You are on page 1of 3

Simula

Ako si Catnisse, 21 years Old at pangkaraniwang college student. Nakatira ako mag isa sa
isang maliit na bahay na ipinamana pa sa akin ng Lola Terisse. Lumaki akong tanging ang lola ko
lang ang kasama ko hanggang sa mawala siya ay ako lang ang kasa-kasama niya. Wala akong ibang
kamag anak man lang na nag punta kaya nahirapan talaga akong ipalibing si Lola. Mabuti na
lamang at may mga kapit bahay akong may mabubuting loob na siyang tumulong sa akin para
ihingi ng tulong sa mayor ang labi sa lola ko.

Dalawang taon nang wala ang lola ko at tanging pusa ko lang na si Mingmaw ang kasama
ko dito. Kung nag tatanong kayo kung nasaan ang mga magulang ko ay hindi ko rin alam. Ang sabi
sa akin ni lola ay iniwan daw ako sakanya noong musmos na bata palang ako, halos 6 years old lang
daw ako non. Bakit ako iniwan? Para daw humanap ng magandang trabaho sa ibang bansa.
Nakakatawa nga lang at nakuha nilang iwan ang nag iisa nilang anak na kahit pisong duling ay wala
akong natatangap na padala nila o sulat man lang galing saknila. Kahit anong koneksyon ay wala
kaming alam sa kung nasaan man ang tatay at nanay kopara bang nag iwan lang sila ng pusa sa lola
ko. Masama ang loob ko saknila at tingin ko ay hindi na mag babago iyon.

“Catnisse, Malapit na ang piyesta dito sa atin. Lalahok kaba ulit bilang reyna elena?”
nakangiting tanong ni Sara habang nag susuklay ng buhok sa harap ko. “Oo nga, tiyak na tatalbugan
nanaman niya ang mga kababaihan dito lalo na si Dalia” dagdag pa ni Kara na nag susuklay din ng
buhok. Silang dalawa ay kapitbahay at matatalik kong kaibigan kambal sila at nandito sila sa tapat
ng bahay ko kapag gantong hapon. “Kayo talaga, Hindi na muna ako sasali dahil mas mahalaga
yung trabaho ko sa bayan” pag sagot ko sakanila. Agad naman nalungkot ang mga mukha nila.
“Hindi ka nanaman sasali? Katulad nang nakaraang taon ay hindi ka rin sumali kaya nag pa bida si
Dalia kahit ikaw naman talga ang gusto ng mga tao dito sa atin.” halata sa tinig ni sara ang pag ka
inis kay Dalia. “True la lu dzai! Akala mo talaga ay siya ang ginusto, As if naman na hindi natin
alam na ang nanay niyang bruha ang may dahilan kaya siya ang naging Reyna elena” tumango pa
ang dalawa sa akin.

“Wala akong balak na sumali kara,sara. Mas kailangan ko ng pera para sa pag aaral ko. Kahit
namna na Scholar ako ay kailangan ko parin ng pang gastos sa araw araw ko.” paliwanag ko
saknila. Totoo naman, kahit pa gusto ko sumali ay abala lang iyan. Pero nung nabubuhay pa si lola
ay ako ang laging nirarampa nila.

“Okay, oo nga pala mag isa ka nalang dito. Nakakamiss talaga si lola Terisse, wala na tayong
meryenda kapag ganitong oras” ani ni Kara. “wala ng turon o bananaque” dagdag pa ni Sara.

Ngumiti naman ako saknila “Nag luto ako ng Turon, alam kong darating kayo. Tara sa loob” aya ko
saknila at kinilig ang dalawa.

Kahit papaano ay tanggap ko ng wala na si Lola, masakit parin sa akin dahil siya lang ang kasama
ko dito. Ngayon ay magisa nalng ako at nilalaban ang pangarap namin dalawa. Hindi naman
nagiging boring dahil palagi akong binibisita ng kambal kaya nakakaya pa naman namin ni
Mingmaw.

