You are on page 1of 309

A goddess fairy came out of nowhere.

Isang pakiramdam na tila nasa isang alapaap


ako. Bakit ang gaan sa pakiramdam? Nasa gitna ako ng mapunong kagubatan,
napapaligiran ng nagkalat na tuyong dahon, mababangong bulaklak at lumilipad na mga
paru-paro. Kung isa lamang tong panaginip pahintulutan sanang hindi na ako
magmulat.

Kung ito man ang tinatawag na buhay na walang hanggan , napakaganda. Ayoko nang
umalis.

Lumapit sa akin ang diwata.

"Iyong pakatatandaan, anumang pagsubok ang iyong maranasan sa buhay, lagi mong
alalahanin ang pagkakataong ito na iyong naranasan. Pag-ibig ang iyong pairalin sa
lahat ng pagkakataon. Sapagkat anumang bagay ang iyong kasadlakan, magsisilbi itong
iyong tagapagligtas sa anumang panahon." Ngumiti ang napakagandang diwata.

Banyaga man sa aking pakaramdam marahan akong tumango. I'm hooked by the feeling.
Matagal akong napatulala sa kagandahang nasa harapan ko kaya ganon na lang aking
pagkagulantang sa biglaang bugso ng pangyayari, may isang lalaking katangkaran ang
tumatakbo palapit sa akin. Tila mabagal na tumatakbo ito palapit sa akin.Ni hindi
ako makagalaw. Nakalingon siya sa likod na tila mayroong humahabol, inililipad ang
may kahabaan nitong buhok. Papalapit nang papalapit. Napasinghap ako sa pagkabigla
nang hinapit niya ako sa beywang. And then, we both FELL.....

"Ouch!" parang kutsilyong humiwa ang pagputol sa panaginip ko. Aww, anong klaseng
panaginip yun? Idinilat ko mata ko. Pati sa panaginip ang weird ko. Teka, hindi ako
makahinga. Bakit parang merong nakapatong sa dibdib ko? Ang bigat. Slowly, I look
down. Ganon na lang panlalaki ng mata ko nang may makita akong braso. Malaki at
firm na braso?! A-ano to? Sumibol ang kaba sa puso ko. May taong nakapasok sa
kuwarto ko, kung sino iyon ang aalamin ko. Dahan-dahan at may pag-iingat akong
lumingon sa kanan ko. If this is also a dream, please wake me up Lord.
O_O "What the fudge?" Literal na napanganga ako. Nangyayari ba talaga to? ... a-
anong ginagawa ng RuthlessEnglish Professor ko sa kuwarto ko?!!!!!

#################

OOPPPS! Huwag muna tamarin sa kuwentong ito...add to your library po.

This is about teacher and student love relationship. Please vote and comment. Thank
you!

"Lorraine, do you understand?"

Napakurap ako. Tss. Spacing out again. Nilingon ko ang ate Laureen ko.

"What?"

"Hindi ka na naman nakikinig. Ang sabi ko mamayang alas sais ng gabi, txt mo ko
kung nakapag-out ka na. We're going to meet someone." May pagkainip sa boses na
sabi niya.

"Sino?" kasabay non ang pagkunot ng noo ko. At sino naman kaya itong paimportanteng
tao na kailangan pang abalahin ang schedule ko. Alright, having a clue already. Isa
lang naman ang nangyayari kapag ganitong pagkakataon.

"Your meeting August Santos." Sumilay ang ngiti salabi ng ate ko. With sparkling
and twinkling eyes. Oo alam ko medyo over description ang sinabi ko pero kitang
kita ng dalawang mata ko ang kislap sa mata niya nang binanggit ang pangalang iyon.
How pathetic. Naging in-love lang ang laki na ng pagbabago sa ate ko. I don't even
understand how love can change people in just one snap. Pero sacase ng ate ko,
hindi siya nagbago. Lalo siyang bumait. At hindi ko alam kung good ba o yon o bad.

I stand up. Tinunghayan ko ang langit na tila may paparating na unos dahil sa kulay
nitong red-orange, hudyat na papalubog na ang araw. Amazing to see yet
nakakakilabot. Once may nakapagsabi para daw itong sumpa. Paniniwala nga naman.

Lumapit sa tabi ko si ate Laureen.

"I know Mom and Dad are happy now." She tapped my left shoulder. "Makakaya rin
natin to Lorraine, we just need to stick to each other. Tayong dalawa na lang ang
natitirang mag-kapamilya." She smiled and hugged me from the back. "Alam mo, ang
laki ng pasasalamat ko, kasi nagkaroon ako ng kapatid na tulad mo. Kaya kahit na
anong mangyari, kahit mag-asawa man ako o magkapamilya, hinding hindi kita iiwan.
And that's a promise."

I can't help but to smile. Naramdaman kong namamasa ang mata ko. Ate never leave my
side simula nong maulila kami. Yes, we are alone now. Namatay si Mommy at Daddy due
to Plane crash two weeks ago. Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa noong
panahong nabalitaan namin ang nangyari. Pupunta sana silang Paris para sa
celebration ng ika -25 years ng kanilang pagsasama. They were very happy back then.
Masayang-masaya silang nagpaalam sa amin sa airport bago pumasok sa arriving area.
Hindi namin inakala na iyon na pala ang huli naming pagkikita. Pareho naming
naramdamang tila may isang kaputol ng aming pagkatao ang nawala. Nakapanghihina,
nakapanlulumo. Mahirap man tanggapin, nagpakatatag kami. Sabi ni ate kahit ano
mangyari andito lang siya sa tabi ko. Pinatunayan niya iyon . That's why I really
love her. Nagpapasalamat ako sa panginoon kahit naulila kami sa magulang hindi niya
kami pinabayaan.

Hinawakan ko ang braso niyang nakapulopot sa leeg ko.

"Ate, thank you. Alam kong madrama ka, pero hindi ko alam na naging kayo lang ni
August may idadrama ka pa pala." Tumawa akong mahina. Kumalas siya sa pagkakayakap
sa akin.

" Okay? So madrama ako? Eh ikaw pusong bato." She laughed again. Nakaharap na siya
sakin ng may masayang mukha. Somehow nagpapasalamat ako na dumating sa buhay niya
si August. Una tutol pa ako sa relasyon nilang dalawa,.Ganito lang ako pero
protective kami sa isa't isa. Pinangako namin sa sarili namin noon na kung sinumang
lalaki ang sa palagay naming mamahalin namin ng buong buo, kikilalanin ng lubos ng
isa. Pero nakalimutan yata ng ate ko yon, kasi mas minahal niya si August kesa sa
akin. Nagkaroon pa kami ng kaonting tampuhan noong panahaon na iyon. Iyon ay dahil
nakita ko si August na may kasamang ibang babae when by that time nililigawan niya
na si ate. Una ang akala ko pinaglalaruan niya si ate pero napatunayan ni August
iyon sa pamilya. Parang kailan lang isa si mommy sa naging tulay para magkasundo
kaming magkapatid. But now, I can't help but sigh. Naroon kasi yung katotohanan na
wala na ang itinuring naming ilaw sa aming buhay. And Dad, he's the greatest
father. Ibinigay niya lahat para sa aming magkapatid kahit hindi kami ganoon
kayaman. Mom is a teacher and Dad is Engineer. Simple life yet full of joy.
Mom is pure Filipino while Dad is half American, pareho namin nakuha ni ate ang
tangos ng ilong ni Dad at mata, samantalang nakuha namin kay Mommy ang mala-
porselanang kutis. Mas matangkad ako kay ate. But just 1 inch. I guess? Pero ang
iniinsist ng kapatid kong to pantay lang daw kami. She's 5'6 and I'm 5'7. We also
practice English since may mga kamag-anak kami sa States.

"Pusong bato? Kanta yun ah." Ngumiti ako ng malapad. Argh! So lucky having this
pretty sister.

"Yeah. Kanta pero saktong sakto sayo. Halika na nga sa baba, kailangan na nating
kumain at nang makabawi. Kailangan mo nang pumasok sa nilipatan mong University.
Ikaw kasi ang sabi ko naman sayo hindi mo na kailangang lumipat, ikaw itong
nagpupumilit."

"Ate, pag-uusapan na naman ba natin ito? We've talked about this countless times!"
hindi ko na napigilan magreklamo. Ilang beses ko bang ipapaalala na ayoko na sa
school na yon, at tska kailangan kong mag-move on. Maraming bagay nakakapagpaalala
sa school na iyon tungkol kay mommy at daddy at paniguradong malulungkot lang ako
kapag bumalik pa ako don. Since first year of schooling nandoon na ako sa school na
iyon.

"Okay, okay, okay. So, I'll fetch you later. Just text me, alright sis?!"

Tumango na lang ako. Iyan ang isa sa kinaiinisan ko sa kanya, she keep on repeating
something kahit na settled na ang issue.

It's already 9am when I arrived at school. Wala pa akong sasakyan so hinatid na
lang ako nang ate ko. Sometimes it's kinda irritating na parang binibaby niya ako.
At hindi na ako baby, I'm already 18 years old! For Christ sake!

It's my first day here at nangangalahati na nang semester nang lumipat ako. Inikot
ko ang paningin ko sa campus na natatanaw ng mata ko. Kung ikokompara sa
pinanggalingan kong school, masasabi kong mas maganda rito. Inilabas ko schedule ko
at hinanap ang first assigned classroom ko.

"You! Pick that piece of paper! Ano ba naman kayo mga uhugin na kayo hindi pa kayo
marunong magpulot ng kalat dito sa corridor! Daig pa kayo ng Elementary!".

Napakunot ako ng noo nang nakita ko ang pinagmulan ng boses na yon. Who is he? Is
he some president nagging whoever he sees?
"You! Pick that piece of paper! Ano ba naman kayo mga uhugin na kayo hindi pa kayo
marunong magpulot ng kalat dito sa corridor! Daig pa kayo ng Elementary students sa
behaviour niyo!"

Napakunot ang noo ko nang nakita ko ang pinagmulan ng boses na iyon. Who is he? Is
he some president nagging whoever he sees? He wears formal blue long sleeves polo.
Nakadagdag pa sa pagiging attractive ng itsura niya ang reading glasses na
bahagyang nakaloose sa matangos niyang ilong. Clean haircut, broad shoulders at mga
panga na tumitiim kapag nagagalit.

"All of you! You should know how to clean this campus!" Inikot niya ang paningin sa
mga studyanteng nakatunghay sa ginawa niya, including me. Why do I feel this way?
Kumabog ng husto ang dibdib ko nang tumama ang mga mata niyang tila nanlilisik sa
mata ko. Tila mayroong dalang boltahe ang mga tingin na iyon. Is that my
imagination? Tila kumislap pa ang salamin niya dulot ng sikat ng araw. Ipiniig ko
ang ulo ko. Anong nangyayari? Why am I being weird these days?

Pinanood ko ang lakad niyang punong puno ng authority. He's walking like a
superior. Grabe. Sa lahat ng alam ko na terror teacher, siya lang ang mukhang hindi
teacher. To be honest, that's what exactly what I think. Makikita mo ang
professionalism at pagiging kagalang-galang sa kanyang tindig pero sa tulad kong
isang teen- ager, iba ang aming maiisip. He's like a walking Adonis. A model. A
hunk. Naligaw lang siguro ito sa NEU mula sa photoshoot or what eh.

Laglag panga ko siya tiningnan. I never seen this kind. Marami na akong nakitang
gwapo, mga matipuno ang katawan pero hindi tulad nitong nagsusumigaw ang
kaguwapuhan at charismatic aura. I suddenly laughed at my sudden thought. Naalala
ko lang naman ang napanood ng pinsan ko noong elementary days, ang pamosong anime
noong panahon na hanggang ngayon pauit-ulit pa ring tinatangkilik, ang Dragon Ball
Z. Oo inaamin ko na weird na talaga ako ngayong araw, pero bakit parang nakita ko
lumalabas na puting aura sa katawan niya na tila isa siyang tinatawag na "sayan".
San Goku? Tsk! Nababaliw na ako. Iniling-iling ko ang aking ulo. Naalog yata ito
kanina paggising ko kaya punong puno ng kaweirduhan ang isip ko.

I continued walk. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. And probably
the other girls talking at my side.

"Grabe nakita mo kanina? Sobrang hunk talaga ni Mr. Olivar, ano? Like, OMG! As in
OW.!EM..!GI.! Ang sungit sungit niya pero bawing bawi naman dahil sa kagwapuhan
niya. Nalaglag panty ko kanina friend!" With maching actions pa yan habang sinasabi
ng isang girl. Tumaas ang labi ko, nagpipigil ng tawa. Heck! That is the most over-
reacting description I have ever heard in my whole entire life! Ako nalaglag lang
panga kanina, siya pati panty kasama?! Ano siya hinubaran ng cornea? May lumabas na
kamay na mahahaba mula sa mata? O sadya lang talaga maluwang ang suot niyang panty?

Okay! Im getting worst.

"Nalaglag panty mo? Heh! Tigilan mo ko Carol sasamain ka sa akin!" saway ng isa.
Kontrapelo ang dalawa. Sumimangot naman ang isa.

"You're so mean talaga friend." The girl pouted. Oh, she's cute. Nakarating na ako
sa designated classroom ko. Nakasabay ko pumasok ang dalawang patuloy pa ring
nagtatalo tungkol sa 'show' daw kanina. Pfft. Naging masaya ang umaga ko dahil sa
dalawa. Gusto ko sana magpsalamat, but...never mind. I looked for a seat then found
a space near the windows outside. Sinulyapan ko ang mga magiging classmates ko.
God, ang iingay nila. Hindi ba nila alam na mayroong gusto manahimik?

"Hello there friend!" Masayang bati ng isang kasabay ng pagkalabit sa balikat ko.
Oh, ang nalaglagan ng panty kanina. Pfft. Natatawa pa rin talaga ako kapag naalala
ko ang sinabi niya. Hinarap ko silang dalawa mula sa likod. Aww, medyo sasakit ata
leeg ko nito mamaya.

"Bagong student ka dito miss?" The other girl asked. Base sa paraan ng pananalita
niya mukhang isa siyang tomboy. She's wearing a cap. No offense but it's kinda
weird. Isang pagirly at isang nagpapanggap na lalaki. Ano to, opposite attract? Are
they friends? O baka naman may relasyon silang dalawa? Pfft. Argh! Nakakabaliw na
talaga ang araw na to!

"Ah, oo." Tipid kong tugon.

"Hi! Im Carol nga pala. And she's Sheena. But you can call her Sheen. Iyon gusto
niya itatawag sa kanya sabi niya. Arte no? Di naman maganda." She rolled her eyes.
Ngumiti lang ako pero nakakagulat ang sumunod na nangyari, wala. Binatukan lang
naman siya ni Sheen.

=.=

"Aray ano ba!" She snapped at sinamaan ng tingin ang isa.


"Oo alam ko hindi ako maganda, so anong ipinaglalaban mo?" Parehas na silang
nagsamaan ng tingin. Okay? Ako na yata dakilang extra mula sa away nila Nora at
Sharon. These two are weird. Ano bang akala nila wala ako dito sa harap nila at
tila kung umakto nasa pelikula? Pero hindi ko ipinakita na medyo naiinis ako. Nice
naman sila para sa akin, hindi nga lang halata.

"Eherm," then I manage to disturb them. Nakakatuwa sila tingnan pero I need to
interrupt.

"Oh, sorry." The girl named Carol smiled. " Ano nga pala pangalan mo?"

"Lorraine. Lorraine San Juan." I gladly smiled then act for a hand shake. Tinanggap
nila sabay ang kamay ko. Heck pati kamay ko pinag-agawan. Feels like they're going
to be my friends from now on. Mukhang kailangan ko na din masanay.

Hindi naman ako iyong tipong namimili ng kakaibiganin. Kapag pakiramdam kong safe
ako, doon ako. Ayoko kasi sa mga taong plastic, sorry to mention but it's
absolutely true. Mahirap kasi magkaroon ng kaibigang hindi totoo sayo. I know sa
dalawang ito walang halong pagpapanggap, halatang halata naman sa kilos nila
kanina. And most likely, pinipili ko iyong kaibigang kampante akong kasama sila,
talking to someone na hindi ko gusto parang ang bigat sa pakiramdam. Iyong
pakiramdam ko na siguro ang nagdedesisyon kung sinong kakaibiganin. I'm not
friendly. Ang mga nagiging kaibigan ko usually sila ang unang nag-aaproach sa akin.
Ewan ko ba, I just can't talk to someone not knowing who she really is. Mahirap na
kasi magtiwala kung kani-kanino. Mabuti nang sa umpisa umiwas na sa mga
backstabbers.

Natapos ang first subject. Katulad ng inaasahan kanina dumikit na naman ang dalawa.
They keep on mentioning things na hindi ko masyado maintindihan. Ang sama man
pinili ko na lang manahimik at ngumiti tuwing tinitingnan nila ako and answer sa
mga binabato nilang tanong like kung saang school ako galing at kung ano-ano pa. I
enjoyed their company kahit nakakairita ang madalas nilang pag-usapan na nauuwi
naman sa pagtatalo, talking about that hunk teacher. Sabi nila English daw ang
itinuturo at very strict pagdating sa academics. I heard clearly and I assumed na
itong Mr. Olivar ay ruthless teacher pero bakit nakakakita na naman ako ng
sparkling eyes at reddy cheeks sa mukha ni Carol? Ganon ba epekto ng terror teacher
sa isang studyante? Kinikilig pa? What the fudge?!

Sa wakas natigil na rin ang kuwentuhan nila Carol at Sheen. Sumakit ata ulo ko sa
dalawa. Tsk! Napansin ko ding hindi sila pinapansin ng iba naming classmate na
nagtatalo tungkol sa teacher na iyon. Bakit? Are they immuned already sa kakulitan
ng dalawa na kapag nagtalo parang aso't pusa? Tell me, hindi naman ako nagkamali sa
pagpili ng kakaibiganin, di ba? Di ba? Argh!

"Classmates! Andiyan na siya!" One of my classmates shout and hurriedly take his
seat. Sinong 'andiyan na siya'? Napakunot na naman ako ng noo. Ano bang nangyayari
sa mga studyante ng NEU?

My questions were answered by someone's presence standing firmly habang nakasiklop


ang dalawang braso sa dibdib. Standing again like authority. And then the strange
feeling attacked again. What the? Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing nakikita
ko siya? He roamed his eyes. Parang sa isang pitik ng isang segundo biglang
napalitan ang kaninang nakakabinging ingay ng nakakabinging katahimikan. Tila isa
siyang leon na handang sumakmal sa kung sinumang magtatangkang maglikha ng ingay.
Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad patungong teachers table.

Marami ang napasinghap ng bigla niyang inihampas ang dalawang kamay sa mesa ngunit
walang nagpahalatang natakot sila. A-anong? I can't help but to ask from myself.
Anong klaseng teacher siya at bakit bigla siyang nagagalit? I know that he is
ruthless but I never thought that he will be THIS ruthless! Ang unfair! Darating
siyang mukha siyang nakalamon ng sampung toneladang baboy sa aura niya at mananakot
siya ng studyante? Alam ko at kitang kita ko lahat ng ebidensya that he is like a
living Adonis but what is wrong with Carol and other students na sa kabila ng
pagiging halimaw niya nagagawa pa rin nilang humanga sa tao na to? I am not being
judgemental but base from what I saw and heard kanina lang, isa siyang nakakatakot
na tao. And I'm depending my impressions to one person from what I saw at the very
beginning.

Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. I know now why I am feeling like this.
Nakaramdam din ako ng takot sa ipinapakita niya.

"Is there some roosters hiding under your chairs? Ilabas niyo nang makapusta naman
ako. Dinaig niyo pa ang may cockfight sa ingay niyo!" even his words are hurting
like a knife. Naiintindihan ko na sobrang ingay nga naman ng mga classmates ko like
they are in high school. And he has the right to b angry. Pero hindi ba para siyang
nag-oover react lang? Iyon ang nasa pananaw ko at naiirita ako sa teacher na to.
Like he is some.....

"You." Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong itinuro.

"Me? Y-yes sir?" Nanginginig man ang mga tuhod, pinilit kong tumayo.

"You're a transferred student right? Come here in front and introduce yourself.
After your introduction we will proceed to our next lesson."

Argh! Shame on you sir!


Introduce yourself. Introduce yourself. Paulit-ulit lang sa isip ko ang sinabi niya
pero nag-aalinlangan pa rin ako kung gagawin ko. Tila ako isang inutil na hindi
makasunod dahil sa nakakakabang mga tingin ng professor na to.

Naglakad na ako patungong harapan ng klase. Kinakabahan man I tried to compose


myself.

"Hi! I am Lorraine San Juan. I'm 19 years old." Nilingon ko si sir sa left side ko.
Wait, tama ba ako ng nakita ko o hallucination na naman to? He's half smiling and I
don't know why. Ngumiti itong ruthless professor na to? Sa akin? Ngunit sa isang
pitik din ng segundo bigla ring nawala ang munting ngiti na iyon na tila isang
multo na dumaan, para akong namalikmata sa isang bagay na hindi kapanipaniwala.
He's back to serious face.

"Is that all, Ms. Lorraine?"

I suddenly notice my classmates reaction nang sinabi ni sir ang pangalan ko. What?
Anong kakaiba sa pagbanggit ng pangalan ko? Sa pagkakaalam ko that's the right way
of addressing students, first name bases. Weird students. Tsk.

"Yes sir."

"Alright, you may now take your seat."

And the rest of the period continued. Hindi ko na pinansin ang hindi pa rin
mawalang reaksyon sa mga mukha nila samantalang yung iba pasimpleng bulungan. Hindi
ko talaga sila maintindihan. They were acting na parang mayroong kakila-kilabot na
nangyari kanina. I wondered also kung ano yon ngunit sa palagay ko hindi ko na
kailangan malaman, wala naman sigurong masama kung hindi ako makikisawsaw.

Lunch break. Kasabay ko si Carol at Sheen talking and arguing again. Naghihinala na
rin ako kung tomboy nga ba itong so Sheena dahil mahilig din siyang dumaldal, in a
different way nga lang. Bestfriends nga talaga sila, nagkakasundo sila sa ganoong
bagay.
"Lorraine, wala ka bang napansin kanina sa period ni Sir Olivar?" Carol asked. So
mukhang pati silang dalawa hindi rin nakamove-on tungkol sa nangyari. Curiosity
kills at kailangan kong malaman kung ano iyon. I manage to act innocent.

"Napansin? Wala naman, bakit?" Pareho nila ako tiningnan ng kakaiba. Pfft. Ano to
interrogation?

"Seryoso! Wala nga?" Ay ang kulit.

"Wala. Seriously?"

They both look in each other. Ugh. Ang ayoko sa lahat binibitin ako sa isang bagay
na alam kong dapat kong malaman.

Sheen speak. "Sir Thorin never addressed his students in their first name! Hindi ba
katakataka yon? Lahat yata ng studyanteng nahawakan niya dito sa NEU alam ang bagay
na iyan."

"Yeah as in super duper right!"

"So? Anong kakaiba sa bagay na yon? People always change and there is always a
first time. Pwede ba wag nga kayo paranoid." Sus iyon lang pala. Anong big deal
doon? Wag nila sabihing nagkaroon ng special treatment sa case ko? Seryoso? Konti
na lang malapit na akong maniwala na may kakaiba sa pag-iisip ng mga students dito.
First day pa lang ang dami nang weird na nangyayari, mukhang nadamay na din nga
pag-iisip ko. Argh.

"Yeah. Agree kami sa first time na sinasabi mo, pero hindi rin nakaligtas sa
paningin namin ang half smiling face niya. At huwag mong ikaila na hindi mo
napansin iyon kasi halata sa face mo kanina na nagulat ka. That is more
unexpecting. At! Hindi kami magrereact ng ganito at syempre ang iba kung simpleng
insidente lang ito. Because he is terrible Thorin Olivar. Nakakabit sa pangalan
niya ang nakakatakot na aura at consistent siya sa image niya na yon. Walang
sinuman ang nakapansin na may iba sa kanya kahit ang ibang professors dito. Lahat
sila ilag. Until kanina!" With matching panggigigil tone na sabi ni Carol. Hindi ba
siya galit niyan? Hindi ko rin naiwasang mag-isip sa sinabi niya. Anong meron sa
akin? Hindi ako nagyayabang ngunit may pakiramdam akong kilala ako nitong ruthless
teacher namin. Iyon ang aalamin ko.

"Well, sabihin na nating kakaiba ang naging treatment niya sa akin kanina. But I
have no idea. Alamin na lang natin sa susunod na mga araw. Ang O-OR niyo."
"Anong OR Lorraine?" Si Sheen

"Yeah! Official Receipt?"

"No! Over Reacting!" I smiled. Corny joke, isn't it? Tawa kayo.

"Ahh." Magkapanabay na sabi ng dalawa. Binatukan ko nga. Hindi pa binili minsan na


nga lang magbenta.

At nagpatuloy ang kuwentuhan, nasabayan ko na rin silang dalawa sa pinag-uusapang


kung ano ano.

"Hi guys!" Someone greeted. Sabay sabay naming nilingon kung sino ang tumawag. I do
not know him. Obvious naman kasi bago pa nga lang ako dito. Tss.

"We're not guys. FYI. Si Sheen siguro baka puwede pa." Angal ni Carol. Nakatanggap
na naman tuloy siya masamang tingin mula kay Sheen.

"Sino ka ba at bigla kang lumalapit. Wala kami kilalang Ace ang pangalan." Aba
marunong din pala magtaray itong si Sheen. Tiningnan ko ang tinawag nilang Ace. He
pouted.

"Alam niyo ang sasama niyo talaga." He looked at me. "Oh, baka puwede niyo naman
ako ipakilala sa magandang binibing kasama niyo." Kasunod non kumindat siya.
Napangiti ako. Magaan ang loob ko sa kanya. Sa palagay ko ay kaibigan din ng dalawa
ito.

"Hmmp!" Lumapit si Carol sa kanya at binatukan siya. "Huwag mo itutulad new friend
namin sa mga babae mo. She is sooo good to be true kaya puwede ba, back off bad
boy!"

Natawa na lang kami ni Sheen. They're so cute together. Bagay sila. Pfft.

"Grabe. Grabe. You know what hindi ko alam kung bakit naging best buddy kita."
Nginitian niya ako." I'm sorry wag ka magpapaloko sa dalawang to ah. Mga plastic
mga ya... a-a-aray ano ba?! Nakakarami ka na ah!" Pinagsasapak siya sa braso ni
Carol. Nakakatuwa sila tingnang dalawa. Kasunod non ang munting tawa ni Ace. Habang
si Carol natatawa tawa na din.

"Ganyan talaga sila. Kung ako sayo masanay ka na." Mahinang sabi ni Sheen sa akin
na nangingiti-ngiti na rin. Tumango na lang ako at sinulyapan ang dalawang patuloy
pa ring nagkukulitan. Namiss ko tuloy bigla ang mga dati kong kaibigan sa dati kong
school at nakakalungkot isipin na hindi na muling maibabalik ang dating
pagkakaibigan namin. Nasira kasi iyon ng pagtatraydor. Ang buong akala ko mga tunay
silang kaibigan pero mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanila. Kaya sabi ko
sa sarili ko noon ayoko na ng mga kaibigang hindi tapat na sa huli bigla ka palang
sasaksakin ng patalikod. Wala akong ginawang masama sa kanila. I trusted them.
Once, I accidentaly commited a mistake and because I have a trust in them sinabi ko
ang sikreto ko ngunit hindi ko inakala na mismong ang mga pinagkatiwalaan kong
kaibigan ang magpapahamak sa akin. Kaya masasabi kong never give your 100% trust
kahit kanino. Ang bestfriend nga puwede kang itraydor, ang simpleng kaibigan pa
kaya? At wala din ako bestfriend. Sadyang wala lang talaga.

But the good sign is, hindi hinayaan ni God na mamuhi ako ng matagal at hindi na
magtiwala sa iba. Kaya ito ako ngayon muling nakatagpo ng mga bagong kaibigan.
Nagpakilala ako kay Ace at napag alaman kong isa siyang varsity player sa
basketball.

Natapos ang araw hanggang umabot ng uwian. Kasalukuyan ako ngayong naghihintay sa
labas ng gate ng university. I already messaged ate Laureen about going out with
August. Hindi ko alam bakit pa kailangang imeet ulit na kung tutuusin nagkakilala
na kami.

Hay grabe kapagod ang unang araw. Nauna na ring umuwi sina Carol at Sheen dahil
medyo malayo ang tirahan ng dalawa mula dito sa school. Nagpumilit si Ace ihatid
ang dalawa kaya wala na rin sila nagawa. Nagtalo na naman? Oo ano pa nga ba.
Bahagya ako napangiti nang maalala ko ang mga yun.

And then suddenly I saw Mr. Olivar walking hurriedly. May pagmamadali siyang
sumakay sa cab na na kanyang pinara. May emergency kaya? Siguro. Nagkibit-balikat
ako. Bumalik na naman sa isipan ko ang mga nangyari buong araw.

Bakit nga ba first name bases niya ako tinawag kanina? And he smiled at me. Hindi
kaya nakilala niya na ako noon pa?

I groaned. Imposible naman siguro. I never seen him before. O kung nakaligtaan ko
man na nakatagpo ko na siya. Pero imposible eh. Nakakainis. Mukhang hindi ako
patatahimikin ng palaisipin na ito. Wala naman talaga akong balak intindihin ito
kanina kung hindi lang dahil sa dalawang iyon who keeps on insisting na may
itinatagong kahulugan daw ang napansin naming half smile at simpleng pagtawag.
Nakakairita na simpleng bagay lang ang ginawa niya biglang lumaki. Ugh!!

Ate Laureen arrived at kinumusta ang first day of school. I said okay naman pero
hindi daw siya naniniwala dahil sa itsura ko. Bakit ano ba meron sa itsura ko?
Mukha ba akong inapi ng daan-daang studyante dahil bagong lipat ako? She's OR
again. Oo kung merong OA meron din OR. Deal with it.

Sabay kaming naglakad papasok ng restaurant kung saan naroon naghihintay si August.
I don't like calling him kuya. Wala. Gusto ko lang. Hindi naman na nangangailangan
ng paliwanag iyon hindi ba? Ganon ang tao, kapag mayroon tayong gusto minsan hindi
na tayo nagbibigay ng dahilan.

So when we walk towards the table napansin kong may ilang napapalingon sa gawi
namin ni ate Laureen. Bakit? At saka doon ko narealize. Ahh.. There is a surprise.
I saw August standing beside the table, smiling habang nasa likod ang magkabilang
kamay. Mayroong tatlong kandilang nakasindi sa sa ibabaw ng mesa kasama ang ilang
pagkain. Wait, did I see four plates? Ibig sabihin may iba pa kami kasama sa gabi
na ito?

Biglang nawala ang iniisip ko nang biglang lumuhod si August sa harap ni ate
Laureen nang makalapit kami hawak ang isang red box. Singsing. August knows
surprises huh.

Nawala nang tuluyan ang nasa isipan ko ang tungkol sa ikaapat na plate sa mesa nang
matunghayan ko ang sumunod na nangyari.
"Laureen... I know it is too sudden. But, will you be my wife?" August asked with a
face full hope. Halata sa mukha ni ate ang pagkagulat at pagkasorpresa. Her tears
fell.

"August..." she stop for a while. "Y-yes. I will be your wife." Kasiyahang hindi
mapantayan. Iyon ang nakikita ko sa mukha nilang dalawa nang tinanggap ni ate ang
proposal. I am too was very happy for my sister. Nagyakap sila kasabay non ang
pagpalakpak ng ibang customers sa restaurant na iyon.Everyone watches the couple
happily. Hindi ko alam bakit narito pa ako. Sheeks! Kung hindi lang ako masaya
ngayon para sa ate ko baka nagreklamo na ako kung bakit pa ako inanyaya dito.

After that, we take our seats. Ang saya nilang dalawa. Smiling like there is no
tomorrow.

"I'm so happy for you." Hinawakan ko ang kamay ni ate at ngumiti ng sinsero. She's
so lucky.

"Thank you sis. Grabe hindi ako makapaniwala." Puno ng kasiyahan na sabi niya.
Sabay kami sumulyap sa singsing na isinuot ni August kanina sa kamay niya noong
sumagot siya ng oo.

"You know I'll do anything for you babe. Mabuti naman nagustuhan mo. Akala ko
marereject ako ngaun e." Tumawa siya. Well August is a man also that every woman
would dream. Perfect definition ng gwapo at hunk, nakadagdag pa sa perfect
features niya ang konting bigote. Oo attractive siya, tinatamad na ako magdescribe.
Nakakapagod lang. Tss.

Bale pabilog ang mesa at nasa left ako ni ate. The other side was meant for someone
na ewan ko kung bakit wala pa. Paimportante pa yata. We started to eat when ate
asked something.

"Uhm," she wipe the tissue at inabot ang glass ng wine. "By the way babe, yung half
brother mo? Akala ko kasama siya ngayon?"

Half brother?

"Ah yeah. Akala ko nga din eh. Pero tumawag siya kanina, emergency daw. Ewan.
Siguro tungkol na naman sa bestfriend niyang si Ynna yon." Iling-iling na turan ni
August.

Alright. So he has a half brother. Ngayon ko lang nalaman. At sa kanya pala dapat
itong kabilang puwesto. Tsk. Kung bestfriend lang naman pala bakit mas pinili niya
pa yon kesa dito sa mahalagang nangyayari sa kapatid niya?

Still I remain silent habang patuloy na kumakain. Hindi rin naman ako masyado
kinakausap ni August. Naiilang pa rin siguro tungkol sa pagtutol ko sa kaniya noon.
Well hindi niya ako masisisi dahil isa lang akong nagmamahal na kapatid. Handang
gawin ang lahat maprotektahan lang ang kapatid ko at sigurado akong ganoon din si
ate Laureen sa akin.

"So kumusta naman daw ang pagtuturo niya sa NEU?"

Napaangat ako bigla ng tingin sa sinabi ni ate. Professor ang half brother ni
August???

~
Professor daw?!

Hindi ko alam kung bakit kinutuban ako ng kakaiba sa sinabi ni ate pero hindi ko
naman matukoy kung ano. Nanatili pa din akong tahimik kahit gustong gusto ko nang
itanong kay August kung ano pangalan ng half brother niya. Nakakairita lang na
inunahan ako ng hiya na baka isipin nilang interesado ako sa half brother niya na
yon. They shifted their topic into some bussiness related stuff at kung ano ano pa
hanggang matapos ang gabi.

At last! I can call it a day! Sheeks! Ano bang ginawa ko kanina? Wala tumambay at
nakikain lang siguro. Nakinig sa mga bagay na hindi ko naman maunawaan.

Hinatid kami ni August sa bahay at nagpaalam na magkikita pa daw sila ng half


brother niya. Bakit hindi nagbabanggit ng pangalan ang dalawang to? I asked ate
tungkol sa gumugulo sa isip ko pero nagkibit-balikat lang siya. Kahit siya hindi pa
din daw namemeet ang half brother ni August in fact na matagal na sila magkakilala.
Why? Ayaw ba ipakilala ni August ang dalawa? Hindi ko gusto ang naiisip ko. She
added also na hindi daw talaga nagbabanggit ng pangalan si August tungkol sa
kapatid. Pamysterious effect huh! August is really something ,nakakainis.

---

"Why you can't even answer my questions when it is easily answerable by common
sense? Nasaan na ang mga common sense niyo? Nilipad? Tumalsik? Namasyal? Oh God how
can you even came up with this university kung ang utak nyo hindi niyo ginagamit?!"
Fuck! I can't help but the curse. That's too harsh. Nakakainis! Kasalukuyan lang
naman nanenermon ang magaling naming English professor. Nobody can answer his
questions about world literature. I am too just can't. Sobrang hirap naman kasi.

He sighed. Grabe lahat tahimik. Walang sinuman nagtangkang kumibot ni paghinga


pigil na pigil. I just looked at Mr. Thorin. He's scary when this mad.
Naiintindihan ko naman ang dahilan ng pagpuputok ng butse niya pero naiinis ako!
He's so harsh saying those words for madness sake!

"Alright," he tried to calm himself. He looked at us at mukhang magtatawag siya ng


sasagot sa question niya. Napapikit ako. Oh my God ngayon lang ako kinabahan ng
ganito sa simpleng pagtawag lang ng pangalan ng professor ko. I know the answer
pero ayoko mapahiya!

The same with my classmates yung iba taimtim pa nagdadasal na sana hindi sila
tawagin. Nilipad din ang paningin ko kina Carol at Sheen, kabado rin sila pero
hindi tulad ng iba na nanginginig-nginig pa mga kamay.

"Mr. Delos Santos." He called the guy seated second to my seatmate. He stand up.
"Now explain, how can you elaborate the passage at Emily Dickenson's poem? Defend
yourself when I asked you questions regarding on your answer. Do you copy?" He
changed his questions. Nakahinga ng maluwag si Mark, ang tinawag upang sumagot.

"Y-yes sir. For me the passage is about how little stone is selfish sir."

"How can you be so sure that the little stone is selfish? Naranasan mo na ba at
nasabi mong pagiging selfish ang ipinakita niya dito sa poem?" He raised his
eyebrows.

"Ahm, yes sir. Selfishness is the symbol here sir." Naging confident siya sa sagot
niya. He's wrong.

"Selfishness? Oh, so you are maybe selfish that's why you said that it selfishness?
Am I right, Mr. Delos Santos?"

"No sir, that's not what I mean."

"Then get exactly to the point! Because to tell you the truth you are incredibly
and ridiculously wrong!" He shouted.

And the days went on and on na sa subject niya na ganon. Kaya ang mga students niya
todo aral. Kahit ako napipilitang magpuyat para sa subject niya. Araw- araw din
siyang namamahiya ng hindi pa rin nakakasagot. Some of his lines:

"Ano ka grade 1?! Explain it further! Lame explanation!"

"God ,are you that stupid? Ipinanganak ka bang tatanga-tanga? Mahiya ka naman!"

"Wala akong pakialam kung hindi ka nakapag-aral dahil working student ka. I am your
teacher so you being a working student is always out of my teaching bussiness.
Nagtatrabaho ka para sa pag-aaral mo kaya wag mo hayaang trabaho mo pa ang mismong
sisira sa pag-aaral mo."

Sa sinabi niyang iyon nakaramdam ako ng katuwaan sa sarili ko. May ibubuti naman
pala siya kahit papaano. Although sa una harsh pa din. Pero hindi pa rin ako
kumbinsidong mabait talaga siya, the way he speak napakaheartless na akala mo kung
sinong napakagaling. I wonder, anong klaseng tao kaya siya kapag nasa labas ng
classroom? Is he kind? Suplado? Mapagmata sa tao? Hindi ko rin mapigilan isipin sa
sarili ko kung anong ipinapakita niya sa ibang tao kapag normal Thorin Olivar lang
siya. Hay ano ba itong naiisip ko. Nagiging interesado ako sa taong ayaw ko.

...

"Alam niyo friend", sabay subo ng fries." I can't understand at kahit kailan parang
hinding hindi ko talaga maiintindihan." Carol said. Andito kami ngayon sa favorite
fast food chain malapit sa school. Naging tambayan na rin namin to simula nong
first day.

"Na ano?" Sheen. Ako naman tumingin lang. Si Sheen na nagtanong eh. Tahimik kami
kumakain nang bigla na lang sya magsalita.

"Bakit kaya ang ganda ko? Oh my God talaga!" Natawa kami pareho ni Sheen
nakatanggap na naman tuloy siya batok. Natatawa ako na naiiling akala ko kung ano
na, minsan talaga ang hilig magbiro ni Carol.

"What? Kita niyo naman edibensya di ba? Like duhh! Its too obvious you know." Sabay
tawa ng malakas. Grabe di na nahiya sa ibang customer.

"Okay oo na halatang halata talaga edibensya. Nag-uumapaw!" I said. Marunong na din


ako sumakay sa kalokohan nitong si Carol dahil na rin siguro sa kampante na akong
kasama sila. Si Ace naman mayamaya daw susunod since hindi namin siya kaklase at
magkaiba ang schedule.

"Ang feeling mo," ani Sheen sabay irap. Kakaiba din tong tomboy na to nang-iirap
eh.

"Oo feeling ko talaga maganda ako. Oo ka na nga lang kokontra ka pa e. Minsan na


nga lang magmaganda."

"Oo ung minsan na oras oras ka gandang ganda sa sarili mo."

"Nye nye nye." With make face na parang bata. Iniikot ikot niya pa sa kulot na
buhok. Maganda si Carol, pagirly pero bagay sa kanya hindi tulad ng iba hindi naman
maganda nagfefeeling maganda. Opps! No offense! Eh sa totoo naman di ba? Carol is
ovbviously beatiful on her own way. Maputi din siya tulad ko yun nga lang mamula-
mula.

"Pero seriously hindi talaga un sasabihin ko eh. About kay sir," hininaan niya ng
konti ang kanyang boses. Sos may makakarinig pa bang iba eh nasa dulo na gilid kami
nakapuwesto.

"Huh? Anong meron kay sir?" Understood na kung sino yun kaya hindi na kami
nagtanong.

"Uhm, hindi ko kasi maintindihan, kung mabait ba siya o masama eh. Isipin niyong
mabuti girls, eherm. Excuse me,yung topic natin nong nagpakilala si Lorraine friend
eh may nag-iba sa kaniya.. at ito pa, bumabait na din siya ngayon. Unlike dati, God
he's super heartless talaga!"

Huh? Naguluhan ako sa sinabi niya. Malabo din to magpaliwanag eh. Siya ata magulo.

"Oh cmon girls! Kayo ba naniniwalang sobrang sama niya talaga? Kung sobrang sama
niya sana hindi siya nagbibigay advice.Concern lang sa students ang nagbibigay ng
payo."

Okay I got the point. At naniniwala nga ba akong sobrang masama siya? Noong una
iyon ang paniniwala ko, pero sa sinabi ni Carol parang nagkaroon ako ng pagdududa.
Ano ba talaga? Anong klaseng pagkatao ba kasi meron ka Thorin Olivar? I suddenly
feel the urge to know him better not only as my teacher but as a person.

"Ay!" Nagulat na naman kami. Ano ba nangyayari sa babaeng ito? Yung mukha niya
nanlalaki at tila gulat na gulat. Ayan na naman po ang kumikislap na mata. Ay nako
alam na.

"Friends! Ladies and countrymen! Look!" Tinuro niya ang nasa likod namin. Siya kasi
nakaharap sa entrance habang kami nakatalikod.

Sabay kaming lumingon ni Sheen sa entrance nang nagtataka.

"Ah," humarap ulit kami sa kanya.

"Eh si Ace lang pala, aba crush mo na din ang mokong na yun no?" Tukso ni Sheen.
Nilingon ko ulit si Ace naglalakad papunta dito suot ang napakalapad na ngiti. Tss.
Medyo ewan lang wagas ng ngiti eh kumindat pa.
"Hindi no. Crush ka diyan. Asa! At saka hindi si pedro penduko tinuturo ko no,
tanga lang friend?" Natanga pa kami. Awts hard ito! "Ayun siya oh! God why so
pogi!" Namungay mata pa. Aba't!

And right then from the back of Ace someone's on the side view standing like a
model. Pumipila na ito sa counter. Huh!!! May naligaw... Napangiti pa ito nang
sagutin ang tawag sa cellphone nito. I know who's on the other line.

Natapos ang tawag at di sinasadyang napalingon ito sa gawi namin. Nakita siguro ako
at biglang ngumiti. Aba lalong naghyperventilate itong kasama namin. Umupo si Ace
sa tabi ni Carol na takang taka at nagtanong kung ano nangyayari.

Sheen answered. "Wala. Medyo lumuwang lang ang panty." Naibuga bigla ni Ace ang
iniinom na coke na pasimpleng ininuman dahil busy ang isa. Pfft! Natatawa na rin
ako. Syempre bigla din nawala ang atensyon ni Carol sa lalaki at sinamaan ng
tingin si Sheen. Natawa ng malakas si Ace, tawa na mapang asar.

"H-haha! Seryoso? Dapat siguro sinusuotan mo ng sinturon para hindi lumuluwag!"

"Hehe so funny! Hayaan mo magsisinturon na ako, as you wish!" She rolled her
eyeballs with sarcastic tone.

Tawa kami nang tawa sa dalawa. Hindi na mauubusan ng away itong dalawa kapag
nagkasama eh.

"Hey!" Someone greeted from my back. And then I saw Carol again. Laglag panga! Oh
my god ano bang nangyayari sa babaeng ito? Babae talaga. Pfft. Hindi pwedeng lalaki
kasi hindi siya lalaki. Tulad ng inaasahan alam ko na kung sino tumawag. Alam ko
nang lalapitan niya ako. Hindi naman sa assuming eh sa ganon talaga eh.

"Huy! Ace pakisako na nga yan. Psst! Carol! Yung tulo mo lumalaway! Nakakahiya ka
talaga." Saway ni Sheen nang pabulong.

"Nakita kita kaya pasensya na kung nakakaabala ako. Kumusta? Classmates mo?" August
asked me. Yeah. He's August. Tinapik niya ang likod ko at tiningnan mga kasama ko.
I looked at him. Nakita ko si Carol na takang-taka kung bakit ako ang kinausap ni
August at as usual si Ace at Sheen parang wala lang pero alam kong interesado din
silang dalawa kung sino itong kasama lumapit at binati ako.
"Ahm, oo classmates ko. August, this is Carol, Sheen at Ace. Guys, si August nga
pala. Fiancee ng ate ko."

Lumungkot ang mukha ni Carol. Aww, naudlot agad ang napipintong pagkahulog ng
kaibigan ko.

"Hello! Nice to meet you." He smiled. Ibang klase talaga karisma nito, pati ibang
customer pinagtitinginan siya mapalalaki o babae. Inabot niya ang kamay at nakipag
shake hands na agad naman inabot unang una ni Carol. Natatawa si Ace habang si
Sheen napailing-iling na naman sa kabaliwan ng kaibigan niya. Isa isa na rin silang
bumati at ngumiti.

"You can join us if you want." Anyaya ko.

"Nah. I gotta go. Dinaanan ko lang sa university niyo yung kapatid ko. Sakto lang
na nakita kita kaya naisipan ko lumapit." Nagpalinga-linga siya." Actually kasama
ko siya kanina, now I do not know kung san biglang nagpunta yun hindi man lang
nagpaalam. Tsk." Huh? Kasama niya kapatid niya? Yung half brother niyang taga-NEU
nagtuturo? Bakit nga ba hindi namin nakita? Weird. Curious pa naman ako sa kanya.

"Kapatid? May kapatid po kayong nag-aaral sa school namin?" Naging interesado na si


Carol. Nyay!

"No," he smiled again. "Professor na siya. Ah Lorraine kailangan ko na umalis. See


you around na lang. Bye!" Tinanguan na lang namin siya at saka siya naglakad
paalis.

"Psst! Lorraine! Bakit ang guwapo non? Oh my! Kaso sayang, mapapangasawa na pala ng
ate mo." Carol

"Anong malay ng kaibigan natin kung bakit yon gwapo? Buti sana kung siya mismo
nagluwal kay August," naasar na sabi ni Sheen panigurado napipikon na to sa
lantarang pagpapakita ng paghanga ni Carol kag August.

"Nagtatanong lang naman baka sakaling alam niya di ba?"

"Tama na nga yan! Kumain na lang tayo." Saway ni Ace sabay subo ng fries. Napansin
ni Carol na paubos na pagkakain niya kakadukot ni Ace. Tinapik ni Carol sa kamay at
ayon nagtalo na naman ang dalawa. Nako cge lang.
"Lorraine, hindi ka ba nagtataka?" Sheen asked me. Huh?

"Ano? Anong nagtataka?" Salubong ang kilay na tinanong kosiya. Pinagsasabi nito?

"Yung kanina. Si August."

Nagtaka na rin ang dalawa kung ano sinasabi ni Sheen.

"Oh anong meron kay August?"

"Wala lang. Para kasing nakita ko na siya. O kaya naman may kahawig siya na hindi
ko lang matukoy kung sino."

"Baka namamalikmata ka lang." Ani Ace.

"Ano yan multo? Sira." Carol.

"Malay mo multo pala. Haha!" Sabay tawa ng malakas. Baliw talaga tong si Ace.

"No. Seryoso. Kakaiba yung pakiramdam eh. I think may kamukha talaga siya."

Nalito rin ako sa sinabi ni Sheen. Naliligalig na naman siguro to. Pero napaisip
ako, kung may kamukha si August sana noon ko pa napansin. Baka naman kakilala lang
nila kaya hindi ko kilala. Hmm???

"Napaisip tuloy si Lorraine sa sinabi mo. Imbentor ka talaga kahit kailan. Hmp!"

"Wala ako maisip na kamukha niya eh. Kayo ba?" I looked at Carol and Ace pero sabay
silang napailing. Si Sheen lang nagkaroon ng pakiramdam na ganito.
Sino ba kamukha mo August??

---

Wahhh! Sino kamukha?!

