You are on page 1of 37

INTRODUCTION

Napasecond look si Larrah sa isang lalaking nakatayo katabi ng isang babae sa may puting kotse, habang
nakatayo naman siya sa may van nila. The man is in casual attire, tall, masculine and very handsome
even in side view. Gwapo ang lalaki at hindi basta masisino lang. Side view pa lang ulam at kanin na. ‘Pag
humarap, hahahay! Panghimagas pa.

Kinilig s’yang bigla habang nakatunganga.

Ubod ng gwapo ang lalaki at gusto niyang maiinggit sa babaeng hinahalikan no’n. Parang nakita na niya
ang babae, hindi lang niya maalala kung saan at kailan niya nakita. She doesn’t know if the woman is a
celebrity or what, or maybe she's only mistaken her for another person.

They’re kissing in a public place pero tila walang pakialam ang mga iyon sa mga taong pwedeng
makakita.

Suddenly she wanted to ask herself kung ano bang pakiramdam kaya na mahalikan sa labi? May
boyfriend s’ya pero ni minsan ay hindi pa s’ya nahahalikan o mas tamang sabihin na hindi talaga siya
nagpapahalik. Babaklasin ng kuya niya ang nguso niya sigurado kapag nalaman noon na nahalikan na
siya. Napakaover protective pa naman ng pamilya niya sa kanya.

She sighed. Overprotective pero naman ipakakasal na siya sa edad niyang 20 at sa hindi niya pa kilalang
lalaki. Nakakadismaya!

Mamaya ay mukhang surot sa sinehan ang letseng future husband niya o ‘di paano na? Kaipokritahan
kasi na sabihin na hindi siya humahangad ng pogi, pero s’yempre kahit ‘di naman masiyadong pogi basta
mabait naman sana.

"Larrah!" sigaw ng Mommi niya mula sa bukana ng restaurant kaya napatayo s’ya ng tuwid mula sa
pagkakasandal sa sasakyan nila.

"Mammi!" Napakamot pa siya sa ulo dahil baka kitang-kita siya noon na nakanganga sa naghahalikan na
babae at lalaki.

"’Lika na! Guilherme is coming, nag-text na sa Tita Suzanne mo." Paypay ng Mammi niya sa kanya.

Nasulyapan pa niya ang dalawang naghahalikan na ‘yon sa may pinakadulo ng parking area at hindi na
lang iyon ngayon basta naghahalikan. Hawak na ng lalaki ang isang hita ng babae na nakaangat sa may
baywang noon.

Oh my juice! Natutop niya ang dalawang pisngi. Mabilis siyang humakbang palapit sa Mammi niya. Ano
ba ang ginagawa ng dalawang magboyfriend na ‘yon? Ganoon ba makipaghalikan? Dapat ba iangat ang
mga binti sa tagiliran ng lalaki? Curious na naitanong niya sa sarili.

Matry nga niya kapag pwede na.

“Bilis. ‘Wag ka ng magmukmok ha. Guilherme is coming, kasabay na ang Tito Rix mo.” paalala pa ng
Mami niya.

She rolled her eyes. Ano bang ini-expect niya sa Guilherme Rix de Lorenzo na ‘yon? Pangalan pa lang,
ang bantot na. Guilherme, super baduy. Parang panahon ni Lapu-Lapu at Ferdinand Magellan.

Pinagsiklop niya ang mga braso sa dibdib ay pasexy na naglakad papasok ng restaurant akay ng Mami
niya.

She smiled when she saw her Mami's adopted sister, Suzanne. Sa totoo lang pwede pa nga sana silang
relatives ng anak noon kasi adopted ang Mami niya ng mga magulang ng tita Suzanne niya, pero nabawi
ng mga totoong mga magulang ang ina niya kaya hindi na natuloy na maging magkapatid ang dalawa sa
papel. Kaya ngayon ay pwede siyang ikasal sa anak ng Tita niyang baduy ang pangalan.

Guilherme baduy. Eek!

She kissed the mid aged woman and sat on the chair right after.

Humugot siya ng malalim na hinga. This is it. Wala na itong ayawan. Masasaktan ang Mami niya sigurado
kapag umayaw siya. Bahala na kung paano na ang boyfriend niyang si Kurt. Bahala na kung paano. Total
sa papel lang naman ang kasal, pwede naman yata na pagkatapos ay wala na silang pakialaman ni
Guilherme Rix.

Napalabi siya habang nakahalukipkip. Humikab siya kunwari na may kasamang tunog pero pinukol siya
ng ina ng masamang tingin kaya naitikom niya ang bibig. Hindi kasi matanggal sa kokote niya ang
mag-boyfriend na naghahalikan sa labas.

"Hi darling!" narinig niyang bati ng isang lalaki sa kung sino sa kanila pero hindi niya pinansin.

"Oh, finally! You're here!" sabi ng Tita Suzanne niya kaya naagaw ng babae ang atensyon niya.

Kaagad siyang napalingon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya na gusto niyang mahulog sa
upuan nang makita ang lalaking palapit katabi ng isang may edad na lalaki.

Oh my juice! Si Guilherme Rix de Lorenzo!

Umawang ang bibig niya kaya isinara ng Mami niya kaagad. Nangingislap sa paghanga ang mga mata
niyang may bahid ng kainosentehan.

The man’s bluish eyes were fixed on her eyes, too. Walang ngiti ang labi pero nang-aakit ang mga mata.
At ang labi! Oh lord! Ang ganda! Kulay pink ‘yon.

Ang pogi! ang pogi pogi! Tili ng utak niya at pumasag pasag ang mga paa niya sa ilalim ng mesa. But
when she takes a quick glance at his long sleeves and slacks, familiar ang mga iyon sa kanya.

Oh shitty! Namilog ang mga mata ni Larrah may pagkasingkit at hindi lang nalaglag ang mga panga niya
kung hindi tumalsik-talsik pa. Ang lalaking may kahalikan sa parking area ay ang mapapangasawa niya?

Demigod nga. Malandi namang tunay at may girlfriend pa. Hay naku! Napangalumbaba tuloy siya.
CHAPTER 1

LARRAH cleared her throat just to shrug the tension away. Parang nalulon niya ang dila kanina pa
habang kaharap ang mga de Lorenzo. Ni hindi s’ya makapagsalita, at kapag hinihingan siya ng komento
ay tumatango na lang s’ya at nagkukunwaring puno ang bibig.

Hindi siya normal.

Grabe naman kasi. Ang inaakala niyang mapapangasawa niyang mukhang surot sa sinehan ay mukha
palang surot na Hollywood.

Itinago niya ang hagikhik. Hindi na masama na makasal siya. Kaso ang boyfriend niya, paano na? Mahal
naman niya si Kurt. Masasaktan sigurado ‘yon kapag nalaman ang tungkol sa desisyon ng mga magulang
niya. Masasaktan nga ba kung para namang palagi na lang walang panahon sa kanya? At naalala lang
siya ay kapag hihingiin ang first kiss niya at ang kanyang katawan.

Hindi maiwasan na mapaismid siya.

Humalukipkip siya sa kinauupuan. Tila ba nakalimutan niya na hindi nga pala s’ya nag-iisa at may mga
kaharap s’ya. Napako na kasi ang paningin niya sa dessert na nasa harap niya na leche flan, na
pang-limang lyanera na niya. Bigla s’yang napatingin kay Guilherme Rix nang tumikhim yo’n.
Her eyes met his kaya napaiwas na s’ya kaagad. Nakatingin kasi sa kanya ang lalaki na para bang isa
siyang nakabukakang palaka sa dissection room na inaaral nito. She almost choke on her own saliva
when he bobbed his brows. Para kasing kinuryente s’ya sa gesture na yo’n. Napakahilig pa naman niya
sa pogi kahit noon pa at ito ay hindi lang basta pogi — sobrang pogi.

