You are on page 1of 117

The Billionaire's Secret

by iamJonquil

#2 in Romance
[ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ]

A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Billionaire's Secret

This is a work of fiction. Names, characters, places, and


incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously,
and any resemblance to actual person, living or dead, business establishments,
events, or locales is entirely coincidental.
No to plagiarism.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Teaser

Kinailangang lumayo ni Zafrina nang malaman niya ang maitim


na balak sa kanya ni Gino Ferrer. Ang isa sa maimpluwensiyang tao sa bayan nila at
baliw sa dalaga. Walang nakakaalam nang umalis siya at kung saan siya pupunta.
Kampante na siya sa kinaroroonang bayan hanggang isang gabi ay makita niya ang
nobya ng kanyang pinsan na siyang naging dahilan upang humanap siya ng bagong
pagtataguang lugar sa takot na makarating sa kanyang abuela at kay Gino kung nasaan
siya.
Handa na sana siyang lumayo muli nang humarang-harang naman sa daraanan niya si
Sovereign Millares, ang lalaking walang tulak-kabigin sa kaguwapuhan. Ngunit ang
kinaaayawan ni Zafrina rito ay ang kasungitan at kaarogantehan ng binata. To her
surprise, handa raw siya nitong tulungan na makahanap ng lugar na tiyak na safe
siya at walang makakakilala sa kanya ngunit sa isang kundisyon...
"Napakadali lang ng gagawin mo. Be my wife. Ah, hindi. Pretend as my wife."
Sumakit yata ang ulo ni Zafrina sa kundisyon na iyon ng binata.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Prologue

MULA SA lupon ng mga nagkakasiyahang tao sa birthday party


ng abuela ni Zafrina ay minabuti muna niyang lumayo sa mga ito. Hindi kasi siya
tantanan ng mga tingin lalo na ng mga kabinataan sa naturang pagtitipon.
Kinilabutan na naman siya nang maalala ang mga tinging ipinupukol sa kanya
kanina. Kahit na nakasuot siya ng dress na may mahabang manggas sa kamay at
hanggang sa may leeg niya ang sakop ay animo hinuhubaran pa rin siya ng tingin.
Pakiramdam niya ay wala siyang paglagyan sa mga ito kahit na sobrang tino ng suot
niya.
Sisihin mo ang mga magulang mo dahil pinanganak kang mala-Diyosa, Zafrina, epal
ng isang bahagi ng isip niya.
Natawa siya sa naisip. Puwedeng isa rin iyon sa dahilan dahil maging siya ay
hindi maitatanggi ang bagay na iyon. Hindi naman lingid sa kanya na maraming
gustong maghangad sa kanya. Hindi lang dahil isa siyang Albajera. Kundi sa pisikal
din niyang anyo.
"Makukuha ko rin siya. Mark my word, Steve."
Napasiksik sa malalago at mataas na halaman si Zafrina nang marinig ang boses
na iyon sa hardin kung saan walang ibang tao ang nagagawi. Nang makabawi ay maingat
na humakbang siya at sinilip buhat sa malalagong halaman ang narinig na may-ari ng
boses na iyon. Napalunok siya nang makita si Gino Ferrer. Ang lalaking isa sa
literal ang pagkabaliw sa kanya.
"Gino, imposible 'yan. Alam mo ang ugali ni Zafrina. Ayaw na ayaw niyang
madidikit sa kahit na sinong lalaki. Lahat ng manliligaw niya ay umuuwing luhaan,"
kontra ng kausap ni Gino na si Steve.
"Wala ka bang tiwala sa akin? By hook or by crook, Steve. Mapapasakamay ko ang
mailap na si Zafrina. Kilala mo ako, makukuha ko lahat ng naisin ko. Tho, it takes
time and effort."
Ganoon na lang ang bumundol na kaba sa dibdib ni Zafrina. Galing sa buena
familia si Gino. He has a looks, wealth and all. Pero kahit na kailan ay hindi niya
matagpuan ang sarili na ikakasal dito o kahit ang maging nobyo ito. Hindi niya ito
type.
"At paano mo gagawin 'yon?"
"Sa susunod na buwan, kaarawan ni Zafrina. Hiningi ko na kay Donya Leore ang
kamay ni Zafrina."
"Whoa! Ng hindi nalalaman ni Zafrina?"
Ngumisi si Gino. "Tama ka. Magkakaroon ng surprise engagement party kasabay ng
birthday niya. Siguradong hindi na siya makakatanggi lalo na at kaharap ang lahat
ng kaibigan ng lola niya. Malaking eskandalo kung tatanggihan niya. Tss. Hinding-
hindi na niya mauulit ang maraming beses na pagtanggi niya sa akin. Lahat may
hangganan. Steve, sekreto lang ito. Kapag may ibang nakaalam, ikaw ang mayayari sa
akin."
"I know."
Nayukom niya ang mga palad. Hindi niya lubos maisip na napapayag nito ang lola
niya sa nais nito. Unti-unting namuo ang tampo niya sa kanyang abuela.
Puwes, hindi ako tanga para sa kaalaman mo, Gino. Hindi ako mahuhulog sa maitim
mong patibong. Magalit na sa akin ang lahat pero hindi mo ako makukuha! galit
niyang sigaw sa isip.
Huminga siya ng malalim. Puno ng suklam na tiningnan niya ang likod ni Gino.
Hindi lahat makukuha nito. Isinusumpa niya iyon sa puntod ng mga magulang niya.
Mabilis siyang nagtago sa dilim nang maglakad na sina Gino at Steve palayo sa
kinaroroonan ng mga ito kanina. Nagpapasalamat siya at hindi siya napansin ng
dalawa.
Dapat ba niyang ipaalam sa kanyang lola ang natuklasan? Pero baka mas pumabor
pa ito kay Gino lalo na at magiliw ito sa binata dahil isa sa malapit na kaibigan
nito ang lola ni Gino na si Donya Carlita.
Nasapo niya ang ulo. Kailangan niyang bumuo ng plano para hindi matuloy ang
binabalak ni Gino.
Makailang sandali pa ay minabuti niyang bumalik na sa pagtitipon. Una agad
niyang nakita ay ang heroides na si Gino. Kaagad pa itong ngumiti nang makita siya.
Sigurado kung ibang babae lang siya ay baka ginantihan na niya ito ng ngiti. Blanko
lang ang tingin na ipinukol niya rito. Hindi maikakaila ang humahangang tingin nito
sa kanya.
"Hindi mo pa rin ba ako pagbibigyan na maisayaw kita ngayong gabi?"
"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na hindi ako nakikipagsayaw sa kahit
na kanino, Mr. Ferrer," pormal lang niyang wika bago ipinaling sa iba ang tingin.
"Okay. Maybe next time," ngumiti pa ito ng makahulugan.
As if, may susunod pa? In your dreams, Gino Ferrer, aniya sa isip bago naglakad
palayo rito.
Hinawakan niya ang naka-pendant sa suot niyang kuwentas nang ilabas iyon mula
sa suot niyang dress. Bahagya niya iyong hinaplos-haplos. Hindi siya puwedeng
mapunta sa kahit na sino. She makes a promise years ago.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 01

"HINDI ka puwedeng umalis, Ate Zaf. Magagalit ang Lola."


Matapos ilagay ni Zafrina ang bag na dadalhin sa pag-alis kinabukasan sa
kanyang walk-in closet ay saka lang niya hinarap si Zabrielle na nakaupo sa gilid
ng kanyang kama. Hindi naman karamihan ang dadalhin niyang mga damit. Sa pupuntahan
na lang niya siya mamimili.
"Si Lola? Zab, hindi ako hahanapin ni Lola."
Lumapit siya sa kama at umupo sa tabi nito. Pagkuwan ay humilata ng higa. Ang
pinsan lang niya na si Zabrielle ang nakakaalam sa balak niyang pag-alis sa
mansiyon. Buo na ang desisyon niya.
"Baliw ka ba? Hay!" kunway pinaypay ni Zabrielle ng kamay ang mga mata nito.
"Masisira ang mascara ko sa iyo. Paanong hindi ka hahanapin?"
Sinulyapan niya ang pinsan. "Hindi mo naman sasabihin sa mga tao rito na aalis
ako once na maghanap na sila, 'di ba?"
Napabuntong-hininga ito. "Bakit ka ba kasi aalis, Ate Zaf? Bigyan mo ako ng
idea. Ayaw kong manghula sa bigla mong pasya na umalis dito sa Haciena Albajera."
Mula nang malaman niya ang balak ni Gino Ferrer ay buong isang linggo rin
niyang pinag-isipan ang balak na pag-alis. Muli siyang umupo at matamang tinitigan
ang pinsan.
"Ayaw kong magpakasal kay Gino. O, kahit ang ma-engage sa kanya. Alam mo naman
na ayaw ko sa lalaking 'yon. Eh, ano kung mayaman siya? As if naman walang iniwang
yaman sa akin ang mga magulang ko." Sa huli ay ikinuwento rin niya kay Zabrielle
ang narinig niyang plano ni Gino noong birthday ng kanilang abuela.
Sa edad na twenty-four ay ayaw pa niyang lumagay sa tahimik. Pakiramdam niya ay
napakabata pa niya para doon. Sigurado ring hindi tatanggihan ng abuela niya ang
balak ni Gino. Si Donya Leore na sa edad na seventy-five ay postoryosang-postoryosa
pa rin at siyang pinakabatas sa kanilang mansiyon.
Mula nang sumakabilang buhay ang kanyang mga magulang, noong sampong taong
gulang siya, mula sa isang aksidente labing-apat na taon na ang nakakalipas sa
Baguio ay ang Lola Leore na niya ang kumupkop sa kanya. Nag-iisang anak lang siya.
Kaya naman kapatid na ang turing niya sa pinsang si Zabrielle.
Isa sa kinikilalang pamilya sa kanilang bayan ang pamilya Albajera dahil sa
napakalawak na lupain na pagmamay-ari ng kanyang lola at sa mga negosyo nito. Sa
gitnang bahagi ng hacienda nakatayo ang malaking mansiyon ng pamilya Albajera. Ang
Tito Floro, asawa nitong si Tita Dina at tatlong mga anak ang kasama nila ng
kanyang abuela sa mansiyon. Si Zabrielle ang bunso na twenty years old na. Ang
panganay nitong mga kapatid na sina Franco at Florencio ang katuwang ni Tito Floro
sa pagpapatakbo ng buong hacienda. Pangalawang anak ang kanyang ama na si Lion. Ang
bunsong anak naman na si Tita Lily niya ay for good na sa Italy kasama ang pamilya
nito.
"Kung narito lang sina Mama at Papa, siguradong hindi sila papayag sa gusto ni
Gino." Kinilabutan na naman siya nang maisip ang balak ni Gino na surprise
engagement nila.
"Guwapo naman si Gino, Ate Zaf," tumawa pa ito ng tingnan niya nang matalim.
"As if, siya lang ang guwapong nabubuhay sa mundo? I'm still young. Wala pa
akong balak mag-asawa. Basta, buo na ang desisyon ko. Zip your mouth, Zabrielle
Albajera."
"Okay. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Make sure na iingatan mo ang sarili mo."
Ngumisi ito kapagkuwan. "Habang wala ka dito sa bayan natin. Sa akin na muna ang
korona mo. Miss Goddess of Sagada."
Napatawa siya sa bansag na iyon sa kanya. "Iyong-iyo na."
"Saang sulok ka naman ng Pilipinas pupunta?"
May isang partikular na lugar siyang nais puntahan. May kalayuan nga lang sa
Sagada. "Sa malayo." Napangiti pa siya nang hawakan ang naka-pendant sa kanyang
kuwentas.
"Saan?"
"'Yong tinatawag nilang pinto ng Silangan." Sa Quezon province ang tinutukoy
niya.
Mababakas ang pagkalito sa magandang mukha ni Zabrielle. "Pinto ng Silangan?"
Hinawakan niya ang kamay nito. "Sa ngayon hindi ko pa masasabi sa iyo, Zab."
Sumimangot ito. "Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Hindi sa ganoon. Ikaw lang ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat dito sa
hacienda, Zab. Bukas ng gabi ako aalis. Si Furious ang sasakyan ko palabas ng
hacienda," tukoy niya sa kanyang alagang kabayo. "Kunin mo na lang siya sa isang
araw. Itatali ko siya sa may malaking puno ng mangga. I count on you, Zab."
Tumango ito. "Okay. Basta kapag umalis ka ay balitaan mo ako ng tungkol sa
iyo."
"Iiwan ko ang cellphone ko," inporma niya. Mahirap na. Baka ma-trace pa siya
kung nasaan siya kapag nagdala siya ng cellphone.
Napasimangot si Zabrielle. "Paano ang pera na gagamitin mo?"
"Nag-withdraw na ako. Dahil alam ko na once malaman ni lola na umalis ako,
ipapa-hold niya lahat ng cards ko."
"Talagang planado mo na itong gagawin mo."
"I know right?" kumindat pa siya sa pinsan na ikinangiti nito.
Mayamaya pa ay nakarinig sila ng sunod-sunod na katok sa may pinto. "Señorita,
ipinapatawag na po kayo para sa hapunan," anang kawaksi sa labas ng pinto.
"Susunod na po, Manang Aida," aniya. "Let's go, Zab," baling niya sa pinsan.
Sa nalalapit niyang pag-alis, hindi pa niya sigurado ang kahihinatnan niyon.
Dahil biglaan ang lahat. Siguro naman ay hindi maiisipan ng kanyang lola na
Pagbilao City ang lugar na pupuntahan niya. Huling tuntong niya sa lugar na iyon ay
noong ten years old siya bago mamatay ang mga magulang niya. May bahay kasi ang
Tita Lily niya, na bunsong anak ni Donya Leore, sa prestiheyosong village sa
Pagbilao City, ang Valle Encantado Village. Pero nang manirahan ang pamilya nito sa
Italy ay ipinagbili na ng mga ito ang bahay ng mga ito roon. Kaya kapag uuwi ang
pamilya nito sa Pilipinas ay sa hacienda na naderetso ang mga ito. Isa sa hindi
niya malilimutan ang lugar na iyon sa buong Pilipinas. Napakalayo nga lang mula sa
Sagada.
"Ate Zaf, paano kaya kung may liwanag ka na lang umalis? Nag-aalala lang kasi
ako na baka masyadong mababa ang ulap."
Inakbayan niya ang pinsan. "Magaling si Furious. Paglabas ko pati sa hacienda
ay nakaabang na sa akin ang sasakyan ni Ella. Sa bahay muna niya ako magpapalipas
ng gabi. Pero bago pumutok ang liwanag, aalis na ako."
"Si Ella Dela Vega?" kumpirma nito sa pangalan ng kaibigan niya.
"Hmmm."
"Good luck sa akin kapag nalaman nila na wala ang apo nilang mukhang babasaging
kristal sa ganda."
Hindi niya maiwasang matawa sa sinabi nito. "Exaggerated masyado, Zab."
"Magagamit ko na ang tinatago kong galing sa pag-arte. Wala akong alam sa balak
mong pag-alis, eh."
Pagdating nila sa komedor ay sila na lang ang hinihintay. Kinalma niya ang
sarili nang maupo sa tapat ng kanyang pinsan na si Floro na kakuwentuhan ang
kapatid tungkol sa kabayo nitong nanganak.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 02
KINABUKASAN ng gabi, nang masiguro ni Zafrina at Zabrielle
na tulog na tulog na ang mga tao sa mansiyon ay buong ingat na pumunta sila sa
kuwadra ng mga kabayo. Tulog na rin ang mga tauhan nila nang mga oras na iyon.
"Ate Zaf, ingatan mo ang sarili mo. Okay?"
Tinanguan niya si Zabrielle. "Makakaasa ka," aniya sa pinsan nang makasakay
siya sa kanyang kabayo. "Ikaw na ang bahala bukas kay Furious. Mag-iingat ka rin
dito. Alis na ako, Zab. Bumalik ka na sa loob ng mansiyon at masyado ng malamig
dito sa labas."
"Pero baka isipin nila na alam ko na aalis ka kapag ako ang kumuha kay Furious
bukas," alanganin nitong sabi.
May tama ito. "Siguro naman ay mapapansin ng guard si Furious sa manggahan.
Itatawag non tiyak dito sa mansiyon. Sige, 'wag mo ng puntahan si Furious."
Hindi pa rin maalis kay Zabrielle ang pag-aalala nang bumalik ito sa mansiyon.
"Tara na, Furious," aniya sa kabayo bago iyon pinasibad ng alis. Kahit makapal
ang suot niyang jacket ay nanunuot pa rin ang lamig dulot ng paghampas ng hanging
gabi sa kanya. She silently prays for her safety. Nang halos marating na niya ang
tarangkahan ng hacienda ay itinali na niya sa malaking punong mangga ang alagang
kabayo. "Dito ka lang, Furious, ha? Ibabalik ka rin nila bukas sa kuwadra mo. Mami-
miss kita." Niyakap pa niya sa may leeg ang kabayo na siyang pinaka-buddy niya sa
hacienda. Hinimas-himas muna niya ang leeg nito bago siya tuluyang naglakad palayo.
Sa ngayon, kailangan muna niyang lumayo para iligtas ang sarili mula sa
pansariling interes ni Gino Ferrer. Pero sinisigurado niya na sa pagbabalik niya,
kaya na niyang harapin ang mga ito.
Abot-langit ang kaba niya nang makalabas sa gate kung saan himbing na natutulog
ang nakabantay na guwardiya. Sa hindi kalayuan nga ay nakaparada ang kotse ng
kaibigan niyang si Ella. Mabilis niya iyong nilapitan.
"Siguradong-sigurado ka na ba sa gagawin mong ito, Zaf?" tanong pa ni Ella nang
makasakay siya sa kotse nito.
"Desperada na akong makaalis muna, Ella. Ano ba'ng oras ang first trip bukas?"
"Alas kuwatro y media."
Si Ella rin ang nagbigay ng ideya sa kanya kung saan siya sa Pabilao City
puwedeng manatili. Isa kasi ito sa executive assistant ng kilalang hotel sa Baguio,
ang Alager Hotel. Nakuwento nito sa kanya na may branch ang hotel na iyon sa
Pagbilao City. Naroon ang pinaka-main branch.
"Thank you for helping me out, Ella," animo pagod na pagod na isinandal niya
ang likod sa inuupuan. "'Wag na 'wag ka lang aamin kina lola dahil tiyak na sira
ang plano ko."
"I know. Basta mag-ingat ka doon sa Pagbilao City. Pugad ng mayayamang lalaki
ang lugar na iyon. Take note, lahat ng yayamaning binata doon ay ang sarap iuwi."
Sinulyapan niya ito na nakatutok sa kalsada ang buong atensiyon. "Tss. Lalaki
na nga ang dahilan ng pag-alis ko dito sa Sagada."
"Asus. Sabi mo lang 'yan. Si Sir Mark Brice nga kahit may asawa na ay
napakarami pa ring kinikilig kapag nabisita sa Alager Hotel sa Baguio," tukoy nito
sa may-ari ng naturang hotel.
"Mag-drive ka na lang, Ella. Wala akong panahon sa kanila."
Tumawa lang ito. "Anyways, siguradong mag-e-enjoy ka doon dahil sa
napakagandang dagat na sakop ng Alager Hotel Beach and Resort. Pinaka-bonggang
branch iyon ng Alager."
"Sana nga ma-enjoy ko ang lugar na iyon na gagawin kong taguan. Wala sanang
makaalam na naroon ako. Akala ko sa mga palabas lang ito nangyayari, eh. Puwede rin
pala sa totoong buhay." Malungkot siyang nagbaling ng tingin sa labas ng bintana.
"Well, that's life. Maybe, part na talaga ng destiny mo ito, Zaf."

"HEY, Reign. Galaw-galaw naman diyan."


Pahinamad na inabot ni Sovereign Millares ang binigay na can beer ni Liam.
Binuksan niya iyon bago ininom.
"What's eating you?" Umupo si Liam sa katapat niyang couch. "You tell me."
Sinulyapan lang niya ito bago muling ibinalik ang tingin sa malayo. Nasa
veranda ng Night Out Bar siya nang mga sandaling iyon na nasa loob ng Leisure Club
ni Daizuke Niwa.
Naiiling na uminom ng beer si Liam nang hindi siya magsalita. "Napakaganda mong
kausap. Nasa loob ang lahat pero narito ka at mas piniling magmukmok dito sa labas.
Sigurado akong may problema ka. Ang layo ng lipad ng isip mo, eh. Hindi ka naman
siguro nauubusan ng babae," nakangisi pa nitong sabi.
"Babae? Alam mo namang wala akong panahon sa mga 'yan."
"Eh, 'di nagsalita ka rin." Tumawa pa si Liam. "Ang sungit mo ngayon, may
monthly period ka ba?"
"Wala ako sa mood na makipagbiruan, Liam. Spare me."
"Sabihin mo na kasi kung ano'ng dinadala mo. Malay mo mabigyan kita ng
magandang payo."
Napabuntong-hininga siya. Isa si Liam Montiger sa ka-close niyang kaibigan.
Marami na rin siyang naibahaging mga personal na problema rito kaya walang masama
kung mag-share uli siya rito ng isa pa niyang pinoproblema.
"'Yong step-sister ko sa second wife ni daddy," sa wakas ay sabi niya.
"Ano ngang pangalan niya?"
"Si Cassey."
"Ano namang problema mo sa kanya?"
"She's acting weird. Napapansin ko 'yon nitong mga nakaraang araw."
"Ngayon mo pa lang napansin na weird 'yang step-sister mo? Halata namang malaki
ang pagnanasa sa 'yo. Careful. Baka isang araw ay magising ka na lang na katabi mo
siya sa kama."
Naiiling na uminom uli siya ng beer. "Kaya nga palaging naka-lock ang kuwarto
ko kapag naroon ako sa bahay."
Nang mamatay ang kanyang ina, labing-apat na taon na ang nakakaraan, na si
Soledad Millares ay muling nag-asawa ang kanyang amang si Antonio Millares. Hindi
sila close ng kanyang madrasta na si Marion. Alam naman iyon ng lahat.
Pinakikisamahan lang niya ito maging ang anak nitong si Cassey na wala yatang balak
magtrabaho sa edad nitong bente sais. Mas gusto pa ay ang maglustay ng pera.
"Bakit kasi hindi mo pa tirhan ang bahay na pinatayo mo sa Phase III ng Valle
Encantado?"
"Hindi pa fully furnished ang bahay ko sa Phase III. Soon, kapag natapos na.
Doon na ako titira."
"Well, gusto mo ba ng payong kaibigan?"
Tiningnan niya si Liam na kakaiba ang ngisi sa kanya. "Ano naman 'yon?"
Tumayo na ito at tinapik siya sa balikat. "I'll tell you later. For now, tara
na muna sa loob. Boring dito sa veranda."
Wala ng nagawa na sumunod na siya sa kaibigan sa loob ng bar.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 03

"AFTER fourteen years," masayang anas ni Zafrina habang


inililibot sa paligid ng Alager Hotel Beach and Resort ang kanyang paningin. Nasa
Pagbilao City na rin siya nang mga sandaling iyon. Napakaganda ng naturang lugar.
Mas gumanda pa iyon sa lumipas na panahon. Kung hindi siya nagkakamali ay doon sila
dati nag-outing noong bata pa siya.
Salamat sa kanyang kaibigang si Ella dahil may discount ang pag-stay niya sa
naturang hotel. Nang makarating sa kanyang suite ay kaagad din siyang iginupo ng
antok. Napakatagal ng kanyang ibyinahe kaya naman mahilo-hilo rin ang kanyang
pakiramdam.
Kinabukasan na siya nagising. Pahinamad pa nang siya ay bumangon at tumungo sa
banyo. Napahinto siya sa tapat ng salamin at matamang tinitigan ang sarili. Umangat
ang kamay niya at hinawakan ang maikling buhok na dati ay umabot sa may baywang
niya ang haba. Ngayon ay hanggang batok na lamang niya iyon. Maikli sa likod,
pahaba naman sa unahan. Bumagay naman iyon sa may kaliitan niyang mukha. Nagpagupit
siya nang mag-stop over siya sa Maynila sa kadahilanang baka may makakilala sa
kanya. Mas okay na iyong sigurado. Ang mahaba niyang natural na buhok ay ibinigay
niya ng libre sa baklang naggupit sa kanya. Ipapagawa raw nito iyong wig.
Mula sa buhok ay sunod naman niyang natitigan ang mukha na lalong naging
intimidating ang dating dahil sa buhok niya. Her lambent eyes, na namana niya sa
kanyang ina. Natural na may kakapalan din ang mahaba at malantik niyang pilik-mata.
Tama lang ang tangos ng kanyang ilong. Natural din ang mamula-mula niyang labi kaya
naman napakadalang niya kung magpahid ng lipstick sa labi. Marami ang nagsasabi na
hindi nakakasawang titigan ang mukha niya.
Isang sulyap pa sa kanyang bagong gupit na buhok bago nagbawas ng panubigan.
Paglabas niya ng banyo ay sunod naman niyang hinayon ang kusina. Kumuha siya ng
baso at nagsalin ng tubig doon na hinaluan niya ng mainit para maging maligamgam.
Ganoon ang ginagawa niya pagkagising sa umaga dahil maganda iyon sa katawan.
Para kay Zafrina ay bago sa kanya ang kapaligiran sa kadahilanang wala namang
dagat sa Sagada o kahit sa buong paligid ng Mountain Province. Hindi rin kasing
lamig ng Sagada ang Pagbilao City.
Matapos maligo ay ipinasya na munang bumaba ng hotel ni Zafrina. May nakita
siyang cafe sa ibaba ng hotel nang dumating siya roon kahapon. Bibili lang siya ng
hot chocolate bago tatambay sa may dagat. Mamaya na siya kakain.
"Thank you," magiliw pa niyang wika sa nag-abot ng order niya. Dahil sa pag-
aakalang wala namang tao sa may likuran niya dahil madalang pa ang taong nasa cafe
ay bigla ang naging pagharap niya sa may likuran niya. Hindi niya nakontrol ang
pagkakatapon ng hot chocolate niya sa business suit ng lalaking nasa may likuran
niya. Dumulas pa sa kamay niya ang pobreng cup at tuluyang nahulog sa sahig.
Kasabay ng pagsinghap niya ay ang bulungan ng mga nakasaksi sa insidenteng iyon.
"Aaah! What the hell!" napaatras pa iyon dahil sa init na dinulot ng likidong
natapon sa suot nito.
Nanginig bigla ang kamay ni Zafrina na nakahawak sa tissue na siyang natirang
hawak niya. Alam niyang mainit ang hot chocolate kaya hindi na kataka-taka kung
magalit sa kanya ang taong natapunan niya.
"I-I'm sorry," kandautal niyang wika. Nataranta pa siya nang akmang papahiran
ng tissue ang bahaging nabasa. "Hindi ko alam na may tao—"
"Don't touch," mariin niyong wika na hinawakan pa ang dalawa niyang pulsuhan
para pigilan sa akmang pagpunas sa suot nito. "See? You ruin my suit. Damn, may
meeting pa ako mamaya," galit nitong litanya.
Napalunok siya. "Hindi ko sinasadya."
"As if, you didn't know. Hindi na lahat nakukuha sa simpleng sorry lang."
Mula sa pagkakatitig sa nabasa nitong suot ay nag-angat na siya ng tingin sa
aroganteng lalaki na kaharap. "Hindi ko nga kasi sinasad—"
Speechless na napatitig na lang siya sa guwapong mukha na iyon. Mali, kulang
ang salitang guwapo para lang i-describe ang hitsura nito. Sa taas niyang 5'6 ay
halos umabot lang siya sa dibdib nito. Kaya naman halos tingalain niya ito. Ang
tangkad nito masyado. Kahit bakas ang pagkayamot sa guwapo nitong mukha ay hindi pa
rin maikakaila ang umaapaw nitong sex appeal sa kababaihan. Bagay na hindi niya
nakita sa kahit na sinong nakaharap noong nasa Sagada siya. Totoo ba ang lalaking
kaharap niya? O isang aparisyon lang? Pero ramdam niya ang pagkakahawak nito sa
dalawa niyang kamay.
Nang makabawi ay itinikom na niya ang bibig na medyo nakanganga na ng di niya
namamalayan. Tumikhim siya at pinablanko ang hitsura ng mukha. "Hindi ko sinasadya.
Hindi ko alam na may tao sa likuran ko." Lihim siyang napalunok ng maramdaman ang
pagsikdo ng dibdib niya dahil sa lalaking kaharap. Ano ba'ng nangyayari sa kanya?
"Tss. Old alibi," anito nang bitiwan ang kanyang mga kamay.
Sa isip ay pinagalitan niya ang sarili. Kabago-bago pa lang niya sa naturang
lugar heto at nakadisgrasya pa siya. "Babayaran ko kung magkano man 'yang—"
"No need. Alam kong hindi mo kayang bayaran kaya 'wag ka ng magtangka."
Minamaliit ba siya ng lalaking kaharap niya? Lumarawan ang inis sa maganda
niyang mukha. "You think so?"
"Yeah. I think so." Sinulyapan nito ang relo bago ibinalik ang tingin sa mukha
niya. "Hindi pa ako tapos sa iyo. Pasalamat ka at nagmamadali ako. Damn," iritado
na naman nitong anas nang makita ang nabasa nitong suot. Isang titig pa sa mukha
niya bago walang imik na tinalikuran na siya nito at naglakad palabas ng cafe.
Tinanggihan pa nito ang inihabol na towel ng crew ng naturang cafe.
"Poor girl. At si Sovereign Millares pa talaga ang nakabangga mo," anang babae
na naka-cross arm pa nang lapitan siya. "'Yon ba ang paraan mo para mapansin ka
niya?"
Tumiim ang labi niya nang balingan ang babaeng atribida na lumapit sa kanya.
"Aksidente 'yong nangyari."
"Lumang diskarte na 'yon, Miss. Pero swerte mo dahil pinaglaanan ka niya ng
oras."
At suwerte pa siya ng lagay na iyon? Nababaliw na yata itong kaharap niyang
babae. "Swerte?" gusto niya itong tawanan ng sarkastiko.
"Yes. Dahil si Sovereign Millares lang naman 'yong nakaharap mo."
"Sorry, pero hindi ko kilala ang taong 'yon."
Naiimposiblehang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Saang planeta ka
ba galing at hindi mo kilala si Reign?" naiiling na iniwan na siya nito.
"Ma'am, excuse po muna," anang isang crew na may dalang mop.
"Sorry po sa kalat," hinging paumanhin niya bago nilisan ang naturang cafe.
Marahas siyang bumuntong-hininga nang maalala ang lalaki kanina. Sino ba ang
taong iyon at walang pakundangan kung guluhin ang sistema niya?
Dumiretso si Zafrina sa tabing-dagat. Hinubad niya ang suot na sandals at
nilabit iyon. Hinayaan niyang hampasin ng mumunting-alon ang kanyang paa habang
marahan siyang naglalakad. Dumako ang tingin niya sa malayo nang maisip ang mga
taong naiwan sa hacienda.
"Kumusta kaya sila?" napabuntong-hininga siya kapag kuwan. Sigurado siyang
nagkakagulo na roon ngayon dahil sa pagkawala niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 04

"GANITO ba palagi rito?" hindi napigilang itanong ni


Zafrina sa lalaking mukhang crew ng naturang hotel. May beach party kasi ng gabing
iyon sa may tabing dagat. May sikat ding rock band na tumutugtog sa stage.
"Every weekend po, Ma'am."
"Ah," napatango-tango siya. "Salamat."
Nginitan lang siya nito bago naglakad palayo.
Dahil beach party iyon kaya puro naka two-piece o 'di kaya naman ay naka one-
piece swim suit ang mga babae. Nakasuot naman ang mga kalalakihan ng board shorts
at trunks. Napatingin si Zafrina sa kanyang suot. Out of place ang attire niya sa
beach party na iyon. Nakasuot siya ng medyo may kaluwagan ang tabas na puting
pajama bottoms na may design pang polka dots. Puti ring spaghetti strap na damit
ang pang-itaas niya. Katatapos lang niyang kumain at ang balak niya ay magpahangin
sa tabing dagat kaya siya bumaba ng hotel.
Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang kanyang suot. Gusto niyang panoorin ang
bandang tumutugtog ngayon sa stage.
"Want some drinks, Miss Beautiful?"
Napatingin si Zafrina sa lalaking lumapit sa kanya na naghuhumiyaw ang biceps
at abs. Umiling siya bago lumayo rito at naghanap ng bagong mapupuwestuhan.
Napahinto lang siya sa paglalakad nang humarang sa daraanan niya ang dalawang babae
na nakasuot ng two-piece swim suit. Agaw pansin pa ang malaking dibdib ng mga ito.
"Siya ba 'yon, Rachel?" anang babae na mahaba ang buhok at may hawak na wine
glass sa kamay. Tiningnan pa siya niyon mula ulo hanggang paa.
"Yes, Elaine. Hindi ako puwedeng magkamali," taas noo pang wika ng babaeng
atribida kaninang umaga sa cafe. Hindi rin iyon makakalimutan ni Zafrina.
With poise na naglakad palapit kay Zafrina ang babaeng mahaba ang buhok na
tinawag ng kasama nito na Elaine. "So, ikaw pala ang nakatapon ng hot chocolate sa
business suit ni Reign kaninang umaga. Is that your way para pansinin ka niya?"
sarkastiko pa itong tumawa. "Uso pa pala 'yon ngayon."
Huminga siya ng malalim. Pinilit kalmahin ang sarili at magkaroon pa ng
mahabang pasensiya para sa babaeng kaharap. "Aksidente 'yong nangyari kaninang
umaga. Hindi rin ako nagpapapansin katulad ng iginigiit ninyo. Ni hindi ko nga
kilala ang lalaking tinutukoy ninyo."
"Well, tanga na lang ang maniniwala sa iyo."
Sa isip ay nairapan na niya ang babae. Kaunting pasensiya pa, Zafrina.
Sa tingin ni Zafrina ay nakakainom na rin ang naturang babae. Ayaw naman niyang
gumawa ng eskandalo kaya naman mas pinili niyang maging kalmado lang. Ayaw niyang
makaagaw sila ng atensiyon. Buti na lang at may kalakasan ang tugtog mula sa rock
band na nasa may stage.
"'Wag niyo ng sayangin ang oras ninyo sa akin," aniya na akmang lalampasan si
Elaine.
"Not so fast, bitch."
Napasinghap at halos matigalgal si Zafrina sa kinatatayuan nang basta na lang
isaboy ng babae ang laman ng wine glass nito sa kanyang mukha. Umagos ang likido
pababa sa suot niyang damit. Pakiramdam niya pati buong kalamnan niya ay
nanginginig na ngayon dahil sa bumabangong galit.
"Ops. Dahil hindi makakaganti si Reign sa iyo kaya ako na lang ang gagawa para
sa kanya," ngumiti pa ito ng nakakaloko nang makita ang hitsura niya.
"Well, gusto ko ring iganti si Reign sa ginawa mo sa kanya kanina," ani Rachel
na nakasaksi kaninang umaga sa nangyari sa cafe. Walang pagdadalawang isip na
isinaboy nito sa suot niya ang laman ng wine glass nito.
Iyon ang unang pagkakataon na may bumastos sa kanya lalo na sa pampublikong
lugar pa. Oo nga at isa siyang Albajera ngunit hindi niya magamit ang
maimpluwensiyang apelyido na iyon sa lugar na kinaroroonan niya ngayon. Nang
makabawi ay pinahid niya ng kamay ang mukha.

"We're done. Let's go, Rachel."


Nahinto sa akmang paglayo ang dalawang babae nang mapagsino ang paparating.
"Trouble," bulong ni Elaine.
Nasulyapan ni Zafrina ang suot. Alam niyang masamang gumanti kaya ipinag-pa sa
Diyos na lamang niya ang ginawa sa kanya ng dalawang babae. Basa na ang damit niya
at bumakat na rin ang panloob niya. What a night, she thought.
Nagulat si Zafrina nang basta na lang may magbalabal sa kanya ng itim na coat.
Saka lang niya napansin ang lalaking nasa harapan niya.
"You look nasty."
Ang boses na iyon! tili ng isip ni Zafrina. Hindi nga siya nagkamali ng hinala
nang unti-unti siyang mag-angat ng tingin. Ang guwapong mukha ni Sovereign Millares
ang nabungaran niya. Bigla ang pagbangon ng inis niya rito. Tinanggal niya sa
balikat niya ang ibinalabal nitong coat sa kanya at idinuldol sa dibdib nito na
agad naman nitong sinalo ng kamay.
Hindi makapaniwala ang mga babae sa paligid nila sa kanyang ginawa. Akala ba ng
mga iyon ay iiyak siya sa tuwa? Puwes hindi. Maging si Elaine at Rachel ay
napamaang sa ginawa niya.
"See? Iginanti ka na ng mga babaeng baliw sa iyo. Happy now? Again, just to
make clear, Mister. Hindi ako nagpapapansin sa iyo or whatever. Purong aksidente
'yong nangyari kanina sa cafe. Walang halong kalandian para mapansin mo. Why? Sino
ka ba para kuhanin ko ang atensiyon? Ni hindi nga kita kilala," inis niyang
litanya.
Mataman lang siya nitong tinitigan. Pagkuwan ay binalingan ang dalawang babae
na umilap ang mga mata. "Enjoy this night, dahil sinisiguro kong ito na ang huling
beses na tatapak kayo rito sa Alager," puno ng awtoridad na banta nito sa dalawang
babae.
"That's too much, Reign!" apila ni Elaine.
"Just shut up!" ani Sovereign nang akmang magsasalita rin si Rachel.
"People! Continue the party," may kalakasang wika ni Mark Brice Regala, na
siyang may-ari ng Alager, na lumapit na rin sa kanila nang mapansin ang kumusyong
nabubuo. Nakakaagaw na sila ng atensiyon. "Ano'ng problema rito, Reign? Ang lakas
ng boses mo."
"Ikaw na ang bahala sa dalawang 'yan. Siguraduhin mong huling gabi na nila dito
sa Alager." Mukhang seryoso talaga si Sovereign na ipa-ban ang dalawang babae na
nang-away kay Zafrina. "At ikaw. Puwede bang isuot mo itong coat? Bakat na bakat na
'yang panloob mo," asik pa ni Sovereign nang balingan si Zafrina.
Nayapos niya ang parteng dibdib. "So?" Hindi niya ipapahalata rito na sobrang
na-move siya sa ginawa nitong aksiyon. At ang isa pang ikinaiinis niya sa lalaking
kaharap ay ang kaguwapuhan nitong taglay. Hindi niya magawang pigilan ang sarili na
hindi ito lihim na titigan. Damn, ano ba ang nangyayari sa kanya? "Pabayaan mo na
lang ako," mahinang wika niya na sapat lang upang marinig nito bago ito nilampasan.
Lahat halos ay napanganga sa ginawa niya. Right, iniwan lang naman niya ang
isang Sovereign Millares.
Hindi pa siya nakakalayo ng husto nang maabutan siya ni Sovereign na sumunod pa
rin sa kanya. Muli nitong ibinalabal ang coat sa balikat ni Zafrina.
""Wag mong tatanggalin 'yan."
Muli siyang napahinto sa paglalakad at muling hinarap si Sovereign. Tiningnan
niya ito ng masama. Paano naman kaya niya matatanggal ang itim na coat kung hawak
naman siya nito sa balikat?
"Hindi ka ba nanlilimahid sa hitsura mo?"
"Kasalanan mo ito," mabilis na balik ni Zafrina kay Sovereign.
Unti-unting bumaba ang kamay ni Sovereign. Tumiim din ang labi nito habang
matamang nakatitig sa mukha niya. Bago pa malunod sa titig na iyon si Zafrina ay
iniwan na niya si Sovereign na wala na ring nagawa pa kundi ang habulin siya ng
tingin.
Hindi na niya tinanggal ang suot na coat. Hinayaan na niya iyon. Napabuntong-
hininga pa siya nang maamoy ang mabangong pabango na nakakapit sa suot na coat.
Sovereign Millares...
Malapit na siya sa bukana ng Alager Hotel nang mapahinto siya sa paglalakad.
Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid dahil sa nagkalat na ilaw. Kaya hindi
siya maaaring magkamali sa babaeng nakikita na makakasalubong pa niya. Mabilis
niyang itinakip ang kuwelyo ng suot na coat sa kanyang mukha. Napalunok siya.
Sigurado siyang ang girlfriend ng kanyang pinsan na si Franco ang nakikita. Mas
nakumpirma pa niya iyon ng makalapit ang babae.
"Bakit narito si Sahara?"anas niya.
Bumundol ang kaba sa dibdib niya. Kung nasa Alager din si Sahara ay hindi siya
ligtas doon. Kung makikita siya roon ni Sahara ay siguradong makakarating iyon sa
kanyang pinsan. At sa huli, matutunton siya ng kanyang Lola Leore.
"At saan naman ako pupunta?" May panghihinayang siyang naramdaman nang ilibot
ang tingin sa paligid nang makalampas sa kanya si Sahara kasama ang dalawa pang
babae. Hindi rin pala siya magtatagal sa magandang lugar na iyon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 05
GUSTONG mapaatras ni Zafrina nang mapagsino ang taong makakasalubong sa hallway
ng Alager Hotel nang hapong iyon. Walang iba kundi si Sovereign Millares. Iyon pa
lang ang pangatlong beses nilang pagtatagpo ngunit tila hindi na mabubura ang
guwapo nitong mukha sa isip niya. Sa maikling panahon, animo matagal na niya itong
nakikita. Weird.
Lihim siyang huminga nang malalim at pilit kinalma ang nagririgudon na dibdib
habang tuloy sa paglalakad. Kahit sa hindi kalayuan ay kitang-kita ang pagiging-
good looking nito. Nakasuot ito ng long sleeve white polo na nakatupi ang manggas
hanggang sa may siko nito. Fitted jeans naman sa pang-ibaba na tinirnuhan pa ng
puti ring leather shoes.
"You're leaving?"
Wala sanang balak na pansinin pa ni Zafrina ang binata nang huminto pa ito sa
mismong daraanan niya. He's blocking her way. Akala niya ay hindi siya nito pag-
aaksayahan ng oras kaya hindi niya mapigilan ang sarili na lihim na magtaka sa
ginawa nito.
"Hindi ba obvious?" aniya na mas humigpit ang pagkakahawak sa handle ng duffel
bag. Kung hindi pa rin siya aalis sa hotel ay hindi malayong magkrus ang landas
nila ni Sahara. Ayaw niyang masira ang plano niya. Maghahanap na lang siya ng ibang
lugar na puwedeng tuluyan ng pansamantala.
"Not so fast," anito na mabilis siyang pinigilan sa kanyang braso nang akmang
lalampasan na niya ito.
Inis na tiningnan niya ito nang mabitiwan niya ang hawak na duffel bag. "Ano
ba?"
Walang imik na niyuko nito ang bag niya at dinampot. Kinuha niya iyon dito.
"As far as I know, Mister. Wala na akong atraso sa iyo. Baka mamaya niyan kung
ano na namang gawin sa akin ng mga babae mo."
Mataman siya nitong pinagmasdan. Wala pa ring balak na palampasin siya. "Isa ka
rin naman sa kanila."
Doon na umawang ang labi niya. Pagkuwan ay sarkastikong napatawa. "Kilabutan ka
nga sa sinasabi mo. Ang laki masyado ng bilib mo sa sarili mo. Mind you, hindi
lahat ng babae ay type ka. Sa nakikita ko, hindi lang naman ikaw ang guwapo sa
mundo." Zafrina, kaunti na lang napakahaba na ng ilong mo, kontra ng isang bahagi
ng isip niya. "Lumayo-layo ka sa akin."
"As far as I know," gaya nito sa sinabi niya. "Nakasalubong lang kita."
Sinarili na lang ni Zafrina ang pagkapahiya. Oo nga naman, nakasalubong lang
siya nito. Pero kahit na, ito pa rin ang naunang nag-approach sa kanya.
"'Yong coat ko?" anito na inilahad ang kamay sa harapan niya nang akmang
lalayuan na niya ito.
Pigil-pigil ang sarili na ismiran ang lalaking kaharap. Matabang niya itong
nginitian bago kinuha sa dalang paper bag ang coat nito at inilagay sa nakalahad
nitong palad. "Masaya ka na?" Iyon lang at itinuloy na ang balak na paglampas dito.
Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalampas kay Sovereign nang makita si Sahara na
may dalawang kasamang babae. Makakasalubong na naman niya ito kapag nagkataon.
Kahit na nagpagupit na siya ng buhok ay hindi imposible na makilala pa rin siya
nito. Wala siyang ibang pagtataguan kaya walang choice na bumalik siya sa may
harapan ni Sovereign. Binitiwan niya muna sa sahig ang dala niyang bag. At dahil
malapit na rin sina Sahara ay mabilis niyang isinubsob ang mukha sa may parteng
dibdib ni Sovereign. Kumapit din siya sa polo nito para suporta sa pagkakatayo
niya.
Natigilan si Sovereign sa ginawa niya. "H-Hey," apila nito na napahawak pa sa
may baywang niya.
"'W-Wag ka munang gagalaw," mariin niyang pakiusap. Mariin siyang pumikit. Saka
lang siya makakahinga nang maluwag kapag wala na sa paligid si Sahara.
"Ano ba'ng ginagawa mo? Tss. Hindi raw nagpapapansin. Ngayon naman nanta-
tiyansing."
"'Wag kang assuming."
Pambihira, reklamo niya sa isip. Hayon na naman ang mabangong amoy nito na
nanunuot na naman sa kanyang ilong. At kapag minamalas ka nga naman, hindi nakiayon
ang pagkakataon dahil nang makilala ng mga kasama ni Sahara si Sovereign ay huminto
pa mga ito.
Ganoon ba talaga ka-chick magnet ang lalaking ito? Lahat na lang ng babae ay
hindi puwede hindi ito titigilan at papansinin.
"Hi, Reign."
Alanganin ang ngiting isinukli ni Sovereign sa mga ito.
"Sino siya? Girlfriend mo?"
"No," mabilis na tanggi ng binata.
Pigil ang sarili na makagat ang binata. Napakabilis tumanggi. Bakit ba ngayon
pa nakipaglandian ang mga kasama ni Sahara kay Sovereign? Napakaganda naman ng
timing. Bwisit!
"Oh," kunway sabi ng isang babae. Pero kita sa mukha ang inggit.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa polo ni Sovereign. Ngunit ito naman ang
humigpit ang kapit sa may baywang niya para hindi siya makalayo rito.
"Umalis na kayo," anas niya na siya lang ang nakakarinig.
"Excuse us," ani Sovereign na kinuha na ang binitiwan niyang bag at ito na ang
nagdala.
"Bye," chorus pa ng mga kasama ni Sahara bago nagpatuloy ang mga ito sa
paglalakad. Tahimik lang si Sahara. Mukhang naroon lang ito para mag-enjoy at hindi
makipaglandian habang malayo sa pinsan niyang si Franco na kasintahan nito.
"Wala na sila," inporma ni Sovereign.
Saka lang bumitaw si Zafrina sa polo nito at tuluyang dumistansiya rito.
Lumingon pa siya para siguraduhin na wala na sina Sahara. Saka lang siya nakahinga
nang maluwag nang hindi na niya ito makita.
"Daig mo pa ang daga na nagtatago sa pusa."
Napilitan siyang tumango nang muling humarap kay Sovereign. "Parang ganoon na
nga. Hindi ako puwedeng makita ng girlfriend ng pinsan ko na narito sa Pagbilao.
Dahil kapag nangyari 'yon, tiyak na ipapaalam niya sa pinsan ko kung nasaan ako
ngayon."
"Why?"
Pinagmasdan niya ito. "Hindi tayo close para sabihin ko sa iyo lahat." Inilahad
niya ang kamay. "Akin na 'yong bag ko."
"Pinagtataguan mo sila?"
Naningkit na ang mga mata niya. "Isipin mo na ang gusto mong isipin." Kukunin
na sana niya rito ang bag niya nang iiwas naman nito iyon sa kanya. "Wala akong
time na makipaglaro sa iyo. Kailangan ko ng umalis. Kaya kung maaari, layuan na
natin ang isa't isa dahil sinisigurado ko sa iyo na ito na ang huling beses na
makikita mo ako." Ayaw niyang gabihin lalo sa paghahanap ng bagong tutuluyan.
Sumeryoso lalo ang guwapong mukha ni Sovereign. "Mukhang kailangan natin ang
tulong ng isa't isa."
Natigilan si Zafrina sa sinabing iyon ni Sovereign. Ano raw?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 06

"A-ANO'NG ibig mong sabihin?" ani Zafrina nang makabawi sa


sinabi ni Sovereign. Bakit naman nito sinabi na kailangan nila ang tulong ng isa't
isa?
Kilala lang niya ito sa pangalan nito. Ni hindi pa niya lubos na kilala ang
pagkatao nito. Hindi siya puwedeng basta na lang magtiwala sa kahit na sino. Lalo
na at nasa alanganin siyang sitwasyon.
"You heard me right. Kung ano man 'yang pinoproblema mo kaya agad-agad ay
kailangan mong umalis sa lugar na ito. Maybe I can help you," sensero nitong alok
sa kanya.
Damn. He look so serious. Parang agad-agad ay gusto niyang magtiwala kay
Sovereign. Wala na ang bahid ng kaarogantehan dito. Ngunit nag-alangan pa rin siya.
Tumikhim siya. "Pasensiya na pero hindi kita kilala para basta ko na lang
pagkatiwalaan. Malay ko ba kung masamang tao ka pala. Mamaya niyan, ibenta mo na
lang ako sa sindikato."
Ganoon na lang ang tawa nito sa sinabi niya. "Do I look like one? Woman,"
palatak pa nito na hindi na nawala ang munting ngiti sa labi nito na lalong
nagpaguwapo rito. Geez!
Kumibot ang labi niya. "Kung may pinoproblema ka, sa iba ka na lang
magpatulong. Kailangan ko ng umalis." Muli niyang inilahad ang kamay sa harapan
nito. "Akin na ang bag ko."
"I'm serious and desperate."
"Blah. Blah. Blah. Whatever. Marami diyang iba na handa kang tulungan. Spare
me. Kung ano man ang problema ko, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang
tulong mo o ng kahit na sino. So, thanks. But no thanks, Mister."
"I still need your help," anito na hinawakan na ang kamay niya na nakalahad sa
harapan nito at hinila na siya sa malapit na elevator.
Kokontra pa sana si Zafrina nang bumukas naman ang elevator. May apat na sakay
iyon. Para siyang papel nang hilahin siya ni Sovereign papasok sa elevator. Dahil
may kasabay sila kaya naman hindi niya magawang magsalita. Napasulyap siya sa kamay
niyang mahigpit na hawak ni Sovereign. Mukhang ayaw siyang makawala.
Hindi nakaligtas sa side vision niya ang impit na kilig ng babaeng kasabay
nila. Malamang dahil iyon sa binata. Wala yatang sino man ang kayang ignorahin ang
kagaya nito.
Sa lower ground floor sila dumiretso ni Sovereign. Naroon ang parking area.
Nang masigurong wala ng tao ay ipiniksi niya ang kamay niyang hawak pa rin nito.
"Teka nga. Hindi ako pumapayag sa gusto mo. Ano ba? This is harassment," angil
niya nang hindi ito makinig at sige lang sa paglapit sa nakaparada nitong
Lamborghini Murcielago na kulay pula.
Pagkalagay nito sa compartment ng kanyang dalang bag ay saka siya nito hinarap.
"I'll tell you everything. Lahat ng gusto mong malaman at itanong, sasagutin ko."
"Ang bilis mong magtiwala sa isang tao. Hindi ka ba natatakot na baka mabudol
kita sa pinaggagagawa mo?" Pero heto at mukhang nauna na nitong nabudol ang puso
niyang kay bilis na naman ng pintig. What in the world, Zafrina?
"My instinct never failed me. Mamaya na tayo mag-usap. I'm starving."
Nang buksan nito ang pinto sa passenger side ay naiimposiblehan pa rin niya
itong tiningnan. "Seryoso ka talaga?"
"Serious as hell." Bahagya pa siya nitong niyuko. Inilapit nito ang labi sa may
tainga niya. "Now, get in. Kung ayaw mong ikaw ang kainin ko."
Kinilabutan siya sa sinabi nito kaya kahit ayaw niya ay mabilis pa sa alas
kuwatrong sumakay siya sa sports car nito. Bagay na ikinangisi ni Sovereign bago
mabilis na isinara ang pinto sa gilid niya at lumigid papunta sa may driver side.
What a gorgeous, beast.
Malaking katanungan pa rin sa isip niya kung ano ang kailangan sa kanya ng
isang Sovereign Millares.

"MAGHANAP ka ng babaeng puwedeng magpanggap bilang asawa mo. Sa ganoong paraan


tiyak na tapos ang problema mo. Magkakaroon na rin ng dahilan si Cassey para layuan
ka at hindi na magpakita ng motibo sa iyo. Siguro naman ay mahihiya siyang magpa-
cute sa iyo dahil sa 'asawa' mo."
Tiningnan ni Sovereign si Liam na animo nababaliw na. "Hibang ka ba? Hindi ko
kailangan ng magpapanggap bilang asawa ko. Mas malaking problema 'yan kapag
nabulilyaso."
Ngayon pa yata ito papalpak sa payong kaibigan.
"Come on, Reign. Be wise. Eh, 'di kunin mo 'yong babae na hindi ma-i-in-love sa
iyo. Bayaran mo rin kung gusto mo para pure business. Tutal malapit ka na rin
namang lumipat sa bahay mo sa Phase III, kaunting tiis lang."
"What an advise, Liam. Saan naman ako makakakita ng klase ng babae na tinutukoy
mo? Babaeng hindi ma-i-in-love sa akin? Nakikita mo ba ang hitsura ng kausap mo?"
Itinaas nito ang dalawang kamay. "Tss. Ikaw rin. I give my part."
Marahas siyang bumuntong-hininga. "Alam mo naman na umiiwas ako sa mga babae."
"Reign, maraming benefits ito sa iyo. Makakaiwas ka na sa step-sister mo.
Maiiwasan mo rin ang mga babaeng lantarang humahabol sa iyo. At si Carmina, tiyak
na titigilan ka na rin kapag nalaman na may asawa ka na," tukoy nito sa babaeng
literal na inalok siya ng kasal. Hindi lang isa kundi sampung beses pa.
Nahilot niya ang sentido. "Saang sulok naman ng mundo ako makakahanap ng
babaeng tinutukoy mo?"
Nagkibit ito nang balikat. "That's your problem."
Hindi napigilan ni Sovereign ang pagsilay nang munting ngiti sa sulok ng
kanyang labi. Mukhang nakita na niya ang tutulong sa kanya. Sinulyapan niya ang
babaeng nakaupo ngayon sa passenger side ng kanyang kotse.
Mukha namang wala siyang amor dito. Base na rin sa trato nito sa kanya. Bagaman
at hindi iyon nagustuhan ng pagkalalaki niya ay lalo namang umigting ang kagustuhan
niya na mapapayag ito na tulungan siya nito. Ito ang sagot sa problema niya at iyon
ang sigurado niya. Pumasa ito sa qualification na kailangan niya.
"What's your name?" bigla ay basag niya sa katahimikan.
Matagal bago ito nagsalita. "Zafrina," anito na nagbaling ng tingin sa labas ng
bintana.
Zafrina, ulit niya sa isip.

_____________________________________________

AUTHOR NOTES: Kumusta naman po ang mga puso? Salamat po sa pagsubaybay.


Palambing naman po ng inyong saloobin tungkol sa update na ito. Salamat. Keep
Safe.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 07

SA ISANG high end restaurant sila humantong ni Sovereign.


Hindi na kataka-taka na nasa isang mamahaling restaurant sila dahil mukha naman
itong mayaman. Habang kumakain ay muling inungkat ni Zafrina sa binata ang naputol
nilang pag-uusap kanina.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" aniya nang maibaba sa pinggan niya
ang kubyertos at matamang pinagmasdan si Sovereign na maganang kumakain.
Sandali muna nitong tiningnan ang paligid bago siya tiningnan. "Masyadong
maraming tao rito para dito natin 'yon pag-usapan. At isa pa, masyadong
confidential 'yon. Mamaya na lang sa kotse. Patapusin mo muna ako sa pagkain ko
dahil hindi pa ako nagla-lunch."
Napatingin tuloy siya sa suot niyang orasan. Alas tres na ng hapon. "Bakit
nagpapalipas ka ng gutom?"
"May tinapos ako sa office kanina."
"Pero mas importante pa rin na kumain sa tamang oras. Kaysa magsisi ka sa huli
kapag nagkasakit ka," aniya na itinuon na rin muli sa pagkain ang atensiyon. "You
only leave once," dagdag pa niya.
Natigil sa pagnguya si Sovereign sa steak na kinakain nito. Pagkuwan ay muli
siyang sinulyapan. Sumandal pa ito sa kinauupuan nito habang matamang nakatitig kay
Zafrina.
Nang maramdaman ni Zafrina na parang may nakatitig sa kanya ay muli siyang nag-
angat ng tingin. Kumunot ang noo niya nang makita si Sovereign na matamang
nakatitig sa kanya.
"Bakit?"
Umiling ito. "Wala pang nangahas na pagsabihan ako ng ganyan."
"Wala bang concern sa iyo?"
Bahagya itong napangiti. "Concern on what way?"
She rolled her eyes. Parang may kakaibang laman ang sinasabi nito. "Whatever.
Bilisan mo ng kumain dahil nagmamadali rin ako."
Matapos nilang kumain ay agad ding pinasibad ni Sovereign ang kotse nito nang
makasakay silang dalawa.
"Time is gold, Mister. Ano ba talaga ang problema mo? Bakit ako 'yong gusto
mong tumulong sa iyo kahit na marami namang iba diyan?" aniya mayamaya.
Nakatutok lang sa daan ang tingin nito. "Sounds crazy, pero pino-problema ko
'yong nakatira sa bahay ng daddy ko."
"Gusto ka na nilang mag-asawa?" hula niya.
"Not like that."
"Sa tingin mo talaga ay kaya kitang tulungan?"
"Malaki ang maitutulong mo sa akin. Nasa iyo rin 'yong quality na kailangan
ko."
Kumunot ang noo niya. "Quality?" Napaharap tuloy siya rito. "Sinasabi ko na nga
ba. Hindi talaga basta-basta dapat magtiwala sa panlabas na anyo. Leader ka siguro
ng malaking sindikato."
Hindi alam ni Sovereign kung matatawa o ano sa sinabi niya. Kaya naman inihinto
nito sa tabing kalsada ang kotse nito at hinarap din siya.
"Hindi mo ba talaga kilala ang taong kasama mo ngayon?" Umiling siya kaya lalo
itong napapantastikuhan sa pagkatao niya. "Saang planeta ka ba galing? You think
too much, lady." Mataman siya nitong tinitigan. "Hindi ako leader ng sindikato kaya
ipanatag mo 'yang loob mo. Hindi kita para ipahamak."
"Sabi mo kasi nasa akin 'yong quality na kailangan mo."
"Well, base kasi sa nakikita ko sa iyo ay madali ka namang kausap. Kailangan ko
ang malaki mong kooperasyon. Magaling ka bang umarte?"
"Hindi ko forte ang bagay na iyan. Ang dami mong paligoy-ligoy. Direct to the
point, please."
"Napakadali lang naman ng gagawin mo. Be my wife. Ah, hindi. Pretend as my
wife."

