You are on page 1of 333

Just The Strings

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, and events are
product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or
dead, is purely coincidental.

Do not distribute without the permit of the author.


Start: March 28, 2016
End:

Kabanata 1

#JustTheStrings
Kabanata 1
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hindi ko na mabilang kung ilang paalala ang sinabi ni Mama kay Kuya. Alam ko naman
na nag-iisa lang akong babae na anak kaya ganito sila ka-protective sa akin. At
saka isa pa, kahit 17 years old na ako, sobrang baby pa rin ang turing sa akin ni
Mama at Papa kahit na may mas bata naman akong kapatid sa akin.
"Do you understand, Preston?" ulit ni Mama. Sigurado naman ako na hindi nakikinig
si Kuya.
"Yes, Ma," sabi niya sabay halik sa pisngi ni Mama. Tumingin naman siya kay Papa.
"Don't worry, Pa. Hindi ko naman papabayaan si Imo." Inakbayan ako ni Kuya at saka
ginulo iyong buhok ko. Ang tagal ko kayang inayos nito tapos guguluhin lang naman
niya.
"Kapag may problema, tawag lang kayo, ha?" sabi ni Mama.
Tumango si Kuya tapos kinuha iyong dala kong bag. Tatlong araw lang naman kami sa
Batanes kaya kaunti lang ang dala ko. Mukha ring may sasabihin pa si Mama pero
niyakap na lang siya ni Papa at saka may binulong sa kanya. Mukha namang kumalma na
si Mama dahil 'dun. Mabuti na lang din at dumating si Riley at Finley at ginulo
nila si Mama kaya nawala na 'yung atensyon sa aming dalawa ni Kuya.
Dumiretso kami papasok sa van kasi ito raw 'yung gagamitin namin. May kasama naman
kaming driver dahil ang alam ko, walang may gustong magdrive sa mga kaibigan ni
Kuya.
"Ground rules, Imo," sabi ni Kuya nung umaandar na 'yung sasakyan. "Una, kay Jas ka
lang didikit."
Tumango ako.
"Bawal ko kausapin sila kuya Benj and Jackson?"
Niliitan niya ako ng mata.
"Bakit mo sila kakausapin?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Pero hindi nga pwede?"
Inakbayan niya ako at saka ginulo na naman iyong buhok ko. "Pwede naman pero gago
kasi 'yung mga 'yun kaya mas panatag ako kapag hindi mo na lang sila kinausap."
Nginitian ko na lang siya. "Okay, Kuya," sagot ko kasi alam ko naman na kaya lang
siya mahigpit sa akin kasi nag-aalala siya. At saka palagi rin kasi siyang
sinasabihan nila Mama na bantayan ako kaya siguro ganito siya. Minsan nakakasakal
na pero nasanay na lang ako.
Nakarating kami sa bahay nila Kuya Benj at tinawagan lang siya ni Kuya para sabihin
na nandun na kami. Lumipat ako sa likuran kasi baka gusto nilang magtabi.
"Naks, nandito pala si prinsesa," bati ni Kuya Benj. Binatukan naman siya ni Kuya.
"OA mo talaga, Pres. Parang naghhi lang, e."
Nginitian ko si Kuya Benj. "Good morning, Kuya."
Mayroon silang pinag-uusapan ni Kuya tungkol sa soccer pero hindi na ako nakikinig
kasi wala naman akong maintindihan. Hindi naman ako sporty. Mas mahilig ako sa
music-namana ko kay Papa. Naikwento rin sa akin ni Mama na sikat na singer daw si
Papa dati. Hindi ko lang maimagine kasi mahiyain din si Papa kagaya ko. Hindi ko
maisip na nakuha niyang kumanta sa harap ng maraming tao.
Nagising ako dahil nangawit iyong balikat ko. Mukhang nakatulog ako. Napuyat ako
kagabi kasi sobrang excited ako para sa lakad namin. First time ko kasi na aalis na
walang kasamang magulang. Usually kasi kapag aalis, palaging family outing. Ngayon
lang ako pinayagan nila Mama na umalis na hindi sila kasama. Sobrang excited tuloy
ako na hindi ako nakatulog agad kagabi!
"Hala, sorry." Nagulat ako dahil nakahilig na pala iyong ulo ko sa balikat ni
Parker. "Sana ginising mo na lang ako."
Natuluan ko ba siya ng laway? Nakakahiya! Sabi pa naman ni Kuya naglalaway ako
kapag tulog!
"Okay lang," sabi niya. Natahimik na naman ako. Hindi naman talaga ako tahimik.
Maingay naman ako sa bahay. May mga kaibigan naman ako at nakakasabay naman ako sa
ingay nila... medyo.
Pero sa harap ni Parker? Hindi talaga. Parang nabubuhol iyong dila ko. Tapos
sobrang kinakabahan.
Parang ngayon.
Pinilit ko na kalmahin ang sarili ko kahit na sa totoo lang, parang aatakihin na
ako sa puso sa sobrang kaba! Mula bata pa lang kami, kakilala ko na si Parker pero
hanggang ngayon, ganito pa rin ang epekto niya sa akin.
Sa buong byahe, para akong estatwa na hindi gumagalaw. Pakiramdam ko nga may stiff
neck na ako dahil nasa harap lang ang tingin ko. Tapos nung huminto kami sa isang
restaurant para bumili ng kakainin, hindi pa rin ako makagalaw.
"Let's eat," tawag sa akin ni Kuya.
Gusto kong umoo dahil sa totoo lang, gutum na gutom na ako. Pero kung tatayo ako,
mapapadikit ako kay Parker... At hindi ko alam kung kaya ba ng puso ko 'yun. Baka
tuluyan na talaga siyang tumalon palabas ng dibdib ko.
"I'm good, Kuya."
Sorry, God. White lie naman...
"Sure?" sabi niya.
"Bilhan na lang natin si prinsesa ng food. I'm starving already," sabi ni Kuya Benj
at saka hinatak si Kuya papasok sa resto. Kasama rin nila si Kuya Jackson at Ate
Jasmine tapos iyong driver naman, pumunta sa restroom.
Pero bago umalis si Kuya, tinignan niya muna ng masama si Parker tapos binigyan
naman siya ng middle finger ni Parker. Grabe talaga silang dalawa palagi na lang
ganito.
Hala, wrong move pa yata ako! Naiwan pa tuloy ako sa sasakyan na kasama si Parker.
Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala naman kasi
kaming kahit ano na pareho ni Parker...
Sikat siya sa school... ako hindi naman. Kilala lang ako kasi kapatid ako ni Kuya
at saka minsan kasama ko sila Kuya Benj.
Mahilig siya sa soccer... hindi ko talaga maintindihan iyong laro na 'yun kahit
ano'ng gawin ko. Mas naiintindihan ko ang baseball at saka basketball.
Madalas siya sa party... mas gusto ko pang magsimba kasama si Papa.
Ang dami naming pinagkaiba. Kaya lang naman niya ako kinakausap kasi magkaibigan
ang pamilya namin. Sobrang close ni Mama at Auntie Kach. Palagi nilang pinag-
uusapan si Tito Parker-iyong Tito ni Parker na namatay na. Sa kanya daw ipinangalan
iyon, e. Tapos ako naman, kay Mama.
Huminga ako nang malalim dahil nakaipon na ako ng lakas ng loob para kausapin si
Parker... medyo. Pero magsasalita pa lang ako, biglang tumunog iyong cellphone
niya.
Parang may kumurot sa puso ko nung makita ko iyong pangalan ni Cindy.
"Where are you?" tanong ni Parker.
Buti pa kay Cindy, may pakielam si Parker...
"Who're you with?" kunot-noong tanong niya. "Are there any guys with you?"
Ang protective niya pa.
Nakataas ang kilay niya. Tapos bumuntong-hininga siya.
"Fine. Just take care, aight? And call me when you land."
Ibinaba niya iyong tawag. Pinilit kong ngumiti para hindi niya makita kung paano
ako nasaktan sa mga narinig ko.
"Kayo na?" tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo?"
Natahimik ako.
"Sorry..."
Hindi niya ako pinansin at saka inilagay sa tenga niya iyong earphone. Parang gusto
kong umiyak. Hindi ko naman kasalanan na hindi siya pwedeng maggirlfriend-o kung
meron man, patago lang.
Kasalanan ko ba na bata pa lang kami, sinasabi na sa amin na dapat kami ang
magkatuluyan? Na dapat naming ipagpatuloy ang love story ni Mama at nung namatay
niyang Tito?
Bakit ako iyong sinisisi niya? Bakit siya sa akin nagagalit?
Tahimik lang ako buong byahe. Nung nakarating kami sa airport, tahimik lang din
ako. Hanggang makasakay kami, hindi ako umiimik. Nakipagpalit ako kay Kuya Jackson
ng upuan. Ayokong kay Kuya kasi mararamdaman niya na may nangyari na naman... Ayoko
na mag-away na naman sila ni Parker dahil lang sa 'kin.
"Okay ka lang?" tanong ni Ate Jas.
Tumango ako.
"Inaway ka na naman?"
Ngumiti na lang ako.
"Hindi mo kasalanan, okay? PMS lang talaga si Parker kasi alam mo naman na he's a
menopause baby," sabi ni Ate Jas na ikinatawa ko. "Ayan, smile ka na. We're on a
vacation and it's your first time without your parents so dapat we enjoy this! Stop
sulking, okay? You're free to join me if badtrip ka na kay Parker."
"Baka naman magalit si Kuya Jackson kapag palagi ako nakadikit sa inyo."
"We chikas gotta stick together, right?" sabi niya na ikinatawa ko naman.
Nagkwentuhan na lang kami ni Ate Jas hanggang sa pareho kaming inantok. Pagkagising
namin, nasa Basco, Batanes na kami. Mayroong naghihintay na van sa amin. Si Kuya
ang nagdala ng gamit ko habang si Kuya Jackson naman ang may hawak ng gamit ni Ate
Jas. Kami ni Ate Jas ang magkatabi sa sasakyan.
Pagdating namin sa bahay na inupahan, sinabi agad ni Kuya ang room assignments.
"6 rooms dito so tig-iisa tayo. Jas and Jackson, 'wag dito, please," sabi ni Kuya
tapos binato siya ni Kuya Jackson ng throw pillow.
"Gago hindi kami ganon."
"Kunwari naniniwala kami," sabat naman ni Kuya Benj.
Kinuha nila iyong gamit at saka dumiretso sa kwarto nila. Magpapahinga raw muna
kami dahil napagod sa byahe. Gusto ko rin munang mahiga. Kukuhanin ko na sana iyong
gamit ko dahil kausap pa yata ni Kuya sina Mama sa phone.
"Kaya ko na," sabi ko kay Parker nung kuhanin niya sa kamay ko iyong bag.
"What room?" tanong niya.
"Iyong pangalawa raw," mahinang sagot ko. Nakasunod lang ako sa likod niya habang
dala niya iyong gamit ko.
Hindi ko maintindihan si Parker... Minsan, mabait siya sa akin. Sinasamahan niya
naman ako sa school minsan. Kapag hindi ako maisasabay ni Kuya pauwi, ihahatid niya
ako kahit sinasabi ko naman na magpapasundo na lang ako sa driver. Kapag birthday
ko, may regalo siya sa akin. Tapos kapag ganito na kailangan ko ng tulong, nandyan
siya agad.
Pero palagi niya rin sinasabi sa akin na hindi.
Na kahit kailan, hindi niya ako magugustuhan.
Na hanggang ganito lang kami.
Na sa harap nila Mama, sweet siya sa akin.
Na kapag kaming dalawa na lang, pinapaalala niya sa akin na may iba siyang gusto.
Ipinasok niya iyong mga gamit ko at saka inilagay sa ibaba ng kama. Akala ko aalis
na siya. Gusto ko na iwan niya muna ako kasi parang sumisikip na 'yung dibdib ko.
Dapat masaya ako kasi first time ko na umalis na wala sila Mama... Nandito si Kuya,
si Ate Jas, sila Kuya Benj. Marami namang nagmamahal sa akin. Dapat masaya ako, 'di
ba?
"Sorry," sabi niya. "Galit ka sa 'kin?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Tapos pinilit na ngumiti.
"Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit?"
"I snapped at you earlier. My fault. Sorry ulit," sabi niya.
"Okay lang." Kahit hindi. "Bakit ka nga pala nagalit? Nag-away kayo ni Cindy?"
Bakit kaya masokista ang mga tao? Nagtatanong kahit ayaw naman malaman ang sagot.
Tumango siya. "Yeah."
'Wag ka ng magtanong, Imo. Masasaktan ka lang lalo, e.
"Bakit?"
"She's in Madrid with friends."
Ngumiti ako kahit ayoko naman. Sabi kasi ni Papa, libre lang naman ang ngiti kaya
bakit mo ipagkakait? Pero libre lang din naman ang luha kaya bakit pipigilan?
"Gusto mong sumama 'dun tapos nandito ka... Sorry... Sana sinabi mo sa akin para
nasabi ko kay Auntie Kach na okay lang naman na hindi ka sumama," mahinang sabi ko.

Tumayo siya sa kama.


"Nah. It's fine." Inalagay niya iyong kamay sa ulo ko tapos ginulo ang buhok ko.
"Just... act normal around me. I don't want to piss Preston again. Besides, we're
cool, right?"
Tumango ako.
"Parker," pagtawag ko sa kanya nung palabas na siya sa pinto. Tumigil siya at saka
humarap sa akin.
"Hindi talaga, 'di ba?" tanong ko. Gusto ko lang marinig ulit. Baka kasi kapag
paulit-ulit ko na marinig, tumatak na sa isip ko. Baka kasi maintindihan ko na.
Tinignan niya ako ng diretso sa mata... at saka dahan-dahang umiling.
"Hindi."

--
AN: This is 2nd gen, not the 1st gen. Para clear =) Also, I'll be selfpublishing my
books (That Uptight Man with the continuation chapters in Dane's POV) (Drake Palma
which is SDP in Drake's POV) (and Hindi Ko Inakala complete with the second book)
Just add Eydee Aldea Sandoval (fb.com/eydee.sandoval) in facebook for more details!
=) Hanggang April 7 ang payment. Yay thanks! -Eydee

Kabanata 2

#JustTheStrings

Kabanata 2
Nagpahinga ako at natulog. Kahit sandali lang 'yung usap namin ni Parker,
pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko sa katawan. Hindi ko nga alam kung paano pa
ako lalabas sa kwarto na 'to dahil alam ko na makikita ko na naman siya... At isa
pa, nasaktan talaga ako nung sinabi niya 'yun.
Hindi.
Hindi talaga.
Gustuhin ko man na kalimutan na talaga siya, hindi ko magawa dahil nasa paligid
lang siya palagi. Malabo na yata talaga na makapag-move on ako. Siguro buong buhay
ko na 'tong papasanin.
"Imo?" napatingin ako sa pinto nung may narinig akong kumakatok at tumatawag sa
pangalan ko. Tumayo ako at saka binuksan iyong pinto. Nandun pala si Kuya Benj.
"Food's ready. Tara," sabi niya.
"Busog pa ako, Kuya."
"You didn't eat the food I gave you earlier tapos busog ka pa? Sumbong kaya kita
kay Preston?" takot niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. "May problem ba?" he
asked.
Nakatingin ako sa kanya. Gusto kong sabihin pero ayoko na mag-away na naman sila
nina Parker. Nakakatakot kasi silang mag-away... Sinuntok ni Kuya si Parker dati
nung mahuli niya akong umiiyak. Wala naman talagang kasalanan si Parker dahil
palagi naman niyang sinasabi sa akin na 'wag akong umasa. Ako lang naman 'tong
makulit na ayaw tumigil. Ayaw ko lang na maulit na naman 'yun.
"It's Parker?"
Umiling ako.
Nagkibit balikat siya. "Very well. Tara, kain na tayo," sabi niya at saka inakbayan
ako kaya naman napilitan na ako na bumaba. Paglabas namin sa kwarto, nakasalubong
namin si Parker. Agad na kumunot ang noo niya nung makita niyang naka-akbay sa akin
si Kuya Benj pero nilagpasan niya lang agad kaming dalawa.
Napatingin ako kay Kuya Benj nung mahina siyang tumawa.
"Obvious mo masyado, Imo," sabi niya.
"Ha?"
Ginulo niya na naman iyong buhok ko. Dapat talaga hindi na ako nag-eeffort
magsuklay kapag kasama ko sila nina Kuya.
"You're too good for him. Hanap ka na lang ng iba, princess."
Nung nasa dining area na kami, sandaling nawala iyong mga iniisip ko kay Parker
dahil ang daming pagkain. Akala ko talaga magugutom kami dito sa Batanes dahil
walang marunong magluto sa amin. Kapag umaalis naman kasi kami nila Mama, palaging
may kasamang maids. Hindi kasi kayang alagaan ni Mama mag-isa sina Riley at Finley
dahil sobrang kulit. Ayaw pa naman ni Papa na napapagod si Mama.
Kung kagaya lang sana ni Papa si Parker, e 'di ang saya-saya ko na... Gusto ko rin
kasi ng ganun. Gusto ko ng lalaki na mamahalin ako kagaya nung pagmamahal ni Papa
kay Mama.
"So... what's the agenda for today?" tanong ni Ate Jas. Mukhang sobrang excited na
niya. Thrill seeker kasi si Ate kagaya ni Kuya Jackson kaya magkasundo sila talaga.

Nagbigay ng mga suggestion si Kuya Benj. Madalas kasi siya rito kaya alam na niya
kung ano ang mga masayang gawin. Napailing na lang ako nung marinig ko kung ano ang
mga gusto nilang gawin. Masyadong nakakatakot... 'Dun lang ako pwede sa pagbbike,
ATV ride, o kaya naman sa pagsakay sa faluwa.
"So, ano? G tayong lahat?" tanong ni Ate.
Nag-okay sina Kuya Jackson, Kuya Benj, tapos si Kuya Preston naman, nakatingin sa
akin at hinihintay ang sagot ko.
Umiling ako. "Pass na lang, Kuya. Dito na lang ako," sabi ko tapos ngumiti ako.
"I'll pass. Kayo na lang," sabi ni Kuya.
"Hala, Kuya. Okay lang talaga ako. Sama ka na sa kanila," sagot ko. Masyado talaga
akong bine-baby ni Kuya. Nahawa na siya kay Papa.
"Can't leave you here alone. You're such a klutz, remember?" paalala niya sa akin.
Palagi na lang kasi akong nadadapa. Minsan, kahit walang nakaharang na kahit ano sa
daan, ewan ko ba kung bakit nadadapa pa rin ako. Pakiramdam ko may invisible na mga
bato na nagkalat, e.
Napalabi na lang ako. Gusto ko na sumama si Kuya para mag-enjoy naman siya... pero
ayoko rin talaga gawin iyong mga gusto nilang gawin.
"I'll look after her."
Lahat kami napatingin kay Parker nung nagsalita siya. Kulang na lang tumalon ang
mga mata ko palabas ng sockets nila.
"I'll take care of her," dagdag pa ni Parker. "I promise."
"You know I won't hesitate to send you to the hospital again kapag pinaiyak mo na
naman kapatid ko, 'di ba?" sagot ni Kuya.
Parang sasabog iyong dibdib ko. Ayaw ko talaga na nag-uusap sila na ganito...
Pakiramdam ko kasi nasira ko iyong pagkakaibigan nila. Best friends dati si Kuya at
Parker... pero simula nung malaman ni Kuya na si Parker ang dahilan ng pag-iyak ko,
nawala na iyong pagiging close nila.
Parang kasalanan ko talaga.
"Oh, chill lang, guys." Mabuti na lang at nakaramdam si Kuya Benj. "Pres, chill ka
lang. Kaya ka nagkaka-wrinkles dahil badtrip ka lagi kay Parker, e," sabi ni Kuya
tapos humarap naman siya kay Parker. "Ikaw naman, umayos ka. Rinig mo?"
Tumango si Parker. Nakahinga naman ako nang maluwag nung mag-ayos na sila Kuya ng
mga gagamitin at dadalhin nila. Akala ko talaga magkakaroon na naman ng suntukan.
"Haba ng hair!" sabi ni Ate Jas sabay sundot sa tagiliran ko. "If I don't see you
as my little sister, I'd be totally jealous! Princess ka talaga ng mga lalaking
'to!"
"Ikaw naman ang princess ni Kuya Jackson, Ate," sagot ko na nakangiti.
"Aba dapat lang!" sabi naman niya. "Pero seriously, Imo, just call us, ha? Kahit na
we know Parker wouldn't harm you intentionally, if he starts being a jerk again,
we'll come rescue you."
Ngumiti ako.
"Salamat, Ate."
Kinurot naman niya iyong pisngi ko.
"Cute mo talaga! Ewan ko ba bakit hindi makita ni Parker, 'yun," sabi niya tapos
umiling. "He'll really regret it once na may makakita what a catch you are, baby
girl."
Tinulungan ko si Ate na ayusin iyong gamit niya. Tinanong niya rin ang opinion ko
tungkol sa kung ano'ng bikini ang gagamitin niya dahil magbbeach pala kami mamayang
gabi pagbalik nila.
"Cute 'to, Ate," sabi ko sabay pakita nung black na crochet halter bikini.
"Cute nga!" she gushed. "This is what you'll wear later, ha?"
"Hala. Papagalitan ako ni Kuya. Hindi pwede," sagot ko. Bawal nga ako magshorts ng
sobrang igsi, e... Bikini pa kaya?
"Ako bahala sa Kuya mo. Basta wear this later," sabi ni sabay kindat. Inilagay niya
iyong bikini sa kamay ko at saka tinulak ako papasok sa kwarto ko. "Enjoy your day,
baby girl! Text away lang kami, okay?"
Tumango ako. Maya-maya naman, si Kuya Preston ang pumasok.
"Sure kang okay lang na maiwan ka?"
I nodded. "Enjoy kayo, Kuya."
Pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.
"Kuya, kahit naman hindi mutual ang feelings namin ni Parker, alam mo naman na
never niya akong pinabayaan, 'di ba?" paalala ko sa kanya. "He was your best
friend. Kilala mo siya. He'd never hurt me... intentionally."
That seemed to calm him pero pinaalalahanan niya pa rin ako bago siya tuluyang
umalis. Sobrang protective talaga ni Kuya. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend
niya dahil sa akin pa nga lang na kapatid niya, ganito na siya kaalaga.
Ilang minuto na simula nung marinig ko iyong sasakyan na makaalis pero nandito pa
rin ako sa kwarto. Hindi ko kasi alam kung lalabas ba ako o ano... Sinabi lang
naman ni Parker na babantayan niya ako. Wala naman siyang sinabi na gagala kami...
Pero gusto kong gumala. Ang ganda dito sa Batanes! Gusto kong maglakad sa hills.
Gusto kong kumuha ng maraming magandang pictures.
Bahala na nga.
Nagsuot ako ng sundress at saka isinabit ko sa leeg ko iyong camera ko. Diyan lang
naman ako sa malapit pupunta... Hindi naman siguro ako madidisgrasya.
Pababa na ako at malapit na akong makalabas sa pinto nung halos atakihin ako sa
puso nung may marinig akong magsalita.
"Where do you think you're going?" rinig ko na sabi niya. Ni hindi ko na kailangan
na lumingon para malaman kung sino ang nagsalita na iyon.
"Ah... eh..." Ano ba naman 'yan, Imo! Nauutal ka na naman!
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka lumapit sa akin. Malapit masyado. Nagbend pa
siya para magkaharap kami. Ang lapit talaga!
"Tatakasan mo ako?"
Umiling ako. "H-hindi."
Inilagay niya iyong daliri niya sa noo ko at marahan akong pinitik.
"Since when did you start lying?" sabi niya at saka nailing. Dumiretso ulit siya ng
tayo at saka binuksan iyong pinto. Para akong natirik sa kinatatayuan ko at hindi
makagalaw. "Tara na," he said.
Napakurap ako.
"Sasama ka?"
He nodded.
"Talaga?" Hindi ko na napigilan iyong saya sa boses ko. Baka tama nga sila Kuya,
mababaw talaga ang kaligayahan ko... Pero pagdating kay Parker lang naman. Alam ko
kasi na minsan lang siya ganito dahil may Cindy na siya.
At dapat hindi na ako umaasa pero paano ako titigil kung ganito siya?
Lumabas kami ni Parker at naglakad lang. Mayroon namang malapit na beach dito.
Kumukuha lang ako ng pictures habang si Parker, nakaupo doon sa may buhanginan.
Nakakainis lang dahil medyo malakas iyong tunog ng shutter kaya hindi ko siya
makuhanan. Ang gwapo niyang tignan ngayon lalo... Nakatingin lang siya sa dagat
tapos sobrang relaxed niya.
Kailan kaya siya magiging ganito sa akin? Kapag kasi kasama ko siya, palagi siyang
parang problemado o kaya naman ay galit. Parang hindi siya nag-eenjoy na kasama
ako.
Lumayo ako tapos at saka ko siya kinuhanan nang kinuhahanan ng picture. Mabuti na
lang at hindi niya ako nakita. Napangiti ako habang tinitignan ko iyong mga picture
sa phone ko.
"Why are you smiling?" Nagulat ako nung nandun na siya sa harap ko. Sobrang lakas
ng kabog ng dibdib ko! Mabilis kong itinago iyong cellphone.
Umiling lang ako.
"Do you want to stay here? May iba ka pa bang gustong gawin?"
"Bike?"
"Okay," sagot niya. Kinilig na ako agad. Simpleng okay niya lang pero ganito na ang
epekto.
Umakyat kami sa mataas na lugar. Para siyang talampas tapos puro damo na sobrang
ganda ng kulay nila. Ang ganda-ganda talaga dito. Pwede na akong tumira dito tapos
parang araw-araw na nasa bakasyon lang ako.
"Do you know how to ride a bike?"
"Oo naman!" sagot ko.
"Really?"
"Grabe ka naman, Parker," sabi ko. Nakaka-offend naman na akala niya hindi ako
marunong magbike.
"Baka kasi masugatan ka," he said. "Do you want to rent the one where you could
just sit? I'll drive the bike for us."
Pinigil ko iyong sarili ko na ngumiti dahil kinikilig talaga ako. Masyado daw kasi
akong transparent... Sobrang halata kung ano ang nararamdaman ko. At kapag nakita
ni Parker na nagkakaganito na naman ako, alam ko na hindi na naman niya ako
kakausapin.
Ayaw niya na umaasa ako. Para naman kasing ganun lang kadali pigilan ang
feelings... Na kapag sinabi niyang hindi ka niya gusto, bigla na lang mawawala
iyong nararamdaman mo. E 'di kung ganoon nga, sana wala ng nasasaktan at umaasa
ngayon.
Nagrenta kami nung bike na may sakayan sa gilid. Pareho naming hindi alam ni Parker
kung ano ang tawag doon kaya tinuro na lang namin.
Ang saya-saya ko lang habang nakasakay kami sa bike. Parang... parang kami. Ganito
pala ang pakiramdam. Sobrang saya.
Pero alam ko rin naman na hindi totoo. Na minsan lang 'to kasi pagbalik namin sa
Manila, nandun na ulit iyong gusto niya talaga. Na maaalala ko na naman na kapatid
lang ang turing sa akin ni Parker.
"Parker, pwede ba tayong magpapicture?" tanong ko sa kanya. Baka kasi magalit siya
kapag kumuha na lang ako bigla.
"Bakit?"
"Remembrance," sagot ko. Sana hindi niya mahalata kung gaano ko gustong magkaroon
ng picture para palagi kong maaalala kung gaano ako kasaya nung panahon na 'to.
He shrugged. Dali-dali naman akong tumawag ng pwedeng magpicture sa amin.
"Ready na po kami," nakangiti kong sabi. Sobrang laki ng ngiti ko habang nakatingin
sa camera. Nagpasalamat ako doon sa lalaki nung ibalik niya ang camera.
"Thank you," sabi ko kay Parker.
"For what?"
"For today. For being nice."
"I'm always nice."
"Hindi kaya," sagot ko. "Masungit ka raw sabi ng ibang schoolmates natin..."
paalala ko sa kanya. Sa lahat ng soccer players, siya ang pinakasikat dahil siya
ang pinakamasungit. Sila Kuya kasi friendly, lalo na si Kuya Benj. Ewan ko ba dahil
may fascination yata talaga ang mga babae sa mga lalaking hindi sila pinapansin...
Parang ako.
"They don't know me, that's why," sagot niya. "But you... you know me."
Sasabog na yata ang dibdib ko. Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya iyon.
Parang hindi na ako makahinga.
"I'm nice... especially to those whom I care about."
Wala na. Sobrang pula na talaga ng mukha ko.
"You care about me?" parang tanga na tanong ko. Hindi ko na kasi napigilan bago
siya lumabas sa bibig ko. Gusto kong paluin ang bibig ko dahil bigla na lang
nagsasalita.
"Of course. You're the sister I never had."
Kapag daw talaga sobrang saya mo, bigla na lang babawiin. Parang ngayon.
Pinilit ko na 'wag niyang makita kung paano niya ako nasaktan sa ilang salita na
sinabi niya. Pinilit kong ngumiti kahit na ang totoo, gusto kong umiyak.
Ilang beses na rin naman niyang sinabi sa akin 'yan pero bakit para akong tanga na
nasasaktan sa isang bagay na matagal ko ng alam?
"Pagod na ako, uwi na tayo," mahinang sabi ko. Bumaba ako mula sa bike at saka
nagsimulang maglakad pauwi. Tahimik lang siya na nakasunod sa akin hanggang sa
makarating kami sa bahay. Nagpasalamat ako sa pagsama niya sa akin at saka nagsabi
na sa kwarto na muna ako.
Nahiga ako sa kama at saka tinakpan ang mukha ko.
"Tama na, Imo," sabi ko habang dire-diretsong tumutulo ang luha ko. Hindi ko na
mapigilan. Kusa na silang lumalabas. "Para ka ng tanga... Tama na kasi..."
Pero hindi ko mapigilan. Ang sakit-sakit kasi...
Na nandyan na pero hindi mo mahawakan... kasi may ibang nagmamay-ari.
Parang pinapakita lang pero hindi pwedeng hawakan.
Parang sinasabik ka lang.
Parang pinaparamdam lang kasi alam na kahit kailan, hindi magiging sa 'yo.
Pinilit ko na tumigil ng umiyak dahil ayoko na mapansin nila Kuya na umiiyak ako.
Ayoko na mag-away na naman sila dahil sa akin.
Sa wakas, tumigil na rin ako sa pag-iyak pero ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam
ko. Umupo ako at saka kinuha iyong cellphone ko. Para akong tanga dahil iyong bagay
na nagpapaiyak sa akin, iyon din ang bagay na nagpapangiti sa akin.
Nakangiti ako habang tinitignan iyong mga pictures ni Parker at pictures namin.
Binuksan ko iyong LTE at saka nag-upload ng picture sa facebook.
Pinalitan ko iyong privacy ng only me dahil alam ko na magagalit si Parker kapag
nakita niyang nagpost ako. Malalaman niya kasi na umaasa na naman ako-ay mali, pa
rin ako.
Hindi ko nilagyan ng caption. Hindi ko rin kasi kayang ipaliwanag.
Na masaya ka, na malungkot ka. Na kaya mong maramdaman ang dalawang bagay dahil sa
iisang tao.
Habang tinitignan ko iyong newsfeed, bigla akong napatigil dahil sa isang picture
na naka-tag si Parker. Post iyon ni Cindy ng picture nila ni Parker. Nakatayo si
Parker habang nakayakap naman mula sa likod si Cindy.
Missing this one. Wish you were here with me :(
Nanikip ang dibdib ko. Sobra-sobra na 'to... pero may mas masakit pa pala dito.
Nung bigla kong nabasa iyong comment ni Parker.
Come home to me.

Kabanata 3

#JustTheStrings
Kabanata 3
Sinubukan ko na iwasan si Parker nung pangalawang araw namin. Palagi akong sumasama
kina Ate Jas at mukhang naintindihan naman nila kung bakit ko ginagawa 'yun. Palagi
na lang kasing ganun. Aasa ako tapos masasaktan tapos iiwas... tapos babalik na
naman ako sa dati.
Pakiramdam ko ang normal ko na ay 'yung umaasa ako kay Parker. Siguro kapag
dumating na 'yung araw na okay na talaga ako, maninibago ako. Hindi kasi ako sanay
na hindi umaasa.
Nung pangatlo at huling araw na namin, nagpilit pa sina Ate Jas na libutin iyong
Batanes pero sobrang sakit na talaga ng katawan ko. Masyado akong napagod sa ginawa
namin kahapon kaya naman sinabi ko na magpapaiwan na lang ako. Pinilit ko rin si
Kuya na sumama sa kanila. Ayoko naman na palagi na lang akong pabigat sa kanya.
Tinitignan ko lang sa laptop ko 'yung mga picture na kinuha ko nitong mga nakaraang
araw nung may marinig akong katok.
"Pasok po," sabi ko.
"Lunch na."
Para akong biglang natirik sa kinauupuan ko nung marinig ko 'yung boses na 'yun.
Akala ko sumama siya kila Kuya? Bakit siya nandito?
"Hindi ako gutom," sabi ko kahit na nararamdaman ko na 'yung gutom. Hindi kasi ako
nakasabay kina Kuya kanina dahil sobrang aga pa at masakit ang katawan ko.
Pero nung akala ko lalabas na siya dahil sinabi ko na hindi naman ako gutom,
nagkamali pala ako. Mas lalo pa niyang binuksan iyong pintuan at saka pumasok.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad siya palapit sa akin. At
pakiramdam ko mahihimatay na talaga ako nung umupo siya sa kama ko.
Masyado siyang malapit.
"Why did you take BA? You're good at arts," sabi niya habang nakatingin sa laptop
ko. Parang biglang gusto kong isarado iyong laptop. Nahihiya ako na nakikita niya
iyong mga litrato ko... Bawat litrato kasi na kinukuha ko, malapit sa puso ko.
Bawat litrato, may bakas ng pagkatao ko.
For me, art is something very personal.
At ngayon na nakatitig pa siya, pakiramdam ko bigla na lang niyang malalaman iyong
nararamdaman ko.
"Hobby ko lang 'to," sabi ko at saka pasimple na pinatay iyong laptop. Hinarap ko
siya kahit na malakas ang kabog ng dibdib ko. "Bakit hindi ka sumama kila Kuya?"
"Wala kang kasama dito."
'Tama na,' gusto kong sabihin. Paano ako aandar kung ganito na palagi niyang
pinaparamdam sa akin na baka kahit konti... may pag-asa.
"Kaya ko naman mag-isa."
'Kaya ko naman na wala ka,' gusto kong sabihin pero alam ko na kasinungalingan lang
'yun. Habang nandyan siya, habang nakikita ko siya, habang nararamdaman ko siya,
habang pinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako sa sariling paraan niya,
pakiramdam ko hindi ko magiging kaya na wala siya.
"Yeah right," sabi niya at saka marahan na namang pinitik ang noo ko. Nagulat ako
nung bigla niyang hawakan ang braso ko. "Remember this? I just left for a minute
tapos pagbalik ko, nahulog ka na."
Para akong nasa langit habang nakatingin sa kanya. Nakangiti siya habang
nagkukwento kaya naman hindi ko napigilan na mapangiti rin. Ang tagal na talaga
naming magkakilala... Simula pagkabata namin, magkasama na kami. Alam ko halos
lahat tungkol sa kanya at ganon din siya sa akin...
Pero kahit na ganon, hindi pa rin niya ako nagustuhan. Siguro hindi lang talaga
kami para sa isa't-isa.
"Preston almost killed me for that."
"Sorry," bulong ko. "Ako 'yung dahilan kung bakit nasira kayo ni Kuya..."
"It's not your fault."
Hindi na ako sumagot dahil alam ko naman na ako.
"It was my fault. I was a douche for standing you up," sabi niya at mapait na
napangiti ako. Parang kahapon lang.
"Aksidente naman."
"But still, I'm sorry," sabi niya na para bang mabubura nun lahat nung sakit na
naramdaman ko nung araw na 'yun.
"Okay lang talaga. Kasalanan ko naman na pinilit kitang maging escort ko sa prom."
Parang gusto kong bawiin iyong sinabi ko dahil kitang-kita ko 'yung awa sa mukha
niya... Awa dahil alam namin pareho na malabo talaga na magustuhan niya ako. Na
para lang akong tanga na umaasa sa bahay na hindi ko makukuha kahit ano'ng gawin
ko.
Nakatingin lang ako sa paa ko nung magulat ako dahil may tumunog bigla. Napatingin
ako sa kanya.
"I know this is nothing compared to your prom but dance with me?" sabi niya habang
nakalahad ang kamay.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makagalaw.
"Let's dance," sabi niya ng isa pang ulit. Hindi pa rin ako nakagalaw kaya naman
lumapit siya at saka hinila ako patayo. Inilagay niya 'yung kamay ko sa ibabaw ng
balikat niya habang nasa gilid naman ng bewang ko iyong mga kamay niya.
Masyadong malapit.
"I know I've said this a million times before but I really am sorry," sabi niya.
Pero ako? Pinipilit ko lang na hindi mapaupo dahil para talagang inuubos ang lakas
ko dahil sa mga ginagawa niya.
Nasaan na ba si Parker na walang ginawa kung hindi saktan ako? Sino ba 'tong nasa
harap ko ngayon?
"I didn't mean to ditch you in front of your whole school."
Tahimik lang ako. Ayokong marinig dahil parang bumabalik na naman lahat ng
nangyari... Na kahit ilang beses kong pilit kalimutan, nandyan pa rin.
Naririnig ko pa rin 'yung mga tawanan.
Naririnig ko pa rin 'yung mga bulungan.
Naalala ko pa rin kung paano niya ako iniwan.
"Cindy got into an accident and-"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil baka bigla na naman akong
maiyak. Dahil baka bigla ko na namang maalala kung paano ako napahiya. Na paanong
kahit gaano pa ako magpaganda, hindi pa rin ako. Na kahit ano ang gawin ko, wala
lang talaga ako para kay Parker. Na para lang akong basahan na iiwan niya dahil
alam niya na pagbalik niya, nandun pa rin ako-parang tanga na naghihintay sa kanya.
"Tapos na. Kalimutan na natin," matalim kong sabi. Ayoko lang talagang pag-usapan
dahil masakit pa rin.
"You're still mad."
Bumitiw ako sa pagkakahawak sa kanya pero nakalagay pa rin sa bewang ko iyong mga
kamay niya. Kahit magpumiglas ako, ayaw niya akong bitiwan.
"Bitiwan mo ako," bulong ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"I'm sorry," paulit-ulit niyang bulong. Paulit-ulit hanggang sa dahan-dahang tumulo
ang luha ko.
Naaalala ko pa rin kung paano ko siya inaya para maging escort ko sa prom. Pumayag
siya kaya sobrang saya ko. Binalak ko rin na sa gabing iyong sasabihin ko sa kanya
kung ano 'yung nararamdaman ko... Alam ko 15 lang ako at 17 siya pero totoo naman
na gusto ko siya.
Sobrang excited ako nung araw na 'yun. Sobrang saya ko nung dumating siya. Sobrang
natuwa ako dahil buong gabi, kasama ko siya. Medyo nagselos lang ako dahil lahat
halos ng babae ay nakatingin sa kanya pero ayos lang dahil ako naman ang kasama
niya.
"May hinihintay ka ba na text?" tanong ko sa kanya dahil kanina pa siya tingin nang
tingin sa cellphone niya. Hindi naman mahilig maglaro ng cellphone si Parker. Sa
buong buhay ko, ngayon ko lang siya nakita na ganito ang hawak sa cellphone kaya
naisip ko na may mahalaga siyang hinihintay.
"Nothing," sabi niya. Pero alam ko na hindi totoo dahil panay pa rin ang tingin
niya roon.
Pinilit ko na mag-enjoy dahil ito ang una kong prom. Next year, si Parker ulit ang
aayain ko at sana, sa araw na 'yun, kami na. Hindi ko alam kung papayagan na ba ako
ni Papa na magboyfriend pero alam ko na si Mama, susuportahan ako dahil alam ko
naman na si Parker ang gusto niya para sa akin.
Sobra din akong kinakabahan dahil malapit ko ng ipagtapat kay Parker ang
nararamdaman ko.
Hindi naman siguro niya ako irereject dahil ramdam ko naman na mahalaga ako sa
kanya... At kapag tinatanong ko si Kuya tungkol kay Parker, lagi niyang sinasabi na
aral at soccer lang ang pinagkakaabalahan ni Parker.
Naka-tatlong sayaw kami bago pinaupo ang lahat para iannounce ang Prom Royalties.
Hindi naman ako excited doon dahil masaya na ako na kasama si Parker. Pero hindi na
ako nagtaka nung siya ang tawagin biglang Prom King.
"This year's Prom King is none other than Parker Adrian Palma!" anunsyo ng host.
Umakyat si Parker sa stage at nagpalakpakan ang lahat. Walang angal dahil kahit
alumnus na siya, alam naman ng lahat na siya talaga ang pinaka-angat ngayong gabi.
Medyo naiinggit lang ako sa magiging Prom Queen dahil makakasayaw niya si Parker...
Medyo nagiging madamot na yata ako. Gusto ko kasi, sa akin lang si Parker kahit
alam ko na imposible naman 'yun.
Pero laking gulat ko nung tawagin ang pangalan ko.
"And this year's Prom Queen is our very own, Mary Imogen Suarez!"
Hindi ako agad nakagalaw. Hindi ko inaasahan na mananalo ako dahil ordinaryo lang
naman ako sa school simula nung grumaduate si Kuya. Medyo kilala lang naman ako
dahil dahil sikat si Kuya at Parker sa school. Kinailangan pa akong kalabitin ng
katabi ko para ipaalala sa akin na kailangan kong umakyat sa stage.
Tumayo ako at nagsisimulang umakyat nung biglang tumakbo paalis si Parker.
Bigla niya akong iniwan.
Nakatingin lahat ng tao sa akin. Nagbubulungan sila. Naaawa sila.
Gusto kong umiyak at tumakbo paalis.
"Sana sinabi mo sa akin," mahina kong bulong. Wala na akong lakas para magalit
dahil naubos na 'yung lakas ko para hindi siya yakapin kapag ganitong sobrang lapit
niya. "Sana sinabi mo man lang na naaksidente 'yung girlfriend mo para hindi ako
mukhang tanga na nag-iisip kung bakit mo ako biglang iniwan."
Humigpit iyong hawak niya sa bewang ko.
"She's not my girlfriend... and I was just so worried about her that my first
thought was to see her."
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba niya akong nasaktan.
Inilagay ko iyong kamay ko sa kamay niya at dahan-dahang inalis iyon. Sinubukan
kong ipakita sa kanya na okay na ako. Kahit hindi.
"Past is past na nga," pagsisinungaling ko. "Okay na ako. Si Kuya na lang ang hindi
nakaka-move on."
Mapait na napangiti si Parker.
"I couldn't blame him. I was such an ass."
"Hindi mo naman kasalanan na may iba kang priority."
Bakit ba ang hilig mong saktan ang sarili mo, Imogen? Saan ka ba nagmana ng
pagiging masokista?
"Pero sana maging okay na kayo ni Kuya."
He nodded.
"Sige na, mag-aayos na ako ng gamit," sabi ko sa kanya at isinara ang pinto nung
makaalis na siya.
At saka ako umiyak kasi ang sakit-sakit pa rin.
--
"Bye!" sigaw ni Kuya Benj nung ibaba namin siya sa harap ng bahay nila. "See you
next week!"
Siya na iyong last na ibababa namin at diretso na kami sa bahay. Si Parker ay hindi
sumabay sa amin. Hindi ko alam kung saan siya pupunta... At wala na akong balak
alamin dahil quota na ako sa sakit ngayong linggo. Sobra pa nga yata.
"Okay ka lang?" tanong ni Kuya nung kami na lang sa van.
I nodded.
"You're still not over him."
Hindi ako sumagot.
"You'll get there," sabi niya at saka inakbayan ako at saka isinandal iyong ulo ko
sa balikat niya. "At ano ba ang nagustuhan mo 'dun? Panget naman 'yun."
Natawa ako bigla.
"Kuya, alam natin na gwapo si Parker. Mas bitter ka pa sa akin."
"Sus. Mas gwapo ako 'dun. Mas maputi lang siya."
Natawa ako kay Kuya dahil pinagpipilitan niya talaga na mas gwapo siya kay Parker.
Mabuti na lang talaga may Kuya ako, may kaibigan, at may pamilya na laging nandyan
para pasayahin ako kapag ganito na malungkot ako. Sobrang blessed ko talaga.
"Alam mo ba kapag nagsisimba tayo nila Papa, ang pinagdadasal ko ay mauntog ka na."
"Kaya pala lagi akong nauuntog kapag naglalakad!"
Tumawa siya at saka ginulo ang buhok ko.
"Baliw. Ang ibig kong sabihin, magising ka na sa katotohanan na hindi kayo bagay ni
Parker. Masyado kang maganda para sa kanya. Bano naman sa soccer 'yun," sabi niya.
Sinabihan na lang ako ni Kuya ng knock-knock jokes na natutunan niya kay Kuya Benj
hanggang makarating kami sa bahay.
In time, makaka-move on din ako. Pero ngayon, kailangan ko munang tiisin kasi
masakit pa rin.

Kabanata 4

#JustTheStrings
Kabanata 4
Hinahanda ko na 'yung mga gagamitin ko sa school nung makarinig ako ng katok sa
pintuan. Tumayo muna ako at saka binuksan iyon.
"Bakit, Kuya?" tanong ko.
"5 am 'yung training namin bukas so I can't drive you to school. Pahatid ka na lang
kay Manong, okay?" he said kaya tumango ako. Hindi ko talaga maintindihan kung
bakit sobrang protective ni Kuya sa akin. Parang pakiramdam niya kailangan akong
bantayan sa bawat kilos ko.
"Hindi mo naman ako kailangan ihatid araw-araw," sabi ko.
"I don't need to but I want to," sabi niya at saka ginulo na naman ang buhok ko.
"Thank you, Kuya," sagot ko ng naka-ngiti. Sobrang swerte ko sa Kuya ko. Nakikita
ko kasi na 'yung ibang magkakapatid, hindi magkakasundo. Pero kami ni Kuya, okay na
okay. Siguro din kasi bata pa lang kami, palagi na sa aming sinasabi ni Papa na
dapat okay kami palagi dahil pamilya kami.
"Baliw. Syempre kapatid kita." Pumasok siya at saka umupo sa kama. "Akala ko high
school lang ang excited mag-ayos ng gamit. Para ka talagang bata," sabi niya habang
tinitignan iyong mga school supplies ko na nakalatag sa kama.
"Gusto ko lang maayos lahat."
"Sabihin mo OC ka lang. At saka GC," sabi niya.
"At least wala akong bagsak," sagot ko kasi nung first year niya, bumagsak siya sa
Math. Nagalit si Mama sa kanya nun kaya muntik na siyang sabihan na magwithdraw sa
soccer. Mabuti na lang kinausap ni Papa si Mama. Feeling ko kasi mababaliw si Kuya
kung papatigilin siya sa soccer.
"Tss. Nag-aadjust pa kasi ako," pagtatanggol niya sa sarili niya. "At saka 'di kasi
ako GC kagaya mo."
I snickered at him. "Pinapasakit mo ulo lagi ni Mama."
Tumayo na si Kuya sa kama. "Minsan lang naman," sabi niya. "Sige na, good night.
Tulog ka na rin."
"Matutulog ka na talaga?"
Tumango siya. "Bakit?"
"Hindi ka tumatakas palabas ng bahay?"
"Bakit naman ako tatakas?" tanong niya.
"Baka may girlfriend ka... Wala talaga, Kuya?"
"Wala akong oras 'dun," sagot niya.
"Bakit naman?" tanong ko. Gusto ko rin kasi na may mag-aalaga kay Kuya at saka
magpapangiti. Tsaka ang bait kaya ng Kuya ko. Sobrang swerte ng babae na mamahalin
niya.
"May school, soccer, family. Ah, basta. Wala pa sa isip ko," sabi niya. "Sige na,
good night na talaga."
Nagsimula na siyang maglakad pero sinigawan ko siya bago pa siya makalabas sa
kwarto ko.
"Hindi ka bading, Kuya?"
"Gwapo kong bading!"
"'Yun na kaya uso ngayon!"
"Tulog na!" Narinig ko siyang bumulong. "Gago talagang Benj 'yun. Kung anu-ano
tinuturo sa kapatid ko."
Napangiti na lang ako. Itinuloy ko na 'yung pag-aayos ko ng gamit at saka pumunta
na rin ako sa walk-in closet ko para mamili ng isusuot ko. Gusto ko kasi maayos na
lahat bukas. Ayoko kasi ng natataranta at nagugulat dahil madalas, magkakamali ako
kapag ganun.
Siguro nga tama si Kuya. OC at GC nga siguro ako. Pero wala naman sigurong masama
'dun.
Maaga akong nagising. Nag-ayos na ako at nung pagbaba ko, nakahanda na 'yung
breakfast.
"Good morning po" bati ko at saka umupo. Wala pa sina Riley at Finley, malamang
natutulog pa. Next week pa kasi start ng pasukan sa elementary. Excited na ako kasi
first day na nila in big school! Panigurado maninibago 'yung dalawa na 'yun!
Habang kumakain, pinapakinggan ko lang si Mama na magsalita tungkol sa kung anu-
ano. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin pero si Papa,
nakatitig lang kay Mama at nakangiti.
19 years na silang kasal at may 4 na silang anak pero kung makatingin si Papa kay
Mama, akala mo first time pa rin niya siyang makita. Minsan, iniisip ko kung paano
sila nagkatuluyan ni Papa... Masyado kasi silang magkaiba.
Pero baka ganun talaga ang love... weird.
Umiinom ako nung gatas nung biglang matigilan si Mama at biglang ngumiti ng malaki.

"Parker!" sigaw niya. Napatingin din ako kung saan siya nakatingin at nabulunan
ako. Lumabas sa ilong ko iyong gatas. Nakakahiya! Tumayo si Papa at saka hinagod
iyong likod ko at saka inabutan ako ng paper towel.
Nung naka-recover na ako, bigla ko silang tinignan. Bakit nandito si Parker?! Akala
ko ba may maagang training ang soccer kaya bakit siya nandito?
"B-bakit ka nandito?"
Naka-kunot ang noo niya.
"I'll drive you to school."
"Wala kayong training?"
"Just finished," sabi niya. "Auntie, can I drink? Naiwan ko 'yung tubig ko sa
school," sabi niya at saka siya pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig niya. Feel
at home talaga siya sa bahay... hindi ko naman siya masisi dahil kung pwede nga
lang, ipapakasal na kami ni Mama talaga.
Kaso hindi nga.
Kasi may iba naman siyang mahal.
Ewan ko sa 'yo, Imo. Umagang-umaga, sinisira mo na naman ang araw mo.
"Mama, bakit nandito si Parker?" tanong ko kay Mama na parang maiiyak na. Nakayanan
ko nga na hindi siya makita ng isang buong linggo tapos ito naman? Parang nasayang
lang 'yung ginawa ko!
"Ano'ng bakit? Ihahatid ka niya."
"Pero may driver naman tayo!"
"Sumisigaw ka ba, Mary Imogen?" tanong ni Mama.
Bumaling ako kay Papa dahil nafufrustrate na ako kay Mama. "Papa, si Mama, oh!"
sabi ko na parang iiyak na dahil malapit na talaga akong umiyak sa kakulitan ng
Mama ko! Bakit hindi na lang siya ang magpakasal kay Parker kung gusto niya!
"Imo, tigilan mo na 'yung anak mo..." sabi ni Papa.
"What?" sabi ni Mama na parang wala siyang ginagawa na masama. Magkaiba talaga sila
ni Papa! "Nagvolunteer si Parker. Alangan namang tanggihan ko."
Sasagot pa sana ako pero nakabalik na si Parker mula sa kitchen. May dala pa siyang
bottled water.
"Let's go?" he asked. Wala na akong nagawa dahil halos itulak na ako ni Mama
palabas ng bahay.
Sumakay na ako sa kotse ni Parker kahit labag sa loob ko. Bukas, kung kinakailangan
kong gumising ng 4am para sumabay kay Kuya, gagawin ko. Gagawin ko lahat para lang
'wag akong sumabay kay Parker.
Nagsearch kasi ako sa Google... Sabi nila, ang pinakamabilis na paraan para maka-
move on ay kapag hindi mo na nakikita ang tao. Out of sight, out of mind. Pero
paano ko siya makakalimutan kung bawat paglingon ko, siya agad ang bumubungad sa
akin?
Sinikap ko na lang na manahimik buong byahe. 30 minutes lang naman ang daan papunta
sa school. Sandali lang 'to. Nagfocus na lang ako sa pagyakap sa bag ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nung mapansin ko na hindi ito 'yung daan
papuntang school.
"Cindy texted. Her driver's sick. Pwede bang sunduin natin siya?"
Para namang may choice ako. On the way na kami, e...
Tumahimik ako. Hindi naman ako girlfriend para magreklamo.
Nung papasok na kami sa village, biglang nagpullover si Parker sa gilid. Tumingin
ako sa paligid dahil baka nandito na si Cindy pero wala naman, e.
"Imo," pagtawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko siya. "Can you move at the
backseat?"
Natameme ako.
Hindi ako nakapagsalita.
Para akong sinampal-mas masakit pa pala 'dun.
Akala ko sobrang nasaktan na niya ako pero mali ako. Si Parker siya, e... Kaya niya
akong mas saktan kaysa sa huling pananakit niya sa akin. Bakit ba nagulat at
nagtaka pa ako?
I tried... I tried to smile dahil ayokong mapansin niya kung paano nagtutubig iyong
mata ko. Ayoko na makita na naman niya kung paano niya ako pinaiyak. Wala naman
kasing silbi pagdating sa kanya.
Masasaktan ako.
Hihingi siya ng tawad.
Hindi ako makakatiis at papatawarin ko...
Tapos gagawin niya ulit.
Sobrang nakakapagod.
Nung nakalabas ako, sandali akong tumalikod para mabilis na punasan iyong luha sa
mata ko. Bakit ba sobrang iyakin ko pagdating sa kanya? Nakakainis.
Nagsimula na siyang magdrive papasok... Ni hindi na nga siya tinanong nung guard sa
guard house dahil mukhang kilala na siya at laging pumupunta dito. Palagi niyang
binibisita siguro si Cindy. Hindi kagaya nung sa akin na pinipilit pa siya ni
Auntie Kach at ni Mama para pumunta sa bahay...
Sige, Imo... Pangatawanan mo 'yang pangalan mo at maging emo ka na naman...
"Thanks!" sabi ni Cindy pagpasok niya sa sasakyan. "Sorry! Super sick nung wife ni
Manong so I forced him to go home. I hope I didn't bother you!" dire-diretso niyang
sabi. Hindi niya napansin na nasa likod ako. "Oh! You're here!" sabi niya.
Ngumiti ako. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin... First time ko
na makausap siya... Palagi ko lang siyang nakikita pero hindi ko pa talaga siya
nakakausap.
"Sorry, I didn't catch your name. You are?"
"Imogen," mahina kong sabi.
"Right! Sorry, I suck at names talaga! But you're Preston's sister, 'di ba?"
Tumango ako. "Hope you're not offended. I swear bad at names lang talaga ako. 'Di
ba, Parker?"
He started the ignition.
"You're the worst," sabi ni Parker kaya hinampas naman siya ni Cindy.
"I am not!"
"You kept on calling me Panther for a month. Like who the fuck names their kid
Panther?" sabi ni Parker.
Tawa naman ng tawa si Cindy. "Totally your fault! Sobrang hina kaya ng voice mo
before when you talked to me! And Panther sounds like Parker naman, right, Imogen?"
sabi niya at lumingon pa sa akin. Napatango na lang ako. "See, Parker? Even
Preston's little sis agrees with me!"
Parang gusto ng dumugo ng tenga ko sa mga naririnig ko. Parang gusto kong tanggalin
iyong mga mata ko sa nakikita ko.
Parker was smiling.
Parker was laughing.
Parker was telling jokes!
Sobrang mahal niya talaga si Cindy...
Panay ang kwentuhan niya habang papunta kami sa school... Malayo pa. Parang hindi
ko na kakayanin na makita silang ganito, na marinig silang ganito.
Alam ko naman na mahal ni Parker si Cindy... Alam ko lang... Naririnig ko lang
dati. Hindi ko pa nakikita. Ngayon lang. Na nasa harap ko mismo.
At ang sakit lang pala talaga.
Kaya naman nung may malapit na coffee shop, sinabi ko na ihinto dahil bibili ako.
"Hindi ka naman nagkakape," sabi ni Parker nung huminto. Hindi ko siya pinansin at
diretso akong lumabas. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang sumisikip.
Nung hindi na nila ako makita, tinawagan ko si Ate Jas.
"Ate..." sabi ko. Hindi ko na napigilan. Naiiyak na talaga ako.
"Holy shit. Bakit ka umiiyak?!" sabi niya at may narinig ako na 'San Jose, no phone
calls inside the room!' na nagsalita. "Wait, labas lang ako ng room."
Humihikbi lang ako habang hinihintay si Ate. Hindi ko alam nag gagawin ko. Hindi ko
alam kung paano pumunta sa school mag-isa pero ayoko na rin bumalik sa sasakyan ni
Parker. Hindi ko na talaga kaya. Baka umiyak lang ako sa harap nila.
"What happened?! Why are you crying?!"
"P-pwede mo ba ako s-sunduin, A-ate?" humihikbi kong tanong.
"God, babe, I wish I could pero I have a test in 10 minutes!" sabi niya. "Classmate
ko sila Benj pero I'll tell your Kuya na lang. He'll pick you up for sure!" sabi
niya. "And maybe punch Parker while he's at it kasi I'm sure siya na naman
nagpaiyak sa 'yo. Grabe he's such an ass! Puro siya pwet!"
Nahihirapan akong magsalita dahil puro hikbi lang ako.
"No, Ate... B-baka hindi m-makapagtake ng e-exam si K-kuya..." sabi ko. Ayoko naman
na hindi makakuha ng exam si Kuya dahil sa akin... Magagalit sa kanya sila Mama
kapag bumaba na naman ang grades niya...
"Pero-"
"I'll hail a cab na lang, Ate."
"No! It's not safe!"
But Parker's car was not safe for my heart, either.
"I'll text you the plate number na lang, Ate..."
"No, no. Wait lang I'll get you an Uber. Stay there lang," sabi niya. After a
minute, nagsalita na ulit siya. Pero 'yung luha ko, hindi naman tumigil at tuluy-
tuloy lang. Ilang minuto na akong nandito pero ni hindi man lang nagtataka si
Parker kung bakit wala pa ako. Hindi naman ganito katagal bumili ng kape.
Wala naman kasi siyang pakielam sa 'yo... At saka nandun 'yung babaeng mahal niya
talaga.
Minsan gusto ko na lang lagyan ng packaging tape iyong bibig sa loob ng isip ko.
"I'll iMessage you the plate number and face ng driver, okay? Mas safe here kaysa
sa taxi," sabi niya at nagpasalamat naman ako. "Also, text me when you arrive at
school para hindi ako magworry."
Nagpasalamat ako ulit at saka umupo sa pavement.
Medyo nanlalabo iyong mata ko pero tama naman iyong basa ko. Dumating na 'yung
sasakyan na maghahatid sa akin sa school. Tumayo na ako at saka nagsimulang
maglakad doon. Binilisan ko nung makita kong papalapit si Parker sa akin.
"Miss?" naguguluhan na tanong nung lalaki. "Excuse me?"
"S-sa St. Claire's," humihikbi na sabi ko.
Nakalapit na si Parker at saka kinakatok iyong bintana nung sasakyan.
"Please," sabi ko. Tuloy pa rin sa pagbagsak ang luha ko.
Nagsimula nang magdrive iyong driver habang ako naman, patuloy lang sa pag-iyak.
Halos maubos ko na iyong tissue niya sa dashboard kaya naman nung makarating kami
sa school, kahit sinabi ni Ate Jas na wala na akong babayaran, nagbigay pa rin ako
ng pera para pambayad sa pag-ubos ko sa tissue niya.
"Salamat, Manong," sabi ko at saka iniwan iyong 500 peso bill sa dashboard niya.
Dumiretso ako sa CR dahil ayoko na makita ako ng mga tao na halos namamaga ang mga
mata. Pakiramdam ko ay maaabsent ako sa unang klase ko pero bahala na...
Tinext ko rin si Ate Jas at ilang minuto lang, nandito na agad siya sa CR.
"Tapos na po exam niyo?"
She nodded. "Oo, binilisan ko tapusin because I'm so worried about you! Okay ka
lang?"
I nodded. "Thank you, Ate."
"No prob. Ayos lang ba 'yung Uber? Sorry I wasn't able to personally pick you up.
Major exam kasi so you know..."
"Okay lang po."
Kinuwento ko sa kanya iyong mga nangyari dahil gusto niyang malaman. Pinagmumura ni
Ate Jas si Parker dahil daw hindi ako nagmumura kaya siya na ang gagawa para sa
akin. Natatawa na tuloy ako dahil mas affected pa siya sa akin.
Lumabas na kami sa CR at sabi ni Ate, ililibre na lang niya ako ng ice cream para
tumahan na ako. Nung paglabas namin, may grupo ng mga lalaking naglalakad.
"Thanks for the tip, Miss," sabi nung driver. Hala, schoolmate ko siya? Pwede pala
na student ka at saka driver sa Uber? At kinindatan niya pa ako!
"No problem... Sorry sa tissue mo..." sagot ko sa kanya. Nginitian niya pa ako
tapos nagjog siya papunta sa mga kaibigan niya. Huminto kasi siya sa akin nung
kinausap niya ako.
"Bakit ka sa sasakyan ni Saint sumakay?!"
"Ha? 'Di ba siya 'yung sa Uber. Forester at saka plate number EYD 102?"
Napatapik sa noo si Ate Jas. "Babe, I texted you FYD 102!"
"Hala, sorry, Ate," sabi ko at saka pinaliwanag na baka namali ako ng basa dahil
sobrang iyak ko kanina, puro luha iyong mata ko. "Saka okay lang naman, Ate... Safe
naman ako..."
Hindi naman murderer iyong naging Uber driver ko kaya maswerte ako. Thank you po sa
guidance, Lord.
"It's not okay..."
"Bakit?" tanong ko. Naguguluhan ako kung bakit siya ganito magreact.
"You really don't know Saint?"
Umiling ako. Sino ba siya?

Kabanata 5

#JustTheStrings

Kabanata 5
Gusto ko pa sanang tanungin si Ate Jas kung sino ba si Saint at dapat ko siyang
makilala pero hindi ko na natuloy dahil nakasalubong namin iyong prof ko. First day
of class pa lang naman pero inalam ko na 'yung mga magiging professor ko. Mabuti na
lang at kahit hindi maganda ang simula ng araw ko, mukhang may pag-asa pa rin naman
na maging maayos.
Pumunta na ako sa classroom at tahimik na nakinig sa mga sinabi nung professor.
Sayang at absent si Kath and Liza kaya wala akong katabi ngayon. Nasa Paris pa kasi
si Kath habang si Liza, nasa US kasama ang family niya. 'Di bale, next week naman
nandito na sila. Kaya ko naman na mag-isa muna ngayon. Ayoko kasing sumabay masyado
kila Kuya dahil panigurado, makikita ko na naman si Parker.
Hay, ano ba 'yan. Ayoko muna talaga isipin si Parker. Ayoko muna malungkot ulit.
Natapos na iyong klase at may break ako. Naisipan ko na sa library na lang pumunta
dahil wala rin naman akong choice. Wala akong ganang kumain ngayon at ayokong i-
risk na makasalubong si Parker at Cindy, if ever.
Mabuti na lang din at binigay na nung prof sa amin 'yung syllabus. Susubukan ko na
lang hanapin iyong mga meron sa library at iyong mga wala, bibilhin ko na lang sa
bookstore. Gusto ko kasing mag-advance reading. Kahit palaging sinasabi ni Kuya na
GC ako, okay lang. Naisip ko kasi na maraming tao na gustong mag-aral pero hindi
nila magawa dahil kulang sila sa pera habang ako, maswerte dahil nakakapag-aral
ako. Kaya imbes na sayangin ko 'yung chance, e 'di mag-aaral na lang ako ng mabuti.
At isa pa, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aaral at pagpipicture o paint
kaya wala rin akong choice.
Papunta na ako sa library kaya dapat talaga akong dumaan sa field. Huminga ako nang
malalim at hinawakan ng mabuti iyong bag ko para humugot ng lakas. Hindi ko naman
siguro makakasalubong si Parker. Mababa naman siguro iyong statistical probability
na-
Oh, no.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko nung makita ko si Parker. Pinagpapawisan pa siya
at nakakunot ang noo niya.
"Why weren't you answering my calls?" tanong niya. Kalmado siya pero ramdam ko na
naiinis siya sa akin.
Tumungo ako at saka tinignan iyong sapatos ko dahil para akong aatakihin sa puso sa
mga titig niya.
"Nasa class ako kanina," mahinang sagot ko. "Ah-ano, pupunta kasi ako sa-"
Pero hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil tinanong niya na sa akin iyong tanong
na gusto kong iwasan. Dahil ano naman ang sasabihin ko? Na iniwanan ko sila kanina
dahil hindi ko na kaya na makita silang masaya ni Cindy? Na kasi ayokong makita
niya ako na umiiyak na naman dahil sa kanya?
Kahit ano ang isagot ko, alam ko na magagalit na naman siya sa akin... Para naman
kasing ganoon lang kadali burahin 'yung nararamdaman ko.
"You know Saint?" tanong niya sa akin. Sobrang nakatitig siya sa akin kaya
pakiramdam ko bigla na lang akong mapapaupo anumang segundo.
At sino ba talaga si Saint?! Kanina pa siya tinatanong sa akin!
Hindi ako agad nakasagod dahil una, hindi ko naman kilala si Saint. Pangalawa,
hindi ko pwedeng sabihin an Uber driver ko siya dahil malalaman ni Parker na
naghanap pa talaga ako ng sasakyan para maiwasan siya. Ayoko na ipaliwanag iyong
sarili ko dahil mauungkat na naman 'yung issue niya sa feelings ko...
Kaya tumango na lang ako.
"How?" tanong niya ulit.
Kumurap-kurap ako habang siya, pakunot nang pakunot ang noo.
"C-church mate." Bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Church mate?"
Tumango ako. Hindi mahilig magsimba si Parker kaya hindi niya kilala iyong mga
nakakasabay ko sa simbahan. Sorry po talaga, Lord! Hindi naman talaga ako mahilig
magsinungaling pero pagdating kay Parker, naiiba talaga ako. At saka Saint naman
ang pangalan niya... pakiramdam ko naman pareho kaming religious at faithful kay
Lord.
Mukha namang naniwala si Parker. Mabuti na lang dahil malapit na malapit na talaga
akong atakihin sa puso!
"Alright," sabi niya. "What time last class mo?"
"Ha?"
"Ano'ng ha? Bawal ko bang malaman?"
"4:30," sagot ko.
Tumango siya. "Sabay ba kayo ni Pres?"
Umiling ako. "Busy si Kuya. Papasundo na lang ako sa driver," sagot ko. Nagtext si
Kuya na may meeting siya sa groupmates niya para sa isang class. May project na
agad kasi sila. At saka ayoko talaga na mag-offer siya na ihatid ako. Nadala na ako
sa nangyari kaninang umaga.
Parker nodded.
"You sure you're okay?" he asked.
Pilit akong ngumiti. "Bakit naman hindi?"
Tinignan niya ako sa mata. Umiwas ako.
"Because you ditched me earlier," he said, his tone accusing.
"H-hindi, ah. 'Di ba nga ano, nakasalubong ko si Saint tapos since church mates
naman kami, nag-offer siya na sabay na kami..." Lord, sorry po ulit. "Saka naisip
ko na bigyan kayo ng privacy ni Cindy..."
Natapos na akong magsalita pero nakatingin lang siya sa akin.
"Sige, may pupuntahan pa ako," paalam ko dahil wala na akong energy para kausapin
pa siya. May sasabihin pa sana siya sa akin pero mabilis akong naglakad. Sabi na
nga ba makakasalubong ko siya, e! Kapag kasi iniiwasan mo ang tao, mas lalo mo lang
nakikita!
Dumiretso ako sa library at saka naupo. Hinang-hina ako dahil lang nag-usap kami.
Hindi talaga siya mabuti sa kalusugan ko.
After kong magpahinga, sinimulan ko ng hanapin sa mga bookshelves iyong mga libro
na kailangan ko. Nandun iyong dalawa at iyong tatlo, wala kaya pupunta muna ako ng
mall. Chineck-out ko iyong libro at saka inilagay sa loob ng bag ko.
Nakaupo lang ako sa concrete bench habang hinihintay iyong driver. On the way na
naman siya kaya sandali na lang ako maghihintay. Mamayang hapon pa kasi break ko.
"Hey."
Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nung biglang may magsalita sa tabi ko.
Seryoso kasi akong nagddrawing tapos biglang may tatabi sa akin!
"Nice," sabi niya habang nakatingin sa drawing ko. "You have other talent bukod sa
pag-iyak."
Inagaw ko sa kanya iyong drawing ko.
"Grabe ka naman. Hindi mo naman ako masyadong kilala pero na-judge mo na agad ako."
Tinawanan niya ako. Parang ang layo naman ng pangalan niya sa ugali niya...
"Sorry," he said tapos nginitian ulit ako. Inextend niya iyong kaliwang kamay niya
at inoffer sa akin. "I'm Saint. You are?"
"Mary Imogen," sagot ko. "Pwedeng magtanong?"
Tumango siya. "Shoot."
"Sino ka ba?"
Kumunot iyong noo niya.
"Saint nga, 'di ba?" sabi niya.
Tumango rin naman ako. "Alam ko... pero kasi palagi akong tinatanong ng mga tao
kung kilala ba kita... Tapos iba 'yung reaksyon nila 'pag sinasabi ko na hindi,"
paliwanag ko. "Dapat ba kilala kita?"
Bigla niya akong tinawanan-iyong tawa talaga na parang naiiyak na siya.
Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa paligid namin dahil sa tawa niya. Ano ba
ang nakakatawa sa sinabi ko?
"May nakakatawa ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala, wala," sagot niya pero tumatawa pa rin naman siya! "You're not required to
know me, swear. Pero sino ba 'yung nagtatanong sa 'yo tungkol sa akin?"
"Si Ate Jas and Parker," I replied.
Natigilan siya.
"Oh. Them."
Naguguluhan ako sa reaksyon nila. May ayaw ba sila na hindi ko alam? Bakit ganito
sila magreact sa isa't-isa? Tanungin ko nga si Kuya mamaya kung ano ang meron dahil
naguguluhan na talaga ako.
"Kilala mo sila?"
He shrugged. "Yeah, I know them."
"Paano?"
"Is that your ride?" tanong niya nung may huminto na sasakyan sa harap namin.
Tumango ako kahit hindi ko alam kung paano niya nalaman na iyon ang sundo ko. "Let
me help," sabi niya at saka kinuha iyong bag ko. Medyo mabigat kasi 'yun dahil sa
books.
"Salamat," sagot ko.
"See you around," sabi naman niya.
Sumakay na ako pero naalala ko na hindi niya sinagot iyong tanong ko kung paano
niya nakilala sina Ate Jas. Friends sila paano?
"Saint!" tawag ko nung binaba ko 'yung bintana nung sasakyan. Huminto siya mula sa
paglalakad at saka lumapit sa akin.
"Missed me already?" sabi niya ng nakangisi.
Hindi ko pinansin iyong sinabi niya dahil mukhang sinasabi niya naman iyon sa lahat
ng babae. Kinindatan nga niya ako kanina kahit kakakilala pa lang namin, e. Isa
yata siya sa mga lalaki na binabalaan ako ni Kuya palagi na layuan kasi sasaktan
lang daw ako.
"Paano mo nakilala sila Parker?"
"I'll tell you some other time," sagot niya.
"Pano kita mahahanap?" tanong ko. Isang taon na rin akong nag-aral sa school pero
hindi ko pa siya nakikita kahit minsan... o baka naman hindi ko lang siya
napapansin?
He patted my head and smiled again-pero mas mukhang ngisi. Tuwing ngingiti kasi
siya, parang may masama siyang balak.
"I'll look for you, trust me," sabi niya at saka nagjog pabalik sa building kaya
hindi ko na rin sinubukan na tawagin pa siya.
Naubos iyong break time ko sa mall. Nahanap ko na iyong mga kailangan kong libro at
saka bumili na rin ako ng ibang libro na gusto ko... Nadagdagan na naman iyong to
read list ko. Bili lang ako ng bili ng libro kahit hindi naman ako makahanap ng
oras para basahin.
Natapos din ang first day ng klase. Sinundo ako ni Manong dahil si Kuya, mamaya
pang 9pm uuwi ng bahay dahil sa training. Bilib nga ako kay Kuya dahil kaya niyang
pagsabayin iyong training at school. Ang galing lang ng student athletes.
The first week of class was good. Medyo boring lang dahil wala pa rin si Kath and
Liza pero mabuti na lang ay nakauwi na sila ngayon. Sobrang loner ko naman kasi
dahil mag-isa lang ako palagi. Tinataguan ko sila Kuya kapag break time ko dahil
papasabayin niya ako sa kanila kumain. E kasama nila si Parker kaya ayoko.
Minsan din nakakasalubong ko si Cindy at nginingitian niya ako... kaya nagssmile
din ako. Hindi ko naman kayang hindi magsmile e siya na nga 'yung naunang ngumiti.
"Here! Our sorry gift for ditching you last week!" sabi ni Liza at Kath habang
naglagay ng maliit na box sa harap ko.
Kinuha ko iyon at binuksan.
"You like?" tanong ni Liza.
"Hala, hindi niyo naman kailangan-"
Kinuha ni Kath mula sa kamay ko 'yung box at saka sinuot sa akin 'yung pandora
bracelet. "See? Lahat tayo meron!" sabi niya at saka pinakita nila sa akin ni Liza
iyong bracelets nila. Iba-iba lang 'yung charms nung bracelets namin depende sa
personality.
Kakatapos lang ng first class namin at dumiretso kami sa cafeteria para humanap ng
kakainin.
"Since when?" tanong ni Kath nung makasalubong namin si Cindy at nagngitian kaming
dalawa. Nakakainis lang na halos araw-araw, nakakasalubong ko si Cindy. Araw-araw
talaga.
"Mabait naman siya..." sabi ko. Kahit aaminin ko nagseselos ako dahil siya ang
mahal ni Parker, alam ko na mabait si Cindy. She's kinda loud but I guess iyon lang
talaga ang personality niya.
Kath and Liza rolled their eyes at umarte na parang masusuka sila.
"Ew lang, Imo. Don't be such a martyr. Malapit ka na naming patayuan ng rebulto,
seriously!" sabi ni Kath.
Tumango naman si Liza. "You don't need to be friends with her. You'll just hurt
yourself."
Alam ko... pero nakikita ko talaga siya. Palagi kong naaalala iyong bagay na wala
sa akin.
Araw-araw pinapamukha sa akin iyong tao na hinding-hindi ko makukuha.
"Parker likes her. He saw something in her-"
"She's a flirt, that's why. Sabi nga nila, daig ng malandi ang maganda. Maganda ka
lang pero you're such a manang-no offense," sabi ni Kath. "And Cindy? She's a pro
at flirting."
"Hala, grabe ka naman..." sabi ko.
"E kasi naman sobrang bait mo! Kami iyong nasstress for you!" sabi niya.
"Wala naman masamang maging mabait..." sagot ko.
Napailing na lang sa akin si Kath at saka bumaling kay Liza. "Talk to her nga!
Nasstress ako! Bili lang akong food natin."
"You still like him, noh?" tanong ni Liza.
I painfully nodded. Hindi naman nabawasan kahit ilang beses niya akong paiyakin.
"Kung alam ko lang kung paano 'to aalisin, gagawin ko..." sabi ko.
"Let's just pray that someone will come along. Someone who's worthy of your love
and-"
Napatigil kami ni Liza sa pag-uusap nung biglang may nagsalita sa intercom. Rinig
na rinig sa buong cafeteria at sa buong school.
"Calling the attention of Mary Imogen," sabi nung boses. "Are you free tomorrow
lunch?"
Nanlaki iyong mata ko. Nakatingin si Liza sa akin at parang nagtatanong kung ano
ang nangyayari. Hindi ko rin alam!
"Told you I'm gonna find you, right?"
Oh, Lord! Si Saint!

Kabanata 6

#JustTheStrings
Kabanata 6
Hindi ko alam ang gagawin ko! Nakakahiya!
"Oh, my god! Maria Imogen!" sigaw ni Kath. Napatingin tuloy sa amin lahat ng katabi
naming lamesa. Kung kanina, hindi nila alam na ako iyong tinutukoy ni Saint, ngayon
alam na nila.
"'Yung boses mo," sabi ko kay Kath.
Ibinagsak niya 'yung tray ng pagkain na dala niya at saka naupo. Inilagay pa niya
iyong dalawa niyang kamay sa baba niya at saka nginitian ako.
"You, ha! Nawala lang kami ni Liza ng one week, may guy ka na! Sino 'yun?" tanong
niya sa akin.
Tinignan ko si Liza para humingi ng tulong pero kibit balikat lang ang sagot niya
sa akin. "Don't look at me. I don't even have an inkling about what's happening,"
Liza replied.
Nakatingin sa akin iyong dalawa kong kaibigan at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Halos mapatalon pa ako nung biglang magring iyong cellphone ko.
"Patay ka," sabi ni Kath habang sabay kaming nakatingin sa screen at nandun ang
pangalan ng Kuya ko.
Hala ka! Si Saint naman kasi, e! Pinahamak pa ako!
Inilapit ko sa kanila iyong phone dahil hindi ko kayang sagutin. Natatakot ako
dahil panigurado magagalit si Kuya!
"Ayaw nga namin! Your Kuya's the sweetest but he turns batshit crazy when it comes
to guys roaming around you," sabi ni Kath at saka tinulak pabalik sa akin iyong
cellphone ko. Sa sobrang kaba ko, pinatay ko na lang iyong phone. Bahala na mamaya!
Hindi ko lang talaga siya kayang kausapin ngayon.
Tawa nang tawa sina Liza nung pinatay ko iyong phone ko. Grabe talaga sila.
Natutuwa pa sila na problemado ako.
"I'm really curios about this guy, huh. He has some balls."
Liza nodded. "Everyone here knows how protective your brother is of you. E kung si
Parker nga na best friend niya, binugbog niya before, e..."
Ayoko na nga maalala iyong gabi na 'yun pero palagi na lang nilang binabanggit. At
isa pa, ayaw ko munang alalahanin si Parker dahil may mas malaki akong problema!
Kinulit nila ako ng kinulit hanggang sa matapos ang break namin. Hanggang sa
classroom, ayaw nila akong tigilan. Mabuti na lang nagkaroon ng group activity at
sa magkakaibang grupo kami napunta kaya kahit papaano, nagkaroon ako ng peace of
mind.
"Hindi mo talaga sasabihin?"
I shook my head. Mas lalo lang nila akong hindi titigilan kapag sinabi ko sa
kanila. At saka nag-iisip pa ako ng dahilan ko kay Kuya kung bakit hindi ko sinagot
iyong tawag niya. Lately talaga dumadami na iyong pagsisinungaling ko... Kailangan
ko ng magkumpisal.
"Pahiram naman ng phone."
"Bakit?" tanong ni Kath.
"Nakapatay pa rin 'yung akin, e. Tatawagan ko lang si Papa," sabi ko. Tinawagan ko
si Papa at sinabi na papasundo na ako kay Manong. Hindi ko mabuksan iyong phone ko
kasi natatakot ako sa kung ano ang mabasa ko ngayon. Maswerte nga ako na hindi ko
pa rin nakakasalubong si Kuya ngayon, e. Pero for sure makikita ko siya sa bahay
mamaya kaya lagot pa rin ako.
Sinamahan ako nila Kath and Liza na maghintay kay Manong pero iniwan din nila ako
nung makita nila si Parker na papalapit. Sinenyasan pa nila ako ng patay ka tapos
nagtatakbo sila paalis. Grabe talaga!
"Hello," bati ko sa kanya. Naka-suot na siya ng soccer uniform niya kaya dapat
nandun na siya sa field pero nandito siya sa harap ko.
"Are you really that close to him?"
Dugdug. Dugdug.
Hala ka! Ang lakas na talaga ng tibok ng puso ko!
"A-ano?"
Nawala na iyong pagiging articulate ko dahil kay Parker. I was reduced to a
blabbing idiot with a racing heart inside her chest. Kalma lang, Imogen!
"Saint," banggit niya sa pangalan ni Saint na akala mo naman sobrang sama. Ano ba
talaga ang meron sa kanila ni Saint na parang galit siya dito? Medyo pareho naman
sila... Parehong mahilig sa sports, parehong kulot, at parehong medyo mayabang...
Dapat nga close sila, e.
"Hindi naman. Bakit?" I asked when I managed to calm myself dahil kanina pa ako
tensyonado dahil kay Parker. "At saka paano mo nalaman na si Saint 'yun?" tanong ko
dahil wala namang binanggit na pangalan kanina.
"I know that asshole's voice," sagot niya.
Napatango ako. Galit nga siya kay Saint.
Napatahimik na lang ako dahil hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko. Mabuti na
lang at dumating na iyong sundo ko kaya tumayo na ako. Nagpaalam na ako kay Parker
pero nung binuksan ko na 'yung pinto sa backseat, pinigilan niya iyong pituan.
Lumingon ako at nakatingin siya sa akin.
"Lunch tomorrow?"
Katahimikan.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Will wait for you outside your room tomorrow," sabi niya habang hindi pa ako
nakaka-recover. Kinuha niya iyong gamit sa kamay ko at saka nilagay sa loob ng
sasakyan. Inilagay niya iyong kamay niya sa taas ng ulo ko at inalalayan ako
papasok sa sasakyan.
Hala! Bakit ako biglang nagkaroon ng lunch tomorrow with Parker?! Iniiwasan ko nga
siya, 'di ba?!
"Pero-" sagot ko dahil hindi ako payag! At isa pa, hahanapin ako ni Saint bukas...
"I won't take no for an answer," sabi niya at saka isinira iyong pinto. Pero hindi
pa ako tapos magsalita kaya ibinaba ko 'yung bintana. Hindi pa man ako
nakakapagsalita kasi naunahan niya na ako. "If I were you, I'd rather worry about
Preston. He's already pissed dahil pinatayan mo siya ng tawag."
Nagjog na si Parker pabalik sa field habang umuwi naman ako. Nagsabi ako kay Mama
na pagod ako kaya hindi ako sasabay sa dinner mamaya. Nag-alala pa sina Mama na may
sakit ako kaya muntik na nila akong dalhin sa ospital. Mabuti na lang na-convinced
ko sila na pagod lang ako talaga.
Ni-lock ko rin iyong pinto dahil natatakot ako kausapin si Kuya.
Kinabukasan, tahimik akong gumayak. Alam ko maagang uamlis si Kuya dahil araw-araw
na 5am naman ang training niya kaya hindi ako kinakabahan.
"K-kuya," sabi ko pagkababa ko dahil nandun si Kuya at kumakain ng breakfast kasama
sina Mama.
"Good morning," sabi ni Kuya sabay ngiti. Kumakain na siya ng bacon niya at fried
rice. Naupo ako at kumain ng pancake ko. Pero hindi ako makakain ng maayos dahil
nakokonsensya ako kay Kuya...
Tahimik akong nakinig habang nag-uusap sina Mama dahil nagkakaproblema yata si
Riley at Finley sa bagong school nila. Nakatingin lang ako kay Kuya na mukhang
masaya sa bacon niya. Minsan, ang babaw talaga ng kaligayahan niya.
"I'll just brush my teeth. Sabay tayo papasok," sabi ni Kuya.
Sabi ko na nga. Hindi pa rin ako ligtas.
Habang wala si Kuya, kinulit naman ako ni Mama tungkol sa debut ko na 2 months from
now pa naman. Gusto niya engrande dahil ako lang naman ang babae niyang anak...
"Tapos si Parker ang escort mo, of course!" sabi niya sabay palakpak. Napailing na
lang si Papa pero ayos lang naman sa kanya. Basta kung saan ako masaya, 'dun palagi
si Papa.
Pero nakabalik na pala si Kuya mula sa pagttoothbrush niya.
"Baka si Saint ang gusto niyang escort," singit ni Kuya. Napatigil si Mama at
nawala iyong ngiti niya.
"Sino si Saint?"
Nakatingin silang lahat sa akin. Tumingin ako kay Papa para humingi ng saklolo pero
parang hindi niya rin alam ang gagawin. Kapag si Kuya at Mama na kasi ang nagsama,
wala na kaming nagagawa ni Papa kung hindi sumuko at sumunod...
"F-friend ko po sa school," mahina kong sagot.
"Bakit ngayon ko lang naririnig ang friend na 'to, Mary Imogen?" seryosong tanong
ni Mama.
"K-kasi last week ko lang po siya nakilala..."
Sobrang daming tanong sa akin ni Mama. Kung ano ang buong pangalan ni Saint (na
hindi ko naman alam), ano ang degree program niya, ano ang trabaho ng magulang
niya, ano ang hobbies niya, at kung anu-ano pang tanong na hindi ko alam kung paano
sagutin.
Dahil wala siyang makuhang sagot sa akin, bumaling si Mama kay Kuya.
"Do you know this guy?"
Kuya shrugged. "I don't know anything about him other than the fact na repeater
siya sa Trigo."
"Bumagsak ka rin naman, Kuya!" sabi ko dahil ang unfair ni Kuya. Wala naman dito si
Saint pero sinisiraan niya sa harap ni Mama!
"Stressed ako nung sem na 'yun!" rason ni Kuya. "At saka, Ma, I heard that Saint
once lived in with a prostitute."
Nanlaki ang mata ni Mama at saka sinermunan ako kung bakit ako nakikipagkaibigan sa
mga ganoong tao.
At si Kuya naman, mukhang nag-eenjoy pa sa mga nangyayari sa akin! Naka-ngisi pa
siya habang parang maiiyak na ako sa sermon sa akin ni Mama!
"Preston, I expect you to take care of your sister. I don't want her around those
kind of people," sabi ni Mama pagkatapos ng mahabang usapan.
Hinalikan ni Kuya si Mama sa pisngi. "Yes, Ma."
"Ikaw naman, Imogen, don't trust guys easily lalo na kung kakakilala mo pa lang...
Mabuti sana kung nandyan palagi ang Kuya mo o si Parker para bantayan ka..." sabi
ni Mama. Kung alam niya lang na si Parker ang nagpapaiyak sa akin palagi, hindi
niya sasabihin 'yun.
Umalis na kami at sumakay ako sa backseat ng sasakyan ni Kuya.
"Mukha ba akong driver?" tanong ni Kuya. "Dito ka sa harap."
"Nakakainis ka," sabi ko sa kanya.
Tinawanan niya ako. "Why are you so worked up? Close ba kayo nun?" sabi niya at
saka nagsimulang magdrive.
"Kahit na. Hindi mo dapat siya siniraan."
"It was true that he failed..."
"E 'yung sa isa?"
"What? 'Yung sa prosti?"
Tumango ako.
"Di ko alam. Narinig ko lang," sabi niya.
"Tignan mo! Hindi mo naman pala sure kung totoo pero pinagkakalat mo pa. Nakakainis
ka talaga, Kuya!"
Kinulit ako ni Kuya hanggang makarating kami sa school pero hindi ko siya pinansin.
Hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya sa akin. At saka siniraan niya pa
si Saint sa harap ni Mama... Tuloy ngayon akala ni Mama bad influence si Saint
kahit hindi naman...
Binagsak ko 'yung pinto ng sasakyan ni Kuya. Sana matanggal 'yun.
Dumiretso ako sa classroom at kinulit naman ako nila Liza kung bakit nakakunot ang
noo ko. Pero later on, mukhang na-gets naman nila na wala ako sa mood sa
pangungulit nila kaya tinigilan na nila ako.
Mabilis lang na lumipas ang oras at lunch na.
"Una na kami. We know you have a lunch date," sabi ni Kath at saka kinindatan pa
ako. Hinatak niya si Liza at saka iniwan ako sa classroom.
Inayos ko muna iyong gamit ko ng mabuti bago ako lumabas. Paglabas ko, nandun si
Parker at nakasandal sa pader. Nakalagay rin iyong isang kamay niya sa bulsa habang
nagtetext naman 'yung isa. Nakangiti siya habang nakatingin sa phone niya...
Baka ka-text si Cindy.
Nung nakita niya ako, tinago niya 'yung phone niya.
"What do you want for lunch?" he asked. Pero ayaw ko siyang makasama kumain ng
lunch.
"May research ako. Kailangan na mamaya."
"It's just the 2nd week of class tapos may research ka na?"
I nodded. Ewan ko pero mas gusto ko ng dumami iyong kasalanan ko at magsinungaling
ako kaysa makasama siya sa lunch... Tuwi kasing makikita ko siya, naaalala ko lahat
ng ginawa niya para mapaiyak ako.
Parang puro masasamang alaala lang ang naiisip ko tuwing nakikita ko siya. Mas
marami kasi 'yun kaysa sa masaya.
"Fine. How about tomorrow?"
Tumango na lang ako... pero sigurado ako may kailangan akong ireview bukas kaya
hindi ko na naman siya masasamahan.
Hinatid ako ni Parker hanggang library.
"Alam ko naman daan papuntang lib," sabi ko sa kanya pero ang kulit niya pa rin.
"Just to be sure," sabi niya habang patingin-tingin sa dinadaanan namin. Nakalagpas
na kami sa field at nandun iyong ibang teammates niya at nagttraining habang
nandito siya, hinahatid ako kahit hindi naman kailangan.
Nung makarating kami sa library, mukhang natahimik na siya.
"If you get hungry, just text me, okay?" sabi niya.
"Okay..." sabi ko pero may sandwich naman ako sa bag ko.
Akala ko aalis na siya pero ilang segundo rin siyang nakatitig sa mukha ko.
"Bakit?" tanong ko nung naiilang na ako.
"Nothing," sagot niya. "Just text me if you change your mind."
Pumasok na ako sa loob at naupo. Wala naman talaga akong kailangang i-research kaya
inilabas ko na lang 'yung laptop ko.
Binuksan ko 'yung facebook para magpalipas oras. May ilang notifications mula sa
tagged pictures ni Kuya sa akin. May comments pa na sibling goals kahit picture
'yun ng sinasakal ako ni Kuya... Goal na ba na sakalin?
Nung natapos na ako sa pagcheck ng notification, 'dun naman ako sa friend request
nagpunta.
Saint Iverson Gomez de Liaño wants to be your friend
I clicked accept dahil friends naman kami ni Saint... kahit medyo naiilang ako sa
profile picture niya. Ilang segundo pa lang after ko siya iaaccept, nagkaroon ng
notification na nagpost siya sa wall ko.
I'm so hungry. Kanina pa ako paikot-ikot sa campus but I can't find you.
Hala ka! Hindi ba uso private message sa kanya?! At saka friends kami ni Mama dito
sa fb! Hindi niya pwede makita 'to lalo na at ang alam niya, may dating ka live-in
si Saint na prostitute!
Binura ko agad iyong post niya at saka nagmessage sa kanya.
Mary Imogen Suarez: maglunch ka na...
Saint Iverson Gomez de Liaño: you deleted my post </3
Mary Imogen Suarez: hala sorry... baka kasi iba isipin nila...
Saint Iverson Gomez de Liaño: you hurt my feelings. Panagutan mo 'to
Mary Imogen Suarez: grabe naman. Sorry na... pero maglunch ka na. Masama malipasan.
Saint Iverson Gomez de Liaño: aww you worried about me?
Mary Imogen Suarez: ewan ko sa 'yo.
Saint Iverson Gomez de Liaño: pero seriously where on earth are you?
Mary Imogen Suarez: lib
Saint Iverson Gomez de Liaño: sang lib? There are like 10 libs in this uni
Mary Imogen Suarez: main lib
Saint Iverson Gomez de Liaño has seen your message
Baka kumain na. Nararamdaman ko na rin 'yung gutom pero bawal kumain sa lib. Mamaya
na nga lang sa class... Hindi naman masyadong mahigpit iyong next professor ko.
Nag-edit na lang ako ng pictures ko bago ko ilagay sa pinterest wall ko. Halos
mapatalon ako nung may kumalabit sa akin. Paglingon ko, nandun si Saint. Hinihingal
pa siya.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?"
"I ran," sabi niya habang nakalagay iyong dalawa niyang kamay sa tuhod niya. Medyo
pawis pa siya. Ang lamig pa naman dito sa lib. Baka magkasakit siya kapag natuyuan
ng pawis kaya inaya ko siya sa labas...
"Hindi ka pa rin nagla-lunch?" I asked him.
He shook his head. "Told you we're going to have lunch together, right?"
"Hindi naman ako nagyes..."
"You didn't say no either," sabi niya at saka kinindatan ako. "When's your next
class?"
"Bakit?"
"So that I'd know where I'd take you. I don't want you to be late for your next
class," paliwanag niya. Ewan ko pero napangiti ako dahil 'dun. Mayroon pa naman
akong 1 hour bago iyong next class ko kaya sinabi ni Saint na sa resto na malapit
dito kami kakain dahil sawa na siya sa pagkain sa caf. Ako rin kasi. Medyo paulit-
ulit na kasi 'yung pagkain 'dun.
"Paano mo nga pala nalaman iyong facebook ko?"
"Your name's Mary Imogen and you're Preston's sister. I just put two and two
together. It wasn't rocket Science," paliwanag niya at inirapan ko siya dahil
niloloko niya ako.
Malapit na kami sa parking lot at naglalakad na kami sa harap ng field pero hindi
ko masyadong napansin iyon dahil may kinukwento si Saint tungkol sa napanood niyang
video ng bibe sa facebook... Sobrang random niya magkwento.
Pero habang naglalakad kami, tinamaan siya ng bola ng football sa ulo.

Kabanata 7

#JustTheBenefits
Kabanata 7
Hindi agad ako nakagalaw dahil halos matumba si Saint sa pagtama nung bola sa ulo
niya. Pakiramdam ko, naalog iyong utak niya dahil sa lakas nun!
"Oh, my God," hindi ko napigilang sabi. Hindi pa rin ako makagalaw at natirik lang
ako sa kinatatayuan ko. Mukhang biglang nahilo sandali si Saint dahil sa nangyari.
He seemed a bit disoriented at iyon ang dahilan kung bakit bigla akong nagising.
Agad kong hinawakan iyong ulo ni Saint.
"Ayos ka lang?" tanong ko kahit halata naman na hindi siya okay.
Hindi siya nakasagot. Mukhang hilo pa siya sa nangyari.
Busy ako sa pagcheck sa ulo niya kung may bukol ba siya o ano. Ang lakas kasi
talaga nung pagtama ng bola sa ulo niya! Narinig ko pa 'yung tunog dahil sa lakas
ng impact.
"Sorry." Napatingin ako sa nagsalita at bakit hindi na ako nagulat na si Parker
'yung bumato kay Saint? Kasunod niya sina Kuya at Kuya Benj at mukhang nagpipigil
lang ng tawa si Kuya Benj dahil pulang-pula na 'yung mukha niya. Hindi ko alam kung
ano ang problema nila kay Saint para matuwa pa sila. Halos matanggal na nga 'yung
ulo ng tao dahil sa ginawa nila!
"Bakit mo ginawa 'yun, Parker?" kalmado kong tanong. Si Saint, nakahawak iyong mga
daliri sa gilid ng ulo niya. Mukhang sobrang lakas ng pagkakasipa ni Parker kaya
sobrang disoriented pa rin si Saint hanggang ngayon.
"Di ko naman sinasadya," sagot niya. Pinulot niya iyong bola at saka pinaglalaruan.
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kumalma dahil ayokong mainis. Hindi ko
alam kung bakit iniinis ako ng mga lalaki sa paligid ko ngayong araw. Sinimulan ni
Kuya tapos ngayon naman si Parker.
"Mukha bang goal 'yung ulo ni Saint? At saka nandun 'yung goal sa kabila," sabi ko
at saka itinuro iyong goal na nasa kabilang banda ng field.
Bigla akong inakbayan ni Kuya.
"'Wag ka ng magalit, baby sis," sabi niya. "Oy, GDL. Tama na arte. Kala mo first
time mo matamaan ng bola," sabi niya kay Saint.
Mukhang okay na si Saint dahil nakasagot na siya.
"E kung ikaw kaya batuhin ko," sabi ni Saint.
Tinawanan siya ni Kuya. "Ano? Maglelay-up ka sa ulo ko?" sabi niya tapos nagtawanan
sila ni Kuya Benj tapos nag-appear pa sila. Grabe talaga bakit ang bully nila?
"Magsorry na nga lang kayo, Kuya," sabi ko dahil ayoko na mag-away pa sila sa harap
ko. Gusto ko na lang matapos 'to dahil dadalhin ko pa si Saint sa clinic. Baka kasi
kung ano ang nangyari dito. Medyo matagal siyang nahilo kaya medyo kinakabahan lang
ako.
"Hindi naman namin sinasadya. Right, Parker?" sabi ni Kuya tapos siniko si Parker.
"Yeah," sagot ni Parker. "Next time, 'wag ka kasing humarang sa daan."
Napailing na lang ako. Bakit ba sobrang hirap magsorry para sa kanila?
Dahil alam ko na wala akong mapapala sa kanila at kahit umiyak ako sa harap nila
sobrang labo na humingi sila ng tawad, hinawakan ko na lang si Saint sa braso para
dalhin sa clinic. Nagsisimula na kaming maglakad nung harangin kami ni Kuya.
"Aba't," sabi ni Kuya. "Saan kayo pupunta?"
"Sa clinic," sagot ko.
"E bakit kailangan nakahawak ka sa kanya?"
"Baka kasi matumba siya. Ang lakas kasi ng tama ng bola," sabi ko tapos tinignan ko
ng masama si Parker. Napailing na lang si Parker.
"Matanda na 'yan. Kaya niya maglakad mag-isa," sabi ni Kuya tapos inalis iyong
kamay ko sa braso ni Saint. "Oy, GDL. Umayos ka. 'Wag kang breezy sa kapatid ko."
Bakit ba big deal sa kanila? Inaalalayan ko lang naman 'yung tao.
"Kuya naman..." Tapos tinignan ko si Saint. "Nahihilo ka pa ba?"
"Yeah, sobra," sabi ni Saint. "My vision is blurry. Hold me," sabi niya at saka
binalik iyong kamay ko sa braso niya. "Tara na sa clinic, Mary."
Tinignan ni Saint sila Kuya and then he smirked at saka nagsimula na kaming
maglakad.
Susunod pa sana sa amin sina Kuya pero tinawag na sila nung coach nila. Medyo
strict at nakakatakot kasi 'yung coach nila kaya sigurado ako na hindi na ako
susundan nila Kuya.
"Hindi ito 'yung daan papunta sa clinic," sabi ko sa kanya dahil imbes na dumiretso
kami, sa kanan kami dumaan.
"I know," he replied. Tumingin siya sa relo niya. "We still have 50 minutes to have
our lunch."
"Hala, kahit next time na lang 'yun... Baka kung mapano ka," nag-aalala na sabi ko
sa kanya. Mamaya may masamang mangyari sa kanya, hindi kakayanin ng konsensya ko
'yun.
"Nah. I didn't get much sleep last night because of this lunch. This lunch needs to
happen."
"Baka may concussion sa ulo mo."
"Aww. You're really worried about me," sabi niya.
"Ang kulit mo naman."
Kinindatan na naman niya ako. "That's Saint for you," sabi niya. Nakarating na kami
sa parking lot ng College of Foreign Affairs at nandun 'yung sasakyan niya.
Binuksan niya iyong pinto at saka pinapasok ako. Kung marunong lang akong magdrive,
ako na ang magddrive dahil baka bigla kaming mabangga dahil nahihilo pa siya.
Hindi rin ako mapalagay dahil ang kalat ng sasakyan niya. Huminga ako nang malalim.
No, Imogen. Hindi mo pwedeng linisin ang sasakyan niya. Pakiramdam ko mababaliw ako
dahil ang daming empty bottled water sa likuran.
"Hey, Mary," sabi niya. "Can you open the dashboard and get me my phone?"
Binuksan ko iyong dashboard niya at ang daming kalat. Dear Lord.
"Thanks," sabi niya. Nung huminto 'yung stop light, mayroon siyang tinext. Iyong
phone ko naman, kanina pa tunog nang tunog. Kahit hindi ko tignan, sigurado ako na
si Kuya 'yun.
"Bakit Mary ang tawag mo sa akin?" tanong ko sa kanya dahil sinusubukan ko na 'wag
magfocus sa mga kalat sa sasakyan niya. Baka kasi isipin niya na weird ako kapag
nagsimula akong ilagay sa plastic bag iyong mga kalat niya.
"Because I'm Saint so you're Mary. Para match tayo," sabi niya tapos nag-effort pa
talaga siya na lingunin ako para kindatan.
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko sa kanya. Iyon lang pala ang dahilan niya. "At saka bakit
hindi Saint ang tawag sa 'yo ni Kuya?"
Nakikita ko na 'yung resto at bigla akong nakaramdam ng gutom. Buong araw, isang
piraso ng pancake pa nga lang pala ang kinakain ko... Tapos hindi pa ako
nakapagdinner kagabi dahil iniiwasan ko si Kuya. Grabe na 'yung gutom ko.
"That's my last name."
"GDL?"
"Yup," he said and then plopped the 'p.' "Haba kasi ng Gomez de Liaño. Hassle."
Napatango na lang ako. Akala ko de Liaño 'yung last name niya, hindi pala.
"GDL na lang 'din tatawag ko sa 'yo," sabi ko sa kanya. Parang ang cool kasi kung
'yun ang tatawag ko sa kanya.
"Ayaw."
"Bakit naman? Friends naman tayo."
"Saint tawag mo sa akin tapos Mary tatawag ko sa 'yo. Sobrang meant to be natin,
'di mo ba pansin?" sabi niya at saka napailing na lang ako.
Pumasok kami sa resto. Pagdating namin, may naka-reserve na na pwesto sa amin. Ang
galing lang. Kapag kasi ako lang, naghihintay pa ako ng table. Si Papa lang naman
'yung maraming connection sa amin. At saka pala si Kuya since kung sinu-sino
kaibigan nun.
Habang naghihintay kami ng order, kanina pa tumatawag si Kuya. Nakokonsensya na ako
dahil kahapon ko pa siya hindi sinasagot ang tawag. Kahit naman ganon si Kuya,
mahal ko 'yun. Minsan medyo OA lang siya pero alam ko naman na ako lang ang
inaalala niya palagi.
"Pwede ko bang sabihin kay Kuya kung nasaan tayo?" tanong ko kay Saint.
He shrugged.
Nagtext ako kay Kuya kung nasaan kami. Hindi naman siguro siya susunod dahil may
training pa sila. Gusto ko lang matahimik siya dahil hindi naman ako papatayin ni
Saint habang magkasama kami.
Nung natapos na akong magtext, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi naman kasi kami
close ni Saint, e... Hindi ko alam ang sasabihin. Sobrang awkward tuloy.
"Are you really this quiet?" he asked.
"Hindi naman."
"Why are you quiet right now? Ayaw mo ba ako kasama?"
"Grabe ka. Palagi mo akong jina-judge," sabi ko sa kanya.
"E kasi you're too quiet. I'm beginning to think that I'm boring you," he said.
"Let's talk bago dumating Kuya mo."
"Hindi susunod 'yun," I said.
"Wanna bet on it?"
"Hindi ako nagsusugal," I replied.
Tumawa siya. "No, no. I'm not talking about money. If I'm right, let's have lunch
again tomorrow."
"Paano pag mali ka?" I asked.
"I can be your slave," he suggested tapos tinaas-taas niya pa 'yung kilay niya.
"Ano ba 'yang mga suggestion mo," sabi ko kasi kung anu-ano ang sinusuggest niya na
wala namang koneksyon sa pagpupustahan namin. "Libre mo na lang akong ice cream."
"Fine," he huffed. "I'm giving you the chance to exploit me pero pinagpalit mo sa
ice cream." Tawa lang ako ng tawa sa kanya. Ang arte-arte ng tao na 'to.
Dahil sa napag-usapan namin, bigla kong naalala kung bakit kami naglalunch ngayon.
Dahil nga pala 'yun sa tinanong ko siya kung paano niya nakilala sina Kuya. Kung
ibabase kasi sa mga usapan nila, parang may galit talaga sila sa isa't-isa.
Friendly naman ang Kuya ko kaya hindi ko lang maisip kung ano ang pwede nilang
pagtalunan.
"Paano kayo nagkakilala ni Kuya?"
"Club."
"Nagcclub si Kuya?"
He nodded. Huh. Hindi ko alam 'yun, ah... At hindi rin alam nila Mama 'yun.
"E bakit parang magkaaway kayo?" tanong ko ulit.
"He's still pissed, I guess," he said tapos dumating na 'yung food namin.
Nagdasal muna ako bago magsimulang kumain tapos pagdilat ng mata ko, nakatingin si
Saint sa akin.
"Bakit?" tanong ko dahil naiilang ako sa titig niya.
Dahan-dahan siyang napangiti. "Nothing," he replied.
Kumain muna ako dahil nagugutom na talaga ako. Nung hindi na ako gutom, binagalan
ko na iyong pagkain at saka tinanong ulit si Saint.
"Bakit pissed si Kuya?"
"We were both hammered so I am not really sure about what happened but your Kuya
got arrested and spent the night in jail. I'm sure that's why he's so pissed at
me," sabi niya habang kumakain.
Nanlaki iyong mata ko. Hindi ko alam na nakulong na pala si Kuya! Ang dami niyang
sikreto sa akin! Magtatanong pa sana ako pero nagsalita si Saint.
"I won," sabi ni Saint nung hindi pa ako nakaka-recover sa mga narinig ko. Hindi
ako makapaniwala na may criminal record ang Kuya ko! "Let's have Spanish food
tomorrow."
Napalingon ako nung may magsalita. Nandun nga si Kuya... kasama si Parker, Kuya
Benj, and Kuya Jackson.
"Next time, Parker, lakasan mo pa sipa sa bola para matuluyan na 'to," sabi ni Kuya
tapos umupo sa tabi ko.
"Sure," sagot naman ni Parker. At sumagot pa talaga siya!
Tinawag nila Kuya iyong waiter at umorder sila.
"Ikaw magbabayad, 'di ba?" tanong ni Kuya kay Saint. Tumango na lang si Saint at
nagsimula na sila Kuya na orderin lahat ng pwede nilang bilhin. 20 minutes na lang
pasukan ko na kaya nagtext ako kina Kath na baka medyo ma-late ako... Malapit lang
naman 'to sa school pero kapag magkakasama sina Kuya at Saint, hindi ko alam kung
ano ang pwedeng mangyari.
"Bakit ka ba nakangiti? Nakakairita," sabi ni Kuya dahil ang weird ni Saint dahil
naka-ngiti siya.
"Because you're Mary's brother, I'm trying to be nicer to you."
"Hoy tigilan mo kapatid ko. Bata pa 'yan."
"I'm willing to wait," sabi ni Saint.
"At hindi kita gusto para maging brother-in-law."
At nag-away lang si Kuya at Saint. Hindi ko na sila pinakinggan dahil sasakit lang
ang ulo ko sa kanilang dalawa. Nagfocus ako sa pagkain dahil malapit ng magstart
ang pasukan ko kaya dapat dalian ko na.
Nasa kalagitnaan pa sila ng pagtatalo nung magtext si Kath na nandun na daw prof
namin. Mayroon lang na 20 minutes grace period kaya kailangan ko na talagang umalis
ngayon.
"Kuya, una na ako. May class pa ako, e..."
Tumayo si Saint.
"I'll drive you back."
Hinatak siya ni Kuya pabalik.
"Hoy gago. Ikaw magbabayad nito," sabi ni Kuya. Susumbong ko siya kay Mama. Kanina
pa siya nagmumura. "Jackson, hatid mo naman si Imo."
"Kumakain pa ako. Si Parker na lang," sabi ni Kuya Jackson. Hindi na ako nakaangal
dahil tumayo na si Parker tapos hinawakan ako sa braso.
Nung nasa harap na kami ng sasakyan ni Parker, hindi ko alam pero biglang bumalik
lahat ng alaala nung pinaupo niya ako sa likod. Biglang kumirot iyong dibdib ko
kaya hindi agad ako nakagalaw.
Saan ba ako pupwesto? Kahit simpleng bagay na lang hindi ko na alam pagdating kay
Parker.
"What?" he asked nung mapansin niya na naka-estatwa lang ako sa harap ng sasakyan
niya.
"Saan ako uupo?"
Kumunot ang noo niya.
"Baka kasi dumating si Cindy," mahina kong sabi. "Para hindi ko na kailangang
lumipat."
Parang may nakabara sa lalamunan ko nung sinabi ko 'yun. Para ring nagsimulang
magtubig iyong mga mata ko.
Hindi ko na talaga alam pagdating sa kanya.
"Imo," he called my name. Tumingin ako sa kanya. "I'm sorry."
I tried to smile kasi alam ko na wala naman siyang kasalanan. Palagi naman niyang
sinasabi na may gusto siyang iba. Ako naman talaga ang may gawa nito sa sarili ko.
"Sorry din..." sagot ko. "Pangako, alam ko na talaga kung saan ako lulugar."
At hindi 'yun sa tabi mo.

Kabanata 8

#JustTheStrings
Kabanata 8
Hindi talaga ako makakatakas.
Dahil August 19 ngayon, wala akong choice kung hindi ang makita si Parker. Nandito
kasi kami sa bahay nila ngayon dahil death anniversary ng Tito niya. Parang
tradition na 'to sa pamilya namin at pamilya nina Parker. Minsan, tinanong ko si
Papa kung hindi ba weird sa kanya kasi ako, aaminin ko na minsan hindi ko
maintindihan. Kasal sila ni Papa at may apat na anak pero minsan, naiisip ko kung
mas mahal ba ni Mama iyong si Tito Parker.
Pero kapag tinatanong ko si Papa, ngiti lang ang sagot niya sa akin. Kaya okay na
rin sa akin. Kasi kung kay Papa nga okay lang, ano pa ako?
Nasa dining area iyong mga matatanda at nag-uusap tungkol sa business. Matagal na
kasing gustong maging magkasosyo nila Auntie Kach at Mama pero wala silang
mapagkasunduan na negosyo. Magkaiba kasi sila ng hilig. At saka masyadong busy si
Auntie sa Law Firm nila.
Magkausap si Kuya at Parker tungkol sa soccer. Lately, nagiging close na ulit sila
at dahil 'yun parehas nilang binubully si Saint. Iyon 'yung common ground nila
ngayon-ang awayin si Saint kahit wala namang ginagawa iyong tao sa kanila.
Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kaya naman nagfacebook muna ako. Una
kong tinignan iyong mga notifications pero likes lang 'yun sa mga tagged pictures
ko kasama si Kuya. Ang dami kasing nagkaka-crush 'dun. Alam kaya nila na criminal
ang crush nila?
Habang nagsscroll ako, biglang nagpost si Saint sa wall ko.
Mary, Mary where are you?
Bakit hindi marunong gumamit ng messenger ang isang 'to? Binura ko muna iyong post
niya dahil baka makita ni Mama. Hindi pa rin siya nakaka-get over 'dun sa kwento ni
Kuya. Kahit kasi ano'ng pilit ko kay Kuya na bawiin iyong kwento niya na 'yun kay
Mama, ayaw niya. Ayan tuloy, ang sama-sama ng tingin ni Mama kay Saint kahit hindi
pa naman niya kilala.
Saint Iverson Gomez de Liaño: binura mo na naman. Grabe ka
Mary Imogen Suarez: sorry ulit. Kasi naman, sa message mo na lang ako kausapin
Saint Iverson Gomez de Liaño: are you embarrassed to be seen with me? </3
Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil parang baby si Saint. Ang hilig niya rin
gumamit ng heartbroken na emoji kapag nagchachat siya sa akin. Siguro iyon ang most
used emoji niya.
At dahil sa tawa ko, napatingin si Kuya sa akin.
"Bakit ka tumatawa?" he asked.
Umiling ako.
"Wala."
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit nga?" tanong niya ulit.
"Wala nga, Kuya," sagot ko ulit. Ayoko na sabihin sa kanya si Saint dahil sigurado
ako lalaitin na naman niya. Wala namang ginagawa iyong tao pero pagdating kay Kuya,
aping-api si Saint.
Ibinalik ko 'yung atensyon ko sa cellphone ko at nagreply kay Saint. Si Kuya naman,
hindi ko alam kung naniwala ba siya sa sinabi ko pero bahala na siya diyan.
Kasalanan naman niya kung bakit ayaw kong sabihin. Palagi na lang kasi siyang nang-
aaway kahit wala namang basis.
Mary Imogen Suarez: hindi ah.
Saint Iverson Gomez de Liaño: talaga?
Mary Imogen Suarez: oo nga
Saint Iverson Gomez de Liaño: sige nga if you really aren't embarrassed, watch my
game
Mary Imogen Suarez: anong game?
Soccer player 'din ba siya kagaya ni Kuya? Pero hindi ko pa naman siya nakikita sa
field...
Saint Iverson Gomez de Liaño: grabe Mary you keep on hurting me.
Mary Imogen Suarez: ano nga kasi?
Saint Iverson Gomez de Liaño: di mo talaga alam?
Sinabi ko na hindi dahil hindi ko naman talaga alam. Or baka kasi hindi naman ako
active sa school? Nung election nga last year, puro ako abstain dahil hindi ko
kilala iyong mga tumatakbo... Iyong circle of friends ko, maliit lang. At saka
hinaharang ni Kuya iyong mga lalaki na lalapit pa lang sa akin kaya wala talaga
akong masyadong kakilala.
Mary Imogen Suarez: ano ba kasi sport mo?
Saint Iverson Gomez de Liaño: hulaan mo
Mary Imogen Suarez: fencing?
Saint Iverson Gomez de Liaño: why fencing naisip mo?
Mary Imogen Suarez: mukha kang nagfefencing
Saint Iverson Gomez de Liaño: why do i feel like getting offended?
Mary Imogen Suarez: hindi ah! Compliment yun!
Saint Iverson Gomez de Liaño: sige na kahit naoffend ako. Pero hindi yun sport ko.
Mary Imogen Suarez: swimming?
Saint Iverson Gomez de Liaño: nope but I swim
Mary Imogen Suarez: baseball?
Saint Iverson Gomez de Liaño: nope. Last na hula na tapos kapag mali lunch with me
tomorrow
Hindi pa ako natatapos magtype pero biglang nahablot sa akin ni Kuya 'yung phone
ko.
"Aha!" sabi niya. "Sinasabi ko na nga ba!"
Tumayo ako para kunin sa kanya iyong cellphone ko pero sadyang mas matangkad lang
talaga siya sa akin. Kahit ano'ng talon ko, hindi ko makuha sa kanya.
"Akin na 'yan, Kuya!" sigaw ko pero binabasa niya pa rin iyong chat namin ni Saint.
"Kuya naman, e!"
"Parker, hawakan mo nga si Imo," sabi ni Kuya tapos nagsimula siyang magtype sa
phone ko. Ito namang si Parker, hinawakan nga ako!
"Bitawan mo nga ako!" sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at nakahawak
lang siya sa dalawang kamay ko. Masyado kaming magkadikit dalawa. Iyong mukha ko,
nasa dibdib niya na. Naririnig ko rin 'yung tibok ng puso niya...
Tumingala ako.
"Parker," tawag ko sa pangalan niya. Tinignan niya ako pero hindi siya nagsasalita.
"Bitiwan mo ako."
Hindi siya nagsalita pero iyong titig niya, sapat na para malaman ko kung ano ang
gusto niyang sabihin. Gusto kong bumitiw sa pagtingin sa kanya pero hindi ko
magawa. Para siyang magnet na hinahatak ako palapit.
"Oh." Napatigil lang ako nung magsalita si Kuya.
Hinablot ko iyong cellphone ko at tinignan kung ano ang ginawa niya.
Mary Imogen Suarez: pwede bang tigilan mo na ako?
Nanlaki iyong mata ko.
"Kuya!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit? Type mo ba siya?"
Hindi ko na siya nasagot dahil busy akong magmessage kay Saint. Na-seen niya na
iyong message at baka iniisip niya ngayon na sobrang feelingera ko! Wala naman
siyang sinasabi sa akin na may gusto siya tapos ganito 'yung isesend ko?
Gusto ko talagang ibaon sa lupa si Kuya!
Mary Imogen Suarez: Saint, si Kuya 'yung nagmessage. Hala sorry
Ilang segundo akong naghintay pero wala akong reply na nakuha.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. "Iniiyakan mo
'yun?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Hindi ko rin maintindihan pero naiiyak ako. Parang masikip sa dibdib na hindi ko
maipaliwanag.
Tumayo ako at saka iniwan sila. Lumabas ako at umupo sa pavement. Naupo ako roon at
naghintay. Hanggang sa umuwi kami, naghihintay ako ng reply ni Saint pero wala
akong nakuha.
Nung nagising ako, mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Ang una kong ginawa ay tignan
kung nagreply na ba si Saint pero kahit seen sa message ko, hindi niya nagawa.
Bakit ba ako affected? Dalawang linggo ko pa lang naman siyang kakilala...
Pumunta na ako sa CR para maligo pero pagtingin ko sa salamin, mayroong nakalagay
na sticky note sa noo ko.
Sorry na. Kung gusto mo kausapin si GDL, nasa gym lang 'yun. O kung ayaw mo,
sabihin mo sakin ako na lang kakausap. Wag ka na magalit sakin
-Kuya
Gusto kong magalit pa kay Kuya pero ang hirap magalit kapag ganito siya.
Tinanggal ko 'yung sticky note at saka inilagay 'dun kasama sa iba pang sticky note
na binibigay niya sa akin. Naligo na ako at nakapagbihis. Pagdating ko sa school,
hindi ako mapakali.
Paano kapag nakasalubong ko si Saint tapos hindi niya ako pansinin?
Kuya naman kasi, e. Ginawan pa ako ng problema.
"Why the sad face?" tanong ni Kath. Kakatapos lang ng first class namin at break na
namin.
"Si Kuya kasi..." sabi ko at saka kinwento sa kanila iyong nangyari kahapon. Tawa
naman sila ng tawa.
"Hindi ka pa nasanay sa Kuya mo," sabi ni Kath. "He's crazy, remember?"
Bumuntong-hininga ako.
"Hindi pa rin excuse 'yun para maging rude siya," I answered.
Sinundot naman ako ni Kath sa gilid ko.
"Anyway, sino ba 'tong guy na 'to?" she asked. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa
kanila kung sino. Pero I guess pwede ko ng sabihin ngayon since pakiramdam ko hindi
na ako kakausapin ni Saint...
"Si Saint," sabi ko.
Nanlaki iyong mata nila. Pati si Liza na demure, nanlaki ang mata.
"GDL?"
Tumango ako. Kilala pala talaga siya bilang GDL. Bakit Saint pakilala niya sa akin?
"Oh, my God! Paano mo siya nakilala?!" sabi ni Kath at saka inalog-alog pa 'yung
braso ko. Kinwento ko sa kanya na nagkamali ako ng sakay kaya ko siya nakilala.
"Nakasakay ka na sa sasakyan niya?!" sigaw na naman niya. Hiyang-hiya na ako dahil
pinagtitinginan na kami sa cafeteria pero mukhang wala namang pakielam 'yung
dalawang kasama ko.
"Madumi naman sasakyan niya..." sagot ko.
She fanned herself. "The hell I care kung may bundok ng basura sa car niya. I can't
believe na nakausap mo si Saint! Don't you know what a snob that person is?!"
"Hindi naman siya snob."
Kath snorted.
"Baka kasi you're his type," she said.
Naalala ko na naman iyong sinabi ni Kuya.
"Friendly lang talaga siya," pagtatanggol ko kay Saint.
"Friendly my arse. He's like the snob of the century!" sabi niya at saka nagkwento
siya ng nagkwento tungkol sa GDL brothers... apparently, apat pala silang
magkakapatid na lalaki at lahat sila, basketball players sa school.
Hindi na ako makasunod sa kwento ni Kath at hindi ko na rin matanong kung paano
niya nalaman iyong mga sinasabi niya sa akin.
"Speak of the devil and the devil shall appear," bulong ni Kath habang nakatingin
sa likod ko. Paglingon ko, nandun si Saint at may kasama siyang mga lalaki. "Those
guys are his brothers. Gwapo nila, noh?"
Nakatingin lang ako kay Saint. He was laughing with his brothers. Mukhang wala
naman siyang problema...
Mukhang hindi naman siya bothered...
Mukhang ako lang naman 'yung apektado sa nangyari kagabi.
"Okay ka lang?" Liza asked.
I nodded. Wala naman akong choice kung hindi maging okay. Alangan namang ipilit ko
iyong sarili ko kay Saint kung ayaw niya na talaga ng friendship, 'di ba?
Buong araw akong down. The next day, ganun pa rin. Hanggang dumating ang Thursday,
sobrang down pa rin ng spirit ko.
"Oh, for heaven's sake," bulong ni Kuya habang sabay kaming nag-aaral. Kakatapos
lang naming magrosary at kumain. "Si GDL pa rin ba problema mo?"
Umiling ako.
"Why are you even affected? Close ba kayo?"
"Wala nga, Kuya..." sagot ko sa kanya. Ayoko ng gawing big deal kung hindi naman
big deal.
"But why are you acting like it's the end of the world?"
Isinarado ko iyong libro ko. "Sa kwarto na ako mag-aaral," sabi ko sa kanya at saka
iniwan siya sa study room. Nagfocus na lang ako sa pag-aaral hanggang sa makatulog
ako. Nagising ako nung may tumatapik sa akin.
"Wake up," sabi nung boses. I groaned. "Gising na."
Idinilat ko 'yung mata ko at nakita ko si Kuya na nakaligo na. Bukas na iyong ilaw
sa kwarto ko. He was wearing his training uniform.
"Ano'ng oras na?"
"4am."
"Mamaya pang 8 klase ko, Kuya," I groaned and tried to get back to sleep again pero
tinapik na naman niya ako.
"Gumising ka na," sabi niya na naman at saka binuhat ako na parang sako at saka
dinala sa CR. "20 minutes and I'll be back. Bilisan mo maligo," he said and then
closed the door. Pero binuksan niya muna iyong shower para masigurado na basa na
ako.
20 minutes later, I was all prepped up. Nawala na iyong antok ko dahil sa pagligo.
Naka-handa na rin iyong breakfast namin pero sabi ni Kuya, sa school ko na lang
kainin kaya pinalagay niya na lang kay Manang sa ziplock.
"Bakit ba kailangan maaga rin ako?" I asked him nung papunta na kami sa school.
"You'll see," sabi niya. Binayaan ko na lang siya. Kumain ako ng sandwich sa
sasakyan niya at pinabayaan niya lang ako. Weird talaga ni Kuya ngayon... Usually
ayaw niya na kumakain dito sa sasakyan kasi mahal na mahal niya 'to, e.
Pagdating namin sa school, madilim pa. Hinubad ni Kuya iyong varsity jacket niya at
pinasuot sa akin dahil bigla akong nilamig.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko nung papunta na kami sa school gymnasium. Mayroon
na akong idea kung bakit ako nandito pero ayokong isiping mabuti. Bawat hakbang ko,
kinakabahan ako.
Pagpasok ko, nakita ko iyong basketball team na gumagawa ng drill. Tumatakbo sila
papunta at pabalik sa court.
"You want to talk to him or you want me to talk to him?" tanong ni Kuya.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Oo, malungkot ako dahil
sa nangyari kay Saint pero hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob para
kausapin siya... Ang dami kasing tao sa gym tapos halos puro lalaki pa sila lahat.
"Nakakahiya," bulong ko kay Kuya.
Napabuntong-hininga siya.
"Aight. Wait for me. Dito ka lang," sabi niya tapos naglakad siya papunta sa
basketball court. Kinausap niya iyong coach at kinakabahan ako habang ginagawa niya
'yun.
"Nice! Bakit nandito ka ng maaga, Princess?"
Napatingin ako sa likod ko at nandun si Kuya Benj. Kasama niya si Parker na tahimik
lang na nakatingin sa akin.
"Si Kuya."
"Dinala ka dito? Weird," sabi ni Kuya Benj. "Bakit daw?"
I shrugged.
"E asan ang Kuya mo? Iniwan ka dito. Weird talaga," bulong ni Kuya Benj. Tinuro ko
si Kuya na nandun sa basketball court. Tumingin siya kay Parker. "Opposite day ba
ngayon? Bakit nandun si Pres?"
Ano ba ang weird na nasa basketball court si Kuya?
Pero hindi sumagot si Parker. Nakatingin lang siya sa basketball court at parang
may malalim na iniisip.
"Princess, may tanong pala ako," sabi ni Kuya Benj. Tumango lang ako. "Paano mo
nakilala si GDL?"
Napatingin ako kay Parker. Gusto ko sanang sabihin iyong totoo na napagkamalan kong
Uber driver si Saint pero iba nga pala iyong kwento na nasabi ko kay Parker...
"Church mates," sabi ni Parker bago pa man ako makapagsalita.
Kumunot ang noo ni Kuya Benj.
"Church mates?" ulit niya at tumango naman ako kahit na kinakabahan ako dahil
nadadagdagan na naman ang kasinungalingan ko. "Naniwala ka?" sabi niya kay Parker
at tumango si Parker. Tawang-tawa naman si Kuya Benj.
"Bano ka talaga, Parker! Mukha bang nagsisimba si GDL? Tignan mong thug life 'yung
gago na 'yun, e!" sabi niya tapos tumawa na naman siya. Akala mo maiiyak na si Kuya
Benj. Iba talaga ang humor niya.
Si Parker naman, nakatingin sa akin.
"You lied?"
Nakatingin din ako sa kanya, hindi makasagot.
"It's like I don't know you anymore," sabi niya at saka iniwan ako mag-isa.
Pinanood ko siyang umalis. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kasi alam ko na
'dun ang pwesto ko. Iyong malayo sa kanya.
Tinapik naman ako ni Kuya Benj.
"Bayaan mo siya. He doesn't know what he wants yet," sabi ni Kuya Benj with a
reassuring smile. Hindi niya ako iniwan hanggang sa bumalik si Kuya. Seryoso iyong
itsura niya kaya hindi ko alam kung ano ang ieexpect ko.
"Bakit ka galing 'dun?" tanong ni Kuya Benj. "Baliw ka na ba?"
Hindi siya pinansin ni Kuya. Tinignan niya ako.
"He's not worth it," sabi ni Kuya.
And just like that, I lost another friend.

Kabanata 9

#JustTheStrings

Kabanata 9
"Finally, some peace!" sigaw ni Kath habang papalabas kami sa classroom. Kakatapos
lang ng long exam namin sa isang subject. Medyo mahirap kasi siya at madami ang
coverage kaya naman stressed kami ng ilang araw.
Papunta kami sa cafeteria pero napansin ko na maraming nagtatayo ng booth sa field.

"Ano ang meron?" tanong ko sa kanila.


Tinignan ako ni Kath na parang sobrang weird ng tanong ko. Hindi na kasi talaga ako
masyadong lumalabas nitong mga nakaraang linggo. Ang naging routine ko na lang ay
school at bahay. Kapag weekends naman, nandun kami sa orphanage na sinusuportahan
namin ni Papa. Tapos medyo busy na rin ako dahil medyo malapit na iyong debut ko at
ang daming gustong gawin ni Mama. Minsan, hindi na ako makahinga sa dami ng dapat
asikasuhin.
"Minsan nga, try to be a normal teenager. You're such a nerd," sabi ni Kath. Ni
hindi niya naman sinagot iyong tanong ko kaya kay Liza ako bumaling. Mabuti na lang
sinabi ni Liza na foundation day pala bukas kaya maraming nagtatayo ng booth.
"I'm so excited!" sigaw na naman ni Kath. Pinabayaan na namin siya ni Liza na
magsalita nang magsalita dahil ang hirap niya namang pigilin. Ang hyper niya kasi
talaga minsan. "Sana may jail booth."
"That's so juvenile, Kath," kumento ni Liza.
Kath rolled her eyes.
"The heck I care if it's juvenile. Basta if merong jail booth, I want to be
imprisoned with Benj, ha!" sabi ni Kath. Hindi ko alam kung bakit crush na crush
niya si Kuya Benj. Sobrang weird naman ni Kuya para sa akin...
Nakarating na kami sa cafeteria at tinatamad si Kath na bumili ng pagkain kaya
pinilit niya si Liza na siya na lang ang bumili ng food namin. Mabuti na lang at
mabait si Liza kaya napilit siya ni Kath. Habang naghihintay kami, nakarinig kami
ng mga maingay na lalaking nag-uusap.
Kath dreamily looked at them.
"They're so gwapo talaga," she said and then sighed. "Kahit 'yung eldest lang ang
makuha ko, sasaya na ako..." sabi niya habang nakatingin.
Hindi na ako lumingon dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Dalawang
linggo na ang lumipas nung pumunta ako sa gym at dalawang linggo ko na ring tanggap
na tapos na ang friendship namin ni Saint. Ang bilis lang talaga pero ano'ng
magagawa ko? Ayoko namang ipilit kung hindi talaga pwede...
"Sayang naman. If friends pa rin kayo ni GDL, e 'di sana you can introduce me to
his Kuya," sabi ni Kath. Hindi na ako umimik dahil aaminin ko naman na nalulungkot
pa rin ako kahit papaano... Syempre naging parte na rin naman si Saint ng buhay ko.
Minsan nga namimiss ko iyong pagpopost niya sa wall ko.
"Bakit ba kasi talaga biglang you two are not talking anymore?" she asked.
I shrugged. "Hindi ko rin alam..." sagot ko. Ang huli ko lang natatandaan ay iyong
nagsend si Kuya ng message sa kanya. Nagpaliwanag naman na ako. Imposible naman na
iyon ang dahilan kung bakit hindi niya na ako pinapansin.
Ang babaw naman kasi kung iyon lang.
"Weird lang if all of a sudden, hindi ka na niya pinapansin," she said. "Something
must have happened."
"Tapos na. Baka ganun talaga," I replied pero hindi siya papigil.
"It can't be," sabi niya at saka inilabas ang cellphone niya. "Let's stalk him.
Baka may clue tayo na makita sa twitter niya."
Hindi ko na pinigilan si Kath dahil kapag mas pinigilan mo siya, mas gugustuhin
niya lang gawin ang bagay na 'yun. Nung dumating si Liza, she asked me kung bakit
ang seryoso ni Kath. I just shrugged and she understood it. Nababaliw na naman ang
kaibigan namin.
"Found it!" sigaw niya.
"Found what?" Liza asked.
"Twitter ni GDL," she answered.
"You're following him?"
Kath rolled her eyes. "Duh. Of course I have a stalker account. Why would I follow
that snob?" sabi niya at saka nagsimulang magscroll. Ako naman, nagsimula ng
kumain.
"Wala naman siyang tweets masyado..." Kath said. "But his RTs are intriguing."
Nagsubo ako ng carrot stick sa bibig ko.
"Listen to this, he RTed 'If you're not sure yet, back off. She ain't that kind of
girl you play with,'" basa ni Kath. And then she squealed. Napatingin sa amin iyong
mga tao at napatingin din ako sa paligid ko.
Unfortunately, nakatingin din sa table namin ang GDL brothers.
Nakakahiya!
I sshed Kath pero hinampas niya lang ako ng hinampas.
"Am I assuming things or what?! Ikaw ang tinutukoy niya rito, I'm sure!" Kath said
with so much enthusiasm.
Umiling ako at saka nagsubo ulit ng carrot stick.
"You reading too much into this, Kath," I said.
Umiling siya.
"No!" she replied tapos nagscroll pa siya. "Ito pa, oh! 'When you're not looking,
that's when you'll find her.' Oh, 'di ba you just barged inside his car?! Kailan
nga 'yun?" tanong niya sa akin.
Hindi ko na masyadong maalala... tss. Sino bang niloloko ko? Syempre naaalala ko
kung kailan. Iyon 'yung araw na halos mamaga ang mata ko.
"Start of class 'yun, right? Tignan mo, August 1 din 'yung date nung nag RT siya!"
she said and then kinurot niya ako. "He so likes you!"
I was so close to pleading na tigilan na niya. Bigla ko tuloy namiss iyong mga
exams namin... At least nun, may iba kaming pinagkakaabalahan. Pero ngayon na medyo
relaxed na ulit kami, ako na naman ang pinagbubuntungan ng boredom ni Kath.
"Why are you pushing this ba?" Liza asked. "You're the one who said na snob of the
century si GDL."
"Opposites do attract nga, 'di ba? Imogen's the good girl and GDL's your typical
asshole guy. Tapos when they're together na, Imo here will introduce us to his
brothers. I'll get the Kuya, you get the next one. Tapos 'yung bunso nila, he can
be the third wheel muna."
Napailing na lang kami ni Liza. Sobrang advanced mag-isip ni Kath.
Natapos na kaming kumain at itatapon na namin 'yung kalat namin pero kailangan
naming dumaan 'dun sa table nila Saint. Gustuhin ko mang 'wag dumaan, baka naman
sabihin nila Kath na ang arte ko.
Bahala na nga.
Nung malapit na kami sa kanila, naririnig ko na may pinag-uusapan nila. Si Saint,
kumakain lang at mukhang wala naman siyang pakielam sa pinag-uusapan ng mga kapatid
niya. Si Kath naman, mukhang mababali na ang leeg nung makalagpas kami sa table
nila dahil sa kakatingin.
"God, thank you for making 4 of them! Good job! Also, thank you sa parents nila for
a job well done," sabi niya. Dinamay pa si God sa kalokohan niya.
Sabay kami ni Kuya na umuwi dahil may dalawang araw sila na walang training para na
rin daw makapagparticipate sila sa foundation day bukas.
"You wanna go somewhere else bago umuwi?" he asked.
Umiling ako. He sighed.
"Let's grab ice cream, alright? Uwian din natin sila Finley," sabi niya. Pumayag na
lang ako kahit alam ko na papagalitan siya ni Mama dahil bawal kumain ng ice cream
iyong dalawa. Mabilis kasi sumakit ang ngipin.
Nung paalis na kami, napansin ko na pasakay na rin si Saint sa sasakyan niya.
Nakasunod kami sa sasakyan niya dahil iisa lang naman ang way paalis ng school.
Gusto kong tanungin si Kuya kung ano ba ang pinag-usapan nila ni Saint para masabi
niya sa akin na he's not worth it. Pero natatakot din ako sa maririnig ko. Takot
kasi ako na makadisappoint ng tao. Parang sobrang laki kong disappointment kapag
ganun.
So I resigned to not knowing... because maybe it would just open a can of worms.
Pagdating namin sa bahay, napatayo pa si Mama nung makita ako.
"Carmie, this is my daughter, Mary Imogen," pakilala sa akin ni Mama. Naweweirduhan
din kasi siya kapag Imo ang tawag sa akin since pareho kami ng pangalan. "And this
is my son, Preston."
I smiled at the woman and Kuya smiled, too, pero umakyat muna siya sa kwarto nina
Riley at Finley para sabihin na may uwi kaming ice cream.
Mabuti na lang at wala na akong exam dahil halos buong gabi akong kinausap ni Miss
Carmie tungkol sa debut ko. Ang dami pala talagang kailangang asikasuhin para
dito...
"What's the theme that you want?" Miss Carmie asked.
"Harry Potter," sagot ko.
"Fairytale," sabi naman ni Mama.
Nakatingin sa aming dalawa iyong organizer. Tinignan naman ako ni Mama.
"Harry Potter?" she asked. I nodded. "It's your debut, not a children's party."
Medyo na-offend ako. Mabuti na lang dumating si Papa.
"Bayaan mo na siya kung ano ang gusto niya," Papa said. Hinalikan niya sa gilid ng
ulo si Mama. "It's her birthday. Let her have what she wants."
Nginitian ko si Papa. Minsan lang kasi magsalita si Papa kaya kapag ganun,
pumapayag si Mama. Ang hirap naman kasing tanggihan ni Papa... Sobrang bait niya at
mapagbigay talaga. Kaya kapag humiling siya, gugustuhin mo talaga na ibigay.
Dahil nasunod na ang gusto ko, na-excite na ako. Kasi hindi naman ako mahilig sa
party... Ngayon lang.
Napagkasunduan namin na dadating ang guests via Knight Bus. Tapos horcrux and wands
naman ang giveaways ko. Iyong sa food naman, gusto ko lang may butterbeer,
chocolate frog, rock cake, knickerbocker glory, cauldron cakes, at kidney pie.
Required na naka wizard attire ang guests tapos ako si Hermione. Iyon pa lang ang
napag-uusapan namin. Gusto ko pa sanang sabihin na iyong invitation ay ipapadala
gamit ang owls pero baka masyado ng mahirap 'yun.
Nung umalis na iyong guest, nilapitan ako ni Kuya na mukhang kakakain lang ng ice
cream.
"Ubos na," he said.
"Nakokonsensya ako."
"Bakit?"
"Ang dami ko yatang request para sa birthday ko."
Ginulo ni Kuya iyong buhok ko.
"Minsan ka lang magiging 18," he said. "Ano'ng regalo gusto mo?"
I smiled and then shook my head.
"Wala. Masaya na ako, e," I said and then hugged him. Masaya naman talaga ako. As
long as I have my family and friends, I have no reason to be sad.
Kinabukasan, medyo late na kaming nagising ni Kuya dahil nag movie marathon pa
kami. Hindi na nga ako nakabalik sa kwarto ko dahil antok na antok na ako kaya sa
entertainment room na kami nakatulog ni Kuya.
Wala namang regular class ngayon though required ang attendance. 1pm na kami
pumasok ni Kuya dahil medyo puyat pa kami.
Pagdating namin sa school, ang ganda! Parang may festival talaga. Halos hindi ko na
nga makilala iyong field, e.
Nag-ikot lang muna kami ni Kuya at bumili ng pagkain. Hindi pa kasi nagrereply si
Kath kung nasaan sila kaya sinamahan muna ako ni Kuya. For sure nasa tambayan nila
sila Kuya Benj. Mabuti na lang at hindi ako pinilit ni Kuya na pumunta doon dahil
nandun si Parker.
Nung napagod na kami mag-ikot, naupo muna kami sa ilalim ng puno. Ang lakas ng
hangin ngayon.
"I was pretty worried," sabi ni Kuya.
"Bakit naman?"
"Something changed."
"Ano?"
"You," he said. "Simula nung hindi na kayo friends ni GDL, parang naging malungkot
ka."
Tumahimik na lang ako. Pansin ko rin naman kasi.
"Baka hindi lang kami talaga meant to be maging friends," I replied. Tahimik lang
kami ni Kuya tapos nakita ko si Kath. Tumayo na ako at saka nagpaalam kay Kuya.
Pumunta na ako kay Kath at saka tinanong siya kung ano ang ginagawa niya.
"Stalking," she replied habang hindi pa rin inaalis ang tingin. Sinundan ko iyong
tingin niya at nakita ko na may tinitignan siya na lalaki.
"Sino 'yun?"
"GDL # 1," she hissed.
Napailing na lang ako at sinabi sa kanya na hahanapin ko si Liza. Hindi ko yata
kayang buong hapon na isstalk namin ang Kuya ni Saint.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Kuya. Tatawagin ko sana siya pero natigilan ako
nung mapansin ko kung nasaan siya.
Marriage booth.
May ilang mga lalaki roon na nagsisigawan. Kilala ko iyong iba. Mga soccer
teammates ni Kuya. Tapos nung tignan ko kung sino ang ikinakasal, mas lalo lang
akong napako sa kinatatayuan ko.
"Do you, Cindy Ruiz, take Parker-"
"Of course, I do!" tumatawang sabi ni Cindy.
"Do you, Parker Adrian Palma, take Cindy Ruiz as your wedded wife?"
Tumalikod na ako bago ko pa marinig iyong sagot niya. Nanlalabo na iyong paningin
ko pero tuloy lang ako sa paglalakad. Nakakainis na hanggang ngayon, apektado pa
rin ako.
Dapat hindi na.
Dapat wala na.
Pero bakit ganon?
"You like him."
Napatingin ako sa tao sa harap ko at nandun si Saint.

Kabanata 10

#JustTheStrings
Kabanata 10
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil hindi ko alam
kung ano ang sasabihin ko... o dahil sa gulat ko na after all these days, kinausap
niya na ulit ako. Nitong mga nakaraang linggo kasi, daig ko pa ang hangin sa hindi
niya pagpansin sa akin. Iyon bang nakakasalubong ko siya pero hindi niya ako
kinakausap. Nakatingin lang siya sa akin at ewan ko pero parang mas mahirap 'yun...

Kasi alam mo na alam niya na nandyan ka pero kahit ganun, hindi ka pa rin niya
kinakausap.
Pasimple kong pinunasan iyong luha ko kahit alam ko na wala na namang silbi. Nakita
niya na, e.
"I like all my friends," I simply answered. I didn't want to lie again but I didn't
want to confirm things, too... Kahit na totoo naman na gusto ko si Parker, hindi ko
naman siguro responsibilidad na ipagsigawan iyon sa mundo lalo na at hindi naman
niya ako gusto.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa nung biglang may marinig akong sigawan. Bigla
akong kinabahan dahil alam ko na palabas na sila sa booth. Kahit nanginginig ang
tuhod ko, pinilit ko na maglakad. Pero nung nakatapat na ako sa kanya, bigla niyang
hinawakan iyong braso ko.
"Do you need to hide?" he asked me.
Tumingala ako sa kanya. Masyadong maraming tao sa field at kung gusto kong
makatakas agad, hindi ko magagawa dahil masyadong masikip. Pero ayoko talaga na
makita ako nila Parker... Ayoko na makita nila iyong reaksyon ko. Na hindi naman
kasi dapat ganito dahil wala naman akong karapatan.
Kaya unti-unti akong tumango.
At palakas na rin ng palakas ang boses nila.
Hinila ako ni Saint sa isang gilid.
"Tell me if this is too close," bulong niya sa akin dahil nakayakap siya.
Nakasandal iyong likod ko 'dun sa mga kahon habang nakaharang siya sa harap ko.
Sobrang lapit na tipong naririnig ko na iyong tibok ng dibdib niya.
Sobrang lapit na parang bibigay na talaga iyong tuhod ko.
"Congrats, my man! Married na kayo ng first love mo!"
"Ano, honeymoon na ba?"
"Gago, Parker, pakainin mo muna kami bago mag happy time!"
Sumisikip iyong dibdib ko sa mga naririnig ko. Hindi ko alam na first love pala
niya si Cindy... Hindi ko alam na ganun pala sila ka-seryoso.
Pero biglang nawala ako sa pag-iisip nung ilagay ni Saint iyong dalawang kamay niya
sa magkabilang tenga ko.
"If you don't want to hear it, you can always choose not to listen," he said while
covering my ears. He was looking at me intently. Parang hindi na siya iyong Saint
na una kong nakilala... Iyong parang laro lang lahat ng bagay.
"See? It doesn't hurt as much when you opt to love yourself first."
Ilang segundo kaming nanatili sa ganung posisyon. Nung hindi na namin naririnig
iyong mga soccer players, binitawan ako ni Saint.
"Salamat," sabi ko.
"No problem," he replied.
Nakatayo lang ako sa harap niya. Hindi ko alam ang sasabihin. Wala naman na akong
sasabihin pero parang ayoko pa na umalis siya... Kasi alam ko na pagkatapos nito,
hindi na naman niya ako papansinin.
"I better get going," sabi niya tapos inilagay iyong kamay niya sa loob ng bulsa
niya. Pero bago pa man siya maka-dalawang hakbang, napigilan ko na siya. Napatingin
siya sa akin nung makita niya na nakahawak ako sa braso niya.
"S-sorry," I said. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong humawak. Kinabahan lang
naman kasi ako nung tumalikod siya.
"Do you need me for something?" he asked.
Umiling ako. A small smile appeared on his face.
"Do you wanna go around with me?"
I nodded and he laughed.
"You could've just said so, Mary."
Hindi ko na napigilan. Napangiti na rin ako.
Doon kami sa kabilang parte ng field pumunta dahil iniiwasan namin na makasalubong
iyong soccer team. Hindi ko pa rin alam kung ano ang issue nila sa isa't-isa. Mukha
namang magkakakilala sina Kuya at Saint pero hindi lang talaga nila gusto ang
isa't-isa.
At hindi ko rin matanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Kuya... Baka kasi
invasion of privacy na masyado.
"Start na ng game niyo?" I asked. Ang tahimik kasi masyado. Hindi ako sanay na
ganito kapag magkasama kami.
He nodded.
"Pwedeng manood?"
He looked at me at kumunot ang noo niya.
"Are you sure you're Mary?"
"B-bakit?" kinakabahan na tanong ko sa kanya. May mali ba akong nagawa?
"You're too straight-forward. You might give me a heart attack if you continue
being like this," he said tapos inilagay niya iyong index finger niya sa noo ko.
"Sorry," sabi ko ng nakayuko. Baka kasi naiinis siya sa ganito. Dapat talaga
nanahimik na lang ako, e... Pero hindi kasi talaga ako sanay na tahimik kaming
dalawa. At saka ayoko ng tahimik kami.
Namimiss ko na 'yung Saint na nakakasama ko dati.
"Rule number 1 when you're with me, stop saying sorry."
Napatingin ako sa kanya.
"Just have fun, alright? I want you to have fun when you're with me so stop feeling
sorry all the time. Got it?"
I nodded. Madali lang namang gawin 'yun.
"So, hindi mo na ako iiwasan?"
He smiled at me-iyong ngiti niya na parang ngisi.
"You missed me, haven't you?"
Sasagot na sana ako na namiss ko naman talaga siya pero narinig ko iyong malakas na
sigaw ni Kath.
"Mariaaaaa!" sigaw niya kaya napatingin kaming dalawa ni Saint sa kanya. Nung
napansin niya na si Saint ang kasama ko, biglang tumigil iyong sigaw niya at saka
sumeryoso ang mukha niya. "Oh. It's you pala."
Pinipigil ko ang tawa ko dahil sobrang fail ng serious face ni Kath.
"Do we know each other?" seryosong tanong ni Saint. Mukhang na-offend naman si Kath
kaya nagpakilala na lang si Saint. "I'm GDL. You are?"
Siniko ko si Kath dahil mukhang balak niyang hindi pansinin si Saint. Hindi ko pa
rin alam kung ano ang issue ni Kath kay Saint... Kapag wala si Saint, grabe siya
makapagfangirl... Kapag nandito na sa harap niya, ayaw niya naman pansinin.
"Fine," sabi niya na parang napipilitan pa. "I'm Kathryn, your future sister-in-
law," seryosong sagot niya.
Natawa naman si Saint doon.
"Sure," sagot ni Saint.
"Hindi ka man lang curious kung kanino?" Kath asked.
"Nah. Don't be offended but I'm not really curious about my brothers' love life,"
sagot ni Saint kaya mas nainis si Kath. Sigurado ako magrereklamo na naman 'to
mamaya. Kawawa na naman ang tenga namin ni Liza.
Tinignan ako ni Saint.
"I'm starving. Kain tayo?"
I nodded. Medyo nagugutom na rin ako dahil kanina pa kami lakad ng lakad. Habang
naghahanap kami ng makakainan, bigla naming nakasalubong iyong isa sa mga kapatid
ni Saint... though hindi ako sure kung siya ba si #1 na crush ni Kath.
But judging from her reaction... mukhang ito nga.
"Mama dijo que deberíamos estar allí a las 8," sabi nung lalaki. Medyo kaunti lang
ang naintindihan ko dahil hindi naman ako regular na nagsasalita ng Spanish. Mas
focused kami sa Mandarin, Japanese, at French.
"Sí," Saint replied tapos napatingin siya kay Kath kasi sinisiko siya ni Kath.
Gusto kong mahiya para sa kaibigan ko dahil medyo nakakahiya siya.
Mukha namang naintindihan ni Saint ang gustong mangyari ni Kath.
"Psalm, this is Kath. Kath, this is Psalm," pakilala ni Saint sa kanila.
Pinipigilan ko ang pagtawa ko dahil obvious masyado si Kath. Mukha namang mabait si
GDL # 1 kaya okay lang...
"May girlfriend ba ang Kuya mo?" I asked Saint dahil baka may girlfriend na pala
iyon tapos ganito pa si Kath...
"Why?" he said and then looked at me. Pinaliwanag ko sa kanya iyong dahilan ko
tapos mukhang relieved siya. "Nah. Ball is life," he replied.
Pinabayaan namin si Kath na makipag-usap sa crush niya pero nagugutom na talaga
kami ni Saint... At saka may pupuntahan pa yata iyong Kuya ni Saint. Masyado lang
siyang accommodating kaya hindi niya masabi. Nung magpapaalam na kami para maghanap
ng pagkain, biglang may sinabi si Kath na ikinalaki ng mata ko.
"No!" sigaw niya. Napatingin kaming tatlo sa kanya dahil bigla-bigla na lang siyang
sumisigaw. "Di ba magpapakasal pa kayo?" she asked me tapos pinanlakihan niya ako
ng mata then tinignan niya si GDL # 1. "They need witnesses for their wedding. Tayo
na lang," she suggested.
Dear Lord!
Hinatak niya kami ni Saint doon sa booth tapos siya na rin ang nagbayad para dito.
"Kath!" sabi ko sa kanya habang nilalagyan niya ako ng veil sa ulo.
"Please, please!" sabi niya. "This is for my love life! Suportahan mo naman ako!"
sabi niya tapos inilagay iyong bulaklak sa kamay ko. "Ihagis mo 'yung flower
papunta sa akin, okay?"
Tinignan niya iyong pseudo priest. "Ready na sila, Father," she said and then
smiled tapos tumayo siya sa tabi ni Psalm.
Nagsimula na iyong ceremony at mukhang si Kath ang pinakamasaya sa mga nangyayari.
Siguro kung pwede lang, papakasalan niya na iyong Kuya ni Saint...
"Do you, Saint Iverson Gomez de Liaño, take Mary Imogen Suarez as your wedded
wife?" tanong nung lalaki.
Saint looked at me.
"I do," he replied.
"Do you, Mary Imogen Suarez, take Saint Iverson Gomez de Liaño as your wedded
husband?"
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi naman 'to totoong kasal pero bakit
ganito na iyong kaba ko? Ibig sabihin ba kapag totoong kinasal na ako, mas malala
pa rito? Baka atakihin ako sa puso nun.
"I do," sagot ko rin. Napangiti si Saint sa akin.
Inabutan kami nung isang lalaki ng isang set ng plastic na singsing tapos pinasuot
sa amin ni Saint. Sabay naming sinabi iyong vow na nakasulat sa papel.
"In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, take and wear this ring
as sign of my love and faithfulness."
Naririnig ko iyong tili ni Kath mula sa gilid ko. Mas masaya talaga siya sa akin.
"Before I pronounce you man and wife, if anyone is-"
Napatigil sa pagsasalita iyong lalaki dahil sa-
"Ano 'to?!" tanong ni Kuya. "I object! I object!"
Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakasunod pa sa kanya si Kuya Benj at Kuya
Jackson tapos natatawa sila sa reaksyon ni Kuya.
Bigla namang lumapit si Kath kay Kuya tapos tinakpan iyong bibig ni Kuya ng kamay
niya.
"Go on, Father! Tapusin mo ang kasal!" sabi ni Kath habang nakatingkayad at
nakalagay sa bibig ni Kuya ang kamay niya. Si Father naman, parang naguguluhan sa
mga nangyayari. Kahit naman ako, hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang
nangyayari.
"I ob-umph!" sabi ni Kuya dahil kulang na lang ilagay ni Kath sa loob ng bibig ni
Kuya ang kamay niya. Tinignan ni Kuya si Kuya Benj at parang humihingi ng tulong.
"Fine," sabi ni Kuya Benj. "I object in behalf of-" Pero hindi pa niya natatapos
ang sasabihin niya nung sinipa siya ni Kath sa ano niya... "Fucking shit!" sabi ni
Kuya Benj habang patalon-talon sa loob ng booth.
Ang gulo na. Si Kath, nakasampa na sa likod ni Kuya at nakalagay pa rin ang kamay
sa bibig... Si Kuya Benj namumula na sa sakit... Si Kuya Jackson, nagvivideo sa mga
nangyayari. Si GDL # 1, natatawa sa nakikita.
"Father, let's proceed," sabi ni Saint.
"If anyone is against this wedding, speak now or forever hold your silence," sabi
niya at saka tumingin sa paligid. Si Kuya ay hindi pa rin makapagsalita kaya walang
tumutol. "If no one is against this union, then I now pronounce you man and wife.
You may now kiss the bride."
Oh, Lord. Hindi pwede.
Nakatingin sa akin si Saint at sigurado ako na nanlalaki ang mata ko dahil sobrang
nagpapanic na ako sa mga nangyayari.
Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Lumapit si Saint at saka itinaas ang veil
sa ulo ko. Yumuko siya para magkapantay ang mukha namin.
"Hi, wifey."
He smiled at saka inilapit niya pa lalo ang mukha niya. Hindi pa ako handa na
magkaroon ng first kiss at mas lalong ayoko makuha ang first kiss ko sa harap nila
Kuya pero...
Oh, Lord.
Saint angled his face. Hahalikan niya na talaga ako.
Ipinikit ko ang mata ko dahil hindi ko na talaga alam ang mangyayari... at sigurado
ako na malapit ng atakihin sa puso ang Kuya ko sa mga nangyayari.
Pero nung akala kong hahalikan ako ni Saint, bigla kong naramdaman iyong labi niya
sa kamay ko.
He kissed my hand and then winked at me.

