You are on page 1of 80

BE MINE (SPG - COMPLETED)

by Gretisbored

Kuwento ito ni Leigh, ang kaibigan ni Ysay Vergara ng My Nordic God.

**********
Unang kita pa lang ni Leigh kay Nikolai may kakaiba agad siyang naramdaman.
Kaso nga lang, he's too handsome for her taste. At hindi siya naniniwala na ang
isang kagaya ng binata ay mahuhulog ang loob sa isang ordinaryong babaeng katulad
niya. Not when there are many girls who are willing to throw themselves at him.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon natupad ang inaasam-asam ng puso niya. Hindi
lang niya naging boyfriend si Nikolai, nagpropose pa ito sa kanya! Kung kailan
nagtiwala na siya nang lubos na kanyang-kanya na nga ang lalaki, saka naman niya
nabalitaan na nag-asawa na ito sa kanila at hindi na siya babalikan pa. Patuloy pa
ba siyang aasa sa isang happy ending kung naghuhumiyaw ang katotohanang mayroon na
itong Anika sa buhay niya?
**********
Basahin na habang nandito pa sa Wattpad!

=================

PROLOGUE

A/N: First upload - July 6, 2015

The above song is Leigh and Nikolai's theme song :) I don't own this video.

***********

Today, July 13, 2015, BE MINE reached 1K reads! Tusen takk!!

Today, January 9, 2016, BE MINE reached 100K reads! Tusen takk!

Today, April 24, 2016, BE MINE reached 200K reads! Tusen takk!

**********

Para akong tinulos sa pagkakatayo nang makita ang pamilyar na bulto sa unahan ng
platform. Kahit mga limampung metro ang layo niya sa akin, nakilala agad ng puso ko
kung sino'ng nagmamay-ari ng spiky, blond hair na iyon. Si Nikolai! Awtomatiko
akong nakaramdam ng kagalakan. Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Biruin mo, sa
mahigit kumulang isang daan at dalawampung katao sa Stavanger, napakaliit ng tsansa
na magkikita kami pero heto at pareho kaming nakatayo sa platform na patungong
Undheim.

A huge part of me wants to approach him. Marami akong gustong isumbat sa kanya.
Pero may bahagi rin ng puso ko na gustong hayaan na lang siya. What's the use? The
guy had already decided. Sobra naman akong pathethic kung patuloy pa akong aasa sa
isang taong kailanman ay hindi pala naging akin. Pero habang tinitimbang ko sa
isipan kung lalapitan siya o hindi, bigla na lang may sumigaw na bata ng "Papa!"
Napalingon ako at nakita ko ang batang babae na siguro nagkakaedad tatlo hanggang
apat na taong gulang. Tumatakbo ito palapit kay Nikolai. Kasunod nito ang isang
magandang babae. Para akong itinulos sa pagkakatayo. Matagal ko nang alam na nag-
asawa na siya pero iba pala ang dating kapag nakita mismo ng sarili mong mga mata.
As if it was not enough, nakita kong sinalubong ni Nikolai ang bata at binuhat.
Nagtawanan silang mag-ama. Nang dumating sa tabi nila ang magandang babae, yumuko
siya rito at ginawaran ito ng masuyong halik sa labi. Parang piniga ang puso ko.

I felt the urge to run. Parang nalulunod ako. Nahihirapan akong huminga. Nang
tumakbo ako palabas ng platform, bigla akong natigilan. May tumawag ng pangalan ko.
Akala ko noong una ay nananaginip lang ako. But there it was. Klarong-klaro.

"Leigh!"

Nakita ako ni Nikolai.

Matagal na naghinang ang mga mata namin. Parang may kung anong magneto na humihigop
sa akin papunta sa kanya. Just like in movies, I walked towards him in slow motion.
Ganoon rin siya. Tama ba ang nakikita ko? His warm, blue eyes seemed to reflect
what I feel. Nami-miss rin niya ako?

"Papa?" untag ng batang babae. Hinila pa nito ang pantalon ng ama. Napatingin rin
silang mag-ina sa akin. No'n lang ako naalimpungatan.

Imbesna dumeretso, bigla akong umatras at tumakbo uli. Narinig ko ang pagtawag
mulini Nikolai. Pero hindi ko na iyon pinansin pa.

=================

CHAPTER ONE

A/N: Bukas na lang ang update. Thanks for the patience.

**********

Gusto ko nang tumalun-talon sa inip. Nasa'n na kaya ang lalaking iyon? Nakita kong
kanina pa nagsilabasan ang ibang mga pasahero. Siya na lang yata ang naiwan.
Nakakabuwisit!

Sinulyapan ko ang relos sa dingding. Mag-aalas siyete y medya na. Kanina pa siya
dapat nakalabas. Ang sabi naman sa akin ni Boss mga alas sais y medya ng gabi ang
dating niya. Ba't wala pa siya?

Maiyak-iyak na ako sa tabi. Parang ako na lang ang nakatayo sa arrival area. Hindi
ako nakatiis. Nagtanong ako sa taga-information.

"Miss, nakarating na ba ang Cathay Pacific na galing Oslo?"

Tumingin sa flight information sa screen na naka-flash sa hindi kalayuan ang babae


at itinuro iyon sa akin. Iyon nga. Nabasa ko nga kanina pa. At malinaw na nakasad
doon na arrived na ang status ng biyahe. Napabuntong-hininga ako. Shit! Hindi na
ako makakaabot nito sa usapan namin ni Miguel. Nakakapanlumo. I was looking forward
to this date all week. Sa wakas, niyaya na rin ako ng kumag na iyon , pero ano
itong nangyari? Nautusan akong sumundo sa isa sa mga spoiled na engineers from
Norway. Hindi pa man nagsisimula ang trabaho nagpapa-primadonna na. Nakakaimbyerna!
Sagabal sa lovelife!

Nakabusangot ang mukhang bumalik ako sa tapat ng nilalabasan ng mga pasahero. Lalo
akong nainis nang sumilip na naman si Mang Roman, ang driver ng kompanya, at
nagtanong kung dumating na ang sinusundo namin.

"Hindi ba obvious na wala pa?" pagtataray ko sa matanda. Kanina pa niya ako


iniinis. Kung nagmamadali

siyang makauwi sa asawa niya, mas nagmamadali naman akong makita si Miguel ano?

"Nagtanong ka ba sa guwardiya? Baka dumeretso na iyon sa hotel niya?" pangungulit


pa niya. Kita rin sa mukha ang pagka-aburido.

"Mang Roman, ilang beses ko nang natanong. Bumalik na nga lang kayo do'n sa
sasakyan natin. Mamaya niyan, ma-carnap pa iyon. Mapipilitan tayong maglakad
hanggang Makati." Tinalikuran ko na siya. Naglakad-lakad ako. Sinilip-silip ko ang
nasa loob kahit hindi masyadong kita. Ilang beses ko na siyang ginulpi sa isipan
ko. Kapag makita ko ito mamaya hahampasin ko ito talaga ng shoulder bag ko.

Pagdating ng alas otso, tumawag na ako kay Boss. Malamang hindi natuloy ang
lalaking iyon. O di kaya natuloy nga, pero nakatulog sa Hong Kong kung saan sila
nag-stop over at naiwan na ng eroplano papuntang Manila.

"What?" Nabahala si Boss. "No, no, no. You have to stay there and wait. He
confirmed his schedule today. Tumawag siya kanina sa akin nang nag-stop over sila
sa Hong Kong. Sigurado akong nakasakay siya. Hintayin mo na lang muna diyan. I'll
call my contact in Norway."

"Iyon nga, Boss, e. Baka nakatulog siya sa Hong Kong at naiwan ng eroplano," giit
ko pa.

"Just stay there, okay? Kapag wala pa rin siya after an hour, call me again."
Binaba na ni Boss ang telepono. Bumusangot lalo ang mukha ko. Paghihintayin ako ng
isang oras pa? Pambihira! Makatao ba iyon? Hanggang alas singko lang naman dapat
ang trabaho ko, a!

Habang sinasaksak ko at pinupugutan ng ulo sa isipan ang kalbong, matandang


Norwegian, siya namang pagtigil ng isang guwapong blonde guy sa harapan ko. Parang
binabasa ang hinahawakan

kong placard.

"Hi! You must be Leigh. I'm Nikolai," at ngumiti siya sa akin sabay lahad ng kanan
niyang kamay. Napatingin ako sa nakaunat niyang palad. Nananaginip ba ako? May
anghel bang bumaba sa langit?

Nang hindi ako tuminag, napakamot siya sa ulo at ngumiti uli, pero this time medyo
nahihiya. Nagpaliwanag siya, pero hindi ko masyadong naunawaan dahil sa ingay ng
mga insekto sa isipan ko. Ang tangi kong naisip noon ay kung gaano siya ka guwapo
at ka kisig sa suot niyang maong jeans at grey t-shirt.

"Leigh! Wala pa ba?" narinig kong sigaw uli ni Mang Roman. No'n lang ako
naalimpungatan. Napakurap-kurap ako at napatingin sa kaharap kong blonde guy.

"Oh. Are you N-Nikolai? I mean, are you E-Engineer N-Nikolai B-Bjornsen?" pautal-
utal kong tanong. Nag-iinit na ang mukha ko.

"Yeah. That's me," at tinuro pa niya nang nakangiti ang placard na hawak ko. "Just
call me Nikolai for short. Sorry for making you wait. There was some mixed up with
my luggage. Somebody mistakenly took it, so I had to wait until they sort things
out."
Tumangu-tango ako at ngumiti na rin sa kanya. Nilingon ko si Mang Roman at
sinabihang tulungan na ang bisita namin sa pagtulak ng mga bagahe niya. Tuwang-tuwa
ang matanda nang makitang dumating na nga ang hinihintay namin. Tsinika na nito si
Nikolai. Nakahinga ako nang maluwag. At least, malaya ko siyang natitingnan habang
abala siya sa pakikipag-usap kay Mang Roman. Grabe! Ang guwapo niya talaga kahit
saang anggulo tingnan. Nakadagdag pogi points pa niya ang ganda ng pangangatawan at
porma. Nawala tuloy ang galit ko. Pati ang pananabik kong makita si

Miguel, ang manager ng suki kong Jollibee na matagal ko nang crush, ay naglaho ring
parang bula. Parang ayaw ko nang mahiwalay kay Nikolai.

Pinagkukurot ko ang sarili sa isipan. Hayan ka na naman. Nakakita ka lang ng


guwapo, kumekerengkeng ka na agad! Malay mo naman? Baka may nobya 'yan sa kanila.

"Dave told me that I will be staying in a hotel for the meantime. Is that true?"
tanong nito at sa akin tumingin. Na-conscious na naman ako lalo pa't katabi ko siya
sa backseat ng kotse.

"Yeah. But don't worry. Your condo unit will be ready to be moved in on Monday next
week, so you will be staying in a hotel just for the weekend," sagot ko naman.
Bahagya lang akong tumingin sa kanya. Nakatunghay ako kunwari sa memo pad na nasa
kandungan ko.

"Okay. Thanks for the info."

Natahimik na siya. Si Mang Roman na lang ngayon ang nagsasalita. Tinatanong ako
kung bakit naantala ang dating ng bisita namin. Ano raw ang nangyari.

"Naku! Nadale yata si pogi. Sabihan mong tsekin niya kamo nang maayos ang mga
bagahe mamaya pagdating niya sa hotel room niya. Baka nadekwat ang iba niyang
gamit. Alam mo naman dito sa atin. Kahit saan may magnanakaw."

Nangunot ang noo ko. Oo nga, 'no? Sasabihin ko sana iyon sa katabi ko, pero nakita
kong nakapikit na ang kanyang mga mata. May napukaw na kung ano sa puso ko. Ang
ganda niya tingnan. Parang anghel na bumaba sa lupa. Ang amo ng mukha. Hay. I can
watch him for eternity at hindi ako magsasawa! Lihim akong napangiti. Biglang
napalis ang mga ngiting iyon nang dumilat ang isa niyang mata. May nabanaag ako
doong kaunting kapilyuhan. Shit!

Hindi siya totoong tulog! Upuan, bumuka ka at lamunin mo na ako, please!

"Why are you staring at me?" halos pabulong niyang tanong sa akin.

"N-Nothing," sagot ko sa mahinang tinig. Ang init ng mukha ko! Palagay ko para na
akong hinog na kamatis. Para mapagtakpan ang pagkapahiya, kinausap ko si Mang
Roman.

"Di ba tatlo ang anak n'yo, Mang Roman? May asawa na ba silang lahat?" Napatingin
sa akin ang matanda sa pamamagitan ng salamin sa harapan niya. Nangunot ang noo.
Hindi naman kasi ako nagpakita man lang ng interes dati sa buhay niya tapos ngayo'y
nagtatanong pa tungkol sa kanyang mga anak.

"Iyong panganay pa lang. Ang dalawa ay nag-aaral pa." Hindi na dinugtungan ni Mang
Roman ang sagot niya. From the corner of my eye, nakita kong nakatingin pa rin sa
akin si Nikolai. At parang nakangiti nang pilyo. Shit! Ano kaya ang iniisip niya
tungkol sa akin? Nagmukha akong timang do'n a! Palagay ko, nag-a-assume na siyang
gusto ko siya kaya titig na titig ako kanina sa kanya. Nakakainis! Pinagpawisan
tuloy ako nang malapot kahit malakas ang aaircon sa loob ng kotse.
It seemed like an eternity bago namin narating ang hotel niya. Tinulungan siya ni
Mang Roman sa kanyang mga bagahe. Ako nama'y dumeretso na agad sa reception desk.
Ako ang nag-verify kung naka-book nga siya sa hotel na iyon. Napasulyap nang ilang
beses ang receptionist kay Nikolai habang hinahanap sa computer screen ang pangalan
niya. Napansin kong nagpapa-cute ang bruha. Ang sarap sabunutan. Pina-seksi pa nito
ang boses nang mag-abot ng form kay Nikolai para sulatan ng pangalan at contact
details. Nasa tabi lang

ako habang nagsusulat siya sa papel. Nang matapos ay nakangiti niya itong binigay
sa babae. Nakita kong kinilig na naman ang bruha. Tsinika pa ang lalaki.

"Miss, ang susi. Kailangan na niyang magpahinga dahil halos isang araw siyang
nagbiyahe," untag ko sa babae. Hindi ko na itinago ang pagtaas ng kilay. From the
corner of my eye, nakita kong parang nalito si Nikolai. Nagpalipat-lipat ang tingin
niya sa amin ng receptionist. Medyo nainis pa ang girl nang iabot sa akin ang card
key, pero ngumiti ito nang matamis sa kasama ko. Tinalikuran ko na ang bruha at
binigay na Kay Nikolai ang susi niya. No'n naman dumating ang bellboy kaya
nagpaalam na kami ni Mang Roman.

"Enjoy your stay here. If you need anything, here's Boss Dave's business card. You
can find his personal mobile number there as well. Have a pleasant night," at
ngumiti ako sa kanya nang may kaunting hiya. Hindi pa ako naka-recover sa insidente
kanina sa loob ng kotse.

"Okay, thanks a lot."

Tumalikod na kami ni Mang Roman.

"Leigh," tawag niya sa akin. Napalingon ako agad. Parang musika sa pandinig ko ang
pagtawag niya ng aking pangalan. "Uhm, what about your n-number? Actually - I - I
have been communicating with Dave since I left Norway, but I still don't know him
so I think it would be best if you give me your number as well. You know, just in
case," at kumumpas-kumpas siya. Nakagat ko ang labi sa pagpipigil sa sariling
sumigaw sa kagalakan. Naghanap ako ng kapirasong papel sa bag para sulatan ng phone
number ko nang iabot niya ang card ni Boss Dave. Napatingin pa ako saglit sa card
na parang nalito.

"You

can write at the back," sabi niya. Halos dumikit na siya sa akin kung kaya
nalanghap ko ang perfume niya. Ang bango! In fairness, kahit halos isang araw
siyang nagbiyahe, hindi siya amoy panis gaya ng iba.

Nang maisulat ko na ang number ko sa card, nagpaalam uli kami ni Mang Roman. Pero
nagsalita na naman siya kaya hindi kami nakaalis.

"If it's not asking too much, maybe we can have dinner together? I know you've
waited for me for a long time. At least, let me show you that I appreciate your
efforts," sabi pa niya na ikina-tumbling ng puso ko. Napatikhim nga si Mang Roman.

"O siya, iiwan na ba kita dito, Leigh?"

Tinapunan ko nang masamang tingin si Mang Roman. Lalo akong tinukso sa tingin.
Palihim ko siyang pinandilatan. Gusto ko sanang pagbigyan si Nikolai, pero naisip
ko rin na baka tinatantiya niya ako. Baka kanina nang mahuli niya akong titig na
titig sa kanya ay naisip na niyang may gusto ako sa kanya, kaya ngayo'y sinusubukan
niya ako. Akala mo gano'ng-gano'n mo lang ako mahuhuli? No way, Jose!
"Much as I want to - I actually have another plan for the night," nahihiya ko
kunwaring sagot. Tumingin pa ako sa relos ko. "In fact, I'm already late."

"Oh! Sorry about that. Next time, then."

"Yeah, next time," at nagpaalam uli ako sa kanya. Binalingan ko si Mang Roman at
minadali na. I was tempted to turn and see if he was watching me, pero hindi ako
nagpatukso. Nakalabas kaming hindi man lang ako lumingon. Pero bago ako pumasok sa
kotse, nilingon ko ang hotel for just one look at nakita ko siyang nakatayo na sa
labas, sa may bukana ng entrance. Seryoso siyang nakatingin sa direksiyon namin.
Pinamulahan na naman ako ng mukha nang magtama ang aming paningin. Shit, ano kaya
ang ibig sabihin ng mga titig na iyon? Nag-init hindi lamang ang mga pisngi ko,
kundi pati ang buo kong katawan. Nilalagnat na yata ako.

Bumalik lang sa kasalukuyan ang diwa ko nang marinig kong tumikhim na naman si Mang
Roman sa unahan. Mayamaya'y napabungisngis ang matanda. Tinapunan ko siya nang
masamang tingin.

=================

CHAPTER TWO

May kakaiba akong sigla nang pumasok sa upisina nang araw na iyon. Sino ba naman
ang hindi? Ang unang text na natanggap ko nang umagang iyon ay galing sa kanya. He
greeted me 'good morning'.

"Ang ganda yata ng araw natin, a. Kumusta ang date n'yo ni Miguel noong Friday?"
salubong sa akin ni Zyra. May hawak itong mug ng kape.

Binaba ko muna ang mga gamit sa mesa at nagsuklay ng buhok, saka kaswal siyang
sinagot.

"Hindi kami natuloy."

"What?! E hindi ba maayos na ang usapan n'yong dalawa? Ano na naman ang drama ng
lalaking iyon ngayon?" sunud-sunod na tanong ni Zyra.

Bago ko siya masagot, humirit na naman ito. "Alam mo, palagay ko closet queen iyang
Miguel na iyan. Malakas talaga ang kutob ko. Iyong sobrang particular niya sa
cleanliness at neatness ay iba'ng kahulugan. Kaya siguro siya nag-back out ay dahil
may nakitang hot na hombre."

"Tange! Hinuhusgahan mo naman ang tao. Hindi, no! Ako ang may kasalanan. Hindi ako
nakarating sa usapan."
Nangunot ang noo ni Zyra kaya nagpaliwanag ako.

"Inutusan ako ni Boss na sumundo sa isa sa mga engineers from Norway. Naantala ako
sa airport kung kaya hindi ko na naabutan si Miguel. Nahiya nga ako doon sa tao.
Mabuti na lang hindi nagalit. Nagkasundo na lang kami na i-postpone ang dinner date
namin. We'll probably have it this Wednesday night. Sana walang last minute errand
si Boss."

Nang marinig ni Zyra na sumundo ako sa isa sa mga foreign engineers, naintriga na
ito.

"How was he? I mean, guwapo ba? Ang sabi ni Meg, ang guwapo-guwapo no'ng sinundo
niyang Norwegian engineer

noong isang araw," nakikilig na pang-usisa pa nito.

I tried to appear cool. Kunwari hindi ako affected, pero sa totoo lang para na rin
akong sinisilihan nang maalala ang lalaking iyon at kung paano niya ako tinitigan
bago kami nagkahiwalay.

"Okay lang. Bata pa siya. Akala ko no'ng una matanda na."

"And? Dali!" Pinapakuwento pa ako ng bruha.

"Mukhang mabait."

Nag-pout ang impaktita at pasalampak na naupo sa upuan. Natawa ako.

"So ang ibig sabihin, chaka?" tanong uli niya.

"Hindi naman. May hitsura nga, e. Pero nababaitan ako sa kanya."

"Hay naku! It only means one thing, chaka nga kaso ayaw mong laitin dahil mabait."
Napangiti na lang ako sa kanya. Hindi na nagsalita pa. Sa halip, inayos ko na ang
mesa at nagsimula nang magtrabaho. No'n naman dumating si Ysay. Mukhang humahangos.
Naglapag lang ito ng bag sa table at pinaandar na agad ang computer.

"You're just in time, girl. Ano na naman ang nangyari at halos abutan ka na naman
ng bell today?" si Zyra ulit.

"Tinanghali ako ng gising. Buwisit talaga ang tinuturuan kong Krung-Krung! Halos
alas dos na kami natapos dahil sa dami ng seremonya niya. Nakakainis!"

"Oy, delikado na iyan, ha? Kung ayaw niyang tumino, you better give her up. Hindi
magandang nauwi ka ng ganyang oras. Maraming halang ang kaluluwa sa kalye," sabat
ko naman.

Bigla akong natigil sa pakikipag-usap sa kanya nang mahagip ng paningin ko ang


paparating na demonya. Napansin kong subsob na rin sa trabaho si Zyra. Si Ysay
nama'y humarap pa sa akin at nagkuwento. I gave her a warning look,

pero hindi niya nakuha ang gusto kong ipahiwatig kaya siya ang napagdiskitahan ni
Evil Twin. Nakahinga lang kami nang maluwag nang makaalis na ang kakambal ni
Lucifer.

Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan kung bakit mukhang mainit ang dugo sa amin ni
Architect Ramirez. Yes, that's right. Siya si Evil Twin. Ganyan kung tawagin namin
siyang tatlo dahil ugaling demonya talaga. Wala naman kaming ginagawa, pero palagi
kaming kinaiinisan lalung-lalo na si Ysay, ang bago naming kasamahan sa trabaho.

"I heard she's mad since last week," pabulong na kuwento sa amin ni Zyra. "Paano ba
naman, pina-revise daw ng lead engineer ng Norway ang design niya at sinang-ayunan
naman ni Mr. Petersen. Nainsulto yata ang bruha."

"At sa atin na naman ibubunton ang inis niya?" halos sabay naming sagot ni Ysay.

"Alam n'yo naman ang bruhang iyon," sagot ni Zyra sabay tayo. "Saglit lang at
magpo-photocopy muna ako nito. Kailangan daw ito ni Evil Twin later, e."

No'n naman dumating si Meg, ang kanang kamay ni Architect Ramirez - actually
katulad din namin siyang staff sa construction firm na iyon at kabilang sa team
namin, pero magaan ang loob sa kanya ng bipolar naming architect kaya tinatawag
namin siyang kanang kamay ng bruha. Tumigil ito sa desk ni Ysay at sinabihan ang
kaibigan naming pumunta raw sa upisina ni Engineer Perez, ang kanang kamay naman ni
Boss.

"How about me? Wala bang iuutos sa akin ang mga bosing natin?" tanong ko naman.

"Excuse ka raw ngayon, sabi ni Boss, dahil pinag-antay ka ni Engineer Bjornsen sa


airport," nakangiti namang pakli

ni Meg at bumalik na siya sa kanyang working area na malapit sa upisina ni


Architect Ramirez.

Dahil mag-isa na lang do'n, pinasadahan ko muna ng tingin ang to-do list ko at
tsinek ang pinaka-importanteng errand for the day - ang paggawa ng correspondence
para sa isang supplier namin ng construction materials. Nagta-type na ako no'n nang
biglang may dumaan sa desk ko at naglagay ng isang supot. Pag-angat ko ng tingin,
nagkasalubong ang mga mata namin ng lalaking ilang gabi nang nagpagulo sa isipan
ko. Si Engineer Nikolai Bjornsen! Ngumiti siya sa akin. Biglang nanuyo ang
lalamunan ko at pinagpawisan ako nang malapot.

"Yes, Engineer Bjornsen? Do you have something to request?" pormal kong tanong.
Tumayo na rin ako para hindi nangangawit ang leeg ko sa pagtingala. Ganunpaman,
kailangan ko pa rin siyang tingalain dahil ang tangkad niya. Siguro nasa six-two or
six-three siya, samantalang nasa five-five lang ako. Naka-flat shoes pa ako ng araw
na iyon.

Imbes na sumagot, tinuro niya ang supot. Napatingin uli ako do'n. Nangunot na ang
noo. Nang buksan ko iyon, nakita ko ang dalawang donuts at naamoy pa ang hot cocoa.

"Just a simple token for what you did for me," at ngumiti uli siya bago tumalikod.
Napanganga ako. Nang mapasulyap ako sa kanya, no'n naman siya lumingon at pabiro
pang nag-hand salute sa akin. Napahawak tuloy ako sa kaliwa kong dibdib. Gusto kong
magtititili.

Dumaan na naman sa table ko si Evil Twin at nag-abot ng memo.

"Give me five copies. I need it ASAP."

Ngumiti ako sa kanya nang ubod-tamis at masiglang tumakbo sa copy room. Mayamaya
pa'y,
nasa upisina na ako ng bruha at inaabot na sa kanya ang hinihingi niya.

"Mayroon pa ba kayong inuutos, Architect Ramirez?" magalang kong tanong.

Sumulyap lang siya sa akin na parang may pagtataka bago umiling at sinenyasan na
akong lumabas. Kahit na parang aso niya akong tinaboy, hindi iyon nakabawas sa
positive vibes na naramdaman ko. Pakiramdam ko I was on cloud nine.

Pabalik na ako sa desk ko nang makita ko si Boss sa bungad ng kanyang upisina. Tila
may kinakausap ito sa loob kung kaya hindi lubusang isinara ang pinto. Nang makita
niya ako, kinawayan niya ako para lumapit.

"Yes, Boss?" tanong ko agad.

"Pakisamahan mo nga si Nikolai sa immigration para sa kaukulang working permit


niya? Nakausap ko na ang contact ko roon and I was told that our guy needs to
appear personally there. The construction will start ASAP so we need to have their
paperworks done this week."

Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko na parang ayaw. Medyo natatakot
kasi ako sa tinatakbo ng damdamin ko. Baka mahulog akong lalo sa kanya at ayaw kong
mangyari iyon as much as possible. Hindi kasi ako naniniwala sa interracial
relationship. Ang isa kong ate na nakapag-asawa ng puting Canadian ay hiwalay na sa
asawa. Tatlong taon lang ang itinagal ng relationship nila.

"Leigh?" untag ni Boss. He even snapped his fingers in front of my face. Nag-init
ang mukha ko. "Are you with me?" tanong pa sa akin.

"Y-Yes, B-Boss. Naisip ko lang po kasi - may pinapagawa

po kasi sa akin si Architect Ramirez na letter. Kailangan daw po niya iyon today."

"That can wait. Unahin mo ito. Halika nga muna sandali sa office," at tinulak na
nito ang pintuan para lumuwang ang bukas. Pinauna niya ako sa loob. At nakita kong
nakaupo sa sofa si Nikolai. Ito pala ang kinakausap ni Boss habang nasa bungad ng
upisina kanina.

"As I was telling you a while ago, Leigh here can assist you with your paperworks.
She'll go with you to the immigration office today."
May kung anong kumislap sa mga mata ni Nikolai. Parang labis na natuwa. Kinilig
naman ako. Pero bago pa ako mag-inarte sa harap niya, sumulyap ako kay Boss kunwari
at nakinig sa further instructions niya.

**********

Pinauna ko na sa sasakyan si Nikolai habang nagliligpit ng mga gamit. Takang-taka


ang dalawa nang maabutan nila akong nagmamadali sa pag-alis.

"Nautusan na namang maging yaya," kunwari'y naiinis kong paliwanag.

"Aw. Sorry, Leigh," si Ysay. "Isipin mo na lang na maswerte ka. At least, you don't
have to deal with you-know-who."

Napangiti ako. Kung alam n'yo lang...

Pagdating ko sa kotse, prenteng nakaupo na sa backseat si Nikolai. Binuksan ko ang


harapan sa tabi ni Mang Roman. Nangunot ang noo ng matanda at nagkomento agad.

"Ayaw mo bang tabihan ang pogi nating inhinyero, Leigh?"

"Mag-concentrate ka na lang sa pagmamaneho, Mang Roman. Siguraduhin mong makarating


tayo do'n nang ligtas," asik ko sa kanya. Tumawa lang

ito.

Nilingon ko si Nikolai sa likuran at nakita kong parang nalungkot ito.


Disappointed? Pero hindi naman nagkomento. Ngumiti lang nang mapakla nang magtama
ang paningin namin. Tinanong ko siya kung okay lang siya sa likuran. Hindi siya
sumagot. Sa halip ay tumango lang at tumingin na sa labas ng bintana.

"Nalungkot tuloy si Pogi. Ikaw, e."

Tinapunan ko nang masamang tingin si Mang Roman at nagbuklat-buklat ng fashion


magazine na dala-dala ko sa bag.

Nang makarating kami sa immigration office, sinalubong agad kami ng kakilala ni


Boss. Ito ang umestima sa amin doon kaya hindi na kami pumila. Napansin ko pang
parang nagpapa-cute pa ang lola kay Nikolai. Pambihira! Mukha na ngang retiring
age, kumekerengkeng pa sa lalaki. Nagsawalang-kibo na lang ako.

Ang aga naming natapos doon kung kaya labis akong natuwa. Ang sabi ni Boss, ito
lang ang trabaho ko for the day. Ang ibig sabihin ay puwede na akong umuwi sa amin.
I was thrilled. Makakapagpahinga pa ako ng kalahating araw.

"Uhm, are you free tonight?" medyo nahihiyang tanong ni Nikolai nang naglalakad na
kami papunta sa parking lot.