Baka naman nagkakamali lang siya ng narinig. "Pardon?"


"I said. I need a pretending wife."
Ganoon na lang ang tawa niya nang makumpirma ang narinig. "Pretending wife?"
aniya bago sumeryoso ang mukha at binura ang ngiti sa kanyang labi. "Ayaw ko." Pati
ba naman sa bagay na iyon ay hindi pa rin siya tatantanan? Nagbaling siya ng tingin
sa labas ng bintana. Saka lang niya napansin na over looking pala roon ang dagat na
medyo may kalayuan sa kinaroroonan nila.
"Zafrina, mukha namang wala akong ka-appeal-appeal sa iyo. The way you treat
me, parang wala lang. Kaya alam kong hindi ka mahihirapan na magpanggap. And I am
not kidding. I really need a pretending wife na puwedeng tumira sa bahay at ikaw
lang 'yong nakikita kong puwedeng tumulong sa akin."
Kumontra ang isip niya. Hindi siya manhid para hindi maramdaman o makita kung
gaano kalakas ang appeal nito. Hindi lang talaga siya showy. At hindi rin niya iyon
aaminin dito. Nanatili siyang walang imik.
"Please."
Sa puntong iyon ay napilitan na siyang muling tumingin kay Sovereign.
Nagsusumamo ang guwapong mukha nito. Damn!
"Wala namang makakakilala sa iyo sa bahay kaya tiyak na safe ka para hindi
makarating sa lola mo kung nasaan ka."
Napabuntong-hininga siya. "Bakit kailangan mo ng magpapanggap na asawa mo? Kung
hindi ka pa naman handang lumagay sa tahimik, hindi ka naman nila puwedeng pilitin,
eh. Malaki ka na para magkaroon ng sariling desisyon. Hindi ka nila puwedeng
pilitin sa ayaw mong gawin." Right. May pinaghuhugutan ang sinabi niya dahil sa
nararanasan niya ngayon.
"Not like that," anito na animo nahahapong isinandal ang likod sa backrest ng
upuan. Deretso ang tingin nito sa labas ng kotse.
Lihim na napalunok si Zafrina. Sovereign is so damn gorgeous. Ang sarap titigan
ng guwapo nitong mukha. Bukod na pinagpala sa lalaking lahat, ika nga.
"Hindi ko na gusto 'yong ikinikilos ng step-sister ko nitong mga nakaraan.
Parang may iba na."
Napakurap-kurap siya. "Inaakit ka ba niya?"
"Hindi pa naman dumadating sa puntong ganoon talaga. Pero iba na 'yong
ikinikilos niya. At hindi na rin niya ako tinatawag na kuya."
"She likes you?" Itinikom niya ang bibig nang balingan siya nito. "B-Bakit?"
"Ganoon din 'yong tingin ko. Kaya kailangan ko ang tulong mo. Ng sa ganoon ay
mahiya siyang magpapansin at kumilos ng kakaiba sa akin. Hindi na rin ako
mangangamba sa gabi na baka pasukin na lang niya ang kuwarto ko."
Hindi niya maiwasang mapatawa. "Paranoid ka na." Sa kaguwapuhan nitong
tinataglay ay alam niyang wala ni isa man na makaka-resist dito. Lalo na kahit ang
step-sister nito na hindi naman nito kadugo.
"Seryoso ako sa pinoproblema ko kaya 'wag kang tumawa. Hindi rin ako paranoid.
Nag-iingat lang."
"Hindi naman kayo magkadugo ng step-sister mo."
Tiningnan siya nito ng masama kaya naman naitikom niya ang bibig. "Puwes, hindi
mo ako maaasahan na pumatol sa kanya. Tama na 'yong nanay na lang niya ang
pinatulan ni daddy."
"Sorry." Nagbaba siya ng tingin. Nalilito pa rin siya kung papayag ba siya sa
alok ni Sovereign. Iyon pa lang ang pangatlong beses na nagkita sila pero hayon at
animo nagtiwala agad ito sa kanya. At ease na rin ang pakiramdam niya rito. Kagaya
nito sa kanya. Weird.
Kumilos si Sovereign. Bahagya itong lumapit kay Zafrina. Nang hawakan nito ang
baba niya ay hindi niya napigilan ang mapakislot dahil sa kakaibang naramdaman.
Napatingin siya sa binata ng bahagya nitong iangat ang mukha niya.

"Help me."
Bakit ganoon? Animo hinihigop ng titig nito ang buong lakas niya? Hindi siya
lalo makapag-isip. Napalunok siya. Pagkuwan ay minabuting palisin ang kamay nitong
nakahawak sa baba niya. "S-Sigurado ka na ba na ako ang gusto mong tutulong sa iyo?
As you can see, pangatlong beses pa lang natin na pagkikita ito. At hindi mo ako
lubos na kilala."
"Alam mo ba kung bakit nasa Alager ako kanina?" sa halip ay tanong nito.
Umiling si Zafrina. "Pumunta ako sa Alager para kausapin ka. You heard it right.
Ikaw talaga ang pakay ko kanina. Pinag-isipan ko na ito ng maraming beses simula
kagabi. Katulad ng sinabi ko kanina, ikaw lang 'yong babae na hindi nagpakita ng
interest sa akin. Kahit sa unang pagkikita natin."
So, kailangan niyang manatili sa kung ano ang paniniwala nito sa kanya? Babae
rin naman siya at marunong um-appreciate ng biyaya ng Diyos sa kababaihan.
"Saang sulok ka ba ng Pilipinas galing?"
Napakurap-kurap siya sa tanong nito. Sasabihin ba niya? "Mountain Province,"
sabi na lang niya. Ayaw niyang sabihin kung saan doon.
"Masyadong malayo 'yon dito sa Pagbilao City. No wonder," anito kapagkuwan.
"Ano talaga ang dahilan kung bakit ka narito?"
"Pasensiya na pero hindi ko puwedeng sabihin sa iyo."
"Okay. How about your family background? Para naman may idea ako kapag
nagtanong sina daddy sa akin."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "At mukhang siguradong-sigurado ka na
papayag ako sa gusto mo, Mister?"
"I'm confident," anito na inilahad ang kamay sa harapan niya. "Hindi ko pa
napapakilala ang sarili ko sa iyo. My name is Sovereign Millares, just call me
Reign. Kung marami kang tanong tungkol sa pagkatao ko ay puwede mong i-search sa
Google."
Nang tingnan lang ni Zafrina ang binata ay ito na ang kusang kumuha sa kamay
niya para makipag-shake hand sa kanya. Napatingin tuloy ang dalaga sa kanilang
kamay na magkahugpong ngayon. Kakaiba ang init na idinudulot ng malambot nitong
kamay sa kanya. Binawi niya iyon na ikinailing ni Sovereign.
"I therefor conclude na ikaw talaga 'yong babae na hindi magti-take advantage
sa akin."
Iniiwas niya ang tingin dito at kinutingting ang maliit na laruang aso sa may
dashboard ng kotse nito. "Wala na ang mama at papa ko," sa huli ay inporma na rin
niya rito. "Wala rin akong mga kapatid. 'Yong lola ko ang kumupkop sa akin. Pero sa
bahay niya ay kasama namin ang pamilya ng Tito ko." Hindi na lang niya binanggit
ang tungkol sa pag-aari nilang hacienda. At kung anong angkan ang pinagmulan niya.
"Ilang taon ka na?"
"Eighteen."
"Huh?"
Ganoon na lang ang tawa niya nang makita ang reaksiyon nito. "Twenty-four,"
bawi rin niya.
"May trabaho ka ba doon sa inyo?"
Kailangan pa rin ba niyang sabihin dito na manager siya sa sikat na restaurant
ng kanyang Tita Dina sa Sagada? Sa huli ay pinili niyang magsinungaling.
"Wala. Balak ko ring maghanap sana ng trabaho rito," pagsisinungaling niya.
Maniwala kaya ito? Maghahanap siya ng trabaho pero nakapag-stay siya sa high class
na Alager Hotel na hindi basta-basta ang bayad. Speaking! "Tingnan mo ang ginawa
mo. Nakalimutan kong mag-check-out sa Alager," reklamo niya nang maalala na nasa
kanya pa ang card key sa tinuluyang suite. Nasapo niya ang noo.
"Ako na ang bahala doon. Anyways, kung maghahanap ka rin ng trabaho. Gawin mong
trabaho 'yong pagpapanggap mo bilang asawa ko. Babayaran kita."
Desidido talaga ang lalaking ito. Napabuntong-hininga na naman siya. "Puwede
bang pag-isipan muna? Seryosong bagay kasi ang gusto mong mangyari. Hindi ako sanay
umarte o kahit ang magpanggap."
"Madali lang umarte kapag nasa harap mo na sila. Just go with the flow. Ako ang
bahala."
Tumanaw ulit siya sa labas ng bintana. Papayag ba siya? Kung iba sigurong babae
ay oo agad ang isasagot kay Sovereign. Muli siyang napatingin kay Sovereign nang
kunin nito ang palad niya. May inilagay ito roon.
"Isuot mo 'yan kapag pumapayag ka na sa gusto ko."
Napatingin siya sa kanyang palad. It was a gold wedding ring. Ipinakita pa nito
ang ring finger nito. Saka lang niya napansin ang nakasuot doong singsing. "Hindi
ka naman handang-handa sa lagay na ito?"
Ngumiti lang ito. "Keep it. Kung mag-usisa man ang pamilya ko kung bakit tayo
nagpakasal agad. Just leave it to me."
Itinabi niya sa kanyang sling bag ang singsing. "At ano naman ang balak mong
alibi?"
"Malalaman mo rin." Napatingin si Sovereign sa cellphone nito na nasa may
dashboard nang tumunog iyon. Mabilis nitong kinuha ang cellphone nito at sinagot
ang tumatawag. "Ah, no thanks, Liam. May nakita na rin ako. Salamat na lang. Yeah.
Okay, don't worry dadaan ako diyan mamaya bago umuwi sa bahay." Sumulyap ito sa
kanya. "She's with me. Sige na, mamaya na lang. Bye."
Mababakas ang pagtataka sa maganda niyang mukha habang nakatitig kay Sovereign.
Ware naman ay nabasa nito ang nasa isip niya.
"One of my friends. May nahanap na raw siya na fit para sa kailangan kong
pretending wife. Kaso may nahanap na rin ako."
"Bakit hindi mo muna 'yon i-try? Malay mo mas magaling siyang umarte kaysa sa
akin?"
"Final na 'yong desisyon ko. Ikaw 'yong gusto ko."
Natigilan siya sa sinabi nito. Ikaw 'yong gusto ko, ulit ng isip niya. Bakit
kakaiba ang dating niyon sa kanya? Nabibigyan niya ng ibang ibig sabihin.
"I-I mean, para magpanggap," nag-iwas ng tingin si Sovereign.
"Bigyan mo ako ng tatlong araw para mag-isip."
"Three days?" maang na bumaling sa kanya ang binata. "Masyadong matagal. Tama
na ang isang araw. Time is gold."
Nakipagtagisan pa siya ng tingin dito. Pero sa huli ay siya rin ang unang
nagbawi. "Two days," hirit niya.
Marahas itong bumuntong-hininga. "Fine."
Napangiti siya sa napipilitan nitong pagpayag. Nabura lang ang ngiting iyon sa
sunod nitong sinabi.
"Can you kiss well?"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 08

NASAMID si Zafrina sa itinanong na iyon ni Sovereign. Nang


makabawi ay matalim niyang tiningnan ang binata.
"At bakit mo naman tinatanong?"
"Part of the scene," kaswal nitong wika. Bumaba pa ang tingin nito sa labi niya
bago ibinalik ang tingin sa mga mata niya.
Lalong nag-init ang pisngi ni Zafrina. Wala pa siyang karanasan sa bagay na
iyon. Nakisabay pa ang puso niyang bumilis na naman lalo ang tibok. "Sovereign,"
tawag niya sa buong pangalan nito. "Kung papayag man ako sa gusto mo, hindi kasama
ang bagay na 'yon sa palabas mo."
Nagkibit ito ng balikat. "Kung magtititigan lang tayo sa harap nila, sa tingin
mo kapani-paniwala 'yon?"
Umawang lalo ang labi niya. "So? Wala silang pakialam kung 'yon ang trip natin.
Hindi kailangan magpaka-PDA sa harap nila."
"Well, sa harap ni Cassey, kailangan."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa seat-belt. "At isa pa, hindi pa ako
pumapayag. Pakihatid muna ako sa alam mong Hotel."
May gumuhit na ngiti sa labi ni Sovereign habang nakatitig sa kanya. "Sa
reaction mo, I wonder kung may experience ka sa ganoong bagay."
Iniinsulto ba siya nito? "Aalis na ba tayo o bababa na lang ako dito sa
sasakyan mo?"
"Zafrina, mukhang iniisip mo yata na iniinsulto kita? I'm not. Mukhang naiilang
ka rin. Hmmm. Kailangan nating tanggalin 'yang ilang mo sa akin. Siguro
makakatulong ito," ani Sovereign na mas lumapit pa kay Zafrina.
Parang nanlaki yata ang ulo ni Zafrina sa sunod na ginawa ni Sovereign. He
kissed her! Daig pa niya ang natuklaw ng ahas sa kinauupuan. Sa sobrang bilis ng
galaw nito ay ni hindi siya nakaiwas ng sakupin nito ang labi niya habang sapo ng
magkabila nitong kamay ang mukha niya.
Napapikit siya nang mariin. Akala niya ay basta lapat ng labi lang ang gagawin
nito pero at hayon, ibinuka nito ang labi at sinubukan siyang patugunin. Pati isip
niya ay hindi makapag-isip ng matino. Ni hindi niya magawang tugunin ang halik nito
dahil hindi niya alam kung paano. Iyon ang unang pagkakataon na may nangahas na
halikan siya sa buong buhay niya. Wala siyang lakas para itulak si Sovereign dahil
nanghina bigla ang lahat sa kanya.
"You didn't kiss me back. Is that your first kiss?" nakuha pa nitong tudyuin
siya nang ilayo nito ang mukha sa kanya.
Huminga muna ng malalim si Zafrina bago lakas loob na nagmulat ng mga mata.
Guwapong mukha agad ni Sovereign ang nakita niya. Lalong nag-init ang mukha niya.
Hinalikan siya nito at hindi na iyon mabura-bura sa isipan niya.
Walang imik na kinalas niya ang seat-belt at itinulak ito palayo. Mabilis
siyang lumabas ng kotse nito. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Mariin siyang
napapikit. Para pa siyang nanlalambot na napasandal sa may kotse. Pati puso niya ay
animo tatalon na palabas sa dibdib niya sa bilis ng tibok niyon.
Mabilis ding bumaba si Sovereign sa kotse nito at nilapitan siya. Natingnan
tuloy ito ng masama ni Zafrina.
"I'm not sorry for kissing you. Kaya 'wag mo ng hintayin na mag-so-sorry ako,"
anito na tumabi pa sa kanya. Sumandal din ito sa kotse at tumanaw sa malayo.
Napamaang siya sa sinabi nito. "You just stole my first kiss!" she hissed. "You
even kissed me without my permission!"
Hindi ito nagpadala sa galit niya. Napangiti pa nga ito nang tingnan siya.
"Kaya pala. First kiss mo pala 'yon."
"Kalimutan mo na 'yong plano mo. Maghanap ka na lang ng iba. Sinasagad mo
masyado ang pasensiya ko." Humalukipkip siya at itinuon din ang tingin sa malayo.
Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya.

Nabura ang ngiti sa labi ni Sovereign. Sumeryoso na ito.


"Zafrina-"
"Just so you know, Sovereign Millares. I value my first kiss more than I value
your problem."
Napabuntong-hininga si Sovereign. "Okay, I'm sorry," sensero na nitong sabi.
Hindi pa rin niya ito pinansin.
"Zafrina, hindi na mauulit."
Gaano ba siya nakakasigurado na hindi na nga mauulit? Napapikit na naman siya
pero agad ding nagmulat dahil pati isip niya ay hindi nakisama at ipinaalala na
naman ang nangyaring tagpo kanina.
Nang hindi pa rin niya kibuin si Sovereign ay pumwesto na ito sa harapan niya.
Trying to get her attention. Seriously, hindi niya alam kung paano babalewalain ang
nangyari kanina. Hindi dahil sa nagpapabebe siya.
Tumikhim ito. "May gusto ka ba na ipagawa sa akin? Just to make you feel
better. Basta, 'wag lang 'yong pagtanggi sa alok ko sa iyo. I'm desperate,
Zafrina."
Blangko ang tinging ipinukol niya rito nang tingalain niya ito. "Madali lang
sulusyonan 'yang problema mo. Kung gusto mong makaiwas sa step-sister mo, sungitan
mo siya. Prangkahin mo na 'wag siyang magkakamali na lumampas sa boundary ninyo as
step-brother and step-sister. Makuha siya sa real talk. Eh, 'di tapos 'yang
pinoproblema mo."
"Ever since nagawa ko na yang sinasabi mo na sungitan siya at i-real talk. Pero
wala namang nangyari. Sa tingin mo ba makikiusap ako sa iyo ng ganito kung hindi
ako desperado? Para sa kaalaman mo, ngayon ko lang ito ginawa. Kaunting panahon
lang 'yong hihilingin ko sa iyo kung papayag ka. Hindi naman libre itong hinihingi
ko sa iyong pabor. Babayaran kita kahit magkano pa. Just help me."
Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan ng pera. Marami siyang pera kung
pera lang din ang usapan.
But deep inside, may naghuhumiyaw sa kanya na tulungan na si Sovereign. Para
makapagtago rin siya lalo sa kanyang lola at higit sa lahat ay kay Gino Ferrer.
"Ihanap mo na muna ako ng hotel. Gusto ko na munang magpahinga," sa huli ay
pakiusap niya rito.
Marahan itong tumango. "Okay."
Pinagbukas din siya ni Sovereign ng pinto. Sa kabilang banda, mukha namang
mabait si Sovereign. At mukhang mas palagay siya na ito ang kasama kumpara kay Gino
Ferrer.
Nag-check-in si Sovereign sa Nagusami Hotel for two days. Dito nakapangalan ang
suite na kinuha nito na para sa kanya. Hindi na siya kumontra pa nang mag-insist
ito na ito na ang magbabayad ng pananatili niya roon. Inihatid din siya nito sa
suite niya.
"Babalikan kita rito after two days. 'Yong usapan natin," paalala pa nito sa
kanya.
Tinanguan niya ito. "Malalaman mo 'yong sagot ko after two days."
Marahan itong tumango. Parang ayaw pa nga nitong umalis nang magpaalam na sa
kanya. What's with him?
May kinuha itong calling card sa wallet nito at iniabot sa kanya. "Tawagan mo
ako kung may kailangan ka."
Natitigan niya ang tarhita. Pagkuwan ay muli niyang ibinalik ang tingin kay
Sovereign. "Hindi rin naman kita matatawagan dahil naiwan ko ang cellphone ko sa
bahay namin." Ibinalik niya rito ang calling card.
"Tss. Wala kang gamit na cellphone ngayon? Lahat yata ng tao sa mundo ngayon ay
hindi mabubuhay ng walang cellphone sa katawan. Baka naman-"
"Hindi ako nagdadahilan lang," mabilis niyang putol sa sasabihin pa nito. "And
thanks to God, kasi buhay pa ako kahit wala akong gamit na cellphone. Sige na
umalis ka na dahil alam kong busy ka na tao." Hinatak na niya ito sa braso nito
palabas sa kanyang suite. "Ingat," nginitian pa niya ito bago niya isara ang pinto.

Saka lang siya mas nakahinga nang maluwag ng mawala na ang


presensiya ni Sovereign sa paligid niya. Para siyang nauupos na kandila na
napasandal sa nakapinid na pinto. Bakit pakiramdam niya ay napakaraming nangyari
ngayong buong araw? Pagod na pagod bigla ang pakiramdam niya.
Bumalik na naman sa alaala niya ang tagpo sa kotse ni Sovereign kanina. Mariin
siyang pumikit at pilit na iwinaglit sa isip ang nangyaring iyon.

NAPAILING-ILING pa si Sovereign nang pagsaraduhan na siya ng pinto ni Zafrina.


Iba talaga ito sa lahat ng babae na nakasalamuha niya. Imbes na mainis sa
pagtataboy na nito sa kanya ay may sumilay pang ngiti sa labi niya bago ipinasya na
ring umalis.
Pagkagaling sa Nagusami Hotel ay dumiretso siya sa UHB Leisure Club na
pagmamay-ari ni Daizuke Niwa kung saan ay isa rin siyang miyembro. Naabutan niya sa
may Golf Course si Liam na prenteng nakaupo sa lounge chair habang pinapanood si
Daizuke sa pagtira ng golf ball. Di kalayuan naman kay Liam ay magkakasama sina
Keigo, Kienlee, Wayne at Ashton.
Naupo siya sa katabi ni Liam.
"Akala ko ba kasama mo siya?" pagtataka ni Liam nang makitang mag-isa lang
siyang dumating.
Umiling siya. "Bakit dito ka ngayon nakatambay?" paglilihis niya ng usapan.
Ayaw lang niyang marinig ng iba ang bagay na sila lang ni Liam ang may alam.
Itinuro nito ang kumpulan nina Keigo Mori. "May pustahan kami ng mga UHB Boys.
Kapag hindi naka-shoot si Dark," tukoy nito kay Daizuke. "Makikipag-blind date si
Dark sa pinsan ni Yahir Martini."
Sinulyapan niya si Daizuke. As if naman magpapatalo ito? Simula nang makilala
niya si Daizuke ay wala pa siyang nababalitang na-link dito romantically. Hindi rin
ito iyong tipo na nakikipaglaro sa babae. Maraming curious sa love life nito dahil
kahit hanggang ngayon ay wala pang nangangahas na idikit ang pangalan ni Daizuke sa
kahit na sinong babae. Maliban na lamang sa kababata nitong si Nashnairah na
matagal na ring hindi nakakasama ng grupo nito. At simula nang maitayo ang UHB
Leisure Club ay hindi pa raw iyon nakakatungtong doon.
"Asa naman kayo na matalo si Dark sa pustahan ninyo?" aniya mayamaya.
"We'll see," ani Liam na hindi kumurap nang tumira si Daizuke.
Ganoon na lang ang tawa niya ng manalo si Daizuke. Tinapik niya sa balikat si
Liam. "Talo kayo."
"Kapag mga walang katuturang-bagay, hindi talaga kayo nananalo," sabi pa ni
Daizuke sa mga kaibigan nito. Naupo rin ito sa lounge chair na katabi ni Sovereign.
"Baka gusto mong makipag-blind date sa pinsan ni Yahir?" baling pa sa kanya ni
Daizuke. "Ipapaubaya ko na sa iyo."
"No thanks."
"Tanggapin na lang natin na tatandang binata talaga 'yang si Dark," pasaring ni
Ashton.
"Never been kiss. Never been touch." Napailing-iling pa si Kienlee. "Kawawa
naman ang genes mo."
"Baka naman may hinihintay?" kunway sabi niya na nag-peace sign nang matalim
siyang tingnan ni Daizuke. Pero mabilis na napalitan ng kunot ang noo nito nang
mapatingin sa palasingsingan niya.
"Kasal ka na?" taka pa nitong tanong.
Napatingin siya sa ring finger niya. Naibaba niya ang kamay. Napamura siya sa
isip ng bigla siyang pagkaguluhan ng mga ito. Partikular na ang kamay niyang may
suot na singsing.
"Damn. Kailan ka pa nag-asawa? Bakit parang wala naman kaming nabalitaan?"
hindi rin makapaniwalang usisa ni Kienlee.
"Secret wedding," mabilis na agaw ni Liam.
"Whoa! Seryoso? Wala naman sa mukha mo ang lalagay agad sa tahimik," hindi pa
rin makapaniwalang sabi ni Ashton.
"Ganoon ba talaga ang tingin ninyo sa akin?" apila niya. Nasulyapan pa niya si
Liam na kinindatan siya.
"Makikilala niyo rin ang asawa ni Reign kapag dinala niya rito sa Club,"
ngumisi pa si Liam.
"Hmmm. Mukhang seryoso nga at dadalhin mo rin dito sa Club," ani Kienlee.
Pinagbabawal kasi ang pagsasama ng babae sa naturang Leisure Club kung hindi naman
siniseryoso.
Mukhang mapapasubo pa siya sa mga ito. He sigh. Wala sa plano niya na ipakita
sa madla si Zafrina dahil na rin sa pag-iingat nito. Pero sa kabilang banda ay
naniniwala siya na hindi naman kakalat kung dalhin man niya si Zafrina sa Leisure
Club. What's in UHB Leisure Club stays in UHB Leisure Club, isa sa kasabihan sa
lugar na iyon.

________________________________
Author Notes:
Nais ko lang pong ipaalam para sa mga hindi pa po nakakabasa. Meron pong
kuwento sina Keigo Mori at Kienlee Scott. Both story ay nasa DREAME po.
You can download the app and search my User Name: Jonquil
My stories are for FREE READS. No need coins.
Keigo Story - ONE KISS
Kienlee Story - SAY YES
( Already PUBLISHED under LIFEBOOKS
and still available Nationwide.)
You can also read, MARRYING MY FIANCEE, which is connected din sa SPIN OFF ng
mga UHB Boys. Available sa Dreame.
Also, WHEN THE WRONG PERSON, BECAME THE RIGHT ONE, available here in wattpad.
( Soon to be PUBLISHED under Precious Hearts Romances)
Thank you so much 😊

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 09

KANINA pa pinagmamasdan ni Zafrina ang dumating na paper


bag. Galing iyon kay Sovereign. Naglalaman iyon ng isang mamahalin na cellphone.
Palibhasa ay nabanggit niya rito na wala siyang gamit na cellphone kaya ganoon na
lang ang gulat niya nang may mag-deliver niyon sa suite niya.
Napabuntong-hininga pa siya nang ilapag sa may coffee table ang sticky note na
nakadikit sa mismong box ng cellphone.
Use this. I don't take no for the answer.
Reign
Kapag ginamit naman niya iyon ay parang pumapayag na rin siya sa hinihingi
nitong pabor sa kanya.
"Sovereign Millares, mga galawan mo," naiiling pa niyang anas. Hinayaan na lang
niya sa coffee table ang paper bag at hindi na muli pang nangahas na pakialaman
iyon.
Pumunta na siya sa banyo para magbabad sa jacuzzi na inihanda niya kanina.
Kinabukasan, abala si Zafrina sa pagluluto ng kanyang tanghalian nang siyang
tunog ng door bell. May malapit na grocery sa tinutuluyan niyang hotel kaya naman
na-engganyo siyang magluto. Na-mi-miss na rin niya ang pagluluto. Isa kasi iyon sa
hilig niyang gawin. Kumpleto rin naman sa gamit sa kusina ang suite na tinutuluyan
niya.
Hinubad niya ang suot na apron at ipinatong iyon sa kitchen island. Baka naman
chambermaid iyon at maglilinis.
Pagbukas sa pinto ng suite ay nabura ang ngiti sa labi ni Zafrina nang
mapagsino ang nasa labas. Kumunot ang noo niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" kunway hindi nasisiyahang sita niya kay Sovereign.
Itinaas nito ang dalawang paper bag na may tatak ng isang mamahaling restaurant
sa Pagbilao City.
"Baka hindi ka pa kumakain," anito na hindi na hinintay ang permiso niya na
papasukin ito. Nagkusa na itong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina.
Pagkasara ni Zafrina sa pinto ay agad niyang sinundan si Sovereign. Naabutan
niya itong inuusisa kung ano ang niluluto niya.
"Marunong kang magluto?" tila nasurpresa pa ito sa nalaman.
"As you can see, it's a yes." Mukha namang hindi ito aalis agad kahit
ipagtabuyan niya. Kinuha na lang uli niya ang apron at isinuot. "Nag-aral din ako
ng culinary arts."
"Gusto mong magtayo ng restaurant?"
Umiling siya bago hinalo nang bahagya ang nilulutong Adobong Manok. "Hindi.
Para maipagluto ko 'yong magiging asawa ko pagdating ng araw." Sabi kasi ng kanyang
ina noong nabubuhay pa ito, dapat ay marunong magluto ang babae lalo na kapag nag-
asawa na. "Gusto ko, luto ko 'yong kakainin niya," napangiti pa siya.
Habang abala siya sa niluluto ay mataman naman siyang pinagmamasdan ni
Sovereign. Mas natulala pa ito sa kanya nang ngumiti siya. Agad sumeryoso ang
guwapo nitong mukha nang balingan ito ni Zafrina.
"Malas ng magiging asawa mo."
Nabura tuloy sa labi ang ngiti ni Zafrina. "Bakit naman?"
Nagkibit-balikat ito. "Mas mauuna akong makatikim ng luto mo kaysa sa kanya."
Itinuro niya, gamit ang sandok, ang dala nitong pagkain. "'Yon ang kainin mo,
Mister Millares. Mukhang binili mo pa sa mamahaling restaurant 'yan."
"I want your Adobong Manok."
Nakipagtagisan pa siya ng titigan dito. "Para sa akin lang ito."
"Sobra 'yan para sa iyo," katwiran pa nito.
"Whatever," sabi na lang niya at mukhang hindi ito magpapatalo.
"'Yong cellphone na pinadala ko kagabi, hindi mo pa rin ginagamit. May kasamang
sim card 'yong paper bag. Sinubukan kong tawagan 'yong number pero cannot be
reach."

Muli niyang tiningnan ang niluluto. Tinakluban na muna niya


iyon at hinayaang kumulo.
"Hindi ko kailangan ng cellphone. Wala naman akong tatawagan."
"Kapag tumira ka na sa bahay, kailangan mong gumamit ng cellphone para madali
kitang ma-contact."
Humalukipkip siya nang harapin si Sovereign. "At siguradong-sigurado ka na
papayag nga ako?"
"You should agree, Zafrina," giit nito.
"Paano kung pagpunta mo rito bukas ay wala na ako? At hindi mo na makikita
kahit na kai—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang lapitan siya nito at hawakan ang
magkabila niyang braso. Bahagya pa siya nitong niyuko. "Don't even dare, Zafrina,"
matigas nitong wika sa kanya.
Hindi siya nagpakita ng kahit na anong takot dito. Kahit na nanlalambot na
naman ang mga tuhod niya.
"Sovereign, wala kang magagawa kapag nakapagdesisyon na ako. Isipin mo na lang
na hindi ako nag-exist kailanman sa buhay mo. Bukod sa akin, may isa ka pa namang
option. May nakita na rin naman ang kaibigan mong si Liam, 'di ba? Kahit sabihin mo
na babayaran mo ako," umiling siya. "Hindi ko kailangan ng pera mo."
Walang imik na dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng suot nitong itim na
jeans. Habang ang isang kamay nito ay nanatiling nakahawak sa braso niya. May d-in-
ial itong number.
"Ano'ng pangalan ng girlfriend ng pinsan mo na narito rin sa Pagbilao?" tanong
pa nito sa kanya.
"Sahara," huli na para bawiin ang sinabi. Sa isip ay napukpok niya ang ulo.
Ipiniksi niya ang braso pero mahigpit pa rin nito iyong hawak. "Bitiwan mo ako,
Sovereign."
Hindi siya nito pinansin. Ni-loud speaker pa ni Sovereign ang cellphone nito.
"Hello, Mark Brice," anito nang sumagot ang kabilang linya. "Paki-check kung nasa
Alager pa rin ang hotel guest ninyo na may pangalang Sahara. I forgot the last
name. Pakisamahan ng kaunting bilis."
"Just a minute." Nawala iyon sandali.
"Sovereign," gigil niyang banggit sa pangalan nito nang mahinuha ang balak.
"I told you," ngumisi pa ito sa kanya. "'Wag ako."
"Hello, Reign, sabi ng receptionist sa baba ay narito pa rin sa Alager 'yong
Sahara."
"Okay, thank you. Tawagan uli kita mamaya," ani Sovereign na hindi inaalis ang
tingin kay Zafrina na mabilis ng tinapos ang naturang tawag. "Tatakasan mo ako?
Sige subukan mo dahil sinisigurado ko sa iyo na malalaman ng Sahara na 'yon na
narito ka ngayon sa Pagbilao. At sasabihin ko rin na ipaalam agad sa inyo kung
nasaan ka."
Nahampas niya ito sa dibdib. Sobrang tuso nito. "Sovereign, baliw ka talaga."
"Don't even try my temper, Zafrina," anito na mataman pa siyang tinitigan na
halos magpatigil sa paghinga ng dalaga. Bumaba ang tingin nito sa labi niya bago
muling ibinalik ang tingin sa mga mata niya. "You'll help me and I'll promise you
na hinding-hindi malalaman ng pamilya mo kung nasaan ka kung 'yon talaga ang gusto
mo."
"B-Bitiwan mo na ako," sabi na lang niya. "Baka masunog 'yong niluluto ko."
Napatingin ito sa niluluto niya bago siya pinakawalan.
Mabilis niya itong tinalikuran. Para na namang may naghahabulang kabayo sa
dibdib ni Zafrina dahil sa lakas ng kabog niyon.
Hindi naman kataka-taka na malawak ang koneksiyon ng isang Sovereign Millares.
Ganoon talaga siguro ito kayaman. Pero ano ba ang paki niya sa kung gaano ito
kayaman? Mas pino-problema niya ang puso niyang umaariba na naman sa pagtibok ng
dahil sa binata.

HINDI mapigilan ni Zafrina na hindi pagmasdan ang maganang pagkain ni


Sovereign. Mukhang sarap na sarap talaga ito sa niluto niyang Adobong Manok. At ang
heroides, hindi talaga nito kinain ang take out nitong pagkain. Mas nilantakan nito
ng kain ay ang niluto niya.
"Hindi naman obvious na sarap na sarap ka sa luto ko," kantiyaw pa niya rito.
Sinulyapan siya nito. "Puwede na rin."
At ang labas ay parang napipilitan pa ito? "Ah, kaya pala malapit mo ng
maubos." Nakatikim pa ito ng irap sa kanya na ikinangiti lang nito. "Wala ka bang
trabaho ngayon?"
"Meron. Babalik din ako mamaya sa company."
"Ano'ng klaseng empleyado ka? Oras ng trabaho kung saan-saan ka pumupunta."
"I'm the boss."
Nasa hitsura naman nito. "Kahit na."
"Nasa harap tayo ng pagkain kaya hindi maganda na magtalo tayo rito." Aapila pa
sana si Zafrina nang isubo ni Sovereign sa dalaga ang kapirasong karne ng manok.
"Eat."
Sa huli, wala na naman siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito.
Nang matapos kumain ay walang imik pa rin na naghugas ng pinagkainan si
Zafrina. Habang si Sovereign ay nakaupo sa may high stool chair sa may kitchen
island at abala sa cellphone nito.
"Hindi ka pa ba aalis?" aniya ng matapos maghugas.
"Tinatamad pa akong umalis."
Nagpunas siya ng kamay bago nilapitan ang binata. "Napakatamad mo namang boss."
Sinulyapan siya nito. "Ngayon lang ako tinamad. Parang mas gusto ko ngang
matulog muna kaysa bumalik sa office. Nabusog ako masyado. At kasalanan mo 'yon,"
anito bago ibinalik sa cellphone ang atensiyon.
Umawang ang labi niya sa sinabi nito. "At kasalanan ko pa talaga na ikaw na
halos ang umubos ng niluto ko?" Napaatras siya nang tumayo ito.
"Exactly. Kasalanan mo dahil masyado mong sinarapan ang luto mo."
Nawalan siya nang masasabi sa sinabi nito. Masyado raw niyang sinarapan ang
luto niya. Ibig sabihin ay talagang nasarapan ito sa luto niya. Lihim tuloy siyang
napangiti.
"Aalis na rin ako. 'Yong take out kong pagkain. Initin mo na lang mamaya sa
microwave oven para hindi masayang. Kainin mo kapag nagutom ka," bilin pa nito.
Kalma ka lang heart, aniya sa isip dahil sa pinapakita ngayon ni Sovereign sa
kanya. Akala niya dati, first impression last. Hindi pala. Mabait din talaga si
Sovereign.
Marahan siyang tumango. "Sige."
"I'm going," anito na tila ba may gusto pang gawin. Sa huli ay napabuntong-
hininga na lang. "Gamitin mo 'yong cellphone," bilin pa nito. "Babalik ako bukas ng
hapon, around five."
"Kung hindi ako pumayag?" biro niya rito.
"Well, by hook or by crook, papayag ka rin," bahagya pa itong ngumisi. "Kahit
hindi ka na nga mag-isip sa magiging desisyon mo bukas, dahil sa akin pa rin ang
bagsak mo."
She rolled her eyes. "Over confident ka, Mister Millares. Sige na, umalis ka
na," pagtataboy na niya rito. Hinila na niya ito papunta sa may main door ng suite.
"Bye." Niluwagan na niya ang pagkakabukas sa may pinto.
Napapailing pa si Sovereign nang harapin siya ng makalabas ito sa may pinto.
"Someone like you really exist."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Napigil na naman ni Zafrina ang paghinga nang
ilapit na naman ni Sovereign ang mukha nito sa kanya.
"Babaeng, hindi man lang nadi-distract sa kaguwapuhan ko," napailing-iling pa
ito. "Hindi ko alam kung nanadya ka lang o talagang malabo na 'yang paningin mo?"
Nang makabawi ay nginitian pa niya ito nang matamis. "Natapakan ko ba masyado
ang ego mo?"
"Yes," walang gatol nitong sagot. Pagkuwan ay mabilis siya nitong hinalikan ng
smack sa labi na ikinatulala niya. "There, wala na akong pakialam kung hindi ka
naguwa-gwapuhan sa akin. Bye." May pilyong ngiti sa labi nito nang tumayo na ito ng
tuwid at ipinasyang umalis na.
Pati yata dulo ng buhok ni Zafrina ay namula sa ginawa nito. Hindi siya agad
makakilos sa pagkabigla. Nang magawa niyang tingnan si Sovereign ay naglalakad na
ito palayo.
"Sovereign," nanginginig niyang bigkas sa pangalan nito. Mariin siyang pumikit
bago isinara ang pinto ng suite. Nakaisa na naman ito sa kanya.
Ano'ng karapatan nito na halikan na lang siya basta? Pangalawa na iyon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 10

KINUHA ni Zafrina ang singsing, na ibinigay ni Sovereign sa


kanya, sa ibabaw ng bedside table. Kaunting sandali na lang ay mag-a-alas singko na
ng hapon. At ano mang oras ay darating na si Sovereign para sunduin siya.
Kagabi pa niya pinag-isipang mabuti ang magiging desisyon sa alok sa kanya ni
Sovereign. Kung tutuusin mukha namang wala siyang ibang pagpipilian.
Naglakad siya papunta sa single couch na nasa loob ng ukupado niyang silid at
naupo roon. Hinawakan niya ang pendant ng kanyang kuwentas.
"Hindi ko kaya pagsisisihan ang magiging desisyon ko?" out of the blue she
asked. Napabuntong-hininga siya bago ipinasya na ring tumayo at pumunta sa kusina.
Nakahanda na ang mga gamit niya. Hinayaan na muna niya iyon sa kanyang silid.
Napangiti siya nang matitigan ang naka-box na cookies. Ginawa niya iyon kanina.
Siguradong matutuwa ang pagbibigyan niya niyon. Bukod sa pagluluto ng iba't ibang
klase ng ulam. Mahilig din siyang gumawa ng pastry.
Kinuha niya ang box at maingat na dinala sa may salas. Ipinatong niya iyon sa
may center table. Mauupo sana siya sa sofa nang siya namang tunog ng doorbell.
Nahawakan niya ang dibdib nang dagling makaramdam ng kakaibang kaba. It must be
Sovereign.
Napagalitan pa niya ang sarili nang halos takbuhin niya ang papunta sa may
pintuan. "Zafrina, kalma. Si Sovereign lang 'yan," saway niya sa sarili nang
makarating sa may pintuan. Huminga muna siya nang malalim at kinalma ang sarili
bago binuksan ang pinto.
Right there and then, hindi napigilan ni Zafrina na sandaling matulala sa
lalaking nakatayo sa labas ng pinto.
Amused naman siyang pinagmasdan ni Sovereign. "Baka gusto mo muna akong
papasukin sa loob?"
Napakurap-kurap siya. Sa isip ay muli niyang pinagalitan ang sarili. Humigpit
ang kapit niya sa doorknob. "Ayaw ko."
Nagsalubong ang kilay ni Sovereign sa sinabi niya. "Zafrina, hindi ako puwedeng
tumayo na lang dito. Baka may makakilala sa akin dito at ma-corner na naman ako.
Let me in."
Tumaas ang isang kilay niya. "At bakit ka naman mako-corner? Artista ka ba para
pagkaguluhan ka diyan?"
"Look, as far as I can, iniintindi ko 'yang pagka-clueless mo sa pagkatao ko.
Pero 'wag mo akong pagmukhaing tanga rito sa labas."
Bakit mukhang bad trip ang isang ito ngayon? May nangyari ba? Sa huli ay
tinigilan na rin niya na pag-trip-an ito. Niluwagan na niya ang pagkakabukas ng
pinto. Nang makapasok ito ay agad din niyang isinara ang pinto.
Muntik pa siyang mapaiktad nang sa pagpihit niya sa likuran niya ay nakatayo
roon si Sovereign. Naitago niya sa may likuran niya ang kamay.
"Ano'ng desisyon mo?" agad nitong tanong.
Kunway pinalungkot niya ang kanyang mukha habang nakatitig dito. "First of all,
hindi ko talaga alam kung magagawa ko ng tama at naayon sa plano mo ang iaarte ko
sa bahay ninyo. Natatakot akong baka mabuking tayo na palabas lang ang lahat. Paano
kung magpa-investigate sila? Sovereign, hindi ko naman maikakaila na galing ka sa
mayamang pamilya. Baka maipakulong pa ako sa kasinungalingang gagawin natin. At
hindi mo ako puwedeng puwersahin na basta na lang pumayag sa gusto mo lalo na kung
ayaw ko naman talaga. Dahil baka ako pa mismo ang magpahamak sa iyo." Huminga siya
nang malalim. "Kaya naman—"
"Ten million, Zafrina. Name it kung kulang," hindi kumukurap na wika nito sa
kanya.
"Sabi ko sa iyo, Sovereign, hindi ko kailangan ng pera mo kahit ten times pa
niyan."
Nang humakbang si Sovereign ay napaatras siya. Nasukol siya nito sa may pader.
"So you mean to say, it's a no?"

"Yes."
Gusto ng matawa ni Zafrina nang makita ang hitsura ni Sovereign. Lalong
nagdilim ang awra ng guwapo nitong mukha. Kaya naman kagat ang ibabang-labi na
itinaas niya ang kanang kamay kung saan nakasuot ang singsing sa kanyang
palasingsingan. Iyon ang sign na pumapayag na siya sa gusto nito.
Hindi na napigilan pa ni Zafrina ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang
animo makahinga nang maluwag si Sovereign nang makita ang singsing sa kanyang ring
finger. Nahawakan pa nito iyon at ilang sandaling tinitigan bago ibinaling sa kanya
ang tingin.
"At talagang tuwang-tuwa ka pa na pag-trip-an ako. You witch." Nahilot pa nito
ang noo bago siya hinila sa kamay papunta sa may sala. Magkatabi pa sila nitong
naupo sa may malambot na sofa.
"Pinakaba lang kita. Mukha namang effective," aniya na binawi na ang kamay
niyang hawak pa rin nito.
Naiiling na isinandal nito ang ulo sa may pader sa likod ng sofa at pumikit.
Bakit mukhang pagod na pagod ito? Nakaramdam siya ng habag para dito. Walang imik
na tumayo siya at pumunta sa kusina. Kumuha siya ng tubig mula sa water dispenser
at mabilis na bumalik sa salas.
Saka lang nagmulat ng mga mata si Sovereign nang muli siyang maupo sa tabi
nito. "Mukhang kailangan mo ng tubig."
Umayos ito ng upo nang tanggapin nito ang isang baso nang tubig. "Salamat."
Walang kyemeng straight na ininom ni Sovereign ang laman ng isang basong tubig.
"Aanhin mo ang marami mong pera kung mukha ka ng mamamaatay sa uhaw," aniya
nang kunin dito ang baso. Siya na ang nagpatong niyon sa coffee table.
"Is that a joke?"
"Nakikita mo ba 'yang hitsura mo? As if naman ay napakalaki nitong problema mo
para—"
"Zafrina," putol nito sa anumang sasabihin niya. "Hindi pa man kita nakikilala,
problema ko na 'yon. Tapos bibiruin mo pa ako kanina? Hindi nakakatuwa."
"So, galit ka na niyan?"
Umiling ito. "Nasimulan na namin ni Liam sa Leisure Club ang kasinungalingan na
ito. Kaya hindi ko alam kung paano pang lulusutan sa mga ka-member namin sa Club."
"Leisure Club?" taka niyang tanong.
Napapalatak ito sa reaksiyon niya. "Kung i-explain ko sa iyo ay baka hindi mo
rin maintindihan. Isama mong i-search 'yan sa Google."
Nasimangutan niya ito. Makahanap naman talaga siya nang pagkakataon ay mag-re-
research talaga siya sa Google. "Bakit pati sa mga sinasabi mong ka-member mo ay
nagsinungaling ka akala ko ba ay sa pamilya mo lang?"
"Nakita nila 'yong singsing na suot ko."
"Dapat kasi hindi mo sinuot. Ikaw ang nagdagdag ng problema mo."
"Well, nandiyan ka naman para lusutan ang sinasabi mong problema ko. At isa pa,
mas okay na rin na isinuot ko na agad ang singsing para habang wala ka pa sa bahay
ay may idea na sila na kasal na ako. Which is, nangyari nga. Si Cassey ang unang
nakapansin noong sabay-sabay kaming kumakain ng dinner noong isang araw. And she
asked me many questions regarding sa wedding ring ko."
At noong isang araw pa pala nito sinisimulan ang palabas nito. Mukhang
mapapasubo nga siya nito. "Kung ganoon, nagtanong ba sila kung bakit kasal ka na ng
hindi nila alam?"
"Sinabi ko na secret wedding 'yong nangyari sa pagitan natin. At walang ibang
nakakaalam maliban kay Liam."
Umayos siya nang upo paharap dito. "At hindi sila nagduda man lang?"
"Ayaw isipin ni Cassey na totoo 'yong sinasabi ko. Si Daddy at Tita Marion
naman ay tahimik lang."
"P-Paano kung maghanap sila ng marriage contract natin para patunayan kung
totoo nga na kasal tayo?"

"Calm down. Madali lang gawan ng paraan 'yon."


"Sovereign—"
"Zafrina, just trust me."
Napabuntong-hininga na lamang siya. "Siguraduhin mong hindi ako mapapahamak
nitong kalokohan mo."
Tumango ito. "I'll make sure."
Sumandal siya at sandaling tumingin sa kawalan. Kakayanin ba niya? Iyon ang
unang pagkakataon na magsisinungaling siya sa harap ng ibang tao. Ngayon pa lang,
sana'y patawarin siya ng Diyos. Alam niyang mali pero sa huli, hindi niya magawang
iwan sa ere si Sovereign. Ano ba'ng mayroon sa lalaking ito?
"Binili mo ito?"
Napakurap si Zafrina bago napatingin kay Sovereign na hawak ang kahon na may
lamang cookies. Dahil ang pinakatakip niyon ay may transparent na plastic kaya
naman kita nito ang laman sa loob.
"Hindi. Ginawa ko 'yan. Wala akong alam na puwedeng ibigay sa daddy mo, kaya
nag-bake ako kanina. Kumakain ba siya ng cookies?"
Tumango ito. "Mahilig ding gumawa nito si mommy noong nabubuhay pa siya. What?"
bigla ay angil nito nang paluin niya ang kamay nito nang akmang bubuksan nito ang
kahon.
Kinuha niya iyon dito at muling ipinatong sa lamesa. "Para sa daddy mo ito.
Hindi ka diyan kabilang."
"Marami naman 'yan. Saka hindi mo ba tatanungin kung marunong din akong kumain
niyan?" giit pa rin ni Sovereign.
"'Di ba, mayaman ka naman? Kahit ang pinakamahal pang cookies ay kaya mong
bilhin. Kaya bumili ka kung gusto mo," aniya na tumayo na at hinayon ang kusina.
Tumayo rin si Sovereign at sumunod kay Zafrina.
Agad kinuha ni Zafrina ang isang microwavable na plastic container sa may
kitchen counter. May laman iyong cookies. Dadalhin sana niya sa salas ngunit sa
muli niyang pagpihit ay naroon pala si Sovereign. Sumunod pala ito sa kanya.
Napalunok siya nang matitigan na naman ang guwapo nitong mukha na maalwan na ulit
tingnan.
"Ano 'yan?" usisa pa nito sa hawak niya.
Walang imik na iniabot niya iyon dito. Kinuha naman nito iyon at binuksan ang
takip. Napatingin uli ito sa kanya.
"Para sa akin ito?"
Humalukipkip siya. "Ayaw mo ba?"
"Itatanong pa ba 'yan?" anito na agad kumuha ng isang cookies at kinagatan.
Ware'y nilalasahan nito iyon habang nginunguya.
"Masarap ba?" aniya na hinihintay ang magiging sagot nito.
"Puwede na."
"Ah, ganoon?" akmang babawiin niya rito ang pinaglalagyan ng cookies nang iiwas
naman iyon ni Sovereign. Nangingiting bumalik ito sa may salas. "Teka, 'yan na lang
'yong natira kong cookies. Hati tayo diyan, Sovereign!"
"Gumawa ka na lang uli. Tutal mayaman naman ako, bibilhan kita ng maraming
ingredients."
Napamaang siya sa sinabi nito. "At wala ka talagang balak na bigyan ako?" aniya
nang sundan ito.
"Sabi mo noong una ay para sa akin ito. Kaya sa akin lang ito," ipinagdiinan pa
nito ang salitang 'akin'.
"Daig pa ang bata," naiiling na lang niyang sabi bago kinuha na ang gamit niya
sa loob ng silid. Nang balikan niya si Sovereign ay hindi pa rin nito tinitigilan
ang cookies na ginawa niya. Makita lang ito na ganado sa pagkain ng niluto niya,
kakaibang saya ang dulot niyon sa puso niya.
Naupo siyang muli sa tabi ni Sovereign. "Kapag nasa bahay na ninyo tayo, may
rules ako na kailangan mong sundin."
Nagbaling ito ng tingin sa kanya. "Like what?"
"First, kapag wala namang taong nakakakita sa atin, 'wag na 'wag mo akong
hahalikan. Second, hindi mo ako lalapitan kung wala ring audience. Mga isang dipa
dapat ang layo mo sa akin. Third, walang pakialaman sa mga personal na buhay. At
hindi ko rin pakikialaman kung makipagkita ka man sa kung sinong babae mo. Pero
siguraduhin mo lang na hindi ka papahuli sa mga kakilala mo o kahit sa pamilya mo.
Hmmm, okay lang naman pala para ang labas, eh, taksil ka. Eh, 'di madali lang
tayong maghihiwalay sa mata ng marami. Lalo na sa pamilya mo. Are we clear?"
Inubos muna ni Sovereign ang laman nang bibig nito bago ito nagsalita. "The
third one, I object." Bumaling ito sa kanya. "Hindi ako kasing playboy ng inaakala
mo. Kaya 'wag mong dungisan ang image ko."
"Don't misunderstood me, Mister Millares. Ang akin lang, malaya ka pa rin na
gawin ang mga bagay na gusto mong gawin. Like," itutuloy ba niya ang nasa isip?
Lihim siyang napalunok.
"Like what?"
Nag-iwas siya ng tingin. Geez! Hindi pa man niya sinasabi ay nag-iinit na ang
mga pisngi niya. Sigurado naman siya na normal lang sa katulad nito ang magkaroon
ng sex life. Hindi naman siya kasing mangmang na walang alam sa bagay na iyon.
"Your sex life." aniya na hindi ito magawang tingnan.
Hindi alam ni Sovereign kung matatawa o ano sa sinabi niya. "Zafrina, don't
think too much about my sex life. Dahil magiging loyal ako sa palabas nating ito."
Tinakluban na nito ang cookies nito at tumayo na rin. "Let's go."
Hindi pa rin niya tinitingnan si Sovereign nang tumayo na rin siya. Napaka-
awkward ng sinabi niya. Nakagat niya ang ibabang-labi nang sumunod na siya kay
Sovereign.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 11

"CAN YOU at least calm down, Zafrina? Baka lalo silang


makahalata sa atin."
She can't help it. Pakiramdam pa niya ay parang babaliktad ang sikmura niya sa
kaba nang makapasok sila sa isa sa prestigious village sa Pilipinas. Ang Valle
Encantado Village. Napalunok pa siya nang maalala ang lugar na iyon. Nakarating na
siya roon noong bata pa siya. Lalong gumanda ang lugar na iyon.
Ito ang unang beses na magpapanggap siya bilang asawa sa harap ng pamilya ng
isang lalaki na hindi pa niya lubos na kilala. Maging successful kaya ang
pagpapanggap niya?
"Kinakabahan ako, Sovereign. Paano kung hindi ko sila masagot ng ayos kapag
tinanong nila ako tungkol sa naging kasal natin?"
"Leave it to me. Ayusin mo na lang ang sarili mo."
Pumikit siya at nanalangin sa Diyos na maging okay lang ang lahat. Hindi niya
kilala ang pamilya nito lalo na si Cassey na siyang target ng palabas ni Sovereign.
Ngayon pa lang ay ihahanda na niya ang sarili sa posibilidad na disgusto nito sa
kanya.
Pagmulat niya nang mga mata ay natigilan pa siya sa nakitang street na nadaanan
ng sasakya ni Sovereign. Lumipas man ang maraming taon, pero hinding-hindi niya
makakalimutan ang bahaging iyon ng Valle Encantado kung saan nanirahan ang Tita
Lily niya noon. Nakita pa niya ang dating kinatatayuan ng mansiyon ng tita niya,
iba na nga lang ang desinyon niyon. Napangiti siya sa partikular na alaala ng
kanyang kabataan.
Kinapa niya ang pendant ng kanyang kuwentas sa loob ng suot niyang blusa. 'Wag
kang mag-alala, Zafrina. Magiging okay rin ang lahat.
"Here we are," untag sa kanya ni Sovereign nang huminto sila sa harap ng rehas
na gate na kulay itim na may design na gold.
Buhat sa labas ng gate ay natanawan niya ang malaking mansiyon. No wonder,
mayaman talaga ang lalaking kasama niya. Kagaya ng ibang mansiyon na nadaanan nila
ay kita ang karangyaan doon. Na-miss tuloy niya ang hacienda at ang Albajera's
Mansion.
"Bakit hindi mo sinabi sa pamilya mo na kasama mo ako ngayon?" naisatinig
niyang muli nang maipasok ni Sovereign sa gate ang kotse nito.
"Gusto ko lang makita ang magiging reaksiyon nila kapag nakita ka nila na
kasama ko ngayon. At dito na rin titira." Nang maihinto ni Sovereign ang
Lamborghini nito sa mismong tapat ng entrada ng mansiyon ay binalingan siya nito.
"Ayusin mo," bilin pa nito.
Marahan siyang tumango. Bumaba na rin si Sovereign sa kotse nito at mabilis na
lumigid sa may passenger side upang pagbuksan siya ng pinto. Nakatingin lang siya
sa binata at hindi magawang lumabas ng kotse.
"Ano pa'ng hinihintay mo diyan?"
"I-I—"
Bahagyang yumuko si Sovereign. "Zafrina, nandito na tayo. Kaya 'wag ka ng
maghintay ng pasko diyan. Let's get inside." Hindi na nito hinintay pa na magsalita
si Zafrina. Hinawakan na ni Sovereign ang kamay niya at inalalayan na siya palabas
ng sports car nito.
Kinuha muna ni Zafrina ang box ng cookies bago tuluyang bumaba sa sasakyan.
Kung ilang beses tuloy siyang huminga nang malalim. Okay, Zafrina. Lies must
begin. Brace yourself.
Natigilan pa siya nang humapit sa baywang niya ang isang kamay ni Sovereign
habang hinahayon nila ang entrada ng mansiyon. Geez, hindi siya sanay na may
humahawak sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Kinikilabutan siya.
"Paano 'yong gamit ko?"
"Ipapakuha ko mamaya sa katulong."
Nang may sumalubong nga sa kanilang kawaksi ay pinakisuyo nito ang mga gamit na
nasa compartment ng kotse nito.

"Pakidala na lang sa kuwarto ko," bilin pa nito.