Dadamputin na sana niya ang baso ng tubig para mawala ang tensyon niya nang bigla naman mag-ring
ang phone niya. Kaagad niya ‘yong kinuha sa loob ng bag niya at saka mabilis na tumayo nang makita
niya si Kurt na tumatawag.

"Excuse me po." paalam niya sa mga future in laws niya, at sa Mammi at Daddy niya.

Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa garden ng restaurant nang tumango ang mga iyon.

"Hello Kurt." aniya sa kabilang linya na may kasamang ngiti.

"Hmm babe... I miss you babe." anang lalaki sa kabilang linya.

Napabuga si Larrah ng hangin at humaba ang nguso.

Lasing.

Ganoon naman palagi, tatawag sa kanya kung lasing o kaya ay kapag pipilitin siyang pumunta sa hotel
para pumayag na magpaiskor. Mabuti na lang at hindi pa sira ang tuktok niya para pumayag sa
kagustuhan noon. At kahit na kailan ay hindi siya papayag dahil kahit na may kaharutan siya ay
marunong siyang magpahalaga sa virginity niya.

"Drunk again." she rolled her eyes as she sat on the wooden bench. "Where are you?" dugtong na
tanong niya. "Bakit ba naglalasing ka? May pasok bukas." tila naiiritang sabi niya sa boyfriend.
Daig pa noon ang bata na dapat ay paalalahanan. She's the one who's a lot younger. Apat na taon ang
tanda ni Kurt sa kanya kaya malapit na iyong makapagtapos ng Med. pero naman parang s’ya pa ang
tumatanda dahil sa kunsumisyon sa lalaki. Sa bahay ay bini-baby siya pero pagdating sa boyfriend niya
ay daig pa niya ang otsenta aniyos na nanay sa lalaki.

"Babe, pumayag ka na. Punta ka na rito sa condo ko, kahit kiss lang." sabi noon. Ang layo layo sa topic ng
sinasabi.

Napailing siya. "I'm sick and tired okay. I hate talking about that nonsense. Nag-aaral pa ako, kaya
magtiis ka na walang kiss at kung anu-anong iniisip mo." sumimangot na siya nang tuluyan.

Natigilan si Larrah nang bigla siyang may maramdaman na nakadikit sa bunbunan niya.

Wala sa loob na napatingala siya at ganoon na lang ang pagluwa ng mga mata niya nang sumalubong sa
mukha niya ang nakabaliktad na mukha ni Inspector Guilherme Rix de Lorenzo.

Hinalikan ba siya nito sa ulo? Baka naman inamoy ang ulo niya kung amoy shampoo at conditioner. Pero
nakasumbrero naman siya. Ano bang inamoy nito sa kanya? Nakakahiya pa tuloy, baka amoy araw siya.
Ang bango pa naman ng lalaki na kahit malayo sa kanya ay amoy na amoy niya kanina sa mesa.

Hindi siya nakagalaw. Parang nakalimutan niyang may kausap s’ya sa kabilang linya ng phone. Hawak
hawak niya lang ang pesteng aparato at nakabitin sa ere. She can still hear Kurt's voice over the line pero
tila ba nabingi na s’ya ng katahimikan.

She swallowed the lump in her throat.

She thought Ghuix was about to kiss her pero napahiya s’ya sa sarili niya dahil hindi s’ya nito hinalikan;
at gusto niyang tuktukin ang sarili sa kung anu-anong iniisip niyang kabaliwan. At bakit naman
nanghinayang s’ya na hindi ay ipinagdadamot nga niya yo’n sa boyfriend dahil sa takot niya sa kuya niya
na baklasin ang nguso niya?
Nagha-hallucinate yata s’ya sa dami ng leche flan na nakain niya na kulang na lang pati lyanera ay
ngatngatin niya sa katakawan.

Umalis ito at naglakad papaikot papunta sa kinauupuan niya.

He sat beside her.

Wala s’yang nagawa kung hindi palihim na kanselahin ang tawag. Pinagmasdan niya ito na parang haring
naupo sa tabi niya. Ito naman ang mukhang gwapong prinsepe ng mga palakang hubad sa paningin n’ya.
Hindi lang niya inaaral ang hitsura nito, kinakabisa pa. He has the most beautiful defined jaws she had
ever seen, perfect nose and a pair of blue eyes, manly stubble and pink thin lips.

Anong klaseng kagwapuhan meron ang Inspector na ito at parang wala na naman yatang itinira para sa
iba noong mga panahon na nagsabog ang Maykapal ng kagwapuhan at kamachohan?

Sakim ba, inubos na lahat.

"Your boyfriend?" usisa nito kaya napakurap s’ya at kunwari ay naapakamot s’ya ng noo, sabay iwas ng
tingin. Nakatingin kasi ito ng diretso sa mukha niya na para bang kapag napamali siya ng isang letra sa
salita ay parang mapapansin pa nito sa sobrang pagkaperpekto. At ang boses nito ay lalaking lalaki at
bossy ang dating, pero parang may himig ng paglalambing.

Tumango s’ya at saka hindi napigil na huwag kagatin ang labi.

"What does he need?" usisa pa ulit ni Ghuix, iisang linya ang magagandang kilay.

Pulis talaga—Chismoso.
Kiss daw saka score. Alangan naman na yo’n ang isagot niya.

"W-Wala naman―po." po? Gusto niyang tarakan ng syringe ang lalamunan niya sa po na yo’n. Sobrang
galang niya yata ngayon.

Napaiwas pa siya lalo ng tingin kasi nakakatunaw ang titig ng inspector sa kanya.

“Are you sure you wanna marry me?" biglang tanong nito na hindi niya napaghandaan.

Bakit? Dahil ba may kahalikan itong iba kanina? May girlfriend? O bakit? May boyfriend din naman siya!
Gusto ba nito na mag-back out s’ya?

She leers at him. “Wala po akong magagawa, Inspector. I love my parents. Ngayon po kung ayaw mo,
ikaw na po ang magsabi sa kanila na ayaw mo. Total ikaw naman po ang matanda rito at ako ang bata."
inis na litanya niya at humalukipkip siya.

Ewan niya kung bakit over acting naman siya. Para naman kasing nakakainsulto. kahit naman pogi ito, ‘di
naman niya basta basta gugustuhin na magpakasal nang ganoon na lang. Malay ba niya kung sa kabila ng
kagwapuhan nito ay abot kalawakan ang lakas ng hilik kapag natutulog? O kaya ang kilikili power ay
kayang pumatay ng sampung satanas galing sa impyerno kapag hindi naligo ng isang araw?

Sinulyapan niya ito. Nakatitig lang ito sa mukha niya at walang ekspresyon ang aura ng mukha.

"Ang taray mo pala.” He declared after a while.

Talaga!
Pero naman bakit parang compliment ang dating noon sa kanya at hindi pang-iinsulto.

Kapagkuwan ay tumayo ito at medyo inayos pa ang pantalon na suot. "In that case, cancel all that man’s
calls and texts. I don't want a cheating wife." sabi nito sa kanya bago lumayas sa may tabi niya.

Nalaglag ang panga ni Larrah. "Ikaw nga cheating husband." sagot naman niya rito at bubulong - bulong
pa siya habang nakatirik ang mga mata niya.

"I'm a man. Walang mawawala sakin, sa’yo marami." sagot pa ng binata sa kanya kaya nakagat niya ang
smartphone niya.