Kabanata 11

#JustTheStrings
Kabanata 11
Sobrang saya ni Kath dahil nasalo niya iyong bulaklak... na akala mo hindi scripted
ang lahat. Siguro kung hindi lang nakakahiya, aayain niya na talagang magpakasal
ang Kuya ni Saint. Tinanong nga rin niya iyong mga may-ari ng booth kung mayroon
din daw ba na garter kasi gusto niya raw na isuot sa legs niya ni GDL # 1 if
ever...
Katabi ko si Saint at hindi ako makagalaw ng maayos. Ewan ko pa pero ramdam ko pa
rin 'yung labi niya sa kamay ko. Sobrang weird na hindi ko maintindihan ang
nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.
Hindi naman sa nag-eexpect ako na sa labi niya ako halikan pero... ay, ewan.
"Bagay ba?" he asked while showing me his ring. Kulay white lang naman na plastic
ring iyon pero parang ang saya niya tignan. "It doesn't fit my finger well. Can
this be adjusted?" he asked himself tapos tinanggal niya iyong ring at tinignan
kung pwede bang ma-adjust.
"Parang hindi yata, e," sagot ko sa kanya kasi tinignan ko 'yung akin.
"Really?" he asked and then hinawakan niya iyong kamay ko. Pinabayaan ko siya na
tignan iyong singsing ko dahil pinipilit niya na dapat pwedeng iadjust dahil hindi
kasya sa kanya.
Biglang lumapit sa amin si GDL # 1.
"Congrats," he said to me with a smile.
Kahit weird dahil hindi naman ako talaga kinasal, sumagot na lang ako. "Thank you,"
I replied.
"Can I borrow my brother for a while?"
I nodded at saka iniwan ko silang dalawa. Nagsimula silang mag-usap pero in
Spanish. Parang 'yun talaga ang medium of communication between the two of them.
Kailangan ko na yatang i-polish ang Spanish skills ko kung gusto kong maintindihan
ang mga sinasabi nila.
Habang may ibang kausap si Saint, nilapitan naman ako ni Kuya. Masama ang tingin
niya sa akin na akala mo pinagtaksilan ko siya.
"Galit ka?" I asked him. Kanina kasi habag kinakasal kami ni Saint, hindi ako
makatingin kay Kuya. Baka kasi kapag nakita ko 'yung mukha niya, bigla na lang
akong tumakbo. Ayoko kasi talaga na nadidisappoint sa akin ang pamilya ko.
Hindi siya sumagot. Mas kinabahan ako. "Si Kath kasi, pinilit lang ako..."
"Tss. Pinilit pero kanina ka pa naka-ngiti," sabi niya.
"Hindi, ah."
Nilagay niya iyong kamay niya sa mukha ko. "Ayan, oh. Naka-ngiti ka na naman."
Inalis ko 'yung ngiti sa mukha ko tapos sumimangot ako. "Ito. Okay na?"
He huffed tapos inakbayan ako. Ginulo niya 'yung buhok ko tapos iyong akbay, ginawa
niyang kasal. Habang sinasakal ako ni Kuya, lumapit sa amin si Saint at ang Kuya
niya.
"I better get going," sabi ni Psalm. Tinanguan niya si Kuya at tumango din naman si
Kuya sa kanya. Mukhang magkakakilala naman pala talaga silang lahat pero hindi lang
talaga sila friends. Nasa iisang gym lang din naman kasi sila nagpapractice kaya
hindi na rin nakakagulat. Tsaka madalas may party ang varsity members kaya nasa
iisang circle lang talaga sila.
Nagpaalam din si Psalm kina Kuya Benj tapos nung aalis na siya, nagsalita si Kuya.
"Di ka rin aalis?" disappointed na tanong ni Kuya kay Saint.
Saint shrugged. "Why would I? My wifey's here."
"Fake lang 'yun. Feelingero nito masyado. Tsaka tigilan mo nga kaka-wifey mo.
Kadiri."
Ilang segundo rin na kung anu-ano ang sinabi ni Kuya kay Saint at mukhang wala
namang pakielam si Saint. Nakatayo lang siya doon at pinapabayaan si Kuya na
magsalita. Parang lumalabas lang sa kabilang tenga niya ang mga sinasabi ni Kuya.
"Okay ka lang?" I asked Kath kasi mukhang malungkot na naman siya.
"Umalis na si baby ko."
"Baby?"
She nodded.
"Si Psalm. Parang ang sarap niyang alagaan at gawing baby..." she said dreamily.
Napailing na lang ako. Sobrang advanced niyang mag-isip talaga. Siguro nakapagplano
na siya ng pangalan ng mga magiging anak nila ni Psalm sa punto na 'to...
Pinabayaan ko na lang si Kath habang nagdedaydream siya. Wala namang masama pero
'wag sana siyang sumobra kasi mahirap umasa lalo na at walang assurance... Iyong
akala mo okay kayo dahil mabait siya sa 'yo pero para sa kanya, wala lang naman
pala 'yun.
Sa utak mo lang pala mayroong kayo.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Kath, biglang tumunog iyong tyan ko.
Sa sobrang lakas, napatingin silang lahat sa akin. Nakakahiya!
"Oh, gutom na pala ang bride! Tara na sa reception!" masayang sabi ni Kuya Jackson.
Basta talaga pagkain, game na game siya. 'Dun lang siya nagiging active pero sa
ibang bagay, observer lang siya.
Dalawang sasakyan lang ang dadalhin namin dahil after nito, babalik din naman kami
sa school. Hindi ko rin alam kung paano ni napilit ni Saint si Kuya na sa kanyang
sasakyan ako sasakay... Minsan kasi kapag nag-uusap si Saint at Kuya, hindi na ako
nakikinig dahil masakit sa tenga kapag nag-aaway.
Sa front seat si Kuya at nasa backseat ako. Hindi ito 'yung dating sasakyan ni
Saint pero pareho naman na makalat. Kinalma ko iyong sarili ko dahil may mga nakita
akong bottled water na nagkalat sa sahig ng sasakyan. Ilang beses akong huminga ng
malalim para pigilan ang sarili ko na isa-isang kuhanin iyong mga kalat.
"Where to?" Saint asked.
"Saan ba pinakamahal na malapit," sabi ni Kuya habang nagsesearch siya sa phone
niya ng mga restaurant.
Napailing na lang ako. Limang minuto na ang nakakalipas at hindi pa rin
nakakapagdecide si Kuya. Mukhang may ginto yata ang gusto niyang kainin dahil sa
dami ng resto na malapit sa school, wala pa rin siyang mapili.
Huminto si Saint sa isang gas station at saka bumaba. Si Kuya, nagsesearch pa rin
sa phone niya. Ka-text ko si Kath at sinasabi niya sa akin na nababaliw na raw siya
at malapit niya ng sakalin si Kuya Benj. Sinasabi daw kasi ni Kuya Benj na ihuhulog
siya sa gitna ng highway. Paano ba naman na hindi magagalit sa kanya e sinipa niya
kanina? Sinabi ko na lang na nandun naman si Ate Jasmine pero busy daw sa PDA si
Ate Jas at Kuya Jackson kaya stuck siya kay Kuya Benj.
Napatingin ako sa gilid dahil may kumatok. Ibababa ko sana iyong bintana pero
sinenyasan ako ni Saint na bumaba. Mukha namang masyadong naka-focus si Kuya sa
pagsesearch kaya hindi niya napansin.
"Kuya, CR lang ako..." paalam ko and he just said yes without even looking at me.
Bumaba ako sa sasakyan.
"Bakit?" I asked Saint.
"Preston's taking too long," he said. Naglakad siya at nakasunod lang ako. Hindi ko
sure kung saan kami pupunta. Huminto kami sa SUBWAY. Binuksan ni Saint iyong pinto
at pinapasok ako.
"What do you want?" he asked me.
"Paano si Kuya?"
"We'll feed him later. Gutom ka na, right?" he asked and I nodded. He smiled. "I
don't want to start off our married life by starving my wife."
Bigla naman akong namula sa sinabi niya pero siya, tinatawanan lang ako. Hindi ko
alam kung ano ang mararamdaman ko dahil mukhang sanay na sanay si Saint na magsabi
ng mga ganitong bagay... Para tuloy wala ng special kasi alam mo na ginagawa niya
rin naman sa ibang tao.
Umorder kami ng sandwich at nagsimula ng kumain. Hindi ko dala iyong cellphone ko
pero sigurado ako na hinahanap na ako ni Kuya. Binilisan ko na 'yung pagkain ko
kaya baka nag-aalala na siya.
"Tara na," Saint said kahit hindi pa siya tapos kumain.
"Hindi ka pa tapos," sabi ko sabay turo sa half-eaten sandwich niya.
"Mukha kasing nagmamadali ka," he replied. Napalabi naman ako dahil totoo 'yun.
Kasi naghihintay si Kuya sa amin at ayoko na nag-aalala siya sa akin. Kahit naman
sobrang protective ni Kuya, alam ko na worried lang siya sa akin palagi.
"Pero sayang 'yung food..." I whispered. Alam ko na hindi naman mabubusog iyong mga
bata sa Africa kapag inubos niya ang pagkain niya pero sayang kasi. Hindi naman
lahat ng tao nabibigyan ng chance na makakain three times a day kaya dapat lagi
akong thankful.
Kinuha ni Saint iyong sandwich.
"I'll eat it later. Okay ka na?" he asked me and I nodded while smiling. Napangiti
na rin siya. "God, you're too easy to please."
Bago kami umalis, humingi muna ako ng paper bag para doon ilalagay ni Saint iyong
sandwich niya. Pero umorder na rin ako ng sandwich at water para kay Kuya kasi baka
gutom na rin 'yun.
"Tara na," aya ko.
"Wait," he said bago pa man ako makapaglakad.
"Bakit?" I asked.
"Let's take a picture to commemorate this day."
Dahil wala namang masama, pumayag na ako. Binigay ni Saint iyong phone niya sa
attendant at nagpapicture kami. Ngumiti ako tapos tinignan namin iyong picture.
"Ang tangkad mo," sabi ko kasi hanggang balikat niya lang ako sa picture. Mukha
tuloy akong midget... "Wag na 'yan."
"What? We look cute."
"Ang liit ko."
"If we take another picture, tatangkad ka ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Pareho sila ni Kuya na tinutukso ako sa height ko. 5'7
naman ako. Matangkad na ako sa average na mga babae pero ang tatangkad kasi talaga
ng mga lalaki sa paligid ko kaya mukha akong midget kapag katabi ko sila.
Tinawanan niya ako.
"Fine, let's take another pic," he said. "But seriously, your height's fine." He
stretched his arm tapos binagsak niya sa balikat ko. "See? Effortless."
Nagselfie na lang kami ni Saint kahit against siya sa selfie. Hindi ko alam kung
bakit pero pumayag na rin siya. 'Dun lang kasi hindi sobrang obvious nung height
difference. After nun, bumalik na kami sa sasakyan at nandun si Kuya, naka-kunot na
naman ang noo.
"Sandwich?" nakangiti kong tanong sa kanya at saka inabot ang sandwich para hindi
na siya magalit. Hindi naman ako natiis ni Kuya kaya tinanggap na lang niya iyong
sandwich at saka pumasok na sa sasakyan.
Napabuntong hininga ako ng malakas. Akala ko talaga!
"So cute," sabi ni Saint bago siya pumunta sa driver's seat.
Iyong phone ko, tadtad na ng texts at missed calls ni Kath. Puro texts iyon na
nagtatanong kung saan kami pupunta at reklamo na rin dahil iniinis pa rin siya ni
Kuya Benj.
Sinabi na ni Kuya kung saan kami pupunta. Habang papunta kami 'dun, napansin ko na
may nakasunod na sasakyan.
"May nakasunod ba sa 'tin?" I asked. Kanina pa kasi mula sa school ko nakikita
iyong black na Forester. Pasimple ko ring kinuha iyong bottled water sa floor ng
sasakyan ni Saint at ipinasok sa bag ko. Itatapon ko mamaya.
Tumingin si Saint at Kuya sa side mirror.
"Feeling naman nila may magtatangka kumidnap sa 'yo," sabi ni Kuya kay Saint.
"It's protocol," sabi ni Saint.
"Sus. Arte. Uwi ka na nga sa bansa niyo," sagot ni Kuya.
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Anak ba ng presidente si Saint? Pero
iba naman ang last name ng president namin at Gomez de Liaño ang apelido niya...
Anak sa labas?
Busy ako sa pag-iisip kaya hindi ko napansin na nasa L'Aubergine na pala kami.
Nagpark na si Saint at napansin ko rin na nagpark sa malapit sa amin iyong
nakasunod na sasakyan. Mukhang hindi naman bothered si Saint.
Nauna na si Kuya sa loob dahil kanina pa raw nandun sila Kuya Jackson at gutom na
raw siya.
"Sino sila?" I asked Saint.
"Security detail," he responded.
"Bakit ka may ganon?" I asked again. Sobrang yaman ba niya talaga? Hindi naman ako
interesado kung gaano siya kayaman pero weird lang na mayroon siyang security
detail. Baka anak nga siya sa labas ng presidente.
"My dad's the Spanish consul here."
"Diplomat ka?" nagulat na tanong ko.
He nodded tapos inaya na niya ako sa loob. Parang ayaw niya magkwento masyado
tungkol doon kaya hindi ko na siya tinanong pa. Ang cool naman. So kahit ano pala
ang gawin niya, hindi siya makukulong... Unlike sa Kuya ko na may criminal record
na.
Bago ako sumunod sa kanya, sinabi ko na mauna na muna siya. Naghanap muna ako ng
basurahan at tinapon doon iyong mga plastic bottles.
Kumpleto na sila sa table nung dumating ako. Si Kuya Jackson, nagsimula ng umorder.
Si Ate Jas, nagwave sa akin. Si Kuya Benj mukhang iniinis si Kath at mukhang paiyak
na sa sobrang inis si Kath.
Habang kumakain kami, nagtanong si Kuya Jackson.
"Libre mo 'to, ha?"
Saint nodded.
"Good. Grounded pa rin 'yung cards ko, e," masayang sabi niya bago nagresume sa
pamimili ng kakainin. Napailing ako.
"Hati na lang tayo," sabi ko kay Saint. Unfair naman kasi na siya ang magbabayad
nitong lahat.
"It's fine," he replied.
"Pero-"
"What kind of a husband am I if I can't provide for my wife?"
"Pero hindi naman talaga tayo-"
"Tss. Don't destroy the dream, Mary."
Habang naghihintay, nagkwentuhan muna sila. Tahimik lang akong nakikinig dahil nag-
eenjoy ako na kasama sila. Ewan ko ba pero kahit ganito lang, ang saya-saya ko na.
Parang kung ganito lang araw-araw, wala na akong mahihiling pa.
Maya-maya, dumating na iyong pagkain namin. Nagrequest ako na magpapicture muna
kami dahil gusto kong maalala iyong araw na 'to kasi ang saya ko talaga ngayon.
Nagsimula na kaming kumain nung magsalita si Kuya Jackson.
"Sayang wala si Parker nga-aray!" sabi niya tapos tinignan si Ate Jas. "Bakit mo
naman ako sinipa?"
Nilagyan siya ni Ate Jas ng salad sa bibig.
"Kumain ka na lang. Don't say bad words," sabi niya tapos humarap sa akin and
mouthed 'sorry.' I smiled at her.
This day was far too good na kahit nabanggit si Parker, ewan ko ba pero hindi ako
nalungkot... Siguro dahil masaya ako na kasama ang mga kaibigan ko kaya nababawasan
na iyong lungkot na dinudulot niya sa akin.
Sana masaya siya... kahit na ilang beses niya na akong nasasaktan, gusto ko na
sumaya siya. Siguro kasi natatanggap ko na na hindi talaga... Kagaya ng palagi
niyang sinasabi sa akin na hindi talaga...
At gusto ko rin na sumaya ako.
Deserve naman naming dalawa. Na sumaya. Hindi nga lang kami ang magkasama.
Natapos iyong pagkain namin ng mga bandang alas-singko na. Nagsabi si Saint na
hindi niya na ako mahahatid sa school pabalik kasi may pupuntahan pa siya.
"See you around?" Saint told me. Nakasakay na sina Kuya sa sasakyan ni Kuya
Jackson. Nagpaiwan lang ako sandali para magpaalam kay Saint.
I nodded and smiled.
"See you sa Monday."
He smiled at me. Hindi ko alam pero biglang naging awkward. Magwewave na ba ako o
tatalikod? Hindi ko alam ang gagawin pero alam ko dapat umalis na ako.
"See you," ulit ko.
"See you," sabi niya naman.
Ano ba 'yan! Bakit biglang ang hirap magbabye?
"See you talaga," sabi ko tapos natawa si Saint tapos ginulo ang buhok ko.
"I promise you'll definitely see more of me," he said. Bigla namang naghonk iyong
sasakyan ni Kuya Jackson-sign na pumunta na ako roon. "Go," Saint said. "I'll see
you on Monday, right?"
I nodded for the last time before I waved and then briskly walked towards the car.
"Ang tagal niyo naman magpaalam," Kuya snorted.
"Try mo mag girlfriend para hindi ka na epal, Kuya," sabi ni Kath.
"Kanina ka pa, ha. Nalalasahan ko pa rin iyong kamay mo sa bibig ko. Ang alat!"
"Ang kapal ng face mo! Excuse me, I put lotion everyday and I get scrubbed twice a
month!"
"Madumi lang talaga 'yung balat mo," sabi ni Kuya tapos nag-away na sila ni Kath.
Mabuti na lang nasa likuran silang dalawa.
Habang nagdadrive sila pabalik sa school, nagmessage si Saint sa akin. First time
'to, ah! Usually kasi post sa wall ang ginagawa niya.
Saint Iverson Gomez de Liaño: hey
Mary Imogen Suarez: hey :)
Saint Iverson Gomez de Liaño: sorry again. Really had to leave
Mary Imogen Suarez: okay lang. Thank you sa libre. Next time ako na magbabayad
Saint Iverson Gomez de Liaño: so there's a next time...
Hala! Baka isipin niya assuming ako masyado!
Saint Iverson Gomez de Liaño: why seenzone?
Mary Imogen Suarez: baka kasi isipin mo assuming ako...
Saint Iverson Gomez de Liaño: i'm giving you the permission to assume
Nakangiti lang ako buong pag-uusap namin ni Saint. Ni hindi ko na napansin iyong
pag-aaway nila Kuya at Kath at hindi ko rin napansin na nasa school na pala ulit
kami.
Nagstay lang kami paikot-ikot sa mga booths at umuwi na rin. Nasa dining area na
kami pero hinihintay pa namin na bumaba sina Riley at Finley mula sa kwarto nila.
Habang naghihintay, nagbrowse muna ako sa facebook.
Bigla kong naibuga iyong iniinom kong tubig dahil sa nakita ko.
Wedding reception ang caption nung picture tapos nakalagay iyong picture na
kinuhanan kanina sa resto na pinapasa sa akin ni Saint... pero inedit niya iyong
picture. May nakatakip na bibe sa mukha nila Kuya, Kuya Benj, at Kuya Jackson.

Kabanata 12

#JustTheStrings

Kabanata 12
Mabuti na lang hindi friends sina Saint at Kuya sa facebook kung hindi panigurado
panibagong dahilan na naman iyon para hindi sila tumigil sa pag-aaway sa harapan
ko.
Mabilis lang lumipas ang weekend dahil naging busy kami sa pag-aayos ng mga detalye
para sa debut. Medyo nahihirapan maghanap ng venue dahil ang gusto ni Mama, masunod
lahat ng gusto ko-down to the very last detail. Napilitan tuloy iyong event
organizer na basahin iyong libro dahil sabi ni Mama, dapat daw perfect ang debut ng
nag-iisa niyang anak na babae.
Ngayon, nasa receiving area kami at sinusukatan para sa mga isusuot ko sa debut.
Sketch pa lang iyong pinakita sa akin pero excited na ako. Iyong mga sinuot kasi ni
Hermione sa movie iyong gagayahin.
Pati sila Kuya nandito kasi magpapagawa na sila ng wizard costume. Sobrang excited
na ako kahit next month pa naman iyong debut.
"Finley, 'wag malikot," sabi ni Mama kay Finley dahil kanina pa siya nagwawala
dahil ayaw niyang magpahawak.
"But she's touching me, Mama!" sigaw ni Finley. Medyo napangiti ako kasi ang cute
niya kahit ayaw niya talagang nagpapahawak sa mga hindi niya kilala. Natanggal na
iyong dalawang front teeth niya kasi kain ng kain ng ice cream. Si Kuya din kasi
binibigyan palagi...
"Baby, sinusukatan ka niya for your costume para sa debut ni Ate," paliwanag ni
Mama kay Finley tapos tinignan ako ni Finley.
"Do you really need this, Ate?" he asked me and when I nodded, he sighed. "Fine.
Hindi na ako maglilikot," sabi niya tapos tahimik na siya habang kinukuhanan siya
ng sukat. Ang cute-cute talaga ng kapatid ko.
Halos isang oras lang kaming sinukatan pero parang ang tagal kasi ang daming tanong
sa akin nung designer. Mabuti na lang yakap-yakap ko si Riley kaya medyo hindi ako
na-bored.
"Kuya, 'wag mo na bigyan ng chocolates si Riley."
"Bakit? Favorite niya 'yun," sabi ni Kuya.
"Tignan mo, wala na siyang leeg," sagot ko kasi ang taba na ni Riley. Ang sarap
niyang yakapin pero worried lang ako sa health ng kapatid ko.
"May leeg 'yan, nagtatago lang."
Napailing na lang ako. Ang kulit talaga ni Kuya. Maaga akong natulog dahil excited
na ako bukas. This was the first time that I had looked forward to going to school.
Parang bigla, ang saya ng pumasok.
Balik na sa training si Kuya kaya si Manong na ulit ang naghahatid sa akin.
Pagdating ko sa room, nandun na agad sina Liza at Kath.
"Good morning!" I greeted them.
"Someone's in a really good mood," sabi ni Liza.
"Oh, my gosh! Sino ba naman ang hindi?!" sabi ni Kath tapos hinampas ako. Ang
sakit. "Have you seen his post sa fb?!"
Kinagat ko iyong ibabang labi ko pero tumango ako. Tumili na naman si Kath. Mabuti
na lang at maaga pa kaya wala pang masyadong tao sa classroom... Nakakahiya naman
kasi ang ingay ni Kath.
"What post?" naguguluhan na tanong ni Liza.
"Nako, Hopie! You were missing in action kasi last Friday kaya hindi ka nakasama sa
wedding reception ni Imo and GDL!" paliwanag ni Kath.
Liza looked at me and nanlalaki iyong mata niya.
"You got married?!"
"Hindi naman totoo... Sa wedding booth lang," I replied.
Hinatak ni Kath iyong kamay ko tapos tinapat sa mukha ko. "Hindi totoo but you're
still wearing the ring! Talaga lang, ha, Maria!"
Kinuha naman ni Liza iyong kamay ko tapos tinignan. She looked at me and then
frowned. "You didn't invite me..." sabi niya at nagtatampo talaga siya. Kaya naman
naubos ang free time namin na nagsosorry ako sa kanya kasi hindi ko siya na-invite.
Hindi naman totoong kasal at wedding reception iyon pero nagtatampo talaga si Liza.
Kasi we pinky promised na kami ang maid of honor ng bawat isa kapag kinasal kami.
And we took our pinky promises seriously.
After our 3rd class, dumiretso na kami sa cafeteria dahil gutom na kami. Nilibre
namin si Liza ng food para kahit papaano, hindi na siya magtampo sa amin. I
promised her na sa susunod na ikasal ako, siya ang una kong bibigyan ng invitation.
That seemed to make up for it.
"Sobrang feels talaga ng pic na 'to," sabi ni Kath while looking at the reception
picture.
"Friends kayo ni Saint sa fb?"
She nodded.
"Akala ko full na 'yung friend list mo?" I asked her. Marami kasi siyang friends sa
facebook... Kahit hindi niya kilala, inaaccept niya kasi gift niya na raw sa mga
tao na iyon na makita nila sa newsfeed nila iyong mga selfies niya.
"Fyi, as of today, 4,999 na lang iyong friends ko. I unfriended Benj and 'yung Kuya
mo kasi bwisit sila. GDL took Benj's spot and I'm still waiting for Psalm to add
me."
Weird ni Kath... dati sabi niya crush niya si Kuya Benj tapos ngayon naman ayaw
niya na bigla.
"Inadd mo si Saint?" I asked. Kasi nung huli kaming magkakasama, sinusungitan niya
si Saint.
"Yeah. 'Wag ka magselos, okay? I just added him kasi magpapalakad ako sa Kuya
niya."
Napailing na lang kami ni Liza. Grabe talaga iyong pagka-crush niya sa Kuya ni
Saint... Inubos ko na lang iyong pagkain ko. Last class na tapos uuwi na ako. Akala
ko pa naman...
"Are you looking for someone?" asked Liza.
"Ha? Wala."
"Sure? Kasi you kept on looking at the door. Tapos you look sad."
"Si Saint oh!" sigaw ni Kath tapos napatingin ako agad. Wala naman siya. "See?
She's just missing Saint, that's why," sabi ni Kath kay Liza.
Tinukso lang ako ni Kath at hindi niya ako tinigilan hanggang hindi ko sinasabi na
miss ko si Saint... Sobrang kulit niya and minsan borderline nakakainis kaya
sumunod na lang ako sa gusto niya.
"Fine. I miss him. Happy now?"
She beamed.
"And speaking of missing Saint, kaya hindi mo siya nakikita here sa campus kasi may
game sila sa Brent. Let's watch, please!"
Umiling ako.
"May class tayo."
"Let's cut!" sabi ni Kath. "Please, please?"
Umiling ulit ako. Simula Kinder ako, hindi pa ako nagcucut ng klase at ayokong
simulan ngayong college na ako... Kahit medyo tempting na magcut ng klase, I must
resist.
Pumunta na kami sa klase at si Kath, kanina pa nagsasalita mag-isa.
"Nandun 'yung GDL brothers, naglalaro ng basketball and probably they're sweaty and
nagfeflex na 'yung biceps nila... while here I am, stuck inside this hellhole. Why,
life, why?" sabi niya habang kinakausap ang sarili niya. Hindi na lang namin siya
pinansin ni Liza.
Twenty minutes later, wala pa ring professor na dumadating.
"Free cut pa yata tayo!" Kath said.
"May 10 minutes pa," I reminded her.
"Fine! But if free cut, can we please go and watch their game?"
I nodded.
"Thanks! You're the best!"
As it turned out, wala nga iyong professor namin. Tumayo na kami at nung naglalakad
na kami papunta sa parking lot dahil nandun iyong car ni Kath, of course dadaan
kami sa field.
"Imo!" sigaw ni Kuya.
"Lakad ng mabilis!" sabi ni Kath at nagpapanic na siya.
"Imo!" sigaw ulit ni Kuya.
"Ruuuun!" sigaw ni Kath tapos tumakbo siya mag-isa. Naiwan kami ni Liza dahil hindi
namin alam ang problema niya kung bakit kailangan naming tumakbo.
Nakatingin kami kay Kath na dire-diretso ang takbo.
"Problema nun? Nababaliw na naman kaibigan mo," sabi ni Kuya. I shrugged dahil
hindi ko rin alam. "Saan kayo pupunta?"
Hindi agad ako nakasagot dahil alam ko hindi ako papayagan ni Kuya... At hindi daw
talaga ako magaling magsinungaling dahil transparent iyong mukha ko. Kaya naman
kahit wala akong sinabi, parang alam na ni Kuya kung ano ang gagawin namin.
"Manonood kayo ng game ni GDL?" he asked.
I slowly nodded.
"Bakit mo alam?" I asked.

"Start ng season ngayon," he explained pero mukhang hindi pa rin niya ako
papayagan...

"Kuya, please paya-"


Pero hindi ako natapos sa sasabihin ko. "Okay," sabi niya.
Ilang beses akong kumurap dahil hindi ko maintindihan. Nasa alternate universe ba
ako? Bakit pumayag si Kuya? Ano'ng meron?
"T-talaga?" I asked again, just to make sure dahil hindi ako makapaniwala. He hated
Saint's guts tapos biglang okay lang ang isasagot niya sa akin?
He nodded.
"Pero sasama ako," he said.
It was a good bargain kaya pumayag na ako. At saka baka ito na rin ang way para
maging okay sila ni Saint kasi masakit talaga sa tenga kapag nag-aaway sila sa
harapan ko.
Mamaya pa ang start ng training nila kaya sumama din sila Kuya Benj, Kuya Jackson,
at pati si Parker sa amin. Gusto ko ngang tanungin kung bakit sasama si Parker pero
ayoko siyang kausapin kaya pinabayaan ko na lang. Pwede ko namang ma-survive ang
araw na 'to na hindi siya kinakausap kahit magkasama kami, e...
Doon kami sa sasakyan ni Kuya Jackson dahil doon lang naman kami kasya. Hindi ko
alam kung bakit ako napunta sa tabi ni Parker. Ayoko sana na maupo sa tabi niya
pero baka naman sabihin niya ginagawa kong big deal lahat at ang arte ko kapag
nagrequest ako na makipagpalit pa ng upuan...
I had to learn to live with him around me because he's not going anywhere. Kaya
kailangan kong matutunan na mabuhay na nandyan siya ng hindi ako nasasaktan.
Tanggap ko na 'yun.
Pagdating namin sa Brent, dumiretso na kami sa gym. Start pala ng season kaya
maraming tao talaga. Pero mabuti na lang may pwesto pa sa side ng St. Claire's kaya
doon kami pumwesto.
"Bili lang ako ng pagkain," sabi ni Kuya Jackson. Hindi na namin sila pinansin
lahat dahil sanay na kami na priority niya palagi ang pagkain.
Tahimik akong nanonood ng game. Ang seryoso ni Saint. Hindi ko akalain na seryoso
pala siya kapag naglalaro. He looked really serious pero ang cute niya kapag
nakaka-3 points siya kasi may ginagawa siya na hindi ko maintindihan.
Sila Kuya, mukhang bored... Si Kuya Benj nga nagffacebook na, e. Si Parker... ewan.
Hindi ko siya tinitignan kasi katabi ko siya. Bakit kasi sumama pa sila dito?
"Wow, ha. Ikaw pa talaga nag-unfriend sa akin," sabi ni Kuya Benj kay Kath.
"Hindi, ah," pagdedeny ni Kath. "Baka may problema lang fb mo."
"Sige nga, patignan sa account mo kung friends pa rin tayo."
Dahil ginagamit ni Kath iyong phone niya para kuhanan ng picture si GDL # 1, madali
iyong nakuha ni Kuya Benj. Hindi ko lang alam kung bakit big deal kay Kuya kung
inunfriend siya ni Kath... May crush ba siya kay Kath?
Agad binuksan ni Kuya Benj iyong fb ni Kath pero bago pa man siya makapunta sa
account niya, may nakita siya sa newsfeed.
"Gago talaga 'to, ah," sabi niya tapos inabot kay Kuya iyong cellphone ni Kath.
Nanlaki iyong mata ko nung makita ko na iyon 'yung picture nung wedding reception.
Nakatitig si Kuya sa picture at mukhang na-badtrip na naman siya kay Saint... iyong
kanina na pag-asa ko na maging okay na sila, nawala ng bigla.
Kaya nung maka shoot iyong kalaban nila Saint, todo cheer sina Kuya.
"Wooo! Go, Brent! Lampasuhin niyo 'yang St. Claire's!" cheer ni Kuya Benj.
"School natin 'yun!" sabi ni Kath.
"Wala kong pake," sagot naman ni Kuya Benj.
"I-foul niyo 'yung number 9!" sigaw naman ni Kuya.
Dahil sa ginagawa nila, napatingin sa amin iyong mga players. At nung makita ni
Saint sila Kuya, binigyan siya ng middle finger ni Kuya at Kuya Benj. Napailing na
lang ako at tinakpan ang mukha ko dahil nahihiya ako.
Hanggang sa makabalik na si Kuya Jackson na mayroong dala na popcorn at drinks,
hindi pa rin tumitigil sila Kuya. Mukha namang walang balak sumali si Kuya Jackson
sa heckling na nagaganap.
"Ref, bantayan niyo 'yung number 9! Madumi 'yan maglaro!" sigaw ni Kuya tapos
tinuro si Saint. E wala namang ginagawa na mali si Saint.
Bakit ba sila sumama dito?
Natapos iyong 3rd quarter na binoboo nila ang sarili naming team kapag nakaka-score
sila. Lumabas muna ako para bumili ng inumin dahil inuuhaw ako sa mga ginagawa nila
Kuya.
Naghahanap ako ng vending machine nung harangin ako ni Parker. Napaatras pa ako
dahil sa gulat.
Akala ko may sasabihin siya pero nagulat ako nung hawakan niya iyong kamay ko.
Nakatitig siya ng mabuti doon sa singsing na suot ko.
"Tss," sabi niya.
Dahan-dahan kong binawi iyong kamay ko. I looked at him and smiled. "Congrats,"
sabi ko sa kanya. "Kinasal pala kayo ni Cindy nung Friday."
Nakatitig siya sa akin. Hindi ko mabasa iyong mukha niya. Hindi ko alam kung ano
ang gagawin ko pero alam ko na kailangan kong sabihin 'to kung gusto ko na maging
magkaibigan pa rin kami.
"She seems nice," kumento ko.
"She's nice."
"Oh." Ngumiti ako. "Good for you."
Gusto ko ng talikuran siya dahil hindi ko alam kung saan papunta itong usapan
namin. Pero para akong naitulos sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makaalis doon.
"Can I ask you something?"
Tumango ako.
"Do you like him?"
"Sino?"
Nakatitig siya sa akin at dahil doon, nagsisimula na namang kumabog ng malakas
iyong dibdib ko.
"Saint. Do you like him?"
Hindi agad ako nakasagot.
"Does it matter?"
Hindi siya nakasagot.
"I just wish you happiness. You deserve it," sabi niya at saka iniwan ako. Hindi ko
talaga siya maintindihan. Hindi ko siya maintindihan at kung ano ang gusto niyang
mangyari...
Bumalik ako sa gym at nagsisimula na iyong 4th quarter.
"Kuya, stop heckling," pakiusap ko kina Kuya.
"Pagkatapos niya kaming gawing bibe? Asa siya," sabi ni Kuya. "Ayan, i-foul niyo
ulit si number 9!" sigaw na naman niya.
Tuwi talagang nakaka-shoot iyong kalaban, nagchicheer sila at kapag team naman nila
Saint, nagboboo sila. Kapag hindi pumapasok sa ring iyong bola ni Saint,
nagtatawanan sila Kuya.
Tumayo si Kath.
"Saan ka pupunta?"
"Malayo sa mga baliw na 'to. Nakakahiya sila kasama!" sabi niya. Sumama ako kay
Kath at bumaba kami palayo kina Kuya. Si Liza, naiwan dahil kumakain din siya ng
popcorn ni Kuya Jackson. Si Kuya Jackson ang hindi sumasali sa pang-aasar dahil
okay siya kay Saint dahil lagi niya kaming nililibre ng pagkain.
Hanggang sa kinatatayuan namin, rinig na rinig pa rin namin iyong pang-aasar nila
sa team nila Saint.
Last 1 minute na at tie pa rin ang score nila. Hindi ko akalain na nakakakaba pala
ang game. Hindi kasi ako athletic talaga. Napapagod din ako sa ginagawa ni Saint na
pagtakbo pabalik-balik.
"Go, Psalm!" sigaw ni Kath. "Go, number 16!"
Sa sobrang lakas ng sigaw ni Kath, napatingin sa amin si Psalm tapos ngumiti siya.
Para namang hihimatayin si Kath. Napatingin din sa side namin si Saint at biglang
nagulat siya nung nakita niya ako.
I smiled and mouthed him good luck. Bigla tuloy naagaw iyong bola sa kanya.
"Hahaha! Bano!" sigaw nila Kuya sa likod. Nakakainis na talaga sila. Naagaw naman
agad ni Saint pabalik iyong bola, nawala lang siya sa focus kanina tapos jinujudge
na agad nila Kuya...
Huminga ako ng malalim at itinago ang hiya ko.
"Go, Saint!"
Napatingin sa akin si Kath at nanlaki ang mata niya. At natigil din iyong ginagawa
nila Kuya sa likod. Pati si Saint napatingin sa akin. I smiled.
"Go, Saint!" sigaw ko ulit. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. First time ko sumigaw
ng ganito kalakas... Nakakakaba pero ang saya sa pakiramdam. He shot the ball at
pumasok iyon sa ring. Tumawa siya tapos nagpakita siya ng heart sign gamit iyong
dalawang kamay niya. Binatukan siya ng Kuya niya. He winked at me bago siya tumakbo
at hinabol iyong bola.

Kabanata 13

#JustTheStrings
Kabanata 13
Nanalo sa laban sila Saint. Kahit na ilang beses silang binoo ni Kuya, nanalo pa
rin sila. Ewan ko pero sobrang proud ako kahit hindi naman ako iyong naglaro.
Pumalakpak pa nga ako nung nanalo sila, e.
"Sus. Kapag kami ang nananalo sa soccer, hindi ka naman pumapalakpak," nagtatampo
na sabi ni Kuya.
"Oo nga. Ang unfair mo, princess," sabi naman ni Kuya Benj. "Magcheer ka naman sa
amin. Nakakasakit ka na ng damdamin..."
Hala. Nagtatampo ba talaga sila dahil doon? Hindi ko naman kasi talaga maintindihan
iyong soccer kahit ano'ng gawin ko. Para lang silang nagtatakbuhan sa magkabilang
side ng field. At least sa basketball, medyo naiintindihan ko.
"Sorry," I replied. "Papalakpak na ako next time. Sorry po, Kuya and Kuya Benj."
Hindi pa ako tapos magpaliwanag pero hinatak na ako ni Kath.
"San kayo pupunta?" Kuya asked.
"We'll just congratulate our team na kanina niyo pa binabash," Kath sarcastically
said. Inirapan niya rin sila Kuya.
"Critic kami, hindi basher," sagot ni Kuya.
Binigyan siya ni Kath ng whatever sign sa kamay.
"Matalo sana kayo sa first game niyo," sabi ni Kath.
Nagtinginan pa si Kuya at Kuya Benj bago nagtawanan tapos nag-apir pa silang dalawa
na para bang isang napakalaking joke nung sinabi ni Kath... Pero simula nung
pumasok sila Kuya sa soccer team, never pa silang natalo.
"Hindi naman kami bano kagaya ng basketball team," sabi ni Kuya Benj tapos
nagtawanan na naman silang dalawa.
Sa sobrang inis ni Kath, napapapadyak na siya sa sahig. "Ugh! Nakakainis kayo!"
sabi niya bago ako tuluyang hinatak. Sinabi ko pa nga na naiwan namin si Liza pero
mukhang busy pa naman si Liza na kumain ng popcorn with Kuya Jackson kaya
pinabayaan na lang namin.
"Ang epal talaga ng Kuya mo!" sabi ni Kath habang naglalakad kami papunta sa
basketball team.
"Wag mo ng pansinin kasi..."
"E nakakainis kasi! He's so rude! Siguro ampon siya! You're nice naman, same as
Tito Shiloah and Tita Imogen. The twins are very endearing. Tapos iyong Kuya mo
sobrang epal!"
Nagsorry na lang ako in behalf of Kuya kahit na ako rin ay nainis sa ginawa nila
kanina... Hindi naman namin sila pinilit na sumama dito tapos ganoon pa ang gagawin
nila? Nakakahiya hindi lang sa mga ibang nanonood kung hindi sa mismong basketball
team...
Pagdating namin sa court, medyo pinagkakaguluhan ng ilang mga babae iyong
basketball team.
"Mamaya na lang..." sabi ko kay Kath. Ayoko namang sumingit sa kanila.
"Tara na!"
"Marami pang tao," I replied. "Tsaka busy pa sila."
Inirapan ako ni Kath tapos umiling pa siya. "If this was before, okay lang. But
you're his wife now. Duh! Kumbaga sa concert, VVIP tayo with meet and greet pass
pa!" sabi niya tapos hinila ako. Talagang may mga hinawi pa na babae si Kath para
makarating kami sa pwesto nung GDL brothers.
Syempre ang una naming nilapitan ay si Psalm.
"Congrats!" sabi ni Kath. Ang taas na naman ng energy niya.
"Thanks," sagot ni Psalm.
"Ang galing mong maglaro kanina..."
Hindi ko alam pero nahihiya ako para kay Kath kahit wala naman siyang ginagawa...
Masyado lang kasing obvious na crush niya si Psalm. Imposible na hindi mapansin ni
Psalm dahil obvious talaga.
"Sorry nga pala 'dun sa kanina. Promise, I tried my best to stop them!" sabi ni
Kath.
Natawa si Psalm.
"That's fine. I know Preston."
"I know, right? Sobrang hater niya!" sabi ni Kath. Pinagkanuno niya na agad sina
Kuya. Grabe.
Dahan-dahan ko silang iniwan dalawa para magkaroon naman ng alone time si Kath with
her crush. Hindi ko nga sigurado kung happy crush pa ba ni Kath si Psalm, e... Pero
kung saan siya masaya, doon ako.
Naglalakad na ako pabalik sa pwesto ni Liza nung may tumawag sa akin kaya napahinto
ako sa paglalakad.
"Mary!" masayang sabi ni Saint. May nagpapapicture sa kanya pero nung makita niya
ako, he excused himself. Nilapitan niya ako. "I was about to come find you," he
said. He was still smiling kahit na pawis siya.
"Congrats," I uttered. Ang galing niya talaga kanina. It was like I had seen this
other side of him.
"You watched," sabi niya. Tumango naman ako. Ngumiti ulit siya na akala mo hindi
siya pagod. Ako nga na nanood lang sa game nila, napagod. Mahigit isang oras kaya
siyang takbo ng takbo sa court. Tapos binoboo pa sila ni Kuya.
"Sinabi ko sa 'yo dati na manonood ako, 'di ba?"
He nodded.
"But still. Seeing you here feels surreal."
"Grabe naman 'yung surreal," sabi ko. Biglang napansin ko na nakatingin sa amin
iyong ibang teammates ni Saint. I bit my lower lip dahil nakakahiya. Ano ba ang
sasabihin ko? Hindi ko naman sila kilala lahat. Si Kath naman kasi, e! Sabi ng
mamaya na namin kausapin si Saint... Hindi naman ako nagmamadali.
I tried to smile pero sa tingin ko nagfail iyon. Hindi kasi ako sanay na tinitignan
ako dahil ang awkward sa pakiramdam... At hindi rin ako sanay kumausap ng mga
lalaki na hindi ko kilala.
"Congratulations po..." mahina kong sabi.
"Thanks," sabi nung lalaki. Mukha siyang seryoso. "Saint, we're heading home."
Tumango naman si Saint.
"Tell Mama I'll join you later," sagot ni Saint tapos umalis na iyong lalaki.
Kapatid niya siguro 'yun since Gomez de Lianño din iyong nakalagay sa likod ng
jersey niya... Si number 6. Pinuntahan si Psalm tapos mukhang nagpaalam na sila.
Ang lungkot tuloy ng mukha ni Kath dahil umalis na iyong crush niya.
"I'll just take a quick shower. Kain tayo after. Is that alright with you?" he
asked.
I nodded. He smiled and then jogged towards the locker area. Naupo muna ako sa mga
bleachers tapos maya-maya, sinundan na ako nina Kuya.
"Tara na," Kuya said.
"Una na kayo," I replied.
"Bakit?"
"Kakain pa kami."
Kumunot ang noo ni Kuya.
"Kasama mo si Saint?" he asked and I nodded. Ayoko namang magsinungaling kay Kuya
at isa pa, wala naman akong nakikitang masama kung kakain kami ni Saint. "Bakit ba
palagi kayong magkasama? Nililigawan ka ba niya?"
Nagbuntong-hininga ako at saka tinignan si Kuya ng seryoso.
"Hindi po," I replied dahil hindi naman ako nililigawan ni Saint. "Friends lang
kami, Kuya... At saka kung may problema kayo ni Saint, pwede po na 'wag niyo na
akong idamay?"
Hindi agad nakasagot si Kuya.
"Tsk. Ayan kasi, karma mo 'yan, bro," sabi ni Kuya Benj. Tinignan ako ni Kuya Benj.
"Ako na bahala sa Kuya mo. Enjoy sa date niyo, princess!" sabi ni Kuya Benj bago
niya hinatak palayo si Kuya.
Bigla akong nakonsensya... Alam ko naman sa sarili ko na tama iyong ginawa ko pero
ewan ko ba. Ayoko ng hindi kami okay ni Kuya. Parang ang bigat sa pakiramdam.
Sobrang nakakakonsensya...
Huminga ako ng malalim at saka naupo ulit sa bleacher. Kanina ko pa pinaglalaruan
iyong phone ko dahil parang gusto kong tawagan si Kuya para magsorry...
Baka kasi sumobra lang ako. Bakit kasi mas kinakampihan ko pa si Saint kaysa sa
Kuya ko?
"Haaay." Napatingin ako. Nandito na pala si Kath at Liza. "Sobrang saya ko today,"
sabi niya na may malaking ngiti sa mukha niya. Pinakita niya pa iyong phone niya.
"Tignan mo, may selfie na kami!" proud na proud na sabi niya at pinakita sa amin
iyong selfie nila ni Psalm.
"You're such a fangirl," sabi ni Liza.
Inirapan siya ni Kath.
"At least now, he knows that I exist," positive na sabi ni Kath.
"Kahit na... If you act like a fangirl, he'll treat you like a fangirl."
Natigilan si Kath. Siya kasi ang palaging nagsasabi sa amin na never act like a
fangirl kasi kapag ganun, itatrato ka bilang fangirl ng crush mo. Dapat laging act
normal and chill lang daw... Pero pagdating kay Psalm, parang biglang nakakalimutan
ni Kath lahat ng rules niya. Baka crush niya talaga?
"If I don't do anything, walang mangyayari."
"You're pretty. Mapapansin ka niya," Liza said.
"I know. But remember Mary? She's pretty, too, pero naagawan siya ni Cindy." Kath
looked at me. "No offense, ha, since you got Saint who's way better than Parker."
I smiled a little. That hurt. Konti.
"Bahala ka na nga..." iyon na lang ang nasabi ni Liza. Siguro na-realize niya rin
na wala naman siyang magagawa kung iyon ang gustong gawin ni Kath. Once she's set
on doing something, wala ng makakapigil sa kanya.
Pero napaisip ako. Tama ba siya? Kailangan ba na may gawin ka kung ayaw mo na
maagaw ang isang tao sa 'yo? Hindi ba kung gusto ka talaga niya, kahit sino pa ang
magtangka, hindi siya magpapaagaw?
Pero ano nga ba ang alam ko? Ilang taon akong naniwala na kami rin ni Parker ang
magkakatuluyan... tapos bigla akong nagulat na may Cindy na.
Maybe Kath was right. If you want it, do something... pero nakakahiya. Hindi ko
kayang gawin iyong mga ginagawa ni Kath. Iniisip ko pa lang, namumula na ako sa
sobrang hiya.
"Anyway, saan na 'yung epal na mga lalaki?" Kath asked tapos tumingin siya sa
paligid para hanapin sila Kuya.
"Umuwi na..." mahina kong sagot. Bigla na naman akong na-guilty.
"Buti naman!"
"Nasaan pala si Parker? Hindi ko siya nakita until after the game," asked Liza. Oo
nga, nasaan si Parker? Kanina after ko siyang makausap, hindi ko na siya ulit
makita hanggang matapos ang game.
"Baka umuwi na. Maybe he's jealous kasi may iba ng guy na nakaka-appreciate sa
taong tinake for granted niya for how many years," sabi ni Kath. Hindi na lang ako
nagsalita dahil ayoko ng pag-usapan si Parker. Masyado niya ng ginulo ang utak ko
at gusto ko na talagang mag move forward... at hindi ko magagawa iyon kung
iaanalyze ko bawat kilos niya.
"But wala tayong car pabalik sa school," sabi ni Liza. "And why are we still here?
Are we waiting for someone?"
Nakatingin silang dalawa sa akin.
"Kain daw tayo. Naligo lang siya."
Hindi na ako tinigilan sa tukso nila Kath. Sa akin na naman nabaling ang atensyon
nila. Kanina pa nila ako kinukulit kung ano ang score sa pagitan namin ni Saint e
wala naman talaga... Kahit ilang beses pa nila akong pilitin, wala silang makukuha
sa akin dahil wala naman talaga. We just hang together as friends... wala namang
kakaiba na nangyayari, e.
Mabuti na lang nagkaroon na sila ng ibang pinag-uusapan kaya nawala na naman sa
akin iyong topic.
Pinapakinggan ko lang sila sa pinag-uusapan nila nung makita ko si Saint na
naglalakad palapit sa pwesto namin. Pero bago pa siya makarating, may isang grupo
ng babae na humarang sa kanya. Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko iyong
sinabi nila Kath kanina...
'If I don't do anything, walang mangyayari.'
Magkaibang tao naman kami ni Kath...
Pero kakayanin mo ba ulit na maagawan?
Ano ba 'tong mga pumapasok sa isip ko? Nakakainis!
Hindi ko napansin na masyado na pala akong malalim sa iniisip ko kaya hindi ko
napansin na nasa harap ko na si Saint.
"Thinking about me?" he asked.
"H-ha?"
He smiled.
"Nothing. Tara, let's eat?" sabi niya ulit sa akin. Tumayo na ako tapos inaya ko na
sila Kath and Liza pero ayaw nilang sumama.
"Tara na kasi..." aya ko sa kanila.
"But ayaw naming maging third wheel," Kath replied.
"Hindi naman kami magdedate," sagot ko. "Tsaka hindi ako papayagan ni Kuya na
kaming dalawa lang ni Saint," bulong ko sa kanya pero feeling ko naman narinig din
ako ni Saint.
"Wala naman si Preston dito," Kath replied.
"Kahit na..."
Saint looked at Kath. "What do I need to do to make you join us?"
Kath smiled with sinister tapos she clapped her hands.
"Call your brothers! If they'll join us, maybe I'll change my mind and join you."
Napailing na lang si Saint. "You're unbelievable," sabi niya pero kinuha naman niya
iyong phone niya tapos tinawagan iyong mga kapatid niya. Nag-usap na naman sila in
Spanish.
"I wanna hear Psalm speak in Spanish. I bet he's really hot when he's speaking in
Spanish. Ano pa kaya ang alam niyang language?" Tapos nagdaydream na naman siya.
Pinabayaan na lang namin siya ni Liza since wala naman kaming magagaaw.
"Multa. Pero tengo que pedir un favor más tarde," sabi niya bago binaba iyong
tawag. Tinignan niya kami. "They're really unavailable right now," sabi niya na
kinasimangot ng mukha ni Kath. "Can we do compromise instead?"
Sandaling nag-isip si Kath tapos bigla na namang lumiwanag iyong mukha niya.
"Fine. Make him add me sa facebook!"
Kumunot ang noo ni Saint.
"Can't you just add him instead?"
"I want him to add me. At saka pala lagay mo ako sa close friends list niya para
una niya palaging makikita iyong selfies ko sa newsfeed niya," masayang sabi ni
Kath.
"Alright. But seriously, you're scaring me," sabi ni Saint sa kanya pero mukhang
wala namang pakielam si Kath kahit matakot sa kanya si Saint. Basta siya, masaya na
magiging friends na sila ni Psalm sa facebook.
After nun, pumunta lang kami sa mall para kumain. Si Saint na naman ang nagbayad
kahit ano'ng pilit ko na ako. Nakakahiya kasi na palagi na lang siya ang
nagbabayad. Nanood din kami ng movie at sila Kath at Liza ang namili kaya nauwi
kami sa romcom.
Nung nasa loob na kami ng cinema, ang pwesto namin ay si Liza, Kath, ako, and
Saint.
"Okay lang talaga? Baka ma-bore ka sa movie..." I worriedly asked him. Hindi naman
kasi siya iyong tipo ng lalaki na manonood ng ganitong movies...
"We get to share popcorn so I'm good," sabi niya. "Let's just watch the movie and
have fun."
Nagsimula na iyong movie tapos nandun na kami sa part na nalaman na nung guy na may
malalang sakit iyong babae kaya naiiyak na talaga ako. Hindi ako gumagalaw sa
kinauupuan ko dahil nahihiya ako kay Saint at ayoko na makita niya akong umiiyak.
Pinabayaan ko na lang na tahimik na tumulo iyong luha ko.
Kinapa ko iyong loob ng bag ko pero wala iyong panyo at wipes ko roon. Pero hindi
na ako makahinga dahil sa pigil na iyak ko at saka nanlalabo na talaga iyong mata
ko.
Tumayo ako at pumunta sa CR para kumuha ng tissue. Pero bago ko pa mabuksan iyong
pinto, naramdaman ko na may humawak sa braso ko.
Hindi ako agad nakagalaw nung punasan ni Saint iyong luha ko gamit ng panyo niya.
"Bakit ka umalis?" he asked habang pinupunasan pa rin niya iyong pisngi ko. He
looked so serious.
"K-kukuha sana ako ng t-tissue," sabi ko sa gitna ng hikbi.
"You could've borrowed my handkerchief," sabi niya tapos dampi na lang iyong
ginagawa niya.
"N-nakakahiya."
Natapos na siya sa pagpunas ng luha sa mukha ko. Itinago niya sa bulsa niya iyong
panyo and then he cupped my face. Sobrang hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman
ko... Mabuti na lang at medyo madilim dito sa loob ng cinema dahil panigurado na
sobrang pula na ng mukha ko.
He was caressing my cheek with his thumb and it felt so relaxing-too relaxing that
it was beginning to worry me.
Parang sobrang bilis.
"I don't mind wiping your tears... as long as it's not because of some guy."
Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya
na iyon.
"Alright, Mary?"
And I nodded... because that was the only thing my mind wanted to do.
Hindi na namin tinapos ni Saint iyong movie at lumabas na kaming dalawa. Nawalan na
rin ako ng gana na bumalik sa loob. Binili niya ako ng tubig at pinainom. Hinintay
na lang namin sina Kath sa labas ng cinema. Nakaupo lang kami sa bean bag at
nagkukwentuhan.
"Ano 'yung ginawa mo kanina?" I asked him.
"Ha?"
I raised both my arms at ginaya ko iyong ginawa niya kanina. "Iyong ganito," I said
tapos ginaya ko. Nakakunot iyong noo niya at hindi niya pa rin gets. "Iyong after
ng 3 points shots mo..."
Recognition shot across his face.
"Oh. The dab."
"Yun ba tawag 'dun?" sabi ko tapos ginawa ko ulit pero this time, tawa na ng tawa
si Saint sa akin.
"Hindi kasi ganyan," he said tapos hinawakan niya iyong braso ko tapos tinuruan
ako.
"Ganito?" I asked him and did it again.
He nodded tapos kinuha iyong phone niya.
"Do it again," sabi niya tapos nakatutok sa akin iyong phone niya.
"Ayoko. Ivivideo mo ako, e."
"Please?" he pleaded. "Do it again. Please?"
Pinilit niya ako ng pinilit hanggang sa pumayag na ako. Nagpapicture din kaming
dalawa na naka-dab pose. Naupo ulit kami sa bean bag. Ang tagal naman pala ng movie
na 'yun...
"I'll post this in facebook later. Can I tag you?" he asked me. Hindi agad ako
nakasagot. Para kasing bago sa pakiramdam... Nasanay lang siguro ako na nung kay
Parker, palaging only me iyong posts ko... Kasi hindi naman ako iyong girlfriend.
Palaging patago lang ako.
Pero iba na ngayon.
Iba naman si Saint.
Ibang-iba.
"If it's not okay, I just won't-"
I cut him off.
"Okay lang," I said with a smile.
Naubos iyong oras namin na nag-uusap kami. Magkaiba ang mga hilig namin ni Saint
pero pareho kaming mahilig magtravel kaya pinag-usapan na lang namin iyong mga
bansang napuntahan namin at mga gusto naming puntahan. Sobrang dami ng napuntahan
ni Saint kaya medyo nainggit ako. Aayain ko sila Papa na magtravel sa summer...
Minutes later, natapos na rin iyong movie. Hinatid ni Saint sila Kath and Liza sa
bahay nila.
"Iyong kay Psalm, ha!" paalala ni Kath bago bumaba.
"I know," reply ni Saint.
"Okay, bye! Ingatan mo si Imo!" sabi ni Kath bago pumasok sa gate nila.
Napailing na lang si Saint tapos nagdrive ulit.
"Kath's weird," he commented.
"Crush niya lang talaga Kuya mo," sagot ko.
"I know... but Psalm will freak out if he learned about her craziness," sabi niya
tapos nailing na lang siya. Nakarating na kami sa bahay tapos nagpasalamat ako kay
Saint dahil nag-enjoy naman talaga ako sa nangyari ngayong araw.
"Salamat."
"Did you enjoy?" he asked and I nodded. "I enjoyed, too."
Sinasabi ng utak ko na bumaba na ako dahil nakapagpasalamat na naman ako... pero
parang sirang plaka na tumutugtog sa isip ko iyong mga sinabi ni Kath kanina.
'If I don't do anything, walang mangyayari.'
Paano kung may bagong Cindy na dumating na naman? Paano kung dahil wala akong
ginawa, wala na namang mangyari? Pumasok din sa isip ko iyong mga babae kanina na
lumapit kay Saint...
'If I don't do anything, walang mangyayari.'
But I didn't want to have another Cindy in my life. So I closed my eyes, leaned in,
and kissed him on the cheek before I went out of his car and ran like a crazy lady.

Kabanata 14

Hi! Magpapagawa kami ng shirt for #TeamBanal. For those who are interested, kindly
join my fb group na Eydee's Stories (fb.com/groups/beeyotchreaders) or add sa
facebook si Eydee Aldea Sandoval (fb.com/eydee.sandoval)
Design's below. Thank you! =) And also may meet-up ako sa May 29, 2016 from 1-5pm
sa Chinese Garden near Luneta Park. Click going para masama kayo sa headcount ng
freebies! =) Here's the link: http://tinyurl.com/meetupbeeyotch
Thank you ulit =)

#JustTheStrings
Kabanata 14

Hingal na hingal ako pagdating ko sa bahay. Hindi kasi ako tumigil sa pagtakbo
hanggang makarating ako doon. Hindi rin ako lumingon sa likod ko dahil sa takot ko
na nakatingin sa akin si Saint. Baka kasi maiyak ako sa sobrang kaba.
God, I had never run this fast in my entire life! Ramdam na ramdam ko iyong mabilis
na tibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko.
Pagdating ko sa bahay, nagulat sa akin si Finley dahil hingal na hingal ako.
"Ate, are you okay?" he asked me.
I nodded.
"I'm okay, baby. Nasaan sila Papa?"
Tinuro niya iyong loob.
"We just finished eating kasi sabi mo raw kumain ka na," sabi niya pa. I nodded and
then patted his head. Pumasok na ako sa loob ng bahay pero hindi ko nakita sila
Mama. Baka nasa garden at umiinom sila ng tea ni Papa. Nakagawian na kasi nila na
uminom ng tsaa pagkatapos kumain. Kaya dumiretso na muna ako sa kwarto ko.
Pagdating ko sa loob, agad akong nahiga sa kama. Grabe. Sobrang lakas pa rin ng
tibok ng puso ko! Para akong sumali sa marathon dahil sa sobrang hingal ko. Ramdam
na ramdam ko rin iyong adrenaline rush. Ganito pala ang pakiramdam nun. Sobrang
nakaka-excite na hindi ko maipaliwanag... pero ang saya sa pakiramdam.
Nahiga ako ng ilang minuto bago ako nagdesisyon na tumayo at pumunta sa CR para
maglinis na ng katawan. Pumunta na ako sa CR at nagsisimula na akong maligo pero si
Saint pa rin ang nasa isip ko. Pilit kong hindi siya inisip dahil hindi tama na
siya ang nasa isip ko habang naliligo ako... Papagalitan ako ni Father kapag
nalaman niya na ganito ang nasa isip ko.
Pagkatapos nun, nagbihis na ako at nahiga sa kama. Sobrang malala na yata ako. 20
minutes na ang nakakalipas pero iyong epekto, parang kanina lang... Pumikit ako
tapos bigla kong naramdaman na nagvibrate iyong cellphone ko. Tinignan ko iyon at
nakita ko na may chat si Saint.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Hey, Mary...
Bubuksan ko ba?
Pero paano kapag tinanong niya ako kung bakit ko siya hinalikan? Wala naman yata
akong masasagot doon!
Hala, paano na 'to?
Ilang minuto rin na nakatingin lang ako sa cellphone ko at nag-iisip kung ano ang
gagawin ko. At sa tagal ng pag-iisip ko, nakarinig ako ng katok sa pintuan. Tumayo
ako at binuksan iyon. Nandun si Kuya.
"Baba ka na," sabi niya. Tumango ako. Nagsimula na akong maglakad nung bigla akong
tawagin ni Kuya. Huminto ako at saka tinignan siya. Gusto kong kausapin si Kuya
pero hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula... At saka puro iba pa rin iyong
nasa isip ko. Magsosorry naman ako pero baka bukas na lang.
"Imo," pagtawag niya sa akin.
"Po?"
Huminga siya nang malalim.
"I was a jerk. Sorry."
Kinagat ko iyong ibabang labi ko.
"Sorry din, Kuya... Hindi ko sinasadya na magtaas iyong boses kanina..."
"It was my fault. Pikon lang talaga ako," sabi niya tapos tumango ako dahil totoo
naman.
"Magiging okay na kayo ni Saint?" tanong ko sa kanya. Iyon lang naman kasi ang
gusto ko... Iyong maging ayos sila ni Saint dahil hindi magandang pakinggan kapag
palagi silang nag-aaway. Kaibigan ko si Saint tapos Kuya ko siya kaya hanggang
maaari, gusto ko na maayos sila... Hindi naman siguro mahirap gawin iyon.
"I'll try."
"Try lang, Kuya?"
Tumango siya.
"Syempre ano akala mo? BFF na agad kami? Labo," sagot niya. Napangiti naman ako. At
least okay na ulit kami ni Kuya... Ayoko rin kasi na lumipas iyong isang araw na
hindi kami ayos. Syempre pamilya kami kaya dapat palagi kaming magkasundo. At saka
ayaw ko na magset ng bad example kay Riley at Finley. "Saka inaagaw ka niya sa
akin, e," mahinang sabi ni Kuya.
Napalabi naman ako tapos niyakap ko siya.
"Kuya naman, e... Syempre kapatid mo pa rin ako."
Niyakap niya rin ako.
"Pero mas gwapo ako sa kanya?"
Tumango ako.
"Syempre naman. Kuya kita, e."
Bumaba kaming dalawa at nandun na sila Mama. Tuwi kasing 7pm, rosary time namin.
Araw-araw kaming sabay nagdadasal dahil sabi ni Papa, dapat thankful kami sa lahat
ng blessings na natatanggap namin. Lumuhod na ako sa kneeler at saka hinawakan
iyong rosary. Si Papa ang naglead ng prayer pero bago pa kami makapagsimula, may
katok kami na narinig.
"Sir," sabi ni Manang Lucia. Napatingin kaming lahat sa kanya. "E, Sir, may lalaki
po naghahanap po kay Ma'am Mary sa labas."
Nakakunot ang noo ni Mama.
"Si Parker?"
Umiling si Manang.
"Hindi po, e. Mas matangkad po kay Sir Parker."
Tinignan ako ni Mama tapos hindi ako makasagot. Sino ba iyon? Hindi naman pwede na
sila Kuya Benj dahil kilala naman nila Manang iyon dahil halos dito na nakatira
sila Kuya Benj lalo na kapag summer break...
"Puntahan mo muna, Preston," sabi ni Mama kay Kuya. Tumayo si Kuya at saka lumabas.
Si Mama, nakatingin pa rin sa akin na akala mo may ginawa akong kasalanan. Hala!
Impossible naman na nakita niya iyong ginawa ko kanina? Tinted naman iyong sasakyan
ni Saint! Pero kasi si Mama, grabe makatingin...
Inunahan ko na sila Mama dahil nagdadasal na ako sa loob-loob ko. Sigurado ako na
ipapadala ako ni Mama sa kumbento kapag nalaman niya iyong ginawa ko. Palagi niya
pa naman akong pinapangaralan na maging mabuting babae tapos ako pa iyong naunang
humalik kay Saint...
"Good evening po."
Napatigil ako sa pagdadasal ko nung marinig ko iyong boses ni Saint. Napatingin ako
sa pinanggalingan noon at tama nga ako. Nandun siya.
"Hey there, Mary," sabi niya sa akin. Nanlalaki pa rin iyong mata ko.
"You are?" tanong ni Mama sa kanya. Tumayo si Mama mula sa kneeler at saka lumapit
kay Saint.
"Saint Gomez de Liaño po," pakilala ni Saint.
"And you know my daughter how?"
Tinignan ako ni Saint tapos he winked at me. Sa harap pa talaga nila Mama! Wala
talagang pinipiling lugar ang pagkindat niya!
"We're friends."
Inakbayan siya bigla ni Kuya.
"He's Saint, Ma. Iyong sinasabi ko sa 'yo na friend ni Imo," sabi ni Kuya and
recognition shot through Mama's face. Biglang lalong nawala iyong ngiti niya. Oo
nga pala, ang pagkakaalam niya, mayroong naka-live in na prostitute si Saint
dati... Si Kuya kasi kung anu-ano ang kwento na imbento.
"Oh."
"I just came here po dahil naiwan ni Mary iyong bag niya sa sasakyan ko," sabi ni
Saint tapos pinakita niya iyong bag ko na hawak niya. Naiwan ko nga dahil sa
sobrang pagmamadali kanina!
Napatingin sa akin si Mama. Hindi niya kasi alam na si Saint ang naghatid sa akin.
Dear Lord, bakit po ako naiipit ng ganito? Parang gusto kong maiyak dahil sa tingin
sa akin ni Mama...
Tumayo na rin ako tapos kinuha iyong bag ko mula sa kanya. "S-salamat."
"Anything for you," he replied.
Nagsalita na naman si Kuya.
"Well, since nandito ka na rin, gusto mo bang sumama sa rosary time namin?" tanong
ni Kuya kay Saint. "Wait, Catholic ka ba o Atheist? May religion ka ba?"
Sinamaan ko si Kuya ng tingin. Nagsisimula na naman siya. Akala ko ba okay na siya
kay Saint?
"Roman Catholic," replied Saint. "And yes, I do pray, Preston," sabi pa ni Saint.
Natahimik si Kuya dahil si Saint pa ang naglead ng rosary namin. Hindi niya siguro
ineexpect na marunong si Saint... Sabi ko na nga ba, pareho kaming religious and
faithful kay Lord, e. Hindi nga ako nagkamali... Sobrang pinigilan ko iyong sarili
ko na tumingin sa kanya kasi gusto kong magfocus kay God pero ang hirap gawin lalo
na at seryoso siya habang nagdadasal. Lalo na kapag Our Father iyong dinadasal
niya... Ewan ko ba pero there's nothing more attractive than a guy who prays...
Pagkatapos ng dasal, dahan-dahan akong tumayo pero namamanhid pa iyong tuhod ko
dahil sa tagal ng pagkakaluhod. Inalalayan ako ni Saint.
"Saint, 'di ba?" nagulat ako dahil nagsalita si Papa. Tumango naman si Saint.
"Kumain ka na ba?"
Umiling si Saint kahit kumain na kami ng dinner kanina bago umuwi.
"Sige, kumain ka muna dito," sabi ni Papa. Ngiting-ngiti naman si Saint. Nung
tumalikod si Papa, nagsmirk si Saint kay Kuya.
"Sipsip," sabi ni Kuya.
"Your father likes me."
"Well, ayaw pa rin sa 'yo ni Mama."
"We'll see..." sabi ni Saint tapos bigla kaming iniwan sa loob ng prayer room.
Napatingin ako sa gilid ko dahil may humahatak sa damit ko.
"Ate, who's he?" tanong ni Finley.
Umupo si Saint para magka-level sila ng mukha ni Finley.
"I'm Kuya Saint," sabi niya. "You are?"
"I'm Finley Angelo Suarez and he's Riley Angelo Suarez. We're twins," pakilala ni
Finley sa kanila ni Riley. "How tall are you?"
"I'm 6'3. You?"
"I don't know yet. But I want to be tall, too."
"You should try swimming," sabi ni Saint. Ang cute nila tignan ni Finley habang
nag-uusap.
"I want to but Riley doesn't like swimming. Nakakapagod daw," sabi ni Finley tapos
tinignan niya si Riley na may hawak na naman na chocolate! Si Kuya na naman! "See,
Riley? We should swim. I want to be tall, too."
Nag-uusap silang dalawa habang ako, nakatingin lang. Medyo kinukuha ko rin iyong
chocolate ni Riley dahil matutulog na siya tapos kumakain pa rin siya... Natigil
lang sila sa pag-uusap nung tinawag kami ni Manang at sinabi na handa na raw iyong
kakainin ni Saint. Nauna ng tumakbo sila Finley dahil matutulog na sila.
"Kumain ka na, 'di ba?" I asked him habang naglalakad kami papunta sa dining area.
He nodded.
"Bakit ka nagsinungaling?"
Umiling siya.
"That wasn't a lie."
"E ano 'yun?"
"That was me wanting to meet your family," he said. Napatigil naman ako sa
paglalakad. Bigla-bigla na lang siya talaga nagsasabi ng ganito. "I rendered you
speechless again, haven't I?"
Tumango ako habang nakayuko. Hindi ko pa rin siya matignan sa mata.
"We're quits, then. You got me speechless when you kissed me, too."
Hala! Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na ginawa iyon, e! Sigurado ako hindi ako
papatahimikin ni Saint dahil doon... Kaya sinundan ko na lang siya hanggang sa
makarating kami sa dining area. May pagkain na doon at mukhang kakain na naman si
Papa e tapos na kaming kumain kaya kanina.
"Kumakain ka ba nito?" tanong ni Papa. "Kapag hindi, pwede naman-"
Saint shook his head.
"No, Sir. It's good."
Nagsimula ng kumain sila kaya napilitan ako na kumain ulit. Pati nga si Mama ay
kumakain na rin... Hindi siya makapagsungit kay Saint kasi mukhang gusto nga ni
Papa si Saint... Pati rin si Kuya biglang tahimik na. Si Papa pa rin ang head of
the family kahit tahimik siya.
"Schoolmate kayo ni Preston?"
Tumango si Saint.
"Ano ang degree mo?"
"Foreign Studies po," he replied.
Tumango naman si Papa. "Bakit iyon?"
"My dad's a consul po and I also like studying about foreign cultures," sagot ni
Saint. Mukhang impressed naman si Papa sa sagot niya. Ewan ko ba kung bakit ako
kinakabahan e mukhang ayos naman iyong mga nangyayari... Si Kuya lang ang mukhang
hindi masaya sa mga nangyayari.
"Consul of what country?"
"Spain po."
"So you're Spanish?"
"Half lang po. My Dad married my mom when he was assigned here," paliwanag ni
Saint. Napatango na naman si Papa.
"Sus, yabang," bulong ni Kuya. Napailing na lang ako. Ang laki talaga ng problema
niya kay Saint...
Natapos iyong pagkain ni Saint tapos sa garden naman kami. Hindi ko nga alam kung
may balak pang pauwiin ni Papa si Saint sa bahay nila, e. Alas-otso na rin kaya.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" I asked him habang hinihintay namin iyong tea.
Umiling siya.
"Told them I'm going here," sagot niya.
"Talaga?"
He nodded.
"I don't keep secrets from my family. And I don't like secrets," sabi niya bago
siya nagpasalamat dahil inabot sa kanya iyong tsaa. Mahangin ngayong gabi at
nilalamig na ako. Aakyat na sana ako para kumuha ng jacket nung hubarin ni Saint
iyong varsity jacket niya. "Here," sabi niya habang tinutulungan ako na isuot iyon.
"Athlete ka rin?" tanong na naman ni Papa.
"Yes po, Sir. Basketball pero I swim din po."
"Wag na Sir. Just call me Tito," sabi ni Papa tapos napangiti si Saint.
Nagkwentuhan lang silang dalawa at mukhang close na agad si Papa at Saint. Si Kuya
naman hindi na maipaliwanag iyong mukha... Si Mama, hindi ko alam kung ano ang
reaksyon niya sa mga nangyayari...
"Saint," biglang pagtawag ni Mama sa kanya. Napatingin ako at ewan pero biglang
kumabog iyong dibdib ko. "I heard na you once lived in with a prostitute... Tama ba
iyon?"
Nakita ko na nabigla din si Saint sa narinig niya. Si Mama naman kasi! Bakit siya
nagtatanong ng ganoon?!
"Imo-" pagtawag ni Papa sa kanya.
"Ah, yes, Ma'am. Sorry but I wouldn't call her a prostitute; I hope you won't get
offended. She was a Spanish human trafficking victim. There was a problem with her
papers so my Dad volunteered to share our home with them while her papers were
being processed," mahinahon na sabi ni Saint.
Wow. Hindi ko akalain na ganito pala kabait ang pamilya ni Saint... Sobrang layo sa
pinagkakalat ni Kuya na balita tungkol sa kanya... Ganito pala ang nangyari...
Natahimik si Mama. Si Papa na lang ang nagsalita dahil biglang naging awkward iyong
paligid.
"That's very nice of your father," Papa said. "Kung may maitutulong kami na charity
work, sabihan mo lang kami."
Tumango si Saint. Nagpaalam na rin siya pagkatapos noon.
"Bisita ka lang dito kapag gusto mo," sabi ni Papa. Grabe naman, biglang gusto niya
na talaga si Saint? "Pupunta ka naman sa birthday ni Imogen, 'di ba?"
Napatingin sa akin si Saint tapos nakakunot iyong noo niya. Hala, hindi ko pa nga
pala nasasabi iyong tungkol doon.
"Yes, Tito," sabi na lang ni Saint.
"Sige na, Imogen, ihatid mo na si Saint sa sasakyan niya," sabi ni Papa at sumunod
naman ako. Sinamahan ko si Saint hanggang makarating kami sa sasakyan niya. Natanaw
ko sa medyo hindi kalayuan iyong mga guards niya kaya panatag naman ako na
makakauwi siya ng ligtas.
"Salamat," sabi ko sa kanya.
"For what?"
I shrugged. I just felt like thanking him.
"Basta thank you," sabi ko. "Ingat ka pauwi."
"Pinapauwi mo na ako?" malungkot na sabi niya.
Natawa naman ako.
"Gabi na kaya. Dapat bukas mo na binalik iyong bag ko."
"Why would I wait for tomorrow when I can give it to you tonight?"
"Sayang kasi dahil makikita mo naman ako bukas sa school..."
He shrugged. "It was worth the effort. At least nakita kita."
Ang lakas talaga niya mambola.
"Sige na, uwi ka na talaga... Message mo na lang ako sa facebook kapag nakauwi ka
na. Ha?"
He nodded.
"Of course, wifey," sabi niya bago tumatawang sumakay siya sa loob ng sasakyan
niya. Loko-loko talaga 'yun.
Pumasok na ako sa loob nung maalala ko na suot ko pa pala iyong varsity jacket
niya. Tumakbo ako palabas para habulin siya pero wala na siya roon. Habang
naglalakad ako paakyat sa kwarto ko, nagnotify iyong phone ko.
Saint Iverson Gomez de Liaño tagged you in his status
My dab queen
Tapos nakalagay doon iyong picture namin kanina na kinuhanan sa cinema. Para tuloy
akong tanga na nakangiti hanggang sa makatulog.

Kabanata 15

#JustTheStrings
Kabanata 15

Nitong mga nakaraang araw, sobrang busy ko na talaga. Palapit na kasi ng palapit
iyong debut ko kaya ang daming kailangang gawin. Akala ko pa naman wala akong
masyadong gagawin dahil mayroon namang kinuhang organizer sila Mama pero hindi rin
pala... At medyo natatakot na ako kay Miss Carmie dahil mukhang na-obsessed yata
siya sa Harry Potter pagkatapos niyang basahin. Ayan tuloy, mas affected pa siya sa
akin at mas perfectionist pa siya sa mga details...
Nakaupo ako ngayon sa sofa at pinapakinggan na mag-usap si Miss Carmie at iyong
assistant niya. Hindi ako makasingit dahil mukhang kaya na ni Miss Carmie 'to.
"What do you mean hindi pwedeng gamitin ang owls?" nakataas ang kilay na tanong
niya sa assistant niya na si Jere.
"Miss, kasi po baka habulin tayo ng PAWS kapag ginamit natin... 'Di ba animal abuse
'yun?"
Pinipilit kasi ni Miss Carmie na via owls ang pagpapadala ng invitation. Okay na
naman sa akin na hindi since alam ko naman na medyo farfetched iyong idea na
'yun... Pero mukhang nung nabasa ni Miss Carmie iyong Harry Potter, talagang
nagustuhan niya si Hedwig. Kaya talagang nilalaban niya na gamitin ang mga owls.
"How about we drive the owls close to the house of the invited people para kaunti
na lang ang liliparin nila?" suggestion ni Jere dahil mukhang hindi talaga papatalo
si Miss Carmie sa idea niya. Naupo na lang ako doon at pinakinggan silang dalawa.
Halos 30 minutes din silang nagtalo hanggang sa nagcompromise sila sa kalapati na
susuotan ng owl costume. Mukhang okay na naman iyon.
Mayroon pang mga final details na ipinakita sa akin si Miss Carmie for my approval.
Nakahanap na kasi sila ng hall na big enough para gawing Great Hall. Sobrang
namangha ako dahil detailed talaga iyong binigay ni Miss Carmie-mula sa table
settings hanggang giveaways. Mukhang ginawa niya talaga iyong assignment ni Mama sa
kanya na basahin iyong Harry Potter series.
Pagkatapos noon, nagpaalam na sila sa akin dahil marami pa raw silang gagawin.
Nagpasalamat naman ako dahil sobra iyong effort na binigay nila para sa birthday
ko. Ganoon natapos ang weekend ko. Ni hindi ko nga napansin dahil ang dami kong
ginagawa. Parang pang-isang linggo na 'yung pagod ko.
Nung kinagabihan, nakahiga na ako sa kama at naghahanda na akong matulog. May pasok
na naman kasi bukas at kailangan kong matulog na para may energy ako bukas since
naubos na yata ngayon. Papapikit na sana ako nung maramdaman kong nagvibrate ang
cellphone ko.
Saint Iverson Gomez de Liaño: mary
Mary Imogen Suarez: yes?
Saint Iverson Gomez de Liaño: can't come to school tomorrow
Huh? Bakit naman niya sinasabi sa akin 'to?
Mary Imogen Suarez: uhh okay?
Saint Iverson Gomez de Liaño: you won't miss me?
Mary Imogen Suarez: bukas ka lang naman mawawala e
Saint Iverson Gomez de Liaño: actually for a week
Hala. Isang linggo? Ang tagal naman nun... Pero wala naman akong karapatang
magreklamo. At saka ano sasabihin ko? Na 'wag siyang umalis?
Mary Imogen Suarez: saan ka pupunta?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Madrid. Family thing
Mary Imogen Suarez: oh... sigurado ako mamimiss ni Kath si Psalm
Baka magwala si Kath kapag nalaman niya na one week niyang hindi makikita iyong
baby niya. Grabe pa naman 'yun... Kami na ni Liza ang nahihiya kasi sinusundan pa
ni Kath kahit sa Commerce building pa si Psalm. E ang layo nun sa building namin.
Saint Iverson Gomez de Liaño: grabe. How about me?
Mary Imogen Suarez: may facebook naman �
Saint Iverson Gomez de Liaño: tss
Hindi ko muna nireplayan si Saint dahil hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa
kanya... Gusto kong sabihin na syempre naman mamimiss ko siya pero nakakahiya
kasi... Iyon ngang paghalik ko sa pisngi niya e hindi niya pinalagpas, ito pa kaya?
Mamaya i-printscreen niya pa 'to at ipamukha sa akin araw-araw, e.
Nagscroll muna ako sa facebook at naglike ng bagong posts na selfie ni Kath.
Nadaanan ko rin iyong profile pic ni Saint at napailing na naman ako. Bakit ba
kailangan na topless siya sa profile pic niya? Imbes tuloy na like iyong pindutin
ko, iyong sad na emoji... Bigla na naman tuloy nagchat si Saint.
Saint Iverson Gomez de Liaño: you don't like my profile pic?
Mary Imogen Suarez: medyo nakakailang lang pero okay lang
Saint Iverson Gomez de Liaño: why?
Mary Imogen Suarez: wala... okay lang
Saint Iverson Gomez de Liaño: why nga?
Nag-isip ako sandali bago ko sinagot... Parang stepping over the line naman kung
sasabihin ko na naiilang ako... Medyo kasi. Lalo na madalas kaming magka-chat tapos
palagi kong nakikita iyong topless profile pic niya sa chat box namin. Pero iyon
nga, pinaliwanag ko na lang kay Saint iyong side ko... Pero sinabi ko rin naman na
okay lang since profile picture niya naman iyon at hindi sa akin.
Saint Iverson Gomez de Liaño: you're so cute. Wait
Bigla akong inuhaw sa pagpapaliwanag na ginawa ko kaya bumaba muna ako para kumuha
ng gatas. Gusto ko na rin kasing matulog kasi malapit na naman ang exam time.
Kailangan kong maging gising sa mga discussions.
Pagbalik ko sa kwarto, tinignan ko ulit iyong phone ko pero napakunot ang noo ko
dahil ang daming notifications. Tinag na naman ba ako ni Kuya sa pictures niya?
Since dumadami lang naman ang notif ko kapag tinatag niya ako... Less than 300 nga
lang ang friends ko sa facebook, e. Hindi naman kasi ako kagaya ni Kath na inaadd
lahat ng tao.
Napakunot ang noo ko nung may mga tao na nagtag sa akin. Pinindot ko iyon at bigla
namang nanlaki ang mata ko nung makita ko kung bakit halos maglag na iyong
cellphone ko sa dami ng tags.
Hindi ko na binasa iyong comments dahil baka kung ano pa ang mabasa ko. Ang dami pa
namang girls na nagkaka-crush kay Saint! Hala!
Mary Imogen Suarez: bakit mo ginawa yun?!
Ang tagal magreply ni Saint. Nasaan na ba 'yun?! Baka kung ano ang isipin ng mga
tao, e. Pasaway talaga 'yun!
Ilang minuto na akong naghihintay ng reply niya pero wala akong nakuha. Bigla
namang nagchat sa akin si Kath.
Kathryn Chandria Padilla: Girl!!!!!! OMG!!!!! Pengeng air!!!!
Kahit sa chat lang, parang naririnig ko iyong sigaw ni Kath.
Kathryn Chandria Padilla: Sobrang goals niyo ni Saint hindi ko na kaya!!!!!!!
Mary Imogen Suarez: nakakahiya...
Kathryn Chandria Padilla: Kung si Psalm ang gagawa sa akin nun, OMG talaga I'm
dead!
Biglang nawala na iyong antok ko bigla. Hindi ako matutulog hanggang hindi ko
nakakausap si Saint. Grabe talaga siya! Paano ako papasok ngayon sa school dahil sa
ginawa niya?!
Nakaupo lang ako sa kama habang hinihintay iyong reply ni Saint. Hindi pa rin
tumitigil iyong pagdating ng notifications at pati friend requests mula sa mga
hindi ko naman kilala na tao...
Saint Iverson Gomez de Liaño: hey, sorry had to attend to something. Sup
Mary Imogen Suarez: burahin mo nga 'yun
Saint Iverson Gomez de Liaño: what? You said ayaw mo sa profile pic ko, then I
changed it. Tapos ayaw mo na naman. Gulo ah
Napapikit ako sa reasoning niya. Oo, naaasiwa ako sa picture niya, pero hindi ko
naman sinabi na gawin niyang profile picture ang mukha ko! Ayan tuloy, puro
pangalan ko iyong nakalagay sa comments... Pati iyong mga hindi naman ako kakilala
e nagtatanong na kung sino ako...
Mary Imogen Suarez: Saint naman...
Saint Iverson Gomez de Liaño: cute ka naman dun e
Mary Imogen Suarez: ayoko ng attention... tsaka nalilito ako sa chat. Pareho na
tayo ng profile pic
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dahil mukhang hindi naman papapigil si
Saint. Paano ako papasok nito? Baka himatayin ako kapag silang lahat e nakatingin
sa akin. Sikat pa naman si Saint sa school! Grabe na talaga 'to!
Saint Iverson Gomez de Liaño: but what about the attention i'm giving you? Ayaw mo
rin yun?
Hala grabe siya!
Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Medyo sensitive pa naman si Saint... Ayoko na
maulit 'yung isang linggo niya akong hindi pinansin... Kaya nga kapag ka-chat ko
siya, sinisiguro ko na malayo ako kay Kuya... Mahirap na.
Nag-iisip ako ng sagot na hindi siya maooffend nung biglang may lumabas na Saint
Iverson is calling you...
Nanlaki iyong mata ko at hindi ako agad nakagalaw. Bakit siya nagvivideo call?! At
saka nakapantulog na ako! Pinabayaan ko iyong magring hanggang sa mamatay.
Saint Iverson Gomez de Liaño: answer the call
Tumawag ulit siya. Huminga muna ako nang malailim bago ko sinagot iyon.
"Hey," sabi niya. Nakasimangot ako. "You mad?"
Umiling ako dahil hindi naman ako galit.
"Palitan mo na kasi..." I said. Hanggang ngayon kaya hindi pa rin tumitigil iyong
notification sa phone ko kaya ngayon, nasa laptop na ako. Baka masira iyong phone
ko sa sunud-sunod na notif. At may mga nagsheshare pa! Malapit na talaga 'tong
makarating kay Kuya! Hindi naman sila friends sa fb ni Saint pero dahil sa share na
'yan, sigurado ako makakarating 'to sa kanya. Kaya nga ni-lock ko na iyong pinto
para hindi niya ako mapuntahan.
"Nakakalito kaya kapag pareho iyong profile pic."
"Then use my pic para hindi ka na malito."
"Alin? 'Yung topless picture mo?"
Tawa naman ng tawa si Saint.
"No. I have decent pictures, you know."
Sumimangot ako.
"Seriously, if it's not okay with you, I'll remove it," sabi niya. Nakaka-guilty
naman kasi iyong mukha niya kaya sinabi ko na okay lang... Basta tanggalin niya rin
soon dahil baka kung ano na ang isipin ng tao.
"Bakit mo ba kasi naisip 'yun?" I asked him.
He smiled at me before saying, "I just don't want to miss you too much while I'm
away."
Haay, Saint. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa 'yo.
Naubos iyong isang oras ko na nagpipilitan lang kami ni Saint na baguhin niya iyong
profile picture. Natigil iyong usapan namin nung may marinig akong katok. Nanigas
ako sa kinauupuan ko.
"Why?" asked Saint.
"Si Kuya."
Tumango siya.
"Yeah. He's pissed. Nagcomment na poser daw ako," sabi niya na naiiling pa.
Tinignan ko iyong comment at nandun nga si Kuya sa comment box.
Blaine Preston Suarez: POSER
Si Kuya talaga! Mabuti na lang huminto na iyong katok... Pero sigurado ako patay
ako nito bukas!
"You're sleepy. Good night na," he said nung mapansin niya na naghihikab ako.
I nodded.
"Good night na rin... Ingat sa flight mo bukas," I replied.
"You want pasalubong?"
Umiling ako.
"Just be safe, that's enough."
He smiled tapos hinawakan niya iyong screen gaya nung paghawak niya sa mukha ko
nung umiiyak ako.
"Buenas noches, mi señorita," he said before we ended the call.
Kinabukasan, nung breakfast ay sinabi ni Papa na hinahanap daw ako ni Kuya pero
dahil naka-lock iyong pinto, wala siyang nagawa. At maaga rin siyang umalis dahil
may training siya... Mabuti na lang at may isang araw pa ako para makapag-isip ng
sasabihin sa kanya.
Pagdating ko sa school, kinurot agad ako ni Kath. Nasaktan nga ako, e.
"Grabe, Mary! Hindi ko na kaya! Kayo na ba?!" she shrieked.
Umiling ako at medyo tinatakpan ko iyong mukha ko dahil baka makilala ako ng iba...
Hindi naman sa assuming ako pero sa dami ng naglike at share, pakiramdam ko ay
buong school na ang nakakilala sa akin.
Nakarating na kami sa classroom at nandun na iyong professor namin. Hindi ko nga
alam kung conscious lang ba ako o tinitignan talaga ako nung ibang classmates
namin...
Nakikinig ako sa lesson nung mapansin ko na iba ang ginagawa ni Kath.
"Ano 'yan?" bulong ko sa kanya. Nagshrug si Liza.
"Choosing my best selfie," bulong ni Kath. "I want Psalm to do that to me, too.
Nakaka-jelly na how sweet GDL is."
Napailing na lang kaming dalawa ni Liza at nakinig sa discussion ng professor.
Mayroon na namang bagong projects but nothing out of the blue. Manageable naman
lahat kung may tamang time management. Nung kakain na kami ng lunch, bigla kaming
nagulat tatlo dahil papunta sila Kuya sa table namin. Umupo sila sa vacant chairs
sa table namin.
"Hey, sis," sabi ni Kuya habang naka-akbay sa akin. "Naka-lock pinto mo kagabi,
ah."
I smiled awkwardly.
"Ew, Preston. You make it sound like papasukin mo ang own sister mo sa room niya,"
sabi ni Kath tapos nabwisit si Kuya sa kanya kaya nag-away na naman silang dalawa.
Napailing na lang ako.
Napansin ko si Kuya Benj na nakatingin sa kanila. Si Kuya Jackson naman kas,
tahimik lang na kumakain ng nuggets niya. I nudged Kuya Benj.
"You like Kath, Kuya?" I asked him.
Kumunot agad ang noo niya.
"Kadiri naman 'yang sinasabi mo," sabi niya.
"Talaga, Kuya?" I asked him again.
He nodded.
"Wala nga."
"Sure?"
"Kulit mo ngayon, princess..."
I smiled at him.
"If you don't do anything, walang mangyayari," I told him the thing that Kath told
me. I hoped I helped... Kasi pakiramdam ko sobrang nakatulong sa akin iyang sinabi
ni Kath... Life had never been better for me.
"Anyway, where's the other dude?" tanong ni Kath.
"Who?" asked Liza. Naguguluhan din ako. Sino ba ang hinahanap ni Kath?
"Duh. Parker," sabi niya. Hala oo nga. Nasaan pala si Parker? Palagi naman silang
magkakasama ni Kuya kapag nasa school... Pero baka kasama si Cindy...
"Umuwi. May family emergency yata," sagot ni Kuya Jackson. Ni hindi siya nakatingin
sa amin dahil focused pa rin siya sa kinakain niya.
Ano kayang family emergency? Gusto ko man siyang itext pero baka sabihin niya
nakikielam ako...
Natapos na iyong break namin at si Liza and Kath pupunta pa ng admin dahil may
aayusin pa daw sila. Naiwan ako kasama si Kuya at sabi niya, ihahatid niya raw ako
sa room ko... pero alam ko naman na sesermunan niya lang ako kaya niya ako
sasamahan maglakad.
"Let's be honest here, Imo," Kuya said. Kinabahan naman ako dahil seryoso siya.
Minsan lang kasi maging seryoso si Kuya... "Do you like Saint?"
Palagi na lang tinatanong ng mga tao sa akin 'to... Paano ba 'to sasagutin? At
kailangan ba talaga na sagutin ko sila?
"What's not to like, Kuya?"
"So you like him?"
Hindi ako sumagot. Nakakahiya kasi na pag-usapan 'to tapos Kuya ko pa ang kausap
ko...
"If I like him, bawal ba, Kuya?" I asked him. Kuya's opinion is important to me...
Same as my family's.
Naghintay ako ng ilang segundo bago siya sumagot sa akin.
"As long as you're happy, 'yun lang naman ang importante," he said and then he
walked me to class.
Mabilis lang natapos iyong araw... Medyo okay lang since walang Saint nangungulit
sa akin. Pag-uwi ko sa bahay, nagcheck agad ako ng facebook since doon naman kami
nag-uusap ni Saint. Wala siyang message doon o kahit ano sa status... Nahihiya
naman ako na imessage siya dahil baka busy siya... Pero parang hindi kumpleto ang
araw ko kapag hindi ko siya nakakausap kaya pinuntahan ko na rin iyong twitter
niya. Pakiramdam ko kung nandito si Kath, sobrang proud nun sa akin.
@saint_gdl: I will come home to you, mi señorita.
Sabi naman ni Saint pwede daw akong mag-assume... Iaassume ko na na ako iyong
señorita niya.

--
AN: Nagpapatrend sila sa twitter right now ng #GDLBrothersForRunningManChallenge
wala lang if you want to join. Gusto kasi nila mag running man challenge iyong real
life GDL brothers =) Thanks xx

Kabanata 16

#JustTheStrings (use this hashtag for easier stalking =))


Kabanata 16
Pagkagising ko, naka-ngiti ako pero ramdam ko pa rin iyong lungkot... Pangalawang
araw pa lang na wala siya; may limang araw pa. Ang haba pa nun. Ano ba 'yan,
naaalala ko pa lang na isang linggong nasa Madrid si Saint pero nalulungkot na agad
ako... Ginawa ko pa rin iyong mga usual na ginagawa ko. Hindi naman ako dapat mag-
alala. Sigurado naman ako na mabilis lang lilipas ang isang linggo. At isa pa,
meron namang internet kaya sigurado naman ako na makakapag-usap pa rin kami...
Ganito na ba ako ka-attached sa kanya?
Pagbaba ko, nandun na sila Mama at Papa. As usual, stressed na naman si Mama dahil
sa debut ko. Mayroon yatang problema pero hindi ko na masyadong inisip kasi
masosolusyunan naman iyon. Tahimik lang akong kumakain. Nung nasa labas na ako at
naghihintay sa sasakyan, bigla akong nilapitan ni Papa.
"Bakit po?" I asked him. Naka-smile kasi siya tapos weird lang kasi parang may
iniisip siya na hindi ko alam.
"Dumaan si Saint kahapon," sabi niya. Nanlaki iyong mata ko.
"Talaga po?!"
Tumango siya.
"Bakit hindi niyo po ako ginising?" I asked him.
"Ayaw ka niyang pagising kasi puyat ka raw," sabi ni Papa tapos may inilabas mula
sa bulsa niya. "Pinapabigay niya 'to kaya lang nalimutan ko kahapon. 'Wag mong
sabihin sa Mama mo, ha?" sabi niya sa akin tapos mabilis akong tumango.
"Sige, nandyan na 'yung sasakyan. Ingat ka sa school," sabi ni Papa ng naka-ngiti.
Hinalikan ko si Papa sa pisngi bago ako sumakay sa sasakyan. Napatingin pa nga sa
akin si Manong at tinanong ako kung ayos lang ba ako. I just smiled at him and
greeted him good morning. Hanggang pagdating ko sa school, naka-ngiti pa rin ako.
Naka-taas tuloy ang kilay sa akin ni Kath pagdating ko.
"Ganyan ba talaga if may love life? You're so blooming! So unfair!" sabi ni Kath
habang naka-cross iyong mga braso niya.
Liza frowned.
"Did something happen again? Why am I not informed every time?" nagtatampo na
tanong niya.
"Yes, dear Hopie! Add mo na kasi si Saint sa fb para hindi ka huli sa facebook
serye nila ni Mary! Grabe they're so goals!" sabi ni Kath tapos kinurot na naman
niya ako. Hindi pa nga magaling iyong kurot niya sa akin nung Friday, meron na
naman ngayon. Ang bigat talaga ng kamay niya... Kawawa naman si Kuya Benj kapag
naging girlfriend niya si Kath. Panigurado palagi siyang kukurutin.
Kinuwento na lang ni Kath iyong mga nangyari pero iyong version niya, exaggerated.
Pinabayaan ko na lang siya dahil doon naman siya masaya. Pinaglaruan ko na lang
iyong kwintas na bigay sa akin ni Saint. Dumating na iyong professor at nagdiscuss
lang kami. Binigyan din kami ng groupwork kaya nagform kami ng circle. Habang
nagpaplano kami, biglang tumaas iyong kilay ni Kath.
"That's new?" she asked habang nakaturo sa kwintas ko.
I nodded.
"And the pendant's a ball..." sabi niya ng dahan-dahan bago nanlaki iyong mata
niya. "OMG! Bigay ni Saint?!"
Halos masakal na ako nung hatakin niya iyong kwintas.
"Baka masira naman..." sabi ko sa kanya. Kakabigay lang ni Saint tapos masisira
agad.
Ilang OMG iyong nasabi ni Kath bago kami nilapitan ng professor para pagalitan.
Tinitignan niya kasing mabuti iyong kwintas. Pinaikot pa niya iyong pendant at
naghahanap siya ng naka-engrave pero wala naman. At mabuti na lang kaming tatlo
lang din iyong group mates kung hindi nakakahiya naman sa ibang tao iyong ingay ni
Kath. Wala kasing pinipiling lugar 'to, e.
"Why did he give you that?" Liza asked.
"Duh! They're MU na kaya normal na lang ang gift-giving!" Kath responded.
"Hindi kami MU," I replied.
Kath rolled her eyes. "Yes, babe. Keep telling that to yourself," sabi niya. "Bakit
ka nga niya binigyan?"
Pinaliwanag ko sa kanya na nasa Madrid si Saint at isang linggo siyang mawawala...
Bakit nga kaya niya ako binigyan? Peace-offering ba 'to dahil halos masira na iyong
facebook account ko dahil sa ginawa niya?
"One week without Psalm?!" nagulat si Kath. "Grabe hindi man lang ako informed!"
Napailing si Liza. "You're not his girlfriend, that's why kasi."
"Hindi ko kailangan ng reality check," sabi ni Kath. Napailing kaming dalawa ni
Liza habang nagdadrama si Kath dahil walang Psalm ng isang linggo... As if naman
nakaka-usap niya si Psalm kahit nandito sa school. Hanggang tingin lang naman siya
dahil nahihiya siyang lapitan. Palagi niya pang ginagamit si Saint para makalapit
kay Psalm.
I asked them to focus on the project and they said yes provided na I'll dish them
details about Saint and I. Wala namang ibang nangyayari sa amin ni Saint kaya hindi
ko alam kung bakit sobrang interesado sila... Pero dahil malapit na ang time at
nasa kalahati pa lang kami, pumayag na ako. Kaya naman nung papunta kami sa
cafeteria, nagkwento ako. Hindi ko nga alam kung interesting ba iyong mga sinasabi
ko pero sabi lang naman nila ay magkwento...
"So, hindi pa kayo pero ganyan na 'yung galawan niyo? Paano pa kapag kayo na
talaga?" Kath asked dreamily.
"Hindi naman niya ako nililigawan," I clarified.
"Uso pa ba 'yun?" Kath asked. "Kasi if Psalm asked me, g na agad. Kami na. Wala ng
ligaw-ligaw pa!"
Hindi ko alam kung seryoso siya pero 'wag naman sana. Of course mahalaga na
maligawan para maipakita ang sincerity... respeto na rin sa family ko kasi I love
my family so much. Gusto ko kung sinuman ang magiging boyfriend ko, alam iyon.
Bumili na kami ng food tapos nung susubo na sana ako ng lasagna nung sinabi niya na
smile! Weird na naka-ngiti siya pero pinabayaan ko na lang siya. Nagfocus lang ako
sa pagkain. Natapos iyong buong araw na tahimik lang... Well, ano pa ba ang
ineexpect ko e wala naman si Saint? Siya lang naman ang nanggugulo ng araw ko, e.
Sabi ni Kuya, sabay daw kaming uuwi kaya nakaupo lang ako sa concrete bench at saka
hinihintay siya. Naglalaro lang ako sa cellphone ko at kailangan ko ng bumili ng
bagong damit para sa online pet ko kaya binuksan ko iyong LTE ng phone ko. Pero
pagkabukas ko pa lang, nagvibrate na agad.
Saint Iverson is calling...
Nanlaki iyong mata ko. Bakit siya tumatawag?
"Hello," sabi ko nung sinagot ko iyong tawag niya.
"Mary."
Normal lang ba na iyon lang 'yung sinabi niya pero iba 'yung dating sa akin? Parang
may electricity na gumapang sa spine ko. Hala, grabe na yata talaga 'to...
"Bakit?"
Nagbuntong-hininga siya.
"I miss you."
Nahigit ko iyong hininga ko dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Bakit ka ba
ganito, Saint Iverson? Balak ba niya akong putulan ng hininga?
"B-bakit? Boring ba dyan sa Madrid?" I diverted the topic instead. Hindi kaya ng
puso ko kapag ganito si Saint. Baka kung ano na talaga ang mangyari sa akin...
Magdedebut pa naman ako. Hindi ako pwedeng atakihin sa puso dahil sa mga sinasabi
niya. Sayang ang effort ni Miss Carmie na mapaganda ang debut ko...
"Yeah. It's boring without you beside me."
Ano ba 'yan! Kahit ano ang sabihin ko, naibabalik niya pa rin sa topic na 'yun!
Talent niya ba 'yun?
"Ah..."
Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong
usapan. Siguro kung si Kath ang nandito, alam niya ang gagawin... Bakit naman kasi
wala akong alam sa boys e puro lalaki naman halos ang nakapaligid sa akin?
"Am I making you uncomfortable, Mary?" he asked.
"Hindi!" I quickly replied. "I mean, hindi ko lang talaga alam ang isasagot ko..."
He chuckled. Hala, namiss ko 'yun... Siguro mas maganda kung personal na nakita ko
siyang ngumiti. Ang cute kasi ng smile ni Saint, e. Mukha talaga siyang mayabang
pero iyong smile niya, sobrang ganda... Kahit minsan mukha siyang may masamang
balak.
"It's okay. I'll provide the sweetness for the both of us," he replied tapos wala
na naman akong nasabi. "Anyway, did you like my gift?"
Napahawak ako sa kwintas na bigay niya tapos unconsciously, napa-ngiti ako. Parang
kahit wala siya, nandito pa rin siya.
"Oo. Salamat," I replied with a smile kahit na hindi naman niya makikita.
"It looks good on you."
"Pano mo nalaman?"
"Kath posted a pic of you," sabi niya. Kaya pala pinicture-an ako ni Kath! "In
return, she asked me to take a pic of Psalm while he's sleeping. Baliw talaga 'yung
kaibigan mo."
Napailing na naman ako dahil kay Kath. Wala talaga siyang kupas.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dyan?" I asked him. Ayoko kasi na tapusin pa iyong
tawag namin.
"Attending events, nothing exciting. Ikaw?"
"Busy sa debut. Aattend ka, ha?"
"Tss. If not for Tito Shiloah, you wouldn't remember inviting me," sabi niya na
parang gusto niyang ma-guilty ako. Grabe talaga 'to.
"Uy, grabe... Iinvite naman talaga kita."
"Talaga?"
I nodded.
"Syempre."
"Bakit syempre?"
"E basta."
"E bakit basta?"
Ang kulit niya.
"Ang kulit mo," I told him. "Ano'ng oras na ba dyan?"
"It's lunchtime here. Gabi na dyan. Are you at home yet?"
"Hinihintay ko si Kuya. Kumain ka na ba ng lunch?"
"Not yet. I'll eat after we talk," he replied. Napa-simangot ako.
"Kumain ka na," I told him.
"Later. I had been trying to reach you since this morning. Lunch can wait."
Lord, kung hindi si Saint, bakit niyo ginagawa 'to sa akin? Pinapakilig niyo lang
ba talaga ako?
Kinalma ko muna iyong sarili ko bago ako sumagot sa kanya. Baka kasi kung ano ang
masabi ko.
"Kumain ka na. Tawagan mo na lang ako ulit mamaya kapag kumain ka na."
Ilang segundo bago siya nagreply. "I like it when you're bossy," he replied. "Fine.
Kakain na ako but message me when you get home, alright? Gabi na... and I'm not
there to protect you."
Lord, bakit ulit?
"Oo na..." iyon na lang ang sinabi ko dahil hindi na talaga kaya ng puso ko. Grabe
na si Saint Iverson. Masama na siya sa kalusugan ko.
"Talk to you later, señorita," he said before we ended the call.
Nakangiti ako ilang minuto matapos ang usapan namin ni Saint. Iba talaga iyong
epekto niya sa akin. Para siyang happy pill tapos sobrang tagal ng effect niya...
Palagi lang akong masaya tapos minsan, para akong mauubusan ng hininga dahil sa
kanya. Ang dali-dali para sa kanya na pakiligin ako. Parang master niya na.
I called Kuya para itanong kung sabay pa ba kami kasi almost 6pm na. Mayroon pa rin
kasi akong gagawin na works for school. Hindi naman siya sumasagot kaya nagdecide
na lang ako na pumunta sa field. Nung malapit na ako sa field, nakita ko iyong head
coach at si Parker na nag-uusap. Mukhang pinapagalitan si Parker base sa itsura
niya.
Hindi ako nakagalaw agad dahil baka makita nila ako. Baka isipin ni Parker
pinapakinggan ko iyong usapan nila... Pero nung umalis iyong coach, umupo si Parker
sa gilid at sumandal sa pader. Parang problemado siya...
Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko na siya.
"Okay ka lang?" I asked him.
Tinanggal niya iyong takip ng kamay niya sa mukha niya at saka tinignan ako.
"Bakit ka nandito? Nasan 'yung boyfriend mo?"
Sumimangot ako. Bakit ba mas nagiging masungit siya lately?
"Hindi ko boyfriend si Saint. At nandito ako kasi hinahanap ko si Kuya," sagot ko
sa kanya. Itinuro niya iyong kamay niya sa field at sinabi na nandun si Kuya.
"Kailangan mo ng kausap?"
Umiling siya. Bumuntong-hininga ako.
Tumayo ako bago ko sinabi na, "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero Parker,
nandito lang ako palagi." Nagsisimula na akong maglakad nung magsalita siya kaya
napahinto ako.
"Thank you."
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"You're welcome," I replied. "That's what friends are for."
Sana kung anuman ang problema ni Parker, maayos niya na... Lately kasi, hindi ko na
siya nakikita na kasama nila Kuya... Hindi ko rin naman sila matanong dahil
nahihiya ako... Mas lalo namang hindi ko matanong si Parker dahil ganito palagi
siya sa akin. Kapag sumusubok ako na kausapin siya, tinutulak niya ako palayo.
Pero nandyan naman si Cindy para sa kanya... Sana maayos na talaga. Worried na rin
ako sa kanya, e...
Nahanap ko na rin si Kuya at sabi niya na 30 minutes na lang, tapos na siya sa
training. Pumunta muna ako sa coffee shop para tumambay. Binuksan ko iyong facebook
ni Kath para makita iyong sinasabi ni Saint na picture ko. Agad ko namang nakita
kahit wala pa ako sa facebook ni Kath dahil iyon agad ang bumungad sa newsfeed ko.
Kathryn Chandria Padilla tagged you in a post: GDL's
Tapos nandun iyong picture ko habang naka-nganga pa ako dahil kakain sana ako ng
lasagna! Grabe talaga si Kath! Ni hindi man lang kumuha ng maayos kong picture!
Habang naiiling ako dahil ang panget ng picture ko, bigla ko na namang nahigit
iyong hininga ko dahil may nakita akong comment ni Saint...
Saint Iverson Gomez de Liaño: Yes. Mine.
Hindi ko na kaya.

Kabanata 17

#JustTheStrings

Kabanata 17
Mayroong public holiday kaya walang pasok ngayong araw. Tinatamad akong tumayo mula
sa kama... Chineck ko iyong facebook ko pero wala pa ring ni isang chat mula kay
Saint... Wala rin sa facebook wall at twitter niya... Ano kaya ang ginagawa noon?
Balak ko sana na itulog na lang iyong mga iniisip ko pero hindi. Imbes na
makapagpahinga, mayroon pa kaming mga ginawa para sa debut ko. Sobrang hassle pala
talaga nito. Kung ako nga na kakaunti lang ang ginagawa ay napapagod, paano pa kaya
iyong mga mismong organizer na?
Nandito kami sa receiving area ng bahay at pinapakinggan lang namin ni Finley si
Mama at Miss Carmie na mag-usap.
"Can't we do non-alcoholic beverages instead?" tanong ni Mama. Magkakaroon kasi ng
mobile bar sa debut ko na parang Potions class ni Snape. Nagtatalo sila ngayon kung
alcohol ba ang iseserve o hindi... Wala naman akong pakielam kasi hindi naman ako
umiinom. Si Liza, hindi rin. Si Kath, occasional drinker... Sila Ate Jas at Kuya
Jackson iyong mga umiinom. Si Kuya pa pala! Naalala ko na naman iyong kwento ni
Saint na nakulong si Kuya dahil nalasing sa bar... Hindi ko pa rin nasasabi kila
Mama.
Pero naeexcite talaga ako sa potions! Sana kagaya ng sa books iyong mga lalagyan!
Habang patuloy silang nagtatalo, tinanong ako ni Finley.
"Ate," he called me.
"Hmm?"
"When's Kuya Saint visiting again?"
Kumunot ang noo ko. Tanong ko rin 'yan. Kung kailan uuwi si Saint...
"Why, baby?" I asked him. Isang beses pa lang naman niyang nakakausap si Saint kaya
nagtataka ako kung bakit niya hinahanap sa akin. Hindi kasi mabilis makuha ang loob
ni Finley. Sa aming magkakapatid, siya 'yung pinaka-hindi friendly. Palagi ngang
napapatawag si Mama sa school dahil inaaway ni Finley iyong mga classmates niya.
Ano kaya ang ginawa ni Saint dito?
"He told me he'd teach me to play ball. Kaming dalawa ni Riley," he responded.
"Kailan niya sinabi?" I asked him. Wala naman akong narinig na usapan na ganyan
kasi nung nandito si Saint.
"Last Tuesday when we were chatting in facebook."
Kumunot lalo ang noo ko. Wala namang facebook account si Finley dahil bawal pa raw
sabi ni Mama. Kapag high school na lang daw siya e elementary pa lang naman silang
dalawa ni Riley...
"I used Papa's account. They're fb friends," sabi ni Finley. Nanlaki ang mata ko.
Friends sila ni Papa? E 'di nakita niya iyong mga pictures na pinopost ni Saint?!
Hala!
Agad kong binaba mula sa lap ko si Finley tapos nag-excuse ako kina Mama. Mukhang
hindi naman ako nila napansin dahil heated pa rin ang discussion nila kung ano'ng
klaseng drinks ang iseserve sa mobile bar. Agad ko namang hinanap si Papa at sinabi
ni Manang na nandun daw si Papa sa fish pond at nagpapakain ng koi.
"Papa," I called his attention. Napa-tingin siya sa akin and then he smiled.
Inabutan niya ako ng lalagyan ng pagkain ng koi kaya sabay na kaming nagpapakain.
"Tapos na kayo?" he asked.
I shook my head.
"Hindi pa po. Hindi pa rin nagkaka-sundo sila Mama," I explained. Tumango naman si
Papa. Kilala naman namin pareho si Mama and we always let her have her way as much
as possible. "Pa, friends kayo ni Saint sa facebook?"
Tumango siya.
"Bakit?" I asked. Hindi ko kasi maintindihan kung paanong naging friends sila sa
facebook... at kung paanong nakaka-chat ni Finley si Saint. Para tuloy ang dami
kong hindi alam!
He shrugged.
"I like him. He seems like a nice kid," sagot niya.
"Bakit 'yung ibang friends ko sabi mo mabait din pero hindi mo naman sila inadd sa
facebook?" balik tanong ko sa kanya. Natawa naman si Papa sandali at saka nagpakain
ulit sa koi. Hindi kaya ma-overfeed iyong mga isda namin? Magagalit si Mama nito.
Mahal pa naman niya 'tong mga koi. Minsan nga mas mahal niya pa 'to kaysa kay Kuya.
"Ayaw mo na ba facebook friends kami ni Saint?" tanong sa akin ni Papa.
"Hindi naman po sa ganon... Weird lang," sagot ko kasi totoo naman... Si Kuya at
Saint nga hindi friends sa facebook tapos sila ni Papa, oo? Hindi ba weird naman
talaga?
Naghagis ulit si Papa ng feed pellet bago niya ibinaba iyon. Humarap siya sa akin
tapos naka-ngiti pa rin siya. He always looked peaceful. Para bang sobrang
contented na ni Papa sa buhay niya kaya sobrang gaan ng pagkatao niya. Ang sarap
tuloy kasama ni Papa kasi positive lang palagi. Sana kagaya niya rin ako.
"Mary Imogen," pagtawag niya sa pangalan ko. "Magkapangalan lang kayo ng Mama mo
pero hindi ibig sabihin, kailangan mong ituloy kung anuman iyong hindi nangyari
dati. Kung saan ka masaya, doon ka dapat palagi."
Hindi ako nakapagsalita agad dahil ito ang unang beses na kinausap ako ni Papa
tungkol dito... Bata pa lang ako ay palagi na sa aking nababanggit ni Mama iyong
tungkol sa namatay na si Tito Parker... Kaya kahit hindi ko siya naabutan na buhay,
pakiramdam ko sobrang kilala ko siya dahil sa dami ng kwento sa akin ni Mama...
Palagi niya ring sinasabi sa akin na kami ni Parker ang magkakatuluyan. Na dapat
kami ni Parker sa dulo.
Buong buhay ko, halos iyan ang palagi kong naririnig.
"Don't feel obligated. If you like Saint, doon ka-"
"Wala po akong sinabi na ganon!" angal ko dahil nakakahiya na pag-usapan namin si
Saint. Papa ko pa rin kaya siya!
Natawa si Papa.
"Okay, wala kang sinabi," he said with a smile. "Ang gusto ko lang sabihin, you're
not obligated to love Parker. You have your own life, your own heart, and your own
happiness. Kung may iba kang gusto, okay lang. Kung natatakot ka sa Mama mo, ako na
ang bahala doon."
Natawa ako kay Papa kaya niyakap ko siya sa gilid niya at saka sinandal iyong ulo
ko sa braso niya.
"Talaga, Pa? Takot ka kaya kay Mama..." paalala ko sa kanya dahil kapag nagtataas
pa lang ang boses ni Mama, suko na agad si Papa. Si Mama kaya ang boss sa bahay.
Tinawanan lang ako ni Papa at saka bumalik na kami sa loob ng bahay.
--
Kinabukasan, pumasok na ulit ako sa school. Pang-apat na araw na na wala si Saint
sa Pilipinas. Nakakalungkot kasi hindi kami nag-usap buong araw kahapon... Pero
baka kasi busy siya. Ayaw ko naman siyang i-chat dahil baka isipin niya makulit
ako. Kaya kahit nakakalungkot, idinaan ko na lang sa pagbabasa ng novel. At least
nag-enjoy ako sa story ni Celaena.
Normal lang naman iyong mga nangyayari sa school. Mayroon na namang exams na
paparating... Paano kaya iyong kay Saint? Pati pala sa mga kapatid niya. Isang
linggo silang absent. Makaka-apekto kaya 'yun sa grades nila?
Papasok na kami sa cafeteria at nakabili na kami ng pagkain nung mapansin namin
iyong table nila Kuya. Weird lang kasi dahil usually, pinaka-maingay ang table
nila. Sobrang gulo kasi ng soccer team lalo na kapag magkasama sila Kuya at Kuya
Benj... Pero ngayon, parang dinaanan ng anghel iyong lamesa nila.
Nilapitan namin sila out of curiosity.
"Ano'ng meron, Ate?" I asked Ate Jas dahil siya lang ang mukhang hindi subsob sa
libro sa kanilang apat. Sila Kuya, Kuya Benj, at Kuya Jackson kasi ay masyadong
focused sa binabasa nila.
"Exams," she said. "Sa Math."
Sabay-sabay kaming napatangong tatlo nila Liza. Kaya naman pala!
"The three idiots of Math," sabi ni Kath. Agad naman napa-angat ng ulo si Kuya at
saka tinignan ng masama si Kath. "Why? Offended ka?"
Dinuro siya ni Kuya ng ballpen.
"Wag ngayon, Kath. 'Wag ngayon," seryoso niyang pagkakasabi kaya natawa ako. Ang
seryoso talaga ni Kuya! Kung sabagay... Last time kasi na bumagsak siya, sinabihan
siya nila Mama na magquit sa soccer. Ayaw na siguro ni Kuya na maulit iyon since
gusto niya talagang maglaro ng soccer.
Pero dahil sa sinabi na iyon ni Kuya, pinili ni Kath na doon na lang kami maki-
share sa table nila. Gusto na naman niya yatang bwisitin si Kuya para makaganti
siya. Hindi ko nga alam kung ano ang pinag-awayan nila, e. Tahimik lang akong
kumakain habang si Kath, ginugulo sila Kuya. Ang ingay nila!
"Ang stupid mo naman, Preston! Kapatid ka ba talaga ni Mary?" sabi niya habang
tinitignan iyong exercise sheet ni Kuya.
"Maka-stupid 'tong panget na 'to!"
"Duh. This face? Panget? You're more stupid than I give you credit for!" sigaw ni
Kath sa mukha ni Kuya.
"Gandang-ganda ka talaga sa sarili mo noh?"
"Duh?!" sagot ni Kath.
Tawang-tawa kami sa kanilang dalawa pero napatingin ako kay Kuya Benj. Naka-tingin
lang siya sa papel niya. Hala. Bigla akong naawa sa kanya... Alam ko kasi iyong
pakiramdam niya... Na iyong gusto mo, mayroong gusto sa iba... Sobrang hirap.
Sobrang sakit. Kasi wala kang masabihan. Kasi wala kang karapatan...
Kasi nga wala namang kayo.
"Baka kayo pa magkatuluyan niyan," sabi ni Ate Jas. Tumango naman si Kuya Jackson
at Liza ng sabay.
"Ew!" sigaw ni Kath. "As if papatol ako sa Preston na 'to! Kahit ligawan pa ako
nito, never! As in never!" sabi niya na para bang nakakadiri iyong ideya na ligawan
siya ng Kuya ko. Medyo na-offend ako. Ano ang masama kay Kuya? Mabait naman si
Kuya... Medyo protective lang pero wala naman akong nakikitang masama doon... Tsaka
hindi naman panget si Kuya... Matangkad din siya... At saka may abs din naman siya
kaya pasok siya sa requirements ni Kath.
Binagsak ni Kuya iyong ballpen niya. Mukhang na-offend din siya kagaya ko.
"Talaga lang ha?" sabi niya.
"Talagang talaga!" sagot ni Kath.
"Kapag ikaw naging girlfriend ko, kakainin mo lahat ng sinabi mo."
Nanlaki iyong mata naming lahat sa table.
"Liligawan mo, dude?" tanong ni Kuya Jackson. Napatigil siya sa pagkain.
Tumango si Kuya.
"Seryoso?"
"Oo nga."
Hala ka. Paano si Kuya Benj? Siya dapat ang manligaw kay Kath!
"Ngayon na?"
Umiling si Kuya.
"After ng exam," sabi niya. Lumingon siya kay Kath na nanlalaki pa rin iyong mga
mata. Kahit ako, hindi makapaniwala sa mga narinig ko! Liligawan ni Kuya si Kath?
For real? "Hoy, Kathryn. Bukas pa kita liligawan kaya lumayas-layas ka muna sa
paningin ko ngayon," sabi niya at saka ibinalik iyong atensyon sa exercise sheet.
"Shoo," dugtong pa niya nung hindi pa rin naka-galaw si Kath sa kinauupuan niya.
Parang ginawa namang aso ni Kuya si Kath.
Hindi pa rin makagalaw si Kath kaya hinila namin siya ni Liza palayo kila Kuya. Ako
rin, hindi ko maintindihan ang mga nangyari! Bakit liligawan ni Kuya si Kath? May
gusto ba siya rito? Pero palagi niyang sinasabi sa akin na wala siyang time
magkaroon ng girlfriend, na mayroon siyang ibang priorities. Ano'ng nangyayari sa
mundo ko? Hindi ko na maintindihan iyong mga nangyayari!
"Oh, my God."
Sa wakas, nakapagsalita din si Kath.
"Yuck!" sabi niya at saka naglakad ng mabilis at saka iniwanan kami ni Liza.
Nagkatinginan na lang kami ni Liza at pinabayaan si Kath na umalis. Baka kailangan
niya ng alone time... Hindi ko rin sigurado kung seryoso ba si Kuya na liligawan
niya si Kath. Kakausapin ko na lang siya mamaya sa bahay.
Buong araw na hindi pumasok si Kath. Sinubukan kong tawagan pero cannot be reached.
Pumunta tuloy kami sa bahay nila pero sabi naman ni Tita Min, nasa bahay daw ng mga
lola niya sa Laguna si Kath. Biglang nakarating 'yun 'dun?
"Puntahan natin sa Laguna?" I asked Liza. Worried lang kasi ako kay Kath. It was so
unlike her to... be that way. Sobrang opinionated niya kahit hindi hinihingi ang
opinion niya. Sobrang daldal niya rin na kahit si Saint, minsan sinabihan siya kung
pwede ba na tumahimik siya sandali. Pero kanina? Sobrang wala siyang nasabi kay
Kuya... Nakakapag-alala tuloy.
Liza shook her head.
"She's a big girl na. She can handle this."
Nagbuntong-hininga ako. Kapag talaga may hindi magandang nangyari kay Kath, lagot
sa akin si Kuya. Kahit ayokong nagagalit sa kanya, ibang usapan na kapag
pinaglaruan niya ang kaibigan ko.
Umuwi na ako sa bahay pero wala pa doon si Kuya. Sinubukan ko na hintayin siya pero
mukhang extended iyong training niya... Bored na rin ako dahil tapos na akong mag-
aral. Wala naman ako sa mood para magbasa ng libro... At saka hindi online si
Saint.
Naka-dapa lang ako sa kama nung may marinig akong kumatok.
"Po?" I asked nung pumasok si Manang sa kwarto ko.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba."
Napaupo ako. Sino kaya 'yun? Gabi na, ah... At saka wala naman kaming usapan nila
Liza kasi sila lang naman ang usually bumibisita sa akin dito sa bahay.
"Sino po?"
"Ay, 'yung matangkad na lalaki po dati na-"
Nanlaki iyong mga mata ko at nung na-realize ko kung sino ang tinutukoy ni Manang,
mabilis akong tumakbo pababa. Halos malaglag ako sa hagdan lalo na nung makita ko
si Saint na nakaupo sa may sofa. Bakit siya nandito? Akala ko ba-
Ang daming tanong sa isip ko. Sa sobrang gulat ko, talagang nalaglag na ako sa
hagdan at dahil doon, napatingin sa akin si Saint. Napatayo siya at agad pinuntahan
ako na nahulog sa hagdan.
"God, Mary, are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Sinubukan niyang
hawakan iyong paa ko pero napa-pikit ako dahil sa sakit. "You sprained your ankle."
Chineck niya iyong ankle ko at nagsisimula ng mamaga. "Where are your parents?"
"Umalis sila," I replied. Nagdate kasi sila Mama ngayon tapos tulog na iyong
kambal... Si Kuya naman wala pa rin dahil sa training.
Nagulat ako nung binuhat niya ako.
"S-saan mo ako dadalhin?" nag-aalala kong tanong dahil naka-pajamas na ako at
mukhang ready na talaga akong matulog.
"Hospital," sabi niya na parang nagtataka siya sa tanong ko.
"Okay lang ako," I replied. Sinundot niya 'yung ankle ko kaya napaaray ako. Ang
sakit! Paano ako papasok nito bukas?
"And you're saying that you're okay," sabi niya tapos nailing pa.
"Kailangan ba talagang tusukin ako?" naka-simangot na sabi ko. Ang sakit kasi nung
ankle ko.
"In denial ka kasi," sabi niya tapos pinasok niya ako sa backseat. Iniupo niya ako
ng maayos at saka siya pumasok. Ipinatong niya iyong legs ko sa legs niya. Buti na
lang mahaba iyong pajamas ko dahil nakakahiya kung makikita niya iyong legs ko!
Pero hindi niya naman ako hinahawakan. Nasa side niya lang iyong kamay niya.
May kasama pala siyang driver ngayon. He instructed the driver to bring us to the
nearest hospital. Pagkatapos nun, kinuha niya iyong cellphone niya tapos nanlaki na
lang iyong mata ko nung ma-realize ko na si Papa ang kausap niya. At hindi lang
pala sila facebook friends, may cell number na rin sila ng isa't-isa. "Thanks,
Tito. I'll bring her back safe, I promise," sabi niya bago ibaba iyong tawag.
Napatingin ako sa kanya. First things first.
"Bakit ka nandito?" I asked him. "Di ba sa Monday ka pa dapat-"
"Ayaw mo ba na nandito ako?" he asked and then paused. "No, wait. Nahulog ka pa nga
sa hagdan because you missed me too much, too," sabi niya tapos nginisian ako.
Namula naman ako! Grabe talaga si Saint!
"Ewan ko sa 'yo," I replied.
"Admit it. You missed me," tukso niya sa akin.
"Hindi, ah."
"Really? Bakit nahulog ka sa hagdan?"
"Namali lang ako ng tapak," I reasoned. Hindi ako aamin sa kanya, noh. Ito nga na
wala pa akong sinasabi e tinutukso niya na ako, paano pa kapag meron?
He shrugged.
"Bahala ka, Mary. The truth will set you free," sabi niya.
"Bakit? Ano ba ang truth?"
He looked at me and then said, "I missed you. So bad. And that's my truth."
Kaya tahimik lang ako hanggang makarating kami sa hospital. Hindi ko talaga
kinakaya iyong mga lumalabas sa bibig ni Saint.
Pagdating namin sa hospital, sa emergency entrance kami pumasok. Pina-x-ray lang
iyong ankle ko, nilagyan ng cold compress, tapos binigyan ako ng gamot. Si Saint
iyong may hawak nung lalagyan ng ice. He was looking at my ankle tapos nakakunot
ang noo niya. Noon ko lang napansin na humaba iyong buhok niya kaya nagsstart ng
lumitaw iyong kulot niya. Ang cute ng buhok niya. Parang gusto kong hawakan pero
nakakahiya.
"That'll hurt tomorrow," sabi niya. Tinignan niya ako tapos napailing siya. "Next
time, don't run, okay? If you miss me, I'll run to you."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi nga 'yun 'yung dahilan."
He smiled.
"But seriously though, I really missed you," sabi niya. Hindi ako naka-sagot dahil
nahihiya ako. Gusto kong sabihin sa kanya na namiss ko rin siya... Sobra nga, e.
Pero nahihirapan ako na sabihin. Nakakainis nga, e. Gusto kong sabihin pero hindi
ko alam kung paano. Bakit kaya si Kath hindi hirap na iexpress ang sarili niya?
Sana ganoon din ako.
Kaya iba na lang ang sinabi ko.
"Namiss din ni Kath si Psalm," I replied and he laughed. Mukhang naintindihan niya
naman ang ibig kong sabihin.
Nasa kalahati pa lang iyong yelo at sinabihan kami nung doctor na magstay kami
hanggang sa maubos iyong yelo. Ang dami pang oras. Nakita ko iyong pangalan ni Papa
sa phone niya dahil nagtext ito kung kamusta na ako.
"Kailan pa kayo naging close ni Papa?" I asked. "At ni Finley?"
"Why? I'm a very likable person, you see," sagot niya. Kinunutan ko siya ng kilay.
"Finley wanted me to teach him basketball so your dad added me in facebook. Okay
na?"
Hindi pa rin ako sumasagot.
"Galit ka?" he asked.
Umiling ako.
"Then why are you silent?"
Huminga ako nang malalim at saka ngumiti.
"Wala lang... Thank you sa effort sa family ko kahit hindi kailangan," I sincerely
told him. Sobrang naappreciate ko na mabait siya sa family ko lalo na sa baby
brothers ko. Iba iyong gratitude na nararamdaman ko dahil doon... Parang kahit ang
gwapo na ni Saint, mas lalo siyang gumagwapo kapag nakikipaglaro siya sa mga
kapatid ko. Mas lalo na siguro kapag naging okay na sila ni Kuya...
He smiled back.
"It didn't even take an effort from my part. I really want to know everyone in your
life, Mary. I know you like Parker and you've known him since you were young and
there's nothing I can do about that-"
I cut him off.
"I don't like him anymore."
Naka-tingin siya sa akin.
"You don't have to say that to please me," he replied.
Umiling ako. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha iyong lakas ng loob para sabihin
'to. Dahil ba 'to sa Mefenamic acid na pinainom sa akin?
"Ano... uhm... crush kita."
Nakatitig sa akin si Saint at naka-awang iyong bibig niya. Ilang segundo bago
nagkaroon ng ngiti sa mukha niya. Napapailing pa siya habang naka-ngiti. Binitawan
niya iyong ice pack at saka hinila ako para yakapin. I felt him kissing the side of
my head.
"Crush din kita."

--
Just The Strings Shirt Announcement =)

SHIRT DETAILS:
- white shirt
- YALEX shirt
- V-neck
- P350.00
- shipping: LBC and ABest
- meet-up: Luneta (May 29, 2016) and Lumina Mall, Imus Cavite.
ORDER FORM:
Name:
Order/s: Size and design and quantity
Contact number:
Complete Shipping Address:
(Kung meet-up, ang ilagay mo sa complete shipping address ay Luneta or Imus
Cavite.)
PAYMENT DETAILS:
Ira Romina A. Inigo
0906 526 3096
Imus, Cavite
LBC, Palawan Pera Padala, Western Union

Send your order slips and payment details to ira.inigo@gmail.com

Book Annoucement

Fill out this form for sure buyers>>> tinyurl.com/JTBbundle


--
Hi! This is just to gage kung ilan ang possible na bumili ng books. Kung hindi ka
po bibili, 'wag niyo na lang sagutan 'to para maiwasan ang pagkalito. Salamat!

Details about the book:


-Just The Benefits will be cut into 2 books pero nasa iisang bundle.
**Book 1 is entitled Parker Yapchengco (in Parker's POV)
**Book 2 is entitled Shiloah Suarez (in Shiloah's POV)
-Soft bound
-With book jackets for each book
-250-300 pages each book
-Cream paper (possibility)
-With illustration inside for each book
Price:
Php 1200 inclusive of the shipping fee for Philippine location only. All in na para
hindi nakakalito.
Payment period is from July 10, 2016 to August 10, 2016. Sinasabi ko lang ngayon
habang maaga para makapag-ipon iyong mga bibili.
--
FAQs:
1. Bakit hindi na lang 'yung POV ni Imo?
Ans: Available naman sa Wattpad 'yun so if namimiss mo POV ni Imo, basahin mo sa
Wattpad. Hindi ko naman buburahin 'yun. These books are for those interested na mas
makilala si Shiloah at Parker.
2. Bakit po book bundle? Hindi ba pwedeng isa?
Ans: Masyadong mahaba ang JTB pansin niyo naman, 'di ba? 75 chapters sa Wattpad
kaya halos 200,000 words 'yan. Hindi talaga kaya ng isang book.
3. Pwede bang isang book lang ang bilhin?
Ans: Hindi po. Pero pwede kayong maghanap ng ka-share niyo. Kung kay Shiloah lang
ang gusto niyo, hanap kayo ng kay Parker lang ang gusto tapos mag-usap na lang
kayo.
4. Mas okay po ba kapag bundle?
Ans: Yup. Kasi magka-konekta silang dalawa. Though nabasa niyo na 'yung POV ni
Parker sa JTB, nandito iyong kwento niya talaga. Same as Shiloah na sobrang
mysterious.
5. Hindi niyo po ba ipopost sa Wattpad?
Ans: No. Same as iba kong self-published, hindi ko ipopost sa Wattpad bilang
respect sa mga bumili dahil alam ko na mahal ang libro.
6. Magkaka-batch 2 po ba 'to?
Ans: Hindi ko sure kasi after nito, may iba pa akong iseselfpub like kay Tripp,
Chance, etc... So mas okay kung bibili ka na ngayon.
For more questions na wala dito, comment na lang kayo dito sa status ko >>>
http://tinyurl.com/JTBFaqs
Thanks! Eydee xx
--
Fill out this form for sure buyers>>> tinyurl.com/JTBbundle

Kabanata 18

#JustTheStrings
Kabanata 18

One.
Two.
Step.
Sana naman maayos na ako kapag debut ko. Nakakahiya naman kung iika-ika ako sa
mismong birthday ko. Sabi naman ng doctor, in a week magiging maayos na ako basta
walang strenuous activities akong gagawin... E hindi naman ako athletic kaya
sigurado ako na gagaling agad ako... Pwera na lang kung gugulatin na naman ako ni
Saint at mahuhulog ako sa hagdan dahil sa kanya.
"Nakikinig ka ba?"
Nawala ako sa pag-iisip kay Saint nung nagsalita si Kuya. Siya kasi ang naghatid sa
akin sa classroom dahil naka-crutch ako. Tumango ako kay Kuya kahit ang totoo, wala
akong naintindihan sa mga sinabi niya. Lumilipad kasi ang isip ko.
"Hindi sabay 'yung break natin pero dadaan ako dito para magdala ng pagkain. Text
mo na lang ako kung ano ang gusto mong kainin," paalala niya sa akin. Kanina niya
pa 'to sinasabi mula nung nasa bahay kami. Paulit-ulit talaga si Kuya.
Inalalayan niya ako papasok sa room at saka tinulungang makaupo. Nandun na si Liza
pero wala si Kath. Magtatanong sana ako pero naunahan ako ni Kuya.
"Nasan 'yung baliw?" he asked Liza and she just shrugged. "Anyway, alis na ko. Text
mo ako, okay?" sabi niya sa akin ng isang ulit pa at tumango naman ako ng isang
beses pa ulit.
Nung umalis si Kuya, tinanong ko ulit si Liza kung nasaan si Kath. Friday ngayon
kaya malabo na absent si Kath. Favorite na araw niya ang Friday dahil palaging
mayroong game ang varsity teams. Mahilig kasing magcheer si Kath basta gwapo iyong
players. Nadadamay lang kami palagi ni Liza. Minsan nga sinasabihan ako ni Kuya na
lumayo kay Kath kasi baka mahawa daw ako sa pagiging baliw niya.
"She's still in Laguna," Liza replied.
"Absent siya?"
"Apparently, yes. As it turned out, she got really freaked out nung sinabi ni Kuya
Preston na liligawan siya."
Sa bagay... Weird naman kasi talaga. Kahit sa panaginip ko, ni hindi ko na-imagine
na liligawan ni Kuya si Kath. Palagi lang kasing inaasar ni Kuya si Kath habang si
Kath naman, never nagkaroon ng gusto sa Kuya ko. Masyado daw kasing OA si Kuya kaya
hindi niya type. Kaya naiintindihan ko iyong reaction ni Kath.
Natapos iyong first two classes namin ng tahimik. Sobrang nakakapanibago dahil
maingay palagi si Kath at ngayon na kaming dalawa lang ni Liza, para kaming nasa
simbahan dalawa dahil sobrang tahimik. Nung break na, itetext ko pa lang sana si
Kuya ng pagkain na gusto ko nung biglang dumating si Saint.
"I'll just buy food," sabi ni Liza tapos iniwanan agad ako! Grabe! Wala pa ngang
ginagawa si Saint kung hindi maglakad papunta sa akin pero namumula na agad iyong
pisngi ko. Pagkatapos kong sabihin na crush ko siya... at sabihin niya na crush
niya rin ako, hindi pa kami nakakapag-usap ng matino. Sobrang nabuhol kasi iyong
dila ko nung gabi na iyon. Dinahilan ko na lang na inaantok ako dahil sa gamot kaya
nagtulug-tulugan ako hanggang sa makarating kami sa bahay.
Sobrang late ko na kasi na-realize na nakakahiya na ako pa iyong naunang umamin! Ni
hindi pa nga rin ako nagoonline hanggang ngayon dahil sa takot na kung ano ang
mabasa ko sa wall ni Saint, e!
"Hey."
Nakayuko pa rin ako. Naka-tingin ako sa kamay ko. Kahit saan basta 'wag kay Saint.
"Aww. You ignoring me?"
Hindi pa rin ako gumalaw. Nakaupo lang naman siya sa tabi ko pero grabe na agad
iyong tibok ng puso ko!
Binuksan niya iyong dala niya at halos magutom ako ng sobra dahil sa amoy nun.
Gusto kong tignan kung ano iyong dala niya pero mas nanaig iyong hiya na
nararamdaman ko. Pero gutom na talaga ako!
"So I sold Psalm to Kath to know your favorite food," sabi niya tapos inilapit niya
pa sa akin. Hala may dala siyang eggs benedict! "Tapos hindi mo rin pala ako
papansinin."
Maging matatag ka, Mary Imogen. 'Wag kang bibigay para lang sa pagkain. Hindi ka si
Kuya Jackson na kahinaan ang pagkain. 'Wag kang susuko dahil sigurado ako na
tutuksuhin ka ni Saint kapag bumigay ka ngayon! Naalala mo ba kagabi nung paulit-
ulit niyang pinaalala na nahulog ka sa hagdan dahil miss na miss mo na siya? Mas
malala ang mangyayari ngayon kapag sumuko ka!' paalala ng isip ko sa akin. Pero ang
hirap lumaban kapag paborito mong pagkain ang dala niya!
"I thought we're exclusive already? Why am I still getting the cold shoulder?"
Nanlaki iyong mata ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Exclusive?" I asked him.
He nodded.
"Yeah," he said with a grin. Ayan na naman 'yang ngisi niya! "Crush mo ako and
crush din kita. We're exclusive because of that... right?"
Napaisip ako. Iyon ba ang ibig sabihin nun? Hindi ko alam! Wala naman kasi akong
alam sa mga ganitong bagay. Si Kath ang maraming alam tapos wala naman siya ngayon.
Si Kuya talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to.
"Ganun ba 'yun?"
He nodded again.
"Ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganun-"
He laughed at my defensiveness.
"Don't worry. There are no restraint on your part. You can have a crush on any-"
"Ikaw lang ang crush ko," mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya.
Tumawa na naman siya.
"Good," he said. "Kasi ikaw lang din naman ang crush ko."
Mabuti na lang at walang tao sa room bukod sa aming dalawa ni Saint. Kung anu-ano
kasi ang kinukwento ni Saint sa akin kaya natatawa talaga ako. Sobrang
naaappreciate ko iyong effort niya na magkwento para mawala iyong ilang ko. Hindi
naman kasi ako naiilang sa kanya dati... Ngayon lang kasi naamin ko na na crush ko
siya. Ewan ko ba.
"Hindi ka ba pinagalitan?" I asked him. "Umuwi ka kasi agad, e."
He shook his head.
"Nope. My fam understands," he replied.
"Na ano?"
"That I'm coming home to see my future GDL."
Nanlaki na naman iyong mata ko at namula ako sa sinabi niya. Tinawanan na naman
niya ako dahil doon. Nagiging hobby niya na talaga na sabihan ako ng mga ganitong
bagay! Enjoy na enjoy siya, e. Kitang-kita dahil tawang-tawa na naman siya.
"Grabe ka. Nag-eenjoy ka ba na tinatawanan ako?" I asked him.
Umiling siya. "It's just that you're so impossibly cute."
"Tss."
"Really. You're too cute for my life."
Napa-nguso ako dahil sa sagot niya.
"Now stop pouting. You're killing me here."
Tinignan ko siya.
"Bully ka."
He winked at me. Ayan na naman siya sa kindat niya.
"Nah. I just like seeing you blush because of me."
Naubos iyong buong break period ko na pinapapula lang ni Saint iyong mukha ko.
Nagtext na rin ako kay Kuya na 'wag niya na akong dalhan ng pagkain dahil may
kinakain na ako. Hindi naman nagtanong si Kuya kaya baka inassume niya na na si
Liza ang bumili ng pagkain ko. Ayoko rin kasing magsinungaling sa kanya... pero
ayoko rin na pumunta siya sa classroom dahil aalis si Saint. Hindi pa rin kasi sila
magkasundong dalawa.
"I'll see you later," sabi ni Saint.
"Wala kang practice?"
Umiling siya.
"Supposedly, I'm still in Spain so coach can't really force me," sabi niya. He
kissed the side of my head. Namula na naman ako. Ilang beses na 'to. "Don't move a
muscle later, alright? I'll come pick you up."
Tumango na lang ako... dahil wala na talaga akong masabi.
Pagdating ni Liza, hindi niya ako kinulit kagaya ng ginagawa ni Kath... Bigla ko
tuloy namiss si Kath. Gusto ko kasing ikwento iyong nararamdaman ko. Baka kasi
bigla akong sumabog kapag hindi ko nailabas 'to. Kaya lang weird naman kung bigla
kong sasabihin kay Liza! Kaya naman nung uwian na, tinext ko si Ate Jas na puntahan
ako. Hindi rin ako umalis sa classroom dahil sa sinabi ni Saint. Early dismissal
din kasi kami kaya mamaya pa siguro siya pupunta dito.
Nagsmile lang si Liza kay Ate Jas bago siya umalis.
"Hey, baby girl. Hala, what happened to you?!" nag-aalala niyang tanong nung nakita
niya iyong paa ko.
"Sprain lang, Ate," I told her.
"Tinulak ka ba ni Preston?"
Tinawanan ko siya.
"Hala, Ate, hindi, ah."
Tumawa din siya. "I was just kidding. Mahal na mahal ka kaya ng Kuya mo," she said.
"What happened nga?"
Huminga muna ako nang malalim bago ko ikinwento sa kanya iyong nangyari. Nanlaki
naman iyong mga mata niya habang nagsasalita ako pero hindi siya sumingit.
"Are you done na?" she asked and I nodded. Tapos bigla niya akong niyakap ng
mahigpit. "Gosh, I'm so happy for you!" sabi niya sa akin at hinigpitan niya pa
iyong yakap niya. Napangiti ako sa reaction ni Ate Jas. Siya talaga ang Ate ko.
Sana talaga sila na forever ni Kuya Jackson dahil kapag naghiwalay sila, baka hindi
ko na siya masyadong makita dahil iiwasan niya si Kuya...
"Thank you, Ate," sabi ko nung pinakawalan niya ako.
"So, MU na kayo."
"MU?"
Tumango siya. Same ba iyon nung exclusive na sinasabi ni Saint?
"Mutual understanding, malanding usapan, etc."
Malanding usapan? Bagay kay Saint 'yun, ah.
Hindi pa ako nakakasagot nung magtanong ulit si Ate Jas. "Alam ba ng Kuya mo?"
Umiling ako. Gusto kong sabihin kay Kuya kaya lang hindi ko kasi alam ang magiging
reaction niya... Kahit naman kasi sinabi niya na sa akin noon na importante lang sa
kanya na masaya ako, alam ko naman na deep inside him, hindi niya gusto si Saint.
"Kailan mo sasabihin?"
"Sa birthday ko? Para hindi siya magalit sa akin."
Tumawa si Ate Jas. "Good thinking! Good influence yata sa iyo si Saint."
"Bakit dati, Ate, nung hindi ko pa kilala si Saint, parang ayaw mo sa kanya?" I
asked her. Naalala ko pa iyong reaction niya dati... Akala ko tuloy masama si Saint
kasi grabe iyong reaction niya. Pero nung nakilala ko si Saint, hindi naman pala
siya masama. Medyo mayabang lang pero hindi naman masama.
She shrugged.
"He's from the basketball team kasi. E you know that they're the archenemies of the
soccer team," paliwanag ni Ate. Oo nga naman. "Weird lang, 'di ba? You're the
sister of one of the soccer players tapos close kayo ni Saint na known basketball
player sa uni."
Sa bagay... Hindi nga talaga magkasundo si Kuya at Saint kahit ano ang gawin ko...
Mabuti nga at medyo civil na sila ngayon sa isa't-isa, e.
"E ngayon, Ate, okay na?"
She nodded and smiled.
"As long as he's not going to hurt you like what Parker did, Saint's got my
approval and endorsement," Ate Jas said. Gusto ko sanang magthank you pero weird
naman dahil hindi ko naman boyfriend si Saint. Kaya ngumiti na lang ako as a sign
of gratitude.
"Ate," I called. "Si Parker kasama niyo kanina?" I asked her. Si Ate Jas kasi ang
ka-batch nila Kuya. Nag-aalala lang din ako kay Parker dahil nung huling beses na
nakita ko siya, mukhang problemado talaga siya.
Tumango si Ate Jas.
"Yeah nung first period pero after nun, umalis na siya. Lately, nagsiskip siya ng
mga classes, e..."
Nakaalis na si Ate Jas pero nag-aalala pa rin ako kay Parker. Bakit kaya ganoon?
May nangyari ba sa kanya? Kaya buong last period namin, medyo nakasingit si Parker
sa isip ko. Nung matapos iyong class, sinabi ko kay Liza na mauna na siya dahil may
hihintayin ako. At saka hindi rin naman ako makakaalis sa classroom dahil sa paa
ko.
Habang naghihintay ako kay Saint, naglalaro ako ng game sa phone ko... Pero hindi
ako nakatiis at tinawagan ko si Parker.
calling...
Parker Palma
Ilang segundo akong nakinig sa pagriring ng cellphone ko. Umaasa na sana sagutin
niya dahil nag-aalala ako sa kanya... Kilala ko si Parker dahil mula pagkabata
namin ay magkasama na kami. Alam ko na kapag may problema siya, wala siyang
sinasabihan. Sinasarili niya lang lahat dahil pakiramdam niya, hindi niya kailangan
ng tulong. Pero mali siya dahil kailangan niya ng dadamay sa kanya.
Nung narinig ko iyong boses niya, naka-hinga ako nang maluwag.
"What?" bungad niya sa akin. Okay lang kahit ganito siya basta sigurado ako na
maayos siya.
"Pwedeng magtanong kung nasaan ka?"
Narinig ko na magbuntong-hininga siya. Parang kahit hindi ko siya nakikita, ramdam
ko iyong hirap niya.
"Somewhere," sagot niya.
"Somewhere safe?"
"Yes."
Napabuntong-hininga din ako.
"Okay," sagot ko. "Ingat ka dyan."
Ilang segundo ang inintay ko bago ko marinig ang sagot niya.
"I will..." At ibababa ko na sana iyong tawag pero narinig ko pa siya. "Thank you,
Imo."
I smiled. "You're welcome, Parker." Mabuti na lang mukhang okay na kaming dalawa...
Sana maayos kung anuman ang problema niya. Ipagdadasal ko siya mamaya...
Pagkatapos naming mag-usap ni Parker, tahimik na akong nakapaglaro. Dahil din
masaya ako, binilhan ko ng maraming bagong damit iyong online pet ko. Sinasabihan
nga ako ni Mama na mas malaki pa ang nagagastos ko sa credit card sa online games
kaysa sa mga binibili ko talaga... E ano ang magagawa ko? Hindi naman ako mahilig
magshopping. Masaya na ako sa online games at drawing pati photography.
"Sorry, I got sidetracked," sabi ni Saint. Isang minuto lang naman siyang late kaya
ayos lang. Napatingin ako sa tabi niya dahil may kasama siya. "Introduce yourself,"
sabi niya sa katabi niya. Tignan mo 'to. Kung makapag-utos.
"Austin," sabi nung lalaki. Nagpakilala din ako.
"Mary Imogen," sabi ko.
"But call her Imo. Ako lang pwede sa Mary," sabi niya kay Austin. Tinignan lang
siya ni Austin na walang reaction. Oh! Siya si number 6! Mas kilala ko siya bilang
number 6 kasi ganoon namin sila pag-usapan nila Kath. Hala, sayang wala si Kath.
Kinuha ni Saint iyong crutches ko at bag tapos inabot niya kay Austin.
"Don't worry. He lost a bet. He's the family slave for a while," sabi ni Saint.
Mahilig pala magpustahan ang mga GDL? Alam kaya 'to ni-
Napatigil ako sa pag-iisip ko nung bigla akong buhatin ni Saint. Napatingin ako kay
Austin dahil nakakahiya pero mukhang nauna na siya. Ang suplado pala 'nun talaga.
Akala ko sa mukha lang pero mukhang suplado pala talaga...
"Ibaba mo nga ako," sabi ko sa kanya.
"Ayaw."
"Saint naman," sabi ko ulit dahil may ilan pang mga student na nakakakita sa amin.
"Nakakahiya."
Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.
"Pikit ka na lang para hindi ka mahiya."
Tignan mo 'to. Pero dahil nahihiya talaga ako dahil may mga tumitingin sa amin,
nagtakip ako ng mukha gamit ang kamay hanggang makarating kami sa sasakyan. 'Dun
niya ako inupo sa shotgun seat at nasa likod na pala iyong crutches at bag ko.
"Bakit Austin iyong pangalan niya?" I asked him... Weird lang kasi siya si Saint
tapos si Psalm din ay religious name.
"He doesn't like his other name."
"Ano ba ang full name niya?" I asked.
"You should ask Kath. Sigurado alam niya," he said. Tama naman, alam ni Kath iyon
since stalker siya ng GDL...
"Wala si Kath, e. Ano nga?" I asked. Curious na rin kasi ako.
"Austin Archangel GDL," sabi niya. Tamad na tamad talaga siyang banggitin ang buong
last name niya.
"Wow. Ang ganda naman ng name niya," sabi ko. Mas gusto ko iyon kaysa sa Saint
Iverson at Psalm Christian... Ano kaya ang pangalan nung bunso nila?
"Mas maganda sa Saint Iverson?" sabi niya sa akin.
I nodded. Ang sarap niyang inisin.
"Tss. My name's cooler," sabi niya at saka binuksan iyong engine ng sasakyan.
Nagsimula na siyang magdrive nung napasimangot lang ako dahil ito na naman iyong
madumi niyang sasakyan. Hindi ko kasi mapigilang tignan. Napapatingin at
napapatingin ako sa rearview mirror niya.
"What's with the frown again?" he asked nung nandun na siya sa driver's seat.
Umiling ako. "Wala," sagot ko. Hindi ko naman 'to sasakyan para pakielaman...
"I thought we're not keeping secrets anymore?"
Kumunot ang noo ko.
"Wala naman akong secret," sagot ko.
"What? Meron kaya."
"Alin?" I asked.
"That I'm your crush. Secret mo 'yun before but finally, you admitted it."
Saint talaga! Tinawanan niya lang ako dahil namula na naman ako. Masaya na siguro
siya since goal niya talaga na gawin akong human tomato.
"Ano nga kasi?" he asked again. Hindi ako sumagot. Lumapit siya at nagulat ako
dahil sobrang lapit. Nanlaki iyong mata ko at mas mapula na ako sa kamatis. Kulay
strawberry na yata ako! Magkatapat na iyong mga mukha namin at ni hindi ako
makahinga dahil sa nangyayari. Para akong aatakihin na lang bigla sa puso.
"Seatbelt," sabi niya at narinig ko iyong pagclick nung seatbelt. "Safety first
always... right?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Grabe na talaga siya!
Nagsimula ng magdrive si Saint at dahil hindi ko siya tinitignan dahil sa inaasar
niya ako, napipilitan akong mapatingin sa mga bote sa likod ng sasakyan niya.
Kailan kaya ang birthday ni Saint? Reregaluhan ko siya ng tumbler para hindi na
siya bumili ng mga bottled water... Masama kaya sa environment itong ginagawa
niya...
Nagulat ako nung nagpullover si Saint sa gilid.
"Come on. What's bothering you?"
"Promise hindi mo ako pagtatawanan?" tanong ko sa kanya. Kasi nung sasakyan ni Kuya
Benj iyong nilinis ko dati, sinabihan nila ako ni Kuya na maghanap ng shrink...
Kasalanan ko ba na bothered ako sa magulong sasakyan?
Tumango siya.
"Kasi iyong mga bottled waters..."
"Ha?" naguguluhang tanong niya.
"Magulo. Masakit sa ulo. Para akong mababaliw na hindi ko maipaliwanag kapag
nakikita ko iyong mga kalat sa sasakyan mo. Alam mo 'yung pakiramdam na may gusto
kang gawin pero hindi mo nagagawa kaya nafufrustrate ka? Ganun iyong nararamdaman
ko habang nakatingin sa mga kalat sa sasakyan mo," sunud-sunod na sabi ko.
Pagkatapos nun, huminga ako nang malalim.
Nakatingin lang ako sa lap ko at hinihintay ko siya na tumawa pero wala akong
narinig. Idinilat ko iyong isang mata ko para tignan siya pero nakita ko lang siya
na nakatingin sa akin na naka-ngiti.
"Hindi mo ako pagtatawanan?"
Umiling siya.
"Why would I?"
"Kasi weird ako?"
"You're not weird," sabi niya.
"E ano ako?"
"You're mine."

