pabasa?"
"Ayoko nga," he said in a playful tone.
"Eh, ang daya nito. Bakit ayaw mo?"
"Basta. Maririnig mo na lang yung kanta, but not now."
Maririnig. So may ibang kakanta at hindi ako?
Napasimangot ako. May isang kanta na naman siyang isinulat dati para sa
akin pero ayun yung time na 'di pa niya ako bet. Kelan kaya niya ulit ako susulatan
ng kanta?
"Uy, ba't natahimik ka?" tanong niya.
"Wala. Tinamaan na ako ng antok."
"Ay ganun? Gusto pa naman kita kausap pa."
Kung kanina ay nakasimangot ako, ngayon naman ay napangiti na ulit ako
ng malawak. This time, from ear to ear pa.
See what's he's doing to me? He's making me crazy. Kung gaano niya ako
kadaling mainis, ganun niya rin ako kadaling mapangiti.
I love him. Ramdam na ramdam ko na.
"But if you're already feel sleepy, I should let you sleep," sabi niya.
"Pero pumunta ka bukas sa office ha?"
"Bakit?" tanong ko. "Magpa-practice na ba tayo agad?"
"Oo," natatawa tawa niyang sabi.
"Ay talaga nga naman. Bawal magpahinga?"
"Dali na. Punta ka na bukas."
"Ayoko. Manunuod ako ng kdrama, eh."
"Eto naman. Kalimutan mo muna yang mga Koreano na yan and just spend a
day with me tomorrow. Okay? Bawal humindi."
Fuck. Paano ako makaka-hindi sa'yo ha? Paano?
You're so good with your words, sa simpleng ganyan mo, kayang kaya mo
ako mapapayag.
Damn.
"Oo na. Ipagpapalit ko na si Park Bo Gum sa'yo."
Natawa siya, "alam ko namang mas lamang ako dyan kay bubblegum na yan."
"Anong bubblegum?" natatawa tawa kong tanong.
"Yung binanggit mong Koreano."
"Park Bo Gum hindi bubblegum!"
"Tss pareho rin yun. Sige na, good night na. See you tomorrow, Mia.
11am ha?"
"Okay. Good night, Ayen."
"Mia?"
"Hmm?"
"Alam kong ilang beses ko nang sinabi sa'yo 'to kanina pero, sobrang
galing mo talaga. Ang ganda nung performance mo. Nanghihinayang ako kasi hindi ko
na videohan."
Hindi niya na videohan sa kadahilanang nakatitig lang siya sa akin
habang kumakanta ako.
Napangiti ako.
"Thank you, Ayen."
"Good night Mia."
And we ended the call.
That night, I dreamt of him. He's playing his guitar habang kumakanta
naman ako. In my dream, sinabi niya sa akin na pinaka masaya siya kapag
tinutugtugan niya ako at naririnig niya ang boses kong kumanta.
Nung nagising ako, pinagdasal ko na sana, hindi lang hanggang panaginip
yun. Sana magkatotoo.
~*~
"Let's ditch the practice!" sabi ni Ayen pagkarating na pagkarating ko sa office.
"What?" nagtataka ko namang tanong.
Ngumisi siya, "kailangan nating mag celebrate sa pagkakapasok mo sa
contest kaya kailangan nating kumain ng lunch."
"Seriously? At ngayon mo lang ba naisipan na i-cancel na lang ang
practice?"
Umiling siya, "actually kagabi pa. Kaso baka umayaw ka kasi mas gusto
mong manuod ng palabas nung bubblegum at Lee Jong Nguso na yun kaya sinabi kong mag
practice tayo," he said with a sheepish grin.
At wow, Lee Jong Nguso raw?
Kung hindi ko mahal ang isang 'to, nasapak ko na siya.
"So, let's celebrate?" ngiting ngiti niyang sabi with pataas baba pa ng
kilay.
Dapat mainis ako, eh. Pero bakit nangingiti rin ako? Iba na talaga ang
tama ko.
"Papayag nay an. Saan mo gustong kumain? My treat!" dagdag pa niya.
"Gusto ko ng sizzling sisig," sagot ko.
"Then I know a great sisig place!"
"May Red Horse ba doon?" tanong ko habang nangingiti.
"Meron. Maglalasing ba tayo?"
"Hindi. Isang bote lang!"
"Okay. Sizzling sisig and one bottle of Red Horse," he winked.
Ang pogi.
Takte.
I'm dead again.
Lumabas na kami ng conference. Saktong paglabas namin, nakita naming
papalapit ang EndMira.
Parang nagliwanag bigla ang paningin ko. Makasalubong mo ba naman ang
mga idol mo?
Alam niyo yun? Ilang beses ko na silang nakakasalubong dito pero yung
fangirl heart ko kinikilig pa rin everytime na nakikita ko sila.
"Mia!!" masiglang bati ni Jasper Yu. Tumakbo siya palapit sa amin at
niyakap ako nang mahigpit. "Congratulations!!"
"Thank you po!" natatawa kong sabi.
"Oh tama na yan. Hindi makahinga si Mia," suway sa kanya ni Ayen at
hinatak palayo si Jasper sa akin.
May tumapik sa balikat ko at napalingon ako sa kanan ko. Nakita ko si
Ice na nakangiti sa akin. NAKANGITI.
"Congrats," sabi niya.
Lumundag ang puso ko.
"T-thanks po!"
"Ginalingan eh!" sabi naman ni William na ngiting ngiti.
"Si Mia pa ba?" proud na sabi ni Ayen.
Napatingin ako sa kanya at napangiti kami sa isa't isa.
Well, iba pa rin ang kilig ko kay Ayen. Ibang iba.
"Aabangan namin yung mga susunod mong laban, Mia!" sabi ni Geo sabay
akbay sa akin. Napatingin ako bigla sa kamay niyang naka-akbay sa akin then I look
at him. He's smiling brightly at me. "We will cheer for you!"
Napaiwas ako agad ng tingin.
"T-thank you po.."
Takte ang awkward. Hindi ako makatingin sa kanya kasi tinatamaan ako ng
konsensya dahil ginagamit ko siya ngayon at nakakahiya. Jusko. Nawa'y hindi niya
malaman ang mga pinagsasasabi ko kay Ayen.
O baka alam na niya? Kaya siya ganyan? Sinabi ba ni Ayen?
Shit.
Naku sana hindi! Hindi naman totoo yun eh.
Fuck.
"Geo, we need to talk."
Pare-pareho kaming napatingin kay Ayen. Nagulat
ako na seryoso siyang nakatingin kay Geo. Si Geo naman, nagtataka rin sa inaasal
ng kaibigan.
Teka, bakit parang bigla akong kinabahan.
"Uy. May problema ba?" tanong ni Jasper.
"Wala. May kailangan lang akong sabihin kay Geo."
SHIT.
Sasabihin na ba niya na gusto ko si Geo?! Shit!
"A-Ayen, di ba kakain tayo sa labas?"
"Saglit lang," sabi niya at lumingon kay Geo. "Tara?"
"O sige."
Umalis yung dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sana mali ako ng iniisip.
"Nag away ba yung dalawang yun?" tanong ni William.
"Baka kinain ni Geo yung spaghetti ni Ayen sa ref?" tanong naman ni
Jasper.
"Ako ang kumain nun," sabi ni Ice.
Napatingin kaming tatlo sa kanya. He cleared his throat. "Hindi mag
aaway ang dalawang yan," sabi ni Ice sabay talikod at lakad palayo.
Napatingin na lang ako sa lugar kung saan pumunta si Geo at Ayen.
Ano kaya paguusapan ng dalawang yun?
Sana nga dahil lang sa spaghetti ni Ayen.
Sana.
~*~
JARREN REYES.
"Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa
sa'yo."
- Moonstar88, Migraine
"May gusto ako kay Mia," walang paligoy ligoy kong sabi kay Geo. "At gusto ka
niya."
Napa-kurap si Geo. Puno nang pagtataka ang mukha niya.
"Rerespetuhin ko kung may pag-asa bang magustuhan mo siya. Rerespetuhin
ko rin kung may plano kang manligaw sa kanya," pagpapatuloy ko. "Pero gusto ko lang
ipaalam sa'yo na hindi agad ako susuko sa kanya nang walang laban. I will prove to
her na mas sasaya siya sa akin."
Napatango si Geo na tila ba naiintindihan niya ang sinasabi ko.
"So you're already making a move on her."
Tumango ako.
"Alam na ba niyang gusto mo siya?" tanong niya.
Napaiwas ako nang tingin at umiling.
Biglang ngumisi si Geo.
"Paano ba yan, hindi niya pa alam? Paano kung lumapit ako doon ngayon
sa kanya at sabihin kong gusto ko siya? Edi naging kami na agad dahil gusto rin
niya ako?"
"H-hoy! Gagawin mo yun?"
Hindi ako sinagot ni Geo at tinapik lang ako sa braso.
"Tigilan mo na pagiging torpe mo. Just tell her how you feel hindi yung
nagbabanta ka sa ibang lalaki. Sige ka, baka maunahan ka pa."
Matapos niyang sabihin yun, iniwan niya na ako at bumalik sa pwesto
namin kanina.
Gagong yun, ah.
Plano ko ako mag w-walk out, eh. Dapat ako ang cool sa aming dalawa.
Putek, parang nabaligtad ata ako bigla?
Napakamot ako sa ulo ko.
Wala talagang ka cool cool sa akin, kainis. Ang trying hard ko.
Paano pa kapag aamin na ako kay Mia? Edi napulupot ang dila ko?
Tss.
Mukhang kailangan ko nang humingi ng advice kay Jasper.
To be continued...

=================

Thirty Fifth Stanza

Thirty Fifth Stanza


MIA MILLS.
"Habang lumalalim ako'y nahuhulog na. Ika'y gustong laging kasama."
- Silent Sanctuary, Abot Langit
Two months. Two months ang nagdaan. Ang daming nangyari sa buhay ko sa loob ng
dalawang buwan. Pakiramdam ko nga parang isang buong taon na ang nakalipas.
I was in a competition. Nakapasok ako sa preliminary. Pasok din ako sa
elimination round. From top 20, narating ko hanggang top 10.
Before ako makapasok sa top 20, si Ayen ang madalas kong kasama. Halos
araw araw, nag pa-practice kami. He's been very kind and supportive sa akin. Pag
may mga live performances, lagi siyang nandoon at nanunuod. At unti unti ko ring na
o-overcome ang stage fright ko nang dahil sa kanya. Knowing that he's watching me,
mas lumalakas ang loob ko.
Nang makapasok ako sa top 10, I need to go to the camp na sinet-up ng
production nitong competition. Sa camp, each one of us has our own coaches na mag
t-train sa amin in the preparation for the much bigger competition. Kaya naman
halos isang buwan ko ring hindi nakita si Ayen dahil nasa camp ako. Magaling naman
ang coach ko kaya lang syempre nakakamiss si Ayen. Nakakamiss yung bonding namin.
Pag kasama ko siya, ramdam ko ang pagiging strikto niya sa akin pero nandoon pa rin
yung genuine na suporta niya. Na ginagawa niya ito para sa akin at walang iba. Isa
pa, oo na. Mahal ko kasi siya kaya ko siya namimiss kasama. Gustong gusto ko na nga
siyang makita, eh.
Pero at the same time, may excitement akong nararamdaman.
Tuwing gabi, magkausap kami sa chat ni Ayen. He's always sending me
some encouraging words. Minsan puro asaran lang yung pinaguusapan namin. Minsan
naman bigla bigla na lang siyang nagiging sweet. Pinapaalalahanan ako na wag
magpapagutom, na dapat magpahinga ako. Minsan out of nowhere mag t-text siya sa
akin na miss na niya ako. Syempre I can't help but kiligin sa mga ganung gestures
niya. Nakakainis siya. Na co-confused tuloy ako.
May gusto na ba siya sa akin? Kasi yung mga pinapakita niya, eh.
But some tiny part of me, nagsusumigaw ng "ASA"
Pero yun nga, kahit gulong gulo ako, masaya pa rin ako sa pakikitungo
namin sa isa't isa ngayon. Kung dati, ang taas ng wall ni Ayen sa paningin ko,
ngayon, unti unti na siyang nagiging open sa akin. And I'm happy kasi mas lalo
kaming nagiging close sa isa't isa.
Yun nga lang, kapag sunod sunod na masasayang bagay ang nangyayari
sa'yo, you can't help but feel afraid na baka may kapalit ito. Or maybe it's just
me because I'm such a negative thinker.
"What if you think this way," sabi sa akin ni Sammie nang minsan kong
ma-open up sa kanya ang about sa feeling ko na 'to. "Bago ka naman maging happy,
'di ba you've been hurt so many times---by your ex-boyfriend, by your dad, and even
yung mga taong hindi naniniwala sa capabilities mo. Kaya siguro ang saya mo ngayon
kasi pinahirapan ka noon."
Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa sinabi ni Sammie.
I hope she's right. Sana ito na nga yung payment sa lahat ng mga
pinaghirapan ko. I hope tuloy tuloy na 'to.
Kulang na lang talaga ay kausapin na ulit ako ng dad ko at matanggap na
ito talaga ang gusto kong gawin sa buhay.
A few days ago, I was able to talk to my mom. She was thrilled nang
malaman niyang pasok ako sa top ten finalist. Naikwento ko rin sa kanya na
tinutulungan ako ni Ayen—yung idol na idol ko na songwriter. Ramdam ko naman ang
tuwa para sa akin ni mommy. She even told me she's planning to go back here in the
Philippines para panuorin ang performance ko next month. Excited naman ako because
I miss my mom so much. Yun nga lang, when I asked her if dad's going to join her,
hindi siya makasagot.
I admit, malaki ang pagtatampo ko sa dad ko. But I can't help it, I
miss him so much. I remember back then, mas close ako kay daddy kesa kay mommy. Mas
tugma kami ng ugali. Yun lang, may iba talaga siyang plano para sa akin at hindi
kami magkasundo doon.
Maybe kailangan ko lang talaga na ipakita sa kanya na I didn't made the
wrong decision nang piliin ko ang musika.
Kaya gagalingan ko talaga rito. Itong competition na 'to ang magiging
daan sa pangarap ko.
Anyway, mahigit isang buwan akong nawala dahil sa camp. Ngayon,
binigyan kami ng one week break para umuwi. At syempre, bukod kay Sammie, si Ayen
ang una kong sinabihan na uuwi na ako. At eto na nga siya, nagyaya na magkita kami
at kumain sa labas as usual. At dahil miss na miss ko na nga ang bwisit na 'to,
syempre oo naman agad ako nang magyaya siya.
"Maganda na ba 'ko?" tanong ko kay Sammie nung gabing lalabas kami ni
Ayen.
"Yes bruha, you're so maganda na. You've asked me that question for
like a million times already. Don't be so praning okay?"
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing an off shoulder
denim dress and white sneakers. Simple attire. Baka kasi sabihin niyang masyado
kong pinaghandaan ang dinner date namin. But the truth is, gustong gusto kong
magsuot ng gown ngayon at magpakulot ng buhok.
"Yung make up, ayos lang ba?"
Tinignan ni Sammie ang mukha ko. "Yep! Pantay naman ang pagkakalagay mo
sa eyeliner mo kaya push! I also love the shade of your lipstick, very natural."
Napangiti ako, "talaga? Tingin mo magagandahan sa akin si Ayen
tonight?"
Napairap si Sammie, "if I know palagi namang maganda ang tingin niya
sa'yo."
Mas lumawak ang ngiti ko, "ano ba Sammie! Wag ka ngang ganyan! Mamaya
mag assume ako!" sabi ko sabay tulak sa kanya kaya napatumba siya sa kama.
"Ouch ha? Ang harot! Kinikilig the bruha! But seriously bes, alam mo
malakas kutob ko na may crush gusto sa'yo yang si oppa songwriter, eh."
"Blah blah blah, ayokong mag assume!"
"Eh di wag! Ako na lang mag-aassume for you!"
Bigla kaming may narinig na nag doorbell at nagkatinginan kami ni
Sammie.
"Shit! Si Ayen na ata yan!"
"Should I open the door for you?"
"No! Ako na!"
Dali dali kong isinukbit sa balikat ko ang shoulder bag ko and one last
look sa salamin at tuluyan na akong tumakbo para buksan ang pinto.
At ayun na nga, nakita ko si Ayen sa labas ng apartment namin ni Sammie
and he's smiling brightly at me nang magtama ang tingin namin.
"Mia!" hinila ako ni Ayen papalapit sa kanya at niyakap ako nang
mahigpit. "Sobrang na miss kitaaaaa!"
My heart skipped a beat.
Pwede bang huminto ang oras? I just want to stay here on his arms
forever.
I hugged him back at sinamantala ko na rin ang pagkakataon so I smelled
him. Ang bango niya nakakainis.
Humiwalay si Ayen ng pagkakayakap sa akin. Bwisit bitin. He smiled at
tinitigan ako ng diretso sa mga mata habang nakapatong ang mga kamay niya sa
magkabila kong braso.
"Bakit ang ganda mo ngayon?"
I think I'm dead. Sa sobrang taas nang nilundag ng puso ko, hindi na
ito nakabalik.
Nginitian ko siya, "bakit mo 'ko binobola? Magpapalibre ka ba sa'kin?"
Tumango siya, "oo naman. Nakapasok ka sa top 10, dapat ilibre mo 'ko."
Napatawa ako, "ay grabe ka. Kaya pala nagyaya ka kasi gusto mong
manlibre."
"Parang ganun na nga," he answered playfully.
Bahagya ko siyang tinulak, "uwi! Di na tayo tuloy!"
He laughed then he pulled me near him at inakbayan ako, "joke lang
syempre. It's my treat dahil sobra kitang na-miss."
Nagkatinginan kami ni Ayen and we both smile at each under. My heart is
jumping out of joy. Nakakainis naman, eh. Lalo 'ko nitong umaasa dahil sa mga
ginagawa ni Ayen.
"Oy oy oy!"
Pareho kaming napahiwalay ni Ayen sa isa't-isa nang marinig namin ang
boses ni Sammie. Napatingin kami sa kanya at nakangiti siya nang puno ng pangaasar
sa amin.
"May akbayan nang nangyayari, ah."
"Ewan ko sa'yo, Sammie. Ang malisyosa mo!" sabi ko sa kanya at
pinandilatan ko siya ng mata. Si Ayen naman ngingiti ngiti lang.
"Oo na. Ako na!" natatawang sabi ni Sammie. "Sige na kids, you make
gorabells na! Have fun ha? Oy Ayen, alagaan mo yang si Mia."
"Of course, she's safe with me," at muli na naman niya akong inakbayan.
He's extra clingy today. Ipagpatuloy niya lang yan. Uuwi akong deads na
si heart sa sobrang kilig.
"May gusto kang ipauwi na food?" tanong ko kay Sammie.
"Ayoko ng food. Uwian niyo na lang ako ng baby. Gawa kayo dali!" she
winked.
"Sammie!" suway ko sa kanya habang hagalpak naman siya ng tawa.
Lord, bakit niyo po ako binigyan ng bastos na kaibigan? Feeling ko
magkakasundo sila ni Jasper Yu.
"Joke lang! Kayo naman!"
"Ewan ko sa'yo. Sige na aalis na kami!" sabi ko.
"Byeeee!"
Naglakad na kami papunta sa kotse ni Ayen.
"Wag mo na pansinin si Sammie. Sira yun, eh," sabi ko.
Natawa naman si Ayen, "ayos lang. Sanay na sanay ako sa ganyan. Mga
kaibigan ko mga gago rin."
Napatawa rin ako sa sinabi niya.
"So, where are we going to eat?"
"Gusto mo mag overlooking? Sa Antipolo ulit?"
"Pwede rin. Magiinuman ba tayo?"
"Sure. Pero tig isang bote lang. Red Horse?"
I smile widely, "Red Horse."
~*~
"Cheers!"
Pinagtama namin ang bote ng Red Horse na iniinom namin at sabay kaming
uminom.
Nandito na kami ngayon ni Ayen sa overlooking the city na restaurant in
Antipolo. As usual, mas marami na naman ang pulutan kesa sa alak. Talagang tig-isa
lang kami. Parehong ayaw malasing ngayong gabi.
"So how's the training?"
tanong ni Ayen. "Nagpapa bibo ka ba sa coach mo?"
"Ayokong mag kwento. Abangan mo na lang ako sa TV at makikita mo kung
gaano ako kagaling," biro ko.
"Aba. Natuto na. Gumaganyan ganyan ka na, ha? Pero magaling naman ba
yung coach mo?"
"Oo naman. Magaling naman siya."
Ayen raise his eyebrow, "sino mas magaling? Ako o siya."
"Siya."
Hinawakan ni Ayen ang dibdib niya.
"Aray! Ang sakit nun. Sinaktan mo ang puso ko, sinaksak mo ng
kutsilyo."
Natawa ako.
"Joke lang syempre. Ikaw pa rin para sa akin."
Nginitian ko siya. Sige lang Mia, magsabi ka ng mga double meaning na
bagay.
Napangiti rin si Ayen sa sinabi ko.
"Alam ko naman yun. Para sa'yo, ako lang."
Ay fuck. Naghahamon ba ang isang 'to? Ano ba! Double meaning din ba yan
or assuming lang ako dahil double meaning ang sinabi ko.
"'Di ba? Loyal ako sa'yo!" proud kong sabi sa kanya. "Kaya ikaw, wag mo
'kong ipagpapalit sa ibang singers diyan ah?"
"Peksman. Hindi kita ipagpapalit kailanman. Kahit may Geo ka man."
Natawa ako sa sinabi niya, "loko! Geo ka diyan! Hindi na ako umaasa kay
Geo, 'no!" kasi sa'yo lang naman ako umaasa. Bwisit ka!
"Buti naman. Hindi ka naman niya na-miss, eh. Ako lang naka-miss
sa'yo."
"Wow. Salamat sa suporta."
He grinned.
"Cheers ulit?"
Kinuha ko ang bote ko at itinaas.
"Cheers!"
Sabay ulit kami uminom then napatingin kami sa isa't-isa at ngumiti.
Napaka perfect naman nang gabing 'to. Napaka perfect ng moment. At
talagang nakakaasar pa kasi bigla na lang tumugtog yung paborito kong kanta ng
Silent Sanctuary---Sa'Yo.
"Mia?"
"Hmm?"
"I have a question. Curious lang ako."
"Ano yun?" tanong ko.
"Ideal type mo ba yung mga tulad ni Geo?"
"Paanong tulad ni Geo?"
"Yung ano, good boy. Leader. Masaya kausap. Gwapo. Pansin ko lang kasi
parang ganun mga natitipuhan mong vibes."
"Hindi kaya. Baka nagkataon lang."
Kasi ngayon yung natitipuhan ko talaga yung lalaking may pagka
mysteryoso, maganda ngumiti, tahimik lang pero masarap ka kwentuhan, simple lang,
minsan masungit pero madalas sweet.
Ikaw, Ayen. Ikaw.
"Ah, eh ano ba characteristic ng ideal guy mo?" tanong
Natawa ako, "ba't mo naman natanong yan. Are you drunk?"
"No. I'm just curious."
Tumango ako, "ideal guy? Ano, chinito, kissable lips, nag ko-korean,
may Lee sa pangalan, meron din Jong at Suk."
Napakunot ang noo ni Ayen, "ayan ka na naman sa mga pantasya mo."
"KJ mo! Pogi kaya niya. Eh ikaw naman, ano ang ideal girl mo?
Napangiti si Ayen, "ano nga ba? Hulaan mo."
"Magaling magluto. Hot. Mataas self confidence," sabi ko sabay irap.
Napatawa siya, "dati yun, hindi na ngayon."
"Eh ano na yung ngayon?"
"Magaling kumanta," sabi niya.
Bigla akong natahimik at napalunok. Tinignan ako ng Ayen ng seryoso.
"Bukod sa magaling kumanta, passionate siya sa pagtupad ng pangarap
niya. Hindi basta basta sumusuko. Medyo nerbyosa, pero palaban pa rin. Ano pa ba?
Maganda ngumiti. Puno ng buhay ang mata niya kahit ilang beses nang nasaktan.
Masarap kasama. Masaya kausap. Pwedeng ka-inuman. Ayun. Ayun ang ideal girl ko."
Hindi ako naka-imik. Hindi rin inalis ni Ayen ang tingin niya sa akin.
Seryoso siya. Walang halong biro. Inaantay ko na nga lang na sabihin niyang nag j-
joke lang siya pero hindi niya ginawa. Hindi niya binawi.
Napatayo ako bigla.
"CR lang," sabi ko without looking at him at dire-diretso akong umalis
Pag punta ko sa restroom, ang haba ng pila. Bwisit na yan. Ang init ng
mukha ko at pinagpapawisan ako nang hindi ko malaman kung bakit.
Nakakita ako ng veranda. Dire-diretso akong pumunta doon and good thing
walang tao.
Huminga ako nang malalim. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko
maiiyak ako dahil sa frustrations.
Ano ba yan. Naiinis ako sa sarili ko bigla. Bakit ganun ang reaction
ko? Bakit ganun, umaasa ako na ako yung tinutukoy niya? Pero ang dami namang
nakakatrabaho ni Ayen na mga singers. Pakiramdam ko kanina malapit na niyang
sabihin sa akin kung sino ang gusto niya ngayon, eh. At abot langit na ang asa ko
na ako yun. Feeling ko kapag nagbanggit siya ng pangalan at hindi ako yun, grabe
akong ma-di-disappoint. At baka umiyak lang ako sa harap niya ng di oras.
Shit ano ba? Bakit ba 'ko naluluha rito. Mukha akong tanga. Ano ba.
Mia. Calm down. Heart, please calm down. Wag kang mag p-panic attack. Please lang.
Please.
"Mia?"
Napatalikod ako nang marinig ko ang boses na yun. Ayokong tignan si
Ayen. Ayokong makita niya na mangiyak ngiyak ako rito dahil pag tinanong niya ako
kung bakit, hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Mia."
Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya.
"Are you okay?" nagaalala niyang tanong nang makita niya ako.
Umiling ako.
"Hey, what's wrong?"
Lumapit siya sa akin at pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. Agad ko
namang tinabing ang kamay niya.
"M-Mia...? W-why...?"
"Tama na please! Ayen, tama na! Wag ka nang maging sweet kasi nagiging
assuming na ako, eh. Iniisip ko nang may gusto ka sa'kin!"
Nakita ko ang pinaghalong gulat at pagtataka sa mukha ni Ayen dahil sa
sinabi ko. Napaiwas na lang ako ng tingin at tinalikuran ko siya. I was about to
walk away nang hawakan niya ako ulit sa braso ko.
"Wait Mia."
"U-uwi na ako. Sorry, feeling ko tinatamaan na ako ng alak," I faked a
laugh. "Grabe, ang weak ko na ata? One bottle of Red Horse and I'm already tipsy,"
pagpapalusot ko kahit na alam kong nasa tamang isipan pa ako. "Extra assuming lang
ako ngayon. Pero alam ko naman na wala 'di ba? Tropa tayo, eh!" pabiro ko siyang
tinapik sa braso habang pilit naman akong ngumingiti.
Napahinga nang malalim si Ayen.
Relieved? Sabi na. Wala talaga siyang gusto.
"Mia, hindi naman masama na nag assume ka."
Napaiwas ako nang tingin. Oo na. Ipagdiinan nang nag assume lang ako.
Masyadong masakit ah?
"Hindi masama, Mia.... kasi totoo naman, eh. I'm in love with you."
To be continued...
ALY'S NOTE
Guys sorry medyo na late ang update. Sobrang busy lang this past few days sa work.
(At nakakaadik po talaga mag Everwing huhu sorry!)
No update this weekend. Nasa malayong lugar si author. Pero try ko mag update sa
Tuesday :)