Narinig pa pala s’ya. Akala n’ya wala na sa may likod niya iyon pala ay naroon pa.

Pero ano namang kaso no’n? Tawag lang, cheating kaagad? Pati ba text, cheating na rin kapag may
asawa na? Hindi naman yo’n pwede. Saka sa papel lang naman sila magiging mag-asawa ni Guilherme
Rix.

Dapat pala ay mangulekta na s’ya ng maraming text mates ngayon pa lang. Three weeks na lang at
ikakasal na s’ya. Makapag-enjoy man lang ba. Bahala naman ito sa buhay nito kung anong gusto.

Ang gwapo nga ubod naman ng istrikto. Hindi pa man lang ay dinidiktahan na siya. Ano naman tingin
nito sa kanya, shunga, malandi para manlalaki kahit kasal na sila?

Ewan! Parang sira ulo.

Napatigil siya sa pagmumuryong nang biglang mag-ring na naman ang phone niya. Agad n’yang
natingnan at si Kurt na naman. Mas pinili na lang niyang huwag sagutin dahil wala naman ibang sinasabi
sa kanya. Naiimbyerna na rin s’ya kung minsan. Pero naman ay kapag binibreak niya, hinahabol naman
siya.
Hmmp! Ewan! Ang mga lalaki, mga sira ulo. Lahat!

Tumayo siya at nagmartsa papasok ulit sa loob. Kaaagad na nahagip ng mga mata niya ang Inspector na
mapapangasawa niya. Umiinom na ito ngayon ng alak diretso sa bote at naninigarilyo na. Naninigarilyo,
kahit bawal sa lugar? Palibhasa ay pamilya nito ang may-ari kaya nagagawa ang gusto. Pero ang gwapo
talaga ng hudyo kahit na anong iakto at kahit na anong anggulo.

Walang humpay ang tingin nito sa smartphone at mukhang may ka-text. Baka ‘yong babae na girlfriend
na kahalikan kanina. Cheating husband!

Tahimik na naupo s’ya sa upuan at kiming ngumiti sa mga future in laws niya. While in the corner of her
eyes, parang nakatingin sa kanya ang poging binata. Malandi ang lalaki, nararamdaman niya ‘yon sa
kabila ng seryoso nitong aura. Umakto rin s’ya na may ka-text kahit wala naman.

Sino kaya ang katext niya? Parang gusto niyang pahabain ang leeg niya at silipin kung sino ang swerteng
nilalang na pinagkakaabalahan nito ng oras.

Napaangat siya ng tingin nang magsalita ang Mammi ni Ghuix.

"Ghuix, why not have a dance with Larrah, anak?" suhestyon ng Mammi ng Inspector sa binata na
kaagad na napatigil sa pagdutdot sa smartphone.

"Ayoko po. / Sure." Sabay pa nilang sagot na dalawa at sabay din na nakatinginan. Ayaw naman talaga
niya pero bakit gusto naman nito?

Ay bwisit! Mapapasubo yata s’ya.


Baka kung saan saan s’ya nito hawakan, sasapakin niya talaga kahit na pogi ito at mayaman at kahit pa
Senior Police Inspector ito. Hindi siya natatakot.

CHAPTER 2

“AAAAAAHHHHH!” takip-takip ni Larrah ng unan ang mukha niya, just to muffle her scream. Mag-aalas
dos na at mukha na s’yang bruha sa hitsura niya. Hindi kasi s’ya makatulog. Para siyang ini-engkanto ng
makasampung ulit na sabay-sabay. Nakapaskil na parang manila paper ang mukha ni Insp. Ghuix sa utak
niya. Lahat ng mga gestures noon ay parang sirang plaka na paulit - ulit sa sa pag-play sa utak niya, GIF
ba.
Tumayo siya at humarap sa salamin. Tama, para siyang white lady sa hitsura niya, wearing a thin white
night dress na abot sakong. Lumuluwa ang mga dibdib niya at ang mahabang buhok niya ay parang
pinutukan ng dinamita sa pagkagulo.

Hindi siya mukhang estudyante ng Medicine sa hitsura niya. Mukha siyang baliw na ihinulog mula sa
pinakatuktok ng mental hospital para makalaya. And that is because of that damn police officer. Grabe
ang epekto sa kanya ng lalaki na iyon na parang perpekto na yata ang physical features. Tall, fair skinned,
macho, gwapo, mabango, maangas. Iyong tipo na kapag kasama mo ay ‘di ka matatakot kasi feeling mo
safe na safe ka. Parang biceps pa lang ay mag-uunahan na sa pagkandirit gamit ang ulo ang mga kalaban
papalayo.

Wala sa loob na napadako ang mga mata niya sa baywang niya na kanina lang ay yakap pa ng lalaki na
iyon. Anong sarap ng feeling. He wasn't her first dance but it keeps on playing in her mind at feeling niya
ay debutante siya. Kahit pakipot siya kanina ay gusto naman talaga niya. Oh my juice na itong tunay.
Nararamdaman pa niya ang malalaking palad na iyon na nakahawak sa may baywang niya at gulugod
habang sinasayaw siya.

Ay buhay! Ano ba? Kinikilig ako!

Sino namang gaga ang hindi kikiligin sa ganoon? Hindi siya. Kasi hindi siya gaga. Baliw siya. Baliw!

Ayyyyyyiiiiii!

Nayakap niya ang sarili at para siyang tanga na sumasayaw mag-isa. Tila ba nakalimutan niya na may
boyfriend nga pala siya. Paikot-ikot at nagha-hum pa siya ng tugtog.

Ang pogi niya talaga!

She could still remember how those pair of brown eyes gazed at her while they were dancing; at
aminado siyang may talent yata ang lalaki na iyon sa pagsasayaw. His moves were in rhythm with the
song at makailang beses siyang pinaikot, almost embracing her. Parang iba. Parang mahalay ang lalaki,
ewan lang niya. Wala siyang malay sa ganoong klase ng pagkatao ng lalaki pero hindi ganoon si Kurt.
Hindi ganoon si Kurt na parang hindi siya makakuha ng kilig sa sarili niyang boyfriend.

Ay bwisit.

Paikot-ikot pa rin siya na parang tanga nang biglang may dumapo sa balikat niya.

"Oh em geeeeee! Inspector Ghuiiiiix! Inspector Ghuiiiix!" tili niya sabay pagpag sa braso habang
patalon-talon.

Hindi si Guix ang dumapo sa balikat niya kundi isang flying ipis na may mahahabang sungay, dark in color
at humahalik sa braso niya.

"Inspector Ghuiiiiiiix! Mamiiii koooo!" paulit-ulit siya habang kumakaripas ng takbo papalabas ng kwarto
niya.

Kabubukas pa lang niya ng pinto ay nagkabanggaan pa sila ng kuya niya at ang Mammi naman niya ay
papalapit kasama ang Daddy niya. Kaaagad niyang sinalubong ng takbo ang mga magulang niya.

"Inspector Ghuiiiiiiix! Ayyii!" napayakap siya sa Mammi niya na kunot ang noo. Tumago siya sa likod
noon.

"Nariyan si Ghuix?" tanong noon sa kanya habang ang kuya niya ay pasilip silip sa kwarto niya.

"It's flying Mammi." sabi niya na lalong ikinangunot ng noo ng babae.

"Holy moron!" mura ng kuya niya sabay pagpag sa mga braso nito nang dapuan din ng letseng ipis.
Napahagikhik siya sa nakitang reaksyon ng kuya niya. Duktor ang kuya niya pero heto at takot din pala sa
isang flying Ghuix (ipis). Nasapo niya ang dibdib at nakahinga ng maluwag nang tuluyang mawala ang
kawawang nilalang na sinampal ng tsinelas ng kuya Evans niya; hindi lang isa, paulit-ulit pa.

