You are on page 1of 105

EXODUS (COMPLETED FEATURED STORY) #Wattys2016

by FireCastle

Featured Story under the genre of Horror in Wattpad Philippines.

Exodus: The Lost Epilogue

"Hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga
kaibigan ko. May prologue pero walang epilogue.
Alam mo ba kung bakit walang epilogue?
Dahil sa amin magkakaibigan ako na lamang ang nabubuhay.
Matatapos lamang ang kuwento kapag...
NAPATAY NA NILA AKO..."

Written by: FireCastle

Genres:
Horror-Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi

Started: April 8, 2015

Ended: June 13, 2016

=================

Exodus: Prologue

No part of this literary work may be reproduced in any form without the permission
of the writer. Plagiarism is a crime!

Genres: Horror-Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi

-------------------------------------------------------

"Death is no dream, For in death I'm caressing you.With the last breath of my soul,
I'll be blessin' you."

-Reszo Seress---------*---------

Matagal ko nang itinatago ang kuwentong ito sa mahabang panahon. Natatakot kasi ako
na kapag nalaman ng iba lalo na ng mga taong mahal ko sa buhay baka mapahamak sila.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Sa tanan kasi ng buhay
ko ni minsan hindi pa ako nagsulat ng kuwento o isang nobela.

Sa katunayan kinasusuklaman ko nga ang pagbabasa at pagsusulat noong panahon na


estudyante pa lamang ako. Nakakainip, nakakaantok, at sayang sa oras. Kaya ngayon
pa lamang humihingi na ako ng pasensya kung may mababasa kayong typhograhical
errors. Pero sa tingin ko panahon na talaga upang isiwalat ang kuwentong ito bago
pa mahuli ang lahat.

Taong 1999, Abril 30, kami ng mga barkada ko ay napagdesisyunan na mag out of town
para mag celebrate. Makalipas kasi ang apat na taon na pagsusunog ng kilay sa
kolehiyo ay nakapag tapos na din kami. Isa sa mga kaibigan ko ay nag suhestiyon na
magbakasyon sa Palawan kaso ang daming nag react. Masyado daw malayo at magastos.
Yung isa ko naman barkada sinabing magbakasyon na lang sa Cebu kaso nag protesta
naman ako. Taga Cebu kasi ako. Dito lang ako sa Maynila nag aral ng kolehiyo
maganda kasi ang kalidad ng turo dito kumpara sa amin. Sawang-sawa na ako sa Cebu
lahat na ata ng tourist destinations do'n nalibot ko na. May isa naman sa mga
kaibigan ko na nagsabing sa probinsya na lang nila mag bakasyon. Sa parteng norte.
Sa Isabela. Lahat naman ay sumang-ayon sa mungkahing iyon ng kaibigan namin.

Ngunit isang malaking pagkakamali pala ang pag sang-ayon namin na pumunta at
magbalak magbakasyon sa probinsya nila. Ibang landas pala ang tatahakin namin.
Landas na minsan hindi pa namin napuntahan sa tanan ng amin mga buhay.

Landas papunta sa Impiyerno? Sa Kawalan? Ewan ko. Ang tanging tumatakbo na lamang
sa aking isipan ngayon ay hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang
kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epilogue.

Alam mo ba kung bakit walang epilogue?

Dahil sa amin magkakaibigan ako na lamang ang nabubuhay.

Matatapos lamang ang kuwento kapag...

Napatay na nila ako...

-End of Prologue-

Please Vote and Comment

=================

Exodus 1: Stop Over

Abril 30, 1999

Sa dinami-daming puwedeng gawin meeting place namin ng mga barkada ko ay dito pa


nila naisipan sa sementeryo. Napatingala ako sa kalangitan at mukhang may
nagbabadya pang paparating na ulan. Ako pa lamang at ang best friend kong si
Raphael ang nasa sementeryo. Sina Ivan, Isaiah at Zac kasi ay nasa car wash pa.
Pinapalinisan yung sasakyan na gagamitin namin papunta sa probinsya ni Isaiah sa
Isabela.
"Ell tawagan mo na kaya sila sa cellphone." Utos sa akin ni Raphael. Batid kong
naiinip na si Raphael sa iba namin mga kaibigan. Mag iisang oras na kasi namin sila
hinihintay pero wala pa. Usapan kasi alas otso ng umaga kaso alas nuwebe na wala pa
rin sila.

Tinawagan ko na ang number ni Zac kaso out of coverage area yung phone niya.
Napabuntong hininga ako at humarap kay Raphael.

"Out of coverage area." Matipid kong sabi.

"Damn it. Kanina pa tayo sa main gate ng sementeryong ito pero wala pa rin sila---"
Hindi na naipagpatuloy pa ni Raphael ang kanyang sasabihin. Dumating na kasi sa
wakas sila Zac lulan ng isang pulang kotse. Dinig na dinig namin ang malakas na
sound system na nakakabit sa loob ng kotse. Overdrive pa ng paborito kong bandang
Eraserheads ang kanilang pinapatugtog.

"Magda-drive ako hanggang Baguio. Magda-drive ako hanggang Bicol. Magda-drive ako
hanggang Batangas. Tapos magsu-swimming do'n sa beach..."

"Buti naman at dumating na din kayo. Kanina pa kami dito." Naiiritang sabi ni
Raphael kanila Zac, Isaiah, at Ivan.

"Sorry na dude. Pinacheck-up pa kasi namin ang makina ng kotse para siguradong
magiging maayos ang biyahe natin papuntang Isabela." Pagpapaliwanag ni Zac sabay
patong ng kanang kamay niya sa balikat ni Raphael.

"Isasama ko ang girlfriend ko. Isasama ko kahit sinong may gusto. Kahit may kasama
s'yang aso basta't meron s'yang baong sariling buto..."

"Sumakay na kaya kayong dalawa ni Ell para makaalis na tayo." Sabat ni Ivan na
nakikita ko naman nagbabasa ng isang porn magazine.

Sumakay na kami ni Raphael sa loob ng kotse. Nakaupo kami ni Raphael sa backseat.


Napapagitnaan namin si Isaiah na noong mga sandaling iyon ay natutulog. Nakaupo
naman sa frontseat si Ivan at si Zac naman ang nasa driver's seat.

"Magdadala ako ng pagkain. Burger, fries, tapsilog at siopao. Magda-drive ako


hanggang Visayas. Magda-drive ako hanggang sa Mindanao..."

Sinimulan ng paandarin ni Zac ang kotse. Sa paglayo namin sa sementeryo ay doon na


tuluyan bumuhos ang ulan. Isang malakas na ulan.

"What the heck! Bakit ngayon pa umulan ng ganitong kalakas? Ang hirap kaya mag
maneho sa kalsada kapag ganito kalakas ang buhos ng ulan." Singhal ni Zac.
"Titigil din 'yan siguro." Wika ko kay Zac. Hindi naman na siya sumagot pa sa akin.
Napaismid na lang siya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya sa kanyang
pagmamaneho dahil sa umuulan at basa pa ang buong kalsada.

Napatingin naman ako sa gilid ng bintana dito sa kotse. Wala pa din humpay sa
pagbuhos ng ulan ang kalangitan. Ang weird lang kasi kanina bago ako umalis ng
bahay nanood pa ako ng morning show sa television. Sabi ng isang weather man
magiging maganda daw ang araw na ito. Magiging maulap at walang pagbabadyang pag
ulan sa kalangitan. Pero bakit ganito kabalintunaan sa sinabi ng weather man?

Pinatay naman na ni Ivan ang sound system ng kotse sa harapan. " Okay guys mamaya
na ulit tayo mag soundtrip. Masarap matulog kapag umuulan." Wika niya sabay sandal
sa may bintana ng kotse.

"Good for you Ivan that you find this rainy weather cozy to take a nap. How about
me? Getting pissed off already with my driving stuff." Sarkastikong sabi ni Zac kay
Ivan na nakapikit na ang mga mata at nag sisimula ng matulog. Mahirap nga naman
talaga mag maneho na pangit ang panahon lalo na't umuulan. Kaso wala ng choice si
Zac kasi at the very beginning siya na din naman ang nag presintang mag maneho para
sa barkada papuntang probinsya ni Isaiah.

Kasalukuyan na binabaybay na namin ang kahabaan nitong north express way. Tumila na
ang ulan. Wala naman trapiko at mabilis naman ang biyahe. Sinipat ko ng tingin ang
aking suot na relo. Magtatanghali na pala. Naramdaman ko naman na biglang kumalam
na ang sikmura ko dahil sa gutom.

Tiningnan ko yung mga kasama kong nakaupo sa backseat na sina Isaiah at Raphael.
Parehong mahimbing ang tulog nila. Naririnig ko naman na humihilik pa si Isaiah. Si
Ivan naman sa frontseat tulog pa din. Kami lang ni Zac ang tanging gising sa mga
oras na ito.

"Zac hindi ka pa ba nagugutom? Kanina ka pa nagmamaneho kasi. Ako kasi nagugutom


na. Baka puwedeng kumain muna tayo sa next stop over natin?" Tanong ko kay Zac.
Tumango naman sa akin si Zac.

Mayamaya pa ay dumating na din kami sa ikatlong stop over namin. Bumaba kami lahat
sa kotse.

"Buti naman at may convenience store dito." Sabi ni Raphael.

"Makakabili na din sa wakas ng yosi!" Masayang sabi ni Zac.

Sabay-sabay kaming lahat pumasok sa convenience store. Habang papasok ng


convenience store napansin kong pinagtitinginan kami ng mga ibang tao na nasa loob.
Kapansin-pansin din ang mga damit nilang may iisang kulay. Kulay itim. Napatigil
naman sa paglalakad si Zac nang napansin niyang nakatingin sa amin ang isang
lalaking hindi nalalayo sa edad namin. Nakita din namin lahat na biglang bumulong
ang lalaking ito sa isang babaeng kasama niya na nakaupo sa isang lamesa sa loob ng
convenience store.

"Adik ba ang mga tao dito? Ang wiwirdo nila kung makatitig sa atin. Ngayon lang ba
sila nakakita ng mga taong taga alta de ciudad?" Bulong sa amin ni Zac na may
sarkastikong tono ng pananalita. Tinapik ko naman siya sa balikat at sinabihan na
huwag na lang pansinin. Nakinig naman siya sa akin pero napansin kong biglang
napayukom ang mga kamay niya.

Nagkanya-kanya muna kami sa loob ng convenience store. Ako naman pumunta sa section
ng mga junk foods at soda. Bumili ako ng dalawang piattos at dalawang soda in can.
Pagkatapos ay pumunta na ako sa kahera upang magbayad. Habang nagbabayad ay may
nakasunod sa aking likuran na isang matandang babae. Magbabayad din siya sa kahera.

Napaisip ako bigla, kasamahan niya din kaya yung mga ibang taong nakaitim kanina na
nakatitig sa amin? Pagkatapos kong magbayad ay hinintay kong suklian ako ng kahera.
Nang nakuha ko na ang sukli ay umalis na ako ngunit nagulat ako nang biglang
hinawakan ng matandang babae ang braso ko. Nakatitig siya ng diretso sa mga mata
ko. Napansin kong walang itim yung gitna nung kaliwang mata niya. Tingin ko may
katarata siya o baka talagang bulag na ito. Hanggang sa narinig kong nagsalita ang
matandang babae sa akin.

"Lisanin ninyo na ang lugar na ito bago pa mahuli ang lahat." Naningkit bigla ang
mga mata ko sa turan ng matandang babae sa akin.

"Ale, ano po'ng ibig ninyong sabihin?" Nagugulumihan kong tanong sa kanya.

"Basta umalis na kayo!" Pagkatapos sumagot sa akin ng matandang babae bigla na


lamang niya binitawan ang braso ko at lumapit na sa kahera. Naisip kong lumabas na
lang ng convenience store at hintayin na lamang sa may kotse yung mga kaibigan ko.

Habang naglalakad papalapit sa kotse namin bigla akong natigilan. Namilog ang mga
mata ko sa aking nakita. Na flat yung mga gulong ng kotse namin. Tuluyan ko ng
nilapitan yung kotse at siniyasat ang bawat gulong. Hindi lang basta na flat ang
mga ito. Nakita kong may tastas ang mga gulong. Halatang sinabotahe ito ng kung
sino man.

-End of Chapter 1

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 2: Flyer

"Paano na kami makakaalis nito ng mga barkada ko?" Bulong ko sa aking sarili.
Mukhang wala pa naman vulcanizing shop dito? Hanggang sa may narinig akong tumawag
sa aking pangalan. Nilingon ko ito at nakita kong si Isaiah. Sabay-sabay na silang
lumabas ng convenience store nina Zac, Ivan, at Raphael.

"Ano nangyari? Ba't parang gulat na gulat iyan mukha mo Ell?" Tanong sa akin ni
Raphael.

"Flat yung mga gulong nitong sasakyan natin." Sagot ko. Biglang nanlaki ang mga
mata ng apat sa aking sinabi.

"Malaking problema ito. Paano tayo makakarating agad sa Isabela kung flat ang mga
gulong ng kotse?" Aniya ni Ivan na nakataas ang kilay. Napansin ko naman kumuha ng
isang pirasong sigarilyo sa kaha si Zac. Nilagay niya sa bibig ito at sinindihan ng
lighter. Mukhang na stress siya bigla dahil sa kinahinatnat ng kotse.

"Damn't it! This is bullshit! Eh mukhang hindi lang basta na flat ang mga tires.
Mukhang may sumabotahe talaga. Bakit may tastas? Patay ako sa uncle ko nito.
Hiniram ko lang sa kanya iyan!" Naaaburidong saad ni Zac. Mukha nga na magiging
problema sa amin lahat ang flat tires. Mukhang wala pa man din malapit na
vulcanizing shop dito.

Hindi sa kalayuan kung saan nakaparke ang sasakyan namin ay may narinig kaming
lahat na tilian ng mga babae. Napatingin kami sa isang kulay asul na van. Parang
dito nanggagaling ang tilian. Naisipan namin puntahan ito. Paglapit namin sa asul
na van ay may nakita kaming mga pamilyar na mukha. Ang mga gilrfirends ng barkada
ko. Teka anong ginagawa nila dito?

"What are you doing here Penelope?" Tanong ni Ivan. Girlfriend ni Ivan si Penelope.
Tatlong taon na sila sa relasyon. Kaso bago kami mag graduate nabalitaan na lang
namin na naghiwalay na daw sila. May attitude problem kasi si Penelope. Kahit nga
ako hindi ko din siya gusto. Though maganda siya pero lahat ng gusto niya ang dapat
nasusunod parati. Hawak niya nga sa leeg si Ivan. Kaya nag decide si Ivan na siya
na mismo ang makipag break kay Penelope. Medyo odd no? Boyfriend talaga ang nakipag
break sa girlfriend. Poor Penelope.

"Ivan are you not happy kasi nandito ako, kami ng iba kong friends at ng mga
girlfriends ng mga barkada mo." Maarteng turan ni Penelope. Nakita ko naman na
napaismid lang si Ivan sa kanya at nag taas ng kilay.

"Ano bang nangyari sa inyo at nagtititili kayo kanina?" Basag ko sa tensyon sa


pagitan nina Penelope at Ivan. Hindi naman sumagot si Penelope sa tanong ko.
Ngumuso lang siya at itinuro ang mga gulong ng van nila. Nagulat naman ako sa aking
nakita pati na din sina Ivan, Zac, Isaiah, at Raphael. Flat din lahat ng mga gulong
ng van nina Penelope katulad sa amin. Ang weird. Paano naman iyon nangyari? Is this
some kind of a joke?

"What the hell!" Bulalas ni Zac.

"Can you help us guys?" Tanong ni Stacey. Si Stacey naman ang girlfriend ni Zac.
Kung si Penelope ay may attitude problem, si Stacey naman ang masasabi kong santa.
Bukod sa maganda ay napakabait pa.

"Sorry baby pero flat din ang mga gulong ng kotse na sinakyan namin eh." Sagot ni
Zac sa girlfriend niya.

Hindi ko alam kung bakit ginawa sa amin ito. Wala din akong ideya kung sinong loko-
loko ang sisira ng mga gulong ng mga sasakyan namin lahat.

Napatingin naman ako sa isang babaeng nasa likuran ni Stacey. Si Mikaela. Siya yung
nililigawan kong babae ngayon at hindi ko inaasahan na kasama din siya nina Stacey.
Malamang sinama siya ng ate niya na si Denise yung girlfriend naman ng bestfriend
kong si Raphael. Nginitian ako bigla ni Mikaela. Ginantihan ko din naman siya ng
ngiti.

"Guys paano na tayong lahat ngayon? Nga-nga-bells na lang ba?" Mataray na sabi
naman ni Zoey habang nakapamewang. Si Zoey naman ang long time girlfriend ni Isaiah
since high school. Sa kanilang mga mag babarkdang babae si Zoey at Penelope ang mag
bestfriends. Kaya no doubts kung may attitude problem din si Zoey. Hanga nga ako
kay Isaiah eh, mantakin mo ba naman na nakatagal siya sa isang brat girl na kagaya
ni Zoey.

"Pero teka nga muna ano ba talaga ang dahilan at nandito kayong lahat?" Tanong ni
Ivan.

"Sinundan namin kayo. Simple as that." Direstahan sabi ni Penelope kay Ivan. Don't
tell me hindi pa din matanggap ni Penelope na break na silang dalawa ni Ivan? Kaya
hanggang dito sinundan niya si Ivan para makipag balikan? Dinamay at sinama pa ni
Penelope ang ibang mga kaibigan niya sa kanyang pagiging desperada. Napailing na
lang si Ivan sa sinabi sa kanya ni Penelope sabay buntong hininga nito.

Napagdesisyunan na lang ng lahat na iwanan na lamang namin muna sa stop over ang
mga sasakyan upang maghanap ng isang vulcanizing shop. Nagsamasama na lang kaming
lahat sa paghahanap habang naglalakad sa mahabang kalsada.

Lahat ng mga barkada ko kaakbay nila ang mga kanya-kanyang girlfriends maliban
lamang sa akin at kay Mikaela. Kapansin-pansin naman ang pilit na pag iwas at pag
layo ni Ivan sa kanyang ex-girlfriend na si Penelope. Masyadong trying hard si
Penelope just to get the attention of Ivan. Siya mismo ang umaakbay sa balikat ni
Ivan. Pero si Ivan parang diring-diri sa ginagawa ni Penelope sa kanya.

"Slut." Bulong ni Mikaela sa kanyang sarili. Narinig ko naman ang kanyang sinabi
patungkol kay Penelope habang pinagmamasdan niya ito.

"Sinabi mo pa." Bulong ko naman kay Mikaela. Nagkatawanan naman kami pareho sa
bawat isa. Totoo naman talaga ang sinabi niya tungkol kay Penelope. Slut. Hiwalay
na nga silang dalawa ni Ivan pero si Penelope pilit pa din na naghahabol at
lumalandi dito.
Napansin ko naman na may pinulot sa daan si Mikaela na isang kapirasong papel.

"Ell, tingnan mo 'to." Iniabot sa akin ni Mikaela ang papel. Villa Exodus Resort.

"Mag stay na lang kaya muna tayo diyan? Dumidilim na din kasi ngayon sa daan. Saka
based sa flyer malapit lang naman ang resort sa stop over na pinanggalingan natin
kanina." May point nga si Mikaela. Mukhang dapat nga muna kami pumunta at mag stay
for a while sa Villa Exodus Resort na ito.

Tinawag ko ang iba namin mga kasamahan at nagtipon-tipon sa isang gilid ng kalsada.
Sinabi ko sa kanila ang suhestiyon ni Mikaela na mag stay na lang muna sa resort na
nakita namin sa flyer. Sumang-ayon naman ang lahat. Saka kanina pa kami naghahanap
ng vulcanizing shop pero bigo kami na makakita.

Bumalik na kami lahat sa stop over. Kinuha namin sa mga sasakyan ang mga bagahe na
dala ng lahat. Pagkatapos ay iniwanan na namin ang mga sasakyan pangsamantala sa
stop over at sinimulan ng tahakin ang direksyon papunta sa Villa Exodus Resort.

-End of Chapter 2

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 3: Voice

"So is this the place already written on the flier?" Maarteng turan ni Zoey sa amin
lahat. Nasa labas na kami ngayon ng Villa Exodus Resort. Medyo naningkit naman ang
mga mata ko nang natagpuan na namin ito. Lumang-luma na kasi ang lugar. Saka parang
wala masyadong tao o mga bakasyonistang gusto mag check dito. Kabalintunaan sa mga
details na nakasaad sa flyer na napulot kanina ni Mikaela sa daan. Ang sabi sa
flyer very in demand daw sa mga bakasyonista itong Villa Exodus Resort. Maraming
booths, fun activities, at kung anu-ano pa.

"This resort really looks rustic." Sabi ni Penelope na naka-pouty lips pa at


nakapamewang habang nagpapaypay ng dala niyang abaniko.

Napansin ko naman bigla na kanina pa walang kibo sa bawat isa sina Denise at ang
bestfriend kong si Raphael. Napalapit tuloy ako kay Raphael at napatanong dito.

"Rap, okay ka lang ba? I mean kayo ni Denise pansin ko kasi kanina pa kayo hindi
nagkikibuan." Hinintay ko siya na sumagot pero hindi ito nagsalita. Bigla niya lang
ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ko at ngumiti sa akin at umiling.

Mayamaya pa ay nagulat na lamang kaming lahat nang biglang bumukas sa harapan namin
lahat ang napakalaki at kinakalawang na gate ng resort. Kapansin-pansin din ang
makapal na fogs sa buong kapaligiran.

"Resort ba talaga ito?" Nagtatakang sabi ni Stacey.

"Oo nga resort ba talaga 'to? Eh, mukhang abandonado na ito." Pagsang-ayon din
naman ni Penelope sa sinabi ni Stacey.

"Alam ninyo guys tama na muna ang mga queries ninyo. Much better if we all just
pass to this gate para makapag inquire na." Suhestiyon ni Ivan. Nakita ko naman na
nag shrugged na lang si Penelope sa sinabi ni Ivan. Ginawa naman na namin ang
sinabi ni Ivan. Nagsimula na kami pumasok ng gate. Sa pagpasok namin sa gate ng
resort may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Pakiramdam ko biglang nag iba ang
temperatura ng paligid. Biglang lumamig at naging maalinsangan. Nagpalinga-linga
ako habang naglalakad papasok ng resort wala talagang katao-tao. Tapos may nakita
pa akong swimming pool na nangingitim at napapalibutan ng mga lumot sa gilid nito.
Narinig naman namin lahat ang kusang pagsarado ng gate nitong resort.

"Infairness na impressed ako sa gate nila. Authomatic lang haha. " Wika ni Zoey. Oo
nga tama si Zoey may pagka high-tech din kahit paano ang resort nito. Ibig sabihin
lang no'n ay may mga staff dito sa resort. Hindi talaga ito abandonado. Posibleng
may mga hidden cctv camera na nakalagay sa labas ng gate at nakita kami kanina kaya
kusang nagbukas ito.

Habang naglalakad kami ay may parang naulinigan akong isang tinig ng babae. Parang
sumisigaw, para bang nag mamakaawa. Tinanong ko si Mikaela kung narinig ba niya ang
naririnig kong sigaw ng babae pero umiling lamang at sinabi niya na wala naman
siyang narinig. Hinayaan ko na lamang yung naririnig ko. Hindi ko alam kung guni-
guni ko lang ba iyon pero pakiramdam ko may mali sa resort na ito. Nagpatuloy
lamang kami lahat sa paglalakad sa loob ng resort hanggang sa may isang lalaking
nakaputing long sleeves na polo, itim na pantalon, at makintab na itim na sapatos.
Nakangiti siya sa amin lahat.

"Welcome to Villa Exodus Resort, a place of haven, tranquility, and relaxation! "
Bati ng lalaki sa amin lahat.

"Mag checheck-in po sana kami ng mga kaibigan at girlfriends namin just for one
night. May available rooms pa po ba kayo? " Magalang na tanong ni Zac sa lalaki.
Malamang ang lalaking sumalubong sa amin ay isa sa mga posibleng staff ng resort.

"Yes sir, meron pa po kami available na rooms. Actually sobrang dami po namin
vacant rooms. Hindi po kasi kami peak season ngayon. Sunod na lang po kayo sa akin
sa may lobby ng resort to discuss further more about the accommodation rates. "
Saad sa amin ng lalaki. Sumunod kami sa kanya patungo ng lobby nitong resort.
Pagpasok namin sa lobby ay may naabutan kaming tatlong lalaki na nasa front desk.
Kami na ni Mikaela ang lumapit sa lalaking nakaupo sa gitna ng front desk. Kulay
dilaw ang buhok niya. May matangos na ilong. May maputing kutis. Artistahin ang
mukha.

"Good evening sir and ma'am. I'm Kai what can I do for you?" Pakilala sa amin ng
lalaking may kulay dilaw na buhok.
"Mag check-in po sana kami ng mga kaibigan ko just for this night then tomorrow
aalis na din po kami. Kukuha po sana kami ng dalawang rooms na suite type." Sagot
ni Mikaela sa lalaking nag ngangalan na Kai.

Kanina bago kami magdesisyon na tumungo ng Villa Exodus Resort napag usapan namin
na dapat hiwalay ang kuwarto ng mga babae sa lalaki para maging organisado ang
panunuluyan namin.

"Wala pong problema ma'am. Ito na po ang dalawang key cards ng suites ninyo po.
5,000 pesos lang po ang kailangan ninyong i-settle na amount for your one night
stay in accommodation. Ipapahatid na lamang po namin kayo sa bellman namin na si
Lay. " Pagkatapos maibigay sa amin ni Kai ang mga key cards ng kuwarto namin ay
tinawag na niya yung Lay na bellman na maghahatid sa amin mga kuwarto.

Pagdating sa kuwarto namin mga lalaki ay medyo nadismaya kami sa amin nadatnan.

"Suite room ba 'to? Eh, bakit ganito may nakikita akong agiw sa kisame. "
Naiiritang sabi ni Isaiah.

"Saka guys tingnan ninyo yung venetian blinds ng bintana nangingitim na sa kapal ng
alikabok." Dagdag pang sabi ni Ivan.

"Guys, hayaan ninyo na lang tutal isang gabi lang naman tayo dito. Bukas aalis na
din tayo. " Pag-aalo ko kanila Isaiah at Ivan. Nakita ko naman na biglang ibinagsak
pahiga ni Zac ang kanyang sarili sa isang king size bed sa amin kuwarto.

"What the heck! Bakit ganito ang daming alikabok ng kama nitong kuwarto na ito?"
Naiinis na sabi ni Zac. Oo nga tama si Zac ang dami nga alikabok. Nakita namin
lahat nang biglang humiga si Zac sa kama ay ang siyang pag angat naman sa hangin ng
mga alikabok. Paano kaya kami makakatulog nito sa kuwartong ito? Ang dumi-dumi at
mukhang matagal ng hindi nalilinisan. Napapaisip na tuloy ako na hindi ata worth it
ang ibinayad namin kanina sa front desk para sa suite room na ito. Kumusta naman
kaya ang kuwarto ng mga babae? Komportable naman kaya sila? Napabuntong hininga na
lamang ako sa feeling namin lahat na para bang devastating talaga ang room na
nakuha namin. Inisip ko na lamang na isang gabi lang naman ito. Bukas aalis na din
kami. Pero may problema pa din. Hindi pa napapaayos ang mga sasakyan namin sa
vulcanizing shop. Sana pagbalik namin bukas sa stop over kung saan namin iniwan ang
mga sasakyan ay mahanapan na din ang mga ito ng mga mekaniko.

Habang abala ang iba kong mga kaibigan na nag aayos ng mga gamit nila sa bag,
naisipan kong lumapit at tumapat sa bintana. Binuksan ko ang venetian blinds.
Nakita ko ang kalangitan na puno ng mga bituin at kabilugan pala ng buwan ngayon.
Pagkatapos ay napasulyap naman ako sa baba ng resort mula dito sa kuwarto namin sa
fifth floor. Napakatahimik ng buong kapaligiran. Pero kapansin-pansin pa din ang
mga swimming pools na mukhang matagal nang hindi nalilinisan. Bigla naman akong
napaatras sa aking kinatatayuan nang dahil sa gulat. Parang may naaninag akong
taong biglang lumutang sa ibabaw ng pool. Tao nga ba ito? Pinagmasdan ko ito ng
mabuti nang biglang may isang itim na uwak na lumitaw sa labas ng bintana.
Napaatras pa ulit tuloy ako sa gulat at natumba sa sahig. Napansin naman ng iba
kong mga kaibigan ang nangyari sa akin. Nilapitan ako ng best friend kong si
Raphael at tinanong niya ako kung ayos lang daw ba ako. Tumango lang ako sa kanya.
Pagkatapos ay hinatak niya ang kamay ko para makatayo sa sahig. Ano ba itong
nakikita ko? Siguro epekto lamang ito nang sobrang stress o pagod dahil sa pag
hahanap namin kanina ng vulcanizing shop na mapagkukunan ng mekaniko.

Nang mag alas-otso na ng gabi ay nakaramdam na kami lahat ng pagkagutom kaya


naisipan ni Zac na tumawag sa front desk at mag request ng dinner meal para sa amin
sa kuwarto. Kaso may problema. Yung telepono na nasa kuwarto namin ay hindi
gumagana. Wala itong dial tone. Nang biglang may narinig kami na kumatok sa pintuan
ng kuwarto namin. Ako na ang nag presinta na mag bukas ng pintuan. Pagkabukas ko ng
pintuan ay bumungad sa akin ang isang lalaki na may dalang isang tray. Tray na may
mga nakapatong na pagkain at inumin.

"Sir para sa inyo nga pala. " Wika sa akin ng lalaki.

"Hindi naman po kami umorder. Bakit may ganyan na po agad? " Nagtataka kong tanong
sa lalaki.

"Treat po sa inyo iyan ng resort namin. Ganito po talaga sa amin kapag first time
pa lang na mag pa accomodate sa resort namin ay may free dinner." Nakangiting sabi
sa akin ng lalaki. Nagulat naman ako sa sinabi ng lalaki. Hindi ko inaakalang sa
kabila nang madumi nilang kuwarto ay may ganito pala silang free dinner kapag unang
beses pa lamang nag check-in sa resort nila. Well I just hope na masarap ang dinner
na ibinigay nila sa amin.

Pinapasok ko ang lalaki sa kuwarto namin at ipinapatong ko sa kanya sa isang lamesa


yung dala niyang isang tray ng maraming pagkain at mga beverages. Nakita ko naman
na nagulat ang mga barkada ko sa dinalang pagkain ng lalaki sa kuwarto namin.
Pagkatapos no'n ay umalis na ang lalaki ngunit hindi ko pa naisasara ang pintuan ng
kuwarto namin ay bigla akong napatigagal sa aking kinatatayuan. Narinig ko na naman
ulit ang boses ng babae na sumisigaw na aking naulinigan kanina nang dumating kami
sa Villa Exodus Resort. Naramdaman kong biglang tumaas ang mga balahibo ko sa aking
magkabila mga braso. Napahinga ako ng malalim hanggang sa naisipan ko na lamang
isara na ang pintuan at sabayan ang mga barkada kong nag uumpisa ng galawin ang mga
pagkain sa tray na hinatid sa amin kanina ng isa sa mga staff ng resort.

-End of Chapter 3

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 4: The Missing Zoey

Third Person's POV:

"This is so ridiculous!" Naiiritang sabi ni Penelope nang malaman niyang walang


signal ang kanyang cellphone.

"Kahit sa akin din wala." Dismayadong sabi din ni Zoey.

"Ano pa ba ang aasahan natin eh wala naman tayo sa sibilisasyon. Remember we are
all out of somewhere." Saad ni Stacey sa mga kaibigan.

"Pero teka nasaan na nga ba tayo? Saan bang probinsya ang Villa Exodus Resort na
ito?" Nagtatakang tanong ni Denise. Tiningnan lang siya ng mga kaibigan niya at nag
sipag kibit balikat lamang ang mga ito sa kanya.

Tahimik lang na nakaupo naman si Mikaela sa isang sofa. Kanina pa niya


pinagmamasdan ang orasan.

"Alas onse na pala ng gabi." Mahinang sabi niya. Narinig naman siya ng kanyang ate
Denise.

"Okay ka lang sis? Ang tahimik mo ata." Tanong ni Denise sa bunsong kapatid.

"Oo pero ate Denise parang kinakabahan ako." Sagot ni Mikaela sa kanyang ate
Denise.

"Bakit naman?"

"Hindi ko din alam ate."

"Itulog mo na lang iyan. Baka pagod lang iyan." Nakangiting sabi ni Denise kay
Mikaela.

"Sige ate." Matipid na sagot ni Mikaela.

Tumayo na si Mikaela sa sofa na kanyang inuupuan at pumunta na sa kama para


matulog.

***Mahimbing nang natutulog ang lahat sa kuwarto ng mga babae. Ang lakas pa ng
hilik ni Penelope. Dahil sa ingay ng hilik ni Penelope ay biglang naalingpungatan
si Zoey.