Kabanata 19

#JustTheStrings
Kabanata 19

Last stretch before the debut. Pinilit ako ni Mama na umabsent ngayong araw dahil
kailangan niya raw ako dito. Ayoko ngang pumayag dahil masisira ang attendance ko
pero wala na lang akong nagawa. Nababaliw na si Mama dahil mayroong ibang bagay na
hindi sumunod sa gusto niyang mangyari. Medyo naaawa nga ako kay Miss Carmie dahil
sa kanya nabubunton lahat ng galit ni Mama. Kami nila Papa, umiiwas muna kay Mama
dahil mahirap na. Kapag galit siya, wala siyang sinasanto.
"Mary Imogen," pagtawag sa akin ni Mama. Agad akong napatingin sa kanya at humigpit
iyong yakap sa akin ni Finley dahil buhat ko siya.
"P-po?"
"Pwede mo bang puntahan sila Parker sa kanila? Hindi pa sila nagcoconfirm sa debut
mo."
Gusto ko sanang sabihin na sigurado naman ako na pupunta sila Parker dahil tuwing
birthday ko naman, nandun ang buong pamilya nila palagi... Extended family na nga
yata namin sila, e. Pero dahil galit si Mama ngayon at highblood siya dahil sa mga
nangyayari na last minute changes sa debut, hindi na ako nagsalita at pumayag na
ako.
"Okay po," I replied. Binaba ko si Finley pero nakahawak siya sa damit ko. "Bakit,
baby?"
"Kuya Saint."
"Hindi ba kausap mo siya kagabi?" I asked him. Nakita ko kasi na magka-video chat
sila ni Saint kagabi. Kaya pala hindi ko ma-contact si Saint sa facebook dahil
kausap niya si Finley. Hindi naman ako nagrereklamo kasi ang cute nila tignan
habang magkausap. At saka at least nagiging friendly na si Finley dahil nag-aalala
kami ni Papa sa kanya dati dahil para siyang recluse.
"Yeah... but I miss him already. Tell him to go to our house. Please, Ate?"
"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi?"
He pouted. "Kuya Saint said na ikaw dapat ang mag-invite sa kanya, e. Please, Ate?
Please? Please?" sabi niya habang hinihila iyong damit ko. Si Saint talaga.
Dinadamay pa ang kapatid ko. Nagyes na lang ako kay Finley para tigilan niya na ako
dahil masama na ang tingin sa akin ni Mama at ang ibig sabihin nun ay dapat ko ng
puntahan sila Parker dahil malapit na siyang magalit sa akin.
Umakyat ako at hahanapin ko si Kuya dahil hindi ko kayang pumunta mag-isa kila
Parker. Dati naman okay lang sa akin dahil sobrang bait naman ng parents ni Parker
lalo na si Auntie Kach pero ngayon, parang weird na. Dahil ba 'to exclusive na kami
ni Saint? May rule ba na dapat hindi na ako lumapit kay Parker dahil may feelings
ako sa kanya dati? O pwede naman since dati pa naman iyong feelings?
Platonic friends na naman kami ni Parker... so, pwede kaya?
Haaaay. Naguguluhan ako sa mga MU na 'to. Wala bang rule book na pwede kong basahin
para malaman ko ang mga do's and don't's?
Kumatok ako sa pintuan ni Kuya. Walang sumasagot kaya binuksan ko iyong pinto. Baka
kasi nakasuot na naman ng earphones si Kuya kaya hindi niya ako naririnig. Pagpasok
ko, nakita ko agad si Kuya na nakaupo sa kama niya at naglalaptop. Mukhang seryoso
siya sa ginagawa niya kaya hindi niya ako napansin nung lumapit ako sa kanya.
Kumunot ang noo ko nung makita ko na nasa isang online flower shop siya.
"Ano'ng ginagawa mo?" I asked him at bigla naman siyang nagulat sa akin.
"Bakit ka ba nanggugulat?!" bigla tuloy tumaas ang boses niya.
"Hindi kaya. Kanina pa ako kumakatok, e," paliwanag ko sa kanya. Tinuro ko iyong
screen ng laptop niya. "Para kanino iyong flowers?"
Sa buong buhay ko, never ko pang nakita si Kuya na nagbigay ng flowers. Kahit nga
si Mama hindi niya binibigyan kahit mother's day, e... Minsan iniisip ko na iyon
ang dahilan kung bakit sa aming apat, kung mayroong dapat ipa-adopt si Mama,
sigurado ako na si Kuya iyon. Siguro feeling ni Mama walang pakielam sa kanya si
Kuya. Hindi ko naman kasi maintindihan si Kuya minsan.
"Sa baliw," he replied.
"Kay Kath?"
Tumango siya.
"Di ba nililigawan ko siya?" pagpapatuloy niya habang namimili pa rin siya sa mga
arrangements ng bulaklak. "Bulaklak na lang kaya ng patay ang ibigay ko?"
Sinimangutan ko si Kuya. Pakiramdam ko talaga pinaglalaruan niya lang si Kath, e.
"Kuya, kung naglalaro ka lang, please 'wag naman iyong kaibigan ko," pakiusap ko sa
kanya. Ayoko kasi na maging dahilan pa 'to ng pag-aaway namin ni Kath. Syempre best
friend ko siya tapos Kuya ko 'to. Saan ako kakampi kapag nagkataon? Ayoko pa naman
ng away.
"Seryoso kaya ako."
"Pero ni hindi mo man lang magawang ibigay sa kanya ng personal," I said. Iyan nga
at online pa siya namimili ng bulaklak.
"E kapag personal, nabubwisit ako sa mukha ni Kath. Ayos na 'to. Tsaka may card
naman na nakalagay from Preston with love."
Mas nainis lang ako sa sinabi ni Kuya kaya hindi na lang ako magpapasama sa kanya.
Kapag talaga niloko niya lang si Kath, sasabihin ko na kila Papa iyong tungkol sa
criminal record niya! Seryoso na talaga ako!
"Imo!" pagtawag niya sa akin habang naglalakad ako palabas ng kwarto niya dahil
naiinis ako sa kanya. "Ano favorite flowers nung baliw?"
"Secret!" sagot ko sa kanya.
"Sige ka papadalhan ko talaga 'yun ng bulaklak ng patay!" pananakot niya sa akin.
"Ecuadorian rose!" sabi ko at saka binagsak nang malakas iyong pintuan.
Kainis talaga si Kuya. Mabuti na lang talaga at pinagtataguan siya ni Kath.
Dahil nawalan na ako ng gana na magpasama kay Kuya, mag-isa na lang ako na pumunta
kila Parker. Habang papunta kami doon, hindi ko napigilan na magsabi kay Saint na
pupunta ako. Hindi naman sa required ako na sabihin sa kanya pero ewan ko ba...
Parang, e... Naaalala ko palagi iyong sinabi niya sa akin na ayaw niya ng mga
secrets kaya naman gusto kong maging transparent sa kanya.
Mary Imogen Suarez: Saint...
Akala ko maghihintay pa ako para magreply siya dahil hindi naman naka-online iyong
account niya pero typing... agad iyong nakita ko.
Saint Iverson Gomez de Liaño: You chatted me first. This is a first.
Mary Imogen Suarez: Grabe pati iyon alam mo?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Ofc, Mary. I know everything about us.
Bakit kinilig ako na may us na pala? Nakakainis. Lahat na lang dito kay Saint, e.
Saint Iverson Gomez de Liaño: What's up?
Mary Imogen Suarez: May sasabihin ako.
Saint Iverson Gomez de Liaño: O-kaaaaay. What is it?
Mary Imogen Suarez: Di ka magagalit?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Depends. What is it?
Ayoko kasi na mainis siya sa akin. Palagi ko kasing naaalala iyong isang linggo
niya akong hindi pinansin, e. Masama kaya sa pakiramdam... Hanggang ngayon hindi ko
pa rin alam kung bakit iyon ginawa ni Saint. Siguro itatanong ko sa kanya one of
these days.
Mary Imogen Suarez: Pupunta ako kila Parker ngayon.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Okay �
Mary Imogen Suarez: Okay? Okay lang?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Yup. You won't be unfaithful to me naman, right?
Mary Imogen Suarez: Hindi ah! Sigurado ka?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Yup. I used smiley para makita mo that I'm totally
cool with it.
Hala oo nga. Gumamit siya ng smiley. Weird.
Mary Imogen Suarez: Okay... Thank you =)
Saint Iverson Gomez de Liaño: After that, wanna hang?
Mary Imogen Suarez: Hindi pwede e. Busy sa bahay.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Awww. How about tomorrow?
Mary Imogen Suarez: Debut ko kaya. Nakalimutan mo?
Tignan mo 'to! Hindi na ako nireplayan! Nakalimutan niya kaya talaga? Grabe naman
siya kung ganon.
"Ma'am, nandito na po tayo." Napatigil ako sa pag-iisip kay Saint nung sinabi ni
Manong na nasa tapat na kami ng bahay nila Parker. Bumaba na ako at nagsimulang
maglakad papasok sa kanila... Medyo naninibago ako dahil sobrang tahimik ng
paligid. Hindi naman sa maingay kila Parker pero iba iyong dating ng paligid
ngayon. Para bang malungkot...
Pumasok na ako at nakita ko si Manang na nag-alaga kay Parker simula pagkabata
niya. Busy kasi sila Auntie Kach dahil lawyer silang pareho ni Uncle Tripp kaya
medyo hindi nila nakasama palagi si Parker nung bata.
"Manang, sila Parker po?"
Ngumiti ng malungkot si Manang.
"Si Parker e nasa taas. Sila Kach wala dito," sabi niya at saka ngumiti ulit ng
malungkot. Hala, ano ba ang nangyayari sa bahay na 'to? Nagpasalamat lang ako at
saka umakyat ako sa taas. Kumatok ako sa kwarto ni Parker. Hindi siya sumagot kaya
kumatok lang ako nang kumatok hanggang sa buksan niya...
Parker looked... like a mess. That was an understatement.
"What?" bungad niya sa akin.
Hindi agad ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siyang
tanungin kung ano ang problema niya. Bakit siya nagkakaganito? Dahil ba kay Cindy?
Nag-away ba silang dalawa?
Bakit siya ganito?
"A-ano..." Hindi ko mabuo iyong sasabihin ko. Iba kasi iyong gusto kong sabihin sa
kaya kong sabihin. "P-pinapatanong ni Mama kung pupunta daw ba kayo bukas?"
Pumasok siya sa loob at iniwan na nakabukas iyong pintuan sa kwarto. Umupo siya sa
kama niya habang ako naman, naiwan na nakatayo lang sa tapat ng pinto niya.
"Ano'ng ginagawa mo dyan? Pasok."
Biglang nakahinga na ako. Natatakot kasi ako kay Parker. Hindi ko alam kung paano
gagalaw sa paligid niya... Ayoko kasi na sigawan niya ako o magalit na naman siya
sa akin... Pumasok naman ako pero nakatayo lang ako. Masyado akong kinakabahan para
maupo.
"Kumain ka na ba?" I asked him. Pumapayat kasi siya tapos maitim na rin iyong
ilalim ng mata niya. Natutulog pa ba siya?
"Hindi."
"Ah. Sige, sandali sasabihin ko kay Manang na-"
"I mean hindi ako makakapunta sa birthday mo bukas."
Natigilan ako sa narinig ko.
"Hindi ka pupunta?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba iyong
narinig ko. Hindi naman sa maarte ako pero tuwing birthday ko, sanay ako na kasama
ko siya. Kahit palagi niya akong sinasabihan na wala siyang gusto sa akin, kahit
nagkaroon na siya ng Cindy sa buhay niya, palagi pa rin siyang pumupunta sa
birthday ko.
Ewan ko pero masakit iyong mga sinasabi niya sa akin ngayon.
Umiling siya.
"Advance happy birthday, Imo. But I won't be able to attend."
Iyon lang ang sinabi niya tapos iniwan niya ako sa kwarto niya. Hindi ko na talaga
siya maintindihan... at mukhang ayaw niya namang maintindihan ko siya...
Nanatili ako sa kwarto niya sandali. Pinakalma ko iyong paghinga ko. Para akong
tanga kasi naiiyak ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. 'Di ba dapat sanay na ako na
ganito si Parker? Simula naman pagkabata ko ganito na siya sa akin kaya bakit ba
ganito pa rin ang reaksyon ko? Para namang hindi na ako nasanay.
Pagkababa ko, sinabihan ko lang si Manang na ipaghanda ng pagkain si Parker. Kahit
naman ganun 'yun, nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang problema niya
pero sana maayos niya na 'yun. Habang may nagtatyaga pa sa kanya.
Naglakad ako palabas at sumakay na ako sa sasakyan. Tinanong ko si Saint kung
nasaan siya at sinabi niya na nasa Ronac Art Center daw siya. Nagpa-drive na lang
ako kay Manong doon. Bahala na si Mama kung magalit siya... Sigurado naman din kasi
ako na magagalit siya sa akin kahit wala naman akong kasalanan kung hindi
makakapunta si Parker.
Pagdating ko doon, pumasok lang ako. Naglalaro pala si Saint ng basketball. Naupo
muna ako sa isang gilid at saka pinanood siya. Kinuhanan ko rin siya ng picture.
Sayang hindi ko dala iyong DSLR ko para mas maganda iyong picture. Ang cute pa
naman niya kapag nagdadab siya. At saka kahit hindi siya ang pinakamatangkad sa
teammates niya, feeling ko siya ang pinakamagaling.
Tahimik lang akong nanonood hanggang sa matapos iyong first half. Nagsend ako ng
picture sa kanya.
Mary Imogen Suarez: image attached
Mary Imogen Suarez: Dab king =)
Nakita ko na kumunot iyong noo niya nung mabasa niya iyong message ko sa kanya at
saka inilibot niya iyong tingin niya. Napaawang iyong labi niya nung makita niya
ako. I smiled and waved at him.
"You're here," hindi makapaniwala na sabi niya.
"Hi," I said with a smile. Inabot ko sa kanya iyong tumbler na binili ko bago ako
dumaan dito. "Para hindi ka na bibili ng bottled waters."
Biglang nagkaroon ng malaking ngiti sa mukha niya habang naiiling.
"I wanna hug you."
I spread my arms wide.
"Yakap na."
Then his smile went wider.
"I'm all sweaty. We'll get back on that hug later," sabi niya tapos kinindatan na
naman ako. "If I win this game, pwede may add-on na kiss kahit sa cheeks lang,"
sabi niya bago siya nagjog pabalik sa court dahil tinatawag na siya ni Psalm.
Nanood lang ako kay Saint. Pinatay ko iyong cellphone ko dahil sigurado ako na
anytime, tatawag na si Mama sa akin dahil malamang nakabalik na si Manong sa bahay
at magtataka iyon na bakit hindi ako kasama. Nagtext naman na ako kay Papa na
kasama ko si Saint.
Pumapalakpak din ako kaya nakaka-shoot si Saint. Sobrang hilig niyang mag 3 points
shot at halos pumapasok naman lahat. At pagkatapos niyang magshoot, gagawin niya na
naman iyong celebratory dabbing. Sobrang cool nga, e. Mas naappreciate ko iyong
galing ni Saint ngayon na wala sila Kuya na maingay kasama. Naalala ko na naman
iyon... Sobrang nakakahiya talaga kasama sila Kuya.
True to Saint's words, nanalo sila sa game. Tiga ibang school iyong kalaban nila
pero warm up game lang naman.
Pagkatapos nila, nilapitan ako ni Saint. Sinabi niya lang na maliligo lang siya at
tahimik lang ako na naghintay doon. Tumayo lang ako dahil napagod na ako sa
kakaupo. Habang naghihintay ako sa kanya, binuksan ko iyong phone ko. Naka-airplane
mode naman iyon kaya hindi ako matatawagan ni Mama... Hindi kasi ako nakatiis.
Tinignan ko iyong profile ni Cindy... Ganun pa rin naman. Nandun pa rin iyong mga
pictures nila ni Parker kaya alam ko na hindi pa sila hiwalay...
Kung hindi si Cindy, ano ba ang problema ni Parker?
"So this is how victory feels like."
Nanlaki iyong mata ko nung maramdaman ko na nakayakap si Saint sa may likuran ko.
"You're so soft," sabi niya habang nakayakap pa rin sa likod ko. "Ano ang waist
line mo?"
Bigla namang nauntog iyong ulo niya sa ulo ko dahil may bumatok sa kanya.
"Aray!" sabi niya. "Bakit ka ba nambabatok?"
"Mga tanong mo kasi," sabi ni Psalm. He looked at me and smiled. Nandito na rin
pala siya! "Hi."
I smiled, as well.
"Hello po."
"Advanced happy birthday," sabi ni Psalm. "We'll just give our gift to Saint."
"Hala, 'wag na po..."
"It's okay. Nabili na namin. Una na kami," sabi ni Psalm tapos weird dahil binati
din ako ng advanced happy birthday ni Austin pati ni GDL # 4. Bakit alam nila lahat
na birthday ko? Pinagkalat ba ni Saint?
Lumabas na kami ni Saint at naglalakad na kami papunta sa sasakyan niya... Eto na
naman tayo.
"Bakit alam nila Psalm iyong birthday ko?"
"Secret."
"Bakit nga? Please?" sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako ng mabuti bago nagbuntong-
hininga. Napangiti naman ako dahil doon.
"Well... while we were in Madrid, I spent a day looking for the perfect gift. I
asked Mama for help and I guess she told everyone in the family about you."
Nanlaki iyong mga mata ko. Hala, jusko. Kilala na ako ng buong Gomez de Liaño clan?

"Kilala na ako ng Mama mo?"


He nodded.
"Yup. She couldn't wait to meet you," he said with a wink. Bakit bigla akong
kinabahan ng sobra? Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung ayaw niya sa
Pilipino dahil nakaaway namin ang mga Espanyol dati? Hala paano na 'to?
Tulala ako hanggang sa makapasok na kami sa sasakyan. Iyon pa rin ang iniisip ko.
Naputol lang ang pag-iisip ko nung may iabot na box sa akin si Saint.
"Here," he said. "My gift."
Biglang lumakas iyong tibok ng puso ko. It was a velvet box. Dahan-dahan kong
binuksan iyon at malakas ang tibok ng puso ko. Ano kaya 'to? Naexcite ako dahil
buong araw hinanap ni Saint iyong regalo at nagpatulong pa talaga siya sa Mama
niya...
Pero nung buksan ko, iba ang laman. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Plastic bag?" tanong ko at kinuha iyong black plastic bin bag at pinakita sa
kanya.
Tumango siya.
"Regalo ko sa 'yo na linisin natin 'yung sasakyan ko," sabi niya at saka nagsimula
na siyang i-shoot sa loob ng plastic bag iyong mga empty bottled water. Ibang klase
talaga siya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya na ito ang regalo niya sa akin...
Pero gumaan talaga iyong loob ko nung nililinis namin iyong madumi niyang sasakyan.
Dalawang plastic bag iyong napuno namin bago tuluyang nalinis iyong sasakyan ni
Saint. Hindi ko nga alam kung saang sulok niya inilalagay iyong mga basura niya
para ganito karami ang makuha namin, e.
"What will we do with these?" he asked. I shrugged. Ano nga ba ang gagawin?
Paikot-ikot kami ni Saint hanggang sa makahanap kami ng junkshop dito sa San Juan.
Safe naman kami since nakasunod sa amin iyong mga guards ni Saint kaya hindi ako
kinakabahan.
"Ito na 'yun?" he asked disappointedly. "50 pesos?"
Hala, oo nga. Ang dami ng bottles tapos 50 pesos lang?
Malungkot kaming lumabas ng junk shop.
"What can this buy us?"
Nag-iisip kaming dalawa nung mapadaan kami sa isang pet shop. Lumaki ang ngiti ni
Saint nung makakita siya ng mga maliliit na bibe sa may cage. Hindi ko alam kung
may obsession ba siya sa mga bibe... Kaya hindi ko na siya napigilan nung pumasok
siya sa loob at paglabas niya, may dala siyang tatlong bibe.
"Happy birthday," sabi niya sa akin sabay abot ng tatlong bibe sa may maliit na
cage. "Our sons-Preston, Benj, and Parker."

Kabanata 20

#JustTheStringsDebut
Kabanata 20

"Happy birthday to you..."


Nagising ako dahil sa pagkanta... at dahil na rin binuksan nila iyong ilaw sa
kwarto ko. Kahit na masakit iyong mata ko dahil sa biglaang liwanag, hindi ko
mapigilang mapangiti dahil nasa kwarto ko ang buong pamilya ko. Mayroon pang dalang
cake si Riley at Finley habang nakasuot sila ng matching pajamas.
"Happy birthday, Ate. Blow the candle and make a wish na po," sabi sa akin ni
Riley. Lumapit sila sa kama ko para mahipan ko iyong kandila. Pumikit ako at saka
nagpasalamat kay God dahil kumpleto pa rin kami at walang may sakit sa amin. Iyon
lang naman kasi ang palagi kong hiling. Pagkatapos kong hipan iyong cake, humarap
si Riley kay Mama. "Can I eat the cake na?"
Umiling si Mama. "After you eat breakfast, baby," sabi niya at saka kinuha iyong
cake sa kamay ni Riley at Finley. Dina-diet na kasi ni Mama si Riley. Ang taba-taba
na kasi talaga niya.
Malungkot na lumapit sa akin si Riley tapos may inabot siya na box. "Happy birthday
ulit, Ate," he said and then hugged me. I hugged him back and said thanks.
Pagkatapos niya, si Finley naman iyong lumapit pero wala siyang dala.
"I don't have a gift, Ate. Are you mad?"
Umiling ako.
"It's okay," I said with a smile. Pero mukhang guilty na guilty si Finley. Lagi
kasi siyang may gift sa akin kapag birthday ko. Lahat kami ay nagbibigay ng regalo
kapag birthday ng isa't-isa. Tradition na sa family.
Nakayuko siya. "But I'll buy you one, Ate... Kasi I used my money to buy basketball
shoes... Kuya Saint told me he'll teach us how to play ball."
Automatic na napangiti naman ako nung narinig ko iyon. I hugged Finley and assured
him na ayos lang sa akin na wala siyang regalo. I was looking forward to seeing
them play basketball, though. Hindi ko alam kung paano tuturuan ni Saint si Finley
e halos hanggang legs niya lang ang kapatid ko. Sobrang tangkad naman kasi ni
Saint, e.
Tumakbo palabas si Finley at Riley at hinabol naman sila ni Mama. Si Papa, mamaya
na lang daw ibibigay sa akin iyong gift ko. Si Kuya naiwan kasama ko. Tinignan ko
siya ng masama.
"Birthday na birthday, oh," sabi niya tapos pinitik iyong noo ko. "Magkaka-wrinkles
ka talaga niyan."
"Binigay mo kay Kath?" I asked.
He nodded.
"Di man lang nagthank you. Hinimatay siguro sa sobrang kilig kaya di nakapagtext ng
'Thank you, Preston, sa flowers. Sobrang thoughtful mo,'" sabi niya habang ginagaya
pa iyong boses ni Kath. Si Kuya talaga.
Napailing na lang ako kay Kuya.
"Basta, Kuya, kapag pinatitripan mo lang si Kath, hindi talaga kita kakausapin," I
honestly told him. We're too old for games like that. At hindi kami pinalaki ng
parents namin para paglaruan ang mga tao sa paligid namin. We knew better than
that.
"Tss. Nakakatampo ka na. Bawal ba ako magseryoso?" he said, trying to play the
victim card.
Niyakap niya ako sa gilid ko tapos pilit ko siyang tinutulak.
"Wag nga, Kuya. 'Di pa ko naliligo," I said dahil sinisiksik niya iyong sarili niya
sa akin.
"Porke 18 ka na, bawal na magpa-yakap? Si Saint na lang pwede?"
Namula ako dahil doon.
"Tindi talaga nung kulot na 'yun, ah. Pangalan pa lang, kinikilig ka na?" seryosong
tanong niya habang nakatingin sa akin. "Kayo na ba?"
Tinulak ko na siya paalis sa kama ko nung tinanong niya iyon.
"Aba't! Kayo na nga?!" malakas niyang tanong habang tinutulak ko siya palabas ng
kwarto ko. Ang hirap namang itulak nitong si Kuya! Ang laki-laki naman kasing tao!
Nung malapit na sa pinto, tinulak ko pa siya ng isang beses at nung sigurado akong
nasa labas na siya, sinara ko na at inilagay iyong door chain tapos binuksan ko.
Nakasilip lang ako sa maliit na space doon. Nandun pa rin naman siya sa labas at
nakatayo.
"Kuya," pagtawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "MU na kami ni Saint. Iyon
na lang birthday gift mo sa akin. Love you, Kuya!" mabilis na sabi ko at saka
isinara iyong pinto. Nagtatakbo ako papasok sa CR dahil sobrang lakas ng tibok ng
puso ko.
--
Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako. Kumakabog iyong dibdib ko dahil kinakabahan
ako kay Kuya. May sira pa naman sa ulo si Kuya. Baka kung ano ang gawin nun, e.
Patingin-tingin ako sa paligid ko dahil baka bigla ko siyang makasalubong pero wala
naman siya. Si Papa na lang ang naabutan ko sa baba.
"Pa, nasan sila?" I asked. The house was unusually quiet.
"Nauna na," he replied.
"Saan po?"
"Sa hotel. 'Dun daw tayo sabi ng Mama mo," he replied again. Kumunot ang noo ko.
Bakit kailangan pa doon e may bahay naman kami? At saka hindi naman sobrang layo ng
venue sa bahay? Tumayo si Papa at saka may iniabot sa akin. "Happy birthday," he
said with a smile.
Nagpasalamat ako kay Papa at saka tinignan iyong binigay niya sa akin. Nanlaki
iyong mata ko na ticket sa Wizarding World of Harry Potter iyong nasa envelope.
"You can take the plane tapos sama mo mga kaibigan mo. Pero 3 days lang pumayag
iyong Mama mo tapos-" Hindi pa siya natatapos magsalita ay niyakap ko na siya.
"You're the best Papa ever!" sabi ko dahil matagal ko ng gustong puntahan iyong
Wizarding World sa Florida kaya lang palaging hindi natutuloy dahil nagkakaroon
kami ng ibang pinupuntahan. Tapos ngayon kasama ko pa iyong mga friends ko? Sobrang
blessing na nito talaga!
Papa tapped my head.
"Sige na, sige na. May pupuntahan pa tayo."
I thanked Papa one more time bago ako sumakay sa sasakyan. I was elated on the way
to the hotel. I greeted people who I didn't even know. Dahil ba 'to birthday ko
kaya sobrang saya ko? Dumiretso na ako sa hotel room na kinuha ni Mama. Nandun lang
naman iyong mga damit na susuotin ko pero wala pang tao. Sila Kuya, nag-iwan ng
note na nasa pool daw sila. Simula kasi nung sinabi ni Saint sa kambal na
nakakatangkad iyong pagsuswimming, nagpapaturo na sila Finley kay Kuya na
magswimming.
I was in no mood to swim kaya nanatili na lang ako sa room. Binuksan ko iyong
cellphone ko at nakita ko na maraming texts doon. Nagpasalamat ako isa-isa sa
kanila kahit na makikita ko naman sila mamaya sa party. Bigla lang akong nalungkot
dahil walang text si Saint doon... Ni-resist ko rin iyong urge na tignan iyong
accounts niya dahil ayoko naman ma-obsessed sa kanya. Healthy like lang dapat.
Dahil mukhang tulog pa yata si Saint kaya hindi niya pa ako binabati sa birthday
ko, natulog na lang din ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil pinagtatalunan namin ni
Saint kung saan namin dadalhin iyong mga bibe.
"Seryoso ka?" I asked him nung inabot niya sa akin iyong cage ng bibe. Ngiting-
ngiti kasi siya.
He nodded. "Why? Don't you like them?" sabi niya tapos tinuro niya iyong mga bibe.
"They're cute."
Napatingin ako sa mga bibe. Cute naman sila... Kaya lang weird kasi na may 'anak'
kaming bibe. Hindi agad ako nakasagot kaya kinuha sa akin ni Saint iyong mga bibe.
"I'll take care of the kids, then," sabi niya. Tignan mo 'to. Anak na yata talaga
ang turing niya sa mga bibe. Attached na agad siya e kakabili niya lang nito
kanina...
"Grabe," I said and then took the cage from him. "Sabi mo gift mo sa akin. Bakit mo
kinukuha?"
"Ayaw mo kasi yata, e."
"Gusto."
"Really?"
I nodded. "Thank you sa... bibe," I said. Weird pa rin sabihin. Sa buong mundo, si
Saint lang siguro ang nagreregalo ng bibe. Bumili rin kami ng pagkain ng bibe at
iba pa nilang kailangan. Naghahanap nga rin si Saint ng stroller, e. Sobrang weird
niya talaga.
Pinakain muna namin iyong mga bibe.
"This one's Preston," sabi niya sabay turo doon sa may white spots. "This one's
Benj," sabi niya sabay turo doon sa may black spots. "And this one's Parker," sabi
niya sabay turo naman doon sa medyo paling iyong paa. Pinakain ulit namin sila
tapos nagkagulo na sila. "There are enough food for the 3 of you."
Kung kausapin niya iyong mga bibe akala mo tao sila.
Inakbayan niya ako habang pinapanood namin kumain iyong mga bibe.
"This feels nice," he said.
"Alin?"
"This. You. Me. Our kids."
Namula na naman ako pero biglang nagquack-quack iyong isang bibe. Ay, si Preston
pala iyong nagquack-quack. Thank you, Preston the Duck! Muntik na naman akong
tuksuhin ni Saint dahil namula na naman ako dahil sa kanya. Pinuntahan agad sila ni
Saint tapos nilagyan ng water iyong doon sa inuman nila.
Busy si Saint sa pag-aalaga sa bibe tapos kinuhanan ko sila ng picture... Ewan
ko... Alam ko weird pero the thought of having the ducks as our kids was finally
getting into me.
Maybe weird na rin ako kagaya ni Saint. Dahil siguro palagi kaming magkausap,
nahahawa na ako sa pagiging weirdo niya.
Pagkatapos naming-I mean, niyang pakainin iyong mga bibe, hinatid niya na ako sa
bahay. Habang papalapit kami sa bahay, lumalakas iyong kabog ng dibdib ko dahil
baka pagalitan ako ni Mama dahil wala si Parker. Naalala ko na naman si Parker.
Sana maging ayos na siya...
Nung huminto iyong sasakyan, tahimik lang ako. Ito na naman kami sa goodbye.
"Bukas, ha?" I said. Ayoko kasi nung tahimik kaming dalawa ng sobrang tagal. Mas
gusto ko kapag magkausap kami.
"Yeah. Though you forgot to invite me, I won't forget you."
Napalabi ako.
"Grabe ka talaga. Nagsorry na nga ako, e."
He laughed and then winked.
"I won't get tired of guilt-tripping you. You're so cute," sabi niya tapos kinurot
niya iyong cheeks ko. Grabe talaga.
"Tss." Inabot ko iyong cage ng bibe na nasa backseat ng sasakyan niya. "Thank you
sa gift mo," I said.
"You're welcome," he said with a smile. Bababa na sana ako kasama iyong cage pero
pinigilan niya ako. "Bakit?" I asked.
Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Nakatingin din siya sa mga
bibe. Ilang segundo akong naghintay para ituloy niya iyong mga sasabihin niya.
"Don't you think it's better if the kids will go home with me?"
Kumunot iyong noo ko.
"Akala ko ba regalo mo sa akin?"
"Well, yeah... But..." sabi niya at huminto siya dahil parang iniisip niya pa iyong
susunod niya na sasabihin. "What if Preston sees the ducks? And what if he makes
them feel unwanted? And what if he doesn't accept them as his nephews?"
Parang gusto kong matawa dahil sobrang seryoso ng mukha ni Saint. If I know, ayaw
niya lang mahiwalay sa mga bibe. Tama nga yata ako na may attachment na si Saint sa
mga bibe.
"Gusto mo sa inyo na lang sila?" sabi ko para pagaanin iyong loob niya.
"Well, if that's what you want..." sabi niya pero kita ko iyong ngiti sa mukha niya
na pinipigilan niya lang. Sobrang cute talaga nito. Sobrang layo sa mayabang na
attitude niya kapag nasa court siya.
In the end, iniwan ko na lang iyong bibe kay Saint. Doon niya iniupo sa shotgun
seat at saka nilagyan niya pa ng seatbelt iyong cage. Mahal na mahal niya na agad,
e.
"You can visit them whenever," sabi niya. "And my mom would love that, too."
Nanlaki iyong mata ko kaya natawa na naman siya.
"My mom doesn't bite. Chill ka lang, Mary."
"Sige na. Good night na."
I waved. Hihintayin ko na makaalis sila bago ako pumasok sa gate. May guard naman
na nakabantay so safe ako. Saint started the engine.
"Bye, Mary," sabi niya tapos tinaas niya iyong cage. "Bye, mommy," sabi niya habang
wine-wave iyong cage.
Napailing na lang ako. He's so crazy.
--
Nagising ako nung may tumatapik sa akin. Nanlaki iyong mata ko nung makita ko si
Kuya.
"Nandyan na 'yung make-up artist," sabi niya tapos tumayo siya. Hala. Bakit parang
ang cold ni Kuya?
Tumayo ako agad at saka hinabol siya. "Kuya..." I called him. Huminto naman siya at
humarap pero mas lalo akong na-guilty nung makita ko iyong mukha niya. "Galit ka?"
Umiling siya.
"Bakit naman ako magagalit?"
Sa tono ng boses niya, mas lalo lang akong na-guilty. Ganito niya ba kaayaw kay
Saint? Na kahit ako hindi niya kakausapin nang maayos?
"Kuya naman, e..."
Nakatayo lang ako sa harap niya. Nakatingin ako sa kanya pero ni hindi siya
natitinag. Bigla na lang tuloy sunud-sunod na tumulo iyong luha ko. Ayoko kasi na
nag-aaway kami ng ganito. Sobrang bigat sa pakiramdam.
"S-sorry na..." sabi ko habang humihikbi.
Nakatingin lang siya sa akin tapos nung mas lalong bumilis iyong pagtulo ng luha
ko, nagbuntong hininga siya at saka nilapitan ako at saka niyakap.
"Tss."
"Di ka na galit?"
"Hindi na. 'Wag ka ng umiyak. Ang panget mo."
"Talaga?"
"Oo. Panget ka talaga."
Hinigpitan ko iyong yakap ko sa kanya.
"I love you, Kuya," I said and then he patted my head.
"I love you din. Sige na, malapit ng magstart iyong birthday mo," he said tapos
iniwan niya na ako.
Pumunta na ako sa isang room sa loob ng suite na ni-rent nila Papa. Nandun na iyong
mga mag-aayos sa akin. Sobrang mas lalo akong na-excite nung makita ko iyong
isusuot ko. Hindi ko pa rin kasi nakikita iyong final look ng venue since sabi ni
Miss Carmie, surprise daw dapat. At may tiwala naman ako sa kanya dahil mukha
Potterhead na rin siya kagaya ko.
Sila Mama at Papa ay missing in action. Sila Finley at Riley ay nasa kabilang
kwarto at natutulog. Ma naptime kasi sila palagi at sigurado ako na mapupuyat sila
mamaya kaya natutulog na sila ngayon. Si Kuya naman, hindi ko alam kung nasaan.
Habang inaayusan ako, nakatingin ako sa phone ko. Hindi pa rin nagtetext si
Saint... Nakakatampo naman dahil hindi niya pa rin ako binabati. Counted ba iyong
kagabi? Pero technically hindi ko pa naman birthday nun...
Haay, ewan. Ang hirap namang hindi maging clingy. Para kasing gusto ko palagi ko
siyang kausap.
"Wow."
Iyon na lang ang nasabi ko nung matapos na akong ayusan at suotan ng damit. Sobrang
kamukha ko iyong make-up at damit ni Hermione. Parang gusto kong maiyak dahil
sobrang dream come true nito. Kinuhanan ako ng pictures na solo at iyong iba,
kasama ko sila Riley. Sobrang cute nila dahil naka-Gryffindor robes sila.
"Oh, my God." Nanlaki iyong mata ko dahil naka-Harry Potter attire si Kuya. "Ang
cute mo, Kuya!" Parang biglang gusto kong magfangirl kay Kuya! Kuhang-kuha niya
iyong salamin ni Harry pati na iyong scar niya sa forehead!
Mukhang nahihiya si Kuya dahil nag-ooggle na ako sa kanya.
"Wag nga," he said. "Picture na daw."
Siguro parang tanga ako na nakatingin lang kay Kuya. Sobrang cute niya! Siguro sila
Mama at Papa ay naka Lily and James Potter na attire. Tapos ako naman si
Hermione... Sabagay, if Lily and James were alive, sigurado naman ako na ituturing
nila si Hermione as their daughter. Sobrang likable naman kasi ni Hermione.
After naming kuhanan ng mga pictures, sumakay na kami sa car. Sayang nga kasi hindi
kami makakasakay sa Knight Bus dahil sinusundo na yata iyong mga guests. Hindi ko
alam kung paano nakakuha nun si Miss Carmie. Wala naman kasing ganun sa Pilipinas.
Sobrang excited na ako pero mamaya na lang ako magpapa-picture doon.
"Oh, my God."
Kinilabutan ako nung pagbaba ko sa sasakyan at pagpasok ko sa venue, rinig na rinig
ko iyong Harry Potter theme. Nagtaasan iyong balahibo sa braso ko. Parang gusto
kong umiyak at hanapin si Miss Carmie para yakapin.
"Wow."
Mas lalong nanlaki iyong mata ko nung makita ko na may mga house-elves na
naglalakad sa venue. Naka-attire talaga sila.
"Does Hermione want anything to drink? Dobby will her get one," sabi nung isang
lalaki-I mean, house elf na nakasalubong ko. Ni hindi ako nakapagsalita dahil
sobrang overwhelmed ng pakiramdam ko.
Nakatingin lang sa akin si Dobby. Mukhang internalized niya talaga iyong pagiging
Dobby niya. Pipilitin ko si Papa na bigyan ng malaking bonus si Miss Carmie.
Sobrang galing niya!
"N-no. Ayos lang ako."
"Alright, Ma'am. Just call Dobby if there's anything you want. Dobby will help."
Parang bigla ko tuloy gustong alisin iyong medyas ko at ibigay sa kanya-pero naka-
heels ako at wala akong medyas. Si Kuya kaya?
Gusto ko pa sanang maglibot pero hinatak na ako ni Miss Carmie sa likod dahil hindi
daw dapat muna ako makita ng guests. Wala pa namang tao dahil sabay-sabay sila
dadating sakay ng Knight Bus. At saka medyo wala kasi sa city iyong venue dahil
naghanap talaga ng malaki para magawang mukhang Great Hall. At saka puro Dobby The
Elf lang naman iyong mga tao na nagkalat sa venue. Inaayos nila iyong mga tables.
Sobrang cute nila tignan!
Nung nasa likod na ako, nakita ko sila Mama. Agad ko siyang niyakap.
"Thank you, Mama..."
Niyakap niya rin ako nang mahigpit.
"Anything for my baby..." sabi niya sa akin. Mabuti na lang at good mood na siya
dahil halata na medyo inis siya kagabi dahil sinabi ko na na hindi makakapunta si
Parker... Siguro kahit papaano natatanggap niya na na hindi talaga kami ni Parker.
Na hindi porke gusto niya, masusunod na. Tama naman si Papa na iba ako kay Mama.
Siguro nga magkapareho kami ng pangalan pero hanggang doon lang 'yun.
Unless may gusto rin siya kay Saint dahil in that case, pareho nga kami.
Nagpapicture muna kami. Iba-ibang pose. Gusto kong ipalagay sa sala namin para
makikita ko araw-araw. Sobrang cute ni Mama at Papa dahil naka Lily and James
Potter talaga sila. Kung buhay siguro si Tito Parker, siya si Snape.
After naming magpapicture, sinabi ni Miss Carmie na nagsisimula ng dumating iyong
mga guests. Sobrang na-excite ako lalo! Namiss ko lalo si Kathryn dahil hindi
talaga siya nagpapakita dahil kay Kuya. Pero nagsabi naman siya na pupunta siya sa
party ko. Dapat lang dahil magtatampo talaga ako kapag hindi.
"Nasaan si Ronald Weasley?!" Miss Carmie asked. Nagpapanic na siya dahil wala pa
raw iyong escort ko. "Paano na si Hermione kung wala si Gingerhead?!"
Napatingin ako kay Mama. Siya kasi ang may sabi na si Parker ang escort ko...
Mama sighed.
"The party will go on with or without Parker," sabi niya. Halata na masama ang loob
niya but it was a start...
I smiled at her and said thank you. Naghintay lang ako dahil may binabago si Miss
Carmie. Last minute changes dahil nawala bigla si Parker. Ayos lang naman sa
akin... I mean, I got everything I wanted... Sobra pa nga. Ano pa ba ang
mairereklamo ko?
"Since wala si Ron, si Harry na lang ang escort mo," Miss Carmie said tapos hinatak
niya si Kuya. Habang nakatingin siya sa amin, parang medyo naluluha siya. "I had
always shipped you, two..." bulong niya at saka patagong pinunasan iyong luha.
"She's weird," bulong ni Kuya. Pinalo ko siya. "Weird ka rin, don't worry. Mga HP
addict."
Tss. Wala namang masama maging mahilig magbasa. Bakit ba judgmental si Kuya?
Naka-standby lang kami at naghihintay ng tawag ni Miss Carmie para lumabas na kami.
Naka-ngiti lang ako dahil masaya ako sa lahat ng nangyayari... At nakaka-relax kasi
iyong Harry Potter theme song.
"...without further adieu, let's welcome the debutant, Mary Imogen Suarez!"
Lumabas kami ni Kuya at parang gusto kong maiyak dahil sobrang gandang tignan ng
Great Hall mula sa kinatatayuan ko. Bawat table, mayroong houses na naka-assign.
May mga house elves na nagkalat. May potions class sa isang tabi. Nandun iyong mga
pagkain na specific talaga na galing Harry Potter. JK Rowling would have been so
proud of me.
"Happy?" kuya whispered.
I nodded.
"Sobra."
He smiled and said, "Good. Because the night's still young."
Kahit hindi ko gusto, mayroong maliit na program. Hindi ko naman kasi gusto ng mga
18 na 'yan, e... Pero dahil kay Mama, pumayag na ako. After naman nito, party na.
Mas excited ako doon dahil gusto ko ng umalis sa stage at lapitan iyong mga
kaibigan ko. Nacucurious din ako dahil nasa iisang table ang mga kaibigan ko at
friends ni Kuya... Ano kaya ang ginagawa ni Kuya Benj e kasama niya si Kath?
Sobrang nacucurious ako.
"For the 18 roses..."
Isa-isang tinawag iyong mga kaibigan ko. Sila Kuya lang naman iyon pati iyong mga
pinsan ko from UK. Wala naman kasi akong friends na lalaki masyado kaya hindi ko
alam kung paano napuno nila Mama iyong listahan. Tapos nagbackout pa si Parker.
"...and for the last dance... Saint Iverson Gomez de Liaño."
Nanlaki iyong mga mata ko. Napatingin ako kila Mama. Alam ba niya 'to? Hala! Baka
pagalitan ako nito mamaya! Wala akong alam!
"Happy birthday," sabi ni Kuya. Siya kasi iyong kasayaw ko ngayon.
"I-ikaw-"
Hindi ko natapos iyong sasabihin ko dahil tumango siya.
"Yeah... I figured that if you really do like him, wala naman akong magagawa," he
said with a shrug.
Sobrang laki ng ngiti ko.
"I love you talaga, Kuya! Thank you!"
Nung matapos iyong kanta, binitawan ako ni Kuya. Patingin-tingin siya sa paligid.
"That asshat. Wala pa ba siya?" bulong niya dahil walang Saint na lumalapit. Ako
rin ay kumakabog ang dibdib. Wala pa rin kasi siyang paramdam simula kanina... Pero
nagpromise naman siya na pupunta siya sa birthday ko...
I tried to smile. I tried to be positive. Sobrang blessed ko pa rin kaya dapat
masaya pa rin ako kung hindi man makakapunta si Saint. I knew he'd have his reasons
kung-
Napatigil ako sa pag-iisip nung may humihingal na dumating sa venue. Lahat kami
napatingin sa kanya.
"Am I late?" sabi niya. Unti-unting lumaki iyong ngiti sa mukha ko. Lumapit siya sa
akin. "Bagay ba?" he asked and then we began to dance. Wala na akong pakielam sa
mga matang nakatingin sa amin. I couldn't believe what I was seeing.
"You- wow." Hindi ko matapos iyong sasabihin ko.
"Well, yeah... The reason why I was late is because I just finished reading the
last book last night."
Nanlaki iyong mata ko.
"Binasa mo?"
He nodded.
"Bakit?"
"Well, it seems important to you so I gave it a shot."
Mas lalong lumaki iyong ngiti ko.
"And Kath said that Parker's gonna be Ron. And Hermione ended up with Ron. Tss.
Daya," he murmured.
"Kaya kinulayan mo iyong buhok mo?" I asked. Kulay silver kasi iyong buhok niya
tapos naka-brush up pa.
"Yeah... Ang tagal pala magkulay ng buhok. Na-late tuloy ako," sabi niya.
I was smiling and laughing and I wanted to cry. Sobrang saya ng gabi na 'to.
"If I can't be Ron, I figured I'd rather be Draco Malfoy. But they didn't end up
together..."
I shook my head.
"No. Hindi sila nagkatuluyan," I replied.
And then I hugged him.
"But I secretly wish Hermione ended up with Draco," I whispered in his ears.

Kabanata 21

#JTSAfterParty (Hashtag daw sabi ng admins sa twitter :> for easier stalking)
Kabanata 21
"...thank you po sa pagpunta. Sana nag-enjoy kayo."
Sobrang nangangatog iyong tuhod ko noong nagsalita ako sa harap. Pagkatapos kasi ng
main program, sinabi ni Miss Carmie na dapat akong magsalita. Ayoko nga kaya lang
nakakahiya naman sa mga pumunta... Kaya kahit halos himatayin na ako sa sobrang
kaba, tinuloy ko na lang. Sabi ni Papa kapag kinakabahan na daw talaga ako, isipin
ko sapatos lang iyong mga tao sa harap ko. Ginawa ko nga siya kaya ngayon,
nakatitig ako sa iba't-ibang klase ng mga sapatos.
Pagkatapos kong magsalita, bumalik na ulit iyong tugtog. Inannounce nung event host
na start na raw ng after party kaya open na iyong mobile bar aka Potions Class ni
Professor Snape. Pwede rin silang maglaro doon sa Weasleys' Wizard Wheezes na may
kung anu-anong practical pranks na nakalagay. Pero paborito ko iyong part na
pwedeng maglaro ng Quidditch. Meron ding Golden Snitch! Ang galing talaga ni Miss
Carmie, sobrang appreciated ko. And aayain ko nga mamaya si Kuya para at least, ma-
feel ko na nakalaro ko si Harry sa Quidditch match.
Una kong nilapitan si Mama at Papa. Niyakap ko silang dalawa.
"Thank you po," I said while enveloping them in a hug.
"Nag-enjoy ka ba?" Papa asked and I could only nod. He smiled and then patted my
head. Pareho sila ni Kuya na mahilig tapikin iyong ulo ko. Iyon lang talaga ang
namana ni Kuya sa kanya.
"Happy birthday, baby," Mama said. I smiled at her. Sobrang kamukha ko talaga si
Mama bukod sa mata niya. Kulay brown kasi iyong sa akin-kamukha nung kay Papa. Pero
bukod doon, sobrang kamukha ko na siya. "Aalis na kami ng Papa mo."
Kumunot ang noo ko. Ang aga pa pero aalis na sila?
"Bakit po?"
"So you'd have fun."
"Hindi po ba ako mag-eenjoy kapag nandito kayo?" I asked. Gusto ko kasama ko silang
lahat ngayong birthday ko pero aalis ng maaga sila Mama...
Napailing si Mama at saka tinignan si Papa.
"Kamukha ko lang siya pero ikaw na ikaw," sabi ni Mama kay Papa. Papa just smiled
at Mama. Binalingan naman ako ni Mama. "Basta, go have fun. You're not allowed to
drink, maliwanag? Iyong friends mo, pwedeng mag-overnight dito kung gusto or if
not, pwede silang ihatid pauwi. Just ask Carmie. She's in-charged until tomorrow."
Tumango na lang ako at sinubukang alalahanin lahat ng sinabi ni Mama. Sinamahan ko
silang maglakad papunta sa labas dahil gusto ko silang ihatid. Pero hinanap muna
namin si Riley at Finley. Nag-iikot yata kasi silang dalawa dito.
"Riley!" pagalit na sabi ni Mama dahil nakita namin si Riley sa buffet table na
mayroong maraming chocolate frogs na nakapasok sa bibig niya. Alam naman niya na
bawal. Ang kulit talaga.
Nung makita ni Riley si Mama, tumakbo siya habang dala-dala iyong mga chocolate
frogs sa kamay niya. Hinabol naman siya ni Mama.
"Do you think she's okay, Pa?" I asked Papa habang nakatingin kami kay Mama na
hinahabol si Riley. "Tungkol sa amin ni Saint?"
Ilang sandali kaming tahimik. Alam ko naman na kahit sinasabi ni Papa na okay, may
ilang parte na hindi... Pero sana talaga maging okay ang lahat. Kasi sobrang saya
ko. Gusto ko na ganito na lang palagi. Ganito pala kasi iyong pakiramdam ng
masaya... Para kasing buong buhay ko nasanay ako na hindi pinapansin ni Parker kaya
naninibago ako sa ganitong pakiramdam.
"She'll be okay."
"Kailan?"
Papa shrugged.
"Sobrang minahal talaga ni Mama si Tito Parker para gustuhin niya na kami talaga ni
Parker ang magkatuluyan..."
It was not a question. It was a statement. Bata pa lang kami, alam na namin... Iyon
ang dahilan kung bakit hindi close si Kuya kay Mama. Pakiramdam niya kasi, ang
unfair ni Mama. Patay na si Tito Parker pero pinaparamdam niya palagi kay Papa na
kung buhay si Tito, siya ang pipiliin ni Mama. Kahit kailan hindi kayang tanggapin
ni Kuya 'yun kaya ang ginawa niya, lumayo na lang ang loob niya kay Mama...
Hanggang sa iyon na ang naging normal sa pagitan nila.
Kuya loves Papa. Sobra. Kahit naman ako mahal na mahal ko si Papa. At hindi ko rin
maintindihan.
Tumingin sa akin si Papa.
"Let's just respect the things that we can't change," Papa said. "Kung si Parker
man ang nakatuluyan ng Mama mo, I assure you that he would have been a great father
to you. He was a great person, Imo. Let's not taint his memory anymore, okay?" sabi
ni Papa ng naka-ngiti. Napa-buntong hininga na lang ako at tumango.
Tama naman si Papa... Wala akong magagawa sa mga nangyari dati pero may magagawa
ako sa mga nangyayari ngayon. At dapat doon na lang ako magfocus.
"Finley," pagtawag ko sa kanya. Napadaan kasi siya sa harap namin ni Papa dahil may
sinusundan siyang house elf. Nung makita niya kami, lumapit siya sa amin. "Uuwi na
raw kayo."
"I don't want to!"
"Pero gabi na. Bed time niyo na..."
"I haven't talked to Kuya Saint yet!" pagmamaktol niya.
Natawa naman kami ni Papa sa kanya.
"Why don't you talk to him?" Papa asked him.
"I can't find him. There are so many people. It's so annoying, Papa!" reklamo na
naman ni Finley. Sobrang cute. Hanggang ngayon pa rin pala ay ayaw niya sa mga tao.
Sinabi ni Papa na samahan ko muna si Finley na hanapin si Saint at saka kami
bumalik para umuwi na sila. Nung naglalakad kami, napadaan ako sa table nila Kath.
I mouthed na mamaya na ako babalik dahil may hinahanap pa kami pero mukhang maiiyak
na si Kath. Kaya naman pala dahil nasa table din nila si Kuya. Ano na naman kaya
ang ginagawa ni Kuya?
Paikot-ikot kami ni Finley hanggang makita namin si Saint. Halatang-halata na siya
iyon dahil sa kulay ng buhok niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala
na nagawa niyang pakulayan iyong buhok niya dahil sa akin... I mean, sino'ng
matinong tao ang magpapakulay ng buhok dahil lang birthday ko?
Agad na tumakbo si Finley nung makita niya si Saint.
"What are those?" tanong ni Finley. Nakaturo siya sa screen ng phone ni Saint.
Nakasunod lang ako kaya hindi ko makita kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Your nephews," sagot ni Saint. Oh. Iyong mga bibe. Lumapit ako mula sa likuran
nila at nakita ko na ka-video chat ni Saint iyong mga bibe.
"My nephews? What is nephew?" naguguluhan na tanong ni Finley. Hindi pa niya kasi
alam iyong nephews dahil bata pa siya.
Tumango naman si Saint.
"Nephew means your sibling's kids."
Mas lalong lumaki ang kunot ng noo ni Finley na parang gulung-gulo na siya.
"But bakit ducks ang anak ng kapatid ko?" nag-aalalang tanong ni Finley hanggang sa
unti-unti na siyang umiyak. Nanlaki iyong mga mata ni Saint at nagpanic na rin siya
nung umiiyak na si Finley. Ako naman, pilit kong pinipigilan iyong tawa ko dahil
sobrang cute nilang tignan. Lumakas na iyong iyak ni Finley kaya tumayo na siya at
tumakbo papunta kay Papa.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Papa.
"Papa, we're half-ducks!" sabi niya at saka mas lalong lumakas ang iyak niya.
Binuhat na lang siya ni Papa at lumabas sila ng Great Hall.
Nilapitan ko si Saint na mukhang gulat pa rin sa mga nangyari.
"I screwed that up," sabi niya na tulala pa rin.
"Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo sa kapatid ko," I replied. Napatingin ako sa
screen at nakita ko na natutulog naman iyong mga bibe. Paano ba 'to nakukuhanan ng
video? Mag-aalala na talaga ako kay Saint kapag may live video-feed sa cage ng mga
bibe.
"What? I was being truthful. The kids are here to stay," sabi niya. Kids na talaga
ang turing niya sa mga bibe.
Tinuro ko iyong phone niya. "Sino ang nagvivideo niyan?"
"Austin," he replied. "Hey, Austin, say hi," sabi niya ulit.
Hindi gumalaw iyong camera.
"Hey, slave. Say hi to your master," sabi ulit ni Saint. Hinarap ni Austin iyong
phone sa mukha niya at mukhang bwisit na siya kay Saint. Normal naman yata iyong
reaction niya... Sino ba naman ang matutuwa na nagvivideo ka ng bibe ng alas-diyes
ng gabi? At saka hindi pa rin pala sila tapos doon sa dare nila? Gaano ba katagal
na family slave si Austin?
"Hi," sabi ko kay Austin. Tumango lang siya. Ganito ba talaga siya kasungit? O
katahimik? Ang alam ko kasi tahimik na raw ako... Pero ibang level iyong pagiging
tahimik ni Austin.
"Sige na, slave. You're free to sleep," sabi niya bago pinatay iyong video call.
Austin scowled at him, though.
Umiiling ako sa kanya.
"What? That's the consequence."
"Paano kapag ikaw ang natalo? Papayag ka ba na ganunin ka?" I asked him dahil
parang sobra na iyong ginagawa nila kay Austin. Itong magkakapatid na GDL talaga na
'to...
He winked at me. Ayan na naman iyong kindat niya.
"I don't lose, Mary. I never lose."
Sinamahan muna ako ni Saint na kumuha ng pagkain. Medyo nagugutom na rin kasi
talaga ako dahil wala pa akong kinakain simula kanina... Sobrang kaba at excitement
din kasi kaya nalimutan ko ng kumain. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko na iyong
reklamo ng tiyan ko. Kumuha kami ng pagkain at saka pumunta sa table.
Pagdating namin doon, nagtatalo si Kuya at Kath... More like sumisigaw si Kath.
"Sinabi ko bang padalhan mo ako ng bulaklak ng patay?!"
Hala! Tinuloy ni Kuya? Akala ko ba iyong rose na iyong ipapadala niya! Grabe talaga
siya!
Tawa nang tawa si Kuya. "Bagay naman, ah. Bulaklak ng patay dahil patay na patay ka
sa akin. Dapat nga magthank you ka."
"Did I ask for you? Kadiri ka! Weirdo! Stupid sa Math!" sabi ni Kath. Issue yata
talaga sa kanya iyong pagbagsak ni Kuya sa Math...
Kinindatan naman siya ni Kuya. Hala ang cute. Na-imagine ko na si Harry Potter
iyong kumindat.
"Sus. Kunwari ka pa. If I know, kinikilig ka lang kaya hindi ka agad nakapagsend ng
thank you sa akin sa text. Okay lang umamin."
Si Kath, mukhang malapit niya na isaksak kay Kuya iyong wand niya.
"Excuse me? Hindi kita type! Never. Ayokong magkaroon ng anak na stupid sa Math!"
Mas lalong lumakas ang tawa ni Kuya. Si Kath naman ay pulang-pula na iyong mukha.
"Anak agad? Nililigawan pa lang kita. Advanced mo naman mag-isip, babe. I feel so
violated," sabi ni Kuya na tawa nang tawa.
"I didn't say that! Stop putting words in my mouth!" sabi ni Kath.
"Kung may ilalagay man ako sa mouth mo, hindi 'yun words," sabi ni Kuya sabay
tinaas-taas pa niya iyong kilay niya.
Nanlaki iyong mga mata ni Kath. Kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.
"Okay, that's it. We're out of here," sabi ni Saint sabay kuha sa plato ko at saka
hinila ako patayo at palayo sa table. Hindi pa rin ako maka-move on sa mga narinig
ko sa Kuya ko...
Naglakad kami ni Saint hanggang sa makarating kami sa labas. Maraming bituin
ngayong gabi kaya sobrang nag-enjoy ako habang nakatingin sa taas.
"Akala ko hindi ka na dadating kanina," I honestly told him.
He clutched his hand onto his chest. "Grabe, wala ka bang tiwala sa akin?"
"Sobrang late mo na kaya dumating..."
"Well, yeah... My hair took longer than I expected," sabi niya. "I look
ridiculous."
Hinawakan ko iyong buhok niya.
"Hindi, ah..." I said. "Cute nga, e."
He frowned.
"I'm not cute, Mary. Saint and cute shall never be used in a sentence together,"
sabi niya sa akin.
"Pero cute kasi talaga," I insisted.
"You're stubborn tonight," he said.
Pinilit ko si Saint na magselfie kami kahit ayaw niya talaga sa selfie. Pumayag
naman siya at nung nakita niya, sinabi pa nga niya sa akin na isend ko raw sa
kanya... Tignan mo 'to, kunwari pa na ayaw...
"See? Draco and Hermione look better together," sabi niya.
Tumango ako.
"Pero hindi sila nagkatuluyan, e," I said sadly. Though sabi naman ni JK Rowling na
dapat sila talaga ang ending...
Inakbayan ako ni Saint.
"Yeah. But they're fiction... and we're real. We're different and I'm pretty sure
you'd end up with me," sabi niya sa akin at hinalikan iyong gilid ng ulo ko. I
smiled at the gesture.
"Thank you."
"Why?" he asked.
Huminga ako nang malalim bago ako nagsimula. Sobrang saya ko kasi ngayon. Hindi ko
maipaliwanag kung gaano ako kasaya pero gusto kong subukan para malaman ni Saint
kung gaano niya ako napasaya... Gusto kong malaman niya na sobrang appreciated ko
lahat ng effort na pinapakita niya sa akin.
"For coming into my life. For making me smile. For always being there. For reading
my favorite book. For dyeing your hair. For playing with my brothers. For
everything." Huminga ako nang malalim ulit. Ano ba 'yan. Naiiyak ako. Hindi ko alam
kung bakit pero siguro dahil overwhelming iyong nararamdaman ko ngayong gabi.
Sobrang saya ko... Sobrang saya na gusto ko ganito na lang kami palagi.
"Salamat, Saint."
Para akong tanga na umiiyak.
"Damn Suarez kids. Why are you all crying tonight?" sabi niya habang nangingiti.
"And you don't have to thank me for those things. I like doing them for you," he
said. Ngumiti siya at mas naiyak na naman ako. Bakit nga ba iyak ako nang iyak
ngayong gabi?
"Plus I haven't even given you my gift yet," sabi niya habang nakalagay iyong kamay
sa pisngi ko. Sinusubukan niyang punasan iyong mga luha na tumutulo mula sa mata
ko. Ang sarap palagi sa pakiramdam kapag ginagawa 'to sa akin ni Saint...
"Akala ko iyong plastic 'yung regalo mo?" I asked while trying to stop myself from
crying.
"Naniwala ka 'dun?" he asked.
Tumango ako tapos tawa na naman siya nang tawa habang naiiling.
"You're so gullible yet so endearing," sabi niya habang may inilalabas na envelope
mula sa coat niya. "Here. My gift."
Inabot niya sa akin iyong envelope at saka binuksan ko iyon. Kumunot iyong noo ko
habang binabasa ko iyong nakalagay.
"So I asked mom, right? I was originally planning to buy you first edition Harry
Potter books but I can't find any. Sucks," sabi niya habang binabasa ko pa rin
iyong nakasulat.
Nung ma-realize ko iyong nakalagay, nagsimula na naman akong maiyak.
"She said that I should just give you something that's close to your heart so- hey,
why are you crying again?" nag-aalala na sabi niya habang naiiyak na naman ako.
"Ayaw mo ba?"
Umiling ako at mas lalong lumakas iyong iyak ko.
He cursed under his breath. "I shouldn't have listened to Psalm!" sabi niya. "Hey,
Mary, stop crying. I'll buy you another gift tomorrow. 'Wag ka ng umiyak,
please..." nag-aalala niyang sabi sa akin.
Hindi ba niya naiintindihan na iba ang dahilan kung bakit naiiyak ako? Naiiyak ako
dahil hindi na kaya ng puso ko iyong mga ginagawa niya.
"Thank you," sabi ko sa gitna ng hikbi ko.
"No, I'll get you another one."
Umiling ako.
"No, gusto ko 'to," I said and then held the envelope close to my heart. "Sobrang
salamat."
"Hindi ka naiiyak dahil ayaw mo sa regalo ko?" he asked, confused. Umiling ako.
Bakit naman aayawan ko?
"Your gifts are the weirdest but they are the best."
Napangiti siya. Weird naman kasi siya talaga... Unang binigay niya sa akin, plastic
bag, tapos bibe, ngayon naman ang niregalo niya sa akin ay one thousand seedlings
na itinanim na nakapangalan sa akin.
"Hey, the ducks aren't weird," pagtatanggol niya.
Tumatawa na lang ako at pinabayaan na siya.
"But seriously, do you like my gift? I thought since you care about the environment
so much..."
Tumango ako.
"Good. Because my brothers and I spent last week planting all those seeds," sabi
niya. Nanlaki iyong mga mata ko. Kaya pala sinabi ni Psalm na nabili na nila iyong
regalo niya sa akin dahil sila pala ang nagtanim. At kaya pala medyo nangitim sila
nung nakita ko sila sa Ronac... Hindi ko na napigilan iyong sarili ko at niyakap ko
si Saint.
"Thank you, thank you, thank you!" sunud-sunod na sabi ko sa kanya.
I felt him kissing the top of my head.
"Anything for my future GDL."
Pagkatapos kong maubos iyong pagkain ko at matapos kong tumigil sa pag-iyak,
bumalik na kami ni Saint sa Great Hall. Mukhang lasing na yata iyong mga kaibigan
ko dahil tumatalon-talon na sila sa gitna. Hinanap namin iyong table nila Kath pero
pagdating namin doon, wala na si Kath.
"Nasaan na si Kath?"
Tinuro ni Liza si Kuya.
"Pinaiyak ni Kuya Preston," she said. Nanlaki iyong mata ko kay Kuya.
"Kuya naman!"
Kuya shrugged.
"Wala akong ginagawa," he said defensively.
Liza shook her head.
"You told her haharanahin mo siya sa house nila kaya umiyak si Kath."
Tawa naman ng tawa si Kuya. Napailing ako. Baliw na talaga siya.
Natapos iyong party at kinailangan ko na ring umuwi. Hindi naman kasi ako sanay ng
nagpupuyat kaya mga 1am, nagpahatid na ako. Si Saint naman, mabuti na lang at
nagpasundo rin siya sa driver nila dahil hindi niya kayang magdrive. Late na pala
talaga siyang nakatulog kagabi dahil tinapos niya iyong Deathly Hallows. Hindi ko
pa siya natatanong kung ano ang tingin niya sa libro. Paano kung hindi niya gusto
iyong libro? Parang hindi ko yata kaya makasama ang isang tao na ayaw sa Harry
Potter.
"Just got home. You?" sabi niya. Magkausap kami sa phone. Kakadating ko lang din ng
bahay. Hinubad ko iyong heels ko at nakapaa na lang ako. Sumakit iyong paa ko sa
buong araw na pagtayo.
"Kakadating ko lang din," I replied.
"I forgot something."
"Ano?" I asked. Wala naman siyang dala kanina nung pumunta siya sa party.
"I forgot to ask for your permission."
"Saan?"
Binuksan ko iyong pintuan ng kwarto ko at saka hinanap iyong bukasan ng ilaw.
Nanlaki iyong mata ko dahil sa nakita ko. The right side of my room was painted.
Dahan-dahan akong naglakad doon at napagtanto ko na iyon 'yung unang page ng libro
ng Harry Potter and the Sorcerer's stone. It was the exact same replica. Bawat
detalye, parehong-pareho. Hindi ako makapaniwala. Parang sasabog iyong puso ko sa
nararamdaman ko.
"Hey, Mary. Are you there?" tanong ni Saint. Wala sa isip akong tumango kahit na
hindi naman niya ako nakikita. Pinulot ko iyong papel na nakapatong sa kama ko.
Happy birthday, Imo. I can't make it but I hope you like my gift.
-Parker
Oh, my God. Ito 'yung dahilan kung bakit pinilit kami ni Mama na sa hotel magstay
kahit pwede naman sa bahay... Para magawa 'to ni Parker.
"Mary, are you still there?"
"A-ah. Oo, bakit?" tanong ko habang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. I was
smiling. Sabi ko na nga ba at hindi ako matitiis ni Parker... Na kahit hindi siya
makakapunta, alam ko na hindi niya makakalimutan iyong regalo ko. It was a
tradition between the two of us. And I was glad he didn't break his promise.
"I'm asking for your permission to officially court you."

Kabanata 22

#JTSKab22
Kabanata 22
Hindi ako mapalagay. Siguro dahil sobrang naguguilty ako na hindi ako nakasagot
agad sa tanong ni Saint... Nakakabigla naman kasi. Out of the blue na lang siyang
nagtatanong... Tapos medyo hindi pa ako maayos dahil sobrang na-overwhelmed ako sa
regalo sa akin ni Parker. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko nun kaya
hindi agad ako nakasagot... Tapos nung magsasalita na ako, para namang biglang
nagbago iyong mood ni Saint.
Haaay, ano ba 'yan. Tuwi tuloy napapatingin ako sa wall ko, nakakaramdam ako ng
guilt... Kung hindi naman kasi ako talaga masyadong nagulat dito, makakasagot naman
ako kay Saint, e.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba ako. Sobrang good mood ni Mama kaya
nakakapagtaka... pero maayos na rin iyon para hindi na naman niya ako tanungin
tungkol kay Parker. Feeling ko naman kasi good mood si Mama dahil nagtagumpay siya
sa plano niya. Siya ang nagpapasok sa kwarto ko kay Parker, sigurado ako. Si Mama
talaga, hindi sumusuko.
"What about Cayden? Maganda ba?" Mama asked me.
Kumunot ang noo ko. "Ano po?"
"Iyong name. Maganda ba?" tanong niya ulit.
I nodded. Maganda naman talaga 'yung name kaya lang hindi ko alam kung bakit
tinatanong sa akin ni Mama 'yun... Nagiging weird na din siya lately. Pero at least
medyo toned down na talaga iyong ginagawa niyang match-making sa aming dalawa ni
Parker.
"Para saan po?"
Mama just smiled at me at sinabihan ako na tawagin ko muna si Kuya at mamaya niya
raw sasabihin sa akin. I obliged since ayoko naman na sirain ang magandang mood ni
Mama. Umakyat muna ako at saka kumatok sa kwarto ni Kuya pero nakabukas naman pala
'yun.
"Kuya..." pagtawag ko sa kanya. Nakaupo siya sa kama niya at nakaharap sa laptop.
Seryoso rin siya sa ginagawa niya.
"Bakit?" he asked. Hindi pa rin naaalis iyong tingin niya sa laptop. Na-curious ako
kaya lumapit ako.
"Ano 'yan?" tanong ko naman nung makita ko na nagsesearch siya ng restaurant online
na nagdedeliver ng porridge.
"Lugaw," sagot ni Kuya.
"Para saan?" I asked him. Kung gusto niya ng lugaw, pwede namang magpaluto kila
Manang. Para saan 'tong bibilhin ni Kuya?
"Basta," he answered tapos pinanood ko siya na mag-order online ng lugaw. Naglagay
siya ng contact information tapos nanlaki iyong mata ko nung pangalan ni Kath ang
ilagay niya doon. "Ano nga'ng address nun?" he asked me.
Hindi agad ako nakasagot dahil nabigla ako. Hindi ko na talaga alam kung ano ang
papaniwalaan ko! Mukha namang concerned talaga si Kuya kay Kath pero hindi ko alam
kung seryoso talaga siya. Para kasing joke lang sa kanya 'tong panliligaw na
ginagawa niya, e... Kahit sinasabi niya na seryoso siya, parang hindi naman.
Ang gulo ni Kuya talaga.
"Bakit mo bibigyan ng lugaw si Kath?" I asked him.
"Di ba binibigyan ng lugaw kapag may sakit?"
Tumango ako. "May sakit siya?" tanong ko. Hindi ko alam na may sakit si Kath. At
kung may sakit man si Kath, bakit alam ni Kuya? Hindi ba dapat ako ang mas maunang
makaalam dahil ako ang best friend ni Kath? At saka paanong mas naunang malaman ni
Kuya e iniiwasan nga siya ni Kath?
Tinanong ko si Kuya kung bakit nagkasakit si Kath pero ayaw niyang sabihin sa akin.
Nagtatampo na ako dahil biglang nagkakaroon ng secret si Kuya... Pero kung si Kath
naman, ayos lang sa akin. Siyempre mahal ko silang dalawa kaya kung saan sila
masaya, doon ako... Sana lang talaga hindi sila magkagulo.
"Bakit hindi na lang ikaw magdala?" I suggested. Masarap kayang magluto si Manang.
At saka kung gusto niya talaga si Kath, dapat mag-effort talaga si Kuya... Hindi
ito na puro siya online delivery.
Umiling si Kuya.
"Katamad umalis."
Napailing na lang din ako. Sinabi ko kay Kuya iyong address ni Kath tapos bumaba na
kaming dalawa. Pagdating namin doon, nagsimula na kaming kumain. Si Finley,
namamaga iyong mga mata... Grabe kasi iyong iyak niya talaga nung inakala niya na
kalahating-bibe siya. Hindi ko nga alam kung paano siya pinatahan ni Papa, e.
Paniwalang-paniwala kasi siya na may lahi siyang bibe. Si Riley naman, malungkot
dahil hindi siya pwedeng kumain ng bacon. Nakatitig lang tuloy siya kay Kuya habang
masaya 'tong kumakain.
"Kailan kayo aalis?" biglang tanong sa akin ni Papa.
"Saan po?"
"Sa US. Para maayos ko na," he replied. Natahimik ako sandali dahil hindi ko rin
alam kung kailan... Medyo malayo pa ang sembreak namin pero gusto ko na kasing
umalis ngayon. Ayoko ring umabsent sa klase... At kung aabsent man ako, unfair
naman na pilitin ko iyong mga kaibigan ko na umabsent para sa akin.
"Iisipin ko po muna," I answered. Papa nodded... "Pero ilan po ba ang pwede kong
isama?" I asked and then subtly looked at Mama. Gusto ko rin kasi na kasama sila
Saint... Pero hindi ko alam kung pwede. Syempre kahit gusto ko si Saint, mas
ginagalang ko naman iyong opinion ni Mama.
"Kahit ilan..." Papa said. Then he held Mama's hand. "Kahit sila Saint, 'di ba?"
Mama looked at him and sighed. "Oo naman."
Nagtataka talaga ako kung ano ang meron ngayon at sobrang bait bigla ni Mama. Kung
normal na araw 'to, sigurado ako na hindi agad ang sasabihin niya at iiinsist niya
pa na si Parker ang sumama... at sasabihin niya kay Parker na bantayan ako. Sobrang
weird talaga.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Si Kuya, naunang matapos kumain at nakakapagtaka
kasi siya 'yung sobrang lakas kumain sa amin. Palibasa soccer player kaya kahit
malakas kumain, parang wala namang nangyayari sa kanya... Idol din kasi si Kuya ni
Riley kaya kung gaano kalakas kumain si Kuya, ginagaya ni Riley. E hindi naman
nagggym si Riley kaya ayun, sobrang naging mataba siya.
Nung natapos na akong kumain, aakyat na rin sana ako sa kwarto nung marinig ko si
Kuya na kausap si Kath. Mukhang naka loudspeaker si Kuya kasi naririnig ko na naman
na sinisigawan siya ni Kath.
"Galit ka na naman, babe. Mas lalo kang magkakasakit niyan," sabi ni Kuya.
"Isa pang babe mo sa akin, Preston, ha!"
"Ano? Ano'ng gagawin mo sa akin, babe?" sabi ni Kuya. Tawang-tawa iyong itsura
niya. Baliw talaga.
"Ibe-blade na rin kita!" naiinis na sabi ni Kath.
"Hahaha! Grabe, Kath. Pinadalhan ka na nga ng lugaw. Thoughtful ko talaga."
"Lugaw tapos ako rin 'yung nagbayad?!"
Mas lalong lumakas iyong tawa ni Kuya.
"E hindi sila tumatanggap ng credit card, e. Ikaw muna magbayad, babayaran na lang
kita pag nagkita tayo," sagot ni Kuya. Napailing ako. Akala ko genuinely concerned
siya kay Kath pero mukhang iniinis niya pa rin. "Ang mahalaga naalala kita."
"Wag ka na talagang magpapakita sa akin!" sabi ni Kath tapos pinatay niya iyong
tawag. Mukha namang wala siyang sakit pero baka naman na-highblood lang talaga siya
dahil kay Kuya...
Bumalik na ako sa kwarto ko at hindi ko na kinausap si Kuya. Useless din naman...
Bahala na siya kung ano ang gusto niyang gawin. Basta sana aware siya sa mga
consequences ng mga ginagawa niya.
Habang nakaupo ako sa beanbag, hindi ko maiwasan na ma-guilty na naman... Kahit
kasi walang sinabi si Saint, ramdam ko na disappointed siya. Bakit naman kasi hindi
ako sumagot agad? MU na naman kami. Formality na lang daw halos iyong ligaw sabi ni
Kath. Haaay. Si Parker naman kasi. Kahit na wala na akong gusto sa kanya, ginugulo
niya pa rin ang buhay ko.
Inabot ko iyong cellphone ko para i-message si Saint. Hindi siya online. Gusto ko
siyang i-message pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. So I settled with a
simple hello. And prayed that he'd respond because guilt was eating me alive.
--
Natapos iyong hapon pero wala akong na-receive na reply kay Saint. Alam ko naman na
nagonline siya dahil nagpost siya ng picture sa IG. Nasa Ronac na naman siya at
nagbabasketball kasama iyong mga kapatid niya. Naglike nga ako para alam niya na
nakita ko na online siya, e... Hindi ko lang alam kung mapapansin niya 'yun e ang
daming naglalike at comment sa bawat posts niya.
Kaya buong araw after ng birthday ko, medyo malungkot ako. Roller coaster lang
talaga. Kung gaano ako sobrang saya kagabi, ganoon naman akong kalungkot ngayon.
Sobrang bipolar.
Pagkagising ko kinabukasan, may pasok na. Na-excite ako kahit papaano kasi alam ko
na makikita ko na si Saint. Hindi ko naman kasi sure kung iniiwasan niya ako...
Kakatapos lang ng third class namin at mag-isa akong papunta sa cafeteria. Mayroon
pa kasing tinatapos si Liza para sa isang class at absent naman si Kath. Mukhang
totoo nga iyong sinasabi ni Kuya na may sakit si Kath. Pagpasok ko sa cafeteria,
naabutan ko si Parker na mag-isang kumakain. Inilibot ko iyong tingin ko pero wala
naman sila Kuya sa paligid...
I was hesitant at first pero nagawa ko siyang lapitan.
"Hi," I said.
Tumingin siya sa akin. Medyo halata na puyat siya. Dahil ba 'to sa pagpepaint na
ginawa niya sa kwarto ko? O dahil sa problema niya? Hindi ko na kasi talaga alam
pagdating kay Parker. Para siyang libro na kailangan mo pang i-decode bago mo
mabasa.
"May kasama ka?" I asked. He shook his head. "Pwedeng maupo?" I was bracing myself
for the blow but I was surprised when he said okay. Sanay na naman kasi ako na
tinataboy ni Parker kaya naninibago ako kapag ganito na accommodating siya...
Ilang segundo akong natahimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi
ko nga rin alam kung bakit ako naupo dito, e. Siguro dahil medyo nakaramdam ako ng
awa nung makita ko siyang mag-isa. Nitong mga nakaraang araw kasi, parang sobrang
problemado ni Parker. Syempre bilang kaibigan niya, nag-aalala ako para sa kanya.
"Ano, uhm, thank you nga pala sa regalo mo..." I said.
"You're welcome," he replied.
Hindi ko na naman alam ang sasabihin. Para kasing tuwing kausap ko siya, napupunta
ako sa dead-end. Sa paraan kasi ng pagsagot niya, parang ayaw niyang mag-usap kami.
Pero hindi dapat ako sumuko dahil ito iyong panahon na kailangan ni Parker ng
kaibigan.
"Sobrang naappreciate ko," I said with a smile. "Sobrang thank you."
"Alam ko," he replied.
"Huh?" I said.
"I know you'd like it."
Ah. Tumango ako kahit hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi iyon.
"I know you better than most people."
I smiled awkwardly. Iba kasi iyong tono ng pagkakasabi niya.
"Alam ko... Kaya thank you," I replied anyway. I stayed there until my stomach
grumbled. Mukhang narinig ata ni Parker kaya napatingin siya sa akin. Balak ko
naman kasi na bumili ng pagkain kaya lang hindi ko na nagawa dahil na-distract ako
nung nakita ko siya. Tatayo na sana ako nung hawakan niya iyong kamay ko kaya
napatigil ako. "Bakit?" I asked.
"You wouldn't like the food here today," sabi niya.
"Huh?"
He was staring at me. Again.
"I'll say this again," sabi niya. Nakatingin siya nang mabuti sa akin kaya hindi
ako makabitaw sa tinginan namin. Para kasing sobrang dami ng sinasabi ng bawat
tingin niya. "I know you better than most people."
Hindi na ako nakapalag. Sumama na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa
parking lot.
"Hala, may class ako mamaya," sabi ko. Baka kasi kung saan pa kami pupunta. Biglang
nalungkot iyong mukha niya. Hindi naman sa naging malungkot dahil hindi ako
makakasama... Bakit naman malulungkot si Parker kung hindi ako makakasama?
"Ah."
Iyon lang iyong sinabi niya pero na-guilty na agad ako. Bakit ba ang lakas ng
konsensya ko? Nakakainis.
I winced as I said, "Pero mamaya pa naman 'yun..." Kahit may klase na ako in 20
minutes. Para kasing mas kailangan ako ni Parker kaysa sa subjects ko.
Sorry po sa pagcucutting class, Lord. Promise once lang 'to.
Hindi naman sobrang layo ng pinuntahan namin ni Parker. Doon lang kami sa burger
joint na lagi naming pinupuntahan nung high school kami. Pagdating namin doon,
nandun 'yung owner. Nakilala pa pala niya kami. Palagi kasi kami dito nila Kuya
nung high school.
"The two of you!" sabi ni Mrs. Cheng. "Kayo na ba finally?" sabi niya ulit. Palagi
niya kasi kaming tinutukso dati. Dati natutuwa ako dahil crush ko si Parker pero
ngayon naiilang na lang ako kasi syempre may girlfriend si Parker.
Sasabihin ko na sana na may Cindy na sa buhay ni Parker pero naunahan niya ako.
"She's with someone," sagot niya na parang ako pa ang may kasalanan.
Napatango si Mrs. Cheng pero nagtataka siya. Alam niya kasi na crush na crush ko si
Parker...
"Akala ko-"
"Yeah. I thought so, too," sagot ni Parker.
Ako naman, nakakunot lang ang noo dahil hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan
nila. Tahimik na lang ako na umorder ng monster burger at milkshake... Para masulit
man lang ang pagcucutting class ko. Kaya nung pagdating ng order ko, nagsimula na
agad akong kumain. Nakakagutom kasama si Parker.
"Hindi ka kakain?" I asked dahil nakatingin lang siya sa akin. Ang awkward tuloy.
Umiling siya.
"Masarap pa rin naman siya. Walang nagbago," I said with a smile.
"Mabuti pa 'yan hindi nagbago."
"Hindi naman sila nagbago ng recipe siguro," I replied. Trademark na kaya 'tong
burger nila. Malulungkot talaga ako kapag nagbago sila ng recipe... "Kain ka na,
bilis," I said while smiling. Baka kasi mabawasan ng kaunti iyong kunot sa noo ni
Parker kapag nakain niya na iyong favorite burger niya.
And when he took the first bite, I said, "Sarap?"
He nodded.
"Smile ka na. Nakakatakot ka kapag seryoso, e," I said. And a smile slowly appeared
on his face. Ewan ko pero nakaka-proud na napangiti ko ang tao na 'to.
Nag-usap lang kami. Ang weird na masaya sa feeling. Para kasing ang tagal na naming
hindi nag-uusap. Palagi kasing may problema o minsan naman, hindi lang talaga siya
makausap. Tapos ngayon nagawa pa naming mag-usap tungkol sa mga nangyari dati.
Parang ang gaan sa loob...
"She's mean," sabi ni Parker.
Sumimangot ako. "Hindi, ah. Ikaw ba naman kasi nilagyan mo ng polbo iyong urn ni
Tito Parker," sabi ko sa kanya. Napagalitan kasi siya ng sobra nung mga bata pa
kami dahil pinaglaruan niya iyong urn ni Tito Parker. One week siyang hindi
nakalabas ng bahay nila tapos iyon pa 'yung nagbakasyon kami sa Cape Town tapos
hindi nakasama si Parker kasi grounded siya.
"I was young. What did I know."
"Tss. Sabihin mo, pasaway ka lang talaga."
"At least I'm not goody-goody like you," he replied.
"Uy, grabe ka! Hindi kaya!"
"You didn't win Best in Christian Living for nothing, Imo."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang bully mo."
"Ang bait mo kasi."
"Tss."
Natitigan kami hanggang sa bigla siyang tumawa. Tumatawa talaga siya na parang 20
years old talaga siya... Minsan kasi parang 50 years old na si Parker dahil sa dami
ng problema niya at dahil sobrang seryoso siya... At least ngayon he's acting like
he's 20.
"Thank you," sabi niya.
"Ikaw magbabayad ng burgers natin. 'Wag kang magthank you."
He smiled while shaking his head.
"Thank you for not giving up on me."
"Muntik na nga, e," I kidded.
"But you stayed."
I nodded.
"I'll always be here for you, Parker. Kahit ayaw mo, nandito ako palagi. Kahit
hindi mo ako kailangan, nandito pa rin ako. Kasi ganito talaga kapag magkaibigan...
Kaya sana hindi ka na masungit sa akin. Okay?"
He stared at me for a moment before he nodded.
"Okay."
True to what I had thought, hindi na nga ako umabot sa klase ko. Late ako ng 20
minutes at hindi na ako nagtangka na pumasok dahil masungit sa latecomers iyong
prof ko... Kaya naman naglakad muna kami ni Parker. Hindi ko nga alam kung may
klase siya o ano, e. Pero sinamahan niya ako.
Nasa harap kami ng field ng makasalubong namin ang GDL brothers. Napatigil ako kasi
nakatingin sila sa aming dalawa ni Parker. Hala. Magkagalit nga pala sila.
"I'll go ahead," bulong ni Parker sa akin. I unconsciously nodded. It was like I
was caught red-handed kahit wala naman akong ginagawa. Ito na naman iyong konsensya
ko, e. Ang lakas-lakas niya.
Nung makaalis si Parker, I smiled at them.
"Hi," I said.
"Hi," sabi ni Psalm. He was his usual self. Mukhang hindi naman siya nag-iisip ng
iba kahit nakita niya kami ni Parker. Bakit ba kasi ganito ako mag-isip? "Looking
for Saint?" he asked and I nodded. Hindi kasi nila kasama si Saint.
"He's in the gym."
"Oh." Pupuntahan ko ba siya? Paano kung galit siya sa akin? Pero grabe naman...
Magagalit ba siya dahil lang hindi ako nakasagot agad?
"You should go see him," Psalm said.
I bit my lower lip.
"I don't think that's a good idea."
"Why? Galit kayo?" he asked.
I shrugged.
"Hindi niya ako nirereplyan, e..."
Hindi ko rin alam bakit ko sinasabi 'to sa mga kapatid niya.
Psalm laughed. "He's being a sissy," sabi niya. Siniko niya si Austin. "Hey, Slave.
Samahan mo si Imo sa gym."
Hindi pa rin sila tapos? Naaawa na ako kay Austin.
"Hala, 'wag na," I said.
"Nah. That's fine," sabi ni Psalm at saka inakbayan si Austin. "He's a good slave.
Right, Arch?"
Austin flicked his middle finger at Psalm. Nanlaki iyong mata ko. Hindi ko
ineexpect kay Austin 'yun, ah!
"He'll walk you there, Imo," sabi ni Psalm at saka iniwan kaming dalawa. Ang
awkward tuloy lalo.
"Uhm... Kahit 'wag mo na akong samahan," I said.
"Let's go."
Hindi man lang ako pinansin tapos naglakad na siya. Grabe talaga ang sungit niya.
Nakasunod lang ako sa likod ni Austin habang naglalakad kami papunta sa gym. Hindi
na ako nagsasalita dahil mukhang hindi rin naman kasi ako kakausapin niya...
Sobrang tahimik niya yata talaga.
Pagdating namin doon, nagpasalamat ako sa kanya.
"Thank you," I said and he just nodded tapos iniwan na agad ako. Sungit.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Saint na mag-isang naglalaro. Sobrang bagay
talaga sa kanya iyong buhok niya ngayon... Nagdidribble lang siya tapos nagshoshoot
ng bola. Hindi ko magawang maglakad papalapit dahil sa hindi ko alam na dahilan...
So I stood there and watched him play. Tahimik lang ako at nalaman niya lang na
nandun ako nung magring iyong cellphone ko.
"Kanina ka pa?" he asked after he jogged towards me.
I nodded.
"Bakit 'di ka nagsalita?"
I bit my lower lip.
"Baka kasi galit ka sa akin..." I answered.
Kumunot ang noo niya.
"And why would I be mad?"
"Kasi hindi agad ako nakasagot..."
Saint laughed while shaking his head.
"I'm not that petty, Mary. I wouldn't be mad just because of that," sabi niya. "And
it was partly my fault. Thank you for not answering. That's a question that's meant
to be asked in person."
I bit my lower lip. Malapit na yatang dumugo ang labi ko.
"Bakit mo tinanong? Hindi ka ba seryoso?"
Kumunot ang noo ko.
"Are you kidding me? Ako pa ba ang hindi seryoso? May anak na tayo't lahat, hindi
pa rin ako seryoso?" he seriously asked.
I guiltily looked at him... "E bakit hindi ka sumasagot sa message ko?"
"I was busy yesterday."
"Nakapagpost ka pa sa instagram tapos hindi mo ako mareplyan..."
Saint smiled again. Nakakainis. Ang cute niya kasi ngumiti.
"Are you stalking me?"
"Uy, hindi, ah!"
Tawa na siya nang tawa.
"Grabe. Matutuwa pa naman sana ako kung iniistalk mo ako."
Tss. Ayan na naman siya sa pa-cute niya.
"Hindi ako stalker."
He pinched my cheek.
"Yah. You're too cute to be a stalker. You're my admirer, 'di ba?" sabi niya tapos
pinalo ko siya.
He was laughing at my desperate attempt to hurt him. Ako rin ang nasaktan kasi ang
tigas ng braso niya. "But to erase your doubt, I was practicing yesterday for
Gilas. I really couldn't check my phone yesterday. So, I'm not mad, okay?"
Huminga ako nang malalim.
"Hindi ka nga galit?"
Umiling siya.
"Thank God. Sobrang nakokonsensya kasi ako, e."
Ngumiti siya.
"Why?"
"Syempre, ayoko na isipin mo na ayokong magpaligaw sa 'yo kasi hindi ako nakasagot
agad... Sorry..."
"Aww, Mary. Stop making my heart flutter." His smile went wider. "And stop making
me want to hug you."
"Why can't you just hug me?"
"I'm sweaty."
"I don't care."
"You'll smell like sweat."
"I'll smell like Saint. And I seriously don't mind."
The smile disappeared from his face. Naging seryoso agad iyong mukha niya.
"Mary," he called my name. I stared back at him. "If you're not in for the long
haul, just stop right now. Stop until I'm giving you the chance to... because I'm
seriously going crazy over you."

Kabanata 23

#JTSLigaw >>> Use this hashtag =)))


Kabanata 23

"Just so you know, hindi ako pabor sa mga nangyayari sa bahay na ito," sabi ni Kuya
matapos niyang malaman na pinayagan ako ni Papa na si Saint ang susundo sa akin
papunta sa school. Sabi kasi ni Saint, save fuel daw... na hindi ko maintindihan
dahil hindi naman on the way ang bahay namin mula sa bahay nila papuntang school.
Pero hindi ko na sinabi pa iyon dahil masaya din naman ako na sabay kaming papasok.
Natatawa ako kay Kuya dahil grabe siyang magreact. Sabay lang naman kaming papasok
ni Saint.
"Don't you like Kuya Saint, Kuya?" tanong ni Finley sa kanya.
"Bakit? Sino ba ang mas gusto mo sa amin ni Saint?" seryosong tanong ni Kuya kay
Finley. Natatawa ako dahil nagseselos pa rin si Kuya kay Saint.
"He seems cooler."
Napa-awang ng labi si Kuya sa sagot ni Finley.
"Aba! Mas cool ako sa kanya!"
"You're baduy, Kuya."
Tawang-tawa ako dahil mukhang aatakihin na sa puso si Kuya sa sobrang inis. Si
Finley naman kasi, walang preno ang bibig. Hindi niya yata alam na sensitive topic
kay Kuya iyong si Saint. Ewan ko ba kung bakit parang nakikipagkumpitensya si Kuya
sa lahat ng aspeto ng bagay kay Saint... E wala namang kumpitensya. Si Kuya lang
talaga.
"Hindi ako-"
Pero hindi na natuloy ang sasabihin ni Kuya dahil iniwan na siya ni Finley at
nagtatakbo palabas ng bahay nung makita niya si Saint na lumabas mula sa isang
sasakyan.
"Kuya Saint!" sigaw ni Finley. Nagtatakbo siya hanggang sa mayakap niya iyong binti
ni Saint. Tuwang-tuwa talaga siya kay Saint.
Lumuhod naman si Saint para magpantay sila ni Finley. "Hey, kid. Where's your
sister?"
Tinuro ako ni Finley tapos kinindatan ako ni Saint. Narinig ko naman si Kuya sa
likod ko na gumawa ng ingay na para bang nasusuka siya.
"San ka pupunta, Kuya?" tanong ko sa kanya dahil babalik na siya papasok ng bahay.
Ni hindi man lang yata siya babati kay Saint.
"Itatago ko si Riley at baka gayumahin din ni Saint," sabi niya at saka iniwan ako.
Napailing na lang ako. Si Kuya talaga sobrang seloso.
Lumapit ako kila Saint pero hindi niya ako matignan dahil busy siya sa pakikipag-
usap kay Finley.
"When are you going to teach me to play?" tanong sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Saint dahil alam ko naman na busy siya. Ngayon ko lang
nalaman na big deal pala iyong Gilas. Nagresearch pa kasi ako tungkol doon dahil
iyon pala ang dahilan kung bakit busy siya nitong mga nakaraang araw... Tapos nung
nalaman ko kung ano iyon, biglang sobrang feeling proud ako sa kanya. Kaya imbes na
malungkot ako kapag hindi siya nakakatawag sa akin, mas nagiging supportive lang
ako.
"This weekend. We'll play with my brothers. Is that fine with you?"
Masayang tumango si Finley tapos niyakap si Saint bago tumakbo papasok ng bahay.
Ako naman, hindi maalis iyong ngiti sa mukha dahil masaya talaga ako kapag ganito
na kasundo ni Saint iyong mga kapatid ko. Si Kuya lang naman talaga ang hindi.
"Good morning," bati ko sa kanya nung dalawa na lang kami.
Kinindatan na naman niya ako.
"Hey, beautiful."
Ang aga-aga nambobola na naman 'to. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Saint iyong
mga sinasabi niya, e. Para kasing hindi siya nauubusan ng mga sasabihin para
mapangiti ako. Palagi siyang may baon.
"Bakit iba na naman 'yung sasakyan mo?" I asked him nung nasa loob na ako nung bago
niyang sasakyan. Pero mabuti na lang at mukhang bago 'to dahil baka sumakit na
naman iyong ulo ko kapag maraming kalat. Nitong isang linggo na magkasama kami ni
Saint, napansin ko na makalat talaga siyang tao. Minsan gusto kong mainis sa kanya
pero imbes na mainis ako, ang ginagawa ko na lang, nagdadala ako ng plastic bag at
pinupulot ko iyong mga kalat. Para at least wala ng gulo, natahimik pa ako.
He crinkled his nose.
"My mom."
"Binigyan ka ng bagong sasakyan?"
"Well... not exactly like that."
"E ano?"
"Well, remember the triplets?"
Kumunot ang noo ko.
"Triplets?"
Tumango naman siya.
"Preston, Benj, and Parker the ducks? Our kids?" sabi niya at napa-awang ang bibig
ko. Sa araw-araw na magkasama kami ni Saint, palagi niyang nababanggit iyong mga
bibe. Sabi niya, lumaki na daw sila. Nung binili kasi namin sila, maliit pa lang
talaga sila pero ngayon daw, malaki na sila. At sabi niya, dapat daw magpasalamat
kami kay Austin dahil si Austin daw ang nagpapakain sa mga anak namin... Siraulo
talaga si Saint.
"Ano'ng meron?" I prodded even more.
"One night, when you were too busy reviewing kaya ni hindi mo ako ma-replyan," sabi
niya at kinokonsensya na naman ako. Mayroon kasing long exam noon at nagreview ako.
Pinatay ko iyong phone ko dahil isang malaking distraction si Saint. Nakalimutan
kong sabihin sa kanya na offline ako buong gabi kaya nagtatampo siya dahil hindi ko
siya nareplyan.
"Nagsorry na ako doon kaya..."
"Well, I was still hurt."
"Arte mo."
"Sa 'yo lang naman."
I bit my lower lip. Ito na naman siya!
"Well, as I was saying, since you were ignoring us, kami na lang ng triplets ang
lumabas. We went to the park."
"Ano'ng ginawa niyo sa park?" I asked, amused. Imbes na ayain niya iyong mga
kapatid niya na tao para lumabas, mas pinili niya pa na isama iyong mga bibe.
"I let them walk around. Mabuti na lang walang masyadong tao dahil baka maapakan
sila doon," he said as if he was really worried na baka maapakan iyong mga anak
niya. "After that, we were headed home. They were already buckled in front but I
remembered that I left their toys so bumalik ako sa sandbox." Hindi ko alam na
mayroon na rin pa lang mga laruan iyong mga bibe. "And when I went there to
retrieve the things, I saw a friend. We talked for a while... and that's when it
happened."
Nakakunot lang ang noo ko dahil hindi ko alam kung may hindi ba ako narinig kaya
hindi ko naintindihan nang mabuti iyong kwento.
"Apparently, I left the kids for too long so they kinda peed in the car... And the
smell stayed. So when I drove my mom to dad's office, she kept on complaining about
the smell. Ang baho daw, e."
Pagkatapos nun, tawa ako nang tawa. Kaya pala may bago siyang sasakyan! Nasa casa
pala iyong Forester niya at pinapaayos ng Mama niya dahil sobrang baho daw sa loob
ng sasakyan. Hindi pa rin pala alam ng Mama niya iyong tungkol sa mga bibe kaya
hindi rin masabi ni Saint kung saan nanggaling iyong amoy. Pero baka blessing in
disguise na rin dahil binilhan siya ng bagong sasakyan dahil doon.
Pagdating namin sa school, hinatid niya ako sa classroom.
"Marami ba talagang may crush sa 'yo?" I asked him dahil napapansin ko na maraming
nakatingin na babae habang naglalakad kami. Ang alam ko, maraming gwapo sa school
na 'to sabi ni Kath... Sa GDL brothers, si Austin daw ang pinaka-gwapo pero si
Saint ang pinaka-malakas ang dating. Siguro dahil may sira sa ulo si Saint. Pero
hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang daming nakatingin sa amin. Nakakailang
kasi.
Saint shrugged.
"Pero madami nga?"
"I don't know... and I honestly don't care."
"Bakit naman?" I asked him. Si Kuya kasi natutuwa kapag nalalaman niya na may
nagkaka-crush sa kanya, e. Wala lang masaya lang siya pero hindi naman din niya
papansinin iyong babae.
"As the saying goes, ikaw lang sapat na."
Natawa ako sa kanya dahil doon. Hindi talaga bagay sa kanya.
"We're here," sabi niya nung nandun na kami sa tapat ng classroom ko. Nasa kabilang
side pa iyong building niya pero mukha namang ayos lang kay Saint iyon. Sanay naman
siyang tumakbo dahil basketball player siya.
"Lunch later."
I nodded and smiled and he grunted.
"Jesus, why are you so cute?" sabi niya tapos kinurot iyong ilong ko. "Talikod ka
na para makaalis na ako," sabi niya tapos pinatalikod niya ako. "Now, walk."
Pero hindi ako naglakad.
"Bakit?"
"Just walk."
"Wala pa naman 'yung prof ko," I answered.
"Well, mine's already there and if you won't walk away from me, I can't leave."
"Bakit? Nasa akin ba iyong paa mo?" sabi ko habang nakatalikod pa rin. Nakikita ko
na nakatingin na sa amin iyong iba kong mga classmates. Nandun na rin sila Liza at
Kath at mukhang kukurutin ako ni Kath kapag lumapit na ako sa kanila.
"Wala. But my heart's with you so please..."
Nanlaki iyong mata ko sa mga narinig ko at hindi ako nakagalaw. Biglang lumakas
iyong tibok ng puso ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Sa sobrang lakas ng tibok,
parang gusto na nitong lumabas mula sa dibdib ko. Gusto kong humarap para itanong
kung tama ba iyong narinig ko pero hindi ko magawa dahil para akong natulos sa
kinatatayuan ko.
And the bell rang...
My heart was literally saved by the bell.
--
Pagdating ng lunch, nasa labas na agad ng room si Saint pagkalabas pa lang namin.
At hindi siya mag-isa.
"Aray!" nasabi ko dahil kinurot ako ni Kath sa bewang ko dahil nasa harap namin
iyong mga GDL brothers.
"What's wrong?" nag-aalala na tanong ni Saint sa akin. Umiling na lang ako.
"They'll join us if that's okay with you," sabi ni Saint. "Wala kasi silang social
life kaya sumasabit sila sa akin," sabi niya pa kaya binatukan siya ni Psalm.
Si Kath naman, tango nang tango. Nasaan kaya si Kuya? Magseselos lalo iyon sa GDL
brothers kapag nakita niya si Kath na ganito ang reaksyon.
"Nasaan si number 4?" tanong ni Kath.
"He's taking exams," sagot ni Psalm. Nasanay na siguro siya na by number ang tawag
sa kanila. Medyo nakaka-objectify pero iyon talaga, e. At kinurot na naman ako ni
Kath at mukhang napansin ni Saint iyon kaya hinatak niya ako patabi sa kanya.
"Possessive much, Saint?" sabi ni Psalm.
"Find your own girl and stop meddling with mine, Psalm," Saint replied and then
dropped his arm on my shoulder. Nasanay na ako na nakaakbay si Saint sa akin...
kasi comfortable din sa feeling na ganito kami kalapit. Kaya palagi kaming
napagkakamalan na kami na kahit hindi naman.
Nauna na kaming maglakad after niyang ipakilala si Liza at Kath kay Austin. Mukha
namang walang pakielam din si Austin dahil sa totoo lang, mukhang wala naman siyang
pakielam talaga sa kahit na ano bukod sa basketball. Ni-literal niya yata iyong
motto nila na ball is life.

"This weekend," sabi ni Saint.


"Maglalaro kayo ni Finley?" I said as I recalled what happened earlier.
He nodded. "But aside from that, I'm planning on asking your parents-especially
your mom if I could court you." Napatigil ako sa sinabi niya. "What? Ayaw mo?"
Hindi agad ako nakasagot. Hindi naman sa ayaw ko pero... wow. Parang totoo na
talaga. Kasi ilang beses na sinabi ni Saint na liligawan niya ako pero hindi pa
talaga pumasok sa sistema ko na totoo pala iyon... Nitong mga nakaraang araw
sobrang busy niya sa Gilas kaya akala ko nalimutan niya na... At saka hindi ko
inaasahan na sa sobrang seryoso niya, balak niya pang kausapin si Mama-na halata
naman na hindi siya masyadong gusto.
"Mama told me that I should ask your parents' permission first. Mali ba ako?" he
asked, worried.
Agad akong umiling dahil ayoko na may iba na naman siyang isipin dahil sa lack of
response ko.
"Hindi naman... Pero seryoso?"
A smile dawned on his face.
"Mary, I've never been more serious in my life."
"Mas serious sa basketball?" I kidded. I knew his love for basketball's so great.
"Aww don't compete with basketball. It's not fair."
"Bakit? Kasi mas importante 'yun?" sabi ko tapos tawa naman siya nang tawa sa akin.

"No. Because I'll choose you. And kawawa naman ang team natin kung sila Psalm lang
ang matitira," sabi niya at nakakuha na naman siya ng batok mula kay Psalm at ng
middle finger mula kay Austin.
--
Mabilis lang natapos iyong linggo at bago ko pa mamalayan, weekend na. Sobrang
kinakabahan ako!
"Ito, okay ba?" I asked Kath habang nasa video conference kami. Sinabi ko naman
kasi na pumunta na lang sila sa bahay para mas madali pero ayaw ni Kath dahil baka
masaksak niya lang daw si Kuya kapag nakita niya.
"Girl, magsisimba ka ba?" sabi niya.
"Maganda naman, ah?" I asked as I looked at my Sunday dress. Binili pa kaya 'to ni
Mama nung nasa LA sila.
"Try mong magshorts?"
Umiling ako.
"Papagalitan ako ni Kuya."
"Mas mahigpit pa talaga si Preston kay Tito, noh?" sabi ni Kath at tumango ako. Mas
madami pang bawal si Kuya kaysa kay Papa, e. Ilang dress iyong pinakita ko kay Kath
na lahat inayawan niya hanggang sa magsettle na lang kami sa desenteng tignan na
romper. Hindi kasi talaga ako pwede sa shorts dahil papagalitan ako ni Kuya lalo na
at dadating si Saint. Ayoko naman na magkagulo na naman kaya hindi ko na susubukan
pa.
Iyong buhok ko naman, pinabayaan ko na lang na nakalugay. Ayoko ring magmakeup
kahit pinipilit ako ni Kath.
Bumaba ako sa kusina dahil gusto kong tumulong sa pagluluto. Nasabi ko kasi kila
Mama na pupunta si Saint at isa talaga malaking palaisipan sa akin na walang
reklamo si Mama...
"He's not allergic to anything, right?"
Tumango ako.
"Good. Sige, magbebake na ako ng cake para sa dessert," sabi ni Mama.
Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko si Mama.
"Thank you, Mama... I love you..."
She smiled and then said, "Anything basta masaya ka."
Bibitiw na dapat ako sa yakap nung may maramadaman akong kakaiba. Nanlaki iyong
mata ko nung marealize ko... Oh, my God. Kaya ba ang weird ni Mama lately? Kaya ba
palagi siyang natutulog kapag nakauwi na ako? Kaya ba ilang araw ng mayroong
ginataang kalabasa sa ulam namin? At kaya ba medyo may umbok sa tiyan ni Mama?!
"Buntis ka, Ma?" nanlalaki iyong mata na tanong ko habang ramdam ko pa rin iyong
tiyan niya. Flat naman 'to dati pero ngayon, medyo parang busog siya...
Nanlaki iyong mata ni Mama lalo na nung narinig namin na parating na si Kuya.
"Sssh," sabi ni Mama. At saka bumitiw sa yakap. Nandun na si Kuya.
"Aba, aba. Talagang pinaghahandaan ang pagdating ng Santo," sabi ni Kuya. Naka-
cross arms pa siya.
Kumunot ang noo ni Mama.
"Hindi ka ba magbibihis?" tanong ni Mama dahil naka-boxer shorts at white shirt
lang si Kuya. "May bisita tayo mamaya."
"Baka bwisita," sagot ni Kuya. "At saka bakit ako magbibihis para sa kanya, Ma? Ano
siya, swerte?"
Napailing na lang ako kay Kuya. Hindi talaga siya magbabago.
Mas nagfocus na lang ako na tulungan si Mama sa pagbebake ng cake kaysa makinig sa
mga rants ni Kuya. Sabi ko nga na ako na lang dahil baka mapagod siya... Buntis pa
naman siya. Bigla akong naexcite lalo! Kailan kaya lalabas si baby Cayden? Namiss
ko na rin kasi na may baby sa bahay. Malaki na kasi si Finley at Riley kaya hindi
ko na sila ma-baby masyado.
"Ate, is this okay?" tanong ni Finley. I nodded. "Riley, stop eating the cookies!
Later pa 'yan!" saway niya sa kakambal niya dahil si Riley pa yata ang uubos nung
cookies na bine-bake ni Finley.
"But I'm hungry..." sabi ni Riley.
"We just finished breakfast," answered Finley.
"But I'm still hungry!"
"You're always hungry!" sigaw naman pabalik ni Finley.
"I will eat you!" sagot ni Riley.
Tumalon pababa nung kitchen stool si Finley tapos umiiyak na hinanap si Papa.
Papa's boy talaga si Finley. Si Riley naman, tumakbo din at hinabol iyong kakambal
niya. Ang cute lang ni Riley dahil ang taba-taba niya tapos every five seconds,
humihinto siya dahil hinihingal na agad siya.
Pagkatapos naming magbake, nagpahinga lang ako sandali bago ako naligo. Mga 1pm pa
naman dadating si Saint kaya may panahon pa ako. Bago ako maligo, nagcheck muna ako
ng phone at may message doon si Saint.
Saint Iverson Gomez de Liaño: See you later, Mary GDL.
Tapos mayroong naka-attach na .gif niya na kumikindat siya. Napailing na lang ako
habang nangingiti. Pero sinave ko iyong .gif niya.
Pagkatapos kong magbihis, nagboblower ako ng buhok tapos bumaba na rin ako.
Anytime, dadating na si Saint at kinakabahan ako na hindi maintindihan. Si Finley
lang iyong mukhang genuinely excited lang dahil nakasuot na siya ng mini-basketball
jersey niya pati iyong binili niyang basketball shoes. Ang cute niyang tignan.
Mukha siyang mini-me ni Saint.
"Preston," pagtawag ni Papa kay Kuya.
"Bakit, Pa?"
"Wag mong awayin si Saint mamaya, ha?"
"Hindi kaya, Pa. Behave lang ako." Sinungaling si Kuya. Nakita ko na ngumisi pa
siya.
Tumango lang si Papa. "Basta, kapag may nakita na hindi gusto, tahimik lang. Kapag
may ayaw, 'wag magsalita," paalala ni Papa. Sabi niya kasi, you can never take back
your words once they're said kaya be careful daw dapat lalo na at may masasaktan sa
bawat maling salita na lalabas sa bibig natin.
Ilang minuto pa, narinig ko na may paparating na sasakyan. Si Finley iyong naunang
tumakbo para salubungin iyong Kuya Saint niya.
"Good afternoon po," sabi ni Saint kila Mama at Papa. "My parents told me to give
you these," sabi niya tapos mayroon siyang dala na basket of muffins.
"Tell your parents thank you," sabi ni Mama. Naka-hinga ako nang maluwag dahil
mukhang okay na talaga siya kay Saint.
Pumasok na sa loob sila Mama at naiwan na lang kami ni Saint. I heard him heave out
a heavy sigh.
"Okay ka lang?" I asked him.
"Do I look okay? I'm freaking out on the inside," sabi niya tapos natawa ako.
Tinignan niya ako nang masama. "You think this is funny? Let's see what your
reaction would be once you meet my parents," sabi niya tapos pumasok na siya sa
loob.
Oh, my God.
Pagpasok namin sa loob, nakahanda na iyong pagkain. Iniinterview lang nila si
Saint. Mga bagay na alam ko na naman kaya hindi na ako masyadong nakikinig...
"Ate, where's the muffin?" tanong sa akin ni Riley.
"It's in the kitchen. But later na 'yun, okay?"
Tumango siya kahit halata na malungkot siya. Half cup of rice lang kasi iyong nasa
plate niya dahil iyon lang ang pwede niyang kainin.
"So, ilan kayong magkakapatid?" Mama asked.
"We're 5 po. Four boys and a girl," sagot ni Saint. May kapatid pala siyang babae?
Tumango naman si Mama.
"What about your mom? What's her work?"
"She's... I honestly don't know what she does. She's a socialite so I think
socializing is her work?" hindi sigurado na sagot ni Saint. Hindi ko naman siya
masisi... Kahit ako hindi ko alam kung ano ang trabaho ng parents ko, e. Basta daw
may investments kami at doon nanggagaling ang pera namin.
Tumagal ng isang oras iyong late lunch namin. Halatang tensed na tensed si Saint.
Gusto ko ngang hawakan iyong kamay niya sa ilalim ng lamesa pero doon kami pinaupo
ni Kuya sa magkabilang dulo ng table.
Nasa labas na kami sa garden at nagpalabas ng cold tea sila Mama para mainom namin.
Mukhang tensed na tensed na si Saint kaya alam ko na ngayon niya na itatanong iyong
dapat niyang itanong.
"Tito, Tita," simula niya. Tinignan naman siya nila Mama. Mukha talagang
hihimatayin na si Saint. Ibang-iba sa sobrang confident na Saint na nagdadab pa sa
basketball court.
"Yes?" tanong ni Mama na mas lalo lang yatang ikinakaba ni Saint.
Huminga muna siya nang malalim.
"I know I'm not good enough for your daughter-"
"Buti alam mo," sabat ni Kuya pero pinagalitan siya ni Papa.
"But I really like her and I would like to ask for your permission to court her."
Sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Saint, parang may drum roll sa loob ng
dibdib ko. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito... Para kasing dati, namali
lang ako sa pagsakay sa sasakyan niya tapos biglang ganito? Na liligawan niya na
ako?
Siguro meant to be lahat.
Meant to be na paiyakin ako ni Parker nung araw na 'yun.
Meant to be na masaktan ako ng sobra.
Meant to be dahil dito talaga ako nakatadhana...
"What do you think?" tanong sa akin ni Papa.
"P-po?"
"Bibigyan ba namin ng permiso?" tanong ni Papa.
"K-kayo po..." I timidly answered.
Papa smiled. "Hindi naman kami ang magiging girlfriend. Kung ayos lang sa anak ko,
payag kami," sabi niya tapos tinignan niya si Mama. "Di ba?" and Mama nodded before
resting her head on Papa's shoulder.
"Well, she already said yes..." Saint answered. Hinampas ko siya. Binuko pa ako!
"What? Totoo naman."
Si Finley, pumalakpak.
"Yehey! Now, can you teach me to play ball na?" sabi niya. Kanina pa pala niya
hinihintay na matapos si Saint sa sasabihin niya. Sasagot na sana si Saint pero
sumabat na naman si Kuya.
"Hep. Hep. Manliligaw ka, 'di ba?" he asked Saint and Saint nodded. Ngumisi naman
si Kuya na parang may masama siyang balak.
Iniwan namin sila Papa sa garden habang umiinom sila ng tsaa at dinala naman kami
ni Kuya sa may backyard.
"Manliligaw ka? Pwes, ipagsibak mo kami ng kahoy," sabi niya habang nakatingin kami
sa maraming kahoy na nakahilera sa may likuran namin. Hindi ko alam kung saan
nakuha ni Kuya iyong mga kahoy na 'to!
"Kuya, may gas naman tayo!" reklamo ko dahil bakit niya pagsisibakin ng kahoy si
Saint?
"Aba, kung gusto niyang manligaw, Filipino style dahil hindi naman tayo Espanyol
kagaya niya!" sabi ni Kuya.
Aangal pa sana ako pero pinigilan ako ni Saint.
"It's fine, Mary."
"Pero mainit!" sabi ko. Alas-tres ng hapon at baka ma-heat stroke pa si Saint sa
mga kabaliwan ni Kuya.
"It's fine, trust me. I managed to plant thousand seedlings for you. This one's
nothing," he reassured me pero hindi ako mapakali. Si Kuya talaga! Ngayon,
nararamdaman ko na iyong naramdaman ni Kath tuwing inaasar siya ni Kuya!
May ngiting masama si Kuya tapos pinagdikit niya iyong mga palad niya.
"Babalik ako mamaya at dapat tapos ka na," sabi niya at saka iniwan kami. Kung
pwede lang mag evil laugh, malamang ginawa na ni Kuya.
Umalis na si Kuya at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Sabi ko kay Saint, 'wag
na niyang gawin dahil nababaliw lang naman si Kuya.
"If I don't do this, I won't be able to get your brother's approval," he replied.
"Hindi mo naman kailangan-"
"I need that," he said. "I need your family to like me. It's important for me,"
sabi niya na mukhang seryoso siya kaya pinabayaan ko na siya.
Naglakad kami palabas dahil may kukuhanin daw siya sa sasakyan niya. Nakasimangot
lang ako dahil naiinis pa rin ako kay Kuya. Dapat pala hindi ko na sinabi sa kanya
na pupunta si Saint at pinagtulakan ko na lang siya na tumambay sa bahay nila Kuya
Benj ngayon. Nakakainis talaga!
"One thing I forgot to tell you that before I came here, I did my research," sabi
ni Saint habang papalapit kami sa sasakyan. "I came prepared," sabi niya at saka
binuksan iyong likuran ng sasakyan at nanlaki iyong mata ko nung makakita ako ng
mga naka-sibak na na kahoy. Mayroon din doong gallons ng mineral water. "According
to research, pinagsisibak daw ng kahoy and pinagkukuha ng tubig so knowing Preston,
I came here prepared."
Nakaawang pa rin iyong labi ko dahil sa mga nakikita.
"Your brother's evil but I am smarter than him."
Kabanata 24

#JTSBonding
Kabanata 24
"Ikaw ang tumapos nito?" nakataas ang kilay na tanong ni Kuya kay Saint. Hindi ko
alam kung saan nagpunta si Kuya kanina pero base sa ngisi niya, malamang pumunta
siya kina Kath at ininis na naman 'to.
Tumango si Saint habang ako naman, hindi ko alam kung ano ang dapat na maging
reaksyon ko... Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Matatawa kasi parang
tanga na si Kuya. Nasa 21st century na kami pero iyong pag-iisip niya, nasa 1900s
pa yata... O kung maiinis ba ako dahil parang sobrang unreasonable niya na. Alam ko
sinabi niya na sa akin na ayos na sa kanya si Saint pero kahit na ganoon, ginagawa
niya pa rin ang lahat para pahirapan si Saint. Hindi na yata talaga magbabago si
Kuya.
"Sigurado ka?" sabi ni Kuya habang iniinspeksyon iyong mga kahoy na para bang may
clue doon kung si Saint ba talaga ang nagsibak sa kanila. "Bakit ang perfect nito?
May lahi ka bang magkakahoy?"
Napailing na lang kami ni Saint at saka iniwan si Kuya kasama ang mga kahoy niya.
"Where's Finley?" tanong niya habang papasok kami sa bahay.
"Hindi ko alam, e. Baka nasa kwarto niya," I replied. Didiretso sana kami sa kusina
dahil magpapahanda ako ng pagkain kay Manang. Kahit naman kasi hindi si Saint ang
nagsibak ng mga kahoy, siya pa rin naman ang nagbuhat papasok sa bahay. Sinabi ko
naman sa kanya na magpatulong pero kaya na raw niya. Kaya ayan, pagod pa rin siya.
"Can you go upstairs and call him?" tanong niya sa akin.
"Bakit?"
"Well, I kinda promised him I'd teach him to play ball."
"Pagod ka na, e. Next time na lang."
"A promise is a promise and I don't want to disappoint your brother. Besides, hindi
ako pagod," he replied.
"Pero ang dami mo kayang binuhat," I answered back. Kaya pala Grandia iyong
sasakyan niya kanina kasi puro kahoy lang iyong loob. Pati iyong mga guards niya na
kasama, may mga kahoy din iyong sasakyan. Si Saint talaga hindi ko maintindihan ang
isip minsan, e.
"Mary, I'm an athlete. I run miles a day. I play basketball for hours. Hindi ako
mabilis mapagod," sabi niya sa akin kaya hindi na ako nakipagtalo.
"Okay... Tara, puntahan natin si Finley," aya ko sa kanya. Okay na rin siguro 'to
since kita ko naman na gustung-gusto talaga siya ni Finley na makalaro.
He only wrinkled his nose.
"Ayaw mo?"
"It's not that I don't like... but this is your house and I don't think it's proper
for me to go upstairs."
Kunot lang ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Ano naman ang masama kung
aakyat siya? Ang weird niya talaga minsan.
"Ha?"
Napangiti siya.
"You're so cute and innocent," sabi niya tapos pinitik ng marahan iyong ilong ko.
"Sige na, call your brother."
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Finley. I tried knocking pero walang
sumasagot kaya naman binuksan ko na iyong pinto. Pagpasok ko, nakita ko na nakasuot
na ng pajamas si Finley at saka mahimbing na 'tong natutulog. He seemed peaceful
sleeping kaya naman hindi ko na siya sinubukang gisingin. Napagod din yata kasi
siya dahil buong araw niyang tinatakbuhan si Riley, e. Natakot yata na baka kainin
talaga siya ng kakambal niya.
Pagbaba ko, nakita ko na nag-uusap si Kuya at Saint. I was so curious kaya huminto
ako saglit. Alam ko na masamang makinig sa usapan ng may usapan pero kasi...
"Mag-usap nga tayo ng lalaki sa lalaki," seryosong sabi ni Kuya. Nakakatawa si Kuya
kapag nagseseryoso siya kasi hindi talaga bagay sa kanya.
Saint nodded. "About what?"
"Seryoso ka ba talaga sa kapatid ko?"
Kumunot ang noo ni Saint.
"It's been months, Preston. Bakit ba ayaw mong maniwala?" Saint asked. Nag-usap na
sila ni Kuya dati? Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Saint.
"Kasi bakit ako maniniwala? Kinausap kita dati, 'di ba? Nung para kang babae na
nag-iinarte at ayaw pansinin si Imo. Tinanong kita kung gusto mo 'yung kapatid ko
tapos sabi mo hindi ka sigurado. Tapos ngayon, ito? 'Wag ako."
Iyong kabog ng dibdib ko, palakas nang palakas. Gusto ko ng bumaba at magpakita sa
kanila para hindi na matuloy iyong pinag-uusapan nila pero iyong mga paa ko, parang
nakatulos lang sa kinatatayuan ko... Kahit anuman ang gusto kong itigil ang usapan
nila dahil ayokong marinig, wala akong magawa.
"That was before."
"That was only two months ago."
"And that was when I wasn't sure about what I feel. Would you rather that I told
you I like your sister kahit na hindi ako sigurado? I don't do things half-assed,
Preston. You know me. I won't pursue her this bad if I'm not serious. So please
spare me from your shits kasi kahit na mahaba ang pasensya ko dahil kapatid ka ni
Mary, one day, I swear to God susuntukin na lang kita."
I had always loved silence but not like this... I wasn't enjoying the silence
between the two of them dahil mas lalo lang lumalala iyong kabog sa dibdib ko.
Hindi ko alam na iyon pala ang pinag-usapan nila dati... Hindi ko mapigilan pero
may kirot sa loob ng dibdib ko kahit na alam ko na nakaraan naman iyon... Na kaya
pala ako iniwasan ni Saint nung mga panahon na 'yun ay dahil hindi siya sigurado sa
nararamdaman niya.
But what if one day he decided that he didn't like me anymore? Iiwas na lang siya
ulit? Kasi ganoon naman ang palagi niyang ginagawa sa akin... Iniiwasan niya ako
kapag may problema. Hindi niya ako kinakausap. Para akong tanga kasi wala akong
alam na may problema pala.
Hindi na sumagot si Kuya pero tinignan niya nang masama si Saint bago ito iniwan.
Ako naman, nanatili muna sa kinatatayuan ko ng ilang segundo pa bago ako
nagdesisyon na bumaba.
Pagkakita sa akin ni Saint, naka-ngiti siya na para bang hindi sila nagtatalo
kanina ni Kuya. I forced a smile.
"Where's Finley?"
"Uh tulog na, e," I replied meekly.
Napatango siya.
"Is there something wrong?" he asked me.
Umiling ako.
"Wala, napagod lang siguro..." I replied again.
He was looking at me like he knew I was lying... and I was. Hindi ko nga lang
gustong sabihin muna sa kanya iyong problema ko dahil hindi ko rin alam kung paano
ko sasabihin. I was loss with words at the moment. Maybe I'd sleep this off first
bago ko siya kausapin.
"Okay," he said. "I better get going."
Hindi na ako umangal at saka hinatid ko na siya palabas. Nandun na iyong driver
niya at mukhang hindi naman siya magda-drive pauwi.
"Good night," I said.
Hindi siya agad sumagot pero nakatingin siya sa akin. I bit my lower lip. Hindi
talaga ako magaling magsinungaling dahil kulang naman ako sa practice... Hindi kasi
ako madalas magsinungaling dahil masama daw iyon sabi ni Papa. Pero sa mga
nangyayari ngayon, dapat yata gumaling na ako. May mga bagay kasi na hindi ako
handang pag-usapan agad. Kailangan ko ng time para i-process lahat sa isip ko.
He just sighed and said, "Good night, Mary."
Nanatili ako sa labas ng bahay hanggang sa makita ko na makalabas na sa gate iyong
sasakyan ni Saint. Tahimik akong pumasok sa loob at saka umakyat papunta sa kwarto
ko. Mabuti na lang at wala akong nakasalubong dahil wala ako sa mood na makipag-
usap kahit kanino. Pagdating naman ng 9, nagrosary na kami tapos dumiretso din agad
ako sa kwarto. Napansin siguro nila Mama na wala ako sa mood dahil pinayagan nila
ako na umakyat na agad...
Bakit ba ganito ako ngayon? Parang nakaka-depress ako.
Nakahiga lang ako at saka nakatitig sa kisame. Katabi ko lang naman iyong cellphone
ko at pwedeng-pwede kong kausapin si Saint pero parang ayaw ko muna. Sinubukan ko
ring matulog na kasi baka bukas ayos na iyong pakiramdam ko pero ilang baling na
'yung nagagawa ko, ni hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Inabot ko iyong cellphone ko at saka nagstatus. Ngayon lang yata ako ulit
magsstatus pagkatapos ng ilang buwan.
Can't sleep...
Wala naman akong masyadong friends sa facebook kaya ayos lang sa akin na magpost ng
ganito. Naka-hide nga lang sa family ko at kay Saint iyong status dahil ayoko na
bigla akong pasukin dito ni Kuya. Hinihintay ko na magreply sila Kath dahil gusto
kong pumunta sa kanila para magsleepover kami ni Liza. Mas comfortable kasi ako na
kausapin sila tungkol sa mga ganitong bagay kaysa kay Saint.
Ilang minuto na akong naghihintay ng reply pero likes lang mula sa ibang mga
friends ko iyong nakuha ko. Mawawalan na sana ako ng pag-asa nung biglang
magvibrate iyong cellphone ko. Nakakunot ang noo ko nung makita ko iyong pangalan
ni Parker na tumatawag.
"Hello?" sabi ko pagkasagot ko.
"I'm outside."
"Ha?"
"I said nasa labas ako."
Mas lalo lang yata kumunot ang noo ko.
"Ano'ng ginagawa mo sa labas?"
"You said you can't sleep. I can't sleep, too."
"Kaya ka nandito?" naguguluhan na tanong ko.
"Yeah. Up for a drive? And let's grab a burger, too."
Kahit na naguguluhan ako, lumabas muna ako at saka tinanong siya kung seryoso ba
siya. He was nodding.
"Bakit?" I asked again. I was hugging myself dahil medyo malamig ngayon at naka-
pajamas lang ako.
"As I have said, I can't sleep," sabi niya.
"Bakit hindi si Cindy ang pinuntahan mo?" I asked him dahil iyon talaga ang
pumapasok sa isip ko. May girlfriend naman siya tapos ako iyong ginugulo niya.
He pursed his lips for a while before responding. "It's a long story."
"I have time," I replied. Tutal hindi rin naman ako makatulog, e 'di kwentuhan niya
na lang ako para antukin naman ako.
Napailing niya sa akin. "Why have I forgotten that you're a hard-headed girl?" sabi
niya.
"Tss. Magpapaalam muna ako kila Mama," sabi ko sa kanya at saka pumasok ako sa
loob. Umakyat ako sa kwarto nila Mama pero hindi na sila sumasagot sa katok ko kaya
malamang tulog na sila. Ayoko naman na umalis ng wala nilang paalam kaya sinabi ko
kay Parker na hindi ako pwede ngayon. I invited him inside, though. Ayos lang naman
iyon dahil he's practically family.
Halos tulog na rin iyong lahat ng maids dahil 11pm na. Gutom na kaming pareho ni
Parker kaya pumunta na kami sa kusina.
"Meron ditong burger patty pero hindi ako marunong magluto," I admitted. "May bread
din dito pero hindi ko alam kung saan nakalagay..."
Nakita ko iyong dala ni Saint kanina na muffin pero hindi naman yata ayos na
ipakain ko iyon kay Parker. The idea didn't sit well with me.
Nagulat ako nung nasa likod ko na si Parker habang tinitignan ko iyong mga laman ng
ref.
"What about the muffin?" he asked.
"Hindi pwede 'yan," I quickly responded.
"Expired na?"
Umiling ako.
"Bakit hindi pwede? Mukhang masarap, e," he said. Aabutin na sana niya iyong muffin
pero inagaw ko iyon sa kamay niya. "Ang damot mo naman."
I pushed the muffin at the back of the ref and then weakly smiled at him.
"Bigay 'to ni Saint, e."
The grin on his face disappeared for a while and then he smiled again. Sobrang
weird talaga ni Parker lately. Ramdam ko na mayroon siyang problema pero ayaw
niyang sabihin sa akin...
"Galing siya dito?" he asked and I nodded. Why would I lie, anyway? "Bakit?"
"He asked for permission to court me."
"Oh."
And then there was this silence again.
"Pumayag si Tita?"
I nodded.
"Finally naggive-up na siya sa idea na merong tayong dalawa. Kasi hindi talaga, 'di
ba?" I said to him. Ito iyong palagi niyang sinasabi sa akin dati.
Na hindi.
Hindi talaga.
"Yeah..."
The mood was rather awkward after that. Sinubukan ko na magbukas ng mga topic para
naman gumaan iyong mood sa pagitan namin. Dahil pareho na talaga kaming gutom ni
Parker, kinuha na lang namin iyong grahams, marshmallows, at saka chocolate sa ref.
Marami kasi kaming sweets dahil kay Riley. Si Kuya kasi sobrang pasaway. Lalo na
nitong mga nakaraang araw sobrang spoiled sa kanya ni Riley na lahat ng matamis
binibili niya.
Inaya ko si Parker sa may likuran namin at nagtataka siya.
"Bakit marami kayong kahoy?" Kahit si Parker nagtataka sa trip ng Kuya ko.
"Si Kuya kasi pinagsibak ng kahoy si Saint."
Biglang tumawa nang tumawa si Parker.
"Natatawa ka pa e ang bully nga ni Kuya."
"What do you expect? You're his only sister. Of course he'd be protective."
"But this is a whole new level. Nasa 21st century na kaya tayo!" I argued and he
just laughed at me. "At saka hindi ka naman ginanito ni Kuya dati nung crush kita."
He looked at me and then his forehead was creased.
"Are you kidding me? Preston made my life a living hell. Ako iyong palagi niyang
pinagtitripan kapag practice. Kapag sa klase, ako iyong palaging hindi kasama sa
groupings kaya kung sinu-sino ang nakaka-partner ko. And there was this one time na
vinolunteer niya ako sa pagpupulot ng basura sa Ilog Pasig," naiinis na sabi niya
kaya nagsimula naman akong matawa. Naaalala ko 'yun! Iyon 'yung weekend na inis na
inis si Parker dahil sobrang baho daw sa ilog na 'yun pero wala siyang magawa dahil
naka-sign up na siya.
"But you met Cindy there, right?" tanong ko sa kanya. Doon niya nakilala si Cindy
dahil pareho silang pinagtripan ng mga kaibigan nila. Nung una naiinis siya kay
Cindy dahil hindi nito alam ang pangalan niya. I remembered having to listen to all
his stories about Cindy... He didn't have any regards for my feelings back then.
He nodded.
"Yeah..."
"See? There's a silver lining, after all."
Tinulungan ko si Parker na ayusin iyong mga kahoy. Naggawa kami ng bonfire sa
likuran namin. Hindi naman masyadong malaki iyong apoy kaya palagay ko ayos lang
iyon. Nagsimula na akong maglagay ng marshmallows sa sticks at inilagay iyon sa
apoy. Tahimik lang kaming dalawa.
"I missed this," he said.
"S'mores? Madali lang naman 'tong gawin," I said and then showed him. "Papainitin
mo lang iyong mallows at saka ilalagay sa pagitan ng grahams and chocolates. 'Di ba
nagawa na natin 'to sa camp?"
A small smile appeared on his lips.
"No, this. We used to be really close."
I nodded.
"Until you decided to ditch me in my own prom," I said and then the smile was wiped
off from his face. "Joke lang naman. Naka-move on na kaya ako."
That was meant to lighten up the mood pero mukhang failed naman ako. Mas lalo lang
naging gloomy si Parker.
"Joke lang kasi 'yun. Ayos na talaga ako, Parker... Masaya na ako kasama si Saint
tapos masaya ka rin naman kasama si Cindy, 'di ba? Everything's in their proper
places right now. Destiny, tadhana, parang ganon."
"Is fate even real?"
I nodded.
"This. Don't you think this is fate that in the end, everything's worked out fine.
Kahit na akala ko dati na never akong makaka-move on sa 'yo, posible pala."
He was just looking at the fire.
"Yeah... destiny. Funny how that thing works."
Inubos namin ni Parker iyong s'mores pero nagtira kami para kay Riley. Parker said
na favorite iyon ni Riley kaya gumawa kami para sa kanya. Bandang 2am nung ihatid
ko siya sa may sasakyan niya.
"Ingat ka sa pagdadrive," I said with a smile. Malapit lang naman iyong bahay nila
kaya hindi ako kinakabahan. At saka pinainom ko kaya siya ng coffee kanina para
sure ako na hindi siya aantukin. "Good night," I said and then he meekly replied.
Papasok na sana ako sa loob dahil finally, tinamaan na ako ng antok pero tinawag
niya iyong pangalan ko.
He rolled the window down.
"Mary," he said and I stopped.
"Hmm?"
"I don't believe in destiny. If I want it, I'll get it."
Iyon lang ang sinabi niya at saka nagsimula na siyang magdrive paalis. Ako naman,
umakyat na dahil inaantok na talaga ako. But I didn't sleep before sending a
message to Saint. I didn't want to end a day na hindi kami okay na dalawa. It just
wasn't right.
Mary Imogen Suarez: Good night ❤
--
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit na inaantok pa ako dahil magsisimba kami.
It was Sunday and the day was beautiful. The sky was cloudy and it wasn't that
humid. We attended mass and when it was done, dumiretso kami ng family ko sa The
Fort para magbreakfast.
"Where are we going to eat?" Riley asked.
"We just went to church tapos puro food agad nasa isip mo," Finley said. Hindi
naman siya pinansin ni Riley.
"Mama, I want Korean barbeque!"
Nagtalo sila hanggang sa makarating kami sa The Fort. Habang umuorder sila ng
pagkain, ako naman ay nakatutok lang sa phone ko. Hindi pa rin nagrereply si Saint
at mukhang hindi naman siya online... Baka busy pa rin siya sa Gilas niya?
I wanted to add Psalm para matanong siya kung alam ba niya kung nasaan si Saint
pero baka naman sabihin niya feeling close ako...
"Problema mo?" tanong ni Kuya sa akin dahil napansin niya siguro na hindi ko
ginagalaw iyong pagkain sa harap ko.
"Wala," I replied.
"Si Saint?"
I nodded.
"Puntahan mo na."
"Hindi ko nga alam kung nasaan, e."
"Tawagan mo," sabi niya na para bang naweweirduhan siya sa akin.
"Wala akong number..." I admitted. Sa facebook lang naman kami palaging nag-uusap
kaya hindi na rin kami naghingian ng numbers... Pero kapag ganito na hindi siya
online at saka ko narerealize na dapat pala may number kami ng isa't-isa.
"Seryoso?" I nodded. "Weird niyong dalawa."
Tahimik akong kumain hanggang sa sikuhin ako ni Kuya.
"You're welcome," sabi niya at naguluhan naman ako hanggang sa ituro niya iyong
phone ko. Tinignan ko iyon at mas lalong kumunot ang noo ko.
From: Kuya
Saint
+639 050123456
"Saan mo 'to nakuha?"
"Austin."
"Friends kayo?"
He nodded.
"Siya lang ang matino sa GDL," he simply replied before stuffing his mouth with
Korean barbeque.
I excused myself habang kumain. I called Saint pero hindi siya sumasagot. Palaging
pinapatayan ako ng tawag. Oo nga pala. Hindi nga pala sumasagot ng unknown numbers
si Saint... I decided against it and asked for Psalm's number instead. Buti na lang
binigay sa akin ni Kath. Sabi ni Psalm, nasa mall daw si Saint. I thanked him at
pumunta sa mall kung nasaan si Saint. I knew I was pushing my luck dahil malaki ang
mall but I guess it was my lucky day dahil nakita ko si Saint na palabas ng isang
shoe shop. May dala-dala siyang paper bags.
I approached him kahit na kinakabahan ako.
"Hi."
Halata na nagulat siya.
"Hi," he replied. "May kasama ka?"
I nodded.
"Sino?"
Itinuro ko siya.
"You. I'm with you."
Halata na nagulat siya sa sinabi ko pero hindi ako nagpapigil. I wanted to say
sorry for suddenly being distant last night. I knew Saint didn't deserve that. Tama
naman siya na hindi niya sinabi na gusto niya ako nung hindi pa siya sure. He was
right and I was just hurt by reality. But I should just suck it up and move on
because finally, he's here. With me.
"I'm sorry kung medyo masungit ako kagabi..." Huminga ako nang malalim. "Narinig ko
kasi kayo ni Kuya na nag-uusap. Sorry for eavesdropping..."
Natigilan si Saint sa sinabi ko and I wanted to pinch myself. Alam ko naman na
masama makinig sa usapan ng may usapan pero ginawa ko pa rin! Ayan tulog!
"I'm sorry if I acted that way... Medyo nasaktan kasi ako na ganon pala iyong
nangyari dati pero okay na ako. At least hindi mo sinabi na gusto mo ako kung hindi
ka pala sure. 'Di ba?"
He still wasn't speaking and it made my chest pound harder. And made breathing
harder, too.
"Mary..."
That was all he said but my chest constricted in pain.
"But that was before, right? Kasi ngayon sure ka na. Kaya wala na akong problema,
'di ba?" I asked with a smile on my face.
But what he replied erased that smile.
"Who are you convincing? Me or yourself? Because I really like you, Mary... Ikaw,
gusto mo rin ba talaga ako?"

Kabanata 25

#JTSGiveup
Kabanata 25

Hindi ako agad nakasagot kay Saint. I was caught off guard. Ilang beses akong
kumurap sa harapan niya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi
niya.
"It's okay, Mary. I'm not rushing anything, alright? Take your time," he said and
then smiled a little.
Biglang may parang kumurot sa puso ko sa mga sinabi niya. Na para bang sigurado
siya na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Na para bang mas kilala niya ang
sarili ko. Somehow, it hurt... It did hurt. It stung. Hindi ko akalain na sa kanya
ko pa maririnig ang mga salita na 'to... and I shouldn't be hurt kasi hindi naman
totoo ang sinasabi niya.
I like him. I really do... kasi hindi naman ako masasaktan nang ganito sa mga
sinasabi niya kung hindi, e.
I wanted to refute the words that he said pero parang buo na rin naman na iyong
isipan niya tungkol sa nararamdaman ko. Bakit ba ganoon iyong ibang mga tao? Na
para bang mas alam pa nila iyong nararamdaman mo kaysa sa iyo? Sila ba iyong may
kontrol sa puso mo? Bakit pakiramdam nila mas alam nila? Kaysa sa 'yo na mismong
nakakaramdam?
"Just... don't say yes if you're not sure with me. Because that would suck."
He smiled at me pero hindi umabot sa mga mata niya iyong ngiti niya... pero
sinubukan ko na ngumiti pabalik kasi alam ko na wala naman siyang hangad na masama
sa mga sinasabi niya sa akin. He meant well. But it did hurt.
Nag-ikot kaming dalawa sa mall at nag-usap na lang tungkol sa ibang bagay. Weird
pala sa pakiramdam iyong ganito na umaarte kayo na okay kayo kahit na alam mo naman
na hindi. Na kahit marami kayong pinag-uusapan, alam mo na mayroon kayong
iniiwasan. Ang bigat pala sa pakiramdam nito.
Nasa loob kami ng isang ice cream parlour at hinihintay iyong order namin na banana
split. Saint's his usual self again. Hindi na siya iyong seryoso kanina. Sa ilang
buwan na kakilala ko si Saint, minsan ko lang talaga siya nakikita na seryoso kasi
madalas, masaya lang naman siya. Unang beses ay 'yung nakita niya akong umiiyak
dahil sa wedding booth ni Parker at Cindy... At 'yung pangalawa ay iyong ngayon.
Pero kahit na medyo nakakatakot iyong seryoso na Saint, I liked it. I liked seeing
all parts of him... Hindi lang iyong masayang Saint. I liked the serious Saint. I
liked the happy Saint. And I will like all versions of him.
"Okay ka na talaga?" Hindi ko kasi mapigilan na tanungin siya. Ayoko kasi nung
iniisip niya na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya... I had been
there and it was not a very nice place to stay at.
Mabuti na lang at dumating na iyong order namin. He dug in and began eating.
"Why wouldn't I be?" he asked back.
"Wala... Baka kasi-"
He looked me in the eyes. Ito na naman. Seryoso na naman siya. Ang lakas na naman
ng kabog ng dibdib ko.
"Mary, I'm okay. I'm not like some people. When I say I'm okay, it means I'm okay.
If I say I'm not, it really means I'm not... I'm very literal," sabi niya sa akin
ng hindi pinuputol iyong tingin sa mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na itim na
itim pala 'yung mata niya. "I'm okay, okay?"
Kaya napatango na lang ako. Ngumiti naman siya.
"Now, come on. Let's enjoy the ice cream, alright?" he asked and I began smiling.
Nag-usap lang kami tungkol sa mga ibang nangyayari at gumaan na rin talaga ang
pakiramdam ko. Iba kasing kasama si Saint... Parang mawawala iyong mga problema mo
kasi masaya lang siya palagi. I like being around these kind of people. Sobrang
gaan sa pakiramdam.
"I'll be gone for a week."
"Ha?"
"I'll be in Brunei for training," he mentioned. "Pasalubong?"
Napabuntong hininga naman ako. Akala ko naman makakasama ko na ulit siya pero
parang hindi na naman... Minsan pala kahit ano'ng pagiging supportive ang gusto
mong gawin, may punto na gusto mo na lang maging bola. Para kasing mas masaya
maging bola.
"One week talaga?" I asked and he laughed. Tss. Tinawanan pa ako.
"Miss mo na agad ako?" he teased.
Hindi na ako sumagot dahil tutuksuhin niya na naman ako.
"It'll be fast, I swear. You won't even notice that I'm gone."
Paano? E kahit nga isang araw lang na wala siya, napapansin ko, e. Palagi na kasi
kaming magkasama. Lalo na nitong nakaraang linggo na literal na magkasama kami
araw-araw... Tapos biglang one week na wala na naman siya. Parang salit-salitan
lang, e.
"I doubt," I replied. "Kailan ang alis mo?"
"Tomorrow."
"Agad?"
He nodded and I pursed my lips. I heard him sighing.
"Aww don't be sad. How will I play if you're here in the Philippines pouting? Baka
hindi pumasok lahat ng bola ko."
Napa-buntong hininga na rin ako.
"Ano'ng oras 'yung flight mo?"
"5am."
"Hatid kita."
Hindi ko alam kung bakit sinabi ko 'yun. He laughed shortly.
"Do you even know how to drive?" sabi niya. Psh. Porke magaling siyang magdrive, e.

"Papahatid tayo kay Kuya," I said at mas lalo namang lumakas ang tawa ni Saint.
"Yeah, do that. Pretty sure he'd crash the car to kill me."
Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin hanggang sa makarating kami sa bahay
namin. Saint was persistent that time would fly pero ang tagal kaya ng one week.
Ang dami kayang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo...
"Ayaw mo talaga?" I asked him again.
He laughed and shook his head.
"I'll have Austin drive me to the airport," he said. Hindi pa rin tapos! Kailan
kaya ang expiration date ng kontrata ni Austin? Ang tagal na rin talaga, e. Curious
na talaga ako kung saang pustahan natalo si Austin kaya lang baka naman kasi secret
sa pagitan nilang magkakapatid iyon kaya hindi ko magawang itanong.
I sighed.
"Okay..."
He laughed at my reaction. Tawang-tawa talaga siya sa akin ngayon.
I was unbuckling my seatbelt pero sa inis ko yata ay hindi ko matanggal iyon.
Lumapit si Saint at saka siya ang nagtanggal para sa akin. Nahigit ko iyong hininga
ko dahil sobrang lapit niya sa akin. And when I heard the unbuckling of the
seatbelt, hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Nakapatong iyong ulo niya sa
balikat ko at iyong dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng katawan ko.
I could hear his heavy breathing.
"Please miss me while I'm gone," he said, his breathing ragged.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko.
"M-mamimiss naman talaga kita," I replied. Mas lalong gumulo iyong loob ng sistema
ko.
Ang sarap nung yakap ka ni Saint kahit pakiramdam ko medyo awkward iyong pwesto
namin dahil sobrang tangkad niya. Pero ayoko pa ring gumalaw kahit ganoon. One week
kasi na mawawala si Saint kaya gusto kong sulitin iyong panahon na 'to... Siguro
dapat alamin ko na iyong schedule ng Gilas para hindi ganito na nabibigla na lang
na kung saan pala siya pupunta.
Wala pang isang minuto kaming magkayakap nung biglang may malakas na katok sa
bintana ni Saint.
"Every freaking time," Saint said under his breath. Umalis na siya sa yakap namin
at saka sabay kaming napatingin sa bintana sa labas. Nandun si Kuya na kinakatok
iyong bintana. "Preston's a psychic. Parang alam niya kung kailan dapat maging
epal."
Nakadikit iyong mukha ni Kuya sa bintana na parang sinisilip iyong loob pero hindi
niya makita dahil heavily tinted iyong bintana ni Saint. Ibinaba ko iyong bintana
kaya napaatras bigla si Kuya. Nakakunot iyong noo niya.
"Bakit, Kuya?"
"Ano'ng ginagawa niyo sa loob?"
"Nag-uusap," I replied.
"Bakit ang tagal niyo sa loob?"
I nodded.
"May problema, Kuya?" I asked. Umiling naman siya kaya bumaba na lang ako. Tinignan
ko ulit si Saint. "Ingat ka sa flight mo," I said with a heavy heart.
He winked at me. Feeling ko sinadya niya iyon dahil katabi ko si Kuya.
"Always," he replied tapos nagpaalam naman din siya kay Kuya pero si Kuya, hindi
naman siya pinansin. Arte talaga.
--
Nagsimula iyong linggo na wala si Saint pero nakakausap ko naman siya palagi
online. Minsan nga lang pagod na talaga siya kaya sandali lang kami nakakapag-usap.
Pero mas okay na naman iyon kaysa sa wala. Iyon nga lang, iba pa rin kapag kasama
ko siya dito mismo. Weirdo niya kasi online, e. Kung anu-anong link at video ang
sinesend sa akin. Minsan din nagmumusical.ly siya. Pinipilit nga niya ako kaya lang
hindi talaga ako magaling, e.
Sa cafeteria muna kami nila Kath dahil freecut kami sa isang subject. Usually, nasa
labas na kami ni Saint kapag ganito at kumakain ng kung anu-ano... Haaay.
Nakakamiss talaga iyong tao na 'yun.
"Let's go out tonight!" biglang sabi ni Kath nung mapansin niya na tahimik kami ni
Liza.
"Ano'ng gagawin natin?"
"Let's party!"
Napatingin kami ni Liza sa isa't-isa at saka umiling.
"Ayaw namin," we said in unison.
Kath groaned. "Ugh! Please naman! 18 na kaya tayong lahat kaya pwede na!" she
pleaded but the idea of going to clubs wasn't very appealing... Hindi kasi ako
mahilig sa mga lugar na maraming tao at masisikip. Pakiramdam ko nga medyo
claustrophobic ako kasi hindi ako makahinga nang maayos kapag masyadong maraming
tao ang nakapaligid lalo na kapag enclosed iyong space.
"I don't know..." Liza replied hesitantly.
"Come on, it'll be fun!"
"We can have fun without going to clubs naman..." I offered. "What about
sleepover?"
She groaned.
"I don't want to wear pajamas and paint our nails. Come on! Night life naman tayo
for a change!" sabi niya. "And para naman makapag-unwind ka from all these love
life drama!"
Buong araw niya kaming kinukulit ni Liza. Friday naman daw ngayon kaya dapat
pumayag na kaming dalawa. Kung anu-ano pa ang sinabi niya para kunsensyahin kaming
dalawa pero ayoko talaga... Bukas na kasi ang uwi ni Saint galing Brunei and I
wanted to talk to him tomorrow pronto.
Nung matapos na iyong mga klase namin, hindi pa rin tumitigil si Kath.
"Come on! What should I do ba para mapapayag kayo?" She was really serious about
it.
I looked at her.
"Fine," I huffed. She squealed but I continued. "But no drinking."
"KJ naman!"
Liza nodded.
"For me rin," she said.
"Ikaw rin?!"
Liza nodded again. "You're the only one who's drinking among the three of us."
"And let's be home by 11."
Kath grunted again but she said yes, nonetheless. "I really should consider having
friends besides the two of you," she said then walked away. Napailing na lang kami
ni Liza. Kami lang naman ang gusto niyang kasama palagi kasi naiinis siya sa mga
ibang babae sa school.
Pagkatapos nun, umuwi na agad ako dahil 7pm ako susunduin ni Kath para naman daw
masulit iyong gabi namin. Nagpaalam ako kila Papa at pinayagan naman agad ako nung
sinabi ko na sila Kath ang kasama ko pero syempre dapat kasama ko raw si Kuya
Preston. Pagdating ni Kath, nasa kwarto pa rin ako dahil hindi ko alam kung ano ang
dapat kong suotin. Hindi naman kasi ako familiar sa mga dapat isuot sa club. Dapat
si Kuya ang tatanungin ko pero hindi pa rin siya nakakauwi... Baka sumunod na lang
daw sabi ni Papa.
"Bakit 'di ka pa ready?" Kath asked. Nakaayos na siya. Nakasuot siya ng white
fitted skirt, black halter top, at saka ankle boots. Ang cute niyang tignan. Sayang
wala si Kuya.
I sighed.
"Hindi ko alam isusuot, e..."
Napailing na lang si Kath sa akin at saka siya pumasok sa walk-in closet at
naghanap ng pwede kong isuot. Pero hindi ako sure kung may mahahanap siya na papasa
sa taste niya kasi karamihan naman sa mga damit ko, masyado daw manang sabi niya.
Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng mga sinusuot niya kasi masyadong fitted o
kaya naman maigsi.
"This," sabi niya sabay pakita nung black high-waist pants, green na midriff na
hindi ko alam kung saan niya nakuha, at saka iyong Valentino shoes na bigay sa akin
ni Mama nung 17th birthday ko na never ko namang nagamit. Iniisip ko pa lang na
suot ko ang mga hawak niya, nakikita ko na si Kuya na inaatake sa puso.
"Wala bang-"
"Decent naman 'to!" sabi niya.
"Oo nga kaya lang-"
Pero hindi na ako natapos sa sinasabi ko dahil tinulak niya ako papasok sa CR kaya
wala na akong nagawa. Mabilis lang na nilagyan ako ni Kath ng makeup dahil mukha
daw akong multo dahil ang putla ko. Pinabayaan ko na siya dahil pagod na akong
kumontra dahil siya rin naman ang nanalo sa huli.
"Ayan, mukha ka ng human!" sabi niya nang naka-ngiti. Mukhang masaya siya sa
kinalabasan ng ginawa niya sa akin. Bumaba lang kami at nandun sila Mama. Kakatapos
lang yata nila kumain. "Alis na po kami," Kath said.
Mama smiled at her. She liked Kath kasi. "Okay. Ingat kayo. Susunod na lang si
Preston..."
We both smiled pero nung nakalabas na kami, I heard Kath uttering under her breath,
"Kahit 'wag na po." Napailing na lang ako.
Pagdating namin sa club, wala pang masyadong tao. Nagrereklamo si Kath dahil daw
para kaming tanga na alas-syete pa lang pero nasa club na. Daig pa raw namin ang
may most punctual award. E siya naman ang may gusto nito...
Sa VIP area kami pumunta.
"Two virgin rum for the two virgins," sabi ni Kath na ikinalaki ng mata namin ni
Liza. "What? It's true!"
"Ikaw rin naman!" sabi ko sa kanya.
"Sshh! 'Wag mong ipagkalat!" sabi ni Kath.
"Na alin?"
"Iyong V-word! Secret lang 'yun!"
Hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ni Kath kaya pinabayaan na lang namin siya
ni Liza. Nageenjoy kaming dalawa sa non-alcoholic drinks namin habang si Kath,
hindi ko alam kung ano ang iniinom niya. Kanina pa siya dire-diretsong umiinom kaya
lasing na yata siya... Hindi ko naman alam kung lasing na ba talaga siya dahil
kahit naman hindi lasing si Kath, para din siyang lasing kumilos.
Nagtext na rin naman si Kuya kung nasaan kami kaya nagreply ako. Minutes later,
nandito na rin sila... Kasama niya sila Kuya Benj, Kuya Jackson, Ate Jas, Parker,
pati si Cindy. I smiled at them.
"Hi, girls!" bati nila Kuya sa amin. Nung mapatingin si Kuya sa akin, kumunot ang
noo niya. "Bakit ganyan ang suot mo?!"
Napatingin silang lahat sa suot ko. Napatingin din ako sa suot ko. Ayos naman.
"So prude, Preston," sabi ni Kath. Namumula na siya at halatang lasing na. "She's
in a club. Ano gusto mong isuot niya? Rash guard?"
Inakbayan naman ni Kuya Jackson si Kuya.
"Ayos naman suot niya. 'Di ba, babe?" sabi ni Kuya Jackson kay Ate Jas and Ate Jas
gave me a thumbs up.
Cindy cut in. "She looks lit," sabi niya at saka kinindatan ako. I smiled at her.
Cool naman pala talaga siya...
Naupo na sila sa couch at si Kuya, hindi yata talaga nakatiis dahil hinubad niya
iyong jacket niya at saka pinatong sa balikat ko.
"Ang init, Kuya."
"Magtiis ka," sabi niya lang sa akin. Pinabayaan ko na siya kaysa naman mainis siya
sa akin... At saka hindi rin naman din ako masyadong kumportable sa pinasuot ni
Kath dahil masyadong fitted sa katawan.
Nagsimula na silang umorder. Ang saya nilang tignan pero hindi ako makasabay dahil
hindi naman ako umiinom at saka wala din talaga akong balak uminom. Nakikinig lang
ako sa mga pinag-uusapan nila. Iba rin kasi iyong mga topic nila Kuya dahil mas
ahead sila sa amin e freshie pa lang kami.
I excused myself nung kalagitnaan ng pag-inom nila. Pumunta ako sa CR dahil
napadami na yata iyong inom ko ng diet Coke.
"Hi!" I happily said nung tumawag si Saint. Siya kasi ang unang tumatawag dahil
iniisip ko na baka makaabala ako sa training nila. Mukha pa namang strict iyong
coach niya.
Ang lalim ng paghinga ni Saint sa kabilang linya. Mukhang kakatapos lang talaga
niya sa training.
"Pahinga ka muna," I suggested. "Hindi pa naman ako matutulog, e."
"Where are you?" he asked, nakakunot ang noo. "Wait, that's not your room," sabi
niya habang tinitignan iyong background sa likod ko.
"Club. Si Kath kasi, e..."
"What are you wearing?" he asked. Pinakita ko iyong suot ko sa kanya. "Damn, girl."
Nakaawang iyong labi niya. Hinubad ko muna kasi iyong jacket ni Kuya dahil ang init
kaya.
"Bakit? Pangit ba 'yung suot ko?" I asked, worried. Kasi pati si Kuya ayaw din
dito, e...
"No... You look... Wow I'm actually loss for words."
"Hindi ka galit? Kasi si Kuya sabi niya masyado daw revealing, e."
He shook his head.
"That's your body and women shouldn't feel the need to cover themselves up because
of the fear of being harassed. Guys should be the ones to control themselves," he
explained. Pero hindi pa rin ako mapalagay kasi hindi naman talaga ako sanay sa
ganitong suot.
He sighed. "Seriously. You look amazing, Mary. But are you with your brother? I'm
not there to fend off the gawking guys."
I nodded and said, "Oo. Kasama ko rin sila."
Hindi agad nakasagot si Saint. Ako naman, hinihintay ko lang iyong sasabihin niya.
Ngayon lang kasi kami mag-uusap kasi buong araw siyang busy sa practice nila, e.
"You're with Parker?" he asked.
"Nandito rin siya," I replied.
"Oh."
Iyon lang ang sinabi niya pero ramdam ko iyong pagbabago ng mood niya.
"Okay," he said after a few seconds of heart-shaking silence. "Don't stay up too
late, okay? Message me when you're home." Iyon lang ang sinabi niya tapos binabaan
niya na ako ng tawag... Ni hindi man lang ako nakapagsabi ng goodbye o good night.
Ilang segundo akong natulala at nakatingin lang sa harap ng salamin. Dapat ba
sinabi ko na lang na hindi ko kasama si Parker? Pero hindi ba pagsisinungaling
iyon? Ito tuloy ang iniisip ko hanggang sa makarating ako sa couch.
What Saint said really bugged me. Hindi ko siya maalis sa isipan ko kahit na ano'ng
pilit kong gawin. Gusto kong 'wag isipin kasi kasama ko iyong mga kaibigan ko at
nag-eenjoy kami pero hindi ko talaga matanggal, e.
Bakit ba siya ganoon? Binigyan ko ba siya ng dahilan para pagdudahan ang
nararamdaman ko? I came to him honestly and said what I was feeling. Sinabi niya sa
akin noon na ayaw niya ng sinungaling and that was what I gave him. Maybe I was
wrong. Maybe honesty wasn't what he needed...
Ah, ewan ko. Gusto kong mainis pero mas nangingibabaw na namimiss ko siya... Kahit
medyo nakakainis siya ngayon. Konti lang naman.
"Trouble in paradise, babe?" Kath asked. Iyong boses niya, sobrang hindi na
maintindihan.
I nodded. Halata na kasi sa buong pagkatao ko na bothered ako sa nangyayari... It
wasn't like before na friends lang kami kaya alam ko sa sarili ko na wala akong
karapatan na magtampo sa kanya kapag ganito. It was different now. He was courting
me and our feelings were mutual.
And it was just different this time... A lot more different.
Because I really like him now. I really do. Hindi ko alam kung bakit niya pinipilit
na niloloko ko lang ang sarili ko kasi alam ko na hindi naman.
"Ano ba kasi ang problem?" Kath asked again. They have been asking for a while kung
ano ba ang naging problema namin ni Saint pero hindi ko magawang sabihin... Hindi
kasi ako masyadong kumportable na pag-usapan lalo na at ilang beses na akong
napagalitan noon nina Liza tungkol kay Parker.
They said he was bad news. Hindi lang talaga ako nakinig dahil alam ko na hindi
naman... That though he kept on hurting me, he didn't mean harm.
Hindi niya lang talaga ako mahal. And that wasn't his fault.
Lumabas kaming tatlo at nasa veranda kami. Hindi ko kayang magkwento sa table dahil
nandun sila Kuya. Ayoko na marinig niya kasi malamang sasabihin niya sa akin na
iwanan ko na si Saint... At wala akong mahabang pasensya para sa ganoon ngayon.
Baka masipa ko si Kuya.
I sighed before beginning. Sinabi ko sa kanila iyong mga nangyari at iyong huling
sinabi sa akin ni Saint. Every word was hard. Iba pala talaga kapag sobrang saya mo
tapos biglang ganito. Ang bigat sa pakiramdam.
"Babe, sorry to say this pero this time, I think the fault's on your part," sabi ni
Kath.
Agad na kumunot ang noo ko.
"Bakit ako?" I asked, honestly. Hindi ko kasi makita kung saan ako nagkamali... I
already said sorry for eavesdropping. But I wouldn't say sorry for my feelings
because they were my own. Mas alam ko ang nararamdaman ko kaysa kay Saint.
"Saint won't doubt your feelings naman if you weren't giving him any reasons to..."
Sasagot pa sana ako pero naunahan na ako ni Liza. Binibigyan ko ba si Saint ng
rason para magduda? Hindi naman. Wala akong maalala na ginawa ko.
"What did Imo do? She's friends with Parker way before Saint entered the picture.
There's nothing wrong with it naman..." she calmly explained dahil lasing na si
Kath at halos sumisigaw na siya sa mga sinasabi niya.
"He's not just friends with Imo and we both know it. Duh? High school years? Patay
na patay si Imo kay Parker? Remember?" sabi ni Kath habang napapailing sa akin.
"But it's all in the past. Wala ka ng feelings para kay Parker, 'di ba?" Liza asked
me and I nodded. "See? It's all good. Bakit ba kasi hindi pwedeng maging friends pa
rin sila e they're a part of each other's world naman..."
Tama naman iyong sinabi ni Liza. Bakit ba bawal akong makipag-usap kay Parker?
Friends lang naman kami. Wala naman kaming masamang ginagawa.
"I'm not saying that they can't be friends-"
"But that's what you're implying," sabi ni Liza. "If Saint can't live with it, then
maybe he's not worth it. Bakit ba threatened masyado kay Parker? Sorry, Imo, but I
just can't understand why you can't be friends with Parker just because you're with
Saint... It's too illogical for me. Sorry but that's what I think."
I just smiled a little at Liza. I knew where she was coming from but I also have to
take Saint into consideration. Ayoko siyang saktan but I didn't want to lose
friends, either. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Para ba kasing kahit ano ang
piliin ko, kahit saan ako lumugar, may mawawala at mawawala pa rin.
"They're not friends! Duh! Imo and Parker can't be just friends! Fact 'yun. Fact!"
sabi ni Kath at saka iniwan kami ni Liza. Natumba naman siya habang naglalakad siya
pabalik sa couch pero buti nandun si Kuya Benj at saka inalalayan siya patayo.
Bumalik na si Liza sa couch habang nagpaiwan naman ako sa veranda. Kailangan ko ng
oras para pag-isipan lahat ng mga sinabi nila... Hindi ko kasi alam kung saang
punto ako maniniwala. Ang dami nilang sinabi na hindi ko na alam kung alin ang
totoo. I wanted to call Saint and ask him what did I do wrong kaya lang natatakot
ako sa sagot na makukuha ko. Saint was very honest... minsan nga brutally honest.
Baka hindi ko kayanin iyong sasabihin niya.
So I stayed and thought about things... hoping that maybe, mayroon akong makuhang
sagot.
But as I was trying to think, may mga boses na nagtatalo.
"Cindy, I'm tired."
Napako ako sa kinatatayuan ko nung narinig ko iyong boses ni Parker.
"You're always tired! You're always busy! You always have a reason why you're not
talking to me!" malakas na sigaw ni Cindy.
Hindi ko masyadong marinig iyong sinasabi ni Parker pero iyong iyak ni Cindy,
naririnig ko.
"That's bullshit, Parker! I'm your girlfriend! If you have a problem, talk to me
instead of shutting me out!"
"You can't help."
"But maybe I can!"
"Hindi nga," mahinahon na paliwanag ni Parker.
"You know what? Fuck you and your excuses! Just talk to me when you're ready to be
my boyfriend again because now? You're just a drunk asshole," she said and then
slapped him before leaving.
Hindi ako nakagalaw. Ngayon lang ako nakarinig ng taong nag-aaway. Pati ako,
sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para bang kasama din ako sa away nilang
dalawa.
"You're here."
Napatingin ako kay Parker. Nasa harap ko na siya ngayon. Namumula iyong mukha niya
pati iyong tenga niya.
"Hello," I awkwardly said. Hindi ko alam kung dapat ba akong makipag-usap sa kanya
ngayon dahil lasing siya... Sabi kasi nila, hindi raw matinong kausap ang mga
lasing.
Naglakad siya palapit sa akin at saka doon huminto sa tabi ko. He reeked of
alcohol. Ang dami naman kasi nilang inorder sa table namin.
"GDL's not here?" he asked.
I shook my head.
"Nasa Brunei."
He just absent-mindedly nodded his head.
"Pasok na ako," I excused myself dahil hindi ako kumportable na kami lang dalawa
tapos lasing pa siya. Aayain ko na si Kuya na umuwi dahil gusto ko na rin makausap
si Saint at sabi niya, magmessage ako kapag nasa bahay na ako.
Pero bago pa man ako makapasok, hinawakan ni Parker iyong braso ko.
"Wait," he said. Napahinto ako at saka nakatingin sa kanya. "You're gonna leave
me?"
"Papasok lang ako sa loob."
"Why do you have to leave me?"
Nakakunot iyong noo ko.
"Pupuntahan ko si Kuya," I calmly answered.
"Really? Baka naman si Saint ang pupuntahan mo," he said, his words slurry.
"Wala nga rito si Saint-"
Bigla niyang sinipa iyong bakal sa may veranda.
"Saint, Saint, Saint! Fuck that name!"
Nanlaki iyong mata ko at mabilis na iyong tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya.
Ngayon ko lang nakita si Parker na ganito at natatakot ako sa kanya. Gusto ko nang
umalis pero hindi makagalaw iyong mga paa ko.
"What does he have, huh? You've known him for what? 3 months? 3 months tapos in
love ka na agad?" he said and then arrogantly laughed. "Are you in a hurry to get
rid of your feelings for me that you'll fall in love with the first guy who shows
motive?"
Biglang nangilid iyong luha sa mga mata ko. Hindi ko akalain na maririnig ko 'to sa
kanya. Hindi ko akalain na si Parker pa sa lahat ng tao ang magsasabi nito sa akin.
Halos buong buhay ko kakilala ko siya kaya dapat alam niya na hindi ako ganoong
klase ng babae.
Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Puro pagtulo lang ng luha iyong
nagawa ko.
Lumapit siya sa akin tapos hinawakan iyong mukha ko. Gusto ko siyang itulak palayo
pero natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa pwede niyang gawin o sabihin sa akin.