"Okay po, Señorito," anang kawaksi na napatingin pa sa kanya. Ngumiti ito bago
nagpaalam na. May pagtataka sa mukha nito pero hindi nag-usisa pa kung sino siya.
"Bakit sa kuwarto mo?" bulong niya rito nang makalayo ang kawaksi.
Inilapit nito ang mukha sa may bandang tainga niya. "Asawa kita, alangan namang
sa guest room ko ipadala? Baka nakakalimutan mo na ipapakilala kita sa kanila
bilang asawa ko at hindi bilang bisita sa bahay na ito."
Asawa kita, sa haba ng sinabi ni Sovereign ay iyon lang ang tumatak sa isip ni
Zafrina.
"Tara sa study room, naroon si daddy," anito na iginiya na siya papunta sa
naturang silid.
Nawala sa isip niya na may posibilidad na magsasama sila nito sa iisang silid
sa bahay na iyon. Napalunok siya. Mas hindi siya handa sa bagay na iyon.
Nang huminto sila sa dulong pinto sa nilikuan nilang pasilyo ay lalong lumakas
ang kaba sa dibdib ni Zafrina. Makakaharap na niya ang ama ni Sovereign. Ngayon pa
lang ay sana'y patawarin siya nito sa gagawin niyang kasinungalingan.
Kumatok muna ng tatlong beses si Sovereign sa may pinto bago iyon binuksan.
Pagbukas nang pinto ay mas hinapit siya nito sa kanyang baywang palapit dito.
Dumako agad ang tingin ni Zafrina sa may mahogany table kung saan nakaupo ang may
edad na ring lalaki, bagaman at bakas pa rin ang kisig sa anyo nito. Ito ang ama ni
Sovereign, si Don Antonio Millares. May mga nakasalansan na files sa lamesa nito na
siyang pinagkakaabalahan nito nang pumasok sila sa loob ng study room at lapitan
ang kinaroroonan ng matanda.
"Magandang hapon po," magalang niyang bati sa matanda.
"Magandang hapon din, hija."
"Dad, si Zafrina," pakilala ni Sovereign sa kanya. "Zafrina, ang Daddy Antonio.
Kilala mo na naman siya, 'di ba?" baling pa nito sa kanya.
Marahan siyang tumango. "Please to meet you po."
Magsasalita pa sana si Don Antonio nang muling bumukas ang pinto ng study room.
Napatingin silang tatlo roon. Buhat sa pintuan ay pumasok ang dalawang babae. Ang
isa na sopistikadang mag-ayos ay may edad na. Ito marahil ang madrasta ni Sovereign
na si Marion. At ang katabi nitong babae na hindi nalalayo ang edad sa kanya ay si
Cassey. Maganda at sexy rin ito kung tutuusin. Pero iyong klase ng ganda nito ay
iyong tipo na bagay na maging kontrabida sa mga palabas.
"So, it's real," bulalas ni Cassey habang nakatitig sa kanya nang makalapit sa
kanila. Ngumiti pa ito, pero alam niyang pekeng ngiti iyon. Napatingin ito kay
Sovereign. "Bakit ngayon mo lang siya dinala rito?"
"Ngayon lang namin na-settled ang mga bagay-bagay. Anyways, Tita Marion,
Cassey, I want you to meet my wife, Zafrina. Habang hindi pa kami makakalipat sa
Phase III, dito na muna siya sa bahay titira," ani Sovereign.
"Wife," bahagya pang tumawa si Cassey. "Seryoso talaga na kasal ka na?"
"Cassey," saway rito ng ina nito.
"I'm not kidding," seryosong sabi ni Sovereign.
"Oh, really? So, bakit kailangang itago ninyo na ikinasal kayo? Hindi mo ba
kami itinuring na pamilya? Even, Daddy Antonio, hindi niya alam ang ginawa mong
pagpapakasal," hindi pa rin tumitigil na sabi ni Cassey. Mukha nga itong apektado
sa pagpapakasal kuno ni Sovereign.
Nanatiling seryoso ang guwapong mukha ni Sovereign. "Sa huwes pa lang kami
kasal. Pagpa-planuhan pa namin ang sa simbahan. By that time, invited na kayo."
Binalingan nito ang ama. "Dad?"

Marahan itong tumango. "You really surprised me, Reign."


Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nilapitan sila. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Nandiyan na 'yan. Kung ano man ang rason at nagpakasal kayo agad ng lingid sa
kaalaman namin, siguradong malaki ang dahilan." Tiningnan si Zafrina ng Don. "Well,
welcome to the family, hija. Ituring mo ring bahay ang bahay ko. Hindi mo
kailangang mailang."
Dama niya ang senseridad sa ama ni Sovereign. Na-miss niyang lalo ang kanyang
namayapang mga magulang.
Nginitian niya ang matanda. "Salamat po." Ibinigay niya rito ang dalang box.
"Para po sa inyo."
Tila nasurpresa ito sa ibinigay niya. "Salamat, hija." Mas lumapad pa ang ngiti
nito nang makita ang laman ng box. "Binili mo ba ito?"
"Siya ang gumawa niyan, dad, kaya hindi makakasama para sa diet ninyo," ani
Sovereign na nginitian pa si Zafrina nang balingan niya ito.
Again, hindi na naman niya mapigilan ang sarili na hindi matulala sa
kaguwapuhan nito. Nagbawi na siya ng tingin. Napatingin naman siya kay Cassey na
walang kangiti-ngiting mababakas sa mukha nito. Right, hindi ito masaya na makita
siya. Lalo na at ganoon siya kalapit kay Sovereign na tila naka-glue na ang kamay
sa may baywang niya.

KUNG MAAARI nga lamang na hindi na sumalo pa sa hapunan si Zafrina ay mas


gugustuhin pa niya. Pero dahil kasama iyon sa palabas kaya naman walang magagawa si
Zafrina. Magkatabi sila ni Sovereign. Katapat niya sa upuan si Cassey.
"Taga saan ka, hija?" basag ni Don Antonio na nakaupo sa kabisera ng lamesa.
"Sa Mountain Province po."
"Mountain Province?" mabilis na sansala ni Cassey na ibinaba ang kubyertos at
pinakatitigan si Zafrina. "Kung taga Northern Luzon ka, paano kayo nagkakilala ni
Reign? Masyadong malayo ang pinanggalingan mo."
Si Sovereign ang sumagot. "Sa Alager kami nagkakilala noong nagbakasyon siya
rito sa Pagbilao, seven months ago. Hindi naman mahirap ang communication lalo na
at high tech na ang technology ngayon. Kapag may time ako, pinupuntahan ko siya sa
kanila. Kaya kung mapansin niyo na minsan ilang araw akong wala, nasa Norte ako."
Gusto niyang palakpakan si Sovereign dahil sa pinagsasabi nito. Nang tingnan
niya ito ay saktong nagbaling din ito sa kanya ng tingin. Nginitian niya ito bago
siya nagpatuloy sa pagkain.
Si Cassey naman ay bahagya pang napaismid sa nakita. Tahimik lang ang ina nito
habang kumakain.
Zafrina, enjoyed the food. But not the conversation. Animo napakabagal ng oras
nang mga sandaling iyon sa may komedor. Gusto na niyang pumunta sa silid ni
Sovereign kung saan hindi na nila kailangan pang umarte.
"Puwede ka bang magkuwento ng tungkol sa iyo, Zafrina?" muli siyang nginitian
ni Cassey. "If you don't mind. Para mas makilala ka naman namin."
Uminom muna siya ng juice sa tall glass bago itinuon ang tingin kay Cassey.
"Ano-ano ba ang gusto mong malaman?"
Bahagyang napataas ang kilay ni Cassey. "Like, your family background and about
yourself."
"My parents, they pass away when I was ten years old. Kaya lola ko ang
nagpalaki sa akin. Kasama rin namin sa bahay ang uncle ko at family niya."
"Alam ba ng family mo na nagpakasal ka?"
"Hindi," agap ni Sovereign.
"Nilihim niyo talaga sa lahat. So, what's the real score? Bakit nagpakasal agad
kayong dalawa? Sa daming babae na nagkakandarapa at nali-link sa iyo, wala sa
hitsura mo na magpapatali ka agad, Reign."
"Wala ba talaga sa hitsura ko na mag-settle down ako at this age? Anyways," ani
Sovereign na hinawakan ang kamay ni Zafrina at hinalikan pa ang likod niyon. "She's
one month pregnant."
Natigilan siya sa sinabi ni Sovereign. Si Marion naman ay nasamid sa kinakain
nito kaya agad itong uminom ng tubig. Si Cassey ay ganoon na lang ang pag-awang ng
labi sa narinig hindi naituloy ang akmang pagsubo. Muli nitong naibaba ang kutsara.
At ang ama ni Sovereign ay may gulat ding mababakas sa mukha.
Binunggo niya ang binti ni Sovereign buhat sa ilalim ng lamesa. Binawi rin niya
ang kamay niyang hawak nito. "B-Bakit sinabi mo 'yon?"
At nakuha pa siya nitong ngitian. "Hon, lalaki at lalaki rin naman ang tiyan
mo. Kaya hindi na natin kailangan pang itago dahil sooner or later ay malalaman din
nila."
Gusto na niya itong panlakihan ng mga mata. Ni hindi nito sinabi sa kanya ang
tungkol doon. So, hindi lang siya basta asawa ni Sovereign sa palabas na iyon.
Dinagdagan pa nito ang role niya bilang isang buntis. Kung wala lang sa harapan
nila ang pamilya nito ay siguradong napingot na niya ang tainga nito dahil sa gigil
niya. Hindi tuloy siya makatingin sa pamilya nito lalo na sa daddy nito.
Ang Don ang unang nakabawi sa tatlo. "Kung ganoon, magiging lolo na pala ako,"
masaya nitong bulalas.
Nahiya siya. Pinaaasa nila ang ama nito na mukhang sabik na nga sa apo. Ano ba
itong napasok niya?
"'Yon ang dahilan? Dahil buntis siya kaya kayo nagpakasal agad-agad?"
Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Cassey. "Not really," sagot niya. "Kung
dahil lang buntis ako kaya biglang nag-aya si Sovereign ng kasal, hindi ako basta
papayag na magpatali sa kanya. Mas pipiliin ko pang ako na ang magpalaki sa anak
namin kaysa ang matali sa panghabang-buhay sa kanya kung walang 'love' na involve.
Hindi ko hahayaang maging miserable ang buhay ko sa taong hindi naman ako mahal."
Nakangiti pa siya nang balingan niya si Sovereign. "Mahal na mahal ako ni
Sovereign. At noong inaya niya ako para magpakasal," muli niyang baling kay Cassey.
"Hindi pa niya alam na buntis ako. Nalaman lang niya matapos ng kasal namin sa
huwes."
Tumikhim si Sovereign. "That's right," sang-ayon nito.
"Masyadong malihim talaga ang binata ko," ani Don Antonio. "Ayusin na ninyo ang
magiging kasal sa simbahan. Huwag na natin pang patagalin na maging pormal ang pag-
iisang dibdib ninyo ni Zafrina."
"We will, dad."
Itinuon na uli niya sa pagkain ang atensiyon nang hindi na magsalita pa si
Cassey. Tinamaan ba ito sa sinabi niya na mahal na mahal siya ni Sovereign? Maging
ang sarili niya ay tinawanan niya sa isip. Kung alam lang nito ang totoo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 12

HINDI pa rin iniimikan ni Zafrina si Sovereign nang dalhin


siya nito sa malaking silid nito. Dahil ang alam nga naman ng lahat ay mag-asawa
sila kaya kailangan nilang magsama sa iisang silid. Palapit pa lang sila doon
kanina ay kinikilabutan na ang pakiramdam niya. Ang dami niyang first time sa
piling ni Sovereign.
Lumapit agad siya sa may one seater na sofa na kulay itim at naupo roon.
"Kanina ka pa walang imik."
Tiningnan lang niya si Sovereign na pumasok sa binuksan nitong pinto na siyang
walk-in closet nito. May dala na itong damit nito na pamalit nang lumabas ito roon.
Nang muli siya nitong tingnan ay siya namang iwas niya ng tingin.
"May problema ba?" anito na lumapit sa kanya habang nakasampay sa balikat ang
kinuha nitong damit.
Tumayo siya at lumayo ng may dalawang dipa rito. "Diyan ka lang at 'wag na 'wag
kang lalapit sa akin," aniya nang akmang lalapitan siya nito. "Nakakapanggigil ka,
Sovereign."
Hindi ito nagpadala sa galit niya. "On what way na gigil?" he even teased. Ito
naman ang naupo sa inalisan niyang upuan.
"On what way?" gagad niya sa sinabi nito. "To the point na gusto na kitang
ibuking sa pamilya mo."
"Well, ang galing mo kanina."
"Wala akong pakialam." Humalukipkip siya. "Bakit kailangan mo pang dagdagan ang
role ko sa buhay mo? Pati pagiging buntis ay isasama mo pa sa eksena."
"'Yon ba?" tila hindi na na-surpresa nitong tanong. "Kasama 'yon sa plano ko na
dapat kong ipaalam sa kanila. Lalo na kay Cassey." Muli itong tumayo. "Maliligo
lang ako."
"Sovereign, hindi mo na dapat sinabi pa 'yon. Baka magtaka sila na wala akong
bahid ng paglilihi sa katawan gayong buntis ako. At ang daddy mo, nakita mo ba
'yong saya sa mukha niya nang ipaalam mo na magiging lolo na siya? Hindi ka man
lang ba na-guilty dahil hindi naman 'yon totoo?"
Seryoso ang mukha ni Sovereign nang muli siyang harapin. "Zafrina, hindi mo
kailangang kainin ng guilt. About your so called, pregnancy... just pretend. Alam
din naman nila na matapos lang ang bahay ko sa Phase III nitong Valle Encantado ay
lilipat na ako roon. Kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala. Dahil hindi naman nila
makikitang lalaki 'yang tiyan mo."
"Puwes, hindi pa rin maganda na gamitin ang pregnancy as your scapegoat. Mamaya
karmahin ka at hindi magkaanak."
"You think so?" anito na naglakad palapit sa kanya. "Baka gusto mong subukan pa
natin ngayon?" may pilyong ngiti pa na naglaro sa labi nito.
"Maligo ka na nga!" aniya na kinuha ang unan sa kama at ibinato rito na mabilis
naman nitong nasalo at inihagis pabalik sa kama. At ang loko, tatawa-tawa pa nang
hayunin ang banyo.
"Don't try me, Zafrina," sabi pa nito bago isinara ang pinto sa banyo.
Nahawakan niya ang dibdib. Ang lakas ng kabog sa dibdib niya. Napaupo tuloy
siya sa may gilid ng kama. Naiinis pa rin siya kay Sovereign dahil sa plano nitong
ni hindi niya napaghandaan.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Manly ang dating ng silid nito.
Nangingibabaw ang kulay itim, gray, dark gray at puti. Pagkuwan ay napatitig siya
sa king size bed na kama nito.
May ngiting naglaro sa labi niya. "Puwes, pagdusahan mong matulog sa sahig,
Sovereign Millares."
Mabilis niyang inalis ang comforter sa kama nito at inilatag iyon sa sahig, sa
may bandang gilid lang ng kama nito. Naglagay rin siya ng dalawang unan doon.
Pagkatapos sa ginagawa ay kumuha na rin siya ng kanyang pantulog. Ang tagal din
niyang naghintay sa paglabas ni Sovereign sa banyo. Kaya naman nang bumukas ang
pinto sa banyo ay mabilis siyang lumapit doon.

Napaatras pa siya nang lumabas si Sovereign na nagpupunas


pa ng basa nitong buhok gamit ang puting tuwalya. Lihim na napalunok si Zafrina
nang mabistahan ang suot ni Sovereign. Naka t-shirt ito na kulay puti at tanging
boxer short na pang-ibaba.
Oo nga at nakikita rin niya ang dalawa niyang pinsan na sina Franco at
Florencio na minsan ay naka-boxer short lang, pero kakaiba iyong dating na si
Sovereign na ang makikita niyang nakasuot niyon.
"A-Ang tagal mo," aniya nang makabawi.
Natuon ang tingin ni Sovereign sa kanya. "Your turn. Inayos ko pa 'yong jacuzzi
kaya medyo natagalan akong lumabas. Baka kasi gusto mong magbabad."
Kaya ito natagalan ay dahil ipinaghanda pa siya nito ng panligo. Natigilan
tuloy siyang lalo dahil sa kaalaman na iyon.
"Pumasok ka na," anito na hinawakan siya sa braso niya at dinala na sa loob ng
banyo. "Take your time. May nakahanda na ring towel diyan sa loob," sabi pa nito
bago isinara ang pinto.
Natuwa siya sa pagiging maasikaso ni Sovereign sa kanya. But at the same time
ay sobrang na-guilty dahil sa planong pagpapatulog dito sa sahig.
"Ang bad mo, Zafrina," anas niya bago ini-lock ang pinto. Naghubad na siya ng
suot bago hinayon ang jacuzzi.
Imbes na magbabad ng matagal ay halos fifteen minutes lang siyang nasa jacuzzi
habang nilalaro ang mga bula na tumataklob sa tubig.
Matapos maligo ay mabilis na rin siyang nagbihis ng kanyang pares ng panjamas
at agad ding lumabas ng banyo.
Ngunit paglabas niya sa banyo ay madilim na anyo agad ni Sovereign ang
nabungaran niya. Nakaupo ito sa may gilid ng kama paharap sa inilatag niya na
higaan sa sahig.
"Bakit?" kunway tanong niya nang maglakad palapit sa may kama.
"Ano'ng ibig sabihin nitong latag dito sa sahig?" itinuro pa nito ang latag sa
harapan nito.
"A-Ahm," lihim siyang napalunok. "Diyan ako tutulog kasi hindi ako sanay ng may
katabi sa kama lalo na kung lalaki."
"Ang dami mong arte."
Nginitian lang niya ito bago mabilis na humiga sa nilatag niya sa sahig
patalikod dito. "Good night, Sovereign," sabi pa niya.
"Basa pa 'yong buhok mo. Gusto mo bang mabaliw pagkagising mo?"
"Hindi ako mababaliw."
"I-blower mo muna 'yan," anito na may kinuha sa sulong ng isang cabinet. "Baka
paggising mo baliw na baliw ka na sa akin."
Hindi niya napigilan na mapatawa sa sinabi nito. Napilitan tuloy siyang umupo
at tingnan si Sovereign. "Ang galing mo rin talaga sa kalokohan. Tss. 'Wag kang
mag-alala dahil hindi 'yon mangyayari."
Ipinatong ni Sovereign sa kama ang kinuha nitong blower para sa buhok ni
Zafrina. "We'll see," hamon pa nito sa kanya na hinawakan siya sa kamay at hinila
patayo. "Doon ka sa kama matulog."
Umiling siya at hindi nagpahila rito patayo. "Okay lang ako rito. Diyan ka na
sa kama mo at baka hindi ka sanay na matulog sa sahig. Saka, may pasok ka pa bukas
kaya magpahinga ka na." Hindi niya maatim na ito ang tutulog doon matapos siyang
asikasuhin.
"Malaki 'yong kama ko—"
"Hindi nga sabi ako sanay na may katabi sa pagtulog."
"'Wag ka ng makulit," anito na pinangko na siya at maingat na ibinaba sa kama
nito bagay na nakapagpatahimik kay Zafrina. "Kahit na ano pang alibi mo, diyan ka
matutulog sa kama ko."
"P-Pero, Sovereign—"
Bumalik ito sa inilatag niyang comforter sa sahig at naupo roon. "Dito ako
matutulog kung hindi ka sanay na may katabi. Tuyuin mo muna 'yang buhok mo," bilin
pa nito bago nahiga patalikod sa kanya. "Goodnight."

Napabuntong-hininga tuloy si Zafrina. Sa huli ay doon pa


rin natulog si Sovereign. Nahabag siya para dito. Napatingin siya sa hair blower na
nasa tabi niya. Kinuha niya iyon at ginawa ang bilin ni Sovereign.
Habang bl-in-o-blower niya ang buhok ay panaka-naka ang sulyap niya sa
kinaroroonan ni Sovereign. Natutulog na kaya ito?
Sorry. Kailangan mo pang matulog diyan, aniya sa isip.
KINABUKASAN sinadya ni Zafrina na maagang gumising para makabawi kay Sovereign.
Nakiusap siya sa kusinera na ipagluluto niya ang 'asawa' ng almusal.
"Mukhang swerte sa asawa si Señorito," anang kawaksi na si Hany na pinapanood
ang ginagawa niya.
"Oo nga," sang-ayon naman ni Shanie na katabi ni Hany.
"Kayong dalawa riyan," saway sa mga ito ng mayordoma na si Nana Marissa. "'Wag
ninyong kulitin ang Señorita sa ginagawa niya. Baka mawala sa focus."
Nginitian niya ang mga ito na madali niyang nakapalagayan ng loob. Kahit sa
kanila ay kasundo rin niya ang mga kasambahay nila.
"Okay lang po, Nana Marissa," aniya na hinalo ang nilulutong fried rice. Ayon
sa kusinera na si Ate Flordeliza ay mahilig daw sa sinangag para sa almusal si
Sovereign.
Shrimp fried rice ang niluto niya na may lahok ding gulay. All in one na kapag
kinain. Dinamihan niya para makakain din ang iba.
"Good morning."
Biglang nagpulasan ng alis ang dalawang kawaksi na pinapanood siya sa
pagluluto. Inabala na ang mga sarili sa kanya-kanyang gawain.
Nang mag-angat siya nang tingin ay nakita niya si Sovereign na palapit sa
kinaroroonan niya. Tumaas pa ng bahagya ang kanyang kilay nang makitang nakasuot na
ito ng short at hindi na nakabalandra ang suot nitong boxer short nang matulog
kagabi. For her eyes only lang ba ang tanawin na iyon? Sa isip ay sinaway niya ang
sarili.
"Good morning," ganting bati niya rito.
Nangingiti naman si Nana Marissa na ibinalik sa coffee maker ang atensiyon.
Ibinalik naman ni Zafrina ang tingin sa niluluto kaya naman halos mapatalon
siya sa gulat ng mula sa likuran niya ay yakapin siya ni Sovereign. Ipinulupot nito
ang mga braso sa may bandang tiyan niya, sa may ibabang parte ng dibdib niya.
Sisikuhin sana niya ito nang maalala kung ano nga ba siya nito sa bahay na iyon.
Asawa siya nito.
"Nag-abala ka pa talaga, hon," malambing pa nitong wika bago ipinatong sa may
balikat niya ang baba nito habang nakatingin sa hinahalo niya.
"Sovereign," mariin niyang bulong dito. Hindi siya sanay sa ganoong posisyon.
Nanlalambot siya.
"Nakatingin si Cassey," ganting bulong nito sapat lamang para marinig niya.
Pasimple tuloy na tumingin si Zafrina sa may bungad ng kusina. Papasok nga roon
si Cassey. Kailangan ba niyang umarte ring sweet kay Sovereign? Kailangan niyang
ibalik ang focus niya dahil unti-unti ng nawawala dahil lapit na lapit sa kanya si
Sovereign.
Binalingan niya ang binata para sana palayuin na muna ng salubungin naman siya
nito ng halik sa labi. Smack lang iyon na ikinatulala niya rito.
Napamaang pa si Cassey sa nakita.
At si Sovereign, nakuha pang ngitian nang matamis si Zafrina. "Mukhang masarap
'yang niluluto mo, hon," sabi pa nito sa kanya.
Nang makabawi sa pagkabigla ay ginantihan niya rin nang matamis na ngiti si
Sovereign bago tinapakan ang isa nitong paa. "Oo, hon. Damihan mo ang kain, ha?
Minsan lang akong mag-effort." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagkagat ni
Sovereign sa ibabang-labi nito para hindi mapasinghap dahil sa ginawa niyang
pagtapak sa paa nito.
Tumikhim si Cassey. "Marunong ka palang magluto."
Muling nabaling sa babae ang tingin ni Zafrina. Pero si Sovereign ang sumagot
nang makabawi.
"Yes. Nag-aral siya ng culinary arts para ipagluto ako. She's so sweet."
Kumalas na ito kay Zafrina at lumipat naman sa may gilid ng dalaga.
Sa isip ay naismiran niya si Sovereign. At talagang inangkin nito ang para sa
future husband niya. Kaysa pansinin ang mga ito ay itinuon na lang niya ang tingin
sa niluluto. Pambihira si Sovereign, ang agang mag-ninja moves sa kanya.
Pinatay na ni Zafrina ang apoy sa gas range na pinaglulutuan nang matiyak na
luto na ang shrimp fried rice niya.
Dahil umalis na rin naman agad sa kusina si Cassey kaya hindi na niya pinansin
pa si Sovereign. Mukhang napansin naman nito iyon kaya hinarangan siya nito nang
akmang pupunta siya sa may kitchen sink.
"You're mad."
"Ang aga mo masyado," aniya na nilampasan ito at naghugas ng kamay niya.
"Can't help it, hon. Your lips are so tempting."
At talagang may pahabol pa itong ganoon? Nag-init tuloy lalo ang pisngi niya.
Huminga ng kung ilang beses si Zafrina bago hinarap si Sovereign na mabilis niyang
winisikan ng tubig sa mukha mula sa kamay niyang basa pa.
"'Wag mo akong simulan. Baka mainis ako sa iyo. Stop acting, wala namang tao."
Sila na lang ang nasa kusina nang mga sandaling iyon. Mukhang nananadya ang mga
kawaksi na pagsolohin sila ng binata.
Pero hayon at nakuha pang ngumiti ni Sovereign sa kanya. "I like it when you're
mad, Zafrina."
Ibinaon na muna niya ang pagkailang na nararamdaman at nilabanan ang titig
nito. "Mag-ingat ka. Baka kagaganyan mo mahulog ka sa akin. Hindi kita kayang
panagutan, Mister." Isa pang ngiti bago nilapitan ang sinangag para ilipat sa
serving bowl. Napangiti na naman siya dahil sa sinabi kay Sovereign.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 13

MULA SA pagbaba sa kotse ni Sovereign ay hindi na ito


umalis sa tabi ni Zafrina. Hanggang sa pumasok na sila sa lobby ng kumpanya ng mga
ito, ang Millares Group of Companies na may taas na fifty floor. Nakahawak pa rin
ito sa may baywang niya. As if, he owns her for real.
Wala sanang balak sumama roon si Zafrina ngunit mapilit si Sovereign. Sa huli
ay wala rin siyang nagawa. Nakasuot siya ng sunglasses sa mata kaya naman hindi
siya asiwang gumalaw na baka may makakilala sa kanya.
Halos lahat ng nasa lobby na tauhan ng Millares Group ay mga nagyuko nang ulo
nang makita ang boss ng mga ito. Tanda ng paggalang. Napatingin tuloy siya kay
Sovereign. Hindi talaga ito basta-bastang tao lang.
"What's the stare for?" ani Sovereign na bahagya siyang binalingan.
Umiling siya bago nagbawi ng tingin. Nang makasakay sila sa elevator ay
hinawakan niya ang kamay nito at tinanggal sa pagkakakapit sa may baywang niya.
Sila lang naman ang sakay ng elevator na nakatalaga para dito.
"Wala ng tao," kaswal niyang sabi na inayos ang pagkakalagay ng sunglasses niya
sa mata.
Naiiling na pumindot si Sovereign kung ano'ng floor ang pupuntahan nila. Number
fifty ang pinindot nito kung saan naroon ang office nito.
Mayamaya pa ay nahawakan ni Zafrina ang noo at bahagyang yumuko. Nahihilo na
ang pakiramdam niya. Hindi siya sanay sa masyadong pataas na lugar. Napansin naman
ni Sovereign ang kundisyon niya kaya inakbayan siya nito at hinila palapit rito
para maalalayan siya, bagay na hindi na niya sinaway pa dahil kailangan niya nang
masasandigan. Tinanggal niya ang suot na salamin sa mata at inilagay sa kanyang
pouch.
"Mahiluhin ka pala. Dapat yata binilhan muna kita ng gamot sa hilo," biro pa
nito na nakatikim ng siko sa tagiliran nito. Napasinghap ito sa ginawa niya.
"Masakit 'yon."
"'Wag na 'wag mo na akong pipilitin na samahan ka rito sa kumpanya ninyo. Dahil
hinding-hindi na ako sasama sa susunod."
"Masasanay ka rin dito, Zafrina."
"Alam mo naman na hindi ako puwedeng ma-expose dito sa labas."
Hindi na nakipagpilitan pa si Sovereign nang bumukas ang elevator. Napailing pa
ito nang makitang medyo bumuway ang pagkakatayo niya nang lumabas sila ng elevator.
Walang imik na pinangko siya nito na ikinamulat niya napatingin siya sa guwapo
nitong mukha.
"Based on your current situation, baka gumapang ka papunta sa office ko," anito
nang sulyapan siya.
Hindi na siya kumontra pa at ipinikit na muna ang mga mata. Muli niyang
isinandig ang mukha sa may leeg nito. Nahihilo pa rin ang pakiramdam niya. At baka
mangyari ang sinabi nito kung magmamatigas pa rin siya sa tulong na ibinibigay nito
sa kanya.
May pagtataka man sa mukha ng sekretarya nito, na mukhang matanda lang ng ilang
taon sa kanya, nang dumaan sila sa harap ng cubicle nito ay hindi ito nag-usisa
kung sino siya. Sa halip ay nagbigay galang ito sa kanila.
Nang makapasok sa malawak na opisina ni Sovereign kung saan tanaw na tanaw sa
glass wall ang kalawakan ng Pabilao City ay dumiretso sila sa isang nakapinid na
pinto. Binuksan nito iyon. Isa iyong silid kung saan may kama, animo suite iyon sa
isang mamahaling hotel. Maingat na ibinaba siya ng binata sa malambot na kama.
"Pahinga ka muna rito."
Pinilit niyang imulat ang mga mata. "Saan ka pupunta?"
"May trabaho ako na kailangan kong asikasuhin." Itinuro nito ang pinto. "Ayon
lang ang table ko. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Pero," ani Sovereign
na bahagya siyang niyuko na may pilyong ngiti sa labi. "Kung gusto mong samahan
kita rito, wala namang kaso sa akin 'yon."

"Heh!" aniya na pumikit uli at tumagilid ng higa patalikod


dito. "Lumabas ka na, Sovereign."
"Alam ko naman na tatanggihan mo ako." Tumayo na ito ng tuwid. Isang sulyap pa
sa kanya bago nito hinayon ang lamesa nito.
Dahil sa hilong nararamdaman kaya pinilit ni Zafrina na makatulog muna.
Naalimpungatan lang siya nang makarinig ng tila nagtatalo sa labas ng silid na
kinaroroonan niya. Iminulat niya ang mga mata. Nang maalala kung nasaan siya ay
pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nang maupo ay sandali siyang pumikit
para ikundisyon ang sarili.
Nang masiguradong ayos na siya ay bumaba na siya sa kama at marahang naglakad
papunta sa pinto na bahagyang nakasara.
"Darling, napapayag ko na si daddy na makipag-merge sa Millares Group kapag
nakasal na tayo."
"Carmina, hindi ka ba nagsasawa? Hindi ako interesado sa proposal mo. 'Wag mong
gawing business ang pag-aalok sa akin ng kasal dahil hindi ako interesado. Umalis
ka na."
"Hanggang kailan ka ba magpapakipot?" malambing na wika ng babae na tinawag na
Carmina ni Sovereign.
"Damn. Stop it, Carmina."
Hindi na napigilan ni Zafrina na hindi buksan ang pinto. Natigilan pa siya nang
makita ang isang sexy na babae na nakasuot ng hapit na dress na kulay pula na
umabot ang haba sa kalahati ng hita nito, mala-modelo ang pigura nito, kinabig nito
si Sovereign para halikan ngunit mabilis itong nahawakan ni Sovereign sa braso.
"Don't you dare," matigas nitong banta sa babae.
Animo hindi natinag ang babae na matamis pang nginitian si Sovereign. "You look
more gorgeous and hot when you're angry, Reign."
Nang makabawi si Zafrina ay humalukipkip siya at sumandig sa pintuan. "May
problema ba, hon?"
Mabilis na nabitiwan ni Sovereign si Carmina nang makita siya. Nang balingan
siya ni Carmina ay nangunot ang noo nito. Sa kanya na nabaling ang atensiyon nito
na agad siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.
"And who are you?"
Sinulyapan niya si Sovereign na ni hindi man lang pinigilan si Carmina nang
maglakad ito palapit sa kanya. Maganda rin ito sa malapitan.
"She's my wife, Carmina. Kaya tigilan mo na ang pangungulit mo sa akin."
"Sa tingin mo maniniwala ako? Sa akin ka lang puwedeng ikasal, Reign," matalim
siyang binalingan ni Carmina. "Sino ka?"
Hindi siya nagpasindak dito. Kalma lang siya. "Narinig mo naman ang sinabi ni
Sovereign. I'm his wife," nginitian pa niya ito. "And you are?"
Umasim ang mukha nito. "As if, I'll believe you? Mas mukha ka lang sagot sa
panandaliang kaligayahan ni Reign."
"Watch your mouth, Carmina," ani Sovereign na nilapitan na rin siya. Hinawakan
nito ang kamay niya na may suot na singsing at ipinakita sa babae. Ganoon din ang
suot nito. "We're married. So, you can leave now."
Saka lang lumarawan ang pagkabigla sa mukha nito. Mayamaya ay umiling-iling
ito. "N-No."
Nakangiting isinandig niya ang ulo sa matipunong braso ni Sovereign. "Miss,
kung ayaw sa iyo ng isang tao, 'wag mong ipagpilitan ang sarili mo. Hindi ka ba
nahihiya?"
"Wala kang karapatan na pagsabihan ako!" Carmina shouted. Nayukom nito ang
kamao pagkuwan ay matalim na binalingan si Sovereign. "Hindi pa tayo tapos. At
ikaw," baling naman ni Carmina sa kanya. "Maghihiwalay rin kayo." Iyon lang at
galit na galit na umalis ang babae na halos ibalibag pa nang isara ang pinto ng
opisina ni Sovereign.

Nang matiyak na wala na ang babae ay tumuwid na siya ng


tayo. Itinulak din niya ng bahagya si Sovereign palayo sa kanya. Pagkuwan ay
naglakad siya pabalik sa kama at naupo sa gilid niyon.
Sumunod naman sa kanya si Sovereign. Naupo rin ito sa tabi niya na mabilis
niyang nilayuan. Umusod siya sa tabi ng headboard ng kama at isinandig doon ang
ulo.
"Hindi pa rin ba okay ang pakiramdam mo?" may pag-aalala sa boses ni Sovereign.
"Okay lang ako."
"Anyways, it's almost lunch. Gusto mo na bang kumain?"
Napapikit siya nang maalala ang elevator. "Kung sasakay uli ako ng elevator,"
umiling siya. "Matutulog na lang ako hanggang matapos ka sa trabaho mo."
Napangiti ito nang ma-gets ang sentiments niya. "Magpapa-deliver na lang ako.
Ano'ng gusto mo?"
"Kahit ano. Basta may mainit na sabaw tapos with extra rice."
Napatango-tango ito. "Okay. 'Yong nangyari kanina," anito na matamang nakatitig
sa kanya.
Nang imulat ni Zafrina ang mga mata ay saka lang niya nagawang tingnan si
Sovereign. "You're welcome." Pumikit ulit siya. Hindi siya interesado kung sino man
ang babae kanina.
"Hindi kami nagkarelasyon."
"Hindi ko tinatanong.
"Pero gusto kong malaman mo."
"Sovereign," aniya nang magmulat uli siya ng mga mata. "Kasama siya sa personal
mong buhay. Hindi ako interesado na panghimasukan 'yon."
"Nakalimutan mo yata?" ngumisi pa ito. "Nanghimasok ka kanina sa personal kong
buhay, hon," in-emphasize pa nito ang endearment nilang 'hon' kapag may ibang tao
sa paligid nila.
Off-guard. Ilang sandali pa ang lumipas bago nagawang mag-react ni Zafrina.
Bakit bigla yatang nag-iinit ang pisngi niya sa huling salita na ginamit nito?
"Well, sa tingin ko kasi kailangan mo ang tulong ko. Kaya, you're very much
welcome, Mister Millares."
"Napakabuti mo naman kung ganoon. Don't worry, gagantihan ko 'yang kabutihan mo
mamaya." Isa pang titig sa kanya bago ito tumayo at hinayon ang palabas sa silid na
iyon. "May gusto ka pa bang kainin?" Umiling si Zafrina. "Baka ako gusto mong—"
"Sovereign!"
Natawa ito sa reaksiyon niya na mukhang naeskandalo sa pinagsasabi ni
Sovereign.
"Ano ba'ng iniisip mo? Tinatanong ko lang naman kung baka gusto mo rin akong
tanungin ng gusto ko?"
Nag-iwas siya ng tingin. "W-Wala na."
Hindi na napalis ang ngiti sa labi ni Sovereign ng hayunin ang lamesa nito. May
tinawagan itong restaurant para um-order ng lunch nila.
"LET'S GO."
Napalunok si Zafrina nang mapatingin sa palad ni Sovereign na nakalahad sa
harapan niya. Pauwi na sila nang hapon na iyon sa Valle Encantado. Ibig sabihin ay
sasakay na naman sila sa elevator.
Tumayo siya at hindi humawak sa kamay ni Sovereign. Imbes ay ilang beses pa
siyang huminga ng malalim na tinawanan naman ng binata.
"Relax. 'Wag mo kasing isipin 'yong pagkahilo mo."
"Hindi na talaga ito mauulit," aniya nang sumunod dito palabas sa opisina nito.
Nakangiti pa ang sekretarya nito nang makita sila.
"Ingat po pag-uwi," paalam pa nito sa kanila.
"Salamat," aniya. Si Sovereign ay tinanguan lang ito. Bakit napaka-pormal nito
pagdating sa ibang tao? Ni hindi nito nginingitian.
Nang nasa tapat na sila ng elevator ay nagpalinga-linga pa siya.
"Ano'ng hinahanap mo?"
"Maghandan na lang kaya ako pababa?"
"Tss. Mas pahihirapan mo pa ang sarili mo. Nasa pinaka-tuktok tayo ng building.
Mananakit lang ang binti mo kung lalakarin mo pababa." Nang bumukas na ang pinto ng
elevator ay mahigpit na hinawakan ni Sovereign ang kamay ni Zafrina at hinila
papasok sa elevator. "Relax lang."
"Okay lang na manakit ang binti ko para may dahilan na magkulong ako bukas sa
kuwarto mo habang nasa trabaho ka," aniya na pilit kumuwala sa pagkakahawak ni
Sovereign sa kanya.
"Siguro ay makakatulong ito sa iyo para hindi ka mahilo," ani Sovereign na
pinindot na ang close button ng elevator. Pagkuwan ay hinarap siya.
Natigilan si Zafrina nang hawakan ni Sovereign ang mukha niya. At kasabay ng
pagsara ng elevator ay bumaba ang mukha nito palapit sa kanya na lalong
ikinatigalgal ng dalaga sa kinatatayuan nang tuluyang maglapat ang mga labi nila.
Umangat ang kamay ni Zafrina at humawak sa may pulsuan ni Sovereign para sana
makawala sa pagkakahawak nito. Ngunit nang maramdaman niyang umandar na pababa ang
elevator ay napapikit siya nang mariin. Sinamantala naman ni Sovereign ang
pagkakataon at mas siniil siya ng halik. At sa huli ay sa halik na ni Sovereign
natuon ang buong atensiyon ni Zafrina.
At sa unang pagkakataon din ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi tumugon
sa halik nito. Wala siyang karanasan sa ganoon pero nagawa siyang mapatugon ng
isang Sovereign Millares. Sa isang iglap ay tila nakalimutan na niya kung nasaan
sila nang mga oras na iyon. Maging ang kinatatakutang pagsakay muli sa elevator ay
napawi.
Kung hindi pa maririnig ni Zafrina ang tunog ng elevator, indikasyon na bubukas
na ang pinto niyon ay hindi pa siya matitinag sa kinatatayuan. Naitulak niya si
Sovereign. Nang ma-realize kung ano ang nangyari ay halos hindi niya magawang
tingnan ang binata. Maliwanag pa sa sikat ng araw na tumugon siya sa halik ni
Sovereign. And she enjoyed it for heaven sake!
Hanggang sa makasakay sila sa kotse nito ay ni hindi niya magawang tingnan si
Sovereign.
"Mukhang hindi ka nahilo. Effective 'yong ginawa ko," kaswal pang sabi ni
Sovereign na panaka-naka ang pagsulyap sa kanya habang nagda-drive ito.
Ipinaling niya ang tingin sa labas ng bintana sa gilid niya. Tama ito, hindi
nga siya nahilo. At dahil iyon sa halik ni Sovereign.
"I told you, gagantihan ko 'yong kabutihan mo sa akin kaninang tanghali. So,
quits na tayo," nakagat pa nito ang ibabang-labi. "You enjoyed my kiss, Zafrina."
Mariin siyang pumikit. "Sovereign, 'wag mo ng ipaalala 'yong sa elevator,"
pakiusap niya.
"Why?"
Huminga siya nang malalim bago ito hinarap. Hindi agad siya nakapagsalita nang
magsalubong ang mga tingin nila. Nag-iwas siya ng tingin nang mapasulyap sa labi
nito. Those luscious lips of Sovereign. "Naiilang akong lalo," amin niya.
"Akala ko na-i-in love kang lalo sa akin," Sovereign teased. "Just kidding,"
mabilis nitong bawi. "'Wag mo na lang ungkatin para hindi ko maipaalala sa iyo."
Wala talaga siyang balak ungkatin dito ang bagay na iyon. Nahawakan niya ang
labi bago nagpaling muli sa labas ng bintana. Kainis. Damang-dama pa rin niya ang
labi ni Sovereign sa kanya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 14

ILANG sandali munang tinitigan lang ni Zafrina ang hawak na


cellphone na galing kay Sovereign. Pagkuwan ay huminga siya nang malalim bago d-in-
ial ang cellphone number ng kanyang pinsan na si Zabrielle. Bago siya noon umalis
ay nagpahabol pa ito ng kapirasong papel kung saan nakasulat ang cellphone number
nito. Siguradong naghihintay na ito ng tawag niya.
Nakailang ring din bago sumagot si Zabrielle.
"Hello?" anang kabilang linya.
"Zab," aniya na nahawakan nang mahigpit ang cellphone. Bigla niya itong na-miss
ng husto. Iyon ang unang pagkakataon na nalayo siya sa pamilya niya.
Ilang sandaling nawala sa kabilang linya si Zabrielle. Mayamaya pa ay nakarinig
siya ng kalabog.
"Hello, Zab? Ano'ng nangyari?" napatayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad
palapit sa may bintana. "Zab?"
"A-Ate Zaf? Aaah, shit. Aray. Wait lang," halos anas nitong impit sa kanya.
"Okay. Nandito na ako sa room ko. Sorry, nadapa ako kasi nagmamadali akong pumunta
dito. Ateee!!! How have you been? I miss you so much, Ate Zaf."
Nakagat niya ang ibabang-labi. Sinikap niyang hindi mabasag ang boses. "Okay
lang ako, Zab. Wala kang dapat na ipag-alala sa akin. Kumusta diyan? Si," lumunok
siya para alisin ang tila malaking bara sa lalamunan niya. "Si Lola, ano'ng
reaksiyon niya nang malaman niya na umalis ako ng walang paalam?"
"Ate, nagalit si Lola Leore. Bakit wala ka raw paalam na aalis ka? Nakipagtanan
ka raw ba? At kagabi, nagbigay ng ultimatum si Lola. Kapag hindi ka pa raw umuwi
hanggang sa linggo, hindi ka na niya tatanggapin pabalik dito."
Hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi ni Zabrielle. Kaya ba talaga siyang
tiisin ng kanyang abuela? Kung alam lang nito kung bakit siya umalis. Pero dahil sa
takot niya na baka kampihan pa nito si Gino sa plano ng binata na ma-engage sila
kaya hindi na rin niya magawa pang sabihin sa lola niya.
"Baka galit lang siya kaya niya nasabi 'yon, Zab."
"I don't think so, Ate. If ever, uuwi ka na ba before Sunday?"
"H-Hindi ko pa alam."
"Ate, 'wag ka na munang umuwi. Ilang beses na ring pumunta rito si Gino. Alam
mo ba na nangako pa siya kay Lola na gagawin ang lahat maibalik ka lang dito sa
Sagada? Alam ko naman na pansariling interes niya ang dahilan kaya gagawin niya
lahat maibalik ka lang, eh. Pati nga ako kinausap niya nang kami lang, pinapaamin
niya ako kung nasaan ka. As if naman may sasabihin ako sa kumag na 'yon. Ayaw kong
mapunta ka sa kanya dahil hindi mo naman siya gusto."
"Hindi pa rin pala siya tumitigil."
"Kaya mag-iingat ka kung nasaan ka man. Kasi panigurado na pinapagalaw na ni
Gino ang mga galamay niya para mahanap ka. Walang imposible sa taong 'yon dahil
ubod ng yaman. Madali lang lahat dahil may pera siya."
Nakagat niya ang ibabang-labi. "Zab, thank you. Mag-iingat ako. Kayo rin diyan.
Paki-delete ng tawag ko diyan sa cellphone mo.'Wag mo ring i-save itong number na
gamit ko para walang maging problema."
"Sige, Ate Zaf. Miss na miss na kita. Wala na akong makausap dito about girly
thing."
"Miss na rin kita, Zabrielle. Si Furious, kamusta na siya?" tukoy niya sa
kanyang kabayo.
"Okay lang si Furious. Siguradong miss ka na rin niya. Kapag may time ako at
hindi maulan, pumapasyal kami para makagala naman siya."
Kahit gusto na niyang ikuwento rito ang tungkol kay Sovereign ay pinigilan niya
ang sarili. Sa ngayon, mas makabubuti kung sarilihin na lang muna niya lahat.
"Ate, sa susunod na buwan na ang death anniversary nina Tito at Tita, uuwi ka
ba?"
Nahilot niya ang noo. Hindi pa niya nagagawang ipagpaliban ang death
anniversary ng mga magulang niya. "Siguro kapag dumating ang time na 'yon, may
lakas na ako ng loob para harapin sina lola. Lalo na ang katulad ni Gino." Isa
iyong kunpirmasyon na uuwi siya ng Sagada. Pero hindi pa niya sigurado kung
magpapakita pa rin siya sa pamilya niya. Lalo na sa kanyang abuela. Bahala na. Sa
ngayon ang kailangan niyang gawin ay ang mag-ingat.

"Noted. Ahm, maganda ba 'yang kinaroroonan mo ngayon? Just


wanna make sure na okay ka talaga, Ate."
"Maganda rito, Zab. Kung iaadya man ng pagkakataon sa future, gusto kitang
dalhin sa lugar na ito. Siguradong magugustuhan mo."
"Isa lang naman ang gusto kong marating, Ate."
"Saan ba? Promise, I'll treat you." Malaking pabor ang binibigay ni Zabrielle
sa kanya kaya natural lang na kapag okay na ang lahat sa side niya, makabawi naman
siya rito.
"Sa Pagbilao City, Ate," may kilig pang mababakas sa boses nito. "Gusto kong
makita sa personal si Daizuke Niwa."
Nasamid siya sa sinabi nito. Napaubo tuloy siya. "S-Saan?"
"Pagbilao City," ulit nito. "Sa Quezon Province siya matatagpuan. Sabi ni mommy
noong bata pa ako, nakapunta na raw tayo doon. Hindi ko lang maalala kasi bata pa
ako masyado noong pumunta tayo doon. Mas sikat 'yong lugar na 'yon ngayon. Ate,
dalhin mo lang ako sa Pagbilao City, wala na akong mahihiling pa sa iyo."
Kung alam lang nito kung nasaan siya ngayon. Napangiti tuloy siya. "Okay.
Pangako 'yan. Dadalhin kita sa lugar na gusto mo."
"OMG! Thank you so much, Ate!" impit nitong tili. "You're such a fairy. Ah,
sige na. May kumakatok sa pinto. Bye!" bulong na lang nito.
"Bye, Zab."
Nang mawala na sa kabilang linya ang pinsan ay saka lang siya mas nakahinga ng
maluwag. Malaking bagay sa kanya na makausap ito. Kahit paano ay nabawasan ang pag-
aalala niya.
Naniniwala siya na darating din naman ang araw na mauunawaan siya ng kanyang
abuela kung bakit niya nagawa ang bagay na ito.
Nahawakan niya ang puson na kanina pa medyo nananakit. Ganoon kapag first day
ng menstruation period niya, tumatagal iyon ng hanggang sa ikalawang araw bago
humupa ang menstrual cramps sa kanyang puson.
Humiga na muna siya ng patagilid sa may kama ni Sovereign at pinilit makatulog.
Wala naman siyang ibang gagawin. Ayaw rin naman niyang magpakalat-kalat sa labas ng
silid ni Sovereign at baka ma-corner pa siya ni Cassey. Hanggat maaari ay iniiwasan
din niya ang step-sister ng binata. Madalas namang wala sa mansiyon si Marion dahil
sa business nitong salon. Ang ama naman ni Sovereign ay nagtatrabaho pa rin bilang
Presidente sa kumpanya ng mga ito. Ipapasa lang nito ang posisyon kay Sovereign
kapag edad trenta na ang binata na kasalukuyang twenty-nine years old pa lang at
tumatayong Vice President ng Millares Group.
Kinahapunan habang nakahiga pa rin sa kama si Zafrina ay saka lang niya naalala
na i-search sa Google si Sovereign. Namaluktot siya ng higa habang tutok ang tingin
sa screen ng cellphone na ayon kay Sovereign ay isang buwan daw ang data connection
ng cellphone niya kaya makaka-access siya sa internet kahit hindi na siya gumamit
ng WiFi.
Napakurap-kurap siya. "One of the top eligible bachelor in Pagbilao City," basa
niya sa scoop sa isang website na Teen Stuff. Member din ang binata sa UHB Leisure
Club na walang ibang nakakapasok kundi mga member lang. A multi-billionaire at the
young age. A chick magnet. Nangunot ang noo niya nang mabasa ang nakalagay sa
status information ng binata. "Complicated?" bahaw siyang napatawa. Nagpatuloy siya
sa pagbabasa.
Si Sovereign din ang nag-iisang tagapagmana ng Millares Group. Hindi nga talaga
ito basta-basta lang na tao.
Itinigil na niya ang pagbabasa dahil lalo lang siyang nalulula sa pagkatao ng
isang Sovereign Millares. Kaya pala maraming nagkakandarapa rito dahil isa ito sa
itinuturing na isa sa pinakakilalang personalidad sa naturang bayan at idagdag pa
kung gaano ito kaguwapo at kalakas ang dating.
Isa lang ang sigurado niya, katulad nito ang mahirap pangarapin. Pero mukhang
hindi na safe ang puso niya pagdating sa binata. Mariin siyang napapikit.

Napamulat lang siya nang bumukas ang pinto ng kinaroroonang


silid. Si Sovereign ang pumasok. Speaking of a gorgeous devil.
Sa kanya agad humayon ang tingin nito. Mabilis niyang sinaway ang puso na bigla
ang pagbilis ng tibok para dito. Muli siyang pumikit.
"Okay ka lang? Hindi ka raw lumalabas ng kuwarto maghapon," ani Sovereign nang
makalapit sa kinaroroonan niya. Naupo pa ito sa gilid ng kama habang hinuhubad ang
suot na necktie.
"Okay lang ako." Muli siyang napamulat nang salatin ni Sovereign ang noo niya.
May pagtataka na tiningnan niya ito.
"You look pale. Pero hindi ka naman mainit."
Hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa noo niya. "Nanghihina lang 'yong
pakiramdam ko ngayon."
"Gusto mo ba na dalhin kita ngayon sa ospital? Just say so, Zafrina."
Hindi niya napigilan ang mapangiti. "I'm fine. Saka natural lang ito sa akin
kapag first day ng period ko."
"Period?" ani Sovereign na nag-isang linya ang kilay.
"Monthly menstruation ng babae. Search mo sa Google kung hindi mo pa rin ma-
gets. Palibhasa lalaki ka kaya hindi mo alam ang pinagdadaanan naming mga babae
kapag unang araw ng period namin."
Nang tila ma-gets nito ang sinasabi niya ay napatango-tango ito. "Ah, gets ko
na."
"Hindi naman ako puwedeng lumabas dahil siguradong magtatanong si Cassey kung
napapaano ako. Hindi ko rin naman puwedeng sabihin na mayroon akong monthly period.
So, I choose to stay here. At saka, mas gusto kong nakahiga lang sa kama kapag
ganitong pagkakataon."
"Okay. May gusto ka bang kainin? Para kahit paano maging okay ang pakiramdam
mo?"
Again, hayon na naman ang concern sa isang Sovereign Millares kapag hindi siya
okay. "Bulalo," matagal na rin siyang hindi nakakakain niyon. Kapag may dalaw pa
naman siya ay daig pa niya ang naglilihi dahil sa mga naiisipan niyang kainin.
"'Yon lang?"
Tumango siya bago muling pumikit. Pakiramdam kasi niya ay parang tinutunaw siya
ng mga titig ni Sovereign.
Kinuha ni Sovereign ang wireless phone, na isang intercom, at pinindot ang
number four na siyang numero sa kusina ng mansiyon. "Makikiluto po ng bulalo para
sa dinner. Yes. Salamat." Matapos ang naturang tawag ay tumayo na uli si Sovereign.
"Magpapalit lang ako, Zafrina."
"Hmmm," tanging sagot niya. Nang bahagya niyang imulat ang mga mata ay likod na
lang ang nakita ni Zafrina kay Sovereign na hinahayon ang papasok sa walk-in closet
nito.

"ZAFRINA."
Unti-unting iminulat ni Zafrina ang mga mata nang maramdaman ang bahagyang
pagtapik sa may balikat niya. Dibdib ni Sovereign ang una niyang namulatan.
"Ano'ng oras na?" halos anas niyang tanong nang dumako ang tingin niya sa
guwapong mukha ni Sovereign.
"Seven na. Kanina pa rin luto 'yong gusto mong kainin. Ipapahatid ko na lang
dito para makakain ka ng maayos."
Marahan siyang tumango. "Sige." Nang bumangon siya para maupo ay mabilis siyang
inalalayan ni Sovereign. "Salamat." Mabilis siyang na-iwas ng tingin nang magtama
ang mga tingin nila. Baka hindi na naman niya maiwasan ang sarili at matulala na
naman dito.
Nang muling tumawag si Sovereign sa kusina ay minabuti na muna niyang mag-CR.
"Saan ka pupunta?" habol na tanong pa ni Sovereign.
"Sa CR."
Saka lang niya nakita ang sarili nang mapatapat sa malaking salamin sa loob ng
banyo ni Sovereign. Bahagya ngang namumutla ang labi niya. Missy na rin ang maikli
niyang buhok. Sinuklay niya iyon gamit ang kamay.