"Punyeta, ang ingay naman ng babaeng ito matulog!" Naiiritang sabi ni Zoey habang
nakatingin ng masama kay Penelope.

Ipinikit na muli ni Zoey ang kanyang mga mata para matulog. Ngunit hindi na siya
makatulog pang muli. Sobra kasing lakas ng hilik ni Penelope. Bumangon na lamang
siya ng kama. Tumayo mula sa kama at lumabas ng kuwarto nila.
Zoey's POV:

Lechugas naman iyan si Penelope walang pose kung matulog. Ang lakas ng hilik niya.
Pinaglihi ba siya ng nanay niya sa amplifier? Bwusit naman!

Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Kanina pa ako naglalakad sa hallway. Kung
babalik naman ako sa kuwarto namin mabubwisit lang ako dahil sa hilik ni Penelope
ulit.

Woah, teka ano 'yon? Parang may naririnig akong kakaiba.

"Sssshhh...sssshhh...sssshhh..." Ano 'yon? Di ko magets ang sound?

"Sssshhh...sssshhh...sssshhh..." My God its getting more louder now.

Balik na nga lang ako sa kuwarto namin. Natatakot na ako do'n sa strange sound na
naririnig ko.

Pagtalikod ko nang pabalik na sana ako sa kuwarto namin ay bigla akong napaigtad!
May lumitaw na napakalaking ahas sa aking likuran. Nakatitig ito sa akin. Kulay
pula ang mga mata nito at lumiliwanag pa sa dilim. Napalunok ako bigla ng laway ko
sa aking lalamunan.

Nakakakilabot tapos ang laki-laki pa niya. Ano bang klaseng ahas ito? Sawa? Hindi
eh, imposible. What the fuck, parang anaconda ito! Shit I need to get rid of the
big snake! Baka kagatin o kainin niya ako ng buo at buhay. I don't wanna get killed
already! I'm too young for this!

Bigla akong tumakbo papalayo sa ahas. Sinipat ko naman ito ng lingon at nagulat
ako. Biglang nagkaroon ng mga paa ang ahas na ito at tumatakbo na din nang
napakabilis sa hallway.

Fuck shit! Anong klaseng resort hotel ba 'tong tinuluyan namin? Bakit sila nag
aalaga ng ganyan klaseng hayop?

Hindi ako puwedeng maabutan ng ahas na ito. Hanggang sa may nakita akong isang
kuwartong nakabukas. Pumasok ako dito at nag tago. Inilocked ko nang mabuti ang
pintuan sa loob.

Natatakot na ako. Sana kung isang masamang panaginip lamang ito, sana magising na
ako. Ayoko pa mamatay.

Napaluhod na lamang ako sa sahig na aking kinatatayuan. Hindi ko na napigilan pang


maluha dahil sa takot. Nang biglang narinig kong kumakalampag nang napakalas ang
pintuan. Mukhang nag pupumilit pumasok sa loob ng kuwarto yung ahas na mukhang
halimaw na iyon! I'm really so scared na talaga. Ayokong makain ng buo at buhay ng
ahas na iyon! I need some help!

Naisip ko na tawagan ang best friend kong si Penelope. But shit, oo nga pala hindi
ko dala yung aking cellphone. I left it at the room.

Oh my God, I'm so dead na talaga!

Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang ingay ng kalampag sa pintuan. How I wish
na huwag tuluyan masira at mabuksan ng halimaw na ahas na iyan ang pintuan. Wala na
din akong ibang mapupuntahan. Dead end na ako sa kuwartong ito.

Mayamaya pa ay bigla na lamang tumigil na ang malakas na pagkalampag ng pintuan.


Tumahimik na. Mukhang wala na ang halimaw na ahas.

Tumayo na ako sa sahig na aking niluluhuran habang umiiyak. Dahan-dahan akong


lumapit sa pintuan. Nag aalangan ako kung bubuksan ko na ang pintuan. Sana wala na
ang halimaw na ahas na 'yon.

Marahan ko nang binuksan ang pintuan at sumilip sa labas. Wala na siya. Nawala na
ang halimaw na ahas.

Huminga ako nang malalim at marahan na lumabas ng kuwarto na aking pinagtaguan.


Siniyasat kong mabuti ang buong hallway. Mukhang makakahinga na ako nang maluwag.
Wala na talaga yung weird creature na humahabol sa akin.

***

I'm so happy wala na yung halimaw na ahas. Akala ko talaga katapusan na ng aking
buhay. Buti na lang magaling ako mag tago haha. Wait, what's that? Parang may
tumulo sa noo ko?

Hinipo ko ang aking noo. Ano 'to ang lagkit. Inamoy ko yung likidong tumulo sa
aking noo. Gross! Amoy kalawang. Tumingin ako sa kisame pero wala naman akong
nakita na kakaiba. Nag patuloy na lamang ako sa paglalakad sa hallway.

Mayamaya pa ay napatigil na naman ulit ako sa paglalakad. Naramdaman kong may


tumutulo na naman ulit sa aking noo. Tumingala ako pero wala naman akong nakita.

Hahakbang na sana ako para maglakad nang biglang natigilan ako. May pumapatak na
naman sa noo ko. Marahan akong tumingala at namilog ang aking mga mata sa nakita
ko.

Nasa kisame yung halimaw na ahas. May tumutulong laway sa kanyang bibig na
pumapatak sa aking noo. Nanlilisik ang kanyang mga mata.
Tanging pagsigaw na lamang ang aking nagawa nang nakita kong susunggaban na niya
ako.

"Aaaaaaaahhh!"

****Third Person's POV:

"Ano iyon?" Sabi ni Penelope nang bigla siyang naalingpungatan.

"I think I heard someone shout loud." Aniya ni Penelope sa kanyang sarili.
Pagkatapos ay bumangon siya ng kama. Nakita naman niya na mahimbing na natutulog sa
kama pa din ang kanyang mga kaibigan. Pero nagtaka siya bigla. Bakit nawawala sa
kama ang best friend niyang si Zoey.

***"What's that noise about?" Nagtatakang sabi ni Isaiah paglabas niya sa banyo
pagkatapos umihi nito. Nang biglang narinig niya na may kumatok sa pintuan.

Binuksan agad ni Isaiah ang pintuan ng kuwarto. Nakita niyang nakatayo si Penelope
sa labas.

"What are you doing here Penelope?" Nagtatakang tanong ni Isaiah.

"I just wanna ask if Zoey was in your room?"

"She's not here."

"Pero wala din siya sa room namin."

Napakunot naman ng noo si Isaiah sa turan sa kanya ni Penelope. Napaisip siya kung
saan naman mag pupunta ng dis oras na ng gabi ang kanyang girlfriend na si Zoey.

"Baka naman bumaba lang ng lobby." Sabi ni Isaiah kay Penelope.

"Lobby? And what the hell she will going to do there?" Tanong ni Penelope habang
naka crossed arms sa harapan ni Isaiah.

"I don't know. Why don't you check her on the lobby?" Sabi ni Isaiah habang
nakataas ang isang kilay kay Penelope.

"Ako pa talaga ang inutusan mo. Sino ba'ng boyfriend ni Zoey? Diba ikaw Isaiah."
Mataray na sabi ni Penelope kay Isaiah. Ngumisi lang naman sa kanya si Isaiah.
***

Mikaella's POV:

Nasaan na ang mga katabi ko sa kama? Nawawala sina Penelope at Zoey. Sina Stacey at
ate Denise naman mahimbing pa din ang tulog sa kabilang kama.

Ba't nakabukas ang pintuan ng kuwarto? Lumabas siguro yung mag best friends. Hindi
man lang sinarado nang mabuti yung pintuan.

"Mikaela...Mikaela...Mikaela..." May tumatawag ba sa akin? Baka guni-guni ko lang.


Ako lang naman ang gising dito sa kuwarto.

Sinarado ko na ang pintuan. Pabalik na ako ng kama nang biglang natigilan ako.
Naririnig ko na naman ulit ang boses. Boses ng isang babae. Pero sa pag kakataon na
ito ay mas lumalakas na ang boses. Humihikbi ito at mukhang nanggagaling sa loob ng
banyo.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo. Nang malapit na ako sa pintuan ay


biglang tumigil ang boses na aking nauulinigan.

Marahan kong binuksan ang pintuan ng banyo. Binuksan ko ang switch on ng ilaw.
Pagbukas ko sa ilaw ay bigla akong napatigagal. Namilog ang dalawa kong mga mata.
May babaeng nakatayo sa loob ng banyo. Humihikbi siya. May bahid ng dugo ang
kanyang damit. At ang talagang nakapagbigay ng takot sa akin ay ang kanyang mukhang
burado. Walang mga mata, kilay, at ilong ito. Tanging bibig lamang sa kanyang mukha
ang aking nakikita. Nakakakilabot ang kanyang hitsura hanggang sa narinig kong
nagsalita siya.

"Tu...tulungan mo ako Mikaela..." Humihikbing sabi niya sa akin. Gusto ko naman na


sana sumigaw nang dahil sa takot pero hindi ko magawa. Para akong nahipan ng hangin
sa aking kinatatayuan at hindi ako makagalaw. Gusto ko din sumigaw pero sa hindi ko
maintindihan na rason, hindi ko maibuka ang aking bibig.

"Tulungan...mo...ko...Mikaela huhuhu." Diyos ko ano nang gagawin ko ngayon.


Papalapit na siya sa akin.

Tanging pag luha na lamang ang nagawa ko. Takot na takot ako. At ngayon
nararamdaman ko nang bumibilis ang tibok ng aking puso kasi nakatayo na siya mismo
ng malapitan. Napapikit na lamang ako dahil sa aking takot sa kanya.

Nag usal na lamang ako ng dasal sa Diyos sa aking isipan habang nakapikit.

Mayamaya pa ay iminulat ko nang muli ang aking mga mata. Nawala na siya at muli ko
nang naigalaw ulit ang aking buong katawan. Pinunasan ko ng aking kamay ang mga
mata kong lumuluha kanina pa. Nakahinga na din ako nang maluwag at tumigil na ang
mabilis na pagtibok ng aking puso kanina.

Nagmadali akong lumabas ng banyo at bumalik na sa kama. Sa sobrang takot na


nararamdaman ko pa din ay nagtalukbong na ako ng kumot. Ramdam ko ang panginginig
ng aking buong katawan dahil sa labis na takot. Ipinikit ko na lamang ang aking mga
mata at pinilit na matulog muli.

***

Third Person's POV:

"I'm sorry sir pero hindi ko po nakita ang inyong kaibigan na pumunta dito sa
lobby." Sabi ng front desk officer na si Kai kay Isaiah.

"Are you really sure?" Paninigurado ni Isaiah kay Kai.

"Yes, sir." Nakangiting tugon ni Kai kay Isaiah.

Nakaupo naman si Penelope sa waiting area sa lobby habang hinihintay niyang matapos
makipag usap si Isaiah kay Kai.

"Kakainis wala pa din signal yung cellphone ko. Damned it." Dismayadong sabi ni
Penelope sa kanyang sarili nang biglang narinig niyang nag ring ang kanyang
cellphone.

Sinagot agad ni Penelope ang tawag.

"Hello?" hinintay niyang sumagot ang tao sa kabilang linya pero walang sumasagot.

"Hello, who's this?" tanong ni Penelope sa kabilang linya pero wala pa din
sumasagot. Ibinaba na lamang ni Penelope ang tawag.

Mayamaya pa ay biglang nag ring na naman ulit ang cellphone ni Penelope. Hindi niya
agad sinagot ito. Naningkit naman ang tingin ni Penelope sa screen ng kanyang
phone. Nakakarecieve siya ng call pero bakit wala naman bars ang signal nito?

Nag alangan tuloy sagutin ni Penelope ang tawag hanggang sa tumigil na ang pag
ring.

Tiningnan ni Penelope sa call registrar ng kanyang phone kung sino ang tumatawag
pero bigo siya. Nakaprivate ang number ng caller. Unknown number lamang ang nakita
niya sa call registrar ng kanyang phone.Walang rumehistrong numero. Nang biglang
muling nag ring na naman ang kanyang phone.
Nagtataka pa din si Penelope bakit nakakatanggap ng tawag ang phone niya kahit wala
naman bars ang signal nito sa screen.

"Ba't di mo sinasagot ang tawag sa cellphone mo Penelope?" Tanong ni Isaiah nang


biglang dumating na ito sa waiting area sa lobby. Pinatay naman ni Penelope ang
kanyang phone at saka sumagot kay Isaiah.

"Unknown number eh." Sagot ni Penelope.

"Ano na nga pala ang sabi ng front desk officer sa'yo?" Pag iiba ni Penelope sa
usapan nila ni Isaiah tungkol do'n sa tumatawag sa kanyang cellphone.

"Wala eh. Hindi daw nila nakita si Zoey." Sagot ni Isaiah.

Bigla na naman ulit nag ring ang cellphone ni Penelope.

"Bitch! Sino ba kasi ito?" Naiiritang sabi ni Penelope. Pagkatapos ay sinagot na


niya ang tawag.

"Hello, who's this?" Mataray na sabi ni Penelope sa kabilang linya ng tawag.

"Penelope...Penelope...tulungan mo ko huhuhu." Nagulat bigla si Penelope nang


narinig na niya ang nagsalita sa kabilang linya. Isang boses ng babaeng umiiyak.

"Who the hell is this?" Tanong ni Penelope sa kabilang linya.

"Penelope...Penelope...isusunod na nila kayo huhuhu..." Napataas bigla ng kilay si


Penelope sa turan ng babaeng kausap sa kabilang linya.

"Zoey is that you?" Tanong ni Penelope sa babaeng nasa kabilang linya. Pagkatapos
no'n ay bigla na lamang naputol ang linya.

"Sino 'yon Penelope? Is it Zoey?" Tanong ni Isaiah.

"Naputol na ang linya eh."

Biglang kinabahan si Penelope. Naisip niya na baka may nangyari nang hindi maganda
sa best friend niyang si Zoey.

"Nasaan na ba kasi si Zoey?" Tanong ni Isaiah sa kanyang sarili sabay gulo ng


kanyang buhok.

Nag aalala na din si Isaiah para sa kanyang girlfriend. Kanina pa nila hinahanap si
Zoey pero hindi pa din nila ito nakikita.

-End of Chapter 4

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 5: Undefined Sound

Naalingpungatan ako. Bigla kasi ako nakaramdam nang matinding panlalamig sa kama.
Nang biglang narinig kong may tumawag sa aking pangalan.

"Ell, ba't gising ka pa?" Nilingon ko ang boses sa may labas ng banyo namin sa loob
ng kuwarto. Si Raphael.

"Oo, bigla akong gininaw." Tugon ko sa kanya habang nanginginig sa lamig.

Ang weird lang wala naman kasing aircon na nakabukas sa loob ng kuwarto namin pero
sobrang lamig talaga. Tapos tiningnan ko yung bintana sa kuwarto namin nakasara
naman.

"Oo nga ang lamig." Pag sang-ayon sa akin ni Raphael.

Nang biglang bumukas ang pintuan sa kuwarto namin. Si Isaiah.

"Lumabas ka pala? Sa'n ka galing dude?" Tanong ni Raphael kay Isaiah.

"Nawawala si Zoey." Sagot ni Isaiah.

"Nawawala? Paano?" Kunot noong tanong ni Raphael kay Isaiah.

"Pumunta kanina dito si Penelope at hinahanap niya si Zoey sa kuwarto natin. Sabi
ko wala. Tapos sabi niya wala din sa kuwarto nila. Kaya pumunta kami kanina sa
lobby para mag tanong sa front office kaso sabi naman sa amin ng attendant hindi
daw nila nakita si Zoey." Saad ni Isaiah sa amin. Kita ko sa mukha niya na nag
aalala siya sa kanyang girlfriend na si Zoey.

"Saan naman kaya posibleng pumunta si Zoey? Aba, madaling araw na kaya."
Nagtatakang turan ni Raphael. Nagkibit balikat lang naman si Isaiah. Ako naman
tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang dalawa nang biglang napaangat ang
magkabila kong balikat. Nagulat kasi ako. Naririnig ko na naman ulit ang boses ng
babae na umiiyak na naulinigan ko na din kanina nang kararating pa lang namin sa
resort. Pero sa pagkakataon na ito ay dalawang boses na ng mga babae ang aking
naririnig. Sunod ay naramdaman kong tumataas na ang mga balahibo ko sa aking
balikat.

Napansin naman ni Raphael na tila bigla daw ako nabalisa.

"Ell, okay ka lang? Parang balisa ka. May problema ba?" Tanong ni Raphael. Umiling
lang ako sa kanya.

"Ah, guys labas muna ako ng kuwarto. I just need a walk." Paalam ko kanila Raphael
at Isaiah. Bago ako lumabas ng kuwarto namin nakita ko naman na mahimbing na
natutulog pa din sina Ivan at Zac. Pareho pa na humihilik.

***Ang lamig pa din. Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa hagdanan pababa.
Nagbabalak kasi ako na tumambay muna sa pool area. Nang biglang natigilan ako sa
paglalakad. Parang may narinig akong foot steps sa likuran ko. Lumingon ako pero
wala naman ako nakita. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating
ko na ang hagdanan.

Habang naglalakad ay napansin kong may tumatagaktak na pawis sa aking buong mukha.
Nararamdaman ko na din ang paunti-unting pagbaba ng temperatura. Ang weird naman ng
hotel resort na ito. Kanina nang naglalakad ako sa hallway ang lamig-lamig. Ngayon
na naglalakad na ako sa hagdanan biglang uminit naman.

Nairita ako bigla pagbaba ko kasi sa lobby ay basang-basa na ako ng pawis. Para
akong naligo sa ulan.

"Hi Sir!" Nagulat ako bigla sa boses ng isang lalaki na bumati sa akin. Pag lingon
ko sa aking gilid ay nakita ko ang bellman na nag hatid sa amin kanina sa kuwarto.
Si Lay. Nginitian ko naman siya.

"O, sir ba't gising pa kayo?" Nakangiting tanong sa akin ni Lay.

"I just need a walk." Turan ko sa kanya. Pagkatapos ay naglakad na ako ng lobby
palabas patungo sa pool area.

***Mahamog dito sa pool area ngayon. Turn off pa din naman ako sa mismong swimming
pool. Ang daming lumot. Nangingitim na din ang tubig nito.

Bakit kaya ganito ang resort na ito? Hindi well managed saka may pagkaweirdo
talaga. Nang biglang may narinig akong isang boses na tumatawag ng pangalan ko sa
likod. Napalingon agad ako at nasilayan ko si Mikaela.

"Ell!"

"Hi, anong ginagawa mo rin dito Mikaela?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi ako makatulog sa kuwarto." Sagot niya sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhmn, huwag mo na alamin baka 'di ka lang maniwala." Tatawa-tawa na turan ni


Mikaela.

"Hindi naman siguro. Ano ba iyon?" Sabi ko sa kanya. Napansin ko naman na biglang
tumahimik si Mikaela at tumingin nang diretso sa may pool. Mukhang iniisip niya ang
dahilan kung bakit siya hindi pa makatulog. Hanggang sa nagsalita na din siya.

"I saw someone else inside our room." Seryosong turan bigla ni Mikaela sa akin.
Napakunot naman ako ng aking noo sa sinabi niya.

"You saw someone else in your room? Who?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May...m...m...multo sa kuwarto namin." Nauutal niyang sabi sa akin. Bahagya naman


akong natawa sa sinabi niya. Medyo nagulat din ako. Hindi ko kasi inaasahan na 'yon
ang kanyang sasabihin.

"Multo? Seriously?" Nagugulumihan kong tanong kay Mikaela.

"Oo, I saw it with my two naked eyes. May babaeng multo sa banyo namin. She doesn't
have face except for her mouth that keeps on saying to me na tulungan ko daw siya."
Tuloy-tuloy na pagsasalita ni Mikaela. Sumagi naman bigla sa aking isipan yung
boses ng babae na naririnig ko sa kuwarto kanina na umiiyak.

Napansin naman ni Mikaela na bigla akong natulala habang nagsasalita siya.

"Ell, natulala ka ata?"

"May sasabihin din ako sa'yo Mikaella." Seryosong turan ko sa kanya.

"Ano 'yon Ell?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot kay Mikaella.

"Simula kasi nang dumating tayo dito sa Villa Exodus Resort may naririnig na akong
boses ng babaeng umiiyak."

Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko pa nga ba ikuwento ito kay Mikaela. Baka
matakot ko lang din siya. Pero nasimulan ko na.
Tikom naman ang bibig ni Mikaela. Tahimik lang siya na nakitingin sa akin ng
diretso sa mga mata habang nakikinig.

"Naalala mo pa ba yung tinanong ko sa'yo nang dumating tayo dito? Nang nakapasok na
tayo sa gate ng resort? Tinanong kita kung naririnig mo din ba yung boses ng isang
babae na sumisigaw at nagmamakaawa?" Pagpapatuloy ko sa aking sinasabi kay Mikaela.

"Oo, Ell naaalala ko 'yon. Sorry hindi ako nag sabi sa'yo ng totoo noong tinanong
mo ako. Sabi ko wala akong narinig pero ang totoo may narinig talaga ako.
Binalewala ko na lamang at ayokong takutin ang aking sarili." Turan sa akin ni
Mikaela. Nagulat naman ako sa kanyang pag amin. Naulinigan din pala niya ang boses
ng babae.

"Natatakot ka ba ngayon? Dito sa resort?" Tanong ko kay Mikaela.

"Oo." Matipid niyang sagot sa akin.

Kahit ako nahihintakutan na din sa resort na ito. Parang may tinatagong lihim o
misteryo ang Villa Exodus Resort na ito. Bukas aalis na din naman na kami kaya
konting tiis na lang sa weirdong resort na ito at makakaeskapo na din kami dito.
Maghahanap pa nga pa pala kami ng mekaniko. Kung bakit kasi na flat pa yung mga
gulong ng sasakyan namin lahat.

"Nawawala daw si Zoey. Bumalik na ba siya sa kuwarto ninyo?" Tanong ko kay Mikaela.

"Hindi pa eh. Medyo nag aalala na nga yung best friend niyang si Penelope." Sagot
ni Mikaela. Tumango naman ako sa kanyang turan. Nang biglang may ibang bagay na
sumagi sa aking isipan.

Nililigawan ko kasi si Mikaela. Mag iisang buwan na din. Napaisip lang ako. Kailan
kaya niya ako sasagutin?

"Ahhhmn, Mikaela may itatanong sana ako." Nahihiya kong sabi kay Mikaela.

"Ano iyon Ell?"

"Kailan mo kaya ako---" naputol bigla ang sinasabi ko kay Mikaela nang may narinig
kami pareho ng isang palahaw ng babae.

Sa gulat ni Mikaela sa palahaw ng babae ay bigla siyang napayakap sa akin. Muntik


na tuloy akong ma-out of balance at mahulog sa pool. Buti na lang nakahawak agad
ako sa bakal na nasa harapan ng pool. Kung nagkataon baka pareho na kami naliligo
sa pool na ito na puno ng mga lumot. Sayang di ko pa natanong kung kailan ba ako
sasagutin ni Mikaela. Epal naman kasi yung boses ng babae na naulinigan namin.
"Narinig mo din ba iyon Ell?" Tanong sa akin ni Mikaella.

"Oo, narinig ko." Tugon ko sa kanya.

"Alis na tayo dito sa pool. Balik na tayo sa loob ng hotel." Aya sa akin ni
Mikaela. Tumango naman ako sa kanya.

Bigla naman akong hinawakan ni Mikaela sa aking braso.

"Napansin mo ba 'yon?" Tanong bigla sa akin ni Mikaela habang nakatitig siya sa


tubig ng pool.

"Ang ano Mikaela?"

"Parang may gumalaw sa tubig ng pool." Aniya sa akin.

"Baka naman guniguni mo lang iyon?" Sabi ko.

"Hindi eh. May nakita ako. May dalawang mata akong nakita." Seryosong turan niya.
Napakunot naman ako ng noo sa kanyang sinabi. Dalawang mata?

"Baka naman isda lang 'yon Mikaela." Sabi ko.

"Isda sa ilalim ng swimming pool?" Sabi sa akin ni Mikaela na namimilog ang mga
mata. Nagulat siya sa sinabi ko. Oo nga naman paano naman magkakaroon ng isda dito
sa pool. Weird.

"Baka naman ibang hayop. Posible naman diba. Saka halatang hindi na nalilinisan
yung swimming pool sa sobrang dami ng lumot nito. Kaya may posibilidad na tambayan
na iyan ng kung anu-anong hayop." Paliwanag ko kay Mikaela. Posible din naman
talaga. Baka palaka, bayawak, o 'di kaya ahas.

"Siguro nga Ell. Pasensya na medyo napaparanoid ako. Baka epekto na ito nang mga
naririnig at nakikita kong kung anu-ano sa resort." Sabi sa akin ni Mikaela.

"Okay lang. Kahit ako din naman may nararanasan din na nakakatakot dito sa resort.
Hayaan mo bukas pagsapit ng umaga aalis na din tayo dito."

Pagkatapos no'n umalis na kami ni Mikaela sa pool area.

Hindi pa kami masyado nakakalayo ni Mikaela sa pool nang biglang may narinig kaming
kakaibang tunog.
"Ssshhh... Ssshhh... Ssshhh..." Nagkatitigan kami ni Mikaela at napatigil bigla sa
paglalakad.

"Narinig mo ba 'yon Ell?" Pabulong na tanong sa akin ni Mikaela.

"Oo." Sagot ko.

"Ssshhh... Ssshhh... Ssshhh..."

Mas lalong lumalakas ang kakaibang tunog. Parang nanggagaling sa pool yung tunog.

"Ell, natatakot na ako. Ano ba yung tunog na 'yon?" Nahihintakutan na turan sa akin
ni Mikaella.

"Hindi ko alam Mikaela. Mas mabuti siguro kung madaliin na lang na natin makabalik
sa loob ng hotel." Sagot ko kay Mikaela habang nakatingin ako sa may swimming pool.

Hindi ko man matukoy kung anong tunog iyon, isa lang ang nasisiguro ko.
Nanggagaling ang tunog do'n sa pool mismo.

***"Dude, buti nakabalik ka na." Bungad sa akin ni Ivan pag pasok ko sa loob ng
kuwarto namin. Napansin ko naman na nag iisa lang si Ivan sa kuwarto namin.

"Ivan, nasaan na yung iba?" Tanong ko sa kanya.

"Pumunta sa bar area ng hotel. Nagkayayaan sila."

"Ba't di ka sumama?"

"Kasama ang girls eh. Kapag sumama ako for sure magkikita lang kami ni Penelope. At
kapag nagkita kami no'n baka kulitin na naman ako na makipag balikan sa kanya."
Kaya naman pala hindi sumama si Ivan. Umiiwas sa ex niya.

"Sigarilyo?" Alok bigla sa akin ni Ivan nang inilabas niya ang isang kaha ng
Marlboro niya. Umayaw ako. Hindi naman kasi ako naninigarilyo.

"Balita ko nawawala daw yung girlfriend ni Isaiah ah." Sabi ni Ivan.

"Oo nga eh. Kanina lang." Sagot ko sa kanya habang naglalakad papalapit sa bintana
ng kuwarto.

"Sus, if I know umalis na 'yon ng resort." Nakangising sabi ni Ivan sa akin.


"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan yung venetian blinds
ng bintana sa kuwarto.

"Naisip ko lang naman. Baka 'di na nakatagal sa boredomness dito sa resort. Baka
umuwi na 'yon ng Manila haha." Biro ni Ivan.

Natawa din ako bahagya sa turan ni Ivan nang biglang naningkit ang mga mata ko sa
labas ng bintana. May napansin akong kakaiba sa ibaba. Sa may pool area.

May nakita akong gumagapang sa gilid ng pool. Hindi ko tiyak kung ano ito pero
gumagalaw ng mag isa. Mas inilapit ko pa ang tingin ko sa labas ng bintana nang
bigla akong napabalikwas. Naramdaman ko kasi na may humawak ng aking balikat. Pag
tingin ko si Ivan.

"O, dude parang gulat na gulat ka naman sa akin? Teka, ano ba 'yan sinisilip mo
diyan sa bintana?" Usisa sa akin ni Ivan.

"Ah, wala. Sige excuse me lang Ivan. Pasok lang ako sa banyo."

- End of Chapter 5

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 6: Peculiar Thought

Bakit nga ba ako pumasok ng banyo? 'Yon kasi ang pagdadahilan ko kanina nang
tinanong ako ni Ivan kung bakit parang gulat na gulat daw ako. Mas gusto ko na lang
sarilihin ang dahilan kung bakit ako nagulat. Kung sasabihin ko naman kay Ivan ang
dahilan as if naman na maniniwala siya. Baka isipin pa niya na ginu-goodtime ko pa
siya o lumuluwag na ang turnilyo ng aking ulo.

Ano kaya ang nakita ko kanina sa gilid ng pool na gumagalaw? Kinikilabutan tuloy
ako. Ano ba naman kasing klaseng resort ang napuntahan namin ang daming bagay na
hindi ko mawari. Kung hindi lang na flat lahat ng tires ng mga sasakyan namin hindi
kami mapapadpad sa Villa Exodus Resort na ito.

Nasa harapan lang ako ng isang malaking salamin dito sa loob ng banyo. Nakatitig
lamang ako sa aking sariling repleksyon. Nang biglang napabalikwas ako. Parang may
naramdaman kasi ako na kumalabit sa aking batok. Nagpalinga-linga ako sa aking
kinatitindigan. Siguro isang insekto lamang iyon na biglang dumapo sa aking batok.

Naisipan ko na lang buksan ang gripong nasa harapan ko, dito sa may lababo sa tapat
ng malaking salamin. Maghihilamos ako para mawala kahit paano ang aking pagkaantok.
Parang ayoko na kasi matulog pa ulit sa kama. Parang hindi ako komportable. Iba ang
nararamdaman kong presensya sa resort na amin pinuntahan. Hanggang sa bigla akong
natigilan sa aking paghihilamos. Nagulat ako nang nakita ko ang aking sariling
repleksyon sa salamin. Imbes basa ng tubig ang nakikita kong ipinanghihilamos sa
aking mukha, tila isang pulang likido na bumabalot sa kabuuan ng aking mukha ang
nakikita ko. Parang dugo!

Bigla akong napaatras at dahil sa sobrang gulat ay natumba sa sahig. Medyo naumpog
naman ang ulo ko sa pader nang natumba ako. Marahan akong tumayo at sa muling
pagharap ko sa salamin ay bigla nawala na ang dugo sa aking mukha. Nakahinga ako
nang maluwag. Namamalikmata lamang siguro ako.

I felt so strange so much already in this Villa Exodus Resort. However, I just
shrugged for what made me shocked a while ago. Parang napaparanoid na ako. Sana mag
umaga na para makaalis na kami sa lugar na ito. I don't feel cozy anymore in this
weird place. Actually I never feel comfortable and safe since we went inside this
place. Feeling ko anytime something peculiar is going to appear or happen.

Pagkatapos kong mag hilamos I decided to get outside the comfort room already but
when the time I'm going to open the doorknob I suddenly stopped. Ayaw mabuksan pero
bakit? Hindi kaya pinagtritripan ako ni Ivan. Siya lang kasi ang nasa kuwarto namin
ngayon habang ako naman nandito sa loob ng c.r.

Sinubukan kong tawagin ang pangalan ni Ivan sa labas ng c.r pero walang sumasagot.
Baka natulog na siya sa kama. Damned it! Paano ako makakalabas nito ng c.r? What to
do...? What to do...?

Hanggang sa narinig kong kusang bumukas ang gripo sa lababo habang may umaagos na
tubig dito. Ngunit nang ipinukol ko na ang aking tingin sa lababo ay laking gulat
ng mga mata ko sa nakita. May babaeng nakatayo sa lababo habang hawak niya ang
faucet. Nakayuko ito at natatakpan nang mahaba niyang buhok ang kanyang mukha.
Naririnig ko din na humihikbi ito.

Gusto ko na sana sumigaw dahil sa takot pero hindi ko magawa. Parang naparalisa ang
buong bibig ko. Hindi ko ito mabuksan. Ang aking mga paa naman ay nararamdaman kong
nagsisimulang mamanhid. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Dama ko ang
sobrang kabog ng aking dibdib. Pinapamahayan na din ako ng takot. Hanggang sa hindi
ko na naririnig pang may umaagos na tubig sa gripo. Nakasarado na ito. Sinubukan ko
nang imulat ang aking mga mata ngunit sa pagbukas ng mga ito ay namilog ang aking
tingin. Nakatayo na mismo ang babae sa aking harapan at nagsimula na ulit itong
humikbi.

"Huhuhuhu... tulungan mo ako... tulungan mo ako..." Humihingi ng tulong sa akin ang


babae. Para saan naman? Saka sino ba siya? Sa tingin ko siya din ang babae na
parati kong nauulinigan simula noong nag checked-in na kami dito sa resort.

Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko pa din magawa. Parang paralisado pa
din ito. Nagugulumihan na ako sa nangyayari. Ano ba talaga ang nagaganap ngayon?
Sana panaginip na lamang ito at magising na ako. Ayoko na. Natatakot na ako sobra.
Nang biglang naulinigan kong bumukas ang pintuan ng c.r sa aking likuran. Sa
pagkakabukas ng pintuan ay tila bumalik ako sa normal na estado. Napakurap din ako
ng mga mata at sa muling pagmulat nito ay nawala ang babae kanina. Nakahinga ako
bigla nang maluwag. Agad na tumakbo ako palabas ng c.r. at isinarado ito nang
mabuti.

Paglabas ko ng c.r nakita ko si Ivan na nakaupo do'n sa isang sofa habang


natutulog. Napansin ko naman na nasa sahig yung sigarilyo na sinindihan niya
kanina. May baga pa nga ang dulo nito. Sa tingin ko bigla lang nakatulog si Ivan at
hindi niya natapos ang paninigarilyo. Pinulot ko na lang sa carpet yung sigarilyo
at itinapon sa trashcan.

Nang natapos kong maitapon sa trashcan yung sigarilyo ni Ivan ay naisipan kong
lumapit sa may bintana. Hinawi ko ang venetian blinds at tumingin sa labas.
Napabuntong hininga ako. Sa pagbuntong hininga ko ay napansin ko naman na may
namuong moist sa salamin ng bintana. Pupunasan ko sana ito ng aking kamay para
luminaw ang salamin nang biglang may lumitaw na isang marka ng kamay sa moist ng
hininga ko. Bigla kong hinawi pabalik ang puwesto ng venetian blinds kanina at
napaatras sa aking kinatitindigan.Napasapo naman ang aking kanang kamay sa dibdib
ko sa labis na pagkagulat.

Tingin ko unti-unti na akong pinapatay ng resort na ito sa sobrang nerbiyos at


gulat. I really so fucking hate already this damned creepy place!

Gusto ko na umuwi ng bahay pero alam ko naman na hindi pa puwede. I decided to take
a walk na lang sa labas ng kuwarto. I just wanna get rid to this room. Gusto ko na
lang muna mag muni-muni habang naglalakad sa hallway.

Tulog na kaya si Mikaela o 'di kaya sumama din siya sa bar area ng hotel? I want to
see her. I just want to talk to her. I want to open up to her the peculiar thoughts
that running on my mind now. Alam ko din naman na si Mikaela lang ang tanging tao
dito na makakaunawa nang nararamdaman ko. Besides she already said to me na
naririnig niya rin yung babaeng humihikbi na nagpakita sa akin kanina sa loob ng
c.r.

-End of Chapter 6

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 7: Body Organs

Madilim, ang tanging salitang maari kong maipanglalaraawan sa kuwartong


kinaroroonan ko ngayon. Kinapa ko sa bulsa ng aking short yung cellphone at
binuksan ang screen nito upang magbigay liwanag sa kuwartong ito.

Bahagyang napaatras naman ako nang masilayan ng mga mata ko ang mga iba't ibang
bote na nakadisplay sa isang nakabukas na cabinet. Parang gusto kong masuka sa
nilalaman ng mga boteng ito.

May nakita ako sa loob ng mga bote na mga iba't ibang uri ng body organs. Hindi ko
lang tiyak kung anong mga uri ng hayop nanggaling ang mga body organs. Pero ang
pinagtatakahan ko bakit may ganitong klaseng silid sa Villa Exodus Resort na may
mga ganitong bote? Ang weird.

Makalabas na nga lang ng silid na ito. Ewan ko ba at pumasok ako dito. Kanina kasi
paglabas ko sa room namin nina Ivan habang naglalakad sa hallway nakita ko ang
pintuan ng silid na ito na tila naiwan nakabukas kung kaya ay bigla kong naisipan
pumasok.

Habang naglalakad papunta sa pintuan para lumabas na ay bigla akong natigilan. May
kung anong matigas na bagay akong natapakan. Itinapat ko ang screen ng aking
cellphone para mailawan ito. Napaigtad naman ako nang makita ko na kung ano ito.
Isang mahabang ahas. Naaagnas na ito at inuuod pa. Parang gusto ko tuloy masuka.
Nagmadali na akong lumabas ng kuwarto upang tumungo pabalik ng room namin. Gusto
kong sumuka sa loob ng c.r. Ngunit nang palabas na ako sa pintuan ay may nabunggo
ako. Nabunggo ko si Kai yung attendant sa front office. Pareho kami natumba sa
hallway.

"Kai?" Bigla kong sabi. 'Di siya umimik sa akin. Ngumiti lamang siya sabay tayo sa
hallway. Tumayo na din ako.

"May problema ba sir?" Tanong niya sa akin bigla.

"Ah... eh... itatanong ko lang sana bakit may mga bote kayo sa loob ng silid na ito
na naglalaman ng mga body organs ng iba't ibang uri ng hayop?" Nag aalangan kong
tanong sa kanya.

"Huh, ano pong mga bote?" Nagtataka naman na tanong sa akin ni Kai. Pagkatapos ay
bigla siyang pumasok ng silid. Pagkapasok niya sa silid ay biglang nagkailaw.
Nagulat naman ako nang magkaroon ng liwanag. Kanina kasi nang pumasok ako sa silid
na iyan wala akong makapa sa pader na switch button ng ilaw. Pero ang talagang mas
ikinagulat ko ay nang mag kailaw na sa buong silid biglang nag laho yung cabinet na
naglalaman ng mga iba't ibang bote na may samu't saring body organs ng mga hayop.
Tapos yung nabubulok na patay na ahas kanina nawala na din.

"Sir, wala naman po ah." Sabi sa akin ni Kai. Napakunot na lamang ako ng aking noo
sabay kamot sa ulo ko.

Ang weird naman paano nawala ang cabinet saka yung patay na ahas? Pabalik na ako
ngayon sa kuwarto namin. Naglalakad na ako sa hallway. Hindi ko naman maiwasan ang
mapaisip ng malalim kung paano nawala bigla ang mga 'yon sa silid na pinasukan ko
kanina. Alam ko sa aking sarili na malinaw ang lahat ng mga nakita ko. Totoong may
patay na ahas habang inuuod pa. Tapos yung malaking cabinet na may mga bote ng body
organs.

Natigilan naman ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Mikaela.


"Ell, anong ginagawa mo dito sa hallway?" Tanong sa akin ni Mikaela.

"Naglakad-lakad lang ako kanina. Hindi pa kasi ako inaantok. Ikaw sa'n ka papunta?"

"Sa cafeteria lang ng hotel."

"Puwede ba akong sumama?"

"Sige." Sinamahan ko na si Mikaela na pumunta ng cafeteria. Tamang tama lang ang


pagtatagpo namin sa hallway. Kanina ko pa sana siya gustong makausap.

***"So, what keeps you still awake Mikaela." Tanong ko kay Mikaela. Nandito na kami
sa cafeteria. Dalawa lamang kami dito. Maganda naman ang facility ng cafeteria. May
mga magagandang chandelier. Mga statues ng roman gods and goddesses. At marami pang
mga displays na palamuti sa cafeteria. May isang waiter naman na nag a-assist sa
amin ni Mikaela. Natanaw ko din mula sa pintuan ng kitchen nitong cafeteria na may
tatlong kusinero. Umorder lang kami ni Mikaela ng baked macaroni, pepperoni pizzas,
at dalawang strawberry milkshake. Napapaghalataan lang na pareho kaming gutom. Sino
ba naman din ang hindi makakaramdam ng gutom kapag hindi ka pa dinadapuan ng antok
lalo na't nandito ka sa isang creepy resort gaya ng Exodus.

"Huwag ka sana mabibigla sa sasabihin ko Ell..." Mahinang turan sa akin ni Mikaela.

"Umalis kasi sina ate Stacey, Penelope, at ate Denise. Sasama sila sa mga ibang
guys na pupunta ng bar. They're going to have some shot tonight. Pag alis nila sa
kuwarto naisipan ko ng matulog. Nakatulog naman ako kaso mga ilang minuto lang ay
bigla akong nabulabog sa isang palahaw ng babae na nagmumula sa c.r. ng room namin.
Bumangon ako ng kama upang tingnan kung sino ang nasa loob ng c.r. Sa pagbukas ng
pinto ay bigla akong napatigagal sa aking nakita. Nakita ko si Zoey na umiiyak at
humihingi nang saklolo sa akin. Ngunit nang lalapitan ko na siya ay biglang nag iba
ang kanyang anyo. Nagkaroon ng mga kaliskis yung kanyang balat. Ang mga mata niya
naging kulay berde. Hanggang sa dumapa siya sa sahig at gumapang papalapit sa akin.
Sa sobrang takot ko bigla akong tumakbo palabas ng c.r. at inilocked ito. Para
siyang taong ahas. Nakakatakot at nakakadiri ang kanyang histura. Nakakakilabot.
Para siyang reptilian alien creature mula sa ibang planeta. Basta weird. Its really
hard to explain. She's like a monster. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng kuwarto
na nahihintakutan at kinakabahan hanggang sa makasalubong na kita Ell sa hallway."
Paglalahad sa akin ni Mikaela.

Hindi ko naman alam kung paano mag re-react sa nilahad na kuwento sa akin ni
Mikaela. Nabigla ako sa mga kinuwento niya.

"Ang sabi mo nakita mo si Zoey na nasa loob ng banyo at bigla siyang nag iba ng
anyo? Pero paano naman magiging gano'n siya? Baka naman namamalikmata ka lamang
Mikaela o 'di kaya naman nanaginip lamang ng gising." Nagugulumihan kong
pagtatanong kay Mikaela.
"I know its hard to believe it Ell but I saw it with my two naked eyes. Si Zoey
talaga iyon." Mariin na sabi sa akin ni Mikaela. Napansin ko naman na nagsisimula
na siyang mag hysterical sa pagkukuwento sa akin dahil sa takot.

"Calm down Mikaela. I'm here with you. Don't be scared. Akong bahala sa'yo." Pag
aalo ko kay Mikaela.

-End of Chapter 7

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 8: Blood of Cries

"Anong oras na Mikaela?" Tanong ko kay Mikaela. Nandito pa rin kami sa cafeteria.
Naubos na namin pareho yung mga pagkain na inorder kanina.

"Alas dos 'y medya ng madaling araw." Aniya sa akin.

Parang ang bagal ng oras. Sana sumikat na ang umaga para makaalis na kami sa resort
na ito. Mas bumibigat na din kasi ang masamang nararamdaman ko para sa place na
'to.

"Tapos na kaya mag shot sila ate Denise sa bar?" Biglang tanong sa akin ni Mikaela.
Nagkibit balikat na lamang ako sa kanyang turan. Napansin ko naman na biglang
napabuntong hininga si Mikaela.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Nang biglang napansin kong nanginig ang
magkabilang mga kamay ni Mikaela sa ibabaw ng lamesa.

"Ell..."

"Ano 'yon?"

"Sa likod mo..." Bigla naman akong napakunot ng noo sa turan sa akin ni Mikaela.
Marahan naman akong lumingon sa aking likuran. Pagharap ko sa aking likuran ay wala
naman akong nakita na kahit anong bagay na kakaiba.

"Ano ba'ng problema Mikaela? You seem to be weird now." Nagugulumihan kong turan sa
kanya.

"Bakit hindi mo siya nakikita?" Tanong sa akin ni Mikaela na nanginginig ang boses.
"Hindi nakikita... ang ano?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Yung babaeng naririnig natin na umiiyak madalas simula noong dumating tayo sa
resort nakatayo siya ngayon sa iyong likuran." Tila napatanga naman ako sa kanyang
sinabi. Naramdaman kong mabilis na nag sipagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan
sa kanyang turan. Mabilis na tumingin ako sa aking likuran pero hindi ko naman
nakita ang babae na sinasabi niya. Ngunit nang humarap na muli ako kay Mikaela ay
bigla akong nagulantang. Nakita ko sa likuran niya na nakatayo ang babae. Umiiyak
ito. Hindi lang basta luha ang iniiyak ng mga mata niya. Dugo ang iniluluha nito.
Napansin ko din na may ginintuan kulay ito ng buhok. Hanggang baywang ang habang ng
kanyang buhok.

"Mikaela nakatayo na siya sa likuran mo." Mahinang sabi ko kay Mikaela. Dahan-dahan
naman na tumingin sa likuran niya si Mikaela habang nanginginig. At sa paglingon sa
likuran ni Mikaela ay hindi na niya napigilan pa ang mapasigaw sa takot.

Agad na tumayo ako sa aking upuan at hinila na palabas ng cafeteria si Mikaela.


Ngunit nang hinila ko na siya ay napansin kong hinawakan ng babaeng umiiyak ang
kaliwa niyang kamay. Napansin kong mahigpit ang pagkakawak ng babae sa kamay ni
Mikaela.

"Tulungan ninyo ako... tulungan ninyo ako huhuhu..." Sabi sa amin ng babae na
walang humpay sa pag iyak.

"Bitawan mo ako!" Sigaw sa takot ni Mikaela sa babaeng umiiyak. Hindi ko naman alam
kung ano ang dapat gawin. Maski ako nahihintakutan na talaga sobra.

"Paano... ka... namin tutulungan?" Nauutal sa takot kong sabi sa babae. Hindi ko
alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para tanungin ang babaeng iyon.
Nahihintakutan na kasi talaga ako sa kanya.

"Tulungan ninyo akong mahanap ang nawawalang epilogo at libro..." Sagot ng babae sa
akin.

"Anong libro?" Tanong naman ngayon ni Mikaela. Magsasalita na sana ang babae nang
biglang nakaramdam kami lahat ng isang malakas na paglindol sa loob ng cafeteria.
Napaluhod na lamang kami lahat sa sahig at hinawakan ko ng mabuti si Mikaela.

Napatingin naman ako bigla sa mga estatwa ng mga roman gods and goddesses. Namilog
ang aking mga mata nang nakita kong lumuluha ng dugo ang mga mata nila. Ipinikit ko
ang aking mga mata sa pag aakalang namamalikmata lamang ako. Ngunit nang binuksan
ko na muli ang aking mga mata ay patuloy lamang sa pagluha ng dugo ang mga
estatwa.

Ibinaling ko naman ang aking tingin sa babaeng umiiyak. Nando'n pa din siya at
patuloy pa din niyang hinahawakan ang kamay ni Mikaela.
"Ano na ang nangyayari?" Sigaw ko do'n sa babae. Ngunit hindi ito tumugon. Hanggang
sa naramdaman na lamang namin na nawala na ang malakas na paglindol. Sa pagtigil ng
lindol ay kasabay din nito naglaho ang babae kanina.

Agad na nilapitan naman kami ng waiter na kanina pa nag aasikaso sa amin simula
nang dumati kami sa cafeteria.

"Ma'am and sir, okay lang po ba kayo?" Nag aalalang tanong sa amin ng waiter.

"Yung babaeng umiiyak nakita mo rin ba siya kanina?" Bigla kong tanong sa waiter.

"Babae? Sinong babaeng umiiyak sir?" Nagtatakang tanong sa akin ng waiter habang
nakakunot ang noo.

"Yung babae---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang biglang hinawakan
ako ni Mikaela sa kamay sabay tingin niya ng diretso sa aking mga mata. Mukhang
gusto niya akong tumahimik na lamang.

"Wala. Kalimutan mo na lamang ang sinabi ko." Sabi ko na lamang do'n sa waiter.

"Okay po." Sagot naman ng waiter sa akin. Pagkatapos no'n ay iniwanan na niya
kami.

Lumabas na kami ni Mikaela ng cafeteria. Niyaya ako ni Mikaela na pumunta na lang


muna sa room nila ng mga babae.

Habang naglalakad papalayo sa cafeteria ay nakasalubong namin si Ivan.

"Galing ba kayo ng cafeteria?" Tanong sa amin ni Ivan.

"Oo kumain lang kami ni Mikaela." Sagot ko sa kanya.

"Ah, akala ko nag date kayo ni Mikaela sa cafeteria haha. Joke lang dude!" Biro sa
akin ni Ivan sabay patong ng kanyang kamay sa aking balikat.

"Sira!" Natatawa ko naman sabi kay Ivan.

"Ivan naramdaman mo ba yung lindol kanina?" Biglang basag ni Mikaela sa pag uusap
namin ni Ivan. Napansin ko naman na napakunot ng noo si Ivan sa tanong sa kanya ni
Mikaela.

"Lindol? Lumindol ba? Parang wala naman." Nagtatakang sabi niya.


"Sige, kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Sabi ni Mikaela kay Ivan.

"Siya nga pala nandiyan na si Zoey. Sumunod siya sa bar para makipag shot sa ibang
tropa. Sige, punta muna ako guys sa cafeteria. Mag kakape lang ako." Pagkatapos
no'n ay umalis na si Ivan at tinungo na ang cafeteria. Sabay naman kami
nagkatitigan sa mga mata namin ng malalim ni Mikaela.

Tama ba ang narinig namin ni Mikaela sa sinabi ni Ivan? Nandiyan na si Zoey?

"Ell kinakabahan ako." Biglang sabi sa akin ni Mikaela sabay hawak nang mahigpit sa
kanang kamay ko.

"Halika pumunta na lang muna tayo sa kuwarto ninyo. Huwag mo muna masyado isipin si
Zoey." Pag aalo ko kay Mikaela. Alam ko natatakot siya kay Zoey dahil na din sa
nakita niya ito sa loob ng c.r nila sa kuwarto na biglang nag iba ng anyo. Pero
nakakapagtaka lang din saan kaya nanggaling si Zoey noong mga oras na bigla siyang
nawala.

Sana talaga mag umaga na para makaalis na kami dito. Habang tumatagal ang
pananatili namin sa Villa Exodus Resort mas nadadagdagan ang mga naeenkuwentro
namin pareho ni Mikaela na kababalaghan.

All I want now is to get rid of this Hell place!

-End of Chapter 8

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 9: The Lost Epilogue

"Takbo Kai! Umalis ka na!" Sigaw ng isang lalaki.

"Hindi puwede Luhan! Magkakasama tayong lumikha sa librong ito, magkakasama rin
tayong dapat sumira nito!" Tugon ni Kai sa lalaking nag ngangalan na Luhan.

"Ikaw na lamang ang tanging puwedeng mabuhay sa atin lahat Kai. Kapag namatay ka pa
nang dahil sa librong ito mawawalan na ng saysay ang lahat ng pinaghirapan natin!"
Sigaw naman ng isang lalaking may hawak ng isang kulay itim na librong
nagliliwanag.

"Hindi ako makakapayag sa iyong gusto Sehun!" Protesta ni Kai. Hanggang sa biglang
may isang malakas na pagsabog ang naganap sa kuwartong kinaroroonan nila Kai.
***Kai's POV:"Aaaaaaaah!" Kai gumising ka! Nanaginip ka na naman ulit.

Napabalikwas ako nang naulinigan ko si Lay. Napanaginipan ko na naman ulit.

Ilang araw ko na din napapanagipan yung nangyari limang taon na.

"Napanaginipan ko na naman ulit Lay."

"Kalimutan mo na iyon Kai. Tapos na iyon." Tugon sa akin ni Lay habang hinihimas
ang aking likuran.

Magkasama kami ng aking kapatid na si Lay sa kuwarto. Magkatabi kami matulog dito
sa kama.

"Paano kung---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang biglang inakbayan
ako ni Lay sa balikat.

"Huwag mo na nga kasi isipin iyon. Gugulo lang ang kasalukuyan kung iisipin mo pa
iyan at pilit ibabalik mula sa nakaraan." Turan niya sa akin.

Pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon ay nagpaalam muna akong lalabas ng kuwarto.
Gusto ko maglakad-lakad muna upang mapag isa at makapag isip ng mga bagay-bagay.

***Nandirito ako ngayon sa rooftop ng Exodus resort. Napagmasdan ko ang napakalawak


na lupang kinatatayuan ng resort. Napabuntong hininga ako nang malalim.

Nasaan na ba kasi ang nawawalang pahina ng aklat? Ang epilogue na ako mismo ang nag
akda? Ang buong libro ay nawasak na maliban lamang sa huling pahina.

Masyadong mahiwaga, mapanlinlang, at mapanganib ang aklat ng propesiya na amin ng


aking sampung kapatid na magkakasamang isinulat noon nang dahil sa isang layunin.
Ang layunin na mapa---.

"Aaaaaaaah!" Sumisigaw na naman siya ulit! Habang tumatagal mas lumalakas ang
kanyang pagsigaw. Ibig sabihin nito mas nalalapit na ang panahon ng
pagsasakatuparang ng nakasulat sa aklat ng propesiya.

***Ell's POV:

Kanina ko pa sinusubaybayan si Kai simula pa lamang sa kanyang kuwarto. Nag usap


kasi kami ni Mikaela kanina na manmanan si Kai. Dahil isa siya sa mga staff ng
resort. Panigurado may alam siya sa mga kababalaghan na nararanasan namin sa
resort simula noong dumating kami dito.
Ang lamig dito sa rooftop. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ni Kai at naisipan
niya na pumunta dito? At ano yung sinasabi niyang aklat ng propesiya? Bakit parang
masyado siyang mukhang takot at nag aalala. Nag sisimula na talaga akong
maweirduhan kay Kai.

"Aaaaaaaah!" Ano iyon? Pumapalahaw na naman ulit yung babaeng nagpaparamdam sa amin
ni Mikaela. Bakit kaya siya sumigaw bigla?

Hanggang kailan ba ako mananatili sa misteryosong Villa Exodus Resort na ito?

Hindi ko na din maiwasan ang makaramdam ng labis na takot at kaba. Which reminds me
again about Zoey. Yung kinuwento sa akin ni Mikaela na nakita niya daw si Zoey na
biglang nag iba ng anyo. Parang halimaw. Tapos ngayon nawiwirduhan naman ako kay
Kai. Yung aklat ng propesiya anong meron do'n? At yung nabanggit pa niya na
nawawalang huling pahina ng aklat.

Ang daming tanong tumatakbo sa isipan ko ngayon mga oras na ito. Kailangan ko ng
mga karampatang kasagutan sa mga tanong na ito. Pero saan ko naman hahagilapin ang
mga kasagutan?

"Anong ginagawa mo dito?" Bigla akong napaatras sa aking kinatatayuan nang narinig
ko ang boses ni Kai sa likod.

"Kanina ka pa ba diyan?" Kinakabahan kong tanong kay Kai.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan sir. Kanina ka pa po ba dito? At anong ginagawa
ninyo dito sa rooftop ng ganitong oras?"

"Ah, hindi naman. Sige maiwan na kita dito Kai." Sabi ko sa kanya at pagkatapos ay
nagmadali na akong umalis ng rooftop.

Nakakapagtaka paano niya ako nakita sa tinataguan ko dito sa likod ng pintuan? At


saka ang bilis naman niya mawala sa kanyang kinatatayuan kanina sa rooftop.

Anyway, kailangan ko nang balikan si Mikaela sa kuwarto. Kailangan na niya malaman


ang ilang bagay na nalaman ko sa pagmanman kay Kai.

***"Ell buti nandito ka na!" Humahangos na sabi sa akin ni Mikaela.

"Bakit ano iyon? May nangyari bang hindi maganda kanina nang wala ako Mikaela?"

"Yung babaeng nagpakita sa atin doon sa cafeteria lumitaw na naman siya ulit sa
harapan ko."
"May sinabi ba siyang mahalaga sa'yo?"

"Kailangan daw natin makita at mawasak ang aklat ng propesiya." Bigla akong
napakunot ng noo sa turan ni Mikaela. Naalala ko kanina nang nakita ko si Kai sa
rooftop, nabanggit niya sa kanyang sarili na nawasak na daw ang buong libro maliban
lamang sa huling pahina. Hindi kaya ang talagang gustong sabihin ng babaeng
nagpakita kay Mikaela ay yung nawawalang huling pahina ng propesiya?

"Sige hanapin natin ang libro." Iyon na lamang ang isinagot ko kay Mikaela. Hindi
ko muna sinabi sa kanya ang aking natuklasan. Baka kasi malito lang siya at
masyadong maguluhan.

Sa tingin ko ang dapat talaga namin mahanap ay ang nawawalang pahina. Pero saglit
lang bakit pati kami kailangan pa namin hanapin iyon nawawalang pahina? Tutal aalis
na din kami dito kapag sapit ng umaga. Bahala na.

***Naglalakad kami ngayon ni Mikaela sa hallway. Hindi naman alam kung saan nga ba
kami patutungo nang biglang napatigil kami. May naulinigan kaming dalawa ni Mikaela
na kakaibang tunog. Parang tunog na nagmumula sa isang ahas.

"Sssssssh..."

Naramdaman kong napahawak ng mahigpit sa aking kanan braso bigla si Mikaela.

"Ano 'yon Ell?" Kinakabahan na tanong sa akin ni Mikaela.

"Hindi ko alam. Mas mabuti pa siguro kung magmadali na lamang tayo sa paglakad."
Tugon ko sa kanya. At pagkatapos ay naglakad na kami ng mabilis sa hallway. Ngunit
nang maabot na namin ang dulo ng hallway ay pareho kami nagulat sa sumalubong sa
amin.

"Kumusta Ell at Mikaela? Saan kayo pupunta?" Biglang nagpakita sa amin si Zoey at
nakangisi pa ito.

"Zoey...?" Kinakabahan kong sabi.

"Oo naman Ell. Wala ng iba pa." Pagkatapos sabihin iyon ni Zoey ay napansin kong
biglang nag iba ang kulay ng mga mata niya. Naging kulay berde ito. Hanggang sa
narinig kong bumulong sa kaliwa kong tainga si Mikaela.

"Ell yung balat niya tingnan mo." Tumingin naman agad ako sa balat ni Zoey at
nanlaki ang mga mata ko. Biglang may tumutubong mga kaliskis dito.

"Mikaela kailangan natin bumalik sa kuwarto." Bulong ko kay Mikaela. Tumango naman
siya.
"O, ba't parang nakakita kayo ng multo?" Nakangising tanong sa amin ni Zoey. Hindi
na namin siya sinagot. Ang ginawa na lamang namin ni Mikaela ay tumakbo nang
mabilis papalayo kay Zoey.

"Aaaaaaaah!" Narinig namin pareho ni Mikaela na sumigaw nang malakas si Zoey.


Parang nagagalit ito. Hindi na namin pareho nilingon si Zoey. Ang importante na
lamang ay makabalik na kami sa kuwarto. Baka kung ano pa ang gawin sa amin ni Zoey.

-End of Chapter 9

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 10: The Secret Passage

Kinakabahan, hinihingal, at natatakot. Iyan ang mga salitang nangingibabaw sa amin


mga sarili ngayon ni Mikaela.

Nasa loob na kami ngayon ng kuwarto ni Mikaela. Pareho kami nakasandal sa pintuan.

"Are you okay, Mikaela?" Tanong ko sa kanya.

"Sort of." Tugon niya sa akin. Kapansin pansin ang namumuong pawis sa buong mukha
ni Mikaela. Marahil sa sobrang nerbiyos.

"Aaaaaah! Lumabas kayo!" Narinig namin na sigaw ni Zoey sa labas ng kuwarto.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyayari kay Zoey. She suddenly act so strange
and odd. Pero napaisip ako bigla. Siya nga ba si Zoey? Kapansinpansin ang pag iba
ng kulay ng mga mata niya. Mula sa itim naging berde ang mga iris niya. At ang
balat niya kanina na unti-unti na tinubuan ng mga kaliskis na maihahalintulad ko sa
isang mapanganib na hayop kagaya ng ahas.

"Kailangan na natin makaalis Ell sa lugar na ito!" Biglang sabi ni Mikaela. Ramdam
din naman namin dalawa ang malakas na pagkalampag ng pintuan dahil nag pupumilit
pumasok sa loob si Zoey.

"Hindi tayo basta puwede umalis agad. Saka paano na lang ang iba natin mga
kaibigan? Hindi natin sila puwede basta iwanan dahil lang natagakot tayo kay Zoey."
Sagot ko kay Mikaela. Hanggang sa bigla na lamang namin naramdaman ang unti-unting
paghina ng kalampag sa pintuan. Hanggang sa tuluyan ng tumigil.

Napaabante kami sa amin pagkakasandal sa pintuan. Marahan kami humarap sa pintuan


at nakipagpakiramdaman kay Zoey na nasa labas.

"I think she's gone." Bulong ko kay Mikaela.

"You think so?" Bulong na patanong naman sa akin ni Mikaela.

"Oo---" Hanggang napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa pintuan nang marinig


namin na biglang bumukas na napakalakas.

"Hey, guys what seems to be the matter? Are you not happy to see me again?" Sabi sa
amin ni Zoey na may nakakalokong ngiti.

"You're not Zoey!" May kaba pero may halong angas din na sabi ni Mikaela kay Zoey.

"Oh, how can you say that to me Mikaela?" Hindi na muli tumugon pa si Mikaela sa
kuwestiyon sa kanya ni Zoey. Napansin naman namin na unti-unting naglalakad na
papalapit sa amin si Zoey.

Habang naglalakad si Zoey papalapit sa amin kinatatayuan ay kapansinpansin naman


ang kakaibang awra na kanyang tinataglay. Ang hirap ipaliwanag.

At ngayon ay nakatayo na siya mismo ng malapitan sa amin. Naramdman kong biglang


napahawak sa aking kamay si Mikaela nang mahigpit. At nagulat na lamang ako nang
itinulak na malakas ni Mikaela si Zoey dahilan para bumagsak ito sa sahig. Hinila
naman ako palabas ng kuwarto ni Mikaela at tumakbo kami nang napakabilis.
Napalingon naman ako sa kuwarto kung saan namin iniwanan si Zoey. Nakatayo ito at
nakikita kong nagsisimula na siyang mag iba ng anyo. Unti-unti na siyang tinutubuan
ng maraming kaliskis sa katawan. Ang mga mata niya ay nagkukulay berde na tulad sa
kanyang kaliskis. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa amin dinaraanan ni
Mikaela. Hanggang sa napansin kong napapasapo na si Mikaela kanyang kaliwang kamay
sa dibdib. At nag wika sa akin na, "Ell, nahihirapan... ako huminga. Inaatake na...
ata ako ng hika." Naku paano na ito. Ngayon pa inatake sa hika si Mikaela.

Pumasok na lamang kami ni Mikaela sa isang silid. Pinaupo ko sa isang silya si


Mikaela. Buti na lang at may dala siyang inhaler.

"Ell, ano na ngayon?" Mahinang sabi ni Mikaela sa akin.

Pinagmasdan ko siya. Naawa ako sa kanya. Sa babaeng nililigawan ko. Sa babaeng


mahal at iniingatan ko. Bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba.

"Hindi ko na din alam Mikaela. Masyadong magulo na ang mga nangyayari. Ang hirap
mag isip." Tugon ko kay Mikaela.

Hanggang sa napansin ko na lang umiiyak na pala siya. Tinanong ko siya kung ano ang
problema.
"Bakit ka umiiyak? Anong problema Mikaela?"

"Natatakot ako. Si ate Denise baka mapahamak siya dahil kay Zoey. Baka patayin siya
ni Zoey pati na din ang iba natin mga kaibigan huhuhu." Sabi na Mikaela na patuloy
pa din sa pag iyak.

Napasinghap na lamang ako at napasapo sa aking noo. Nakaka-mental block ang mga
nangyayari ngayon sa amin. Yung brain cells ko parang napipiga na kakaisip kung
paano ba masusulusyonan ang mga bagay-bagay.

Bigla naman tumayo si Mikaela sa kanyang kinatatayuan at dahan-dahan yumuko at


inilapit sa carpet ng sahig ang kanyang ulo. Parang may pinakikinggan siya.

"Uhhhmn, Mikaela bakit?" Nagtataka kong sabi sa kanya.

"Ssshhh... may naririnig ako sa ibaba ng sahig." Hanggang sa nakita kong tumayo si
Mikaela at pumunta sa dulo ng carpet. Hinila niya ang carpet ng bahagya at
nagulantang kami pareho sa amin natuklasan. May lihim na pintuan sa sahig na
tinatakpan ng carpet.

"My God, isang secret passage." Aniya ko sa sobrang pagkamangha.

Nakita ko naman na bubuksan ni Mikaela ang pintuan sa sahig nang bigla kong
hinawakan ang kanyang kamay at pinigilan ito.

"Huwag mong bubuksan Mikaela. Hindi natin alam kung anong meron sa ibaba niyan."
Wika ko sa kanya.

"Buksan na natin Ell. Paano natin malalaman kung ano ang nasa baba kung hindi natin
bubuksan." Sagot niya sa akin. "At saka baka nandito ang hinahanap natin. Ang
sinabi ng matandang babae sa akin. Ang libro ng propesiya." Pagpapatuloy niya.

