You are on page 1of 3

ALEGRE, MARNEL S.

UUWI NA ANGNANAY KONG SI DARNA


ni Edgar Samar

MGA TAUHAN:
TATAY
NANAY
ANAK BILANG AKO

SAAN NAGANAP:
SA BAHAY

ANG KWENTO:
Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. "Uuwi na ang Nanay mo!" sabi
niya habang nasisilip ko na halos ang ngala-ngala niya sa kaniyang pagtawa.
Hindi ko alam kung matutuwa rin ako. Kasi, hindi ko pa naman talaga
nakikita nang totohanan si Nanay.

Alam ko lang ang itsura niya dahil sa mga picture . Lagi siyang may karga-
kargang bata. Nung nakaraang Pasko, nagpadala siya ng picture na kasama
nila si Santa. Isang beses ko pa lang siyang nakausap sa telepono. Itinanong
ko kung ano'ng hiniling kay Santa nung batang buhat-buhat niya. Tawa lang
nang tawa si Nanay. Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko.

Maliit na maliit pa raw ako nung umalis si Nanay papuntang Hong Kong.
Karga-karga nga raw ako ni Nanay nang ihatid siya sa airport ng buong
angkan namin. "Tatay, bakit po ba umalis si Nanay? Tinitigan muna ako ni
Tatay bago siya sumagot. Laging ganoon si Tatay kapag may itinatanong ako
tungkol kay Nanay. "Alam mo anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo
sa ibang bansa. Aba, ang galling naman kasi ng Nanay mo."

Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyon-milyong mikrobyo sa


bahay. Isang pasada lang niya ng wonder walis niya, Swissss! Patay lahat ng
dumi na nagdadala ng sakit.
"Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok mang labahin. Sa
maghapon, kuskos dito, piga doon. Walang sinabi ang mantsa! Lilinis at
puputing tiyak ang labada."

"Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power ." Anong parang si
Darna? Si Darna talaga ang Nanay mo, pagmamalaki ni Tatay. "Aba, kahit
sino'y hindi niya inuurungan! Sinumang umiiyak na bata'y tumatahan agad
kapag kaniyang inawitan. Kaya nga gustong-gusto siya ng kaniyang
tinutuluyan at ayaw na siyang paalisin."
"Pero 'Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya darating? Bakit di
na lang niya liparin papunta rito sa 'tin para mabilis?" Napangiti lang si
Tatay. "Liliparin nga niya. Kaso lang, kailangan niyang tawirin ang isang
malawak na dagat bago siya makarating dito sa atin."
Isang malawak na dagat pa pala ang tatawirin ni Nanay. Hindi kaya siya
maligaw? Hindi tuloy ako makatulog nang gabing iyon. Makilala pa kaya ako
ni Nanay? Aba, ipagmamalaki ko siya sa mga magiging kaklase ko sa
pasukan. Si Darna yata ang Nanay ko!

Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw? Nandiyan na si Nanay?
Aba, hayun nga't may bumababa sa dyip ni Tatay. Nandito na si Nanay!
Kamukhang-kamukha nga ni Nanay ang babae sa picture . Ang ganda pala
lalo ni Nanay sa totohanan. Ano kayang itsura niya kapag siya na si Darna?
Buhat-buhat ni Tatay ang isang malaking kahon. Hili-hila naman ni Nanay
ang isang malaking bag.

Nahiya akong magpakita kay Nanay pero 'yung ibang mga tao?mga tito at
tita ko, mga kapitbahay namin?nakapaligid lahat kay Nanay. Alam na kaya
ng lahat ng tao sa bahay na siya si Darna? Saan kaya niya itinago 'yung
batong agimat niya? Nagpalakpakan ang lahat nang buksan ni Nanay ang
kahon.

Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon. Iyung pantuyo raw


ng buhok para kay Tiya Lupe. Iyung pantimpla ng kape kina Manang Letty.
Iyung pandurog ng mga prutas kina Manong Ben. Ang dami pang iba. Ang
galling! May madyik lahat ng mga gamit na dala ni Nanay. Meron din kaya
siyang ibibigay na madyik para sa akin?

At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay ay para sa


mahal kong anak na si Popoy." Ako 'yon! Ako yon! Naalala pala ako ni Nanay.
Wow! Ang gaganda ng pasalubong ni Nanay. Parang nakababasa siya ng
isip. Alam niya na mahilig ako sa libro kahit hindi naman niya ako tinanong.
Kasama kaya iyon sa mgapower niya?

Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong. "Nanay, kayo po ba


talaga si Darna?" Napatingin lahat ng tao sa akin. Napasulyap si Nanay kay
Tatay. Ngumiti lang si Tatay. Ngumiti rin si Nanay at saka ako niyakap nang
mahigpit na mahigpit.

ANG NATUTUNAN:
Sa pamilya dapat maging isa at matutong magmahalan dahil sa kanila tayo
nakakakuha ng lakas ng loob at dapat may utang na loob tayo sa kanila dahil
sila ang nagmahal at nagpalaki sa atin. Dapat magpasalamat tayo sa kanila
sa lahat ng ginawa nila para sa atin.

You might also like