You are on page 1of 16

Unexpected things give the biggest impacts on our lives.

Just like the impact of the Big Bang, the unknown phenomenon that ignited the start of our world's
existence.

But this is not the story of how the universe started.

This is the story of how the universe conspired to write our story.

This is not a love story, this is the story of us, written by love.

***

Primo's POV

Quarantine sucks, and I know lahat tayo agree diyan.

And it sucks to be just a teenager at this time of crisis. Wala tayong magagawa kundi tumulong sa
gawaing bagay at libangin ang sarili.

"Primo, bumaba ka muna riyan at pakain mo muna ang alaga mong biik! " Nasisiguro kong nasa sala si
ate pero umabot parin dito sa taas ang sigaw niya.

Patakbo akong bumaba at pinakain ang alaga kong si birch tree, pati na rin ang kambing at aso.

Pumasok ako ulit ng bahay at naabutan si mama na sinesermonan si ate habang ang bunso kong kapatid
ay inililigpat ang mga laruan niya.

Maingat akong lumakad pabalik sa kwarto dahil nakakarindi na rin ang sigawan dito sa sala, pero hindi
pa man ako nakararating sa kwarto ay naibunton na sa akin ni mama ang galit niya.
" Papasok ka na naman sa kwarto, walang katapusang hilata at selpon, sige at iyan nalang ang
ipalalamon ko sa inyo! Puro kayo gadget! " Alam kong pagod lamang si mama dahil sa buong araw na
pagkayod at iniintindi ko iyon lagi.

Matagal bago ako nakabalik sa kwarto at muling tinakasan ang realidad kasama ang mga kaibigang
nakilala ko lamang sa internet.

SOLIDOO

We're close to reaching the first year of our friendship. Journeyed together along rocky roads and stif
mountains. Sama-samang mang matumba, hawak namin ang kamay ng bawat isa, aahon at lalago.

Matagal na sana namin nayakap at nabatukan ang isa't isa kung hindi lamang humarang ang pandemya.

Disyembre na pala ngayon, isang paksi na lamang ng kalendaryo ay kaarawan na ng aming grupo.

Gusto ko na sila makasama, gusto ko na marinig ng personal ang kanilang mga kwento at pati na rin ang
sermon ni Jobee dahil sa mga panlalait nila Alliyah, Keira, Sky na sinasabayan nina Steffi't Xana. Gusto ko
din masaksihan ng live ang harutan ng Skylie at Yoleen. At syempre, gusto ko nang mayakap ng mahigpit
ang paborito kong tao.

Mapabilis akong napangiti habang iniisip ang mga kaibigan ko ngunit nabiilis itong napawi nang narinig
ko muli ang sigaw ni ate dahil hapunan na raw.

"Opo, pababa na" , sigaw ko pabalik.

Hindi pa man ako nakararating sa hapag ay rinig ko na ang ingay ng tv, at halos magkandahulog-hulog
ako sa hagdan ng marinig ko ang balitang inaasam ng lahat.

" OUR LAND IS FINALLY HEALED! As of December 17, 2020, our battle againts the virus is finally over! "

***
Pasko ngayon, at natanggap na namin ang pinakamagandang relago, ang lunas ng mundo.

Nasa hapag kami ng pamilya at nag uusap sila ate at mama ng mga plano para sa susunod na taon.

"Itutuloy pa ba natin ma? Susunod talaga tayo roon?" , kyuryosong tanong ni ate.

" Syempre naman siguro'y pagkatapos lamang ng ng graduation ni Primo ay tutuloy na tayo"

Taka akong nagpabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa, nagbabasakaling malinawan sa pag-uusap nila.

"Ma, ano pong ibig niyong sabihin? Anong tutuloy?" Takang tanong ko.

" Maninirahan tayo sa tita mong nasa Amsterdam, dahil wala na rin ibang gawain dito, at mas uunlad
ang buhay natin roon. " Paliwanag ni mama.