Kaagad na naging makahulugan ang tingin ng Mammi niya sa kanya. Ipinagsiklop noon ang mga braso sa
dibdib. "Inspector Ghuix pala, Larrah." makahulugang sabi ng Mammi niya habang nangingiti, kaya
naman napatikhim ang Daddy niya.

She pursed her lips.

Kasalanan ba niya kung si Inspector Ghuix ang laman ng utak niya buong magdamag? Pasimple siyang
ngumiti at naglakad na pabalik sa kwarto niya.

"There is pa ba kuya? Baka mag-asawa sila?" kunwari na lang ay tanong niya para makaiwas sa mga
magulang niya.

Inakbayan siya ng kuya niya. "Wala na yata. Baka naligaw lang kasi anong oras na yata gising ka pa." isa
pa naman na parang makahulugan ang tingin, lalo sa mga mata niya.

"W-Wala. Hindi n-noh. Tulog na tulog nga ako. Humihilik nga pati mga lisa ko at kuto." iniiwas niya ang
mukha niya sa nakatatandang kapatid.

"Uhm, so kaya pala baggy eyes ka na. And when that stupid cockroach kissed your skin, Inspector Ghuix
ang naisigaw mo." tumatangu-tango pa ang kuya niya at iniangat ang mukha niya.

Napatingin siya sa mga magulang niya na parang napapangiti rin.

She rolled her eyes. "Oh come on, he's not who I was thinking okay. Ang dudumi ng mga isip niyo. Lalo
ka na, kuya." sabay duro niya sa ilong ng kapatid niya. "Hmmmp!" sabay pasok niya sa kwarto at isinara
ang pinto.

Grabe namang pamilya ang meron siya. Pinagkakaisahan siya. Ang kuya niya na ayaw siyang pahalikan
ay botong boto rin sa pulis na iyon pero ‘di naman magkakilala nang personal. Ni hindi naman nga
um-attend kanina sa dinner date nila dahil duty sa hospital.

Hmmn... Teka... Nailiko niya ang nguso at nag-isip. Hindi kaya ang ospital na pinapasukan ng kuya niya ay
sa mga de Lorenzo rin? RDLMH kasi. Ang alam niya ay de Lorenzo Memorial Hospital iyon.

Possible yata na magkakilala ang kuya niya at si Inspector Ghuix.

Hay ewan! Bahala sila sa buhay nila. Naglagay siya ng sanitizer sa parte ng balat niyang dinapuan ng ipis.
Sumampa siya sa kanyang kama at nahiga na yakap ang unan. She twisted her head and glanced at the
alarm clock on the table. Oh no! Alas tres na. My gulay! Wala na siyang tulog. Mag-aassist pa naman siya
sa pagpaapanak bukas. Oh paano na? Bahala na. Keribels naman niya kahit puyat siya. If she fails,
kasalanan iyon ni Insp. Ghuix kasi pa-fall. Daig pa ang runner ng marathon sa kakatakbo pabalik-balik sa
isip niya.

She shut her eyes. Parang awa mo na inspector, let me sleep... Ang gwapo mo kasi kahit na ang bossy
mo.

She giggled, covering her mouth with her palm.


Ghuix is pushing the woman against the wall so rigid. He's slamming her p***y deep and fast. She's
Venus, his girl, ang kaisa-isang babae na tumatagal ng laban sa kanyang sandata.

"Yes love, deeper… ahhh..." ungol pa ng babae kaya mas ibinaon pa niya ang kanyang p*********i.

Sa dami ng babaeng naikakama niya noon, lahat iyon napapatakbo kapag nakikita ang laki niya. Venus
was the one who had the courage to take his hugeness. Well, meron pa rin namang iba na sumubok sa
kanya pero hindi tumatagal sa libido niya. Kulang sa kanya ang apat kapag nakikipag-sex siya kaya mostly
sa mga iyon ay nabibitin siya dahil nilalayasan siya. Bakit? Dahil sa sobrang taas daw ng sexual drive
niya at hindi kaya ng mga iyon ang lima. Iyong iba nahihimatay pa. Abnormal yata siya pero alam
niyang hindi siya ang nag-iisa na ganoon sa mundo kaya bakit naman siya maalangan? Maraming may
malaking kargada sa mundo at nagkataon na isa siya sa maswerteng nilalang na ‘yon.

So when he met Venus, he had never let her go, until he learned to love the woman who’s also a police
officer. Mabait naman ang babae at game na game. She's wild and willing to learn, at masunurin lalo
pagdating nilang dalawa sa kama.

Hindi pa niya nasasabi rito ang tungkol sa pagpapakasal niya at sigurado maghihiwalay na sila. But he
knows he can always have her whenever he wants to have her on his bed. Kailangan lang na magdoble
ingat lalo para hindi ito magbuntis dahil hindi niya pwedeng masaktan ang kalooban ng Mommy niya.
Mamamatay ang ina niya kapag nagkataon dahil sa sakit sa puso.

Napatigil siya sa pag-ulos sa babae nang mag-ring ang kanyang cellphone at ang nakakabwisit ay
nagtatalik sila pero lumilipad ang utak niya.

He immediately pulled himself out of her core, that's why Venus groaned.

Nakapameywang siyang naglakad papunta sa mesa malapit sa kama, habang pinupunas ng palad ang
sariling noo na puno ng pawis.

"Yes?" tanong kaagad niya sa nasa kabilang linya matapos na damputin ang aparato.

Sinulyapan pa niya ang girlfriend na naglakad papunta sa kama at nahiga roon. Venus starts to play with
herself. Ganoon ito, walang hiya, walang kyeme kaya nae-enjoy niya. She has no reservations. Bubukaka
ito kahit wala pa siyang utos at tinutulungan na paligayahin ang sarili. He wasn’t her first. Ang sabi ng
babae ay pang-anim na siya at wala naman siyan pakialam noong una, pero ngayon ay hindi niya ito
kinukunsinti na may iba pang lalaki na pinaliligaya bukod sa kanya.

She grabbed the vibrator and pressed it on her clit. Bitin na bitin ito kaya malamang na hindi na siya
hinintay na tapusin ang tawag sa telepono. Pero anong magagawa niya? Inspector siya kaya hindi siya
dapat na magpabaya kahit na nasa gitna pa siya ng kasarapan, lalo pa at kung ang mga kasamahan niya
ay nasa bingit ng kamatayan.

"I'll be there in a minute." sabi lang niya sa kasamahan na humihingi ng back up. Hindi niya maialis ang
mga mata niya sa girlfriend pero kailangan.

Mabilis na siyang pumasok sa banyo at inasikaso ang sarili. Paglabas niya ay nagsuot siya ng damit niya
at nagmamadaling nagsapatos. He saw Venus was almost reaching her o****m that’s why he moved
closer to her, helping her come in no time. He's a boy scout anyway. He sucked her breast that made
the woman arched her body and while still playing with her own cunt, that’s why she groped it, too.
Humalinghing ang babae at mas lalong idiniin ang mukha niya sa s**o nito, habang ang balakang ay
sumasabay sa bawat hagod ng daliri niya sa kaselanan nito.

He inserted his fingers inside her womanhood and finger f****d her good.

"Ohhh shit," ungol ng babae at umangat pa ang katawan sa higaan saka bumuka ang bibig at lalo pa
siyang idinuldol sa dibdib nitong nakaliyad.
He made it quick, moving his fingers in and out a bit faster than usual, and no less than a minute,
naramdaman niya ang pagsabog nito sa ika-apat na yata nitong o****m simula kanina.