Nang makapag-half bath ng mabilis at maayos ang sarili ay


saka lang lumabas si Zafrina sa banyo. Naabutan pa niya si Sovereign na inaayos ang
pagkain sa may lamesa na malapit sa terrace ng kuwarto nito. Para sa dalawang tao
ang pinggan na naroon. Ibig sabihin ay doon din ito kakain?
Naglakad siya palapit dito. "Dito ka rin kakain?" hindi niya napigilang
itanong.
Nilingon siya nito. "Yes. May problema ba?"
"W-Wala naman. Hindi ba sila magagalit dahil dito pa tayo kakain?"
"Sinabi ko kina daddy na hindi tayo makakasabay sa kanila sa hapunan. Dahil
medyo masama ang pakiramdam mo, kaya sasamahan kita ritong kumain para ganahan ka
naman. Hindi na sila nagtanong pa. Satisfied?"
"Okay," sabi na lang niya. Ipinaghila pa siya nito ng upuan. "Salamat," aniya
nang makaupo. Naupo rin ito sa may tapat niya.
Nakabibinging katahimikan ang sumunod na namayani habang kumakain sila ng
binata. Hindi naman nakatiis si Zafrina kaya naisipan niyang magkuwento rito.
"Tinawagan ko kanina 'yong pinsan ko," basag niya sa katahimikan. Hindi lang
niya tinapunan ng tingin si Sovereign na napasulyap sa kanya.
"Ano'ng napag-usapan ninyo?"
Uminom muna siya ng tubig bago ito sinagot. "Nagkamustahan. Nagalit 'yong lola
ko dahil umalis ako ng walang paalam. Binigyan din ako ng ultimatum hanggang sa
Linggo para umuwi sa amin."
Bumagal ang pagnguya ni Sovereign. Mayamaya ay sumandal ito sa kinauupuan at
mataman siyang pinagmasdan. "Hanggang sa Linggo?" Tumango si Zafrina. "Gusto mo na
bang umuwi?"
Pipigilan mo ba ako? tanong niya sa isip. Nang tingnan niya ito ay mukhang
naghihintay ito sa sagot niya. "Gusto mo na ba akong umuwi?" sa halip ay balik
tanong niya rito. Ibinalik niya sa pagkain ang tingin nang hindi ito magsalita.
Gusto niyang tawanan ang sarili. Napaka-assumera naman niya.
"Stay," ani Sovereign na ibinalik na rin sa pagkain ang atensiyon.
Stay... parang timang na ulit niya sa isip. Ibig sabihin ay ayaw pa siya nitong
umalis?
Zafrina, wake up! Natural lang na piliin ni Sovereign na mag-stay ka muna dahil
kailangan ka pa niya. Kailangan ka pa niya sa palabas niya. Kaya 'wag munang mag-
assume. Tandaan mo na 'yon lang ang dahilan kaya mo siya nakakasama ngayon, paalala
pa ng kanyang isip.
Tama, dapat ay hindi niya bigyan ng ibang kulay ang sinabing iyon ni Sovereign.
"Hindi pa rin naman talaga ako makakauwi," sabi na lang niya. "Wala pa akong
sapat na lakas ng loob para harapin sila. Lalo na si lola. Siguro, at least, mga
isang buwan pa. By that time, nakalipat ka na naman siguro sa bahay mo."
"Maybe," tanging sagot nito.
Matapos kumain ay ilang sandaling nakatayo lang si Zafrina sa may tabi ng bubog
na bintana matapos magbanyo. Nakatanaw sa madilim na kalangitan.
"Hindi ka pa ba mahihiga?"
Bahagya niyang nilingon si Sovereign na palapit sa kanyang kinatatayuan.
"Mayamaya. Nagpapababa pa ako ng kinain," aniya na muling ibinalik ang tingin sa
labas.
"Kung naiinip ka dito sa bahay, sabihin mo lang."
"Salamat na lang. Pero hindi naman ako puwedeng mamasyal na lang basta sa
labas." Katulad ng bilin ni Zabrielle, kailangan niyang mag-ingat dahil hindi
tumitigil si Gino para mahanap siya.
"Curious pa rin ako kung bakit nagtatago ka sa pamilya mo. Ayaw mo namang
magkuwento."
"Sovereign, mas okay na 'yong hindi mo na malaman. Hindi rin naman ako mag-stay
ng mahabang panahon dito sa inyo. Kapag natapos itong pagpapanggap natin sa harap
ng pamilya mo at sa harap ng lahat, wala na namang dahilan para guluhin pa natin
ang isa't isa. By that time, sariling problema ko naman 'yong aayusin ko. Kailangan
ko lang ng oras at panahon."
Pero bakit nakakaramdam siya ng pinong kurot sa dibdib? Matagal pa naman iyon
pero bakit ngayon ay nalulungkot na siya sa posibleng kahantungan ng lahat? Bahagya
niyang ipinilig ang ulo. Hindi siya puwedeng magpaapekto sa isang Sovereign
Millares. Isang linggo mahigit pa lang silang magkakilala ng binata para makaramdam
siya ng ganoon.
Sumandal si Sovereign sa bintana at mataman siyang pinagmasdan. Halos dalawang
dangkal lang ang layo nito sa kanya.
"Wala ka ng balak bumalik dito?"
Lakas loob na tiningnan niya ito para makita ang magiging reaksiyon nito.
Umiling siya kapagkuwan. "Wala na."
Sa sagot niyang iyon parang gustong tumutol ni Sovereign. Ganoon ang nakikita
niya sa guwapong mukha nito. Dangan lang at hindi ito nagsalita. He remain his
silence for a while.
"Sabagay," anito nang makabawi. "Masyadong malayo ang Mountain Province dito."
Nauna pa itong nagbawi ng tingin.
"Mahirap bumyahe ng malayo," aniya na ipinasya ng pumunta sa may kama para
mahiga na.
Ngunit hindi pa siya nakakahakbang palayo ng bigla siyang hilahin ni Sovereign
palapit dito. Halos masubsob siya sa may dibdib nito. Natigilan siyang lalo ng
yakapin pa siya nito. What's wrong with him? Mag-iisip pa sana siya ng kung ano
nang makarinig ng boses.
"S-Señorito, narito na po 'yong hot compress," alanganin pang wika ni Hany nang
makita sila.
"Pakilagay na lang sa may bedside table. Salamat," ani Sovereign.
Mabilis din namang umalis ang kawaksi. Nang marinig ni Zafrina ang pagsara ng
pinto ay mabilis siyang dumistansiya kay Sovereign. Tinalikuran na niya ang
ngiting-ngiti pang binata at hinayon ang kama nito.
Pesteng puso ito, acting lang 'yong kanina kaya tumigil ka na sa mabilis na
pagtibok. Walang meaning 'yong yakap na 'yon. 'Wag kang affected masyado diyan, sa
isip ay sita niya sa pusong mabilis pa rin ang kabog.
Nang makahiga siya sa kama ay sumunod sa kanya si Sovereign. Kinuha nito ang
hot compress na nasa may bedside table at inabot sa kanya.
"Nag-research ako kanina. Maganda itong hot compress sa menstrual cramps mo."
Tinanggap na niya iyon. "Salamat."
I hate you for giving me too much care, Sovereign.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 15

MUNTIK ng mapatili si Zafrina kung hindi lang niya


napigilan ang sarili nang may biglang humawak sa magkabila niyang baywang.
Nalingunan niya ang tatawa-tawang si Sovereign.
"Ikaw," naningkit lalo ang mga mata niya nang makita ang binata. Sa parteng
baywang pa naman niya ay malakas ang kiliti niya kapag biglang hinawakan. "Akala ko
ba busy ka?" Pumihit siya ng upo sa ibabaw ng kama paharap kay Sovereign.
Araw iyon ng Linggo, at matapos nga nilang mag-almusal kanina ay dumiretso na
ito sa study room kasama si Don Antonio. Siya naman ay nanatili sa silid ni
Sovereign.
"Well, mabilis lang natapos 'yong pinag-meeting-an namin ni Dad. Ano'ng
ginagawa mo?"
Isiniksik niya sa ilalim ng unan ang hawak na cellphone. "W-Wala naman."
"Bakit kailangan mo pang itago 'yong cellphone mo?" sumeryoso bigla ang guwapo
nitong mukha. "May ka-chat ka?"
Ka-chat? Ni hindi nga niya magawang i-open ang mga social media account na
mayroon siya dahil sa takot na baka ma-trace siya ni Gino kung nasaan siya ngayon.
"Wala akong ka-chat."
"Make it sure, Zafrina. Gusto ko lang maging malinaw na hanggat parehas tayong
nakatali sa ganitong sitwasyon, hinding-hindi ka mag-i-entertain ng kahit na sinong
lalaki. Ayaw kong masira na lang bigla itong sinimulan natin."
Marahan siyang tumango. "Alam ko naman 'yon."
"Good."
"Sovereign!" pipigilan sana niya ito nang mabilis naman nitong makuha ang
cellphone niya sa ilalim ng unan. Hinawakan pa nito ang kamay niya at sapilitan pa
ng idikit ang hinlalaki niya sa may screen para ma-unlock ang cellphone.
Napabuntong-hininga na lamang siya at mabilis na nag-iwas ng tingin ng tingnan siya
nito ng masama.
"Ano ito?" iniharap pa nito sa kanya ang screen ng cellphone. "Bakit sini-
search mo si Daizuke Niwa?" may bahid ng iritasyon nitong tanong sa kanya.
Kagat ang ibabang-labi na sinulyapan niya si Sovereign. "May p-problema ba?"
Curious lang naman siya sa lalaking gustong ma-meet ng pinsan niyang si Zabrielle
sa lugar na iyon. Napag-alaman niya na ito ang nagma-may-ari ng UHB Leisure Club at
ng Valle Encantado Village. At sigurado siyang kilala iyon ni Sovereign.
"You like him?"
"Ang advance mo namang mag-isip." Inagaw na niya rito ang cellphone at mabilis
na bumaba sa kama.
"Zafrina."
"Sa labas muna ako," aniya na hindi na ito nilingon pa at tuloy-tuloy na
hinayon ang pinto ng silid. Nang makabalas sa silid na iyon ay saka lang siya
nakahinga nang maluwag. Hindi siya sinundan ni Sovereign kaya nagpatuloy siya sa
paglalakad sa pasilyo.
Pumunta siya sa back porch ng mansiyon at naupo sa malambot na single seater
sofa. Doon ay nagpatuloy siya sa pag-se-search sa kanyang cellphone. Nahinto lang
siya sa ginagawa nang makitang palapit sa kinaroroonan niya si Cassey.
"Hi," ngumiti pa ito nang makalapit sa kinaroroonan niya. Prente itong naupo sa
katabi niyang sofa. "Wala ba kayo ngayong lakad ni Reign?"
Umiling siya. "Wala." Wala rin namang nauulit sa kanya si Sovereign na aalis
ito ng araw na iyon.
"Hindi ka niya ipapasyal sa Leisure Club?" tumaas pa ang kilay nito ng umiling
siya. "Really? Asawa ka naman niya kaya puwede ka niyang dalhin doon."
"Nakarating ka na ba doon?" balik tanong niya rito.
Umilap ang tingin nito. "Hindi pa."
Right, ayon sa nabasa niya sa website ng Teen Stuff, hindi basta-basta
nagdadala ng mga babae ang mga member ng naturang club. Unless, seryosong level ng
relasyon ang mayroon kung hindi pa mag-asawa. O 'di kaya naman ay super VIP sa
pinaka-member ng UHB Leisure Club. Kaya sa case niya na hindi naman totoong asawa
ni Sovereign, hindi na siya umaasa pa na makakatapak sa lugar na iyon.
"So," muling bumaling si Cassey sa kanya. "How's Reign as your husband?"
Sinikap niyang hindi tumabingi ang ngiting ipinamalas niya rito. "He's caring.
A perfect husband that every woman would ask for."
Kumibot ang labi nito sa sinabi niya. Tumikhim ito na animo nag-alis ng bara sa
lalamunan. "I see. You're lucky to have him."
"Alam ko, Cassey."
"Well, mag-ingat ka pa rin dahil kahit kasal ka na kay Reign, marami ka pa ring
kaagaw sa kanya. 'Wag kang magkakamali dahil siguradong mawawala siya sa iyo." Iyon
lang at tumayo na rin ito at naglakad palayo.
Pinagbabantaan ba siya ni Cassey? Sinisigurado naman niyang hindi siya
magkakamali na ipahamak si Sovereign.
Makalipas pa ang ilang sandali ay ipinasya na niyang bumalik sa silid ni
Sovereign. Maingat niyang binuksan ang pinto ng silid nito. Nagtaka pa siya nang
hindi ito makita sa loob. Naglakad siya papunta sa may terrace. Bahagya niyang
hinawi ang heavy curtain na siyang nakatabing sa glass door ng terrace. Naroon si
Sovereign. Nakatayo ito patalikod sa kanya habang may kausap sa cellphone nito. At
dahil hindi nakalapat ang pagkakasara ng glass door kaya naman dinig na dinig niya
ang sinasabi nito.
"Nah. Liam, hinding-hindi mangyayari 'yang iniisip mo. Everything between us
are purely business. At hindi na 'yon lalampas pa doon. Alam niya 'yon at malinaw
'yon sa pagitan namin umpisa pa lang."
Humakbang paatras si Zafrina at hinayaang tumabing muli ang kurtina sa may
glass door. Dinala siya ng mga paa niya papunta sa may banyo.
Purely business... malinaw iyon na narinig ni Zafrina. Alam naman niya na siya
ang topic ni Sovereign at ng kausap nitong si Liam na tanging nakakaalam ng sekreto
nito.
Pero bakit kahit iyon ang totoo ay nasasaktan pa rin siya? Hearing those words
from Sovereign. Parang kinukurot ng pino ang puso niya. Ikinurap-kurap niya ang mga
mata nang mag-umpisang mamasa ang pakiramdam niya roon.
Naiinis siya sa sarili niya. Bakit kailangan niyang maging ganoon kaapektado?
Dahil ba masyado niyang binigyan ng meaning ang pagiging mabait at pagiging
maaalalahanin ni Sovereign sa kanya kahit wala namang mga taong nakatingin sa
kanila?
Noong second day ng menstruation period niya, hindi ito pumasok sa trabaho para
lang samahan siya. Ngayon niya napagtanto na kasama lang din iyon sa palabas nito.
Pagkasara sa pinto ng banyo ay para pa siyang nauupos na kandila na napaupo sa
sahig. Napasandal siya sa may pinto.
"Purely business lang ang lahat..."
Kahit ano'ng pigil niya, may tumulo pa ring luha sa mga mata niya.
"REIGN, don't make me laugh. Purely business my ass! Balita ko on-time ka ng
umuwi galing sa kumpanya ninyo. Hindi ka na rin nag-o-overtime simula nang dumating
ang 'asawa' mo diyan sa bahay ninyo. At ito pa ang malala, hindi ka na yata
naliligaw sa Leisure Club? Binabakuran mo naman yata masyado ang 'asawa' mo,"
tumawa pa sa kabilang linya si Liam na kanina pa siya binubuwisit at pinagdidiinan
ang salitang 'asawa'.
"'Yan lang ba ang itinawag mo, Liam?"
"Pumunta ka sa Club. O baka naman gusto mo pang magpa-special mention kay Dark?
O ipa-black list ka na namin?"
"Busy lang ako."
"Take a break man. Ayaw mo lang yatang ipakita sa amin ang 'asawa' mo. Akala mo
naman ay napakalayo ng bahay ninyo sa Club. One of this day, kapag nasa office ka,
kami na lang ang pupunta diyan sa bahay mo para ma-meet namin ang 'asawa' mo. Want
that?"
Nahilot niya ang noo sa kakulitan nito. "Liam, kayo ang ipapa-black list ko sa
guard namin. Don't even try na mambuwisit dito sa bahay."
"Then, kayo ang pumunta sa Club dahil nangungulit na sila. Iba pa namang mainip
sina Wayne at Mark Brice. Ikaw rin."
"Fine. Just wait."
"Great."
"Get lost."
"Ingat, ha? Baka mahulog ka naman masyado," humalakhak pa si Liam bago nawala
sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga siya nang matapos ang pag-uusap nilang iyon ng kaibigan.
Right, kailangan niyang mag-ingat. Pero paano ba gawin iyon kung hindi rin naman
niya mapigilan ang sarili? Lahat ng kilos niya ay nagiging natural basta nasa
paligid si Zafrina. At isa sa hindi niya mapigilan? Unti-unti na siyang nasasanay.
Mayamaya pa ay ipinasya na niyang pumasok sa loob ng silid niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 16

"IPINAPATAWAG po kayo ni Señorito Reign."


Mula sa pinapanood sa flat screen TV ay binalingan ni Zafrina si Shanie. "Saan
ko siya pupuntahan?"
"Nasa may pool side po si Señorito. Ngayon na raw po kayo pumunta."
Marahan siyang tumango. "Sige. Susunod na ako."
Nang makaalis ang kawaksi ay napabuntong-hininga si Zafrina. Maghapon niyang
sinikap na iwasan ang binata kung sila lang din ang magkasama. Matapos nang narinig
niya rito kaninang umaga ay tinatak na rin niya sa isip na kung sila lang din
namang dalawa ang nasa iisang lugar ay kailangan niyang lagyan ng bakod ang pagitan
nilang dalawa.
Kailangan niyang tandaan na naroon siya dahil sa deal nila ni Sovereign. At
hindi dahil sa iba pang dahilan.
Pagkapatay niya sa TV ay lumabas na rin si Zafrina sa silid ni Sovereign.
Naratnan pa niya ang binata na nakaupo sa may mahabang sofa, na pang outdoor talaga
na naka-side view sa may swimming pool, habang abala sa laptop nito na nakapatong
sa may hita nito.
Tumikhim siya nang makalapit dito. "Pinapapunta mo raw ako rito?" pormal niyang
tanong kay Sovereign.
Tinapik ni Sovereign ang espasyo sa tabi nito. "Maupo ka rito," anito na hindi
man lang siya tinapunan ng tingin. Tutok pa rin ang mga mata nito sa ginagawa nito.
Nagbilang muna siya sa kanyang isipan ng hanggang lima bago sinunod ang gusto
nito. Makalipas pa ang ilang sandali ay isinara na ni Sovereign ang laptop nito at
ipinatong sa naroong coffee table. Pagkuwan ay binalingan siya.
"You're avoiding me."
Hindi iyon tanong, sa halip ay isang statement. Ibinaling niya sa may pool ang
tingin. "Eh, 'di sana hindi ako pumunta rito," sa halip ay kaswal niyang wika.
"Zafrina—"
"Ano ba'ng dahilan at pinapunta mo pa ako rito?"
"Sa pagkakaalam ko katatapos lang ng period mo kahapon. Pero bakit ang sungit
mo pa rin ngayon?" napapalatak pang sabi ni Sovereign.
Gusto ko lang protektahan 'yong sarili ko laban sa iyo, aniya sa isip.
Bahagya siyang napasinghap ng akbayan siya ni Sovereign at hilahin pasandal sa
may dibdib nito. Nagkalapit tuloy silang lalo. Kung sino man ang makakakita sa
kanila ay siguradong iisipin na totoong may relasyon sila. Napalunok siya sa ginawa
nito.
Napahawak siya sa braso nito. "B-Bakit—"
"Nakatingin sa atin si Cassey."
Right, may audience sila kaya kailangang umaktong sweet. Imbes na tanggalin ang
nakapulupot na naman nitong braso sa katawan niya ay hinayaan na lang niya muna.
Zafrina, trabaho lang. 'Wag personal-in. Uma-acting lang si Sovereign. Kaya
dapat ganoon din ang gawin mo.
Nakita nga niya si Cassey nang bahagya niyang ilibot ang tingin sa paligid.
Nasa may terrace ito sa taas ng mansiyon. Siguro ay iyon ang silid nito. Isinandig
na lang din niya ang ulo sa matipunong dibdib ni Sovereign. After all, it feels so
good in his arms.
Napapikit pa siya nang maramdaman ang paghalik ni Sovereign sa may buhok niya.
Naghatid iyon ng kilabot sa buo niyang katawan. Kasama rin ba iyon sa acting nito?
"Ayaw kong umiiwas ka sa akin kapag tayo lang ang magkasama," mayamaya ay wika
ni Sovereign. Sapat lang para marinig niya.
"Bakit?" hindi niya napigilang itanong. Kaunti na lang ay animo kakapusin na
siya ng paghinga dahil sa nararamdaman.
"I don't like it."
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. "Wala namang mga tao para umakto pa
tayong close kapag tayo lang. At isa pa, alam naman natin kung ano ang totoo sa
pagitan nating dalawa."

Hindi agad nagsalita si Sovereign. Bumuntong-hininga ito


kapag kuwan. "May nagawa ba ako o nasabi na hindi mo nagustuhan? Hindi ka naman
ganito kasungit."
Sinulyapan niya ang kinaroroonan ni Cassey kanina. Wala na ito roon kaya
binalak niyang tanggalin na ang braso ni Sovereign. Pero hayon at hindi ito
natinag. Sa halip ay mas humigpit pa ang pagkakapulupot ng braso nito sa may baba
ng leeg niya para hindi siya makawala. Nakayakap pa rin ito sa kanya mula sa
likuran niya.
"Sovereign, wala na si Cassey," saway niya rito.
"Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko."
"Ang dami mong napapansin."
"Tell me why—"
"Gusto mong i-real talk kita? Fine," aniya na hindi na rin napigilan ang
sarili. "Tanggalin mo 'yong braso mo sa akin. Hindi ako komportable."
Liar! sigaw ng isip niya. Heaven knows how you like it, Zafrina.
Nang unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Sovereign sa kanya ay sinamantala
na niya iyon para makawala rito. Hanggat maaari ay pinapormal niya ang anyo nang
harapin ito.
"Maging civil lang tayo sa isa't isa kapag tayo lang. Hindi mo rin kailangan
maging caring ng husto."
"Why?" bakas ang pagkalito sa guwapo nitong mukha.
Nag-iwas siya ng tingin. "Temporary lang naman ito. Ayaw kong masanay,
Sovereign." There, nasabi na niya.
Sa totoo lang, iyon ang unang pagkakataon na may nag-alaga sa kanya. Na may
nag-aalala para sa kanya. Ang masakit? Dahil parte lang ng drama nila ang lahat. At
ayaw niyang masanay sa drama nilang iyon.
Napatingin siyang muli kay Sovereign nang pisilin nito ang baba niya. Damn! Why
he is smiling like that? Kainis, dahil kahit ano'ng gawin nito ay napaka-guwapo pa
rin nito. Iyong ngiti nito na iyon na animo napakahirap nitong ibigay sa iba. Pero
napakadaling ipamalas sa kanya.
"Tell me, na-a-attach ka na sa akin? You're into me?"
Sa isip ay nasabunutan na niya si Sovereign. Bakit tinatanong siya nito ng
ganoon? Ang awkward! Ramdam niya ang unti-unting pag-iinit ng mga pisngi niya dahil
sa tanong nitong iyon. Pansin niya na parang nag-e-enjoy lagi itong tudyuin siya.
What's with him? Hindi siya makahagilap ng tamang salita para pasubalian ang sinabi
nito.
Dahil iyon naman talaga ang totoo, Zafrina, epal ng isip niya.
Nang makabawi ay nginitian niya rin ito. "That won't happen, Sovereign," aniya
na tinapik pa ito sa balikat. "Kaya ipanatag mo 'yang loob mo dahil matatapos natin
ang drama na ito na wala kang magiging problema sa side ko. Unless, ikaw ang
magkaproblema."
Magsasalita pa sana ito nang lumapit ang isang kawaksi.
"Señorito, pinapatanong po ni Ate Flordeliza kung may gusto po kayong ipaluto
para sa hapunan?"
"Pakisabi, wala. Ipagluluto kamo ako ng 'asawa' ko. Right, hon?" baling pa sa
kanya ni Sovereign na kinindatan pa siya habang may ngiti sa sulok ng labi.
At nakahanap pa nga ng tiyempo si Sovereign. Sa isip ay napailing-iling siya.
"Right," no choice na sang-ayon niya. Nang makaalis ang kawaksi ay pinaningkitan
niya ng mga mata si Sovereign. "Sinasamantala mo rin talaga 'no?"
"Perfect timing 'yong paglapit ni Hany. Hmmm. Mabibigyan ko siya ng bonus,"
sumandal pa ito sa backrest ng sofa.
Sumandal din siya at humalukipkip. "Ano namang lulutuin ko?" Natigilan na naman
si Zafrina nang isandig ni Sovereign ang ulo nito sa balikat niya. Lihim siyang
napalunok. May nakatingin ba sa kanila? Hindi niya magawang kumilos.
"Anything. 'Yong bukal sa loob mong lutuin para naman masarap. Ngayon lang uli
ako magre-request, Zafrina," hirit pa nito.
Napabuntong-hininga siya. "Okay."
"If I did something or say something that you don't like, I'm sorry."
Double kill!
Ang puso, Zafrina!
Nakagat niya ang ibabang-labi. Sorry? Sorry dahil purely business lang ang
lahat? Bakit ba kailangan niyang maapektuhan ng husto? Dahil ba attach na attach na
siya nang hindi niya man lang namamalayan?
Kung purely business lang ang lahat, bakit hindi niya maramdaman iyon? Bakit
pakiramdam niya ay natural lang lahat? Ang mga ikinikilos nito ngayon? Ang pagngiti
nito na parang sa kanya lang ibinibigay? Ang daming tanong na gumugulong lalo sa
kanyang isip.
"Sovereign—"
"Miss ko na 'yong adobo na niluto mo. Cook for me."
Bahagya niya itong sinulyapan. Bakit parang naglalambing pa ito? Damn you,
Sovereign. Don't act like this. Please...
"Bakit ngayon mo lang sinabi na miss mo na?"
"Ayaw kong paglutuin ka na nasa stage ka ng period mo. I want you to rest."
Mariin siyang napapikit. Ang sarap talagang ihagis ng lalaking ito sa swimming
pool. "Sabi ko sa iyo, stop being caring."
"You can't stop me, Zafrina."
Napabuntong-hininga siya. Action really louder than words...
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Pagkuwan ay umangat ang kanan niyang
kamay at dinama ang pisngi ni Sovereign. Natigilan ang binata sa ginawa niya.
"You like it?" tanong pa niya.
"Hmmm," sang ayon nito.
Mula sa paghaplos ay pinisil niya ang pisngi nito na ikinangiwit nito.
Napatuwid tuloy ito ng upo. Na siya namang ikinatawa niya nang makita ang pamumula
ng pisngi nitong pinisil niya. How sensitive.
"Ang bigat ng ulo mo," aniya na tumayo na.
"Aaah. You witch. Alam mo ba na maraming nagkakandarapa sa mukhang ito? Tapos
sasaktan mo lang?"
Maang na hinarap niya ito. "Ang OA mo, Mr. Millares." Iyon lang at iniwan na
niya ito. Baka kung saan pa mapunta ang usapan.

___________________
Author Notes:
Leaving a comment regarding this Chapter are highly appreciated. Thank you in
advance.
But, comment like NEXT, BITIN will be deleted. And will be muted.
Let's spread positive vibes para mas ma-motivate ang Author na makapagsulat pa
ng mas magandang eksena.
JONQUIL

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TBS | Special Chapter

INILAPAG ni Sovereign ang baso na naglalaman ng alak sa


ibabaw ng mahogany table. Pagkuwan ay isinandal niya ang likod sa backrest ng
inuupuang swivel chair. Nasa study room siya nang mga sandaling iyon at hindi pa
rin dalawin ng antok kahit malalim na ang gabi.
Sigurado siya na kanina pa tulog sa silid niya si Zafrina. Napabuntong-hininga
pa siya nang maalala ang dalaga.
Stop being caring...
Paano ba gawin iyon kung nagiging natural ang lahat ng kilos niya sa harap ni
Zafrina? He really can't help it.
Kinuha niya ang cellphone niya at nag-play ng random song sa kanyang playlist.
Nabibingi siya masyado sa katahimikang iyon sa silid na kinaroroonan. Kailangan din
niya ng kaunting distraction.
Baby I'm falling head over heels
Looking for ways to let you know just how I feel
I Wish I was holding you by my side
I wouldn't change a thing 'cause finally it's real...
Napangiti si Sovereign nang maagaw ng lyrics ng naturang awitin ang atensiyon
niya. Muli niyang dinampot ang baso at straight na ininom ang laman niyon.
I'm tryna hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind
Falling too fast, deeply in love
Finding the magic in the colors of you...
Sinalinan niyang muli ang basong wala ng laman bago pumikit.
You're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going, woah
Know when I'm with you can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
You, it's you
You, it's you
Baby I'm falling deeper in love
Everything that you are is all I'm dreaming of
And if I can break enough to show you that I need us
I'd give up everything I have, girl, just for you
I'm tryna hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind
Falling too fast deeply in love
Girl, all I need to breathe is you
'Cause you're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going, oh-woah
Know when I'm with you, I can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
Every night in my bed I'm dreaming
That it's you in my arms I'm holding
Girl, all I want is you
You know you're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going
It's you, you, you, yeah
'Cause you're the right time at the right moment
You're the sunlight keeps my heart going
Know when I'm with you, I can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
You, it's you
You, it's you
Bakit pakiramdam niya ay sapul na sapul siya sa kantang iyon? Nang magmulat ng
mga mata si Sovereign ay tiningnan niya ang ang title ng naturang kanta.
"It's You," anas niya. Naiiling na inubos na niya ang laman ng baso at ipinasya
na ring bumalik sa kanyang silid.
Maingat niyang isinara ang pinto sa kanyang silid nang makapasok sa loob. Agad
natuon sa kama ang kanyang tingin, partikular na sa babaeng nakahiga roon. Hindi na
roon naalis ang tingin niya habang marahang naglalakad palapit sa kama.
Naupo siya sa gilid ng kama at matamang pinagmasdan ang mahimbing na natutulog
na si Zafrina. Pakiramdam niya kapag kumurap siya ay maglalaho itong parang isang
bula. Right, para itong isang aparisyon. Marami na siyang nakitang magagandang
babae ngunit tanging ang ganda lang ni Zafrina ang nakakuha sa atensiyon niya. Iba
iyong dating nito na tiyak na kahit sino'ng makakita rito ay hindi maaaring hindi
matutulala rito.
Baby I'm falling head over heels...
Parang nananadya pa ang isip niya na ipinaalala ang kantang pinatugtog kanina.
Isang titig pa sa maamo't maganda nitong mukha bago ito niyuko para gawaran ng
mabining halik sa labi. Napapikit pa siya nang maramdaman ang malambot nitong labi.
He's addicted to Zafrina and that's for sure.
Nang ilayo ni Sovereign ang sarili kay Zafrina ay inayos na niya ang comforter
na nakakumot dito bago tumayo na at nahiga sa nakalatag na makapal na comforter sa
sahig. Hindi siya kumportable roon lalo na noong unang gabi na natulog siya sa
sahig. Nanakit ang likod niya kinabukasan. Pero hindi naman niya maaatim na sa
sahig matutulog si Zafrina. Hindi baleng siya na lang.
Ipinikit na niya ang mga mata at pinilit makatulog.

UNTI-UNTING iminulat ni Zafrina ang mga mata. Nahawakan niya ang labi na
hinalikan ni Sovereign kani-kanina lang.
Sovereign, bakit kailangan mong gawin na mas kumplikado ang lahat? ungot niya
sa kanyang isipan.
Muli niyang ipinikit ang mga mata at ipinasya na ring bumalik sa naudlot na
pagkakatulog.
___________________
Author Notes:
As a promise to my TBS readers on my Facebook Group: Jonquil Stories
This SPECIAL CHAPTER is for you, all of you.
You can also join my group on Facebook if you want to be updated 😊
Love lots,
Jonquil
PS: Sana nagustuhan niyo rin yong kanta 😄
It's You by Henry

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 17

PAHINAMAD pa si Zafrina nang bumangon sa kama. Halos hindi


pa niya maimulat ang mga mata dahil sa sobrang antok. Alas nuebe na rin nang
magising siya. Pero hayon at antok na antok pa rin ang kanyang pakiramdam dahil
hindi agad siya dinalaw ng antok kagabi. Hindi siya pinatulog ng ginawang paghalik
sa kanya ni Sovereign. Kung para saan ba iyon?
Napabuntong-hininga siya bago bumaba na sa kama at hinayon ang banyo habang
medyo nakapikit pa rin ang mga mata. Sigurado siyang nasa opisina na si Sovereign
nang ganoong oras. Lalo na at araw ng Lunes. Nang buksan niya ang nakapinid na
pinto ng banyo ay muli niyang ipinikit ang mga matang bahagya lang na nakamulat.
Agad din niyang hinubad ang suot na pambaba niyang pajama nang maisara ang pinto.
"Hey!" apila nang isang boses nang akmang huhubarin ni Zafrina ang pang-itaas
na damit.
Bigla ay tila binuhusan nang malamig na tubig si Zafrina nang tuluyang magising
ang diwa sa narinig na boses na iyon. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata.
Nakatatlong kurap pa siya bago luminaw sa paningin niya ang lalaking nakatayo sa
harapan niya.
Naibaba niya ang kamay na nakahawak sa laylayan ng damit niya na umabot sa wala
pang kalahati ng hita niya. Pakiramdam niya ay namutla pa siya sa kinatatayuan nang
makita si Sovereign na tanging brief lang ang suot na saplot sa katawan.
Hindi niya napigilan ang sarili na mapatili dahil sa nakitang halos hubad
nitong katawan. Napailing pa si Sovereign na ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng buhok
nito gamit ang puting towel.
"Mind you, ikaw ang pumasok na lang bigla. So, 'wag kang mag-expect na ako ang
mag-a-adjust sa ating dalawa," sabi pa ni Sovereign.
Nanginginig ang mga kamay na nailagay niya iyon sa bibig niya. Pumikit siya
nang mariin para hindi makita ang tanawing iyon. Bakit pakiramdam niya ay sobrang
nagkasala siya ngayong umaga?
"H-Hindi ko alam na may tao rito." Lord, please, paki-erase sa memory ko 'yong
nakita ko kanina. Noong naka-boxer nga ito ay halos maeskandalo na ang mga mata
niya. Ito pa kayang naka-brief lang ito? Nakagat pa niya ang ibabang-labi nang
maisip na lantad na lantad ang legs niya rito dahil hinubad niya ang pajama bottom
niya. Sa susunod hindi na talaga siya basta papasok sa banyo na halos antok pa ang
buong diwa. Pahamak masyado.
"No wonder, first time mo ring makakita ng ganito kakisig na katawan," tudyo pa
nito. "Perks of being a firs timer."
"Sovereign, please, lumabas ka na."
"Nauna ako sa iyo rito."
Napalunok na naman siya. "Okay. Ako na ang lalabas. A-Ano ba?" asik niya nang
hawakan nito ang mga braso niya. Lalong nanlambot ang pakiramdam ni Zafrina.
Nananadya pa talaga itong si Sovereign dahil nilapitan pa talaga siya. Umatras siya
ngunit pinto na ang nasa likuran niya. Hindi naman niya magawang imulat ang mga
mata dahil ayaw niyang mas maeskadalong lalo sa maaaring makita.
Napangiting lalo si Sovereign nang makita ang reaksiyon niya. "Zafrina."
Hindi pa rin niya iminulat ang mga mata. Pati paghinga niya ay halos mapigilan
niya. Nanunuot ang mabangong amoy ni Sovereign sa kanyang ilong na nagpapalambot
lalo sa sistema ni Zafrina.
Isang titig pa kay Zafrina bago ito dinala ni Sovereign sa may gilid. "Lalabas
na ako." Iyon lang at binuksan na nito ang pinto sa banyo.
Unti-unting iminulat ni Zafrina ang mga mata nang marinig ang pagbukas at sara
ng pinto. Wala na nga sa loob ng banyo si Sovereign. Saka lang nakahinga ang
dalaga.
"Jesus," naiusal pa niya nang sumandal siya sa may pader. Malay ba niya na
naroon pa si Sovereign nang ganoong oras? Buong akala niya ay nasa kumpanya na ito.

Nasapo niya ang dibdib na ang bilis ng kabog. Iyon ang


unang pagkakataon na nakakita siya ng lalaking nakasuot lang ng brief at lantad na
lantad ang kakisigan ng katawan sa harapan niya. Napalunok pa siya nang maalala
iyon.
Napaawang ang bibig niya nang mayukuan ang sarili na walang suot na pajama
bottom. Mariin siyang napapikit. At ano naman kaya ang iniisip sa kanya ni
Sovereign?
Matapos maligo ay agad din siyang lumabas sa banyo. Nakasuot lang siya ng roba
at walang ni isang saplot na panloob. Nasa walk-in cabinet ni Sovereign ang mga
gamit niya.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makita si Sovereign na nakaupo sa may
couch. Bihis na rin ito. Napatingin din ito sa kanya. Pagkabukas sa pinto ng walk-
in cabinet ay mabilis siya roong pumasok. Ni-lock pa niya ang pinto bago kumuha ng
mga damit niya at nagbihis.
Napili niya ang cute na chiffon floral mini dress na nabili pa niya sa boutique
sa Alager. Nude ang kulay niyon na umabot ang haba hanggang sa may medyo lampas ng
kanyang tuhod. Tinirnuhan niya iyon ng flat na jelly shoes na transparent ang
kulay.
Nang maayos na ang sarili niya at ipasya ng lumabas sa walk-in cabinet ay halos
titigan na lang niya ang hawak na door knob. Hindi niya magawang pihitin pabukas.
Dahil natitiyak niya na makikita niya sa labas si Sovereign. Napalunok siya. Bakit
ba kailangan niyang mailang?
Hindi dapat makita ni Sovereign na nakakaramdam na siya ng pagkailang dito.
Purely business, Zafrina! Pakatandaan mo 'yan dahil iyon ang dahilan kaya ka nasa
poder niya ngayon.
Huminga muna siya nang malalim bago lakas-loob nang lumabas doon. Nang ilibot
niya ang tingin sa loob ng silid ay nakita niyang nakaupo na sa may lamesa na
malapit sa may terrace si Sovereign. May umuusok ding pagkain sa lamesa. Abala ang
binata sa pagdutdot sa screen ng cellphone nito. Mukhang doon sila mag-aalmusal.
Natigilan siya. Hindi pa rin ito kumakain?
Sinikap niyang gawing kaswal ang lahat-lahat sa kanya. Tumikhim siya nang
makalapit dito. Hindi ito nakasuot ng pang-opisina nito. Kumunot tuloy ang kanyang
noo.
"Hindi ka ba papasok ngayon?"
Saka lang nag-angat ng tingin si Sovereign sa kanya. Humagod pa ang tingin nito
sa kabuuan niya bago itinuon ang tingin sa mukha niya. "Naka-leave ako," anito na
tumayo muna para ipaghila siya ng mauupuan sa tapat nito.
"Bakit?" taka niyang tanong nang makaupo. "I mean. Bakit ka nag-leave?"
Bumalik muna sa pagkakaupo si Sovereign bago sinagot ang tanong niya. "Dahil
kailangan. Mag-stay tayo sa Leisure Club. Maybe six days."
Imbes na matuwa sa sinabi nito ay kabaligtaran ang naging reaksiyon niya.
"Sovereign, hindi ako puwede sa ganoong lugar," mariin niyang apila.
"Kung ibang babae ka lang, siguradong magtatatalon ka pa sa tuwa. Knowing na
makakapasok ka sa Leisure Club."
"Alam mong ayaw kong ma-expose sa labas."
"Zafrina, one of the safest place ang Club para sa iyo. Walang mangangahas na
maglabas ng inpormasyon mo mula sa loob kung 'yon ang iniisip mo. Do you think na
gusto rin kitang dalhin doon? Kung ako lang, ayaw ko."
Hindi agad siya nakaimik sa sinabi nito. Ibig sabihin ay wala talaga itong
balak na dalhin siya roon? Napipilitan lang ito dahil alam na sa Club na nag-asawa
na ito at no choice na rin ito kundi ang dalhin siya roon. Nagbaba siya ng tingin
sa nakahaing pagkain sa lamesa.
Ano ba'ng dapat niyang asahan? Para lang sa mga siniseryosong babae ang lugar
na iyon. At hindi naman 'sila' ni Sovereign para nga naman dalhin siya nito roon ng
bukal sa loob nito. Dito na rin nanggaling na kung ito lang ay ayaw siya nitong
dalhin doon.
Pero bakit ang sakit sa pakiramdam?
"Zafrina, don't get me wrong," mabilis na bawi ni Sovereign sa huling sinabi
nito nang mapansin ang reaksiyon sa mukha niya. "It's just that..." bumuntong-
hininga ito. "Ayaw ko lang na makita ka ng mga ka-member ko."
Nagsandok na siya ng kanin at nilagyan ang pinggan niya. "Bakit?" Ito naman ang
hindi nagsalita kaya napatingin dito si Zafrina.
"Masyadong makukulit ang ilan sa kanila. You won't like it."
Iyon nga kaya ang totoong dahilan? Ibinalik niya ang tingin sa hapagkainan.
Naglagay naman siya ng bacon at itlog sa pinggan niya. "Puwede naman na hindi mo na
ako isama."
"Kung puwede nga lang, why not?" Nagsandok na rin ito ng kanin mula sa serving
bowl at inilagay sa pinggan nito. "Mamayang hapon tayo pupunta roon."
Mukha namang wala na rin siyang ibang pagpipilian pa kagaya nito. "Okay," tipid
niyang sagot.
Isa sa ipinagpasalamat niya ay ang hindi na pagbanggit pa ni Sovereign tungkol
sa nangyari kanina sa banyo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 18

HUMALUKIPKIP si Zafrina matapos ihanda ang mga gamit niyang


dadalhin sa UHB Leisure Club para mamaya. May kaunting excitement pero mas
kinakabahan siya dahil another exposure na naman ito sa side niya. Sana lang talaga
ay walang mag-leak ng larawan niya kasama si Sovereign, if ever man. Kaya nga noong
sumama siya sa opisina nito ay nakasuot pa siya ng sunglasses para lang hindi
malantad ang mukha niya.
Pumunta siya sa may couch at naupo. Mayamaya ay napatingin siya sa may pinto ng
silid nang pumasok mula roon si Sovereign. Mabilis siyang nagbawi ng tingin.
Napasulyap pa si Sovereign sa maletang inihanda niya. Pinagamit nito iyon sa
kanya para daw madali lang dalhin ang gamit niya. Palibhasa ay duffel bag lang ang
dala niya nang pumunta siya sa Pagbilao City.
"May nilutong Pancit Lucban sina Manang. Gusto mo?" ani Sovereign ng makalapit
sa kanya.
"Pancit?" ulit pa niya.
"Hmmm. Tara sa baba."
Walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya ang kamay ni Sovereign nang ilahad
nito iyon sa harapan ni Zafrina. Pero mabilis niya iyong binawi nang makatayo na
ikinangiti ng binata. Nagpatiuna na siya papunta sa may pintuan. Mabilis namang
umagapay si Sovereign sa kanya.
Magkasabay sila nitong naglakad sa may hallway papunta sa may hagdanan. Nang
bumukas naman ang pinto sa silid ni Cassey ay mabilis pa sa alas kuwatro nang
akbayan siya ni Sovereign. Muntik na niya itong masiko sa tagiliran nito kung hindi
lang niya nakitang lumabas si Cassey buhat sa bumukas na pinto.
Tiningnan lang sila nito bago ito nagpatiuna sa paglalakad.
"Hindi ka ba napapagod umarte sa harapan niya?" tanong ni Zafrina kay Sovereign
sapat lamang upang marinig nito. Malayo-layo na naman sa kanila si Cassey na
sadyang binilisan ang paglalakad.
"Bakit? Pagod ka na ba?" balik tanong nito.
Gusto sana niya itong sulyapan dangan nga lamang at ayaw niyang matulala na
naman dito. "Kung sabihin kong oo?"
"Eh, 'di magpahinga ka," pilosopo nitong sagot kaya natuluyan na itong sikuhin
ni Zafrina sa tagiliran. "Zafrina," daing pa nito sa pangalan niya.
Aalisin na sana niya sa balikat niya ang nakaakbay nitong kamay ngunit hindi
naman siya nito hinayaan. "Wala na si Cassey."
"So? Malapit na tayo sa may hagdan." Sumilay pa ang ngiti sa labi ni Sovereign
ng hindi na siya makipagtalo pa rito.
Habang kumakain ng Pancit Lucban ay tahimik lang si Zafrina. Ninanamnam niya
ang bago sa panlasa niyang pagkain. Masarap iyon.
"Like it?"
Sinulyapan niya si Sovereign na nasa tabi niya. Tumango siya. "Masarap."
Eksaherada pang tumikhim si Cassey na nasa may tapat nila nang pahirin pa ni
Sovereign gamit ng daliri nito ang bahagyang sauce na nasa may gilid ng labi ni
Zafrina. Maski ang dalaga ay sandaling natigilan sa ginawa ni Sovereign. Nginitian
lang siya nito bago muling ibinaling sa pagkain ang atensiyon.
Lihim pa siyang napalunok bago nagbawi ng tingin. Hindi siya nag-abalang
sulyapan si Cassey na humigpit lalo ang pagkakahawak sa tinidor nito.
Alas singko ng hapon ng ipasya ni Sovereign na pumunta na sila sa Leisure Club.
Bakit kakaiba ang pakiramdam niya habang papalapit sila sa naturang Club?
Habang nakaupo sa may passenger seat si Zafrina ay bahagya niyang nayakap ang
sarili. Piping hiling niya na sana ay maging maayos ang anim na araw na pananatili
nila sa Club. Wala sanang bulilyaso na mangyari.
Nang sulyapan niya si Sovereign na deretso lang sa kalsada ang tingin ay
nakakagat-labi pa ito. Animo may malalim na iniisip. Ano kaya ang iniisip nito?

"Ano'ng iniisip mo?" agaw niya sa pansin nito.


Huminga muna ng malalim si Sovereign bago siya sandaling sinulyapan. "Wala."
"Mas mukha kang bibitayin kaysa magbabakasyon sa Club," naiiling na nagpaling
ng tingin sa labas ng bintana si Zafrina.
Kapapasok lang nila sa Phase III ng Valle Encantado Village. Ang tanging
naninirahan doon ay pawang mga miyembro lang ng Club. At naroon sa lugar na iyon
ang bahay na ipinatayo ni Sovereign. Hindi na naman siya umaasa na makikita pa niya
ang bahay na iyon. Dahil oras na lumipat na ito roon ay tapos na ang sinimulan
nilang palabas.
"Kapag nasa Club na tayo, 'wag na 'wag kang makikipag-usap sa kahit na kanino
roon," bilin pa ni Sovereign.
"Alam ko."
"Kahit na kanino, Zafrina," mariin nitong wika.
Binalingan niya ito. "Sovereign, hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin."
"I'm just reminding you."
Hindi na siya nakipagtalo pa. Makalipas pa nga ang ilang minutong pagda-drive
ni Sovereign ay halos mapigil ni Zafrina ang paghinga nang makita ang malaking arko
ng UHB Leisure Club. This is it. Mapapasok na niya ang pinakatanyag na lugar na
iyon sa Pagbilao City.
Huminto ang kotse sa entrance gate ng UHB Leisure Club. May apat na hindi
basta-bastang security guard ang lumapit sa kotse ni Sovereign para mag-inspection.
Ang isa ay may dalang malaking K9 na isang military dog na lumibot naman sa kotse.
Kasama raw iyon sa security protocol. Inusisa rin ng security kung sino siya.
Pagkabalik kay Sovereign ng isang kulay itim na card ay sinaluduhan na sila ng mga
naroong security.
Nang bumukas ang high tech na rehas na gate ay muli ng pinasibad ni Sovereign
ang kotse nito. Sunod nilang tinalunton ay ang forest trail na may nagtataasang
puno sa magkabila ng kalye. At nang marating nila ang dulo niyon, doon na talaga
napigilan ni Zafrina ang paghinga. Breathtaking ang nakikita ng mga mata niya.
Kahit ano'ng research niya sa lugar na iyon ay walang nag-leak na litrato sa social
media. Super private ng lugar na iyon at tanging ang mga nakakapasok lang doon ang
masuwerteng nakakakita sa loob ng Club. At ngayon ay isa siya sa masuwerteng iyon.
Iisipin mong wala ka sa Pilipinas.
Lumiko sa isang kalye ang sasakyan ni Sovereign. Pagkuwan ay huminto sila sa
tapat ng entrada ng isang Hotel na may limang palapag. Siguro ay doon sila
mananatili habang nasa loob sila ng Leisure Club.
Pagkababang-pagkababa nila ay sinalubong na agad sila ng nakaunipormadong
lalaki. May dala iyong luggage cart na kulay gold. Pagkabukas ni Sovereign sa
compartment ng kotse ay ibinigay na nito sa isa pang lalaki na lumapit dito ang
susi ng kotse nito. Pagkuwan ay iginiya na siya ni Sovereign papasok sa entrada ng
hotel.
"Good afternoon, Ma'am, Sir," nakangiti pang bati sa kanila ng receptionist.
Matapos kumuha ng uukupahin nilang silid ay muli na siyang iginiya ni
Sovereign. Napangiti pa siya nang makita ang gitna ng lobby ng hotel na may mga
coffee tables at mga single couches. Bukod sa eleganting mga chandelier ay isa sa
nagpaganda sa ambience ng lobby ay ang grand staircase na nalalatagan ng red
carpet. Para iyong napapanood niya sa mga Prince and Princesses movies. Ganoon niya
iyon i-describe.
Malapit na sila sa may bungad ng grand staircase nang may umagaw sa atensiyon
ni Sovereign.
"Reign."
Lihim na napalunok si Zafrina nang maramdaman na humigpit ang pagkakahapit sa
kanya ni Sovereign sa may baywang niya. Nilingon din niya ang lalaking kakaiba ang
ngisi nang lapitan sila.
"Totoo nga ang balita," patuloy pa nito.
"Jamil, wala pa ako sa mood magpaliwanag sa iyo."
Jamil Ladjasali, isa ito sa orihinal na miyembro ng UHB men. Nabasa niya iyon
sa site ng Teen Stuff. Right, walang tulak kabigin sa mga miyembro ng Club. Mukhang
isa sa requirements, dapat good looking ka. Or, suwerte lang talagang pinanganak na
good looking ang mga miyembro doon.
"You must be, Reign's wife," ani Jamil na hindi na pinansin pa si Sovereign.
"I'm Jamil Ladjasali. And welcome to the Club." Inilahad pa nito ang kamay sa
harapan ni Zafrina na tinabig naman ni Sovereign na ikinatawa lang ni Jamil.
"Easy."
Napatingin siya kay Sovereign na sobrang seryoso ng guwapong mukha.
"She's Zafrina and she's my wife," ani Sovereign kay Jamil.
Hearing those words, ang sarap sa taingang pakinggan. Lihim na napangiti si
Zafrina dahil sa reaksiyon ni Sovereign. Hindi niya alam kung badtrip lang talaga
ito dahil wala sa plano nito ang pag-stay sa Club o ayaw lang talaga nito na may
lalapit sa kanyang ibang lalaki? Which is which?
Rule number one ni Sovereign, bawal makipag-usap sa kahit na kanino sa Club.
So, ano'ng gagawin niya kapag ganoong may kumausap sa kanya? Ang imposible talaga
ng gusto ni Sovereign.
"Well, nice to meet you, Reign's wife," sabi na lang ni Jamil na nginitian pa
siya nang muli niya itong balingan. Tipid na ngiti na lang ang ibinigay niya rito.
Tinapik naman nito sa balikat si Sovereign. "Mamayang eight sa Night Out Bar,"
anito na nilampasan na sila.
Hahabulin sana niya ng tingin si Jamil nang magsalita naman si Sovereign.
"Bawal mo ring tingnan kahit na sino rito," anito bago siya iginiya paakyat sa
grand staircase.
Bahagya siyang napatawa ng pagak sa mga ipinapagawa nito sa kanya. "Sovereign,
seryoso ka talaga na gawin ko ang mga 'yon? Bawal ko silang kausapin, ultimo
tingnan? God, you're so impossible," mariin niyang bulong dito.
"So, you like the attention, huh?"
Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. "Sovereign, alam mong hindi.
Don't you start," aniya na tumahimik na at sa daan na itinuon ang atensiyon.
Hanggang sa makarating sila sa suite na uukupahin nila na nasa fifth floor ay
hindi na niya pinansin pa si Sovereign. Para sa kanya ay ang gulo ng nais nito.
Hinayaan niyang si Sovereign ang mag-asikaso ng gamit nila nang ihatid iyon ng bell
boy. Dumiretso siya sa may terrace na over looking ang malawak na golf course ng
Club. Iyon ang likod ng Hotel na kinaroroonan nila.
Huminga siya ng malalim at pinuno ang kanyang baga. Kahit paano ay naibsan ang
kanyang inis nang makita ang papalubog ng araw sa may parteng Hilaga. Malapit sa
Mount Banahaw ang lulubugan ng haring araw. Unti-unti na ring nagkukulay kahel ang
kalangitan.
"I'm sorry."
Automatic ang pagbaling niya sa may kanan niya kung saan tumabi ng tayo sa
kanya si Sovereign. Deretso rin ang tingin nito sa may haring araw. Maganda ang
view ngunit mukhang hindi niyon napalis ang kung ano mang gumugulo sa isipan ni
Sovereign.
"Hayaan mo lang akong umakto ng normal dito. Ang imposible ng mga gusto mong
gawin ko lalo na kapag nandiyan ang mga ka-member mo. Mukha bang ipapahamak kita?"
hindi na niya napigilan pang sabihin.
Binalingan siya nito. "Hindi sa ganoon."
"Pero ganoon 'yong ipinaparamdam mo sa akin. Hindi ko rin naman ginusto na
narito rin ako ngayon. Alam ko, sobrang against ka sa bagay na ito. I'm not even
your real wife para dalhin sa lugar na ito. Pero narito na tayo ngayon."
Nagbaba si Zafrina ng tingin. Akmang iiwan na niya ito roon nang mabilis naman
siya nitong mapigilan sa braso. Pagkuwan ay walang paalam na kinabig siya para
yakapin. Natigilan si Zafrina sa ginawa ni Sovereign. Walang audience para gawin
nito iyon. Napalunok siya.
"That's why, I'm sorry. Just ignore them. Lalo na kung kukulitin ka lang nila."
"Fine. Pero bakit kailangan mo pa akong yakapin? W-Wala namang nakatingin."
Napangiti na si Sovereign. Bahagya pa nitong kagat ang ibabang-labi ng medyo
dumistansiya ito sa kanya. Mataman pa siya nitong pinagmasdan. Hayon na naman ang
pilyong awra nito.
"Why not?"
Sa isip ay ipinilig ni Zafrina ang ulo ng maraming beses nang mapatingin sa
labi nito. Those lips. Ipinaalala na naman niyon ang ilang beses nitong paghalik sa
kanya. At ang majority? Walang audience!
"K-Kasi—"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang bumabang lalo ang mukha ni
Sovereign sa kanya at halikan siya sa labi. Daig pa niya ang itinulos sa
kinatatayuan sa ginawa nito. Smack lang noong una ngunit nang muli nitong ilapat
ang labi sa kanya ay pinapatugon na siya. At ang traydor niyang katawan hayon at
ibinuka pa ang labi para tugunin ang halik nito. Ipinikit niya ang mga mata at
hinayaan ang sariling enjoy-in ang makapugtong-hiningang halik na ipinararanas sa
kanya ngayon ni Sovereign.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 19

MATAMANG pinagmasdan ni Zafrina ang sarili sa harap ng


vanity mirror. Katatapos lang niyang ayusan ang sarili. Isasama siya ni Sovereign
sa pupuntahan nitong bar na nasa loob din ng UHB Leisure Club kaya naman nag-effort
siyang mag-ayos. Ayaw niyang mapulaan ng ibang tao ang 'asawa' ni Sovereign.
Nakasuot siya ng kulay pula na dress na naglantad lalo sa kanyang kaputiang
taglay. Exposing her legs. Hindi umabot sa tuhod niya ang laylayan niyon.
Napasulyap si Zafrina sa suot na kuwentas. Pakiramdam tuloy niya ay nagkakasala
na siya masyado dahil nagpapadala siya kay Sovereign. Panahon na ba para tapusin na
ang matagal ng pangako?
"I'm sorry," anas niya bago pikit matang tinanggal ang suot na kuwentas.
Nakagat pa niya ang ibabang-labi nang itabi niya iyon sa isang maliit na pouch na
walang laman.
"Are you read—" hindi naituloy ni Sovereign ang sasabihin nang makita siya.
Sandali itong natulala sa kanya. Matapos bistahan ang suot niya ay muli nitong
ibinalik ang tingin sa mukha ni Zafrina. "Bakit 'yan ang isinuot mo?" anito ng
makabawi.
Bakit mukhang ayaw nito sa ayos niya? Nag-effort pa naman siya para doon. "May
problema ba?"
"Masyadong expose ang legs mo. And I don't like it."
Kinuha na niya ang pouch na naglalaman ng lipstick at face powder. "Parang
ngayon ka lang nakakita ng babaeng nakasuot ng party dress. Sovereign, 'wag mo
akong patawanin."
"Zafrina—"
Nang lapitan niya ito ay nakipagtagisan pa siya ng tingin dito. "Aalis pa ba
tayo o hindi?"
"Wala ka na bang ibang damit na dala? What about jeans?"
"Kung nag-aalala ka sa suot ko na baka mapalad ng hangin o ano. Don't bother,
Sovereign. May suot akong cycling short." Iyon lang at nilampasan na niya ito.
At isa pa, wala naman siyang maraming dalang damit para mamili pa. Iyon lang
ang sa tingin niya ay angkop para sa pupuntahan nila nang gabing iyon.
Wala ng nagawa pa na sumunod sa kanya ang guwapong-gwapo ring si Sovereign.
Nakasuot ito ng t-shirt na kulay dark gray na pinatungan nito ng itim na coat.
Bago buksan ni Sovereign ang pinto ng suite nila ay hinawakan nito ang kamay
niya at iniangkla sa may braso nito. Napatingin tuloy siya rito. Mukhang masama pa
rin ang loob nito sa isinuot niya. What's the big deal? He's acting weird. Gusto
lang naman niyang magmukhang presentable. Pero dinaig pa nito ang over protective
na boyfriend.
"Ano ba'ng meron at kailangan pang pumunta sa Night Out Bar?" usisa niya nang
makasakay sila sa kotse nito.
"Hindi ko rin alam. Basta pumunta raw at isama kita. Hindi puwedeng hindi."
"At hindi ka talaga makakatanggi?"
Umiling lang ito.
Nang makarating sila sa naturang bar na may dalawang palapag ay nauna nang
bumaba si Sovereign sa kotse nito para pagbuksan siya. Inalalayan pa siya nito sa
pagbaba.
Hindi maiwasang mapa-Wow ni Zafrina nang ilibot ang tingin sa parking lot ng
Nigh Out Bar. Mas mukha pang may car show sa lugar na iyon dahil sa mga
nakaparadang sports car ng mga member ng UHB Leisure Club. Hindi talaga maikakaila
ang yaman ng mga member doon.
"Eyes on me," bilin pa ni Sovereign kay Zafrina nang hayunin na nila ang
entrance ng bar. Nakahawak na ito ngayon sa may baywang niya. As if, he really owns
her.
Nang makapasok sa entrance ay sinalubong agad sila ng malikot na neon lights.
Maingay rin ang tugtog na nagmumula sa isang Disc Jockey. Member din ng Leisure
Club ang nag-mi-mix ng tugtog. Hindi naman masakit sa tainga. Tama lang.