=================

Thirty Sixth Stanza

Thirty Sixth Stanza


JARREN REYES
"Nais ko ay malaman mo na mahal kita."
- True Faith, Dahil Ikaw
"Hindi masama, Mia....Kasi totoo naman, eh. I'm in love with you."
Katahimikan. Ayan ang nakuha kong sagot mula kay Mia. Hindi siya
umimik. Hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang nag salita
ako ng ibang lenggwaheng hindi niya maintindihan.
Napaiwas na lang ako nang tingin.
Shit. Eto na nga ba ang ikinakatakot ko. Sabi na, eh. Dapat hindi ako
nagpapadalos dalos sa ganitong mga bagay.
Ang tagal ko nang gustong umamin sa kanya. Bago pa siya pumunta doon sa
camp, gustong gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero lagi
akong napapaisip sa kung ano ang magiging reaksyon niya.
No. I'm not scared to get rejected. If she doesn't love me then I'll
respect that. At alam ko naman kung i-re-reject niya ako, hihingi ako ng chance sa
kanya na patunayan ang sarili ko. Na baka pwede rin niyang buksan ang puso niya
para sa akin.
Pero hindi yun ang iniisip ko, eh.
Ang iniisip ko ay kung ano ang magiging epekto ng pag-amin ko kay Mia.
Alam kong ang atensyon niya ay nasa competition. Ayokong ma distract siya sa akin
dahil alam ko kung gaano ka-importante ang competition na 'to para sa kanya.
Ayokong mang agaw ng eksena.
Pero kung hindi ngayon, kelan pa ako aamin?
"I'm sorry..." mahina kong sabi sa kanya. "A-alam kong wrong timing
ako. Hindi dapat ako nagtapat sa'yo ngayon. Pero kasi Mia...parang sasabog na ang
puso ko dahil sa nararamdaman ko. I'm in love with you at ayoko nang itago 'to."
Hindi pa rin siya umimik. Nanatili siyang nakatulala sa harapan ko.
Napabuntong hininga ako.
"Mia, h-hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo, lalo na
ngayon na focus ka sa competition. Don't worry, I won't demand anything from you.
Walang magbabago sa atin, promise yan. Gusto kong mag focus ka rin muna sa
competition. P-pero sana...ngayon na nag m-move on ka na kay Geo...p-pag hindi ka
na busy o siguro after ng competitiom, maisipan mo s-sana na, alam mo na...lumingon
sa akin? B-baka pwede mo akong bigyan ng chance?"
Mia swayed at muntikan na siyang matumba kaya naman napahawak siya sa
railings ng veranda bilang support. Ako naman, napalapit agad sa kanya but I'm too
scared to ever touch her. Baka kasi bigla niyang tabingin ang kamay ko.
Napahawak siya sa noo niya.
"Grabe. Palusot lang yung kanina na lasing ako pero bakit ngayon
pakiramdam ko nga, lasing na talaga ako? Totoo pa ba 'tong naririnig ko?" sabi
niya.
Marahan ko siyang hinila papalayo sa may railings ng veranda at
inalalayan ko siya paupo sa bench.
"Mia...." tumabi ako sa kanya.
"Bakit pakiramdam ko hindi totoo ang mga naririnig ko?"
Napaiwas ako nang tingin sa kanya.
In denial. Ayaw niyang tanggapin.
"Okay lang Mia. Okay lang na kalimutan mo muna ang sinabi ko. Tsaka mo
na lang i-absorb pag handa ka na."
Napailing si Mia at ipinatong niya ang uloy niya sa kanyang mga palad.
"Paano ko magagawang kalimutan 'to?"
Napaiwas na lang ako nang tingin at napayuko. Bigla akong nilamon ng
konsensya. Sana pala hindi ko muna sinabi. Eto na nga yung kinatatakutan ko, yung
baka biglang mag iba ang pakikitungo niya sa akin. Baka maka-apekto pa 'to sa
competition niya. Ayokong mangyari yun.
Hari talaga ako ng sablay, 'no? Lagi akong wala sa timing. Ang tanga ko
talaga. Napaka-tanga.
"Ayen..."
Napalingon ako kay Mia nang tawagin niya ako. Nagtama ang mga tingin
naming. She smiled at me....at nagulat ako nang bigla na lang siyang humagulgol ng
iyak.
"M-Mia?! Mia...."
Dumikit ako sa kanya at tinapik tapik ko ang braso niya para patahanin
siya.
"Uy Mia. Tumahan ka na, please? Sorry na. Hindi ko sinasadya. Sorry na
talaga. Promise walang magbabago sa atin. Ha? Please. I know hindi mo 'ko gusto at
si Geo ang gusto mo. Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Hindi ko ipipilit ang sarili ko.
Please. Wag ka na umiyak."
"I hate you! Para kang tanga!" sabi niya at tinulak tulak niya ako
palayo pero hindi ako bumibitiw sa pagkaka akbay ko sa kanya. "Nakakainis ka! Hindi
nga kasi si Geo ang gusto ko! Okay? Tama nga hinala mo, hindi si Geo yun."
Natigilan ako bigla, "t-teka... hindi si Geo? Sino?"
"Seryoso ka sa tanong mo?" pahikbi hikbi niyang sabi.
"A-ako...?"
Hindi siya umimik.
"S-sorry. Assuming lang," sabi ko sabay iwas nang tingin.
"Okay lang naman na mag assume ka, Ayen. Tama ka naman."
Napa-balik bigla ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang ang ganda
ng ngiti sa harapan ko habang may tumutulong luha sa mga mata niya.
"Mia..."
I gently touched her cheek at pinunasan ko ang mga tumulong luha rito.

"Mia... you---you have feelings for me?"


Tumango siya, "oo. Noon pa. Nung mga panahong mahal mo pa si Timi.
Matagal na. I can't even count how many times I tried to get rid of this feeling
kasi I know na hindi mo kayang suklian ito. Kaya ang hirap paniwalaan ang mga
sinasabi mo. Para akong lumulutang sa ere dahil sa saya. Feeling ko nag cartwheel
bigla ang puso ko. Ang imposible nito. Nasa Korean drama ba 'ko?"
Napangiti ako at pakiramdam ko parang maiiyak din ako sa saya habang
pinapakinggan ang mga sinasabi ni Mia. This feeling is way too overwhelming.
Hinila ko si Mia papalapit sa akin and I hugged her tight.
"Mia, alam mo bang dahil sa mga sinabi mo, gusto kitang pakasalan
ngayon din?"
Narinig ko ang tawa niya then she wrapped her hand around my waist.
"Shit ka Ayen. Ang hirap paniwalaan nito. Hindi ako lasing 'di ba?
Hindi 'to panaginip? Paki kurot nga ako sa cheeks para aware akong gising ako."
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mia at hinawakan ko ang magkabilang
side ng mukha niya.
"Di kita kayang kurutin. Sampalin mo na lang ako pagkatapos."
"Anong---?"
Hindi na nagawa pang ituloy ni Mia ang sasabihin niya dahil agad kong
inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya.
Sa una ay idinikit ko lang ang labi ko. Pinapakiramdaman kung tutugon
ba siya o itutulak niya ako palayo. But when I saw her closing her eyes and I felt
that she's kissing me back, I deepened the kiss.
Slow, passionate. Hindi nagmamadali. It's like we own all the time in
the world.
Humiwalay ako nang bahagya sa kanya at sinilip ko ang mukha niya.
Nakasara pa rin ang mga mata niya at sa totoo lang, gusto ko ulit siyang halikan. I
want to kiss her all night hanggang sa maramdaman niya nang husto kung gaano ko
siya kamahal. Sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko ngayon dahil bukod sa nasa
public place kami at baka may maka-kita, baka hindi lang din basta halik ang magawa
ko sa kanya.
Ayokong madaliin.
Si Mia ang tipo nang babaeng hinihintay. Inaalagaan. Pinag-e-effortan.
Nakita kong dumilat ang mga mata niya at agad nagtama ang mga tingin
namin. She gave me that dazed look na tila ba hindi nag register sa utak niya ang
ginawa ko.
Damn. Can I kiss her again? Paulit ulit. Hanggang sa ma-realize na
niyang hindi panaginip 'to.
Hanggang sa ma-realize KO nang totoo talaga ang mga nangyayaring 'to.
Bago ko pa ulit maisipan na halikan siya, kinuha ko ang kamay ni Mia at
isinampal ko sa pisngi ko.
"Aw!" napabitiw ako sa kamay niya dahil napalakas ang pag sampal ko at
siya naman ay parang biglang natauhan.
"Shit! Ayen!" she touched my cheek. "Are you okay? Masakit ba? Bakit mo
naman kasi sinampal ang sarili mo!"
Napangisi ako, "because I kissed you without permission."
Napataas ang kilay ni Mia, "you don't look remorseful, though."
"Paano ako magsisisi kung nag enjoy ako?"
Hinampas ako ni Mia sa braso. May kasama pang kurot na madiin.
"Aray! Ang sakit!" hinimas himas ko yung braso kong kinurot niya.
"Dami mong arte. Kung nag enjoy ka, bakit ka tumigil?"
"Kasi nasa public place tayo at baka mamaya niyan magka scandal na
tayong dalawa," biro ko sa kanya. "Ayoko namang sirain ang pangalan mo sa
competition.
Napatawa si Mia, "loko!"
"Pero kung ako ang tatanungin, ayokong tumigil."
Napayuko si Mia at kahit medyo dim ang ilaw dito sa pwesto namin,
kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya.
At hindi ko alam na ang sarap pala sa pakiramdam na makita siyang mag
blush nang dahil sa akin.
I touched her cheek and gently raise her face.
"Wag kang yumuko. I want to see your face."
Iniwas ni Mia ang tingin niya sa akin then she bit her lip.
Damn.
Maya maya lang ay bigla siyang ngumiti nang malawak at tinulak ako
palayo.
"Nakakainis! Kinikilig ako ano ba!" sabi niya.
Napatawa ako bigla.
"Wow. First time kong may napakilig."
"Anong first time? Hindi lang ito ang first time mo akong napakilig.
Kung alam mo lang. Kahit nung hindi mo pa ako kilala, napapakilig mo na ako."
Napangiti ako, "edi ngayon na kilala na kita at mahal pa kita, mas pag-
i-igihin ko pa ang pagpapakilig sa'yo---higit pa sa kayang gawin nang mga Koreano
mong crush."
Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Mia dahil sa sinabi ko.
"No need---nalamangan mo na sila, matagal na."
To be continued...

Sorry po short update lang. Bawi ako next chapter! :)

=================

Thirty Seventh Stanza

Thirty Seventh Stanza


MIA MILLS
"All I feel in my stomach is butterflies. The beautiful kind, making up for lost
time, taking flight, making me feel like I just wanna know you better."
- Taylor Swift feat. Ed Sheeran, Everything Has Changed
City lights. Starry night. Cold wind. A bottle of beer. And the person you love
sitting beside you.
Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung nananaginip ba ako. May
mga bagay talaga na too good to be true. Katulad ngayon. Pareho kaming naka-upo sa
harap ng kotse ni Ayen. May tig-isang bote ng red horse sa kamay habang nakatingin
sa kalangitan. The sky is full of stars. Para bang nakiki-isa sila sa nararamdaman
ko ngayon.
Para pa rin akong lumulutang sa alapaap. When Ayen told me he's in love
with me, pakiramdam ko right then and there, my heart stopped beating. And I
suddenly feel alive again when he kissed me. Until now, I can still feel the ghost
of his lips on mine.
Napatitig ako kay Ayen na kasalukuyang nakatingin sa malayo. Uminom
siya mula sa bote ng Red Horse na hawak niya. There's a peaceful smile on his lips.
Napangiti rin ako.
"Kelan pa?" tanong ko sa kanya.
Napalingon siya sa akin at napailing habang ngingiti ngiti.
"Pangatlong beses mo na sa aking tinanong 'yan."
"Wala lang. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na ako na ang
gusto mo. Na naka moved on ka na kay Timi at ako na talaga ang gusto mo. Panaginip
ba 'to?"
Ayen gave me a playful smile, "gusto mo patunayan ko ulit sa'yo na
hindi 'to panaginip?"
Tinaasan ko siya ng kilay then I bit my lip to stop my self from
smiling pero wala, mas pinangunahan ako ng kilig kaya napangiti rin ako nang
malawak.
"Nakakainis ka!" hinampas ko siya.
"Aray!" sabi ni Ayen sabay himas ng braso niya na hinampas ko.
"Masakit. Kailangan i-kiss para mawala."
Napangiti ulit ako sabay irap.
"Puro ka ganyan. Kulang naman sa gawa," bulong ko.
"Pag ako gumawa..." sabi niya with a warning tone sabay inom ng alak.
"May mabubuo?"
Bigla siyang nasamid sa tanong ko at kitang kita ko ang pamumula nang
buong mukha niya. Bigla akong napatawa.
Edi siya ang nag blush ngayon. Kanina pa ako kilig na kilig dito eh.
Siya naman. Mamaya matuluyan na ako.
"Ay sorry. Virgin ka pala," tatawa tawa kong sabi.
"What--? Puro ka kalokohan!" sabi niya at pabiro niya akong pinitik sa
noo.
Napahawak ako sa noo ko at nagkunwaring nasaktan.
"Masakit ano ba 'yan! Kailangan i-kiss," sabi ko.
A wide grin broke upon his face. Hinawakan niya ang magkabilang side ng
mukha ko at hinalikan ako sa noo.
Ako naman ngayon ang nag init ang mukha.
Halik lang sa noo but still, I feel so overwhelmed na parang any
minute, lulundag na ang puso ko.
"Now you are blushing," nakangiting sabi ni Ayen sa akin. Hinila niya
ako papalapit sa kanya at inakbayan. "I can't seem to get enough of you, Mia. Pwede
bang i-uwi na kita sa amin? Akin ka na lang."
Napangiti ulit ako habang pigil ang pagtili ko dahil sa sobrang kilig.
Damn, I feel like a highschool student because of what Ayen makes me
feel.
"Sige wait. Sasabihin ko lang kay mommy ko may nag mamay-ari na sa
akin."
"Gusto mo tulungan kitang mag sabi kay mommy?" nakangisi niyang tanong.
Bahagya ko siyang tinulak, "ang breezy mo kainis."
He laughed, "ngayon ko lang naiintindihan si Jasper kung bakit ganun
siya. Iba pala talaga ang saya pag napapakilig mo ang taong gusto mo."
Huminga ako nang malalim at napahawak sa dibdib.
"Mia? You okay?"
"Wait," sabi ko. "Kung may plano kang patayin ako sa sobrang kilig, wag
muna ngayon. May competition pa ako."
Napatawa si Ayen at muli akong hinila papalapit sa kanya sabay yakap
nang mahigpit. Ako naman, sinamantala ko na rin ang pagkakataon. I wrapped my arms
around his waist at niyakap ko rin siya.
Ang tagal kong pinangarap 'to. Yung libreng libre ko lang siyang
yakapin.
"You're doing great, Mia. Kada pinapanuod ko ang performance mo,
nakikita ko ang laki ng improvement mo. Honestly, minsan nag-aalala ako na baka
magkaroon ka ng panic attacks kada nag p-perform ka. Wala pa naman ako sa backstage
para bigyan ka ng chamomile tea---o hawakan ang kamay mo. But I'm glad na hindi mo
na kailangan ang mga bagay na yun para makapag perform ka."
"Because you're there," I said quietly. "Ikaw yung unang taong
hinahanap ko sa crowd kapag nag p-perform ako. At makita lang kita, kumakalma na
ako. Pero yung mga times na hindi talaga kita makita, nag i-imagine ako na ikaw
lang ang nag-iisang tao sa harap ko. Na ikaw lang ang nakakarinig sa akin kumanta.
Kaya ayun. Pasok ako sa top ten."
Sinilip ko ang mukha ni Ayen at nakangiti siya sa akin. Humiwalay ako
sa pagkakayakap ko sa kanya at sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko ang mga
daliri niya sa ulo ko as he started to play with my hair.
"Ganun din ba ang ginagawa nung ex mo dati? I mean, hinahawakan niya
ang kamay mo everytime na may panic attacks ka?" tanon ni Ayen.
"Minsan," sagot ko naman. "Pero mas madalas akong kumuha dati ng
comfort doon sa charm bracelet na bigay ni mommy. Lalo na nung nag decide ako na
umuwi dito sa Pinas habang yung family ko nasa States."
"Talaga?" hinawakan ni Ayen ang wrist ko at bahagyang inangat. "Nasaan
na yung charm bracelet mo?"
"Nawala na, eh. Nakakatawa nga eh, yung day na nahuli ko si Sam na nag
t-two time sa akin, ayun din yung araw na nawala ko yung charm bracelet ko.
Talagang sabay pa silang nawala sa akin. Kaya nung time na yun, hindi ko na alam
kung sino pa ang kakapitan ko."
Ayen slid his fingers in between mine, "pero nahanap mo naman ako."
Natawa ako, "oo at ang sungit mo sa akin nun."
"Masyado ka kasing maganda. Nakaka in love. Kaya pinagsungitan kita."
"Liar," I said while rolling my eyes.
He chuckled.
"Anong itsura ng charm bracelet mo?"
"Bakit? Bibilhan mo 'ko ng katulad nun?" I asked.
"Shit," he whispered, "paano mo nahulaan ang plano 'ko?"
Napatawa ako, "okay lang kahit wag na. Basta kamay mo ang hawak ko."
"Sus. Keso ka rin pala katulad ko."
I grinned, "pero okay lang din kung bibilhan mo 'ko."
Napatawa si Ayen. Inilabas ko naman yung phone ko and I opened my
Instagram account. Natatandaan ko kasi, I took a photo of my bracelet nung
kakabigay pa lang ni mommy nito sa akin.
"Here," sabi ko kay Ayen nang mahanap ko yung photo. "Though alam kong
wala kang mahahanap na ganyang charm bracelet dito."
Ipinakita ko sa kanya yung charm bracelet ko na may maliliit na music
notes.
"Parang nakakita na ako ng ganitong bracelet," sabi ni Ayen.
Napabangon ako bigla.
"Really?"
"Oo. Di ko lang alam kung saang store ko nabili."
"Well, that's weird kasi gawa ni mommy yan. So I'm pretty sure na wala
itong katulad."
"Wait..." Ayen zoomed in the photo at tinitigan ito maigi. The dawn of
realization hit his face at bigla na lang siya napangiti. "Alam ko na kung saan."
"Talaga? Saan?"
He grinned widely, "wait lang."
Bigla siyang bumaba sa pagkakasampa niya sa kotse niya at binuksan niya
ang pinto. Sumunod naman ako sa kanya.
He opened the glove compartment of his car at parang may hinahapa siya
doon.
"Ano yun? May alam kang mabibilhan na kaparehong pareho nung charm
bracelet ko?"
May kinuha siya sa glove compartment na itinago niya sa likod niya.
"Close your eyes, Mia."
"Pero—"
"Dali na. Please?" nakangiti niyang sabi.
"Sige na nga."
Ipinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Ayen
ang wrist ko, then suddenly, I can feel a cold metal against my skin.
"Open your eyes."
Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ko kung ano yung isinuot niya
sa wrist ko. I squeled nang makita ko na ito yung charm bracelet ko. Agad kong
tinignan ko yung yung music note na charm at nakita ko yung name ko doon na naka-
ukit.
Ito yung charm bracelet ko na nawawala.
"Oh my god! Paano?"
"Dati, may gig sa isang bar ang EndMira. May naka-bangga akong babae na
umiiyak though hindi ko na nakita ang mukha niya. Tapos nahulog niya yan. At ngayon
ko lang din naalala, ang nag front act sa gig ng EndMira ay si Sam."
"A-ako yun. I-ikaw yung nakabangga ko nun! Ikaw! Tapos hindi kita
nakilala kasi busy akong umiyak!" maluha-luha kong sabi. Agad ko naman pinunasan
yung luha sa gilid ng mata ko. "Sorry. Ano ba yan naiiyak ako. Ang babaw talaga ng
luha ko sa mga ganitong bagay."
Ayen chuckled and he gently touched my face.
"I told you. Nawala man si Sam at yung bracelet mo nung gabing yun,
nahanap mo naman ako."
I throw my arms around his neck and I hugged him tight.
"Ayeeen! I love you!!"
Napatawa siya nang mahina at naramdaman ko ang mga braso niya sa waist
ko and then he pulled me up.
"I love you too, Mia. Sobra."
Ibinaba niya ko at isinandal sa gilid ng kotse niya. He took a step
forward and he touch my cheek.
Tinignan ko siya sa mga mata at napansin kong he's staring at my lips.
Pakiramdam ko para akong mauubusan nang hininga.
"Mia... can I..." he whispers, "kiss you again?"
I nod. And the next thing I knew, his lips is already against mine.
~*~
JARREN REYES
"Come back
and tell me why I'm feeling like I've missed you all this time."
- Taylor Swift feat Ed Sheeran, Everything Has Changed
"Binata na si Ayen! Pwede na siya magpa-tule!" sigaw ni Jasper sa buong HQ.
Napa facepalm na lang ako.
Halos kauuwi ko lang matapos kong i-hatid si Mia sa apartment nila.
Sinalubong ako ni Jasper na inis na inis kasi naka ilang tawag daw siya sa akin.
May biglaang inuman session kasi dito sa HQ. Present ang buong EndMira with Timi.
Gusto na nga raw niya akong sapakin pag pasok ko dahil ako na lang ang kulang dito,
pero nagulat siya na ngiting aso ako. Mukha raw akong naka hithit ng droga,
At ewan, dahil sa sobrang saya ko sa nangyari, nasabi ko nga sa kanya
na umamin na ako kay Mia at gusto rin ako ni Mia.
At ayan na nga ang nangyari. Nagsisisigaw na siya na ganyan na parang
gago.
Sa susunod, puputulan ko yan ng dila at ari nang mawala mga kaligayahan
niya.
"May jowa na si Ayen!"
"Talaga?" exicted na tanong ni Timi. "Shit, si Mia?!"
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Obvious masyado. Duh!" she said sabay irap. "Pero oh my gosh! As in?
Kayo na?! Talaga?" masa niyang tanong.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko, "uhm.. u-umamin na kami sa isa't
isa..."
"And then?" giit ni Timi.
"Tara inuman na lang ulit," sabi ko at naghiyawan yung mga hinayupak
kong kaibigan.
"Naka first base ka pre?!" tanong ni William.
"Gago," sabi ko.
"Homerun?" tanong naman ni Jasper.
"Loko. Hindi!" sagot ko at nilingon ko si Geo. "Wala talagang gusto
sa'yo si Mia. Sa akin talaga siya may gusto. Sorry pare."
Napangisi si Geo, "ayos lang. Sanay naman ako na hindi nagugustuhan ng
mga babae."
Napahiyaw kami sa banat ni Geo.
"Oh my! Poor Geo!" sabi ni Timi at yumakap siya dito. "Yaan mo
hahanapan kita ng jowa."
"Yang bestfriend mo kasi," sabi niya kay Timi.
Napatawa si Timi, "move on na kasi!"
"Pero balik tayo kay Ayen," sabi ni Jasper. "So pare, anong feeling na
malapit ka nang ma devirginize?"
Nagtawanan silang lahat at ako naman, pakiramdam ko gusto kong mag
basag ng bote ng beer sa ulo ni Jasper. Gago talaga.
"Ulol," sagot ko sa kanya then I raised my middle finger. Nagtawanan
naman sila.
"Ikaw na lang virgin dito Ayen. Napaghuhulihan ka na," sabi ni Timi na
ngiting ngiti.
Napangiti rin ako nang malawak, "ah so ibig sabihin...?" napatingin ako
sa kanya, at kay Ice. Si Ice na kunyari walang naririnig at busy lumagok ng beer na
hawak niya pero ang tenga pulang pula na.
Lumapit si Timi kay Ice at umakbay, "nag enjoy siya."
Nasamid bigla si Ice, "oh si loves ko kinilig," sabi ni Timi while
she's patting Ice's back.
Mas lalo kaming natawa dahil sobrang guilty ng mukha ni Ice pero hindi
makapalag sa pangaasar sa kanya ni Timi.
"Pero pre, talaga, akala namin hinding hindi ka na magkaka-girlfriend.
Pero grabe, wow, Mia Mills huh?" sabi ni William. "She's a great girl."
"Oo nga Ayen," pag sangayon ni Timi. "I'm glad you ended up with an
amazing girl."
Timi gave me a knowing smile. Isang ngiti na parang nagsasabi sa akin
na ito ang dahilan kung bakit hindi kaming dalawa ang nag end up together.
I smiled back. Na parang sinasagot ko siya na naiintindihan ko na
ngayon. At masaya ako na si Mia ang minahal ko.
At minahal ko si Mia na higit pa sa nararamdaman ko kay Timi noon.
"Naks, taken na ang kaibigan namin!" sabi ni Jasper sabay akbay sa
akin. "Wag kang man chi-chiks. Masama yun. Dapat stick to one ka lang."
"Gago ginaya mo naman ako sa'yo."
"Loko. Stick to one na 'ko ngayon 'no. Pero teka, sabihan mo na yung
stalker mo na in a relationship ka na nang tigilan ka na."
"Stalker?" nagtataka kong tanong.
"Yung ano... yung Carmina Trinidad? Yung madalas magpadala sa'yo ng
package. May pinadala na naman siya, nasa kwarto mo," sabi ni Jasper.
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko at agad kong ininom ang alak na
nasa harapan ko para hindi nila ako mahalata.
"Grabe yang chiks mo na 'yan. Ang sipag magpadala sa'yo nang magpadala
ng mga gamit."
Pilit akong ngumiti, "loko. Pinsan ko 'yan."
"Sabi sa'yo eh!" sabi naman ni William. "Malabong may chiks na
magpadala diyan kay Ayen."
Nagtawanan sila at nakitawa naman ako.
"Ah saglit magpapalit lang ako ng damit," sabi ko.
"Bilisan mo, hindi pa tayo tapos mag inuman!" sabi naman ni Geo.
"Oo. Babalik ako."
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nakita ko yung package na nasa
ibabaw ng kama ko.
Binuksan ko ito. Sa loob ay isang collector's guitar pick ng isang
sikat na banda na hindi ko naman gusto.
Pero parang pang asar nga naman. Paano ko gagamitin ang pick na 'to
kung hindi ko nga magawang tumugtog ng gitara?
May kasamang sulat ang package. Nangangamusta siya. Bakit daw hindi na
ako nagpaparamdam sa kanya. Nasa sulat pa ang listahan ng mga ospital at pangalan
ng mga doctor na pwede kong puntahan para ipa-check ang kamay ko. Sinabi rin niya
na willing siyang sagutin ang pagpapagamot ko.
Hindi niya alam napuntahan ko na lahat ng mga yan. Iisa lang ang sinabi
nila---hindi na babalik pa sa dati ang kamay ko. Hindi na ako makakatugtog ng
gitara na katulad ng dati.
At kahit gaano pa kamahal ang ibayad niya, hinding hindi na niya
maibabalik sa akin ang pangarap ko na ninakaw niya.
To be continued...
Aly's note:
Na update ko na finally ang playlist ng Broken Melody sa spotify. Nandoon na rin
yung mga songs ni Taylor Swift na ginamit ko. XD
Sa mga may Spotify na gustong pakinggan ang Broken Melody playlist, search niyo
lang Broken Melody by Aly A.
Pag wala, search niyo muna yung profile ko - Aly Almario. Nandoon sa playlist ko
<3 Yung cover, katulad ng cover nitong nasa watty :)

