You are on page 1of 5

Things to do!

By:DarkInMode(DIM)

Simula.

"Ano ba naman yan Kia?"reklamo ng pinsan ko ng ako ang nanalo sa laro namin.

"Eh pano yan ako eh haha yung suman ah"halos mapunit ang bunganga ko sa kakangiti.

May usapan kase kami na ang matalo man libre ng suman eh good timing ako nag luluto
kase si Mama Juneta, kapatid ng Papa ko.

"Kailan ba ako hindi tumupad sa usapan?"nanunuya niyang ani.

Eh pano ba naman kase pag ako ang talo,ano naman ang ibibigay ko sa kanila eh hindi
nga ako bibigyan ni Mama ng pera kahit isang peso nga wala ako nun.

Kaya inaalok ko nalang sila na marami akong Barbie na panty bago pa yun kaya
matibay,eh tumanggi naman sila.

Alangan namang ipipilit ko eh nagsasalubong na mga kilay nila baka mamaya


magdurugtong na yun.

"Bawi ako sa susunod!"sabi ko kay ate Yena.

"Kailan kaya noh?"napa-isip niya kunwari kahit napikon na tss,bahala ka.

"Next life siguro 'Te"sabay tawa ko.

Pashniki naman kasi kung alam ko lang kung papaano gumawa ng suman,gagawa talaga
ako eh pano eh yung pagkakagod nga ng niyog hindi ko alam kung pano,tapos iinitin
pa yung dahon ng saging,tas gawin pang shape yun tsaka lagyan ng palaman,pwera
sunog ang kusena namin kung ganun,,

Kaya wag nalang.

"Tss ilang suman ba kaya mong ubusin?"tanong niya ulit sa akin.

Tumba lata kase yung nilalaro namin na parang tago-tagoan ganun nga basta yun na
yun hindi ko pa kasi lubos na alam ang larong to nakakalito.

Nagtatago kami ngayon ni ate Yena sa likod ng puno ng niyog sa likod ng bahay nila
pero hindi naman masyadong malayo sa lugar na pinaglalaruan namin medyo tago lang
ito dahil sa likod nga diba?

"Hmm mga tatlo 'Te,!"sabi ko sa kanya pero bulong lang baka kase makita kami rito
nila Jandie eh pinsan ko din kapatid ni Ate Yena

"Magdala ka ng Lima!"sabi niya na ikinataka ko,bakit lima?eh tatlo lang kaya kung
ubusin eh sinabi ko naman sa kanya.

"Bakit Ate?"tanong ko.

Medyo na ka ramdam na ako ng panginginig dahil hindi ko maiwasang kabahan kanina pa


ako nandito sa Luok sentro ng purok namin,tumakas kase ako kina Lolo at Lola eh
pano nababagot na ako a bahay tsaka yung pinsan kong kasama ang boring gaya ng
mukha niya ang laki ng mata kala mo galit pag sayo nakatingin yun naman pala mata
niya parang full moon kumikinang sa sobrang laki.

"Para may pambato ko pag napagalitan sabihin mo:eh may dala naman po akong suman
wag na kayong ma angry'.oh diba"natawa niyang sabi sa akin..

Tumango naman ako,tama siya talino talaga ng lahi namin chos lang baka
magkakatotoo.

"Sige ah aasahan ko yung suman"nakangisi kung sabi sa kanya tumango naman siya
bilang tugon dahil may naririnig na kaming ka luskos papunta sa amin.

"BULAGA HAHAH"sigaw ni Jandie ng mahuli niya kami.

Sabay naman kaming napakamot ni Ate Yena sa ulo, kami yung huling nadakip kaya,
syempre yung nauna ang taya.

Si Mevie yung taya siya raw kase yung unang nahuli,sabi naman ni Jandie nahuli niya
daw sa halamanan nina Mama Adging.

Dito sa sentro ng purok namin,malapit lang ang bahay ng mga kapatid ni Papa kami
lang ata ang nasa malayo,hindi ko alam kung bakit,siguro ayaw lang Nina Mama at
Papa sa maingay subrang tahimik kase yung bahay namin si Mama lang yung sobrang
ingay.

"Daya nitong si Dandoy ako ata ang trip na maging taya ako talaga inuna sa paghuli
eh"reklamo ni Mevie sabay padyak ng kanyang paa sa lupa.

"Anong trip ulol mo,ang tanga mo naman kasing magtago sa halamanan pa eh syempre
kitang-kita ko dito"sabi naman ni Dandoy na nanunuya.

"Tama na yan,sige na tago-tagoan na"sabi naman ni Ate Yena.

Agad namang tumalima ang iba naming kalaro sa pag tago rules naman 'kuno' na wag
magtago sa masyadong malayo dapat sa malapit lang,timak tumakbo ako sa malapit na
kulungan ng manok sa ilalim bito.

"Shuta"

Napamura ako ng maapakan ko ang dumi ng manok pano ba namn kase naka ilalim ako ng
kulungan kaya maraming '80'(bisaya only can understand this,paintindi nyo sa
others)at napapikit naman ako ng ma sidsid ang balat ko sa matalim na kawayan.

Nakatingin ako sa siko ko may kaunting gasgas kaya ayos lang hindi naman to
masyadong halata at pinunasan ko ang kaunting dugo bago pa ito matuyo.