Gosh, he's inviting me for a date! Gusto kong umuo agad-agad, pero naisip kong baka
lalo kong maipagkanulo ang damdamin at isipin nitong I'm an easy lay. Ang sabi ni
Ate ang panget daw ng impresyon ng ibang lahi sa Pinay. Iniisip ng karamihan na ang
mga Pilipina raw ay madaling mabola basta pakitaan lang ng pera. Baka gano'n din
ang iniisip ni Nikolai. I have to act cool.

"Much as I want to, I have other plans tonight," sabi ko sa kanya. Nakita kong
nalungkot siya.

Nagsisi tuloy ako. Okay ba'ng bawiin ang sinabi?

"I get it. You have a boyfriend and he might not like it if you go out with a
strange-looking man from another planet," may himig-biro niyang sagot.

"Oh, no!" maagap ko namang pakli. "I mean - I h-have no b-boyfriend." As soon as I
said it, biglang umaliwalas ang kanyang mukha. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko
iyon nasabi at ang paraan ng pagsabi ko. I sounded like I was too eager to let him
know that I was available. Gusto kong kutusan ang sarili.

"Then why won't you go out with me?" deretsahan niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakasagot. Tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin. Hindi ako
makatingin nang deretso sa kanya. Pakiramdam ko kasi malulunod ako sa asul niyang
mga mata.
"I j-just -," nagkumpas-kumpas ako na parang gustong magpaliwanag, pero walang
lumabas sa mga bibig ko kundi puro, 'I just'. Napangisi na siya sa akin.
Sinimangutan ko siya.

"Where do you live?" tanong niya sa akin at nagpatuloy na kami sa paglakad.

Hindi na naman ako nakasagot. Buti na lang, umeksena si Mang Roman. Malayo pa lang
kami ay sumigaw na ito sa amin at tinuro kung saan naka-parking ang sasakyan. May
excuse akong huwag siyang sagutin. Akala ko nakalusot na ako.

"We'll go to Leigh's house first, Roman. We'll drop her off there before heading
back to my place," mando nito sa driver namin. Pabiro namang nag-'yes, sir' agad
ang matanda at tiningnan pa ako na parang nanunukso. Hindi ko siya pinansin.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto sa tabi ni Mang Roman, hinawakan niya ang
kamay ko, kung kaya lumingon ako sa kanya. He smiled at me, sabay hila sa akin sa

backseat. Siya ang nagbukas nito at inalalayan akong pumasok sa loob. Hindi na ako
nagprotesta dahil nakatingin sa amin ang intrigerong matanda.

"Alam mo, Leigh, huwag ka nang magpakipot diyan kay Pogi. Mukha namang mabait at
hindi bastos. Tsaka malay mo, makapunta ka pa sa bansa nila. Aba'y jackpot ka
diyan. Pogi na, mukhang mayaman pa. Dinig ko kay Boss, binata iyan kaya huwag kang
matakot."

"Mag-drive na lang kayo diyan, Mang Roman. Nakakainis ka, e!"

Binalingan ako ni Nikolai at tinanong kung ano'ng pinag-usapan namin ng matanda.

"He was just asking me for directions," pagsisinungaling ko. Tumangu-tango siya at
hindi na nagsalita pa.

Mayamaya'y dumausdos ito ng upo at sinandal ang ulo sa sandalan ng upuan. From the
corner of my eye, I saw him closed his eyes. Makaraan ang ilang sandali, I heard
his even breathing. Gusto ko sana siyang titigan like the other night, pero
natatakot akong baka mahuli na naman niya ako. Tiniis ko ang curiosity. Nagbuklat-
buklat na lang ako ng magazine sa kandungan. But after a few minutes, napasulyap
ako sa kanya dahil nahulog na ang ulo niya sa balikat ko at nalanghap ko ang bango
ng kanyang buhok. Natutulog na kaya ang kumag na ito? Hindi muna ako tuminag. Saka
lang ako kumilos nang lalong sumiksik ang ulo niya sa leeg ko. Dahan-dahan akong
umisod. Nagising siya.
"Oh, sorry about that," sabi niya sa mahinang tinig at kinusut-kusot ang mga mata.
"I had a rough night for three nights in a row now. I couldn't sleep well. I guess,
I have not yet adjusted to the new surroundings," paliwanag niya.

Tumangu-tango lang ako at pinagpatuloy na kunwari ang pagbabasa ng magasin. Bumalik


naman siya sa pagtulog. Mayamaya uli, nakahilig na naman siya sa akin. Kinilig na
ako. Para kasing sinasadya na niya. Nang sulyapan ko, parang anghel na natutulog sa
balikat ko. Napangiti ako. Hinayaan ko na lang habang nagbabasa, pero hindi rin ako
maka-concentrate. Parang kinikiliti ng pabango niya ang ilong ko. Maya't maya'y
napasulyap ako sa kanya. Nang masiguro kong tulog na nga, tinagalan ko ang
pagtitig. At nagulat ako nang bigla na lang dumilat ang isa niyang mga mata at
ngumiti siya nang pilyo sa akin. Sa pagkapahiya, umisod ako agad hanggang sa
pinakadulo ng upuan at tumingin sa labas ng bintana.

"You've got beautiful eyes," sabi niya sa mahinang tinig na parang sa akin niya
lang gusto iparinig. Kaagad na nag-init ang mukha ko at pinagpawisan ako nang
malapot. Kaya nang makarating kami sa amin, dali-dali akong bumaba. Nauntog pa ang
ulo ko sa gilid ng pintuan sa backseat dahil parang nawalan ako ng huwisyo.

"Careful," paalala naman niya sabay hawak sa ulo kong tumama sa gilid ng pinto.
"Does it hurt?" tanong pa niya.

"N-No, I'm okay," pakli ko sa mahinang boses at bumaba na. Bumaba rin siya at
ginala ang tingin sa palibot.

"Take care, Leigh, and see you tonight?" at ngumiti siya uli sa akin.

"I - I," nauutal kong sagot. Gusto ko siyang sabihan na hindi ako puwede, pero
walang namutawi sa mga bibig ko. Lalo akong nataranta nang binigya uli ako ng
matamis na ngiti bago bumalik sa loob ng kotse. Hindi ko na nasabi ang gusto kong
sabihin. Kumaway na lang ako sa kanila at dali-dali nang pumasok sa kalye namin.
Nang makapasok ng bahay, napasandal ako sa pintuan sapo ang kaliwang dibdib. Para
akong tumakbo ng 100-meter dash. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

=================

CHAPTER THREE
Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para hindi ako matuksong pumayag sa kagustuhan
niyang mag-dinner kami nang gabing iyon. Naisip ko kasi na kapag sumama ako sa
kanya parang nag-inarte lang ako no'ng tinanggihan ko ang paanyaya niya. Mabuti na
iyong malaman niya na hindi ako basta-basta nagbabago ng isip.

Ang sabi ng mga kapitbahay namin, OA na raw masyado ang pagiging pakipot ko.
Nagbabala pa sila sa akin na baka pagsisihan ko raw kung mabingwit pa siya ng iba.
Napatitig tuloy ako sa papalayong si Nikolai. Nakaramdam din ako ng takot na baka
magsawa nga at manligaw na lang ng iba.

"Tigilan n'yo ngang anak ko. Huwag n'yo siyang itulad sa mga anak n'yo na makakita
lang ng foreigner, kakapit agad," pagtataray naman ng ina ko kina Aling Lucy at
Aling Edna. Pabiro nilang inirapan si Nanay bago nagsibalik sa kani-kanilang bahay.

Nang kami na lang dalawa, napangiti siya sa akin. Tama raw ang ginawa ko. Hindi
dapat sumasama kahit kaninong lalaki, ma-foreigner man o Pinoy kung hindi pa
lubusang kilala.

"I'm so proud of you, anak. Tandaan mo ang nangyari sa ate mo. Huwag mo na sana
siyang tularan. Sapat na ang isa sa inyong mabiktima ng isang banyaga."

"Umalis na ba siya?" tanong naman ni Tatay nang bumalik na kami sa sala. Hindi na
ito sumama kasi sa tarangkahan kanina nang hinatid namin si Nikolai. Mahina na kasi
ang tuhod niya kung kaya nakapermi na lang sa wheel chair.

"Opo," sagot ko naman at naupo na sa harap ng telebisyon.

"Ba't hindi mo siya pinagbigyan? Mukhang mabait naman. Iba naman siya doon sa
napangasawang Canadian ng ate mo. Nararamdaman kong mabuting tao iyong

batang iyon," patuloy pa ni Itay. Napasulyap tuloy ako sa kanya. Minsan lang kasi
ito nagbibigay ng opinyon sa mga manliligaw namin ni Ate. Kadalasan, tahimik lang
siya.

"Tama naman ang ginawa ng anak mo. Baka isipin ng Nikolai na iyon na porke ang
guwapo niya ay magkukumahog na itong dalaga natin sa kanya," sabat naman ni Inay.

Hindi na ako nakasagot sa kanila dahil nag-ring ang cell phone ko. Nang makita ko
kung sino ang caller, kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Si Nikolai! Dali-dali
akong pumasok sa kuwarto at pinindot ang answer button.

"Hello," bati niya sa mahinang tinig.

"Hello," sagot ko naman. Pilit kinokontrol ang sariling huwag makilig.

"Uhm, t-this is quite embarrassing," sabi niya uli. Parang nahihirapang magsalita.
Nangunot ang noo ko. Ano naman iyong embarrassing na iyon? Pina-explain ko sa kanya
agad. "The taxi driver kinda tricked me. He drove around and around so I got off. I
actually don't know where I am right now. Could you come and get me?"

Natakot ako bigla. Nakupo! Baka masisi ako ni Boss kung may mangyaring masama sa
kanya. Nawala bigla ang kilig factor. Napalitan iyon ng labis na pag-aalala.

"Do you know what street you are in right now? Look around you. Tell me what you
see," sagot ko agad. Naisip kong hindi pa naman siguro siya nakakalayo dahil wala
pang sampung minuto siyang nakaalis ng bahay. I made a mental note to call the
taxi's company.
"Wait. I'll just ask some bystander."

"No! Don't do that," pigil ko sa kanya. Diyos ko! Huwag sana siyang makursunadahan
ng mga sira ulong tambay sa kanto. Mukha pa naman siyang

inosenteng college boy lang kahit na bente otso na ang edad.

"Huh? Why?" tanong naman niyang parang nagtataka.

"Just don't ask. I'll go there. Just tell me any landmark."

Sinabi naman niya kung ano ang nakikita niyang establismento sa paligid. Pamilyar
lahat sila sa akin kaya alam kong hindi pa siya nakakalayo sa amin. Dali-dali akong
nagbihis. Nag-skinny jeans lang ako na yari sa maong at nagsuot ng puting polo.
Pagkalagay ng kaunting pulbo at lipstick, lumabas na ako sa kuwarto. Namangha ang
mga magulang ko nang makita nilang nakabihis ako.

"Pupuntahan ko lang po si Nikolai," sagot ko agad habang nagsusuot ng sandals.

"Akala ko ba gusto mong ipakita doon na isa kang dalagang Pilipina?" nakataas ang
kilay na tanong ni Inay habang minamasahe niya ang kamay ng tatay ko.

"Niloko po ng taxi driver. Inikot-ikot kaya bumaba siya do'n sa kanto, malapit kina
Mang Damian. Pupuntahan ko lang po at hahanapan ng mapagkakatiwalaang taxi."

Nagbago kaagad ang ekspresyon sa mukha ng mga magulang ko. Bigla silang nag-alala.

"Sabihin mong huwag makipag-usap kamo kahit kanino," sabi ng Itay ko.

"Sa lahat ng bababaan, bakit doon pa? Aba'y dalian mo diyan! Baka makursunadahan
iyon ng mga lasenggerong nag-k-KTV kina Mang Damian," pag-aapura naman ng nanay ko.

Pagkasuot ng sandals, tumakbo na ako palabas ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam


nang maayos sa kanila. Nakasalubong ko ang bunso kong kapatid na si Boyet na
mukhang takang-taka sa pagmamadali ko.

"Saan ka pupunta, Ate?" tanong nito. Hindi ko na iyon nasagot. Pumara ako agad ng
traysikel at sumakay. Inulan ko

ng text si Nikolai. Pinag-ingat.

"Don't worry. People here are kind. They invited me to this bar and I'm actually
trying my best here to belt a tune," at nilagyan pa ng loko ng tumatawang emoticon
ang dulo ng text. Bigla akong pinanlamigan. Panay nga ang sabi ko sa driver ng
traysikel na bilisan niya ang pagtakbo.

"Traysikel po ito, ineng. Hindi eroplano," pilosopong sagot ng matanda. Tinapunan


ko siya nang masamang tingin. Nang marating namin ang sinasabing kinaroroonan ni
Nikolai, binigyan ko ng singkuwenta pesos ang mama at tumakbo na papasok sa loob ng
KTV. Hindi ko na kinuha ang trenta pesos kong sukli.

Marami-rami na ang nag-iinuman sa loob, pero wala pa namang lasing sa kanila.


Binati ako ng mga kakilala namin at niyaya pang uminom. Ang iba sa kanila ay
kabarkada ng nakababata kong kapatid na si Boyet at ng Kuya Arman namin. Magalang
ko silang tinanggihan habang umiikot ang mga mata ko sa loob sa paghahanap kay
Nikolai. Hindi naman ako nahirapan sa paghanap sa kanya. Nakita ko siya sa mesa ng
anak ni Mang Damian. Kumakanta ng I Stil Haven't Found What I'm Looking For na
pinasikat ng Irish band na U2. Hindi agad ako nakalapit dahil parang namalikmata
ako sa kanya. Hindi ko sukat akalaing may tinatago ding galing sa pagkanta ang
mokong. Ang akala ko kasi'y mga sintunado ang mga puti, puwera na lang sa mga
singers nila. Grabe ang hiyawan ng mga tao sa loob ng matapos siyang kumanta. Kilig
na kilig ang mga GRO na ka-table ng mga umiinom, pero mas malakas ang hiyawan ng
mga bading. Mukhang enjoy na enjoy naman ang loko. Nakipag-apiran pa sa mga
kasamahan niya sa mesa. No'n

lang ako lumapit.

"Hey! You came," nakangiti niyang salubong sa akin.

"Ay! May dyowa na pala," narinig kong sabi ng isang bading sa kasamang GRO. Hindi
ko sila pinansin. Kinumusta ko si Nikolai kung wala ba siyang naging problema.

"No. Everybody's very kind to me. They treated me like a rock star," at tumawa pa
siya sabay pabirong nag-hand salute sa mga kasamahan sa mesa.

"Ang bait nitong boyfriend mo, Leigh, ha? Jackpot ka dito," sabi ng kabarkada ni
Kuya Arman.

"Hindi ko alam na may boyfriend kang foreigner, Leigh. Ikaw, ha? Masekreto ka,"
nakabungisngis na sabi naman ni Karla, ang isa sa mga GRO. Kapitbahay namin siya.

"Tange! Hindi ko boyfriend iyan. Isa siya sa mga foreign engineers ng company
namin. Kaya ko lang siya sinusundo dahil inihabilin siya sa akin ng Boss namin. May
trabaho na kasi iyan bukas," paliwanag ko.

"Ay, mga girls, he's free as a bird!" sigaw agad ni Karla. Napuno ng hiyawan ang
KTV ni Mang Damian. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit nagsabi ako ng totoo.
Pinagkaguluhan tuloy ng mga bading at mga GRO si Nikolai. Hinihingi ang number
niya. Tatawa-tawa lang siya habang nagkukukot ang kalooban ko sa isang tabi. No'n
na nakialam si Mang Damian. Itinaboy niya ang mga bakla pati mga GROs niya.

"Nakakita lang kayo ng guwapo, nagwala na kayo. Magsitigil nga kayo diyan. Huwag
nang mangarap!" bulyaw niya sa mga alaga, kunwari'y galit.

"Salamat, Mang Damian," nakangiti kong sabi at humawak na ako sa braso ni Nikolai
at lumabas na kami ng KTV.

Nang malayu-layo na kami nang kaunti sa nasabing lugar, pinaliwanag ko sa kanya


kung bakit hindi

siya puwedeng pumunta doong mag-isa.

"But they're kind," pangangatwiran niya sa akin.

"Yeah, because they're still sober. But who knows what will happen when they become
drunk," sagot ko naman at kinuwentuhan na siya ng isang pangyayari doon noon kung
saan nasaksak at napatay ang isang umiinom at dahil lang iyon nagkainitan ng ulo sa
kinakanta ng lalaki.

"Really?" Akala niya niloloko ko lang siya, pero nang makita niyang hindi ako
nagbibiro parang napaisip din. Hindi agad nakasagot.

No'n naman may sumulpot na taksi.

"Ser, sakay na!" sabi ng isang pamilyar na mama. Nangunot ang noo ko, lalo na nang
inakay ako agad ni Nikolai papasok sa backseat.
Nang mamukhaan ko ang driver, sinita ko ito.

"Hindi ba ikaw kanina ang taksi na sinakyan nitong kasama ko?"

Napalingon sa akin ang mama at napangisi.

"Opo, Ma'am. Ang ganda n'yo pala talaga," sagot nito na ikinainit ng ulo ko.
Bobolahin pa ako ng loko-lokong ito! Pinagalitan ko na.

Hinawakan ako sa braso ni Nikolai at inawat. Nahagip ng mga mata ko ang tinginan
nila ng mamang driver. Nang magtama ang paningin namin ng mama, napakamot-kamot
lang ito sa ulo. Lalong nangunot ang noo ko. Binalingan ko si Nikolai. May kutob na
ako kung ano'ng nangyari, pero gusto ko munang masiguro.

"Did he really trick you?" tanong ko sa kanya. Naniningkit na ang mga mata. Nakita
kong mamumutawi sana ang ngiti sa maamo niyang mukha, pero pinigilan niya. Humawak
siya sa bibig at tumingin sa labas ng bintana. Hindi ako sinagot. Nainis ako.
Pinahinto ko ang taksi. Napatingin sa akin ang mama mula sa salamin sa harapan.
Parang

nalilito dahil minanduan naman siya ni Nikolai na steady lang sa pag-drive.

"Don't be mad," alo sa akin ng damuho. "I just want to have dinner with you tonight
that's why I did it. I'm sorry. Please don't get angry at me." Nagsusumamo ang asul
niyang mga mata. He looked so worried now. May kung ano namang humaplos sa puso ko.
Dahan-dahang natunaw ang galit ko, pero ayaw kong gawing madali sa kanya ang lahat.
Nagkunwari pa rin akong galit. Pati ang driver ay sinabon ko.

"Sinunod ko lang po si Pogi, Ma'am, pasensya na. Binayaran naman kasi niya ang
paghihintay ko sa inyo, e. Kailangan ko lang talagang kumita dahil mayroon akong
anak na pinapaaral sa kolehiyo," paliwanag naman ng mama. Hindi matapos-tapos sa
paghingi ng 'sorry.'

"It's my fault," agaw ni Nikolai sa sasabihin pa ng mama. "Don't worry."

Tinapunan ko siya nang masamang tingin.

"I really am sorry. It was so immature of me," paghingi niya uli ng paumanhin sa
akin. "But please, please don't be mad," at pinagtapat niya ang dalawang palad na
animo'y nananalangin habang nagsusumamo sa akin. Gusto ko pa sana siyang pahirapan,
pero hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. Nakita ko siyang
napabuntong-hininga at tumawa na nang mahina. Napahinga rin nang malalim ang taxi
driver. Hindi na nga ako nakatanggi nang dinala niya ako sa isang kainan sa Makati.

Dahil medyo dim ang paligid, hindi ko agad napansin si Architect Ramirez. Nandoon
din pala siya at may ka-dinner date. Hindi pamilyar ang mukha ng lalaki kaya alam
kong hindi siya taga-upisina. Tumaas agad ang kilay niya nang makita kong sino ang
kasama

ko sa mesa. Lumapit pa sa amin ni Nikolai.

"Hi, there," nakangiti niyang bati sa kasama ko. "It seemed like you have already
adjusted to Philippine life," sabi pa niya at tiningnan niya ako nang makahulugan.

Tumayo naman si Nikolai at bumati rin kay Evil Twin. Eksaheradang tumawa ang
demonyita. Parang nagpapa-cute. Ang sarap mantsahan ng red wine ang puti niyang
flare dress. Bumalik lang siya sa table nila nang puntahan ng ka-date at sabihang
dumating na raw ang order nilang main course. Kay Nikolai niya lang pinakilala ang
kasama at tumalikod na.
"Sorry for the interruption," nakangiting paghingi ng dispensa ni Nikolai. Tumango-
tango lang ako. "Where were we ---?"

Malay ko. Tanungin mo iyong malanding Evil Twin.

"Ah, yeah. As I was saying, my parents actually didn't want me to come here because
I'm their only child and they were kinda scared that I might be smitten with a
Philippine girl and never go back to Norway," at tumawa ito nang mahina. Mas
kinilig ako sa tawa niya kaysa sa kanyang sinabi. Kahit ano ang gawin ng lalaking
ito napaka-seksi. Nakakainis! Hindi ko tuloy magawang magalit nang tuluyan.

"But I promised them that I will go home. They should not worry about me. And if
ever that time comes, when I fall in love with a local girl here, I'll convince her
to live with me in Norway," dugtong pa niya sa mahinang tinig. Hinuli niya ang mga
mata ko at nakipagtitigan siya sa akin ng mga five seconds, bago umiwas ng tingin.
Ay, ako pala ang unang bumaba ng tingin. Nag-init kasi ang mukha ko.

Naasiwa ako sa takbo ng usapan namin kung kaya nagtanong

ako tungkol sa bansa nila ayon sa nalalaman ko. Maiba lang ang topic.

"Yeah. During summer the sun is up till the wee hours, so you can see a lot of
people outside their houses having barbeque party till dawn."

Wow! Ganda siguro no'n. Ang haba ng umaga.

"Do you have a boyfriend?" tanong niya sa akin. Nang parang nagulat ako sa tanong
niya, napakamot-kamot siya ng ulo. Parang nahiya bigla. "Oh yeah. You already told
me when you came to pick me up. You had no boyfriend," at napangiti-ngiti siya.

Naalala ko tuloy si Miguel at ang mga text messages nito kanina sa akin. Nainis
ako. A few months ago kung tinext niya ako ng mga gano'n grabe siguro ang saya ko.
Matagal ko na siyang pinagpantasyahan tapos nito lang gumawa ng paraan na
magparamdam sa akin kung kailan may iba nang nagpapakilig sa puso ko. Nakakainis!
Sayang kasi. Kung may nobyo sana ako ngayon, baka hindi ako kinikilig-kilig nang
ganito sa lalaking ito na hindi ko naman sigurado kung hanggang saan ang pagkagusto
sa akin.

"Yeah, but there's this guy ---," natigilan ako. Okay lang kaya ikuwento sa kanya?
Baka kasi iniisip niya na masyado akong atat sa kanya kung kaya sinabi ko agad na
wala akong boyfriend. At baka isipin din niya na walang nagkakagusto sa akin dito
sa Pilipinas.

"Yeah?" Nakita ko ang interes sa kanyang mga mata. Hindi ko na painakinggan ang mga
devil's advocate sa isipan ko. Nagkuwento na ako tungkol kay Miguel. Nakita ko
siyang nanlumo.

"I'm not sure yet, though. I liked him for a long time that it feels kind of
surreal to find out that he was actually in love with me, too, during those months
when I was ---."

"Yeah, I got it," putol niya sa akin at tumungga ng wine. Bumilis na ang pagsubo
niya ng karne at panay na rin ang inom ng vino. Tumawag pa sa waiter at nagpa-
refill ng wine glass.

Halos hindi na kami masyadong nag-usap pagkatapos no'n. Nang makita niyang naubos
ko na ang kinain, nagyaya na siyang umuwi. Sumakay din siya sa taksi na siyang
maghahatid sa akin sa bahay kahit na ilang beses kong sinabihan na kaya ko na ang
sarili.

"No. I want to make sure that you arrive home safely," nakangiti niyang sabi, pero
hindi na iyon umabot sa mga mata. Wala na rin ang mga pilyo niyang sulyap. Biglang
nag-iba ang mood niya. Mabait pa rin naman, pero parang naging aloof na.

=================

CHAPTER FOUR

Nakakapanibago. Hindi na ako nakatanggap ng morning greetings mula kay Nikolai


simula noong dinner date namin. Nagsisi tuloy ako kung bakit nabanggit-banggit ko
pa si Miguel na kung tutuusin wala naman kaming koneksiyon ng taong iyon. Crush ko
siya, oo. Pero dati iyon. Nabura lahat ni Nikolai ang mga pantasya ko sa kanya.
Mukhang magkatotoo ang mga sinasabi ng mga kapitbahay namin, a.

"You're two minutes late!" Dumadagundong ang boses ni Evil Twin. Sinisita niya si
Ysay. Nangunot agad ang noo ko. Tumingin ako sa relos. Tamang-tama lang naman ang
dating ng kaibigan ko, a. Ano'ng problema nito?

Pagkakita niya sa akin, tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at umirap sabay
talikod. Eksaheradang kinembot-kembot niya ang balakang hanggang sa makarating ng
upisina. Napailing-iling na lang ako.

"Hoy! Ngayon ka lang ba?" salubong ko naman kay Ysay na namumula pa sa


pagkakapahiya.

"Actually, kani-kanina pa. Mga five minutes earlier nga sa official working time
natin ang nakarehistro do'n sa biometrics record ko. Ang kaso nakasalubong ko
kanina si Engineer Perez nang paakyat na ako rito. May inutos siya sa akin kung
kaya dumaan muna ako ng HR bago pumanhik dito."

"Sana sinabi mo do'n sa demonyang iyon."

"I did. Hindi siya naniwala."

"Sus! Napaka-mapangduda. Baka gawain niyang magsinungaling kaya akala sa lahat ng


tao ay katulad niya. Ang sarap sabunutan at ingudngud ang pagmumukha sa inidoro."

Napangisi si Ysay at dumeretso na sa sariling mesa.

"Siyanga pala. Pinapatawag ka ni Boss."

"Ako? Bakit daw?"

"Hindi sinabi. Basta pagdating

na pagdating mo raw ay puntahan mo siya sa upisina niya."

Nagsuklay lang ng buhok si Ysay tapos dali-dali nang nagtungo sa silid ng pinaka-
bosing namin. Inayos-ayos ko naman ang mga dokumento sa mesa ko. Mauupo na sana ako
nang maramdamang may nakamasid sa akin. Nang tumingala ako nagtama ang paningin
namin ng isang pares ng kulay asul na mga mata. Kaagad na napasikdo ang puso ko.
Ngumiti siya sa akin nang bahagya at naglakad na patungo sa upisina ni Engineer
Perez.
Dahil alam kong nasa building siya, hindi na ako mapakali. Ilang beses ko nang
nabura ang nasimulang email para sa isa naming supplier. Hindi ko matapos-tapos
iyon dahil kung anu-ano ang naisip ko. Nanginig pa ang kamay ko kaya bumulwak ang
kape sa hawak kong mug. Natapon iyon sa memo na pinapa-photocopy sa akin ni Evil
Twin. Dali-dali ko iyong pinunasan at tinapat sa electric fan. Shit! Buti na lang
hindi nag-smear ang ink!

Abala ako sa pagpapatuyo ng memo kaya hindi ko namalayan na may lumapit na pala sa
akin.

"Talking to yourself?" may himig pagbibirong tanong ng isang pamilyar na boses.

"Ay, kabayong buntis!" naibulalas ko sa kabiglaanan. Napahawak pa ako sa dibdib sa


pagkagulat. Nakita ko siyang saglit na nag-alala. Hindi siya magkandatuto sa
paghingi ng paumanhin, pero nang makabawi na kami pareho napangisi siya. Ang
ngising iyon ay naging bahagyang tawa. Napangiti na rin ako.

"What does it mean?" tanong pa niya sa akin.

"It doesn't mean anything," sagot ko namang parang nahihiya.

"By the way, Engineer Perez gave me this sandwich. I don't eat tuna so if you want
you can have

this," sabi niya uli sabay abot ng nakabalot na tuna sandwich. Atubili akong
tinaggap ang bigay niya. Ganoon kami naabutan ni Architect Ramirez.

"Leigh! Ang pinapa-photocopy ko sa iyo?" tanong niya agad sa akin sa mabagsik na


boses. Nang humarap sa kanya si Nikolai, umiba ang ekspresyon sa mukha niya.

"Engineer Bjornsen! I didn't know you're here." May extra landi pa ang tinig.
Napakagat-labi ako sa pagpipigil ng inis. Kaagad kong tinago sa likuran ang mamasa-
masa pang memo na hinahanap niya. Mahirap na. Baka masabon ako sa harap ni Nikolai.

"Hi, Architect Ramirez. Good to see you."

"Just call me, Rona. Architect Ramirez is too formal. I can call you Nikolai,
right?"

Ang landi! Kung sa bagay, ano pa ba ang mae-expect ko sa isang tulad niya? Kaya nga
pinag-iinitan kaming tatlo dahil nasasapawan namin siya sa atensiyon mula sa mga
engineers ng kompanya.

"Ano'ng binubulung-bulong mo diyan, bruha ka?" anas ni Evil Twin sa akin.


Tinalikuran lang saglit si Nikolai para makapandilat siya sa akin.

"W-Wala po, Architect Ramirez. Sige po, ipapa-photocopy ko muna ang memo n'yo."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tumakbo agad ako sa copy room. Muntik na
kaming magkabanggaan ni Zyra na parang kiti-kiti rin na hindi maintindihan.

"Leigh! Nasa building si Lukas!" at umarte-arte itong hinihimatay.

"Lokaret! Tumayo ka diyan. Nasa malapit lang si Evil Twin. Kausap ang isa sa mga
Norwegian engineers. Baka makita kang nag-iinarte diyan." Hindi ko na sinabi sa
kanya na iyon naman ang crush ko.

Pagkarinig sa sinabi ko biglang tumayo si Zyra at maayos na nagpaalam


sa akin. Paglingon ko nakita ko si Meg. May dala-dala itong folders. Tila sa copy
room din ang punta.

"Hi Zyra. Mukhang ang saya natin, a."