"Why, Imo? Huh? Why can't you just stay... Masaya naman dati, 'di ba? Bakit
kailangan may magbago?"
At saka tumulo rin iyong mga luha sa mata niya.
I wanted to sympathize.
I wanted to feel the hurt for him.
"Can't go back to before? When we're all happy?"
I stared at his eyes.
"Hindi ako masaya dati, Parker. Hindi mo alam kasi kahit kailan, hindi mo naman ako
tinignan."

Kabanata 26

#JTSTruth
Kabanata 26
"That's not true."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya. Tuluy-tuloy na 'yung pag-agos
ng luha ko dahil sa mga naririnig ko kay Parker. Hindi ko talaga siya maintindihan.
Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang
gawin ko.
"I was never happy, Parker."
"We were happy," pagpilit niya. "Hindi mo na ba maalala? Ha? Sobrang nag-iba ka na
ba?"
Inilagay ko iyong kamay ko sa mukha ko at pilit na pinunasan iyong luha ko. Pinilit
ko na 'wag umiyak kanina kasi ayoko na makita niya akong sobrang apektado sa mga
sinabi niya. Ang sakit kasi, e. Ang sakit na iyong tao na ilang taon mong minahal,
ni wala man lang pakielam sa nararamdaman mo... Na ngayon na masaya ka na talaga,
gusto ka nilang hilahin pabalik sa pinanggalingan mo. Hindi ba pwede na masaya
naman ako? Kailangan ba siya lang iyong masaya palagi?
"Hindi nga ako masaya! Palagi akong umiiyak dati, Parker! Palagi mo akong
pinapaiyak! Hindi mo alam, 'di ba? Kasi hindi mo naman ako tinitignan! Ni hindi ka
lumilingon para makita man lang ako. Palagi mong sinasabi na hindi mo ako gusto, na
kahit kailan hindi mo ako magugustuhan. Tapos ngayon na ayos na ako, na masaya na
ako, gusto mo akong hatakin pabalik?" tuluy-tuloy kong sabi kasabay ng pagtulo ng
luha ko. Wala na akong pakielam kung umiyak ako sa harap niya. Gusto ko lang ilabas
lahat ng nararamdaman ko. Iyong ilang taon na sakit na binigay niya sa akin, gusto
ko lang sabihin sa kanya.
Kasi sobrang sama niya. Sobrang sama niya para sabihin na masaya ako dati.
Kasi akala ko masaya nga ako dati. Pero nakilala ko si Saint.
At nalaman ko na ganoon pala iyong pakiramdam ng pagiging masaya.
"Bakit ganyan ka?" mahinang tanong ko sa kanya. Nakatingin siya sa akin at hindi
nakasagot.
"Bakit ayaw mo akong maging masaya?"
Hindi siya nagsalita. Pinunasan ko iyong isa pang luha na kumawala sa mata ko.
Sinubukan kong ngumiti kasi ayoko na ito 'yung tatapos sa pagkakaibigan namin ni
Parker. Buong buhay ko, kasama ko na siya. Ayoko na sa ganito lang matapos lahat.
"So you're choosing him?"
Napatingin ako sa kanya.
"I'm choosing him?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"You're choosing him over me?"
I smiled as tears fell down.
"Parker, you were my choice almost all my life... But I wasn't yours. And now, I'm
choosing myself. So please don't take this against me. Gusto ko lang maging
masaya."
Mabilis akong umalis sa bar matapos iyong pag-uusap namin ni Parker. Ni hindi ko
nagawang hanapin pa sila Kuya dahil ayoko na makita niya akong umiiyak. Kahit na
sobrang galit ako kay Parker nung panahon na 'yun, hindi ko gusto na magkasira na
naman sila ni Kuya dahil sa akin... Labas si Kuya sa problema namin ni Parker.
Ayoko na madamay siya.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak.
Hindi ba talaga mahalaga 'yung nararamdaman ko?
Nanatili lang ako na nakaupo doon. Hindi alam kung saan pupunta. Nakaupo lang ako
sa labas habang tumutulo iyong luha ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan na
maiyak dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil ang
sakit-sakit ng mga narinig ko. Hindi ko akalain na sa lahat ng tao, siya pa iyong
magsasabi sa akin 'nun.
Akala ko magiging masaya siya kasi masaya na rin ako. Kasi pinilit ko na maging
masaya nung nahanap niya si Cindy... Kahit sobrang sakit, pinilit ko na ngumiti
tuwing kinukwento niya sa akin si Cindy.
I watched him fall for someone else. I watched him smile because of her. I watched
it all without showing him how much it was hurting me.
Bakit hindi niya magawa 'yun sa akin?
Bakit hindi siya maging masaya kasi sa wakas, masaya na rin ako?
"You okay?"
Napatingin ako sa naupo sa tabi ko. I smiled at Kuya Benj and nodded.
"Sure? Umiiyak ka, e."
"I'm okay..." I lied.
Tumango lang siya tapos inunat niya iyong legs niya.
"I don't think this is a good idea," bigla niyang sabi.
"Alin?"
"This. Alcohol. Getting drunk. Truth spilling. Sobrang hassle kaya," sabi niya
tapos inilabas iyong panyo mula sa bulsa niya. "Saw you and Parker talking-well
more like shouting," he added. "Ano? Sapakin ko na ba?"
I accepted his handkerchief and thanked him.
"Hindi, Kuya. Nag-usap lang kami."
"Hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatakpan mo si Parker. He's not even worth
it," he said.
"He's still my friend."
"But you were never his."
I smiled. I didn't want to talk about this but it was here. Na para bang ngayong
gabi, puro katotohanan lang na isasampal ko sa sarili ko iyong mga naririnig ko.
"You wanna know what you are to him, Imo? You're his safety blanket. You're his
comfort zone. You're the one he goes to when things go shit."
I sat there and listened to all he got to say. Baka nga kasi kailangan kong
marinig.
"And things are going shit for Parker. I don't know what's wrong with him lately
but he's in deep shit, Imo. He can't even talk to his own girlfriend because she's
not you. Kahit ano'ng gawin ni Cindy, she can never be you. Because you're the only
person he could really talk to."
"Parker loves her."
He nodded.
"I know. Alam naman naming lahat na mahal ni Parker si Cindy. Sa tingin mo ba
papayag kami na magdala ng girlfriend si Parker sa mga lakad namin kung hindi namin
alam na in love talaga si gago? You're my friend, Imo, but Parker's my friend,
also. Kaya nung nakita namin na in love talaga siya kay Cindy, we had to backdown.
Because that's his life..." he said. "But recently? Hindi na, e. Things changed."
Alam ko.
"He wants you."
"He doesn't. He was drunk."
He looked at me and patted my head.
"Don't you know? Drunk words are sober thoughts... And people only realize the
worth of something once it's gone."
I thanked Kuya Benj nung hinatid niya ako sa bahay. Sabi niya, siya na raw ang
bahala kila Kuya. Ako naman, dumiretso lang sa kwarto ko at saka nahiga sa kama ko.
Pagkahiga ko, naiyak na naman ako. Pagod na pagod na akong umiyak pero ayaw naman
nilang tumigil. Kahit ano'ng gustuhin kong matulog, hindi ko magawa kasi sobrang
daming bagay ang pumapasok sa isip ko.
Mary Imogen Suarez: nasa bahay na ko.
I wasn't expecting for a reply dahil alam ko na galit siya sa akin.
Saint Iverson Gomez de Liaño: okay. Tulog ka na.
And I knew I shouldn't reply but I wanted to talk to him.
Mary Imogen Suarez: i can't sleep.
Saint Iverson Gomez de Liaño: close your eyes and count sheep.
Mary Imogen Suarez: galit ka rin ba sa akin?
Saint Iverson Gomez de Liaño: i'm not mad.
Mary Imogen Suarez: e bakit ang cold ng reply mo?
Saint Iverson Gomez de Liaño: ayan, okay na?
Napasimangot ako nung magsend sa akin si Saint ng apoy na emoji. Ang pilosopo
talaga niya.
Mary Imogen Suarez: ang pilosopo mo naman. Good night na nga.
Papatayin ko na sana iyong wifi nung cellphone ko kaya lang bigla siyang tumawag sa
akin. Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko nung makita ko iyong mukha niya sa
screen ko. And after a very long day, I had a reason to smile again...
Saint Iverson Gomez de Liaño is calling...
Mabilis kong pinunasan iyong mga luha sa mata ko at saka ako huminga nang malalim.
Ayoko na makita niya ako na umiyak. I just wanted us to talk. I just wanted things
to be normal again. I just wanted to laugh and be happy again.
And I wished this night never happened.
"Hi," I said to him. Nakakunot iyong noo niya.
"Did you run? Pawis na pawis ka," he commented upon seeing my state. Pawis kasi ako
dahil sa pag-iyak ko. Mabuti na lang at hindi niya napansin iyong mga mata ko.
I shook my head. "Ah, sira yata 'yung AC," I reasoned.
Halata na hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero pinalagpas na lang niya iyon.
"Okay..." he replied. "But change clothes first."
"Hindi!" I quickly replied dahil papatayin na sana niya iyong tawag. "M-mamaya na
lang ako magbibihis. W-wag mong patayin 'yung tawag..." I whispered.
He was looking at me and his face turned soft again. Wala na iyong itsura niya
kanina na parang naiinis siya. Hindi ko naman siya masisisi kung naiinis siya sa
akin ngayon kasi alam ko na nakakainis naman talaga iyong mga nangyayari... But
even then, I wanted to talk to him. Gusto ko lang siyang makita. Gusto ko lang
marinig iyong boses niya.
"I'll call you again, alright?"
"But-"
"Don't be stubborn, Mary. Change clothes first dahil baka magkasakit ka. And then
may as well sleep in the guest room if your AC's broken. I don't want you getting
sick dahil pawis ka buong gabi," mahabang pagsabi niya sa akin. I was sure I was
frowning that was why he sighed. "I promise I'll call you. 'Wag kang makulit.
Okay?"
He was staring so intently that I was a goner and just said, "Okay..."
Mabilis akong pumasok sa CR at saka naglinis ng katawan. And I was glad I followed
Saint because my mood was uplifted right after. Kahit papaano, gumaan na ang
pakiramdam ko. I was wearing my pink pjs and was drying my hair as I waited for his
call. And minutes passed and he called.
"Feeling better?" he asked and I nodded. He smiled. "Good. Anyway-" he was cut
midway dahil biglang tumunog iyong tiyan ko. Biglang namula iyong buong mukha ko
dahil sa kahihiyan but Saint just laughed at me and told me na bumaba at kumuha ng
pagkain. Palagi na lang talagang may nangyayaring nakakahiya sa akin kapag kausap
ko siya.
"Didn't you eat earlier?" tanong niya sa akin. Umiling ako. He frowned. "Why? You
should eat," sabi niya habang umiiling.
I was chewing my lip to stop myself from talking. Ayokong banggitin si Parker dahil
ayoko na sirain iyong mood ni Saint. Gusto ko siyang kausap. Gusto ko siyang kausap
buong gabi at hindi mangyayari iyon kapag pumasok na naman sa usapan si Parker. So
hard as I wanted to tell him everything that transpired, I stopped myself.
Inabot ko iyong cereals sa cupboard at saka nilagay sa bowl iyon. Binuksan ko rin
iyong ref at saka naghanap ng gatas pero wala akong makita.
"What?" tanong sa akin ni Saint. Umiling ako. "C'mon. What?"
Unti-unting nangilid iyong luha ko.
"Walang gatas..."
Kumunot iyong noo ni Saint.
"What?"
Tumulo na iyong luha ko. Para akong tanga na iniiyakan iyong gatas pero mas ayos na
na ito iyong iyakan ko kaysa iba. Iyak lang ako nang iyak tapos si Saint hindi alam
ang gagawin. Kung anu-ano na iyong sinasabi niya sa akin pero hindi ako natigil sa
pag-iyak.
He sighed after a few minutes.
"Do you really need that milk?" he asked me and I nodded. "I'll call Austin. He'll
drop off the milk."
Kumurap-kurap ako nung narinig ko iyong sinabi niya.
"H-ha?"
"I think we still have milk at home. I'll ask Austin to bring you one, okay? 'Wag
ka ng umiyak, please," he said, his voice laced with patience. Parang gagawin niya
lahat tumigil lang ako sa pag-iyak. And that made me smile and stop crying.
Umiling ako at saka pinunasan iyong luha ko.
"Okay lang. I'll just sleep this off," I said.
He looked at me and asked, "Sure?"
I nodded and smiled.
"Thank you, Saint..."
"For what?"
"For coming into my life. Thank you," I sincerely said. I was just so thankful.
Ngayon ko nakita na siya dapat talaga iyong pagtuunan ko ng pansin. He's always
there for me. He's willing to do all these ridiculous things just to make me smile.
And he's the one who's making me happy.
I should stop thinking about the things that made me sad and instead focus on the
things that made me happy.
--
Isang araw na lang, babalik na si Saint. Sobrang excited na ako dahil isang linggo
halos ko na siyang hindi nakikita. I was just enduring each day dahil alam ko na
makikita ko na rin naman siya.
Bumaba ako at nakita ko sila Mama na busy. Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon
dahil masyado akong occupied nitong mga nakaraang araw. Nagpaka-busy kasi ako sa
pag-aaral para naman wala akong maisip na ibang bagay na magpapalungkot lang sa
akin. Pati nga si Kuya naguguluhan sa akin pero hindi naman niya ako tinatanong
kung ano ang problema ko.
"Ano pong meron?" I asked Mama.
"We'll have dinner later, remember?" sabi niya pero nanatili lang na blangko iyong
mukha ko. "Pupunta mamaya sila Auntie Kach, Uncle Tobi, at Uncle Quin mo mamaya.
Didn't I tell you?" nagtataka na tanong ni Mama at umiling ako. Hindi ko alam kung
sinabi niya ba sa akin... Baka hindi ko lang naalala. "Well, anyway, we'll just
have a simple dinner... And also, I'll announce later about the baby."
Tinulungan ko na lang si Mama sa preparation. Close kasi si Mama kila Uncle Tobi at
Uncle Quin kaya parang extended family na rin sila. Sa bahay naman, si Kuya na lang
naman ang may hindi alam tungkol kay baby Cayden, e... Ewan ko ba kung bakit hindi
pa sinasabi ni Mama sa kanya.
Nung hapon, ginagawa ko lang iyong isang paper ko para bukas, wala na talaga akong
gagawin. Manonood kasi kami ni Saint ng movie. Sobrang excited na nga ako kaya
inalam ko na iyong mga showing. Ayoko naman kasi na nakakaiyak na naman ang
panoorin namin! Sobrang nakakahiya kaya na iyak ako nang iyak nung huli kaming
nanood. Sana naman ngayon comedy o kaya animation na lang para hindi na ako maiyak.
Baka naman kasi sabihin ni Saint sobrang iyakin ko.
Pagdating ng hapon, nagsimula ng dumating iyong mga bisita ni Mama. Ako naman,
nagmamano lang sa mga dumadating.
"You're weird," sabi ni Kuya sa akin.
"Bakit?"
Tinignan niya nang mabuti iyong mukha ko. Parang hindi niya alam kung ano ang
nagbago sa akin pero alam niya na meron. Pinabayaan ko na lang si Kuya dahil hindi
rin naman niya ako pinapakielaman nitong mga nakaraang araw. Isang beses lang nung
sinabi niya na sumabay ako sa kanila ng lunch pero mabuti na lang nandun si Kuya
Benj kaya siya ang gumawa ng paraan para hindi ako sumabay. Nandun kasi si Parker.
"Mary," naka-ngiti na sabi sa akin ni Auntie Kach. Niyakap niya ako at niyakap ko
rin siya pabalik. "Gumaganda ka yata, ah..."
I smiled at her.
"Hala, hindi naman po," I replied.
"Hindi ba, Parker?" sabi niya sa katabi niya na nakatingin lang sa akin. Parker
nodded. Tumawa naman si Auntie Kach nung maunang maglakad si Parker. "Manang-mana
talaga sa Tito niya."
Base sa mga kwento ni Mama, hindi naman kagaya ni Parker si Tito Parker... Si Tito
Parker ay ginawa lahat para protektahan si Mama... E si Parker ginawa lahat para
paiyakin ako. Ang layo kaya...
Hinatid ko lang sila Auntie sa table at nagsimula ng magserve ng pagkain. Tahimik
lang ako na nakikinig sa mga kwentuhan nila. Si Papa, naka-ngiti lang at nag-uusap
sila ni Uncle Tobi. Best friend kasi ni Mama si Uncle Quin habang si Papa naman,
mas close sila kay Uncle Tobi.
"I have an announcement," sabi ni Mama. Napatingin kaming lahat sa kanya. "I'm
pregnant."
"Aren't you menopausal yet?" tanong ni Uncle Tobi. Sinamaan siya ng tingin ni Mama.

"Can't you just be happy for me?" sabi ni Mama at inirapan naman siya ni Uncle.
Napaawang naman iyong labi ni Kuya habang nagcongratulate naman iyong ibang mga
tao. Hindi ko alam kung bakit ganoon iyong reaction ni Kuya pero pinabayaan ko na
siya... Baka ito 'yung dahilan kung bakit hindi sinabi agad sa kanya ni Mama. Ewan
ko ba, minsan hindi ko rin maintindihan kung paano ang relasyon ni Mama at Kuya, e.

Nagseserve na ng dessert nung mapansin ko na umalis si Kuya. Sinundan ko siya


hanggang sa makita ko na nasa garden siya.
"May problema, Kuya?" I asked. Umiling naman siya. "Bakit ganoon iyong reaction mo
kanina?" I couldn't help but inquire. Sobrang nakaka-bother kasi. "Hindi ka ba
masaya sa baby?"
"Of course I'm happy," he replied quickly.
"E bakit?"
"Same old problem."
Napa-buntong hininga ako.
"Kay Tito Parker pa rin?" I asked and he nodded. "Kuya, he's dead. Bakit ba galit
ka pa rin sa kanya?"
"Maybe physically he's dead. Pero kay Mama, buhay pa rin siya. And it's pissing me
off."
"We can't do anything about the past. Kung okay nga kay Papa-"
"Because Papa's a freaking saint. Hindi ako kasing bait ni Papa. I just feel like
Mama's overcompensating. Na kahit ilang anak ang ibigay niya kay Papa, at the end
of the day, she'd still rather be with Tito Parker. And I can't accept that. Ever,"
sabi niya at saka iniwan ako. Pinanood ko siya na lumabas. Wala rin naman akong
magagawa... Simula pagkabata, mayroon ng issue si Kuya kay Mama at pakiramdam ko,
kahit kailan hindi na mawawala iyon.
I sat there and stayed quiet. Gusto ko lang ng katahimikan. Pero syempre hindi ko
makukuha iyon.
"Hey."
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Parker na nakatayo. Agad akong tumayo
para lumakad palayo sana pero pinigilan niya ako.
"I'm sorry."
"Okay," I replied. Ayoko lang kasi patagalin iyong usapan namin. Hindi na ako galit
sa kanya. Isang linggo halos na iyong lumipas nung huli kaming nag-usap pero ayoko
pa rin siyang kausapin.
I heard him sighing.
"I really am sorry."
"And I really am fine." Tinignan ko siya nang mabuti. "I'm fine."
Nakatingin rin siya sa akin. Sobrang problemado ng mga mata niya pero wala na akong
pakielam doon. His business wasn't my business and I learned it the hard way. And I
wouldn't make the same mistake.
"I was drunk... I didn't know what I was saying," paliwanag niya kahit hindi ko
naman hinihingi.
"I said I'm-"
"Fine?" pagpapatuloy niya sa sasabihin ko sana. "You're fine but you're ignoring
me."
"I'm not ignoring you. Ayaw lang kitang kausap."
Parang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya mula sa akin. Hindi ko rin
akalain na kakayanin kong sabihin ang mga bagay na 'to sa kanya. Hindi ko akalain
na dadating iyong panahon na kakayanin kong tumayo para sa sarili ko.
"I'm sorry. Ano ba ang dapat kong gawin para-"
"Wala, Parker. Wala. Just continue living your life the way you did before. Nagawa
mo namang mabuhay ng hindi ako ginugulo, 'di ba? Bakit hindi mo magawa 'yun
ngayon?"
Hurt crossed his face but that was the least of my problems. Dapat nga hindi ko na
siya kinakausap pero ayoko namang maging bastos. Nirerespeto ko na kaibigan ko siya
pero ayoko na iyong papakailaman niya iyong buhay at mga desisyon ko.
"You've always been a part of my life, Imo."
"And I'd like to play my old part back, Parker. Iyong Imo na hindi mo pinapansin
dahil in love ka sa girlfriend mo. Ayoko nito na ako 'yung ginugulo mo. I don't
want the center stage in your life, Parker. I'm not interested anymore."
Gusto ko na siyang iwan. Kakaunti na lang iyong lakas ng loob na natitira sa akin.
Pero alam ko na kailangan kong ulit-ulitin ito sa kanya para maintindihan niya.
Hindi ko na siya gusto.
"So please... Just focus on other things... Sa girlfriend mo... Parker, she needs
you."
Tuwing maaalala ko iyong boses ni Cindy nung gabi na 'yun, hindi ko maiwasan na
maawa. Alam ko kasi iyong pakiramdam. Alam ko iyong pakiramdam na pinagtutulakan ka
palayo kahit na gusto mong lumapit. Alam ko kung gaano kasakit 'yun.
"We're done." He was staring. "Cindy and I... we're done."
Nakatingin siya sa akin na parang iniintay niya na may sabihin ako pero iba ang
narinig niya mula sa akin.
"If it's broken, fix it. You don't throw something away if it's special, Parker.
You fix it."
Aalis na sana ako pero hinawakan na naman niya iyong braso ko.
"Then was I never special to you? Kasi ang bilis mo akong tinapon."
Inalis ko iyong hawak niya sa akin. Maayos kami ni Saint. Masaya ako. Wala akong
problema sa aming dalawa kaya hindi si Parker ang solusyon.
Why fix it if it's not broken?
"You can't hurt someone over and over and expect her to stay."
And then I left him. I just hoped that he understood me... I just wanted him to be
happy without the expense of my happiness.
--
Pagkagising ko, agad akong naligo. Ngayon na kasi iyong dating ni Saint kaya naman
sobrang saya ko. Nagvolunteer pa nga ako na sunduin siya sa airport, e.
"Good morning!" masayang bati ko.
"Mapunit 'yang mukha mo," sabi ni Kuya.
"Ngayon ang dating ni Saint, 'di ba?" Papa asked and I beamed.
"Really?!" masayang tanong ni Finley. "Can I come?!"
Sasagot na sana ako na pwede siyang sumama kaya lang sabi ni Papa 'wag na daw. Next
time na raw ako sumama. Nagtampo naman si Finley sandali pero nakalimutan niya rin
nung naglagay ng nutella sa pancake niya si Papa. Ang bilis niya talagang
makalimot.
Nagpahatid na lang ako kay Manong sa airport kasi baka inisin lang ako ni Kuya
kapag sa kanya ako nagpasama. Gumawa pa ako ng placard para sa arrival niya.
"Where are you?" tanong ni Saint. Magkausap kasi kami ngayon sa phone.
"Nasa may gilid."
"Where?"
"Nandito ako, oh," sabi ko at saka itinaas iyong hawak kong placard. Narinig ko
naman iyong tawa niya. "Pangit ba?"
"No," he said with a big smile on my face. "Who told you?" tanong niya habang
papalapit sa akin. Nung makalapit siya, hindi pa rin namin ibinababa iyong tawag.
"Psalm," I said without bursting into laughter.
"That ass," sabi niya at saka kinuha mula sa akin iyong placard. Isa kasi iyong
malaking picture na screenshot sa video niya na sumasayaw tapos nilagyan ko lang ng
caption.
"Cute naman." I beamed. "Dancer ka pala."
"Are you teasing me?"
Umiling ako agad dahil baka kilitiin niya ako sa gitna ng airport. Pero iba ang
ginawa niya. Nakatingin siya sa akin ng nakangiti habang umiiling. Agad niyang
binagsak iyong duffel bag na dala niya at saka niyakap ako.
"I'm finally home," sabi niya habang yakap-yakap ako.
Sobrang higpit ng yakap niya sa akin kaya sinabi ko na, "Hindi ako makahinga." Agad
niya naman akong binitiwan pero hawak pa rin niya iyong balikat ko.
"I'm sorry," sabi niya pero naka-ngisi pa rin siya. "I just missed you," dagdag
niya tapos kumunot ang noo niya. "Have you been eating lately?"
Tumango ako.
"Really? Bakit parang pumayat ka?" he asked.
Tinignan ko iyong braso ko. Ganun pa rin naman.
"Parang hindi naman..."
"When I hugged you, parang mas ramdam ko na 'yung mga buto mo."
Sinamaan ko siya ng tingin at saka hinampas bago kami nagpunta sa sasakyan.
Habang nasa sasakyan kami, nagkwento lang siya tungkol sa mga ginawa niya sa
Brunei. Hindi rin naman siya nakalibot dahil training lang daw talaga ang inasikaso
nila. Halata nga na sobrang pagod siya pero gusto daw muna niyang gumala kasama ako
bago siya umuwi sa kanila at magpahinga kaya pumayag na ako.
Pagdating namin sa mall, kumain agad kami. Iyon namang papanoorin namin na palabas
e 30 minutes pa bago magsimula kaya naglalakad-lakad muna kami. Pansin ko naman na
kanina pa niya ginagalaw iyong buhok niya.
"May problema ba 'yung buhok mo?" I asked him nung hindi ko na mapigilan na
itanong.
Umiling siya.
"I need a haircut," sabi niya. Oo nga. Mahaba na rin pala ulit iyong buhok niya
kaya kitang-kita na iyong kulot. Ang cute ngang tignan pero parang hindi
kumportable si Saint na mahaba iyong buhok niya.
Dinala ko si Saint sa pinakamalapit na haircutter shop na nakita ko. May 30 minutes
pa naman, e. Habang nagpapagupit siya, nagtingin naman muna ako sa internet para
malibang ako habang naghihintay. May nadaanan naman akong article na How A Haircut
Helps You Cope. Sobrang engrossed ako sa article na binabasa ko na pagkatapos ko
roon, nakita ko iyong sarili ko nagpapagupit.
"Are you sure? Ganda pa naman ng hair mo," sabi nung babae na maggugupit sa akin
habang sinusuklay iyong hanggang bewang ko na buhok. Ilang taon kong inalagaan iyon
pero siguro panahon na para magkaroon ng bago...
I nodded and smiled.
"New hair, new life," I answered as I watch her cut my hair.
Pagkatapos ko, hinanap ko si Saint at nanlaki iyong mga mata niya nung nakita niya
ako.
"You-"
I smiled.
"Bagay ba?"
Kumurap-kurap siya.
"Pangit ba?" sabi ko na biglang kinabahan. Nagpagupit kasi ako ng hanggang sa
collarbone lang iyong buhok ko tapos pinalagyan ko lang ng sidebangs. Sabi sa akin
nung babae bagay sa akin pero sa reaksyon ni Saint, bigla akong kinabahan.
He smiled.
"It looks good on you... It just felt different," he said.
I smiled at him, too. At dapat manonood kami ng pelikula pero hindi na natuloy
dahil nagpakulay kaming dalawa ng buhok. Naiinis na kasi si Saint sa silver niyang
buhok dahil may kulay itim na kaya magpapakulay na siya ng black dapat pero gusto
ko ring magpakulay kaya sabay na kaming dalawa. Nagkasundo kaming dalawa sa ash
blonde na kulay. Sobrang kinakabahan at excited ako dahil first time ko lang
magpapakulay ng buhok. Hindi rin ako nagpaalam kina Mama kaya mas lalo akong
kinabahan pero pakiramdam ko kasi, kailangan ko 'to.
Para bang pagkatapos ng mahabang panahon, nagagawa ko ng magdesisyon para sa sarili
ko.
Hours later, natapos na rin kami sa wakas.
"You seriously look hot, Mary. I don't like this," sabi ni Saint habang nakatingin
sa akin.
"Bakit naman?" I asked him. Sobrang bagay sa kanya iyong bagong kulay ng buhok
niya.
"Before, when you still looked holy, ang dami ko ng kaagaw... How much more now
that you look hot?"
Hindi ko maintindihan dahil ako pa rin naman 'to. Nagbago lang iyong gupit ko at
iyong kulay ng buhok ko pero kung makaarte si Saint, parang biglang ibang tao na
ako.
"Ako pa rin naman 'to," I replied.
"Yeah but-"
"Ako pa rin naman 'to. Ikaw pa rin naman ang gusto ko," I said and that shut him
up.
I smiled as we spent the whole day together, mindless of the other people who
stared at us when we were laughing out loud dahil sa mga walang kwentang bagay na
sinasabi ni Saint. Ito na sana iyong simula na masaya na kaming dalawa... Na wala
ng gugulo pang iba.

Kabanata 27

#JTSAccident

Kabanata 27
"Do you think you can fall for someone over and over again?" seryosong tanong sa
akin ni Saint habang sinusulatan ko iyong form para sa donation ko. Dinonate ko
kasi iyong buhok ko para sa mga cancer patients... Ang haba rin kasi nito at saka
never naman akong nagpakulay bukod sa ngayon.
"Hindi ko alam," sagot ko sa kanya.
"I think it's possible. Because I'm just falling again," sabi niya. Tinignan ko
siya tapos naka-ngiti siya sa akin.
"Bakit ka naka-ngiti?"
Mas lumawak lang iyong ngiti niya.
"You're so perfect, alam mo ba 'yun?" biglang sabi niya. Hindi ko maintindihan si
Saint. Sobrang saya niya ngayon simula nung magpakulay kaming dalawa ng buhok. Kung
alam ko lang na ito lang pala ang magpapasaya sa kanya, e 'di sana matagal ko na
siyang inaya na magpakulay ng buhok.
Kumunot ang noo ko.
"Ang weird mo ngayon."
Ngumisi naman siya sa akin tapos isinandal niya iyong gilid ng katawan niya doon sa
may reception table. Ipinatong niya iyong braso niya sa table at saka inilagay sa
ilalim ng baba niya iyong kamay tapos tinignan niya ako. Medyo nailang ako kasi
nakatitig talaga siya sa akin tapos hindi pa siya kumukurap. Ang weird niya talaga.
"I'm your weirdo."
Kinagat ko iyong ibabang labi ko para pigilan iyong pagngiti.
"Bakit nga?" I urged him again.
"Bakit ano?"
"Bakit ang saya mo ngayon?"
"I don't know... I just didn't believe that my wish will be granted."
Kumunot naman iyong noo ko.
"Ano'ng wish?" I asked.
"You. You're everything I wished for."
Biglang nahigit iyong hininga ko dahil sa sinabi ni Saint. Sobrang nakatitig siya
sa mga mata ko kaya iyong kabog ng puso ko, hindi ko na maintindihan. Ilang segundo
lang kaming naka-titig sa mga mata ng isa't-isa hanggang sa unti-unti siyang
ngumiti. Tumayo siya nang maayos at saka inilagay iyong kamay niya sa pisngi ko.
"I wished for someone who's beautiful inside and out, someone who shares my faith,
someone who loves her family as much as I love mine, and someone who cares about
other people," sabi niya habang naka-tingin sa mata ko. "And you're so much more,
Mary Imogen Suarez. So much more than what I prayed for."
Nagtubig na iyong gilid ng mga mata ko dahil sa sinabi ni Saint. Bigla na lang kasi
siyang nagsasabi ng mga ganito! Palagi niya na lang akong ginugulat!
"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya pa. Siya kaya ang nagpa-iyak sa akin! Sino ba
ang hindi maiiyak sa mga sinabi niya? Pakiramdam ko tuloy lalong ang swerte ko
dahil nakilala ko siya. Hindi ko alam na ganito pala iyong nararamdaman niya.
Parang sobrang nakakalunod pero kung siya naman, ayos lang sa akin na malunod...
"Ikaw kasi, e..." sabi ko habang humihikbi.
"What? Ano na naman ang ginawa ko?" nag-aalala niyang tanong.
I smiled while wiping my tears.
"Pinaiyak mo ako sa sinabi mo," I said. "Ano ba kasi ang nakain mo? Bigla ka na
lang naging ganon."
Biglang napa-ngiti na ulit siya kasi kumunot iyong noo niya kanina nung nakita niya
akong umiiyak.
"Wala. I just realized how lucky I am to have found you. Saan pa ba ako makakakita
ng babae na magdodonate ng buhok sa cancer patients? Ikaw lang yata," sabi niya at
saka inakbayan ako. "Thank you dahil sumakay ka sa sasakyan ko dati kahit akala ko
nung una carnapper ka."
Natawa naman ako bigla sa sinabi niya. Tumatawa ako habang tumutulo iyong luha ko.
"Akala ko kasi ikaw 'yung Uber, e..."
He beamed at saka hinigpitan iyong akbay sa akin. Hinalikan niya rin iyong gilid ng
ulo ko.
"In some ways, Uber driver mo rin naman ako. I drive you everywhere."
"Ikaw kaya 'yung nagvolunteer."
"I know," sabi niya at saka kinindatan ako. "I love driving you around. I love
holding your hand while I'm driving. I love it when you're feeding me while I'm
driving. So basically, I'm doing it for myself."
Napailing na lang ako sa kanya. Si Saint talaga.
Tinapos ko lang iyong sinusulatan ko bago ko ibigay iyong buhok ko. May binabasa
ako sa may wall nung store pero hindi ko mabasa. Siguro naka-squint iyong mga mata
ko kaya napansin ni Saint.
"Malabo 'yung mata mo?" he asked me.
"Konti," I replied. Mahilig kasi akong magbasa lalo na sa gabi kaya lumalabo na
iyong mata ko. Ayoko namang magsalamin kasi hindi daw bagay sa akin sabi ni Kuya.
Kapag contacts naman, sumasakit iyong mata ko. Natatakot naman akong magpa-lasik...
Kaya tinitiis ko na lang. Hindi pa naman sobrang labo ng mata ko pero nahihirapan
akong basahin iyong mula sa malayo.
"Why don't you wear glasses?"
"Hindi daw bagay sa akin sabi ni Kuya."
"What? Why would he say that?"
Dinala ako ni Saint sa isang store ng glasses.
"Wag na..." sabi ko sa kanya. "Hindi pa naman sobrang labo ng mata ko."
"And we'll just wait hanggang mabulag ka?" sagot niya. Napa-labi na lang ako sa
sagot niya tapos nagbuntong-hininga naman siya. "If it's about what Preston said,
then I'll also wear glasses para parehas tayo, okay?"
Napa-kurap naman ako sa sinabi niya.
"Pero hindi naman malabo iyong mata mo..."
He shrugged in response.
"It's okay. I'll just wear gradeless glasses."
"Seryoso ka?"
He nodded and then smiled at me.
"We have the same hair color and now, we'll both wear glasses. Next time, I'll make
you wear my shirt."
Namula na naman iyong mukha ko kaya natawa na naman si Saint. I swear, pakiramdam
ko talaga mission niya na papulahin iyong mukha ko araw-araw!
Pinapasok niya na ako sa loob at saka tinignan kung ano na iyong grado ng mata ko.
Nagulat naman ako nung malaman ko na ang taas na pala talaga! Sinabihan ako nung
doctor na iwasan ko na magbasa... Pero hindi ko kaya... Reading is a part of my
life. Kahit siguro lumabo na ng sobra iyong mga mata ko, hindi ko pa rin
mapipigilan iyong pagbabasa.
Namili kami ni Saint ng frame para sa salamin namin. Gusto niya kasi pareho kami
kaya ang tagal bago kami nagkasundo. Simpleng black-rimmed glasses lang iyong
napili namin pero mas malaki iyong sa kanya kasi mas malaki naman iyong mukha niya
kumpara sa mukha ko... Mas malaki pa nga iyong kamay niya sa mukha ko, e.
"See? Bagay kaya sa 'yo," he said nung sinukat ko na iyong salamin ko. "And now,
you can appreciate my face better," he continued at napailing naman ako sa sinabi
niya.
Naglakad lang kami at saka kumain. Medyo nagutom din kasi ako sa mga ginawa namin.
Pagkatapos nun, tinanong ni Saint kung saan ko gustong pumunta. Hindi ko naman alam
dahil hindi naman talaga ako mahilig pumasyal sa mall... Ayoko naman na ayain siya
sa bookstore dahil hindi naman yata mahilig si Saint na magbasa.
Sinabi ko lang sa kanya na kung saan niya gustong pumunta at nung huminto siya sa
pagdadrive, nakarating na pala kami sa Pasig.
"Ano'ng meron dito?" I asked him habang papasok kami sa loob.
"Jump yard," he replied. Kumunot ang noo ko. "What? You don't know this place?"
Umiling ako. Mas lumaki ang ngiti niya. "You're gonna have so much fun!"
Iniwan namin iyong salamin sa sasakyan. May pinirmahan lang kaming waiver tapos
bumili si Saint ng medyas para sa aming dalawa.
"Ako na," sabi ko sa kanya kasi naka-luhod siya sa harap ko tapos siya pa iyong
magsusuot sa akin nung medyas.
"Nope. I'll do it," sagot naman niya.
"Kaya ko naman."
"I know that you can do it but now you have me. So let me do things for you. Okay?"
sabi niya habang naka-tingin sa akin. Napa-tango na lang ako dahil hindi na talaga
ako maka-angal kapag nakatingin siya sa akin ng ganyan.
Pumasok na kami at saka nagkaroon ng sandaling briefing. Hindi nakikinig si Saint.
"Bakit hindi ka nakikinig?"
"Palagi kami dito."
"Sino'ng kasama mo?"
"Brothers. Sometimes, teammates," he replied.
"Walang babae?" I asked, just curious... Hindi naman ako magtataka kung may babae
dati. Ang gwapo naman kasi ni Saint. Hindi ko kayang sisihin iyong mga babae.
Umiling siya.
"Hindi nga?" I asked again.
"Nope. Back then, ball was life... But now it's you."
And he did it again. Hindi ko na talaga alam kung may script ba na sinusunod si
Saint kaya ganito ang mga lumalabas sa bibig niya. Mabuti na lang at tapos na rin
iyong briefing kaya hindi napansin masyado ni Saint na para na naman akong kamatis
sa pagka-pula ng mukha ko. Sumunod lang ako sa kanya nung hawakan niya iyong kamay
ko at saka dalhin ako sa loob.
"Ano'ng gagawin natin?" I asked him.
"We're gonna jump."
"Iyon lang?"
He looked at me and winked. "I promise you'll have fun."
And I did. Grabe! Hindi ko alam na sobrang saya palang tumalon sa trampoline! Ilang
minuto ako na patuloy lang sa pagtalon habang si Saint naman, tumatawa lang habang
pinapanood ako.
"I told you it's fun!"
"I know! Thank you!" sabi ko habang sabay kaming tumatalon dalawa.
"You're welcome! I just want you to be happy!"
Hingal na hingal na ako nung matapos kami sa trampoline habang si Saint naman,
parang wala lang nangyari.
"Ang unfair. Bakit parang hindi ka man lang napagod?"
He laughed. "I'm an athlete, Mary. Do you even jog?"
Inirapan ko siya tapos natawa na naman siya.
"Let's jog next time, okay?"
Umiling ako.
"C'mon. Let's jog para hindi ka mabilis mapagod."
"Hindi naman ako mahilig sa activities..."
"But I want to bring you with me during family activities."
Nanlaki iyong mata ko.
"What? Bakit ka pa nagulat?" he asked. "You're practically a GDL, too. And as a
part of the Gomez de Liaño family, you're need endurance because we like to hike
and do athletic things. Okay?" sabi niya at saka tinignan ako. Napabuntong-hininga
naman ako at saka ngumiti siya at saka tinapik iyong ulo ko.
Natapos iyong araw na pawis na pawis ako kaya pinasuot sa akin ni Saint iyong spare
shirt niya sa sasakyan. Ngiting-ngiti naman si Saint habang naka-tingin sa akin.
"I need to take a picture," sabi niya.
"Pawis ako."
"I don't care," sabi niya. "You're wearing my shirt. I need to take a picture."
Napailing na lang ako sa kanya habang kinukuhanan niya ako ng picture. Daig niya pa
ang paparazzi kasi ang daming shots na kinuha niya... Pakiramdam ko nga pwede na
akong magkaroon ng sariling album sa gallery ni Saint kasi palagi niya akong
kinukuhanan ng picture. Minsan kahit kumakain lang ako bigla na lang niya akong
pipicture-an.
"I'll upload this," sabi niya sa akin. "Can I tag you?" tanong niya sa akin kasi
nung minsan na tinag niya ako, ni-report as harassment ni Kuya iyong picture.
Tumango ako sa kanya.
"Palitan mo na iyong profile pic mo," sabi ko dahil mukha ko pa rin iyong nakalagay
sa display picture niya.
"But I like seeing your face every time I open my account."
"Palagi mo naman akong nakikita."
"And it's not enough. If I can, I would put you inside my pocket and carry you
around."
I wrinkled my nose to stop myself from smiling. Saint talaga!
"Palitan mo na, please?"
Matagal ko rin siyang pinilit bago ko siya napapayag. Habang nagdadrive siya para
ihatid ako sa bahay, tinitignan ko lang iyong laman ng gallery niya. Puro naman
mukha ko iyong nandun o kaya naman picture ni Stephen Curry.
"Ate mo?" I asked nung may makita akong picture nilang magkakapatid tapos may
kasamang isang babae.
He nodded.
"Ano'ng name niya?"
"Siobhan Margaret GDL. But she prefers to be called Maggie."
Tinignan ko iyong mga pictures ng Ate niya pero puro group photo naman. Ang ganda
ng Ate niya! Mukhang model pero mukhang masungit. Pero feeling ko mabait naman
siya... Si Saint nga mukhang mayabang pero hindi naman pala. Si Austin nga mukhang
mabait pero masungit naman pala. Kapag sa GDL yata don't judge talaga, e.
Pagdating namin sa bahay, sa wakas may napili na akong maging profile picture niya.
Sinet ko na iyon as profile pic niya bago ko binalik iyong phone niya. Sinabi niya
naman na ayos lang sa kanya na ako na ang gumawa. Wala naman daw secret sa phone
niya. Kung hindi nga lang daw pinapakailaman nila Psalm iyong phone niya, hindi
niya naman lalagyan ng password. Pero dati daw kasi pinaglaruan nila Psalm iyong
phone niya tapos nagsend gamit iyong number niya ng mga wrong sent messages sa Mama
nila. Na-grounded daw siya ng one week dahil sobrang bastos nung mga sinend nila
Psalm. Ayaw naman sabihin ni Saint sa akin kung ano...
"Good night," sabi ko pagdating namin sa harap ng bahay. I smiled widely because I
definitely enjoyed today. "Ingat ka sa pagdadrive, okay?"
He nodded.
"Matutulog ka na ba?"
"Hindi ko alam. Bakit?"
"I'll call you later. Pero kung pagod ka na, I'll just see you tomorrow."
Nakakainis na miss ko na rin siya kahit nasa harap ko pa naman siya. Pero hindi
naman pwede na magkasama kami 24/7... Kung pwede lang, e...
"I'll call you," mabilis na sabi ko at saka hinalikan siya sa pisngi bago ako
naglakad ng mabilis papasok sa bahay.
--
Mabilis lang lumipas iyong weekend. Sabi nga nila, kapag nageenjoy ka, mas mabilis
ang takbo ng oras.
Nasa loob ako ng sasakyan ni Saint ngayon. Sinundo niya kasi ako sa bahay. Mabuti
nga at wala si Kuya, e... Hindi ko lang alam kung talagang sinasadya niya ba na
pumasok ng maaga para hindi makita si Saint. Ang aga-aga niya na kasi talaga
umaalis. Bumabalik kasi siya sa bahay pagkatapos ng training niya ng madaling-araw
tapos aalis agad siya para hindi niya abutan si Saint kapag sinusundo ako. Ang laki
talaga ng problema ni Kuya sa buhay.
Nung magparking siya sa school, tinignan niya ako.
"What?" tanong niya.
"Wala," sagot ko tapos pigil na ngumiti pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi
ko kasi alam ang magiging reaction nila Kath sa itsura ko. Nung nagpagupit ako,
gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya ko... Buong buhay ko kasi lahat ng
ginagawa ko ay pinagpapaalam ko pa kila Mama. Ngayon lang ako nagkaroon ng isang
bagay na ginawa ko kasi gusto ko. It felt liberating. Iba sa pakiramdam... Pero
kahit na ganoon, hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.
"You sure you're okay?"
I nodded. Hinawakan niya iyong kamay ko at saka pinisil.
"Today's gonna be great."
"Bakit mo alam?"
He shrugged.
"Because I know," sagot niya. "If I want today to be great, it'll be great. Hindi
ka ba naniniwala na matter of perspective lang naman ang pagiging masaya?"
Unti-unti akong napa-ngiti sa sinabi ni Saint. Isa ito sa mga dahilan kung bakit
masaya ako kapag kasama ko siya. Iba kasi iyong tingin niya sa buhay. He's
idealistic but he's realistic, as well. Para bang best of both worlds lang siya
palagi. At saka palagi siyang naka-ngiti-or ngisi. Depende kasi sa mood niya pero
kahit na ganoon, meron sa kanya na parang gagaan iyong pakiramdam ng mga kasama
niya. Ewan ko o baka naman ako lang 'yun. Pero hindi kasi, e. Kahit si Finley nga
nakuha niya iyong loob... E sobrang hirap kayang maghanap ng makakasundo nun.
"Naniniwala naman pero-"
"There's no but, Mary. Happiness is a choice. It has always been a choice."
I smiled at him. "Okay," I answered. "Tuloy ba iyong training mo mamaya?" I asked
him. Hindi ko kasi alam kung sasabay ba ako sa kanya o mauuna na akong umuwi.
Tumango siya.
"Do you want to wait or do you want me to drive you home first?" tanong niya sa
akin.
"Matagal ba kayo?" Baka kasi sobrang tagal. Mayroon din kasi akong mga gagawin para
sa school. Ayoko naman na bumaba iyong mga grades ko dahil sigurado ako na
papagalitan na ako nila Mama. Sinabi naman nila sa akin na ayos na sila sa amin ni
Saint pero dapat daw palagi kong alam ang priorities ko. Bata pa raw ako. Pwede
naman akong mag-enjoy pero 'wag na 'wag ko raw isasacrifice ang pag-aaral ko.
He wrinkled his nose.
"Yeah..." tamad na tamad na sagot niya. "Championship is coming. You'll watch me,
right?"
I nodded. Oo naman. Bakit ko naman papalampasin iyong laro niya?
Pagdating ko sa classroom, normal naman iyong naabutan ko... Wala kasi si Kath at
Liza dahil may iba silang ginagawa para sa ibang subject kaya mag-isa lang ako.
Ayos lang naman dahil magkikita naman kami mamayang break. Nakinig lang ako nang
mabuti sa professor dahil nararamdaman ko na rin na palapit na iyong pre-finals
kaya dapat na akong mas maging seryoso. Ayoko kasing bumaba ang grades ko tapos
isipin naman nila Mama na nagpapabaya ako simula nung nakilala ko si Saint.
Dumiretso ako sa cafeteria kasi sabi ni Kath sa text, doon na raw kami magkita.
Pagdating ko doon, nakita ko na nandun na sila. Naka-hinga ako nang maluwag dahil
wala si Parker. Ayoko rin kasi siyang makita muna dahil sa huling pag-uusap namin.
Hanggang hindi niya naaayos ang issue niya sa sarili niya, mas okay siguro na 'wag
muna kaming mag-usap.
"OMG!" sabi ni Kath pagkakita niya sa akin. "You chopped your hair!"
Medyo nailang ako dahil nasa akin lahat ng attention nila. Medyo alanganin akong
ngumiti.
"Sobrang bagay!" sabi pa ni Kath kaya naman naka-hinga ako nang maluwag. "And
what's with the glasses?"
Sasagot pa lang sana ako nung biglang kurutin ako ni Kath sa tagiliran ko. Napa-
aray nga ako pero bigla na naman siyang nagsalita. "May glasses din si Saint! And
same kayo ng hair color!" sabi niya habang naka-tingin kina Saint. Pumasok din pala
sila sa caf pero kasama niya iyong mga teammates niya.
Tumalikod ako at nakita ko si Saint. I smiled at him and he smiled back. Si Kuya
naman, inirapan na naman ako.
"Nakita ko rin iyong post sa fb! You were wearing his shirt! Kilig!" sabi ni Kath.
Kuya scoffed.
"Pinasuot ko rin shirt ko sa 'yo pero binato mo sa akin," sabi ni Kuya.
"Because it's a used shirt, Preston! Kadiri ka. Pinagpawisan ka na doon tapos
ipapasuot mo sa akin!"
"E halos wala ng matakpan sa tingting mong katawan kaya binigay ko sa 'yo 'yung
damit ko. Choosy nitong tingting na 'to."
"Excuse me? Nakita kita nung nasa club tayo. You were checking me out. Umamin ka
na, Preston. You think I'm hot," sabi ni Kath.
Umismid naman si Kuya.
"Iniisip ko lang nun na bawal kang lumapit sa gutom na aso kasi baka pagkamalan
kang buto."
Napailing na lang ako at saka hindi na sila pinansin dalawa dahil alam ko na simula
pa lang ng away nila. Hindi ko nga alam kung paano sila tumatagal na dalawa, e...
Tumayo na ako para bumili ng kakainin ko pero nagvolunteer si Kuya Benj na samahan
ako. Pakiramdam ko kaya siya sumama ay dahil ayaw niya na marinig sila Kuya na nag-
aaway... Kasi kahit naman halos magsigawan na sila ni Kath, ewan ko pero kita na
may pakielam naman sila sa isa't-isa. Hindi naman magtatyaga si Kuya na asarin si
Kath kung wala lang.
"Yan lang kakainin mo?" tanong ni Kuya Benj.
I nodded.
"Kumain ka na, Kuya?" Tumango naman siya. "Wala ka bang ibang crush?" I asked him
at saka kumunot naman ang noo niya. "Kasi... paano kapag naging si Kuya and Kath?
Ayokong makita ka na malungkot palagi."
Kuya Benj shrugged.
"Hindi naman ako malungkot."
"Talaga?"
He nodded.
"I have friends. Besides, Kath's a handful. Sigurado sasakit ang ulo ni Preston sa
kanya," he said and then smirked. "And he deserves all the headaches he'll get."
Habang naglalakad naman kami pabalik, nagsalita si Kuya Benj.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit wala si Parker?" he asked me and I shook my
head. Nakatingin siya sa akin at nagtataka. I just smiled.
"Minsan kasi, Kuya, kahit na gaano kahalaga iyong tao sa 'yo, dadating ka rin sa
point na ayaw mo na lang makielam kasi ayaw naman nila ng tulong mo."
And that's Parker. Kung ayaw niya ng tulong ko, hindi ko na siya pipilitin. Ayoko
rin naman kasi na sirain niya kung ano iyong meron ako dahil lang sa tingin niya,
dapat kaming bumalik sa dati. Masaya na ako ngayon. And I wouldn't do anything to
destroy what I have.
And if he wanted to destroy himself, I didn't want to be a collateral damage.
But then Kuya received a call saying that Parker almost died in a car accident.
Kabanata 28

I know I haven't updated in a long time. Hehe but I'm seriously back. And hope you
still leave comments because comments are serious motivation <3 No pressure, tho.
xx Eydee
#JTSLoveAgain
Kabanata 28
'His car crashed. I don't know how serious the accident is.'
Paulit-ulit kong naririnig iyong sinabi ni Kuya. Hindi maproseso ng utak ko iyong
mga salitang sinabi niya. Tila tumigil iyong mundo nung marinig ko iyong balita na
iyon.
Parang biglang tumigil iyong pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Ilang segundo na
nakatayo lang ako roon at pilit na ipinapasok sa isip ko iyong sinabi ni Kuya.
Hindi ako makagalaw. Lahat sila ay nagpapanic na at naghahanda na para pumunta sa
ospital kung saan dinala si Parker pero ako, ni hindi makagalaw sa kinauupuan niya.
Nung isang araw lang, kasama ko pa si Parker... Nung isang araw lang, nagalit pa
ako sa kanya...
Nung isang araw lang, okay pa siya.
Bakit ba nangyayari 'to?
"Are you coming?" tanong ni Kuya. Hindi ako agad nakasagot. "What? Are you coming?"
parang naiinis na tanong niya sa akin dahil hindi ako agad makasagot. Hindi ko kasi
alam ang gagawin. Buong buhay ko, ngayon lang nagkaroon ng aksidente sa isang tao
na malapit sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung
ano ang unang gagawin ko. Ang alam ko lang ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Gusto kong sabihin na sasama ako... Of course I was coming. Kailangan kong makita
si Parker dahil kaibigan ko rin siya pero hindi ko lang mahanap iyong boses ko para
sabihin iyon.
Lumapit si Kuya Benj sa akin at saka inakbayan ako.
"She'll come, of course, Preston. Ako na ang bahala kay Imo. Mauna na kayo," sabi
ni Kuya Benj kay Kuya.
"You sure?" Kuya asked.
Kuya Benj nodded.
"Yes, susunod kami." Tumingin si Kuya sa akin. "She understands, Preston. Pumunta
ka na," pagpapatuloy ni Kuya Benj bago niya napilit si Kuya na iwanan ako.
Tinignan ko si Kuya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Naka-sunod sa kanya
sila Ate Jas habang ako, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.
"Are you alright?" tanong ni Kuya Benj.
I tried to nod but I couldn't. I didn't know what I felt. I knew I should feel
scared-scared for Parker and all the possibilities pero sobrang dami kong
nararamdaman na hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko.
"He'll be fine," he reassured.
"Sabi ni Kuya m-muntik na-"
He didn't let me finish what I was saying. Hindi ko rin kaya na sabihin 'yun.
Parker and I, we had our differences but I didn't want him gone... Nararamdaman ko
iyong pagsikip ng dibdib ko dahil sa naisip ko. Ni hindi ko masimulan na isipin na
pwede na mawala siya. Buong buhay ko nandyan lang siya kaya hindi siya pwedeng
mawala.
He's been a part of my life-both good times and in bad times. Hindi ko gusto na
mawala siya... Lalo pa ngayon na hindi kami masyadong nakakapag-usap. Mas lalo lang
sumikip ang dibdib ko sa ideya na pwede siyang mawala ng hindi man lang kami
maayos...
"But he's still alive. He'll pull through. Masamang damo si Parker," Kuya Benj said
with a reassuring smile. "So breathe, princess. Okay?" he asked and I nodded.
Nauna na silang dumating sa ospital. Nauna sila Kuya dahil alam ko naman na sa
aming lahat, malamang siya ang pinaka-nag-aalala. Best friend niya si Parker kaya
naiintindihan ko kung bakit bigla siyang nainis sa akin kanina... Habang nagda-
drive si Kuya Benj papunta sa ospital, tahimik akong nagdadasal na sana maging okay
si Parker. Hindi ko pa alam kung ano ang eksakto na nangyari sa kanya pero ang
mahalaga lang sa ngayon, na ligtas siya. I just wanted him alive. Iyon lang ang
importante.
Agad kaming pumunta sa room number na sinabi ni Kuya. Pagdating namin doon, nakita
namin na kinakausap ng isang doctor si Tita Kach. Lumapit ako kina Kuya na naka-upo
doon sa mahabang bench sa labas ng kwarto ni Parker. Tahimik lang sila.
"Just few minor concussions and hairline fracture in his right leg. His head seems
fine and no trauma. We'll do few tests on him just to be sure but for now, he's
fine," sabi nung doctor. "I'll send Dr. Esguerra later."
"Thank you, doc," sabi ni Tita Kach. Si Tito Tripp naman ay may inasikaso.
Pagkaalis nung doctor, agad na tumayo kami nila Kuya. Biglang gumaan iyong dibdib
ko sa narinig ko...
He's fine. At iyon lang naman ang mahalaga sa akin.
"He's going to be fine, right, Tita?" nag-aalalang tanong ni Kuya. Alam ko na
sobrang worried niya kay Parker. Magbest friends pa rin sila kahit na madalas
silang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.
Tita Kach smiled and nodded. Bigla kong napansin iyong itsura niya... Parang bigla
siyang tumanda ng ilang taon. Gaano ba ka-seryoso iyong problema? Alam ko kasi bago
pa mangyari ang aksidente na 'to, may problema na talaga sa pamilya nila... Na
hindi naman sinasabi ni Parker.
"Yes, of course," sabi ni Tita. "Pwede niyo siyang puntahan pero tahimik lang."
Agad silang pumasok sa loob pero naiwan ako sa labas. Hindi ko alam kung dapat ba
akong pumasok... I felt guilty. Para bang ramdam ko na may kasalanan ako sa
nangyari sa kanya. Alam ko na may problema rin siya pero nagawa ko siyang itaboy...
Was I too cruel? Sobrang sama ko ba nung hiniling ko sa kanya na pabayaan niya na
ako?
Masama ba na inuna ko iyong sarili ko kaysa sa kanya?
Sobrang daming tanong na naglalaro sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang una
kong sasagutin... O kung gusto ko bang sagutin dahil minsan, natatakot ako sa mga
nangyayari.
"Hindi ka ba papasok sa loob?"
Napatingin ako kay Tita Kach nung nagsalita siya. Hindi ko napansin na medyo
napatagal na pala iyong pagtayo ko sa labas.
"Papasok po," mahinang sagot ko. Mayroon pa ring maliit na parte sa akin na
sinisisi ang sarili ko. "Tita, okay naman siya, 'di ba?"
Tumingin ako kay Tita. I was expecting that she's assure me that everything would
be fine... Na matatapos din lahat ng problema at babalik kami sa normal namin.
Iyong masaya si Parker, masaya ako, masaya kaming lahat... Hindi iyong ganito na
para bang kailangan na mayroong isang maging miserable para sa kasiyahan ng isa.
Gusto ko lang naman na maging masaya kaming lahat. Iyon lang. Pero parang hindi
iyon mangyayari.
But Tita Kach's smile told me otherwise.
"He's fine."
Pero hindi ako naniwala sa sinabi niya. Alam ko na may mas malalim pa na nangyayari
sa buhay ni Parker. Gusto kong tumulong pero palagi niya akong tinutulak palayo.
Hinihiling niya iyong bagay na hindi ko kayang gawin.
"You'll be there for him, right?"
I looked at Tita Kach.
"Opo..."
Nginitian niya ako.
"You're all that he has, Imo."
"Hindi 'yan totoo, Tita... Nandyan kayo, may kaibigan si Parker-"
"Tripp and I, we're old. Someday, we won't be around for him anymore... Gusto ko
lang malaman na kapag nawala na kami, nandyan ka pa rin para sa kanya."
Parang sobrang bigat ng dinadala ni Tita Kach. Biglang naging sobrang lungkot ko
rin dahil sa mga sinasabi niya.
"Of course, Tita..."
Ngumiti siya.
"That's good to hear, Imo. I know you'll always be there for him... Just like the
old times..."
Tama nga siguro si Kuya. Lahat ng tao sa paligid namin, masyadong naka-kapit sa mga
nangyari sa nakaraan. Iyon bang hindi makaandar at matanggap na tapos na iyong mga
nangyari noon... Na parang minsan, nababaliwala iyong mga nangyayari ngayon kasi
mas gusto nating tanawin iyong kahapon. Kasi siguro akala nila masaya. Na kahit
maraming nasasaktan dahil mas gusto nilang manatili sa nakaraan, hindi pa rin sila
tumitigil kasi palagay nila obligado sila na manatili doon.
Just like the old times...
But I was done with the old times. Masaya ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko.
Umalis na si Tita Kach at naiwan ako sa labas. Ilang beses akong sumubok na pumasok
pero hindi ko magawa. Kahit sumilip hindi ko magawa... Naguguluhan ako sa sarili
ko. Naririnig ko iyong mga pag-uusap nila sa loob pero hindi ko magawang pumasok.
Masaya ako na mukhang ayos naman na talaga si Parker...
He's fine. Bakit ba ako nagkakaganito?
"Hello?"
"You okay? You sound... different."
Napa-ngiti ako noong narinig ko iyong boses ni Saint. Ganito na ba kami kalapit
para malaman niya na may problema ako base lang sa tunog ng boses ko?
"Okay lang ako. Nasa ospital ako," sabi ko at saka kinagat iyong ibaba ng labi ko.
"What? Are you fine? What happened?" sunud-sunod na tanong ni Saint sa akin.
"Okay lang. May pinuntahan lang kami dito," I answered.
"Really? Because if something happens to you, Preston will kill me," sabi niya at
hindi ko napigilan na mapa-ngiti. Kahit ganito na parang ang bigat ng mga
nangyayari, kapag kausap ko si Saint, biglang gumagaan iyong pakiramdam ko.
Siguro siyang iyong happy pill ko.
"Anyway, what happened? I hope it's not serious."
Huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang magsalita. Hindi naman ako tanga...
Hindi rin naman ako manhid. Alam ko naman na hindi si Parker ang paboritong topic
ni Saint pero alam ko na hindi dapat ako magsinungaling sa kanya. Ayokong
magsinungaling. Alam ko na iyong mga maliliit na bagay na itinatago, isang araw
bigla na lang silang lalabas lahat... Hanggang hindi mo na kayang kontrolin.
Kaya nga sinasabi nila na sa lahat ng bagay, importante ang pag-uusap.
"Naaksidente si Parker."
Ipinikit ko ang mata ko at hinanda ang sarili kung sakali na magalit sa akin si
Saint.
"Is he fine?"
Napadilat ako.
"Hindi ka galit?"
"What? Why would I be mad?"
"Kasi kasama ko si Parker..."
I was chewing on my lower lip as I waited for his answer. Baka ito iyong dahilan
kung bakit hindi ako makapasok sa loob ng kwarto ni Parker... Kasi alam ko sa
sarili ko na si Parker ang pag-aawayan namin ni Saint. Hindi naman sa sinisisi ko
si Saint dahil alam ko naman na karapatan niyang magselos kung gusto niya. Hindi ko
lang maintindihan kung bakit dahil wala naman na akong nararamdaman para kay
Parker. Concerned lang ako dahil magkaibigan pa rin naman kami... Pero kung
magiging dahilan si Parker para magkagulo kami ni Saint, then I'd be happy to put a
wedge between me and Parker.
Because Saint had been very verbal about it... Na pakiramdam niya hindi ako
sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya. Na pakiramdam niya nalilito pa rin ako
sa kanilang dalawa ni Parker.
And I wanted to erase that thought inside his mind. Kasi mas kilala ko ang sarili
ko. Alam ko sa sarili ko noon na mahal ko si Parker... At alam ko rin sa sarili ko
ngayon na tapos na kaming dalawa.
I heard him sigh.
"You're done liking him, right?"
"Oo naman-"
"Then it's fine."
Napa-kurap pa ako sa narinig ko. Iyon na 'yun?
"Talaga?"
"Yes, Mary. As long as you don't like him like the way you used to, we're good... I
can trust you on that, right?"
"Oo naman."
"So stop worrying. I told you a thousand of times that I'm not that low of a
person. I won't stop you from being friends with him so long as you don't have a
thing for him anymore. I understand that he's a part of your life. And I want to be
a part of that life, too. I can't take away the years you spent with him but I can
spend the coming years with you and make more memories together. Is that clear,
Mary?"
God, ano po ba ang ginawa ko kaya sa lahat ng lalaki sa mundo, si Saint pa ang
nakuha ko?
"Okay..." sabi ko na mayroong malaking ngiti sa mukha ko.
"Good. Text me the address of the hospital. I'll pick you up later after my
training," sabi niya.
I smiled. "Okay..."
"I seriously hope it's nothing serious. Sige na, my prof's here already. I'll see
you later."
Ibinaba ko na iyong tawag. Pagkatapos kong makausap si Saint, gumaan na iyong
pakiramdam ko. Handa na akong pumasok sa loob para kausapin si Parker. Tumayo na
ako para pumasok sana pero lumabas na sila Kuya Benj.
"Aalis na kayo?" I asked them.
"Nope. We'll just buy food. Parker requested since bland daw ang hospital food,"
sabi ni Kath. Tumango na lang ako habang lumabas sila ni Kuya Benj para bumili ng
pagkain. Maya-maya naman, lumabas din sila Ate Jas, Kuya Jackson, at Liza at sinabi
na bibili sila ng coffee dahil inaantok na raw sila sa ambiance ng ospital.
At nung papasok na talaga ako, bigla kong narinig na nag-uusap si Kuya at Parker.
"Is she not here with you?"
"She's outside."
"And she doesn't even want to come in?" rinig na rinig ko iyong hinanakit sa boses
ni Parker. "Hindi man lang ba siya concerned kung buhay pa ako?"
Gusto kong makonsensya pero kapag ganito siya, parang ayoko na. Bakit ba ganito si
Parker? Kailan pa siya naging ganito? O baka naman ganito na talaga siya dati at
hindi ko lang napapansin dahil masyado akong nabulag dahil gusto ko siya? Kasi
hindi ba ganoon naman 'yun? Kapag gusto mo iyong tao, hindi mo pinapansin iyong mga
masasamang bagay tungkol sa kanila... You know but you choose to ignore. At ngayon
na hindi ko na siya gusto, parang nagsisimula ko ng makita iyong mga bagay na hindi
ko pinansin dati.
"You're alive, asshole."
"Yeah but she doesn't know that."
"Bakit mo ba ginawa 'yun?"
"Alin?"
"Crash your car."
"It was an accident."
"Ako pa ba, Parker? Gago ka kilala kita. You may not be a decent human but you're a
decent driver."
Tumalikod ako at saka sumandal sa pader sa gilid ng pintuan. Nakikinig lang sa
pinag-uusapan nila. I knew listening to other people's conversation was wrong but I
couldn't care less. Baka kasi sakaling maintindihan ko si Parker. Best friend niya
ang Kuya ko kaya baka kahit papaano, maging honest siya... Kasi sa totoo lang,
naguguluhan ako sa kanya.
"You think I was trying to kill myself?"
"No. But I think that's a cry for attention."
"Ano? Ano'ng sinasabi mo?"
"Si Imo. You want her attention so badly that you're willing to go at such length."
"Ano ba-"
Bigla kong narinig na nagseryoso si Kuya. Madalas, masaya si Kuya pero minsan kapag
nagseryoso siya, hindi ko mapigilan na matakot. Sabi kasi nila kapag ang masayahin
daw naging seryoso, talagang seryoso sila... Mas nakakatakot.
"Your uncle died for my mom but don't you dare die for my sister. Don't you fucking
go there, Parker. Don't torture her into coming back to you. Unfair 'yun."
Sinubukang sumagot ni Parker pero nagpatuloy lang si Kuya sa sinasabi niya. Biglang
bumilis iyong tibok ng puso ko dahil sa takbo ng pinag-uusapan nilang dalawa. "For
years, in love sa 'yo 'yung kapatid ko pero wala kang ginawa-no, wait. You played
her and lead her on. Pero tahimik lang ako, 'di ba? Because that's your fucking
life. And I know you really fell in love with Cindy kaya pinabayaan kita kahit
nakikita ko na sinasaktan mo 'yung kapatid ko kasi sino ba naman ako para pilitin
ka na mahalin si Imo? That's your life and I respect it. But things changed,
Parker. Imo's happy now. And as much as I don't like Saint, he makes her happy. And
that's what's important. So don't be a douche and just... stop. Just stop, Parker."
Ilang segundo na wala akong narinig mula sa kanilang dalawa. Akala ko tapos na sila
sa pag-uusap pero hindi pa rin pala.
"Don't try to pull the same stunt. Don't try to kill yourself and guilt-trip Imo
into coming back. She doesn't deserve that, Parker."
"What if I'm in love with her? Can't I do anything about it? Hindi pwede, ganon?
Tangina ang unfair."
"You're not in love with her. Hindi lang matanggap ng pride mo na iba na 'yung
gusto niya. Iyon lang 'yun."
"What do you know about love, Preston? Don't lecture me about love. Of all people,
not you."
Kuya scoffed.
"At least I'm not stupid enough to crash my car just to get someone's attention. If
you really want to kill yourself, drive into a cliff. Or put a gun in your head. Or
hang yourself. Iyong sure na mamamatay ka talaga hindi 'tong nagpapapansin ka
lang."
Biglang tumawa si Parker.
"Gusto mo talaga akong mamatay?"
"No. But I'd really rather you kill yourself for good than try to guilt-trip my
sister into coming back. Because she'll do it, Parker. She's good enough to go back
to you if that means saving your pathetic ass."
My heart sank... That's not true. Gusto kong maniwala na hindi ko gagawin iyon...
Hindi ko kayang iwanan si Saint. Hindi ngayon kung kailan gustung-gusto ko na
siya... Kaya bakit siguradong-sigurado si Kuya na kapag dumating ang panahon kung
kailan kailangan kong mamili, sigurado siya na si Parker ang pipiliin ko?
"I love her."
"She doesn't love you. She's done with you. Buksan mo 'yung mata mo, Parker. She
how happy she is with Saint. Tumigil ka na."
Nagkaroon ng maliit na ngiti sa mukha ko dahil sa narinig ko mula kay Kuya... At
least sa kabila ng lahat ng nangyayaring masama, meron pa ring isa na maganda.
Mukhang tanggap na ni Kuya si Saint.
"But she loved me once... It can happen again."

Kabanata 29

#JTSTheDate
Kabanata 29
Since that night, iniwasan ko na si Parker. Hindi kasi ako makapaniwala na kaya
niyang gawin iyon. Sino ang matinong tao ang sasaktan ang sarili para lang makakuha
ng kaunting atensyon? Sino ang matinong tao na isusugal ang sariling buhay just to
make a point?
Hindi ko talaga siya maintindihan, e. Kahit ano'ng gawin ko, kahit subukan ko na
intindihin iyong ginawa niya, kahit na i-justify ko mula sa pananaw niya... hindi,
e. Hindi talaga tama. Hindi tama na ipagpilitan niya iyong sarili niya sa akin.
Hindi tama na ipilit niya na ibalik iyong dati. Hindi tama na sarili niya lang
iyong iniisip niya. Kasi hindi lang naman sa kanya umiikot iyong mundo. Kasi hindi
lang naman siya 'yung may karapatan na maging masaya.
Nagawa ko naman... Dalawang linggo ko siyang nagawang iwasan. Madali ba? Hindi, ah.
Mahirap iwasan iyong tao lalo na kapag mahal siya ng parents mo... My mom loves
him... Na pakiramdam ko wala akong karapatan na magtampo kay Mama dahil kasalanan
ko rin naman. Ni minsan hindi ko sinabi sa kanya iyong tungkol sa mga pag-iyak ko
noon dahil kay Parker... Hindi ko sinabi sa kanya iyong tungkol sa prom... Ni hindi
nga niya alam na may Cindy sa buhay ni Parker.
In some ways, it was my fault. Mom had always thought that Parker was perfect...
That maybe Parker was a lot like his uncle. Alam ko para kay Mama, perpekto si Tito
Parker... But that didn't mean that Parker's perfect.
That didn't mean that Parker treated me the way Tito Parker treated my mom.
I might not know the whole story but I was sure that Tito Parker loved my mom. And
I was sure that Parker didn't love me. Na tama si Kuya. It was only his ego and
pride talking.
Pero sabi nga nila, you could only avoid someone for so long... Dahil isang hapon
habang kumakain ako ng meryenda kasabay sila Kuya sa cafeteria, biglang paparating
na si Parker. He's with Kuya Jackson dahil hindi pa rin masyadong nakakalakad si
Parker dahil sa paa niya. I knew I should feel sorry for him dahil pati pagiging
captain sa soccer team ay nawala rin sa kanya. Pero dahil sa lahat ng narinig ko, I
just felt... indifferent towards him.
And it was towards God whom I felt sorry for dahil alam ko na masama itong iniisip
at nararamdaman ko.
Bago pa man makarating si Parker sa table namin, mabilis ko ng inayos iyong tray
ko.
"Where are you going?" asked Liza.
"Library."
"Sus. Iniiwasan lang niyang si Parker," sabi ni Kath.
"Really?" nagtataka na tanong ni Liza. "Did something happen again habang wala ako?
Why am I always the last one to know things?"
"Kasi self-righteous and judgy ka masyado."
Nanlaki iyong mata ni Liza.
"I am not!"
"Talaga? So sa tingin mo ayos lang iyong ginagawa ni Imo na iniiwasan niya si
Parker?"
Natahimik sandali si Liza. Gusto ko na sanang umalis dahil nakikita ko na malapit
na si Parker sa table pero para namang wala akong manners kung bigla ko na lang
iiwan si Liza and Kath habang nagsasalita sila.
"Well, yeah..." sabi ni Liza at tinaasan naman siya ng kilay ni Kath-na kanina niya
pa pinagmamalaki dahil kilaygoals daw siya ngayon. Minsan iba talaga ang priorities
ni Kath. "I mean, no! Just because I don't share your opinion about Imo avoiding
Parker doesn't mean that I am self-righteous and judgy!"
Tinignan ako ni Kath and she shrugged her brows.
"Well, in all group of friends, there's always the judgy one," sabi niya at saka
tinignan si Liza. "Don't worry, I still love you despite your opinion."
At dahil mukhang mag-aaway pa sila, nagpaalam na ako na aalis na ako. I quickly got
my things and went on the other way. Pumunta ako sa library gaya ng sinabi ko kila
Liza dahil ayoko naman na madagdagan na naman ang kasalanan ko. Lately kasi
humahaba na iyong listahan. Nagstay lang ako roon hanggang sa magsimula na iyong
klase ko.
"Where are you going after?" asked Kath.
"Sabay daw kami ni Saint uuwi."
"Di ba may basketball practice pa sila?"
I nodded.
"So... hihintayin mo siya?" I nodded again. "Sa basketball gym?" I nodded again.
"Sama ako!"
Kumunot na iyong noo ko. Bakit naman siya sasama? Hindi naman masaya maghintay sa
gym... Medyo maingay tapos hindi pa ako makapagconcentrate sa sinasagutan ko dahil
nadidistract ako kay Saint. Ang sarap niya kasing panoorin habang nagbabasketball
siya. Tsaka kahit ilang beses ko na siyang nakikitang nagdadab, sa tuwing gagawin
niya 'yun, napapa-ngiti pa rin ako.
"Uh... because basketball gym is full of sweaty hot guys?"
"Di ba may something na sa inyo ni Kuya?" I asked her. Kasi palagay ko naman
seryoso si Kuya sa kanya. Kahit naman ako dati hindi naniniwala na may gusto si
Kuya kay Kath dahil pakiramdam ko noon ay bored lang siya. Pero kasi it's been more
than a month at nililigawan pa rin siya ni Kuya. At minsan kaya nahuhuli ko sila na
magkausap si phone. Ng madaling-araw.
Hindi na normal 'yun, 'di ba?
"Ew!" agad na sagot niya. "Psalm ako! Team Psalm! Team GDL!" sabi niya na
pakiramdam ko naman ay sarili niya lang ang kinukumbinsi niya.
Pero naiintindihan ko naman si Kath... Kasi nga 'di ba sabi nila na the more you
lie about something, the more that it becomes a part of your reality? Pero masaya
ba na mabuhay sa kasinungalingan na binuo mo para lang hindi mo harapin iyong
katotohanan?
Napailing na lang ako kay Kath at pinayagan siya na samahan ako sa gym dahil
apparently, hindi pala pinapapasok lahat ng students para sa mga may gustong manood
ng practice. Distracting daw kasi iyong ingay sabi ng coach nila. Hindi ko naman
alam na ganoon pala 'yun. Akala ko kaya ako lang ang nanonood ay dahil walang may
pakielam sa basketball practice nila.
Pagdating namin, start pa lang ng warm-up nila.
"Hey," bati ni Saint pagkakita niya sa akin. He was wearing his usual grin at saka
may suot pa siyang headband.
Nag-ehem naman si Kath sa tabi ko.
"Oh. Hey to you, too," sabi ni Saint kay Kath.
"Nakakahiya talaga 'yung existence ko. Hindi na napapansin."
Natawa naman si Saint sa sinabi ni Kath.
"I apologize. It's just that my eyes autofocus on Mary whenever she's around,"
sagot ni Saint at umarte naman na nasusuka si Kath. Nagpaalam naman si Kath na
mauuna na siya sa bleachers para daw mabigyan niya kami ng alone time ni Saint. E
palagi naman kaming magkasama ni Saint. Malapit na nga raw kaming magkapalit ng
mukha sabi ni Kuya, e. Kulang na lang daw maging kulot na rin ako para GDL na rin
daw ako.
Nung makaalis na si Kath, ngumisi na naman sa akin si Saint.
"Did you bring Kath to get away from our date?" sabi niya tapos biglang namula na
naman iyong pisngi ko. Ilang buwan na kasi akong nililigawan ni Saint pero ngayon
pa lang kami lalabas na date talaga. Iyong iba kasi parang gumagala lang kami.
Tapos ngayon pinagpilitan niya na date talaga. As in date ng dalawang tao na may
mutual feelings for each other.
At may malisya na date daw.
"Hindi, ah!" mabilis na sagot ko.
"Really?" sabi niya at saka sinukat pa ako sa tingin.
Tumango ako.
"Nagpaalam pa kaya ako kila Mama na late ako uuwi..."
Humalakhak naman si Saint.
"But I already asked your parents' permission," sabi niya at kumunot naman ang noo
ko dahil doon. "Mary, in everything we do, in every places we go to, your parents
are always updated."
"Bakit naman?" nagtataka kong tanong. Kasi kapag si Kuya ang kasama ko hindi naman
siya nagpapaalam kay Mama... Minsan nga nakarating kami ng Pampanga dahil gusto ni
Kuyang subukan iyong Sandbox pero hindi alam nila Mama... At hanggang ngayon hindi
pa rin nila alam.
"Because..."
"Because?"
He sighed. And then smiled. Ang ganda niya talagang ngumiti. Ang puti ng ngipin
niya-minsan parang fake na.
"Because I want them to trust me."
Alam ko naman na importante na may trust sila Papa sa kanya pero gusto ko lang
tanungin ulit si Saint. Pakiramdam ko medyo nasasanay na kasi ako sa mga sweet
words niya... Na hindi buo iyong araw ko kapag hindi ko naririnig si Saint na
magsabi ng ganoon.
Pero kahit naman yata hi lang ang sabihin niya, tatalon pa rin iyong puso ko.
"Because I'm in for the long haul."
Iyon lang 'yung sinabi niya pero naintindihan ko na. Sometimes, a phrase can mean
everything.
Tinanong ko rin siya kung saan ba kami pupunta pero ayaw niya talagang sabihin sa
akin. Secret lang daw niya iyon pero sigurado daw siya na magugustuhan ko iyon.
"Paano mo naman alam na magugustuhan ko? Paano pa hindi?"
"Oh, I'm sure, Mary."
"Paano nga kapag hindi?"
"You'll like it, I promise."
"Bakit mo alam?"
"Because I pay attention. I may not know you for a very long time but since the
moment I met you, I've had always paid attention to the littlest of things. I know
that you don't like pineapples in your pizza. I know that you like to collect
bookmarks. I know that you like to smell the books before actually reading them. I
know that you buy books though you still have an awful lot of unread ones. I know
that you-"
Nagsasalita siya pero napahinto siya.
"You're tearing up again," sabi niya na parang amused na nag-aalala.
"Ayan ka na naman kasi. Sabi mo walang perfect na tao pero bakit parang hindi
naman?"
Natawa na siya sa akin.
"Because no one's perfect. Everyone has flaws."
"Ano 'yung sa 'yo?" I asked him.
"I get jealous. And territorial. And possessive. And I'm touchy. And I hug a lot.
And I like to cuddle."
"Yun na 'yun?"
He nodded. Bakit... parang hindi naman flaws 'yun?
"Also... you're not my girlfriend yet. And that's my biggest flaw," sabi niya bago
siya nagjog pabalik sa court. At iniwan ako na nakaawang ang labi.
His words... Really.
Medyo ilang segundo akong naiwan na nakatayo doon bago ako nagsimulang maglakad
papunta sa bleachers... At dahil pa iyon tinatawag na ako ni Kath dahil magsisimula
na iyong game.
"What happened? Mukha kang tanga for a few minutes. Nakatayo doon," sabi niya
habang kumakain ng popcorn. Saan siya nakahanap ng popcorn?
Umiling lang ako at saka nagtry na magfocus sa laro nila Saint. Tahimik lang kaming
nanonood habang pilit pinapatandaan sa akin ni Kath iyong pangalan ng mga teammates
ni Saint. Ang dami kasi nila kaya medyo nahihirapan akong tandaan... Pero naaalala
ko naman na mayroong Matthew, King, Ralph, Rafa, tapos iyong iba hindi ko na
matandaan.
"Can I ask?" she said.
I nodded.
"What will it take for you to talk to Parker again?" sabi niya kaya napa-tingin ako
sa kanya. "I mean, in due time... Hindi naman kasi pwede na always mo siyang
iiwasan? Or aalis ka kapag nandyan siya? And medyo awkward kasi..."
I sighed.
"Sorry. Isang sorry lang naman."
"Ayun-"
"But he hasn't apologized yet. And I don't think he realized his mistakes."
At natahimik na si Kath.
Tapos na iyong third half at lamang iyong team nila Saint. Magka-team kasi si Saint
at si GDL 4 habang teammates naman si Austin at Psalm. Nung break nila, may
dumating na babae at lumapit doon si Psalm at GDL 4.
"Sino 'yun?" tanong ni Kath. I shrugged dahil hindi ko naman alam at saka masyadong
malayo para makita ko iyong mukha nung babae. Nag-uusap lang sila tapos biglang
lumapit din si Austin sa kanila habang si Saint ay naiwan sa kasama ng ibang
teammates nila at umiinom ng gatorade.
"Tumingin siya dito!" sabi ni Kath nung tumingin sa gawi namin iyong babae na
kausap nila. Hala! "Oh, my gosh she's headed here!" mahinang sigaw ulit ni Kath at
kinurot niya na naman ako. May bagong pasa na naman ako dahil sa kanya.
Naglalakad iyong babae palapit sa amin pati iyong lalaki sa likod niya nung makita
iyon ni Saint at halos mabulunan na siya sa iniinom niya. Tumakbo rin siya palapit
sa direksyon namin pero huli na ang lahat dahil nakarating na iyong babae.
"Hi!" sabi niya.
Alanganin akong ngumiti. Medyo familiar iyong mukha niya...
"Hi din po," sabi ko.
"Don't be shy. I don't bite," sabi niya with full smile. Kagaya rin siya ni Saint
na bordering on looking fake iyong ngipin dahil sa sobrang ganda. Sino kaya ang
family dentist nila? "You're the Mary, right?"
Biglang nagsisimulang lumakas iyong tibok ng puso ko pero alanganin akong tumango.
Magsasalita na sana ulit iyong babae pero mabuti na lang at dumating na si Saint.
"Maggie!" sabi ni Saint. "Stop harassing her!"
Biglang nanlaki iyong mata ko. Kaya pala siya familiar!
"I haven't done anything!"
"Yet!" sabi ni Saint. "What are you doing here?"
Maggie rolled her eyes... O baka dapat Ate iyong itawag ko sa kanya kasi mas
matanda siya sa akin? Pero mas mukha naman siyang bata sa akin kasi ang ganda niya.
Tapos wala pa siyang pores. Sino kaya ang dermatologist nila?
"Mama said we'll be attending dinner at Malacañang. So I'm here fetching you boys,"
sabi niya tapos lumingon sa akin. "I'd invite you but PSG is kinda strict. But when
you're family na, we'll go to those boring dinners together."
Mas lalo lang yatang namula iyong mukha ko.
"Maggie!" sigaw na naman ni Saint.
"What?! As if you haven't told the entire clan about her! You kept on talking about
Mary tapos when I'm dying of curiosity because of your incessant talking about her,
ako pa ang mali?!"
Saint clenched his jaw at parang gusto niya ng sakalin iyong kapatid niya. Si Kath
naman, balak yatang paduguin iyong kamay ko dahil kanina niya pa ako kinukurot.
"I'm not going," sabi ni Saint.
"What? No! It's unfair! I shouldn't suffer alone," sabi niya tapos bigla siyang
hinawakan nung lalaki sa likod niya. "Jasper, don't touch me!"
"Take her," sabi ni Saint doon sa Jasper tapos nung nakalabas na sila ng gym,
bumaling sa akin si Saint. "I'm so sorry about her."
Sasagot na sana ako pero-
"Kapatid mo siya?!"
Halos matanggal iyong tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Kath. Tumango naman si
Saint na parang sanay na na ganoon ang reaksyon sa kapatid niya. Hala, ano ba ang
meron?
"All this time-oh my God!"
"Mary, just. Shit. Just please forget about what she said, okay?" sabi niya tapos
tinawag na siya nung coach kaya wala na siyang nagawa. "I'll explain later," sabi
niya pero mukhang worried pa rin siya.
Nakaalis na si Saint pero si Kath, mukhang hindi pa rin moved on sa nakita niya.
Pinabayaan ko siya hanggang sa kumalma na siya... Apparently, model pala si Ate
Maggie. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman siya print ad model pero doon siya
sa high fashion ramp model. At hindi alam ni Kath na kapatid siya ni Saint dahil
hindi naman ginagamit ni Ate Maggie iyong Gomez de Liaño na surname. Margaret lang
daw iyong gamit niya.
Pinanood namin hanggang sa matapos iyong game-actually ako lang dahil iniwan ako ni
Kath agad dahil gusto raw niyang magpa-picture sa kapatid nila Saint. Kausap pa
nung coach nila Saint si Saint kaya naupo muna ako sa bleachers. Nilapitan naman
ako ni Psalm.
"You okay?" he asked.
I nodded.
"Sure? Maggie can be a bit extreme. Hope she didn't scare you away," sabi niya
tapos bahagyang natawa.
"Okay naman siya..."
"Nah. It's okay to say that you think she's crazy because she is. Even us thinks
she's been replaced when she was born. Siya lang ang maingay sa amin."
Nag-usap muna kami ni Psalm habang hinihintay ko na matapos si Saint. Medyo naging
close na kasi kami ni Psalm dahil tuwing nandito ako sa gym, kinakausap niya ako
habang may ibang ginagawa si Saint. Naaappreciate ko naman iyong effort niya na
'wag akong ma-out of place sa gym dahil halos puro lalaki dito tapos hindi ko naman
kakilala masyado iyong iba.
After a few minutes, natapos na rin si Saint. He told Psalm to tell their parents
na hindi siya makakapunta sa dinner. Medyo na-guilty nga ako dahil baka importante
iyon.
"Pwede naman na bukas na lang," I told him while he was driving.
"It's okay," he answered. "They can manage. I'm not really needed there."
"Sigurado ka?"
He nodded and then for a moment, he removed his hand from the shifter and held
mine.
"Yes. And Mama would understand."
Kalagitnaan ng byahe nung na-traffic kami sa EDSA. Sanay naman na ako sa traffic
since tuwing gumagala kami ni Saint, parte na yata ng itinerary namin na ma-stuck
sa traffic. Pero habang nasa daan kami, mayroong kumatok sa bintana. I looked and
then saw a kid asking for money. I was about to get money from my purse nung
maalala ko na mayroon akong napanood na documentary kung saan pinambibili lang ng
drugs or worse, binibigay lang sa boss nila dahil business na pala ang panghihingi
ng limos.
"What?" Saint asked. He must've felt my mood dampen. Kinuwento ko sa kanya iyong
napanood ko tapos he smiled at me.
"I think I change my mind."
"Ano?"
"Perfection might really exist."
Keep calm, heart. Please. Nasa gitna tayo ng EDSA. Walang malapit na ospital.
Muntik ko ng malimutan iyong bata na kumakatok dahil sa pagtitig ko kay Saint pero
mas lumakas iyong katok niya kaya napatingin ulit ako. I was really tempted na
bigyan na lang ng pera... Bahala na si God sa kanila kung hindi nila gagamitin na
pambili ng pagkain. And when I was about to push the window down, Saint stopped me.
"Here," sabi niya sabay abot sa akin sa food basket na nasa likod ng sasakyan niya.
"There are food inside."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit ka may ganito?" I asked.
"It was for our date. But just give it to the kid," he said and my heart clenched.
"Sure ka?" I asked and he nodded.
"I'll feel bad if you feel bad. And I know your conscience won't allow you to enjoy
this night because you'll keep on thinking about them starving."
Why was he so close to perfection? If not perfect? And everyday I am thankful that
I rode the wrong car that day.
"You should really change your opinion about perfection... Because I think it
really does exist."
Kumuha ako ng isang sandwich at bottled water sa basket at saka inabot sa bata.
Nagpasalamat iyong bata. Marami namang dala na pagkain si Saint kaya ayos lang at
may makakain pa kami para sa pinlano niyang date... But I was wrong. Dahil iyong
bata na binigyan ko kanina ay nagtawag yata ng iba pa niyang kaibigan kaya medyo
dinumog iyong sasakyan namin hanggang sa maubos na iyong laman ng pagkain.
"I'm sorry," I sincerely said. Pakiramdam ko kasi nasira ko iyong date namin dahil
pinamigay ko sa mga bata iyong pagkain namin... But I couldn't resist. They all
looked starving. If Dad were here, he would've done the same. Kaya nga tuwing
Christmas ang bonding namin ay magpakain ng street children, e.
Nakausad na iyong traffic at papunta na sana kami sa pupuntahan namin pero wala na
naman kaming pagkain. I wanted to tell him na bibili na lang ako ng food but I knew
it wasn't the same. He said he personally prepared the food. Sobrang nakaka-
konsensya tuloy.
And I was surprised when we stopped at a fast food. Dahil alam ko naman na hindi
kumakain si Saint sa fast food dahil hindi daw healthy.
I wanted to ask him why we were here but I was too guilty to even speak. Bumaba
kaming dalawa at saka pumasok sa loob. It was already 10 in the evening at wala ng
masyadong tao sa loob. We went at the cashier.
"Good evening, Sir! What's your order?" sabi nung babae na nakatingala dahil ang
tangkad ni Saint.
Saint was looking at the menu tapos bigla siyang tumingin sa akin.
"What do you think?" he asked me.
I shook my head.
"Hindi pa ako nakakain dito..." I replied.
"Ako rin, e. But I think the kids will like it," sabi niya at saka bumaling sa
cashier. "What is your best seller?" tanong niya sa babae. "For kids, I mean."
Mukhang naguguluhan sa amin iyong babae pero sumagot pa rin siya.
"Uhm, Sir, for kids, I recommend C3 po. Chicken Joy with rice," sabi nung babae.
Saint nodded and then said, "Okay. Can I order 100 of that?" tapos bumaling sa akin
si Saint. "Do you think those will be enough?"
"Ha?"
"For the kids. Should I add more?"
Kumurap-kurap ako dahil hindi agad ma-proseso ng utak ko iyong sinabi niya.
"Sa street children?" tanong ko nung maka-recover ako.
He nodded.
"Yeah... But they're so many. Baka kulang," he said and then continued with, "Can
you give me 50 more of that."
Pakiramdam ko may butterflies sa tiyan ko.
At nagwawala na sila.
"Hala, ang dami."
"It's okay. They can eat it for breakfast kung may sobra," he said like it was
nothing. Na para bang wala lang na papakainin niya iyong mga bata kanina... Akala
ko maiinis siya sa akin dahil sinira ko iyong date namin.
But then he did this.
And why did I feel like crying?
And hugging him?
And I'm sorry, God, alam ko po na hindi ko pa siya boyfriend pero gusto ko na lang
siyang hatakin tapos halikan.
Naupo kami habang hinihintay na maayos iyong order niya. Habang nakaupo kami,
yumuko ako dahil naiiyak na naman ako. Hindi ko na kasi talaga alam kung bakit
sobrang swerte ko. Hindi naman ako sobrang mabait na tao... Minsan may mga masamang
naiisip rin naman ako pero ganito akong ka-blessed. Sobrang saya ko sa family ko,
sa mga kaibigan ko, tapos ngayon naman nandito pa si Saint.
Pakiramdam ko sobrang selfish ko na kung may hihilingin pa ako.
"Mary," pagtawag niya sa akin pero hindi ako umaangat dahil makikita na naman niya
ako na umiiyak. "Are you crying again?"
"Hindi."
"But your shoulders are shaking," sabi niya tapos may nilusot siyang tissue mula sa
butas sa kamay ko. "Why are you crying?"
Naka-tungo pa rin ako.
"Ikaw kasi."
"What did I do again?"
"Ang perfect mo. Hindi talaga tayo bagay."
Bigla naman siyang natawa.
"Are you kidding me? You are too perfect for me."
"Hindi ka na nga maka-totohanan, e. Fictional ka na."
"No. I'm not fictional. I'm just trying to be good because you're too good for me.
And honestly? You always bring the best in me."
Kahit na hindi pantay iyong paghinga ko dahil sa pag-iyak, nag-angat ako ng tingin
at saka tinignan siya.
"You always say the right words, alam mo ba 'yun?"
He nodded.
"And that's because I'm finally with the right person."
And then I cried even more. At akala yata ng mga tao pinapaiyak ako ni Saint.
Medyo matagal din kami na nasa Jollibee dahil natagalan sa order ni Saint. Natuwa
rin si Saint kaya kumuha siya nung Happy Plus na card. Na hindi naman niya
gagamitin dahil hindi naman siya kumakain sa fast food. Natuwa lang yata siya.
Nung natapos na iyong pagprocess sa order niya, tinulungan kami nung mga guards
niya na magdala. Umorder din pala siya nung pie para daw may dessert. Muntik na nga
na ice cream kaya lang matutunaw daw.
Bumalik kami sa pinanggalingan namin at mabuti na lang wala na masyadong traffic.
Iyong mga guards niya ang nagtanong sa mga tao kung saan naka-tambay iyong mga
street children dahil delikado kung kami ni Saint ang magtatanong. After all,
diplomat pa rin si Saint. Baka maging legal dispute kung may mangyari sa kanya
dito.
We followed the car hanggang sa makarating kami sa isang baranggay gym. Mayroong
mga bata doon na naglalaro lang pero naglapitan sila sa sasakyan nung makita nila
kami. Nasaan na kaya ang parents nila?
Naunang bumaba iyong mga guards para masigurado lang na safe. At nung okay na, they
gave us signal that we could go out.
"Hi," sabi ko roon sa isang bata na nakatingin sa amin. "Nagdinner na ba kayo?"
She nodded.
"Iyong napulot po namin na tinapay sa basura kanina."
And my heart hurt for her. No one should live this way.
Saint must have noticed my reaction that was why he brought out the food. Nagkagulo
naman iyong mga bata at naglapitan sa kanya. The guards were on alert but Saint
told them that it's okay.
"Relax. There are plenty of food for everyone," he said.
"In Tagalog, Saint," I reminded him dahil mas sanay siya sa English.
"I mean-Ang ibig kong sabihin, 'wag magulo dahil makaka-kain lahat. Alright?
Maayos?"
After a few reminders, the kids settled down. We distributed the food and Saint was
smiling was doing so. I couldn't resist but to take a snap or two. At nung mabigyan
na iyong lahat ng bata, we sat on the pavement while watching them enjoy their
food.
"They're rowdy," he commented. I nodded. Pero gutom naman na kasi sila. "I hope our
kids will be rowdy. I like loud noises. It'll make the house a home."
"Our kids?"
He nodded.
"Aren't we headed that way?"
Nanlaki iyong mata ko tapos natawa naman siya.
"Ni hindi pa nga tayo, e."
"And whose fault is that?"
"Minamadali mo ba ako?" I asked him and he shook his head.
"Of course not. I'm here to stay so take all the time you need. But not too long,
please..."
"Bakit?"
"Because some of my plans for us are only applicable if we're really together,"
sabi niya tapos tinaas-taas niya pa 'yung kilay niya at kumunot naman ang noo ko
dahil hindi ko maintindihan iyong sinabi niya. May hidden joke or sarcasm ba doon?
Hindi kasi ako mabilis makaintindi noon...
Pagkatapos kumain nung mga bata, they entertained us by dancing. Hindi ko alam na
talented pala si Saint dahil sumali siya sa kanila! Ngayon ko lang siya nakita na
sumasayaw dahil binantaan niya sila Austin na 'wag ipakita sa akin iyong mga video
niya na sumasayaw. He was even moonwalking! I was tempted to take a video but a
bigger part of me just wanted to savor the moment.
Because I believed that in my 18 years of existence, I was the happiest at this
moment. Na para bang sasabog iyong puso ko sa sobrang saya.
I was that happy.
After that, the kids continued dancing and playing while Saint returned to my side.
He was sweaty kaya pinunasan ko iyong pawis niya.
"Ate," sabi nung bata. Napatingin ako sa kumalabit sa akin. "Boyfriend mo po?"
Napatingin naman ako kay Saint.
"Hindi pa, e," Saint said and then crouched down para magkapantay sila. Ang tangkad
kasi talaga niya. "Pero bagay kami, 'di ba?"
The girl nodded.
"See? Bagay talaga tayo," he said and the grinned. "Ikaw ba 'yung may maraming
kapatid?" tanong ni Saint dahil may nakita kami kanina na babae na maraming
pinapakain na bata. Hindi lang ako sigurado kung siya iyon.
The girl nodded.
"Here. Regalo namin. Bili ka ng pagkain niyo," sabi niya tapos inabot iyong Happy
Card na binili niya kanina sa Jollibee. "Hanggang next week niyo siguro 'yan pero
tipirin niyo na lang para mas tumagal. Ayos ba?"
The girl nodded and then hugged Saint. Nabigla yata si Saint pero niyakap niya
pabalik iyong bata. At ako? My heart was aching because I was just too happy.
"I'm sorry pa rin dahil hindi natuloy iyong date natin..."
"It's okay. We can always go on a date. And besides, I enjoyed tonight. The kids
were great... I just wish their parents didn't leave them," sabi niya dahil narinig
namin na iniwan na pala sila ng mga magulang nila. Saint said earlier that he'd ask
his Dad if they could do something about that.
"You'll make a great father," I told him nung nagda-drive na kami pabalik. Natuwa
lahat ng bata sa pagkain na dala niya kanina. I didn't even think about that pero
si Saint, naisip niya iyon... Tapos palagi niyang sinasabi na ako iyong sobrang
bait sa aming dalawa.
"Of course because you'll be their mother."

--
Also, start na ng payment for #JTBBundle =) Nandun din sa book iyong alternate
ending : re: what if Parker and Imo ended up together. Check out Eydee Aldea
Sandoval on fb for more details =)

Kabanata 30

Kabanata 30

#JTSMVP
Hindi na kami nagkaroon pa ni Saint ng pagkakataon para ituloy iyong date namin
dahil naging busy na siya. Finals na pala ng basketball. Ni hindi ko man lang alam.
Medyo na-guilty tuloy ako dahil parang wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay
niya... E palagi naman kaming magkasama. At saka palagi naman akong nasa basketball
court. Kasi naman kapag nandoon ako sa court, na kay Saint lang iyong mata ko.
Hindi ko napapansin iyong ibang nangyayari kaya hindi na dumaan sa isip ko na may
championship nga pala.
Hala! E 'di palagi pala silang panalo dahil nakaabot sila ng championship? Tapos ni
hindi ko man lang siya nabati ng congratulations kahit isang beses.
Nakatulala ako habang naglalakad kami nila Kath papunta sa next class namin. Imbes
tuloy na magconcentrate ako sa final exams namin, ito ang iniisip ko.
"Earth to Mary?"
Nagising ako mula sa malalim ko na pag-iisip nung bigla akong siniko ni Kath.
"Bakit?" I asked.
"May bato sa harap mo kaya," sabi niya sabay turo doon sa bato. Hala, oo nga.
Muntik na akong madapa doon, ah. Masyado na yata talagang malalim ang iniisip ko.
"Anyway, ano iyong sagot kanina sa number 5? Ang kulit kasi ni Liza. What's the
sense ba na malaman mo iyong correct answer e tapos na iyong exam?"
"So that I wouldn't make the same mistake twice."
Sinabi ko na lang iyong sagot sa tanong habang silang dalawa, patuloy pa ring
nagtalo tungkol sa sinabi ni Liza. Tama naman si Liza, sa palagay ko. Sabi kasi
nila, fool me once, shame on you. But fool me twice? Shame on me. Tapos sabi ni
Kuya, shame me thrice, magpakamatay na raw. Pero hindi ako naniniwala kay Kuya kasi
mas madalas naman na hindi totoo iyong sinasabi niya.
Mabilis lang natapos iyong araw dahil halos puro final exams na lang naman iyong
ginagawa namin. Hindi ko nga alam kung mayroon bang special instructions para sa
mga varsity players dahil first time yata ngayon na sabay iyong academics finals sa
finals ng mga games. Ang hirap namang pagsabayin nung dalawa na 'yun.
Pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako dahil naka-ayos sila Mama.
"Saan po pupunta?" I asked. Umuwi pa naman ako ng maaga dahil balak kong pumunta sa
mall kasama si Finley at Riley. Si Riley kasi, top 1 sa class nila. Actually tie
talaga sila sa points pero mas lumamang lang si Riley dahil si Finley, mababa ang
grades sa moral and conduct. Palagi niya raw kasing inaaway iyong mga classmates
niya and teachers.
Si Finley naman, naka-simangot.
"Ngayon 'yun?"
Finley and Riley nodded.
"But I want to watch Kuya Saint's game!" sabi ni Finley.
"Finley," saway ni Mama. "We'll watch Kuya's game first."
"But Kuya's bano."
"Finley!"
"What's bano?" tanong naman ni Riley.
"If you watch Kuya play, you'll know what bano is," paliwanag naman ni Finley sa
kakambal niya.
Kaya pala si Riley, naka-suot ng mini soccer uniform habang si Finley, nakasuot ng
mini-basketball uniform. Hanggang makarating nga kami sa venue e pinipilit ni
Finley na sa game na lang ni Saint kami pumunta.
"Ate, you won't watch Kuya Saint's game?" Finley asked.
Kanina ko pa nga hawak iyong phone ko, e. Nagtetext ako kay Saint pero hindi naman
siya sumasagot. Alam ko naman na hindi talaga siya humahawak ng phone kapag
naglalaro siya ng basketball, e. Dati nagtatampo pa ako kapag hindi niya ako na-
rereplyan pero dahil napapanood ko na siya habang nagte-training siya, na-realize
ko na masyado nga siyang invested sa laro kaya hindi niya talaga nahahawakan iyong
phone niya.
Hindi ko agad nasagot si Finley. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan iyong venue
ng game. Sobrang useless ko naman.
Pagdating namin sa venue ng game ni Kuya, agad namin siyang nakita na nagwawarm-up.
Nandoon din sila Kuya Benj habang si Kuya Jackson, nandoon sa bench habang kumakain
ng energy bar niya. Hinahanap ko nga sa audience si Ate Jas, e. Hindi ko na kasi
siya masyadong nakikita lately. Tapos hindi pa siya active sa social media nitong
mga nakaraang araw.
We settled down on the bleachers. Biglang nagcrave si Mama ng guyabano shake kaya
umalis muna si Papa para maghanap. Pero sure naman ako na walang ganoon na
binebenta sa school namin. Minsan nga iniisip ko na pinapahirapan lang ni Mama si
Papa, e. Sobrang unusual na ng mga cravings niya. Pinaka-malala iyong naghahanap
siya ng In-N-Out Burger kaya si Papa, naghanap pa ng kaibigan na nasa US para
ipadala sa Pilipinas. Sobrang weird talaga.
"Where's Parker?" tanong ni Mama.
Hindi nga pala namin sinabi kay Mama iyong nangyari kay Parker. Ayon kasi sa doctor
ni Mama, bawal daw ma-stress si Mama dahil delikado sa baby. Since medyo matanda na
si Mama, sobrang sensitive na nung pregnancy niya so we were just doing all
necessary precautions. Alam kasi namin na sobrang malapit si Mama kay Parker and
knowing that he almost killed himself would really give stress to her.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. I wanted to be honest but I also
didn't want to risk Cayden.
So I closed my eyes first before I carefully said the words.
"He's injured."
And that's the easiest way to say it. Kapag kasi sinabi ko na na-aksidente si
Parker, mas malaki lang iyong chance na magpanic si Mama. And it wasn't needed
anyway since ligtas na naman si Parker. Ilang beses ko na siyang nakakasalubong sa
school. Madalas, si Kuya Jackson lang ang kasama niya. Hindi ko pa nga sila
nakikita ni Kuya na magkasama since the incident, e.
I guess Kuya's really pissed at him. Pangalawang beses na 'to na seryosong hindi
sila nag-usap simula nung high school kami.
"What? What happened?"
Ipapaliwanag ko pa lang sana iyong nangyari kay Parker nung biglang makita ni Mama
si Parker na naglalakad papunta sa bleacher sa kabilang side. Medyo maayos na iyong
paglalakad niya pero dahil siguro sa injury niya, hindi na siya pinalaro sa finals.
Hindi na rin kasi siya nakapagpractice at saka mukhang distracted naman talaga siya
kahit months before pa.
"Parker!" Mama called him. Agad naman na napatingin si Parker sa direksyon namin.
Nag-iwas lang ako ng tingin. "Come here," sabi ni Mama.
Mula sa gilid ng mga mata ko, kita ko na naglalakad siya palapit sa amin. He was
still limping, a bit. Hindi ko naman kasi alam kung gaano ka-seryoso iyong fracture
niya dahil nawalan na ako ng tsansa na tanungin sa kanya. Iniwasan ko na kasi
talaga siya simula nung gabi na 'yun. I just didn't want to give him any more idea
that he could force his way back into my life. It does not work that way. It never
will.
Parker kissed Mama's cheek.
"What happened to you?" nag-aalala na tanong ni Mama.
"Accident," he shortly said. He must've forgotten the part wherein he voluntarily
crashed his car to make a point. "But it's all fine now, Tita."
"Are you sure? Are you really fine?"
Parker nodded.
"Yes, I'm all good, Tita. Just a few days and I'll be good as brand new," paliwanag
niya pa. Ramdam ko na napatingin siya sa gawi ko kaya mas lalo akong nagfocus sa
panonood kay Kuya habang nagsstretching siya. Kahit na naaasiwa ako na pinapanood
ko iyong Kuya ko na naka-tuwad, mas okay na iyon kaysa makipagtitigan kay Parker.
"Tita, I'll be going-"
Pero hindi ko alam kung napansin din ba ni Mama iyong awkward tension sa pagitan
namin ni Parker kaya bigla siyang nagsabi na aalis muna siya para hanapin si Papa.
"I'll just find Shiloah. Kayo muna ni Imo," mabilis na sabi ni Mama at saka mabilis
na naglakad na akala mo hindi buntis. At talagang iniwan niya pa si Finley at Riley
para hindi talaga ako makaalis. Si Mama hindi pa rin nagbabago. Baka deep inside
umaasa pa rin siya.
Nanatili akong nakatingin kay Kuya na ngayon ay inaagawan ng pagkain si Kuya
Jackson nung biglang magsalita si Parker.
"That was awkward," biglang sabi niya. I remained stoic. I acquiesced. I didn't
want to give him the idea that we're on talking terms. Though I actually felt bad
for doing this, pakiramdam ko kasi kailangan kong gawin. Baka kasi maging
encouragement pa kapag kinausap ko siya na tama iyong ginawa niya... His uncle died
at such a young age. I thought he'd knew better than to treat his life so
carelessly.
The game shortly began.
"Kuya, why aren't you playing?" biglang tanong ni Finley. Mukhang naka-move on na
siya sa hindi panonood ng game ni Saint.
"I'm injured," sabi ni Parker.
"Why?"
"Car accident."
"But why? Aren't you a great driver? You should get one!" sabi niya tapos bigla
siyang napapalakpak. "You should get Kuya Saint! He's a great driver! He can
drift!"
Kung siguro may iniinom ako ay bigla na akong nabulunan. Kulang na lang talaga ay
magtayo si Finley ng fans club ni Saint! Mas lalo na nung sinama siya ni Saint nung
may lakad iyong GDL brothers. Pag-uwi tuloy ni Finley sa bahay ay nag-empake siya
ng maleta sa trolley bag niya at sinabi niya na gusto niya ng tumira sa bahay nila
Saint. Tawa lang ako ng tawa dahil hindi kasya sa trolley niya iyong damit niya
kaya doon sa backpack niya na spiderman niya inilagay iyong basketball shoes niya.
Hindi niya rin kayang iwanan iyong story book na binabasa ni Papa sa kanya kaya
nagdala pa siya ng plastic bag para doon ilagay 'yun.
Parker didn't answer that. He just smiled a little.
"Do you know Kuya Saint? Are you friends?"
Gusto ko na sanang sawayin si Finley dahil sa mga tanong niya pero sumagot naman si
Parker.
"Hindi, e."
"Why? He's nice! You should be friends with him! He's like Kuya but better!"
Hindi ko na kaya iyong mga sinasabi ni Finley kaya sinabi ko sa kanya na puntahan
niya muna si Riley na nandoon sa isang gilid at tahimik na kumakain ng sandwich na
baon namin.
"Aren't you really going to talk to me?" biglang sabi niya.
I remained silent.
"This is my last week in this university. Still, hindi mo ako kakausapin?"
Tahimik pa rin ako. Pareho nga pala sila ni Kuya na graduating na. December kasi
sila magtatapos dahil mabilis lang nila natapos iyong units nila. Mukha lang silang
hindi seryoso pero maayos naman sila sa pag-aaral. Si Kuya lang naman iyong huli na
nagseryoso dahil nung bumagsak lang siya sa Math at saka siya naging maayos.
Suddenly, I felt bad for him. Ito na sana iyong last game niya sa soccer pero hindi
pa siya nakapaglaro dahil sa injury niya. Though I knew he didn't really like
soccer, still, I wished he could've played his last game. Kaya lang naman kasi siya
sumali sa soccer ay dahil iyong Tito niya, captain ng soccer team dati.
Minsan, naaawa rin ako kay Parker, e. It was like he didn't have a life of his own.
Everything was patterned from the life of his uncle. Siguro iyon din ang dahilan
kung bakit nagka-gusto siya kay Cindy... because she was the only different thing
in his life. The breath of fresh air.
I heard him sigh.
"I probably won't see you again for a long time," he said.
Okay. Should I talk to him again?
Kaibigan ko pa rin naman siya... Kahit one-sided lang iyong friendship namin dahil
delusional pa rin siya na merong iba sa aming dalawa.
"You'll work?"
I gave in. I still had this soft spot for him. He wasn't this asshole when we were
growing up. Once in my life, he was my hero. I had so many fond memories of him na
kahit ganito kapangit iyong sitwasyon sa pagitan namin, I couldn't deny that deep
inside, I still care.
Mukhang nagulat siya dahil nagsalita ako kaya medyo umawang iyong bibig niya.
"No," he replied.
"You'll travel?"
"Not really."
Kumunot ang noo ko.
"Then what are you gonna do after graduation?"
He smiled a little.
"Something."
"Something?"
He nodded.
"Something I won't bother you about," he replied cryptically.
I didn't want to push it any further kaya hindi na ako nagtanong pa. Pero sana kung
anuman ang gagawin niya, I hoped that it included fixing his relationship with
Cindy. Mahigit 2 years din kasi silang dalawa kaya sayang naman kung itatapon lang
ng basta-basta. Kagaya nga ng sabi nila Kuya, the reason they didn't put Parker
through hell nung malaman nila na girlfriend na ni Parker si Cindy ay dahil alam
nila na mahal naman talaga ni Parker si Cindy.
And a person in love is a person lost in reason.
"Good luck," I said. "Kung anuman ang gagawin mo, good luck."
"Thanks."
And with that, he stood up. He adjusted the cap he was wearing and looked at me.
"See you soon, Imo," he said.
I smiled at him.
"See you soon, Parker."
And that felt like I really wouldn't see him for a long time.
--
I tried to enjoy Kuya's game but my mind was wandering. A part of me was curious
about what Parker was up to but another part of me was wondering kung nasaan ba
iyong game ni Saint. Wala naman akong mapagtanungan dahil si Kath, unattended. Si
Liza naman, ayokong tanungin dahil alam ko naman na hindi siya comfortable kay
Saint. Si Psalm naman, alam ko na malamang busy din siya sa game nila kaya malamang
hindi rin siya makaka-sagot.
So I started to become fidgety.
Around the beginning of the second half, nung mukhang sure naman na na mananalo
sila Kuya, nagpaalam ako kila Mama na aalis ako. At first she didn't want me to go
but Papa reminded her that she's okay with me and Saint. And that made her say
yes... kahit medyo pilit. I'd take it over her blatantly saying na hindi niya gusto
si Saint. In time we'd get there.
I tried asking around kung saan ang championship nung malaman ko na sa Brent lang
pala. Katabi lang ng school namin iyong kaya hindi ko na pala kailangang magpa-
drive sa driver. I just brisk-walked hanggang makarating ako sa kabilang
university. When I arrived there, it was so loud. Nasa labas pa lang ako ng gym
pero rinig na rinig ko na iyong sigawan sa labas.
"...and that's Saint GDL for another 3!"
Mas lalong bumilis iyong lakad ko dahil sa narinig ko. Medyo napa-hinto ako dahil
habang naglalakad ako, marami akong babae na naka-salubong na may naka-paint na GDL
sa cheek nila. Tapos number naman sa kabila. At hindi ko alam pero biglang
nakaramdam ako ng inis nung makita ko na maraming may number 9 sa pisngi nila.
Number ni Saint iyon, e.
Papasok na sana ako sa loob nung bigla akong harangin dahil kailangan pala ng
ticket.
"May ticket?" tanong ko at tumango iyong babae. Napa-kagat ako ng ibabang labi
dahil hindi ko alam na may ticket pala. "Can I just buy now?" I asked pero sinabi
sa akin nung babae na wala na raw ticket.
"...Psalm GDL showing us the dunk! SCA's on the roll this 3rd quarter!"
Mas malakas iyong sigawan na naririnig ko, mas lalo ko lang gustong pumasok sa loob
pero wala naman akong magawa dahil wala naman akong ticket. Hindi ko naman alam ang
gagawin ko kung paano ako makakapasok.
I quietly turned my back at naghanap ng mauupuan dahil mukhang pakikinggan ko na
lang iyong mga nangyayari sa loob nung biglang may makasalubong ako.
"Imo?"
Napahinto ako. Si Matt 'to, ah.
"Why are you here outside? Saint's looking for you."
Biglang nabuhayan naman ako ng loob. Hinahanap niya ako? Pero hindi naman siya
nagtext sa akin.
"Ah... Wala kasi akong ticket," nahihiyang sabi ko. Ako ito na napanood sila sa
lahat halos ng training nila pero ngayong championship nila, hindi ko naman sila
mapapanood.
Kumunot iyong noo niya.
"What? C'mon. Let's go inside," sabi niya tapos sumunod na lang ako sa kanya. Doon
kami dumaan sa likuran at diretso lang kaming pumasok dahil player naman si Matt.
Pero medyo nagulat ako nung doon na kami papunta sa bench para sa coaches at mga
players. "What?" tanong niya sa akin nung bigla akong huminto.
"Dito na lang ako," sabi ko sa kanya.
"Pero masikip dito," he said.
"Okay lang," I insisted. Nakakahiya naman kung doon pa ako mismo sa bench mauupo e
hindi naman ako player. Pinilit pa ako ni Matt pero hindi talaga ako pumayag kaya
iniwan niya na ako roon. Tahimik lang akong nanonood at nagchcheer sa loob ko kapag
nakaka-points si Saint. He looked so happy while playing. Parang kapag nasa court
siya, he's invincible.
It was around the end of the 4th quarter nung biglang may nag-usap sa tabi ko. Base
sa ID lace nila, mukhang tiga-Brent sila.
"Do you know if Saint has a girlfriend?"
Automatic na nakinig ako sa usapan nila dahil nabanggit iyong pangalan ni Saint.
"I think none naman. I'm following him sa IG, e. He just posts about basketball
like usual."
Hindi kaya! May post kaya si Saint doon na naka-dab kaming dalawa! At saka sa
facebook ni Saint ginawa niya kayang profile picture iyong mukha ko ng dalawang
buwan!
"Really? What about doon sa Mary na pinag-uusapan nila ng brothers niya sa comment?
I think tinutukso nila si Saint doon," sabi nung isang babae.
"Maybe best friend? I don't know. Ever since naman basketball lang ang ginagawa
nila, remember?"
The first girl nodded.
"Let's just go sa victory party nila later! I scored invites. For sure naman
they'll win since sobrang loser ng team natin," sabi nung pangalawang babae.
The first girl smiled slyly. Na para bang may binabalak siyang masama mamaya.
"I'm G. It's time for Saint and I to meet."
At biglang hiniling ko na sana hindi manalo sila Saint para walang victory party
kahit alam ko na masama iyon. Kasi maganda naman talaga iyong babae. Kasing ganda
siya ni Cindy kaya medyo hindi maganda sa pakiramdam na may ganoong kaganda na
babae na nagkaka-gusto kay Saint.
Pero dahil naging masama akong tao nitong mga nakaraang araw dahil sa mga naiisip
at ginagawa ko, nanalo sila Saint. He was grinning like crazy nung tumunog iyong
buzzer at lamang sila ng 9 points sa kalaban. I was just smiling from afar at saka
pinapanood siya habang naka-ngiti siya. But I couldn't resist to take a picture of
his winning moment so I took one.
I posted it on IG and put a caption that said, 'You earned it. Congrats!'
Nanatili lang akong nakatayo sa may gilid habang hinihintay na matapos iyong buong
game. May awarding ceremony pa kasi kaya nag-aayos pa iyong mga players. Maraming
lumalapit kay Saint para magcongratulate. I wanted to smile at to be happy for him
dahil deserve niya naman lahat ng recognition at attention pero hindi ko magawa
dahil halos 3/4 ng lumalapit sa kanya ay puro babae.
Tapos sasabihin niya sa akin na hindi niya alam kung marami bang nagkaka-gusto sa
kanya?
prestonsuarez commented on your post
Hala. Oo nga pala. Malamang tapos na iyong game niya.
prestonsuarez: Traitor
Grabe naman si Kuya! Mahigit kalahati naman ng game niya iyong napanood ko, e! Kaya
tuloy habang hinihintay ko na matapos iyong ceremony ni Saint, naghanap ako ng
picture ni Kuya habang naglalaro ng soccer at saka nilagyan ng magandang filter
bago ko ipinost sa Instagram, Facebook, pati twitter para naman hindi sabihin ni
Kuya na traydor ako.
While waiting, inannounce na iyong mythical five. Hindi ko naman kilala iyong iba
pero pumalakpak ako nung kasama si Austin sa mythical five.
"Austin Archangel Gomez de Liaño to join the mythical five," sabi nung announcer.
Hinihintay ko na matawag iyong pangalan ni Saint pero wala naman akong narinig. Ang
galing naman ni Saint nitong game pero bakit wala siya?
I was pondering about that nung biglang inannounce iyong MVP.
"And the Most Valuable Player for this season and this game is none other than
Saint Iverson Gomez de Liaño!"
At biglang nagsigawan na naman iyong mga babae. Dapat talaga nagpalagay din ako ng
paint na number 9 sa mukha, e.
Sinabitan ng medal si Saint at binigyan ng trophy. Hindi ko masyadong makita iyong
mga nangyayari dahil medyo magulo na. But I was willing to stay and to wait for him
dahil nagu-guilty talaga ako na ni wala akong idea na championship na pala ngayon.
Samantalang siya updated sa lahat ng nangyayari sa akin. Kahit nga schedule ng
exams ko alam niya, e.
I was looking at him from afar nung biglang lumapit si Matt sa kanya. He whispered
something nung biglang may hinanap iyong mata ni Saint. His eyes were roaming
around when he met mine. His mouth went agape and then he started walking towards
me. Hindi ko alam kung paanong nakita niya ako e ang daming tao sa gym.
People kept on congratulating him but he was just smiling in response. He kept on
walking.
"Congrats," I immediately said when he reached me.
"Why didn't you tell me that you're here?"
"Busy ka, e," I said.
He frowned.
"Since when did you become a disturbance?"
I just bit my lower lip.
"And you didn't tell me that today's your game day," sabi ko sa kanya. Kung alam ko
lang e 'di sana nakapagprepare ako.
"Because today's the game day of Preston. He hates me enough already so I figured
I'd just let you watch his game," paliwanag niya. I really liked that he was
exerting effort for Kuya to like him. I just wished that Kuya would stop bullying
Saint for no apparent reason.
"Kahit na..."
He grinned.
"But you're here," he said, still looking at me like he just saw something really
important.
"I could've prepared. Sana nakapagpaint din ako ng 9 sa mukha ko."
Humalakhak naman si Saint.
"What?" he said, amusement was evident on his face. He was dripping in sweat pero
ang lakas pa rin ng dating niya. Hindi ko masisi iyong mga babae kanina kasi si
Saint, e. Pero sisisihin ko pa rin sila.
"Iyong mga babae. Nakalagay iyong number mo sa mukha nila," paliwanag ko. Talking
to Saint about things like this had become comfortable. He had always told me that
I could tell him anything. We had already talked about the most bizarre of things.
"That?" Iyon lang ang reaksyon niya. "That's just school spirit, Mary."
I pressed my lips together. Hindi niya ako maintindihan.
"That's just my jersey number," he continued.
"That's your number. They have something on their face that's yours."
But instead of getting annoyed of me being unreasonable, he just wore this silly
smile on his face. Na para bang amused na amused siya sa mga naririnig niya mula sa
akin. I could already hear his teammates calling his name pero parang wala lang
siyang naririnig at nandito lang siya sa harap ko.
"You have my contact number, my house address, my Facetime ID, you're the only one
I reply to in messenger, your posts are the only ones I like on Instagram. You want
my credit card number? I'll give it to you."
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.
"This is amusing to you, isn't it?"
He grinned.
"It makes my heart flutter when you get jealous like that," he said and then pulled
me into a hug. "I'm sorry. I'm sweaty but you're making it hard not to hug you,"
sabi niya habang hinihigpitan niya iyong yakap niya sa akin.
And so I just gave in and hugged him back. Resisting him was futile. It had always
been futile.
We hugged until he was called by his coach. When we broke the hug, he was still
grinning. Nagulat ako nung biglang tanggalin niya iyong medal niya.
"There," he said nung naka-suot na sa akin iyong MVP medal niya.
"Hindi naman ako MVP," sabi ko. At saka pagalitan siya ng coach niya.
"Nah. You are. You're My Most Valuable Person," he said and then winked at me
before jogging back to his teammates.
He really knew the exact words to say to pacify me.

Kabanata 31

#JTSDrunk
Kabanata 31
I joined the victory party. Saint was asking me kung saan ko gustong pumunta
pagkatapos ng assembly. Gusto ko sana na kaming dalawa na lang pero ayoko naman na
kuhanin siya mula sa mga teammates niya... At saka ayoko naman na lapitan din siya
nung babae na kasing ganda ni Cindy kaya sasama na lang ako. Kahit na sigurado ako
magtatampo na naman si Kuya dahil never akong pumunta sa victory party nila, hindi
ko na lang inisip masyado.
At dahil mamayang 9pm pa naman iyong start ng party, hinatid muna ako ni Saint sa
bahay. Pagdating namin doon, walang tao.
"Where are they?" Saint asked.
I shrugged.
"Baka kasama ni Kuya..."
"And you're not with them? Preston will kill me," sabi niya.
"Takot ka ba kay Kuya?" I asked.
He shook his head.
"But he's your brother so it's not fear but more on respect," he replied. Nung
masigurado namin na wala talaga sila Mama sa bahay, ayaw na akong iwanan ni Saint
dahil mag-isa lang daw ako dito. So he insisted that I change clothes and then we'd
eat out bago pumunta sa party. Pero biglang namroblema naman ako dahil hindi ko
alam kung ano ang isusuot ko.
Kath and Liza were both unavailable kaya hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko.
I wanted to ask Saint's opinion but he was adamant on not going upstairs. Sa ilang
beses na nakapunta siya sa bahay namin, palaging hanggang 1st floor lang siya. Ayaw
niya talagang umakyat kahit ano ang gawin ko.
So I sat on my bed and did my research. Sabi ni Saint ay sa The Palace Pool Club
daw kami pupunta so I googled kung ano ang proper attire para sa mga pupunta doon.
I was doing my research nung biglang kumunot ang noo ko nung biglang makita ko na
required na naka bathing suit. Hala ka. Kung pakiramdam ko kanina ay maiinis lang
sa akin si Kuya dahil mas inuna ko si Saint, ngayon ay sigurado na ako na magagalit
siya kapag nagsuot pa ako ng bikini.
I could clearly picture him. He'd be fuming mad. Kulang na lang siguro ay may
lumabas na usok sa tenga at ilong ni Kuya.
Naka-upo lang ako sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Siguro sobrang tagal ko na sa kwarto ko kaya biglang tumawag si Saint sa Facetime.
Saint Iverson Gomez de Liaño
calling...
"Not yet done?" he asked.
Umiling ako.
"Is there any problem?" he asked, worried.
I took a deep breath. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Saint iyong
problema ko dahil lalaki siya. Kahit naman sobrang comfortable na namin sa isa't-
isa, palagay ko e hindi tama na sabihin ko pa sa kanya iyon. Kung bakit naman kasi
hindi sumasagot sila Kath sa tawag ko, e.
"Saan nga ulit tayo?" I asked again, in hope of the possibility na baka mali lang
ako ng rinig. Baka hindi naman sa pool club kami pupunta at pwede na normal lang na
damit ang isuot ko. Kung dati nga na sa normal na club lang e nahirapan na ako sa
suot ko, ngayon pa na mas mahigpit ang dress code?
"Pool club," he replied. The expression in my face must've been very noticeable
kaya napansin agad ni Saint kung ano ang problema ko. "Are you worried about what
you'll wear?"
I sighed. That was my answer. Tapos tinawanan niya lang ako. Palibasa lalaki siya
kaya kahit topless lang pwede na. Tapos may abs naman siya kaya wala talaga siyang
problema. Ang hirap naman maging babae. Lalo na kapag may formal occasions kami na
pupuntahan. Ako palaging iba-iba ang damit pero sila Kuya, tux lang o kaya suit and
tie pwede na. Si Mama lang ang nag-e-enjoy dahil ginagawa niya akong barbie.
"Hindi kasi ako pwedeng magbikini..." mahinang sabi ko.
Ilang segundo ng katahimikan bago narinig ko iyong tawa ni Saint. Sinamaan ko siya
ng tingin dahil nakuha niya pa talagang pagtawanan iyong problema ko.
"I'm sorry," he said when he was trying to stifle his laughter. "You can wear
shorts and shirt," sabi niya.
"Pero pool 'yun, e," I said. Binasa ko kaya ng mabuti iyong about sa damit. Wala
talaga, e.
He was looking at me like he was very much amused. Naiintindihan ko naman na wala
talaga akong alam sa mga ganitong bagay. Hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay
dahil mas kuntento na ako na magbasa ng mga libro. At saka iyong mga heroine naman
na nababasa ko, hindi rin naman mahilig pumunta ng clubs kaya wala talaga akong
alam.
"Mary," sabi niya na may ngiti sa labi. "Don't take it too literally, okay? It has
a pool but it's also a club. You can wear anything comfortable."
"Papaano kapag hindi ako papasukin?"
"It's a private party."
"E paano nga kapag hindi?"
He shrugged.
"Then we'll ditch," sabi niya na parang wala lang sa kanya na hindi siya aattend sa
party ng team niya kahit na champion sila. At kahit na MVP siya. "So just pick out
whatever's most comfortable. And then let's go because I'm starving already."
Bigla kong naalala na kakatapos pa nga lang pala ng game ni Saint kaya malamang
gutom na gutom na siya kaya naman binilisan ko na lang iyong paghahanap ng damit.
Bukas ko na iisipin kung paano ko aayusin iyong walk-in cabinet ko dahil halos
binato ko na sa sahig iyong iba na hindi ko naman masusuot. I found a one-piece
bikini na binili ni Mama nung nasa Malibu beach kami na hindi ko rin naman nasuot
dahil ayaw ni Kuya. Okay naman siya sa harap pero medyo mababa iyong cut sa
likod...
Huminga ako nang malalim bago kinuha iyon. Kumuha rin ako ng faded shorts at saka
cardigan.
Mary Imogen Suarez: shower lang ako.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Mary
Mary Imogen Suarez: hmm?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Never. As in never tell me things like that.
Ha? E sinabi ko lang naman sa kanya na maliligo ako. Ayoko kasi na mag-intay siya.
At saka tumawag na ako sa telephone sa kusina para sabihin kay Manang na magprepare
ng snacks para kay Saint. Baka kasi himatayin na iyon sa gutom, e.
Mary Imogen Suarez: hala bakit?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Sometimes I think you forget that I'm a guy
Magrereply na sana ako pero nagreply ulit siya.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Just do it quickly. I'll wait.
Hala. Biglang seryoso na naman siya. Ano na naman ba ang nagawa ko? Worried lang
naman ako na magutom siya at maghintay kaya ko sinabi, e... Pero dumiretso na rin
ako sa CR para magshower. Sinubukan ko na bilisan para hindi naman masyadong
matagal iyong paghihintay ni Saint. Sinuot ko lang iyong one piece bikini at saka
nagsuot ng shorts. Sobrang uncomfortable nga ako dahil pakiramdam ko nakahubad ako.
Kapag naman nagsuot ako ng bra and panty, halata naman. Ang hirap talaga maging
babae.
I dried my hair quickly tapos naglagay lang ako ng kaunting lipgloss para naman
hindi ako mukhang bangkay kagaya ng palaging sinasabi sa akin ni Kath. Nung matapos
na ako, sinuot ko na iyong cardigan ko para hindi masyadong halata iyong likod ko
kahit nakalugay naman iyong damit ko. Nagsuot lang din ako ng strappy sandals.
Tapos nagtext ako kay Papa na sasama ako kay Saint... Though I think nasabi na
naman ni Saint. Palagi niya naman kasing inuupdate sila Papa.
I didn't bother to look at myself in the mirror dahil baka mas lalo lang akong
kabahan. Dumiretso na ako sa baba at nakita ko si Saint na abala sa pagkain ng PB&J
sandwich na pinahanda ko para sa kanya.
"I'm ready," I said at napatingin siya sa akin. Biglang umawang iyong labi niya at
muntik niya ng mabitiwan iyong hawak niyang sandwich. "Ayos ba?" I asked, not quite
certain if I looked okay. Ito lang kasi ang kaya ko dahil hindi ko kayang magsuot
ng bikini dahil wala akong balak na galitin talaga si Kuya.
Ilang beses napa-kurap si Saint.
"T-that's what you're w-wearing?" he said, stammering. Sa buong pagkakakilala
namin, ngayon ko lang siya nakita na nabulol.
Tumango ako.
"Panget ba?" I asked, worried.
"No... It's..." sabi niya at hindi niya matuloy iyong sasabihin niya.
"Improper?" tuloy ko.
Umiling siya.
"Inappropriate?"
Umiling ulit siya.
"Hala, ano ba? Magpapalit ba ako?"
Ibinaba niya na iyong sandwich na hawak niya.
"You seriously have no idea," he said.
"Na ano?"
How you freaking make my heart stop every damn time."
Tapos lumapit siya sa akin.
Isang hakbang.
Tapos isa pa. Lord.
"You have no idea how beautiful you are and quite frankly, it's scary."
Hindi na ako makapagsalita dahil ayan na naman siya sa mga lumalabas na salita sa
bibig niya. Na para talagang wala siyang ideya na sobra sobra iyong epekto niya sa
akin.
Pero nung itinaas niya iyong kamay niya para hawiin iyong buhok sa mukha ko at
ilagay sa likod ng tenga ko, napa-tanong ako kung bakit.
"Because what if one day you realize how worthy you are? And how you can have
someone who's better than me in most ways?" he said and then stared into my eyes.
"But fuck destiny. If we're not meant to be together, I'll make us end up together.
It's you and me, Mary. As long as you want me, it'll be you and I. Always."
And then he pulled me into a hug.
"I'm sorry for cursing but I needed to say that to make a point," sabi niya at saka
bumitaw sa yakap at hinalikan iyong noo ko. "But you're not allowed to curse,
alright?"
Tumango ako. He smiled.
"Good girl. Now, let's go. Where do you want to eat?" he asked as we were walking
towards his car.
--
We ended up consuming time on dinner. Hindi kasi kami magkasundo ni Saint kung ano
ang kakainin namin. I was craving for ramen pero gusto ko rin ng samgyupsal. We
roamed around Taguig para maghanap ng kakainin pero sa huli, we had a takeout of
Ramen and then went to a Korean resto and ate Samgyupsal there. We just paid the
corkage fee para payagan kami na kainin iyong ramen.
By 10pm, the party was almost in full swing. Feeling ko tuloy overdressed ako dahil
halos naka-bikini iyong lahat ng babae. Tapos iyong iba ay naka-sakay pa sa
flamingo floaters kaya kitang-kita iyong mga bottoms nila. Pinagmamasdan ko nga si
Saint kung mapapa-tingin siya doon, e.
"Dude, congrats!" bati nung mga nakaka-salubong namin na lalaki kay Saint.
"Thanks," he always replied.
Naglalakad kami at hinahanap sila Psalm.
"Where's the beer pong?" tanong ni Saint sa isang naka-salubong namin at tinuro
kami sa isang direksyon. Sabay kaming naglalakad ni Saint dahil naka-hawak siya sa
kamay ko. Patago ko pa rin siyang tinitignan kung tititig siya sa mga naka-bikini
na babae pero so far, diretso lang naman ang tingin niya.
Maya-maya, nakarating na kami sa pupuntahan namin at nakita ko roon si Psalm na
naglalaro ng beerpong. He was wearing striped wife beaters, dark blue cargo shorts,
tapos naka-baliktad iyong cap niya. Halos parehas lang sila ng suot ni Saint pero
hindi naman naka-cap si Saint. Suot niya na naman iyong headband niya na manipis na
parang black na tali lang. Weird pero sobrang bagay sa kanya.
"And another flawless shot by Psalm GDL!" sabi ni Psalm habang tumatawa. "Shot na,
loser!" sabi niya doon sa kalaro niya.
"Hey," biglang tawag ni Saint kay Psalm. Napa-harap naman si Psalm sa amin.
"Oh, hi, Mary," sabi niya sa akin. He was all smiles.
"Where's Austin and Cohen?"
Psalm shrugged.
"Find a quiet place and they're probably there."
Saint just nodded at him at naglakad na naman kami. Ako naman, nakasunod lang kay
Saint at tinitignan iyong mga tao sa paligid. So ito iyong mga tao sa paligid ni
Saint? Paano niya natagalan na walang girlfriend? Ang daming magandang babae dito,
e... Medyo selfish ako kay Saint pero hindi naman ako tanga. Obvious naman na
maraming sobrang ganda na babae dito... Tapos gifted pa.
"Sino si Cohen?" I asked him while we were walking.
"My brother," sabi niya na naka-kunot ang noo.
"Si GDL # 4?"
"What? All this time you call him GDL # 4?" sabi niya na hindi makapaniwala tapos
tumango ako. Hindi naman kasi masydo siyang nagsasalita... Tsaka hindi naman
nababanggit iyong pangalan niya.
Napailing siya sa akin tapos tinapik niya iyong ulo ko.
"Cohen Isaac Gomez de Liaño, alright?" he said and I nodded. Cohen pala. "Ako, do
you know my name or do you call me by number din?"
"Grabe. Syempre naman alam ko ang pangalan mo."
"Good. Because I'd be really hurt and offended if you call me GDL # 2."
"Saint naman ang tawag ko sa 'yo. Kasi 'yun ang gusto mo, 'di ba?"
He nodded.
"To remind you that we're meant to be," sabi niya tapos hinawakan na naman iyong
kamay ko at saka naglakad kami para hanapin sila Austin at Cohen.
Hindi talaga namin mahanap sila Austin kaya naman nagsisimula na akong mag-isip
kung nandito ba sila o umuwi na... Knowing Austin, malamang umuwi na iyon. Pero
bago pa man kami makalabas, naharang si Saint.
"Where are you going?" tanong nung isang lalaki. "Let's play first!"
Saint looked at me.
"C'mon! It's sembreak after this!" the guy urged.
I nodded at Saint. I didn't want to be a kill-joy... pero biglang nawala iyong
motivation ko na maging supportive nung makita ko iyong dalawang babae na nag-uusap
kanina sa Brent. They were both looking at Saint. Gusto ko silang kawayan dahil
nandoon ako sa tabi ni Saint. Hawak ni Saint iyong kamay ko pero para akong
invisible sa kanilang dalawa.
"What are we playing?" Saint asked.
"The classic truth or dare," the guy said and then everyone cheered. "Same rules as
always. We'll spin the bottle, then whoever the bottle points at, will have to
choose to answer a question or to do a dare. If the person can't answer the
question nor do the dare, that person will have to drink 5 shots of whisky. Deal?"
Hala ka. Bakit ako napasabak dito?
"Game?"
"Game!" everyone roared... except for me.
"You okay?" Saint whispered. Marami namang naglalaro... Hindi naman siguro ako
matatapatan... Siguro.
I nodded. And smile a little just to convince him.
Naka-ilang ikot na pero wala pa ring tumatapat sa amin. Saint and I were quietly
holding hands habang naka-sandal iyong ulo ko sa balikat niya. May ikinu-kwento
siya sa akin tungkol sa isang lalaki na hinuli daw dahil kamukha niya iyong drug
pusher. Ni hindi pa nga natatapos ni Saint iyong kwento niya nung biglang tumapat
sa akin iyong bote. Nanigas ako sa kinauupuan ko.
"Finally!" sabi nung lalaki.
Truth or dare?"
But before I can choose, Saint interrupted.
"Neither," he said. "I'd drink."
Gulat iyong iba sa sagot ni Saint pero wala silang nagawa. It was his choice... and
honestly, hindi ko rin kasi alam kung kaya ko bang sagutin iyong mga tanong nila o
kaya ay gawin iyong dares nila. Masyado kasing vulgar at daring iyong iba...
"Makakapagdrive ka pa ba?" I asked him.
He shook his head.
"I'll be hammered later," he said, his voice beginning to be slurry after he downed
his fifth shot. "My guard's just outside. Just call them," he said.
Umikot ulit iyong bote at sa akin na naman tumapat. Uminom na naman si Saint. Tapos
sa ibang tao na tumapat iyong bote.
"Kiss the most attractive girl," sabi nung lalaki. Umikot naman iyong mata nung
lalaki at biglang huminto iyong mata niya sa akin. Biglang nanlaki iyong mata ko.
Si Saint, medyo naka-yuko dahil sampu rin iyong nainom niya. Iyong lalaki ay unti-
unting naglalakad papunta sa direksyon ko at palakas naman ng palakas iyong tibok
ng dibdib ko. Humigpit iyong hawak ko sa kamay ni Saint.
"Fúck. He's gonna kiss Saint's girl," sabi nung isang lalaki.
"He's fúcking dead. This is gold," sabi naman nung isa pang lalaki. Habang ako,
focused lang sa mas lalong paglapit nung lalaki sa akin.
Lumapit iyong lalaki. "This is just a dare," he said and then he was leaning in...
And that was when it happened. Saint glared at him and then he palmed his face and
threw him in the pool. Gulat na gulat iyong mga tao sa ginawa ni Saint. Kahit ako e
hindi makagalaw dahil sa mga nangyari. I thought he was sleeping already! Sobrang
pula na kasi nung mukha niya.
"Asshole," bulong niya at saka tumayo. "Let's go, Mary."
He was walking weirdly. He's really drunk. Gusto kong matawa dahil ang cute niya
pero naisip ko na kaya nga pala sa akin kaya ang dami niyang nainom. He always took
the fall for me.
Inaalalayan ko siya at naglalakad kami papunta na sana sa labas nung maka-salubong
namin si Psalm.
"What happened?" he asked, looking at Saint.
"He's drunk," I said.
"Huh? He doesn't drink," sabi ni Psalm. "I mean since the Preston incident, hindi
na siya umiinom."
Ah. Iyong nakulong si Kuya. Sobrang seryoso ba nun para tumigil si Saint sa pag-
inom?
"But is he really drunk?"
I nodded. Psalm smiled and then whipped out his phone.
"Tell him to dance," sabi sa akin ni Psalm. "Or make him cry. Anything that we can
record," sabi niya kaya napailing na lang ako. Sa tagal na kakilala ko sila, alam
na alam ko na hobby nila ang kumuha ng compromising videos ng isa't-isa at gawin
iyong pang blackmail. And then they had the audacity to tell me na si Ate Maggie
ang magulo sa kanilang magkakapatid.
Paano ko naman 'to papaiyakin?"
"Tell him you don't love him. Iiyak 'yan," Psalm urged. Naka-bukas na talaga iyong
camera niya. Napailing na lang talaga ako at saka iniwanan siya. Naglalakad na kami
palabas ng Pool club nung biglang sumuka si Saint.
Bigla akong napatigil. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon pa lang ako nakasama sa
isang lasing na lasing na tao. Si Kath nagpapanggap lang na lasing iyon palagi. Si
Kuya, hindi nagpapakita sa bahay kapag lasing...
Saint was still vomiting and I was stunned. Pero naisip ko na mabuti na lang din na
sa gilid siya sumuka kaysa sa pool... Dahil mas awkward iyon. So I just let him
finish doing his business. At dahil naiwanan ko sa sasakyan niya iyong pouch ko
kung saan nakalagay iyong tissue ko, I just quickly removed my cardigan and used it
to wipe his face clean. I was busy cleaning him up when I saw the Saint was
glaring.
"Galit ka?"
He nodded.
"Bakit?"
"Your back. They're staring."
At biglang humangin kaya naalala ko na halos hanggang dulo ng likod ko nga pala
iyong hati sa likod ko. And I just noticed that people were staring... and mostly
guys. Bakit ba sa likod ko sila nakatingin e ang dami namang babae na halos wala ng
suot na naglalakad o kaya e nakahiga sa floaters?
"Wag mo ng pansinin," I told him and then placed his arms on my shoulders. "We'll
get you water, okay? Next time 'wag na tayong sasali sa games na ganun..." I told
him while we were trying to walk steadily. But he stopped and looked at them.
"Stop looking at her! She's my girlfriend. I mean not my girlfriend yet but almost.
So she's mine. Just mine. So back the fúck off!" he told everyone. And then I saw
Psalm at the side and he was laughing hysterically while recording Saint's drunken
rambling.

Kabanata 32

#JTSSecret
Kabanata 32
Psalm helped me-but only after he was done laughing hysterically. Para na nga
siyang naiiyak sa katatawa, e. Imbes na tulungan niya agad iyong kapatid niya, ang
unang ginawa niya kanina ay ang ilabas ang cellphone niya at i-record lahat ng
sinabi ni Saint. And I was pretty sure he'd never let Saint hear the end of it.
Lalo na at ilang beses niyang ni-replay iyong video at paulit-ulit niya talagang
pinanood. GDL boys are weird and crazy.
"Mamaya na nga 'yan," I told Psalm. Pang limang beses niya ng pinapanood iyong
video at tawa pa rin siya ng tawa. Ni hindi niya ako tinutulungan na itayo si Saint
mula sa sahig kanina, e. Mabuti na lang ay dumating sila Austin.
"Last na," he said. "Panoorin mo rin kasi. It's hella funny! Right?" tanong niya
kay Austin at Cohen na pareho namang tumango. "Wait lang. I'll just send the vid to
Maggie and I'll help you."
Napailing na lang ako.
Dapat kasi, ihahatid na nila ako sa bahay... Pero hindi ko naman magawa na iwanan
na lang si Saint sa kamay nila. Knowing them, they'd do something to Saint bago ito
patahimikin. Saint's at his most vulnerable state. And Psalm's dead set on
collecting things that he could use to blackmail him. Kaya hindi ko talaga pwedeng
iwanan si Saint.
And I was risking meeting his parents while Saint was drunk! And I didn't plan on
meeting them while dressed like this. Kitang-kita iyong likod ko.
After a few minutes and few hysterical laughter from Psalm, sa wakas ay tinulungan
na nila ako na maibaba si Saint mula sa van. He was really hammered. Hindi ko alam
na ganoon pala nakakalasing iyong Johnny Walker. So much so that Saint was almost
being dragged by Psalm and Austin.
"Dahan dahan naman..."
"He's a big boy. I'm sure he can live with the dragging," sabi ni Psalm tapos
patuloy na hinatak si Saint. Kulang na nga lang iwanan nila sa sahig tapos hatakin
nila, e. Grabe talaga sila. Pagkatapos nilang gawing source of entertainment iyong
kapatid nila.
Nung malapit na kami sa pinto, bigla akong napahinto. Sila Psalm at Austin, diretso
lang sa pagpasok kay Saint.
"Mom's not around. And Dad's still working," sabi ni Cohen. First time naming mag-
usap. Mabait naman si Cohen. Tahimik siya pero mukhang mabait siya at saka pala-
ngiti. I think he's the most likable one sa kanilang magkakapatid.
"Ha?"
"You look like you're going to have a heart attack."
I bit my lower lip and smiled a little. Halata pala na kinakabahan ako. Kasi naman
first time ko na nga dito sa bahay nila, tapos kasama ko pa si Saint na lasing.
Sobrang hindi ito iyong hinihiling ko na first impression.
"Do you want water or coffee?" he asked.
"Water na lang," I replied.
Pumasok kami sa loob tapos hanggang doon lang ako sa sala. Naiintindihan ko na si
Saint nung ayaw niyang umakyat sa kwarto ko... Ganito pala iyong pakiramdam noon.
Na parang sobrang nakakahiya na umakyat ka. Tapos parang nasa foreign na teritoryo
ako. Tapos sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil baka biglang dumating
iyong parents nila. Paano pa kaya si Saint na palaging tinitignan ni Mama na parang
sinusuri ang bawat galaw niya?
The maid gave me water and I said thanks. As I was waiting for Psalm and Austin,
tinignan ko lang iyong bahay nila. Their house was alright. Parang kagaya lang
naman din ng mga bahay ng mga kaibigan nila Papa. What was different with their
house was the Spanish vibe. Puro concrete and yellow lights mostly. Sobrang
aristocratic nung dating. And I think mag-eenjoy si Kath dito dahil instagram
worthy iyong bahay nila Saint lalo na iyong landscape sa labas.
I was sitting on the sofa habang hinihintay sila nung lumapit iyong isang maid.
"Ser, the ducks ho. They are sick," sabi nung maid.
"Still?"
"Oho. Shall I call Dr. Cruz again ho?"
"No."
"Hala, ser. Baka Ser Saint will be mad. Nako, he love the ducks."
Cohen wrinkled his nose tapos sinabi doon sa maid na siya na ang bahala. Tumayo si
Cohen tapos tinignan ako.
"Wanna see them?"
"Nandito sila?"
He nodded.
"Saint wants them around. He got mad when we almost sent the ducks to a farm," sabi
niya ng naiiling. "He's crazy."
Bigla akong napa-ngiti. Si Saint talaga. Naniniwala na talaga ako ngayon na mayroon
siyang obsession at attachment sa mga bibe. Kahit na pinagalitan siya noon ng Mama
niya dahil bumaho iyong sasakyan niya dahil sa mga bibe, hindi pa rin niya ginive-
up. Halos isang buwan ding inalagaan noon ni Austin. At ngayon, dito pa rin pala sa
bahay nila naka-tira.
Tumayo ako at saka sumunod kay Cohen. Nakarating kami sa likuran nila at naglakad
hanggang sa makarating sa isang lugar na may bubong. It was few meters away from
the main house.
"Dito sila?"
He nodded.
"Originally, Austin was the duck nanny but the dare was over. So Saint had the
ducks live near the maid's quarters so that someone will look over them," paliwanag
niya. May binuksan na pintuan si Cohen tapos nanlaki iyong mata ko.
"Hala, ang laki na nila!"
Mukha na talaga silang bibe! Tapos hindi na sila kulay yellow. Kulay white na sila
tapos malaki na rin!
Cohen looked at me and then he laughed at my reaction.
"Yeah... They've grown."
Ilang minuto kaming nandoon lang ni Cohen habang tinitignan iyong mga bibe. Hindi
ko akalain na malaki na sila. At hindi ko akalain na aalagaan pala talaga sila ni
Saint... I thought it was just a passing fancy. Na natuwa lang siya sa mga bibe
kaya niya binili.
"He really sticks to his words," I mumbled. Napatingin sa akin si Cohen. "I just
didn't expect that he'd really take care of the ducks."
Cohen smiled but he didn't comment.
Maya-maya, nagsimula ng umubo iyong mga bibe. Lumapit ako sandali at napansin ko na
may sakit nga sila. I didn't notice it earlier because I was so facinated with the
fact that they've grown.
"Are they really sick?"
Cohen nodded.
"Natignan na ba sila ng vet?" He nodded again. "Ano raw ang sabi?"
"I forgot the name of the disease but it sounded serious. But Saint doesn't want to
give them up. Anak niyo raw, e."
Biglang namula iyong mukha ko. Sinasabi niya talaga iyon? Paano kung narinig ng
parents nila? Nakakahiya!
Nag-usap na lang kami ni Cohen tungkol sa mga bibe hanggang sa tawagin kami ng maid
at sinabi na hinahanap daw kami ni Psalm. Pagbalik namin sa bahay, nandoon na sila
Psalm at mukhang nakapagbihis na sila ng damit.
"He's looking for you," Psalm said.
"Hindi pa siya tulog?"
Umiling siya.
"He's asking for Mary. Puntahan mo na bago ko sapakin dahil ang gulo niya," sabi ni
Psalm tapos iniwanan ako at pumunta sa kusina yata.
Tinignan ko si Cohen and he just shrugged at me. Hala. Ayokong umakyat sa kwarto ni
Saint! Siya nga iginagalang iyong kwarto ko tapos ako aakyat sa kwarto niya? So I
shook my head and said no. Lasing lang si Saint. Itutulog niya rin iyon. Nanatili
lang ako sa salas nila dahil hinihintay ko lang matapos sa pagkain sila Psalm bago
ko sabihin na uuwi na ako. Nasa labas na kasi iyong sundo ko. Hindi naman pwedeng
bigla na lang akong umalis ng hindi nagpapaalam.
I was just lurking around nung mapatingin ako sa side na may mga pictures. I was
smiling as I looked at them. Puro family pictures kasi at may mga years kung kailan
kinuha. Bawat picture ay sa iba-ibang bansa dahil kita sa backdrop. Kumpleto iyong
mga pictures pero may isang year na nawawala. Gusto kong magtanong kaya lang baka
naman invasion of privacy na iyon...
"Ikaw ba, hija, e nobya ng isa sa mga alaga ko?"
Napatingin ako sa gilid ko nung may magsalita. Mukhang matanda na siya. Mukhang
lola na pero mukhang mabait naman.
"Hala, hindi po."
"Talaga ba? E ikaw pa lang ang nakakapunta dito. Kay ga-gwapo naman ng mga alaga ko
pero wala yatang hilig sa babae. Sayang naman," sabi nung lola. Gusto kong sabihin
na basketball ang girlfriend ng mga alaga niya. Lalo na si Austin. Married to
basketball na yata iyon. Sila Psalm at Cohen ay engaged pa lang.
Ngumiti na lang ako at saka saglit na tinignan ulit iyong pictures. Nakakapagtaka
talaga kung bakit may isang taon na gap.
"Nawawala po ba 'yung 1997?" I asked. Ngumiti lang ng tipid iyong si lola.
"Nako, hija, e sila na lang ang tanungin mo't isyu ng pamilya iyan at mas mabuting
'wag makielam."
Hala si lola. Mas lalo lang akong na-curious kung ano ang nangyari nung 1997.
Natapos iyong gabi na iyon na pinipilit ni Saint na umakyat ako sa kwarto niya pero
ayoko talaga. Grabe naman si Saint kapag lasing. Sobrang kulit! Muntik na nga
talaga siyang suntukin ni Psalm mabuti na lang at napigilan ni Cohen.
Kinabukasan naman, hindi ko na nakausap si Saint dahil dumiretso na pala sila sa
airport. Bigla nga akong naawa sa kanya dahil masakit pa iyong ulo niya. Kung alam
ko lang na may flight sila, e 'di sana hindi na ako pumayag na uminom siya... Kaya
naman pala hindi uminom sila Psalm dahil may flight tapos pinabayaan lang nila si
Saint. Sobrang pasaway talaga.
"When are you coming home again?" I asked Saint. Kausap ko siya sa phone ngayon
dahil medyo mahina iyong signal sa lugar nila. Pero maganda daw doon sabi ni Saint.
"A week after. Missed me already?" tanong niya habang naka-ngisi.
I wrinkled my nose.
"You're smothering me with your presence. A week free from you is nice," I said and
he laughed at me. Alam niya naman kasi na hindi totoo. Unang araw pa lang niya sa
Cape Town pero na-miss ko na agad siya. Ang hilig kasi magtravel ng family niya.
Halos siguro nasa 15 na countries ang napupuntahan nila sa isang taon.
"Really?" he said with that smug look on his face. "So why the long face?"
Bumuntong-hininga ako bago sumagot sa kanya. It had been a week pero hindi pa rin
ako kinakausap ni Kuya. I knew I pissed him off nung mas inuna ko iyong game ni
Saint but I didn't know that I pissed him off big time. Isang linggo na kasi. Isang
linggo ko na siyang sinusubukang kausapin pero hindi niya naman ako pinapansin. It
was like I was talking to the wind whenever I was starting a conversation with him.

