You are on page 1of 79

The Bride

by Rheinielle

"Aanhin ang isang pagmamahal na di pa napapanahon? Ang paghihintay ay nakakabagot


ngunit papaano tatakasan ang wakas?"

"Will time tick back for this kind of love to happen?"

=================

GB1

It all started with that weird dream. Hindi ko alam why I am having that dream ng
paulit-ulit. I seek advise pero wala din eh!

"Aray! Jamie ano ba?!"

Ngisi lang tugon nito. Kasalukuyang magbabakasyon ang buong barkada tungo sa bayan
ng Sto. Niño, which is hometown ng kaberks naming si Carmela.

"Carms, matagal pa ba?," reklamo ng pinakabugnutin sa amin na si Sandy.

"Iliko mo sa kaliwa DJ!," Carmela shouted sa driver/bf nya.

Agad namang niliko ni DJ ang van tsaka bumaling sa amin sa likod, "Guys paabot
naman ng chips at tubig."

Inabutan naman sya kaagad mahirap na baka pag mainis mapauwi kami ng di oras eh
madaling mapikon.

"Sound trip muna tayo!" sigaw ng astiging si Ashton. So yun sound trip muna
palakasan pa nga ng birit ang peg kaso nakakabore.

"Carms, magkwento ka naman tungkol sa town nyo. Ang sakit na kasi sa tenga yung
boses palaka ni Jamie," balin ko kay Carmela.

Ngumiti sya bago pinatay ang stereo sa bwisit ng nakararami.

"Hey, bakit nyo pinatay ang stereo?"

"Curious ba kayo sa pupuntahan natin?"

"Oo," sabay-sabay naming sagot.


"Okay, nakikita nyo ba yung school sa harap?" tanong at turo ni Carmela sa isang
public school. Medyo may kalumaan na ito base sa mga old buildings na nasa compound
nito. Tumango kaming lahat bago ipinukol ang tingin sa taga-rito.

"So what's the catch?" taas kilay na tanong ni Sandy.

Tumikhim muna si Carmela bago nagkwento, "Taong 1937 ng itatag ang Sto. Niño
Integral High School. Ayun sa mga matatanda, naging kuta raw ito ng mga Hapon noong
world war two. Marami raw ang napaslang within those walls kaya marami ang mga
galang kaluluwa dyan."

"Creepy!" maarteng saad ni Sandy habang yakap ang sarili.

"Anyway, di mo naman dapat sila katakutan eh. You should symphathize with them
lalung-lalo na kina Alejandro at Serefina."

"Bakit? Anong sinapit nila?" I asks kasi parang familiar sa akin ang mga pangalang
nabanggit.

"Well, sabi nila lola Nena, my great grandmother, si Alejandro at Serefina raw ay
magsing-irog at nabibilang sa alta sociedad. Matalik kasi na magkaibigan sina lolo
Fidel, asawa ni lola Nena ko, at Alejandro kaya alam nya ang sinapit nang dalawa.
Wala naman daw ang may tutol sa pagmamahalan nila pero nagulat na lang ang lahat sa
pagsapit mismo ng pag-iisang dibdib nila ay biglang naglaho si Serefina na parang
bula. Sinuyod ng buong bayan ang lahat na pwede nilang mapaghanapan pero wala
silang makita kahit man lang anino nya.

"Umuwi raw ng gabing yaon si lolo Fidel sa kanila na hapung-hapo sa paghahanap sa


dalaga. Binangungot daw sya at para bagang wari ay nasaksihan nya ang isang krimen
pero malabo raw ang mga anyo ng biktima. Pero ang napansin nya nakapangkasal ang
lahat ng mga nasa paligid."

"So? Eh wala namang nakakatatakot sa kwento mo Carmela. Very cliché pa nga," sumbat
ni Jamie. Inirapan naman sya ni Carmela bago ipinagpatuloy ang kwento.

"Jamie manahimik ka nga! Kitam na may nagkwekwento eh! So guys, ito ang catch,
according to lolo Fidel, blurred man daw yung biktima, pero yung place hindi. So
kinaumagahan dali-dali syang nagpunta kina Alejandro at Serefina upang isalaysay
yung bangungot nya kasi malakas ang kutob nyang si Serefina yung isa sa biktima."

"Ah, sa school yung place na nakita ng lolo Fidel mo sa nightmare nya," realization
finally hits Ashton. May pagka-slow kasi.

We all shoot him the unbelievable face. Kahit kelan talaga!

"Hey, hon, saan ba ang bahay nyo?" baling ni Daniel sa amin.


"Yung bahay na katabi ng isang lumang bahay dyan sa may dulo ng lilikuan natin,"
Carmela instructed.

Agad namang napukaw ang pansin ng bawat isa kasi napakahomey ng atmosphere sa Sto
Niño. Pinagmasdan ko na lang ang dinaraanan namin. Maraming kabahayan at mga kahoy
na makikita sa daan. Ang mga tao naman ay abala sa pagbibilad ng kanilang ani.
Nakakarelax ang view ng biglang mahagip ng tingin ko ang isang puno ng acacia sa di
kalayuan. Medyo may katandaan na ito pero hindi ito ang nakatawag sa aking pansin
kundi ang tila lalaking nakadamit pankasal. Namamalik-mata yata ako! I blinked to
see kung Tama ba ang nasaksihan ko but the image just goes away and it gives me the
shivers nang biglang, "Hoy!"

"Ay talangka!" nasambit ko sa pagkabigla, "walang gulatan naman oh!"

"Andito na tayo Rhei. Ang ganda pala ng face mo pag gulat," sabay tawa ni Daniel.

"Sige mangantyaw ka pa Dan," bago ako nagwalk-out tungo kina Carmela.

=================

GB2

Maingay ang grupo namin and for sure marami ang mabubulabog ngayong gabi.

"Hoy! Akin na nga yang camera Dan!" Pilit kong pag-agaw sa digicam dahil kanina pa
kuha ng kuha ng mga stolen shots si Daniel.

"Say pangit!," sabay pindot ng cam. Kainis ka talaga!

"Dyan ka na nga! Guys, matutulog na ako," baling ko sa iba bago tumungo sa room na
nakalaan for girls.

"Hoy pikon, balik rito!" Pahabol pa ng kumag na si Dan. Bwisit talagang alaskador!

"Che! Si Carmela na lang sutilin mo!" Nagtawanan ang buong grupo sa sinabi kong
ito.

"Oo nga bhe, bakit lagi mong inaasar si Rhei?"

"Eh kasi," malambing na tugon ni Dan, "ayaw kong mag-away tayo kaya si Rhei na lang
kasi epic kung makareact eh!"
Bwisit talaga! May araw ka rin kutong-lupa. Padabog na lang akong umalis at natulog
na lang. Bukas ako gaganti!

Pilit kong tumatakbo ngunit laging nasasabit ang traje de boda ko. Naririnig ko ang
halakhak ng mga hinayupak at paniguradong naririto lamang sila sa malapit.

Takbo, lakad ngunit tila walang kapaguran ang mga unggoy. Hingal na hingal na ako
ngunit di pa ako maaaring tumigil dahil kung magkagayon, ay tiyak na katapusan ko
na.

Maalinsangan at tirik na ang araw. Hindi ito ang aking inaasahan kagabi sa araw ng
aking pag-iisang dibdib sa aking irog. Bakit tila ba kinukutya ako? Masayang
nagsisi-awitan ang mga pipit at loro sa himpapawid samantalang ako'y nagdurusa dito
sa ibaba!

Lumingon ako sa likod ko upang siguraduhing nailigaw ko na sila, ngunit dahil dito
di ko na napansing bangin na pala ang nasuungan ko.

"ARAY!" napabalikwas ako ng bangon eh ikaw kaya ang masapak ng pagkalakas-lakas.

"Hay, salamat, bestie," buntong-hininga ni Carmela, "buti na lang nagising ka!"

"Oo nga Rhei, grabe ka makasigaw parang nakalunok ng amplifier," pangagagad pa ni


Dan.

Inirapan ko na lamang ang damuho at muling hinarap si bestie, and doon ko nalamang
sigaw raw ako ng sigaw kaya agad sumugod ang buong barkada ngunit di raw nila ako
magising not until Carmela slaps me hard tsaka lang ako natauhan. In return, I told
them about my nightmare at hanggang ngayon nga ay tila pagod at hingal pa ako.
Weird pero di ko na pinagtuonan pa ito kaya hayon, kung saan-saan na napunta ang
usapan hanggang sa makatulog na kami ng di namin namamalayan.

Tanghali na kami nagising at medyo tinatamad pa lahat bumangon ngunit kinakailangan


para masulit ang bakasyon dahil may pupuntahan kaming museum raw sa kanilang bayan
according to Carmie.

"Hoy, mga 'tol, matagal pa ba kayo?" mabugnuting tanong ni Ashton.

"Andyan na Ash!" sigaw ni Jamie, "Huwag mainip kung ayaw mong magka-wrinkles,"
patuloy nya pang pang-aasar kasi reversal of roles ikanga kasi litanya ni Jamie
yung sinambit ni Ashton and vice versa.

As usual si Dan ang driver kasi ingat na ingat sya sa kanyang Subaru kaya walang
tiwala sa amin although capable naman kaming lahat magdrive. Ewan ko ba sa damuhong
iyon, buti nga di pa nagseselos si Carmela sa sobrang pag-iingat ni DJ sa Subaru
nya.
Oh well, bakasyon namin ngayon so dapat huwag intindihin ang mga stressful things
gaya ng kaabnormalan ni DJ.

Nasa daan na kami nang mga sandaling iyon ngunit di ko mawari na tila ba may mga
matang nakatitig sa akin although it is impossible kasi nasa bandang likod ako
nakaupo at tanging kasama ko rito eh si Sandy na nakabeauty sleep mode. Si Ash at
Jamie patuloy pa rin sa harutan sa gitna while Carmie and Dan are having sweet
moments sa unahan. Weird.

Di ko namalayang nakaidlip ako sa byahe dahil bigla na lamang akong nagising dahil
biglang tinapakan ni Dan ang brake.

"Shit!" Dan cussed while staring daggers at the road ahead, "bwisit namang ikakasal
yan oh! Ikakasal na nga may balak pa atang magpakamatay tapos mandadamay pa!"
litanya nya pa rin.

Pilit naman syang pinapakalma ni Carmela, "Its okay, bhe, at least di tayo napaano.
Cool lang bhe, tara tuloy na lang tayo at malapit na ang museo na tinutukoy ko."

"Hey what happened? Did we have an accident or something?" maarteng pagtatanong ni


Sandy.

"No, Sandy, nagkalindol lang naman kaya nagpreno si Mr. Chaffeur," sarkastikong
tugon ni Ash na mas lalong kinainisan ni Sandy. Oh well, at least di kami napaano
but I'm curious sa mga sinabi ni Dan kanina. Makapag-usisa nga!

"Jamie palit tayo ng pwesto dahil alam kong sawa ka na sa malakas na hangin," tukoy
ko kay Ashton.

Nakipagpalit agad si Jamie kasi alam kong nayayabangan na ito kay Ash na kababata
nya. At ako naman, diretso nang umusisa sa lover birds.

"Carms," sabay tapik ko kay bff, " bakit nagpreno si Mr. D?"

"Ewan," kunut-noong sagot nito, "pero I'm sure wala akong nakitang tumawid. Nagulat
nga ako nang biglang nagpreno si bhe."

"Sure ka? As in zero? Wala kang nakitang tumawid kahit anino nito?"

"I'm pretty positive!"

Nasa ganitong discussion kami ng biglang sumabat si Ash at Dan.

"Nakita ko rin yung nakita ni bro," seryosong pahayag ni Ash.


Napalingon kaming dalawa ni Carmie sa kanya. Doubt written on our faces. Ngumiti
lamang si Ash bago itinuon ang paningin sa labas. Sinundan ko ang tinitingnan nya
and I am surprised kasi yung matandang puno na nadaanan namin kahapon yung
tinitingnan nya.

"Carmie," tawag ni DJ sa kasintahan, " naaalala mo ba yung kinuwento mo sa akin


noong nanood tayo ng White Lady ni Angelica Panganiban?"

"Yeah, bakit?"

"I think she is real. We finally meet the legendary bride of Sto. Niño," kalmadong
pahayag ni Dan.

"Hey walang takutan naman oh," saway ko kay Dan kasi kinikilabutan na ako. My hairs
are all standing up sa creepiness ng statement ni Dan. Ang mokong ay tumawa lang at
pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Natahimik kaming dalawa ni Carmie kasi pareho kaming takot sa mumu isama na rin
pala si Sandy. Hindi na kami umimik ni bff ngunit bakas sa aming mukha ang takot at
pangamba. It seems that it is only the very beginning.

=================

GB3

@verronica14, I dedicate this chapter to you. Enjoy reading and comment lang ng
comment hehe!

Time flies fast when we least expect it but, it seems that time has stopped ticking
for us.

Sa wakas narating na namin ang Museo de Alefina. According kay Carmie, we have to
know everything about Alejandro and Serefina if we want to know Sto. Niño even
better.

The museum is located at Serefina's ancestral house. Every fixtures dates back to
the Serefina's time. Her room on the second floor is preserved just like it used to
be nang bigla itong naglaho ng parang bula. The first floor is dedicated to Sto.
Niño's past and heritage samantalang ang ikalawang palapag ay nakalaan para sa
magkasintahan. The annex building contains news clippings, books, and any related
reading materials regarding the fated lovers.

Hindi ko alam kung saan nagmula ang hinalang kaya kami pilit dinala rito ni Carmie
pumunta ay upang hanapan ng kasagutan ang kababalaghang nangyayari sa kanilang
bayan. Bigla kasi akong nagduda dahil simula ng tumuntong kami sa bayang ito, some
of us are already acting weirder than usual.

"Hoy Carmela, bakit mo ba kami dito dinala?" tanong ni Jamie habang sinusuring
mabuti ang kabuuan ng museo. Mahilig kasi sa architecture kaya ganyan, sinusuring
mabuti ang mga gusali.

May kalumaan na ang bahay na bato nila Serefina. I think it dates back to the
Spanish years kasi katulad ito ng mga bahay sa Vigan. Anyways, very well-maintaied
naman ito kaya maliit lang ang chance na bibigay ito during our visit. What? I'm
just trying to lighten the mood kasi masyado nang natatakot ang ate nyo!

Anyways, buti na lang ang curator ng museum ang gumabay sa amin. Ipinaliwanag sa
amin ang mga stories behind each items and displays hanggang sa umakyat na kami sa
ikalawang palapag. Ngunit bago kami tumuloy ay nag-aya ang curator na uminom muna
ng tsokolateng pinagmamalaki ng bayan nila.

Kasalukuyan kaming kumakain sa opisina ng curator nang mabuksan ang topic na


pinakaiiwasan kong marinig coz there's a part of me that says what happens in the
past must remain in the past but then, I'm a curious cat!

"Sir," umpisa ni Ash, "sino ho ba si Serefina? Plus, what happen afterwards nung
mawala sya?"

Natigilan ang matandang curator na si Mr. Arturo Galang. Tumikhim muna ito bago
hinarap ang aming grupo. Tinitigan nya kami ng isa-isa tsaka bumuntong hininga at
nagwika, " Si Serefina ay isang alamat na sa bayang ito. Gaya nyo, ako rin ay
banyaga rito sa Sto. Niño but curiosity got the better of me when I heard about
her. Kaya heto, narito ako patuloy pa rin sa pananaliksik at paghahanap ng
kasagutan ngunit ano ba ang nais ninyong malaman?" malumanay niyang tanong sa amin.

"Uhm, Mr. Galang," alanganing pagsisimula ni Sandy, "who the hell really is
Serefina? Lagi kong nahehear Serefina this Serefina that! I'm getting annoyed na!"

Natawa na lang si G. Galang sa pag-iinarte ni Sandy. " Alam kong maaaring makarinig
kayo ng bulung-bulungan ukol sa kanila considering Carmela here, is a direct
descendant of Alejandro's good friend, Don Fidel Manzano."

"Ayon sa mga old timers, after Don Fidel has that dream," tumingin sya kay Carmie,
"which I hope, naikwento na ni Carmela dahil ito ang mga known facts, but after
that, mga haka-haka na lamang ng mga matatanda ang syang pumuno sa kuryosidad ng
buong bayan."

"Unahin muna nating talakayin ang haka-hakang pinaniniwalaan ng nakararami. Ayon sa


mga matatanda, matapos halughugin ng buong bayan ang lugar sa panaginip ni Don
Fidel ay di nila nahanap si Serefina ngunit tanging veil at isang sapatos lamang
ang kanilang natagpuan, at ang nakakapanibugho ay lahat ng gamit na natagpuan ay
may bahid ng dugo. Nakadisplay sa taas ang mga ito na makikita nyo rin mamamaya.
But going back sa story, sabi ng ilan na maaaring nawala sa gubat si Serefina dahil
karugtong lamang ng eskwelahan ang gubat. Marami rin ang naniniwalang may
engkantong umibig sa kanya at dinala sya sa kanilang daigdig ngunit, mas kapani-
paniwala ang balitang nakursunadahan sya ng mga Hapones at maaaring ginahasa at
pinatay sa kagubatan."

"Though iba't iba ang sapantaha sa tunay nyang sinapit, iisa lamang ang
napagkasunduan ng matatanda, lagi syang naririyan at nagmamasid na tila ba
hinihintay pa rin ang kasal nila ni Alejandro doon sa dati nilang tagpuan sa punong
matanda na nadaanan nyo papunta rito."

Nasamid si Dan sa pag-inom nang marinig ang mga huling winika ni Ginoong Galang,
"Kung ganoon totoo ang nakita ko? Kasi kanina may biglang tumawid na babaeng
nakabridal attire!"

Napatili ng di oras si Sandy, "Hey no takutan naman, oh!"

Tinawanan lang namin si Sandy at muling ibinaling ang atensyon kay G. Galang. Lahat
kami ay humihingi ng explanation sa tinuran kanina ni DJ.

Mr Galang sighs before continuing, "Well, if that is the case, you've met her then.
Di ko alam kung bakit sya nagpapakita ngunit every time na ninanais namin syang
makausap, ay tumatahimik sya at naglalaho. Sabi ni Doña Nena, ang haka ng
nakararami ay mayroon daw dugong mangkukulam si Serefina kaya ganyan ang kaluluwa
nya because her soul cannot enter hell nor heaven and that is her punishment, to
forever roam the earth."

"So, if those are the rumors, eh ano naman po ang totoo?" tanong ko sa curator coz
mas lalo akong nacurious and subconsciously, tila pamilyar ang mga pangyayari. You
see, I have this feeling na I'm experiencing a de javú though I am not sure why.

"Well, there are a lot of rumors that abounds here but what I have related to you a
while ago, is the most popular one plus, I have seen her too," Mr. Galang said in
such a mysterious tone ngunit, bigla syang tumawa na kinaewanan naming
magbabarkada.

"Oh well, since no one really knows what Serefina's fate is, it is a good thing
that we know what becomes of Alejandro," malumanay niyang saad, "but, mas mabuting
ipagpatuloy natin ang tour sa museo."

And that's it! We continue the tour...

=================

GB4

"Mahalimuyak na amoy ng dama de noche at rosas ang syang pumapailang-lang sa


malamig ng simoy ng hangin. Maliwanag ang buwan sa gabing ito at tila napakapayapa
ng buong sanlibutan ngunit...
"Iyak, panaghoy, sigaw, ang syang laging naririnig sa buong araw at magdamag.
Naririyan ang mga mananakop na walang awang umaapi at dumudusta sa atin! Ano ba ang
ating pagkakamali upang ang Diyos ay mamuhi sa atin ng ganito?

" Sana nga sa araw na itinakda, ay maibsan man lamang kahit panandalian ang takot
at pangambang nararamdaman ng buong bayan ngunit, di maaalis sa akin ang patuloy na
magalit pagkat ang mga sakang ay tila hayok na hayok sa kanilang pagtitig sa mga
mutya ng bayan!

"Mahal kita at patuloy pa ring mamahalin hanggang sa libingan ngunit di ko maalis


sa aking sarili ang mangamba para sa iyo, oh irog ko. Kung alam mo lang sana...
kung alam mo lang..."

Isang lalaking humahagulhol sa katahimikan ng gabi; mga salitang tigib ng nag-aapoy


na damdamin. Naririyan ang takot na di maiibsan ngunit...

...nag-iiba ang pangyayaring akala natin ay totoo...

"Bakit? Sabihin mo bakit ganito ang nararamdaman ko? Tila ba ako pinaglaruan!
Fidel, bakit? BAKIT?

"Di ko matanggap! May mali ba sa akin, Fidel? Dahil kung mayroon man, ay nais kong
malama't maunawaan upang sa gayo'y malalaman ko kung paano kikilos sa susunod...sa
susunod na muling maglalandas ang aming daang tinatahak...

"Fidel, kaibigan, umibig ka na ba ng kasing tindi gaya ko? Mahal mo ba ang aking
kakambal kahit sya ay may kakulangan? Masaya ako pagkat payak ang inyong
pagmamahalan di tulad ng sa amin, wala man humahadlang, ngunit marami namang bundok
na kailangang akyatin. Oo, aaminin ko, kinaiingitan ko kayo ni Pacencia pagkat iba
kayo.

" Ibang-iba sa pagmamahalan namin. Minsan, naiisip kong ako na lamang ang tanging
may alab sa kanyang puso. Napapansin ko rin sa tuwing magigisnan nya kayo ni Nena,
tila ba may lungkot na lumalambong sa kanyang mukha.

"Ngumiti man sya sa tuwing ako'y magtatanong, pansin ko pa ring may tinatago sya.
Nagugulumihanan na ako Fidel!

" Samakatuwid baga'y, wala nang katuturan pa ang lahat-lahat. Magdusa man ngayon
ang bayan, bukas makalawa ay babangon itong muli mula sa alabok gaya sa ibon ng
mitolohiya di tulad sa isang mortal na pag nawala na'y di na muling makakabalik."

Patuloy pa rin ang panaghoy ng pusong lito. Patuloy pa rin sa pag-inog ang mundo sa
kabila ng digmaang nagaganap at patuloy pa ring dumudugo ang pusong tinalikdan...
"Oo, Nena, aaminin ko na nanlalamig ako sa kuya mo ngunit di mo ako masisisi! Sa
tuwing kami ay magkakasama, nasasakal ako sa kanyang pagmamahal! Sabihin nyo nang
makasarili ako, ngunit mas mahal nya ang bayan at sa tuwing naririnig ko ang maalab
nyang adhika ay tila nakikipagkompetensya ako sa bayang ito sa kanyang pagmamahal.

" Di mo man ako marinig o masumbatan, alam ko na naiiintindihan mo ako. Gusto ko


mang umayaw sa itinakdang araw, ay wala akong magagawa dahil mapapahiya lamang sila
ama't ina. Labis ko silang mahal ngunit ayaw ko na...