Habang nag gagabihan kami ng pusa ko ay may kumatok mula sa pintuan. “Sandali” ani ko bago
tumayo para buksan ang pintuan. Nang buksan ko ang pintuan ay sumalubong sa akin ang isang
Babae at Lalaki. Kung titignan ay maganda ang mga kasuotan kaya tingin ko ay mayayaman sila.
Dagdag mo pa ang mga bodyguard na nasa likod nila. Agad naman akong ngumiti at nag tanong
“Ano pong kailangan nila?”. Nagulat nalamang ako sa sunod na sinabi ng babae.
CHAPTER 1
Babaeng maganda makinis at di matatanggi na may edad na ito dahil sa mukha naman siyang nasa
30’s na. Kasama niya ang lalaki na tingin ko ay asawa niya.

“Anak nandito na kami” agad nag laho ang ngiti sa aking mga labi napalitan ng panlalamig at
panlulumo sa narinig. Sa tagal ng panahon ay sila pala ang mga nangiwan sa amin ni lola.

“Kumusta ka dito? Asan si Lola mo? Ang lalaki laki mo na anak at ang ganda ganda pa!, Marami
akong dalang mga gamit para sayo nasa kotse ang lahat” ani pa nang Ginang at aaktong yayakapin
ako ay umiwas agad ako. “Sino ho kayo?” matigas na tanong ko sakanya.

“Ako si Serina ang Mama mo at ito si Carlito ang Papa mo.” “Tama anak ako ang Papa mo,
patawad kung ngayon lang kami nahirapan kaming hanapin kayo” Nakangiti pa silang dalawa sa
akin. Para bang wala silang ginawang pang aabanduna sa akin.

“Hindi ko kayo kilala at pwede ho ba wag niyo akong matawag na anak dahila matagal na hong
patay ang mga magulang ko” ang kakapal ng mukha nilang sabihin na anak nila ako. Sa lahat ng
pag hihirap na naranasan ko ay wala sila.

“Catnisse anak alam kong galit ka, pero maniwala ka hinanap ka namin. Namin ng mama mo”
tumingin ako sa lalaking nag salita “Umalis na ho kayo. Wala po kayong anak dito na inabanduna
nio ng labing limang taon” isasarado kona sana ang pintuan ng pigilan nilang dalawa.

Umiiyak ang babae at nakikiusap “Anak please listen, hindi ko ginusto ang nangyare. Mahal na
mahal ka namin. Gusto kong mag paliwanag sa nangyare please anak listen to us”. Mabilis ko
namang pinahid ang luhang tumulo sa pisnge ko.

“Nawalan na ho kayo ng anak simula ng umalis kayo at iwan ako sa Lola, wala po kayong
karapatan na sabihing pakinggan kayo. Wala po tayo sa Teleserye na babalik kayo after 15 years at
tatanggapin agad kayo ng inwian niyo? Kaya pakisausap, hindi ko kayo kailangan umalis na kayo at
hindi ko kayo kilala” tinignan ko sila ng masama.

Hawak ng lalaki ang asawa niya “Tama na Selina, Bumalik nlang tayo sa ibang araw. Naguguluhan
pa ang anak natin” pag pipigil niya dito. “hindi carlito, hindi niya naiitnidhan lahat kailangan naten
mag paliwanag” umiiyak na ani niya. Sinarado ko na ang pintuan at bumalik sa hapag.

Umiyak lang ako buong gabi at pumasok parin dito sa trabaho ko bilang isang Cashier ng isang
restauramt dito sa bayan. “Goodmorning mahal” aaktong yayakapin ako ni Harold ay hinampas ko
siya. “aray naman myloves aga aga mong mapanakit” ani pa nito. Siya si Harold ka trbaho ko at
masugid na nanliligaw. “tumigil ka nga harold wala ako sa mood makipag biruan umayos ka” ani
ko at naging seryoso naman niya akong tinignan.

“Anong problema Cat?” lumapit naman siya dito sakin sa counter at nangalumbaba.

“Wala harold mag trabaho kana” pag tataray ko saknya .

Wala ako sa mood para makipag kulitan. Makulit si harold, literal na makulit. Noon pa man ay
rejected na siya pero heto parin siya araw-araw na nanngungulit.

“Sige ka magiging manang ka niyan kapag dimo sinabi. Kaninakapa walang imik dyan”

Sino ba namang matutuwa sa nangyare kagabi.


Agad naman na umalis si harold ng w=tawagin siya ng customer.

Umuwe ako ng maaga dahil sumasama ang pakiramdam ko, wala akong tamang tulog. Napag
pasiyahan kong pumunta sa school para mag review sa library sa monday na kasi final exam namin.

Nagulat naman ako ng may

You might also like