"Pero ma—" , hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa matalim na tingin na ibinabato ni mama. At
alam kong kahit anong pilit namin, hindi na magbabago desisyon nya.

Binilisan ko na lamang kumain at dumiretso sa kwarto.

Ayokong umalis.

I hate leaving. I hate turning my back from the memories I've created. And I dislike the idea of leaving
the people that made me feel alive, even just through the screens.

Simula nung gabing 'yon hindi ako kumikibo sa bahay. Pati na rin sa mga mga kaibigan ko dahil nakikita
kong masaya sila at ayaw kong bahiran iyon ng lungkot ang kasiyahang nararanasan nila sa likod ng
bawat teleponong hawak namin.

***
Hanggang sa dumating ang bagong taon ay ganoon pa rin ang sitwasyon.

Ngunit wala na akong magagawa upang pigilan ang paglisan. Ang huling baraha ko na lamang ay ang pag
gawa ng alaalang babaunin ko, kasama ang mga taong kasama ko sa pagtakas sa realidad.

Gabi ng Enero, nalalapit na ang kaarawan ng aming pagkakaibigan.

Malalim akong nag iisip habang nakahiga nang masagi ng mga mata ko ang aking alkanisya.

"For My Happiness" , iyan ang nakasulat sa gitna ng malaking alkansya.

Mukhang ito ang pinakaperpektong oras.

Mabuti na lamang at noon pa man ay nagtitipid na ako sa eskwela, dahil alam ko na darating ang araw
na kailangan kong gumawa ng paraan upang hanapin ang kaligayahan.

Matapos kong tipunin ang pera ay inilagay ko na sa bag lahat ng kakailanganin ko para sa paglalakbay na
ito, tatakasan ang realidad.

SOLIDOO

Primo: Mag impake kayo, let's chase the sunset.

Primo: Walang aangal, arat na.

Hindi ko na sila inantay magreply at pinatay ko na lamang ang data ko.

Tinawagan ko ang pinsan ko upang rentahan ang isang malaking van para sa dalawang linggo.
Pagkatapos ay humarurot ako papuntang grocery at pinuno ang likod ng van. Sana naman sapat na sa
amin ang mga pinamili ko.

Here I go, freedom!


Time check: 10:12 pm

First Stop : Bukidnon

Buti na lamang at nagpalitan na kami ng address sa gc Kaya madali na lamang para sa akin ang suyudin
ang mga bahay nila.

Antayin nyo'ko, isusulat natin ang ating kwento.

Maging mabilis ang biyahe at buti na lamang ay hindi pa ako inaantok dahil sa kape.

Pagkarating sa Bukidnon ay tinawagan ko si Xana upang kitain ako sa parkeng malapit sa kanila.

Ilang minuto pa ay nakikita ko na siyang papalapit at cellphone lamang ang hawak.

" The fuck Primo? Are you out of your mind na? Akala ko it was all a joke, I did not expect to see you late
at night with that hella big van! " Diretsong asik ni Xana, natawa na lamang ako dahil sa stress na
englisherang ito.

" Ang haba naman nun Xana, di ko naman naintindihan kasi puro english", pang aasar ko pa na sinagot
lamang niya ng irap.

" Haha, oh ano are you in? Alis na ako" pagbabanta ko pa sabay talikod at akmang babalik sa van.

"Wait! Primo!"

"Hmm?"

" Uhm can I just get my things?" Sabi na nga ba


Napangiti ako, "Go ahead, antayin kita madam Xana!", sigaw ko dahil tumatakbo na siya pabalik sa
kanilang bahay.

Let's head to the next mission!

Time check: 1 am

Next Stop: Zamboanga Del Sur

Kasama ko na ngayon si Xana na nakaupo sa shotgun seat na pandalawahan. Hindi niya nakwento kung
paano siya nagpaalam sa kanyang mga magulang, at hindi ko na rin inusisa pa.

Pagkarating namin sa Zamboanga ay si Xana na mismo ang kumatok sa bahay ni ate Jobee.