"Nais kong makaalpas sa hawlang aking kinasasadlakan. Nais kong maging malaya tulad
ng agilang lumilipad sa himpapawid. Marami akong nais, ngunit babae ako, walang
kakayahan sa mata ng lipunan.

" Sa tingin mo Nena, pag ako'y naglaho tuluyan kaya kaming sasaya ni Alejandro?
Mahal ko ang kapatid mo ngunit, gusto kong alamin muna kung sino ako bago ang
lahat."

PAK!!!

"Aray!" napasigaw ako sa sakit at hinawakan ang nasaktang pisngi bago binalingan
ang ngingiti-ngiting tukmol na si Ashton, "Hoy, bakit mo ako sinapak!?"

"Ang weird mo kasi nananaginip ka ng gising! Bangag ka ba?" may kapilyuhang tanong
ni Ash.

"FYI, Ashton, di ako naka-high! Baka ikaw ang humihithit kaya ka abnormal!" ganti
ko sa kanya na ikinahagikgik ni Sandy at Carmela. Napailing na lamang ang iba at
ipinagpatuloy namin ang pagmamasid sa mga displays sa museum. Nakalayo na sila pero
parang nakatulos ako sa aking kinatatayuan makita ko ang paintings na nakasabit sa
wall.

The two looks familiar but both portraits has the same sadness etched in their
eyes. Matagal ko silang tinitigan pilit na inaalala kung sino sila hanggang
napadako ang aking tingin sa ibaba ng mga paintings---NAMEPLATES.

SEREFINA ALVAREZ y INOCENCIO(May 17, 1908-unknown)

ALEJANDRO LAZO y IBARRA(November 17, 1908-unknown)

UNKNOWN?!

PAK!!!

"Hoy! Nakararami na kayo ah!" angil ko sa kanila ngunit tinawanan lang ako ng mga
damuho. Leche, bakit naging kaberks ko pa 'tong mga ungas na ito!
"Hey napatunayan na pong walang namamatay sa death glare," pang-aasar pa ng
alaskador na si Ash.

"Your creeping me out, Rhei, bakit ka tulala? Siguro you can't move on kay Dennis
na naging Denniese ano?" panghuhula pa ni Jamie.

Shit! Paano nila nalaman yun? That is supposed to be a secret unless someone spills
the beans...CARMELA...the only one who knows...oh well, gaganti ako sa pananapak at
pang-aalaska nyo mamaya!

AUTHOR'S NOTE

RIC RODRIGO as ALEJANDRO LAZO y IBARRA

=================

GB5

Panay ang tili nina Sandy at Daniel habang binabaybay namin ang pomosong hanging
bridge sa bayan nila Carmela, stretching about 300 meters long.

Nasa kalagitnaan na kami and things are getting even better! Si Sandy, as usual
maarte, while Daniel has fear of heights. Ang gago kung makaasar sa akin wagas,
pero takot pala sa matataas! Sweet success!

Sabi ko na nga ba at makagaganti rin ako. Napangiti na lang ako dahil umaayon lahat
sa ninanais kong pang-aalaska rin sa mga tukmol.

"Dalian nyo guys!" sigaw ng nangungunang si Carmela, "I'm hungry already!" at


tumakbo ito patungo sa kabilang ibayo.

Mas lalong umalog ang tulay sa ginawa ni Carmie kaya napasigaw na rin ako along
with Sandy and Dan. Bwisit naman bff alam naming gutom ka pero di mo namang
kailangang tumakbo sa hanging bridge just to prove your point.

Matagal bago kami nakahuma sa biglaang pag-alog ng tulay at nang marating namin ang
kabilang panig, ay nakabusangot na si bestie sa kahihintay sa amin. Agad akong
napaupo nang makatawid na kami at agad na sinapo ang ulo. Siete, nahilo ako dun ah!
Parang babaligtad ata ang sikmura ko nang di oras...

"Gutom na ako," muling maktol ni Carmela habang tinititigan kaming lahat. " Bhe,
five minutes more," hirit ni DJ habang hawak ang sikmura, "I-I need to regain my
strength first!" at saka sumuka na ikinapandiri naming lahat!
Hay, kasalanan ito ni bff! Kung di lang sya nagpumilit na bisitahin ang tito't tita
nya rito, malamang we don't have to endure a roller coaster ride. Anyways, nang
mahimasmasan na ang lahat, ay pinagpatuloy na namin ang paglakad tungo sa tito
Menandro ni bestie.

Medyo may kalayuan ng kaunti ang tahanan ng tito ni Carms at nang makarating kami,
it is already half past twelve sa tanghali but, sulit rin ang pagod kasi
nakakahalina ang buong paligid ng bahay.

Tila nakapaloob sa gitna ng gubat ang bahay although, pinalibutan lang ang buong
bakuran ng punong kahoy at marami ring kapitbahay na nakapaligid sa tahanan medyo
layu-layo nga lang. Tito Menandro's house, itself, is imposing. Para kang nasa
1800s kasi very Hispanic and Castillan ang archi ng house tulad dun sa museum na
binisita namin kahapon.

Tito Menandro is the younger bro ng dad ni Carmie. Siya rin ang governor sa
probinsya nila bff at ngayon, abala siya sa kapitolyo at ang buong family nya, nasa
pinakasentrong bayan dahil halos naroroon ang buhay ng buong mag-anak. This house
only serves as a vacation/retreat house kaya naman pinahintulutan kami na dumito-
rito rin habang nagbabakasyon. Well, this is what bestie says kanina.

Kung gaano kaganda sa labas, mas magara ang interior ng bahay! Madatung talaga ang
angkan nila bestie, oh well, I'll feast my eyes later kasi kumakalam na si tummy!

Pinaghain kami ni Manang Fely, ang mayordoma, at oh grave!!! Ang sarap kumain...

Isang tinig na ubod ng kay tamis ay syang aking naulinigan roon sa dakong ibayo.
Bawat notang sinasambit ay tila galing sa isang anghel na bumaba sa lupa.

Lagaslas ng tubig. Anas ng hangin. Masamyong pag-aawitan...Kay tamis noong una, kay
pait ngayon...

Bakit nagkaganito ang pulut-pukyutan nating pagmamahal? Saan ba nag-umpisang


tumamlay ang pagsinta natin sa isa't isa?

Ganyan rin noong una, umaawit ka ng tulad sa isang anghel at ang isang mortal na
tulad ko'y tunay ngang nahalina. Simula noon ay inibig na kita nang higit pa sa
pagmamahal ko sa aking sarili't mga magulang ngunit...

...ngunit lahat pala ay mawawalan rin ng saysay. Umawit ka man ngayon tulad ng
dati, ay di mo na muling mabibihag pa ako. Ang nasira na ay di na muling maibabalik
pa sa orihinal nyang kaanyuan pagkat gaano man kagaling ang pagkakakumpini, ay
magkakaroon at magkakaroon pa rin ng lamat.

Patawad kung sa tingin mo ako'y nagkulang. Patawad rin kung di ako makakasipot sa
ating kasal. Paalam mahal ko, sana'y mahanap mo ang makapagpapaligaya sa iyo.
Alejandro Lazo.

"So, ito is?" tanong ko kay Carmela habang tinititigan ang old letter na naka-frame
sa library ng bahay.

Saglit na tinitigan ni Carmela yung tinutukoy ko hanggang realization hits her.

"Ah, yan ba? Ang pagkakaalam ko, sinulat yan ni Alejandro for Serefina kasi may
doubts sya sa relationship nila and yan nagkacold feet at aatras sana sa kasal nila
pero yun nga," pagkikibit-balikat ni bff at saka iniwan nya ako kasi hinahanap nya
pa yung librong nais nyang basahin.

Well, ang sad ng story ng loverbirds pero, kiber ko! As if may maitutulong ako sa
happenings noon.

Panay ang hagalpakan nila Ash at Dan habang kaming mga girls, naweweirduhan sa
dalawang syokoy. Ewan ba kung bakit biglang tumawa yung dalawa habang nagvivideo
oke kami. Paminsan-minsan silang susulyap sa amin tapos muli silang tatawa! Creepy.

"Shut up nga!" sigaw ni Sandy. Nakakuyom na ang mga kamao nito at namumula na sa
galit. Lahat kami napatitig sa kanya pero yung dalawang tukmol walang kiber at
pinagpatuloy pa ang hagalpakan hanggang sa biglang nagwalk-out si Sandy.

Di kami agad nakahuma sa ginawa ni Sandy dahil kahit maarte yan eh sya ang
pinakamabait sa amin. Sinundan ni Carmela si Sandy habang kami ni Jamie ay inirapan
ang dalawang Adan. Apparently, di pa ako kuntento sa pag-irap sa dalawa dahil
bumalik ulit sila sa pagtawa pero naunahan ako ni Jamie.

Lumapit ito sa dalawa at walang anu-ano'y pinag-umpog nya ang dalawa bago nagwalk-
out. Napanganga ako sa ginawa nya while the two boys held their butted heads at
dumaing sa sakit.

"Aray," daing ni Ashton at binalingan ako, "anong problema nun?" maang nyang tanong
na ang tinutukoy ay si Jamie.

Napaface palm na lang ako. Kahit kailan talaga slow!

"Eh bakit kayo kasi tawa ng tawa dyan?" anggil ko sa kanya.

"Eh ano ngayon kung tumatawa kami? Bakit bawal ba?" pambabara naman ni Daniel.

"Eh bakit ganoon ang reaction ni Sandy?"

"Ewan ko," painosenteng sagot ni DJ na agad dinugtungan ni Ash, "Pre, baka akala
nun tinatawanan natin yung epic nyang cooking skills!"
Pagkarinig nito ay agad kong tinaas ang kilay ko sabay irap sa dalawa. Iniwanan ko
na lang baka di ako makapagpigil eh maipa-salvage ko ng di oras!

Joke!

AUTHOR'S NOTE

SUSAN ROCES as SEREFINA ALVAREZ y INOCENCIO

=================

GB6

"A house is not a home when there is no love that abounds within its walls. Dahil
kung walang pagmamahal, ay aanhin pa ang karangyaang di naman kayang punan ang
kahungkagan ng damdamin."

"Wow Sandy lalim ah!" palatak ni Ashton habang binabasa ang sinusulat ni Sandy.

"Huwag ka ngang epal Ash!" sabay pagkukubli sa kanyang gawa. Well, columnist si
Sandy sa isang national broadsheet kaya di nakapagtataka kung medyo malalim rin
magsalita minsan.

Lumapit si Dan sa dalawa at biglang binatukan si Ashton. Agad nagreact si Ash sa


ginawa ni Dan.

"Ba't ka nambabatok?" galit nyang tanong.

"Akala ko ba nag-usap na tayo tol? Di ba ikaw ang representative?"

"Ah," realization hits Ash at last, "Sandy, sorry nga pala kanina," sincere na saad
ni Ash.

"We really do not intend for you to react like that," dugtong pa ni Dan, " well,
hindi ikaw ang tinatawanan namin kundi yung bubuwit nating kasama," sarcastic na
pagkakasabi ni Dan sabay lingon sa akin.

Hay naku, ako na naman ang nabalingan ng impakto! Pansin ko, namumuro na sa akin
ang bf ni bff kasi since we got here, mas lumevel up pa ang asar nya sa akin!

"Excuse nga," singit ko sa nag-uusap na tatlo at agad na hinarap si Dan, "Daniel


Jace Cortez, ano ba ang problema mo ha?" paninimula ko.
"Whoa!" pang-aalaska pa rin ni Dan, "what is going on in your head hothead?" at
ngumisi pa ang leche.

"I won't be angry if I don't have any valid reason, Dan, ewan ko kung bakit lumevel
up pa ang pang-aasar mo sa akin! Sabihin mo nga what is your problem with me!"

Saglit syang natigilan ngunit pagdaka'y tumawa ito ng nakakaloko tsaka nya ginulo
ang buhok ko bago nya nilisan ang verandang kinaroroonan namin na patuloy pa rin sa
kanyang pagtawa. GRRR!!!

Ganito ang scene na dinatnan ni Carmie at Jamie dahil sila ang naatasang gumawa ng
meryenda. Nagpalipat-lipat ang tingin nila mula sa akin to Dan's retreating figure.
Si Jamie na ang nagsatinig ng curiosity nilang dalawa.

"Anong nangyari?"

"As usual nang-asar yung isa, napikon yun isa and then nagkaroon ng confrontation
kaya, KABLOOEY!" patamad na sagot ni Sandy kasi nagkokonsentreyt sya sa column nya
na for sure deadline na.

"Carmela, pagsabihan mo nga yang nobyo mo na tigilan na ang pang-aasar kasi di na


nakatutuwa," payo naman ni Jamie.

Tumango lang si Carmela at agad na inilapag ang dala-dalahan upang aluin ako.
Humingi sya ng forgiveness on behalf of the jerk at hanggang nag-lift up na ang
tensyon sa atmosphere.

kriiing!kriiing!kriiing!

"Carmela, phone mo ata," sita ko kay bestie.

"Ay oo nga! Saglit lang ha," pag-eexcuse nya sa amin upang ireceive ang call.

Inabala ko muna ang sarili sa pagbabasa sa nahiram kong libro sa library. Well, its
Jane Austen I'm reading kaya medyo tutok ako coz I am a fan at saka, literature
major ako nung college so, no wonder hehe!

Ano kayang magandang ipagawa sa mga estudyante after ng vacation period? Book
report, poem analysis, in-depth analysis of author's style, or movie criticism? Ano
kaya?

Hay sumasakit ang utak ko sa kakaisip! Makakain na lang nga para maalis ang stress
dahil naaalala ko ka pa ang mga kagagawan ko noong college!
YES!!!

Three point shot na naman ng ace player ng College of Arts, Sciences, and Education
na si Dennis Almiron! Cheer lang ako ng cheer kasi ang galing nya! Oo, gwapo at
hunky dude din sya kaya todo cheer talaga ako!

"Rhei, tama na nga," awat sa akin ni Carmela, isang Elementary Education Major na
bff ko rin since day one.

"Bayaan mo na lang ako Carmela, it is my only chance to cheer si Crush,"


pagdadahilan ko.

"Pero, pinagtitinginan na tayo ng iba oh," sabay tiningnan ang mga tinutukoy.

"Let them be, bestie, inggit lang mga yan kasi di nila mavocalize yung admiration
nila kay Papa Den!"

"But, sure ka best?" alangang tanong ni Carmie, "kasi tingin ko nakakahalata na si


Dennis eh, panay ang tingin dito sa bleacher ng department natin."

"Eh?! Bakit di mo sinabi agad! Nakakahiya tuloy," paninisisi ko at agad akong umupo
upang takpan ang namumula kong mukha.

Tinawanan lang ako ni bestie. Nakakahiya talaga! Sabi nga, at di dapat ako nagkalat
ng ganito...

Days passed after the intramural pero di ko inaasahan na muling magkakalat na naman
ako pero this time, mas grabe at nakawiwindang!

Hindi ko alam why I wrote that stupid diary and brought it at school pero
nakabunguan ko si Dennis sa second floor landing dahil pareho kaming di tumitingin
sa daraanan namin. Tumilapon lahat ng gamit ko kasama na rin yung pink notebook ko-
slash-diary. Agad naming pinulot lahat ng gamit namin and wonder of all wonders,
nagkapalit kami ng notebook kasi iisa yung kulay at design ng diary ko at notebook
nya.

I didn't notice the swap not till the weekend kasi ginanahan akong magsulat bigla.
When I opened it, laking gulat ko kasi lectures ang nakasulat doon and not my
writings!!!

Wah! Major disaster!!!

Tinawagan ko agad si Carmela at together, we tried to solve together how my diary


was swapped. We went back sa going ons ng week na yon and every possible and
plausible situations where I can swap my notebook to someone else'.
Naalala ko pa kung gaano sumakit ang utak ko sa kaiisip hanggang sa natulugan na
namin ni Carmela ang pagsosolve ng problema ko. Sunday came and went, pero wala
ring nangyari kasi bokya kami ng ideas at ang kinahantungan, endless shopping sa
mall.

Nakalimutan ko na nga yung pagkawala ng diary ko when Monday came pero when I am
about to give up, tsaka naman nagpakita.

May lalaking nakatayo sa pintuan ng library. Brusko ang dating, masculinity is


clearly written in his presence. Nang palapit na ako sa kinapwepwestuhan nya ay
ngumisi ito at bigla akong nilapitan.

"We need to talk," he whispers as he passes me. Lito man ay sinundan ko sya
hanggang tumigil sya sa isang bench sa loob ng campus.

Umupo sya at sinenyasan nya akong umupo rin sa tabi nya. I did what he told me to
do and we sat there for a while ng walang imikan.

A moment passes by hanggang sa di na rin ako nakatiis at akmang tatayo na ngunit


pinigilan ako ng mystery guy na ito.

I look at him confused of his intents. He bowed his head and stared at his feet,
pinagsaklop nya ang mga kamay nya and took a deep breath. He looks nervous.

"Hindi ko alam where to start but, you must STOP!" he said darkly. I just stared at
him kaya naman pinagpatuloy nya ang pagsasalita.

"I don't know kung naiintindihan mo ang sinasabi ko but you must stop dahil di lang
ikaw ang masasaktan. Leave Dennis alone dahil di nya kayang tumbasan ang pagmamahal
mo sa kanya dahil he is different," sadness taints his voice.

"Eh sino ka ba?" I asks.

"Daniel Almiron, kakambal ni Dennis at bf ng best friend mo," he said in a clip


tone.

Nang mga sandaling yaon ay di ko mapigilan ang magtanong, " Paano mo nasasabi ang
mga bagay na yan? Close mo ba sya?"

"Yeah, close kami," he confirms and sighs again, "close kami simula ng pinagdalang-
tao kami ni mommy kaya alam ko ang saloobin nya. That is why I'm telling you to
stop dahil pareho mo lang sinasaktan kayong dalawa."

"Bakit?"
"Your love for him is worthless", pagkasabi ng mga katagang yon ay tumayo na sya at
hinarap ako, inabot nya ang diary ko bago tuluyang umalis.

Hawak-hawak ko ang diary and I stay seated there crying for no apparent reason...

Binalik nga sa akin ang diary ngunit panghihinayang at kahihiyan ang natamo ko upon
reading a letter that Dennis wrote on the last part of my notebook but all words
were drowned by those words...

I AM GAY.

=================

GB7

"A party!" sigaw ni Sandy, "kelan? Plus, what is the event for?"

"Ang loka nakarinig lang ng party excited mode na agad," palatak ni Jamie.

"Wag ka ngang kj Jamie! At least my magarbong happenings na mangyayari sa stay


natin here," pangangatwiran ni Sandy.

"You never change Sandy, basta party, go lang ng go," patutsada pa ni Jamie.

"Well that is my motto in life," sumbat pa ni Sandy, " Go lang ng go! And besides,
I'm not like a prude like you," pang-aasar nya pa.

"Shut up Madrigal!" saway ni Jamie kay Sandy, "there is nothing wrong with being a
prude! At least nag-iingat unlike someone na party ng party pero laging lasing
pagkatapos!"

"Hey, that's hitting below the belt!" react ni Sandy.

Tumawa lang si Jamie na ikinapika ni Sandy and so the latter is about to strike her
when Carmela finally intervenes.

"Tama na guys. It is just a party so no need to fight and besides, we are the ones
whose gonna throw it on Sunday evening to commemorate the fated lover's supposed
wedding anniversary!"

Nagitla kami sa mga winika ni Carmela kasi di nya pa nabanggit kung saan laan ang
party. Oh well, she doesn't have the chance anyways kasi agad nag-away ang dalawang
ale!

"Wait lang ha," Sandy butted in, "so you mean this party is for those two?"

"Yeah kasi sa Sunday na yung date na dapat ikakasal sila noon and yes, Jamie,
oldies marahil ang dadalo but we have a task and I am counting on you three,
girls."

"Eh bakit kami lang ang katuwang sa event planning?" sabat ko, "why not the boys
help?" stating the obvious.

Sumimangot si Carmela and muttered something that I couldn't catch.

"Anong sabi mo best?" trying to corner her.

"Wala, what I am trying to say is, sagabal lang yung dalawa kaya ang plano ko,
ipagawa sa kanila yung mga manly jobs like pagbubuhat so that they have to reap
what they sow," she grins evilly.

The planning took so long kaya di na namin namalayan ang oras. It is already 7:30pm
when we disbanded to partake dinner sa kumedor.

Hindi na rin kami nagmeet afterwards dahil biglang nagbrown out habang nasa
kalagitnaan kami ng hapunan at ang masaklap, bangus ang ulam! What a pain!

Dinner by candlelight ang inabot namin pero sa halip na romantic ang atmosphere,
naging eyesore lang ang mga kandila at sa kamalas-malasan, napunta pa sa akin ang
buntot ng bangus kaya di ko mapigilang kumanta sa loob-loob ko ng ganito:

"O tinik, layuan mo ako!"

Anyways, bumalik ang kuryente after thirty minutes and by that time, bwisit na
akong kumain. Linisan ko ang hapag after ubusin ang lecheng isda at hinintay na
lang ang iba sa sala.

Upang aliwin panandali ang sarili, I browse the net para magkaroon ng idea sa party
on Sunday dahil ako ang pinakahead ng decoration and ambience since sideline ko ang
event organizing dahil ito rin ang linya ni mommy kaya medyo alam ko ang pasikut-
sikot ng trabaho.

Well, my concrete idea na ako but I have to consult them first para mafinalize na
ang design for the party.

BOGSH!
What is that? Agad akong napatayo sa sofa at agad nilingon ang direksyon ng kumedor
kung saan nanggaling ang sound and immediately rush there but, the scene before me,
is not what I expect at all.

People wearing old fashioned clothes are gathered at the long narra table. They are
all laughing and having the time of their lives. Karamihan ay mga middle age at
kakaunti lang ang mga kabataan.

They all look like part of the upper echelon of society dahil magagara ang mga suot
nila. Some wore the traditional Filipiñana attire for both genders, while yung iba
naka-amerikano and the younger set wears the seasoned fashion of the time.

Sa pag-oobserve ko ay di ko na namalayang nagsitayuan na ang lahat sa kumedor and


they are already heading sa isang silid where all the furnitures are pushed aside
to make way for an impromptu ballroom. There is already music wafting in the air
and an old gramaphone is playing an old tune.

Makulay, magarbo, masaya ang pagsasayaw ng mga naroroon. I observe all these from a
distance when suddenly a young man is weaving his way from the crowd towards me.
Naalangan ako sa aking kinatatayuan at di ko alam ang gagawin.

Palapit na sya ng palapit at nang makita nya ang hinahanap nya sa aking direksyon
ay sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mukha. Pinagmasdan at kinilatis ko
sya, may itsura ang mama!

Katamtaman lang ang height nya about 5'9", medyo may kaputian and he got a very
feminine face. May kasingkitan at mapupungay ang kanyang mga matang nangungusap,
and matangos ang ilong nya. Plus, oh my, pink and kissable ang makipot nyang labi!
Delectable, hehe, sorry umandar ang mga female hormones ko!