"Ano? Ulitin mo nga yang sinabi mo!" Sheeks napasigaw tuloy ako. Ito kasing ate ko
kung hindi ba naman.... Argghh! Mababaliw ako dito eh.

"What? Lorraine naman wag ka na magalit." Kalmado lang siya sa lagay na yan ah
samantalang ako muntik na mahigh blood sa kanya. Kasalukuyan kami ngayon nasa
kuwarto ko. Kampante akong nagtutugtog ng gitara nang pumasok siya at nagpasabog ng
balita. Grabe wala man lang pagdahan-dahan.

Nilapag ko ang gitara at tumayo. Hinarap ko siya. Alam ko mali na sigawan at


magalit ako sa kanya pero...

"What?? Nagtaka ka pa ate. What do you expect me to react? Seriously? Ginawa niyo
yun ni August nang wala man lang paalam sa akin eh ako yung kapatid mo. Gumagawa ka
ng hakbang nang hindi nag-iisip."

"Lorraine! You don't have the right to say na hindi ako nag-iisip. Akala ko pa
naman maiintindihan mo ako kapag sinabi ko." Nagagalit na rin siya. Aba wag niya
ako sisihin na ganito reaction ko to think na gumawa siya ng decision without even
asking me kung ano opinyon ko.

"Pero naman ate. Bakit agad agad? Eh kaka-propose niya lang sayo nung isang araw
ah. Don't tell me takot siyang makawala pa kaya tinali ka na agad?"

"What?! Wag ka naman masyadong OA Lorraine. Bakit hindi mo na lang ako suportahan
sa naging desisyon ko?"

"I can't just support you sa desisyong ginawa mo ate. Hindi mo rin ako masisisi
kung nag- aalburoto ako ng ganito dahil diyan sa patago niyong pagpapakasal ni
August. Naiinis lang ako na hindi mo lang muna ipinaalam sa akin bago kayo
nagpakasal."

"Oo alam ko. Kasalanan kong hindi ko muna sinabi. But Lorraine tapos na, at saka
hindi pa yun simbahan, it's just civil wedding."

"But that's also the point! Hindi pa kayo kasal sa simbahan pero magsasama na kayo
at may balak mo pa akong isama sa paglipat sa bahay nila. H-how can you ate? I
thought your rational thinker but how could you end up like this?! At sa palagay mo
ba basta basta mo na lang ako mapapapayag na sumama sayo sa iisang bubong kasama
ang asawa mo?"

Bumuntong-hininga siya. God ayoko siyang awayin pero ayaw ko talaga sa gusto niya.
Bukod sa hindi niya pinaalam sa akin biglaan din ang decision nilang dalawa.
Naloloka na ako dito! Kaasar!

"Kapatid kita Lorraine. Napag desisyunan na namin ito at..."

"Oo kapatid kita at ang hirap tanggapin na pinaglihiman mo ako sa bagay na to!"

"Puwede ba makinig ka muna!! This is also hard for me kaya kung puwede intindihin
mo naman ako!? I also don't want to do this pero ako nag-initiate kay August na
isama kita. Mahal na mahal ko siya at mahal din kita. So please, just this once
pagbigyan mo naman ako?" Her tears fell and I suddenly panicked. Argh! Ngayon ko
lang nakita ate ko na umiyak sa harap ko at hindi ko yata ito makakaya. Kahinaan ko
ang ate ko, at sigurado akong lagot ako kina mommy na pinapaiyak ko ang ate ko. Oh
God anong gagawin ko? I sighed. Nag- aaway na naman kami. Ano bang dahilan at
nagagawa ni ate Laureen magpakatanga ng ganito? Love?! Putik na love na yan!

I tried to touch her. Hinayaan niya lang ako hawakan ang kamay niya. Ang drama man
pero this is life. Madrama talaga ang buhay. Hayst.

"Ate Laureen, I'm sorry. Please don't cry. H-hindi ko kasi maintindihan, bakit mo
gagawin yun? P-pwede namang... ugh! I just don't get it kasi eh. Naiinis ako sayo.
Don't get me wrong, pero nakakainis talaga desisyon mo. Una hindi mo ipinaalam na
may balak na pala kayong magpakasal sa huwes, and then you told me na magsasama na
kayo, kung isasama mo ako oo naiitindihan ko cause you don't want me to be alone.
Pero kasi ate, ang hirap...ang hirap intindihin." Napakamot ako ng ulo nang
nanggigil at naglakad paatras. Nakakaasar ang sitwasyon. Natatakot din akong
mapagbigyan ko din siya. Sa lahat ng bagay, pinaka kahinaan ko siya. We are very
close to the point na handa kaming mag-give up para sa ikasisiya ng isa. I sighed
again and then looked at her, nakayuko at walang patid ang luha. Sa aming dalawa
masasabi kong ako ang mas malakas. Hindi na mahina siya pero mabilis bumigay ang
ate ko lalong lalo na sa pangalan ng pag-ibig. I hate that stuff.

"Kahit kailan, hindi ko kinalimutang kapatid kita. Kung sa palagay mo basta basta
ko lang naisip ang desisyong to nagkakamali ka. Nahahati ako sa responsibilidad ko
sayo at pagmamahal ko kay August." Inangat niya ang tingin sa akin. Hinayaan ko
muna siya magsalita. "N-natatakot kasi akong iwanan niya ako pagdating ng panahon.
Ganyan ako kabaliw sa kanya. A-ako ang nagsabi na magpakasal na kami kahit sa civil
muna."

"H-ha?! Ate naman." Puno na ng frustration boses ko. Ano bang nangyayari sa ate ko?

"I know! Baliw na kung baliw pero hindi mo maiaalis sa akin na matakot. Alam mo
naman di ba? Marami nahuhumaling kay August. Pathetic right?" Ngumiti siya ng
mapait. "Lorraine, you can't understand me kung anong nararamdaman ko kasi hindi ka
pa nagmamahal sa isang tao nang sobra. Don't judge me base on your point of view.
Sometimes you also have to look to the other side." Malungkot na ang boses niya. I
realized, am I that cruel to judge her easily? Nabawasan ang inis ko at nagdesisyon
na ako. After all wala naman na ako magagawa di ba? I need to support her for the
sake of her happiness. This is the love I know. The love for my sister na willing
ako magsacrifice para sa ikaliligaya niya. Kahit pa alam kong may hindi tama. Mahal
na mahal ko ate ko, hindi ko kayang nasasaktan siya nang dahil pa sa akin. I...I
just can't let ate Laureen hurt like this lalong-lalo na kung ako may kasalanan.

"I still don't like it. But-"

"No. Kung napipilitan ka lang-"

"If you really want to earn my permission makinig ka muna."

"Alright." She sighed at pabagsak na umupo sa kama na parang hapong hapo.

"Okay. Payag na ko sa ginawa mo. Tutol pa rin ako pero... nasa tamang edad ka naman
na at hindi na bata. Alam mo namang hindi kita matitiis kahit gaano pa katigas ng
ulo mo di ba? I'm just a concern sister. So,"

Lumiwanag ang aura ng mukha niya.


"So?"

"Cge pumapayag na ako."

"Talaga?" Lumapit siya sa akin. Ngumiti na siya.

"Oo.. para sayo hahayaan kita sa gusto mo. But always remember this, kapag ikaw
sinaktan ng August na yan, hinding hindi ka magtitiis sa kanya. Iwanan mo siya
okay?"

"Sis naman," she pouted pero nakangiti pa din. I'm dead serious about what I said.
Hindi ko papayagang masasaktan ang pinakamamahal kong ate. Isipin ko pa lang
nangigigil na ako eh.

"What? I'm serious."

Niyakap niya na ako.

"Thank you." Kumalas siya at ngumiti. I smiled too.

"Anything for you, teka paano nga pala itong bahay?"

"That's what sisters are for! Aba aba akala ko wala ng closure ang sagutan niyo
kanina. Naloka ako. " We both looked at my room's door and then we saw our Auntie
Lucy, my mothers older sister. Tulad namin ng ate ko close din sila, as in dikit na
dikit. Isa rin siya sa pinaka nalungkot nang nawala si mommy.

"Hi Auntie. Anong ginagawa nyo dito?" Sabay na lumapit kami ni ate pero ako una
yumakap bago siya.

"Ask your sister."

Sinulyapan ko si ate na nakangiti lang. Parang kanina nagsisigawan kami pero ito
parang wala lang. Ganon kaming magkapatid, hindi namin pinapatagal ang anumang
away. Pinakamatagal na ang isang araw na hindi kami nagkakabati. That's what
sisters are for sabi nga ng aunt namin.

"Ah, kanina sa question mo. Si Auntie na bahala sa bahay. Di ba Auntie?"

"Waah! So you mean alam na rin ni Auntie na aalis na tayo dito?"

"Uhm, kanina ko lang din sinabi. Im sorry sis."

"Oh tama na, halikayo sa baba, I got pizza. C'mon let's eat!" And then we go
downstair excitedly. Parehas namin paborito ang pizza lalo na kung galing kay
Auntie Lucy. Sarili niyang gawa at noon pa mang bata kami madalas pinapagawa namin
siya. I remember madalas pa kami pagalitan noon ni Daddy kasi inaabuso daw namin
kabaitan ni Auntie at susunod na don ang tawanan. Missing those days. Hay.

---

"Kailan tayo lilipat?" I asked ate Laureen habang nasa sasakyan. Ihahatid niya ulit
ako sa school.

Nilingon niya ako ngunit binalik din ang paningin sa manibela.

" This week." Tipid niyang sagot.

"Agad? Bakit ang bilis?"


"Lorraine, hindi naman sa nagmamadali but we want to live together as long as
possible."

"Oh di nagmamadali nga. Tss."

"Nope. Tawag diyan pagkamiss. We want to experience our marriage life immediately.
Pwede ba, umoo ka na lang."

"God ate, hindi ko na talaga alam kung ano nangyayari sa inyo. Para kayong naaadik
sa isa't isa."

Tumawa siya.

"Yeah that's the term. Nakakaadik kasi ang pag-ibig Lorraine."

"Love na naman. Tss."

"Bakit nga pala wala ka pa boyfriend?"

"Seryoso ka sa tanong mo?" Nilingon ko siya nang natatawa tawa.

"Of course. Sis NBSB ka pa din ba hanggang ngayon?"

"Eh ano naman?" Tinaaasan ko siya ng kilay. Eh ano? Big deal ba kung walang
boyfriend? Hello hindi ako mamamatay kung wala ako niyan, sakit lang yan sa ulo.

She laughed again. Ginawa pa kong katatawanan. Tss.

"Sis are you that choosy? Ang alam ko marami na nanliligaw sayo pero wAla ka man
lang ba natipuhan kahit isa sa kanila?"

Umiling-iling ako. Hindi ako choosy. Pihikan or what. Hindi kasi ako tulad ng ibang
teens na kahit sino na lang kahit hindi mahal gagawing nobyo masabi lang na may
karelasyon. I'm not into that things. Although I don't really believe in love, I
still believe that in every relationship there is always feelings involved. Mahirap
kasi makipagrelasyon nang wala kayong pundasyon sa isa't isa at sa kaso ko, wala pa
akong minamahal.

"Wala. Kasi ayoko. I don't need any headache so no thanks. Tska nag-aaral pa ako.
Hindi ko alam sa mga tao bakit baliw na baliw sila makahanap ng partner when in the
end break up din ang mangyayari."

"So yun ang paniniwala mo....? Alam mo sis, hindi sa gusto nila nang karelasyon
dahil gusto lang nila. They have feelings kasi, at nagkakataong paulit-ulit rin
silang nagkakagusto sa isang tao kaya parang masasabi na nagbibilang ng jowa. At
tungkol naman sa sinabi mong break up after nang pagsasama ng dalawang tao, hindi
rin kasi ganon kadali na ayusin pa ang relasyon na magulo. There's a saying nga di'
ba kapag buhol buhol na ang sinulid, the only solution is to cut it. Hindi mo na
maibabalik ang dati." We arrived at school.

Tumango-tango lang ako sa sinabi niya. Well that makes sense. Sa larangan kasi ng
pag-ibig I'm innocent kasi hindi ko pa naranasan, at kung mararanasan ko man I
believe na hindi ko kakayanin. Suddenly I saw our English professor walking towards
the gate. Wala ba siya sasakyan at naglakad lang siya? Well pakialam ko. Tss.
Nilingon ko si ate.

"Oh sige baba ka na. Jusy remember this my dearest sister, kapag dumating na ,
huwag na huwag mo na pakakawalan. Alright?"
"Alright. Now go." Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa school. Kakaharapin ko
na naman ang pag-aaral. Nakakasawa na pero kailangan matapos. Nakakapagod pero
kailangang hindi. Heck!

Someone tapped my shoulder. Nilingon ko at nakita ko si Ace, ang lapad ng ngiti. Ke


aga-aga nakatake na naman siguro to.

"Sabay na tayo."

"Huh? Hindi ba sa kabilang department ka?"

"Yup. Pero pupuntahan ko muna si Carol may kailangan lang akong gawin." Tumango na
lang ako.

After that umalis na din siya agad sa department namin. Hanggang dumating na naman
ang second period, which is our English subject.

"Nako classmates, better be ready. Balita ko badtrip na naman daw si sir." Balita
ng laging updated sa teacher na yon. At ano na naman problema niya? Nako. Alam ko
na kung sino mapagbubuntunan.

"Bakit daw?" Tanong ng isa.

"Dunno. Baka may malaking problema." Nagkibit-balikat na lang ito at umupo sa seat
niya. He then came, sanay na mga students na tuwing papasok siya kailangan sobrang
tahimik na tipong paghinga na lang ang maririnig. I sensed the black aura. What is
it this time?

Disaster. Ayan lang naman ang simpleng salita ngunit nakakatakot na masasabi ko sa
nangyari sa subject niya. I hate him more big time!

When he entered the room, expected na naming na mukha na naman siyang demonyo,
pero gwapong demonyo. Pfft. Saan ka nakakita ng gwapong demonyo? Naisip ko, siguro
kung maraming gwapong demonyo marami magpapakasama lalo na sa mga babaeng uhaw sa
biyaya ng mga kalahi ni Adonis.

Hindi nga ako nagkamali. Ang mga kilay niya salubong at tila nag-aapoy na naman ang
mga mata. Hindi ko talaga siya maiintindihan kahit kailan, napakahirap alamin ng
mga iniisip niya na parang buong mundo pasan -pasan niya. He start the class at
tulad ng dati kapag hindi nakakasagot pinapaulanan niya ng mga katakot-takot na
sermon at pamamahiya. At hindi ko inakala mararanasan ko rin palang mapahiya ng
sobra. Argh!

My phone rang loudly.

Oh stupid!!

I silently cursed. Bakit ko ba kinalimutang i-off ang cellphone ko? Umaatikabong


kabog ng dibdib ang naramdaman ko sa mga sandaling yun. Pinagpawisan ako ng malamig
at nagmamadaling hinanap at pinatay ang nakakaasar na cellphone. Hindi na ako nag-
abalang tingan kung sino ang tumawag at baka hindi ko matiis awayin sa text.
Kasalanan ito ng kung sino man iyon kaya humanda siya sa akin.
I looked at him walking towards me. Kung kanina galit siya ngayon nasusuklam na. Oh
God what am I gonna do?! Hindi ko siya matingnan sa mata sa halip nakita ko ang mga
classmates ko na mayroong iba't ibang ekspresyon sa mukha. May napapailing, may
nag-aabang ng kung anong susunod niyang gagawin at mas marami sa kanila ang naaawa
sa akin. Huh! Anong nakakaawa sa akin? Hindi niya naman siguro ako kakainin ng
buhay hindi ba? Carol and Sheen also have the same expression like others.
Nakakaawa nga siguro talaga sitwasyon ko. I hate it!

"Give...me...your...phone..." Mahina ngunit madiin ang pagbibitaw niya ng mga


salita habang nakalahad ang kanang kamay.

Nagmamadali ko ding kinuha at inabot iyon sa kaniya. He grabbed it nang padarag.


Galit na galit nga. I know it's my fault but heck! Mas naiinis ako ngayon sa
kaniya!

"You don't know the rules Ms. San Juan? Well I suggest sa susunod na lilipat ka man
ng school better to know the rules first before studying. Nakakabobo ang sobrang
katangahan. You have your head but you're not using it either. Hindi ko
ipinahihintulutang gumamit ng cellphone ang sinuman sa klase ko. Now... face the
consequences. Harapin mo ang parusa ko."

"W-what?"

"You heard it right Ms. San Juan." Naglakad-lakad siya front and back na tila
pinag-iisipan kung ano ang magandang parusa.

Parusa? Ano to high school? What the hell?

"Alright. Stand up." Makapangyarihan niyang utos. There's a playful smirk on his
face. Kapag kalokohan lang tong ipagagawa niya humanda siya at baka hindi ko siya
matantiya. Hindi ako basta-basta magpapauto sa kaniya.

I stand up. Hindi pa rin nawawala ang mumunting kaba sa dibdib ko.

"Go there in front." Napasinghap ako. Ganon din sa mga kaklase ko. Habang siya
relax lang na nakatayo at nakapamulsa. Sinunod ko siya at pumunta sa harapan ng mga
kaklase ko. Hindi ko talaga magawang sisihin ang tumawag sa aking ng wala sa oras.
Nakakainis! Bakit ba ang malas ko ngayon? HInarap ko ang mga kaklase kong natatawa-
tawa at ang iba nalulungkot para sa akin. I saw Carol mouthed "kaya mo yan" and
then I smiled at ibinalik ko ang tingin sa teacher kong buwisit.

"For your punishment. Spread your arms."

Ginawa ko ang sinabi niya.

He smiled.

He smiled.

He smiled?

He smiled?!

At sa pagkakataong ito ang lapad ng ngiti niya. Nanlalaki ang mata ko siyang
tiningnan. Lantaran man ang gulat ko sa ginawa niya eh sa talagang nagulat ako.
Heck?! Pati ang iba kong kaklase ko na natatanaw na ang mukha niya nagulat din!

Anong nangyayari sa kaniya. Is he some crazy or what?? Nababaliw na ba siya? Bakit


siya ngumiti ng ganun?

"Sir? Ito lang po ba?" Naglakas loob ako magtanong. Eh pinaglololoko lang ata ako
ng teacher na to eh! Akala ko ba seryosong tao siya?

In snap of finger nawala ulit ang ngiti niya. Okay? Nabaliw nga.

"No. Place your hands under your arms. "

HUH????!!!

"Are you gonna do it or what?" Medyo naiinip na sabi niya.

"P-Pero sir...." I tried to protest. Yung iba kong kaklase hindi na napigilan
matawa at hindi niya sinuway yun. What's happening earth? Si Carol at Sheen ayon
nakikitawa na din ng pasimple. Ginawa nila akong katatawanan for God sake!
Nakakaasar. Ang babaw! You'll pay for this!

Sinunod ko ulit ang utos niya. Wala pa akong magagawa sa ngayon kundi sumunod.
Hindi ko na din matagalan ang pagtayo dito at pagtawanan kaya kailangan ko ng gawin
kung ano pinapagawa niya. They laughed hard. Shit.

"Do the chicken dance." Seryoso pa rin aura niya kahit nagtatawanan na mga kaklase
ko. Bwisit kang Olivar ka!

Hindi ko na sinunod ang pinapagawa niya. Nabwisit na ako. Kahihiyan ito at hindi ko
siya mapapatawad sa ginawa niya. He's not acting like a professor. Ano bang akala
niya? Isa akong laruan na paglalaruan niya kapag gusto niya matuwa? Eh di sana
kumuha na lang siya ng clown!

"What? Ms. San Juan pasalamat ka yan lang pinapagawa ko sayo at hindi ko na
ipinarating sa Dean's Office ang ginawa mo. This is only in your classroom. So
better follow my rules kung ayaw mong lumaki ang kasalanan mo."

Hindi na ako nakapagpigil.

"Then send my simple mistake at the office sir kesa ginagawa niyong katatawanan ang
studyante niyo." I marched towards my seat habang ang ibang classmates ko nagulat
sa inasal ko. Serves you to be answered. Hndi tama ang ginawa niya. Sinong
professor ang nasa tamang pag-iisip ang magpapagawa sayo ng ganon? Argh!!!

Dumilim ang paningin niya.

Ano? Nabastos ka? Hindi ka mababastos kung maayos ka. Marami kang pamamahiyang
ginagawa pero may mas lalala pa pala.

"Let's talk at my table..faculty room..lunch break."

Nagpaalam na siya sa at lumabas. Napasubsob ako ng mukha sa desk ko. Worst


humiliation dahil sa kaniya. Oh my life!!!

Nilapitan ako nila Carol at Sheen looking worried. Ayoko nang isipin na natawa rin
sila kanina dahil totoo namang nakakatawa talaga.

"I'm sorry friend. Hindi ko sinasadyang tumawa kanina." Seryosong sabi ni Carol.

"Okay lang." Nakayuko ako ngayon. Waiting for other subject. Nahihiya na talaga
ako.
"Ano, okay ka lang ba?" Sheen tapped my shoulder. Alalang-alala din ang boses.

"Oo huwag niyo na ako masyado isipin. I hate what happened but what can I do di
ba?"

"Yeah. That's the saddest truth. Students lang tayo ,kapag nagreklamo tayo sa
professors natin tayo pa ang nakikitang masama. It's okay friend. Just remain the
respect. Hindi rin maganda yung ginawa mo kanina. Kailangan lang natin magdasal na
sana hindi na dagdagan pa ang parusa." I smiled at Lorraine. Oo sana nga huwag niya
na dagdagan pa trip niya. Naiinis pa din ako. I sighed at isinubsob ang mukha ulit
sa desk. Pambihirang buhay!!

Suddenly I remembered. Paano nga pala kung importante yung call na yun? Ugh! Ang
pathetic talaga. Asar na asar na asar ako. Kahit tama ang sabi ni Carol na
panatilihin ang respeto mukhang hindi ko magagawa mamaya kapag nakaharap ko na
siya.

A/N:

Paalala po bawal po sumagot talaga sa sinumang teacher niyo. Bawal gayahin. Yun
lang.

Sorry bitin
Subsob mukha. Patunog ng mga daliri, kagat-labi at hingang malalim. Ito na lang ang
naiisip ko gawin sa sitwasyon na to. Nakakainis hindi ako mapakali kung ano
maaaring mangyari mamaya. Andito kami ngayon sa canteen. Pinapanuod lang ako ng
dalawa nang nagkakaganito.

"Anong gagawin ko?" Frustrated na talaga ako.

"Nakakaloka ka tingnan girl."

I pouted. Hindi talaga ako mapakali!

"Nasubukan niyo na ba mapunta sa sitwasyon na to? Kung oo siguro maiintindihan niyo


ako."

"Oo naiintindihan nga namin ,makita ka pa lang intinding-intindi na." Carol again.

"Huwag ka na masyadong mag-alala. Hindi ka naman kakatayin." Suhog ni Sheen.

"Ang harsh mo talaga!" Carol

"Bakit? Lorraine walang mangyayari kung gaganyan ka. Mababaliw ka lang."

I sighed. Nakakailang buntong-hininga na ba ako mula pa kanina? This is so awful!

"Anong oras na ba?" Tanong ko. Hindi pa natatapos ang lunch break at parang wala
akong lakas ng loob pumunta sa faculty room. Nakakainis hindi ko gusto talaga ang
mga nangyayari.

"12:30. Thirty minutes ka na lang friend. Ano kaya mo ba? Kailangan mo ba ng back-
up? Ano?"

Natawa ako. Anong back-up? Giyera lang?

"Sira!" Natatawa ring sabi ni Sheen.


"Bakit? Malay mo kung ano ipagawa ni sir. Mabuti nang handa sa darating na sakuna."

"Heh!"

"Okay lang kaya ko na. Mamaya puntahan ko na lang kayo. Sana hindi to malala."
Mapait akong ngumiti at huminga ulit ng malalim.

Kung umakto kami parang bibitayin ako. Naiisip ko ang senaryo mamaya at hindi ko
yun gusto. Yung tipong itatali ako sa upuan at itotorture o bibigyan ng katakot-
takot na trabaho, alam kong dapat ko pagsisihan ang ginawa ko kaninang pagtalk-back
sa isang teacher pero parang sa kaloob-looban ko wala akong pinagsisisihan. Masyado
kasi siyang walang modo. Ginawa niya akong katatawanan kanina at hanggang ngayon
ramdam ko pa din ang sobrang pagkapahiya.

Hay! Kung hindi lang masamang manumpa ng tao ginawa ko na eh.

Nagpaalam na ako sa kanila. Pinilit pa nilang sumama pero hindi na ako pumayag.
Ayoko rin ng masyado akong kinakaawaan. Nilakad ko ang daan papuntang faculty room
ng accountancy department nang may mumunting kaba. Naglalaro sa isip ko mga
mangyayari mamaya.

I knocked slowly at the door when I step on front of faculty room. Binuksan ko iyon
at nakita ang professor kong prenteng nakaupo, crossed legs , nakayuko habang
nagbabasa ng textbook. Medyo magulo ang buhok at bahagyang nakababa ang reading
glasses as matangos niyang ilong. Kahit naiinis ako sa kaniya hindi ko naiwasang
humanga. Ugh! Naiinis ako sa kaniya kaya hindi ako pwedeng magkaganito! Isinara ko
ang pinto. Hindi ko alam kung minamalas ba ako o ano eh. Siya lang mag-isa rito at
kung nasaan ang ibang teachers ay hindi ko alam. Lumapit ako sa kanya.

He looked at me.

"Sir," I said

"Please take a seat." Pigil hininga akong umupo.

Hindi ko na naman siya matingnan. He's so intimidating. Hindi ko talaga kaya.

"About what happened an hour ago... I want you to know that I certainly don't like
what you have said to me especially in front of my class. So kaya kita pinapunta
dito, ngayon." Tumango lang ako.

"I want you also to know na hindi ko basta-basta pinalalagpas ang ganitong kabastos
na pagsagot-sagot sa teacher ng isang student lamang."

He cutted again. Bakit hindi niya pa ako deretsuhin?

Tiningnan ko siya sa mata. Blanko ang ekspresyon at ipinakita kong naiinip na ako.
Sumandal siya sa upuan habang pinaikot-ikot sa daliri ang kaniyang ballpen. Acting
cool huh!

"Now I want to apologize."

Napanganga ako bigla. Letse ang hilig niya talaga manggulat! Sira ang composure ko
lagi dahil sa kaniya.

Natawa siya. Ano bang meron sa lalaking to? Nasapian ba o ano?

"Bakit gulat ng gulat ka Ms. Lorraine? Am I not really capable of saying those?"
"A-ahm.... Hindi sa ganon sir pero-"

"No hindi mo na kailangan magpaliwanag. Basically there is no point explaining


while I already know that its surprising for me to apologize. Seriously, walang
taong hindi nakakaalam ng pagkakamali niya. We mistakenly thought that pero ang
totoo pilit lang natin ito itinatago para hindi tayo makita ng ibang tao na weak.
And I am not like that."

"Okay sir."

"Sorry for humiliations I did. I deserved what you said kanina at alam kong natakot
kita. Teachers are also human. Nasa human nature na ang magkamali nang hindi
sinasadya at makapagbitiw ng salita nakakasakit man o hindi. Students also
mistakenly saw teachers as heartless, sarili lang ang iniisip at mahilig
magpahirap. But sometimes, teachers also have their own reasons kung bakit sila
ganon."

Naliwanagan ako. I suddenly blame myself for judging him like that easily. I
overreacted. God maling -mali talaga ako. Pero napapaisip din ako at the same time.
What about saying hard things on his students?

"But sir, sapat na bang dahilan na porke human nature ang magkamali nang hindi
sinasadya eh paulit-ulit na rin nilang gagawin yun? Hindi ko po maintindihan kung
bakit niyo sinasabi sa akin to pero I saw this as pointless. Bakit niyo ginagawa
mamahiya at magparusa kung wala naman palang taong hindi alam ang pagkakamali nila?
It means sir everyday you know what's wrong but you always keep on doing those." I
debated him.

Tama naman ako hindi ba? Anong gusto niyang palabasin?

Natawa siya uli pero sa pagkakataong ito he's laughing hard! What's happening?! Can
someone explain what gotten into him? Mahilig siya manggulat at hindi ko rin
inaasahang maaamaze ako ng taong to. I always thought that this teacher is so
heartless but it seems that I am wrong all along. Heck! Nagigimbal ako.

"Sir?"

"I...I'm sorry. Ms. Lorraine hindi ko akalaing ganyan ka kareasonable mag-isip.


It's amazing na hindi ko talaga magawang magalit sayo. You're unbelievable!"

Ha?!

Ano daw?

"What do you mean sir?"

Natatawa-tawa pa din siya. Sa kabila ng cliche na sitwasyon na to, nagugustuhan ko


ang kanyang pagtawa.Nag-iba bigla ang paningin ko sa kaniya na parang napalitan ng
bilog ang sungay na nakikita ko noon sa bandang ulo niya. He's also unbelievable.

"In normal situations, nagalit na siguro ako sa pagsagot mo ulit sa akin."

"Bakit sir did you asked me a question? I am the one who asked question. Right?" I
asked. Anong pagsagot eh opinyon ko yon?

He laughed again. Alright, he's really crazy.

"No... Oh god kinukulam mo ba ako?"


"Ano?!"

"Wala. Okay let me correct you about your statement... It's not that we do hard
things repeatedly kahit alam naming mali ay gusto talaga namin. Sometimes it
depends to students like you. Ginagawa namin yon for a reason na sana maencourage
ang student na magbago. Paulit- ulit niyong ginagawa paulit-ulit din kaming
magagalit at gagawa ng paraan para sumunod ka. It is called discipline. Hindi kita
pinipilit na intindihin kami o magustuhan pero ang ipinupunto ko may kaniya-kaniya
kaming dahilan kung bakit namin yon ginagawa.... Mayrong iba, they only like
punishing students na parang don sila masaya. Some also did bad things cause they
are also bad. We could only tell like that."

Teachers and students have this relationship huh. Now I almost understand. Hindi pa
sapat. The scenario here at the faculty room seems a lecture inside the class.
Nagmistulang debate sa loob ng klase. Hindi ko pa to naranasan sa ibang teachers ko
dati and it's good to know na ang isang student at teacher nagkaroon ng
pagkakasundo tungkol sa ganitong bagay. Sorting things up.

Tumango lang ako acting that I finally understand the point of conversation. Ang
layo ng inakala kong mangyayari ngayon, expect the unexpected nga talaga. The door
opens and Mrs. Cordona entered. Our major subject professor.

We both look at her.

"Mr. Olivar, ano tapos na ba?"

"Yeah you may now come in ma'am." He smiled. Nagulat ako. So ibig sabihin sinadya
niyang mapag-isa kami? Well oo nagpapasalamat akong kaming dalawa lang dito talking
those stuffs earlier pero ang isiping sinadya niyang mapagsolo kaming dalawa at
nagbibigay sakin ng pagkabalisa. Kailangan pa ba talaga yon?

"Sir can I go now? Time for class." Nagpaalam na ako. Wala naman na akong gagawin
dito di ba? May ibang teacher na at nakakahiya.

"Yeah you may go now."

Nagbow ako at nagpaalam. As I stepped out the door I sighed again.

Very weird conversation but meaningful.

----:

"So what happened? C'mon kanina mo pa kami binibitin eh." Nagrereklamo na naman
itong si Carol. Masyado siyang excited malaman kung ano nangyari kanina. Si Sheen
tamang curiosity lang pero itong si Carol overload eh. Napailing ako sa kakulitan
niya.

"Bakit ba excite na excite ka?" Natatawa-tawa ako sa kaniya.

Naglalakad kami ngayon palabas ng university. Oras ng uwian. Susunduin ulit ako ni
ate Laureen kasama si August. Bilin niya kanina bago ako pumasok. Oh shoot!
Napatapik ako sa noo. Pareho silang nagulat sa inasal ko. Argh! Bakit ko pa kasi
nakalimutan eh...

"Bakit?" Magkasabay pa sila nagtanong na nagtataka. Tanga lang kasi eh ugh.

"Nakalimutan ko kunin yung phone ko kanina kay sir." Frustrated voice again. Oo
nakalimutan ko at ang magaling kong teacher hindi man lang binalik! Nadala siguro
sa usapan namin kanina at dala rin ng kaba bago pumasok kaya hindi ko naalala.
Ngayon hindi ko na din pwede balikan dahil nakita namin ang faculty room kanina
sarado na. For sure nakauwi na rin yon. Napapaisip din tuloy ako na baka tumawag
kanina ay si ate, maybe an emergency or what. Ugh. Araw ng kamalasan nga naman.

"Ang galing-galing talaga. Yun lang kinalimutan mo pa girl. Bukas mo na kunin."


Carol suggested at tumango lang si Sheen.

"Pero paano kung may importanteng message don? Let's say hindi na pala ako
masusundo?"

"Eh di commute."

"Sira. Paano rin kung dadating pala at umuwi siya?"

I sighed on what Sheen has said. Maghihintay muna siguro ako.

"Oo nga no. Bad timing kasi family dinner namin eh. Sorry girl hindi kita
masasamahan. Ikaw Sheen samahan mo muna si Lorraine."

"Hindi rin ako puwede magpagabi. May usapan kasi kami ng ate ko mag malling ngayon.
Hindi ko gusto pero magagalit kasi yun pag hindi ko sinamahan. Sorry Lorraine."

Tumango lang ako. Sinabi kong okay lang at wag na sila mag-alala. Sa may guard
house na lang siguro ako maghihintay para safe. Alas sais na, ginabi na rin kasi
kami ngayon dahil tinapos pa namin ang mga kailangang ipasa bukas na requirements.

I seated sa bench tapat ng guards house at katapat din ng gate. Sanay naman ako
maghintay pero mukhang maiinip ako at gabi na. Mukhang si ate ang tumawag kanina.
Hayst! One more 30 minutes commute na lang ako.

Maraming studyante na rin nagsisiuwian, yung mga panggabi ang klase nasa rooms na
nila kaya wala na rin masyadong naglalakad.

Minutes passed. Sa tantiya ko 15 minutes ito inabala ko na lang ang sarili browsing
in the internet using my other phone nang may bumusinang sasakyan sa harap ko.
Napakunot ako ng noo. Hindi to ang kotse ni ate ah... Nagbukas ang salamin ng
kotse. Huh? Ano pang ginagawa niya dito??

----

Haha! Bitin.. Sorry!


Akala ko ba nakauwi na siya. Ano pang ginagawa niya dito sa school?

"Hey," bati niya pagkababa ng salamin ng kotse niya.

Hindi ako agad sumagot. Bigla ko naalala ko yung cellphone ko. Aww kunin ko na kaya
sa kaniya ngayon? Pero paano naman kung naiwan niya pala sa faculty at hindi niya
dala? Tinitingnan ko lang siya hanggang nagpasya na siyang bumaba. Ano bang balak
gawin dito ni Sir?

"Bakit nandito ka pa?" He asked me when he come close.

"Ah... May hinihintay lang po." Magalang kong bati. Hindi ko alam kung anong trip
niya at talagang nilapitan pa ako. Nabubuang na naman siguro. Medyo napayuko ako.
Nahihiya ako magtanong kung nasa kaniya ba yung cellphone o naiwan niya ba sa loob
eh. Umaatake na naman pagkamahiyain ko.

"Seems like your waiting here for ages. Busangot na mukha mo oh."
"Sir, nakalimutan ko nga pala sabihin kanina." Instead I changed the topic. Bahala
na, kailangan ko na talaga makuha yong phone ko para makauwi na. If tama ang hinala
ko na hindi na ako maihahatid ni ate mabuti nang makauwi na kesa maghintay pa dito.

"Ang alin?" Kunot-noo niyang tanong.

"My phone sir. Kailangan ko lang po kasi talaga."

Napatango-tango siya habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Ahh.. I'm sorry but I left it at my table. Gusto mo kuhanin natin?I have my keys."
He looked at me waiting for my answer.

Papayag ba ako? I just needed to have it badly. Baka may importanteng mensahe ang
tawag na yun kanina. Pero naiilang ako sumama sa kaniya. Don't get me wrong but
he's my professor. Hindi ako nakikipag-usap o sumasama sa kahit sinong teacher ko
noon. It's just... It's just awkward. Gaya ng sabi ko kapag hindi pa magaan ang
loob ko sa isang tao hindi ako lumalapit o sumasama sa kanila. And to think na
isumpa ko pa siya noon sa pagiging ruthless niya!

I'm still undecided.

"What? C'mon hindi ako nangangain."

He half smiled. Meron sa boses niya na nakakaengganyong sumama ako sa kaniya.


Umiling-iling ako. Hirap ah!

"Ano?" Tanong niya ulit. Kulit din pala nito ni sir. I wonder also, ganito rin kaya
siya sa ibang studyante niya?

Tumikhim ako ng konti habang nakahawak sa shoulder bag ko. Alright. Wala naman
sigurong masama sumama ,kukunin lang naman ang phone ko. Nothing serious at hindi
ito yung tipong magdedate kami o ano. Hala siya ang assuming!

"Sige." Pumayag na ako. Tiningnan ko siya at nakangiti na naman. Nyare?

"Great. I'm sorry nakalimutan ko ibigay sayo kanina. Don't worry ibilin natin sa
guard na kapag dumating ang hinihintay mo sabihin lang nilang pumasok ka muna
saglit." Tumango ako. Wala naman na akong sasabihin eh.

He talked to the guard at sinabi ang bilin niya.

"Let's go." Nauna na siyang maglakad.

Do you think it's really awkward? Naiilang talaga ako kapag nasa paligid siya at
kung bakit ay hindi ko alam. Naman! Problema ko ba sa taong to? Tahimik ko siyang
sinabayan sa paglalakad hanggang makarating kami sa faculty room. Second floor lang
naman kaya mabilis at wala na rin ako masyadong makita tao sa hallway. May
mangilan-ngilan na lang nagkaklase. Sabagay alas-syete na ata. Habang ipinapasok
niya ang susi ay palingon-lingon siya sa akin. Problema nito? Hindi rin ako
makatingin ng diretso kaya kung saan-saan ko binaling paningin ko. Hindi umayos
tong si Sir eh. May balak atang pagsamantalahan ako. Argh! Gutom na siguro ako kung
ano-ano pinag-iiisip ko. Bakit niya naman ako pagsasamantalahan? Manyak kaya siya?
Wah ang gwapo nya namang manyak. I silently laughed at my thought. Kung ano man
tong iniisip ko siguradong may nangkukulam ngayon sa akin tapos kinakalikot utak
ko.

He entered the room at binuksan ang ilaw. Ang aga naman magsiuwian ng teachers
ngayon. Dumiretso siya sa table niya at kinuha ang phone ko. Hindi rin siya
nagsasalita tulad ko na parang may tension sa aming dalawa. Lumapit siya at inabot
ang phone.

"Here." He said in a low voice.

Inabot ko iyon.

"Thanks. Ahm, sige sir baka may gagawin ka pa mauna na ako. Baka kasi dumating na
rin sundo ko."

"No wala na ako gagawin sabay na tayo bumaba. Wait may kukunin lang ako." Bumalik
siya sa table niya at nagpasya na kaming umalis. Tahimik na naman kami naglalakad.
Great another awkward moment. Nakakahiya mag-open up ng topic at wala naman ako
balak sabihin kaya ayoko ring magsalita.

Habang pababa ng hagdan muntik na akong madulas. Another awkward moment nang
hinawakan niya ang braso ko para hindi ako tuluyang mahulog. Nakakatanga naman kasi
pag kasama siya eh. I sighed heavily dahil medyo kinabahan ako. Ano ba kasi
nangyayari sa akin? Muntik pa ako mahulog dahil sa katangahan ko.

"Careful." Nag-aalala ang boses niya. Malamang mag-aalala siya kasi siya ang kasama
ko.

"Okay ka lang?" Naglakad kami ulit pababa ng hagdan tumango lang ako at huminga ng
malalim. Wew! Nakakatakot pala mahulog kahit muntikan lang yun at pakiramdam ko
tinakasan ng kulay ang mukha ko. Naman talaga.

"Salamat." Tipid kong sabi. Nakarating na kami sa gate ng school pero walang
dumating na sundo ko.

"Pano? Maiwan na kita ah. I gotta go. Sorry ulit."

Ngumiti ako ng tipid.

"Ah..sige sir thank you ulit." Naglakad na siya paalis.

Dinukot ko sa bulsa ang phone para tingnan kung darating ba si ate. I frowned when
I saw who called me this morning. Hindi si ate and tumawag. Kinabahan ako bigla.
Matagal ko na siyang iniiwasan pero bakit nalaman niya pa rin ang bago kong number?
May isa pa siyang text na nagdala pa sa akin ng inis. Ano pa bang gusto niya?

Lorraine please answer my call. Gusto kitang makita at makausap.

Pagkatapos ng 2 months nagparamdam siya uli sa akin paro ano? Para guluhin uli ako?
Para ipahiya at siraan ulit ako sa ibang tao? No I had enough. Kaya nga ako umalis
sa dati kong school dahil sa kaniya tapos ngayong lumayo na ako nagpipilit na naman
siyang lumapit. And to think na siya rin ang salarin sa pagkakapahiya ko kanina ay
mas lalong nakapagpainis sa akin. Pasalamat siya at hindi na ako pinarusahan pa ni
Sir Thorin dahil baka tadtarin ko talaga siya ng pinong-pino! Napapadyak at
napakagat labi ako habang nakatitig sa phone ko. God! Rereplyan ko ba?
Makikipagkita ba ako? Hindi pa rin ako makalma sa pagpaparamdam na yun ni Owen nang
mapansin kong dumating ang sasakyan ni ate. Sabay silang bumaba ni August. Tsk!
Dumating pa kayo! Nakangiti si ate habang si August medyo hindi maayos ang timpla.
Problema nito? Nilapitan nila ako pareho.

"Lorraine! I'm sorry. May dinaanan pa kasi kami eh." Sabi ni ate after niya akong
yakapin. Nakabusangot na talaga ang mukha ko at hindi ko na maayos. I've had enough
for this day! Una napahiya ako kanina ng bongang-bonga, nakuha ang phone ko, nahuli
sila ng dating at ngayon nagparamdam ang isa sa peste sa buhay ko. Ang sarap
magpakamatay! Pero alam kong sayang ang buhay na regalo ni God kaya wag na lang.
Pero nakakainis talaga eh. Ugh!

"Bakit ang tagal niyo?" Medyo naiinis kong tanong. Alam kong may dahilan kung bakit
sila natagalan pero hindi ko rin maiwasang hindi mainis. Ewan ko ba, hindi naman
ako mainiping tao at minsan nga umaabot pa ng dalawang oras ako pinaghihintay wala
akong reklamo pero pansin ko nitong mga nakaraang araw nagiging mainipin na ako.

"May dinaanan nga. Diyos ko nakikinig ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin at


tinawanan lang ako. Si August ganon pa din, naging September na. Ayst!

"Nagka-aberya sa office. At saka nagtalo pa kami ni kanò."

"Hah? Sinong kanò?"

Ininguso niya si August na ngayo'y nauna nang pumunta sa sasakyan. Kaya pala
mukhang byernes Santo ang mukha eh.

"Ano bang nangyari?"

Tumawa uli siya.

"Bakit ba tawa ka ng tawa? Isa pa ate sasapukin na kita." Banta ko. Nakakairita
lalo ang tawa niya!

"Wala wala. Huwag ka ngang high blood nawawala ang natural beauty mo. Eh kasi ba
naman pinagselosan yung kaibigan kong bading. Kilala mo si Rico di ba? I mean si
Rica?" Tumango-tango ako. "Ayon nagalit nang nakitang nakaakbay si Rica sakin
kanina. Ang sabi ko bading yun pero ayaw niya maniwala. Sabi niya ang gwapong
bading naman daw yun. Grabe akala ko magkakagulo kanina eh." Napapailing-iling pa
siya habang nagkukuwento. Kilala ko si Rica dahil madalas pumupunta yun sa bahay
lalo na pag gusto niya lang mambulabog. I looked again at August na ngayon
naghihintay na sa tabi ng sasakyan, inip na inip na ang mukha. Seloso talaga siya,
proven and tested.

"Ahh. Grabe yang asawa mo parang maagawan kung umasta ate."

"Sabi ko nga sayo para kaming adik sa isa't isa." Naku inirapan ko na lang siya.
Nakalapit na kami sa sasakyan at pinagbuksan muna ako ni August sa back seat at
sumunod ang ate ko sa front seat.

"Siya nga pala hindi ka ba nainip maghintay kanina? May kasama ka ba?" Biglaang
tanong ni ate nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe patungong bahay.

"Nainip. Sobra."

"Ay. Hindi man lang tinanggi sis?"

"Sino bang hindi maiinip ate? Isang oras din yun."

"Well blame the gods." Tumawa-tawa lang siya habang si August sinamaan ng tingin si
ate.

"I'm not a god. Stop laughing."

"What? So full for yourself? Ikaw ba ang God na tinutukoy ko?"Ate Lauren
sarcastically said. Naku may balak pa ata ulit magtalo ang dalawang to.

"No."
"Hindi naman pala manahimik ka na lang."

"Laureen.." Medyo may diin na pagkakasabi ni August. I rolled my eyeballs at


naghalukipkip, watching outside the buildings na nadadaanan namin.

Tumahimik na rin si ate. Natakot siguro sa galit na boses ni August. Sometimes ate
Laureen is so stubborn. Pasaway. At pasaway. Minsan lang pero pasaway pa din.
Magulo pagkakasabi ko pero ganon talaga siya.

"May kasama ka bang naghintay kanina?" Tsk! Hindi makamove-on.

"Oo meron. Bakit ba?" Sinungitan ko na. Karagdagan: makulit din talaga siya.

"Oh? Sino? Kaibigan mo?" Hinarap niya ako ng kanyang ulo. Hindi nabali ah. Nilingon
lang.

"No." Tipid ulit.

"Bakit ba matanong ka Laureen?" Naiinis na namang tanong ni August.

"Pwede magdrive ka na lang?"

"Tss."

"So?" Pagkausap niya ulit sakin.

"My professor." Nagulat ako ng sumigaw siya ng ha?

"Ate naman!" Medyo nagulat din si August at mabuti na lang nakontrol niya agad ang
pagmamaneho. Napamura pa siya ng mahina. Si ate kasi. Letse maaaksidente pa yata
kami sa sigaw niya. Nagtalo na naman ang dalawa pero hindi talaga ako tinigilan ni
ate.

"Professor? Bakit Lorraine anong ginawa niyo bakit kayo magkasama?"

Ugh! Ang green ng tanong ng ate ko!

"Ate? Bakit ba parang pakiramdam ko nag-iiba ang iniisip mo?"

"Curious lang ako. Anong itsura nang professor mo? Lalaki ba? Mataba? Panot?
Pandak? Ano?"

Natawa ako sa mga tanong niya. Yan ang mga tanong na overload. Wow parang pizza
lang. Tss nagugutom na talaga ako. Makapagrequest nga ng drive-thru kahit sa Mcdo
lang? I'm craving lalo na sa paborito kong fries.

"What?"

"Ano ba Laureen? Is that really your typical description kapag sinabing professor?"
Medyo natawa din si August. Sorry medyo nababaliw na din ate ko.

"Iyan lang naman pumasok agad sa isip ko eh bakit ba? Bakit nga kayo magkasama
Lorraine?"

"Nagkataon lang napadaan siya habang naghihintay ako sa inyo."

"Then?"
"Pumasok ulit kami sa school."

"Tapos?!" Heck. Nakakabingi si ate.

"Ate para kang ewan sigaw ka ng sigaw. Seriously?"

"Binibitin mo ako eh. Get straight to the point. Nagbibiglang-liko ka eh!" Sumigaw
na naman. She's crazy. Ugh.

"Okay. Kinuha namin yung phone ko na naconfiscate niya kanina sa class. It rang
loudly and unluckily I was scolded into shame. Mabuti na lang hindi na ako
pinahirapan ni Mr. Olivar at nagkaayos kami. Yun lang."

Natigilan si ate then look at August. There was something in their eyes that makes
me confused. Bakit?

"So your professor's surname is Olivar?" Tanong bigla ni ate. What's with face
reaction?

August just shrugged.

"Why? Anong meron sa professor ko?"

Napakunot na ako ng noo. They're acting weird.

"Anong subject tinuturo niya?" August suddenly asked. Nagdadrive pa din siya ngunit
nasa sasabihin ko ang atensiyon.

"English." They both sigh.

Ano bang problema sa pangalan ng English professor ko? Magkakilala ba sila? Are
they related in some what things? Naguluhan ako sa dalawang to. Hay bahala nga
kayo.

Hindi na rin sila muling nagtanong tungkol pa don hanggang makarating kami sa
bahay. Sabay sabay kami lumabas ng kotse. Nagpaalam na ako sa kanilang papasok na
ako at mukhang may mahalaga pa silang pag-uusapang dalawa. I acted like I didn't
care on how they acted earlier pero nang makarating ako sa kuwarto ko hindi ko
naiwasang magtanong.

Why do I have this feeling that they were hiding something from me?

I shrugged and then prepare myself to do homework. Nagsawalang-bahala na lang ako.