*KIANA"

May sumigaw sa pangalan ko agad akong kinabahan kung hindi ako nagkamali kay Lolo
ang boses na yun.

"Naku patay"bulong ko.

May tumakbo papunta sa pinagtataguan ko si Momon kalaro ko.agad niyang inabot sa


akin ang nakabalot sa selopin na suman lima ba to?

"Kia labas na andiyan tatay mo may dalang pamalo,tumakbo kana dun kina Angkol
Wenrie,tas liko ka, unahan mo tatay mo sa bahay niyo"hingal niyang sabi.
Alam kong inutusan siya si Ate Yena, kahit na mauna man ako o mahuli sa bahay
papaloin padin ako wala akong choice noh! Pero mas maganda kung sa likod bakuran
namin ako dadaan para safe sa pamalo masakit pa naman yun sa pwet.

Kinder pa ako kaya mahigpit na pinagbabawal ni Mama ang lumabas mag-isa lalo na ang
maglalaro baka raw kase maaksidente ako.

Negative rin nila masyado

Kaya maingat ako na hindi mahuhuli dito bahala na kong papaluin ako sa bahay wag
kang dito ayaw ko ng agaw atensyon ng mga tao dito

Nakakahiya kaya

Kaya agad na akong lumabas at tumakbo ng ...

"Kia"

May tumawag sa akin agad ko itong nilingon si Ate Yena may dalang selopin mayroon
laman
paniguradong suman yun tsk ang sarap pa naman nun.

Agad kung tinakbo ang kinaroroonan niya para kunin ang suman na kanyang dala kahit
pa paluin ako paniguradong manghihingi sina Lolo at Lola ng suman ko kaya may
idadahilan ako kung bakit ako tumakas sa kanila.

Diba ayos HAHHA astig ko talaga.

"Salamat ate"sabi ko sabay kuha ng suman sa kanya.

"Ouh sige na baka maabutan ka, lagot ka talaga"sabi niya sabay tawa pero alam kong
binibiro niya lang ako..

Timawa kang din ako sa kanya kahit hindi ko na mahabol ang kaba sa aking dibdib

"Nako ate matanda na yan kaya mabagal na yan tumakbo haha hindi tulad ko ang bilis
kaya chill ka lang haha"pa astig kong sabi sa kanya.

Ng biglang.....

"Kia ikaw'ng bata ka halika rito"sigaw ni Lolo na tumakbo isang kilometro ata bawat
hakbang niya papunta sa akin.

"Bye ate"sigaw ko kay ate Yena na tumatawa lang habang pinanood akong tumakbo na
Naks naman oh palo na naman ako nito.

Sinunod ko ang sabi ni Momon kanina lumiko ako kina Angkol Wenrie, pagliko agad
kung natanaw ang maliit naming simbahan parang natural na bahay lang ang simbahan
namin rito Barangay lang kase ito iks-6 na Purok kami at nasa sentro ang Malaking
Simbahan, alas otso ay magsisimula na ang Mesa kung roon pa kami magsimba
paniguradong tapos na bago pa kami makarating kaya't naisipan ng mga mamayang rito
sa amin noon na gumawa na lang na maliit na Simbahan para hindi na masyadong hassle
yun ang narinig ko sa mag nakakatanda rito sa amin, yun lang muna ang maikwento ko
ah mamaya na pagtapos na ako paluin yung sequel paniguradong lagot ako nito eh.

Salikod ako ng bahay namin dumaan, nakita kong nagwawalis sa hagdan si Lola kaya't
nagkaroon ako ng pagkakataon na pumasok ng walang ingay, agad kung nakita ang
pinsan kung si Lonelie na naka shade habang ang laki ng ngisi.

Shade?San siya galing non wala siya non kanina ah?

Baka naka-uwi na Mama niya, sana hindi pa umuwi si Mama mapagalitan ako
panigurado.

"Wuy"kalabit ko sa kanya habang hiningal sa pagtakbo.

"Bakit"maamo niyang sabi.

Mabait siya pero na iinis ako kahit anong kulit ko sa kanya ayaw niya talagang
sumabay sa trip ko tahimik lang sila palaging sumasama sa Mama niya na Tita ko si
Tita Nelzien hindi ko alam kung anong trip niya, tahimik lang din naman ako sa mga
taong hindi ko kilala pero sa mga kababata ko hindi naman ako madeadma noh mabait
naman kase ako medyo maloko-loko lang hehe.

"Kanino galing yan"sabay turo ko sa ulo niya, yung shade hehe ang ganda
kase......... parang gusto ko rin, ma try nga

Yun nga lang kung pahiramin ako nito tsk

Sana wag siyang madamot noh kahit ngayon lang.

"Kay Mama"sabi niya sabay baling sa shade niya at sinuot ito.

Mama niya ba kamo?

"Wala bang sa akin?"tanong ko.

"Hindi ko alam hindi pa kase dumating si Untie Deceil eh"sagot naman niya.

"Pwede pahiram?hehe"sabi ko*puppy eyes* sa kanya.


*Blink*

"Cge pero isauli mo ah?"abot niya sa akin nong kulay pula niyang shade

"Oo namn testing ko lang kung maganda ba"sabi ko namn.

You might also like