Nakikita ko silang nag uusap sa gate at pansin ko rin ang gulat sa mga mata ni ate Jobee. Maya-maya pa
ay pumasok na si ate Jobee sa kanilang bahay at patakbong bumalik si Xana sa van.

"Ano? Payag ba?", kabado kong tanong kay Xana ngunit kindat at thumbs up lamang ang nakuha kong
sagot.

Hindi nagtagal ay lumabas na si ate at dumiretso sa van, dala niy ang isang backpack at ang kaniyang
gitara. Doon na sila naupo ni Xana sa likod at nag jamming sa guitara.

Matalin akong tinignan ni ate mula sa rearview mirror, "Primo anong nakain mo ha? Buti nalang talaga
maayos timing mo, gusto ko rin muna huminga" akala ko'y sesermonan ako ngunit nakangiti lang si ate
Jobee.

"Let's escape together ate", ani ko.

Natulog muna kami sandali dahil hindi ko na rin kaya magmaneho dahil antok na antok na ako at walang
nang talab ang kape.

Pagmulat ko ay nakita ko silang dalawa an kinakain ang chips na pinamili ko kagabi.


On to the next!

Time check: 6:14 am

Next Stop: Samar

Dahil papunta na kami sa Visayas ay kinailangan na namin sumakay sa barko.

At dahil rich kid si Xana, siya ang nagbayad ng aming pamasahe.

Tanghali na ng makarating kami sa Samar, at medyo nahirapan kami dahil malayo ang municipality nila
Alexa.

Huminto kami sa isang simpleng bahay malapit sa dagat. Wala raw si Alexa sa bahay at naroon sa tabing
dagat.

Pumunta kami roon, at ngumiti lamang siya pagkakita sa amin.

Napakatahimik talaga.

Sa bahay na nila kami nananghalian at buti na lamang ay sobrang bait ng kaniyang mga magulang at
hindi na niya kinailangang magsinungaling o tumakas para sumama. Libro at maliit na backpack lamang
ang dala niya.

Napuno ng kantahan ang van dahil sa dalang gitara ni ate Jobee.

"Shet, gusto ko na batukan sila Alliyah, bilisan mo naman magdrive Primooo! ", sigaw ni ate Jobee.

Marahan akong tumawa " Sige basta sagot mo gas kahit hanggang Manila lang", paghahamon ko pa.
"Sus yun lang pala, bayot ka talaga" pang aasar niya habang kinakain yung piattos mula sa likod.

Buti na lamang ay malapit lang ang pantalan mula kina Alexa. Kinailangan na naman namin sumakay sa
barko ng isang oras papuntang Luzon.

" Ugh, I'm getting dizzy", reklamo ni Xana.

"Ay prepared ako diyan, eto oh", sabay abot ko kay Xana ng Vicks.

Rinig ko ang impit na tawanan ni ate Jobee at Alexa.

"Ang panget niyo"

Vrooom for the next route!

Nakarating na kami sa Bicol. 8 hour drive ang Bicol to Manila, so probably ay gabi na kami roon
makararating.

Nag uusap lamang si Jobee at Xana sa likod tungkol sa mga confessions na nababasa nila sa University
Walls.

"Tangina Primo ba't may beer dito?" sigaw ni Jobee nang makita ang binili kong mga beer.

Napatawa ako "Hindi para sa inyo 'yan, wag assuming, samin lang nila Rhys 'yan", paliwanag ko.

"Gago lagot talaga kayo, batukan lang kayo mamaya nila Kei"

Iniisip ko pa lang ay napangiti na ako. Sana kumpleto na kami. Binilisan ko na lamang ang pagmamaneho
dahil sabik na rin akong makasama ang iba.
Bandang alas siete ay nagsimula na ang pagkulo ng aming mga tiyan. Kaya hinalungkat muli Nina Xana at
Jobee ang grocery sa likod.

"Bayot, may balak tayo magtayo ng sari-sari store?" natatawang tanong ni Jobee.

"The hell, walan namang proper food here! These are just chips, and alak!" may tantrums talaga 'tong si
Xana.