Anyways nang talagang makalapit na sa amin si papalicious, ay mas lalong lumawak


ang ngiti nya at inilahad ang palad nya na tila nag-aaya eh ako namang dalang-dala
sa pangyayari at nag-assume kaagad eh papaunlakan na sana ang request nya when
suddenly, isang morenang kamay ang humawak doon sa lalaki at sumayaw na sila.

Napako ang tingin ko sa magkapareha. Pamilyar sila lalung-lalo na yung babae.


Pinagmasdan ko ang morenang babae, she is a head shorter than the man but albeit
that flaw, maganda sya and medyo nainsecure ang beauty ko!

They look perfect together at ang sarap nilang tingnan. Kailan kaya ako magkakaroon
ng ganyang uri ng lovelife? Ever since that incident in college, naging matamlay na
ako pagdating sa pag-ibig.

"Masaya nga silang tingnan," isang baritonong boses ang nagsalita sa tabi ko.
Hinanap ko ang source and I spotted him and he looks sad kahit nakangiti sya. This
man has an average height and he looks like Castillan in physique. Gwapo rin sya
but he is an epitome of a sad man sa tuwing tinitingnan nya ang dalawang mananayaw.
Muli syang nagsalita sa tonong tigib ng kalungkutan, "Sayang ngunit palabas lamang
ang lahat. Di dapat malinlang sa iyong nasasaksihan dahil ang totoo at tunay ay
isang lihim na kanilang sinasarili kaya di nakapagtataka kung ang isa ay mawala sa
araw na yaon," pagkatapos ay tumalikod ito at tinungo ang isang babaeng masayang
nanonood sa tabi.

Inaya ng lalaki ang isang mala-manikang dalaga na sumayaw. Pinaunlakan sya nito at
ang lungkot ng lalaki ay napalitan ng ibayong galak at saya na kay hirap ipinta sa
anumang paraan. This kind of love will surely live forever. Naiingit tuloy ako!

Nagpatuloy ang kasiyahan nang biglang...

kriiing!kriiing!kriiing!

Napabalikwas ako at nakauntugan pa si Ashton na may tangang alarm clock.

Amputsa! Tigas ng ulo nya ah! I scanned my surroundings habang ngingiwi-ngiwi pa sa


pagkakauntog, and to my horror, lahat ng barkada nakangisi at kanya-kanyang kuha ng
stolen shots!

What a way to wake up!!!

=================

GB8

Ang araw na ito ay kakaiba in a sense na napakabusy ng lahat sa pagpaplano at pag-


aayos ng bahay dahil two days na lang bago ang event na idaraos sa house ni Gov.
Menandro. Halos lahat ata ng mga influential people are gonna be there to attend.

Napagkasunduan na rin namin ang theme ng party and currently, narito ako sa library
ng museo na binisita namin days ago. Kasama ko si Sandy in researching para mas
maging authentic ang feel ng salu-salo habang sila Carmela at Jamie naghahaluglog
sa attic ng ancestral house nila na maaaring magamit sa party. The boys are the
ones doing the marketing kasama nila si Manang Fely kaya di problema na mawawala
ang dalawa.

"Hey, Rhei, may isusuot ka na ba?" tanong ni Sandy habang nagbabasa ng news
clippings.

"Wala pa, eh ikaw?" balik tanong ko sa kanya.

"Can't decide eh! What do you think, should I wear a 30s look or a traditional
Filipiñana?"
"Dunno," pagkikibit-balikat ko, "can't decide rin eh but we are in for the
authenticity of the event, you can wear any of the two looks dahil medyo
nagtatransitionalize pa naman noon ang bansa."

"In that case, I'll go for '30s!" she said enthusiastically, "eh ikaw?"

"Bahala na! Inihabilin ko na kay bestie yung isusuot ko dahil medyo mahina ako sa
fashion department," pangangatwiran ko.

Silence ensued and we both become so absorb in our readings that we forgot each
other exists hanggang sa tinawag ako ni Sandy.

"Bakit, San, is there anything?"

"Yeah, look at this handwritten letter that dates a month before yung wedding date
nung dalawa. Read it and then tell me what you can infer. Bibili lang ako ng
makakain dyan sa kantina sa malapit."

Agad umalis si Sandy after that kaya naman binasa kong maigi ang mga nasasaad sa
liham:

Marso 24, 1938

G. Fidel ng Sto. Niño,

Isang magandang araw ho sa inyo! Namataan ko nga! Totoo ang sinabi ni Bb. Pacing!

Kung sakaling malaman nya na alam ko na, ay ano ang nararapat kong gawin?
Tatalikdan ko ba sya, o magbubulag-bulagan na lamang?

Ngunit ako'y nagtataka na kaya nya palang gawin yaon! Akala ko ay sapat na ang
lahat ngunit, mali pala ako gaya noon dati. Huwag mo nawang sisihin ang inyong
sarili dahil wala kayong kasalanan sa mga manyayari man sa hinaharap.

Kung sakali man ako'y biglang maglaho ay huwag na kayong mag-abala pang hanapin ako
pagkat maaaring nagsapa-Maynila na ako.

Pinag-isipan ko lahat-lahat sa buong magdamag ngunit di ko pa rin lubusang


matanggap ang pagtataksil na kanyang ginawa! Ngunit huwag kang mag-alala mahal ko
sya at di rin maaatim ng aking loob na saktan sya.

Fidel, kaibigan, isang pabor ang aking hiling, nawa ay ipaabot mo ang kalakip na
liham sa aking irog. Umaasa ako kaibigan!
Alejandro

Huh? Anong kakaiba rito? So what kung nanloko yung isa tapos yung lalaki balak na
maglayas? Wala namang bago sa modus na ito! Hay, Sandy!

Bumalik rin naman agad si Sandy at may dalang pagkain. Nagbreak kami muna panandali
at nagkwentuhan dahil stress naman ang bakasyong ito!

"Uso na pala noon ang magkalabuan," paninimula ni Sandy.

"Hopeless romantic ka talaga!" puna ko sa kanya, "eh kahit anong century at taon pa
man yan, di mawawala ang mga love problems, kaya nothing new na dyan!"

"Seriously, are you naniniwala sa mumu ni Serefina?"

"Ba't mo naitanong? Takot ka?" pang-aasar ko.

"Its not like that," tanggi nya, "you see, when I'm buying foods, the ale there in
the store eh nagkwento ng topic na yan," may kaartehan nyang explanation.

"So ano ang catch?" taas kilay kong tanong.

"Ganito raw kasi, knows mo naman na mayaman silang dalawa right?"

"Oo, why?"

"Vinideo ko si ateng! Tamad na me magkwento so watch na lang. I'm gonna bluetooth


it to your phone, ok?"

Bumalik na rin kami sa library and continued our works hanggang sa gumabi na. We
pack our things and immediately headed home pero may kalayuan ang sakayan at
malabong masundo pa kami kasi medyo may kalayuan yung bahay ni Gov.

Yes, there is another way para marating yung house kaya nga laking inis ni Dan kasi
di sinabi ni Carmie. Nakakatawa nga at may pagkapilya pa rin si bestie even if
malapit na syang ikasal kay Dan next year!

Anyways, ang creepy ngayong gabi at heto nga at kay higpit yumakap ni Sandy. New
moon kaya madilim ang paligid at tanging streetlights ang nagsisilbing tanglaw
namin. Lumingon ako sa museum only to find it full of merry goers! Kinusot ko ang
paningin ko dahil baka namalik-mata lang ako, and mukhang I am right, malik-mata
lang.
Yung daan papunta sa sakayan eh napapaligiran ng bukid at malalaking puno.
Nakakabingi rin ang katahimikan ng gabi dahil aside from natural noises, wala na
kaming ibang marinig. Si Sandy, nangangatog na sa takot dahil likas na syang
matatakutin ever since.

At last, two streetlights away na lang para marating na namin ang sakayan when
suddenly isang classic car ang biglang humagibis ng takbo sa aming direksyon,
napagilid kami ni Sandy at medyo ninerbyos ako na baka mahit and run kaming dalawa.
Sinundan namin ng tingin ang sinaunang kotse, only to vanish right in front of our
eyes!

Takbo, tili ang ginawa namin ni Sandy hanggang sa marating namin ang waiting shed.
It is already 7:15 ng gabi at wala nang sasakyan ang dumaraan dahil kaninang alas
cuatro pa umuwi yung mga staffs sa museum including yung ale sa canteen na nakausap
ni Sandy kanina kaya kami na lang talagang dalawa ang naririto.

"Rhei, I wanna go home!" Sandy whines, halatang takot na sya.

"Hey, Sandy pahiram ng phone, deadbat na ako. Magpapasundo na lang tayo dahil wala
na atang bumibyahe ng ganitong oras," I suggested.

I tried texting them pero walang signal! Ano ba yan! Kung minamalas naman oh!

Ibibigay ko na sana kay Sandy yung phone nya pero bigla syang nawala sa tabi ko.
Saan kaya nagsuot yon? Matatakutin pa man din ang gaga!

Biglang dumilim! Nagpatay sindi ang mga streetlights at sumabay ang malamig at
malakas na hangin. Niyakap ko ang sarili ko at nagpalinga-linga. I'm freaking out
already hanggang biglang nagdilim muli ang kapaligiran!

Nang iminulat ko ang aking mga mata, ay isang lalaki ang nakangiting tumutunghay sa
akin. He looks familiar parang nakita ko na sya but I can't remember.

Patuloy pa rin sya sa pagngiti kaya tiningnan ko muna ang paligid ko to make sure
na ako nga ang nginingitian nya. Walang ibang tao kundi kami lang kaya I smiled
back and it seems na naging happy sya coz I smiled at him.

"Magandang umaga, marikit na binibini," inilahad nya ang kanyang kamay, "ako nga
pala si Alejandro Miguel Lazo y Ibarra ngunit tawagin mo na lamang akong Alejandro.
Ikaw, binibini, ano ang ngalan mo?"

I took his offered hand before answering, " Serefina."

SEREFINA?!
=================

GB9

Ang pagmamahalang pinagdaanan ng panahon,Ay yayabong muli tulad sa kawayang inusig


ng hangin.Bawat palasigmuan ng pagsintang aking alay,Bakas ng marubdob na ningas ng
aking pagsinta.

Dumaan man ang lahat ng unos at sigwa,Asahang tayo'y matibay na muling titindig!
Igupo man ng karamdaman ang katawang mortal,Pag-ibig ko sa iyo'y tunay na walang
hangga!

"Serefina," ang naitugon ko kay Alejandro nang mga sandaling yaon. Nakapagtataka
dahil wala sa aking hinagap na gayon ang maisusumbat ko. Bakit ba ako
nagsinungaling?

Pero hindi Serefina ang nais kong pagpapakilala, I want to introduce myself as Rhei
not her, why? Why did I utter that name?

"May problema ba, binibini?" nag-aaalalang tanong ni Alejandro.

"W-wala!" nauutal kong sagot, "nagagalak akong makilala ka, Alejandro."

"Masaya rin akong makilala ka, ngunit ipagpaumanhin mo, ngunit kapangalan mo sya,"
may himig lungkot sa kanyang boses.

"Kung ganoon, ay humihingi rin ako ng kapatawaran pagkat mali ang pagpapakilala ko
sa aking sarili. Ang totoo, dayo lang ako rito," I muttered shyly. Gosh, sana di
ako nagblush!

"Kung ganoon, maaari bang malaman ang iyong tunay na pangalan?" malumanay niyang
saad.

I beamed at him, "Rhein Zaragoza, taga Manila," and offered my hand for a shake.

Nakipagkamay sya at ngumiti, "Rhein, kakaiba! Sabihin mo, bakit naririto ka sa


aming bayan?"

"Inaya ako ni Carmela na magbakasyon rito sampu ng iba pa naming kaibigan."

"Masaya ba ang pagbabakasyon mo rito?"

"Oo naman!" and I enthusiastically describe my stay here only omitting the lover
birds from the past.
"Kung gayon, ay halika at ipakikita ko pa ang mga magagandang pasyalan rito sa
aming nayon!"

Nagliwaliw kami sa buong bayan and I must say, this is the best date ever! Pero,
pagsapit ng dapithapon ay napadpad kami sa tabing-ilog.

Kalmado ang alon sa ilog at napakapayapang tingnan ang bawat isdang lumalangoy sa
malinaw na tubig. Together, we sat there watching the sun set. We stayed there in
silence until he cleared his throat.

"Nais ko sanang magtanong, Rhein, bakit Serefina ang unang pakilala mo sa sarili
mo?"

"Pasensya, kasi laging nakwekwento ni Carmela si Serefina at ang kasintahan nya.


Matanong nga rin kita, Alejandro, ikaw ba yung Alejandrong nobyo nya?"

Natigilan sya sa tanong ko. Perhaps, he is caught off guard pero ang awkward ng
feeling pero buti na lang sinagot nya.

Tumingin sya sa papalubog na araw at nagpakawala ng isang buntong hininga, "Oo pero
matagal na iyon at ang mga pangyayari noon ay natupad ayon sa kagustuhan nya
samantalang ako, naririto pa rin naghihintay kahit pinaiikot nya lamang ako sa
kanyang palad, ngunit hindi habang panahon na ako'y mananatiling laruan. Kung
sakaling magbalik sya habang malalim ang gabi, asahan mong babangon akong muli sa
pagkakahimlay," sadness tints his voice and his eyes seems to cry pero bigla syang
tumayo at tumalikod upang tuntunin muli ang daan pabalik.

************

"Tulala na naman yang bff mo, bhe!" reklamo ni Dan sa kasintahan habang minamasdan
mula sa malayo ang tulalang si Rhei.

"Yeah, I've noticed pero nagtataka nga rin ako kay Sandy kasi ang aga nyang umuwi
and left Rhei there," puna ni Carmela.

"What is really troubling me, bhe, sa tingin mo nasobrahan yan sa kwento kina A &
S?"

"Siguro, Dan, pero kapag stress si bestie laging tulala baka di nya lang kinaya
yung impromptu party planning kaya ganyan," Carmela assures her boyfriend.

"In that case, tara na sa location para matulungan natin yung iba sa pag-aayos,"
suhestyon ni Dan.
They left Rhei there na tulala pa rin but she came around moments later and has
resumed her jolly self.

************

"I think let us have swing music as well as kundimans," Rhei instructed, "and I
think tama si Carmela, let us use tge old vinyl records and gramophone tutal
gumagana pa naman," she said in a final tone.

"Okay, pero yung food traditional ba?" pag-claclarify ni Jamie.

"Of course, dear Jamie, it should be traditional dapat para naman mafeel ng guests
ang authenticity ng event!" si Sandy na ang sumagot.

Buong maghapon nilang inayos ang lugar ng pagdarausan. Every detail is inspected to
be assured na wala na silang nakaligtaan.

Jamie created the invitations and is the one who sent all these to those listed on
the guest list, habang si Carmela ang in-charge sa food and table settings at
katuwang nya si Manang Fely sa paghahanda at pagluluto.

Sandy and Rhei are responsible for the hall and other things. Dahil parang wedding
anniversary celebration ang event, naisipan nila to include a lot of white flowers
sa boquet decorations and after those harrowing hours, ay masasabing tunay na
nagbunga rin ang efforts nila. Everything is grand.

************

"Anong plano sa umaga?" tanong ni Ash habang nag-iistargazing ang buong barkada sa
lawn ng bahay.

"Beauty rest for me," Sandy answered.

"Hay tulog ng tulog na lang ang inatupag mo, Sandy," reklamo ni Dan.

"Bhe," awat ni Carmela, "let her be and besides nakakapagod rin naman today eh!"

"Agree ako kay Carmela 'tol! Kapagod kayang magbuhat ng muwebles!"

"Ako, magsisimba ng maaga!" I answered.

Napalingon silang lahat sa akin and disbelief written on their faces. Eh bakit?!
I'm religious kaya! Pero pinagtawanan lang ako ni Ash.
"Don't make me laugh Rhei!" patuloy pa rin sya sa pagtawa, "ikaw maka-Diyos? Kelan
pa, Rhei?"

"Shut up, Ash! At least ako sumusubok magbagong-buhay unlike you," pambabara ko
naman.

"Baka nachicken out ka kasi nalaman mong may mumu," pananakot nya sa akin.

"Ash, ano yan nasa likod mo?" turo ni Jamie. Aligaga namang hinanap ni Ashton yung
pinoint out ni Jamie only for him yo find out na nawow mali sya! Tawanan lang ang
grupo hanggang sa may ipinaalala si Sandy.

"Rhei napanood mo na va the video of the ale?"

"Siete!" I exclaimed, "sorry sis, I forgot I'll watch later promise!"

This conversation prick the ears of the others kaya peer pressure ang inabot ko and
in the end we watch the video.

"Ateng, interesado ba kayo sa lovelife nila Alejandro?" panimula ng matabang


tindera sa tindahan malapit sa museum.

"Yeah, partly. Pero, why do you tanong me that question?"

"Kung ganoon, ateng, walang saysay ang pagpunta nyo dyan kasi di naman totoo lahat
ng sinasabi nila dyan sa museo!"

"Weh di nga?!"

"Oo, di ako nagsisinungaling kasi ganito yan, 'teh, yung lola ko sa mother side eh
dating namamasukan kina Señorita Serefina," medyo mayabang na pagkakasabi ni ale.

"Oh tapos ano po?"

"Laging ikinukwento ni lola Pacita noong nabubuhay pa sya, si Señorita Serefina ay


isang mangkukulam!"

"Ate, di yan totoo no! And besides no evidence ka kaya," react ni Sandy, "pero
sige, continue ho!"

"Ineng, maniwala ka kasi si lola Pacita ko ang katuwang nya sa tuwing mag-oorasyon
sya! At saka si lola ko rin yung naghanda ng gayuma na ginamit nya kay Señorito
Alejandro," misteryosong sabi ng ale.
"OMG, as in gayuma teh?"

"Oo gayuma pero ng pinakuha na ni Señorita yung gayuma kay lola eh aksidente nya
itong natapon kaya ang ginawa ng lola ko, nilagyan nya na lang ng tubig yung
botelyang pinaglagyan. Agad inabot ni Señorita ang botelya at nilagyan ng palihim
ang inumin ni Alejandro nang bumisita ito sa kanila. Lumaon nga at nagkaibigan din
sila pero habang palapit nang palapit ang araw ng kasal nila eh mas lalong
nakonsensya si Serefina sa pag-aakalang ginayuma nya nga si Señorito hanggang sa
dumating yung pinsan ni Don Fidel, si Gustavo na galing sa Maynila. Naging malapit
silang dalawa ni Señorita at kalaunan eh ayun raw, nasabi nya kay Gustavo ang pang-
gagayuma nya."

"Wait lang ha, so you mean po eh talagang love ni Alejandro si Serefina?"

"Oo pero yung ginawa niya kay Señorito ang naging kahinaan nya, na sinamantala
naman ni Gustavo dahil nainlove din sya kay Serefina. Nalaman ito ni Don Fidel kaya
agad nyang sinabi kay Señorito pero kahit nasaktan sya sa pagtataksil ng nobya, eh
patuloy pa rin sya na umasang babalik sa dati ang pagmamahalan nila pero may lamat
na eh!"

"Ale, bakit di sinave ni lola dear mo yung gayuma thing kay Alejandro?"

"Hindi pwede kasi malaki ang utang ng pamilya ni lola sa kanila Señorita kaya isang
maling galaw lang ni lola eh baka kukunin na ang sinasaka ng lolo ko sa tuhod! Pero
hinarap agad ni Alejandro ang kasintahan kasi di pa rin sya lubos na makapaniwala
na kayang gawin ito ni Serefina.

"Inamin lahat ni Señorita ang lahat sa kanya pati yung pangagayuma nya na
nagpagalit sa loob ng Señorito. Ilang araw silang di nag-usap kaya ng nag-offer si
Gustavo na magtanan na lang sila eh agad syang sumang-ayon!"

"Wow lupit ni Serefina! Akalain mo naman oh! Tapos ano pa 'te?"

"Ayun nagplano na silang magtanan pero nalaman ni Don Fidel ang balak nila at agad
silang kinastigo pero sa huli, tinulungan nya rin ang dalawa pero hanggang doon
lang ang naikwento ni lola. Ang sabi nya lang, biglang naglahong parang bula si
Señorito Alejandro after one month nang date ng naunsyaming kasal nila. Marahil raw
ay isinumpa sya ni Serefina dahil nga mangkukulam!"

Biglang umihip ng malakas ang hangin kasabay ng pag-alulong ng mga aso sa paligid.
Kinabahan kaming lahat at napatakbo pabalik sa bahay dala na rin ng sobrang takot.
Diretso na kaming natulog.

=================
GB10

Music wafting through the balmy night air. Guests in 40s get-up and Filipiñana
attire came flowing in at Governor Menandro's vacation house.

The house itself is grandiose and imposing. Bright yellow light from the antique
chandeliers gives a warm glow in the event's atmosphere while the numerous bolo
torches scattered around the lawn gives everyone the feel of truly going back in
time.

Little is altered in the house' interior but, there is an abundance of white and
red flower arrangements scatterd in the entire house. Most of the guests are by the
refreshment table, while some chitchats in any of the numerous rooms of the house.
The whole event seems gay and lively.

"It is a success, guys!" masayang sambit ni Carmela sa mga kaibigan.

"Superb talaga ang powers natin," Sandy seconded, "but I must say, feel ko itong
outfit ko! And thanks, Carmie, sa pagtulong sa paghahanap ng outfit sa bayan!"

"It is no big deal! Well, look at Jamie and Rhei, bagay rin sa kanila ang
Balintawak dress at baro't saya," Carmela gestured at our dresses.

"Ang daya mo Carmela!" reklamo ko, "kayong dalawa bagets ang dating samantalang
kami mukhang lola sa get-up namin!"

"Oh, come on, Rhei," palatak ni Sandy, "at least yang suot mo is authentic dahil
galing pa talaga yan sa era nila Alejandro!"

Napasimangot ako sa tinuran ni Sandy, "The more I hated it! I'm pretty sure
nahalungkat ito ni best sa attic," panghuhula ko pa.

"Don't be miserable, Rhei," tatawa-tawang sabi ni Jamie, "kung kanino man yang suot
mo, paniguradong may bibisita sa iyo mamayang twelve!"

"Haha, Jamie, ang sayang manakot," pauyam kong react na mas nagpahalakhak pa sa
kanilang tatlo.

"Look on the brighter side, Rhei, you look exactly like a regal, classy bride in
that get up! Pasalamat ka pa nga may free accesories na yang nahalungkat kong
balintawak!"

"The more reason I am not happy," I muttered under my breathe.

"Hey girls," masiglang bati ng dalawang ugok as they near our cozy group.
"Wow bhe, you look dashing in your white tux!" Carmela said with awe upon spotting
Daniel at ang mokong nagblush! Can't believe na alam nyang pamulahan ng mukha!

"Oh, stop oggling at him Carmie, he is as red as blood," puna ni Sandy.

"I agree with them bhe," sabad ni Dan, "and besides forever naman tayo kaya no need
to state the obvious!"