=================

Thirty Eighth Stanza

Thirty Eighth Stanza


JARREN REYES
"This feels like falling in love. Falling in love. We're falling in love."
- Ed Sheeran, Kiss Me.
"Oh my gosh! Like, I'm so kinakabahan na. Can I make alis na and just text me na
lang what happened?" sabi ni Sammie—yung conyong best friend ni Mia.
Katabi ko si Sammie ngayon sa loob ng studio kung saan nagaganap ang
competition ni Mia. Hindi pa nag p-perform si Mia pero ramdam na ramdam ko na ang
tensyon sa paligid. At alam kong maging si Sammie eh grabe na ring kinakabahan. Mas
lumala pagiging conyo niya eh.
"Relax ka lang. Kayang kaya yan ni Mia," sabi ko sa kanya. "Tignan mo
nga oh, di naman magaling yung kalaban niya. Ang tahimik sa buong studio. Wala man
lang humihiyaw," dagdag ko pa.
Natapos kumanta yung kalaban ni Mia at biglang nagtayuan ang mga tao
sabay palakpakan. Ang lakas ng hiyawan nila.
Pareho kaming natahimik ni Sammie.
"That was amazing! This is so far the best performance I've seen
tonight!" sabi nung isa sa mga judges.
Sammie cleared her throat, "actually, I talked to Mia last night,"
bulong niya. "I told her, hindi man siya manalo dito, at least waging wagi naman
ang lovelife niya."
Napatawa ako ng mahina, "loko. Makakapasok yang si Mia sa top five,
maniwala ka."
"OMG! Binayaran mo mga judges para papanalunin si Mia?"
Mas napatawa ako kay Sammie.
"Hindi! Ikaw talaga. Basta, naniniwala ako na makakapasok si Mia.
Magaling siya, eh. Tsaka..." napangiti ako ng malawak, "inspired sa akin yun ngayon
kaya gagalingan niya."
It's Sammie's turn to laugh, "hay love birds. Sige na. Kayo na may mga
lovelife."
"Dalawa sa EndMira boys ay single. Gusto mo ipakilala kita?" I offered.
"Nevermind. Ayoko magka jowa ng celebrity."
Hindi ko na nagawa pang sagutin si Sammie dahil tinawag na ang pangalan
ni Mia at parehong napabalik sa stage ang atensyon namin.
Nakita kong umakyat si Mia sa stage and she's---she's glowing. Ang
ganda ganda ng ngiti niya ngayon.
She has her signature look. Nakasuot ng bestida at knee high boots. Sa
balikat niya ay doon nakasabit ang gitara niya. Nakalugay lang ang buhok. Simple
ang make up. Pero iba ang ganda niya ngayon. Ang sarap bumaba sa stage at halikan
siya at i-announce sa buong mundo na that girl is in love with me and I am the
luckiest guy on earth because of her.
"Paki explain nga kung paanong ang perpektong babae na yan ay in love
sa akin?" bulong ko kay Sammie.
"Ay fuck. That's so cheesy. I'm so kinikilabutan, ha," sabi niya pero
hindi ko siya pinansin. Nakapako lang ang tingin ko kay Mia.
"Hi Mia," bati nung isang judge sa kanya, "so, isa ka sa mga contenders
nakitaan ko ng sobrang laking improvement from day one until now. Alam kong isa
kang fighter. Ngayong pipiliin na namin ang top five, ano ang nagtutulak sa'yo para
mas pagbutihin ang performance mo ngayong gabi?"
Nakita kong napahawak si Mia bigla sa charm bracelet na suot niya. Yung
bigay sa kanya ng kanyang ina.
"Next week po, uuwi galing States ang mom ko and hopefully, with my
dad. Gusto nila akong mapanuod mag perform sa stage. Kung matatanggal po ako
tonight, hindi na po nila magagawang mapanuod ako sa competition na 'to. Actually
po, against ang dad ko sa ginagawa kong ito. Kaya po, this competition is my way of
showing my dad that I made the right decision when I choose to pursue my dream to
be a singer."
Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa sinabi ni Mia.
"And also," dagdag niya. "There's someone who wholeheartedly believes
in me and I don't want to disappoint him kaya gagalingan ko po tonight."
Naghiyawan ang mga tao dahil sa sinabi ni Mia. Napatingin siya sa
pwesto namin ni Sammie at nagtama ang mga tingin namin and we smile at each other.
Pumwesto na si Mia sa stage. Inihanda ang gitara at sinimulan na niya
ang pagkanta.
Salamat ni Yeng Constantino.
Malinis, tahimik, pero punong puno ng emosyon.
After she sang, sinabihan siya ng judge na kung kanina, nasabi niyang
yun na ang pinaka the best performance na napakinggan niya, kay Mia naman ang most
emotional performance na tila ba naiparating niya sa amin ang mensaheng gusto
niyang sabihin.
And I agree with her.
Because Mia sings with her heart.
Kaya naman sa announcement of top five, kampante na ako. Alam kong
pasok si Mia. And I'm right. Si Mia ang pangalawang tinawag. At wala na atang mas
lalakas pa sa palakpak namin ni Sammie nang tawagin ang pangalan niya.
~*~
MIA MILLS
"I'm cold as the wind so hold me in your arms."
- Ed Sheeran, Kiss Me
I have never been this happy in my whole life.
I'm slowly reaching my dreams. Finally, dumating na ang inaantay kong
pagkakataon. Mapapanuod na rin ako sa wakas ni mommy at daddy na mag perform on
stage. My mom just texted me that she finally convinced my dad to go with her next
week. Halos maiyak ako sa tuwa. Eto naman talaga ang inaantay ko eh, ang ipakita
kay dad na tama ang naging desisyon ko and yung finally, tanggapin na niya na ito
ang pangarap ko.
At nararamdaman ko na magkakaayos na kaming dalawa.
Maipapakilala ko na rin sa kanila si Ayen.
Si Ayen.
Nakakainis kasi until now, paulit ulit ko pa ring tinatanong sa sarili
ko kung totoo pa ba 'tong nangyayari? Bukod sa nag e-excel ako sa competition na
'to, nalaman ko rin na mahal ako nang taong mahal ko.
Gosh, never kong naisip na mangyayari pala sa akin ang bagay na 'to.
Si Ayen---Jarren Reyes. Naalala ko nung unang beses kong mapakinggan na
tumugtog ang EndMira---yung mga panahong underrated indie band pa sila. Ayen is the
one who caught my attention. For the first time in my life, napatulala ako sa
gitarista ng isang banda. Yung makita ko ang masayang ngiti niya habang nag p-
perform sila. Yung damang dama ko ang overflowing na passion niya sa musika. Na-
attract na agad ako.
And who would have thought na after several years, makikilala ko siya
ng husto at mahuhulog ako sa kanya. Hindi lang dahil sa idol ko siya kundi dahil sa
kilala ko siya at minahal ko ang kabuuan niya.
And who would have thought that he will love me back in return.
Parang isang panaginip lang ang lahat nang nangyari.
Right after ng competition, hindi pa kami agad pinalabas sa backstage.
Ipinaliwanag pa sa aming limang natitira ang mechanics for next week's competition.
Ako naman, excited na excited nang umalis para ikwento kay Ayen yung mga
napagusapan. Gusto ko ring yakapin siya nang mahigpit na mahigpit kasi isa siya sa
dahilan kung bakit naabot ko ang round na 'to.
He's my biggest inspiration that's why I owe this to him.
Nang matapos na ang briefing at sinabihan na kami na pwede na kaming
umalis, dali-dali akong lumabas ng room para puntahan si Ayen. Nakita ko agad siya
na nagaantay sa akin. He's leaning on a wall with a huge bouquet of flowers on his
hand. Nang makita niya ako, napangiti agad siya.
Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap niya ako nang mahigpit.
"I love you," he whispered. "And I am so, so proud of you."
Hindi ko na napigilian ang sarili ko, napaiyak na lang ako. Hindi ako
binitiwan ni Ayen. Yakap yakap niya lang ako habang umiiyak ako sa kanya. Paulit
ulit niyang ibinubulong kung gaano siya kasaya at ka proud sa akin at pakiramdam ko
malapit na akong lumutang sa saya.
Nang kumalma ako, he planted a kiss on my lips.
"Damn, Mia. I love you so much."
Napangiti ako, "me too Ayen. Me too."
~*~
"So Mia, ano ang nagustuhan mo kay Ayen?" tanong ni Jasper sa akin.
"Samantalang mas lamang ako ng kagwapuhan sa kanya?"
Nandito kami ngayon sa headquarters ng EndMira. May pa-surprise party
itong si Ayen para sa akin. Kumpleto ngayon ang EndMira with Chef Timi and Sammie.
At ang bruhang Sammie, kaya pala nawala bigla kanina sa competition ko eh inayos
nap ala ang handaan right after i-announce na pasok ako sa top five.
Iyak na naman ako nang makita ko sila na nakaabang sa akin. Sabi nila,
bukod sa celebration sa pagkapasok ko sa top five ay pa-welcome party na rin nila
ito dahil member na ako ngayon ng kanilang family.
Family.
Ang sarap pakinggan.
"Teka teka. Mas lamang ka ng kagwapuhan sa akin?" sabi ni Ayen kay
Jasper. "Eh retokado ka di ba?"
"Ulul!" sabi ni Jasper. "Natural ang kagwapuhan ko, pakyu!"
"Oh boys iwas sa bad words. Nakakahiya kay Mia!" sabi naman ni Timi.
"Sus wag kame, Timi!" sabi naman ni William. "Mas maraming beses ka
magmura kesa sa amin."
"Oo nga! Magsama kayo ng baby ko!" sabi naman ni Jasper.
"Eh ba't hindi mo ininvite ang baby mo rito?" tanong ni chef.
"Busy si labidoo sa trabaho. Hay. I'm a neglected boyfie."
"May girlfriend si Jasper?" bulong ko kay Ayen.
"Oo. Maniwala ka man o sa hindi, pero seryosohan ngayon ang relasyon
niyan. Tinamaan ng husto, eh."
"Wow."
"So Mia, masaya ka naman diyan kay Ayen?" tanong ni Geo sa akin.
"Syempre naman!" sagot ni Ayen bago pa ako makapag react. "Hindi ko
ginugutom yang si Mia. Tsaka ako talaga ang gusto ni Mia at hindi ikaw."
Siniko ko bigla si Ayen at mukhang napalakas kasi ang lakas din ng
pagkaka-aray niya. Nagtawanan silang lahat.
"D-dedmahin mo na lang si Ayen," sabi ko kay Geo.
Langya. Mahal ko siya pero bakit nanlalaglag siya?!
"Okay lang Mia, alam ko naman. Nilapitan nga ako niyan ni Ayen para
sabihing may the best man
wins eh."
Nanlaki ang mata ko at napatingin ako kay Ayen, "you did what?!"
Nag peace sign siya sa akin.
"S-sorry. Akala ko may gusto ka talaga sa kanya."
Napapalo ako sa noo.
"Shit. I'm so embarrassed right now."
Narinig ko ang hagalpakan ng tawa nila.
Inakbayan ako ni Jasper Yu.
"Okay lang yan mare, mas marami kaming nakakahiyang experiences na
naranasan when it comes to love kumpara sa'yo. Kukwentuhan kita minsan."
"O teka," sabi naman ni Ayen at inalis ang pagkakaakbay ni Jasper Yu sa
balikat ko, "masyado kang malapit sa kanya."
Naghiyawan sila.
"Ayun naman pala! Possessive si koya!" asar nila kay Ayen.
"Pero Mia wala ka bang planong gantihan itong si Ayen sa panlalaglag
sa'yo?" tanong ni Timi.
Napangiti ako, "oo gaganti talaga ako. Dapat pumayag siya sa request
ko."
"O yun, oh! Papayag yang si Ayen."
Napangiti si Ayen, "ano ba ang request mo?" he asked with a wink.
Mas lalo akong napangiti.
"Haranahin mo ko ngayon."
Mas naghiyawan sila ng sabihin ko ang request ko.
"S-sige. Sure. Wait hahanap ako ng kanta," sabi niya at inilabas ang
phone niya.
"Wait," pagpigil ko sa kanya. "Gusto ko yung tunay na harana. Yung may
gitara."
Natigilan si Ayen.
"Please? For me?"
"Payag na yan!" paguudyok ni Jasper. "Dali na pre! Ang dali lang ng
request ni Mia oh!"
"Oo nga! Go na yan!" sabi ni William.
"Wait kunin ko ang gitara," sabi naman ni Geo at dali daling tumayo
para kunin ang gitara.
"Kakanta na lang ako," sabi naman ni Ayen.
"Hindi. Tumugtog ka na. Wag kang KJ! Para kay Mia naman yan, eh!" sabi
ni Timi.
Nakabalik na si Geo at inabot kay Ayen ang gitara, "naks. Si Mia lang
pala ang sagot para tumugtog ka ulit."
Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Ayen nang hawakan niya ang gitara.
Pinatahimik ko sila.
"Ayan na. Tutugtog na siya," sabi ko.
Nagpalakpakan ang EndMira habang si Ayen naman ay ipinupwesto ang mga
daliri sa strings ng gitara.
Pero hindi siya tumugtog.
Nagulat kaming lahat nang bigla siyang tumayo at ipinatong ang gitara
sa sofa.
"I'm sorry," he whispered.
At bago pa kami makapag react lahat, naglakad siya palabas ng bahay.
To be continued...

=================

Thirty Ninth Stanza

Thirty Ninth Stanza


MIA MILLS.
"Lights will guide you home and ignite your bones. And I will try to fix you."
- Coldplay, Fix You

"Anong nangyari doon?" nagtatakang tanong ni William.