"Si Kuya kasi..."


"He's still not talking?"
I shook my head.
"He really knows how to hold a grudge," Saint said and I couldn't agree more. Kung
si Mama nga na nanay namin e nagagawa niyang hindi pansinin, ako pa kaya na kapatid
niya lang?
I wanna get mad at him for being this petty... but somehow, in some way,
naiintindihan ko si Kuya. Maybe he felt threatened? Kasi kahit hindi niya naman
sabihin, alam ko na takot siya na maiwanan. He knew the story of how our mom left
our dad for Tito Parker. We both knew that story down to its details. Maybe he just
didn't want that for himself. Kaya ganito siya. He was severing ties before other
people could drop the connection themselves.
It was selfish of him but who could blame him? No one really wants to be left
alone. It's not a very pleasant feeling.
"Yeah..."
"But I'm sure he'll come around," Saint said with a smile. "So stop pouting,
alright? He's your brother. 'Di ka matitiis niyan."
I wished.
But days passed by at wala namang pinagbago. Halos dalawang linggo na iyong
sembreak namin pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Kuya ng maayos. Mas madalas pa
nga siya sa bahay nila Kuya Jackson, e. Hindi tuloy matuloy iyong plano ko na sana
ngayong sembreak sana kami pumunta sa Florida. Ayoko naman na pumunta kami sa
Wizarding World na ganito kami.
One day, as I was going down for breakfast, nagka-salubong kami ni Kuya.
"Good morning," I said. He just nodded at me pero wala siyang sinabi. "Kuya," I
called his name but still, no avail.
Hanggang sa makababa kami at pumunta sa dining table, hindi ako pinapansin ni Kuya.
Seryoso ba siya na galit siya sa akin? Nagsorry na naman ako... At saka nanood
naman ako sa game niya. More than half naman iyong napanood ko. At saka nung umalis
ako, sigurado na naman ako na mananalo sila. And I congratulated him, too, in
social media kagaya ng ginawa ko kay Saint.
Maybe there was more to it... Pero wala naman akong maalala na ginawa ko.
Habang kumakain kami, tahimik lang ako. Ni hindi ko ma-enjoy iyong French toast
dahil sa guilt na nararamdaman ko... Dapat ba nagstay na lang ako? Sinabi na rin
naman kasi sa akin ni Saint kahapon na kaya niya hindi sinabi sa akin na finals
nila ay dahil gusto niya na kay Kuya lang ako magfocus. Dapat siguro sumunod na
lang ako. Hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap ni Kuya. Para akong kinakain ng
konsensya ko dahil para ngang mas inuna ko pa si Saint kaysa sa kanya na kapatid
ko...
"What's your plan now?" Mama asked Kuya.
Kuya shrugged.
"Wala?" tanong ulit ni Mama. Tumango si Kuya.
He was being difficult again. Ganito naman siya kay Mama pero kapag si Papa lang
ang kausap niya, matino siyang sumagot. Pero kapag kay Mama, parang ayaw niyang
magshare ng kahit anong plano niya sa buhay. It was like he was building a life and
there was a wall separating him and Mama.
"Do you wanna take a vacation muna?"
Umiling si Kuya.
"What do you want?"
"I wanna move out."
Tuloy lang sa pagkain si Kuya nung sinabi niya iyong sagot niya. Na parang wala
lang sa kanya. Na parang hindi niya sinabi na gusto niya ng bumukod ng bahay. We
were all taken aback. I was taken aback.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama. That was what I was thinking. What?
Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Did I hear it right? Gusto ni Kuya na magkaroon
na ng sariling bahay?
Tumigil si Kuya sa pagkain tapos tumingin siya kay Papa.
"Pa, you told me that after I graduated, I can ask you for anything. I want my own
place."
Hindi makasagot agad si Papa sa sinabi ni Kuya. Hindi kami lahat makasagot. Bigla
akong naiinggit kay Finley at Riley na tahimik kumakain. Wala silang ideya sa mga
nangyayari sa bahay ngayon. How serious this was... Because this wasn't just about
Kuya wanting a place of his own. Somehow, I think I contributed to this.
I should've just watched his game. Baka hindi 'to nangyayari ngayon.
"Yes," Papa calmly said. "But I was thinking along the lines of a new car? Or
traveling abroad? Not you moving out, Preston."
"That's what I want," Kuya replied.
Walang nagawa sila Papa. Nagpatuloy kami sa pagkain habang nababalot ng katahimikan
ang paligid. I didn't know if the silent meant something... Though I hoped that it
didn't mean anything. The situation wasn't the best and I didn't want to leave
things like this. Mas lalo lang lalala kapag umalis pa si Kuya. Kaya hinihiling ko
na sana ay hindi pumayag sila Papa sa gusto ni Kuya.
Nung matapos na kami sa pagkain, agad na dumiretso si Kuya sa kwarto niya. Sinundan
ko siya kaya lang ilang minuto rin akong nakatayo sa labas ng pintuan niya dahil
hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin. He was mad at me-or pissed, at
least. Hindi ko rin alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit gusto niyang
umails sa bahay pero gusto kong itanong. I was sure that we could talk about it.
Hindi naman kasi palaging pag-alis ang solusyon sa mga bagay.
I took a deep, deep breath before I knocked on his door.
"Why?" sabi niya pagkatapos niya akong pagbuksan. His brows were shot up na para
bang wala siyang ideya kung bakit ako nandito. He just blurted out na gusto niyang
umalis ng bahay! Of course I would want to talk to him!
"Can we talk?"
"Busy ako. Mamaya na lang," he said.
"Sandali lang naman," I insisted.
"Later," he replied and then closed the door on me.
But that later didn't come dahil hindi umuwi si Kuya para sa dinner. He just sent a
text to Papa na nagsasabi na kila Kuya Jackson siya matutulog. He was really
serious about this... He was dead set on moving out. And I didn't feel good about
it.
--
Bukas pa ang balik ni Saint. Gusto ko na siyang makita dahil napapagod na akong
kausapin si Kuya tapos hindi naman niya ako pinapansin. Pumunta kasi sila Saint sa
isang lugar na hindi abot ang signal kaya tatlong araw na kaming hindi nag-uusap.
Tapos ngayon naman nasa eroplano siya kaya hindi talaga kami makapag-usap. But I
badly needed to talk to someone kaya naman pinilit ko na makipagkita sa akin sila
Kath kahit na busy siya dalawa sa bakasyon. Si Liza kasi hindi ko talaga ma-
contact, e. Lately, she was always busy.
"What's up?" Kath asked. She just got back from her vacation in Balesin. She
looked... gloomy. Nag-uusap kaya sila ni Kuya? Wala na kasi talaga akong balita.
"Nag-uusap ba kayo ni Kuya?"
She shrugged.
"Hindi?" I asked.
"Why? May problema ba?" she asked.
"Hindi pa rin kasi ako kinakausap ni Kuya..."
"Pa rin?"
I nodded.
"It's been almost 2 weeks, ah," she said. "Pero sorry, hindi na kami masyadong nag-
uusap ni Preston, e."
"Bakit?"
She gave me a small smile.
"Ask him. It's not my story to tell," she said and wrinkled her nose.
Bigla akong nanibago kay Kath dahil hindi naman siya ganito. Palagi siyang nagku-
kwento kahit na dapat hindi niya sinasabi. She was inappropriate in most ways...
And there was no boundaries to be respected for her. And that just stirred my
curiosity even more.
Ano ba kasi ang nangyayari?
So we just ended up talking about other things. Hindi ako sanay na ako iyong nag-
eeffort para maging masaya iyong usapan namin dahil sa buong pagkakakilala ko kay
Kath, palagi naman siyang masaya at bubbly. Pero ngayon, kahit na tumatawa siya,
ramdam ko na may hindi tama sa kanya. Sobrang kakaiba lang talaga ng mga tao sa
paligid ko ngayon... tapos wala pa si Saint.
"Paano kung hindi sabihin sa akin ni Kuya?"
"Talk to his friends."
"Hindi naman sa akin sasabihin. Loyal sila kay Kuya..." I said. May bro code pa nga
sila, e. Kaya alam ko na kahit tanungin ko sila Kuya Benj kung ano ang nangyayari
kay Kuya, alam ko na hindi rin naman nila sasabihin sa akin.
"You forgot Parker. He owes you his loyalty. At the very least," she said and left
me wondering.
Buong gabi na iniisip ko kung kakausapin ko ba si Parker. Dalawang linggo na kaming
hindi nag-uusap o nagkikita. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya, e... But every
night I was praying that he was alright. Na hindi na niya ulit gagawin iyong ginawa
niya. Because I wasn't worth it. I would never be worth him getting killed. He
deserved someone who will love him unconditionally-someone who had eyes only for
him. And that wasn't me. Because my eyes were on someone else already.
So I resisted. I wouldn't contact Parker until it was absolutely necessary. I
didn't want to contact him dahil umaasa ako na nagmomove on na siya sa akin kung
totoo man na may gusto siya. I wanted him to get over me. I wanted him to realize
that there was more to life than pining over someone who's already taken.
"You'll get over it," sabi ko habang nakatingin ako sa wall ko. I would always
remember Parker because of this wall. It was like a big reminder that he's still
Parker.
"And then we can be friends again."
--
The next day, I was ecstatic. Ngayon na kasi iyong dating ni Saint. Gustuhin ko man
siyang sunduin sa airport, hindi ko naman magawa dahil kasama niya iyong mga
parents niya at hindi pa ako handa na makilala sila. Lalo na at nung huli nilang
marinig ang pangalan ko ay tungkol iyon sa pagkalasing ni Saint nung victory party
nila. So, no. It wasn't a very good impression.
Mabuti na lang talaga at hindi inupload ni Psalm iyong video dahil wala na talaga
akong mukhang maihaharap sa mga magulang nila kapag nangyari 'yun!
Naka-higa lang ako sa kama ngayon. Another boring day. Sana maglanding na iyong
eroplano na sinasakyan ni Saint. Hindi na lang ako lumalabas kaysa makasalubong ko
si Kuya at lagpasan na naman niya ako. Mas lalo lang akong nacu-curious sa problema
niya. At isa pa, mukhang seryoso na talaga siya sa plano niyang paglipat dahil ang
huling narinig ko, naghahanap na siya ng condo unit. At hindi naman siya
mapipigilan nila Mama kung gusto niya na talagang umalis... May sariling pera si
Kuya. Lahat naman kami meron. Nung pinagbubuntis pa lang kasi ni Mama si Kuya,
nagpagawa ng dalawang commercial building si Papa para kay Kuya. Lahat ng kinikita
nung building ay diretso sa bank account ni Kuya. Ganoon din sa akin pati kay
Finley at Riley. Kaya kung gusto talaga ni Kuya, wala kaming magagawa.
"Hi! Saan ka na?" I asked cheerfully. I was excited to go out of my room and of the
house. Na-miss ko na rin iyong presence ni Saint.
But when he didn't instantly respond, I knew something wasn't right. Kinabahan na
naman ako. Pati ba naman si Saint? Hindi na nga kami okay ni Kuya... tapos si Saint
din?
"Saint?"
Pero tahimik pa rin siya.
"Okay ka lang ba?"
"Can you come here?"
And I said yes. Because his silence was scaring me.
Lumabas ako agad. Naka-salubong ko na naman si Kuya. Mayroon siyang dala na luggage
at mukhang kinukuha na niya iyong mga damit niya. I wanted to stop and ask him kung
saan siya lilipat. Kung hindi ko man siya mapigilan, gusto ko na mabisita ko man
lang siya. But Saint was more urgent. Iba kasi talaga iyong boses niya kanina. So I
didn't stop at nilagpasan ko si Kuya.
Mabilis akong nagpa-drive sa bahay nila Saint. Ni hindi ko na inalala kung nandun
ba iyong parents niya. Pagdating ko, agad kong naka-salubong si Austin.
"Si Saint?" I asked. Tinuro niya iyong loob ng bahay. Pagpasok ko naman, naka-
salubong ko si Psalm habang si Cohen naman ay naka-higa sa bean bag at mukhang
hindi pa nakakapagbihis mula sa flight nila.
"He's at the back," sabi ni Psalm.
"May nangyari ba?" I asked.
He wrinkled his nose.
"I... don't know how to properly react. Puntahan mo na lang," sabi niya. "And
Mary?" he said and I stopped and looked at him. "Tell him that I'm this close to
beating him up."
With my heart pounding inside my chest, pinuntahan ko si Saint base sa direksyon na
sinasabi ng mga tao. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa likuran. Iyong
pinuntahan namin ni Cohen dati. Binuksan ko iyong pintuan at nakita ko si Saint na
naka-upo sa sahig.
"Saint?" I called his name. Dahan-dahan akong lumakad hanggang nasa tabi ko na
siya. I sat down beside him and looked at him. He looked... nothing. His face was
blank. He was just staring at what's in front of him kaya naman doon din ako
tumingin.
And that was when I saw what he was staring at.
Oh, my God.
"They're gone," he whispered. I could feel the pain in his voice. "I didn't want to
leave because the vet said that they're really sick but I needed to leave. And now
they're gone."
I wanted to hug him. He really cared about the ducks. Iyong itsura niya ngayon,
parang namatayan siya... I knew he said that the ducks were our kids. I cared about
the ducks, too... But not as much as Saint cared. Parang tao na rin kasi iyong
turing niya sa kanila. Like how he was mourning for them.
"If I stayed, I would've been with them during their last moments..."
"You didn't know," I said to console him. "And they're in a happier place right
now..." sabi ko. "In ducky heaven."
Kung makikita at maririnig kami ni Psalm ngayon, baka sabihin niya na nababaliw na
kaming dalawa. Hindi niya naiintindihan. Saint was too warm. He was too kind. Hindi
ko nga alam kung bakit sa school ang kinakabit sa pangalan niya ay mayabang daw si
Saint... But if they knew him? If they see him? All sides of him? He's the kindest
person I had ever met. He's a gentle soul.
Saint looked at me and smiled a little.
"Am I that sad? Because you're sprouting nonsense just to appease me," sabi niya.
I smiled at him, too.
"Why? Maybe ducky heaven does exist. We'll never know."
Sinamahan ko si Saint hanggang sa matanggap na niya iyong tungkol sa pagkamatay ng
mga bibe... I think they've led a full life. Mula sa pagiging ducklings, naging
full ducks naman sila.
Nung okay na si Saint, nagpakuha kami ng three separate boxes para sa mga ducks.
Hindi ko alam kung saan namin sila ililibing pero kahit saan na basta lang
matatahimik si Saint. Parang anak na rin kasi talaga ang turing niya sa mga bibe.
Nagpaluto rin ng pagkain para sa burol nung mga bibe. I told Saint na magpalit muna
siya ng damit dahil nakaupo siya kanina pa doon sa bahay ng mga bibe.
"Can't you show some respect?" sabi niya kay Psalm.
Napatigil si Psalm sa pagkain ng chicken wings.
"What?" he asked.
"That's chicken."
"Yes? And so?"
"Chickens are like the cousins of the ducks. Show some respect, Psalm," sabi ni
Saint at si Psalm naman, parang konti na lang ay susuntukin na talaga si Saint. Si
Austin naman, napailing na lang. Si Cohen naman ay natatawa pero pinipigilan. Ako
naman, hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga magkakapatid na 'to.
In the end, wala na lang kaming kinain. Kasi baka kapag pork naman o kaya beef,
sabihin naman ni Saint na long-distance relatives ng ducks. So to be safe, wala na
lang kaming kinain.
Nung bandang hapon, sinabi ni Saint na ililibing na namin iyong mga bibe. Ayaw
sumama nila Psalm dahil baka daw kung ano na ang magawa niya sa kapatid niya. Cohen
and Austin were still jet-lagged kaya ako na lang ang sumama. And though it felt
weird dahil may kabaong ng ducks sa backseat, tumahimik na lang ako. I let Saint
drive because I thought the drive would pacify him...
And a few hours later, huminto kami sa isang pet cemetery. Sinalubong kami ng isang
attendant.
"Sir, ready na po..." sabi nung attendant kay Saint. Naglakad kami habang dala nung
dalawang lalaki iyong kabaong nung mga ducks. Tahimik lang akong nakasunod sa
kanila at pinagmamasdan iyong paligid. Karamihan ay mga aso iyong naka-libing o
kaya ay pusa... Mukhang ngayon lang may ililibing na bibe dito sa pet cemetery.
Huminto kami sa isang lugar na may tatlong hukay. Inilagay doon iyong mga kabaong.
"Sir, offer po ng prayer at pakisabi sa amin kapag pwede na..." sabi nung lalaki.
Tahimik lang si Saint habang nakatingin sa mga kabaong. Tumahimik na rin ako. Halos
limang minuto kaming tahimik bago sinabi ni Saint na pwede ng tabunan ng lupa iyong
mga kabaong. I held Saint's hand as they were burying the ducks. At nung matapos
na, nilagyan na nila ng markers iyong grave.
Preston | Benj | Parker
August 13, 2016 - October 20, 2016
"They're in ducky heaven, right?" I nodded and held his hand tighter. Saint's weird
but he's my weird guy.

Kabanata 33

**Tomorrow, August 11, is the last day of payment for JTB Bundle. Also, my
Internet's being slow again so I wasn't able to upload all pictures :/ if you want
to see it, maybe check this chapter again later. I'll try to put them again cute
kasi =) Anyway enjoy reading
#JTSEscape
Kabanata 33
It had been days since Kuya said that he wanted to move out at hindi pa rin
pumapayag si Mama. I wanted to tell Kuya that I didn't want him to go but I was
afraid to talk to him... Pakiramdam ko kasi baka may magawa o masabi na naman ako
na hindi niya magugustuhan... Tapos lalayo na naman siya. O kaya ay mas lalo niyang
hindi na ako kausapin. And I didn't want that. It was torture enough that he wasn't
talking to me for weeks. Paano kapag umalis na nga siya tapos hindi niya na rin
talaga ako kausapin?
Nakaupo ako sa sofa sa sala habang nag-eedit ng mga pictures sa laptop ko nung
biglang tabihan ako ni Finley.
"Ate," he called and I looked at him. Mayroon siyang kagat-kagat na snickers.
"Why are you eating chocolates? 'Di ba bawal ka?" I told him. Pareho kasi sila ni
Riley na hindi na pwedeng kumain ng chocolates. Si Riley lang naman talaga ang
hindi pwede dahil mataas na agad iyong sugar level niya pero unfair naman kung si
Riley lang ang pagbabawalan na kumain. Since kambal naman sila, pareho na lang sila
na bawal kumain ng chocolates.
"Kuya gave it to me," he replied.
"Why?"
"Because I helped him pack his things."
My heart sank with what he said. Aalis pala talaga si Kuya. Akala ko kasi masama
lang iyong loob niya kaya nasabi niya 'yun... pero nag-aayos na siya ng gamit niya.
Suddenly, it felt all too real.
"Do you know where Kuya is going?" I asked Finley. Mukha kasing mas nakakausap niya
si Kuya kaysa sa akin, e.
He shook his head.
"But he told me he'll bring me there!" he said and then beamed. Nginitian ko na
lang si Finley at saka ginulo iyong buhok niya. I hugged him tight hanggang sa
nagreklamo siya na hindi na siya makahinga.
After that, bumalik na siya sa taas para tulungan ulit si Kuya na mag-ayos ng gamit
dahil gusto niya raw ulit na mabigyan ng chocolates. Gusto ko rin na sumunod sa
taas... Kung gusto talaga ni Kuya na umalis sa bahay, wala naman akong karapatan na
pigilan siya. Siguro mas maganda na tulungan ko na lang din siya. Baka kapag
ganoon, kausapin niya na ako.
Isinara ko na lang iyong laptop ko dahil hindi na rin naman ako makapagfocus sa
ginagawa ko. Huminga muna ako nang malalim ng ilang ulit bago ako nagsimulang
umakyat. Pagdating ko sa harap ng kwarto ni Kuya, huminga ako nang malalim ng ilang
ulit bago ko nagawang kumatok.
"Why, Ate?" si Finley ang nagbukas ng pinto at mayroon na namang snickers siyang
hawak tapos kukurap-kurap pa siya habang nagtatanong sa akin.
'Kaya mo 'yan,' I told myself.
"Si Kuya?"
Binuksan niya nang mas maluwag iyong pinto at mas nalungkot lang ako nung makita ko
na puro boxes iyong kwarto ni Kuya. Sa kama niya naman ay tatlong boxes iyong
nakapatong at nandoon na iyong mga sapatos niya sa loob.
"He's still deciding if he's going to bring his xBox and playstation," sabi ni
Finley.
Sumilip ako at nakita ko si Kuya na nakaupo sa harap ng TV at hawak iyong mga
gaming consoles niya. Gusto kong lumapit pero kinakabahan talaga ako. Ilang beses
ko na kasi siyang sinubukan na kausapin pero palagi niya na lang akong sinasabihan
na mamaya na lang kami mag-usap... na hindi naman nangyayari kasi palagi siyang
halos wala sa bahay palagi.
"Fin," pagtawag ni Kuya. Nakatalikod pa rin siya kaya hindi niya alam na nandito
ako. "Do you want these?"
"No," sagot ni Finley. "I'm trying to have an active lifestyle like Kuya Saint."
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Tss. Fine. I'll bring these."
Bakit ba kasi kailangan pang banggitin ni Finley si Saint? Masyado pa kasi siyang
bata kaya hindi niya naiintindihan na hindi friends si Kuya at Saint... Tapos
naiipit na talaga ako sa gitna. Kahit hindi naman dapat kasi kapatid ko si Kuya
tapos gusto ko si Saint. Hindi ba pwede na pareho na lang? Bakit kailangan na may
aalis pa? O bakit kailangan na may iiwasan ako para may hindi umalis?
Ang hirap naman.
Kaya imbes na lumapit ako kay Kuya, tumalikod na lang ako at saka pumasok sa kwarto
ko. I didn't think I had the guts to face him. Nanliliit kasi ako sa sarili ko
dahil pakiramdam ko tama siya. Na mas inuuna ko pa si Saint kaysa sa kanya na
kapatid ko.
Na baka traydor nga ako.
--
Buong araw lang akong nasa loob ng kwarto. I didn't even bother opening my phone
dahil baka may message doon si Saint. I just wanted today to be about Kuya. Kahit
hindi niya alam, ganoon pa rin iyong ginawa ko. I was beginning to feel guilty for
spending so much time with Saint. Kung sana hindi si Saint ang kasama ko halos
araw-araw, baka hindi kami nauwi sa ganito ni Kuya.
When I heard some noises, I stood up from the bed. I had been moping for hours
kahit na sa totoo lang ay gusto kong lumabas para kausapin si Kuya. Bakit ba kasi
ganito ako? I didn't have the guts. I never had. Palagi na lang mahina ang loob ko.
If I had half of Mom's guts, e 'di sana kausap ko na si Kuya ngayon. Bakit ba kasi
kay Papa lang ako nagmana.
Binuksan ko ng kaunti iyong pintuan at nakita ko si Kuya na nilalagay na sa labas
iyong mga box. Si Manong naman ay binababa na iyong boxes.
"Are you sure about this?" Papa asked Kuya. Wala si Mama. Kagaya ko kasi ay hindi
rin siya pinapansin ni Kuya.
Kuya nodded.
"You really don't want to tell them?"
Kuya shook his head. Ayaw niya talagang sabihin sa amin? Ganito ba talaga ka-galit
si Kuya para kahit man lang address ng lilipatan niya ay malaman namin? The thought
made me really sad. Buong buhay ko kasama ko si Kuya tapos... ganito na lang.
Biglang aalis na siya. Tapos ni hindi man lang niya ako kinakausap.
"At saka na, Papa. I'll fix it first then I'll tell them."
Papa sighed... and that made me wonder about what they're talking about. Tungkol pa
rin ba 'to sa pag-alis ni Kuya? Kasi parang iba na iyong pinag-uusapan nila.
"Alright. Samahan na kita."
Umiling si Kuya.
"I'll just call you when I get there," he said.
"Sige... Ingat ka."
Pinanood ko si Kuya hanggang sa makababa siya sa hagdan. Tears were swarming on my
eyes. I didn't want to cry but I couldn't help it. It felt like he just walked out
from my life. And I couldn't do anything about it because in some ways, maybe I
asked for this. Baka nga kasi tama iyong sinasabi nila na you can't have it all...
Pumasok ako sa kwarto at saka nagkulong buong araw.
...and that was how I spent most of my sembreak.
--
Nung limang araw na lang ang natitira sa sembreak ko, habang kumakain kami,
tinanong ko si Papa. Hindi na kasi ako nakatiis pa talaga. For the past days, I
tried my best not to ask him anything. I didn't want to put Papa in the middle of
this drift. Masama na nga na hindi kami nag-uusap ni Kuya at ayoko na madamay pa
doon si Papa. Ano na lang ang mangyayari kay Kuya kung pati si Papa ay hindi na
niya kakausapin?
So I tried to contain everything inside me. Hindi ko rin masyadong kinakausap si
Saint. I told him that I needed to do something so I wouldn't be able to talk to
him for a while... Mukhang naintindihan naman niya kung ano talaga ang nangyayari.
He also told me that he'd wait for me. At saka ayoko rin kasi makita ni Kuya na
parang wala lang sa akin na umalis siya. I didn't want him to think that it was
nothing... when in fact he really hurt me when he left without so much as a
goodbye.
"Pa..." I called him.
"Hmm?"
I pursed my lips first. I had been practicing how to say this pero ngayon na
sasabihin ko na, mas lalo lang akong kinabahan. But I could do this... because I
needed to do this.
"Saan po si Kuya?"
He looked at me.
"Why?"
I frowned.
"Pa naman... Can't I know where Kuya stays?"
He looked at me as if he was weighing if he'd tell me where Kuya was. Bakit ba
hindi ko pwedeng malaman? Hindi naman ako pupunta kung ayaw ni Kuya... I just
wanted to know where he was. I didn't like the feeling of being excluded from his
life. I wanted to be as involved as he wanted to be. Kausapin niya lang talaga ako,
promise ko sa kanya na hinding-hindi ko na uunahin si Saint. Alam ko naman na
maiintindihan ni Saint, e. Siya pa nga iyong nagsabi sa akin dati na sa game ako ni
Kuya pumunta. Had I listened to Saint, hindi sana 'to nangyayari ngayon.
But I didn't want to blame the decisions I made before anymore. Basta babawi na
lang ako kay Kuya... once na kausapin niya na ako.
"He's in QC."
"QC?"
He nodded.
"Bakit ang layo?"
We're in the South tapos sa QC pa talaga siya lumipat? Ganoon ba niya gustong
mapalayo?
"Nasa Luzon pa rin naman siya," sabi ni Papa.
"Pero malayo pa rin..." I said.
Papa smiled and patted my head.
"It's just a matter of perspective. Just look at it differently instead of thinking
na malayo na ang Kuya mo. He's doing this because he needs to."
I frowned and sighed.
"But why do I feel like he's doing everything just to avoid me? Sobrang nagsisisi
na nga ako sa mga nagawa ko..."
Papa laughed at what I said tapos mas lalo lang bumigat iyong pakiramdam ko.
"Preston loves you," he said and then I hugged him. "He's just really doing
something important. It's not about you. Kapag maayos na, he'll let us visit."
I looked up to him and said, "Talaga?"
Papa nodded.
"Talaga."
And somehow, that pacified my extremely guilty conscience.
--
Nung ilang araw na lang at matatapos na ang bakasyon, napagpasyahan ko na buksan na
iyong cellphone ko. Sinabi rin kasi ni Papa sa akin na malapit ng magsimula ang
klase kaya dapat tigilan ko na ang pagkukulong sa kwarto ko. Sabi niya rin sa akin
sobrang putla ko na raw. He was practically forcing me to go out.
Once I opened my phone, sunud-sunod iyong pagdating ng messages. Some of them were
from my friends. Tinatanong lang ako ni Kath kung ano ang gusto kong pasalubong
from Barcelona habang si Liza naman, nagtatanong kung may gusto daw ba ako from
Italy. I smiled. Kahit pala hindi ako nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw,
hindi pa rin ako kinalimutan ng mga kaibigan ko.
When I was done replying to my friends' messages, pinuntahan ko naman iyong message
ni Saint. I had to scroll back because he sent tons of messages.
Saint Iverson Gomez de Liaño: it'll be fine. I'll stay put and play basketball
while you do your thing :) Just message me when you need anything
I stopped when I saw that message. Iyon kasi iyong huling pag-uusap namin... And it
had only been a little more than a week but it felt so long. Ano na kaya ang
nangyari sa kanya? Wala kasi talaga akong balita. Nagkulong lang ako sa kwarto
buong sembreak at saka nag-edit ng mga pictures. I also finished reading Harry
Potter and the Cursed Child. I almost despaired dahil ni hindi man lang ako
nakabili ng cake para i-celebrate iyong birthday ni Harry at JK Rowling... Mabuti
na lang kasi binilhan ako ni Papa ng libro dahil alam niya na hindi ako lalabas ng
kwarto. It was some form of act to make Kuya believe that I was truly sorry that I
didn't spend much time with him before. Hindi ko man alam kung alam ba niya iyong
ginagawa ko, I still did it because I needed it for my conscience and sanity.

After that last message before I detached myself from the (online) world, sunud-
sunod na iyong messages ni Saint.
Saint Iverson Gomez de Liaño: As promised, I'm just playing basketball

Saint Iverson Gomez de Liaño: This is a daily update, btw. I'll keep on messaging
you until you reply so if you're already annoyed by my pics, paramdam ka naaaaaaa.
I miss you hehe also, here is a pic of me doing a shoot. I dabbed after that *wink*

Saint Iverson Gomez de Liaño: Day number 3 without Mary update: I went to the
clinic because there's a stray pimple on my chin. I think it's because I've been
staying up late because I'm stalking your accounts hehe. And mom's bugging me about
it. I still look cute tho.

Saint Iverson Gomez de Liaño: Day number 4 without Mary update: Psalm was really
pissed at me because according to him, I looked like a stray puppy. But Cohen's
grades are all flat 1 so we went out. Here's my chocolate cake. I'll bring you here
once you decided to go out of your cave

Saint Iverson Gomez de Liaño: Day number 5 without Mary update: new caaaaaaaar! Dad
learned about the ducks. And kahit na tinawanan niya ako, it's fine. He bought me a
car para daw 'di na ako malungkot kaya mas lalo nainis sa akin si Psalm � Also, I
miss you. Kahit seen naman dyan oh

I was smiling while I was reading his messages and looking at his pictures. Why was
he like this? He's just making it harder for me na 'wag siyang kausapin muna. I
knew I needed to put family before him. Sinasabi rin naman sa akin ni Saint palagi
na dapat unahin ko si Kuya o ang pamilya ko. He'd understand kasi kahit naman siya,
mahalaga iyong pamilya niya sa kanya... but he's just making it impossible to stop
talking to him.
So I took a deep breath and replied.
Mary Imogen Suarez: Baka suntukin ka na talaga ni Psalm
And before I could even close my phone, nakita ko agad na may replying icon doon sa
message. Online si Saint.
Saint Iverson Gomez de Liaño: How are you? Okay ka na?
Mary Imogen Suarez: No. Lumipat na si Kuya
Saint Iverson Gomez de Liaño: He's still not talking?
Mary Imogen Suarez: Hindi e...
Saint Iverson Gomez de Liaño: Are you sad? You want me to send you ugly pictures of
Psalm?
Napailing na lang ako habang napapa-ngiti. Si Saint talaga.
Mary Imogen Suarez: Susuntukin ka na talaga non
Saint Iverson Gomez de Liaño: It's okay as long as I can make you smile =)
Mary Imogen Suarez: Mas nagiimprove na 'yung bola mo
Saint Iverson Gomez de Liaño: Grabe. Di kaya. I'm honest.
Saint Iverson Gomez de Liaño: btw, are you free? Okay ka na ba?
Hindi agad ako nakapagreply sa kanya. I wasn't okay. And I didn't think I'd be okay
hanggang sa hindi kami nag-uusap ni Kuya... but Papa also assured me that
whatever's happening with Kuya, it didn't concern me. But I was still bothered. I
didn't like not talking to my brother because I grew up with him nagging me all my
life.
So I replied with a no. I was choosing my brother first.
Mary Imogen Suarez: maybe next time
Saint Iverson Gomez de Liaño: oh. Alright.
Mary Imogen Suarez: galit ka ba?
Saint Iverson Gomez de Liaño: ha? No. Why would I be mad?
Mary Imogen Suarez: because... i'm always unavailable.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Mary, it's alright. It's alright if you're
unavailable sometimes. It's okay if you need to do your own thing. I'm here and I'm
not going anywhere... so stop feeling sorry just because you have a life of your
own. It's fine. I have a life too. And I like you so so so much. But that doesn't
mean that I'm going to be selfish and have you all for myself. Though it's
tempting. But I won't. Because you're too precious to be kept. So just do your
thing without worrying about me, alright? I'm not going anywhere. I promise.
I was holding my breath as I read his message. Hindi ako makapaniwala na ganito
siya mag-isip. He's too much. He's too understanding and I couldn't even understand
why he was like this. It made me feel inadequate.
Saint Iverson Gomez de Liaño: okay?
I sighed and smiled.
Mary Imogen Suarez: okay.
--
Tomorrow was the last day of the break at wala man lang akong nagawa. Most of them
went to the other country while I didn't even go outside our house. Pero ngayon,
kinausap ko si Kuya Benj. Kung hindi sasabihin sa akin ni Papa kung nasaan si Kuya,
sa iba ko na lang itatanong. I had enough of the silence. I just really wanted to
talk to Kuya. Bahala na kung hindi niya ako pansinin o kaya naman ay sigawan niya
ako. I just wanted to see him.
"Kuya?" I said.
"What's up?" Kuya answered. Kakabalik niya lang kasi galing Japan.
"Alam mo ba kung nasaan si Kuya?"
Natigilan siya.
"Why?"
"I want to visit him."
Ilang segundo akong naghintay ng sagot niya pero wala akong nakuha.
"Kuya naman..."
I heard him sigh.
"I'm sorry, Princess. I can't tell you."
Halos malaglag iyong panga ko. Pati ba naman si Kuya Benj?
I just thanked him at saka lumabas ako sa bahay nila. Naglakad-lakad lang ako sa
village nila habang nag-iisip. Bakit ba lahat na lang sa paligid ko ay ayaw sabihin
kung nasaan si Kuya? Top secret ba na kahit address lang ay ayaw nilang sabihin?
Ano ba sa tingin nila ang gagawin ko? Hindi naman ako mag-e-eskandalo. Ni hindi nga
ako nakaka-sigaw, e.
Naglalakad-lakad lang ako nung biglang kumunot ang noo ko. Sila Saint ba 'yun?
"Got you!" narinig ko na sabi niya. Humarap siya kay Psalm. "Ilan na pikachu mo?"
"2."
"I got 4!"
"Tss. You went to Tagaytay just to get that pikachu. You're the real loser."
"Whatever, Psalm, whatever. Magsawa ka sa rattata mo."
Mas lalo lang kumunot ang ulo ko. Ano'ng ginagawa nila?
"Oh, hey, Mary!" biglang sabi ni Psalm nung nakita ako. Nag-angat din ng tingin
iyong tatlong GDL. I saw Saint's face habang nakakunot iyong noo niya habang unti-
unti siyang napapangiti. "Why are you here?" Psalm asked.
"May pinuntahan lang. Kayo?" I asked. Hindi naman kasi ito 'yung village nila, e.
"Ah. May naglagay kasi ng lure dito," sagot ni Psalm na hindi ko naman
maintindihan. Bigla naman siyang siniko ni Cohen tapos nagtinginan sila. "Anyway,
we better get going. There's a gym nearby," sabi niya bago umalis si Psalm, Cohen,
at si Austin na busy pa rin sa kung anuman ang ginagawa niya sa cellphone niya at
kung bakit may goldfish doon.
Nung makaalis na sila, napatingin ako kay Saint.
"Hi," I said.
He blinked. And again. And again.
"Ayos ka lang?" I had to ask. Hindi kasi siya nagsasalita.
"You look... pale."
My jaw fell.
"It had been days since you last saw me tapos iyon ang una mong sasabihin sa akin?"
"I just noticed," sabi niya tapos ngumiti siya. Tinago niya iyong cellphone niya
tapos naka-tingin na lang siya sa amin. "Bakit ka nandito?"
I sighed before I told him why I was here. Naka-tingin lang si Saint habang
nagkukwento ako. I tried not to look too sullen dahil ayoko naman na magaya sa akin
si Saint. Ayoko na isipin niya na kasalanan niya. It was enough that I was feeling
really guilty. Ayoko na madamay pa siya.
"Bakit kaya ayaw nilang sabihin sa akin?" I asked.
"I don't know," he replied. "But Tito said that it's not about you, right?"
I nodded.
"Pero-"
He cut me off.
"Just trust Tito's words, alright? I don't think Preston's the kind who will ignore
you for something as small as that."
Hindi na lang ako kumibo. Kung si Mama nga mula pagkabata hindi masyadong
pinapansin ni Kuya, e. Ako pa kaya?
"Anyway, where are you going after this?" he asked.
"Uuwi..." I said with a very obvious sadness laced in my voice. Mamatapos na kasi
bukas iyong sembreak tapos ni hindi man lang ako nakapunta kahit saan. We were
supposed to go to the US para pumunta sa Wizarding World pero hindi na rin iyon
nangyari. Walang nangyari sa lahat.
"Wanna go somewhere?" he asked.
Hindi agad ako nakasagot. It felt like I was betraying Kuya again kapag pumayag
ako...
"I promise to bring you back before 7pm," he said before he held my hand and gently
dragged me towards his car. Binuksan niya iyong pintuan at saka pinapasok ako sa
loob. He leaned in and then did my seatbelt. "There. Safe and sound," he said
before closing the door. Pumasok siya sa driver's seat at saka kinuha iyong phone
mula sa pocket niya. He was talking to someone and then I just realized that he was
talking to my dad... Of course kakausapin niya si Papa. Palagi naman niyang
sinasabi kung saan kami pupunta.
"He thanked me," sabi ni Saint.
"Ha?"
"He thanked me and told me not to bring you home before 8pm."
Kumunot ang noo ko. Imposible na sabihin ni Papa 'yun.
"Tss."
"Totoo! You probably scared him with you hiding inside your room kaya gusto niya na
'wag ka munang umuwi."
Mahigit isang linggo lang naman 'yun...
"Saan ba tayo?" I asked him. Nagtaka na kasi ako kung bakit nasa SLEX na kami.
Malayo ba iyong pupuntahan namin?
"Secret," he said.
"Saan nga?"
"EK."
"Ha?"
He was still concentrating on driving but for a second, he held my hand and then
kissed my knuckle.
"I don't like seeing you sad... and I wanted to bring you to the happiest place on
earth but sadly, there's no Disneyland here. But Enchanted Kingdom's the next best
choice so let's go there."
I smiled. Hindi ko na mapigilan.
"Okay," I replied.
Pagdating namin doon, mahaba iyong pila pero okay lang. Saint was telling me all
these absurd stories. Bigla kong na-miss iyong mga kwento niya tungkol sa mga
nababasa niya sa facebook... Minsan iniisip ko na masyadong nagfefacebook si Saint,
e. Ang dami niya kasing nababasa. At sa dami ng kwento niya, hindi ko napansin na
nasa unahan na pala kami ng pila.
"So... where to first?" he asked nung nakapasok na kami sa loob. I had been so long
since I went here. Parang 7 years old pa ako nung huli akong pumunta dito. Hindi ko
na maalala.
"Hindi ko alam, e. Ikaw, san mo gusto?"
He shrugged.
"I have no idea. It's my first time here."
"Talaga?"
He nodded.
"Ikaw?"
I shook my head.
"Sayang naman. Akala ko may first ulit ako," sabi niya at napailing na lang ako.
Sobrang saya niya kasi nung malaman niya na siya ang first hug, first holding
hands, at first kiss sa cheeks ko. Iyon lang pero ang saya-saya niya na.
Sumakay kami sa lahat ng pwede naming masakyan pero pinaka-nag-enjoy ako doon sa
may EKstreme dahil nasuka si Saint pagkababa namin. Kakatapos lang niya kasi kumain
ng hotdog sandwich nung turn na namin.
"Okay ka lang?" I asked him habang hinahagod ko iyong likod niya. His face was red
and he looked like he was about to pass out. Hindi naman pala sanay sa heights pero
nag-aaya. Inabutan ko siya ng tubig.
"I'll never," he said while breathing hard. "Ride that little shit again."
Natawa ako.
"Bakit ka kasi sumakay?" I asked him.
"You wanted to."
"You could've said no."
"And let you ride alone? No way," he said.
Pinigilan ko iyong sarili ko na ngumiti dahil baka mapansin ni Saint na kinilig na
naman ako sa sinabi niya.
Umupo muna kami sa gilid dahil gusto ko na maka-recover muna si Saint dahil mukhang
hilung-hilo siya sa nangyari. Balak ko pa naman sana na sumakay kami sa anchor's
away pero 'wag na lang. Baka himatayin na talaga si Saint, e.
"Wait, Mary," he said. He was fiddling with his phone again. He asked me if I was
tired and I nodded. Nakakapagod pala kasing maglakad dito. "May huhulihin lang ako.
Dito ka lang, ha?"
Naka-kunot iyong noo ko. Sino ang huhulihin niya? Nandito rin ba sila Psalm?
"Don't talk to strangers. I'll be fast," sabi niya tapos hinubad niya iyong cap
niya tapos sinuot niya sa akin. I quietly sat down there at saka tinignan ko rin
iyong phone ko. I was so tempted to ask Parker... baka kasi tama si Kath, e. Baka
sabihin sa akin ni Parker kung nasaan si Kuya. Kung hindi sasabihin ni Papa at Kuya
Benj, baka sabihin ni Parker.
But a part of me didn't want to. Deep inside, I wanted to wait for a longer time
bago kami mag-usap. Baka kasi kapag ganoon, maging maayos na talaga. I wanted my
friendship with him back and that wouldn't happen if there're still unwarranted
feelings.
So I put my phone back inside. Sinubukan ko na lang tignan iyong ibang mga tao at
napaawang iyong labi ko nung makita ko na mayroong duck stuffed toys doon sa mga
booth na may kailangan kang patumbahin. Agad akong pumunta doon.
"Kailangan niyo pong mapatumba iyong pito bago niyo po makuha iyong stuffed toy,"
paliwanag nung babae. I paid for the first round pero isa lang iyong napatumba ko.
Ano ba 'yan! Ang hirap naman pala nito!
Nakaka-tatlong round na ako pero so far, apat pa lang iyong pinakamataas ko na
napapatumba. At nagmamadali na ako dahil baka hanapin na ako ni Saint. And I really
wanted to give him the duck stuffed toy. I knew he's still a bit sad dahil nawala
iyong tatlo niyang anak.
"Need help?"
Napatingin ako sa likod ko at may nakita ako na lalaki. I politely shook my head.
"You sure?"
And I was about to verbalize my no nung biglang nasa harap ko na rin si Saint. At
nakakunot iyong noo niya.
"Saint," I said. Napatingin din tuloy iyong lalaki kay Saint. At mukha namang
naintindihan niya na dahil umalis naman siya agad. "Nahuli mo na?"
He didn't answer.
"Galit ka ba?"
He still didn't answer.
"Hindi ko naman siya kinausap, e."
He was looking at me hard before he sighed.
"I left you for five minutes and guys are already flocking."
Kumunot iyong noo ko.
"Hindi naman," I said. Isang lalaki lang naman iyong kumausap sa akin. At saka
dahil iyon halatang-halata na yata na frustrated na ako sa nilalaro ko.
"You're too oblivious," he said tapos tinignan niya iyong hawak ko. "What's that?"
Itatago ko sana sa likod ko iyong pellet gun na hawak ko pero dahil sa sobrang
gulat ko, bigla ko siyang naitira tapos nanlaki iyong mga mata ko nung biglang sa
ano ni Saint tinamaan.
"Holy-" sabi ni Saint habang napa-upo siya.
Oh my God.
Hindi ako agad naka-galaw. Hindi ako makagalaw habang si Saint ay namumula na iyong
mukha at mukhang namimilipit na sa sakit. I was too stunned to move. Did I just...
Oh God.
Hindi na ba magkaka-anak si Saint dahil sa nagawa ko?! Kakamatay pa nga lang ng mga
bibe niya, tapos pati mga future kids niya, napatay ko na rin ba?!
Dahil hindi ako makagalaw dahil na nagawa ko hanggang sa may dumating para dalhin
si Saint sa clinic. I was assisted to go there and I was sitting and waiting for
the nurse. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kay Saint. What if may permanent
damage? What if hindi na siya magkaanak? Ano ang gagawin ko? Bakit ko ba kasi siya
nabaril doon?
"Where's Saint?" agad na tanong ko sa nurse nung lumabas siya.
"He's fine," she replied.
"Can I see him?"
Pumasok na ako sa loob at papasok na sana ako sa tinuro nung nurse na kama kung
saan nandun si Saint... And I was about to open the curtain pero hindi ko magawa
dahil hinihila ni Saint.
"Saint, papasok ako," I said.
"No," he said.
"Bakit ayaw mo akong papasukin?"
"Basta."
"Masakit ba?" I asked, worried.
"Basta."
Tumingin ako sa nurse sa likod ko. Sobrang seryoso ba nung nangyari? Bakit ayaw
niya akong papasukin?
"Bakit po ayaw niya akong papasukin?" I asked the nurse.
"Uhm... there's a slight swelling."
Kumunot ang noo ko.
"Masama po ba iyon?"
Baka magaya na siya kay Kuya na hindi rin ako papansinin. Bakit ba kasi sa dinami-
dami ng mababaril ko ay iyon pa?
"Just give him a few minutes..." sabi nung nurse.
Naupo ako doon sa katabing kama nung kay Saint.
"Are you mad?" I asked. Mayroong kurtina na pagitan dahil ayaw niyang magpakita sa
akin.
"No," he replied.
"Talaga?"
"Yes..."
"Bakit ayaw mo akong papasukin?"
I heard him sighing.
"Baka matakot ka."
"Bakit naman?"
"Basta."
"Basta hindi ka galit, ha?" I asked again.
"Yes. I'm not mad."
Naupo na lang ako roon habang hinihintay ko na matapos si Saint sa kung anuman ang
ginagawa niya doon. Pero dahil medyo matagal siya, nahiga na lang ako sa kama. I
was fiddling with my phone when there's a notif.
saint_gdl posted a new photo
Agad kong binuksan iyon.

Kabanata 34

#JTSThreatened

Kabanata 34
Nagsimula na iyong klase. It was... weird. And sad. Wala na kasi sila Kuya dahil
graduate na sila. Para tuloy biglang sobrang tahimik ng buhay ko. Dati kasi umaga
pa lang ay maingay na dahil guguluhin na ako ni Kuya... Tapos ngayon wala na.
Sobrang tahimik.
Ang boring na tuloy.
"You okay?" Saint asked.
I nodded and smiled at him. Ayoko naman kasi na mag-alala siya. Kagabi, sinabi ko
kasi kay Papa na magpapahatid na lang ako kay Manong sa school. Graduate na kasi si
Kuya kaya hindi na pwede na sabay kaming pumasok... Tapos ayoko naman na kay Saint
ako sumabay dahil baka malaman ni Kuya tapos mas lalo lang hindi magpakita sa akin
iyon. Kaso ang sabi ni Papa, kay Saint na lang daw ako sumabay. Sinabi niya sa akin
na hindi daw talaga tungkol sa akin iyong problema ni Kuya.
And it only made me sadder. Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin? Kapatid pa
rin naman niya ako. Baka makatulong ako...
"Smile," Saint said.
"Naka-smile naman ako."
Inilagay niya iyong dalawang daliri niya sa mukha ko tapos sinundot iyong pisngi
ko.
"You're frowning," he said tapos pinisil naman niya iyong mukha ko. "Positive
thinking attracts positive energy. Ikaw ang nagsabi sa akin niyan, 'di ba?" he
asked and I nodded. "So smile, Mary. Magbabati din kayo ng Kuya mo. But for the
mean time, smile for me muna. Alright?"
I looked at Saint and sighed. He's right. Magiging maayos din kami ni Kuya. I was
praying for that. Pero habang hindi pa rin niya ako kinakausap at busy pa rin siya
sa kung anuman ang ginagawa niya, I would try to continue living my life. I knew
Kuya would want me to. Palagi niya akong pinapaalalahanan sa grades ko, e. He's
always nagging me to study and he's always reminding me na dapat daw wala akong
bagsak kagaya niya.
I missed his loud mouth.
"May training na kayo?"
Saint nodded.
"Agad?"
"Yeah..." he said. "Psalm graduated so Austin's the new captain. He'll be giving
the new set of rules and drills."
Wala na rin pala si Psalm. Siya pa naman iyong pinaka-kasundo ko sa mga
magkakapatid. Masyadong tahimik kasi si Cohen tapos si Austin naman... never mind.
Walang mangyayari sa aming dalawa dahil pareho kaming hindi mahilig magsalita
unless kinakausap kami ng kasama namin.
"Talaga? Hindi ba coach?" I asked. Para naman kasing ang dami na biglang
kapangyarihan ni Austin kung siya na pala ang magbibigay ng drills at rules nila.
Tuwi kasing nanonood ako ng practice nila, napapagod ako kahit nakaupo lang naman
ako. Takbo kasi sila nang takbo tapos minsan nagsisikuhan pa sila. Ako 'yung
nasasaktan sa mga nakikita ko, e.
Saint nodded.
"Basically, we're his-for the lack of a better term-bitches."
Nung makapagpark na kami, sabay kaming bumaba ni Saint.
"You still haven't sent me your sched," sabi niya sa akin. Ihahatid niya raw kasi
ako sa classroom ko. Sobrang clingy kaya niya. Akala ko clingy na ako sa aming
dalawa pero nare-realize ko na mas clingy si Saint. He's always the first one to
message me, to hold my hand, to ask me to go out. Nakonsensya tuloy ako. Was I
unaffectionate? Baka kasi isipin ni Saint na sobrang dense ko. Sabi rin kasi nila
Kuya dense daw ako... Parang hindi naman masyado. Napapansin ko na kaya kapag
double meaning iyong ibang sinasabi ni Saint!
I just recently found it ironic... Saint's not a saint, after all. He's too naughty
to be one.
"Hindi mo rin kaya binigay 'yung sa 'yo," I replied.
"Binigay ko kaya sa 'yo 'yung sched ko last sem pero wala ka namang ginawa," he
retorted.
"Ang layo kasi ng building niyo."
He snickered.
"Bakit ako pinupuntahan naman kita palagi?"
"Hala, nansusumbat ka ba?"
Umiling siya.
"Nagpaparinig lang," sabi niya. "Puntahan mo naman ako sa room."
Gusto kong matawa kasi ang cute ng mukha ni Saint. Mukha siyang bata na
nagmamakaawa na makakuha ng lollipop. Kulang na lang magpout siya.
"Bakit ako pupunta?"
From our spot, nakikita ko na iyong building ko. Gusto ko tuloy bigla na bagalan
iyong paglalakad namin dahil nag-eenjoy ako sa ganitong usapan namin ni Saint. I
liked our random talks. I liked our nonsensical topics. I just loved spending time
with him kahit na minsan sobrang trivial na lang ng mga ginagawa namin.
"Well, my friends want to see you."
"May friends ka bukod sa teammates mo?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Hey, I'm friendly," he retorted. Hindi kaya masyado. Si Psalm kaya ang pinaka-
friendly sa kanila. May mayabang vibes kasi talaga si Saint kaya hindi ko masisisi
na naiilang sa kanya iyong ibang mga tao, e. Kahit nga sila Liza at Kath dati
nagulat na magkakilala kami ni Saint. He's that distant and unapproachable for most
of my schoolmates.
"Okay..."
Pero parang mas napasama lang ako sa sagot ko.
"I have friends outside basketball," he said again.
"Okay na nga," I said.
"Bakit ayaw mong maniwala?"
"Bakit ang kulit mo?"
Hanggang sa makarating kami sa harap ng classroom, ito ang pinag-uusapan namin. It
may seem trivial and unimportant but I don't know... these small moments with Saint
were really special to me. Mas naaappreciate ko kasi siya kapag ganito. That no
matter how uneventful life was with me, he chose to stick around.
That we needed not be a tragedy to be immemorial.
"Fine," I huffed. "I'll visit you later. Okay na?" I said para tumigil na siya. He
could be really annoying when he wanted something.
He nodded and beamed. Sumilip siya sa room tapos kunut-noo na tinignan ako.
"Do you want me to stay first? Kath and Liza's not here yet," he said at saka
tumingin din ako sa loob at wala sila.
Saint just gave me a copy of his schedule. Hawak ko pa iyon sa kamay ko kaya
tinignan ko.
"May klase ka na in 10 minutes," I pointed out.
"Well, yeah..."
"Pumasok ka na kaya," I told him but he still looked unsure. "Sanay naman akong
mag-isa."
He frowned.
"Am I not clingy enough para masabi mo na sanay ka pa rin na mag-isa?"
My mouth went agape. This guy really had the knack for turning innocent remarks
into banats. Isa pa 'tong talent ni Saint bukod sa pagiging magaling niyang
basketball player.
"Ewan ko sa 'yo," I said. "Pero seriously, baka ma-late ka."
He looked at me that I had to assure him again that I would be fine. Sanay naman
ako na late palagi sila Liza kapag first day of class dahil normally ay galing pa
sila ng bakasyon sa ibang bansa. But they'd tell me naman kung hindi sila
makakapasok. And after a few minutes of push and pull with Saint, I finally managed
to convince him na pumasok na. Sobrang kulit.
Dahil wala pa naman iyong prof namin, pinanood ko si Saint mula sa balcony habang
naglalakad siya papunta sa building nila. It was just ten minutes walk from my
building pero kasi palagi kong kasama sila Kath kapag break at minsan nagdadaldalan
lang kami kaya hindi kami nakakapunta sa building nila Saint. But during the times
when Kath was still obsessed with Psalm, palagi naman kaming nandun.
Natawa ako nung biglang gumawa ng heart sign si Saint gamit iyong dalawang kamay
niya.
"Male-late ka na," I mouthed.
But he just beamed, showed me the heart sign once again, before sprinting to his
first class. Kulit.
--
The class ended pero hindi dumating si Kath at Liza. I tried sending them texts
pero hindi rin naman sila sumasagot... Ano bang nangyayari? Alam ko naman na malaki
iyong chance na hindi sila pumasok pero nagsasabi naman kasi sila usually...
Kinakabahan tuloy ako.
Break time na namin. Tinignan ko iyong sched ni Saint pero may isang class pa siya.
Ayoko naman itext siya na wala akong kasama kasi baka biglang maisipan nun na
magcutting class. Sobrang impulsive pa naman 'nun.
On my way to the cafeteria, nakita ko iyong field. Bigla akong nakaramdam ng
lungkot lalo na nung makita ko na may mga naglalaro ng soccer. Wala na roon sila
Kuya Benj, Kuya Jackson, si Kuya... at saka si Parker. Grumaduate lang naman sila,
alam ko, pero alam ko na malabo na na makita ko ulit sila. They're Kuya's friends
and he's not yet talking to me. Ang hirap naman nito. Parang Kuya ko na rin kasi
talaga sila.
"Kuya!"
Tumakbo ako nung makita ko si Kuya Benj. He was mindlessly walking. Mabuti na lang
at nakita ko siya.
"Hey!" he said, smiling. "First day?"
I nodded.
"Ikaw, Kuya? Bakit ka nandito?"
"Transcript," he answered. "Break mo?"
I nodded.
"Nasaan iyong dalawang kakambal mo?"
I sighed.
"Wala nga sila, e..."
"Why are you sad? Galit ba kayo?"
Umiling ako.
"Hindi pero pakiramdam ko kasi may hindi sila sinasabi sa akin, e."
I didn't know if this was just me being paranoid but it certainly felt like I was
missing out on something. At hindi naman 'to kagaya nung kay Kuya na aminado naman
ako na hindi ko siya napansin masyado dati dahil palaging si Saint ang kasama ko.
With Liza and Kath, we always had time for one another. Minsan nga over sharing na
iyong nagagawa namin. Mas maraming unsolicited but well-meaning advices. Tapos
ngayon wala... Complete silence from their ends.
Kuya Benj messed my hair.
"Over thinker ka talaga. C'mon, let's eat."
Dumiretso kami ni Kuya Benj sa cafeteria at saka bumili ng pagkain. He said na doon
kami kumain sa ilalim ng puno malapit sa field. Siguro namimiss niya na. Simula
elementary naman kasi naglalaro na sila ng soccer tapos ngayon dahil graduate na
sila, mas focused na sila sa work kaya syempre namimiss niya lang ang paglalaro.
Tinanong ko lang si Kuya Benj kung kamusta na siya. He's resting first but he'd
work for their business pero entry-level muna para raw mas maintindihan niya. All
these years kasi iniiwasan niya iyong business nila, e.
"E Kuya..." I trailed off. He looked at me with his brows arched. "Si Kuya?"
He laughed.
"Still?"
I nodded.
"Syempre kapatid ko 'yun kaya curious ako."
Tinignan niya ako.
"If I tell you... do you promise not to tell your mom?"
Kumunot ang noo ko.
"So I'll lie?"
"No. But you'll omit this."
I bit my lower lip. Hindi ako masyadong sanay magsinungaling kasi ayaw ko na
nadadagdagan iyong listahan ko ng ikukumpisal.
"Bawal ba talaga?"
He nodded. I sighed.
"Wag na... Ayokong magsinungaling kila Mama, e..." I said.
Kuya Benj smiled at me.
"You'll know in due time. Medyo magulo kasi talaga iyong Kuya mo kaya hindi niya
rin talaga alam ang gagawin niya ngayon. But when everything's in order, malalaman
mo rin."
"Pero okay naman si Kuya?"
He nodded.
"Okay. I'm good with that," I said. Basta alam ko na okay si Kuya, ayos na ako. I'd
just wait until he could tell me himself what's happening with him. But until he's
still being secretive with everything, I'd just pray for him. Iyon lang naman ang
magagawa ko dahil ayokong makielam kung ayaw niyang ipaalam talaga. He must've
reasons for doing so.
"Si Kuya Jackson, Kuya?"
"Ayun... bum life."
Natawa ako. Sobrang Kuya Jackson nga. Feeling ko nga hippie si Kuya Jackson, e.
Ayos na kaya sila ni Ate Jas? Kasi nung mga huling beses na magkasama kami dati
parang may hindi ayos, e... Pero sana ayos na sila. Sayang naman iyong 3 years nila
kung sakali. At saka sobrang bagay kaya sila.
"Won't you ask about Parker?"
Napatingin ako sa kanya. I pursed my lips.
"Really? Not curious at all?"
I shook my head but his teasing smile told me that he didn't believe me. Baka hindi
nga believable... Kasi curious naman talaga ako sa nangyayari kay Parker. It had
been almost a month since we last talked. Ano na kaya ang nangyayari? Ayos lang
kaya siya? Masyado naman kasi niyang tinotoo iyong hindi niya na ako guguluhin...
Akala ko nga inunfriend niya na ako sa facebook, e. Pero hindi lang pala talaga
siya active.
"Well, even if you're not curious, sasabihin ko pa rin sa 'yo na ayos si Parker."
Napatingin ako sa kanya.
"He's in Cali for about a month now. Before leaving, he apologized to Cindy for
being an ass to her but he didn't take her back kahit na nakipagbalikan si Cindy.
He told her that he's not in love with her anymore and that he's really sorry that
he hurt her."
Hindi ako nakasagot.
"That guy... he's really trying to turn things around," Kuya Benj said. "Have you
talked to him since he went to Cali?"
Umiling ako. Kuya Benj patted my head.
"Talk to him. He might need a friend."
--
Hanggang sa matapos iyong break ko at ihatid ako ni Kuya sa room, nasa isip ko pa
rin iyong sinabi niya. Bakit ako? Marami namang kaibigan si Parker... pero alam ko
rin naman na hindi siya kumportable na magsabi ng mga problema niya sa ibang tao.
He told me that I was the only person he's truly comfortable with.
Haaaay.
Mabuti na lang interesting iyong next class ko kaya doon napunta iyong focus ko.
Hindi synchronized masyado iyong subjects namin ni Saint kaya sa hapon pa kami
magkikita. But as soon as my class ended, sa building niya agad ako pumunta. Baka
kasi konsensyahin na naman ako noon kapag hindi ko siya binisita sa building niya,
e.
The foreign affairs building was just 4 floors. Mababa sa usually 10 floors
building sa SCA. Para kasi 'tong elite building dahil sobrang kaunti lang ng
estudyante. Usually pa mga foreigners, half-bloods (parang si Snape), anak ng
diplomats kagaya ni Saint at mga GDL, o kaya naman mga gustong sa DFA magtrabaho.
Umakyat ako sa 3rd floor kasi doon iyong klase ni Saint according to his schedule.
In five minutes matatapos na iyong klase niya kaya balak ko na sa labas na lang
maghintay. Nung tapos na iyong klase nila, nagsimula ng maglabasan iyong ibang mga
tao pero wala akong Saint na makita. I tried to wait for a little more while pero
wala talaga kaya nagpagdesisyunan ko na pumunta na lang doon.
The door was open and there was Saint... but he was talking to someone.
And he was laughing with her.
And I didn't like what I was seeing.
Nakatayo lang ako doon, waiting for him to take notice that I was here pero ilang
segundo pa ang lumipas at patuloy lang siya sa pakikipag-usap doon sa babae. I
pursed my lips and took deep breaths. Why was I thinking this way? Kaibigan lang
naman ni Saint iyon. I should stop whatever I was feeling because it wasn't good.
After a few minutes, Saint finally noticed me.
"Hey," he said. "Kanina ka pa?"
I shook my head. Dagdag na naman sa listahan ko.
"I'll just get my things," sabi niya pero pagbalik niya, kasama niya na iyong
babae. I tried to look unfazed but it was hard when someone as good looking as this
girl was standing in front of me. Biglang nanliit ako dahil mas matangkad siya sa
akin. "Mary, Dani. Dani, this is Mary. She's real, I told you!"
Dani, the girl, smiled at me. She was tall and her skin was tanned and her teeth
was really nice. Pareho siguro sila ni Saint ng dentist.
"Hi!" she greeted. "I'm Dani, the best friend. You're the future girlfriend,
right?"
Hala, Imo. Bakit ganito iyong nararamdaman mo? Nagpapakilala lang naman iyong tao.
"Hello," I greeted back. Iyon lang iyong nasabi ko dahil busy ako na patigilin
iyong masamang naiisip ko. I should really stop thinking like this.
I didn't know if Saint noticed that I was a tad uncomfortable but he got my books
from my hands.
"Anyway, we'll go first. Good luck sa first day, captain," he said and then winked
at Dani.
"Don't be such a bitter arse, Saint. You'll be the captain next year. Let Austin
enjoy his reign," she said and then looked at me. "Hope to see more of you soon,"
she continued and then smiled.
Sasakay sana kami sa elevator pero sabi ni Saint maglakad na lang daw kami para ma-
exercise ako. Habang pababa kami, tahimik lang ako. I was chastising myself.
"Are you alright?"
I nodded and smiled faintly.
"Napagod lang ako siguro."
So instead of hanging out, hinatid na lang ako ni Saint sa bahay. Bumili muna kami
ng pagkain sa at nagtakeout dahil pagbalik niya sa school, diretso training na agad
siya. Sinabi ko naman sa kanya na magpapasundo na lang ako sa driver pero ayaw
niya, e.
"Baka ma-late ka," I worriedly told him. Nakita ko kasi na 10 suicide 'yung
pinapagawa kapag na-late sa practice nila. Isang suicide pa nga lang napapagod na
ako, e.
"It's alright," he assured me. "You? Are you alright? You seem bothered about
something."
Umiling ako at saka pinaglaruan iyong froyo ko. Iyon lang kasi ang kinakain ko
kumpara kay Saint na isang malaking burger at milkshake tapos may fries din siya.
Pero ayos lang naman na malakas siyang kumain kasi sobrang din naman siyang
magtraining.
"Kailan pa kayo best friend ni Dani?"
There. I asked it.
"Hmm... we transferred here in the Philippines when I was 5 years old so roughly,
we've been friends for 15 years? She's from the same village and she's the captain
of volleyball team so we always see each other. Why?"
Tapos sasabihin niya na ako iyong dense sa aming dalawa. Siya nga diyan hindi
nakakapansin, e.
"Wala," I said. "Bilisan mong ubusin 'yang milkshake mo, gagawa pa akong
assignment."
"Tinataboy mo ba ako?"
"Hindi. Madami pa akong gagawin," I said and then grabbed my bag at saka nilabas
iyong laptop ko. Nagkunwari ako na busy sa pagreresearch at saka hinihintay ko na
umalis na si Saint. 6:20 na kasi. 6:30 ang start ng training nila tapos magdadrive
pa siya pabalik sa school. Dapat umalis na siya ngayon.
"Hey," he said and when I didn't look at him, he cupped my face and made me look at
him. "Do you have a problem that I'm not aware about?"
I shook my head.
"You sure? Because if there's any problem, I'd like to talk about it. Do you know
that half of relationships are destroyed because of miscommunication? I don't want
to add to the statistics."
And as I stared at his eyes, bigla akong nalinawan. Why was I even bothering? It's
Saint. And he had always assured me about his feelings for me... kaya bakit ba ako
nagdududa?
"We're good," I said.
"Sure?"
I nodded and smiled.
"Sige na, alis ka na. Baka magalit pa si Austin. First day niya pa naman as
captain," I said and then smiled again para maniwala na siya na okay na ako.
After a few minutes, I finally convinced him that I was fine. Nung pumunta na ako
sa kwarto ko, sinubukan ko na magresearch para sa subject ko pero iyong kamay ko,
pilit na sa facebook pumupunta... I bit my lip as I stared at the search bar.
"Bahala na nga," I said to myself as I began going to Saint's facebook and then
typed Dani in his friends' list.
At biglang lumabas nga.
Daniella Valdez
I stared at the name for a few minutes before I closed my eyes and then clicked her
profile. I bit my lips as I scrolled down her timeline. I felt like a complete
loser for feeling this way. Best friend siya ni Saint. Bakit ba ganito iyong
naiisip ko? Tapos ang dami nilang pictures together, madalas kasama iyong pamilya
ng bawat isa. Marami rin silang video na naglalaro ng bowling tapos may isa habang
sumasayaw si Saint sa parking lot at si Dani naman ay tawa nang tawa.
And I was reminded again why prying into someone else's life was wrong. Kasi hindi
mo naman kailangang malaman pero pilit mong inaalam. Nasaktan ka tuloy.
Biglang pumunta ako sa profile ko. Wala kaming picture ni Saint. I never really
posted anything in facebook because it's too public. I mostly post things on
Instagram and not always blatantly. Madalas longshot o sideview o nakatalikod si
Saint... I didn't really feel the need to because I had always been secured. And
now, I really didn't want to post anything just because I was feeling threatened.
It didn't feel right.
But what was rationality in the feeble mind of jealous people? Kaya mabilis akong
namili ng picture namin ni Saint at saka pinost iyon sa facebook. Hindi ako
nakunteto at tinag ko pa talaga siya.
Haaay, Imo. Ano bang nangyayari sa 'yo?
But as I was about to close the tab, a notification caught my attention.
Parker Adrian Palma liked your post.

Kabanata 35

#JTSDelivery

Kabanata 35
My forehead was in a permanent state of crease when I saw Parker's name. It had
been a month already. Isang buwan na wala siyang paramdam. Ni ha, ni ho, wala
talaga. Tapos ngayon... ito? And of all things he could like, iyon picture pa
talaga namin ni Saint? Something was weird. Lahat na lang ng tao sa paligid ko ay
mayroong kakaiba... I wanted to ask them but I didn't want to push them. I knew
that they have problems of their own so I wanted to give them as much time and
space. But I was really worried. I just wanted them to be fine, kung anuman ang
ginagawa nila.
I clicked his name until I was redirected to his profile. Wala namang bago. Iyong
latest post sa wall niya ay noong isang buwan pa... But to return the favor, I
liked his latest post-which was a quotation related to soccer. Para lang naman
malaman niya na ayos na kami. A month had passed already and it seemed like he was
already working on bettering himself. Iyon lang naman kasi ang gusto ko. I wanted
him to admit that what he did was wrong... and what he asked from me was wrong. Why
would he ask me to choose him when all of his life, I was never an option? It was
too unfair.
And I like Saint. And I am happy with him. Bakit hindi makita ni Parker iyon?
But I guessed that everything's fine now. He already said his apology to Cindy and
he's working on his life now. And since he liked my post, I would take it na okay
na siya kay Saint... I was happy for him.
After that, I stayed true to what I told Saint. Dahil first day pa lang naman ng
klase at wala pa talagang masyadong binibigay na assignments, nag-advance study na
lang ako tutal sinabi ko naman sa kanya na marami akong gagawin, e. I felt really
guilty for acting out earlier. He didn't deserve that. Kaibigan lang naman niya si
Dani. Sa kanya na mismo nanggaling kaya bakit ako nagdududa?
"Imo naman..." I heard Papa said. "You need to eat."
Mama was adamant. Naka-tingin lang siya sa kawalan.
"Preston's fine."
"I need to see my son," matabang na sabi ni Mama.
Papa sighed. I knew it was a tough choice on his part... Papa had always been fair
in treating us all kaya nga mahal na mahal namin siya. And what was happening was
only putting him in a sore spot. I knew he wanted to respect Kuya's decision to
move out and also his discretion to keep everything a secret. Kahit nga ako hindi
ko alam, e. But based on Kuya Benj's words, I was guessing that the gravity of the
situation was really bad.
...but I also knew that Papa wanted to tell Mama. Especially when Mama's acting
this way. Buntis pa naman siya kaya hindi dapat sumasama iyong loob niya nang
ganito. Baka kung mapaano si Cayden.
"Imo..."
"Bakit ba ayaw mong sabihin? Pupuntahan ko lang naman siya. I just want to see for
myself that my son is fine!"
Natahimik kaming lahat sa mesa. Biglang nahulog mula sa bibig ni Riley iyong
chicken na kagat niya habang si Finley naman, hinatak iyong shirt ko. I looked at
him and faintly smiled.
"Mama's just worried," I told him. I didn't want them to think that our parents
were fighting. Finley had enough trouble at school. Baka mamaya isipin niya na ayos
lang magsigawan. And he's still very young and he had the tendency to mimic
actions... kagaya na lang ng pagiging mini-Saint niya ngayon. He's copying
everything about Saint. Magkapareho na nga sila ng haircut ngayon, e.
Papa didn't argue with Mama. He just let her walk all over him. Kami naman, tahimik
lang na nakikinig... although what I really wanted to do was to bring my brothers
back to their rooms. Hindi dapat sila nakaka-rinig ng ganito.
After a few minutes, they must have realized that we were there with them... na
naririnig namin ang bawat mga salitang sinasabi nila. They abruptly stopped upon
realization.
"Let's eat," sabi ni Papa.
And we all did as we were told. Sa mga ganitong panahon mas nakaka-miss si Kuya. If
he were here, sigurado ako may sinabi na iyon na nakakatawa para mawala iyong
tensyon. I really missed him already.
--
Days passed and the situation had only gone grave. Nagmamatigas si Mama na hindi
niya papansinin si Papa hanggang hindi sinasabi kung nasaan si Kuya. Our house felt
like empty fall walls and we were all trapped inside together with the deafening
silence. The only thing that made everyday bearable were the days spent with Saint.
He's the only thing I was looking forward to. Lahat na lang kasi sa paligid ko ay
may problema. My parents were in the middle of this cold war, my brothers were too
young to really understand anything, Kath was obviously hiding something... and
Liza. What's with her and Kuya Jackson? I really saw them once together! Pero nung
tinawag ko naman sila, hindi naman sila lumingon. It made me doubt kung sila ba
talaga 'yun... pero parang sila naman talaga, e...
"Do we have a problem?" I finally asked them. I tried to give them space and
privacy because I didn't want to pry into their lives especially if I could feel
that didn't want to divulge anything to me. Pero ilang araw na rin kasi and the
situation was only getting worse. At kagaya nga ng sinabi ni Saint, relationships
are most likely destroyed by miscommunication. Ayoko naman na mawalan ako ng
kaibigan... more so si Kath at Liza. I treasure them very much.
Kath looked at me and smiled.
"Wala, ah. Bakit mo naman naisip 'yan?"
"Kasi... you're unusually quiet," I pointed out.
"Grabe ka naman! Are you insinuating na madaldal ako?"
I nodded earnestly. She faked a laugh.
"I'm just not feeling it," she said and smiled faintly. "Time out muna siguro iyong
mouth ko."
I looked at her and I could see the exhaustion on her face so I didn't push it.
She'd tell when she's ready. I wanted to respect that because if I were in her
situation, I would also need all the consideration I could get from the people
around me.
Natapos iyong araw namin na puro tungkol lang sa academics iyong mga pinag-uusapan
namin. It was very unusual dahil mas nasanay ako na mga lalaki sa school o kaya mga
chismis iyong gusto ni Kath na topic. But lately, she's been very different. Pati
na rin si Liza. I was just really, really worried but I couldn't really do anything
but to show them that I was a willing ear in case na gusto nila ng makikinig sa
kanila.
Pakiramdam ko tuloy magiging puro flat 1 iyong grades ko sa lahat ng subject dahil
iyon na lang ang palaging pinag-uusapan namin nila Liza... We were even talking
about doing the project na due pa sa dulo ng sem! It was really weird... in a good
way since nagiging academically inclined na kami.
Nung matapos iyong mga klase namin, pumunta ako sa gym dahil sabay kami ni Saint na
uuwi. Si Papa kasi sinabi sa akin na kay Saint na lang ako sumabay, e. Sigurado
naman ako way niya iyon para sabihin sa akin na hindi talaga ako iyong problema ni
Kuya... At saka isa pa, mas pabor sa akin na hintayin na lang si Saint. Para kasi
akong nasasakal sa bahay lalo na kapag nakikita ko na hindi kinakausap ni Mama si
Papa.
Saan ba kasi nagsimula 'to? Sobrang okay naman dati... tapos ngayon...
Everything felt different.
And broken.
I just wanted everything to go back to normal.
Pagdating ko sa gym, nakita ko na iyong ibang basketball players na nagwawarm-up. I
was tempted to bring out my laptop para mag-edit na lang ako ng pictures. Isang sem
na akong nanonood ng basketball pero ewan ko, hindi pa rin ako ganoon ka-
interesado. 'Di kasi talaga ako palagay sa concept na nag-aagawan sila sa isang
bola e marami namang bola sa court. Nag-e-enjoy lang ako kapag si Saint ang
pinapanood ko, e. Tapos wala pa naman si Saint. I looked at my watch and realized
na baka nasa class pa siya.
I was in the middle of editing the pictures taken when we went to Batanes last
vacation. I suddenly became nostalgic. Ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas
pero parang ang tagal na.
"Hi."
Napatingin ako sa tao sa harap ko. Si Matty at saka si Cohen. Cohen smiled at me
and I smiled back. Sobrang parang baby pa kasi ng tingin ko kay Cohen kahit na mas
matangkad siya sa akin. Siguro kasi bunso siya sa GDL.
"Hi," I replied.
"Saint's not yet here," Matty said. I nodded. Obvious naman na wala siya. "Have you
texted him?"
Umiling ako. I didn't mind waiting. Besides, busy rin naman ako sa ginagawa ko kaya
okay lang kung wala pa si Saint. Sabi nga niya, it's okay for me to have a life of
my own. I was trying to do things without him para naman kapag wala siya, hindi ako
sobrang nalulungkot. Madalas kasing magtravel sila Saint. Dati, sobrang nalulungkot
ako but I was trying to cope up and adapt.
Matty looked at me like he didn't know what to say anymore. I was not a good
conversationalist and I felt sorry for him. Nag-e-effort naman siya na kausapin ako
pero hindi ko kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi naman kasi kami talaga
close. Madalas lang kami nagkikita dahil teammate siya ni Saint.
"Well, anyway, alis na ako," he said and then waved. I smiled at him.
Akala ko aalis na si Cohen pero naupo lang siya sa tabi ko. I was presuming that he
sat beside me dahil gusto niya akong kausapin pero nagulat ako nung kumuha siya ng
inumin sa loob ng bag niya. Nasa tabi ko pala kasi iyong bag niya kaya doon siya
naupo. Nagiging assuming na yata ako. Pero naputol naman agad iyong pag-iisip ko
nung mapatingin ako sa entrance ng gym at makita ko si Saint at Dani na sabay
naglalakad. They were talking about something and they were both laughing.
Apparently, I was staring too hard that Cohen decided to take notice.
"They're just friends," he said.
Napatingin ako sa kanya.
"I know," I replied.
"But you're looking at them weirdly."
"I am not."
He nodded. If not for the topic of our conversation, I would have found his
expression cute. He was looking at me innocently-with those round orbs of his. So
cute.
"Okay," he said with a shrug.
"Hindi nga," I said since halata na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"I said okay," sabi niya.
"But your face says otherwise."
Sasagot pa sana siya nung mapatingin na naman ako doon sa dalawa. Dani playfully
punched Saint's arms and Saint acted hurt.
"There it is," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "The doubting face."
"I said I'm not thinking anything! I know that they're just friends!"
Cohen smiled. Nasaan ba si Austin? Bakit hindi na lang siya ang tumabi sa akin?
Kailangan ko iyong pagiging tahimik niya at walang pakielam sa akin. I knew Cohen
meant well but I was already negotiating with myself tungkol sa bagay na iyon.
Sinabi na sa akin ni Saint na magkaibigan lang sila ni Dani. I was already trying
to make peace with the fact... I just didn't like for that fact to be shoved right
at my face.
Mabuti na lang at nakita ako ni Saint kaya pumunta agad siya sa akin.
"Hey," he said. He was smiling and I smiled back. "Kanina ka pa?"
I shook my head.
"You should've texted me," sabi niya.
"Okay lang. Kasama ko naman si Cohen, e," I said and smiled. Napatingin si Saint
kay Cohen tapos bigla namang tumayo si Cohen at saka nagjog papunta sa court. I
really didn't understand the dynamics among them. Close silang tatlo pero minsan,
parang hindi kabilang si Cohen. It was weird but maybe my observation was just
wrong.
Nung umalis si Cohen, doon naupo si Saint sa pwesto niya.
"You look different. Is there something wrong?"
"Wala," I replied with a smile.
"You sure? Because if you're not feeling well, I could drive you home."
"Magsisimula na 'yung practice niyo," I pointed out.
"I'm sure Austin would understand. Ayos ka lang nga?"
I nodded. Maybe I was just feeling down because of the things that were happening
recently. I just needed to quickly cope up with the changes. Hindi naman pwede na
palagi na lang akong down. Mas makaka-apekto lang ako sa mga tao sa paligid ko...
And my brothers needed me the most. My parents were already having problems. Kuya's
not around. I was the only person they got. I needed to be strong, at least for
them.
"Saint!" Matty called. "Start na."
He looked at me.
"I'm fine," I said. "Practice ka na."
He sighed and then hesitantly went to the court. I smiled and thought that
everything would be fine... because they needed to be fine. Otherwise, mababaliw
ako.
Habang naglalaro sila, napapatingin din ako sa kabilang side ng gym dahil nandoon
iyong volleyball team. Dati naman hindi ko napapansin si Dani... tapos ngayon kahit
saan ako tumingin, nandoon na lang siya palagi. Napa-buntong hininga na lang ako. I
didn't like what I was becoming. This was far from being healthy. I didn't like
harboring negative feelings because it was bad for my being... but I couldn't just
shake it off. Para kasing habang mas sinasabi nila na magkaibigan lang si Saint at
Dani, parang mas lalo lang nila akong binibigyan ng dahilan para magduda... Kasi
'di ba kung friends lang talaga sila, hindi na nila kailangang sabihin iyon dahil
kusa ko namang malalaman at mararamdaman...
Ang dami kong iniisip.
Kinuha ko na lang iyong laptop ko at saka nag-edit ng pictures. I continued and I
was again drowned in my own world. Napapa-ngiti ako habang nakatingin sa mga
pictures namin. Kuya was laughing while looking at Kuya Jackson. Nahulog kasi si
Kuya Jackson mula sa kabayo na sinasakyan niya. Sobrang babaw lang talaga ng
kaligayahan ni Kuya. I missed his smiles. Nasa QC lang naman siya. I was really
praying na matapos na iyong problema niya para naman mabisita ko na siya sa bago
niyang bahay.
I was already in the middle part of the pictures nung nandoon na ako sa pictures ni
Parker. Napa-hinto ako. Puro stolen shots kasi. Parang dati lang puro only me iyong
mga posts ko dahil alam ko na hindi pwede na public dahil may Cindy... tapos five
months later, wala ng Cindy sa buhay ni Parker... pero may Saint na sa buhay ko.
Ang bilis talaga ng panahon.
I shrugged the thought away and edited his pictures. I just adjusted the colors
para mas maganda sa mata. Nung matapos na ako, inupload ko na sa facebook kahit na
medyo nakakalungkot dahil masisira iyong quality ng pictures. I also tagged Kuya
Benj, Kuya Jackson, Ate Jas, pati si Kuya... At syempre si Parker din. I wanted him
to know na okay na ako dahil base naman sa mga sinabi ni Kuya Benj, he's moved on
already. Maybe it was high time that we become friends again.
Sa sobrang pagka-busy ko sa ginagawa ko, hindi ko napansin na tapos na pala iyong
training nila Saint.
"Hey," Saint said. Nasa harap ko na pala siya. He was wiping the sweat on his
forehead. "What do you want to eat?" he asked.
"Ramen," I said with a smile.
"Cohen, Austin, and Matty will join us. Okay lang?"
I nodded. The more, the merrier. Besides, na-mi-miss ko na sila Kuya Benj at ang
pagiging maingay nila. Maybe these guys could be my friends... if only I could stop
spacing out tuwing sinusubukan nila akong kausapin. They seemed fun to be with
naman kagaya nila Kuya Benj.
Doon sa Ford Everest ni Austin kami sumakay dahil hindi kami kasya sa Audi ni
Saint. Tapos si Cohen naman, wala pang car dahil bata pa pala siya. Baby pala
talaga siya ng GDL family kaya hatid-sundo talaga.
Habang nasa sasakyan kami, nag-uusap lang sila. I opted to keep quiet. Hindi pa
kasi ako ganoon ka-kumportable sa kanila lalo na at graduate na si Psalm e siya pa
naman iyong pinaka-ka-close ko.
"How many days again?" asked Matty.
"3, as usual," replied Saint.
"Do you think coach will agree if I'll go home early? Daming projects," Matty said.
Saint shrugged.
"I don't know. You know how coach is when it comes to teamwork shits," replied
Saint. Bigla naman siyang tumingin sa akin. "Mary, I know I promised that I'll
babysit Finley this weekend but we have a team building. Raincheck?"
Tumango ako... though Finley was really looking forward to spending time with
Saint. Stressed na kasi iyon sa school pati sa bahay, e. Iyong bonding time with
Saint na nga lang iyong hinihintay niya pero hindi rin naman responsibilidad ni
Saint at saka syempre may buhay naman siya.
During the dinner, they tried their best to include me in the conversation pero
hindi ako maka-sabay. May history na kasi sila na magkakaibigan, e... Mas lalo ko
lang na-miss sila Kuya kahit na puro kalokohan lang sila. They were my people.
Nung pauwi na, doon na ako sumakay sa sasakyan ni Saint. One of his guards must
have driven his car to the resto. Tahimik lang ako habang pauwi. I was just humming
to the music and looking at the traffic outside. Who would have thought that
stranded cars could be so relaxing?
"Mary."
"Hmm?"
A beat.
"Nothing," he said. Napatingin tuloy ako sa kanya. He was just looking at me.
"Bakit?" I had to ask. He was being weird.
Umiling siya.
"Wala," he said but it was obvious that it wasn't the case. "I just hope that
everything will be back to normal. I don't like seeing you sad."
I smiled at him.
"It's been a month. Malapit na akong kausapin ni Kuya," I told him and he just
smiled at me. Pagdating namin sa bahay, nagpasalamat lang ako sa kanya at saka
pumasok na ako sa loob. I did the usual things and then checked my notebook kung
may kailangan ba akong gawin... pero wala na naman na. As I had mentioned, puro
academics related things ang ginagawa ko kapag kasama ko sila Liza at Kath. Wala na
tuloy akong gagawin kapag umuuwi ako sa bahay dahil sa school pa lang, natatapos ko
na.
--
Day passed by quickly. Medyo nagiging okay na si Mama dahil nakausap niya si Kuya
sa phone but that wasn't enough for her to talk to Papa again. Tapos sila Finley at
Riley naman, nagtatanong na sa akin kung ano ang meron kila Mama. Hindi ko naman
gustong magsinungaling sa kanila pero ayoko rin naman sabihin na nag-aaway sila
Mama.
Nung weekend na, buong araw nagta-tantrums si Finley dahil wala si Saint. Sumasakit
iyong ulo ko dahil ayaw niyang tumigil sa pag-iyak.
"Why?" tanong ko nung kalabitin ako ni Riley. He was holding a bar of chocolate.
"For Fin," he said. "So that he'd stop crying."
I smiled at Riley and patted his head. It was too much for my brothers. They were
still so little pero ganito na agad. I wished my parents would reconcile quickly
dahil naaapektuhan na iyong mga kapatid ko. And I wished Kuya was here to help me
dahil hindi ko alam ang gagawin ko kay Finley. He's already too much when he's not
crying... mas sobra kapag ganito na nagwawala siya.
Nung bandang hapon na, I gave up. Halos hikain na kasi si Finley sa pag-iyak so I
gave up my resolve and decided to call Saint. Ilang ring na pero walang sumasagot.
I was about to drop the call when someone answered.
"Saint-"
"Hey, I'm sorry I answered Saint's phone but he's currently occupied and you kept
on calling so I figured it was urgent..."
That was Dani. Isang beses ko pa lang naman siyang nakausap pero kabisado ko na
agad iyong boses niya.
"Do you need him? I can run to the court para ibigay iyong phone niya," she said,
worry was laced in her voice.
"Ah. Hindi na," I replied dryly. But I tried to put color in my voice. I didn't
want her to think that I was thinking otherwise... Naiintindihan ko naman kung
bakit niya sinagot. And besides, they had been friends for over 16 years. I was
pretty sure boundary lines had been blurred already.
"Oh. Okay. Sabihin ko na lang na tawagan ka?"
"Wag na," I replied. "Sige, bye..."
After dropping the call, I took a heavy breath. Ano na, Imo? You're already turning
into someone you never wanted to become...
I spent the entire afternoon playing with Finley. I brought them to the village
park at thankfully, may ibang mga bata doon kaya nakipaglaro si Finley at Riley. I
watched while they were playing. I was just too thankful na tumigil na sa pag-iyak
si Finley because I was already starting to get worried dahil baka hikain na siya
sa sobrang pag-iyak. My parents were out dahil nagpa-check-up si Mama sa OB... and
I didn't want to call them because I wanted them to spend time together dahil baka
matapos na iyong cold war nilang dalawa-na one-sided lang naman dahil si Mama lang
naman ang hindi namamansin kay Papa.
Nung pag-uwi namin, I was so exhausted that I slept early... pero nagising ako ng
bandang eight ng gabi. My stomach was grumbling that I decided to go down and eat.
Sarado na iyong ilaw and I was thankful for the silence... buong araw kasing
umiiyak si Finley. Pagdating ko sa kitchen, binuksan ko iyong ref pero wala akong
magustuhan sa mga nandoon. Ayoko naman na gisingin pa si Manang para ipagluto ako
kasi mukhang maaga silang natulog... so I decided to grab the cereal box. Pero nung
lalagyan ko na ng gatas, wala pang kalahati ng bowl iyong nalagyan.
This day was proving to be frustrating. Matatapos na nga lang, hindi pa rin ayos.
So I turned my frustration to facebook. I just had to post dahil wala akong
mapaglabasan ng inis ko.
Kung kailan kita kailangan, at saka wala.
I didn't worry about posting dahil kakaunti lang naman ang friends ko... And I also
didn't check my notifications dahil puro comments ng mga babae na hindi ko naman
kilala iyong picture namin ni Saint na pinost ko.
...and I just felt worse. Dati kasi, sandali lang ay nagcocomment na agad sila
Kuya... sila Kath... But an hour already passed pero wala.
What had became of my life?
I was already feeling so bad when there was a call from the guard house. May
delivery daw para sa akin. I went out and saw a happy fresh delivery guy.
"Hi po," the guy said. "Mary Imogen Suarez?"
I nodded tapos may binigay siya sa akin na grocery bag tapos may pina-pirmahan.
"Order complete na po ba, Ma'am?"
"Ha?"
Nag-order ba ako habang tulog? Kaka-gising ko lang, e. Binuksan ko iyong grocery
bag at may tatlong box doon ng gatas. Napaawang iyong labi ko. I went inside and
checked the receipt... And there was Parker's name.
So I messaged him on facebook.
Mary Imogen Suarez: thank you.
And a few seconds later, he replied.

Kabanata 36

#JTSMoreQuestions
Kabanata 36

Papikit-pikit pa rin ako. He's typing. He's actually going to reply. After a month
of complete silence, nag-uusap na kami...
Parker Adrian Palma: You can now eat your cereal in peace
Mary Imogen Suarez: How did you know?
Ilang segundo ako na naghintay sa sagot niya pero puro typing... lang iyong
nakikita ko. As I was waiting, I poured myself a cup of milk. Might as well drink
this since binigay niya na naman sa akin... Kahit na nagtataka talaga ako kung
paano niya nalaman. And at the same time, I found it weird. Bigla tuloy akong
napatingin sa paligid ko kung may hidden cameras ba dito at nakikita lahat ng
ginagawa ko.
Parker Adrian Palma: I... have my ways.
Mary Imogen Suarez: You do realize that you sound creepy.
Parker Adrian Palma: I know. But at least you got your milk
Napa-ngiti ako. He was right... At least, something good happened. Akala ko kasi ay
wala ng magandang mangyayari sa araw na 'to. I knew I shouldn't focus on the bad
things but it was so hard to do kapag puro negatibo iyong nangyayari sa paligid mo.
It was like you're finding a needle in a stack of hay. It was practically
improbable but still plausible.
Mary Imogen Suarez: Well thank you.
Parker Adrian Palma: You're welcome.
Napa-titig ako sa screen ng phone ko pagkatapos noon. Biglang na-blangko ako kung
ano ang dapat kong gawin. It was so weird. Dati naman ay hindi kami nauubusan ng
pag-uusapan ni Parker. We could talk to each other about practically everything. He
was my confidant-well, he used to. Pero baka naman pwedeng maging close ulit kami.
We're still the same people. We still have the same memories together.
Pero bakit kaya ganoon? Kahit na gaano kayong katagal magkakilala ng isang tao,
dahil sa isang pangyayari, biglang mababago iyong lahat. From being friends, you
would be demoted to something depressing.
We used to be inseparable... but now we're just strangers with memories.
Parker Adrian Palma: Anyway, enjoy your milk.
He must've sensed my discomfort. Hindi ko naman kasi alam kung paano sisimulan.
Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko kasi alam kung saan magsisimula. Ang dami
kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin.
Mary Imogen Suarez: Okay. Thank you.
Iyon na lang iyong sinabi ko.
Parker Adrian Palma: Good night, Imo.
I smiled and sighed.
Mary Imogen Suarez: Good night, Parker.
It was a start, still. After a month, nakapag-usap na ulit kami. 'Life was still
good,' I thought as enjoyed eating my cereals. Nakatulog ako nang iniisip kung
paano nalaman ni Parker na kailangan ko ng gatas. Imposible naman na psychic
siya... Imposible rin naman na may hidden camera dito sa bahay dahil sobrang
invasion of privacy naman iyon. Pakiramdam ko tuloy may nagsasabi kay Parker kung
ano ang ginagawa ko... but that would be pushing it too far.
I should just be thankful that he was there for me. That he lent a hand when I
needed someone the most. Sobrang lungkot lang kasi talaga kahapon.
The next day, we attended mass. I was praying na sana maayos na iyong mga problema
ng mga tao sa paligid ko. At saka sana maging maayos na sila Mama at Papa dahil
sila Finley kasi iyong mas naaapektuhan. Kung okay lang sana kami ni Kuya, malamang
nagsumbong na ako sa kanya at saka humingi ng tulong. Nahihirapan kasi ako sa
kambal lalo na kapag umiiyak na si Finley. Hindi ko alam kung paano ko papatahanin.
Si Kuya lang ang may alam dahil siya naman iyong madalas mag-alaga sa dalawa.
We ate outside-which felt a little weird dahil sanay ako na kasama namin si Kuya at
siya madalas ang magdemand kung saan kami kakain. Since he left, the balance had
been disturbed. Para tuloy ang weird kahit na ginagawa lang naman namin iyong mga
nakasanayan na.
Pag-uwi naman namin, natulog iyong kambal dahil napagod yata. I also told my
parents na sa kwarto muna ako. Mas napapagod lang kasi ako kapag nakikita ko silang
dalawa na hindi nagpapansinan. Pagdating ko sa kwarto, gusto ko rin sanang matulog
pero hindi ko magawa. Wala rin naman akong assignments na gagawin dahil tapos ko na
lahat... Pati iyong pictures na-edit ko na lahat.
I missed my friends.
With that thought inside my head, I opened my facebook account. I was just quietly
browsing. It seemed like the other people were living their lives normally... good
for them. Si Kath, hindi nagpopost ng mga selfie niya kagaya ng dati. Liza's been
really mum lately, too. Sila Kuya Benj at Jackson naman, hindi naman talaga mahilig
sa facebook. Tapos pagdating ko kay Kuya, walang recent activities iyong account
niya.
Nafu-frustrate na ako pero buhay naman nila iyon. It wasn't as if I could force
them to tell me something. Feeling ko lang talaga alienated ako.
Tapos iyan pa. May mga pictures na naka-tag si Saint kaya nakikita ko sa newsfeed
ko. It was an irrational thought, really... Ilang beses na kayang sinabi ni Cohen
na friends lang si Dani at Saint pero hindi ko pa rin magawang tanggaling iyong
nasa isip ko. Nagconfess na ako kay father kanina tungkol dito pero umuulit na
naman ako. Mukhang magiging staple na ito sa list of things to be confessed ko...
Hindi ko kasi mapigilan talaga na magselos kapag nakikita ko mismo kung gaano ka-
close si Saint at Dani.
Picture lang naman iyon ng magkatabi sila habang nasa boodle fight. Tapos iyong
isa, partners sila sa sack race kaya nasa iisang sack sila. Too close for my
liking... but it was just a game.
But in order to drive the nasty thoughts away, bumaba na lang ako. Thankfully, wala
sila Mama sa baba dahil nahihilo ako sa tension sa pagitan nila ni Papa. Pumunta na
lang ako sa kusina at saka humanap ng mga gagamitin ko para sa muffin. I figured
that I should just channel all these energy into something positive. Kagaya nga ng
sabi ni father kanina sa sermon, it's always a matter of perspective... if we'd
choose to see the bad thing or the good thing in someone.
Hindi ako ganoon ka-galing sa pagbe-bake pero napapanood ko naman si Mama so I
believed I'd do well. I just placed the iPad in front of me and religiously
followed the steps. When I was done, I looked for mini-baskets. Dito kasi nilalagay
ni Mama iyong muffins niya. Madalas kasi siyang magbake tapos dinadalhan niya sila
Uncle Quin at Tobi madalas.
"Pa." Napatingin sa akin si Papa. "Alis lang po muna ako."
He nodded. He looked so tired.
"I left some in case gusto ni Mama," I said. He smiled at me. "Magiging okay din
'yan, Pa."
They were just words but sometimes, they mean everything.
Since I prepared 3 baskets of muffins, nauna akong dumaan kila Liza.
"Good morning, Tita," I said to Tita Jaq.
"Oh, Imo," she said and then sabay kaming pumasok sa loob. "Thank you," she replied
nung inabot ko sa kanya iyong basket of muffins. Napansin niya siguro na patingin-
tingin ako sa paligid kaya sinabi niya na, "If you're looking for Liza, she's in
the garden. Go there and I'll just prepare these for snacks."
Gaya ng sabi ni Tita Jaq, dumiretso ako sa garden... pero kumunot agad iyong noo ko
nung mapansin ko si Kuya Jackson. I wanted to call their attention but they were
rather... engaged in whatever they were talking about. Nag-uusap lang sila. They
weren't even touching but something felt awfully wrong.
Bakit nandito si Kuya Jackson? Kailan pa sila naging close ni Liza?
Ano na naman itong nangyayari?
I had all these questions inside my head but I couldn't address them. Was I
supposed to just go and ask them what was happening? What was I supposed to think?
I wanted to call Ate Jas para tanungin kung ano ang nangyayari but I knew I
wouldn't even be able to tell her what I just saw. Ang gulo. So I did what I had to
do. I told Tita Jaq that I had to leave. Hindi ko kayang kausapin si Liza and ask
her what she was doing.
"Tita, I'll get going na po," I politely said.
"You won't talk to Liza?"
Umiling ako. I bit my lower lip. I shouldn't...
"Tita, kasama po ni Liza si Kuya Jackson?"
Napatingin si Tita Jaq sa garden kung saan nandun pa rin iyong dalawa. Binaling
naman niya iyong tingin niya sa akin.
"Si Jackson?" she asked and I nodded. The smile on her face told me so many things.
"Nitong sembreak, yes, they've been spending time together. I think it started nung
iisang flight lang pala kami papunta sa Italy," she explained.
Was that the reason why I wasn't able to contact her during the duration of the
break? Dahil magkasama sila ni Kuya Jackson?
Ayokong mag-isip ng masama. Baka naman naging friends sila nung sembreak... Hindi
ko naman kasama si Liza palagi kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya kapag
wala siya sa paningin ko... And she's been my friend for so long. She wasn't the
kind to do ill things towards other people. At kagaya ko, alam niya rin na may Ate
Jas sa buhay ni Kuya Jackson.
She wouldn't do that.
I was trying so hard to convince that she wasn't that kind of person.
I said my goodbye again at saka pumasok sa sasakyan. I closed my eyes for a moment.
I knew there was a reason why they said that you shouldn't ask a question if you're
not ready for the answer... because I wasn't ready. I wanted to understand her.
Kaibigan ko si Liza and I knew there's a reason why. Kakausapin ko siya kapag handa
na rin siyang sabihin sa akin.
Pagpunta ko sa bahay nila Kath, si Tita Min iyong naabutan ko.
"Good afternoon, Tita," I greeted but I was... ignored? Tinignan lang ako ni Tita
Min at saka diretso na pumasok sa loob ng bahay nila.
Okay. What was happening? Nasa alternate universe ba ako? Hindi ko na maintindihan
talaga! Nung una, si Liza... tapos pati si Tita Min? Ano ba ang ginawa ko? Gusto
kong pumasok pero hindi ko magawa dahil masyado akong nagulat sa hindi pagpansin sa
akin ni Tita. Sigurado naman ako na nakita niya ako. Binati ko naman siya at
napatingin siya sa akin. She knew I was here but I was blatantly ignored... But
why?
With the basket of muffins still in my hand, tinawagan ko si Kath. I was silently
praying that she'd pick-up because I wanted to ask her if there's something I did
wrong. May nagawa ba ako sa kanya o sa Mama niya para hindi ako pansinin ni Tita
Min because I would apologize. I wouldn't intentionally hurt her or her mother...
But she wasn't picking up my calls.
Mas lalo lang sumasakit iyong ulo ko.
Gusto ko na sanang umuwi dahil parang sasabog na iyong isip ko sa pag-iisip sa mga
nangyayari. Why was Liza with Kuya Jackson? Alam ba iyon ni Ate Jas? Bakit galit sa
akin si Tita Min? Nasaan ulit si Kath? Si Kuya, kailan siya magpapakita? Kailan
magiging okay ulit sila Papa? All these questions begging to be asked but I had no
answer. I had none to offer. It was sending me into an overdrive.
"Nandito na po tayo."
Napatigil ako sa pag-iisip nung sabihin ni Manong na nasa bahay na kami nila
Parker. Since he's in Cali, I figured I'd thank him for the milk pero kila Auntie
Kach ko na lang ibibigay. She'd always liked muffins dahil palagi siyang binibigyan
ni Mama.
"Good afternoon po," bati ko. "Si Auntie po?"
Napa-kunot iyong noo ni Manang.
"Ay, Ma'am, nasa Amerika po."
Kumunot din tuloy iyong noo ko.
"Sila din po?"
Tumango siya.
"Sila pong tatlo nila Ser Tripp. Nauna po sila Ma'am at sumunod na lang po doon si
Ser Parker dahil hinintay pa po iyong graduation," paliwanag ni Manang.
Bakit nasa Cali din sila Auntie? Sa pagkakakilala ko kay Auntie, sobrang workaholic
niya kaya hindi ko maintindihan kung paano niya magagawang iwanan iyong law firm
nila. Mas lalo lang tuloy na nadagdagan iyong mga tanong sa isip ko.
Ibinigay ko na lang kay Manang iyong muffins at saka nagpahatid pabalik sa bahay...
but before we even reached the house, I asked the driver to pull over. Dumiretso
ako sa park at saka naupo doon sa swing. Ayoko lang kasi na pag-uwi ko sa bahay,
sila Mama na naman iyong maaabutan ko. I needed some silence. And fresh air.
And Saint.
I needed to talk to Saint.
Inilabas ko ulit iyong phone ko at saka sinubukan siyang tawagan. I tapped my
fingers as I waited for him to answer my call. Alam ko naman na busy siya ngayon sa
teambuilding nila pero kahit isang minuto lang. I just needed to talk to him. I
needed to hear his voice. I needed to remind myself that amidst all the confusing
things and the questions lingering, there's still a reason to smile. I just needed
to hear him tell me that everything's going to be fine because I couldn't do that
for myself now. Litung-lito na kasi talaga ako. Mas marami pa iyong tanong kaysa sa
sagot.
But after few attempts, he didn't pick-up.
I closed my eyes and took a really deep breath.
"Kuya?"
I called Kuya Benj. Hindi ko makausap si Kath at Liza tapos pati si Saint, hindi ko
makausap. I was running out of options. I needed to talk to someone. I just
couldn't simply sleep it off.
"Yeah?"
"Nasan ka?"
"Cebu," he answered. "Why?"
Napa-buntong-hininga na naman ako.
"Wala... Akala ko nasa Manila ka lang, e."
"You need anything?" he asked, worried.
"I just need to talk to someone," I replied. And it seemed like a very hard thing
to do.
"You tried calling Parker?"
"Kuya naman..."
"What? You need to talk to someone and I'm sure he needs to talk to someone, too,"
he explained. He'd been telling me a lot na kailangan ng kausap ni Parker. I was
beginning to get really worried.
"It's weird if I'll just call him all of a sudden," I answered. "And besides, it's
3am there."
I was pretty sure he had better things to do aside from listening to my ramblings
and hypothetical questions.
"Just... try. Malay mo sumagot," Kuya Benj said before ending the call dahil
tinatawag na siya ng Papa niya. He's in Cebu for groundbreaking ceremony of their
new gasoline station. Sila kasi halos ang may-ari ng gasoline stations sa Visayas
at Mindanao-one of their many businesses.
Umuwi muna ako sa bahay. Naglakad na lang ako dahil nasa loob na naman kami ng
subdivision. Pagpasok ko sa gate, nagulat ako dahil nasa labas sila Finley at
Riley. Naglalaro silang dalawa.
"Why are you two outside?" I asked them. They were still busy playing.
"Mama and Papa are fighting. We went out because they were loud," sabi ni Finley
habang nakikipaglaro pa rin kay Riley.
I sat down with them and hugged Finley but he said he's a big boy na. Tinabihan ko
na lang sila habang naglalaro sila. They seemed so carefree and so clueless about
everything that's happening. And I wished they'd stay the same. They're too young
to understand the reality.
Pinaglaruan ko na lang iyong cellphone ko habang busy iyong dalawa sa lego game
nila. I was trying to avoid facebook dahil baka makakita na naman ako ng picture ni
Saint and Dani and I had enough for this day. Hindi naman sa iniisip ko na may kung
anuman sa pagitan nila pero quota na talaga ako. I didn't need another reason to
feel down because I was already at my lowest.
"Ate," tawag ni Riley sa akin.
"Hmm?"
"Did you get the milk?"
Kumunot iyong noo ko.
"What milk?"
"Kuya Parker-"
Tinakpan ni Finley iyong bibig niya.
"That's a top secret!" he said.
"I can't breathe!" sabi naman ni Riley. "And your hand tastes salty!"
"Why did you taste my hand! It's not food, Riley!" sabi naman ni Finley tapos
nagtatakbo papasok sa bahay para hugasan iyong kamay niya.
"What do you mean Kuya Parker?" tanong ko kay Riley. I just had to look him in the
eyes and he'd tell the truth... Hindi kasi magaling magsinungaling si Riley. Among
us, he's the purest. And kindest. He's the total opposite of Finley.
He looked at me and sighed.
"Kuya Parker said that I should tell him about you..." Mas kumunot ang noo ko. "But
promise, Ate, I only tell him when you look sad! I don't want you sad."
Napa-ngiti ako. I hugged him. Pumapayat na siya ng konti.
"He's lying, Ate! Kuya Parker promised him a box full of chocolates! He already
sent Riley a box of twix!" sabi naman ni Finley tapos nag-away silang dalawa. Napa-
iling na lang ako sa kambal na 'to.
Mary Imogen Suarez: Riley's on a diet. Don't give him more chocolates.
It's already 40 minutes to 4am. I wasn't expecting that he'd answer.
Parker Adrian Palma: He snitched on me? Unbelievable.
Mary Imogen Suarez: He didn't. I just asked him. He doesn't lie, you know.
Parker Adrian Palma: I know... I should've asked Fin. He's the more devious one.
Napatawa ako. Finley sure was devious. He's following Kuya's footsteps. But I was
sure Finley wouldn't cooperate with him. Nabili na ni Saint ang loyalty ni Finley.
Kulang na lang maging Finley Angelo Gomez de Liaño na rin siya, e.
Mary Imogen Suarez: Well, anyway, thanks for... spying on me. But don't give
chocolates to Riley anymore.
Medyo natagalan iyong reply niya.
Parker Adrian Palma: Oh. Okay.
Mary Imogen Suarez: If you want to know what's happening, ask me instead.

Kabanata 37

Kabanata 37
#JTSBestFriend

It had always been a wonder how easy people can lie to one another... Because I had
tried lying but it didn't feel good. Nung unang beses na nagsinungaling ako kay
Kuya, sa sobrang lakas ng konsensya ko, I admitted my wrongdoing a few hours after.
Tapos isinama ko rin sa confession iyon. At hindi pa rin ako natahimik kaya
nagdonate pa ako sa foundation... At saka lang ako pinatahimik ng konsensya ko.
I had asked them a couple of times now pero palagi nilang sinasabi na okay lang daw
ang lahat. They lied over and over again na minsan nga naniniwala na rin ako na
okay lang ang lahat. But then I would remember that my brother's God knows where,
and Ate Jas refused to take any of my calls. Kaya paano kaya nagagawa nila Liza at
Kath sa akin 'yun? Not that they had the responsibility to tell me everything...
pero kaibigan ko sila, e. And somehow, I was affected.
"Liza, I tried calling you yesterday pero wala ka raw. I wanted to ask you to come
with me. Nasan ka kahapon?"
"Ah..." she said uneasily. "I was out."
"With?"
"With my mom," she said. But she was with Kuya Benj.
Why would she blatantly lie about that? Kung wala namang kung ano sa pagitan nila
ni Kuya Jackson, bakit siya magsisinungaling? She could've just said na magkasama
sila.
"Kath..."
"Hmm?"
I sighed.
"Do you know where Kuya is?"
She looked at me and just smiled. Didn't say anything but just smiled.
Hindi ko na talaga alam. Sinusubukan ko naman na habaan iyong pasensya ko pero
hindi naman ako santo. Mahaba man ang pasensya ko, may hangganan naman iyon.
"Do you want to hang later?" Kath asked me.
I shook my head.
"May lakad ka later?"
I nodded.
"Oh. With Saint again?"
Tumango ulit ako. It's just that I didn't want to sadden myself more. Tuwi kasing
nakikita ko sila, mas naaalala ko lang iyong mga bagay na tinatago nila. And hard
as I tried to not think about it, I still did. I overthink things. And it's bad.
It's really, really bad.
So I figured that instead of worrying myself over things that I had no control
over, I should just focus on other things instead. I was constantly praying for the
people around me but even I knew that I couldn't keep living that way. Dalawang
araw na nga akong may sakit, e. Sabi nung doctor stress and overfatigue lang naman
daw kaya konting pahinga lang, okay na ako. And maybe it was wrong to feel happy
that I got sick pero kasi medyo nagiging okay na sila Mama... They were talking-a
little, yes, but that's still an improvement. And that was because the doctor told
them that I shouldn't be stressed. E sila naman iyong malaking dahilan kung bakit
stressed at hindi ako makakain nitong mga nakaraang araw...
And Saint.
Well, since he found out that I was rushed to the hospital, agad niya akong
pinuntahan. Hindi pa tapos iyong team building nila pero umalis na agad siya. Naawa
nga ako kasi halos one week siyang pinapahirapan sa training nila pero sabi niya,
okay lang naman daw. Kaysa naman daw nandoon siya sa Tagaytay habang nasa ospital
ako. Pero pinagalitan ko nga siya dahil ang bilis niya raw magmaneho according to
Cohen. He beat at least three red lights! Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya
nahuli, e.
"Saint, I'm fine," sabi ko sa kanya. Nagkasakit lang naman ako, hindi naman ako
naputulan ng paa. Pareho sila ni Papa na sobra mag-alaga ngayon... Kung dati
maalaga na sila, ngayon triple pa yata.
"You sure?" he asked, his voiced laced with worry.
I nodded.
"Talaga? You still look pale," he said and then touched my cheeks. I smiled at his
gesture. Talagang nag-aalala siya sa akin.
"Yes," sabi ko at saka kinuha iyong libro ko mula sa kamay niya. Sinamahan niya
kasi ako papunta sa classroom, as usual. "Start na ng class mo, 'di ba?"
He nodded and then looked at his watch.
"Sige na, ayos na ako dito," I urged. Tatlong araw na kasi siyang nagpapalate dahil
sinasamahan niya ako sa classroom habang hinihintay ko si Kath dumating. Tapos
dahil hindi sobrang synched iyong schedules namin, minsan nale-late siya after
lunch dahil sinasabayan niya ako... Medyo nagu-guilty nga ako dahil hindi ko
nasasabi sa kanya kung ano ang problema ko.
"Alright," he said. "But lunch later, okay?"
I nodded and smiled. Pumasok na ako sa class at wala pa sila Liza. I just got my
book from my bag and read. At least dito magiging masaya ako. I was reading this
book called All The Bright Places. I originally bought this book dahil mukhang
kailangan ko ng something bright sa buhay ko to uplift my always sullen mood. And I
was instantly hooked. I was so emerged in the literary world na tuwing break time,
I tend to go somewhere quiet para magbasa.
"Mas interesting na ba iyong libro kaysa sa akin? Boring ba akong kasama?"
Ibinaba ko iyong libro ko at tinignan si Saint. His chin was resting on his hands
and he was sporting this puppy face at napailing na lang ako.
"You're practicing," I replied. Inabot ko sa kanya iyong gatorade niya at saka face
towel. "And besides, this book is good!"
"Better than HP?"
"That's unfair. You know that HP is the best!"
He laughed at then pinched my cheeks.
"I know, you adorable geek. Do you want to eat something after?"
I was about to say no dahil kailangan ko ng umuwi but then my stomach decided to
betray me. Napahalakhak si Saint at saka ginulo niya iyong buhok ko.
"Think about what you want to eat, alright?" he said before he jogged back to the
court. Sobrang higpit din pala kasi ni Austin bilang captain. Napapanood ko naman
sila dati na magpractice. Mahigpit din naman si Psalm pero ibang klase iyong higpit
ni Austin... Kahit ma-late ka lang ng kaunti, grabe na iyong punishment. Kaya sa
kanilang mga GDL, si Austin talaga iyong literal na ball is life. Talagang isina-
puso niya na.
As I was thinking about what food I wanted to eat (I was craving for samgyeopsal
but ribs sounded so good... and buffalo wings, too! Ang hirap mamili ng kakainin!),
my phone rang. It was Papa. Bakit kaya siya tumatawag?
"Pa-"
"Ate!"
My breathing hitched. My heart started beating erratically. Why was Finley crying?
"Fin? Why is your voice shaking?"
"Ate! Mama's gone!"
"What?"
"Mama! She left!"
Agad akong napatayo at saka kinuha iyong mga gamit ko. I was running until I
reached the gate of the school. I immediately hailed a cab. Wala na akong pakielam
kung pinagbabawalan ako na sumakay ng taxi dahil delikado raw. I just wanted to go
home as soon as I could.
"Fin? Pauwi na ako. Stop crying. Where's Riley?" I said after I gave the address to
the driver.
"He's crying but he's not talking, Ate... Is he okay? I'm scared. He's not saying
anything."
I closed my eyes and breathed heavily. I shouldn't panic. If I panicked, my
brothers would panic, too. And I was all that they had. Wala si Kuya. Kailangan
kong maging matatag para sa dalawang kapatid ko.
Our house was just a few miles away from the school but the drive felt like
forever. Sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko habang papunta kami sa school. I told
Finley to look after Riley. Sinubukan ko ring tawagan si Mama but she wasn't
picking up any of my calls. Hindi ko na talaga maintindihan. I thought they were
doing fine. Nag-uusap na nga ulit sila, e. Tapos ito?
I also sent Saint a text. I told him that I went home already and that I'd explain
later. I didn't want him worrying. I made him worry enough already.
Pagdating ko sa bahay, agad akong nagbayad at saka tumakbo papasok. Nakita ko si
Manang na may winawalis na nabasag na baso. I wanted to ask her what happened but I
needed to find my brothers first.
"Fin? Si Ate 'to," I said as I knocked on the door. Agad namang bumukas iyon at
saka nakita ko si Finley. He was still wearing his uniform and his eyes were red.
Bigla na namang sumikip iyong dibdib ko. My brothers were too young for this. They
shouldn't be seeing our parents fight.
"Are you alright?"
He nodded. His lips were quivering.
"I'm okay... Can you give Riley a hug?"
I smiled at him and then hugged him.
"Thanks for being a big brother to Riley. You did well. Your Kuya Saint will be
proud of you," I told him as I hugged him. Pinuntahan ko agad si Riley na nandun sa
isang gilid. He was hugging his knees and I could hear him whimpering. It shattered
my heart to see him crying like this.
I sat beside him. I didn't know what to tell him. I couldn't tell him that
everything's going to be okay because honestly, I had no idea... Akala ko dati
magiging okay na pero hindi pala. Akala ko okay na sila Mama pero hindi pala.
So we sat there together until they grew tired of crying. Papa wasn't home. Siguro
sinundan niya si Mama. I asked Manong to drive us to the nearest fastfood. We ate
there.
"But Ate..." Fin said. "We're not allowed to eat here."
"It's okay. Just for tonight," I said and then smiled at them. Ayoko pa kasi na
bumalik kami sa bahay. Apparently, Mama threw a fit and decided to destroy the
whole receiving area. I didn't know what went down but I was certain that it was
really serious. I didn't want to ask my brothers because I didn't want them to
relive the memories... Kakausapin ko na lang sila Manang mamaya pag-uwi namin.
We ate greasy burgers and filled our stomach with fries and soft drinks. We ate and
ate until we felt like bursting. If there was a mall open, we probably would've
went there pero wala na, e. But I did everything to appease my brothers.
An hour later, we went back home. They cleaned themselves first and then I helped
them do their homework. After that, I tucked them in their beds.
Bumaba na ako. Hinanap ko agad si Manang.
"What happened po?"
"Nako, hija..." Manang said apprehensively. "Hindi ko rin sigurado dahil nagluluto
sana ako ng hapunan nung bigla na lang akong naka-rinig ng sigawan."
I bit my lower lip.
"Tungkol saan po 'yung pinag-aawayan nila?"
"Hindi ko rin sigurado pero naririnig ko iyong pangalan ng Kuya mo..."
I prodded Manang for a little longer pero hindi niya talaga alam kung ano ang
pinag-awayan nila Mama bukod sa ilang beses nabanggit iyong pangalan ni Kuya. I
tried staying up until Papa arrived but he didn't.
I was beginning to get really worried.
"Ate, are you okay? You look like a zombie."
Napa-ngiti na lang ako. At least medyo okay na sila Fin.
"Finish your breakfast, okay?"
They both nodded and shifted their attention to their cereals. Hinanap din nila
sila Mama pero sinabi ko na lang na baka mamaya ay nasa bahay na sila. I didn't
know if they believed me but good thing that they didn't ask any more questions. I
didn't want to lie.
Dumiretso na ako sa school pero dumaan muna ako sa coffee shop. I wasn't a big fan
of coffee but I felt like I needed a cup if I wanted to survive the day. Halos
dalawang oras lang iyong tulog ko.
"Mary."
Napahinto ako sa paglalakad nung nakita ko si Saint na nakatayo sa harap ng
classroom. His forehead was creased and he looked like he wasn't able to sleep
well, too.
"Hi," I said with a weak smile.
He took a step forward.
"You okay?"
I shook my head.
"You need a hug?"
I nodded. And not a second later, he enclosed me inside his arms. Hindi ko alam
kung gaano kami katagal na nakatayo doon but I didn't care. I just needed this hug.
I had been pretending to be strong in front of my brothers but truth was, I wasn't
strong. I was weak. And like them, I needed someone to tell me that everything's
going to be all right.
And that was Saint. He's my rock. And I might not tell him this always but he's
really important to me.
Since it was still a bit early, Saint and I had breakfast. Maaga kasi akong pumasok
dahil hinatid ko sila Finley. 7am ang pasok nila pero 9am pa iyong pasok ko.
"Sorry," I said. "Hindi ako nakapagreply."
He pushed the plate of lasagna in front of me.
"It's okay," he said. "I worried a bit but I thought you might need space."
I smiled. He was right. Hindi ko rin siya makakausap kagabi. My mind was in a state
of chaos and I needed my space and silence.
"I'm just here if you need to talk to someone, alright?"
I nodded.
"But how did you get home yesterday?"
"Taxi," I replied.
"What? It's not safe!"
"I was in a rush."
"You could've told me."
"Nagpa-practice kayo."
"I can excuse myself."
"Austin's really strict."
He nodded.
"Yeah... he's a bit crazy when it comes to basketball. But he's not heartless.
He'll let me off if the reason's valid. At saka teka nga, the point here is that
you rode a taxi. You know how unsafe that is!"
And he proceeded to lecture me about the hazard of riding a taxi-much more dahil
babae ako at saka mag-isa ako. He's a little overprotective. But I was just
thankful that for a little while, medyo nalimutan ko iyong problema ko sa bahay.
That's Saint's effect. He's like rainbow and sunshine.
After he was done feeding me (he literally did feed me dahil mukha daw bigla na
lang babagsak iyong mukha ko sa lasagna), hinatid niya ako sa classroom.
"After class, I'll drive you home," he said and then gave me my bag.
"Pano 'yung practice?"
"I'll tell Austin."
"Papagalitan ka."
He smiled.
"You're worth it."
--
My classes ended peacefully. Kath and Liza tried asking me but like what they
always told me, I also replied okay lang ako. Medyo naiintindihan ko na sila. It
wasn't that I was lying... I just didn't want to talk about my problems.
I didn't feel comfortable talking about my family problems with people other than
my family.
When my classes ended, I was already waiting for Saint. Sabi niya kasi ay
pupuntahan niya ako sa classroom so I waited patiently. But 15 minutes later, wala
pa rin siya so I sent him a text saying na didiretso na ako sa room niya.
And I went there. Nakita ko si Saint na katabi si Dani. May isa pa naman silang
lalaki na kasama pero... Ewan.
They were doing something but Saint kept on glancing at his watch. And I just stood
there looking at them.
"Do you need to go somewhere?" Dani asked.
"Well, yeah... I promised Mary that I'll drive her home. She's probably already
waiting for me," Saint said.
Dani smiled at him.
"Sige na, go. Kaya na namin 'to."
Saint just looked at her apprehensively.
"Dani, what the f? There are so many revisions! We need all the help we can get or
we'll fail!" sabi nung isang lalaki.
"He'll be fast naman! He'll just drive Mary and then babalik na siya dito," Dani
said and then practically pushed Saint para tumayo.
"If we fail, that's your fault," sabi nung lalaki kay Dani.
"If we fail, then we'll take this next sem. Problema mo?" Dani replied.
Saint, however, still looked confused. So I fished my phone from my pocket and sent
a text.
'Manong already picked me up. Talk to you later,' I texted him and then turned
around and began walking. After a few minutes, my phone started ringing. Saint was
calling and I was torn between talking to him and just letting the phone ring until
the call ends. It's not that I didn't want to talk to him... But I had no space for
more drama. Dani was nice... but I...
I was jealous. And I didn't want to deal with more feelings. It was exhausting.
So against better judgment, I hailed a cab and went home. Pagdating ko sa bahay,
naabutan ko si Papa. Halos takbuhin ko na iyong daan papunta sa kanya.
"Pa!" I said.
He looked at me.
"Tapos na 'yung class mo?"
"Si Mama?" I asked instead.
"Nasa bahay ng Kuya mo."
Napaawang iyong bibig ko.
"What?"
Papa closed his eyes and then held the back of his neck. He looked like he hadn't
gotten even a wink of sleep.
"She insisted on staying with him. I just went here to get her some clothes."
Mas lalo lang umawang iyong labi ko.
"And you're okay with that?"
He smiled.
"She's pregnant, Mary. Her emotion's all over the place. I don't want to cause her
stress," was all he said but I knew he's still hiding something.
"Pati ikaw... kay Kuya ka na rin titira?"
He shook his head and then smiled at me.
"Of course not. Hindi ko naman kayo iiwan," he said and then went upstairs to get
Mama some clothes. Naiwan akong nakatulala. Did they just... separate?
And I stood there thinking about everything. I clenched my fist and stopped myself
from crying but tears kept on falling. Everything's falling apart. And I couldn't
do anything about it. I couldn't do anything to save my family because no one's
telling me anything. Ito na lang ba? Was I just supposed to stand and watch
everything get destroyed? That my once happy family's now nothing but memory?
Was this the end of everything?
I locked myself inside my room. I didn't want to talk to anyone anymore. I was
tired of pretending that I was strong because truth was, I wasn't. I was weak. And
I needed to be protected, too.
Hindi ko na alam kung ilang araw na akong nasa kwarto lang. I refused to go down to
eat. I skipped classes. I turned off my phone. I deactivated all my accounts. I
just wanted to avoid everyone.
I knew I was being unfair. My brothers needed me... But I also needed someone.
Pakiramdam ko sasabog na ako sa dami ng nararamdaman ko. Napapagod na ako. Gusto ko
na lang umiyak pero hindi na ako maiyak. Nailabas ko na yata lahat.
"Mary, hija, nasa baba si Saint," sabi ni Manang habang dinalan ako ng pagkain.
"Salamat po."
"Hindi mo ba kakausapin? Araw-araw ng nandito... Kausapin mo naman..."
"Tatawagin ko na lang po kayo kapag tapos na ako," I replied instead. Itinabi ko
iyong pagkain at saka nahiga ulit sa kama. I slept again because in sleep, I wasn't
in pain.
Nung kinagabihan, may kumalabit sa akin. Nakita ko si Riley sa harap ko. He was
handing me a phone.
"Parker?" sabi ko nung makita ko sa screen iyong mukha ni Parker.
"You look like..."
"A mess?"
He nodded.
"Bakit ka tumawag?" I asked, not bothering to even fix myself. Why bother? Si
Parker lang naman 'to. He'd seen me in worst condition.
"I know you have a problem and I didn't want to bother you but Riley begged me to
talk to you. Hindi ka raw kasi lumalabas sa kwarto and you're not even eating. He's
worried that you'll die."
"I'm eating," I replied. "And it's only been three days. I won't die."
"Yes, but Riley's definition of eating is different. A few tablespoon of rice isn't
considered as eating for him," sabi niya kaya napa-ngiti naman ako.
"Fine," I said. "Kakain na ako."
"Okay. There's a tray of food behind you. Kain ka."
I didn't want to but Parker was being pushy. Nag-uusap kami habang kumakain ako. He
didn't ask me about my problems-he didn't even tell me that things would get
better. He didn't say anything related to my problems. And I was thankful.
"I sent you an email," he said. "Buksan mo, bilis."
Curious, I got my laptop and opened my email account. There was a video attachment.
"If this is another video of a dancing cat-"
"It's cute! But it's not a video of a-"
I didn't hear the remainder of what he said because my eyes were focused on the
screen. It was freaking Daniel. Radcliffe. Saying. Hi. To. Me.
Holy-
"Oh, my dear," I said, breathless. "How-why?!"
He chuckled at my reaction.
"Well, I was really bored here and then I was walking mindlessly when I saw that
there's a play that he's starring in. I watched it and then after, I saw him
outside. I figured you'd want a hi from him."
"Of course! He's Harry Potter!" I said, freaking out.
He laughed again. Inulit ko iyong video ng paulit-ulit. It was just a simple
message but it lifted my mood.
"Thank you," I sincerely said. It was the first time that I smiled in weeks. I
needed this.
He smiled back.
"No problem," he said. "Don't worry your brothers again like that, alright? They're
really freaked out."
Three days pa lang naman akong nasa kwarto lang.
"Alright," I replied.
"Alright, I better get going," sabi niya. "And check your email again."

Kabanata 38

#JTSIgnored Kabanata 38
Sa lahat ng namana ko sa Papa ko, bakit iyon pang konsensya niya? Sobrang lakas
kasi. Hindi tuloy ako mapalagay dahil sobrang nagu-guilty ako dahil ilang araw ko
rin na hindi pinapansin si Saint... And it wasn't as if it was intentional. Because
it clearly wasn't intended. Gusto ko naman siyang kausapin din pero hindi ko alam
ang sasabihin ko. My mind was everywhere. And I didn't think I could talk about my
parents with him. That was a sore spot. And I didn't like sharing family problems
with people outside my family. Pakiramdam ko kasi na kapag problema ng pamilya,
dapat solusyunan sa loob din ng pamilya.
May narinig ako na katok kaya tumayo ako at binuksan 'to. Halos isang linggo na rin
pala akong nakaka-kulong sa kwarto. Mabuti na lang at wala pa akong absent bago ito
kaya nagagawa ko na hindi pumasok ng isang linggo...
"Ma'am, pinapa-abot po," sabi ni Manang tapos may binigay sa akin na paper bag.
Tinignan ko iyong laman at mga papel na naman iyon. My heart constricted inside my
chest. He was so good. He was too good! Paano ko pa siyang hindi papansinin kung sa
araw-araw na iniiwasan ko siya, palagi pa rin siyang pumupunta dito at dala niya
iyong mga notes sa klase ko? He was too thoughtful for his own good. And he wasn't
making it any easier to hold a grudge against him.
Agad kong binaba iyong paper bag at saka tumakbo palabas. Para akong biglang
nasilaw dahil medyo maliwanag sa labas. I had been camped up inside my room for too
long that my eyes had to adjust to the light.
"Saint!"
Pakiramdam ko bigla na lang akong madadapa dahil sa bilis ng pagtakbo ko.
"Saint!"
Biglang huminto.
"Cohen?" tanong ko na naka-kunot ang noo. "Nasaan si Saint?"
"He asked me to give you the notes," he said. Tumango ako. "Ah, he's sick, that's
why he asked me."
Napa-awang iyong labi ko dahil sa narinig ko. May sakit siya? Tapos hindi ko siya
pinapansin?
"Kailan pa?"
"Last Wednesday," he replied. "Complete ba 'yung notes? He'd get mad at me kung
kulang," he asked, worried. Matangkad lang talaga si Cohen pero halata na takot
siya sa mga kuya niya. I wonder why.
Tumango ako sa kanya at saka nagpasalamat. I was so out of it. I felt really guilty
dahil ilang araw na palang may sakit si Saint tapos ako ito, nagkukulong lang sa
kwarto ko. If it were me, sigurado ako na aalagaan ako ni Saint.
"Wait lang, ha? Don't move," sabi ko kay Cohen tapos mabilis akong umakyat sa
kwarto para magbihis. Good thing I took an early shower kaya nagpalit na lang ako
ng damit. Wala pang sampung minuto nung makababa ako. Pero napa-kunot ang noo ko
nung mapansin ko na si Cohen, ganun pa rin kung paano ko siya iniwan. "Bakit hindi
ka naupo?"
"You said don't move."
What? What's his problem?
"And so?"
He shrugged.
"If you say don't move, I won't move," iyon lang ang sinabi niya. "Can I move now?"
Napa-tampal na lang ako sa ulo. Ganito ba talaga kapag bunso? Masyadong masunurin?
Bakit hindi naman ganito iyong kambal? Sobrang gulo pa nga nila, e.
"Of course," I answered. "Didiretso ka na ba sa inyo? Pwedeng pasabay?"
He nodded at sabay kaming pumasok sa sasakyan niya. Habang nagda-drive siya, bigla
kong naalala na wala man lang akong dala kahit na ano. I immediately asked him to
stop at the nearest supermarket para makabili man lang ako ng kahit prutas.
"Gusto mong sumama?" I asked Cohen dahil naka-upo lang siya habang nagtatanggal ako
ng seatbelt.
"Can I?"
"Of course," I said. Why did it feel like he needed to ask permission before he
could do anything? Ano bang meron kay Cohen? But it should be the least of my
priorities. Kailangan kong bilisan na bumili para mapuntahan ko na agad si Saint.
Pagpasok namin sa supermarket, agad na nakita ko iyong mga prutas dahil nasa bungad
lang naman sila. I got a basket but Cohen took it from me. GDL brothers are indeed
gentlemen. Not once pa akong pinagbuhat ng kahit na ano ni Saint. Unlike Kuya and
Parker na kahit mabigat ang dala ko, wala silang pakielam sa akin.
I was choosing from the range of fruits at nung kumuha ako ng apples para ilagay
sana sa basket, Cohen spoke.
"Saint doesn't eat apples," he said.
Napa-hinto ako. I bit my lower lip. Ganito ba ako walang alam sa kanya? Na kahit
mga ayaw niyang kainin, hindi ko alam? Pero siya, halos lahat alam niya na tungkol
sa akin...
Kumuha si Cohen ng saging at saka kiwi. "He likes these, though," he said and then
smiled at me. "If there's something you don't know, you can ask me... Or better
yet, ask Saint. He'll tell you anything."
I looked at him and somehow, I felt like I could confide in him. Wala rin kasi
akong makausap tungkol sa nararamdaman ko regarding what was happening with Saint
and I. Sina Kath at Liza, may mga sariling problema... Tapos si Parker naman,
ayokong pag-usapan namin si Saint because that felt so wrong.
But I guess Cohen's good. Pwede ko siyang kausapin. And he looked like he's really
concerned about what's happening between me and his brother.
"It's just that... I feel guilty. Hindi ko siya kinausap ng ilang araw tapos may
sakit pala siya."
"He understands," he said and then patted my head. Para pala kaming tanga dahil
nagda-dramahan kami sa harap ng mga prutas. "He's a very patient person, you know?"
"Talaga? Kahit sobrang illogical na ng ginagawa ko?"
"Like what?"
"Kahit ano..." I said and then stopped abruptly. Tama ba na i-open up ko na naman
iyong issue ko kay Dani? Palagi na lang kasing napapag-usapan. Palagi na lang ding
sinasabi sa akin na wala naman si Dani... That's she's just a friend but why
couldn't I shake this feeling off, still? It was haunting me.
"Whatever it is, I'm sure you can talk about it with him," he said with a smile.
Dumiretso na siya sa counter at binayaran iyong binili ko. Pinabayaan ko na siya
dahil wala naman ako sa mood na makipagtalo. My mind was arguing with itself. Ano
ba ang dapat kong gawin para mawala sa sistema ko iyong nararamdaman ko against
Dani? Should I befriend her? Baka kasi kapag magkaibigan na kami, hindi na ako
makaramdam ng selos...
Bahala na nga.
Pagdating namin sa bahay nila, agad akong kinabahan dahil nandito daw iyong Papa
nila. Kinakabahan ako kasi nga Ambassador ng Spain iyong Papa nila. Tapos hindi
naman ako masyadong magaling sa Spanish! Dapat talaga nagfocus ako nung language
class ko, e.
"Where's Pa?" tanong ni Cohen sa maid.
"Study room, Sir."
Cohen looked at me and smiled.
"You're safe. Papa won't come out when he's working. Saint's room is upstairs,
third door from the right," sabi niya at saka inilagay iyong paper bag sa kamay ko.
Umalis na si Cohen pero para akong naka-tukod sa kinatatayuan ko. Oh, my God. Ito
na talaga. Aakyat na talaga ako sa kwarto ni Saint. Huminga muna ako nang sobrang
lalim bago ako nagsimulang maglakad paakyat sa kwarto ni Saint. Nung una mabagal
akong maglakad pero nung naisip ko na makikita ko na si Saint, biglang bumilis
iyong mga hakbang ko.
And before I knew it, nasa harap na ako ng kwarto ni Saint. I was about to knock
when I noticed that the door was ajar.
"Kain ka na kasi!"
"Not hungry."
"But you need to eat! Mananalo ulit sila Thirdy kapag hindi ka naglaro next week!"
"So? He's your brother. You should be happy if they win."
Biglang bumilis iyong tibok ng dibdib ko nung marinig ko iyong boses ni Dani at
Saint. At bigla ring may humatak sa akin.
"Tara sa baba. We have new dogs," sabi ni Cohen na naka-ngiti. He gently pulled me.
Naglakad na lang ako ng naka-sunod sa kanya. This was a sign that I couldn't erase
this uneasy feeling I have with Dani. That as long as she's around, I'd have this
nagging feeling inside me-eating me up.
Pagdating namin sa baba, I tugged my hand from Cohen's.
"Ano... Uuwi na ako," I said with a small smile.
"You won't see him?"
"Busy pa siya, e."
Cohen looked at me and sighed.
"For every step he takes, you take two steps backward-without even asking for a
reason why. How will you meet half-way if you keep on doing that?"
--
Dalawang araw pa ang lumipas at nasa isip ko pa rin iyong sinabi ni Cohen. Pati
iyong pag-uusap nila Saint at Dani. Imbes tuloy na marami akong pahinga, mas lalo
lang akong napagod. Kakatapos lang ng first two subjects namin at nagsabi ako kina
Liza na may pupuntahan ako kahit sa totoo lang, pumunta lang ako sa gazebo para
mapag-isa.
"Hindi mo pa rin kinakausap?"
I shook my head.
"Bakit?"
I shrugged. I wanted to offer explanation kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa
rin kinakausap si Saint pero wala akong maibigay... Siguro dahil nahihiya ako sa
dahilan ko? Tuwi kasing maiisip ko siya, naiisip ko rin si Dani. And I knew it was
wrong to suspect anything dahil magkaibigan lang naman sila. But still, I was
jealous. I like him. I like him so much kaya hindi ba normal lang na magselos ako?
"I'll talk to him," I answered. "Soon."
"Galit ka ba sa kanya?"
"Hindi."
"Bakit ayaw mong pansinin?"
I pursed my lips.
"Pumupunta pa rin?"
I nodded.
"Everyday."
Simula nung gumaling na siya sa sakit niya, siya na ulit iyong nagdadala ng notes
sa bahay. And I felt guilty dahil pumapasok na naman ako sa class. Siguro lang
akala niya absent pa rin ako kasi pinagtataguan ko siya sa school.
Paano ba naman kasi? Sasabihin ko ba sa kanya na nagseselos ako sa best friend
niya? E 'di ba mas masama nga iyon? Kasi best friends lang naman sila tapos ako
lang naman 'to na kung anu-ano ang iniisip...
Ang overthinker ko. Nakakainis.
"And you ignore him everyday?"
"I don't ignore him. I always send texts telling him that I don't feel good and I
want to be alone."
I try to explain my side to Saint because I didn't want him to misunderstand me. I
just wanted some space to think about things. And I didn't think I'd be a good
company nowadays. Iyong kalahati ng pagkatao ko ay palaging lumilipad dahil palagi
kong naiisip sila Mama at kung kailan ba matatapos iyong problema namin.
"Is there... another girl?"
I pursed my lips.
"Is that girl Dani?"
Napa-tingin agad ako sa kanya.
"Bakit-"
"Of course I know them. We're all part of the varsity," sabi ni Parker. Bakit ba
kasi hindi ako athletic? E 'di sana common ground namin ni Saint iyon... Wala nga
yata kaming common sa isa't-isa, e. Palagi na lang siya ang nag-aadjust para sa
akin. "Pero siya nga?"
"And can we not talk about Saint?" I asked. I didn't feel comfortable talking about
Saint with him... It felt like betraying Saint. Kung anuman ang problema namin ni
Saint-or lack thereof dahil hindi naman kami nakakapag-usap lately-gusto ko sa amin
lang 'yun.
Parker then decided to let go of the topic. Iba na lang iyong pinag-usapan namin.
Nitong mga nakaraang araw kasi, siya lang iyong nakakausap ko. Nasasabi ko kasi sa
kanya iyong mga problema ko. He's familiar. He knew it all, too. Iyong tungkol kay
Tito Parker, iyong issue ni Kuya kay Mama. Alam niya na lahat. Hindi ko na
kailangang magpaliwanag pa sa kanya. Basta alam niya na. And it felt good.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan?"
He shrugged, too.
"Hindi ka nag-aaral?"
Umiling siya.
"So, tambay ka lang?"
"Not really. I'm helping Papa with the firm," sagot niya sa akin.
"Hindi ba maglalaw ka rin dapat?" I asked him.
He offered me a small smile and shook his head.
"Hindi ka na pinipilit?" I asked, my eyes widening. "Hala, bakit daw?"
Simula dati kasi, alam na namin pareho na one day, sa law school din ang bagsak ni
Parker. Wala kasing magpapatuloy ng law firm nila. E siya lang naman ang nag-iisang
anak ni Uncle Tripp at Auntie Kach kaya sayang naman kung mapupunta lang sa wala
iyong firm nila. Isa pa naman 'yun sa pinaka-sikat sa Philippines.
"Hindi na, e. Sabi nila, gawin ko na lang daw kung ano ang gusto ko," he answered.
And that was weird. Auntie Kach had always been adamant about Parker being a
lawyer... Something about him following the steps of Tito Parker. Ewan. Ang gulo.
Pero masaya ako for Parker kasi alam ko naman na hindi niya talaga gusto maglaw. He
wanted to be a professional soccer player pero dahil sa responsibility, alam niya
na mas dapat niyang unahin iyong law. Hindi ko lang alam kung ano ang nagbago sa
isip ni Auntie pero masaya ako for Parker.
"Sige, tinatawag ka na yata," I said nung marinig ko iyong boses ni Auntie Kach sa
background.
"Okay," Parker said. "And Imo?"
"Hmm?"
"Talk to him... or not. Whatever. But remember that being ignored doesn't feel
good," sabi niya bago niya pinatay iyong facetime namin.

Kabanata 39

I am writing another story--When It All Ends-- it's mafia-themed so if you're


interested with that kind of story, go check it out =) Also, please join my fb
group Eydee's Stories because I have a surprise for my lovely readers there soon x
--
#JTSQuestion Kabanata 39
Sabi nila, the best way to gain forgiveness is to truly repent for what you have
done and promise to never do it again... And I was done with that part. Kahit kaya
may pasok ako at medyo inaantok pa ako dahil tinuruan ko sina Finley sa lessons
nila dahil ayaw nilang pakinggan iyong tutor nila, pinilit ko pa rin na maabutan
iyong 5 a.m. mass. Pagkatapos nun, I asked for penance. Nangumpisal din ako. Basta,
I poured it out na. Medyo nahihiya nga ako kay Father kasi baka akala niya iniisip
ko na love doctor siya kasi puro si Saint ang binabanggit ko.
Pagkatapos nun pumasok muna ako sa school para sa first class ko. Dumiretso naman
ako sa supermarket pagkatapos. Since tapos na ako na humingi ng forgiveness kay
Lord dahil sa pagiging one-sided ko, si Saint naman ang aasikasuhin ko. Finally,
na-appreciate ko na rin iyong paglalagay niya ng schedule niya sa phone ko dahil
alam ko kung ano'ng oras ko siya pupuntahan. And I didn't want to come empty-handed
so I would cook for him.
And maybe for his brothers, too, because I knew I messed up big time. I pushed him
away when all he had done was to understand me. I pushed him because I was afraid
of my own feelings. I didn't like seeing him with Dani... kasi naaalala ko si
Cindy.
Paano kung...
No.
Ayokong isipin.
Nagfocus na lang ako sa ginagawa ko. Bago ako pumunta sa supermarket, nagtext muna
ako kay Cohen para itanong kung ano ang paboritong pagkain ni Saint. It was a
little weird that after all the months we spent together, ni paborito niyang
pagkain ay hindi ko alam. I felt really guilty so I promised that once we're good
again, I'd do everything to know every detail there's to know. Kahit gaano pa
kaliit, basta tungkol kay Saint, aalamin ko. It's only fair that I do that dahil si
Saint, lahat yata alam niya sa akin.
According to Cohen, Saint liked anything pasta. He's a pasta freak, sabi ni Cohen.
So I decided to cook Pasta Alfredo for him. Mukha naman siyang madaling iluto.
Magbe-bake din ako ng brownies. Sayang nga at wala si Mama, e. She loved baking.
I was pushing the cart when I saw Kuya Jackson... and Liza.
Bigla akong napahinto sa pagtulak at napa-tirik na lang sa kinatatayuan ko. Hindi
ko alam ang gagawin. Nung huling usap namin ni Liza, it wasn't really pleasant. I
just learned that Kuya Jackson and Ate Jas broke up tapos she's already hanging out
way too much with Kuya Jackson... Ayaw ko namang makielam but at the same time,
naaawa ako kay Ate Jas. They're all my friends and I didn't know where to put
myself in.
Kaya tumalikod ako. Kasi ayoko na may masabi na naman ako. Because words, once
said, can never be taken back. Nandyan na 'yan. Pinakawalan mo na. And no matter
how you apologize for what you have said, the fact remains that you meant every
word... That those harsh words are your pure, unadulterated thoughts... And that
spoke a lot.
"Imo."
Napa-hinto ako nung maramdaman ko iyong kamay ni Kuya Jackson sa balikat ko.
"Hey," he said.
"Po?"
"Bakit ka tumalikod?" he asked. Hindi yata nasabi sa kanya ni Liza iyong usapan
namin.
"Ah... nagmamadali lang po kasi ako."
"Really?"
I looked him in the eye and I saw that he saw through me. I grew up around him.
Alam ko na kilala ako ni Kuya Jackson kahit hindi kami madalas mag-usap... and it
bugged me that he did that. I looked up to him so much. Kaya kung niloko niya si
Ate Jas, I didn't think I could ever look him the same way again. Kasi cheating is
cheating. There are no gray areas. Once you commit yourself to someone, remain
faithful or at least, give the audacity to break off the commitment. Hindi iyong
bigla ka na lang magloloko. That's foul.
"I don't want to judge-"
"But you have already judged us," he countered.
I sighed.
"Kuya naman... Friends ko pareho si Ate Jas at si Liza. Ano'ng gusto mong gawin
ko?"
He looked at me but I couldn't read him. He had always been a mystery to me.
Mahilig lang talaga siyang kumain, iyon ang alam ko.
"Nothing," he said. "Because we're doing nothing wrong."
Halos malaglag iyong panga ko sa sinabi niya.
"Jas and I broke up because of indifferences. Liza and I are friends. We have a lot
of things in common."
"Friends?" tanong ko. "Friends lang?"
He nodded.
"We're friends," he repeated. "Bawal bang maging magkaibigan ang lalaki at babae ng
walang malisya? Why do you keep on putting colors everywhere, Imo?"
Hindi ko alam kung bakit ganito ang pinag-uusapan namin at biglang napunta sa akin.
"Hindi ako ang naglalagay ng kulay, Kuya Jackson."
"Then why don't you believe that we're just friends? Can't we hang out and not put
malice on it?" he asked.
"You can but-"
He cut me off before I could even defend myself. This was the first serious talk we
had and I couldn't believe that we'd be talking about this. Never kong inisip na
mangyayari 'to sa mga kaibigan ko. I never thought I'd witness cheating first hand.
I never thought my family would be apart this bad. I never thought things would
happen yet they did... and they just kept on happening, surprising me every step of
the way.
"Do you want to hear my thoughts?" he asked me. I pursed my lips. I didn't know if
I wanted to hear his thoughts because by the way he was looking at me, ramdam ko na
masasaktan ako sa sasabihin niya... Because as I have said, words do hurt. A lot.
Especially when they come from the people we hold dear.
And I felt like my heart was about to get rip out.
"I think that you think two people can never be just friends. Kasi ganoon kayo ni
Parker. That no matter how much you two pretend that you're just friends again,
alam mo naman sa sarili mo na hindi totoo. You pretend but deep inside, you know
that you're just lying to yourself. Kaya tingin mo sa lahat ng tao sa paligid mo,
pareho niyo. That we, like the two of you, are just pretending to be friends. Pero
hindi kasi ganon, Imo. Liza and I, we're just friends. For now. Malay ko kung ano
ang mangyayari? Pero sa ngayon, magkaibigan lang kami."
Hindi ako nagsalita. I couldn't even look him in the eye.
"That's also why you're jealous of Dani. Kasi kahit magbest friends lang talaga
sila ni Saint, you keep on putting colors kasi guilty ka."
Katahimikan.
"Because deep inside you, you know it's still Parker. And you're guilty. And you're
displacing your frustration on Saint. On me. On Liza. On the people around you."
Katahimikan.
"Don't do that. Don't be selfish. Don't hurt the people around you just to save
yourself. You're better than that."
Saka niya ako iniwan.
And I was right. My heart got ripped out from my chest. At inapakan pa niya.
--
Naka-higa ako sa kama. Naka-fetal position. Ilang oras na rin akong ganito lang.
Absent na naman ako. Hindi na ako magugulat kung bigla na lang akong ma-drop.
My phone kept on ringing. And ringing. And ringing. But I didn't want to talk to
anyone. Palagi na lang nilang sinasabi kung ano ang nararamdaman ko. Kung ano ang
sa tingin nila iniisip ko. I was tired of people deciding for me. Wala ba akong
sariling pakiramdam? Wasn't I allowed to become irrational and illogical once in a
while? Why should I live up to what people expect of me?
Huminto. Pero may kumatok. Tapos may bumukas.
"Mary."
Agad na napadilat iyong mata ko sa narinig kong boses.
"I know you're awake. I can see that you just opened your eyes."
Bigla kong nahigit iyong hininga ko.
"Can we talk?"
Tapos lumakas iyong tibok ng puso ko.
"You know that I don't really want to go to your room but you leave me with no
choice, Mary. We really need to talk."
Tapos naka-rinig ako ng hakbang.
"Cohen said that you were supposed to see me. I waited for you. Actually, the guard
and I waited for you. Nasarhan na ako ng gym kaka-hintay sa 'yo pero hindi ka
dumating."
Tapos isa pang hakbang.
"I waited for days. I waited for weeks. Hindi pa rin ba tayo pwedeng mag-usap?" he
asked. "If you don't want to talk, can I talk? Because I have all these things I
want to say, Mary. And I need to say them because I don't hold feelings in. That's
not healthy. I don't want to keep them and wait until I explode. Because that'll be
messy. And I don't want to mess anything up."
Isa pa.
"So can we talk? Before we have no choice but to explode because Mary, pakiramdam
ko mauubos na 'yung pasensya ko."
Tapos naramdaman ko na naupo siya sa gilid ng kama ko.
"How are you?"
Hindi ako makapagsalita. He's here. He's really here.
"I'm sure you're not fine and I want you to be fine. I always pray for your
happiness, Mary. Two weeks na pala akong nagdadasal na maging masaya ka. Palagay ko
naman pinakinggan na ako ni Lord. Masaya ka ba? Kasi ako, hindi ako masaya."
I bit my lip as I listened to him. I tried not to move. I was scared that he might
leave.
"Kamustahin mo naman ako."
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.
"Can I ask for a gift? It's my birthday."
Nanlaki iyong mata ko.
"Talk. Just please... talk to me. I f ucking hate this silence. I f ucking hate the
fact that you can't tell me anything. I f ucking hate that you can trust Parker
more than you can trust me. I f ucking hate all of it."
His voice broke.
"How long will you shut me out? Sabihin mo naman sa akin para alam ko. I want to
understand you but I don't know where to start. I want to understand that you can't
talk about your problems. Gusto kong intindihin, e... Pero hindi ko magawa kasi
bakit kay Parker, nagagawa mong sabihin? Ano'ng meron sa kanya na wala sa akin kaya
hindi mo masabi?"
I hugged my knees tighter.
"Mas una ka niyang nakilala, alam ko. And I can't do anything about that. But I can
love you better... pero pano ko gagawin 'yun kung hindi mo ako papayagan? Kung
tuwing susubukan ko na intindihin ka, ang una mong ginagawa ay tumakbo? Hanggang
kailan ba 'to, Imogen? Hanggang kailan mo ba ako papahirapan kasi nahihirapan na
ako. Nahihirapan na akong humabol sa 'yo kasi wala kang ginawa kung hindi takbuhan
ako.
"Huminto ka naman saglit para makahabol ako. Bibilisan ko 'yung pagtakbo para
maabutan kita... Pero please naman, bagalan mo. 'Wag mo naman akong takbuhan
palagi."
Gusto kong sumagot. I wanted to tell him that I wasn't running... I was just
hiding. Because my feelings scare me. They scare me too much. I barely made it
alive when Parker hurt me. Paano ko kakayanin kung si Saint ang gagawa nun? Can I
handle another heart break? Can my heart handle it again?
Ilang minutong walang nagsasalita. I wanted to hold him. I wanted to hug him. I
wanted to tell him that I was sorry.
"So please tell me... Hahabulin pa ba kita o hihinto na ako? Sabihin mo na sa akin
ngayon. Tell me so that I can re-start my life because I feel like my life stopped
when you walked away without even saying a word, Mary... Tell me so that I can
begin another year in my life without wondering kung ano ba ako sa 'yo."
"I love you."
Tapos ilang minuto ng katahimikan.
"You love me?"
I nodded. Would it hurt this bad if I didn't?
"Can you do something for me?"
I nodded. Tears were flowing. My heart was hurting.
"Can you erase him from your life? Because I can't ignore it anymore. I can't
ignore him anymore."
My breathing was heavy. I couldn't say a word.
"Tell me now so we can stop this or move on from this. Because I can't live with
the uncertainty anymore. Because whenever I'm looking at you, I can't help but
wonder if you're still in love with Parker. Because even here in your room, I can
still see him. He's f ucking everywhere and he's messing with my head."
And then he asked it again.
"Can't we be friends?"
Hanggang hindi ko pa alam. Kasi ang gulo. Ayokong magdesisyon kapag magulo...
because I might end up regretting everything.
He looked at me.
"We can't be friends. We can't be platonic. You're either the girl who makes me or
the girl who breaks me. Isa lang 'dun, Mary. So tell me... who do you want to be?"
Kabanata 40

**This chap is dedicated to Dani Lualhati. Happy birthday =)


#JTSFirstDay Kabanata 40
"Are you asking me to choose?"
Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya. Alam niya naman... that amongst all things
I didn't like, I hated choosing the most. I hated choosing because I hated
discarding anything. Paano pa kapag tao? I didn't want to hurt anyone. Most
especially him. That's why I didn't do anything all these time. Because I was
buying time. Kasi gusto ko kapag may ginawa na ako, sigurado na ako.
I didn't want to hurt anyone because I haphazardly chose... dahil lang kailangan
kong mamili.
"No. I'm asking you to save me, Mary. I feel like I'm drowning and the only way to
save me is if you'll choose to spare me or choose to go on." He looked at me and
sadly smiled. "But whatever your decision is, I'll try to understand. Palagi ko
namang sinusubukan, 'di ba?"
I looked back at him.
"I don't want to choose."
I didn't want to choose that moment. Everything was a mess. Our emotions were both
heightened. I was afraid that we'd both end up regretting the choices we made and
the choices we didn't make.
"But you have to, Mary. You have to choose. You can't string me along every time."
"I-I'm not stringing you alone, Saint," sabi ko. Naupo ako at saka hinarap siya. "I
love you, 'di ba? Hindi ako nagsisinungaling. Mahal naman talaga kita... kasi
sasakit ba ng ganito 'to kung hindi naman? Matatakot ba ako ng ganito kung hindi
naman?"
He cupped my face and caressed my cheeks with his thumbs.
"Okay, I believe you. Wag ka ng umiyak."
Pero tuluy-tuloy pa rin 'yung pagtulo ng luha ko.
"Bakit mo kasi ako pinapapili? Hindi ko pa nga kaya. Hindi ako kinakausap ni Kuya,
lumayas si Mama, kawawa si Papa, kailangan ako nila Finley, hindi ko makausap si
Kath, hindi ako makapaniwala kay Liza, Kuya Jackson was torturing my brain. Ang
daming nangyayari, Saint. All of these are inside my head. I can't think. I can't
do anything. Ang bigat-bigat ng pakiramdam. Parang lahat dala-dala ko."
Pinupunasan niya lang iyong bawat luha na pumapatak.
"There. Is that so hard to do, ha? I just want you to tell me things. I just want
to feel included in your life. Hindi naman mahirap, 'di ba?"
"But I don't want to burden you."
"You're not a burden. It's me who want to be included in your life. And with that,
I want to know every details you can give me. Everything you're willing to share.
'Di ba ganon naman talaga?"
I didn't know. I grew up keeping everything to myself.
"Talaga?"
He nodded.
"I'm here now, Mary. You don't have to suffer alone in silence. I can suffer with
you, if you want."
Napa-ngiti na ako.
"Baliw."
He smiled.
"Well, you made me crazy with your silence. Don't do that again, alright? Don't
shut me out again. I hated the feeling, Mary. It exhausted me."
I nodded. And then the clock beeped. 12 midnight na.
"Hala. Tapos na 'yung birthday mo... Wala akong gift sa 'yo."
"It's okay. We talked. That's my gift."
Umiling ako.
"Hindi pwede. Two weeks na nga tayong hindi nag-uusap, e..."
A smile dawned on his face.
"You kept tabs?"
I nodded.
"Ang boring kaya ng araw kapag hindi kita kasama..." I admonished. I already told
him things I didn't even think I was willing to tell him. And this... I had been
meaning to let him know how much he occupied me and my thoughts.
"Same, Mary. I miss you every time you're not with me."
I looked at him. Ang pagod niyang tignan... Kakagaling niya lang sa sakit tapos
pinupuyat ko pa siya.
"I'll give you a gift, I promise."
He nodded and smiled.
"Okay."
"But I intended to cook for you... Gutom ka ba? We can go down and I'll cook for
you," I said. I really felt guilty for not knowing his birthday. Sobra-sobra iyong
ginawa niya nung birthday ko. He planted seedlings under my name, tapos nagpakulay
pa siya ng buhok. Tapos ako... pinaiyak ko siya.
But before he could even answer, he yawned.
"I'm sleepy," he said.
"Ah, ganun ba? Dadalhin ko na lang bukas sa inyo... Hindi naman siguro alam ng
parents mo na pinaiyak kita, 'di ba? Baka hindi na ako welcome sa inyo."
Natawa siya.
"No, Mary. And no one knows that I cried. Ikaw lang. But please don't tell anyone."
I nodded. It's our secret.
"Well, I better get going. My head's pounding, too," sabi niya at saka tumayo na
rin siya pero hinawakan ko iyong kamay niya. "What?"
I looked at him and bit my lower lip. Paano ko ba sasabihin 'to?
"Ano..." I trailed off. "I have a couch."
Kumunot ang noo niya. Bumuntong-hininga naman ako.
"Wag na nga," I murmured. "Sige, alis ka na."
I was chewing on my lower lip when I saw a smile growing on his face. It was the
first time he smiled this evening. Na-miss ko 'yung ngiti niya... Na kahit mukha
siyang mayabang, I knew better. Saint's a really genuine person. And I loved him
for that.
"Do you want me to stay?"
"I mean, only if you want to... Hindi naman kita pinipilit."
Mas lalong lumaki iyong ngiti niya. Mas nakita ko na naman iyong mapuputi at pantay
niya na ngipin. Palagi ko talagang napapansin iyong ngipin niya.
"Pilitin mo ako. Magpapapilit naman ako," he said. Niliitan ko siya ng mata. Natawa
siya sa akin. "Fine, I'll just call Martin and tell him I'm staying here for the
night. Papanagutan mo naman ako, 'di ba?"
"Ewan ko sa 'yo."
Tapos humalakhak lang siya at nagsimulang tumawag sa security detail niya. Habang
kausap niya sila, tumayo muna ako at saka pumunta sa kwarto ni Kuya. Meron pa rin
naman kasi siyang mga naiwan na gamit dito. Saint was wearing jeans and white
shirt. Ayoko naman na matulog siya na ganoon ang suot dahil hindi 'yung
kumportable. And besides, magka-size naman sila ni Kuya dahil pareho lang halos
sila ng height.
I settled on our university shirt and kuya's pajama bottoms dahil hindi pa ako
handa na makita na naka-boxer shorts si Saint.
"You can use my CR," sabi ko sabay turo doon sa CR ko. Malinis naman akong tao at
hindi makalat so I was confident that my CR's clean.
"After months of dating, ngayon pa lang ako naka-pasok sa kwarto mo. And now you
want me to use your CR? Are we ready to take this next step?"
Inirapan ko siya at tinawanan na naman niya ako.
"Are you having fun teasing me?"
He nodded.
"Two weeks, Mary. If that wasn't long enough, then I don't know what is."
Pumasok na siya sa CR at ako naman, inayos ko na iyong tutulugan niya. Naglagay ako
ng maraming pillows sa couch at saka kumuha ako ng bagong comforter at saka
inilagay sa ibabaw ng couch. Hindi kasi ako nakaka-tulog kapag mainit kaya sobrang
lamig palagi sa kwarto ko. Sabi nga ni Kuya parang North Pole ang kwarto ko sa
sobrang lamig... And also, Saint's a little taller than me... hindi talaga siya
kasya sa couch.
A little later, lumabas na si Saint mula sa CR. He was drying his hair with a towel
when he saw me circling the room.
"Mary," he called my name and I looked at him. "Bakit ka paikot-ikot?"
"Hindi ka kasya sa couch ko. Bakit kasi ang tangkad mo?"
He laughed.
"It's alright. It's only for a few hours," he said and the sat down.
"Sa bed ka na lang, kaya? Tapos dyan ako sa couch. Maliit naman ako," I offered.
"No, seriously. It's alright."
"Sige na, please? Wala na nga akong regalo sa birthday mo tapos papatulugin pa kita
sa couch na bitin sa 'yo..."
"But I can't let you sleep there. That's your bed. This is your room."
"E mas maliit naman ako sa 'yo. Tsaka feminism, Saint. Don't be a misogynist."
He laughed again. God, could he keep on laughing like that? I really missed it. I
missed it so much.
"What about... we both sleep on the bed?" I said, biting on my lip. "But wala
tayong gagawin!"
Napa-awang iyong labi ni Saint.
"...seriously?"
Isang minuto bago niya nasabi iyon. Isang minuto na kumakabog ang dibdib ko.
"Wag na nga. Sa couch ka na nga matulog," sabi ko at saka nagmartsa papunta sa kama
at saka pumasok sa ilalim ng duvet. Tinakpan ko talaga iyong mukha ko dahil hiyang-
hiya ako sa mga sinabi ko kay Saint. Paano kung iniisip niya na pinagsasamantalahan
ko siya? I was just only looking after his welfare! Baka kasi mahirapan siyang
matulog sa couch!
But then I heard the door opening. My heart sank. Iiwan niya ako?
"Don't be mad."
Naramdaman ko si Saint sa tabi ko. His arm was resting over my waist.
"Of course, I want to sleep beside you, too."
"Akala ko umalis ka na."
"No. I only opened the door so that they'd know that we're not doing anything."
It was good that I was under the protection of my duvet. Somehow, I felt bold to
say anything to him.
"Wala tayong gagawin?"
"Mary..."
"Hmm?"
"Don't."
"Don't?"
"Don't tempt me. I told you, nauubos na 'yung pasensya ko. Don't test that
tonight."
Binaba ko iyong duvet tapos tinignan siya. I smiled cheekily.
"Galit ka na niyan?"
Umiling siya tapos niyakap ako.
"Teka, dito ka rin sa ilalim. Malamig," I said, worried. Baka bukas, yelo na si
Saint.
"No," he said. "Stay under. Just to be safe."
"Okay."
Umayos si Saint sa pagkakahiga. He was spooning me-he was the big spoon and I was
the little one. I could feel him smelling me, too. Hindi naman siguro ako mabaho.
"Saint..."
"Hmm?"
"Ano na tayo?"
"Ano'ng ano?"
"Boyfriend na ba kita?" I asked. Kasi sabi niya kanina, hindi pwede na friends lang
kami...
"Do you want me to be your boyfriend?" he even asked that.
"Oo naman. I love you and you love me, 'di ba?"
Mas humigpit iyong yakap niya sa akin.
"Yes, Mary. I love you."
Hala, kalma lang, heart. Pangalawang beses niya pa lang sinasabi na mahal niya ako
pero grabe na. Kakayanin ko bang maging girlfriend ni Saint? Baka siya pa ang
dahilan ng heart-failure ko.
"I love you now and I'll love you more tomorrow... but let's sleep for now. I'm
tired."
I smiled and let him sleep. I let my boyfriend sleep. Kinikilig ako.