"Anong obvious, pre?" di magets na tanong ni Ashton. He, too, looks debonaire in
his barong tagalog kulang na nga lang ang ataul! Joke lang pero in fairness, mas
gumwapo ang loko pero he still has that cocky grin of his.

"Na malapit ka nang paglamayan," sagot agad ni Jamie.

Napalingon si Ash tuloy sa kanya at nagdouble take ang loko and his eyes are
bulging out of their sockets kasi may pagkamaton at jologs si Jamie!

"Oh la la, Jamie! What happened to you? Did you knock your head hard?" pang-aasar
nya pa kaya hayon, nabatukan ng di oras courtesy of none other than Jamie.

"Ang saya nyong tingnan guys," Sandy observes, "I can't wait na may new love team
sa barkada! I will write it on my blog later tonight! Oh gush, I'm kinikilig na!"

At sila Jamie and Ashton namula ang mga mukha! Obvious na kayo kaya ever since,
pero pakipot mode kayo pa rin hanggang ngayon eh!

"Wait, Carmie, bhe, asan yung bubuwit mong bestie?" nagpalingon-lingon si Dan na
tila hinahanap ako. Sarap upakan pati si Ashton na gumaya rin sa idol nyang ugok.

I cleared my throat to get his attention and when he did look at me finally, tumawa
lang sya nang malakas!

"Don't make me laugh! Hon, sigurado kang yan ang bff mo?" at pinasadahan ako ng
tingin from head to feet.

I rolled my eyes at his idiocy, "Geez, Dan, cut the crap out will you?"

Ngumiti pa nang mas malawak ang gago, "Pangit pa rin kahit bihisan mo!"

Imbyerna naman oh! I am about to retort pero nagsimula na ang program para sa
gabing iyon kaya we all went sa main hall kung saan nagsasalita na si Gov.

"Magandang gabi ho sa inyo! Tonight is a night to remember the things that happens
in the past but, we have to remind ourselves that love is the most powerful and
mysterious enigma in our lives, so ladies and gentleman, enjoy the evening!"

Masigabong palakpakan ang sumunod and then the dancing begins. Agad isinayaw ni Dan
si Carmie and ganoon rin ang ginawa nila Ash at Jamie, hay ang cute nilang tingnan!

Everyone is happily dancing pati si Sandy nakakuha ng dance partner! Well, I am not
surprised dahil maganda naman ang bruha, and so here I am, a wallflower.

Sanay na akong laging naiiwan sa ere pag ganitong sayawan dahil automatic na na
magkapartner ang dalawang couples, and Sandy to snatch a guy. I admit di ko kaya
ang makipag-flirt gaya ni Sandy kaya naman nasanay na akong panuorin sila sa aking
lugar. Bawas pasakit na rin dahil parehong kaliwete ang paa ko when it comes to
dancing and if ever I will have a guy to dance with, baka pilay na yun after ng
music dahil paniguradong lagi ko syang maaapakan.

The first set of dance is over and ngayon naghahanda na ang live classical band na
hinire para tumugtog ng isang balse.

The dancers twirls, spins, dips, and sways in blurs of colors. Nakakaindak silang
tingnan but I don't ever wish to join them baka mas lalo pa akong mapahamak.

After the third set, everyone adjourns to the dining room para kumain and oh, my
spirit soars coz the foods are heavenly! Mayroong kare-kare, adobo, mechado,
chopseouy, and my favorite---LECHE FLAN!

I ate alone dahil yung friends ko busy sa pakikipagdate at di mo rin lang enjoy ang
dessert pag mas matatamis pa ang landian ng mga kaharap mo so, I opted not to
interfere them!

After dinner, some resumed dancing while others are strolling the house or the lawn
dahil ang main event eh mamayang twelve pa naman and besides, 8:30 pa lang.

The night is chilly as I stroll down on the garden. Aaminin ko na medyo depress ako
dahil these last few days, tumawag si dads dahil mom fell into coma dahil
aksindente syang nadulas sa banyo. I don't want to lose mom yet!

Mas lalong lumamig ang simoy ng hangin at isang alulong ang pumunit sa katahimikan
ng gabi. Natigilan ako sa aking paglalakad at napalingon sa aking paligid but then,
the premonition comes.

Pulang talulot ng rosas sa isang gabing puno ng karimlan. Malamig na ihip ng hangin
at nakakabinging katahimikan ngunit biglang pumailanglang ang isang musikang
makabagbag damdamin na anaki'y isang panaghoy ng taong tigib ng sakit.

Naglaho ang mga talulot at napalitan ng mga puting balahibo ng ibon na tila
nakalutang sa hangin ngunit isang sigaw ang naging mitsa upang bumulwak ang dugo
mula sa mga ito. Naging ilog ng dugo ang buong paligid at biglang nagningning ang
mga tala!

Isang pag-aawitan ang nagmula rito at may mga nagwika ng kakaibang dasal hanggang
ang lahat-lahat ay naglaho, upang mapalitan lamang ng isang kahindik-hindik na
anyo!

"Rhei," may pag-aalalang wika ni Carmie habang niyuyugyog ako, "Rhei, what is
happening to you?"

Napakurap ako and when I hit reality, lahat sila ay may concern written on their
faces. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang hilatsa ng mga mukha nila pero bigla
akong niyakap ni Carmie and then everyone let out sighs of relief. Ano ba ang
nangyari wala akong maalala?!

I asks them pero di rin nila masagot ng maayos. They only said that I have been
blank since dinner and that would be an hour ago. Nagtataka man ay pinilit kong
iassure sila na I am fine and they don't need to worry.

Bumalik sila sa pagsasayaw after that at ako naiwan muli sa gilid. I turned my back
on the ballroom at dumiretso agad sa library para mahimasmasan pa ng bongga.

Low light greets me as I open the door of the library. Guests must have seek refuge
here awhile ago dahil mababakas pa ang presence nila through all the open books
scattered around. Lumapit ako sa bay window ng kwarto at umupo doon pero natigilan
ako dahil may naapakan ata akong libro. Dinampot ko only to realize that it is a
photo album.

Curious, binuklat ko only to find na mga lumang litrato ng isang salu-salo ang mga
naroroon. Napangiti ako sa mga nakita, it seems may files pang nag-eexist na totoo
nga ang magkasintahan dahil ang pinakaprominent na feature ng album ay ang dalawa.
Paano ko nalaman? Simple lang, remember the paintings at the museum?

They look so gay in there, ni di rin nga mababakas na naghiwalay din sila sa huli.
I scanned the rest of the album hanggang mapadako na ako sa last page...

NAKAGIGIMBAL...

...ako ang naroroon. Ang ayos at suot ko ngayon ay siya ring suot ng babaeng kaface
ko sa picture. That girl in there really looks like me and she is beaming
at...at...

ALEJANDRO!!!

=================
GB11

"May I have the pleasure to dance with you?" a familiar looking guy offered his
hand to me. Di na ako nagdalawang isip pa at agad na tinanggap ang inilahad nyang
palad.

I stared at his face trying to remember who is pero nawala ang momemtum ko ng
biglang pinamulahan sya ng mukha. Agad akong nagbawi ng tingin at humingi ng
paumanhin.

"Sorry, hindi ko sinasadya," kimi kong pagpapaumanhin.

He just laughs lightly before smiling at me, "You don't have to, beautiful miss,
medyo naconscious lang ako by the way you stare at me. May dumi ba ako sa mukha?"
he asks innocently.

I blush profusely at palihim na kinastigo ang sarili. Awkward, Rhei!

"Don't be shy," he lifts my chin para mag-eye to eye kami, "you look even more
beautiful when you blush," and he lowers his head as if going to kiss me and he
did!!!

Napatulala na lang ako while he is doing it and somewhere in the house, the
grandfather clock chimes twelve...

EVERYTHING went black. Silence reigns for awhile ngunit biglang pumailanlang ang
isang nakakatakot na version ng wedding march.

Kinabahan ako, I don't like this feeling na someone is watching me. Nais kong
tumakbo pero pinipigilan ako ng yakap ng kapareha ko but then, an ear splitting
shout was heard at biglang nag-on ang mga ilaw.

Hindi ito ang aking inaasahan. Nawawala lahat ng guests pati sila bestfriend wala!
Ako lang ang naroroon sa hall. I started to panic!!!

Gusto ko nang tumakbo pero parang may pwersang pumipigil sa akin gaya ng pagpigil
sa akin ng kapartner ko. Nilingon ko sya only to witness him change into someone
else---Serefina!!!

The eerie wedding march begins to play again in the background habang titig na
titig sa akin si Serefina. Matalim ang bawat titig na kanyang ipinupukol habang
nakangising lumalapit sa akin.

I badly want to run but where? I scanned the room para makahanap ng exit pero
biglang naglaho ang lahat ng pintuan at bintana. Serefina is getting close, and I'm
still rooted!

Lumakas bigla ang hangin although wala naman itong pwedeng daanan and the room
seems to strecth! Plus, Serefina is creeping me out already! Ano bang nangyayari?!

"Maging masaya ka, babae, dahil malapit nang ialay ka sa aking poon upang
manumbalik ako sa lupa!" malamig na tila galing sa hukay ang kanyang boses.

Habang palapit sya ng palapit ay lalong nag-iiba ang kanyang anyo. Masangsang ang
amoy nya at unti-unti syang naaagnas.

Yuck! I don't wanna die! Hindi ko alam kung kelan pero nang tingnan ko uli sya,
nakaamba na ang isang kutsilyong tangan-tangan nya. Lalong lumawak ang ngisi nya
ngunit bigla syang natigilan habang nakatingin sya past me.

I risk the chance to look behind me pero napukaw ang atensyon ko ng biglang sumigaw
si Serefina at akmang susugod sa akin.

"TAMA NA!" isang tinig ang nagsalita sa aking likod. Naririnig ko ang bawat yabag
nya na lumalapit sya sa akin habang si Serefina ay nanggagalaiti na sa galit.

Biglang umandap-andap ang ilaw and the lights finally becomes steady, the scene
changes yet again!

The same room without exits but then, there are mirrors in every wall at sa
pinakagitna ng bulwagan, a gilded mirror stands there. The mirror in the center of
the room looks antique and somehow I felt attracted to it.

Wala sa sariling lumapit ako sa salaming yaon. Di napukaw ang titig ko sa salamin
na tila nahipnotismo.

Nang malapitan ko na ang salamin, my worst fears are proved! Naroroon sila,
kinakalampag ang salamin, at sumisigaw ngunit walang nakakarinig just like a silent
movie.

"Masaya ka ba sa nakikita mo, babae?" si Serefina. May himig panunudyo ang tinig
nya and it seems that her voice is coming from around the room.

"ITIGIL MO NA ITO SEREFINA!" pagmamakaawa ko ngunit tumawa lamang sya. Tiningnan


kong muli ang salaming bilangguan ng aking mga kaibigan---nandoon pa rin sila,
takot na takot! I want to do something but how? How?

"Masdan mo babae," utos ni Serefina, " kung nais mong lumaya sila, sundin mo ang
NAIS ko!!!"
Nagitla ako ngunit patuloy pa ring nakapako ang tingin ko kina bestie. They are
crying for help but should I-

"Huwag kang pumayag," isang bulong ang aking narinig na syang gumambala sa aking
pagmumuni-muni. Nagpalinga-linga ako pero madilim ang paligid as in zero visibility
but, what does the voice mean?

************

"Carmela, hija, nasaan ba ang party planner mong kaibigan?" tanong ni Gov.
Menandro.

"I don't know, tito, kanina ko pa nga hinahanap ho eh," may pag-aalinlangan nyang
sagot.

"Well, if that is the case, pakisabing job well done, 'kay?"

"Sure, tito," and her uncle bade goodbye afterwards. Napakamot na lang sa kilay si
Carmela at muling luminga-linga na tila may hinahanap.

"Saan kaya nagsuot si Rhei?" she asks herself at muling iginala ang paningin but to
no avail.

Due to this, nilapitan ni Carmela ang iba pang kaibigan but they all answered
negative. Wala ni isa man sa kanila ang nakakaalam kung nasasaan sya.

"Hey, Dan, I think baka nagdate yun," Ashton said out of the blue while his
eyebrows are furrowed together na tila may pilit inaalala.

Nagtaka naman ang mga nakarinig, "Ano ba ang pinagsasabi mo Ash?"

"Can't you remember, bro, before midnight, may kasayawan syang lalaki?" Ash point
out.

"Ha? Wala akong maalala bro," deny ni Dan, " kung sakali man ganoon for sure I will
remember it kasi nagkalovelife na ang lola," palatak pa niya, only for him na
mapalo sa braso ni Carmela.

"It is no laughing matter, Dan," saway ni Jamie at binalingan pagdaka si Ash.

"Sigurado ka sa nakita mo, mokong?"

"Oo naman! 100℅ akong sure kasi nga nakita na natin yung lalaki before!"
"Eh who is the guy naman?" taas kilay na tanong ni Sandy.

Napakamot sa ulo si Ash, "So di nyo maalala the gut who is practically everywhere
asan man tayo?"

"Eh sino nga?" impatient na tanong ni Carmela, "anong itsura?"

"Tsinitong artistahin, pero," mayabang nyang pahayag, "mas gwapo pa rin ako!" sabay
tawa ng malakas.

"Bro," Dan said exasperatedly, "seryosong sagot kung maaari!"

"I'm serious naman bro! And besides, may picture pa nga sya rito sa buong bahay
eh," Ash defends himself.

Nagkatinginan ang lahat at mababakas sa kanilang mga mukha ang gulat at doubt.

"Ow-kay," alanganing sagot ni Jamie, "kung totoo man ang sinasabi mo, eh asan yung
mga pictures?"

"Sa library," agad na sagot ni Ash, "yung photo album na leather pa ang cover tapos
may gold inscriptions pa eh!"

After hearing those words, biglang kinabahan si Carmela kaya naman mas nauna syang
pumunta sa nasabing parte ng bahay at agad hinagilap ang naturang photo album.

=================

GB12

Nakakabinging katahimikan. Makapal na hamog ang bumabalot sa buong kapaligiran


habang nakatunghay ang isang bilog na buwang kay pula na tila anaki'y binuhusan ng
sankaterbang dugo.

Naroroon ako pero naririto ako! Naguguluhan ako sa aking nasasaksihan, bakit
nakikita ko ang aking sarili sa ibang sitwasyon? Paano ko napunta roon? Paano ko
namamasdan ang aking sarili buhat rito sa malayo? Papaano nga ba?

"Masaya ka ba sa iyong nakikita?" isang bulong muli na sinundan ng pagak na


pagtawa. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig muli ang tinig ni
Serefina. Aaminin ko, kinakabahan ako dahil takot ako sa kaya nyang gawin but I
have to fight it, alang-alang kina Carmela.
"Stop playing around!" sigaw ko, "ano ba ang gusto mong mangyari?"

"Wala," tipid nyang sagot, "gusto ko lang makitang magdusa ka bago kita kitlin!"

Biglang nagdrop ang pressure sa buong paligid at numipis ang hangin makung it so
hard to breath. Para akong umakyat ng isang matarik na bundok and every minutes
makes me dizzy and weak. Umiikot na ang aking paningin and from the distant, I can
hear her chanting in Latin...

" I nunc amit me te amare simul Alejandro quoque sicerit in me ex caritate!"

Paulit-ulit nyang binigkas ang mga katagang ito hanggang tuluyang nagdilim ang
aking paningin.

************

"Ash," tawag ni Carmela, "are you referring to this album?" at pinakita ang
kinuhang album sa library.

"Yes," Ashton confirms at sinipat ng husto. The book is heavily covered in genuine
black leather, with golden words written on its front pero faded na ang sulat kaya
mahirap nang basahin.

Matapos marinig ang confirmation ni Ashton ay napahagulgol na lang si Carmela, much


to everyone's surprise. Agad syang inalo ni Dan at nang medyo mahimasmasan ay
binalingan ang mga kaibigan.

She looks up at them with tear stained face before pleading a request, "Hanapin nyo
si Mr. Galang! Hurry before it is too late! Please, hurry!"

Atubiling napatango ang lahat sa utos ni Carmela. Kumaripas sila ng takbo upang
hanapin ang matandang lalaki habang naiwang umiiyak si Carmela.

A moment or two passed bago dumating ang mga kaibigan na hila-hila ang humahangos
na si G. Galang. Pagkakita ni Carmela sa matanda ay dagli nyang inabot ang album,
pinagmasdan muna ng matanda ang album bago marealize ang sitwasyon.

Nagdilim ang anyo ng matanda bago nagwika, "I see."

Agad pinakuha ni G. Galang ang grupo ng asin, holy water, white candles, bible, at
puting rosas. Tumalima ang mga magkakaibigan at matagal bago sila nakabalik.

Habang hinihintay ang mga inutusan ay patuloy pa rin si G. Artemio Galang sa


palakad-lakad sa kwarto while muttering dark things that he can only understand.
"Hindi ka nga matahimik. Ayaw mo syang tantanan ngunit ipinangangako kong di ka
magwawagi. Isinumpa mo man sya ay di pa rin mababago ang mga maling ginawa mo.

" Ang pangagayuma, ang iyong pagtataksil, at ang iyong kahinaan ang syang nagdulot
sa mga bagay-bagay na ito, Serefina. Hindi kita mapapatawad kailan man at sana, sa
pagtutuos na ito, ay kamtin mo ang habambuhay na kaligaligan. Umasa kang tutupdin
ko ang pangakong binitiwan."

Lumakas ang ihip na hangin na nagbubuhat sa labas. Ramdam ang pagyugyog ng mga
capiz na bintana ng bahay kaya lihim na napangiti ang matanda, and at that point ay
nakabalik na ang mga kabataan.

A pentagram within a circle of salt is drawn in the middle of the room with five
lighted candles on each point of the pentagram. Bawat isa sa kanila ay tumapat sa
bawat kandila with Artemio standing at the topmost point. Ang bibliya ay nakaopen
sa mismong pentagon ng pentagram at ang holy water ay iwinisik sa bawat lagusan ng
kwarto plus, each one of them has a rosary around their necks.

"Alisin nyo lahat sa inyong isipan. Isipin nyo lamang ang isang puting liwanag and
NEVER EVER take heed of any disturbance as we chant this prayer dahil ito lamang
ang tanging pag-asa upang mapigilan ang kasamaan ni Serefina," ani ni Artemio.

Tumango ang lahat, at naghawak kamay bago pumikit. Si Artemio na ang nag-chant sa
wikang latin:

"Regna terrae, cantata Deo, psallite Cernunnos,Regna terrae cantata Dea psallite
AradiaCaeli Deus, Deus terrae.Humiliter majestati gloria tuae supplicamusUt ab omni
infernalium spirituum potestate,Laqueo, and deceptione nequitia,Omnis fallaciae,
libera nos dominates."

Artemio chants on kahit tila kinakalampag na ng hangin ang buong kabahayan, at


patuloy sa pag-alulong ang mga aso. Takot man ang mga kaibigan, ay nagpatuloy pa
rin sila alang-alang kay Rhei.

"Exorcizamus you omnis immundos spiritusOmnis satanica potestas, omnis


incursio,Infernalis adversarii, omnis legio,Omnis and congregatio secta diabolica."

Isang malutong na tawa ang pumailanglang at pagdaka'y isang nakabibinging tili ang
sumunod. Mas lalong nangatog ang lahat sa takot ngunit patuloy pa rin silang lahat.

"Ad insidiis diaboli, libera nos dominates, Ut coven tuam secura tibi libertate
servire facias,Te rogamus, audi nos!Ut inimicor sanctae circulae humiliare
dignerisTe rogamus, audi nos!Terribilis Deus Sanctuario suo,Cermunos ipse truderit
virtutem plebi Suae,Aradia ipse fortitudinem plebi suae.Benedictas Deus, Gloria
Patri,Benedictus Dea, Matri Gloria!"

Paulit-ulit silang nagdasal ngunit sa bawat pagkakataong bumibigkas sila ay


napupuno naman ang kanilang kamalayan ng mga nakakagimbal na imahe. At mula sa
malayo ay nakatunghay ang isang babaeng nakangisi.

=================

GB13

Mga asong mababangis! Maiitim. Malalaki. Mga matang nanlilisik! Nakagigimbal na


anyo ngunit nandyan na sila.

Mabato ang daang tinatahak ko at hingal na hingal na rin ako. Patuloy pa rin sila
sa paghabol na tila walang kapaguran. I risk a backward glance only for me to trip
and then...

Nawala ang mga aso at ang pumalit sa kanila ay mga kalalakihang tila hayok na hayok
sa laman. Mukhang they are high on drugs, is this going to be my end?

I tried to squirm free from the circle they formed around me ngunit malalakas sila
and as one is about to grab me, bigla itong humandusay. Napalingon ang mga kasama
nya sa nakahandusay nitong anyo ngunit bigla silang mga itim na usok at pagdaka ay
nawala.

I am in a daze after that but my reverie is cut short ng may biglang humila at
kumulob sa akin a such a tight hug. Napamaang at napatingala ako sa sinumang
yumayakap sa akin, only to find myself in shock...

............

"Hindi kayo magwawagi!" palahaw ng isang babaeng nakatunghay sa grupo nila G.


Galang. Nanlilisik ang mga mata at maya't maya'y lumikot ang mga kamay at bibig
nito na tila ba umuusal ng isang orasyong sya lamang ang nakaririnig.

Biglang kumalma ang nagngangalit na hangin. Tumigil ang mga pag-alulong pati ang
mga kuliglig ay nangagsitigil rin sa kanilang pag-iingay. Itinaas ng babae ang mga
kamay nito tungo sa langit at buong pwersa nya rin itong ibinaba, at pagdaka'y
isang nakabibinging kulog ang narinig. Bumaba mula sa langit ang mga nakakatakot na
kidlat at muling umusbong ang panibagong hilakbot sa puso ng bawat naroroon.

Isang malakas na kidlat ang tumama sa kalupaan na syang nagpaliwanag panandali sa


gabi, at kasabay nito ang pagkawala ng kuryente. The guests becomes erratic, wild,
and panicky. Everything is in chaos.

.............

"GET OUT OF THE DAMN WAY!" sigaw ng isang bisita habang nangangapa sa dilim.
Paroo’t parito ang lahat. Nangangapa sa dilim at patuloy na naghahanap ng liwanag
at security among their peers ngunit sa kabila ng kaguluhan, ay taimtim pa rin ang
magkakaibigan sa kanilang pagdarasal sa kabila ng mga pansariling takot na kanila
ring sinasagupa.

............

Ashton

Paulit-ulit na sigaw at kalampugan ang aking naririnig. Nandito ako nakatago sa


loob ng closet, humihikbi at pilit na tinatakpan ang tenga just like I used to do
back when I'm eight.

Huminto na ang ingay at ang buong bahay ay muling nanahimik. Akala ko tapos na,
kaya lumabas na ako from my hiding place para muling daluhan si mama just like I
usually do pagkatapos mag-away nila mama at papa ngunit di pa ako nakahahakbang
palayo sa closet, ay dalawang putok ng baril ang narinig ko.