Napabuntong hininga ako. Nalilito ako kung ano nga ba ang hinahanap namin. Narinig
ko si Kai sa rooftop na nawasak na ang libro ng propesiya pero nawawala ang isang
pahina. At ito naman si Mikaela sinasabing nagpakita sa kanya ang babaeng nakita
namin sa cafeteria na umiiyak sinasabing dapat mahanap at mawasak ang buong aklat
ng propesiya. Pero sa lahat ng ito dapat pa nga ba namin panghimasukan ang tungkol
sa aklat ng propesiya? Kung tutuusin wala naman kami kinalaman doon. Ang tanging
alam ko lang ay mga dayo lang kami dito. Mga bakasyonista. However shits are just
coming all through our ways. And I don't know how to manage it anymore.
Nakakabaliw. Nakakatakot. Mapanganib. Isang paa namin ay nasa hukay na. Kahit anong
oras maaari nang kumatok si Kamatayan sa amin mga buhay.

"Okay. Let's open the secret door now." Pagsang-ayon ko sa kagustuhan ni Mikaela.
-End of Chapter 10

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 11: Zoey In The Bottle

Hindi ko alam kung paano ilalarawan ang pinasok namin na secret passage. Is this
for real or I'm just having a dream?

Nandito na kami ni Mikaela sa ibaba ng pintuan na natuklasan namin kanina sa


kuwartong pinasukan para hindi kami makita ni Zoey.

Tila isang lumang bodega ang pinasok namin. Buti na lang at may dala akong maliit
na flashlight sa aking bulsa. Sa tulong ng aking flashlight ay nakita namin ni
Mikaela ang nakakahindik balahibong shelves sa pader na may samu't sari na mga body
organs. Hindi ko alam kung sa tao ba ito galing o baka sa mga hayop. Nakakasuka.
Ito rin ang nakita kong mga body organs na nakalagay din sa loob ng mga bote sa
isang kuwartong pinasukan ko ng isang beses.

Naglakadlakad ako umaasa na makikita ko ang switch on button ng ilaw sa kuwartong


ito.

"Nakakadiri. Bakit may mga ganitong klaseng bagay sa hotel ng Villa Exodus Resort?"
Nagtatakang sabi ni Mikaela. Mayamaya pa ay may nakita akong switch sa pader.
Pinindot ko ito. At sa wakas nagkailaw na din sa buong kuwarto. Pero isang
nakakagimbal na bagay pala ang amin matutuklasan.

May nakita kami ni Mikaela na isang mahabang lamesa. May nakapatong sa ibabaw nito
na iba't ibang uri ng halaman dahon. Mga karayom. Itim na mga kandila. At mga
manyika. Parang voodoo dolls ng isang mangkukulam. Hanggang sa biglang napabalikwas
ako sa tabi ni Mikaela. May naulinigan akong boses ng babae. Isang pamilyar na
boses. Parang nanggagaling ito sa kabilang shelves sa tabi ng isa pang shelves na
may mga boteng naglalaman ng mga body organs kagaya ng puso, atay, mga eye balls at
marami pa.

Ang nakakapagtaka naman sa shelves na ito ay may talukbong ng isang puting tela na
satin ang mga nakapatong dito.

Lumapit ako sa shelves at biglang napaatras nang marinig kong dito nanggagaling ang
boses.

"Mikaela naririnig mo din ba iyon?" Tanong ko kay Mikaela.

"Oo." Bulong niya.


Lumapit ulit ako sa shelves at lakas loob kong hinila ang puting telang satin na
nakasaklob dito. Sa pagkakatanggal ng tela ay sumambulat sa amin ni Mikaela ang
daan-daan mga piraso ng bote sa shelves na nag lalaman ng mga maliliit na nilalang.

"Ell! Mikaela! Tulungan ninyo ako!" Dinig namin na nagmumula sa isang bote.
Pinagmasdan ko ang boteng iyon at namilog ang aking mga mata sa nakita. Nasa loob
ng boteng iyon si Zoey!

"My God! Ano ang ginagawa mo diyan Zoey? Paano ka napunta diyan?" Bulalas ni
Mikaela. Ako naman parang naparalisa sa aking kinaroroonan. Hindi pa din ako
makapaniwala sa aking nakikita.

"Tulungan ninyo ko! Ikinulong niya ang kaluluwa ko sa bote na ito! Ayokong makulong
nang habang buhay dito! Do something guys!" Nagmamakaawang sabi ni Zoey sa amin.

"Paano ka nakulong diyan? And who is the Zoey that we saw a while ago?"
Nagugulumihan sabi ni Mikaela kay Zoey.

"Hindi ako iyon. May nanggagaya lang sa akin para mapagkamalan ninyo na ako.
Nangongolekta sila ng kaluluwa ng mga mortal beings na kagaya natin. They are not
real humans. They want to create a new world in exchange of collecting human souls
that will soon offer to their own god!" Saad sa amin ni Zoey. "At ang nag kulong
sa akin dito pati sa iba pang mga human souls na nasa loob ng mga bote ay walang
iba kundi si Kai. Sa oras na nakakolekta na siya ng limang daan na kaluluwa na
nakakulong na sa bote iyon na ang hudyat para muling maibalik niya ang nawawalang
pahina sa aklat ng propesiya at tuluyan na din sasakupin ng impiyerno o mas
tinatawag nilang Devonia ang buong sankatauhan!" Pagpapatuloy ni Zoey. Naramdaman
ko naman na nagsipag taasan ang mga balahibo sa akin magkabilang balikat. Dahil sa
mga isiniwalat ni Zoey sa amin.

"Pero paano mo nalaman ang mga inpormasyon na ito tungkol kanila Kai?" Nagtataka ko
naman tanong kay Zoey.

"Sa mga ibang human souls na nakausap ko dito simula nang ikinulong nila ang
kaluluwa ko sa tinatawag na Devonian Bottled Glass. Mas nauna pa sila sa atin na
magbakasyon dito sa Villa Exodus Resort. At wala pa ni isa sa mga bakasyonistang
ito na human souls ang nakatakas." Paliwanag naman ni Zoey.

Pinagmasdan ko ang daan-daan na mga boteng naglalaman ng mga kaluluwa ng ibang


taong naunang magbakasyon na sa Villa Exodus Resort. May ibang tumatangis ng pag
iyak. Nagagalit. May ibang pilit sinusuntok ang boteng salamin nagbabakasakaling
mabasag para makawala sila.

"Tulungan ninyo kami!"

"Pakawalan ninyo kami dito!"


"Maawa kayo sa amin!"

Ang daming mga boses ng mga kaluluwang nakakulong sa loob ng mga bote na humihingi
ng saklolo sa amin. Nakakabingi sila. Sabay-sabay na nagsasalita.

Nang biglang nagkatitigan kami ni Mikaela. May narinig kami na yabag ng mga paa.
Mukhang may papunta ngayon sa loob ng silid na ito. Nagmadali kami ni Mikaela na
sakluban ng puting telang satin ang mga bote sa shelves. Nagtago kami sa ilalim ng
mahabang lamesa.

"Kinakabahan ako Ell." Bulong sa akin ni Mikaela.

"Ako din kinakabahan at natatakot na." Tugon ko sa kanya.

Naramdaman kong nanginginig na sa takot si Mikaela. Inakbayan ko na lang siya sa


balikat. Hanggang sa may narinig kami na kumalampag nang napakalakas. Ang pintuan
ng silid. Sa pagbukas ng pintuan ay iniluwa nito sina Kai at ang bellman na si Lay.
May mga hinihila silang pitong itim na sako.

"Lay, ibaba mo na dito ang mga sako. Siguraduhin mong nakatali ng maayos ang mga
nasa loob niyan. Baka matakasan pa tayo ng mga iyan." Maawtoridad na sabi ni Kai
kay Lay.

"Opo, kuya Kai." What? Totoo ba ang narinig ko? Tinawag ni Lay si Kai na kuya?
Magkapatid pala sila. At bakit pinapasigurado ni Kai dito kay Lay na dapat nakatali
ng maayos ang mga nasa loob ng sako. Bigla akong kinabahan. Hindi kaya ang nasa
loob ng mga sako ay---hindi masyado lang akong paranoid. Hindi maari ang iniisip ko
na baka ang nasa loob ng mga itim na sako ay walang iba kundi ang amin mga
kaibigan.

"Ilalabas na ba natin sila para masimulan na ang orasyon?" Tanong ni Lay kay Kai.

"Mamaya na. Hanapin muna natin ang dalawa pa nilang kasamahan. Kung hindi ako
nagkakamali ang pangalan ng babae ay Mikaela at ang lalaki naman ay nagngangalan na
Ell."

-End of Chapter 11

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 12: Halo & Apocalypse


Totoo nga ang kutob ko ang mga kaibigan namin ni Mikaela ang nasa loob ng mga itim
na sako. At kami naman na ang gusto nila bihagin para masimulan na ang orasyon.
Orasyon siguro para maikulong ang amin mga kaluluwa sa loob ng bote.

"Lay, siguro mas mabuti na ang babae na lamang ang hanapin natin." Sabi ni Kai.

"Pero bakit kuya Kai?" Nagtatakang tanong ni Lay.

"Binilang ko ang mga Devonian Bottles. Napag alamanan kong walong kaluluwa na
lamang ang kailangan natin. Pito sa mga kaibigan ni Mikaela ay nasa atin na. At
siya na lang ang kulang." Tugon ni Kai. Biglang napatanga ako sa aking narinig na
usapan nina Kai at Lay. Nasa panganib ang buhay ni Mikaela.

"Pero naisip ko lang kuya Kai bakit si Mikaela at hindi si Ell ang gusto mong
bihagin?" Biglang kuwestiyon ni Lay.

"Hindi ko gusto si Ell. Nararamdaman kong may kakaibang enerhiyang bumabalot sa


kanyang kaluluwa. Mukhang mahirap kunin ang kanyang kaluluwa sa loob ng katawan."

"Ano ang ibig mong sabihin kuya Kai?"

"Mahirap ipaliwanag. Basta may kakaiba kay Ell. Hindi siya pangkaraniwan na mortal.
Meron siyang tinataglay na enerhiya na baka makasira sa atin mga plano." Paliwanag
ni Kai.

"Hindi kaya siya ang nawawalang anak ni Elijah? Ang dating hari ng Kaharian ng
Exodus?" Pagkukuro ni Lay.

"Hindi maaari. Alam naman ng lahat ng taga Exodus at Devonia na napatay ng hari
natin na si Magnetus ang nag iisang anak ni Elijah. Si Enrys."

"Posible. Pero paano kung naipadala ni Elijah si Enrys sa daigdig ng mga mortal.
Diba umibig si Elijah sa isang babaeng mortal at ang naging bunga ay si Enrys. At
ang pag iibigan ni Elijah at ng babaeng mortal ang naging dahilan kung bakit
nagkaroon ng lamat ang dating magandang samahan ng kaharian ng Exodus at Devonia.
Alam naman ng lahat na sa oras umibig ang isang imortal na taga Exodus o Devonia sa
isang mortal at nakabuo sila ng isang supling, maari sila makagawa ng isang Halo.
Ang Halo ang pinakamakapanyarihang nilalang na maaring maging pinuno ng alin man sa
dalawang kaharian. Kaya din ng Halo pagsanibin ang mga kaharian ng Exodus at
Devonia at bumuo ng isang panibagong mundo o kaharian. At tutol ang dalawang
kaharian sa Halo. Dahil sa oras na magsanib ang dalawang kaharian maaring mawasak
ang balanse ng dilim sa liwanag. buhay at kamatayan. Ang kabutihan at kasamaan. At
ang Mantra at Antra. Maari din ito mag bunga ng isang malaking kaguluhan pati sa
daigdig ng mga mortal." Pagsasalaysay ni Lay. Tikom at pilit namin inuunawa pa din
ang pinag uusapan nina Kai at Lay. Anong mga kaharian ang kanilang pinagsasabi?
Nagugulumihan ako sa Exodus at Devonia pati sa Halo.
"Oo alam ko, Lay. Pero diba yun din naman ang hangad natin? Kaya gusto kong
makumpleto ang limang daan na human souls na iaalay natin sa atin diyos na si
Mortigano. Para makabuo nang panibagong daigdig na ako ang mamumuno at para mahanap
ang nawawalang huling pahina. Diba bago tayo lumisan sa kaharian ng Devonia at
mamuhay bilang mortal sa daigdig nagpakita sa atin si Mortigano sa pamamagitan ng
panaginip. Inutusan niya tayo na lumikha ng isang bagong aklat ng propesiya para sa
panibagong daigdig na atin lilikhain---"

"---pero nag bago isip natin diba na ituloy ang plano. Winasak natin ang aklat ng
propesiya. Dahil napagtanto natin na mali ito. Si Mortigano ay hindi totoong diyos!
Isa siyang demonyo! Siya ang tinatawag na Satanas ng mga mortal. Kaya naguguluhan
ako sa'yo kuya Kai kung bakit gusto mo ipagpatuloy muli ang masamang plano natin
dati. Bakit kuya---" Biglang natigilan sa pagsasalita si Lay nang bigla siyang
sampalin ni Kai na malakas sa kanyang kanang pisngi.

"Tumigil ka na Lay! Ako ang kuya mo kaya sumunod ka sa mga nais ko. Matuto ka din
sa totoon diyos natin na si Mortigano. Wala nang makakapigil sa akin. Nagbago man
ang isip ko noon pero iba na ngayon. Napagtanto ko kasi na mas gusto kong makabuo
ng panibagong daigdig para maging pinakamakapanyarihan nilalang. At mangyayari
lamang iyon kapag nalipon ko na ang limang daan na human souls kapalit ang
nawawalang epilogo ng winasak natin na aklat ng propesiya." Wika ni Kai sa kanyang
kapatid na si Lay. Kapansinpansin din ang pag guhit ng nakakalokong ngiti sa
kanyang mukha.

"Pero kahit mahanap o mabalik sa iyo ang nawawalang epilogo wala din saysay ito.
Dahil wala na ang buong aklat ng propesiya. Winasak na natin ito limang taon na ang
nakakaraan. At ang epilogo ng aklat ng propesiya ay sadyang mapanganib." Pagkatapos
sabihin iyon ni Lay ay biglang humalakhak nang malakas si Kai.

"Alam mo kung minsan nagdududa na rin ako kung magkapatid nga ba tayo Lay. Ang liit
kasi ng utak mo. Kahit mawasak o magpirapiraso pa ang mga pahina ng aklat ng
propesiya sa maraming piraso, kung nasa atin naman ang epilogo maaring mabuo ulit
ito ng kusa. Mapapalitan ng panibagong mga pahina na naglalaman pa din ng eksaktong
mga tala o konstekto ang aklat ng propesiya. Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa
inpormasyon na iyon aking pinakamamahal na kapatid? At wala akong pakialam sa
panganib ng epilogo." Aniya ni Kai sa kanyang kapatid na si Lay na nakangisi pa.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakabaliw ang mga naririnig kong bagay na
pinag uusapan nina Kai at Lay. Parang isang masamang panaginip lamang ang lahat ng
nangyayari.

"Ell, natatakot na talaga ako. Baka mahuli nila tayo. Baka ikulong na nila ako sa
bote para ialay sa kanilang diyos." Nahihintakutan na mahinang wika sa akin ni
Mikaela. Kahit ako natatakot din. Natatakot ako na baka makuha nina Kai at Lay si
Mikaela sa akin. Ang babaeng mahal ko.

"Huwag kang matakot. Hanggat kasama mo ako hindi ka nila makukuha. Pangako iyan
Mikaela." Seryosong turan ko kay Mikaela.

Paano nga ba matatapos ang lahat ng ito? Isang maling kilos lamang namin ni Mikaela
maari kami malagay sa kapahamakan.
"Tara na Lay lumabas na muna tayo. Hanapin natin si Mikaela. Iwan na natin ang mga
sako sa silid na ito muna." Utos ni Kai sa kanyang kapatid. Ngunit hindi siya
kinibo ni Lay. Bagkus ay umismid lamang ito.

"Ano ba Lay naririnig mo ba ako? Tara na sa labas ng kuwarto!" Naiiritang sabi ni


Kai kay Lay.

"Hindi. Hindi na kuya. Ayoko na sumunod sa'yo. Aalis na ako ng resort. Hindi ko na
kaya sundin ang mga mali mong paniniwala at masamang hangarin. Kuya kita pero
tinatapos ko na ang ugnayan natin bilang magkapatid sa oras na ito." Sabi ni Lay
habang nakayuko at nakayukom ang mga kamay.

"Lapastangan! At saan ka naman kumuha ng lakas ng loob sabihin sa akin mga bagay na
iyan?" Gulat at namomoot na wika ni Kai sa kanyang kapatid.

"Simula noong dumating ang mga mortal. Sila Ell. Nakokonsensya na ako. Hindi ko na
kaya pumatay at mangolekta ng mga kaluluwa. Ayoko ng maging taong ahas. Gusto ko na
lamang maging normal na nilalang kagaya ng mga mortal." Seryosong turan ni Lay sa
kanyang nakatatandang kapatid na si Kai.

"Wow, totoo ba ang huling mga salitang namutawi sa iyong labi? Gusto mo mamuhay
kagaya ng mga mortal? So, sa madaling salita gusto mo maging isang tao? Tama ba ako
Lay?" Sabi ni Kai na may diin sa dulo ng huli niyang salita.

"Tama ka kuya gusto kong maging isang tao."

"Isa kang hangal." Pagkatapos sabihin iyon ni Kai ay ginawaran na naman niya ulit
ng sampal sa mukha si Lay. Matapos sampalin ni Kai si Lay ay tinitigan siya ng
masama ng kapatid. Pagkatapos ay biglang nag walk out na si Lay papalabas ng
kuwarto. Pero bago siya umalis ay nag wika muna siya kay Kai.

"Paalam, kuya Kai."

"Bago ka umalis. Isang bagay lang ang aking sasabihin sa'yo. Huwag ka nang
magpapakita pa sa akin muli." Pagkatapos sabihin ni Kai iyon ay umalis nang tuluyan
si Lay.

-End of Chapter 12

Please Vote and Comment.

=================
Exodus 13: Run

"Sa wakas lumabas na din si Kai ng kuwarto." Sabi ko nang sumunod na din lumabas si
Kai kay Lay. Medyo nakahinga na din nang maluwag kami ni Mikaela. Lumabas na din
kami sa ilalim ng lamesa kung saan kami nagtago kanina.

"Ano na ang gagawin natin ngayon Ell?" Tanong sa akin ni Mikaela.

"Mas mabuti siguro kung buksan natin ang mga itim na sako. Nandiyan ang mga
kaibigan natin." Tugon ko kay Mikaela. Tumango naman siya sa akin bilang pag sang
ayon.

Ako ang unang lumapit sa mga itim na sako. Binuksan ko ang isang sako ngunit
natigilan ako nang napansin kong may dugo na lumalabas dito. Bigla akong kinahaban.
Dahan-dahan kong binuksan ang itim na sako at namilog ako sa aking nakita.

"Oh, fuck!" Sambit ko sa sobrang gulat nang masilayan ko ang mukha ni Penelope na
puno ng dugo. Nakadilat ang mga mata nito at nakabuka pa ang bibig. Si Mikaela
naman parang masusuka sa hitsura ni Penelope.

"Oh my God!" Biglang bulalas ni Mikaela.

"Bakit Mikaela?" Hindi na nakasagot pa si Mikaela sa akin. Agad na lumapit siya sa


ibang sakong itim at pinagbubuksan ang mga ito.

Isa-isang nakita namin ang mga mukha nang amin mga kaibigan hanggang sa huling sako
na binuksan ni Mikaela. Nanginginig ang mga kamay niya na dahan-dahan binuksan ang
sako. Hanggang sa binuksan na niya ito at bumungad sa amin ang ate ni Mikaela na si
Denise. Puno ng dugo ang buong katawan nito. Humagulgol na lamang si Mikaela. Patay
na din ang ate ni Mikaela na si Denise gaya ng iba namin mga kaibigan. Hindi mag
lalaon kukunin na din ang mga kaluluwa nila para maikulong sa bote.

Inakbayan ko na lamang si Mikaela at pilit na pinapakalma sa pag hagod ng kanyang


likuran.

Nakakaawa silang lahat. Ang mga kaibigan namin. Kami na lamang ang natitira ni
Mikaela.

"Ell, hindi na natin nailigtas sila ate Denise huhuhu." Wika sa kin ni Mikaela na
tuloy pa din sa pag iyak.

"Oo nga." Sagot ko sa kanya. "Mas mabuti siguro Mikaela kung simulan na natin
tumakas. Wala na sina Zac, Ivan, ang ate Denise mo. Wala na tayong rason para
manatili pa dito---" bigla naman akong natigilan nang may nagsalita bukod sa amin
ni Mikaela sa kuwarto.

"Gago! Bu... buhay pa ako. Huwag ninyo ako iwan dito!" Bigla kami natigilan nang
napansin namin na nag salita si Isaiah.

"Buhay ka pa Isaiah. Thank God!" Masaya kong sabi. "Akala ko namatay ka na din."

"Ulol, masamang damo ito. Matagal pa ang life span ko sa mundo." Natawa naman ako
bigla sa turan ni Isaiah sa akin. Nilapitan ko siya agad at tinulungan makatayo
mula sa sako.

"Tangina, akala ko talaga mamatay na ako. Kainin ba naman ako ng buhay nang
napakalaking taong ahas na iyon." Kuwento sa amin ni Isaiah. "Akala ko hindi na
niya ako iluluwa. Sobra akong na suffocate sa bunganga niya na may bad breath!"
Pagpapatuloy sa kuwento ni Isaiah.

"Ell, paano si ate Denise?" Basag ni Mikaela sa pagkukuwento ni Isaiah sa nangyari


sa kanya kanina doon sa taong ahas na lumamon sa kanya ng buhay. Bigla naman
natahimik si Isaiah.

"Oh shoot, Denise is dead? And so the others too?" Hindi makapaniwalang tanong sa
amin ni Isaiah.

"Oo. Patay na sila. Ikaw lang ang nabuhay sa kanila." Sabi ko kay Isaiah. "And we
must go now before Kai get us all."

"How about Zoey?" Tanong bigla ni Isaiah.

"She's dead..." Sagot ko.

"What?" Gulat na wika ni Isaiah.

"Yes, she's dead but her soul is kept inside a mystical bottle called the Devonian
Bottled Glass." Sabi naman ni Mikaela. At tapos ay lumapit si Mikaela sa shelves,
hinila niya ang puting satin na telang nakatakip dito. Muling bumungad sa amin ang
napakaraming human souls na nakakulong sa loob ng mga bote.

"Isaiah, I'm here!" Narinig kong sigaw ni Zoey mula sa loob ng Devonian Bottled
Glass. Nanlaki naman ang mga mata ni Isaiah nang nakita niya ang kanyang girlfriend
na si Zoey nasa loob ng bote.

"What the hell? Is that for real dude? My girlfriend's soul is inside that small
bottle?" Hindi makapaniwala pa din na sabi ni Isaiah.

"Yeah, that is real Isaiah. Nasa loob ng bote na iyan ang kaluluwa ni Zoey." Sagot
ko. "We need to go now." Pagpapatuloy ko.

"Wait, don't tell me iiwan ninyo ako dito?" Tanong ni Zoey.


"Oo nga Ell iiwan ba natin si Zoey?" Tanong din ni Isaiah.

"Then, why don't you just get the bottle of Zoey so we can leave these place now."
Suhestiyon ko kay Isaiah. Kinuha naman ni Isaiah mula sa shelve ang bote na
naglalaman ng human soul ni Zoey.

"Hoy, Isaiah dahan-dahan nga sa pagkuha ng bote ko. Naaalog ako sa loob." Maarteng
sabi naman ni Zoey kay Isaiah.

"Sorry naman." Sarkastiko naman na sagot ni Isaiah sa kanyang girlfriend.

Magkakasama kami na apat lumabas ng kuwarto. Maingat kami sa amin paglalakad.


Nakalibot ang amin mga paningin sa buong paligid. Baka kasi mahuli kami ni Kai.

"I didn't expect things will turn out in this way." Mahinang sabi ni Isaiah.

"Me either." Pag sang ayon ko din.

"Mainam kung makalabas na tayo agad ng hotel para makabalik na sa stop over kung
saan natin iniwanan ang mga sasakyan natin." Suhestiyon ni Mikaela.

"But that is useless even if we go back there. Flat ang mga tires. As if makahanap
tayo ng mekaniko ng ganitong oras---teka anong oras na nga ba?" Sabi naman ni
Mikaela.

"Its already 5:30 AM." Sagot naman ni Isaiah. Malapit na pala mag umaga.

"Kailangan na natin bilisan guys. Kapag nakabalik na tayo sa stop over mag abang na
lang tayo ng pampasahero na bus." Sabi ko.

"At saan kayo pupunta aking mga bisita?" Bigla kami natigilan sa paglalakad nang
makarinig kami ng boses na nagsalita sa amin likuran.

"Oh shit we're dead now." Pabulong na sabi ni Isaiah.

"Guys, huwag kayo lilingon." Sabi ko ng may mahinang tono ng boses. "Pag bilang ko
ng tatlo tumakbo na tayo ng mabilis." Dikta ko kanila Mikaela. "Isa... Dalawa...
Tatlo!" At tumakbo na kami nang mabilis. Hawak ko sa kanang kamay si Mikaela.
Narating namin ang hagdanan pababa. Ngunit natigilan kami saglit nang nakita namin
biglang lumutang sa ere si Isaiah hawak ang bote ni Zoey at may kung anong puwersa
ang humila sa kanila papunta kay Kai. Pagkatapos ng tagpo na iyon ay muli kami
tumakbo nang mabilis.
"Hindi ninyo ako matatakasan mga mortal! Mapapasaakin ka din Mikaela hahaha!" Sigaw
ni Kai na may kasama pang halakhak. Para na siyang nababaliw sa kanyang tawa.

-End of Chapter 13

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 14: The Spirit Guardian

"Napapagod na ako tumakbo Ell. Pahinga muna tayo." Sabi sa akin ni Mikaela na
hinihingal.

"Sige." Pag sang ayon ko sa kanya. Pumasok muna kami sa loob ng cafeteria ng hotel.
Isinarado ko nang maigi yung main entrance door. Napansin ko naman na wala ng tao
dito. Ang mga ibang staffs kagaya ng waiter wala na.

"Kawawa sina Isaiah at Zoey. Nakuha na sila pareho ni Kai." Sabi ni Mikaela habang
paupo sa isang silya. Tinabihan ko din siya.

Paano ba kami makakatakas nito kay Kai. Hindi siya basta-basta lamang na nilalang.
May kapanyarihan siyang tinataglay. Hindi ko pa din makalimutan ang ginawa niya na
pagpapalutang kay Isaiah mula sa sahig papunta sa kanyang kinatatayuan. Mahirap
kalabanin ang isang katulad niya. Mga ordinaryong tao lamang kami. Wala kami
kakayahan na katulad ng kay Kai.

"Iwan mo na ako Ell." Bigla akong napalingon kay Mikaela.

"Ano?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Iwan mo na ako dito Ell. Umalis ka na. Tumakas ka na. Iligtas mo na ang iyong
sarili." Sabi ni Mikaela sa akin.

"Ano ba iyan pinagsasabi mo Mikaela?"

"Iwan mo na ako. Tutal ako naman talaga ang kailangan ni Kai. Balewala na din kung
makatakas pa tayo. Wala na ang mga ibang kaibigan natin. Wala na din si ate Denise.
Iniwan na ako ni ate Denise. Wala na akong babalikan sa bahay namin. Sina mama at
papa sumakabilang buhay na din. Wala na. Wala nang natitira sa akin huhuhu." Sabi
sa akin ni Mikaela at tuluyan na siyang nag iiyak. Batid kong nawawalan na ng pag
asa si Mikaela.

"Mikaela, makinig ka sa akin. Huwag ka mawalan ng pag asa. Huwag kang susuko. Hindi
ka nag iisa. Kasi nandito pa ako. Hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya para lumakas
ang kanyang loob.

Hindi puwede sumuko si Mikaela. Hindi ko rin hahayaan na makuha siya sa akin ni
Kai. Si Mikaela ang pinakaimportanteng tao sa aking buhay ngayon. Siya ang babaeng
mahal ko. Siya ang taong gusto kong makasama hanggang sa pag tanda. Poproteksyonan
ko siya laban kay Kai.

Nang biglang nakaramdam kami ng isang malakas na pag lindol. Bigla kami napayuko ni
Mikaela. Kasabay ng lindol ang boses ng isang babae na pumapalahaw. Napansin ko din
na lumuluha na naman ulit ng dugo ang mga mata ng estatwa dito sa cafeteria.
Mayamaya pa ay humupa na ang malakas na lindol.

Sa pagkawala ng lindol ay isang misteryosang babae naman ang lumitaw sa harapan


namin ni Mikaela. Humihikbi ito. May buhok ito na ginintuan kulay na tumatakip sa
kanyang mukha. Kung hindi ako nagkakamali siya din ang babaeng nagpakita sa amin ni
Mikaela nang kumain kami dito sa cafeteria kagabi nang lumindol din na napakalakas.

"Tulungan ninyo ako huhuhu." Humihikbing turan sa amin ng babae.

"I... ikaw. Ikaw din ang babaeng nagpakita sa amin kagabi." Nahihintakutan kong
turan sa babae.

"Hindi pa naman nakikita ang aklat ng propesiya." Sabi naman ni Mikaela.

"Malapit na. Nalalapit na ang malaking sakuna. Nararamdaman ko." Wika ng babae sa
amin.

"Sakuna?" Kunot noo kong tanong sa babae.

"Oo. Ang sakuna nalalapit na. Hindi mag lalaon ay mabubuo na muli ang aklat ng
propesiya." Wika muli ng babae.

"Pero paano mabubuo muli ang propesiya kung wala pa din ang nawawalang huling
pahina? Ang epilogo na binabanggit ni Kai?" Nagugulimihan kong turan sa babae.

"Hindi magtatagal ibibigay na ng demonyong si Mortigano ang isa pang kopya ng


epilogo na siya lamang ang mayroon sa kanyang matapat na alagad. Si Kai." Sabi ng
babae.

"Pero paano? Nandito pa si Mikaela. Ang kaluluwa na lamang ni Mikaela ang kailangan
ni Kai para makumpleto na ang limang daan na human souls na iaalay niya sa kanyang
diyos-diyosan na si Mortigano." Sagot ko sa babae.

"Pero teka sino ka ba? At bakit ka sa amin humihingi ng tulong?" Tanong ni Mikaela.
Napansin naman namin na dahan-dahan lumutang sa ibabaw ng sahig ang mga paa ng
babae. Kasabay nito ang pag ihip nang malakas na hangin. Nahipan ng hangin ang
kanyang ginintuang buhok na kumukubli sa kanyang buong mukha. Pagkatapos ay
bumungad sa amin ang mukha ng misteryosang babae na blanko. Walang mga mata, mga
kilay, at ilong. Tanging bibig lamang.

"Dahil ako ang espiritong tagabantay ng aklat ng propesiya. Ako si Cassiopeia!"


Matapos niya magpakilala at banggitin ang kanyang ngalan ay biglang kumulog at
kumidlat nang napakalakas sa labas na kitang kita sa labas ng bintana nitong
cafeteria.

"Pero bakit blanko ang iyong mukha... Cassiopeia?" Nagtatakang tanong ni Mikaela.

"Dahil winasak ni Kai at ng kanyang mga kapatid limang taon na ang nakakaraan ang
aklat ng propesiya. At nawala pa ang orihinal na epilogo. Babalik lamang ang anyo
ng aking mukha sa oras na mabuo muli ang aklat ng propesiya sa pamamagitan ng
nawawalang pahina ng epilogo." Paliwanag sa amin ni Cassiopeia. Pagkatapos noon ay
dahan-dahan na humalik sa lupa ang kanyang mga paa at bumalik sa paghikbi. Pero sa
pagkakataon na ito ay mas tumindi na ang kanyang pagluha.

"Tulungan ninyo ako. Tulungan ninyo ako na maunahan ang tapat na tagasunod ni
Mortigano na si Kai sa paghahanap ng epilogo. Ang nawawalang orihinal na epilogo na
si Kai at ng kanyang mga kapatid na nagsulat may limang taon na ang nakakaraan.
Isang malaking sakuna ang naghihintay sa atin lahat kapag napasakamay ni Kai ang
epilogo." Pagsusumamo sa amin ni Cassiopeia.

"Pero paano ka namin tutulungan? Saan kami magsisimula? Saan kami unang maghahanap
sa nawawalang orihinal na epilogo? Ikaw na rin ang nagsabi limang taon na ang
lumipas nang nawala ang epilogo. Habang si Kai naman base sa narinig namin na pag
uusap nila ng kanyang kapatid na si Lay ay naghihintay na lamang makumpleto ang
limang daan na human souls sa Devonian Bottled Glass na iaalay niya kay Mortigano
kapalit ang panibagong kopya ng epilogo." Nagugulumihan kong turan kay Cassiopeia.

"Alam ko. Kaya nga habang hindi pa nakukumpleto ang mga human souls sa Devonian
Bottled Glass ay unahan ninyo na siyang hanapin ang nawawalang orihinal na
epilogo." Sagot ni Cassiopeia.

"Parang ang hirap naman kasi ng gusto mo Cassiopeia. Parang napakalabo na mahanap
pa ang nawawalang epilogo. Saka hindi ba nila naisip na baka nakasama na rin sa
pagwasak nila ng aklat ng propesiya ang epilogo noon." Sabi ko.