Not a typical bar in Metro. Masyadong elegante ang bar na


iyon. Hanga na talaga siya sa Leisure Club. Lahat hindi basta-basta. May stage sa
unahan ng bar kung saan naroon ang kompletong equipment para sa isang banda. Sa
gilid ng stage ay may kulay puting grand piano. Ang isang buong side naman ng bar
ay isang bar counter na may mamahaling alak na mga naka-display.
Nangingibabaw rin ang kulay asul na ilaw. Sa isang side ay may hagdan papunta
sa second floor ng bar na bawat baitang ay may LED lights. Tanaw pa rin buhat sa
ibaba ang itaas dahil open ang gitna niyon. Kung saan buhat naman sa itaas ay over
looking ang view sa ibaba. Ang mga upuan naman doon ay malalambot na gaya ng sofa
na kakulay ng red wine.
Marami ring tao nang mga sandaling iyon sa loob ng bar. At sa tantiya niya ay
puro mga member ng club ang naroon dahil kalalakihan ang halos lahat ng naroon.
"Reign is finally here!" malakas na anunsiyo ng tumatayong DJ nang gabing iyon
na si Yahir Martini. "With his wife."
Lihim siyang napalunok nang maramdaman ang maraming mga mata na tumutok sa
kanila ni Sovereign. Kalmado lang sa tabi niya ang binata. Habang siya ay pinipilit
na ignorahin ang mga naroong tao.
Sinalubong sila ni Kienlee Scott. "You're just in time, Reign," anito na
nginitian pa si Zafrina.
"Nasaan sila?"
"This way," ani Kienlee at iginiya na sila papunta sa isang sulok sa may
parteng unahan kung saan may mahabang corner sofa.
This is it, Zafrina. Sana kayanin ng powers mo ang pag-arte sa harap nilang
lahat.
"Damn it," anang isang lalaki na tumayo at nakipag-high five kay Sovereign.
"Nagpatali ka na talaga, huh?" hindi makapaniwalang wika nito na sinulyapan pa
siya. "Hi, I'm Ruin Austria," anito kay Zafrina na makikipagkamay sana sa kanya
pero si Sovereign ang humawak sa kamay nito na ikinatawa ng marami sa paligid nila.
"Hi," sabi na lang niya na kimi itong nginitian.
"Ano ba talagang meron ngayon? Lahat narito?" clueless na tanong ni Sovereign
kay Kienlee.
"Pare, mayaman si Dark. Kahit isang linggo siyang magpa-party, walang problema.
Seriously," mabilis nitong bawi na inilapit ang bibig sa may tainga ni Sovereign at
bumulong na hindi narinig ni Zafrina.
"Maupo na kayo rito," tinapik pa ni Wayne Monterey ang bakanteng upuan sa may
tabi nito.
Inalalayan naman siya ni Sovereign na maupo. Sa pinakadulo siya. Yong tipong
wala siyang makakatabing iba. Maraming pulutan sa lamesa at mga beer na nasa ice
bucket pa. Mukha namang hindi paglalasing ang inaatupag ng mga naroon. Karamihan
kasi sa bote ng beer ay puro mararami pang laman. Mas busy pa sa
pakikipagkuwentuhan ang mga naroon. Hindi siya maka-relate dahil patungkol sa
negosyo ang mga topic.
Pero dahil naroon na si Sovereign kaya ito ang naging topic ng mga kaharap
nila. Lumapit pa ang isang waiter sa kanila at inabutan si Zafrina ng isang tall
glass ng ice tea na may straw pa.
"Hindi mo ba ipapakilala sa amin ang asawa mo Reign?"
"Hindi," sarkastikong wika nito kay Ashton. "Just kidding," mabilis din nitong
bawi. Inakbayan pa siya nito. "You all, meet my wife, Zafrina," pakilala na sa
kanya ni Sovereign.
Kaswal na ngiti lang ang ibinigay ni Zafrina sa mga ka-member nito.
"Ano namang nagustuhan mo kay Reign at pumatol ka sa kanya?" nakangisi pang
tanong ni Ruin kay Zafrina.
Napasulyap siya kay Sovereign na umakmang babatuhin ng mani si Ruin. "Mabuti
siyang tao," sagot na rin niya. "Maasikaso rin. He cared a lot." Totoo naman ang
mga sinabi niya. Nginitian niya si Sovereign nang bumaling ito sa kanya. Maraming
nagguwa-gwapuhan sa lugar na iyon ngunit hayon at si Sovereign lang ang para sa
kanya ay nakahihigit sa lahat.
"Love is blind," kantiyaw pa ni Kienlee.
"So, bulag din si Johairah?" balik dito ni Sovereign na ikinatawa na naman ng
marami.
"Mukhang nagkakasiyahan na kayo masyado rito," anang bagong dating.
Napatingin doon si Zafrina. Hindi siya nagpahalata na natigilan nang makita si
Liam Montiger. Kilala niya ang mukha nito dahil isa ito sa s-in-earch niya sa
Google. Ang lalaking nakakaalam na palabas lang ang lahat sa pagitan nila ni
Sovereign. Napainom tuloy siya ng wala sa oras sa ice tea niya.
"Hi," nakangiti pang bati sa kanya ni Liam. Makahulugan ang tinging ibinigay
nito sa kanya. Kakaiba ang ngiting naglaro sa labi nito nang balingan nito si
Sovereign. "Kanina pa kayo?"
"Kadarating lang din namin," ani Sovereign na kumuha ng isang bote ng beer at
binuksan. Kumuha pa ito ng isang tissue at ibinalot sa bote. Uminom ito roon.
Sunod namang dumating ay si Mark Brice na medyo kumunot pa ang noo nang makita
siya. "Did we met before?"
Bigla ay naalala niya iyong eksena sa Alager kung saan gumawa ng kumusyon ang
dalawang atribidang babae. Bukod kay Sovereign ay lumapit din ito sa kanila.
"Ah, I remember now. Sa Alager. I think may LQ kayo noon ni Reign dahil galit
ka sa kanya. Pina-ban pa niya sa Alager 'yong nang-away sa iyo."
"Woah! May pa-ban ka pang nalalaman, Reign?" hindi makapaniwalang wika ni
Wayne. "Sabagay, kapag asawa ko ang inaway, baka hindi lang pagpapa-ban ang gawin
ko." Tinapik pa nito sa balikat si Sovereign.
Tumikhim si Sovereign. "May hindi lang kami pagkakaintindihan noon."
Totoo naman iyon. Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan iyon ni Sovereign.
Pinisil pa nito iyon. Gumanti siya ng pisil. Pagkuwan ay gumanti rin siya ng hawak
sa kamay nito.
"Okay ka lang?" bulong pa nito sa may tainga niya.
Bahagya niyang ipinaling ang mukha rito. Sandali niyang napigil ang paghinga
dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. "Okay lang." Nginitian pa niya ito. Naiilang
siya pero alam naman niyang hindi siya nito pababayaan.
"Just tell me kung may gusto kang kainin."
Tumango siya. Hindi lang siya nakapagsalita nang halikan pa siya nito sa pisngi
niya bago ito umayos sa pagkakaupo.
"Samantalang dati, ayaw na ayaw madidikitan ng babae," pasaring na naman ni
Ruin kay Sovereign nang makita ang ginawa nitong paghalik sa pisngi ni Zafrina.
Nahinto lang ang pang-aasar ng mga naroon kay Sovereign nang ianunsiyo ni Yahir
Martini ang pagdating ni Daizuke Niwa. Kasama nito si Jamil Ladjasali.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 20

DAHIL curious si Zafrina sa tinutukoy ng kanyang pinsan na


si Zabrielle, na gusto nitong makita sa Pagbilao City, kaya naman halos hindi niya
alisin ang tingin sa papalapit na si Daizuke Niwa. He has this kind of a powerful
appearance. Maybe because of his built, good looks and aura? Right, like Sovereign,
he's too perfect.
Hindi na siya magtataka kung bakit ganoon na lang ito kagustong makita ng
kanyang pinsan. Bata pa ring maituturing si Daizuke ngunit sa edad nito ay halos
narito na lahat. Successful din ang business nito.
Napakurap-kurap lang siya nang hawakan ni Sovereign ang pisngi niya at marahang
ipaling dito ang mukha niya. Blangko ang ekspresyon ng guwapong mukha ni Sovereign.
"'Wag kang magpaka-obvious sa harapan ni Dark. I warning you, Zaf," anito na
sapat lang upang marinig niya. Maging ang klase ng tingin nito ay nagwa-warning
din.
Kumunot tuloy ang kanyang noo. Ano ba'ng pinagsasabi ni Sovereign? "Ano ba'ng
iniisip mo?"
Binitiwan na nito ang mukha niya at hindi na sinagot ang tanong niya. Muli
nitong kinuha ang bote ng beer nito at uminom doon.
"Hon, 'wag kang masyadong uminom," bigla ay saway niya rito. Tipong natural
lang na lumabas sa bibig niya. Narinig pa niya ang pagtikhim ni Liam bagay na hindi
niya pinagkaabalahang tingnan.
Maging si Sovereign ay bahagya pang nasamid sa iniinom nito. Napangiti si
Zafrina. Pagkuwan ay hinagod niya ang likod nito. Ibinaba na nito sa lamesa ang
bote at muli siyang binalingan. May amusement na mababakas sa mga mata nito habang
nakatitig sa kanya. Amuse ito sa lantarang paggamit niya ng endearment nila kahit
na maraming makakarinig.
"Mataas ang tolerance ko sa alcohol. No worries."
"So?"
"Fine," anito na hindi na nakipagtalo pa sa kanya.
Muling napasulyap si Zafrina kina Daizuke nang makalapit ito sa kinaroroonan
nila. May dalawang bouncer pa ang nagdala ng isang high back rest, na single velvet
sofa, para kay Daizuke. Para may maupuan ito.
"Sa wakas naligaw ka rin dito, Reign," ani Daizuke kay Sovereign nang makaupo
ito. Kaswal lang ang pagkakasabi nito niyon.
"Actually, Dark, napipilitan lang pumunta rito si Reign," nakangising wika ni
Liam. "Simula nang magsama sila ng asawa niya sa kanila, nawalan na ng time sa
atin."
"Liam, ganoon talaga kapag nag-asawa na. Syempre, mas uunahin mo ang asawa mo
kaysa sa pansariling kasiyahan. Hindi na binata si Reign na katulad mo," sansala ni
Keigo Mori. "Mag-asawa ka na rin para naman maka-relate ka sa sinabi ko."
"End of the world na kapag may pumatol diyan kay Liam para magpatali,"
nakangisi namang wika ni Ashton.
"Doc Ashton, hindi ka yata aware sa mga babaeng halos magsabunutan ma-i-date ko
lang?"
"Enough," saway ni Daizuke. Muli nitong itinuon ang tingin kay Sovereign.
"Reign, ayaw kong mababalitaan na sooner or later ay maghihiwalay rin kayo ng asawa
mo. Dahil once na dumating sa ganoong point, i-ti-terminate ko ang membership mo sa
Club ko."
Natigilan silang lahat sa sinabi ni Daizuke. Maging si Liam ay nabura ang ngiti
sa labi.
Si Jamil ang unang nakabawi. "That's too much, Dark."
"Paano kung si Zafrina ang gustong makipaghiwalay?" apila rin ni Mark Brice.
Nagkibit-balikat si Daizuke. "Terminate pa rin."
"Paano kung walang forever?" sabat ni Ruin.
"Bakit terminated agad? Hindi ba puwedeng ban muna?" apila rin ni Yahir
Martini.

"Marunong pa kayo sa desisyon ko? Reign," muling baling


dito ni Daizuke. "Nagkakaintindihan ba tayo?"
Speechless pa rin si Sovereign kaya naman nagpatuloy si Daizuke.
"Dahil naniniwala akong sagrado ang kasal. Kaya kung sino man sa inyo ang
magpapakasal na lang ng biglaan, siguraduhin ninyong hindi sa hiwalayan ang punta.
Alam niyo naman siguro 'yong kasabihan ng matatanda na hindi parang mainit na kanin
lang 'yon na kapag napaso ka ay iluluwa mo rin agad. Tapos hindi pa nang-invite."
"Ayon, lumabas din ang totoo. Hindi na-invite si Dark kaya masama ang loob,"
natatawang biro ni Kienlee.
"Not really. Anyways, mukha namang walang balak si Reign. Kaya walang dapat na
ipag-alala tungkol sa termination ng membership."
Hinawakan ni Zafrina ang kamay ni Sovereign. Alam niyang maski ito ay nabigla
sa sinabi ni Daizuke. At isa lang ang puwede niyang gawin. Hindi siya dapat
magpaapekto sa banta ni Daizuke.
"That won't happen," ani Sovereign. Seryoso ang anyo nito habang matapang na
sinalubong ang tingin ni Daizuke na ilang sandaling nakipagtagisan ng tingin kay
Sovereign.
"Well," bahagyang ngumiti si Daizuke. May kinuha itong maliit na box sa bulsa
ng coat nito at inilapag sa lamesa. "Buksan mo, Reign."
Maging si Zafrina ay napatutok ang tingin sa maliit na box. May naka-engrave
pang UHB, na kulay gold ang bawat letra, sa ibabaw ng velvet box na kulay itim.
"Wew," react ni Kienlee nang mahinuha kung ano ang laman niyon.
Binitiwan niya ang kamay ni Sovereign nang kunin nito ang box. Nang buksan iyon
ni Sovereign ay halos mapigilan ni Zafrina ang paghinga. Tumambad sa kanila ang
dalawang infinity ring na kulay gold. Mukhang mamahalin iyon at hindi basta-basta.
"UHB Infinity Ring 'yan, 'di ba?" gulat na wika ni Ashton.
Napatingin si Sovereign kay Daizuke. "Dark-"
"Lahat ng member dito sa Leisure Club na kasal na, binibigyan ko talaga ng
ganyan. I think, that's the best gift na maibibigay ko. Sa loob niyan ay may naka-
engrave na UHB. Totoong ding gold 'yan, Reign. Kaya 'wag mong isasanla."
Her heart aches. Dahil alam naman niya na matatapos din ang kung ano mang
mayroon sa kanila ni Sovereign. Hindi siya karapat-dapat sa singsing na iyon. It's
symbolize the infinity. Lihim siyang lumunok. Hayon at nananakit ang lalamunan
niya.
"Isuot mo na 'yong maliit sa asawa mo," utos ni Daizuke. "Zafrina," baling pa
sa kanya ni Daizuke.
Napasulyap pa si Sovereign kay Zafrina nang ibaling niya ang tingin kay
Daizuke. Humigpit ang kapit ni Sovereign sa velvet box.
"Kahit hindi mo kasama si Reign, kapag pumunta ka rito sa Club, magkakaroon ka
pa rin ng access basta suot mo 'yong singsing. Isa 'yon sa benefits kapag asawa ka
ng member dito sa Club. Puwede mong ma-access lahat. Maliban na lang sa security
building"
Marahan siyang tumango. Bahagya siyang tumikhim para kahit paano ay hindi
mabasag ang boses niya. "Thank you." Napatingin siya kay Sovereign nang kunin nito
ang kanan niyang kamay at isuot doon ang infinity ring ng UHB Leisure Club. Maganda
sa kamay niya ang singsing. Ngunit kung maaari lamang ay hinubad na niya iyon at
ibinalik sa maliit na kahon. Kumibot ang labi niya. Sobrang nagi-guilty siya ngunit
sinikap niya iyong itago. She likes the ring a lot. Pero alam niyang hindi iyon
para sa kanya. Piniligilan niyang maluha nang mga sandaling iyon.
"Your turn, Zafrina," ani Daizuke.
Niyukom muna niya ang kamay bago kinuha ang natirang singsing sa velvet box na
para kay Sovereign. Sinikap din niyang hindi manginig ang kamay niya. Maraming mga
mata ang nakatutok sa kanila ngayon at ayaw niya sa lahat ay iyong nase-sentro ng
atensiyon. Natatakot siyang magkamali. Hinawakan niya ang kanang kamay ni
Sovereign. Hindi niya napigilan ang sarili na sulyapan ito nang halos maisuot na
niya ang singsing sa ring finger nito.
Sana... sana kasi totoo na lang...
Pakiramdam niya ay lalong mas lumaki ang kasinulingang iyon. Na dapat ay para
sa pamilya lang ni Sovereign. Paano na ngayon? Apektado ang pagiging member nito sa
Club kapag nagkataon. Animo may pinong kurot siyang naramdaman sa puso niya.
Masakit. Nasasaktan siya sa consequence ng kasinungalingan nilang iyon ni
Sovereign.
"To infinity and beyond!" malakas na wika ni Yahir Martini sa microphone na
nagpabalik sa wisyo ni Zafrina.
Napakurap-kurap siya nang marinig ang palakpakan sa paligid.
"Nabasbasan na ng Club ang pagsasama ninyong mag-asawa," ani Jamil. "Wala bang
kiss diyan?"
At halos lahat nga ay nag-chant ng 'kiss'. Pinamulahan ng pisngi si Zafrina.
Piping hiling niya ay matapos na ang gabing iyon. Nang muli niyang tingnan si
Sovereign ay animo namamaalam pa ang klase ng tingin nito para pagbigyan ang
request ng mga naroon. Wala na ring nagawa na marahan niya itong tinanguan.
Nang ilapit ni Sovereign ang mukha sa kanya ay unti-unti niyang ipinikit ang
mga mata. Mabining halik lang ang ibinigay sa kanya ni Sovereign. Ngunit nang
imulat niya ang mga mata at magtama ang mga tingin nila, sa isang iglap animo
nawala ang mga naroong tao. Ito lang ang nakikita niya. Iyong klase ng titig nito
sa kanya, bakit ganoon? Bakit parang puno ng pagmamahal? Dinadaya lang ba siya ng
paningin niya? Her heart aches even more. Dahil ayaw niyang umasa.
"Cheers!"
Napakurap-kurap si Zafrina. Nagbawi na rin siya ng tingin. May kanya-kanya ng
hawak ng bote ng beer ang mga naroon. Hinawakan ni Sovereign ang bote nito at
itinaas.
"Cheers!"
Kinuha ni Zafrina ang tall glass na may ice tea at iyon ang itinaas. "Cheers,"
anas niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 21

MARAHAS na pinalis ni Zafrina ang luhang namalisbis sa


pisngi niya matapos titigan ang infinity ring sa palasingsingan niya. That means
everything. Nagi-guilty siya pero wala naman siyang magagawa sa ngayon.
Tumingala siya sa madilim na kalangitan na nalalatagan ng mga bituin. Nasa
terrace siya ng suite nila ni Sovereign. Kauuwi lang nila sa Hotel galing sa Night
Out Bar. Si Sovereign ay dumiretso sa nag-iisang banyo sa suite na iyon. Siya naman
ay pumunta agad sa terrace para lumanghap ng sariwang hangin.
Isa lang ang hiling niya, na sana patawarin sila ng lahat.
"Zafrina."
Muli niyang pinalis ng kamay ang luha sa pisngi at mga mata niya nang marinig
ang boses ni Sovereign. Hindi siya nagtangka na lingunin si Sovereign dahil ayaw
niyang makita siya nito sa ganoong sitwasyon.
"Mahamog na rito sa labas," bakas ang pag-aalala sa boses nito. "Baka sipunin
ka."
"Five minutes," pakiusap niya.
Bumuntong-hininga si Sovereign. Pagkuwan ay tumabi ito sa kanya. "May problema
ba?"
Umiling siya at ipinaling sa hindi kita ni Sovereign ang luhaan na naman niyang
mukha. Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi dahil sa pagpipigil na mapahikbi.
She's too emotional that moment. At hindi niya kayang pigilan iyon.
"Zafrina, you tell me. Ramdam kong may problema. Voice it out."
Pasimple niyang pinahid ang luha sa mga mata niya. "N-Na..." lumunok muna siya
para hindi mabasag ang boses niya. "Nagi-guilty ako, Sovereign."
Namayani ang katahimikan. Maging si Sovereign ay hindi agad nakapagsalita.
Huminga ito ng malalim. "It's my fault. Kung ano man ang maging resulta nito, kaya
ko 'yong harapin at labas ka roon. Hindi ka madadamay, Zafrina."
"Matatanggal ka rito sa Club kapag nalaman nila 'yong totoo."
"Kung 'yon na talaga ang desisyon ni Dark, wala na akong magagawa pa roon."
Umiling siya. Muli na namang naiiyak lalo.
"Honesty, isa 'yon sa rule dito. At simula pa lang noong araw na makita nila
itong singsing na suot ko, nilabag ko na 'yong rule na 'yon. 'Wag mo ng isipin
'yong nangyari kanina sa Bar. Una pa lang, tinanggap ko na kung ano'ng magiging
consequence nitong pinasok ko. No need to be guilty, Zafrina. It's my fault,
anyways."
"Mas nagi-guilty ako dahil... dahil sa infinity ring. Hindi ako karapat dapat
sa singsing na ito."
Unang gabi pa lang nila sa Leisure Club pero iyon na agad ang naging umpisa.
Iyong katotohanan na dapat ay hindi siya dinala ni Sovereign sa lugar na iyon.
Ngunit wala rin itong nagawa kundi dalhin siya. At si Daizuke Niwa, binigyan sila
ng UHB Infinity Ring. Na hindi naman talaga dapat para sa kanya.
"Well, about this ring. Medyo nagi-guilty rin ako. Pero sa ngayon, wala pa
tayong magagawa kundi ang isuot ito. Anyways, your time is up. Tara na sa loob."
Huminga muna siya ng malalim. "Susunod na ako."
"Zafrina, 'wag mong hintayin na buhatin pa kita papasok sa loob."
Pinalis muna niya ang luha sa pisngi niya bago pumihit paharap sa may pinto ng
terrace. Pero hayon at nang pumihit siya ay mabilis ang naging kilos ni Sovereign.
Tiningnan agad nito ang mukha niya. Dahil natatamaan ng liwanag ang mukha niya na
nagmumula sa loob ng suite kaya naman hindi na niya naitago pa rito ang pamumula ng
ilong niya at pamumugto ng mga mata niya.
He sighs. "Zafrina," anas nito sa pangalan niya bago siya kinabig para yakapin.
"I told you. 'Wag mo ng gawing big deal 'yong nangyari kanina. At hindi mo rin
kailangang alalahanin kung matanggal man ako rito. Hindi 'yon as in big deal.
Kaibigan ko pa rin silang lahat. Hmmm?"

Isinandig niya ang pisngi sa dibdib nito. "Sigurado ka bang


okay lang 'yon sa iyo?" Paano kung sabi lang nito iyon para gumaan ang pakiramdam
niya? "Sovereign, alam kong hindi okay."
"Zafrina, kapag sinabi kong okay lang, I mean it."
"Hindi ako naniniwala," aniya na kumalas na rito. Suminghot pa siya dahil
sinisipon na siya dulot ng pag-iyak kanina. Nagpatiuna na rin siya sa loob ng
suite.
Pagkakuha sa pantulog niya sa cabinet na pinaglagyan niya ng mga damit niya ay
dumiretso na rin siya sa banyo para maglinis ng sarili. Pagkalabas niya ay agad
dumako ang tingin niya kay Sovereign na nakahiga sa isang side ng kama.
"Sa kama ka ba tutulog?" aniya nang makalapit dito.
Nagmulat ng mga mata si Sovereign. "Hmmm. Nami-miss na ng likod ko ang malambot
na kama." Nang tingnan ni Zafrina ang couch na naroon ay mabilis na umupo si
Sovereign. "Hindi ka tutulog sa sofa," mabilis nitong kontra sa iniisip niya.
"At hindi rin ako matutulog sa tabi mo, Sovereign." Kinuha niya ang isang
malaking unan sa kama.
Mabilis namang napigilan ni Sovereign ang kamay niya na bahagyang ikinasinghap
ni Zafrina. Napalunok pa siya nang unti-unting umangat ang tingin niya sa guwapong
mukha ni Sovereign. Mataman itong nakatitig sa mukha niya. Bigla na naman siyang
nakaramdam ng pagkailang.
"Fine. Dito ka na. Ako na uli ang mag-a-adjust," anito bago binitiwan ang kamay
niya. Kinuha na nito ang unan na dapat ay kukunin niya bago bumaba sa kama.
Nasundan ni Zafrina ng tingin si Sovereign. Sa laki at tangkad nito ay mukhang
hindi naman nito mapagkakasya ang sarili sa naroong couch. Napabuntong-hininga si
Zafrina.
"Sige na. Dito ka na rin matulog. 'W-Wag ka lang malikot," pagpayag na niya.
Malaki naman ang naturang kama. Nag-iwas siya ng tingin nang pumihit paharap sa
kanya si Sovereign. "Hindi ka naman makakatulog ng maayos diyan sa upuan dahil ang
laki mo." Tinalikuran niya ito at kunway inayos niya ang comforter.
May naglalaro namang ngiti sa labi ni Sovereign nang maglakad ito palapit sa
nakatayong si Zafrina. Napalunok pa si Zafrina nang maramdaman ang presensiya ni
Sovereign sa likuran niya. Ni hindi siya makakibo lalo na ng ilapit nito ang mukha
sa may tainga niya. Ang mainit nitong hininga na tumatama sa may leeg niya ay
nagdudulot ng kilabot sa buo niyang katawan.
"Sa wakas naawa ka rin sa akin." Nangingiti pa ito nang lampasan siya at
sumampa na ulit sa ibabaw ng kama.
Lihim siyang lumunok. Pilit niyang iwinaksi ang naramdamang kilabot dahil dito.
Walang imik na kinuha niya ang ilang unan at inilagay sa gitna ng kama. Iyon ang
magsisilbing boundary nila. "Bawal kang lumampas diyan," aniya na humiga na rin
patalikod dito at ibinalot ang sarili sa comforter.
Ipinikit na ni Zafrina ang mga mata para lang muling mapamulat nang maramdamang
tanggalin ni Sovereign ang mga unan sa pagitan nila. Napaupo tuloy siya para
kastiguhin ito.
"Sovereign," may warning sa boses niya nang banggitin ang pangalan nito.
Nakaupo rin ito katulad niya.
"What? Mababa ang unan ko. I need more."
Napatingin siya sa tatlong unan na magkakapatong. Eh, sa pagkakatanda niya
dalawang unan lang ang pinagpapatong nito kapag natutulog ito. "Masyado naman
yatang marami ang unan mo?"
"Ang dami mong napapansin."
Walang imik na kinuha niya ang unan niya at iyon ang inilagay sa pagitan nila.
Naiimposiblehan tuloy siyang tiningnan ni Sovereign.
"Zafrina, 'wag mo namang gawing obvious na obvious na ayaw mong katabi ang
isang Sovereign Millares sa pagtulog."
Ayaw niyang magpakahipokrita. Gusto rin naman niyang makatabi si Sovereign.
Pero lalaki pa rin ito at ang awkward lang na magkatabi sa iisang kama ang babae at
lalaki na wala naman talagang relasyon. At isa pa, iyon ang unang pagkakataon na
may makakatabi siyang lalaki sa kama.
"Sovereign, alam ko naman na normal lang sa iyo na may nakakatabing babae sa
kama noon. Pero hindi ako. Hindi ako sanay na may katabing lalaki." Lumunok siya at
nagbawi ng tingin. "Alam mo naman na marami akong first time na... na ikaw 'yong
dahilan."
Bahagyang nakagat ni Sovereign ang ibabang-labi para pigilan ang ngiting
gustong kumawala sa labi nito. Pero hindi iyon maitatago sa mga mata nitong
matamang nakatitig kay Zafrina.
"I'm honored. Because I'm your first. First kiss, first—"
"Sovereign!" saway niya rito. Hindi niya ito lalong matingnan. Ayaw niya sa
lahat ay iyong tutudyuin siya ng ganoon dahil mangangamatis na naman tiyak ang
pisngi niya.
"What?" kunway tanong pa nito. "You're blushing, hon," he even teased.
"Ang kulit mo." Bumalik na siya sa pagkakahiga patalikod dito. Umunan siya sa
kanyang braso. "Good night."
Naiiling na kinuha ni Sovereign ang isang unan nito at ito na mismo ang
naglagay sa may ulunan niya. Maingat nitong iniangat ang ulo niya at maingat ding
inihiga nang mailagay na nito ang unan.
"Good night," anito na hinalikan pa siya sa pisngi.
Dahil nagulat sa ginawa ni Sovereign kaya naman wala sa wisyong napalingon siya
rito para sana sawayin ito. Pero hayon at na-stock na sa bibig niya ang sasabihin
nang sa pagpaling niya kay Sovereign ay magtama ang mga labi nila. Maging si
Sovereign ay hindi rin agad nagawang makakilos sa nangyari.
Pakiramdam din ni Zafrina ay na-freeze ang lahat sa kanya. Hindi naman niya
magawang itulak palayo si Sovereign.
Ngunit nang makabawi si Sovereign at unti-unting ilayo ang labi sa kanya ay
parang gusto niya itong pigilan. Siguro nga, ilang beses na nang mag-kiss sila.
Pero kahit minsan, ni hindi niya maisip na umaarte lang ito dahil kailangan sa
palabas. Dahil pakiramdam niya ay totoo iyon. Nababaliw na ba siya para isipin ang
bagay na iyon?
"Matulog na tayo," ani Sovereign na mukhang pinipigilan lang ang sarili na muli
siyang halikan. Humiga na ito sa kabilang side ng kama. Napatitig pa ito sa kisame
habang ang isang braso ay nakapatong sa may noo nito.
Napalunok si Zafrina. Pagkuwan ay umayos na ng higa. Nakagat niya ang ibabang-
labi. Hindi niya mapigilan ang mapangiti bago ipinikit ang mga mata.
☆☆☆☆☆
Author Notes:
Salamat sa paghihintay. Sana ay nagustuhan po ninyo ang Chapter na ito.
Leave a comment po regarding sa Chapter na ito. I'll read it all.
Thank you,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 22

NANINIBAGO talaga si Zafrina sa awra ni Sovereign nang


umagang iyon. Panay ang ngiti nito. Parang ni hindi ito na-stress sa pinagsasabi ni
Daizuke kagabi sa Night Out Bar. Tipong parang sobrang sarap pa ng naging tulog
nito.
Ibinaba ni Zafrina ang hawak na suklay pagkuwan ay matamang pinagmasdan si
Sovereign. Katatapos lang niyang maligo pati si Sovereign na mas nauna sa kanya. Sa
may Bay View Restaurant daw sila mag-a-almusal.
"Bakit parang ang saya-saya mo?" puna na niya sa binata na nagsusuot ng sapatos
habang nakaupo sa gilid ng kama.
Nang sulyapan siya ni Sovereign ay tila mas lumawak pa ang ngiti sa mga mata
nito. "Bakit ang dami mong napapansin?" imbes ay balik tanong nito.
Hindi ba talaga rito big deal ang naging desisyon ni Daizuke Niwa? O baka naman
dahil masarap lang talaga ang naging tulog nito kagabi kaya kakaiba ang awra nito
nang umagang iyon? Mas nauna itong nagising sa kanya dahil nang magmulat siya nang
mga mata ay wala na ito sa kamang tinutulugan nila. Siya naman ay deretso ang
naging tulog at umaga na rin nang magising.
Natigilan siya noong maisip ang puwesto kanina ng magising siya, wala na nga sa
tabi niya si Sovereign ngunit wala na rin sa gitna ng kama ang unan na nakapagitan
sa kanila. At nakaharap siya sa puwesto ni Sovereign.
Napalunok si Zafrina na baka may kinalaman ang puwesto nila sa pagtulog kagabi
kaya ngiting-ngiti si Sovereign. Dream on, Zafrina. 'Wag kang assuming masyado,
epal ng kanyang isipan. Bahagya niyang ipinilig ang ulo. Hindi naman siguro sila
nagdikit ni Sovereign?
Napakurap-kurap siya nang makitang tumayo na si Sovereign. Tapos na ito sa
pagsasapatos.
"Let's go?" baling nitong muli sa kanya.
Walang imik na sumunod siya rito. Masyado siyang ginugulo ng pagiging good mood
nito nang umagang iyon. Hanggang sa makarating sila sa restaurant kung saan tanaw
na tanaw ang view ng dagat buhat sa malayo, sandaling naagaw ng magandang view na
iyon ang atensiyon ni Zafrina.
"After gazillion years, naligaw ka rin sa wakas sa restaurant ko," nakangisi
pang biro ng lalaking sumalubong sa kanila ni Sovereign nang makaakyat sila sa
pangalawang palapag ng naturang restaurant.
"Yuji, malapit ko ng ipagpalit ang restaurant mo," nakangisi ring wika ni
Sovereign sa tinawag nitong Yuji.
Nabaling doon ang tingin ni Zafrina.
"Hi," nakangiti pang bati sa kanya ni Yuji.
Gaganti sana siya ng pagbati rito nang hapitin siya ni Sovereign sa kanyang
baywang. Napasulyap tuloy siya rito.
"Mag-aalmusal kami rito ng asawa ko," ani Sovereign na nagpaalam na rin kay
Yuji. Hindi na nito hinintay na magsalita si Yuji dahil iginiya na rin nito ang
dalaga papunta sa may veranda ng restaurant kung saan mas maganda ang view ng
tanawin ng dagat.
Ipinaghila siya ni Sovereign ng bangko na nakapaharap sa may view ng dagat.
Nang makaupo siya ay naupo na rin ito sa may tabi niya.
Talagang pinaninindigan nito na bawal siyang makipag-usap sa mga ka-member
nito. Daig pa nito ang selosong asawa sa inaakto nito. Bahagya niyang nakagat ang
ibabang-labi sa naisip. Nagseselos nga kaya ito? O baka naman, ayaw lang nito na
mabubulilyaso ang pagpapanggap nila? Napabuntong-hininga siya kapag kuwan.
"What do you want for breakfast?"
Napasulyap siya sa menu book na nakalapag sa may tapat niya. Kinuha niya iyon
at naghanap ng makakain. Wala siyang ibang mapili. "Vegetable salad. Saka lemon
juice."
"Ano pa?"
"'Yon lang." Ibinaba na niya ang menu book at muling ibinaling ang tingin sa
may dagat.

"Diet ka ba?" may pagtataka pa sa boses ni Sovereign.


"Hindi naman. Try ko lang kung masarap ang vegetable salad nila."
Tumikhim si Yuji na lumapit sa table nila. Ito ang maglilista ng order nila.
"The best ang vegetable salad namin dito. Baka nga makalimutan mo na asawa mo si
Reign," tumawa pa si Yuji Sakai ng sabihin iyon.
"Shut up," Sovereign hissed.
Napangiti si Zafrina sa naging reaksiyon ni Sovereign. Nang sabihin ni
Sovereign ang order nito ay halos ipagtabuyan na nito palayo ang kaibigang si Yuji.
"Sovereign," aniya na mataman itong pinagmasdan.
"What?" hindi na naalis sa guwapong mukha nito ang tila inis. Samantalang
kanina ay tila napakaganda ng umaga nito.
Pinisil niya ang tungki ng ilong nito dahilan para mapatitig ito mukha niya.
Nginitian niya ito. "Kanina ngiting-ngiti ka. Ngayon naman ay hindi maipinta ang
mukha mo."
Hinawakan nito ang kamay niya at ibinaba. "Babae lang ba ang puwedeng magbago
ang mood?"
"Daig mo pa ang nagseselos sa inaakto mo."
"I am."
Natigil ang akmang pagpaling ni Zafrina sa may view ng dagat. Muli niyang
ibinalik ang tingin kay Sovereign na seryosong nakatingin sa mukha niya. Gusto sana
niyang tawanan ang tahasang pag-amin nito pero hindi niya magawa dahil sa
kaseryosohan ng guwapo nitong mukha.
"Your kidding," anas niya sapat lang upang marinig nito.
"I'm not."
There. Nakaramdam bigla ng pagka-awkward si Zafrina dahil sa sinabi ni
Sovereign. Pati puso niya ay nagreregodon na naman. Nagbawi na siya ng tingin dahil
sobrang na-i-speechless na siya nang mga sandaling iyon. Bakit naman ito
nagseselos?
Nagbawi na rin ng tingin si Sovereign at mas piniling ituon ang atensiyon sa
cellphone nito. Yes. Sobrang awkward.

HALOS mapigil ni Zafrina ang paghinga nang tumambad sa kanya ang isang lagoon
na kulay asul na asul ang tubig. Doon sila humantong ni Sovereign matapos mag-
almusal sa Bay View Restaurant.
"Wow," hindi niya mapigilang ibulalas nang malapitan ang bungad ng lagoon.
Sobrang linaw ng tubig niyon. Bigla ay naalala niya ang Enchanted River sa
Hinatuan, Surigao Del Sur na madalas niyang makita sa documentary sa TV. Ganoong
level ang linaw ng tubig sa lagoon ng UHB Leisure CLub.
Breathtaking. Iyon ang salitang ma-i-di-discribe niya sa naturang tanawin.
"Ang ganda rito."
"Isa itong Blue Lagoon sa paborito kong spot dito sa Leisure Club," inporma ni
Sovereign na naupo sa damuhan sa gilid ng Blue Lagoon. Animo nalalatagan ng carpet
ang palibot ng lagoon dahil sa mga carabao grass na siyang pinakadamo roon.
Nalilibutan din ng mga puno ang paligid ng lagoon.
May kasama kaya ito kapag pumupunta roon? O mag-isa lang ito? Pero natutuwa
siya dahil dinala siya nito sa paborito nitong spot sa lugar na iyon.
Mabuti na lang at naka-jeans siya kaya naman walang kaso kung maupo rin siya sa
may damuhan. Naupo siya na may apat na dangkal ang layo mula kay Sovereign.
"Bakit ito ang paborito mo?" hindi niya napigilang itanong.
"Tahimik," tipid nitong sagot na deretso ang tingin sa tubig.
Dahil tila ukupado ng lawa ang atensiyon ni Sovereign kaya naman malaya itong
natitigan ni Zafrina. Hindi talaga siya magsasawang titigan ang guwapo nitong
mukha.
Nang makita ni Sovereign sa peripheral vision nito na pinagmamasdan ito ni
Zafrina ay saka lang nito nagawang magbaling ng tingin sa kanya.
"Falling for me?" he teased.
Napakurap-kurap si Zafrina. "H-Ha?"
Hindi nito inalis ang tingin sa mukha niya. "What if, you fall for me,
Zafrina?"
Tila nag-loading ng sobrang bagal ang tanong na iyon ni Sovereign kay Zafrina.
Napalunok siya. Napaka-awkward ng tanong na iyon ng binata dahilan para maging
speechless si Zafrina.
What if?
Unti-unti siyang nagbaba ng tingin. Hindi niya matagalan ang makatunaw na titig
na iyon ni Sovereign sa kanya. Ni hindi na nga siya nag-ungkat pa ng tahasang pag-
amin nito na nagseselos ito tapos ngayon ay mag-o-open naman ito ng bagong awkward
topic.
Parang gusto niyang ibalik dito ang tanong nitong iyon. Paano kung ito ang
mahulog sa kanya? Pero, 'di ba at nagseselos nga ito. Isa lang naman ang ibig
niyong sabihin... pero hayon at ayaw niyang mag-conclude agad na totoo ang naiisip
niya. Paano kung hindi?
Tumikhim siya at nagbaling ng tingin sa lagoon. "B-Bakit kailangan mo akong
tanungin ng ganyan?"
Tumikhim din si Sovereign at nagbawi ng tingin. "Curious lang."
Curiosity nga lang ba talaga?
Sovereign, what if, I am? Gustong-gusto niya iyong ibulalas pero wala siyang
boses para gawin iyon. Nakagat niya ang ibabang-labi. Paano kung totoong may
meaning ang mga pagtitig sa kanya ni Sovereign?
Napasulyap siya sa kanyang daliri na kinaroroonan ng UHB Infinity Ring.
Malungkot siyang napangiti.

________________________________
AUTHOR NOTES:
Thank you for reading TBS. Please LEAVE a COMMENT regarding this Chapter. I'll
read it all. Thank you so much. Keep safe ya'll.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 23

"MAY swimming tournament kami mamaya," basag ni Sovereign


sa namumuong katahimikan.
Mula sa pagkakatitig sa asul na tubig ay saka lang nagawang sulyapan ni Zafrina
si Sovereign. "Swimming tournament?" ulit niya.
Tumango ito. "For a cost. Kung sino ang manalo. Sa kanyang charity mapupunta
ang bawat taya ng matatalo."
"Marunong kang mag-swimming?"
"Tama lang."
Nagsalubong tuloy ang kilay niya nang harapin ito. "Tama lang?" gagad niya sa
sinabi nito. "Ano 'yon? Tama lang para hindi ka malunod?"
"Zafrina, hindi naman ako sasali kung malulunod lang ako."
Pero hindi pa rin niya maiwasan ang hindi mag-alala. "Sino-sinong kasali?"
"Lahat ng narito ngayon sa Club na member."
Mukha naman itong hindi mapipigilan kaya ano pa ba ang magagawa niya?
Bumuntong-hininga siya. "Okay."
"Panoorin mo ako mamaya."
Umiling siya. "Mag-stay na lang ako sa hotel. Ayaw kong makita na matalo ka."
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Sovereign. "How dare you? Hindi pa
nagsisimula ang laban, talo na agad ang tingin mo sa akin?"
Pinigilan ni Zafrina ang mapatawa sa reaksiyon ni Sovereign. "I'm just being
realistic, Sovereign."
Nahigit ni Zafrina ang paghinga nang bigla na lang ilapit ni Sovereign ang
sarili nito sa kanya. Napalunok siya nang halos isang dangkal na lang ang layo ng
mukha nito sa kanya.
"Well, patutunayan ko sa iyo na hindi ako matatalo mamaya."
Napalunok siya. "P-Pero paano kung matalo ka?"
"Kapag natalo ako, gagawin ko kung ano man ang gusto mo. Pero," may ngiting
gumuhit sa sulok ng labi nito. "Kapag nanalo ako, gagawin mo kung ano ang gusto
ko." Tumingin pa ito sa labi niya bago ibinalik ang tingin sa mga mata niya. "At
wala kang karapatan para tumanggi, Zafrina."
Bakit may hatid na kilabot ang sinabing iyon ni Sovereign sa kanya? Mukhang
napakalaki ng bilib nito sa sarili nito na ito ang mananalo.
Nang makabawi ay hinawakan niya ito sa balikat nito para bahagyang ilayo sa
kanya. Kahit sobrang naiilang ang pakiramdam niya ay hindi niya iyon ipinahalata sa
binata. "Okay. Balitaan mo na lang ako kung sino ang mananalo."
Pinisil nito ang baba niya. "Manonood ka. Para makita mo kung paano ako
manalo."
"Bahala na mamaya," aniya na tumayo na. Saka lang siya bahagyang nakahinga nang
maluwag.
Tumayo na rin si Sovereign. "Manonood ka at hindi ko kailangan ang pagtanggi
mo, Zafrina. No more buts."
Aapila pa sana siya nang igiya na siya nito palayo sa Blue Lagoon.
Kinahapunan nga ay wala na ring nagawa si Zafrina kundi ang sumama kay
Sovereign sa kinaroroonan ng indoor pool ng Leisure Club. Hindi na naman niya
maiwasang humanga dahil animo pang-competition talaga na hindi basta-basta ang ayos
ng naturang indoor pool na paggaganapan ng swimming tournament na kinabibilangan ni
Sovereign. Pang Olympic size ang naturang swimming pool na may fifty meter ang haba
at twenty-five meter na lapad.
Walang practice si Sovereign kaya naman hindi siya makapusta na kaya nitong
manalo. At isa pa ay hindi pa niya ito nakikitang maglangoy. Ano ba'ng malay niya?
"Reign," ngiting-ngiti pa si Liam nang salubungin sila ni Sovereign. "Hi, Zaf,"
bati pa nito sa kanya.
Zaf, mga malalapit na tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Bigla tuloy
niyang na-miss ang pamilya niya sa Sagada.

"Hi," ganti niyang bati kay Liam. Hindi lang niya ito
nagawang ngitian ng tila may warning sa tingin na ipinukol sa kanya ni Sovereign.
"Malapit na ring mag-start. We should change," baling ni Liam kay Sovereign.
"Susunod ako," ani Sovereign kay Liam. "Ihahatid ko lang si Zafrina sa uupuan
niya."
Ganoon na lang ang pagngisi ni Liam. "Siniseryoso mo naman masyado, Reign,"
iyon lang at naglakad na palayo si Liam.
Nag-iwas siya ng tingin nang balingan siya ni Sovereign. "'Wag mong
pagpapansinin si Liam."
"Kailangan ba talaga na hindi sila pansinin? Hindi ba puwede na kahit batiin
lang sila kapag binati rin nila ako?"
"Fine. Just a casual talk. Pero hindi mo sila puwedeng ngitian." Hinawakan na
nito ang kamay niya at iginiya na siya papunta sa bleacher sa gilid ng indoor pool.
"Stay here."
Bago siya maupo ay hinarap muna niya si Sovereign. "Good luck," nginitian pa
niya ito nang magtama ang mga mata nila.
"Good luck lang?" kunway taka pa nitong tanong.
Tila nanigas sa kinatatayuan si Zafrina nang kintalan siya ng halik sa labi ni
Sovereign. There, nakaisa na naman sa kanya ang ngiting-ngiting binata.
"Awww. Sana all," kantiyaw pa sa kanila ng mga nakakita sa ginawa ni Sovereign.
Napalunok si Zafrina nang makabawi. Nag-iinit na naman ang mga pisngi niya.
"Cheer for me," sabi pa sa kanya ni Sovereign bago ito naglakad pababa sa
hagdan.
Nasundan na lang ito ng tingin ni Zafrina. Bakit parang nagiging natural na
lang kung halikan siya ni Sovereign?
Ipinilig niya nang bahagya ang ulo at itinuon ang tingin sa malawak na swimming
pool. Hindi naman ganoon karami ang tao sa loob ng indoor pool. Animo isa iyong
private swimming tournament dahil parang pili lang ang mga naroong tao.
Makalipas ang ilan pang sandali ay inanunsiyo na magsisimula na ang tournament
kaya pinapupunta na sa may pool side ang mga kalahok na member ng Leisure Club.
Hindi inalis ni Zafrina ang tingin sa nilalabasan ng mga member dahil isa-isa rin
iyong ipinapakilala ng announcer ng tournament. Tatlong set iyon bago ang pinaka
final. At kasama sa first set si Sovereign.
Napigil pa niya ang paghinga nang makita ang paglabas ni Sovereign. Nakasuot
ito ng itim na swim jammer. At expose na expose ang kakisigan nito lalo na ang abs
nito. Napalunok siya. Kakaiba talaga ang dating nito sa kanya. Bahagya pa niyang
nakagat ang ibabang-labi.
Kumaway pa ito sa kanya na ginantihan niya ng bahagyang pagkaway.
"Not again, Reign. Dapat disqualified na si Reign," reklamo ng isang babae na
nasa bandang likuran niya.
Napalingon tuloy doon si Zafrina. "Bakit dapat disqualified na si Sovereign?"
hindi niya napigilang itanong sa babaeng may kalong na batang lalaki.
"Pinaglihi yata sa isda 'yan, eh," natatawa nitong biro.
Hindi niya maiwasang hindi mapatawa sa sinabi nito. Muli niyang ibinalik ang
tingin sa kinaroroonan ni Sovereign. Nasa lane four ang binata. Nag-stretching na
ito. Inayos din nito ang swim cap sa may ulo nito. Pagkuwan ay ibinaba sa may mata
ang suot na goggles nang pumito na ang referee. Freestyle ang stroke ng naturang
swimming tournament na may one hundred meter miles.
"Hindi naman lahat magagaling talaga sa sport na 'yan," inporma ng babae sa
likuran ni Zafrina. "May kulelat din. Ewan ba kay, Daizuke, ang lakas minsan ng
tama. Biruin mo, bawal tumanggi kapag may mga ganitong activity dito sa Club niya."

"Paano 'yong mga busy sa trabaho?"


"Mas malaki ang itataya nilang pusta. For example, one million ang nakatalagang
pusta. Times two noon ang ibibigay ng mga hindi naka-attend. By the way, my name is
Paige."
Nilingon iyon ni Zafrina. Tinanggap niya ang kamay nito nang ilahad nito iyon
sa harap niya. "Zafrina," nakangiti niya ritong pakilala. Tumayo siya at lumipat ng
upo sa may tabi nito. Napangiti siya nang makitang nakatitig sa kanya ang anak
nitong batang lalaki na sa tantiya niya ay nasa isang taon ang edad. "Hi, baby
boy," bati pa niya sa guwapong bata.
Napatawa si Paige nang sumiksik ang mukha nito sa may dibdib nito. "Mukhang
nahihiya si Kheno."
Nang muling marinig ang pagpito ng referee ay muling ibinalik ni Zafrina ang
tingin sa kinaroroonan ni Sovereign.
"Take your mark."
Nang mag-beep na at magsimula na ang swimming tournament na iyon ay halos hindi
siya kumukurap habang habol ng tingin si Sovereign. Nang makarating sa dulong
bahagi ng swimming pool ang binata at maglangoy pabalik ay halos pigil naman ni
Zafrina ang paghinga. Nangunguna si Sovereign.
"See? Pinaglihi yata sa isda si Reign," ani Paige na napatawa pa nang makita si
Wayne Monterey na nahuhuli. "Kawawang Wayne."
Saka lang nakahinga nang maluwag si Zafrina nang matapos ang first set ng
laban. Nanguna si Sovereign. Napangiti pa siya nang kawayan siya ni Sovereign. Alam
niyang may kinalaman sa pustahan nila ang kakaibang ngiti sa mukha ng binata. At
ano naman kaya ang ipapagawa nito sa kanya na hindi niya dapat tanggihan kung
manalo ito sa pinaka-final?
"Palagi ba silang may tournament dito sa Club?" baling niya kay Paige.
"Yes. Every other month may tournament sila na for a cost naman. Kaya enjoy na
sila, nakatulong pa sila sa mga nangangailangan. Instant bonding din ng mga member
dito. Minsan bukod sa charity, lalo na 'yong mga tinatamaan ng kalamidad, doon
napupunta 'yong napanalunan nila."
Napatango-tango siya. Kaya hindi kataka-taka na close na close rin ang mga
member sa isa't isa. Iyong tipong brotherhood ang turingan.
Nang matapos ang tatlong set. Ang first ten na nanguna sa pinakamabilis na oras
ng paglalangoy ang siyang maglalaro para sa final. Isa na doon si Sovereign na
bumalik na sa may gilid ng swimming pool ng tawagin ang pangalan nito. Kasama nito
sa final sina Liam Montiger, Jamil Ladjasali, Daizuke Niwa, Yuan Gabriel Diaz, Sef
Santiago, Keigo Mori, Twix Madrigal, Yuji Sakai at Tadashi Monterey.
Tahimik naman niyang pinanalangin ang kaligtasan ni Sovereign. Nang mag-umpisa
ang final round ay pigil na naman ni Zafrina ang paghinga. Lalo na nang halos
magpantay sina Sovereign at Tadashi.
"Wow," bulalas ni Paige. Halos sabay na sabay si Sovereign at Tadashi.
"Dikit na dikit ang laban. Sino kaya ang nanalo?" aniya.
"'Yon ang tanong."
Napatingin silang lahat kay Wayne nang pumunta ito sa may unahan. May dala
itong mic. "Malalaman po kung sino ang nanalo over dinner sa Club House. See you
there tonight. Sagot po ni Daizuke ang dinner dahil malinaw na natalo siya."
"At talagang may pabitin pa sila," napailing si Zafrina.
"Ganyan naman 'yang mga 'yan kapag halos sabay na sabay nakarating sa finish
line ang mga manlalaro. Pa-suspense, lalo na sa pag-a-announce ng winner."
Hindi nagtagal ay nilapitan na rin siya ni Sovereign. Bihis na uli ito.
"Nakita mo naman siguro kung paano ko sila talunin," nakangisi pa nitong wika
nang makalapit sa kanya.

Kunway tinaasan niya ito ng kilay. "Mister, mukhang si


Tadashi ang nanalo," aniya ng makatayo.
"Tss. Magkakaalaman mamaya," anito na iginiya na siya pababa sa hagdan.
Kumapit siya sa may braso nito. "Pero congrats pa rin. Ang galing mo palang
maglangoy."
Lumawak lalo ang ngiti sa labi ni Sovereign. "Swimmer ako noong high school,"
pagyayabang pa nito.
"Kaya naman pala ang lakas ng bilib mo sa sarili mo. Pero ano'ng malay mo? Baka
natalo ka ni Tadashi."
"We'll see."
Nang makabalik sila sa hotel suite nila ay dumiretso agad si Sovereign sa kama.
Padapa pa itong humiga. Napagod siguro ito sa naging tournament kanina.
Naglakad siya palapit sa kama at naupo sa gilid niyon. Pinagmasdan niya si
Sovereign. Nakapikit ito.
Maingat na humiga siya sa may unan. Doon ay tahimik niyang pinagmasdan ang
guwapong mukha ni Sovereign. Umangat ang kaliwa niyang kamay para sana paglandasin
sa pisngi nito pero hindi naman niya magawang ilapit sa mismong mukha nito ang
kamay niya. Ibinaba na lang niya iyon.
Nang magmulat ng mga mata si Sovereign ay mabilis namang pumikit si Zafrina.
Napangiti si Sovereign.
"Hilig mo talaga akong titigan," tudyo ni Sovereign kay Zafrina.
Hindi siya sumagot o nagmulat ng mga mata. Pinanindigan ang kunway pagtulog-
tulugan. Pero nang maramdaman ang mainit na daliri ni Sovereign na naglandas sa
pisngi niya ay hindi na niya napigilan ang sarili na hindi magmulat ng mga mata.
Lihim siyang napalunok nang makaramdam ng kakaibang kilabot dulot ng pagdikit ng
kamay nito sa kanya.
Muling ngumiti si Sovereign nang magtama ang mga tingin nila.
Sa huli ay hindi rin napigilan ni Zafrina ang gantihan ang ngiti nitong iyon.
She can't help it. Lalo na at hindi niya masaway ang pusong nagpapasaway dahil kay
Sovereign.
"Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko kaninang umaga," bigla ay wika nito.
"Alin?"
"What if, you fall for me?"
Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni Zafrina nang marinig na naman ang
tanong nitong iyon. "What if, you fall for me, Sovereign? What will you do?" imbes
ay lakas loob na balik tanong niya rito.
"Sasaluhin mo ba ako?"
Bumuka ang labi niya pero muli rin niyang naitikom. Naiiling na nangingiting
nagsalita siya. "Paano kung hindi?"
Umayos ng higa si Sovereign. Tumagilid ito ng higa paharap sa kanya habang
nakaunan sa isa nitong braso. "Hindi talaga agad?"
Darn, Sovereign. Bakit ba ginigisa mo ako ngayon?
"Change topic," aniya na nag-iwas na ng tingin. Nag-iinit na naman ang mga
pisngi niya.
"What if, I'll make you fall for me?"
"Sovereign, don't you even try," aniya na umupo na.
"Why?"
Napalunok siya. Masyado pang magulo ang sitwasyon niya para unahin niya ang
sariling kaligayahan. May sarili pa siyang problema sa Sagada na kailangan niyang
harapin. Sooner or later, kailangan na rin niyang bumalik sa Sagada. Pero paano
kung mas lumalim pa ang nararamdaman niya kay Sovereign? Baka mas mahirapan siyang
lumayo.
"Why not, Zafrina?" muling untag sa kanya ni Sovereign.
Kinuha niya ang isang unan at bahagyang niyakap. "Basta 'wag kang makulit."
Bumuntong-hininga si Sovereign. Naupo rin ito at sinilip pa ang mukha niya na
bahagyang natatabingan ng maikli niyang buhok. Napabaling lang siya kay Sovereign
nang hawiin nito ang buhok niya at dalhin sa likod ng tainga niya.
"Fine. I won't insist. But," anito na ngumiti ng pilyo. "I'll insist once ako
ang manalo sa tournament namin kanina. At wala kang karapatang tumanggi."
Nahabol niya ito ng tingin nang muli itong humiga. "Sovereign, wala sa usapan
natin ang bagay na 'yon."
"Wala naman talaga. At labas 'yon sa usapan natin noon." Pumikit na ito at
muling inilagay ang braso sa may mata nito.
Seryoso talaga ito sa bagay na iyon? Bakit ngayon pa nito naisipan na gawing
mas kumplekado ang lahat sa kanila?
"Sovereign..."
"No more buts."
Sumandal siya sa may headboard ng kama at hindi inalis ang tingin kay
Sovereign. "Matatalo ka ni Tadashi," wika pa niya para asarin ito.
"Pray harder."
Naglapat ng mariin ang mga labi niya. Kung igigiit nito iyon, gusto niyang
isipin na nahuhulog na rin ito sa kanya. Posible ba iyon?
Luh, Zafrina, may two days nga lang na nagkakasama pero nahuhulog na agad ang
loob sa isa't isa. Imagine, halos may tatlong linggo na kayong nagkakasama ni
Sovereign. And he enjoyed kissing you for heaven sake, anang isang bahagi ng isip
niya.
"Kapag natalo ka ni Tadashi," aniya mayamaya. "Don't fall for me, Sovereign."
"Pray harder," sa halip ay sagot na naman nito.

