You are on page 1of 12

Chapter 2

Ara POV

“Nandito ako sa harden namin ngaun.


Nakadekwatro akong nakaupo.
Ngingiti-ngiti habang nakatingin sa kawalan.
Sa wakas natupad din ang plano ko,
kasabwat si Mommy.
Hinithit ko ang sigarilyo sabay buga ng usok.
Napapikit pa ako habang ninanamnam
ang sarap ng nikotina na humahagod sa aking lalamunan.
Nang maupos ang sigarilyo ay idinutdot
ko ang upos nito sa ashtray na nasa harap ko.

Wala akong choice niyaya na ako ni Gabriel magpakasal.


Hindi ko siya mahindian kasi mahal ko siya
pero hindi pa ako ready magpakasal.
Mayaman ang Pamilya nila at alam ko
kapag ipipilit ko na hindi muna magpakasal at
tuparin muna ang pangarap ko na maging modelo
hindi siya papayag. Kaya naman naisipan ko na
habang tinutupad ko ang pangarap ko
ipakasal ko muna siya sa kapatid ko.

Yes, yan ang plano ko.


Itatali ko muna si Gabriel sa kapatid ko
para kapag ready na ako madali ko
na siyang makuha ulit. Baka kasi mapunta
pa siya sa ibang babae at mahirapan akong
bawiin siya kapag ready na ako.
Marami pa namang haliparot
ang aaligid-aligid sa boyfriend ko.
Maraming mga babae na handang maghubad
sa harap ni Gabriel para lang mapansin at
iyan ang hindi ko mapapayagan.

Akin lang si Gabriel. Kaya hangang hindi pa ako


ready na tuluyang magpatali sa kanya
itatali ko muna siya sa kapatid ko.
Knowing sa attitude ng kapatid ko
madali kong maagaw ang akin.
May pagkatanga kasi itong kapatid ko eh.
Mabilis paikutin at napakainosente.
Kayang kaya kong bawiin
si Gabriel sa kanya kapag gusto ko.

Sa ngayon magkukunwari ako


na payag ako sa kasal nila dahil mahal ko
ang kapatid ko pero NO” gagamitin ko lang siya.

Alam kong pagdating ng araw ako lagi


ang papaboran ng aming pamilya lalo na ni
Mommy kasi ako ang paborito niyang anak.
21 years old pa lang naman ako at next week
pupunta ako sa New York para doon magmomodelo.

Hindi ito alam ni Gabriel.


Matagal ko ng pangarap ito at nandyan
si Gaston para tulungan ako.
Si Gaston ang manager ko at siya
ang bahala sa lahat. Nangako siya sa akin
na tutulungan nya ako sa lahat ng bagay
para matupad ang pangarap ko.”
Siya na bahala sa lahat ng papeles ko
at titirhan pagdating ng new york.
Napakabait na manager ni Gaston
kaya naman malaki ang tiwala ko
dito pati na din si Mommy.
Matagal ko na itong kilala at siya
ang lagi kong kasama kapag
may mga pinupuntahan akong audition
at fashion shaw dito sa Pilipinas.
Ito din ang nag-aasikaso sa lahat ng schedules ko.

May ibang hawak na artist ito


pero alam kong ako ang pinaka paborito nito
dahil pagdating sa akin galante ito.

Lihim akong napangiti habang iniimagine


na sa wakas matutupad lahat ng pangarap ko
na walang maging sagabal.
Bata pa lang ako pangarap ko ng
maging International Model.
Alam kong may ibubuga ako pagdating sa larangang iyon.
Nangako naman sa akin si Gaston
na gagawin niya ang lahat upang
natupad ang aking mga pangarap.
“Mam Ara tawag po kayo ng
Daddy at Mommy mo sa Study Room.
Dumating na po kasi ang magkakasal
kina Mam Carissa at Sir Gabriel.
Nandoon na din po
ang mga magulang ni Sir Gabriel.
“Sabi sa akin ni Manang ang aming katulong.
Matagal na namin itong kasambahay.
Halos ito na ang nagpalaki sa amin ni Carissa.

Sige Manang susunod na ako”


sabi ko sa kanya. Kailangan kong palungkutin
ang aking awra para kapani-paniwala
na nalulungkot ako sa mga nangyari.
Pero sa kaloob-looban ng puso ko tuwang tuwa ako.
Tagumpay ang plano.
Magiging panatag ang aking kalooban
habang tinutupad lahat ng pangarap ko.

Sumunod na agad ako sa study Room


at nadatnan ko si Mommy, Daddy,
mga magulang ni Gabriel
na sila Tita Moira at Tito Ralph.
Nandito na din si Gabriel at Carissa
pati na din ang judge na magkakasal sa kanila.
Yes ngayun agad ang kasal nila.