"Hi Ate Meg!" magiliw namang sagot ni Zyra. Hindi naman siya dating ganoon kay Meg.
Ang lakas lang siguro ng tama do'n sa Lukas na iyon.

"Ano'ng nangyari do'n?" tanong naman ni Meg sa akin.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Puwedeng patulong dito sa pagpo-photocopy nitong mga papeles na ito? Kailangan daw
mamaya iyan sa meeting ng mga engineers at architects ng Hotel project."

"Okay. Pakilapag lang diyan sa table."

Dahil tinulungan ko muna si Meg, after half an hour pa ako pumunta sa upisina ni
Evil Twin para ibigay ang hinihiningi niyang memo. Nakabusangot agad ang mukha niya
nang makita ako.

"Pasensya na po, Architect Ramirez. Tinulungan ko pa kasi si ---."

"Wala akong pakialam kung sino ang tinulungan mo! Kanina ko pa ito iniuutos sa iyo,
a!"

Halos hinablot na niya sa akin ang mga papel. Kinabahan ako nang nangunot ang noo
niya pagkahawak sa original memo. Shit! Napansin niya agad ang tinapunan ng kape! I
knew that anybody who had a good pair of eyes would notice the coffee smear, pero
inisip ko na dahil pinatong ko ang mga photocopies do'n ay hindi niya agad iyon
makikita.

Hinintay kong magwala siya. Alam ko kasing maliit o malaking bagay, basta kaming
tatlo ang nakagawa pare-pareho ang reaksiyon niya. Nanggagalaiti siya sa galit.

Nang nilapitan niya ako, inasahan ko na ang masasakit niyang salita. Nandilat na
kasi siya sa akin at naramdaman ko na ang apoy mula sa kanyang mga mata. Pero may
kumatok sa pintuan

at may biglang sumilip sa amin.

"Engineer Perez asked me to drop by your office to tell you that we're about to
start the meeting." Si Nikolai na naman pala.

Gaya ng inaasahan, nawala ang galit sa mukha niya at magiliw niyang hinarap ang
lalaki. Basta na lang niyang initsa sa mesa ang mga memos at sumama na nga sa huli.
Nang mapasulyap ako kay Nikolai, nakita ko ang nagtatanong niyang mga mata. Siguro
hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang tensyon sa pagitan namin ni Evil Twin.
Imbes na sagutin siya umiwas na lang ako ng tingin.

Hihintayin ko pa sanang makalayo sila bago lumabas na rin ng upisina, pero nakita
kong nakahawak pa rin sa door knob si Nikolai. Mukhang hinihintay pa niyang lumabas
din ako. Nagtama uli ang paningin namin ni Evil Twin at umaapoy na naman ang mga
mata ng bruha kung kaya dali-dali na akong lumabas. Saka lang isinara ni Nikolai
ang pintuan.

"Do you have any problems with her?" pabulong niyang tanong sa akin nang mapadaan
ako sa harapan niya. Mabilis akong umiling at tumingin pa sa direksiyon ng boss ko
na noo'y nakailang hakbang na ang layo sa amin.
"I can talk to her if you want," sabi pa uli ni Nikolai. Mabilis na naman akong
umiling.

"Please don't. Okay, see you." At dali-dali na akong bumalik sa mesa ko.

Nakita kong pinapasok muna ni Nikolai si Evil Twin sa conference room bago lumingon
sa akin at kumindat. Pinamulahan ako. Nang wala na siya, halos magtititili si Zyra.
Nakita pala niya ang ginawa ng lokong Nikolai. Kinulit na ako nang kinulit hanggang
sa magkuwento na lang ako kung sino ang lalaking iyon.

"Ayyeee, Leigh!" kilig

na kilig na tili nito. Hinampas ko na siya, lalung-lalo na nang may mapatingin sa


aming kasamahan.

Pormal na kaming dalawa nang dumating si Ysay. Mukha itong hindi mapakali.
Napatingin tuloy kami ni Zyra sa kanya. Mayamaya pa, nakita namin ang isang
matangkad na guwapong blonde guy na kasama ni Boss na pumasok sa conference room.
Bago nito isara ang pinto, nakita kong napasulyap din siya nang makadali kay Ysay.
May kakaiba sa paraan ng pagtitig niya sa kaibigan namin. At ang Ysay naman ay
parang high school girl na kaagad na nag-blush. Sino naman kaya iyon?
Nakakaintriga.

Lumipas ang mga oras. Bago namin namalayan, alas dose na pala ng tanghali. Na-
realize na lang namin iyon nang nagsidatingan na ang mga pagkain na ihahain daw sa
mga bisitang nasa conference room. Bigla kaming nagutom na tatlo.

"Tara na sa staff lounge. Kumain na tayo," yaya sa amin ni Zyra. Nakahawak na nga
ito sa dala-dala niyang baon.

"Mauna na kayo. May tinatapos pa ako," sagot naman ni Ysay habang nagkukumahog sa
pagsasalansan ng mga dokumento sa harapan. Mayroon pa siyang tina-type na memo sa
computer niya.

"Pwede bang mamaya na lang iyan?" sabi ko naman sa kanya. "That can wait.
Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom. 'Lika na," at hinila ko pa siya sa braso.

"Kailangan daw ito ni Evil Twin mamaya. May hinahanda na naman daw siyang dokumento
para sa bidding ng isang building sa Makati. Sa makalawa na raw ang deadline ng
submission ng bid application kaya kailangan ko itong matapos," paliwanag naman ni
Ysay.

"Hay naku! Ang gawain walang katapusan iyan. Hindi ba't sabi ni Boss bawal

mag-skip ng meals dahil lang sa trabaho? Mahirap na. Magka-ulcer ka pa niyan, e,"
sabi ko uli sa kanya sabay kaladlakd na. Natawa siya sa akin, pero hindi naman
nagprotesta.

Pagdating sa staff lounge, marami-rami na ang kumakain doon. Parang kami na lang
pala ang nahuli. Naupo na kami sa paborito naming spot sa tabi ng bintana.
Nagbubukas na kami ng mga baon namin nang may dumating na waiter. May dala-dala
itong pagkain. Nang dumating siya sa harapan namin, nakangiti niyang binaba ang
isang palanggana ng baked lobsters, inihaw na bangus at isang malaking mangkok ng
nilagang baka.

"Teka. Wala naman kaming inorder sa itaas, a," halos sabay na sabi naming tatlo.
Ang 'itaas' na sinabi ko ay ang canteen sa tenth floor ng building.
"May nagpapabigay po talaga niyan sa inyo, ma'am. Ang inihaw na bangus ay galing
kay Engineer Lukas Borseth. Para raw po iyan kay Ma'am Zyra. Ang baked lobster
naman ay para kay Ma'am Ysabela. Galing po iyan kay Engineer Knudsen. At iyang
nilagang baka ay padala naman ni Engineer Nikolai Bjornsen para kay Ma'am Leigh.
Tsaka ang cheese cake po ay padala naman ni Engineer Sandoval para sa inyong tatlo.
Tama po ba? Kayo po ba iyon?"

Nagtititili na agad si Zyra. Kinurot ko siya sa tagiliran. Nakita ko namang


pinamulahan si Ysay. Ako man ay nakaramdam ng ibayong kilig. Napangiti ako nang
malawak sabay tango sa waiter. Binigyan naman niya kami nang nanunudyong ngiti.

"Wow! Ang daming pagkain, a!" komento agad ng mga kasamahan namin sa ibang mesa.
"Iba na'ng magaganda," panunudyo pa nila.

Para hindi naman sumama ang loob nila, we shared the food with them. No'n dumating

si Meg at nagtaka agad kung ano ang okasyon.

"May engaged na sa atin!" biro sa kanya ng isa naming kasama. Sekretarya siya ni
Boss. Ang nanay-nanayan namin sa upisina.

Napatingin kaagad si Meg sa aming tatlo. Tawanan naman ang lahat ng naroroon.
Lumapit siya sa amin at may binigay na munting papel sa akin. Pagkaabot no'n,
umalis na rin siya agad.

"Tita Jessa naman," sabi ko agad sa sekretarya ni Boss. "Iisipin no'n totoo ang
sinabi n'yo."

"Pag nagkataon alam na natin kung sino ang nagkakalat ng tsismis sa upisinang ito.
Lahat naman ng nandito ay alam kung ano ang totoo kaya wala kayong dapat ipangamba
sa amin."

Dali-dali ko nang kinain ang cheese cake pagkabasa ko ng note niya at nagpaalam na
sa dalawa kong kaibigan. Dumaan lang ako sa ladies' room at madaliang nagsepilyo at
nagpulbo bago ko tinungo ang conference room.

"Leigh," tawag agad ni Boss pagdating ko. Sinenyasan niya akong lumapit. Nakita
kong kahuntahan niya ang mga Norwegian engineers. Na-conscious ako agad nang
masulyapan si Nikolai na nakatitig na sa akin. "Natawagan mo na ba ang plumber na
mag-aayos ng problema sa condo ni Engineer Bjornsen?"

Shit! Nakalimutan ko! I should have done it yesterday.

"Ay, h-hindi pa p-po, Boss. Ngayon din ay tatawagan ko," nahihiya kong sagot.

"And one more thing. Kung pwede ay tawagan mo na rin agad ang management ng condo
para ayusin nila ang light fixture doon at hindi raw umaandar ang ibang flourescent
lamps. Akala ko na-check n'yo na iyon ni Ysabela last week."

"Yes, Boss. Pero no'ng pumunta po kami do'n, wala naman pong problema sa ilaw.

Natsek po namin lahat pati iyong plumbing. Mukhang gumagana naman noong time na
iyon."

"Well, Nikolai found out, defective sila. Kaya kung pwede ipaayos n'yo na agad.
Nakakahiya sa kanila. Hindi na dapat nila pinoproblema ang mga bagay na ito,"
malumanay namang sagot ni Boss. May inabot pa siyang key card sa akin. Saglit akong
nalito.
"Puntahan mo na lang iyon ngayon at madaliin mo ang plumber tsaka ang pagpapaayos
sa light fixtures. You don't need to come back for your afternoon work. Iyan lang
ang asikasuhin mo today," paliwanag niya sa akin.

"Yes, Boss," sagot ko sa mahinang tinig. Hindi na ako tumingin pa kay Nikolai.
Kahit na kinausap ako ni Boss mostly in Tagalog, medyo nakaramdam pa rin ako ng
hiya na pumalpak ako sa trabaho at sinabi pa iyon sa akin sa harap niya mismo. Pero
naisip ko rin, engineer naman siya hindi ba niya kayang kumpunihin ang depektibong
plumbing? Ang Kuya Arman ko nga, eletrician lang ng Meralco, pero marunong no'n.
Siya nga lang ang nag-aayos ng mga ganoong klaseng problema sa bahay namin.

"O, ano raw ang problema?" salubong kaagad sa akin ng dalawa nang bumalik ako sa
work station namin.

"May problema sa condo ni Niko - Engineer Bjornsen. Pinapaasikaso ni Boss sa akin


ngayon din," mabilisan kong paliwanag sa kanila habang inaayos na ang mga gamit sa
bag. "I have to go ahead, girls."

Pero bago ako makalayo, inutusan pa ako ni Evil Twin na dumaan ng HR at kunin ang
payslip niya. Pinaliwanag ko sana sa kanya na nagmamadali ako dahil may inutos sa
akin si Boss, pero natakot na ako nang lumaki na naman ang kanyang mga mata. Kaya
ang

ending, after thirty minutes pa ako nakaalis. Dahil hindi agad ako nakakuha ng
taksi, mga after an hour and a half pa ako dumating sa nasabing condo. Pagdating ko
do'n umakyat agad ako sa management office sa second floor at pinaliwanag ang
problema.

"Ma'am wala namang problema do'n sa unit na sinasabi n'yo, e. Ayon sa record namin,
naayos lahat iyon pati na ang plumbing bago na-turn over sa inyo."

"Hindi ba't sinabi ko sa phone kanina na nagreklamo nga ang gumagamit no'n ngayon?
Ba't hindi n'yo patingnan?" giit ko sa kanya. Medyo nairita na rin ako dahil
nangangatwiran pa. Napahiya na nga ako no'n sa Boss ko.

"Sige po. May inaayos lang sa basement ang electrician namin. In half an hour
papanhikin ko na siya sa unit n'yo."

Nagtaas agad ang kilay ko nang sinabing maghihintay pa ako samantalang kanina nang
kausap ko sa telepono ang sabi'y pupuntahan agad ng electrician. Nang ipinamukha ko
ito sa kanya, humingi lang siya ng dispensa. Emergency lang daw talaga dahil may
pumutok na fuse sa basement kung saan nagpa-park ang mga tenants. Wala akong nagawa
kundi pumanhik na sa unit. Ginamit ko ang susing bigay ni Boss at dumeretso na ako
sa loob. Isa-isa kong tinesting ang switch ng ilaw sa kada sulok ng unit. Gumana
naman lahat. Nangunot na ang noo ko. Mukhang tama si Gale, a. Pero bigla kong
naisip ang kuwarto. Marahil doon ang problema. Una kong tsinek ang guest room. Wala
ring deperensya. Nagsalubong na ang mga kilay ko. Nang tsekin ko rin ang ilaw sa
master's bedroom, gano'n din. Kinutuban na ako. Lalabas na sana ako ng kuwarto nang
marinig ko ang pagklik ng pintuan. Napalingon ako at

tumambad sa aking paningin ang nakahubad na Nikolai na kumukusut-kusot ng basang


buhok. Mukhang kaliligo lang. Tanging maikling puting tuwalya lang ang nakabalot sa
ibabang bahagi ng kanyang katawan. Agad na nag-init ang aking mukha nang makita ang
pamumukol ng kanyang harapan. Napamura ako.

"Hey," nakangiti niyang bati sa akin. May pilyong ngiti sa kanyang mga mata.

Tinatagan ko ang loob. Sinikap kong huwag nang mapasulyap muli sa matipuno niyang
dibdib at sa nakaukit na abs. Nagpokus ako sa sanhi ng pagpunta ko doon sa unit
niya.

"All the lights were okay," seryoso kong sabi. "I think, there's no problem with
the plumbing as well," sabi ko na rin.

Tumawa siya nang bahagya. Nangislap pa sa kapilyuhan ang kanyang mga mata.

"Why did you tell Boss Dave that you have those problems here?"

Napakamot-kamot na siya ng ulo. Parang bata na nahuli sa akto ng pagsisinungaling.

"I'm sorry. I just wanted you to come here."

No'n na ako nainis. Naisip kong may binabalak siya sa akin. Tinapunan ko siya nang
masamang tingin bago sinabing, "I'm not that kind of girl." Pagkasabi no'n, dali-
dali akong lumabas. Hinabol niya ako, pero hindi ako nagpapigil. Humarang na siya
sa front door.

"Leigh, I said I'm sorry. I know that you're not that kind of girl. I don't have
that intention, either. I just want to be with you, that's all."

"In the privacy of your condo?" sarkastiko kong sagot. Bobolahin pa ako nito.

"Okay, my bad. I was just ---," kumumpas-kumpas siya. Parang hindi na alam kung
paano magpapaliwanag. Namula na rin ang pisngi niya. Siguro na-realize na kung ano
ang ginawa. Napahalukipkip ako habang hinihintay siyang mag-explain. Wala nang
lumabas sa kanyang bibig kundi buntong-hininga.

"Let me pass," mando ko sa kanya. Pinatigas ko pa ang boses kahit na nanlalambot na


ang mga tuhod ko. Naisip kong kung gagawan niya ako nang masama hindi siya
mahihirapan sa akin dahil tuliro na rin ang utak ko nang mga sandaling iyon.
Nagpapakatatag lang ako kunwari.

Nakahinga ako nang maluwag nang dahan-dahan siyang tumabi at pinadaan ako. Nakita
ko pang parang na-embarassed siya sa ginawa. Buti naman. Bago pa ako bumigay, dali-
dali na akong lumabas sa unit niya.

=================

CHAPTER FIVE

Parang nahiya sa akin si Nikolai no'ng magkita kami sa upisina nang sumunod na
linggo. Ngumiti-ngiti lang siya sa akin, pero hindi na ako kinausap. Nagkaroon
tuloy ng chance na makipaglandian sa kanya si Mina, isa ring sekretarya ng
kompanya. Kabilang naman siya sa grupo ni Engineer Lacson, isa sa beteranong
inhinyero namin. Ganunpaman, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Ano siya?
Maswerte? Baka kung may nangyari sa amin no'n ay pinagtatawanan na niya ako ngayon.
Pero bakit ganito? Nabubuwisit pa rin ako. Gusto kong sabunutan si Mina.
"Ano'ng nangyayari sa iyo, girl?" nakangising tanong ni Zyra. Pahigop-higop ito ng
kape habang ang isang kamay ay nakahawak sa bewang.

"Wala," sagot ko sa mahinang tinig.

"Wala? Kung makapagreklamo lang iyang paper weight na iyan, kanina ka pa minura.
Aba'y kanina mo pa pinanggigilan iyan, a."

Hindi na ako sumagot. Sa halip ay tinalikuran ko siya. No'n naman dumating si Ate
Jessa at nagtanong sa akin.

"Naayos na raw ba ang problema sa condo ni Engineer Bjornsen? Pinapatanong ni


Boss."

"Opo, Ate Jessa. No'ng last week pa po."

"Zyra, pakisuyo nga - I need four copies," at inabot nito kay Zyra ang isang papel.
Nang wala na ang kaibigan ko, ngumiti siya sa akin nang ubod-tamis at kinurot pa
ako sa tagiliran. May inabot siyang maliit na sobreng kulay pink. Nangunot agad ang
noo ko.

"Ano po iyan?"

"E di buksan mo," nakangising sagot ni Ate Jessa at kumaway na siya para bumalik sa
upisina.

Nag-init ang mukha ko nang mabasa ang maliit na note sa loob ng sobre.

Pormal na humihingi ng paumanhin si Nikolai!

"Oy, ano iyan?" naiintrigang tanong ni Ysay nang dumating siya. Kaagad kong pinasok
iyon sa drawer ng desk ko.

"Wala," nakangiti kong sagot.

"Oy! May sekreto!" panunudyo niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang paglawak ng ngiti. Nakangisi pa rin akong parang timang nang
dumaan si Mina sa harapan namin. Nakita kong nagtaas ang kilay nito pagkakita sa
aking masaya, pero hindi naman nagkomento. Dumeretso lang ito sa work station niya.

"Ba't gano'n iyon?" tanong ni Ysay. "Magkagalit ba kayo no'n?"

"Hindi. Ewan ko sa kanya," sabi ko naman sabay kibit-balikat.

Maghuhuntahan pa sana kami nang marinig namin ang pamilyar na tunog ng sapatos.
Dali-daling bumalik sa desk niya si Ysay at pinagpatuloy ang pagta-type ng memo.
Ako nama'y nagpatuloy sa pagko-collate ng mga monthly reports ng mga engineers sa
team namin.

"Ang pinapagawa kong correspondence?" tanong kaagad ni Evil Twin nang dumaan siya
sa mesa ni Ysay. Medyo naniningkit ang mga mata nito. Parang bad mood na naman.
Buti na lang nagpi-print na noon ang kaibigan ko. After five seconds ay inabot na
nito ang papel kay Architect Ramirez. Mabilis nitong pinasadahan ang papel at
pinirmahan doon mismo ang letter. Pagkapirma, binalik nito kay Ysay ang papel.

"I want it delivered today."


"Ma'am - ay Architect Ramirez, nakaalis na po ang messenger natin. I'll have it
delivered first thing in the morning na lang," sagot ni Ysay.

Tinaasan siya ng kilay ni Evil Twin sabay sabi ng, "Problema ko ba iyan?"

"O-Okay po."

Nang makaalis na siya, binelatan namin siya

pareho at naghagikhikan.

"Paano ito?" namomroblemang tanong ni Ysay sa akin.

Bago ako makasagot, nakita ko si Mang Roman. May dala-dala itong malaking kahon.
Bumati siya sa akin at dumeretso na kay Boss. Nakaisip ako ng solusyon.

"Don't worry," sabi ko. "I-prepare mo na lang iyan at may padadalhan na ako niyan."

"Sure ka?" dudang tanong ni Ysay.

"Sure na sure."

**********

Para akong timang na panay ang sulyap sa kulay rosas na sobre sa bulsa ng blazer
ko. Kahit ako lang mag-isa sa copy room at kahit gabundok ang pino-photocopy kong
papeles, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Panay nga ang ngiti ko.

"Hey. I was looking for you," sabi ng isang pamilyar na tinig.

Napaigtad ako sa gulat. Nahulog tulog ang kulay rosas na note. Dahil hindi ko na
mapupulot nang hindi niya mahahalata, tinapakan ko na lang iyon.

"Sorry for startling you," at tumawa siya nang bahagya. Napakamot ito sa ulo na
parang may sasabihin, pero nahihiya lang.

"Yes?" tanong ko sa kunwari'y kalmado at kaswal na boses.

"I was thinking - I don't know what time you get off work - I was planning to," at
kumumpas-kumpas siya. May kutob na ako kung ano ang gusto niyang sabihin, pero
nagkunwa-kunwarian pa rin akong walang ideya. I like to see him get nervous like
that. Para akong kinikiliti.

"Are you free tonight? W-would you like to have dinner with me?"

Ayun! Lumabas din! Gusto kong magbunyi. Kahit na sobra na akong kinikilig no'n,
sinikap ko pa ring maging cool lang. Nag-isip ako kunwari.

Pinaglapat niya ang dalawang palad at pabirong nagsumamo sa akin na pumayag na raw

ako. Lalo akong kinilig. Naisip kong kahit ano'ng gawing kakengkoyan ng lalaking
ito ay guwapo pa ring tingnan.

"Sige na nga," sabi ko. Nang makita siyang naguluhan, I smiled and said, "Okay."

Eksaherado siyang napahinga nang malalim sabay sabi ng, "Thank God! You won't
regret it." Ang lawak na ng ngiti niya. Nakakatuwa siya. Feeling ko tuloy ang haba
ng hair ko.
"Engineer Bjornsen," narinig naming tawag sa kanya. Ako ang unang napatingin sa
direksiyon ng pintuan. Nakasilip sa amin si Mina. Seryoso ang mukha at may kaunting
iritasyon pa ang mga mata nang magtama ang paningin namin. Naging malambot at sweet
na lang ang ekspresyon sa mukha nito nang si Nikolai na ang lumingon. "Boss Dave
wants to talk to you."

"Okay. I'll be right there," nakangiting pakli ni Nikolai, pero hindi pa rin siya
umaalis sa harapan ko. "What time will you be done here?" tanong niya sa akin sa
mahinang tinig.

"Five o'clock," tipid kong sagot.

"Perfect," sagot niya. "I'll be at the parking lot at that time. Give me a call
when you're done, okay?" at naglakad na siya papunta sa pintuan. Bago siya tuluyang
lumabas, lumingon siya sa akin at nagsabi ng, "Don't forget to pick up the pink
note I sent you. I hope no one finds it stuck on the floor," at kumindat pa siya sa
akin.

Kaagad na nag-init ang mukha ko. Shit! Nakita pala niya iyon.

**********

Takang-taka sina Ysay at Zyra nang makita akong panay ang tingin sa orasan. Ba't
ang tagal ng oras? Kanina pa nag-bell ng four thirty a. Nakakainis!

Paghudyat ng alas kuwatro kuwarenta y singko, nagligpit na ako ng mga

gamit. Pero bago iyon, nagpaganda muna ako. Siniguro kong hindi kumikintab ang
mukha ko at naglagay pa ako ng fresh lipstick.

Napa-ehem sila pareho sa akin. Kunwari'y hindi ko sila pansin. Nagpatuloy lang ako
sa ginagawa. Hindi na nakatiis si Zyra. Umupo pa sa mesa ko at inalaska ako.

"May date kayo no'ng Nikolai, ano?"

"Ano ka ba?" singhal ko sa kanya. May dumaan kasing isang staff. Baka matsismis ako
sa upisina. "Tigilan mo nga ako diyan," sabi ko sabay balik ng pampaganda sa bag.
Tumayo na rin ako at inayos-ayos ang mesa just to kill time.

"Sino'ng Nikolai iyan?" nakangising tanong ni Ysay.

"Siya iyong bagong crush ni Leigh," bulong kunwari ni Zyra, pero nilakasan naman
ang boses. Napatingin tuloy ako sa paligid namin. Sana hindi nila narinig. Napaka-
tsismosa kasi ng mga tao sa kompanya namin. Kaya nakaka-praning minsan.

Nang makita kong alas singko singkwenta na, naglakad na ako patungo sa elevator.

"Hoy bruha! Wala pa kayang alas singko. Undertime ka niyan, ha!" biro sa akin ni
Zyra at nagtawanan sila ni Ysay. Binelatan ko lang sila pareho at lumayo na.

Marami-rami na ring mga empleyado ang nakaabang ng elevator pababa. Kita mo rin ang
mga ito. Ni wala pa ngang alas singko ay nag-uunahan na sa pag-uwi. Kung wala lang
akong lakad with Nikolai, hindi naman ako aalis nang ganito ka aga. Dahil ang dami
nang nandoon, I decided to take the stairs.

Medyo napagod ako dahil galing akong sixth floor, pero prenteng-prente lang ako
dahil naghihintay naman sa akin si Nikolai sa parking lot. Hindi na ako mapakali.
Pagdating ko sa biometric
station, marami nang nakapila. Napailing-iling ako. Ano'ng oras kaya sila umalis sa
mga work stations nila?

Paghudyat ng alas singko, parang market day na sa ground floor. Ang sisigla ng mga
empleyado dahil pauwi na. Ito ang iniiwasan naming tatlo palagi. Iyong mahabang
pila kada hapon. Hindi na nakonsensya ang karamihan. Siguro ang iba sa kanila ay
kanina pa nandoon at do'n na hinintay ang pagpatak ng alas singko. In my defense,
ngayon ko lang ito ginawa. Palagi naman akong late na kung mag-time out sa hapon.
Most of those extra time were not paid, so I'm excused today.

Nang malapit na ako sa parking lot, saka ko lang tinawagan si Nikolai. Excited na
akong marinig ang boses niya. Pero walang sumagot sa una kong tawag. Na-disappoint
ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hinahanap kung nasaan ang kotse niya. Minsan
ko na iyong nakita, pero dahil ang daming pulang kotse nahirapan akong tukuyin kung
alin do'n ang sasakyan niya. Maraming magkawangis na kotse, shit! Nagmumukha na
akong timang sa kaiikot sa parking lot.

"Hey, Leigh!" narinig kong tawag mula sa likuran. Pagpihit ko, nakita ko si
Engineer Sandoval. Kabababa lang sa kotse.

"Hi," at kumaway din ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at dali-dali nang pumasok
sa building.

Sinubukan ko uling tumawag kay Nikolai, pero hindi pa niya nasasagot ang tawag ko
binaba ko na ang phone. Nakita ko na kasi siya. No'n pa lang palabas ng building at
kausap pa si Mina. Kitang-kita ko ang maharot na paghampas-hampas sa kanya sa braso
ng bruha. Kahit hindi ko dinig ang pinag-uusapan nila, parang may ideya na ako kung

ano. Ilang beses ko kasing nakita ang malandi na pahaplos-haplos ng buhok. Ginagawa
ko rin iyon - kung kinikilig ako sa sinasabi ng crush kong guy.

I felt like a deflated balloon. Nawala na ang excitement ko. Matamlay akong tumawid
sa kabilang kalye kung saan kami nag-aabang ng dyip papunta sa amin. Pagtigil ng
isang dyipni, hindi na ako nag-isip. Sumakay na ako agad. May narinig akong
tumatawag sa akin, pero hindi ko na pinansin iyon. Sumandal ako sa upuan at
napapikit. Mayamaya pa, may tumatawag na sa cell phone ko. Nang silipin ko iyon,
nakita kong galing kay Nikolai. Hindi ko iyon pinansin. Sa halip, nilagay ko pa sa
silent mode ang phone. Ilang minuto ang nakaraan, nagba-vibrate na naman ang
telepono ko. Tinaasan ko lang iyon ng kilay. Pagkatapos ng dalawang tawag na hindi
ko sinagot, tumigil din. Nakahinga ako nang maluwag. At least, kampante na akong
makakauwi sa amin. Nakakatakot din kasi kung patuloy siyang tumawag. Baka hindi ko
rin mapanindigan ang pagtatampo.

Malapit-lapit na kami sa binababaan kong palengke nang may dumikit sa aming kotse.
Bumaba ang tinted window sa driver's seat at sumilip ang naka-sunglasses na blonde.
Nagtilian ang mga dalagita sa loob ng dyip.

"H-ha? Waaat?" narinig kong tanong ng driver namin.

Ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko. Nag-iinit na rin ang aking mukha. Ilang
beses nga akong napalunok. Sinisikap ko lang maging kalmado.

"May Ley ba tayong pasahero?" tanong ng mamang drayber.

"Ay ako pwedeng-pwedeng maging Ley," maarteng sabi ng isang bading. Naghagikhikan
ang mga pasahero. Dumungaw nga ang baklita at nag-flying kiss

pa sa driver ng kotse. "I can be your Ley forever, Handsome," at kumindat pa ito.
Dahil nagkaroon ng espasyo sa pagitan ng bading at ng isang dalagita, tumambad sa
paningin ko ang muka ni Nikolai. Nagtanggal ito ng sunglasses. Naghiyawan ang mga
bading at ang mga kababaihan, pati na ang mga nanay at lola. Napayuko ako.

"Leigh, hey! I'm sorry for making you wait!" sigaw nito. Bumagal na ang andar ng
kotse. Kasing bagal ng dyipni na sinasakyan ko. Parang nakikisakay na rin ang
mamang drayber.

"Ikaw ba iyong Leigh, Ate?" tanong ng isang dalagita na tingin ko'y high school pa
lang base sa unipormeng suot. "Ang haba ng hair mo, Ate!" kilig na kilig nitong
sabi.

Lumingon uli ang drayber ng dyip sa amin at tuluyan nang itinabi ang sasakyan.
Pinababa niya ako. Hindi naman ako tuminag sa upuan ko.

"Maawa ka na kay Pogi, Ineng," sabi naman ng isang lola.