____________________
Author Notes:
Hi, please leave a COMMENT. Your comments give me lots of inspiration to write
more ^^
Thank you so much. I'll read all your comment. Please, avoid commenting NEXT or
BITIN. Coz, wala namang On-Going ang hindi nakakabitin. ^^
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 24

"PROBLEMA ng asawa mo?" nakangisi pang tanong ni Jamil kay


Zafrina nang maupo ito sa silya na nasa may tabi niya.
Napatingin siya kay Sovereign na inisang lagok pa ang alak na nasa baso nito.
Matapos nilang kumain kanina ng hapunan ay saka lang in-announce kung sino ang
nanalo kanina sa swimming tournament. Si Tadashi ang nanalo at talo si Sovereign ng
isang segundo.
At mukhang hindi naman ang pagkatalo nito kay Tadashi ang dahilan ng pag-iinom
nito. Natalo niya ito sa pustahan nila. At kailangan nitong gawin ang gusto niya.
"Men, dinidibdib mo ba ang pagkatalo mo kay Tadashi?" kantiyaw pa ni Jamil kay
Sovereign.
"Hindi."
"Hindi raw," pakli naman ni Liam na naupo sa tabi ni Sovereign. "So, bakit kayo
ni Pareng Jack Daniel's ang magkaramay ngayon?"
"Ask her," ani Sovereign na binalingan pa siya.
Confirm. Pagkatalo nga nito sa kanya ang dahilan.
"Whoa! May LQ kayo?"
"Sinong may LQ?" ani Daizuke na akmang lalampas sa kinaroroonan nilang table.
"W-Wala kaming LQ," mabilis niyang pasubali. "Ang pagkatalo niya sa tournament
ay pagkatalo rin niya sa pustahan namin." Nagbaba siya ng tingin pagkasabi niyon.
"Mukhang may matutulog sa sahig," sabi na lang ni Daizuke bago nagpatuloy sa
paglalakad.
Ganoon na lang ang halakhak ni Liam. "Sabi ko na, eh. Hindi dahil natalo ka ni
Tadashi. Bro, iba na 'yan," kantiyaw pa nito sa kaibigan bago tinapik sa balikat at
inaya na si Jamil.
"Tantanan mo na 'yang si JD," tukoy ni Jamil sa alak na iniinom ni Sovereign.
"Dahil kahit maubos mo 'yan, talo ka pa rin. Baka ang asawa mo pa ang umakay sa iyo
pauwi."
Hindi mapigilan ni Zafrina ang mapangiti dahil sa pinagsasabi ng mga kaibigan
ni Sovereign. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Sovereign.
"Tara na?" pag-aaya na niya rito.
Bumuntong-hininga si Sovereign. "Ginalingan mo talaga ang pagdarasal na matalo
ako ni Tadashi."
"Hindi ko pinanalangin na matalo ka. Pumabor lang talaga sa akin ang
pagkakataon." Tumayo na siya. "Kung hindi ka pa rin tatayo riyan, maglalakad na
lang ako pauwi sa hotel."
Naibaba bigla ni Sovereign ang baso na akmang iinuman sana. Tumayo na rin ito.
"Okay. Uuwi na tayo," bahagya pa itong napapikit nang makaramdam ng pagkahilo.
Nahawakan ni Zafrina ang braso ni Sovereign. "Okay ka lang?"
Tumango ito. "I'm fine."
Hindi na niya binitiwan ang braso ni Sovereign. Malapit na sila sa entrance ng
restaurant na kinaroroonan nang humarang sa daraanan nila si Liam. May dala itong
baso na natitiyak niyang alak ang laman.
"Reign, try this one. Si Sef ang nag-mix niyan," alok pa ni Liam kay Sovereign.
Si Sef Santiago ang nagmamay-ari ng Night Out Bar.
"Galing kay Sef?" kumunot pa ang noo ni Sovereign na bumaling ang tingin sa
pinaka bar counter ng restaurant. Naroon ang ilang miyembro ng Club. Itinaas pa ng
mga iyon ang baso na may laman ding alak.
Walang imik na kinuha ni Zafrina ang baso na hawak ni Liam. Imbes na si
Sovereign ang uminom niyon ay siya na ang uminom. Halos manlaki ang mga mata ni
Liam nang straight pa niyang ininom ang alak na hindi niya nagustuhan ang lasa na
bawat lunok niya ay animo kidlat na gumuguhit sa kanyang lalamunan. Kaya naman
halos hindi maipinta ang mukha niya nang maubos ang laman niyon.
"Zafrina," gulat na bulalas ni Liam. "Bakit ikaw ang uminom?"
Bahagya pa siyang naubo kaya nahagod ni Sovereign ang likuran niya. Ang pait ng
lasa na halos gumuguhit sa lalamunan niya. "Ano bang klase 'yon?" reklamo niya.
"Kay Reign kasi dapat 'yon at hindi sa iyo. Drink this," inabot sa kanya ni
Liam ang juice na agad pinadala ni Sef nang makitang siya ang uminom ng alak na
dala ni Liam.
Uminom lang siya nang kaunti.
"Alis na kami," paalam na ni Sovereign kay Liam.
Napakagat-labi pa si Liam. Pinipigilan ang mapaglarong ngiti na kumuwala sa
labi nito. "Ingat," makahulugan nitong wika bago bumalik sa mga kasamahan.
"Mukhang ako pa yata ang mag-aakay sa iyo pauwi," ani Sovereign nang makitang
pumikit siya at sapuhin ang noo.
Hindi niya alam kung ano'ng klaseng alak ang nainom niya. Pero mukhang malakas
ang tama niyon dahil ngayon pa lang ay ramdam na niya ang epekto. Unti-unti nang
nag-iinit ang pakiramdam niya.
Nang makabalik sa hotel suite nila ay hindi pa rin mapakali ang pakiramdam ni
Zafrina. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Bukod sa nahihilo siya ay sobrang nag-iinit
ang kanyang pakiramdam. Side effect ba iyon ng alak na ininom niya? Ngayon niya mas
pinagsisisihan na ininom pa niya iyon imbes na si Sovereign ang uminom.
Naupo siya sa sofa na malapit lang sa pinto ng suite. Pagkuwan ay pumikit.
Hoping din na maiibsan ang pagkahilo niya. Hindi na niya kayang maglakad papunta sa
may kama dahil tiyak na tutumba siya.
"Tell me kung okay ka lang?" ani Sovereign na naupo sa tabi niya.
"Hindi ako okay," anas niya. Lalong tumitindi ang init na nararamdaman niya.
Marahas na huminga si Sovereign pagkuwan ay dinukot sa bulsa ng pantalon ang
cellphone. Tinawagan nito si Liam. "Ano ba 'yong alak na ininom ni Zafrina?" agad
na asik ni Sovereign nang sagutin ni Liam ang tawag. "What? Oh, damn you, Liam."
Ipinaypay ni Zafrina ang kamay sa mukha. "Sovereign, ang init-init."
"'Wag kang magpapakita sa akin Liam," mariing banta ni Sovereign kay Liam bago
tinapos ang naturang tawag. Basta na lang nito inihagis sa gilid nito ang cellphone
at hinarap siya. "Take a shower, Zafrina."
Pinilit niyang imulat ang mga mata. Napakurap-kurap pa siya para lang luminaw
ang bahagyang nagdodobleng paningin. Nang ibaling niya ang tingin kay Sovereign ay
sa labi agad nito napatutok ang tingin niya.
"I... I want to kiss you," bigla ay bulalas niya.
________________
Authors Note:
Leave a comment. Thank you.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 25

NAPALUNOK si Sovereign. Hanggat makakaya niya, ayaw niyang


mag-take advantage sa nangyayari ngayon kay Zafrina. Sa isip ay muli niyang namura
si Liam. Mataas na klase ng alcohol ang pinaghalo-halo ni Sef na dapat ay sa kanya
ipapainom. Na hinaluan pa ni Liam ng aphrodisiac na nag-i-increase sa sexual desire
ng taong makakainom niyon.
"You're just drunk, Zafrina." Hinawakan niya ito sa magkabila nitong braso at
inalalayang tumayo. Pero naging mabuway ang pagtayo nito kaya wala ng choice na
pinangko na niya ito para dalhin sa banyo.
Nakakainom siya pero hindi naman kasing lakas ng tama katulad ng kay Zafrina
ang tama sa kanya ng nainom niyang alak.
"Sovereign, hindi ko," napalunok ito. "Kayang maligo ngayon." Pumikit ito at
ipinulupot ang mga braso sa may leeg niya. Isiniksik pa ng dalaga ang mukha nito sa
kanyang leeg.
Damn.
Huminga nang malalim si Sovereign dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinamamalas
sa kanya ni Zafrina nang mga sandaling iyon.
Sandali siyang napapikit ng mariin ng maramdaman ang labi ni Zafrina na
nagpapamalas ng mumunting halik sa may leeg niya.
"Zafrina, stop it," saway niya rito.
"Ang bango-bango mo," malambing pa nitong wika.
Muli niyang ipinaalala sa sarili na lasing lang si Zafrina nang mga sandaling
iyon. At epekto lang ng nainom nito kaya ganoon ang kilos nito. Dahil kung hindi
naman umepekto rito ang ininom, nunca na gawin nito ang ginagawa nito ngayon sa
kanya.
Nang makarating sa loob ng banyo ay maingat na iniupo niya si Zafrina sa may
gilid ng bathtub. Isinandal nito ang sarili sa may pader para doon kumuha ng
suporta.
Binuksan niya ang gripo sa may bathtub. Tinantiya pa niya ang tubig na
ipapanligo ng dalaga.
Nang muli niyang harapin si Zafrina ay ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata
niya nang hubarin nito ang suot nitong dress. Nakatayo na ito. Hindi agad nakagalaw
si Sovereign sa kinatatayuan nang tumambad sa kanya ang dalaga na dadalawang piraso
na lang ang natirang suot sa katawan. Napalunok siya.
Ito iyong kauna-unahang pagkakataon na bigla ay nahirapan siyang huminga at
hindi agad makakilos sa kinatatayuan.
Zafrina was breathtakingly beautiful even when her clothes on. But right at
this moment, no words can explain how beautiful she is.
Hinayaan lang ni Zafrina na mahulog sa sahig ang dress na binitiwan nito. Saka
lang nakagalaw si Sovereign nang akmang tatanggalin na ni Zafrina ang pagkaka-hook
ng bra nito.
"No!" mabilis niyang pinigilan ang kamay nitong inaabot ang hook ng bra nito.
Namumungay ang mga mata na tiningala siya nito. "Ang init," reklamo nito.
"I-I know. Pwede ka namang maligo na nakasuot ang damit mo. Dapat h-hindi ka na
naghubad," aniya na sinikap na mag-focus ang tingin sa mukha nito.
Ngumiti si Zafrina pagkuwan ay ipinulupot sa may batok niya ang mga kamay nito.
"Zafrina," saway niya rito nang idikit pa nito ang katawan nito sa kanya.
Nahawakan niya ito sa baywang nito nang bumuway na naman ang pagkakatayo nito.
"'Yong kiss ko, nasaan na?" nakalabi pa nitong reklamo. She even pouts her lips
when she close her eyes.
Damn it. Ramdam niya ang mabilis na pag-react ng kanyang alaga nang dumikit ang
halos hubad ng katawan ni Zafrina sa kanya. Kung kasalanan mang maituturing ang
pagpapanggap nila ni Zafrina sa mata ng lahat, bakit ngayon pa siya naisipang
parusahan ng Diyos? At sa ganito pa talagang sitwasyon?

"Zafrina, saka mo hingin 'yan kapag hulas ka na. Kahit


isang oras pa. For now, magbabad ka na muna sa bathtub. Freshen up yourself."
Umungol ito. Senyales ng pagtutol. "Give me my kiss."
Huminga muna siya ng malalim bago ito kinintalan ng halik sa labi nito.
"There," aniya na hinawakan ang kamay nito para tanggalin sana. Pero mabilis na
tumingkayad si Zafrina at hinila pa pababa ang batok niya dahilan para muling
maglapat ang mga labi nila.
Mariin siyang napapikit dahil sa mga pinaggagagawa ni Zafrina. Sa abot ng
makakaya niya ay nagpipigil siya ngunit hindi niya maipapangako ng one hundred
percent na kaya niyang magkontrol kapag nakanti na ng husto ang alaga niya na
kanina pa rin nagpipigil kay Zafrina.
Hindi siya sanay na si Zafrina ang gumagawa ng move kaya naman hindi niya
maiwasang magulat nang ito pa ang mag-initiate upang tugunin niya ang halik nito.
Sa huli ay hindi rin niya napigilan ang sarili na hindi iyon tugunin.
God knows na hinding-hindi niya pagsasawaan ang halik nito. At nang mga
sandaling iyon ay hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili na hindi tumugon sa
halik nitong iyon.
Mas humigpit din ang pagkakahapit niya sa maliit nitong baywang dahilan upang
mas magdikit ang mga katawan nila. He's about to lost his control when reality hits
him. Nailayo niya ang sarili kay Zafrina habang habol pa ang paghinga.
Natitigan niya ang maganda nitong mukha. Hinaplos niya iyon ng isa niyang kamay
habang ang isa ay nakaalalay pa rin sa may baywang nito.
"God knows how much I want you, Zafrina. Pero ayaw kong samantalahin 'yong
ganitong sitwasyon dahil ayaw kong magagalit ka sa akin at sisihin mo ako kapag
nahulasan ka na. I can wait," aniya na kinintalan ito ng halik sa noo. "Maligo ka
na."
"Sovereign..."
"Sshh. That's enough."
Matapos tanggalin ang suot nitong sandals sa paa ay muli niya itong pinangko at
buong ingat na ibinaba sa bathtub. Mariin pa itong napapikit nang maramdaman ang
lamig dulot ng tubig.
"Ang lamig," reklamo pa nito na ikinangiti niya.
"Mas okay 'yang malamig para madali kang mahulasan." Sinabuyan pa niya ito ng
tubig sa mukha na mariin nitong ikinapikit.
Hindi naman niya magawang iwanan basta si Zafrina at baka kung mapaano pa ito
roon. Tumayo na muna siya ng tuwid para ihanda ang roba at towel na gagamitin nito.
Mukhang wala siyang ibang pagpipilian kundi siya rin ang magbibihis dito.
Lord, grabe talaga itong parusa mo sa akin...

UNTI-UNTING iminulat ni Zafrina ang mga mata. Tatagilid sana siya ng higa ng
hindi naman siya makagalaw. Napilitan tuloy siyang mas imulat ang mga mata na
pupungas-pungas pa para tingnan kung ano iyong mabigat na bagay na nakadagan sa may
hita at tiyan niya.
Pero mukhang hindi na niya kailangan pang tingnan nang sa pagpaling niya sa
kanan niya ay tila masagot na ang tanong niya. Dahil guwapong mukha ni Sovereign
ang bumungad sa kanya. Napakalapit nito sa kanya. Bigla ang pagbundol ng kaba sa
dibdib niya. Nakahiga ito patagilid sa kanya. Magkalapit na magkalapit sila sa
pagtulog.
Napapalunok pa na sinilip niya ang ilalim ng comforter na nakakumot sa kanila.
Confirm. Nakadantay ang binti ni Sovereign sa may hita niya. Ang kamay naman nito
ay nasa may tiyan niya. Nangunot pa ang noo niya nang mapansin na iba na ang suot
niya. Nakasuot na siya ng puting over sized na t-shirt. Ganoon din ang suot ni
Sovereign. At tanging boxer short lang ang pambaba nitong suot.

Mariin siyang pumikit at pilit inalala ang nangyari


pagkagaling nila sa Club House ng UHB Leisure Club. Nahilot niya ang noo nang unti-
unting mag-flashback sa isipan niya ang pinaggagawa pagkabalik nila sa kanilang
hotel suit. Tinamaan siya ng ininom niyang alak. At kahit ano'ng gawin niya ay
hindi niya halos maalala lahat ng ginawa niya kagabi. Malabo pa nga sa alaala niya
ang pangungulit niya kay Sovereign.
Nagmulat siya ng mga mata at binalingan ang binata na tulog na tulog sa may
tabi niya.
"Ano'ng nangyari, Sovereign?" anas pa niya.
At ang suot niya ngayon, si Sovereign ba ang nagpalit sa kanya? Sa naisip ay
parang gusto na niyang bumuka ang kama at lamunin na siya niyon.
Nakagat niya ang ibabang-labi. Ulo lang niya ang bahagyang nanakit. Bukod doon
ay wala ng ibang masakit sa kanya kaya natitiyak niya na walang ibang namagitan sa
kanila ni Sovereign.
Pero ang puwesto nila sa pagtulog at kung paanong iyon na ang suot niyang damit
ay isang malaking katanungan para sa kanya.
"Sovereign," tawag niya sa pangalan nito pero hindi ito nagising. Napapalunok
na maingat niyang tinanggal ang braso nito sa may tiyan niya. Pero hayon at mas
hinapit pa siya nitong lalo palapit dito. Lumakas lalo ang kabog sa dibdib ni
Zafrina.
Napaka-intimate ng puwesto nila ng binata at nanlalambot lalo ang pakiramdam
niya dahil sa posisyon nilang iyon. Kahit sino'ng makakita sa kanilang dalawa ay
tiyak na iisiping totoong mag-asawa sila.
Napasulyap siya sa may bintana na bahagyang natatakpan ng heavy curtain.
Madilim pa rin sa labas. Madaling araw pa lang siguro. Napabuntong-hininga si
Zafrina. Mukhang wala siyang ibang choice kundi ang matulog din muna.
Ipinikit niya ang mga mata at pinilit kalmahin ang nagreregodon na puso.
Napagkamalan pa yata siyang unan ni Sovereign dahil ayaw siya nitong pakawalan.

HINDI magawang salubungin ni Zafrina ang tingin ni Sovereign habang magkaharap


silang kumakain ng agahan. Kahit ramdam ng dalaga ang kanina pang pagtitig sa kanya
ni Sovereign ay hinayaan lang niya iyon.
Mas nauna na naman itong magising kaysa sa kanya. Nang makita nito na gising na
siya ay saka ito nagpa-deliver ng kanilang almusal.
"Naalala mo ba kung ano'ng nangyari kagabi?"
Bahagyang nahirinan si Zafrina sa biglang itinanong ni Sovereign. Tinanggap
niya ang baso na may lamang tubig na agad inabot sa kanya ng binata. Pagkainom doon
ay saka lang niya nagawang tapunan ng tingin ang binata na may mababakas na ngiti
sa mga mata.
"Ano nga ba ang nangyari kagabi?" balik tanong niya rito. "M-May ginawa ka ba?"
Napatawa ito. "Zafrina, alam ng Diyos na wala akong ginawa. Ikaw itong nag-take
advantage sa akin kagabi."
Ganoon na lang ang kabang bumundol sa dibdib niya. Nag-take advantage siya sa
binata? Pero bakit wala siyang maalala tungkol sa bagay na iyon? Ang labo-labo ng
alaala niya.
"B-Bakit ko," lumunok siya noong makaramdam ng tila bara sa kanyang lalamunan.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
Nagkibit ito ng balikat. "Malakas 'yong tama sa iyo ng ininom mo. Kung bakit
kasi ininom mo pa."
Hindi niya ma-imagine na kumilos siya ng kakaiba. Hinarot ba niya si Sovereign?
Ramdam niya ang unti-unting pag-iinit ng mga pisngi niya. Parang gusto na talaga
niyang lumubog sa sahig.
"I-Itong suot ko?" aniya na hindi na ito magawang tingnan sa mukha. Nakagat
niya ang ibabang-labi. Sa isiping ito ang nagpalit sa kanya ay parang gusto niyang
tumili.
"Nagbabad ka kagabi sa bathtub. Nakatulog ka pa. Kaya," tumikhim ito. "Ako na
'yong nagpalit sa iyo. Walang malisya," mabilis nitong dugsong.
Nahawakan niya nang mahigpit ang tinidor. "Na... nakita mo?"
Kumunot ang noo ni Sovereign. "Alin?"
Tiningnan niya ito ng masama. "Itong katawan ko?"
Umiling ito. "Nakapikit ako."
As if naman ay maniniwala siya? Naisubsob tuloy niya ang nag-iinit na mukha sa
dalawa niyang palad. Bakit ba nagpapadalus-dalos siya? Hinding-hindi na niya
uulitin ang ginawa kagabi. At hinding-hindi na rin siya titikim ng alak. Mukhang
magkaka-trauma pa yata siya pagdaing sa alak. Pahamak masyado.
"Zafrina, chill ka lang. Never akong nag-take advantage sa kalasingan mo kahit
ikaw itong nanghaharot sa akin kagabi."s
Parang gusto na niyang maiyak sa kahihiyan. Ginawa ba talaga niya iyon?
"Hindi rin naman madali na bihisan ka. Bl-in-ower ko pa 'yang buhok mo. Just to
make sure na hindi ka matutulog na basa ang buhok."
Nakagat niya ang ibabang-labi. Kung totoong walang ginawang iba sa kanya si
Sovereign, sigurado siyang grabe ang pagpipigil na ginawa nito. Lalaki pa rin ito.
Pero kung isang Gino Ferrer siguro ang kasama niya kagabi ay tiyak na may masama ng
nangyari sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Pagkuwan ay sinikap magpaka-kaswal sa harapan ng
binata nang muli niya itong tingnan.
"Kalimutan na natin kung ano man 'yong nangyari kagabi. Sigurado naman na sanay
na sanay ka ng makakita ng katawan ng babae kaya hindi na big deal kung ano man
'yong nakita mo sa akin," aniya na nagbaba ng tingin sa pagkain.
"Ganoon 'yong tingin mo sa akin?" bakas ang tila hinanakit sa boses ni
Sovereign. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Mayamaya ay napalitan ng
panlalamig ang boses nito. "Fine. Let's forget everything." Pagkainom nito ng tubig
ay tumayo na ito. Walang paalam na lumabas ng kanilang silid.
Nasundan niya ng tingin si Sovereign. Nasapo na naman niya ang noo dahil
mukhang nagalit ito sa sinabi niya.

____________________________
Author Notes:
Please leave a comment. I'll read it all.
Thank you,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 26
PARANG gusto ng maiyak ni Zafrina. Maghapon siyang hindi
pinapansin ni Sovereign. Pansinin man siya nito ay napa-civil lang para ayain
siyang kumain. Gusto na niyang magtampo rito dahil kaya siya nitong tiisin ng
ganoon. Kung minasama man nito ang sinabi niya, puwede naman nilang pag-usapan at
handa naman siyang mag-sorry rito.
Mula sa pinapanood niya sa cellphone ay napatingin siya kay Sovereign na
nagsusuot ng coat nito nang lumabas ito buhat sa banyo. Mukhang lalabas na naman
ito. Gusto sana niyang magtanong pero baka hindi naman siya nito pansinin.
Katatapos lang nilang mag-dinner. Kung panay ang labas nito kanina ay siya
namang kabaligtaran niya. Maghapon lang siya sa suite nila.
"Baka gabihin masyado bago ako makabalik. Mauna ka ng matulog," kaswal nitong
wika sa kanya.
Hindi siya sumagot. Muli niyang ibinalik ang tingin sa screen ng kanyang
cellphone kahit na wala roon ang kanyang atensiyon. Naiiyak na talaga siya sa
treatment nito sa kanya. How could him?
Huminga siya ng malalim. "Ingat," sa wakas ay wika niya.
Tumango lang si Sovereign bago ito tuluyang umalis.
Kumibot ang labi ni Zafrina. Kasabay niyon ay ang panlalabo ng mga mata niya
dahil sa sumungaw na mga luha. Ibinaba na niya ang cellphone sa gilid niya at
niyakap naman ang mga tuhod. Pagkuwan ay isinubsob niya ang mukha sa braso niya.
Hindi siya sanay sa ganoong treatment ni Sovereign. At ayaw niya na ganoon ito
sa kanya. Sobrang nasasaktan at nalulungkot ang pakiramdam niya.
Makalipas ang ilang sandali ay tumunog ang doorbell sa silid nila. Mabilis na
pinalis ni Zafrina ang luha sa mga mata niya. Nang muling umingay ang tunog ng
doorbell ay napilitan na siyang tumayo at lapitan iyon.
"Wala si Sovereign dito," aniya nang makita buhat sa labas si Jamil.
"I know," anito na bahagyang nangunot ang noo nang makita ang bahagyang
namumula niyang ilong. "Umiyak ka ba?"
Umiling siya. "S-Sinisipon ako," kaila niya.
"Are you sure?" tila hindi kumbinsido nitong tanong.
Tumango siya. Kung alam nito na wala roon si Sovereign, ano'ng kailan nito sa
kanya? "May kailangan ka ba?"
"Ah, concern citizen lang ako. May gusto lang akong ipakita sa iyo ngayon. I
hope you don't mind, Zafrina."
"Ngayon na?"
Tumango ito. "Yes."
Naalala na naman niya si Sovereign na ayaw na ayaw siyang makikipag-usap sa mga
kaibigan nito. Pero sa ngayon, mukha namang wala itong pakialam sa kanya kung ano
man ang gawin niya o kung sino man ang kausapin niya.
"Sandali lang," aniya na muling isinara ang pinto. Pumunta siya sa banyo upang
maghilamos ng mukha. Ayos naman ang suot niyang damit at itim na leggings kaya
hindi na siya nag-abala pang magpalit. Nagsuot na lang siya ng oversized na hoodie
cardigan jacket na kulay dark gray.
Pagkasuklay sa buhok ay muli siyang naglakad pabalik sa may pinto ng suite.
Napalunok siya at sandaling napaisip. Paano kung makita siya ni Sovereign na sumama
sa kaibigan nito?
Pero may ipapakita raw sa kanya si Jamil. Naku-curious siya kung ano iyon dahil
mukhang importante. Hindi naman ito mag-aabalang puntahan siya kung hindi
importante.
Sa huli ay ipinasya na niyang sumama rito. At isa pa ay baka mabaliw lang siya
sa silid na iyon dahil sa kaiisip kay Sovereign.
Binuksan na niya ang pinto. Hindi siya nag-abalang maglagay ng kung ano pa sa
mukha niya. She's just naturally beautiful. Bagay na alam niyang kinaiinggitan ng
marami sa kanya.
"Shall we go?" agad na tanong ni Jamil na matiyagang naghintay sa kanya.
Tumango siya. Umagapay lang siya sa paglalakad nito. "Ano ba 'yong ipapakita
mo? Mukhang sobrang importante para mag-aksaya ka ng oras na puntahan ako sa suite
namin."
"Makikita mo rin kung ano ang tinutukoy ko."
Lihim na nagtaka si Zafrina nang humantong sila ni Jamil sa Night Out Bar. Ano
naman ang mayroon sa lugar na iyon na dapat niyang makita? Ganoon ba talaga
kaimportante?
"Tara sa loob," untag ni Jamil kay Zafrina.
Tahimik na sumunod siya rito matapos isuot sa ulo ang hoodie sa suot niyang
cardigan. Halos matakpan ng hoodie ang kalahati ng kanyang mukha. May tumutugtog na
banda sa loob ng bar kaya naman may kaingayan nang makapasok sila.
Dumiretso sa may hagdanan si Jamil. Umakyat sila sa taas ng bar na hindi naman
crowded ng gabing iyon. Hindi katulad noong huling punta niya roon. Naupo si Jamil
sa upuan na nasa tabi ng railings kung saan kita ang view sa ibaba ng bar.
"Maupo ka," anito sa kanya.
Hindi siya natinag sa pagkakatayo roon. "Bakit mo ba ako dinala rito?" Wala
siyang panahon para makipagbiruan sa kahit na sino lalo na ngayon.
"Silipin mo kung sino 'yong nasa baba nitong bar," sa halip ay makahulugan
nitong wika.
Lihim siyang napalunok. Bakit bigla-bigla ay bumilis ang kabog sa dibdib niya?
Dumako ang tingin niya sa tinutukoy ni Jamil. Bigla ay animo natatakot siyang
sumilip doon nang maisip si Sovereign. Natatakot siya sa maaaring makita.
"Zafrina," muling untag sa kanya ni Jamil.
Napilitan siyang humakbang palapit sa may railings. Pigil pa niya ang paghinga
nang humayon ang tingin niya sa ibaba ng bar.
Napakapit siya sa may railings nang matanawan doon si Sovereign. Pero hindi ito
nag-iisa. May katabi itong babae na napaka-sexy ng kasuotan. Bakit daig pa niya ang
pinipiga ang puso nang mga sandaling iyon dahil sa nakikita? Sino ang kasama nito?
Doon pa talaga sa Leisure Club? Ayaw na ba nitong ituloy ang palabas nila?
Nagbago na ba agad ang isip nito? Ang daming tanong na biglang nagsusumiksik sa
isipan niya. Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi para lang pigilan ang
nagbabanta niyang luha.
Wala na ba itong pakialam sa reputasyon nito sa lugar na iyon? Ang alam ng
lahat ay mag-asawa sila tapos ngayon ay may kasama itong ibang babae?
"Si Bherl 'yong kasama ngayon ni Reign. Yahir Martini's cousin," inporma pa sa
kanya ni Jamil. "Matagal na ring may gusto kay Reign. Hindi ko nga alam kung bakit
magkasama sila ngayon imbes na kayo ang magkasama. Kaya naisipan kong ipaalam rin
sa iyo para may idea ka sa ginagawa niya." Pinagsalikop ni Jamil ang mga kamay.
"Hindi mo ba lalapitan ang asawa mo?"
Hinayaan niyang tumulo ang luha niya, tutal naman ay nakaharang sa mukha niya
ang maiksi niyang buhok maging ang hood ng cardigan niya. Walang ibang makakakita
na tahimik siyang lumuluha nang mga sandaling iyon.
Pumihit na siya patalikod nang makita ang babae na umakmang yayakap kay
Sovereign. Mariin niyang nakagat ang ibabang-labi upang pigilan ang mapahikbi. Kaya
ba gagabihin masyado sa pag-uwi si Sovereign?
Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam ng nagseselos. Sobrang sakit sa
dibdib.
Walang paalam na iniwan niya si Jamil.
"Zafrina!"
Hindi niya ito nilingon. Nasasaktan ang pakiramdam niya at ang tangi lang
niyang gustong gawin ng mga sandaling iyon ay ang makalayo sa lugar na iyon. Halos
takbuhin pa niya ang palabas sa Night Out Bar.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 27

"BHERL, lubayan mo muna ako," ani Sovereign sa pinsan ni


Yahir nang akmang yayakapin siya nito. Kanina pa siya nito kinukulit.
Tiningnan niya ang oras sa relong pambisig. Kanina pa niya hinihintay si Mark
Brice na pinapunta siya roon at may gusto raw itong i-discuss sa kanya. At hanggang
ngayon nga ay wala pa rin. Tinawagan na niya ito at ang sabi ay on the way na raw.
"Reign, hanggang ngayon ba naman deadma pa rin ang kagandahan ko sa iyo?"
Hinarap niya ito. "May asawa na ako kaya please lang, iba na lang ang kulitin
mo."
"So, totoo talaga ang balita? Nag-asawa ka na talaga?"
Ipinakita niya rito ang suot niyang wedding ring. "Satisfied?"
Nakalabing umayos ito ng upo.
Tumayo na siya at ipinasya na lang na umalis na. Parang hindi siya makakatulog
ng maayos kung hindi sila mag-uusap ni Zafrina.
Nahabol pa niya ng tingin si Jamil nang humahangos ito na pumasok ng bar. Agad
nitong nilapitan si Kienlee.
"May problema," humihingal pang bulalas ni Jamil.
"Nasaan na si—"
"Pakitawagan ang head security dahil hindi ko siya naabutan sa labas. Ang bilis
niyang nawala."
"Haist. Bakit kasi ang lakas ng trip ninyo?" mabilis na kinuha ni Kienlee ang
cellphone nito at tumawag sa head security ng UHB Leisure Club. "Tristan, paki-
alert lahat ng CCTV na malapit dito sa Night Out Bar. Paki-review din kung saan
pumunta 'yong babae na nakasuot ng cardigan jacket na may hood. Galing siya rito sa
Bar. Yes. Paki-update agad ako kapag na-locate mo siya. ASAP."
"Ano'ng nangyari?" hindi niya napigilang usisa.
Natigilan ang dalawa, lalo na si Jamil nang makita siya.
"R-Reign..." bulalas ni Kienlee.
"P-Pauwi ka na ba?" napalunok pa si Jamil.
Bakit ang weird ng reaksiyon ng mga ito? Tumango siya. "Ang tagal ni Mark
Brice, pakisabi bumalik na ako sa hotel kapag nakita niyo siya."
"'Wag ka munang umalis!" mabilis na pigil sa kanya ni Jamil.
"Baka hintayin ako ni Zafrina."
Nagkatinginan sina Jamil at Kienlee.
"Reign, nawawala si Zafrina," alanganin pang wika ni Kienlee. Tinatantiya ang
magiging reaksiyon niya.
Kumunot ang noo niya. Tama ba ang narinig niya? "Pardon?"
"Y-You heard it right. Nawawala si Zafrina," segunda ni Jamil.
"Paanong mawawala? Nasa hotel lang siya."
Bigla ay naalala niya iyong pagtawag ni Kienlee sa head security ng Leisure
Club. May babaeng pinapa-locate ang mga ito na galing sa Bar. Biglang bumundol ang
kaba sa dibdib niya.
"Si Zafrina 'yong pinapa-locate ninyo?" walang kangiti-ngiti niyang tanong
bakas ang panganib sa boses niya.
Tumango si Kienlee. Hindi naman makatingin sa kanya si Jamil.
"May ginawa ba kayo na hindi ko alam?"
"Magpapaliwanag ako," mabilis na wika ni Jamil.

MULING pinahid ni Zafrina ang pisngi. Huminga siya nang malalim upang pagaanin
ang namimigat na pakiramdam.
Hindi niya alam kung nasaan siya nang mga sandaling iyon. Basta doon siya
nakarating matapos mapagod sa pagtakbo palayo sa Night Out Bar. Mapuno sa
kinaroroonan niya. Sa 'di kalayuan ay may ilaw na sapat lang upang magbigay ng
liwanag sa kanya.

Nakaupo siya sa damuhan habang nakasandal sa may kalakihang


katawan ng isang puno. Nayakap niya ang dalawang tuhod.
Nang mga sandaling iyon, parang kayang-kaya na niyang harapin si Gino Ferrer.
Nasa punto siya na kayang-kaya na niyang harapin ang dahilan ng pag-alis niya sa
Sagada.
Napaluha na naman siya nang maisip si Sovereign. Titigilan na ba nito ang
palabas nilang iyon? Maiisip pa kaya siya nito kapag umalis na siya? Napahikbi
siyang lalo. She can't help it. Sobrang nasasaktan siya sa mga naiisip niya. How
came na ganito ang kalalabasan ng lahat?
"Zafrina..."
Natigil siya sa pag-iyak nang marinig ang boses na iyon. Marahan siyang nag-
angat ng mukha.
Animo nakahinga nang maluwag si Sovereign ng tuluyang makalapit sa kanya. Halos
habol pa nito ang paghinga. Mabilis itong lumuhod sa tabi niya.
Ano'ng ginagawa nito roon? At paano nito nalaman na naroon siya?
Umisod siya nang akmang hahawakan siya nito sa magkabila niyang braso. Mabilis
niyang pinahid ang luha sa pisngi niya.
"Paano mo nalaman na narito ako?" aniya sapat lang upang marinig nito.
"Zafrina—"
"Gusto ko ng," kumibot ang labi niya. Sinikap niyang hindi mabasag ang boses sa
muling pagsasalita. "Gusto ko ng umuwi sa amin." Nakagat niya ang ibabang-labi nang
muling magyuko ng mukha. Pinipigil kumuwala ang hikbi nang animo bukal na naglabas
ng luha ang mga mata niya.
Alam niyang doon din naman ang ending nila kaya mas okay na kung uunahan na
niya ito. Baka hindi niya kayanin kung dito pa unang manggagaling. Tatapusin na rin
naman nito ang kung ano mang mayroon sila. Ano pa ba ang gagawin niya sa lugar na
iyon? Hindi niya kayang mag-stay sa lugar na ipapaalala lang ang binata.
Unti-unting naibaba ni Sovereign ang mga kamay na sana ay hahawak kay Zafrina.
"Iiwan mo na ako?" puno ng hinanakit ang boses nito nang magsalita. "Ganoon na lang
ba 'yon?"
Kagat ang ibabang-labi na tiningnan niya ito. "Kailangan mo pa ba ako?" hindi
na niya napigilan ang pagkabasag ng boses niya sa huling sinabi.
Muling umangat ang kamay ni Sovereign, hinawakan nito ang mukha niya at pinalis
ang luha niya gamit ang kamay nito. "Higit pa sa kailangan."
Higit pa sa kailangan...
Lalo pa siyang napaluha dahil sa narinig na sagot mula kay Sovereign. Ibig ba
niyong sabihin...
"Ayaw mo na ba akong kasama?" bakas ang takot sa boses nito. Takot na baka tama
ang sinabi nito. Hindi agad nakapagsalita si Zafrina. "Please, hilingin mo na lahat
'wag lang 'yon. Ayaw kong," napalunok si Sovereign. "Ayaw kong umalis ka. Pag-
usapan natin kung ano mang problema. Ayusin natin."
"W-Wala kang plano na... na tapusin na natin ito?"
Umiling si Sovereign. "Wala. Bakit mo naman naisip 'yon? Dahil ba sa nangyari
kagabi? Zafrina, God knows kung paanong respeto 'yong ibinigay ko sa iyo kagabi.
Dahil sa ininom mo, you get wild, I admit. Pero ako na 'yong nag-adjust sa
sitwasyon. Never akong nag-take advantage dahil ayaw kong magagalit ka sa akin
kapag hulas ka na. I don't want you to hate me."
"Nagalit ka sa akin kaninang umaga. Hindi mo na ako pinapansin."
"'Yong galit, big word masyado 'yon. At hindi ako nagalit dahil sa sinabi mo
kaninang umaga. Nainis lang ako dahil ganoon 'yong tingin mo sa akin. Dahil hindi
naman ako kasing fuck boy katulad ng inaakala mo. Sa tingin mo ba matutulog ako
ngayong gabi na hahayaan ko lang na hindi tayo mag-uusap? Babalik na sana ako sa
hotel nang malaman kong nawawala ka."

Masyado ba siyang nag-over thinking? Nagbaba siya ng


tingin.
Mayamaya ay kinabig siya ni Sovereign para yakapin ng mahigpit. "I'm sorry."
Napapikit siya. Mukhang siya ang dapat mag-sorry dito. Matapos ng ginawa nitong
effort sa kanya kagabi ni hindi pa niya ito napapasalamatan. Napaka-gentleman nito.
"Nakita mo ako sa bar pero ni hindi mo ako nilapitan. Bakit tumakbo ka palayo?
Nagselos ka ba dahil nakita mo akong may kasamang iba?" sunod-sunod na tanong nito.
May panunudyo pa sa huli nitong tanong.
Isiniksik niya ang mukha sa may dibdib nito. "Kung ano-ano na 'yong naiisip ko
kanina. Baka kasi," nakagat na naman niya ang ibabang-labi nang muling mamasa ang
mga mata niya. "Baka kasi nagbago na 'yong isip mo. Na ayaw mo na. Kasi kung ayaw
mo na, uuwi na ako sa amin." Suminghot siya. Pati ilong niya ay animo may nakabara
na dahil sa kaiiyak niya.
"May balak ka na talagang iwan ako? Sabihin mo lang, Zafrina. Para ngayon pa
lang masabi ko kay Daddy na hindi na ako babalik sa bahay."
"Ano'ng gagawin mo?"
"We'll stay here. Walang labasan dito sa Leisure Club. Try me?"
Sa kabila ng pagluha ay nagawa ng ngumiti ni Zafrina. Pinahid na niya ang luha
at kumalas na sa pagkakayakap ni Sovereign. "Sino ba talaga 'yong kasama mo kanina
sa bar?"
"Si Bherl, pinsan ni Yahir."
"N-Nagkarelasyon ba kayo dati?"
Pinisil nito ang ilong niya. "Sinabi ba 'yan sa iyo ni Jamil? Kung ano man ang
pinagsasabi niya, 'wag mong paniwalaan. Na-setup tayo parehas ng mga loko-lokong
'yon."
Natigilan siya. "Setup?"
Tumango ito. "Planado nila pati pagpunta ko sa bar na kesyo may idi-discuss sa
akin si Mark Brice about business. Pati 'yong paglapit sa akin ni Bherl kasi
parating ka. At pagsundo sa iyo ni Jamil sa suite natin. Everything was a big
setup."
Kaya ba alam na alam ni Jamil na wala si Sovereign sa suite nila? Sa isip ay
nasakal na niya si Jamil. Pinagseselos ba siya ng mga UHB men? Well, nagtagumpay
naman ang mga ito. Nakaramdam siya ng selos kanina. Lalo na at hindi sila okay ni
Sovereign bago iyon nangyari. Napakatuso rin naman talaga ng mga member na naroon.
Dahil sa nangyari handang-handa na siyang harapin si Gino Ferrer dahil dito talaga
niya ibabaling ang sama ng loob niya. Pero isa pa ring malaking tanong sa kanya
kung bakit kailangang gawin iyon ng mga kaibigan nito?
Hinawakan niya ang kamay nito na bahagya nitong ikinaiktad. Napatingin tuloy
siya roon.
"Bakit?" taka niyang tanong na tiningnan pa sa liwanag ang kamay nito.
Napamaang siya nang makitang may sugat ito sa kamao nito. "Ano'ng nangyari dito?"
"Nagkagulo sa bar kanina. Don't mind this. Malayo sa bituka." Tumayo na si
Sovereign pagkuwan ay inalalayan din si Zafrina sa pagtayo. "Bumalik na tayo sa
hotel."
Nakipag-away ba ito kanina sa bar? Hinawakan niya si Sovereign sa braso nito at
iniharap sa nasisinagan ng liwanag na nagmumula sa poste sa hindi kalayuan. Against
the light kasi ito. Mabilis niyang sinuri ang mukha nito. Wala namang bakas ng
kahit na anong sugat doon o kahit maliit na pasa. Nakahinga siya nang maluwag.
Napangiti naman si Sovereign dahil sa mababakas na pag-alala sa mukha niya.
"Guwapo pa rin ako kaya 'wag kang mag-alala."
Imbes na tumawa sa biro nito ay tumingkayad siya para gawaran ito ng halik sa
labi na halos magpatulos kay Sovereign sa kinatatayuan nito. Smack lang iyon.
Magaan na ngayon ang pakiramdam niya. At hindi rin niya mapigilan ang sarili na
hindi iyon gawin. He deserve a kiss after all.
"Thank you," aniya.
Nang makabawi si Sovereign ay napangiti pa itong lalo. "Thank you kiss mo 'yon?
Then this one, you're welcome." Iyon lang at siniil ni Sovereign ng halik sa labi
si Zafrina.
Sa daming nangyari, magpapakipot pa ba siya sa halik na iyon ni Sovereign?
Buong puso pa niya iyong tinugon.
Buhat sa 'di kalayuan. Ang akmang palapit na sina Jamil, Liam, Mark Brice at
Kienlee ay mga napahinto pa sa paglalakad nang makita sila sa ganoong tagpo.
"Well, mukha namang okay na sila," napangisi pa si Mark Brice.
Nahawakan ni Jamil ang pumutok na gilid ng labi. "Hindi ako na orient na
malakas palang manuntok 'yang si Reign."
"Kung bakit kasi pinagdiskitahan niyo pa 'yang dalawa," naiiling naman na wika
ni Liam.
"Mukha namang hindi na kailangan pa ng tulong ni Reign. Tara na," hinila na ni
Kienlee ang mga kasama nito palayo kina Zafrina at Sovereign.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 28

NAPATINGIN si Zafrina kay Sovereign nang maramdaman ang


paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. Kapapasok lang nila sa entrance ng
Hotel na tinutuluyan nila. Pagkuwan ay sinundan niya ng tingin ang hinahayon ng
tingin ng binata. Saka lang niya nakita ang ilan sa kapwa nito member na nasa may
gitna ng lobby.
Nakita pa niya si Daizuke Niwa na tumayo mula sa pagkakaupo nang makita sila.
Mukhang hinihintay sila ng mga ito.
"Nakarating sa akin 'yong nangyari kanina," ani Daizuke nang makalapit sila sa
mga ito. Binalingan nito sina Jamil. "At hindi ko tino-tolerate ang ganoong
pangyayari."
Itinaas ni Jamil ang dalawang kamay. "I'm sorry. Especially to Zafrina."
"I think, sorry is not enough, Jamil," ani Ashton Salcedo na ngumisi pa.
"Fine. Kahit ano'ng gusto ni Zafrina, sabihin lang niya. Puwera kay Reign, baka
singilin ko pa 'yan sa paggasgas niya sa mukha ko." Ngumawa pa si Jamil bago
hinimas ang nasugatan na gilid ng labi.
"Bibigyan ko kayo ng free accommodation sa kahit saang branch ng Alager," ani
Mark Brice. "Kahit isang buwan pa."
"Ganoon na lang ba 'yon? Muntikan ng maghiwalay 'yang dalawa dahil sa kalokohan
ninyo," ani Daizuke. Tiningnan nito si Kienlee. "Ikaw?"
Napakamot si Kienlee sa batok nito. "Hindi naman talaga ako kasali diyan. Ang
lakas kasi ng trip ninyo," paninisi pa nito kay Jamil at Mark Brice. "Alam ko lang
'yong plano nilang pagselosin si Zafrina."
"Pero hindi mo pinigilan."
Napabuntong-hininga na lang si Kienlee sa sinabi ni Daizuke.
"Tama na," sa wakas ay bulalas ni Sovereign. "Lumalalim na ang gabi, magpahinga
na tayong lahat. Alam kong pagod din kayo. Kalimutan na rin nating lahat na
nangyari 'yong kanina," mahinahong wika ni Sovereign.
Naglakad palapit si Jamil kay Sovereign. "Pasensiya kanina," anito na inilahad
pa ang isang kamay.
Tinanggap naman iyon ni Sovereign. Kung hindi siguro sila nagkaayos kanina ay
tiyak na mainit pa rin ang ulo ni Sovereign ngayon. Pero dahil mas okay na sila
ngayon kaya madali nitong mapatawad ang mga kaibigan nito.
"Well, mas napatunayan namin kanina kung gaano kahalaga sa iyo ang asawa mo,
Reign. I can't imagine na darating ka rin sa ganitong punto ng buhay mo pagdating
sa isang babae. Anyways, that's good for you," ani Wayne na nag-thumbs up pa.
Tumikhim si Daizuke. "Wala ka bang ibang request, Reign?"
Umiling si Sovereign. "Wala."
Tila nakahinga naman ng maluwag si Jamil. "Dark, bati na kami ni Reign, 'wag ka
ng makulit. Baka mamaya magbago pa ang isip niyan. Tara na, magsitulog na tayong
lahat." Tinapik pa nito sa balikat si Sovereign. "Sweet dreams," ani Jamil bago
naglakad palayo.
"Labas ako riyan," ani Liam na kinindatan pa si Sovereign bago umalis.
Nagsipulasan na rin ng alis ang iba.
"Kapag talaga may ginawang kalokohan, daig pa ang sinisilihan ang mga puwet
paalis," naiiling na wika ni Daizuke. Muli sila nitong binalingan. "Take a rest,"
iyon lang at naglakad na rin ito papunta sa labas ng hotel.
Saka lang din nakahinga nang maluwag si Zafrina. Mukhang okay na naman ang mga
ito.
"Let's go?" baling kay Zafrina ni Sovereign.
Tinanguan niya ito.
Nang makarating sa kanilang hotel suite ay agad niyang hinubad ang suot na
cardigan at mabilis na hinayon ang kinaroroonan ng ref. Agad niyang kinuha ang
isang bottled water at binuksan. Halos mangalahati iyon. Dahil sa nangyari kanina
at sa marami niyang nailuha kaya naman pakiramdam niya ay naubusan siya ng tubig sa
katawan.

Matapos uminom ay hinayon naman niya ang kama. Wala roon si


Sovereign. Baka nasa banyo ito. Minabuti na niyang mahiga. Nang mga sandaling iyon
ay animo pagod na pagod ang ang pakiramdam niya. Naalala na naman niya ang
pananakot ni Sovereign sa kanya kanina.
"Ang tapang mo masyado. Wala ka na halos pakialam sa kinaroroonan mo," ani
Sovereign habang naglalakad sila palabas sa kinaroroonan na kakahuyan.
Napahawak siya sa braso nito. Dahil sa nararamdaman niya kanina ay totoong
nawalan na siya ng pakialam sa paligid. "Bakit?"
Napatawa si Sovereign dahil sa mahigpit niyang pagkakakapit sa braso nito.
"Kung hindi ako nagkakamali, sa lugar na ito madalas may magpakita."
"Sovereign!" angil niya sa pananakot nito.
"Seryoso, may nagpapakita talaga sa lugar na ito na babae na nakasuot ng puti."
Mariin siyang pumikit para hindi makita ang may kadilimang paligid. Baka mamaya
ay may makita pa siyang nakasuot ng kulay puti, tiyak na hindi siya niyon
patutulugin.
"Isa!" she hissed.
Nangingiting inakbayan siya ng binata. "Kung siguro natagalan ako na dumating-"
"Please, stop it, Sovereign Millares," agap niya. Baka mas hindi siya makatulog
sa mga pinagsasabi nito kaysa sa nangyari ng gabing iyon sa pagitan nila.
"Duwag ka pala."
Aminado naman siya sa bagay na iyon. Napasiksik siyang lalo sa binata nang
makarinig ng huni ng ibong panggabi. Lalo tuloy napatawa si Sovereign...
Nahimas-himas ni Zafrina ang magkabilang braso nang manindig na naman ang mga
balahibo niya sa katawan dahil sa alalahaning iyon.
"Zafrina..."
Napakislot siya nang biglang marinig ang boses ni Sovereign. Sandali siyang
napapikit ng mariin noong bumilis lalo ang kabog sa dibdib niya. Mayamaya ay muli
rin siyang nagmulat ng mga mata.
"Bakit?" aniya kay Sovereign. Nang tingnan niya ito ay nakasuot na lang ito ng
puting t-shirt at boxer short. Lihim siyang napalunok sa tanawing nasisilayan.
Ilang linggo na niya itong nakakasama pero hindi pa rin siya sanay na makita ito sa
ganoong kasuotan. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa kanya.
Lumigid sa kabilang side ng kama si Sovereign at naupo. Sumandal ito sa may
headboard ng kama bago siya binalingan. "Matutulog ka na?"
Tumagilid ng higa si Zafrina paharap kay Sovereign. "Hmmm. Puwedeng favor?"
"Ano 'yon?"
Pumikit siya, pagkuwan ay itinuro ang bintana ng suite na hindi natatabingan ng
heavy curtain. Kitang-kita tuloy ang kadiliman sa labas ng hotel. "Pakisara ng
kurtina. Salamat."
Ganoon na lang ang pagtawa ni Sovereign. "Iniisip mo pa rin 'yong babaeng
nakasuot ng puti?" pang-aasar pa nito.
Dahil nakapikit, balak sana ni Zafrina ay kurutin si Sovereign, sa may tiyan
nito, kaya inabot niya ito ng kamay niya. Pero ganoon na lang ang pagsinghap ni
Sovereign ng sa iba mag-landing ang kamay ni Zafrina.
Mabilis na nagmulat si Zafrina. Ganoon na lang ang shock na lumarawan sa mukha
niya nang makita kung saan nakapatong ang kamay niya. Parang gusto na naman niyang
magpalamon sa kama. Agad na binawi ni Zafrina ang kamay na nasa mismong pagitan ng
mga hita nito bago tinalikuran ng higa si Sovereign.

Nakagat niya ng mariin ang ibabang-labi. Natingnan niya ang


kamay. Napapikit siya ng mariin. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang ihaharap
kay Sovereign. Lalong nag-init ang buo niyang mukha.
Zafrina! tili niya sa kanyang isipan. Hindi na maalis-alis sa isip niya ang
matigas na nahawakan. Oh, my God! Erase. Erase. Erase. Self, what have you done?
Naramdaman niya mayamaya ang pagbaba ni Sovereign mula sa kama. Hinayon nito
ang bintana at sinunod ang ipinakikisuyo niya na pagtabing sa kurtina. Nang muli
itong bumalik sa pagkakaupo sa kama ay sinulyapan pa nito ang nakatalikod pa ring
si Zafrina.
"Zafrina-"
"Hindi ko sinasadya 'yon!" mabilis niyang sansala sa sasabihin pa ni Sovereign.
Maging ang palad niya ay hindi niya magawang ikuyom. Ramdam na ramdam pa rin niya.
"I... I know," ani Sovereign. Tumikhim ito. Trying to clear his throat.
Hindi na niya hinintay ang kung ano pang sasabihin nito. Bumaba siya sa kama at
kumuha ng pantulog sa gamit niyang closet. Dahil sa pagmamadali kaya naman hindi na
niya na-check kung ano ang nakuha niya.
Kaya naman matapos magbabad sa bathtub at nang magbibihis na si Zafrina ay
ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang nakuhang damit na
pantulog. Satin nightdress iyon na kulay puti na umabot lang ang haba sa kalahati
ng kanyang mga hita. Napabuntong-hininga siya. Bakit kasi napasama pa iyon sa mga
damit na dinala niya roon. Ano na lang ang iisipin ni Sovereign kapag nakitang suot
niya iyon? Ayaw niyang isipin na inaakit niya ito.
Zafrina, open minded naman siguro siya. Si Sovereign nga mismo kung magsuot ng
boxer short sa pagtulog hindi ka nagrereklamo, sita ng kanyang isipan.
Huminga muna siya ng malalim bago iyon isinuot. Napatingin pa siya sa salamin
na naroon. Normal lang naman sa kanya na magsuot ng ganoon noong nasa Sagada pa
siya. Wala siyang dapat na ikailang. Dahil si Sovereign nga mismo ay hindi naiilang
magsuot ng boxer short sa pagtulog nito.
Matapos i-blower ang buhok ay ipinasya na niyang lumabas sa banyo. Nakahinga
siya ng maluwag nang makitang natutulog na si Sovereign. Marahan ang ginawa niyang
paghakbang palapit sa kanilang kama. Mula sa guwapong mukha ng binata ay napatingin
siya sa kamay nitong may bahid ng sugat.
Bumalik siya sa banyo at tiningnan ang medicine cabinet kung mayroon doong
ointment na puwede sa sugat ni Sovereign. May maliit doong antiseptic ointment.
Kinuha niya iyon at dinala pabalik sa kama.
Buong ingat na sumampa siya sa kama para hindi ito maalimpungatan. Umayos din
siya ng pagkakaupo para hindi lantad na lantad ang mga hita niya. Bahagya rin
siyang yumuko para mas makita ang may galos nitong kamao. Maingat niya iyong
pinahiran ng ointment. Kanang kamao lang nito ang may bahid ng sugat.
Abala siya sa pagpapahid ng ointment kay Sovereign nang unti-unti namang
magmulat ang mga mata nito. Sa mukha agad niya napatutok ang tingin nito.
"Thank you."
Saka lang napansin ni Zafrina na nakamulat na ang mga mata ni Sovereign.
Mabilis siyang tumuwid ng upo. Daig pa niya ang nahuli sa aktong pagnanakaw kahit
hindi naman iyon ang ginagawa niya. Napalunok siya ng lumakas lalo ang kabog sa
dibdib niya lalo na nang pumasok sa naman sa alaala niya ang nangyaring kahihiyan
kanina.
"N-Nilagyan ko lang ng ointment ang sugat mo para hindi ma-infection. Sorry
kung... kung nagising kita," ipinatong niya sa may bedside table ang gamot.
Napatingin siya kay Sovereign nang bumangon ito at maupo. Nag-iwas siya ng
tingin nang masalubong ang mga titig nito. Akmang tatalikuran na niya ito nang
mabilis siya nitong pigilan sa magkabila niyang braso.
"Wait."
Mula sa dibdib ni Sovereign ay umangat ang tingin niya sa guwapo nitong mukha.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagya nitong paglunok. Right, it was his
first time na makikita siya sa ganoong damit pantulog. Mukhang apektado ito sa
bagay na iyon. Nailang man ay sinikap niyang hindi nito iyon mahalata.
"Bakit?"
Pero tila wala namang maapuhap na sasabihin si Sovereign. Nakatitig lang ito sa
kanya. Hanggang sa unti-unti nitong bitiwan ang braso niya.
Tumikhim ito. "Bakit parang hindi mo na isinusuot 'yong kuwentas mo?" sandali
lang nitong tinapunan ng tingin ang parte ng leeg niya. Pagkuwan ay ibinalik din
ang tingin sa mukha niya.
"Ah. 'Yon ba?" sasabihin ba niya ang dahilan? Tipid na lang niya itong
nginitian. "Hindi ko na siya puwedeng suotin."
"Why not?"
"Nasira 'yong sa may bandang lock niya," dahilan na lang niya.
"Gusto mo bang ipaayos?"
Umiling siya. "No need."
Napatitig na naman ito sa kanya. Speechless.
"Matulog na tayo," untag niya sa pananahimik nito.
"You're so beautiful," sa halip ay wika nito.
Umawang ng bahagya ang labi niya. Pero maging siya ay nawalan ng masasabi rito.
Nang makabawi ay nag-iinit pa ang mga pisngi na nginitian niya ito. Bakit ba
kailangan pa nitong lantarang purihin ang kagandahan niya? Aware naman siya na
maganda siya, pero ngayon lang niya iyon narinig mula kay Sovereign. And damn! It
makes her blush even more.
Nang may sumagi sa isip niya ay unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya.
"You're breaking the rule, Sovereign," hindi niya napigilang sabihin. Dahil kahit
bali-baliktarin pa ang sitwasyon nila ay iyon ang nangyayari sa kanila. He's
breaking his own rule. At kahit ang sarili niyang rule, nababaliwala na rin.
"I know. Ano ba'ng magagawa ko? I can't resist you, Zafrina."
Her heart skips a beat. Gusto niyang matuwa sa kaalamang iyon. Pero bakit mas
nakakaramdam siya ng takot kaysa ang maging masaya? At bakit kailangan pa niya
iyong maramdaman ngayon?
Mula sa pagkakatitig dito ay muli siyang nagbaba ng tingin. Dalawang linggo pa
at matatapos na rin ang palabas nilang iyon.
"Sovereign, 'wag mong sanayin masyado 'yong sarili mo sa akin."
"Too late," anang binata kaya naman muling napatingin dito si Zafrina. "I'm
falling," wika nito na hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.

___________________________
Author Notes:
Leave a comment. I'll read it all po. Gusto ko lang mas ma-inspired pa para
magawa agad ang C28. Thank you.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 29

DOON na tuluyang bumigay ang puso ni Zafrina. Sa binata na


rin nanggaling na nahuhulog na ito sa kanya. Masaya siya sa kaalamang iyon pero
unti-unti pa ring binabalot ng takot ang puso niya. Parang mas gumulo ang sitwasyon
nila ngayon.
"Sovereign—"
"Hayaan mo lang ako," mabilis nitong pigil sa akmang sasabihin pa niya. "Hindi
naman kailangan na mahulog ka rin sa akin agad-agad. I'm not forcing you to do so."
"Nakalimutan mo na ba na ako ang nanalo sa pustahan natin?" paalala niya rito.
Umiling ito. "Hindi ko naman nakakalimutan ang bagay na 'yon. Nandito na ito
bago pa mangyari ang pustahan na iyon." Huminga ng malalim si Sovereign.
Sandaling katahimikan ang namayani bago muling nakapagsalita si Zafrina. "Alam
mong... alam mong hindi ako mananatili ng matagal sa lugar na ito. Sooner or later,
kailangan kong bumalik sa amin." Ayaw niyang aalis siya na walang kasiguraduhan
kung makakabalik pa siya. Nasa Sagada ang pamilya niya at ang nakasanayan niyang
buhay at wala sa lugar na kinaroroonan ngayon. Pakiramdam niya ay sasakit lalo ang
ulo niya sa isiping iyon.
"Then I'll make you stay," walang gatol nitong wika.
Kung sana ay ganoon lang iyon kadali. "Kailangan ko pa ring umuwi."
"Puwede naman kitang ihatid pauwi sa inyo. Maraming paraan, Zafrina. High tech
na rin ang communication ngayon."
Parang pinipiga lalo ang puso niya. Ang seryoso ni Sovereign. He's really
falling for her. Gusto niyang maging masaya sa bagay na iyon pero hindi talaga niya
magawa. Malungkot pa rin siyang napangiti.
"Alam mo bang tumakas ako sa amin dahil," nakagat niya ang ibabang-labi. "Dahil
ayaw kong ma-engage," pag-amin na niya rito. "And then you came. Asking me to be
your so called pretending wife. Sa huli, pinili ko pa rin na tulungan ka kaysa ang
lumayo."
"Ayaw mong ma-engage kanino?" imbes ay tanong nito.
Bahagya siyang umiling. "Hindi mo rin naman kilala kahit sabihin ko."
"Sa tingin mo makakatulog ako? You tell me."
"Gino," tipid niyang wika.
"Gino?"
"I won't tell you his last name, Mister Millares. Makakatulog ka na naman
siguro dahil ibinigay ko na 'yong pangalan niya. Good night."
"Not so fast," pigil nito sa akmang paghiga niya.
Napatingin siya sa kamay niya na hinawakan ni Sovereign. Pagkuwan ay umangat
ang tingin niya sa guwapo nitong mukha. Pambihira, reklamo niya sa isip. Umiiwas na
nga siya pero hayon at hindi naman siya nito pakawalan. Hindi niya alam kung
hanggang saan ang kaya niyang pagpipigil para sa binata.
"H-Hindi ka pa ba inaantok?"
Umiling ito. "Nawala na 'yong antok ko."
Lihim siyang napalunok. "Sovereign—"
"Let me fall," agap nito.
Bigla ay animo nahirapan siyang huminga dahil sa sinabi nito. May magagawa pa
ba siya kung mukha namang ayaw nitong papigil sa nararamdaman nito sa kanya?
Sovereign Millares...
"If I don't want too?" hamon niya rito.
"I'll insist."
"If—"
"Zafrina," reklamo na nito. "Just let me."
Bahagya na naman niyang nakagat ang ibabang-labi. Napatingin doon si Sovereign
bago ibinalik ang tingin sa mga mata niya.