"Diyan ka nagkakamali mortal. Makapanyarihan ang huling pahina. Ang epilogo.


Mawasak man ang buong aklat ng propesiya pero ang epilogo ay mananatiling buo. May
basbas ni Mortigano ang epilogo. Tanging si Mortigano lamang ang maari na sumira sa
pahina ng epilogo." Paliwanag ni Cassiopeia. "Bago ko makalimutan may isa pang
nilalang ang maaari nga pala makawasak din sa epilogo. Ang Halo. Ang anak ni Haring
Elijah na taga kaharian ng Exodus.
"So, ano na ang gagawin namin?" Tanong ko sabay buntong hininga.

"Alam ko kung nasaan ang nawawalang epilogo." Tugon ni Cassiopeia.

-End of Chapter 14

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 15: Separation

"Nasa hinaharap ang epilogo." Wika sa amin ni Cassiopeia.

"Ano? Hinaharap?" Tanong ko na may halong pagkalito.

"Oo nasa hinaharap ang epilogo. Noong winasak ni Kai at ng mga kapatid niya ang
aklat ng propesiya sa Villa Exodus Resort may limang taon na ang nakakalipas ay
wala silang muwang na naapektuhan nila ang ikot ng oras sa daigdig ng mga mortal.
Lumikha ng isang itim na portal ang pag wasak sa aklat ng propesiya. Ang itim na
portal na ito ay lagusan papunta sa makabagong panahon. Ang hinaharap. Hinigop ng
itim na portal ang pahina ng epilogo papunta sa hinaharap. Tatlumpung taon mula sa
hinaharap." Salaysay sa amin ni Cassiopeia. Namilog naman bigla ang aking mga mata
ko sa kanyang turan. 30 years from the future? Don't tell me ipapadala niya kami sa
hinaharap?

"Huwag mong sabihin ipapadala mo kami sa hinaharap?" Biglang tanong ni Mikaela.


Iyon din ang nasa isip ko ngayon na gusto rin sana itanong kay Cassiopeia.

"Oo, ipapadala ko kayo sa hinaharap." Sagot ni Cassiopeia.

"Pero paano saka parang napakaimposible naman ata niyan Cassiopeia." Sabi ko.

"Ako ang espiritong tagapagbantay sa aklat ng propesiya. May tinataglay akong


kapanyarihan na pumunta sa iba't ibang panahon. Sa nakaraan at hinaharap. Kaya ko
rin baguhin ang kasaysayan ng isang bagay o nabubuhay na nilalang. At kayong dalawa
ang tanging nilalang na lamang na nakikita kong magbibigay ng pag asa na makuha ang
epilogo." Paliwanag sa amin ni Cassiopeia. Bigla naman akong napaisip nang
napakalalim. Sabi ni Cassiopeia kaya niya baguhin ang kasaysayan. Pero bakit hindi
niya magawang makabalik sa nakaraan kung saan nag simula ang lahat. Bakit hindi
niya baguhin ang mga nangyari noon?

"Ang sabi mo may kapanyarihan kang baguhin ang kasaysayan. Makapunta sa nakaraan at
hinaharap. Bakit kailangan mo pa kami gawin kasangkapan at ipadala sa hinaharap
para lamang mahanap ang nawawalang epilogo?" Tanong ko kay Cassiopeia.
"Dahil nabawasan ang kapanyarihan ko sa hindi ko maintindihan na kadahilanan.
Simula noong nawasak ang aklat ng propesiya at napunta sa hinaharap ang epilogo,
nalimitahan na lamang ang kapanyarihan ko. Hindi ako puwedeng mag lakbay sa ibang
panahon pero puwede ako magpadala ng mga nilalang na may basbas ko para sa isang
hangarin o misyon. At kayong dalawa na mga mortal ang napupusuan kong bigyan ng
basbas sa aking kapanyarihan upang matunton sa hinaharap ang epilogo at maibalik
iyon sa panahon na dapat na kinaroroonan niya ngayon."

Okay, talagang nakakabaliw na ang mga nangyayari ngayon. The last time I check mag
babakasyon lang kami dapat sa probinsya ni Isaiah sa Isabela. And here I am with
Mikaela will be having another journey, the future.

"Tinatanggap ninyo ba ang misyon na inaalok ko sa inyong dalawa mga mortal?" Tanong
sa amin ni Cassiopeia.

"As if we have other options." Sarkastiko kong turan. Naramdaman ko naman na bigla
akong siniko ni Mikaela sa aking tagiliran.

"Uhhhmn. Pagpasensyahan mo na Cassiopeia si Ell. Stress lang siya sa mga nangyayari


ngayon." Paghingi ng paumanhin ni Mikaela. Stress ba kamo? Hindi lang ako
naiistress ngayon. Malapit na ata ako mabaliw sa mga nangyayari.

"Inuulit ko mga mortal tinatanggap ninyo na ba ang aking inaalok na misyon na


pumunta sa hinaharap at hanapin ang nawawalang epilogo?"

"Ano tatanggapin ba natin ito?" Bulong ko kay Mikaela.

"Tanggapin na natin Ell. Wala na rin naman tayo pagpipilian. Tanggapin na lang
natin ito para sa hustisya ng pagkamatay ng mga kaibigan natin at... ate Denise
ko." Tugon sa akin ni Mikaela. Napansin ko naman ang biglang pagkalungkot ng tono
ng kanyang boses. Alam ko kahit hindi niya sabihin sobra niya namimiss ngayon ang
kanyang ate Denise.

"Sige, pumapayag na kami." Sagot ko kay Cassiopeia.

"Mabuti kung ganun." Wika ni Cassiopeia.

"Pero saan kami magsisimula sa hinaharap? Paano namin matutunton ang kinaroroonan
ng epilogo?" Tanong ko.

"Huwag kayo mag alala sa kapanyarihan na ipinagkaloob sa akin, dadalhin ko kayo sa


eksaktong lugar kung nasaan ito at kung sino ang taong mas makakatulong sa inyo."
Sagot ni Cassiopeia.

"Sino? Ibig sabihin bukod sa amin ni Mikaela may iba pa na tutulong sa amin sa
paghahanap ng nawawalang epilogo?"
"Oo, Ell. Walang iba kundi ang nawawalang Halo. Si Enrys."

"Pero dinig namin kanila Kai na pinatay na ni Mortigano si Enrys noong sanggol pa
lamang ito."

"Hindi iyon totoo. Noong panahon na sumiklab ang digmaan sa mga kaharian ng Exodus
at Devonia ay pinatawag ako ng mahal na haring Elijah. Isa ako sa mga diwata sa
kaharian ng Exodus noong panahon na iyon at tapat na tagasunod ni haring Elijah.
Nakiusap siya sa akin na bago pa mabihag at mapatay ng hari ng Devonia na si
Magnetus ang kanyang supling na si Enrys ay itago ko ito sa lugar kung saan walang
sino man ang makakapag isip na nandoon ito. Naisip ko na ipadala si Enrys sa
hinaharap. Ngunit nang matagumpay kong naipadala na si Enrys sa hinaharap ay nahuli
ako ng mga kawal ni haring Magnetus. Bilang ganti sa aking ginawang pagtago kay
Enrys sa hinaharap, inialay ako ni Magnetus sa masamang demonyo na hindi kalaunan
ay sinamba at ginawa na rin nilang diyos-diyosan na si Mortigano. Isinumpa ako ni
Mortigano. Pinatay ni Mortigano ang katawan lupa ko at kinuha niya ang aking
kaluluwa. Isinumpa niya ang kaluluwa ko na maging isang espiritong tagapagbantay ng
aklat ng propesiya na hindi kalaunan ay nilikha ng propetang si Kai sa kaharian ng
Devonia. Habang buhay ang sumpang ipinataw sa akin ni Mortigano. At ngayon nasa
harapan ko kayo Ell at Mikaela. Nakasalalay na sa inyo ang kahihinatnan ng lahat."
Pagsasalaysay sa amin ni Cassiopeia.

"Paano naman namin malalaman kung sino si Enrys sa hinaharap?" Tanong ko.

"Makikilala ninyo si Enrys sa kanyang balat na nasa balikat. Hugis ekis ito na
simbolo ng kaharian ng Exodus. At kapag nag krus na ang mga landas ninyo ng halo
kailangan mapatakan ng sariwang dugo ng halo ang nawawalang pahina ng epilogo.
Kapag napatakan na ng dugo ng halo ang pahina ng epilogo ay mabubuo muli ang buong
aklat ng propesiya. At kapag nangyari iyon kailangan wasakin muli ng halo ang aklat
ng propesiya pero sa pagkakataon na ito kailangan buong aklat ay dapat mawasak na.
Walang pahina ang dapat matira. At kapag nawasak na ng halo ang buong aklat ng
propesiya ay mamatay naman ang nilalang na nagsulat nito. Walang iba kundi si Kai."

Nagulat naman kami bigla nang marinig namin na may kumakalampag sa door entrance ng
cafeteria. Malamang si Kai ito. Desidido na siyang makuha si Mikaela para
makumpleto na ang mga human souls na iaalay kay Mortigano.

"Lumabas kayo diyan! Alam ko nandiyan kayo Ell at Mikaela!" Sigaw ni Kai.

"Nandiyan na si Kai. Cassiopeia ano na? Dadalhin mo na ba kami sa hinaharap ngayon?


Baka makapasok na si Kai dito sa cafeteria." Nag aalalang turan ni Mikaela.

"Sige sisimulan ko na ang pagbasbas sa inyong dalawa pero bago iyon may ibibigay
akong munting regalo sa'yo Ell." Matapos sabihin iyon ni Cassiopeia ay ikinumpas
niya ang kanyang kanang kamay na lumikha ng asul na liwanag. Mula sa asul na
liwanag na ito ay lumitaw ang isang kuwintas na may hugis ekis na pendant.
Lumulutang sa ere ito na lumapit sa akin.
"Hawakan mo Ell ang kuwintas na iyan at isuot. Ang kuwintas na iyan ang mag uugnay
sa'yo mula sa hinaharap at kasalukuyan na panahon. Sa pamamagitan din ng kuwintas
na iyan ay maari mong makita ang mga kaganapan sa kasalukuyan panahon kahit nasa
hinaharap ka. Ilubog mo lang sa isang malinaw na tubig ang kuwintas na iyan. Mula
sa repleksyon ng tubig ay lilitaw ang mga kaganapan sa kasalukuyan panahon."
Isinuot ko na ang kuwintas.

"Isang paalala lamang Ell dahil sinuot mo na ang kuwintas mula sa akin ay mamumulat
na ang mga mata mo sa mga bagay na dati hindi mo nakikita. Ang iyong namamahingang
ikatlong mata ay magigising na. Makakakita ka ng mga iba't ibang elemento kagaya ng
mga kaluluwang hindi matahimik, engkanto, at mga diyablo. Pero huwag kang matakot
dahil sa basbas na igagawad ko sa inyong dalawa ni Mikaela walang kahit anong
elemento ang maaring makapanakit sa inyo. Maliban na lamang sa makapanyarihang
demonyong si Mortigano---"

"Aaaaaaaah!" Bigla kong narinig na sumigaw si Mikaela. Nakita ko naman na biglang


nagkaroon ng buhay ang mga estatwa ng mga Roman gods and goddesses na nakadisplay
dito sa cafeteria. Malamang ang may gawa nito si Kai.

"Yumuko kayo at alisin ang takot sa inyong mga puso. Sa mga oras na ito iginagawad
ko na ang aking basbas. Sa ngalan ng kaharian ng Exodus at ni bathalang Exmundo na
nagbigay ng aking kapanyarihan maglalakbay kayong mga mortal tatlong dekada mula sa
hinaharap. Naway makamit ninyo ang layunin na mahanap ang nawawalang epilogo at
masilayan ang dugong bughay na si Enrys na anak ng dating haring Elijah sa kaharian
ng Exodus."

Habang binibigkas ni Cassiopeia ang kanyang basbas sa amin ni Mikaela ay napansin


kong nakapalibot na pala sa amin ang mga gumagalaw na estatwa ng Roman gods and
goddesses. Hanggang sa tuluyan na din nabuksan ni Kai ang entrance door ng
cafeteria.

Sa pagpasok ni Kai sa loob ng cafeteria ay nakita kong kasama niya ang ibang mga
waiters at kusinero ng cafeteria. Nang biglang nag iba sila ng mga anyo. Mula sa
pagiging tao ay nag anyo silang mga taong ahas. Naisip ko bigla siguro sa kaharian
ng Devonia ang mga nilalang na nandoon ay mga taong-ahas.

At ngayon nararamdaman ko ang unti-unting pag angat namin ni Mikaela mula sa sahig.
Nagliliwanag na din ang buong katawan namin hanggang sa may lumitaw na itim na
portal sa ibabaw ng kisame. Tingin ko ito na ang lagusan patungo sa hinaharap.

"Hindi ako makakapayag na makatakas kayo mga mortal!" Sigaw bigla ni Kai nang
nakita niya kami na lumulutang at papasok na sa itim na portal.

"Mga alagad ko kunin ninyo ang babae!" Utos ni Kai sa mga estatwang nakabalibot sa
amin.

Nakita ko ang estatwa ng Roman god na si Apollo nahawakan niya agad ang kaliwang
paa ni Mikaela.
"Aaaaaah!" Sigaw ni Mikaela sa takot. Sinipa ko ang estatwa ni Apollo ngunit
sobrang lakas at tigas nito. Hanggang sa dahan-dahan nang naihihila pababa si
Mikaela ng estatwang si Apollo.

"Mikaela!" Sigaw ko sa pangalan ni Mikaela. Nasa bibig na ako ng itim na portal.


Tanging kanang kamay na lamang ni Mikaela ang nahahawakan ko. Pinipilit ko pa din
siyang hatakin para makasama siya papunta sa hinaharap. Hanggang sa tuluyan nang
bumitaw sa pagkakahawak ng kamay si Mikaela sa akin at ako naman ay hinigop na ng
itim na portal patungo sa hinaharap.

"Ell!" Sigaw ni Mikaela sa aking pangalan nang tuluyan na kami magkahiwalay sa


kasalukuyan panahon at ako naman ay patungo na sa makabagong panahon.

"Patawad... Mikaela." Yun na lamang ang aking nasambit nang nilamon na akong
tuluyan ng itim na portal.

-End of Chapter 15

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 16: Incognito

"Mikaela!" Sigaw ko. Teka nasaan ako? Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid.
Nasa isang green room ako. Puro berde ang nakikita ko. Berdeng pader, lamesitas,
flower vase, aparador at kung anu-ano pa. Napansin ko din na may suwerong nakakabit
sa akin.

Naibaling ko naman ang aking paningin sa kanang bahagi ng kuwarto. May isang
malaking bintana na natatakpan ng berdeng kurtina. Maingat akong bumangon at tumayo
mula sa pagkakahiga sa kama. Hinila ko kasama ang istante ng aking suwero. Marahan
akong naglakad papunta sa bintana.

Habang naglalakad ay bigla akong nakararamdam ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko


alam kung bakit.

Ngayon ay nakatayo na ako sa harapan ng bintana. Dahan-dahan kong hinila ang


berdeng kurtina na kumukubli sa bintana. At namilog ang aking mga mata nang
nabuksan ko na ang kurtina.

"What the fu---" Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa aking gulat. Nanaginip
ba ako? Parang isang panaginip ang aking nakikita ngayon sa labas ng kuwarto ko.
Kathang-isip? Nababaliw na ba ako?

Ang daming tanong ang tumatakbo sa aking isipan ngayon.


Kinusot ko ng aking mga kamay ang dalawa kong mata nagbabakasakali na namamalikmata
lamang. Pero hindi, totoo talaga ang mga bagay na aking nakikita ngayon.

Malalaking makabagong gusali. Mga spaceship sa ere, mga kalsada na dinadaanan ng


iba't ibang uri ng behikulo, at kung anu-ano pang wirdong mga bagay.

Bigla akong napahinga ng malalim.

I'm running out of words to describe everything!

Hanggang sa narinig kong may bumukas ng pinto.

"Mabuti naman at nagising ka na!" Isang nagagalak na boses ng isang babae ang
narinig kong nagsalita na pumasok sa aking kuwarto. Nilingon ko siya.

"Nasaan ako?" Bigla kong wika sa kanya. Maganda siya. Batid kong hindi nagkakalayo
ang mga edad namin. Morena ang kanyang balat. May matangos na ilong. Singkit ang
kanyang mga mata. At may mapula siyang labi na maihahalintulad ko sa isang rosas.
Nakabestida siyang kulay kahel na may floral design. May hawak din siyang isang
manipis na bagay na may malaking monitor at kasing lapad ito ng isang aklat.

"Nasa clinic ka ng Fire Castle Institute Of Learning. By the way I'm Ayesa."
Nakangiti niya na sabi sa akin.

"Nauuhaw ako." Bigla kong sabi. Ang weird parang nakakaramdam akong ng pagkatuyo sa
aking lalamunan. Kailan ba ako huling uminom ng tubig?

"Sige, ikukuha kita. Saglit lang." Sabi sa akin ni Ayesa. Pagkatapos ay lumabas na
siya ng kuwarto.

Nabaling naman ang tingin ko sa isang salamin na nakasabit sa pader ng kuwarto.


Naglakad ako papunta sa salamin. Ngayon ko lang napagtanto na iba na pala ang suot
kong damit. Nakaputing t-shirt at itim na short ako. Nakita kong may suot akong
kuwintas na may ekis na pendant---teka naaalala ko na!

Tama! Nasa hinaharap na ako. Tatlumpung taon mula sa panahon na pinanggalingan ko.
Nawala kanina sa isip ko na pinadala nga pala ako ng espiritong tagapagbantay na si
Cassiopeia dito sa hinaharap. Kaso si Mikaela naiwan siya. Hindi ko siya naisama sa
hinaharap. Natatakot ako kasi nasa masamang kamay na siya ni Kai. Baka nakuha na
din ni Kai ang kaluluwa ni Mikaela. Huwag naman sana.

Pakiramdam ko dinudurog sa mga sandaling ito ang aking puso. Parang napakawalang
kuwenta ko. Hindi ko man lang nailigtas ang buhay ng babaeng mahal ko.
Hanggang sa nakabalik na si Ayesa sa loob ng aking kuwarto.

"Ito na ang baso ng tubig mo." Aniya ni Ayesa sa akin. Inabot ko agad ang baso ng
tubig. Nainom ko agad ang isang baso ng tubig sa isang lagok lang. Uhaw na uhaw
talaga ako.

"Salamat." Mahina kong sabi nang naubos ko na ang isang baso ng tubig kay Ayesa.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong sa akin ni Ayesa.

Napaisip ako bigla. Sasabihin ko ba ang aking tunay na pangalan o mas mabuting mag
balatkayo na lamang ako? Hindi ako puwede basta-basta magtiwala sa kung kanikanino
na lamang lalo na't nag iisa lamang ako. Delikado para sa akin. Hindi naman sa
nagpapaka-paranoid ako pero mas mabuti na ang maging maingat sa aking totoong
katauhan. Bakit hindi na lang kaya magpanggap ako na nawalan ng alaala? Amnesia?

"Sorry, pero wala kong maalala na kahit ano." Sagot ko.

"Oh my God! Nagka-amnesia ka?" Gulat niyang tanong. Napakibit balikat na lamang ako
sa kanya.

"If that will be the case, ano na lang ang gusto mong pangalan na itatawag ko
sa'yo."

"Migz." Matipid kong sagot kay Ayesa. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi kong
pangalan sa kanya. Bigla na lamang iyon ang pangalan na lumitaw sa aking isipan.

"Okay... Migz." Sabi niya na nakangiti.

"Puwede mag tanong Ayesa?"

"Oo naman Migz."

"Gaano na ba ako katagal na walang malay?"

Hindi agad sumagot sa akin si Ayesa. Napansin ko din na bigla siyang napabuntong
hininga at napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Makalipas ang ilang segundo ay
tumingin na siya muli sa akin.

"Huwag kang mabibigla Migz. To tell you the truth... you had been in comatose for
one year." Sabi niya. Tila naparalisa naman ang buong katawan ko. Para bang naging
estatwa ako sa sobrang gulat. Seryoso, isang taon akong na comatose?

"Ano isang taong?!" Bulalas ko sa sobrang gulat.


Hanggang sa napansin kong biglang tumawa nang napakalakas si Ayesa na akala mo ay
wala ng bukas.

"No! I'm just kidding hahahaha!" Natatawa niyang sabi.

"What?" Nagtataka kong sabi kay Ayesa.

"Ano ka ba binibiro lang kita. I just want to make sure na talagang gising ka na
hahahaha!" Natatawa pa din siya. Ang weird niya. Ano ba'ng trip sa akin ng babaeng
ito? Mukha ba akong nakikipag biruan sa kanya.

"To tell you honestly three hours ka pa lang walang malay simula nang makita kita
na nakahiga at walang malay sa garden ng Fire Castle Institute of Learning." Sabi
sa akin ni Ayesa.

"Papatayin mo ako sa iyong biro Ayesa." Sabi ko naman sa kanya. At least, nakahinga
na ako ng maluwag. Kung nagkataon na isang taon nga ako nakatulog mababalewala ang
lahat ng ipinunta ko dito sa hinaharap.

-End of Chapter 16

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 17: Nostalgia

Kasama ko ngayon si Ayesa na naglalakad sa hallway ng Fire Castle Institute of


Learning. Maayos na ang pakiramdam ko kaya pinayagan na ako ng nurse na makalabas
ng clinic.

Habang naglalakad sa hallway napansin kong puro berde lahat ng bagay. Ang mga
pader, kisame, classroom ng mga estudyanteng nag aaral sa Fire Castle Institute of
Learning at kung anu-ano pa.

"Ayesa, curious lang ako. Bakit puro berde ang halos lahat ng mga bagay sa Fire
Castle Institute of Learning?" Tanong ko kay Ayesa.

"Ah, iyon ba? Green minded kasi ang founder ng Fire Castle Institute of Learning
hahaha!" Natatawa niya na sagot sa akin. "Joke lang haha. The real reason kung
bakit green ang motive ng institute, green color signifies wealth, power, vigor,
knowledge, and youth."
Iyon pala ang dahilan kung bakit green ang motive color ng Fire Castle Institute of
Learning.

Dadalhin ako ngayon ni Ayesa sa dean ng institute para malaman kung ano ba ang
dapat gawin sa akin lalo na't nagpanggap ako na may amnesia.

"Medyo may kalayuan pa Migz ang opisina ng dean namin." Sabi sa akin ni Ayesa.

"Ayos lang." Sabi ko sa kanya na may kasamang matipid na ngiti.

Habang naglalakad ay may nakasalubong kami na isang lalaki na mabilis na tumatakbo.


Mukha siyang nerdy guy. May makapal na salamin sa mga mata at may daladalang
patong-patong na mga aklat sa kanyang dibdib. Mukhang may humahabol sa kanya.
Hanggang sa may narinig na kami ni Ayesa na mga yabag ng paa at sigawan ng boses.

"Ayun siya!" Sigaw ng lalaking may payat na pangangatawan.

"Bilisan natin baka matakasan tayo ng lampa na iyan!" Sigaw naman ng lalaking
napakataba na tatawatawa pa.

Apat silang mga kalalakihan. Batid kong mga estudyante rin sila dito sa institute.
Mukhang hinahabol nila yung nerdy guy na nakasalubong namin kanina.

Hanggang sa bigla na lamang napansin kong nagsipag lutangan sa ere ang apat na
estudyanteng humahabol kay nerdy guy. Nakita ko naman si Ayesa na nakataas ang
isang kamay sa ere. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kong pinapalutang sa
ere ni Ayesa ang apat na estudyante.

"Kayong apat na naman? Binubully ninyo na naman si Zayne? Gusto ninyo ba na dalhin
ko kayo ngayon sa disciplinary office ng institute nang sa ganun ay ipatawag ang
mga magulang ninyo?" Maangas na turan ni Ayesa sa apat na estudyante.

"Hindi na po! Hindi na po!" Sagot ng matabang lalaki.

"Siguraduhin ninyo lang. Dahil kapag nahuli ko pa kayo na binubully si Zayne alam
ninyo na ang mangyayari." Banta ni Ayesa. Tumango naman ang apat na estudyante kay
Ayesa. Pagkatapos ay dahan-dahan na ibinaba na ni Ayesa ang apat na estudyante sa
sahig ng hallway at nagsipag tagbuhan na ang mga ito papalayo sa amin.

"Cool. Paano mo iyon nagawa?" Namamangha kong sabi kay Ayesa.

"Telekinesis." Sagot niya sa akin.

"Lahat ng estudyante na nag aaral dito sa institute ay may iba't ibang kakayahan."
Sabi ni Ayesa. "Si Zayne yung estudyanteng mukhang nerd na hinahabol kanina ng mga
bully, we have the same power. However he doesn't show it to anyone. Only me and
the admin of Fire Castle Institute of Learning knows his power." Kuwento pa ni
Ayesa.

"Pero bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Ayaw niya lang. He's coward to show what he have. Kaya iyan madalas binubully siya
ng iba niyang classmates. Nagtataka kasi ang iba kung paano nakapasok ng institute
si Zayne mukha naman daw kasi siyang pangkaraniwan tao unlike the other students
here that have different powers."

Bigla akong nawirduhan sa mga sinasabi sa akin ni Ayesa.

Ganito ba talaga ang mangyayari 30 years from the present? Nanggaling ako sa taong
1999 and I assumed that I am already at the year 2029. Pero paano nagkaroon ng mga
kakaibang kapanyarihan ang ibang tao sa future? May kinalaman kaya ang nawawalang
pahina ng epilogo dito? Ang dami na naman ulit tumatakbong mga katanungan sa aking
isipan.

Naiba naman bigla ang takbo ng isip ko nang may maulinigan akong boses ng isang
babae na kumakanta kasabay ang isang piano. Mukhang nanggagaling ito sa susunod na
kuwartong amin madadaanan ni Ayesa.

"Wise men say only fools rush in. But I can't help falling in love with you. Oh
shall I stay, would it be a sin. Oh if I can't help falling in love with you..."

Ang ganda ng boses niya. Ang lamig sa tainga. Sino kaya ang nag mamay ari ng boses
na iyon?

"Oh like a river flows surely to the sea. Darling so it goes some things are meant
to be..."

Habang pinapakinggan ko ang boses may naalala akong biglang isang tao. Ganyan na
ganyan din ang kanyang boses kapag kumakanta.

"Gusto mo muna sumilip sa classroom na iyon?" Tanong sa akin ni Ayesa.

"Okay lang." Sagot ko sa kanya.

"Take my hand, take my whole life too. Oh for I can't help falling in love with
you..."

Ang boses na iyon katulad sa boses ni Mikaela. Hindi kaya---naku imposible ang
iniisip ko. Hindi maari na nandito rin si Mikaela. Malamang nagkataon lang na mag
kaboses sila ng kumakanta.
Nasa labas na kami ng classroom. Nakasilip kami ni Ayesa sa may pintuan.

"Ang ganda ng boses niya no." Puri ni Ayesa sa kumakanta. Tumango lang ako sa turan
niya.

Tila napatanga naman ako sa aking kinakatayuan. Yung babaeng kumakanta kasi hindi
niya lang kaboses si Mikaela, kamukha pa niya ito!

"Sino siya?" Tanong ko kay Ayesa habang nakatuon ang buong atensyon ko sa
kumakanta.

"Siya si Helen. Her power is to possess people using her voice that seems like a
liquid gold because of its beauty." Sagot sa akin ni Ayesa.

Para silang pinagbiyak na bunga ni Mikaela. Magkamukhang-magkamukha talaga sila


pati ang magandang boses ay pareho rin.

Natapos na rin sa pagkanta si Helen. Nagsipag tayuan naman ang mga estudyante sa
loob ng classroom at ginawaran si Helen ng masigabong palakpakan.

"Tapos na. Tara na ulit sa office ng dean para makilala ka na niya. Kanina pa siya
nag hihintay sa atin."

"Sige." Sagot ko at nagpatuloy na kami muli sa paglalakad sa hallway.

-End of Chapter 17

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 18: Dean

"Handa ka na ba Migz? Bubuksan ko na ang pinto ng dean's office." Tanong sa akin ni


Ayesa.

Nandito na kami sa labas ng opisina ng dean.

Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit.

"Oo, handa na ako Ayesa." Sagot ko kay Ayesa.


Hinawakan na ni Ayesa ang doorknob ng pinto at pinihit na ito. Habang pinipihit ni
Ayesa ang doorknob ay pakiramdam ko tila nag slow-motion ang lahat. Hindi ko alam
kung bakit. Ang weird ng pakiramdam ko. Hanggang sa tuluyan nang nabuksan ni Ayesa
ang pinto ng dean's office.

Unang humakbang papasok ng opisina mula sa pintuan si Ayesa.

"Good afternoon Dean! Nandito na ako kasama si Migz yung lalaking nakita kong
walang malay sa garden." Rinig kong sabi ni Ayesa. Hindi pa rin ako pumapasok sa
opisina hanggang sa tinawag na ako ni Ayesa para pumasok.

Nakayuko akong pumasok ng dean's office. Nang nasa loob na rin ako ng opisina ay
nakita kong may swivelling chair na nakatalikod sa amin. May lalaking nakaupo dito.
Malamang siya ang dean. Bigla naman itinaas ng dean ang kanyang kaliwang kamay at
sumenyas ito. Bumulong naman sa akin si Ayesa na lalabas muna siya ng opisina.

"Labas muna ako. Hintayin na lang kita sa labas ng pintuan. Gusto ka makausap ng
dean na kayong dalawa lamang." Sabi ni Ayesa.

"Sige."

Lumabas na si Ayesa at sinarado na ang pinto. Nabalot bigla ng katahimikan ang


buong opisina. Hanggang sa narinig ko nang nagsimula mag salita ang dean na bumasag
sa katahimikan sa loob ng opisina.

"Maligayang pagdating sa Fire Castle Institute of Learning. Ako nga pala si Mr.
Light ang dean at founder ng buong institute." Pakilala niya sa akin. Nakatalikod
pa din siya sa kanyang upuan.

"Maari mo bang ipakilala ang iyong sarili binata?" Tanong sa akin ng dean.

"Ako po pala si Migz. Ahhhmn, pasensya na po pero wala akong matandaan na kahit
ano. Nagka-amnesia po ako simula nang magkamalay na sa clinic." Pagpapakilala ko
naman sa dean.

Pagkatapos ko magpakilala ay biglang tumayo ang dean sa kanyang upuan at humarap.


Sa kanyang pagharap sa akin ay nakita kong may suot siya ng isang puting maskara na
tanging natatakpan ang kanyang mga mata.

Naglakad papalapit sa akin ang dean. Habang naglalakad papalapit sa akin ang dean
ay napansin kong nakasuot pala siya ng amerikanang itim at kurbata na kulay asul.
Saka itim na pantalon na may makikintab na isang pares ng itim na sapatos.

Nang nakalapit na siya sa akin ay nag lakad naman ang dean ng paikot sa akin.
Napansin kong malalim ang tingin ng kanyang mga mata sa akin. Mas lalo tuloy ako
nakaramdam ng kaba sabay lunok ng aking laway sa lalamunan.
"Nararamdaman kong may kakaiba sa iyong aura Migz." Seryosong sabi sa akin ng dean
nang biglang hinawakan niya ang pendant ng suot kong kuwintas. Pinagmasdan niya ito
at matapos ang ilang segundo ay binitawan na rin ito.

"Maganda ang suot mong kuwintas Migz. Ingatan mo iyan. Mukhang walang katulad
iyan." Sabi niya sa akin at pagkatapos ay naglakad na siya pabalik ng kanyang
swivelling chair at naupo na muli.

Nahihiwagaan ako kay Mr. Light. Nararamdaman kaya niya na dayo lamang ako? Na hindi
talaga ako nag mula sa kanilang panahon? Sa hinaharap?

"Paaalisin ninyo na po ba ako Mr. Light sa institute?" Tanong ko sa dean.

Napansin ko naman na hinawakan niya ang isang ballpen sa kanyang desk at nilaro-
laro ito sa kanang kamay. Bumuntong hininga ito at tila nag iisip ng malalim.

"Hindi. Dumito ka muna Migz. Nararamdaman kong may dahilan kung bakit ka napadpad
sa aking institute. Kahit wala kang maalala tungkol sa iyong katauhan nararamdaman
kong may tinataglay kang kakaibang kapanyarihan na ikaw lamang ang meron." Sagot
niya sa akin.

Binanggit ni Mr. Light na may tinataglay akong kapanyarihan? Hindi kaya ang
nararamdaman niyang kapanyarihan ay yung sa suot kong kuwintas na ibinigay sa akin
ni Cassiopiea?

"Sige, lumabas ka na muna at pakitawag si Ayesa." Utos niya sa akin. Lumabas naman
na ako ng opisina. Pagkalabas ko ng opisina nakita ko si Ayesa na hawak ang malapad
na bagay na may malaking monitor. Pinipindot-pindot niya ito.

"Ayesa pinapatawag ka ng dean." Sabi ko kay Ayesa nang nakalabas na ako.