He kissed her lips before he pulled his holy fingers out, saka niya pinahid sa bedsheet ang inilabas nito.
She's still convulsing in pleasure but he left her in an instant.

"Bye babe, I love you." aniya sa babae na hindi na nakuha pang sumagot.

Sinulyapan pa niya ito bago niya inilapat ang pinto papasara habang napapangisi siya. Mahal niya pero
iiwan niya para magpakasal siya sa iba? Kalokohan! Naiiling na nanulis ang mga labi niya. Kung pwede
lang siyang sumuway talaga, sana ginawa na niya.

That woman he's about to marry is still so damn young at tingin niya ay ang kulit kulit pa. Balak yata
siyang patayin ng mga magulang niya nang maaga sa kunsumisyon. He's 31 tapos ipakakasal siya sa 20
na parang sa tingin pa lang niya ay uubanin na siya ng maaga dahil parang napaka isip-bata. Ayaw pa
naman niya sa mga makukulit dahil hindi siya nasanay na may ganoon. He's an only child and he grew up
all alone, spoiled and loved.

Ngayon hindi naman yata asawa ang ibibigay ng mga magulang niya sa kanya kundi isang baby damulag
na alagaan. Ano ba? Baby sitter ang labas niya? Cute naman sana ang bata pero hindi siya ang tipo ng
lalaki na gusto ng mas bata sa kanya nang husto. Baka mabaliw siya sa kunsumisyon sa oras na bumuka
na ang bibig noon at mag-inarte. Baka maisilid lang niya ‘yon sa sako at ibitin nang patiwarik sa kisame.

And for holy shit’s sake! I can't f**k that kid!


CHAPTER 3

DINAIG pa ni Larrah ang isang zombie na naglalakad sa pasilyo ng ospital na


nakatakas sa pelikulang 'The Walking Dead'. Laglag ang mga balikat niya at wala siyang kabuhay-buhay
habang yakap ang kanyang libro at tulala sa kawalan.

Para siyang isang dalagang ina na makasampung ulit na nagpa-abort sa tamlay ng lakad niya at tuod na
katawan. Nangangalumata siya at lanta na habang bitbit ang kanyang OB bag sa isang kamay. Tulog pa
nga yata siya habang naglalakad, hanggang sa may umagaw ng bag niya kaya napamukay siyang tuluyan
at nakita niya sa tabi niya ang kapatid na duktor.

Her kuya Evans is one the resident physicians of RDLMH at a very young age of 30. Isa itong Physician
pero kumukuha pa ng tatlong taon na dagdag para sa maging isang Internal doctor.

While she,
Ano ba siya? Tao siyempre. Isang makulit na estudyante ng premed, nasa ika-6th year na siya at three or
four more years na lang ay magiging isa na siyang OB-Gyne doctor, kung sus'wertehin siya.

"Kuya?!" sabay tingin niya sa kapatid niyang nakauniform. Nanulis pa ang nguso niya at kinamot ang dati
ng magulong buhok.

Hindi kasi siya nakapagsuklay dahil nagmamadali siya kanina. Tirik na ang araw ay nakatuwad pa siya sa
kama at pati pwet niya ay humihilik pa.

"Wake up. What's happening? Mag-a-assist ka ngayon ah, bakit tulog ka pa eh naglalakad ka na?"
tumingin ito sa uniform na suot niya at sa pagkagulat niya ay hinawakan siya nito sa balikat at itinigil siya
nito para ayusin ang damit niya. Nakaligtaan pala niyang ibutones ang ilan sa mga butones ng damit niya
kaya nakalabas ang bra niya at pusod.

"My God, Larrah Graine. Magduduktor ka ba talaga? Look at you. Para kang paslit na pinabayaan ng ina
mo. Dahil ito kay Ghuix ano?" tudyo na naman nito sa kanya kaya inagaw niya ang bag niya rito sabay
irap.

"Excuse me noh. Masiyado kang mapagbintang, kuya. I so hate you na talaga. It's because of that flying
ghu – ipis." alibi niya.

Lintik.

Ipapahamak pa siya ng sarili niyang bibig. Tumalikod na siya at nilayasan ang kapatid.

"Assist good, bunso!" bilin nito kaya pumihit ulit siya paharap sa kapatid pero patuloy sa paglalakad
nang patalikod.

"Stop dreaming of your flying Ghuix, okay. Love you." pahabol ng kuya Evans niya na ang laki pa ng ngisi
at patawa-tawa bago no'n binuksan ang pinto ng clinic nito sa loob ng RDLMH, at isang flying kiss naman
ang isinagot niya sa kapatid sabay hagikhik niya, pero bigla siyang bumangga sa pader.

"Ay!" mahinang sambit niya dahil matutumba siya.

"Got you!" that familiar voice sounded so good, bossy but gentle.

It echoed in her mind and made her heart beat in a not so usual pace. Was it because of the thought of
hitting the tiled floor or because of flying Ghuix's familiar voice?

Napatingin siya sa tiyan niya na yakap ng tao na kaboses ni flying ghuix, at saka siya itinayo nang maayos.
Familiar sa kanya ang singsing nitong may batong kulay blue at letters na DL.

She was totally saved. Malamang kung hindi siya nasambot nito ay basag ang bungo niya sa pagbagsak
niya papatalikod.

Pumihit siya kaagad! Nandito pala siya! Diyos ko! Binibisita ba niya ako? Yeee!

Tumikhim siya lalo na nang matitigan niya ang mga mata nitong walang kasing tiim kung tumingin.
Lumabas pala ito sa office ng President kaya nabangga niya.

"Thank you." parang pumuso pa ang mga mata niya sa sobrang kilig. Nakagat pa niya ang ibabang labi
para pigilin ang pag-ngiti pero hindi rin niya nagawa kasi kusang lumabas ang ngiti niya na walang bahid
ng kung anong malisya o kagagahan.

Tumango naman ito sa kanya.

Aaay! Ang pogi niyang talaga kahit tumango lang siya.


"Careful next time. ‘Wag tatanga-tanga." sabi nito kaya napalis ang ngiti niya.

Aba’t! Tatanga-tanga?

Napaismid siya nang wala sa oras at nairolyo ang mga mata.

"Sungit nito. Salamat na lang po Inspector Ghuix. Ang gentleman mo po pala." pairap na sabi at tunog
insulto, pero naman, hindi niya maitikal ang mga mata sa mukha nitong walang katulad.

"I know." sagot pa nito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

Makapal ang mukha. Baka hindi nakahalata na inaasar niya.

"Papasok ka na bata? Quit staring. I'm not a corpse na p’wede mong aralin sa Anatomy." sabi pa nito sa
kanya na lalong nakadagdag sa pagkaimbyerna niya.

Hmmp! Hampasin kita, makuha mo eh! Bwisit ka rin! Lakas mong makapang bad mood!

Humalukipkip siya at inis na napaiwas ng tingin.

"Babe," Isang braso ang pumatong sa balikat niya at isang nguso humalik sa kanya sa ulo kaya napaitlag
siya sabay lingon.

"Kurt!" salubong ang kilay na sambit niya sa lalaki na nakabungisngis sa kanya.

She automatically glanced at Ghuix at nakita niya ang paghagod nito ng tingin sa boyfriend niya. Para
bang may hidden camera ito sa loob ng mga mata na nakakakita ng laman loob ng tao base sa
pag-aanalisa nito kay Kurt. He even crossed his massive arms over his chest, at hindi man lang
naaalangan kung harap-harapan na inaaral ang kaharap.