Napatigil ako and a minute pass before I can move again. I race through the endless
hallway tungo sa kwarto nila papa, when I finally reach their door, agad ko itong
binuksan...

Paulit-ulit kong nakikita at ayaw akong lubayan ng pangyayaring iyon....

Mama is there, on the matress, bathing in her own blood while si papanakabulagta sa
floor at naliligo rin sa sarili niyang dugo. Agad ko silang nilapitan at niyakap.

Bakit pa? How can you?! Okay sana, pa, kung ikaw lang ang nawala pero ang daya mo!
Ang daya-daya mo! Fvck you pa!!!

I'm crying like hell kaya di ko namalayan ang babaeng palapit sa akin at nakaamba
na ang hawak nyang kitchen knife...

I was saved?!

Sandy

"Inutil kasi," patuloy pa rin sa panduduro si Tita Bing. Hindi ko alam kung bakit
sobra ang galit nya sa akin. Ever since naging OFW ang parents ko lagi na lang nya
akong ginaganito!

Ilang mura, sapak, tadyak, at pagpaparusa ang tiniis ko, sa dami di ko na


mabilang!!!
Tumatakbo ako lagi ngunit lagi nya akong nahuhuli. Pinilit kong kumawala pero ang
hawlang ginawa nya is so utterly indestructible!

Call me a bitch, a maarte ngunit huwag nyo akong akusahan ng mga bagay na di ko
ginawa dahil may limitasyon rin ako...

I didn't kill her! I didn't do it!

Ayaw naman nyong makinig eh! How many times ko bang uulitin? I'm so tired
explaining na eh. Oo, inutil na kung inutil ngunit kailanman, I can never do the
things you are accusing me of!

"Ano bang gusto mong mangyari Tita Bing? Ginagawa ko naman lahat ng nais nyo but
why are you still finding fault on me?"

Mag-asawang malalakas na sampal ang itinugon ni tita at saka nya ako dinuro. Bakas
sa kanyang mga mata ang matinding galit at pagkamuhi.

"Mawala ka na! Dahil simula nang dumito ka, nagkandaleche-leche na ang buhay ko.
Pinatay mo silang lahat," sabi ni tita bago nya ako sinunggaban at sinakal.

Her grip is like steel at kahit anong gawin ko I can't pry it away from my neck.
Nahihirapan na akong huminga ngunit kahit sa bingit ng kamatayan, I did not kill
anyone. Tito Dante and Junie died dahil aksidenteng nawalan ng control ang Montero
at humagibis ang sasakyan tungo sa bangin. I am supposed to be there pero
nakaligtas dahil ako ang nautusang bumili ng mais sa gilid ng daan.

That has been a year and then, ang nag-iisang anak ni tita na buhay pa ay naadmit
sa mental assylum dahil overdose ng coke at pot. Ang matalinong si Ate Andrea
nabaliw dahil di kinaya ang pagkawala ng ama at kapatid nya and so, I was left to
receive all of tita's anger.

Mas lalong humigpit ang pagkakasakal sa akin ni tita and I can't blame her dahil
malas at inutil ako...nagdidilim na ang aking paningin, anytime soon liligaya na si
tita dahil sa wakas she can get rid of me...ngunit, biglang lumuwag ang
pagkakasakal sa akin curiousong idinilat ang mga eyes ko only to see a blurry man's
silhoutte fighting tita bago ako tuluyang mawalan ng malay.

............

Daniel

Ang dami nila! Small, fluffy, evil, and nakakapanindig balahibo! I hated them but
now they are closing on me! Buti na lang may kataasan itong posteng kinalalagyan
ko.
Ewan ko why I hated those chick?! Basta ang alam ko nakadidiri silang
tingnan...their sounds grates on my nerves I hated it! Pati yung tuka nila makes me
to be always on edge as if anytime soon susugurin nila ako...I hated sisiws! Yuck!

Ayaw kong tumingin sa ibaba ngunit pansin kong parami na sila nang parami and their
eyes, their eyes are gleaming red and glaring at me! Nasusuka ako pag nakakikita ng
sisiw, tumitindig ang balahibo ko pag naririnig ko palang ang huni nila...

SHIETE! Yumuyugyog ang poste, those fluffy devils are woodpeckers now! Tinutuka
nila yung base ng poste para matumba! I don't want to fall on them and be assaulted
by those demons!

Wala akong magawa kundi manginig sa takot sa nakaabang kong katapusan. Imagine ang
Daniel na gwapong tulad ko, mamamatay lang dahil sa mga bwisit na sisiw! Unti-unti
nang bumibigay ang poste at maya't maya lalagapak na ako on the wilderness of these
blasted chicks!

Parang slow mo ang pagbagsak ng posteng kinalalagyan ko at habang palapit ng


palapit ako sa mga sisiw, mas lalong nanlilisik ang mga mata nila habang
tinutunghayan ang pagbagsak ko ngunit...

What the hell! Nag-iba ang environ ko it seems I am in some sort of a maze. I look
around trying hard to know where the exit is when all of a sudden narinig kong muli
ang mga sisiw. Palakas nang palakas ang dagundong ng kanilang tinig. Di na ako
nagdalawang-isip pa and I started running for my life.

Takbo rito, takbo roon. I followed my instinct whenever I meet crossroads ngunit
kahit anong gawin kong panliligaw sa mga sisiw, ay nahahanap pa rin nila ako
hanggang kalaunan ay nasukol nila ako.

Di na nag-atubili ang mga alaga ni San Pedro at agad akong sinugod. Inaasahan ko
nang tutukain at kakalmutin nila ako ngunit wala akong maramdaman kahit katiting na
anuman. I opened my eyes only to see darkness around me and then, out of nowhere, I
heard my name being called...

............

"DANIEL!"

Todo sigaw si Carmela habang tila namimilipit sa sakit sina Ashton, Sandy, at
Daniel. It came of all a sudden, biglang nagsisigaw ang tatlo at bigla na lamang
din silang nabuwal and they are moaning, crying, and uttering nonsense. Walang
nakakaintindi sa nangyayari sa tatlo, maski si Artemio ay di mawari ang nangyayari.

=================
GB14

"Alejandro!?" may himig ng pag-aalangan ang boses ni Serefina nang kanyang mamasdan
ang lalaki.

Hindi umimik ang lalaki ngunit mataman nyang tinignan ang dating iniibig. Tuluyan
nang nagbago ang babae, mula sa maamo nitong mukha ay nagkaroon na ito ng lamat.
There is a streak of wildness on her, and the eyes that once bespoke of adoration
are now filled of unplaced anger.

"Alejandro," pag-uulit ni Serefina, "nagbalik ka," mahina nyang pagkakasambit.

"Hindi ako nagbalik dahil iniibig kita, naririto ako upang tapusin na ang
kahibangan mo!"

Napatigil si Serefina sa anumang sasabihin nya and a brevy of emotions flitted


across her face ngunit sa bandang huli, galit ang nanaig. Umusal sya nang dasal
bago muling itinuon ang tingin kay Alejandro ngunit walang nagyari sa huli.

"Kung, inaakala mong mas makapangyarihan ka, ay mali ang iyong husga pagkat mayroon
pang mas malakas na kapangyarihan kaysa sa itim mong mahika," malumanay na saad ni
Alejandro, "tama na Fina, itigil mo na ang galit na iyong nararamdaman dahil walang
patutunguhan ang lahat nang ito."

Humalakhak ng pagak si Serefina, " Lahat ay may patutunguhan Alejandro! Hindi ko


hahayaang lumigaya ka sa piling ng iba pagkat nais ko ring maranasan mo ang sakit!"

"Hindi ba sapat na kabayaran ang paghihiwalay ng aking kaluluwa sa aking katawang-


lupa? Hindi pa ba sapat na pati mga inosenteng nilalang ay dinadamay mo sa iyong
galit? Si Fidel, si Gustavo, si Rhei?! Ano na Fina?!"

"Oo hindi sapat! Dahil lahat sila ay naging kasangkapan sa palasigmuan ng ating
pagwawalay! Naging matamlay ka simula nang dumating ang babaeng haliparot at ang
digmaan! Sa tuwing nakikita mo sya, iba ang ningning ng iyong mga mata!"

"Kailanman ay ikaw lang, Fina. Hindi tumamlay ang pag-ibig ko! Oo inaamin kong
tumingin ako sa iba pero ikaw lang ang minahal ko nang ganito! At isa pa, Fina,
hindi sya haliparot gaya ng iniisip mo. Pero masakit malamang niloko mo ako ng
paulit-ulit. Gayuma at Gustavo, Serefina.”

Hindi na muling sumagot si Serefina bagkus ay sinimulan na nya ang paghihiganti.

............

Nag-iba ang paligid. Nawala ang mga sasakyan at napalitan ang mga ito ng magagarang
karwahe. Pati ang bihis ng bahay ay nag-iba, naging mas makaluma pa ito at ang
higit na nakababahala ay nawala ang mga panauhing nangagsidalo sa kasiyahang
inilatag ni Gov. Menandro. Tanging grupo nila G. Artemio ang natira sa loob ng
mansyon.

Magkakahawak kamay ang bawat isa habang umuusal ng panibagong orasyon ang matanda.
Lahat sila ay nangangatog na sa takot ngunit, alang-ala para sa kaibigan ay
ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya.

Samantala, panay ang birada ni Serefina ng orasyon habang sina Alejandro at Rhei ay
tumatakbo sa kasukalang pinagdalhan sa kanila ng mangkukulam.

Matalahib at matinik ang kanilang dinaraanan ngunit tila gamay na gamay ni


Alejandro ang kanilang kinaroroonan dahil sa huli ay narating nila ang bukana only
for Rhei to finally realize that they have travelled in time.

There is a lot of traffic that meets them upon exiting the grassland. Baku-bako ang
daan, maraming karatelang punum-puno ng samu't-saring ani ang kanilang
nakakasalubong. Halos lahat ng taong naglalakad ay nakagayak ng baro't saya at
camisa de chino but no one paid them any heed.

Lakad at takbo ang ginawa nila Alejandro. Ginagabayan nya ang dalaga dahil ang
panahong kanilang nilalakbayan ay kabisado nya. It is during the war era wherein
the nightmare begins. Pawa silang nakikiramdam dahil di nila tiyak ang ginagawa ni
Serefina.

Patuloy pa rin sila sa pagtakbo hanggang sa marating nila ang kabisera ng bayan.
Maraming tao ang panaog at parito sa isang malaking bahay malapit sa plaza.
Magagara ang damit ng mga ito at lubhang may masayang okasyon silang idinaraos sa
mansyong yaon.

Biglang tumigil si Alejandro, at kunut-noong iginala ang paningin bago nagwika,


"Isang alaala. Ibinalik nya tayo sa nakaraan gaya ng kanyang pagkakaalala sa
nagdaang panahon. Halika na binibini, pumanaog tayo sa mansyong yaon," sabay yakag
nya kay Rhei tungo sa nakitang mansyon kanina.

Madaling nakakubli ang dalawa sa madla ngunit, unbeknownst to them ay may nakamasid
na mga mata sa kanila plus, lips that slowly curves to an evil grin. They have step
into her best laid trap.

Pagkatapak pa lamang nila sa tarangkahan ng mansyon ay agad na napahinto si Rhei


coz she does not like the atmosphere of this house. Napahinto rin si Alejandro ng
mapansing di sumusunod ang kasama, "May problema ba?"

"W-wala naman, ngunit ayaw ko ang pakiramdam ko sa bahay na ito like it bodes evil
and doom," may pag-aalalang paliwanag ni Rhei.

Kunut-noong tumugon si Alejandro, "Di man kita maintindihan ng gayon ay sang-ayon


akong may kakaiba, at di nga magluluwat na ang tunay na plano ni Fina ay ating
malalaman. Kung magkagayon, umasa tayong magwawakas rin ang kanyang kahibangan."
Tumango na lamang sya sa lalaki bilang tanda ng kanyang pagsang-ayon, at muling
niyakag sya ni Alejandro tungo sa bulwagang kinaroroonan ng kasiyahang
nakapanlulumo.

=================

GB15

Alaala nga ba ang lahat? It is too real to be just a fragment of one's past.
Looking around, I can't help but doubt the events around me.

Masaya ang bawat madla kahit nahaharap ang bansa sa digmaan. Gaya rin ng Pilipinas,
nasangkot ako sa hidwaan ng dalawang malalaking tao sa kanilang lipunan but I guess
I have no choice but to end this war.

Marami ang nagsidalo sa kasiyahan sa mansyon. Magagara rin ang kanilang damit gaya
ng mga umattend ng party kina Governor. Lahat ay nagkakatuwaan sa loob at rinig din
dito ang banda de musico na tumutugtog ng kanilang Marcha Real.

Alejandro and I tried to camoflauge with the merry goers ngunit pareho kaming
alerto dahil ramdam namin ang presence ng bruhang si Serefina.

"Ramdam mo ba sya?" tanong ni Alejandro.

"Oo," I said, "pero bakit dito nya tayo dinala? Sa alaalang ito?"

Hindi sya agad sumagot kaya nilingon ko sya. Madilim ang aura ng mukha nya making
me guilty na baka I touch a sensitive nerve or something along those lines.

"Lumingon ka sa bandang kanan kung nasaan naroroon ang pintuan," sabay turo sa
kanyang sinasabi, "anumang oras ay magpapakita si Gustavo. Malalaman mo rin ang
dahilan ng lahat."

I nodded at him in obedience tsaka tiningnan ang direksyon ng point of entry ni


Gustavo. Habang inaabangan ang pagluwal ng mga pinto kay Gustavo ay binigyan ako ng
filler ni Alejandro tungkol sa alaalang aming kinasasadlakan.

"Marso 29, 1943. Pista ngayon ng aming Patron na si San Pedro. Masagana ang ani,
mababait ang mga Hapon na nadestino sa aming bayan, at higit sa lahat ay ngayon
sana ipapaalam sa buong bayan ang pag-iisang dibdib namin ni Serefina ngunit,
lingid sa kaalaman ng aming mga magulang ay nagkakalabuan na kami. Isang linggo rin
akong nawala dahil nagpunta ako sa karatig bayan upang magmuni-muni kung dapat pa
bang ituloy ang kasal o hindi. Akala nila ama at ina ay, nagsapa-Maynila ako upang
bumili ng mga materyales sa kasal. Pauwi na ako galing ng San Roque nang
magkakilala tayo.
" Hindi mo na maaalala dahil sa kagagawan ni Serefina ngunit, sabi nga ni abuela
Ingga, "Makalimot man alaala ng taong nagmamahal, ay di marunong lumimot ang
kanyang puso. Ang pag-irog na tunay at dalisay ay sadyang ganyan, Alejandro." Kaya
naniniwala akong alam pa rin ng iyong puso ang tunay na pinipintig nito. Mahal
kita, Reina Consuelo."

Hindi na ako nakasagot pa sa kanyang mga sinabi dahil biglang bumukas ang pintong
aking minamatyagan. Humahangos na tumakbo sa loob ng bulwagan ang isang mestizong
lalaki na may hawig kay Baron Geissler.

Magulo ang buhok nyang may pagka-kulay kayumanggi. Marungis rin at maputik ang suot
nitong damit, but it is the expression in his face that is so alarming!

His beady black eyes are restless as if looking for someone among the throng of
people gathered in this room we are in. He looks lost, bewildered, and afraid. I
don't know what horrors he have seen or experienced pero bigla syang lumapit sa
isang binatang kasing-edad nya ata at biglang hinawakan ang collar nito bago
tuluyang tumangis si Gustavo na anaki'y isang musmos na bata.

"Si Fidel ang lalaking kasama ngayon ni Gustavo," bulong ni Alejandro. I look up at
him, he is crying silently kaya I diverted my gaze back kina Gustavo.

Tumigil na sya sa kanyang pagtangis. Nahimasmasan na siguro ngunit kung


nakakabahala ang inakto nya kanina, higit na nakakagimbal ang sunod nyang mga
sinaad.

"FIDEL! WALA NA SYA! WALA NA, NALOKO NA!"

"Huminahon ka, pinsan, di kita maintindihan," pag-aalo ni Fidel.Mas lalong humigpit


ang pagkakahawak ni Gustavo sa collar ni Fidel, "Wala na si Alejandro, Fidel!
Tinapos na ni Serefina ang lahat! Isusunod nya tayo at ang buong bayan! Isa syang
kampon ng dilim. Mangkukulam, bruha, at salot! Nakita ko ang lahat-lahat, Fidel,
ang ritwal na ginawa nya pati ang pagdukot sa puso ng anak ni Mang Isko! Umalis na
tayo dali!"

Malakas ang pagkakasabi ni Gustavo sa mga salitang ito making the whole room a
scene of utter pandemonium. Marami ang nagpanic, nahimatay, humagulgol, at
nagsisigawan ngunit, biglang dumilim ang paligid at isang halakhak ang pumailanlang
sa paligid.

"Serefina," madiin na pagkakasabi ni Alejandro, confirming my worst fear. Naloko na


nga! We unwittingly fell at her trap.

............

"Shit!" wika ni Dan dahil kahit anong gawin nilang dasal ay di umuubra.
"Masyado syang makapangyarihan. I did not expect her to be more powerful over the
years," mahinang wika ni G. Galang.

Napalingon sa kanya ang buong barkada na may pagtataka sa kanilang mukha.

"Ano pong ibig nyong sabihin sir?" tanong ni Carmela.

Napabuntong-hininga at napakamot na lang sa batok ang matanda.

=================

GB16

"Mahirap ipaliwanag, ngunit kung mapilit kayo ay kinakailangan ninyo na ring


malaman ang mga pangyayari na tuluyang bumago sa aming bayan," G. Galang sighs and
eyed each one of the kids, "una sa lahat ay nais kong linawin ang inyong agam-agam
kung bakit ko nasambit kanina ang paglakas ng kanyang kapangyarihan. Masdan nyo ang
isa't isa," at tumalima naman ang mga magkakaibigan at tinitigan ang bawat isa,
"maaaring isa o dalawa sa inyo ay hindi dapat nabibilang sa panahong ito."

Saglit tumigil ang matanda sa pagsasalita at muling tumitig sa mga kabataang


naroroon sa silid na iyon na tila ba nais nyang isaisip ang kanilang mga anyo bago
pa man mahuli ang lahat.

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan, pawang nagugulumihanan sa inaasta ng matanda


till Carmela voices out their concern, "Are you alright, sir?"

Ngumiti ang matanda bago muling nagpatuloy, "Ayos lamang ako, hija, ngunit
pagpaumanhinan nyo lamang ako dahil baka bago pa magbukang-liwayway ay di ko na
kayo muling makikita," at mas lalo pang naguluhan sina Carmela, "gaya nga ng sinabi
ko noong una, isa sa atin ay di na nararapat pa sa panahong ito at ako iyon."

Tila isang bombang sumabog ang dating ng mga pahayag ni G. Galang sa mga kabataang
nakaumpok sa kanyang kinaroroonan, "A-ano pong ibig nyong sabihin, tanda?" ani ni
Ashton.

Agad naman syang sinaway ni Jaime, "Hoy, Ash, bibig mo puno na naman ng basura!" at
nagtawanan ang lahat sa tinuran ni Jaime.

Tumikhim ang matanda to get their attention, "Maraming kababalaghan ang nasa ating
kapaligiran gaya ng Biringan City sa Samar. Hindi Arturo Galang ang tunay kong
pangalan, ni di rin ako galing sa ibang bayan bagkus, dito sa Sto. Niño ako
isinilang at tumanda," at tumingin ito sa kawalan habang inaalala ang nakaraan...
flashback

Umihip ng pagkalakas-lakas ang hangin. Binayo nito ang buong bayan ng Sto. Niño at
kahindik-hindik ang bawat wasiwas nito sa buong paligid. Maraming nag-iiyakang
bata, at ang mga matatanda'y napapaantanda na lamang ng gayon pagkat tila
mawawakasan na ang buong sanlibutan.

Pagdaka nama'y kumulimlim ang buong kalangitan. Natakpan ng itim na mga ulap ang
araw na syang nagdulot sa biglaang paglukob ng dilim sa buong bayan.

Takbo rito, takbo roon. Walang kapaguran ang bawat mamamayan sa kanilang paglikas
at pagsalba sa kani-kanilang buhay. Napuno ng takot ang bawat puso ng naroroon pati
nga mga banyagang mananakop ay tinablan din ng takot pagkat sa tanan ng buhay
nila'y ngayon lamang sila nakasaksi ng ganitong bangis ng kalikasan.

Simula ng sabihin ni Gustavo ang mga bagay-bagay na yaon sa piging kina Don Artemio
Galang, ay nag-umpisa na ang kalbaryong aking kinahaharap magpasa-hanggan ngayon...

"Dumito ka muna, Pacencia, babalik ako pangako," inaalo ko ang aking kabiyak. Isang
linggo pa lamang kaming ikinasal at heto, nasuong kami sa hidwaan nila Alejandro at
Serefina.

"Mangako ka, Fidel, babalikan mo kami rito," pahayag ng aking ina habang yakap nya
si Pacencia. Umiiyak ng pipi ang aking asawa. Nahahabag ako sa kanya pagkat walang
kasiguraduhang makababalik pa ako sa kanyang piling. Maaari ding di ko na masilayan
pa ang aming magiging supling...

Ikinasal kami kaagad dahil di ko sinasadyang mabuntis si Nena. Sobra ang galit ng
aming mga magulang ngunit di naglaon ay pumayag din silang kami'y maikasal kaagad
upang makaiwas, diumano, sa iskandalo. Dahil sa aking kabusabusan, ay inurong ang
pag-iisang dibdib nila Alejandro upang di raw tamaan ng sukob. Labis itong
ikinagalit ni Serefina, naghihimutok na kailangan nilang makasal bago humantong ang
bagong taon. Hindi namin maintindihan ang lohika nya, ngunit pinipilit nya pa ring
makasal agad silang dalawa sa lalong madalung panahon.

Nag-away, nagkasagutan, at tuluyang di na sila nagkaintindihan pa hanggang sa


humantong na nga sa ganito.

Minasdan kong mabuti ang maamong mukha ni Nena bago siniil ng halik ang kanyang mga
labi bago tuluyang linisan ang kanilang pinagtataguan. Paalam mahal ko...

end of flashback

"Ganoon nga ang nangyari," mahinahong saad ng matanda, "katawan ng pinsan kong si
Gustavo ang aking kinaroroonan ngayon. Ito ang tangin nyang hiling, na sana kahit
papaano ay may maitulong sya sa pagbagsak ni Serefina."
"So, ibig pong sabihin, your soul is Fidel's while your physical body belongs to
Gustavo?" paglilinaw ni Dan. Tumango ang matanda bilang tanda ng pagsang-ayon.

"Wait!" sigaw ni Sandy, "eh, what happened na after makipag-transfer the body and
soul kayong two cousins?"