Desisyon ito ni Daddy na agad


naman sinang-ayunan ni Mommy.
Alam namin ang ugali ni Daddy.
Conservative ito. Well hindi nakakapagtaka
yun kasi ang mga namayapa naming Lolo at Lola
ay lingkod ng simbahan. Doon yata namana
ni Daddy ang ganitong pag-uugali.
Nang tingnan ko si Carissa ay Kapansin -pansin
ang lungkot sa mukha ni Carissa
samantalang si Gabriel naman ay nakatiim-bagang.

Ora- orada ang kasal kasi kunyari din


hindi papayag si Mommy na hindi agad
panagutan ni Gabriel ang nangyari sa kanila ni Carissa.
Stict lang ang peg ni Mommy
pero kasama na yan sa plano namin.
Ako yata ang favorite daughter ng Mommy ko.

Nang tingnan ko ang mukha nila


Tito at Tita hindi ko Mabasa
kung ano ang iniisip nila.
Alam nila pareho na ako ang girlfriend
ng kanilang anak. Boto nga sa akin si
Tita Moira kasi lagi naman ako dinadala
ni Gabriel sa bahay nila tuwing may sinicelebrate
ang pamilya. Kaya hindi na ako iba sa kanila.
Alam ko din na mababait ang mga ito sa kabila
ng katayuan nito sa buhay.
Super yaman ng mga ito pero bakas sa mga
mukha ng mag -asawa ang kabaitan.

“Ara Babe Im sorry.


Pwede bang pag uspan muna natin ito?”
sambit sa akin ni Gabriel.
“Mom Dad I love Ara at siya dapat
ang pakasalan ko hindi si Carissa.”

Tito, Tita Please si Ara ang gusto ko”.


Sana naman bigyan niyo muna kami
ng time na makapag usap”
Hindi pwedeng sa isang iglap lang
ikakasal ako sa kapatid ng girlfriend ko.”
Pakiusap ni Gabriel. Bakas sa
boses nito ang tinitimping emosyon.

“Gabriel, nangyari na ang hindi dapat mangyari.


Dapat si Carissa ang panagutan mo dahil
may nangyari na sa inyo.
Hindi kami papayag na parang wala
lang ang nangyari kagabi.
Paano kung mabuntis siya.
At ano nalang sasabihin ng mga tao
ng mga kakilala namin.
Nakakahiya ang mga nangyari”.
mahabang litanya ni Mommy.

Samantalang si Carissa naman


ay tahimik lang at nakayuko.
Alam kong confused pa rin
siya sa mga nangyari. At iniisip
kung paano napunta silang dalawa ni
Gabriel sa kama. Simple lang naman
ang ginawa namin ni Mommy nilagyan
namin ng pampatulog ang kanilang
mga inumin. Tapos pareho naming
silang hinubaran. Makasarili na kung
makasarili pero ito lang ang paraan
para hindi makawala sa akin si Gabriel.
Pagbalik ko galing sa New York babawiin
ko siya kay Carissa. Gagawin ko ang lahat
para maging akin siya ulit. Sa ngayon
ito muna ang pinaka the best na desisyon..

" Gabriel, hangang ngayon hindi pa


rin ako makapaniwala na nagawa
niyo akong lukuhin. Mahal na
mahal kita pero bakit nangyari ito?”
Kapatid ko si Carissa at dapat lang
na panagutan mo siya.”” Siguro
tangapin ko nalang na hindi tayo
para sa isat isa.” Wika ko na may
lungkot sa tinig. Kailangan kong
magkunwaring malungkot para
kapani-paniwala ang drama. At
kailangan na ipakita ko sa kanila
na mabait ako at kaya kong magparaya
para sa nag-iisa kong kapatid.

“Ara, Iha napakabait mo talagang bata ka.


Hindi ko akalain na magpaparaya ka
para sa kapatid mo”. Bakas sa mukha
ni mommy Moira ang paghanga habang
sinasabi sa akin katagang iyon. Lihim
na ang nagdiwang ang aking puso.

“Thank you Tita.. Siguro hindi kami


para sa isat isa ng anak niyo. Gagawin
ko po ang tama, at iyun ay magparaya...”
sagot ko kay Tita Moira at napangiti ito
sa sinabi ko. Tumango tango naman si Tito Ralph.

“Mom, Dad pwede naman na wag na


natin ituloy ang pagpapakasal. Please....
Hindi nman namin ginusto ang nangyari .
Hanggang ngayun hindi ko pa din po maisip
kung paano kami napunta sa iisang kama
ni Kuya Gabriel.. “ wika naman ni Carissa.

