You are on page 1of 6

ARALIN 2 : MGA ISYUNG PANG EKONOMIYA

GLOSARYO

Globalisasyon- proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga

Tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon

Iskemang Subcontracting – Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa

Isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang

Trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

Migrasyon – tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang

Lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay

Pansamantala o permanente.

MNC- multinational corporations

Mura at Flexible Labor – Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na

Palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng

Pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng

Paggawa ng mga manggagawa.

Netizen- ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa

Usaping panlipunan maging ito man ay politikal, ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang
midyum ng pagpapahayag

Outsourcing- paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang

Kompanya na ang pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang

Mapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.

Perennial institutions – matatandang institusyong nananatili pa rin sa

Kasalukuyan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at paarala n dahil

Sa mahahalagang gampanin nito sa lipunan

PLEP – Philippine Labor and Employment Plan, binuo ng Department of

Labor and Employment o DOLE upang ilatag ang mga pagtataya sa

Kalagayan ng paggawa sa bansa sa nakalipas at sa mga susunod pa na 70

Mga taon
Glosaryo Aralin 3

Anti-Violence Against Women and Their Children Act – Isang batas

Na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga

Anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at

Nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Bakla – Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki, may iilang

Bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae.

Babaylan – Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at

Maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.

Bisexual – Taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa

Kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng kaparehong atraksiyon

Sa katulad niya ng kasarian

Female Genital Mutilation – Isang prosesong pagbabago sa ari ng

Kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong

Medikal.

Foot Binding – Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China.

Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada

Gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampak an.

GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms

Integrity, Leadership and Action) – Isang samahan sa Pilipinas na

Laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan

Na tinaguriang bilang Seven Deadly Sins Against Women.

Gender – Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na

Itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

Marginalized Women – Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na

Kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo

Ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.

Lesbian– Tinatawag ding tomboy, mga babae na ang kilos at damdamin

Ay panlalaki; babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.


LGBTQ – Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual,

Transgender, at mga di tiyak.

Oryentasyong Seksuwal – Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na

Makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal,

Seksuwal; at malalim na pakikipagrelasyong seksuwal sa taong ang

Kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya , iba sa kaniya, o kasariang

Higit sa isa.

Queer o Questioning – mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado

Ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.

Purdah – Pagsasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu sa India ng

Pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha

At maging ang hubog ng kanilang katawan.

Sex – Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na

Nagtatakda ng Pagkakaiba ng babae at lalaki.

Transgender – kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay

Nabubuhay sa maling katawan, ang kanyang pag-iisip ang

Pangangatawan ay hindi magkatugma , siya ay maaring may

Transgender na katauhan.

Women in Especially Difficult Circumstances – Babaeng nasa

Mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng mga biktima

Ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng

Prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng

Nakakulong.
GLOSARYO 4

Bill of Rights (Katipunan ng mgaKarapatan) – tumutukoy sa mga

Karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng

1987 Saligang Batas ng Pilipinas

CHR – o Commission on Human Rights; komisyong itinadhana ng

Saligang Batas na maging malaya sa tatlong sangay ng pamahalaan

Ng Pilipinas na may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga

Karapatang pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang mga

Pilipinong nasa ibayong dagat

Civil Society – isang sektor ng lipunang hiwalay sa Estado. Binubuo

Ito ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang

Pagkilos, at mga Non-Governmental Organization/ People’s

Organization

Corruption Perception Index – isang panukat na naglalaman ng

Pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang

Bansa

Democracy Index – isang panukat na binuo ng Economist Intelligence

Unit na tumutukoy sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa

Buong mundo

Ekspatrasiyon – kusang loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan.

Hindi maaaring gawin sa panahon ng digmaan

Estado – isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng

Sumasakop sa isang tiyak na teritoryo, may panloob at panlabas na

Soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa mga

Mamamayan nito

Global Corruption Barometer – kaisa-isang pandaigdigang survey na

Nagtatanong sa opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang

Bansa

Good Governance – proseso kung saan ang mga pampublikong


Institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa

Sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang

Mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at

Korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law

Karapatang pampolitika – ang mga karapatang pampulitika ay

Patungkol sa karapatan ng mga mamamayan na makilahok a

Pamamalakad ng pamahalaan

Karapatang sibil – ang mga karapatang sibil ay yaong ipinagkakaloob

Sa tao upang matamasa ang kaligayan sa buhay. Kabilang dito ang

Karapatan sa buhay, kalayaan at pagtatamao ng kasiyahan sa buhay

Karapatang sosyal – ang mga karapatang panlipunan o sosyal at

Ekonomiko ay yaong ipinagkakaloob upang matiyak ang kapakanan at

Seguridad ng tao. Ang karapatang mag-asawa, maghanapbuhay at

Magmana ng mga ari-arian ay ilan sa mga halimbawa nito

Korapsyon – o katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan

Upang palaganapin ang pansariling interes

Magna Carta – dokumentong nilagdaan ni Haring John I ng England

Noong 1215 na naglalaman ng ilang karapatan ng mga taga-England

At naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England

Mamamayan – pinakamahalagang elemento ng estado. Ang mga tao

Ang namamahala at nagsasagawa ng mga gawain ng estado. Kung

Walang mamamayan, hindi magkakaroon ng isang estado

Naturalisasyon –prosesong pinagdaraanan ng isang dayuhang

Nagnanais maging mamamayan ng isang estado

Non-Governmental Organization (NGO) – isang uri ng boluntaryong

Organisasyong naglalayong magbigay ng suporta sa mga programa ng

Mga People’s Organization

Pagkamamamayan – (citizenship) pagiging miyembro ng isang

Samahang pampolitika at may karapatang sibil at politikal.

Participatory Governance – isang uri ng pansibikong pakikilahok


Kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng

Pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa

Suliranin ng bayan

Participatory Budgeting – proseso kung saan magkasamang

Babalangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan ang budget ng yunit

Ng pamahalaan

People’s Organization (PO) – isang uri ng boluntaryong

Organisasyong naglalayong isulong ang interes o kapakanan ng sektor

Na kinabibilangan ng mga miyembro

Polis – tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na

Binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan

Porto Alegre – lungsod sa Brazil na nagpasimula ng participatory

Governance

Repatrasiyon – kusang loob na pagbabalik sa dating

Pagkamamamayan

Saligang-batas – isang katipunan ng mga pangunahing simulain,

Pamantayan at doktrinang dapat sundin ng mga mamamayan.

Nakasaad dito ang mga kapangyarihan ng pamahalaan at ang mga

Karapatan at tungkulin ng mga mamamayan upang maging matibay

Ang pagkakabuklod ng sambayanan

UDHR – o Universal Declaration of Human Rights ay mahalagang

Dokumentong tinanggap ng UN General Assembly noong 1948 na

Naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng

Mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural

You might also like