"Luh, topak?" tanong ni Jasper at tinignan ako. "Anong meron?"
Napailing ako because even me, nagulat sa biglaan niyang pag w-walk
out.
Did I say something wrong? May nagawa ba akong mali?
Tumayo ako.
"Wait, sundan ko lang. Sorry po," sabi ko at agad akong lumabas para
hanapin si Ayen.
Nakita ko siya na nakaupo doon sa wooden bench sa garden nila. Naka-
yuko siya habang nakapatong sa kanyang magkabilang kamay ang ulo niya. Sa paanan
niya ay nandoon ang gitara.
Nilapitan ko si Ayen.
"Ayen?"
Napalingon siya sa akin and I was surprised to see his expression. I've
never seen him so down before.
"Hey, what's wrong?"
Umiling si Ayen sabay iwas nang tingin sa akin.
"Wala. It's just..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya sa akin at
napatingin na lang siya sa gitara.
Tumabi ako sa kanya at kinuha ko kamay niya.
"Hey, it's okay. You can tell me."
Bumuntong hininga si Ayen then he smiles, "wala. Nahiya lang akong
tumugtog sa harapan mo kanina. Alam mo na. Ang tagal ko nang hindi tumutugtog.
Medyo kinalawang na 'ko. Nakakahiya kung tutugtugan ko ang babaeng mahal ko pero
palpak naman."
"What?" gulat na tanong ko at medyo natawa ako. "That's insane. Bakit
mo naman iisipin yun, eh ikaw nga mentor ko?"
"Sus. Iba naman yung mentor mo, eh. Yung baklang maingay doon sa
competition."
Natawa ako sa sinabi ni Ayen at inakbayan ko siya.
"Mas magaling ka doon, syempre."
Pinanliitan niya ako ng mata, "sus, sinasabi mo lang sa'kin 'yan dahil
in love ka sa'kin."
"Ay wow. Hindi 'no! Pero seryoso nga, hindi kita binobola," umayos ako
ng upo at humarap ako kay Ayen. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay. "Actually,
I want to ask you a favor."
"Sure. Ano yun?"
"About the competition..."
"Okay?"
"So, they already explained to us the mechanics of the next show-off
and sabi nila, we are required na mag-isip kung sino ang famous personality na
pwede naming i-invite sa stage to perform with us.."
"So naghahanap ka ng ka duet?" tanong niya. "At gusto mong si Ice ang
maka-duet mo?"
Umiling ako, "no. Actually, hindi ka duet. Someone who would play an
instrument for me up on the stage and I want to invite you," ngiting ngiti kong
sabi. "Please perform with me?"
Bigla ulit nawala ang ngiti sa mukha ni Ayen at agad niyang iniwas ang
tingin niya sa akin. Hindi pa man siya sumasagod sa tanong ko, but I can already
feel my heart sank.
"A-alam mo naman na hindi ko kaya, 'di ba? Mamaya masira ko pa ang
performance mo. Ayokong matalo ka nang dahil sa akin."
"Ano ka ba," hinawakan ko yung magkabila niyang kamay, "magaling ka
Ayen, at hindi nawawala yung galing na yun. I believe in you. Tsaka mag p-practice
naman tayo, eh."
"Mia, I can't."
"Okay, ganito na lang. Try muna natin, isang practice lang, kahit once
lang. Pag hindi nag work, sige hahanap ako ng iba. Pero, try muna natin," hindi
umimik si Ayen. "Please, Ayen? Please."
Napabuntong hininga siya at nagulat ako nang hilahin niya ang kamay
niya sa pagkakahawak ko, "sorry Mia. Hindi talaga. Please wag mo na lang akong
kulitin."
"Bakit---bakit ayaw mong tumugtog?"
"Sinabi ko naman sa'yo yung dahilan 'di ba?" sagot niya at halata ko sa
boses niya na naiinis na siya. "Please wag mo naman akong pilitin na tumugtog sa
harap ng maraming tao."
"What happened? Bakit ayaw mong tumugtog sa harap ng maraming tao?"
Hindi umimik si Ayen.
"A-at least that one practice with me?" paki-usap ko sa kanya. "Tayong
dalawa lang naman yun. Bakit kahit sa harap ko ayaw mong tumugtog?"
Umiling siya, "hindi mo naiintindihan."
"Ayaw mo kasing ipaintindi sa akin."
"Hindi mo pa rin maiintindihan."
Bigla akong natahimik sa sinabi ni Ayen. Pakiramdam ko binuhusan ako ng
isang timbang may laman na yelo. Nanlamig ang buong katawan ko at parang bigla
akong hindi makapagsalita.
Naramdaman kong tumayo si Ayen, "balik na lang tayo sa loob."
Tumango ako, "u-una ka na. Magpapahangin lang ako," sabi ko nang hindi
ko siya tinitignan at ramdam ko na maging siya ay hindi makatingin sa akin.
Naramdaman kong naglakad siya palayo at nang marinig ko ang pag sara ng
pinto, agad akong napahawak sa dibdib ko. Ramdam ko ang bilis ng puso ko. Ang hirap
huminga. Nanlalamig ako. Nanginginig ang buo kong katawan.
Panic attacks. I'm having a panic attack because of a memory that
flickered through my mind.
"Sam bakit hindi ako pwedeng sumama sa gig mo? Promise, hindi na ako
kakabahan doon."
"Mia, hindi nga pwede. Mahalaga ang gig na 'to okay? Saglit lang naman
ako mawawala."
"Manonood na lang ako."
"Wag na."
"Bakit? I want to support you."
"Ma d-distract lang ako pag nandoon ka."
"Bakit?"
"Basta. You don't understand."
"Then explain it to me."
"Hindi mo pa rin maiintindihan! Wag ka na kasing makulit at sundin mo
na lang ako!"
Napatakip ang tenga ko habang paulit ulit kong naririnig ang boses ni
Sam, ang boses ni Ayen.
Hindi mo maiintindihan. Hindi mo maiintindihan.
And it turned out, Sam's right. Dahil nung nalaman ko, hindi ko
naintindihan. Na kaya pala ayaw niya akong pasamahin dahil may kinikita na siya na
ibang babae. And he's right, ang hirap intindihin kung bakit niya nagawa sa akin
yun.
Napailing ako, trying to calm myself.
Iba si Ayen. He's not like Sam. Iba si Ayen. Iba siya.
Pero bakit pakiramdam ko nagtayo na naman siya ng malaking wall sa
pagitan naming dalawa? Bakit ayaw niya akong papasukin ng tuluyan sa buhay niya?
Napapikit ako at doon ko lang naramdaman ang pagbagsak ng luha sa mga
mata ko.
I silently cursed myself kasi nararamdaman ko na naman ang pag atake ng
anxiety sa isip ko. Na alam ko, kahit anong positive na bagay ang isigaw ko, puro
negative pa rin ang mananalo.
I stood up and decided to go home dahil alam kong mas lalala lang ito
kapag nakita ko si Ayen. Kapag naramdaman ko na naman ang wall na itinayo niya.
Kapag nakita ko kung paano niya i-iwas ang mga tingin niya sa akin.
At ayoko nang magisip pa ng mas malalalang bagay kung bakit hindi niya
ako makuhang pagkatiwalaan.
~*~
Hindi ako dumiretso sa bahay, instead, pumunta na lang ako sa isang
coffee shop. Naalala ko na wala pala si Sammie sa bahay at ayokong mapag-isa
ngayon. Alam kong hindi ako makakahinga kapag naiwan ako doon.
Ilang beses akong tinawagan ni Ayen pero hindi ko makuhang sumagot sa
kanya. I don't want him to hear my voice kasi natatakot ako na baka mahalata niya
kung ano ang tumatakbo sa isip ko. I just texted him na kinailangan kong umalis but
I'm fine. Na hindi niya kailangan mag-alala sa akin.
"At least tell me kung nasaan ka," reply niya sa akin.
Hindi na ako nag reply.
Bukas na lang hihingi ng sorry sa kanya. Bukas na lang kapag kalmado na
ang utak ko at lumipas na ang takot na nraramdaman ko. Sana bukas wala na 'to sa
isip ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag stay sa coffee shop na yun.
Nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Pinapanuod ang mga taong dumaraan. Pilit
nililihis ang utak sa nangyari kanina.
Hindi ko na napansin ang oras. Kinalabit na lang ako ng isang barista
para sabihing magsasara na sila.
But I still don't want to go home. And it's sad to realize na wala na
akong ibang mapuntahan.
Ilang taon na ba akong nandito sa Pilipinas? Bakit ang onti ng mga
kaibigan ko?
Other than Ayen, I only have Sammie. And in this moment, I feel so
alone.
Napatingin ako sa orasan. It's already past midnight. Tumayo ako at
inayos ko ang gamit ko. Siguro maghahanap na lang ako ng coffee shop na 24 hours
open o magpapalipas na lang ako sa mga convenience store. Hanggang sa sumikat ang
araw.
Hanggang sa lumipas na 'to.
Pag labas ko ng coffee shop, napahinto ako bigla nang makita ko si Ayen
na nakasandal sa kotse niya at nag-aantay. Parang gusto kong bumalik ulit sa loob
at mag tago.
No. Hindi pa ako okay. Ayokong harapin siya. Please.
But it's too late. Inangat niya ang tingin niya at nakita niya ako.
"Mia..."
Napayuko ako habang naglalakad papalapit si Ayen sa akin. Naramdaman
kong hinawakan niya ang kamay ko.
"I-u-uwi na kita."
I gently removed my hand from his, "m-may dadaanan pa ako."
"Ha? Hating gabi na. Saan ka pupunta?"
Hindi ako makasagot. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.
"Mia... galit ka ba sa 'kin?"
Umiling ako.
"Bakit hindi mo 'ko matignan sa mata?"
Hindi ako umimik. Naglakad ako palayo sa kanya.
"Mia wait!" hinawakan niya ako sa braso at hinarap sa kanya. "What's
wrong?"
"Please please, Ayen wag mo muna ako kausapin. Bukas na lang ha? I'm
not mad. I'm just..." I'm just messed up inside.
Muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya and I tried to remove his grip
from my arm pero hindi niya ako binitiwan.
"Mia please. Sabihin mo sa akin anong problema? Dahil ba kanina? Dahil
hindi ko masabi ang dahilan sa'yo? Dahil
hindi ba kita pinagbigyan sa request mo? Dahil ba doon—"
"Because I hate myself for being like this!" sigaw ko at nagpapasalamat
ako na walang tao sa parking lot kundi kaming dalawa lang dahil hindi ko na
napigilan ang sarili kong mapaiyak.
"M-Mia..."
"Natatakot ako Ayen. I love you so much and I'm scared to messed up
this relationship. Ayokong kausapin ka ngayon dahil natatakot ako na baka makapag
bitiw ako ng masasakit na salita. Na baka mag-away tayo."
"Mia---"
"Natatakot ako na baka ipilit ko sa'yo ang isang bagay na hindi mo gusto at mas
natatakot ako na I might fail to understand you. Because sometimes, I cannot
control my emotions and I'm scared as hell na baka hindi mo rin ako maintindihan at
baka pag nakita mo ang side ko na 'to, iwan mo ako. Natatakot ako dahil baka hindi
ito yung in-expect mo, hindi itong Mia na 'to ang minahal mo. I'm a mess, Ayen. And
I hate myself for being like this. I hate it. I really hate it—"
"Mia," hinila niya ako palapit sa kanya ang he hugged me tight. "I'm
sorry. I understand you. I'm really sorry."
Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang yakapin niya ako. I hugged him
back.
"Wag mong iisipin na hindi kita maiintindihan, Mia. Dahil alam na alam
ko ang ganyang pakiramdam. At sorry for what I've said a while ago. I'm really
really sorry."
Medyo humiwalay ako sa kanya and I looked at him with my tearstained
face.
"H-hindi ka nabababawan sa akin?"
"Mia, hindi. Wag mong iisipin yun. You have every reason to feel that
way dahil mali ko 'to. Mali na tinaboy kita kanina. At alam kong mali na hinindia
kita without explaining it to you. You've been so honest and open with me and I
want to do the same." Hinawakan ni Ayen nang mahigpit ang kamay ko. "Mia, sumama ka
sa akin. I want to show you something."
~*~
Dinala ako ni Ayen sa HQ. Napansin ko na wala nang tao doon at mukhang nag uwian na
rin ang ibang EndMira.
Dumiretso kami sa loob ng studio kung saan nag p-practice ang EndMira.
Hindi ito ang first time ko sa HQ pero ito ang unang pagkakataon na makapasok ako
sa studio nila. Sakto lang ang laki ng studio pero maganda ito. Maraming kagamitan.
Sa harap ko ay nandoon ang mga instruments ng EndMira at umaatake na naman ang
pagka-fangirl ko kasi parang gusto kong yakapin isa isa ang mga instruments nila.
Pinaupo ako ni Ayen sa isang silya at nakita kong may kinuha siyang
isang gitara. At hindi ako maaring magkamali. Ito yung gitara na gamit gamit niya
nung mga panahong tumutugtog pa siya kasama ang EndMira.
Naupo si Ayen sa tabi ko at inayos niya ang kanyang gitara.
"Mia, I want to tell you a story," mahina niyang sabi. Hindi siya
nakatingin sa akin, instead, nakatitig siya sa gitara niya.
And then, he started strumming the guitar. A familiar song. Yung unang
kanta na sinulat niya para sa EndMira and it's called "Endless Miracle." Yung
kantang nagpapanalo sa kanila sa battle of the bands na naging daan para sumikat
sila.
Alam na alam ko ang kanta na 'to. Kabisadong kabisado ng tenga ko ang
tunog ng gitara sa kanta na 'to. But still....iba ang pagkakatugtog ni Ayen.
Parang...parang hindi siya ang tumutugtog. Parang hirap na hirap siya. Hindi ganito
tumugtog ng gitara si Ayen. May mali.
Napatingin ako sa kanya. He's staring at me. And I saw his pained
expression.
"Mia... alam mo ba, never kong nakilala ang tatay ko. Bago rin kami
iwan ni mama, ayaw niyang sabihin sa amin kung sino talaga ang ama ko. But a few
years ago, nahanap ko siya. Nung una, natatakot ako na puntahan siya, pero nandoon
yung hope, eh. Hope na pag uwi ko, may tatay na ako. Na baka ayun na rin ang
dahilan para mapauwi ko si ate from Japan. Dala dala ang birth certificate ko at
ang picture ni mama, pinuntahan ko siya. Pero dapat pala talaga binabaan ko ang
expectation ko, dahil tinaboy niya ako. Kahit anong pakiusap ko, kahit anong
pagmamakaawa ako na atleast, mag usap kami kahit saglit, binalewala niya."
"Ayen..."
"I was so mad and frustrated. I feel so lost. Kasi masyado na akong nag
expect na uuwi akong may tatay. Pero parang nang-aasar dahil hindi lang ama ang
nawala sa akin nung oras na yun kundi pati na rin pangarap ko."
Napatigil si Ayen sa pag strum ng gitara at tinitigan niya ako ng
diretso sa mata. Pain is written all over his face.
"I was on my way back to my hotel room when I saw a bright light
running towards me. And the next thing I knew, I was in a hospital room with a
bandage in my hand and a news that I cannot play a guitar anymore."
Tahimik na bumagsak ang luha sa mga mata ko. I feel a stabbing pain in
my chest habang nakatingin ako sa mga mata ni Ayen. Ayaw paniwalaan ng utak ko ang
mga sinasabi niya.
"Ginawa ko ang lahat, Mia. Ginawa ko ang lahat para makatugtog ulit
pero paulit ulit lang sila nang sinasabi. Na hindi na maayos ang kamay ko. Na hindi
na 'to gagaling. Every time I strum a guitar, I can feel a searing pain from my
hand. And it's been years pero hindi pa rin nawawala ang sakit na yun. Kaya hindi
ako makatugtog nang maayos. Pero hindi ko alam kung ano ang mas masakit eh, yung
kada susubukan kong tumugtog o yung fact na alam kong wala na talagang pag-asa?" I
heard his voice broke at nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.
At mas nabasag ang puso ko to the point na hindi ko na alam ang
sasabihin ko kay Ayen. Na hindi ako makapagsalita dahil ramdam na ramdam ko ang
sakit na nararamdaman niya.
Ibinaba ni Ayen ang gitara niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi
and he gently wipes my tears habang bumabagsak naman ang sarili niyang mga luha.
"Gustong gusto kong um-oo sa request mo. Gusto kong tumugtog para
sa'yo. Gusto kong mag perform kasama mo. Gustong gustong gusto kong tumugtog ulit.
Gustong gusto, Mia. Pero sorry ah? Sorry kung hindi ko na kayang gawin ang bagay na
yun ngayon. Sorry Mia. I'm really sorry."
"Ayen... oh my god, Ayen," napahagulgol ako nang iyak. "I'm sorry. I'm
really, really sorry. Sorry. Sorry." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ko ito
habang sunod sunod ang luha sa mga mata ko.
Si Ayen.. hindi na siya makakatugtog at nasasaktan ako para sa kanya.
Dahil ramdam ko kung gaano kasakit na mawala sa'yo na parang bula ang pangarap mo.
At hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para hindi na siya masaktan. Para
makatugtog ulit siya.
Bakit kailangan sa kanya mangyari ang bagay na 'to? Bakit kailangan
kunin sa kanya ang pangarap niya? He didn't deserve this. He's a kind hearted guy.
He's talented. Bakit siya pa? Bakit?
"Mia..."
Inangat ni Ayen ang mukha ko at hinalikan niya ako sa noo. Then he
kissed my eyelid. Then my cheek. And then...my lips.
"I love you," he whispered in between our kisses. "I love you so much,
Mia."
And I told him I love him back.
Paulit ulit.
Dahil ayun na lang ang tanging magagawa ko para sa kanya Ang mahalin siya nang
buong buo.
And as he carries me to his room, as he lay me on his bed, I tried to
fill up those empty holes in his soul and in his heart. And I know he did the same
with me. We are both so broken and messed up, but that night, he fixed me and I
fixed him and we made each other whole again.
~*~

"Mia.. Miaaaaa!"
Bigla akong napadilat and the first thing I saw is Ayen's face, smiling
widely at me.
"Mia, ready na ang breakfast. Wake up sleepy head!"
Agad akong napabangon nang marinig ko ang word na 'breakfast.'
"Anong ulam?" tanong ko sa kanya.
"Bacon and eggs? You want that?"
Napangiti ako ng malawak, "sobra. May coffee?"
"Naman! Kumpleto ang breakfast na hinanda ko," he said with a wink.
Dali-dali akong tumayo at wala nang hila-hilamos pa. Gutom na ako.
Itinaas ko na lang ako buhok ko into a messy bun at nilingon ko si Ayen na titig na
titig sa akin.
"Uy. Tulala ka. Tara na breakfast!" excited kong sabi.
Umiling siya, "for the first time in my life, parang gusto kong mag
skip ng breakfast."
"Huh? Bakit?"
"You, on my bed, wearing my shirt, and with your hair like that.....p-
pwedeng mamaya na tayo mag breakfast?"
Napatawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya.
"Mamaya maya 'di ba darating na si Jasper Yu? Makikita niya akong
ganito itsura ko. Sige ka, aasarin ka nun."
"Hayaan mo siya."
Napatawa ulit ako at kinurot ko sa ilong si Ayen, "I'm starving. Let's
go eat." I planted a kiss on his lips at naglakad na ako papunta sa kitchen. I
heard him groaned pero sumunod na siya sa akin.
"Naks! Mukhang masarap 'to ah," sabi ko habang paupo sa barstool at
tinitignan ang mga nakahain na pagkain.
"Naman! Ako gumawa niyan eh," pagyayabang naman ni Ayen habang
nilalagyan ang plato ko ng garlic rice at bacon. "Matakaw ako pero marunong din ako
mag luto, 'no. At proud akong sabihin na mas masarap akong mag kare-kare kesa kay
Timi."
"Talaga lang ha? Kailangan kong matikman yan para malaman ko."
"Oo ba. Bukas na bukas gagawan kita," he said.
"Promise yan ah?"
"Promise. And I'm sealing it with a kiss," sabi niya then he planted a
kiss on my lips.
Napangiti ako habang iiling iling.
Napalingon ako sa kanan ko at napansin ko na may package na nakapatong
sa lamesa.
"Uy package. Galing sa fans?" tanong ko sa kanya.
Biglang lumungkot ang expression ni Ayen at umiling siya.
"Nope. Galing sa salarin nito," sabi niya sabay taas ng kamay niya.
"Hmm? Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sa lamesa at kinuha yung package.


"Yung driver ng sasakyan na nakabangga sa akin, padala pa rin nang
padala nang kung anu-ano. Ewan. Nakokonsensya ata sa nagawa niya. Pero ang tagal ko
na siyang sinabihan na itigil na 'to."
"Really? Pero dapat lang. Dala dala na ng konsensya niya ang nagawa
niya."
"Wait, kukunin ko lang ang coffee mo," sabi ni Ayen.
Bago pumunta sa kitchen si Ayen, kinuha ko mula sa kamay niya yung
package. Tinignan ko ang pangalan nang nagpadala.
Carmina Trinidad.
What the? Kapangalan pa siya ni---
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang return
address nung nagpadala. Pakiramdam ko umikot ang buong paligid ko at napahawak ako
bigla sa gilid ng bar table dahil muntikan na akong malaglag sa stool na kinauupuan
ko.
"Hey, you okay?" tanong ni Ayen sa akin.
Tinuro ko yung address.
"N-nasa States yung nagpapadala sa'yo nito? P-pero dito sa Pinas
nangyari yung aksidente mo?"
"Actually....sa States ako naaksidente that's why I was able to hide my
condition sa buong EndMira. Kaya hindi nila nalaman ang nangyari sa akin."
At tuluyan na akong nahulog sa kinauupuan ko. Naramdaman ko na lang ang
mga braso ni Ayen na inaalalayan ako at paulit ulit niya akong tinatanong kung ayos
lang ba ako pero tila nabibingi ako.
Umiling ako. Sinabi kong sumama bigla ang pakiramdam ko. Inalalayan ako
ni Ayen papunta sa kwarto niya pero sinabi ko sa kanya na gusto ko na muna umuwi. I
said na magkaka period na ako kaya ako ganito at hindi naman siya nakipagtalo sa
akin.
The whole ride, pakiramdam ko lumulutang ako. Pakiramdam ko nasa ere
ako at any minute, babagsak na ako. Pinagpapawisan ako but at the same time
nanlalamig ang buong katawan ko. Nang makarating kami sa apartment ko, ayaw pa
akong iwan ni Ayen but I managed to convinced him na umalis na. Hindi ko alam kung
paano ko nakuhang ngumiti at magpanggap sa harap niya. Basta ang alam ko na lang,
the moment na makaalis na siya, nanlambot ang buo kong katawan at napaupo na lang
ako sa sahig.
I heard my phone ring. It's my mom calling.
My mom.
And her name is Carmina Trinidad. She's not married to my dad kaya
hindi niya pa magamit ang surname na Mills.
Carmina Trinidad.
And I just saw our address sa States doon sa package na pinadala kay
Ayen.
Sinagot ko ang tawag ni mommy.
"Mia! Anak! Bukas na ng gabi ang flight namin ng dad mo papunta diyan!
Naku we miss you so much---"
"Jarren Reyes," pagputol ko sa sinasabi niya at pansin ko ang biglaang
pagtahimik ni mommy mula sa kabilang linya. "Do you recognize that name?"
"A-anak..."
"Jarren Reyes. I just saw a package in his house with your name on it."
"M-Mia, l-let me explain----"
"Jarren Reyes told me na naaksidente siya sa States. Car accident. At
dahil sa car accident na yun, hindi na siya makatugtog. At sinabi niya sa akin na
si Carmina Trinidad ang nag d-drive ng kotse nung gabing naaksidente siya."
"Mia---"
"You've never been on a car accident, mom.... I did."
Katahimikan. Nakakabinging katahimikan.
Napapikit ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Biglaang bagsak ang
mga luha sa mata ko.
"Ma....nung gabing naaksidente ako, n-nung gabing nag drive ako ng
lasing at bumangga sa puno yung kotseng sinasakyan ko....Ma...may iba pa ba akong
nabangga?"
Narinig ko ang pag iyak ni mommy mula sa kabilang linya at napahawak
ako sa dibdib ko.
"Ma...ako ba ang may gawa nun? Ako ba ang nakabangga sa kanya?"
"Oo anak..."
At hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni mommy dahil sa lakas
ng pag hagulgol ko nang iyak.
To be continued...

=================

Fortieth Stanza

Fortieth Stanza
MIA MILLS.
"Without a soul, my spirit's sleeping somewhere cold."
- Evanescence, Bring me to Life
Four wounds shaped like a crescent moon. Ganyan ganyan ang itsura ng nasa palad ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa sahig at nakatitig
sa kisame habang umaagos ang luha sa mga mata ko. Clenched fists, my nails dug deep
into my palm. And when I unclenches my fist, I saw it---the crescent moon shaped
wounds. Tig apat sa magkabila kong palad. My nails are bleeding—pati na rin ang
mga palad ko. Pero nakakatawa kasi hindi ko maramdaman ang sakit. Parang namanhid
ang buong katawan ko maliban sa nararamdaman ko.
Napapikit ako at pilit na nilalabanan ang demonyong bumubulong sa isip
ko. Kasi ito na naman ako. Nalagay na naman ako sa sitwasyon kung saan mas gusto ko
nang saktan ang sarili ko physically just so I can forget my emotional pain. Hindi
ko na kasi kayang i-handle 'to eh.
Parang gusto ko na lang maglaho na parang bula.
Ang dami kong sinisisi dahil sa nangyari.
Una ay si Sam.
I used to live a secured life. Nung nasa Pilipinas pa kami, hindi ako
lumalabas, hindi ako gumigimik, ni hindi ako marunong uminom. Nasa bahay lang ako,
tumutugtog ng gitara, minsan pag lumalabas ako ay kapag may performance lang ang
EndMira. Yun lang. But nung lumipat na kami sa States at nakilala ko si Sam, he
taught me how to enjoy my life better. He taught me how to be reckless and fun.
Siya ang nagpa-realize sa akin kung gaano ko kagusto ang pagtugtog at pagkanta. But
thinking about it, I wouldn't be in the bar that night if it wasn't because of him.
Hindi ako ma-h-high ng ganun kung hindi patagong nilagyan ng kaibigan niya ng drugs
ang iniinom kong alak.
And then I'm blaming my dad. He's the main reason why I went to the bar
that night. Siya ang pinaka malaking dahilan kung bakit nasa States kami ng mama ko
in the first place. Second family kami. Ang pamilyang tago. Ang pamilyang hindi
niya kayang panagutan. Oo, kasal sa iba ang dad ko nang mabuntis niya si mama. Oo,
nasa Pilipinas kami dahil may inaalagaan siyang pangalan. He's a business tycoon—
one of the most respected man in the industry. Hindi nga lang sila nagkaanak ng
asawa niya. And when his wife died of cancer, doon lang niya kami dinala sa States.
Akala ni mama magpapakasal na sila. Akala ko, makakasama na namin, but no. The
first few years na nandoon kami, nagtatago pa rin kami. Pero nakakatawa, hindi niya
kami magawang ilabas sa publiko pero nagagawa niyang pagbawalan ako sa mga gusto
kong gawin sa buhay. Nang sabihin kong gusto kong maging singer, he laughed at my
face and told me I'm talentless at wala akong mararating sa pagkanta. Paano niya
ako nahusgahan nang ganun when in fact, wala naman siya sa tabi ko nung lumalaki
ako? Yes I'm his daughter pero hindi niya ako kilala. And I hate him so much dahil
hindi niya ako kayang suportahan. Na hindi niya kayang sabihin sa mundo na anak
niya ako. Pero ang nakakatawa? I'm still craving for his attention. Gusto kong
itrato niya akong anak. Gusto kong maramdaman na mahal niya ako---kami ni mama. And
so I went to the bar that night and drank away all the pain he had caused me.
I'm also blaming my mom for being weak and for loving an asshole like
my dad. I'm blaming her for being so kind kahit na ang dami nang masasakit na
salita ang sinabi sa amin ng pamilya ng dad ko. I'm blaming her because she is one
of the reason why I went to that bar dahil hindi ko na matagalan pang makita siyang
umiiyak that's why I choose to leave.
But in the end, sisihin ko man si Sam, ang ama ko o si mama, hindi ma-
i-a-alis ang fact na ako ang nagmamaneho ng kotse nung gabing yun. Ako ang bumangga
kay Ayen.
Naalala ko ang gabing nun. It was snowing. Madulas ang kalsada. Nawalan
ako ng control sa break ng sasakyan ko. I let go of the steering wheel and just
close my eyes. Ang tumatakbo sa isip ko nun, bahala na kung mamatay ako. I just
want this pain to stop.
Pero nagising ako sa hospital. Sabi ng mama ko, I almost died. Bumangga
ako sa isang puno and a branch almost piereced my lungs. But miraculously, hindi
ito umabot sa akin. That branch could have killed me, or if it, I could have lost
my voice because of it. At dahil doon, naisip ko, ang bagay na yun ang nagsilbing
wake up call sa akin para bumangon ulit. Para i-pursue ang pangarap ko. Muntikan
nang mawala ang boses ko pero hindi itinuloy ni God. Sa isip ko, ito na siguro ang
sign na ibinigay niya para ipakita sa akin na para sa akin talaga ang pag kanta.
Pero hindi ko alam na ang kapalit pala ng boses ko ay ang pagtugtog ni
Ayen.
What happened to me is not a miracle. I stole it from Ayen.
Ako ang dapat nasa kalagayan niya ngayon at hindi siya. Ako ang dapat
na naghihirap, at hindi si Ayen. Kung hindi dahil sa akin, nakakatugtog pa siya.
Nasa stage siya siguro ngayon, nag p-perform kasama ang EndMira. Masaya siya, puno
ng buhay ang mata dahil alam kong buhay niya ang pag tugtog.
But I took that away from him.
If only I could change the past. Kung pwede lang ibalik ang panahon na
yun, kung pwede lang makipagpalit ng pwesto kay Ayen.
Kung pwede lang sana.
Unti unti akong bumangon at pinunasan ko ang mga luha ko. Nanginginig
ang buong katawan ko pero klarong klaro sa isip ko ang dapat kong gawin. Hindi ko
alam kung ano ang magiging reaksyon ni Ayen kapag nalaman niyang lahat nang 'to
pero alam kong hindi ko ito pwedeng itago. At mas lalong alam kong hindi ko 'to
kayang burahin.
Pero may alam ako para makabawi sa kanya.
At sana, hindi man ngayon, pero sana dumating pa rin ang panahon na
mapapatawad niya ako sa nagawa ko sa kanya.
~*~
JARREN REYES
"She is the lighthouse in the night that will safely guide me home."
- Ed Sheeran, Hearts Don't Break Around Here