Ngumiti ng mapait ang ginoo, "Mahirap ngunit wala na akong magawa noon dahil iyon
na lamang ang tanging paraan upang pansamantalang matigil ang kanyang kahibangan,"
nangingilid ng luha ang mata ng matanda hanggang sa tuluyan na itong bumagsak.

A moment or two passed bago nya makontrol ang kanyang sarili at nagpatuloy muli,
"Isinakripisyo ni Gustavo ang sariling kaluluwa upang kahit papaano ay mapigilan si
Serefina ngunit bago yaon, hinabilin na ni pinsan ang balak nya pagkat nang mga
panahong yaon ay malubha na akong nasugatan gawa na rin ng baliw na babaeng iyon!"
wala sa sariling naikuyom nya ang kanyang mga kamao sa tindi ng galit kay Serefina.

"Lumipas nga ang araw, buwan, at taon ngunit di ko na muling nahagkan ang aking
mag-ina. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na natutunghayan mo na lamang sa malayo ang
paglaki ng iyong anak hanggang sa magkapamilya na rin ito!" dahil na rin sa bugso
ng damdamin ay napasuntok sya sa pader at mas lalo syang humagulgol.

Inalo nila Carmela si Don Fidel na napapaloob sa katawan ni G. Gustavo, "Tahan na


po, lolo, pinapangako namin na ang paghihirap nyo ay mawawakasan na rin."

"Tama po si Carmie, sir," saad ni Dan, " there is still hope."

Napatingin si Fidel sa kanilang lahat. All of them are sporting encouraging smiles
kaya naman napangiti na rin ito...

Ngunit, may pag-asa pa nga ba o huli na ang lahat?

=================

GB17

Birada ng kapangyarihan. Iyon lamang ang tanging makapaglalarawan sa


pakikipagtunggali nina Alejandro at Serefina sa isa't isa.

Matapos ang alaalang nasaksihan ay nag-ibang muli ang aming paligid. Right now,
madawag na parang na may panaka-nakang mayayabong na acacia ang naroroon. Natakot
ako nang mga sandaling yaon kaya wala sa sariling, napayakap ako kay Papa A,
shortened version ng Alejandro kasi masyadong mahaba name nya, pero back to the
present, napatingin sya agad sa akin at tila nagitla sa aking ginawa.
Kumalas din ako agad sa pagkakayakap at agad na itinuon ang tingin sa paligid but
from the corner of my eyes, I saw him smile while shaking his head in astonishment?
disbelief? Ewan!!!

Yumanig ang lupa na labis kong ikinakaba. Namamayani ang kakaibang takot at sindak
sa aking dibdib. I look around ngunit mga uwak na nagliliparan lamang ang aking
napansin. Their cawing is grating on my nerves na tila sinasadya upang mawala ang
kaunting pagtitimping meron ako. I look at Alejandro, pati sya ay nakatakip ang
tenga gamit ang kanyang mga palad and mababakas sa kanyang mukha ang pagkabahala.
Napalingon din sya sa akin, nagtatanong ang mga mata as if asking what is going on
right now.

Napatingin ako sa dakong silangan?! Hindi ko alam, I don't have a perfect sense of
direction ng mga sandaling yaon ngunit iisa ang malinaw sa akin, ang araw na tirik
na tirik ay biglang nagfast forward na lumubog gaya ng mga effects sa mga
documentaries pag hinihila nilang pilit ang oras upang maipagkasya ang lahat ng
recordings in one hour. Gayon na gayon ang nangyari, bigla at nagmamadaling lumubog
ang araw hanggan sa lumambong ang kadiliman.

Nangangatal na ako sa pagkasindak and I hated this feeling. I feel like a mindless
prey who fell for my predator's trap. Nakakasakal ang ganito, if only I can do
something but I am helpless at the moment.

Lumipas ang mga sandali bago muling nagparamdam si Serefina. It doesn't happen too
fast nor too slow bagkus, nagpakita sya when I expect her to be.

Pagkaraang dumilim ay umihip ng malamig na hangin and right there, infont of our
eyes she stood there.

Hindi ko alam kung kahahabagan, katatakutan, o kamumuhian si Serefina at that time


dahil sa hilatsa niya ng mga sandaling yaon.

Linilipad ng hangin pa-side ang mahaba nyang buhok and her eyes seems sorrowful but
there is still a deadly glare on them. Tikom ang kanyang bibig na tila pinipigilang
bumukas. She stayed like that na para bang kinacalculate ang anumang gagawin namin
ni Alejandro.

I do not know, but at some point namayani ang awa sa aking puso ngunit tila di
sang-ayon si Alejandro, "Huwag kang papaapekto, Rhei, isang ilusyon lamang ang
ating nababanaag sa ating harapan.Naririyan lang sa paligid ang tunay na Fina," at
iginala ni Papa A ang kanyang mga mata sa paligid until he zeroes his gaze sa isang
malaking acacia sa di kalayuan.

Sinundan ko ng tingin ang pinagdakuan ng kanyang pansin and true to his words, ang
Serefinang kaharap namin kanina ay biglang naging mga itim na paru-paro na sumugod
sa amin.

Alejandro and I tried to duck and cover ourselves dahil tila patalim ang bawat paa
ng mga paru-parong umatake sa amin. Bawat kalmot at sugat na aking natamo ay di ko
ininda dahil sa mga panahong yaon ay napuno na ako!

Tumigil bigla ang mga paru-parong may bahid ng pagkademonyo and when I opened my
eyes, the evil butterflies are all lying on the ground. Nangingisay silang lahat
parang nakuryente ba. Napatingin ako kay Alejandro, "Anong nangyari?" buong
pagtataka kong tanong.

Kunut-noong sumagot ito, "Hindi ko alam ngunit ang mga sugat mo!" gulat nyang
pahayag. I instantly look at my many cuts and oh! Just before my eyes, all of them
are healing!!!

I look back at him wide eyed only to observe that he too, is healing. I point it
out to him, at pati sya nashock!

"Magsaya kayo ngayon ngunit di nyo na muling masisilayan pa ang bukang-liwayway,"


tiim-bagang sambit ni Serefina.

Bago pa man kami makahuma sa presence ni Serefina ay narinig namin ang isang
pamilyar boses na nagbubuhat mula sa kalangitan, "Itigil mo na ang walang saysay na
galit Serefina," malumanay ang pagkakawika ng tinig, "para saan ba ang galit mo?
Hindi pa ba sapat na maraming buhay ang nabago't nawala? Ano ba ang nais mong
mangyari, Serefina?"

Kumulog at kumidlat and before I can comprehend anything, a blinding light engulfed
the whole world for me.

...............

Daniel POV

"Halina kayo, mga bata, magmadali tayo bago pa mahuli ang lahat," Don Fidel urges
us as we descend on the spiraling stone staircase.

Medyo maalikabok at ang daming cobwebs! Si Sandy nga diring-diri na, ako pa kaya?!

Hindi ko sasabihing, hindi ko alam kung paano kami napunta sa lugar naito ngunit,
hayaan nyong ipaliwanag ko ang lahat-lahat from the top.

Matapos naming marinig ang revelation ni G. Gal-, este Don Fidel, ay tahasan kong
tinanong kung may iba pa syang alam na paraan upang matapos na ang gabing ito.

Tiningnan lamang ako ng lolo ni Carmie na tila ba nagpapatawa lang ako. Seriously,
what is really going on?
The old man took a deep breath bago tumayo ay dire-diretsong naglakad patungo sa
isang bookshelf malapit sa portrait ng isang couple in their wedding dress pero
yung babae parang bulag...

Lumangitngit ang bookshelf pagkat bigla itong bumukas, and with the light emitting
from the candles, nabanaagan ko ang mga unang dalawang baitang ng hagdan.

Lumingon sa amin sa amin si tanda, "Halina kayo," and walang lingun-lingong


pumanaog sa kadiliman...

Kaya heto, we are descending a very dizzy spiral staircase! Malaman ko lang kung
sino ang nagdisensyo nito, di ko siya titigilan sa pagmumura. Packing tape naman
oh, mailalabas ko na ata lahat ng kinain ko!!

Bogsh!

"Hey!" reklamo ko sa kung sinomang likod ang biglang tumigil sa aking harapan,
"ba't ka huminto?"

"Huwag ka ngang maingay, Dan!" saway sa akin ni Jaime.

Medyo madilim ang lugar na tinigilan namin pero alam kong nandito pa mga kaberkz ko
dahil panay ang kapit nila sa akin pati nga si Ash parang linta kung makakapit!

Lumiwanag ang buong paligid dahil kaya naman pala! Don Fidel has light up the
torches in the room. Sly old man.

Sa tulong ng mga nagliliyab na sulo, ay nakita ng dalawang mata ko ang isang di


kapani-paniwalang bagay...

...sa gitna ng silid ay isang glass coffin, tulad ng kay Snow White, ang naroroon
at sa loob nakahiga ang isang lalaking mistulang nahihimbing lamang...

=================

GB18

Isang naiibang ritwal ang isinasagawa nila Fidel nang mga oras na yaon. Pinaligiran
nila ng circle of lighted white candles ang pentagram made out of salt na kung saan
nasa mismong loob ng pentagon ang glass coffin.

The group ties a red rope around the four pillars found in the room. Ayon sa
matanda, talagang pinasadya ang room na ito upang ilagak at itago ang lalaking
nakahimlay sa kabaong salamin.
Pumaloob silang lahat sa pentagon at tangan nilang lahat ay tig-iisang puting
kandila at rosaryo. Alerto ang bawat isa, lahat nakikiramdam sa kanilang paligid.
Nasa bandang ulo ng lalaki sa kabaong si Don Fidel, inilalapag nya ang isang Holy
Bible sa bandang dibdib ng lalaki bago nya tinusok ang kanang hintuturo hanggang sa
dumugo ito at pinatakan ng tatlong beses ang aklat ng mga salita ng Panginoong
Diyos. Matapos gawin ito ay umusal sya ng isang panalangin.

"Nawa Ama naming lubos na makapangyarihan sa lahat, ikaw ang gumabay at mag-ingat
sa amin.Tulungan mo kaming gapiin ang kasamaang matagal nang naghahari sa bayang
ito. Lahat ay aming hinihiling sa pamamagitan ng inyong bugtong na Anak. Amen."

Pagdaka ay nangamatay ang mga sulong tumatanglaw sa buong kwarto at ang tanging
liwanag ay nanggagaling na lamang sa mga kandila. Everyone became more alert than
usual. Pinatalas nila ang kanilang mga pakiramdam sa anumang mangyayari habang si
Don Fidel ay umuusal muli ng tatlong beses ng isang Wiccan Chant.

"Iz tela u telo, nasê dusê da teku jedni drugima tela. Nasê dusê idemo zauvek
gledaçu da tako i bude."

Yumanig ang lupa pagkaraan usalin ni Fidel ang Wiccan chant at kasabay ng lindol
ang malakas na pag-ihip ng hangin sa nakakubong na silid. Panay ang tagaktak ng
malalamig na pawis sa mga noo ng mga magkakaibigan hanggang sa muling lumindol at
nangabitak ang mga sahig sa labas ng pulang lubid at mula sa mga bitak ng lupa ay
lumabas ang nakangingilong amoy ng asupre at usok ngunit, di ito makapasok sa
pulang lubid.

The sulfuric smoke circles the enclosure guarded by the red ropes but to no avail.
The smoke only succeeded in showing the invisible shield encasing the mortals. The
haze remains there but then it disappears only to be replaced by demonic entities.

Tikbalang, kapre, tiyanak, sigbin, at samu't saring mga halimaw ang nagsilabasan.
Their eyes are blazingly red. Umaapoy ang bawat titig nila sa magkakaibigan. They,
the monsters, circles the Wiccan enclosure and then they attacked...

Amidst the frantic chaos brought by these entities, ay buo ang loob ng mga
kabataan. Buo ang tiwala nila na mananaig ang tama laban sa mali; liwanag kontra
dilim; katotohanan sa kasinungalingan...

Bawat isa sa mga kampon ng dilim ay katumbas ng mga kinatatakutan nila. Lahat ay
mga paalala ng kanilang mga kahinaan, mga tanda ng karupukan ng mga mortal...

Serefina

1941

Linukob ng mga sakang ang buong bansa. Napuno ng takot ang bawat puso ng mga
mamamayan. Hindi mapakali ang mga mahihirap, ngunit kaming nabibilang sa alta-
sociedad, ay tila isang malaking biro lamang ang namumuong digmaan sa pagitan ng
Imperyong Hapon at Estados Unidos.

Panay pa rin ang pag-inog ng mundo. Patuloy pa rin ang mga mayayaman sa walang
pakundangang pagsasaya sa mga idinaraos na piging, at iba pang mga salu-salo...

Naaalala ko pa kung kelan ko sya nakita at nakilala. Disyembre 31, 1940 nang
magsimulang pumintig ng ganito ang aking dibdib. Sa pagkaka-alala ko ay dumalo ako
sa isang piging ng mga Palomo upang salubungin ang bagong taon.

Nagkatabi kami sa hapag-kainan noon at medyo nahihiya pa akong kausapian o kibuin


ang makisig na lalaki sa aking tabi hanggang ipakilala sya sa akin ni Fidel, isang
kalaro noong paslit pa ako.

"Hindi ba kayo magkikibuan?" sarkastikong tanong nito.

Pinandilatan lamang sya ng aking katabi samantalang ako ay namumula sa di malamang


dahilan. Kapagdaka ay biglang tumawa si Fidel bago muling nagwika, " Ay tunay ngang
mga tao kayong galing sa bundok pagkat di kayo maalam sa pakikisalamuha!"

"FIDEL!" saway ko rito ngunit tumawa lamang ang indio de bobong ito na anaki'y
nasisiyahan.

"Fidel," panimula ng lalaking aking katabi,"dapat mong igalang ang binibini pagkat
yan ang sa ati'y turo ng mga maestro sa unibersidad!"

Napatingin ako sa kanya ng di oras pagkat ako'y nagitla sa kanyang tinuran. Aba,
kilala nya ang malikot na si Fidel! Napansin din nya ang aking pagtitig kaya,
lumingon sya sa akin at ngumiti...

Tumigil tila ang aking puso sa pagtibok nang sandaling yaon. Di ko mawari ang
nangyayari sa akin...

"...ikinagagalak kitang makilala, mahal na binibini," sabay lahad ng kamay sa akin.

Tinitigan ko ng matagal ang nakalahad nyang palad bago ko mapagtanto na


nakikipagkilala na pala sya sa akin. Agad kong tinanggap ang pakikipag-kamay nya at
nagpakilala na rin.

Simula noon ay mas lalo akong naguluhan. Hindi ko maintindihan ang aking
nararamdaman pagkat sa tuwing naririyan sya sa malapit ay tila buo na ang aking
araw, kung sakaling di ko sya makita ay nalulungkot ako, at sa tuwing nababanggit
ang ngalan nya ay napapangiti ako na lamang ng gayon...

=================
GB19

Pumailanglang ang hiyaw ng isang babae sa katahimikan ng gabi. Mababakas sa kanyang


boses ang sobrang sakit na dinaranas. Di mapakali sila Alejandro at Rhei pagkat
umaatungal na sa hinanakit ang mangkukulam ng Sto. Niño...

Katapusan na ba nila? Ito ngayon ang tumatakbo sa isipan ni Rhei habang inaaral ang
kanilang paligid...

Rhei

Matapos muntikang malinlang ay yumanig nga ang lupa. Nilamon ng isang sinkhole ang
buong kaparangan kani-kanila lang habang panay ang takbo namin ni Alejandro upang
maiwasang lamunin ng lupa hanggan sa mapadako kami sa harap ng isang simbahang
ITIM?!

"Sinasabi na nga ba at tayo'y kanyang kinulong sa kanyang sarili!," Alejandro


observes as he surveys the black cathedral, "ang itim na simbahan ay ang
kinalalagyan ng kanyang kapangyarihan. Halika na, binibini, pumasok na tayo sa
loob," at niyakag na nya ako papasok sa itim na simbahan...

Kalansay. Marami. Bawat muwebles sa loob ng simbahan ay gawa sa mga buto ng tao!
Iginala kong muli ang aking paningin, and I am surprised at what I saw...

Baligtad lahat ng mga crucifix and every niche that supposed to hold the statues of
saints, now holds demonic entities. I look around in horror till my gaze fell on
the altar...

Alejandro

Isa akong kaluluwang pinilit inihiwalay sa aking katawang mortal. Lagi kong
natutunghayan ang lahat ng mga pangyayari, ngunit wala akong kakayahang pigilan ang
mga kasamaang nakikita. Nasaksihan ko ang paglaya ng Pilipinas sa mga kuko ng
imperyalistang Hapon; akin ring nabanaagan kung papaano magbihis ang aming nayon
pati na rin ang pagbabago ng mga tao; at nakikita ko rin kung paano paglaruan ni
Serefina ang mga kabataang kasama ni Consuelo...

...ngunit di ko rin makakaila na habang lumilipas ang panahon, ay mas lalo akong
nag-aalangan para sa hinaharap.

Simula nang muli kong nakita si Reyna Consuelo, ay kakaibang ligaya't pag-asa ang
kanyang idinulot sa hungkag kong pakiramdam.

Malayo na ang nilakbay namin ni Consuelo. Batid kong siya'y hapung-hapo na ngunit
pinipilit ko na lamang siyang sumabay sa aking pagtakbo hanggan sa marating nga
namin ang itim na simbahan...
Di ako nagkamali ng hinala, ipiniit niya kami sa kanyang sarili at ang patunay ay
ang gusaling nasa aming harapan.

Alam ko kung ano ang nasa loob nito. Minsan ko nang nakita't nabasa ang ukol sa
gusaling ito sa mga binabasang libro ni Fidel, at ayon nga sa aklat, ito ang
pinakapuso ng kapangyarihan ng isang tulad ni Fina at naririto rin ang kanyang
kahinaan...

Carmela

Bangungot ang hatid ng gabing ito. Hindi ito ang inaasahan kong kalalabasan ng
kasiyahang inihanda. Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong nababaon kami sa
kadilimang lumukob sa bayang ito.

Kani-kanila lang ay napuksa ni lolo Fidel (di pa nga ako makapaniwala sa kwento nya
but there are more priorities to be done) ang mga halimaw, ay biglang nagsisulputan
naman ang mga anim na santelmo.

Nagliliyab ang mga bolang apoy na tumapat sa bawat isa sa amin. They are like
meteors fallen from above but, the creepy part is they are floating in midair and
parang mga buhay sila na nakatitig at sinusuri ang buo mong pagkatao.

Patuloy pa rin si lolo Fidel sa kanyang ritwal hanggang sa biglang sumigaw ito at
mula sa kawalan, ay kita ng dalawa kong mga mata, lumabas ang dalawang pamilyar na
nilalang.

Serefina

Isang maling akala ang humantong sa kanilang bahagyang pagwawagi! Ngunit di pa huli
ang lahat pagkat alas-onse y medya pa lang at di pa nagtatapos ang gabi!

Naging pabaya ako pagkat di ko akalaing alam ni Alejandro ang kahinaan ng isang
gaya ko. Abala ako ng mga sandaling yaon sa pagharang at pagpigil sa orasyong
ginagawa ni Fidel upang pagsanibin ang katawan at kaluluwa ni Alejandro. Ayaw kong
mawala syang muli sa akin pagkat sa kanya lamang umiinog ang aking mundo.

Kita ko kung papaano nya tingnan ang Consuelong iyon! Nagseselos ako sa tuwing
magkahugpong ang kanilang mga kamay! Nangagalaiti ako sa galit at nais ko na sya ay
mawala na sa aking landas!

Kung noo'y di ko sya nagawang puksain, ngayon ay sisiguraduhin kong ako ay


magtatagumpay! Hayop na Gustavong yaon, kung di lang nakialam sa ginagawa ko ay
baka matagal na kaming magkapiling ni Alejandro!
Mula sa kung saan ay lumitaw ang isang salamin na kasinglaki ng tao at biglang
tumakbo patungo rito si Alejandro at Consuelo. Kitang-kita ko kung gaano kahigpit
ang hawak nya sa babaeng hampaslupa, at tangan nya sa kabilang kamay ang larawan ng
aking kaluluwa.

Sa larawang yaon ipiniit ng demonyong aking kinasundo, ang pagiging mortal ko.
Ibinilin ng alagad ng dilim na dapat di ko hayaang mapasakamay ninuman ito pagkat
kung nagkataon ay tiyak, katapusan na...

Ashton

How my G! Is that a black hole?! Geez, am I seeing double?! Coz no amount of


science can explain what I am seeing right now.

From out of the blue, lumitaw ang isang kaluluwa ng lalaki habang hawak nito ang
kamay ni Rhei?! Can I faint now?

Pero sayang! Di ko naituloy kasi si tandang Fidel eh sinesenyasan kami na buksan


ang lid ng ataul at pinausal pa sa amin ang Our Father.

"Pakbet! Tol, sumanib yung soul dun sa katawang nasa glass coffin," I pointed out
kay Daniel Juan at aba, inirapan ako ng mokong! Bakla ba ito?

"Aray!" reklamo ko kasi may nambatok sa akin and may ako kung the who, "Jaime ba't
ka ba nambabatok?" singhal ko sa mataderang babaeng ito.

"Stop spewing nonsense, Ash, kita rin namin noh!" she said sarcastically, "no need
to state the obvious, dude!"

=================

GB20

1942

Maaliwalas ang buong paligid at di mababanaag ang sigalot na namamayani sa isang


marangyang tahanan malapit sa plaza real ng bayan. Tila Mahal na Araw ang buong
kapaligiran, tanging huni ng pipit, maya at iba pang hayop ang pumupuno sa
katahimikan ng lugar. Tirik na tirik ang araw at ni isang tao o karatela man ang
dumaraan sa Calle Magallanes kung saan naroroon ang mga bahay ng magkasintahang
Alejandro't Serefina.
Sa sala ng mga Lazo ay humahangos na pumanaog ang isang pawisang Fidel at
hinahagilap ang matalik na kaibigan ngunit ang tanging nabungaran nito'y si
Pacencia na tumatangis na tila baga'y namatayan at sobra sa paghagulgol.

Agad na dinaluhan ni Fidel ang kasintahan at pilit na pinapatahan. Lumipas ang


ilang sandali'y dumating ang galit na galit na si Don Tiburcio, ama nila
Alejandro't Pacencia, na puyos ng pagkamuhi ang mga mata. Agad nyang nahagilap ang
unica hijang humahagulgol na tila wala ng bukas kaya agad na napukaw panandali ang
galit nito. Liningon ni Don Tiburcio si Fidel at tahimik na nagtanong sa
pamamagitan ng pagtitig ngunit walang maisagot ang huli pagkat pati sya rin ay di
alam kung bakit nagkakagayon ang kasintahan hanggang sa marinig nila ang sigaw ni
Doña Guadalupe.

"TIBURCIO! TIBURCIO!" sigaw ng ginang habang tumatakbo tungo sa asawa, "isang


masamang balita!" bungad nito.