Pinagtinginan na ako ng mga pasahero. Ang iba'y nakikilig, ang iba nama'y naiinis
na naantala ang biyahe nila. Parang nahiya ako. At lalo akong pinamulahan nang
umibis pa sa sasakyan si Nikolai at sumilip sa dyip. Ang kanina'y naiiritang mga
ginang at kalalakihan ay napangisi nang tumabad sa paningin nila ang maamong mukha
ni Nikolai.

"Ampogiiiii!!!" tili ng mga bading. May pumisil pa sa pisngi ni Nikolai. Game naman
ito at kumindat sa kanila. Lalo tuloy nagkagulo sa dyip.

Hindi na niya ako kailangang kumbinsihing bumaba. Palagay ko hindi rin ako
matatahimik sa loob kung hindi ako sumama sa kanya. Ang iingay na kasi ng mga
kasama naming pasahero. Pati sila ay nanunukso sa aming dalawa.

Nang nakababa na ako

ng dyip, dumukot sa bulsa si Nikolai at naglabas ng limang daan sa pitaka. Pinaabot


iyon sa mamang drayber. Sumigaw sa tuwa ang huli. Pabiro pang nag-hand salute kay
Nikolai at kunwari'y binasbasan kami. Tawanan uli ang lahat ng pasahero.

"You shouldn't have done that. That was dangerous. You know how it is in Manila,"
naiinis kong sabi sa kanya nang nasa loob na ako ng kotse niya. Hindi pa rin ako
nakatingin sa kanya.

"I'm sorry," sabi niya sabay hawak sa tuhod ko.

Sinulyapan ko ang kamay niyang nakahawak doon at inirapan siya. Binawi niya iyon
agad.

"Again, sorry. I was actually at the parking lot at around four thirty but Dave
suddenly asked me about something and I went back to his office. I was actually
talking to him when you gave me a ring, so I didn't answer it. But the moment we're
done, I rushed to the parking lot."

"Yeah, you rushed," sarkastiko kong sagot.

Hindi ko siya naringgan ng sagot. Katahimikan ang bumati sa sarcasm ko. Nang
sumulyap ako sa kanya, nagtama ang paningin namin. Nakatingin pala siya sa akin na
may kislap ng kapilyuhan ang mga mata. Nangunot ang noo ko.

"What?" asik ko sa kanya.

"Are you jealous?" tanong niya na halos pabulong.


Kaagad na nag-init ang mukha ko, pero nagmaang-maangan ako sa sinabi niya.

"About that girl, I actually had no intention of talking to her. I just happened to
bump into her on my way out. So I just said hello."

Said hello? Hinampas-hampas pa siya sa braso, hello lang ang sinabi niya?
Kalokohan! Iyon ang nasabi ko agad. Huli na nang mapagtanto ko na naipagkanulo ko
ang damdamin sa sagot kong iyon. No wonder, tumawa nang bahagya si Nikolai. Umisod
pa palapit sa akin at nangahas nang hawakan ang isa kong palad. Binawi ko agad ito,
pero hindi niya binitawan.

"I don't care about other girls, Leigh. You're all I want," halos pabulong niyang
sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Nag-tumbling at gumulung-gulong ang puso ko
sa kilig. Pinagpawisan din ako agad, pero hindi ako nakasagot. Pinisil niya ang
palad ko. Inuuntag siguro ako sa sagot ko do'n sa sinabi niya. Dala na rin marahil
ng overwhelming feeling, imbes na sagutin siya'y napaluha ako.

"Hey," malambing niyang sabi at hinila ako't niyakap nang mahigpit. He then kissed
my head.

Sa una ko lang siya tinulak nang bahagya. Nang hindi niya ako binitawan, napayakap
na rin ako at napahimlay pa sa matipuno niyang dibdib.

=================

CHAPTER SIX

Ang sabi ng utak ko hindi ako dapat nagpapadala sa damdamin. Na kailangan kong
maghinay-hinay dahil kailan ko lang naman nakilala ang lalaking ito. Pero wala
akong lakas na labanan ang emosyon. Kaya nang bumaba ang kanyang mukha para bigyan
ako nang mainit na halik sa mga labi, wala akong nagawa kundi pumikit na lamang at
namnamin ang mga sandaling iyon. Napasinghap pa ako nang bitawan niya. Nakita ko
siyang ngumiti na parang tinedyer na naka-score ng halik sa crush niya. Biglang
nag-init ang mukha ko. Kaagad akong napaisod at binaling ang tingin sa labas ng
bintana. Naramdaman ko na lang na pinaandar na niya ang sasakyan.

"I made a reservation at a grill resto in Makati. Will that be okay with you?"

Napilitan akong sumulyap sa kanya at tumango. I was still ill at ease. Nag-aalala
ako sa iniisip niya tungkol sa akin. Baka mag-assume na siyang isa akong tsipipay
na babae.

"What's wrong?" tanong nito. From the corner of my eye, nakita ko siyang napatingin
sa akin. Parang nag-aalala siya.

"Nothing," sagot ko naman agad sabay iling. Pero nanatiling nasa kalye ang mga mata
ko.

"Are you mad at me for kissing you?" This time, his voice was low, almost a
whisper. Para naman akong kiniliti. Napayuko ako para hindi niya mahalatang bigla
akong kinilig.

"I guess you expect me to - apologize for that. Sorry, I won't," sabi pa niya.
Napasulyap tuloy ako sa kanya. Ang una kong reaksiyon ay pagkainis. Napaka-arogante
naman ng taong ito! Pero nang marinig ko ang paliwanag niya, nalito na ako.

"That

was meant as a compliment," nakangiti niyang paglilinaw sa sinabi. "When I said, I


was not sorry for kissing you, I was not being pompous or anything," diin niya. "I
liked it so much that if I'll be given another opportunity, I will do it again."
May kabuntot na mahinang tawa ang huli niyang binitawang salita. Nag-init tuloy ang
pisngi ko. Naramdaman ko na lang ang paggagap niya sa isa kong palad. Para
pagtakpan ang hiyang nadarama ko nang mga sandaling iyon, binawi ko agad ang kamay.

"Drive with both hands, please," pakiusap ko kunwari. "You're not in Norway, you're
in Manila. There are many reckless drivers here. You should be alert."

"I am. Don't worry," pagtitiyak naman niya. "And please don't be mad at me."
Binigyan niya ako nang matamis niyang ngiti. Hay. Sino ba naman ang makaka-resist
sa ngiti ng lalaking ito? Napaka-unfair ng buhay.

"I'm not mad. Just don't do it again," sagot ko sa mahinang boses. Nakita kong
napasulyap siya agad sa akin. Hindi na siya nakangiti. Parang biglang nagseryoso
ang mukha.

Nakaupo na kami sa nakatalagang mesa namin nang mahagip ng tingin ko ang isang
pamilyar na bulto na nakatalikod sa amin. Peste! May taga-upisina na naman dito.
Ang pinakaayaw ko pang makita nang mga sandaling iyon ang nandoon.

"Engineer Bjornsen!" magiliw na bati nito nang makita si Nikolai. Hindi ito nag-
aksaya ng panahon. Lumapit agad ito sa amin.

"Hi, Ms. Capiral. I didn't know that you're here," nakangiti namang sagot ni
Nikolai.

Sumulyap sa akin si Mina. Nakita ko ang pag-ismid niya, pero kaagad din iyong
binawi. Ngumiti siya sa akin nang mapakla.

"Nanliligaw

pala siya sa iyo," ang sabi pa niya. Hindi niya naitago ang inggit sa boses.
Sasagot sana ako, pero bumaling na siya sa kasama ko at tsinika ito.

Por Dios, hindi pa ba aalis ang babaeng ito? Nagsipaglapit na rin ang tatlo niyang
kasamang babae. No'n ko lang sila nakita. Nakiusyuso na rin ang mga bruha kay
Nikolai. Umungot pa kay Mina na ipakilala daw sila. Magiliw naman silang
pinaunlakan ng felingera. Tumayo pa si Nikolai para makipagkamay sa kanilang lahat.
Hindi nila itinago ang kilig sa simpleng pakita ng mabuting asal ng lalaki.
Hinampas-hampas pa nila ito sa braso habang tumatawa na parang kinikiliti.
Nakipagbiruan pa. Akala mo'y matagal nang magkakilala.
Nakita kong napasulyap sa akin si Nikolai na parang humihingi ng dispensa. Ngumiti
lang ako para mapanatag siya. Ano pa nga ba ang pwede kong gawin?

Nang dumating ang waiter dala ang inorder naming drinks at meat na iihawin, saka
lang nagpaalam ang mga bruha. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko'y makisiksikan
pa sa amin.

"Sorry about that."

"It's okay," pakli ko naman. Itinaas niya ang kopita niya ng red wine at may sinabi
siya sa lenggwahe nila habang seryosong nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako. Nang
matapos siyang magsalita, napangisi siya sabay sabi ng, "Cheers!" Itinaas namin
pareho ang wineglass at pinagdikit. Nakangiti na rin ako nang nagsabi ng, "Cheers!"

Inurirat ko pa sana kung ano'ng sinabi niya sa Norwegian, pero ngumiti lang siya sa
akin. Hindi naman nagpaliwanag.

Nang maluto ang inihaw niyang karne, binigay niya ito sa akin.

"Lady's first," sabi niya nang pabiro. Napangiti

ako.

"There. That's nice. I like it when you smile like that."

Imbes na sagutin siya, sinuklay ko ng daliri ang buhok at inipit ko pa ang ilang
hibla sa likuran ng tainga ko. Gano'n ako kapag maysadong self-conscious.

Masaya na kaming nagbibiruan ni Nikolai nang lumapit uli ang grupo nila Mina na may
dala-dalang cell phone. Nakiusap sila kung pwedeng magpa-piktyur sa kasama ko.
Parang nagulat si Nikolai. Napatingin nga agad siya sa akin. Bago pa siya maka-oo,
tumabi na sa kanya si Mina at kumuha ng selfie. Salitan ang mga bruha. Tuwang-tuwa.
Nakisakay na rin si Nikolai sa kanila.

"Ang bait niya talaga, Mina, no? Ang swerte n'yo at may kasama kayong ganyan ka
guwapo sa work," narinig kong sabi ng isa nang matapos sila sa pagpapakuha ng
litrato.

"Actually, hindi naman siya palaging napupunta sa office. Tuwing may meeting lang,"
sagot naman ni Mina at sumulyap pa sa akin.

Nagbubutingting na sila no'n ng kani-kanilang cell phone at tinitingnan ang


nakuhang selfie. May isang hindi nakuntento sa kuha niya, nakiusap pa na ulitin raw
nila ni Nikolai. Natawa na lang ang huli at nagsabi ng, "Sure!"

Bago umalis sa table namin ang mga bastos, narinig ko pang nagtanong ang isang
tsinita kung girlfriend daw ba ako ni pogi na mabilis namang sinagot ni Mina ng,
"Hindi no!"

"E bakit magkasama?" tanong pa ng isa.

"Baka gratitude dinner lang. Lagi kasi iyang nauutusan ni Boss na magsilbing yaya
at personal assistant ng mga engineers namin." Tila sinadya niyang iparinig sa
akin.

Nagngitngit man ang kalooban ko, I controlled my temper. Naisip ko na lang, kahit
mag-tumbling

pa sila sa kakainsulto sa akin, it doesn't change the fact that I won the race.
Solong-solo ko ang atensiyon ni Nikolai. Mamatay sila sa inggit!

May kapilyahan akong naisip. Dahil alam kong nakatingin pa rin sila sa amin habang
naglalakad pabalik sa table nila, dumukwang ako kunwari at bumulong kay Nikolai ng
kung anu-ano. Nagulat naman ito.

"What?" tanong niya. Nakakunot ang noo.

Natawa ako. Nang marinig ko ang sariling tawa, natigilan ako. Sumisipa na yata ang
wine sa utak ko. May kakaiba nang landi ang pagtawa ko. Unlike kanina na konting
kibot ni Nikolai ay nahihiya ako, this time hindi na. Inulit ko na lang ang walang
katuturan kong sinabi. Binulong ko uli sa kanya.

"I still don't get it," natatawa nitong sabi. "What does it mean? Sorry, I don't
understand Tagalog. I wish I do."

"Oh, forget it. It's not important," sabi ko na lang. Nakita ko na kasing nagdabog
na pabalik ng mesa nila si Mina. Gusto kong tumawa.

Marami kaming napag-usapan ni Nikolai nang gabing iyon. May nadagdag na sa kaalaman
ko tungkol sa kanya bukod sa pagiging only child. Noong high school lang daw siya
nagdesisyon na kumuha ng engineering course sa college. Nalaman daw kasi niyang
engineering ang gustong kunin ng long-time crush niya kaya nakigaya na rin siya
para makabuntot lang do'n sa dalaga. Naging girlfriend naman daw niya ang babae,
pero ang ending siya ang nakatapos at nag-change course ang gf. Hindi raw nakayanan
ang kurso. Bago raw sila maka-graduate ay naghiwalay din sila ng babae. Nagkaroon
uli siya ng panibagong nobya noong patapos na siya ng college. Sobrang higpit daw
ng

mga magulang ng babae at halos hindi siya makalapit sa bahay nila. Mga isang taon
din daw silang nag-live-in no'n bago naghiwalay. Nakatatlo pa siyang girlfriends na
puro panandalian lang bago niya nakilala si Anika na naging girlfriend niya for
more than three years. Inakala nga raw niya na ito na ang makakatuluyan niya. Pero
ilang buwan bago siya bigyan ng project sa Maynila ay nagkahiwalay na sila ng
babae.

Naisip ko agad, ang dami niyang naging girlfriends! At mula college lang ang
counting no'n, ha? Paano na kaya kapag pinagsama-sama ang junior at senior high
school?

"What about you?" tanong niya sa akin.

Parang nahiya ako sa love history ko. Isa lang kasi ang masasabi kong boyfriend.
Ang una, si Nonoy na kapitbahay namin, ka-MU ko lang siya noong hayskul. Hindi
naman iyon natuloy sa boyfriend-girlfriend relationship dahil nakakita siya ng
babaeng seryoso niyang niligawan at naging tunay na nobya. Pero dahil sa narinig ko
sa kanya, naisip kong bilangin na rin si Nonoy. Baka isipin niya walang
nagkakagusto sa akin.

"I only have two," nahihiya ko pang sagot. "One in high school and another one in
college. My high school relationship only lasted for a year, then we broke up. We
went to different universities that's why. It was difficult to keep the
relationship going." Dios ko, ano ba naman ang pinagsasabi ko. E, kapitbahay ko
lang si Nonoy! Totoo ngang magkaiba ang unibersidad namin, pero hindi naman iyon
ang puno't dulo ng pagbuwag namin ng kasunduan.

"What about the latest one? The one you had in college?" interesado niyang tanong.

"We actually
broke up when he migrated to Italy with his family."

"How long did the relationship last?"

"More than two years. We started dating when I was on my last year in college."

"How long have you been single?" tanong niya uli. Aba, aba inasyum na niyang single
ako? Sinabi ko iyon sa kanya. Ngumiti lang siya at sumagot ng, "If you had a
boyfriend, you wouldn't be here with me right now."

Nag-init ang mukha ko. Oo nga naman. Ang engot ko.

"So, how long have you been single?"

Yumuko ako, medyo nahiya. Okay lang ba maging honest? Baka isipin niyang sobra
naman akong under performer when it comes to relationship. Ang alam ko sa kanila
medyo hindi maganda para sa isang babae na kaedad ko, magbebente singko na sa
susunod na buwan, na nakadalawang boyfriends lang sa buong buhay nila. Ang isa'y
questionable pa kung pwedeng isama sa bilang.

"T-Three years," sagot ko sa mahinang tinig.

Nakita ko siyang parang nagulat. Parang saglit na nag-isip bago nagtanong ulit.

"What was he like?" tanong niya sa mahinang tinig.

Ako naman ang nagulat. Nang magpaliwanag siya, nabunutan ako ng tinik. Ang inisip
pala niya, hindi ko makalimutan ang huling kong boyfriend kung kaya hanggang ngayon
ay wala pa rin akong ipinalit. Ang hindi niya alam, marami na sana akong ipinalit
do'n kung tama ako sa timing. Ang sumunod ko kasing nagustuhan ay may asawa na nang
makilala ko. Ang sumunod naman do'n, hindi naman taken, hindi lang babae ang gusto.
At siyempre pa, ang pinakahuli kong nagustuhan sana ay si Miguel. Kaso nga ang
tagal kumilos. Gusto rin pala ako, nito ko lang nalaman samantalang

almost one year na kaming pabalik-balik ni Zyra sa Jollibee branch na iyon kung
saan siya ang manager. Pero siyempre, hindi ko iyon sinabi kay Nikolai.

"He was good-looking, of course," may himig pagbibiro kong sagot.

"I'm also good-looking - at least according to my mom," at tumawa siya.

Napangiti ako bago nagsalita. "He always made me laugh."

"I also make you laugh." Napangiti na naman ako. Para nang sinisilihan ang singit
ko sa kilig, pero kinontrol ko pa rin ang sarili.

"He loved his family so much. My mother always told me and my sister that we should
look for a man who loves his family when we're looking for a boyfriend because that
gives us a glimpse of how he would be when we become one family."

"I agree. And I also love my family so much, especially my mom." Kumindat pa siya
sa akin.

Natawa na ako sa kanya.

"There you go again. I made you laugh again."

Napailing-iling na lang ako sa kanya.


Bago kami naghiwalay nang gabing iyon, naitanong ko sa kanya kung bakit sila
naghiwalay ni Anika. Nakita kong may lumambong na parang ulap sa kanyang mga mata
bago siya sumagot.

"He cheated on me."

**********

Iniisnab na ako ni Mina nang makita niya ako sa office kinabukasan. Kaya nga
nagtanong na si Zyra kung ano'ng nangyari.

"Nagkita kami sa isang grill restaurant sa Makati kagabi. Doon kasi kami nag-dinner
ni Nikolai.

"Kaya naman pala, e. Crush daw ng bruhang iyan iyong Nikolai mo kaya mag-ingat ka.
Kung ako sa iyo, huwag ka nang magpatumpik-tumpik kung nililigawan ka na nga ng
lalaking iyon dahil baka maagaw pa ng iba."

Sasagot

na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sapatos. Nagbisi-bisihan


kaming dalawa ni Zyra. Sumulyap lang sa amin si Evil Twin at dumeretso na sa
kanyang upisina. Mayamaya pa, pinatawag niya ako kay Meg para pumunta sa kanyang
upisina.

"Gusto kong gawan mo ako ng letter for these suppliers. Huwag mo lang itawag sa
telepono ang complaints nating ito dahil gusto ko mayroon tayong official record.
Mga letse sila! Tama ang bayad natin tapos bibigyan tayo ng substandard materials."

"Yes, Architect Ramirez. May iuutos pa po ba kayo?"

Imbes na sumagot, sinenyasan na akong lumabas.

Pagbalik ko sa work station namin, nandoon na rin si Ysay. Mukha itong masyang
hindi maintindihan. Biniro ko pa nga.

"Tigilan n'yo ako. Nakakuha lang ako ng sweldo ko kahapon sa isang pasaway kong
tutee."

"O, ba't di ka nag-blow out?" sagot ko agad.

"Kumain na kami sa labas kagabi. Hindi ka na namin niyaya dahil alam naman naming
hindi mo ipagpalit ang dinner date mo with your Norwegian Prince Charming," sabat
ni Zyra at tumawa.

Sinimangutan ko silang dalawa ni Ysay.

Magta-type na sana ako ng letter nang biglang nag-vibrate ang cell phone ko. Bigla
akong na-excite nang makitang galing kay Nikolai ang text message. Anang mensahe,
"It's time to let go of the past. You deserved to be happy."

Napangiti ako. Kung alam lang niya.

"You, too. You should stop thinking about your ex. Time to move on," sagot ko
naman.

Wala pang isang minuto may sagot na siya agad.


"Yeah. It's time for us to MOVE ON." At may kabuntot pa iyong wink emoticon. Nag-
init ang mukha ko. Napangiti pa ako na parang timang. Dahil abala sa kakapindot ng
reply ko kay Nikolai hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Zyra at ginulat
ako. Muntik ko nang mabitawan ang cell phone. Sinimangutan ko siya. Tawa lang sila
nang tawa ni Ysay.

Dahil sa maya't maya'y palitan namin ng text ni Nikolai, hindi ko namalayan ang
paglipas ng mga oras. Nalaman ko na lang, uwian na. Hindi muna ako lumabas ng
building. Pinauna ko nga sina Zyra at Ysay. Ang katwiran ko, may pinapagawa pa sa
akin si Evil Twin, pero ang totoo niyan, hinihintay ko lang si Nikolai.

Paglabas ko ng building nang bandang alas sais y medya, nakita ko agad ang kotse
niya. Ang kaso, may nauna na sa akin. Nandoon na si Mina! Bwisit! Napatingin sa
akin na parang humihingi ng dispensa si Nikolai.

"It's all right. I'll just take a jeepney. Don't worry," sabi ko at lumayo na sa
parking lot. Hinabol niya ako. Halos magsumamo siya sa akin.

"She begged me. She said she doesn't feel good. I was sorry for her so --," at
kumumpas-kumpas siya na animo'y napu-frustrate. Naawa naman ako. "She said her
house is just a few blocks away from yours. Please, please don't be mad."

Napahinga ako nang malalim. Wala rin akong nagawa. Nang makarating kami sa kotse
niya, prentent-prente nang nakaupo sa front seat ang malditang Mina. Gusto ko
siyang kalbuhin! Inismiran ko siya bago pumasok sa backseat. Napangisi lang ang
bruha.

=================

CHAPTER SEVEN

Ang ganoong eksena sa parking lot ay nasundan pa ng dalawang beses. Ewan ko kung
saan kumukuha ng kapal ng apog ang Minang iyon para magkaroon ng tapang na
magpahatid din kay Nikolai sa bahay nila. One time nga sumama pa pati sa dinner
date namin. Nanggalaiti talaga ako, pero dahil hindi naman ako likas na eskandalosa
at si Nikolai ay parang ako rin na takot sa gulo, pinagbigyan namin siya. Pero
nitong huli, nakaisip na kami ng paraan. Kaya heto ako at nagkukumahog nang
makasakay ng dyip. Pagtingin ko sa parking lot, nakita ko ang bruha na paikot-ikot
tila may hinahanap. Natawa ako. Tinaasan tuloy ako ng kilay ng ginang sa tabi ko.
Inaakala sigurong nababaliw na ako.

Pagbaba ko ng dyip, nakita ko agad ang kulay pulang kotse sa unahan. Nakasandal sa
harapan no'n ang may-ari. Naka-maong pants at t-shirt na grey. May binubutingting
ito sa cell phone. Siguro naramdaman niya ang pagdating ko, nag-angat ito ng mukha.
Ngumiti siya sa akin.
"Thanks for waiting," sabi ko agad.

"No worries," sagot naman niya at pinakita sa akin ang screen ng cell phone niya.
Sumulak kaagad ang dugo ko sa ulo nang mabasa ang text ng bruha. Nang magkatinginan
kami ni Nikolai, bigla na lang kaming natawa. Daig pa namin ang mga batang nakaisa
sa isang kasama.

"You should tell her frankly if you don't like what she's doing," sabi ko.
Nakakapagtaka naman. Ito lang yata ang puting nakilala ko na hindi confrontational.

"It's easy if she was a guy. But since she's a girl, I don't have the heart to tell
her that she's beginning to be a pain in the ass."

"Maybe you like

the attention," sabi ko, half-joking, half-serious. Gusto ko lang malaman kung ano
ang tingin niya kay Mina.

"Oh no! I'm a one-woman man and she's not my type," nakatawa pang sagot niya.
Sumulyap pa siya sa akin. Tanggal na ang sunglasses niya kung kaya nakita ko ang
kislap sa kanyang mga mata. Kinilig ako. Hindi ko lang masyadong pinahalata. Inipit
ko kunwari sa likuran ng tainga ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko.
Imbes na makipagtitigan sa kanya, tumingin ako sa labas ng bintana.

Naglalakad na kami papunta sa grill restaurant na pinuntahan din namin dati nang
mahagip ng tingin ko ang likuran ni Mina. Itinuro ko siya kay Nikolai.

"Oh, shit!" naibulalas niya at dalai-dali akong hinila palayo doon.

Pero huli na kami. Narinig na namin ang boses ng babaeng iniiwasan namin pareho.

"Nikolai! Hey! Good to see you here."

Pumihit kami para harapin ang bruha, pero hindi binitawan ni Nikolai ang
pagkakahawak niya sa kamay ko. Nang lumapit pa nang tuluyan ang impakta, mas lalong
hinigpitan niya ang hawak kaya naka-entertwined na talaga ang mga palad namin.
Nakita ko ngang napatingin do'n si Mina. At kaagad na umasim ang kanyang mukha.

"I've been looking for you at the parking lot. If I knew that you guys are also
coming here, we could have come together."

Napailing-iling ako sa tindi ng kapal ng balat niya at hindi niya nararamdaman na


unwelcome na nga siya sa amin.

"Actually, we had no plans to come here. We're just checking if Trond - Engineer
Knudsen came here. There was something I forgot to get from him. I heard from our
friends that he

was on his way here so I thought," at kumumpas-kumpas pa si Nikolai. Napatingin ako


sa mukha niya. In fairness, magaling magdrama.

"Is that right? Well, Engineer Knudsen is not here, yet - maybe in a few minutes?"

"Oh no. I'm sure that if he had plans to come here, then he would've been here at
this time. That's why I told Leigh, we'll just drop by his condo."

"Do you want me to call him?"


Pambihira ang babaeng ito a! Gusto ba niyang sabunutan ko na siya?

"Oh no! No! Don't do that. I can do that myself. Thanks anyway. See you," at
kumaway na siya kay Mina.

"No, actually I don't mind. I'm giving him a ring right now. Oh, here he is. Hello,
Engineer Knudsen? This is Mina from the company. Yes, that's right. Engineer
Bjornsen wants to speak with you," at inabot na nga ng bruha ang cell phone niya
kay Nikolai.

Nakita ko kung paano tumirik ang mga mata ng huli bago niya abutin ang telepono.
Nagsalita na ito sa lenggwahe nila. Dahil malapit lang ako sa tabi niya, narinig ko
ang pagtawa ng kausap niya sa kabilang linya. Napangisi na rin siya. Ano kaya ang
pinag-uusapan ng dalawang ito? Nang bumaling ang tingin ko kay Mina, nakahalukipkip
siya habang nakatingin sa akin nang masama. Kaagad siyang bumawi ng tingin, but not
before she gave me a smirk. Inakala siguro ng bruha naka-score siya dahil
natulungan si Nikolai. Hindi niya alam na drama nga lang iyon! Napaka-dense talaga
ng babaeng ito! Unbelievable!

"Thanks a lot. Yeah, he's home now."

"Won't you come in for a while."

"No thanks. I have to get it before Trond

goes somewhere. Some other time," at kumaway na siya sa babae. Magpoprotesta pa


sana ito, pero dali-dali na kaming umalis doon.

"Hindi ba't iyon iyong Norwegian na kasamahan mo sa trabaho? Sino iyong kasama
niyang girl?" narinig kong tanong ng isang boses-bading.

"Wala. Isang impakta lang!"

Nagpanting ang tainga ko pagkarinig, kung kaya napalingon ako sa direksiyon niya,
pero nagdadabog na siyang pumasok sa restaurant.

"Whew! God! She's really a pest," nasabi naman ni Nikolai nang nasa loob na kami ng
kotse. Napahawak pa siya sa sentido at may sinabi sa sarili nilang lenggwahe.
"Sorry about that," at pinisil niya ang palad ko.

Napatingin naman akong parang nalilito sa kanya.

"My reverting to Norwegian," at napangisi siyang parang school boy.

"It's okay. I don't mind."

Imbes na maghanap pa ng restaurant, bumili na lang kami ng barbeque sa isang street


vendor at iyon na lang ang pinapak namin sa kotse habang nagkukuwentuhan. Mas nag-
enjoy ako sa hapunan namin dahil walang istorbo sa paligid. Palagi na lang kasi
kapag lumalabas kami, may umaali-aligid talagang babae o bading sa kanya at
pinaparamdam nila sa akin na hindi ko deserve ang atensyon ni Nikolai. Well, sa
ngayon ay solong-solo ko an siya talaga.

"My parents are coming in a few weeks. I'd like you to meet them."

Bigla akong kinabahan. Meet the parents agad-agad? Natawa siya nang makita ang
expression sa mukha ko.

"Don't be nervous. They are very kind and friendly. For sure, they will like you."
Tumangu-tango lang ako, pero sa loob-loob ko'y nininerbiyos na talaga.

Pag-uwi

ko ng bahay nang gabing iyon, sinalubong ako ng pangaral ng aking ina.

"Palagi ka na yatang ginagabi sa pakiki-bonding sa Kanong iyon, a. Hindi ko na yata


gusto itong pinatutunguhan ng 'friendship' na sinasabi mo."

"Norwegian po siya, Nay, hindi Amerikano," pagtatama ko.

"Wala akong pakialam. Puti siya di ba? Kano na rin iyon," pangangatwiran naman niya
at pinandilatan pa ako.

Patingin-tingin lang sa amin ang Tatay. Hindi ito nagkomento.

**********

"Ano iyong sinasabi mo sa aking nagpang-abot pa kayo sa restaurant?" salubong


kaagad sa akin ni Zyra nang umagang iyon.

"Nandoon nga siya nang dumating kami. At hayun, pumapel na naman."

No'n naman humahangos na dumating si Ysay. Halos hindi na ito bumati sa amin ni
Zyra, pinaandar agad nito ang sariling computer at nagsimula nang magtrabaho.
Nakuha naman namin ang ibig sabihin no'n. nagbisi-bisihan din kaming dalawa ni
Zyra. Makaraan ang ilang sandali, narinig na namin ang pamilyar na tunog ng takong
ng sapatos. Nang mapaangat ako ng tingin, nakita ko siyang parang nagdadabog.
Kabuntot niya si Meg na hindi magkandaugaga sa dala. Sa isang kamay nito ay supot
ng pagkain at sa isa nama'y bag at folder ng amo. Nang makalayo na sila, saka lang
kami nakahinga nang maluwag.