Napapagod na ako mag-isip. Kung ano man ibig sabihin ng tinginan nila kanina maybe
I'm out of it. Tumunog ulit ang cellphone ko.

Namutla ako nang makita kung sino tumatawag. It' s just a number pero kabisado ko
na ang number ni Owen kahit nagpalit na ako ng phone at number.

Sasagutin ko ba? Heck! Ano pa bang gusto niya? Hanggang ngayon binibigyan niya pa
din ako ng problema.

I sighed heavily then decided to take the call on it's second attempt. Curious din
akong malaman kung anong sasabihin ni Owen sakin, I already moved on, at least
nabawasan na rin naman ang galit ko sa kaniya. We have this relationship a months
ago. Pero nasira yun ng dahil sa paninira sa akin ng mga itinuring kong kaibigan. I
accidentally said to them about my relationship at Owen. Sad to say but he is a
professor. Nasira ang pangalan niya dahil sa pagkadulas ng dila ko. That was a
perfect relationship back then, napagkasunduan din namin noon ni Owen na itago lang
yun pero dahil sa kagagahan ko, nalaman ng iba. Kumalat sa buong campus na Owen
Esguerra has a relationship with a student. Nagalit sa akin nang sobra si Owen,
nakapagbitiw ng masasakit na salita at hindi niya ako pinakinggan kahit isang
letra. He left the university because of humiliation. Naiwan akong binabato ng kung
ano-anong salita hanggang sa namatay si Mommy and Daddy. That's when I decided to
transfer. Ate Laureen didn't know about what happened.

That was very tragic for me. Masakit iwanan ng isang taong akala mo kasama mo sa
hirap at ginhawa. I was so hurt to think that all promises he told me was vanished
in one mistake that I didn't intend to do. Nagtiwala kasi ako. I felt betrayed.

"Hello?" I said.

"Great. At last you answered."

"Bakit?" Casual ko siyang tinanong. I don't want to sound rude pero naiinis pa din
ako sa pagtalikod niya noon sa akin.

Feeling walang kasalanan huh!

"Can I talk to you?"

"Nag-uusap na tayo." Sinusungitan ko siya. I don't want to talk to him longer.

"I mean personally. Pwede ba tayong magkita?" He pleased base on his voice.

Nag-isip muna ako. It took seconds before I answered.

"I don't think we need to talk. Para saan ang pag-uusap?"

He sighed from the other line. He's so unpredictable. Nawala siyang parang bula
ngayon babalik siya nakikiusap na makipagkita. Baliw ba siya?!

"Lorraine, alam kong mali ako na iniwan kita."

"Alam mo naman pala eh."

"Yeah. Kaya nga gusto kita makausap. Please give me time to explain myself."

"You know what, I don't get it. Marami kang time para magpaliwanag pero saan
napunta ang months na wala kang paramdam?"

"Heck! Sorry. Please mag-usap muna tayo huwag dito sa phone. Lahat ng sumbat
tatanggapin ko bigyan mo lang ako time para makausap ka. Just this once. Please?"
He pleaded.

Argh! Ang hirap magdesisyon kapag nagdadalawang-isip ka. Alam ko sa sarili kong
wala na kaming dapat pag-usapan. Pero nararamdaman kong at least pagbigyan siya
para malaman ang tunay na dahilan. Nagsusumigaw kasi ang katotohanan na nasaktan
ako sa pang-iiwan niya sa ere. Screw him! Lagi na lang ako pinapahirapan!

"Just this once?"

"Yeah. Just this once. Just hear me out."

"Alright."

"What? Payag ka na?" Sumigla boses niya sa kabilang linya.


"Oo na. Oo na wag ka nang makulit."

"Thank you. So when we'll meet?"

"Tomorrow. Same place. 6pm."

"Great. Bye. See you."

I ended the call. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita pero sigurado ako sa
sarili kong hindi na kami puwede. Ayoko na.

Owen is really great that's why I liked him. Pero hindi ibig sabihin non minahal ko
talaga siya. Mababaw na pakiramdam lang pero ang nakakabuwisit hindi yun matatawag
na love pero nagkandamalas-malas. Alam mo yung pakiramdam na wala namang seryoso sa
relasyon namin noon pero ang lumalabas me and him against the world ang peg.
Nasaktan ako noon hindi dahil sinaktan niya ako sa puso kundi sinaksak niya ang
pride at ego ko dahil sa pang-iiwan niya noon. Malaki na rin ang pasasalamat ko na
hindi ko siya totoong minahal dahil kung totoo man? Siguro sinundan ko siya kung
saang lupalop siya ng mundo pumunta. The first reaction will be stalking him or
searching for him pero thank god hindi ako umabot sa puntong iyon.

I sighed then get ready to sleep. This problems makes my head ache. Kailangan ng
magpahinga. Zzzzzz....
"Hoy!"

I blinked.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Sheen. Umiling-iling ako para mawala kung ano
mang pag-aalala nasa isip ko. Kanina pa akong umaga nagkakaganito. Am I really
bothered about what's going to happen later?

"Kanina ka pa ganyang morning girl. May problema ba?" Utas ni Carol at sinabayan ng
tango ni Sheen. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Eating lunch at oo natapos na rin
ang english subject kanina. Like usual, sir Thorin is hunk as ever and his teaching
ways are horrible. Wala namang bago.

Ito lang naman ang araw na pumayag akong makipagkita kay Owen kaya mukha siguro
akong bangag. Pssh. Why am I worried. Kainis ha.

"Huh? Problema?" Maang-maangan kong sagot.

Hindi ko pwedeng sabihin basta-basta ang problema ko. I have traumatic experience
about sharing problems like this to my friends.

"Oo mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Kanina ka pa natutulala first


subject pa lang."

"Yeah girl." Sang-ayon ni Carol. "And you know what? May napansin din ako kay sir
Thorin kanina."

"Na gwapo siya?" Pabiro ko siyang tinanong habang tumatawa. Sinabayan ko na siya
para maiba ang usapan.

"Duh!! Tagal ko ng alam yan kaya nga ako nahulog sa bangin. This is what I noticed,
he's looking at you intently kanina habang nagtuturo siya. Grabe akala ko mababali
leeg ko kakapabalik-balik ng tingin sa inyong dalawa at ang nakakainis friend
tulala ka pa din kahit ganon na siya makatingin sayo! Mabuti hindi ka pinagalitan."
Carol exclaimed.
Huh? Tumingin pala siya kanina ng ganon? May problema na naman ba siya sa akin?

"Hallucination mo lang yun." Sabi ni Sheen habang kunot ang noong sumubo ng
pagkain.

Pinanlakihan siya ng mata ni Carol. Hindi pa rin ako umimik ngunit nakakunot ang
noo.

"Hallucination? It took whole period na ganon siya tumingin kay Lorraine tapos ako
naghahallucinate? Mukha ba akong may tama nang mga oras na yon e sa palagay ko nga
pati iba nating classmates napansin yun."

"You mean all the time nakatutok paningin ni sir sa kanya?"

Tumango ng dahan-dahan si Carol habang masusing nakatingin sa akin.

"What? As if may ginawa ako sa kanya." Angal ko. Hindi kasi ako komportable sa
paraan ng paninitig niya. Nang-uusig.

"Tell us. What happened?" Carol said. Sheen rolled her eyes. Ayan na naman po siya
sa pagirly gesture niya.

"Anong sasabihin ko? Ay naku oa niyo."

"Hep! Siya lang hindi ako." Reklamo ni Sheen.

"Come on! Kuwento mo na baka may alam ka bakit siya ganon."

"Carol he is a teacher." Paalala ko sa kanya nang may diin ang mga salita.Big issue
talaga lagi pag si sir Thorin sa kanya. Bakit ba may pinagpipilitan siya lagi
between me and our teacher?

"Alam ko wag mo na ipaalala. Pero ano nga? Hindi ako naniniwalang wala lang yun."
Ay ang kulit!

Sheen sighed heavily. Natutuliro na sa kakulitan ng bestfriend niya.

"Alam mo Carol your talking nonsense." Kung tutuusin wala nga naman talaga. I don't
even have idea why he is acting like that. Anong alam ko sa paraan ng pagtingin
niya sa akin na as if nasa akin ang nagtatagong utak ng maiitim niyang mata?

"Bakit ba kasi ginagawa mong big issue yang paraan ng pagtingin ni sir?" Saad ni
Sheen na may halong pagkainis sa boses. Maging ako din hindi ko makuha ang
ipinupunto niya. At saka akala ko ba siya ang may paghanga? Bakit niya idinederekta
sakin?

"Oo nga." Sang-ayon ko.

"Okay! Don't get me wrong but it's just strange. Hindi ko alam kung ako lang ba may
kapangyarihan makapansin ng mga ganito pero parang may kakaiba."

"Okay just shut up. Nagkakamali ka lang. Ang hilig mong palakihin ang simpleng
butas, does it makes sense pa ba? Teacher siya Carol. Walang rason para bigyan mo
ng kulay ang simpleng tingin. Sa idinidiin mo kasi parang sinasabi mong may gusto
ang teacher natin sa student niya."

Oh shoot! Napatulala ako sa sinabi ni Sheen. Bigla akong nangatog na ewan, bakit
parang may pakiramdam akong kakaiba?
Napasimangot si Carol. That hit her. Iyon nga siguro pinupunto niya. Natahimik na
lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain habang ako hindi ko na nagawang naubos ang
pagkain ko. Nawalan na ako ng gana. That idea... parang ayokong tanggapin kung
totoo man. God huwag naman sana. I know it's crazy to assume like that, it's stupid
to think but it actually happened once. And that was my case with Owen. Speaking of
him, bumalik ang pangamba ko para mamaya. Pansamantala lang itong nawala dahil sa
sinabi ni Carol kanina ngunit nagbalik na naman.

The thought of sir Thorin having some feeling towards me makes me shiver. Not a
good idea. Ang assuming ko oo, pero natatakot akong maulit ang nangyari noon.
Nakapagdesisyon ako. Ipinapangako ko, kung sakali mang tama ang hinala ni Carol,
hinding-hindi na ako papayag maulit ang nangyari noon. Tama na. Natuto na ako.
Dahil kahit ako, alam ko na sa mga ikinikilos ni sir Thorin ngayon mayroong hint na
posible nga ang hinala. That was also the signs when Owen started feel something
for me. At first he is talking to me like friend, hanggang lumaon lagi niya na
akong nilalapitan at pinapansin,

Shit! Teacher magnet lang ba beauty ko?!

See you later

Napasinghap ako nang mabasa ko ang text ni Owen. Tuloy na tuloy na nga talaga ang
pagkikita namin mamaya. Hay. Pinoproseso ko pa sa isip ko kung ano ang mga
sasabihin ko sa kaniya mamaya nang tumunog phone ko at mabasa ito.

Paano ko nga ba siya haharapin mamaya? Susumbatan ko ba? Oh hindi ako iimik habang
pinakikinggan siya sa paliwanag niya? This is hard for me kasi magkikita ulit kami
ng taong nagustuhan ko pero at the same time unang tao ding nakasakit sa akin. Anim
na taon ang tanda niya sa akin. Pero hindi naging hadlang iyon para hindi ko siya
nagustuhan. Nakakalungkot lang na nagkulang siya ng tiwala.

Ugh! Tama na nga ang pag-aalala! Matagal na nangyari yon kaya dapat ng ibaon sa
limot. Sa ngayon ang magaganap ay closure na lamang, wala nang iba pa. Gusto ko na
manahimik.

"Hey." Nilingon ko ang tumawag. Tinanguan ko lang siya at simpleng nginitian.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong niya. Nilapitan ako ni sir habang naghihintay sa
benches dito sa quad. Alas singko pa lang ng hapon.

"Wala po. Naghihintay ng oras." Sabi ko tapos nilingon ko siya ng umupo siya.

"Okay. Mukhang may date ka ah." Pabiro niyang sabi. Hindi talaga ako sanay na
ganito siya. Lagi niya na ba to gagawin?

Kumunot ang noo ko. Tulala akong nakatingin sa mga varsity players na nagpapractice
ng sports nila.

"Date?" Iyon lang nasabi ko. Anong akala niya manghuhula siya? Kung ano man ang
ibig sabihin niya sa ganitong paglapit habang nag-iisa ako mabuti ng unahan ko na
siya. Owen used to be like this. I didn' want to entertain him if possible.

"I guess? Kanina pa natapos klase mo ah." Tumango ako sa sinabi niya. Oo napaaga
dismissal dahil wala ang professor namin sa Math. Sabi may emergency daw kaya ito
ako ngayon naghihintay mag alas sais. Ayoko sabihin kay Owen na iurong ang oras,
fixed na yun at nakakahiya pang baguhin baka busy siya bago kami magkita.
"Are you okay?" Tanong niya ulit. Nilingon ko siya ng may pagtataka. What the?
Bakit may pagkakulit siya? Hindi niya ba nararamdaman na iniiwasan kong kausapin
siya?

"Ok lang ako." Sabi ko. He smiled. Tss. Sir naman. Ugh.

"Good to know that. Actually napadaan lang ako then saktong nakita kita."

So? I mentally said. Hirap intindihin ng kinikilos niya!

Tinaasan ko siya ng kilay. Paninindigan ko to!

"Are you sure you okay alone here?" Tanong niya ulit. Natatawa-tawa na ako sa
sarili ko dahil sa mga sinasabi niya. Ano ba naman to.

"Oo naman bakit hindi?"

"Well maiwan na kita ha. I gotta go. Bye." Tumango ako at bahagya ko pa siyang
nakitang napangiwi bago tumalikod at naglakad.

Naku? Napahiya ko pa ata. Eh kasi naman studyante nya ako. Maling lumalapit siya ng
ganon basta- basta. Hay napaka-unpredictable ng ipinapakita niya. Noong una ang
buong akala ko bastos at arogante siya lalong lalo na pag nasa labas ng classroom.
I even asked myself if who is he outside the classroom. Maling- mali ako ng akala
sa kaniya. He is not snob. Siya pa mismong nag-aaproach at most importantly
ngumingiti siya hindi tulad sa loob ng klase mabibilang sa limang daliri ang
pagsilay ng ngiti sa labi niya.

Dumating ang oras. 15 minutes before six nagpasya na akong pumunta sa meeting
place. Pagdating ko doon agad kong nasulyapan si Owen. Looking gorgeous on his
white suit. Formal as ever. Bigla siyang napatayo nang makita akong dumating at
agad niya akong pinaghila ng upuan ng makalapit.

"Hi." Tipid kong bati.

Nawala na ang kaba ko. But still nandito pa rin ang uneagerness.

Nginitian niya ako. "Lorraine.. how are you?"

"I'm fine. Mabuti naisipan mong makipagmeet." Casual kong sabi. Alam kong may ibang
kahulugan ang sinabi ko at alam ko rin na alam niya iyon dahil sa pasimpleng
pagtaas ng labi niya. Siguro nagulat dahil hindi inakala na iyon ang ibubungad ko.

Matagal ko na siyang gusto makausap ngunit nang lumipat ako school tumigil na ako
sa paghiling non sa kanya. Paulit-ulit niya rin akong hindi pinansin hanggang
magsawa na lang siguro ako.

He cleared his throat at nag-order.

"Thank you sa pagpaunlak na makipagkita." Aniya pagkaalis ng waiter. Masusi siyang


nakatunghay sa mukha ko. May lungkot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

"Welcome."

"So, how was your new school? I heard maganda raw sa university na iyon."

Ngumiti ako bilang pagsang-ayon. "Ikaw kumusta? San ka na ngayon?"


"I started studying doctorals degree. Tapos pansamantala rin akong tumutulong sa
resto na pagmamay-ari ng parents ko. So far masaya naman."

Mapait akong napangiti. Kung hindi siguro dahil sa akin nagtuturo pa rin siya.
Malungkog ngunit hindi ko ipahalatang ganoon ang nararamdaman ko. Anuman ang maging
kalabasan pagkatapos nito alam kong tapos na kung ano mang meron sa amin dati.

Dumating na ang order namin. Alam niya na ang paborito kong pagkain sa restaurant
na to kaya hindi na siya nag-abalang magtanong kanina.

Tahimik lang ako kumakain nang tumikhim siya. Napaangat ako ng tingin.

"I... I just want to say sorry for leaving you behind." Nangangapa ang boses niya
at may kaakibat na pag-iingat sa pagbitiw ng mga salita.

Mabagal akong ngumuya at inabot ko ang tubig. Tumango ako. "Tapos na yun. Wala na
sigurong rason para sa sorry mo."

"No.. let me apologize. Mali ako. I know that."

"Great. Just great." Shit. Nagbalik ang inis ko! Padabog kong inilapag ang hawak
kong kutsara' tinidor. Alam kong mali itong gagawin ko. But hell! Hindi ako
makapagpigil. Anong alam niyang mali siya? Sinong niloko niya, aso?! Dapat noon pa!

Nanlaki ang mata niya sa ikinilos ko.

"Lorraine.." bakas sa mukha niya ang pagmamakaawa. Shit.

"Alam mong mali ka? Sigurado ka?" Matalim ko siyang tiningnan. Kalma pa rin ang
aura niya.

"Just listen to me please."

Huh! I looked to him disgustedly. "You think pinakinggan mo ako noon? Owen naman!"
I looked by side. Kinukurot ang puso ko hindi dahil sa nasasaktan ako kundi naiinis
ako. Ang kapal niyang sabihin na pakinggan ko siya pero ako hindi niya nagawang
pakinggan!

"Kaya nga ako nagsosorry."

"Sorry for what?"

"Come on. Pumayag kang makipagkita... Umasa akong makikinig ka."

"Iyan din ang akala ko na makikinig ako. Pero Owen bumalik lahat ng sakit nung
iniwan mo ko. You know what, nawalan na ako ng gana." Mabilis akong tumayo at
naglakad palabas. May iilang taong napapalingon sa gawi ko, pero masyadong okupado
ang isip ko para pansinin pa sila. Mabilis akong pumara ng taxi nang may humablot
sa braso ko. Napasinghap ako.

"Lorraine... this is not the time for acting like a child. Hear me out!" He
shouted.

Napabuga ako ng hangin. How demanding! "Nagkamali lang ako na pumunta pa ako kaya
please bitiwan mo na ako!" Nagpumiglas ako pero hindi niya pa rin ako binitiwan.

"Hindi kita hahayaang umalis hanggat hindi mo ako pinakikinggan. Nandito ka na kaya
wala ka ng magagawa kundi pakinggan ako."
He's controling his temper. Wala akong pakialam pero ayoko na siyang makausap. Ang
buong akala ko kaya ko pero hindi pala!

"You're so unfair. Ano bang akala mo? Kapag ikaw pwede pakinggan pero ako hindi?!
You... argh!" Sinigawan ko siya ng buong buo. Wala na akong pakialam kung
nagmumukha na akong tanga pero parang ibinuhos na ng katawan ko ang galit ko sa
kaniya.

"I said I'm sorry! I'm sorry! Lorraine naman nagkamali ako noon na hindi kita
pinakinggan and I know and admitted I was wrong. Ilang beses ko bang sasabihin na
pakinggan at tanggapin mo ang sorry ko? I'm wasted that time. Malaki ang galit ko
sayo kaya naapakan nito ang pag-intindi ko. Hindi ko sinasabing tuluyan mo akong
patawarin sa pambabalewala sayo pero please makipag-usap ka sa akin ng maayos."
Unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa braso ko habang bakas sa mukha niya
ang paghihirap.

"I don't think magagawa ko ring pangunahan ang galit ko sayo." Napailing-iling ako
at tumingala. God please don't make me cry in front of him. Gumagawa na kami dito
ng scene sa labas ng restaurant. I hate it more!

"Lorraine..."

Itinaas ko ang kabilang kamay ko na hindi niya hawak. "Just... just stop! Stop
mentioning my name. Ayokong naririnig na sinasabi mo yan."

"Alright. Now can we please go back inside?"

Kailan niya ba bibitawan ang braso ko? Hindi pa rin ako pumapayag. I guess this is
the end. Tapos na. Matagal na dapat siyang nakiusap na gawin to. Matagal na sanang
naayos to kung pinakinggan niya ako. But it's too late. Too late to hear him out.
Too late to take his apologies. Too late that any explanations doesn't matter
anymore. Alam mo yung pakiramdam na kahit anong sorry at paliwanag wala nang
kuwenta dahil bukod sa huli na wala na ring puwang sa puso mo ang anumang bagay na
may kaugnayan sa kanya. Hindi ako nag-iinarte o ano pero sadyang hindi ko na gusto
ang makausap siya. Kapag ayaw ko wala ng anumang rason o pagdadalawang-isip lalo na
kung buo na ang desisyon ko.

Hindi ko siya tinitingnan sa mata. I sighed at ipinakita kong galit na ako. "Anong
gusto mong gawin ko para bitiwan mo ang braso ko?" Matamlay ko siyang tiningnan.
Pwes ipapakita kong wala akong ganang kausapin siya. Magalit man siya bahala siya.

"Bakit hindi mo ako magawang pagbigyan sa gusto ko?"

"Dahil hindi mo rin ako pinagbigyan noon. Ilang beses akong nakiusap-"

"Huwag mong ibalik ang pagkakamali ko noon sa nangyayari ngayon. Baka nakakalimutan
mong ikaw ang nagkamali kaya nasira tayong dalawa?"

"Ano? Ang kapal mo naman! Kung sana pinakinggan mo rin ako noon hindi tayo umabot
sa ganito kaya huwag mong palabasin na ako lang ang may kasanalan dito. How dare
you!"

"Alam mo bakit hindi na lang natin to ayusin ngayon?"

"Alam mo bakit hindi mo na lang ako bitawan nang matapos na tayo?" Hamon ko.

Taas noo ko siyang tiningnan ng matigilan siya sa sinabi ko. Napabuga siya ng
hangin dahil sa frustration kasabay noon ang pagalit niyang pagkalas sa braso ko.
Napaface-palm siya at tumalikod. Nagawa niya pang sipain ang canned juice na
nakakalat. Maang ko siyang tiningnan. Ano tinatakot niya ako?

Marahas siyang humarap sa akin. "Ang tigas talaga ng ulo mo."

Tumaas kilay ko. Eh ano ngayon? Nagcross-arms ako sa dibdib ko. Bahala siya.

"Ang hirap bang sundin mo ako?"

"Oo."

"Lorraine!"

"Ano?! Sinabi kong ayoko na. I want to go home masakit ang ulo ko sa buong araw na
to."

"Mahirap bang buksan ang puso mo para sa pakiusap ko?"

Mapait akong tumawa. Nagulat siya. "Baliw ka na. Huwag ka magbitaw ng mga salitang
akala mo'y nagawa mo noon. Sarado ang isip at puso mo. Huwag mo akong ituring na
kasing tigas ng bungo mo."

"Lahat na lang ba ibabalik mo sa akin?" Galit niyang tanong.

"Oo! Dahil iyon naman talaga diba?"

Natahimik siya.

"Owen. Hayaan mo nang ganito tayo. Kasi kahit ano pang gawin mo, hindi na tayo
magkakaayos. It's little too late for all the reasons to be heard because sometimes
the only way to sort things out is to let it unsolved. Hindi mo alam ang naramdaman
ko, wala ka nung hinarap ko ang kahihiyan noon, hindi mo nakita ang pagdurusa ko
nung iniwan mo ako habang inaayos mo ang sarili mo. At higit sa lahat wala ka nung
mga panahong sobra ang pagdurusa ko nung sunod-sunod ang problemang dumating sa
buhay ko. Wala kang alam... wala." Natulala siya at doon ay sinikap kong makalayo
nang hindi ko siya nililingon. Bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigil nang
makasakay na ako sa napara kong taxi. Nakita ko pa sa salamin na hindi siya kumilos
simula nung iniwanan ko siya. Tulala.

May mga bagay na mahirap gawin. Pero doon mo rin pala makukuha ang kagaanan ng loob
na pinapangarap mo kapag dumaan ka sa paghihirap. Masarap sa pakiramdam na nasabi
ko sa kanya ang kinikimkim kong sama ng loob. Simula ngayon susubukan kong
kalimutan ang anumang bagay na may kauganayan sa kanya. Sabihin mang amnesia na
lang at kamatayan ang tunay na nakabubura ng alaala, hindi rason yun para hindi
subukang lumimot. Hindi man mabura ng tuluyan, mababawasan naman ang sakit kapag
natabunan.
Marahas kong pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko. Nakakailang ulit ko na tong
ginagawa pero wala pa ring humpay ang pagpatak nito. Malamang kanina pa nagtataka
si manong driver sa sunod-sunod na pag-iyak ko.

Nakatunghay ako sa labas, pinapanuod ang mga ilaw sa lansangan at sinusundan ng


tingin ang mga sasakyang paroo't parito.

Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito eh. Ang akala ko okay na ako. Na hindi na
ako apektado. Hindi ako magmumukhang mahina kapag nagkita kami, pero lahat pala yun
akala ko lang. Ganon pala yun? Ang mismong sarili mo hindi mo makikilala hangga't
dumating na ang puntong pinangangambahan mo. Magugulat ka na lang iba pala ang
akala kong ako kapag nagkaganito.
"Ma'am.. ayos lang po ba kayo?" Tanong ng driver kung kaya't napalingon ako sa
kanya.

"Nag- aalala ho ako sa inyo. Pasensya na kung nakikialam ako pero mukha pong hindi
niyo na kaya." Bakas sa mata niya mula sa rearview mirror ang simpatya.

"A-ayos lang po ako manong. Salamat po." Pautal-utal kong sagot.

Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Hindi pa rin ako maampat sa pag-iyak hanggang makarating sa bahay. Binayaran ko si


manong at nagpasalamat. Nagpapasalamat ako sa ganoong tao, may pag-aalala kahit na
hindi niya ako kilala.

"Lorraine..." nilingon ko ang ate ko nang akmang bubuksan ko ang pinto ng kuwarto
ko. Lumapit siya at niyakap ako.

Ate....

Niyakap ko siya pabalik. Medyo naawat ko ang pag-iyak ko. Ang lakas talaga ng
pakiramdam niya kapag nakikita niya akong ganito. Na may iniinda akong sakit. Na
nahihirapan ako sa problema ko. Hindi siya nagtatanong ng kahit ano, pero
pinaparamdam niyang handa siya makinig at sumuporta. Simula nang nagkagulo noong
iniwan ako ni Owen lagi niya na akong nakikitang umiiyak, inaalo at pinapasaya.
Wala siyang anumang naririnig mula sa akin pero hindi rin siya nagtatanong. She
understands me all the time.

Isinubsob ko ang ulo ko sa balikat niya. Marahan niyang hinagod-hagod ang likod ko.

"Tara magpahinga ka na." Tumango ako at iginiya niya ako papasok sa kuwarto.

Ang drama ng mga nangyayari. Nahihirapan naman kasi ako sitwasyon ko. Hindi
madaling maranasan ang ganito lalo na kung naattach ka sa taong gusto mo. Kung
sana'y wala ng mga komplikasyon ang buhay eh di sana'y masaya lahat. Walang
umiiyak. Walang nagdurusa. Walang nahihirapan. Puro masaya pero sinong niloko ko?
Ang buhay hindi raw magiging makabuluhan kung walang paghihirap.

Ilang araw ang dumaan at dumating na ang puntong magsasama na si August at ate
Laureen. Maluwag na sa kalooban ko na payagan ang ganitong set up. Wala naman sa
akin kung kailangan kong sumama sa kay ate, kung saan siya doon ko. Sa katunayan
simula noong bata pa kami nangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay
hangga't hindi umaabot sa puntong may kanya-kanya na kaming pamilya. We're attached
like that, well that's how we are.

Napahanga ako sa ganda ng kanilang bahay. Wow! Napakaganda labas pa lang. Mayroon
sa harap ng simpleng hardin na pabilog. At sa pagpasok ay mahahalata ang yaman ng
pamilyang ito. Inikot ko ang paningin ko sa living room. Malinis, kumikinang ang
mga muwebles at sahig. Sa kaliwa ay ang hagdan papuntang ikalawang palapag.

"So, this will be your new home." Ani August pagkababa ng mga bagahe namin ni ate.
Parehas kami nahook sa ganda ng bahay kaya hindi kami agad nakasagot.

"Where's your family?" I asked him. Patuloy ko pa rin iniikot ang paningin ko.
Mangha.

"My half brother and me were the only one who lives here."

Tumango ako. "Eh yung mga magulang mo?"


Naglakad kami patungong couch at naupo. "Ang father ko died a year ago while my
mother lives state. Nakapangasawa ng kano. May sarili ng pamilya kaya ako na lang
andito. Then my half brother, we're brothers at the father side."

"Lorraine tama na ang tanong." Natatawa-tawang sabi ng ate ko habang inaayos ang
gamit.

"Bakit? Nagtatanong lang eh."

"Hayaan mo na 'my." August said habang hawak ang beywang ni ate.

Tss. Ito na naman po sila. Ngumiti sila pareho. Nagpasya akong tumayo at mag-ikot
sa bahay. May iilang kasambahay lang sila na may kanya-kanyang ginagawa ngunit maya
maya ang lingon sa gawi namin.

"Mag-iikot lang ako." Paalam ko nang akmang lalakad na ako.

"Ha? Ayaw mo ba munang magpahinga? Samahan kita sa magiging kuwarto mo kung gusto
mo?" Alok ni ate Laureen. Mukhang alam niya na ang pasikot- sikot sa bahay na to.

"Yeah she's right. Ako na rin magdadala ng mga gamit mo." Tumango na lang ako sa
kanilang dalawa. Hindi ko na tututulan ang gusto nila tutal gusto ko na rin
magpahinga. Malayo ang byahe mula sa amin patungo dito inabot yata kami isang oras
mahigit idagdag pa na medyo mabigat ang traffic sa ibang daanan.

"Manang Lourdes..." tawag ni August sa isang katulong. May lumapit na isang babaeng
may katandaan na at sa paningin ko ay medyo masungit.

"Pakihanda po kami ng tanghalian. Iyong paborito ng asawa ko manang ha. Alam niyo
na po ang gagawin."

Nginitian namin ni ate ang tinawag niya. Ngumiti rin siya ng pabalik at nagpaalam
matapos umoo kay August.

Mukhang magiging kakaiba ang bagong environment ko. Alam kong nakakapanibago mula
sa nakasanayang bahay pero para kay ate gagawin ko. Sana lang hindi ako mahirapan
lalo na ang makisama sa ibang tao dito.

Napahanga ako sa ganda ng kuwartong tutuluyan ko. Wow. Nilingon ko si ate at August
na nakangiti. "Ang ganda. Sa akin talaga to?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Isang
queen sized bed na may touch ng pink ang nasa gitna. Sa kaliwa ay isang walk-in
closet at sa kanan ang papuntang cr. Ang mga dingding halatang bagong pintura.
Pangbabae at nakakarelax tingnan.

"Oo Lorraine. Sinadya naming ipabago ang design ng kuwarto na to para sayo. Syempre
ayoko namang mapahiya sa kapatid ko no." Birong sabi ni ate habang nakahawak sa
beywang ni August at nakaakbay naman ito sa kanya.

"Salamat ate." I said in grateful manner.

"This room used to be my half brothers room. Pero nang nagturo siya kumuha siya ng
sariling unit sa isang condo. Typical of a man wants to be alone. Huwag ka mag-
alala, hindi na siya rito natutulog. Ipinabago ko na since hindi na rin siya umuuwi
dito."

Ah. So it is his brother room. Inikot ko ang paningin ko at umupo sa kama.

"Paano iwan ka na namin huh. Mag-aayos pa kami ng gamit ng asawa ko." Paalam ni
August sabay halakhak. Kinurot siya sa tagiliran ng ate ko.
"Kuuhh!! Gamit lang ha." Natatawang sabi ni ate. Natawa na rin ako habang
pinapanood sila. Grabe itong dalawang to nagharutan na sa harapan ko.

"Go on! Lumayas na nga kayong dalawa."

"Bye sis!" Umalis na silang dalawa habang natatawa-tawa pa din.

Nang ako na lang mag-isa inayos ko na ang mga gamit ko sa kabinet at pati ang ibang
gamit. Nakakatuwang inayos pa talaga nila ang pagtutuluyan ko. Nakahinga rin ako ng
maluwag nang malamang hindi na pala dito tumutuloy ang kapatid ni August. Ang akala
ko kailangan ko pang makisama sa ibang tao rito maliban sa mga kasambahay. Mabuti
na lang hindi na.

Buong araw nagkulong ako sa kuwarto maliban sa bumababa para kumain. Alam kong bago
pa lang ako sa bahay na to pero ano namang gagawin ko? At saka sanay na akong
magkulong, gumawa ng mga bagay na paborito kong gawin, reading books, playing my
guitar at gumawa ng requirements sa school. Si ate at August ayun may nilakad.
Shopping daw niyaya pa nila ako pero tumanggi ako. Wala ako sa mood. Ewan ko ba
pero ganito talaga ako na kapag wala ng gana kadalasan nasa loob lang talaga ako ng
kuwarto. Nakatanggap din ako text mula kina Carol na magstroll sa mall pero sadyang
wala akong gana kaya tinanggihan ko na. May ilang mensahe rin akong natatanggap
mula kay Owen, saying sorry and what so ever na hindi ko na inabalang replyan. Para
saan pa? Ipaalala nyo nga sa akin magpalit ng sim, ayoko nang nakakatanggap ng
anuman sa kanya. Gusto ko na manahimik mula sa nakaraan kaya hanggat andiyan pa
siya hindi talaga ako tuluyang makakalimot. Hindi ko hinihiling na mamatay na siya,
kalabisan naman yun. Gusto ko lang na wala na kaming ugnayang dalawa. Ayoko na nga
mag-isip tungkol sa kaniya. Hayst.

Hanggang nakatulugan ko na ang pag-iisip.

---

Ahh.. hindi ako makahinga!

Napamulat ako ng mata. Ouch! Ang sakit ng bandang dibdib ko na parang may
nakapatong na bagay. Ang bigat!

Naalala ko bigla ang panaginip ko. Sumakit ulo ko bigla. Ang weird. Bakit may fairy
na sumulpot? Bakit may parang napuntahan akong kakaibang lugar? At saka ano ibig
sabihin ng diwata sa sinabi niya? Higit sa lahat bakit may lalaking bumangga sa
akin, ngunit hindi lang basta lalaki kundi gwapong lalaki! Argh! Kung ano anong
pumapasok sa isip ko epekto siguro kakabasa ng mga fiction books!

Teka bakit ang dilim ng kuwarto ko? Brown out? Tsaka.... ano ba bakit parang may
nakapatong na kung ano sa dibdib ko. Kusang kumunot ang noo ko at sinubukang
bumangon pero sadyang ang bigat ng nakapatong. God! Tao ba to? Kinapa ko yun at
napagtantong isa itong braso. Braso?!

Nanlaki ang mata ko at pumikit. Shit. Kung ate ko to imposible dahil malaki ang
braso na to. For sure sa lalaki to! Si August? H-hindi puwede! Imposible! Eh sino
to?!

Kinakabahan ako na baka rapist to o yung mga napapanood ko na mga may hawak na
chainsaw. Letse ang paranoid ko naman talaga.

Nakapagpasya akong lingunin siya. Kinapa ko ang cellphone ko. Kailangan kong
bumangon. Nang maabot ko ito binuksan ko ang torch ng phone ko at sinilip ang mukha
ng lalaki. Ugh!! Hindi ko makita mukha niya kasi nakadapa siya, yung kanang braso
niya ang nakapatong at nasa kanan niya ako samantalang yung ulo niya nasa kaliwa
nakaharap, nakatalikod mula sa akin.

Nag-isip ako ng gagawin. Ano ba namang bahay to pinapasok ng kung sino-sino!


Sisigaw ba ako? Sasaktan ko ba siya? Gigisingin ko ba? O hahayaan ko na lang na
ganito? Pero hindi puwede baka mamaya makatulog ako e alas tres palang ng madaling
araw baka paggising ko hindi lang diwata makaharap ko kundi si San Pedro na pala!
Hala hindi ko kaya yun! Oh god this is so frustrating!!

Ilang minuto na ang nakalilipas hindi ko pa rin matantiya ang dapat gawin. Bwisit
na kuryente walang ilaw ang dilim. Natatakot na kaya ako. Tawagin ko kaya si ate?
Pero baka tulog na tulog yun at pagod, alam mo na. Napabuga ako ng hangin. Yung
katabi ko ang lalim ng paghinga, medyo humihilik pa. Naaamoy ko pa ang lalaking-
lalaki niyang amoy. Ang bango.

Okay! I need to do something!

Abot abot ang hininga ko nang dahan-dahan kong kalasin ang braso niya.

Aaaahh!

Napasigaw ako sa isip ko nang binalik niya braso niya. What the hell! Sa
pagkakataong ito mismong breast ko na napatungan niya. Nanlaki ang mata ko. Eh
minamanyak na ako nito eh!

Ang pag-iisip ng mahinahon kanina napalitan ng pagkabadtrip kaya hindi ko na


napigil ang sarili ko. Bwisit!

Padarag kong tinanggal ang braso habang mahigpit ang pagkakawak ko dito.

"Hmmmmm.....".. ungol ng lalaki.

Wow ha. Hindi man lang nagising!! Ang tulog mantika naman nito. Biglang humarap ang
mukha niya sa gawi ko.

Anak ng pinagpatong-patong na tinapay!!!

Napabalikwas na talaga ako!

"Who....who are you?!" Pasigaw ang tanong ko habang turo-turo ko siya. Nakatayo na
ako ngayon sa harap niya. Naramdaman kong nagising siya at dahan- dahang bumangon.
Naalimpungatan sa sigaw ko.

"Who me?" Tanong niya.

Nagulat ako sa boses niya. It sounds familiar. "Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?"

"Me?"

"Oo ikaw!"

"This is my room!"

"Your room??" Nagtaka ako. Paanong naging kanya?

"Oo.. ikaw sino ka ba? Dapat ako nagtatanong sayo ng ganyan. Who are you sneaking
inside my room? Are you? W-wait!"
Tumigil siya saglit ako naman hindi makahuma. Nababahala ako sa boses niyang
pamilyar pero sigurado akong hindi to si August. Sino ba to?

"Are you a rapist?"

"Rapist?!!!" Sigaw ko. Letse. Ako pa naging rapist?

"Yeah...babaeng rapist." Tumayo na siya. Ramdam ko.

"How dare you... ikaw nga itong biglang pumapasok sa kuwarto ng may kuwarto."

"Paanong nagkakuwarto ka dito eh bahay ko to? Bakit walang ilaw? Shit hindi pa rin
ba pinapaayos ni August ang linya ng kuryente?" Inis na ang boses niya.

"B-bahay mo?" Posible kayang....?

Right. He's the brother. Now that is clear. Pero akala ko ba hindi na siya dito
nakatira? Ano yun uuwi siya tapos biglang papasok sa ngayon ay kuwarto ko?

"Lorraine...." kasunod ay mga katok iyon sa pinto. Si ate..

"Lorraine anong nangyayari?! Buksan mo ang pinto. Bakit ka sumisigaw?!" She


shouted.

"Sino naman yun?" Tanong ulit ng lalaki.

"My sister. Kung bahay niyo to bakit wala kang alam sa nangyayari dito? This is now
my room." I said calmly. This situation is so cliche. This is all August fault.
Mukhang walang alam ang kapatid niya sa pagtira namin dito.

"Wait...what? How?"

"Lorraine open the door!!" Sigaw ulit ni ate. Kinakalampag ang pinto.

"Laureen stop shouting!" Si August. Mukhang alalang alala na si ate.

Bubuksan ko na siguro ang pinto. Humakbang ako nangangapa at tinatandaan kung saan
banda ang pinto.

"My sister's in there August what do you expect me to do?" Ate Laureen shouted
back. Yung lalaki namang kasama ko biglang natahimik. I do not know what he is
thinking right now especially on this situation. Napagkamalan ko siyang rapist,
nagsigawan kami tapos iniisip din ng ate ko na may kung sinong nakapasok dito sa
kuwarto ko. Wala ng sasama sa sitwasyon na to! Kung tutuusin bahay niya nga naman
talaga to kami lang nanghihimasok. Humanda ka sakin August naku!!!

Nakapa ko ang pinto at binuksan. The whole house is all dark. May dala lang
flashlight si August.

"Lorraine..." niyakap ako bigla ni ate."Anong nangyari?" Bakas ang pag-aalala sa


boses niya.

"May pumasok." Tipid kong sabi. Naiinis ako. Unreasonable pero naiinis ako!
Pinatira niya ako dito pero walang alam ang isang nakatira dito!!

"Huh? Sabi ko na nga ba August eh ayaw mo akong paniwalaan-"

"August..." tawag ng lalaki mula sa likod ko.


Ayan.. ayan ang sinasabi ko. Hay naku naman! Madilim pa rin dahil hindi nakadirekta
ang flash light sa mga mukha namin pero kitang kita ko ang reaksyon nilang dalawa.
Si ate gulat lang pero si August gulat na gulat. Wow degree of comparison! Bwisit
naman oh ano ba naman syempre ganyan talaga reaksyon nila hinayaan nilang mangyari
to eh!

"August..." si ate naman. Kumapit sa asawa niya.

"Oh... nandito ka?" August said matapos ang sandaling pagkagulat.

"Why is it so dark? Tsaka ano to? Bakit may babae sa kuwarto ko?" He said. Letse!

"Ano ako multo?" Angal ko. Makapal mukha niya sarap tapalan ng harina!

"Tama na nga. Let's settle this later alright. Madilim ang buong bahay papatawagan
ko muna ang gagawa." Ani August.

"So typical of you brother."

"Whatever. So sa guesr room ka muna kapatid."

"What? Kuwarto ko to."

"That will be Lorraine's new room. Sa guest room ka na."

"Ano? Lorraine? Ito ba?" Tinuro nya ako na ngayon ay nasa tabi na ni ate.

"Yeah. Cge na Lorraine pasok ka na. Im sorry."

"Baliw ka rin kasi 'dy. Wala palang alam kapatid mo na dito na kami titira." Ate
laureen said.

"So she is your wife?"

"Uhuh. Bukas na ang introduction abala kayo sa tulog." Pambihira nagawa pang
magjoke!

"Kung hindi ba naman kasi-" pinutol niya agad ang sinabi ko.

"Oo na. Get inside." Whatever.

"Goodnight lorraine. Im sorry too. Bukas mo na sisihin ang asawa ko hah." Tingnan
mo tong asawang to napakasupportive.

"Oo na!" Humakbang na ako papasok pero bago ako magsara ng pinto malinaw na narinig
ko ang sinabi ni August sa kapatid niya.

"Namiss kita Thorin bro!"

Thorin?

Pagkakataon lang ba pero kapangalan pa talaga siya ng professor ko?

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang isipin na yun. Baka nagkataon lang. Oh well


makatulog na nga. Istorbo ang diwata na yun at intruder na yun sa tulog ko..!

.....
A/n: wahaha.
Sorry sabaw. Corny pero vote and comment please. Selemet!

"Lorraine...!" Kasunod ng pagtawag ang sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa


pinto ng kuwarto ko.

Nalukot ang mukha ko. Shit ate Laureen why too early? Inaantok pa ako dahil hindi
ako agad nakatulog kagabi. I don't know but something's bothering me and I don't
know what is it.

"What?" Sigaw ko. Ang ganda ng morning ko. Pfft!

"Gising ka na?" Tanong niya.

"Hindi ate, natutulog pa!" I sarcastically said. Ang ganda ng tanong eh. Multo
sumagot. Hmp.

"Whatever. Bilisan mo na. Sabay tayong mag- aalmusal kasama si Thorin."

Kumunot ang noo ko habang bumababa ng kama. "Bakit pa?" Angal ko. Talking between
the door closed. Maganda to. Wala ako sa mood magbukas ng pinto at tinatamad lang
ako.

"Anong bakit? Don't ask just prepare yourself naghihintay na sila sa baba." Medyo
iritado na ang boses ng ate ko.

"Kailangan ba talaga?"

"Oo nga!"

"Alright give me 10 minutes." I grab my towel. Hindi muna ako maliligo. Nagmamadali
mag- almusal ang mga tao baka nagugutom na. Tss.

"Sige. Bilisan mo." And then I heard her footsteps gone.

Mabilis akong natapos mag-ayos. I don't want to look like messy to other people.
Nagtali lang ako ng mahabang buhok. White t-shirt and maong shorts na hanggang
tuhod and ready to go. Naglagay na rin ako ng kaonting pulbos.

"Oh andito na pala siya eh." Sabi ni ate ng akmang pababa na ako ng hagdan. I
walked downstairs and then I saw ate Laureen, August and someone na hindi ko makita
ang mukha dahil nakayuko. Sabay na nakatingin sakin si ate at August while "Thorin"
is still not looking habang kinakalikot cellphone niya at nakaupo sa couch nang
nakade-kuwatro.

Napakunot ako ng noo habang naglalakad pababa ng hagdan. Ano ayaw niya ako makita?
Pero may kung ano sa pakiramdam ko na hindi ko matukoy kung ano. Seriously?

"Thorin.." tawag ni August sa kapatid niya. Nakalapit na ako.

"Huh?" Kasabay noon ang pag-angat niya nang tingin na nakakunot ang noo.

Napanganga ako. LITERAL!! Capslock para intense. Oh what the world is happening?
Can someone please explain to me? Anong ginagawa ng professor ko dito sa bahay na
bagong tinitirhan ko?
Tumikhim siya. Bakas din sa mukha niya ang gulat pero hindi tulad ko na napanganga
talaga. This is so surprising! Paano ko tatanggapin sa sarili ko na nangyayari ito?

"How pathetic. Is that the right reaction when you see someone you know?
Seriously?" He said rudely saka tumayo.

Nakilala niya ako agad?

"Lorraine. Hoy isara mo nga yang bibig mo." Saway na ni ate. Doon ko rin naalalang
nakanganga pa pala ako. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha.

"Seems you two knew each other." August concluded.

Tumango lang ako. "Ikaw yung kapatid ni August?" Tinanong ko si sir Thorin.
Napahiya ako pero kailangan kong umakto ng maayos.

"Uhuh." Tumango siya. "So ikaw pala si Lorraine na katabi kong natulog kagabi sa
room ko." Ngumisi siya habang nakapamulsa. Magkaharap na kami.

Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan. "Ano?!"

"What? Did I said wrong?"

"Sir..." madiin kong sabi. "Your unbelievable. Ikaw ang biglang pumasok sa kuwarto.
Ako ang nauna don." Huh! Ano ba naman to? Sinasabi niya bang sinadya kong tumabi sa
kanya sa pagtulog?

"Did I know you're in there?"

"No."

"So that's not my fault."

"Pero sana naramdaman mong may tao sa kuwarto mo."

"It's dark!" Tumaas boses niya.

"Ugh! Pero hindi rason yun para mangyakap ka!" Napatakip ako ng bibig sa sinabi ko.
Oh my god!

Ngumiti lang siya. "Talaga? Niyakap kita?"

"Lorraine! Totoo ba yan?" Gulat na gulat na sabi ni ate tapos iniharap niya ako sa
kanya sa paghawak sa magkabila kong balikat. Ito na naman po ang pagiging OR niya.
Naman! Bakit ba kasi nadala ako at napasabi ng ganon? Mukhang hindi niya alam na
ginawa niya yun habang tulog siya. Malamang kaya nga tulog eh. Ugh my bad. Pero
napakaimposible talagang hindi nya malaman na may ibang taong nakahiga sa kama
niya!

"Ate... hindi yun ang ibig kong sabihin. W-walang nangyari-"

"Totoo ba Thorin?" Pinutol ni ate ang dapat na sasabihin ko at hinarap si Thorin.

"Ang ano?" Naku nagmamaang-maangan pa. BEST ACTOR!

"Niyakap mo daw siya sabi niya."

"I don't know." Umiling at nagkibit- balikatang siya. Playing safe.


Maling mali ako sa pagkadulas ng bibig ko pero paninindigan ko to. In the first
place hindi lang basta pagyakap yon!

"Sige itanggi mo pa." Sabi ko. Lintik talaga.

"You know what. Kumain na lang tayo." Sabay iniba ang usapan. Argh!

Ito ba ang Thorin na lumalapit sa akin tuwing uwian? Sabihin niyo nga. Unang una
hindi siya nabigla na nandoon ako sa bahay nila. And he's so rude. Tama ba ang
desisyong kalimutang kainisan siya o ituloy ko na lang? Ginawa pa akong sinungaling
samantalang siya yung biglang pumasok sa kuwarto kagabi. At nangyakap pa! Naman!

"He's right. Hindi tamang paghintayin ang pagkain." Sabi ni August. "Manang Lourdes
handa na po ba ang hapag?" Nilingon niya ang kusina at tinawag ang mayordoma.

"Opo sir." Sagot nito.

"Yun naman pala eh. Let's go." Anyaya ng isa. Napa-huh ako. I don't like the idea
that he's here. I swear!