Hinarap agad ng ginoo ang kabiyak at sinenyasang manahimik at ininguso si Fidel na


nakatitig sa kanila habang inaalo ang kasintahan. Tumango ang ginang at agad
iginiya ang Don tungo sa silid-aklatan at agad isinara ang pinto matapos nilang
makapasok.

Matagal pa bago tuluyang tumahan si Nena at dala marahil ng pagkahapo sa ginawang


paghagulgol ay nakaidlip ito sa balikat ni Fidel. Maingat namang pinahiga ng huli
si Nena at agad na hinanap ang mayordoma sa bahay upang ibilin ang iniirog at
nagpaalam na hahanapin pa ang kaibigan ngunit bago pa man sya makababa ng hagdan ay
bumukas ang pinto sa silid-aklatan at tinawag sya ni Doña Guadalupe na pumaroon.
Tumalima naman agad si Fidel.

Pagkasara muli ng pinto ng silid ay makikitang nakatunghay ang Don sa isang family
portrait ng mag-anak na nakasabit sa kaliwang panig ng silid samatala, ang ginang
nama'y naupo sa isang upuan at tinakpan agad ang mukha ng mga kamay na tila ba
humuhikbi at si Fidel ay naroroon nakatayo sa gitna ng silid na di malaman ang
dapat gawin.

"Hindi ito ang aking inaasahan para sa aking unico hijo," panimula ni Don Tiburcio,
"ngunit, Fidel, ano ba ang dapat kong gawin?" at saka lumingon sa kausap na galit
na galit ang mga mata.

Napakamot sa kilay ang pobreng binata pagkat di nya rin mawari ang mga pangyayari.

Sa kabilang ibayo nama'y tahimik na naglalakad sa pampang ng ilog Bulihan ang isang
binatang nakayukyok ang ulo habang nakapamulsa. Wala ninuman ang naroroon pagkat
walang nangangahas lumabas ng kanilang tahanan dala na rin ng banta dulot ng mga
Hapong naroroon ngunit hindi ito inalintana ng binata.

Patuloy pa rin sya sa paglalakad habang titig na titig sa lupa at nang makakita ng
isang batong medyo maningning, ay walang pasubaling sinipa ito ng pagkalakas-
lakas...
"ARAY!" daing ng isang babae sa di kalayuan.

Agad na napataas ng tingin ang binata at agad nakita ang isang babaeng hinihipan
ang paang napinsala. Tumakbo ang lalaki tungo sa dalaga upang daluhan at tulungan
ito dahil sa pag-aakalang ang batong sinipa kanina ang syang may kagagawan nito.

"Pasensya na binibini, di ko sinasadaya!" paghingi nya ng paumanhin, "masakit ba?


Halika pagamot tayo sa ninong kong mangagamot!"

Ngunit wari'y di sya narinig ng dalaga pagkat patuloy pa rin nitong hinihipan ang
binting nasaktan kaya muling inulit ng binata ang mga sinabi.

"Por Dios!" sambitla ng dalaga habang nakatitig sa alapaap, "hindi ako bingi!"

Namula sa pagkapahiya ang pobreng binata, ngunit bigla syang tinapik ng kaharap sa
balikat, "Pasensya na kung nabulyawan kita ngunit ano bang ipinapapaumanhinan mo?"
may pagtatakang tanong nito.

Napamulagat na lamang ang lalaki sa pagkabigla, "Hindi ba't natamaan ka ng batong


sinipa ko kung kaya ka nasaktan?"

Tumawa ng malakas ang dalaga ang nginitian ang namumulang binata, "Ano bang
pinagsasabi mo, ginoo, kung ang tinutukoy mo ay yaong batong iyon," at sabay turo
sa mismong isang maningning na bagay sa di kalayuan, "ay napakalayo niyon sa akin.
Nasaktan ako dahil di ako nag-iingat, natapilok lamang ako."

"Pasensya pa rin, ngunit kaya mo bang maglakad pauwi sa inyo?" pagmamagandang loob
pa rin ng lalaki.

Bilang tugon ay pinilit nga ng dalagang tumayo't humakbang ngunit pagdaka'y napaupo
muli ito at nangingiwi sa sakit.

"Buhatin na kita binibini, nang makabalik ka na sa inyo," suhestyon ng binata na


agad tinanggihan naman ng kausap.

"Huwag! Pag nalaman nila ama't ina, pati na rin sina ditse't dikong, paniguradong
lintik ako!"

Napahagalpak sa tawa ang binata sa mga tinuran nito kaya naman natampal ng dalaga
ang binata na nagpatigil rito sa katatawa.

"Tumigil ka nga, ginoo, walang nakatutuwa sa aking sasapitin pag nalaman na naman
nilang tumakas muli ako sa amin!"
"Kung gayaon din lamang ay bakit di ka na lang sumainyo maglagi upang maiwasan mo
ang disgracia," suhestsyon ng binata ngunit pinaikot lamang ng dalaga ang mga mata
na ikinangiti ng kasama.

Lumipas ang ilang sandali sa katahimikan habang nakaupo ang dalawa sa malalaking
tipak ng bato ng biglang may pinulot ang binata sa di kalayuan at agad na lumapit
sa paralumang kausap upang ipakita ang napulot.

"Naaalala mo ba yung batong sinipa ko kanina?" tanong nito at tumango naman ang
dalaga sa pagsang-ayon. Binuksan ng binata ang nakakuyom na palad at tumambad sa
kanila ang isang singsing na lantay na ginto at may palamuting isang brilyante.

"Ibig mo bagang sabihin ay iyan yung sinipa mo kanina lamang?" manghang tanong ng
dilag.

"Oo," seryosong sambit ng binata, "di ko akalaing ang mga bagay na di nating
pinakatitigan noong una ay puno pala ng halaga pag iyong muling sinipat ngunit
ganoon rin ang kabaliktaran nito, dahil ang akala nating maganda sa una ay puno
pala ng kasinungalingan sa bandang huli."

Tumawa ang dalaga sa mga tinuran ng lalaki, "Ang lalim mo naman magsalita.
Paniguradong may pinagdaanan o pinagdaraanan kang mabigat ngunit kung anuman yan ay
isigaw mo na lamang sa ilog upang kahit papaano'y gumaan ang iyong dala-dala."

Napatitig sa kanya ang binata bago ito tumawa. Nakisali na rin sa pagtawa ang
dalaga, "Bakit, ginoo, di ko ba bagay magpayo ng ganoon kaseryoso't kalalim?" aniya
sabay kindat na syang lalong nagpahagalpak ng tawa sa binata.

Nag-usap at nagtawanan ang dalawa at di nga nila namalayan ang oras hanggang sa
biglang lumimlim na ang langit.

" Hala, paano ako makakauwi niyan?" may pag-aalalang sambit ng dalaga habang
nagkakamot ng kilay. Binalingan nya ang binata, "May suhestyon ka ba, kaibigan?"

Nag-isip panandali ang binata, "Binibini kung payag ka ay maaari kitang buhatin,
yun nga lang ay dapat kang magkunwaring tulog upang di ka maging tampulan ng mga
usapan ng mga makakating dila."

"Payag ako, ngunit ano na lamang ang aking isasagot kung saka-sakaling magtanong
ang mga tao?"

"Ako na ho ang bahala doon, basta't sabihin nyong di nyo maalala ang mga pangyayari
sa sobrang bilis."

"Oh, sya sige, ipinauubaya ko na ang lahat sa'yo ngunit kaya mo kaya ang bigat ko?"
"Oo naman," natatawang sambit ng binata, " saan ka ba nakatira?"

"Sa daang Callejo malapit sa bahay ni Doktor Vicente Edralin. Alam mo ba kung saan
iyun?"

"Kung ganoo'y magkapit-bahay tayo pagkat ninong ko ang naturang doktor!"

"Ay kaysawimpalad ko naman," bulong ng dalaga sa sarili ngunit narinig sya ng


lalaki.

"Ano iyon binibini?" at ngumiti ito ng nakaloloko.

"Wala!" at tuluyan nang pinamulahan ng mukha ang binibini.

"Kung gayaon," at biglang pinangko ng binata ang kasama kaya naman napakapit ng
mahigpit ang dalaga sa leeg nito, "ay mabigat ka nga!" at muling tumawa ang lalaki.

"Magtigil ka nga!" saway ng dalaga, "Ano nga palang ngalan mo? Pagkat sa tagal
nating nag-usap ay di mo man lang nasabi ang iyong pangalan."

"Ikaw rin, binibini," ganting tugon nito, "di mo rin ipinakilala ang iyong sarili."

"Kung gano'n din lang pala'y ako si Reina Consuelo Baretto y Fuegorra. Ikaw?"

"Alejandro at taga-karatig bayan ako ngunit kung kapit-bahay ka nila ninong eh di


ikaw yung Consuelong lagi kong naririnig kina ninong at sa kumpadre niyang si Don
Procorpio!?"

Ngunit tinulugan na sya ng dilag para makaiwas sa tanong na yaon. Napailing na


lamang ang binata bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

Matagal nang nakaalis ang dalawa bago tuluyang linisan ni Serefina ang
pinagtataguan...

Dapit-hapon na ng marating nila Alejandro ang bahay na tinutuluyan. Agad syang


dinaluhan ni Doktor Vicente pagkaraang makitang tangan ang tuluyan na ngang tulog
na dalaga.

"Dios mio, hijo! Mabuti't ika'y nabungaran ko pagkat malaking eskandalo pag may
ibang nakakita sa inyo!" sambit ng doktor habang sila ay pumapanhik sa bahay.
"Wala akong magawa, ninong, pagkat sya ay natapilok! Alangan namang iwan ko sya sa
may ilog," ganting tugon ng binata.

Napailing na lamang ang matanda bago muling hinarap ang inaanak, " Mabuti na lamang
at ikaw ang kasama ng batang ito! Tiyak namumuti na ang mga uban ni Procorpio,"
bago humalakhak.

Napangiti na lang ang binata sa inaasta ng ninong. Pagkat kilala nya ang Don
Procorpio na matalik nitong kaibigan at ang dalagang kakikilala lamang.

"Napaano ba si Consuelo?" biglang tanong ni Doktor Vicente sa inaanak.

Napakamot na lang ng ulo ang binata bago isinalaysay ang nangyari sa buong hapon ng
araw na yaon habang ang doktor nama'y hinihiga ang pasyente sa isang papag.

"Tsk," muling napailing ang doktor, " di na nga nakapagtataka kung ganito ang
sinapit nya. Mabuti na lang at ikaw ang kanyang kasama, hijo, ngunit maiba ako
Alejandro," at ipinaling ng doktor ang tingin sa binata, "pumarito kanina ang isang
dalagang galing sa inyo at hinahanap ka ngunit di rin sya nagtagal."

"Ho?"

"Makaraang malaman kung saan ka nagtungo ay agad na rin syang umalis. Sino si
Serefina, mi hijo?"

Natigagal si Alejandro. Nangamba at natakot na rin. Alam nyang malalaman din ng


kausap ang katotohanan kahit di sya magsalita.

Tinitigan nyang muli ang ninong. Batid sa mga mata nito ang kaseryosohan ngunit
kahit ayaw man ng binata ay wala na itong magawa.

Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan nito bago magsalita ngunit...

"ARAY!"

Napalingon ang dalawang kalalakihan kay Consuelo na nakasalampak sa pasimano habang


hinihipan ang nasaktang paa.

"Dios ko, tatanda ako sa inyong mga bata!" natampil na lamang ng doktor ang noo
bago linisan ang silid upang kumuha ng igagamot sa dalaga.

Pagkalapat pa lang ng pintuan, ay napahagalpak na lang ng tawa si Consuelo.

"Ayos ba, Ginoong Alejandro?" tatawang tanong ni Consuelo.


Napailing naman ang binata at habang nagkakasiyahan ang dalawa ay may kanina pang
umaaligid na bubuyog sa silid...

Mga mata para sa isang sawimpalad...

=================

GB21

Bawat segundong lumilipas ay mas lalong tumitindi ang tensyon sa silid. A while
ago, from out of nowhere, Alejandro and Rhei suddenly appears na ikinagulat ng mga
kaibigan ng huli.

Don Fidel has successfully summoned the two from Serefina's trap and now has made
Alejandro's soul be back to his mortal shell.

Outside the protected square, darkness engulfs the whole room and a black mist
sucks the fires on the torches samantala, nagsisigaw sina Ash at Dan dahil iminulat
ng isang matagal ng nakahimlay ang mga mata nito bago bumangon at naglakad tungo
kay Don Fidel upang yakapin at pasalamatan ang matalik na kaibigan ngunit di pa
tapos ang gabi...

Isang nakangingilong amoy ang pumuno sa silid na kanilang kinaroroonan, at


pumailang-lang ang isang boses na tila galing sa hukay. Mas lalong nangatal sa
takot ang mga nasa protective enclosure. Bawat mga mata nila'y mababakasan ng
pangamba ngunit si Fidel at Alejandro ay palinga-linga sa paligid pagkat ramdam
nilang mas lalong marimlam ang gabi...

Fidel

Kaytagal kong hinintay ang muling makasama ang kaibigang matalik dahil sya na
lamang ang nagbibigkis sa nakaraan.

Ngunit bago pa man kami lubos na magsaya ay isang halakhak ang sisira sa lahat-
lahat.

Muling nagbalik ang mga ilaw sa mga sulo at naroroon sya, nakatitig sa amin ng
masama habang bumibigkas ng tahimik ng isang orasyon...
Serefina

Sige, magsaya kayo ngunit ipinapangako kong iyan na ang mga huli nyong ngiti't
halakhak!

Consuelo, baguhin mo man ang iyong pangala't galaw, ay di mo pa rin maitatago ang
kahaliparutan mo! Kinamumuhian kita pagkat ng dahil sa iyo ay mas lalong nawala ang
aking Alejandro ngunit nakaraan na iyon, ang mahalaga'y naririto ka sa aking
harapan. Sadyang ika'y aking kikitlin upang ako'y magtagumpay!!!

"Bawat isa sa inyo'y mawawala," tahimik kong pagbabanta sa mga kaaway, "mga
hunghang kayo," pagpapatuloy ko bago tinawag ang kapangyarihang tumulong sa akin sa
nakaraan.

Rhei

Dumilim muli sa silid at paandap-andap ang mga sindi ng mga candles. Nasa harapan
namin ngayon si Serefina ngunit ewan ko ba kung bakit ngunit sa halip na matakot
ako sa kanya, ay nangagalaiti ako sa galit sa kanya.

Matatalim na tingin ang ipinupukol nya sa amin ni Alejandro habang bumibigkas ng


isang orasyon sa wikang alam ko...

"Dinggem sika nga apu'k ita baba atuy panambita'k! Tupdem kuma atuy ibabbaga ti
puso'k ta kasdyay kuma ti matumpal. Mapukaw kuma amin nga barakid ituy dalan ko nga
apan dyay liwliwa! Alaem kuma atuy alay ko nga gurang ita pagar-ar-aryam ita
impyerno. Sikan ti pumamnubay kinyak nga matupden ku amin nga ban-banag na kayat ko
nga mangyari. Itulek mo kuma nga agtagumpay'ak!"

...at naiintindihan ko.

Can't freakin' believe that she is worshipping the devil! Mas lalo lamang akong
nagagalit sa kanya dahil isa syang malaking DUWAG!!!

Duwag sya, oo, pagkat di nya maatim sa kanyang sarili na sya ang may kagagawan ng
kanyang sariling hukay. Nais ko syang sumbatan ngunit ang oras ay wala sa aming
panig. Kinakailangang magapi sya bago pa man dumating ang bukas.

"Consuelo, huwag mo syang pagtuunan ng pansin pagkat hangga't naririto tayo sa loob
ay di nya tayo magagalaw," biglang bulong sa akin ni Alejandro kaya my train of
thoughts just snaps like that. Tumingala ako sa kanya and he just beams a smile at
me bago nya iginiya ang aking paningin tungo sa mga kaibigan at G. Galang. Lahat
sila ay tahimik na ngdarasal habang hawak ang kani-kanilang mga rosaryo.

"Pater noster, qui es in coelis;Sancti fi catur nomen tuum:Adveniat regnum


tuum;Fiat voluntas tila,
"Sicut in coelo, et in terra.Panem nostrum cotidianum da nobis hodie:Et dimitte
nobis debita nostra,Sicut et nos dimittimus debitoribus nostris:Et ne nos inducas
in tentationem:Sed libera nos a malo.

"Quia tuum est regnum, et potestas, et Gloria in saecula. Amen."

Ilang beses nilang inulit bigkasin ang Pates Noster o Our Father in Latin at di
nila alintana ang mga nakaririmaring panunudyo ni Serefina. Bakit ko nasabi? Simple
lang pagkat rinig ko at ramdam ko ang kakaibang mga guni-guning kanyang pilit
ipinakakagat sa amin upang sa gayon ay manghina ang bawat isa sa kani-kanilang
pananampalataya sa Ama. Nais nyang lukubin ang aming puso ng kawalang pag-asa -----
ng nakapanghihilakbot na takot...

Sandy

What the F is goin' on? Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito? Sumama ako kina
Carmela dahil buong akala ko vacation grande ang peg namin sa kanila but, oh my
G!!! Stress lang to the highest level ang humantong sa amin and all thanks to the
ancient bitchy witch whose name is SEREFINA with a capital S as in snake. Kainis
buong akala ko tapos na ako kay tita Bing pero bakit ganito, mas malala pa ang
kinakaharap ko?!

I so like hate my life right now! Ene be yen, men! Ang saklap talaga ng buhay ko
evah, pero come what may, I will stick with my friends kahit na ba aFreddie Aguilar
na aketch. Kidding aside, natutuwa ako kasi nag-Douglas MacArthur na si Rhei pati
na rin si Alejandro. Hindi ko nga alam why parang nabunutan ako ng malaking tinik
upon seeing him. I feel relieved though the cause is unknown but there seems to be
something within me that keeps on pulling the strings of my subconcious. Ewan ko ba
ngunit parang nakita ko na ang scene na ito before parang deja vu ba. Ugh,
masasabunutan ko si Ash eh! Kainis naman kasi yung anemic na guyabanong baklang
iyon kung makatili kaninang bumangon si Alejandro from the glass coffin eh daig pa
ako. Geez, boys nowadays, tsk!

Parang Long Weekend peg namin ngayon, yung Thai Movie na kinababaliwan ni Jaime
bago kami pumunta tumulak rito kina Carmela. Nagpalinga-linga ako to make sure my
friends are okay. Sana nga walang makaihi sa pants nila kasi naman eh! Nakakatakot
itsura ni Serefina...

"Sandy," may boses na tumatawag ata sa akin a-at kaboses ni tita Bing! Oh nose...

"Sandy lingon ka sa kanan mo," yan na naman yung boses and parang nang-aakit na
sundin ko ito plus the voice is so sickly sweet, making me puke my dinner. Lumingon
nga me to my right and its the biggest mistake I have done mas malala pa sa pag-
eexist ko...
=================

GB22

Unti-unting tumatakbo ang oras hanggan sa ihayag na ng matandang orasan ang hudyat
ng pag-uumuga, ng isang panibagong araw at pag-asa ngunit masaklap ang nagdaang
gabi. Masyadong masalimuot at mahirap ipaliwanag ngunit kahit sa huling sandali ay
walang bumitiw...

Sabi nga ng mga matatanda, kahit anong mangyari ay huwag kang makipaglaro sa Diablo
dahil tuso ito. Hindi ito tumutupad sa anumang napag-usapan bagkus ay gagawa at
gagawa ang Diablo ng paraan na maski ikaw ay mapasama upang makuha nito ang
kaluluwa mo tungo sa kanyang kaharian. Gaya ni Aling Lucilla at ng anak nyang si
Crisanto, mapapahamak ka kung hindi buo ang pananalig at pananampalataya mo sa Ama.

Malapit na ngang mag-umaga. Alas-onse y media na ng gabi ngunit tila walang


katapusan ang bangungot na kinasasadlakan nila Rhei.

Muling pumailanlang ang nakasusukang amoy ng asupre at binalutan muli ng makapal at


itim na usok ang buong silid. Everyone within the protective zone are alert. Bawat
isa sa kanila ay nakikiramdam. Alerto sa bawat segundong lumilipas hanggang sa...

Yumanig ang lupang tinutuntungan nila at biglang nabitak ang isang parte ng sahig
malapit sa may entrada at kasabay nito ang isang makapanindig balahibong halakhak
na animo'y galing sa hukay.

Unti-unting naglaho ang makapal na usok ngunit, mas lalong humalimuyak ang amoy ng
asupre sa silid at napadako ang tingin ng lahat sa may entrada ng silid, at
tumambad sa kanilang paningin ang isang nakagigimbal na nilalang...

Isang bulto ng malaking tao na naka-hood ng telang itim at sa laylayan at manggas


ng kanyang grim-reaper cloak ay mga mumunting apoy na sumasayaw sa musikang sila
lang ang nakaririnig. Malamig ang presensya nito at mas lalo lamang nangangamba ang
mga mortal.

Napangiti ng lihim si Serefina ng sinagot ng Diablo ang kanyang hiling. Panigurado


na ang tagumpay nya! Mawawala na ang Consuelong kinaiinisan niya at mapapasakanyang
muli ang irog na si Alejandro.

tiktaktiktaktiktaktiktaktiktak...

Patuloy pa rin ang orasan sa pagtakbo ngunit tila bumagal ang mga sandali. Ang
nakayukyok na Diablo'y biglang nag-angat ng ulo at dahan-dahang tinanggal ang hood
nya and then, the strings broke...
Sandy

Ibinaba ng lalaking nakahood ang kanyang hood at nagitla ako sa nakikita! Hindi,
nasa mental sya! I'm pretty positive dahil bago ako jumoin kina Carmela eh dinalaw
ko pa sya! Napakurap ako, nagbabakasakaling malik-mata lang ang lahat!

Tita Bing! Hindi ko magets?! When that entity took his hood off, si Tita Bing ang
nakikita ko. She is more deranged right now pero yung eyes nya, mababakas pa rin
ang tindi ng galit nya sa akin. Napapikit akong muli but when I opened them again,
nandito pa rin si tita---nakangisi habang puno ng galit ang mga mata nya but her
image flickers at n-n-naging sila ate Andrea!!!

"Bakit mo kami hinayaan,Sandy? Sama ka na sa amin, pamangkin," si tito yun! Alam


kong boses ni tito yun pero he is dead...matagal na...it can't be!!!

"Halika na Sandy, masaya doon sa amin, maraming hardin at mga hayop. It is a


paradise there, come," boses babae naman pero...

"Tama na!" di ko mapigilang sumigaw kasi I don't like the voices I hear, "Tama na
please, tita and tito, please leave me alone!!!" pagmamakaawa ko pero ramdam ko ang
matang nakatitig sa akin...

"Inutil! Inutil! Inutil! Kahit kailan ay bobita palibhasa putok ka sa buho!"