"Pre, hindi ko inakalang sa akin ka talaga hihingi ng tulong tungkol dito? At


talagang sabay pa nating gagawin 'to," sabi sa akin ni Jasper.
"Wag ka nang magulo at umpisahan na natin 'to," sagot ko naman sa
kanya.
Pareho kaming napatingin sa lamesa na nasa harapan namin. Punong puno
ng mga baking ingredients na 'di ko inakalang kailangan pala sa pag gawa ng cake.
Paano kasi, umuwi sa HQ si Jasper na ang daming pinamiling ingredients.
I-su-surprise nya raw si Nica ng cake. Tinanong ko siya ba't hindi na lang siya
bumili ng cake? Mas edible siguro yung bibilhin niya sa bakeshop kesa yung gagawin
niya. Pero itong sig ago, nakumbinsi ako na mas maganda na pinaghihirapan. Kaya
ayan, nahatak na rin niya akong gawan si Mia ng cake.
Mukha siguro kaming tanga pag nakita niyo kami sa kusina. Mga mukhang
siga pero naka apron na pink na bulaklakin. Donated ni Timi. Mga wala raw kasi
kaming apron kung mag luto dito sa HQ. Napaka "unsanitized" sabi niya. Kaya ayan,
ibinigay niya yung ilang apron doon sa bagong tayo niyang bakeshop. Pink na pink.
Sabay kaming kumuha ni Jasper ng mixing bowl at ginaya ko lahat ng
ginagawa niya. Sukat dito, sukat doon, halo dito, halo doon.
"Sigurado ka ba na tama 'tong ginagawa natin?" tanong ko sa kanya.
"Oo pre, magtiwala ka lang sa akin. Expert na 'ko sa pag gawa ng cake."
"Ilang babae na ba nagawan mo ng cake?"
"Pakyu."
"'To naman, nagtatanong lang."
"Chill ka lang kasi pre. Magiging masarap 'to. Tsaka isa pa, saan ka
nakakita ng lalaki na ipinag b-bake ang mga babaeng gusto nila? Madalas babae ang
gumagawa nito, pero tayo? Tayo lang ang ganito, pare. Hindi mo dapat ikahiya 'to
dahil ang mga lalaking nag e-effort na ipag bake ang babae ay sila ang mga tunay na
mapagmahal."
Napatango ako sa sinabi ni Jasper. Minsan din talaga dapat nakikinig
ako sa gagong 'to. May natututunan din ako sa kanya.
"Sige! Madalas ko nang ipagb-bake si Mia!"
"Yun, oh! Sabay tayo."
Napahinto ako bigla.
"Pero hindi baka manaba yun at mapagalitan ng manager niya. Lagi ko pa
naman siya hinahatak mag food trip. Tsaka mamaya hindi niya kainin 'to kasi diet
siya."
"Eh diyan mo malalaman kung mahal ka talaga niya. Kahit diet siya,
kakainin niya yan kasi gawa mo yan at pinaghirapan mo yan."
Napatingin ako sa kanya at napangisi.
"Hugot na hugot, ah. May naalala?"
"Ulol. Past is past!"
Natawa na lang ako. Naalala ko kasi nung college kami nang minsang nag
bake itong si Jasper para sa isang babae pero hindi tinanggap ang ginawa niyang
cake sa kadahilanang diet ito.
Saklap.
"Pero makinig ka lang sa akin pareng Ayen. Sumunod ka lang sa mga yapak
ko. Ayos ka naman pumorma eh. Napapakilig mo naman si Mia. Ang kulang na lang sa'yo
eh ma-devirginize ka."
Bigla akong nasamid sa sinabi niya at agad akong pumunta sa
refrigerator para kumuha ng tubig. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko, eh.
Tsaka ba't biglang ang init?
"Oh, ayos ka lang?" tanong niya.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Jasper at sunod sunod ang pag lagok ko
ng tubig.
"Huy pre. Nangamatis ang mukha mo---ay shit! Shit shit shit!" sabi niya
habang ngiting ngiti at ang itsura eh para siyang nanalo sa lotto.
"Oh, ano?!" inis kong tanong.
"MAY NANGYARI SA INYO NI MIA--?"
Agad akong lumapit sa kanya at tinakpan ko ang bibig niya.
"Gago sige sigaw! Napaka ingay mo."
"Shit pare! Binata ka na talaga! Kelan nangyari? Saan? Paano? Nilasing
mo ba?"
"Loko. Anong tingin mo sa'kin? Wag mo 'kong igaya sa'yo! At hindi ako
magkukwento sa'yo. Sa amin na lang yun."
Tinapik ako ni Jasper sa balikat.
"Naks,
good boy! Manang mana ka talaga sa akin."
Napangiti rin ako itinuloy ko ang pag hahalo.
"Enjoy ka naman?" tanong ni Jasper.
"Gago. Hindi ka talaga titigil 'no?"
Napatawa ulit si Jasper.
"Tangina, kailangan kong magpa-party para sa'yo pre. I'm so proud of
you. I thought you're never gonna get laid."
Napailing na lang ako sa kagaguhan ng kaibigan ko.
~*~
"Ang sakit sa bangs," sabi ni Timi habang nakatingin sa dalawang sunog
na cake sa harapan niya pero hilaw ang loob. Nakapatong ito sa lamesang punong puno
ng flour at medyo malagkit lagkit pa kasi may tatlong itlog kaming nabasag na hindi
pa namin nagawang punasan. Sa sahig ay ang daming tulo ng chocolate. Yung pink na
apron na suot namin ay may batik batik na rin ng brown, white at yellow.
"Mga tanga, hindi kayo nag preheat ng oven 'no? At sa liit ng oven na
'to, pinag sabay niyo yung dalawang cake. Ayan ang nangyari."
Napakamot kami pareho sa ulo ni Jasper.
"Hindi na ba mare-remedyuhan?"
"Mr. Jarren Reyes, dahil first time mong mag bake, ipapaliwanag ko lang
sa'yo na sa pag b-bake, walang reme-remedyo. Pag hindi tama ang naging sukat mo,
palpak ang kalalabasan. Katulad nitong nagawa niyo ni Jasper."
"Ikaw kasi nakisabay ka pa sa akin," paninisi ni Jasper.
"Ikaw ang namilit na gumawa rin ako!"
"Wag na nga kayong mag away! Bumili na lang kayo ng cake kung gusto
niyong supresahin ang mga jowa niyo. At please lang, paki linis 'tong kusina niyo.
Hindi ko maintindihan bakit ganyan kayo kakalat mag bake!" nakapamewang na sabi ni
Timi. Napayuko na lang kami ni Jasper na parang mga batang napagalitan ng nanay at
kumuha ng tig-isang basahan atsaka nag punas doon.
"Timi?"
Napa-angat ang tingin ko at nakita ko si Ice na papalapit sa amin.
Bigla naman nag liwanag ang mukha ni Timi.
"Ice!"
Agad itong yumakap kay Ice. Ice hugged her back.
"Nasaan si Ayen?" dinig kong tanong ni Ice.
"Nandoon sa kusina naglilinis!"
Takang taka na napatingin sa amin si Ice.
"O baket? Titingin tingin mo dyan!" sabi ni Jasper. "Gusto mo rin mag
linis?"
Kumunot ang noo ni Ice.
"Ba't mo 'ko hinahanap?" tanong ko naman.
"Pumunta ka sa opisina, nagkakagulo sila doon."
"Huh? Bakit?"
"It's Mia. I think gusto niyang mag drop out sa competition."
"Ha?!"
Bigla kong binitiwan ang basahan na hawak ko at agad kong hinubad ang
apron na suot ko.
Walang sali-salita ay agad akong lumabas at sumakay sa kotse para
pumunta sa office.
On my way to the office, tinatawagan ko si Mia but she's not answering
her phone.
Shit, what happened to her? Bakit bigla siyang nag d-drop out? At bakit
hindi niya ako sinasabihan?
Okay kami kahapon. Masaya kami kahapon. Anong nangyari sa kanya ngayon?
Dahil ba sa dad niya? Dahil pinag q-quit siya?
Shit.
Pagkarating ko doon ay patakbo akong pumunta sa opisina. Pero sa lobby
pa lang ay nakita ko na si Mia na palabas na ng building.
"Mia!"
Napahinto siya. Pain is written all over her face.
"Mia... what happened?"
Umiling siya pero hindi siya nag salita at naglakad na lang siya
palayo.
"Mia wait!" hinawakan ko siya sa wrist kaya naman napahinto siya.
"Nag drop out ka?" tumango siya. "Pumayag sila?" isa pa ulit tango.
Napapikit ako. Parang nahulog ang puso ko. Hinila ko siya paharap sa
akin but she won't meet my gaze.
"Mia why?"
Umiling lang siya pero ayaw niyang sumagot.
"Please Mia answer me!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa-
taas ang boses ko na maging si Mia ay nagulat.
Pero hindi ko mapigilan. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Ramdam ko ang
takot na baka may nangyaring hindi maganda kay Mia.
Natatakot ako na baka nasira ang boses niya at hindi na siya makakanta.
Na baka natulad siya sa akin at ayokong ayokong mangyari iyon sa kanya. Ayokong
maranasan niya yun.
Pero itong kinikilos niya---yung bigla na lang siyang nag quit, yung
ayaw niyang sabihin sa akin ang dahilan, ganitong ganito ako noon sa EndMira.
Hinawakan ko ang magkabilang mukha niya at pilit kong inangat ang
tingin niya sa akin.
"Please tell me what's wrong. Bakit itinatapon mo nang ganito lang ang
pangarap mo? Mia, please. Baka makatulong ako."
"Ayen..." idinikit niya ang ulo niya sa dibdib ko and then, she burst
into tears.
"Mia?"
"Ayen sorry..."
"Hey, what's wrong?"
Huminga nang malalim si Mia at pinunasan niya ang mga luha sa mga mata
niya.
"Pwede bang mamayang gabi ko na lang sabihin sa'yo kung ano ang
problema?"
"But Mia---"
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito nang mahigpit.
Pagkatapos ay ngumiti siya nang malawak.
"Alam mo, na-realize ko na hindi pa tayo nakakapag date as a couple.
Gusto kong maranasan yun---yung normal na date lang. Pwede bang ngayon? Ngayong
buong araw lumabas tayo at mag enjoy? Then mamayang gabi pag uwi natin, I promise
you, sasabihin ko sa'yo kung bakit. Pero sa ngayon, kahit ngayon lang, gusto ko
munang kalimutan ang lahat."
Napatitig ako sa mata ni Mia. Nakita ko ang pagmakakaawa dito. At sa
kabila nang pagka kaba ko, ngumiti ako at tumango. Dahil nararamdaman kong
kailangan ito ni Mia.
Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap nang mahigpit.
"Sige go. Gusto mong mag road trip?"
Napangiti si Mia.
"Tara!"
To be continued...

Guys sobraaaaang sorry!! Ang late late nung update. Grabeng stress at pagka busy
lang sa work kaya hirap na hirap akong isingit ang update sa sched. Naabutan na rin
ito ng bakasyon ko at ayoko naman magsulat habang nasa vacation ako. Kaya ngayon
lang. Salamat sa mga matyagang nag antay. At para naman sa mga nag d-doubt kung
tatapusin ko pa ba 'to--OO naman. Jusko. Pinaghirapan kong tahiin at isipin maigi
ang kwento at twist nito kaya tatapusin ko po talaga 'to.  Salamat sa pag aantay!
Hopefully mas mabilis na ang update. Hindi ko maipapangako but I will try my best! 

Love,
Aly
=================

Forty First Stanza

RECAP (para sa mga nakalimot sa nangyari)


- Nalaman ni Mia na siya ang dahilan kung bakit hindi na nakakatugtog si Ayen kaya
naman nag quit siya sa competiton. Nang malaman ni Ayen na nag quit si Mia, he
confronted her. Hindi makasagot si Mia, instead, she told Ayen na mag date sila,
isang buong araw, after nun, sasabihin na niya ang lahat. Ayen agreed and invited
Mia to go on a roadtrip.

Forty First Stanza


MIA MILLS.
"How could I ever let you go? Is it too late to let you know?"
- MYMP, Only Reminds Me of You
Isang buong araw.
Isang buong araw kung saan normal lang ang lahat.
Walang aksidenteng nangyari. Walang napaka komplikadong sitwasyon.
Walang problema.
It's just me and Ayen and our love for each other.
Isang buong araw kung saan pwede kong isipin na isa lang kaming
ordinary couple kung saan ang mga problema namin ay ordinaryo lang din. Yung tipong
ang mga hindi namin pinagkakasunduan ay kung saan kami kakain, saan kami pupunta,
ano ang dapat namin gawin.
Ayun lang.
Simple lang.
Walang pang teleseryeng problema.
Isang araw lang. Kahit ngayong araw lang. Isang nakaw na araw.
Dahil pag natapos na ang araw na 'to, sasabihin ko na sa kanya ang
lahat. Ang tungkol sa aksidente at kung paano ko ninakaw ang pangarap niya.
And yes I admit, I'm scared to death. Natatakot ako sa magiging
reaksyon niya. Natatakot ako na baka habang buhay niya na akong hindi patawarin.
Pero mas natatakot ako na mawala siya sa akin ng tuluyan.
Napapikit na lang ako and I whisper a silent prayer.
God, kung ano man po ang mangyari, sana makayanan ko.
~*~
Hindi ko napansin na naka-idlip pala ako sa sasakyan. Pag gising ko,
wala na kami sa city.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse at nakita kong nasa south na
kami going to Laguna.
"Yun, gising ka na. Mag stop over muna tayo saglit sa Nuvali. May
kailangan tayong bilin," sabi ni Ayen.
"Ano?"
He grinned, "secret."
Medyo napaayos ako ng upo.
"Saan ba tayo papunta?"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya, "secret ulit."
Pinanliitan ko nang mata si Ayen.
"Sige clue na lang."
"Clue? Hmm.." napaisip si Ayen. "May mga tao doon."
I rolled my eyes at him, "malamang!"
Napatawa naman ng malakas si Ayen.
"Dali na, ano nga?" pangungulit ko sa kanya.
"Basta, mag-tiwala ka lang sa akin. Mag eenjoy ka," he winked at me
kaya naman napangiti na lang ako.
"Okay fine."
Maya maya lang ay nag p-park na si Ayen sa Nuvali.
"Mia, gutom ka na ba?"
"Sakto lang. Kakain na ba tayo?"
"Gusto ko sana sa iba kumain, eh. Okay lang ba sa'yo may bibilhin lang
tayo dito tapos sa masarap tayo kakain after?"
"Okay lang. Pero saan ba tayo papunta talaga? At anong bibilhin natin?"
"Basta nga," sagot niya sa akin habang naka-lean forward at inaalis ang
pagkaka-kabit ng seatbelt ko. "Baba na tayo."
Bumaba kami ni Ayen sa kotse at dinala niya ako sa isang store---Sports
Store.
Takang taka akong tumingin kay Ayen.
"Ah, Ayen---?"
"Wait, wag kang magulo," sabi niya at hinarap niya ako sa kanya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Sige, dito."
Hinila niya ako sa women's section. Pinaupo sa isang gilid at siya na
pumili ng damit. Isang maong shorts, t-shirt, at sinamahan pa niya ng sneakers at
medyas.
"Para saan 'to? Kinakabahan na 'ko, ah," sabi ko habang isinusukat yung
sneakers na pinili niya.
"Basta. Trust me. Mag-eenjoy ka," he winked.
Napangiti na lang ako.
I trust him.
Kaso nakakakonsensya kasi hindi na dapat niya ako pagkatiwalaan.
Bumili rin si Ayen ng sarili niyang set ng shorts, shirt at sneakers.
At talagang pinili niya yung kapareho nung sakit.
"Para pair," sabi niya na medyo nahihiya hiya pa. "Kasi alam mo na---
ngayon ko lang nararanasan yung mga ganito, eh. Yung may ka pair," napakamot siya
sa likod ng ulo niya at medyo nahihiya-hiyang tumingin sa'kin. "Korny ba?"
Napangiti ako at niyakap siya, "sweet kaya."
He hugged me back, "o baka sinasabi mo lang sa akin 'yan dahil in love
ka sa'kin?"
Medyo humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya at nagpanggap na shocked
sa sinabi niya, "huh? In love? Ako? 'Di kaya ako in love sa'yo. Ginagamit ko lang
katawan mo. Gusto lang talaga kitang matikman."
Napatawa si Ayen, "sabi ko na nga ba! Mas hot kasi talaga ako kay
Jasper, 'no?"
"Oo naman. Proven and tested. Magaling pa sa---"
Bigla niya tinakpan ang bibig ko, "uy! Rated SPG na 'yan!"
"Loko! Sasabihin ko magaling pa sa paggawa ng kanta. Anong nasa isip
mo, ha?"
"W-wala... yun nga."
"Sus! May namimiss gawin.." pangaasar ko sa kanya.
"Ikaw! Halika nga rito!"
Hinila niya ulit ako palapit sa kanya at hinug nang mahigpit at
hinalikan sa pisngi. Nakita ko naman yung isang group of friends na nakatingin sa
aming dalawa. Ang talim ng tingin.
"PDA," bulong nung isa.
"Di ba yan yung Mia Mills? Ang PDA ah."
"Sabihan ba natin na mag mot-mot na lang sila?"
Nagtawanan yung barkada.
Naramdaman kong medyo humiwalay sa akin si Ayen. Narinig siguro yung
bulungan nung mga bruha. Pero hinila ko siya at hindi lumayo sa kanya.
"Don't mind them," bulong ko. "Mga walang lovelife. Ang pogi pogi ng
boyfriend ko kaya inggit na inggit ang mga yan."
Medyo mapapangiti si Ayen at aakbayan ako, "pinipicture-an na nila
tayo. Viral na tayo bukas. Marami nang single ang maiinggit sa atin."
Pabiro kong kinurot si Ayen sa tagiliran. Tinawanan lang ako ng loko.
After nun, binayaran na namin ang mga pinamili namin at umalis na kami.
~*~
Dinala ako ni Ayen sa Tagaytay at parang medyo naliliwanagan na ako
kung bakit binilhan niya ako ng damit. Tagaytay 'to eh. At naka dress ako ngayon at
doll shoes.
"Are we going to do zipline?" tanong ko sa kanya. "And horseback
riding?"
"Zipline—yes. Horseback riding? Uhmm, mas may exciting tayong pwedeng
gawin."
"Ano?"
"Secret!"
"Hay naku! Secret again!"
Natawa siya, "bago ang lahat, mag lunch muna tayo."
Dinala ako ni Ayen sa isang restaurant---Down the Rabbit Hole ang
pangalan at yung exterior design nito, para ngang isang rabbit hole – slash – bahay
ng mga Hobbits sa movie na Lord of the Rings. Comfy yung loob. Puro wodden tables
and chairs. May nakasabit na makukulay na lamps. May mga plants din sa loob at
meron pa silang fireplace. Sa table, ang centerpiece nila ay sunflowers na nasa
mason jar.
Naupo kaming dalawa ni Ayen sa table near the window para overlooking
the Taal Lake. Ang relaxing ng vibes. Ang sarap mag stay dito.
Um-order kami ng bulalo since ayun ang specialty nila rito. With
dynamite as our appetizer. Pina-try rin sa akin ni Ayen ang fruitshakes nila kasi
the best daw.
"How did you discover this place?" tanong ko kay Ayen habang kumakain
kami.
Ayen laughed at my question, "talagang ako tinatanong mo niyan?"
"Oh well, oo nga pala, basta kainan alam mo kung saan masarap."
"No actually, nung Highschool kami, na-imbitahan ang buong EndMira na
tumugtog dito sa Tagaytay. Kasama pa namin si Timi nun at siya pa ang kumakanta
para sa amin. Nung time na yun kasi, biglang hindi nakasama si Ice sa amin. But
after gig, sumunod si Ice. Tapos may pinuntahan sila ni Timi. Si Geo naman,
sinamahan yung bestfriend ni Timi na si Rika. Naiwan kami ni Will at Jasper para
gumimik. Eh itong si Jasper, may nakilala na mga chiks. Nayaya kaming uminom. Wala
ako sa mood that time uminom. Gusto kong magsulat ng kanta. Kaya ayun, sila lang
ang sumama at naiwan akong magisa. Naglakad lakad ako para maghanap ng tahimik na
lugar and I found this place. Hindi maingay. Medyo tago. Pero great spot."
Napangiti ako nang bahagya.
"Dito mo ba sinulat yung kanta niyong Crush?"
Nakita ko ang gulat sa mata ni Ayen, "paano mo nalaman?"
Medyo natawa ako nang bahagya. I cleared my throat at kinanta ko ang
isang part sa song na yun.
"Alam ko kaibigan lang kita,
Pero nang umalis ka nang kasama siya
Biglang selos ang aking nadama.
Alam ko masaya ako,
Gusto kong pumarty kasama nila,
Pero nang makita kong napatawa ka niya,
Mood ko'y biglang nagbago,
At nabadtrip ako.
Marahil nga ay crush kita."
Napakamot sa ulo si Ayen, "ganun ba ka obvious?"
Natawa ako, "hindi naman. Kilala lang talaga kita."
Nginitian ako ni Ayen and he touched my hand from across the table,
"pero atleast ngayon puro masasayang kanta ang naisusulat ko dahil sa'yo."
I smiled back. Isang malaking ngiti. Ginawa kong sobrang lawak para
hindi niya mahalata na gusto kong umiyak.
Paano na lang pag nalaman niya ang totoo? Kaya ko pa bang sabihin sa
kanya?
~*~
Matapos kumain ay medyo nagpababa muna kami ni Ayen. Tamang kuha ng
picture sa may Taal. Namili na rin agad kami ng pasalubong bago pa magkalimutan.
After nun, pumunta kami sa Picnic Grove para mag zipline. Dahil hindi ko naman
first time mag zipline, easy easy lang sa akin 'to. Naka dalawang balik pa ako at
sa pangalawang beses, magkasabay na kami ni Ayen. Nagpakuha pa kami ng photo.
"Ang ganda naman nung kasama ko, oh," sabi ni Ayen habang hawak niya
yung photo namin. Pareho
kaming pawisan pero ang lawak nang ngiti.
Natawa ako, "nambola na naman."
"Edi sige, ang ganda na lang ng kasama mo."
Hinampas ko nang bahagya si Ayen sa braso, "ewan ko sa'yo!"
"Pero teka, ang daya na try mo na pala mag zipline, eh. Akala ko first
time mo."
"Nalungkot ka ba? Kaya ba binilhan mo ako ng t-shirt, shorts at
sneakers dahil akala mo hindi ko pa na-t-try mag zipline?"
"Medyo."
"Anong medyo?"
"Medyo yan ang dahilan. Pero may iba pa talagang reason."
"Ano?"
Hinawakan ni Ayen ang kamay ko, "tara!"
~*~
"Ayen, ayoko! Hindi ko kayaaaaa! Uuwi na 'ko!"
"Ano ka ba. Sisiw lang yan. Kayang kaya mo yan!"
Napalunok ako.
Paano kasi ang gusto niyang mangyari ay mag hiking kami sa bundok to
get a better view doon sa crater ng Taal volcano. Never ba akong nakapag hiking in
my entire life at natatakot ako kasi feeling ko hindi ko kakayanin.
"Mia, thirty minutes lang ang lalakarin natin paakyat. Kayang kaya mo
yan. Sisiw na sisiw lang yan."
Napahinga ako nang malalim at napatingin kay Ayen.
"I promise, worth it 'to."
At wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.
Habang paakyat kami ni Ayen, may nakita akong mga umaakyat din nang
naka-kabayo. Tinanong ko si Ayen kung bakit hindi na lang kami nagkabayo paakyat
para mas madali ang buhay.
"Tignan mo nga yung mga kabayo, ang m-malnourished na. Mukha silang
kawawa. Hindi ko nga alam kung napapakain ng tama ang mga 'yan," sabi ni Ayen.
"Tsaka pag akyat mo doon, ang daming vendors na lalapit sa'yo. I g-guilt trip ka na
bilhan ng pagkain at tubig yung guide mo. Eh sobrang laki sila mag presyo."
Naikwento rin sa akin ni Ayen na nagpunta na rin silang EndMira rito
with Timi dati. Nag hike din sila pa-akyat. After nun, mag-isa na lang si Ayen na
bumabalik dito. Kung gusto niya nang mabilisang pamumundok, dito siya pumupunta.
Nakakapag isip kasi siya habang naglalakad paakyat at pababa.
Nang marating namin ang tuktok, dinala agad ako ni Ayen sa may crater
ng Taal. Ang ganda ng view. Ang sarap sa feeling.
Nang pababa kami, saktong palubog na rin ang araw. Mas lalong dobleng
ganda ang view kaya naman nakailang hinto ako para mag take ng photo. Naka-ilang
selfie kami ni Ayen. Nakailang palit ng wallpaper sa phone. In the end, ginamit
naming wallpaper ang magkaparehong picture. Nakatalikod kami sa camera, nakaharap
sa palubog na araw. Silhouette lang ang kita pero kita ang ganda ng langit.
Nautusan namin yung isa ring turista na pababa na kuhanan kami ng photo. Buti
photographer si kuya, magaling um-angle.
"Na-enjoy mo ba?" tanong sa akin ni Ayen nang pababa na kami.
"Sobra!"
Ngumiti siya, "so next time mas mataas na bundok na aakyatin natin,
ah?"
Hindi ako nakasagot agad.
Next time.
Magkakaroon pa kaya nun after mong malaman ang tungkol sa aksidente?
"Huy! Ano? Hindi ka makasagot? Ayaw mo na atang umakyat, eh!" natatawa
tawa niyang sabi.
Ngumiti ako, "gusto ko syempre. But you should promise me too na
isasama mo ako sa next time na 'yan."
"Oo naman. Promise 'yan!"
Maiintindihan ko Ayen, kung hindi mo matutupad.
Nang makababa kami ni Ayen, diretso agad kami sa unang restaurant na
makita namin para mag dinner. Pareho kaming gutom na gutom. After kumain at medyo
nakapagpahinga, nagpunta kami ni Ayen sa isang public bath para mag relax. May
built in hot spring sila dito at naglublob kami—well sa magkabilang side dahil
hiwalay ang babae at lalake. Dito na rin ako naligo dahil amoy araw at usok ako
gawa nang pagakyat namin sa bundok. Ginamit ko na lang yung dress na suot ko kanina
pampalit.
"Uy! Ang bango mo na!" sabi ni Ayen after two hours ng pagbababad sa
hotspring. Inakbayan niya ako at inamoy ang buhok ko, "ang bango ng shampoo mo,
ah."
Tumingkayad ako at inamoy ko rin yung buhok niya, "yours too. Parang
iisa yung ginamit natin."
Pareho kaming natawa.
"So what are we going to do now?"
"Hmm.. ano kaya," he grinned, "inom?"
Napangiti rin ako, "tara!"
Bumili kami ng apat na red horse. Tig dalawang bote kami para hindi
malasing. Pumarada naman si Ayen sa isang parte ng Tagaytay kung saan overlooking
the taal lake. At katulad ng dati, sumampa kami sa harap ng kotse nya at doon
naginuman.
Kung anu-ano lang ang pinaguusapan namin. Pagkain, mga lugar, mga
kanta, yung magkakaibigang nagparinig sa amin na PDA kami, yung turistang kumuha ng
photo namin, kung anu-ano.
Parang normal couple lang. Ordinaryo. Walang mabigat na problema.
Sa bawat pagkukwento niya, gusto kong sumingit at sabihing, "Ayen, ako
ang nakabangga sa'yo. Ako ang dahilan kung bakit hindi ka na makatugtog."
Pero hindi ko kaya. Hindi ko magawa.
Kada ngiti niya, kada tawa niya, napapaatras ako.
Kaya ko bang mawala 'to?
Ilang beses akong tumingin sa orasan. Sabi ko, pagpatak ng alas-dose,
sasabihin ko na. Patatapusin ko lang ang araw na 'to. Yun lang. Kaso bawat pag
galaw ng kamay ng relo na suot ko, parang pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko.
Ayoko pang matapos ang araw na 'to. Ayoko pa.
Pwede bang ihinto ang oras?
Pwede bang wag na lang?
Pwede bang bumalik sa past at itama ang pagkakamali ko para hindi na
namin kailangan pang danasin ang ganito?
Please.
Hindi pa man natatapos, nararamdaman ko na ang sakit. Paano kung
dumating pa sa puntong sasabihin ko na sa kanya?
Paano ko makakaya?
~*~
Bigla akong naalimpungatan. Napaayos ako nang upo at nakita kong nasa
loob na ako ng kotse.
"Good morning!" bati ni Ayen.
Kinusot kusot ko ang mata ko at agad kong tinignan ang relo sa wrist
ko.
It's already past 5 in the morning.
Lumagpas ang alas dose ng hating gabi nang nakatulog ako. Ang huling
naalala ko ay limang minuto na lang bago mag twelve midnight. Nakahiga na kami ni
Ayen at niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Pinikit ko ang mata ko. Hindi ko
namalayang nakatulog ako.
Napaayos ako nang upo.
"Pabalik na tayo ng Manila?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya, "nope! May last stop pa tayo, syempre."
"Saan?"
"Batangas," he winked.
"Batangas?! Hindi ka pa ba pagod mag maneho?"
"Hindi, kayang kaya ko pa. Nakatulog din ako nang ilang oras.
Kalahating bote lang din ng beer nainom ko. Ikaw naubos mo yung dalawa."
Napakamot ako ng ulo, "so hindi pa tapos ang araw natin?"
"Hindi pa. May extention pa tayo."
Napangiti ako nang bahagya.
Extention.
May ilang nakaw na oras pa ako.
Dinala ako ni Ayen sa isang beach. Dali dali kaming tumakbo para abutan
ang sunrise. Ang ganda. Sobrang ganda.
Niyakap ako ni Ayen.
"Di ba? Nag sunset tayo kagabi, nag sunrise pa tayo ngayon."
"Thank you, Ayen ha? Thank you talaga."
"Ba't ka nag t-thank you? Normal lang naman na gawin ko 'to sa'yo, eh
kasi girlfriend kita."
Mas lalong hinigpitan ni Ayen ang yakap niya.
"Alam mo ba, yung ginawa natin, dati sa paningin ko sobrang cheesy," pagpapatuloy
niya. "Lalo na yung PDA in public at yung couples na nagpapa picture na kung anu-
ano pang ka ek-ek-an ang pose. Pero, pag ikaw na pala ang nandoon, wala ka nang
paki. Basta gusto kong i-hug yung babaeng mahal ko. Kahit nasa public place pa,
bahala sila diyan mamatay sa inggit. Basta gusto ko nang magandang litrato kasama
ang babaeng mahal ko. Wala akong paki kung ang cheesy para sa kanila. Gusto ko 'to,
eh."
Tinitigan ko si Ayen sa mata. Full of sincerity ang mukha niya. He's
genuinely happy. Kitang kita ko yun. And my heart is already breaking. Alam kong
dapat ko nang sabihin sa kanya. He deserves the truth. Hindi ko na pwedeng
patagalin.
Yun lang, wag sa lugar na 'to. Kung magkakaroon kami nang last memory
dito, gusto ko maganda.
I tiptoed and kissed him gently. Naramdaman ko ang kamay niya sa waist
ko at gumanti siya nang halik.
A sweet kiss. A gentle kiss.
Gusto kong umiyak.
When I let go, hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit.
"Uwi na tayo," I whispered.
The whole ride back in Manila, I tried my best na maging normal.
Nakikipagkulitan sa kanya, nakikipag kwentuhan, kumakanta habang nag r-roadtrip.
Pero maya't maya ay tinitignan ako ni Ayen. Maya't maya ay natitigilan
siya. Siguro dahil naghahanap din siya ng tyempo para tanungin ako kung bakit bigla
akong nag quit sa competition.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko, gusto ko na lang umiyak.
Hindi ko na maiiwasan 'to.
"Uhmm, Ayen...p-pwede bang samahan mo muna ako sa loob? I—I want to
tell you something."
Tinignan ako ni Ayen, "tungkol sa competition?"
Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Okay. Mia, pwede mong sabihin lahat sa akin, okay? Kakampi mo ako."
At hindi ko na napigilan ang pagbagsak nang luha sa mata ko.
"Hey, Mia..." he pulled me near him and enveloped me in his arms. "It's
okay. You can tell me, okay?"
Tumango ako.
"T-tara sa loob..."
Bumaba kami ni Ayen sa kotse. Lumapit agad siya sa tabi ko and he
gently squeezed my hand and gave me an encouraging smile.
I smiled back.
"Mia?"
At agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses na
yun.