"Hay! Halos nakasabay ko sila sa biometrics station. Mabuti na lang nakita ko agad.
Tumakbo na ako papunta rito. Hindi na nga ako nag-elevator dahil 'ikako baka
magkasabay pa kami."

"Isa ring iyang impakta sa buhay natin dito," sabi ko na lang.

"Saglit. Tama ba ang narinig ko kay Zyra na laging nakikisabay sa inyo si Mina?"
hindi makapaniwalang

tanong ni Ysay sa akin.

"Oo. Kahit nga kagabi na iniwasan na namin, nagkita pa rin kami."

"Nagawa niya iyon? Grabe naman ang desperation ng babaeng iyon!" at tumawa na si
Ysay.

"Sinong desperada?" dumadagundong na tanong ni Mina. Nakalapit na siya sa harapan


naming tatlo. Ang talim ng tingin niya sa akin. Ako yata ang pagbibintangan ng
bruha a!

"Wala kaming sinasabing ikaw. Ba't mukhang guilty ka?" sagot ko naman sa malumanay
na boses. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para hindi kumawala ang galit na kagabi
ko pa naramdaman sa kanya.

"Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka! Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi mo siya
asawa para magmayabang nang ganyan!"
"Mina! Is this how you write a formal letter?" Mataas ang boses ni Evil Twin.
Nakatayo ito sa bungad ng kanyang upisina, hawak-hawak ang isang papel. Mukhang
galit. Pinunit nito ang papel at minanduan si Mina na pulutin iyon.

Nagkatinginan kaming tatlo at napangiti nang makitang nag-iba ang anyo ni Mina.
Para itong nagmistulang basang sisiw. Pero bago siya lumisan sa harapan namin,
tinapunan pa muna ako nang masamang tingin.

"Leigh!" bulyaw naman ni Evil Twin.

Napapiksi ako agad. Shit! Mukhang pati ako'y bebendisyunan! Tumayo ako at akmang
lalapit na sa isa pang bruha nang makita kong ngumisi si Mina. Kulang na lang ay
belatan ako. Hindi ko siya pinansin.

Nang kapwa na namin kaharap ang reyna ng mga bruha't impakta, sumenyas ito kay Mina
na pulutin niya ang nagkalat na papel. Tumingin sa akin ang impaktita na parang
nagpapatulong, pero nagbulag-bulagan ako.

"Pakituruan mo nga

ito Leigh! Ang bobo-bobo! Simpleng sulat hindi pa magawa nang tama. Mag-aral ka sa
spelling, boba!" at pumasok na siya sa loob ng kanyang upisina. Binalibag pa ang
pintuan.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko pagagalitan din ako. Hindi pala. Nang
mapatingin ako kay Mina, may nangilid nang luha sa mga mata nito. Nakaramdam agad
ako ng awa. Na-guilty pa ako dahil pinagbunyi ko pa ang papuring natanggap kay Evil
Twin.

"'Lika. Tulungan nga kita diyan. May template na ako para sa mga ganyang letters,
e."

Tiningnan niya ako nang masama at basta na lang tinalikuran.

**********

Nang hapong iyon, hindi na ako pinapunta ni Nikolai sa dati naming tagpuan. Sinundo
niya ako sa harap mismo ng building namin. Paprangkahin na raw niya si Mina kung
makikisabay ulit sa amin. Hindi pupwedeng palagi na raw ganitong parang may
tinatakasan kami. Pero ang planong iyon ay hindi naman natuloy dahil walang Mina na
lumitaw sa parking lot. Napag-alaman ko na lang kay Zyra na nag-resign pala ito
nang araw ding iyon.

"I guess, it's our lucky day," nakangiti namang sabi ni Nikolai nang nakapasok na
ako sa kotse niya. "I think she has now come to her senses."

"She resigned from work. She left this morning."

"Oh!" nasabi bigla ni Nikolai. Hindi natuloy ang pag-start niya ng makina.
Napatingin siya sa akin at parang humihingi ng paliwanag.

"Our boss scolded her today. So I think that's the reason why she resigned
immediately."

"Poor her. I never thought that Architect Ramirez is capable of scolding people. I
thought she was a sweet lady. She was always very kind to us."

Hindi
ko napigilan ang pagtaas ng kilay. Si Evil Twin, kind? Kailan? Well, siguro sa
kanilang mga Norwegians dahil ang popogi naman nila lahat, kaya siyempre kailangang
magpa-impress ang bruha. Hindi na lang ako nagkomento. Iniba ko na lang ang usapan.

"My mother doesn't want me to stay up late tonight. So I want to go home early
tonight."

"That's fine. We could just buy some food and have dinner at your house."

Nagprotesta pa sana ako dahil sigurado akong magpuputak ang nanay ko, pero hindi
niya ako pinakinggan. Bumili kami ng fried chicken sa Max's at nagpabalot na rin ng
chopsuey, pancit canton at lumpia.

Nakasimangot agad ang Nanay ko nang dumating kami. Ang bunso naman naming si Biyet
ay namangha. Paano raw ako nakabingwit ng guwapong nilalang.

"Maganda ang ate mo, ano ka ba?" singhal ng Inay sa kanya. Kahit medyo naalarma ako
sa nakabusangot niyang mukhang sumalubong sa amin, lihim naman akong napangiti sa
sinabi niya.

"Siyempre Nanay kayo, e. Pero kayo lang yata ang nagsasabi niyan," nakangising
sagot naman ng kapatid ko.

Hinampas siya ni Inay ng nakarolyong diyaryo. Napangisi na ako.

"Huwag kang ngingisi-ngisi diyan. Hindi ka na nagtanda. Sinabi ko sa iyonoong isang


araw, hindi ko gusto ang pagmumukha nitong kasama mo. Sa hitsura pa lang natitiyak
ko ang paiiyakin ka lang."

"Good evening, Ma'am," bati naman ni Nikolai. Nagmano pa sa nanay ko. Nabigla ako.
Ang inay ko nama'y parang nagulat. Hindi siya nakapagsalita. No'n naman lumapit ang
tatay ko. Siya lang ang nagpaikot ng gulong ng wheel chair niya.

Pagkakita sa kanya ni Nikolai, nagmano rin ito.

"Kaawaan ka ng Diyos, iho," sagot naman agad ni Itay. Ako na lang ang nag-translate
no'n kay Nikolai.

"Ba't di mo papasukin ang bisita mo, anak?" sabi naman ni Itay sa akin at nauna na
ito sa sala.

No'n namin inabot kay Inay ang dala naming pagkain. Nang makita niya kung saang
restaurant iyon galing, nag-iba na ang timpla niya. Tumawa-tawa na ito.

"Sabihan mo nga iyan, Leigh. Sana hindi na siya nag-abala pa."

"Nay, ano yan? Wow! Paborito ko iyan!" sabi naman ni Boyet at sininghot-singhot pa
ang paper bag na naglalaman ng pagkain. Binigya naman ito ni Inay sa kanya at
inutusan siyang maghain na sa mesa.

"Panalo ang bisita mo, Ate! Hey, man! You're a champion!" diga pa ni Boyet at
tumakbo na sa kumedor. Natawa lang sa kanya si Nikolai.

No'ng una lang naging masungit at palatanong ang nanay ko, pero nang bandang huli'y
nahulog din siya sa karisma ng kasama ko. Inimbitahan pang dumalaw ulit.

"Sorry about my mother," sabi ko agad kay Nikolai nang hinahatid ko na siya sa
tarangkahan namin. "She's weird sometimes."
"Don't worry. I think she's a really good mom. I like her."

"Really? She'll be happy to hear that."

"Then tell her," at nakita kong kumaway pa si Nikolai sa likuran namin. Paglingon
ko nakita kong nasa labas ng pintuan ang nanay ko at si Boyet at kung anu-ano pang
mga habilin ang sinasabi para kay Nikolai. Nahiya ako sa mga kapitbahay.

"Be careful," sabi ko sa kanya habang pumapasok na siya sa kotse.

"Can you come here for a minute," sabi naman niya sa akin.

Lumapit naman ako. Pinapayuko niya ako dahil may ibibigay daw. Yumuko naman ako at
laking gulat ko nang hinalikan niya ako sa mga labi. Hindi lang isang beses kundi
dalawa pa. Hinampas ko siya sa braso. Tumawa lang ang mokong at dahan-dahang tinaas
ang bintasa sa driver's side. Hinatid ko siya ng tingin palabas.

=================

CHAPTER EIGHT

Sa una lang maraming reklamo ang nanay kay Nikolai, pero sa pagdaan ng mga araw
nakuha din ng huli nang buong-buo ang tiwala nila ni tatay. Sino ba namang mga
magulang ang makakatanggi sa mga mamahaling regalo kada dalaw nito sa bahay namin?
Hindi ko iyon nagustuhan at nagtampo pa nga ako minsan sa kanya dahil pakiramdam ko
binibili niya ang pamilya ko, pero mariin niyang pinaliwanag sa akin na ganoon lang
daw talaga ang ugali niya sa mga taong gustung-gusto.

"Ate, kailan naman dadalaw dito si Pogi? Miss na miss na namin siya ni Inay," sabi
ni Boyet sa akin minsang naghahapunan kami.

"Hindi ko na siya padadalawin dito."

"Bakit naman? May nagawa ba kaming kasalanan?" sabat ni Inay.

"Sayang naman. Hindi na pala niya ako mabibilhan ng Nike shoes. Naipamalita ko pa
naman sa mga kaibigan ko iyon," pagmamaktol naman agad ni Boyet.

"Hoy! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag kang hingi nang hingi do'n? Nakakahiya
ka!"

"Nanghingi ka nga ba, Boyet?" sita agad ni Inay at pinanlakihan na ng mata ang
bunso namin.

"Nay naman! Siyempre, hindi. Siya lang naman ang nangako sa akin, e."

"Iyon naman pala." At bumaling na si Inay sa akin. Mababa na ang boses. "Tsaka,
iyong kuwintas na bigay niya sa akin, hindi ko naman hiningi iyon, anak. Dahil ba
doon kung bakit ayaw na niyang bumisita rito sa atin?"

"Hindi naman. Busy lang siya sa trabaho," pagsisinungaling ko na lang habang


pinandidilatan ang nakabusangot pa ring si Boyet.

Tahimik lang si Itay sa isang tabi. Ni hindi nagkomento.


**********

Pakiramdam ko tumigil sa pag-inog ang mundo nang magkalapit na ang

mga katawan namin sa gitna ng dance floor. Bumalik sa alaala ko ang first dance
namin ni Nonoy, ang unang lalaking nakahawak sa baywang ko. Nanginig din ako no'n
at pinanlamigan. Pero mas malala yata ngayon dahil pakiramdam ko, bibigay ang aking
mga tuhod. Wala na akong nakikita nang mga oras na iyon kundi ang maamong mukha ni
Nikolai habang nakatitig siya sa akin. Feeling ko, tatatak na sa aking puso't
isipan ang awiting Smoke Gets in Your Eyes.

"This is the happiest day of my life," anas niya.

"Huh?" Hindi ko talaga narinig. Ang ingay-ingay kasi ng mga bubuyog sa tainga ko.

Imbes na sagutin ako, ngumiti siya. Napasimangot naman ako. Pinagtatawanan ba ako
ng kumag na ito?

"I said, you're beautiful!"

Nangunot ang noo ko. Hindi iyon ang buka ng bibig niya kanina kaya alam kong
niloloko lang niya ako. Ganunpaman, nakadulot iyon ng ibayong kilig na hirap na
hirap kong supilin.

"I thought love is overrated, until I met you," patuloy pa niya.

Napamulagat ako do'n. Mabilis na kanina pa ang tibok ng puso ko, pero lalo iyong
bumilis pa. Pakiramdam ko tuloy pinatakbo ako ng 100-meter dash.

"I like you a lot, Leigh."

Napalunok ako.

"No. I think it's more than that. I think I Iove you," madamdamin niyang sabi sabay
haplos sa kanang pisngi ko. Awtomatikong bumaling ang pisngi ko at hinayaan kong
dampian ng halik ang mainit niyang palad. He froze and stared at me. Parang
nagtatanong ang mga mata. Marahan akong tumango. Napangiti siya nang malawak at
hinila ako para yakapin. Narinig ko ang dagundong ng dibdib niya at ako naman ang
napangiti. I felt

good na may ganoon din pala akong epekto sa kanya.

Pagbalik namin sa table, halos magkadikit na sa upuan sina Zyra at Lukas. May
sinabi sa kanya si Nikolai sa lenggwahe nila. Bigla na lang napasulyap sa akin ang
lalaki at tinapik sa balikat ang boyfriend ko sabay sabi ng, "Gratulerer!" Ang ibig
daw sabihin no'n ay "congratulations".

Dahil abala kami sa aming mga damdamin, pauwi na kami ni Zyra nang mapansin naming
wala na si Ysay.

"Sayang! Sana nakapagpakuha man lang tayo ng pang-profile pic sa FB," sabi ko.

"Pambihira talaga ang babaeng iyon. Bigla na lang nawala," sagot naman ni Zyra. "O,
paano ka uuwi? Ihahatid ka ba ni Nikolai sa inyo?"

Kilig na kilig akong tumango. Halos magtititili rin si Zyra. Siya rin daw ay
ihahatid ni Lukas.

Habang hinihintay naming matapos ang pag-uusap ng mga engineers sa loob ng


conference room, kunwetuhan kami nang kuwentuhan ng mga kaganapan nang gabing iyon.
Dahil ang lakas tumawa ni Zyra hindi lang isang beses siyang nakaakit ng atensyon
ng mga manang naming kasamahan. May isang bata-bata sa grupo na tumaas pa ang
kilay.

"Iyang bruhang nagtaas ng kilay, inggitera iyan. Taga-HR pala iyan at dinig ko may
crush daw iyan kay Nikolai," bulong sa akin ni Zyra.

Pasimple akong napatingin uli sa babae uli at sinipat ko ang kabuuan niya.
Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong hindi ako dapat kabahan.

"Aba, confident ang ale!" biro ni Zyra at kinurot pa ako. Tawanan uli kami.
Nakatikim uli kami nang matalim na titig mula sa grupo nila habang papalabas sila
ng bulwagan.

Nang mapansin naming kami na lang ang natira

doon, nagdesisyon kaming magkaibigan na sa lobby na lang maghintay. Pagdating namin


do'n nadoon na pala ang dalawa at naghihintay rin sa amin. Katunayan, tatawag na
sana sa akin si Nikolai para alamin kung nasaan na ako.

"I thought, we'll wait for you guys in the ballroom," sabi ko.

"We were told by the hotel staff that everybody has already gone out, so we decided
to come here instead," paliwanag naman niya.

"Shall we go?" yaya naman ni Lukas.

Sabay-sabay kaming lumabas na apat. Hindi pala nagdala ng kotse niya nang gabing
iyon ang mokong kung kaya nag-hitch kami sa sasakyan ng kaibigan niya.

Pagdating sa amin, parang gusto siyang pababain ng nanay ko. Na-miss daw siya. Tawa
siya nang tawa. Palihim ko namang kinurot sa tagiliran si Inay.

"Ano ba? Siyempre, nagmamagandang-loob lang naman ako sa mamanugangin ko balang


araw. Masama ba iyon?"

Bumaba naman sandali si Nikolai at humalik sa pisngi ng nanay ko. Tuwang-tuwa naman
si ermat. Napailing-iling ako.

**********

Dahil sa pangyayari nang nangdaang gabi, para akong nakalutang sa alapaap nang
pumasok kinabukasan. Pinagkukurot ako sa tagiliran ni Zyra. Buti pa raw ako may
linaw na.

"Baka naghihintay lang din ng timing si Lukas. Ako nga rin, kung ilang linggo akong
pinag-isip ni Nikolai. Akala ko nga gusto niya lang akong kasa-kasama. Iyon pala
tama ang sapantaha ko."

"Iba naman kasi ang level ng closeness n'yo. Nagduda ka pa doon e halos araw-araw
kang sinusundo rito kapag uwian?"

"Siyempre naman, gaya nang sinabi ni Ysay sa atin huwag tayong mag-assume dapat.
Until they make it clear with us, let's assume

that they're not serious."

"Kung sa bagay, may punto ka diyan, friend." At bigla itong natahimik.


Napasulyap ako sa kanya nang bigla na lang itong bumuntong-hininga nang ilang
beses.

"Hoy! Ano ba yan?" at pabiro ko siyang siniko habang nagsesepilyo ng ngipin.

"E kasi ---," at tumigil ito sa pagsasalita. Parang absent-minded na pinunasan nang
pinunasan ng dalang maliit na tuwalya ang kamay.

Dali-dali akong nagmumog at inurirat siya kung ano'ng problema.

"May nangyari na kasi sa amin ni Lukas," bulong niya sa akin sabay palinga-linga
kung may tao sa paligid. Hindi pa nakontento, tiningnan din isa-isa ang cubicle
baka sakaling may nakakubli doon. Nang natiyak na kaming dalawa lang sa loob ng CR,
pinaliwanag niya sa akin ang buong detalye.

"Ano? Ba't ka agad pumayag? Pambihira ka naman, e."

"Kayo ba, hindi n'yo ba ginagawa iyon ni Nikolai?"

"Hindi no! Hanggang kiss lang kami sa pisngi at minsan kapag hindi ako nakatingin,
ninanakawan niya ako ng halik sa labi, but that's all."

Lalong nalungkot si Zyra. Ako naman ngayon ang napahinga. Inakbayan ko siya.

"Don't worry. Parang gustung-gusto ka naman ni Lukas, e. Natitiyak kong ina-assume


na niya na kayo na," pampalubag-loob ko sa kanya.

"Sure ka?" paniniguro naman nito sa akin.

Tumangu-tango ako. Pero sa loob-loob ko'y kinakabahan din ako para kay Zyra.
Siyempre naman, hindi namin lubos na kilala ang mga Norwegian na iyon. Malay ba
namin. Baka may iniwan pala silang asawa sa kanila at nagbubuhay-binata rito. Pero
sa isang banda, naisip ko rin na sigurado na ako kay Nikolai. Alam kong hindi

niya ako lolokohin nang ganoon. Ramdam kong mahal na mahal niya ako.

Kung kailan ko siya naging nobyo, saka naman siya nahuli sa pagsundo sa akin. Nang
dumating siya sa tapat ng building namin ng mga alas siyete y medya, hindi siya
magkandatuto sa pagpapaliwanag kung bakit siya ginabi. Hindi naman tumagal ang
galit ko. Nalusaw na naman iyon ng boyish charm niya.

Nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak namin, napaupo ako nang matuwid sa tabi
niya.

"I already told you that my parents don't like it when I go home late at night."

Hinuli niya ang isa kong palad at dinala sa kanyang mga labi.

"Don't worry, Cinderella. I'll drive you home before midnight," at bahagya siyang
tumawa sa sariling biro. Sinimangutan ko siya. Nagseryoso naman siya agad at
nagpaliwanag. May hinanda daw siyang sorpresa para sa akin.

"What surprise?" tanong ko naman. Na-curious na.

"Just wait and see," ang sabi niyang nakangiti.

Lalo ko siyang sinimangutan. Pinisil niya lang ang baba ko at binilisan ang takbo
ng kotse. Mayamaya pa, pumasok na kami sa parking space ng isang building. Nang
tingalain ko iyon, naningkit agad ang mga mata ko. Doon ang condo unit niya! Bigla
akong kinabahan kaya nang pagbuksan niya ako ng pintuan, matagal pa bago ako
bumaba.

"Trust me, you're safe with me. I promised that to your mom."

Kahit medyo kabado, napahinuhod din niya akong umakyat. Nang buksan niya ang ilaw
sa living room, namangha ako sa nakita ko. May mga petals ng red rose na ginawang
linya patungo sa kumedor. Sa ibabaw ng mesa, mayroong boquet ng red rose at may
kasama pang malaking

hugis puso na ginawa mula sa rose petals. Nangilid ang mga luha ko. Hindi na ako
nag-isip pa. Bigla na lang akong sumubsob sa kanyang dibdib.

"Sshh, don't you like it?" may pag-aalalang tanong niya sa akin.

"I love it! I'm just overwhelmed with joy."

Tumawa siya nang bahagya. Hinagud-hagod niya ang likuran ko sabay bulong ng mga
sweet nothings. Nang naramdaman niyang okay na ako hinawakan niya ako sa kamay at
dinala sa upuan ko. Siya pa ang naglagay ng table napkin sa kandungan ko bago siya
umikot para umupo sa silyang paharap sa akin. Sinindihan niya ang kandila sa harap
naming dalawa at kinuha ang takip ng dalawang crystal plate. Ang isa ay naglalaman
ng meatballs with mashed potatoes and cream sauce. Iyon daw ang tinatawag nilang
kjøttboller, paboritong lutuin ng mom niya sa kanilang mag-ama. Ang isa nama'y
parang pork chop na may kasamang fried string beans, potatoes, at fresh tomatoes sa
gilid. Iyon naman daw ang svinekoteletter, ang paborito ng kanyang dad.

"You cooked all this?" namamangha kong tanong.

Tumango siya na parang nahihiya. Pasensya na raw kung hindi masyadong maganda ang
lasa.

"It's the effort that counts," pabiro kong sagot habang tinitikman ang meatballs.
Kunwari'y napa-mukasim ako. Grabe ang pag-aalala niya. Hindi magkandatuto sa
paghingi ng paumanhin. Gusto lang naman daw niyang makatikim ako ng authentic
Norwegian cuisines.

"Hey, it's good!" natatawa kong sagot.

Siya naman ang kunwari'y napasimangot sa akin. Inalo-alo ko siya. Hindi nagtagal
ngumiti na naman siya. Pinaghiwa niya ako ng mukhang pork chop. In fairness, pati

iyon ay nagustuhan ko ang lasa.

Tapos na kaming magdinner at nakikinig na lang ng music sa living room niya habang
nagkukuwentuhan nang nag-ring ang kanyang telepono. Hindi niya muna iyon pinansin.
Kaya naunahan siya ng answering machine. Narinig ko ang isang boses-babae na
malambing na nagsabi ng, "Hallo, Nikolai!" Bago pa makapag-iwan ng mensahe ang
babae, dali-dali na niyang inangat ang awditibo at sinagot na ito. Kahit wala akong
naiintindihan, nakinig ako sa usapan. Nakita kong biglang naging seryoso ang
kanyang mukha. Nag-alala tuloy ako. Pagkatapos niyang makipag-usap sa babae nag-iba
na ang timpla niya.

"What's wrong?" tanong ko agad.

Umiling-iling siya sabay hilot sa sentido. Nabahala na ako. Parang may naisip akong
hindi maganda. Asawa niya kaya iyon? Baka may asawa na siya at hindi lang sinasabi
sa akin!
"Who is she?" tanong ko ulit. Hindi na mapakali.

Nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ko, bigla siyang nag-alala for me. Hinuli
niya agad ang isa kong palad. Hindi ko ito pinahawakan sa kanya. Tumawa siya nang
mapakla.

"She's just a family friend, Leigh. Nothing more."

Hindi ako naniwala.

"Are you sure?"

Tinaas pa niya ang kanang kamay at animoy nanumpa sa harap ko. Hindi na ako nang-
usisa pa. Ayaw ko ring magmukhang insecure na girlfriend.

Kahit na pilit naming binabalikan ang mood bago ang phone call, kapwa na kami
nawalan ng momentum. Balisa ang utak ko, sinisikap ko lang maging kaswal ang boses.
Hindi ko alam kung napapansin niya iyon, pero pakiramdam ko parang. Kasi parang
tinatantiya na niya ang bawat sabihin sa akin.

Pagsapit ng alas dies, nagsabi na akong uuwi na. Hindi naman niya ako pinigilan.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ni isa sa amin ay hindi nagsalita.
Pero nang dumating na kami sa amin binasag niya ang katahimikan.

"That girl who called me up - she was A-Anika, my ex-girlfriend. Remember the one I
told you about who cheated on me? That was her," sabi nito bigla nang akmang
bubuksan ko na ang pintuan sa gilid ko.

"I don't know how she got my number in the condo. Perhaps, she asked my parents."

Tinitigan ko siya nang mabuti. Inaarok kung nagsasabi siya nang totoo. Mukha naman.
Pero may parte ng pagkatao kong parang ayaw maniwala na gano'n nga lang iyon. May
pakiramdam akong may tinatago siya sa akin. Ganunpman, nang yakapin niya ako nang
mahigpit at magsumamong huwag ko siyang iwan dahil lang doon, nalusaw lahat ang mga
pagdududa ko. I hugged him back.

"Are we okay now?"

Tumango ako nang dahan-dahan. Tinaas niya ang baba ko at binigyan ako nang mainit
na halik sa mga labi.

=================

CHAPTER NINE

Gaya ng sabi ni Nikolai, dumating nga ang mga magulang niya, isang linggo
pagkatapos maging opisyal ang relasyon namin. Siyempre, kagaya ng ibang girlfriends
na makikiharap sa mga magulang ng boyfriend nila sa unang pagkakataon, grabe ang
nerbiyos ko. Sa kotse palang pinanlalamigan na ako.

"Nervous? Don't worry. My parents are the kindest people in this universe," at
tumawa pa nang bahagya si Nikolai habang pinipisil ang isang palad ko.
"Are you sure?" paniniguro ko sa kanya.

"Yup. They've always accepted all my girlfriends in the past no matter what. Didn't
I tell you that I had a gf once who was a single mom? I didn't hear anything from
my parents. They were still okay with it because I loved the girl."

Napasulyap ako sa kanya. Inaarok ang katotohanan sa mga sinabi. Mukha namang
nagsasabi ng totoo. Ang sabi nila, kahit na importanteng magustuhan ng mga magulang
ng lalaki ang isang babae ang pinaka-mportante pa rin naman ay ang damdamin no'ng
guy sa girl. Sigurado naman ako sa kanya kaya dapat na hindi na ako kabahan.

Bumuntung-hininga ako nang ilang beses para huminahon nang kaunti ang aking puso.
Saglit akong napapikit at nag-usal nang munting dasal. Narinig ko ang mahina at
nakakakiliting tawa ni Nikolai. Naramdaman ko na lang ang masuyo niyang paghalik sa
dulo ng mga labi ko.

"You'll be all right."

Nang dumilat ako at tumingin sa kanya, nakita ko ang nakangiti niyang mukha.
Dinikit pa sa noo ko ang noo niya at kiniskis ang ilong sa ilong ko bago bumaba ng
sasakyan. Nang tumingin ako sa labas ng bintana nakita ko agad ang pangalan

ng isa sa mga five-star hotels ng Makati. Bago pa ako makahuma, binuksan na niya
ang pintuan sa gilid ko. I reluctantly got off. Inalalayan niya ako sa pagbaba.

Halata siguro ang nerbiyos ko dahil hinapit niya ako sa kanyang katawan, inakbayan
at hinawakan pa ang isang palad. Saka lang niya ako binitawan nang nasa harap na
kami ng kanyang mga magulang. Pinakilala niya ako sa kanila sa Ingles. Sumagot ang
kanyang ama sa Norwegian, parang may tinanong. Sinundan iyon ng kanyang ina. Hindi
ko na alam kung ano ang mga sinabi niya sa mga magulang, pero pagkatapos ng parang
paliwanag niya ay masuyo niya akong hinagkan sa noo at dinala pa ang isang palad ko
sa kanyang mga labi..

Ngumiti sa akin at nakipagkamay ang mommy niya. Ginaya rin ito ng kanyang ama.

"Please have a seat," paanayaya pa ng huli at minuwestra ang upuan sa harap nilang
mag-asawa. Inakbayan ako ni Nikolai at inalalayan sa pag-upo. Nang makaupo na kami
may sinabi ang ama niya sa kanya at mukhang nag-diskusyon silang dalawa. Wala akong
kaide-ideya kung ano'ng pinag-usapan nila, pero kung ano man iyon pakiramdam ko
hindi maganda dahil nakita ko ang paggapang ng pula sa leeg niya hanggang sa
kanyang pisngi. Gumalaw-galaw ang kanyang Adam's apple na parang nagpipigil ng
damdamin. May sinabi sa kanilang mag-ama ang mom niya. Mukha yatang pinagalitan
silang dalawa. Natahimik si Nikolai. Binalingan ako nito at sinalinan ng red wine
ang kopita ko. Humingi rin ito ng dispensa sa pagsasalita sa lenggwahe nila.

"It's okay. I understand. It's your language," kimi kong sagot.

Nag-toast kaming apat at nagkuwentuhan na.

Nagtanong-tanong ang mga magulang niya sa akin tungkol sa pamilya ko. Kahit papaano
ay napalagay ang aking kalooban. Pero napansin ko na paminsan-minsan ay
nagtitinginan ang mag-asawa at may sinasabi sa lenggwahe nila. Kahit na banayad ang
mga boses at wala namang reaksiyon buhat kay Nikolai may pakiramdam ako na may
sinabi sila tungkol sa akin na hindi maganda. Ewan ko ba. Gut-feeling ko lang iyon.

Nang matapos ang dinner naming apat, nakahinga ako nang maluwag. Parang gusto ko
nang tumakbo palabas ng restaurant ng hotel. Nagpigil lang ako.

"You did very well," nakangiting sabi agad ni Nikolai sa akin nang naglalakad na
kami papunta sa parking lot. "You see, my parents were friendly, right?"

Tango lang ang sagot ko. Hindi ko na lang sinabi ang mga naramdaman ko habang
kumakain kami at nagkukuwentuhan. Ayaw kong magkaroon ng lamat ang relasyon namin
dahil sa mga gut-feeling ko na hindi naman ako sigurado kung may basehan o wala.

Hindi gaya ng dati, hinatid na niya ako agad sa amin mula sa hotel. Babalikan pa
raw kasi niya ang parents at susulitin ang bonding time nila dahil isang linggo
lang ang mga ito sa Pilipinas.

Pagdating namin sa bahay, tuwang-tuwa ang nanay ko. Akala niya mananatili pa sa
amin si Nikolai. Napsimangot ito nang biglang nagpaalam sa kanila ang boyfriend ko.