Kabanata 41

#JTSKiss Kabanata 41

First day with Saint went well... or maybe a little too well dahil 26 hours kaming
magkasama. Upon waking up, he cooked for me dahil late akong nagising. I set an
alarm but he closed it dahil puyat daw ako... And when I woke up, a platter of
pancakes and bacons was waiting for me. Tapos, umuwi muna siya para maligo. An hour
later, umalis kami at iniwan namin iyong kambal sa bahay nila dahil gustong
makipaglaro ni Finley at Riley kay Psalm at Cohen (not with Austin kasi takot daw
sila). We played paintball-finally pumayag na ako dahil dati pa ako inaaya ni Saint
pero ayoko dahil sabi nila Kuya, masakit daw. And after the game, I felt like the
bruises were already forming but it was worth it. Kitang-kita na nag-enjoy si
Saint, e. At pagkatapos nun, we roamed around the mall... It was normal but it was
different in some ways. Nanood kami ng movie, nagshare ng popcorn, tapos bumili ng
same glasses (because deep inside, Saint's into twinning, hindi niya lang inaamin).

All in all, I had a great day with Saint. And we capped the night off by going to
Tagaytay. He drank coffee while I enjoyed my tea.
Ang normal lang ng ginawa namin but I enjoyed it a lot. He brought me home around 2
in the morning.
"Did you enjoy?"
I nodded.
"Can you still drive?" I asked. Medyo matagal din kasi siyang nagdrive tapos
madaling-araw na...
And then that playful smile dawned on his face again.
"Why? You're inviting me to stay the night again?"
"Bakit? Gusto mo rin, no?" I shot back. Kanina pa ako tinutukso ni Saint kaya hindi
na ako tinatablan.
He laughed. "Of course. But I need to go home already," he said and then kissed my
forehead. "See you later?"
Kumunot ang noo ko.
"Bukas?"
He nodded.
"It's Sunday. Let's see mass together," he said.
May mas perfect pa ba sa kanya?
"Hindi ka ba magsisimba kasama ang parents mo?" I asked. Ang alam ko kasi,
nagsisimba talaga ang GDL tuwing Sunday. Kami rin naman nagsisimba tuwing Sunday
pero never kaming nagka-sabay kasi sa magkaibang simbahan kami nagsisimba.
Umiling siya.
"They go to mass at 6am. I don't think I can wake up that early. Let's see a mass
at noon, okay lang sa 'yo?"
I nodded.
"Okay," I said with a smile.
"You're still smiling. Hindi ba sumasakit 'yang mukha mo?" he said and then
stretched my face with his fingers. "Buong araw na 'yan, oh. Ganyan ka ba kasaya na
boyfriend mo na ako?"
Hinampas ko iyong kamay niya.
"Ikaw nga, iniyakan mo ako, e. Mas gusto mo kaya akong maging girlfriend," I said
and then he laughed. He pulled me and hugged me tight. "Tapos palagi kang naka-
yakap. Ikaw kaya 'yung patay na patay sa akin."
I felt him kissing the top of my head.
"Who wouldn't fall in love with you? You're everything I ever wanted," he said and
then hugged me tighter.
"Ano'ng meron sa akin?" I managed to ask after struggling for a very long time.
Saint's almost too good to be true. He's too good... tapos nagustuhan niya ako? Ang
tagal ko nang gustong tanungin kung bakit. Kung ano ba ang meron sa akin at bakit
ako 'yung nagustuhan niya kasi sa totoo lang, marami namang iba... Alam ko naman na
hindi ako perfect. I was flawed. And sometimes, I was too much to handle... so, why
me?
We were just hugging in front of my house-or maybe we were dancing a little dahil
medyo umiikot kami. But we were hugging, nonetheless. He didn't want to break the
hug. At ayaw ko rin naman.
"Sabi mo nga, mahirap akong kausap kasi hindi ako nagsasalita madalas... I don't
talk about my problems like how you want me to... And I know I frustrate you...
Kaya bakit ako?"
He only hugged me tighter.
"You know why you frustrate me? Because I want to know you more. Because if I don't
care about you at all, I wouldn't even bother asking you how you are."
I smiled. And bit my lower lip.
"And why wouldn't I want you? I noticed you two years ago, when you went to the gym
to give something to Preston. I wanted to approach you but I decided not to because
Preston hated my guts so much."
"Ayaw pa rin naman sa 'yo ni Kuya."
He laughed.
"I know."
"Pero bakit nilapitan mo na ako?"
"I didn't. You fell on my lap. For two years, I've been looking at you like a creep
and I've been waiting for a sign para kausapin na kita. And then one day, you
willingly went inside my car. And that was God's sign. Na akin ka na raw talaga."
Natawa rin ako sa kanya. I removed my face from his chest and looked at him.
"Totoo?"
He nodded.
"Yeah..." he said with a smile. "That day, Psalm asked me to pick him up because he
forgot to bring his car and he needs a ride back home. So I went to the coffee
shop. But before I could even text him that I was already there, you went inside my
car."
Napa-ngiti ako. Ngayon, ito na 'yung maaalala ko kapag binalikan ko iyong araw na
'yun. Dati kasi, ang naaalala ko ay pinaiyak ako ni Parker nung araw na 'yun...
Pero ngayon, napalitan na ni Saint iyong alaala na 'yun.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na hindi ka Uber driver," I said.
"Well, my crush willingly went inside my car, who am I so contradict the will of
God?"
Kinagat ko iyong labi ko dahil kinilig talaga ako nung sinabi niya na crush niya
ako. Bakit mas nakakakilig pa 'to kaysa nung naging boyfriend ko siya?
"And you were crying that day... I just wanted to make you smile. But I failed.
Hindi ako makapagsalita nun, e. Nagulat ako sa 'yo."
I was still fighting the urge to smile but he was making it really hard! Bakit ang
lakas niyang magpa-kilig?
"Ano'ng sabi ni Psalm?" I said, diverting the topic because I didn't think I could
handle more of his words.
"Well, he got mad at me. He made me do suicide run and basically, abused me during
training. Naiwan kasi siya sa coffee shop and apparently, his partner has a crush
on him and it made him really uncomfortable."
"Hala..."
He smiled. Ayun na naman iyong ngipin.
"But totally worth it," he said and then cupped my face. "Because eight months
later, the girl I ditched Psalm for is now my girlfriend."
Hindi ko na pinigilan. Napa-ngiti na rin ako. Naka-hawak ako roon sa t-shirt niya.
"Worth it, right?"
He said and I nodded. I couldn't think of anything when he's looking at me like
that.
"Mary..."
"Hmm?"
My God. Para akong aatakihin dahil sa lakas ng tibok ng dibdib ko.
"Never mind. I'll just do it," he said and then he did it.
He kissed me. Oh, my God.
Nanlaki iyong mga mata ko dahil sa ginawa ni Saint. I was expecting it but it still
threw me off when he really did it. Nakadilat ako habang naka-pikit si Saint. My
mind was in a state of frenzy and he just made me crazier when his lips started
moving. Oh, dear God!
Holy Mother of Christ.
"Hey, Mary. Are you still breathing?"
Napa-kurap ako.
"Hey."
Iyong paghinga ko.
Napa-hawak ako sa labi ko.
"T-tapos ka na?"
Bigla namang natawa si Saint-iyong tipo na parang maiiyak na siya dahil sa sinabi
ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Para kasing mamamatay na siya at kulang na lang
ay gumulong siya sa sahig dahil hindi niya na kaya.
"Sorry," sabi niya nung tapos na siyang tumawa. "Did you not enjoy the kiss? Why
are you asking me that?"
Napa-kurap ako.
"Uhm... Good night, Saint," sabi ko at saka tumakbo papasok. Paano ko siya
haharapin?! Hindi ko alam kung paano humalik! Baka kung ano ang iniisip niya sa
akin!
Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at saka binagsak iyong katawan ko sa kama.
Tinakpan ko ng kamay iyong mukha ko at saka gumulong-gulong sa kama. Wala na iyong
first kiss ko! Kinuha na ni Saint! Tapos para akong tanga kasi hindi ako nakagalaw.
Hindi nga yata ako naka-hinga nang maayos dahil sa ginawa niya!
I was still internally berating myself for acting that way when my phone vibrated.
Saint was calling.
"Hey, you okay?" he asked.
I bit my lip.
"Ah... okay lang."
"Why did you run? Did I disappoint?"
Mother of God! Bakit ba hindi siya tumitigil sa mga ganyang tanong?!
"Uwi ka na," I said, instead. "Malapit nang mag 3."
"Why are you changing the topic? Let's talk about the kiss."
Goodness gracious! Totoo pala iyong kasabihan na nothing good happens after 2 am.
Kung anu-ano na ang ginagawa ni Saint at ang lumalabas sa bibig niya!
"Matulog ka na nga," I said but he just laughed.
"My girlfriend's shy," he teased.
"Ewan ko sa 'yo."
"I'll kiss you again when I see you later."
"Good night."
"Good night din," he said. "Also, accept my relationship request in facebook."
Inilagay ko sa loudspeak iyong tawag at saka nagpunta sa facebook. At ayun nga...
Saint Iverson Gomez de Liaño listed you as his girlfriend
"Ngayon na? Ngayong madaling-araw?"
"Yes," he replied. "Nagsisimula na akong maniwala dati na walang silbi ang
relationship status sa facebook. Thank you for changing my belief."
Saint in the wee hours of the morning should be illegal. Sobra na nga siya kapag
normal na oras... pero kapag ganito na madaling-araw? Kung anu-ano ang lumalabas sa
bibig niya. Hindi kaya werewolf siya? Na nag-iiba tuwing bilog ang buwan?
"Okay. Para matahimik ka," I said as I clicked accept. "Okay na po ba? Wala ka na
po bang iuutos?"
He laughed. Again. Ilang beses siyang tumawa sa loob ng 27 hours na magkasama kami.

"Last request."
"Hmm?"
"I have a game tomorrow. Wear my jacket."
"Okay..."
"And then cheer for me."
"Okay..."
"And then after that, if we won, congratulate me. And if we lose, tell me it's
alright."
"Okay..."
"And then just stay by my side. Iyon lang."
I nodded.
"Okay..."
"And Mary?"
"Hmm?"
"Don't break my heart."
I smiled. Of course not.
Pagkatapos nun, pinilit ko si Saint na matulog na. Mabuti na lang at naka-sunod
lang si Martin sa amin kaya naman hindi na nagdrive si Saint pauwi. Kinakabahan din
kasi ako kasi alam ko na puyat na puyat na siya dahil 27 hours na kaming magkasama.
Tapos mamaya naman, magkikita na naman kami kasi magsisimba kami.
I cleaned myself up and I was preparing to sleep when my phone beeped with
notification.
Parker Adrian Palma liked your relationship status

Kabanata 42

#JTSReaction Kabanata 42
"Yes po. Oo nga... I'll see you later."
He sighed.
"Sayang. I wanted to come to school with you."
I chuckled. Para siyang naagawan ng laruan.
"Let's have lunch together later na lang. Hindi ko rin kasi ineexpect na uuwi si
Mama ngayon..."
"Okay," he breathed. "Good luck and I hope that everything will be fine. If you
change your mind, text me and I'll come running."
Natawa naman ako.
"Baliw. Sige na," I said.
"Alright. But go to school, you hear me? I'll nag if you skip class again. Almost
two weeks kang absent, Mary. You can't miss classes anymore."
"Yes po..."
"And stop using po. Sobrang cute na. Hindi ko na kayang i-handle."
"Ewan ko sa 'yo... But yes, I'll definitely go to class. One more absent and mada-
drop na kasi ako," I said, wincing. But I couldn't blame myself, still... The past
two weeks had been really hard on me. Iyon bang parang siningil ako dahil masaya
ako buong buhay ko? Tapos biglang sa ilang araw, sinira lahat. Hindi agad ako naka-
adjust sa lahat ng mga pagbabago. It's hard for me to adjust to changes. Masyado
kasi akong kumportable sa buhay ko at sa mga tao sa paligid ko... But I learned
that the world is ever changing and the only thing I should do is to cope up with
the changes. Dahil kung hindi, maiiwan ako.
And Saint's with me. He promised that he'd stay.
"Alright. See you later and good luck."
"Good luck din."
Pagkatapos kong makausap si Saint, inayos ko na iyong mga gamit ko. I was planning
to bring all the notes Saint gave me para maka-catch up agad ako. Lunch lang naman
kami sabay dahil tuwing break ko in between class, sinabi ko sa kanya na mag-aaral
ako sa lib. He was fine with it-pero sa totoo lang, ang nagger ni Saint sa pag-
aaral ko. Akala mo naman siya masipag mag-aral.
Pagbaba ko, naabutan ko sila Mama na nasa table na. My heart constricted inside my
chest. Parang sobrang tagal na nung huli ko silang nakita...
"Good morning, Ate!" Finley greeted. "Mama's back! And look! Cayden is growing!"
Hala, oo nga. Bakit biglang sobrang halata na nung baby bump ni Mama?
"Finley, eat your food first. You have to get ready for school," sabi ni Mama.
Naupo ako sa table. Nandun si Mama, si Papa, si Riley at Finley.
"Si Kuya po?"
Nagkatinginan si Mama at Papa.
"We'll tell you later," she said at saka tinignan iyong kambal. I nodded. Baka kasi
hindi pwedeng marinig nung kambal... So, tahimik akong kumain, medyo nag-o-observe
at natutuwa nung pinapagalitan ni Mama si Finley dahil bumagsak siya sa isang quiz
niya. Mas focused pa kasi si Finley sa pagbabasketball. Tapos every night, umiinom
ng pampatangkad kahit sure naman na tatangkad siya. Ang tangkad kaya ni Papa. Pati
si Kuya, ang tangkad din.
Once done eating, umakyat na iyong kambal kasama ang mga yaya nila. Finally, kami
na lang ang naiwan.
"Si Kuya po?" I asked again.
"We'll talk about that later. First, kayo na ni Saint?"
I nodded.
"Okay lang naman po, 'di ba? You already gave him your blessing..." pagpapaalala ko
sa kanya. Nung pumunta si Saint dito dati, nagpaalam naman siya at pumayag naman si
Mama. Sana lang hindi nagbago iyong isip niya because it's already too late. Wala
akong balak makipaghiwalay kay Saint.
Mama timidly nodded.
"But are you sure?"
"Of course."
"But you're still too young... You just turned eighteen," Mama said, looking
worried.
"Ma, you met Tito Parker when you were eighteen. No offense, Papa."
Papa smiled, mukhang naaaliw pa siya sa seryosong usapan namin ni Mama. Wala na
lang talaga sa kanya kahit banggitin si Tito Parker. He already made peace with the
fact that Tito Parker's memories would forever be with us.
"I know I'm still young but I'm not rushing things. I'm just trying to enjoy
things. I know my priorities, Mama. I want to finish school first and then travel
for a little while... and then figure things out. If I want to work, start a
business, or go back to studying because I'm starting to take serious interest in
photography. There are many possibilities and I don't want to limit myself."
Mama looked at me and then sighed.
"Shi, she's no longer our baby. When did she grow up?" Mama said, looking at Papa.
Papa smiled.
"So, will Saint visit us?"
Unti-unti akong napa-ngiti.
"So... okay po sa inyo?" I asked. Akala ko kasi ay hindi dahil ang seryoso nila
kanina. My heart was thumping like crazy. I prepared all these explanations inside
my head, in case na sabihin nila na hindi kami pwede ni Saint... and then this.
"Of course. He's a great kid," Papa said, with a smile. "But studies first."
"Thank you po! I promise I won't let this be a distraction..." Although Saint kept
on distracting me in my dreams. Kahit sa panaginip ko, ang clingy niya.
I turned at Mama, still smiling, nung mapansin ko na parang maiiyak siya. Dahil pa
rin ba 'to sa hormones? Kasi naaalala ko na palagi din siyang umiiyak nung
pinagbubuntis niya sila Finley, e... So, I stood up and hugged her tight, para
naman maramdaman niya that despite all the ruckus that happened lately, in the end,
everything's going to be alright. And that I was there for her... because she's
family and that's what family does. They have your back.
"Sige na," she said, still tearing up a little. "You'll ba late for class."
"Hala, 'yung kay Kuya po?"
"Kausapin mo. I think he'll tell you."
Napahinto ako. Tapos biglang kinabahan. Napansin yata ni Mama iyong kaba ko, so she
held my hand.
"Things were messy before, so we had-I mean, your Kuya had to fix things first.
Okay naman na ngayon. Go and talk to him," she said.
I just agreed, but deep inside, I was freaking out. Ang hirap kasi nun, 'di ba?
Kuya and I used to be very close... inseparable, even. Palagi ko siyang kasama
dati, tapos siya iyong umaaway kapag may nangbubully sa akin dati sa school dahil
kay Parker. Tapos ngayon...
Bakit ganon? May mga tao na sobrang ka-close mo, tapos biglang unti-unti, hindi na
kayo nag-uusap... Unti-unti, nawawala na iyong closeness... Tapos kapag nagkikita
kayo, ang awkward na lang kasi hindi niyo rin alam kung saan nagsimula. Saan nga ba
nagsimula na parang hindi na okay? That from being close friends, you became
acquaintances.
Kaya naman hanggang pagdating ko sa school, iyon pa rin ang iniisip ko. Na paano ko
kakausapin si Kuya.
"Tulala na naman?" Kath interrupted. Ngayon lang kami nagkaroon ng chance magkausap
kasi pagdating ko, may long quiz pala. Kaya iyong free ten minutes ko, instead na
kausapin sila, nagreview na lang ako. "Okay ka lang? I mean, kayong dalawa ni Liza.
Because I swear, the atmosphere is cold around you, guys. I am chilling with
curiosity."
Napatingin ako kay Liza. Umiwas siya ng tingin. Hindi pala alam ni Kath iyong
nangyari last time. I wanted to just forget about it because what Kuya Jackson said
had no sense. Siguro in denial lang kasi talaga siya. That he cheated on Ate Jas.
And so he lashed out on me. But that's not my problem anymore. Sabi kasi ni Saint,
kung hindi ko directly problema, 'wag kong masyadong dibdibin kasi iyon daw ang
ikakamatay ko nang maaga.
"Ah... wala. Kakausapin ko na kasi si Kuya kanina," I said, looking at Kath to see
her reaction. "Gusto mong sumama?" I asked, for moral support.
"Hala, no. Ayoko nga. Si Liza na lang, no."
I looked at Liza, and she looked as uncomfortable as I was. I decided to ignore
Kath's remark.
"Sige na kasi... Kailangan ko ng moral support. Paano kapag inignore ako ni Kuya?
Ikaw lang naman ang nagpapatino 'dun."
Kath let out a dry laugh.
"No, not really. And I think that Preston's already kind of okay... I mean, he had
the audacity to react to your status change. So, it means, okay na siya, right?"
Agad na kumunot ang noo ko.
"What?"
"Tignan mo kasi 'yung fb mo!"
Agad kong kinuha iyong phone ko, nakita ko na may text si Saint pero hinanap ko na
muna iyong sinasabi ni Kath.
In a relationship with Saint Iverson Gomez de Liaño
Saint Iverson Gomez de Liaño, Parker Adrian Palma, and 63 others reacted to this.
Bigla namang tumawa si Kath.
"Tignan mo nga naman, magkatabi pa ang pangalan ni Saint at Parker!"
Hindi ko na pinansin iyong comment niya at hinanap ko iyong pangalan ni Kuya. Wala
siya sa listahan ng naglike (si Kuya Benj, nandun), wala rin sa nagpuso (si Kath,
Liza, account ni Papa na palagay ko ay si Finley ang gumamit), sa may sad (nandun
si Psalm, Austin, at Cohen)... tapos may angry.
"Hala."
"Bakit?"
"Naka-angry si Kuya."
Tawa naman ng tawa si Kath. Mukhang okay na yata siya talaga. Kasi dati, banggitin
lang ang pangalan ni Kuya ay naiinis na siya.
"Oo kaya! I was browsing last night tapos nakita ko sa newsfeed ko. Angry talaga
iyong ginamit niya," sabi niya ng napapailing pa. "So, see? I think he's fine.
Pwede mo na siyang kausapin. And I'm glad you waited because if you tried talking
to him before, he might just lash out at you."
I was pacified a little because of what Kath said. Mabuti na lang din at na-occupy
ng next class namin iyong isip ko kaya hindi na muna ako masyadong nagworry. When
lunch came, I told them I had plans with Saint. Mukhang okay naman kaya dumiretso
na agad ako. Dun ako huminto sa harap ng building nila dahil ayokong umakyat sa
taas. I just sent a text to Saint telling him that I was already there.
While waiting, I couldn't decide if people were really looking at me o masyado lang
ba akong conscious...
"Sorry, I needed to finish something. Kanina ka pa?" Saint asked, medyo may pawis
pa siya.
Umiling ako. Mga two minutes pa lang naman akong naghihintay.
"Bakit ka pawis?" I asked. "Tumakbo ka ba?"
"Yeah. I read your text late. Akala ko kanina ka pa naghihintay," he said. "Are you
hungry? Where do you want to eat?"
Sabay kaming naglalakad at tinatanong at binibigyan ako ni Saint ng suggestion kung
saan kami pwedeng kumain. Both na one hour and thirty minutes lang naman ang break
namin kaya wala masyadong choices sa mga pwede naming puntahan. Hindi lang ako
makapagdecide kung saan ko gusto dahil pakiramdam ko talaga maraming nakatingin.
"Hey, Mary. Are you okay? You seem bothered," he worriedly asked.
"Ah... kasi... ewan ko kung feeling ko lang ba 'yun pero parang ang daming naka-
tingin..." I admitted.
I was not used to the attention, and I didn't think I would ever be. Nung nasa
elementary at high school pa ako, halos lahat ng tao sa school ay kakilala ako
kahit hindi ko naman sila kakilala... Iyong iba, nagpapalakad sa Kuya ko... tapos
iyong iba naman, inaaway ako dahil kay Parker. I didn't know how to handle the
prying eyes. Hindi naman kasi ako outgoing kagaya nila Kuya... I'd rather stay out
of the spotlight pero hindi maiwasan dahil sikat sa mga babae iyong nakapaligid sa
akin.
"I'm sorry."
Napa-tingin ako sa kanya.
"Ha? Bakit ka nagsosorry?"
"They're probably looking because of the status update."
"Tsk... bakit kasi sikat ka?"
"E... sikat ka rin kaya," he replied.
"Wala akong followers sa facebook. Ikaw, may almost fifty thousand followers ka sa
facebook. Almost 200 lang ang friends ko... Tapos ang daming nagla-like sa status
mo. Tapos iyong relationship change mo, mas marami pang sad reaction kaysa sa
like."
Ang seryoso ko sa sinasabi ko pero si Saint, naka-ngiti lang habang naiiling.
"You're so cute."
"Tss."
Tumawa ulit siya.
"You're the only one whom I love, so don't get bothered, alright? Those people in
facebook, they don't know me. They only know what I post online. Ikaw, you see me,
you can talk to me, you can ask me, you can whine to me, you can enslave me, you
can hold me... you can kiss me," sabi niya tapos bigla akong namula. Iyong kiss na
naman! "So, see? No reason to be jealous at all, Mary. I am all yours. One hundred
percent."
Hindi pa rin ako nakaka-sagot so he held my hand.
"They'll get used to seeing us together," he said, intertwining our fingers.
"Paano kapag hindi?"
"Well, they have to. I have no plans of breaking up with you," he said with a
smile before we went back to walking. And I just did my best to ignore the stares,
because it's Saint who I have to focus on.
We went to the nearest resto, since we didn't want to spend our time on the road.
"Himala. Ang linis ng sasakyan mo," I pointed out. Wala na iyong empty water
bottles!
"Yeah... I cleaned up. Nahiya ako sa 'yo, e," he said, laughing.
"Kasi naman... Mukha kang malinis tapos 'yung sasakyan mo, parang pwede ng tumira
ang ahas sa sobrang dumi."
But he just laughed at me!
"It's because I always forget to bring my tumbler with me, so I tend to buy bottled
water."
"Hindi environment-friendly," I commented.
"I agree. So, you have to remind me everyday to bring my tumbler kung talagang
concerned ka kay Mother Nature."
"Everyday?"
He nodded.
"After waking up, if you can, call me. I want to hear your voice first thing in the
morning."
Ako naman 'yung napa-ngiti.
"Clingy," I said.
"I know... I'm a hopeless case," he agreed.
And then he held my hand while we were waiting for the traffic signal to go.
When we reached the resto, Saint ordered food while I settled on salad. Pakiramdam
ko kasi ay baka masuka ako kapag kinausap ko si Kuya, so I was staying away from
food for today.
"Are you on a diet? Because... why?" he asked, naguguluhan.
"Hindi... ano kasi, pupuntahan ko si Kuya mamaya. Kinakabahan lang ako."
"Oh. You'll talk to him?"
I nodded.
"Kasi, sabi nila Mama, pwede ko na raw kausapin si Kuya... Na dapat hindi naman big
deal kasi 'di ba Kuya ko naman siya... Pero ewan, kinakabahan pa rin ako. Kasi
parang ang big deal... na parang sobrang laki nung pinagdaanan ni Kuya lately...
And I couldn't sympathize because I have no idea what's going on," I explained.
Saint was staring at me.
"What?" I asked, because he was still staring.
"Nothing. I just like it when you're opening up," he said. "Anyway, just talk to
him. He's your brother. I'm sure it'll be fine."
"I hope so..."
"Do you want me to drive you?"
"Hala, after ng game mo 'yun, e. Baka pagod ka na."
"Mary, you're my girl. You can definitely impose."
"E... hindi naman ako demanding."
"We'll work on making you demanding. But, seriously, do you need a ride? Moral
support?"
"Baka mas ma-badtrip si Kuya kapag nakita ka niya."
Saint laughed.
"Yeah, I know. I'll stay inside the car, while waiting."
I nodded. He smiled.
Nung matapos na kami, bumalik na kami sa school. Saint walked me to my room, still
holding my hand. Pinagtitinginan talaga kami. Bakit naman kasi sikat siya? Pati mga
kapatid niya? I mean, GDLs are legend in our school. Nadadamay tuloy ako.
"See you later. My favor, don't forget, alright?"
I nodded.
"Sa Brent lang, 'di ba?"
He nodded.
"Okay... see you and good luck," I said.
"Thank you. I'll do good. And if we win, can you be my date for my parents' wedding
anniversary?"
"Hala."
"I mean, it's still two weeks from now. And also, so that I can introduce you."
"Alam naman na nila, 'di ba? Nagcongrats pa kaya sila Cohen sa akin."
He nodded, tapos hinawi niya iyong buhok sa mukha ko.
"Yeah... but relatives from Madrid are coming. I want to introduce you to abuelo
and abuela, to my tíos and tías, and to my primos. I'm gonna introduce you to
everyone."
Bigla akong kinabahan. Parang ang dami ko namang dapat makilala. E sa side ko, wala
masyado... Kasi wala namang kapatid si Papa, tapos si Mama, iyong half-siblings
niya, nasa Europe at saka hindi naman ako close sa mga relatives namin doon
masyado.
"Ang dami naman..."
He nodded.
"Don't worry, they'll love you."
"Tss... Okay. Basta manalo kayo mamaya."
He grinned.
"Of course, Mary. Why do you ever doubt me in basketball? I'm like a god."
Napailing na lang ako. Buti hindi siya naririnig nila Psalm kasi sigurado,
babatukan siya. Nag-usap lang kami habang hindi pa dumadating iyong prof. Nung
dumating na siya, nagpaalam na si Saint.
"Bye, Mary. Later," he said and then kissed my forehead. "Later na 'yung sa lips
'pag walang nanonood."

Kabanata 43

#JTSPreston Kabanata 43

My agendas for today were pretty demanding. First, I had to personally talk to my
professors regarding my absences. I had to endure an hour worth of combined
lectures from my professors, but it was well-meant. I understood that they were
just after my welfare... and naintindihan naman nila kung bakit bigla na lang akong
nawala. It was pretty much an AWOL, but I came back and I swore to no more
absences. After that, I had to go to Saint's game. I was preserving all my energy
dahil kailangan kong magcheer... Pero medyo hindi rin. Sabi kasi ni Saint, kapag
kinakabahan ako, mas kinakabahan siya. Kaya minsan, kahit sobrang dikit ng laban
nila with the other team, chill lang ako... At pagkatapos naman nun, magkikita kami
ni Kuya.
Ngayon pa lang, pagod na ako.
"Do you still need anything?" Kath asked.
I shook my head.
"Sabagay, Saint already took care of everything. Basta, go text me when you need
notes or anything."
"Gusto mong sumama? May game sila sa Brent later," I offered. Kasi 'di ba, wala na
sila ni Kuya... Kung anuman ang nagkaroon sila kasi kahit ako, hindi nalinawan sa
kung ano ang meron sa kanila dati. Basta sigurado ako na wala na iyon ngayon.
Umiling siya.
"Di mo na crush si Psalm?"
"Crush naman... Kaya lang, I'm taking a break from guys muna. I need to love myself
first," sabi niya tapos medyo napaawang iyong labi ko sa sinabi niya. It was unlike
her! "I was kidding!" she continued. "But seriously, time out muna."
Napabuntong-hininga ako. Ano ba ang ginawa ni Kuya kay Kath para maging ganito
siya? This wasn't her...
"Are you sure you're fine?"
She smiled, and nodded.
"I'm fine."
"Pero-"
"Sabi nga nila, what doesn't kill you makes you stronger. I'm fine. I mean, I'm in
a much better place than I was weeks before," she said with a smile, but I still
wasn't convinced. "Anyway, since you'll be walking to Brent lang naman, I volunteer
to bring your things to your house. Dami mong bitbit."
"Thank you," I said.
"No prob. What are bffs for, 'di ba?"
"No, seriously... Akala ko kasi hindi mo na ako ulit kakausapin dahil sa ginawa ni
Kuya... Kaya thank you kasi okay na ulit tayo..."
"Your Kuya's fault isn't your fault. I just needed some alone time before, ikaw
naman kung anu-ano na ang inisip. Stop that, okay? Don't overthink. But all is
fine. I am fine. I'm still pretty. I'm still your friend."
I smiled and hugged her... kahit sabi niya ang OA ko na. I was just thankful...
Akala ko kasi dati, sunud-sunod na. 'Di ba snowball effect? O kaya naman ripple
effect? Na kapag may nagtrigger na maliit na bagay, sunud-sunod na... And I was
starting to get really depressed before. Mabuti na lang at nagiging maayos na ang
mga bagay ngayon.
We walked together towards the parking lot at saka iniwan ko sa sasakyan niya iyong
mga gamit ko. Medyo mabigat din pala... Pero okay lang dahil nagamit ko naman siya
in between breaks. After that, I went to my locker to get Saint's jacket. Hindi ko
pa rin pala nababalik iyon dati nung pinasuot niya sa akin during their after game
party.
Pagdating ko sa Brent, nagulat ako dahil maraming tao.
To: Saint GDL
I'm here already. Ang daming tao. Finals na ba? Anyway, good luck, GDL! I'll be
cheering on you
After sending the text, naghanap na ako ng mauupuan. Had I known it would be this
packed, I would have arrived earlier... Wala na tuloy magandang pwesto. I promised
to Saint pa naman na makikita niya ako kapag naglalaro siya.
From: Saint GDL
It's the start of the season, Mary! You really don't listen to me when I talk about
basketball tsk
To: Saint GDL
Hala grabe. At least I'm here. Be positive! At saka magwarm up ka na. Stop texting
me!
From: Saint GDL
Where are you? I'll be sending one of the bench players to pick you up
Napa-tingin ako sa pwesto nila Saint at nakita ko na may kinakausap nga siya na
lalaki. Seryoso talaga siya? Pero... pero mahirap nga maghanap ng mauupuan.
To: Saint GDL
Hala, wag na!
From: Saint GDL
Why? I'm gonna call you
And not even a few seconds later, my phone was ringing.
"Where exactly are you?" he asked. Patingin tingin siya kung saan-saan pero hindi
niya ako makita.
"Sa taas."
"San sa taas, Mary? Be specific."
Napatawa ako. Bossy Saint.
"Sa right side. Sa opposite side ng dugout niyo," I answered and then waved. Napa-
ngiti siya nung nakita niya ako. "As you can see, I am wearing your jacket, Saint
GDL # 9."
He was still smiling and I loved the smiling Saint. It was a relaxing sight.
"Yes, I see, Mary. But I would love it more if you're closer. You're too far. I
can't see you properly."
"Where do you want me to sit?" I asked. It's his day and I wanted to just give him
whatever he needed. Naguguilty pa rin ako sa birthday mishap na nangyari.
"Here. So I can kiss you right after the game," he breathlessly said. Nanlaki iyong
mata ko. Katabi niya si Cohen!
"Saint!"
"What?"
"Yung bibig mo!"
"Is itching to kiss you again," he continued. "So please be a good girlfriend and-"
I cut him off.
"I'll be cheering on you!"
"Mary!"
"What?"
"Nothing," he said, a smile breaking on his face. "Just sit where I can see you,
alright? And meet me right after the game."
"Yes po... Ang demanding," I replied sheepishly.
"I'm walking on a thin thread here. Don't use po. I might just come and drag you
here with me," he said and I laughed. And I ended the call because his coach was
already looking pissed. Kasi naman, kausap ako imbes na magwarm up. Si Saint
talaga.
When the game ended, I was so happy for Saint! Ang galing nga niya... but I didn't
want to praise him too much. Malaki na nga iyong ulo niya, papalakihin ko pa ba?
And he already knew that he's good at what he does. But every dab he made, I
just... I just shouted like everybody else. He's really cool whenever he did that!
But of course I wouldn't tell him and inflate his ego even more.
"So..." sabi niya nung makita niya ako. Nung matapos kasi iyong game, pinabayaan ko
muna siya sa mga gustong magpa-picture at interview sa kanya. Nasanay na rin naman
ako. Kahit naman nung hindi pa kami ni Saint, sanay na ako sa ganito. I mean,
minsan nga, kahit nasa mall kami, may makaka-kilala sa kanya. Ang role ko ay
kuhanan sila ng picture.
"I guess you're going to be my date," he said with a playful smile.
I nodded.
"What should I wear?" I asked, worried. Ayoko kasi na ma-disappoint ang GDL clan sa
akin.
"Anything but silver. You don't want to upstage my mom. She's a bit of a drama
queen," sabi niya ng natatawa pero kinabahan naman ako dahil doon! Hindi ko pa
naman masyadong nakakausap ang parents nila... Tuwi kasing mapupunta ako sa kanila,
nasa kung saang bansa iyong parents niya. They're really jet setters. Hindi
napipirmi sa isang bansa.
Nanlaki iyong mata ko.
"Don't worry, she likes you very much already," he said to pacify me.
"Paano? Hindi ko pa naman siya nakakausap masyado..."
"Remember when she helped me pick a gift for you? Trust me, she wouldn't even
bother if she didn't like you at all."
I looked at him, still worried. It was weeks away, but still... I didn't want to
mess it up. Naniniwala ako na though first impression doesn't last, it still leaves
a mark. And I didn't want to leave a negative mark.
"Just give me advice. I don't want to disappoint your mom," I said.
Saint cupped my face.
"My mom likes you, I promise. Don't get bothered. Just be yourself," he said.
"You mean my awkward self?"
He lazily smiled and nodded.
"Yeah... That awkward Mary that I ultimately fell in love with. Just be that," he
said and then caressed my face.
Dahil sa sinabi niya, medyo kumalma na ako. Meron pa naman akong ilang araw para
makapaghanda. Magtatanong na lang ako ng mga gusto at ayaw ng Mama niya para
sigurado ako. At saka ang laki ng pamilya nila. Ang dami ko sigurong dapat malaman
pero ayos lang. Ang daming effort sa akin ni Saint. Ano ba naman itong maliit na
bagay? He asked for the permission of my parents, braved that way to my mother's
heart, pinagtiisan niya iyong pang-aapi ni Kuya, at lagi siyang nakikipaglaro sa
kambal. I should do the same for him. He deserved it.
"Basta hindi mo ako iiwan mag-isa sa party," I said.
"What if I need to go to the CR, sama ka rin?" sagot niya sa akin.
"Ano ka? Swerte?"
He laughed and then held my hand.
"Let's go to the locker room. I'll change really fast," sabi niya.
"You won't shower?"
"Preston's probably already waiting. And I don't smell, Mary," sabi niya at saka
niyakap ako ng mahigpit.
"Ano ba! You're sweaty!" sabi ko habang siya, tawa nang tawa. Pinagtitinginan na
siguro kami dahil sa ginagawa ni Saint. We're still in the basketball court at
marami pa ring tao rito.
"Arte naman ng girlfriend ko," sabi niya.
"Ang clingy mo kasi," sagot ko.
He laughed again.
"Just wait, Mary. Magugulat ka, isang araw, mas clingy ka na. I'm irresistible, as
you should know already."
Nagpaiwan ako sa dugout habang nasa locker room si Saint. I just sat there and
quietly observed people. Minsan kasi therapeutic siya... Nakaka-relax lang na
tignan iyong mga tao at obserbahan kung paano sila gumagalaw. Sometimes, when I was
really bored, I would stitch stories about the people I see. It was fun, but
sometimes sad.
Habang naghihintay ako, may dalawang babae na tumabi sa akin. I was supposed to
mind my own business, like I usually did, pero narinig ko kasi iyong pangalan ni
Saint...
"Bakit kaya may girlfriend na si Saint? My cousin told me that's he's always
playing basketball, so paano siya magkaka-time para humanap ng girlfriend?"
Bigla kong naalala iyong encounter ko sa isang fan ni Saint dati... Bakit ba
nangyayari 'to tuwing nasa Brent ako? Sign ba 'to na 'wag na akong bumalik sa
school na 'to?
"E 'di ba they said that his girlfriend's the sister of Preston? 'Yung kaka-grad
lang na soccer player?"
"Really? That's why siguro! She used her connections siguro para mapalapit sa GDL."
"Maybe... Anyway, though Saint's taken, nandyan pa naman si Psalm, Austin, and
Cohen. Bayaan na natin sila. Magbe-break din 'yun."
Nakakalungkot talaga... kaka-simula pa lang namin ni Saint, pero gusto nila matapos
na agad. Kapag naging boyfriend naman nila si Psalm, Austin, o si Cohen, hindi ko
naman hihilingin na maghiwalay sila, e... Why can't some girls be happy for other
girls? Ang hirap ba 'nun?
"E... what about Dani? Weird pa rin kasi. What are they ba?"
"Best friends nga, 'di ba?"
"Sus... friends. Sweet naman nila na friends..."
I tried to tune them out. I didn't want to go back to that place again. Okay na
ako. Okay na kami ni Saint. I didn't want to worry about Saint and Dani anymore.
Kung sinabi nila na best friends lang, e 'di best friends lang. I trusted Saint's
words... And that's not really up for me to decide.
Mayamaya, may biglang tumawag sa pangalan ko. Lumakas iyong tibok ng puso ko.
"Hey, Saint's already looking for you."
Napatingin ako sa likod at nakita ko si Cohen. And I also heard grasps from the
girls beside me. Hala, oo nga pala. Crush nga pala nila ang GDL. They must be
freaking out dahil nandito si Cohen... I would have introduced them kung hindi sila
ganoon mag-isip... I didn't think they'd be good for Cohen. Isip bata pa naman 'to.

Tumayo agad ako.


"Ah... Sige, tara na," I said. I wanted to get away from these girls. Baka kung ano
pa ang maipasok nila sa utak ko.
"You okay?" he asked.
I nodded.
"Really? Because I kind of heard some of the things they were saying," Cohen said.
"No, I'm really fine. That's their opinion."
He frowned.
"Just because it's an opinion doesn't mean it's valid."
"Lahat naman ng opinion ay tama, 'di ba?"
He nodded.
"Yes... but just because it's right doesn't mean it's not stupid," he refuted. "And
their opinion is stupid. Saint's all about you, probably more than you are about
him. And honestly, you're the only girl who's close to all of us."
"Talaga?" I asked, hindi makapaniwala.
"Yes," he replied. "Ate Maggie's a headache personified and Austin's not much of a
people person."
"I noticed."
"But they like you for Saint. So that means something, right?"
"Talaga? Gusto nila ako for Saint?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Yes. We actually threatened Saint that we'd disown him if he hurts you," sabi niya
kaya natawa naman ako. "So, cheer up. You're unofficially our sister-in-law."
Dahil sa sinabi ni Cohen, napanatag na ako. Sobrang grateful ako sa presensya niya.
He's a younger version of Kuya Benj. Mabuti na lang at nandyan siya kaya hindi ko
masyadong namimiss si Kuya Benj. Nung nakita namin si Saint, agad kaming dumiretso
sa parking lot. I sent a text to Kuya saying that I was already on my way. Biglang
kinabahan na naman ako.
Saint held my hand.
"It's gonna be alright," he cooed. "If it doesn't, just shout and I'd come rescue
you."
"Baliw. Hindi naman ako sasaktan ni Kuya."
"Precisely. So stop worrying about it. It's probably just you overthinking things
again," he said.
I nodded and took deep breaths in order to calm myself down. Iniwan ko si Saint sa
sasakyan and told him to eat the take out we bought earlier. Sigurado kasi ako na
pagod iyon dahil sa game.
"It's boring to eat alone," sabi niya. "I'll just wait for you."
"Baka matagalan ako."
"Okay lang. Take your time."
"Ang kulit mo naman. Kumain ka na."
"Ang kulit mo rin. Ako naman 'yung magugutom, hindi ikaw."
Ang kulit!
"Saint," I said in a threatening voice pero hindi naman niya ako sineseryoso.
"Eat."
"Mary," he mimicked me. "Don't want to."
Pinanliitan ko siya ng mata.
"If the food remains untouched pagbalik ko, I'm gonna get mad."
Natawa naman siya.
"I'm serious, Saint. Eat," I reiterated in a more serious manner. He should eat
kahit wala ako. Ayoko na masyadong dependent kami sa isa't-isa. I didn't think
that's healthy.
"Fine," he groaned. "But still, take your time. I'll probably just sleep while
waiting," he said and I nodded. He's really tired dahil ilang araw na na late siya
nakakatulog dahil sa akin. Tapos ngayon, kakatapos lang ng game niya. Sigurado ako
na pagod na pagod na siya but he still refused to go home and rest. Gusto niya kasi
akong samahan.
Nung papunta na ako sa loob, agad hinanap ng mga mata ko si Kuya. At nung nakita ko
na siya, agad kumunot ang noo ko nung may kasama siya.
"Kuya?" I said nung nilapitan ko siya. "Sino... siya?"
Kuya looked at me. He looked more matured. I mean, he looked well but he looked
like he... I didn't have the right words to describe him. Naguguluhan pa rin ako
kung ano ang nangyari at kung bakit may baby sa high chair.
"Imo, say hi to John."
"Uhm... hi, John. Sino siya, Kuya?"
"He's your nephew."
Nanlaki iyong mga mata ko.
"W-what? P-paano? Ha? Bakit ka may anak? Paano ka nagka-anak?" sunud-sunod na sabi
ko habang tinitignan ko iyong bata. I looked at his every feature. I looked at his
eyes, his nose, his cheeks. I looked at everything.
Oh, my god. Kamukha siya ni Kuya!
"Kuya!" I said and raised my voice when he didn't immediately answer my questions.
I had lots of questions going inside my mind. Sino ang nanay ng anak? Kailan pa?
Paano siya nagka-anak? Kilala ba nila Mama? Kilala ko ba? Bakit ngayon ko lang
nakita iyong baby?
Ang alam ko, may criminal record lang ang Kuya ko... Hindi ko alam na binatang ama
na rin pala siya!
"One question at a time," he said tapos biglang umiyak iyong baby. Nataranta naman
si Kuya at saka binigyan siya agad ng bote ng gatas. Pinanood ko habang ginagawa
niya iyon. I didn't know what to feel...
I waited until he was ready, but while I was waiting, my mind felt like exploding.
Tama nga sila Mama. Baka mas nabaliw ako kung dati ko ito nalaman.
"Who's the mother?" was the first one I asked.
"Not important," he replied.
"Kuya!"
He groaned.
"What? She's not even here, see? She's probably out on a date," he said.
"She's still the mother of your son!"
"I know! It's a curse! Tignan mo nga kung ano ang pinangalan niya sa anak ko?!
John! John lang. Parang tinamad pa siya na bigyan ng pangalan. If she wasn't
forced, baka ang nakalagay sa birth certificate ay unnamed. Tsk!"
Who was this girl? Ano'ng ginawa niya sa Kuya ko?
"Who is she, Kuya? Kilala ko ba?"
Umiling siya.
"Tiga-saan?"
"Mars," he replied.
"Kuya naman... saan nga?"
At sa wakas, napilit ko na rin siya magkwento habang si baby John, tahimik na
inuubos iyong formula niya. Apparently, nakilala ni Kuya iyong babae sa isang club.
Ito pala iyong gabi na nag-inuman sila ni Saint at nadala sila sa kulungan.
"And you didn't even know you slept with her?" I asked nung sinabi niya na nagulat
din siya nung malaman niya na may anak na pala siya.
"I didn't even know I wasn't a virgin anymore," he replied and then sighed. "I was
out on a date with Kath and her mom nung bigla akong lapitan ng baliw na 'yun at
sabihin na may anak na kami. Tita Min still probably loathes me."
Oh, my God. Kaya pala kahit sa akin ay galit si Tita Min!
"And now... you're living with her?"
Kuya nodded.
"She practically forced herself to me. She doesn't have any money. She doesn't have
a place to stay," sabi niya.
"Why don't you just come live with us?"
He laughed.
"And what? Drive Mama crazy? E halos magpatayan na nga sila nung nasa QC pa siya,"
Kuya said. Napaawang iyong labi ko. Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyayari
doon! Habang kami, walang kamalay-malay sa South!
"Are you not going to marry her?"
Hindi makatingin sa akin si Kuya. If I was going to go for facts, Kuya's probably
already being pressured to marry. Unang apo nila Mama... tapos anak sa labas? I
didn't think they'd approve.
"Do I marry her even if I don't love her?" he asked. Hindi ako makasagot. "I don't
even feel anything but hate for her, Imo. She frustrates the shit out of me. If not
for my son, I'll kick her out of the house. She's my worst nightmare."
Gusto kong yakapin si Kuya dahil sa mga naririnig ko... Hindi ko alam na ganito
pala ang pinagdadaanan niya tapos kung anu-ano pa ang naisip ko sa kanya dati...
Tama talaga si Saint. It was just my overthinking. I was always blowing things out
of proportion.
"Maybe you'll learn to love her," I offered as an answer.
He looked at me and sadly smiled.
"Love isn't something you learn. It's something you feel. You don't force it. It
happens. And if you force it, it's probably not love... But safety. And I don't
want safety, Imo. That's not the kind of love and life I want for me."

Kabanata 44

#JTSBlocked Kabanata 44
During the weekend, I wanted to visit Kuya's house but he said it wasn't time yet.
Mukha kasing halos nagpapatayan pa rin sila nung babae kaya ayaw niya akong
papuntahin. Ayaw niya ring sabihin iyong pangalan. It was like he shuddered at the
sound of her name, so we settled on calling her Mars kasi galing daw sa Mars iyong
babae. Si Kuya talaga.
"Dalhin mo na lang si Mars sa bahay, Kuya," I suggested. "Hindi ka naman siguro
niya aawayin sa bahay natin."
Kuya scoffed.
"Asa ka pa. Sinisigawan nga niya ako sa harap ng katulong, sa harap ni Mama, sa
harap ni John. Sarap busalan ng bibig ng babae na 'yun, e."
"Magkaaway talaga kayo?"
"Kita mo 'tong mukha ko? Puro na wrinkles dahil sa sakit sa ulo sa babaeng 'yun,"
sabi niya sabay turo sa mukha niya. Wala namang wrinkles, OA lang talaga si Kuya.
"Di ba siya galit na dito muna si John buong weekend?"
"I don't think so," Kuya replied. "I just called the house. Umalis na raw. Gumala
na naman siguro," he said with a shrug.
Curiouser and curiouser. Saan ba nakilala ni Kuya si Mars? At bakit nagkaroon ng
John kung ayaw na ayaw niya naman kay Mars? And I hadn't seen Mars yet, but Kuya's
tales about her made me wince... Nakakaawa naman si Kuya kung totoo nga lahat ng
kwento niya. Pero siguro good thing na rin 'to. Papa and Mama were really fond of
John, ayaw na nga nilang pabalikin sa QC, e. At sina Finley at Riley din, feeling
nila big brothers na sila dahil kay John.
"E Kuya..." I trailed. He looked at me and I wondered if I could ask him about
Kath. "Si Kath, nag-usap na ba kayo?"
Hindi agad siya naka-sagot. Maybe I caught him off guard... But if I did... ibig
sabihin ba nun, may gusto talaga siya kay Kath? That something was interrupted even
before it began? Na kung wala bang Mars na dumating, sana ba silang dalawa? Kung
ganoon nga, my heart was sad for the two of them. It barely even started... And
they were both hurting.
"Nah. She wouldn't even face me, usap pa kaya?"
I tapped Kuya's shoulder.
"Kayo ni Santo, 'di ka ba pinapaiyak?"
I shook my head. Si Saint pa nga napaiyak ko, e.
"Good," sabi ni Kuya. "Kasi kung pinapaiyak ka, sabihin mo sa 'kin."
"Bakit? Ano'ng gagawin mo kay Saint?"
"Secret," he said and I leaned on him and hugged him. "Basta, 'wag kang papayag na
papaiyakin ka 'nun."
"Hala, Kuya. Hindi naman ako papaiyakin ni Saint. He's a really nice guy, you
know?"
I felt him nodding.
"Did you settle on him because he's nice?" he asked.
"No," I quickly replied. "I didn't settle on him, Kuya. I chose him."
I didn't feel comfortable talking about Saint with Kuya... But I felt like this was
for the best. Para mawala na iyong kung anuman ang iniisip niya tungkol kay Saint.
Hindi ko naman siya masisi kung hindi niya talaga magugustuhan si Saint. They were
never friends and would probably never be. But at the very least, I wanted them to
be civil with each other. Kasi pareho silang parte ng buhay ko... And I didn't want
to give up on any of them. I was keen on keeping them both.
"So... you're really over Parker?"
"Ang tagal na, Kuya."
"Paano mo nalaman na wala na?"
"Kasi dati, tuwing gumigising ako, ang naiisip ko, kung kamusta na si Parker, kung
kumain na ba siya, kung malungkot ba siya, kung masaya ba siya. My life revolved
around him. Everything I did, I did with him in my mind. Tapos, nakilala ko si
Saint. And slowly, I wasn't thinking about Parker anymore. Maybe a little, because
he'll always have a place in my heart. But not like before, Kuya. He doesn't
conquer my thoughts like he did before."
"And Saint does?"
I smiled and nodded.
"He does, Kuya. And it feels good to love him and to be loved by him."
Ilang minuto na nakaupo lang kami ni Kuya doon. We were watching Finley and Riley
compete for John's attention habang si Papa naman, kinakausap si Mama habang
hinihilot iyong paa niya. Napapa-ngiti na lang talaga ako. I wished everyday would
be like this. It would be so perfect. Ayoko na kasi na bumalik sa dati... Na hindi
kami kumpleto at nagkaka-gulo. But somehow, I learned to appreciate the pain and
distance. Because only then I did learn to appreciate the good times.
Nung lunch time na, nagdecide kami na magkaroon ng barbeque party instead na
lumabas. We went on the pool side at doon kami kumain. Papa was the one grilling
habang si Kuya naman iyong naglalagay ng vegetables and meat sa metal sticks. When
Papa and Kuya were done grilling, we settled on the table by the pool.
"Mary," Mama called me. "Can you free your schedule next weekend?"
"Po?"
"Parker will come home. Can you pick him up from the airport?"
"Po? Si Kuya po?"
Hindi ko alam kung bakit ako pa ang kailangang sumundo kay Parker. Saint already
asked me to keep my distance from Parker and so far, I was doing my part of the
deal... I tried to ignore his messages. I felt bad for Parker, but I was just
choosing Saint. Alam ko naman na maiintindihan ako ni Parker. He had been in my
position before. He also ignored me when he was with Cindy, and I understood him
before. I knew he'd understand me.
"Already asked him, but that's John's appointment to his pedia," Mama said. "I
would if I could, but the doctor advised me to stay at home," paliwanag ni Mama.
I bit my lip. Paano ba 'to? Kausapin ko na lang kaya si Saint? Hindi naman siguro
siya magagalit kung kaming dalawa iyong susundo kay Parker? At saka susunduin lang
naman namin...
"What time po?" I asked since gabi pa naman iyong party nung parents ni Saint... I
would still have plenty of time to prepare.
"6 pm," Mama said.
Hala.
"Ah... okay po," I just answered.
Bothered ako buong lunch namin. I tried to act normal but I couldn't. I kept on
thinking on how I would do two things at the same time. Siguro kakausapin ko na
lang si Kuya Benj... Maybe he could do me a favor. Or si Kath. Sunduin na lang
nilang dalawa si Parker. Hindi naman malalaman ni Mama... or I'd confess later,
maiintindihan naman niya siguro.
Why was I even thinking about lying? This wasn't me.
--
The weekend passed quickly. Mama almost threw a fit nung babalik na sa QC si Kuya
at John. If she could, feeling ko itatali niya sa bahay si Kuya para hindi na
makaalis. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Mars kay Mama para maging ganito ang
sitwasyon. Pero hindi ko pa naman siya nakikilala so what do I know?
"Hey." I felt Saint kissing my cheek. "Missed you during the weekend. Had fun?"
I nodded and smiled.
"Baby John's so cute! Sayang hindi mo nakita," I said with a smile.
"Buti hindi nagmana kay Preston," he said with a laugh.
"Gwapo naman si Kuya, ah..." pagtatanggol ko kay Kuya.
Kinurot ni Saint iyong pisngi ko.
"Cute mo talaga," he said and then kissed my cheek again. Sabay kaming naglakad
papunta sa resto. Maaga pa naman ngayon. Saint picked me up earlier than usual
because he wanted to spend time together bago kami pumunta sa school. He's really
clingy... pero lowkey nga lang sabi niya. Tutuksuhin daw kasi siya nila Psalm kapag
masyadong obvious.
"Saint..." I called.
"Hmm?" he answered while busy looking at the menu. "Do you want pancakes? Or rice?
Or French toast? What do you want, Mary?"
"Toast na lang," I replied. "Ano'ng oras 'yung party?"
"My mom's?" he said and I nodded. "7pm. I'll pick you up. We can go together to
Shang."
I bit my lower lip. Hindi ko pa kasi nasasabi kila Kath na sila ang susundo kay
Parker... sana. I was still pondering on whether I should tell Saint. Hindi ko kasi
alam kung paano siya magrereact. As far as I was concerned, hindi niya na masyadong
kinakausap si Dani. I knew he felt bad about that but nagseselos kasi talaga ako
kay Dani... At alam ko naman na ganoon din ang nararamdaman niya kay Parker. And I
didn't want him to feel jealous because I knew how bad that felt like.
"Ah... okay."
"Why? Is there a problem?" he asked.
Umiling ako.
"I'm just really nervous," I said. It was true, anyway. The thought of meeting
almost everyone in his family still made me really nervous. According to Cohen, I'd
be the first girl to ever be introduced sa family nila. Wala pa pala kasing
nagiging girlfriends lahat sa kanila, bukod kay Saint. Sobrang totoo pala iyong
ball is life na motto nila.
Saint held my hand that was resting on the table and squeezed it.
"It'll be fine, hmm? I'll always be with you, so don't worry."
Hindi pa rin ako naka-sagot.
"Okay?" he reiterated. I nodded and sighed. "My mom, just talk to her about us,
especially Cohen. He's her fave."
"Talaga?"
He nodded.
"He's the youngest, so he's the favorite. It's okay, though. Then with my dad, just
don't give political opinions because he has some strong political visions. Trust
me, you wouldn't want to engage in a debate with him. He can be pretty scary," sabi
niya kaya nanlaki iyong mata ko. "But he won't scare you, I promise."
"Basta, I won't give opinions na lang about politics..." I said. Ayoko rin naman na
pinag-uusapan iyon dahil sabi ni Papa, magulo raw. Ayoko pa naman ng magulo. "How
about Ate Maggie?"
"Ate Maggie? She's cool. She'll probably annoy you until you agree to go shopping
with her."
"I can do that."
He smiled.
"See? You can do this, Mary. It's not like they'll ask you to chop woods to have
me."
Naalala ko na naman si Kuya! Grabe talaga iyong pinagsibak niya ng kahoy at pina-
kuha ng tubig si Saint na para bang wala kaming gas at water tank. But it was
alright. That was when Mama finally agreed that Saint's serious about me. There's
always a silver lining, after all.
We talked and ate and laughed. Ang daming kwento ni Saint na hindi na namin
namalayan na time na pala. Pagdating namin sa school, hinatid niya ulit ako sa
harap ng classroom. Medyo konti na lang iyong tumitingin sa amin. Nasasanay na nga
siguro sila dahil palagi naman kaming magkasama ni Saint.
"Lunch later?"
I nodded. Naka-catch up naman na ako sa mga na-miss ko na lessons.
"Alright. See you later," he said and then kissed me on the cheek before leaving.
Pagpasok ko sa room, dun ako umupo sa tabi ni Kath. Liza's there. Nag-uusap naman
kami pero hindi kagaya ng dati. At kahit tinatanong ako ni Kath kung ano ang
nangyari, wala akong sinasabi. Si Liza dapat ang magsabi nun, hindi ako.
"Kath, busy ka ba sa Saturday?"
"Hmm. Not sure, why? Do we have lakad?"
Paano ko ba sasabihin 'to?
"Kasi..."
And I proceeded to explain my situation. As I was speaking, I also listened to
myself. Paano ko ba tinitignan iyong sitwasyon? Was I overthinking again for no
reason? Pero paano ba pinipigilan iyon? It wasn't as if I could stop myself from
thinking. Kasi kapag pinigil, mas lalong iniisip.
"Okay," Kath replied. "But I can pick him up myself. 'Wag na si Benj."
Hmmm. Nawala na iyong kuya. Bakit Benj na lang?
"Talaga?"
Kath nodded.
"Basta, enjoy the party na lang, babe. I'll take care of Parker for you."
I eyed her.
"It's Mama's favor, not mine."
Kath laughed.
"Whatever," she said.
--
When Saturday came, I was all nerves. Wala na sa bahay sila Mama dahil pumunta sila
sa QC. Sinama nila sila Finley at Riley dahil nagpumilit iyong dalawa na makita si
John. Si Kath naman, pumunta sa bahay para tulungan akong mag-ayos.
"Nice. Si Saint ba ang pumili nito?" she asked as she looked at me while I was
wearing my long gown. The party was a black tie event so last Tuesday, after
classes, we went to the mall para bumili ng susuotin... but somehow, we ended up on
the skating rink. Hindi ko talaga natutuloy ang gagawin kapag kasama si Saint. He's
very unpredictable.
I nodded. I was wearing a black floor-length dress. Sinigurado ko na walang kahit
na anong silver sa suot ko. My earrings were very small diamonds-na hindi masyadong
makikita dahil maliit lang talaga. Wala rin akong suot na necklace or bracelet. I
didn't want to risk upstaging his mom.
"Your guy has taste, ha," she complemented as she was working on my hair. "Anyway,
I'll pickup Parker right after this. Same number naman siya, di ba?"
I nodded.
"Or contact him through facebook," I said dahil doon naman kami nag-uusap dati.
After a while, we were finally done. Tinignan kong mabuti iyong itsura ko sa
salamin. I looked simple. I was satisfied.
"Babe, wear a necklace. Your chest looks bare."
"Hala, ayoko."
But she didn't listen to my answer. Pumunta siya sa walk-in closet ko at saka
binuksan iyong drawer ko ng necklace. I stood beside her as she chose the necklace
that would go well with my dress.
"This, oh. It will look nice," she said as she showed me the diamond necklace Papa
gave me on my 16th birthday.
"Hindi pwede," I said. The necklace looked too nice.
"Bakit?"
"I don't want to upstage Saint's mom in any way. I mean, she's not mean or
anything, but still, I don't want to risk it," I explained.
Kath looked at me, her forehead creased.
"Why do you always have to adjust for Saint? Una, iniiwasan mo si Parker. Then now,
kahit necklace lang? Mary, that's not healthy. You don't have to change who you are
to fit in his world."
Natigilan ako sa sinabi ni Kath.
"It's not that..." I said, trying to find the right words. "I just want for this
night to go perfect."
She nodded.
"I get that, okay? But it kind of feels like you're doing everything to accommodate
Saint's requirements. I mean, I like Saint for you. I really do. He's a really
great guy... Call this an unsolicited advice or anything, but seeing you change
your life for him, as your friend, I have to tell you that it's not healthy."
I sighed and snatched the necklace from her hand and wore it.
"Satisfied?" I asked. She shrugged.
While waiting for Saint, I stayed inside my room first. Sabi naman ni Kath, papunta
na siya sa NAIA. Medyo maaga pa naman...
"Nasan ka na?"
"Relax. Kakalabas ko lang ng subdivision niyo," she said. "I'll be there before 6."
"Okay. Basta call him. Alam mo naman kung saang terminal, right?"
"Chill, babe. We'll park at the airport and wait for Parker. But I bet his flight
got delayed so I will wait, and not him. If I were you, isipin mo na lang 'yung GDL
clan party mo. Don't worry, I got this."
I breathed. She's right, why was I worried? And Parker's not even a foreigner.
Hindi naman siya maliligaw. E 'di magtaxi siya kung hindi niya makita si Kath...
But as I was waiting for Saint, my conscience told me to go check my messages.
Parker Adrian Palma: Congrats, Imo. Be happy.
And a week after...
Parker Adrian Palma: Hey... Can we talk? I need to talk to someone.
My god. I felt guilty that I didn't reply to his messages.
Parker Adrian Palma: Heard your mom asked you to pick me up instead. Don't bother.
I can handle.
And I thought that it ended there. But I was wrong.
Parker Adrian Palma: When you see me again, let's just act like we don't know each
other.
(You are not allowed to reply to this message)

Kabanata 45

#JTSTheReturn Kabanata 45
Saint's family was wonderful. His father really liked me, lalo na nung nalaman niya
na dating presidente iyong great-grandfather ko. His mom adored me when she learned
that I was close to all her sons, dahil ako lang pala talaga ang nakakasundo nilang
lahat. Even Dani, hindi siya close kay Austin. And Ate Maggie loved me when I
promised to shop with her one of these days. His grandparents were just happy that
he's got himself a girlfriend. And his cousins were all really cool.
"Tired?" he asked as he was driving me home.
I nodded. Ang daming kumausap sa akin. I felt so drained.
"You wanna eat first? You didn't eat much tonight," he said.
"What? You were watching what I eat?" I said, eyeing him. Issue niya talaga iyong
braso ko, masyado daw payat.
"Yeah..." he lazily said. "You're really thin, you know? Abuela scolded me because
she thought I was starving you."
Ang cute talaga ng Lola ni Saint! She's old but really energetic! And she was able
to travel all the way from Madrid, kahit nakakapagod iyon.
"You're not starving me. You're a nagger kaya," I reminded him. He nagged every
time. When I was not studying enough, when I forgot to eat (because he nagged me to
study), kapag nakakalimutan ko na makipaglaro kina Finley. Saint is definitely a
nagger.
He laughed, and his laugh echoed in the car.
"So, what do you want to eat?"
"Uhmm... pizza and fries?"
"Such a kid," he said and then ruffled my hair. "Alright, let's get you some pizza
and fries."
We bought food and then drove home. Doon kami huminto sa isang part ng subdivision
namin. We opened the back of his car and we sat there quietly, looking at the stars
shining brightly above us.
"Saint..."
"Hmm?"
"Do you know Cindy?"
Napa-tingin siya agad sa akin.
"Why?"
"I saw her tonight. At the party."
Natigilan siya. I didn't want to push him if he didn't want to tell me things...
just like he gave me space when I needed to breathe. I was ready to divert the
topic when he answered my question.
"After I was born, my parents separated for a while... That was when my Dad met
Cindy's mom."
My mouth went agape. Cindy's his sister?
"And then things happened, and Cindy was conceived. My mom learned about this and
she was enraged. It was just a trial separation, they weren't really separated. I
didn't know what exactly happened, bata pa kasi ako nun," he said with a smile.
"But when Mom filed annulment against my Dad, together with a petition to never let
him see his kids, I think that that was when my Dad realized that he couldn't lose
Mom. He tried getting back with her for a year, but Mom wouldn't have any of it.
She tried seeing other people... but in the end, they compromised for our sake. And
also, both families threatened to disown them kapag naghiwalay sila. So there's
that."
I looked at Saint and I wanted to hug him. Hindi ko akalain na may ganito pala sa
buhay niya... He had always been all sunshine. I didn't notice the storm hiding
behind the clouds.
"...kaya ba nawawala iyong 1997 na frame sa bahay niyo?"
"You noticed?" he said, looking at me.
I nodded, and smiled a little.
"I was looking at your baby pictures..."
Napa-ngiti na rin siya. Sinandal ko iyong ulo ko sa balikat niya.
"1997 was the year when they separated because Dad briefly stayed with Cindy's mom
while she was pregnant. So much for being married, right? Getting someone
pregnant... Cheating even though you have kids waiting for you at home."
Kaya ba galit siya kay Parker dati? Dahil kay Cindy? Ang dami kong gustong itanong
pero hindi ko alam kung paano... I didn't want to open the wound again. Ayoko ng
nasasaktan si Saint.
"1997 won't happen again," I said and then held his hand. "Both your parents looked
happy."
"I guess..."
"Bakit?" I asked when I sensed his apprehension.
"Well, a few weeks after my parents got back together, my Mom found out that was
pregnant."
"Si Cohen?"
He nodded.
"And they didn't know if it was my Dad's or the guy my Mom was previously
dating..."
Oh, my God. Ang dami palang sikreto ng pamilya ng Gomez de Liaño.
"But they didn't want to risk another scandal so my Dad decided that it was his. So
if you'd notice, Cohen's not really comfortable around us. We try to accommodate
him because even if he's not Dad's son, he's still our brother... Pero, ewan. He's
sometimes distant," he said and then squeezed my hand. "So, thank you for being
there for him. I appreciate it whenever you talk to Cohen. He's a pretty lonely
kid."
This time, I hugged Saint. He really deserved a hug.
"I like Cohen."
"I said thank you for talking to him, not like him."
I chuckled.
"I like him because he's your brother. You're on a different level," I whispered in
his ears.
"Then what level am I on?" he whispered back.
"Love. I love you," I answered against his chest.
Instead of saying it back, he cupped my face and looked into my eyes.
"I love you, Mary Imogen Suarez," he declared and I couldn't help but smile. "Let's
not break-up ever, alright?"
I nodded. Ayoko rin mahiwalay sa kanya. Masaya ako sa ganito. He made me really
happy. I liked comfort. I like safety. What's so wrong with that?
And then he kissed me again... but this time, it was different.
--
"You alright?" he asked. Naghahanap ako ng plastic sa loob ng sasakyan niya para
lagyan ng kalat namin. Knowing Saint, kung hindi ko aayusin iyong pinagkainan
namin, malamang makikita ko pa rin 'to sa Monday kapag sinundo niya ako para sa
school.
I nodded.
"Really? Your ears are red."
Tinakpan ko agad iyong tenga ko.
"Gabi na! Pano mo nakikita?" I hissed.
He laughed.
"I didn't. So, why are you all red?" he asked, and then took a step closer. "Is it
because of the kiss?"
Nanlaki iyong mata ko.
"Still shy? It's the twentieth time we kissed, Mary."
Mas lalong nanlaki.
"Binibilang mo?!"
He nodded.
"If we reach five hundred, I'll stop counting then," sabi niya tapos hinampas ko
siya. Tawa naman siya nang tawa. Ang kulit talaga ni Saint! Sabi ko na nga, e.
Masamang idea talaga na magkasama kami kapag madaling-araw! "I'll kiss you better
next time, para mas lalo kang mamula."
"Kasi... bakit ganon?"
"Hmm? Bakit ano?"
"Ang tagal."
I was just saying fragments. Hindi ako makabuo ng sentence. Nakaka-distract iyong
labi ni Saint. Nahahawa na ako sa pagiging malandi niya.
"Ahhh... I get why you're confused. It's because we didn't just kiss, Mary. It's
called making out."
Nanlaki na naman iyong mata ko.
"A-ano?!"
Tawang-tawa na naman si Saint. He's really having fun teasing me!
"You really want me to expain? Fine," sabi niya at saka nagsimula siyang magsalita
ng kung anu-ano. Tinakpang ko iyong tenga ko at saka tumakbo papasok sa sasakyan
niya. I locked him outside, tapos tawa lang siya nang tawa. Ang bully!
Maya-maya, kumakatok na siya.
"Let me in," he said against the window. "I won't tease you anymore."
I rolled the window a bit.
"If you tease me again, you can't kiss me."
Tumawa na naman siya.
"Sure, Mary. Sure. As if you can resist."
"Ang feeling mo naman!"
"Look at my lips. It's all swollen. Sino ba ang kumagat dito?"
Tinaas ko agad iyong bintana kaya naipit iyong braso niya.
"If I can drive, I'll run you over, Saint Iverson Gomez de Liaño!" inis na inis na
sabi ko sa kanya pero tawa na naman ang nakuha ko. He's really the worst during
this time in the morning!
--
Morning came, akala ko makakatulog ako ng mas mahaba. Ano'ng oras na rin kasi akong
nakatulog. Akala ko pag-alis ni Saint ay makakapagpahinga na ako pero hindi pala.
We spent a good few hours talking on facetime. Actually, sabay lang kaming nanonood
ng Stranger Things sa Netflix at nag-uusap lang kami sa facetime kapag may comments
kami.
I was in dire need of sleep... pero may kumakalabit sa akin.
"Ate..."
"Hmm..." I groaned. I really wanted to sleep some more. And even if I needed to
open my eyes, I couldn't. My lids felt heavy, medyo mahapdi din.
"Ate..."
And then I heard sobbing. Doon napa-mulat ang mga mata ko.
"Finley, why?" I asked, worried. My brother rarely cries... Pakiramdam niya kasi,
siya ang kuya sa kanila ni Riley kaya naman pinipigilan niya na umiyak. He thought
he needed to be strong for Riley... And seeing him cry like this really made me
worry.
Tuluy-tuloy lang iyong pagtulo ng luha niya. Mas lalo lang lumalakas ang kabog ng
dibdib ko.
"Fin... what's wrong?"
"Ate..." he said, sobbing. "Auntie Kach..."
"Ha?"
He was crying. Hindi siya makapagsalita. And then I noticed... he was wearing
black. And then I saw Riley standing by the door... also wearing black. Tapos si
Mama, naglalakad papasok sa kwarto ko... also wearing black.
"Bumangon ka na. Take a bath. We're leaving in 20 minutes," sabi niya. I could
clearly see her bloodshot eyes.
My chest began to tighten. I had a clue... but I had no strength to ask. I was too
afraid to even do it.
"Ma..."
She quickly wiped the tears.
"Go down in 20 minutes," sabi niya at saka isinama sina Finley at Riley pababa.
Naiwan akong tulala. I did what was asked of me, but my mind was playing all these
different scenarios... all aiming for the worst possibility. Gusto ko ring maiyak
pero ayoko. It felt like it would all turn into reality kapag umiyak ako. Pero nung
pagbaba ko... nung makita ko silang lahat na naka-suot ng itim... I just wanted to
cry.
"Let's eat," Mama said. "Parker's already home."
My chest constricted in pain again.
"Ma..." I trailed, my voice lost. Sinubukan ko na tibayan iyong loob ko para
maitanong ko. I felt like I would go crazy kapag hindi ko pa rin nalaman. "W-what's
happening?"
Mama looked at me. She tried to smile though I could see that she was in so much
pain.
"Your Aunt died last week. I thought she was getting better with the treatments,
pero hindi niya lang pala sinasabi. Akala ko umuwi si Parker dahil maayos na ang
Mama niya... but he just came back to fix his mom's memorial."
The pain in my chest was just getting worse.
"Ma..."
She smiled again.
"Kaya bilisan mo ng kumain. Puntahan na natin si Parker. He needs us now."
Hindi ko alam kung paano ko nagawang kumain ng hindi naiiyak. I was feeling numb. I
didn't want to process what I just heard. Auntie Kach was like a mother to me...
She was there while I was growing up. Palagi niya akong inaalagaan kapag nasa
kanila ako...
And Parker. God. I was dead worried for him. I hoped that he didn't do anything
stupid.
Pagdating namin sa bahay nila, tahimik. Hindi ko alam na may ganito palang
nangyayari sa buhay nila. Hindi ko alam na may ganito palang pinagdadaanan si
Parker... He never told me anything... Or maybe because I never asked him. I felt
so guilty for not being there for him when he needed me the most.
"Where's Parker?" tanong ni Mama kay Manang. Agad kaming sinabihan na nasa kwarto
si Parker. Dumiretso doon si Mama habang ako, hindi ko alam ang gagawin ko. I
wanted to be there for him... but he told me he didn't want to see me again. Hindi
ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko.
Napaupo na lang ako.
"Pa... where's Uncle?"
"Still in the US."
"Hindi siya uuwi?" I asked.
"I don't know... It's been really hard for him. Maybe he's taking time to process
everything."
Naiintindihan ko si Uncle... pero paano si Parker? Maiiwan ba siyang mag-isa dito?
The house was huge... but it felt empty. Nalulungkot ako para sa kanya. My heart
was breaking.
"Go to Parker," Papa said. "He needs his best friend at trying times like this."
I pursed my lips. I didn't know if he still needed me...
Nakatabi lang ako kay Papa hanggang maya-maya ay bumaba si Mama. Agad tumayo si
Papa para alalayan si Mama habang bumababa ng hagdan.
"Shi, it's alright if Parker will stay with us for a while, right? I called Tripp
and he said that he'll be staying there indefinitely... Ayoko naman na mag-isa lang
si Parker dito."
Papa quickly agreed. Tinignan ako ni Mama.
"Come and help him pack his things, Mary," Mama told me. "Shi, help me organize a
ceremony for Kach," sabi niya at saka lumabas silang dalawa.
Nadikit ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano gagalaw. I was scared,
hindi ko alam kung paano siya kakausapin... But I needed to face my fear. I needed
to be the bigger person. He needed someone now. And I wouldn't leave him... pero
'wag niya sana akong itaboy.
Kahit na kinakabahan ako, umakyat pa rin ako. Every step brought fear in my heart.
Habang palapit ako sa kwarto niya, mas lumalakas lang iyong tibok ng puso ko. At
nung nasa harap na ako ng pinto niya, parang gusto ng tumalon ng puso ko palabas ng
dibdib. I didn't have to knock because the door was ajar.
Tahimik akong pumasok sa loob. I wanted to say his name, but I couldn't. Para akong
tinakasan ng boses ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama niya, iyong kamay niya ay
natatakpan ang mukha niya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo doon... I was just staring at him.
Hindi siya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko iyong paghihirap niya. I wanted to
hug him and tell him that everything's going to be fine, kahit hindi ko alam kung
totoo ba... I just wanted to make him feel better.
"Parker..."
He didn't move.
"I'm sorry..."
My heart was pounding.
"I'm here if you need anything."
Tinignan niya ako. His eyes were dead. There was no emotion in his eyes.
"Get out."
"Parker naman..."
"Get out of my room, get out of my house, get out of my life."
I heard my heart shattering.
"Parker-"
"And stop saying my name. I don't want to do anything with you anymore."
Nagsisimula ng magtubig iyong mga mata ko. Bakit ba niya 'to sinasabi sa akin?
Hindi ko naman alam na ganito 'yung nangyayari sa kanya... Sa tingin niya ba kung
alam ko, hindi ko siya tutulungan? Ganoon ba ang tingin niya sa akin?
"I'm sorry," I repeated. "I'm sorry if I wasn't there for you. Hindi ko naman
alam."
"I don't need you and your sorry. Just... just stay away from me," he said. His
voice sounded so tired. "Please."
Tinignan ko siya.
"I can't do that, Parker. You're just saying that because you're hurt..."
He stared at me. The seriousness in his eyes broke a part of my heart. Did he
really want nothing to do with me?
"If you really care about me, stop bothering me. Please."

Kabanata 46

#JTSOneNight Kabanata 46
To say that it was awkward would be the understatement of the year. I didn't know
how Mama pulled it off, but she managed to make Parker stay in our house. And it
had been five days since he started living with us, but nothing changed... Hindi
siya lumalabas sa kwarto. If Mama wouldn't force him to eat, I believed that he
would starve himself.
It felt like he didn't even have the will to live anymore... Kagaya ngayon.
Kumakain kami pero wala siyang gana.
"What's your plan now, Parker?" Mama asked.
Parker was mindlessly poking his food.
"I don't know," he replied.
"Do you want to go back to study?" Hindi siya sumagot. Mama sighed. "You have all
the time in the world. Just tell me when you already know what you want to do,
Parker."
Natapos iyong breakfast namin na walang nagsasalita. Ilang beses na saglit akong
tumingin kay Parker. He was here, but his mind was somewhere else. I wanted to
console him, but even before I could get close, itinataboy niya na ako. Hindi ko
alam kung paano ko siya lalapitan ng hindi niya ako nilalayuan. I just wanted to
help, but him pushing me away was making it impossible.
Nung hapon, may usapan kami ni Saint na aalis kami. I still hadn't told him about
Parker staying with us. I didn't know how I'd break it to him without him thinking
the worst. I knew that Saint's an understanding guy, but even understanding people
have their limits. And I didn't want to push his. Kaya naman imbes na sunduin ako
ni Saint sa bahay kagaya ng palagi niyang ginagawa, I asked him to just meet me at
the mall.
"You sure?" he asked. "If you're running late, I can pick you up a bit later."
I bit my lower lip. I really didn't like keeping things from him. He's so nice.
"Ah... hindi, e. Pero magpapahatid na lang ako kay Manong."
"Alright. But same time?"
"Yes," I replied.
"Mary..." he said. "Is everything alright? You sound weird."
And he's so receptive. Alam ko na hindi ko maitatago iyong tungkol kay Parker ng
matagal. Saint would know, and I didn't want us to fight about this. There was
nothing to fight about.
"I'm alright," I said, trying to make my voice livelier.
"You sure?"
"Yup. Everything's alright. I'll see you later. Choose a movie para pagdating ko,
manonood na agad tayo."
May bago kasing cinema na may unlimited popcorn at saka drinks ako na nakita sa
newsfeed ko. I just clicked like tapos a few minutes later, nagmessage na si Saint
na inaaya ako na manood. Minsan, pakiramdam ko na iniistalk niya lahat ng ginagawa
ko sa Facebook at Instagram. Kapag kasi may ila-like ako na kahit ano, a few days
after, bibigyan niya ako ng regalo. Minsan nga, susubukan ko na maglike ng picture
bagong bahay. Baka bigyan ako ni Saint.
"So, paghihintayin mo ako?" he asked.
"Bakit, may reklamo ka?"
He laughed.
"My Mary's starting to become a brat," he said, laughing. "Alright, I'll choose the
movie. But don't make me wait for too long. Baka magalit ka na naman sa akin kapag
may babae na nagpapicture sa akin," sabi niya at saka humalakhak ulit.
"Hindi ako nagalit nun!"
"Sure, tell that to yourself."
Hindi naman kasi talaga! May nagpapicture kasi sa kanya nung isang beses na nasa
mall kami. Tapos medyo rude kasi iyong babae sa akin tapos hawak ng hawak sa
katawan ni Saint... Hindi naman ako nagalit. Medyo nainis lang. Kaunti lang naman.
"Ewan ko sa 'yo. Sige na, bye na."
"Bye, Mary. Kiss later."
Napailing na lang ako at saka binabaan siya. Dati, tuwing madaling-araw lang naman
sobrang landi si Saint... ngayon kahit may araw pa, hindi na talaga siya mapigilan.
Mas lalo lang siyang lumalala habang tumatagal. Kahit sa public, hahalikan niya ako
sa pisngi o kaya sa noo o kaya sa gilid ng ulo ko, tapos hindi niya bibitawan iyong
kamay ko. Kahit tinutukso siya sa gym, wala lang siyang pakielam.
Nung bumaling na ako para umakyat sa kwarto ko, halos mabitiwan ko iyong cellphone
ko nung makita ko si Parker sa likod ko. Napaawang iyong labi ko. Hindi ko alam
kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Was he listening this entire time?
We were just staring at one another. My knees were buckling, but I didn't want to
break the stare. It was the first time he looked at me since he came back here.
Palagi niya akong iniiwasan o kaya naman ay tinatrato na parang hangin... Ngayon
lang ulit siya tumingin.
But it only lasted for a few seconds. Bumitiw din siya sa tingin at saka
tinalikuran ako. My heart constricted inside my chest. A part of me was blaming
myself... Siguro kung mayroon siyang kausap nung mga panahon na kailangan niya,
hindi siya magiging ganito... But blaming would do no one any good. It was done.
Ang magagawa ko na lang para sa kanya ay ang bumawi.
Pero paano?
"Just give him time."
Napa-ngiti ako kahit papaano nung makita ko si Kuya.
"Si Baby John?"
"Upstairs with Mama," he said. "Okay ka lang?"
I smiled, and nodded.
"Kayo ni Mars, okay na?"
He scoffed.
"Wag nga natin 'yung pag-usapan. Kinikilabutan ako," he said, faking a shudder.
"Anyway, about Parker, pabayaan mo. Mas lalo ka lang nung iiwasan kapag pinilit mo.
Kilala mo naman 'yun." I timidly smiled. Inakbayan ako ni Kuya at saka ginulo iyong
buhok ko. "Give him time to fix his head. He just lost his mom. He's being an ass,
but at least now it's justifiable."
Niyakap ko si Kuya.
"Nakakabuti yata si Mars sa 'yo, Kuya. Ang dami mong words of wisdom lately."
Tumawa siya.
"Sira."
I still was thinking on how I'd approach Parker when I was called for lunch.
Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako dahil sabay pa kami na pababa. I remembered
Kuya's words... Just give him time. So I backed down a bit and let him walk ahead
of me. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makababa kami. Pagdating namin sa
kainan, everyone's already there. Nandun na sila Mama, sila Finley, si Kuya at Baby
John.
We began eating when Mama called my attention.
"Mary, are you free later?"
I shook my head.
"May pupuntahan po ako mamaya," I replied curtly. I didn't dare mention Saint's
name. I wasn't sure if Parker was over his feelings for me already, but I didn't
want to risk it. He was in a rough place right now, I didn't want to add to his
problems. "Bakit po?"
"Ah, wala. I was thinking of going out of town for the weekend since wala na naman
pala iyong nanay ni John," Mama said with distaste. "But let's just postpone it for
next week. Ayos lang ba sa 'yo, Parker?"
Parker just shrugged.
Nung matapos kaming kumain, nagbihis na ako para sa lakad ko. Mabilis lang akong
naghanda dahil ayoko na maghintay si Saint. And although I wouldn't admit it, it
bothered me when girls would take pictures with him and touch him. Masyado kasing
touchy iyong ibang babae. Okay sana kung picture lang.
Nagpaalam na ako kila Mama at sumakay na sa sasakyan. I sent a text to Saint saying
that I was on the way already. Pero bago pa man kami makalabas sa subdivision,
pinahinto ko iyong sasakyan. I saw Parker sitting on the swing. And he was smoking.
I had never seen him smoke before... At hindi siya naninigarilyo dati. He was an
athlete, and smoking was prohibited.
I was torn. Gusto kong bumaba at kausapin siya, pero ano ang sasabihin ko? At saka
naghihintay sa akin si Saint.
But seeing Parker spiral down like that...
"Sandali lang po, Manong," I said as I got out of the car. Iniwan ko iyong gamit
ko. I just brought myself... and my confidence. I knew I'd need confidence because
he'd shut me down. He only asked me one thing. That I stay out of his life. Pero
paano ko gagawin iyon kung ganito siya? Kung ginaganito niya ang sarili niya?
Habang naglalakad ako papunta kay Parker, hindi ko mapigilan ang pangangatog ng
tuhod ko. Even from afar, he could make my knees tremble. At nung nasa harap niya
na ako, nagtaas siya ng tingin. He was still holding that death in a stick, while
looking at me.
"Since when did you smoke?" sabi ko, pero imbes na sumagot, he just continued
smoking. Napailing ako. Umupo ako sa swing na katabi nung sa kanya. "If Auntie's
alive, she wouldn't want you smoking."
Hindi pa rin siya sumasagot at patuloy lang sa pagsigarilyo. Gusto kong kuhanin
mula sa kamay niya iyon at saka itapon sa malayo.
"Are you trying to kill yourself?"
Tahimik lang ako na naupo sa tabi niya. Nung maubos iyong isang stick, naglabas
siya ng bago at sinindihan.
"I know it's hard, but it's not the end of the world, Parker. Mahirap, pero
kakayanin. Nandito naman kami. Nandyan pa ang Papa mo, si Mama, si Papa, si Kuya,
sila Kuya Benj, si Cindy... ako," I said. "We're all here for you, Parker. We'll
help you with whatever you need, just don't kill yourself like this..." nanghihina
na sabi ko.
I knew I was definitely overstepping my boundaries, but he needed to hear this. I
hated seeing him be like this.
Tumayo siya at saka binitawan iyong sigarilyo. Inapakan niya iyon.
"What I need is for you to fúck off."
And then he left me.
--
Hindi ko naintindihan kung ano ang pinapanood namin ni Saint. My mind was
preoccupied. I didn't want to think about Parker when I was with Saint, but I
couldn't help it. I was really worried about him...
"Are you sure you're alright?" Saint asked matapos naming manood ng sine.
I smiled.
"Okay lang ako," I said. He cupped my face. "Okay lang ako, promise."
"Sure?"
I nodded.
"Kain tayo? Nagugutom na ako."
Kumunot ang noo ni Saint.
"You're not okay, Mary. Something's bothering you," he stated.
I sighed. Masyado bang halata na may problema ako o baka naman kilala niya lang
talaga ako? Naglakad kami ni Saint hanggang sa makarating kami sa isang café na
hindi marami ang tao. He ordered tea for me and he got himself coffee. I kept on
playing with my tea while buying myself some time. And a few minutes later, I knew
I had to talk.
"Saint, I have a confession."
His brows knitted.
"Is it serious? You're making me worried and nervous, Mary..."
I chewed on my lips. Paano ko ba 'to sasabihin? Hindi ko alam... So I just closed
my eyes and went for it.
"Parker... his mom died. And now, he's living with us."
I closed my eyes as I waited for his response. But seconds left, and there was only
his silence... and the noise around us. Ibinukas ko ang mga mata ko at saka nakita
iyong mukha ni Saint. There was no reaction on his part. I didn't know what to make
of it.
"He needs us now, Saint... He just lost his mom, and his dad's not here..."
My heart was beating erratically inside my chest. I wanted to force a reply out of
him, but I couldn't do that. I needed to face his reaction, no matter how worse it
could be. I deserved it.
"I understand," he said after a few minutes. Nakatingin siya sa akin, but I
couldn't read his eyes. "You're his friend, right?"
Slowly, I nodded. He smiled... but it seemed forced.
"As long as you know that you're only a friend, I can take it."
Kahit ganoon ang sinabi niya, masikip pa rin ang dibdib ko.
"Thank you," I replied.
"Just don't make me go through what my parents went through, Mary... I don't think
I'm strong enough for that."
And though he smiled, I knew it was fake. He didn't like any of it... and I
couldn't do anything about it.
--
We strolled and watched another movie before we decided to go home. Pagdating namin
sa bahay, hinarap ko si Saint. I held his face.
"Saint..." I softly called his name and made him look at me. "I'm not like your
mom... I mean, she's wonderful and I like her, but I'm not her. Her mistakes
wouldn't be my mistakes. So, please don't judge me based on what happened in the
past. I'm not your past, Saint. I'm in the present."
He was looking at me, and I felt like drowning. I caressed his face.
"We're only beginning, and there's no way we're going to end anytime sooner," I
said as I softly caressed his cheek. "You hear me? We're still going to be together
for a long time."
Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi siya sumasagot sa akin. I didn't like ending
a day with him mad at me. I hated fighting with Saint. I hated it when we're not
okay.
"Saint, hindi ako aalis dito hanggang hindi ka sumasagot," I said firmly.
He sighed.
"Alright."
"Alright?"
He nodded.
"I'm sorry if I acted a bit immature. It's just that..." he trailed. "You loved
him, Mary. You had feelings for him for God knows how long... And it just bothers
me that he's here again, and he's so near... And he needs you. Ano bang laban ko
don? It's just... I'm scared. I've never been scared of anyone in my life... Si
Parker lang. Because I know that he can take you away from me."
Umiling ako.
"Saint naman..."
He smiled, but there was sadness in his eyes.
"It sucks because it's true. I know it's fúcking immature when I asked you to
distance yourself from him, but can you blame me? I'm just scared. I saw you cry
for him. I saw you for years loving him from afar. I know that even though things
have been going great for us, just one move from Parker and he can take you away
from me."
I had always asked honesty from Saint, but I couldn't take his words. He's too
honest. His words pierced through my heart. How would I assure him that
everything's going to be fine?
I leaned in and kissed him softly.
"Nothing will change," I whispered against his lips. Hindi siya sumagot. "Saint,
just trust me on this, alright? I'll never do anything to hurt you..."
Alam ko na sinasabi nila na mas mahal ako ni Saint... but that's not true. I may
not be verbal or physical about it, but I really, really love him. And I would be
crazy and stupid if I'd do anything that would make me lose him.
--
That night, I was about to sleep when my phone started to vibrate.
"Kuya... why?" I said in my half-asleep state.
"Gising pa ba sila Mama?"
"Ha? I don't know..."
I was tired. Buong araw kaming umikot ni Saint sa mall.
"Tumayo ka at saka tignan mo sa labas."
"Bakit ba?" I said habang nagsisimulang tumayo mula sa kama. I went outside and it
was dark, but I still couldn't tell. Baka kasi nasa garden lang sila Mama. Mahilig
kasi silang magtea kapag gabi dahil malamig sa labas.
"I just fetch Parker from the police station, and I don't think it'd be a good idea
kapag nakita siya ni Mama na ganito."
Biglang nawala iyong antok ko.
"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari?"
Binilisan ko ang pagbaba hanggang sa nakita ko sila Mama sa garden. Bakit hindi pa
sila tulog? Kung kailan kailangan na tulog na sila, e!
"Long story. So, ano? Gising ba?"
"Yeah..." I said. "Sa bahay na lang kaya nila mo dalhin, Kuya?" I suggested.
"I tried," he said. "But the house was locked. Wala rin sila Benj sa bahay nila and
Jackson's missing, as usual."
I chewed on my lip.
"Sa bahay mo, Kuya?"
"What? Gusto mong batuhin ni Mars si Parker ng kaldero!"
I kept on pacing back and forth. Hindi ako makapag-isip ng sagot, at iniisip ko pa
rin kung bakit nasa presinto si Parker.
"Sa hotel, Kuya? Check-in na lang kayo..." I said. It was the last resort.
"Pwede, pero kailangan kong umuwi. May sakit si John. Dinaanan ko lang si Parker
dahil ako ang nasa speed dial niya," he explained.
"Ah... iwanan mo na lang, Kuya..."
Malaki na naman si Parker. Okay lang naman na mag-isa siyang naka-check in sa
hotel... At saka hindi pwede na makita siya ni Mama. Sigurado ako na sesermunan
siya. And that's the last thing he needed right now. He'd only do worse kapag
pinagsabihan siya.
"Baliw ka ba? What if he drowns in his own barf? E 'di konsensya ko pa."
"E ano ang gagawin, Kuya?"
There was a beat.
"Stay with him. For the night."

Kabanata 47

#JTSOver Kabanata 47

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Kuya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa
narinig ko. Hindi ko alam kung seryoso ba siya, at kung seryoso siya... bakit? Why
would he even suggest that?
"C'mon, Imo. Kakayanin ba ng konsensya mo na iwanan siya?" he said.
"Kuya, hindi pwede," I reasoned.
"What? You can even invite Saint if you want. Just don't leave him alone."
I chewed on my lips again. Pakiramdam ko ay magkakasugat na ito dahil sa mga
sinasabi sa akin ni Kuya. He knew that Parker's a sore spot. Hindi pa nga masyadong
maayos iyong kay Saint. Although I assured him that Parker's no more than a friend
to me, I knew that he still wasn't okay... It took him a lot of courage to admit
that he was afraid of Parker. And I wouldn't betray Saint's trust. Hindi ko kaya.
And I refuse.
"I'll call someone, okay? I'll look for someone to watch over him. Basta hindi ako,
Kuya," I said.
"You really love Saint?"
"Yes, Kuya. And I don't want to hurt him. Lalaki ka rin naman. Ano ang iisipin mo
kung ang girlfriend mo ay may kasamang ibang lalaki sa hotel room?"
Natahimik siya. I knew I sounded rude, but I just wanted to make my case. Ayoko na
isipin niya na wala lang akong pakielam kay Parker kaya ko 'to ginagawa. I care
about Parker, but I also care about Saint. I didn't want to do anything that might
jeopardize our relationship.
I promised that I wouldn't hurt him, and I was doing everything that I could to
fulfill that promise.
"I'll see you in a few minutes, Kuya," I said before ending the call.
Agad akong bumaba at saka hinanap si Manang. Pagkakita ko sa kanya, agad kong
sinabi sa kanya na may kailangan ako pero sikreto lang namin dapat. Good thing
Manang didn't ask questions because I had no time to answer. Agad ko siyang hinatak
papunta sa sasakyan, and asked Manong to drive us to the hotel Kuya texted me. And
while we were on the way, I was praying that Mama won't go to my room because she'd
see that I wasn't there. Ayoko kasing magpaliwanag, at ayoko rin na magsinungaling.
So it would be better if she wouldn't ask me.
When we arrived, we immediately went to the room number Kuya gave.
"Unbelievable," I muttered when I noticed that the door was ajar. Agad akong
pumasok at nakita ko si Parker na nakahiga sa kama. Iniwan ba siya ni Kuya dito?
And he left the door open! Paano kung may pumasok dito at kung ano ang ginawa kay
Parker? Si Kuya naman!
Tinitigan ko si Parker. Hindi ako lumapit.
"Ma'am, e basang-basa po ng pawis si Sir Parker... Palitan kaya natin ng damit,"
Manang suggested. "At saka may sugat pa po sa labi. Gamutin po natin."
"Ah, oo nga po. Pero wala pong damit dito," I replied. Baka magkasakit si Parker
kapag hinayaan namin na pawis lang siya.
"Kami na lang po ni Roger ang bibili," she said and I gladly gave her my wallet
para mabili niya ang mga kailangan niya. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang mga
dapat kong bilhin.
And before I even knew it, I was alone in the room with Parker.
He was quietly sleeping. He just stirred a little and then went back to sleep. I
just stared at him. I couldn't get too close. Naaawa ako sa kanya. It felt like he
just lost everything. Si Cindy, si Auntie... his dad's dealing with his own
problems. Parker's left all alone. And he didn't even want any help from any of us.
He's enclosed, and he didn't want to let anyone in. And it was hard for me to see
him destroying his own life.
My heart almost jumped out of my chest when my phone suddenly rang. Napapikit na
lang ako nung makita ko iyong pangalan ni Saint. Hindi ko alam kung ilang segundo
akong nakatingin doon nung biglang magsalita si Parker.
"Answer it," he mumbled.
Natigilan ako. Was he awake all this time?
"Are you alright? May masakit ba?" I asked him. The cut on the side of his lips
looked painful. Nakipag-away ba siya?
He closed his eyes again.
"If you won't answer your phone, just turn it off," sabi niya. "Or better yet,
leave," he briefly said before closing his eyes again.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kanya. My phone kept on ringing, though. I
couldn't decide whether to drop Saint's call, or to answer it and be honest. We
just had our talk about Parker... and I didn't want him thinking otherwise.
"Answer it or end the call. Hindi ako makatulog," he said, his eyes still closed.
It felt like we were back to where we were years ago. Iyong Parker na ayaw sa akin
dahil pinipilit ako sa kanya ng mga magulang niya. I had worked so hard so that
he'd like me... even as a friend. I was contented with that-I forced myself to be
contented with that... And now, I was back to square one.
Tinignan ko iyong tawag ni Saint, bumuntong-hininga, at saka pinatay iyong tawag.
"Gutom ka ba?" I asked a different question.
"Just leave."
"Pabalik na siguro sila Manang," I replied instead. "Gusto mo ba ng pagkain? I can
text them to buy food, or magpa-room service na lang-"
Nagulat ako nung maupo si Parker. He was glaring at me.
"What do you want?" galit niyang sabi sa akin. He wasn't shouting. He didn't even
raise his voice... but I felt scared. He felt so distant.
"Parker..."
"What do you want?" he said, his voice softer this time. He sounded tired. Gusto ko
siyang lapitan. I wanted to console him... but how do I do that without hurting
anyone in the process? Was it even possible?
I looked at him, and answered though my voice croaked.
"I want you to be okay," I whispered.
"I'll be okay. Even without your help, I'll be okay," he replied. Sasagot pa sana
ako pero nagsalita ulit siya. "I won't kill myself. This is not enough for me to
kill myself."
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin. He was calm... but I
still couldn't do anything.
"So... just please," he said, his voice pained. "Just leave me alone."
My heart ached inside my chest. Ilang beses niya ng hiniling sa akin na tigilan ko
siya... And every time was harder than the last.
"Do you really mean that?" I asked him, as I stared right into his eyes. I wanted
to see if he really meant every word he said. Na gusto niya talaga na iwanan ko
siya... Na gusto niya talaga na tigilan ko siya.
The look on his face was too much.
"If it's about Saint-"
Bigla siyang tumawa.
"What the fúck, Imo? You think this is about Saint?" Hindi ako nakasagot. "This is
not about him. I don't give a flying fúck anymore if it's him you want to be with.
Okay na ako. Tanggap ko na kasi kasalanan ko naman. You loved me all these years
and I took that for granted. Okay na. Alam ko na... But what I can't wrap around my
head is that when I needed a friend... you weren't there."
Hindi ako maka-tingin sa kanya. Bawat salita niya ay tumatago sa puso ko.
"I just needed someone, Imo. I just needed someone to talk to. I didn't need you to
love me. I just needed you to be my friend... pero hindi mo ginawa."
Tears started brimming on my eyes. Every word felt like a knife stabbing through my
chest... but I needed to hear it.
"I just needed a friend. Hindi naman kita aagawin. Gusto ko lang ng kausap. I just
needed someone with me while my mother slowly dies... while my father slowly
withdraws from me. I just needed someone, Imo. Iyon lang. Pero wala akong narinig
galing sa 'yo."
Tears began to fall. I couldn't move. Sumisikip iyong dibdib ko sa bawat salita
niya.
"When mom died, alam mo ba? Ang sabi niya sa akin, alagaan daw kita... Pero bakit
pa kita aalagaan? May iba namang mag-aalaga sa 'yo. Sabi niya rin, 'wag daw akong
mag-alala kasi nandyan ka naman. Hindi mo raw ako papabayaan kasi nangako ka raw sa
kanya na nandyan ka lang para sa akin. And you know what? I just lied to my mom
until she died. Because I didn't want her to worry about me anymore. I didn't want
her to worry that you won't be able to keep your promises." And then he looked at
me again, and his eyes looked tired and resigned. "I don't want you as a friend...
I don't want you in my life."
Tuluy-tuloy lang iyong pagtulo ng luha ko habang nakatingin siya. Wala akong
pakielam kung umiiyak ako sa harap niya. I wanted him to know that it was hard for
me, too... Na hindi lang siya ang nahihirapan.
"So, just please... Tama na. Pagod na ako."
Biglang sumikip lalo ang dibdib ko.
"Okay..." I said in between sobs. "But promise me you won't destroy your life."
Nakatingin lang siya sa akin.
"Stop smoking, Parker... Don't drink too much... Don't get into fights... Please
don't destroy everything just because you're hurting now."
I couldn't read him, but I could read myself. And I knew that it hurt too much.
"And I'm sorry if I wasn't there for you. I'm sorry. Hindi ko alam kung ilang sorry
ang dapat kong sabihin para mapatawad mo ako... Sobrang nagsisisi ako na wala ako
kung kailan kailangan mo ako, Parker. Habang buhay kong pagsisisihan na wala ako
nung nawala si Auntie... But please don't destroy your life. It's okay to blame me,
to blame the world, but don't do this to yourself..."
I looked at him.
"Okay?"
Slowly, he nodded. Ngumiti ako at saka pinunasan iyong luha ko.
"Okay, then... I promise to stay out of your way," I said and walk away before
tears start to fall down again.
I felt like I really lost him for good this time. And it hurt.

Kabanata 48

**I have a birthday giveaway. I'll be giving away free books. It's entitled "I
Watched Him Fall For Someone Else." If interested, check my fb Eydee Palma for more
deets. Ty x

#JTSBreak Kabanata 48
Maybe I wasn't that good as an actress... I didn't aspire for it, anyway. Pero
kailangan kong umarte na maayos lang ako ngayon. Ang hirap naman kasi. Paano ako
magiging maayos kung iyong tao na kailangan kong iwasan, kasama ko sa iisang bahay?
Pakiramdam ko ay pinaparusahan na ako sa lahat ng kasalanan ko. And it's not like I
could ask Parker to leave... I couldn't do that to him. He needed us the most...
maybe not me, but my family. He needed someone during trying times like this.
"You okay?" Papa asked.
I smiled and nodded. And then shook my head. I didn't like lying to my father. He's
too nice to be lied to.
"Papa..." I trailed. He just looked at me, waiting to listen to whatever I had to
say. Papa always made me feel at ease. "I talked to Parker the other day," I
confessed. Naka-tingin lang sa akin si Papa. "He asked me to stay away from him."
Sumisikip na naman iyong dibdib ko tuwing naaalala ko iyong mga nangyari.
"And I lied to Saint. And I feel so guilty that I can't even face him..."
Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Saint. Sobrang mabigat pa rin iyong loob ko
dahil sa pagpatay ko ng tawag niya. He didn't deserve that, and I didn't know why I
did that... It's just that night, I knew I had to talk to Parker. He was my
priority that night. At sobrang nakokonsensya ako dahil doon. I didn't know how to
face him after what I did.
"Ano'ng gagawin ko, Papa? I don't want to hurt anyone."
"It's impossible not to hurt anyone," he replied.
"But I don't want to hurt them. I don't want to hurt Saint. I don't want to hurt
Parker," I admitted.
Papa smiled and said, "But with what you're doing, you're just hurting them both."
Nangilid na iyong luha ko.
"Ano'ng gagawin ko?"
"Talk to Saint and be honest with him. And with Parker, leave him alone if that's
what he wants. He needs to work on himself. Kahit ikaw, hindi mo siya matutulungan.
Just let him be."
Sinubukan kong sundin iyong sinabi ni Papa. Kinabukasan, hinanda ko na iyong sarili
ko na kausapin si Saint. This was long overdue. Mas lalo kong iniiwasan na pag-
usapan namin si Parker, mas lalo lang lumalala. Papa's right. It's inevitable that
I'd hurt someone... might as well it be me.
Bumaba ako para kumain ng breakfast. I figured I needed all the energy I could get.
I had a lot of things I needed to explain to Saint. Na kung bakit ko siya hindi
kinausap ng ilang araw, at ipapaliwanag kung bakit hindi ko sinagot iyong tawag
niya. I needed to straighten a lot of things up.
"Parker, I heard that the dean's willing to make adjustments if you want to pursue
law."

"I don't know, Tita. I'll think about it."


"Okay... but when you're ready, just tell me, okay? You're like a son to me
already."
I saw Parker smile. For the first time since his mom died.
"How's the support group?" Mama asked.
"It's... fine."
"It'll help you," Mama said. "I miss your mom, too. But she's in a much better
place right now... kasama niya na ang Tito mo."
Gusto kong umalis. Ayokong marinig ang pinag-uusapan nila. I didn't want to be even
curious about him.
"I know. Thank you, Tita... Sobrang kamukha ko siguro si Tito Parker, no?"
Mom smiled.
"Kamukha? Yes. You look so much like your uncle, but it ends there. Magkaiba kayo
ng ugali," Mama said.
"Sino ang mas mabait sa amin?"
Mama laughed. They seemed fine... but I wasn't. I felt broken on the inside.
"That's a hard question to answer," Mama said with a smile. "But you're both kind
in your own ways. And strong. You'll get pass through this, Parker. Nandito lang
kami palagi ng Uncle mo, pati si Imo."
Nahigit ko iyong hininga ko nung narinig ko ang pangalan ko. I looked at Parker's
face but his expression remain unfazed. Hindi na yata talaga siya naaapektuhan sa
kahit ano pagdating sa akin. It stung, but if it's what he needed in order to
survive, then so be it. Kalimutan niya na ako... ganoon din naman ang ginagawa ko.
I was trying my best to get out of his life. Kagaya ng hiling niya. Kagaya ng
paulit-ulit na sinasabi niya sa akin.
Sa buong buhay ko, dalawang pangungusap iyong palaging sinasabi ni Parker sa akin
na tumatak sa akin.
Hindi talaga.
Na paulit-ulit sumaksak sa puso ko dati.
I want you out of my life.
Na kahit mahirap, gagawin ko kung ito ang kailangan niya.
Parker and I... palagi lang naman kaming dito umiikot. We always end up hurting
each other, but we always tried to remain in each other's lives... but it was
different now. Iyong huling pag-uusap namin, ramdam na ramdam ko na ayaw niya na
talaga. He's fed up with me. He's done with me. And I needed to remember that every
time I see his face.
When I went down, Mama called me.
"Breakfast?" she said.
I smiled and politely shook my head.
"Sa school na po ako kakain," I replied.
"But it's Saturday..."
Napaawang iyong labi ko.
"Ah... may gagawin po ako sa school," I said to save my face. "Sige po, Mama. Alis
na ako," I quickly said so as to get away from Parker. After all, he didn't want me
in his sight.
Umalis agad ako papunta sa school. Pagdating ko roon, agad akong dumiretso sa gym
para kausapin si Saint. When I arrived, break time yata ng mga players dahil nakita
ko sila Matt na papunta sa cafeteria. I walked faster. Kailangan kong makausap si
Saint habang break time nila.
Lalapit na sana ako nung maabutan ko na nag-uusap si Saint at Dani. Something
inside me broke when I saw them talking and laughing. Masakit pero pinilit ko na
lumapit. My lips were quivering.
"Saint..." I managed to say. Agad silang napatingin sa aking dalawa. "Can we talk?"
Saint looked at me but his stares felt unfamiliar. It wasn't the same as before.
"Ah... sige. Alis muna ako," Dani said and awkwardly smiled at me.
Nakatingin lang ako kay Saint. He was holding a bottled water.
"Nasan 'yung tumbler na binigay ko sa 'yo?" I asked.
"House," he replied.
I chewed on my lips. I didn't know how to reply to that.
"Nagbreakfast ka na ba?"
He nodded.
"Ano'ng oras ang tapos ng practice niyo? Lunch tayo?"
He stood up.
"I have plans later," he said. Akmang aalis na siya nung pinigilan ko siya. He
stopped and looked at me.
"Are you mad at me?"
His stares made me feel uneasy. Hindi ko makilala iyong tao na nakatingin sa akin.
He's not my Saint. Not when he's looking at me like that.
"You tell me. Is there something I should be mad about?"
Hindi ako nakasagot. His jaw tightened.
"I'm sorry," I said instead. "I'm sorry."
Wala na akong pakielam kung nandito lang sa paligid ang mga kapatid niya pati na
ang coach niya. Wala na akong pakielam kung maraming tao sa paligid namin. Ayoko ng
ganito kami. Ayoko ng ganito si Saint.
"What are you even sorry for?" he said, looking straight into my eyes. Hindi ako
agad nakasagot. "Do you even know what you're being sorry about?"
Seconds slowly passed by. My heart was tightening inside my chest.
"Kasi kung magsosorry ka tapos uulitin mo lang ulit, 'wag ka ng magsorry. Nawawalan
ng sense 'yung salita."
At saka niya ako tinalikuran. Mabilis siyang naglakad palabas ng court-kasing bilis
ng pagtulo ng luha ko. People were looking at me. I could see Cohen and Austin
looking at me with pity. Mabilis ko ring pinunasan ang luha ko at lumabas ng court.

"Saint!" I called after him. He was walking so fast that I had to run to catch up.
Hinihingal ako hanggang masundan ko siya hanggang sa parking lot. "Saint..."
He opened the door of his car.
"Get in," he coldly said.
Tahimik akong pumasok sa loob pero iyong luha ko, tuluy-tuloy pa rin. Pumasok si
Saint at saka inabutan ako ng tissue.
"Stop crying. It's unfair. You don't get to cry when all you've done is lie to me."
"I'm sorry..."
"And stop saying that you're sorry. Nagsasawa na ako sa sorry mo."
Saint held on to the steering wheel. Sobrang higpit ng kapit niya roon. Mas lalo
lang lumakas ang pag-agos ng luha ko.
"Why do you keep on lying to me? Is it because you think I'm understanding? Kasi
nauubos din 'yung pasensya ko, Imo. Naubos na."
"I'm sorry..."
"Ilang beses ko na sinabi. I'm jealous of Parker. I'm fucking insecure. I told you.
I was honest. Kahit nakakababa ng pride, sinabi ko kasi gusto ko na maintindihan mo
kung ano 'yung nararamdaman ko. Pero bakit hindi ka nakikinig?"
"Sinubukan ko naman..."
"It's not enough, that's the thing. Iba 'yung sinasabi mo sa ginagawa mo. I tried
so hard to understand you, but now, I just... can't."
Tears kept on flowing. Hearts kept on breaking.
"He needs me, Saint... His mom died..." I tried to explain.
"Is that why you're in a hotel with him? Because his mom died?"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"N-no. T-that's not what happened!" I said, my heart racing. "Please, believe me,
Saint. Walang nangyari..."
Hindi ko na makontrol iyong pag-iyak ko. Gusto ko lang na maniwala siya. Walang
nangyari sa amin ni Parker. I would never betray him like that. I would never hurt
him like that.
"I want to believe you... so fucking bad... but you keep on lying to me."
Para akong sinasaksak sa puso dahil sa mga salitang sinasabi niya. Words hurt...
but Saint's words were killing me. It hurt worse when it's him.
"Saint naman..."
I tried to hold his hand but he wouldn't hold my hand back.
"I wanted to ask you that myself what's happening. Someone just sent me a picture
of you and Parker inside a fucking hotel. You know what my first reaction was? That
it's not true. Mary would never hurt me like that. She promised me. So I tried to
call you and text you. I tried everything. Pero ano? Tinaguan mo na naman ako."
I held on to his hand tighter even if he wouldn't let me.
"I'm tired, Imogen. I'm tired of running after you when all you've ever really done
was hide from me. I can't do this anymore."
"I didn't cheat on you, Saint... Maniwala ka naman..."
He looked at me.
"Siguro... Pero hihintayin pa ba natin na dumating 'don? Because that's the path
you're heading, Mary. Ngayon, nagsisinungaling ka lang sa akin. Tapos ano na sa
susunod?" he said and then clenched his jaw. His hand was white from holding the
steering wheel. "Why not stop now when we can still be saved?"
Para niya na rin akong pinapatay sa mga sinasabi niya.
"I don't want to be saved kung iiwan mo lang din ako..." I said. "Don't do this to
me, Saint..."
He smiled.
"I didn't want to do this. I tried to tell you again and again that I don't want to
end up like my parents... so let's just end this here. Okay?"
Umiling ako. Umiyak ako. Ayoko.
"Akala ko ba mahal mo ako..."
I couldn't breathe. He was hurting me so bad.
"I love you. So much. That's why I'm asking you to let me go. I don't deserve your
half-assed love, Mary. Not when I'm willing to give you everything."
Agad akong umiling.
"Ayoko. Ayoko."
I kept on repeating. Ayokong makipaghiwalay sa kanya. Not like this.
"I'm sorry. Parker needs you... go to him," he said and then left me inside his
car.

Kabanata 49

#JTSGoodbye Kabanata 49
"Huy..."
I closed my eyes. I couldn't open them, anyway. They felt so sore.
"Kain ka na... Nag-aalala na si Mama," Kuya said. "Hindi ka pa kumain kahapon..."
I pulled the sheets closer to me. I wanted to sleep. I didn't want to get up. I was
feeling so down.
"Imo... Alam mo na kailangan mong pumasok bukas, 'di ba? Kapag hindi ka pumasok,
mada-drop ka sa lahat ng course mo."
When I still didn't make an effort to move, Kuya lie down beside me. I just wanted
him to go back to QC para 'wag niya na akong istorbohin. Gusto ko lang matulog,
kasi baka pagka-gising ko, panaginip lang pala ang lahat. I didn't want to deal
with my reality right now...
"Graduating ka na next year. Ngayon ka pa ba magda-drop?"
I knew he was just worried about me, but I seriously couldn't deal with anything
right now. Puro si Saint lang ang pumapasok sa isip ko. Kung paano niya ako hindi
pinaniwalaan, kung paano niya sinabi sa akin na mas mabuti na itigil na lang daw
namin... kasi ano? Ayaw niyang masaktan? Bakit ako, nasasaktan din naman ako pero
hindi ako sumusuko. Hindi naman kasi porke ayaw mong masaktan, hindi ka na
masasaktan. Hindi porke natatakot ka, iiwasan mo na lang. Bakit ba masyado siyang
duwag?
"Alam ko naman na hindi mo talaga gusto 'yung degree mo pero sayang naman kung
hindi mo tatapusin."
Akala ko rin magbabago iyong isip niya. Ni hindi ako nakatulog kagabi. Naghintay
ako... na bigla siyang tatawag sa akin at sasabihin niya na joke lang. Kasi si
Saint naman 'yun, e. Mahilig magbiro...
At saka sabi niya, hindi daw kami maghihiwalay.
Sinungaling.
"Just leave," I croaked.
"Imo naman..."
I tried to contain myself but I couldn't do it. Ang sakit kasi. Akala ko magtatagal
pa kami. Akala ko magcecelebrate pa kami ng one year. Akala ko marami pa kaming
gagawin na magkasama... puro akala ko lang pala.
"If you didn't ask me to go to Parker, hindi naman 'to mangyayari."
Natigilan si Kuya.
"Kasalanan ko kung mapaghinala 'yang ex mo?"
My heart throbbed at the word ex. 'Yun na lang ba si Saint sa buhay ko? Ex?
"He could've asked you. He could've clarified things. E hindi. And what did that
tell you? Na mas naniniwala pa siya sa kung sinong gago man ang nagsend nung
picture na 'yun. 'Wag kang manghinayang sa ganong lalaki, Imo. You don't deserve
that."
"Saint's not like that! 'Wag mo nga siyang siraan!"
Napaupo ako dahil kay Kuya. Nasasaktan ako. Kahit na ganito iyong nararamdaman ko,
Saint didn't deserve to be talked about like that. He's been nothing but wonderful
to me... Ako nga siguro iyong may kasalanan. I kept things from him... I should
have been more honest.
"Ano ba naman, Imo! Tumigil ka na nga sa kaiiyak! Bakit mo ba iniiyakan 'yun?!"
naiinis na sabi ni Kuya.
"E mahal ko nga! Bakit ba hindi mo maintindihan!"
Naiinis na kinuha niya iyong laptop ko at saka binuksan. Pumunta siya sa facebook
at sa instagram.
"Tignan mo. Umiiyak ka dito, halos hindi na mabuksan 'yang mata mo sa sobrang maga!
Tapos ano ang ginagawa niyang Santo na 'yan?! Nasa Batangas at nasa beach kasama
ang best friend niya!" sabi niya.
My lips quivered. He's with Dani?
"He doesn't even look like he's hurting like you are!"
Umiling ako.
"That doesn't prove anything," I said, preventing myself from crying. Wala na akong
maiiyak.
"Tignan mo nga 'to nang mabuti, Imogen! He's smiling! Ano pa ba ang kailangan mong
makita?! Kahapon lang kayo nagbreak, 'di ba? Tapos ngayon, nakukuha niyang ngumiti
sa Batangas habang ikaw dito, halos hikain na sa kakaiyak?!"
Umiling ako. Paulit-ulit.
"Iwanan mo na ako, Kuya. Gusto kong matulog," sabi ko at saka nagtalukbong ng
kumot.
He looked at me and then sighed.
"Get to your senses, Imo. Just because he loves you doesn't mean he's not capable
of hurting you. Magkaiba 'yun."
At saka niya ibinagsak iyong pinto.
Pinilit kong matulog. Pinilit ko. Pero sa tuwing pipikit ang mga mata ko, agad kong
naaalala iyong mga pinakita sa akin ni Kuya... tapos iiyak ako at hindi
makakahinga.
It's not possible... Saint wouldn't hurt me like that. Alam ko na nag-away kami...
na naghiwalay kami... pero pag-uusapan pa namin 'yun. Hindi pwede na ganon na lang
kabilis... Ganon lang ba kadali na kalimutan ako? Na wala pang isang araw?
Iyon lang ba ang halaga ko sa kanya?
Tumayo ako at saka kinuha iyong jacket ko at sinuot. Ni hindi na ako nag-abala na
tignan ang itsura ko sa salamin. Mabilis akong bumaba at saka naghanap ng driver. I
needed to see it for myself. I needed to see him with Dani. I needed to know kung
tama ba si Kuya.
I needed to know that he wasn't worthy of my pain... kasi kung hindi, sigurado ako
na hindi ako titigil. I would cry for him endlessly. I would cry for the days we
could've spent together.
Tahimik akong naglalakad papunta sa bahay ng mga maid dahil nandun si Manong, nung
may nakabangga ako. I looked up only to see Parker in front of me. He was looking
at me... probably thinking that I deserved what I was getting. Siguro nga. I dreamt
too big. I went too far. Ayokong masaktan ang kahit na sino. I was afraid of
hurting anyone. I was too selfish that I ended up hurting them both...
But I tried to mask the pain.
"Excuse me," I said. Nakaharang siya sa dadaanan ko. Hindi siya gumalaw.
Nagsisimula na namang tumulo iyong luha ko. "Dadaan ako," sabi ko habang tumulo
iyong isang luha. Mabilis ko itong pinunasan.
"Excuse me nga kasi..." sabi ko habang nababasag iyong boses ko.
Hindi siya umalis. Tuluyan na akong umiyak sa harapan niya.
"Padaanin mo ako kung ayaw mo akong makitang umiiyak, Parker," I said, looking up
to him. I couldn't even see him clearly. My eyes were clouded with tears. My heart
was throbbing in pain. I had never been hurt this badly before. Hindi ako nasaktan
nang ganito dahil kay Parker dati... Iyong nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko
na lang iuntog iyong ulo ko sa pader para makalimutan ko lahat kasi sobrang sakit
na.
Sinubukan kong dumaan nung bigla niyang hawakan iyong kamay ko at hatakin ako
palabas. He got one of the car keys and dragged me outside. Pumunta kami sa garahe
at saka niya pinatunog iyong sasakyan na nakuhanan niya ng susi.
"Get in," he coldly said.
I shot him a glare.
"Why are you doing this? 'Di ba ayaw mo akong makita?"
Hindi siya sumagot. Instead, pilit niya akong pinapasok sa loob. He began driving,
ni hindi niya alam kung saan kami pupunta. He was just driving mindlessly. I kept
quiet. Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana habang tahimik na tumutulo ang
mga luha ko. I didn't know I could cry this much. I didn't know I loved Saint this
much para masaktan ako nang ganito.
"You are going to see him," bigla niyang sabi.
"I need to see him," I replied.
"He broke up with you."
"But I'm not done with him yet," I answered. "I'm nowhere done with him. I won't
stop hanggang hindi niya pinapakinggan iyong paliwanag ko. I deserve to be heard...
wala naman akong ginawang masama."
I'd never stop until he listened to me. I'd bug him if I needed to. It's his fault.
He made me love him so much that I wasn't able to let go. I didn't think I would be
able to let go... He made me incapable of that.
Parker clenched his jaw.
"If you see him with someone else... would you stop?"
I smiled and shook my head.
"Kahit mukha na akong tanga, hindi ako titigil... kasi mahal ko talaga."
Maybe Parker was my first love... but my feelings for Saint was stronger. That's
why I was hurting worse. That's why my heart was breaking little by little.
He didn't reply. He began to drive until we arrived at Batangas. Mapait akong napa-
ngiti dahil isa dapat 'to sa pupuntahan namin ni Saint, e.
"Welcome to Club Punta Fuego!" masayang bati nung babae sa amin.
Parker talked to the attendant while my eyes were busy looking for Saint. He's
here. I saw it in Dani's pictures. I braved the pain para lang malaman ko kung
nasaan si Saint. I needed to see him now. I needed to talk to him. I needed to
explain.
"Parker," I said. "Can you... stay in the car. I need to talk to Saint... and
seeing you with me might give him the wrong idea."
I knew I was hurting him with what I was saying. Pero sabi ni Papa, hindi daw pwede
na wala akong masasaktan... and I chose to save Saint. He's the one I didn't want
to hurt.
"I'm sorry," I said to him. He didn't say anything. Pumasok na ako sa loob.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin si Saint. But I needed to find
him. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng lugar na 'to hanggang sa makita ko siya na
naglalakad sa gilid ng beach. And I was about to approach him when Dani arrived.
She saw me... but she only smiled.
"Here," Dani said tapos inabutan siya ng inumin. "Is she still calling you?"
Saint looked at his phone. Kanina ko pa siya tinatawagan. Hawak niya iyong
cellphone niya pero ni hindi man lang niya nagawang magreply sa kahit isa sa mga
text ko...
"If she talks to you... will you forgive her?"
Why was Dani doing this to me? Was she hurting me on purpose?
"I don't know," Saint replied.
"Do you think... she really slept with Parker?"
Tumulo iyong luha ko.
"I don't really want to talk about this, Dani."
"I'm sorry. Gusto ko lang naman na magsalita ka kaysa sa kimkimin mo lahat."
"Thanks, but I don't want to talk about it. I don't even want to think about it.
I'm here to breathe."
Dani cupped his face and smiled at him. Magbest friends lang ba talaga sila?
"And I'm here for you... always, remember?"
Saint nodded.
"I'll forgive you for choosing her over me before. But don't ever do it again,
Saint. Don't ever choose some girl over me. I've been with you for so long... I
know you better than most people..." she said as she caressed her cheeks. She shot
me a look and smiled. "You'll get over her. I'll help you."
And she leaned in to kiss him. I turned around. I didn't need to see it.
Mabilis akong tumakbo paalis pero bigla akong nadapa. Nakita ako ni Saint.
"Mary."
My knee was scraped when I hit a rock but I forced myself to stand up. I faced him
habang pinupunasan iyong luha ko.
"I'm sorry I went all the way here to talk to you. Bayaan mo, hindi na mauulit,"
sabi ko at saka pinilit na ngumiti. "Thank you for everything, Saint. Pero siguro
nga hanggang dito na lang. Tama ka... Iligtas na natin 'yung sarili natin hanggang
pwede pa."
Kasi alam ko na malapit na akong tuluyang masira.
As the sun began to set behind us, it felt like the end of an era. Hanggang dito na
lang talaga siguro. Ganito lang talaga siguro.
"Pero gusto ko lang malaman... si Dani ba 'yung nagsend ng picture?"
Saint was looking at me. He didn't need to say anything. Alam ko. Si Dani iyong
nagsabi sa kanya.
"Do you believe her more than me?"
I stayed. Until he said a word. Because that was my last straw. Akala ko kaya kong
magmukhang tanga para sa kanya... Hindi pala. Kagaya ng pagsisinungaling niya sa
akin nung sinabi niya na kami lang.
"She never lied to me like you did."
And that was my cue. I didn't need him in my life anymore.
Mabilis ko siyang iniwan at naglakad palabas. Tears kept on flowing. I let myself
cry because I promised that this was my last. Hindi ko na ulit siya iiyakan. He
didn't deserve my pain and my tears. He didn't deserve my love kung ni wala siyang
tiwala sa akin.
"Let's go home," I told Parker. "Don't look at me like you pity me."
He looked at me.
"Let's run away," he said.

Kabanata 50

#JTSClosure Kabanata 50
The drive home was awfully quiet. No one spoke a word. I tried to mask off my
indifference by pretending to be asleep, but the truth was, I couldn't deal with
anything right now. I couldn't deal with Parker. I couldn't deal with what he was
proposing. And when we arrived home, I knew I couldn't shrug it off anymore. The
engine was still running and he was asking questions again.
"Are you done with him?" Parker asked.
"I wanna sleep," I replied and opened the door. I began walking but I could feel
him following me behind. "Give it a rest, Parker," pagod na sabi ko.
I was hurting. He was hurting. But running away was not the answer. I didn't want
to be unfair to him. Ayoko siyang gamitin dahil lang nasasaktan ako. He deserved
better. I deserved better. We didn't deserve something like that.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at saka naglinis ng katawan. I stared at the
mirror and I didn't like what I saw. What had become of my life? I tried to protect
everyone but I ended up protecting no one. We just ended up hurting each other.
I sighed and smiled.
"It's not the end," I whispered to myself. "Losing Saint is not the end of the
world, Imo," I reminded myself.
Siguro kailangan kong sabihin 'to sa sarili ko araw-araw. Kasi bukas, alam ko na
malaki iyong posibilidad na makita ko siya. Masyadong maliit ang mundo para sa
aming dalawa. I didn't want to go through all the trouble just to avoid him. I
realized that if I couldn't save anyone no matter how hard I try, then I should
just stop altogether. I lived my life trying to consider everyone's feelings...
maybe it's high time I consider myself alone.
The night ended swiftly. I woke up with my head pounding from the lack of sleep,
and my eyes puffy from the incessant crying I did. Pero tama na 'yun. Ayoko nang
umiyak. Pagod na akong umiyak pero kailangan kong pumasok. I already lost someone,
I wouldn't dare lose anything anymore.
"Are you okay?" Mama asked me.
I timidly smiled and nodded. There's no other option for me but to be okay.
"Papasok na po ako," I replied. "Start na ng finals next week. Kailangan ko pa pong
magreview."
No more question was asked. Nagpahatid agad ako kay Manong sa school at agad akong
dumiretso sa library para mag-aral. I deactivated all my accounts and turned off my
phone. I didn't want to talk to anyone. I didn't want to explain anything to
anyone. I didn't want to make sense of what I was feeling.
I just wanted to shut down for a while.
"Hey..."
Kath and Liza were both looking at me. Alam na ba nila? Hindi ko pa naman
sinasabi...
"Hmm?"
"Are you okay?"
Why did everyone keep on asking me this?
I nodded.
"I'm fine," I said. "I'm okay. Let's talk about it later. Nandito na 'yung prof."
But that didn't happen, of course. As soon as the classes ended, I went to the
parking lot and had myself driven home. I really was not in the mood to entertain
any more questions. Nagsasawa na rin akong marinig ang tanong kung okay lang ba
ako. Kasi kung hindi ako okay, may magagawa ba sila? Could they take this awful
feeling inside me?
Pagdating ko sa bahay, agad kong nakita si Mama na naghihintay sa akin sa sala. She
looked really worried. It was the first time I saw her like this. She was usually
bossing everyone around. But now, she looked like she was about to cry.
"After your finals, you want to go somewhere? Let's go on a vacation?"
"You're due next month," I reminded her. She looked like she was about to pop any
minute now.
"You want to go on a vacation alone? 'Di ba matagal mo nang hinihiling sa amin ng
Papa mo 'yun?"
I smiled a little.
"You're being so weird, Ma. I'm fine."
"You're not fine. You're honestly scaring me, Mary Imogen. Bakit wala kang
reaction? Why aren't you crying? Or getting mad?" she said.
"I'm just really tired."
It was the truth. Iniyak ko na yata lahat ng pwede kong iiyak kagabi. Wala ng lakas
na natira sa akin.
"But, Ma..." I looked at her. Alam ko na nag-aalala lang siya para sa akin, but I
didn't want her to meddle with my business. "You remembered during my birthday,
sabi mo pwede akong humiling ng kahit ano sa 'yo? Can I get my wish now?"
She looked at me, probably hoping that I hadn't turned suicidal yet.
"After this sem, I want to shift. I want to study Fine Arts. I want my own place. I
want my own car. And I want to go to Europe alone this vacation."
Slowly, she nodded.
"Okay..." she said, her voice barely audible. "But you do know it's his loss,
right?"
I smiled.
"It's my loss, too, Ma. I really loved him, pero baka hanggang dito lang talaga."
I lost him, I knew that, but I wouldn't forget everything we'd been through. Just
because I didn't like how we ended didn't mean I'd forget how we started. Saint
saved me when I was lost. He found me when I was drowning with my feelings for
Parker. He cared for me. He made me smiled. He loved me.
Maybe it wasn't meant to last... but I was glad we happened.
--
The whole week was dedicated to studying. I needed good grades to be able to
transfer to Fine Arts. I was already preparing my portfolio. My parents prepared my
new condo and new car. I just needed to finish everything and then I'd disappear
for a while... and maybe when I return next sem, I'd be a better version of myself.

And maybe I'd learn not to care about other people too much. I wanted to learn to
care about myself only.
"You're going to Europe?" Parker asked.
I nodded. Nasaan ba sila Mama? Bakit kaming dalawa lang ang kumakain?
"For how long?"
"Two months."
"Alone?"
I nodded.
"You'll come back?"
"I'm not running from my problems anymore, Parker. I learned better than to do
that. I'm just taking a break... napagod kasi talaga ako," I said and then offered
a small smile.
"Why don't you run away with me?"
I stared at him. I knew he was just as lost as I was.
"Why? Because misery loves company?" I dared ask.
"Because I understand you," he replied. "In ways that he'll never be able to."
"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to, Parker? Why don't you just give it up?"
He looked at me and painfully smiled.
"How can I give you up? How can I give you up when you're the only thing that makes
me want to go on?"
Tumayo na ako. This was the reason why I didn't want to talk to him.
"Why don't you accept it, Imo? I'm the only one who understands you better than
anyone. No matter how hard you try, you'll always end up with me."
Ganon ba talaga? Was this the curse of best friends? Kasi pakiramdam nila, sila ang
pinaka-nakakakilala sa iyo kaya bawal na ang iba? Was this the same reason why Dani
felt entitled to toy with my life? To meddle with my business with Saint? Dahil
siya ang best friend? Dahil siya ang pinaka-nakakakilala? Bakit ako? Hindi ako
nakielam nung nagkaroon ng Cindy si Parker... Why couldn't they extend the same
courtesy to me? Why did they have the need to ruin every good thing in my life,
until I was reduced to wanting nothing but to save myself?
Bakit sila ganoon?
"Imo," he called my name. "When you return, I'll be better."
I smiled, because at that time, it was all I could offer. Tumalikod na ako at
nagsimulang maglakad palayo sa kanya, pero alam ko na narinig ko kung ano ang
sinabi niya.
"I'll wait until you're over him."
--
When the finals were over, I was supposed to go home already because my flight was
tomorrow afternoon. But even before I could stand up from my seat, agad akong
hinawakan ni Kath sa kamay.
"May last party mamaya!" she said. "Let's all go, huh? Sobrang hindi ko na maalala
kung kailan huli tayong nag-usap!" Bago pa ako makasagot, nagsalita na naman siya.
"Bawal tumanggi! Sige na, babe! Two weeks mo na kaming tinataguan ni Liza, akala mo
hindi ko pansin?"
I looked at her and I knew she wouldn't give it up, so I just nodded.
"Great! Wait may tatawagan lang ako," she said and then went outside. Naiwan kaming
dalawa ni Liza na magkatabi.
"Imo..." she said. I looked at her. "I'm sorry."
"It's fine. It's your business," I replied.
I learned not to meddle with anyone's affair. I learned it the hard way.
"I didn't mean to fall for Jackson... It just happened."
Just like how Dani didn't mean to ruin my relationship with Saint, sure.
"Okay," I replied instead and faked a smile. "Okay na, Liza. It's not my conscience
bothering me. If there's anyone you need to say sorry to, it's Ate Jas. I hope
you're able to sleep at night."
Tahimik kaming naghintay kay Kath. Pagdating niya, tumayo agad kami para bumili ng
isusuot namin para mamaya. While they were looking for clothes, Kath kept on asking
questions.
"Imo... Break na ba kayo ni Saint?"
I nodded.
"So totoo nga..."
"Ang alin?" I asked.
"Kasi... haaay. Narinig ko lang 'to, pero may something na yata sa kanila ni Dani.
Akala ko joke lang kasi alam ko naman na patay na patay si Saint sa 'yo kaya hindi
ako naniwala. Pero totoo pala," she said, biting down her lip. "Okay ka lang?"
That question again.
"I'm okay. Bilisan na natin, nagugutom na ako."
Pagdating namin sa school, maraming tao. Teachers were not allowed and some booths
were serving alcohol. Ayoko mang malaman pero nalaman ko pa rin na nagchampion sa
basketball ang school namin kaya may victory party. And of course, Saint was the
MVP. Ano bang bago.
"If you're not comfortable, we can ditch this and just go to my place and watch
movies, okay?" Kath said. I just smiled. I'd rather enjoy this last night because
I'd be gone for two months. Who knew what would change during that period of
time...
May kumausap kay Kath na kakilala niya at hindi ko pinapansin si Liza. To avoid
awkwardness, I stood up and looked for a booth. I just wanted to drink tonight para
tulog lang ako sa flight ko bukas.
"Look who's here. It's the ex."
Bakit hindi 'to nakikita ni Saint? Kapag ba naka-tingin siya kay Dani, anghel ang
nakikita niya? Why couldn't he see the stinking attitude of his best friend? She's
rotten from the inside out.
Nung hindi ako nagsalita, akala ko titigilan niya na ako. Wala akong balak makipag-
away sa kanya.
"Tama naman ako, 'di ba? You're the ex now."
I was trying to stay quiet but she pushed my shoulder.
"Ex na ako pero best friend ka pa rin," I spat. "He'll never like you the way you
like him, Dani. Tanggapin mo na."
Her jaw clenched with what she heard. I didn't like fights, but I was resolved that
I was done taking shits from everybody. I tried to live my life like that but I
ended up losing everybody I hold dear. Sawa na akong pumayag na tinatapakan na lang
kasi pinagbibigyan ko sila.
"I'd rather be the best friend than the whore who cheated behind his back."
I closed my fist.
"Mabuting masanay ka na kasi hanggang best friend ka lang. Saint may hate me now,
but at least once in his life, he loved me. Something that you'll never experience,
best friend."
Nagsimula na akong maglakad palayo nung bigla niyang hatakin iyong buhok ko. I
whimpered in pain but she was too strong. Ni hindi ako nakagalaw nung pagkakalmutin
niya iyong braso at mukha ko. No one could see us because everyone was busy
drinking and having fun.
"You bitch! Bigla ka lang dadating tapos aagawin mo si Saint! Sino ka ba! Kunwari
ka pang mahinhin ka pero malandi ka naman!" she said as she kept on pulling my hair
and scratching me. I tried to defend myself but she was too strong. She assaulted
me until my body felt numb. "Malandi ka!"
Napagod na ako. Walang dadating para iligtas ako. Hindi nga pala fairytale ang
buhay...
"Don't ever show yourself in front of him again!" sigaw niya sa akin nung mapagod
na siyang sabunutan ako.
When she was out of sight, I sat down and looked at my arms. I'd probably have to
wear long sleeves tomorrow para hindi mapansin nila Mama iyong kalmot sa akin. Sana
lang ay walang pasa sa mukha ko dahil mahirap takpan iyon. I got my phone and took
pictures of the scratches I got from Dani. If she dared mess with me again, I'll
file a case against her para malaman niya kung sino ang sinasabunutan niya. Papunta
na sana ako sa parking lot para magpahatid sa ospital nung makasalubong ko siya.
Agad akong umiwas. I couldn't even look at him without reminding myself of the
things he said last night.
"W-what happened to you?" he asked as he eyed the long scratches on my arms. I
think I bruised the side of my lips, too.
Iniwasan ko siya at nagsimulang maglakad lagpas sa kanya nung hawakan niya iyong
braso ko. I flinched because of the pain. Pakiramdam ko nabali iyong braso ko dahil
sa nangyari kanina.
"Mary..." he called.
My breathing hitched, but I stopped myself. 'Hanggang doon na lang, Imo. Don't you
dare go back anymore.' I reminded myself.
"I'm sorry," he said. "For the things I said, I'm sorry."
'Wag kang umiyak. Hindi ako pwedeng umiyak. Akala ko ba tapos na ako sa pag-iyak?
"I was just hurt. And furious."
"So you hurt me instead? Kasi nasasaktan ka?" hindi ko makapaniwalang sabi. "Ganyan
ka pala magmahal, Saint. Bagay nga kayo ni Dani."
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya pero hinawakan niya ulit iyong braso
ko.
"I'll bring you to the hospital, okay?"
Mabilis kong tinanggal iyong hawak niya sa akin.
"I'm not your girlfriend anymore, Saint. Ikaw na mismo iyong nagsabi. Kaya 'wag mo
na akong kausapin, 'wag mo na akong hawakan. Stop appearing in front of me, if you
can."
My chest was heaving. I needed to get away from him bago na naman niya ako paiyakin
kasi tama na. Sobra na.
"Is this really the end of us, Mary?"
I looked at him.
"You ended it, not me."
Napatingin siya sa likod ko. Nakita ko roon si Parker.
"Because of him? You choose him?"
I stared at him... it's probably the last time I'd ever let myself look at him like
this.
"He believes in me... something you never did."
7 'm

Kabanata 51

#JTSStartingOver Kabanata 51

My two months trip became three months... four months... until I extended it to
seven months. I skipped the first semester. Of course my parents didn't approve but
what could they do? I was half a world away from them and they couldn't exactly
track me. Once they get a hold of the credit card receipts, I was already in
another country.
But when I returned from my seven months trip, Mama threw a party for me... which
was unnecessary dahil sandali lang naman akong nawala. At isa pa, dapat palagi lang
siyang nagpapahinga dahil palagi siyang puyat dahil kay Cayden. I was away when she
gave birth. It was one of the things I missed while I was away. Pero siguro okay na
rin kasi medyo nakakatakot talaga si Mama kapag in labor siya.
"You cut your hair!" Kath said. "And it's red!"
I smiled and then turned around. I didn't know what possessed me pero bigla kong
naisipan na magpa-gupit ng shoulder length. Tapos nagpakulay na rin ako para
kumpleto.
"Bagay ba?"
She nodded.
"You look like a Westerner!" she said and then enveloped me in her bear hug. "I
missed you! Did you enjoy Europe?"
Pumunta kami ni Kath sa sala at doon nagkwentuhan. Sinabi ko lang sa kanya iyong
mga napuntahan ko at saka pinakita ko lahat ng pictures na kinuha ko. During my
time away, I didn't use any social media. I just installed Viber on my phone para
makausap ako nila Mama kung kailangan nila. First time ko kasing umalis na mag-isa
lang kaya sobrang paranoid nila Mama. Though I think their worry was called for.
Medyo naligaw ako nung nasa Prague ako pero sobrang okay lang kasi ang ganda naman
doon. Pinaka-na-enjoy ko ay iyong sa Switzerland kaya nag-extend ako roon. I
enjoyed my cocoa while looking at the mountain caps. I also found new friends and I
promised them that if ever they come to the Philippines, I'd tour them around.
"Talagang lilipat ka na ng degree?"
"Yeah..."
"Pero fourth year na sana tayo ngayon!" she whined. "At saka nasa kabilang dulo pa
ng campus iyong bagong college mo! Paano na tayo magkikita?"
Tinawanan ko lang si Kath. Makaka-adjust din naman siya. At isa pa, hindi ko naman
talaga gusto iyong Business Administration. I just took it before because I had no
idea what I really wanted... and I thought I'd make my parents proud if I take
that. I just realized that my parents would support me with whatever I wanted. And
for once, I wanted to grant myself what I really wanted. Palagi ko na lang kasing
iniisip ang iba dati.
After I talked to Kath, I went back to the garden dahil nandun iyong ibang mga tao.
Kuya Benj was playing with Riley and Finley habang si Liza, nakaupo lang sa isang
gilid. I would talk to her later. I would say sorry for the things I said before.
Nakausap ko na naman si Ate Jas... She's okay, so there's no need for me to feel
anything unpleasant towards Liza. Hindi ko naman problema iyon.
Kuya was talking with Kuya Jackson. Si Papa naman, buhat si John. Si Mama naman ay
buhat si Cayden. I smiled at the view. I missed this.
"We already processed your papers. Simula na ng pasok mo sa isang araw," Mama said.
"Yung condo mo, naayos na rin ng Papa mo... Are you sure na gusto mong tumira mag-
isa?"
I nodded.
"Hindi ka naman marunong magluto..."
"Marunong ako!"
"Hindi pagluluto ang pagpi-prito, Mary Imogen," Mama said. She was tearing up again
kaya niyakap ko siya. "Aren't you going to change your mind?"
I shook my head.
"I'll visit whenever I can, Ma. Malapit lang naman dito iyong condo, unlike Kuya na
sa QC pa... And besides, may fastfood naman."
"It's not healthy. Dalhin mo kaya si Manang para may magluluto para sa 'yo?"
Hinigpitan ko lang ang yakap ko kay Mama habang tinatanggihan ko ang suggestions
niya na dalhin ko si Manang at si Manong Roger kasama sa akin sa condo. Ano ba ang
sense ng pagka-gusto kong maging independent kung isasama ko lang din pala sila
Manang?
Nung antukin na si John at Cayden, pumasok na si Mama para patulugin iyong dalawang
baby. Si Papa naman ay nagsimula ng maggrill. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni
Kath para tulungan niyang mag-ihaw si Papa, e sobrang arte ni Kath.
"Hindi bagay sa 'yo," bungad sa akin ni Kuya nung nilapitan ko siya.
"Hindi ko tinatanong iyong opinyon mo," sagot ko.
Tawa naman nang tawa si Kuya Benj at saka ako inakbayan.
"Ayos, princess. Seven months ka lang nawala pero parang seven years!" Ginulo niya
iyong buhok ko. "Pero bagay sa 'yo."
"Tss. Bakit ba kapag heartbroken ang babae, buhok agad ang pinagdidiskitahan?" Kuya
asked. Bigla naman siyang siniko ni Kuya Benj. "What? 'Di naman in denial si Imo!
Kilala mo pa naman si Santo, 'di ba?"
Tumango ako.
"Okay na ako, Kuya Benj. Hindi naman taboo ang pangalan ni Saint," I said with a
smile.
Seven months akong nawala. Parang ang igsi lang pero at the same time, ang daming
nangyari. Siguro sobrang nakatulong iyong huling pag-uusap namin... kahit wala
naman talaga kaming pinag-usapan. Sa part ko kasi, okay na ako na nagsorry siya.
Nagsorry na rin ako. Tapos, hanggang doon na lang. Na-realize ko kasi iyong self-
worth ko. Mahal ako ng Mama ko. Mahal ako ng Papa ko. Mahal ako ng mga kapatid ko.
Mahal ako ng mga kaibigan ko. Kaya bakit ako papayag na masaktan kung ang daming
nagmamahal sa akin?
And with Saint, if I could, I would choose not to see him. Pero kung hindi
maiiwasan, wala naman akong magagawa. Basta sa akin, tapos na kami. Hanggang doon
na lang.
"Oh?"
"At saka nakapag-usap naman kami bago ako umalis. Kaya okay na ako," I assured
them. Tinignan lang nila akong dalawa ni Kuya kaya natawa ako. I took the
opportunity to turn against them. "Ikaw, Kuya? Kamusta kayo ni Mars? Binabato ka pa
rin ng kaldero?"
Kuya scoffed.
"Tss! 'Wag nga nating pag-usapan iyong alien na 'yun. Nawawalan ako ng gana
kumain."
Binatukan siya ni Kuya Benj.
"Gago ka kasi. Paano titino iyon e palagi mong binubwisit!"
"Hala! Nakilala na ni Kuya Benj si Mars?! Ang unfair naman!" sabi ko. Ang tagal ko
na kayang gustong makilala si Mars. Sobrang nakaka-curious kasi niya base sa mga
kwento ni Kuya. Para bang battered husband siya tuwing nagkukwento siya ng mga
nangyayari sa bahay nila.
Pinipilit ko pa sana si Kuya na dalhin ako sa QC para sa wakas naman ay makilala ko
na si Mars nung bigla kong marinig na may tumawag sa pangalan ni Parker. Agad akong
napatingin sa direksyon na iyon. Biglang napaawang iyong labi ko.
"Laway mo, tumutulo," biglang sabi ni Kuya.
Seven months lang ba talaga akong nawala?
"Princess, panyo, oh. Masyadong obvious na pinagnanasaan mo si Parker," tawang-tawa
na sabi ni Kuya Benj.
Hindi mawala iyong tingin ko kay Parker. He was wearing a white crisp polo tucked
inside a black pants. Naka-tiklop iyong manggaas hanggang sa gitna ng braso niya.
He was also holding a brief case and he was wearing a black-rimmed glass, for
heaven's sake!
"Hoy, Imo."
Pakiramdam ko nakaawang pa rin iyong labi ko.
"A-anong nangyari?" I managed to ask. Hindi pa rin maalis iyong tingin ko kay
Parker habang kausap niya si Papa. He looked so serious at sobrang bagay sa kanya
iyong bagong gupit niya.
"Kay Parker?"
I nodded. What the heck happened during the seven months I was away?!
"Dahil wala pa rin si Tito Tripp, tumutulong na siya sa firm nila and at the same
time, nag-apply na siya sa law school. Second sem niya na ngayon. Mas maaga lang ng
one week ang pasok nila kasi mas maaga sila kaysa sa normal schedule," paliwanag ni
Kuya. "Hindi na nga makausap 'yan, e. Sobrang busy. Akala mo 30 years old na."
Kuya Benj snickered.
"Ikaw lang naman ang walang kwenta. Nagta-trabaho na kaya kami," he said.
"Kasalanan ko bang 'di ko kailangang magtrabaho?" naiiling na sabi ni Kuya.
"Kasalanan 'to ni Papa at ng pera niya."
Habang nagtatalo sila, naka-tingin lang ako kay Parker. Something about him
changed... at bigla kong nahigit iyong hininga ko nung mapatingin siya sa akin. He
didn't break the stare when he began to walk towards me.
'Ano'ng nangyayari sa 'yo, Imo?! Si Parker lang 'yan!' I kept on reminding myself.
At nung nasa harapan ko na siya, I forced myself to stop staring. But I couldn't!
My god! Baka iniisip niya na creepy ako!
"Kamusta first day?" Kuya asked him.
"Ayos lang," Parker replied, still looking at me. Only me.
"Maraming maganda?" Kuya asked again. Bintukan siya ni Kuya Benj.
"May asawa ka na!"
"Hindi ko asawa 'yun!"
Habang nagtatalo sila, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko. I wanted to snap out
of it, but I seriously couldn't. Something about him being matured and all grown up
was drawing me close to him.
"I fulfilled my promise," he said.
Napakurap na lang ako.
"H-ha?"
"I told you I'm gonna straighten myself up," he replied. "I haven't touched alcohol
or cigarette since you left. I've been doing a good job at handling my father's
firm. And I'm on my way to become a lawyer like my mom."
Kurap lang ang naisagot ko. I wanted to touch his hair.
"I did a good job, right?"
I was about to affirm nung inakbayan siya nila Kuya at saka pinagbabatukan.
"Kakabalik pa lang ng kapatid ko, nilalandi mo na agad! Magbagong-buhay ka na,
Palma!" sabi ni Kuya at saka nila hinatak papasok sa bahay si Parker. Hindi na
talaga sila nagbago.
--
Nung gabi, sa condo na ako natulog kahit na pinilit ako ni Mama na sa bahay na ako
matulog. Nasa condo na rin naman lahat ng gamit ko kaya mas okay na doon na ako. At
isa pa, para mas masanay na ako.
"Your car's already there," Mama said. "Do you even know how to drive?"
I shook my head.
"Parker, do you mind?" Mama asked. "Teach her how to drive if you have time. Make
sure she won't kill herself."
Hindi pa rin sumusuko si Mama.
"Of course," Parker replied. "This weekend, okay lang sa 'yo?"
I just nodded. Hindi ko alam kung bakit biglang nauutal ako kapag kaharap ko si
Parker ngayon! Hindi naman ako ganito nung umalis ako! Pakiramdam ko ay biglang
naging high school student ulit ako dahil ganito ako kay Parker dati... Pakiramdam
ko kasalanan 'to ng pagiging law student niya. Nag-iba bigla iyong dating niya.
He seemed... mature.
Hindi ko tuloy alam lalo kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko rin kasi alam kung
seryoso ba siya sa sinabi niya sa akin nung huli kaming nagkita. That was the last
time we talked. Wala akong kinausap habang nasa ibang bansa ako. I wanted to heal
myself fully at alam ko na hindi ko magagawa iyon kung may makakausap ako at
ipapaalala lang sa akin iyong mga nangyari.
Was I able to move forward? I'd like to think so. Hindi na kasi ako naiiyak kapag
naiisip ko si Saint. Hindi na rin ako nagagalit. I just felt indifferent. I didn't
want anything to do with him anymore... pero malabong mangyari dahil kaibigan ko
ang mga kapatid niya lalo na si Cohen. Even when I was away, Cohen kept on texting
me on Viber. He's so clingy. Kahit hindi ako nagrereply, nagtetext pa rin siya ng
kung anu-ano.
Nung makapaglinis na ako ng katawan, ang una kong hinanap sa condo ay iyong laptop
ko. I frowned when I saw the desktop background. Hindi ko pala 'to nabago bago ako
umalis.
I quickly reactivated my Facebook and Instagram. Binago ko iyong profile at banner
picture dahil kaming dalawa ni Saint iyon. I didn't delete the pictures because
they still held memories for me. I just made them private dahil ayoko na makita pa
ng ibang mga tao. I chose my picture while I was standing in front of a mountain
nung nasa Switzerland ako. Pinaka-paborito ko talaga iyong Switzerland sa lahat ng
napuntahan ko.
At saka tinanggal ko rin iyong Mary sa pangalan ko. It bothered me kaya tinanggal
ko na lang. I was just Imogen Suarez.
Biglang nagcomment agad si Kath sa picture ko.
Kath: You're back! Let's hang bago magstart ang class! Tagging @Liza
Imo: Okay. Tomorrow? May jetlag pa rin ako
Kath: Kk, Miss Jet setter. Sunduin kita sa condo mo tapos overnight? I missed you!!
Grrrr
Imo: Sure. See you bukas @Kath @Liza
I smiled to myself. Okay na kami ni Kath. Okay na rin kami ni Liza. So far, so
good.
I was about to close my laptop when a familiar name popped on my newsfeed.
Saint Iverson Gomez de Liaño
Finally done hiding? Good.
I went to his profile and clicked unfollow. I didn't need his posts on my newsfeed
and in my life.