Nauna siyang naglakad papuntang kusina habang nakasunod ako. Sa likod ko sina ate
at August. Magkahawak kamay. Ang aga- aga naku. Napapailing na lang ako habang
naglalakad. Nauna nang umupo si sir Thorin, sa gitna siya umupo. Sa kaliwa ako at
sa kanan niya ang mag-asawa na nagngingitian lang habang ako parang wala na atang
gana mag-agahan dahil dito sa teacher kong nakakasama ng umaga. Nag-umpisa nang
kumain pero ako halos hindi ko nagagalaw pagkain ko, itlog, bacon at omelet pa
naman pero sadyang wala talaga.

Nagtaka na ako na kapangalan niya ang teacher ko pero hindi ko pinansin. Magkaboses
na sila kagabi pero hindi ko alam na iisa lang ang iniisip kong tao. Syempre.. I
never expected this to happen. I never assume that August's half brother and my
professor were only one person dahil imposible naman kasing mangyari. Sino bang
mag-aakala? Kahit sino hindi aakalaing ganon ang mangyayari. But it's true na ang
liit ng talaga ng mundo kahit sabihin pang ganaano ito kalaki. Unless it's meant to
happen. Nakatakda nga ba?

"So, how's the newly weds?" Biglang tanong ni sir Thorin sa mag- asawa.

Yung totoo? Hindi ko rin alam kung ano ba dapat itawag ko sa kanya lalo na ngayon
na nasa tabi ko lang siya. Kung sir ba o Thorin lang. It's just awkward to call him
sir kasi baka mapagalitan ako na wala naman sa school para tawagin siyang ganon
pero baka pag sinabi ko namang Thorin lang baka sabihin ang bastos ko naman dahil
wala akong galang sa teacher ko. Ugh. Ano ba naman to pati ang paraan ng pagtawag
sa kanya pinoproblema ko.

"We're fine. Happy." August answered, happily. Parehas silang nakangiti ni ate.
Tumango- tango lang si Thorin. Well sa isip ko Thorin na lang, kapag sa loob na
lang ng classroom ko sya tatawaging sir. But in front of him? I still do not know.

"Bakit wala kang pinaalam sa akin tungkol dito?" Ah.. about sa pagtira namin sa
bahay niya! Huh! This is the confrontation.

Ibinaba ni August ang spoon and fork na hawak niya. "Oh, about that... wala. I just
want to surprise you."

Kumunot ang noo ni Thorin. "Surprise? Huh! Kailan ka pa nagkahilig sa surprises


August?" Ngumisi siya.
Really.. he is not like my teacher. Parang ibang tao kasama ko dito eh.

"Siguro simula ngayon masanay ka na, maraming magbabago." Ngumiti rin si August.
Now I know, kaya pala nasabi nila Carol na may kamukha itong si August, and this is
our teacher. I'm so slow not to notice!

"Great. Kailangan ko palang mag-abang sa susunod na surprise." Sumeryoso ang mukha


niya. "So kasama pala sa surprise na sa kuwarto ko rin matutulog ang kapatid ng
asawa mo? Am I not part of this house because you didn't intend me to know?"

"Thorin, is this a big deal? Hindi ka na rin madalas umuuwi dito. In fact halos
once a month ka lang bumibisita dito. What do you expect me to do?"

"What I am expecting you to do is at least let me know na may patutuluyin ka dito.


May karapatan din akong malaman kung sinong maglalabas -pasok sa pamamahay na to."
Nagtagis ang mga bagang niya na tila nagpipigil ng galit.

God, please relax them. Nasa harap ng hapag-kainan mali ang magtalo dito. Ano ba
itong magkapatid na to? Tahimik lang kami ni ateng nakikinig habang paunti-unti
akong sumusubo.

"So your saying is?" Nagsalubong na kilay ni August. The tension here is arising.
Aba naman! "Sinasabi mo bang wala akong karapatan magdesisyon dito?"

"No!"

"Then accept it! I know what I"m doing."

"But you could at least let me know."

"Oh so I'm sorry! Okay? Nandito na to. You know kung mag problema ka sa pagtira
nila dito, then don't stay here. Hindi ko kailangang ipaalam lahat ng gagawin ko,
sayo. So anong problema?"

Sa panggigilalas ko, ngumiti siya ng malapad. I know since then na naging teacher
ko siya bigla siyang nagpapakita ng pabago-bagong ekspresyon pero nagugulat pa rin
ako.

Nagulat din si August sa pagngiti niya. Si ate hindi na sumasawsaw. Syempre kami
ang usapan dito. Kung bakit ba naman kasi hindi na nagsarili itong dalawa, they
talking as if wala dito yung pinagtatalunan nila. This brothers, nakakasakit ng
ulo! Hindi kami tulad nito ni ate kapag nagtatalo eh. We argue nang kaming dalawa
lang, no one's around.

"But it is now a problem brother." Nakangiti pa ring sabi niya. Mukhang may
masamang binabalak sa pagkakangiti eh.

"Huh?" Takang sabi ni August. Maging kami ni ate nagulat. What now?

"I am going back here. Dito na ulit ako titira simula ngayon."

Pak! Di nga?! Face palm mindly. Utak biya talaga! Natigil ako sa dapat na isusubo
ko at nabitawan ang tinidor na hawak ko sa kabilang kamay.

"Oh?" Sarap batukan ni August ngayon. Seriously yun lang sasabihin niya? Nagulat
siya pero napangiti rin. "Then that's good."

"But I'm not okay that they're here."


"Ano?"

"I said I don't want theme here."

"Seriously.. ano bang problema mo na nandito kami?" Hindi na ako nakapagpigil na


sumagot. Ang pag-usapan na tila wala kami dito ay makakaya ko pa pero ang
ipagdiinan na ayaw niya sa amin ay hindi na katanggap- tanggap sa sisteme ko. How
ruthless he is!

He looked at me. Si ate hindi nagrereact. Kung siya kaya, ako hindi!

"Because I don't want to."

"Eh? Dahil sa ayaw mo lang sa palagay mo ikaw na may karapatang tumanggi sa pagtira
namin dito?"

"Why? Ako ang isa pang may-ari ng bahay na to. May karapatan ako, baka
nakakalimutan mo."

"Huh!!" Great. He's right. Iyon na lang nasabi ko. May sense pa ba akong
makipagtalo? He have the right. Yeah. Bwisit mali atang pagsama ko dito eh.

"Thorin, your being unreasonable." August said. Napapailing-iling sa kapatid niya.

"Your unreasonable also. Wala kang pasabi!"

"What the? Thorin nagpapakachildish ka alam mo ba?"

"Then childish if this is what you call it. Pero hindi ko gusto ang desisyon mo."

"Can you please just accept it?!" Sumigaw na si August. God he's mad. Napahawak
bigla si ate sa braso niya.

Hindi ko maintindihan si ate bakit hindi siya nagsasalita. Naiirita na ako. Kung
ayaw e di huwag! Why did they need to fight?

"Wow. You're angry." Relax lang na sabi niya at sumandal sa kanyang upuan.
Napapikit ako. Uunahan ko na po but I'm sorry God just please forgive us. Alam kong
hindi tama magtalo sa harap ng pagkain pero nakakawalang pasensya na ang pagiging
kontrabida niya!

"Because you're impossible! Thorin iniwan mo tong bahay sa pangangalaga ko but you
will come here claiming that you will live here, again! At kinokontra mo pa ang
naging desisyon ko. Gaano ba kahirap tanggapin to?"

"'Dy, tama na." Sabi ate habang sinusubukang kalmahin si August.

"Dahil hindi mo pinaalam sa akin. You know me. Hindi ako pumapayag ng ganito-
ganito lang."

"If you don't like us here. Then we'll leave." I said in a low tone. Sumabog na ang
tinitimpi kong inis. Feeling niya kontrabida siya sa palabas. Kung ayaw wag
pilitin! Binabaan ko lang ang boses ko dahil inaalala kong nasa hapag kainan kami
at may respeto ako pero yung totoo? I want to shout to him like hell! Kating kati
ang boses ko na ipamukha sa kanya. Ang tigas ng mukha eh!

"What?" Nagulat si August sa sinabi ko. "Hindi mo kailangang gawin yan."

"Your brother doesn't want us here August. Hindi ko gugustuhing mag-aaway kayong
magkapatid dahil sa amin."

"Lorraine.." napatingin ako kay ate. She's hopeless. Bakas sa mukha niya ang
pagmamakaawa.Napabuga ako ng hangin. Great. She's the wife. I'm the stranger.

Napatingin sa akin si Thorin. Mangha ang expression. Screw you!

"You sure?" Aniya. Grabe nagdiriwang na siguro sa kaloob-looban niya.

"No."

"Huh?" Nagtaka siya sa sagot ko.

Mali. Ako siguro dapat na wala dito. Kaya nag-aalburuto si August dahil natatakot
siyang mahiwalay sa asawa niya. Pero hindi ko idadamay ang mag-asawang to. Ewan ko
pero may pakiramdam akong ayaw ako ni Thorin na nandito. He's against to the idea
that we will be living in the same roof. If why? Iyon rin ang ipinagtataka ko. I'm
sure hindi lang iyon ang dahilan na hindi ipinaalam sa kaniya na may ibang titira
dito. Ang paggamit ng kuwarto niya? No. Masyadong mababaw.

"Let my sister live here. Ako na lang ang aalis."

"What?" Gulat na sigaw ni ate. "Lorraine, you can't..." nagmamakaawa ang mukha
niya.

Eh ano ba?!

"Then what ate? Hahayaan mong ganituhin tayo ng kapatid ng asawa mo?"

"Hindi mo na kailangang gawin yan Lorraine." Napatingin ako kay August. Kung hindi
lang sana dahil sa kaniya hindi magkakaganito eh. Pero alam kong ako din ang mali
dito dahil pumayag ako sa request ng ate ko. But it is my ate' s wish. Oh God I
don't know who's to blame!

"Ano to kapatid sa kapatid?" Tinaliman ko ng tingin ang professor ko. He's evil!

"Manahimik ka!"

"W-whoa!" Napataas pa siya ng kamay habang nanlalaki ang mata. And curse him dahil
natatawa pa siya!

"You are playing!" I screamed. "Ano bang akala mo ha? This is not a joke. Hindi
talaga kita maintindihan. Nang nalaman mong dito na kami titira komokontra ka at
nagpasyang dito na titira. But now,.. niloloko mo ba kami?"

"Who?"

Napatayo na ako. I can't handle this. He's crazy.

"I don't want to live here. I'm sorry ate, dito ka lang kung gusto mo pero hindi
matatanggap ng sikmura ko makisama sa iisang bubong ang baliw na katulad niya." I
turned back ngunit napatigil ako ng magsalita si ate.

"Sasama ako." Napalingon ako bigla. Ano?!

"What?" Gulat na napatingin si August sa asawa niya samantalang ang isa natahimik
lang. Ang sarap niya batukan sa inaasta niya kung hindi ko lang siya teacher I want
to kick him upside down.
"August, siguro dapat mag-usap muna kayong magkapatid. I've had enough. Tama ang
sinabi niya. Dapat sinabi mo muna bago ka nagdesisyon."

"What? Pati ikaw galit na rin sa akin? Laureen naman."

Tumayo na si ate at akmang pupuntahan ako ng pigilan siya sa braso ni August.

"Walang...aalis." he said in final tone. Nakakatakot ang boses niya ngayon at


maging si Thorin nag-iba ang ekspresyon dahil sa sinabi ni August. If Thorin is
scary, then August is more scary. Nagdalawang-isip ako kung tuluyan pa ba akong
aalis o babalik sa upuan ko. And then I saw manang Lourdes, nakatingin sa akin at
nagsign na bumalik ako sa upuan ko. Mukhang alam niya ang ugali ng magkapatid na
to.

"Alright." Bumalik na ako sa upuan ko habang si Thorin sinusundan ako ng tingin. I


have this urge na tusukin ang mata niya habang umuupo ako. This is his fault. Ang
babaw babaw ng utak lagi!

Kalmado na ang lahat nang magsalita si August.

"Alright. So this is all my fault. Ako naman talaga ang mali dito di ba?"

Wala pa ring nagsalita. Ako napayuko ng kaunti habang si ate nakatingin sa akin. I
don't know pero parang sa akin din ang tingin ni Thorin. Problema na naman niya?

"Thorin, blame me but no one is leaving here. I know you, you're right. But you
know me also, kapag mahal ko sinusunod ko. Alam mo ang pinagdaanan ko bago ko
napangasawa ang ate Laureen mo, you know I'll do anything for her. Kaya nang
hiniling niyang isama ang kapatid niya sa pagtira dito walang pagdadalawang isip ko
siyang pinahintulutan. I love her. At alam mong kaya ko siyang piliin higit sayo,
am I right?"

Saglit na hindi nakasagot si Thorin. "Yes." That' all he said. Tiklop pala eh. Ang
kapal ng mukhang komontra.

"And you know also that I can also leave you for her, right?"

"What?" Kunot-noo niyang tiningnan kapatid niya, gimbal sa itinuran nito. Oo gimbal
talaga. Wife over brother, that's ridiculous. I know.

"Yes. So, accept my decision or you will live alone here. Nagawa mo na akong iwan
when in the fact that we only have each other. Ngayon ako naman but this time I'm
giving you an option. Pero oras na mangyaring umalis ako, hindi mo magugustuhan ang
gagawin ko."

"Ano? Ibibigay mo ang kompanya at patitigilin mo ako sa pagtuturo? C'mon alam ko na


iniisip mo August."

Ngumiti si August. "Yeah you're right."

Napamaang kami sa kanya. Seryoso gagawin niya yun para kay ate?

"Your joking." Hindi rin naniniwala si Thorin. No one's expecting this.

"Hindi ako nagbibiro."

"August, you're being-" pinutol ni August ang dapat na sasabihin ni ate.

"No. It's okay. He's being childish. I know what to do." Pangako niya kay ate
habang hawak ang kamay nito. Psh! Is this all about crazy love again?

"August, this is a serious matter."

"I know."

"Pero hindi ko magagawang ipagpalit ang pagtuturo ko. You can't do this."
Nagtatagis ang bagang niyang sabi.

"You knew to play? I also know too. Now choose."

August know how to think. Huh! Alam niya ang alas sa katigasan ng ulo na kapatid
niya. Ngayon tila mapipilitan na ang kontrabida tanggapin ang dapat tanggapin. Kung
mangyayari to then sige. Titira kami dito. Titira ako dito sa bahay ng professor
ko. Hindi ko gusto pero for the love of my sister I will do this for her. Hindi
kasi ako tulad ng isa dito, hindi marunong sumuporta sa bagay na mas makakapasaya
sa kapatid niya.

Napainom ako ng tubig. Yung tension andito pa rin pero hindi gaya kanina ang taas.
Napatingin ako ulit kay manang lourdes na napapangiti habang nagtatago sa gilid ng
pinto ng kusina. Napailing-iling ako. Alam niyang magkakaganito. Alam niyang
mapapapayag ni August ang kapatid. Ilang taon na ba siya dito at tila kilala niya
na ang paraan ng pag-iisip ng dalawa?

Napalingon ako kay Thorin nang padarag niyang hinampas ang palad sa mesa. Hindi
kami natinag sa hampas na yun pero nagulat pa rin ako. Bwisit aatakihin yata ako sa
puso!

"What?"untag ni August.

Huminga siya ng malalim. "Okay! Okay you win! Pero dito pa rin ako titira. Now if
you all excuse me!" Tumayo na siya at umalis, napalingon pa siya kay manang Lourdes
nang madaanan niya to, nginitian ni manang ngunit hindi man lang ito binalik. Ang
bastos talaga!

Eh di siya rin ang talo. Ngunit hindi ko naiwasang humanga, don't get me wrong pero
ang lakas ng passion niya s pagtuturo para pumayag sa bagay na tinututulan ng
kalooban niya.

Kung tutuusin ayoko na tumira dito kung hindi lang dahil kay ate. I'm willing to
sacrifice my comfort zone para sa kanya, tulad ng pagsasakripisyo ni August para sa
kaniya. Si ate ang dahilan kaya unti- unti kong nagugustuhan si August sapagkat
pareho kami pagdating sa kaniya, we love her above ourselves.

---

"Hey.." napalingon ako kay ate habang nandito sa kuwarto. Nakasandal ako sa head
rest ng kama habang nagbabasa nang lumapit siya.

Tumango lang ako at nagpatuloy magbasa. My favorite author's book, Nicholas Sparks.

"I'm sorry." Tumabi siya.

"For what? " hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"Kanina. Hindi ko ginustong magkaganon."

Tiningnan ko na siya at itiniklop ang libro. "Okay lang." I smiled.


"Sure?"

"Yup. Alam kong wala kang kasalanan sa nangyari kanina."

"Pero seryoso, kung sila wife before brother, ako sister before husband."
Nangingiti niyang sabi.

"Ha? Ate naman." Natutuwa ako na ganon iniisip niya, pero deep inside alam kong di
dapat. Asawa niya yun.

"Nung sinabi mo aalis ka. Natakot ako eh."

"Bakit?"

"Kasi iiwan mo ko.... Lorraine..." hinawakan niya buhok ko. "Kaya kong iwan ang
asawa ko para sayo. Ganyan kita kamahal bilang kapatid. Alam ko hindi ka matutuwa
kapag ginawa ko yun, pero ganon ang inisip ko. Tayong dalawa na lang, hindi ako
makakapayag na maghihiwalay tayo. Nangako tayo kina mommy di ba?"

Tumango ako.

"Pero ate, mali yun."

"Ha?"

"Ate, mahal na mahal ka ni August. Willing pa nga siya iwan niya kapatid niya para
sayo di ba? Pero ako ate hindi ako ganon, alam ko mahal mo rin si August. At hindi
habang buhay tayong dalawa lang, mag-aasawa rin at magkakapamilya ako balang araw.
Yung pangako natin sa isa't isa, hindi magbabago yun. Magkasama pa rin tayo. Okay?
Hindi kita iiwan ng tuluyan, mahal kita at hindi ko hihilinging iwan mo ko para sa
pansariling kapakanan ko lamang." Ngumiti siya.

Naiiyak na ang ate ko. Drama. Naku kung bakit kasi ganito kaming magkapatid eh.
Sobra kaming magmahal. Ganito kasi itinuro samin ng magulang namin, ang magkapatid
nagmamahalan. Hindi lang kasi kayo magkadugo, kayo rin ang nakakaalam at
nakakakilala ng bawat isa. Lalo na dalawa lang kami, si ate na din ang itinuring
kong bestfriend. Malakas ang kapit namin sa isa't isa na walang sinumang titibag.

Napapaisip nga ako minsan, ang suwerte ko na may kapatid ako. Hindi tulad ng iba,
ipinanganak lang mag-isa. Walang maituturing na kapatid. Minsan wala ng kakayahang
manganak ang magulang o naghiwalay na at di na dapat dagdagan pa ng isa. Malaki rin
ang inis ko sa iba, mayroong kapatid pero kung ituring kaaway. Daig pa ang aso't
pusa at kung magsakitan tindi ng bangigan na akala mo hindi iisang dugo ang
pinanggalingan. Talo pa nga minsan ng hindi magkadugo ang tunay na magkapatid kasi
sila ang nagtuturingan na magkapatid. Pinakapayo samin nila mommy, mahalin mo ang
taong nasa tabi mo, kapatid mo o kaibigan mo. Kasi ang isa pang bagay na
nakakapagbigay kabuluhan sa buhay, ang mga taong nandiyan na minamahal ka at
minamahal mo.

"Naku tama na nga itong drama na to." Natatawa tawa kong saway. Natawa na din si
ate kasunod non ang pagkatok ni August sa pinto. Mas lalo kaming natawa.

"Ate, hindi na lang ako ang nagmamahal sayo. 1+1 na." Sabi ko habang tumatawa.

"Oo nga eh. Sana sayo may dumating ng + 1." Nawala ngiti ko at sumimangot. Lalo
siyang tumawa at lumabas ng kuwarto.

Ang swerte ni ate. Ako kaya, kailan?


..

Lumipas ang buong maghapon ng wala akong ginawa. Tulad ng nakasanayan maghapon na
naman nakakulong sa kuwarto. Paminsan- minsan pumapasok si ate para
makipagkuwentuhan dahil saktong wala siyang pasok sa trabaho sa araw na yun.
Inilaan niya talaga ang araw na ito para sa paglilipat sa bahay ng asawa niya.
Nagtataka nga ako eh, bakit hindi na lang sila kumuha ng sarili nilang bahay tutal
mayaman naman si August? Nahihiya ako magtanong kay ate dahil baka isipin niyang
masyado na akong nakikialam, kung ano ang dahilan nila labas na siguro ako don.
Pero kasi, bakit pa kailangang makisama sa kapatid ni August na wala atang alam
kundi ang komontra sa kagustuhan ng ibang tao sa paligid niya. Napakahirap
intindihin ng mga iniisip. Tulad na lang ng mga nakaraang pagkakataon na
nilalapitan niya ako at kinukumusta kapag uwian, bakit ang approachable? Mali ba
ako ng pagkakaintindi sa mga kilos niya na may iba sa akin kaya ganon niya ako
tratuhin? Napapilig ako ng ulo sa naisip ko. Hindi ko siguro dapat iniisip yung
professor kong yun, I don't like him. At siguradong sigurado na ako na kung ano
first impression ko sa kaniya ganon talaga siya so never mind. Kahit pa...
makakasama ko na siya sa iisang bubong simula ngayon.

Ugh. Napapikit ako ng mariin at napatigil sa pagstrum ng gitara. No. Hindi ko na


dapat isipin to. Hindi dapat.

Tumayo ako. Gusto ko magpahangin sa labas, dala dala ang gitara lumabas ako ng
pinto ng kuwarto. Palingon lingon. Siguro naman wala ang Thorin na yun di ba?
Maghapon akong hindi lumabas, nagskip na nga lang ako ng lunch kanina dahil
talagang umiiwas akong makita siya.

Wala lang hindi ko talaga gusto na nandito siya. Yung pakiramdam na walang dahilan
kasi ayaw mo lang.

Pumunta ako sa kaliwang bahagi ng bahay. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang
malamig na hangin. Wew medyo malamig. Pero kaya to, hindi naman siguro ako
maninigas dito kung sakali. Alas dyes na ng gabi, tulog na rin siguro ang mga
kasambahay dito at walang sign na mayroong tao.

I sat down at the grass. Mayroong bermuda grass sa left side ng bahay, sa gilid ay
mayrong mga halaman. Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang tumugtog.

"Hmm..."

It feels right to play guitar. Ito ang isang bagay na pinakakinahihiligan ko


maliban sa pagbabasa. Pakiramdam ko nagkakaroon ako ng peace of mind kapag
tumutugtog, gumagaan ang pakiramdam ko at nabubuo ang araw ko sa simpleng tunog
lang nito. I learned to play guitar when I was 10 years old. Si daddy ang nagturo
sakin nito even though there are times na sumasakit ang ulo niya sa akin noon dahil
hirap na hirap akong matuto. I'm a slow learner in some stuffs like this. I looked
at my fingers while playing, napangiti ako. Parang kailan lang kasi, umabot sa
puntong nagsugat pa ang mga to dahil sa pagpipilit matuto.

I was playing "Harana". Ang una kong natutunang kanta. I love opm songs, di lang
halata.

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin ako'y mababaliw

Giliw,
At sa awitin kong ito,

Sana'y maibigan mo,

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa'yo....

I closed my eyes after the song. The sweet voice of mine also reminds my mother.
She taught me also how to sing. Namasa ang mata sa luha ko nang maalala sila. I
missed them.

"Hey, " napalingon ako mula sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa
pagtawag na yun. Ito na naman ang basta- bastang paglapit niya. Kahit gaanong pag-
iwas bigla na lang talaga susulpot kung saan. Ay naku....!

----

A/n: maraming salamat po sa nagbabasa. :-)


Kahit gaano ka umiiwas sa iniiwasan mo, minsan kahit gaano ka pa umiwas susulpot at
susulpot. Tanga rin ako eh, nasa iisang bahay lang kami malamang magkikita at
magkikita pa rin kami.

"I wished that's for me." Lumapit siya sa akin.

Napamaang ako. Huh? Ano daw? Para sa kanya? Nababaliw na ba siya?

Tumawa siya ng bahagya. "What's with reaction?" Mas lumapit siya, this time umupo
na siya sa tapat ko.

Hindi pa rin ako makahuma. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko pa rin kasi
nakakalimutan ang mga ginawa niya kanina and I still hate him. Hindi ko gusto mga
karakas niya. Nakakabwisit siyang makita, yan ang tamang definition sa nararamdaman
ko kapag nandiyan siya. It's like everytime he comes near me my first reaction was
disgust. Hindi ako masisisi ng sinuman dahil siya ang nagbigay ng dahilan para
hindi siya gustuhin. Ngunit sa kabila ng pagkadisgusto, hindi ko siya magawang
itaboy, sungitan o ano pa man dahil inaalala ko ang pagiging teacher niya. I know
how to respect even though I'm dying to throw him away now.

"Anong ginagawa mo dito?" Instead I asked.

"Hmm... bukod sa bahay ko to? Wala lang. Masama ba?"

Too proud? Kanina niya pa pinagdidiinang bahay niya to. Eh di sa kanya na.
Inaangkin ba? Hay naku!

"Hindi." Umiwas ako ng tingin. Baka hindi ko kasi siya matantiya masagot ko pa.
Tss. Bakit pa kasi siya nandito?

"Ayon naman pala eh." He smiled. "I like your voice."

Napatingin ako bigla. Pero wala akong ganang kausapin siya kaya kahit kating-kati
akong tanungin siya kung totoo ba ang sinabi niya nanahimik na lang ako. Silence
means walang gana makipag-usap ang kausap mo, sana mapansin niya yun. Pero mukhang
hindi. Naman.
"Hey.."

Seryoso? Ipinanganak ba siyang makulit? May pagkabipolar yata ito eh. Hindi pa
natatapos ang araw nagbago na naman pakikitungo niya sa akin. To think na ilang
oras pa lang ang nakakalipas na halos ipagtabuyan niya na kami dito sa pamamahay
niya pero ito siya, talking to me like nothing happen.

I started to strum again. Cold treatment. Sana gumana ka.

"Hey.." ulit niya habang matamang nakatitig sakin. Nakayuko lang ako sa gitara
ngunit napaangat ako ng tingin sa pangalawang tawag niya. Makulit.

"Bakit po?" I said.

"Uhh.." hindi rin nakapagsalita. Oh la la.

Kunot-noo ko siyang tiningnan pabalik. Alright. This is so awkward.

"Sir?"

"Sir?" Inulit niya lang tanong ko eh. "Huwag mo na akong tawaging sir, wala naman
tayo sa school."

"Pero teacher po kita."

"Cut the formality. Wag mo na rin akong i-po."

"Pero-."

"I insist. This is only between you, and me."

Makulit si sir Thorin. Tatandaan ko talaga to. But in some reasons, I found myself
agreed. Heck? Nagawa ko pumayag?

"There. So that's settled." He smiled again. Nakaindian sit din siya tulad ko kaya
hindi ko maiwasang tingnan siya sa buong itsura niya. He's wearing white shirt at
pajama. My professor is wearing a pajama. Nakakapanibago malaman ang ganito tungkol
sa kaniya. Ay malamang, alangan namang magpakita siya sa akin ng nakaboxer shorts?
Natawa ako sa isip ko. Parang mayroong urge sa akin na gustuhing sana yun na lang
suot niya. Nababaliw na naman ako. Tsk. He's my teacher. Hindi dapat ako nag-iisip
ng ganito eh. Ayst.

Tumango na lang ako habang umiiwas ng tingin. Nakakahiya mga tumatakbo sa isip ko.
Ayokong mabuko, nakakahiya.

"I'm sorry."

"Para saan?" Alam ko kung para saan ang sorry niya pero nakakapagtaka na humihingi
ng paumanhin ang isang professor Thorin Olivar. Lagi siyang nagpapakita ng mga
hindi ko inaasahan sa kaniya. Nakakunot ang noo ko siyang pinagmasdan, natigil rin
ang kamay ko sa paggigitara ng paunti-unti.

"Tungkol kanina, I know I was so rude."

"Good thing you know."

He laughed. As in halakhak. Amazed ko siyang tiningnan.

God. Bakit ang guwapo niya pa lalo kapag tumatawa? Hindi ko na itinatago sa sarili
ko na talagang guwapo siya, diyos ko naman sumisigaw ang katotohanan sa harap ko
itatanggi ko pa ba? Una ko tong hinangaan sa kaniya, kahit kakaiba ang ugali niya,
kakaiba na pabago bago ang pakikitungo sa akin ay hindi nawala ang paghanga ko sa
physical features niya. Kahit pa na iritang irita ako sa ugali niya.

"Syempre alam ko. Pero hindi maiaalis sa akin na tanggihan kayo dito."

Bumangon ulit ang inis sa sarili ko para sa kanya. Still?? Bakit ba ayaw na ayaw
niya? Ano bang mali?

"Bakit ba? Ano bang problema kung nandito kami?"

Sumeryoso ulit mukha niya. "Because I am your teacher."

"So? Hindi porket teacher kita ay bawal na."

"Hindi mo naiintindihan."

"Ano ang hindi ko maintindihan?"

"This is not right."

I don't have any idea kung ano ang ipinupunto niya. Kung ang pagiging teacher niya
sa akin ang problema, what's the big deal? It' not as if may itinatago kaming
relasyon di ba? Anong kinatatakot niya?

"Kung ang ikinatatakot mo ay may ibang makakaalam ng pagtira natin sa iisang bahay.
Huwag ka mag-alala wala akong pagsasabihan." Iyon naman talaga ang maaaring rason
di ba?

"I know. Alam ko na hindi mo ipagsasabi. But seriously, I don' like you being
here."

"Bakit nga? Sinasabi nyo bang ayaw niyo sa akin? So that's the point kaya ka todo
tanggi kanina dahil ayaw mo nga sa akin? " itinabi ko ang gitara.

Nabubuhay na naman ang inis ko. What the hell? Kung sana direkta niya na mismong
sinabi sa akin, eh di sana hindi na lang ako pumayag kahit ipilit ni August na dito
lang ako kasi ako yung tipo ng tao na hindi ipipilit ang sarili ko sa hindi ako
gusto. Ano bang problema niya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kaniya ah? At
wala akong naaalala na kahit anong atrasong nagawa ko sa kaniya.

Malabo pa siya sa malabo.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Eh di ano?"

Umiling-iling siya.

"Hindi ko pwedeng sabihin."

"Huh!" Tumayo na ako. Talking to him now is non sense. "Hindi talaga kita
maintindihan. If you really didn't like me just say it in front of my face, hindi
mo na kailangang gumawa ng dahilan."

Tumayo na din siya pagkatayo ko. Looking at me apologetically.

"Hindi ko pwedeng ipaalam sayo. There are some things na kailangan mo na lang
intindihin nang hindi nalalaman ang dahilan."

"Huwag ka mag-alala bukas na bukas din magpapaalam na ako." I turned around. Iiwan
ko na siya. Nananahimik ako dito pero yung kaninang payapa na pakiramdam ko
napalitan ng pagkainis sa lalaking to. Sana pala nagkulong na lang ako sa kuwarto
at hindi na nagpasyang lumabas, eh di sana nakaiwas ako dito.

If he doesn't like me who cares? Kahit pa medyo nagdadamdam ako. Parang mayron sa
loob ko na nalulungkot na lantaran niyang ipinapakita na hindi niya ako gusto. Not
in special way huh. Basta!

"Lorraine... ano ba? Pumayag na ako kanina di ba?"

"Hindi yun ang ipinapahiwatig mo ngayon." Hindi ko siya nilingon pero nakatayo lang
ako doon.

"Alright. Pumapayag na akong dito ka titira."

Hinarap ko siya at nginitian ng sarcastic. "Wow thank you very much." Pero agad ko
ring binawi ang ngiti na yun at tumalikod uli. Naglakad na ako ngunit nakakailang
hakbang pa lang ako ng magsalita siya ulit.

"Torture sa akin ang pagtira mo dito. Hindi ko alam kung makakapagpigil pa ba ako
nito. This is going to be hard. Really really hard." He said in a frustrated and
slow voice pero sapat na para umabot sa pandinig ko habang patuloy na naglalakad
palayo.

Really really hard? Wow. Sobrang ayaw niya nga sa akin. Bakit ba nadidisappoint ako
ng ganito? Eh ano ngayon kung ayaw niya sa akin? Big deal ba? Pinilit kong iwala sa
isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Pinilit kong makatulog agad ngunit umabot
ang ala-una ng madaling araw pero ano ba? Bakit ang ilap sa akin ng antok? Kainis!
Napabangon ako at nagpasyang pumunta ng asotea. Terrace kung tawagin.

Kinuha ko ang jacket at ipinulupot sa sarili bago lumabas. Mas lumalamig kapag
madaling araw.

Nang makarating ako, hindi ko maiwasang humanga sa paligid ng bahay na to. Nasa
ikalawang palapag ang kuwarto ko, kaliwang banda paharap sa gate ng bahay. Tanaw ko
ang dalawang guard na nag-uusap. Kakaiba rin dito ah, kailangan talaga may bantay?
Hindi naman pulitiko may-ari. Sabagay pwede rin pasukin dito ng magnanakaw. Sa
yaman ba naman.

Kung tutuusin maswerte kami na napatira dito. Sa sobrang ganda nakakahiyang


makitira.

Nanliit ang mata ko nang may matanaw sa baba ng bahay, ang parte na pinuntahan ko
kanina. Mula dito kitang kita ko si Thorin, nakatihayang pahiga sa damuhan. Aba?
Ano na namang trip ng teacher ko na to? Star gazing under the moonlight?
Napatingala ako pero napakunot ako ng noo, eh wala namang buwan ah? May mangilan
ngilang stars pero hindi naman kita dahil medyo maulap.

Anong iniisip niya?

Titig na titig ako sa itsura niya na parang bata. Ang sarap ng pagkakahiga. Dilat
na dilat ang mga mata niya habang nakatingala sa taas. Abot tanaw ko rin mula dito
sa kinatatayuan ko ang hugis ng perpekto niyang ilong. Malaya ko siyang
napagmasdan, I don't know what's into me dahil hindi ko maalis ang paningin ko sa
kanya.
He's into drama siguro. Acting lonely or what. Umabot siguro ng sampung minuto ko
siya pinapanood nang tumayo na siya bigla.

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumingon sa kinatatayuan ko. Mabilis akong
nagtago. Mabuti na lang malapit ako sa pader na pwedeng pagtaguan at sana hindi
niya ako nakita na pinapanood siya. Sinalakay ako ng kaba habang nakatago.
Napapikit ako. This is going to be hard night again. Mas lalong hindi ako
makakatulog. Ugh!

Is he gone?

Tanong ko sa sarili ko makalipas ang ilang minuto. Natatakot akong lumingon dahil
baka nandoon pa siya na nakatanaw dito. Kailangan ko kasing tumawid mula dito sa
kinatatayuan ko patungong pinto ng kuwarto. Hindi ako maaaring basta basta pumasok
nang hindi nakakasiguro na hindi na siya nakatingin. Tss. Kanina ko pa
pinagsisisihan mga ginagawa ko, sa ngayon sana hindi na lang pala muna ako lumabas
kahit hindi ako makatulog.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, nagpasya akong sumilip sa kinatatayuan niya


kanina. Dahan-dahan ngunit halatang kabado.

Teka? Bakit ba ako nagtatago? Eh ano ngayon kung makita niya ako? Hindi naman ako
namboboso sa naliligo di ba? Tama. Kumalma ako at lumabas sa pinagtataguan ko at
relax na naglakad patungong pinto.

"Ay kabayo!" I cursed silently. Marahas kong nilingon ang humawak sa braso ko.

Hindi na ako nagulat nang mapagsino siya. Pero may lahi ba siyang akyat- bahay
gang? Paano siya nakaakyat dito?

"Mukha ba akong kabayo?" Seryoso niyang sabi nang may naglalarong ngiti sa labi.

"Ay hindi pala kabayo. Butiki." Inikot ko eyeballs ko kasabay noon ang pagbitaw
niya sa braso ko. Nanlamig ako sa hawak na yun. Baka multo nasa harap ko?
Kinikilabutan ako sa presensya niya. Whoa.

"Butiki?" Nakangiti pa rin siya habang kunot-noo.

"Oo, biglang umaakyat sa mataas na pader. Paano ka nakaakyat dito?"

"Isipin mo na lang ikaw si Rapunzel. Tutal mahaba naman buhok mo."

"Ewan ko po sayo... maghanap ka ng kausap matutulog na ako." Tinalikuran ko na


naman siya. Lapit nang lapit.

"Dito ka muna."

"Mabuti pa ho bumaba ka na. Kung paano ka nakaakyat madali ka rin naman sigurong
makakababa."

"Please.. cut the po and ho."

"Ayoko." Hinarap ko siya ulit. "Bakit ka umakyat dito?"

Naglalaro kami ng patintero sa usapang to. Panay iwas sa tanong ng isa. Gusto ko
kasi malaman dahilan kung bakit nagpagod pa siyang umakyat dito.

Nag-inat siya at humarap sa tanawin ng bahay. "I used to climb here. This was my
room. Kaya kapag gusto ko kaunting adventure, dito ako dumadaan."
"Ahh." Tumango lang ako.

Nilingon niya na naman ako habang nakasandal patalikod sa railings ng terrace na


to. Ibig sabihin namimiss niya na ang spot na to?

"And for some reasons? I saw you watching me from here kanina." Napangiti siya ng
pilyo. "Tell me, gaano katagal mo na akong pinapanood?"

"Huh? Pinapanood? Wala ka naman ginagawa ah." I want to deny kaya idinaan ko na
lang sa biro. Nabuko na ako pero hindi ako aamin na kanina ko pa siya tinitingnan
mula dito. Manigas siya. Hmp

Tumawa siya. Ang playful ng itsura niya. Pabago- bago talaga ng mood. Hay naku
nakakabahala mga pinapakita ni Thorin sakin. Why he is like this?

"Whatever. Don't deny it. Gaano katagal?"

"Kakalabas ko lang ng kuwarto nang makita mo ko." Lie pa Lorraine. Ayoko umamin.
Knowing him baka pagtawanan niya lang ako o baka magyabang lang siya kaya wag na
lang.

"Oh talaga?"

"Ayaw mo maniwala?"

He shrugged. "If you say so."

Hindi yata bumenta dahilan ko dahil mukha naman siyang hindi naniniwala. Ugh.
Whatever. Bahala siya kung ayaw niya maniwala.

"Pasok na ko ah." Paalam ko. Uncomfortable pakiramdam ko na makausap siya matagal.


Hangga't maaari iiwas ako.

"Why?" Maang siyang tumingin.

"I'm sleepy." Lame excuse. God knows hindi pa ako inaantok.

"Ah..." matagal bago siya ulit nakasagot na wari'y nag-iisip. "Okay." He looked
away again.

Nagdalawang isip tuloy ako kung tuluyan ko siyang iiwan. Mula kasi sa kinatatayuan
ko kita ko sa mukha niya kahit patagilid na may malalim siyang iniisip.

Pero ano nga bang pakialam ko sa nararamdaman niya? Binalewala ko sa isip ko ang
namumuong concern sa puso ko at tumalikod. Leaving him there standing, habang
nakatingala na naman sa ulap.

Bad idea nga talagang nandito ako. Nanganganib ang puso ko at sigurado akong hindi
magandang sign ang mga nararamdaman ko whenever he's around. Ang kailangan kong
gawin ngayon ay masusing pag-iwas. Nakakapagpabagabag ang ganitong pakiramdam. This
ain't right to feel.

....

Time passed at umabot na ng week simula nang nakitira kami dito ni ate. Crazy but
kahit anong pag-iwas ko kay Thorin sa loob ng bahay kapag lumalabas ako ng kuwarto
nagugulat na lang ako nang bigla siyang sumusulpot sa likod ko. Para siyang kabute
na biglang nagpapakita and then ayun mag-uumpisang makipag-usap ng kung ano ano.
Nagtataka rin minsan ang ibang katulong lalo na si manang Lourdes sa mga
ipinapakita niya kapag nandiyan ako. Napakakulit niyang kausap na kahit halos hindi
ako magsalita gumagawa at gumagawa siya ng paraan para sumagot ako. He knows how to
play the conversation.

I asked once manang Lourdes isang araw na hindi ko namataan si Thorin na umaaligid.
That was night after class. Siguro ay hindi pa nakakauwi. I can't help but to be
curious kung ganon ba talaga ang ugali ng amo nila.

"Iha... masanay ka na. Makulit siya lalo na noong kabataan pa niya. Matanong,
mausisa at laging nakadikit sa sinumang taong gusto niyang kausap. Pero nakadepende
sa tao kung gaganyan siya at ngayon ko lang ulit nakita na nagkaganyan siya sa
isang tao maliban kay maam Ynna matapos mamatay ang daddy nila ni sir August. "

"Bakit naman po?"

"Nagbago siya. Parang nawalan ng buhay nang mawala ang importanteng tao na yun.
Napakabait ng daddy nila, wala kang masasabi." Bakas ang paghanga sa mukha niya
habang kinukuwento ang tungkol sa daddy ng magkapatid.

"Pero hindi naman ata tamang babaguhin mo ang sarili mo dahil lang sa nawalan ka ng
importanteng tao sa buhay mo." Komento ko. Sa opinyon ko hindi tamang ganon. Kasi
hindi rin naman gugustuhin ng taong mawala na magbago ang mga matitirang mahal nila
sa buhay nang dahil lang sa kanila. Patuloy lang kasi dapat ang buhay ng tao.
Maging masaya ka kahit may kulang, kahit naulila ka o ano. Maiksi ang life span ng
buhay ng tao para magpakalugmok habang nabubuhay. Hindi yung tuluyan silang
kalimutan dahil hindi naman talaga sila mabubura, kailangan mo lang ipagpatuloy ang
buhay ng wala sila.

Nalaman ko din mula kay manang Lourdes na may matalik na kaibigan itong si Thorin.
At iyon nga ay si Ynna. Nasa states pa daw kaya hindi ko nakikitang bumibisita dito
sa bahay nila. Bumibisita daw yun dito madalas kapag andito si Thorin.

Marami pa akong nalaman kung sino si Thorin Olivar sa tunay na buhay. Tunay dahil
hindi ko alam kung ang pagkakakilala ko ba sa kanya ay iyon nga ba talaga. I
thought he's very ruthless. Pero ganon daw talaga siya kapag sa school. Pero dito
sa bahay hindi kababakasan ng kalupitan ang amo nilang iyon. Hindi ko alam kung
gusto lang ba linisin ni manang ang pangalan ng amo niya sa akin pero napag-isip
isip kong para saan naman kung sakaling pinapaganda niya lang ang imahe ni Thorin
sa akin? May mapapala ba?

Idinagdag niya pang mahal na mahal daw talaga ni Thorin ang pagtuturo. Kaya hindi
pumayag na siya ang magtake over ng company na ngayon ay pinangangalagaan ni
August. Iyon din ang isang gusto ko sa kanya, pinanindigan niya ang gusto niya na
kung tutuusin ay hindi niya naman na kailangang magturo pa dahil mayaman na sila.

"Malalim ang iniisip natin ah."

Nginitian ko si Sheen.

"Hindi naman." Binalik ko ang tingin sa naglalaro sa field. Mag-isa lang siyang
lumapit sa akin.

"Alam mo, kanina pa ako nandito."

"Hala. Di nga?" Bakit di ko siya napansin? Pero natawa lang siya sa naging reaksyon
ko. Tawanan lang ba ako? Mabuti wala dito yung isa at baka pareho ko silang
mabatukan, panigurado kasing sila ang parehong tatawa hindi lang isa.
"Joke lang. Nakita kasi kita, tagus-tagusan ang tingin sa mga naglalaro. Yung
totoo, may nakikita ka bang hindi nakikita?" Natatawa pa rin siya pero sinimangutan
ko lang.

"Hindi ah."

"Weh?"

"Oo nga." Natawa na lang ako sa kakulitan niya. Kinuha ko ang mga libro na nilapag
ko kanina at tumayo. Sumunod siya sa akin habang patuloy na nagbibiro. Sinasabayan
ko na lang ng tawa. Baliw din to eh.

"Hoy. Tingnan mo yun." Sinundan ko ng tingin ang itinuro ng kamay niya.

Sir Thorin. Wearing all smiles while walking downstairs mula 3rd floor. Kita kasi
mula dito sa kinatatayuan namin ang hagdan ng math building. Teka bakit nandiyan
yan?

Nakasuot na naman siya puting polo at itim na slacks. Suot ang kanyang salamin at
may bitbit na libro. Tuwang tuwa ang mga nakakasalubong niyang studyante na
binabalikan niya ng ngiti sa tuwing may babating studyante.

"Ang dami na talagang nakakapansin sa pagbabago ni sir."

Napalingon ako kay Sheen. Sakto namang lumapit si Carol sa amin, todo kuwento with
matching kilig na nakasalubong, nginitian at binati daw siya ng good morning ng
hinahangaan niyang artista, ay este professor pala! Base sa reaction niya kasi
parang akala mo nakahingi ng kiss or authograph sa isang artista. Napapailing-
iling na lang kami ni Sheen habang naglalakad papuntang room.

First subject.

"Ano?" Sikmat ni Carol kay Ace nang lumapit si ito sa amin bago tuluyang makapasok
sa room. Grabe ang bilis magbago ng mood ah.

"Inaano ba kita?" Balik tanong ng isa.

"Wala. Anong kailangan mo?"

"Hindi ikaw ang sadya ko." Nilingon ako ni Ace. "Ah, Lorraine ... puwede ka ba
makausap mamaya?"

"Para saan?" Tanong ko.

"Basta." Ngumiti siya. Tahimik lang si Sheen habang si Carol inis na inis sa tabi
ko.

"Titingnan ko." Sabi ko na lang.

"Oras na ng first period. Ano pang ginagawa niyo dito sa hallway?" And then we saw
sir Thorin. All eyes sa amin habang matamang nakatingin din kay Ace. Hindi niya
kilala si Ace dahil taga ibang College siya. As usual si Carol ito pinipilipit na
naman ng sawa, naku ang sarap batukan.

"Sige Ace mamaya na lang." Sabi ko na lang kay Ace. Tumango siya at ngumiti habang
naglalakad palayo, kakaiba ang paraan ng pagtingin niya kay Thorin na ngayon ay
nakatingin na rin sa akin, nang-uusig ang mata. Seryoso? Problema nito?

"Pasok na po kami sir." Paalam ni Sheen. Tumango lang siya sa amin at tumuloy na
kami sa loob.

"Hoy!" Untag namin kay Carol. Habol tingin ang naglalakad na professor palayo. Ano
ba naman to mukha siyang mababalian ng leeg habang nakalabas ang ulo sa may pinto
at kalahating katawan nandito sa room.

Ayan nabatukan na naman ni Sheen.

"Umayos ka nga!"

"Bakit ba?" Himas ang ulo na hinarap niya kami. Natatawa tawa na lang ako. Ang iba
naman naming classmates may kanya-kanyang ginagawa kaya di nila pansin alitan ng
dalawa.

"Kanda-haba na leeg mo diyan. Ipapaalala ko lang ineng professor yung pinagnanasaan


mo."

"Grabe ka ninanasaan agad?"

"Oh bakit hindi ba?"

" hindi. Hehe."

"Huwag mo ko pinalololoko umupo na tayo."

"Eh kasi naman bakit wala man lang pogi na studyante dito sa school natin?" Reklamo
niya habang papuntang upuan. Hindi muna kami naghiwahiwalay tutal naman wala pa
first subject teacher namin.

"Si Ace. Bakit, hindi ba siya guwapo?" Sabi ko. Sinusubukan ko lang naman siyang
asarin.

"Yun? Guwapo? Saan banda? Sa butas ng ilong?"

Natawa kami pareho. Mapamintas talaga lalo na kay Ace. Hindi namin alam bakit ang
init ng dugo niya sa kaibigan niyang yun, kung tutuusin guwapo naman talaga si Ace
eh pero kung ikukumpara kay Sir Thorin? Walang wala. Realtalk dahil wala naman na
talagang mas guguwapo pa sa professor na yun. Kung sa ibang school puro students
ang mala-artista sa kagwapuhan dito sa NEU sa sir Olivar lang yata ang outstanding.
Hindi sa proud ako eh iyon naman talaga ang totoo.

Ang kaso, masama siya magalit kapag sa loob ng klase. Taob mga studyante kapag
nagalit. Tsk tsk.!

"All stupidity... noong nagpasabog yata ng katangahan eh halos kayo na lahat


nakasalo. Ano ba naman?!" Frustrated na naman pagdating ng subject niya. Wala na
namang nakasagot sa binato niyang question na pagkahirap-hirap kaya nagpaulan na
naman ng panunuya sa studyante. Kung hindi ka sanay? Baka nalusaw ka na sa talas ng
mga salita niya. Isa pang tsk tsk!

"You heard the news?" Napalingon ako sa two girls na nag-uusap, or should I say
nagbubulungan dito sa tabi ko. Kasalukuyan akong nandito sa library, choosing books
at the book shelves. Bahagya ko ng huhugutin ang librong napili ko nang marining ko
ang dalawa. Sa lahat ng lugar na pwedeng pagtsismisan, dito pa talaga sa library?
Napapailing- iling na lang ako. Wala na talagang pagpipiliang lugar ang gossips.
"Anong balita?" Sabi naman ng isa.