"Pera niyo ba yan? Daming reklamo may biscuits naman diyan e" ani ko at inirapan lang nila ako at
pinagbabato ng mga binilog na tissue.

Dahil roon ay nawala ang atensyon ko sa kalsada kaya nagpull-over muna ako.

"Gago ba kayo? Nagmamaneho ako oh, 'di ko pa nga nayayakap mahal ko balak niyo na akong mapatay"
asik ko ngunit tumawa lang sila.

"KUMAIN NA KASI TAYO!", reklamo na naman nung dalawa.

Narinig namin ang pagtawa ni Alexa at nag aya sa malapit na kainan, libre daw kaya nagsilabasan na
kaagad sa van. Tsk, iba talaga.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa sasakyan at muling naglakbay.

Malapit na, maabot na natin.

Just straight ahead; to happiness!

Lahat sila ay dito na sa Manila naninirahan kaya nasisiguro kong konti nalang at maabot na namin ang
isa't isa.
Gabi na naman, malapit na sumapit ang alas nuebe ng gabi. Siguro'y dadaan nalang muna kami sa isang
coffee shop upang hindi ako makatulog sa biyahe. Malapit na rin naman dahil nasa Metro Manila na
kami.

"Primo, stop over muna tayo sa Intramuros, doon na muna tayo magpalipas ng gabi." Suhestiyon ni ate
Jobee na sinang-ayuna naman ng dalawa.

At dahil pagod narin ako sa pagddrive ay sinunod ko na ang kanilang sinabi.

Masyado ng madilim ang Intramuros pagkarating namin, tanging mga ilaw na lamang sa puno at street
lamps ang nagbibigay liwanag dito. Ganumpaman, kitang-kita pa rin ang nakamamanghang anyo nito
lalo na't makasaysayan ito.

Akala ko ay magpapalipas lamang kami ng gabi rito at bukas na ipagpatuloy ang aming pagsuyod sa
ibang kaibigan upang sabay sabay na habulin ang araw.

Ngunit pagkahinto mismo ng van sa Intramuros ay agad tumakbo sina Xana at Jobee habang hila si
Alexa.

Pambihira, "Mga bayot talaga kayo, aba't may balak pa kayong gumala sa Intramuros!" sigaw ko sa
papalayo nilang mga bulto.

Umidlip na lamang ako sa sasakyan habang hinihintay ang pagbalik nila.

Hindi pa man ako tuluyang nakakatulog ay dinig ko na naman ang matitinis nilang boses.

"Primo labas!" tili ni ate Jobee.

"Yawa oy, ampanget niyo talaga" reklamo ko habang papalabas ng sasakyan.

Pagkalabas ay bigla nila akong hinila at tumakbo sa kung saan.


Hindi malayo ang aming tinakbo, namalayan ko na lamang na narito na kami sa gitna ng parke ng
Intramuros. Inilibot ko ang aking tingin sa kagandahan ng lugar.

And then I saw thier faces, the familiar faces I've longed for.

Nakatayo lamang sila at nakangiting sinisilayan ang bawat isa, kinakabisado ang bawat kurba ng mga
mukha at isinasaulo ang mga ngiting ipinapakita. Dahil hindi natin alam kung kailan ito mauulit.

Alliyah ruined the moment dahil sa nakabibinging tawa niya, "Anong kacornihan yan? Ang papangit niyo
"

"Chura, ikaw nga kanina di makapagsalita, starstruck si bui kay Rhys e!" sabat naman ni Sky na
nagpaulan ng pang aasar kay Alliyah kaya namumula ito ngayon.

Napatawa ako, then my eyes caught her. Marahan siyang tumatawa at sumasabay sa asaran ng tropa.
Tila kakampi nya ang mga ilaw sa puno dahil nakatutok lamang ito sa kaniya, mas idinidepina ang
kagandahang kanyang taglay.

Lumapit ako at niyakap siya from behind.

"Hi", tanging sambit ko na sinuklian niya ng matamis na ngiti.