“Tumahimik ka Carissa”. Kung hindi


dahil sayo hindi mangyayari ito.”
Napakalaking pasakit sa Ate mo
itong ginawa mo. Hindi ka man
lang nag-isip na masasaktan ang
Ate mo sa pinagagawa mo.”
Pabulyaw na sabi ni Mommy.

“Mom tama na yan. Carissa kapatid kita


at hangad ko ang kaligayahan mo...
nyong dalawa ni Gabriel. Ipapaubaya ko
na siya sayo. Sana alagaan mo siya.
Alam ko naman na noon ka pa may
gusto sa kanya”. Madrama kong sabi.
“Ate Hindi!. Itama natin to.
Kayo dapat ni Kuya Gabriel ang
ikakasal hindi ako.” “Ate please.....
. Ayaw kong ako ang magiging dahilan
ng paghihiway niyo ni Kuya.
Alam ko kung gaano niyo kamahal
ang isat isa. Saksi ako doon.
Please Ate....” naluluhang sagot ni Carissa.

“No Carissa ito ang tama.”

Mahal kita kasi kapatid kita


Handa akong magparaya para sa
kaligayahan mo....”Madamdamin kong
sabi dito. Kunyari pa ay pinunasan
ko ang luha sa aking mga mata.

“Tama na yan. Carissa, Gabriel


magpapakasal kayo ngaun din
at wala ng marami pang satsat.
Ginusto niyo ito kaya dapat lang na
panindigan niyo. Pagkatapos ng
kasal isama mo si Carissa sa inyo
Gabriel. Ayaw kong makita na
nahihirapan si Ara dahil sa mga
nangyayari..” Mahabang litanya ni Daddy.

“Pero Dad paano ang pag aaral ko.


Pwede bang dito nalang muna ako?”
Sumasamong pakiusap ni Carissa.
“Hindi Carissa dapat lang na sumama
ka na sa asawa mo pagkatapos ng Kasal.
Wag ka na muna makipag usap at
makipagkita sa Ate mo para makamoved-on
agad siya. Masakit sa kanya
ang mga nangyari kaya naman umalis ka
na muna sa bahay na ito...” Wika ni Daddy.

“Tama yan. Gabriel Anak isama mo


si Carissa sa bahay mo pagkatapos
ng kasal para sa katahimikan ng lahat
total naman mag asawa na kayo
kaya dapat lang magsama kayo sa iisang bahay.
Diba kakatapos lang gawin yung
dream house mo? Doon mo nalang muna
itira si Carissa after nito”.
Mahabang litanya ni Mommy Moira.

“Dream house namin ni Ara iyun Mom.


Para sa kanya ang bahay na iyun...”
bakas ang inis sa boses
ni Gabriel na wika nito.

“Gabriel Please tama na.


Kalimutan mo na ako. Simula ngayon
itoon mo na ang pansin kay Carissa.
Siya dapat ang itira mo sa bahay
na iyun kasi magiging asawa
mo na siya. Kalimutan mo na ako.
Alam kong masakit pero ito ang tama.”
Madamdamin kong wika kay Gabriel.

“No!!!!... Ikaw ang mahal ko Ara.


Hindi ako papayag na mawala ka sa akin.
Ayusin natin ito. Mag- usap tayo.
Yung tayo lang.. Please... “
nakikusap na wika ni Gabriel
na labis ko namang ikinatuwa.
Walang duda, mahal na mahal ako nito.

“Stop it.. Gabriel tama na....


Please. Palayain mo na ako...
Huwag mo ng dagdagan ang sakit
na nararamdaman ko.
Maawa ka Gabriel.” Nakikiusap kong
wika dito na labis naman
nitong ikinalungkot.

“Bweno ok na ba lahat?”
Siguro pwede na umpisahan
ang kasal”. Deklara ni Daddy Ralph.

Tumango naman agad


si Daddy at Mommy Helena.
Agad naman na naghanda
ang judge naagkakasal. Tahimik lang akong
nanonood habang ginaganap ang seremonyas.
Wala naman masyadong ganap.
Halata sa mukha ni Gabriel labis na ang pagtutol.
Balisa naman ang mukha ni Carissa.
Halos hindi makasagot ang mga
ito sa tanong ng judge. Well hindi naman
nila kailangan sumagot. Formality lang
ang kasal- kasalan na ito. Ang pinakahighlight
lang talaga ay ang pagpirma sa marriage certificate or
marriage contract na nagdedeklara na
legal na mag -asawa na sila Carissa at Gabriel.

You might also like