"Don't bite your lower lips."


"Bakit?"
"Pakiramdam ko inaakit mo ako."
Napatawa si Zafrina. "Really?"
"Hmmm."
Mula sa pagkakahawak nito sa kamay niya ay umangat ang kamay nito papunta sa
may mukha niya. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni Zafrina nang maramdaman ang
paghaplos ni Sovereign sa may pisngi niya. Bahagya niyang nahigit ang paghinga
dahil sa ginawa nito. Animo may gumapang na kilabot sa katawan niya pababa sa puson
niya. Hindi niya napigilan ang sarili na mapapikit dahil sa sensasyon na iyon..
Napamulat lang siya nang maramdaman ang paglapat ng malambot na labi ni
Sovereign sa kanyang labi. Mukhang hindi na rin ito nakatiis. Dahil hindi siya
tumutugon sa halik nito kaya naman itinigil nito ang ginagawang paghalik sa kanya.
Bahagyang inilayo ni Sovereign ang mukha nito kay Zafrina.
Mataman siya nitong pinagmasdan. "I'm sorry," bulalas nito. "Kung hindi ko
natupad 'yong usapan natin. And don't hate me just because I'm falling."
"Sovereign, immune na ako sa mga lalaking nagkakagusto sa akin. So, don't be
sorry," nginitian pa niya ito. Trying to pissed him off. Mukha namang effective
dahil dagli ang paniningkit ng mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Ah, ganoon? So, ang malas naman nila dahil hanggang sa pagkakaroon lang ng
gusto sa iyo ang kaya nilang gawin. I can do more than that, Hon," gumuhit ang
mapaglarong ngiti sa mga labi nito. "Try me."
Hon... nagdulot iyon ng kilig sa dalaga. Crazy, pero hindi na naman niya
mapigilan ang munting ngiti na kumuwala sa labi niya. At alam niya na umabot iyon
sa mga mata niya. Natatakot man siyang sumubok pero hayon at unti-unti ng
nangingibabaw ang damdamin niya para kay Sovereign. Maraming, what ifs. Pero may
puntong gusto na niyang sumugal sa nararamdaman. Dahil pakiramdam niya, the more na
pinipigilan niya ang sarili. The more na parang sasabog siya na bulkan ano mang
oras.
Huminga siya ng malalim. Pagkuwan ay mataman din itong pinagmasdan. "Kaya mo ba
akong hintayin?" Umaasa ang puso niya na sana... sana mahintay siya nito. Hindi
niya alam kung ano ang puwedeng mangyari sa mga susunod na araw, buwan o taon.
"I can wait," pangako nito sa kanya.
Sapat na ang mga salitang iyon. Dahil isa iyon sa panghahawakan niya.
Nang muling ilapit ni Sovereign ang mukha nito sa kanya ay hindi siya umiwas.
Nakaramdam pa siya ng pananabik na muling matikman ang mainit nitong halik.
Napapikit si Zafrina nang tuluyang maglapat ang mga labi nila. Sa pagkakataong iyon
ay tinugon na niya ang halik nito sa abot ng kanyang makakaya. Wala man siyang
karanasan sa bagay na iyon noon, ngayon naman ay unti-unti na siyang nakakasabay sa
bawat galaw ng labi ni Sovereign. He's a good teacher, anyways.
Walang gustong tumapos sa makapugtong-hiningang halik na pinagsasaluhan nila.
Even, Sovereign himself. Humapit ang mga kamay nito sa may baywang ni Zafrina
palapit dito. Nang hindi makontento sa puwesto ng dalaga ay mas kinabig pa siya ni
Sovereign pasaklang ng upo sa kandungan nito.
Bahagyang nahigit ni Zafrina ang paghinga nang maramdaman ang matigas na bagay
na nasa pagitan ng mga hita niya. Naimulat niya ang mga mata at natitigan si
Sovereign. Muli siya nitong siniil ng halik dahilan para muli siyang mapapikit.
Nag-iinit lalo ang pakiramdam niya at alam niyang ganoon din si Sovereign na
idiniin pa ang sarili sa kanya. Hanggang sa pakiramdam niya ay lasing na lasing na
siya sa ipinararanas sa kanya ngayon ng binata. Ni hindi siya kumontra nang itaas
ni Sovereign ang suot niyang nightdress at tuluyan nitong hubarin sa kanya.
He kissed her once more. Ipinulupot naman ni Zafrina sa may batok ni Sovereign
ang mga kamay niya at idiniin din ang hubad na katawan dito.
Mula sa paghaplos sa hubad niyang likuran ay dumako naman ang dalawa nitong
kamay sa dibdib niya. Napaungol si Zafrina nang maramdaman ang mainit nitong mga
palad na ngayon ay animo minamasahe ang magkabila niyang dibdib. Ni hindi niya
matagpuan ang sarili na pigilan si Sovereign sa ginagawa nito sa kanya. Hindi siya
epokrita, dahil nagugustuhan niya ang bagong karanasang iyon.
Mariin siyang napapikit nang bumaba ang labi ni Sovereign papunta sa kanyang
leeg. Pakiramdam niya ay lalo siyang pangangapusan ng hininga nang marating ng
mainit na labi ni Sovereign ang tuktok ng dibdib ni Zafrina.
"Aaah," she moaned with pleasure. Nakagat pa ni Zafrina ang ibabang-labi nang
maramdaman ang tila galit ng pagkalalaki ni Sovereign na siyang kinauupuan niya
ngayon. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang pananakit ng puson kahit wala
naman siyang monthly period. "Sovereign," hindi niya napigilang ibulalas dahil sa
sensasyong ipinararanas nito ngayon sa kanya.
Hindi rin nagtagal ay hinubad na rin ni Sovereign ang suot nitong damit at
basta inihagis sa likuran nito. His eyes were burning while looking at her.
"If you'll stop me. Then, I'll stop," bahagya pang habol ni Sovereign ang
paghinga nito.
Stop? Parang wala iyon ngayon sa kanyang vocabulary.
Imbes na magsalita ay siya na ang kumabig sa may batok nito at sumiil ng halik
dito. Wari naman ay na-gets ni Sovereign ang sagot niya kaya naman ginantihan nito
ang sinimulan niyang halik.
Maingat siya nitong inihiga sa kama habang hindi pa rin hinihiwalayan ang
kanyang mga labi. Napapikit lalo si Zafrina nang ibaba ni Sovereign ang nag-iisang
pang-ibaba niyang saplot sa katawan.
Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Isa lang ang tinitiyak niya. Wala siyang pagsisisihan dahil tuluyan na siyang
bumigay sa isang Sovereign Millares.
Nang parehas wala ng sagabal na saplot sa kanilang mga katawan ay pinakatitigan
siya ni Sovereign.
"I'll be gentle," he promised.
Tinanguan niya ito. Ni hindi rin niya inalis ang tingin sa binata nang bumangon
ito mula sa bahagyang pagkakadapa sa ibabaw niya. Mula sa guwapo nitong mukha ay
bumaba ang tingin ni Zafrina sa katawan nito. Saka lang siya napalunok nang makita
ang kahubdan ng binata. What a perfect built.
Napakurap-kurap siya nang paghiwalayin ni Sovereign ang mga hita niya.
Nakaramdam man ng pagkapahiya, dahil iyon ang unang pagkakataon na may makakakita
sa kabuuan niya, sinarili na lang iyon ng dalaga.
Pero hindi na niya naisip pa ang pagkapahiyang iyon nang pumwesto na si
Sovereign at animo handang-handa ng sumugod sa giyera. Muli siyang napapikit nang
mag-umpisa ng umulos sa pagkababae niya si Sovereign. Hindi niya napaghandaan ang
sakit na kaakibat ng unang pag-ulos nito.
"Aaah," she moans. Napakapit siya ng mariin sa comforter ng kama nang muling
sumubok umulos ang pagkalalaki ni Sovereign sa kanya na lalong nagpasigid sa
nararamdaman niyang kirot. Nakagat niya ang ibabang-labi para pigilan ang ungol na
gustong kumuwala.
"Almost there, hon," ani Sovereign na muli siyang hinalikan sa labi.
Mabilis na ipinulupot ni Zafrina ang mga braso sa may batok nito. Doon siya
kumuha ng suporta sa nanghihinang katawan. Nakatulong naman ang mainit na halik ni
Sovereign para kahit paano ay maibsan ang sakit na iyon.
"G-Ganito ba talaga kasakit sa una?" reklamo niya na isiniksik ang mukha sa may
leeg nito nang tuluyang mapasok nito ang pagkababae niya. Pakiramdam niya ay
nauubos ang lakas niya.
"Later, hindi na 'yan masakit," anito na muling gumalaw sa ibabaw niya.
Magsasalita pa sanang muli si Zafrina nang muli siyang halikan ni Sovereign.
Ilang sandali pa ay tila kanila na lang ang buong mundo. Walang sino man ang
gustong tumapos. Everything is out of control. Even their feelings for each other
is out of control.
"You're mine, Zafrina. Mine alone," he whispered.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 30

"YOU'RE into her."


Binalingan ni Sovereign ang kaibigang si Liam. Pagkuwan ay ibinalik ang tingin
kay Zafrina na kasama nina Paige, Johairah at Xhena sa isang table. Masayang
nagkukuwentuhan ang mga ito. Nang mga sandaling iyon ay nasa Club House Resto sila.
Katatapos lang mag-lunch.
"Paano mo nasabi?" imbes ay tanong niya kay Liam.
"Men, kitang-kita sa mga mata mo. Pumu-puso habang nakatitig sa kanya. Tsk.
Tsk. Tsk. I can't imagine na hahantong ka rin sa ganito. Baka sa susunod
mababalitaan ko na lang na tototohanin na ninyo 'yan?" ani Liam na napangisi pa.
Napangiti siyang lalo. Wala namang masama kung dumating man sa ganoong punto.
Pero katulad ng sinabi niya kay Zafrina, hindi naman niya ito minamadali.
Kasisimula lang nila sa bagong setup ng pagsasama nila. Sa ngayon, wala siyang
ibang gustong isipin kundi si Zafrina lang. Kung ano'ng magpapasaya rito.
"Kung hindi naman dahil sa suggestion mo, hindi siya mapapalapit sa akin ng
husto. So, thanks to you."
Tumawa si Liam. "Ako pa pala talaga ang naging tulay. I'm flattered. No wonder,
hindi ka na galit sa akin dahil sa nainom ni Zafrina." Bahagyang inilapit ni Liam
ang mukha kay Sovereign. "Tell me, effective ba?"
Hinila niya ang buhok sa may patilya nito na ikinangiwit nito. "You're crazy."
"Sagutin mo 'yong tanong ko," anito na mabilis na inalis ang kamay niyang
nakakapit pa rin sa may patilya nito. "Aaah, masakit 'yon, ah."
"Liam, I respect Zafrina more than I respect our friendship."
"Wow. Big word," sarkastiko pa nitong wika. "Mabagal ka talaga. Galaw-galaw
rin."
Kung alam lang nito. Pero ang mga ganoong bagay ay hindi na dapat pang-i-share
sa kaibigan. Masyadong personal kung ano man ang namamagitan sa kanila ngayon ni
Zafrina. Kanila na lang ang bagay na iyon.
Sumeryoso na si Liam. "Sana lang tuloy-tuloy na 'yang spark sa mata mo. Sa
hinaba-haba ng pagkakaibigan natin, ngayon ko lang nakita 'yan sa iyo. Well, I'm
happy for you. Sana all," he grin.
"Thank you."
Hindi rin naman nagtagal at nagsitayuan na sina Zafrina. Nagpaalam na rito sina
Paige. Nang bumaling sa kanya si Zafrina ay awtomatiko ang pagsilay ng ngiti sa
labi nito nang magtama ang mga tingin nila. Mukhang kailangan na niyang masanay sa
parating pagsikdo ng dibdib niya sa tuwing ngumingiti ito sa kanya ng ganoon.
"Tara na?" ani Zafrina nang makalapit sa kanya.
Tumikhim si Liam. "Kailan uli ang balik ninyo rito?"
"Bahala na."
Napailing-iling ito. "Ipinagpalit mo na talaga kami. Samantalang dati kapag
inayang pumunta rito, ora mismo."
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. "'Wag ka kasing laging nakatago rito sa
Leisure Club, gumala ka rin minsan sa outside world," nginisian pa niya ang
kaibigan bago iginiya si Zafrina palayo kay Liam.
Pauwi na sila ng araw na iyon sa bahay ng daddy niya. Pakiramdam niya ay
napakabilis masyadong lumipas ng bawat araw.
"Hon," agaw niya sa pansin ni Zafrina.
Mukhang pinipigilan ni Zafrina na mapangiti ng husto nang balingan siya nito.
"Kinikilabutan talaga ako kapag tinatawag mo akong, Hon."
"Baka ibang kilabot 'yan," tudyo pa niya rito. Gustong-gusto niya itong
tinutudyo dahil sa tuwina'y namumula ang pisngi nito. Katulad na lang nang mga
sandaling iyon.
"Sovereign," saway nito sa kanya. "May gusto ka bang sabihin?"
Mas hinapit niya ito sa may baywang nito palapit sa kanya. "Parang ayaw ko pang
umuwi." Totoo naman iyon. Parang mas gusto pa niyang manatili sa lugar na iyon
kasama si Zafrina.

"Pero kailangan na nating umuwi. Ini-expect ng daddy mo na


magdi-dinner tayo mamaya sa bahay ninyo," paalala pa ni Zafrina sa kanya.
Ano pa nga ba ang magagawa niya?
KUNG ANO'NG oras umalis sina Zafrina at Sovereign sa bahay ng mga ito papuntang
Leisure Club noong Lunes ay ganoong oras din sila bumalik doon.
Huminga muna ng malalim si Zafrina bago bumaba sa kotse ni Sovereign nang
pagbuksan siya nito ng pinto sa may passenger side. Naroon na naman siya sa lugar
na iyon. Napatingin siya kay Sovereign nang hawakan nito ang kamay niya. Mahigpit.
"Ipagluto mo ako bukas ng umaga," malambing pa nitong request. Hinalikan pa
nito ang likod ng kamay niya.
Bakit hanggang ng mga sandaling iyon ay tila hindi pa rin siya masanay sa
sweetness ni Sovereign simula nang gabing may mangyari sa kanila? O dahil
naninibago pa siya at ni minsan ay hindi niya in-expect na hahantong sila sa
ganoong punto ng samahan nila ngayon? Hindi na sila nagpapanggap lang. Lalo na sa
harap ng mga tao.
"Ipaalala mo, baka makalimutan ko."
"Okay," anito na iginiya na siya papasok sa loob ng mansiyon.
Nang makapasok sa loob ay humayon agad ang tingin niya kay Cassey na pababa sa
grand staircase. Bakas na naman ang disgusto sa mukha nito nang makita siya.
"Hinihintay ka ni Daddy Antonio sa Study Room," ani Cassey kay Sovereign nang
makasalubong nila ito sa may hagdanan habang paakyat sila ng binata.
"Okay. Thank you," tipid lang na sagot ni Sovereign na bahagya pang nginitian
si Cassey na ikinatulala nito. Nahabol pa sila nito ng tingin nang lampasan nila
ito.
Dahil mukhang may pag-uusapang importante si Sovereign at ang daddy nito kaya
nagpa-alam na si Zafrina rito na dederetso na sa silid nila.
"Hintayin mo ako doon," pahabol pa nito.
Nilingon niya si Sovereign na akmang bubuksan na ang pinto sa Study Room.
"Bakit?"
Gumuhit ang pilyong ngiti sa sulok ng labi nito. "Basta." Isang titig pa sa
kanya bago nito tuluyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
Naiiling na nagpatuloy na siya sa paglalakad. Pagkarating sa silid ni Sovereign
ay inayos na rin niya ang mga gamit, na dala nila galing Leisure Club, na agad
isinunod doon ng kawaksi.
Nang matapos sa ginagawa at wala pa rin si Sovereign ay minabuti niyang lumabas
muna at pumunta sa kusina. Gusto lang niyang makita kung ano ang menu para sa
gabing iyon.
Pero palampas pa lang siya sa may komedor nang makasalubong si Cassey. Huminto
ito sa paglalakad at mataman siyang tinitigan.
"Isasama ka ba ng asawa mo sa business trip nila nina Daddy Antonio?"
"Business trip?" hindi niya napigilang ibulalas.
Tumango ito. "Isang linggo silang mawawala rito sa bahay." Gumuhit na naman ang
mapang-asar na ngiti sa labi ni Cassey. "Mukhang hindi mo alam. Don't tell me,
never na nabanggit ni Reign ang tungkol sa business trip nila sa New York? Asawa ka
ba talaga niya? Bukas na ang alis nila. Just so you know." Tatawa-tawa pa rin si
Cassey nang lampasan siya.
Hindi siya agad nakahuma sa kinatatayuan dahil sa nalaman. Totoo naman iyon,
walang nababanggit ni minsan sa kanya si Sovereign na mag-a-out of the country ito
para sa isang business trip.
Napalunok siya at ilang beses na huminga nang malalim. Bakit ni minsan ay hindi
iyon naulit sa kanya ng binata? Hindi tuloy niya maiwasan na magtampo rito. Tapos
bukas na agad ang alis ng mga ito.

Hanggang sa sumapit ang hapunan ay tahimik lang si Zafrina.


Kibuin-dili niya ang binata. Hindi naman nabanggit ng kahit na sino sa mga ito ang
tungkol sa pag-alis ng mga ito kinabukasan habang kumakain sila.
"Let's talk," wika agad ni Sovereign nang makabalik sila sa silid nito.
Nilampasan lang niya ito kaya humabol ito sa kanya at humarang sa daraanan
niya.
"What's wrong?"
Blanko lang ang tingin na ipinukol niya rito. "Paalis pala kayo bukas. Wala
kang nabababanggit sa akin." Nang hindi agad ito makapagsalita ay nilampasan na
niya ito. Dumiretso siya sa banyo.
Pagkasara sa pinto ay agad niyang hinubad ang kasuotan at nagbabad sa jacuzzi.
Ipipikit sana niya ang mga mata nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa may
pinto.
"Zafrina, mag-usap tayo."
Hindi siya sumagot. Nakailang katok at tawag ito sa kanya na hindi niya
pinapansin kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang makalipas ang ilang
sandali ay bumukas ang pinto.
"Sovereign!" she hissed.
Tila nakahinga ito ng maluwag nang makita siyang nagbababad lang sa jacuzzi.
Napalunok pa ito.
Nakita na nito ang lahat sa kanya pero hayon at nakakaramdam pa rin siya ng
hiya rito. Niyakap niya ang tuhod at iniiwas ang tingin kay Sovereign nang pumasok
pa ito sa loob at isara nito ang pinto. Mukhang wala itong balak na lumabas doon.
Naglakad ito palapit sa kinaroroonan niya. Pagkuwan ay naupo sa gilid ng
jacuzzi. Nakatalikod ito sa kanya.
"'Yong tungkol sa business trip. Last month pa 'yon naka-schedule. Hindi ko
naulit sa iyo dahil nawala rin sa isip ko. It was a business conference in New
York. Kasama ni Daddy si Tita Marion. Kanina ko lang naalala nang ulitin ni Daddy
sa akin ang tungkol sa bagay na 'yon."
Kumibot ang labi niya. Mukha naman itong nagsasabi ng totoo.
"Mas na-focus ang atensiyon ko sa iyo," anito na bahagya siyang sinulyapan.
"Isang linggo kang mawawala," sa halip ay wika niya.
Bumuntong-hininga si Sovereign. "May dala ka bang passport mo?"
Umiling siya. Naiwan niya sa Sagada ang ilan sa mga importante niyang
dokumento. "Naiwan ko sa amin." Niyakap niyang lalo ang mga tuhod.
"Kung dala mo sana, ikukuha kita ng ticket."
"Mag-ingat na lang kayo," sabi na lang niya. Wala na rin naman siyang magagawa
pa sa bagay na iyon.
"You're still mad."
"I'm not." Tumikhim siya at iniiwas na ang tingin sa likuran ni Sovereign.
"Lumabas ka na."
Tumayo na nga si Sovereign. Muling napatingin dito si Zafrina nang mahagip ng
tingin niya ang paghuhubad nito sa suot nitong polo.
"B-Bakit ka naghuhubad?" naeeskandalo niyang tanong na ikinangiti nito.
"Sasabayan kang maligo."
Ganoon na lang ang pag-awang ng labi niya. Nasabuyan tuloy niya ito ng tubig.
"Magtigil ka, Sovereign Millares! Labas!" Napapikit pa siya ng mariin nang sunod
naman nitong hubarin ang pang-ibaba nito. Oo nga at may nangyari na sa kanila pero
hindi pa rin siya sanay na bigla-bigla ay maghuhubad ito sa harapan niya ng basta-
basta na lamang. At isa pa hindi pa sila nagsasabay maligo ng binata.
"Kung ayaw ko?" hamon pa nito.
Lalong napapikit ng mariin si Zafrina nang lumusong na sa tubig si Sovereign.
Mukhang hindi talaga niya ito mapapaalis. Naupo pa ito sa tabi niya. Unti-unti lang
niyang naimulat ang mga mata nang sunod na maramdaman ang pagyakap nito sa kanya.
"I'm sorry. Kung nakalimutan ko mang sabihin sa iyo dahil totoong nakalimutan
ko rin ang tungkol doon. 'Wag ka ng magalit o mainis sa akin. Ayaw kong aalis kami
na galit ka. And please, 'wag kang aalis hanggat wala ako," pakiusap pa nito.
Wala na ang hinampo niya rito, pero tiyak na mami-miss niya ito ng husto.
Isinandig na niya ang ulo sa may dibdib nito. "Hindi ako galit," sa wakas ay
bulalas niya. Napapikit lang siyang muli nang halikan siya ni Sovereign sa noo
niya.
"'Wag kang aalis."
Nagmulat siya ng mga mata at pinakatitigan ang guwapong mukha ni Sovereign.
Mababakas doon ang takot at pag-aalala. Dahil ba sa iniisip nito na baka umalis
siya?
Marahan siyang tumango. "Hindi ako aalis," assurance niya rito. Saka lang ito
tila nakahinga ng maluwag. Napangiti na siya nang yakapin siya nitong muli.
Nasasanay na siya masyado sa yakap ni Sovereign. Tiyak na hahanap-hanapin niya iyon
sa mga susunod na araw.
Matapos siyang yakapin ng binata ay hinawakan naman nito ang magkabila niyang
pisngi. Pagkuwan ay hinalikan ang labi niya. Ipinikit ni Zafrina ang mga mata niya
at tinugon ang halik na iyon ni Sovereign.
May video call naman. At kahit na magkaiba ang magiging oras nila kapag nasa
New York na ito ay tiyak naman na gagawa at gagawa ito ng paraan para magkausap
sila.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 31

NAGISING mula sa mahimbing na pagkakatulog si Zafrina sa


sunod-sunod na malalakas na pagkatok sa pinto ng silid ni Sovereign. Pupungas-
pungas na nag-mulat ng mga mata si Zafrina.
"Hey! Hindi ka pa rin ba gising? Tanghali na! Wake the hell up, Zafrina!"
malakas na wika mula sa labas ng pinto.
Napilitang bumangon na ang dalaga at hayunin ang pinto. Nang mabuksan niya iyon
ay ang iritadong mukha agad ni Cassey ang bumungad sa kanya.
"Alam mo ba kung ano'ng oras na? Alas otso na. Kanina pa ako nagugutom."
Kumunot ang noo niya. Bakit naman sa kanya ito nagrereklamo ng kagutuman nito?
May tagaluto naman ang bahay na iyon. "Gusto mong sirain ang pinto dahil lang
nagugutom ka?"
Umasim ang mukha nito. "That's mean, magluto ka na."
"Bakit ako?"
She rolled her eyes. "FYI, wala lahat ng maids. Naka-leave silang lahat.
Babalik lang sila bago ang araw na pagdating nina Mommy. So, bilisan mo at magluto
ka na."
"Naka-leave?"
"Deserve rin nila ang makapag-leave. And this is the best time para gawin 'yon.
Siguro naman ay marunong ka sa gawaing bahay dahil nasa hitsura mo rin naman."
Tumaas pa ang isa nitong kilay. "You'll do the house hold chores, Zafrina. Lahat ng
gawaing bahay. Hindi por que ikaw ang asawa ni Reign ay tutunganga ka lang dito
habang wala siya. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Leave this house or gawin
lahat ng gawain ng mga katulong."
Umalis sa bahay na iyon? Wala iyon sa plano niya dahil nangako siya kay
Sovereign na dadating ito na naroon pa rin siya. "At ikaw?"
Ngumiti ito. "Sorry, pero sa bagay na 'yan ay wala kang maaasahan sa akin dahil
lumaki ako na may mga katulong sa paligid ko." Pumitik pa ito sa harapan niya.
"Tama na ang chika, pumunta ka na sa kusina at magluto ng almusal. ASAP," iyon lang
at naglakad na ito palayo.
Pagak siyang napatawa sa sinabi ni Cassey. May alam din naman siya sa gawaing
bahay dahil kapag may time ay tumutulong pa rin siya sa mga gawain sa bahay ng
abuela niya kahit may mga katulong sila roon. Hindi rin naman siya pinalaking tamad
ng kanyang mga magulang.
Ngunit parang sobra naman ang ginawa ni Cassey para pagbakasyunin lahat ng
kawaksi? Ni isa ay wala itong itinira?
Muli siyang pumasok sa loob ng silid ni Sovereign at nagbanyo. Napabuntong-
hininga pa siya habang nag-to-toothbrush. Nakaalis na kahapon sina Sovereign. At sa
unang gabi na wala ito sa silid na iyon ay sobrang naninibago siya. Kaya naman
pasado ala una na ng madaling araw siya nakatulog. Nangako ito na tatawag ito kapag
nakarating na ang mga ito sa hotel na tutuluyan.
Masyadong matagal ang byahe kaya natitiyak niya na matatagalan bago ito tumawag
sa araw na iyon.
Mukhang wala siyang magagawa sa ngayon kundi ang makisama kay Cassey dahil sila
lang dalawa ang tao sa mansiyon. Marunong naman siyang magluto kaya walang kaso sa
kanya.
Katatapos lang nilang mananghalian nang muli siyang lapitan ni Cassey sa
kusina. Katatapos lang niya halos maghugas ng kinainan nila at ginamit niya sa
pagluluto. May dala itong laundry basket na puno ng damit.
"Labhan mo itong mga damit ko. Hindi ito puwede sa washing dahil masyadong
sensitive ang mga tela. Kusutin mo na lang." Inilapag nito iyon sa tabi niya.
"Cassey—"
"Alam kong marunong kang maglaba. Be thankful. Dahil practice mo na rin ito
kapag lumipat na kayo ng bahay ni Reign. Kaya 'wag kang puro reklamo." Hindi na
nito hinintay na makapagsalita pa siya. Tinalikuran na siya nito at hinayon ang
palabas ng kusina.

Nasundan niya ito ng tingin. Pagkuwan ay napatingin sa


laundry basket na puno ng labahin. Napabuntong-hininga siya.

PAGOD NA PAGOD na ibinagsak ni Zafrina ang likod sa kama. Maghapon niya halos
pinagtiyagaang kusutin ang mga pinalabhan sa kanya ni Cassey gamit ang mga kamay
niya.
Ano kaya'ng magiging reaksiyon ni Sovereign kapag nalaman ang pinaggagawa ni
Cassey?
"Hindi mo kailangang pagurin ang sarili mo habang wala ako. Kung may kailangan
ka, tawagin mo lang ang mga housemaid. Sila ang gagawa para sa iyo..."
Napapikit siya sa alalahaning iyon na sinabi sa kanya ni Sovereign. Kabilin-
bilinan nito na 'wag siyang magpapagod. Pero heto at nanakit ang balakang at
likuran niya.
"Sovereign," anas niya sa pangalan nito. Miss na niya ito. Nakagat niya ang
ibabang-labi nang manubig ang mga mata niya. Hinayaan lang niyang tumulo ang mga
luha niya. She can't help it. Ngayon pa lang, sobrang miss na miss na niya ang
binata.
Pakiramdam pa niya ay napakabagal lumipas ng bawat oras.
Dahil na rin sa pagod na nararamdaman kaya naman mabilis na iginupo ng antok si
Zafrina. Tuloy-tuloy na ang tulog niya. Ni hindi siya nagising sa mga katok ni
Cassey. Maging ang makailang ulit na tawag ni Sovereign sa kanyang cellphone ay
hindi niya nasagot.
Umaga na nang muling magising si Zafrina. Napatingin siya sa kamay niya nang
maramdaman ang hapdi na nagmumula roon. Saka lang niya naalala ang paglalaba
kahapon. Hindi siya hiyang sa ginamit na panlaba at dahil manipis ang balat niya
kaya naman nagkapaltos-paltos ang mga kamay niya.
Napabuntong-hininga siya.
Mabilis siyang napatingin sa may bedside table nang marinig ang tunog ng
cellphone. Mabilis niya iyong kinuha. Parang nawala ang pagod niya nang makita na
overseas call iyon. Natitiyak niyang si Sovereign iyon.
"Hello?" bungad agad niya.
"Hon."
One word. Pero hayon at mangiyak-ngiyak na naman siya nang marinig ang boses ni
Sovereign. "Kumusta ka?" pinasigla pa niya ang boses.
"Hindi okay. Ilang beses na akong nag-attempt tumawag pero hindi ka sumasagot.
Lalo na kagabi."
"Maaga akong nakatulog kagabi. I'm sorry."
"Okay na. Narinig ko na 'yong boses mo. I miss you," malambing na wika ni
Sovereign.
Mabilis niyang pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya. "Hmmm."
"Hmmm, lang?" reklamo pa nito.
Bahagya siyang napatawa. "Bakit?"
"Hindi mo yata ako nami-miss."
Kung alam lang nito kung gaano na niya ito nami-miss. "Hindi nga."
"Zafrina, 'wag mo akong gaganyanin. Maraming chicks dito," pagpaparinig pa nito
sa kanya.
"Marami ring UHB men dito," ganti niya na ikinatawa nito.
"You hit me hard, hon. Anyways, mag-video call tayo."
"Hindi ako puwedeng mag-open ng kahit na anong social media account ko. Alam mo
naman na nagtatago ako. Ayaw kong ma-trace ako ni Gino," paalala niya rito.
Nakalimutan din niya halos ang tungkol doon.
Bumuntong-hininga ito. "Paano kita makikita?"
"Pag-uwi mo."
"Nagpapa-miss ka talaga masyado, ha?"
Napangiti na siya. "Mag-ingat ka diyan," sa halip ay wika niya. Napatingin siya
sa may pinto nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. "Sige na. Salamat sa tawag
mo. Alam kong pagod ka rin sa mahabang byahe, pahinga ka muna."
"May gagawin ka na ba?"
"Hmmm. Nababanyo na ako," dahilan niya. "Bye."
"Okay. Bye."
Mabilis na niyang pinutol ang tawag at nilapitan ang pinto. As usual, hindi na
naman maipinta ang mukha ni Cassey nang makita siya.
"At hindi ka talaga lumabas kagabi."
"Nakatulog ako."
"As if I care?"
Sinikap niya na habaan pa ang pasensiya kay Cassey. Kung papatulan niya ito ay
baka magsumbong pa ito sa mommy nito and worst mas masama pa ang iparating nito.
Siya na ang mag-a-adjust sa ugali nito.
"Bilisan mo na at nagugutom na ako. Mag-alarm ka rin para naman hindi ako ang
mas nauuna pang gumising sa ating dalawa."
Zafrina, breath in. Breath out, aniya sa isip. "Bababa na ako," sabi na lang
niya rito bago isinara ang pinto na ikinamaang pa nito.
Saka lang nakahinga ng maluwag si Zafrina nang mawala sa harapan niya si
Cassey.
Hindi lang sa pagluluto, paghuhugas at paglalaba ang literal na ipinagawa sa
kanya ni Cassey. Maging ang paglilinis sa mansiyon ay ipinagawa rin nito sa kanya.
Kahit ang sarap-sarap nitong layasan ay walang reklamo na ginawa pa rin niya. Kahit
na tumalak na ito ng tumalak ay wala itong narinig sa kanya ni isang salita.

HALOS nahalughog na ni Zafrina ang buong silid ni Sovereign ay hindi talaga


niya makita ang gamit niyang charger. Drain na ang battery ng cellphone niya.
Nahahapong napaupo siya sa gilid ng kama.
"Bakit ayaw mong magpakita kung kailan kailangan kita?" ang alam talaga niya ay
nasa may sulong lang sa may bedside table nakalagay ang charger sa gamit niyang
cellphone. Pero hayon at naglahong parang bula.
Hindi naman siya makakalabas dahil walang driver na naroon. Hindi rin siya
marunong mag-drive ng kotse. At ang paglabas sa Village ang isa sa iniiwasan niyang
gawin.
Napilitan siyang lumapit kay Cassey. "Same ba tayo ng brand ng cellphone?"
ipinakita pa niya rito ang kanyang cellphone. "Baka puwedeng manghiram ng charger?
Hindi ko makita 'yong charger ko."
"Zafrina, mas mamahalin ang cellphone ko kaysa sa cellphone mo. Kaya hindi kita
mapapahiram. At kung same man tayo ng brand ng cellphone, hindi pa rin kita
pahihiramin," anito na inirapan pa siya.
Paano na lang kapag tumawag si Sovereign? Napabuntong-hininga siya.
"I'M SORRY to say this, Reign. Pero ilang araw ng hindi umuuwi ang asawa mo
rito. Like, seriously? May asawa ng tao pero umalis ng walang paalam. Tapos hindi
mo pa ma-contact? Kung narito siya sa bahay, makakausap mo naman siya dahil puwede
ko naman siyang tawagin para sagutin itong tawag mo sa telepono. Pero wala siya
rito. At ilang araw mo ng tinatawagan ang cellphone niya pero nakapatay. Ayaw kong
lumabas na sinisiraan ko ang asawa mo sa iyo, ha?"
Tumiim ang bagang ni Sovereign. Ilang beses na laging si Cassey ang nakakasagot
ng tawag niya sa telepono.
"Let me know kapag umuwi na siya."
"Okay. Mukhang hindi mo pa kilala talaga ang asawa mo. Kung kailan nagsama kayo
sa iisang bubong, umalis ka lang, dinaig pa ang dalaga na akala mo ay walang bahay
na naghihintay sa kanya. Anyways, concern lang naman ako lalo na sa iyo, Reign.
Kung bakit naman kasi bigla-bigla ay nag-asawa ka agad."
"Bye," aniya na pinutol na agad ang naturang tawag dahil lalong sumasakit ang
ulo niya kaiisip.
Napapikit siya at nahilot ang sentido. Pauwi na lang sila at lahat ay hindi pa
rin niya nakakausap si Zafrina. Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari dito.

_____________________________
Author's Note:
Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

AUTHOR'S NOTE

M A H A L A G A N G
P A A L A L A
Ang The Billionaire's Secret po ay hindi RECOMMENDED sa mainipin na mambabasa
dahil ito po ay ON-GOING at hindi pa COMPLETE. Kaya po wag kayong magtataka kung
bakit ito ay wala pang ENDING. Sa kadahilanang WRITING IN PROGRESS pa po ito.
Please avoid commenting such:
NAKAKABITIN / BITIN
ANG IKSI NG UPDATE
NEXT
ANG TAGAL NG HININTAY NAMIN TAS YON LANG?
and such...
Naisip niyo rin po ba na buti kayo naghihintay lang, paano naman si Author?
Okay lang kaya siya? Inspired kaya siya?
'Wag niyo pong iparamdam sa manunulat na para bang kasalanan pa niya kasi ang
bagal niyang mag-update.
Kung kaya naman po palang magpost ng comment, bakit hindi makabuluhang komento
ang ibigay? Mas nakakatulong pa na ma-boost ang kasipagan ng isang manunulat sa mga
motivational comment at sa mga comments na related sa nabasang kuwento.
Anyways, thank you sa lahat ng WILLING TO WAIT palagi sa update ng TBS. Kayo
yong dahilan kung bakit trying lagi ako sa best ko na makagawa ng update. Thank you
lalo na sa mga Cheonquils ko, you inspired me a lot mga besh.
Kung hindi pa po kayo member sa Facebook Group ko kung saan nagpo-post ako
palagi ng mga update sa pagsusulat ko. Kung ano ang latest na sinusulat ko at kung
kailan ako magpo-post ng update. Please, JOIN my group para UPDATED po kayo.
FB Group: Jonquil Stories
May link po sa aking Wattpad Profile 😊
Also, ang The Billionaire's Secret po ay for Self-Published next year. So, if
interested welcome kayo sa Group ko for more updates. We will release limited
copies.
K e e p   S a f e   E v e r y o n e.
J O N Q U I L
__________________________________________
P A G B I L A O
Share ko lang po. Dito po nabuo 'yong location ko ng UHB Leisure Club. Yong
abot hanggang doon sa may dagat. 😊

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 32

SAKA LANG napagtanto ni Zafrina kung bakit nagpaluto ng


marami sa kanya si Cassey, araw ng Biyernes. May mga kaibigan pala itong darating.
At nang mga sandaling iyon nga ay mga nagkakasiyahan na sa may pool area.
"Padala ng tatlong bote ng red wine sa may pool area. Samahan mo rin ng
kaunting bilis."
Mula sa hinahalong buffalo wings sa frying pan ay sinulyapan niya si Cassey.
Namamagod na ang pakiramdam niya. Kanina pa ito umutos nang umutos. Kung hindi lang
dahil kay Sovereign ay nilayasan na niya ito.
Kaunting pasensiya pa, Zafrina, paalala niya sa sarili.
"Cassey, bakit hindi na lang ikaw ang kumuha? Nakikita mo naman na may ginagawa
pa ako."
"Alam mong may mga bisita ako," balik nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim para maalis ang namumuong pagkainis dito. "Kung hindi
mo sana pinagbakasyon lahat ng katulong dito sa bahay, eh, 'di sana may iba kang
mauutusan sa mga kailangan mo. Gusto kong ipaalala sa iyo na hindi mo ako katulong
sa bahay na ito."
Umawang ang labi nito sa sinabi niya. "At ngayon nakukuha mo ng magreklamo?
Mind you, Zafrina. Ginusto mong tumira sa bahay na ito."
Pabagsak niyang ibinaba ang hawak na panghalo. "Ginusto ni Sovereign,"
pagtatama niya na lalong nagpatiim sa mga labi nito.
"So, hindi mo naman pala ginusto. Wala naman siya rito, bakit hindi ka na lang
umalis para hindi ka nagtitiis sa bahay na ito?"
"Cassey, alam kong ayaw mo sa akin. Pero hindi 'yon ang magiging dahilan para
umalis ako rito." Ibinalik niya ang tingin sa niluluto.
"Whatever," anito na tinalikuran na siya. "'Yong wine 'wag mong kalimutan."
Marahas siyang huminga nang hindi pa kunin ni Cassey ang bote ng wine. Nang
masigurong kumapit na lahat ng sauce sa chicken wings ay inilagay na niya iyon sa
isang ceramic plate. Pagkuwan ay binudburan ng sesame seeds.
Kahit sobrang naiinis na kay Cassey ay ginawa na lang niyang libangan ang
pagluluto at ang gawaing bahay habang wala pa si Sovereign. Hanggang ng mga
sandaling iyon ay hindi pa rin niya nakikita ang charger ng cellphone niya. Hindi
niya maiwasang isipin na baka may kinalaman si Cassey sa pagkawala ng kanyang
charger, hindi na lang siya nagsasalita. Hindi rin naman siya nakakatanggap ng
tawag sa telepono. Hindi niya naririnig tumunog ni minsan ang mga iyon.
Napakatahimik ng buong mansiyon. Ngayon na lang uli umingay nang dumating ang ilang
mga kaibigan ni Cassey. Dalawang babae at apat na lalaki ang mga dumating kanina.
Dinala na niya sa may pool side ang nilutong buffalo wings.
"Ang ganda naman masyado ng maid ninyo, Cassey," anang isang lalaki na kanina
pang malagkit ang tingin kay Zafrina, na kalalapag lang sa isang lamesa sa dalang
ceramic plate.
"Jaze, don't mind her," ani Cassey na binalingan si Zafrina. "'Yong wine."
Walang imik na bumalik siya sa loob at hinayon ang mini bar sa mansiyon. Kumuha
siya ng tatlong red wine na magkakaparehas ng brand at dinala kina Cassey.
"Cube ice pa. Saka pito na wine glass."
"Tulungan na kita," sabi pa ni Jaze na mabilis tumayo at sumunod kay Zafrina.
Hindi niya pinansin ang sumunod na lalaki. Hindi rin niya sinasagot ang mga
tanong nito. Hanggang sa makabalik sa may pool area.
Dahil nakakaramdam ng pagod kaya naman bumalik muna siya sa silid ni Sovereign
at umidlip. Madilim na nang muling magising si Zafrina.
Nang makaramdam ng gutom ay saka lang niya ipinasyang bumaba para magluto ng
makakain niya. Nagulat pa siya dahil hindi pa pala tapos sina Cassey. Nasa may pool
area pa rin ang mga ito. Mukhang masyadong nagkakasiyahan.

Minabuti na lang niya na pumunta sa kusina at magluto ng


makakain niya. May natira siyang chicken wings na marinated na. Iyon na lang ang
iprinito niya para ulamin.
Matapos kumain ay nilinis muna niya ang kusina. Itinabi niya rin ang mga
ginamit sa pagluluto kanina. Saktong katatapos lang niya nang may pumasok sa
kusina. Ang makulit na si Jaze.
"Bakit ngayon ka lang uli nagpakita?" anito na namumungay na rin ang mga mata.
Mukhang lasing na.
Hindi ito pinansin ni Zafrina. Akmang lalampasan niya ito ng mabilis nitong
hinawakan ang braso niya at pasalya pa siyang isinandal sa may Kitchen Island na
iginaigik ni Zafrina.
"B-Bitiwan mo ako," aniya na pinilit makawala rito pero c-in-orner pa rin siya
nito sa Kitchen Island.
"Not so fast, baby. Know what? Kanina pa ako naiinis sa pang-i-snub mo."
Itinulak niya ito pero hindi ito natinag. Nagwala na siya nang akmang hahalikan
siya nito. Nakalmot pa niya ito sa mukha nang umakma na naman siyang hahalikan.
"Oh, fuck you!" he shouted.
Puwersahan pa ng pihitin ni Jaze si Zafrina patalikod dito at isubsob sa ibabaw
ng Kitchen Island. Naalarma siyang lalo ng kunin pa nito ang dalawa niyang kamay at
ilagay sa may likuran niya.
"A-Anong ginagawa mo? Pakawalan mo ako."
"Paliligayahin muna kita. 'Wag kang pakipot. Alam ko namang magugustuhan mo rin
ito."
"Pakawalan mo ako!" sigaw niya. "T-Tulong! Cassey!!!" buong lakas niyang sigaw
na halos maputol na ang ugat sa may leeg niya. "Tulong!"
"Damn it! 'Wag kang maingay. Mabilis lang tayo."
Napaiyak na siyang lalo nang hindi pa rin niya magawang makawala sa lalaking
nasa likuran niya na halos ipitin siya sa may Kitchen Island. Gusto niya itong
sipain pero hindi niya magawa. Natatakot na siya sa maaari niyang sapitin lalo at
hindi siya makawala mula sa lalaking hayok na hayok sa kanya. Mukhang walang
makakapigil sa gusto nitong gawin sa kanya.
"Maawa ka..." she beg.
Sovereign...
Halos mamilog ang mga mata ni Cassey sa naabutang eksena. Humahangos na pumasok
ito sa loob ng kusina. "Fuck you, Jaze!" Itinulak nito si Jaze palayo kay Zafrina
pagkuwan ay ubod lakas na sinampal sa mukha ang lalaki na halos magpasubsob dito sa
tiled floor. "What the hell, Jaze? Sinabi kong hands off si Zafrina."
Ngumawa-ngawa si Jaze. Animo hindi ininda ng husto ang ginawa rito ni Cassey.
"She's fucking hot, Cassey."
"Damn you," sigaw dito ni Cassey. "Umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng
pulis. You almost raped her!"
"Fuck," tanging nasabi ni Jaze bago tumayo at umalis ng kusina.
Animo nahulasan si Cassey dahil sa naabutang eksena sa kusina. Bahagya pa itong
nanginginig habang panay ang hinga ng malalim. Binalingan nito si Zafrina na sige
ang iyak sa may gilid ng Kitchen Island.
Napalunok si Cassey. "I-I'm sorry. Bumalik ka na sa kwarto mo. Darating na ang
mga housemaid bukas. Sila na ang bahala sa mga kalat sa labas," iyon lang at umalis
na rin si Cassey.
Nahabol ni Zafrina ng tingin si Cassey. Parang lahat ng inis niya rito sa loob
ng halos isang linggo ay nawala dahil sa pagliligtas nito sa kanya kanina. Kung
hindi ito dumating, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Halos tulala lang si Zafrina habang nakababad sa jacuzzi. Mayamaya pa ay may
tumulo na namang mga luha sa mga mata niya. Mariin siyang pumikit at sinikap na
alisin sa alaala ang animo bangungot na nangyari kanina sa kusina.

HABOL NI Zafrina ang paghinga nang bigla siyang magising mula sa masamang
panaginip. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Pagkuwan ay niyakap ang unan sa kanyang
tabi. Isinubsob niya roon ang kanyang mukha.
Nangingilakbot pa rin siya sa kanyang napanaginipan. Nagawa raw ni Jaze ang
gustong gawin sa kanya sa kusina. Pangalawang beses na siyang dinalaw ng masamang
panaginip na iyon. Mariin siyang napapikit. Pagkuwan ay muling nagmulat ng mga mata
at sinulyapan ang oras sa wall clock sa silid na iyon. Alas tres pa lamang ng
madaling araw. Araw na iyon ng Linggo. Parating na sina Sovereign.
Kumibot ang labi niya nang maalala si Sovereign.
Makalipas pa ang kalahating oras ay pinilit niyang makatulog muli.
Kinaumagahan ay nagising si Zafrina sa mabangong aroma ng pagkain. Nang
magmulat siya ng mga mata ay nagtaka pa siya nang makita si Cassey na may dalang
breakfast tray. Nang makitang nagising na siya ay ipinatong nito iyon sa may
bandang paanan ng kama pagkuwan ay naupo sa tabi niyon.
"Mag-almusal ka na. Alas nuebe na."
Nanibago siya sa tono ng boses nito. Mahinahon iyon. Walang bakas ng
pagtataray. Maging sa mukha nito.
Nagtataka tuloy na naupo siya. "Bakit mo ako dinalhan ng almusal?" Kahapon,
maghapon niya itong hindi nakita simula nang dumating sa mansiyon ang mga
kasambahay nila.
"Simple peace offering. Alam kong kulang pa 'yan sa lahat ng nagawa ko sa iyo.
I'm really sorry for everything, Zaf."
Zaf... isa ito sa mga tao sa lugar na iyon na tumawag sa kanya ng Zaf. And it
means a lot to her.
"Alam ko rin na mahirap kalimutan 'yong nangyari last Friday night. Between you
and Jaze. I-I'm sorry. Hindi ko alam na magagawa niya 'yon. I warn them na 'wag
kang lalapitan dahil mananagot sila sa akin. Pero hindi pa rin nakinig si Jaze.
Until I heard you scream my name. Kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay.
Kinausap ko na siya kahapon and he's really sorry for what he did. Pero sinabi ko
sa kanya na humanda siya kung magpa-file ka ng case laban sa kanya. Pero ang
damuho, umalis agad-agad ng bansa," napailing iling pa si Cassey.
Bumaling ito sa may bandang terrace. Huminga ng malalim bago muli siyang
binalingan.
"I admit, I don't like you. Because, Reign's like you so much. Nakikita ko 'yon
kung paano ka niya titigan. Masaya siya na kasama ka." Malungkot itong ngumiti. "I
like him since the first time I saw him. But he never and will never like me. Kaya
nagdesisyon na ako kahapon na tigilan na siya. He's all yours. Alam kong huli na
rin pero gusto ko pa ring sabihin na, welcome to the family. Right, tanggap ko na
rin na pamilya lang talaga kami ni Reign."
Sobrang natuwa ang puso ni Zafrina dahil sa pag-o-open up sa kanya ni Cassey.
At alam niya na ito na rin iyong hinihintay ni Sovereign, ang tantanan na ito ni
Cassey. Good news for him. Nauntog na ang step-sister nito sa katotohanang hindi
mababaling ang atensiyon dito ni Sovereign.
"Salamat," tanging nasabi ni Zafrina.
"Ingatan mo si Reign. Ikaw lang ang babaeng ipinakilala niya sa lahat kaya alam
kong seryoso siya sa iyo. Ikaw lang 'yong babaeng hinayaan niyang tumabi sa kanya,
ma-link sa kanya. He's really into you, Zaf." Ngumiti uli ito. Sa pagkakataong iyon
ay alam niyang genuine iyon. "Itutuloy ko na 'yong pagpunta ko sa Paris. Nag-apply
ako sa isang sikat na School for Fashion Designing pero hindi ko itinuloy dati.
Pero ngayon, tutuloy na ako."
"Alam na ba ng mommy mo?"
Umiling si Cassey. "Sa iyo ko pa lang sinabi. Pero mamaya pag-uwi nila,
sasabihin ko na rin sa kanya." Binalingan nito ang dala nitong pagkain. "Kumain ka
na habang mainit pa itong pagkain mo."
"Thank you. Kumain ka na ba?"
Tumango ito. "Tapos na ako kanina pa. Alam mo naman na nauuna pa akong gumising
sa iyo," anito na bahagyang natawa. "Morning sickness siguro kaya ka laging
tinatanghaling gumising. Again, I'm really sorry. Nawala sa isip ko na nagdadalang
tao ka. Masyado kang napagod sa mga gawaing bahay. Sana okay lang ang baby mo. God,
baka hindi na ako pauwiin dito ni Reign kapag may nangyaring masama sa baby ninyo."
"O-Okay lang ako, Cassey." Kung alam lang nito na wala naman talagang laman ang
tiyan niya.
"Are you sure?" Tumango si Zafrina. "Anyways, kapag may time, let's go
shopping. Gusto ko lang bumawi sa iyo."
Sino ba siya para hindi magpatawad? Kung Diyos nga ay nagagawang magpatawad,
siya pa kaya?
Nginitian niya si Cassey. "Sige."
"One more thing," ani Cassey na inilabas mula sa bulsa ng suot nitong dress ang
charger na matagal niyang hinahanap. "Ibinabalik ko na."
Sinasabi na nga ba niya. Nangingiti habang naiiling na kinuha niya iyon mula
kay Cassey.
"Ako na ang bahalang mag-explain kay Reign kung bakit hindi ka niya makausap."
Umiling siya. "Ako na ang bahala."
Nang tumayo si Cassey ay nilapitan nito ang telepono na karatig ng intercom at
may kinabit mula sa likuran niyon. Mukhang nasagot na kung bakit hindi tumutunog
ang teleponong iyon. Hindi naman niya napapansin na nakapatay iyon. Ganoon din
siguro ang ginawa nito sa iba pang telepono sa mansiyon.
Nangingiting nag-peace sign sa kanya si Cassey. "That's my bitch side. Pero
nagpapakabait na ako ngayon."
Alam niyang iyon na rin ang simula ng maganda nilang samahan. Iyon nga lang,
nalalapit na ang pag-alis nito. Pero ganoon pa man ay masaya si Zafrina para kay
Cassey dahil na-realize din nito na kahit na kailan ay hanggang sa pagiging pamilya
lang ang maaaring mamagitan dito at kay Sovereign.

_____________________________
Author's Note:
Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 33

ABALA ang lahat ng kawaksi sa kusina nang sumilip doon si


Zafrina. Anytime soon ay darating na sina Sovereign. Saktong hapunan ang dating ng
mga ito.
"Kailangan niyo po ba ng tulong?" aniya kay Nana Marissa.
Umiling ang matanda. "Naku, magpahinga ka lang Señorita at kaya na namin dito
sa kusina. Mamaya lang ay parating na sila."
Mukhang hindi talaga papayag ang mga ito na tutulong pa siya roon kaya wala na
rin siyang nagawa. Wala rin naman siyang gagawin kaya minabuti na lang niya na
pumunta sa silid ni Sovereign.
Saktong dating niya sa pangalawang palapag ng mansiyon nang makarinig ng busina
ng sasakyan. Muling pumihit si Zafrina paharap sa may hagdanan. Pagkuwan ay
naglakad palapit sa may railings. Kita mula roon ang entrada ng mansiyon. Sa
mismong tapat ng nakabukas na pinto pumarada ang sasakyan ni Don Antonio Millares
na isang Limousine Van. Napatago sa likod ng may kalakihang vase si Zafrina nang
makita ang pagbaba mula sa sasakyan ni Tita Marion.
Ganoon na lang ang pagkabog ng mabilis ng kanyang puso nang sa wakas ay
masilayan ang lalaking pinakami-miss sa lahat na huling bumaba mula sa Limousine
Van. Nakauwi na talaga ito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Animo
may kung anong naglilikot sa puson niya.
"Si Zafrina?" tanong agad ni Sovereign sa kawaksi na lumapit sa mga ito.
"Kakaakyat lang po kani-kanina sa taas."
Nahawakan ni Zafrina ang dibdib dahil sa mabilis na kabog na nagmumula roon.
Pagkuwan ay nagmamadali na siyang pumunta sa silid ni Sovereign. Pagkapasok sa
silid ay mabilis niyang binuksan ang naroong TV. Kunyari ay abala siya sa panonood
kahit na wala naman doon ang isip niya.
Hindi nga nagtagal ay bumukas na ang pinto. Pinigilan niya ang sarili na
bumaling sa parteng iyon. Maging ang paghinga niya ay halos mapigilan pa niya.
Malakas na tumikhim si Sovereign. "Busy much?"
Pasimple munang huminga ng malalim si Zafrina bago bumaling kay Sovereign na as
usual, dashingly gorgeous. Hinubad nito ang suot na coat at basta lang inihagis sa
katabi ng inuupuan niyang sofa. Bakas na bakas ang kaseryosohan sa guwapo nitong
mukha.
"Hin-"
"Where have you been?" mabilis nitong agaw sa sasabihin sana niya. Nanatili
itong nakatayo nang makalapit sa may tabi niya.
Kumunot ang noo niya. "Ano'ng klaseng tanong 'yan?" Mukhang nagkamali siya ng
expectation sa unang bungad nito sa kanya sa pag-uwi nito.
"Ilang araw ka raw wala rito sa bahay. Akala ko ba takot kang lumabas? Pero
ano? Malalaman ko na umalis ka rito? Nakuha mo pa talagang i-off ang cellphone mo."
Nagbawi siya ng tingin pagkuwan ay ibinalik niya ang atensiyon sa may TV
screen. Na-gets na niya kung ano ang pinaghuhugutan nito. Sigurado siyang kay
Cassey nanggaling ang maling inpormasyon na iyon noong hindi na siya ma-contact ni
Sovereign.
Hindi niya magawang magsalita para i-defend ang sarili mula sa maling akusasyon
ni Sovereign. Animo bigla-bigla ay may bumarang kung ano sa lalamunan niya.
"Saan ka pumunta?"
Lumunok si Zafrina. Trying to clear her throat. Nananakit na iyon. "Mukha
bang... mukha bang umalis ako?"
"Hindi nga ba?"
Tumiim ang labi niya. Matapos ng isang linggong pahirap sa kanya ay ganito ang
ibubungad sa kanya ni Sovereign? Nagtiis siya sa bahay na iyon dahil nangako siya
rito na hihintayin niya ito kahit ang naging kapalit niyon ay malagay sa piligro
ang buhay niya. Tapos ganito ito sa kanya ngayon? Pinag-iisipan siya ng masama?