Ayokong lumingon. Ayokong itindihin. Gusto kong isipin na guni guni


lang lahat.
Please wag ngayon...
"Carmina Trinidad..." bulong ni Ayen, at katulad ko ay nawala na rin
ang ngiti sa labi niya. "K-kilala mo siya?"
"M-Mia... anak..."
"Anak?" hindi makapaniwalang sabi ni Ayen. "S-she's your mom?"
Tumango ako, at tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"T-teka, naguguluhan ako. Nanay mo ang babaeng sumagasa sa akin at alam
mo 'to? At tinago mo sa akin 'to?"
Halos hindi ako makapagsalita dahil sa sunod sunod na paghikbi ko
kakaiyak. Naramdaman ko ang mga braso ni mommy sa balikat ko.
"Jarren, let me explain---!"
"Siya ang kausap ko!" pagtataas ng boses ni Ayen sa mommy ko. "Mia,
please! Tell me this isn't true."
Mas lalo akong napahagulgol nang iyak.
"Ayen... h-hindi totoong si mommy nakasagasa sa'yo---"
"Mia!" suway ni Mommy pero tuloy tuloy ako sa pagsasalita."
"I'm sorry Ayen. I'm sorry! Ako ang nagmamaneho nung kotse nung gabing
yun. I'm sorry! I'm so sorry! Ayen!"
At nakita ko ang pagbagsak nang luha sa mga mata niya.
"Ayen! Please, hindi ko sinasadya yun. Hindi talaga! Please please
pakinggan mo 'ko."
Niyakap ko ang braso niya pero tinabing niya ako at tuloy tuloy na
naglakad papunta sa kotse niya.
Humabol ako sa kanya. Dahil alam kong hindi ko kayang mawala siya.
Hindi ko pwedeng hayaan na masira 'to. Ayoko. Hindi ako papayag.
"Ayen please! Ayen!" muli kong hinawakan ang braso niya at niyakap ito
nang mahigpit pero tinabing niya ulit ako.
Humarap siya sa akin. His eyes are a mixture of anger and pain.
"Wag mo muna akong kausapin."
At tuluyan na siyang umalis.
To be continued...
Aly's Note:
Last chapter pansin ko ang daming nagtanong na: "HINDI NA BA VIRGIN SI AYEN?! KELAN
NANGYARI YUN?!"
Okaaaay, here's a thing: alam niyo naman na wala akong plano (sa ngayon) na
magsulat ng detailed bedscene 'di ba kaya dinadaan ko sa symbolism at word play
lahat. Hahahaha. 
Here's an excerpt from 39th stanza right after malaman ni Mia na hindi na
nakakatugtog si Ayen bec of his injured hand:
"And as he carries me to his room, as he lay me on his bed, I tried to fill up
those empty holes in his soul and in his heart. And I know he did the same with me.
We are both so broken and messed up, but that night, he fixed me and I fixed him
and we made each other whole again."
If you read between the lines, maiintindihan niyo. If hindi pa rin, okay sige i-co-
confirm ko na---YES MAY NANGYARI SA KANILA THAT NIGHT.
Clear na? Clear. 

=================

Forty Second Stanza

Forty Second Stanza


JARREN REYES
"You can't play on broken strings. You can't feel anything that your heart don't
want to feel."
- James Morrison feat Nelly Furtado, Broken Strings
Hindi ito pwedeng maging totoo. Hindi. Hindi pwede.
Ayan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nagmamaneho ako
palayo.
Si Mia? Siya?
Hindi pwede.
Please. Iba na lang. Ibang tao na lang. Kahit sino, basta wag si Mia.
Wag siya. Hindi pwedeng maging si Mia.
Kung ibang tao, mas madaling magalit. Mas madali akong makakausad. Mas
madali akong makakaiwas. Mas kaya ko silang tanggalin sa buhay ko. Mas kaya kong
kalimutan.
Pero si Mia?
Bigla kong inihinto ang kotse ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela.
Hindi ako makahinga. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Nanginginig ang buong
katawan ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Gusto kong iumpog ang sarili ko
sa pader. Paulit ulit. Hanggang sa magising ako.
Panaginip lang 'to, hindi ba?
Napahawak ang sa dibdib ko.
Naninikip. Halos wala nang hangin na lumalabas.
Bakit ang sakit sakit?
Akala ko wala na akong hindi mahaharap sa dami nang pinagdaanan ko.
Ang hirap na dinanas ko sa pamilya ko.
Ang sakit na naramdaman ko dahil sa unang babaeng minahal ko.
Ang biglaang pag-guho ng pangarap ko.
Ang masasakit na karananasan na yun, akala ko wala nang mas lalala
doon.
Pero ito... itong nangyari ngayon. Higit pa 'to sa lahat ng naranasan
ko.
Bakit si Mia pa? Bakit kailangan siya pa?
Huminga ulit ako nang malalim at sinubukang pa-kalmahin ang sarili ko.
Gulong gulo ako pero sinubukan kong mag isip ng diretso.
Kailangan kong umalis.
Nagmaneho ako papunta sa HQ.
~*~
Nang makarating ako sa headquarters ng EndMira, ang daming tao doon.
Kumpleto sila. Ang EndMira. Nandoon din si Timi. Masaya silang nagtatawanan at
nagkukwentuhan.
Marahan akong pumasok sa loob ng HQ pero hindi pa rin ako nakaligtas sa
mga tingin nila.
"Ayan na si Ayen m'boy!" bati ni Jasper at inakbayan ako. "Magdamag na
kasama si Mia!"
"Why the long face, Ayen?" tanong naman ni Timi.
"Nag away kayo ni Mia 'no?" tanong naman ni Geo.
"Naku naku! LQ agad?" pagbibiro naman William at nagtawanan silang
lahat
Hindi ako umimik. Hindi ko masagot ang tanong nila at hindi ko rin sila
magawang tignan pare-pareho.
Kada may problema ako, lagi kong sinasarili. Alam ko kasing may kanya
kanya silang problemang dinadala at ayokong maging pabigat sa kanila.
Pabigat.
Ayan yung mga katagang madalas kong naririnig sa tiyahin ko kung saan
kami tumira dati ni ate bago pa kami makita ni lola.
Pabigat.
Isang malaking pabigat.
Problema. Sakit sa ulo.
Kaya bata pa lang ako, natutunan ko nang sarilinin ang lahat.
Pero ngayon, parang hindi ko kayang itago.
"Dahil nag LQ si Mia at Ayen, iinom natin yan!" sabi ni Jasper at
dinala niya ako papalapit sa iba pang members.
"Oh pre, inom na!" sabi ni William at inabutan ako ng beer.
Nag toast sila. Ni hindi ko maiangat ang beer na nasa kamay ko. Tuloy
pa rin ang tawanan. Ang kwentuhan. Ang biruan. Ngayon ang usapan ay kung bakit kami
nag away ni Mia. Naghuhulaan sila sa kung anong dahilan.
"Hindi kayo magkasundo kung saan kakain 'no?" tanong ni Timi.
"O baka gusto ni Mia magsuot sila ng couple's shirt pero dahil boring
'tong kaibigan natin, ayaw pumayag?" sabi naman ni William.
Sumang-ayon si Jasper, "pwede pwede! O baka nambabae ka pre?"
"O baka naman nagselos ka sa ibang lalaki?" gatong ni Geo.
At muli silang nagtawanan.
Napasinghap ako at diretso kong ininom ang beer na hawak ko. Narinig
kong naghiyawan sila.
"Oh my gosh! Naglalasing na si Ayen! Uy Ayen, ayusin mo yan ah. Wag
mong pakakawalan si Mia!" sabi naman ni Timi.
Pinilit kong ngumiti.
"Gusto niyo bang malaman kung ano ang pinagawayan namin?" tanong ko.
"Yun! Mag s-share siya!" masiglang sabi ni Jasper na akala mo ay
makikinig sa isang bed time story.
Tumango ako at napalingon kay Ice na nasa isang sulok lang at
tumutugtog ng gitara.
"Ice, pare, pahiram naman niyan," sabi ko.
Natigilan si Ice at napatingin sa akin. A questioning look.
"Wow! Wait tutugtog ka ulit?" masayang sabi ni Timi. "Oh my god! Namiss
ko 'to! Ice, ipahiram mo muna kay Ayen ang gitara."
Iniabot ni Ice ang gitara sa akin pero hindi naalis ang pagtataka sa
mga mata niya.
Well, at least isa sa kanila marunong mag hinala.
"Uy ilabas niyo ang cellphone niyo! Kailangan nating i-record 'to!"
sabi ni William at itinapat sa mukha ko ang sarili niyang phone.
"Talagang may background music habang nagkukwento?" natatawa-tawa
namang tanong ni Geo.
Ngumiti ako nang bahagya---at nagsimulang tumugtog.
Isang rock song na tinugtog namin dati sa isang battle of the bands.
Mabilis. Malakas. Full of angst. At sa bawat pag strum ko ng gitara, bawat
pagpapalit ko ng chords, ramdam ko ang sakit ng kamay ko. Pero mas binibilisan ko
pa. Mas nilalakasan ko. Hanggang sa ito na lang ang naririnig ko. Hindi ko na
alintana ang boses ng mga kaibigan ko. Hindi ko na rin napansin ang mabilis na
paghinga ko o pagbagsak ng mga luha ko.
Napahinto na lang ako nang maramdaman kong may napigtas nang isang
chord sa gitara at hawak na ni Jasper ang braso ko.
"Pre ano ba! Lasing ka na ba?!" galit niyang tanong sa akin.
Tinabing ko ang kamay niya at halos maibalibag ko ang gitarang hawak ko
kung hindi lang ako pinigilan ni William.
"Huy Ayen! Ano bang nangyayari sa'yo?!"
Pareho ko silang tinabing at napatingin ako kay Timi. Nakaakbay sa
kanya si Ice while she's looking at me—her eyes are full of tears.
"A-Ayen...? B-bakit ganun ka tumugtog..?"
Napahinga ako nang malalim, "kaya ako nag quit sa pagbabanda kasi nagka
fracture ang kamay ko. Hindi na ako pwedeng makatugtog ulit. Ilang doctor na
nilapitan ko pero iisa ang sinasabi nila---wala nang pag-asa."
"A-Ayen---"
"At nagtatanong kayo kung bakit nag LQ kami ni Mia? Kasi nalaman ko
kanina lang na siya pala ang nagmamaneho ng sasakyang nakabangga sa akin at naging
dahilan kung bakit na-fracture ang kamay ko. Sorry, walang nakahula sa inyo ng
tama."
"Pre—" hinawakan ako ni Jasper sa balikat pero tinabing ko ito.
Dumiretso ako sa loob ng kwarto ko. Nag impake ng mga gamit. At ni-isa
sa kanila ay walang nakapigil sa pag alis ko.
~*~
MIA MILLS
"What are we doing? We are turning into dust. Playing house in the ruins of us."
- James Morrison feat. Nelly Furtado, Broken Strings
Isang linggo ang nakalipas. Isang linggo na pero wala pa rin akong naririnig mula
kay Ayen.
Ilang beses ko siyang tinawagan. Ilang beses kong pilit kino-contact
pero out of coverage area lagi ang phone niya. Pinuntahan ko siya sa HQ pero ni isa
sa kanila, walang makapagsabi kung saan siya nagpunta. Ni hindi ako matignan ng
EndMira sa mata. Hindi ko alam kung may alam ba sila sa nangyari o ano, but it's
making me furious.
Nung araw na nalaman ni Ayen ang lahat, ibinuhos ko ang galit ko kay
mama. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. Nakita niya raw nun si Ayen na umiiyak,
nagwawala, habang sinasabi ng doctor na hindi na siya makakatugtog pa. Nalaman din
ni mama na kung hindi ko nabangga si Ayen nun, malamang ay dire-diretso ako sa puno
babangga. Na tatama ang matulis na sanga ng puno sa lalamunan ko na maaring ikasira
ng boses ko or worst, ikamatay ko. At nang malaman niya na isang musikero si Ayen,
alam niyang hindi niya magagawang masabi sa akin ang nangyari lalo pa't may
nasirang pangarap nang dahil sa aksidenteng yun. Kaya naman inako ni mama ang
kasalanan ko. Nagpakilala siya kay Ayen at sinabing siya ang nakabangga rito. Siya
ang nagbayad ng hospital bills. At patuloy ang pagpapadala ng tulong ni mama kay
Ayen kahit na nakauwi na ito sa Pilipinas. Kahit na itinataboy siya nito. Kahit na
hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ni Ayen ang nangyari sa kanya at hindi niya
makuhang patawarin si mama sa nangyari.
Paano pa ngayon nang malaman niya na it's me who took away his dreams
and not my mom.
Sabi ni mama—and even Sammie—na it's an accident. Walang may gusto nang
nangyari. Hindi ko kasalanan. Paulit ulit nilang sinasabi yun sa akin.
Hindi ko kasalanan. Akisdente lang ang lahat. Walang may gusto nang
nangyari. Bigyan nang oras si Ayen para ma-realize ito. They are so positive na
maiintindihan ni Ayen 'to.
Pero wala sila sa lagay ko. Hindi sila ang nagmamaneho ng sasakyan na
yun. Hindi nila alam kung gaano kasakit 'to para sa akin.
At alam ko rin kung gaano kasakit para kay Ayen 'to. Dahil alam kong
pag sa akin nangyari ang bagay na 'to, na kung pangarap ko ang gumuho nang dahil sa
isang tao, alam kong hindi ganung kadali ang magpatawad.
At ang sakit dahil ayokong mawala si Ayen sa buhay ko. I feel so
helpless. Gusto ko na siyang makausap. I want to see him, hug him, kiss him.
I miss him so much.
At habang tumatagal na wala siya, parang nawawalan na rin ng saysay ang
pag gising ko araw araw. Halos hindi na ako makatayo. Ni hindi ko na kayang lumabas
sa kwarto ko at ayokong makipagusap kahit kanino.
Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ko. Napapikit na lang ako.
"Mia? Are you awake?"
It's Sammie.
"I'm
not hungry..." matamlay kong sabi.
"Uhmm.. actually, someone's here to see you..."
"Kung hindi siya si Ayen then please tell them I'm not here."
Hindi sumagot si Sammie, instead ibang boses ang narinig ko.
"Mia, it's me..."
Napadilat ako.
"I-it's Timi. I hope we can talk about Ayen."
~*~
"I'm sorry," that's the first thing I said to Timi right after I let
her inside my room. Kasabay nun ay ang paghagulgol ko nang iyak.
"Mia..." lumapit si Timi sa akin and she hugs me at pilit akong
pinatatahan.
"It's my fault kung bakit hindi na nakakatugtog si Ayen. It's all my
fault. Ako ang may kasalanan nun."
"Mia, hey. Alam kong there's no use para sabihin ko sa'yong hindi mo
kasalanan ang lahat. Pero there's no point kung patuloy mong sisishin ang sarili
mo."
"But still..."
"Mia... in someway, it's our fault too."
Bahagya akong napahiwalay kay Timi at tinignan ko siya. Doon ko lang
napansin na naluluha luha na rin siya.
"Alam mo, ang tagal itinago ni Ayen sa amin 'to pero ni isa sa amin
wala man lang nakahalata. Ni isa sa amin walang nagtanong o kumwestyon sa kanya.
Ang bigat bigat nang dinadala ni Ayen pero wala kaming ka-id-idea. Hindi namin
inisip kasi si Ayen, palaging nakangiti. Palaging nandyan para sa amin. Palaging
taga advice at iyakan naming lahat tuwing nagkakaproblema kami. Pero hindi namin
inisip na meron din pala siyang problema. And I feel awful..."
Pinunasan ni Timi ang luha niya at tinigan niya ako.
"But I still believe na ikaw man ang may gawa nito, by the end of the
day, ikaw pa rin ang kailangan niya, Mia. I've never seen Ayen so happy until you
came in his life. If there's someone who can fix him then it's you Mia."
"P-pero paano? Ni hindi ko siya ma-contact. Hindi ko alam kung nasaan
siya---"
"Alam ko kung nasaan siya."
Napahinto ako sa pagiyak.
"Talaga?"
Tumango siya, "yep. At gusto kong puntahan mo siya. It's about time na
harapin ka rin niya." Hinawakan ni Timi nang mahigpit ang magkabila kong kamay.
"But Mia, panigurado, he will push you away. Alam kong masasaktan ka sa magiging
reaction niya kaya hindi kita pipilitin hangga't hindi mo pa rin kayang harapin si
Ayen."
I look at her seriously, "I'm ready, Timi. Kung ano man ang sasabihin
ni Ayen sa akin, kung ano man ang magiging reaction niya, handa ako. Kasi hindi ko
siya kayang mawala."
Timi gave me an encouraging smile, "then what are we waiting for? Pack
your things. Pupuntahan natin si Ayen sa isla."
To be continued...

=================

Forty Third Stanza

Forty Third Stanza


MIA MILLS
"It's not the kind of ending you wanna see now. Baby I don't like the ending. I
thought you'd be here by now."
- Taylor Swift, If This Was a Movie
Eight hours. Ganyan ka tagal ang binyahe ko before reaching this island.
Eight hours.
Sa loob ng walong oras na 'yun, my courage didn't waver. Buo ang loob
ko na harapin si Ayen. Kahit ano pang sabihin niya. Kahit itaboy niya pa ako. I
won't leave without him hearing me out first. Kailangan kong maipaalam sa kanya ang
side ko and I'm prepared to whatever consequence I need to face.
Pero ngayon na nandito na ako sa secluded island at nasa harap ko na
ang rest house na tinutuluyan ni Ayen, atsaka pa ako pinanlalambutan ng tuhod.
Gusto kong umatras kasi mamaya hindi pa nga talaga siya ready na kausapin ako.
Willing naman akong mag antay sa kanya hanggang sa bumalik siya at harapin ako.
Kaso nakakainis, talagang naisip ko 'yan kung kailan nandito na ako sa isla at
nakaalis na yung bangka na naghatid sa akin dito.
Languyin ko na lang hanggang doon sa kabilang side?
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Wala naman na akong magagawa, eh. I'm
already here. Hindi ko kayang lumangoy ng malayo. Ang takot ko lang sa mga pating
diyan.
Napahinga na lang ako nang malalim at isinukbit ko ang backpack sa likod ko at
kahit nanlalambot ang mga tuhod ko, naglakad ako papunta doon sa rest house.
Kaso nakaka tatlong hakbang pa lamang ako, nakita kong nagbukas ang
pinto ng rest house at lumabas si Ayen. Agad akong napatago sa gilid ng puno ng
buko para hindi niya ako makita. Kabadong kabado ako. But the truth is, I want to
strangle myself kasi para akong sira rito. Tatago tago ako eh kaming dalawa lang
ang nasa island na 'to. Eventually, I have no choice but to show myself to him.
I saw Ayen walk towards the sea shore. He's carrying a pen and a
notebook with him. He soaked his feet then na upo siya sa buhanginan at nagsimulang
magsulat.
Siguro panibagong kanta. Maybe it has something to do with me. Maybe
it has something to do with how painful he's feeling right now because of what I
did.
And all these time I thought I'll never make him write a sad song about
me.
Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa likod ng puno. Sumandal
ako rito at tumingin sa kalangitan. Hindi pa masyadong mataas ang araw. It's still
seven in the morning. Malamig lamig pa ang hangin and I feel calm hearing the sound
of the ocean. But at the same time hindi ko ma-ialis ang bigat nang nararamdaman
ko. Gusto kong lapitan si Ayen at yakapin nang mahigpit. Gusto kong umiyak sa
harapan niya, lumuhod at paulit ulit na mag-sorry hanggang sa makuha na niya akong
patawarin.
But looking at Ayen now, kita ko kung paano siya napapakalma ng
pagsusulat. He look at peace right now. Yung tipong parang nasa loob siya ng
sariling mundo niya at doon, walang pwedeng makapanakit sa kanya.
I don't want to ruin that for him. I can imagine the pain he's going
through these past few days. Maybe like me, he's a mess. Pero ngayon na at peace
siya, dumating ako para guluhin na naman iyon.
Wag muna. Wag ka munang magpapakita, Mia. Wag mo munang sirain ang araw
niya.
Napapikit na lang ako at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata
ko.
Dati nung umiiyak si Ayen kay Timi, I always thought na kung ako ang
minahal niya, hindi siya masasaktan ng ganyan. Pero nakakainis kasi mas malala pa
pala ang nagawa ko sa kanya. Mas masakit.
Maybe I'm not meant to be loved kasi wala naman akong ibang ginawa
kundi ang pahirapan ang mga taong nasa paligid ko.
"Nandito ka pala."
Bigla akong napadilat nang marinig ko ang boses ni Ayen. Agad agad
akong napatayo nang makita kong nasa harapan ko na siya.
"A-Ayen—a-ano kasi... ahm.. h-hi!"
Nakatingin lang sa akin si Ayen. His face is expressionless---cold.
Parang walang nararamdaman.
"Ah s-sorry nag punta ako nang walang pasabi---"
"Walang signal dito. Wala rin namang makaka contact sa akin."
"Ah, hehe oo nga eh. Ano... Ayen... kasi---"
"Nag alumsal ka na?" he asked, cutting me off.
"Ha?"
"Sabi ko kung nag almusal ka na. May pagkain pa kasi diyan sa loob."
"Ah, o-oo! Nag almusal na ako habang nasa byahe. I-I'm full!"
Napatingin si Ayen sa wrist watch niya.
"Kanina ka pa rito?"
"H-hindi naman. Halos kararating ko pa lang."
"So kagabi ka bumyahe?"
"Ahm... y-yes..."
"I guess wala ka pang maayos na tulog."
Biglang kinuha ni Ayen ang back pack na naka sukbit sa balikat ko.
"Let's go inside."
"Ah, Ayen--!"
Pero hindi niya ako inintindi, tuloy tuloy lang siyang naglakad papasok
sa loob ng bahay habang dala dala ang bag ko kaya wala akong choice kundi ang
sumunod sa kanya.
Dinala ako ni Ayen sa isang kwarto. Medyo spacious, may queen size bed,
may isang aparador, at malinis---halatang walang gumagamit.
Hindi siya sa kwartong 'to natutulog.
May nakasabit na wind chimes sa bintana at dinig ko musikang nagmumula
rito tuwing tatamaan ng hangin.
"You can stay here," Ayen said. "May bathroom na rin dito kung gusto
mong mag shower muna. Kung magutom ka, iiwan ko lang yung pagkain sa kusina. Iinit
mo na lang. If ever hindi mo gusto yung pagkain, you can use the landline para
magpadala ng pagkain dito o magpabili ng ingredients kung gusto mong ikaw ang
magluto."
Ikaw. Mo. Ka.
Walang 'tayo.'
"How about you? Dito ka ba kakain?"
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at inilapag niya ang bag ko sa
kama.
"Sige maiwan na kita."
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Nagsimula na siyang maglakad palabas nang kwarto pero agad kong
hinawakan ang braso niya.
"Wait, Ayen!"
Napahinto sa paglalakad si Ayen pero hindi niya ako nililingon.
"A-about what happened---"
"Lalabas na muna ako," pagputol niya sa sinasabi ko.
Binawi niya ang braso niya sa pagkakahawak ko and then, lumabas na siya
ng kwarto.
Naiwan ako doong mag-isa, hindi pa rin makakilos sa kintatayuan ko.
Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko at namuo na lang ang luha sa mga mata
ko.
~*~
I can't seem to fall asleep. Siguro naka-idlip lang ako ng dalawang oras pero
mababaw na tulog lang. Gising na gising ang diwa ko kahit na wala akong tulog sa
byahe.
Paanong hindi kasi ayaw mawala sa isip ko ang reaction ni Ayen. I was expecting him
na magagalit sa akin pagdating ko, yung ipagtutulakan niya ako paalis, sisigawan,
sisisihin sa lahat ng bagay na nagawa ko. Or at the very least, makikita ko sa mata
niya kung gaano siya nasaktan sa ginawa ko.
But there is none.
He was....emotionless. Cold. Distant.
At mas masakit yun sa totoo lang, yung wala siyang reaction, yung hindi
ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kasi pakiramdam ko parang tuluyan
na siyang nag give up sa lahat ng bagay at pinili na lang maging manhid. Mas
gugustuhin ko pa na murahin niya ako kesa yung ganito.
Dahil hindi ako makatulog, nag shower na lang ako. Doon ko na realize
na da-dalawang piraso lang ng damit ang nahatak ko sa drawer ko dahil sa sobrang
pagmamadaling umalis kanina. Lutang na ako at hindi ko na rin nakuha pang mag
impake nang maayos.
Wala rin akong toiletries. Buti na lang at may shampoo at sabon dito sa
loob ng bathroom.
Matapos kong maligo ay nakaramdam na ako nang gutom kaya naman naisipan
kong lumabas ng room at bumaba para kumain. Sakto nakita kong kumakain si Ayen sa
dining area. Nilapitan ko siya.
"H-hi..."
Napalingon siya sa akin.
"Oh, you're awake," sabi niya nang hindi man lang ngumigiti. "Gutom ka
na?"
Tumango ako.
"Kumain ka na rito. Bagong luto yung pagkain."
Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Ayen. He's inviting me to join him
to eat and for a moment, parang biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Maybe he's starting to forgive me.
Maybe he realized that what we share is far greater than what happened
in the past.
Masaya akong umupo sa silya sa tapat niya.
"Uy, tinolang manok, you cooked this?"
Tumango siya, "yep."
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at iniligpit ang pinagkainan niya.