"Sige, hintayin mo lang ako dito sa labas. Pakihawakan din muna itong iPad Mini 300
Titus ko." Sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang kanyang
gamit.

Habang hinihintay si Ayesa sa labas ng opisina ay hindi ko maiwasan maintriga sa


hawak kong bagay. Ang lapad naman ng monitor nito. Parang computer. Hindi kaya
ganito na ang magiging bagong anyo ng mga computer sa future? Mukhang marami pa
akong bagay na dapat matutunan dito sa future para madali ako makipag sabayan sa
kilos ng mga ibang taong nabubuhay dito.

Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na din ng kuwarto si Ayesa. Ibinalik ko na


kay Ayesa ang kanyang gadget.

"Thanks." Sabi ni Ayesa nang iniabot ko na pabalik sa kanya ang gadget.


"Walang ano man." Sabi ko.

"Tara Migz ihahatid na kita sa iyong magiging kuwarto simula ngayon sa Fire Castle
Institute of Learning. Huwag ka mag alala hindi ka nag iisa doon. May roommate ka.
Si Zayne." Sabi sa akin ni Ayesa. Ibig ba sabihin nito magiging estudyante na din
ako sa institute? At ang magiging room mate ko ay si nerdy guy.

"Sige." Sagot kay Ayesa.

Naglakad na kami ulit sa hallway.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita namin na tapos na ang klase ng isang


classroom. Nagsisipag labasan na kasi ang mga estudyante rito. Nakita ko rin
lumabas dito si Helen. Nagkasalubungan kami. Napako naman ang aking tingin sa
kanyang maamong mukha. Magkamukha talaga sila ni Mikaela. Hindi ko maipagkakaila.

Biglang sumagi naman sa isipan ko ang aking misyon. Dapat sa lalong madaling
panahon ay matagpuan ko na ang nawawalang epilogo. Pero mas mapapadali ang aking
paghahanap kung mag kukrus na din ang landas namin ng halo. Ang halo daw kasi ang
makakatulong sa akin sabi ni Cassiopeia para matunton ang kinaroroonan ng
nawawalang epilogo.

Nasaan kaya ang halo ngayon sa future? Si Enrys.

-End of Chapter 18

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 19: Roommates

"Bakit may maskara na suot ang dean?" Curious kong tanong kay Ayesa.

"Hindi ko rin alam. Wala pa nakakakita ng buong mukha ng dean o si Mr. Light kapag
hindi ito nag susuot ng maskara sa mukha." Sagot sa akin ni Ayesa.

"Ahhhh. Okay." Pagsang ayon ko na lang sa sinabi ni Ayesa.

"Sabi sa akin ni Mr. Light dumito ka muna daw habang hindi pa bumabalik ang iyong
alaala. Saka sa Lunes papasok ka na." Sabi sa akin ni Ayesa.
Magiging estudyante ako sa institute. Habang nagpapanggap ako na walang maaalala
dapat isabay ko na rin ang paghahanap sa epilogo at halo. Wala na akong dapat pang
sayangin na oras. Nararamdaman ko nasa panganib ang kasalukuyan panahon dahil kay
Kai.

"Sabado na bukas Migz at walang pasok bukas. Ano ang plano mo?" Sabado na pala
bukas. Buti sinabi sa akin ni Ayesa. Puwede akong gumugol ng aking oras para sa
misyon.

"Hindi ko pa alam." Tugon ko kay Ayesa.

"Maiwan muna kita Migz. Nasa kabila lamang ang aking kuwarto. Room #24. Kumatok ka
lang. Wala naman akong masyadong gagawin na ngayon kaya baka magpapahinga muna
ako." Sabi ni Ayesa.

Mag isa na lang ako ngayon sa kuwarto. Dalawa ang kama dito. Ang kama ko at ang
kama ni Zayne. Ang aking room mate. Nang biglang pumukol ang aking tingin sa
pintuan. Bigla kasi ito bumukas. Nakita ko na pumasok dito si Zayne. Hinihingal
siya at tila ninenerbiyos.

"Sino ka? Bakit ka nasa kuwarto ko?" Biglang tanong sa akin ni Zayne habang
hinihingal pa din sa may pintuan.

"Ako nga pala si Migz. Ang iyong bagong roommate." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Talaga?" Sabi niya tila hindi makapaniwala.

"Oo. Dito ako pinatuloy ni Mr. Light."

"Isa ka rin sphinx?" Tanong niya sa akin.

"Anong sphinx?" Pagkasabi ko nun ay napansin kong namilog bigla ang mga mata ni
Zayne. Tila nagulat siya sa akin.

"Hindi mo alam ang sphinx seryoso?"

"Hindi eh." Sabi ko sabay kamot sa aking ulo.

"Ang sphinx ang mga tao na kakaiba. May tinataglay silang mga kapanyarihan. May
paniniwala na ang mga sphinx ay nagsimula noong 1999 nang biglang may naganap na
isang malakas na pagsabog sa North Express Way na ngayon ay tinatawag ng Hollow
Road. Lahat ng mga tao ay nawalan ng malay. Nang nagising ang mga tao pagkatapos ng
malakas na pagsabog ay may napansin sila na kakaiba sa mga kanilang sarili.
Nagkaroon sila ng kakaibang lakas. Kapanyarihan. May mga ibang tao na nagagawang
lumipad sa ere. Huminga ng matagal sa ilalim ng tubig. Lumikha ng bolang apoy sa
kanilang kamay. At kung anu-ano pa." Kuwento sa akin ni Zayne.
Nabanggit ni Zayne sa kanyang kuwento ang taong 1999. Iyon ang taon na
pinanggalingan ko. Nagkaroon daw ng malakas na pagsabog na nakaapekto sa maraming
tao. May kinalaman kaya si Kai dito?

"Kung nandito ka sa Fire Castle Institute of Learning isa lang ang ibig sabihin
nun. Isa ka rin sphinx na katulad ko." Sabi ni Zayne sa akin habang papalapit sa
kanyang kama.

"Sa totoo lang hindi ko alam. May amnesia kasi ako. Nakita lang ako ni Ayesa na
walang malay sa garden kaninang umaga." Tugon ko kay Zayne.

"Ah, I see. Si Ayesa pala ang dahilan kung bakit ka nandito." Sabi ni Zayne

"Magkakilala kayo ni Ayesa?" Tanong ko.

"Oo naman. Siya ang president ng student council sa buong Fire Castle Institute of
Learning."

"Cool." Sabi ko.

Kaya pala ganun na lang ang takot ng apat na estudyanteng bully kanina kay Ayesa na
nang bubully naman kay Zayne.

"Ikaw sphinx ka for sure. Ano naman ang kapanyarihan mo?" Tanong ko kay Zayne.

Napansin ko naman na biglang natahimik si Zayne.

"Zayne may problema ba?" Tanong kp sa kanya. Natahimik kasi siya bigla. Napansin
kong parang nabalisa siya.

"Ahhhmn. Nice meeting you Migz. Lalabas muna ako. Punta ako sa canteen ng
institute. I will just take my lunch." Tugon sa akin ni Zayne. Hindi niya sinagot
ang aking tanong. Ang weird niya.

"Wait, Zayne!" Tawag ko kay Zayne nang nasa pintuan na siya ng kuwarto namin.

"Can I come with you? Nagugutom na rin kasi ako." Pagpapatuloy ko.

"Sige." Matipid niyang sagot sa akin.

Paglabas namin ni Zayne sa pintuan ay nagkataon din na palabas ng kuwarto si Ayesa.


"Oh, good to see you both Migz and Zayne. Are you also going to the 24/7 canteen ng
institute?" Nakangiting sabi sa amin ni Ayesa.

"Oo." Tugon ko. Si Zayne naman ngumiti at tumango lang kay Ayesa bilang pag sagot.

"Sabay na ako sa inyo. Nagugutom na rin kasi ako."

Tatlo kami magkakasabay na pumunta ng canteen. Nang nakarating na kami sa canteen


ay napansin kong nakatitig sa akin ang ibang mga estudyante. Siguro kasi bagong
mukha pa lamang ako sa institute.

"Ganyan talaga sa simula Migz." Biglang bulong sa akin ni Ayesa. Napansin niya din
siguro na pinagmamasdan ako ng mga ibang estudyante na nasa canteen din.

Malawak ang canteen ng institute. Tamang tama lamang sa dami rin ng mga
estudyanteng nag aaral dito. Sa dami nila naisip ko may posibilidad kaya na nag
aaral din dito ang halo sa institute? Si Enrys. Hindi ko alam. Ang tanging magiging
pagkakakilanlan ko lang sa kanya ay ang balat niya na hugis ekis na matatagpuan sa
balikat.

Nasa counter na kami. Hindi ko alam kung ano ang aking order sa babaeng bantay sa
kahera. Napansin ko kasi na ang kanilang menu makabago na. Iba na rin ang estilo
nang paghahanda nila sa pagkain. Saka hindi pamilyar sa akin ang mga pangalan ng
pagkain.

Ginaya ko na lang ang order ni Ayesa. Kaso naalala ko na wala pala akong pera.

"Ayesa, puwede ba ako manghiram sa'yo ng pera?" Mahina kong sabi kay Ayesa.

"No need Migz. Free ang lahat ng pagkain sa canteen para sa mga estudyante ng
institute." Sabi sa akin ni Ayesa. Buti naman at libre lang. Hindi na ako dapat pa
mag alala.

Nang nakapag order na ang lahat ay magkakasama rin kami na kumain sa isang lamesa.

Medyo naninibago ako sa lasa ng pagkain dito sa future pero masarap naman ito. I
guess eventually masasanay din ako.

-End of Chapter 19

Please Vote and Comment.


=================

Exodus 20: Necklace

Nakabalik na kami ng kuwarto ni Zayne.

"Thanks God I'm done with the dinner!" Masaya kong sabi.

Nakita ko naman si Zayne na kumukuha ng damit sa aparador. Ako naman ay napaisip


bigla. Wala akong kahit anong gamit. Kahit damit wala. Paano ito? Hanggang sa
napansin kong lumapit si Zayne sa akin at may iniabot na mga nakatuping mga damit.

"Sa'yo na lang." Sabi sa akin ni Zayne.

"Huh? Bakit?" Nagtataka kong sabi.

"Kanina nang magkakasama tayo sa canteen nabanggit mong wala kang mga damit. Kaya
naisip kong ibigay na lang sa'yo ang iba kong damit. Sana magkasya sa'yo."
Paliwanag sa akin ni Zayne.

"Salamat." Sabi ko sa kanya. Mabuti at mabait naman pala itong si Zayne may pagka-
nerdy looking lang talaga. At least, mababawasan na ang alalahanin ko bukod sa
misyon kong mahanap ang nawawalang epilogo.

"Wala ka bang mga kaibigan Zayne?" Tanong ko sa kanya.

"Wala." Matipid niyang sagot habang inaayos ang iba niyang gamit sa kanyang back
pack.

"Bakit naman? Mabait ka naman. And I guess you have a good personality."

Tumingin naman sa akin ng tuwid si Zayne bago mag salita.

"Thanks for the nice words Migz. But its hard to trust." Seryosong turan niya sa
akin.

"Kung sa bagay." Sabi ko.

"And if there's a good advice that I can give to you is that, be careful who you
trust, the devil was once an angel too."

"Tama ka."
Ang lalim ng kanyang sinabi. Pero alam ko gusto niya lang iparating sa akin na mag
ingat ako.

"Maiwan muna kita maliligo lang ako sa banyo. Maligo ka na rin mamaya pagkatapos ko
bago ka matulog Migz." Paalam sa akin ni Zayne.

Naaawa ako kay Zayne. Wala siyang mga kaibigan dito sa institute. Lapitin pa ng mga
bullies. I hope I could establish a friendship with Zayne para mabawasan na rin ang
kanyang pagiging aloof or loner.

Narinig ko naman na biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumayo ako sa pagkakaupo
rito sa kama at sumilip sa bintana.

Ibang iba na talaga ang daigdig na aking ginagalawan ngayon. Bukas Sabado na. Sana
mahanap ko na ang halo na makakatulong sa akin kung nasaan ang nawawalang pahina ng
epilogo. Pero saan ako unang maghahanap bukas. Hindi ako pamilyar sa mga pasikot-
sikot dito sa future. Ni hindi ko nga alam kung ang kinatitirikan lupa ng Fire
Castle Institute of Learning ay nasa Quezon City lang kung saan din ako nakatira
talaga.

Sumagi naman sa isip ko ngayon dahil nasa hinaharap na ako nasaan kaya ang aking
future version. For sure by this time in the future 51 years old na ako. Kasi sa
panahon na pinanggalingan ko which is year 1999 isa lamang akong 21 years old fresh
college graduate.

Sana kung buhay pa ang 51 years old na ako magkaroon ng pagkakataon na mag krus ang
amin landas para malaman ko kung magtatagumpay ba ako sa aking misyon. Panigurado
marami akong itatanong sa kanya. Marami kaming mapapag-usapan.

Tumigil na ang ulan. Natapos na rin si Zayne maligo. Ako naman ngayon ang maliligo.
Pagkatapos ay matutulog na rin ako. Mukhang magiging abala ako bukas nang dahil sa
aking misyon.

Nasa loob na ako ng banyo. Natuwa naman ako nang nakita kong may bath tub. Gusto ko
iyan. Puwede ako mag babad para makapag relax kahit paano nang biglang sumagi sa
isipan ko ang sinabi sa akin ni Cassiopeia tungkol sa kuwintas na ibinigay niya.

Ang sabi sa akin ni Cassiopeia ay ilubog ko lang ang kuwintas sa isang malinis na
tubig at ipapakita na nito ang kasalukuyan. At ganun nga ang gagawin ko ngayon.

Pinuno ko ng tubig ang bath tub. Nang napuno na ito ay inilagay ko ang kuwintas.
Nakita kong biglang nag liwanag ang buong laman na tubig ng bath tub. Hanggang sa
may namumuo nang mga pigura dito.

Ipinakita agad sa akin ng tubig ang Villa Exodus Resort. Sumunod ay ang isang
kuwarto na pinagpupugaran ng napakaraming ahas. Sa gitna ng kuwarto ay nakikita
kong nakaupo si Mikaela at nakagapos siya. Hindi pa kinukuha ni Kai ang kanyang
kaluluwa. Pagkatapos ay biglang dumilim ang tubig. Hanggang sa may panibagong mga
pigura na naman na nabubuo sa repleksyon ng tubig. Si Cassiopeia at Kai.

"Ano ba Cassiopeia buksan mo na ulit ang itim na portal. Ipadala mo ako sa


hinaharap para mapigilan ang mortal na si Ell! Hindi ko siya hahayaan na makita ang
nawawalang epilogo sa hinaharap! Masisira ang mga plano ko!" Namomoot na sabi ni
Kai kay Cassiopeia.

"Hindi rin ako makakapayag sa gusto mong mangyari Kai!" Protesta ni Cassiopeia.

"Matigas ka talaga Cassiopeia. Dahil diyan tikman mo ang parusa na aking igagawad
sa'yo!" At hinagupit ni Kai si Cassiopeia ng isang latigo na nagliliwanag habang
nakatali ang mga kamay at paa ni Cassiopeia sa pader.

Naririnig ko ang napakalas na sigaw ni Cassiopeia habang nilalatigo siya ni Kai.


Napakasama talaga ni Kai. Demonyo siya! Siya ang punot dulo ng lahat ng mga
nangyayari ngayon! Ang dapat sa kanya ay mamatay na at mapunta na rin sa
impiyernong dapat niya kinaroroonan!

Nang biglang narinig ko ang boses ni Zayne na tinatawag ako sa labas ng pintuan ng
banyo. Kinuha ko naman agad ang kuwintas na nakalubog sa tubig ng bath tub.

"Hi, Zayne! Bakit ka napakatok sa akin dito sa banyo?" Natataranta kong sabi sa
kanya. Naku sana wala siyang narinig na kahit ano mula sa bath tub.

"Just nothing. I thought you were screaming. Siguro guni-guni ko lang iyon. Sige
maligo ka na Migz. Matutulog naman na ako sa kama." Sabi sa akin ni Zayne habang
palinga-linga sa loob ng banyo.

"Good night, Zayne!"

"Same to you, Migz."

Nakahinga na rin ako ng maluwag. Buti hindi na ako masyado inusisa pa ni Zayne sa
loob ng banyo.

Masaya na rin ako kahit paano kasi nakita ko muli si Mikaela nang dahil sa kuwintas
na ibinigay sa akin ni Cassiopeia. Pero nangangamba rin ako sa kabilang banda. Alam
na ni Kai na nandito ako sa hinaharap para hanapin ang nawawalang epilogo.

-End of Chapter 20

Please Vote and Comment.

=================
Exodus 21: Nightmare

Kakatapos ko lang maligo. Ang sarap mag babad sa bath tub. Nakakatanggal ng stress.

Naka-indian sit ako ngayon sa ibabaw ng kama habang pinagmamasdan sa labas ng


bintana ang mga bituin sa kalangitan.

Kahit nasa hinaharap o future na ako ngayon, ang mga bituin sa langit ay wala pa
rin pinagkaiba sa mga bituin na nakikita ko kapag gabi sa panahon na aking
pinanggalingan.

Dahil sa mga bituin na nakikita ko ngayon nakakaramdam ako ng panandalian


katahimikan at kapayapaan sa aking kalooban.

Sana makita ko na si Enrys, ang halo. Para mahanap ko na rin ang nawawalang pahina
ng epilogo sa aklat ng propesiya.

"Uuuhhhmn... Urrrgggh..." Nawala bigla ang atensyon ko sa mga bituin nang narinig
kong parang may umuungol sa loob ng kuwarto.

"Urrrrgggh..." Narinig kong nagmumula ito sa kama ni Zayne.

"Urrrrgggh... Exo..." Tumayo ako sa kama at tahimik na naglakad papalapit sa kama


ni Zayne.

"Urrrrgggh... urrrrgggh..." Umuungol si Zayne. Mukhang nanaginip siya ng masama.

"Urrrrgh... Exo..." Sinubukan ko siya yugyugin para magising.

Napansin kong may tumutulo ng mga luha sa magkabila niyang mg mata.

"Exo... dus..." Hindi pa rin magising si Zayne kahit malakas na ang puwersa ng
pagyugyog ko sa kanya. Hanggang sa narinig ko na lang na sumigaw siya nang
napakalakas.

"Aaaaaaahhh!" Sa kanyang pag sigaw ay may kakaiba akong puwersang naramdaman na


naging dahilan para tumilapon ako sa may pinto ng kuwarto namin.

"Aray ko." Sambit ko nang naramdaman kong may kumirot sa aking likuran. Dahan-dahan
akong tumayo. Nakita ko naman si Zayne na gising na pero umiiyak sa kama habang
tinatakpan ng dalawa niyang kamay ang kanyang mukha.
Nilapitan ko si Zayne at tinanong kung bakit siya umiiyak matapos magising.

"Zayne, ano nangyari sa'yo?"

"Huhuhuhu..." Patuloy lang siya sa pag iyak.

"Zayne tumingin ka sa akin. Ano nangyari sa'yo? Nanaginip ka ba ng masama?" Sabi ko


sa kanya sabay patong ng kanang kamay ko sa kaliwa niyang balikat.

"Napanaginipan ko na naman ulit huhuhu..." Sagot niya sa akin habang patuloy pa rin
sa pag iyak.

"Napanaginipan ang ano?" Nag aalala kong tanong sa kanya.

"Nakakatakot. Sobrang nakakatakot. May mga demonyo. Mga kastilyo at gusali na


gumuguho. Mga nilalang na ni minsan hindi ko pa nakita sa tanan ng aking buhay.
At... at kamatayan. Maraming patay huhuhu..." Bigla akong kinilabutan sa kanyang
mga sinabi tungkol sa masama niyang napanaginipan.

"Tumahan ka na Zayne. Panaginip lang iyon. Isang masamang panaginip." Pag aalo ko
sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likuran.

"Hindi mo ako naiintindihan Migz. Ang panaginip ko na iyon, ilang gabi ko na iyon
napapanaginipan." Seryosong sabi sa akin ni Zayne. Napabuntong hininga na lamang
ako sa kanyang sinabi.

Ilang gabi na daw napapanaginipan ni Zayne ang mga bagay na sinabi niya sa akin.

Ikinuha ko naman si Zayne ng isang baso ng tubig sa water dispenser na malapit sa


kanyang kama at ipinainom sa kanya ito para mahimasmasan.

"Sige na Zayne matulog ka na ulit. Mag pahinga ka na." Sabi ko sa kanya matapos
niya maubos ang isang baso ng tubig.

Kinabukasan ay nauna akong nagising kay Zayne. Mahimbing siyang natutulog pa rin.

Bumangon naman na ako ng kama at tinungo ang maliit na lababo sa gilid ng aking
kama upang mag mumog. Pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto para mag almusal sa
canteen.

Nasa canteen na ako ngayon. Mag isa lang kumakain sa lamesa. Buti nga at may isa
pang bakante na lamesa. Ang dami kasi nag aalmusal na ibang estudyante ngayon sa
canteen bukod sa akin.
"Hi, puwede ba maki-share ng table?" Bigla akong napatingala sa aking harapan nang
may narinig akong babae na tumawag ng pansin ko.

"Ah... eh... si... sige." Sagot ko sa babae. Napatulala ako nang nalaman kong si
Helen pala ito. Yung babaeng kumanta nang isang araw sa classroom na nadaanan namin
ni Ayesa nang papunta kami sa dean's office.

"Thanks." Nakangiti na sabi niya.

Hindi ko mapigilan mamangha kay Helen. Kamukha niya talaga si Mikaela. Pakiramdam
ko kasama ko na rin si Mikaela sa future dahil kay Helen.

"Bago ka lang dito sa Fire Castle Institute of Learning no?" Tanong niya sa akin.

"Oo." Nahihiyang kong sabi sa kanya.

"Ano naman ang tinataglay mo na kapanyarihan?"

"Actually hindi ko alam. May amnesia kasi ako. Pinatuloy lang ako ni Mr. Light
dito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito. Baka kapag bumalik na
ang alaala ko saka na ako maaring paalisin ng dean." Sagot ko. Hay, labag man sa
kalooban ko ang mag sinungaling ito na lamang ang tangi kong option para manatili
sa institute. Para may matuluyan ako habang nasa misyon sa paghahanap ng epilogo.

"Kawawa ka naman pala kung ganun. Sana gumaling ka na sa iyong amnesia." Sabi sa
akin ni Helen. Ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit at pagkatapos ay sumubo na ng
pagkain sa aking pinggan.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kuwarto.

Pagpasok ko sa kuwarto ay nakita ko si Zayne na kalalabas lang ng banyo.

"Good morning!" Bati ko kay Zayne.

"Good morning din." Bati rin sa akin ni Zayne.

"Kumusta ka na?" Tanong ko kay Zayne.

"Okay lang ako. Sorry nga pala sa nangyari kagabi." Paghingi ng paumanhin sa akin
ni Zayne habang papunta siya sa kanyang kama.

"Wala iyon." Sagot ko.


"Nakakahiya sa'yo Migz. Nakita mo pa akong umiiyak kagabi."

"Ano ka ba ayos lang sa akin iyon."

"Dapat pala sinabihan kita na mag lagay ng ear buds sa iyong tainga para hindi mo
ako narinig na umuungol habang natutulog kagabi haha." Biro sa akin ni Zayne.
Tumawa na lang din ako sa kanyang biro.

"Puwede ba ako humingi ng pabor sa'yo Zayne?" Tanong ko sa kanya.

"Ano naman iyon Migz?"

"Ipasyal mo ako sa labas ng institute kung ayos lang sa iyo." Sagot ko.

"Areglado! Ipapasyal kita tutal Sabado naman." Masayang sabi sa akin ni Zayne.

Sa oras na ipasyal ako ni Zayne sa labas ng institute matututunan ko na ang


pasikot-sikot sa mga ibang lugar dito. Maisasabay ko na rin ang misyon ko sa
paghahanap ng epilogo.

Sana sa paglabas ko ng institute ay mag krus na rin ang landas namin ng halo na si
Enrys.

-End of Chapter 21

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 22: Cassiopeia's Blessing

"Kunin mo ito Migz." May iniabot na isang maliit na bilog na bagay sa akin si Zayne
habang naglalakad ng hallway sa institute.

"Ano at para saan naman ito?" Tanong ko kay Zayne nang kinuha ko na ang maliit na
bilog na bagay.

"Gamot iyan na parang chewing gum. Isubo mo na bago tayo sumakay sa Bullet Chase
Van Model 2080. Para hindi ka mahilo mamaya sa biyahe." Tugon sa akin ni Zayne.
Pagkatapos ay sinubo ko na ang gamot. Parang bonamine lang pala ang lasa nito.

Excited na ako kasi first time kong gagala sa future. Excited na akong makita ang
mga bagay na meron sa labas ng institute.
Tinungo namin ni Zayne ang tinatawag nilang FTVA sa institute o Free Terminal
Vehicle Area. From the name itself libre lang ang sakay dito. Wala kami babayaran
na pamasahe. Isa ito sa mga pribilehiyo ng mga kabataang nag aaral sa Fire Castle
Institute of Learning.

Pagpasok ko sa loob ng Bullet Chase Van Model 2080 ay sobra akong namangha. Sobrang
lawak ng loob. Ang ganda ng interior design. Ang mga seats ay astig. Bawat upuan ay
may kanya-kanyang virtual tv monitor. Kuwento rin sa akin ni Zayne na puwede manood
dito ng more than 10, 000 channels all over the world. Puwede rin maging sofa bed
ang mga passenger seats na may blanket covers pa para mas may privacy kapag
natulog. Meron din twelve stations na hinihintuan ang Bullet Chase Van Model 2080.
At ang unang station na hihintuan nito ang pupuntahan namin ni Zayne. Ang
Metropilis.

Hindi nga pala ako puwede masyado ma-overwhelm sa makabagong bagay dito sa future.
Dapat ako mas mag tuon ng pansin sa aking misyon. Sa paghahanap ng epilogo.

Naupo na kami ni Zayne sa passenger's seat.

"Huwag mong kalimutan isuot ang safety belt." Bulong sa akin ni Zayne. Isinuot ko
na ang belt. At sa oras na naisuot ko na ang belt ay bigla akong nagulat. Mabilis
na umandar ang Bullet Chase Van Model 2080. Wala pa ata tatlumpung segundo ay bigla
rin itong tumigil. Nabaling naman ang tingin ko kay Zayne. Napansin kong hinuhubad
na agad niya ang safety belt sa upuan na kasusuot niya lang wala pa ang isang
minuto nakakaraan.

"O, Migz tumayo ka na. Lalabas na tayo ng Bullet Chase Van Model 2080." Napakunot
naman ako ng aking noo sa kanyang turan. Ano'ng sinasabi niyang lalabas na agad?

"Lalabas na agad?" Nagtataka kong tanong.

"Oo, tara na. Nandito na tayo sa Metropolis. Hubarin mo na ang safety belt."
Naguguluhan man ay sinunod ko na lang ang sinabi sa akin ni Zayne. Hinubad ko na
ang safety belt at lumabas na kami ni Zayne ng sasakyan.

Nang nakalabas na kami ni Zayne ng sasakyan ay nanlaki ang mga mata ko nang
napagtanto ko na wala na kami sa Free Terminal Vehicle Area ng institute. Bumungad
sa akin ang malalaking gusali, maraming tao, mga vendor's na nagtitinda ng kung
anu-ano sa daanan, at marami pang iba.

"Ang bilis naman ng biyahe." Sabi ko. Ganun ba talaga kabilis ang Bullet Chase Van
Model 2080 bumiyahe?

"Welcome to Metropolis!" Biglang sabi ni Zayne.

Ang tinatawag nilang Metropolis parang version ng Quiapo o Divisoria sa Maynila


dito sa future. Hanggang sa napako ang tingin ko sa isang simbahan. Nabasa ko sa
isang karatula na nakakabit sa bakuran nito na "Welcome to Basilica Del Manor
Nazareno!" Kung hindi ako nagkakamali iyon ang Spanish name ng Quiapo Church.

"Nasa Quiapo ba tayo?" Tanong ko kay Zayne.

"Quiapo ba kamo? Uhhhmn, oo nasa Quiapo tayo pero Metropolis na ang tawag dito."
Tugon sa akin ni Zayne.

Bukod pala sa mga makabagong kagamitan dito sa future pati ang ibang pangalan ng
lugar ay naiba na rin.

Ang daming tao rito sa Quia---este Metropolis pala. Isa kaya sa mga taong
nakakasalubong namin ngayon sa daan ay si Enrys? Posible naman diba. Sa dami ba
naman ng mga tao na dumaraan sa Metropolis. Hanggang ngayon hindi pa rin
nagsasalubong ang mga landas namin. Siya ang makakatulong sa akin para mahanap ko
agad ang epilogo sabi ni Cassiopeia.

"Tara, pasok muna tayo sa loob ng simbahan." Yaya sa akin ni Zayne. Tumango naman
ako sa kanya.

Habang naglakakad papalapit sa simbahan ay may napansin akong mga ilang street
vendors na nasa gilid. Kahit nasa future na ako nababatid kong marami pa rin sadlak
sa kahirapan ang ibang pilipino sa bansa. May ibang nagtitinda ng mga kandila, mga
batang naglalako ng sampaguita, at mga manghuhula na nagpapabayad kapalit ang
serbisyo nila.

Nasa loob na kami ng simbahan. Halos ganun pa rin ang anyo ng simbahan sa loob.
Kahit 2029 na ngayon sa future na-preserve pa rin ang orihinal na istruktura nito.
Ang altar at mga banal na pigura gaya ng ilang santo at anghel na nakadisplay sa
loob pati ang Black Nazarene.

Naupo na kami ni Zayne sa upuan na malapit sa altar ng simbahan. Napansin ko naman


na lumuhod si Zayne at tila nanalangin ng taimtim. Sinabayan ko na rin siya.
Lumuhod na rin ako at nanalangin sa Poong Maykapal. Isa lamang ang tanging
panalangin ko sa Diyos at iyon ay matapos na ang bangungot na aking dinaranas
ngayon. Gusto ko na bumalik sa dati kong normal na buhay. Nang biglang
nagkabanggaan ang mga balikat namin ni Zayne habang nakaluhod. Dahil sa naramdaman
namin na isang napakalakas na pag lindol.

Dinig sa loob ng simbahan ang pagkataranta ng ibang tao. May ibang sumisigaw dahil
sa takot, yung iba nagsisipag takbuhan na sa labas ng simbahan, yung iba naman
nanatili lamang sa ilalim ng kanilang upuan.

Habang lumilindol ay parang may narinig akong boses ng lalaki. Isang nakakakilabot
na boses ng lalaki na tila nagmumula sa kailaliman ng lupa. Parang tinatawag nito
ang aking pangalan.
"Ell!"

Binalewala ko na lamang ang aking naulinigan. Baka nagkakamali lamang ako. Saka may
iba rin talaga na sumisigaw at nagsisipagtilian sa loob ng simbahan dahil sa
malakas na intensity ng lindol. Isa-isa naman ng nagsisipagbagsakan ang mga banal
na replikang pigura ng mga santo ultimo ang banal na itim na Nazareno sa loob ng
simbahan.

"Ano ba ang lindol na ito bakit ang tagal?" Sigaw ni Zayne. "Ngayon lang ako
nakaranas nang ganitong napakalakas na lindol!"

Hanggang sa narinig ko ang ibang tao na sumisigaw ng salitang ahas.

"Ahas!"

"Bakit ang daming ahas?!"

"Tulong! Baka tuklawin ako niyan!"

Ang daming sumisigaw tungkol sa mga ahas. Hanggang sa tuluyan na ngang nilulusob na
ng mga iba't ibang uri ng ahas ang loob ng simbahan.

"Migz, may ahas sa likuran mo!" Narinig kong sigaw ni Zayne sa akin. Agad na
napalingon naman ako sa aking likuran at doon ko nga nakita na may ahas nga. Ngunit
mukhang huli na para sa akin ang umiwas dahil sobrang lapit na ng ahas sa akin!
Tanging pagsigaw na lamang ang aking nagawa.

"Aaaaaah!"

Ngunit ng oras na malapit na akong tuklawin ng ahas ay nakita kong biglang


nagliwanag ang aking buong katawan. Nakita ko ang ahas na tutuklaw na sana sa akin
na biglang nasunog at naging abo. Naalala ko na binasbasan nga pala ako ng
kapanyarihan ni Cassiopeia na walang kahit anong masama ang maari na makapanakit sa
akin habang nasa misyon ako.

Napansin ko naman si Zayne na biglang napatulala nang nakita na nasunog at naging


abo ang ahas na muntik ng tumuklaw sa akin.

"Paano nangyari iyon? Ikaw ba may gawa nun?" Nagtatakang tanong sa akin ni Zayne.
Napakibit balikat na lamang ako sa tanong ni Zayne para sa akin.

"Zayne kumapit ka sa magkabilang balikat ko at tatakbo tayo palabas ng simbahan."