At kung busy ito sa pag-analisa kay Kurt, busy din naman siya sa pag-analisa rito.

Naka combat shoes pa si Ghuix with his camouflage pants and black fitted shirt, kaya lalong ang puti,
ang pogi-pogi, pero bumalik ang tingin niya sa nobyo.

"Kung nakita ka ni Kuya na nanghahalik at nang-aakbay? Ipapahamak mo ako." naiinis na sabi niya sa
boyfriend at parang wala man lang pakialam.

"He didn't, so it's safe. I should’ve kissed you on your lips." nakangisi pang saad niyon sa kanya na para
bang natutuwa pa sa ginawa.

Mabilis na siyang humakbang papaalis pero hinawakan siya ni Ghuix sa braso kaya napatigil siya pati na
rin si Kurt.

Tiningala niya ang pulis na pagkatangkad-tangkad at inangatan niya ng mga kilay.

"Aren't you going to say goodbye to your fiancé, my dear fiancée?" tanong ni Ghuix sa kanya na
ikinabago ng ekspresyon ng mukha ni Kurt.

Kaagad niyang natapunan ng nagbabagang tingin ng inspector at gusto nya itong kutusin sa ilong, damay
na pati mata.

Bakit naman na kailangan nitong sabihin ang bagay na ‘yon sa harap ni Kurt?

"W-What fiancé?" takang tanong ni Kurt na para bang kabado pa kaya tuluyan nang nawala ang antok
niya.
Marahas niyang nakamot ang buhok na gulu-gulo. Noon lang niya naalala na hindi pa nga pala siya
nagsusuklay, kulot na nga ay mas lalo pang parang sinalagan ng ibon ang tuktok ng ulo niya. Gusto
niyang mapangiwi dahil baka ang pangit niya sa paningin ni Insp. Ghuix.

Ay ewan! Bakit ba ‘yon ang iniisip niya eh naroon ang boyfriend niyang pinagkakautangan niya ng
paliwanag at mukhang magbi-break na sila ngayon na ngayon na dahil sa kagagawan ng Inspector na ito
na walang kasing galing.

Bwisit! Lahat na lang pinanghihimasukan.

"Haven't she told you yet that she's destined to marry me?" tumaas ang mga kilay ni Ghuix at relax na
relax pa.

Kaagad na napatiim bagang si Kurt pero hindi nagsalita.

Siya naman ay nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa hanggang sa pagpihit ng ulo niya paharap ulit kay
Ghuix ay bibig nito ang sumalubong sa noo niya na ikinagulat pa niya at ikinalaki ng mga mata.

He gave her a kiss. He just did!

"Bye honey," sabi pa nito at saka walang salita na kung ano pa man na nilayasan sila.

Nakahabol tingin siya rito habang maangas na naglalakad sa hallway at litaw na litaw ang kamachohan
sa suot na pang-itaas. He has the most perfectly defined body built and his broad back and chest are the
ones which captured her that night. Pakiramdam kasi niya ay ang sarap magpayakap sa lalaki.

Pero kung paghanga ang nararamdaman niya para kay Ghuix, mukhang kabaliktaran yata si Kurt na
ngayon ay ang sama ng tingin sa kanya at mukhang balak siyang balatan ng buhay.
Gaga! Kastigo niya sa sarili. At ano naman in-expect niya? Matuwa si Kurt sa mga narinig nito about her
and Ghuix?

"Yabang." bulong ni Kurt tapos ay ibinaling ulit sa kanya ang paningin na matatalim.

"Is it true Larrah Graine? You're going to marry the owner of this hospital?" parang bwisit na tanong sa
kanya ng boyfriend.

Hindi siya nakasagot. So, si Guilherme Rix pala talaga ang may-ari ng ospital na kinatatayuan niya
ngayon?

"I'll explain Kurt." parang maluluha niyang sabi pero tinalikuran siya nito.

"You better do it well, Larrah dahil hindi nakakatuwa sa side ko bilang lalaki ang ginawa mong ito. " inis
na dugtong pa nito.

Ramdam niya ang hinanakit nito sa kanya. She was halted when Kurt stopped himself from going and
turned around to face her again.

Matapang ang mukha nitong tumingin na naman sa kanya.

"How the hell did this happen? I am expecting you to become my fiancée when the right time comes, I
respected you pero lahat ng pinaghirapan ko iba ang makikinabang? Grabe namang pang-aapak mo sa
p*********i ko, Larrah Graine." namumula ang mga mata nito sa inis sa kanya.

Pero bakit parang wala siyang makitang pagmamahal sa mga mata nito? All that she could see is a dead
ego, a beaten one. Or better say, parang ang interes lang nito at ipinagpuputok ng butsi ay ang hindi
niya pagpapayag na makaiskor ito noon sa kanya.
Napaitlag pa siya nang tumunog ang phone na hawak niya. Kaagad siyang sumulyap doon at isang
unregistered number ang um-appear sa notification niya. She immediately swiped it to read the
message.

Break him up. He doesn't deserve you. GRDL

Nangunot ang noo niya. GRDL? Guilherme Rix de Lorenzo? ‘yon ba ‘yon? Saan naman niyon nakuha ang
number niya?

Tiningnan niya ulit si Kurt. "I-I'm s-sorry, Kurt. I can't say no to my Mammi." mahinang sabi niya rito.

Talaga namang hindi. At mas lalong hindi siya makakatanggi sa future mother in law niya na si Suzanne.
They owe her big as well as her Tita Suzanne owes her Mom big. Parehas na malaki ang utang na loob ng
mga magulang niya at mga magulang Insp. Ghuix sa isa't-isa. Isa pa ay may diperensiya sa puso ang Tita
Suzanne niya at hindi niya maaatim na siya ang maging dahilan ng ikasasama ng pakiramdam no’n kung
saka-sakali na tumanggi siya sa kasal.

Nakita niya ang pag dilim ng anyo ni Kurt. Mas lalong nadagdagan ang galit nito na nakaguhit sa mukha.

"Hindi ako papayag, Larrah. Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang lahat ng pagod ko." gigil na sabi
nito pero hindi na niya pinagtuunan ng pansin kahit nagkikiskisan na ang mga ngipin.

Nasasaktan siya pero wala siyang magagawa. Saka sa nakikita niya rito, parang ang p*********i lang
nito ang ipinaglalaban nito at hindi naman mismo siya.

She maybe stubborn and childish but she's not blind. Pinagtit’yagaan lang niya ang lalaki para lang
masabi na may boyfriend siya. Pero sa paglaon ay natutunan niya na ring mahalin. Kaya lang kahit anong
panukat man ang gamitin, mas mahal niya ang mga magulang niya kaysa kay Kurt.
"I'm sorry." sabi lang niya at akma nang lalagpasan ito pero mariin nitong hinawakan ang braso niya na
ikinangiwi niya.

"Aw! You're hurting me." Angil niya rito habang pinipilit na pakawalan ang braso niya mula sa
pagkakahawak nito, pero lalong hinila ni Kurt ang braso niya kaya natakot siya.

Parang nanlamig kaagad ang mga kamay niya. She’d never known him as violent as that.

"Akin ka lang, Larrah." Mariin na banta nito sa kanya at parang leyon sa pagkatapang ang mga mata,
pero sa inis niya ay hinampas niya si Kurt ng OB bag niya sa mukha kaya nabitiwan siya nito.

Napamura ito sa sakit at nalamukos ang sariling mukha. “Larrah Graine, shit!”

She finds a chance to escape kaya siya kumaripas na ng takbo papalayo.