Pansin ko ang mga tingin nilang nakatutok sa amin pero wala akong pakialam, dahil sa oras na ito gusto
ko na lamang sarilihin ang mundo habang hagkan siya.

Mukhang nagkayakap na rin sina Yohan at Coleen pati na rin si Sky at Haelie.

"Alliyah ano na? Yakapin mo na si Rhys" pang aasar na naman nila. Nagtawanan na lamang ang lahat
dahil sa pagkainis ni Lliyah.

Nagkayayaan na kumain pagkatapos ng yakapan. Doon ko lamang napansin ang nakalatag na picnic mat
na puno ng iba't ibang pagkaing hindi pa luto at may grilling pan sa gilid.
"Ang yaman niyo naman mga bayot" puna ko.

"Duh syempre sponsored yan ni Mj, siya lang naman may sweldo sa atin" sagot ni Lyka, pansin pa rin sa
kanyang mga mata ang kalungkutan dahil sa pagkawala ng ama ngunit alam naming lumalaban siya, at
karamay niya kami sa labang iyon.

Kaming mga lalaki ang nagluto kasama si Sky, Lyka at Mj habang ang iba ay nag chichikahan at
tumutugtog ng gitara.

Napupuno ng halakhak ang lugar, kasiyahang hatid ng pagkakaibigan. Harutan nina Sky at Haelie,
pagsuyo ni Yohan kay Coleen, Asaran nina Vianca, Rhys at Alliyah, at jamming sessions na
pinangunguhan nila ate Jobee, Xana at Jasmine.

Katabi ko si Kei, pinagmamasdan sila kasabay ng marahang paghawak ng aming kamay na tila hawak na
namin ang mundo ng bawat isa.

Wala pa si Steffi dahil bunso iyon at hindi naman idadamay sa gabing gala, susunduin na lang namin siya
bukas.

And that was the night, where I finally found home and freedom in one place.

Sa van na kami nagpalipas ng gabi. May kanya-kanya silang dalang gamit. Hindi na nagtanong ang bawat
isa kung paano nakaalis sa kani-kanilang bahay dahil alam naming pare-pareho lang kaming tumatakas
sa realidad upang habulin ang araw.

"Primo, ako na muna magddrive" presinta ni Yohan na hindi ko na tinanggihan dahil pagod na ako.

Umaga na ngayon, January 25 at tinatahak na namin ang daan upang sundiin si bunso.

Hindi siya nagpasundo sa bahay nila kundi sa malapit na parke lamang. Pagkarating doon ay agad silang
nagsilabasan at niyakap si Steffi.
"Hoy payungan niyo nga, alagaan niyo ang kutis ni Aling Mona!", pang-aasar pa ni Rhys.

Sa wakas, kumpleto na kami. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ng pagkakaibigan namin dahil
nagkasya kaming lahat sa van na ito. Siksikan man sa upuan ngunit siksik din sa kasiyahan at solid na
samahan.

"Saan na ang susunod na ruta?", pagtatanong ni Yohan dahil siya ang nagmamaneho.

"Tagaytay", diretso kong sambit na ikinagulat nila.

"Tagaytay", diretso kong sambit na ikinagulat nila.

"Nakain na ata ni Primo bayot ang ulam ni Birch Tree", banggit nila sa alaga kong biik.

"Bui dami mo namang baong souprice", pahayag ni Haelie.

"Well, abstract is a masterpiece, just paint the color that feels right on the plain canvas.", pagsasalita ni
Alexa.

Hindi ko na pinansin ang pang aasar nila dahil sumandal na lamang ako sa balikat ni Keira at umidlip,
nakakawala ng pagod.

Dalawang oras ang biyahe namin papunta roon dahil na rin sa traffic, maaga kaming umalis kay 9 am pa
lang ay narito na kami.

Bago pumunta sa plinano kong lugar ay pinabayaan ko muna sila maglibot at mamimili.

Halos mapuno ang likod ng sasakyan dahil sa dami ng kanilang pinamili.