"May bagong professor ang university. Bussiness department din."

"Talaga? Anong pangalan?"

"I still do not know. But you know what? Usap- usapan hunky daw!" Kinikilig pang
kuwento ng isa.

Psh! Basta usapang ganito hindi nila pinalalampas. Nagbabasa na ako ngayon ng libro
nang patuloy ko pa rin sila naririnig. Hindi kalayuan ang kinatatayuan ko sa kanila
kaya hindi ko talaga sinasadyang makarinig.

Our ear is an open space na hindi pwedeng pigilan kapag may sound waves na
pumapasok. At hindi ibig sabihin na nakikinig ako ay gossiper na din ako. I just
can't help to listen. Ugh! Hindi ako tsismosa. Cut it out!

Pilitin ko mang ituon ang attention ko sa book , pilit namang inaagaw ng may
pagkahaliparot na kuwentuhan ng dalawa sa bandang kanan ko. Nagugusot na mukha ko
dito.

But I was curious.

"Hunky?"

"Yup! Pogi at malakas din daw ang dating. He's teaching history."

"Owow. Kasing gwapo ba ni sir Thorin?"

I gulped at the name. Naalala ko na naman siya. Ay naku.

"Nah. Mas gwapo pa rin ang original. I think I heard his name somewhere. Ow-ow-
ow...ah basta! Hindi ko na maalala masyado."

"Alamin na lang natin. Wew. Excited na ko makita siya!"

"Ah..." sabi ng isa na tila may naalala. "Another news, there's another person
beb!"

"Ha? Meron pa?"

"Yeah. Narinig ko rin na may transferrie sa college of accountacy beb. Guwapo din
siya at ito pa. Nakita ko na siya. Sa wakas nadagdagan ng mala artista ang school
natin. He's cute!"

"Talaga?!" Bakas pa ang pagkamangha sa boses ng isa at medyo tumaas ang boses.
Naiirita na ako sa usapan nila so I looked at them.

"Sshhh! Get out if you were keep on talking. This is library. Hindi lungga ng mga
tulad niyo." I said in a bitchy tone.

Umirap ang dalawa sabay sabing "sungit".

Aba? At ako pa ang mali? Malisyosa kahit sino na lang pag-uusapan.

Hindi ko talaga maintindihan ang iba eh. Kaya nga sinabing library, lugar kung saan
dapat nagbabasa lang ang tao at hindi puntahan ng mga gustong mag-usap sa buhay ng
may buhay. Ano ba napapala nila sa mga ganong usapan? Hirap talagang intindihin
minsan ng pag-iisip ng mga tao eh.
Hindi ko gusto ang mga tsismosa. Gossipers are crazy. Ginagawang libangan ang pag-
uusap ng kung ano-ano sa buhay ng isang tao. Parang kating-kati ang mga dila nang
walang nasasabing kahit ano na binuhusan ata ng siling labuyo dahil hindi matigil.

At medyo idagdag pang mas nainis ako sa mga tulad nila nang madawit din ako sa
isang issue. Kulang na lang manumpa ako ng tsismosa noon. Ugh. I shooked my head at
iwinala sa isip ko ang pagdating ng alaala na yun. Gusto ko na ibaon talaga sa
limot ang mga yun.

I sighed. Nawalan na rin ako ng ganang magbasa kaya ibinalik ko ito sa shelves. As
I turned muntik na akong atakehin sa gulat. Napahawak ako sa dibdib at sinamaan ng
tingin ang taong muntik ng maging sanhi ng atake ko sa puso. Wala akong sakit pero
parang magkakameron.

"May balak ka bang paagahin pagkamatay ko?"

He cuckled. Ay! Nagawa pa talagang tumawa? Saksakin ko kaya to?

"Sorry. You done?" Ngiting- asong sabi ni Ace. Tumango lang ako at nag-ayos then
straight to the cafeteria.

Ano naman sasabihin sakin ng lalaking to?

"Bili muna ako." Paalam ko nang makahanap kami ng puwesto.

He sat down pero tumayo din ulit.

"Wag na ako na."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Ako nagyaya so ako manlilibre."

"Okay. Gusto mo eh." Pagpayag ko at umupo na. I looked at him habang pumipili ng
pagkain.

Bagay sila ni Carol. Hindi ko lang alam kung bakit wala man lang sign na
nagkakagustuhan ang dalawa. Ace is a bad boy type na gugustuhin din ng ibang babae.
Medyo magulo ang buhok na makapal at maiitim na mata. Makapal din ang kilay na mas
nakapagpatingkad ng kagwapuhan niya. Naalala ko bigla na sa butas daw ng ilong
gwapo si Ace ayon kay Carol. Naku baka itinatanggi niya lang yun. Pero seryoso
kapag nagkasundo yung dalawang yun I will be the one to support them. Bestfriends
turn into lovers. Napangiti ako sa ideya na iyon.

"Nangigiti ka mag-isa?" Nakalapit na pala si Ace. I just smiled. Alangang aminin ko


na pinapangarap kong sana sila na ni Carol so I just shut my mouth. Nilapag niya
ang pagkain. He just ordered fries and burger para sa kaniya at bacon carbonara
para naman sa akin.

"On diet ka?" Tanong ko. Hindi ko lang kasi maiwasang magtaka. Boys are usually
heavy meal eaters. Lunch ngayon pero yan lang kakainin niya samantalang akin, well
ayos na. Hindi ko rin naman gusto magrice ngayon kaya okay na sa akin ito.
Nagpalibre na nga lang magrereklamo pa ba ako?

Napatawa lang siya at nag-umpisang kumagat ng burger. Hindi siya nahiyang ngumanga
ng malaki habang nasa harap niya ako. Whoa?

"Nope. Hindi ko lang feel ang ulam so okay na ako dito."


"Carbonara na rin sana."

"Hindi kami vibes ng pasta."

"Ahh." Tumango na lang ako at nagsimulang kumain.

"Kuwento ka." Aniya.

"Ano namang ikukuwento ko?"

"Well, kahit ano."

"Walang kuwento na kahit ano."

Napatawa siya.

"Okay. Ikaw na bahala kung ano isheshare mo."

Tumango ako. "My name is Lorraine San Juan 19 years old. Ahm, ulila na ako at may
isa akong nakatatandang kapatid." After that I smiled. Kampante na rin naman ako
kay Ace magkuwento bukod sa magaan na rin ang loob ko sa kanya. Tumango- tango siya
at sumubo ulit pagkalaki- laki. Bah ibang klase talaga di na nahiya nasa harap pa
naman ng babae. Tinawanan ko siya ng malakas sabay natawa na rin siya. Ace has no
pretentions. Pare- pareho sila nila Carol. Speaking of them hindi ko pa sila
nakikita mula kanina. Saan na naman kaya nagsuot ang dalawang yun.

Napalingon ako sa likod ni Ace ng may marinig akong impit na tili malapit sa tabi
ko. Ah yun naman pala. Yun, naligaw lang naman si Sir Thorin sa caferia,
nakatalikod siya mula dito habang namimili ng makakain. Hindi ko na lang pinansin
at pinagpatuloy pakikipag-usap sa kasama ko.

"Ang tipid mo magkuwento ah."

"Yun lang naman gusto ko ikuwento. Ayos na yun.... siya nga pala anong sasabihin mo
sa akin?"

"Excited kang malaman?" Nahampas ko siya sa braso ng kamay ko sa biro niya sabay
tawa.

"Excited ka diyan."

"Oh sige na." Huminto siya saglit at uminom ng juice. "May gusto ako-" naputol ang
sasabihin niya nang may nagsalita sa likod. Automatic na nagusot ang mukha ko. Ano
na naman ba?

"Hey... can I join your table? As you can see wala nang ibang puwesto." Thorin said
habang dala niya pagkain.

Naman? Di ba professor siya bakit siya nakikikain dito? Pwede namang sa faculty
room na o kahit saan huwag lang dito. Pilit ang ngiti naming tumango. Napaikot din
ako ng tingin sa ibang students na halos magkabali bali mga leeg nila kakalingon
dito. Oh kasi andito siya. Naku daig pa sikat. Nakita ko ring wala na nga masyado
puwesto. Pero rason ba yun para lumapit talaga dito samin? Ay naku. Gusto ko pa
namang marinig pa sasabihin ni Ace kung ano yung gusto na sinasabi niya.

Natahimik kami pareho. Hindi lang kasi siya basta professor na kinakatakutan at
hinahangaan eh, napakaintimidating din ng aura niya. Napasubo ako ng hindi oras ng
kinakain kong carbonara. Napatingin ako sa baba habang ngumunguya. Ang hirap
kumilos at magsalita na nandito siya. Kahit si Ace hindi rin umimik at nagcellphone
na lang habang pasulyap sulyap sa akin. Maya't maya din subo niya ng fries at inom
ng juice. Kung matitingnan ko lang siya iisipin ko talagang kinakabahan siya na
nandito ang terror na professor ng department namin. Walang duda, wala talagang
hindi matatakot sa kaniya. Kahit ang mga babaeng nagkakacrush sa kaniya hindi pa
rin maiwasang matakot lalo na kung todo galit na ipinapakita niya.

Nag-umpisa na kumain ang prof namin. Kung paano ko nalaman habang nakayuko? Halata
naman dahil halatang pinapaingay niya ang kutsara tinidor, kasama na doon ang
matunog niyang pagnguya. Hindi ko nakita kung ano kinakain niya, kesyo bato pa yan
wLa akong pakialam. Hindi ko na ibala sarili kong pansinin pa. Eh kasi ba naman eh.
Kahit nakakausap ko siya ng normal sa bahay natatakot pa rin akong andito siya,
katakot kaya aura niya ngayon. Parang galit na parang hindi. Basta!

"Ituloy niyo na usapan niyo." Napaangat ako ng tingin.

"Uhh..." wala na ko masabi. Ehhhh!

"Huwag na lang sir." Sagot naman ni Ace.

"C'mon. May binanggit kasing gusto itong si....?"

"Ace po sir."

"Ace...right. Ituloy mo na sasabihin mo."

Pinanlakihan ko mata si Ace nang hindi nakatingin sa akin si sir Thorin. Naku huwag
niyang sasabihin. Huwag. Makikialam lang yan , kung ano man yun mabuti pang sa
aming dalawa na lang. Ano na naman ba kasi problema ng isang to at nakikiaalam na
naman sa usapan ng may usapan?

Mukha namang nakuha ni Ace ang ibig kong sabihin at sinabing wala lang yun.
Naintindihan naman yun ng isa at tumango- tango na lang.

Umabot ata ng 5 minuto pa bago siya natapos kumain. Lamon ata yun eh, sobrang dami.
Ang lakas kumain. Sa loob din ng 5 minuto na yun manaka- nakang nagtatanong siya ng
kung ano ano at sumasagot naman kami ni Ace. Pero mas madalas na tahimik kami,
nagtitinginan, nagpapakiramdaman. Eh sino bang makakapag-usap ng normal sa ganitong
sitwasyon? Kahit sinong studyante na nasa kalagayan namin hindi rin makakakibo,
ganon siya kaintimidating. Aabot talaga sa puntong mapapanisan ka ng laway kung di
rin siya makikipag-usap.

"Ace, di ba may gagawin pa kayo ng barkada mo after lunch?" Tiningnan kong mabuti
si Ace matapos ang ilang sandali. Gusto ko na rin kumawala sa sitwasyon na to.
Mataman ko siyang tiningnan na sakyan na lang ako. Pauunahin ko na siya bago ako
gumawa ng dahilan para sa sarili ko.

"A-ahh oo.. may gagawin pa pala kami mabuti pinaalala mo. Pakisabi mamaya kina
Carol itxt ako. Maaga uwi ko ngayon, sasabay ako sa inyo mamaya." Tumango ako sa
paalam niya sa akin sabay baling kay sir na ngayon ay tapos na kumain. "Sir, mauna
na po ako." Tumayo na siya. Sinabayan lang ito ng tango ng isa.

Nakaalis na si Ace habang ako abala sa pag-iisip ng excuse kung paano naman
makakaalis. Whoa. Ayoko muna siya makausap ng kahit ano. Tutok pa rin tingin ng iba
mula sa puwesto namin. Ito rin kinaaayawan ko sa kakulitan ni sir Thorin sa akin
eh, ang lumapit siya ng ganito kapag nandito sa school. Hindi ako tanga para hindi
mapansing sinadya niya makiupo sa amin ni Ace. Kung bakit ay yun ang pinagtataka
ko. Bakit ba ang hilig niya lumapit sa akin?
"Lorraine..." mahinang tawag niya sa akin.

"Po?"

"Bakit kayo nag-uusap non?"

"Ha?"

"Bakit nga?"

"Kasi kaibigan ko siya?"

"Really?"

Naninigkit ang mata ko siyang tiningnan. "Anong gusto mo pong iparating sir?"

Halatang di niya nagustuhan ang paraan ng pagtawag ko sa kaniya dahil nagusot ang
kaninang seryosong ekspresyon ng mukha niya. Huh. Kahit sa school di niya gustong
tawagin ko siya ng sir? Seriously? What's into him?

"Wala naman."

"Sir, if you'll excuse me. May susunod pa po akong subject."

"Agad?"

Kumunot noo ko. Ayaw niya akong umalis? Kakambal na ata talaga ng pagkatao niya ang
pagiging magulo. Hindi ko maunawaan kung anong ibig sabihin ng actions niya. Sa
pinaparating niya sa mga tanong niya, parang ayaw niya na nakikipag-usap ako kay
Ace. Guni-guni ko lang ba yun o talagang ganyan na siya kapakialamero? Hay naku.
Mabuti pang iwanan siya. Ayoko talagang nasa tabi siya at kinakausap ako. Maliban
sa parang may paru-paro sa tiyan ko, nakakatakot din ang sasabihin ng ibang
studyante na makakakita sa amin na matagal nag-uusap. Alam ko na ang mga tatakbo sa
utak nila, mabuti nang umiwas.

Tumayo na ako. "Sir, maiwan na kita. Excuse po." Buong paggalang kong paalam. Hindi
na ako komportable talaga. Argh. Kahit sa pagkakataon na to iiwas muna ako. Di bale
ng mag-usap at mangulit siya sa akin sa bahay, huwag na huwag lang dito. Namumuo
kasi ang takot at pangamba sa puso ko kapag gumagawa siya ng mga ganito.

Ayoko na magpaliwanag kung bakit pati kailangan ko na umalis. I just need to leave.
Now ....

Inabot siya ng ilang segundo bago nakasagot.

"Sige. Sasabay na ako sayo sa pagpasok sa building."

Aba naman?! Hayst. Dahil talagang mukhang hindi siya papayag, pumayag na lang ako.

Habol tingin kami ng ibang studyante habang naglalakad. Sir naman?! Professor ka.
Studyante ako. Guwapo ka, maraming humahanga sayo. Ako hindi ako sobrang ganda pero
utang na loob nakakahiya. Ngali-ngali ko nang sabihin iyan sa kaniya! Habang
naglalakad hindi ko siya tinitingnan. Karga ko pa din ang mga hawak kong libro.

"Lorraine..." ano na naman ba?!

Nilingon ko lang siya ngunit di ako sumagot.

"Mag-usap tayo mamaya sa bahay."


"Bakit? May dapat bang pag-usapan?" Paakyat na kami ngayon ng hagdan. Buti na lang
pangatlong palapag ang klase ko ngayon, hindi kami magkakasamang matagal. Hush
hush.

"May kailangan akong sabihin sayo."

"Huwag na. Wala rin ako balak makinig."

"Please?"

"Sir... do you know this isn't right?"

"Ang alin?"

"Itong pakikipag-usap at paglapit sa akin."

"Anong masama? Were just talking."

"But you are my teacher."

"Diyan na naman ba tayo sa pagiging teacher ko?"

"Yes."

"Lorraine... alam ko ang ginagawa ko."

"Eh alam mo po pala eh."

"Just give me time mamaya. I will explain everything."

"No need."

Ugh. Hard headed ang professor ko. Kung umakto siya parabg isa ring teen ager. Eh
nasa 30 na yata to eh. Bakit di niya magawang lumayo?! Ayoko siyang makausap.
Period!

"Anong gusto mong gawin ko para kausapin mo ko ng maayos?"

"Layuan niyo po ako." Paakyat na kami ngayon ng 3rd floor. May ilan kaming
nakakasalubong na studyante pero parang wala siyang balak humiwalay. Ano ba naman
to? Frustrated na ako.

"Lorraine naman."

"Sir. Your talking non sense. Im your student. Not someone po na pwede niyong
lapitan out of subject matters." Nakarating na kami ng tapat ng room ko. Wala na
siyang nagawa nang pumasok ako at naiwan siyang speechless sa pinto. Nandito na si
Carol at Sheen. Sabay silang napatingin sa akin nang pumasok ako ngunit nagulat din
nang makita si sir sa pinto. Same with my other classmates. Mabuti na lang nasa
anim pa lang ang nandito bukod kina Carol na nakakita kay sir na halos kasabay ko.

Padarag akong umupo sa seat ko. Ang tigas ng ulo. Wala ba siyang kinakabahala sa
nangyayari? Lapit siya ng lapit. Argh! Ano ba talaga?

Napaisip din ako kung makikipag-usap nga ba ako sa kaniya sa bahay dahil malamang
sa malamang hindi na naman niya ako titigilan.

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot. Napa aww ako. Hayst. Kasalanan na
naman niya to eh!

"Hoy." Untag ng dalawa sa akin. Napalingon ako sa pinto. Ay buti naman nawala na
din. Kairita talaga.

"Anyaree?"

"Saan?" Tanong ko pabalik kay Carol.

"Sa lunch niyo ni Ace. Anong pinag-usapan niyo?"

"Wala kaming napag-usapan." Tamad akong kumuha ng notebook mula sa bag. Si Sheen
humahalo din ng tanong.

"Bakit? Akala ba namin mag-uusap kayo?"

"Oo nga. Kaso wala namang nangyaring pag-uusap dahil may umepal."

"Hmm.. sino?" Carol asked na parang may hinala base sa mukha niya.

"Si sir. Nakishare ng table sa amin kanina."

"Aha! Sabi ko na nga ba eh tama ako. Wow ang swerte niyo naman. Sana pala sumama na
ako."

"Eh silang dalawa nga lang mag-uusap di ba?" Kontra ni Sheen.

"Oo nga pala. Kainis kasi yung unggoy na yun ang daming alam sa buhay eh.!"

"Hayaan niyo na... siya nga pala saan kayo nag stay ng lunch kanina?" Sabi ko nang
maalala sila kung nasaan kanina.

"Ayun. Epic failed. Hinuhunting namin si Sir pogi kanina pero ayun naman pala nasa
piling nyo. Ayst! Kainis kayo ha!" Nagpapalatak na naman itong isa. Eh di sana pala
kasama nga siya namin kanina. At least may madaldal, hindi kami mahihiya at higit
sa lahat walang pag-uusap na tulad noon kung nakasama talaga namin siya. Ay naku.
Mali mali din si Ace eh! Hanggang ngayon naiinis pa din ako.

"Hay naku. Alam ko ba?"

"Hayaan mo na nga girl. Oy Sheen kuwento mo na sa kaniya dali!"

Kumunot noo ko sa sinabi ni Carol. Anong ikukuwento?

"Ang alin?"

Napatawa si Sheen habang si Carol excited. Naku kung ano na naman sigurong pakilig
ito. Alam ko na mga ganitong reaction eh.

"Gusto niyang ikuwento ko sa sayo yung nakita niya kanina."

"Yeah yeah."

"Ano ba yun?"

"Kanina kasi nakita niya yung bagong professor at bagong student. Ayun nalaglagan
na naman."

"Ha? Carol naman!" Suway ko.


"What? Eh sa ang guwapo nila parehas eh!"

"At hindi lang yata panty kundi buong damit nalaglag. Haha!"

"Hoy hoy! Hindi ah!"

"Sus kunwari ka pa!"

"So totoo palang usap-usapan ng ibang students na narinig ko kanina." Sabi ko nang
maalala ang dalawang tsismosa sa library kanina. Naman.

"Yup. Kaso wala pa din talagang tatalo sa baby boy ko." Sumimangot siya at ngumiti
ulit ng malapad. Napapailing na lang kami pareho sa kabaliwan ng kaibigang namin to
eh.

"Tapos usapan pang klasmate din daw natin yung bago bukas. Sa ngayon hindi pa siya
formally nag-uumpisa makisalamuha. Special pa dahil humahabol ng topic. Bukas siya
makakasabay sa discussion." Dagdag pa ni Sheen. Ngek? May bago ding tulad ko? At
wow social tutorial muna bago actual lesson kasama kami! Eh di siya na.

Nacucurious din ako sa bagong student na lumipat pero mas nangingibabaw yung isa.
History professor daw at guwapo. Naiisip ko tuloy, ano kayang reaksyon ni sir
Thorin na may makakapantay na siya sa mga studyante pagdating sa kaguwapuhan?
Napapatawa tuloy ako sa isip ko. Ay naku mababawasan ang talent fee. May karibal
na. Sabi nila mas guwapo pa din daw si Thorin, pero ayokong maniwala. Masyado na
siyang nakakaumay. Kailangan na ng bago, fresh at kakaiba. Haha.

"Oh di swerte yung isa dito." Komento ko sabay sulyap kay Carol na sunod sunod
tumango sa sinabi ko. " ano nga pala pangalan ng bagong professor na sinasabi mo
Sheen?"

Ngunit bago makasagot si Sheen may naaninag akong naglalakad sa tapat ng klasroom
namin. Kitang kita ng dalawang mata ko ang lalaking naglalakad, kilalang-kilala ko
ang taong yun.. nanlaki ang mata ko at kumabog ang puso ko sa kaba nang matiyak na
siya nga yung naglalakad. Para akong napunta sa slow motion. Mabagal siyang
naglalakad, sumagot si Sheen sa tanong ko pero sa iba nakatutok ang buong atensyon
ko. Napasinghap ako ng malakas.

Anong ginagawa ni Owen sa school na to?!

"Hoy!" Aray.. nabingi ata ako sa sigaw nila. Saglit ko silang nilingon ngunit nang
ibalik ko paningin ko sa may bintana wala na si Owen. Oh my god. Hindi pa rin
mawala kaba sa dibdib ko. Ano ba to? Bakit ba siya nandito? Napadaan lang ba siya?

"Natulala ka diyan." Sabay nila nilingon ang mga taong dumadaan sa tapat ng room.
"Sino ba tinitingnan mo?"

"W-wala."

"Para ka kasing nakakita ng multo. Okay ka lang ba?" Alalang-alala na sabi ni


Sheen.

Nginitian ko na lang sila ngunit pilit. Matapos ang ilang minuto balik upuan na
sila dahil dumating na ang prof. Pinilit kong kumalma sa nakita ko kanina. Sigurado
akong hindi guni-guni lang yun. Pero anong gagawin ko kung siya nga yun? Hay naman.
Pilit kong kinakalimutan ang nangyari noon pero ito na naman. Nagsisimula na naman.
May pag-asa pa bang tuluyang mabura ko yun sa isip ko? Malapit na sana ,pero bakit
sumusulpot na naman?
Kahit hindi naging maganda pakiramdam ko simula non pinilit kong maging masaya
hanggang matapos ang buong araw. Sinundo ako sa pagkakataong ito ni August dahil
hindi pwede si ate. Hindi ko na rin nakita buong maghapon si Thorin at doon ko
naalalang gusto niya nga palang makipag-usap ng sarilinan pagdating sa bahay. Isa
pa yun dagdag sakit ng ulo. Gusto ko na magpahinga. Nakakapagod ang araw na to
ngayon.

Kung ano man nakita ko kanina. Itaga mo sa bato lalayo na ako ng tuluyan sa tao na
yun. Lalo na sa mga professor na yan. Parehong makulit. Parehong di marunong
tumanggap ng ayaw at yun ang mas nakakainis.

..

Pagkarating ko sa bahay nagkulong ako agad sa kuwarto. Wala akong pakiaalam kung
malapit na akong mabulok dito sa lungga ko basta makaiwas lang sa Thorin na yun.

Inabala ko ang sarili ko sa kahit ano. Tumugtog, nag-online, nagbasa at kung ano pa
hanggang umabot ang alas nuweve. Nakaramdam ako bigla ng gutom. Dapat pala
kailangan ko rin mag-stock ng pagkain dito sa kuwarto para hindi na talaga ako
lalabas. Laking pasalamat ko na lang na may sariling bathroom itong kuwarto, kaya
lang minsan napapairap na lang ako kapag naiisip na kuwarto niya nga pala to dati.
Bawat sulok sa kuwarto na to may bakas niya. Naiinis rin akong isipin na humiga na
siya sa kama na hinihigaan ko at banyo na pinaliliguan ko. Lahat kaniya rito!

Aysh! Bakit ko pa ba yun iniisip? Eh ano naman?

Tumunog ulit sikmura ko. Mukhang kailangan kong lumabas ng kuwarto at kumuha ng
pagkain sa kusina. Asar.

Tumayo na ako. Lumabas at bumaba ako sa kusina. Mabuti na lang naroon pa si Manang
Lourdes sa kusina. Nakahinga rin ako ng maluwag nang hindi makita si Thorin sa
paligid.

"Manang..." tawag ko sabay lapit sa mesa.

"Oh, iha. Ikaw pala." Hinarap niya ako habang siya mag-isang nagkakape. Wala na rin
ang ibang kasambahay. Umuuwi yata sa kani-kanilang bahay at si manang may sariling
kuwarto dito sa baba malapit sa kusina.

"Manang," medyo nahihiyang sabi ko. Baka sabihin kasi pahuli-huli ako ng kain eh
kakain rin naman pala. Eh pero gutom na ako!

"May pagkain pa sa kaldero. Anong gusto mo?" Tumayo na siya na akmang ipagsasandok
ako. Nahulaan yatang gusto ko kumain. Ay.

"Ah manang, wag na po ako na." Tumayo na din ako

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Oh siya sige. Maiwan na kita at medyo masakit ang balakang ko."

"Tapos na po kayong magkape?"

"Hindi ko na inubos."

Tumango ako at umalis na siya. Kumain ako ng one cup na rice. Hindi kasi ako
nagkanin buong araw kaya siguro nagutom ako ng sobra. Chicken curry naman ang ulam.
Tama na to.

Napagpasyahan kong dito na kumain. Mabilisan lang. Habang kumakain ako nakarinig
ako ng tikhim mula sa kusina. Napanganga ako.

Patay kang bata ka!

Para akong bata na nahuling gumawa ng kasalanan sa ekspresyon ko. Whoa!

"Dahan-dahan baka mabulunan ka. You know what? Libre naman yan."

Napanguso ako at nagpasyang tumigil na sa pagkain. Dalawang subo na lang eh. Pero
nakakainis bitin ako!

At ang kapal ng lalaking to. Hindi ako sunod-sunod sa pagsubo. Medyo lang. But...
ahh! Bakit na naman ba?!

"Ano?" Susungitan ko na naman talaga siya. Madalas dito ko lang to nagagawa dahil
kaming dalawa lang. Takot ko lang kung sa school.

Nakasuot lang siya ng blue sando. Pajama na naman. Psh. Ang hilig lang?

"Sabi ko na nga ba bababa ka din eh."

"So?"

"Kakausapin kita. Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Wala lang."

Lumapit siya at umupo sa upuang katapat ko. Tapos na akong kumain. Wala na akong
gana.

"Lorraine.. bakit ba iwas ka ng iwas?"

"Kasi lapit ka ng lapit?"

"Sa tuwing nilalapitan kita umiiwas ka."

"Kasi nga lumalapit ka. Bakit ba kasi? Why are you keep on talking to me? I thought
you don't like me?"

" I like you..."

Ha??? A-ano? Para akong tinampalan ng napakapulang blush on sa pisngi ko dahil sa


pamumula nito, ramdam na ramdam ko pag-iinit nito. Ano na naman bang pinapasabog
niya???!

"I like you".

"I like you."

"I like you."

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ako
makapaniwala!

"S-sir?" Tanong ko nang makahuma. Biglang bigla ako. Nanginig ang kamay ko na
nakapatong sa lap ko sa ilalim ng mesa.

He sighed heavily. He seems uneasy.

"I mean... hindi tulad ng sinasabi mong hindi kita gusto. Yes I don't like you. But
I like you....Oh what the hell!" Napamura siya at tumayo sa harap ko. Nagpabalik
balik siya. God? What's wrong with him? Half open ang bibig kong tinitingnan siya.
Nababaliw na naman ba to?

He stopped. "Lorraine... I'm sorry for being rude from that day. I don't mean na
hindi kita gusto, that I dislike who you are. Mali ang iniisip mo. I have my own
reasons kung bakit todo tanggi ako noong umpisa na dito kayo titira. This issue is
something that bothering me. Pero pumayag na ako. Okay? Just talk to me formally.
Na hindi ka lagi nagmamadaling umalis kapag kausap kita. I like you not in a
special way and at the same time I don't like you to stay here. You get it?"

Mas lalo akong namula ako. Shit? Mali ako ng akala sa I like you niya? Argh! Ang
sarap kumuha ng hammer at ipukpok sa ulo ko. Nag-assume ako! Nakakahiya lalo!

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang sinabi niya o ang paliwanag niya. Nafocus ako
sa katotohanang hindi niya naman talaga pala ako gusto. Or whatever.

Anong inaasahan ko? Somethings inside me na medyo nadisappoint sa sinabi niya. Ano
bang nangyayari sa akin??? Ugh.

"You get it?" Ulit niya sabay upo na naman.

"O-oo." I'm stuttering also. Whoa! Obvious bang nag- assume ako?

"Clear na ba ako?"

"Pero... don't expect me to talk to you in a natural manner. Hindi ko talaga


gusto." Tapat kong sabi. Medyo nakabawi naman na ako. Sana?

"Bakit?"

"Sir... you're my teacher."

"Alam ko... yeah.. sa paulit-uling mong pagpapaalala? Alam na alam ko. But..what's
wrong with me being your teacher? Anong kinalaman ng pagiging teacher ko? "

Kunot-noo at puno ng pagtataka sa mukha niya habang tuon ang titig sa akin. He just
don't get it!

"Sir... I am a student. You are a teacher."

"So? And please will you cut off that sir thing?"

"Hindi mo kasi naiintindihan eh." Isa pa. Ang babaw niya rin sa mga ganito.

"Then let me understand. Ipaliwanag mo."

Napatawa ako ng kaunti. Sarcastically. "Hindi kasi magandang nag-uusap ang teacher
at student lalo na kung nasa school. And most of all kung wala namang subject
related o teacher- student matters ang pinag-uusapan. Hindi magandang tingnan yun.
Umiiwas lang ako sa sasabihin ng ibang tao."

Napahalakhak naman siya. Napanguso na naman ako. Ngali-ngali ko na tong sigawan eh.
Naaasar talaga ako sa kaniya. Isa pa yang rason.
"You afraid of that? Una sa lahat ano nga bang pinag-uusapan natin simula noong
lumapit ako sayo?"

"Uhhh...?" Nag-isip pa ako eh alam ko naman na. Those were friendly gestures only.

"Hindi ka na nakasagot. And tungkol doon sa pag-uusap sa school? Hindi ako


lumalapit lang nang basta-basta. Hindi ba dito naman tayo madalas nag-uusap?
Nakatira tayo sa iisang bahay so natural lang na mag-uusap tayo. Ano bang
kinakabahala mo?"

"Hindi ko alam. Basta ayoko lang."

"Lorraine... hindi pa nga ako nag-uumpisa lumalayo ka na agad."

"Ha?"

"Oh... never mind. Being a teacher or professor? Sa totoo lang ayan ang namimis
interpret ng marami. It doesn't mean that you are a teacher, it is already
forbidden to make friends with students. Bawal na. Cause seriously that's
completely absurd. In my own point, lahat ng tao may kalayaan kung sino at kung ano
ang gusto niya. We are free. Even teachers. We are also humans. Kapag teacher kasi,
may nakita lang ang iba sa amin na hindi tama, masama na agad. Para bang kaonting
pagkakamali, we are already judged." He stopped.

Hindi rin ako nakaimik. Huge point. Napaisip din ako sa sinabi niya.

"Maybe because we are expected na laging tama ang gagawin namin kasi nga teachers
kami. Nagtuturo kami hindi lang acads pero kasama na ang values. Pero maling isipin
ng iba na bawal na kaming magkamali. Gaya ng sabi ko tao kami. At natural na sa
taong magkamali. Now Lorraine... it is my responsibility kung iba ang isipin nilang
lumalapit ako sa student dahil ako ang magmumukhang masama. Just please, don't try
to avoid me again. Not unless magawa ko na ang binabalak ko."

"What? May binabalak ka?"

He chuckled. "Wala. Just make friend with me. Just friends. Not unless we turn into
next stage." He smirked.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I know what's the meaning of the next stage and
it's a big no way!

"Ano? Anong next stage?" Sinapak ko sa braso dahil hindi magandang biro sinabi
niya.

"Friends turn into best friends. Lorraine huwag madumi ang utak." Tawa pa siya ng
tawa. Tinawanan ko na din at nagpatuloy ang pag-uusap.

I already understand what's his trying to prove. Teacher siya pero gusto niya lang
talaga makipagkaibigan. Well, I'm okay with it. Al least ngayon hindi ko na
kailangang mabahala. Nakakairita rin kasing lagi ko siyang pinagtataguan kahit
saan. Para akong nagtatago sa pulis dahil wanted ako. Ayun talaga nararamdaman ko.
Ngayon medyo gumaan na loob ko sa kaniya. Hindi na tulad ng dati na nagtayo talaga
ako ng mataas na pader sa pagitan naming dalawa, ngayon medyo unti-unti na itong
nababawasan. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong una pa lang hindi siya kasing
sama ng inakala ko noong una, maraming soft side sa kaniya. Friendly siya at hindi
mo aakalaing ganitong katauhan pala ang nagtatago sa likod ng terror, ruthless at
manly na professor sa university ng NEU. And I'm pretty sure, hindi lahat ng akala
mong tao na masama, ay likas nang masama. May itinatago palang kakaiba sa pagkatao
nila. Maraming teachers na akala ng marami masasama, nakakatakot at may mga sungay.
But not all them was totally like that inside. Kumbaga paraan lang ata nila yun
para magdisiplina at magturo.

Loud and clear!

"Friends?" He asked.

Tumango ako. "Friends!"

We handshaked. Natawa kami pareho.

"Just a reminder sir."

Nanliit ang mata niya.

"I mean Thorin." He smiled.

"Ano yun?"

"Sa school huwag ka na po masyadong lalapit."

"Bakit?"

"Basta. Dito na lang tayo sa bahay magbonding or what. Huwag lang sa school."

"Okay sige...alam mo Lorraine I don't really know kung bakit big deal sa aking
maging kaibigan ka."

"Talaga? Big deal? Suwerte ko naman." I smiled. Tumayo ako at kumuha ng tubig.
Hindi pa pala ako umiinom. Tiningnan ko din ang oras sa wriswatch ko at 10 pm na
pala. Napahaba ang usapan naming dalawa.

"Yeah siguro swerte ka nga. At suwerte ko din dahil kaibigan na kita."

"Hehe. Suwerte ka talaga. Bihira lang ako makipagkaibigan."

"Really? Bakit ako?"

I sat back. "Dahil magaan na ngayon ang loob ko sayo. My actions were sometimes
based on my feelings. Para bang sila na pumipili. Kapag mabigat ang loob ko sayo
hanggang ngayon, malamang iniwan na kita dito sa kusina."

"Aww.. that's bad. Can I talk to that feeling na sana hindi na magbago ang gaan ng
loob mo para sa akin? Paanong bagay ba dapat gawin para hindi bumigat?" He jokes.

"Depende lang yun. Sometimes, honesty ang makakapagpagaan." Nawala bigla ngiti
niya. Nagulat ako sa pagseryoso niya. Iyan na naman siya.

"Honesty?"

"Oo, kasi kung ang isang kaibigan ko tinraydor ako o ano. Heavy as big rocks na to.
I can't control mine kung niloko ako. Ganon."

Ganon talaga ang pakiramdam ko. No joke buf its true. Ang feelings din kasi minsan
ng tao ang nag-uutos ng ginagawa natin. If were angry, then were angry. Galit tayo
na halos madadamay ang pakikitungo natin sa tao. If were sad, ganon din. If were
afraid ganon then and all the feelings we feels every situations. Kapag masaya
marami tayong nagagawa. Kaya ako, ibinibase ko ang actions ko sa pakiramdam ko. It
is the judge lalo na sa pagpili ng kaibigan. And my judge choose Thorin to be my
friend.

Pero minsan, ang akala kong okay na napili ko, mali pala. Just like Beatrice,
Grace, Rhea and Mimi. My ex- friends who traitors me. I hate them. Pero hindi rason
yun para sisihin ko sarili ko na nagkamali ako sa pagpili sa kanila bilang
kaibigan. Sila ang nagbago sa sarili nila. Labas na ako don.

"Great feelings huh." Komento niya.

"Di lang honesty. Marami pang iba."

"Okay... so gusto ko rin maging honest para hindi maging mabigat muli ang loob mo
sa akin." Seryoso niya akong tiningnan.

"What do you mean?" Kunot ang noo na nagtanong ako.

"May aaminin ako."

"Talaga? Wait... I have a question...ilang taon ka na pala?" I said when I remember


most of my question na ibabato ko sa kaniya.

"Ha?" Natawa na naman siya. He's so pogi. Whoa! Umariba na rin ba ako gaya ni
Carol? Yikes! "Bakit? Curious ka sa edad ko?"

"Wala lang. Ano nga?"

"I'm 35." Nakangisi pa siya ng sinabi edad niya.

35? 35 niya mukha niya ang layo- layo kaya!

"35?"

"Oo.. bakit?" Natatawa na siya.

"35? Honesty sabi ko di ba?"

I know maling gamitin ko ung honesty na yun pero parang feel ko din sakyan siya.
Alam kong hindi totoong 35 na yun. Let see kung hindi mo aminin. I smiled.

Sumeryoso ang mukha niya. Natakot ko yata. Haha

"Seryoso ka? How would you know kung nagsisinungaling o hindi pa ba ang isang tao?"

Nagkibit-balikat ako. "Instinct ko. Bilisan mo na, 35 ba talaga? Hindi ako


naniniwala."

"Alright...Just 26."

My eyes widened. "Talaga? Wow ang bata mo pa pala eh. Kailan birthday mo?"

He smiled at me again. Bakit ba puro ngitian kami dito? Ay naku.

"June 10. Ikaw?"

"Ako? September 29."

"Just like my mother."


"Talaga?"

"Yup."

"Anyway, ano nga yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko nang maalala yung aaminin niya
na naudlot kanina. Kumunot ang noo niya. "Sabi mo kasi may aaminin ka."

Recognition passed on his face but he suddenly becomes worried. Nagtaka ako. Ano
kayang aaminin niya na tila nagdalawang isip siya?

"I... uhh. Never mind. Saka na lang siguro."

"What? Ano ba yun? Is that a dark secret kaya di mo masabi?" I joked.

"Dark secret? No. Saka na basta malalaman mo rin. Just not now. May tamang panahon
para doon. And you said honesty pero wala kang sinabi na may oras yun."

"Yeah right. Ikaw na nga ang bahala. Just...huwag mo akong lolokohin okay?"

"Hindi kita lolokohin." He laughed. "Do we have some serious relationship here?
Bakit may lokohan?"

Natawa na rin ako. This moment is great. Hindi ko inakalang mag-eenjoy ako na
kausap siya na kung tutuusin ay kanina lang kami nagkasundong dalawa.
Napakarefreshing niyang kausap. Magaan na talaga ang loob ko sa kaniya.

"Basta. Any relationship kasi syempre talagang walang lokohan, mapafriends man o
ano. That's important for me."

"Alright... Hey. Should we rest already? May pasok ka pa bukas. Hindi magandang
mapuyat."

Bigla kong naalala na lumalalim na pala ang gabi. I agree to him. Tumango ako at
tumayo na. Dinala ko muna sa lababo at hinugasan ang pinagkainan ko. Nagprotesta pa
siya na katulong na lang papagawin niya pero tumanggi na ako. Isang plato lang yun
iuutos ko pa ba? Hindi naman ako tulad ng iba na may katulong halos lahat ng kaya
namang gawin ng sarilinan ay iuutos pa. Pagkatapos non sabay na kami umakyat ngunit
hinatid niya muna ako sa kuwarto.

"Sabi ko naman sayo di mo na ako kailangang ihatid." Sabi ko nang nakarating na


kami sa tapat ng kuwarto. Hawak ko na ang door knob.

He smiled. "It's okay. You don't have to protest. Gusto ko to."

"Alright. Pasok na ako."

"Sige." Nakangiti pa ring sabi niya. Tunay na napaka aliwalas ng mukha niya kapag
nakangiti. Pumasok na ako at isinara ang pinto.

Napangiti pa ako ng matamis bago humiga sa kama. Alam kong hindi ako dapat magsisi
na pumayag akong maging kaibigan niya. There's something in me na alam kong hindi
lang pakikipagkaibigan ang dahilan kaya ako pumayag. May iba sa akin na hindi ko
matukoy kung ano pero sigurado akong ito rin ang nag-utos sa akin na makipaglapit
kay Thorin. There is circumstances kasi na sa una inis na inis ka sa isang tao pero
mangyayari na lang bigla na naglaho na ito nang hindi mo namamalayan. Yung para
bang you hate him and then one day magigising ka na lang okay na. Wala na. That you
are already okay with it. Ganon ang nangyari sa akin. Siguro dahil mas nakikilala
ko na siya ng paunti- unti kaya paunti-unti na rin itong nawawala.
Change is unpredictable. We can never know kung kailan magbabago ang isang
pakiramdam. At least that's my opinion.

I slept that night with a light feeling in me. Ang sarap sa pakiramdam mawalan ng
negative bives sa isang tao. Believe me.

....

As I step on our classroom's door, my forehead creased. Anong himala to?

Umaga at oras ng first subject namin. Usually before ako makarating sa mismong room
dinig na dinig ko na ang ingay ng classmates ko. Chitchats at kung ano- ano pa.
Pero ang ipinagtataka ko, bakit walang ingay? Tiningnan ko ang buong room. Halos
kompleto na kami at nakapagtataka na sobrang tahimik nila. Maririnig lang ang ingay
sa labas pero hindi dito sa room. Dumiretso na ako sa seat ko at hinanap ng mga
mata sina Carol.

Bakit? Ang tahimik din nila. What's happening? Takang-taka talaga ako. Yung
pakiramdam na parang nagbago ang ikot ang mundo, sa halip na isang direksyon lang
to parang bola na lang na nagpaikot ikot sa iba't ibang direksyon.

And then I suddenly saw someone na hindi ko kilala. Nakaupo siya sa line ko. Kaliwa
ring parte ng bintana but second seat from the front. Nakalingon siya sa labas ng
bintana kaya hindi ko makita ang buong mukha niya.

Ilang sandali akong nagtaka nang bigla kong maalala ang bago ring lipat. I looked
again at his back, mukha siyang matangkad. Wala, akala ko lang. Mukha rin siyang
malaking tao. Oh well. Nilabas ko na gamit ko.

Ang tahimik pa talaga nila. What's with them ba talaga? Ang ilan nagbabasa ng
lectures, nagsusulat at kung ano ano pa para maabala ang sarili. Nilingon ko sina
Carol, nakita kong may ipinasang papel si Carol kay Sheen. Binasa yun ni Sheen at
nagsulat din sa papel. I know what they're doing. Paper talk. Hindi talaga pwede
mag- usap? Sa pagkakaalam ko wala namang professor ah. Bakit takot silang gumawa ng
ingay. May ilan ding ganon ang ginagawa, magpapasa ng papel at ipapabasa.

Binalik ko na naman ang tingin doon sa bago. Oh whatever. Bahala nga kayo kung ano
bussinesses niyo.

"Good morning class." Pumasok na ang first subject teacher.

"Class, you have a new classmate. May you introduce yourself for a moment?"

Tumango ang lalaki at nagpakilala. Humarap siya sa buong klase. Napasinghap ako.
Ngayon ko lang nakita ang mukha niya simula kaninang pumasok ako. Yung ibang
classmate ko naman tahimik lang, hindi nagpahalatang mamatay matay na sa kilig ang
mga babae. Lalo na si Carol. Naku alam ko na yan.

"Hi. My name is Richmond Yuu. I'm pleased to meet you all." I smiled, he's amazing.
Naaamaze ako sa kaniya lalo na nang ipinakita niya ang napakalalim na dimple at
pantay-pantay at perpekto na ngipin. Everybody in the class was hooked by his
perfect smile. Wow. Ang guwapo. Umaaapaw. Batang version ng kaguwapuhan siya ni
Thorin. Maputi, mga 5'9 ang height at perfect na ang hugis ng muscle. God. Mukhang
sinwerte ang NEU na may naligaw na nilalang na ganito dito sa school.

Mas napangiti ako ng nakahanap na ng katapat si Thorin. Aabangan ko mamaya ang


second subject. Wow exciting to!

Umupo na siya matapos magpakilala.


"Mr. Yuu...mukhang naorient ka na sa lahat ng rules dito. Welcome to our school."
Nginitian siya ng prof namin at nagpatuloy ng discussion.

Hanggang dumating ang second subject. Hindi na ako makapaghintay! Para ba akong
kinikiliti na ewan dahil hindi ako mapakali sa upuan ko. Lumabas na ang prof namin
at naghihintay na lang pumasok si sir Thorin. Hindi rin magkamayaw ang iba dahil
impit na kinikilig sa upuan. Nakita ko sina Carol at Sheen. Natatawa na ako sa
itsura ni Sheen na hindi man lang nagkaroon ng amor kay Richmond at gusot na gusot
ang mukha sa katabi niyang parang uod na binuhusan ng asin. Grabe talaga pati
kaluluwa nahubad na!

Dumating na ang pinakahihintay ko. Nakatayo siya sa pinto. Halos magkanda-punit ang
bibig ko sa lapad ng ngisi ko. Para akong nagkaadrenaline rush. Im so excited!

Kumunot ng sobra ang noo ni Thorin nang makita akong ganito kalapad ang ngisi. Ang
seryoso ng mukha niya, sobrang layo sa nakausap ko kagabi. Naglakad na siya
papasok. Kalmado. Palipat-lipat naman ang tingin ng iba kong classmate kay Thorin
at kay Richmond na parang pinagkokompara ang dalawa sa tingin. Nagtaka si Thorin at
sinundan ng tingin ang mga classmate ko na tumingin sa nakaupo doon.

Lalong kumunot ang noo niya. Mabuti na lang hindi nagkakaroon ng lines ang noo niya
sa dalas nito kumunot. Matawa- tawa na ako dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam
kung anong ikinasisiya ko. Grabe!

"You have a new classmate." Statement yun at hindi tanong. Mataman siyang
nakatingin, or should I say nakatitig sa bago na yun. Hindi ko kasi makita ang mata
ni Richmond eh, di ko tuloy alam kung nakatitig din ba siya.

"Richmond Yuu." Kilala niya agad?

"Yes sir." Tumango ito.

Magkakilala na ba sila? Hala. Nawala ang ngiti ko. Ay sayang. Magkakilala na pala.
Napanguso ako. Nye!

"Oh... so let's continue our lesson yesterday." Binalewala niya na si Richmond at


nagproceed sa pagtuturo. Hindi rin pahuhuli ang professor na to pagdating sa
kaguwapuhan eh. Nakagreen long sleeve suit siya with white stripes neck tie. Suot
ulit ang kaniyang salamin at napakalinis tingnan ng buhok.

Ayaw pakabog!

Napangiti ulit ako. Habang nasa lesson manaka- naka din akong nagrerecite. He will
just smiled at me at tuloy ulit sa discussion and so on hanggang matapos ang klase
niya. Napakagaan sa loob ng oras na to hindi tulad dati na parang kulang na lang
magwalk out ako sa pagkairita sa kaniya dahil sa pamamahiya. Ngayon, hindi rin
mainit ang ulo niya, siguro ay dahil natuto na ng leksyon ang mga classmates ko
dahil halos, ay hindi pala, lahat talaga nakakasagot na ng tama sa kaniya.

"Lorraine..." napalingon ako sa tumawag mula sa likod ko. Kalalabas ko lang galing
ng cr nang may tumawag sa akin.

"Oh?" Sabi ko. Lumapit sakin si Thorin.

"Bakit ngiting-ngiti ka kanina?"

Napangisi naman ulit ako. "Bakit?"


"Hindi ko gusto paraan ng pagngisi mo. Ano yon?"

"Oh? Wala yun." Naglakad na ulit ako pabalik ng room pero sinabayan niya lang ako.

"Hindi ako naniniwala."

"Eh di huwag kang maniwala. Believe me wala lang yun, huwag kang paranoid."