"Larrah!" sigaw nito sa pangalan niya.

Mammii! Tili ng utak niya sabay ngiwi kaya binilisan pa niya ang pagtakbo na kahit pa madapa siya ay
wala siyang pakialam.

Baka kasi habulin siya at gigilan pa. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ‘yong mga nakakatakot ang
hitsura. It's her weakness. Nanginginig ang mga tuhod niya at feeling niya ay hihimatayin siya kapag
sinisigawan siya at pinagbabantaan ng kung anu-ano. It's because she grew up na walang naninigaw sa
kanya. Lahat sa kanya nagmamahal at naglalambing, at lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kanya. Kaya
kung ganito si Kurt, mas mabuti na nga na maghiwalay sila. He looks like a monster in her sight a while
back, and she had never seen him like that before; at hindi niya gustong makita pa ulit na ganoon dahil
natatakot siya.

Meron siyang hindi kinatatakutan kahit na parang hindi marunong ngumiti, si Flying Insp. Ghuix. Pogi
kasi. Sobra! Ayeee! Diyos ko!
CHAPTER 4

ILANG araw ng patago-tago si Larrah kay Kurt. Ayaw niyang mag-krus ang mga landas nilang dalawa
dahil baka matakot na naman siya kapag sinigawan siya. Nakasuot na siya ng dambuhalang nerdy glasses
at nakawig ng short hair na kulay burgundy para hindi siya makilala ng ex niya. Gustuhin man niyang
magpaliwanag doon at makipag-usap nang maayos, hindi niya magawa kasi ang minsan siyang
paggawan ng masama ay kaagad na naapektuhan na ang buong sistema niya.

Daig pa niya ang isang agent na makikipagbarilan dahil patigil-tigil siya sa mga gilid ng pader sa hallway
ng ospital, tapos ay tatakbo siya kapag wala siyang nakitang Kurt.

Tatlong araw na siyang ganoon pero habang mas lalo niya yatang tinataguan ang isang tao ay the more
na mas malaki ang chance na magkrus ang landas nila.

"Larrah!" sigaw ng galit na boses sa may likuran niya. Si Kurt na, aruy Diyos ko po!

"Mammiii!" tili niya sabay talon at karipas ng takbo sapo ang ulo. Baka kasi matanggal ang wig niya kaya
hahawakan niya nang mahigpit. Ang mahal pa naman ng bili niya at 400 pesos ‘yon. Sayang naman kung
mawawala lang.

Pero bakit nakilala siya ni Kurt samantalang naka disguise na siya?


"You can't escape. Kilala ko ang lakad mo." sabi no’n at nang lingunin niya ay malalaki na ang hakbang
lalo ng boyfriend niya - ex pala.

Napatalon ulit siya sa nerbyos at parang maha-heart attack yata siya. Takot talaga siya. Ang
pinakakinatatakutan niya kay Kurt ay ang mga mata nito na parang lalamunin siya nang buo, pagkatapos
ay itatae siya at papatayin ulit.

Oh my gulay please! Naghanap siya ng matataguan pagkatapos niyang lumiko sa hallway pero isang
bulto ng malaking lalaki na nakashort ang nakita niya na parang halos kalahati lang siya.

"Larrah Graine, halika!" sigaw ni Kurt at malapit na ‘yon sa kanya sa pandinig niya.

"Mammii koo! No! Go away!” tili niya habang tumatakbo at ang tanging choice niya ay humingi ng
saklolo sa lalaking pinakamalapit sa kanya na nakatalikod.

Mabilis niya itong nilagpasan sabay harang dito at tago sa malaki nitong katawan, na parang puno ng
niyog ang tingin niya rito na pwede niyang pagtaguan.

The burly man automatically stopped from taking his steps.

Napahawak siya sa damit nito sabay silip niya sa may gilid ng braso nito kung nariyan na si Kurt. Nang
makita niya ang salubong na mga kilay noon ay parang gusto niyang tadtarin ng pino ang katawan niya
para maitago.

Nagsumiksik siyang pilit sa katawan ng lalaki habang napapaantanda ng krus. Then, the man cleared his
throat.

Holy molly! Nanlaki ang mga mata niya dahil kilala niya ang boses ng lalaki kaya tumingala siya.
Namilog lalo ang singkit niyang mga mata sa nakikita, si Insp. Ghuix na naman. Ang pogi-pogi sa shades
na suot at naka sumbrero ang binata, baliktad pa ang pagkakasuot.

Pogi niyang talaga. Diyos ko day!

"What are you doing?" tanong nito.

Saglit pa siyang hindi nakakurap sa pagkakatitig sa labi nito at nakagat pa niya ang sariling labi, pero
ibinalik niya ang sarili sa huwisyo lalo na nang hawakan nito ang mga kamay niyang nakakuyumos sa
damit nito sa may gawing t'yan. She's shaking.

"You're nervous." ika nito.

Tumango siya.

"I-Inspector. Y-Yo'ng ex ko hinahabol ako. Tulungan mo ako, kasalanan mo po kasi ito." aniya sabay silip
sa tagiliran nito pero nariyan na si Kurt.

Lalo niyang isiniksik ang sarili sa pulis at wala na siyang pakialam kung anuman ang sabihin nito.

"I wanna talk to you.” Mahinahon na si Kurt pero pormal na pormal at nagbabaga pa rin ang mga mata
habang nakatayo sa may tabi ni Ghuix.

Nilingon iyon bahagya ng binata at naramdaman niya ang isang kamay nito sa may likod niya.

Shocks! Todo na ito!


"Why?" tanong ni Ghuix kay Kurt na may bahid ng kapormalan din.

Haaay! Akala niya ay basta-basta na siya nito ibibigay kay Kurt. Hindi naman pala. At kinikilig siya sa
kabila ng nerbyos niya. Hindi na niya talaga makuhang magtiwala pa sa lalaking itinago niya ng halos
isang taon para lang maging boyfriend. Nasira ang pagkakakilala niya roon dahil ginawa ng lalaki na
paghawak sa kanya nang mariin at pagsigaw sa kanya.

"Just for a casual breakup, Mr. De Lorenzo." sambit ni Kurt pero hindi itinitikal sa mukha niya ang mga
mata.

Marahas siyang umiling pero hindi siya nagsalita. Tiningala niya si Ghuix at nakita niyang nanulis ang
nguso nito habang nakatingin sa kanya bago ibinalik kay Kurt ang tingin.

"I think she already did. What do you still want from her? You're wasting my time. The next time, you
better stop hunting her or else I'm gonna put you to jail." masungit na sabi nito kay Kurt sabay hawak sa
siko niya at saka siya marahan na hinila papaalis.

Nakagat niya ang daliri. Tigilan na nga kaya siya ni Kurt? Sana naman. Natatakot na kasi siya. Parang iba
na ang hitsura ng lalaki ngayon. Nao-obsess na yata sa kanya kasi hindi naman niya nakilala si Kurt na
isang lalaking basta lang. Marami ‘yong naging girlfriend at balewala naman ang mga breakups. Pero
bakit siya ay parang ayaw na pakawalan?

Wala sa loob na nalingon niya ang naiwan na lalaki at nananalim pa rin ang mga mata no’n na nakahabol
ng tingin sa kanila, particularly sa kanya.

"Stop looking back." Ghuix commanded her demandingly kaya kaagad na natingala niya ito habang
naglalakad sila sa pasilyo.

Tila wala itong pakialam kahit na tinititigan niya. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa marating
nila ang parking area.
Inalis nito ang suot na sunglass at isinabit sa bulsa ng suot na polo shirt. Saka nito inalis ang wig niya at
nerdy glasses.