"Pag tapos ka na, ilagay mo na lang sa lababo yung pinagkainan mo. Ako
nang bahala."
"Ayen---"
Hindi ko na nagawa pang ituloy ang sasabihin ko dahil umalis na siya.
And just like that, bumalik ulit ang bigat na nararamdaman ko.
I guess mali ang nasa isip ko.
I'm just fooling myself. What I did was hard to forgive.
Napatingin ako sa ulam na nasa harapan ko.
He cooked this...maybe not for me but at least he's letting me eat the
food he made. And he's not throwing me out of this island.
That's...something right?
Tahimik akong kumain ng tanghalian. At siguro para akong sira dito kasi
sunod sunod ang subo ko na akala mo eh ilang araw akong hindi kumain. At naiiyak na
naman ako. Ilang beses kong pinunasan ang luha sa mga mata ko pero hindi pa rin ako
makahinto sa pag-iyak. Kaya naman ang ginawa ko, binilisan ko na lang ang pagkain
ko. Ako na ang naghugas ng sarili kong pinagkainan atsaka ako umakyat sa kwarto ko.
Hindi ako lumalabas hangga't hindi tumitigil ang pag-iyak ko.
I don't want Ayen to see me crying. Ayokong isipin niya na
kinokonsensya ko siya o nagpapa-awa ako because that is not the case.

I just want to explain myself to him. Ayun lang. At least pakinggan niya
ang side ko.
At kung after all, hindi pa rin niya ako maiintindihan....
Napahiga ako sa kama.
Kung hindi pa rin niya ako maiintindihan, kung magagalit pa rin
siya----masakit oo. Masakit talaga, at mahihirapan akong tanggapin but I will have
no choice but to accept it.
Dahil kahit ako, pakiramdam ko, habang buhay kong dadalhin ang nagawa
ko.
After I calmed down and dried my tears, bumaba na ulit ako at hinanap
ko si Ayen. Dahil pakiramdam ko ay nasa may dagat na naman siya, lumabas ako ng
rest house.
Napansin kong medyo maulap ngayon kaya naman hindi tirik ang araw.
Mahangin. Pero yung alon ng dagat ay kalmado, hindi ganung kalakas.
I saw Ayen sitting at the seashore—the same exact location where I saw
him earlier this morning. And again, may notebook sa kanyang kamay at nagsusulat na
naman siya. For a second, I debated kung lalapit ba ako o hindi. But then, kaya nga
ako pumunta rito ay para kausapin si Ayen kaya naman naisipan kong lapitan na siya.
"H-hi..."
Napalingon siya sa akin.
"You're here."
Tumango ako. Nagaalangan kung dapat ko ba siyang tabihan o hindi. Pero
siya na ang sumenyas sa akin.
"Maupo ka."
Napangiti ako at dali daling tumabi kay Ayen doon. Naramdaman ko agad
ang malamig na tubig ng dagat and I silently cursed dahil sa bigla kong naalala.
"What's wrong?" tanong niya.
"Nakalimutan ko na dalawang piraso lang pala yung pampalit kong damit.
Tapos nabasa pa ako ngayon. M-meron kayang tindahan dito na pwedeng bilhan nang
pamalit?"
Iniwas ni Ayen ang tingin niya sa akin but instead, tumingin siya sa
malayo.
"No need."
"Hmm? Bakit?"
"Kasi aalis ka na mamaya. Nagpatawag na ako ng bangka na maghahatid
sa'yo."
Natigilan ako bigla sa sinabi ni Ayen.
Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.
Hindi niya pinapakita na galit siya sa akin but the way he treats me
right now---ang sakit. At nakakainis dahil naiinis ako sa sarili ko na nasasaktan
ako ngayon.
I deserve this, right?
Napahinga na lang ako nang malalim at nilingon ko siya. He's still not
looking at me.
"O-okay.. bilang na lang pala ang oras ko ngayon dito so...sasabihin ko
na sa'yo kung ano ang dapat kong sabihin."
"No need. Alam ko naman," malamig niyang sabi at tumayo siya. Pero bago
pa siya makaalis ay hinawakan ko siya sa braso niya.
"Wait! At least let me apologize, Ayen!"
Hindi siya kumilos. Napalunok ako.
"Kailan ko lang din nalaman, Ayen. I swear. Nung nakita ko yung package
doon sa HQ, nung nakita ko kung galing kanino at nang sabihin mo na yung taong
nagpapadala sa'yo nun ay yung taong nakasagasa sa'yo---doon ko lang nalaman ang
lahat."
Naramdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko at kahit ilang
beses kong sinabi na hindi ako iiyak sa harapan niya, hindi ko na napigilan at
napahagulgol na lang ako.
"I'm sorry, Ayen. I'm so sorry dahil hindi ko sinabi agad sa'yo. Hindi
ko kasi alam ang gagawin ko, eh. Gulong gulo ako. Hindi ko alam na may nasagasaan
ako nung nangyari ang aksidente na yun. Itinago rin sa akin 'to kaya kahit ako
hindi ko alam kung paano ko haharapin 'to. Hirap na hirap din ako, Ayen. Hindi ko
alam. I'm so sorry. I'm so sorry. Plano ko naman sabihin sa'yo after nung roadtrip
natin, Ayen. Promise. Wala akong planong itago sa'yo 'to. Kaya please, pakinggan mo
ako. Please. Sana maintindihan mo. I'm so sorry sa lahat lahat lahat lalo na sa
nagawa ko."
Pahikbi-hikbi kong pinunasan ang luha ko at sinubukan kong silipin ang
expression ni Ayen. Pero parang mas lalong nadurog ang puso ko sa nakita ko.
He remained expressionless---cold. Parang wala nang nararamdaman.
Parang wala na siyang pakialam.
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at tinignan niya ako.
"Tapos na? Papasok na 'ko."
At tinalikuran niya na ako atsaka nagsimulang maglakad pabalik sa rest
house.
"T-teka Ayen!"
Humabol ako sa kanya.
"Please naman kausapin mo ako. Please! Handa akong makinig sa lahat ng
gusto mong sabihin sa akin kahit gaano kasakit yun! Ayen, please wag naman ganito!"
Pero hindi niya ako pinapakinggan. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad
habang ako, pilit siyang hinahabol.
Kapag hinayaan ko 'to, kapag umalis ako, walang kasiguraduhan na
makikita ko pa siya. Walang kasiguraduhan na gugustuhin niya pang bumalik. Kaya
hindi ako pwedeng sumuko nang ganito. Hindi ko pwedeng hayaan 'to.
"Ayen, please! Please!"
Naabutan ko siya at muling hinawakan sa braso.
"Ayen, please, kausapin mo 'ko..."
"Bitiwan mo 'ko!"
Muli niyang hinatak ang braso niya sa pagkakahawak ko. Napalakas ang
paghatak niya kaya naman na out balance ako at naramdaman ko na lang ang sarili ko
na matutumba na.
Unang tumukod ang kamay ko sa semento.
Hanggang sa mapaupo ako.
And then, I felt it---a searing pain from my left wrist and for a
moment, nanlamig ang buong katawan ko, umikot ang paningin ko at para akong
nabibingi.
I can see Ayen's worried expression, may sinasabi siya pero hindi ko
naiintindihan. Nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko sa kamay ko.
At tumulo na lang ang luha sa mga mata ko.
"Ayen.... Ayen....y-yung kamay ko... yung kamay ko Ayen!"
"Mia!
Black out.
To be continued...

=================

Forty Fourth Stanza

Forty Fourth Stanza


JARREN REYES
"Paalam sa'ting huling sayaw. May dulo pala ang langit."
- Kamikazee, Huling Sayaw
Dama kong magulo ang kapaligiran. Maraming nagsasalita. Maraming mga yapak ng paa
na parit-parito sa harapan ko. But all these sounds seemed distant. The only thing
I can hear is my ringing hears and beating heart.
Ang hirap huminga. Malamig sa loob ng ospital na 'to pero
pinagpapawisan pa rin ako nang malagkit.
Nandito ako sa labas ng laboratory kung saan nag r-run sila ng tests sa
kamay ni Mia. Maya't maya, napapalingon ako sa pintuan ng lab, hinihintay ko na
lumabas ang doctor at sabihin sa akin ang resulta.
Nakakabaliw ang tension at kabang nararamdaman ko. Parang gusto kong
maiyak.
Naalala ko kanina, pandaliang nawalan ng malay si Mia. Nahilo siya
dahil sa sobrang takot niya. At nang pagdilat niya at muli niyang naramdaman ang
pananakit ng kamay niya, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak nang
umiyak. Mula sa pagsakay namin sa bangka hanggang sa makarating kami dito sa
ospital.
Wala siya ni isang sinabi sa akin, iyak lang siya nang iyak, pero
naiitindihan ko ang matinding takot na nararamdaman niya.
Oo, maaring hindi naman maapektuhan ang pag kanta niya, pero
maapektuhan nito ang pagiging musikero niya.
Katulad ng nangyari sa akin.
Ipinatong ko ang ulo ko sa aking mga palad at ipinikit ko ang aking mga
mata. And then I whispered a silent prayer.
Panginoon, pakiusap, wag si Mia. Wag niyo po sanang hayaan na maranasan
niya ang dinanas ko. Please.
Biglang bumukas ang pintuan ng laboratory at lumabas ang doctor na
tumingin kay Mia.
Medyo maliit, she's on her mid 40's if I'm not mistaken, and she's
wearing a round eyeglass.
Agad akong lumapit sa kanya.
"Doc, m-may result na po ba?"
Tinapik niya ako sa braso and she gave me a kind smile, "you don't need
to worry, iho. She's fine. Namamaga lang yung kamay niya dahil ayun ang pinangtukod
niya nung bumagsak siya, but's it's nothing."
"Sigurado po kayo diyan? Chineck niyo po ba maigi? Doc," tinuro ko ang
loob ng lab, "yung babaeng nasa loob, she's a music artist. Hindi pwedeng may
mangyaring masama sa mga kamay niya. You how crucial it is for an artist right?
Tumutugtog ng gitara at piano si Mia. Please, siguraduhin niyo pong maigi---"
"Iho, relax. I know what you're trying to say. You don' have to worry.
We made sure na walang mali sa kanya. If hindi ka satisfied, pwede kayong magpa-
second opinion. Pero wala kaming nakitang mali."
Tinignan ko si dokotora sa mata. I saw her sincerity sa mga salitang
sinabi niya at parang bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa isang iglap,
biglang nawala ang nakabara sa lalamunan ko at napa hinga na lang ako nang malalim.
"Salamat po," I told her na halos paiyak na ako.
Tinapik niya ako sa braso, "but I think it'll be best kung i-comfort mo
muna siya. She's quite shaken with what had happened. Ramdam ko ang takot niya. I'm
letting her stay inside for a while hanggang maging okay na siya."
Tumango ako, "salamat po ulit, doc."
"O siya, maiwan ko muna kayo."
Umalis na si doc.
Bahagya akong sumilip sa loob ng clinic at nakita kong nakahiga doon si
Mia. Gising siya at nakatitig sa kisame habang may bumabagsak na luha sa mga mata
niya.
And it pains me to see her like this.
It pains me but...
Napaiwas ako nang tingin at napalunok at parang unti unti na namang
namimigat ang nararamdaman ko.
Biglang nag vibrate ang phone ko. Napatingin ako rito.
A text message from my lola.
LOLA: Ayen! Apo! Kailan ka uuwi? Aba ay may good news ako sa'yo!
Nakauwi na ang ate mo galing Japan! Hindi na siya babalik doon! Umuwi ka na. Miss
na miss ka na niya! Pasalubong ha? Pati sa mga bata!
Napapikit ako. Napahinga nang malalim.
Sa ilang araw akong namalagi sa isla na yun, nakapagisip isip ako. Alam
ko na naman talaga kung ano ang dapat kong gawin. Namulat na ang mga mata ko sa
lahat ng bagay. Pero may mga hinihintay lang ako bago ko tuluyang harapin ang
desisyon na 'to.
At isa iyon dito.
Napalingon ako kay Mia. Gusto ko nang pumasok sa loob at yakapin siya
nang mahigpit pero may dapat pa akong gawin.
I called Sammie's phone at tatlong ring pa lang ay sumagot na siya
agad.
"Hey Ayen?"
"Sammie... I have a favor to ask..."
"S-sure! What is it?"
"Do you have Carmina Trinidad's number? I really need to talk to her."
~*~
MIA MILLS
"Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw."
- Kamikazee, Huling Sayaw
I heard what the doctor said. She said I'm fine. She said, give it a day or two and
I'll be able to play the guitar again. What happened to my hand is nothing serious.
And I admit, ngayon pa lang, I can feel that the pain is starting to ease.
But I stayed in bed. Nakatingin sa kisame. Nakatulala.
Yung kaba ko kanina, yung takot ko to the point na a lost consciousness
for a brief second. Yung takot ko na baka hindi na ako makatugtog ulit. Yung ang
hirap huminga, yung gusto kong may hysteria, gusto kong mag wala kasi takot na
takot ako na baka matulad ako kay Ayen. At nung sabihin ng doctor na okay lang ako,
grabe ang iniluwag ng pakiramdam ko.
Pero agad nanumbalik ang bigat na nararamdaman ko dahil sa naalala ko.
Isang beses sa buhay ni Ayen, dinanas niya rin ito. Sa loob ng
laboratory, the doctors are undergoing some tests sa kamay niya. Yung takot na
naramdaman ko, naramdaman din ni Ayen. Yung nakakahilong kaba to the point na gusto
mo nang mag hysteria. Yung ganitong klaseng takot na halos hindi ka makahinga.
Minsan sa buhay ni Ayen, naranasan niya ito.
At magkaiba kami ng ending.
Kung sa akin, isang miracle. Kay Ayen?
Gumuho ang pangarap niya nung panahon na yun.
Iniwan na ako ng doctor sa loob ng lab, pero patuloy pa rin ang pag
iyak ko.
Nangyari ba 'to sa akin para mas maramdaman ko kung ano ang dinanas ni
Ayen nun? Para malaman ko kung gaano siya nahirapan nung panahon na yun? Para mas
lalo kong makita kung ano ang kinuha ko sa kanya?
Napapikit na lang ako at hinayaan kong bumagsak ang mga luha sa mata
ko.
Ang sakit sakit. Paano ba namin magagawang lagpasan ito?
Naramdaman kong may pumasok sa loob ng clinic kaya muli akong
napadilat.
It's Ayen. As he gently closed the door, agad akong napabangon.
"Ayen..."
Nilingon niya ako at nakita ko ang expression ng mukha niya. Medyo
namamasa masa ang mga mata---halatang galing sa iyak.
He gave me a smile—a sad one.
"Mia."
Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Tumango ako habang nagiyak ngiyak na nakatingin sa kanya.
He took my right hand and gently pressed his lips against it.
"I'm so sorry.." he said, his voice broke.
At hindi ko na napigilan ang sarili ko. I burst into tears.
"No, Ayen. I'm sorry. Ganito pala kasakit. Ganito ka tindi yung
naramdaman mo noon habang inaantay mo ang sasabihin ng doctor. Ganitong klaseng
takot pala ang naranasan mo. Ayen..." kinuha ko ang magkabilang kamay niya at
hinawakan ko ito. "Ayen, I'm so sorry... sobrang sakit pala ng pinagdaanan mo. Ang
tindi pala. Nakakabaliw pala. Sorry. Sorry. Kaya mo pa ba akong mapatawad sa nagawa
ko, Ayen? Makakayanan mo pa ba? Ha?"
"Mia.."
Napaiwas nang tingin sa akin si Ayen at nakita kong nangingilid ang
luha niya.
"Ayen, hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto yung nangyari. Hindi
talaga. Promise. Hindi ko talaga ginusto yun. Sorry na please? Sorry. Ayen, sorry."
Tumango si Ayen at tinignan niya ako. Tuluyan na ring bumagsak ang luha
sa kanyang mga mata.
"Alam ko naman yun, eh. Alam ko yun Mia na hindi mo sinasadya. At hindi
ko kayang magalit sa'yo kasi mahal kita. Mahal na mahal kita, Mia. Pero kasi...
pero kasi ang hirap naman nang ganito. Hindi ko kayang magalit kahit na gustong
gusto ko. Hindi ko kayang makita kang masaktan kahit na sobrang nasasaktan ako.
Kasi Mia mahal kita. At ang sakit sakit sakit."
"Ayen..."
Sabay kaming napaiyak. Sabay na pagtulo ng mga luha sa mata.
"Mia, all this time, lagi kong tinatago ang nararamdaman ko. Kasi all
this time, lagi kong iniisip ang ibang tao. Ayokong maging pabigat, ayokong
mandamay, ayokong makasakit, ayoko nang may ibang taong nahihirapan nang dahil sa
akin. Pero, pagod na ako sa ganito Mia. Pagod na 'ko."
"Ayen.. Ayen hindi ka pabigat. Hindi.."
Inalis ni Ayen ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya at tinignan niya
ang palad niya.
"Ito. Akala ko kung makakahanap ako ng higit pang mas importante kesa
sa pagtugtog ko, makakalimutan ko na ang nawala sa akin. Kailangan kong hanapin
ito---isang bagay o tao na makakabuo sa akin. At dumating ka, Mia. And you are
God's greatest gift to me. You healed me. You make me want to dream again. At yung
bawat araw na magkasama tayo, ayun na ang pinaka masasayang araw ko. Pero kasi Mia,
kada tumutugtog ka, kada nag p-perform ka, naiinis ako sa sarili ko dahil may parte
sa akin na nasasaktan. May parte sa akin na humihiling na sana nandoon ako sa tabi
mo, tumutugtog kasama mo. Sana kaya ko ulit iparinig sa'yo ang musika ko. Sana
sabay tayong mag perform. At narealize ko, hindi pa rin ako nakaka move on sa
nangyari sa akin. Sariwang sariwa pa rin sa akin 'to. Gabi gabi sinusubukan kong
tumugtog pero wala. Naiinis ako
sa sarili ko kasi hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa akin. Gusto ko ulit
tumugtog."
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Ayen lalo na't nakikita kong
umiiyak siya sa harapan ko. Gusto ko siyang yakapin pero tila ba napako ako sa
pwesto ko.
"Tapos nalaman kong ikaw ang dahilan nito, Mia. Ikaw ang dahilan kung
bakit hindi na ako makatugtog. At gustong gusto kong magalit. Gustong gusto ko na
hilingin na sana sa'yo nangyari ito at hindi sa akin. Pero kada naiisip ko yun,
nasasaktan ako dahil mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin lalo kapag naranasan
mo 'tong dinaranas ko. At mas lalo kong na-realize yun ngayon, Mia. Yung takot ko
para sa'yo kanina akala ko ikamamatay ko na."
Ayen held my hand gently.
"Pero Mia, isang bagay ang na-realize ko. Hindi pa rin ako buo. At
hindi ko pwedeng i-asa sa ibang tao na buuin nila ako ulit. Dahil kung meron mang
makakabuo sa sarili ko---ako yun."
Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko dahil sa sinabi ni Ayen. Dahil
alam ko na kung saan patungo ito.
"Mia..." inangat ni Ayen ang mukha ko at pinunasan niya ang mga luha sa
mata ko. "Mia, I'm so sorry. I really need to fix myself. Dahil hindi ako
makakapagmahal ng buo kung sarili ko mismo ay hindi buo."
Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko.
Ang sakit. Sobrang sakit tanggapin. Pero alam ko sa sarili ko na maging
ako mismo, palaging maalala ang nangyari noon. And the more I remember it, the more
I'll destroy myself.
Huminga ako nang malalim. Pilit pinakalma ang akin sarili bago ko
muling i-angat ang tingin ko kay Ayen.
"Ano nang plano mo?"
"Hindi ko alam. Lilipad ako sa malayong lugar? Magsisimula ulit? Bahala
na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko."
"Will you be okay?"
Tumango si Ayen, "oo naman. It'll take time, pero alam kong kayang kaya
ko 'tong lagpasan."
Bahagya akong napangiti, "oo naman. Ikaw pa. Alam kong kayang kaya mo
'yan. Kaya nga idol kita, eh."
Napangiti rin si Ayen.
"Sana wag ka nang mag quit sa competition. Wag kang mag quit nang dahil
sa akin."
"Pero Ayen---"
"This is your dream, right? Don't throw it away."
Tumango ako at ngumiti, "thank you."
He touched my cheek, "I'll cheer you on—kahit hindi mo makita. Always
remember, I'm cheering you on."
Muli akong tumango at hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong ito sa
tapat ng dibdib ko kung saan located ang puso ko.
"Ayen, you'll stay here. Always."
He smiled, and then he also took my hand and placed it on top of his
heart, "and you to. You'll stay here. Always."
After that, Ayen left and I got a text message from my mom saying na susunduin nila
ako dahil tinawagan sila ni Ayen.
Hindi na bumalik si Ayen sa ospital. Wala nang tawag o text mula sa kanya. At hindi
ko na rin naisipan pang magparamdam kahit masakit. Kahit mahirap. Ito ang kailangan
namin.
At ayun na ang huling araw na nakita ko siya.
To be continued...