Don't get me wrong huh. Okay na ako sa kaniya, hindi na ako umiiwas pero sa ngayon
kasi may klase pa ako, nagpaalam lang ako magwashroom so I left him again at
pumasok na sa room. Wala na rin siya nagawa nang iniwan ko siya. Hindi naman siguro
siya magagalit di ba?

...

"Lorraine, ano sasabay ka ba?" Nilingon ko si Carol habang nagliligpit ako ng


gamit. Uwian na.

"Hindi na. Mauna na kayo magbabasa pa ako sa library."

"Sige. Kung yan ang gusto mo." Nagpaalam na silang dalawa ni Sheen. May balak pa
daw magshopping si Carol samantalang gusto lang umuwi ni Sheen. Kasabay din daw
nila si Ace at nasa may gate na daw ito naghihintay. Wala pa akong gana umuwi kaya
pinili ko na lang na magbasa sa library tutal madalas ko naman gawin ang magbasa
doon.

Napansin kong may kasama pa pala ako dito sa room. Si Richmond. Tulog.

Kumunot ang noo ko. Ano na bang ginagawa niya pa dito? Bakit di na lang siya umuwi
sa bahay nila at doon matulog? Grabe. Napailing- iling na lang ako. Baka puyat.

Tumayo na ako. Ngunit nag- aatubili ako kung gigisingin ko ba dahil mukhang kanina
pa siya dito. Baka hindi na to magising at abutan ng umaga mahirap na. Concern lang
naman ako. Nasa may pinto na ako, nakatayo. Nag-iisip. Gigisingin ko ba? Nilingon
ko siya ulit. Hay tulog pa din. Alas singko na eh, tska ang alas singko ngayon
medyo padilim na kaya aabutin talaga siya dito na gabi.

Malalim akong huminga at nagpasyang gisingin na lang. Lumapit ako marahang tinapik
ang braso niya. Ang sarap pa ng tulog dahil marahan lang ang kaniyang paghinga.

"Richmond... hoy... gising na..."

Kumislot siya. Mabuti naman nagpagising. Hay naku bakit ko pa kasi inabala to. Ang
kaso inuusig ako ng konsensya na baka bukas nandito pa to, kawawa naman kung
pagtatawanan ng classmates namin o kaya kahit yung guard na makakakita dito sa
kaniya.

Umangat na ulo niya at nagkusot ng mata. Ang cute! Para siyang bata na bagong
gising. Pero teka? Ibig sabihin matagal na siyang tulog dito kahit may klase pa?
Aba naman tigas ng bungo nito ah.

Tiningnan niya ng papikit pikit pa ang mata ang mukha ko.

"Y-Ynna....?"

Huh? Bakit niya ako tinawag na Ynna? Sino si Ynna?

_______
"Ynna?" Ulit niya pa.

"Huh? Sinong Ynna? Sorry hindi ako si Ynna. Ako nga pala si Lorraine, ginising na
kita. Pasensya na."

Para naman siyang nagulat dahil tumingin siya sa paligid.

"Uh...I uhh...I'm sorry." Nag-ayos na siya ng gamit at tumayo.

"Thanks." Tipid niyang sabi.

Tumango ako at inayos ang bag na nakasukbit sa balikat ko. Naglakad na kami ng
sabay palabas ng room.

Oo ganon kaikli naging usapan namin, ginising ko siya at nagpasalamat siya. Well,
hindi rin naman siya nagsasalita na eh. Eh di huwag kausapin.

"Uh, sige maiwan na kita. Library muna ako." Paalam ko nang liliko na ako papuntang
library habang siya bababa ng hagdan. Nilingon niya ako nang blanko ang ekspresyon
ng mukha.

"Okay." Tumango siya at bumaba na ng hagdan.

Half open mouth ko siyang sinundan ng tingin. Wew? How cold! Hindi pa nga ako
nakahakbang nauna na siyang umalis?

Napapailing-iling na lang ako sa taong yun. Humakbang na ako papuntang library na


iwinala sa isip ang tungkol sa lalaking yun.

Inaral ko ang ibang lectures at nagbasa-basa ulit sa mga books na nakahilera sa


Filipiniana Section at pampalipas oras na rin. Napansin ko sa wristwatch ko ang
oras. Twenty minutes pa lang ako dito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng nakatingin lang sa mga title ng libro na


nakahilera. Dire-diresto.

Ano kayang maganda sa mga to?

"Ay!!" Pigil na usal ko. Napayuko ako ng muntik na akong makaapak ng kung ano dahil
may nabangga ako.

Luhh?

"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo."

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. Weird. Bakit andito na naman siya? Akala ko ba
nakauwi na to?

"Richmond?" Di siya sumagot at nagpatuloy sa binabasa. Nakaunat ang isa niyang


binti at nakatiklop naman ang isa. Gets niyo? "Bakit ba kasi nandiyan ka?"

"Am I not allowed here?" He's still not looking.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Bakit kasi diyan ka nagbabasa? Baka nakakalimutan
mong may table doon?"
"Dito ko gusto."

"Hindi to bookstore. May nakahandang mesa at upuan don."

Tiningala niya na ako na parang naiinip ang ekspresyon.

Tumayo na siya at hinarap ako ng tinatamad pa rin. Whoa. Ang tangkad! Nahiya naman
ako sa height ko!

"Mind your own bussiness miss." At saka mabilis na nilampasan ako. Pakiramdam ko
nagkalagnat ako dahil sa pula ng mukha ko.

Grabe ang presko! Sino ba siya sa akala niya? Sobrang napahiya ako. Masama bang
pagsabihan siya? Grabe mga tao ngayon, ikaw na nga concern sila pa galit. May tatlo
pa kasing nakatayo at nakamasid kanina habang kausap ko ang lalaking yun, kapareho
kong naghahanap din ata ng mababasa. Ginawa niyang bookstore to eh may upuan at
mesa naman. Nakukuha niyo point ko? Hayst! Bahala na nga siya. Whatever.

Mabilis kong tinapos ang oras sa library at umuwi. Medyo sumama ang mood ko dahil
sa bago na yun, hindi ko lang maintindihan trip niya. Nagpapakahirap umupo sa
sahig, ayun tuloy nabangga ko siya. Sino may kasalanan samin? Eh syempre nakatutok
buong atensiyon ko sa mga libro. Hindi yan tulad ng tatawid ka ng kalsada na
kailangan mo pang lumingon sa kaliwa't kanan bago pumunta sa direksyon mo, o kaya
naman tatawid ng riles ng tren na may sign na stop, look and listen. Suwerte ko pa
nga yata siguro na hindi ako natumba, God mas nakakahiya pa yun.

"Oh, ginabi ka yata." Salubong sa akin ni Thorin pagpasok na pagpasok ko pa lang sa


pintuan.

"Library." Tipid kong sabi at pabagsak na umupo sa couch. Madilim na nga dahil
mahigit alas syete na.

Sumunod siya at umupo. Nakapambahay na rin siya. Aga yata nito umuwi?

"Ang sipag naman." Kinuha niya ang remote at nanood ng tv. He's now watching
basketball.

"Si ate Laureen nandito na?"

"Uhuh. Nasa kuwarto sila ni August." Aniya nang diretso pa rin ang tingin sa
pinapanood.

"Sige. Akyat na ako." Tumayo na ako at kasabay noon ang paglingon niya nang
nagtataka.

"Okay sige. Balik ka dito. Samahan mo ako."

"Hindi na. Matutulog na ako."

"Hindi ka man lang ba kakain? Kumain ka muna. Lagi ka na lang hindi sumasabay."

Uhh.. paano ko ba ipaliliwanag na ayoko? Wala ako sa mood talaga.

"Uhhh... kasi,... kumain na ako sa labas. Masakit ulo ko kaya kailangan ko nang
magpahinga." Sabi ko

"Talaga?"

Ugh! Paano ba to? Tinatamad na kasi ako. Hindi totoong masakit ulo ko, ayoko lang
talaga. Hindi rin totoong kumain na ako. Hindi ba niya napapansin na gumagawa lang
ako ng dahilan?

"O-oo. Pasensya na."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Bakit hindi kita nakitang kumain?"

H-ha? Paano niya? Anong ibig sabihin non? Sinundan niya ako pauwi?!

"Kumain ka na. Kung hindi isusumbong kita sa ate mo. Mahirap magkasakit ng ulcer.
Lagi kang nagpapalipas ng gutom."

Napanguso ako nang hindi na siya nakatingin. Pumayag lang akong maging kaibigan
niya, may gana na siyang makialam sa mga ginagawa ko. Hindi ibig sabihin na palagay
na ang loob ko sa kaniya pwede niya na ako agad pakialamanan.

Napabuga ako ng hangin. Mukhang wala din akong lusot sa professor/ kaibigan ko na
to. Tss.

Whatever!

Isa pang beses na huminga ako ng malalim. "Okay sige. Aakyat lang ako."

"Make sure you will come back." Aniya nang tutok pa din sa tv.

Tumalikod na ako at umakyat. Yan ang kakaibang professor! Masyadong concern. Tss.
Ano ba naman to, nakakapanibago pa rin na okay na kami. Kahit tumagal ata
magtatanong pa rin ako sa sarili ko kung bakit nagkaganito ang sitwasyon sa
kinaiinisan kong professor.

Nagpalit na ako ng pangtulog para diretso na mamaya at bumaba. Yung totoo gutom na
rin ako, ramdam ko kaya lang ayokong kumain nang nandito siya sa baba, naiilang pa
rin naman kasi ako.

Tumayo na siya nang makita ako. Dumiresto ako sa kusina at nagsandok ng pagkain.
Nakasunod pa rin ang mata niya sa akin. Hindi niya na nga pinatay ang tv sa sala at
mukhang mauulit na naman ang kagabi na dito kami nag-usap. Kakaibang kaibigan ah,
laging nakasunod.

"Kain." Alok ko nang magsimula na akong kumain. Ngumiti naman siya at tumango
habang nakasandal sa pintuan. Cross arms and cross legs. Pa-cool na naman po ang
prof natin.

"Kulang pa yan sayo kaya sige lang."

Napapout ako at Tss. Umabot na ng minuto na kumakain ako pero nanatili siyang
nakatayo, matamang nakamasid sa bawat kilos ko. Seryoso? Kailan ba niya balak
panoorin ako sa pagnganga dito?

Napa-ehem ako at uminom ng tubig. Tanging maririnig lang na ingay ay ang nakabukas
na tv at ang pagtunog ng kutasara't tinidor na gamit ko. Nilingon ko siya ulit,
seryoso pa ding nakatingin, same position.

"Kung naiinggit ka sa pagnganga at pagnguya ko, kumain ka dito." Utas ko nang hindi
ako makatiis.
"No. Busog na ako nang nakatingin lang sa'yo."

"Corny niyo sir." Ngumiti ako at tumayo na nang matapos kumain. Tulad din kagabi
ako na rin naghugas.

"Paano ba ang maging kaibigan mo?"

Napalingon ako bigla sa kaniya nang bahagya siyang lumapit sa mesa.

"Ha? Bakit mo naitanong?"

"Uhm, nagtataka lang ako kung paano ba ang maging kaibigan mo... bakit parang ang
hirap mapalapit sayo?"

"Hala?"

Medyo natawa siya. "Kakaiba ka talaga."

"Thorin naman...pinagsasabi mo diyan?" Binuksan ko ang ref at kumuha ng canned


juice doon.

"Hirap mong abutin eh."

"Hindi ako mahirap abutin. Akala mo lang yun." Humakbang na ako patungong sala.
Umupo ako sa couch habang umiinom ng juice. Sumunod din siya agad.

Nagulat pa ako nang umupo siya isang dipa mula sa akin.

"Ano?" Tanong niya nang tiningnan ko siya nang kakaiba.

Umiling- iling ako. "Wala." Binalik ko na ang paningin ko sa tv.

"Wala ka bang ibang mapanood kundi basketball?" Tanong ko makalipas ang ilang
segundo. He's watching NBA.

"Why? Ayaw mo ba? Anong gusto mong panoorin?" Inabot niya ang remote.

"Kahit ano." Sabi ko.

"Walang palabas na kahit ano ang title."

"Yeah whatever!"

Natawa siya at pumili ng pwedeng panoorin. Nangingiti-ngiti rin ako dito sa


kinauupuan ko.

Okay ang moment na to ah. He's like someone, far from being my teacher like he's
some ordinary friend of mine.

"Look what we have here." Parehas kaming napatingin sa nagsalita, August and Ate
Laureen na ang lapad ng pagkakangiti sa aming dalawa.

"What?" Tanong ko.

"May bonding kayo ah. Bakit hindi kami nainform?" Ate Laureen obviously teased us.
Alam ko yun sa paraan ng pananalita niya.

"Kailangan ba talaga iinform?" Tanong ko nang pasarkastiko.


Umupo siya sa tabi ko samantalang umupo din si August sa tabi ni Thorin.

"Well, maybe. Malay namin kung ano na palang namamagitan sa inyong dalawa."

"A-anong namamagitan? Excuse me ate, mali ang iniisip mo."

"What? May sinabi ba akong pwedeng mamagitan sa inyo? Wala naman di ba? Tss. Ikaw
yata may ibang iniisip diyan sis eh." Sinabayan pa niya ng mahinang tawa. Kung mag-
usap kaming dalawa parang wala sa tabi namin ang isa. Pero mukha namang walang
pakialam si Thorin dahil tutok na tutok siya sa tv, same with August. They were
watching action movie. Tss. If I know, bukas na bukas ang dalawang tenga niyan.
Nagkukunwari pero nakikinig pala.

"Ewan ko sayo. Ang dami mong sinasabi."

"What?" Humagikhik pa siya. "Sis wag ka na maglihim. Ano nga bang meron sa inyong
dalawa? Bakit magkasama kayong nanonood dito?" And then she looked at Thorin. May
halo pa ring panunukso ang boses niya.

Lumingon na si Thorin at bahagyang ngumiti.

"Ate, we were just watching here."

"Really?"

"Yup."

"Eh? How possible na nagkasundo na kayo? I just can't understand." Mahina na boses
niya ngunit sapat para ako makarinig. Bahagya pang nakalean sa akin si ate.

Hindi na rin ako nagtataka na ganito ang reaction ni ate pagkakita sa amin, never
in her expectation na mangyayari to. At hindi siya nag-iisa dahil maging ako ay
hindi pa rin 100% naniniwala na ganito na kami ka-okay ng kinaiinisan ko noong tao.
It's just hard to believe, base sa mga ipinapakita sa akin ni Thorin ay hindi
kapani-paniwala naman talaga.

"We were now friends."

"Really?" Nanlalaki ang mata at gulat ang reaction niya ngunit nanatili ring maliit
ang boses niya.

Tumango ako. Still looking at tv habang si ate nakaharap sa akin. Nilingon ko ang
dalawa na isang metro ang distansya sa aming dalawa, nag-uusap na rin sila.

"Kailan pa?"

"Kagabi lang."

"Bakit? Paanong nagkaganon?"

"He just approach me to be his friend."

"As in?"

"Uhuh."

"Bakit kaya?"
"Iyon din ipinagtataka ko. Gusto niya daw mapalapit sa akin. So he wants me to be
his friend."

"At paano ka niya napapayag? Kilala kita Lorraine, hindi ka basta basta
nakikipagkaibigan. Tell me, paano?"

"He explained to me his intentions."

"Teacher mo rin siya. I hope you remember that?"

"I know. Ipinaliwanag niya sa aking hindi hadlang ang pagiging teacher niya to make
friends with someone. Naiintindihan ko siya. Ganyan din ang katwiran ko sa
kagustuhan niyang pakikipagkaibigan, na teacher siya, pero ate hindi naman kasal
ang inaalok niya so bakit pa ako tatanggi?"

Ilang segundo siyang hindi sumagot. "Now I got it. He likes to be friend with
you.... Pero, bakit ikaw?"

Nilingon ko siya nang kunot-noo. "Anong bakit ako?"

"Hey." Sabay kaming napalingon, they were both looking at us at si August ang
tumawag.

"Bakit?" Sabay na sagot naman namin ni ate.

"Napag-usapan namin ng kapatid ko. Bakit kaya hindi tayo magkaroon ng outing? Beach
or some place para makapagrelax. Isipin na rin nating celebration para sa kasal
natin, what do you think?" Nakangiti pang proposal ni August.

"Talaga?" Naexcite si ate at tumango na lang ako. Bakit ba tatanggi eh pabor din sa
akin yun, ang huli kong punta sa mga ganoong lugar buhay pa sina mommy, I also want
to relax too. Iyon nga lang ang isiping makakasama ko si Thorin, makes some strange
feeling na paano nga ba yun na makakasama ko siya sa outing.

"So okay sa inyo?" Thorin asked. Nakangiti siya. Ako naman sa tv nakatingin. Side
view ko lang nakita.

"Oo naman! Great! Naku babe bakit hindi ako ang una mong kinausap tungkol diyan? "
kunwaring nagtatampong sabi ni ate.

Natawa si August. "Oh sorry. Bigla lang pumasok sa isip naming dalawa eh."

She rolled her eyes at naghalukipkip. Umaarte na siya ng ganito ah? Tss. Para yun
lang eh.

Hindi na siya pinansin ni August at pinagplanuhan namin ang gagawin at kailan.


Napagkasunduang this weekend mag-outing, sa Puerto Galera ang lugar. Ilang beses na
rin akong nakapunta sa lugar na yun pero gustong gusto kong bumabalik. Malayo man
ang byahe pero kakayanin. Ilang araw na lang at sabi ni August ay siya nang bahala
sa lahat.

Maya-maya rin ay nagpaalam na akong aakyat sa kuwarto ko. "Mauna na ako." Sabi ko
at tumayo.

"Agad?" Tanong ni ate Laureen

"Oo. May gagawin pa akong report. Kailangan ko na din magpahinga."

"Talaga?" Napakunot-noo kong nilingon si Thorin sa tanong niyang yun. He's not
looking at me. Nanonood pa rin siya. Ano na naman bang problema sa pananalita ng
taong to? Kakaiba ang boses niya na parang hindi siya naniniwala. Kanina pa siya
ganyan.

"Oo naman." Sabi ko na lang. Ayokong mag-assume na galit siya o ano dahil baka mali
lang ako. He's acting strange. Ano ba talagang trip niya?!

"Sige sis goodnight na."

"Goodnight." Sabi rin ni August.

Humakbang na ako papuntang hagdan. Nasa unang hakbang na ako nang marinig ko din
siyang mag-goodnight. Napapailing-iling ako sa ginawa niya hanggang makapasok ako
ng kuwarto ko. Hindi maalis sa isip ko ang inaakto nitong Thorin na to eh.
Pakiramdam ko, may mga ibig sabihin siya sa mga actions niya, kung ano man yun ay
masyadong malabo at hindi ko matukoy kung ano. Para itong isang palaisipan sa akin
na ang hirap masolve. Isang puzzle na magulo. Ang hirap. Isa don ang kaninang
sinabi niya. How did he know na hindi pa ako kumain? Is he stalking at me? Pilit
ko ipinagsasawalang bahala ang ilang sinasabi niya pero hindi mawala sa isip ko. He
also said na may plano siya at paano daw ba ang mapalapit sa akin. He is pertaining
something base on his words. And I do not know if I can still be his friend kung
may mga kung ano- anong sinasabi siya. Pero isa lang ang nasisiguro ko, kailangan
kong maging aware sa lahat ng sinasabi niya at gagawin niya.

As I lay down in my bed while looking up at the ceiling, the questions keep rushing
as if they were needed to be answered.

Nagsinungaling din ako sa kanila, hindi totoong may gagawin akong report. It's just
that I want to escape from Thorin's presence. Well maybe that's the other way to
relax myself from school whole day's stress.

Pinikit ko ang mata ko.

I stayed a minute like that and then suddenly I heard someone's footsteps at my
room's terrace.

May tao na naman? Sino? Kinabahan ako. Kaba na baka may masamang taong nakalusot sa
gate at may balak magnakaw o ano. Pathetic but it wasn't imposible to happen.
Sinong magkakamaling umakyat dito sa terrace?

Hinawi ko ang kurtina na tumatabing upang makita ang terrace.

Na naman?!

"Terrace crasher." Sabi ko sa sarili ko.

Nagpasya akong lumabas ng kuwarto ko at harapin si Thorin. He is standing facing


the garden. Kalmado na ang pakiramdam ko dahil siya lang naman pala. Kahit na hindi
ko gusto na narito na naman siya, may magagawa pa ba ako? Mukhang makakaugalian
niya na ang pagakyat-akyat dito.

"Akala ko nanonood pa kayo don? How come nandito ka agad?"

"Hindi ka gumagawa ng report."

"So?"

"You lied." He faced me. His facial expression were different to read.
"Ahh... I'm sorry." Niyakap ko ang sarili ko at humarap din sa garden. Umabot ng
ilang minuto ang pananahimik naming dalawa.

"Bakit nandito ka?" Lakas loob kong tanong.

"Ayaw mo ba?" Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Hindi na yata tama ginagawa mo." Sa halip ay sagot ko. Dapat siguro ay balaan ko
na siya.

"Ayaw mo ba?"

"Oo."

"Sorry... It's just that this is my favorite place whenever I wanted to think.
Magmuni-muni at kapag gusto kong magpahangin. Wala kasi nito sa guest
room...Naaabala ba kita?"

Hindi ako nakasagot agad.

"H-hindi naman sa ganon." Napahugot ako ng malalim na hininga. Siguro ay dapat


masanay na siya na iba na ang environment niya dito. This is now my place. Hindi
niya naman siguro nakakalimutan yun? Hindi ako nang-aangkin pero sana alam niya na
kung paano mag adjust na hindi na ito tulad ng dati.

"Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Magiging mahirap para sa akin na nandito ka.
You're here... I tried to stop my feelings but how come I was enjoying it right
now... Lorraine, I want to be honest...Prangka akong tao, now I wanted to be
straight." Humakbang siya sa akin hanggang halos magdikit na ang katawan naming
dalawa.

Shit! Bakit kinakabahan ako ng ganito?

Binobomba ang kaibuturan ng puso ko. Ano ba mga sinasabi niya?! Gustuhin ko mang
umatras hindi magawang kumilos ng dalawa kong paa. Titig na titig sa akin ang
maiitim at full of expression niyang mata. Napakaseryoso niya pero hindi
nakakatakot, para akong hinuhuli at kinukulong ng mga titig niya. I really don't
know what to do! Bago lahat sa pakiramdam ko. At higit sa lahat nakakagulat ang mga
nangyayari at nahihirapan akong iprocess iyon sa utak ko!

"A-ano bang sinasabi mo?" Bahagya pang pumiyok ang boses ko at halata ang
panginginig nito. Oh my God. Ano ba to?!

"I asked how to be close to you. Nahihirapan akong umakto nang simpleng kaibigan mo
lang ako. Funny but I think ayoko nang makipagkaibigan sayo."

Ano?!

Anong ibig niyang sabihing ayaw niya na akong maging kaibigan?

"A-ayaw m-mo? Then why a-are you? Ano pang ginagawa mo dito?"

"Isang araw pa lang na maging kaibigan mo ay parang ang hirap itago ng totoong
nararamdaman ko. Ayoko nang magpanggap na iyon lang ang gusto ko dahil ayaw sumang-
ayon nito." Tinuro niya pa ang dibdib na kinalalagyan ng kaniyang puso. "Ayoko nang
mag-aksaya ng panahon, ang maging kaibigan mo sa panahong tila sasabog na ang puso
ko, napakahirap i-handle. Kaya tutuldukan ko na agad ang maging kaibigan ka
Lorraine. I want this feeling to be expressed. Napakahabang panahon ko nang
pinipigil to, ngayong napalapit ka na sa akin ay parang lobong pumutok na ito dahil
sa pressure nito. Kapag pinigil ko pa to ngayon ay baka lalo akong mabaliw."

"What are you saying? H-hindi kita maintindihan."

"You don't have to understand. You just need to listen... Lorraine, una pa lang
kita makita nakuha mo na ang puso ko." He touched my face.

God.

"Matagal na kitang kilala."

"A-ano?"

"Ako ang unang nakakilala sa inyong magkapatid. August doesn't know about Laureen
and you until I introduced you and Laureen to him. Kasama ko siya nang nakita ko
kayo sa isang botique sa mall. Una pa lang alam niya nang may hinahanggan akong
babae, tinuro kita sa kaniya. That's when he noticed and fell in love at first
sight at your sister. Doon na siya nagsimulang magpakilala at manligaw sa ate mo.
Matagal namin kayong sinubaybayan, lalo na ako. Nag-aaral ka pa noon ng highschool
nang makita kita sa tapat ng school niyo, I was passing by riding my car, naagaw ng
atensiyon ko ang isang batang nadulas sa basang daan dahil maulan. Simula noon
hindi na ako natahimik. Lagi na kitang inaabangan. Lagi na akong nakaabang tuwing
uuwi ka, lagi na rin kitang sinusundan noon kapag free ako."

Napasinghap ako ng sobra sa rebelasyon niya. What on earth is the fuck is that?!!
May stalker na ako noon pa man?! Bakit hindi ko napapansin? Or should I say admirer
because he doesn't deserve to be called like that dahil masyado siyang gwapo.
Naaalala ko nga ang isang gabing maulan, mag-isa lang akong naglalakad sa tapat ng
school, may payong ako at naghihintay na lang nang sundo nang madulas ako. May
ilang nakakita sa akin at tinawanan lang ako, nabasa ang uniform ko ngunit wala man
lang tumulong. I didn't know na ang tinuturing kong most embarassing moment ay may
isang taong nakapansin sa akin noon. And I still can't believe what I'm hearing
right now. This is unbelievable!

"From that moment I know you are the one. Noon, hindi ako naniniwalang mayroong
love at first sight. Akala ko kalokohan lang yun, na gawa gawa lang yun... but when
my eyes layed on you... I saw you walking towards me at the church. Ganon kalala
ang naramdaman ko nang moment na yun. Would you believe? Hindi ko akalain na
mangyayari sa simpleng buhay ko ang gabi na yun. Sinubukan kong pigilan pero habang
tumatagal palala iyon nang palala. Hanggang ngayon nagpipigil pa rin ako nang
nagpipigil pero sa kakapigil yata umabot na sa puntong ikamamatay ko kung hindi ko
pa sasabihin sayo ito ngayon. I know nabibigla ka, hindi ka makapaniwala...but this
is the truth. I love you Lorraine. Maniwala ka man sa hindi, totoo ito."

I can't say anything. This is damn surprising! Mataman lang akong nakatitig sa
mukha niya habang nagsasalita, pilit nilulunok sa sistema ko ang mga sinasabi niya.

"Lorraine..." he held my hand. "Hindi ko hinihiling na may sasabihin ka because I


know this is too surprising to bear. But believe me, I am dead serious. Matagal ko
tong kinimkim, kaya ayokong tumira ka dito dahil alam kong sasabog na ako pero
sadya sigurong nakatakdang mangyari na dito ka tumira. God knows how hard I keep
it. Lalo na't high school ka pa noon at teacher na ako. Pinigilan ko hanggang sa
maaabot ng makakaya ko. Years passed until I learned about your relationship with
someone, a teacher.. Lorraine muntik na akong mabaliw noon, teacher din
nakarelasyon mo. Sa kabila nang pagpipigil ko, naunahan pa pala ako ng lintik? Damn
it!!"

Umatras siya at puno ng frustration ang mukha niya. Nagtatagis pa ang bagang niya,
I know wrong timing ito pero pakiramdam ko nakita ko ang pagtagis ng bagang ni
Channing Tatum sa paggalaw-galaw ng panga niya.

"You knew about that?" Natanong ko na lang.

"Yeah. Ngunit kasabay din noon ang pagkamatay ng parents mo so I decided na huwag
ko na lang ipaalam sayo. I keep it. Itinago ko nang itinago. Idinaan ko sa
pagtuturo lahat ng frustrations ko, naging ruthless ako dahil hindi ko rin
mapatawad ang sarili ko sa pagiging duwag ko noon. Now I want to make things right.
Wala na akong pakialam kung teacher man ako o studyante ka. This waiting deserves a
goddamn fight!!!"

Holy cow!

.....................

A/N: Pak!! Yan ang rebelasyon! Nabigla po kayo? Diyan na po magsisimula si Thorin.
Kyaah! Ang ganda. Comment and vote please! Utang na loob! ^____^
Sorry po maiksi.
So long, ito na.

....

Revelations like this is so hard to swallow and be processed into someone's brain.
Tulad nang nangyayaring ito ngayon sa akin. Ang hirap lunukin sa sistema ko ang mga
sinasabi ni Thorin. How would you react kapag may umamin sayo ng undying love and
eternal? Syempre speechless ka! Sa sobrang pagkaspeechless ko halos wala na akong
puwersa para ibuka pa ang bibig ko. This is so unbelievable! Never in my entire
dreams na may ganitong feelings pala si Thorin sa akin. As in....wow!! Nakakagulat!

Matagal akong napatulala sa nakabibiglang sinabi niya. Bahagyang nakanganga at


nanlalaking mata ko siyang tiningnan sa loob ng segundo. Bakas na bakas din ang
paghihirap sa guwapong mukha niya. Am I dreaming? Please wake me up.

"Lorraine..." untag niya.

Ilang sengundo pa bago ako nakahuma. "I- I don't know what to s-say."

He sighed heavily.

"Hindi ka makapaniwala."

"And you're expecting me not?"

"Look....I didn't say you have to answer. Nahihirapan na kasi akong itago. Ang
akala ko kaya kong itago, ang akala ko kaya kong hayaan na lang na hindi mo alam.
Litong-lito rin ako kung ipagtatapat ko pa ba to sayo, ewan ko kung bakit hindi ko
kaya. L-lalo na ngayon, na bumalik siya at malapit pa s-sayo." He looked away and
sighed again.

"A- anong ibig mong sabihin? Sinong bumalik?"

"It's in you to find out."

"Seriously?"

Tiningnan niya muli ako, this time he come closer and touched my cheek. Feeling ko
uminit ang mukha ko kaya mabilis din akong umiwas at itinagilid ang ulo.
"Lorraine..."

Hindi ako sumagot.

"I am sorry.... I'm so sorry for admitting it to you right now. Nasasaktan akong
parang ayaw mo maniwala. But I am not sorry for loving you, for feeling this
feeling towards you. I am so happy na ikaw yung babaeng minahal ko, minamahal ko at
mamahalin ko habang buhay. Zero regrets. Just so you know, I love you. I love you-"
pinutol ko siya.

"T-tama na." I stepped back.

Hindi ko na kayang iproseso sa utak ko ang nangyayari. Pakiramdam ko mas lalo akong
nakaramdam ng pagod. Hinihingal ako sa mga nangyayari. Nagulat siya sa inasta ko.

"Why?"

"Tama na."

"Bakit?" Langya tinagalog pa.

"Nabibigla ako... please, dahan- dahan naman."

"Pero ito ang totoo-"

"I don't care kung iyan ang tototo. True or a lie it doesn't matter to me. Please
wag mo nang dagdagan."

Natigilan siya.

"A-ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi mo." Tiningnan ko siyang mabuti. "In the
first place Thorin, bakit ako? Bakit ako ang napili mo? Hindi ko maiwasang
magtanong sa mga sinabi mo eh. How could you say you love me nang hindi ako
lubusang nakikilala? Mahal mo agad ako? Do you think ganon kadali sa akin na
paniwalaan ang mga sinasabi mo?"

"Alam kong itatanong mo din iyan. But, is loving someone needs a reason? Di ba
hindi?"

"Alam ko. Pero napakaimposible. Just...how?!"

"Maging ako hindi rin alam kung paanong nagkaganon! Una hindi rin ako makapaniwala
nang masagot ang mga tanong ko kung bakit bigla akong nagkaganon after ng gabing
makita kita. Hindi na ako natahimik na para kang isang multo na lagi akong
dinadalaw maging sa pagtulog ko. Every time I close my eyes, your face is always
appearing. Hinahanap-hanap kita noon na para ka ding isang drugs, somehow I asked
myself, why am I going crazy like this to someone, lalo na't isa pang high school
student. Pero hinayaan ko na lang ang sarili ko, parang laging may urge sa akin na
hanapin ka para makita. Nabaliw na yata ako noon, mabuti na lang natutunan kong
kontrolin kung hindi baka una pa lang umamin na din ako sayo."

Hindi ako nakaimik.

"I love you. Sabi ng kaibigan ko, when you love someone with no any reasons...
huwag mo nang pakawalan. Doon ko narealize, hindi ko rin alam kung bakit kita mahal
so I said to myself, hindi ko na to pakakawalan. I just need perfect timing,
hihintayin kong makapagtapos ka ng pag- aaral... Pero... he's back. Nathreaten ako,
maybe yun din ang naging motivation ko para umamin sayo ngayon. I am afraid that
you may love him again..."

"S-sino?"

"Owen... he's back. Malapit sayo, pero hindi na ako makakapayag sa pagkakataon na
ito."

"I know.. He's back."

"Yeah... I saw you two a week ago."

"A-anong sinabi mo?"

"Nakita ko kayong nag-usap. Nakasunod ako noon sayo nang makita kong nagkita kayo."
Suddenly his face turned sad.

Nakakabigla din ang mga pinapakita niyang expression. Ramdam na ramdam ko ang
nararamdaman niya.

"Parking lot argument? Nandoon rin ako sa malapit. Dinig ko ang usapan niyo."

Napasinghap ako. Oh shit. All this time? Oh my God. Sumasakit na ulo ko!

"All along, Thorin? You were there?!"

"Yes! Fuck but it's true. I heard everything! Ngali-ngali ko na siyang lapitan sa
sobrang kapal ng mukha niya! Kuyom ang kamao akong nagpigil, ganoon ako kalalang
nagtimpi!"

"Shit." I uttered. Napapikit ako nang mariin. This can't be true!

"And now he's back. Ang kapal ng mukha niyang lumapit pa sayo matapos ka niyang
iwan. Anong akala niya sa sarili niya? Martir? Martilyuhin ko na lang ang mukha
niya para numipis."

"Hindi ikaw ang Thorin na kilala ko. You can't say that."

"Yes I can! Because he is now at your school! Never he will come close to you at
baka kung ano gawin ko sa kaniya!"

"Seryoso ka? Ano bang sinasabi mo?"

Lumapit siyang muli sa akin at niyuko ako. Ang akala ko hahalikan niya ako sa labi
pero he just kissed my forehead, hinawakan niya ang magkabilang braso ko matapos
yun. Nabigla ako sa ginawa niya, ngunit mas nabigla ako sa naging reaction ng puso
ko. Tumalon yata ito mula sa puwesto nito. God, anong nangyayari sa akin?

"Kaya kong gawin ang kahit ano para sayo. I am ready to mark what's mine. Hindi ako
makakapayag na makawala ka sa pagmamahal ko sa pagkakataon na to. Kaya ngayon,
tandaan mo ito Lorraine. I don't care if I am a teacher. I love being a teacher, no
doubt about that. But I love you more than anything else and I am very willing to
prove myself to you hanggang matutunan mo akong mahalin."

Hindi na naman ako nakasagot kaya niyakap niya ako. Napapikit ako at ninamnam ang
mabango niyang katawan. Sa ngayon, natutuwa ako na mahal niya pala ako. Mali, mahal
na mahal niya pala ako. Lahat ng encounter namin simula nang makilala ko siya,
nagflash back lahat sa akin. The way he looks at me , kakaiba, maging ang
conclusions ng mga kaibigan ko noon bumalik din lahat sa akin. Kung bakit
ngumingiti siya pagdating sa akin, ang pasimpleng paglapit niya noong naghihintay
ako sa tapat ng school at ang ibang binitiwan niyang salita. Ito kaya ang sinasabi
niyang balak? Ang balak na umamin at mapalapit sa akin? Somehow, I am flattered na
ako ang suwerteng babaeng napili niya na mahalin ng ganito kasobra. Walang duda na
totoo lahat ng sinabi niya, the way he speaks, the way he looks at me, the way he
touches me, the way his heart speaks to me...napakamanhid ko na kung hindi ko pa
mararamdaman lahat ng ipinaparating niya. Ngunit mali na pumayag akong
makipagrelasyon sa kaniya, mali lalo na kung malalaman ng ibang tao. I want this
all to take time. Alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa. Lalo na't nag-aaral pa
ako. Nasa iisang bahay rin kami.

Kumalas ako sa yakap niya at tiningala siya.

Ngumiti siya. " You know what? I am very happy. Sa wakas nasabi ko rin sayo. Parang
nawalan na ng kadena ang puso ko na nakulong sa mahabang panahon."

I just smiled at him. Natatakot ako sa puwedeng mangyari sa mga susunod.

"You okay?"

"Yeah. M-medyo sumakit lang ulo ko."

"Masyado ko bang pinasakit ang ulo mo?"

"No. Kaya ko pa naman."

"Maybe you should rest. May pasok ka pa bukas. On friday night you need to get
ready. Maaga tayong aalis para sa outing."

"Oo nga pala. Yeah... papahinga na ako."

"Sige. Pasok ka na." Hinalikan niya ako muli sa noo. So sweet gesture, gusto ko ang
ginagawa niya. Napangiti ako.

Nagpaalam na ako habang nakatayo siya paharap sa akin. Tumalikod na ako, ngunit may
bigla akong naalalang sabihin.

Humarap muli ako at bakas sa mukha ko kung sasabihin ko ba. Hayst. Bahala na nga.

"Thorin,"

"Uhm?"

"Tatanungin ko lang s-sana."

"Go on. Ano yon?"

"U-uhh.... may balak ka bang ligawan ako?" Napapikit ako bigla at tumalikod. Mali!
Bakit ko ba nasabi yun? Hindi ko na nakita ang reaksyon ng mukha niya kaya hindi ko
alam kung ano nga ba. Oh my god nakakahiya!

Humakbang na ako ngunit naramdaman ko na lang na niyakap niya ako mula sa likod.
Ramdam ko ang mainit na paghinga niya sa kanang tainga ko.

"Hindi kita liligawan para maging girlfriend ko. Alam kong hindi pa ito ang tamang
panahon para doon. Pero simula ngayon, araw araw kong ipaparamdam sayo na hindi
lang basta bastang pagmamahal itong nararamdaman ko. I want every moment to be
spend with you without any pressure. Malaya ka malaya ako. Pero kapag dumating na
ang tamang panahon, I want you to be my wife....sige magpahinga ka na. Baka lalong
sumakit ang ulo mo sa nag-uumapaw na pag-ibig ko." Sinabayan niya pa nang mahinang
tawa bago ako pinakawalan at pinagbuksan ng pinto ng kuwarto ko.

Ngumiti lang ako nang tipid at nagpaalam. Maybe I'm just tired kaya hindi ko na
nagawang sumagot. Bago ko tuluyang isara ang pinto, sumulyap muna ako sa kanya ng
huling beses.

He just wave at yun na rin ang naging signal ko para isara ang pinto. Napasandal
ako sa likod ng pinto, I sighed. Ain't this wrong?

Sinubukan kong timbangin ang mga nangyari minutes ago sa isip ko. How could be that
possible? I'm startled. Hindi ko talaga mapaniwalaan ang mga ipinagtapat ni Thorin
kanina. He loves me. He's loving me and he's willing to prove that to me. Shit
sumasakit talaga ang ulo ko. Nahihirapan ako. At the same time...natatakot ako. Ito
na naman. Sa pangalawang pagkakataon may isang tao na naman at hindi lang basta tao
kundi teacher na naman. Puro na naman! Dahil may nagmahal na naman! I hate it.
Bakit kailangan pang may magkagusto sa aking malaki ang agwat ng edad sa akin at
mismong professor ko pa? Wala na bang naaakit na iba dahil puro sila na lang? Ang
lupit naman talaga. Isa ring ikinatatakot ko ay ang posibilidad na magustuhan ko
siya. Lalo na't alam kong hindi siya mahirap mahalin. Alam kong may konti na akong
nararamdaman sa kanya. Ano bang dapat kong gawin? Umiwas? O tanggapin ang pag-ibig
na inaalok niya? He is hard to resist. Mukhang mahihirapan talaga ako ng sobra.
Ugh!

Dumiretso na ako sa higaan ko at pabagsak muling humiga. Nakatutok na naman ako sa


kisame tulad ng ginagawa ko kanina. Hinilot ko ang sintido ko. Hayst.

Dapat siguro panindigan ko ang paniniwala ko dati na huwag na magmahal pa ng isang


tulad ni Owen. Puro pasakit lang ang makukuha ko dahil isang teacher si Thorin. Ang
pagkakaiba lang nilang dalawa, si Owen ay hindi ganoon kaexpressive ng kanyang
nararamdaman, unlike Thorin, ramdam ko nang sobra ang pagmamahal niya. I still
can't believe also that he loved me since at first sight. I thought it only happens
in fairytale, na isa itong myth kesa reality. Nakapagtataka ang mga ganoong
incidents. How could they know? Paano nagkakaroon ng pag-ibig sa unang tingin?
Hindi ba parang napakaimposible? Kung hindi ako makapaniwalang mahal niya pala ako,
mas mahirap para sa aking maniwala na naramdaman niya na iyon unang beses niya pa
lang ako makita. It took him years with that feeling, hindi ba parang ang sakit
naman noon? Somehow napahanga ako sa tapang niyang hindi aminin iyon sa akin sa
loob ng mga panahon na yon. Hindi talaga kapanipaniwala. Pero ano nga bang magagawa
ko? He loves me. And I might be falling for him. Anong gagawin ko? Gulong-gulo ako!

Iiwasan ko ba siya? Pero kapag umiwas ako it is more painful para sa part niya.
Gusto kong umiwas dahil nakakatakot nga. Normally ganyan naman talaga ang initial
reaction ng tao di ba? When we loved someone and they have hurted us, on the second
time matatakot na tayong magmahal at mahalin ulit dahil nangangamba tayong masaktan
muli. And I'm so afraid to the point na parang gusto ko na nga lang talagang
umiwas. Lumayo at huwag pansinin si Thorin. Pero paano naman kung masaktan ko siya
sa gagawin ko? Oh God! Guilt suddenly rushed over me.

Napailing-iling ako at pumikit. It took an hour bago natahimik ang isip ko. Paikot-
ikot na ako sa higaan ko dahil sa kakaisip, uminom ako ng gamot pampawala ng sakit
ng ulo, pero hindi pa rin natahimik ang isip ko. Then I decided, why don't just
give him a chance? Sige. After all, siya ang maghihirap at hindi ako. Hindi ako ang
agrabiyado kapag nagkataon dahil student lang naman ako. Siya ang mapapahiya dahil
siya ang nasa profession... tama nga ba naisip ko? Oh my! Bahala na nga!

....

"Good morning." Bati ni ate when I entered the kitchen. It's morning and I need to
go to school kaya maaaga pa ako nagising kahit halos hating gabi na ako nakatulog
kagabi.

I nodded and greet her also. Si ate lang ang nandito habang nagcocofee. Bakit kaya
wala din ang magkapatid dito? Pumasok na kaya ng ganito kaaga? Hindi ko hinahanap
si Thorin ah. Curious lang ako kung nasaan. Tss.

Umupo na ako sa katabi niyang upuan.

"Where's your husband?" I asked simply.

"Tulog pa. Napuyat kagabi." Pilyang ngumiti si ate. Oh I know.

"Wala ba siyang pasok?"

"Meron. I don't know kung anong oras bahala na siya malaki na siya. Ihahatid na
lang kita."

"Okay." Hinanda ko na ang pagkain ko. Si manang lourdes naman hindi ko rin alam
kung nasaan wala akong masayadong nakitang katulong iyon ay siguro dahil maaga pa.

"Morning!" Sabay kaming napalingon ni ate kay Thorin nang pumasok siya. Well? My
heart just pounded again. May sira na ata ako! Biglang nagkakaganito. Hindi kaya
nagulat lang ako? Ugh.

"Morning." Bati ni ate at ngumiti. Bahagya na lang din akong ngumiti nang nagtama
ang mata naming dalawa. Heck?! Ngumiti ba naman ng pagkalapad-lapad?!

Umupo din siya sa tabi kong upuan. Yeah right, It's just so awkward morning for me.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng fried rice at bacon and egg sa plato ko. May gatas
ba sa tabi nito, mabuti na ang maingat sa kalusugan para hindi nagkakasakit.

Napansin kobg bihis na rin siya at ready na pumasok. Maaga talaga siya lagi.

"Where's August?" Tanong niya kay ate Laureen na nagbabasa naman ng newspaper.

"Snoring while sleeping"

"Tsk. Ngayon lang nahuli nang gising yun ah."

"Nope. Lagi naman ganon yun kung hindi ko pa ginigising. Let him kailangan niya ng
rest from last night."

"Ate .." saway ko. Ate ko hindi na nahiya!

She chuckled. "What? Yang si Thorin? Alam na alam niya na yan."

Huh? Napairap ako nang marealize. Oo nga pala, lalaki siya. He's more open to this
some kind of stuff. Hay naku.

Tatawa-tawa rin ang isa habang nakatingin sa akin. "Hindi masyado."

"Sus kunwari ka pa. If I know... nakailang girlfriends ka na pala?"

Naging interesado ako bigla sa tanong na yun kaya hindi ko napansing natigil pala
ako sa pagsubo.

Takang tumingin sa akin si Thorin ngunit sinabayan din ng ngisi at sumagot.

"If girlfriend, wala pa. Half of my life iisang babae lang nakakuha ng atensyon
ko."

Ugh. Shit I know that's me. Base na rin sa kakaibang tingin nitong Thorin na to sa
akin alam ko na na sadyang pinariringgan niya ako sa statement na yun. But did I
believe him? No. That was imposible. Sa itsura niyang yan? Tanga na maniwala. He
can't be. Inirapan ko lang at saka ko itinuloy ang pagkain.

"Really?" Sabi ni ate nang namamangha. Tuluyan niyang itinigil ang pagbabasa ng
diyaryo. Tumango tango pa ang isa at ngumiti na naman. Hindi ako naniniwala,
tigilan mo na yang kakatingin mo at masasapak kita. Ugh.

"Lorraine..." inangat ko ang paningin ko at tiningnan siya. Ano na naman?

"Huh?"

"Sumabay ka na sa akin."

"A-ano? Hindi puwede."

"Bakit?"

"Ihahatid na ako ni ate."

"Talaga?! Oh sige sumabay ka na kay Thorin Lorraine. Great baka kasi malate pa ako
eh kailangang-kailangan ko nang makarating sa opisina ngayon."

Napasimangot ako. Ah talaga ate? Eh bakit ang bagal mong mag-almusal kung
nagmamadali ka? Kainis ha.

"Yup sabay ka na. After all same school naman tayo. Maybe you should ride with me
everytime para hindi na naaabala ate mo."

"I agree! Sige na you can ride to his car. Bawas abala na rin yun."

"So abala ako ganon?" Adik tong ate ko. Sa tagal niya nang ginagawa yan ngayon pa
siya nagreklamo? God. If I know may ibang motibo yan eh!

"Hindi naman. Hehe. Just being realistic. Ayan na oh may kasabay ka na lagi. Dapat
pala since we lived here sumasabay ka na sa kanya."

"Ayoko nga."

"Anong ayaw?!" He smiled at Thorin. "Thank you Thorin."

"Walang anuman." Ngumiti din siya.

"Pumayag na ba ako at nagpapasalamat ka ate?"

"Bakit , hindi ka ba papayag? Well you can commute. Hindi na kita ihahatid simula
ngayon."

"What? Why don't just give me a car?"

"No you can't have one sis. Not when you are still studying. Don't worry sis on the
day of your graduation that will be my special gift for you."

Hindi talaga ako manalo-nalo sa ate ko na to so I just shut my mouth. This is


bullshit. Paano na ako nito? Araw araw bago pumasok makakasabay ko si Thorin? To
think na may katagalan din ang byahe mula dito hanggang school. Argh! Thorin just
started and he just made my shitty day! To hell with his car!

"Hey." Untag niya sa akin nang nasa byahe na kami. Natuloy ang sabay na tayo
strategy niya. Nakacross arms lang ako dito sa passenger seat at nakabusangot. Im
not in a good mood. Naiinis ako sa ate kong wala pang isang segundong pumayag sa
set-up na to. Ugh ugh ugh!

"Hey." Ulit niya. I heard it but I'm not in the mood.

"Are you mad?"

Nilingon ko siya. Nakatigil ang sasakyan dahil nakared light kaya mataman naman
siyang nakatingin sa akin.

"Mad? Bakit naman ako magagalit?"

"Hindi ko alam sayo."

"Hindi ko rin alam sa sarili ko. Just drive okay?"

"I can't."

"At bakit?"

"Because...red light?" He smirked. Pisti na yan! Oo nga pala. Ngali-ngali kong


pukpukin ang ulo ko.

"Whatever."

"About, last night... I'm serious about that. Kung ayaw mo na isasabay kita araw
araw, well wala kang choice. Ako na ang kasabay mo everyday you'll go to school."

"Hindi araw araw maaga ang pasok ko."

"Hindi yan ang pagkaka-alam ko. Your schedule is regular. Monitored ko na yun kaya
wag mo na itanggi." Nag-green light na kaya pinaandar niya na ang sasakyan.
Napagpatuloy siya habang sa daan ang buong atensyon. "Masanay ka na Lorraine. I
have just started my plan."