"What's with this disguising? Kilalang-kilala ka naman kahit na mag-disguise ka. Sa lakad mo pa lang na
parang madadapa, ikaw na ikaw na, salubong ang mga tuhod na parang hindi hinilot ni Tita noong baby
ka pa.” anito na nakapameywang sa harap niya.

Matutuwa na sana siya kaso ang sungit - sungit ng lalaking ito sa kanya. Daig pa ang araw - araw na
nireregla kapag nakikita siya. Hindi naman niya inaano.

"Alam mo po ba Inspector ‘yong kasabihan na 'the more you hate, the more you love?' " tanong niya
rito.

He's pouting his lips, sexily. Hindi ito nagpapa-sexy, talagang sexy lang ang dating nito sa mga mata niya.
Halatang nabubwisit ito sa kanya kaya lalo lang na nanulis ang nguso. May pagakasalubong kasi ang mga
kilay nito kaya halatang bad trip.

He grazed his lips with his tongue.

Napalunok siya. Napatitig na tuloy siya sa labi nito na namumula-mula o nagpi-pink yata sa paningin
niya.

"What about that stupid saying?" pormal pa rin na tanong nito saka iwinasiwas ang wig niya kung saan
lang.

Mahal ‘yon. Bakit mo itinapon?

Itinago niya ang magkasiklop na mga kamay sa ilalim ng baba at nagpacute sa kaharap, 'yong hindi
naman obvious. Ngumiti lang siya nang maganda kaya pati mga mata niya ay lumiit din.

"Wala lang po. I-memorize niyo lang po para kapag dumating na ang araw ay maalala niyo."
makahulugan na sabi niya rito na hindi naman nito pinansin.

Kasi maiinlove ka sakin, itaga mo yan sa bato.

"What's with your ex? Why is he still following you? May utang ka ba sa kanya?" Pinag-krus nito ang mga
braso sa dibdib at sumandal sa motor na kulay itim.

Umiling siya. "Wala po. Nanghihingi siya ng goodbye kiss kasi no’ng nag-break kami." Pagsisinungaling
niya, pero nang dumako ang mga mata niya sa hallway ng ospital ay nakatayo pa rin doon si Kurt at
parang inaabangan pa rin siya kaya nakagat niya ang hintuturo at kinapa ang braso ng inspector na
kausap, habang ang mga mata niya ay nakatutok sa dating boyfriend.

Patay na siya kapag umalis na si flying Ghuix. Aabangan siya ni Kurt.

"Don't fool me. Hindi goodbye kiss ang hihingin ng ganoong klase ng mga tingin, Larrah Graine." anito sa
kanya.

Her eyes flew to him. Her name sounded so good on his lips. Dahil ba crush niya ito kaya ganoon?
Nakatingin din ito kay Kurt na parang inaanalisa ang kilos ng lalaki.

"It's more than a kiss." anito pa.

Napakurap siya saka tumingin din ulit kay Kurt. More than a kiss?

"Hug and kiss? H-Hug? Gusto niya ng hug saka kiss?" natutop niya ang bibig.
Baka gagahasain siya ni Kurt. Oh no! Baka ‘yon nga ang pakay noon kaya hinahabol siyang pilit.

"Umuwi ka na." Ani Ghuix na umalis na sa pagkakasandal sa motor kaya napabitaw siya sa braso nito.

Biglang nag-alala siya. Wala pa ang sundo niya at ang kuya naman niya ay nasa duty. Paano naman siya
uuwi ng ganito?

Nahabol niya ng tingin ang binata na sumakay sa motor at nagsusuot na ng helmet. Wala siyang
kaimik-imik na napasulyap ulit sa hallway. Naroon pa rin ang lalaki at inaabangan yata na umalis si
Ghuix.

"W-Wala po akong sundo. Nasa grocery pa si Manong Felix, kasama po si Mammi. Hatid mo na po ako."
biglang nangislap ang mga mata niya sa kilig at kumapal na ang mukha niya.

Nawawala ang takot niya dahil sa pagsintang luka-luka niya para sa pulis na masungit pa sa babaeng
nagme-menopause.

Tumingin ito sa kanya at natigilan sa pagsuot ng helmet.

Lumingon ito kay Kurt at maya-maya ay walang sabi-sabing isinuot sa ulo niya ang helmet na malaki pa
yata kesa sa ulo ni Goliath na higante.

"Aray." angal pa niya. "Ang dilim po. Wala akong makita." aniya pa habang kinakapa ang helmet.

Ang bango ng helmet niya, hindi amoy panis.

Maya-maya ay inayos nito iyon kaya may-naaninag na siya sa dark plastic covering ng helmet. What she
saw was his handsome face. May pagka seryoso nga ang mukha pero gwapong-gwapo talaga. Sobrang -
sobra na.

"Ride." utos nito. "Upong babae ha, naka-skirt ka." anito pa kaya napahagikhik siya.

Naka-skirt na nga siya, ubod pa ng ikli at take note, thong ang suot niya kaya pisngi kaagad ng pet niya
ang makikita kapag bumuka-bukaka siya. Kaya lang may shorts nga pala siya. Sayang at hindi
masi-display ang maganda niyang pwet. Okay lang kasi na masilip ang short niya, hindi naman kita ang
mukha niya dahil sa dambuhalang helmet na suot niya.

Nakagat pa niya ang labi nang humawak siya sa balikat ni Ghuix.

"Payakap po inspector. Baka po mahulog ako." paalam niya rito.

Para-paraan Larrah.

Ano ba? Talaga namang yumayakap siya kahit na sa kuya niya. Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa
kilig na nararamdaman. Iba kasi. And this is the first time na may iba siyang lalaki na yayakapin. Kahit na
si Kurt ay ni minsan hindi siya nagpayakap. Mag-nobyo lang naman sila noon sa text dahil lagi naman
siyang ikinukulong sa bahay ng Mommy niya.

"Uhm," tumango naman ito. "Hold tight. Aatakihin sa puso si Mommy kapag nahulog ka." Ang tinutukoy
nito ay ang Tita Suzanne niya pero kinilig pa rin siya sa boses nito talaga; low, hoarse and a bit muffled.

Gentleman siya.

Parang tumatalon-talon ang puso niya sa kilig. Grabeng tama na niya yata rito. Balewala sa kanya ang
paghihiwalay nila ni Kurt. O baka dahil mukhang wala rin naman siyang boyfriend talaga kahit noon pang
sila pa ng lalaki na ‘yon. Lagi lang naman siyang binabalewala. Masabi lang na may boyfriend siya kaya
pinag-tyagaan niya. Lagi kasi siyang nabu-bully na pangit kasi wala siyang nobyo kaya sinagot niya ang
kaisa-isang manliligaw niya na si Kurt na nga kahit na balitang playboy ang lalaki.

Parang idinuyan siya sa langit nang lumapat ang palad niya sa abs ni Ghuix. Nanginginig pa siya. Kelan pa
ba siya naging pasmado? Aba siya ang pinaka-mataas ang marka sa pagkakabit ng swero ah, bakit sa abs
ay napapasma siya?

Ay kasi ang tigas saka ang daming pandesal, at yakap pa niya. Parang gusto niyang pisilin. Naitago niya
ang bibig sa sobrang kilig.

Hindi pa man lang ay parang mahuhulog na siya sa kinauupuan niya.

Baka ‘di lang siya makatulog mamaya, baka kamo magtitili siya sa tuwa kahit disoras ng gabi.
Mangangalumata na naman siya sigurado, ‘di bale na kasi pogi naman na sobra si Bossy Flying Ghuix.

You might also like