Sabi ko kay Zayne. Habang tumatakbo na kami palabas ng simbahan ay napansin kong
lahat ng daanan kong mga ahas sa harapan namin ay nasusunog at nagiging abo.
Hanggang sa tuluyan na kami makalabas.
Paglabas namin ng simbahan ay doon namin nadiskubre na umuulan pala ng katakot-
takot na hindi mabilang na ahas sa langit. Pero dahil sa may basbas ako ni
Cassiopeia lahat ng malapit ng bumagsak na ahas papunta sa amin ni Zayne ay
nasusunog agad at nagiging abo sa ere.

Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay isa na rin akong sphinx at ang kapanyarihan ko
ay proteksyonan ang aking sarili sa kahit anong panganib.

Ngunit hindi pa nakakabalik sa station ng Metropolis ang Bullet Chase Van Model
2080 kaya hindi pa kami makaalis. Hanggang sa itinuro sa akin ni Zayne ang isang
antique shop na hindi kalayuan sa simbahan. Pinasok namin ito at doon muna nanatili
habang hindi pa bumabalik ang Bullet Chase Van Model 2080.

-End of Chapter 22

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 23: Death

"Bakit kaya umuulan ng mga ahas sa labas?" Nagtatakang tanong sa akin ni Zayne.

Nandito na kami sa loob ng antique shop. Walang tao rito. Nakabukas lang ang pinto
kaya nakapasok kami agad ni Zayne.

"Hindi ko alam." Tugon ko kay Zayne. Pero sa totoo lang nakukutuban ako kung sino
ang may pakana ng pag ulan ng mga ahas. Pero mahirap gumawa ng konklusyon agad lalo
na't wala naman akong proweba. Isang nilalang lang naman ang naiisip kong maari na
gumawa nito. Walang iba kundi si Kai.

Medyo may kalakihan din ang antique shop. Ang daming lumang mga gamit dito.
Napansin ko naman na biglang nawala sa aking tabi si Zayne. Baka naglilibot lang
siya sa ibang sulok ng antique shop.

Patingin-tingin lamang ako sa paligid. May nakita akong isang portrait ng babae.
May nakasulat na pangalan sa ibaba ng picture frame nito, Kristina. Katabi naman ng
portrait ay ang isang lumang malaking salamin. Napagmasdan ko ang aking sariling
repleksyon sa salamin. Nang bigla akong napaatras. Hindi ko alam kung namalikmata
ba ako o may nakita akong isang lalaki na lumitaw sa loob ng salamin. Humakbang ako
papalapit muli sa salamin at inilapit ko ang aking mukha. Tinitigan ko ang aking
sariling mukha sa salamin nang biglang namilog ang aking mga mata sa sarili kong
repleksyon. Nakita kong biglang kumindat ang kanang mata ko sa salamin kahit hindi
naman talaga ako kumikindat. At napansin kong biglang may gumuhit na nakakakilabot
na ngiti sa aking labi sa repleksyon ko sa salamin. Napaatras ako sa sobrang
pagkagulat at takot. Naramdaman ko naman na biglang may nabangga ako sa aking
likuran. Agad na nilingon ko ito at nakita kong si Zayne lang pala.
"O, ba't parang nakakita ka ng multo diyan?" Kunot noong tanong sa akin ni Zayne.

"Ahhhmmn... huwag mo na lang ako intindihin Zayne." Sagot ko sa kanya. Muli kong
binalingan ng tingin ang aking sariling repleksyon sa salamin pero mukhang wala ng
kakaiba rito. Baka namamalikmata lamang ako kanina.

"Saan ka ba galing Zayne at bigla kang nawala?" Tanong ko sa kanya.

"Diyan lang. Naglibot-libot lang ako kanina."

"Hoy, sino kayo? Mga magnanakaw kayo no?!" Biglang may lumitaw na isang lalaki sa
kahera. Bigla naman kami nagulat ni Zayne. Sinabihan naman ako ni Zayne na tumakbo
papalabas ng antique shop. Tumakbo naman kami agad papalabas. Buti na lang paglabas
namin ay humupa na ang pag ulan ng mga ahas.

Dumating na rin sa wakas ang Bullet Chase Van Model 2080 sa Metropolis station.
Sumakay na kami rito agad pabalik ng institute.

Pagbalik namin ng institute ay nakita namin na may mga ambulansya. Nakita namin ni
Zayne na may ibang mga estudyante na nakahandusay sa sahig at walang malay. Yung
iba duguan. At may ibang patay na ata. Mukhang natuklaw at nabiktima sila ng mga
ahas na inuulan ng langit kanina.

"Buti at ligtas kayong dalawa!" Bungad sa amin ni Ayesa.

"Ano ba ang nangyari sa kanila? Sa mga ibang estudyante?" Nag aalalang tanong ni
Zayne.

"Umulan ng mga ahas kanina sa institute at maraming mga estudyante ang hindi
nakaligtas sa ulan kanina. Karamihan ay... patay na!" Bulalas sa amin ni Ayesa
hanggang sa napaiyak na lamang siya.

"Wala man lang akong nagawa para mailigtas ang iba? Napakawala kong kuwentang
presidente ng student council huhuhu!" Humahagulgol na turan sa amin ni Ayesa.

"Huwag mong sisihin ang iyong sarili Ayesa. Ang mga nangyari kanina ay nakatakda na
talaga." Bigla kami napatingin sa likuran namin lahat. Si Mr. Light pala ang
nagsalita. Ang dean namin.

Bigla akong napakunot ng noo sa kanyang sinabi. Makahulugan. Ano ang ibig niyang
sabihin na nakatakda na ang lahat ng nangyari kanina?

Umalis na rin agad si Mr. Light at tinungo ang building ng kanyang opisina.
Hanggang sa biglang nakaramdam kami nang napakalakas na paglindol na naman ulit
kagaya ng sa Metropolis. Napaluhod kami lahat at nagsipag yukuan ng mga ulo.
Makalipas ang ilang segundo ay nawala na rin ang lindol.

Nang kinagabihan ay pareho kami ni Zayne na hindi pa dinadapuan ng antok. Pareho


kami balisa at hindi komportable. Marahil ay dahil sa mga nangyari ngayon araw ng
Sabado.

"Natatakot ako." Sabi bigla ni Zayne habang naka indian seat sa kanyang kami. Ako
naman ay nakatayo lang habang nakasandal sa may bintana at nakasilip sa labas.

"Bakit?" Tanong ko.

"Dahil sa mga nangyari kanina. Naalala ko bigla ang panaginip ko. Maraming namatay.
Parang pag gunaw ng mundo ang panaginip ko na iyon. Hindi kaya nagsisimula nang
mangyari ang aking masamang panaginip?"

"Nagkataon lang ang lahat siguro. Huwag mo masyado isipin iyon Zayne."

"Pero paano mo naman maipapaliwanag ang pag ulan ng mga ahas sa langit?" Napakibit
balikat na lamang ako sa tanong na iyon sa akin ni Zayne.

"Aray!" Bigla kong dinig kay Zayne. Nilapitan ko naman si Zayne at tinanong kung
ano ang biglang sumakit sa kanya.

"Ano iyon? May masakit ba sa'yo?" Tanong ko.

"Yung kaliwang balikat ko biglang kumirot." Daing ni Zayne sa kumikirot niyang


balikat.

"Hindi kaya natuklaw ka ng ahas?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Umiling naman sa
akin si Zayne.

"Imposible. Ilang gabi ko na rin nararamdaman ang pag kirot ng aking kaliwang
balikat." Sagot niya sa akin habang hinahawakan ang kumikirot na kaliwang balikat.

"Patingin nga ng kaliwang balikat mo." Sabi ko. Nang itataas na sana ni Zayne ang
manggas ng kanyang t-shirt ay biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto namin.
Naglakad ako papunta ng pintuan para alamin kung sino ito. Pag bukas ko ng pinto ay
nakita ko si Ayesa.

"Ayesa, ikaw pala." Sabi ko.

"Bukas na ang public viewing sa garden dito sa institute ng mga namatay na


estudyante kanina. Alas otso ng umaga. Everyone is expecting to be there. Okay,
that's all good night." Saad sa akin ni Ayesa.

"Good night din Ayesa." Pagkatapos nun ay umalis na rin si Ayesa at isinarado ko
naman ang pinto.

"Ano daw yun?" Tanong sa akin ni Zayne.

"Pinapaalala lang sa akin ni Ayesa na bukas na ang public viewing sa mga remains ng
estudyanteng namatay kanina." Sagot ko kay Zayne.

"Ganun ba."

"Kumikirot pa ba ang kaliwang balikat mo?"

"Hindi na. Oo nga pala may gusto nga pala ako sa'yo ipakita---" Natigilan bigla si
Zayne sa kanyang sinasabi sa akin ng biglang lumindol na naman.

"Lumilindol na naman!" Natatarantang sabi ni Zayne.

"Kumalma ka lang at kumapit sa headerboard ng iyong kama!" Sigaw ko sa kanya.

-End of Chapter 23

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 24: Favorite Song

"Ang lakas ng lindol. Mas malakas pa ito sa lindol kaninang umaga!" Natatarantang
sabi ni Zayne.

"Oo nga!" Pag sang ayon ko naman sa kanyang sinabi. Nang biglang humupa na ang pag
lindol.

"Tumigil na ata." Sabi ni Zayne.

"Thanks God. Napapadalas ang lindol ngayon araw na ito." Sabi ko. Nang bigla kong
naalala na may sinasabi kanina sa akin si Zayne bago lumindol ng malakas.

"Ano nga pala ang sinasabi mo kanina Zayne?" Tanong ko sa kanya.


"May ipapakita nga pala ako sa'yo Migz." Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Zayne
ay napansin kong may kinuha siya sa ilalim ng kanyang unan. Isang kupas na papel.

"O, ano naman iyan?" Tanong ko sa kanya habang paupo sa tabi niya sa kama.

"Hindi ko rin alam. Nakita ko lang ito kanina sa antique shop sa Metropolis kanina.
Ang weird nga eh. Nang nakita ko siya parang may nag sasabi sa aking utak na kunin
ito. Kaya kinuha ko." Saad sa akin ni Zayne. Kinuha ko naman sa kanya ang papel.
Binuksan ko ito kasi nakatupi sa dalawa. May nakasulat dito kaso hindi ko
maintindihan. Parang iba ang letra ng mga salitang nakasulat dito. Ibinalik ko na
kay Zayne ang papel.

"Dapat hindi mo na iyan kinuha sa loob ng antique shop. Pangnanakaw ang ginawa mo
at saka mukhang wala naman kakaiba sa kupas na papel na iyan bukod sa mga salitang
hindi ko mabasa dahil sa ibang letrang ginamit dito." Sabi ko kay Zayne.

"Sorry naman. Ah, basta hindi ko na ito ibabalik sa antique shop ito." Sabi ni
Zayne ng naiabot ko na sa kanya ang kupas na papel at tinupi na ulit ito sa dalawa
at ibinalik sa ilalim ng kanyang unan.

"Matulog na kaya tayo. Maaga pa tayo bukas sa public viewing." Suhestiyon ko kay
Zayne. Tumango naman sa akin si Zayne bilang pag sang ayon.

Isang oras na ata ang lumilipas simula nang sinabi ko na matulog na kami ni Zayne
pero ako hindi pa rin dinadapuan ng antok sa kama. Ginawa ko na ata lahat ng
posisyon sa kama para lang makatulog pero gising pa rin ako.

Hanggang sa may narinig akong isang boses ng babae parang kumakanta mula sa labas
ng kuwarto. Tumayo ako ng kama at lumabas ng kuwarto.

"I can't sleep tonight. Wide awake and so confused. Everything's in line. But I am
bruised. I need a voice to echo. I need a light to take me home. I kinda need a
hero. Is it you?"

Sinundan ko ang boses ng babaeng kumakanta habang tahimik na naglalakad sa may


hallway.

"I never see the forest for the trees. I could really use your melody. Baby I'm a
little blind. I think it's time for you to find me."

Dinala ako ng aking mga paa sa terrace ng second floor. Hindi kalayuan sa aking
kuwarto.

Nakita kong may babaeng nakatayo sa terrace at sa kanya nagmumula ang boses ng
kumakanta kanina pa. Nakasuot siya ng plain white dress. Napansin ko rin na may mga
ibon na nakapaligid sa kanya habang kumakanta.

"Can you be my nightingale? Sing to me I know you're there. You could be my sanity.
But bring me peace. Sing me to sleep. Say you'll be my nightingale."

Ang lamig ng boses niya para sa aking tainga. Sobrang ganda ng kanyang boses.
Pakiramdam ko lumilipad ako sa alapaap habang naririnig ang kanyang magandang boses
na tila namumutawi sa ere.

"Somebody speak to me. Cause I'm feeling like hell. Need you to answer me. I'm
overwhelmed. I need a voice to echo. I need a light to take me home. I need a star
to follow. I don't know."

Nang biglang tumigil ang babae sa pagkanta at nagsipag liparan ang mga ibon
papalayo sa terrace.

"Sino ka?" Biglang tanong sa akin ng babae.

"Helen?" Bigla kong sabi nang lumingon siya sa aking direksyon. Si Helen ata ito.
Medyo naaninag ko ang kanyang mukha na tinatamaan ng liwanag na nagmumula sa buwan.

"Migz?" Wika niya sa akin.

"Ako ito." Sabi ko sa kanya. "Ang ganda ng boses mo talaga Helen." Hindi ko na
napigilan ang aking sarili na purihin siya. Maganda naman talaga ang kanyang boses.

"Ikaw pala iyan." Sabi niya na may halong pagkagulat sa tono ng kanyang boses.
Lumapit naman ako sa kanyang tinatayuan.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa ako makatulog kasi. Ikaw, bakit gising pa?" Tanong naman niya sa akin.

"Hindi rin ako makatulog kanina pa hanggang sa naulinigan ko ang iyong boses na
nagmumula pala sa terrace." Sagot ko sa kanya.

"Nakakahiya. Baka naistorbo ko ang iyong pagtulog Migz. Naging masyado ata malakas
ang pagkanta ko." Nahihiya niyang sabi sa akin.

"Huwag ka mahiya. Okay lang sa akin. Saka hindi pa talaga ako makatulog." Nakangiti
kong sabi sa kanya. "Ano nga pala ang kinakanta mo kanina?" Tanong ko.
"Nightingale. Favorite old song ko iyon ni Demi Lovato. Kapag hindi pa ako
makatulog parati kong kinakanta iyon." Sagot niya sa akin.

"Ahhh. Okay." Sagot ko. Hindi ko kilala ang singer na binanggit niya. Marahil
siguro sa future tanyag ang binabanggit niyang mang aawit na si Demi Lovato. Ang
pinakikinggan ko lang naman parati ay Eraserheads sa pinanggalingan kong panahon.

"Ikaw, Migz anong favorite song mo?" Tanong bigla sa akin ni Helen.

"With a smile... Eraserheards."

"Makaluma ka pala pero cool naman ang kanta ng Eraserheads." Sabi sa akin ni Helen.
Oo makaluma talaga ako kasi nanggaling ako sa panahon kung saan hindi pa sumisikat
ang Demi Lovato na sinasabi niya. Para sa akin wala na ata gagaling pa sa
ERASERHEADS with conviction!

"Sample naman diyan ng With A Smile ng Eraserheads." Tatawatawa na sabi sa akin ni


Helen.

"Sorry sintunado ako." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Please..." Sabi niya na naka puppy eyes pa. Hays, sintunado man ako pero sige for
the sake of Eraserheads kakanta na ako.

"Ehem..." Umubo muna ako. Buwelo ba. Pagkatapos ay huminga ako nang malalim at
saka bumanat ng With A Smile.

"Lift your head, baby, don't be scared of the things that could go wrong along the
way. You'll get by with a smile. You can't win at everything but you can try."

Nanginginig ang mga kamay ko habang kumakanta. Hindi ko alam kung bakit.

"Baby, you don't have to worry. 'Coz there ain't no need to hurry. No one ever said
that there's an easy way. When they're closing all their doors and they don't want
you anymore. This sounds funny but I'll say it anyway."

Hanggang sa narinig ko na rin si Helen na sinasabayan ako sa pag kanta. Nakangiti


siya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

"Girl I'll stay through the bad times even if I have to fetch you everyday. We'll
get by with a smile. You can never be too happy in this life..."

Tinapos na namin ang pagkanta sa huling verse ng lyrics na amin kinanta.


"Hindi ka naman sintunado." Sabi sa akin ni Helen. "You sounds professional."
Dagdag pa niya.

"Hindi naman." Natatawa kong sabi.

"Teka, diba may amnesia ka? Pero alam mo ang paborito mong kanta at banda. Ibig
bang sabihin nito magaling ka na Migz?" Nagtatakang tanong sa akin ni Helen. Patay
mukhang mabibisto na ako. Hindi puwede. May misyon pa ako dito sa future! Anak ng
teteng!

"Ahhhmn... may amnesia pa rin ako. May konti lang ako naaalala kagaya ng paborito
kong banda na Eraseheads at paborito kong kanta nila." Pagpapalusot ko. Buti na
lang may naisip agad ako na dahilan. Sana maniwala siya.

"Okay. Well, at least may naalala ka na kahit paano. Its a good sign. Maybe soon
all of your memories will gonna comeback already." Sabi ni Helen.

"I hope so."

-End of Chapter 24

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 25: Exodus

Nagpasya na kami ni Helen na bumalik sa amin mga kuwarto upang matulog.

Akala ko kanina mabibisto na talaga ako. Buti na lang napanindigan ko pa rin na may
amnesia ako.

Pagpasok ko ng kuwarto ay nakita kong mahimbing na natutulog si Zayne. Buti pa siya


nagagawa niya na makatulog ng malalim at mahimbing. Sana ako makatulog na rin
pagkahíga ko sa kama.

Humiga na ako sa kama at hinila ang ang kumot sa aking katawan. Ipinikit ko na ang
aking mga mata upang matulog.

"Urrrrrghh." Ano iyon? Parang may narinig akong umungol.

"Urrrrrghh... Exo..." Umungol na naman ulit. Idinilat ko na muli ang aking mga
mata. Bumangon ako sa pagkakahiga. Nanlaki naman ang aking mga mata nang nakita ko
si Zayne na lumulutang sa kama habang natutulog at umuungol.
"Urrrrghh... Exo... dus..." Patuloy lang si Zayne sa pag ungol habang lumulutang sa
kanyang kama.

"Exo... dus..." Napakunot naman ako ng aking noo nang narinig ko ang inuungol na
salita ni Zayne. Exodus.

"Urrrrgh... Exodus... Exodus..." Paulit-ulit na inuungol ni Zayne ang salitang


Exodus. Kung hindi ako nagkakamali ang Exodus ay ang kaharian na pinanggalingan ni
Cassiopeia at ng nawawalang anak ni Haring Elijah na si Enrys.

"Exodus... Exodus... Exodus..." Bigla akong nakaramdam ng pagkakilabot. Tumaas ang


aking mga balahibo. Hindi kaya si Enrys na nawawalang anak ni Haring Elijah ay
walang iba kundi si---teka ano itong nakikita ko? Biglang lumutang sa ere ang kupas
na papel na ninakaw ni Zayne sa antique shop. Lumiliwanag at kumikinang ito. Kulay
ginto ang nililikha nitong liwanag at kinang. Pumaibabaw ito sa dibdib ni Zayne. Sa
sobrang liwanag at kinang nito ay halos masilaw na ako. Napapikit na ako ng aking
mga mata at naiharang ang kanang braso ko dahil sa sobrang pagkasilaw. Iminulat ko
bahagya ang aking mga mata. Nakita ko ang kuwintas na binigay sa akin ni Cassiopeia
ay nagliliwanag na rin. Ano ang ibig sabihin nito?

Mayamaya pa ay tumigil na rin ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kupas na


papel na pumaibabaw sa dibdib ni Zayne. Pati ang kuwintas ko tumigil na rin sa
pagliwanag. Hindi na nakalutang si Zayne sa ibabaw ng kanyang kama.

Tumayo naman ako ng aking kama at nilapitan si Zayne na mahimbing na natutulog.


Kinuha ko sa ibabaw ng kanyang dibdib ang kupas na papel. Pinagmasdan ko ito ng
mabuti. Malakas ang kutob ko na ito na ang nawawalang pahina ng epilogo. At si
Zayne maaari na siya si Enrys ang nawawalang prinsipe ng Exodus na itinago ni
Cassiopeia sa hinaharap. Pero kailangan ko makasigurado. Isang bagay lamang ang
makakapag patunay na si Zayne at Enrys ay iisa sa pamamagitan ng birthmark o balat
na ekis na sumisimbolo sa kaharian ng Exodus. Maari kong matagpuan ang balat na ito
sa braso ni Zayne.

Hahawakan ko na ang braso ni Zayne para malaman kung may birthmark ba siya na hugis
ekis. Ngunit nang itataas ko na ang manggas ni Zayne ay bigla siyang nagising.
Napaatras ako at natumba sa sahig. Nabitawan ko naman sa gilid ng kama niya ang
epilogo.

"O, Migz anong ginagawa mo diyan?" Tanong bigla ni Zayne habang humihikab pa.

"Ah... eh... ano kasi may hinahanap lang ako." Pagpapalusot ko.

"May hinahanap ka? Ano ba iyon?" Tanong sa akin ni Zayne. Napatingin naman bigla si
Zayne sa gilid ng kanyang kama. Napansin niya ang epilogo na nandoon. Kinuha niya
ito at ibinalik sa ilalim ng kanyang unan.

"Ah, wala. Bukas ko na lang hahanapin. Sige, good night Enrys---este Zayne pala."
Sabi ko kay Zayne at dalidali akong nagpunta ng kama at nagtalukbong ng kumot.
Bukas ko na lang aalamin ang katotohanan kung si Zayne at Enrys ay iisa nga lang
ba.

Kinabukasan ay pareho kami maaga nagising ni Zayne kaya sabay na rin kami nag
ahagan sa canteen.

"Narinig kitang umungol na naman habang natutulog kagabi. Nanaginip ka na naman ba


ulit ng masama Zayne?" Tanong ko kay Zayne habang nilalaro ang kutsarita na nasa
tasa ng aking kape.

"Wala naman akong naaalala na nanaginip ako maliban na lang noong naalingpungatan
ako at nakita kitang may hinahanap. Ano nga pala ang hinahanap mo kagabi Migz?"

"Wala lang iyon." Sagot ko sa kanya. Nang biglang may naramdaman akong kamay na
pumatong sa kanang balikat ko. Nilingon ko ito at nakita si Helen.

"Hi, puwede ba makishare ng lamesa sa inyo? Occupied na kasi ang ibang lamesa."
Nakangiting sabi sa amin ni Helen habang daladala ang isang tray ng kanyang
breakfast.

"Sige, puwede naman." Tugon ko kay Helen.

"Pupunta ba kayo mamaya sa public viewing?" Tanong sa amin ni Helen.

"Oo, pupunta kami ni Zayne. Pero baka hindi kami agad pumunta ng alas otso ng
umaga. Baka alas nuwebe na lang. Pagkatapos kasi namin kumain ni Zayne maliligo pa
kami at gagayak." Sagot ko kay Helen at paktapaos ay uminom naman ako sa tasa ng
aking kape.

"Tamang-tama magkakaroon ng small program mamayang 9:30 am at magbibigay ng speech


ang atin dean para sa mga naiwang pamilya ng mga estudyanteng namatay kahapon.
Pagkatapos naman ng speech ng dean ay kakanta ako sa program habang isinasagawa ang
flower offering sa mga kabaong ng mga namatay na estudyante mamaya sa garden. I'll
expect both of you to come." Kuwento sa amin ni Helen.

Magkakaroon pala ng small program mamaya sa public viewing.

Sinipat ko naman ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader ng canteen. 7:30 am
pa lang. Bigla akong napahikab ng malakas. Napansin naman ito ni Helen.

"Kulang ka ata sa tulog kagabi Migz." Puna ni Helen sa akin.

"Medyo." Matipid kong sagot.


"Siguro malakas humilik si Zayne kaya hindi ka nakatulog agad no?" Sabi ni Helen
sabay tawa.

"Uy, grabe ka naman Helen ang tahimik ko kaya kung matulog." Depensa naman ni Zayne
sa kanyang sarili.

"Hindi ka nga humihilik pero ang lakas mo naman umungol kapag tulog." Asar ko naman
kay Zayne at sabay kami ni Helen na tinawanan si Zayne.

"Ang sama ninyong dalawa. Maiwan ko na nga kayo diyan. Babalik na ako sa kuwarto
para maligo." Nakasimangot na turan sa amin ni Zayne. Halatang naasar siya sa amin
ni Helen.

"Okay, sige. Sunod na lang ako sa kuwarto mamaya." Sabi ko naman kay Zayne at
pagkatapos ay umalis na ng canteen si Zayne para bumalik ng kuwarto.

-End of Chapter 25

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 26: Kai's Plan

Ilang araw pa lang ako na nanatili rito sa future pero parang ang dami nang
nangyayari. Napabuntong hininga naman ako habang pinagmamasdan ang aking sariling
repleksyon sa salamin dito sa loob ng banyo.

Tapos na ako maligo. Si Zayne naman tapos na rin maligo at nag bibihis na para sa
pagpunta namin sa public viewing.

Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay biglang sumagi sa aking


isipan si Mikaela. Kumusta na kaya siya? Buhay pa kaya siya o kinuha na rin ni Kai
ang kanyang kaluluwa? May dalawang araw na akong nandito sa future. Ayoko muna
gamitin ang kuwintas na binigay sa akin ni Cassiopeia para silipin kung ano na ang
nangyayari sa panahon na aking pinanggalingan. Nakakadagdag lang ng pressure para
sa akin. Bahala na kung ano ang kahinatnat ng lahat. Nandito na rin ako, tatapusin
ko na lang ang sitwasyon na aking pinasok.

Nakita ko na ang epilogo pero hindi ko pa rin napapatunayan kung si Zayne at Enrys
ay iisa lang. Nang bigla akong may narinig na tumawa. Napaatras ako nang nakita ko
ang aking sariling repleksyon sa salamin na tumatawa mag isa. Nakita kong
nangingitim ang mga mata ko sa salamin habang nakatingin sa akin ito ng matalim.
Hanggang sa unti-unting nag iba ang repleksyon ko sa salamin. Nakita ko bigla si
Kai na tumatawa habang may hawak na punyal sa kanyang kanang kamay. Hanggang sa
biglang lumitaw sa loob ng salamin si Mikaela na walang malay. Hawak ni Kai ang
leeg ni Mikaela at bigla niyang nilaslas ang leeg nito gamit ang punyal. Sumirit
ang napakaraming dugo sa leeg ni Mikaela. Pagkatapos ay humalaklak nang
napakalutong si Kai.

Gusto kong sumigaw sa galit dahil sa nakikita ko sa loob ng salamin pero mas pinili
ko na lamang manahimik baka kasi mag alala sa akin sa labas si Zayne.

Napaluhod na lamang ako sa harapan ng salamin habang pinapanood ang masaganang


dugong sumisirit sa leeg ni Mikaela. Pagkatapos ay may nilabas si Kai mula sa
kanyang likuran na isang bote. Binuksan ni Kai ang takip nito at narinig kong may
inusal si Kai na isang orasyon na hindi ko maintindihan ang wika. Nakita kong nag
liwanag ang buong katawan ni Mikaela. At mula sa katawan ni Mikaela ay may lumabas
na isang nagliliwanag na bilog na bagay dito. Parang isang orb. Hinigop ng bote ang
orb at ibinalik agad ni Kai ang takip nito at isinarado ng mabuti.

Nang naisara na ni Kai ang takip ng bote ay namilog ako sa aking nakita. Nakita ko
na ang orb sa loob ng bote ay biglang naging si Mikaela. Ang kaluluwa ni Mikaela
ito. Isa lamang ang ibis sabihin na nito. Nakumpleto na ni Kai ang limang daan na
human souls na iaalay niya sa kanyang panginoon na si Mortigano.

Pagkatapos ng tagpo na iyon ay biglang tumingin sa akin si Kai mula sa salamin.

"Humanda ka na Ell sa aking pagdating sa hinaharap. Hahanapin kita at papatayin


kasama ang nawawalang halo na si Enrys. Kung nahanap mo naman na ang epilogo sa mga
oras na ito balewala na kahit sirain mo pa. Dahil ipagkakaloob na sa akin ng aking
mahal na panginoon na si Mortigano ang isa pang natitirang kopya ng epilogo. Huli
na ang lahat para sa'yo Ell. Dahil ngayon pa lang nalalasap ko na ang aking
tagumpay. Kapag napatay ko na kayo pareho ni Enrys maisasagawa ko na rin ang aking
plano na gumawa ng panibagong mundo. Pag iisahin ko ang kasalukuyan panahon at
hinaharap. Ako ang kikilalanin na diyos ng lahat ng mortal at imortal. Sasambahin
ako ng lahat. Matutupad ng tuluyan ang lahat ng nakasaad sa aklat ng propesiya.
Mapapasaakin na rin ang parehong kapanyarihan ng Mantra mula sa kaharian ng Exodus
at ang Antra naman mula sa kaharian ng Devonia. Haha!" Saad niya sa akin.
Pagkatapos ng mga sinabi sa akin ni Kai ay bigla na siyang nag laho sa loob ng
salamin.

Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Cassiopeia bago ako nahigop ng itim na
portal papunta sa hinaharap. Kapag nag krus na ang mga landas namin ng halo,
kailangan mapatakan ng sariwang dugo ng halo ang nawawalang pahina ng epilogo.
Kapag napatakan na ng dugo ng halo ang pahina ng epilogo ay mabubuo muli ang buong
aklat ng propesiya. At kapag nangyari iyon kailangan wasakin muli ng halo ang aklat
ng propesiya pero sa pagkakataon na ito kailangan buong aklat ay dapat mawasak na.
Walang pahina ang dapat matira. At kapag nawasak na ng halo ang buong aklat ng
propesiya ay mamatay naman ang nilalang na nagsulat nito. Walang iba kundi si Kai.

Kailangan ko ng mag madali. Nasa panganib ang buhay ng lahat. Hindi rin puwede mag
tagumpay si Kai sa kanyang masamang plano na pagsanibin ang hinaharap at
kasalukuyan na panahon. Kailangan ko ng mapatunayan na si Zayne at Enrys ay iisa.
Na si Zayne ang nawawalang prinsipe sa kaharian ng Exodus at tatapos ng lahat ng
mga masasamang nangyayari ngayon at mangyayari pa lamang.

Pag labas ko ng banyo ay agad kong hinanap si Zayne.


"O, anong nangyari sa'yo Migz parang balisa ka?" Tanong sa akin ni Zayne.

"May kailangan akong sabihin sa'yo Zayne." Seryosong sabi ko sa kanya. Kailangan ko
ng ipagtapat kay Zayne ang katotohanan. Ang totoong dahilan kung bakit nandito ako
sa institute. Sa hinaharap.

"Mamaya mo na lang sabihin iyan sa akin Migz. Malalate na tayo sa speech ng dean sa
public viewing." Turan sa akin ni Zayne at pagkatapos ay nag lakad na siya
papuntang pintuan para lumabas na.

"Hindi na ito makakapaghintay Zayne." Sabi ko sa kanya.

"Mamaya na Migz kapag nasa public viewing na tayo. Mag bihis ka na rin. Hindi mo pa
sinusuot yung binigay ko sa'yo na white polo shirt. Sige, na mauna na ako sa'yo sa
public viewing kita na lang doon mamaya." Pagkatapos sabihin sa akin ni Zayne iyon
ay agad na lumabas na siya ng pintuan.

Patay na ako nito. Paano na ito? Ang bagal ko kasi. Dapat tiningnan ko na agad ang
kanyang balikat kung may balat ba na ekis na sumisimbolo sa kaharian ng Exodus.

-End of Chapter 26

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 27: Public Viewing

Kailangan ko ng bilisan ang pag takbo sa hallway. Kailangan kong makarating agad sa
garden at makausap ng masinsinan si Zayne. Kailangan kong maihanda si Zayne sa
maaring pag wasak sa aklat ng propesiya---oo nga pala ang pahina ng epilogo ay nasa
ilalim ng unan sa kama ni Zayne. Kailangan kong bumalik sa kuwarto namin para kunin
ang pahina ng epilogo.

Ngunit nang humakbang paatras na ako para tumakbo pabalik ng kuwarto namin ni Zayne
ay natigilan ako at may narinig na kakaibang tunog.

"Ssssshh..."

Napahinto ako sa aking kinatatayuan.

"Ssssshh..."
Narinig ko muli ang kakaibang tunog.

"Ssssshh..."

Hanggang sa palakas na ng palakas ang tunog.

Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong mga ahas na biglang nag sipag litawan
sa buong paligid.

Pinalibutan ako ng mga ahas. Malamang si Kai ang may kagagawan nito. Kahit wala pa
siya sa hinaharap nagagawa na niya mag hasik ng kanyang kapanyarihan sa pamamagitan
ng pagpapalitaw ng mga makakamandag na ahas. Malamang siya rin ang may kagagawan ng
pag ulan sa langit ng mga ahas noong Sabado na naging sanhi ng pagkamatay ng ibang
estudyante rito sa institute.