"The heck? Plan? Ano ba yang sinasabi mo? Kung may pinaplano kang masama wag mo na
ituloy."

"Don't worry. It is just about you falling for me."

"I won't fall."

"Huwag ka magsalita ng patapos."

"Alam ko ang nararamadam ko."

"Kapag nahulog ka sana alam mo pa din nararamdaman mo."

Napanganga ako. Is he trying to test me? Heck. Hindi ako mahuhulog! Kakapit ako!

"Kakapit ako." I voiced out nang makahuma.

"Really?" Tiningnan niya ako ng amused. "Well, I will pull you."

"I will kick you."


He laughed. Oo halakhak. Pinagtatawanan niya talaga ako? Tama ang sinabi ko. Hindi
ko hahayaan na mahulog ako. Pasensya siya.

"Okay, you will kick me so that when you fall I am there to catch you. But...I will
make sure that you will come after me."

"Yeah right. Enough of your...err.. whatever. Isa lang ang hiling ko, wag mong
ipapaalam kahit kanino to. And when we got school don't ever come near me. Mauuna
akong maglalakad. Mahuli ka." Minanduhan ko na at baka mapahamak pa.

"Yeah princess."

"Tss."

He laughed again. Tawa nang tawa. What the heck? Hindi ko na lang siya pinansin at
nanahimik na lang ako sa upuan ko until nakarating kami nang school. Mabilisan kong
tinanggal ang seatbelt ko at nagtangkang buksan ang pinto nang pinigil niya ako sa
braso.

"Ano?!" Pasinghal kong sabi. Ewan ko ba. It's like I forgot that he is somehow my
professor at nakatatanda sa akin, naiinis lang talaga ako na siya ang kasabay kong
pumasok. Plus si ate pa, doble ang inis ko sa umaga.

Inabot ng kanang kamay niya ang pinto ng kotse sa side ko. Shit. He's so near at
amoy na amoy ko ang mabangong amoy ng damit niya, plus the smell of his shower gel
from his hair. Ang bango. Temptation get away from me!

Nagulantang pa ako ng tumingin siya sa mata ko at mabilis ding bumalik sa dating


posisyon. I'm dead! Nahuli niya kasi akong pasimpleng sinisinghot siya. Oh god
gross term! Mabilis kong binuksan ang pinto at dali-daling lumabas na parang may
multo sa loob.

Holy cow! Habol hininga ako nang makaalis ang sinasakyan niya, binaba niya lang ako
sa tapat ng entrance saka dumiretso sa parking ng school.

Pigil na pigil pala ang hininga ko kanina! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Then
realization hit me. He is more handsome when he is that closer. Grabe! Unang beses
yun na mapalapit ako sa kanya ng ganon. Napapapikit ako sa kilig. Geez! Normal girl
lang naman ako di ba? Hindi masamang humanga di ba? Ugh! Crush ko na siya, crush
lang. Crush!

Thank you sa mga nagtatiyagang basahin ang story ko. God bless you. ^.^
Ito na po.

....

"I'm walking on sunshine! Ohhh... ohhh!" Heck! Muntik na akong atakehin sa gulat.
Nilingon ko si Carol na tatawa tawa pang kumakanta.

"God. Carol naman."

"I'm sorry girl. What's up? Parang wala ka sa sarili mo pangiti-ngiti ka pa."
Nagtuloy ako sa paglalakad kasabay siya. Nangingiti nga ba ako mag-isa kanina? Jeez
nakakahiya. Si Thorin kasi eh!

"Wala naman." Patay malisya kong sagot. Kapag nagkataong nakita niya kung sino ang
naghatid sa akin kanina baka magwala ito. Alam na alam ko ang pwersang nasasagap
nito kapag si Thorin ang usapan eh.

"Hmp. In-love ka no?"

"What? Anong in-love? Hindi ah."

"Sus. Hindi ka ngingiti ng ganon kapag hindi ka in-love."

Tsk. In-love agad? Hindi ba puwedeng in-crush muna?

"Wala yun. Huwag mo nang pansinin."

"Okay. Sabi mo eh." Hay salamat, nawala din ang atensyon tunkol doon. Nang paakyat
na kami saktong nakasabay na rin namin si Sheen. Hinabol niya pala kami nang makita
kami papaakyat ng hagdan kaya medyo hiningal hingal pa siya.

Sabay na kaming pumasok sa classroom. Hindi ko mapigilang mapaisip, paano ang


second subject? Ugh. Hindi ko alam kung ano ba dapat isipin at ikilos ko dahil
tuwing makikita ko siyang nagtuturo, naiilang ako. Hindi lang basta naiilang kundi
ilang na ilang. How would you react if the one who's teaching in front of you is
also the one who's admitting he's in love with you? Hindi ba parang, awkward? Oh
jeez bahala na nga! Hindi ko na lang siguro siya titingnan sa mata hanggang
makakaya ko.

"He's so handsome." Ani Carol habang halos nagdedaydream ang itsura habang
nakatingin sa bago naming classmate na si Richmond. God. Ang showy niya talaga!

"Stop that." Saway naman ni Sheen. Pareparehas kaming magkakatabi ng upuan habang
naghihintay ng first subject. Late na naman kasi kaya todo huthutan na naman ang
mga classmate namin.

"What? Palibhasa friend hindi ka marunong makaappreciate ng ganyan kagwapong


nilalang."

"Anong mapapala ko kung hahangaan ko sila? Hindi ako humahanga sa kaniya."

"Okay. So let me. Huwag kang bitter."

"Hindi ako bitter. Hindi lang talaga ako natutuwa sa mukha niya. Para siyang tuod,
laging walang expression at nakakunot ang noo. Tingin niya cool siya sa ginagawa
niya. Nakakairita lang."

Natawa naman ako. Harsh talaga!

"Medyo masakit yan ah." Opinyon ko.

"Hay naku! Lesbian kasi kaya ang gusto kapwa niya babae. Hmp...! Huwag kang
ganyan."

"Ah basta. Hindi ko siya gusto."

Parepareho kaming nakatingin kay Richmond na ngayon ay bahagyang nakatungo at


crossarms, palagay ko ay tulog. Wish ko lang na hindi niya naririnig ang mga
pinagsasasabi nitong mga katabi ko. Hindi rin mawala sa isip ko ang nangyari
kahapon sa library, he's so rude kaya hindi ko rin gusto ang karakas niya. Somehow
sang-ayon ako kay Sheen, he thinks to himself na cool siya, nasabi ko yun dahil
parang iyon ang pinapakita niya. Parang may kasamang yabang ang aura niya, mas lalo
pa nung sininghalan niya ako kahapon. I don't like his guts.

"Good morning class." And then we proceed to class when our prof entered the room.
Nababahala ako habang tumatakbo ang oras kaya hindi na naman ako mapakali sa upuan
ko. Nagtataka rin ako kung masungit na naman bang papasok si Thorin kapag klase
niya...

Hanggang umabot ang second period. Great. This is the moment. Grabe kanta lang.

Minutes passed hanggang nag-announce na naman ang taga sigaw na nandiyan na si


Thorin. Kumalabog ang puso ko. Wth? Magkasama naman kami kaninang umaga pero bakit
ganito na naman ako makareact? Iuntog ko na kaya ulo ko dito sa katabi kong pader?
Kung ano ano na nararamdaman ko!

"Good morning class." Napanganga ako bigla nang biglang pagsulpot niya sa pinto,
nakangiti!

Nasaniban na naman po siya!

"Good morning sir." Bati nilang lahat. Nila dahil hindi ako kasali. Nagugulat lang
talaga ako. Heck!

"How's your morning?"

Nagtataka man sumagot din ang mga classmate ko. "Okay naman po sir."

Nilingon ko sina Carol at ayun, kandapunit na naman ang labi kakangiti. Napailing-
iling na lang ako sa isip ko. Hindi na yata talaga siya magbabago.

Binalik ko ang tingin kay Thorin at saka ko lang napansin na sa akin pala siya
nakatingin. Medyo uminit ang mukha ko at yumuko, pasimpleng nagsulat kunwari. Shit.
He just showed to my classmates yung mga ganong tingin. Nababaliw na ba siya?!
Paano kung may iba na naman silang mapansin? Lalo na si Carol na sa sobrang tutok
na tutok sa mukha ng professor namin, kahit kaliit-liitang expression sa mukha nito
mapapansin niya talaga. Uusigin na naman ako nito panigurado!

"Well, as for today..." aniya na pinabitin ang sinasabi habang naglalakad,


pinuntahan niya si Richmond na ayun at nakatungo pala. Hindi ba kanina pa siyang
ganyan? Bakit hindi man lang nagbago ang posisyon niya kaninang nagklase din kami?
Hindi man lang pinansin ni maam kanina.

"Hoy." He said. Tinapik niya nang mahina si Richmond. "Sleeping handsome. Did you
know what time is it?" Medyo bad aura na siya hindi tulad kanina, maybe because of
this antukin guy. Tsk. Okay na sana ang mood eh napalitan tuloy. Sigurado din akong
nanghinayang ang mga classmates ko, okay na sana nagbago pa. Hindi na ako magtataka
kung may ibang sinisisi na si Richmond ngayon.

Nagulat na naman siya na may nanggising sa kaniya tulad nang reaksyon niya sa akin
kahapon. Palingon-lingon na parang may kung ano.

"Oh gising ka na?"

"U-uhh." Tanging sagot niya. Tssk. Tulog pa kasi! Masaya yan.

"Anong oras na?" Tanong ni Thorin.


"I don't know."

Napamulagat ako. And now he's acting rude again! Ano bang klaseng lalaking to,
teacher kaya kausap niya!

"You don't know because your asleep!" He shouted. Uminit na talaga ang ulo. Mga
kaklase ko napapatungo na lang eh. Natahimik din naman si Richmond at hindi na
sumagot. Tama ginawa mo. Pinainit mo ang ulo. Ang buong akala ko magiging good mood
na talaga buong oras niya pero mukhang hindi niya rin kinayang magpakabait.

"I'm sorry.... sir." Napahaba pa bago magsabi ng sir. Tsk. Sigurado akong hindi
siya sincere sa sinabi niya.

"You should be. Hindi ko itotolerate yang mga kalokohan mo porke kilala kita....by
the way class," ibinaling niya ang tingin niya sa amin at bumalik sa table niya.
"We have no class today."

"Yeheeeeyyy!!!" Napatakip ako agad ng tenga dahil sa malakas na sigaw ng mga


kaklase ko. Ugh!!! Why did you need to shout?!!

And then it struck me.. Ano??? Tama ba ako ng dinig ko?

"Quite!!" Ay? Natahimik bigla?

"Shout o babawiin ko?" Sumeryoso siya ulit pero alam kong natatawa tawa din siya
dahil nga sa isang sigaw niya parang biglang may dumaang anghel.

"Hindi na po." Sagot ng iba. Ako naman medyo napapangiti na rin. He looks cute kasi
na nagpipigil ng tawa. Kakaiba eh.

"I'm happy at pasalamat kayo na maganda ang umaga ko. Kung hindi alam niyo na ang
mangyayari sa sigawan niyo. This is only in my subject so don't expect that this
will take whole day. Malaya kayong gawin kung ano ang gusto niyo but minimized
voice only. I will only sit here."

"Paano naman natin magagawa ang gusto natin kung nandiyan siya?" Bulong ng isa sa
katapat ko. Matawa-tawa ako sa opinyon na yun. She got a point. Sinong magiging
kampante na halimbawa'y gustong sumayaw o kung ano pa man kung nandiyan lang siya?
Tsk. Okay na sana na no classes eh yun pala nakamasid din. Napaka-intimidating pa
naman ng aura niya kaya malamang itong mga klasmate ko hindi makakaporma ng
daldalan dito at daldalan doon.

Sumang-ayon na rin lahat at naupo na siya sa kaniyang trono. First time niyang
hindi nagturo at unang beses din yung kanina na nakangiti siyang pumasok, at hindi
lang yun dahil kinumusta niya ang umaga namin. That was very rare! Or should I
say...that never happen before. Ayoko sana mag- assume pero may kinalaman kaya ako
sa inaakto niya ngayon?

"Uh... sir.." napalingon ako kay Carol nang bigla siyang tumayo.

"Yes?"

"Can we transfer a seat?" Mahinhin pa siyang nagtanong niyan. Tssk.

"Yeah."

Natuwa mga klasmate ko kaya kanya kanyang lipat na sa mga kaibigan nila, including
Carol and Sheen. Iyon na siguro ang dahilan kaya sila nagpaalam, para makalapit
lang sa akin. Strange talaga at pinagbibigyan niya kami ngayon, what's into him ba
talaga?

"Jesus... katapusan na ba nang mundo?" Mahinang sabi ni Carol sa akin.

"Hindi pa naman siguro. Hindi pa naman lumilindol eh."

"Siguro parating pa lang ang paggunaw."

"Wth? Ano ba yang sinasabi niyo?" Sheen.

"Gaga. Loading ka pa rin ba?" Ani Carol.

"Cut it out." Sinamaan ng tingin ni Sheen si Carol. Napangiti ako sa asaran nilang
dalawa at sa di sinasadyang pagkakataon napabaling ang tingin ko kay Thorin.

He's looking again at me!

Biglang nawala din ang ngiti ko at pasimpleng umiba ng tingin. Bwisit kung ano ano
pinagagagawa. Hindi na ba niya kayang itago at talagang lantaran na siyang
makatingin ngayon? Kapag siya nahuling tumititig sa akin ano na lang gagawin ko?
Hindi nag-iisip eh! Mabuti na lang bahagyang nakatagilid sa kaniya si Carol kaya
hindi naman napansin... pero mas nanghilakbot ako nang makitang sa akin din
nakatingin ng mataman si Richmond, kunot ang noo at takang tumitingin tingin kay
Thorin. Ughhh!!! Thorin naman!! Pinandilatan ko na lang nang pasimple si Thorin
nang lumihis ang tingin ni Richmond sa aming dalawa. Humanda ka lang sa akin
mamaya. Nanggigil ako bigla. Ugh!

...

"Ano ba yung ginawa mo kanina?"

"What do you mean?"

"You shouldn't do that."

"What did I do?"

"Huwag ka nang magkaila. Hindi mo dapat ginagawa sa school ang ganon. Ano na lang
ang sasabihin nila?"

"Wait. Hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo?"

The hell? Ikinakaila niya pa ginawa niya. Kinokompronta ko siya ngayon sa bahay.
Hindi ako makapaghintay na makauwi kanina dahil gustong gusto ko siya makausap
tungkol sa paraan ng tingin niya. Mabuti sana kung walang nakakita, pero Richmond
saw him! And that's the thing kaya ako nagkakaganito! As long as he entered the
house tinanong ko agad siya ngunit ito at tila nagmamaang-maangan pa.

"The way you look at me the time of your subject."

"What way?" Dire-diretso siyang umupo at pasalampak na binaba ang gamit. Tumayo ako
sa harap niya.

"That...way."

"Anong way ba ibig mong sabihin? Well I'm just looking at you. Masama na ba yun?"
Niluwangan niya ang kuwelyo ng polo niya, nakasuot kasi siya ng tie.

"Hindi lang basta tingin yun." Sabi ko na medyo napapahiya na. Am I acting some
strange here? Ano nga bang tingin ang tinutukoy ko eh nakakatitig nga naman siya sa
akin? But that way of stare is the problem. Alam kong nahalata ni Richmond yun!

"Look..." he looked at me. "Gusto kong gawin yun, hindi ka din dapat matakot dahil
walang nakapansin non. Everybody was busy chatting kaya don't worry."

"Eh paano si Richmond? Nakita ka niya. Thorin that was humiliating. Huwag mo nang
uulitin yun. Mali ang ipakita mo ang ganon sa harap ng classmates ko." Nagmamakaawa
na ang boses ko pero wala akong pakialam. He needs to do that. Kung hindi ako ang
mapapahiya lalo sa kanila.

"Richmond Yuu? Napansin niya ako?" And he doesn't saw Richmond na palipat lipat ang
tingin sa aming dalawa. Bullshit pero mukhang hindi niya rin napansing
pinanlakihan ko siya nang mata kanina. Focus na focus lang??

"Oo. Oh ngayon ano nang mangyayari na may nakakita sayo?"

He laughed. Nagdekuwatro pa at isinandal ang isa niyang braso sa couch. Umupo na


lang din ako sa katapat niyang mini table. I want this thing to be sorted out. Kung
hindi ko siya pagsasabihan baka patuloy niya pa ring gagawin.

"You don't have to worry. Si Yuu lang yun."

"What?"

"He's harmless. Ano bang kinakatakot mo? Na magsusumbong siya? He won't."

"At paano mo naman nasabi?"

"Kilala ko siya."

Ano daw? Kilala niya?

"Anong sinasabi mo?"

"Hindi niya ugaling magsalita base sa mga nakikita niya. If you'd notice tahimik
siya at walang pakialam sa iba so if he saw us, wala din naman siyang pakialam."

"And what made you think na kilala mo siya? He just transfer to our school."

"Well... matagal ko na siyang kilala."

"How?"

"Mausisa ka ah." He smirked at me.

"Just tell me. Paano kayo nagkakilala?"

"Okay... He's Ynna's admirer. Kababata siya ng kapatid ni Ynna which is my


bestfriend."

Kumunot ang noo ko. Kung tama ang pagkakatanda ko, naikuwento nga ni manang na may
kaibigan itong si Thorin. Ynna... pumasok din sa isip ko na napagkamalan din ako ni
Richmond kahapon na ako si Ynna. She's something that I can't help myself to be
curious.

"Now you get it?"

"Hindi mo masasabing wala pa ring gagawin yun. Maybe you don't know him enough.
Kaya kung ako sayo, hindi ko na uulitin yun."

"But you are not me."

"The hell? Huwag mo sabihing uulitin mo pa? Please naman. Kung mahal mo ko susundin
mo ko."

Ngumisi na naman siya at dahan- dahang lumapit sa akin. Nanlaki mata ko at


napakapit sa inuupuan ko. Jeez!!

"So, is that mean... naniniwala ka na?"

"W-wala akong sinabing g-ganon."

"Youre right. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Nang-aakit na ang boses niya. Napatagilid ako ng ulo at yumuko. Hindi ko kayang
tapatan ang mapanukso niyang tingin ngayon. Pinaglalaruan niya na naman ata ako.
Kainis! Hindi ko rin alam kung tatayo ba ako at tatakbo o haharapin ko ang
panggaganito.

"L-layo ka." Ang tangi ko na lang nasabi. Ang lapit na niya! Nakatukod na ang
magkabilang kamay niya sa gilid ko.

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako ng mariin. Shit! Damn you
Thorin bakit mo ko ginaganito! Kumabog na naman ang dibdib ko sa kaba. Pakiramdam
ko nanghihina ako.

"Magpahinga ka na. Pangako, hindi ako gagawa ng bagay na ikapapahamak natin


pareho." Aniya sabay tayo ng tuwid. Binitbit niya na ang dala-dalang handbag na
itim at umalis. Huli ko na naisip na pigil hininga na naman pala ako.

Napabuga ako ng napakalalim na hininga. Saglit lang yun pero napakabilis ko


magkaganito. Saglit lang din kami nag-usap pero parang pakiramdam ko ang tagal
naming ganoon. Naguguluhan tuloy ako. Bakit ganito na lang lagi ang reaksyon ko
kapag napapalapit siya sa akin nang ganoon. Para akong hinahabol ng sampung kabayo
sa lakas ng kaba ko. Nangangamba akong baka may iba na akong nararamdaman para kay
Thorin. Delikado...

"Ang lalim ng iniisip mo?" Napalingon ako bigla sa nagsalita mula sa likod ko. Si
August na kakarating lang marahil mula sa trabaho. Limang minuto na siguro ang
nakalipas simula nang umalis si Thorin. Ang tagal ko palang natulala. Masyado akong
nagulumihanan. Ang lalim.

"Hindi naman." Sagot ko. Tumayo ako at ngumiti.

"Nandito na si Thorin?"

"Uhmm."

"Ah okay. Akyat na ako. Mamaya pa ate mo, may inaasikaso pa ako na din ang
magsusundo."

Tumango lang ako saka siya umakyat. Nagsikain na rin siguro sila hindi ko na naman
nakita si manang Lourdes. Asan kaya siya? Nakakalimutan ko din itanong kila August,
namimiss ko na mga kuwento niya at payo.

Kumain na lang ako ng kahit ano sa kusina bago umakyat. Hindi na bumaba si Thorin
mula kanina, marahil ay tulog na. Ewan ko. Hindi naman sa hinahanap ko pero, ewan!
...

Salamat sa patuloy pa ring nagbabasa. :)

....

Maaga akong nagising, araw ng byernes. Hindi pa sumisikat ang araw pero nakabangon
na ako. Medyo malamig rin ang panahon. Nakatapos na akong maligo at mag-ayos na
sarili nang biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa study table. Kinuha ko
ito at binasa ang mensaheng dumating.

Can we talk? - Owen

Natigilan ako. Ano na naman to? Usap na naman? Akala ko ba nananahimik na siya?
Bakit ito na naman? Nag isip muna ako kung magrereply ako. Papayag na naman ba ako?

Hindi pa man ako nakakapagtype ng mensahe nang tumunog muli ito.

I'll wait here in front of your school.

Huh? Ngayon agad?! Hindi rin siya nagmamadali ano? Ang aga- aga pa kaya!

Why? Maaga pa, hindi ka ba makakapaghintay?

Ngunit sa panlulumo ko ilang minuto na ako naghihintay ng reply niya, walang


anumang text na nanggaling sa kaniya! Pambihira! Ano to, sapilitan? Patay ako dahil
mukhang mag-aabang siya sa harap ng school. Malamang wala akong lusot! Napakagat
labi na lang ako hanggang nakapagpasyang bumaba para sa breakfast. Curious din ako
kung nasa kusina na sina Thorin..

Hindi ako nagkamali. Kompleto na sila. Bakit yata ang aga nila magsipagpasok
ngayon?

"Morning." Bati ko at humalik sa pisngi ni ate. She said good morning too at
nginitian na lang din ako ni August. Same with Thorin na ngayon ay nagbabasa ng
newspaper. Kunot-noo naman akong umupo habang nakatingin sa kanila. Why is
everybody reading newspaper every other day? Nung isang araw si August. Kahapon si
ate. Ngayon naman si Thorin. Baka ako bukas na? Haha. Alright that was corny!

"Bukas ako naman magbabasa niyan ha." Sabi ko na pabiro ang sabi habang nagsasandok
ng pagkain.

"Ang alin?" Tanong ni ate.

"Yang diyaryo." Napatingin sa akin si Thorin. Nakasalamin siya habang nagbabasa,


marahil ay medyo malabo na ang paningin niya.

"Bakit?"

"Para in." Sabi ko. Natatawa tawa ako kasi hindi nila ako maintindihan. Hay naku
bahala nga kayo wag niyo na ako sakyan.

Natapos ang almusal at ito na naman ang pagsabay ko sa sasakyan ni Thorin. Second
day. Todo na naman ang kaba ko habang palapit sa sasakyan niya na ngayon ay nasa
harap na ng bahay. Pumasok ako at nilingon si Thorin na nakangiti sa akin habang
nakahawak sa manibela. Hindi siya gentleman dahil hindi niya ako pinagbuksan ng
pinto. Now I know. Tsk. Umaasa na naman ako.
"Are you alright?" Tanong niya habang nagmamaneho palabas ng subdivision.

Yun na nga eh. Hindi ako okay dahil alam kong naghihintay ngayon si Owen sa tapat
ng school. Hanggang ngayon hindi pa nagtetext. Malamang pagbaba ko ng sasakyang ito
nasa harap ko na siya.

Sasabihin ko ba kay Thorin? O huwag na? Hayst! Kung bakit naman kasi sa ganito
kaaga pang panahon gusto makipagkita. Napakawrong timing talaga.

"Oo okay lang ako." Tipid kong sagot na diretso ang tingin sa daan.

"May bumabagabag sayo... ano yun?"

Wow lakas pakiramdam ah. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung sasabihin ko nang
hawakan niya ang kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin bago sa kaniya.
Y-yung puso ko!

"Tell me. Ano yun? Kanina pa sa breakfast table na ganyan ka. Something's bothering
you... you know you can tell me."

"A-ahhh. Paano mo naman nalaman na meron nga?"

"Sa akin na yun. Care to tell me?" Aniya habang palingon-lingon lang sa akin.

"Si Owen."

"Hmmm?? What about him?"

"He wants to see me."

"What?! Bakit na naman daw? Alam mo hindi ko na talaga matantiya yan. Ano bang
nagustuhan mo sa kaniya?"

"I don't know. Tenext niya lang ako nitong umaga na gusto niya akong makausap...
This morning before class. Actually...maybe he's waiting now. Sa tapat ng school.
Huwag mo na ngang itanong kung anong nagustuhan ko don!" Iritado kong singhal. Pati
naman kasi ibang bagay inuungkat pa eh.

"Tsk. Bilib din naman ako sa lakas ng loob niya ah. Wala ng pinipiling
oras...pumayag ka?"

"Hindi na siya nagtext ulit."

"Pumayag ka ba?" Ulit niya.

"Wala akong kahit anong sinabi."

"Good. Escape.. "

"How can I? Nag-aabang siya sa tapat ng school. Paano ako papasok?"

"Huwag ka na munang pumasok."

"Ano?! No way! Hindi ko isasakripisyo ang pag-aaral ko para lang sa kaniya."

"Shit. Then what?! Makikipag-usap ka? Para ano? Para magkabalikan kayo? No you
can't!"

"Did I said makikipag-usap ako? You know what? Hindi mo na problema kung ano
gagawin ko."

"That's my problem! Alam mo kung ano nararamdaman ko kapag tungkol na sa taong yun
at involve ka. Huwag ka nang pumasok or before I can hurt him."

"Huwag ka nang makialam."

"Makikialam ako."

"Hindi ko nga siya kakausapin. Wala na bang ibang paraan?" Napakapathetic talaga ng
ideya niya. Hindi ako papasok para lang makaiwas? Hindi yun pwede! Hindi ko ugali
magcut ng classes at never ko pa yung nagawa. Hangga't maaari gagawan ko yun ng
paraan. Hindi ko rin gustong makipag-usap sa kaniya. Matagal na kaming tapos. At
saka ano pa ba kasing kailangan niya at kailangang ngayong umaga pa?

"Isa lang ang paraan. Huwag kang pumasok."

"Hindi nga puwede!"

"Then how can you escape from him? Sige nga! He's also teaching at our school. Sa
nakikita ko desperado siya ngayon na makausap ka so no matter what hahanapin at
hahanapin ka niya kahit takasan mo siya."

"Ganon? Sa tingin mo hindi niya ako hahanapin sa ibang araw kung aabsent ako
ngayon? Nasan ang logic kung ngayon hindi nga ako papasok?"

"Ugh!" Napahampas siya sa manibela. "Then what? Anong gagawin mo?" Frustrated na
siya.

Napaisip muna ako. Kakausapin ko ba? Or tatakas ako tulad ng sinasabi niya? Anong
gagawin ko?

"Just don't forget na hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaang kayo lang ang mag-
usap kung sakaling papayag ka."

Sa ngayon papalapit na kami nang papalapit sa school. Jeez. Sige makikipag-usap


ako. Ewan ko pero parang bigla bigla ding naging kampante ako ngayong sinabi niya
na hindi niya rin ako iiwan. Para bang naging kalmado ako. Hindi na ako nag aalala
kung mag-uusap man kami ni Owen.

Hindi ako umimik nang ilang minuto saka nagsabing makikipag-usap ako. Kung ano man
ang sasabihin ni Owen sa akin bahala na.

"Just promise me one thing." Sabi ko kay Thorin na ngayon ay nagtatagis na ata ang
bagang. Nagagalit siya. Kung bakit ay hindi ako sigurado.

"What?" Asik niya.

"Huwag kang gagawa ng isang bagay na ikapapahiya mo. Sa nakikita ko sayo ngayon,
naiisip kong dapat huwag mo na akong samahan pero mukhang hindi ka rin naman
magpapapigil. Be calm."

"Okay." Tipid niyang sabi. Halata ngang hindi maganda kondisyon niya.

Nakarating na kami sa tapat ng school. Hindi ko pa makita ng ilang minuto si Owen


hangga't matanaw ko siya sa gilid. Palingon-lingon at malikot ang mata na tila may
hinihintay at alam kong ako yun. Nilingon ko si Thorin na ngayon ay mataman ding
nakatingin kay Owen. Kakaiba ang mga tingin niya. Ganon nga yata siguro, mahal na
mahal niya ako. At malamang ay nagseselos siya ngayon na makikipag-usap ako sa
dating kasintahan ko. Maling pagkakataon man, natutuwa ako sa ipinapakita niyang
ganito. Na nag-aalala siya para sa akin. Na talagang paninindigan niya ang sinabi
niya noon na hindi na nga siya papayag na may iba pang makakaagaw sa akin. I felt
so special of this someone na ngayon ko nga lang nakilala pero nakakapagbigay na sa
akin ng ganitong pakiramdam. Ang sarap pala sa feeling. Noon iniisip ko kung ano ba
ang pakiramdam nang may isang tao na ang turing sayo, isa kang babasagin na hindi
pwedeng mabasag at maagaw ng iba. Na isa ka niyang pagmamay-ari at hindi pwedeng
angkinin ng iba. Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa kaniya ng unti-unti eh,
pinipigilan ko lang siguro kaya hindi pa ako nahuhulog ng tuluyan.

Natutulala ako ngayon sa kaniya. Napapangiti at tila may mumunting paru-paro sa


tiyan ko habang nakikita ang mga ekspresyon sa mukha niya na nagpapatunay na mahal
niya nga ako.

"Tara na." Bahagya pa akong napapitlag nang magsalita siya. Tumango ako at lumabas
siya. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Kokonti pa lang ang mga pumapasok na studyante at mangilan-ngilan lang ang nakikita
kong pamilyar na mukha.
Lumabas ako ng sasakyan. Sinabayan ako ni Thorin maglakad patungo kay Owen na
ngayon ay ngumingiti na dahil nakita na akong naglalakad. Sa bandang likod ko na
ngayon si Thorin nang makalapit kami.

"Lorraine..." masaya pang bati ni Owen.

"Anong kailangan mo?" I said in a cold voice.

"Pwede ba kitang makausap?"

Heck! Lagi na lang ba siya ganito? Kausap ko na nga tanong pa nang tanong.
Nakakainis lang kasi! Hindi rin umiimik yung nasa likod ko pero ramdam ko ang mga
nanunusok niyang tingin kay Owen. Pasulyap sulyap si Owen kay Thorin na siguro'y
nagtataka kung bakit may kasama ako.

"Mr. Olivar." Ani Owen.

Tumango lang si Thorin.

"Bakit gusto mo akong makausap?"

"I want to talk to you, alone." Sumulyap siya kay Thorin.

"Ano pa bang kailangan mo? Nag-usap na tayo."

"Sabi ko naman sayo makipag-usap ka muna ng maayos."

"Hard headed." Matigas ngunit pabulong na sabi ni Thorin.

"Can't you move on? Tama na to." Sabi ko.

"Gusto lang kita makausap ng sarilinan. Bakit naman nagsama ka pa? At...bakit naman
ang professor mo pa talaga?"

"Ang dami mo pang sinasabi. Sabihin mo lang kung ano ang kailangan mo." Sabi ko na
naiinis na.

"Can't we be alone?"

"Hindi."
"Lorraine... I can't say it to you nang may iba kang kasama."

"Okay tapos na ang usapang to. Hindi naman pala sasabihin Lorraine eh. Pumasok ka
na at baka malate ka." Punong puno ng pagkaseryoso ang boses na sabi ni Thorin.

"Huwag kang makialam dito Mr. Olivar."

"If you would remember may klase pa ang kausap mo. Kung hindi mo sasabihin ang
kailangan mo mabuti pang huwag ng ipagpatuloy to. Nauubos ang oras."

"Great. Makakausap ko sana siya nang maayos kung hindi ka sumama dito. Who do you
think you are? Stop joining the conversation."

"You stop ruining Lorraine."

"Tama na! Owen wala nang patutunguhan to. Tigilan mo na ako."

"Kaya ba hindi mo gustong makipag-usap sa akin dahil sa lalaking to? Bakit? Siya na
ba ang bago mo? Another professor? Huh! I can't believe you Lorraine."

"How dare you!" Tangka ko sanang sasampalin si Owen nang pigilan ako ni Thorin.
Shit. Sana hindi na lang ako pumasok! This is all bullshit! Ang kapal ng mukha
niyang insultuhin ako!

"Mr. Dela Cruz. If being silent is a sin for you then I will cut your tongue
hanggang matigilan na ang mga salitang nakakasakit mula diyan sa madumi mong dila.
Stop ruining Lorraine. She is my student and as a teacher I have the right to
protect her from you. Get lost! Tara na Lorraine." Kinaladkad na ako ni Thorin
patungong sasakyan niya. Palagay ko ay nanghina ako sa natanggap kong kahihiyan na
yun. How dare him insult me like that? Hindi ako makapaniwalang si Owen ang mismong
nagsabi sa akin ng ganon. Masakit. Yung taong hinahanggan ko noon magagawa akong
pagsalitaan ng ganon.

Padabog na binagsak ni Thorin ang pinto at pinaharurot ang sasakyan palayo. Hindi
ko na rin naman siguro magagawang pumasok nang ganito ang pakiramdam ko.

Tahimik lang ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung saan ang punta namin. Nakayuko
lang ako nang maisip na paano na itong kasama ko.

"Paano ka? May class ka ngayon."

"I can skip. Mahalagang maging okay ka ngayon. Don't mind school." Aniya. Seryosong
nagmamaneho at kunot ang noo. Hindi na lang din ako umimik at nanahimik sa upuan
ko.

Nagpapasalamat ako dahil nandon siya. Masakit para sa akin ang sinabi ni Owen.
Paano niya nagagawa ngayon yun sa akin? Nakakairita. Hindi ko maisip na kaya niya
gawin yun. Nasaktan ako. Iniisip niya na panibagong karelasyon ko na naman ay isang
professor. Binalot ng takot ang puso ko. Alam kong doon din ang patungo niyon dahil
mahal ako ni Thorin, at sa part ko ay marahil may iba na rin akong nararamdaman
para sa kaniya. May katotohanan na ang sinabi sa amin ni Thorin kahit papaano, kaya
siguro mas nagiguilty ako.

Tama pa bang ituloy ko to? Paano pag may makaalam pa ng tunay na namamagitan sa
amin ni Thorin? Paano?

...
Nakarating kami sa isang part ng bundok. Palagay ko ay Antipolo ito. Kita mula rito
sa kinalalagyan namin ang siyudad, mas maganda siguro kung gabi dahil sa mga ilaw
nito. Lumabas ako ng sasakyan at tinanaw ang buong lugar. Masarap ang ihip ng
hangin sa umaga, hindi rin kasikatan ang araw at medyo makulimlim.

"Okay ka na?"

Nilingon ko si Thorin. Napapasingkit ako ng mata dahil sa sinag ng araw, masakit sa


mata. Direkta pa ang araw dito dahil iilan lang ang puno.

Palagay ko ay umabot kami ng isang oras sa biyahe. Nabasa ko na rin ang ilang
mensahe nina Carol at Sheen na nagtatanong kung bakit wala ako. Sinabihan ko na
silang sumama ang pakiramdam ko na kahit papaano ay may halong katotohanan.

"Oo. Salamat." Naglakad ako patungong lilim ng puno. Sumunod naman siya.

Umupo ako. Habang siya nakapamulsang tumingin sa direksyon ng siyudad.

"Alam mo ang mahirap sa buhay? It's always unfair. Unfair sa tao. Unfair sa lahat.
But no matter how unfair it is, I'll do my best to make it fair for you Lorraine.
Kahit ganoon pa man pipilitin kong maging maayos ka. Just trust in me. Hindi kita
pababayaan."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Puno nang pangako at mga salita niya. Mas natakot
ako. Paano kung ang mga pangakong to ay hanggang pangako lamang?

......

A/N: maiiksi po ba ang dialog? Mabilis lang ang usapan kila Owen dahil nagmamadali
po talaga si Thorin. Selos na selos eh.nyahaha

Thank you for reading. Pasensya na sa wrong grammars po.

....

"Paano mo nasasabi ang mga bagay na yan?" Tanong ko sa kaniya. Magkatabi na kami
ngayon nakaupo sa lilim ng puno. Nakatunghay sa malawak na tanawin ng siyudad.

"Ang alin?"

"Yang gagawin mo ang lahat para sa akin."

"Paano? Puso ko tanungin mo." Lumingon siya sa akin nang nakangiti.

Natawa naman ako. "Paano ko nga ba gagawin yun. Hindi naman yata ako sasagutin
niyang puso mo. Did they speak?"

Natawa na din siya. "Yeah your right. But every words came only from my heart. Kaya
nga tayo may bibig, ito lang ang nagsasabi pero ang isip at puso ang nagsasabi kung
ano ang dapat sabihin. Medyo magulo ano?" Humakhak siya.

"Ganon? But I get it."

"Talaga?"

"Oo. Thank you nga pala kanina."

"That guy... a-anong nagustuhan mo sa kaniya?" Sumeryoso siya at tiningnan ako sa


mata. Tiniklop ko muna ang tuhod ko at isinandal ang baba ko dito bago sumagot.
"A-ayoko munang pag-usapan."

"You still have feelings for him?"

"I don't know. Ayoko nang isipin kung meron pa ba o wala na. Gusto ko ng iwan yung
past. I want to move on."

"Well... you can move on with me."

"Thorin, hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot na ano?"

"Na malaman ng ibang tao. Teacher ka, studyante ako. Everybody's against about
student-teacher relationship. Hindi katanggap-tanggap sa paningin ng lipunan. Kasi
ako natatakot ako. Naranasan ko na ang masaktan at mapahiya, I don't think I can
handle it this time."

"Kung nakayanan mo noon, hindi ba mas dapat maging matapang ka dahil nakayanan mo
na? Lorraine, in this world maraming bawal. Pero iisipin mo pa ba ang ibang tao?
Sometimes you just need to ignore them for you to be happy. Wait, does it mean?"

Umiling-iling ako. Gusto ko na kasing sabihin sa kaniya na hindi ko pa kaya. Na


kahit nagugustuhan ko na siya, mas nangingibabaw ang takot ko. Pero wala din akong
lakas ng loob sabihin yun sa kaniya. Mas natakot ako ngayon nang sinabi sa akin yun
kanina ni Owen. Pakiramdam ko naramdaman ko na naman ang sakit sa matinding pang-
iinsulto ng mga schoolmates ko noon nang nabalitaan ang relasyon ko noon sa kaniya.
Puno at binabalot ng pangamba ang puso ko. Ayoko na muna. Kung mamahalin ko man si
Thorin, I want this fear to fade away. Gusto ko mamahalin ko siya nang walang takot
ang puso ko. Na handa na akong harapin ang sasabihin ng tao. For now, I want things
to be slowed down. Hindi ko mamadaliin.

"Lorraine..."

"Thorin," I looked at his eyes. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako
makapaniwala na teacher ko itong nasa harap ko, tinutulungan ako at pinapangakuan
na hindi ako pababayaan. Ang teacher na kinaiinisan ko pa noon. Ang bilis talaga
magbago ng pakiramdam ng tao, kasi ngayon hindi na galit at inis nararamdaman ko sa
kaniya.

"Takot na takot ka nga ano? Hindi ka naman dapat matakot. I can wait. You don't
have to stress yourself. Kung wala talaga, then let it be. Hindi kita minamadali na
mahalin din ako, I'm happy doing this."

"Pero paano kapag nalaman na ng ibang tao?"

Sinuklay niya ng kamay ang kanyang buhok at tumingin sa ibang direksyon. He sighed.

"If this is hard for you. Paano pa kaya sa akin? Like I said hindi kita pinipilit.
Malaman man ng ibang tao, so what? We doesn't have any relationship. Hindi tayo.
Ano bang kinatatakot mo?"

"H-hindi ako sigurado. I'm afraid."

"Do you like me?" This time he touched my chin. Kakaiba ang tingin na inilalaan
niya sa akin, sinusuyo niya ako sa paningin na iyon.

Matagal akong hindi nakasagot. Napayuko ako. Gusto ko na nga ba siya? Bakit ang
bilis naman? Hala. Hindi puwede kung totoo man ito.

"You know what? The first time I thought in myself that I am inlove with you, hindi
ko rin matanggap. How come? I mean, paano nangyari yun? Hindi kita kilala. Wala
akong alam ni isang bagay tungkol sayo. Pero minahal kita. Natutunan ko ring
tanggapin yun kahit nagsusumiksik sa utak ko na hindi dapat dahil nag-aaral ka pa.
Matagal kong inisip na paano ako? I'm a teacher. But I am willing do sacrifice
everything para sayo. Handa ako kahit anong mangyari. So... kung meron mang dapat
mahirapan sa ating dalawa, ako yun. Hindi ako tulad ng lalaking yun na nabunyag
lang ang relasyon niyo, iniwan ka na at ngayon ay babalik dahil okay na siya."

"But I'm afraid. Dinadaig ng takot ang sistema ko."

"Answer me Lorraine... do you like me?? Just this one, nagugustuhan mo na ba ako?"

"H-hindi pa kita masasagot. Naguguluhan ako."

Pumikit at huminga siyang malalim. Matagal siyang hindi umimik. Ang tangi ko lang
naririnig ay ang malakas na ihip ng hangin at hininga naming dalawa. Pareho kaming
nakatingin sa siyudad na nababalot ng matingkad na sikat ng araw sa umaga.

Tinantiya ko ang sarili ko. Maybe I should tell him. Naiisip kong dapat ay huwag
muna sa ngayon. Gusto kong kapag wala ng takot sa isip ko saka ko hahayaang
tuluyang mahulog sa kaniya. Para kasi akong nasa malalim at matarik na bangin.
Kung kanina nakatayo ako sa edge nito, ngayon nadulas ang paa ko sa isang bato at
muntik na akong mahulog sa ibaba nito. Dahil sa matinding takot, kumapit ako sa
nahagip kong halaman na matibay ang pagkakabaon ang ugat sa lupa. Yung pakiramdam
na takot na takot akong mahulog dahil baka mapahamak ako, it's either mamatay ako
dahil sa sakit o magkalasog-lasog ang buong katawan ko. Ganon na ganon ang
nararamdaman ko. Muntik na akong mahulog ngunit dahil sa takot ko, kumapit ako.
Ngayo'y napapaisip na din ako kung bibitaw ba ako at hahayaan ang sarili kong
makita ang mga posibleng mangyari kapag nahulog ako. Kung anong pakiramdam ng
mahuhulog ka sa bangin, ganoon din katindi ang nararamdaman ko ngayon. I am in a
critical situation. This is so hard. Naaawa rin kasi ako kay Thorin. He loved me
for ages. Pero isa lang din yun sa gusto kong iwasan, naaawa ako. Maling awa lang
ang dahilan para mahalin ko din siya.

Iiwas na muna ako. I want clear things right while not having him around. Kapag
nasa paligid ko siya natatakot ako ng sobra dahil natetempt akong tuluyang bumitaw
sa pagkakakapit. Gusto kong kung hahayaan ko ang sarili kong mahalin at tuluyang
mahulog ang loob sa kaniya, wala nang pag-aalinlangan sa akin. Walang takot. Walang
pangamba. Walang nararamdamang awa lang. I want by that time,I am willingly fall
for him. Iiwasan ko muna siya. But how can I tell him this time? Tamang pagkakataon
ba to? Napakaselfish ko man sa magiging desisyon ko, at least it will benefit both
of us.

"Thorin.." i said in a low voice. Nakapagdesisyon na ako.

He didn't response. Nanatiling tutok ang tingin niya sa malayo, panay hingang
malalim siya kanina pa. Marahil ay nag-iisip din.

"Thorin..." ulit ko. Maya maya nilingon niya na rin ako, kunot ang noo at salubong
ang kilay. He's so handsome kahit ganon ang ekspresyon ng mukha niya.

"I...I want to clear things out."

"Go."

"Gusto kong bumitaw pero natatakot ako."


"From where?" Kunot na kunot pa rin ang noo niya. Naging cute siya bigla sa
paningin ko kaya napangiti ako. Umusog ako ng konti. Nagtaka siya bigla kung bakit
mas dumikit ako sa kaniya.

Itinaas ko ang kamay ko kaya bigla siyang napaiwas. Itinagilid niya ulo niya.

"What are you doing?"

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang noo na sobra ang pagkakakunot. Itinuwid ko
ito. "Your cute when your forehead was creased like this but I will mostly like it
if you will learn to straight this." Sabi ko ng nakangiti.

"Ganon?" Aniya na halatang-halata namang nagtitiis ng ngiti dahil halata namang


pigil na pigil. Tumango ako. Magkaharap ang mukha namin ngayon. I think dalawang
dipa na lang ang layo. Natutuwa ako sa kagwapuhan ng mukha niya.

"That falling thing is like a cliff there." Tinuro ko yung nakikita kong bangin
mula dito. Hindi naman kataasan pero nakakatakot kapag ikaw ay mahulog.

"What about that cliff? Wala naman tayo don. Walang bangin dito."

"Nakikita ko kasi ang sarili kong nakasabit doon."

"Huh? Is that possible?"

Natawa naman ako. He doesn't get it. I'm reflecting some figurative way here.

"Isipin mo na lang, nandoon ako nakasabit, tumitili, natatakot, at nagsusumikap


kumapit kahit na sumasakit na ang kamay ko huwag lang mahulog."

"Paano ka napunta don?"

"Jeez. Just imagine okay?"

"Oh... okay. Kanina pa ako nakatitig don but it doesn't cross my mind na nakasabit
ka doon."

"Alright alright just listen to me okay?"

Tumango siya at nagpatuloy ako.

"When you saw me hanging there, where do you see yourself? Nasa ibaba naghihintay o
nasa taas para iligtas ako?"

"Hmm.... nasa itaas. I'm giving my hand for you."

"You doesn't want me to fall right? Your first instinct was to save me from
falling. Hindi yung nasa ibaba ka para saluhin ako."

"Yeah. What now??" Natigilan siya bigla at nanlalaki ang matang napatingin sa akin.
I smiled at him. Siguro ngayon nagegets niya na kung anong kalokohan para sa kaniya
ang sinasabi ko.

"How can you think like that?"

"Wala, it just crossed my mind. Now... hindi mo ko gugustuhing mahulog dahil alam
mong takot na takot ako base sa reactions ko."
"I've just imagined it."

"Uhmm... Thorin, ganon ang takot na nararamdaman ko." Titigan kong mabuti ang mukha
niya, every change of expression natunghayan ko. Nagbago bigla ang mukha niya. Para
bang nalungkot siya.

"Thorin, you get me right? Would you rather catch me? O ililigtas mo ako dahil alam
mong matindi ang takot ko?"

"H-hindi ko alam. Lorraine this was hard for me."

I touched his face. "Alam mo bang ibig sabihin nang nasa bangin na ako mismo
nakalambitin?"

"No."

"Nahulog na ako pero kumapit lang ako. When I met you, nakita ko pa lang ang
bangin. I was standing there."

"What do you mean?"

"Thorin, I started liking you that's why I am now hanging." I smiled at him
sincerely. Nakita kong unti-unting lumiwanag mukha niya. Para siyang bata ngayon na
sinusuyo ko. Jeez.. it took a moment for me to realize that I like him this fast.
Masarap sa pakiramdam na aminin mo sa sarili mong gusto mo ang isang tao.
Naguguluhan ako nung una. Ganito nga yata talaga mag-isip ang mga babae. Pabago-
bago ng isip. Sa una akala sigurado na pero pagdating ng huli hindi pa pala.

"You mean that?"

"Of course I mean it. Kaya... gusto ko sanang sabihin sayo na... if you see
yourself saving me, papayag ka sa magiging desisyon ko."

Nagbago na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Napakadali para sa aking mabasa ang
bawat pagbabago nito dahil hanggang ngayon mataman pa ding nakatitig ako sa kaniya.

"Why don't you just fall. Sasaluhin pa rin naman kita." Aniya na bakas ang lungkot
sa boses.

"Hindi ganon kadali yun. I am afraid."

"You don't have to be afraid. Kung totoo man ang imaginary falling na sinasabi mo,
any of two choices...I would do it. Ang saluhin ka, kakayanin ko yun. Mas pipiliin
ko pang mahulog ka, dahil sigurado rin naman akong sa akin ang bagsak mo."

"Ano ba Thorin isipin mo nga sinasabi mo. Put yourself in my situation! Kapag ikaw
ba mahuhulog gugustuhin mong bumitaw kaysa ang makaligtas? Where's the logic in
there? Suicidal yun!"

"You doesn't trust in me, don't you?" Hindi ako nakaimik. Maybe that's true. "Okay
sasakyan ko ang situation na sinasabi mo. Pero alam mo na ba ang lugar na
babagsakan mo? Did you see a big stone? Did you see a deep water? Wala. Hindi ka pa
sigurado and maybe you will know when you let yourself fall. You will never know
Lorraine. What if ang babagsakan mo pala ay napakalambot na goma na kapag bumagsak
ka ay mas sasaya ka pa pala? Don't predict anything base on your thoughts. Hindi ka
pa sigurado sa kung ano babagsakan mo."