"Sorry Nanay. Next time na lang?" paglalambing niya kay Inay na ikinatuwa naman ng
huli lalo pa't nag-try mag-Taglish sa kanya ang mokong. Hinampas-hampas pa niya ito
sa balikat at kinurot sa pisngi.

"Nay huwag pong masyadong OA," paalala ko sa mahinang boses. Hindi ako pinansin.
Siya pa ngayon ang nakaabrasiyete

kay Nikolai habang hinahatid namin ito sa tarangkahan.

"Ang bait talaga ng boyfriend mo," komento pa niya nang pabalik na kami ng bahay.
"Kapag niyaya kang pakasal, huwag ka nang tumanggi."

Napahinto ako sa paglalakad. Ewan ko ba, bigla na lang akong nakaramdam ng awa kay
Nanay. I also felt guilty.

**********

Papasok na sana ako sa copy room nang makita ko sina Engineer Knudsen at Ysay.
Parang may pinag-uusapang importante. Umiiyak ba ang kaibigan namin? Hindi na ako
naniniwala na walang ugnayan ang dalawa. Kakaiba kung aluin siya ni Engineer
Knudsen. Hindi lang iyon basta pang-aalo ng isang taong natuwa dahil marunong
magsalita ng lenggwahe nila ang isang hindi kalahi. Parang mas higit pa roon ang
namamagitan sa kanilang dalawa.

Nang pumihit si Ysay para abutin ang isang dokumento na ipo-photocopy, maingat kong
isinara ang pintuan. Saka ko na lang gagawin ang inuutos sa akin ni Engineer
Sandoval.

Napa-double take ako nang madaanan sa table niyang sumisinghot si Zyra.

"Ano'ng nangyayari sa iyo?"

"Si Lukas kasi, e."

Hindi ako natuloy sa sarili kong desk. Umupo ako sa harapan ng mesa niya at
pinagpaliwanag siya kung ano ang nangyari.

"May dumating na babaeng Norwegian. Nakita siya ni Meg na sinamahan pa ng buwisit


na Lukas na iyon na i-tour sa construction site. Hindi man lang siya nagsabi sa
akin tunkol do'n Nang sinita ko, saka lang niya sinabi na pinsan daw niya ang
bruhang iyon."

Nakahinga ako nang malalim. Akala ko na kasi kung ano.

"O, ano'ng problema doon?" sabi ko pa.


"Hindi mo ba naiisip ang naiisip ko? Malay ko ba naman kung

asawa niya iyon! Kung talagang pinsan niya lang iyong babae bakit hindi niya
pinakilala sa akin? Iisa lang ang ibig sabihin no'n Leigh," at humagulgol na siya
sa balikat ko. "Hindi seryoso sa akin si Lukas! O di kaya, may asawa siya o nobya
sa kanila na hindi ko alam."

Iyon din ang naisip ko, pero ayaw ko lang siyang pakabahin.

"Ano ka ba? Napaka-advance mong mag-isip!" Kunwari'y pinagalitan ko pa siya.

Natigil lang kami sa pagdidiskusyon nang bumalik sa mesa niya si Ysay. Namumula rin
ang mga mata nito. Kabuntot niya si Engineer Knudsen. Sumulyap pa muna ang huli sa
kaibigan namin bago siya pumasok sa loob ng conference room.

Hay, ano ba naman itong nangyayari sa dalawa kong kaibigan?

"Leigh!"

Napapiksi ako nang marinig ang pangalan ko. Si Evil Twin.

"Nasa sa iyo raw ang memo na pinadala ng glass supplier natin? Nasa'n na?"

"Ay, sorry po, Architect Ramirez. Ipapa-photocopy ko pa lang po. Marami kasing
gumamit ng copy machine kanina, e."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo na ako sa copy room. Patapos na ako
nang sumilip si Meg.

"Ideretso mo na raw iyan sa conference room, Leigh, sabi ni Architect."

"Okay, Meg. Thanks."

Tumakbo uli ako. Muntik na kaming magkabanggaan ni Lukas. Napangiti siya sa akin.
Kiming ngiti naman ang sagot ko.

Pagpasok ko sa loob, sinasabon na naman ni Evil Twin si Ysay. Ano na naman ba ang
nangyari?

Inabot ko muna kay Meg ang memo at ang copies nito bago ko sinipat ang kabuuan ng
silid. Nasaan kaya ang Nikolai na iyon? Ba't wala siya? Mukhang siya lang ang wala
sa grupo ng mga Norwegian

engineers.

Bago ako lumabas, dinaanan ko muna si Ysay na kasalukuyang nagbu-brew ng coffee


para sa mga dumalo sa meeting.

"Mukhang mainit na naman ang ulo sa iyo ng babaeng iyon, a," at tinuro ko ng nguso
ang kinaroroonan ng bruha.

"Natapunan ko ng kape."

"Na naman?" sagot ko, pigil ang pagtawa. Napangiti si Ysay.

"Hindi ko iyon sinadya, ha?" anas niya sa akin. "Ang arte-arte kasi, e. Bigla
niyang inatras ang upuan nang dumaan ako para magbigay ng kape kay Engineer
Sandoval. Hayun, tumapon sa dibdib niya ang mainit-init na kape."
"Sana binuhusan mo na sa ulo." Napahagikhik na ako.

Napangiti si Ysay.

"Pero feeling ko nagpasalamat din siya sa loob-loob niya," pabulong na sagot niya
sa akin. Lumingon pa muna siya para siguraduhing kami lang ang nandoon sa likuran.
"Kasi kaagad na tumayo si Engineer Sandoval at pinunasan ng panyo ang kapeng
natapon sa bandang dibdib niya. Siyempre, may nasagi. Nagkahiyaan pa nga sila.
Siguro nabigla lang din yong isa kaya nagawa iyon. But then I saw how her eyes
sparkled."

"Haliparot."

"Sino Leigh?"

Nagulat kami ni Ysay. Nasa likuran na namin si Meg, dala-dala ang tray na puno ng
used cups.

"Wala. Biruan lang naming dalawa. Call name namin," pagsisinungaling ko at


nagpaalam na agad sa kanila.

Papalabas na ako nang dumating ang kanina ko pa hinahanap. Kapwa kami natigilan sa
harap ng pintuan. Siya ang unang nakabawi. Ngumiti siya sa akin nang ubod tamis at
masuyo niya akong hinalikan sa noo.

"I'll wait for you at the parking lot later, babe. Is 6 PM all right?"

Bahagyang nang-init

ang mukha ko nang marinig ang pagtawag niya sa akin ng 'babe'. Gusto kong tumili sa
kilig. Pero mamaya na. Tinaasan na ako ng kilay ng taga-HR na may crush sa kanya.
Panira ng moment.

"Yeah," kaswal kong sagot.

Pinisil niya ang baba ko bago dumeretso sa loob.

**********

Parang may ball of chain sa mga paa ko nang malamang makakasama na naman namin sa
dinner ang mga magulang niya. Mas okay pa nga sana na hindi muna kami magkita kung
parati na lang ay makakasalamuha ko ang mga iyon. Hindi naman sa nagma-maldita ako.
Hindi ko lang gusto iyong nagdidiskusyon sila sa kanilang lenggwahe habang
nakatanga ako doon na parang engot. Kahit sabihin sa akin ni Nikolai na wala iyong
kahulugan, na his parents were merely chitchatting their usual way, nakakaasiwa pa
rin.

"Nikolai told us that your dad is sick. Did you have him checked by a specialist?"
tanong kaagad sa akin ng lalaki nang makaupo na kami pareho ni Nikolai.

Napasulyap muna ako sa boyfriend ko bago sumagot ng, "Yes."

"My dad is a doctor so he is very particular about things like that,"


pagpapaliwanag lang ni Nikolai sa akin.

"He had a bypass surgery last year so he is just recovering. His doctor assured us
that in due time, he will be a lot better. But for now, he needs his wheel chair."

Nagtanong ang babae kung mayroong national health insurance din sa Pilipinas na
tulad ng sa Norway. Nang sinabi kong wala at sarili naming gastos lahat ng
pagpapagamot kay Tatay, namangha siya. Parang nagtaka kung paano namin natustusan
ang medical needs ng ama namin. Napilitan tuloy akong magpaliwanag na nagtatrabaho
bilang

nurse sa Canada ang ate ko. Napatangu-tango ito. At hindi na sila nagtanong pa.

Iniba agad ni Nikolai ang usapan. Nagkuwento ito ng nakakatawang pangyayari sa


construction site nang araw na iyon. Tawa naman nang tawa ang mga magulang niya.
Pangiti-ngiti lang ako. Pero habang busy ako sa pagnguya ng steak tenderloin,
napansin kong wala ni isa sa kanila ang nagsalita ng kahit isang katagang
Norwegian. Parang nahiya tuloy ako. Marahil napagsabihan sila ni Nikolai tungkol
doon.

Pagkatapos naming mag-dinner, minungkahi ni Nikolai na mamasyal muna kami. Pumayag


naman ako dahil wala pang alas dies. Nag-karaoke kaming dalawa.

"Boyfriend mo, Ma'am? Ang guwapo, a," komento ng isang waitress nang hinatid niya
sa silid namin ang inorder naming drinks. "Hindi pa manginginom."

"Magda-drive pa kasi siya later."

Lalong na-impress ang waitress. Bihira lang daw kasi sa lalaking Pinoy ang ganyan
ka responsable. Na kung magda-drive ay hindi talaga iinom.

"Nakapag-wine na kasi kami kanina," paliwanag ko naman.

"Ah. Kaya pala. Have fun, sir, ma'am."

Pinakanta ako ni Nikolai ng isang Filipino lovesong. Pumili naman ako ng mga lumang
kanta ni Sharon Cuneta at bumanat na nga sa kabibirit. Ang lakas ng palakpak niya
nang matapos ako. Humilig pa sa balikat ko at niyakap-yakap ako.

Binobola yata ako ng mokong na ito o gusto lang maka-tsansing?

Kumanta naman siya ng old English love song. Ang galing niya talaga. Taliwas sa
impresyon ko sa mga puti. Nahiya tuloy ako sa boses ko. Nang matapos siya,
pumalakpak din ako nang malakas.

Nag-inarte siya.

Napagod daw. Sumubsob sa dibdib ko at yumakap. Hinagud-hagod ko naman ang kanyang


likuran, pero nang maramdaman kong humahalik na siya sa bandang dibdib ko, tinulak
ko na siya. Nakita ko siyang parang nasaktan.

"What's wrong? I'm your boyfriend."

Nabahala ako. Shit, baka nagtampo ang lolo.

Nang tahimik siyang nagpasok ng kanta sa karaoke machine, na-guilty naman ako.
Nagpaliwanag ako kung bakit ko ginawa iyon. Tumangu-tango naman siya at bumanat na
ng isang kanta.

Na-guilty ako na hindi maintindihan. Ayaw ko siyang magtampo sa akin. Umisod ako at
humilig sa balikat niya.

"I was just not - I mean," simula ko, pero hindi ko rin mabuo ang paliwanag. Parang
nahiya naman akong sabihin sa kanya na sa kultura ko, hindi maganda iyong pag-
aanuhan na hindi pa kasal. Kasi naman hindi na iyon sinusunod ng karamihan. Isa na
do'n si Zyra.

Binalingan niya ako at binigyan ng light kiss sa labi.

"Don't worry, I'm not mad."

Para patunayan sa akin, kumanta na siya ng isang Bon Jovi song at sumayaw-sayaw pa
na parang timang sa harapan ko. Tawa ako nang tawa. Pagkatapos ng tatlong sunud-
sunod na kanta, napayakap na naman siya sa akin na kunwari'y nanlalata. Yumakap
naman ako sa kanya at hinalikan ko pa ang buhok niya. Naramdaman ko na lang ang
mumunti niyang halik sa aking leeg. Nang dumating sa mga labi ko ang kanyang mga
labi, kapwa na kami darang na darang. Napaka-passionate ng pinagsaluhan naming
halik. Parang kulang na lang ay lunukin niya ang dila ko. May kasama na iyong
paghipo sa dibdib. Sa una ko lang siya pinigilan. Sa bandang huli, nawalan na ako
ng lakas para pigilan siya, kahit nang naramdaman ko ang pagbaba ng blusa ko't bra.
Nang sumubsob siya sa dibdib ko na parang isang sanggol na sabik na sabik sa
kalinga ng ina, napaungol pa ako. Pero nang hipuin na niya ang sugpungan ng mga
hita ko, bigla akong pinanlamigan. No'n lang ako parang natauhan. Naitulak ko siya
nang bahagya. Namumungay ang mga matang napatingin siya sa akin. He looked
disappointed. Yumuko ako at inayos ang sarili. Lumayo naman siya nang tuluyan.

"Let's go?" yaya niya at tumayo na.

Nakita ko ang pamumukol ng kanyang pangharap. Nag-init agad ang mukha ko, pero
sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya. Dinampot niya ang mga ginamit naming
mikropono, nilagay sa basket at nauna nang lumabas. Pagdating ko sa counter, tapos
na siyang magbayad. Wala kaming kibuan hanggang sa maihatid niya ako sa amin.

=================

CHAPTER TEN

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Nikolai. Alam kong nagalit siya sa
akin, pero ano naman ang inaasahan niya? Gagawin naming iyon doon? Sinuwerte siya!
Pero sa isang banda, nag-aalala ako. Paano na lang kung maghanap siya ng iba? Ang
dami pa namang nagkakandarapa sa kanya.

"Leigh, okay ka lang?"

Kaagad akong nagpahid ng mukha. Ganunpaman, napansin na yata ni Ysay na umiyak ako.
Hndi naman siya nagkomento tungkol do'n. Basta lang ako inakbayan at pinisil ang
balikat bago siya nagtungo sa bakanteng cubicle.

"Ang hirap pala nila espelengin, 'no?" tanong ko na lang bigla.

"Gano'n talaga. Iba'ng lahi nila, e. Iba rin ang nakagisnang kultura," sagot naman
agad nito sa loob. Kahit hindi ko pinaliwanag, nahulaan niya ang ibig kong sabihin.

"Alam ko - parehas tayo ng sitwasyon. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong may
namumuong espesyal sa pagitan n'yo ni Engineer Knudsen."

Hindi siya sumagot. Pagbukas niya ng cubicle, dere-deretso siya sa lababo at


naghugas ng kamay. Nagtama ang paningin namin sa salamin.

"Mag-ingat ka. Just protect youself," makahulugang sabi nito sa akin bago lumabas
ng CR.

Tsinek ko uli ang cell phone kung may text na siya sa akin. Napabuntong-hininga ako
nang makitang wala akong unread messages. Bumalik akong malungkot sa work station
ko.

"Leigh, pinapatawag ka ni Engineer Sandoval," salubong kaagad sa akin ni Zyra. Busy


ito sa kaka-collate ng mga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Bakit daw?"

"Hindi naman nagsabi."

Pinasok ko lang ang kikay kit ko sa drawer at pinuntahan na si Engineer Sandoval sa


upisina

niya. May kausap ito sa telepono, pero sinenyasan na akong pumasok. Pagkababa niya
ng awditibo, may inabot ito sa aking folder.

"I hope you're not doing something urgent," sabi nito agad. "Gusto ko sanang ihatid
mo ito ngayon din kay Engineer Knudsen. He needs those designs ASAP."

Saglit akong natigilan dahil kadalasan si Ysay ang pinapagawa no'n ni Boss Dave.
Nahulaan siguro ni Engineer Sandoval ang katanungang naglalaro sa isipan ko kaya
nagpaliwanag na ito.

"Si Miss Vergara nga sana ang pakikisuyuan ko kaso nga lang may inutos naman si
Rona sa kanya."

May dinukot ito sa bulsa at inabot sa akin. Five hundred pesos.

"Ay, huwag na po, Engineer. May petty cash naman tayo for transportation expenses."

Ngumiti siya sabay sabi ng, "Okay lang. Pangmeryenda. Isali mo na rin diyan ang
dalawa mong kaibigan."

Napangiti ako. Si Engineer talaga, oo. Ba't hindi na lang manligaw nang hantaran
kay Ysay? Ang dami pang pasakalye.

Hindi naman ako nag-commute papunta sa construction site dahil pinahatid ako ni
Boss kay Mang Roman. Inulan na naman ako ng tukso ng matandang pakialamero.

"Regards mo na lang ako kay Pogi, Leigh," biro pa sa akin nang pababa na ako ng
kotse para pumunta kina Engineer Knudsen. Naispatan ko agad si Nikolai sa hindi
kalayuan. May kausap itong mga manggagawang Pinoy. Nakatalikod siya sa amin.

"Kayo na lang kaya ang magsabi. Hayun siya, o," sagot ko sabay turo sa kumag.
Nagulat ako nang tinotoo nga ni Mang Roman ang sinabi ko.

"Pogi!" sigaw nito. Napalingon naman agad si Nikolai at nang makita kami'y kumaway
din. Sumenyas

ito sa kausap at lumapit na sa amin.

"Napakaeskandaloso n'yo talaga, Mang Roman. Nakakainis kayo," sabi ko sa matanda.


"Sus, kunwari pa ito."

Tinirik ko lang ang mga mata at naglakad na papunta sa tent ni Engineer Knudsen.
Nilampasan ko si Nikolai. Tumigil ito saglit nang halos magkaharap na kami, parang
nag-aalangan kung babati o hindi. Inunahan ko na nang malamig na kaway. Kumaway
naman ng pagbati.

Pabalik na ako sa kotse nang may mamataan akong pamilyar na bulto na


nakikipaghuntahan sa foreman malapit sa isa pang tent. Nangunot ang noo ko nang
mapagsino ang babae. Ano'ng ginagawa ng Mina na iyan dito? Mayamaya pa, nakita ko
rin si Nikolai na lumapit sa kanila at mukhang nakipaghuntahan din. Nanggigil
kaagad ako. Natukso akong lapitan sila at sitahin ang bruha. Pero ano naman ang
sasabihin ko?

Bumalik ako sa upisinang nagngingitngit. Nagtaka sina Zyra at Ysay nang may dabog
ang bawat galaw ko.

"Ano'ng nangyari?" tanong agad nila.

"Wala. Ang init lang sa labas. Nakakainit din ng ulo," sagot ko sabay salampak sa
sariling upuan. Hindi na ako nagsayang ng oras. Binuksan ko agad ang PC at
sinimulan na ang letter para sa isang supplier na pinapasulat ni Evil Twin.

Nahagip ng tingin kong nagpalitan ng tingin ang dalawa, pero I was too angry to
care. Sinasabunutan ko pa kasi at nilalampaso sa isipan si Mina.

Dahil masama ang loob, madali akong nahatak ni Zyra na dumaan muna sa isang
restobar bago umuwi nang hapong iyon. Hindi na sumama sa amin si Ysay.

Kakarating lang ng order namin nang may mamataang pamilyar sa amin si Zyra.
Inginuso

niya ito sa akin. Si Mina na naman. Lalo akong nainis. Ang inis ko ay naging galit
nang makitang lumapit sa table nila ang lalaking ilang gabi nang nagpagulo sa
isipan ko. Awtomatiko ang pagtulo ng mga luha sa aking pisngi.

"Oy," masuyong sabi ni Zyra. Lumipat ito ng upuan at tumabi sa akin. Inakbayan niya
ako at pinisil-pisil ang balikat. "Ano ka ba? Huwag ka ngang ganyan."

"He wants an easy lay," reklamo ko habang sumisinghot.

"Then, he doesn't deserve you. Hayaan mo na ang lalaking iyan kung gusto ng
mabilisan. They deserve each other."

Lalo akong napaiyak. Nataranta si Zyra.

"May nasabi ba akong masama? Leigh! Leigh naman, e."

Dali-dali akong nagpahid ng luha nang makitang may lumalapit sa aming foreigner.
Nang ilang metro na lang ang layo, napasigaw si Zyra sa tuwa.

"Lukas!"

Tumayo ito at sinalubong ang bagong dating.

"Am I interrupting your girl talk?" nakangiti nitong tanong sa amin. Pinilit kong
ngumiti sa kanya habang umiiling.

Hinatak nito saglit si Zyra para makalayo sila nang kaunti sa akin. May sinabi ito
kaya mayamaya'y nagpaalam na ang kaibigan ko na pupunta lang daw saglit sa table
nila Lukas dahil may ipapakilala itong kaibigan. Kahit ayaw ko dahil naiwan akong
mag-isa do'n na parang tanga at walang lovelife, hindi ko rin napigil si Zyra dahil
mukha itong excited.

Pag-alis nilang dalawa, dinalawang lagok ko lang ang 12-ounce na San Mig Light.
Pagbaba ko ng halos walang-lamang bote, saka naman may lumapit na lalaki. Nang
tingalain ko ito, gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko. Si Nikolai.

"Hi," medyo nahihiya nitong

bati. "Can I join you?"

Bago pa ako makasagot, umupo na siya sa puwesto ni Zyra. Siya na rin ang uminom ng
beer ng kaibigan ko.

"About what happened - I'd like to apologize. I'm sorry."

Hindi ako nakasagot dahil gulat na gulat pa rin ako sa paglapit niya. Napasulyap
ako sa mesang pinanggalingan niya at nagtama ang paningin namin ni Mina. Umirap ito
sa akin sabay tungga ng hawak-hawak na red wine. Kahit papaano, I felt good. Umalis
do'n si Nikolai to be with me.

Lalo tuloy akong ginanahan uminom. Sinenyasan ko ang waiter na dalhan pa kami ng
tig-isang San Mig Light.

"I didn't contact you for the past week not because I was mad at you," patuloy pa
ni Nikolai. "I was just embarrassed at how I acted after you - you declined. I hope
you're not angry at me for what I did."

Umiling ako. Hindi na ako galit. Tama nang hiningi niya iyon ng paumanhin.

"Are you sure?" tanong pa niya. May kislap na ng tuwa ang mga mata.

"I'm pretty sure," sagot ko naman at dahan-dahan nang ngumiti.

Nakalimutan ko na si Zyra kahit hindi na ito bumalik sa table namin. Nag-enjoy na


ako sa pakikipagkuwentuhan kay Nikolai. Kakaibang saya ang naramdaman ko nang mga
sandaling iyon dahil napag-alaman kong siya rin ay hindi nakatulog nang kung ilang
gabi sa kaiisip sa akin. Ang sarap pala ng feeling kapag alam mong reciprocated ang
feeling mo.

Nag-order pa ako uli ng San Mig Light.

"Hey, that's too much. You've had enough," saway niya sa akin.

"It's okay. It's Friday night, anyway," malambing kong sagot. May kasama na iyong
maharot na ngiti. Nakita ko siyang napailing-iling habang

nakangiti rin sa akin. Hindi na nga ako inawat. Pero nang umorder pa ako pagkatapos
kong maubos ang panglima kong bote ay pinigilan na niya ako. Pinaalis na rin nito
ang waiter sa table namin.

"You seemed drunk, Leigh. That's enough," sabi niya sa akin. Hindi na siya
nakangiti.

"Ano ka ba? I only had four. I can take four more," sagot ko naman at tumawa. Teka,
ako ba ang malanding babaeng iyon? Pinilig-pilig ko ang ulo.
"You already had five and I think you're already drunk."

"Don't you like drunk women?" nakangisi kong tanong sa kanya.

"You're crazy," sagot niya sa akin at tumawa pa nang mahina.

One moment I was talking to him and then I felt a sudden drowsiness. Ang huli kong
narinig ay ang pagtawag niya sa akin ng, "Leigh! Oh no!"

**********

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Mapusyaw na kulay asul na dingding ang
bumati sa akin nang umagang iyon. Napabangon ako agad. Shit! Nasa'n ako? Naalala ko
agad si Zyra. Gusto ko sana siyang tawagan, pero hindi ko mahagilap ang bag ko.
Nang silipin ko ang hitsura sa loob ng kumot, napahumindig ako. Naka-t-shirt ako ng
kulay puti. Hindi naman ito ang suot ko kagabi, a. Dinama ko ang katawan at
nakahinga ako nang maluwag nang maramdamang may suut-suot pa rin naman akong
undies.

Babangon na sana ako para hanapin kung nasa'n ang mga gamit ko nang may biglang
bumukas na pintuan sa loob ng silid. Niluwa no'n ang bagong paligong si Nikolai.
Siya ba ang nagpalit sa akin kagabi? Shit! Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

"Good morning," nakangiti niyang bati sa akin. "How do

you feel now?"

"My head is still heavy," sagot ko.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Paano ko ba naman siya matitigan? Tanging


kapiranggot na tuwalya lang ang bumabalot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
Wala na siyang iba pang saplot.

"Do you want to freshen up? Maybe you'll feel better."

Tumango ako. May inabot siya sa aking tuwalya at tinuro niya ang banyo. Nag-atubili
akong umalis sa ilalim ng kumot dahil bahagya namang umabot sa tuhod ang t-shirt na
pinahiram niya sa akin. Nahulaan siguro ang pinoproblema ko, tumalikod siya at
pabirong sinabing pwede na akong tumakbo sa banyo. Which was what I did.

Sinalat-salat ko ang maseselang bahagi ng aking katawan sa pag-aakalang baka may


ginawa siya sa akin, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba. Pinalis ko iyon
sa isipan at pinagpatuloy ang pagkuskos ng katawan.

Pagkapaligo, pinatuyo ko na ang buhok gamit ang hair dryer na nakasabit sa dingding
sa gilid ng kanyang lababo. Lalabas na sana ako nang maalala na wala akong anumang
suot liban sa tuwalya. Paano na?

Pagsilip ko sa kuwarto, nakita ko siyang hindi pa rin nakabihis. May kausap ito sa
telepono at mukhang nagtatalo sila. O baka gano'n lang talaga ang lenggwahe nila?
Naramdaman siguro niya ang presensya ko dahil lumingon siya sa akin. Kaagad siyang
nagpaalam sa kausap at binaba ang telepono. May dinampot siyang puting t-shirt sa
ibabaw ng kama at sinabing iyon na raw muna ang isusuot ko.

"Where's my clothes?" tanong ko. Lumapit na rin ako sa kanya habang hawak-hawak ang
pinagbuhulan ng tuwalya. I was careful not to look at his face. Hindi

ko pa kaya. May pakiramdam kasi akong nagkalat ako kagabi.


"In the washing machine."

"What?!" Hindi ko rin natiis. Napatingin ako sa mukha niya. Nakita ko ang pagsilay
ng ngiti sa kanyang mga labi.

"You threw up last night. It was drenched in puke."

Napaungol ako nang ma-imagine ang hitsura ko habang nagsusuka sa harapan niya.
Shit! Nakakahiya!

"Don't worry. It happens."

Nang tingnan ko uli ang puting t-shirt na siyang isusuot ko muna, nangunot na naman
ang noo ko. Mayroon nga akong damit, wala naman akong undies.

"Sorry, I can't let you borrow my boxers. I think they're huge for you," at tumawa
siya nang bahagya.

Pinamulahan ako. Lalo akong namula nang walang-anu-ano'y nagsuot ito ng boxer
briefs sa harap ko.

"Nikolai!" asik ko sa kanya.

Tumawa lang ang loko. Dali-dali naman akong bumalik ng banyo dala-dala ang puting
t-shirt. Isusuot ko na sana ito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok siya nang
walang pasabi. Lumapit ito sa akin at tinukod ang isang kamay sa dingding na nasa
gilid ng ulo ko. Para akong hiningal. May nagsabi sa aking tinig na dapat na akong
tumakbo palabas ng banyo, pero hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa. Parang may
kung anong magnetong humigop sa akin nang titigan niya ako. Nang bumaba ang mukha
niya para gawaran ako ng halik, napapikit ako. Matagal na naghinang ang mga labi
namin bago ko naramdaman ang mga kamay niyang pumipisil-pisil sa aking pang-upo.
Gusto ko sana siyang sawayin, pero may kung anong mamasa-masang bumulwak sa pagitan
ng hita ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kati lalung lalo na nang idiin niya rito
ang

naghuhimindig niyang pangharap na tila nagwawala sa loob ng puti niyang boxer


briefs. Nang pangkuin niya ako para dalhin sa kuwarto, hindi na ako
nakapagprotesta. Napakapit pa ako sa batok niya. Pagkahiga sa kama, hindi na siya
nag-aksaya pa ng panahon. Dumako kaagad ang kamay niya sa sugpungan ng mga hita ko.
Namilipit ako. Gamit ang mga tuhod, pinaghiwalay niya ang mga binti ko at pinasok
ang daliri doon. Impit akong napaungol. Kaagad niyang binaklas ang tuwalyang
nakabalot sa katawan ko at bumaba ang mukha niya doon. Gulat na gulat ako. Bago pa
ako makapagprotesta ay nasa pagitan na siya ng hita ko at hindi lang ako basta
inaamoy-amoy. Naramdaman ko na rin ang dila niya roon. Hindi ko siya kayang
pigilan. Napahawak ako sa buhok niya at bahagya kong tinaas ang kanyang ulo. Umalis
nga siya roon, pero pinaulanan niya ng halik ang mga hita ko. Napaungol na naman
ako. Gumapang siya pataas habang naghuhubad ng boxer briefs. Halos lumuwa ang mga
mata ko nang makita kung gaano siya kalaki at kahanda. May namutawing pilyong ngiti
sa kanyang mga labi nang magtama ang paningin namin. Pinahawak niya ang ano niya sa
akin habang hinahaplos-haplos niya ang pisngi ko. May narinig na naman akong
munting boses sa isipan na nagsasabing, "Huwag, Leigh!" Pero kasabay no'n ay nakita
ko ang nagbubunying ekspresyon sa mukha ni Mina. Hindi. Hindi ako makakapayag na
maagaw ni Mina ang lalaking ito sa akin!

Sa una lang ako nag-atubili. Nang ipagduldulan na naman niya iyon sa akin, pikit-
matang inamoy-amoy ko iyon at sinubukan na ring dila-dilaan. Narinig ko siyang
napasinghap. Lalo iyong naghumindig sa pagkakahawak ko at bigla na lang may lumabas
do'n na parang tubig. Napaungol siya at pinahiga niya ako sa kama. Pumuwesto siya
sa pagitan ng mga hita ko at dahan-dahan kaming pinag-isa. Napasigaw ako sa sakit
nang maramdaman ang kalahati ng ano niya sa loob kung kaya napahinto muna siya.

"I'm sorry. This will be painful, but I can't help it. I'll try to be gentle."