Ngunit hindi ako nag padala sa takot sa mga ahas. May basbas ako ng kapanyarihan ni
Cassiopeia. Kapag inapakan ko ang mga ahas malamang masusunog at magiging abo sila
katulad ng nangyari kahapon sa Metropolis.

Ngunit nang inapakan ko na ang isang ahas ay naramdaman ko ang buong katawan nito
sa aking sapatos. Hindi ito nasusunog hanggang sa pumulupot na ang ahas na ito sa
kanang sapatos ko.

Ano na ang nangyayari? Bakit hindi ata gumagana ang basbas sa akin ni Cassiopeia?
Hindi pupuwede ito hanggang sa napahawak ako sa aking leeg. Napansin kong hindi ko
suot ang kuwintas na binigay sa akin ni Cassiopeia. Hindi kaya ito ang dahilan kung
bakit hindi gumagana ang basbas ni Cassiopeia? Naguguluhan na ako sa mga
nangyayari? Hindi ako maari mamatay nang dahil sa mga ahas na ito.

Hinubad ko ang mag kabila kong sapatos at tumakbo papalayo sa mga ahas. Tinungo ko
ang daan papunta sa garden kung nasaan ang public viewing. Sinarado ko naman ang
main entrance door ng dormitory nang sa ganun ay hindi na makasunod pa sa akin sa
garden ang mga ahas.

Pag labas ko ng dormitory ay doon ko lang nalaman na umuulan pala ng malakas. May
kasama pang kulog at kidlat. Parang babagyo pa ata.

Tumakbo na ako papunta sa garden kahit nakamedyas lang ako. Puro putik na ang mag
kabila kong medyas na suot dahil sa mga dinaan ko.

Pagdating ko ng garden ay nakita kong pababa na mula sa maliit na stage ang dean.
Nakita ko naman na paakyat na si Helen sa kabilang gilid ng stage. Mukhang kakanta
na siya para sa flower offering sa mga namatay na estudyante.

"Good morning to all of you. I usually sing here at the Fire Castle Institute of
Learning since I studied here. But I never imagined that time will come I'll be
singing to my fellow dead schoolmates. Its really just hard and sad." Nasa stage na
si Helen. She's going to start singing for the flower offering. "I'll be singing
Broken Vessels by Hillsong United."

"All these pieces. Broken and scattered. In mercy gathered. Mended and whole. Empty
handed but not forsaken. I've been set free. I've been set free..."

Nagsisimula ng kumanta si Helen. Nagsisimula na rin tumayo sa mga upuan ang mga
taong nasa public viewing para sa flower offering. Napatingala naman ako sa
kalangitan. Mas lalong lumalakas ang pag bagsak ng ulan. Bigla akong napasapo sa
aking dibdib. Parang bumibilis ata ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan
kung bakit. Nang biglang may narinig akong malakas na pagsabog sa may gilid ng
stage. Nataranta naman lahat ng mga tao sa public viewing. Lumikha naman ng
malaking sunog ang pagsabog kanina sa may stage. Hanggang sa narinig ko na lang na
sumigaw ang ibang tao ng salitang ahas.

"Ahas!"

"Diyos ko ang daming ahas!"

"Katapusan na ba ng mundo?!"

Hanggang sa may naramdaman akong kamay na pumatong sa aking kaliwang balikat.


Nilingon ko ito at nakita si Zayne.

"Buti nakita kita Migz. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Nag aalalang
turan sa akin ni Zayne. Hindi naman agad ako nakasagot sa kanya nang narinig kong
sumisigaw ng tulong si Helen sa stage. Napapalibutan na ng apoy ang magkabilang
exit ng stage. Hindi na siya makababa.

"Si Helen kailangan ng tu---" Hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin nang
napatingin ako sa kalangitan. May paparating na bolang apoy na babagsak sa may
garden!

"Aaaaaah!" Sigaw ko nang bumagsak na ng tuluyan ang bolang apoy sa may garden.

Nakahiga na pala ako sa lupa. Marahan akong tumayo. At habang tumatayo napansin
kong nagkasira-sira na pala ang suot kong damit. Nakita ko si Zayne na tumatayo na
rin sa pagkakatumba sa lupa dahil sa pagsabog na nilikha ng bolang apoy. Nagkasira-
sira rin ang kanyang damit. Namilog naman ang aking mga mata nang nabaling ang
tingin ko sa kanyang kaliwang balikat. Nakita ko sa balikat niya ang ekis na
simbolo ng kaharian ng Exodus. Lumiliwanag at kumikinang pa ito na tila ginto.
Napatingin naman sa akin si Zayne at bigla niya tinakpan ang kanyang balat.
Napansin ata niya na napatitig ako sa kanyang balat. Ngunit sandali lamang ninakaw
ng balat ni Zayne ang aking atensyon nang narinig kong may sumabog na naman sa
paligid na nasundan pa ulit. Nagmumula sa bolang apoy na bumabagsak sa kalangitan
ang mga sumasabog sa paligid.
Naalala ko bigla si Helen sa stage na kailangan ng tulong. Nasa stage pa rin si
Helen pero wala siyang malay marahil sa pagsabog na malakas kanina.

"Zayne tulungan natin si Helen!" Sigaw ko sa kanya. Tumango naman siya at tumakbo
kami papunta ng stage para sagipin si Helen.

Habang tumatakbo papunta ng stage nakita ko ang ibang tao na inaatake na ng mga
ahas. Yung ibang walang malay at nakahandusay sa sahig ay ginagapangan na ang
kanilang mga katawan ng iba't ibang uri ng ahas.

-End of Chapter 27

Please Vote and Comment.

=================

Exodus 28: Halo

Malapit na kami sa stage ni Zayne. Hindi naman sa kalayuan ay nakita ko si Ayesa na


walang malay at malapit na siya tuklawin ng ahas. Agad na pinuntahan ko siya at
hinila papalayo sa ahas. Ginising ko siya pero hindi pa rin dumidilat ang kanyang
mga mata. Binuhat ko muna siya at itinabi sa harapan baba ng stage.

"Migz paano ito? Hindi tayo makakaakyat ng stage. Yung dalawang hagdanan sa
magkabilang dulo ng stage ay may mga apoy." Natatarantang sabi sa akin ni Zayne.

"Alam ko na. Papasan ako sa iyong likuran para makasampa ako sa harapan ng stage na
hindi pa ginagapangan ng apoy." Sagot ko kay Zayne. Pinasan ako ni Zayne sa
kanyang likuran para makasampa sa stage. Nang nakatuntong na ako sa stage ay agad
kong kinuha si Helen at binuhat.

Papunta na ako sa harapan ng stage habang buhat si Helen. Naghihintay naman si


Zayne na pasanin sa kanyang likuran si Helen. Ngunit nang malapit na kami sa
harapan ng stage ay narinig kong sumigaw si Zayne. "Migz may mahuhulog na parte ng
kisame sa inyo sa stage!" Napatingala ako at nakita kong malapit ng bumagsak sa
amin ni Helen ang kisame. Huli na ata para sa amin ni Helen ang makaligtas pa.
Hanggang sa napansin kong biglang lumutang ang papahulog na kisame sa amin at
tumilapon ito papalayo sa stage. Nakit ko si Ayesa na nagkamalay na pala. Ginamit
niya ang kanyang telekinesis para kontrolin ang pabagsak na sanang kisame sa amin
dalawa ni Helen.

Ipinapasan ko na agad sa likuran ni Zayne si Helen na wala pa rin malay. Tumalon na


lang ako sa stage para makababa.

"Ell!" Bigla akong napatigagal nang parang may naulinigan akong sumigaw ng totoo
kong pangalan. Nakakakilabot ang boses. Parang nanggagaling sa kailaliman ng lupa.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ito.
Magkakasama na kaming apat nina Ayesa, Zayne, at si Helen na wala pa rin malay.

"Ano na ba talaga ang nangyayari?" Nagugulumihan turan ni Zayne.

"May mga ahas na naman at ngayon meron na rin mga bolang apoy na kanina pa
bumabagsak sa kalangitan habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan!" Sabi
naman ni Ayesa.

Hanggang sa bigla akong napaatras at may naramdaman na gumagapang sa aking paa.


Nakita kong may isang kamay ng tao na gumagapang sa aking paa. Iginala ko ang buong
paningin ko sa piligid. Nakita kong nagsipag bangunan ang mga taong namatay kanina
sa pagsabog.

"Oh, my God!" Narinig kong bulalas ni Ayesa habang tinuturo ang mga kabaong ng mga
estudyanteng namatay noong Sabado. Biglang bumukas ang mga ito at bumangon mula sa
loob ng kabaong ang mga bangkay.

"Zombie?" Sabi ni Zayne.

Mukhang naging zombie na sila. Lahat sila papunta na sa direksyon namin. Bumalik
naman ako sa aking katinuan at sinipa ang kamay na gumapang kanina pa sa paa ko.

"Nangyayari na." Narinig kong bulong ni Zayne.

"Ang ano Zayne?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Nagsisimula ng mangyari ang gabi-gabi kong napapanaginipan."

"Ano na ang gagawin natin? Papalapit na ng papalapit sa atin ang mga zombie." Basag
ni Ayesa sa pinag uusapan namin ni Zayne.

"Ell!" Bigla ko na naman narinig ang boses. Pero sa pagkakataon na ito nakakarindi
na sa tainga ang kanyang boses.

"Ell!!!!" Nakakakilabot ang kanyang boses. Sino ba siya? Sino ba itong naririnig ko
sa aking tainga?

"Ell!!!!!" Mas lumalakas na lalo ang pagsigaw niya sa aking pangalan. Napaluhod na
ako sa sahig at napatakip na sa tainga.

"Migz ano ang nangyayari sa'yo?" Nag aalalang sabay na tanong sa akin nina Zayne at
Ayesa.
Bakit ganun parang ako lang ang nakakarinig sa boses. Hindi ata naririnig ng iba
ang boses na sumisigaw ng aking totoong pangalan.

"Tama na... tama na!!!" Sigaw ko nang napakalakas. Kasabay sa pag sigaw ko naman ay
ang pag litaw sa langit ng mas malaking bolang apoy na pabagsak na sa lupa.

Lumikha nang mas malaking pag sabog ang ang bolang apoy sa buong garden. Halos
mabura na nito ang lahat ng bagay sa garden. Pati ang ibang kalapit na gusali ng
garden sa loob ng institute ay naapektuhan na rin. Ngunit nagtaka ako kung bakit
hindi kami naaapektuhan sa malaking pagsabog na naganap. Hanggang sa napatingin ako
kay Ayesa. Sa pamamagitan ng kanyang kapanyarihan ay lumikha siya ng isang shield o
malakas na puwersang bumalot sa kinaroroonan namin lahat.

Binalot ng maitim na usok ang buong lugar.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawawala ang makakapal na usok sa paligid at


luminaw na muli ang lahat.

Sa pagkawala ng maitim at makapal na usok ay bumungad sa amin ang nakapalibot na


mga zombie. Hindi sila naapektuhan ng nangyaring malakas na pagsabog. Hanggang sa
may narinig akong humalakhak. Biglang pumagilid ang mga zombie at lumikha ito ng
isang one way sa harapan namin. Sa dulo ng daanan na ginawa ng mga zombie ay may
isang lalaking nakasakay ng kabayong kulay itim na may malalaking pakpak na katulad
sa ibon. Bukod sa lalaking nakasakay sa itim na kabayo ay may mga kasama pa siyang
iba sa kanyang likuran. Nakakatakot ang mga nasa likuran niyang nilalang. May
matutulis na sungay ang mga nilalang na ito. May nakakakilabot na ngiting gumuguhit
sa nakakatakot nilang mukha. Mga demonyo.

Narinig kong humalakhak ang lalaki. Nakakakilabot ang kanyang halakhak. Hanggang sa
sinipa niya ang tagiliran ng kabayo. Lumipat ng dahan-dahan papalapit sa
kinaroroonan namin ang kabayo. Hanggang sa tuluyan ko ng napagtanto kung sino nga
ba ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo. Walang iba kundi si Kai.

"Nagagalak ako at muli tayong nagkita, Ell." Nakangising turan sa akin ni Kai.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng trahedya dito. Napakasama mo talaga Kai!"
Namomoot kong sigaw kay Kai.

"Hahahahaha! Hangal!" Natatawang sabi niya sa akin.

"Paano ka nakapunta rito sa hinaharap?" Tanong ko.

"Sa tulong ng kapanyarihan ni Cassiopeia. Pero huwag mo na sisihin Ell si


Cassiopeia kung nakarating man ako sa hinaharap ngayon dahil pinatay ko na siya
hahaha!"
"Napakasama mo talaga!" Nang biglang narinig kong bumulong si Zayne sa akin.

"Migz, ano ba talaga ang nangyayari. Kilala mo ba ang lalaking iyan at saka bakit
Ell ang tawag niya sa'yo?" Nagugulumihan sabi sa akin ni Zayne.

"Mahirap ipaliwanag Zayne. Saka ko na lang sasabihin ang lahat kapag natapos na ang
lahat ng mga ito." Nang biglang narinig kong humalakhak muli si Kai.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ako naparito Ell?" Sabi bigla ni Kai sa
akin.

"Alam ko kung bakit ka naparito. Alam ko na gusto mong pagsanibin ang dalawang
magkaibang panahon maliban pa sa mundo ng mga tao at ng mga imortal sa kaharian ng
Exodus at Devonia." Matapang kong sagot kay Kai.

"Magaling kung ganun. Talagang nakinig ka pala sa akin nang nakipag komunikasyon
ako sa'yo sa pamamagitan ng salamin habang kinikitil ang buhay ng pinakamamahal
mong babae na si Mikaela hahaha!"

"Napakahayop mo talaga! Isa kang demonyo---"

"Demonyo talaga ako Ell hahaha! At ngayon na nandito na ako isasakatuparan ko na


ang lahat ng balak ko. Pero bago ang lahat papatayin muna kita para mag sama-sama
na kayong lahat ng mga kaibigan mo sa impiyerno!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay
biglang nabasag ang ginawang sheild ni Ayesa sa amin kinaroroonan. Naramdaman kong
unti-unti na akong umaangat sa aking kinatatayuan at may kung anong puwersa akong
naramdaman na tila humihigop sa akin papunta kay Kai.

Unti-unti na akong lumalapit kay Kai. Habang hinihila ako ng kapanyarihan ni Kai
papalapit sa kanya ay nag pamalas siya ng isang nakakalokong ngiti.

At ngayon ay katapat ko na si Kai. Magkaharap na kami.

"Handa ka na ba sa kamatayan na ipapataw ko sa'yo Ell?" Tanong niya sa akin habang


nakangisi. Sa sobrang galit ko sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang aking
sarili. Bigla ko siyang dinuraan sa kanyang mukha. Napangisi siya sa ginawa ko.

"Matapang ka." Mahinang sabi niya sa akin.

"Puro ka salita. Bakit hindi mo pa ako patayin na!" Maangas kong turan sa kanya.

"Hinahamon mo talaga ako Ell." Sabi niya sa akin at muli siyang napangisi.

Ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay at naramdaman kong umaangat pa lalo ako sa
ere. Inilayo ako ni Kai sa kanya ng mga sampung dipa. At bigla akong napasigaw nang
naramdaman kong may puwersa mula sa kanyang kapanyarihan na kumukuryente sa buong
katawan ko.

"Aaaaaah!" Katapusan ko na ata. Nang biglang itinigil ni Kai ang pagpapadaan sa


buong katawan ko ng kanyang kapanyarihan.

"Ano Ell kaya mo pa ba? Mas makapanyarihan na ako ngayon lalo na't nabuo na muli
ang aklat ng propesiya." At sa kanyang kaliwang kamay ay biglang lumitaw ang isang
itim na aklat. Mukhang ito na ang aklat na propesiya.

"Oo, mas lumakas nga ang kapanyarihan mo pero hindi ibig sabihin nun na wala nang
mas hihigit pa sa'yo!" Sagot ko sa kanya. Masyado ata napabilib sa kanyang sarili
si Kai dahil mas lumakas ang kanyang kapanyarihan ngayon. Nakalimutan na ata niya
ang tungkol sa halo. Si Enrys. Hindi niya alam na nasa paligid lamang ang halo. Si
Zayne.

"Ano ang pinagsasabi mong mas makakahigit pa? Hibang ka na ata Ell. Ako lang ang
pinakamakapanyarihan sa lahat ng nilalang sa mundo. Kapag napatay na kita lilikha
muli ako ng bagong mundo. Isang perpektong mundo na ako lamang ang sasambahin ng
lahat haha!" Sagot niya sa akin at pagkatapos nun ay muli ko na naman naramdaman
ulit ang hagupit ng kanyang kapanyarihan sa buong katawan ko.

Napapangiwi na ako sa sakit. Sana matapos na ito. Napatingin naman ako sa ibaba at
nakita ko si Ayesa na sinusubukan labanan ang kapanyarihan ni Kai. Napansin naman
ni Kai si Ayesa kung kaya ay biglang nabaling ang kanyang atensyon dito.

"At sino ka naman na pangahas na gustong lumaban sa aking kapanyarihan?" Sabi ni


Kai kay Ayesa habang pinagmamasdan ito ng masama. At biglang pinatamaan ni Kai si
Ayesa ng kanyang kapanyarihan. Tumilapon si Ayesa sa may gilid ng stage at nawalan
ng malay. Napakasama talaga niya. Si Zayne naman nakita kong nanginginig na sa
takot sa ibaba habang buhat si Helen na wala pa rin malay. Pinapalibutan at
binabantayan sila ng mga zombie kung kaya ay hindi makaalis sina Zayne sa kanilang
kinaroroonan.

Hirap na hirap na ako. Nanghihina na talaga ako.

"Zayne... tulungan mo ako..." Sambit ko habang nakatingin sa ibaba kanila Zayne.

"Zayne... pakiusap tulungan mo ako..." Nanghihina ko ng sabi kay Zayne.

"Migz... natatakot ako. Gu...gusto kita tulungan pero pilit na ipinagbabawal ni Mr.
Light ng atin dean na huwag kong gagamitin ang aking kapanyarihan lalo na't walang
pahintulot niya." Nauutal na sabi sa akin ni Zayne.

"Pakiusap... tulungan mo na ako Zayne..." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi ko kaya. Wala akong kontrol sa kapanyarihan na meron ako."


"Tulungan mo na ako.... nagmamakaawa ako sa'yo... gamitin mo na ang kapanyarihan mo
Zayne... bago pa mahuli ang lahat... bago pa tuluyan maganap ang masama mong
panaginip..."

"Zayne!" Pinilit ko ng isigaw ang kanyang pangalan. Wala na akong iba pang kayang
sabihin kundi ang kanyang pangalan. Hanggang sa bigla kong narinig na sumigaw si
Zayne. Biglang napatingin sa kanyang direksyon si Kai.

"Ang halo..." Mahinang sabi ni Kai.

"Exodus!" Dumagundong ang malakas na pag sigaw ni Zayne sa pangalan ng kaharian ng


Exodus. Lumikha siya nang isang nakakasilaw na liwanag na maihahalintulad ko sa
kulay ng ginto.

"Hindi ito maari. Ang halo. Siya ang halo! Si Enrys! Hindi pupuwede ito!" Hindi
makapaniwalang sigaw ni Kai.

At mula sa gintong liwanag na nilikha ni Enrys ay nagpakawala siya ng asul na


liwanag dito na papunta sa direksyon ni Kai.

Itinaas ni Kai ang kanyang kaliwang kamay na may hawak ng aklat ng propesiya. Mula
sa aklat ng itim na propesiya ay lumikha rin ito ng asul na liwanag na ipinangontra
sa kapanyarihan ni Zayne na papalapit ng tumama sa kanya.

Naramdaman ko naman na dahan-dahan na akong bumababa sa ere hanggang sa hindi ko na


nararamdaman ang kapanyarihan ni Kai na dumadaloy sa aking buong katawan.

Nakita kong unti-unti ng umaatras ang kapanyarihan ni Kai habang ang kapanyarihan
ni Zayne ay malapit ng malamon ang buong kapanyarihan ni Kai.

"Aaaaaahhh!" Nagpakawala si Kai ng isang napakalakas na sigaw. Nilamon na si Kai ng


kapanyarihan ni Zayne. Hanggang sa nasusunog na siya ng buhay. Ang mga demonyo
naman na nasa likuran niya ay biglang naging abo sa ere pati ang mga zombies na
nakapalibot sa amin ay biglang naging abo na rin.

Unti-unti nang nabubura si Kai sa ere hanggang sa maging abo na lang din siya
kagaya ng mga alagad niyang demonyo at zombies.

"Natapos na..." Sabi ni Zayne at bigla siyang nahimatay.

-End of Chapter 28

Please Vote and Comment.


=================

Exodus: Epilogue

Isang buwan na ang lumipas simula nang natalo at napatay ni Zayne si Kai.

Maraming namatay at napinsalang mga istruktura sa Fire Castle Institute of


Learning. Pero dahil sa mga makabagong kagamitan dito ay agad naitayo muli ang mga
gumuhong gusali at ibang parte ng institute.

Bumalik na rin ang dati kong sigla at lakas. Akala ko talaga ay mamamatay na ako.
Buti na lang iniligtas ako ng halo. Si Zayne.

Ipinagtapat ko na rin kanila Zayne ang totoo kong pagkatao at kung paano ako
napunta sa institute. Sinabi ko na nasa isang misyon ako. Nagmula talaga ako sa
taong 1999. Ang tunay kong pangalan ay Ell. Noong una ay sobra silang nagulat sa
aking mga kinuwento. Natakot pa nga ako na baka kapag nalaman nila ang katotohanan
sa aking pagkatao ay magalit at paalisin nila ako sa institute. Pero tinanggap pa
rin nila ako. Totoong kaibigan na ang turing nila sa akin.

Dahil sa nabunyag na rin ang totoong kapanyarihan ni Zayne sa amin lahat ay mas
naging bukas pa siya sa amin sa maraming bagay. Pinayagan na rin siya ni Mr. Light
na gamitin ang kanyang kapanyarihan. Kinuwento niya rin sa akin na sa kanyang
panagip ay parating may nakikita siyang lalaking may hawak ng setro. Nagpakilala
ang lalaki na Elijah. Kabilinbilinan sa kanya ng Elijah na kapag may nangyaring
hindi maganda ay isigaw niya lang ang salitang Exodus. 'Yon nga ang ginawa ni Zayne
nang pinakawalan niya ang kanyang kapanyarihan ng nag tapat ang mga kapanyarihan
nila ni Kai. Malakas ang kutob ko na ang lalaking nagpakita sa panaginip ni Zayne
ay ang ama niya na si Haring Elijah ng kaharian ng Exodus. Siguro ginagabayan lang
siya ng kanyang ama sa panaginip.

Sinabi rin sa akin ni Zayne na may kapanyarihan din siyang gumawa ng itim na portal
kagaya ng kay Cassiopeia. Tinanong niya ako kung gusto ko pa bumalik sa panahon na
aking pinanggalingan. Tutulungan niya daw ako na makabalik sa totoong panahon na
dapat kong kinabibilangan. Pero sabi ko sa kanya hindi na kailangan. Wala na rin
akong babalikan sa totoong panahon ko. Wala na ang mga kaibigan ko at ang babaeng
pinakamamahal ko. May bago na akong buhay ngayon sa hinaharap. Mas nanaisin ko pang
mabuhay sa hinaharap at makasama ang mga bago kong kaibigan na sina Zayne, Ayesa,
at Helen.

Kung minsan sinisilip ko pa rin ang panahon na dapat kong kinaroroonan ngayon sa
tulong ng kuwintas na ipinagkaloob sa akin ni Cassiopeia.

Nakahiga lamang ako ngayon sa kama habang nakikinig sa makabagong computer na


tinatawag nilang tablet sa future. Eto nag so-soundtrip lang ako ng mga kanta ng
paborito kong banda ng Eraserheads habang sinasabayan sa pagkanta.

"May isang umaga, na tayo'y magsasama. Haya at halina sa alapaap. O, anong sarap,
haa..."

Habang sinasabayan ang kanta ng Eraserheads ay biglang bumukas ang pintuan. Nakita
kong iniluwa ng pintuan si Zayne.

"Hanggang sa dulo ng mundo. Hanggang maubos ang ubo. Hanggang gumulong ang luha.
Hanggang mahulog ang tala..."

"Ell, pinapatawag ka ng dean sa kanyang opisina." Sabi sa akin ni Zayne.

"Bakit daw?" Nagtataka kong tanong kay Zayne.

"Hindi ko alam. Pumunta ka na lang."

"Ngayon na ba mismo?"

"Oo."

Tumayo na ako ng kama at pinatay muna ang sound ng tablet. Lumabas na ako ng
kuwarto at papunta na sa opisina ng dean.

Habang naglalakad sa hallway ay napapaisip ako ng malalim kung bakit ako


pinapatawag ni Mr. Light.

Bakit kaya?

Ngayon ay nasa tapat na ako ng pintuan ng opisina ni Mr. Light. Hindi ko alam kung
kakatok na ba ako sa pinto.

Kakatok na ako siguro. Ayoko na patagalin ito para malaman ko na ang dahilan kung
bakit ako ipinapatawag ni Mr. Light.

Kumatok na ako ngunit walang sumasagot. Hinawakan ko ang doorknob at sinubukan


ipihit ito. Hindi ito nakalock. Binuksan ko na ang pinto. Sa pagkakabukas ko ng
pinto ay bigla akong napakunot ng noo. May narinig kasi akong tugtog na kanta ng
Erasherheads sa opisina ni Mr. Light.

"Alapaap." Bulong ko sa aking sarili. Iyon ang kanta ng Eraserheads na


pinakikinggan ko kanina.

"Masdan mo ang aking mata. 'Di mo ba nakikita. Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit
na. Gusto mo bang sumama?"
"Mr. Light nandito na po ako. Pinapatawag ninyo daw ako." Nakatalikod na naman ulit
si Mr. Light habang nakaupo sa kanyang swivelling chair.

"Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya. Hindi mo na kailangan humanap ng iba.


Kalimutan lang muna ang lahat ng problema. Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga
na. Handa na bang gumala..."

"Ang ganda ng kanta no." Bigla kong narinig na sabi ni Mr. Light.

"Alam mo paborito kong kanta ang Alapaap pati na rin ang bandang kumanta nito na
Eraserheads." Pagpapatuloy ni Mr. Light.

"Ako rin po paborito ko rin ang kantang iyan pati ang banda ng Eraserheads." Tugon
ko sa kanya.

Ang weird ng feeling habang kausap ko ngayon si Mr. Light. Parang may kakaiba sa
kanya.

"Ahhhhmn, Mr. Light bakit ninyo nga po pala ako pinapatawag?" Tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman na bigla siyang tumayo sa kanyang swivelling chair at humarap sa
akin.

"Salamat." Bigla niyang sabi na may kasama pang ngiti. Katulad ng dati may suot pa
rin siyang maskara sa kanyang mukha.

"Bakit kayo nagpapasalamat sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nawiwirduhan


na talaga ako sa kanya.

"Salamat kasi nagawa mo ang hindi ko nagawa noon." Mas nawiwirduhan na ako ngayon
kay Mr. Light. Hindi ko na maintindihan ang kanyang sinasabi sa akin.

"Hindi ko po kayo maintindihan Mr. Light." Kunot noo kong sabi sa kanya.

Napansin ko naman na biglang itinaas ni Mr. Light ang kanyang dalawang kamay sa
mukha niya. Dahan-dahan niya na hinubad ang kanyang suot na maskara. Bigla naman
akong napaatras sa gulat nang masilayan ko ang mukha ninya na matagal ng ikinukubli
ng maskara.

"Nagulat ka ba Ell?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Paano? Imposible ito. Ikaw...." Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon.

"Ikaw ay ako..." Pagpapatuloy niya sa aking sasabihin dapat.


Si Mr. Light ay walang iba kundi ako rin pala. Siya ako 30 years from the future.

"Ang weird." Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Weird nga siguro para sa'yo Ell. Pero maniwala ka matagal ko nang hinihintay ang
pagdating mo sa panahon namin sa hinaharap." Sagot niya sa akin.

"Noong napunta ako sa institute parati kong iniisip kung nasaan ang Ell na 30 years
from the future na version ko. Hindi ko alam na malapit ka lang pala sa akin. Hindi
ko alam na ikaw pala ang nagtatag ng Fire Castle Institute of Learning." Saad ko
kay Mr. Light.

"Natutuwa ako at nagkita tayo. Salamat din at napagtagumpayan mong mahanap ang
nawawalang halo na si Zayne kahit hindi na muli pang nabuo ang aklat ng propesiya
dahil sa nawawalang epilogo. At dahil sa tulong mo ay nagising ang kapanyarihan ni
Zayne para tapusin ang kasamaan ni Kai."

"Hindi ba maaapektuhan ang panahon na pinanggalingan ko kasi hindi na ako babalik?"

"Hindi naman. Ang bawat oras ay may tinatawag na kanya-kanyang time space. Ang
bawat time space ay may kanya-kanyang version ng isang Ell. Maari sa time space na
pinanggalingan mo ay wala ng Ell na nag e-exist dahil pinili mo ng mabuhay sa time
space na ginagalawan mo ngayon. At dahil hindi nabuo muli ang aklat ng propesiya sa
pamamagitan ng pahina ng epilogo na ninakaw ni Enrys sa antique shop ay wala ng
matatag pang Fire Castle Institute of Learning sa time space na pinanggalingan mo
Ell. Wala na rin tatawaging mga nilalang na sphinx sa time space mo." Salaysay niya
sa akin. Nalilito at naguguluhan ako sa kanyang mga sinasabi.

"Bakit ang dami mong alam? Naguguluhan ako." Sabi ko sa kanya.

"Marami akong nalalaman dahil pinagdaanan ko na ang time space kung saan naging 21
years old din ako at naranasan ang mga nangyari na sa'yo Ell. Ang pinagkaiba nga
lang natin ay nagtagumpay akong maipatak ang dugo ng halo sa nawawalang epilogo
kung kaya ay nalikha muli ang aklat ng propesiya noon. Ngunit winasak rin ng halo
na si Zayne sa nakaraan ang aklat ng propesiya na naging sanhi ng kamatayan ni Kai.
At lumikha nang napakalaking pagsabog ang ginawang pag wasak ng halo sa aklat ng
propesiya noong 1999. Dahil sa pag sabog na ito ay maraming natamaan na mga tao at
namatay. May ibang masuwerteng nakaligtas at nagkaroon ng kakaibang kapanyarihan na
isinabog ng aklat ng propesiya. Pero iba ang ginawa mo Ell. Gumawa ka ng panibagong
kasaysayan. Napanatili mo ang normal na sirkulasyon ng buhay ng mga tao sa iyong
time space na pinanggalingan." Paliwanag niya.

"Medyo nalilito pa rin ako." Sabi ko habang napapakamot sa aking ulo.

"Huwag kang mag alala Ell normal lang iyan nararamdaman mo. Masasanay ka rin sa
bagong buhay na meron ka na ngayon sa future. Mas marami kang matutunan na bagay sa
mga darating pang araw ng iyong buhay." Sagot sa akin ni Mr. Light.
Napakamot na lang ulit ako sa aking ulo. Naguguluhan pa rin ako kahit ipinaliwanag
na sa akin ni Mr. Light ang lahat.

Nag paalam na ako kay Mr. Light na babalik na ako ng kuwarto.

Paglabas ko ng dean's office ay napabuntong hininga na lamang ako at biglang


natawa.

Naisip ko nakakabaliw din pala ang feeling ng makipag usap sa mas matandang version
ko dito sa future. Pero sorry na lang kay Mr. Light mas guwapo pa rin ako sa kanya
kahit iisa lang kami haha.

Gagawa ako ng panibagong kuwento ng aking buhay dito sa hinaharap.

Bagong prologue pero ano kaya ang magandang epilogue?

Bahala na haha!

-End of Epilogue

Please Vote and Comment.

=================

Official Soundtrack

Here are the list of songs that made me inspire to finish this Horror/Dark
Fantasy/Mystery-Thriller/Sci-Fi story (Haha grabe ang dami ko pa lang genres na
ginamit sa story na ito. More than one year din in the making ang Exodus at masaya
akong natapos na ito. Thanks sa mga songs ko sa playlist ng Spotify na nagpa
inspired sa akin na matapos ito hehe.)

Overdrive by Eraserheads

Alapaap by Eraserheads

With a Smile by Eraserheads

Gold by Kiiiara

Nightingale by Demi Lovato


Two Pieces by Demi Lovato

Kingdom Come by Demi Lovato

Close by Nick Jonas

The Difference by Nick Jonas

When I'm Gone by Before You Exit

Exodus by EXO

What if by EXO

I Need You by BTS (Urban Remix)

See You Again by Charlie Puth

Beauty For Ashes by Mid-Cities Worship

Broken Vessels by Hillsong United

Can't Help Falling In Love by Haley Reinhart

Photograph by Ed Sheeran

Hollow by Tori Kelly

I Took A Pill In Ibiza by Mike Posner (Seeb Remix)

You might also like