"Tita, tama na po!" muli kong pagmamakaawa, "tama na po," at muli akong humagulgol
pero patuloy pa rin silang lahat sa pagsasalita and I can't stand it! I wanna flee
from them---

PLAK

Napahinto ako sa aking pwesto at nang lingunin ko sila Don Fidel, ay nilalamon na
sila ng makapal at itim na usok. OMG, anong nangyari?

"THE THREAD! THE THREAD!," paulit-ulit na sigaw ni Dan habang nakaturo sa


a...akin?!

Napalingon ako sa aking mga paa and to my horror, inutil nga talaga ako...

The thread has snapped in two as I tried to flee from their voices and accusing
stares ngunit kalakip ng pagtakas ay kapahamakan ng aking mga kaibigan...

Rhei

PLAK!!!
A small sound but it makes a big difference. Hindi ko alam kung paano pero rinig ko
ang pagkaputol ng lubid na syang kumakanlong sa aming magkakaibigan. Napalingon ako
kay Serefina at sa Diablo, pawang nakangisi and before I knew it, the dark mist
engulfs us one by one ngunit ni isa sa amin ay walang bumitiw though sacrifices are
made for the betterment of the others.

I see things differently as if looking on someone else' eyes. Kita ko ang lahat.
Ramdam ko rin ang sakit na nadarama ng isang babaeng bigo sa pag-ibig. Rinig ko ang
panibugho ng sawi; ang halakhak ng nawawala sa katinuan; pati sigaw ng pagdudusta
ay malinaw kong naririnig, ngunit BAKIT?!

Bakit paiba-iba ang lahat ng aking nasasaksihan? Ano ba ang totoo at kathang-isip?
Sino ang kaaway at kakampi? Magulo. Magulong-magulo gaya ng basurahan sa Payatas...

Itinulos ako sa aking kinaroroonan. Wala akong magawa. Linukob na ng itim na


kapangyarihan ang mga taong mahal ko...

Gusto kong sumigaw. Nais kong matigil ang kalokohang ito ngunit papaano?!

Isa-isang dumating ang mga bangungot na kinatatakutan ko. Nandyan, patay sila
bestie dahil nahulog ang Subaru ni Dan sa bangin. Minsan, nakikita ko sa aking
pagtulog ang kamatayan ng buong pamilya ni Ash kasama ng kabit ng kanyang ama.
Duguan. Umaagos ng sagana ang buhay na nasayang...

Ilang beses ko na rin ba nasaksihan ang pagsakal kay Sandy ng isang matabang
babae?! Maraming beses. Paulit-ulit. Walang katapusan. Walang pakundangan.

Ang lahat ng bangungot ay nagigisingan ko ngunit ito ang pinakamatindi sa lahat


dahil paghudyat ng umaga ay wala nang magigising pa kahit kailan.

Paano ako nasuong sa nakaririmaring na sitwasyon? Saan ba nagsimula? Marahil sa


panaginip din nag-umpisa o dili kaya sa isang kamalian ng aking curiosity? Hindi ko
alam pero alam kong lagi kong napaniniginipan ang isang couple na sumasayaw sa
ilalim ng maliwanag na buwan. Di ko sila maaninag pero alam ko na magkasintahan
sila. Tanging liwanag ng full moon ang tumatanglaw sa parehang nananayaw. Papalit-
palit ng scene pero pareho lang ang mananayaw. Minsan sa azotea, sa hardin, sa
damuhan, sa isang bulwagan at minsan ay sa harap ng altar. Hindi ko alam kung ano
na ang dapat gawin! Litung-lito na ako. Paikot-ikot-ikot na lang ang lahat...

Mahirap intindihin ngunit pakiwari ko ay dapat kong intindihin na bawat panaginip


at bangungot ay may bahid ng katotohanan kahit gaano man kaliit ito.

https://www.youtube.com/watch?v=FUiI8CYLFLY

...and another dream haunts me in my waking hours...


Habang nasusuong kami sa panganib ay biglang pumasok sa aking balintataw ang tila
isang alaalang linimot na ng panahon.

Isang babaeng tumatangis at nagmamakaawa sa isang babaeng humahalakhak na tila wala


nang bait na natitira. Rinig ko ang kanilang panaghoy at paghalakhak and it is
creeping me out!

"Maawa ka, Sere-," ani ng babaeng umiiyak, "di ba mahal mo sya? Para saan pa ang
pagmamahal na iyan kung sasaktan mo sya?"

Tumigil sa paghalakhak ang babaeng tinawag na Sere at tiningnan ng masama ang


babaeng kaharap, "Taksil sya at kasama ka roon, Consuelo, iniwan nya ako at
nilimot. Ikaw, hampaslupa, ang kanyang ipinalit sa akin! Pagmamahal ba kamo? Huwag
kang magpatawa, pagkat kasinrupok nya si Adan pagkat nagpatukso sya sa isang
tukso't ahas na gaya mo, estupida!"

Nakita ko kung paano ikuyom ng babaeng tinawag na Consuelo ang kanyang mga kamao at
dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaluhod.

"Mali pala ako, Serefina, akala ko mapakikiusapan ka pa ngunit manhid ka na.


Nabulag ka na ng galit kaya di mo maintindihan ang nais ni Alejandro. Alam mo ba
kung bakit ka linubayan ni Alejandro kahit mahal ka nya?"

"Huwag kang hunghang babae! Di mo alam ang katotohanan!" baling ni Serefina.

"Sa ating dalawa, ikaw ang di nakababatid ng katotohanan, Serefina, di ba himutok


mo'y marami kang nais gawin ngunit babae ka lang sa lipunang pinumumunuan ng mga
kalalakihan? Naaalala mo ba ng sabihin mo ito kay Pacencia?!"

Bahagyang natigilan si Serefina, "Estupida! Paano makakarinig at makakapagsalita


ang isang tulad nya?"

"Maaaring di nga magagawa iyon ni Pacencia ngunit ang mga pader at haligi ay
marunong makinig at magsalita lalo na pa kung may taong nasa likod nito na natatago
sa ating kaalaman."

"K-kung gayoon ay-" at di na naituloy ni Serefina ang sasabihin pagkat biglang


nagdilim ang maaliwalas na kalangitan, "huli na ang lahat Consuelo. Sana sinabi nya
na lamang sa akin kaysa sa ganito. Alam mo ba na ginayuma ko sya?" at ngumiti ito
ng mapait.

"Alam ko at alam ko rin na ang gayumang iyong inihanda ay natapon ng katulong mo at


pinalitan nya ito ng tubig upang di mo sya kagalitan. Alam rin ni Alejandro noon pa
man, ngunit gayunpama'y minahal ka nya ng labis-labis," sambit ni Consuelo ngunit
nang mga sandaling yaon ay yumanig ang lupa kasama ang biglang pagsama ng panahon.

Nagkatinginan ang dalawa at pawang pangamba ang namayani sa kanila, " Naloko na,
huli na ang lahat!" sambit ni Serefina.

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Parating na ang aking sinasamba, ngunit pipigilan ko sya at sana sa muli nating
pagkikita, Reyna Consuelo, ay mapatawad mo sa aking kahangalan," at bumigkas ito ng
isang orasyon sabay tulak kay Consuelo na hinigop ng tila isang portal na agad ring
nagsara.

Patuloy pa ring nakatunghay si Serefina sa dating kinaroroonan ni Consuelo habang


bumibigkas ng panibagong orasyon, " May you see the light that guides you on your
path back to us. Flee the darkness and bring us hope when you return. For now you
have to start from the very start and when time comes, you will return to your
beloved. Be safe and may God keep you out of harm's way."

Tumalikod na ito at tuluyang linisan ang pook na yaon habang ako ay nakatulos sa
aking kinaroroonan at tila nanghihina sa aking nasaksihan. There is an emptiness in
me that starts to fill in and now I know why I always feel old. I am Reyna Consuelo
reborn.

=================

GB23

Hangal. Lahat ng kalabisan ay kahangalan. Di ko mawari ngunit there's a part of me


that keeps on tugging at my subconscious bakit ko ba nakikita silang dalawa madalas
sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata? Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip na
ito? I don't know and I want this insanity to stop!

"Huwag kang bibitiw," tahimik na saad ni Alejandro while holding my hands, "
matatapos ang gabing ito na tayo ang nagwagi," he further reassured me.

Napatingala ako sa kanya at tigib ng mapusok na damdamin ang mga titig nyang
pinupukol sa akin.

"Mahal kita," from out of the blue ay nasabi ko ang katagang iyon, and it took us
both by surprise. Nagulat kaming pareho, pawang pinamulahan ng mukha, and then
bigla nya na lamang akong siniil ng halik.

"Está Escrito," biglang saad ni Fidel sa aming tabi, napatigil kami ni Alejandro at
nilingon sya.

Kalmadong nakatitig si Fidel sa usok na gumagapang tungo sa amin. Walang bahid ng


kahit anong pangamba o takot man ang mababakas sa kanyang kaanyuan.

"Está escrito," pag-uulit nyang muli, "it is written," tahimik at kalmado nyang
pagpapatuloy, "matagal nang naisulat ang katapusan mo Serefina. Matagal na," at
pagkatapos sabihin ang mga katagang ito ay tuluyan nang nilamon ng makapal na usok
si Fidel.

Slowmo lahat. Ang pag-abot ni Alejandro ng kanyang kamay sa kaibigan. Ang pagngiti
ni Fidel bago sya lamunin ng kadiliman. Ang pagsigaw ni Alejandro sa pangalan ng
kaibigan...

"FIDEEEL!" nagpupumilit pa ring abutin ang bff nya pero tila huli na ang lahat, at
tuluyan na ngang humagulgol na anaki batang paslit si Alejandro.

I tried to calm him; to comfort him pero di ako nagtagumpay. Masakit nga naman ang
mahiwalay sa isang taong kakikita mo palang after years of seperation and sa isang
iglap ay mawawala ito ng ganoon na lamang.

"Masaya ka ba, Consuelo?" may himig panunuyang sambit ni Serefina.

I know it is her kahit tila hangin lamang na bumubulong ang narinig ko.

"Masdan mo silang lahat, Consuelo, masdan mo kung paano lamunin ng kani-kanilang


bangungot ang iyong mga kaibigan," at humalakhak na parang sira si Serefina.

Napalinga ako sa aking paligid. Lahat ng mga kaibigan ko ay unti-unti na ngang


nilalamon ng black mist! Ayaw ko silang biguin. I have to fight back! Hindi ako
bibitiw kahit ikamatay ko pa, basta masagip ko lamang kayo sa bangungot na
kinasasadlakan!

Napalingon ako kay Alejandro, nakaluhod sa sahig habang umiiyak na tila wala nang
bukas, naaawa ako sa kanya at kalakip ng awa ay pagkamuhi sa bruhang sumira ng
lahat-lahat. I felt pity for him and so instinctly niyakap ko sya because I want
him to stop crying, to assure him that everything will be alright. If only true
love can defeat her...

...then the mist engulfs us both...

ooO0Ooo

"O mirror of the Earth Goddess," isang pamilyar na boses ng babae, "Teach us about
our power and make men understand us. Rising, gleaming, waning, and reviving in the
heavens, you show us the cycle of the seed and the fruit."

Napamulagat ako. I fluttered my eyes open only to have darkness meet me. Kumurap
akong muli para maka-adjust sa dilim ang mga mata ko and as I try to get up sa
pagkakasalampak ko sa sahig ay naaaninag ko ang isang babaeng naka-Maria Clara na
nakatayo sa may azotea. She has stretched her arms towards the dark sky at matagal
sya sa ganoong posisyon.
I am silently observing her sa kinaroroonan kong silid at di nga naglaon ay pumihit
ito sa aking direksyon.

Lumakad sya palapit sa akin but stopped only a mere metre away from me and then she
let out a sigh.

"Buti at gising ka na, Consuelo," wika ng babae pagkatapos ay tumalikod sya sa akin
at humarap sa may azotea kung saan aninag ko ang liwanag na bigay ng buwan.

"Sino ka? Bakit ako naririto?" tanong ko sa kanya.

"Ako ay ikaw," the woman mysteriously said.

"Ha? I can't understand you," maang kong tanong.

"Hindi mo maiintindihan ngunit balang araw matatanggap mo rin. Malapit na ang


umaga. Nalalapit na rin ang tagumpay ni Serefina ngunit kakayanin mo bang harapin
sya ng mag-isa?" balik tanong nya sa akin.

Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko, sina Alejandro at Fidel, "Kakayanin ko,"
pinal kong sagot.

"Kung ganoon, dapat mong malamang mauulit muli ang lahat ngunit nasa sa iyo kung
paano mo babaguhin ang kinabukasan," she and her mysteriousness again, "mahirap
syang kalaban. Ang baligtad na krus ay simbolo ng kanyang sinasamba ngunit ito rin
ang magpapatigil sa lahat ngunit maaaring mali ako," she sighs again, "maaaring
wagas na pag-ibig ang kikitil sa kahibangang ito o dili kaya ay mas lalo lamang
sumidhi ang poot na nararamdaman."

"That's it! Walang kabuluhan ang mga pinagsasabi mo. Kahit ano gagawin ko masagip
ko lamang sila!" I said in frustration, as well as desperation.

"Sigurado ka? Kahit mamatay ka?" may halong panunuya nyang tanong and immediately
alam kong si Serefina ang kausap ko all this time.

Humarap sya sa akin at ngumisi ng nakaloloko. I fell again on her trap...

=================

GB24

I fell for her trap.


Again.

When will I learn? When will I stop being gullible? Feeling ko nahulog ako sa isang
never-ending na butas...forever na mahuhulog...if only-

"Huwag kang bibitiw," boses lalaki...

At muli naalala ko ang mga kaibigan. Napapikit ako ngunit pagmulat ko, isang
liwanag ang nakita and then I heard it!!!

Aaaahhhhhh!

Si Serefina ba yung sumisigaw?! Nasaan ako? I look around only to realize na hindi
pa huli ang lahat. May magagawa pa ako upang gisingin ang mga mahal sa buhay. Hindi
ako bibitiw come what may.

Aaaahhhhh!

Naulit muli ang sigaw ni Serefina at napadako ang tingin ko sa kanyang


kinaroroonan...

Ang Diablong panginoon nya ay ang mismong tumatapos sa kanya. The Devil kisses her
like a dementor. Unti-unting hinihigop ang essence ni Serefina ngunit biglang may
tumakip sa aking mga mata...

"Huwag mo nang masdan, mahal," si Alejandro, "ito ang ninais nya kaya ito rin ang
sinapit nya," malumanay nyang saad.

"Hindi ko maintindihan," sambit ko habang nakapiring pa rin.

"Está escrito, Consuelo, mi amiga," banggit ng isang lalaki.

Agad kong tinanggal ang kamay ni Alejandro sa aking mga mata at agad na hinanap ang
may-ari ng boses.

"Fidel?" Gulat kong tanong sa kanya. Am I seeing things?! Tumawa lamang ito at
tumingin sa kinaroroonan ng mga iba pang kasama...

"Pakshet dude!" Reklamo ni Ashton habang hinihingal na inaalalayang tumayo si


Jaime, "anong nangyari?" baling nya kina Daniel at Carmela. Umiling at nagkibit
balikat lang ang mokong much to Ash' dismay kaya ayan nagpout ang loko! Akala nya
siguro cute sya whenever he does that pero ika nga nila, "Marami ang namamatay sa
maling akala." Napangiti ako kasi okay ang mga kaibigan ko pero bakit ganito,
parang may kulang?!
Inisa-isa kong tinitigan ang mga kaberks...Bestie. Dan. Ash. Jaime...

Asan si Sandy?!

Tumikhim si Fidel, "Hindi man ikaw ang nagsakripisyo, Consuelo, ay may mga taong
handang isugal ang kanilang buhay para sa kabutihan ng nakararami," pagsisimula
nito, "Sandy made that sacrifice for all of us. Ikaw ang nais mawala ni Serefina
ngunit iba ang naialay nya sa Diablo kaya sa pagkakamaling nagawa ay tayo nga ang
nagwagi."

Dumagundong ang tunog ng mga kampana. Hudyat na tapos na ang gabi at isang
panibagong bukas ang dumating ngunit what really happened? I gaze at the Demon
kissing Serefina, both of them slowly disappearing but still I hear Serefina's
anguish and pain. Hindi ko maikakailang kahit papaano ay naaawa ako sa kanya. ang
tanging mali nya lang ay umibig sya ng husto only for her to dig her own grave.
Tsk.

Pero ano yung nakita ko? Bakit tinulak nya ang unang ako sa isang portal? Why did
Serefina did it?

"Remember that Serefina sold her soul to the devil because she wants us to succeed.
Está Escrito, di ba?" napatingin ako kay Alejandro na nakangiting nakatunghay sa
akin, "Sinadya nya ang lahat upang tayo ay makaligtas. Maaaring marami ang nasaktan
at nasawi sa gulong kanyang nilikha ngunit ng malaman nya ang katotohanan ay
isinaayos nya ang lahat kahit na sya ay mapahamak. Siya ang gumawa ng hakang nawala
sya sa aming kasal. Pinalitan nya ang mga alaala ng mga naririto upang sa gayon ay
maprotektahan tayo."

"Paano mo nalaman?"

"Si Fidel," maikling sagot ni Alejandro. Napangiti na lamang ako coz finally it
ended right when we thought we have lost.

oO0Oo

KINAUMAGAHAN

Parang walang nangyaring kahit ano ng nakaraang gabi. Mahimbing na nakatulog ang
mga magkakasama sa silid na kinaroroonan ng glass coffin. Hindi mo aakalain na
maraming bangungot ang pinagdaanan nila ng gabing lumipas...

Ngunit ito nga ba ang wakas? O simula ng isang panibagong yugto sa kanilang mga
buhay? Only time can tell.

Naunang nagising si Carmela. Nag-inat at pupungas-pungas na luminga-linga sa


paligid nya at pagdaka ay binalingan ang nobyo, "Dan, gising!" At yinugyog nya ito
para magising pero ayaw nitong magpagising pa.

PAK!!!

"Aray!" Biglang napabangon si Dan habang sapo-sapo ang pisnging sinampal ng


kasintahan. He glared at her, " What's your problem, Carmela?" singhal nito, "kitam
na tulog ako bhe!"

"Shut your trap Dan!" biglang sabad naman ni Jaime habang yakap ang tulog na si
Ashton pero napabalikwas din ito ng bangon ng marealize kung sino ang kayakap.
"Siete! May syokoy!" sigaw nito na nagpagising naman sa iba.

"What happened, dude?" Antok na tanong ni Ash kay Dan.

"Isang panibagong bukang-liwayway ang muling sumilay sa pusikit na karimlan ng


gabi," matalinghagang saad ni Alejandro pagkatapos aynagpatiuna na itong umakyat sa
hagdan.

=================

EPIC-LOGUE

Ang araw na kinasasabikan! Oo ito ang pinakasasabikang araw upang maunawaan ang
lahat-lahat. Nag-umpisa ang pagtatapos sa isang sulating nakaframe. It looks new
but we know, everything is alright.

LARAWANG KUPAS

Ang larawang kupas ay isang banaag ng nakaraan,Di malimot, di mawaglit sa 'ting mga
kaisipan.

Ngiting nakapaskil, mga mata na tila ba'y nangungusap,Tila palasigmuan tungo sa


mithing alapaap!

Kumupas man panahon, lumipas man tayo,Ay di mawawaglit awiting sinta ng puso.

Maglaho man ako sa mundong patuloy na umiinog,Larawang ito'y maiiwan tanda ng awit
ng pag-irog!

Lumamlam man ang langit, o magunaw man ang daigdig,Pagsinta ko'y di mawawala at
patuloy na nakatindig.

Gawin man nilang tayo'y paghiwalayin ngayon,Makakaasa kang bukas, tayo pa rin
habang panahon!
Sinta, iyong masdan sanlaksang bituin sa kalangitan, Kumikislap, lumiliwanag sa
sankatauhan.

Ngiti mo'y gabay sa tuwing ako'y nawawalang pag-asa,'Pagkat ikaw ang syang saya ng
pusong balisa!

-Alejandro to Rhei

Napapangiti ako sa tuwing maalaala ang kinahinatnan ng lahat ng mga pangyayari


noong nakaraang taon. True, kundi ko lang kinulit mga kaberks ko na magbakasyon sa
probinsya namin, none of these things would have happened but still, I will never
regret a thing.

Muli kong binalik ang tingin ko sa tulang naka-frame. Mataman ko itong tinitigan,
pilit na inuunawa ang kahulugan ng bawat saknong na isinulat ng dalawang taong
nagmamahalan magkaiba man ang panahong kanilang kinagisnan. Love really knows no
boundaries.

"Lalim naman ng iniisip ng honey ko," biglang paglitaw ni Dan.

Napangiti ako sa kanya. Dan has matured since then...marami ang nagbago matapos
naming makasagupa si Serefina.

"Wala lang, hon, but I still can't believe that we went through all of it,"
makahulugan kong pahayag, "nasaan pala ang iba?"

"Nasa library," tipid nyang sagot at hinila na nya ako tungo sa kinaroroonan ng
lahat. Mahaba ang pasilyong aming binabagtas at bawat dingding sa hallway ay punum-
puno ng mga larawan ng mga taong sumulat sa aming tadhana. Nasa dulo ng pasilyong
yaon ang library, and when we entered it, everyone is already there mukhang kami na
lang ni Daniel ang hinihintay.

Masaya ang bawat isa and at last, Jaime and Ash finally realized how each other
matters to them ngunit kahit ganito kasaya ang kinahinatnan ng mga pangyayari ay
may bahid pa rin ng kalungkutan.

Exactly a year ago, nawala na nga ng tuluyan ang salot ng bayang ito ngunit kasama
ng pagkapuksa nya, ay isang kaibigang lubos naming minahal.

"Don't cry, hon, negative emotions are bad for our child," masuyong bulong ni Dan
as he hugs me from behind. Napangiti na lamang ako sa mga gestures of love nya.
Everyday nya kaya akong pinakikilig!

=================
CAST OF CHARACTERS

1940s Era

Ric Rodrigo as Alejandro Lazo y Ibarra

Susan Roces as Serefina Alvarez y Inocencio

Willie Sotello as Fidel Luis Montenegro y Goyena

Dorothy Acueza Jones (Nida Blanca) as Pacencia Lazo y Ibarra

Van de Leon as Gustavo Manuel Goyena y Arenas

Amalia Fuentes as Reyna Consuelo Palomo y Natividad

CURRENT TIMELINE

Julie Ann San Jose as Consuelo Rei Castroverde

Enrique Gil as Daniel Juan Dela Rosa

Sofia Andres as Carmela Montenegro

Daniel Padilla as Ashton Salvador

Kathryn Bernardo as Sandy Pelaez

Julia Montez as Jaime Vielle Franco

Joel Torre as Arturo Galang

Ton Ton Gutierrez as Gov. Menandro Montenegro

=================

Author's POV

Naisayos ko na mga chapters but still under major revision pa lahat ng parts. May
mga madadagdagan, mababawasan at mapapalitan kaya naman, sorry po! I'll proofread
pag may time ako.

Tapos na ang updates!

RHEINIELLE

You might also like