Pagkasabi no'n, tinuluy-tuloy na niya iyon sa loob. Tama nga siya. Sobrang sakit,
pero sa una lang iyon. Nang lumaon ay kakaibang ligaya naman ang dulot no'n. Hindi
ko sukat-akalaing maging gano'n ako kaingay, pero ilang beses akong napaungol.
Gano'n din siya. Nang humupa na ang aming mga damdamin, masuyo niya akong hinalikan
sa labi bago gumulong sa tabi ko.

"That was pretty awesome. I love you."

No'n lang nag-sink in ang ginawa namin at bigla akong nakaramdaman ng takot.

=================

CHAPTER ELEVEN

Ang mainit na tagpo sa condo ni Nikolai ay nasundan pa nang kung ilang beses.
Regular na naming ginagawa iyon kada Biernes, pagkatapos ng trabaho. Ang lagi kong
alibi sa bahay ay mayroon kaming pinagkakaabalahan ni Zyra na utos ng mga bosing
namin sa kompanya. Hindi naman nagduda sina Nanay dahil sa tuwing tatawagan nito
ang kaibigan ko ay handa naman itong magsinungaling para sa akin. Kaso nga lang
isang araw ay nakasalubong ito ng kuya ko sa isang mall malapit sa amin kung kailan
naman ang sabi ko'y may out of town project kami. Ganunpaman, pinanindigan ko ang
kasinungalingan. Sinabi ko na lang sa kanila na nauna kami ni Ysay sa Batangas at
sumunod lang si Zyra.

"Shit, friend! Palagay ko nagduda na ang kuya mo sa atin," sabi agad nito nang
magkita kami nang Lunes na iyon.

"Ikaw kasi, e! Nakakainis ka," sagot ko naman habang naghuhugas ng pinagmiryendahan


sa mini-kitchen ng upisina.

"Ba't hindi ka na lang magtapat sa mga magulang mo? Mukha namang inlababo din sa
iyo si Fafa Nikolai. Wala naman kayong problema dahil mahal nga siya kamo ng Nanay
mo."

Napabuntong-hininga ako. Nangunot naman ang noo ni Zyra,

"May problema ba?" tanong nito agad.

"Wala," maagap kong sagot at ngumiti. "Nahihiya lang kasi akong umamin."

"Asus! Ginawa-gawa n'yo tapos mahihiya ka pa?"

"Bakit, ikaw ba nagtapat na sa inyo sa pinaggagawa n'yo ni Lukas?"

Napangiti siya nang pilya.

"Siyempre, hindi. Pero may kutob na sina Ate. Pinaparinggan na nga ako."

"Iyon naman pala, e. Baka hindi nila tayo maintindihan. Tsaka knowing Nanay, baka
siya pa ang pumikot kay Nikolai. Nakakahiya."

Nagtawanan
kami pareho. No'n naman pumasok si Ysay na mukhang pasan ang daigdig. Dumeretso
lang ito sa refrigerator para kumuha ng nilagay do'ng meryenda. Dinala niya ang
supot ng spaghetti sa mesa at tahimik na kumain.

"O, ano na naman ang problema?" tanong namin agad.

"W-Wala," sagot naman niya sabay iling.

Mang-uusisa pa sana si Zyra nang sumilip si Meg at tinawag siya. Mabilis itong
nagpaalam sa amin. Ako nama'y kumuha na ng upuan at hinarap si Ysay.

"Tungkol ba kay T-Trond?" Naki-first name basis na rin ako. Nahawa sa kanya.

Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Kahit hindi siya umamin, nabatid kong may
kinalaman nga kay Engineer Knudsen ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi na ako
nang-usisa pa. Lumapit ako sa kanya at pinahilig ko siya sa balikat ko. Umiyak na
siya nang tuluyan. Tumigil lang siya nang may marinig kaming mga kasamahan na
pumasok na rin doon. Dali-dali niyang inubos ang meryenda at hinugasan ang plato sa
lababo. Sabay na kaming lumabas. Nakasalubong namin ang taga-HR na may crush kay
Nikolai. As usual, inismiran niya ako. Dinedma ko naman siya. Sa loob-loob ko'y
nagbunyi ang aking kalooban. Makontento ka na lang sa pangarap dahil I'm living
your dream!

Hindi na naman nakasabay sa pag-uwi si Ysay nang hapong iyon. May tinambak sa
kanyang trabaho si Evil Twin. Nagpaiwan sana kami ni Zyra para tulungan siya, pero
pinandilatan kami ng demonya. Wala kaming nagawa kundi mauna na nga.

"Pakiramdam ko, may gusto nga si Evil Twin kay Engineer Knudsen kaya
pinagdidiskitahan si Ysay dahil mukhang sa friendship natin nagkakagusto ang Adonis
na iyon."

"Ano'ng

mukha lang? Hindi mo ba nakikita kung paano sila magtitigan? Kahit hindi sabihin ni
Ysay sa atin, I have a gut-feeling na mayroon silang malalim na pinagsamahan.
Manigas na lang sa inggit si Rona demonyita," sagot ko naman.

Naghagikhikan kaming dalawa. Natigil lang kami sa kakaharutan nang nakita naming
paparating si Meg. Pumormal kaming dalawa at kumaway sa kanya. Tumango lang ito sa
amin at tumakbo na sa naghihintay na kotse sa parking lot.

"May sumusundo kay Meg?!" halos sabay naming naitanong ni Zyra sa isa't isa.
Larawan kami pareho ng pagkagulat. Nang ma-realize namin kung ano ang iniisip,
kapwa rin kami napangisi.

"We're so bad," halos sabay uli naming nasabi. Hindi na nakasagot si Zyra do'n
dahil kumaway na sa akin sa hindi kalayuan si Nikolai.

"Lunes pa lang ngayon, a," sabi nito sa akin. "May schedule ba kayong mag-anuhan
ngayon?" panunukso pa nito. Pinandilatan ko siya bago dali-daling lumapit na sa
nobyo ko.

Sinalubong naman ako ng halik sa labi ng mokong. Bahagya ko siyang tinulak sa


kotse. Tumawa siya.

"You're crazy! Somebody might see us kissing here," sabi ko at nagpalinga-linga sa


paligid. Buti na lang walang nakamasid liban kay Zyra.
"So? What's the problem? I'm your boyfriend anyway."

"Kahit na," sabi ko sa kanya sa Tagalog.

Nang nasa loob na kami ng kotse, kinabig na naman niya ako at hinalikan sa labi.
Hindi na ako nakapagprotesta. Total naman, tinted naman ang bintana. Ang simpleng
halik ay naging maalab. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang nanghihipo at
pumipisil-pisil sa maseselang bahagi ng katawan ko. Nagprotesta ang

isipan ko, pero masyadong mahina na ang pagtitimpi ko. Dahil nakapalda ako, mabilis
niyang naipasok sa panties ko ang kamay niya. Bago ko pa siya masaway, naglabas-
masok na ang middle finger niya roon. Napasinghap ako at napaungol pa. Tinaas niya
ang blusa ko at gamit ang isa pang kamay ay tinanggal niya ang hook ng bra.
Sumubsob siya sa dibdib ko na parang sanggol na sabik sa kalinga ng ina. Nawalan
rin ako ng inhibisyon. Inapuhap ko ang naghuhumindig niyang pangharap at lakas-loob
na dinukot iyon sa loob ng kanyang pantalon. Siya naman ngayon ang napaungol. May
naramdaman akong bumulwak sa pagitan ng mga hita ko. Impit akong napadaing. Kapwa
lang kami natigilan nang bigla na lang kumuriring ang cell phone niya. Tila
nagngangalit din. Napamura siya. Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig.
Bigla akong nahiya.

Pinatay niya ang cell phone at hinarap akong muli, pero inaayos ko na ang nagusot
na damit. Nagtangka na naman siyang humalik sa akin at manghipo, pero tumanggi na
ako.

"Not here," sabi ko sa mahinang tinig.

Napangiti naman siya. Hinalikan ang gilid ng bibig ko at inayos na rin ang sarili.
Inakbayan niya ako't hinagkan sa sentido bago pinaandar ang sasakyan.

Plano sana naming kumain sa labas, pero nagdesisyon kaming dumeretso na lang sa
condo niya. Sa pintuan pa lang, halos hindi na kami matigil-tigil sa paghipo at
pagdama sa maseselang bahagi ng katawan ng isa't isa. Nagkalat ang mga hinubad
naming saplot mula sa living room hanggang sa silid niya. Pagkababa niya sa akin sa
kama hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad niya kaming pinag-isa. Paulit-
ulit,

paiba-iba ng posisyon. Nang matapos ang silakbo ng damdamin, halos tagaktak kami sa
pawis. Pagod na pagod.

Siniil niya ako ng halik sa labi bago bumangon at tumawag sa Pizza Hut Delivery
para mag-order ng kakainin namin sa hapunan. Nakatapi na lang kami pareho ng
tuwalya habang nilalantakan ang pagkain. Paminsan-minsan ay dumudukwang siya para
halikan ako sa labi. Pagkatapos naming kumain, sabay na kaming naligo. Hindi ko na
pinroblema ang isusuot na pamalit dahil may mga nabili na siyang damit-pambabae
just in case na mangyari ang tulad nito. Bago niya ako ihatid sa amin, dumaan kami
sa Max's at nag-order siya ng pampasalubong sa pamilya ko. Nahalikan ko siya uli sa
pisngi dahil sa thoughtfulness niyang iyon.

As usual, bidang-bida na naman siya sa Nanay ko. Kulang na lang ay doon na siya
patulugin ni Inay nang gabing iyon. Na-guilty tuloy ako sa mga pinaggagawa namin.

**********

Nagulat kami pareho ni Zyra nang sabihan ni Meg na hinimatay si Ysay. Tumakbo agad
kami sa infirmary ng kompanya sa first floor. Pareho kaming nabigla nang napag-
alaman namin ang dahilan ng pinaggano'n niya.

"Huwag mo kong tingnan nang ganyan. Wala rin akong alam," sabi ko agad kay Zyra.
"Lagi kayong nag-uusap, a. Hindi man lang ba niya nabanggit sa iyo?"

Iling ang sagot ko kay Zyra. Kahit nga ang tungkol sa totoo nilang ugnayan ni
Engineer Knudsen ay hindi pinapaalam sa akin, ito pa kayang pagbubuntis niya?

Kapwa kami napadukot ng cell phone sa bulsa dahil sabay na tumunog ang messsage
alert tone namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga larawan. Si Rico at
Ysay, couple?

"Palagay

ko kagagawan na naman ni Evil twin, 'to," sabi ko agad kay Zyra.

"Sure ka? Mukhang nagkakaigihan ang dalawa rito sa picture, a. Baka - hindi naman
natin masabi, di ba? May hitsura rin naman si Rico, e."

"Ano ka ba?" asik ko agad kay Zyra. "Hindi iyan papatulan ni Ysay, 'no?" Pero sa
loob-loob ko'y nagduda na rin ako. What if? Baka iyon ang pinoproblema ni Ysay
nitong nakaraang araw. Pwede rin namang ma-develop sa isang tao kung palagi mo
itong kasama. Nitong huli ay sila na lang kasi ang magkasama sa kung anu-anong
pinag-uutos ni Architect Ramirez sa kanila.

Bigla kaming napatingin sa kaibigan namin nang umungol ito at dahan-dahang dumilat.
Nakahinga kami nang maluwag at gising na siya..

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" si Zyra.

Tumango si Ysay at nagpalinga-linga sa paligid.

"Paano ako nakarating dito?" tanong niya.

"Nag-collapse ka sa copy room. Buti na lang nandoon din si Rico at nasalo ka nga
raw niya. Siya ang nagbuhat sa iyo at nagdala sa klinika," sagot ko naman.

"Nahilo ako sa araw-araw na paulit-ulit na trabaho. Hanggang kailan pa ba matatapos


ang pag-aalburuto ng babaeng iyon?" tila naiinis na sagot ni Ysay.

Nagtinginan kami ni Zyra.

"Wala ka bang napapansin sa katawan mo lately?" tanong ko sa kanya. Ingat na ingat


sa mga salitang binitawan.

"Hmn? Ano naman dapat ang mapansin ko?" nagtataka naman niyang tanong sa akin.

Parang nag-atubili pa sana kami na sabihin sa kanya ang kalagayan niya, pero
kailangan din niyang malaman ang totoong dahilan ng pag-collapse niya sa copy room.

"B-Buntis ka raw," sabi ko sa mahinang tinig

na sinang-ayunan naman ni Zyra. Pinakita ng huli ang mga larawan nila ni Rico.

"Kalat na iyan sa buong upisina," malungkot namang sabi ko.

Nakita ko ang pagngangalit ng bagang ni Ysay. Napakuyom ang mga palad nito. Mahina
nitong minura si Evil Twin.

Dahil bumuti na ang pakiramdam, sumama na ito sa amin pabalik sa work stations
namin. Habang naglalakad sa hallway, may mga makakati ang dilang nagparinig sa
kanya. Gusto na nga namin silang patulan ni Zyra, pero inawat niya lang kami. Kung
sa bagay, ano naman ang mabuting idudulot no'n? Napailing-iling na lang kami sa
dirty tactic ni Evil Twin. Pambihira!

Gaya ng dati, sinundo na naman ako ni Nikolai sa upisina. At tulad din ng dati,
halos magkasabay kaming dumating sa parking lot ni Meg. Parang nakitaan ko siya
saglit ng pag-aalala bago nawala sa mga hanay ng sasakyan. Nagkandahaba ang leeg ko
sa kakatanaw sa kanya, pero hindi ko na nakita. Curious pa naman sana ako kung sino
ang sumusundo sa kanya.

"Hey!" panggugulat sa akin ni Nikolai. Tinapik ako nang bahagya sa balikat.


Napatalon ako sa kabiglaanan. Tumawa naman itong parang bata. Hinampas ko siya ng
bag ko. Nasalag naman niya at nagharutan nga kami papunta sa kotse niya. Bago ako
makapasok sa loob, nahagip ng tingin ko ang pamilyar na bulto ng babae sa hindi
kalayuan. Si Mina iyon, a! Ano na naman ang ginagawa ng babaeng iyon dito?

Nawala sa isipan ko ang bruha nang halikan na naman ako ni Nikolai. Nang pinisil-
pisil na nito ang dibdib ko, kumalas na ako agad sa pagkakayakap niya.

"Not here," bilong ko sa kanya.

"Okay," sang-ayon naman niya.

Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Wala kaming kibuan hanggang sa marating
namin ang condo niya. Dahil ang tagal ng elevator, tinakbo na namin ang anim na
palapag. Nagtatawanan pa kaming parang kinder. Kapwa kami hinihingal nang dumating
sa floor niya. May pagmamadaling inislayd niya ang key card at hinila na ako sa
loob. Gaya ng dati, hindi na naman kami nakapagpigil. Sa pintuan pa lang ay halos
hindi na mapaghiwalay ang mga labi namin. This time ako ang naging mapangahas.
Binaba ko ang pantalon niya at lumuhod sa kanyang harapan. Sinubo ko ang
nagngangalit niyang armas. Napaungol siya nang ilang beses. Nang dila-dilaan ko na
ang pinakatuktok no'n, napasabunot siya sa buhok ko at umungol uli. Dahil sa
nakitang reaksiyon niya, lalo ko pang dinilaan iyon na parang dumidila ng lollipop.
Bigla na lang niya akong itinayo at sinandal sa pintuan. Tinaas niya ang isang hita
ko at pinag-isa na ang mga katawan namin. Nangunyapit naman ako sa balikat niya na
parang takot na takot mahulog sa bangin. Nang kapwa namin marating ang sukdulan,
ilang beses siyang bumulong ng, "I love you," sa akin. Madamdamin ko namang
hinalikan ang tungki ng kanyang ilong at napabulong din ng, "I love you, too."

Nagpapahinga na kami sa couch nang tumunog ang home phone niya. Ayaw pa sana niyang
sagutin iyon no'ng una, pero sinabihan ko siyang baka importante. Pinakinggan ko
ang sagot niya sa kausap, pero wala akong naintindihan. Nagsalita siya sa lenggwahe
nila kaya naisip kong baka long-distance call iyon from Norway. Nasaksihan ko kung
paano nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Mula sa pagiging masaya, bigla na lang
itong namula sa galit. Naintriga tuloy ako sa caller. Bago niya binaba ang telepono
parang tumaas pa ang boses niya.

"What's wrong?" tanong ko agad nang bumalik siya sa tabi ko.

Ngumiti siya nang mapakla.

"Nothing," at hinagkan niya ang noo ko. "C'mon, I'll drive you home," ang sabi pa
at tumayo ulit. Isa-isa niyang dinampot ang mga hinubad ko at binigay sa akin.

Tahimik akong nagbihis. May kung ano akong kaba na nadarama, pero sinarili ko na
lamang.
=================

CHAPTER TWELVE

Ang sabihing nagulat kami sa inanunsiyo ni Engineer Knudsen sa party ay hindi sapat
para isalarawan ang reaksiyon naming lahat. Pero pinaka-epic ang kay Evil Twin.
Kulang na lang lumuwa ang mga mata nito at ang bunganga! Susko! Puwede nang pasukan
ng buwaya. Hanggang makauwi kami ng bahay ay iyon ang paksa namin ni Zyra habang
nag-uusap sa telepono. Nainggit tuloy ako kay Ysay.

"Napakamalihim mo talaga, sis," sabi ko agad kay Ysay nang magkita kami sa upisina
nang sumunod na araw. "Isipin mo, ni wala ni isa sa amin ang naghinala na mag-asawa
pala kayo ni Engineer Knudsen. Sana sinabi mo agad. Disin sana'y walang nang-api sa
iyo rito."

Ngumiti lang si Ysay at nagsabi ng, "Hindi naman kasi ako sigurado sa kanya dati,
e. Mahirap nang ipangalandakan. Kung nagkataong dineny niya iyon di napahiya pa ako
sa inyo."

"Kung sa bagay, may point ka."

Nag-aayos kami ng desk namin para sa pagsisimula ng trabaho sa umagang iyon nang
mapadaan si Meg. Ngumiti ito sa amin at magalang pang bumati kay Ysay bago
dumeretso sa upisina ng amo niya.

"Kita mo na? Pati si Meg ay tiklop na sa iyo," sabi ko pa.

Kiming ngiti lang uli ang sagot ni Ysay.

Nagtitipa na ako sa PC ko nang bigla na lang may nag-text sa akin. Nangunot ang noo
ko dahil hindi ko kilala ang numero. Ganunpaman, na-curious ako kung ano ang sinend
sa aking file kaya dinawnlowd ko na rin. Nang mabuksan ko iyon, pinanlamigan ako
agad. Sinave ko ang ginagawa at mabilis na sumaglit sa CR. Do'n ko pinagmasdang
mabuti ang larawan. Si Nikolai at Mina magkaakbay sa harap ng tent? Ano iyon? Naka-
shades

sila pareho, pero kitang-kita naman sa ngiti nilang dalawa na ang saya nila. Hindi
pa ako nakaka-recover sa larawang iyon, may nag-send na naman sa akin. This time si
Mina naman ang nakaakbay kay Nikolai habang ang huli'y nakahalukipkip. Hindi ko na
napigilan ang galit ko. Napamura ako. No'n naman pumasok si Ysay.

"Okay ka lang, Leigh?"

Tumalikod ako at pinahiran ang mga luha. Inakbayan niya ako at pinisil-pisil sa
balikat.

"May problema ba?" tanong niya uli.

Hindi na ako nakapaglihim. Pinakita ko sa kanya ang puno't dulo ng sama ng loob ko.
Hindi siya nakapagsalita agad. Siguro tinatantiya ang sasabihin sa akin.
"Naalala mo iyong natanggap kong mga pictures nila Trond at Ingrid sa Batangas
resort? Hindi ba iniyakan ko iyon sa pag-aakalang tino-two time ako ni Trond? Iyon
pala, doctored ang pictures. Hindi naman pala tunay na kuha nilang dalawa lang. May
mga kasama sila sa larawan, pero binura lang ng taong gusto akong saktan. Kaya kung
ako sa iyo, tanungin mo muna tungkol dito si Nikolai. Malakas ang kutob ko na si
Mina ang nagpadala niyan sa iyo. I also have a gut-feeling na kagaya no'ng culprit
sa edited pictures ni Trond at Ingrid, may gano'n ding motibo ang nag-send niyan sa
iyo."

Oo nga, ano? Pwede.

Paglabas ni Ysay sa CR, tinawagan ko agad si Nikolai. Kumonek naman, pero walang
sumasagot. Sinubukan ko uling tumawag. Wala na naman. Nakalima akong tawag sa
kanya, pero ni isa wala siyang sinagot. Okay na sana ako kanina nang pinaliwanagan
ni Ysay, pero bumalik na naman ang duda ko nang dahil sa hindi niya pagsagot sa mga
tawag ko. Sambakol ang mukhang

bumalik ako sa work station ko. Napa-double take pa si Zyra nang mapadaan ako sa
table niya. As expected, inikot nito ang swivel chair at inurirat ako.

"Malayo pa ang Biernes Santo, a. May namatay bang hindi ko alam?" biro niya sa
akin. Imbes na makipagalaskahan ako sa kanya, inirapan ko lang siya. Nagseryoso ang
bruha. Pero bago ito makatanong sa akin, sinenyasan siya ni Ysay. Natahimik siya at
bumalik sa trabaho.

Nang nagpang-abot na naman kami ni Ysay sa copy room, tinanong niya uli ako kung
bakit malungkot na naman.

"Akala ko nagkasundo na tayo na aalamin mo muna ang lahat mula kay Nikolai?"

"Iyon nga sana! Ang kaso niyan, hindi niya sinasagot ang telepono niya. Napudpud na
ang mga kamay ko sa kakatawag sa kanya!" At napaiyak ako sa galit.

"Hoy, ano ka ba?" Sumulyap ito sa relos. Pinakita niya sa akin ang oras. "Ni wala
pang alas dies, o. Nasa trabaho iyon for sure."

Gano'n? Kahit isang segundo hindi niya kayang tumigil muna para sagutin ang tawag
ko? Tuloy ay pinangilabutan na ako. Baka nagsasawa na siya sa akin. Dahil sa
isiping iyon, napahikbi na naman ako. Napabuntong-hininga si Ysay, pero niyakap
niya pa rin ako at hinagud-hagod sa likuran.

Pagbalik namin, masaya akong sinalubong ni Zyra.

"Tumawag ang dyowa mo. Pasensya na, ha? Pinakialaman ko na ang cell phone mo kasi
pang third time na niyang tawag iyon. Naawa ako. 'Kako baka importante. Mag-call
back ka raw."

"O, iyon naman pala, e," nakatawang sagot ni Ysay at tinudyo pa ako.

Dahan-dahang nag-subside ang galit ko sa kanya. Ganunpaman, hindi ko siya


tinawagan. Ang punto ko kung mahalaga

ako sa kanya, hindi niya ako matitiis. Tatawag siya ulit. Iyon ang sinabi ko sa
dalawang kaibigan nang lingunin nila ako para i-remind do'n sa bilin ni Nikolai.

"Hay naku threatened na'y nagpapakipot pa," naiiling na sabi ni Zyra.

"Hayaan mo iyan," sabi ko, kunwari'y hindi na affected.


"Sus! Baka umiyak ka na naman niyan mamaya, ha?" sabat naman ni Ysay.

Tinalikuran ko silang dalawa.

Nag-aayos na ako ng mga files sa mesa nang nag-ring ang phone ko. Kaagad na
namutawi ang ngiti ko sa labi nang makita ang pangalan ng caller sa screen. Si
Nikolai! Tumalilis ako papunta sa CR at do'n ko na sinagot ang tawag.

"Hey, what's wrong?" nag-aalala nitong tanong agad.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, sinabi ko ang tungkol sa larawan. Mukhang nainis
siya sa kabilang linya. Kung anu-ano raw ang inisip niyang kadahilanan dahil sa
limang beses kong pagtawag sa kanya. Ang lakas-lakas nga raw ng kabog ng dibdib
niya dahil inisip niyang baka raw may nangyari sa akin on my way to the office
tapos tungkol lang pala sa walang kuwentang larawan ang lahat.

"Hoy huwag mo ngang mawalang kwenta ang larawang iyon!" asik ko sa kanya. Tinagalog
ko na dahil sa galit. "For you it doesn't mean a thing, but maybe for her it means
a lot. Maybe you're leading her on."

Napahinga siya nang malalim na parang naiinis.

"She just came here one time and brought us some snacks. She doesn't come here that
often, if that's what you were trying to imply. And even if she does, I don't give
a shit about her. It's you I love. I thought I've made that clear with you."

Naibsan ang galit ko sa huli niyang sinabi.

Ganunpaman, hindi ako nagpahalata.

"Leigh? Are you still there?"

"Yeah," halos pabulong kong sagot.

"I"m sorry if I got mad at you. I didn"t mean to. I just got scared. Don't worry
about petty things, okay? I love you."

Speechless na naman ako.

"Let's talk about this tonight, okay?" sabi uli niya nang hindi ako makasagot.

"All right. I know you have work to do. Take care," sagot ko naman.

"Trust me, okay? I love you."

Nakagat ko na ang lower lip sa kilig.

"Won't you even tell me that you love me, too?" may himig pagbibiro na sa boses
niya.

Buti na lang hindi kami magkaharap dahil namumula na akong parang hinog na kamatis.
Halos pabulong ko na nga lang sinabi ang, "I love you, too," at nagpaalam na.

Kapapasok ko lang ng cellphone sa bulsa ng blazer ko nang pumasok naman si Evil


Twin. Bigla akong napatayo nang matuwid na parang isang sundalo nang mapadaan ang
superior niya. Saglit siyang napatingin sa akin bago tuluy-tuloy na pumasok.
Napalingon naman ako sa kanya. Naninibago. Dati-rati ang bagsik niya at nakakatakot
lagi ang ekspresyon sa kanyang mukha, pero ngayo'y mas angkop na sabihing para
siyang ng demonyang nabalian ng sungay.

Kay Zyra ko na nalaman ang dahilan. Kagagaling lang daw nito sa HR at usap-usapan
doon ang pagbibitiw ni Architect Ramirez. Bigla kaming napasigaw sa kagalakan ni
Ysay, pero nagtimpi rin agad nang mapadaan si Meg. Marahil totoo nga ang balita
dahil ang hitsura ng huli ay parang namatayan. Kahit papaano ay naawa kami sa
kanya.

Gaya nga ng pangako, dumating si Nikolai nang hapong iyon para sunduin ako.

Hindi gaya ng dati, seryoso ito. Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi
bago inalalayan sa pagpasok sa kotse niya.

"What with those pictures?" untag niya agad sa akin.

Dinukot ko ang cell phone sa bag at pinakita ko iyon sa kanya. Kinuha rin niya ang
phone niya sa bulsa ng pantalon at may ipinakita rin sa aking larawan. Tama nga
naman si Ysay! Cropped ang picture na pinadala sa akin. Nagngitngit ako agad. Kaya
pala may extra arm sa likuran na hindi ko matukoy, iyon pala kamay ni Lukas iyon.
Grrr! Makakalbo ko yata si Mina!

"That Mina girl is really very aggressive. She has even told me she likes me a
lot," nakangising sabi pa ni Nikolai.

Pagkarinig ko do'n tumunog na naman ang warning bells sa utak ko. Pinakatitigan ko
siya.

"Hey! What's with that look? Do you think I would be open to you about it if I have
plans to cheat on you with her?" At tumawa pa ito nang mahina. Pinisil pa ako sa
baba bago hinalikan sa mga labi.

Kung sa bagay. May point nga siya.

"Lukas had also told me that she also told him that she likes him," at natawa na
talaga do'n si Nikolai. "I think she likes all of us - I mean all the Norwegian
engineers on site."

Baliw ang Minang iyon. Nakakainis!

"And all of us like her, too, but not in a sexy-kind of way, if you know what I
mean. I, for one, doesn't find her attractive. So you have nothing to worry about,
okay?"

Tumangu-tango ako.

Dinala niya ako sa isang Japanese restaurant this time. No'n lang kami napunta
do'n. Kahit na hindi ako mahilig sa pagkain ng mga Hapon, hindi na ako nagreklamo

pa dahil mukhang gustung-gusto niya ang sushi at sashimi. Buti na lang mayroon
silang karaage at grilled fish kung kaya may nakain rin ako kahit papaano.

Papalabas na kami ng restaurant nang masalubong namin sa daan si Kuya Roman. No'n
lang iyon nakita ni Nikolai kaya pinakilala ko muna sila. Pinakiharapan naman siya
nang mabuti ng kuya ko kaya nakapagsabi siya na lahat daw ng miyembro ng pamilya
ko'y sobrang mabait. Pero nang dahil do'n na-guilty na akong sumama sa kanya sa
condo niya. Hindi naman siya nagpumilit.

Nang makita siya ng Nanay ko nang gabing iyon, napasigaw ito sa tuwa. Nahiya nga
ako dahil parang nagreklamo pa ito sa kanya na madalang na lang daw siya bumibisita
sa bahay namin.

"Hayaan n'yo Nanay, I will try to come here as often as I can."

Lalong nagtititili si Inay nang may halong Tagalog iyong sinabi ni Nikolai. Ako ang
naalibadbaran sa reaksiyon ng nanay ko. Palihim ko nga siyang pinandilatan.

Nang kaming dalawa na lang ang nag-uusap sa sala namin, bigla kaming dinisturbo ng
sunud-sunod na tawag sa cell phone niya. Pinatay niya ang una, pero sa pangalawa'y
sinabihan ko nang sagutin na niya. Dahil magkatabi kami, narinig ko ang malamyos na
tinig sa kabilang linya. Babae ang caller! At hindi Pinay. Parang gumaralgal ang
boses ng girl. Dahil kaya iyon sa koneksiyon? Parang hindi naman yata.

Hindi sumagot si Nikolai do'n sa sinabi ng kausap, pero maya't maya'y naririnig ko
ang buntong-hininga niya. Nag-alala na naman ako, pero ayaw ko namang ipahalata sa
kanya na pati iyon ay minamanmanan ko rin. Nagkunwari akong hindi nakikinig.