Kabanata 52

#JTSChanges Kabanata 52

When Mama told me that she already prepared everything for me, nalimutan niya yata
na art student na ako kaya kailangan ko ng art supplies. Medyo tinatamad ako na
lumabas, but it's alright. Tatlong araw na rin kasi ako na nakakulong lang sa unit.
After I went out with Kath and Liza, I decided to hibernate again. 24 hours akong
tulog. Siguro dahil sa sobrang pagod na rin dahil pitong buwan akong palipat-lipat
ng bansa. Kaya naman ngayon na malapit na talaga ang first day of class,
napagdesisyunan ko na lumabas na.
Hindi pa rin ako marunong magdrive kaya naman sa Uber muna ako sasakay. I waited
until the driver arrived and then he drove me to the mall. Habang nakasakay ako,
nagtext na naman si Cohen sa Viber.
Cohen GDL: Where are you?
Imogen Suarez: Mall. Bakit?
Cohen GDL: What mall?
Imogen: Mega
Tapos hindi na siya nagreply. Sobrang weird lang din ni Cohen talaga!
Pagdating ko sa mall, agad akong dumiretso sa bookstore para maghanap ng art
supplies. Pero bago pa man ako makarating sa art supplies section, bigla na akong
hinatak ng mga libro. Naman, oh! Palagi na lang 'tong nangyayari. Hindi naman libro
ang sadya ko pero sa libro pa rin ako bumabagsak.
I was stuck trying to decide if I'd buy A Thousand Pieces of You book. Malakas kasi
iyong pakiramdam ko na madadagdag lang siya sa pile of to be read list ko na never
namang nababawasan... In fact, mas sobra siyang nadagdagan nung birthday ko dahil
binilhan ako ni Kuya ng maraming books. Favorite ko pa rin talaga iyong binilhan
niya ako ng bagong bookset ng Harry Potter kasi sobrang ganda nung new design, pati
na 'yung trunk!
At ngayon na independent na ako-well, sort of, nagdesisyon ako na mag-aaral na
akong magtipid. Kahit feeling ko sobrang hirap niya.
"Isa ka talagang mahinang babae," I whispered to myself habang kumukuha ng basket
para ilagay doon iyong libro. Nagdecide na rin ako na bilhin iyong books na kasama
niya sa series kasi pakiramdam ko may kulang kapag iyong first book lang ang binili
ko.
Pero napahinto ako.
"H-hi," I said. What was he doing here?!
Ngumiti sa akin si Parker.
"Wala kang pasok?" I continued, trying to act normal, but I was afraid that I was
failing miserably at it. Sobrang nakakahiya na nga iyong nangyari nung welcome
party ko! Tinutukso kasi ako nila Kuya na naglaway daw ako kay Parker! Nakakahiya!
"Three hours break," he mentioned.
"Ah..." sabi ko. Isip pa ng topic, Imo! "Bumibili ka ng libro?"
He nodded, and then showed me the book he was holding. The Civil Code of the
Philippines. Damn. Law student na nga talaga siya. Hindi pa rin ako makapaniwala
kahit nakatayo na siya sa harap ko ngayon, holding that book and dressed as a
lawyer and all.
"Ikaw?" he asked. Bigla naman akong nahiya sa mga libro ko. Sobrang seryoso na ni
Parker, samantalang ako, pabasa-basa lang ng libro.
"Ah... I'm buying art supplies since start na ng school on Tuesday."
"After that, do you have plans?"
Napa-kurap ako. Ulit.
"Ha?"
"Let's eat before I go back to school," he said, smiling and all. Naninibago talaga
ako sa kanya! Kailangan kong tanungin si Kuya Benj kung ano ang nangyari kay Parker
nung panahon na wala ako! "If it's alright with you."
I pursed my lips. Sobrang nako-conscious ako. Pakiramdam ko kasi naririnig ko sa
tenga ko si Kuya na nagsasabi na tumutulo ang laway ko.
"Okay," I replied. "Tapusin ko lang 'yung bibilhin ko."
Parker insisted on holding the basket for me. Ako naman, sandali kong kinalimutan
na kasama ko siya dahil nakuha nung art supplies iyong atensyon ko. I bought
everything I thought I'd need. Bumili ako ng mga sketch pads, brush pens, brushes,
charcoal pencils, pencils, oil pastels, paints, rulers, and basically everything my
eyes fancied.
I was deciding on which brand of water color I'd buy nung mapalingon ako kay
Parker. He was smiling.
"Bakit?" I asked.
"Nothing. I just like seeing you happy."
"Malungkot ba ako dati?"
Umiling siya.
"Not really. Iba lang talaga ngayon."
"Am I better now?" I asked.
He nodded.
"So much better."
I had to break our stare. Naiilang ako. Binalik ko iyong atensyon ko sa tubes na
hawak ko at saka kinuha na lang iyong mas nagustuhan ko. Inilagay ko iyon sa basket
at saka tumayo pero natumba ako. Damn, legs! Masyado yatang napatagal ang pag-upo
ko kaya namanhid iyong binti ko.
"S-sorry," I said nung masalo ako ni Parker.
"Are you alright?"
I nodded, but truth was, he was standing too close. I felt like I was drowning with
proximity.
"Okay na ako," sabi ko sa kanya.
"You sure?"
Tumango ako at saka alangan na ngumiti. Pumunta na kami sa cashier, but before I
could even whip out my credit card, binigay na ni Parker iyong card niya.
"Hala! 'Wag mong bayaran!"
"It's alright," he said with a smile.
"May pera naman ako..."
"I know," he replied. "But when I got my first salary working in Dad's firm, I
promised myself that I'd treat you."
Napaawang iyong labi ko sa narinig ko mula sa kanya. Ibig bang sabihin, nung mga
panahon na wala ako, iniisip niya ako? Something inside me hammered inside my
chest.
"Ah..."
Hindi ko alam kung ilang beses ko na ba nasabi ang ah ngayong araw. Si Parker naman
kasi! Bakit niya ginagawa sa akin 'to!
"So, I got this," he said, making me give up paying for the things I bought.
Paglabas namin, si Parker pa rin ang may buhat nung mga binili ko. I felt guilty
dahil mabigat ang mga iyon. Tapos ang laki pa nung sketch pad! But at the same
time, I was enjoying seeing his arms all worked up. Lumalabas kasi iyong ugat sa
braso niya tapos... ewan. Ang ganda kasing tignan. Pero hindi ko pinapahalata sa
kanya na tinitignan ko dahil nakakahiya na talaga ako!
"Lagay muna natin sa sasakyan mo bago tayo kumain," I offered. "Ang dami mong dala,
e."
"No, it's fine."
"Pero mabigat."
He smiled.
"Mababawasan lang 'yung oras natin kapag pumunta pa sa parking. It's alright, Imo."
Damn that smile.
"Saan mo gustong kumain?" he asked me. Nagmadali akong tignan iyong mga resto na
malapit sa amin. As much as I enjoyed seeing the veins in his arms, I didn't want
to abuse his kindness. At saka mag-aaral pa siya ulit mamaya. Ayoko naman na
mapagod siya.
"Dun na lang," I said and then pointed out at Hobing. Pumasok kami sa loob. Umorder
lang kami ng pagkain tapos habang naghihintay, medyo naiilang ako dahil ramdam na
ramdam ko iyong titig sa akin ni Parker. "Pangit ba 'yung buhok ko?" I asked.
"No. It looks good on you."
Tumango ako and said, "Ah... e bakit grabe kang maka-tingin?"
"You've been gone for seven months. Am I not entitled to miss you?"
Nanlaki ang mata ko.
"Bakit ang straightforward mo ngayon?" I couldn't help but ask. Kung may history
siguro ang pamilya ko ng heart attack, matagal na akong nabuwal sa sahig dahil sa
mga sinasabi ni Parker!
He smiled.
"I really couldn't do anything before for you... Aminado naman ako na sobrang gago
ko dati. I took you for granted, I played with your feelings, I pushed you away.
But for the past seven months, I did everything I could, just so I could be worthy
of you. Gusto ko kasi na magkaroon na ako ng karapatan sa 'yo, Imo."
Sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya, palakas lang nang palakas iyong tibok
ng puso ko. I wanted to check if I was still breathing, because his words were
taking my breath away. I didn't know what changed... but Parker's not who he was
when I left him.
"I couldn't love you the way you deserved to be loved before, because even I,
myself, know I wasn't good enough... but I think I'm good enough for you now."
Napaawang iyong labi ko sa mga sinabi niya.
"Parker..."
He smiled, and I could still see the sadness hiding behind his smiles. Months may
pass, he might pretend that he's fine, but deep inside, I knew he was still
hurting.
"Don't worry, I'm not rushing things. I just want you to know that I know your
worth now... at hindi kita sasayangin, Imo."
Bumuntong-hininga ako.
"Alright," I replied. "But let's be friends for now. Okay?"
He nodded.
"Sure. Friends."
When our food arrived, I couldn't help but oggle at its cuteness. Natatawa sa akin
si Parker dahil hindi ko makain iyong bingsoo dahil sa sobrang cute niya! I kept on
taking pictures, at saka nanghihinayang na kainin.
"Matutunaw na 'yung yelo," Parker pointed out.
"But it's too cute..."
"Let's just go here again. Kainin mo na."
Ngumuso ako. Habang kumakain ako, napapansin ko talaga iyong libro ni Parker.
Sobrang kapal kasi.
"Mahirap ba 'yung law school?" I asked. I was just curious... kasi ayaw ni Parker
maging lawyer dati dahil nakikita niya sa parents niya kung gaano sila ka-busy.
That was one of the reasons why Mama was so fond of Parker, aside from Tito Parker.
Medyo naaawa kasi siya dahil palaging busy si Auntie Kach at Uncle Tripp. Madalas
si Parker sa bahay kahit dati pa.
"Yeah... time's my biggest nemesis."
Bigla naman akong na-guilty dahil kasama niya pa akong kumakain ngayon imbes na
nag-aaral sana siya.
"Ah... sige, wait. Bibilisan ko lang kumain," I said at saka sinimulan na ubusin na
iyong bingsoo. Natutunaw na rin kasi siya.
"No," pigil ni Parker. "I want to spend more time with you." At agad na napaawang
na naman iyong labi ko. He should seriously stop saying things like this!
Nakakagulat! "You have no idea how I restraint myself not to follow you when you
went away... I reminded myself again and again that you needed space. But now that
you're here, I want to spend as much time with you as I can."
"Parker naman..."
He smiled.
"Wag kang mailang sa akin, please? It's just that... I'm so sorry. Thinking about
the things I did to you before, the things I said to you before, alam ko na kahit
ano ang gawin ko, hindi ako makakabawi sa 'yo."
I smiled.
"Ang tagal na 'nun."
"Siguro. But I still hurt you. And I can't forgive myself for that."
"But I already forgave you. You should, too."
I was done holding grudges. I just wanted to live a new life. I wanted to focus on
only the good things. Ang dami kasing magandang bagay sa mundo... tapos kung sa
negatibo ka lang naka-tingin, nasasayang lang lahat ng maganda. I didn't want that.

Nung matapos na kaming kumain, dumiretso na kami sa parking lot. Parker insisted
that he'd drive me home kahit na ayoko. Malapit na kaya ang klase niya!
"Okay lang kasi," I said. "Malapit lang naman 'yung unit."
"Kahit na."
"Ang kulit mo."
He smiled.
"Hindi ko alam na ganito ka ka-kulit."
He looked at me, his hands steady on the steering wheel. Napa-lunok ako. Why did he
look so... no. Don't even go there, Imo! It's one thing to think that matured
Parker is attractive, ibang usapan na kapag sexy siya sa paningin mo!
"You don't know many things about me," he replied, my eyes zooming in on how his
adam's apple moved.
"Na ganito ka ka-kulit?" I asked.
"Na ganito ako ma-in love. You never knew because we never had the chance before. I
never had the chance to show you... but I'll show you now. That this is how I fall
in love."
Oh heavens.
--
Kinabukasan, plano ko sana na sa unit lang ako. I wanted to test the things I
bought-I mean, iyong mga binili ni Parker. Kaso, nagtext iyong head ng program.
Kailangan daw naming pumunta sa school para sa briefing session. I didn't ask
questions, and just proceeded on preparing. I just took a bath and wore the most
comfortable clothes I could find. I still wasn't comfortable wearing super short
shorts, but at least nakakapagsuot na ako ng three inches above the knees na
shorts!
I settled on wearing white lace shorts, black halter top, and oversized cardigan. I
also wore my white sneakers. I just blow dried my hair dahil wala naman akong
magagawa masyado sa maigsi kong buhok. I still didn't like wearing makeup-walang
nagbago, but I wore nude lipstick para hindi ako mukhang bangkay masyado. Hindi ko
alam kung bakit kahit ano'ng tapat ko sa araw, hindi ako umiitim.
Pagdating ko sa school, I was still looking for the Arts building. Ang alam ko kasi
ay nasa kabilang dulo ng campus iyon. St. Claire's Academy is a big school kaya
hindi ko pa rin siya nalilibot masydo.
"Excuse me," I said as I asked the girls in front of me. Malapit na kasing mag 10
am. Ayoko naman na ma-late agad ako. "Do you know where-"
"Oh, my gods!" the girl squealed. "Mary Suarez, right?!"
I winced at the loudness of her voice, but nodded nonetheless.
"Uhm, yeah, but do you know-"
"Oh, my god! Giiiiiiirl! Bumalik na 'yung girlfriend ni Saint! Ibig sabihin ba
titino na ulit siya maglaro?!"
Napaawang iyong labi ko. Why was I being dragged with his name?
"Nasan 'yung Arts building?" I asked. But instead of answering my question, she
berated me with hers.
"Pakisabi naman kay Saint, umayos na, please? For the first time in 10 years,
natalo tayo sa championship!"
I sighed.
"I'm not his girlfriend," I said. Baka si Dani iyong tinutukoy nila?
"Weh? E ikaw lang nasa IG at Facebook niya, e. I mean, brown 'yung buhok mo roon at
hindi red, pero ikaw 'yun."
Kumunot ang noo ko. Ano'ng pictures ang sinasabi ng mga 'to?
"Ah... okay, thanks, anyway." I'd just look for the building on my own.
It took me a few minutes, but I managed to locate the building. Nung dumating ako,
medyo marami ng tao kaya naman sa likod na ako pumwesto. The people looked
different... Not the usual people. They looked... more free? Some people had
unusual hair colors. Ang gaan sa pakiramdam. Nakikinig lang ako habang
pinapaliwanag iyong expectations sa degree program namin.
Bumalik na 'yung girlfriend ni Saint!
'Ano ba, Imo? Magfocus ka sa nasa harap mo,' I kept on reminding myself, but I
failed miserably. 'No. 'Wag mong tignan iyong accounts niya. Tapos ka na 'dun. 'Wag
kang bumalik.'
Huminga ako nang malalim at nagfocus sa harap ko. I needed to do well. I shifted
and left everything behind, failing here wasn't an option. I knew my parents
wouldn't pressure me, but for once, I wanted to do well for myself. I wanted to
make myself proud.
Nung matapos na iyong meeting, lumabas na kami. Naglalakad na ako palabas para mag-
abang ng taxi nung marinig ko na papalapit na 'yung basketball team dahil nagja-
jogging sila. Naman! Bakit ba dinadaanan 'to ng basketball team tuwing may
jogging?!
Agad akong huminto sa paglalakad at nagtago. I just didn't want to risk it.
"5 more laps and then we'll rest!" Ralph shouted.
"Yes, cap!" the rest of the team answered in unison.
Agad na kumunot ang noo ko. Why were they calling Ralph captain? Kung graduate na
rin si Austin... ibig sabihin, si Saint na dapat iyong captain... Pero bakit ko ba
iniisip 'yun? Pakielam ko ba.
Nung makalagpas na sila, aalis na sana ako nung huminto si Cohen at Saint.
"Kuya," Cohen said.
"What?"
"I know it's not my place, but coach will cut you out from first five if you keep
on ditching practice. Like yesterday."
"I don't care," Saint replied.
"It's been seven months."
"And yet, nothing changed. I'm still in love with her," he replied before he
continued to jog.

Kabanata 53

#JTSNeighbor Kabanata 53
I felt like I was losing my mind. Dalawang araw na ang lumipas pero naiisip ko pa
rin iyong sinabi ni Saint. And I knew I shouldn't think about it. We're done. He
ended us. Dapat hindi na ako nag-iisip ng ganito. It would just end up with me
being sucked back into that vortex. Kaya naman bago pa ako mabaliw sa kakaisip,
naisipan ko na bumaba.
Pasakay na sana ako sa elevator nung magulat ako nung bumaba galing doon si Parker.
Napa-kurap ako. Ilang beses.
"Good morning," he greeted with a smile on his face.
"Uhh... good morning din?"
He raised his hands and showed me a paper bag.
"Brought your breakfast. Kumain ka na ba?"
I shook my head. I couldn't consider cereals as breakfast. I needed rice...
something I never appreciated nung sa bahay pa ako nakatira. Hindi man lang ako
marunong gumamit ng rice cooker. Pakiramdam ko talaga magugutom ako sa unit na 'to.

"Ano 'yung dala mo?" I dared ask. Recovery Food kasi iyong nakalagay sa hawak
niyang paper bag. Pakiramdam ko kailangan ko nang maka-recover sa gutom. Two days
na puro cereals and oatmeal lang ang kinain ko. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Tapa de morning," he replied.
I felt like my eyes twinkled. Bigla namang natawa si Parker sa reaction ko.
Pinapasok ko siya sa unit ko.
"Sorry, I'm not yet done unpacking," I said as I tried to keep things out of his
way. I was really done packing. Natapos ko na lahat dahil sumasakit ang ulo ko
kapag may kalat. Hindi ko lang talaga naitabi iyong mga ginamit ko kagabi nung
nagpaint ako. Sobrang antok ko na kasi.
"You did this?" he asked as he pointed at the canvass that I just finished. I
nodded. "You're really good at this," he said, still looking at the painting.
"Uhhh thank you," I replied. I still didn't feel comfortable taking compliments. I
never really showed my art to anyone. I used to paint only for myself-whenever I
was feeling extreme emotions. I didn't always feel like talking. Sometimes, talking
felt overrated so I turned to art to express what I was feeling. It had always been
that way since I was younger. Hanggang ngayon, nadala ko pa rin iyon. I really
didn't know when I should verbally explain myself. I was more attuned to keeping it
all in.
"Wait, I'll get plates for us," I said.
And since I still didn't memorize the unit, I stumbled while finding the missing
plates. I couldn't believe I had been living here for a few days at hindi ko man
lang alam kung nasaan ang mga plato! But Mama shouldn't know about this dahil
sigurado ako na papapuntahin niya si Manang para samahan ako.
"There you are," I said. Nasa taas na cabinet iyong mga plato. Tumingkayad ako para
maabot ko siya pero masyadong mataas. I was trying to reach for it nung-
Hala siya.
"There," Parker said as he reached for the plates. While I was in between his arms.
And he was standing too close. I could feel him behind me. Nahigit ko iyong hininga
ko. He was really too effing close. "Why are your plates there? Ang taas masyado,"
he commented. He didn't even notice that I was close to being frozen dahil sa
posisyon namin!
I awkwardly smiled as he gave me the plates.
"Thank you."
He just smiled. Knock it off, Imo! Ano bang nangyayari sa akin lately?! I should
really have a one on one talk with myself kung bakit ako nagkaka-ganito kapag
nandito si Parker. Pakiramdam ko talaga ay dahil 'to kina Kuya, e. Masyado nila
akong tinutukso na may pagnanasa daw ako kay Parker.
Naupo kami sa carpet while eating.
"Bakit ka nga pala nandito?" I asked.
"I'll teach you how to drive today, remember?"
Napaawang iyong bibig ko.
"Oo nga pala..."
"You forgot?"
I awkwardly smiled and nodded.
"I was busy with the whole moving thing and my new degree. It slipped my mind," I
explained. "But hindi ka ba busy ngayon?"
"It's alright."
"Pero busy ka nga?"
"Medyo."
"Hala. Nakaka-guilty naman."
He smiled.
"Okay lang," he said. "I allotted 3 hours with you today. After that, I'd read my
case digests and review codals."
Iyon pa lang iyong sinabi niya pero pakiramdam ko, ang dami na niyang ginagawa. How
could he manage to make time for me kung ganito siya ka-busy? I really couldn't
understand the new Parker. He was still the same in some ways... but also, he's
different. And though I hated to admit it, I liked the new Parker. I liked him
mature. I like him when he's serious about his future.
Auntie Kach asked me to look after Parker, and I was glad it all turned out fine.
Kahit na parang hindi maayos dati, in the end, it worked out well.
"Parker..."
"Hmm?"
"Hindi ka ba nagsisisi na naglaw ka?" Napatingin siya sa akin. "Kasi 'di ba, hindi
mo naman 'yan gusto dati?"
I just had to know. What changed his mind. What caused this 360 degree change in
him.
"Things change, Imo. I only learned to appreciate law when my mom died... Kasi
ganon 'yun, 'di ba? You'll only realize the importance of something once you lost
it?" he said, staring directly at me.
Napaawang na lang iyong labi ko. I knew I shouldn't have asked that question.
Pagbaba namin, pumunta na agad kami sa basement para hanapin ang sasakyan ko. I
still had no idea what my parents got me. I just knew it was a BMW based on the key
fob. Kaya pagdating namin sa basement, I clicked on the fob and then the car
alerted.
"That's my car!" I said, almost jumping in my spot. Napa-tingin sa akin si Parker
at napatawa. I smiled wider. "Let's go get my car!"
I almost ran hanggang makarating ako sa sasakyan ko. It was a dark gray BMW and it
looked sleek. I was glad my parents didn't get me a girly car!
"It's pretty," I said in awe.
"Yes, it's beautiful."
I was about to nod in approval nung mapansin ko na sa akin naka-tingin si Parker.
Agad ako na nag-iwas ng tingin. I still didn't feel comfortable when he's like
this. I wished he'd tone down whatever he was doing. I already made myself clear
that I could only offer friendship. Hindi naman kasi porke tapos na kami ni Saint
and somehow I was already over him, ready na ako na magkaroon ng boyfriend ulit. I
wanted to enjoy life without depending my happiness on anyone.
At saka masama na bang maging single ngayon? Dapat ba may lalaki palagi?
Pagpasok namin sa sasakyan, si Parker muna sa driver's seat dahil hindi naman ako
marunong pa.
"I'd rather we use another car for practice," he said as we were buckling up.
"Pangit ba 'to?" I asked, worried.
"No, it's actually really good so I'm afraid you'd crash this car."
Napa-simangot ako.
"Hindi pa nga ako marunong magdrive, na-judge na agad ako."
Natawa naman siya sa akin.
"I'm just saying. Baka mabangga mo 'to. Sayang naman 'yung brand new BMW mo."
I shrugged.
"Then be a good teacher, so that I'd be a good student, right?"
Napailing siya sa akin.
"I don't know what Europe did to you, Imo. I really have no idea."
Parker drove out the car hanggang sa makarating kami sa subdivision namin. Doon
kami pumunta sa block na wala pang masyadong mga bahay. Nagpalit kami ng pwesto ni
Parker. Agad niyang sinuot iyong seatbelt.
"Nakaka-offend ka naman. Feeling mo ba papatayin kita?"
Tawa lang siya nang tawa. Kanina niya pa ako tinatawanan!
"First step, make sure the car is closed and that you're wearing your seatbelt,"
sabi niya habang kinakabit ko iyong seatbelt ko.
"Alam ko na 'yun," I replied. "Hindi naman ako tanga para malimutan 'yun."
"I know. I just want to make sure. Baka umaandar iyong sasakyan tapos bukas iyong
pinto tapos mahulog siya."
Sinamaan ko siya ng tingin. He just looked matured, but he's still a bully. Hindi
nagbago iyon sa kanya. Mas malala pa 'to kung nandito sila Kuya. Sigurado ako na
pagtutulungan nila ako dahil hobby yata nila iyon.
"Next, adjust the car. Ayusin mo 'yung side mirror at saka iyong upuan. At saka
abot naman ng legs mo 'yung pedals, 'di ba?"
"Ay grabe ka na! Abot ko!" sabi ko at saka tinapakan ko iyong isang pedal tapos
bigla kaming umandar. "Oh, my God!"
Biglang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagpapanic iyong buong sistema ko
dahil sa biglang pag-andar. At mas lalong nanlaki iyong mga mata ko nung makita ko
na konti na lang ay tatama na kami sa poste sa harap namin. Oh, my God! Tama nga si
Mama! Ako ang makakapatay sa sarili ko!
"Step on the brake!" Parker shouted.
"Hindi ko alam!"
"Yung nasa kaliwa!"
"Ano ang kaliwa?!"
"Imogen, you'll kill us both!"
"I know! I'm sorry!" And then Parker did the unimaginable. He dived in and pushed
the brake himself. Nanlalaki pa rin iyong mga mata ko. His face was near my- "Oh,
my God!"
That was all I could say as his head lie in between my legs. Mapuputulan yata ako
ng hininga.
--
Minutes already passed, but I was still in shock. Kahit si Parker ay hindi maka-
tingin sa akin. We were both alive, and so was Momo-the name of my car. Pero hindi
pa rin ako maka-galaw. I was not shocked because of our near death experience. Mas
hindi ako maka-move on sa ginawa ni Parker.
"Well..." I trailed. "Maybe that concludes our driving lesson for the week." I was
looking straight ahead while drumming my fingers on the steering wheel. "Let's just
continue this next week. I'll just use Uber again."
Kung marunong lang siguro akong pumito, pumito na ako. The silence was driving me
crazy. Why was I so stupid? Sa sobrang kaba ko kanina, nalimutan ko na kaliwa nga
pala ang Tagalog ng left. I was so ashamed of myself!
"Alright," Parker said. Hindi pa rin siya maka-tingin.
He drove me back to my condo. We awkwardly said goodbye. I wished we'd get over
this incident because it's just really crazy! Wala namang may kasalanan sa aming
dalawa. It was an accident-cause by me, mainly. He just did what he had to do dahil
kung hindi, malamang ay nasa ospital kaming dalawa ngayon!
Umakyat na ako sa taas. I decided to just sleep dahil pasukan na sa isang araw. I
needed to get all the rest I could get because I had a feeling that once the
classes started, things would start to get crazy.
I did all I had to do and then when I was about to read A Thousand Pieces of You,
my phone rang. There was a Facetime request from Kath. I immediately accepted.
"So, I have a news."
"Okay."
"And it's about You-Who-Must-Not-Be-Named."
Agad na kumunot ang noo ko.
"Sino 'yun?"
Kath rolled her eyes. "Duh! Si Saint! The ex! The jerk who believed in his best
friend!"
Kailan pa naging si Voldemort si Saint? As far as I was concerned, he was Draco
Malfoy... and they were both jerks. In different levels. But nice, also. Complex
characters.
"So? Gusto mo bang malaman?" Kath asked. She was wearing face mask and her hair was
up. Mukha siyang poodle, but I didn't think it was a proper topic.
Umiling ako. "Tapos na kami. Ayoko na pakielaman iyong buhay niya," I honestly
said.
"But this is juicy! And I'm sure it will affect you!"
And that only strengthened my resolve. I didn't want anything to do with Saint
anymore. Kung nagawa ko ngang pigilan ang sarili ko na tignan ang profile niya para
malaman iyong sinasabi nung dalawang babae, I could resist Kath and her gossips. I
was done with Saint, and that included news about him.
"Nope. Nada. Zilch. Kaput. Non. Hindi," I recited in different language so that
Kath would know the height of my disapproval. "Kath, break na kami ni Saint. Alam
mo kung bakit mahirap magmove on iyong ibang mga babae? Kasi kahit hiwalay na sila,
nagsstalk pa rin sila sa social media. Trying to know everything there is to know
about the ex. E ex na nga, 'di ba? Dapat past na. Paano ka makaka-move on kung
bawat post niya, sinusubukan mong i-decode?"
Napaawang iyong labi ni Kath.
"Kaya please, 'wag mo na akong idamay sa fascination mo sa GDL brothers. I had my
time, and I'm done with it. Move on, okay?"
Napailing siya.
"I have no idea what Europe did to you."
Hindi ko rin alam... but one thing's for sure. I learned to love and appreciate
myself. Without needing anyone's approval and validation.
--
When Tuesday came, I woke up early. I took a bath and carefully planned what I was
going to wear. I wanted to dress for myself. I wanted to feel good. I was going to
claim that today's going to be a great day.
I ate my light breakfast. Sa school na lang ako kakain ulit dahil sigurado naman
ako na magugutom ako agad. I grabbed my art stash. I was thinking of getting two of
everything. Isa dito sa unit ko at isa na titira sa trunk ng sasakyan ko dahil
nakakatamad kung dadalhin ko pabalik-balik, e, nasa 19th floor ako. Iniisip ko pa
lang ay nahihirapan na ako.
Sa weekend pa naman ulit ako tuturuan ni Parker. Magtitiis muna ako sa Uber ng
isang linggo... At sana naman ay okay na kami ni Parker sa weekend. Ayoko talaga na
awkward pa rin kami... kahit sobrang awkward naman talaga ng nangyari.
I was holding my bag and sketch pad on one hand, my art stash on the other. Isinara
ko na iyong pintuan ko at maglalakad na sana ako papunta sa elevator nung may
magsalita sa likuran ko.
"Need help?"
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Holy heavens. I knew that voice. Humarap
ako. And there he was.
"Good morning," he said, getting things from me.
"A-ano'ng ginagawa mo rito?"
He smiled. My chest heaved.
"I just bought the unit next door. I'm your neighbor."
Napaawang iyong labi ko.
"You're kidding, right?" sabi ko habang napatingin sa katabi kong unit. The last
time I knew, it was vacant! Paano'ng nabili niya?! And how did he know that I was
living here?! Did Finley sell me out?!
Umiling siya.
"I'm going to win you back, Mary. By all means, I'm going to have you in my life
again."

Kabanata 54

#JTSGamePlan Kabanata 54
My jaw was probably already on the floor. And my chest heaving because of the bomb
he just dropped in front of me. Had Saint always been this selfish? Did he move
here just to chase me and corner me? Why was he doing this to me? He was the one
who broke up with me! He was the one who didn't even bother to listen to my
explanation! He was the one who ended us.
"I can't believe you..." I said, my voice covered with disappointment. I tried to
get past him, but he grabbed my wrist.
"Mary..."
Something inside me throbbed when he said that. Mary. I even resented my name
because of him.
"We're already done. What can't you understand, Saint?"
He looked at me. I refused to stare at his eyes.
"Everything," he breathed. "I can't understand everything... I knew I said things I
didn't mean. I knew I hurt you... I knew you wouldn't talk to me for days because
that's who you are, you know? You'd clamped up and ignore the world. So I gave you
space and time." And then I could feel his eyes. He was boring a hole in me. "But
then you left. You left me."
My insides froze. His admission was making it hard to breathe.
"Ano'ng gusto mong gawin ko? You hurt me."
"You lied to me."
"And you hurt me! Nagagantihan lang ba tayo?"
Kahit ano'ng pilit ko na 'wag magalit, na 'wag sumigaw, hindi ko magawa. He was
trying to open the wound that I tried so hard to heal! Akala ba niya madali? I
spent weeks crying! Strangers stared at me because I was crying! He destroyed every
place for me! I couldn't even enjoy Paris because everything reminded me of him!
Tapos ako pa 'yung nang-iwan?
"Isn't that what relationships are, Mary? We fight, we get mad, we give each other
space, and then we talk! I knew we fought, but I was hoping that we'd talk! Pero
iniwan mo ako! You left me without even saying anything! You know how crazy you
made me?! I didn't even know where in the world you are!"
He was mad. It was the first time I'd seen him this angry.
"Why do you always run away from me?" His voice was weak, but his eyes said so many
things. I couldn't even recognize him anymore. He wasn't the Saint I used to know.
Seven months passed... and still, it was my fault. Why was it always my fault?
"Was I suppose to stay? Kahit ang sakit-sakit na?"
My lips felt dry. I knew there was a reason why I tried my hardest to avoid him.
Because it would hurt like this again. And the last time he hurt me almost
destroyed me. I never wanted to go through that again.
"Bakit ako? Hindi ba ako nasaktan?" he threw back at me.
I smiled. And then peeled my hands off my arm.
"That's right. We hurt each other, kaya tama na. Let's not make the same mistake
again."
It was like reading the same book, and expecting a different ending. It's insanity.
It's expecting a different outcome when you already know in the first place how
horrible it would end... no matter how badly you hope.
I started to walk away from him. Hanggang kaya ko pa. Because walking away from him
had always been the hardest thing to do.
"Was I that? A mistake?"
But I didn't answer him. I just walked away. Because he wasn't a mistake... he
never was. But he shouldn't know that.
--
The whole ride to school passed like a blur. Every time I closed my eyes, image of
Saint kept on flashing back. I shouldn't even have talked to him. I knew it was a
mistake. Seven months wasn't long... it was enough to heal the wound, but not
enough to make me forget everything.
Pagdating ko sa building namin, agad kong inialis si Saint sa isipan ko. I wouldn't
be able to function properly if he kept on invading my mind. The time I spent away
would've been for nothing if I'd just come back to the place I left. And he'd just
end up breaking me again. I didn't want that. I couldn't go through that again.
"Hi." I smiled at the girl who smiled at me. She was the first one to talk to me.
"I'm Ria. You are?"
I accepted her hand and said, "I'm Imogen."
"I thought Mary ang pangalan mo?"
I really couldn't get a break. Kahit yata saang college ako ng school na 'to
mapunta, susundan ako ng anino ni Saint.
"Yes, that also. But I prefer Imogen."
And I just found out that my seat mate, Ria, was GDL brothers' biggest fan. She
studied here in SCA specifically since dito nag-aaral ang mga magkakapatid na Gomez
de Liaño. Just when I thought I already got rid of Kath and her fanaticism sa GDL,
bigla namang nagkaroon ako ng Ria. Parang si Kath lang din siya. And God, she
wouldn't shut up about GDL!
"So, mabait ba si mommy Anna? How about si daddy Bert?"
"Huh?"
"Kasi 'di ba pinakilala ka ni Saint nung anniversary party ng parents niya?"
I was horrified! How did she even know that?! Ni hindi nga ako nagpost online-or si
Saint-tungkol sa party na 'yun, e!
"She's very nice," I said. "Uhh... I just have to go somewhere."
Agad akong tumayo at lumabas. That must be how celebrities must feel. Na kahit wala
ka namang sinasabihan, surprisingly, everyone knows about your business. Na kahit
ayaw mong pag-usapan, pakiramdam nila pwede just because the information is out in
the open. It was exhilarating.
I was about to get some fresh air nung makasalubong ko si Cohen. And even if I
tried to escape, I couldn't because I could clearly see that he's walking towards
me.
"Hey," he said.
I smiled. "Hey," I replied. He stared at me for a while, like he was pondering if
he'd ask me something or not... And I was not stupid not to know that it was about
Saint. Everything's about Saint in this school! I couldn't escape if even if I try!
"Have you seen Saint?"
Agad na kumunot ang noo ko. Apparently now, I was also the one people ask about
Saint, maliban sa pagtatanong tungkol sa parents niya at sa dekorasyon nila sa
bahay. I still felt the chills as Ria described the decorations in Saint's house!
Alam niya rin kung ilan ang CR. Ten. I didn't even want to know kung paano niya
nalaman.
"No," I replied. "And why don't you call him?"
It was an easy question pero hindi agad siya naka-sagot. He was just looking at me,
still debating if he'd tell me whatever it was that he's thinking.
"Cohen, my next class is about to start. Kung wala kang nang sasabihin, mauna na
ako..."
"Wait," he said. "My brother... did he really buy the unit beside yours?"
Natigilan ako. And then I nodded.
"Can you tell him to go back home, Cohen?" I asked.
"I can't," he replied. "My parents tried to tell him to stop, but he doesn't want
to."
"Tell them to take back the condo."
"They can't. Saint sold his car to buy that condo, Imo. So, I don't even have any
idea where he is right now. I tried to ask his security details, but he threatened
them not to tell me and my brothers anything. He's skipping practice and whenever I
try to go to his condo, it's either he's not there or he's just avoiding me
altogether."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"What? Why would he even do that?"
Tinignan ako ni Cohen. Alam ko na naiipit siya sa sitwasyon. Saint's his brother
and I was his friend. But I knew he'd choose Saint over me... naiintindihan ko
naman. I would've done the same. Family comes before anything.
"When you left, Saint didn't even have any idea that you'd go to Europe. He just
learned about it when you were already gone. He wanted to follow you but Mom hid
his passport and visa. She was very disappointed at him for what he did to you."
Napaawang ang labi ko.
"H-how did she know?"
"Dani told her. But she didn't believe her. Those were just pictures. They could
mean a million things, my mom said... Because you know? My mom really likes you for
Saint. And she's very disappointed at Saint. She told him that it's his fault that
he lost you, so he should deal with the repercussions of his action."
Dani... that girl. Kahit sa mga magulang ni Saint, sasabihin niya? Wala ba talaga
siyang awa sa akin? Saint already broke up with me, pati ba naman sa parents ay
gusto niya akong siraan?
"Do you know how much my Mom told him that? Repeatedly. Over and over. But he just
kept silent until you returned... and then the first thing he did, he sold his car
because he knew our parents wouldn't support him of his decision."
I tried to smile, but I failed ultimately.
"Why are you telling me this?" I asked him. I was already done with Saint. He
already broke my trust. He already did the damage. Nasaktan na ako. Nasaktan na
siya.
"Because I think you should give him a chance. He's a really nice guy and he's
patient, but he's human, Imo. He has issues with trust because of our parents, but
he's working on them for you." He sighed. "I know he messed up-so bad-but he's
doing his best to get you back."
I smiled at him.
"Not everything can be fixed."
He nodded.
"I know... but he's my brother... and I just want the best for him," he said and
then smiled at me. "And you're the best for him."
"Thank you... but we're already done, Cohen. I loved Saint, I really did, but love
isn't enough."
I needed trust. And he failed to give me that.
--
Hanggang sa makauwi ako sa unit ko, iniisip ko pa rin iyong mga sinabi sa akin ni
Cohen. Dapat hindi ko na siya kinausap. I didn't even want to know that much! It
was all unsolicited information. I was contented thinking that Saint broke me...
and then Cohen destroyed everything. I just kept on repeating everything he said.
Paulit-ulit kaya pakiramdam ko ay mababaliw ako.
Tinapos ko lang iyong mga kailangan kong gawin. It was just the first day, so
there's not much that I was supposed to do. And when dinner came, I didn't have the
heart to cook... and I didn't even want to try. I believed my mom. Nung sinabi niya
na ako ang papatay sa sarili ko sa pagda-drive, muntik na nga akong mamatay... And
I didn't want to try my luck at cooking. I might end up burning the whole unit
down.
I was sitting on my bed and browsing for a place to order food from. Habang
naghahanap ako ng kakainin, sumingit muna ako sa facebook para tumingin. And it was
a big mistake. Psalm was tagged in a picture... and there was Saint. God, he's
literally everywhere!
'Tapos baka hindi pa kumakain iyon kasi walang pera. He defied his parents for
you,' my conscience said.
'Oh, shut up, Mary!' I responded.
Nahiga ako sa kama at saka nagpa-gulong-gulong. I hated my conscience! Ngayon,
kasalanan ko pa na binenta niya iyong mahal niyang sasakyan para sundan ako dito?
Kasalanan ko na wala siyang pera dahil doon? Bakit ba kasalanan ko lahat?!
He made me resent a lot of things. He made me hate ducks, seeds, amusement parks,
coffee, basketball, curly people, Pokemon, dabbing, and even Harry Potter for a
while! Everything reminded me of him! It was suffocating. He's like a storm.
He took me to museums, and parks, and monuments, and kissed me in every beautiful
place...He did so that I could never go back to them without tasting him like blood
in my mouth. He destroyed me in the most beautiful way possible. And when he left
me, I finally understood why storms are named after people.
He loved me... and then broke me.
"Ugh!" I said as I ordered to sets of food. One to be delivered in my unit, and one
for Saint. I hated my conscience!
A few minutes later, the food arrived. I just told the receptionist at the lobby to
send the delivery guy upstairs since I was too tired to go down... and also,
iniiwasan ko na makita si Saint. The building was too small for the both of us.
"Thank you, Kuya," I said to the delivery guy and tipped him handsomely. "The other
one po ay dito sa kaliwang unit."
I immediately closed the door shut. At least hindi na ako makokonsensya kung wala
siyang kakainin. I already did my part. I wasn't that evil to let him starve.
Pagkatapos kong kumain, I brushed my teeth and got ready for bed. I was reading Ten
Thousand Skies Above You when I fell asleep. It had been a long and tiring day
already.
When morning came, I already prepared everything. Sa weekend kasi kami magkikita
ulit ni Parker para turuan niya ulit ako. Sana lang hindi na kami awkward dun...
Kasi naman siya! Why did he have to do that?! He made us really awkward.
I peeped through the hole just to make sure that he wasn't waiting outside my door.
But I couldn't be too sure. After all the lengths he'd gone through, I knew he
wouldn't give up just like that.
When I was sure that he wasn't outside, lumabas na ako. At nung isasara ko na iyong
pinto, a post-it caught my attention.
Thank you for the food, Mary. Next time, I'll cook for you. I miss you.
-Saint

Kabanata 55

#JTSCharityCase Kabanata 55

The hardest part with living in the same building with your ex was the probability
of bumping into each other... I mean, I tried... so bad. Sinubukan ko talaga na
'wag siyang makasalubong. Ni hindi na nga ako lumalabas, e. Kapag nagugutom ako,
puro delivery. Pati grocery ko, delivery na rin. Kapag nauubusan ako ng art
materials, thank heavens dahil may delivery na rin ang NBS. Pero may mga
pagkakataon talaga na kailangan kong lumabas...
And I was still debating on how I'd sneak out without bumping into Saint when there
was a knock on the door. Huminga ako nang malalim. It could be anyone... maybe my
parents. I told them I'd go home for the weekend and yet it was already 10 am and I
was still here in my unit. But when I peaked in the hole... There he was. In flesh.
Saint Iverson Gomez de Liaño was outside my unit.
I didn't know what he was doing outside. But he was insistingly knocking on my door
and judging by the scowl on his face, I thought it was something serious.
"What?" I said when I opened the door.
"Did you order food for me?" nakakunot na noong tanong niya.
Napaawang iyong labi ko. Last night, while my conscience was bothering me, I signed
up Saint for one of those healthy food thing. It was a daily delivery of food...
Hindi kasi maalis sa isip ko iyong sinabi ni Cohen. Kahit na kasi na hindi ko naman
kasalanan na nandito si Saint, hindi ko pa rin iyon maalis sa isip ko. The thought
of him starving because of me... I couldn't carry that with me. Kaya naman kagabi,
nagsign up ako sa HealthyFoodPH at ibinigay iyong address ni Saint. Kumuha ako ng
para sa isang buwan. Healthy iyong mga pagkain nila kaya maayos na rin iyon dahil
athlete si Saint. Mabuti na lang at tumatanggap sila ng online bank transfer dahil
iniiwasan ko ngang lumabas, as much as possible.
"Yes..." mahina kong sagot.
"Why?" mas lalong kunot noong tanong niya.
Itinaas ko iyong tingin ko. Napansin ko na naka-suot siya ng suit. Kumunot din ang
noo ko.
"Why are you wearing suit?" I asked. I had known Saint for a while. Isang beses ko
pa lang siyang nakikitang naka-suit at iyon ay nung anniversary ng parents niya.
And he looked... dapper. He looked sharp. I forced myself to stop staring too much.

'Stop!' I admonished to my gaping inner self. 'No one is allowed to drool over her
ex!'
"Practicum," he shortly replied. "Answer my question, Mary. Why did you order a
month's worth of food for me?"
He was looking at me... probably hopeful that my action meant something. But it
didn't mean anything-at least not what he was hoping it was for. It was just a mere
act of kindness. And also, I was close to his family, especially to his brothers.
Kahit naman wala na kami ni Saint, may parte pa rin sa akin na concerned sa well-
being niya. I couldn't stomach the thought of him starving himself.
"I heard you left home and your parents aren't giving you any money," I said. "I
know you did that for me. I didn't want my conscience to bother me." I said this as
coldly as I could muster. I didn't want him putting any colors in my act. It was
black and white. We're done. I did a kind deed. That was it.
When pain crossed his eyes, I ignored it. I shouldn't give in just because he was
hurt by the truth. He wouldn't be able to get a grasp of reality if I'd feed him
false hopes.
"Consider that as a gift," I said.
He looked at me, clenching his jaw. "What happened to you?"
I pursed my lips. This was why I tried my hardest to avoid him. I didn't want to
open old wounds. I didn't want to visit old memories. We were happy... he was once
the person who made me smile... I didn't want to taint our memories anymore.
"You happened, Saint. You hurt me and this is what happened to me. Deal with it."
I mustered all the strength I got and shut the door. Living here was a bad, bad
idea.
--
When I arrived at the house, agad na napakunot ang noo ko. The place was eerily
quiet...
"Manang," I called. "Where's Mama? Papa? My brothers?"
Our house had always been a noise place to live in. Maingay si Riley at Finley. Mas
lalo naman nung dumating na si Cayden at John. Palaging may sumisigaw na mga bata o
kaya naman ay umiiyak na mga babies. So this silence was something unusual.
"Ay, Ma'am, nasa school po dahil may meeting po yata tapos e didiretso para sa
bakuna ni Cayden," paliwanag ni Manang. Napa-buntong hininga na lang ako. I was
supposed to spend the weekends here with them pero may ibang plano yata sila.
Siguro kasalanan ko rin. I forgot to reply when Mama texted me yesterday, asking
kung ano'ng oras ako makakarating. She must've presumed that I wouldn't come nung
10 am na ay wala pa rin ako sa bahay.
Instead of sulking, I asked our driver to bring me to school. Open naman iyong
college kaya makukuha ko iyong gamit ko sa locker. I'd just spend my time painting
kaysa naman magmukmok ako. That way, I'd be more productive and I'd be able to be
ahead of my due dates. Pagdating ko sa school, naglalakad muna ako papunta sa
library dahil may kailangan akong hiramin. My prof wanted us to research on styles
during the Renaissance. I was still leaning into books more than the Internet. Mas
credible pa rin kasi talaga ang libro sa akin. Plus, I loved the smell of books.
Pagdating ko sa main library, agad kong nakita si Parker. He was buried in pile of
books. Those three inches thick books. How could he even read that? I mean, if it's
not a novel, I didn't think I'd be able to manage kahit 20 pages man lang.
"Hi," I greeted. Nag-angat siya ng tingin. He was wearing his reading glasses
again. "Busy morning?"
His eyes looked tired. Mukhang hindi pa siya nakaka-tulog nang maayos.
"Yeah..." he dragged his answer. "I know I'm supposed to teach you how to drive,
but my professors dumped these," sabi niya sabay patong ng kamay sa mga makakapal
na libro.
My face distorted upon looking at the books again. Ang kapal kasi talaga nila. This
was why I had mad respect for lawyers and doctors. The journey to get the titles
isn't easy. You would spend countless of sleepless nights and sacrifice time for
people who matter para lang makuha mo iyong Atty. o kaya naman ay iyong Dr. sa
harap ng pangalan mo.
"I understand," I said with a smile. "There's always a next time."
Parker looked like he really wanted to spend time with me if he could. I looked
around the library. Hindi pa naman due iyong canvass para sa isang subject ko...
Maybe I could just focus on the research paper today. I still had tonight and
tomorrow to plan for my other things...
Agad kong hinanap iyong kailangan kong mga libro. Pagbalik ko sa table, naka-kunot
iyong noo ni Parker habang pinagmamasdan ako na dala-dala iyong mga libro.
"Let's study together," I said with a smile. I sat a chair away from him dahil
marami siyang gamit-those law books were really thick!
"What?"
"You do your lawyer thing and I'd do my art student thing. And maybe later, we can
have a study break and eat together." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni
Parker. Napa-ngiti lalo ako. It just made me really happy to see him studying like
this. Ibig sabihin kasi, maayos siya. And I seriously wanted nothing but the best
for him. I grew up with him. He'd always, always have a special place in my life. I
realized that nothing and no one could take Parker's place away. He's the constant
thing in my life. I just realized it the hard way.
"Thank you," he said.
I beamed. "No problem, Attorney."
We spent the next hour in silence. Parker was busy highlighting (he highlighted
almost everything, which rendered the sense of highlighting invalid) and scribbled
notes on the side of his book. I, on the other hand, was doing the draft of my
research paper. Alam ko rin naman kasi na hindi ko 'to matatapos. I kept on
throwing side glances at Parker. He looked really adorable lalo na kapag kumunot
ang noo niya dahil sa binabasa niya. I tried to read what he was reading pero
biglang sumakit ang ulo ko. Those law terms were giving me vertigo!
I was already done with my rough draft and when I checked Parker's progress, nasa
90 pages pa lang ang nababasa niya... He wasn't even near half of what he was
supposed to read!
I was sure he's already hungry. I was famished, myself. Pero ayoko naman na
abalahin siya... Ako na nga lang iyong naki-share ng table niya, tapos magdedemand
pa ako na kumain kami? So instead of letting myself remember that I was hungry, I
focused on other things instead. I checked my calendar and decided on starting on a
reaction paper that was due three weeks from now. I was surprising myself. Masipag
naman akong mag-aral... but doing a paper due almost a month away? This was a
record.
Sobrang focused ako sa pagta-type. It was easy, anyway. I found writing a reaction
paper easier than doing more formal papers. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagta-
type, biglang tumunog iyong tiyan ko. And when he heard my stomach grumble, he
looked at me. Binitawan niya iyong highlighter niya at nasa akin lang ang buong
atensyon niya.
"You're hungry?" Slowly, I nodded. Bakit naman kasi tumunog pa ang tiyan ko?! "Why
didn't you say anything?"
I bit my lower lip. "You're busy..."
He sighed. "I would always spare an hour for you," he said and then closed the book
he was religiously reading.
"Hala, okay lang ako," I said. "Hindi pa naman ako sobrang gutom."
Kumunot ang noo niya. "Let's go."
"Ako na lang ang bibili," I said. I really didn't want to get in the middle of his
studies. I really liked seeing him study... call it weird, but I found it really
cute. "What do you want?"
But instead of answering my question, he reached for his bag and began packing his
things. Inilagay niya iyong tatlong makakapal na libro (bless his soul for being
able to read those) at iyong Macbook niya. I also noticed that he had different
colors of highlighters and bunch of sticky notes.
"Let's go," he said. Wala na akong nagawa dahil ready na rin naman siyang umalis. I
threw my things inside my bag and we began to walk beside him. "Burger?" I nodded-
too eagerly. Parker laughed at me and then messed my hair. "Physically, you're
different, but deep inside, you're still the same."
I grinned at him and then we walked side by side. We ate at the usual place-iyon
madalas naming puntahan nung high school pa ako. Mrs. Cheng was still there and she
was delighted to see Parker and I. She asked us if we're together, but I told her
that we're just friends... Iyon lang naman talaga.
"Why do you have so many highlighters?" I asked. Gumagamit din naman ako ng
highlighter pero dalawa lang. He had five colors!
"Green for important terms; yellow for direct meaning; pink for examples; blue for
names," he explained.
"Ang dami naman!"
He laughed. "When we have a recitation, I need to be able to find what I am looking
for in a span of seconds. If not, I'd be standing until the class ends," he
explained. Napa-ngiwi ako. Mabuti na lang wala talaga akong inclination sa law! "So
if I need to look for the names, my eyes would automatically scan for the blue
colors."
My face just became more sullen and sullen as he explained things about law... I
seriously would never ever put myself in that kind of misery.
"Thank you," I said when we finished eating. I looked at my watch. "Sorry, sabi ko
1 hour lang tayo pero naging 2 hours..."
"I'd like it better if you'd stop worrying about time when you're with me."
"But I can't help it. You're one busy person," I reason. Maalala ko pa lang iyong
libro niya, parang ayaw ko ng abalahin si Parker.
"I told you, I'll always find ways to make time for you."
I smiled and assured him that I'd try my best to stop worrying. Pinanood ko
hanggang sa makaalis siya sa harap ng tower. I was about to go to the elevator when
I noticed Saint. He was wearing a suit and tie. Again. Diretso siyang naglalakad
palabas-ni hindi nga niya ako napansin, e. He was on the phone, too.
"I'm running a bit late," he said. "I know. Can you stall for a few minutes? I'll
be there in 10."
Nung makalabas na, napansin ko na nag-aabang siya ng taxi... I bit my lower lip
when I was reminded that I was partly one of the reasons why he lost his car. I
stood there for a minute, debating on what I should do... Based on his phone
conversation, he was in a hurry. At base naman sa paligid, walang malapit na taxi
na paparating.
"Saint." When I mentioned his name, agad siyang napatingin sa akin. There was a
hint of surprise when he saw me standing there. "You need a lift?"
He was there... in his suit and tie. Why were the guys around me starting to wear
formal attire? And I had a red hair, for heaven's sake!
"Stop treating me like a beggar, Mary."
Napaawang iyong labi ko dahil sa sinabi niya.
"I wasn't-"
"First, the food. Now, the lift? Ano ang susunod? Bibigyan mo na rin ako ng
allowance?"
Mas lalong napaawang iyong labi ko dahil sa mga naririnig ko sa kanya. Why was he
being so hostile? I just wanted to help! At hindi naman ako ang male-late sa
appointment kundi siya!
"Then stop acting like a brat and go home!" I hissed. He was starting to make me
mad! "Why are you even here?"
He stared at me. Those eyes... God, it had been so long since I was able to look at
him like this. He looked more mature now... and I had mixed feelings about how he
was acting. I loved him before when he was nice... pero ngayon? Hindi ko alam. It
was like he was trying to prove something and I didn't know what it was.
"I bought a place here to be with you... but you made it clear that you only pity
me," sabi niya at medyo natawa. "I don't want that pity, Mary. That's the last
thing I want from you."
"I'm sorry," I said.
"Don't be. I'm now doing this for myself. I want to prove to myself that I'm not a
lost cause without you. That my life doesn't revolve around you..." he said. "If
you can live a life without me, why can't I do the same? Pareho lang naman tayong
nasaktan."
And then looked at me.
"Why can't I move on like you did?"

Kabanata 56

#JTSCoupon Kabanata 56

If he didn't want anyone's help, e 'di 'wag. I was just trying to be nice. I was
just trying to do the right thing. Hindi naman ako iyong magugutom dahil sa
pride... Ugh! Nakakainis! I moved to this place to forget Saint, but he followed me
here. Anywhere I go, his presence kept on following me. Kahit sa school, palagi
kong naririnig ang pangalan niya courtesy of my seat mate Ria. I had no rest.
Grabbing my art stash, I headed towards the elevator. I was in the mood to paint
and the weather outside was nice. Kung makasalubong ko si Saint, then so be it.
Nung lumabas ako, wala naman siya. It was probably a good thing... The last time we
talked, it wasn't pleasant. At all. Alam ko naman na ex ko siya. May history
kami... pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot dahil sa nangyayari sa amin.
Para kaming magkaaway... Couldn't we at least be civil with one another? Imposible
ba talaga sa mag-ex na maging maayos? Were we required to be at the other person's
throat whenever we see each other?
It was a Monday kaya wala halos mga tao sa baba. I arranged my things on the side.
It was a good day to paint. And besides, I was already way ahead of my papers dahil
kay Parker. Medyo nakaka-pressure na mag-aral kasama siya. Kapag kasi nakikita ko
kung gaano karami iyong binabasa niya, nagi-guilty ako dahil bakit hindi ko
magawang basahin e kakaunti lang naman iyong akin?
I was busy mixing colors when my eyes widened upon realization. Oh, God! Wala na po
ba talaga akong pahinga?!
Pilit kong iniwas iyong tingin ko. I shouldn't be looking at him. Okay, Imo, focus.
You went down to pain, not to ogle at your ex! E ano naman kung nagsu-swimming
siya? Ano naman kung topless siya? Ano naman kung ang galing niyang tignan habang
lumalangoy siya?
"Relax," I uttered to myself. You'd seen him topless before. No big deal.
I picked up my brush and dipped it in the paint. Huminga ako nang malalim. I closed
my eyes and tried to imagine beautiful sceneries, but I ended up picturing Saint
while swimming. I imagined him dripping-no. Nope. Not a chance, Imogen.
Sunsets. I had always enjoyed painting sunsets kaya naman iyon ang naisip kong
gawin. But halfway through the painting, I kept on messing up dahil kay Saint. I
didn't know if he saw that I was here o talaga lang na dito sa malapit sa akin niya
gustong magswimming. Either way, he was succeeding on being a distraction. I was
thoroughly distracted.
My eyes were fixated on the canvass. Sayang naman iyong minix ko na paint kung
hindi magagamit. I just had to focus on what I was doing and not think about Saint
at all... pero holy cow.
He rose from the water and I freaking forced myself not to look. But he was just
wearing board shorts! And I could clearly see drops of water cascading down his
body. Pinilit ko iyong sarili ko na mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa. It was
the first time I had seen him topless... That toned stomach and the cuts in his
biceps. Nakita ko na dati pero sa picture lang. I... I didn't know it would feel
different to see it in person.
'No. No. No,' I kept on chanting this inside my mind, but my eyes refused to
cooperate. They were staging a coup.
Sinundan ng mga mata ko si Saint hanggang sa manlaki ang mga mata ko dahil gamit
niya pala iyong nasa lounge chair. It didn't seem like he saw me dahil diretso lang
siya sa paglalakad. He picked up his vibrating phone and answered it.
"Good morning, Sir," he answered while drying his hair with a towel. Even his back
looked good. "Is it still the same deal we discussed before? Now? Yes, sure. Get me
on the line."
My throat felt dry. I should leave. Pronto.
"Bonjour, Monsieur."
Oh, my God. He's speaking French.
"L'affaire est toujours la même. Si vous avez une autre demande, nous pouvons
toujours en parler."
My lips parted.
"Oui monsieur. Nous considérerons toujours vos demandes."
I stood there for minutes, listening to him speak French. I knew I should leave.
That was probably the smart thing to do... but since when did I do the smart thing?
I had always made the wrong decisions, alam ko naman. But hearing Saint speak
French was drawing me in. I really liked it when he converses with his family in
Spanish. I really liked it when he speaks in a different language. And hearing his
French was... different.
Halos sampung minuto siyang nakikipag-usap. He was talking business with someone
and I had no idea what he was doing. I was just entertained to hear him speak. I
had always found the language sexy.
"Merci Monsieur. Nous vous répondrons bientôt."
Nabigla ako nung nagpaalam siya. Agad akong tumagilid para hindi niya mapansin na
nandun ako. I would really die from embarrassment if he'd see me staring at him.
After all the things I said, alam ko na wala akong karapatan na tignan siya. I felt
his pain when he said that he didn't need pity from me... But could he ever remove
worrying about him from me? I'd always look after him-kahit ayoko. Kahit pigilan
ko, mag-aalala at mag-aalala pa rin ako sa kanya.
"This is useless," I said as I stared at the messed up canvass in front of me.
Apparently, while staring at Saint, kung anu-anong linya ang nailagay ko. I knew it
was still salvageable, but really, I already lost the interest to paint today.
Iniligpit ko na lang iyong mga gamit ko at nagsimulang maglakad pabalik sa unit ko.
Paglabas ko ng elevator, nagulat ako dahil nasa harap ng pinto ko si Saint. And he
was wearing that suit again!
What should I do? Should I go and ask him what was he doing? O dapat ba na bumaba
ako? Pero ang dami kong dala! Ang hirap naman kung bababa lang ako ulit!
I was stuck. Ilang segundo siguro. Tapos kumatok siya.
"Saint," I said. My voice was barely audible. I didn't want to argue with him
today. I could still remember last week's. It wasn't nice.
Napatingin siya sa akin. His eyes weren't the same as before. I forced my face to
remain impassive. He didn't want me to pity him. I should remain indifferent if
that would satisfy him.
"Imo," he replied. A piece of me hurt. Imo? What happened to Mary?
A moment of silence. I didn't know what to say. He probably was having a hard time,
too. It was a normal thing. To be awkward around exes...
"Ano 'to?" I asked when he handed over an envelope.
"Payment," he said.
"For?"
"The food," he replied. My face fell. "Don't do that again."
I pursed my lips. "Okay." I forced a decent reply para hindi na namin pagtalunan
'to.
"I'm not starving, if that's what you're thinking." Hindi pa rin ako nagsalita,
pero nakatingin ako sa kanya. He could read me, that's for sure. Dati, mabilis
niyang nalalaman kapag may problema ako. He could easily sense if something was
bothering me... like now. "I have a work."
"Work?" hindi ko napigilang itanong.
"Embassy."
"Practicum mo?"
He nodded. "But they also make me translate official documents and transcribe. It
pays pretty well." There was a small smile on his face when he said that. Maybe he
felt proud for working. I felt proud for him, too. It felt really empowering
especially if everything you had was handed over to you. Iba pa rin ang pakiramdam
na pinagtrabahuhan mo iyong nakukuha mo. "And besides, my Abuela sends me money.
So, I'm nowhere near starving."
I bit my lower lip. "Oh." And a beat. "I was just worried."
"You shouldn't." He sighed. "Very well... I better get going."
"H-ha? San ka pupunta?"
My question threw him off. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko tinanong.
"Meeting with French diplomats," he replied.
"Ah... Okay. Good luck."
He didn't smile. He didn't say anything. Parang wala lang. At nagsimula na siyang
maglakad papunta sa elevator.
"What about Dani?" I asked. I just had to ask. Bakit wala siya sa tabi niya? He
told me before that she never lied to him... hindi kagaya ko. What he said haunted
me in my nightmares. It caused my tears. Ang tagal bago ko natanggap na nagawa
niyang sabihin sa akin iyon.
"I don't like liars," he answered.
--
That night, I kept on pondering... lahat sila, may ginagawa na. Kuya Benj was
working for their family business, sila Kath at Liza naman ay nagpa-practicum na
rin. I was supposed to be like them, too, kung hindi ako nagshift. I was happy with
my decision pero may parte pa rin sa akin na naiisip na naiiwanan na ako ng mga tao
sa paligid ko. Lalo na si Parker. He was on his way to become a lawyer... at si
Saint. He was working for himself.
They were all going places, while I was stuck. My parents were still providing for
me. I proved nothing yet.
I didn't know what came in my mind, but I browsed for job openings. Iyong part time
lang naman. And then I remembered that Mama was a part-owner of the coffee shop in
front of our school! Doon daw kasi sila nagde-date ni Papa dati kaya naisipan niya
na mag-invest.
"Are you sure?" Mama asked. I called her to ask if I could work in the coffee shop.
I had no experience being a barista, but maybe I could work on the cashier. Or
waitress. Anything. I just wanted to feel responsible for once.
"Yes po," I replied. "Besides, three hours a day lang naman po." And... I want to
prove something to myself.
"Okay... I'll tell Jovi na lang to expect you tomorrow, okay?"
"Yes po. Thank you, Mama!"
Maaga akong natulog dahil bukas na ako pupunta. Pagkagising ko, mabilis akong nag-
ayos at agad akong dumiretso sa Café Dominique. I didn't heed any attention to
Saint. Diretso lang ako hanggang makababa ako sa tower. Mabuti na lang at hindi ko
siya nakasalubong. Him and his suits.
Pagdating ko, maraming tao sa Café kaya naman sinabi ni Jovi sa akin na maupo muna
ako. I was looking for a place to sit when I saw Parker. As usual, he was buried in
a pile of books.
"Hey," I chirped. "Break mo?"
Iyong nakakunot niyang noo kanina ay napalitan ng ngiti nung nakita niya ako. He
placed the book on the table. "Yeah... pinatawag sa Supreme Court iyong prof ko
kaya nawalan kami ng class," he replied. Kaya pala ang formal na naman niya ngayon.
He was wearing a power blue long sleeves and it was folded 'til the mid of his
arms. He was also sporting his reading glasses again.
Since walang vacant place dahil jampacked iyong Café, nakiupo ako kay Parker. But I
remained as quiet as I could be. I didn't want to disturb him.
"Hindi ba nauubos 'yan..." I unconsciously murmured as I stared at the seemingly
never-ending pile of books he was reading.
Biglang natawa siya. "I thought you like reading?"
I nodded. "I do! But if it's not a novel, I'll probably end up falling asleep..."
Those books he was reading seemed sleep-inducing. Sigurado ako na first page pa
lang ay naghihikab na ako. "Ikaw din kaya. Nakakunot noo mo while reading!"
"Ang dami kasi," he replied. "And I need to finish reading this for the recitation
later," sabi niya tapos pinakita iyong makapal na makapal na libro.
"I know! But kaya mo 'yan, Attorney. I'll cheer for you," I said with a smile.
"Talaga?" I nodded. "Paano?"
I bit my lip as I thought of a way to cheer him up. He had been through so much...
I saw him when he was at the lowest point-nung natakot ako para sa kanya... Tapos
ngayon? I was just so proud of him. I reached for the sticky notes and wrote on
them. Favor from Imo.
"Since you're reading a 504 pages book, every 100 pages you finish, makukuha mo
'to," I said at saka dinikit after each 100 pages mark iyong mga sticky notes. "I
really can't think of anything right now pero you can collect your wish whenever
you like," I explained. Ganito kasi iyong ginawa dati nila Finley nung nalimutan
nila na bumili ng gift para kila Mama. Binigyan nila ng coupons na may nakalagay na
free hugs, free kiss, free car wash, etc. Ang awkward naman kung lalagyan ko ng
free hugs iyong ibibigay ko kay Parker!
His smile grew wider.
"Imo..." he said. He was staring intensely. Napaawang iyong labi ko. He flipped the
book. "I'm already on page 102. And I'd like to have dinner with you tonight."
Kabanata 57

#JTSFreeThrow Kabanata 57
What Parker told me caught me off guard. Ilang beses na rin naman niyang sinabi sa
akin iyong tungkol sa feelings niya. Ilang beses ko na rin naman na sinabi sa kanya
na pagkakaibigan lang iyong kaya kong ibigay. Iyon lang 'yung gusto kong ibigay. If
I could only tell him, I only wanted to become his friend-or maybe best friend if
opportunity permits... But he was so persistent. He didn't like being just friends.
"Parker..."
He smiled. "I thought these coupons are real?" sabi niya sabay hawak sa unang
coupons na nasa page 100.
"They're real pero..." I stopped midway. I didn't know how to continue. I didn't
know how to properly say it. Ayoko na mailang ako sa kanya. Ayoko rin na mailang
siya sa akin. I was really appreciating what we had. Iyong friendship. Iyong
nakakapag-usap na kami kagaya nung dati. But that's it. Hanggang doon lang.
It took me seconds before I gave up. Wala talaga akong masasabi.
"It's okay," he replied. "You still have the whole day to think about it."
I still couldn't say anything.
"I'll try my best to understand if you decline," he said. "But I'll appreciate if
you'll consider."
Since when did he become this considerate?
I sighed. That was all I could do. Mabuti na lang talaga at tinawag na ako ni Jovi.
Dahil nasabihan na siya ni Mama kagabi, nagkaroon lang ako ng sandaling
orientation. I asked her not to introduce me as the daughter of the part-owner
dahil baka i-trato ako nila na iba. I just wanted to work. I just wanted to do this
for myself... but how could I do that with Ria as my work mate?! Why was she
everywhere? She made my art classes stressful enough dahil palagi niya akong
tinatanong tungkol kay Saint. Tapos ito naman?
"Work mates na tayo!" she shrieked. I awkwardly smiled. "OMG! Two years na akong
nagwowork dito pero never ko pang nakita si Saint dito! Pero since dito na
nagwowork ang girlfriend niya, makikita ko na siya!"
"Hindi ko na nga siya boyfriend," I corrected her for the umpteenth time.
"Whatever, in-denial kong work mate," she replied. Napailing na lang ako dahil
sobrang kulit talaga ni Ria. She should be friends with Kath. Magkaka-sundo sila.
Iyong isa ay obsessed kay Psalm, siya naman ay obsessed kay Saint. I just needed to
find someone na obsessed kay Cohen at Austin tapos pwede na silang bumuo ng grupo.
After the orientation, nagpaalam na ako dahil may klase pa ako. I was only required
to work during my freetime. Mas maluwag pa nga sa akin si Jovi dahil kay Mama. I
felt like she was giving me a free pass for everything. Siguro ay dapat nag-apply
na lang ako using a normal way.
"Mary, hindi pa rin ba maglalaro si Saint sa next game nila?" biglang tanong sa
akin ng classmate ko na ngayon ko lang nakausap. Tapos si Saint agad ang tanong
niya sa akin.
"Uhh... I'm not sure," I politely replied.
"Tanong mo naman," she urged.
I wanted to say that we weren't exactly on speaking terms. Na ang hirap makipag-
usap kay Saint ng hindi ko siya nao-offend. Dati, sobrang dali ko siyang kausapin
dahil iniintindi niya ako palagi. He always made me laugh. But lately, it felt like
I was walking on thin ice whenever he was in front of me. And it was called for.
Siguro mas mag-aalala ako kung magiging normal lang kami ni Saint after the break-
up... kasi if we could just switch to becoming friends after everything, it would
make me doubt if what we had was real. Kung madali lang ba talagang bitawan iyon at
maging magkaibigan na lang.
And he said it before... I was either the one who makes him or the one who breaks
him... and I was the latter.
"Please?" she implored.
I sighed. "Okay." I'd try.
"Now na. Habang wala pa si Prof," she said with a smile.
Inilabas ko iyong phone ko at saka binuksan. Naiilang ako dahil tinitignan niya
iyong phone ko. I wanted to tell her to stop, but I didn't want to be rude.
Blockmates pa naman kami. We would still spend the whole semester together. Ayoko
magkaroon ng kaaway.
"Ay, bakit hindi si Saint ang wallpaper mo?" she asked. I wanted to tell her again
na hindi ko nga boyfriend, but it was of no use. Lahat talaga sa school na 'to ay
naniniwala na girlfriend pa rin ako ni Saint! "Ang cute kaya nung picture niyo na
naka-dab!"
I forced a smile. I forced myself to have more patience.
"Ay, bakit si Cohen? Si Saint na lang! Tapos parinig ng boses!" excited na sabi
niya. How would I tell her na wala na akong number ni Saint? I deleted it months
ago and reformatted my phone.
"Uhh... nasa practicum si Saint. He's busy," I explained.
"Ooh! San siya nagpa-practicum?"
"Embassy," I replied. She was so persistent! Hindi ko alam na fan's club pala ng
GDL ang College of Arts!
"Tawagan mo na lang si Cohen. 'Wag na text!"
Huminga muna ako nang malalim bago ko dinial iyong number ni Cohen. It was
ringing... and then it was cut.
From: Cohen GDL
What?
Ang sungit naman ni Cohen. Parang may iba siyang pagkatao sa phone at in person.
Sobrang gentle at bait niya kaya in person. Pero sa phone, halos kaugali niya na si
Austin. Ang sungit.
To: Cohen GDL
Maglalaro ba si Saint sa game bukas?
My blockmate squealed nung nagreply si Cohen. I really couldn't understand the
fascination! Katabi lang halos ng building na 'to ang gym. Dumadaan sa harap ng
college ang basketball team tuwing nagja-jogging sa umaga. Nakikita nila palagi.
Kung gusto nila, pwedeng kausapin. Pero ano? Ganito pa rin ang reaksyon! Sobrang
weird.
From: Cohen GDL
Why?
To: Cohen GDL
Curious
From: Cohen GDL
I thought you're done with him?
"Hala, ang juicy naman ng usapan niyo! LQ kayo?" Break na nga! Break! Hindi ko alam
kung bakit hindi ma-digest ng mga blockmates ko.
To: Cohen GDL
I still care. So, is he playing?
Biglang dumating iyong professor. I was about to keep the phone in my bag when it
vibrated again.
From: Cohen GDL
Ask him to play. In person.
"Ouch!" I said when she poked my side. Kinurot niya ako nang kinurot habang nagka-
klase. Nagsisimula na akong magconsider na maging irregular kung ganitong mga tao
ang makakasama ko araw-araw.
--
I could only be so much thankful when all my classes ended. That meant no more GDL
related questions. Nagsasawa na akong sumagot ng mga tanong tungkol sa magkakapatid
na iyon. Pakiramdam ko ay naging presidente ako ng fan's club nila bigla.
"So, I'll just click and then give proper change tapos sulatan iyong cups ng order
then forward sa barista?" I reiterated what Jovi told me earlier to be sure. She
nodded and then gave me my apron and name tag. Nagpalit ako ng shirt na may logo ng
Café Dominique tapos ay pumwesto na sa counter. I had been standing there for two
hours pero hindi ako napapagod. I found it relaxing habang nakikinig sa order ng
mga tao. Iba-iba sila pero may napapansin ako na pattern. Usually ay mga mukhang
seryoso ang umoorder ng black coffee. Iyong mga law students naman ay triple shot
espresso-nakaka-tulog pa kaya sila? Tapos iyong mga usual na college students ay
frappe. Iyong ibang girls naman ay cold tea.
My shift was about to end when a girl came. My last customer for the day. "Good
afternoon," I greeted.
"4 Iced Café Americano, 6 Green Tea Iced Latte, 5 Mocha Frappe," sabi nung babae.
Ang dami naman niyang binili. I punched it and then began to wrote the names.
"Names?" I asked.
"Just write Saint," the girl answered.
Natigilan ako. Seriously? Hanggang sa trabaho ko ay hindi ako tinitigilan ni Saint?
Nung magbabayad na siya ay may inabot siya sa akin na credit card. Nabigla ako
dahil sa nakasulat. Saint Iverson Gomez de Liaño. Bakit niya hawak ang credit card
ni Saint? Sino ba 'tong babae sa harap ko?
"Please enter your pin," sabi ko kahit na sobrang gusto kong itanong kung bakit
nasa kanya ang credit card ni Saint! She took the device from me and swiftly
entered the pin. At talagang alam niya ang pin ni Saint!
'You have my contact number, my house address, my Facetime ID, you're the only one
I reply to in messenger, your posts are the only ones I like on Instagram. You want
my credit card number? I'll give it to you.'
Why did I have to keep on reminiscing during ungodly hours?! Bawat oras na lang
ba?!
Habang inaayos iyong orders niya, pinagmasdan ko siya. She looked normal... Kagaya
ko. Dati. Mukha siyang tahimik at mabait. I didn't want to hate her dahil lang
connected siya kay Saint. I refused to be that kind of person. At saka siguro kung
sakali, mas mabuti na sa ganitong klase ng babae mapunta si Saint kaysa kay Dani.
"Imo," tawag sa akin ni Jovi. "Pwede niyo bang tulungan siya na dalhin sa court
iyong drinks? Hindi kasi niya kayang dalhin."
"P-po?"
"Order pala kasi 'to ng basketball team kaya madami. E hindi naman kayang dalhin
mag-isa kaya tulungan niyo na ni Ria," paliwanag ni Jovi. Si Ria naman ay todo ang
ngiti. Mabuti na lang at malayo siya sa akin dahil alam ko na kukurutin niya na
naman ako. May mga pasa na nga ako sa bewang dahil sa kanya, e.
In the end, wala akong nagawa. I was working and my employer asked me to do
something. Hindi naman ako makatanggi. Kaya habang naglalakad kami papunta sa gym
habang hawak-hawak ang drinks, kinukulit ni Ria si Karma, iyong kasama namin.
"So, assistant ka ng basketball team?" Ria asked. Karma timidly nodded. "Oh, my
goody! Saan pwedeng mag-apply dyan?! Bakit hindi ko alam na nagkaroon ng hiring?!"
Kung pwede lang na 'wag makinig, ginawa ko na. But I really couldn't force myself
not to listen. Ang lakas din kasi ng boses ni Ria.
"Kasama sa scholarship," sagot ni Karma.
"Gusto ko rin ng scholarship na 'yan! Anyway, kasama ba sa trabaho mo ang pumasok
sa locker room nila?" Karma nodded. "How to be you?!"
Binilisan kong maglakad para kahit papaano ay hindi ko sila marinig. Ria kept on
asking Karma these ridiculous questions and Karma kept on answering them. They were
making my head hurt, really.
"Bakit naman nga pala coffee ang trip inumin ng mga babies ko? Hindi ba 'pag
players dapat Gatorade or something?" Ria asked. "Kasi 'di ba nagpupush up sila
tuwing practice? Dapat ma-regain ang energy!" sabi niya. Hindi ko alam kung ano'ng
klaseng training ba ang iniisip ni Ria na ginagawa ng basketball team. It seemed
like she had a different idea.
Karma shrugged. "Ask Saint. Siya nagpabili. Apology for dragging the team down,"
diretso na sabi ni Karma. Okay. She wasn't as timid as I thought she was. She was
actually really brute and straight-forward. Sinasagot niya kasi talaga lahat ng
tanong ni Ria-and most of them were... spg. It made me shudder.
Pagdating namin sa court, inaasahan ko na maingay dahil palagi namang maingay ang
basketball team. They were guys, anyway. Pero pagdating namin doon, wala sila.
"Nagjogging na pala. Hindi man lang ako sinabihan," Karma uttered and walked
towards the coach... and Saint?
Bigla na naman akong kinurot ni Ria nung makita ni si Saint na kausap iyong coach.
"Nandito si boyfie!" she shrieked.
"Hindi ko nga boyfriend," I corrected again.
She rolled her eyes. "E 'di si boyfie ko. Arte nito. GDL na, inaayawan pa? Pretty
girl mo masyado!" sabi niya sa akin bago naglakad nang mabilis at sinundan si
Karma. Ako? Naiwan sa may harap ng pinto.
It had been minutes and I was just watching them. Pakiramdam ko ay pinapagalitan ng
coach si Saint... I had seen it before. Ganito rin ang nangyari kay Parker... He
was distracted before. Hindi ko alam na dahil pala sa Mama niya kaya siya nagkaka-
ganoon dati. I thought he was just being a jerk. Little did I know, he was going
through something. At ngayon, kay Saint naman nangyayari...
Hindi ko alam kung ano ang saktong pinag-uusapan nila pero makalipas ang ilang
sandali, nagsimulang maglakad palabas si Coach at sinundan naman ito ni Karma at
Ria. Ria was bouncing like a ball kaya malakas ang pakiramdam ko na papunta sila
kung nasaan man ang basketball team. Madalas pa naman na topless iyong mga lalaking
iyon kapag training. Mabuti na lang at wala sa tabi ko si Ria dahil kawawa naman
ang bewang ko.
Saint was just looking at the ball-like he was torn between something. And I didn't
know what came to me. Nilapitan ko siya.
"Coffee?" I said and then handed him the iced coffee. I knew he liked it. Ito kasi
ang iniinom niya dati kapag nasa Tagaytay kami. He didn't care if it was cold.
Basta iced coffee siya.
"Thanks," he replied. Sarado iyong gym pero pakiramdam ko biglang humangin. Tapos
awkward.
Ang hirap. Dati, kumportable kayo sa isa't-isa. Nasasabi niyo lahat... tapos
ngayon, wala. Katahimikan.
"Maglalaro ka na bukas?" I asked. I knew I wasn't supposed to ask him things. He
was trying to move on from me. Sinabi niya. But could we really pretend not to know
each other? Not to care? Kasi marami din naman kaming pinagsamahan.
He was staring at the ball. I took him a few seconds before he answered. "I don't
know."
"You should play," I said. I was pushing my luck. "You love playing." Patuloy lang
siya sa pagtingin sa bola. Yumuko ako at saka pinulot iyon. I handed it to him, but
he just looked at it. "You're not Saint Iverson Gomez de Liaño if you don't play
basketball..."
A small smile dawned on his face.
"Your fans will miss your dabs," I said and that made his smile become bigger.
"I don't know," he replied.
"Bakit ayaw mo ng maglaro?"
I waited for him until he was ready to answer. If there was one thing I learned, it
was to wait. Everything would happen during the perfect time. If it's meant to be,
it would happen... No matter how late it would be.
"I just realize that there are more things I should focus on. Basketball isn't
forever. I need to start being serious."
Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Saint loves basketball. It's his
life... tapos susukuan niya?
"Why not start being serious after college, Saint? It's your last year... you were
supposed to be the captain," I reminded him. He was very excited before. Kinwento
niya sa akin dati iyong mga ipapagawa niya sa members kapag siya na ang captain-how
he'd make them suffer kagaya ng pagpapahirap sa kanya ni Austin at Psalm during
practice. He had all these crazy ideas. He was really excited... But as I stared at
his eyes, the excitement was gone. He was far from the Saint I knew.
"Plans change, Mary."
Somersault in my stomach.
"I can always play basketball... Just not this time."
I hated what was happening. We were done, but I couldn't let him be done with
basketball. No way. He was being ridiculous right now.
"Let's play a bet," I told him. "You like bets, right? Let's play one."
Napa-tingin siya sa akin. His brows creased.
"If I can shoot from the 3 point line, maglalaro ka bukas," I said. "Deal?"
I could see a small smile on his face. I was doing a good thing!
"You can't even raise your hand while holding the ball," he said. Pinahawak niya
kasi ako ng bola dati at saka pinilit na magshoot ng free throw habang break time
nung training nila. Nagreklamo ako na medyo mabigat iyong bola. Totoo naman!
"Just accept the deal, Saint. Wala namang mawawala sa 'yo."
"Fine," he sighed. "Three shots."
"Unfair!"
He chuckled. "Not my fault that you're skinny and weak, Mary."
Ibinaba ko iyong ibang hawak ko at saka pumwesto sa three point line. I tried to do
the same thing Saint does whenever he would shoot ball pero ang hirap talaga! And
it wasn't helping that Saint was obviously watching me.
"24 seconds shot clock, Mary," he reminded.
"I know! Don't pressure me!"
Tinignan kong mabuti iyong ring. Based on projectile motion, dapat sapat na force
lang ang iapply ko para pumasok sa ring. God, bakit ba hindi ako masyadong magaling
sa Physics?!
"15 seconds," he reminded.
"Sa free throw line na lang?" I asked.
"Nope," he said. "10 seconds."
Huminga ako nang malalim at saka ipinorma iyong bola. And as I threw it, I kept on
praying na sana pumasok siya. I needed to win this wager! I needed Saint to
continue playing! It's his first love. I couldn't just stand and watch him let it
go.
But destiny wasn't on my side. Sumakit iyong puso ko. I could hear it cracking. Ni
hindi man lang dumikit sa ring. Not even close. And the next two tries didn't go
well... Pasikip nang pasikip iyong dibdib ko.
"You lose," he said. Pinulot niya iyong bola tapos siya ang nagshoot. Pumasok. It
was a flawless shot. How could he even consider to stop playing? He was good. He
was really good.
"Saint..." I called. "Don't give it up."
He was holding the ball and smiled at me.
"I love basketball... but sometimes, you just got to let go to move on."

Kabanata 58

#JTSFire Kabanata 58

When Saint left, naiwan ako doon. Paulit-ulit na naririnig ko iyong mga sinabi
niya. And it was painful. And I shouldn't even feel this way. It was his decision.
He made the decision himself. But I knew that it wasn't what he wanted... Not a
chance. He shouldn't just let go of his passion that easily. And it was bothering
me because even though he wouldn't tell it to me, I played a part. Kung bakit bigla
niyang bibitawan ang isang bagay na mahal niya.
This thought bothered me hanggang sa makauwi ako sa bahay. I couldn't function
properly. Kahit subukan kong magbasa ng libro o kaya naman ay magpaint, doon at
doon pa rin ako bumabagsak. It was a futile attempt to redirect my thoughts. And
when night came, my phone vibrated.
From: Parker Palma
Dinner with me?
I sighed. It wasn't like I had better things to do... And besides, a promise is a
promise. I told him I'd do anything and I'd cheer for him. Kaya naman nagreply ako
sa kanya na magkita kami pero sinabi niya na susunduin niya ako. Pumayag na ako
since hindi pa rin naman ako nagda-drive. Maybe this weekend... or magpapaturo na
lang ako sa driver namin. Ayoko na kasing abalahin si Parker. He's so busy-maybe
busy was an understatement. Nalulula kasi ako palagi sa mga binabasa niya. Parang
human rights violation sa dami.
I settled for a yellow knee-length dress. Hindi ko rin naman alam kung saan kami
pupunta. Though I hoped that it wasn't anything fancy. This wasn't a date. This was
just dinner... between two friends. I hoped it was clear with him.
The receptionist called me when Parker arrived. I told her that I'd come down.
Ayoko rin kasi na umakyat pa siya sa unit. Hindi niya nga alam na kapitbahay ko si
Saint, e. My parents didn't know. I didn't tell anyone. Hindi naman ako ginugulo ni
Saint... contrary to what I initially thought. Akala ko ay guguluhin niya ako at
pipilitin na makipagbalikan. But he had been silent. Hindi ko siya madalas makita.
O kapag nagkikita kami, we'd just look at each other... and then walk away.
That was probably the hardest part. And I didn't know why I kept on living this
way. I could always opt to go home, but I always chose to stay.
"Hi," Parker greeted upon seeing me.
"Why do you look so formal?" I asked him dahil naka-suit and tie pa siya. I felt so
dressed down.
"We did a mock trial at class. Hindi pa ako nakakapagpalit, sorry," he apologized.
"I have a shirt in the car. Gusto mo bang magpalit ako?"
Natawa ako sa kanya. Why was he getting so worked up? Ako lang naman 'to. "It's
fine," I said. "What's for dinner?" I asked as we walked towards the parking lot. I
was really hungry. Hindi pa ako nakakakain simula nung nag-usap kami ni Saint. Tss.
I shouldn't even be thinking about him.
"So... nanalo ka ba sa mock trial?" I asked him as we were stuck in the middle of
the traffic.
He nodded. "Of course," he said, obviously proud of his feat. Nagkwento siya kung
tungkol saan iyong case na inilaban niya and I listened with enthusiasm. It was
such a joy to see him doing something that he enjoys. Buong panahon na kakilala ko
si Parker, lahat ng ginagawa niya ay ginagawa niya lang dahil pinipilit siya. He
didn't even enjoy soccer. He just played it because his Uncle used to play it.
Tapos pati naudlot na love story ng Tito niya at Mama ko, pinipilit pa siya na
ituloy dati. Hindi ko rin siya masisi kung bakit tinutulak niya ako palayo dati...
It must have been really frustrating on his part.
But I was happy for him. Masaya na siya sa ginagawa niya. He finally found his
happiness.
"Hindi ka ba nalulungkot sa bahay niyo?" I asked.
"Not really," he replied.
"But it's really huge... and you're alone..."
It had been so long pero ayaw na umuwi ni Uncle mula sa States. He said he already
wanted to retire. Umuuwi na lang siya sa Pilipinas occasionally to check on the
firm, but he didn't want to return here. Too many painful memories daw...
"I'm alone, but I'm not sad, Imo. There's a difference."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"I did a lot of growing up this past year. And I'm continuing to broaden my
horizon. Kung dati, siguro naisip ko na ang selfish ni Papa para iwanan ako mag-isa
dito sa Pilipinas. He lost a wife, but I also lost my mom. Pareho lang naman kaming
nawalan... but I realized that everyone has a different way of coping up with the
pain. Dad chose to run away. I chose to better myself."
He looked at me and smiled.
"Everybody carries different weight on their back. You shouldn't judge unless
you're the one in their shoes. Parang sa law lang. Kahit sa tingin mo mali iyong
kliyente mo, titignan mo pa rin mula sa pananaw nila. Because every action has gray
areas, hindi lang black and white. There are always exemptions and we should always
consider those."
I thought I matured... but hearing him talk about things like this made me realize
that amongst us all, it was Parker who changed. He was far from the boy I knew...
He had grown. And I was so proud of him. I was sure Auntie would be proud, too.
Habang kumakain kami ni Parker, we talked about all kinds of things. Mostly, I
listened to him talk about philosophy and law. It was a treat to hear him argue
about things. Ang cute lang tignan. Dati kasi wala namang pakielam si Parker sa mga
ganitong bagay, e. He had always been the sulky one. Iyong nakakunot palagi ang noo
at kapag tinanong mo kung ano ang problema, magagalit pa sa 'yo. Ikaw na 'yung
concerned, siya pa 'yung galit.
After we were done with dinner, we decided to walk around first. The night was
beautiful. The wind was cold against my skin. I should've brought a cardigan with
me.
"Ah... thank you," I said when Parker gave me his coat. He just smiled at me and
put it on my shoulder. Patuloy lang kaming naglalakad. Hindi ko nga alam kung saan
kami papunta, e.
Pero napatigil ako.
I looked at him. What was I feeling? My mind couldn't comprehend anything anymore.
What I was thinking was different from what I was doing. I was contradicting my own
self.
"Have you talked to him?" Parker said after seconds of silence. I didn't know how
to respond. Sasabihin ko ba na katabi ko lang ng unit si Saint? That I had been
living for the past days trying to think of ways to avoid Saint? That every
thought-both good and bad-had been about him?
"Yes," I replied. I didn't want to lie to him. "But it's still over."
I didn't know what changed. One minute, he was saying he'd take me back... tapos
ngayon, may kasama na naman siyang ibang babae. Siguro nga tapos na sa akin si
Saint. Hindi ko rin naman ineexpect na magtatagal siya. I didn't expect that he'd
hold on longer... kasi ako nga, nabitiwan ko siya agad. Umalis agad ako.
"Is it really?" Napatingin ako sa kanya. "For you, Imo... is it really over?"
My lips parted at his question. Of all people, never did I think that it was Parker
who would ask me this question. Akala ko kasi iniiwasan namin. Kaya tuwing
magkasama kami, hindi ko binabanggit si Saint sa kanya.
Ilang segundo iyong lumipas. Ang layo na ng nakalad namin. Hindi pa rin ako
nakakasagot.
"How do you know you already moved on?" I asked him. "When did you realize you
don't have feelings for Cindy anymore?"
Bigla siyang tumigil sa paglalakad.
"I don't know..." he trailed off. "Just one day, I woke up and she's not the center
of my world anymore. She doesn't occupy my mind. She doesn't make my heart beat
fast when I think about her anymore. Her smiles are no longer my priority. Her
happiness isn't my concern." And then he looked at me. "It's you, Imo. You're the
center of my world. You occupy my mind. You make my heart beat fast whenever I
think about you. Your smile is my priority. Your happiness matters the most to me."
He smiled.
"Does that answer your question?" he asked.
Hindi pa rin ako naka-sagot.
"You'll know when you're over someone, Imo... You'll just know. Words won't
suffice, but your feelings will tell."
I smiled at him.
"If one day I get over him, you'll be the first one to hear."
And he smiled back.
The night didn't end quickly-kahit na ilang beses ko pinilit si Parker na umuwi na.
Apparently, mayroon pala siyang recitation bukas at hindi pa siya tapos magbasa ng
libro. Sobrang kulit! And I wanted to go home, too. I was bothered that Saint was
with someone. Alam ko naman na hindi dapat ako bothered. If there's something I
should feel, it should be indifference... or maybe happiness, too, dahil masaya na
ulit siya.
"Pwede naman tayong magkita ulit kapag hindi ka na busy," pangungulit ko.
"I'm always busy," he said. I sighed. "And stop worrying about my subjects," sabi
niya at saka tinuro iyong gitna ng noo ko.
"Psh. How will you become a lawyer kapag ganito na tamad kang mag-aral?"
Natawa naman siya bigla. We were in a park. Bumili kami ng ice cream kanina at saka
hati naming kinakain. Dapat siguro bumili rin kami ng cones... Parang ang lungkot
kainin ng ice cream kapag walang cones...
"I'm not lazy, Imo, I just don't want to lose you while I'm chasing another dream.
You're my original dream. I'm trying my best to have both."
Napailing na lang ako sa kanya. He's relentless, I'd give him that. We stayed out
until 11pm. He just dropped me off in front of the condo. Ayoko na paakyatin pa
siya dahil baka hindi na talaga mag-aral iyong isang 'yun.
Pagdating ko sa harap ng unit ko, nakatingin ako sa pintuan ng unit ni Saint.
Nakauwi na ba siya? O baka naman kasama niya pa rin iyong babae kanina? Was he out
on a date? Ang dami kong naiisip! Pumasok na lang ako at saka nahiga. I tried to
sleep-I really did-pero hindi ko magawa. I just kept on tossing and turning. I
tried to contact Kath and Liza kasi baka may gising pa sa kanila. I sent a text
pero wala namang nagreply.
Bandang alas-tres ng umaga, I felt hungry again. Wala ng bukas na delivery ng
ganitong oras. Tinatamad akong lumabas. I was craving for carbonara... Naghanap ako
ng recipe online and was ecstatic nung malaman ko na complete ang ingredients. I
prepared everything. I chopped the onion and garlic and began to boil water for the
pasta. I followed everything religiously.
I opened the fire to cook the sauce and then poured the oil nung bigla kong marinig
iyong facetime alert. I jogged towards my room and saw Kath's facetime request.
"Hi!" I said as I answered. "Gising ka pa?"
"Obvs," she replied. "What's up?"
Bumuntong hininga ako at saka nagsimulang magkwento. I told her everything that
happened during the past days. Ewan ko pero mas madaling magkwento kapag madaling
araw... I was in the middle of my tale when I felt water dripping from above.
Biglang nanlaki iyong mata ko. Gosh!
"Imo!" Kath shouted from the screen, but I was so fast to run. Naabutan ko iyong
pan ko. It burned! Puno ng usok iyong kusina ko at basang-basa ang lahat! All of my
things were soaked. Iyong mga libro ko... My gosh. The water sprinkler ruined
everything!
--
Nakaupo ako sa sahig. I was devastated. I should've listened to my mom... She said
that I'd end up burning the unit down, and tonight was a close call. Bakit ko ba
nalimutan na may niluluto ako?
Nasa unit ko na iyong management dahil na-trigger iyong alarm dahil sa maliit na
sunog na ginawa ko. I told them not to tell my parents about this. Sigurado kasi
ako na papauwiin lang nila ako kapag nalaman nila ang nangyari. I was just
beginning to enjoy my freedom kaya ayokong umuwi.
"Two weeks?" I asked, my lips parted.
"Yes, Ma'am. We have to clean everything and you burned the wall, so..."
Napa-ngiwi ako nung makita ko na sunog iyong dingding sa kusina. Dalawang linggo na
aayusin nila iyong unit ko. Saan naman ako titira ng two weeks? At saka nandito
lahat ng gamit ko!
I squatted down outside as they began to assess more. Basang-basa iyong sahig ng
unit ko. I didn't know the sprinkler was that good na tipong basa lahat. Kahit nga
ako ay mukhang basang sisiw ngayon.
"What happened?"
Napa-angat ako ng tingin. Saint was looking down on me. I awkwardly smiled. "Fire."
Worry crossed his face. "What? Are you okay?"
I nodded. "I'm fine... my things were soaked, but I'm fine."
Tinignan ni Saint iyong loob ng unit ko. The door was opened kaya kitang-kita na
basa lahat ng gamit ko. I wanted to cry nung nakita ko na basa iyong mga libro ko.
I felt like I lost my babies... they were drenched! But I still couldn't give up on
them!
"Ma'am," biglang sabi nung lalaki. "May nasira din po pala na wirings kaya baka mga
3 weeks na iyong estimate namin."
Nanlaki iyong mata ko. "3 weeks po? Grabe naman!"
Pinaliwanag sa akin ni Kuya iyong nangyaring damages sa unit ko. Mas lalo lang
akong nanlumo...
"Sige po, Ma'am, start na po kami bukas. Hanap na po muna kayo ng matitirhan," sabi
ni Kuya. I thanked him and then sighed. What now? I was debating on who to call-
except for home. I really didn't want my parents on my back. Sigurado ako na
sesermunan lang ako nila Mama. I was thinking on Kath pero awkward pa rin kasi ako
kay Tita Min... Masama kasi talaga iyong loob niya kay Kuya. Tapos kay Liza naman,
hindi ko ma-consider masyado... Tapos kung kay Kuya naman, base sa mga kwento niya,
baka batuhin din ako ni Mars ng kaldero... Maghotel na lang kaya ako?
"Hey."
Napatigil ako sa pag-iisip nung marinig ko ang boses ni Saint. Nandito pa pala
siya?
"If you want..." he trailed off. His hand was on his nape. He looked unsure. "Stay
with me while your unit's being fixed."
Nanlaki iyong mga mata ko.
"I have two rooms. You can use the other," agad na sabi niya. "We can install
double locks, if you want."
"N-no, that's not what I meant," I said. He must've misread my reaction. "Hindi ba
magagalit iyong girlfriend mo?"
Kumunot ang noo niya.
"Girlfriend?"
I nodded. "I saw you earlier... you were with someone..." He was smiling, too.
Something he rarely did these days.
"Ah... that was Marisse." The girl has a name pala.
"She's pretty."
"She is," he said.
"Ah... good for you."
Tumayo na ako. I'd rather sleep in my wet bed and risk hypothermia than stay with
him gayong alam ko na may girlfriend siya. Ayokong manira ng relasyon. Pumasok na
ako para hanapin iyong wallet ko. I'd stay in a hotel for the night. I was tired.
"I tried to forget you, Mary. I tried and I'm still trying... but you made it so
hard to move on from you."

Kabanata 59

#JTSRelentless Kabanata 59
I blinked once. Or twice. Or maybe a couple of times. I couldn't understand what he
was proposing... and what he was trying to say. Ilang segundo akong nakatayo lang
sa harap niya-unable to come up with anything to say.
"I can't," I told him. "I'm sorry," I said. At that moment, I felt like it was all
I had to offer. I didn't know the right words to say. I didn't want to cause him
any more pain. But he was looking at me and it made it harder. His face devoid of
any emotion I could consider positive. He looked torn. And sad. And hurt.
"I can't live with you... It's wrong."
His offer was tempting, but I had to say no. It didn't feel good to be living in
the same unit as him. He's a guy. And he's my ex. At kahit pa siguro kami pa rin, I
would not accept his offer. My family was very religious and so was I. If I did it,
it would contradict everything I was taught and everything I believed in.
"I'm just extending help," he said.
"And I appreciate it. But no," I replied.
He looked at me. "Why?"
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko kayang tumira sa isang lugar kasama siya.
Even the thought itself was driving me crazy... He occupied my mind. I wouldn't let
him occupy my sight. Alam ko na hindi ko kakayanin na makita siya araw-araw. It
would drive me mad.
"I'm always at work. You won't even see me," he continued.
"It's not that..."
"Then what is it?" he asked. "Aren't I trust-worthy, Mary?"
Napatingin ako sa kanya. "That's not what I meant, Saint!"
Umangat iyong sulok ng labi niya. "Then what do you mean, Mary? Please tell me. I
don't want to make the mistake of assuming things again..."
My heart broke. We were back at that night again. The night when he broke my
heart... and the night I broke his. We were both broken. We were both victims of
the situation. Maybe we were just fragile... maybe our love was that fragile. That
a little misunderstanding like that managed to break us.
Maybe everything that happened was for the both of us. We still needed a lot of
growing up. We had been too complacent with each other. We were at fault.
"I'm sorry..." I whispered.
"I'm getting really tired hearing i'm sorry," he said with a small smile. "But it's
okay. I know it's my fault. I should've believed you more."
Mas lalong hindi ako naka-sagot. I got stuck in front of him, unable to think of
what to do next.
"It's all in the past," I told him. "We should move on."
Natawa siya. "Move on? I hate that phrase. Why do people keep on telling me to move
on? As if they know exactly how I am feeling... As if they have an idea of what I
am feeling. I will move on when I want to, when I am ready."
"Aren't you ready?"
He looked at me. And shook his head.
"How will I be ready, Mary? I already planned my future ahead. And in all versions
of my future, there's you included," he said and smiled a little. "We weren't
supposed to end... We were supposed to endure. I hate myself for doubting you so
easily. It made me question everything I believe in. Because if I really love you,
those pictures will mean nothing... but that's not what happened. Seeing those
pictures? It blurred the logical side in me.
"I had always hated the fact that there always be a Parker in your life... I hated
it then and I still hate it now..."
Tinignan ko siya nang mabuti.
"Parker will always be in my life, Saint. If you can't accept it, just... stop."
I realized that there would always be a string that would connect me to Parker. I
tried to sever it, but it only ended up hurting us both. It made me realize that no
matter what happens, he would always be there. He's my constant.
"Then I'd rather have this ugly feeling eating me up inside every time I see Parker
with you, than to lose you."
I sighed. Pumasok na ako sa loob para kuhanin iyong mga kakailanganin kong gamit. I
really just wanted to sleep... I was so tired. Bukas ko na iisipin iyong mga ibang
bagay. My only concern at the moment was rest.
Paglabas ko, nagulat ako dahil naabutan ko si Saint. I was expecting that he left
already. Akala ko nagka-intindihan na kami.
"Why are you still here?" I asked. "I can't stay with you, Saint... Please
understand. Not only because it's awkward-"
"Why is it awkward? Do you still have feelings for me?"
Why was he so relentless?
"No," I replied.
"Mary, the 8th commandment. Thou shall not lie."
Nanlaki ang mga mata ko. How dare he use Lord's words against me!
"I am not lying!"
"Really? You swear on God's name?"
"Saint!" I hissed. "Can we not talk about God?"
"Why? Because you're lying about your feelings?"
He's so unpredictable! Kanina lang, sobrang seryoso niya. Tapos naman ngayon,
kinukulit niya na naman ako! I couldn't really keep up with him!
"My feelings, my business," I told him.
"So you still have feelings for me?" he asked. I sighed. "I'll take that sigh as a
yes."
I eyed him. "You're hopeless." I began to walk, but I could feel him trailing me.
Sobrang kulit! Hindi ko siya pinansin hanggang sa makasakay ako ng elevator. He was
there with me, too. Hanggang makababa ako sa ground floor, sinusundan pa rin niya
ako. "What?" I asked him.
"It's already 2 in the morning."
"Safe naman ang Uber," I answered.
"I know. But knowing you, baka sa ibang sasakyan ka sumakay."
I glared at him. Why was he reminding me of the past? Umiiyak ako nun! My eyes were
blurry kaya hindi ko alam na sa ibang sasakyan pala ako sumakay! "Then I'll send
you a picture of the driver para matahimik ang kaluluwa mo."
"What will the picture do to me kung mapapahamak ka? Will it bring back your life,
if the driver happened to be a murderer?"
"Why are you arguing with me? It's 2 in the morning!"
"Exactly my point. It's dangerous."
I stared at him. He didn't look like he'd give up. And I was tired. Really, really
tired.
"What do you want me to do?"
"I'll bring you to wherever you plan to go."
"Tapos? You'll ride a cab back here? E 'di nagsayang ka lang ng pagod."
"That's my problem," he answered.
Bumuntong-hininga ako. Dati, sobrang landi ni Saint kapag madaling-araw. Ngayon
naman, sobrang kulit niya! And I knew that as the night progresses, he'd only get
worse. Mas lalo niya lang akong guguluhin. There was no stopping him once he sets
his mind to it.
I fished for the key fob in my bag and handed it over. "Use my car. I don't know
how to drive... might as well put it to use."
Akala ko ay kokontrahin niya pa ako. It seemed like he developed the liking to
contradicting everything that I said. But instead of saying anything, he just
reached for the key fob and walked beside me. Nung makarating kami sa basement,
nakita agad namin iyong sasakyan. Binuksan niya iyon at sumakay ako sa passenger
seat.
"Where to?" Saint asked as he buckled up.
"Nearest hotel..." I answered and then yawned. Inaantok na talaga ako. I tried to
fight the feeling but I was really close to falling asleep... Sobrang daming
nangyari ngayong araw. It finally took toll on my body. But as hard as I tried to
fight it, sleep won me over...
--
My body felt sore. I tried to stretch pero biglang tumama iyong kamay ko sa bubong?
I opened my eyes widely and realized that I was in a car. And Saint was sleeping
beside me! Mas lalong nanlaki iyong mga mata ko. Why-did I spend the night with
him?! I was panicking inside when his phone rang. Akala ko ay ididilat niya na ang
mga mata niya pero hinanap lang ng kamay niya kung saan nanggagaling iyong tunog.
But an ugly feeling ate me up when I saw the name.
Marisse Du Pónt
calling...
"Saint Iverson speaking," he said, his voice husky. And he was talking to that
Marisse again. Magkasama na nga sila kagabi, tapos kakausapin niya ulit first thing
in the morning? "Bonjour, Marisse. Que puis-je faire pour vous?"
At si Saint pa talaga ang nagtatanong kung ano ang pwede niyang gawin. Hindi ba
talaga niya girlfriend? O baka naman best friend niya na naman? Bakit ba ang
gaganda ng mga best friend ni Saint? Even Dani was a looker!
"Maintenant? Je suis très occupé," he said and then looked at me. Ginawa pa akong
dahilan sa pagiging busy niya. Tumingin siya sa akin at bahagyang natawa. "Oui,
c'est exactement comme ça."
Hindi ko gusto na simulan iyong araw ko na nakikipag-usap siya sa Marisse na iyon
kaya lumabas ako ng sasakyan. Nasa isang park pala kami. Why didn't he just wake me
up? Nahirapan pa tuloy siyang matulog sa sasakyan. My own body ached. Hindi ako
sanay na matulog ng nakaupo.
I was in the middle of stretching when Saint got out of the car.
"Breakfast?" he asked.
"I'll be fine on my own. Baka hinahanap ka na ni Marisse."
"You sound like a jealous girlfriend, Mary."
I forced myself not to roll my eyes at him. I kept mum and just resumed to
stretching. Akala ko ay iiwan niya na ako pero nandun pa rin siya. I could feel his
eyes on me-watching my every move.
"And for the record, she's not my girlfriend."
"Sure," I replied.
"I don't like blondes. I prefer holy girls with holy names."
Patience, Imo. Patience.
"Don't you have work?" I asked him.
"It's my day off."
"Talaga?"
He nodded.
"Then you have time to play basketball?" I asked. Today was the day! Kung wala
naman pala siyang trabaho, then may oras siya para maglaro.
"Why do you insist that I play?" he asked.
"Because you love basketball. You shouldn't just give up on it," I replied with a
small smile on my face.
He looked at me. I tried to look away, but his eyes were magnetic. It was pulling
me close.
"Then stop asking me to give up on you."
--
Our breakfast was rather... pleasant. I would admit that it was a pleasant
experience. We ate pancakes and Saint gave me his bacons kahit na gusto niya iyon.
But I didn't want to be too comfortable. I still knew our place. I still knew that
this was just a pretense. That reality was far from what we were making it to be.
"Why don't you drive?" he asked. We just finished our breakfast and I was feeling
as full as ever. Ako kasi halos ang umubos ng pagkain ni Saint. Inilagay niya kasi
lahat sa plato ko.
"I'm learning," I replied.
"You can learn how to drive in an hour," he said.
"Talaga?"
He nodded. "It's automatic, Mary. It's no more than playing a toy car. Do you want
me to teach you?"
I shook my head. I promised Parker that he'd be the one to teach me. I didn't want
to break my promise. I was thankful that Saint didn't prod anymore. I didn't want
to explain it to him. Alam ko kasi na masasaktan siya kapag sinabi ko... Kasi kahit
naman gaano ko sabihin sa kanya iyong kung ano kami, hindi niya naman ako
pinapakinggan.
"Thank you," I said. He didn't want to hear another apology from me.
"For what?"
"For being civil. Sabi kasi nila, exes can never be friends. Masyado raw maraming
memories. Masyadong maraming emotional attachments. Masyadong maraming feelings.
Pero pwede naman pala," I said.
He looked at me. "Mary..." he said.
I looked at him. Though I didn't want to. His eyes did something to me... I
couldn't explain it, but it was doing things I didn't want to feel.
"We're not friends. I refuse to be just friends."
The beats of my heart started to race. This feeling was uncalled for. I shouldn't
be feeling anything for him at all. I didn't even want to hate him... He hurt me,
yes, but if I feel hatred towards him, I knew that I would just find a way to
transform that into a positive feeling... Na sa iisang katapusan lang din ako
babagsak. I wanted to be indifferent. Because the opposite of love isn't hate, it's
indifference.
"I told you before... you're either the girl who makes me or the girl who breaks
me."
"But I can't make you again, Saint."
"Then break me, I don't care. I don't want to be friends with you, Mary. I hate the
idea of being just friends with the person I love. That's torture. Don't be cruel."
My lips parted. Akala ko okay na siya... He acted so strong in front of me... I
didn't think he was feeling pain... I thought he hated me...
"I'm sorry."
The side of his lips lifted.
"Don't be. As much as I hate what's happening now, you're still the best thing that
ever happened to me."

Kabanata 60

#JTSHonestyGame Kabanata 60
Although my head was pounding real hard, I tried my best to go to class. I promised
myself that if I could help it, I wouldn't skip classes anymore. Ayoko na maulit
iyong nangyari dati. I ended up sacrificing my studies... I didn't want a rerun of
it. Kaya naman kahit na sobrang sakit ng ulo ko, pinilit ko na pumasok pa rin.
Pagbaba ko, hindi ko alam pero hinanap ng mga mata ko si Saint... Maybe I was just
worried. Akala ko nandito pa siya. Nakonsensya ako dahil tinulungan niya ako na
pumunta dito tapos nung okay na, sinabi ko na umalis na siya.
When I arrived at the school, dumaan muna ako sa Café Domique para bumili ng kape.
I didn't prefer drinking coffee, but my head was aching so bad. I needed caffeine
in my system, or else baka bigla na lang akong makatulog. I was actually relieved
that Parker wasn't there... I didn't know but I always felt guilty kapag kasama ko
si Saint. Kahit na sinabi ko na naman kay Parker na friends lang, sinabi niya na
hihintayin niya ako. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-guilty.
Sabagay... matters of the heart can't be forced. Just because I told him to stop,
hindi naman ibig sabihin nun na kusa siyang hihinto. But I was hoping... that he'd
get the hint.
The professor was already preparing when I arrived. Mabuti na lang. Ayoko rin naman
na may idle time dahil wala ako sa mood na kausapin sila Ria. I appreciate the new
environment... but I didn't appreciate the lack of privacy and the constant
prodding. My new classmates were too pushy and they didn't respect the fact na wala
na kami ni Saint. They made me miss my old degree dahil ang mga tao roon, hindi
pinapakailaman ang buhay ko.
Lahat ng professors ay on time dumating at lahat sila ay maraming pinapagawa.
Nawalan ng pagkakataon sila Ria na guluhin ako. And I was thankful. I knew I
couldn't humor them today. My head was pounding so bad and I was still thinking
about my unit. Came break time, nagmamadali ako na umalis dahil sinabi ko kay Jovi
na magduduty ako ngayon.
"Mary!" sigaw ni Ria. Gosh. Hindi ba siya napagod sa lahat ng pinagawa sa amin ng
prof? Why was she so hyper?
"Hmm?" I replied.
"Ang galing mo!" she gushed. May tatlong classmates din kami na nasa harap ko. What
was happening?
"Ha?" But instead of answering my question, hinawakan nila iyong dalawa kong braso
at hinatak ako. "Ria, may duty ako sa café," I said while they were dragging me.
"Ako na bahala," she said. "You need to see the fruit of your success!" sabi niya.
It was useless to fight against them. Apat sila, isa lang ako. And my head wasn't
cooperating. Pakiramdam ko ay pinupukpok ng pako ang ulo ko sa sobrang sakit. I
just wanted to collapse and let them drag me to wherever they wanted to bring me,
but my eyes automatically widened when I realized that they were brining me to the
gym.
"Why are we here?" kinakabahan kong tanong.
Before answering my question, Ria squealed. "You did it, Mary! Naglalaro na ulit si
Saint! Isa ka talagang alamat!" sabi niya at saka kinurot na naman ako sa bewang.
"T-talaga?"
He's playing again. Hindi ko mapigilang mapa-ngiti. I was really happy. Sobrang
naging malungkot ako nung sinabi niya sa akin na hindi na siya maglalaro.
Naiintindihan ko naman na gusto niyang maging seryoso at magfocus sa ibang bagay...
but I wished it wasn't at the expense of basketball. Because he's really good.
Hindi naman siya pupunta sa iba't-ibang bansa para sa trainings kung hindi talaga
siya magaling. At naka-pasok siya sa Gilas! That meant he's really cut above the
rest.
Upon knowing that, kusa na akong naglakad hanggang sa makarating kami sa loob. May
laban nga ang team namin and there he was...
"Another flawless shot from GDL # 9!" the announcer said and I could hear cheers
from the crowd. I bit my lip as a smile spread on my face. Gosh. Why was I tearing
up? I had seen him playing hundred of times... but I guess today was different. I
was glad that he didn't give up.
Tahimik akong nanonood sa laro habang maingay na nagchi-cheer iyong mga katabi ko.
Medyo maraming tao dahil sa mga estudyante galing St. Andrew's kaya hindi ako
kinakabahan na makita ako ni Saint. Not that I was hiding from him... but ewan ko.
When it came to Saint, I was really complicated. I couldn't exactly tell what I was
feeling.
"Natapos na ang sumpa! May panalo na ulit tayo!" the girls beside me cheered.
"Thanks, Mary!"
Awkward akong napa-ngiti. "Wala naman akong ginawa."
"Ikaw kaya ang inspiration ni Saint. Sobrang down kaya niyan last sem dahil nasa
abroad ka. Alam mo 'yun? Simula nung nag-aral ako rito sa SCA, palagi kong
sinusubaybayan ang GDL. Si Saint iyong pinaka-masayahin sa mga magkakapatid, pero
nung nawala ka? Aba! Ni hindi man lang maka-ngiti ang kuya mo!" sabi niya. I bit my
lip. Sobra kaming nasaktan dalawa. "Mabuti na rin at grumaduate na iyong sawa na si
Dani."
Napa-hinto ako.
"Ano'ng nangyari sa kanya?" I had to ask. I wanted to know what happened to her
after she successfully pried me away from Saint. Akala ko kasi ay magiging sila
na... kasi best friend siya. Aminin ko man at hindi, mas marami siyang alam kay
Saint. Hindi ko siya malalamangan doon.
Ria rolled her eyes. "Nako! May kumalat kasi na chika na break na kayo tapos si
Ateng Dani mo, feel na feel! Halata naman kasi na may feelings kay Saint iyon-'di
lang pansin ni Saint or baka hindi lang pinapansin. Tapos ayun. May event sa school
at kaka-announce lang na hindi si Saint ang magiging captain dahil sobrang lala ng
performance niya. Nagalit si Dani sa kanya at nagsermon si Ate girl. Napikon si
Saint. Sinabihan siya na," sabi ni Ria at saka nag-ehem pa. "'You're not my
girlfriend, Dani. Stop acting like you are,' sabi ni Saint. E 'di natameme si bes.
Tapos nagreply naman siya ng, 'She's gone, Saint! Just give it up already!' Ay,
beh, mas lalong na-trigger si Saint sa sinabi ni Dani! Pero hindi siya nagsalita. E
'di si bes Dani, nagsimulang magsalita at siniraan ka, beh! Sinabi na malandi ka at
nagkwento tungkol sa inyo ni Parker in public. Ay! Nako! Sinasabi ko sa 'yo, galit
na galit si Saint!" sabi ni Ria. She's so animated habang nagku-kwento. "And
ending? Ayun. FO."
Napaawang iyong labi ko sa mga narinig ko. God. I didn't know that that was what
happened...
"Kaya Ate girl, kung totoo man 'yang paulit-ulit na sinasabi mo na break na kayo ni
Saint, balikan mo na, please? Or at least i-consider mo naman. Ang daming na-link
dyan sa Santo na 'yan, kung 'di mo lang alam! Pero lahat kaming fangirls ng GDL,
ikaw lang ang gusto para sa Saint namin. Kasi alam mo? You bring out the best in
him. English 'yun kaya ma-touch ka sana."
I couldn't understand what Ria said. My eyes were focused on Saint. I could feel my
eyes watering.
"Sige, iwan ka na namin. Heart to heart na kayo, ha? Sabihin ko na lang kay Jovi na
binabawi mo ang jowa mo kaya 'di ka muna makakapagtrabaho," Ria said.
We really had been through too much...
I watched him as he was being hugged by his teammates. Para akong tanga dahil
naiiyak ako. Wala namang nakaka-iyak... Pinanood ko hanggang sa kinakausap na siya
ng coach nila. He was just nodding, but I hoped it meant that he's returning to
basketball. Gusto ko sanang lapitan siya pero biglang nandun ulit iyong Marisse. My
heart clenched a little. Marisse was trying to do the dab and Saint was smiling and
demonstrating the dab, too. That was ours. Amin iyong dab, e.
But I didn't want to color whatever it was that I was seeing. Tumayo na lang ako at
nagsimulang maglakad palabas. I'd talk to Saint, just not this time. I kept on
walking hanggang sa makarating ako sa labas. I just sat there and closed my eyes
for a while. I needed to digest everything. I needed to understand everything they
said... I needed to know if anything would change dahil sa nalaman ko.
Parker
calling...
I stared at my phone. Si Parker. I didn't know what I'd do with him. I didn't know
what I'd say to him. Tinitigan ko iyong cellphone hanggang kusang mamatay iyong
tawag niya. Pagkatapos nun, agad kong tinawagan sina Kath. I needed my friends
badly.
--
"Are you alright?" Kath said. "You sounded different kaya nagmadali kami ni Liza."
I smiled. "I'm okay. Thank you sa pagpunta. Baka napagalitan kayo..." I said.
Galing kasi sila sa practicum nila.
"Duh. Kami naman may-ari ng business kaya sino ang magagalit?" sabi ni Kath. Kapag
BA kasi, ang practicum ay magtatayo ng sariling business and at the end of the run,
bibigyan kami ng grade base sa performance ng business namin. I was already
planning kung ano sana ang business ko. Hindi naman natuloy. But no regrets, still.
I didn't want those what ifs lingering on my mind.
Liza was just silent. I felt guilty. I had been too rough on her. Nagsorry na ako
sa kanya, but I guess sorry doesn't fix everything. Nasabi ko na iyong mga
masasakit na salita kaya alam ko na hindi ko na mababawi iyon... I just needed to
show her that our friendship was still worth a try.
"So, where to?" Kath asked.
We went to the grocery and bought food. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, but I
felt like we needed a getaway, the 3 of us. After naming mamili, Liza drove us to
Antipolo. Ginamit namin iyong sasakyan ni Kuya Jackson. Nagpalit yata sila ni Liza,
hindi ko alam. I didn't ask because I was guilty.
We knew a place there wherein we could see the city lights. It's very pretty at
night. Binaba namin iyong sa likod ng pick-up ni Kuya Jackson tapos doon kami
naupo. We were looking over the city. Malakas iyong hanging. Parang walang
problema.
"So?" Kath asked. "Why are we here?"
Bumuntong hininga ako. "I need to talk."
"Finally!" Kath said, exasperatedly. "Ang tagal naming hinintay na magsalita ka!"
Napatingin ako sa kanya. She reached for the paperbag of groceries tapos inabot sa
akin iyong mogu-mogu habang sa kanila ni Liza, beer. I made a face. "Why? Baby ka
pa!"
"Magkaka-age lang kaya tayo. And besides, I tried beer na when I was in Germany."
Inirapan lang ako ni Kath tapos inabutan ng beer. I opened the can and sipped pero
hindi ko gusto iyong lasa. I discreetly put it back at saka inabot ang mogu-mogu.
For minutes, we sat in comfortable silence. They were quietly sipping their beers,
while I enjoyed my mogu-mogu.
"Let's play the honesty game," I said. "The only rule of this game is that we'll be
honest with everything. Kath, talk about what happened with Kuya. Liza, talk about
what happened with Kuya Jackson. And I'll talk about what happened."
"With Saint or Parker?" Kath countered.
"Both," I replied. Kahit naman sa ayaw ko o sa gusto, they were both involved. And
I needed to stop dahil kapag pinagpatuloy lang namin ang mga nangyayari, mas lalo
lang lalala. And I didn't want to hurt anyone. I wanted to end it before the point
of no return.
Liza sighed and then she began to talk. I listened quietly as she began to tell us
everything that happened... how it began... and how she felt. As I was listening, I
realized that I had been really unfair to Liza. I didn't even listen to what she
had to say before. I was blinded by my judgment. I had been too self-righteous that
I forgot that when feelings intercept, logic vanishes.
"I didn't want to do it. I know he had a girlfriend and kilala ko si Ate Jas. And I
didn't want to be labeled as a relationship-wrecker... but hindi ko alam... He's
always there and he makes me happy. We had so many things in common. We both enjoy
silence, eating, doing the same things, we share the same insights... You know
that? We just get each other... And I know it's not reason enough, so I tried to
distance myself from him. I tried to busy myself. But the longer I tried to deny
it, the more it is that I missed him..." she trailed. "And then one day, he said he
broke up with Ate Jas. Only then did I realize the depth of what I did. I just
destroyed them. Nakonsensya ako. Mas lalo kong nilayuan si Jackson... but in the
end, I got tired running from him. I gave up and let my heart win."
The wind brushed against our skin. Hindi ako makapagsalita. Among us, I was the one
who judged the most. I knew I didn't deserve to comment.
"Kinausap mo na ba si Ate Jas?" Kath asked.
Liza nodded. "She was mad at me and I accepted it. But kahit ganoon, sinabi niya na
she wants Jackson to be happy. She told me to make him happy. But I waited for
months before I did anything. I didn't believe in 3 months rule, but I made an
exception."
"Pero ngayon, kayo na?"
Slowly, Liza nodded. "Galit ba kayo?" she asked.
"Baliw! Bakit naman kami magagalit? Siyempre, you're our friend. Magalit man kami,
it's for your best interest. But at the end of the day, we want you to be happy,"
Kath said. She leaned her head on Liza's shoulder. "I'm happy for you and Kuya
Jackson. Kahit matakaw 'yun, pinaka-mabait naman 'yun sa 3 idiots."
"I thought si Kuya Benj ang pinaka-nice?" Liza asked. "Di ba he's always with you?"
Agad na naagaw ang atensyon ko nung sinabi ni Liza. "Si Kuya Benj? And ikaw?" Gosh.
Ang tagal ko pala talagang nawala! Ang daming nangyari.
Nanlaki ang mata ni Kath. "Hindi, ah! Wala kaming something ng Benjamin Daniel
Araújo na 'yun!"
Natawa kami ni Liza. "Kailangan complete name?" we both asked and she nodded too
fervently-nagmuka tuloy siyang in-denial. "Paano kayo naging close ni Kuya Benj?" I
asked. Dati kasi, kulang na lang itapon niya si Kuya Benj dahil palagi siyang kinu-
kontra pagdating sa crushlife niya kay Psalm.
She sipped her beer and then hugged her legs. "Kasi 'di ba, Mary, gago ang Kuya mo?
No offense," she said and I laughed. "Nagsimula kasi when Preston bugged the hell
out of me. I know naman na joke-joke lang 'yung ligaw niya sa akin. Kasi alam mo
'yun? Si Preston 'yun, e. Wala namang siniseryoso iyon sa buhay. But alam mo naman
ako, mahina sa gwapo... And your Kuya is freaking good looking kahit gago siya. So
ayun, nagkaroon ako ng feelings for him kahit labag sa loob ko."
Gusto kong matawa kay Kath. Parang antithesis lahat ng sinasabi niya kay Kuya.
Pupurihin niya tapos lalaitin niya naman.
"We went out a couple of times. He made me cry a couple of times. He made me smile
a couple of times. Then one night, I asked him to stop. Alam ko kasi kung saan na
papunta iyong feelings ko... and as early as I could, I wanted to stop. Hanggang
pwede ko pang ma-save ang sarili ko. But he said that he's serious. It still gives
me the creeps kapag maaalala ko kung gaano siya ka-seryoso nung gabi na 'yun. He
said na nung una, gusto niya lang akong bwisitin kasi ang bilis ko raw mapikon. But
later, he learned to like me... Ang gago, 'di ba? Inamin niya na pinaglaruan niya
lang ako. But ayun nga, ewan ko. I told him to start being serious. And the first
proof that he's serious was that I'd formally introduce him to my mom."
I grimaced. I knew what happened that night.
"Ayun... as we were dining, this girl approached us. She was saying na nabuntis
siya ni Preston and she was making a scene. Some of my mom's friends were at the
restaurant, too, so she felt really humiliated."
I sighed. "I'm sorry..."
She smiled. "No, it's not your fault naman. And as for my mom, I'm saying sorry in
her behalf. Makaka-move on din 'yun," she said.
"Are you okay now?" I asked. I felt partly responsible for what my brother did to
her. Ilang beses ko na sinabi kay Kuya dati na kung hindi siya magseseryoso, 'wag
niya na subukan.
She nodded. "It was painful, but I was thankful that we managed to stop before I
really fell for him. Silver lining na rin siguro."
"And Kuya Benj," I added.
"Wala kasi!" she said. Liza poked her. "Friends lang kami! I mean, he's really nice
to me, but kaibigan ni Preston 'yun, e. Malay ko ba kung may nabuntis din somewhere
si Benj?"
"Wala 'yun!" pagtatanggol ko kay Kuya Benj. It was his chance. Alam ko na matagal
ng may feelings si Kuya para kay Kath. "Give him a shot. He's worth trying
naman..."
Kath shrugged. "We'll see... Minsan, gusto ko ng love life kasi feel ko na kiligin.
Pero mas madalas, who has time for that shit? Ang dami ko kayang ginagawa."
Napa-ngiti ako. Kath matured so much. I was happy for her. Kahit na nasaktan siya
ni Kuya, hindi siya nagpa-apekto roon. She became stronger.
"Ikaw, Mary Imogen Harrison Suarez? Kamusta kayo ni Saint?"
"Wala..." I answered, but they rolled their eyes. "I mean, he kept on saying sorry
for what he did. And he's been telling me that he still has feelings for me. "
"And ikaw? Do you still have feelings?"
I sighed. "I don't know... Sometimes, I think I still love him. But most of the
times, I am just really afraid. I don't want to get hurt again. The last time was
so painful..."
"Love and pain, they always come side by side," Liza said. "But I think love is
always worth the risk."
I smiled. "Siguro nga... but I'm still afraid. Paano na ako kapag naulit iyon? Ano
na ang mangyayari sa akin? Kaya ko pa ba? Ang daming tanong sa isip ko."
Kath hugged me from the side. "Pero bakit si Parker, kinakausap mo? Bakit si
Parker, ang dali mong patawarin? Don't you think it's unfair kay Saint? Kasi si
Parker, ilang beses kang sinaktan. Span of years, Imo. Mula childhood mo hanggang
lately, walang ginawa si Parker kung hindi saktan ka. Sobrang lala ng ginawa niya.
Pinaasa ka, ni-reject, pinaglaruan, lahat na yata. But still, you can forgive him
so easily..." she said. "Pero bakit si Saint na isang beses lang nagkamali pero
kahit ilang sorry, hindi mo magawang bigyan ng second chance?"
Hindi ako naka-sagot. I didn't have an answer.
"He made a mistake, we get it, but 'di ba palagi mo ngang sinasabi na lahat ng tao,
worth a second chance?"
I smiled sadly. "What if I get hurt?"
"E 'di masaktan. It's part of life. Naka-kita ka na ba ng tao na hindi nasasaktan?
Wala naman, 'di ba? Because pain is necessary. You get hurt, you move on, you
become better. It's a cycle," Kath explained.
Hindi pa rin ako naka-sagot. I stayed silent. "Is it about Parker?" Liza asked. "Is
Parker the reason why you can't give Saint another chance?"
My lips parted. Agad kong ininom iyong natitirang mogu-mogu hanggang sa nabulunan
ako nung nata.
"Do you have feelings for Parker agai?!" Kath asked.
"No!" I quickly answered. "We're friends."
"But why are you always with him?" Liza asked. "Jackson talks. He says that
Parker's seriously hoping that he can have another shot with you..."
I bit my lower lip. "I don't know... I don't have feelings for him-not love, at
least."
"But you're leading him on."
"No. I always tell him that we're only friends," I replied.
"And what does he say?"
I sighed. "That he's willing to wait for me. That I'm his dream and he'll
continuously chase me."
Mas lalong humigpit iyong yakap ni Kath sa gilid ko. "Wala ka talagang feelings for
Parker? Hindi bumalik iyong love mo for him? He's all better now, Imo. So much
better than the douche-y version of Parker that you fell in love years ago... Wala
talaga?"
Umiling ako. "I'm happy that he's better. I like seeing him achieve things for
himself. But that's all. I don't love him... not the way he wants me to."
"Then you should tell him that," Liza said. "Tell him, Imo. Make him understand.
Make him understand that there's no chance. Explain to him what you're feeling.
Make him see that there's no future for the two of us. Because until you do so,
he'll continue hoping..."
How do you tell someone that you can't give them your heart because it's already
with someone else?
"And then talk to Saint," Kath interjected. "Give him the second chance he
deserves. Stop being unfair, Mary Imogen."

Kabanata 61

Start of payment for When It All Ends. Anyway, enjoy reading! xx

#JTSLast Kabanta 61
Before doing anything, I bought flowers and visited Uncle Parker's grave. I didn't
even know why I was here... or maybe I felt like I needed to explain myself. I
needed to explain to him why I was doing this. After all, it was his dying wish
that got me in this position.
"Hi, Uncle," I said, plopping down on the grass. The day was nice and the wind was
cold against my skin. I would've enjoyed this day more, if I didn't have to do
whatever it was that needed to be done. "I have a confession..." I sighed. How do
you even explain your feelings? Most of the time, I couldn't even make sense of
what I was feeling. It had always been bizarre.
"I know you want me and Parker to end up together... and it would've been nice if
that happens, right? But sometimes, things don't always go according to plan. I
already told you about Cindy, 'di ba? Tapos, I have Saint. Ang gulo lang kasi,
Uncle. For Parker and I, the timing is never right. Nung mahal ko siya, may mahal
siyang iba. Nung may mahal na akong iba, at saka naman niya ako mahal."
I hugged my knees close to me. "If I can change what I am feeling..." I trailed
off. "No, Uncle. I still will choose to feel this way. Because you know? Saint saw
my worthy even before anyone did. He loves me even before I learned to love myself.
He makes me smile. He makes me happy. He makes my heart burst with so much
happiness whenever I'm with him... And when I'm not with him, I just constantly
miss him." I smiled. "I thought staying away from him would make me forget him, but
I was just kidding myself. Because how do you even forget someone who gave you so
much to remember?"
Biglang humangin nang malakas. Siguro nakikinig si Uncle. Sana maintindihan niya
ako.
"Like you, Uncle. It had been 23 years, pero naaalala ka pa rin ni Mama. Ganoon din
ako kay Saint. Seven months, pero siya pa rin... Kaya naiintindihan mo naman ako,
'di ba?" I smiled and then closed my eyes. "I'm sorry, Uncle... I can't love Parker
the way you want me to... Hindi siya ang para sa akin..."
Sabi nila, para daw ako sa kanya... pero paano kung hindi naman siya para sa akin?
Paano kung si Saint ang gusto ko? Bawal ba?
I stayed there for a couple of minutes, asking him for forgiveness. Alam ko kasi
binigo ko si Uncle. Simula pagkabata, palaging sinasabi sa akin ni Mama na dapat
kay Parker lang ako. I tried. I fell for him, but he neglected me. He told me over
and over again that there's no us and there never would be. And I believed him.
And when he was busy pushing me away, somebody pulled me in. Parker gave me to
Saint. And now, no matter how much he tried to take me back, wala na. I refused to
be taken back.
"Goodbye, Uncle. I'm sorry."
Pagkatapos kong bisitahin si Uncle, dumiretso ako sa mall. I still needed time to
think. I needed to make Parker listen to me. I needed him to understand me. Kasi
kapag hindi, magiging paulit-ulit lang 'to. It would be an endless cycle and we'd
both just keep on getting hurt hanggang sa maubos kaming pareho.
Naglakad-lakad lang ako sa mall hanggang sa makarating ako sa bookstore. Napa-ngiti
ako nung makita ko iyong mga highlighters. Suddenly, I was reminded of Parker and
his highlighters. Ilang segundo ko 'yung tinitigan bago ko napagdesisyunan na
bumili. I bought as many highlighters as I could. I also bought papers na gagamitin
ko.
When I was done, I called him. He answered after two rings.
"Hey," he said, his voice was happy. "I was about to call you."
I bit my lower lip. "Are you free?"
"Yeah. I'm in a coffee shop, reviewing for an exam."
Exam niya? Paano ko sasabihin kung exam niya? Magiging kasalanan ko kung hindi siya
makakapag-aral dahil sa mga sasabihin ko... but would there ever be a proper time
to say things that I was about to say? May perfect time ba para doon?
"Ah..." I trailed off. "Kailan matatapos ang exam niyo?"
He laughed. "I have exams every week, Imo. It's never ending." I chewed on my lower
lip. "But I have time. Where are you? Sunduin kita."
Why did he have to be so nice to me again? Hindi ba pwede na masungit na lang ulit
siya? At saka hindi ako pinapansin? He's making it extra hard to let him down.
"Pwede mo ba akong puntahan? Sa park? 'Yung pinuntahan natin last time?"
I closed my eyes as I listened to his response. There's no perfect time to break
someone's heart. But this should be done. Kung hindi, patuloy lang siyang aasa.
"Alright, be there in 20," he said and then I ended the call.
Maaga akong nakarating. Walang tao maliban sa akin. Good. I didn't want anyone
watching us when I tell Parker everything. As I was waiting, I began to make a
bouquet. Pinagsama-sama ko lahat nung highlighter na binili ko at saka inayos doon
sa binili kong papel kanina. I arranged it properly. It was pretty. I had always
wanted to give Parker this ever since I saw him using his highlighters. Hindi ko
naman alam na sa ganitong paraan ko ibibigay sa kanya.
When I was done, I was holding the highlighter bouquet and waiting for his arrival.
My heart was nervous. I didn't want to do this. I never wanted to break anyone's
heart. But if I didn't do this, I'd end up breaking mine.
A few minutes passed and I could see him approaching. He was wearing a smile on his
face. God.
"Sorry, naharang ako ng classmate ko," he said.
"It's okay," I replied. Napa-tingin siya sa hawak ko. I handed it to him. "Flowers
for you."
Napaawang iyong labi niya. Unti-unti siyang napa-tingin sa akin. Alam ko na may
sasabihin siya... probably telling me again that he loves me. And I didn't want to
listen to it. He'd only make it harder for me.
"Parker..." Ang bigat sa dibdib. "May sasabihin ako sa 'yo."
Maybe he sensed it. Hindi ko alam. But he said, "Spend this day with me?"
"Ha?"
He smiled. "Just today... give me today, Imo."
I looked at him. His eyes looked sad. Why should I be the one to break him? Why
couldn't he just love someone else? A girl who isn't in love with someone else?
Someone who could give him her heart... because mine was taken. And I didn't want
it to be returned.
"Okay," I said. Maybe this wasn't the right time. Not yet.
Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. I wore my seatbelt.
Hindi ko siya tinanong kung saan kami pupunta. I was willing to give him this day.
Because after this, I wasn't sure how things would work out. Maybe he'd hate me...
maybe he wouldn't see me again... hindi ko alam.
I quietly sat while he was driving. I couldn't make up what was on his mind. Alam
niya kaya ang sasabihin ko? Was he buying time? Delaying the inevitable? I kept on
pondering hanggang mapansin ko na nasa Enchanted Kingdom kami.
"Star City was nearer... but mas maraming rides dito," he said, then he looked at
me. "Let's ride everything. Like when we were young... After that, tell me what you
have to say."
Hindi ako nakapagsalita. He smiled at me.
"But before that, let's enjoy today. Okay lang ba?"
I nodded. Pumila kami para bumili ng ticket. Parker was acting strange. Naging
masaya na ulit siya. He began talking about our memories when we were younger.
"It's been so long since we'd be here..." he said. Hindi ako nagsalita. I went here
before with Saint, but I didn't need to tell him that. "Naalala mo nung nawala ka
dito dati?" he continued. "Sunud ka kasi ng sunod sa amin ni Preston, nawala ka
tuloy."
"Hindi ko kasi ako sinasama."
"Because you're a girl," he replied. "At saka bungi ka nun."
"Naka-braces ka naman," I replied. Nung elem kasi kami, may crush si Parker tapos
na-basted siya ng crush niya kasi naka-braces siya. Bata pa lang si Parker, marami
na siyang crush. Naging crush niya nga yata lahat ng batch mate niya maliban sa
akin, e.
"You also wore braces when you were in high school," he reminded.
"Sino may kasalanan?"
Natawa siya. "Sino nagsabi na sundan mo ako dati?" he said, laughing. May date kasi
siya nun kasama iyong pinaka-sikat na babae sa batch niya-iyong muntik na nilang
pag-awayan ni Kuya. Sinundan ko sila nung nagdate sila... tapos nalimutan ko na
pero ang ending, natanggalan ako ng ngipin dahil nadapa ako. Nagkaroon ng gap sa
ngipin ko tapos hindi ko na alam, basta maraming sinabi iyong dentist kaya ang
ending, nagkaroon ako ng braces bigla.
"High school ka pa lang, marami ka ng babae, no?" I said.
He shrugged. "I did everything back then just to avoid any feelings for you."
"Ganoon ba ako ka-panget sa paningin mo dati?"
Nilingon niya ako. "You've always been beautiful in my eyes, Imo. I just refused to
acknowledge it. I didn't want to live my Uncle's life."
I had always known that-or maybe I used that as an excuse nung paulit-ulit niya
akong sinasaktan dati. Hindi talaga. Ilang beses ko bang narinig sa kanya 'yun?
Hindi ko na mabilang. Mabuti na lang at kami na iyong sasakay sa EKstreme Tower.
While we were going up, I asked him. "What's your biggest regret, Parker?"
Seconds passed. Hindi siya sumasagot hanggang sa makarating kami sa pinaka-taas.
"That I fell for someone else first, when it's you I should've fallen for."
And then we were falling down.
Pagdating namin sa baba, alam ko dapat mahilo ako, pero mas naiiisip ko iyong
sinabi ni Parker. Siguro nga... if he fell for me first, alam ko na kaming dalawa
ngayon. Ang dami na naming pinagsamahan, e. He'd been there for as long as I could
remember. He knew me ever since. But things do not always go according to plan.
Meeting Saint wasn't a part of the plan. It was a surprise. A pleasant surprise.
After that, we rode dodgem. I was driving the red bump car, while he was driving
the blue one. Nagda-drive ako nung matamaan ako nung nasa likod ko. Sa sobrang
lakas, pakiramdam ko muntik na akong tumalsik dahil sa impact.
"Imo! Are you okay?" Parker asked. I nodded kahit medyo nahilo ako roon. "Hey!
Careful!" sabi niya roon sa lalaki na nakabangga sa akin.
"It's okay, Parker. Bump car kaya 'to. It's supposed to get... bumpy," I said. I
didn't want to ruin the day.
"Still. He should be more careful. Okay ka lang?"
Para kaming tanga. Iyong ibang mga naka-sakay, masayang nagda-drive sa palibot ng
space. Kaming dalawa ni Parker, nandun sa isang gilid. He was asking me if I was
feeling dizzy. "I'm okay," I assured him. Pagkatapos nun, sinulit na namin iyong
natitirang oras. I was driving while Parker was tailing my back-pakiramdam ko ay
binabangga niya iyong mga dapat babangga sa akin. Ang weird niya.
We rode a few more rides before we decided that we're hungry. After that, doon kami
sa Kart Trak.
"Race tayo?" he said.
I made a face. "E 'di panalo ka na agad?"
He laughed. "Malay mo manalo ka?"
Because he wanted, I gave in. After all, today was all about him. Tinuruan niya ako
kung paano paandarin iyong karts. Hindi ko sure kung naintindihan ko ba lahat.
Sigurado naman ako na siya ang mananalo. "Ready?" he asked. I wore my helmet and
nodded. "Let's go!" After three laps, siya ang nanalo.
"I won," he said.
"Hindi naman kasi ako marunong magdrive. Ang unfair kaya."
"Unfair naman talaga ang buhay. Kapag nandyan, ayaw mo. Kapag nawawala, hinahanap
mo." Hindi ako sumagot. He smiled. "Question..." he said. "What's your biggest
regret?"
Huminga ako nang malalim and looked at him. "That I only have one heart."
After that, we rode some more rides. We just reminisced the good days. Iyong mga
travel namin kasama ang buong pamilya. Kahit naman kasi walang kami ni Parker dati
pa, we're still close. Our families were awfully close. He's family. I'm his
family. It's something we can't erase even if we try.
We lost track of time. Hindi namin namalayan, papagabi na pala.
"Saving the best for last," he said as we were standing before the Wheel of Fate.
"Tara?" he said.
Nagsimula siyang maglakad nung hawakan ko iyong kamay niya. "Parker," I said. He
looked at me. "Wag na dito."
"Why?"
I took a deep breath. "Too many memories," I replied. When we were younger, pinilit
ko siya na sumakay dito. He didn't want to ride with me dahil mas gusto niya na
sumakay sa roller coaster kasama si Kuya. But I cried kaya napilitan siya na
samahan ako... and when we were at the top, I confessed my feelings to him. And he
rejected me.
It was a bad decision, confessing in an enclosed space. Tahimik akong umiiyak
hanggang sa makababa kami. Pagkatapos nun, tinatanong nila Mama kung bakit ako
umiiyak. I just lied and told them that I had fear of heights... but for the first
time, I got rejected. It was the first time Parker broke my heart.
Parker smiled at me. "Maybe it's your turn to reject me."
Hindi ako sumagot. I didn't even look at him. I didn't even want to listen to him.
Pagpasok namin sa sasakyan, tahimik lang ako.
"Imo," he called. I was busy looking at the lights outside. "Let's play 20
questions." I stayed silent. "Are you happy?"
Tumahimik ako sandali. Why did he want to do this to us? Couldn't we end it as
quietly as we could? Why did he want to open more wounds?
"No," I said. Why would I be happy? Everything was a mess. "If there's one thing
you want to do, what is it?" I asked.
"Kiss you... but I won't."
Lumakas iyong kabog ng dibdib ko. "Why?" I asked even if I shouldn't.
"Because if I get a taste, I will crave for more... and I know I can't. And I
shouldn't." The atmosphere was getting heavy. I was feeling suffocated. I knew we
shouldn't have played this game. "Do you talk with him about me?" he asked.
"Yes," I replied. He had always been the topic of Saint's jealousy. "Aside from me,
what pushed you to fix your life?"
"No one. You're the only reason I'm doing this. I felt like I already lost
everything. Ikaw na lang 'yung natitira sa akin," he replied.
How do you break a person whose life revolves around you? Is there an easy way?
"What do you like about him?" he asked.
"Everything," I replied. "I like his smiles. I like the way he calls me Mary. I
like the way he thinks. I like the way he cares. I like the way he tries to like
the things I love. I like the way he's obsessed with ducks. I like his weird gifts.
I like him even when he's ignoring me. I like it when he subtly asks me to wear
matching clothes. I like how he's so passionate about basketball. I like how he
tries to be serious, but I can always see that he's still the playful Saint I
know."
I told him everything. I told him even though I knew this would hurt him. Because
there's no easy way out. Only when he realizes the depth of my feelings would he
let me go.
"Why do you even think you like me?" I asked.
Natigilan siya. "Imo..." he said. "Please. Don't belittle my feelings. You may not
share my feelings, but please don't belittle them. I like you. I love you. I was an
asshole, I know. I mistreated you. I broke your heart. Alam ko. Palagi mong
pinapaalala sa akin. But I'm working on it... why don't you appreciate what I'm
doing? Why don't you look at me anymore?"
Iniwas ko iyong tingin ko sa kanya. "I'm already looking at someone else, Parker.
Why don't you try to look at someone else, too?"
"Because I don't want to. I already tried before. All the girls, I dated them to
avoid you."
"And Cindy?" I asked even though it wasn't my turn.
"I loved her."
"Then find someone like her and fall in love again, Parker. Can't you do that for
me?" I asked.
"I can't... I'm sorry. I will love you for as long as I could. And I don't think I
can ever stop."
I bit on my lower lip to stop my eyes from watering. We were just hurting each
other.
"Before... nung palagi mong sinasabi na hindi talaga, didn't you mean it?" I asked.
He should've just meant it. Para hindi kami nasasaktan ngayong dalawa. He should've
stayed true to his words. Na hindi niya ako magugustuhan... hindi talaga.
"Yes," he replied. "I wasn't in love with you before. I was in love with Cindy. I
hated you back then. Mas lalo nilang pinipilit, mas lalong umaayaw ako."
I had known about this... but hearing it first hand? It still hurt.
"Imo..." he said. And for some reasons, my heart broke at the sound of his voice.
"Don't you ever think about what could've happened if you were in love with me?"
I smiled. "I used to think about it. Everyday. I always daydreamed about you and I.
Naiinggit ako sa mga nagiging girlfriend mo. I wondered how it felt to be the one
who holds your hand, iyong kasabay mo tuwing recess, iyong hinihintay mo tuwing
uwian. I used to think about those things, Parker... But I stopped."
"When?" he asked.
"When I met Saint." I closed my eyes. I should ask this now. Or else, I didn't
think I could ever do. "Can you forget me?"
"No," he answered. "Can't you love me again?"
"I don't want to," I replied. "Why can't you forget me?" I asked him.
"Because I'm in love with you, Imo. Every fiber of my being is in love with you. I
love you even though I know you're not in love with me. I love you even though I
know that when you're with me, you think about someone else. I love you even though
every time I look in your eyes, I could see it's him you want to be with. I love
you even though it hurts. And I love you even though you're killing me by not even
pretending that you can love me."
Unti-unting tumulo iyong mga luha sa mata ko.
"So stop asking me to forget you. I would... if I fucking could," he said.
I looked at him, tears falling down.
"Forget me... even if you fucking couldn't. Because I'm not in love with you
anymore, Parker. I love Saint. I'm in love with him and I plan to continue to be in
love with him. Stop doing this. Stop asking me to love you. I already spent years
being in love with you. Tapos na 'yun, Parker. Even if you beg, I can't love you
again. When you pushed me away, you made a space in my heart... a space Saint
filled. And I don't have any plans of removing him from my heart."
He was looking outside, but I saw a tear fell from his eyes. My heart ached. I
hated doing this... but I should.
"I love him... I'm still so in love with Saint. I'm in love with him... not with
you."