=================

Last Stanza

Last Stanza
(Epilogue)
THREE YEARS LATER
"We are so broken we created a sad sonnet. Is there a chance to turn this broken
melody into a happy love song?"
- Mia Mills, Broken Melody
MIA MILLS
"Where are you?" my dad asked me from the other side of the line.
Napatingin ako sa bintana ng kotse na sinasakyan ko. Para bang nag mistulang
parking lot ang kahabaan ng EDSA. Sala-salabit ang mga sasakyan. May mga motorist
na wala nang ibang ginawa kundi ang bumusina. Medyo nakakairita ang tunog ng busina
nila. Wala naman kasi itong naitutulong sa daloy ng trapiko. But maybe it's their
way of releasing their irritation.
Napatingin ako sa wrist watch ko. It's already five in the afternoon.
"I'm still on the road, dad. Traffic."
"That's why I told you to leave earlier! It's Friday payday!"
Medyo napangiti ako, "chill, dad. I'll be there on time."
Narinig ko ang pag buntong-hininga niya mula sa kabilang linya. I can feel na
kabado na siya.
"Today's a big day, Mia."
"I know, dad. I know."
"Okay, just text me if you already arrived."
"I will."
"Take care."
"Ah--wait dad!"
"Hmm?"
"Thank you...for being here with me today."
Hindi agad nakapag salita si dad but I can feel na nakangiti siya ngayon.
"I am so proud of you," huling sinabi niya before he ended the call.
Napangiti ako sa sinabi ni daddy. Three years ago, akala ko never ko nang maririnig
sa kanya ang mga salitang yun. Akala ko habang buhay na niya akong hindi magagawang
suportahan. I thought, hinding hindi na maayos ang relasyon namin.
Pero siya ang unang lumapit. Siya ang unang nagpakumbaba. And I
promised myself I'll do everything to make him proud.
Muli akong tumingin sa labas ng bintana. Medyo humupa na ang traffic. Kahit papaano
ay nakakausad na rin kami.
Bigla kaming napadaan sa isang malaking billboard. Isang billboard kung saan
nandoon ang mukha ni Sammie. Very classy ang itsura niya with her red dress and red
lipstick. Sa kamay niya, she's holding a bottle of beer. 'Yung product na
pinopromote niya ngayon. Red Horse.
Ibang klase na rin kasi ang beshie ko na 'to. Hindi na lang siya basta isang sikat
na model, she also became an actress---and a promising one. Pinatunayan niya sa
mundo na she's more than just a pretty face. And I am so proud of her dahil na-
witness ko kung paano siya nag hirap para lang makarating sa kinalulugaran niya.
All those sleepless nights at lahat ng bagay na iniyakan niya. That's why alam kong
sobrang deserve niya ito.
I snap a photo of her billboard at agad kong sinend sa messenger niya at sinamahan
ko ng message: "Hanggang billboard lasinggera pa rin?"
Maya maya lang, nag send din sa akin ng photo si Sammie. Selfie niya habang hawak
hawak ang poster ko with message: "Paano kasi yung babaeng nasa poster ayaw akong
samahan uminom ng RED HORSE."
Natawa na lang ako at napailing at muling napatingin sa labas ng bintana.
Three years.
Ang daming nangyari. At aaminin ko hindi ito naging madali.
Three years.
Ganun na pala katagal simula nang naghiwalay kami. Simula nang huli kong beses
narinig ang boses niya at nakita ang mukha niya.
Naalala ko nun, nung araw na lumabas siya sa hospital room ko, pareho na kaming
hindi umiiyak, pareho na kaming nakangiti sa isa't isa. But the moment na naiwan
akong mag-isa, tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha ko. Ayaw mag paawat, naguunahan
sila sa pagbagsak. My heart got shattered right then and there. I badly want to
chase after him. Gusto kong umiyak sa harapan niya, lumuhod, mag makaawa, sabihin
na wag na siyang umalis, wag niya akong iwan. Hindi ko kaya na mawala siya.
Mahirap. Hindi ko alam kung paano ako makakabangon sa sitwasyon na yun. Alam kong
hinding hindi ako makakabangon.
But I didn't do it. I stayed inside my room because I know, kapag nagmakaawa ako sa
kanya, I'm only making it harder for the both of us. Kung pinilit ko siya nun, it's
not love anymore---it is selfishness. Masakit, sobrang sakit, but I love him so
much I'm willing to let him go. Because I know this is what he needs. Kung itinuloy
namin ang kung anong meron sa amin noon, we're only going to break each other more.
And I realized na minsan hindi sapat na basta lang mahal mo siya. You also need to
be whole in order to love someone with all your heart. And that time, hindi kami
buo pareho.
We have the perfect love but we've met each other in a wrong time.
I love Ayen. I still do. Kahit wala na akong balita sa kanya. Kahit hindi ko na
alam kung nasaan siya, I know I still love him. But also, I'm thankful na nangyari
rin 'to dahil ang dami kong natutunan.
Una na doon ay ang tumayo sa sarili kong mga paa. Wala nang guidance, wala nang
umaalalay, wala na akong shield. Sarili ko na mismo ang humila sa akin patayo at
papunta sa pangarap ko.
My mom was there to support me all the way. Pero ang ikinagulat ko ay ang dad ko.
Nung pumunta siya sa Pilipinas, niyakap na lang niya ako and he said sorry sa lahat
ng nasabi niya. Sabi niya sa akin, pinagsisisihan niya na hindi niya ako nagawang
suportahan noon. He should've been there for me. Paulit ulit siyang nag sorry sa
akin at paulit ulit akong umiyak sa harapan niya. Ang sarap manumbat, pero mas
nangibabaw sa akin na andito na si daddy sa tabi ko. Susuportahan niya na ako.
Mapapanuod na niya ako. At ayun ang pinaka importanteng bagay para sa akin.
Kaya nag pursigi ako. Pero syempre, hindi naging madali. Nandoon pa rin ang sunod
sunod na failure.
I've cried a million times. Ilang beses akong na-depress at ilang beses kong
hiniling na sana nasa tabi ko si Ayen. Ilang beses din akong nadapa, na-reject,
pumalpak, lumubog, pero tumatayo ako, umahon. Laging inaalala kung bakit ginagawa
ko ang bagay na 'to.
This is my dream. And I won't stop reaching for it no matter what.
Hanggang sa nakarating na ako sa lugar na ito.
"We're here!" sabi ng road manager ko.
Napatingin ako sa malaking arena sa labas ng bintana ng kotse na sinasakyan ko.
Nakita ko ang mga taong nakapila sa labas. Ang dami. Ang haba ng pila. Maraming
nakasuot ng white dress and knee high boots. Meron ding mga naka fandom t-shirt.
Mula sa malayo, may isang grupo na rinig kong sabay sabay kumakanta. They are
singing my song.
"Ready ka na para sa pinaka malaking concert mo?" tanong ng road manager ko.
I smiled at her, "I'm ready."
~*~
"The star of the night is here!" sabi ni Jasper pagka-pasok na pagkapasok ko sa
backstage.
Napangiti ako sa kanya. Nakita kong ang lapad din ng ngiti sa akin ng
buong EndMira—maging si Ice.
Agad akong sinalubong ni Jasper at niyakap nang mahigpit.
"Miaaaaaaa! This is it! Ito na ang pinaka-aabangan mong concert!"
masigla niyang sabi.
"Ngayon pa lang nararamdaman kong magiging successful 'to," sabi naman
ni Geo habang tatango tango si Ice in agreement.
"Kinakabahan ako!" sabi ko sa kanya.
"Don't be!" sabi naman ni William, "you'll do great! Kami nga ang
kinakabahan, eh. Daming fans sa labas."
Napatawa na lang ako dahil alam kong sisiw lang sa kanila yun. They've
performed in a much bigger crowd before.
Oo, EndMira ang mag f-front act para sa concert ko. Napaka unusual na
isang sikat na banda at tinagurian nang legendary ang magiging front act ko. But
they insisted. They said na hindi nila hahayaang may ibang mag front act sa first
concert ko. At abot langit ang kilig ko.
Natupad na ang pangarap kong magkaroon ng sold out concert. May bonus
pa na ang mga idol ko ang nag front act sa akin.
"Sayang wala si Ayen---" sabi ni Jasper.
Bigla akong natahimik. Nakita ko naman si Ice na tinapik si Jasper para
patigilin. Napatakip nang bibig si Jasper. Pero wala na. Parang naging awkward na
bigla sa paligid.
Sayang nga wala si Ayen. Sayang.
Napakalaki nang naging parte ni Ayen kung bakit ako nandito.
Nakakalungkot lang na isipin na hindi na niya nagawa pang makita 'to. Na hindi ko
man lang magagawang magpasalamat sa kanya.
Wala na akong balita kay Ayen. Kahit ang EndMira wala. Para bang lumayo
na siya sa amin nang tuluyan.
Madalas kong isipin, kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang
pinagkakaabalahan niya ngayon? Kumakain ba siya ng tama?
Masaya ba siya?
Sana masaya siya.
Sana kuntento na siya ngayon.
I hope he already fixed his heart.
Sana kaya na niya ulit magmahal ng buo.
Kahit hindi ako, basta masaya siya.
~*~
JARREN REYES
Black t-shirt, maong pants at puting cap. Ayan ang napili kong suotin ngayong araw
na 'to.
Kanina ko pa iniisip, sa totoo lang. Ilang polo at longsleeves na rin
ang sinukat ko. Pero wala, mukha talaga akong tanga sa formal clothes. Madungis pa
rin akong tignan.
Kung tutuusin, mas malinis na akong tignan ngayon kumpara noon. For two years, ang
haba ng buhok ko, halos hanggang balikat na. Naging balbas sarado rin ako. Ngayon
na lang ulit ako nag clean cut at nag ahit ng balbas.
But still, formal clothes doesn't suit me. Mas okay talaga ako sa t-
shirt at maong lang.
"Pre ano 'yan?!" dinig kong sabi ng isang boses ng babae.
Napalingon ako sa may pintuan ng kwarto ko at nakita kong may maliit na
babaeng nakatayo roon. Medyo may kaluwagaan ang shirt na suot, nakasuot ng cap na
baliktad at kung makasandal sa gilid ng pintuan ko eh akala mo siga sa kanto.
"Ang alin MJ?" tanong ko sa kanya.
"Yang suot mo? Ano ba namang pormahan 'yan, Ayen! Job interview yang
pupuntahan mo tapos ganyan ang itsura mo? Huy mag ayos ka nga!"
"Bakit ba? Hindi ko naman kailangan mag tuxedo para sa job interview na
'to."
"Pero kailangan mong pumorma, men. Dapat presentable ka!"
"Wag kang mag-alala, idadaan ko na lang lahat sa talento ko," sabi ko
kay MJ sabay kindat.
Napatawa bigla ang kaibigan ko, "whoo! Lakas oh! Ibang
klase ang self confidence mo tsong!"
Nilapitan ko si MJ at inakbayan, "suportahan mo na lang kasi ako."
"Eto na nga! Kaya nga sasamahan ka namin 'di ba?"
"O sige na! Tama na ang satsat. Umalis na tayo, Mary Joy."
"Mary Joy ka diyan! MJ sabi!"
Natawa na lamang ako hinila siya palabas.
~*~
MIA MILLS
I can hear the cheers and the screams of the audience from the backstage habang
tumutugtog ang EndMira. Masigla silang lahat. Buhay na buhay. They are singing
along with them.
At eto ako, feeling ko aatakihin na naman ako ng panic attack.
Kaya ko rin bang buhayin ang mga tao katulad ng ginagawa ng EndMira?
Magiging ganito rin ba kalakas ang sigawan nila?
Huminga ako nang malalim, pumikit at humugot ng lakas ng loob.
This is my concert. Pumunta sila para sa akin. I can do this. I know I
can.
"Mia?"
Napadilat ako nang may tumawag sa akin at nakita ko si Miss Dayle, yung
event organizer namin.
"Two more songs and you'll be up on stage," sabi niya sa akin. "You
ready?"
Nginitian ko siya at tumango, "yep I'm ready."
Tinapik ako ni Miss Dayle sa balikat at inabutan ako ng isang cup,
"mint blend tea, to calm your nerves. Tsaka para mas makakanta ka ng maganda
mamaya."
Agad kong kinuha yung tea. This is exactly what I need right now.
"Thank you po!"
"Go, show them what you got, Mia! Good luck!"
Biglang nag ring ang phone ni Miss Dayle at agad niyang sinagot.
"Hello? Babe?" napalingon siya sa akin, "sorry, Mia, I have to take
this call. Babalikan kita."
"Sure go ahead."
Lumabas sa backstage si Miss Dayle at naiwan ako doon. I sip the mint
blend tea. Ramdam ko ang init nito sa lalamunan ko at kahit papaano ay nawala ang
kaba ko.
Huminga ako nang malalim.
I'll do great. I'll make this night memorable.
~*~
JARREN REYES
"Hello babe? Nandito kami sa may entrance. Yes. We'll wait for you! I love you!"
sabi ni MJ sa kausap niya at binaba niya ang phone atsaka niya ako nilingon.
"Ready ka na sa job interview mo?" nakangiti niyang tanong.
Tumango lang ako.
"Huy!" tinulak ako ni MJ. "Ano? Kabadong kabado lang pre?"
"H-hindi ah.."
"Sus! Mapagpanggap! Basta wag kang magkakamali, ah? Galingan mo. Wag mo
'kong ipapahiya."
Ipinatong ko ang kamay ko sa tuktok ng ulo ni Mary Joy at ginulo ito.
"Huy ano ba! Inayos ko na 'yan, eh!" irita niyang sabi at natawa na
lang ako.
"Babe!"
Napalingon kaming dalawa sa nagsalita at nakita kong naglalakad ang
isang babaeng naka spaghetti strap red dress at red doll shoes. Mahaba ang buhok,
nakalugay ito may pulang headband.
Si Dayle, MJ's girlfriend. Oo, may girlfriend itong si Mary Joy.
Matagal na rin ang dalawang 'to. Halos apat na taon na rin sila.
Lumapit si Dayle sa amin at agad niyang niyakap si MJ.
"Buti hindi kayo na-traffic," sabi ni Dayle sa amin.
"Matagal man tayong nag stay sa Tate, alam ko pa rin ang mga pasikot
sikot dito, babe," pagyayabang naman ni MJ. "Kaya alam ko kung saan hindi nag t-
traffic."
"Tsaka kasi diyan lang talaga sa kabilang kanto ang condo ko," sabi ko.
Siniko ako ni MJ, "KJ neto, 'di na lang nakisakay."
Napatawa ulit ako at nilingon ko si Dayle, "naibigay mo sa kanya?"
tanong ko.
Tumango ito, "yep! Mint blend tea right? At sinabi ko rin sa kanya na
'go show them what you got!"
Napangiti ako, "salamat, Dayle."
"Excited ka nang makita ulit siya?" tanong sa akin ni MJ.
"Sobra."
Naramdaman kong tinapik ako ni MJ sa balikat, "tara na pasok na tayo at
panuorin na natin ang iyong prinsesa at nang makapag-apply ka na ulit sa puso
niya."
~*~
MIA MILLS
It was an emotional night. Maliwanag ang stage pero hindi nakakasilaw. I can see
them all. Their smiling faces, their love for my music. Everything is so
overwhelming.
This surreal feeling sips through my skin at pakiramdam ko, mag-i-stay
na ito sa akin. Magiging parte na ito nang pagkatao ko.
Ibinigay ko ang lahat sa concert na 'to. I bring my walls down and show
the real me through performing. I let them feel both my happiness and sorrow
through my songs. I let them see my scars through my music. I feel vulnerable and
yet, I also feel whole. Well almost.
Because I know there will always be a missing part of me that only him
can fill.
But for now, I don't want to think about it. I just want to live in
this moment.
"I'm down with my last song," sabi ko sa mga fans na nagpunta. Narinig
ko ang protests nila. Ayaw pa nilang matapos ang concert. At maging ako ay ganun
din. But good things must come to an end.
"This song is actually my favorite from my album. A song that was personally
written by Ice Monasterio," narinig ko ang tiliian at hiyawan ng mga audience. "So
now, I want to call Ice up on stage to perform this song with me."
Lumabas mula sa backstage si Ice at mas lalong lumakas ang tilian ng
mga tao. Nilingon ko si Ice at ngitian. He smiled back at me. Pero bigla akong
nagtaka because he didn't brought his guitar with him.
We practiced this part together, ako lang ang kakanta habang siya ang
tutugtog.
Are we going to do a duet now? Teka, hindi ako na inform.
"Hi," sabi ni Ice. At isang salita pa lang ang sinasabi niya, nagwala
na ang mga tao.
"Actually, I want to confess something," sabi niya.
Humupa ang tilian. Napalitan ito ng bulungan. Ako naman, medyo
kinabahan. I gave Ice a questioning look pero nakangiti lang siya sa akin.
"It is not me who wrote this song that Mia's about to sing. It was
someone else."
Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tao habang ako ay biglang nawala
ang ngiti sa labi ko.
What's happening? Bakit ginagawa ni Ice 'to? Anong nangyayari?
"But please don't be mad at me. I'm only helping a friend here. Siya
ang nagsabi na palabasin kong ako ang sumulat nito hanggang sa ready na siyang
humarap sa'yo, Mia."
Para akong biglang nabingi. Rinig ko ang kaba sa dibdib ko. Ramdam ko
ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko.
Wala pa man ding sinasabi si Ice, parang alam ko na. At gustong gusto
kong maiyak.
"Kaya naman, I think it'll be best na siya ang kasama mo ngayon sa
stage na ito na mag perform," humarap si Ice sa audience. "Please welcome, our
former band member and the song writer of Broken Melody, Jarren Reyes."
Narinig ko ang lakas ng palakpakan ng mga tao. Ang hiyawan. Ang
tiliian. Narinig ko ang lahat. Lahat lahat.
He's here.
Nakita ko ang isang lalaking paakyat ng stage. He's wearing a white cap
ang black shirt. I can't see his face pero alam na alam ko kung sino ito. Sa tindig
pa lang. Sa mga lakad. Sa tangkad. Kilalang kilala ko. Dahil lumpias man ang mga
taon, hinding hindi siya nawala sa isip ko.
Ibinigay ni Ice ang mic sa kanya at tinapik sa balikat atsaka ito
bumaba ng stage.
Inalis ng lalaki ang cap na suot niya and then I can finally see his
face.
Una kong nakita ang mata. Buhay na buhay na ito, wala nang lungkot.
Then his lips is painted with a warm smile.
"Hi Mia," he whispered.
And I almost cried when I heard him say my name.
Lumunok ako at nginitian din siya.
"Hi Ayen."
Nakatingin ako diretso sa mata niya at ganun din siya sa akin at kahit
nasa harap kami ng maraming tao, pakiramdam ko kami na lang ang nandito.
May ipinakita siya sa akin. Isang maliit na bagay.
Harmonica.
"Sorry hindi gitara ang hawak ko. Pero sa wakas, makakapag perform na
rin ako sa stage kasama ka."
And that's it. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mata ko.
He started to play the harmonica. I started to sing. At sa buong kanta,
tuloy tuloy ang luha ko I can't even imagine how I manage to sing it well.
I want to write a beautiful song for you
But we're both so broken we created a sad sonnet instead.
How can we love wholly if we're not even whole?
But now that I fixed myself,
Will you let me show you my soul again?
Is there a chance to turn this broken melody into a happy love song?
~*~
JARREN REYES
Mahirap bumangon. Ayan ang natutunan ko. Mahirap bumangon at mahirap ayusin ang
sarili lalo na't isang malaking bagay ang nawala sa'yo.
Pero lahat ng bagay na nawawala ay may kapalit.
Nung unang taon na nagpaka-layo layo ako, sinubukan kong buuin ang
sarili ko. Marami akong ginawa. Pumunta ako sa iba't ibang lugar. Palipat lipat
hanggang sa makahanap ako ng isang lugar kung saan ko gustong magtagal.
Na hire ako bilang isang music teacher sa isang magandang music and
arts school sa California. Si Dayle ang nag recommend sa akin doon na nagtatrabaho
rin that time sa California as a guidance counselor. Doon ko rin nakilala si MJ na
dance teacher naman.
Dalawang taon akong nag stay doon. Mag-isa ako sa apartment na
tinutuluyan ko. Wala akong kasama pero sa pag-iisa ay natutunan kong asikasuhin ang
sarili ko.
Sa bagong lugar na yun ko nabuo ang sarili ko. Walang nakakakilala sa
akin doon, walang expectation, walang pressure.
Doon ko rin nakilala si Dan, isa ring music teacher na nagkaroon ng
fracture sa kamay—katulad ng sa akin.
Ang pinagkaiba ay gumaling siya.
Ni-refer niya ako doon sa doctor na tumingin sa kanya. Nung una ay
ayoko. Ayoko
nang makarinig ng rejection. Ayoko nang umasa at madisappoint. Pagod na ako.
Pero natauhan ako.
Kailangan ko yun. Yung katiting na pag-asa na yun. Kailangan ko
sumugal. Para at least hindi ko 'to pagsisihan sa huli. Para at least alam ko sa
sarili ko na ginawa ko ang lahat.
Kaya nagpa-check ako sa kanya.
At katulad ng sinabi ng marami, wala nang pag-asang bumalik sa normal
ang kamay ko.
Pero nung oras na yun, nung sinabi sa akin ng doctor yun, hindi na ako
nasaktan. Natanggap ko na ng maluwag sa loob ko ang kapalaran ko.
Tanggap ko na.
Kaya nag aral ako ng ibang instruments. Mga instrument kung saan hindi
ko halos gagamitin ang kamay ko.
Natutunan kong mag harmonica. Araw gabi akong nag-aral nito hanggang sa
ma-master ko ito. At nang magawa ko yun ay parang nanumbalik ang pagmamahal ko sa
pagsusulat ng kanta.
Marami akong nagawang kanta. At nakakatawa kasi hindi ko namamalayan na
sa bawat kantang isinusulat ko, laging si Mia ang inspirasyon ko.
Malayo man ako sa kanya, pero kitang kita ko ang taas ng nilipad niya.
Natalo siya doon sa competition pero napansin siya ng mga producer at
isinabak sa isang musical play. Doon siya unang nakilala. Sunod ay nag cover siya
ng isang kanta at kumalat ang video niya. Hanggang sa madalas na siyang i-guest sa
kung anu-anong mga palabas. Hanggang sa marinig kong pinaplano na nilang gawan ng
album si Mia.
And that's the time I contacted Ice. I told him na ibigay ang kantang
isinulat ko kay Mia. I told him na wag sabihin na galing sa akin at ako ang
sumulat. Gusto kong malaman niya yun sa isang special na araw, sa araw na kaya ko
nang tumugtog kasama niya.
And so I practiced hard. Araw gabi. Hanggang sa ma-perpekto ko ang
musikang gusto ko. Hanggang sa kaya ko na ulit humarap sa kanya.
At ngayon na kasama ko siya, naramdaman ko na burado na ang lahat. Ang
galit, ang sakit. Wala na. Tanging pagmamahal at magagandang alaala na lang ang
naiwan.
I've already forgiven her.
And now I'm hoping na sana buksan pa rin niya ang puso niya para sa
akin.
"Ngayon na lang ulit ako nakatikim nito," sabi ni Mia habang nandito
kami sa overlooking sa Antipolo, sa ibabaw ng kotse ko, at parehong may hawak na
Red Horse sa kamay.
Napangiti ako, "ako rin."
Nilingon ako ni Mia, "tell me I'm not dreaming."
Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit ko sa pisngi ko.
"I'm here."
Napayuko si Mia at nakita kong namumuo na naman ang luha sa mga mata
niya. "Mia..."
"Kasi ikaw, eh! Nakakainis ka!"
"I'm sorry."
Umiling siya at pinunasan ang luha sa mata, "no. Ako ang dapat humingi
nun. Paulit ulit. Sorry Ayen. Sorry sa lahat. I'm so sorry—"
Hindi ko na hinayaan pang ituloy niya ang sasabihin niya at hinalikan
ko na lang siya.
Natigilan si Mia. Napatulala. Humiwalay ako nang bahagya at hinawakan
ko ang kamay niya.
"Three years, Mia. Three years ang ibinigay mo sa akin. Masaydong matagal yun
pero ibinigay mo pa rin. At ngayon, buo na ako. Buong buo na. Kaya Mia, gusto kong
palitan ang three years na yun ng buong buhay ko. Is there a chance to turn this
broken melody into a happy love song?"
Nakita ko ang pag ngiti niya. Ang muling pagbagsak ng luha niya. At nakita ko ang
saya sa mga mata niya.
It reflects my eyes too dahil hindi ko masukat kung gaano ako kasaya ngayon.
Mia leaned forward at hinalikan ako. Isang mabilis na halik.
"Sealed," nakangiti niyang sabi. "Let's make happy love songs together."
END...

=================

Aly's Love Letter

Dear readers of Broken Melody,

Maraming salamat po sa lahat nang nag basa! Alam kong marami ang na-urat sa inyo sa
pagaantay ng update nito but still, sa mga nag stay mula First Stanza hanggang sa
Last--maraming salamat!
Broken Melody has a special place in my heart.
 Kung mapapansin niyo, I'm a huge fan of strong independent women. Most of my girl
protagonists are like that. Naomi, Timi, Aiscelle, Nica, even Dionne. Siguro kasi a
part of me wants to be like them. Yung confidence at sassiness na wala ako,
inilagay ko sa kanila.
But with Mia, I let her share my demons, my insecurities, my struggles. I let her
share my anxiety and fears and that's what makes her character more close to my
heart kasi sa lahat ng nagawa kong characters, siguro sa kanya ako pinaka naka-
relate. Sa kanilang dalawa ni Angelique ng Lucid Dream.
Though pansin ko itong Broken Melody ang isa sa pinaka mababang reads ko sa lahat
ng stories ko, this is one of my personal favorites sa lahat ng nagawa ko.
Kaya naman if you love this story, marami pong salamat. Thank you dahil nag stay ka
sa pagbabasa nito.
I'm sorry walang book two or special chapter. Tapos na ang story nila. I want to
end it that way---subtle lang, wala nang masyadong drama at arte, direct to the
point.
Kanino ang susunod na story? Hindi ko po alam. Magpapahinga muna ako sa EndMira.
Baka huminto muna ako sa pagsusulat saglit. Or baka magpost ako ng new fantasy
story. Bahala na. Pero I promise na balang araw masusulatan ko rin ng istorya ang
iba pang members.
Again, maraming salamat!

Love,
Aly.

You might also like