"Take care," iyon lang ang tangi kong naintindihan. Sinabi iyon ni Nikolai bago
ibaba ang telepono.

"Who was that?" tanong ko, hindi rin nakatiis.

"Just somebody I know," parang absent-minded niyang sagot habang pinapasok sa bulsa
ng pantalon ang cell phone.

Kinabahan ako. Siguro halata na ako this time dahil nakita ko siyang napangiti.

"Oh no, not again please," may himig pagbibiro niyang sabi sa akin at pinisil na
ang baba ko sabay halik sa mga labi ko.

Inirapan ko siya. Inulit niya ang halik. Palagay ko, lalalim pa sana iyon kung
hindi dumaan sa amin si Nanay at kunwaring umubu-ubo. Nahiya ako agad. Napakamot-
kamot naman siya sa ulo at alanganing ngumiti sa Inay ko.

Nang ihatid ko siya sa tarangkahan namin, okay na naman kami. Ganunpaman, hindi
maalis-alis sa isipan ko ang boses ng babaeng parang umiiyak.

=================

CHAPTER THIRTEEN

Sa pagdaan pa ng mga araw lalong naging mapangahas si Mina. Halos nakasabay ko pa


siyang pumunta sa condo ni Nikolai. Magagalit na sana ako kung hindi siya
hinarangan ng guwardiya.

"Ma'am, kabilin-bilinan po ni Sir Bjornsen na bawal po kayong pumunta sa unit


niya."

Nakita ko kung paano nanlisik ang kanyang mga mata. Tinulak pa ang guwardiya sabay
mura at dinuru-duro ako.

"E bakit itong babaeng ito ay pinapayagan n'yo?"

"Nobya po siya ni sir, e."


Sa inis ko sa guts niyang wala sa lugar winagayway ko sa pagmumukha niya ang spare
key card na bigay sa akin ni Nikolai. Aagawin sana niya iyon kung hindi ko naitago
agad.

"Kunwari ka pang santa-santita sa upisina. Nagpapaano ka na rin pala! Yuck!" At


kaagad siyang tumalilis palayo.

Kahit alam kong wala namang pakialam ang guwardiya sa akin, pinamulhan pa rin ako
ng mukha. Imbes na dumeretso na sa itaas at do'n na hintayin si Nikolai, naisipan
ko na lang umuwi.

Naikuwento ko nang pahapyaw ang pagtatagpo namin ni Mina sa Nanay ko, pero siyempre
hindi ko sinabi na sa condo kami ni Nikolai nagkita.

"At nagselos ka na naman?" tanong agad ng nanay ko.

"H-Hindi naman po. Kaso lang, ba't po gano'n? Ba't sobra na po siyang mapangahas?
Hindi kaya--?" Kahit sa sariling ina hindi ko kayang sabihin nang deretsahan kung
ano ang kutob ko.

Napailing-iling ang nanay ko.

"May mga babae talagang ganyan. Akala nila kayang-kaya nilang makuha ang sinomang
lalaki basta handa silang tumihaya."

Ouch! Nasapol ako do'n, a.

"Kung balak mo na namang komprontahin ang nobyo mo tungkol do'n, mag-isip-isip

ka. Mamaya niyan, magsasawa na iyong tao sa kakaesplika sa iyo at totohanin na nga
ang bintang mo. Just trust him. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil nakikita
ko namang mahal ka ni Nikolai."

Napabuntong-hininga ako.

"Ganyan talaga, masanay ka na. Guwapo masyado ang nobyo mo, e. Natural na maraming
eepal. Gusto mo pala ng tahimik na relasyon di si Mamerto na lang sana ang ginawa
mong boyfriend. Iyon, solong-solo mo."

"Ang sama n'yo naman, Nay," nakangisi kong sagot.

Kapitbahay namin si Mamerto at dati ring nanligaw sa akin. Hindi sa masyado akong
nagbibigay ng halaga sa panlabas na kaanyuan ng tao, pero sadyang ang hirap mahalin
ni Mamerto. Bukod sa malala ang pagkabingot nito, ni hindi kami magkaintindihan
dahil sobra itong ngongo. Mabuti kung iyon lang ang deperensya niya. Gano'n na nga
ang mukha, matindi pang magsugal. Kung puwede nga lang maisangla si Aling Mameng,
ang inang niya, matagal na siguro niyang pinampusta sa posoy.

Pati si Zyra ay nagpaalala rin sa sobra kong pagbibigay importansiya sa mga


pinaggagawa ni Mina.

"Hay naku, sis. Mauubos na ang words of wisdom ko sa iyo. Ilang beses ko bang dapat
sabihin na ang kagaya niya ay hindi pinag-aaksayahan ng panahon? Ginagawa rin niya
iyan kay Lukas, e. Nagselos ba ako?"

"Hindi ka naman kasi pinadalhan ng kung anu-anong larawan."

Dumukot sa bulsa si Zyra at pinakita sa akin ang isang text from an unknown number
na nagpadala rin ng kung anu-anong suggestive photos ng nobyo niya at ni Mina.
Nangunot ang noo ko dahil ni hindi niya iyon nabanggit sa amin.

"Hindi ko na sinabi ito sa inyo dahil para sa akin wala naman itong

kuwenta. Kung totoo ito ba't pa niya ipapadala? Disin sana'y nag-iingat siyang
malaman ko."

May point na naman si Zyra. Ang mga gumagawa ng katarantaduhan ay kadalasang


nagtatago at takot mabisto.

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at bumalik na kami sa work station namin. Kahit


papaano gumaan ang loob ko. Pero pagdating namin do'n nakita naming naglilinis ng
desk si Ysay. Naalarma kami.

"Relaks mga sis," natatawa niyang sabi sa amin. "Desisyon ko ito. Ang sabi kasi sa
akin ng doktor kailangan kong mag-ingat para kay baby. Kaya pasensiya na kung medyo
madalian itong pagbibitiw ko."

Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng emosyon. Mahigpit namin siyang niyakap ni


Zyra.

"Don't worry. Magkikita pa naman tayo, e."

Dahil do'n mabigat ang kalooban ko nang umuwi nang hapong iyon. Mas pinalala no'n
ang nararamdaman kong pag-aalala para sa amin ni Nikolai. Malapit na kasing matapos
ang hotel project ni Mr. Petersen at wala pang linaw kung saan patutungo ang
relasyon namin. Paano na kami kapag umuwi na siya?

"Leigh!" excited na sigaw ng Nanay ko habang tinatawag ako sa kuwarto. Kaagad akong
bumangon at inayos ang sarili. Nagmadali na rin ako dahil halos gibain na niya ang
pintuan ko.

"May sunog po ba?" tanong ko habang naiinis na pinagbuksan siya ng pinto.

Hindi niya pinansin ang sarcasm ko.

"May bisita ka! Nandito si Nikolai!"

Pagsilip ko sa sala, nakita ko ngang naghihintay do'n si Nikolai habang kausap ni


Boyet. Hindi gaya ng dati, nakapormal siya ngayon at may dala pang bulaklak. Ano'ng
nakain nito? Umaliwalas kaagad ang mukha niya nang dumating ako. Pinaalis naman ni
Inay si Boyet

do'n para magkausap kami nang sarilinan.

"Thanks for the flowers, but what's the ocassion?"

Napakamot-kamot siya sa ulo sabay iling.

"I just want you to feel special, that's all."

Nangunot ang noo ko. May kasalanan kaya ito sa akin at gusto niyang bumawi? There
you go, again. Umandar na naman ang pagiging mapangduda mo! Pinilig-pilig ko ang
ulo para mawala iyon sa isipan ko.

"I already told your parents that I want to have dinner with you tonight and we
might not come home before midnight. Your mother gave me her blessing," at ngumiti
siya sa akin nang pilyo.
Loko 'to, a! Sinabi kaya niya kay Inay ang mga pinaggagawa namin? Nang pabulong
kong itanong sa kanya iyon, napatawa siya nang malakas. Ba't naman daw niya
sasabihin iyon? Sumulyap-sulyap pa ako sa bandang kusina kung nagmamatyag ang nanay
ko. Nakahinga ako nang maluwag nang walang makitang anino doon.

"Why don't you get ready so we can go now?"

"I thought you had a meeting tonight with the other engineers."

"We're done that's why I'm here."

"All right," sabi ko at tumayo na para magbihis.

Dahil pormal ang suot niya naghanap din ako ng Sunday dress ko. Ang lawak ng ngiti
niya nang makita ako in my light green dress. Bagay daw sa akin. Dapat nga raw
magsuot ako ng mga bestidang maiikli lang ang manggas dahil well-toned naman daw
ang mga braso ko. Kiming ngiti lang ang sagot ko sa kanya. Sanay na akong pinupuri
nila Nanay at ng mga kaibigan ko, pero kakaiba pala ang dating kapag kasing guwapo
ni Nikolai ang magsabi n'yon. Nakakaliyo.

Napamulagat ako nang pumasok kami sa restaurant ng isang five

star hotel. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan akong hindi
maintindihan. Noong isang araw kasi pinaalam na sa amin ni Ysay na ilang linggo na
lang at matu-turn over na raw ang hotel kay Mr. Petersen. Finishing touches na lang
daw ang ginagawa roon kung kaya may ibang Norwegian engineers na may ticket nang
pabalik ng Norway. Isa na kaya si Nikolai do'n? Ito na kaya ang last dinner naming
dalawa kung kaya nag-abala pa siyang gawing pormal ang lahat? Nanginginig na ako sa
loob, hindi ko lang pinapahalata.

Pagdating ng red wine namin, hinuli niya ang isa kong kamay habang seryoso akong
tinitigan sa mukha.

"When I came here last year, I never thought I would meet a wonderful girl like
you."

Shit! Is this a prelude to our break-up?

"I didn't even seriously consider this hotel project at first because I thought my
dating life would suffer in this country," tumawa siya nang bahagya do'n. "You see,
althought there were many Asians in Norway, I didn't have a close encounter with
them so I actually didn't think I would fall for one," at hinalikan niya ang kamay
ko. "You're the best thing that had ever happened to me in my whole life, Leigh. I
love you so much."

Nangilid ang mga luha ko. I was very flattered, pero at the same time hindi ako
makapag-rejoice nang tuluyan dahil sa pinapangambahan. Baka sinisikap lang niyang
maging magaan para sa akin ang lahat.

"Mr. Petersen has given me another project to work on so I will be staying for a
few more months here," at napangiti siya. Nakita niya siguro ang pagguhit ng
kagalakan sa mukha ko.

Pero bigla siyang

natahimik, parang nag-isip. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-uumpisa na
ngang sumakit ang tiyan ko dahil sa matinding tensiyon. Nagdagdagan ang tensiyong
iyon nang hawakan niya ako nang mahigpit sa dalawang kamay. Halos pinipigilan ko na
ang paghinga no'n.

"Do you love me?" bigla na lang ay naitanong niya.

"Do you still have doubts? I've compromised my lifelong beliefs and my ideals for
you. If I don't love you, then I don't know what love is," sagot ko naman agad sa
mahinang tinig. Napangiti siya at napahalik na naman sa mga kamay ko.

"Have you ever thought - I mean, have you ever wondered about living in a foreign
land?"

Tama ba ang dinig ko? Nawala bigla ang pinangangambahan ko. Napalitan iyon ng isang
antisipasyon na kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari agad sa buhay ko. Bago
pa ako makasagot, nakaluhod na siya sa harapan ko at nakabukas na ang hawak-hawak
niyang maliit na kahon. Nagulat ako nang sinalubong ang paningin ko ng kislap mula
sa hawak niyang singsing. Although I expected it after what he had just said, iba
pala kapag nandoon na nga.

"Leigh Marie Arguelles, will you marry me?"

Kasabay ng pagluwag ng dibdib, bumulwak ang mga luha ko. Lumuhod na rin ako sa
harap niya sabay yakap sa kanya nang mahigpit habang humahagulgol.

"You're suppose to answer me yes or no," bulong niya sa akin.

Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa labi.

"Yes! Yes, I'll marry you, Nikolai Bjornsen."

Tumawa siya at siniil din ako ng halik sa labi. Nagulat na lang ako nang may
sumigaw ng kagalakan sa paligid namin. Paglingon ko, nakita ko ang masasayang mukha
ng ibang guests. May iba pa ngang kinukuhanan kami ng video. Bigla akong nahiya.

Pagkalagay niya ng singsing sa palasingsingan ko, tinulungan niya akong tumayo at


bumalik sa upuan ko. No'n naman dumating ang waiter at binigyan kami ng champagne.

"Courtesy of the house, sir, ma'am. Congratulations!" sabi nito sa amin.

Iyon na ang pinakamaligayang gabi ko sa tanang buhay ko.

Nang ihatid niya ako sa bahay, kaagad na hinuli ng nanay ko ang kaliwa kong kamay.
Nang makita doon ang singsing, napasigaw ito sa kagalakan. Niyakap niya rin si
Nikolai at pinaghahalikan sa pisngi.

"Nay, huwag masyadong OA," saway ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Sa halip, tinawag niya si Itay at si Boyet. Nagmano si
Nikolai sa tatay ko pagkakita sa kanya at naki-fist bump naman sa bunso namin.
Kiming ngiti lang ang sagot ng ama ko't kapatid. Strange. Biglang nailang si Boyet.
Ginulu-gulo ko nga ang buhok niya.

Nang wala na si Nikolai, pinaliwanag ni Inay na nagsabi na pala sa kanila si


Nikolai kaninang dumating siya. Kaya nga raw gano'n na lang ang pagtutungayaw niya
nang katukin ako sa kuwarto.

"Naku, anak. Maswerte ka talaga sa lalaking iyon. Bigyan n'yo kami ng maraming apo,
ha? Tiyak artistahin ang mga supling n'yo. Excited na ako!"

Napailing-iling ako sa nanay ko. Pero sa totoo lang, iyon din ang naisip ko kanina
pa.

=================

CHAPTER FOURTEEN

A/N: Dahil alam kong medyo sad ang update na ito, mamadaliin ko ang karugtong nito.
Thanks for all your support!

*****************************************

Excited sana akong ipamalita sa mga kaibigan ko na engaged na kami ni Nikolai, pero
pinagbawalan ako ni Inay. Ang sabi niya, the less people who knew about it, the
better. Baka raw kasi mausog. Nangyari na iyon sa kanya sa una niyang nobyo.
Pinamalita raw nila ng lola ko sa buong bayan nila sa San Isidro, Pangasinan ang
tungkol sa engagement niya. Hayun, isang buwan bago nakatakda ang pagpapakasal nila
naaksidente ang nobyo niya at hindi nga natuloy ang kasal.

"Nakakatakot naman iyan, Nay," sagot ko.

Narinig ko na ang kuwentong iyon noon, pero ngayon lang nagkaroon ng relevance sa
akin. Dahil ayaw kong pamaresan ang nanay ko, pati si Zyra ay hindi ko sinabihan.
Sa tuwing nasa upisina, hindi ko isinusuot ang singsing. Pero nang mabalitaan kong
paalis na ng Pilipinas si Ysay, natukso akong magtapat sa kanya. I was almost about
to blurt it out nang dumating si Zyra na nagtititili. Yumakap agad ito sa kaibigan
namin at eksaheradang umiyak-iyak.

"Ano ka ba? Malamang magkikita-kita pa tayong tatlo sa Norway," at tumawa pa si


Ysay sabay kindat sa akin. Na-excite ako. Nakikini-kinita ko na nga na maging
magkalaro ang mga anak namin.

Kinilig naman si Zyra do'n, pero nag-pout din agad kaya inulan namin siya ng
tanong.

"Ang bwisit na Lukas kasi."

"O, ano na naman ang nangyari?" tanong ko naman.

Kinuwento nito ang naligaw na text sa kanya na meant for another girl at bigla
itong

napahikbi. Nawala na tuloy sa isipan ko ang tungkol sa engagement. Paano ako


makakapagtapat sa kanila kung heto at mukhang nasa panganib ang relasyon ng
kaibigan ko at ng nobyo nito?

"Ano raw ba ang sabi?"

"Yeah, I had fun. Thanks. May kabuntot pang wink na emoticon," at lalong bumaha ang
luha ni Zyra. Niyakap namin siya ni Ysay.
"Ano ka ba? Marami namang ibig sabihin iyan, e. Baka nga wholesome fun lang," sagot
ko naman. Pero kahit sa sariling pandinig parang ang babaw ng rason ko. Kung ako
siguro sa lugar niya ay baka naglupasay na ako.

Hindi naman kumibo si Ysay. Nang maging okay na si Zyra, kapwa niya hinawakan ang
mga palad namin at pinaalalahanan.

"Gusto kong malaman ninyong dalawa na iba ang kultura nila sa atin. Narito na rin
lang tayong tatlo sa sitwasyong ito, dapat nating tanggapin iyon. Okay sa kanila
ang simultaneous dating habang hindi pa malinaw kung saan patutungo ang relasyon sa
isang babae. Huwag n'yong isipin na porke sa inyo lagi nakadikit ay inyo na siyang
talaga. Kaya dapat magtira rin kayo ng para sa sarili ninyo, okay? At huwag
masyadong mataas ang expectations sa kanila."

"Gano'n? So pupuwede siyang makipag-anuhan pa sa ibang babae habang boyfriend ko


siya?" si Zyra uli.

"Ano ba'ng usapan n'yong dalawa? Exclusive dating na ba or what?" tanong naman ni
Ysay.

Nalungkot ang mukha ni Zyra at umiling-iling siya.

"W-Wala kaming napag-usapan, pero akala ko given na iyon dahil --," at nagbadya na
namang tumulo ang mga luha niya.

"Ang sabi ko nga hindi porke nakikipag-anuhan ka na you'll be able to keep him,"
malumanay na

sagot ni Ysay habang pinipisil ang isang palad ni Zyra. "But don't worry, sa
nakikita ko naman kay Lukas mukhang he's really into you kaya magtiwala ka lang."

Isinapuso ko ang lahat ng sinabi ni Ysay sa amin kaya hindi na ako sumabat pa sa
usapan nila ni Zyra. Nang dumating ang asawa niya para sunduin siya sa restaurant
na iyon, masaya na kaming nagpaalam sa kanya.

"We'll miss you," sabi namin ni Zyra sa kanya.

"I'll wait for you guys in Norway," at kumindat na naman siya sa amin.

**********

Matuling lumipas ang mga araw. Dumating ang pinakakinatatakutan ko sa lahat. The
day Nikolai will leave the Philippines. Pero wala akong nagawa. Kailangan na dahil
may naghihintay nang project sa kanya sa Oslo. Nagyakapan kami sa labas ng NAIA.
Halos ayaw niya akong bitawan. Ako ma'y gano'n din. Iyak ako nang iyak. Si Boyet
nama'y malungkot na nakamasid lang sa amin sa hindi kalayuan.

Bago pumasok sa departure area si Nikolai tinawag nito ang kapatid ko at pinagbilin
ako.

"Take care of your ate for me, okay?"

Nagyakapan din silang dalawa.

Wala kaming kibuan ni Boyet nang pauwi na ng bahay. Pagdating namin, napasubsob ako
sa dibdib ni Inay. Parang batang may nakaaway at nagsusumbong sa ina.

"Kung makaiyak ka naman, para tayong namatayan. Hindi ba nangako naman siya? Ipe-
petition ka niya pagdating na pagdating niya sa kanila? In a few months, nandoon ka
na rin kaya tumigil ka na sa kada-drama. Kami nga dapat ng Itay mo ang maggaganyan
dahil ilang buwan ka na lang naming makakasama.

Pero ang prediksiyon ni Inay ay hindi nangyari. Makalipas ang tatlong buwan,

dumalang ang tawag ni Nikolai sa akin. Labis akong nag-alala, pero wala rin akong
magawa kundi magdasal. Hindi ko na tuloy alam kung magiging excited pa siya sa
ibabalita ko sana sa kanya. Gusto ko nga sanang ipagtapat na kaso lang gusto ko
ring maramdaman muna na okay pa kami. Pero hindi na dumating ang pagkakaktaong
iyon. Eksaktong anim na buwan simula nang umalis siya, nalaman ko ang dahilan ng
lahat. Tumawag siya para ipaalam sa akin na nagkabalikan daw sila ni Anika at
nagpakasal na. Para iyong bombang sumabog sa pandinig ko. Sa tindi ng epekto sa
akin, ni hindi ako naka-react agad. Kung kailan niya naibaba ang telepono saka lang
ako nagpalahaw. Pumasok si Inay sa loob ng kuwarto ko at inalam kung ano'ng
nangyari.

"Nay, hindi kayo naglinis sa kuwarto ko, ano?" tanong ko agad.

Nalito ang nanay ko. Nangunot ang noo nito at napatingin sa akin tapos sa mga ipis
na pinaghahampas ko.

"Ang dami nila, Nay. Nakakainis. May lumipad pa at dumapo sa labi ko!" at kunwari'y
nandiri pa ako sabay iyak.

"Pambihira naman! Akala ko na kung ano." Tinawag nito si Boyet at pinakuha ang
pamatay sa ipis. Nag-spray sila bigla sa kuwarto ko habang tumakbo ako sa banyo
para do'n ipagpatuloy ang pagdadalamhati ko.

Ganunpaman, nagpatuloy ako sa buhay ko na parang walang nangyari. Ayaw ko kasing


malaman ng Inay na hindi na mapapanagutan ni Nikolai ang pinagbubuntis ko.
Natatakot akong baka atakehin din sa puso ang Itay.

Gaya ng pinagbubuntis ko, hindi ko pa rin sinabi kay Zyra ang lahat. Sa tuwing
kasama ko siya nagkukunwari pa rin akong masaya at looking forward sa pagdating ng
petition ko from

Nikolai. Pero paminsan-minsan ay binibiro niya ako tungkol sa lumalaki kong


balakang. Buti na lang at maliit akong magbuntis kaya kahit six months na'y parang
puson lang. Naikukubli ko pa sa loose blouses. Ngunit isang araw, naabutan niya
akong nag-aayos ng girdle sa CR. Nakita niya ang bilugan kong tiyan.

"Leigh! Buntis ka ano?"

Imbes na sumagot, kinuha ko ang singsing sa blazer at sinuot. Hinuli niya ang
kaliwa kong kamay at tumili nang tumili.

"Lokaret! Ano ka ba? Baka sumugod sila rito at magtaka kung anong pinagtititili mo
diyan."

Niyakap niya ako at maluha-luhang binati.

"Sorry ha? Matagal kong nilihim sa iyo ito. Paano kasi - no'ng nagkalabuan kayo
saglit ni Lukas, na-guilty akong ipamukha sa iyo na heto ako at inalok na ng kasal
ni Nikolai," sabi ko pa.

"Okay lang naman sana iyon. Pero just the same, ang saya-saya ko para sa iyo! Kapag
nauna ka doon, huwag mo akong kalimutan, ha? Skype tayo gabi-gabi."

Pinilit kong ngumiti sa kanya. I felt so guilty. Naglihim na naman ako sa kanya.
Dahil sa papalaki kong tiyan, napilitan din akong magbitaw sa trabaho although
tiniyak sana sa akin ni Architect Ramirez, oo hindi ko na siya tinatawag na Evil
Twin dahil bumait na siya sa amin, na ipagtatanggol niya ako kung sakaling
patalsikin ako ng mga bosing namin. Ayaw niya kasi akong umalis dahil ako lang daw
ang nakakapagsulat nang maayos na memo at letters sa mga suppliers na hindi na niya
kinailangan pang i-correct.

Nalungkot nang sobra si Zyra sa pag-alis ko, pero tiniyak ko sa kanya na kahit wala
na ako do'n patuloy pa rin naman akong makikipag-communicate sa kanya.

Hindi

ko rin nailihim kay Inay ang tunay na status ng relationship namin ni Nikolai dahil
palagi itong nagtatanong. Nagtataka raw siya kung bakit ang tagal dumating ng
petition ko. Nang marinig ni Inay ang totoo, hindi siya agad naniwala sa akin. In
denial siya for days.

"Alam kong mahal na mahal ka niya. Hindi pa ako nagkamali sa pagkikilatis sa tunay
na damdamin ng tao. Dati sa ate mo, unang kita ko pa lang sa Canadian na iyon alam
kong walang patutunguhan ang relasyon nila. Tama ako. Pero kay Nikolai - imposible
iyan!"

Sa bandang huli tinaggap din ng Inay ang lahat. Ang mga lalaki naman namin, tahimik
lang. Ni hindi nagsalita tungkol do'n, pero nakita kong nagpahid ng luha ang tatay
ko.

Nang isilang ko si baby, labis na natuwa si Inay. Kahit papaano ay naibsan na rin
daw ang pangungulila niya kay Nikolai. Hindi man siya magiging miyembro ng pamilya,
mayroon naman itong iniwang alaala para sa amin.

"Nay, may pagka-colonial mentality kayo talaga," asik sa kanya ni Boyet. Pero nang
makita nito for the first time ang baby ko na kulay mais ang buhok at light brown
ang mga mata, nakiagaw na rin ito sa nanay namin sa pagkarga.

"Kunwari ka pa diyan!" singhal naman ni Inay sa kanya. Napangiti ako sa kanilang


dalawa. Pero ang kaligayahan namin ay naputol nang bigla na lang nagpalahaw ng iyak
si baby. Nangitim ang bibig nito. Nag-hysterical kami ni Inay. Pagdating ng doktor
at nurses dinala agad ito sa ICU at kinabitan ng kung anu-anong apparatus. Iyak na
iyak kaming mag-ina. At lalong tumindi ang pag-aalala namin nang sabihin ng doktor
na may deperensiya ito puso. Twenty-four hours

siyang binantayan ng mga nurses at kinabukasan ay masayang binalita nila sa amin na


he survived!

"Pero may nakita po kaming butas sa puso ng anak n'yo, Misis," malumanay na
pagpapaliwanag ng doktor.

Pagkadinig namin do'n, natakot kami ni Inay.

"But don't worry. Maari rin iyong sumara nang kusa. Gano'n lang talaga minsan kapag
premature nang ilang linggo ang bata."

"Kailangan po ba ng operasyon ng anak ko, Doc?"

"Hindi pa naman sa ngayon. Kung hindi pa rin iyan magsasara on his fifth birthday,
I recommend that you consult a cardiologist. But right now, don't worry. You have a
very handsome baby, Misis. Foreigner po ba ang asawa n'yo?"
Ngumiti lang ako sa kanya.

Sa pagsasaliksik ko, napag-alaman kong magastos ang case ng anak ko. Kung hindi
magsasara ang butas sa puso niya at kailangan niya ng operasyon gagastos daw kami
ng daan-daang libo. Saan naman kami kukuha no'n? Ang padala ng ate ay sakto lang sa
medical needs ni Itay. Minsan nga nag-aabono pa ang Kuya Roman. Nahiya naman akong
manghingi sa ate ko, pero dahil na rin sa kagustuhan kong matulungan ang baby ko
binaggit ko iyon sa kanya minsang tumawag siya sa amin.

"Nahihiya nga ako sa iyo, Ate pero ---"

"Iyan nga ang dahilan ng imumungkahi ko sana sa iyo. Hindi ko kakayaning mag-isa
kung dalawa na sila ni Itay na susustentuhan ko, kaya naisipan kong pag-aralin ka
ng care giving kung okay lang sa iyo. In demand kasi ang caregivers dito," putol ni
Ate sa sasabihin ko pa.

Na-excite ako, hindi ko lang pinahalata masyado. Matagal ko nang pinaplano ang
tungkol do'n kung kaya nagtanong-tanong na rin ako kung

saan pwedeng mag-aral. Ang kaso may kamahalan. Nahiya naman akong manghingi agad ng
pantustos do'n sa kapatid ko, pero kung siya na ang nag-aalok sa akin, bakit hindi?

Makalipas nga ang anim na buwan, nagtapos ako ng caregiving. Mixed emotions ang
nanay ko. Masaya siyang malungkot. Baka raw tulad ng ate ay iiwan ko na rin sila ni
Itay.

"Kung nagkatuluyan din naman kami ni Nikolai gano'n din naman ang mangyayari, a.
Ba't noon ay excited pa kayo?"

"Iba naman iyon. Kung naging kayo ni Nikolai kampante ang kalooban ko kahit lumayo
ka pa sa amin dahil alam kong magiging masaya ka sa piling niya. Pero ibang kaso
itong aalis ka para magtrabahong caregiver sa Canada. Hindi sa lahat ng oras ay
matutulungan ka doon ng ate mo. Mayroon din siyang laban na sinusuong. Paano na
lang kung -"

"Ayan na naman kayo sa predictions n'yo," sagot ko naman at pinaalala sa kanya ang
mga hula niya sa amin ni Nikolai na hindi nagkatotoo. Sumimangot lang siya at
nagtungo na sa crib ni baby.

Isang buwan bago ako tumuloy ng Canada tumawag ang employer ko at nagsabi na
sadyang komplikado raw mag-direct hire from the Philippines dahil sa dami ng
hinihinging papeles ng POEA kung kaya minabuti nilang doon na lang mismo sa Alberta
maghanap ng caregiver. Wala akong nagawa kundi maghanap na lang uli ng posibleng
mapag-aplayan. Nang makita ko ang online advertisement sa isang nursing home sa
Stavanger, Norway, nagbakasakali ako. Nagulat ako nang positibo ang sagot ng head
ng institusyong iyon. Tumawag pa sila sa akin tatlong araw makalipas kong isumite
ang application form at ininterbyu agad ako through Skype. Hindi iyon nagustuhan ng
nanay ko at pinagalitan nga ako kung bakit pa ako sumubok.

"Nay naman. Bigyan n'yo naman si Leigh ng pagkakataong gumawa ng paraan para sa
kinabukasan nilang mag-ina. Kung do'n siya susuwertihin, bakit hindi?" sabi naman
ng ate ko nang malaman iyon.

Hindi na nga nakaangal pa ang Inay nang padalhan ako ni Ate ng pera para sa
pagproseso ng mga papeles ko. At makalipas ang dalawang buwan ay natuloy ako
saNorway. Hindi naging madali ang pag-iwan ko kay baby, pero nagkaroon ako ng
bagong pag-asa. Alam kong hindi magugustuhan nila Inay ang plano ko, but I'm
determined to bring Leif Nikolaus to where he belongs.
TO BE CONTINUE...

You might also like