"Kung alam ko lang na ganyan ang pinaniniwalaan mo. Sana


nga umalis na lang ako rito sa bahay na ito." Kinuha ni Zafrina ang remote control
na nasa tabi niya at in-off na ang TV. Bigla-bigla ay nawala ang excitement niya na
makita ang binata. Sinisira nito ang mood niya.
"Nagtatanong lang ako."
Malamig na tingin ang ipinukol niya rito. "Ini-insist mo na umalis nga ako.
Hindi ka lang basta nagtatanong. Nakakapagod din namang magpaliwanag kaya kung ano
'yong pinag-iisip mo sa akin habang wala ka rito, eh, 'di 'yon ang isipin mo. Wala
kang tiwala sa akin dahil mas nagawa mo pa'ng maniwala sa iba."
Nang hindi agad makapagsalita si Sovereign ay minabuti na munang lumabas ni
Zafrina sa silid na iyon. Ang sikip masyado sa pakiramdam. Pero akmang lalampasan
pa lamang niya ito ay hinapit na agad siya nito palapit dito at mahigpit na
niyakap.
Mahigpit lang na yakap ni Sovereign si Zafrina. Mahabang sandaling katahimikan
ang namayani bago nagsalita si Sovereign. "Ayaw kong maniwala sa pinagsasabi ni
Cassey, pinanghahawakan ko rin 'yong sinabi mo. Pero ano'ng magagawa ko? Masyado
akong nag-isip. Ang sakit sa ulo. Halos mawala ang focus ko sa dinaluhan naming
business conference ni Daddy. Gusto ko ng umuwi. Gustong-gusto. Gusto na kitang
makausap. Gusto na kitang makita. Gusto na kitang yakapin. God knows how I missed
you badly, Zafrina. Mabaliw-baliw na ako dahil ni hindi ko man lang marinig kahit
boses mo. Itong pag-uwi namin, nakiusap na ako kay Daddy na gamitin na 'yong
private chopper namin pauwi rito sa Pagbilao galing Manila para mas mabilis ang
biyahe. I'm sorry for thinking too much."
Matapos marinig ang mga sinabi ni Sovereign ay nakagat ni Zafrina ang ibabang-
labi dahil sa pinipigil na mapaluha. Kahit siya man, sobrang miss na miss na si
Sovereign.
Lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ni Sovereign. Bahagya nitong inilayo ang
katawan sa kanya at pinakatitigan ang mukha niya. "I miss you. I miss you so much.
I'm sorry sa naging asal ko kanina."
Lumambot na ang ekspresiyon ng mukha ni Zafrina. Bakas na bakas nga sa guwapong
mukha ni Sovereign ang pagka-miss nito sa kanya. There, suko na talaga ang puso
niya sa binata. Mabilis nitong napapalambot ang puso niya.
"Hindi ako umalis dito," wika niya.
Marahan itong tumango. "Mahirap pala ang LDR. Tapos walang communication. Gusto
ko ng contact-in si Liam para sana puntahan ka kung okay ka lang ba rito. Pero
pinigilan ko lang 'yong sarili ko dahil baka kung ano na namang kalokohan ang
maisip niyang gawin. Maraming beses akong tumatawag sa landline pero palaging si
Cassey ang sumasagot. Wala ka nga raw dito. Tapos naka-off pa 'yong cellphone mo."
"Low batt ang cellphone ko. Tinago pa ni Cassey 'yong charger para wala lalong
chance ng communication sa ating dalawa. Alam mo naman na natatakot akong lumabas
ng village kaya hindi na ako nag-take ng risk para lang maghanap ng charger sa Mall
at-" nahinto sa pagsasalita si Zafrina nang hindi na nakatiis pa si Sovereign.
Siniil na siya nito ng halik sa labi.
Natigilan si Zafrina sa ginawa ni Sovereign. Nang makabawi ay unti-unti rin
niyang ipinikit ang mga mata at gumanti sa halik nito. Alam ng Diyos kung gaano
niya na-miss ang binata. May misunderstood man na nangyari dahil sa kagagawan ni
Cassey, naniniwala siya na magiging maayos din naman iyon sa huli. Dahil wala
namang problema na hindi naaayos.
Akmang itataas ni Sovereign ang damit ni Zafrina nang makarinig ng sunod-sunod
na pagkatok sa pinto. Sa gulat ay naitulak niya ang binata.
"M-May tao," aniya na napatingin sa may pintuan. Baka mamaya ay bigla na lang
iyong bumukas.
Napilitang pumunta si Sovereign sa may pintuan. Nanlalambot naman na naglakad
papunta sa may kama si Zafrina at naupo sa may gilid niyon.
"Kakain na po," nakaringgan ni Zafrina na wika ng kawaksi.
"Susunod na kami," ani Sovereign bago muling isinara ang pinto. Binalikan nito
si Zafrina. "Continue?" he even teased. Naupo ito sa tabi ni Zafrina.
Nangingiting umiling siya. "Tumigil ka."
"Hindi pa naman ako nagugutom."
"Sovereign," saway niya rito nang paulanan siya nito ng mumunting halik sa
kanyang leeg.
Kinintalan siya nito ng halik sa labi pagkuwan ay matamang tinitigan. "Na-miss
mo ba ako?"
"Sa tingin mo?" balik tanong niya.
"Hmmm. Siguro umiiyak ka pa sa gabi dahil hindi mo ako katabing matulog."
Natawa si Zafrina sa sinabi ni Sovereign. Totoo naman ang bagay na iyon. Wala
yatang gabi na hindi siya umiyak ng dahil sa pagka-miss dito.
"Napakahimbing ng tulog ko sa gabi," pang-aasar niya rito.
"Ganoon? Ako lang siguro ang naka-miss ng husto sa iyo."
Nginitian niya ito. A sad one. "Palagi ko ring hinihiling na sana pagmulat ng
mga mata ko, nandiyan ka na. I... I miss you a lot," pag-amin niya rito. Nagbaba
siya ng tingin nang hindi matagalan ang titig na iyon sa kanya ni Sovereign.
Nakakatunaw.
"Hon," masuyo nitong wika na hinawakan pa siya sa baba niya. Bahagya nito iyong
itinaas para lang muling magtagpo ang mga paningin nila. "Say it again."
Pigil ang ngiti sa labi na pinagbigyan niya ito. "I miss you too." Sa
pagkakataon na iyon ay hindi na niya inalis ang tingin dito. Ganoon din ito, hindi
nito inaalis ang tingin sa kanya.
Huminga ng malalim si Sovereign parang kinakabahan pa ito. "Let's make this
real. Gusto ko ng maging official tayong dalawa. Ayaw kong isipin mo na, I always
take you for granted. I want you for real."
Na-speechless si Zafrina. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang kasiyahan
dahil sa narinig. Hearing those words from the man she loves. Sensero ito. Ramdam
niya iyon. Ramdam na ramdam. Nakagat niya ng bahagya ang ibabang-labi. Proposal pa
lang iyon na maging official na talaga ang relasyon nila pero hayon at naluluha na
siya.
"Please, say something."
Tumango siya. "Okay."
"As in yes?" paninigurado pa nito.
"Ayaw mo? Babawiin ko."
"No. Wala ng bawian. Sa akin ka na. Ah, hindi, una pa lang naman akin ka na."
Muli siyang niyakap ni Sovereign. "Pakiramdam ko nawala lahat ng pagod ko sa
mahabang byahe. At dahil 'yon sa iyo."
Parehas lang naman sila nito. Gumanti siya ng yakap sa binata.
Akmang ihihiga siya nito nang pigilan niya ito. "Sovereign," saway niya rito.
"Baka hinihintay na nila tayo sa baba. Tara na, nagugutom na rin ako." Tumayo na
siya at hinila na ito sa kamay. Pahinamad pa noong tumayo si Sovereign.
"Puwede namang mamaya na tayo kumain."
Iniangkla niya ang kamay sa braso nito. "May tamang oras para doon."
Tinanggal ni Sovereign ang kamay niya sa braso nito. Pagkuwan ay hinapit siya
sa kanyang baywang palapit dito. Inilapit pa nito ang bibig sa may tainga ni
Zafrina na nagdulot ng kilabot sa dalaga.
"Puwes, humanda ka sa akin mamaya."

_____________________________
Author's Note:
Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 34

"BAKIT ang weird ni Cassey? Is she up to something?" kunot


ang noo na tanong ni Sovereign kay Zafrina nang tabihan siya nito sa kinauupuang
hanging chair na malapit sa may swimming pool.
Napangiti si Zafrina. "Nakakapanibago ba siya?"
Tumango ito. "Nakita ko pa kayo ritong magkakuwentuhan kanina."
"Okay na kami. Siya 'yong unang lumapit. At g-in-ive up ka na rin niya. So,
wala ka ng problema sa kanya."
"What do you mean?"
"'Di ba, worried ka noon dahil weird ang kinikilos ni Cassey. Kaya nga nauwi pa
sa pagpapanggap natin para lang lubayan ka niya. Success itong ginawa mo para
maisip niya na kahit na kailan ay hindi lalampas sa pagiging kapatid ang puwede
mong ibigay sa kanya." Hindi na lang niya ikinuwento pa kay Sovereign ang nangyari
sa kanya noong Friday night. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Cassey dahil
dumating ito sa panahong kailangan niya ng tulong. Ayaw niyang magkagulo pa ngayong
maayos na ang lahat.
Sumandal ito pagkuwan ay hinawakan ang kamay niya. "Buti naman natauhan na
siya."
"Okay na 'yong problema mo kay Cassey. So, puwede na akong umuwi sa amin?"
Ganoon na lang ang pag-iling nito. "Hindi ka pa puwedeng umuwi," anito na
kinabig siya palapit dito. Pagkuwan ay niyakap ng mahigpit. "Next week, lilipat na
tayo sa bahay ko," bulong pa ni Sovereign sa may tainga ni Zafrina na nagdulot ng
kakaibang kilabot sa katawan ng dalaga.
"Tapos ng gawin 'yong bahay mo?"
"Hmmm. Gusto mong puntahan natin ngayon?"
Gusto niyang makita ang bahay nito pero hayon at may umeeksena na naman sa isip
niya. Paano kung hindi naman siya ang babaeng titira talaga doon? Ano ba'ng malay
niya sa mga maaari pang mangyari sa kanila ng binata?
"Saka na lang siguro," sabi na lang niya.
"Ayaw mong makita?"
Gustong-gusto pero baka umasa lang siya sa huli. "Kapag lumipat ka na naman,
makikita ko rin 'yon."
"Tayo," pagtatama nito. "Tayong dalawa ang lilipat doon."
Kay sarap sa pandinig. Binalingan niya si Sovereign at pinakatitigan. Bumaling
din ito sa kanya pagkuwan ay pinamalasan siya ng matamis nitong ngiti. Isa lang
naman ang siguradong hiling niya sa Puong may kapal. Na sana, si Sovereign na
talaga ang nakalaan para sa kanya. Dito niya nakita ang sarili na ikinakasal,
magkaroon ng sariling pamilya at kasamang tumanda.
"'Wag mo akong titigan ng ganyan, hon," saway sa kanya ni Sovereign.
"Bakit?"
"Hindi ko nagugustuhan 'yong nakikita ko sa mga mata mo." Nawala ang masayang
ngiti sa labi ng binata. "Ayaw ko sa lahat 'yong ganitong pakiramdam na para bang
isang araw, iiwanan mo ako."
Ayaw niyang ma-guilty sa bagay na iyon pero bakit iyon ang nararamdaman niya
nang mga sandaling iyon? Huminga siya ng malalim at pinilit iwinaksi ang bagay na
iyon. "Wala naman akong planong mang-iwan. Ang nega mo."
"What if?"
"Wala naman sigurong magiging dahilan para iwan ka."
Tumango ito. "Wala talaga."
"Kung ganoon naman pala, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano."
Kinintalan siya nito ng halik sa labi pagkuwan ay muling niyakap ng mahigpit.
"Stay with me."
"Oo na nga po, 'di ba? Paulit-ulit?"
Saka lang uli napangiti si Sovereign. "Mas okay na 'yong maliwanag."

"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit wala kang


pasalubong sa akin galing sa pinuntahan ninyo," ani Zafrina na kumalas na sa
pagkakayakap ni Sovereign.
"Ah, 'yon ba? Sa tingin mo ba maiisip ko pang mamili ng pasalubong kung stress
ako sa pag-iisip sa iyo? Ilang araw tayong hindi nagkausap. Hindi pa ba sapat 'yong
sarili ko na pasalubong sa iyo? Kinukulang ka pa rin sa akin?"
"Wala bang iba? Puro na lang katawan mo," pang-iinis pa niya rito.
Pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong. "Hon, swerte mo nga at sa iyo lang
ito."
Nangingiting inihilig niya ang sarili sa may dibdib nito. Pagkuwan ay nilaro-
laro niya ng kamay ang buhok nito. Dahil kay Sovereign, mas nagkaroon siya ng
dahilan para harapin ang Lola niya at si Gino. Kapag naging maayos na ang lahat,
wala ng dahilan para mag-isip pa ng kung ano-ano. At sa tipo ni Sovereign, alam
niyang ipaglalaban siya nito kay Gino. At iyon ang pinanghahawakan niya ngayon.

"SHALL we go?"
Nakangiting tinanguan ni Zafrina si Sovereign. Nang gabing iyon ay dadalo sila
sa Thanks Giving Party ng pamilya ni Carmina Lebrias. Sino ba'ng makakalimot sa
babaeng malaki ang gusto kay Sovereign? Isang beses pa lang niya nakikita ang
naturang babae. Noong sumama siya sa opisina ni Sovereign.
"Kung hindi dahil kay Dad, hindi ako mag-aabalang pumunta roon," litanya na
naman ni Sovereign nang makabalas sila ng silid nito.
"Pagbigyan mo na ang daddy mo."
"'Wag kang aalis sa tabi ko."
Tinanguan niya ito. "Opo."
Kahit na tinatamad ang pakiramdam ni Zafrina ay wala rin naman siyang nagawa sa
pamimilit ni Sovereign. Dahil hindi ito pupunta kung hindi siya sasama. Pumunta rin
naman doon ang daddy nito at step-mother nito pero hindi iyon sapat na dahilan para
pumunta ito na hindi siya kasama.
Nang makarating sa Puerto Del Mar na matatagpuan sa Lucena City, karatig bayan
ng Pagbilao City ay animo tinatamad pa si Sovereign nang bumaba sa kotse nito.
Hindi inalis ni Zafrina ang tingin sa binata nang pagbuksan siya nito ng pinto
sa gilid niya at alalayang makababa.
"Sovereign, halatang-halata sa mukha mo na wala ka sa mood. 'Wag mong gawing
obvious."
Tumango ito. "Okay."
Inayos niya ang necktie nito. "Smile."
Nang mataman siya nitong titigan ay ngumiti na ito. "Buti na lang maganda ang
kasama ko."
Pinigil niyang kiligin pero hayon at kumawala pa rin ang ngiti sa labi niya.
"Nambola pa. Tara na sa loob," aniya na iniangkla na sa braso nito ang kamay niya.
Halos mapuno ang kaliwa't kanan na kalye ng sasakyan dahil sa mga bisita ng
pamilya Lebrias. Hindi naman kalayuan ang napag-parking-an ni Sovereign sa sasakyan
nito.
Kinakabahan man ay pinanatag ni Zafrina ang sarili. Wala naman sigurong
makakakilala sa kanya sa pagtitipon na iyon. Lalo na at maiksi na ang buhok niya at
nag-makeup din siya. The power of makeup transformation.
"Reign! Join us here!" kinawayan pa si Sovereign ni Carmina nang makarating
sila sa vinue ng party. May tatlong upuan na bakante sa table na kinaroroonan nito.
"Pagbigyan mo na," bulong niya rito.
Wala ng nagawa pa si Sovereign kundi ang lumapit sila sa kinaroroonan nina
Carmina. May iba pa naman silang kasama sa naturang table na pabilog.
Ipinaghila pa siya ni Sovereign ng mauupuan. At hindi man niya tingnan si
Carmina, hayon at ramdam niya ang pagsunod ng tingin nito sa kanila ni Sovereign.
Tumikhim si Carmina. "Guys, alam ko naman na kilala ninyo si Reign," ani
Carmina sa mga kasama nila sa table. "He's with her wife."
Hindi naman bakas dito ang disgusto sa kanya nang mga sandaling iyon. Tanggap
na rin ba nito na kasal na si Sovereign sa iba? Kung ganoon nga, masaya siya para
kay Sovereign dahil bawas na ang mga babaeng baliw rito.
"Whoa. You're married?" gulat pang bulalas ng isang lalaki sa table nila.
"Yes," seryoso ang mukhang wika ni Sovereign.
Napatingin ang ilan kay Carmina. "So, Mina," ani Rezaliza. "Naka-move on ka na
kay Reign? He's married."
Matamis na ngumiti si Carmina. "Masyado akong maganda para ipagpilitan ang
sarili kay Reign. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo."
Mula sa ilalim ng lamesa ay hinawakan niya ang kamay ni Sovereign at pinisil.
Napasulyap ito sa kanya. Nginitian niya ito. Marahan itong tumango nang tila ma-
gets kung para saan ang ngiti niyang iyon.
"Look who's coming," ani Carmina na muling itinaas ang kamay at may kinawayan.
"Jansen, here!" Lumapad lalo ang ngiti sa labi ni Carmina.
Napatingin si Zafrina sa bagong dating na babae. Napaka-elegante rin ng isang
ito. Ngumiti pa si Jansen nang makita si Carmina. Lumapit ito sa table nila at
naupo sa katabing silya ni Sovereign nang imuwestra iyon ni Carmina rito.
"I heard, kababalik mo lang from Austria," ani Carmina kay Jansen.
"Yeah. Hi, everyone," nakangiti pa nitong bati sa kanilang lahat. Saglit lang
nitong sinulyapan si Sovereign bago ibinalik ang tingin kay Carmina.
Dahil tahimik lang si Sovereign kaya panaka-naka rin ang pakikinig ni Zafrina
sa usapan kahit na hindi naman siya maka-relate. Alam niya, kung hindi lang
kabastusan ay baka kanina pa sila umalis ni Sovereign sa table na iyon.
Habang kumakain ay muling nagsalita si Carmina. "Jansen, hindi pa rin ako
makapaniwala na hanggang ngayon ay single ka pa rin. How come na ang isang kagaya
mo na halos nasa iyo na rin ang lahat ay single since birth? Mind if you'll share?
I'm sorry. I'm hella curious."
"Me too," sang ayon ni Rezaliza.
Animo nahihiya pa si Jansen. Huminga pa ito ng malalim. "Okay, I'll share my
secret. Nakakahiya pero may pinanghahawakan kasi akong promise, mula sa isang
lalaki, fourteen years ago. Actually, bata pa ako noon. I don't know kung tanda pa
ba niya or what. Kasi hindi ko rin naman alam kung ano ang pangalan niya. But...
but I still hold that promised. That one day, he will marry me. A childhood
promised. Na hanggang ngayon, pinanghahawakan ko pa rin. Silly me."
Bahagyang napahawak si Carmina sa labi nito. "Oh, my God. That's sweet. Sa
abroad ba nangyari 'yan?"
Umiling si Jansen. "Hindi. Sa Valle Encantado sa Pagbilao."
Unti-unting napabaling si Zafrina kay Jansen.
"Tanda ko pa, sa tapat ng isang puno. Naghihintay siya ng dadaang babae. Ewan
ko ba kung malakas lang ang trip niya noon. Pero 'yong trip niyang 'yon, heto
pinanghahawakan ko pa rin. Hindi ako nakipagrelasyon katulad ng pangako namin sa
isa't isa. Hinihintay ko siya."
Bakit...
"Punta lang ako sa CR," bigla ay paalam sa kanya ni Sovereign. "Excuse me,"
paalam din nito sa iba.
Nasundan ni Zafrina ng tingin si Sovereign. Pagkuwan ay nagbaling siya kay
Jansen na bakas ang saya sa mukha habang nagbabalik tanaw sa nakaraan. Kumibot ang
labi niya. Uminom pa siya ng juice sa baso niya dahil sa kakaibang pakiramdam.
Kung natutuwa ang iba sa kuwentong iyon ni Jansen, kabaligtaran siya. Hindi
siya natutuwa.

________________________________

Author's Note:
Before you proceed to the NEXT CHAPTER. ..
PLEASE Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 35

"MAY problema ba?" hindi maiwasang itanong ni Zafrina kay


Sovereign dahil kanina pa ito tahimik at walang kibo hanggang sa makauwi sila sa
bahay ng mga ito mula sa Thanks Giving Party kina Carmina.
"Wala," tipid nitong sagot. "Matulog ka na," anito na hinalikan lang siya sa
pisngi. Lumabas ito sa silid nila.
Ramdam niya na may problema. At hindi siya makakatulog kung hindi niya
malalaman kung ano iyon. Kaya naman matapos magbihis ng pantulog ay hinanap niya si
Sovereign. Sa Study Room niya ito natagpuan. At hindi niya nagugustuhan ang
nakikita. Nag-iinom ito.
"Wala kang problema pero heto ka at nag-iinom dito," aniya ng lapitan ito.
Naupo siya sa tabi nito sa may mini sala ng silid na iyon.
"Bakit hindi ka pa matulog?"
"Sa tingin mo makakatulog ako? Tingnan mo nga 'yang sarili mo." Marahas siyang
huminga. "Ano ba'ng problema?"
Umiling ito. "Wala."
"Mukha bang paniniwalaan ko 'yang sagot mo na 'wala'?
Ngayon lang niya ito nakitang tila may problema. Ni hindi ito ganoon noong
problemahin nito ang step-sister nito.
Inisang lagok ni Sovereign ang alak sa baso nito. "Zafrina, it's none of your
business. Hindi mo rin naman maiintindihan."
Zafrina... Ngayon lang uli siya nito tinawag sa pangalan niya. At nanibago siya
sa bagay na iyon. Bakit bigla-bigla ay may parte niya ang nasaktan? Napalunok siya.
"Your business is also my business," sa halip ay sabi niya. Huminga siya ng
malalim para maibsan ang kakaibang nararamdaman.
"Ayaw kong pag-usapan. You'll regret it, kapag pinagpilitan mo pa rin." Muli
nitong sinalinan ng alak ang baso nito.
"Sabihin mo na. Ayaw kong may iniisip na ganito," pamimilit pa rin niya habang
mataman itong pinagmamasdan. Ngunit nag-iwas ng tingin si Sovereign.
"Tungkol kay Jansen," sa wakas ay wika nito matapos ang ilang sandaling
pananahimik. Muli nitong inisang lagok ang alak sa baso. "Alam ko 'yong kuwento
niya fourteen years ago."
"A-Ano'ng ibig mong sabihin na alam mo?"
"Dahil ako 'yong lalaking tinutukoy niya sa kuwento niya."
Umangat ang kamay ni Zafrina sa kanyang sentido nang animo biglang may pumitik
doon. Bahagya niya iyong nahilot. Nakaramdam na naman siya ng pagkahilo. Pumikit
siya.
Nakikisabay pa ang nararamdaman niya sa isiniwalat ni Sovereign. Ito ang
tinutukoy ni Jansen? Bigla ay parang gusto niyang tumawa ng pagak nang mag-sink in
iyon sa isip niya. Lalong nagpadagdag sa hilong nararamdaman ang alaala sa mga
pinagsasabi ni Jansen.
"Naniwala ka sa kanya?" imbes ay bulalas niya.
"Why not? Fourteen years ago, it really happened. Totoong nangyari 'yong
kuwento niya."
Kumibot ang labi niya. Pinilit niyang magmulat ng mga mata. "Kaya ka
naglalasing dito?" Hindi sumagot si Sovereign. "Then marry her," aniya na pinilit
ng tumayo. Walang lingon-likod na hinayon niya ang pinto ng Study Room. In her
mind, hahabulin siya ni Sovereign. Pero hindi iyon nangyari.
Kasabay ng pagsara niya sa pinto ng Study Room ay ang pagpatak din ng luha sa
mga mata niya. Imbes na dumiretso sa silid ni Sovereign ay pumasok siya sa isang
guest room. Ini-lock pa niya ang pinto bago hinayon ang kama.
Nanghihinang ibinagsak niya ang sarili doon.
Totoo iyong kuwento ni Jansen, ayon na rin kay Sovereign. Nagdulot iyon ng
pinong kurot sa puso niya.
Ibig ba niyong sabihin...
Mariin siyang napapikit. Masakit na ang ulo niya dahil sa nalamang kuwento.
Masakit pa ang puso niya. Niyakap niya ang isang unan at doon ay isinubsob ang
mukha habang tahimik lang sa pag-iyak.

ILANG ARAW na hindi pinapansin ni Zafrina si Sovereign. Lalo pa siyang naiinis


dito dahil alam niyang ginugulo pa rin ni Jansen ang isip nito. Dahilan upang
maapektuhan ang relasyon na mayroon sila. At hindi niya maiwasang hindi magselos.
At sa unang pagkakataon na magkasama sila sa bahay ng mga ito ay ginabi pa ito
ng uwi. He's drunk. Hindi na siya nakatiis na hindi ito pansinin. Mula sa
pagkakahiga ay bumangon siya.
"Bakit ngayon ka lang?"
"Gising ka pa," anito na humiga sa tabi niya. Pumikit ito at ipinatong ang
braso sa may noo.
"Saan ka galing?" sunod niyang tanong. Hayon na naman ang pinong kirot sa puso
niya nang hindi ito sumagot. "Hangin yata ang kausap ko."
"Matulog na tayo. I'm tired."
Nakagat niya ang ibabang-labi. Pinipigil ang pagsungaw ng luha. "Mahirap bang
sagutin 'yong tanong ko? Ni wala ka man lang text kung pauwi ka na ba o nasaan ka."
Ni hindi nito man lang natanong kung kumain na ba siya? Dahil sa paghihintay rito,
hindi siya sumabay sa hapunan kanina.
"Zafrina, please. 'Wag ngayon. I'm tired."
"Tired," usal niya. She's too emotional right now. Mapait siyang ngumiti.
Pagkuwan ay napatango-tango. "Fine," mahinang usal niya bago muling humiga
patalikod dito.
Pumikit siya at hinayaang maglandasan ang masagana niyang luha. Bakit kailangan
niya itong maramdaman? Bakit kailangang magkaganito sila?
Kinabukasan habang naliligo si Sovereign, naagaw ng cellphone nito ang
atensiyon ni Zafrina. Napatingin siya sa dereksiyon ng banyo. Halos kapapasok lang
naman ni Sovereign doon at hindi pa natatagalan.
Ramdam niya ang kaba na unti-unting umiigting nang mahawakan niya ang cellphone
ni Sovereign. Bakit ganoon na lang ang kaba niya?
Nanginginig pa ang kamay niya nang ma-open iyon. Wala iyong password kaya
malaya niyang matitingnan ang inbox ng cellphone nito. Ganoon na lang ang pagtiim
ng labi niya nang mabasa ang pamilyar na pangalan na naroon.
Jansen...
At naka-save na ang cellphone number niyon sa cellphone ni Sovereign. Kahit
nanlalabo na ang mga mata dahil sa luha ay binuksan pa rin niya ang naging usapan
ng mga ito.
Can we talk in private?
Who's this? reply ng numero ni Jansen.
Reign Millares.
Oh. Okay.
I'll call you.
Animo pinipiga ang puso ni Zafrina nang mga sandaling iyon. Kahapon ang
naturang mensahe. Ibig sabihin kaya ginabi si Sovereign ng uwi dahil nakipagkita pa
ito kay Jansen? Kaya ba ayaw nitong sagutin ang tanong niya? Kung naniniwala ito
kay Jansen, ano'ng balak nito sa relasyon nila?
Pinag-usapan ba ng mga ito ang tungkol sa nangyari noon? Nahawakan niya ang
dibdib ng tila manikip iyon. Napahikbi na siya. Bago pa tuluyang maibato ang hawak
na cellphone ay ibinalik na niya iyon sa ibabaw ng bedside table.
Sa nanlalabong paningin ay nilisan niya ang naturang silid. Gaano pa niya
katagal mararamdaman ang sakit na iyon sa puso niya? Bakit ngayon pa?
Hindi niya inaasahan na darating iyong ganito sa kanya. Na sobrang makakaramdam
siya ng sakit.
Gusto niyang kumprontahin si Sovereign pero wala siyang lakas para gawin iyon.
Bigla ay parang hinihigop ang buong lakas niya.

____________________________
Author's Note:
Before you proceed to the NEXT CHAPTER. ..
PLEASE Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 36

GLOOMY ang pakiramdam ni Zafrina. Ang tanging gusto lang


niya nang mga sandaling iyon ay maalis na ang kung ano mang nagpapabigat sa
pakiramdam niya. Gusto niyang makausap si Sovereign. At gusto rin niyang
maliwanagan sa isang bagay.
Kinagabihan bago matulog ay napagdesisyonan ni Zafrina na kausapin si
Sovereign. Dahil hindi na niya kaya ang kinikimkim niya. Ramdam niya ang
pananahimik nito. At dahil iyon sa pagsulpot ni Jansen. And it hurts her even more.
Nanatili lang nakaupo si Zafrina sa may kama nang lumapit doon si Sovereign at
maupo sa gilid niyon. Huminga muna ng malalim si Zafrina bago sinulyapan si
Sovereign. Malapit lang ito pero pakiramdam niya ay hindi niya ito maabot.
"Nag," lumunok si Zafrina nang animo magkaroon bigla ng bara ang kayang
lalamunan. "Nagbago na ba ang isip mo?"
Pagkatanggal ni Sovereign sa suot na leather sandals sa paa nito ay naupo rin
ito pasandal sa may headboard ng kama.
"What do you mean?" anito nang balingan siya.
"Dumating na si Jansen, katulad niya, siguradong hinintay mo rin siya. Kung
hindi ako dumating, siguradong siya 'yong narito ngayon." Nakagat niya ang ibabang-
labi para pigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Nagbawi siya ng tingin.
"Nahirapan ka sigurong mag-isip ngayon dahil sa akin."
"Zafrina—"
"Lately, masyado mo siyang iniisip. Kahit hindi mo naman sabihin, nararamdaman
ko naman 'yon. And... and just like that, pakiramdam ko, nakalimutan mo na ako."
And you keep calling my name!
"Kung ano-ano ang iniisip mo."
At siya pa nga ngayon ang nag-o-over thinking? Ganoon ba iyon?
"Will you... will you choose her?" nagbaling siya ng mukha sa may gilid niya
para hindi makita ni Sovereign ang sakit na mababakas sa malungkot niyang mukha.
Bumuntong-hininga si Sovereign. "Hindi. Bakit ba nag-iisip ka ng kung ano-ano?
So what, kung bumalik siya? I admit, masyado akong nag-isip lately. Pero hindi
naman ibig sabihin niyon ay may nagbago sa kung ano man ang mayroon tayo. Masaydo
ko ba 'yong naparamdam sa iyo?" Umisod palapit kay Zafrina si Sovereign. He sigh.
"Hon, I'm sorry if I make you feel that way."
Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigil. Hindi na niya
napigilan ang munting hikbi na kumuwala sa labi niya nang yakapin siya ni
Sovereign.
"I'm sorry," masuyo nitong ulit. Puno ng senseridad. "Hindi ko alam kung bakit
ngayon pa siya nagpakita kung kailan okay na ako. Hindi ko na naiisip 'yong
nangyari noon. Right, it was a silly promised. Pero noong dumating ka, noong
hinayaan kong pumasok ka sa buhay ko. That was the moment na binitiwan ko na 'yong
pangakong 'yon fourteen years ago. Dahil wala na akong ibang gusto kundi ikaw
lang."
"Hindi mo siya babalikan?"
"Hindi. Dahil hindi naman literal na naging 'kami'. At hindi ko ipagpapalit
'yong ngayon sa nakaraan ko. 'Yan ang tatandaan mo." Kumalas ito sa kanya at
masuyong pinahid ang luha sa pisngi niya. "I'm sorry."
Bakit kay daling patawarin ng puso niya ang binata? Ganoon ba talaga kapag
mahal mo?
"Tahan na. Ayaw kong umiiyak ka."
Muling sumandal si Sovereign sa may headboard. Kinabig nitong muli si Zafrina
na humilig naman sa dibdib ng binata.
Matapos ng ilang araw, ngayon lang niya mas naramdaman ang presensiya ni
Sovereign. Sa tuwina pakiramdam niya ay napakalayo nito sa kanya kahit na malapit
lang ito.
"Puwede ko bang malaman kung ilang babae ang pinangakuan mo ng katulad kay
Jansen, fourteen year ago?"
"Isa lang."
Sandaling natigilan si Zafrina. Isa lang? Pero bakit... bahagya niyang ipinilig
ang ulo dahil sa naisip. Pati tibok ng kanyang puso ay unti-unting bumilis ang
pintig. Diyata't...
"Matulog na tayo," masuyong wika ni Sovereign kapagkuwan.
Napatingin siya rito. Pero imbes na mahiga ay siya lang ang inihiga nito.
Mayamaya pa nga ay kinubabawan siya nito.
"A-Akala ko ba tutulog na?"
"Nagbago na ang isip ko," pilyo pa itong ngumiti bago bumaba ang mukha sa kanya
at masuyo siyang hinalikan sa labi. Makalipas ang ilang sandali na magkahinang ang
mga labi nila ay bahagya nitong iniangat ang mukha at mataman siyang pinakatitigan.
"Gusto kong bumawi sa iyo at uumpisahan ko na ngayon."
Hindi niya maiwasang mapangiti sa banat nitong iyon. "'Wag ka ng makipagkita
kay Jansen," pakiusap niya rito.
Tumango ito. "Kung 'yon ang gusto mo."
Sapat na iyon para mas mapanatag siya. Si Zafrina na ang kumabig kay Sovereign
upang muling maglapat ang mga labi nila. Mainit namang tinugon ni Sovereign ang
halik na iginawad niya rito.
She missed him a lot.
______________________________--
Author's Note:
Before you proceed to the NEXT CHAPTER. ..
PLEASE Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 37

NAPANGITI si Zafrina habang nakaharap sa salamin.


Hinihintay niya si Sovereign, nasa UHB Leisure Club ito nang mga sandaling iyon. At
pagbalik nga nito mamaya ay pupuntahan nila ang bahay nito sa Phase III para i-
check.
Nakabihis na rin siya. May binili itong dress para sa kanya na siyang isinuot
niya matapos maligo. Napatingin siya sa maliit na lalagyan kung saan niya inilagay
ang hinubad na kuwentas noon.
Dinampot niya iyon at binuksan. Pagkuwan ay pinakatitigan ang kuwentas.
"You mean a lot," mahina niyang anas. Kinuha niya iyon at muling isinuot.
Itinago niya sa suot na dress ang siyang naka-pendant doon. Napangiti siya nang
muling tingnan ang repleksiyon sa harap ng salamin.
Habang hinihintay si Sovereign ay inabala muna niya ang sarili sa panonood ng
movie. Hindi nga nagtagal ay dumating ito.
Napangiti pa ito nang makita siya. Nang makalapit sa kanya ay ginawaran pa siya
nito ng masuyong halik sa labi matapos maupo sa tabi niya.
"Ayaw pa akong paalisin nina Liam," pagkukuwento pa nito.
"Ano'ng idinahilan mo sa kanila?"
"Sinabi kong may pupuntahan tayo ngayon. Shall we go?"
Tumango siya. "Okay."
Ngunit akmang tatayo na si Sovereign nang tumunog ang cellphone nito. Dinukot
nito iyon sa bulsa ng suot nitong jeans. Hindi maiwasang mapatingin sa screen ng
cellphone nito si Zafrina.
Dagli ang pagkawala ng ngiti sa labi niya nang mapagsino ang tumatawag kay
Sovereign. It was Jansen. Umangat ang tingin niya kay Sovereign nang sagutin nito
iyon. Bigla ay parang gusto niyang mapatawa ng pagak. Akala ba niya ay malinaw na
ang usapan nila na iiwasan na nito ang babaeng iyon?
"Hello?"
Akmang tatayo siya nang pigilan siya sa kamay ni Sovereign.
"Ngayon na? Hindi ba puwedeng sa ibang araw na lang? Okay, pupunta ako."
Nag-iwas ng tingin si Zafrina. Pagkuwan ay binawi ang kamay niyang hawak ni
Sovereign.
"Gustong makipagkita ni Jansen," panimula ni Sovereign.
"May lakad tayo."
"It's urgent. Sasaglit lang ako at babalik din agad." Hinawakan ni Sovereign
ang pisngi niya at masuyong ipinaling dito. "Gusto ko rin siyang kausapin ng
masinsinan. And I think, this is the best time para doon."
"Nagkasundo na tayo na hindi ka na makikipag-communicate sa babaeng 'yon."
"Hon—"
"Hindi ka aalis," giit pa rin niya.
"Just this once."
Umiling siya. "Then choose. Sino'ng uunahin mo? Ako o siya?"
Naglapat ang mga labi ni Sovereign. Tila pinipigilang maubusan ng pasensiya sa
kanya. "Hindi mo ako kailangang papiliin. Makikipag-usap lang ako sa kanya ng
maayos. Nothing more. So please, stop acting na para bang hindi na ako babalik.
Ayaw kong magtalo tayo."
"You choose that liar," mahina niyang wika.
"What did you say?"
"She's a liar," matapang niyang sinalubong ang tingin nito.
"Zafrina, wala kang karapatan na sabihan siya ng ganoon na para bang alam mo
kung ano ang eksaktong nangyari noon para sabihan mo siyang sinungaling. May
nakaraan kami na gusto kong tapusin at bigyan ng closure. Sana naman kahit 'yon
lang ay maintindihan mo." Tumayo na ito.
"Bakit hindi na lang kayo mag-usap sa cellphone? Kailangan talaga pupuntahan mo
pa siya?" Kahit sobrang nasasaktan na naman ay pinigil niya iyong ipakita rito.

"May mga importanteng bagay na hindi kailangang i-discuss


sa cellphone. I'll be back," anito na muli siyang kinintalan ng halik sa labi.
Pagkuwan ay wala ng lingon-likod na umalis.
Nang makaalis si Sovereign ay ni hindi na niya napigilan ang muling pamumuo ng
luha sa mga mata niya. Kahit ayaw niyang umiyak hayon at sobrang sensitive na naman
ng kanyang pakiramdam. Kahit na nangako si Sovereign na babalik din agad ay sobrang
nasasaktan pa rin si Zafrina.
Pumunta siya sa banyo at naghilamos ng mukha. Pinigilan niyang umiyak dahil
ayaw niyang mamugto na naman ang kanyang mga mata.
Para hindi mabaliw sa kaiisip ng kung ano-ano sa silid ni Sovereign kaya naman
lumabas siya at pumunta sa may back porch para magpahangin.
Nakatanaw lang siya sa kawalan nang lapitan siya ni Cassey.
"Zafrina, busy ka ba?" nakangiti pa nitong tanong sa kanya.
Ginantihan niya ito ng ngiti at umiling. "Hindi."
"Labas tayo? My treat. Nagki-crave ako sa pasta at wala naman si mommy para
samahan ako ngayon. So, ikaw ang last option ko para makasama ko. Tara?"
Naisip niya si Sovereign. Hayon na naman ang pinong kurot sa kanyang puso.
Huminga siya ng malalim at tinanguan si Cassey. Wala na rin naman siya sa mood na
pumunta pa sa bahay ni Sovereign pag-uwi nito mamaya.
"Sige," pagpayag niya. Nang mga sandaling iyon, hindi siya nakakaramdam ng
takot na lumabas sa village. Manhid ang pakiramdam niya.
"Great," anito na iniangkla pa sa braso ni Zafrina ang kamay nang tumayo ang
dalaga mula sa pagkakaupo.
Habang daan ay tahimik lang si Zafrina habang nakapaling ang mukha sa may labas
ng bintana ng kotse ni Cassey.
Dahil animo malayo ang narating ng isip ni Zafrina kaya naman halos hindi niya
napansin ang paghinto ng sasakyan ni Cassey. Napakurap-kurap lang siya nang biglang
may malalakas na katok na marinig. Saka lang niya napansin na nakababa na si
Cassey. Pinapababa siya nito.
Binuksan na niya ang pinto sa gilid niya. Nang makababa ay saka lang niya
napansin ang kinaroroonan. Nagtaka pa siya nang bahagyang ilibot ang tingin sa
paligid.
'Di nagtagal ay may mga sasakyang kulay itim na biglang huminto sa palibot ng
sasakyan ni Cassey. At wala sila sa lugar na gustong puntahan ni Cassey para kumain
ng pasta. Nasa isa silang open field ng grandstand sa Pagbilao.
Mabilis na bumaba ang mga nakaunipormadong lalaki sa mga sasakyan at
pinalibutan sila. Mga naka-black suit ang mga iyon na animo nasa isang movie kapag
may high profile na binabantayan.
"A-Ano'ng nangyayari, Cassey?"
Hindi sumagot si Cassey na blanko na ang ekspresiyon ng mukha nang sandali
siyang sulyapan. Humayon ang tingin nito sa huling sasakyan na dumating. Natuon din
doon ang tingin ni Zafrina.
Dinaig pa niya ang itinulos sa kinatatayuan nang mapagsino ang lalaking bumaba
sa sasakyan. It was Gino Ferrer. Pero hindi ito nag-iisa. Sunod na bumaba si
Carmina Lebrias. Napalunok siya. Hindi maganda ang kutob niya nang mga sandaling
iyon. Napaatras siya ngunit agad siyang hinawakan ni Cassey sa isa niyang braso.
Mahigpit. Pagkuwan ay bahagyang itinulak paunahan.
"Narito ka lang pala, Zafrina," ngumisi pa si Gino. "Game over," wika nito nang
makalapit sa kinaroroonan niya.
Kumibot ang labi niya. "P-Paanong—" napasulyap siya kay Carmina. May kinalaman
ba ito sa pagsulpot ni Gino?
"She's a best actress here," ani Cassey na pumalakpak pa ng tatlong beses. "Ang
galing mo, Zafrina, paniwalang-paniwala ako sa kasinungalingan mo. Kung kailan
hinayaan ko na kayo ni Reign dahil akala ko totoong-totoo ang palabas ninyong
dalawa. To the point na nakipagkaibigan pa ako sa iyo. Then what? Malalaman ko na
nagsisinungaling kayo ni Reign sa lahat? You bitch!"

Kung ganoon, alam na ng mga ito na nagsisinungaling sila ni


Sovereign na kasal na sila? Nagbaba siya ng tingin. Bigla ay parang nanghihina
siya. Sukol na sukol na ang pakiramdam niya.
"Thanks to Carmina, dahil baka habangbuhay kong paniwalaan na totoo ang palabas
ninyo ni Reign," patuloy ni Cassey.
"Thank you for your cooperation para madala dito ang babae na 'yan," ani
Carmina na tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. "Buti na lang, pumayag
makipagkita si Reign kay Jansen."
Sa puntong iyon ay muling nag-angat ng tingin si Zafrina. Nayukom niya ang
kamao nang tingnan si Carmina.
"Sinong Jansen?" kunot ang noong tanong ni Cassey.
"Alam mo, Cassey, marami kang hindi alam kay Reign. I just used one of his
weakness this time. At mukhang nagtagumpay naman ako dahil ginulo ni Jansen ang
mundo niya kahit nandiyan si Zafrina. See? Nasaan si Reign ngayon?" nginisian pa
siya ni Carmina. "He's with Jansen. Poor, Reign, hindi ka na niya madadatnan pag-
uwi niya mamaya."
"May... may kinalaman ka sa pagdating ni Jansen," hindi niya napigilang
ibulalas. Kung ganoon tama ang hinala niya. Nagsisinungaling si Jansen.
Tumango si Carmina. "Mukhang hindi mo rin alam. Tutal hindi ka na rin naman
makakabalik sa kanila kaya sasabihin ko na rin sa iyo. Isa sa weakness ni Reign ang
childhood past niya. Paano ko nalaman? Narinig ko lang naman nang ikuwneto noon ng
daddy ni Reign sa daddy ko ang tungkol doon kaya hanggang ngayon ay hindi pumapasok
sa isang commitment si Reign. At nang dumating ka, alam kong may mali. And I was
right. You have a fake relationship with Reign. Nang malaman ko kay Cassey na taga
Mountain Province ka, I do some research about you. Even if, pangalan mo lang ang
alam ko. And voila, I met Gino in Sagada and the rest is freaking history."
Kung ganoon, s-in-etup ni Carmina si Sovereign para maisagawa ang plano nito sa
kanya. Planong alisin sa buhay ni Sovereign. Sa Thanks Giving Party pa lang ay tila
umayon kay Carmina ang plano nitong paniwalain si Sovereign na si Jansen nga ang
may kinalaman sa childhood past nito. Gusto niyang sumigaw at maghistirya ngunit
tila nanghihina siya.
"'Wag na 'wag kang mangangahas bumalik sa lugar na ito o kahit ang lapitan si
Reign," mariing wika ni Carmina nang lapitan siya nito ng husto. "At 'wag ka ring
magkakamali na hindi sumama kay Gino pabalik sa Sagada dahil sisirain ko ang
pangalang inaalagaan ng mga Millares. Lalo na ni Reign." Ipinakita pa nito ang
kamay sa kanya na unti-unti nitong iniyukom. "Ipapahiya ko siya sa lahat dahil sa
kasinungalingan niya. I'll destroy him, mark my word. Hindi mo ako kilala. And
worst, baka kapag nalaman ni Uncle Antonio ang kasinungalingan ninyo ni Reign ay
atakihin pa siya sa puso. Maaatim mo ba ang bagay na 'yon? Na malagay sa piligro
ang buhay ng daddy ni Reign?"
Bumalong ang luha sa mga mata ni Zafrina. She felt hopeless.
"Sumagot ka. Gusto kong maging malinaw sa atin ang lahat."
Unti-unti siyang nagbaba ng tingin. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng mga luha
niya. Hindi niya kayang ipahamak si Sovereign o kahit ang ama nito. Hindi niya
kakayanin kung malagay si Don Antonio sa piligro kapag nalaman ang palabas nila ni
Sovereign. At mas hindi niya kakayanin kapag kumalat ang kasinungalingan nila ni
Sovereign sa buong Pagbilao City o kahit saan pa. Ayaw niyang mapapahiya ito nang
dahil doon. At ng dahil sa kanya.
Lalo siyang napaluha nang maalala ang UHB Leisure Club, ang warning ni Daizuke
Niwa. Ayaw niyang ma-kick out sa Leisure Club si Sovereign ng dahil sa kanya at
masira ang samahan ng mga ito.
"Kapag sumama ka kay Gino, I'll promise you, parang walang nangyari kapag
nawala ka."
Hindi na ba niya makikita si Sovereign? Ngayon pa lang parang pinipiga na ng
husto ang puso niya. Isang maling desisyon... maraming masisira. Reputasyon,
negosyo at may buhay na maaaring malagay sa piligro. At naniniwala siyang kaya
iyong gawin ni Carmina. Nagawa na nga nitong manipulahin ang mga pangyayari para
lang malaman ni Gino kung nasaan siya. Ginamit pa nito ang kahinaan ni Sovereign
para lang mawala siya sa landas ng binata.
"Time is ticking."
Sa huli, wala siyang nagawa kundi ang tumango.
"I can't hear you."
"B-Babalik na ako sa Sagada," hindi iyon bukal sa puso niya pero wala siyang
mapagpipilian ngayon.
Ngiting tagumpay ang gumuhit sa labi ni Carmina. "Good." Binalingan na ni
Carmina si Gino. "Ibalik mo na siya sa pinanggalingan niya. Oh, wait," muli nitong
binalingan si Zafrina. Inilahad nito ang kamay. "Ibigay mo sa akin ang suot mong
wedding ring."
Nanghihina pa ang pakiramdam niya ng hubarin iyon sa palasingsingan niya.
Kinuha ni Carmina sa kanya ang singsing at ibinigay kay Cassey. "Ilagay mo itong
singsing sa kwarto ni Reign. Kasama itong sulat," pagkakuha ni Carmina sa isang
puting papel sa mamahalin nitong designer bag ay agad din nito iyong ibinigay kay
Cassey. "Ilagay mo sa madali niyang makikita. Pakialis din lahat ng mga gamit ni
Zafrina sa kuwarto niya para mas kapani-paniwala na iniwan na siya ni Zafrina. Do
your part. Puwede ka ng umalis at baka mauna pa sa iyong umuwi si Reign."
Ni hindi niya magawang tapunan ng tingin si Cassey na dumaan sa harapan niya.
Pagkasakay nito sa kotse nito ay pinaharurot na rin nito iyon ng alis.
Sa ganoon na lang ba matatapos ang kuwento nila ni Sovereign? Nanginginig ang
kamay na umangat iyon papunta sa suot niyang kuwentas. Hinawakan niya ang pendant
niyon at doon ay humuhugot ng lakas para hindi bumagsak. Nanghihina na ang
pakiramdam niya. Hinayaan lang niya ang masaganang luha na pumatak. No one cares
anyway.
Mayamaya pa ay may dumating na isang puting private helicopter.
"Let's go," untag ni Gino kay Zafrina.
Akmang hahawakan siya nito sa kanyang braso para alalayan nang umiwas siya.
"'Wag mo akong hawakan," puno ng hinanakit na wika niya.
"Tss," react ni Carmina na pinalapit ang dalawang unipormadong lalaki.
"Alalayan niyo siya at siguraduhin ninyong sasakay 'yan sa helicopter."
Bigla ay daig pa ni Zafrina ang papel na tangay-tangay ng hangin nang hawakan
siya sa magkabilang braso ng dalawang malaking lalaki at igiya papunta sa
kinaroroonan ng private na helicopter.
Sa isip ay gusto niyang tumakbo palayo pero nanghihina ang kanyang pakiramdam.
Si Sovereign lang ang nasa isip niya. Ni hindi na sila nito nabigyan ng pagkakataon
para magkausap pa. Ni hindi niya nasabi rito na mahal niya ito. They parted ways
just like that.
Nang makasakay sa loob ng helicopter ay mabilis ding sumakay sa loob si Gino.
Nagbaling lang siya sa labas ng bintana. Kahit ng kabitan siya nito ng headset ay
hindi niya ito tinapunan ng tingin. She hates him even more. Pumikit siya at
hinayaang maglandas ang mga luha habang unti-unting umaangat paitaas ang
kinasasakyang helicopter.
Nahawakan niya ang bibig para pigilang kumuwala ang hikbi. Hindi siya handa sa
pag-alis niya. Hindi niya lubos na matanggap na sa ganoon matatapos ang lahat. Ni
wala siyang ibang option kundi ang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa
kapakanan ng taong mahal niya. At nang mga sandaling iyon ay wala siyang pakialam
kahit na magmukha siyang hopeless dahil sa pag-iyak niya. Kahit sa mga kasama niya
sa sasakyang iyon ay wala rin siyang pakialam. Sobrang sakit ng kanyang
nararamdaman.
Sovereign... I'm sorry.
Nagmulat siya nang mga mata at sa nanlalabong paningin ay sinilip niya ang
tanawin mula sa himpapawid. Maliit na ang nakikita niya. Lalo siyang napahagulhol
sa pag-iyak. Nahawakan niya ang dibdib dahil animo naninikip iyon dahil sa sakit na
nararamdaman.

________________________

Author's Note:
Before you proceed to the NEXT CHAPTER. ..
PLEASE Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

End of First Half

ISANG sampal ang isinalubong kay Zafrina ng kanyang abuela


nang makabalik siya sa Hacienda Albajera.
"Kung hindi pa dahil sa pagmamalasakit ni Gino na maiuwi ka ay mukhang wala ka
pa talagang balak na umuwi. Sa tingin mo ba ay matutuwa ang mga magulang mo sa
ginawa mong pag-alis ng walang paalam?"
Nanatiling nasa sahig ang tingin ni Zafrina. Ni hindi siya natinag kanina nang
sampalin siya ng kanyang abuela. Manhid pa rin ang pakiramdam niya hanggang ngayon.
Wala rin siyang lakas na magsalita.
"'Ma, pagpahingahin muna natin si Zaf," anang Tito Floro niya na hinawakan sa
magkabilang balikat si Donya Leore at hinimas-himas iyon para kalmahin ito.
Wala ng imik na iniwan sila ng kanyang abuela.
"Ate Zaf," naiiyak pa si Zabrielle nang lapitan siya nito at mahigpit na
yakapin.
Akala niya ubos na ang luha niya, ngunit nang yakapin siya ni Zabrielle ay
animo balon na naman ang mga mata niya na nagbalong ng masaganang luha.
"Hush, Ate Zaf. Magiging maayos din ang lahat. Tahan na."
Sana ganoon nga lang iyon kadali.

SIMULA nang bumalik sa Sagada si Zafrina ay hindi siya halos kibuin ng kanyang
abuela. Mukhang malaki pa rin ang sama ng loob nito sa kanya dahil sa pag-alis niya
noon.
Kaya isang araw, nagulat ang dalaga nang ipatawag siya nito.
"Pinapapunta po kayo ni Donya Leore sa kanyang silid. Ngayon na raw po," anang
kawaksi na agad din siyang iniwan sa kanyang silid.
Nahawakan niya ang noo. Nahihilo pa rin ang pakiramdam niya. Ilang araw na
siyang parating nahihilo. Huminga muna siya ng malalim bago ipinasyang puntahan ang
kanyang lola sa silid nito.
Kumatok siya ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang doorknob. Nang makapasok
sa loob ng silid ay maingat niyang isinara ang pinto. Nakita niya ang abuela na
nakaupo sa paborito nitong upuan.
"Ipinapatawag niyo raw po ako," magalang niyang wika nang makalapit dito.
Mataman siya nitong pinagmasdan. "Ano'ng ginawa mo sa sarili mo, Zafrina?"
Bumakas ang pagkalito sa mga mata niya. Nasundan niya ng tingin ang pagtayo
nito. Mula sa mukha niya ay bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. Naglapat ng
mariin ang mga labi nito pagkuwan ay ibinalik ang tingin sa mukha niya.
"L-Lola-"
Inilagay nito sa kamay niya ang isang maliit na kahon. "Alamin mo sa sarili mo
kung ano ang tinutukoy ko. Pumunta ka sa banyo at gawin mo 'yang nasa kahon,"
mariing utos nito sa kanya bago muling naupo sa upuan nito.
Napatingin siya sa kahon na nasa kamay niya. Bahagyang nangunot ang noo niya
nang mabasa kung para saan ang kahon na iyon. Bigla ay nanginig ang kamay niyang
may hawak doon.
"Bilisan mo, Zafrina."
Kagat ang ibabang-labi na hinayon niya ang banyo sa silid na iyon. Natatakot
man na subukan ang nasa kahon pero alam niyang naghihintay ang kanyang abuela sa
magiging resulta.
Matagal na nakatitig lang si Zafrina sa pregnancy test kit na ipinatong niya sa
ibabaw ng kinaroroonan ng toilet sink. Bigla ay naalala niya ang madalas na
pagkahilo. Ang pagduduwal kapag may nakain na hindi nagustuhan ng kanyang tiyan. At
higit sa lahat, delayed na delayed na ang monthly period niya.
Nang lumabas na ang isang guhit na kulay pula sa pregnancy test kit ay lalong
lumakas ang kaba sa dibdib ni Zafrina. At nang lumabas pa ang pangalawang kulay
pula ay halos ginimbal niyon ang mundo niya. Isa lang ang malinaw na ibig sabihin
niyon.
She's pregnant!
Nahawakan niya ang tiyan. Buntis siya. May muntong anghel na nagsusumikap
mabuhay sa tiyan niya. Naluha na naman siya. At ngayon, dahil iyon sa saya.
Natatakot siya sa nalaman pero nangingibabaw rin ang saya. Mix emotion.
Pinahid niya ang luha at lumabas sa banyo dala ang resulta ng isinagawang
pregnancy test.
Ngunit nang ipakita niya iyon sa kanyang abuela ay nakatikim na naman siya rito
ng isang malutong na sampal.
"Tama nga ako ng hinala sa mga ikinikilos mo. You're pregnant! Sino'ng ama ng
dinadala mo?" she almost yelled.
Nahawakan niya ang nasaktang pisngi. Hindi niya masabing si Sovereign Millares.
Kilala niya ang abuela niya. Kikilos at kikilos ito para mahanap si Sovereign.
"Magsalita ka, Zafrina."
Umiling siya.
Alam niyang hinding-hindi rin babanggitin ni Gino Ferrer sa kanyang abuela kung
saan siya nito natagpuan. Lalo na ngayon na buntis siya at si Sovereign ang ama.
"Ayaw mong magsalita? Then you'll choose. Pakasalan mo si Gino para lumaki ang
tiyan mo na may lalaking sasalo sa kahihiyan na ginawa mo. O pumunta ka sa Tita
Lily mo sa Italy dahil hindi maaaring lalaki ang tiyan mo rito na wala ka namang
maipakilalang ama sa batang dinadala mo. Sakit na nga sa ulo ang bigla mong pag-
alis. Then what? Uuwi ka rito sa Sagada na buntis ka? 'Wag mong hintayin na lumaki
sa kahihiyan ang magiging anak mo."
"L-Lola-"
"Mamili ka para tapos ang pag-uusap nating ito."
Muling naglandasan ang luha sa pisngi niya. Kahit na kailan at kahit na ano'ng
mangyari, hinding-hindi niya pipiliin ang unang kundisyon ng kanyang abuela.
"I-I'll stay with Tita Lily," napapikit siya pagkasabi niyon.
Tama. Iisipin nga naman ng mga tao sa Sagada na nasa Italy ang lalaking
nakabuntis sa kanya kapag nalaman ng mga naroon na nagkaroon siya ng anak. At
puwedeng palabasin ng kanyang abuela sa mga kakilala nila na nag-asawa na siya
roon.
"Fix your things. As soon as possible, kailangan mong makapunta sa Italy. Hindi
maaaring maraming makapansin sa pagdadalang tao mo." Iyon lang at naglakad na si
Donya Leore palabas sa silid nito.
Animo nauupos na kandila na napalugmok ng upo si Zafrina sa sahig. Lalayo na
naman siya. Sa pagkakataong ito, mas malayo kay Sovereign. Napahagulhol na naman
siya ng iyak nang maalala ang binata. Miss na miss na niya ito. At wala siyang
magawa para makausap ito.
Dalawang desisyon ang ginawa niya na tiyak magpapabago sa buhay niya. Una,
desisyon para sa minamahal niyang si Sovereign. At sa pangalawang pagkakataon ay
nagdesisyon siyang muli para sa kapakanan ng magiging anak nila.
Para sa kapakanan ng mga minamahal niya, paninindigan niya ang naging desisyon
kahit na ang kapalit niyon ay masaktan siya ng husto.

_____________________

Author's Note:
Thank you so much, my dearest TBS Readers, for being with me during my TBS
journey. You inspired me a lot. See you again SOON for the 2nd Half. ^^
PLEASE Don't forget to leave a comment. I'll read it all po. Salamat.
Love lots,
Jonquil

You might also like