Last Destination: Tagaytay Picnic Grove; where we tie our blue strings together.

It's nearly sunset kaya binilisan na ni Yohan ang takbo ng sasakyan upang maabutan namin nag paglubog
ng araw, tanda na hawak namin ang isa't-isa hanggang sa pagtatapos at sabay-sabay na aabangan ang
bagong simula.

Pagkarating ay naglatag na kaagad sina Coleen at Steffi ng picnic blanket, sina Alexa, Mj at Jobee naman
ang naglagay ng mga pagkain, ang iba ay kumukuha ng litrato habang kaming boys ay naglalatag din sa
taas ng van upang doon tumambay mamaya.

Papalipat na ang paglubog ng araw kaya tabi tabi na kaming umupo sa damuhan. Narito kami sa mataas
na lugar kaya tanaw namin ang unti unting pagliwanag ng mga kalsada upang kalabin ang pagsulong ng
kadiliman.

Tahimik lamang naming pinagmamasdan ang kabuoan ng lugar. Walang kumikibo, tila bawat isa ay
kinakabisa ang tabko ng istoryang ito.

Tanaw ko ang marahang paghaplos ng kahel na kalangitan sa kanilang mga mukha habang hawak ko ang
kamay ng paborito kong pahinga.

Naputol ang aming katahimikan ng biglang tumayo si Vianca.

"Ano, tara na gutom na ako!", asik niya.

Natatawang tumayo kami at lumapit na sa mga pagkain.

Tumakbo si Coleen sa loob ng sasakyan at biglang nagpatugtog.

NP: Live While We're Young by One Direction


"LET'S GO CRAZY CRAZY 'TIL WE SEE THE SUN, I KNOW WE ONLY MET BUT LETS PRETEND IT'S LOVE!"
masayang kanta naman habang nagtatalunan at isinasayaw ang mga kamay sa ere, sa ritmo ng tibok ng
aming mga pusong umaapaw sa galak.

Inilibas na ni Rhys ang beers at soju pagkatapos kumain, at tama nga si Jobee dahil nabatukan muna
kami bago payagang uminom.

Sumali ang girls sa pag inom pero kontrolado naman namin.

Nasa damuhan sina Jobee, Lyka, Mj at Steffi nagkakantahan, chikahan naman ang trip ni ng iba habang
kaming tatlong boys kasama si Sky ay nasa taas ng van at nag iinom.

Natigil lamang ang lahat sa pag daan ng mga bulalakaw.

Sabay sabay kaming pumikit at humiling.

At ang tanging hiling naman ay kasiyahan para sa isa't-isa.

"Do you know when will the next meteor shower occur?" pagtatanong ni Xana.

"We will never be certain about that thing, but one thing is for sure, tonight the universe is currently
writing our names with stars as they align for our friendship."

"Hindi natin alam kung kailan ang susunod na pagbagsak ng mga bulalakaw, maybe that'll happen when
the next universe starts to arise, and if that's the case I'll surely find you there for another endless trip."

"But that's uncertain, tulad na lamang ng hindi kasiguraduhan ng muling pagkikita natin."

"Chura niyo, sigurado na iyan, our blue strings are now attached, kahit saang sansinukob pa iyan tayo
parin ang nasa iisang storya."
Nahiga kami na damuhon, paikot, habang tanaw ang kalangitan at mga bituin. Pinapakinggan ang tibok
ng bawat isa, kinakabisa ang bawat letra ng istorya.

We may never cross our paths again in the next future, but as they said, we'll surely find each other in
the next universe.

Sabay sabay naming ipinikit ang mga mata, nagbabakasaling pwedeng managinip na lamang habang
buhay at hindi na muling bumalik sa realidad.

And we held each other as if it will be the last time our stars would align.

11:11 pm, January 26, our strings attached, lying beside each other under the moonlit night as the
universe conspire for us.

But the speaker is still on blast "You and me got a whole lot of history."

This isn't the end, 'til our next journey SOLIDOO.

You might also like