Kabanata 62

#JTSExit Kabanata 62
Someone asked me what was the hardest thing I had done in my life. I didn't have an
answer for that before. Everything was handed to me. My parents had made sure that
I could get everything I needed in my life. I got everything easy... until I had to
break someone's heart. And I was sure that it's the hardest thing anyone could ever
do. Because how could you break someone who did nothing but love you? Isn't it the
most cruel thing in the world? If only heart could be dictated... pero hindi, e. I
didn't choose to love Saint. It happened. And once it did, I'd keep on choosing to
love him. Loving him became both voluntary and involuntary. It's a conscious and
unconscious decision. It's everything I wanted and didn't want.
Hurting Parker was the same. I didn't want to do it but at the same time, I wanted
to. I wanted to hurt him so that he'd stop hoping. I wanted him to start moving. I
didn't want him to be stuck in the same place. Because I was sure he'd move on...
the same way I managed to move on from him.
Pagkatapos kong sabihin kay Parker iyon, pinilit kong maging abala sa ibang bagay.
I channeled all my energy into my school works. I didn't want to think about it
anymore. Every time I would remember how tears escaped his face, I wanted to
apologize. But I shouldn't. I should stand on my ground. Para sa ikabubuti niya.
Days passed and my body started to feel tired from all the works I did. I wanted to
withdraw from my work in the café but I felt bad. I was barely starting and I was
already considering quitting. Doon kasi madalas nag-aaral si Parker. And he knew
that I was working there... ayoko naman na umiwas siya roon dahil sa akin. That's
too much already.
And so I told Jovi that I was resigning. Hindi ko na rin tinanggap iyong sweldo
para sa mga aral na nakapagtrabaho ako dahil nakonsensya ako na bigla na lang akong
nagquit. Sinabi ko na personal reason and I was glad that she didn't question me. I
didn't want to refresh my memory on what happened... Although everything was still
freshly etched in my mind. Every detail was painfully vivid. The pain was still
palpable.
It had been a week already but the pain was still there. I didn't open my phone,
fearing that Parker would contact me. I was thankful that I was staying in a hotel
kaya kung gusto man akong puntahan ni Parker, hindi niya alam kung nasaan ako. I
didn't want another talk. I didn't want a rerun of what had already painfully
happened.
I was thankful for all the welcomed distraction. Binuhos ko lahat ng lakas ko sa
pagpipinta. I painted all my emotions... and my professors noticed that my works
all showed pain. They said that I was a deep person. But I was just lonely. And
sad.
"Wanna hang out?" Kath asked me. "It had been a week already, Imo."
"I'm okay," I replied. She called me via Facetime. Sinabi ko sa kanila ni Liza
iyong mga nangyari. They comforted me. Their words meant to soothe this nagging
feeling inside me, but I couldn't be consoled. The fact that I consciously hurt
Parker would eat me inside.
"You're killing yourself with all the things you're doing."
"I'm distracting myself, Kath. I don't want an idle mind. I don't want to envision
what happened that day..." I explained.
Only then I was beginning to realize why best friends didn't want to take that leap
of faith... kasi hindi naman palagi na pareho ang nararamdaman. Paano kapag hindi
mahal nung isa? Paano? Kasi mahirap bumalik sa pagkakaibigan kapag iba na ang
nararamdaman. Mahirap magpanggap kapag ang sakit-sakit na.
"I don't want to risk it," I continued.
She sighed. "Alright... but don't do it for too long, okay? We're worried for you."
I smiled. "Thank you. But I'm okay."
"Pero... have you talked to Saint?"
Upon mentioning his name, agad kong naalala iyong nakita ko nung huli ko siyang
pinuntahan. I didn't want to doubt him. Because it there's one thing I was sure of,
it was his love for me. I knew Saint loves me. He told me that. Hindi niya
sasabihin sa akin iyon kung iba ang nararamdaman niya.
It was my own problem. It was my problem that I get hurt too easily. I was always
afraid that I'd lose him. Hindi ko alam kung paano tatanggalin ito sa sarili ko. I
only wanted to love freely but I had all these inhibitions inside me. It's killing
me knowing that someone might love Saint better than I do... and if Saint sees
that, would he leave me? For someone who wouldn't hurt him like what I was doing?
"Not yet," I replied.
"Why?"
"I don't know."
Kath sighed again. "You do know that you sacrificed Parker's feelings for Saint,
right?" she asked and I painfully nodded. I didn't want to be reminded of that.
Kasi kung kaya ko, gusto kong sumaya silang dalawa. They're both important to me.
But I could only love one... and I only chose to love one.
"Don't waste his sacrifice, Imo. Don't let him hurt for nothing."
I thanked her for the concern but I still needed some time to collect my thoughts
and feelings... and I didn't want to jump on Saint's boat when I had just let
Parker's ship sink. It didn't feel right.
Another weekend passed. Another two days spent in painting my feelings away. The
condo manager called and told me that I could go back to my unit in two days. By
then, alam ko na makakausap ko na ulit si Saint.
Bago ako bumalik sa school kinabukasan, tinawagan ko si Kuya. I needed to know...
kung okay ba siya. I asked Kuya to meet me in the coffee shop at the ground floor
of the hotel.
"Hi, Kuya Benj," I greeted nung makita ko na magkasama silang dalawa ni Kuya.
Napapag-usapan kaya nila si Kath? Kasi alam ko naman na nagkaroon ng feelings si
Kuya kay Kath... and Kuya Benj and Kath were growing closer.
They took the seats in front of me.
"What's up?" Kuya asked. May anak na siya pero hindi pa rin nagmamature si Kuya.
He's still playful. I didn't know if that's a good thing, though.
I fiddled with my fingers, chewed on my lower lips. "Kuya..." I trailed off.
"Nakausap niyo na si Parker?"
Napa-kunot ang noo ni Kuya habang si Kuya Benj naman, umiling.
"Busy nga 'yun, 'di ba? Hindi mahanap," Kuya said.
"I tried to contact him for legal matters sa business pero 'di sumasagot. I just
called their firm," Kuya Benj answered. "Why, princess? May nangyari ba?"
As much as I didn't want the world to know how I crushed Parker's heart, I needed
the help of his friends. I wasn't sure if Parker was strong enough to go through
this pain. I wanted his friends to support him during trying times like this.
I told them what happened-just the quick version of it. I didn't want to make a
spectacle of someone else's pain.
Upon finishing, Kuya Benj pursed his lips. Si Kuya naman ay hindi ko mabasa ang
reaksyon.
"So, please... Check on him," I pleaded. Just to know that he's alive and
breathing, I would be so thankful.
Kuya Benj nodded. "Of course, princess. I'll check on him pagkatapos natin dito."
I smiled. "Thank you, Kuya."
Nagpaalam si Kuya Benj na mauuna na siya. Sinabi niya na pupuntahan niya muna si
Parker bago niya puntahan iyong sa business niya. I thanked him profusely because
of that. Pagkaalis niya, napansin ko na naka-tingin si Kuya sa akin.
"Bakit, Kuya?" I asked. He was staring... like he was thinking about something.
"This decision... there's no turning back," he said. Napa-tingin din ako sa kanya.
"Don't go back kapag nakita mo siyang nasasaktan. Don't hesitate. Don't look back."
Slowly, I nodded. That's what I planned to do. I didn't want to go back anymore.
Doing it once was more than enough. It was more than what I bargained for.
"I'm sorry, Kuya."
"It's not your fault. Don't say sorry for feeling."
I chewed on my lower lip. "I shouldn't have prolonged this. Dapat dati pa lang,
sinabi ko na."
"Sometimes, I hate that you're so much like Papa. You're too kind. You keep on
apologizing for things you have no control over. It's not your fault that you're
afraid to hurt his feelings. It's your nature to be kind, Imo."
I heaved a deep breath. "But, Kuya... simula pa lang, alam ko naman na si Saint pa
rin. Na si Saint lang talaga."
"You never wavered?" he asked.
I shook my head. "It's him. It's always him. Kaya nga ang sakit-sakit, 'di ba? Kasi
mahal na mahal ko."
"And Parker? Hindi ba masakit din?"
I nodded. "But it's easier to forgive him. With Saint, it's harder. Because my
heart's with him. Because he has the power to hurt me. Because I'm in love with
him."
He sighed. "Parker's timing is off. Kung kailan mahal ka na talaga niya, tsaka
naman may mahal ka na talagang iba... Maybe Parkers will never get the girl. Maybe
that's their destiny."
I chose not to comment on that. Parker would get the girl... it's just that the
girl wasn't me.
Pagkatapos kong kausapin si Kuya, hinatid niya ako sa school. He asked me why I
wasn't driving my car. Kung ano raw ba ang sense ng paghingi ko ng sasakyan kung
hindi ko naman pala gagamitin.
"Long story, Kuya. Basta, I'll ask Manong to teach me on weekend," sabi ko na lang.
Ayokong ikwento pa si Parker. He had been the subject for too long.
I spent the whole day studying. Maybe Ria sensed that I wasn't in the mood kaya
hindi nila ako ginulo. I focused on writing papers and doing drafts for my art
works. At least, I was being productive.
Minsan, hindi ko pa rin mapigilan na may marinig tungkol kay Saint. I was tempted
to talk to him... but I planned to do it during the weekend. Iyong kaming dalawa
lang. Iyong walang istorbo.
Nagpaturo na rin ako kay Manong kung paano magdrive. I was stunned to know na may
handbrake pala! Why the heck did Parker dove in my legs kung may handbrake naman!
But it's all in the past.
Weekend came, lumipat na ako pabalik sa unit ko. I was hoping to run into Saint.
Pero lumipas ang buong Sabado, ni anino niya ay hindi ko nakita. I was already
tempted to knock on his door. Pero hindi ko nagawa... but I gave in eventually and
stalked his facebook. Wala namang siya posts doon. Napa-kunot lang ang noo ko dahil
sa mga tagged photos niya kasama iyong Marisse Du Pónt na iyon. It seemed like
they're together in a formal event dahil naka-tuxedo pa si Saint.
But maybe it's for work. Saint's working in the embassy. He's a diplomat. His
father's the Spanish ambassador to the Philippines. Hindi na dapat ako nagtataka na
maraming foreigner na kilala si Saint.
I painfully scanned all those tagged photos until they stopped. And then nothing
appeared for months... ang huli ay iyong litrato na magkasama kami. It seemed like
his life stopped when we broke up. He didn't post anything. Nothing. Kaya siguro
akala ng mga tao ay kami pa rin... because my pictures, our pictures were the only
ones in his account.
When night fell in, I felt hungry but wasn't in the mood for ordered food. I
grabbed my jacket and wallet. Diretso akong naglakad papunta sa elevator. I clicked
on the second floor dahil nandoon iyong mga kainan. Nasa ground floor kasi iyong
mga shops. Tapos from third and above, puro units na.
Tahimik akong naghihintay na magsara iyong pintuan ng elevator nung biglang pumasok
si Saint. Bigla kong nahigit ang hininga ko. Nung nakita niya ako, napahinto rin
siya.
"Hi," I said, smiling a little. I hoped my smile put him at ease.
"Hi," he replied, pushing the ground floor button.
The silence was eating us away. But I didn't want it to. I didn't want to be
awkward around Saint. Kaya naman habang pababa kami, nagsalita ako. "May work ka
kahit gabi na?"
He nodded. "Favor from the boss."
I wanted to ask if that Marisse was the daughter of his boss, but I didn't want to
appear snooping... but I was.
Nung nasa second floor na, bumukas iyong pinto. Saint was looking for me, probably
expecting na bumaba ako dahil doon naman talaga dapat ako bumaba.
"Ah... namali lang ng pindot," I lied shamelessly. Agad kong pinindot iyong button
para magsara iyong pinto. Nakakahiya! "Sa ground floor din ako," I said.
Tumango lang siya. Nung makarating kami sa ground floor, lumabas siya at naglakad.
Nasa likod niya ako. Huminto ako. Nakita ko na nasa labas siya at naghihintay ng
taxi. But really, walang masyadong dumadaan na taxi sa lugar namin dahil wala
namang nagtataxi halos sa tower na 'to. Most tenants have their own cars.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa elevator at pumunta sa basement. I went to my car
and excitedly revved the engine. Madali lang na i-drive itong sasakyan dahil
automatic. I just hated parking lalo na kapag parallel. Si Manong pa ang nagdrive
sa akin pabalik sa unit dahil ayokong magpark.
I drove in front of the tower and stopped in front of Saint. He was doing something
with his phone. My chest was hammering as I rolled the window down.
"Saint," I called. Napa-tingin siya sa akin. "Where are you going? Sabay ka na sa
'kin."
I was shameless, alam ko. But this was the only way to talk to him. Ang hirap
niyang hanapin. Sinabi ni Cohen na nagpapractice si Saint two hours daily tapos
diretso agad siya sa practicum niya. He's really busy. But I already really wanted
to talk to him...
"Where are you headed? It's probably out of your way."
"It's in the way!" I replied too soon. I sounded too eager. Naka-kunot ang noo
niya. I smiled. 'Don't be creepy,' I reminded myself. "I'll drive you there."
I believed he's weirded out by me pero sumakay pa rin siya.
"Where to?" I asked. "And wear your seatbelt, please," I reminded him. I just
wanted him to be safe, in case.
I began to drive after he said kung saan siya pupunta. Nakarating naman na ako
roon... I thought I could manage.
"Since when did you drive?" he asked.
"Last week," I replied. "Manong taught me."
"Do you even have a license?"
"Of course. Do you think I'll just recklessly drive around?" offended na sabi ko.
My father forced me to take license bago niya ako pinayagan na magdrive. I didn't
know what he did pero nung pumasa ako, nakuha ko agad iyong license. Mama said it
pays to have friends from high places.
Natahimik siya pagkatapos nun. We embraced a few seconds of silence, while I was
just waiting for the perfect moment to begin.
"Do you know where it is?" tanong niya. We'd been driving for a few minutes.
"Yes," I replied. I took a shortcut. Ang alam ko, dito dumadaan si Manong, e.
Sinundan ko lang iyong familiar sa akin.
Biglang tumunog iyong phone ni Saint. I took a side-glance at nakita ko na naman
iyong Marisse na iyon.
"Marisse, je vais être en retard," he explained. Hindi naman siya male-late! I know
the way! "Je serai là dès que je pourrai."
My eyes twitched as he talked to Marisse. My hands gripped tightly on the steering
wheel. Ako ang kasama niya pero iba ang kausap. Gusto ko sanang buksan iyong radyo
para hindi ko siya masyadong marinig habang nagfe-French siya kasama iyong si
Marisse, pero ang bastos ko naman.
"What the-why are we here?!" gulat na tanong ni Saint nung nasa entrance na kami ng
SLEX.
Hindi ko rin alam kung bakit kami napunta dito. Sa Alabang dapat kami!
"Kung hindi ka sana busy sa kausap mo, e 'di sana kanina mo pa napansin na
naliligaw tayo," sabi ko sa kanya.
Napaawang iyong labi niya sa narinig niya sa akin. Wala na kaming choice dahil wala
namang U-turn dito.
"Just... take the nearest exit and let's head back," he exasperatedly said.
I kept quiet and drove forward. I paid for the toll fee and my eyes twitched again
dahil iyong babae sa toll gate ay napa-tingin kay Saint. Sometimes, sana na-in love
na lang ako sa panget. Nakaka-sama sa pakiramdam kapag alam mo na maraming may
gusto sa mahal mo. Hindi siya masaya.
I kept on driving while Saint was on waze. "There's an exit in about 10 minutes,"
sabi niya. Tahimik lang akong nagda-drive. "Change lanes," he said.
I looked at the side mirrors at ang daming kasabay na sasakyan. I bit my lip as I
attempted to change lanes.
"Change lanes," Saint repeated. "You need to change lanes para maka-exit."
I remained quiet and focused on changing lanes. Gosh. Ang hirap pala nito! Tuwing
susubukan, kinakabahan ako dahil baka may mabangga ako.
"Change now!" he said.
"I'm trying!" I shouted back. I signaled and started.
"The exit's near!"
"Obviously! Kanina mo pa sinasabi!" sigaw ko pabalik sa kanya. Tensed na tensed na
nga ako, mas lalo niya pa akong pinapakaba!
Nung kailangang-kailangan ko na talaga, I forced myself to change lanes... but I
failed. It's scary!
I heard Saint sighing. "Just... take the next exit."
Bakit ba siya inis na inis sa akin? Dahil hindi niya makikita iyong si Marisse? At
kasalanan ko ba na natatakot akong magpalit ng lane?
"There's another one in five minutes," Saint said. "Slowly change lanes."
I bit my lip. "Okay."
I tried to change lanes, but nung sinubukan ko, muntik nang mabangga iyong likod ng
sasakyan ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Change lanes now!" he said in a loud manner.
"I'm really trying!" I said as I did another attempt to finally take the exit.
"Wait, baka mabangga tayo!" I worriedly said nung makita ko na sobrang bilis nung
nasa likod ko.
"Hindi 'yan," he said.
"Kapag nabangga tayo, makukulong ako!"
"Hindi ka makukulong," he replied.
"Easy for you to say, diplomat ka, e! Hindi ka naman makukulong dito!" I hissed.
Bigla kong naintindihan si Kuya kung bakit inis na inis siya kay Saint. Nakakainis
nga pala talaga iyong pareho kayong nasa iisang sitwasyon. Siya safe, tapos ikaw
makukulong.
Another exit passed... and another... and another... hindi ko na alam kung nasaan
na kami.
Tahimik na lang si Saint. He's probably tired... and mad at me. Bakit naman nga
kasi ako nagvolunteer na ihatid siya kung pati pagpapalit ng lane ay hindi ko
magawa? Baka mas lalo siyang mainis sa akin kapag nalaman niya na hindi ako
marunong magpark. Drive lang ang kaya ko kasi parang naglalaro lang.
Nung nakita ko na disappointed na talaga siya, I braved my fear and finally...
nakapag-exit na kami. Though we're in Laguna-far from Alabang, where he's supposed
to be.
"I'll just turn around..." I whispered. We were lost. "I'm sorry."
I heard him sighing. "It's not your fault."
"It is..." I got too jealous dahil ako ang kasama niya pero si Marisse ang kausap
niya... maybe deep inside, sinadya ko na maligaw kami para sa akin lang siya. Kahit
ngayong gabi lang.
"It's no one's fault," he said and then looked at me. "Remind me to teach you how
to change lanes."
Natawa ako. Napa-ngiti siya. I guess this night wasn't so bad, after all.
"And to park. I don't know how to park," I added. He smiled and nodded. Sinubukan
ko na mag U turn para makabalik kami sa Alabang. "Saan tayo dadaan?" I asked him
since siya iyong may Waze. I didn't want to rely on intuition once again. Baka kung
saan na naman kami makarating.
"My phone's dead," he said.
Kinuha ko iyong sa akin... and then I was reminded na wallet ko lang ang kinuha ko.
Gosh. Baka isipin niya na sinadya ko!
"Hindi ko dala..." I admitted. "I'm sorry!" May meeting siya pero naabala ko siya.
Baka sobrang halaga nun tapos...
But instead of berating me like what he should've done, he just rolled the windows
down and looked at me and said, "I guess we're stuck for the night."

Kabanata 63

#JTSNoMore Kabanata 63
We switched places. He quietly drove us to a better place habang ako naman, tahimik
na nakaupo sa shotgun. I played the radio earlier but had decided against it.
Sobrang awkward nung mga kanta. Sa isang station, Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-
ibig, sa isa naman, Don't Forget About Us. Sobrang awkward ng lyrics. Baka kung ano
ang isipin ni Saint. So instead, I turned the radio off and just contented myself
with the awkward silence.
"Saan na tayo?" I asked him after nearly an hour of him driving. This place was
already very unfamiliar to me. Ngayon lang ako nakarating dito. Hanggang Enchanted
Kingdom lang ang pinaka-malayo na narating ko sa Laguna.
"I'm not sure," he replied, his hands steady on the wheel.
"But are we safe?" I asked.
He looked at me briefly. "Of course. I won't let anyone harm you," he said. And
then my heart felt at peace. He's still Saint... and hopefully, he's still my
Saint.
I quietly looked at the surroundings. Masyado nang maraming puno sa paligid namin.
Pero ngayon, hindi na ako kinakabahan. Sabi kasi ni Saint, hindi niya raw ako
papabayaan. I'd take his word seriously. Mabuti na lang at hindi na kami nagtagal
pa sa daan. He parked in what seemed like a resort. Lumabas kami. I trailed behind
him hanggang makarating kami sa receptionist.
"Are there vacant rooms?" Saint asked. Mukhang naguluhan iyong receptionish. Saint
was in a tuxedo while I was in my pajamas and jacket... We looked so mismatched.
"Yes, sir. Dalawang room po para sa inyo?" Saint nodded and then gave the payment
to the lady. Ako naman, tinignan ko iyong paligid. Nasa probinsya na nga talaga
kami. I could hear crickets! Samantalang sa Manila, puro sasakyan ang naririnig ko.
"Here are the keys, Sir."
Naglakad kami ni Saint papasok sa mismong resort. Kung hindi lang ako nahihiya,
didikit ako kay Saint. The resort was okay... but it was a bit creepy. Pakiramdam
ko ay nasa isa kaming horror movie tapos isa-isa kaming mamamatay. Sobrang ganon
kasi iyong itsura ng hotel. It seemed haunted and felt haunted, too.
"Here's your room," Saint said nung makarating kami sa third floor. Inaabot niya sa
akin iyong susi pero hindi ko matanggap. "Why?" he asked.
I chewed on my lower lip. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko iyong kwarto na
tutulugan ko. May malaki pang bintana na kita iyong labas! Tapos puro puno pa at
mga damo! Kung hindi man ako makakakita ng multo, sigurado ako na mamamatay ako sa
nerbyos at kaba.
"Is there a problem?"
"Nothing..." sabi ko at saka inabot iyong susi. "Diyan ka lang sa katabing room,
'di ba?" I asked. He nodded. Good. Siguro naman kung sisigaw ako, pupuntahan niya
agad ako.
Pumasok na ako sa kwarto. Good thing kahit naman medyo scary iyong place, kumpleto
iyong toiletries. I got the soap, shampoo, towel, and the robe and headed to the
CR. I quickly removed my jacket and covered the mirror because it was scaring me
big time. Tiniis ko iyong takot dahil gusto ko talagang maligo. My body felt icky
from all the travel we did.
"Our Father, Who art in heaven, Hallowed be Thy Name; Thy kingdom come, Thy will be
done, on earth as it is in heaven," I recited as I washed my body. Pakiramdam ko
kasi ay kung anu-ano ang naririnig ko. Tapos bigla pang humangin nang malakas kaya
bigla akong nakaramdam ng malamig sa loob ng CR. Oh, dear God!
Hindi pa ako tapos maligo pero mabilis akong tumakbo palabas. Ang nadala ko lang ay
iyong robe at sinuot ko agad iyon. I composed myself but truth was, I was shivering
in fear. I never liked being alone in strange places. It scared me. But I didn't
want Saint to think that I was using this as an excuse. Naligaw na nga kami dahil
sa kagagawan ko, tapos magiging maarte pa ako?
So I got the rosary from my wallet and quietly recited the mysteries. Nakaupo ako
sa taas ng kama at saka naka-pikit. I just had to trust my faith. Hindi ako
papabayaan ni Lord. Hindi dapat ako maniwala sa mga kung anu-ano.
I was already reciting my last Hail Mary for the first Mystery when I heard a
voice. Mas lalo kong nilakasan ang dasal. "Hail Mary, full of grace. Our Lord is
with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb,
Jesus."
"Mary," the voice said. Dear Lord, are you testing my faith?! Bakit alam niya ang
pangalan ko?!
"Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death.
Amen."
And as I was about to recite Glory Be To The Father, biglang may kumalabit sa akin.
Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa rosary! "Lord, I'm already really scared!" I
shouted. "Tama na po, please!"
Biglang nawala iyong ingay. Unti-unti kong dinilat iyong mga mata ko at nakita ko
si Saint na nakatayo sa harapan ko. There was a hint of amusement on his face.
"Ikaw?!" I shouted. I was really scared! Siya lang pala ang tumatawag ng pangalan
ko!
He was biting his lower lip. I could see that he was very amused with me. "I
knocked. And I called your name," sabi niya.
"You should've made it known na ikaw 'yun," I hissed. I nearly had a heart attack
dahil sa kanya! My heart was still racing wildly inside my chest. Pakiramdam ko ay
tatalon na ito palabas sa dibdib ko anumang segundo.
"Well, that's why I called your name... until you assumed that I was a ghost," he
said, the smile was already very visible.
"It's not funny, Saint."
He bit his lip harder. "I'm sorry," he said tapos naupo sa tabi ko. "Were you
scared?" I nodded. "You should've told me. I'd stay with you if you're scared."
I sighed. "Baka sabihin mo abuso ako."
"You're never a trouble, Mary... and if you are, you're worth all the trouble," he
said, staring intently into my eyes. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga tingin niya. Pakiramdam ko ay bigla kaming
bumalik sa dati... Nung masaya pa kaming pareho.
But even before I could say anything, I sneezed. A smile appeared on Saint's face.
Hinubad niya iyong coat niya at saka inabot sa akin. "Where are your clothes?"
Tinuro ko iyong CR. "Let me guess. You ran here because you're scared?"
"It's scary here!" I defended myself. Tatawa-tawa siya na pumunta sa CR at saka
kinuha iyong mga gamit ko. But upon realizing that he'd also see my underwear,
mabilis akong tumakbo papunta sa CR. He shouldn't see that! Nakakahiya! Gosh! And
those weren't even fresh undies! Gosh, Imo! Agad akong tumakbo papunta sa CR at
dahil madulas, nadulas ako sa sahig. "Ouch..." I said as I felt the stinging
sensation on my ankle. Bakit ba palagi na lang akong napipilayan kapag kasama ko si
Saint?
"Mary!" sabi ni Saint nung narinig niya iyong pagbagsak ko sa sahig. He crouched
down in front of me and examined my ankle. "Why are you running again?" I chose not
to answer. Nakakahiya kung malalaman niya na dahil 'yun ayokong makita niya iyong
underwear ko! "It's gonna swell."
And then he scooped me up. Binuhat niya ako papunta sa kama. "I'll just get some
ice," sabi niya at saka tumayo. I tugged on his shirt. "I'll be fast." Umiling ako.
I didn't want to be left alone in this place.
"It's scary..." I uttered.
"Ghosts are not real, Mary."
"But what if they are?"
He sighed. "All right, scaredy cat," sabi niya bago niya ako binuhat. I encircled
my arms around his neck and subtly inhaled his scent. He's so close... ramdam na
ramdam ko ang bawat tibok ng puso niya. Gusto kong higpitan ang hawak sa kanya pero
baka makahalata siya.
"Saint..." I called.
"Hmm?"
"I haven't finished praying the rosary," I said. Papa said that if I started
praying the rosary, I should finish it. Nasa second mystery pa lang ako. I still
had 3.
"We'll pray later. Let's fix you up first. I'm sure God will understand the delay,"
he said.
Nung pababa na kami ng hagdan, he said, "Hold on tighter." But I didn't. What if he
heard how fast my heart was beating because of the proximity? About how my heart
was going crazy with a simple touch from him?
At mas lalo ko lang nahigit ang hininga ko nung mas nilapit niya ako sa kanya. My
face was already buried on the crook of his neck nung nilapit niya ako. I was
almost kissing his neck, for heaven's sake! "There. Better."
Hindi ko na namalayan iyong pagbaba namin dahil masyadong nakatuon ang atensyon ko
sa katotohanan na masyado kaming magkalapit. He's so near... my heart couldn't stay
still because of this.
"Thank you," Saint said when the receptionist gave a bucket of ice. Kahit nung
naghihintay kami, hindi ako binaba ni Saint mula sa pagkakabuhat niya.
"I think I can walk," sabi ko nung pabalik na kami. Kanina niya pa ako buhat. Baka
pagod na siya. Sinubukan kong bumaba pero hinigpitan niya ang hawak sa akin lalo.
"Baka pagod ka na."
"I'm not. You weigh like a paper, Mary. Kumakain ka pa ba?"
I nodded against his neck. "Pumayat ka rin kaya."
"Really?"
"Lumiit 'yung biceps mo."
Tapos naramdaman ko na nagva-vibrate siya dahil sa pagtawa. Nakagat ko na lang
iyong labi ko. Saint was laughing. I made him laugh. I heard his laughter again.
This felt like success. Ang saya na napatawa ko siya. Pakiramdam ko, kahit kaunti
ay bumabalik na iyong Saint na nakilala ko dati... Iyong masayahin na Saint. Iyong
Saint na madaling mapatawa. Iyong Saint na natutuwa sa mga simpleng bagay. I wanted
to see that again.
"You notice the weirdest things, Mary," he and then we stopped in front of the
pool. Ibinaba niya ako sa isa sa mga lounge chairs.
"Hindi tayo babalik sa room?"
He yawned and then shook his head. "You said it's scary."
"But you're already sleepy," I replied. "It's okay. I'll just sleep super fast para
hindi na ako matakot."
But instead of considering my proposal, he took out his handkerchief and then put
the ice in there. Dahan-dahan niyang dinampi sa ankle ko. He looked serious while
doing so... and I was drowning in the sight of him caring for me.
"Thank you," I said as he was putting another batch of ice.
"For what?"
"For taking care of me."
He smiled. "I'll always take care of you."
"Mas thank you... kasi nandyan ka pa rin kahit hindi tayo. Akala ko kasi hindi na
tayo magiging maayos kahit kailan. Sabi kasi nila, bihira daw na maging friends
kapag ex."
He looked at me, his smile now gone. "I told you, we're not friends."
I wanted to tell him that I also didn't want to be friends with him. I didn't like
the idea of being just friends with him. I didn't like the idea of him being with
someone else. Gusto ko ako lang. Gusto ko kami lang. Ayoko ng may iba. Ayoko ng may
kahati. Gusto ko, akin lang siya.
With him, I wanted to be selfish... I didn't want to share him with someone else.
"Si Marisse... she's really just your friend?" I asked. I wanted to make sure.
Because tonight, I would tell him about my feelings. We already wasted too much
time... Those time we could've spent together. Those time we could've used to make
more memories. Ang dami na naming nasayang. Ayoko ng dagdagan pa.
"She is," he replied.
"Are you close?"
"Kind of. She's fun to be with."
I pursed my lips and bit my tongue to stop myself from saying anything
incriminating. Why was he taunting me? Hindi ba niya nararamdaman na nagseselos ako
sa mga sinasagot niya?
"Ah..."
"She's a sport-enthusiast," Saint mentioned. Baka naman volleyball player din siya?
"Mukha nga... She's really fit," I commented.
"She speaks seven languages." I speak five. I could learn another two.
"She's the daughter of the French Ambassador," he said again.
"And you're the son of the Spanish Ambassador," I replied. "Meant to be."
Bigla namang napa-ngiti si Saint. He's annoying me! I had the urge to push him down
the pool para mahimasmasan siya sa mga sinasabi niya. Why was he praising a girl in
front of his ex? Hindi ba niya alam na basic courtesy na 'wag gawin iyon?!
"And she's also not you," he said. "She doesn't make me smile like you do. She
doesn't frustrate me like you do. She doesn't make me want to be a better person
like you do." And then he cupped my face. "And I don't love her like I love you."
He was looking at me and I was drowning... but I didn't want to be saved. If him
telling me he loves me means to drown, then by all means let me drown. Because life
without him paled in comparison. He made my life brighter. He made me love myself.
He made me want to do better things. He inspired me to be the best version of
myself...
And even though he hurt me... even though he caused me pain that was almost
unbearable, I still couldn't deny that the best days of my life were those days
spent with him. Because he's not only the sun who shines... he's every color in my
life. He makes everything vibrant. And without him, I could only see black and
white.
"Saint," I said. "Nothing happened between Parker and I."
I just wanted him to know. I didn't want this issue to follow me anymore. I wanted
a clean slate. I wanted a new start with Saint.
"I know," he replied. "I trust you, Mary. I was just blinded with jealousy... and I
listened to Dani's words when I should've trusted you more."
"But only if I called you that night to tell you that-"
"It's Parker, Mary. No matter what you do, you'll always care for him. He's someone
who'll always be there. I understand. I won't force you to erase him from your
life. I won't force you to do things you don't like."
How did we come this far? How did we come from fighting about Parker to him
conceding? We grew so much.
"I'm sorry we broke up," I said.
"Yeah... me, too."
Naka-one year na sana kami. Marami sana kaming nagawa pa. Mas marami pa sana kaming
nalaman sa isa't-isa. Sobrang daming sayang. If only we trusted better... if only
we didn't let emotions get the best of us.
"But if there's one thing I appreciate from the break-up, it's that you learn to
express yourself better," he said. "I had always wondered about what you're
thinking. You're a big mystery to me, Mary Imogen. I always second-guessed
everything because I was afraid to mess anything up. I never knew what you're
thinking... what you're feeling... you never told me anything. I always had to
guess. I always had to wait. I always had to content myself with the little details
you chose to spare for me."
Was I this unfair to him? Ganito ba ako kahirap kausap? Why did I make him feel
like this before? Why did I do this when all he did was love me? When all he ever
made me feel was happiness?
"And with Parker, he just knows you. He gets you. You can talk to him about things
you can never talk to me. And that seriously sucks. I want to share everything with
you. I want to know your every thoughts. But you never let me... I felt so
inadequate. I felt like you're building a wall between us, and no matter what I do,
you'd never let me pass. Kasi nandyan na si Parker. Kasi okay ka na na may Parker
na makikinig sa 'yo."
I reached for his hand and held it tight.
"But seeing you now? Listening to you say your thoughts? You've come a long way,
Mary. I'm proud of you."
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Hindi ko alam kung bakit palagi ko lang
iniisip na nasaktan ako. Hindi ko naisip kung ano iyong mga nagawa ko para masaktan
si Saint. I unknowingly caused him pain because I was too scared to confront my own
feelings...
"Saint, I-"
"I know you don't want to be with me again, Mary. But I'm willing to wait. I'll
wait until you're ready. I'll wait until-"
I stopped him from talking and then sealed his lips with mine.
"No more waiting," I said and then leaned in. We already wasted so much time.

Kabanata 64

#JTSLeaving Kabanata 64
My eyes were closed. My heart was beating so fast. I didn't think this through. I
just kissed him-because that felt so right... and because I didn't want to talk
anymore. I just wanted to grab him and have him as close as I could. And so I did.
At kinakabahan ako ngayon. What if he didn't want me like this? What if I came on
too strong?

"I'm so-" But my words were interrupted.


"What was that?" he asked. Ilang kurap ang nagawa ko. I just blinked because no
words would come out of my mouth. And for a moment, I kinda wished that blinks
would suffice as an answer. I felt my cheeks heating up as he continued to stare at
me. "Mary," he called my name. "Why did you kiss me?"
Words abandoned me. Hindi pa rin ako makasagot. I couldn't find the right words to
explain myself... to explain what I felt. At nung hindi pa rin ako makapagsalita,
Saint cupped my face. He made me look at him and when I looked in his eyes, I found
comfort. He had always been my solace. His smiles pacify me. His presence calms me.
And his whole being just completes me.
"Mary..." he softly said, his eyes waiting for the words that feared to come out
from my mouth.
"I..." I trailed off. I let myself get drowned in his stares. I let myself draw
strength from his presence. I didn't want to prolong our agony anymore. I didn't
want to be apart when we could be together. I didn't want to waste time. Tama na
iyong ilang buwan. We both made a mistake. We both paid for it. We both owned it.
Too many tears have been shed, too much pain have been felt. Now, we deserve to be
happy.
"I love you," I said. I felt his hands gone cold. Inabot ko iyong kamay niya na
nakahawak sa pisngi ko at hinawakan iyon. I wanted to assure him of my feelings.
That even though time passed, even though feelings got hurt, even though words were
said, still, my heart belongs to him. Only him. And I feared that my heart would
only belong to him. Because the more I struggled, the more I realized that at the
end of the day, it's still him I long for. Siya lang iyong gusto kong makasama.
Siya lang iyong gusto kong makausap.
Days spent without him pale in comparison to days spent with him.
"I'm sorry for denying it for so long. I was just scared to get hurt again, Saint.
The last time was so painful... I felt my heart get crushed and I didn't know what
to do with the pain." My lips began to tremble as I continued. I had always denied
what I felt when we broke up. I wanted to feel strong. I wanted to convince myself
that I would do just fine without him... that maybe, he's just a beautiful phase in
my life. And painfully so, that phase was done. Because if he's meant to remain in
my life, he wouldn't give me up that easily. Because if what he felt for me was
real, he would believe me before anyone else.
I had all these reasons... I had all the reasons to forget him. And yet, I only
needed one good reason to stay.
"I ran away. I disappeared without telling you... and I'm sorry for being so weak."
Tears fell. My heart felt so heavy. I felt the need to unload everything. I wanted
to say everything. I wanted to pour everything out so that after this night, we
could start anew. I didn't want to carry this burden anymore.
"I'm sorry for being so selfish, Saint. I only thought about myself. I only thought
about what I felt. I didn't see where you were coming from. I didn't see your
pain..."
I knew I was at fault. I knew how Saint felt. He told me over and over. Ilang beses
niyang sinabi sa akin na nagseselos siya kay Parker pero wala akong ginawa.
Parker's my friend and he would forever be a part of my life... but I knew better.
I knew where to draw the line. I knew where to put myself. Kasi hindi pwede na
palagi na lang akong nasa gitna. Papa was right. I could never protect everyone. I
could never shield them all from pain. I would always end up hurting somebody...
and I chose to protect Saint.
He didn't deserve my half-assed love... He didn't deserve to feel like he was
competing for my attention. He deserved all of me. He deserved all my love.
"I'm sorry, Saint..." I said.
My heart was racing erratically inside my chest. He didn't say a word. And every
second passing was making it harder to breathe.
"I promise to love you better, Saint..." I whispered. "If you'd let me."
I would understand if he wouldn't to be with me yet. I was a mess. I was weak. I
was indecisive. Kahit ilang beses niya sinabi na hindi niya ako deserve, I knew it
was all lies. It was me who wasn't deserving of him. I didn't deserve his love. I
didn't deserve his affection. I didn't deserve anything from him. But I still would
want to be with him. I wanted to be someone who's deserving of his love. Because I
only wanted me for him. I didn't want anyone else with him. Ako lang.
Tears stopped from falling. Still, I didn't hear a single word from him.
I didn't want to feel the silence. If he wanted to think, I'd give him time, but I
didn't want to be around while he thought about my feelings for him. Baka hindi ko
kayanin at umiyak lang ako kapag sinabi niya na hindi niya pa ako gustong balikan.
I would end up crying, I know. And I didn't want him to pity me kaya babalikan niya
ako. I wanted the assurance of his love. That's what I wanted.
"And if it's about Parker, I already talked to him, Saint."
I felt my chest tightening with the mere mention of Parker's name. I could still
remember his face... the way tears fell from his eyes. I didn't want to hurt him, I
never wanted. But how could he ever move on from me if he wouldn't accept reality?
That I'm in love with someone else. That I decided to love Saint and there's no
turning back anymore.
"I already told him to stop hoping because there's nothing to hope for... That it's
you I'm in love with."
Talking about Parker with Saint felt like betrayal. But I needed to do this. I
needed to clear everything between us and that included Parker.
Nung hindi siya nagsalita, tumayo ako. But even before I could take a single step
away from him, he pulled me back. And suddenly, I found myself sitting on his lap.
"Enough walking away, Mary. This time, stay."
Biglang lumakas na naman ang tibok ng puso ko. I wanted to cry. I wanted to hug
him. He has yet to say a word, but my heart felt like exploding with happiness.
It's only him who could do this to me. Siya lang talaga.
"Akala ko gusto mong mag-isip..." I said.
"About what?"
"About us," I replied.
"There's nothing to think about, Mary."
My heart constricted but I didn't show it. I would respect his decision if he
wanted to wait until he's ready. I wasn't afraid anymore because this time, I am
sure that my heart will never waver. He's it for me. He's my person.
"I understand," I said.
"You understand what?"
"That you want time to consider things..." I replied, though painfully at that. "I
understand, Saint. It's my fault that we broke up and I will own my mistake. Just
know that my feelings for you remain the same... if not, they only grew stronger
because of the time we spent apart."
I never fully enjoyed Europe with the thought of Saint breaking my heart. Every
place I went, I thought of him. Every people I met, I wished it was him. He invaded
my mind. He conquered my thoughts. He made me his without me knowing. Every part of
me screamed for him. And sometimes, it's scary how much I longed for him...
"It's both our fault, Mary, and I'd like it very much if we'd stop blaming each
other for the things that we did in the past." He raised his hand and caressed my
cheek. "Can you do that?"
Slowly, I nodded. He smiled. My heart leaped. I missed his smiles... that's what I
really missed.
"Good," he said. "And before we become officially together again, I want to talk to
your parents."
Agad na kumunot ang noo ko. "Why?"
"Because I want to say sorry for hurting you. I promised them that I'd never hurt
you but I did. I broke my word."
"It's both our fault, Saint. And I'm sure they understand."
If Saint knew the story of my parents, he wouldn't think that my parents would hold
that against him. If anything, what my parents understood the most was the concept
of pain. They both suffered so much before they got their happy ending. What I felt
was incomparable to the pain my parents had to go through... Kaya alam ko na alam
nila na kasama sa pagmamahal iyong masasaktan. It's inevitable.
"Still," he insisted. "Hindi ka ba makapaghintay? Gusto mo na ba ako ngayon na?"
Bigla akong namula. "Grabe ka!"
A playful grin appeared on his face. "You kissed me first." My lips parted. He was
right but... nakakahiya! "And you're sitting on my lap right now, Mary." And then
he suggestively raised his brows. Akma akong tatayo pero hinawakan niya ako.
"Bitiwan mo nga ako," sabi ko. Gosh! Naka-bathrobe lang kaya ako! Didn't he know
that I wasn't wearing anything underneath the bathrobe?!
"No. Stay," he said and then hugged my waist and rested his head against my
stomach. "I missed you so much, Mary... You don't know how much I missed you."
Biglang nanlambot ako dahil sa mga salita ni Saint. I missed him, too. I missed him
more when he's like this... I missed his honest words. I missed his sober thoughts.
He was never the one to hold back his feelings. He always told me how he felt. He
had always been honest... He was honest with his love for me... He was honest with
his jealousy... And I felt that I should try to be like him, too.
"Na-miss din kita..."
"Talaga?" he asked.
"Oo kaya..." I answered. "At saka nagseselos ako kapag magkasama kayo ni Marisse."
I wanted to be honest with my feelings. Siguro sisimulan ko na ngayon. Kahit na
hindi pa rin kami dahil gusto ni Saint, bukas na raw. Ang dami niyang alam pero
papagbigyan ko na siya kung doon siya masaya.
Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. I ran my hands through his hair. Humaba na
iyong buhok niya... I could play with his curls now.
"She's just a friend, Mary," he assured me.
"I know... sinabi mo naman."
"Why are you still jealous?"
"Because I love you. It's normal to get jealous."
He broke the hug and then suddenly, we're face to face. I could see the twinkle in
his eyes once again. I was proud of myself for bringing it back. "I like it when
you're jealous, Mary, but stop if you can. I know the feeling of being jealous.
It's not pretty. It eats you up inside. It makes you feel insecure... and I don't
want that for you.
"If there's anything I want, I want my love to make you happy. I want my love to
make you smile. I want my love to make you feel secure. I want all the good things
for you, Mary..."
I smiled. "I'll try. For you." Even though it would always scare me when you're
with someone who could potentially you away from me. It would always scare me.
"Good. Because honestly, everyone pales in comparison to you," he said tapos
binalik niya na naman iyong yakap sa bewang ko. Nagustuhan niya na yata doon.
"Kahit si Marisse?"
He nodded. "Everyone, Mary. I literally mean everyone." His hug tightened. "When
you were away, some girls hit on me."
"At talagang sinasabi mo sa akin?"
"Yes, para malaman mo na kahit malayo ka, loyal ako sa 'yo," he said.
"Talaga lang, ha?"
"Yeah... I'd just talk to them for a minute and then tell them that my girlfriend's
waiting for me."
"Tapos?"
"Sasabihin nila, break na tayo. Tapos mababadtrip ako sa kanila kasi mas marunong
pa sila sa feelings ko. Tapos, hahatakin ako ni Cohen palayo kapag napapansin niya
na naiinis na ako sa mga babae."
Natawa naman ako. "Patay na patay ka talaga sa akin," I said.
"When did I ever deny it?" he replied. I bit my lower lip to stop myself from
smiling. He's really too honest for my own heart! Palagi niya na lang pinapabilis
ang tibok ng puso ko.
We stayed there for a while. We stayed until the wind was too cold for me. He asked
me to go up when my teeth began to chatter because of the cold... and because of
the lack of clothing. Sasabihin ko ba sa kanya na wala akong suot? But I didn't
want to make it awkward! Medyo manyak pa naman si Saint... ngayon ko lang kasi
naiintindihan iyong mga sinasabi niya sa akin dati. I thought he was decent, but
ang dami niya palang sinabi sa akin dati na double meaning!
He carried me again and I pulled the end of the robe together para hindi ako
makitaan.
"What are you doing?" he asked as he was walking.
"Baka masilipan ako. And it's cold," I explained. "Sa CR mo na lang ako ibaba para
magdadamit na ako."
Napahinto si Saint. Napatingin siya sa akin. "Wala kang damit?" I shook my head.
"Kahit... underwear?"
"Tumakbo nga ako palabas ng CR, 'di ba? Kasi nakakatakot," I reminded him. Akala ko
talaga multo siya! He really scared me! And if the light was better, I'd bet that
he's red right now.
"You mean to say... that you prayed naked?"
Hinampas ko siya. He made it sound so dirty! "Naka-robe ako!"
"And you made me hug you while you're almost naked!" sabi niya at saka binaba ako.
I stood with my left foot dahil masakit iyong right.
"I didn't force you to hug me!" I retorted. Bakit ba parang diring-diri siya na
niyakap niya ako na wala akong underwear at naka-robe lang ako?!
I tried to go upstairs but I just limped. Binuhat ako ni Saint pero kung kanina
halos mahalikan ko na iyong leeg niya, ngayon naman ay parang may nakakahawang
sakit ako at ang layo ko sa kanya. Para niya akong iaalay sa langit dahil buhat
niya ako gamit iyong dalawang braso niya na naka-unat. Nakaka-offend na talaga.
Pagdating namin sa kwarto, dinala niya ako sa CR pero nakita namin na nahulog iyong
damit ko kaya nabasa sila. Saint carried me again and put me on the bed. Bumalik
siya sa CR. Hindi ko alam ang ginagawa niya roon.
"Dun ka na sa kwarto mo," I said when he returned. Tatapusin ko na lang iyong
rosary ko kaysa isipin ko na ayaw akong yakapin ni Saint.
"Baka matakot ka," he replied.
"Basa iyong mga damit ko. I'm still almost naked," I said, repeating the way he
said those words.
But even before I could say anything more, he lay me down and then rolled me like a
burrito! Medyo nahilo ako sa ginawa ni Saint pero pagkatapos nun, balot na balot
ako ng kumot. Iyong mukha ko lang ang nakalabas.
"There, all better," he said, grinning.
"I can't move!" He didn't answer me. Humiga rin siya sa kama at saka niyakap ako.
"Saint!"
"I want to sleep beside you but I can't sleep knowing that you're wearing nothing
beneath that robe," he said, his voice sounding almost pained. "So please bear with
it, okay?"
"Good night, Mary."
I pursed my lips. I closed my eyes to sleep but I felt his lips on mine.
"Twenty-first," he said.
--
The next morning, we drove back to the city. Saint held my hand whenever he could.
We ate breakfast together. We sang songs together. We enjoyed being together again.
I was looking forward to him talking to my parents. Kasi kahit naman masaya ako sa
kung ano kami ngayon, I still wanted the label. I wanted the girlfriend label back.
I wanted to be his future GDL once again.
"I'll tell my parents we'll be coming for dinner," I said. Naiwan ko kasi iyong
cellphone ko kaya mamaya ko na sasabihin. It would be weird if I'd call Papa from
Saint's phone.
We both decided to go to the condo first. Magbibihis na siya at ako naman, gusto ko
nang tignan iyong unit ko. Living in the hotel was nice because of the room
service, but it felt weird.
"I'll just take a bath," I told him. Nag-usap kasi kami na sabay kaming magla-
lunch.
"Alright," he said, kissing my forehead after. He really liked doing that. "Your
birthday."
"Ha?"
"That's the lock code of my unit. After taking a bath, go to me."
My heart beat faster. I missed this. So much.
"But wear underwear, okay?"
Hinampas ko siya. He just ruined the moment.
Mabilis akong pumasok sa loob at naligo. My ankle felt better because Saint lifted
me and never let me walk. Palagi na lang daw kasi akong napipilayan dahil sa kanya.
Pagkatapos kong maligo, I dried my hair at sabay ko na ring chinarge iyong phone
ko. There was a text from Kuya Benj.
From: Kuya Benj
Princess, Parker's in Cebu. I'm on my way to Cebu and I'll drag his ass back. Don't
worry anymore.
I sent a thank you to Kuya Benj. He's really nice. I wished him all the happiness
in the world. Sana bigyan siya ni Kath ng chance kasi pakiramdam ko bagay sila.
Kuya Benj's mature and Kath's... well, she's Kath. Pero nagmamature naman na si
Kath kahit papaano. Hindi na siya kagaya nung dati na puro selfie. Ngayon, focused
siya sa business niya. Or baka defense mechanism niya para hindi niya maisip si
Kuya... pero baka mas okay na iyon. May anak na kasi si Kuya. And may Mars na siya.
It's better if Kath would just move on.
Sinabi ko na rin kila Papa na uuwi ako mamayang gabi. Hindi ko muna sinabi na
kasama ko si Saint. Baka kasi mapangunahan, e.
Nung matapos ako, I made sure I was all covered dahil baka kung ano na naman ang
sabihin ni Saint. I also wore a cardigan as a precaution. I went in front of his
unit and input the code... And it's indeed my birthday. I smiled knowing that
despite everything, it's still me. His love prevailed.
Pumasok na ako sa loob. I let my eyes wander. Ngayon lang ako nakapasok sa loob.
His unit looked bare. I made a mental note to shop things for Saint. Siguro naman
hindi niya na iisipin na kinakaawaan ko siya kapag binilhan ko siya kapag
girlfriend niya na ulit ako. I couldn't wait for tonight! Para maging kami na ulit!
And since I could still hear the sound of the water from Saint's bathroom, I
decided to sit on his couch first. I made a list of the things I was going to buy
nung mahagit ng mga mata ko iyong envelope. There was a logo of NBA on it. Agad ko
iyong inabot at binuksan.
Mr. Saint Iverson Gomez de Liaño,
We have received your letter expressing your desire to enter the NBA Draft
scheduled to take place on June 26, 20xx. In order to evaluate your application,
please complete the enclosed 20xx NBA Draft Early Entry Application Form and the
enclosed Authorization For Release of Academic Information and Records Form and
return them to my attention as soon as possible (along with the proof of age, and
if you have not attended any US college, an official US high school of each high
school you attended.) For your case, it will be best to decide as soon as possible
in order to take all necessary transfer. We have also included a list of colleges
you could attend for at least a year before you can officially be a part of the
draft.
Please send all necessary documents at the address or fax number provided on the
application.
Sincerely,
Zachary Feinstein
Senior Coordinator, Salary Cap Admission
And there was a one-way ticket to California on his table. Was he... leaving?

Kabanata 65

#JTSDecision Kabanata 65
"Are you okay?" Saint asked. He was drying his hair with a towel nang maabutan niya
ako na nakaupo sa kama niya. I smiled a little-still bothered with what I just
read. Ang dami kasing pumapasok na scenario sa isip ko... and all of them involved
Saint leaving. The mere thought of him being gone painfully squeezed my heart.
Bakit ganoon? We just made up. We just got back. Hindi ba pwede na kahit isang araw
lang na masaya? Was that really too much to ask?
I nodded. He sat beside me and then played with my hand. I looked at him while he
was fiddling with my fingers. He looked so happy. What was he thinking? What did he
want to happen? I wanted to ask him but I also wanted to evaluate everything first.
I didn't want to be selfish anymore. I knew how much basketball meant to him. It's
his dreams... so I wanted to be careful with whatever I'd say.
"What do you want to eat?" I asked him.
He arched his brow. "Why do you ask like you're going to cook?"
"Maybe I'll cook," I replied. I didn't want to think about that first. I just
wanted another happy moment with Saint... kahit ngayong araw lang. Maybe tomorrow
I'd ask him about that. I would like to delay the inevitable... just for today.
"Do you plan on burning my unit down?" sabi niya. I scowled at him at saka hinampas
siya. "I mean, I won't stop you. That way, you'd let me stay at your place."
"Sobrang binubully mo ako simula kagabi. Akala mo 'di ko napapansin?" I said but
instead of answering, he just pulled me closer and hugged me. Sobrang hilig niya
maka-yakap ngayon. Kagabi, buong magdamag siyang nakayakap sa akin. Nung magising
ako, nagising ako dahil hinahalikan niya iyong mukha ko. When we ate breakfast, he
was holding my hand kaya hirap na hirap akong kumain. Kulang na lang ay idikit niya
ang sarili niya sa akin.
"I just missed you so much, that's why," he said and then nuzzled my neck. "Nine
months of not being with you is no joke."
Nine months... nine months of being apart. Kung hindi kami naghiwalay, we could've
spent those times together. Mas marami sana kaming nagawa magkasama. Mas marami
sana kaming alaala na magkasama... but what could regret do? Tapos na, e.
Naghiwalay na kami. But now that we're finally back, at saka naman siya posibleng
umalis...
"But we're together now," I said.
"Yeah... let's go see your parents para sa 'yo na ulit ako."
"Feeling mo naman atat na atat ako sa 'yo."
He laughed. "Bakit? Hindi ba?" he said and then nuzzled my neck even more kaya
nakiliti ako. He's being so touchy!
"Hindi, ah. Napaka-feeling mo talaga," sagot ko sa kanya. Sigurado naman ako na
umaga pa lang pero bakit sobrang landi na agad ni Saint? Nasira ba ang body clock
niya kaya pakiramdam niya ay madaling-araw? Usually kasi, madaling-araw lumalabas
lahat ng kalandian ni Saint... kagaya nung nangyari kagabi.
"Is it because my biceps got smaller kaya ayaw mo na sa akin?" he asked. "I promise
to go back to the gym!"
"Aba, ngayon naman feeling mo katawan mo ang habol ko sa 'yo!" sabi ko at saka
ginulo iyong buhok niya. Naka-yakap pa rin kasi siya sa akin kaya hindi ko makurot
iyong pisngi niya. Ayaw niya talagang humiwalay. It's like he's afraid to let go.
Biglang sumakit iyong puso ko. Was it because he's actually planning to go? Kaya ba
ganito siya maka-dikit sa akin? Sinusulit niya na ba iyong mga panahon na magkasama
kami dahil kapag umalis na siya, alam ko na hindi na ulit 'to mangyayari... I bit
my lower lip to stop myself from saying anything. I didn't want to be hasty with my
words. I wanted to consider all possibilities, to consider not only my feelings but
also Saint's feelings. Kasi kahit gusto ko na magkasama lang kami palagi, I didn't
want to stop him from pursuing his life-long dream.
I didn't want to be the person who held him back. I wanted to be the one who helped
him achieve his dreams.
"Well, I saw you staring at me while I was swimming."
Nanlaki ang mata ko. "You knew I was there?"
He nodded. "I played dirty, I'm sorry. I just wanted to walk around topless so that
you'd know what you're missing." He's really a hopeless case. Sinasabi ko na nga ba
na sinasadya niya iyong paglalakad ng basa sa harap ko, e! At siguro kaya rin puro
floating ang ginawa niyang paglangoy para sigurado siya na kita iyong abs niya.
He's a schemer! And I fell for his schemes!
After a while, nakaramdam na talaga ako ng gutom kaya pinilit ko si Saint na
humiwalay sa akin. Naglakad ako papunta sa kusina niya pero walang pagkain.
"Tapos galit ka pa sa akin dahil pinapadalhan kita ng food," I told him as I stared
at his empty cupboards. "Did you starve yourself nung wala tayo?"
I hated to think that he starved dahil lang wala kami. I didn't want to be that
kind of influence in Saint's life. I wanted to be the person who pushed him to be
better. Hindi iyong ganito na parang nawawalan siya ng gana sa buhay dahil wala
ako. That's not healthy. I wanted us to be the drive in each one's lives. To be a
positive reinforcement.
"I didn't starve myself. I just kept myself busy... I forgot to eat," he said.
"Don't do that again."
"I won't," he said. "I promise to stay healthy so that we'd be together for a
longer time."
I nodded and smiled. "Okay. Tara sa unit ko, I think I have food..." sabi ko sa
kanya. Hindi naman nabasa iyong mga nasa loob ng cupboard ko kaya pwede pa iyon.
Kahit na nasa kabilang unit lang iyong sa akin, natagalan kaming makarating dahil
nakayakap sa likod ko si Saint. Sobrang tagal tuloy naming maglakad. "Bitiwan mo
muna ako," I said.
"Ayaw."
"Ang clingy mo."
"Don't care," he replied and then hugged me even tighter. "Deal with it."
My unit was only ten seconds away from his but it took me a minute to get there.
Ang hirap maglakad kapag may higante na nakayakap sa 'yo! Pagdating sa unit, Saint
was still hugging me from behind. I figured that he had no plan of letting me go so
I just settled with ramen. I plugged in the electric kettle and then waited for the
water to boil. We stayed on the couch while waiting. Hindi pwede doon sa may dining
table dahil nakakapit na parang tarsier si Saint sa akin.
"After we talk to your parents, let's talk to my parents, too," Saint said.
"Okay," I replied easily. Sabi kasi ni Cohen, disappointed ang Mama nila nung
naghiwalay kami ni Saint. I didn't want them to be disappointed with Saint anymore.
Kasalanan naman namin pareho kung bakit kami naghiwalay. We lacked communication...
na hopefully ngayon ay meron na kami. Bukas ay kakausapin ko na siya tungkol doon
sa nabasa ko.
"Really?" he asked and I nodded. "Before, you were so scared to talk to them... I
guess time really changes everything."
"Auntie has been really been nice to me. Sabi ni Cohen, she really likes me for you
daw, e..."
He nodded. "Yeah... she really gave me hell when we broke up. That's part of the
reason why I decided to move out. It's so depressing that I was already depressed
about us, then my mom would also always remind me of what I lost."
I played with his hair. I loved talking with him. I loved our conversations. I
loved hearing his thoughts. Kagabi lang kami nagkaayos pero pakiramdam ko, ang dami
na naming napag-usapan. Tama nga si Saint. We both matured. That's probably the
only good thing we got from our break-up.
"Hindi niya gusto si Dani for you? Kahit best friend mo siya?"
He shook his head. "She's actually very disappointed with her. My mom hates girls
who meddle with someone else's relationship. Stay in your own lane, she always
says. It's probably because of my dad's history," he said. Oo nga pala. Mayroong
half-sibling si Saint. Kamusta na kaya si Cindy? Hindi kaya siya talaga ang para
kay Parker? Kasi alam ko na minahal talaga ni Parker si Cindy. Even Kuya Benj, Kuya
Jackson, and Kuya knew that... kaya nga pumayag sila na maging si Parker at Cindy,
e. Because he really did love her.
"And besides, you already set the standard really high, Mary... I'm pretty sure my
brothers will have a hard time because all the girls they'll introduce will be
compared to you," he said.
"Grabe ka naman."
"It's true," he said. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin. He reached for my hand
and played with my fingers. "You're really fit to be a Gomez de Liaño..."
Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya. He was staring at me-like he was
looking into my soul. My heart started to race inside my chest. My throat felt dry.
I wanted to say something but my voice betrayed me. I sat there in silence, in
suspense. I waited for his next words. I clung on to the anticipation.
"Mary..." he trailed. If it's possible, my heart beat was more erratic than ever.
His stares felt different... his words felt conflicted.
I waited for him to continue what he wanted to say. I gave him time. But truth was,
I wanted to hear what he was about to say... because it felt like what he would say
would change everything. And my heart couldn't take the anticipation anymore.
"There's something I want to say," he began. I stayed quiet. I only heard his voice
and the loud beating of my heart. "When you were away, I applied for NBA."
My heart paused. This was happening. I thought I could delay it... but I was wrong.
He looked at me like he was eyeing my reaction. I wanted to remain as passive as I
could be. I wanted to be objective with my decisions. I was done being subjective.
I wanted to consider not only my feelings, but also Saint's dreams. He deserved the
best.
"And I received a letter," he said.
"Okay..." I held his hand to tell him that it's okay. I was much stronger than I
was before. If this happened before, I feared my reaction. Maybe I'd cry in front
of him... maybe I'd ask him to stay... maybe I'd ask him to give up on his dream...
But that wasn't me anymore.
"I want to ask you what to do."
I looked him in the eye and held his hand tighter. "I will never be the one to hold
you back, Saint. It's your dream. Go for it."
"But you're also my dream, Mary..." he said, his voice sounding so pained. His eyes
mirrored his voice. "I don't want to give you up."
"You don't have to give me up, Saint. I'll stay," I promised him.
"I'll literally be half a world away from you."
I smiled. "When I was in Europe, you didn't give up on me. Don't you have the same
faith in me?" I asked him. It's just distance. We could conquer it.
"I have. I just don't want to be away from you. It's very hard to be away from you
when I want to see you every second of the day, Mary. I don't know if I can handle
the distance again."
Tinignan ko siya nang mabuti. What should I do for him? Ayoko na basta niya na lang
bitiwan ang pangarap niya dahil lang sa akin... Ayoko rin na hiwalayan siya dahil
sa pangarap niya. I wanted to be with him, too. I wanted what he wanted, too. I
wanted to be with him every second of the day. I wanted to cheer on him as he
reached for his dreams. I wanted to be behind him and tell him things will go fine
when it's going rough.
I also wanted all the good things for him. Ganito siguro kapag mahal mo talaga...
hindi lang sarili mo ang iisipin mo. You'd also think about the other person.
Because it's not only you anymore...
"What do you want, Saint?" I asked him. I wanted to know what he wanted. I wanted
to give him what he wanted.
"I want both."
I pursed my lips.
"I want you while I chase my dreams. Can't I have both?" he asked.
"You won't lose me, Saint. I promise."
"LDR doesn't work, Mary. I don't want to risk us again. I don't want to break up
with you ever again. It hurt the first time and it will be unbearable the next. I
don't want to go through that again anymore."
Minutes passed. We sat in silence.
"What do you want to happen?"
He looked at me. "You tell me," he said.
"It's your life. Don't depend your decision on me, Saint."
"But you're also my life, Mary. I told you, it's you I want to spend forever with.
I don't want anyone else. So if choosing basketball will mean losing you, I'd
rather give it up and stay with you," he said and I couldn't help but tear up. Why
was he being like this? He's making it harder when it's already hard to accept that
he might be leaving!
Tears began to flow. Hindi ko mapigilan. Hindi ko pinipigilan. I wanted him to see
that it's also so hard for me. Mahirap na hindi ko na siya makikita araw-araw...
Masakit... but for him, I'd do it. Because his happiness meant the world to me.
"Don't give up basketball, Saint," I told him as tears cascaded. It's a once in a
lifetime opportunity. I'd hate myself if he gives it up for me.
"I don't want distance between us," he said.
I stared at him. My heart beat so fast that it felt like bursting. He's also the
one I wanted to spend the rest of my life with... That I was sure of. We braved
storms together. We spent time apart yet at the end of the day, we still longed for
each other. I don't think I'd ever feel this way again with anyone. Siya lang
talaga. Siya na talaga.
And I didn't want distance, too. I didn't want another day spent without him. I
didn't want another dull day. I didn't want another lifeless week. I didn't want it
when I could have a colorful month with Saint around.
"I'll come with you," I said. His lips parted. "I won't let you give up on your
dream, Saint. I won't be the reason for that."
"You'll come with me?"
I nodded, tears continued flowing. "But you have to ask my parents, okay? We'll
live in different places. I don't want to live together when we're not married.
Tell them you'd take care of me and that you won't do anything stupid and that you
respect-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinatak niya ulit ako at niyakap. I
hugged him back and I could feel his shoulders shaking.
"Are you crying?" I asked as I continued to cry.
"No," he said but his voice was breaking. "I don't cry."
I smiled as I hugged him tighter. I'm so in love with this guy.
--
We spent the remaining time eating ramen and dreaming about the life we'd live when
we're in California. I was excited, too, pero kinakabahan din ako. Hindi ko alam
ang magiging reaksyon nila Mama... I knew they'd object but I just have to convince
them. Malaki na ako. I was already turning 20 in few months. I spent almost a year
overseas. I grew up so much. Hindi na nila ako baby. Si Cayden at John na ang
babies nila ni Papa.
I said goodbye a little after lunch dahil nagtext si Mama at may pinapabili siya sa
akin. Hindi ko na tinanong kung bakit sa akin pa e ang dami naman niyang pwedeng
utusan sa bahay. I needed to soften them up dahil hihingi kami ng permiso ni Saint
mamaya. I rode a cab to the mall at nagsimulang bilhin iyong mga pinapabili ni
Mama. It's quite a list! Naubusan ba ng stocks sa bahay at ang dami niyang
pinapabili sa akin?
After 1 pm, I arrived home. "Nasaan po sila?" I asked Manang. Wala kasi sila...
it's so unusual dahil maingay sa bahay simula nung dumating si Cayden. Wala rin
sila Finley at Riley. Miss na miss ko pa naman iyong kambal na 'yun! Ang tangkad na
nila. Magugulat na lang ako, isang araw, mas matangkad na 'yung dalawa na 'yun sa
akin.
"Ma, where are you?" I asked her. Wala kasi sila talaga sa bahay so I decided to
call.
"We're in Nasugbu," she said.
"What? Why are you there? And bakit pinabili niyo pa ako kung nandyan kayo?"
"Long story! Basta, pahatid ka na lang kay Manong, okay? Sunod ka dito!" she said
and then quickly ended the call. Buntis na naman ba si Mama kaya ang weird niya?
I just changed into a gray dress and then looked for Manong Roger. Alam naman niya
yata kung saan ako ihahatid.
"Saint, Mama said na nasa Nasugbu sila. I'm headed there. Where are you? Sabay na
tayo," I said.
"I'm just finishing something for work. I'll follow," he said. Hindi na ako
nagreklamo. Baka pinapagalitan siya dahil hindi siya nakapunta sa function kagabi
dahil ninakaw ko siya... I just sent him the address. Importante kasi talaga iyong
ngayong gabi. I was excited and nervous at the same time. I was slightly shaking.
The whole drive, I fell asleep. Nagising na lang ako nung sinabi ni Manong na nasa
lugar na raw kami. My forehead creased when I noticed that we're near the beach. At
mas lalong kumunot ang noo ko nung sinabi ni Manong na sumakay daw ako yacht.
"Ma'am, may party ata kaya ganoon."
I sighed. Paano si Saint? Delikado pa naman bumyahe kapag gabi na... e malapit na
kayang maggabi. I decided to text him para sabihin na bukas na lang namin sabihin
kila Mama dahil may party pala na gagawin ngayon. Ano na naman kaya ang okasyon?
Hindi ko kasi tanda lahat ng dates ng birthday dahil masyadong marami. Birthday
kaya nino?
"Where are we headed?" I asked Pablo, the one who usually pilots our yacht. Papa
doesn't really like traveling via water. Si Mama lang naman ang may gusto kaya may
yacht kami.
"Fortune island," he said.
Sayang. It sounded like a nice place. Dapat sana nandito si Saint. Sana kasi sinabi
nang mas maaga para naka-sama si Saint, e...
Pagdating namin sa island, surely there was a party. There were candles inside a
glass on the sand. Sinundan ko lang iyong mga iyon, hoping that at the end, I'd
find my parents... but I found someone else.
"Mary..."
My heart paused.
"I thought-"
"I lied," he said, smiling a little. "I asked your mom to distract you while we're
preparing."
My eyes began to water again. Ilang beses ba akong iiyak ngayong araw? Wala pa
namang sinasabi si Saint pero naiiyak na agad ako!
Humakbang siya palapit. I wanted to pull him closer. Gosh. I missed him already.
How would we survive the distance if even a day away was too much to handle?
"I already talked to them..."
He took another step closer.
"About us?"
He nodded.
"And?"
Another step. God. This was killing me.
"I told them what happened, about what we planned, about what we wanted..."
"And?"
"They didn't really like the idea of you coming with me."
Something broke inside me. "I'll talk to them and explain-" The side of his lips
rose. Why does everything he do so attractive to me?
"So I gave them a better option," he said and then stopped on his tracks. He was
already right in front of me but it still wasn't close enough. I held my breath
when he dropped on his knee.
"Saint, what are you-"
"Mary Imogen Harrison Suarez, the first time I saw you, I knew you were the one. I
was captivated even with just a glance of you... and you owned me completely when I
knew you better. I love everything about you-both the good things and the bad ones.
I love your smile. I love your laughs. I love your tears. I love your fears. I love
the way you love. I just love every single thing about you...
"When we broke up, I felt like the world crumbled upon me. I felt like the biggest
idiot. I already had the best girl but I lost her... I wanted to say sorry and to
beg for your forgiveness but you're already a thousand miles away from me. You have
no idea how miserable I was without you. I don't want another day without you by my
side, Mary. It's maddening."
Tears kept on flowing. My eyes were solely focused on him.
"And when you returned, I promised myself that I'll do everything just to get you
back. I was willing to do anything... I just want you back in my life, Mary. I
don't want a life without you. I want a life with you. I want to know more about
you. I want to laugh with you. I want to hug you. I want to kiss you. I want to
wake up with you. I want to learn things with you.
"I was willing to grovel... but you took me back when I was willing to wait. I love
you even more for that, Mary. I love you more than how I loved you before... and I
didn't know that it was even possible."
He reached for his pocket and then there was a box. I couldn't see clear anymore.
My eyes were flooded with tears.
"Mary Imogen, I don't want to go to the US and live in a different house. I want to
live with you. I want to wake up beside you. I want to be with you. And you're
right, I don't want to live with you when we're not married. You deserve better
than that..."
Nagsimula na siyang buksan iyong kahon.
"I know we're both young and we'll probably still meet other people... but I don't
want another, Mary. I want you now and forever..."
My lips quivered as I stared at him. Was he really doing this? Did he really want
me forever?
"I asked for your parents' permission and they were hesitant but I managed to
convince them. I'll take care of you, Mary. I'll make sure nothing will ever harm
you. God knows how much I love you... I talked to Riley and Finley, they both said
yes, bless those twins. I talked to Preston... he agreed because he said he just
wanted you to be happy. I can make you happy, right?"
I nodded, tears cascading. Natawa siya. He finally opened the box and there it
was...
"Mary Imogen, are you willing to be Mary Imogen Gomez de Liaño? Are you willing to
finally be my GDL?"

Epilogue

#JTSEpilogue
Parker Adrian Palma
"Don't you like Imo?"
I shook my head. How could I ever like her if she's being shoved down my throat?
For the longest time, my mom had been telling me that I was for Imo. That when I
grew older, it's her I should fall in love with. She made me feel like I didn't
have a choice anymore. At all. That sometimes, I wondered why did she ever give
birth to me. Was it for me to continue the life of her brother that was cut short?
My life really was bullshit.
"I don't know..."
"She's cute! 'Di ba, Tripp?" Mama said and Papa just blindly nodded. I knew he
hated this, as well, but couldn't really do anything. "She's growing up to be a
really beautiful lady, Parker..."
I opted to remain silent. The more they're pushing, the more I'd be pulling.
"Parker, let's play!" Imo told me. I looked at her and sighed. She's really nice
and I liked her... as my sister. And even though I hated the fact that we're being
paired up by our parents, I couldn't blame Imo. She's innocent as I was in this
matter.
Sometimes, I blame Tito Parker for dying. His death means the lost of my life. Wala
na akong sariling desisyon. Everything I do, it should follow what he did before he
was gone.
"Later," I told Imo. Iniwan ko siya at nagpunta kay Preston. I didn't really like
the fact that we're always at Imo's place... I'd rather that they come to our
house. At least there, I could hide inside my room. And maybe use the double lock
if mom attempts to make me play with Imo. It's annoying.
"Labas tayo," I said to Preston.
"Kakain na mamaya, e."
"I'll treat you. Alis tayo."
There's nearby café just outside this village. We just needed to walk a little and
it was not a problem since Preston and I were both athletes. And I'd rather go
outside than to spend another minute here. Alam ko kasi na kapag kumakain na kami,
ipipilit na naman nila Auntie Imo kaming dalawa ng anak niya. It's really getting
tiresome.
"Okay," Preston said. Habang naglalakad kami, tinanong niya ako. "Ayaw mo talaga
kay Imo, no?"
I shrugged. It's not like I didn't like her... I liked her as a person, just not as
someone who's being paired with me. Those were two completely different things. If
only she wasn't someone who's introduced to me as my future, we'd surely be close.
But the opposite happened so I reckoned if we'd ever get past the awkward stage.
"It's not that I don't like her-"
"I get it," Preston interjected. "Nakaka-inis na palagi kayong pinagsasama, no?
Kahit ako naiinis kay Mama, e."
Napa-tingin ako sa kanya. I knew Preston wasn't really a big fan of his mom... like
me. Siguro kaya kami magkasundo. Pareho kami ng mga problema sa buhay. Pareho
kaming pilit pinapabalik sa nakaraan. Why couldn't we just live in the present? Why
bother live if all we'd ever do is look at the past?
"But don't blame Imo for that. She's just a kid, Parker," Preston said.
"I know... that's why I'm not doing anything to lead her on," I defended myself. If
anything, I had been cold and unaccommodating towards her. I wanted her to know and
to feel that nothing would ever happen between us. That whatever fantasy our
mothers were having, I wasn't going to participate in that.
Hindi talaga.
The duration of my junior high was... fine. The first few years were really good
since Imo's in a different building since she's still in the elementary. But just
this year, she's already in the same vicinity with me. And again, it started to
feel suffocating.
"Parker..." she said. She was looking at me and all I could do was sigh. How could
I push her away so cruelly? She's like an angel. She's so nice. But I really hated
being paired up with her. I didn't know what to do with her anymore. Because no
matter how I tried to push her away, she kept on coming back. She always came back.
"Why?" I asked.
She smiled so sweetly. "Have you had lunch yet?"
I was torn. I already rejected her lunch invitation for days... And looking at her
hopeful face, it was just hard to let her down again. "Hindi pa," I replied and
smiled a little.
Maybe I was leading her on. Hindi ko alam. But my conscience didn't allow me to
just break her without braking. It wasn't her fault that she fell for me... maybe
she was pressured and she gave in. Maybe she unconsciously heeded our mothers'
wishes. I wished the same happened to me. I wished I just fell for her, too,
because hurting this little girl was really taking a toll on me.
"I read Imo's diary," Preston said. We just finished our soccer practice today and
we were hanging around.
"Pakielamero ka talaga," Benj said, throwing grasses on Preston's face.
"Hindi ko sinasadya! Nakakalat kasi!" Preston said in defense. "Anyway, puro Parker
ang nakalagay. Ang lala talaga ng tama ni Imo sa 'yo."
Natahimik ako. It was really awkward talking to Preston about Imo. What do I say,
anyway? She's his sister, after all. I knew that even if Preston didn't say a word,
he hated it whenever I was making Imo cry. Because I saw those tears... those
fucking tears that I caused. Why me? Why did she fall for me? There were hundreds
of guys out there. Hundreds of guys who were far more deserving than I was...
Fucking Tito Parker.
"Birthday wish niya raw na isayaw mo siya kagaya nung pagsayaw mo kay Charie nung
prom," Preston continued.
I remained silent. It's her birthday next week. I had always been present in all
her birthdays. Kahit na pinipilit lang ako nila Mama, gusto ko pa ring pumunta.
Imo's smiling face whenever I gave her my gift made it worth it. She's appreciative
of whatever it was that I gave her. She's always grateful. She's really a little
angel.
"Pupunta ka?" Jackson asked. Napa-tingin ako sa kanya. He really didn't talk much
but when he did, I figured I should listen.
I nodded. Of course, it's Imo's birthday. It's her special day. I wasn't that cruel
to destroy her day.
"Papaasahin mo na naman 'yung bata," he said, looking at me. "If you really don't
like her, stop leading her on, Parker. She'll just keep on hoping if you keep on
looking her way."
Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Jackson. We'd been friends for years, but this
was the first time that he meddled on my affairs with Imo. He had always been the
silent one, the observing one.
"And you want me to start by ditching her own birthday?" I couldn't believe what he
was suggesting. It was one day. One day when I could allow myself to be nice to
her. To stop making her feel like I didn't like her. One day.
He nodded. "It's her birthday. Maybe then, she'd realize that you and her? Not
happening."
I looked at Preston's reaction but his face didn't say anything. Did he want this,
too? Did they want me to ditch Imo's birthday when Imo's one wish was for her to
dance with me? Did they really expect me to break her heart on her own birthday?
For the entire week, this bothered me. I tried to focus my attention on other
things but it was hard. Tuwing makakasalubong ko si Imo, she'd smile at me. She
would just greet me good morning or good afternoon. She wouldn't say anything about
her birthday. It was an unspoken agreement between us that during her birthday, I'm
always with her. For the entire day, I'm hers... but this year, maybe it's going to
be different.
"Preston," I called. He looked at me. "Do you want me to ditch Imo's birthday?"
I wanted his opinion. I wanted to hear his thoughts. Because between the two of us,
he's the one who cares the most for Imo's feelings. I didn't want to heed to
Jackson's advice. I wanted to hear Preston saying that I should go to Imo's
birthday. Because if he says it, I would go. In a fucking heartbeat.
"Yeah."
"Are you serious?"
He tucked his hands inside his pockets. "We're graduating this year, Parker. Pa-
graduatin mo na rin si Imo sa 'yo."
My jaw clenched. Did he think it was fun for me? Did he think it was fun rejecting
his sister time after time? Did he think it was fun seeing her cry because of me?
Did he think I was having a great time with all of it?
"You're an asshole," I told him just as he was about to leave. Natigilan siya. He
turned and looked at me. His eyes were angry-mirroring mine. Were we really doing
this? Were we hurting Imo-a person who's been nothing but kind? Someone who has
shown nothing but good to me?
"I'm just protecting my sister from an even bigger heartbreak, Parker," he said and
then left.
Why the fuck was I feeling angry? Why did I want to punch Preston?
"Imo," I said when she answered the call. I was standing a few feet away from her.
I couldn't tell it to her face. I couldn't look at her while I say what I had to
say. Wasn't it ironic if I didn't have the heart to look at the very heart that I
was about to break?
"Parker!" she happily said. I could see her smiling from where I was standing.
Huminga ako nang malalim. "You called!"
"Ah... yeah..." I closed my eyes for a while. Paano ko ba gagawin 'to? Tangina
naman.
"Bakit ka tumawag?" Seconds passed, I didn't say a word. I didn't know where to
start. Hell, I didn't even want to start. Couldn't I just stand here and stare at
her smiling?
"Imo..." And when I said her name, her smile just got even bigger. Fuck you talaga,
Preston. "About your birthday..."
The smile on her face, I wasn't ready to wipe it away. I never wanted to take it
away. I loved her smiles. I loved her innocence. I loved her but not the way
everyone wanted for me to feel. Why couldn't they just respect my feelings? Why
couldn't they stop pushing me and for once, maybe let me walk my own pace?
"I have a date tomorrow. Hindi ako makakapunta."
The smile was gone. I didn't want to look. I didn't want to watch what I would be
doing to her. But maybe I needed this. I needed to see her break so that finally,
I'd have the heart to save her from a bigger heartbreak. Maybe Preston was right.
Maybe they're right. Maybe I should do this now. Maybe this was but a small
sacrifice compared to the possibility of her completely falling for me. Because by
then, I was afraid of how she might feel when she finally realizes that there's
never going to be an us.
That us was an illusion. That us was a thing in the past.
That Imogen and Parker is never going to happen.
"K-kahit sa gabi?" she said, trying her best not to show that she's already crying.
Tears slowly fell from her eyes... once and then it didn't stop. It just continued
to fall. Like a rain in a storm. It continually fell. Like the pain I was
continuously making her feel.
"No."
I watched her cry. I watched as those tears cascade down her face. I watched it
all. I watched how I broke her-the person who knew nothing but to love me.
"O-okay... mag-enjoy ka sa date mo," she said, biting down her lips. And as she
ended the call, she sat down and hugged her knees. And then cried some more.
She cried for minutes. I watched for an hour. I didn't leave until she was done
shedding all those undeserved tears. I wished she'd stop crying. I wished she'd
realize that there's more to life than me. I didn't deserve her. Someone better
deserves her. Someone who'll see what a wonderful person she is. Because even if
they say that magic doesn't exist, I believe that Imogen is the closest thing there
is to magic.
I didn't want to follow her because I might just break my word and tell her that I
was lying. I called Benj and asked him to look over Imo. My phone was turned off. I
knew my mom would call and demand that I go to Imo's birthday. She's the reason for
all of this. Why was she forcing me to do this? Did she really see me as her son or
as the replacement of her brother? I wish she makes up her mind. Baka sumunod na
lang din ako kay Tito Parker dahil sa mga ginagawa niya.
"You okay?"
"What do you think?"
Jackson shrugged. "Inom tayo?"
We didn't really drink. Coach didn't like his players getting drunk because it
affects performance, he says. But today called for maybe a drink or two. Today, I
officially broke a heart... or maybe mine, too. Just a little.
He bought beers in can while I waited in the car. We drove to nowhere.
"She'll move on," he said. "Eventually."
"What if she doesn't?" I asked. I feared that she'll forever hold on to me. I
didn't want her to. I wanted her to be happy. I wanted her to be loved.
"She will," he repeated. "Someday, someone's going to see her worth. She's
something special, you know?"
I nodded in agreement. Imo's special. She's nice unlike most girls I know. She
works hard in silence. She's smart though she doesn't brag about it. She
appreciates every little thing-what I like the most about her. She goes to church
every week and helps in charities whenever she can. She re-defines perfection in my
dictionary.
And she has the biggest heart and it fucking kills me to be the one to break it.
"And when someone finally looks at her, won't you regret it?" he asked.
"As long as he'll love her the way she deserves to be loved, I won't."
--
The night of her birthday-just a few minutes before it ended-I gave her a gift. I
knew she loved anything Harry Potter so I gave her a wand. I just put it on her
nightstand and placed a card. I just couldn't resist. She deserved a gift, at the
very least.
When we were finally in college, I started to notice that Preston's being an ass to
me. He volunteered me to all these weird projects and signed me up in all these out
of the city excursions. Kapag may groupings naman, magkasama silang apat-si
Preston, Benj, Jackson, at Jas, iyong girlfriend ni Jackson. And Preston's latest
idea of fun was volunteering me to clean Ilog Pasig.
"Asshole, asshole," I kept on repeating habang tinutusok ko iyong mga kalat at
nilalagay sa plastic. "Makaka-ganti rin ako sa 'yong gago ka."
Wala bang volunteer na magpupulot ng basura sa Payatas? Ilalagay ko ang pangalan ni
Preston ng sampung beses para maka-ganti ako sa kanya. Tangina niya. Sana nasa
bahay ako ngayon at nananahimik pero nandito ako sa Pasig at namumulot ng kalat.
"Hi!" Napatingin ako sa gilid ko. Kinunutan ko siya ng noo. Sino ba 'to? "I'm
Cindy. You are?"
"Parker," I replied but there was a noise.
"Panther? Cool name!" What the fuck? Panther? Bakit naman ako ipapangalan sa hayop
ng magulang ko? May sira yata sa ulo 'tong babaeng 'to.
I was about to correct her but she proceeded on talking about things. Her voice was
nonstop. Ang dami niyang sinasabi. Lahat yata ng bagay sa mundo, may opinion siya.
"Know what? You're a pretty cool guy," she said after we were done for the day.
Pagod na pagod na ako. At ang baho ko na.
"Why?" I asked as I looked for a bottled water inside my bag. I needed to wash my
hands. I should've brought alcohol. Ang baho talaga tangina ni Preston.
"Wala kasing masyadong guys na nagvovolunteer because for them, caring for Mother
Nature sucks. But you're different, Parker Palma," she said and then she smiled.
And before I knew it, I already voluntarily signed up for two months of cleaning
Ilog Pasig. Shit.
"Hindi ka na naman sasama?" Benj asked. "Tuwing Sunday ba, hindi ka free?"
I nodded. We just finished our Saturday practice. And for some weird reasons, I was
already looking forward for tomorrow.
"Dahil ba 'dun sa babae na lagi mong kasama?" Benj asked. "'Yung maputi at saka
maganda?"
Napa-tingin sa amin si Preston. Agad na kumunot ang noo niya.
"Wala 'yun," I said. I didn't want them knowing about Cindy. Mas lalo na si
Preston. Ano na naman ang gagawin niya sa akin kapag nalaman niya na may iba akong
gustong ligawan? Baka hindi niya lang ako i-volunteer sa Ilog Pasig. Magulat ako,
iyong summer ko ay ipapadala niya ako sa Africa para magpakain ng mga bata doon.
"Wag kame, Parker. Mukha mo."
Kinulit niya ako nang kinulit tungkol kay Cindy. For a week, iyon lang ang
tinatanong nila sa akin. I kept on diverting the topic because I really didn't want
to talk about her with them. I felt like Cindy's a part of my other world... iyong
mas tahimik. Iyong walang nakikielam na magulang. Iyong iyong gusto ko lang ang
nasusunod.
Sunday came, I was early for the volunteer work. It was the last. I was looking
forward to see Cindy and maybe ask her to go out with me. It was hard to ask her
because she's self-assured. She knows what she wants and knows how to get them.
It's intimidating to be with someone like her. She made me question myself. She
made me re-evaluate myself.
"Where's Cindy?" I asked the head volunteer when Cindy's still nowhere in sight.
"She called earlier. Hindi makakapunta. May sakit daw."
I ignored the head's voice as I walked away. I went to my car and sped away. I
should've noticed! She was really pale last night when I asked her to eat dinner
with me. Why was I so insensitive?! Hindi ko man lang napansin na may sakit siya!
Pagdating ko sa bahay nila, nagulat ako dahil walang tao. It was a two-storey
house.
"Cindy?" I said as I knock. I knew she's here. She's sick. She surely couldn't go
somewhere else. I waited for minutes until she finally opened the door. And when
she did, I almost hugged her.
"Parker?" I forced myself not to smile when she said my name. For a week, she kept
on calling me Panther. It's a delight to hear her finally saying my right name.
"What are you doing here?"
"Brought you food and medicine," I said with a small smile.
Her lips parted. And though her lips were pale, I was tempted to kiss her. What the
hell did she do to me? Why did she make me want to take care of her? Why did it
make me mad to know that she's sick and she didn't tell me?
"Why?" she asked, breathless.
"Because..."
"Because what?" she asked again, with those intense eyes of hers. I loved how
intense her eyes were.
So I braced myself and just told her what I feel. This year was closing fast. I
didn't know what will happen next year. I didn't know if I'd see her again. But I
wanted to. I definitely wanted to see her again. I wanted her everyday, if I could
have it my way.
"Because I like you, Cindy Ruiz. I like how you call me Panther. I like how
opinionated you are. I like how caring you are. I like how strong you are. I like
how smart you are. I like how picky you are. Hell, I even like it when you're being
nosy about my things. And I hate it when someone messes with my things."
I went on. I poured everything out. I just wanted to say it all out-not to hold
anything back. Because for so long, I kept it all in. I didn't want to have her
because a part of me was afraid that my parents would meddle. They didn't want
anyone for me... except for Imo. They only wanted her. And I was damn sure they'd
only accept her.
And I didn't want to make Cindy my secret girlfriend. She deserved more than that.
She deserved to be shown around not only because she's amazing... but also because
I could clearly see myself falling in love with her. Slowly, yes... but fucking
surely.
"So please..." I said, staring at those eyes. "Date me."
She smiled... and tears fell. "Gosh! I thought you'd never ask!" she said as she
hugged me.
--
Spending time with Cindy was probably the best thing there was. Everyday with her
was unpredictable. She loved doing all things unplanned. She loved surprising me.
"Happy six months, love!" she greeted as she removed her hands on my eyes. My eyes
widened as I saw how she prepared. There were petals everywhere and there were gold
balloons on the wall that spelled 6 months. "You love it or you love it?"
I pulled her by the waist and kissed her. "I love it." I kissed her again. "I love
you."
She squealed. "Gosh, you finally said it! I love you, too!" she said and then
encircled her arms on my neck. "I love you so freaking much, Parker Adrian Palma,"
she said, gently smiling.
We'd been together for six months but we never said it. I didn't want to say it
until I was sure... because before, I thought that maybe I had feelings for Imo.
That maybe that's the reason why it was so hard for me to break her heart. Because
maybe... just maybe... I had feelings for her, no matter how little. But spending
time with Cindy? I realized that I hadn't felt love.
That this was what love is. It's fun. It's addicting. It's spontaneous. And it's
everything that Cindy made me feel.
"I love you," she said in between kisses.
"I love you, too," I replied. It felt right saying it.
"I love you, three," she cheekily said. "Don't get tired of hearing it, okay? I
just want to remind you everyday that you're loved, love."
We kissed. And kissed. And kissed some more. Clothes were discarded.
"Are you sure?" I asked her.
"With you? I'm always sure."
--
"Love..." she said. We were on her couch and watching TV. Her mom's not always
around. Her dad, well, she really didn't see her dad often. She's an illegitimate
child. We already talked about it and we understood each other's situation. She
told me she couldn't introduce me to her parents because her family's messed up. I
told her about my situation. And she understood why after a year of being together,
I still hadn't brought her home. She's understanding and I love her more for that.
"Hmm?" I asked. I played with her fingers.
"I know I promised we'll go out of town this Friday but I kinda promised my dad
that I'll come with their trip."
"Is it okay?" I asked. I knew her father's wife wasn't exactly fond of her.
"Yeah, it's okay. My half-sibs are nice to me naman, especially si Cohen. And it's
not like Tita Anna will hurt me. She's nice naman though medyo masungit, but I
understand that I'm her husband's child outside marriage. It's really nice of her
to allow me to be a part of family trips."
I used to be friends with the GDL. After all, we belonged in the same circle. We're
all part of the varsity and we often see each other. But when I learned about
Cindy's situation, I started to get annoyed with them.
Since Cindy's out of town and Imo invited me to be her escort to the prom. I
accepted. It had been almost a year. Maybe she moved on like I did.
"Wag na," Preston said.
"It's been a year, Preston. Okay na siguro. Andi it's her prom," I said.
Tinignan niya ako. "Maybe you're already okay... pero paano si Imo? Sigurado ka
bang okay na siya?" he asked.
But Imo was very hopeful when she asked me. How could I say no? And besides, I was
sure she's already over me. I wished.
"May hinihintay ka ba na text?" Imo asked. We were in her prom. She looked pretty
in her dress. Mas tumangkad din siya. I kept on glancing at my phone. Cindy said
that she'd text me once she gets there but there's still no text. Kinakabahan ako
dahil parang racer magdrive si Cindy. Pakiramdam niya pwede siyang magdrifting
palagi.
I shook my head and said, "None." I didn't want to blatantly lie. I humored her
with dances until she got tired. While I, I was restless. Ano na ba ang nangyari
kay Cindy?
"And this year's Prom Queen is our very own, Mary Imogen Suarez!"
But as she ascended, I received a text saying that Cindy got into an accident. I
immediately rushed outside and went to my girlfriend.
"You motherfucking asshole!" sabi ni Preston at saka sinuntok ako. "Sinabi ko na sa
'yo na 'wag mong paasahin na naman 'yung kapatid ko, 'di ba?!" And then another
punched. "I told you to stay clear, to stay as fucking far as possible!" Another.
"May girlfriend ka ng gago ka tapos nilalandi mo na naman kapatid ko!"
I let him punch me. I deserved it. I heard Imo broke down during her prom. Everyone
watched as she cried. Everyone pitied her because I left her. I deserved this
beating.
"God, I want to kill you!"
And that was the last thing Preston said to me. Hindi niya na ako kinausap simula
'nun. Tuwing nagkikita kami, hindi na kami nag-uusap. O kung mag-uusap kami, puro
kapag kailangan lang. Benj told me we'd be okay again. Jackson told me it's my
fault. That I should've just stayed clear. That just because I moved on didn't mean
Imo has, too.
Cindy became my solace. She's the only one I had. My friends were all on Imo's side
and I didn't hold it against them. I didn't even want to have them on my side
because I want them to comfort Imo. I knew she's hurting and I want her to have all
the support she could get.
But as months passed, we started to become okay again. Imo talked to her brother
and made him promise to be okay with me again. Napilit nila na magsama kaming lahat
sa Batanes. Maybe they're hoping that we could be back again to normal after that.
And it happened. Kind of. We weren't back to normal, but it's a start, at least.
"Cindy texted. Her driver's sick. Pwede bang sunduin natin siya?" I asked. Imo
silently nodded. Mukhang okay naman na talaga siya. "Imo," I called. She looked at
me, her eyes has always been sad... or maybe it's only the case when she's with me.
"Can you move to the backseat?"
She nodded... and that's the last I saw of her-bago siya naging malapit doon kay
Saint.
"Why weren't you answering my calls?" tanong ko. I felt like she's ignoring me.
Kasi kahit naman may girlfriend na ako, nag-uusap naman kami. Pero nitong nakaraang
araw, pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Kahit si Preston, kapag kinakausap ko
nang matino ay wala akong makuhang matinong sagot. Walang kwentang kausap.
"Nasa class ako kanina," mahinang sagot niya. Didn't she know that she sucked at
lying? "Ah-ano, pupunta kasi ako sa-"
"You know Saint?" I asked. That's what I wanted to know. Bakit niya kilala si
Saint? Why was she associating herself with that guy? Cindy said he's a playboy. I
didn't want his kind with Imo. Ayoko ng lalaki na pagsasamantalahan siya. She
deserves so much more. I didn't want another undeserving guy for her.
"How?" I asked.
"C-church mate," she said.
"Church mate?" Was she serious? Of all places, sa simbahan niya pa makikilala iyong
Santo na 'yun? Kaya nga hindi siya pinapapunta masyado ni Preston sa gym ay para
hindi siya makita nung mga varsity player. Because as Imo grew older, she became
more beautiful. She's stunning in a way she didn't understand how. She just turns
head whenever she goes. She doesn't even know it and that makes her even more
attractive.
I tried to warn her. I tried to pry her away from Saint but it seemed like the more
I tried, the more she grew closer with him.
"Parker," Mama said. I looked at her. She was growing thin maybe because of stress.
She almost lived at the office. I barely saw her home. "Who's this Saint?"
"What?"
"Imo said na may binabanggit daw iyong magkapatid na Saint ang pangalan. Do you
know him?"
My jaw clenched. At nakarating na rin pala kila Auntie si Saint. It had barely been
months since they met, nakaabot na agad siya sa magulang ni Imo? He moved so
freaking fast.
And when Imo started posting pictures of her and Saint, I knew it was staring to
become serious.
"Are you okay with Saint?" I asked Preston. Because between the two of us, he's the
one who should be more worried.
He shrugged. "It's fine." My lips parted. This was his reaction?! Tapos nung ako,
sinuntok niya ako?!
"What?"
He looked at me, his eyes serious again. "We may not like GDL as a human being, but
let's respect the fact that he makes my sister smiles. I appreciate that."
"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwala kong tanong. I expected a more hostile reaction
from him. Tapos, ito lang ang makukuha ko?
"Have you seen her lately, Parker? She's smiling. After making her cry for a long
time, she's finally smiling," Preston said with a little smile. And I didn't know
what to make of what I was feeling.
I diverted my attention elsewhere. I tried to focus on soccer, on Cindy. But it
felt like the universe was conspiring. Everywhere I go, I could see Saint and Imo.
They're everywhere in this campus. So fucking everywhere that one time, I couldn't
help but to kick the ball to his head. It was a petty thing to do, but I couldn't
resist. He was standing too close to Imo.
When I got home, wala na naman sila Mama. Didiretso na sana ako sa kwarto dahil
sanay naman na ako. I was pretty sure they're doing another all nighter. They're so
immersed with their jobs that sometimes, I believe they already forgot that they
have a son waiting at home. I felt bad before, when I was younger, but now, it was
my new kind of normal.
"Parker..." tawag ni Manang. I faced her and when expression was rather scared, my
forehead creased. "E... si Ma'am Kach e sinugod sa ospital."
My heart stopped inside my chest. My hands turned cold. I ran outside and drove my
car to the hospital. When I arrived, my dad was outside. His eyes were bloodshot
red. Mas lalong bumilis iyong tibok ng puso ko. What the fuck was happening?
"Pa..." Every step I was taking, my heart was beating faster. What was happening?
Why was this happening? "Where's Ma? She's alright, right? She's just probably
overworked..."
But Pa's eyes told me otherwise. They said she had cancer. And it's already in
fucking stage 3. And it could've been prevented if my mother did checkups. But
she's so in love with her job that she didn't notice that she was killing herself
slowly. And I couldn't even go inside her room. I didn't think I could take it. It
still felt surreal. It felt like a bad dream and I wanted to wake up.
I stayed outside. I sat on the chair. My vision was staring to be cloudy. I wanted
to wake up from this nightmare.
"She'll get better," my dad lied.
"Don't lie to me. I'm not a kid."
He smiled. This sickness was already taking a toll on my dad. He barely ate. He
barely slept. It felt like instead of losing a mother to cancer, I was already
losing both parents... and there's nothing I could do but watch them be taken away
from me.
I started to skip practices. I started to skip classes. I spent all my time in the
hospital with my mom. I didn't tell anyone about it to respect my mom's wish. Ayaw
niya na may makaalam na may sakit siya... she didn't even want Auntie Imo to know
and she's her best friend. Sino ako para sabihin sa iba?
"Parker," she called. She was pale. She already lost her hair to chemo. I tried not
to cry as I look at her. I wanted to be strong for her when in truth, I wanted to
cry. I wanted to be in pain. I wanted to be scared... but I wasn't allowed. Because
if I get scared, who would fight for us?
"Yes, Ma?" I asked. I was slicing an apple. I wanted to eat healthy. Ma told me
stay healthy.
"It's Imo's debut... Hindi ka pa rin ba pupunta?"
How do you tell your dying mother that the girl she wants for you is already with
someone else? Is there an easy way?
I told her I'd try, but I wouldn't. Imo's already happy with Saint. I had Cindy.
Why would I make it harder for everyone?
"I'm sorry, Cindy. I can't," I said. She wanted me to come with her to the mall. My
mom had another chemo session this afternoon and I wanted to be there for her.
"Parker... is there something wrong?" she asked.
"Nothing," I replied. "Next time na lang."
My coach already told me that my game time would be taken from me if I continued
missing practices. I didn't care. It wasn't even a priority anymore. Pumunta ako
pabalik sa ospital. And when I got there, my mom was in a chemically induced coma.
My father stood there and listened to the doctor's explanation. While I? I cried
for the two of us. He couldn't cry? I'd cry for us both. Diretso lang ang tulo ng
luha ko. Hindi ko alam na kaya ko pa lang umiyak nang ganito.
As I stared at my mom's face, I remembered her wish before she fell asleep. I
kissed her forehead and went outside. Agad kong pinuntahan si Auntie at sinabi
iyong plano ko. How did I even do it with my eyes full of tears? I was staring to
feel like I was a girl. I kept on crying. I only cried when I was alone because
when I was in front of my parents, I wanted to pretend that I was strong. I could
see that they're already giving up. I wanted to give them a reason to hold on.
Nandito pa kasi ako. May anak pa kasi sila na buhay. I still needed them.
I spent the entire day painting Imo's wall. It's her 18th birthday. She deserved
something like this... or maybe something more. But she already got enough love to
last her a lifetime. She got her family. And now, she has Saint, too.
"Cindy, I'm tired," I said. I was tired. And I just wanted to drink and get drunk.
And maybe forget my problems, too.
"You're always tired! You're always busy! You always have a reason why you're not
talking to me!" she shouted.
"I can't," I croaked. I couldn't talk to her. Not to her. "I can't talk to you."
"That's bullshit, Parker! I'm your girlfriend! If you have a problem, talk to me
instead of shutting me out!"
"You can't help." No one could.
"But maybe I can!"
"Hindi nga," I said. If I couldn't even help myself, how could she help me?
"You know what? Fuck you and your excuses! Just talk to me when you're ready to be
my boyfriend again because now? You're just a drunk asshole."
I stayed there and got drunk some more. I wished that my drunkenness would take the
pain away. Ang sakit na kasi talaga. Everyday felt like a nightmare and there was
no way of waking up. I wished I could wake up.
"You're here," I said as I saw Imo. She looked like an angel.
"Hello," she awkwardly said and then sat beside me.
"GDL's not here?" I asked.
She shook her head. "Nasa Brunei." I nodded my head. Alam niya rin kung nasaan si
Saint. Ganoon na ba talaga sila kalapit? Ano na ba sila? "Pasok na ako," she
excused herself when she felt my stares. But even before she could leave, I reached
for her arm.
"Wait," I said. "You're gonna leave me?"
"Papasok lang ako sa loob."
"Why do you have to leave me?" I asked. Why was she leaving me, too? Lahat na lang
ba sila iiwan ako?
"Pupuntahan ko si Kuya," she calmly answered.
"Really? Baka naman si Saint ang pupuntahan mo." Ano bang meron sa santo na 'yun?!
Why was Imo choosing him over me? I had been with her for so long! Why was she
choosing someone else?! Why was everyone leaving me?!
"Wala nga rito si Saint-"
That fucking name! "Saint, Saint, Saint! Fuck that name!" Sinipa ko iyong bakal.
"What does he have, huh? You've known him for what? 3 months? 3 months tapos in
love ka na agad?" I said. "Are you that easy to get rid of your feelings for me
that you'll fall in love with the first guy who shows motive?"
Why was it so easy to leave me? Didn't I have anything that makes people want to
stay? Why was leaving always the easier option? Why couldn't my mom stay? Why
couldn't Imo stay?
"Why, Imo? Huh? Why can't you just stay... Masaya naman dati, 'di ba? Bakit
kailangan may magbago?"
When she cried, I wanted to say sorry. I didn't want to hurt her... But why would I
say sorry for saying what I really feel? She kept on telling me how I hurt her.
Siya lang ba ang nasasaktan? Nasasaktan din naman ako. Hindi ko lang pwedeng
ipakita kasi kailangan palaging ako 'yung okay. Hindi ako pwedeng maging hindi
ayos. It was suffocating.
--
Weeks passed. My mom's condition just got worse. It kept on getting worse each day.
It was hard to see her drift away. It was hard to witness someone you love slowly
wither away. But it was even harder to pretend that you're okay... because no one's
okay. Because you're the one who should be okay.
I said sorry to Imo for everything that I said. I didn't want to hurt her... that's
the last thing I would do. But it hurts me every time I think that I wasn't just
losing my mom... my dad... and now, even Imo's already gone. Everyone's leaving me.
It's making me want to give everything up. But talking to Imo... she made me feel
like everything's going to be fine. A simple message from her was enough to lift my
sunken spirit.
'Congrats, Imo. Be happy,' I told her. She's already with Saint. Wala na akong
magagawa. I lost her. But I wanted her in my life. I just needed her... I just
needed her in my life dahil kung wala siya, hindi ko na alam. Ang hirap na.
Sometimes, she's the only one who made me keep going... because if it's only for
me, I would have given up a long time ago. I felt like I was fighting a losing
battle... and at the end, I would be lost. And broken. And no one would be there to
pick up the pieces.
"Parker..." my mom called. She looked so fragile.
"Bakit po?"
We were in the States for better treatment. The hospitals in the Philippines
couldn't do anything for her anymore. And we wouldn't just give her up that easily.
Hindi papayag si Papa. Hindi ako papayag. I was willing to give everything up just
so she'd be okay again.
"Kapag wala na ako-"
"Ayokong pag-usapan," I cut her. Why did she keep on telling me that she'd die?
Didn't she really have a heart for me? Wasn't I really her son? After controlling
my life, she'd just leave without even a regard for what I was feeling?
"Parker, one day, I'll be gone," she said and then a tear fell from her eye. I
didn't want to look at her. I didn't want to remember her as someone who's weak. I
wanted to have a memory wherein she's the person I look up to. I didn't want to
keep this memory. I didn't want a memory where she's weak and dying.
Pinilit ko na 'wag siyang pakinggan kasi masakit. Masakit na naririnig mo iiwan ka
na ng magulang mo... masakit kasi wala kang magagawa. Pinapanood mo hanggang mawala
sila.
"I want you to take care of yourself... do whatever you want, okay? Just please
promise me that you'll be safe... and happy. Iyon lang ang mahalaga sa akin, anak."
Tears began to flow. Ang tagal kong pinigilan na hindi umiyak pero pakiramdam ko,
bigla na lang siyang kukunin at ito na iyong huling pag-uusap namin. Gusto ko
siyang hawakan pero natatakot ako na baka huli na 'to. Baka hindi ko na siya
makiita. Baka hindi ko na siya makausap. Ngayon lang ako natakot nang ganito.
I had always hated her... I had always resented her for forcing me to do things I
didn't want... but now, all I ever wanted to do was to beg her to stay. Kahit isang
araw lang. O kahit ilang oras lang...
"Ma?" I called her name when she wasn't moving anymore. "Ma..."
Doctors and nurses rushed in. People shouted. They tried to revive her. I stared at
her lifeless body. I couldn't feel anything anymore.
I went outside and quietly sat down. I reached for my phone.
'Hey... Can we talk? I need to talk to someone.'
But she never replied.
--
We left with my mom alive but we returned with her corpse. I hadn't cried a tear
since she left. I couldn't feel anything anymore. I felt empty... and lost. People
kept on saying condolence... and that things would eventually get better. What did
they know? Did they even have an idea about what I was feeling? About what I lost?
Because I didn't just lose a mother. I lost my father, too. I couldn't feel him
anymore. It seemed like when my mom died, he died, too.
I wanted them to stop saying sorry. Sorry wouldn't fix me. Sorry wouldn't bring
back what I lost. Tanginang sorry 'yan.
"Parker..." Imo said. She's here. Kung kailan hindi ko na siya kailangan. Kung
kailan wala na akong pag-asa, at saka siya dumating. "I'm sorry..."
I needed her then... I needed her then the most. Hindi ko naman siya kukunin. Hindi
ko naman hihilingin iyong puso niya. Kailangan ko lang ng kaibigan. I just needed
to know that I still have someone. But she made me feel like I didn't have anyone.
"Get out."
But she stayed. Why didn't she do that when I was still holding on? Why didn't she
stay when I still had hope?
"Parker naman..."
"Get out of my room, get out of my house, get out of my life."
I didn't need anyone anymore. I didn't want feelings anymore. I didn't want people
who would just end up leaving me. I didn't want to feel that pain anymore.
"I'm sorry," she repeated. I didn't need her sorry. I didn't need anyone's apology.
"I'm sorry if I wasn't there for you. Hindi ko naman alam."
"If you really care about me like you claim, stop bothering me. Please."
--
I tried to avoid her. I tried to ignore her. I wanted to pretend that she didn't
exist. I wanted to get rid of anything that reminded me of her.
"Parker, you're wasting your life," my friends told me.
"It's none of your fucking business."
Was this still life? I just wanted to die. I wanted to follow everyone. But mom
made me promise to take care of myself. Even in her death, she still wanted me to
suffer. Why did she want me to live if all I could ever feel was pain? Did she want
me to die everyday? Did she want me to slowly feel death?
"Umayos ka na," Preston said. "Tutulungan ka namin pero umayos ka, Parker."
Bakit ba ang daling sabihin na umayos na ako? Kung madali, gagawin ko naman. Hindi
kasi. Araw-araw, tuwing gigising ako, maaalala ko na wala na. Iniwan na ako. Wala
ng natitira. And even when I want to die, I still couldn't do it. I had no choice
but to endure every fucking day of my life. Every miserable day I had to endure.
"Is it still about Imo?" he asked. "Because if it is, aayos ka na ba kapag wala na
sila?"
I didn't answer. Why did they feel like my pain was answerable? Why did they feel
like what was taken from me could be replaced by anything else? Why were they
belittling the pain I was feeling?
I didn't know what happened. I just learned that a few days after, Saint and Mary
broke up. I didn't want anything to do with her anymore. I wanted to remove her
from my life. Seeing her reminded me of everything... because even in my mom's
death, she still wanted me to take care of Imo. How would I ever look at her when
she reminded me of everything that I wanted to forget?
"Get in," I said. When I saw her cry, I couldn't ignore her any longer. Why was she
crying? Did she love him that much? "You are going to see him."
"I need to see him," she replied. She couldn't even speak clearly. Tears were
flowing.
"He broke up with you."
"But I'm not done with him yet. I'm nowhere done with him. I won't stop hanggang
hindi niya pinapakinggan iyong paliwanag ko. I deserve to be heard... wala naman
akong ginawang masama."
Why was it so easy for her to forgive him? To go after him? Why was she going
through all these trouble to see him? Why couldn't she do the same for me? Why was
it so easy for her to discard me? Why was it easy for her to let me endure alone?
Why was she making me feel everything again?
I went to the ocean. My mom wanted her ashes scattered like Tito Parker's. If I
die, I'd probably be in the ocean, too.
"Ma..." I said as I talked to the wind. "I'm sorry. I couldn't do anything for you
anymore. I know I promised that I'll take care of myself but it's hard... I kept on
drinking and smoking. I just wanted to follow you there... baka kasi ayos. Baka mas
matahimik ako dyan. Baka mas masaya dyan. Nandyan ka... nandyan si Tito Parker...
Pakiramdam ko, malapit na ring sumunod si Papa... Because I didn't even know where
Papa is. You took him away from me, too. Sinama mo siya, e. Wala kang iniwan sa
akin. Kinuha mo na rin siya... sana kinuha mo na rin ako."
The wind blew harshly against my skin. Napa-ngiti ako. I imagined her getting angry
at me for saying such things.
"But I'll promise you one thing, Ma... I'll take care of Imo. I'll take care of her
like you want me to..."
That's the last thing she said to me. Maybe that's my life's purpose. Maybe I was
born for her... maybe I was really born for Imo. Because without her, I'm lost.
"You're going to Europe?" I asked. She nodded. "Why don't you run away with me?"
Why couldn't we just run away from everything? Pagod na rin ako.
"Why? Because misery loves company?" she asked.
"Because I understand you," I replied. "In ways that he'll never be able to."
And I couldn't remove you from my life. You're the only constant thing. You're the
one I kept on coming back to. But she didn't want to. She didn't want to run with
me... she didn't want to stay with me. Why did it hurt again? Why was she making me
feel again? I didn't want to have feelings again. I just wanted to be numb from
everything.
"When you return, I'll be better."
Because by then, maybe she'd finally look my way.
--
I did everything to make myself better. I stopped drinking. I enrolled in law
school. I killed myself by studying day and night just so I could be someone she
could be proud of... I did everything. But why did my efforts always go to waste?
Why did she still look at him when it was me who was with her?
Why was it still Saint after everything I did?
Why did she keep on making me feel inadequate?
"Can you forget me?" she asked. She didn't stop. She just kept on going. Parang
gusto niya akong saktan ulit. Na kung kailan okay na ako... kung kailan pakiramdam
ko may kwenta na ulit iyong buhay ko, at saka gusto niya na naman akong patayin.
"No," I answered. "Can't you love me again?"
Maybe my 'I love you' was too late.
"I don't want to," she replied. Pakiramdam ko ay bigla niya akong sinaksak. Why did
she have to be this cruel? Why did she have to hurt me with her words? Maybe I had
hurt her... maybe I deserved this... maybe I deserved to get my heart crushed.
Maybe I deserved to get my spirit crumbled.
But shit. Why did she have to do this when I finally had something that made me
want to live again?
"Why can't you forget me?" she asked.
"Because I'm in love with you, Imo. Every fiber of my being is in love with you. I
love you even though I know you're not in love with me. I love you even though I
know that when you're with me, you think about someone else. I love you even though
every time I look in your eyes, I could see it's him you want to be with. I love
you even though it hurts. And I love you even though you're killing me by not even
pretending that you can love me." I tried to stop myself. "So stop asking me to
forget you. I would... if I fucking could."
But these traitor eyes betrayed me.
"Forget me... even if you fucking couldn't. Because I'm not in love with you
anymore, Parker. I love Saint. I'm in love with him and I plan to continue to be in
love with him. Stop doing this. Stop asking me to love you. I already spent years
being in love with you. Tapos na 'yun, Parker. Even if you beg, I can't love you
again. When you pushed me away, you made a space in my heart... a space Saint
filled. And I don't have any plans of removing him from my heart. I love him... I'm
still so in love with Saint. I'm in love with him... not with you."
Why didn't she just kill me instead?
--
I didn't know where to go. I didn't know what to do anymore. I kept on walking...
and walking... and walking. I wanted to follow my mom but I knew she'd hate me if I
do that. So I killed myself by studying instead, by working. I forgot everyone. I
pushed everyone away. I didn't want anyone anymore. I didn't want feelings anymore.
I didn't want to give anyone the authority to hurt me again.
Because I trusted someone once... twice... thrice... and I always ended up wounded.
"She's getting married," Benj said. I continued reading my book. "Wala ka man lang
sasabihin?"
"I don't give a damn anymore."
He sighed. "Parker-"
I closed the book and looked at him. "I don't give a damn about her anymore,
Benjamin. What the fuck can't you understand? Stop telling me news about her. I
don't care anymore."
Tumayo ako para umalis pero sinundan niya ako.
"Why are you being unfair, Parker? Nasaktan ka lang, hindi ka namatay! Pinili niya
lang iyong mahal niya, hindi ka niya pinatay! Why are you acting like she's dead to
you? You're being so immature!"
Napatigil ako sa paglalakad.
"Hindi niya ako pinatay? Hindi nga, pero pinaasa niya ako! Sana sinabi niya dati pa
na wala talaga, hindi 'yung pinagmukha niya akong tanga! Sana nung una pa lang,
pinaliwanag niya na na wala! Hindi iyong itinaas niya ako para lang ibagsak ulit!
And don't fucking talk to me about pain because you don't have a fucking idea about
how I'm feeling! You didn't lose everyone you have, Benj! And I lost everyone!"
Nagsimula akong maglakad palayo.
"She's leaving," he said. "You probably won't see her for a long time... Magpaalam
ka naman."
I didn't care anymore.
--
The day of her wedding, everyone urged me to come. I went to the school instead.
Why were they asking me to attend their wedding? Wala na ba talaga silang pakielam
sa nararamdaman ko?
Diretso akong naglakad papasok. I still had lots of reports to do. I still had lots
of books to read. I wanted to keep myself occupied so that I wouldn't have to
remember that today was their wedding.
"Miss, ID?" the guard said to the lady. Papasok na sana ako pero nakaharang siya.
She didn't look like a student from here. She was wearing jeans. And we're not
allowed to wear jeans here.
"Ah... naiwan ko po kasi," sabi nung babae. Didiretso na sana ako papasok dahil
male-late na ako sa usapan namin ng kaklase ko. I promised them that I'd summarize
the report for today. I volunteered myself to do everything because I just wanted
to drown and not be able to feel or think at all. I just wanted to shut down.
"Uy, classmate!" the lady shouted just as I was about to get inside the building of
law. It's already 5:04. Sabi ko, 5:10 ay nasa classroom na ako para sa meeting.
"What?" I asked. She was pointing at me. She nodded and then pulled my lanyard.
Binasa niya iyong pangalan ko. Muntik na akong masakal.
I was about to pull my lanyard back when she anchored her arm with mine. She looked
at me and grinned. "Male-late na tayo sa class natin, Parker Adrian Palma," she
said as she pulled me away from the guard.
(Continuation of Parker Palma's story on Just This Once)

Bonus Chapter

#JTSHolyWedding

I was the one getting married yet I felt like everyone around me was more excited
than I was. Si Mama, ayaw kumuha ng wedding planner kasi gusto niya na siya na lang
ang tumulong sa akin. Si Kath, binigay sa akin iyong wedding book na bata pa lang
siya ay hinanda niya na para sa kapag ikakasal na siya. Only Liza was the sane
woman around me. Pakiramdam ko ay nabaliw na silang lahat. They were quite scary...
"Where will you two get married? Malapit na ang fall sa US. Don na lang tapos sa
park kayo para maraming leaves! Ang ganda sa pictures nun!" suggestion ni Kath.
I looked at Saint. Kath's suggestion sounded good. Naiisip ko pa lang ang
aesthetics, natutuwa na ako. I was sure that the leaves would make our wedding
beautiful. "I'm okay with it. Ikaw, Saint?" I asked him. He was sitting beside me,
holding my hand and playing with my fingers. It had been a week since he proposed
to me yet hanggang ngayon, hindi pa rin siya tapos sa tarsier phase niya. He was
still so clingy! If only Mama didn't force me to go home after finding out that
Saint's just living next to me, alam ko na magpipilit siya na sa unit ko matulog.
He's that clingy.
"It's fine... but I want to get married in a Church, not in a park," he answered.
"And I don't want to get married in US. I want to get married here in the
Philippines because there's no divorce."
I nodded. "Oo nga, Kath. I agree with Saint. I want a Church wedding, too."
Kath rolled her eyes. "Fine. Bakit ba ako nagtaka? Ang banal niyong dalawa," she
said, crossing out the park in the suggestion list. "Baka naman gusto niyo na
Bishop pa ang magkasal sa inyo?"
I looked at Saint. "Is that possible?" Gosh, it would be awesome if a Bishop would
marry us! We would surely be so blessed!
"Do you want it?" Saint asked. I nodded. "Alright, I'll talk to Papa and see what
he can do," he said, smiling and kissing the side of my head. I smiled, too. He
really spoils me every chance he gets. I'm really so blessed to have him.
Si Kath, napapailing na lang sa aming dalawa. "Buti na lang, I'm over Psalm na.
Baka kapag kami ang nagpakasal e gusto niya sa Vatican pa," she said, shaking her
head. I knew she was frustrated with me and Saint. She wanted to have a fancy
wedding for us. I understood her naman... but what Saint and I wanted was just a
simple wedding. Iyong puro pamilya at mga kaibigan lang namin ang nandoon. We
didn't want people we didn't know to be there. It didn't feel right.
And our wedding was a ceremony, not a spectacle for everyone to watch.
"What about the gown? Kailangan ba ulo lang ni Mary ang kita, Saint?" Kath asked
Saint.
Saint laughed and then hugged me tighter. "Of course not. I'll let Mary wear
whichever gown she prefers. It's her day," he said.
"Good! Gosh, akala ko talaga sasabihin mo gusto mo parang suman na balot na balot
si Mary! Ibabash talaga kita!" Kath said. Napailing na lang kaming dalawa ni Saint.
Kath went on to interrogate us. She asked us all the important questions. She asked
us about what food we preferred, the flowers, the songs, the color, everything
vital. Good thing Mama was preoccupied because Cayden was crying. She went up para
patahanin ang kapatid ko. Hindi ko kakayanin kapag nagsama si Mama at Kath. Kath
alone was already a handful. Mabuti na lang nandito si Saint sa tabi ko para
pagaanin ang loob ko. I wanted to remain calm but with Kath acting crazy, parang
nape-pressure na rin ako sa kasal namin.
"Tignan mo, may naka-angry..." I told Saint as I looked at the post in his profile.
Just last night, we finally announced on facebook that we're getting married. We
didn't immediately post it online because we wanted to celebrate with family first.
We had an intimate dinner together-our families finally meeting. I thought it
wouldn't go so well since Tita Anna and Mama's personalities were both strong. I
thought they would clash but I was wrong. They were both just too happy for Saint
and I.
"Isn't it Preston?"
I shook my head. "Hindi naman kayo friends ni Kuya sa facebook."
"Right. Because he blocked me," he said. "Your brother really knows how to hold
grudges."
"Kay Mama nga, almost 23 years na siyang passive-aggressive, e. Don't take it too
seriously," I said, pinching his cheek.
"It's alright. As long as he won't meddle between us, I'm fine with him."
I reached for his hand and intertwined our fingers. I heard Kath gagging pero hindi
na lang namin siya pinansin. She's bitter-or maybe acting bitter. Kasi bakit naman
siya magiging bitter e nandyan naman si Kuya Benj for her? If anything, among Kuya
and his friends, Kuya Benj is the closest thing to being a prince charming. Si Kuya
kasi, prince harming.
"He won't. He already gave you his blessings, 'di ba?" He nodded. "Pano mo nga pala
nagawa 'yun?"
He shrugged. "I just went to his house in QC. We had a serious talk. I said what I
wanted to say. Surprisingly, he listened."
"Pumunta ka sa QC? Nakita mo si Mars?"
"Mars?" he asked and I nodded. "I didn't see any Mars there, Mary. I only saw Nari,
John's mom."
Nanlaki ang mga mata ko. Gosh! May pangalan na si Mars! Upon hearing that, tumayo
agad ako at pinuntahan si Mama. Saint was holding my hand but I told him that I had
to go see Mama. At saka niya lang binitiwan iyong kamay ko. Because though he
wouldn't admit it, he's kind of scared pagdating kay Mama. Couldn't blame him,
though. I, myself, was a bit scared of Tita Anna.
Maybe all mother-in-laws are scary.
"Ma!" I said but immediately lowered my voice when I saw that she was slowly
rocking baby Cayden. "Can I invited Nari?"
"Why?" Mama asked. Saint was right. Nari nga ang pangalan ng soon to be sister-in-
law ko. I was excited to meet her! All these stories about her were making me more
ecstatic. She must be something to be able to keep up with Kuya. Sobrang bully kaya
ni Kuya. To think na sa akin na siya pinaka-mabait, pero minsan hindi niya pa rin
mapigilan na i-bully ako. Paano pa kaya iyong ibang babae?
"Because she's Kuya's soon to be wife," I replied with a smile.
"Your Kuya won't marry her," she said with conviction.
"Malay mo naman po... Besides, they have baby John na. It will be wonderful if they
fall in love and get married. Like Saint and I," I said with an even more smile.
These past few days were hard but they were great. Planning my wedding with Saint
was the most perfect way to spend my days... I kept on looking forward to the day
we'd say I do.
Maybe I should start calling her Ate Nari. Si Ate Jas at Ate Maggie lang kasi ang
Ate ko. It felt nice na madadagdagan na ako ng Ate. Puro kasi ako Kuya. Pati sa
part ng family ni Saint, halos puro lalaki ang mga Gomez de Liaño maliban kay Tita
Anna at Ate Maggie. Kulang talaga sa babae. Kapag nagkaroon na lang ng girlfriends
sila Psalm, I would befriend them para mas masaya.
"Fine," Mama huffed. "Invite her if you want. Just don't put her in the same table
as me."
I nodded and took a mental note of that. I was really curious kung ano ba ang
ginawa ni Ate Nari sa Mama ko para kainisan siya ni Mama nang ganito... Sabi nila
Uncle Tobi, masama raw ang ugali ni Mama dati. She just tamed down when she married
Papa. Nahawa lang daw talaga ng kaunti si Mama sa kabaitan ni Papa. So really, I
didn't know who has the real problem. Sinasabi kasi ni Kuya at Mama na mean si Ate
Nari... pero minsan, mean din naman silang dalawa... Maybe Ate Nari is just
misunderstood. Gosh, I really couldn't wait to meet her!
Upon going down, I saw Saint waiting for me at the end of the stairs. Napailing
ako. So clingy.
"Talagang hinintay mo ako?" He nodded and then reached for my hand and held it.
"Ikakasal na tayo in two weeks. After nun, literal na araw-araw mo na akong
makikita."
He grinned and then made a quick kiss on my cheek. "Can't wait, seriously."
"Hindi ka magsasawa sa mukha ko?"
He held my face. "Of course not. You're the prettiest thing and it'll be a delight
to see you first thing in the morning."
"Baka matakot ka sa itsura ko sa umaga," I said. May muta rin naman ako. Hindi
naman ako iyong tipo na umaga pa lang pero just woke up like this na ang itsura. I
have my moments. Minsan.
He laughed and then pulled me closer. "Mary, you have no idea how beautiful you are
in my eyes. I doubt if I'd ever get tired of looking at you," he said as we made
our way out to meet the one who'd design my wedding gown and his tux.
--
The next few days were a blur. I felt like I was in a movie and it was in fast
forward. Sobrang daming nangyari. Sobrang daming preparations. Sobrang minamadali
na kasi namin dahil next month, kailangang nasa US na kami para sa drafting ni
Saint. I, on the other hand, would still look into my options. I wanted to enroll
in a local community college. I just wanted to learn more about Arts. I wanted to
focus more on being Saint's wife.
We had a family dinner. As usual, hindi invited si Ate Nari dahil kay Mama. I
believed she made an unspoken rule in the house na bawal tumuntong dito si Ate
Nari... Gosh, I felt so terrible for Ate Nari... Sana nakilala niya na si Papa para
naman hindi niya isipin na mean lahat ng member ng Suarez family. Nandito naman si
Papa, ako, si Riley. Ang medyo masungit lang naman sa amin ay si Kuya, si Mama, at
si Finley. We weren't all evils, baka kasi iyon ang iniisip niya.
"San kayo titira sa US?" Kuya asked. Baby John was supposed to be here pero naiwan
kay Ate Nari. Okay na rin siguro iyon para hindi naman siya masyadong malungkot.
"Hindi ko pa alam, e..." I said.
"Hindi pa sinasabi ni Santo sa 'yo? Ano ba 'yan. Walang kwentang mapapangasawa,"
sabi ni Kuya.
"Para namang may kwenta ka, Kuya," I shot back. Ayoko talaga na inaapi niya si
Saint lalo na kapag wala naman dito si Saint to defend himself. Hindi ko alam bakit
sinasabi ni Kuya na pinaka-matinong GDL si Austin. Siguro si Cohen pa, oo. Or si
Saint. Mabait din si Saint. Ewan ko ba. May mali talaga sa judgment ng Kuya ko.
"I have a house in QC," he said.
"You just bought it using Papa's money," I told him. "You didn't even put an effort
on it, Kuya."
"Not my fault that we're rich," he said. Hindi ko talaga maintindihan iyong mga
babae na patay na patay kay Kuya. If they only knew who he really was... But I
still love him, nonetheless. He has his moments of kindness.
I continued to eat while they discussed few things about business. Tinuturuan na
kasi ni Papa si Kuya kung paano tamang mag-invest sa stocks. Ayaw ni Kuya na
magwork. Ayaw magbusiness. Kuntento na siya sa monthly rent mula sa dalawang
commercial buildings na regalo sa amin ni Papa nung bata pa kami. Those were 2 54-
storey building and the last time I checked, 100 thousand ang rent per floor. And
all payment goes directly to our respective accounts-minus the maintenance fee and
the utility bills. I didn't even have an idea kung magkano na ang laman ng account
ko... Maybe I should check. Ako na lang siguro ang bibili ng bahay namin ni Saint
sa US. If he'd study in Europe, mas okay sana. Papa has a few properties there. My
favorite was the one in the woods.
"We already reserved the church you wanted," Papa said and I smiled. It was the
first Church Saint and I went to. It wasn't as big as the other famous churches. It
wasn't even famous... But I wanted to get married there and thank God for bringing
such a man in my life.
"Thank you, Papa!" I said with a huge smile on my face.
"But don't get pregnant yet, okay? Enjoy life first, Mary. You're still too
young..." sabi ni Mama. Namula naman ako bigla.
"What's pregnant?" Riley asked.
"It's what happens to Mama every time she looks like a whale," paliwanag ni Finley.
"Soon, I think Ate will become a whale, too."
Napailing na lang ako. Ano ba 'tong mga kapatid ko.
"Tss. Bakit kay Imo, pigil na pigil kayong magka-apo? Nung sa akin, parang tanggap
niyo na agad?" Kuya asked, scoffing.
"Maaga naming natanggap ng Papa mo na magkaka-anak ka agad. It just shows," Mama
explained calmly at natawa naman ako. Oo nga naman. Bata pa lang si Kuya, malandi
na siya. Parang si Saint siya. Pero si Saint, kapag madaling-araw lang. Si Kuya,
everyday all day. Akala niya hindi ko siya nakikita na minsan, nilalandi niya iyong
ibang school mates namin.
The dinner went on with Kuya and Mama bickering. Papa was just fondly smiling at
them. When dinner ended, umakyat muna si Mama para i-check si Cayden. Iyong kambal,
nagpasama kay Kuya sa kwarto nila. May bago kasi silang bili na game console at
pinapa-ayos nila kay Kuya. Ako naman, sinundan ko si Papa sa labas. They still
drink green tea after dinner. Ito iyong palaging ginagawa nila ni Mama.
"I'm really getting married, Papa," I said. It was starting to feel really real.
Tomorrow, my gown would finally be delivered after numerous adjustments. Palagi
kasi akong pumapayat dahil sa stress. Si Saint naman, pilit akong pinapakain dahil
payat na nga raw ako, pumapayat pa ako lalo. But no amount of food made me regain
my normal weight.
"Yes, you really are," Papa said with a smile.
"And I'm going to leave soon... I will miss you," I said and then hugged him. Papa
smiled and then tousled my hair. "Visit me, okay, Papa? Kapag pwede kayo, visit me.
I will come home as often as I can. I promise, all Christmas will be spent here."
"It's alright. When you get married, your priorities will change. Okay lang sa amin
kung doon ka sa US."
"Papa naman... syempre uuwi pa rin ako. Dito naman talaga ako sa Philippines."
Although I occasionally liked US and its progressiveness, my heart still belongs to
the Philippines. It's different here. It felt like home here. "I'll go home at
least twice a year. And you should visit me at least twice a year."
I hugged Papa for quite a while. I really was a Papa's girl. I couldn't help it. My
Papa's the best.
"Pa... do you think we'll be okay?" I asked. Although I was ecstatic to marry
Saint, I still couldn't help but be afraid for what the future held for us. I knew
marriage is never an easy thing. It's a lifelong commitment. It's a lifetime with
your other half. And I love Saint. I am sure of that. But I knew that one day, we
would have problems... and sometimes, it would be hard. I just didn't want us to
come to a point wherein we'd both regret what we did.
"You'll be okay," he said. "You just have to erase all expectations and just
welcome what comes. Just support him with what he wants and do what you want also.
Don't get yourself get lost in marriage. Be sure that you're still you. Because
when you lose yourself, you lose your purpose. And you're going to start
questioning and regretting everything."
I listened to every word he said. I wanted to keep those to my heart. I wanted to
be remain married until my dying days.
"Is that what you do with Mama?"
He nodded. "Compromise always. Remember that."
What Papa said remained in my mind. I could do compromise. I really liked reading
while Saint liked watching movies. Maybe I could read and he could put the movie in
mute and just read the subtitles... pero pwede rin naman na manood siya mag-isa
habang sa kwarto ako magbabasa. Though I doubted if Saint would like that. He
literally wanted to be beside me as much as possible. He's so clingy.
And when he plays basketball, I could take photos of him and his teammates. I loved
photography and he's forever in love with basketball. Pwede naman naming gawin
pareho without us giving anything up. Papa's right.
"And when it gets hard, talk to him. Don't shut down like you usually do."
"Yes, Papa..." I said. I already knew that. I knew that communication would bridge
every gap. At isa pa, ayoko na maulit na naman iyong nangyari sa amin ni Saint. One
breakup was good enough for a lifetime. I didn't want a rerun of it.
"And be happy. Always."
I smiled. "I am happy."
--
When I was finally done with the wedding invitations, I went out to give them.
Hindi na kasi ako pinatulong nila Mama sa ibang gagawin. They really went all out
doing everything. We were so thankful. Busy din kasi si Saint sa NBA niya kaya
hindi ko na siya masyadong inaabala. Pero kapag kailangan kaming dalawa, we're
always present. Syempre kasal namin 'to kaya gusto namin, as much as possible-and
as much as Mama and Kath would allow us-ay hands on kami.
"Hi!" I greeted. "Sila Tita Anna?" I asked.
Psalm shrugged. "Malacañang, probably. What's up, future sister-in-law?"
I fished for the invitation and handed it. It's a painting of the different things
Saint and I did. Sa likod, I wrote the details using the things I learned in my
calligraphy class. Konti lang naman ang imbitado sa kasal kaya nagawa ko. I wanted
the invitation to be personal, as well.
"Cool! You did this?" he asked and I nodded. "Austin, look, show this to Karma and
see if she can do this, as well," sabi ni Psalm at nilapitan si Austin na
nananahimik sa isang tabi. It's his usual thing. Tahimik naman talaga si Austin.
"Nasan si Cohen?" I asked.
"Tsk. I'm jealous. Is Cohen your favorite now?" Psalm asked and I laughed.
"Of course si Saint ang favorite ko," I replied and he faked a gag. "Will you bring
a date to my wedding?"
He shrugged. "Not sure. Do you have female friends or cousins who will come?"
I nodded. "But they're off limits to you."
"Oh, come on! It's not fair!" Psalm whined. "Austin's got a girl. Cohen's contented
with basketball. Saint's got you. How about me? Will I die alone?"
"She's not my girl," Austin cut in.
"Yeah, right," Psalm said.
"She's a girl who's not mine," patuloy ni Austin. Mas lalo tuloy mukhang defensive.
Natawa ako sa kanila. Sabi kaya ni Saint, maraming friend si Psalm. He just didn't
like to get serious. But once he gets serious, I knew he'd be a great boyfriend.
Maalaga kaya si Psalm. Ako nga na girlfriend ng kapatid niya, inaalagaan niya, e.
Girlfriend niya pa kaya mismo?
"By the way, you sure you want to marry Saint?" Psalm asked and I nodded. "I mean,
there's a no return, no exchange policy. And we don't really favor divorce or
annulment."
"Are you discouraging me?"
"Not really... but you can definitely do better," sabi ni Psalm at binatukan siya
ni Austin. These two. They're poles apart pero at the same time, they're alike. GDL
brothers are weird like that.
"Saint's the best one I could ever get. Wala naman akong nakikitang masama sa
kanya..." I replied.
And then, Psalm started to enumerate things about Saint.
"Well, for one, he's picky with what he eats. He only eats healthy food."
"Talaga?" I asked. "Bakit kumakain naman kami ng fastfood..."
"That's because he's in love with you. But if you live with him, you'll know that
he only eats brown rice, doesn't eat meat much-more on steamed fish, munches on
vegetables like crazy. And he lives on protein shakes," sabi ni Psalm. I took a
mental note on everything he's saying. Kailangan kong gawin 'to lahat. I didn't
want Saint to change his lifestyle because of me.
"When he plays and trains, he's so into it that he sometimes forget the world
exists. Baka malimutan ka niya minsan."
I nodded. "It's okay. I support him," I said. "Ano pa?" I asked, eager to know
more.
"He takes forever to get ready. That's why we have our own bathroom, our own cars,
our own drivers because if we share, we'd all probably be late because of Saint."
"Ha? Bakit naman ang tagal niya?" I said and then wondered kung ilan ang CR sa
magiging bahay namin.
"He's a vain guy. Also, he doesn't like his hair being touched."
"I always play with his curls..."
"Again, it's because he loves you," Psalm said. He was about to talk again when
Austin interjected.
"It's no use telling her these things, Psalm. Saint loves her. He'll let her do
anything so stop scaring her," he said and then walked away, bringing the wedding
invitation with him.
"Austin's right. Saint will always probably let you off the hook. Don't worry,"
Psalm said with a smile. "Anyway, any pretty girl you want to introduce me?"
Gosh. Why was Psalm being like this kung kailan wala ng pakielam sa kanya si Kath?
Weird timing.
--
"I'm so tired..." I said as I laid my head on Saint's shoulder. We ran errands all
day. We visited the shop who'll bake our cake tapos we also did food tasting. And
to think na si Mama at Kath talaga ang nag-aasikaso ng kasal, ganito na ako ka-
pagod. Paano pa kung ako lang talaga?
Saint wrapped his arm around my shoulders and pulled me closer. Naramdaman ko rin
na sinandal niya iyong ulo niya sa ulo ko. Pagod na rin siguro siya. "Yeah, me,
to..." he whispered. "Mary..."
"Hmm?"
"How big do you want our house to be?"
"Just a small one. I don't like a house as big as ours or as big as yours. Dalawa
lang naman kasi tayo. And it will be scary," I said. I also subconsciously remember
scary movies whenever I was at home. Ang laki kasi ng bahay namin. Parang horror
house minsan.
"Alright," he replied.
"Bibili ka ba? I can buy the house for us," I offered. Sila Tita Anna na kasi ang
nagshoulder ng lahat ng expense ng kasal namin. I felt bad for not contributing
anything pero ayaw nilang pumayag. They're very traditional and religious kaya
sumusunod sila sa pamahiin. And even his Abuela, they gave Saint the permission to
give me their heirloom as my wedding ring. Naiyak na lang ako. Kasi dapat talaga sa
mapapangasawa iyon ni Psalm kasi siya ang panganay na lalaki but Abuela really
liked me for Saint kaya sa akin ibibigay.
"Nah, I got it," he said. "I'll buy a two bedroom house for us in Cali and let's
just get something bigger when the time comes."
I nodded. "Kapag bumisita sila Mama and sila Tita Anna?"
"Let them stay in a hotel," he said. "I don't want any intruders in our house."
Natawa ako. "Grabe ka naman sa intruders."
"It's true. I want the house to ourselves. We'll make lots of babies," he said and
then bit my shoulder lightly.
"H-ha?" I said, my voice slightly shaking. I heard Saint chuckle. He really liked
making me uncomfortable.
"Of course we'll have little Mary and little Saint running around," he said. "How
many kids do you want?"
Gosh. This was really, really starting to feel so real. Nag-uusap na kami tungkol
sa mga ganitong bagay. I didn't think it would really come this far. Saint was my
first boyfriend... and now, he'll be my forever husband. Dati, nagkamali lang ako
ng sakay dahil akala ko siya iyong Uber na pinadala ni Ate Jas. Ngayon, siya na
talaga iyong lalaki na pinadala ni God.
"I want a big family like ours and yours. When it was only me and Kuya, it was kind
of lonely... But when we had Finley and Riley, there was never a dull moment in the
house because of those two. Tapos we have baby Cayden pa. Tapos sa inyo naman,
palaging maingay dahil puro kayo lalaki tapos ang gulo niyo pa. Si Ate Maggie
naman, ang ingay din. Ang saya kapag maraming kapatid," I explained.
He squeezed my hand. "I want a big family, too. I'm sure you'll be a great mom."
"I don't know. Baka kasi maging overprotective ako tapos maging rebel sila. Tapos
ayoko naman na maging kagaya ng relationship ni Mama at Kuya ang relationship namin
ng magiging anak natin."
"Anak natin? Ang sarap naman pakinggan," sabi niya tapos hinalikan niya ako sa
pisngi. "But don't worry, Mary. You're too nice. I'm sure our kid will be too
guilty to even hold a grudge against their kind mom."
I shrugged. But I really thought I'd be a really protective mom. Sigurado kasi ako
na magiging spoiled ang anak namin dahil kay Saint. He's just that kind of guy.
Always spoiling the people he love.
"Pero 'di ba magbabasketball ka? E 'di maiiwan ako sa bahay kasama ang mga anak
natin?"
"No. I'll bring you with me wherever," he said. But this time, he lay down on my
lap and closed his eyes. I brushed his hair with my hands and he smiled.
"Tapos magcocollege ka. Marami kayang maganda sa US..."
Saint opened his eyes. "Are you being jealous of girls I haven't even met yet?"
"Hindi, ah. Just stating scenarios..." I whispered. "Dun nga kay Marisse,
kakakilala mo pa lang, may pa-dab dab pa kayong nalalaman," I huffed.
Kung kanina, nakahiga lang siya sa lap ko, ngayon niyakap niya iyong mga kamay niya
sa bewang ko. His lips were pressing against my stomach and he was laughing.
Hinampas ko nga. "Tawa ka pa dyan!"
"Mary, Marisse and I are just friends. I didn't even invite her to our wedding
because we're not that close."
"Aba, at talagang nagbalak ka pa!" Ginulo ko iyong kulot niyang buhok.
"Why are you mad? Is it about the dab?" he asked. I pursed my lips. "Mary..." he
trailed. Hindi ko siya pinansin. He raised his hands and then cupped my face. He
forced me to look at him. "You're my first girlfriend, my only fiancé, my only
wife, my only señorita, my only dab queen, my only GDL," he said. "And
hypothetically, I meet some girls... so? It's not like I'll fall in love with them
the way I'm madly, deeply, and irrevocably in love with you," he said. He reached
for my hand and placed it on the left side of his chest. "Mary, this heart only
goes crazy when you're around. And even when you're gone, this heart only beats for
you."
"Talaga?" I asked.
He nodded and then motioned me to come closer. "I'll tell you something," he said.
So I leaned in... but instead of telling me something, he pulled my head down with
him and captured my lips. "I love you, Mary. You're the love of my life."
--
There was a countdown to our wedding day... ang daming alam ni Saint. 7 days before
our wedding, he kept on sending me weird gifts-though they didn't seem weird
anymore dahil nasanay na yata ako sa pagka-weirdo ni Saint pagdating sa pagbibigay
ng regalo. Honestly, when he proposed to me, akala ko talaga plastic bag ang laman
nung box. Iba kasi ang pag-iisip ni Saint. But I was glad that it was a real
engagement ring. It was beautiful. It was embellished with diamonds and it made me
appreciate him even more because he used his own hard earned money to buy the ring.
Ewan ko. Mas naaappreciate ko kasi kapag pinaghihirapan. Kahit siguro bigyan ako ni
Saint ng santan, basta siya ang pumitas, I would appreciate it.
Day 1, he gave me a map. Iyon pala ang mapa kung saan tinanim nila iyong mga seeds
nung birthday ko. Sabi niya, sa 25th wedding anniversary namin, baka puno na iyong
mga iyon. Ngayon, kasi, maliit pa lang daw sabi ni Saint. Mas maaappreciate ko raw
kapag mas malaki na sila.
Day 2, he gave me tickets to Harry Potter and the Cursed Child Play. Gosh! If he
were with me when I saw the gift, I would have kissed the heaven out of him! I was
so devastated nung hindi ako nakakuha ng ticket. Sold out na kasi iyong play for
the next two years. I didn't know how Saint did it. Gosh, he's so amazing.
Day 3, he sent me video greetings from the kids. Nung una, hindi ko alam kung
sinong mga bata ba iyon. But later on, I realized that those were the kids Saint
and I fed during our first official date. Hindi ko alam ko paano sila nahanap ni
Saint. His ways were just astonishing. And I loved him even more when I learned
that he gave those kids Happy Card para makabili sila ng Chicken Joy. They seemed
so happy. I felt my heart swelling in joy. Binati rin nila kami ni Saint para sa
kasal namin. I really couldn't get any luckier in this lifetime.
Day 4, he sent me a watch that stopped at 2am. There was a note that said 'It's
always 2am in my world, Mary. I'll flirt with you until my dying days. Love you so
much.' Pinigilan kong matawa. Sinabi ko kasi sa kanya na napapansin ko na lumalabas
ang pagiging malandi niya tuwing madaling araw. Lahat ng sinasabi ko, natatandaan
niya. It's really true when he said that he listens to every little things I say.
He's that attentive.
Day 5, he sent me a picture of a duck. There was a note that said 'Since we're not
allowed to have kids yet, we can take care of the duck for the mean time. He's
already waiting at our house in Cali. Can't wait to live with you, Mary." Gosh.
He's really obsessed with ducks. But we have a house in Cali! Hindi na ako
tutuksuhin ni Kuya na magiging hobo ako sa Cali.
Saint's gifts calmed my nerves. Kung dati, kinakabahan ako, ngayon, sobrang excited
na lang ako. I couldn't wait to spend everyday with him. He's just so amazing in
many ways. And I wanted to be surprised. I wanted to know more about him. I wanted
to learn with him. I wanted to grow with him. Tama siya. We're probably still young
but that doesn't stop us from doing things that we like... Ibig sabihin lang nito,
we get to do those things together. And it's a wonderful gift.
I was anxiously waiting for the Day 6 gift when Kath and Liza barged in.
"Hey, Mrs. GDL!" Kath said, holding me by the arm. "Let's go to your bridal shower
na!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Kath!"
"What? Ang tagal kong hinintay na may makasal sa mga friends ko so that I can throw
a bridal shower!" she whined. We already talked about it. I asked Saint and he has
the same answer as I. We both didn't want bridal shower and stag party. I cringed
at the idea of some stranger giving me lap dance! And I hate the idea of some lady
stripping in front of Saint. Ayoko.
"I'll tell Saint!"
"No, you won't," Kath said, pulling me with her. She confiscated my phone and left
it in my room. Wala na akong magawa dahil pinagtulungan nila ako.
"Even you, Liza?!" hindi ko makapaniwalang tanong habang hinahatak nila ako pababa.
I saw a white van waiting for us outside. Pinagplanuhan talaga nila 'to.
Liza smiled. "You only get married once, Imo. Let's do everything by the book."
Gosh! My friends were really insane!
--
My eyes were blindfolded. I didn't know where we were headed.
"If there are naked guys, isusumbong kita hindi lang kay Saint kung hindi pati kay
Tita Min," sabi ko kay Kath. My hands were cold. I was afraid. I didn't want to see
any naked guys! If there's a naked guy I wanted to see, it would be Saint.
"You're such a killjoy," sabi niya sa akin.
Minutes later, the car halted. They pulled me out of the car and then guided me. I
kept on asking Kath kung saan kami pupunta pero hindi niya ako pinapansin.
"We're here!" she said. "Open your eyes na!"
I quickly removed the blindfold but I wished I didn't. Gosh! What were they
thinking?!
"So, these are our wedding gift. Ngayon na namin ibibigay kasi mas fun. At saka
baka pagalitan kami ni Tito Shi kapag nakita niya 'to," sabi niya habang pinapakita
sa akin iyong mga negligee and lingerie na nakalagay sa kama. They were too tiny!
"This one," sabi niya at pinakita iyong white na lingerie na pakiramdam ko ay halos
wala ng matatakpan sa katawan ko kapag sinuot ko. "Wear this one on your wedding
night, okay? Para sure na may baby GDL na agad!"
My face was red. I was very sure of that. I wanted to poke my eyes.
"White 'yan since virgin ka naman kaya Virgin Mary talaga ang peg mo. Tignan lang
natin kung hindi mabaliw si Saint kapag nakita ka. Also, be sure to tie your hair
up para kita iyong neck mo. We always see Saint looking at your neck. Lowkey manyak
talaga si Saint pero he's cute naman so forgiven," Kath continuously said.
God. Sumasakit ang ulo ko.
"Ito naman," sabi niya at inabot sa akin. "Para hindi puro missionary."
"What?" I read the title of the book she gave me. "What's this Kama Sutra?"
"Basta! You'll thank me later... or I think it's Saint who will thank me. Baka sa
akin pa ipangalan ang first born niyo dahil sa sobrang tuwa niya," she said and
then laughed like a maniac. I looked at Liza. Napapailing na lang din siya sa mga
ginagawa ni Kath.
The next few minutes were me trying to forget everything Kath said. She gave me
these weird toys. She also gave me whipped cream and Nutella and I didn't think I
would be able to eat those food anytime in the near future because of everything
Kath told me.
"Are you done?" I asked her when she was done explaining everything she gave me.
"Yeah, pretty much done."
"You're a dirty, dirty human," I told her. Tinawanan niya lang ako. "Ikaw naman,
Liza, you let her torture me!"
Nagtinginan kaming tatlo at natawa na lang. May dalang suitcase si Kath at doon
namin nilagay lahat ng lingerie at mga laruan na bigay niya sa akin. I didn't even
know what to do with that! I didn't want to bring it home dahil baka atakihin sa
puso si Papa kapag nakita niya. Gosh! Binigyan pa ako ng problema ni Kath.
"I didn't think it will be Imo who'll get hitched first," Kath said. We were on the
bed, drinking champagne. "I mean, she's so modest. And tahimik. Who would have
thought na siya pa ang unang ikakasal?"
I nodded. I didn't think I'd get married this early. When I was younger, I thought
I'd get married in my 30s... Akala ko kasi, hihintayin ko pa hanggang sa magsawa si
Parker sa mga babae... And in the end, he'd finally fall for me. But I was wrong.
Life really works in mysterious ways. I was only turning 21 and already getting
married. But I had no regrets. Marrying Saint would be the best thing I would do, I
was sure.
"Tapos, next na si Liza..."
"Hala, grabe, hindi naman," Liza replied.
"Tss. Sinasabi mo lang 'yan. Magulat ako, nagpropose na rin si Jackson sa 'yo."
I nodded. "Tell me early para I can book a flight home and I will torture you the
same way Kath tortured me."
Kath rolled her eyes. "After a year, tignan lang natin kung ganyan ka pa rin ka-
innocent. 'Wag mo akong matawag-tawagan para i-share ang stories ng kahalayan niyo
ni Saint! Bababaan kita ng tawag!"
"Ewan ko sa 'yo!" I replied. "But what about Kuya Benj nga?"
She shrugged. "We'll see."
"Is he courting you?"
"Hindi naman. I turned him down..."
"Ha?! Why?!" I couldn't understand Kath. She allowed my crazy brother to court her
but she wouldn't let Kuya Benj? There surely was a loose screw in Kath's head!
"I just... I don't want to get in a relationship. I want to be alone for a while.
It's a choice, Imo. I'll be in a relationship when I want to. Ngayon, I just want
to know myself more. I realized kasi that I spent lot of time running after guys
who didn't even like me. I kinda lost myself in the process of being someone who
they'd like. Now, I just want to retrieve everything I lost. I just want to be with
myself. Wala naman sigurong masama 'dun."
I smiled and then hugged her.
"I love you and Liza. I'm so happy we're friends," I said as I leaned my head
against her shoulder.
We spent the entire night talking about everything. I missed this. And I would miss
this when I'm gone.
--
The night before our wedding finally came. Both our parents didn't allow us to see
each other. Bukas na lang daw. I was okay with that but Saint wasn't.
"I'll drive there. Go outside," he said.
"Bawal nga."
"5 minutes?"
"Makikita mo naman ako bukas."
"That's still a few hours away! I didn't see you for a whole day already, Mary.
You're killing me here," he said, groaning. Ngayon na kasi iyong final fitting ng
gown kaya hindi ko nakita si Saint. Ayaw talaga nila Mama na makita ni Saint iyong
gown ko dahil bad omen daw. I just listened to them. Wala namang mawawala.
"Baka hindi matuloy 'yung kasal kapag hindi tayo sumunod."
"There's no way that our wedding won't push through," he said. "I don't even need
all these preparations; I just want you as my bride, Mary."
My heart fluttered upon hearing him say those words. Ako rin naman. I just wanted
him as my groom. It didn't even matter where we get married. With him by my side,
that would still be my perfect wedding.
I sighed. "Fine... but 5 minutes lang, okay? I need to sleep early."
"Alright. Be there in 15 minutes. Wear a jacket. It's pretty cold outside," he said
before dropping the call.
I got his varsity jacket and wore it. Binigay niya na kasi sa akin. I liked it,
too. I liked wearing his last name. I just really liked everything about Saint. All
the good things and the bad things. All those made Saint and I wouldn't want to
change a single thing. I love him for who he was and who he would be.
Dahan-dahan akong bumaba dahil gabi na. Everyone was already fast asleep because
Mama wanted us to rest early so that we would be in our best shape tomorrow. Ako
rin naman, gusto kong magpahinga na. I didn't want eye bags on my wedding photos.
But resisting Saint was so hard. Lalo na pag nagpapaawa siya.
Upon seeing his car, I went there and then got inside. Hindi pa ako nakakapagsalita
nang hatakin niya ako at halikan.
"I missed you," he said after letting go of my lips.
"I missed you, too," I replied. "Ano'ng ginawa niyo kanina?" Mama confiscated my
phone. Palagi kasi kaming magka-text ni Saint kaya hindi ako makapagfocus sa mga
kailangan kong gawin.
"Final fitting then welcomed my relatives and helped them get to the hotel," Saint
said. He reached for my hand and held it. "You? What happened today?"
"Same as you. My gown's finally perfect."
"Of course. The one who'll wear it is perfect," sabi niya tapos inirapan ko siya.
Bolero.
"Tapos dumating iyong mga pinsan ko and si Lolo from London kaya hinatid namin sila
sa hotel. We had dinner together, just catching up. Tapos pinauwi na ako and was
forced to rest. Until you called," I said.
He nodded. I looked at him and I saw that his eyes were already closed. Napa-ngiti
ako. He's already really tired but he still managed to go here just to see me. I'm
really blessed to have this guy in love with me. He's so wonderful. And he's in
love with me. I wouldn't have anything else. I'm contented with my life.
I watched Saint sleep. And while he was sleeping, I started writing my vow.
--
"God, you're beautiful," Mama said in awe as they all looked at me. She was crying
as she looked at me. Pinigilan ko na maiyak kasi baka masira iyong makeup ko.
"Imo, you're the most beautiful bride I have ever seen and that includes all the
brides in wedding mags!" Kath gushed. She was already teary eyed.
"Thank you," I told them. "I'm really getting married..."
They nodded.
"You don't want to be a runaway bride?" Liza asked. Hinampas siya ni Liza. Natawa
na lang ako sa kanilang dalawa. They both looked beautiful in their dresses. I
couldn't decide on one color. I loved all colors. So instead, I decided that
bride's maids should wear whatever they want so long as it's in pastel color. I
didn't want to control them. I wanted them to celebrate my day with me.
"No," I said with a smile. "I want to get married to Saint."
"Be happy, alright? That's all I want for you," Mama said as she handed me my
bouquet. I nodded and smiled at her.
They did a final touchup until I was told to ride the bridal car. The ride to the
church was unnerving. I wanted to see Saint. I wanted to get married to him. I
wanted to be his wife. I wanted to live everyday with him.
Pagdating namin sa simbahan, nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Papa was
waiting for me. He was smiling at me.
"Are you ready?"
With my heart racing inside my chest, I nodded. "I'm ready."
Everyone was already there. My friends, my relatives, Saint's friends, his
relatives. This was as intimate as it could get. We asked the guests not to take
photos because we wanted to live the moment and not live through our phones. I
wanted to thank each one of them for celebrating this day with me and Saint but my
eyes were starting to become watery. And when I began to walk to the aisle, my
tears just kept on flowing non-stop.
"He's crying," Papa said.
"He is?" I asked. I couldn't see him clearly. My eyes were flooded with water.
He nodded. "His shoulders are shaking."
I smiled. "He doesn't cry in public," I said. Ayaw niya na umiiyak dahil alam niya
na tutuksuhin siya ng mga kapatid niya.
"He must be really happy, then," Papa said and then squeezed my hand.
If I had a choice, I would run. The walk took forever. I wanted to be with Saint. I
wanted to hold his hand and tell him to stop crying because it's okay.
"Take care of her," Papa said when we finally reached the end of the aisle.
"I will. Thank you for raising her, Tito. She's so wonderful and I won't have her
any other way" Saint said as he held my hand. He looked at me. His eyes were red-
probably as red as mine. "Ready?"
I nodded. I was as ready as I could ever get.
We faced the Bishop and I kept on crying. This day couldn't get any better.
"Mary Imogen Harrison Suarez, I don't know what else to tell you. I always tell you
that I love you. You're the love of my life and there's nothing I wouldn't do for
you." Iyon pa lang ang sinasabi niya pero grabe na ang tulo ng luha ko. "Everyday,
I thank God for giving me someone as wonderful as you are. I didn't even know it
was possible to love this much until I found you. You make me want to become the
best version of myself because you deserve all the best things in life, Mary. I
thank you for choosing me. I thank you for staying by my side. I thank you for
understanding me. I thank you for sharing your thoughts with me. I thank you for
loving me.
"From this day on, I promise to do everything to make you happy. That's my only
goal in life, Mary. I want your happiness. I want your smile. I want you to be
loved the way you deserve to be. I want to give you the best because you gave me
the best when you decided to love me.
"I love you so much, Mary Imogen Suarez-Gomez de Liaño. You're finally my GDL.
You're finally mine."
Tears were flowing down his face but he didn't care. Tears were flowing down my
face but I didn't care.
"Saint Iverson Sison Gomez de Liańo, the first time I saw you, I didn't know I'd
fall this hard. I didn't know I was already staring at the man who would make me
feel all the things I didn't even imagine feeling. You make me smile. You make me
laugh. You make me cry. You make me sad. You make me feel all the things I didn't
even know existed. You bring color to my life. You saved me when I was drowning.
You picked me up when I was down. You made me whole when I was broken. And
everyday, I'm thankful that you came in my life.
"I didn't know when I realized that I love you, Saint. I fell in love slowly. You
made me yours slowly. Slowly... until I didn't want to be saved anymore. I just
want to remain in love with you. I want to be with you. I want to grow with you. I
want to learn with you. You're the one I want to spend the rest of my life with and
I couldn't and don't want to imagine a life without you... It would be sad, I'm
sure. Because your smile is what makes everyday of my life bright.
"And because you decided to love me forever, I promise to always stay by your side.
I promise to cheer on you. I promise to support you. I promise to share everything
with you kasi gusto mo alam mo lahat... I promise not to be annoyed when you're
clinging onto me like a tarsier... I promise to learn how to cook healthy food
because I want you to be at your best while you reach for your dreams. I'm so proud
of you, you know? I'm proud of everything you do. And sometimes, I still couldn't
believe that you chose me. That you love me. And that you want to spend the rest of
your life with me. Kasi bakit, 'di ba?"
He held my face. "Because I'm so in love with you," he said.
I nodded. "Ako rin naman, in love sa 'yo..."
"And by the power vested in me, I pronounce you husband and wife. You may now kiss
the bride," the Bishop said.
Saint raised my veil and then looked at me. "This is our second wedding," he said
and then showed me the ring that I gave him when we first got married in school.
"But this time, it's real," I said.
He nodded. "This time, it's infinite," he said as he cupped my face. He stared at
me as another tear fell from his eye.
"I love you so much, wife." And then he leaned in and kissed me. And I guess this
is what forever tasted like.

You might also like