"Pero... matindi ang takot ko... H-hindi ko gugustuhing magpahulog kung hindi nga
ako sigurado sa babagsakan ko. The more nearer to the truth is that it is maybe
dangerous. Bakit ko gagawing bumitaw kung kaya ko pa namang iligtas ang sarili ko?
Thorin... it is so hard for me. Ililigtas ko muna sarili ko hanggang kaya ko pa. I
don't want to take risk nang ganito katindi ang takot ko... sana naiintindihan mo."
I finished that conversation at tumayo na ako. It's time to go home.
Nakapagdesisyon na ako.

Tumayo na rin siya at sumunod sa akin habang naglalakad ako patungong sasakyan.

"I understand. But promise me, when you doesn't feel fear anymore... your free to
fall. I will catch you." Aniya bago ako pinagsarhan ng pinto. Pumasok na siya sa
driver seat at nagmaneho pabalik.

Thoughts running from my brain habang nasa byahe. Tama naman ang desisyon ko hindi
ba? Para sa akin na nakaranas noon ng sakit at kahihiyan nang magkagusto ako sa
isang teacher, dagok na sa akin na sumubok sa isa pang pagkakataon. Kakaiba ang
takot at hindi ko kayang sumugal nang ganito rin ako kahina. I don't love Thorin
enough to let my self take risk. Hindi tama. Siguro nga kapag dumating na ang
panahon na kaya ko na, maluwag sa loob kong hahayaan ang sarili kong mahulog. Pero
bigla ring dumaan sa isip ko ang isang tanong, napalingon ako bigla kay Thorin na
ngayon ay seryosong seryosong nakatingin sa daan, salubong ang kilay at pagalaw-
galaw pa ang panga.

What if I let myself fall, would he still standing there and open arms catching me?

Hello! Vote at comment naman po. I want opinions kung ayos lang ba pinagagagawa ko.
Haha. Thank you.
Zero comments pa rin po kasi ako. Huhu.

***

Nang nakauwi kami, dire-diretso akong bumaba ng sasakyan at walang lingon-likod na


pumasok sa kuwarto ko. I feel so exhausted. Nanghihina akong bumagsak ng kama.
Sayang ang araw na to para sa lesson na namiss ko pero naisip ko ring siguro may
dahilan din kung bakit nangyari ang mga iyon kanina. Marahil ay para malinawan ang
tungkol sa amin ni Thorin.

Kinuha ko ang phone ko at nabasa ang ilang messages na dumating pa kanina nung
sinabi ko kila Carol na masama ang pakiramdam ko. Alalang-alala sila pareho kaya
naisipan ko na ring tawagan si Carol. Sa oras na to ay alam kong break time pa.

Nakailang ring muna bago ko narinig ang boses ni Carol sa kabilang linya.

"Lorraine! Mabuti naman tumawag ka!"

"Sino yan? Si Lorraine?" Dinig kong boses iyon ni Sheen.

"Ay hindi si Procorpio. Lintik sinabi ko na ngang si Lorraine, itatanong pa."


Natawa ako sa pagsusungit na iyon ni Carol. Si Sheen naman ngayon ang nabara.

"Hindi ko narinig! Magtatanong ba ako kung narinig ko? Shunga."

"Heh....! Oy, ano kumusta ka na? Ano bang nararamdaman mo?"

"Ahm... wala. S-sumakit yung puson ko. Monthly period. Hehe." Palusot ko. Napabuga
ako ng hangin. Ang hirap magsinungaling.

"Really? Cramps daw." Aniya kay Sheen. "Okay ka na ngayon?"


"Ah..oo. I'm alright. So, what happened kanina?"

"Wala naman discussion lang. Hey wait... oo nga pala. Alam mo ba? Absent din si Sir
Olivar ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit eh."

Binundol ng kaba ang dibdib ko. Holy cow. Oo nga pala magkasabay kaming wala. Alam
kong narito rin sa bahay si Thorin at hindi na pumasok. Nakaramdam ako ng guilt
ngunit bigla ko ring naisip ang mga pinag-usapan namin kanina. Somehow nabawasan na
ang mga pangamba ko. Nawala na ang takot na namahay sa puso ko sa loob ng ilang
araw.

"G-ganon ba?"

"Oo. Weird nga eh. Never pa daw umabsent yang si Mr. Olivar, ngayon lang. At ngayon
ka lang din nawala. Whoa!"

"Bakit?" Nataranta ako. Kapansin-pansin pa talaga na sabay din kaming wala?! Grabe
naman yan.

"Wala naman. Haha! Paranoid lang ako, iniisip kong nag-usap kayo pero
napakaimposible naman yata. Pero girl ang malisyoso ng ibang classmate natin eh,
baka daw magkasabay nga talaga kayo kasi may nakakita sa inyong dalawa kanina sa
labas ng school. Mga baliw talaga yun! Paano ka naman sasama don eh galit ka doon?
Di ba girl?"

Napangiwi ako. God. May nakakita? Oh my god bakit pa?!

"E-ehehehe! O-oo nga. Tama ka."

"Oh bakit nauutal ka? Haha huwag kang papaapekto sa kanila. They were just crazy.
Oh sige bye bye na, we have a class pa. Ingat ka. See you on monday. Mwuaah!!"

"Sige. Bye."

Napatulala ako pagkatapos maibaba ang tawag. Napadapa ako at isinubsob sa kama ang
mukha ko.

"Arrrhggggghhhh!!!" Isinigaw ko ang frustations ko. Anak naman talaga ng


pinagpatong-patong na litson! Paano pa pumasok sa isip ng mga kaklase ko yun? Hindi
ko akalaing klasmate ko pa talaga ang makakakita. Or worse... baka may nakakita din
na pumasok ako sa kotse ni Thorin. Ang akala ko wala pa akong classmate na
pumapasok sa oras na yun. Ang malas!! Mabuti na lang hindi na masyadong nagtanong
si Carol, hindi ko alam kung paano ipaliliwanag kung sakaling makumpirma niya.

Napabalikwas ako. Okay no need to worry na. Wala naman na kaming connection ngayon
eh. Nagkasundo na kami so wala na dapat ipag-alala. Teacher at housemate ko na lang
siya. Pero oo nga pala nagsasabay din kaming pumasok sa umaga, hindi ko na lang
siguro kakausapin kapag nandoon na. Gusto ko kasi munang matahimik.

Makalipas ang ilang oras na nasa kuwarto ako, nagpasya akong lumabas. Wala namang
dahilan para umiwas ako hindi ba?

Pababa na ako ng hagdan nang mapansing may bisita. Nakita ko si Thorin na tumatawa,
kasama ang isang babae na maladiyosa sa ganda. Pareho silang nagbibiruan nang
mapansing nasa hagdan ako. Tss. Ang saya lang.

Tumayo si Thorin maging ang bisita niya. Kakaiba ang ganda ng kasama niya at hindi
ko naiwasang mapahanga. Nakasuot siya nang floral dress na sleeveless hanggang
tuhod, mahaba ang kulay mais at straight na buhok, bumagay din ang bangs niya.
Manipis ang labi at ang tangos ng ilong. Nakakainggit din ang balat niya na mamula
mula ang puti at parang ang sarap himasin ng kinis nito. Over description na ako
pero iyon talaga ang nakikita ko. I just like her. Maamo ang mukha niya, at least
yan ang akala ko.

"Lorraine..." ani Thorin na nakapagtatakang ang aliwalas ngayon ng mukha


samantalang kanina sobrang sama ng aura.

Lumapit ako at mukhang ipapakilala niya ako.

"Ynna... I want you to meet Lorraine."

"Hi." Inabot niya ang kamay sa akin at hindi naman na ako tumanggi. Pinakilala din
sa akin ni Thorin si Ynna. Mukhang mabait naman siya. I know she is Thorin's
bestfriend. That lovely lady is his bestfriend. Great, why do I feel something in
my chest na parang kinukurot ako?

"Hello nice to meet you." Ngumiti ako sa kaniya, I did my best to compose myslef
dahil parang tumabingi yata ang ngiti ko para sa kaniya. Why am I acting like this?

"Ynna's my bestfriend. Galing siya ng state kaya ngayon mo lang siya nakita. Have a
seat." Tumango ako.

Ngunit mali yata na pumayag akong umupo dito. Sa nakikita ko mukhang wala silang
balak isali ako sa usapan. Ang plastic na ng ngiti ko. Oh what a humiliation!

Napapatingin na lang ako sa ibang direksyon at tila aligaga sa pagkakaupo. Hindi ko


naman ginusto to pero para akong naging palaman ng dalawang tinapay. Ang kaso wala
akong kuwenta dito. Nakakailang namang bigla akong tatayo at aalis. Paminsan minsan
tumitingin sa direksyon ko ang dalawa na maya't maya din tumatawa. I've never seen
Thorin laughed like this na para bang wala nang katapusan ang halakhak niya. Siguro
ay dahil madalas nagbibiro itong si Ynna. Bentang-benta ah.

"Excuse me." Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na. Ngumiti ako ng tipid.

"Ah Lorraine. Could you please stay here first. May kukunin lang ako sa kuwarto ko,
kausapin mo muna si Ynna."

Ganon? Just damn! Ano ako tagabantay lang ng bubwit? Hindi ko na rin napigilan
maasar ngunit sa palagay ko wala naman akong choice. Pumayag na lang ako. Ngumiti
lang si Ynna kay Thorin bago ito umakyat patungong kuwarto. Mahal daw ako pero mas
may special treatment pa ang bestfriend. Heck. I'm not jealous, I just hate what's
happening.

"So...you're Lorraine. Well hindi na rin masama, puwede na." Napatingin ako kay
Ynna, kunot-noo ngunit hindi ako sumagot. As if puwede na akong pagtiyagaan base sa
tono ng boses niya. Palagay ko kilala niya na ako, kung paano ay wala akong alam.
Hindi rin ako interesadong malaman.

"Why are you here?"

Tiningnan niya ako ng kakaiba. Sa palagay ko ay wala siyang alam kung bakit nandito
ako. Sabagay, marami silang ibang pinag-uusapan at waste of time lang siguro na
ikuwento pa ako ni Thorin sa kaniya. Taas noo ko siyang tiningnan, sinusubukang
huwag mainis sa paraan ng mga tingin niya. Kanina nung pinakilala kami ni Thorin sa
isa't isa ang amo ng mukha niya, ang bait. Pero sa nakikita ko ngayon, malaki ang
nagbago sa mata niya. Naging mala-maldita. Not likely as kontrabida na itsura pero
alam kong hindi niya talaga ako gusto. What did I do to her?
"I'm asking you... why are you here? You're not suppose to be here. And..."
pinasadahan niya ng tingin ang suot ko na ngayon ay nakapambahay na. Hanging blouse
at hanggang tuhod na maong short. "Wait... are you living here?" Maarte pa ang
pananalita niya. Nakakasuka talaga ang pagiging plastic grabe.

Marahan akong tumango at tinaasan ko siya ng kilay. Ano, pahiya ka?

"Imposible! Bakit walang sinasabi sa akin si Thorin na dito na nakatira ang


kinababaliwan niya? Are you living together?! What?" Naghysterical siya bigla. Aba
OR na naman? Anong nagsasamang pinagsasasabi niya? At anong kinababaliwan?

"Ano? Living together?" Kalmado lang ako bagamat nabibigla. Ayokong sabayan
kaartehan niya ah. Iniisip niyang nagsasama kami ni Thorin kaya ako nandito? Baliw
lang.

"Kung hindi eh bakit ka nandito?" Ang taray.

"Kailangan ba talaga kitang sagutin?"

"Of course!"

"Hey." Sabay kaming napalingon ni Ynna mula sa hagdan. Pababa na si Thorin at may
dala-dala siyang box. Ano kayang laman? Agad niyang binigay iyon kay Ynna na ngayon
ay balik sa dati ang expression ng mukha, ang pagbabalik mukhang maamong tupa.

Nakakainis mga ganitong tao. I hate people na nagsusuot lang ng maskara sa harap ng
ibang tao pero yun pala malademonyo ang ugali. Deep inside me gusto kong saksakan
ng kahit ano ang bunganga ng Ynna na ito, ang sarap isubsob sa nagbabagang apoy
para masunog. Napa-tss na lang ako sa upuan ko. Ipinakita ko ang pagiging diagusted
ng mukha ko maging kay Thorin saka tumayo. Hindi ko ugaling magsumbong kaya wala na
akong pakialam sa kanilang dalawa.

"Thorin...okay na bang maiwan ko kayo?"

"Y-yeah." Aniya na nakaharap na naman kay Ynna. Bakit parang pakiramdam ko


sinasadya ni Thorin na deadmahin ako? O talagang assuming lang ako.

"Sige." Binalingan ko naman si Ynna na ngiting-ngiting nakatingin kay Thorin. "Dito


talaga ako nakatira. Pakitanong na lang diyan sa bestfriend mo." Diniinan ko pa ang
salitang bestfriend, kita ko ring nawala bigla ang ngiti ni Ynna ngunit agad din
binalik ang nakasusulasok na ngiti. Taka ring tumingin sa akin si Thorin ngunit di
ko na pinansin at lumayas na ako.

Napadpad ako sa kusina at napainom ng tubig. Natuyuan yata ako bigla ng lalamunan
kanina. Pabagsak kong nilapag ang baso dahilan upang magulat si manang Lourdes na
kagagaling lang sa banyo.

"Oh iha, anong nangyari sayo?"

"P-po? Wala po manang." Hindi ko rin alam manang kung anong nangyayari sa akin.
Naiinis ako sa kaplastikan ng babae na yun eh.

Umupo ako sa silya habang may inaayos si manang.

"Nakita mo na ba ang bisita ni sir Thorin?"

"Opo." Nangalumbaba ako at pasimpleng tumingin sa direksyon ng sala kung nasaan ang
dalawa. Hindi ko rin naman makita dahil natatakpan. May kalayuan kasi ang kusina sa
sala. May division din bawat parte ng bahay.

"Oh eh anong masasabi mo?" Napanganga ako sa excitement sa boses ni manang. Lumapit
siya sa akin.

"Po? Masasabi?"

"Oo. Ang ganda ano?"

"Oo nga po... maganda. Magandang-maganda po pala." Aminado ako sa bagay na yan pero
nasusuya ako sa ugali.

"Sobrang ganda ng batang yan. Bata pa lang kinakikitaan na ng pagiging model dahil
sa itsura."

"Eh manang, ilang taon na po ba silang magkakilala?"

"Sa palagay ko, sampung taon pa lang magkaibigan na sila. Siguro nasa labing-anim
na taon na."

Ang tagal na pala. No wonder na ganoon na nga sila ka-close. M-maging ako na
sinasabi niyang mahal niya nagawa niyang ipagsawalang bahala kanina. Hindi ko
maiwasang magdamdam bigla, parang hindi na tuloy kapani-paniwalang mahal niya
talaga ako. Hayst. Bakit ba ako nagkakaganito?

"Ayos ka lang?"

"Opo naman."

"Pero, noong magdalaga at magbinata na sila, napansin kong nagkaroon ng agwat sa


kanilang dalawa. Ang alam ko may gusto itong si Ynna sa kaniya."

"Po?" Nagulat ako. So that explains kaya naman mainit na ang dugo sa akin ng
babaeng yun. Insecure na plastic pa. Haha. Ang sama ko. Hindi ko na naman alam kung
ano nangyayari sa akin.

"Oo iha. Hindi sa tsinitsismis ko ang dalawang ito sa iyo ha. Pero, hindi ko na rin
nagugustuhan ang ugali nitong si Ynna simula nang tumuntong siya ng disi otso.
Hindi ko gustong nakikipagkaibigan pa diyan si Thorin sa kaniya, nasa loob ang kulo
niyan. Madalas kapag pumupunta yan dito na wala ang kaibigan niya, parang hindi ako
matanda sa paningin niya kapag kinakausap. Ngayon ko lang nasabi ito sayo dahil
hindi ko gustong manira. Sa nakita ko sayo kanina...mukhang pinakita niya na sayo
ang tunay na ugali niya."

"O-oo nga po. Ganon po pala talaga siya." Napatingin na naman ako sa direksyon
nila.

"Mahilig yan makialam sa buhay ni Thorin noon. Ewan ko ba diyan sa alaga ko at


tinitiis pa rin kahit sukdulan na ang pinagagagawa niyan. Mga bata talaga oo, hindi
mo maintindihan minsan ang iniisip."

"Bakit po manang? Ano ho bang ginagawa ni Ynna?"

"Nakakarating sa akin ang balita dahil nagkukuwento sa akin si August. Ayaw rin
kasi ni August para kay Ynna bilang hipag niya kung sakali man. Bilang magkaibigan
ayos lang. Kaya walang nagtatagal na karelasyon yan noon si Thorin dahil kung hindi
niya inaaway sinisiraan niya... Ang alam ko nga, sa atin-atin lang ito iha ha...may
ibang nagugustuhan yan si Thorin."
Nakagat ko bigla ang dila ko nang napanganga ako. Aray medyo masakit.

"Iha! Ayos ka lang ba?"

Ito si manang kanina pa tanong nang tanong kung ayos lang ba ako. Tumango ako.
Sadyang nagulat talaga ako. May ibang nagugustuhan si Thorin? Sino naman yun? Ay
naku kung ano-anong nalalaman ko kay manang. May pagkatsismosa rin pala. Pero thank
you na din dahil may nalaman ako.

"Nagulat ka ba? Haha. Nagulat din ako nang hindi ko sinasadyang makita yang mag-isa
nagsasalita. Siguro..." nag-isip siya saglit. "Mga tatlong taon na ang nakakaraan."

"Ho? Ganon katagal?"

"Oo... kapangalan mo pa nga ata."

Ngayon naman nabilaukan ata ako ng laway ko. Itong si manang biglang nangugulat!

"Iha! Juskong bata ka lagi ka bang nagkakape at mabilis kang nerbiyosin?"

Napaubo-ubo ako. May hinala na ako ngayon kung sino tinutukoy ni manang ngunit
ayoko magpakasigurado. Ayokong umasa.

"A-ayos lang ho ako wag na po kayo magtanong kung ayos lang ako. At hindi po ako
madalas nagkakape." Inunahan ko na at baka magtanong na naman.

"Nagulantang ka ano?" Tatawa tawa pa si manang na hinihimas likod ko. Nawala na ang
pag-ubo ko pero napapailing iling ako. Kakaiba itong si manang eh. Ang lalim din ng
nagulantang. OR na naman yun.

"Eh manang, sigurado ho ba kayong kapangalan ko?"

"Hindi ako sigurado iha."

"Paano niyo po ba narinig?" Nacucurious na ako masyado. Binibitin pa kasi ako ni


manang eh.

"Ah... isang gabi kasi nalasing iyan si Thorin. Gising ako nang mga oras na yun at
nakita ko siyang naglalasing sa sala, punong puno pa ng bote ng alak yang mesa
diyan. Bukambibig yang pangalan, Loren at o Lorraine. Alam mo naman ang matatanda,
humihina ang pandinig." Natawa siya sa joke niya pero ako namutla na yata sa upuan
ko.

Tatlong taon? Ganon na katagal nangyari yun? Oh my god. Is that possible na ako nga
yun? Sigurado akong Lorraine yun at alam kong hindi ako nagkakamali. Naglalasing
siya para sa akin? Bakit? Sumakit bigla ang ulo ko. Kung ako nga yun, totoo nga ang
sinasabi niya na matagal niya na akong kilala. Nabibigla pa rin ako at hindi
makapaniwala.

"Sa palagay ko, alam din ni Ynna ang tungkol sa babae na yun. Kaya minsan mainitin
ang ulo lalo na noon na halos madalas nag-iinom yang si Thorin. Hindi ko pa
nakikilala pero ang laki na ng epekto sa alaga ko. Tsk tsk."

Natitigilan ako. Hindi ko alam kung ano irereact sa sunod-sunod na kuwento ni


manang.

"M-manang, a-akyat na po ako." Sa halip naisipan ko na lang magpaalam. Naloloka ako


sa mga kuwento niya. Masyadong pabomba effect si manang, nagpapasabog sa utak ko.
"Oh sige iha. Minsan baba ka din ulit dito para makapagkuwentuhan pa tayo." Tumayo
na ako at tumango.

Nang paakyat na ako ng hagdan, nakita ko ang dalawa na nagkukuwentuhan pa din,


paminsan minsang tumatawa sila pareho at ewan ko ba dahil mas lalong nagpapanting
ang tenga ko lalo na sa tawa ni Ynna na halata namang plastikada. Sumama na ang
imahe niya sa akin sa pagkausap niya kanina, dinagdagan pa ng panggagatong ni
manang. Tuloy-tuloy akong umakyat. Himdi ko rin alam pero pakiramdam ko may
nakasunod na tingin sa likod ko.

Nakarating ako sa kuwarto. Ang dami nang nangyayari sa araw na to at sasabog na


utak ko. Overload alert. Matutulog ako! And then I passed out after minutes.

***

Thank you sa patuloy pang nagbabasa. Sana hindi kayo nabobore. Haha. Ito pa sa
ngayon ang kaya ko wala pa kasi climax eh. Wala ako multimedia at dedication,
pasensya. Hehe. Oki doki ito na.

***

Maaga akong nagising kinabukasan para sa lakad namin, ang outing sa Puerto. Araw
ito ng sabado, mabuti na lang maaga rin akong nakatulog kagabi. Wala akong balita
kina ate sa loob ng ilang araw kung matutuloy ba ang lakad ngunit alam kung may
isang salita sila kaya maaga rin akong nag-ayos alas kuwatro pa lang bago mag-
umaga.

Nag-aayos ako ng gamit sa bag ko nang marinig ko ang katok sa pinto. Bumukas ito at
nakita ko si Thorin. Sumilip muna siya habang ako bahagyang nakabend dahil inaayos
ko ang gamit na nakalapag sa kama.

"You're ready?" Aniya saka lumapit.

"Not yet. Nakikita mo naman di ba?"

"Yeah I see. By the way, I'm here para sabihing may iba pa tayong kasama."

"Sino?" Natapos ko ang pag-aayos ng gamit at humakbang para maghanda. Natapos na


rin akong maligo kanina.

"Ynna's coming with us."

Natigilan ako.

"She wants to come."

"Alam ba ni August?"

"Oo. Nandoon na siya sa baba naghihintay. Mapilit siyang sumama so wala na rin
akong nagawa." Umupo siya sa kama ko habang pinapanood akong magsuklay sa salamin.
Nakatalikod ako sa kaniya ngunit kita ko siya sa salamin.

"Ah...ganon ba? Okay."

Ewan ko pero biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa kaalamang sasama si Ynna sa
lakad na to. Why did she need to do this? Para akong nawalan ng gana, pumapasok sa
isip ko na huwag na lang sumama pero ayoko namang lumabas na nag-iinarte ako. Dali-
dali akong nagpulbos at nakikita kong pinapanood ako ni Thorin. Blanko lang
expression ng mukha niya kaya hindi ko mahinuha kung ano iniisip niya.
Natapos ako at handa nang lumabas ng kuwarto. Tumayo siya.

Tangka kong kukunin ang gamit ko nang agawin niya ito sa akin.

"Ako na."

He simply smiled at wala na din akong nagawa. Nauna akong lumabas ng kuwarto.

Kumpleto na pala sila sa sala including Ynna. I really hate her guts.

Magkakaharap sila habang nag-uusap at tila seryoso si ate while August is just
formal. No expression saka ko naalala na hindi niya nga pala lubos na gusto si
Ynna. Well from my source of course.

Lumapit sa akin si ate at bumulong. "I don't like her."

Hindi ako nakapagreact sa sinabi ni ate. Well pareho pala kaming ayaw sa kaniya,
talagang magkapatid nga kami. Mabilis kaming makaramdam ng pagkadisgusto sa isang
tao lalo na kung nagsusumigaw ang ugali. Pagkatapos ng kaonting usapan lumabas na
kami ng bahay. Kinuha ko na din ang gamit ko na hawak ni Thorin. Pinauwi muna nila
August ang mga katulong kasama na ni manang Lourdes gabi pa lamang at ngayon walang
maiiwan sa bahay.

Dalawang sasakyan ang gamit naming lima. Isang black kay Thorin at pula naman kay
August. Wala akong alam sa model ng sasakyan so I didn't bother to describe it.

"Lorraine, kanino ka sasabay?" Tanong sakin ni August.

Nakaparada na ang sasakyan sa tapat ng bahay na kaninang nasa garahe. Marahil ay


inihanda na nila kanina pa. Madilim pa sa labas. Napakalamig talaga. Hindi rin ako
makapag-isip kung kanino sasabay nang tanungin niya ako dahil halos manginig ako sa
lamig kahit mahaba na ang manggas ng suot ko. Kay ate Laureen naman ako dapat
sumabay pero naisip kong mapag-iisa si Thorin at Ynna kaya bigla akong nagdalawang-
isip.

"Basta ako, I'll go with Thorin." Ani Ynna na nakahawak na sa pinto ng front seat
ng kotse ni Thorin.

"Ano Lorraine? Sige dito ka na sa amin." Anyaya ni ate. Papasok na sila ni August
sa kanilang sasakyan.

"She'll ride with me."

Napalingon ako kay Thorin. Pag-agawan ba naman ako kung kanino ako sasakay. Oo nga
pala, dalawang pares na pala ang mga kasama ko at ako lang ang walang kasama, sabit
lang yata ako dito eh.

Umiling ako. "Wag na. Kay ate na ako sasabay."

"No. Dito ka na. Maaabala mo pa sila."

"Hayaan mo siya kung saan niya gusto." Iritang sabi ni Ynna.

Tss. Whatever. Lumapit na ako sa sasakyan ni August pero hinabol ako ni Thorin at
hinawakan sa kaliwang braso. Napapiksi ako dahil sa gulat. "Bakit ba?!"

"Sa akin ka na sasabay. Laureen ako na bahala sa kaniya. Ynna...! You'll ride with
them."
"What?!" Alma ni Ynna.

"Yeah come on tara na. Dito ka na, sabit ka lang kaya wag ka magreklamo. Lets go!"
Sigaw ni ate sabay pasok sasakyan. Sumunod na ring pumasok si August at hinintay na
lang kung sino ang sasabay sa kanila.

"No! Huwag na natin pagtalunan to, doon na ako kay ate Laureen. Isabay mo na
bestfriend mo sayo."

Tumatanggi pa ako dahil ayoko na paimportante pa na parang kung sino ako na


kailangang sa kaniya pa sasakay. Diyos ko naman pati pagsakay pinagtatalunan pa.
Yung ate ko naman parang pabor pa na doon ako sa sasakyan ni Thorin sumabay. Ugh!

"Thorin huwag mo na pilitin, ano ba?!" Lumapit si Ynna sa likod ni Thorin at


halatang inip na inip na. That face is so irritating. Feeling niya siya ang
girlfriend. Hawak pa rin ni Thorin ang braso ko. Nagpupumiksi ako pero hinahawakan
niya pa rin. Gulat na gulat pa ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa kotse
niya. Nagsusumigaw si Ynna at napasigaw din ako. What the hell ano bang ginagawa
niya? Damn!

"Are you insane? Ayoko nga!"

"Will you please just ride here nang makaalis na tayo? Nauubos na ang oras! Ynna
just ride there."

"No ayoko!" Sigaw ulit ni Ynna. Pinapapasok na ako ni Thorin sa passenger seat pero
ayoko... ngunit napag-isip isip kong pagkakataon ko na to para malayo si Ynna sa
kaniya. I don't know but I don't like them together kaya kesa mag-inarte pa ulit
pumasok na ako. Mahirap maagawan... nang upuan.

"Thorin! What hindi pa ba tapos yan? We're running out of time!" Sigaw yata iyon ni
August. Mabuti na lang nakapasok na ako. Naririnig kong nagmamatigas pa rin si Ynna
ngunit nang marinig ang sigaw ni August nagpatianod na ring sumakay doon sa kotse
nila ate. Ang dami-dami rin kasing bitbit kaya natagalan pa lalo. Dala-dala yata
buong bahay sa bitbitin niya, isang malaking bag na pangtravel, yung may gulong na
ginagamit pa pang overseas at isa pang maliit na shoulder bag samantalang ako
maliit na backpack lang para sa importante lang na bagay. Inilagay niya na lang sa
likod yung gamit ko na naglalaman lang ng damit at iba pang bagay pangswimming.

Habang biyahe tahimik lang ako. I don't know what to say at wala din naman akong
sasabihin. Is this a part of his love for me na kailangan pang sa kaniya ako
sumabay? Bakit pa? Bigla namang sumagi sa isip ko ang mga nalaman ko kagabi kay
manang, that a long time ago, he's drinking and keep uttering my name. I want to
ask him a question na ako nga ba ang sinasabing babae na iyon ni manang pero nag-
aalangan ako. Paano kung hindi pala ako yun at kapangalan ko lang?

"Anong iniisip mo?" Nagulat pa ako nang bigla siyang magtanong. Nilingon ko siya ag
kitang kita ko ang guwapo niyang mukha.

"Wala." Simple kong sagot saka ibinalik ang tingin sa daan.

"Talaga?"

"Bakit ba parang alam na alam mo ang mga bagay na ganito? Manghuhula ka ba? Kung
may iniisip man ako di mo na siguro dapat malaman."

"Whoa! I didn't mean anything. Nagtatanong lang ako dahil ang tahimik mo."
"None of your business."

"Bakit ba ang sungit mo?"

Hindi ako sumagot. Bahala siya kung anong gusto niyang isipin.

"Do you have a period?"

"What?!" Napalingon na naman ako bigla. Ugh! Why did he keep on asking questions?
At saka period?! Isn't it awkward to ask questions like that?

Natawa-tawa siya. "Ang aga mong magsungit hindi pa nga sumisikat ang araw. So I
assume na meron ka nga."

"I do not have. Manahimik ka na."

"Ang tahimik mo kasi. May iniisip ka ba? Ako ba yan?"

"Oo ikaw nga. Iniisip ko na siguro kung paano ka sisipain palabas."

"Walang magmamaneho." Natawa na naman siya.

"Ugh. Whatever." Nagcross-arms ako at tumagilid ng bahagya patalikod sa kaniya.


Humarap ako sa labas. Siya nga ang iniisip ko. Nagtataka pa rin kasi ako at hindi
makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa kaniya. Kahit pilit ko mang ibaling sa ibang
bagay ang atensiyon ko pilit pa ring nagsusumiksik na noon pa palang halos
nababaliw-baliw siya sa akin.Argh! Ayoko talagang mag-assume pero malaki ang kutob
ko na ako nga iyong pangalan na iyon. Gusto ko ng matahimik! Tanungin ko na kaya?
Pero paano? Hindi kayang parang lalabas naman na assumera ako? But how can I know
kung hindi ko tatanungin?

Teka, bakit ba big deal sa akin to? Eh ano naman? Tinapos ko na kahapon ang tungkol
don di ba? I shoudn't think of this things because in the first place, we're on the
good terms now. Wala ng pressure. Wala ng tungkol sa namamagitan mang special sa
amin.

"About kahapon, I'm sorry. Sorry kung nagdamdam ako tungkol sa paglayo mo sa akin.
I shoudn't do that."

"This is not the right time to talk about it."

"Kaya gusto ko ring sa akin ka sumakay dahil gusto kitang makausap. Lorraine...
mahirap pa rin sa akin eh. Pinilit kong tanggapin ang desisyon mo pero nahihirapan
pa rin ako. How can I let you go when I can't help myself to be with you? Kung
hindi lang ako nagmamaneho, I want to hug you right now."

"Thorin, hindi ba malinaw na ang usapan natin kahapon? Ano ba? Hindi mo pa rin ba
makuha? Ano ba naman." I looked at him habang palingon-lingon din siya sa akin.

Sinulyapan ko ang sasakyan nila ate Laureen na nauuna sa amin, nakita ko si Ynna na
dito nakaharap sa amin, kitang kita ko ang sama ng tingin niya sa akin. The hell?
Bakit ba siya ganyan?

"Hindi na ako makaaahon. Gustong-gusto ko na makalaya dahil lubog na lubog na ako.


I'm so exhausted. Pagod na pagod na ako. Matagal na akong nagkakaganito, can you
please give me a chance Lorraine?"

Huminga ako ng malalim. Makulit talaga siya!


"You're driving. Hindi tamang mag-usap tayo ng ganito." Sinusubukan kong umiwas.
Anong sasabihin ko? Ito na naman kasi siya. Akala ko naiintindihan niya na ako
ngunit bakit ito na naman? Sobra ba talagang hirap?

"I can drive. This is my chance para makausap ka."

"Marami pang oras Thorin, don't rush up. Ano bang minamadali mo?"

"Final na talaga decision mo ano?"

"Thorin will you please drive only? Ano ba?"

"Okay! Okay! Kung ayaw mo pag-usapan eh di sige...! Damn it."

Nagulat ako nang biglang tumaas ang kaniyang boses. Heck. Nagalit bigla? Ang gusto
ko lang naman ipagpaliban muna ang pag-uusap tungkol sa bagay na yan, he's driving
for christ sake! Ano ba naman kung ipagpaliban hindi ba? Nasa biyahe kami papuntang
airport, and it's still dark outside. Ang ayoko rin sa lahat kinukulit ako nang
inaantok ako, sumasakit lalo ang ulo ko at ang tanging gusto ko lang ay manahimik.
Hindi niya ba maintindihan yun?

"Huwag kang magalit dahil sinasabi ko lang na huwag muna ngayon."

"I'm not mad! Who says I'm mad?" Sandali siyang natahimik at nagpatuloy. "Kung ikaw
inaantok, paano pa ako na hindi nakatulog sa kakaisip sayo. You don't know how hard
it is for me na nagdesisyon ka ng ganon. Kung alam ko lang na magkakaganito ng
sobra ang nararamdaman ko sana pinanindigan kong huwag ng lumapit sayo. Sana
pinanindigan ko na huwag nang pumayag na sa bahay ka manirahan. I knew it that this
will be hard...but I never thought na ganito pala ako sobrang mahihirapan!"

Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Bumagal ang takbo ng sasakyan.

"T-Thorin." Ang tangi ko na lang nasabi. I- I didn't know what to say. Hindi ko
alam na nagkakaganito siya. Posible ba sa isang tao ang ganitong kalalim na
nararamdaman para sa kaniyang minamahal?

"Hindi ako matahimik Lorraine. Pakiramdam ko namuhay na sa puso ko ng napakatagal


na panahon ang nararamdaman ko para sayo. Anong gusto mong gawin ko? Napakahirap! I
tried many times to kill this feeling ngunit sa huli nabibigo pa rin ako. Kung ikaw
nakalambitin pa lang sa bangin, ako matagal nang nahulog, nabagok at ilang taon
nang pilit nag-uumalpas pero hindi ko magawang makalaya."

Matapos yun ay hindi na siya muling nagsalita. Nagfocus na lang siya sa


pagmamaneho. Ako naman hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin. Nangangapa
ako. Ngayong dapat may sabihin ako saka ako natatahimik. Ano nga bang dapat kong
sabihin sa kaniya? Nagugulat ako sa mga pahayag niya ng nararamdaman niya. Hindi ko
alam kung anong dapat ireact ko. Matutuwa nga ba ako dahil sa dami ng tao,
nakakaranas ako ng ganito kalalim na pagmamahal mula sa isang lalaki na hindi
lamang guwapo at maganda ang katawan kundi sobra din kung magmahal, o paiiralin ko
na naman ang pagkaduwag ko? Argh!! Pag-ibig talaga ang sakit sa ulo! Ang haba-haba
kasi ng buhok ko eh. Sadsad na sadsad na kaya hindi ko na alam ang tamang gawin.

...

Nakarating kami sa sasakyang nirentahan ni August patungong Puerto Galera nang


walang imik si Thorin. Tahimik akong bumaba ng sasakyan. Pagbaba ko ay sumunod siya
sabay inabot ang susi ng sasakyan sa taong magbabantay nito hanggang bumalik kami.

Sinalubong ako ni ate.


"You okay?"

"Uhm." Ngumiti ako ng tipid. Nilingon ko si Thorin na kausap si August. Si Ynna


naman nakadikit din sa kaniya, hindi naman siya nakahawak sa braso ni Thorin pero
sobra naman kung makadikit. Napakahusay talaga. Tss. Isa ring bagay na nagiging
dahilan ng pagdududa ko kag Thorin ay iyang si Ynna na kahit alam niya nang parang
lintang nakadikit sa kaniya ang bestfriend niya, parang wala lang siya pakialam
kahit na alam niyang tinitingnan ko sila. It's just so hard to believe him dahil sa
mga ipinapakita niya. Guys are so hard to understand. Sasabihin nilang mahal ka
nila pero kulang naman sa actions. What makes the difference kung puro salita lang
sila. Siguro nga yun na lang ang kulang para lubusan akong bumigay, ang actions
niya. Pero sa nakikita ko? I don't think he can show me that he loves me.

Nauna na kaming umakyat ni ate Laureen sa plane. May kalakihang plane ito pero
hindi kasing laki ng pampasaherong eroplano. Katamtaman lang bilang pribadong
eroplano.

"What happened?" Tanong ni ate nang makaupo kami. Tumabi na ako sa kaniya at baka
kulitin na naman ako ni Thorin na tumabi sa kaniya. Pero... mangungulit pa nga ba?

Pangtatluhan ang upuan at sa kabila naman si August. Hindi pa sila umaakyat na


tatlo.

"Huh? Wala naman. Bakit?"

"Bakit hindi na kayo nag-uusap ni Thorin?"

"Wala iyon. Ayaw lang namin mag-usap."

"Talaga sis? Is there something happening between you and him?"

"What? Ate naman. Ano bang sinasabi mo?"

"Hmm... well kakaiba lang kasi mga kilos niyong dalawa. I'm not a fool to didn't
notice you two. Kung ano man iyang namamagitan sa inyo, you know what you're doing.
Hindi na kita pakikialamanan. Just be careful. Alam kong mahal ka niyang si Thorin,
August told me."

Natigilan ako. Maging si ate alam na din pala. Paano kung humingi ako sa kaniya ng
advice? Naguguluhan pa rin kasi ako.

"Alam mo naman na siguro di ba?"

"O-oo."

"What did he tell to you?"

"Since high school mahal niya na daw ako."

"Ang tagal na palang talaga. He's really amazing to keep that feelings for a long
time. Bihira na ang taong ganyan. Sometimes sa tagal ng panahon bigla na lang
mawawala at makakalimutan or either maibabaling na lang sa ibang tao ang love, but
in his case... kakaiba. Nahandle niya ng ganon katagal not mentioning anything to
you."

"Anong dapat kong gawin ate? Gulong-gulo na ako."

"Do you feel something for him?"


"M-meron."

"Is that love?"

"Hindi. I know hindi ito love."

"Are you sure? Sometimes nagkakamali tayo sa kung anong nararamdaman natin."

"Sigurado ako. Hindi ko siya mahal."

"Hmm... I will believe you. Pero alam mo, tayong mga babae kilala bilang mabilis
magbago ng desisyon. One time alam natin na hindi natin mahal ang isang tao, pero
iyon pala taliwas ang nararamdaman at actions natin sa sinasabi ng bibig natin.
Sana sigurado ka na hindi mo nga siya mahal Lorraine. Mahirap magsisi sa huli,
tandaan mo yan."

"Alam mong hindi ako suki ng love na yan ate."

"Yeah I know. Do you remember what I said last time? If you found someone na
handang mahalin ka huwag mo ng pakawalan. Grab also the chance when you feel
something towards that person, because that will be your foundation to love him."

"Ayoko ate. Masyadong malaki ang takot ko, nadadaig nito ang dapat na pagpapaubaya
ko sa sarili ko. I want to love him, gusto ko siya pero natatakot ako. Ayokong
magmahal nang nagkakaganito ako." Huminga ako ng malalim. Natigilan din si ate.

"Alright. So iyan ang salarin, ang takot mo."

"Oo. Sinabi ko naman ng ayoko dahil natatakot ako. Pero sobra niya na daw ako mahal
para lumayo pa."

"Mahirap sitwasyon niyong dalawa grabe! But come to think of it, isipin mo sis...
sa inyong dalawa, sino ang mas nahihirapan? Ikaw takot lang, pero si Thorin...
years Lorraine. It's been years!"

"Ate hindi maganda pinaparating mo. Ayoko rin kung awa lang din ang dahilan."

"Jesus! Hindi yun ang ibig kong sabihin okay? Isipin mo na lang na kung nahihirapan
ka paano pa kaya siya na matagal naghintay? Don't be selfish Lorraine. Isipin mo
rin naman nararamdaman niya. If you like him already why don't you give it a try?
Walang mawawala. Baka nga mas sumaya ka pa. Believe me it's so good to love and to
be loved. Bakit mo ba kasi pinapairal ang takot mo? Tinatakot mo lang siguro ang
sarili mo eh. Anong gusto mo? Hihintayin mo pa yang mawala ang takot mo? Paano kung
wala na si Thorin nang panahon na iyan eh di ikaw ang nawalan."

"A-ate..." nabuga na naman ako ng malalim na hininga. Jeez.

"Okay I'm not pressuring you sis... mag-isip ka ng mabuti. Bihira lang ang ganyang
lalaki na tunay kung magmahal. Realize his worth while he's there. Regrets may come
afterwards sige ka."

Natahimik na talaga ako. Hindi na ako nakasagot dahil masyado nang naalog ang utak
ko dahil sa mga sinasabi ni ate. I want to rest. Nakakapagod mag-isip. Ipinikit ko
ang mga mata ko at sumandal. Maya-maya naramdaman kong nandiyan na rin sina August,
Thorin at Ynna. Nasa likod yata namin umupo si Thorin at Ynna, magkatabi sila. Si
August naman kausap na ni ate hanggang sa naramdaman ko na ding umaandar na ang
plane.
Ayoko munang mag-isip. Ipapahinga ko muna ito at kapag okay na ako saka ko pag-
iisipan ang dapat kong gawin.

Nakatulog ako sa biyahe hanggang kalabitin ako ni ate.

"Lorraine wake up. Nandito na tayo." Napamulat ako ng mata at nakitang nagbukang-
liwayway na pala. Alright, we're here. Time for relaxing. Irelax ang mga dapat
irelax.

***

Happy Valentines!

Thank you thank you ang babait ninyo.


Sana naman matapos niyo ito hanggang sa dulo. Hehe!!

***

Hindi umabot ng isang oras ang biyahe mula Manila hanggang Puerto Galera. Umalis
kami doon ng 4:30 siguro at dumating kami bago mag 5:30 ng umaga. Nagpabook na daw
ng hotel si August at ang pangalan ng resort ay Coco Beach Island Resort na nasa
bayan ng Sabang. Nabibilang ang Puerto Galera sa Silangan ng Mindoro, I mean
Oriental Mindoro. Part pa rin ito ng Luzon at kasama sa rehiyon ng MIMAROPA.
Hangang-hanga talaga ako sa ganda ng mga beach dito dahil napakaganda ng mga
tanawin, sobrang relaxing at makakalimutan mo talaga ang mga problema mo.

Hindi pa namin napuntahan ang resort na ito nila mommy noong nabubuhay pa sila,
siguro we've been here at Puerto Galera two times at sa ibang beach resorts yun.

Nakarating kami sa resort na pinabook na ni August noong mga nakaraang araw.


Nauunang maglakad sina August, Thorin at Ynna na nakadikit na naman sa kaniya
habang ako kasabay ko si ate. Halos lahat kami hindi mo na mabilang kung ilang
beses na napausal ng wow habang naglalakad. Busy kami lahat sa paggala ng paningin
sa buong lugar. Puno ng malalagong puno at halaman ang lugar at may bandang mga
elevated ang tinutuluyan. Sa palagay ko ay pang VIP iyon. Malakas at napakapresko
rin ng hangin, malayong malayo sa hangin na nakasanayan ko sa Manila. This is place
is so wonderful! Gugustuhin kong dito na siguro tumira,para rin kasing hinahaplos
ang mga mata mo sa ganda ng lugar. Nakikita rin naman ang dagat na kulay dalandan
dahil sumisikat pa lang ang araw. Kitang kita ang lawak nito maging ang puting
buhangin. Tamang tama lang ang biyahe namin para masulit ang dalawang araw. Para
tuloy ayoko nang pumasok sa Monday at maglagi pa ng ilang araw dito. Haaay..

Bahagya ring nawala sa isip ko ang tungkol kay Thorin. Napalingon ako bigla sa
kaniya na ngayon ay kausap ni Ynna tungkol sa tanawin.

"Sana pala dito na rin tayo pumunta noong buhay pa sila mommy sis. Para sa akin mas
maganda pa ito sa mga napuntahan na natin dati."

"Yeah. Tama ka ate. Ang ganda."


May lumapit sa amin na employee siguro at hinatid na kami sa suit na tutuluyan
namin. Apat ang napiling tuluyan ng grupo. Isa para kina ate Laureen at August, isa
rin para kay Thorin, sa akin at kay Ynna na napalayo ang suit sa aming apat Hindi
naipabook ni August si Ynna dahil biglaan ang pagsama kaya naman kinailangan niya
pang maghanap ng matutuluyan.

"Argh. Ayokong malayo sa inyo." Reklamo ni Ynna kay Thorin. Magkatabi na si ate at
August habang ako nasa gilid lang din nila, tahimik na nagmamasid sa paligid pero
dinig na dinig ko ang pag-iinarte ng feeling girlfriend. Tss. Kanina pa siya
nagrereklamo.

"Hindi ka naman namin iiwan. Don't worry dadaanan kita lagi sa room mo."

"Talaga? Ang bait naman ng bestfriend ko!" Sabay kapit sa braso ni Thorin habang
ngiting-ngiti. Para naman ako napasong napaiwas ng tingin. Great... Stupid
reactions!

"Let's go." Anyaya ni ate.

Pumunta na kami sa kaniya-kaniyang suit matapos iyon. Sa mga oras na dumating kami
kanina kapansin-pansin na hindi man lang ako kinakausap o kahit tapunan man lang ng
tingin ni Thorin. Nagalit nga ba talaga siya tungkol sa naganap noong nasa sasakyan
niya kami?

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Kung galit man siya hahayaan ko muna siguro.
Mabuti na rin siguro na hindi niya ako kinakausap para mas mapag-isipan ko kung ano
nga bang tama kong gawin. Naguguluhan pa rin kasi ako.

Pagdating ko sa suit ko, manghang-mangha agad ako sa ganda ng tutuluyan ko. Oh my


God. Man are so amazing talaga. Nakakagawa sila ng kung ano-anong creations, hindi
na masama ang presyong ipinapatong nila sa kahit sinong guest. It's really worth
it.

Iginala ko ang paningin sa buong kuwarto. Sanay naman ako sa mga luxurious places
ngunit sa lahat nang beses na napupunta ako sa mga ganoong lugar hangang-hanga pa
rin ako. Umupo ako at pinagmasdan ang labas ng bintana. Kita mula rito ang
karagatan na malawak.

Napagpasyahan ko munang magpahinga. Mamaya-maya ay pupunta kami sa baba ng hotel


para magbreakfast, by 7 dapat andon na ayon kay ate Laureen.

***

"Lorraine! Here!" Inilibot ko ang paningin ko sa buong dining place ng hotel nang
marinig ang boses na iyon. I know that was ate Laureen. When I saw them nakangiti
akong lumapit. Dalawa pa lang sila ni August. Napansin ko nang makalapit ako na
magkahawak kamay silang dalawa habang nakapatong sa mesa. Nakasuot ng gray sando si
August habang si ate nakasuot na nang pangswimming. She's wearing see through
floral dress na kulay violer at sa loob ay ang binili yatang swimsuit ni August
para sa kaniya na ganoon din ang kulay. Nakaladlad din ang magandang buhok ni ate.

Ako naman nakasuot na rin ng swim wear ngunit hindi see through. Simpleng floral
dress din na kulay light blue na manipis, kita ang maputi kong balikat at leeg
dahil ang damit ay itinatali lang sa leeg, itinali ko din ang mahaba kong buhok
tapos ay nagsuot ng brown shades ngunit inilagay ko lang ito sa aking buhok na
parang head band style. Sa loob ng aking damit ay ang aking one piece swim suit na
wala yata akong lakas ng loob na ipakita mamaya. Balingkinitan naman ang katawan ko
pero hindi ko pa naranasang ipakita sa ibang tao.
"Anong gusto mong kainin?" Nakangiting tanong sa akin ni ate.

"Kahit ano." Sumandal ako sa upuan at pinanood ang mangilang-ngilang guest na


nakacheck in dito. Karamihan sa kanila mga foreigners. Iilan lang ang nakikita kong
pinoy. Sabagay ito ang mga lugar na hinahanap-hanap ng mga turista dito sa
Pilipinas.

"Bakit ang tagal nila? Tsk." Inis na turan ni ate pagkaorder sa lumapit na
attentant ng resort.

"Sino?"

"Sino pa eh yung magbestfriend. Sabi ko naman kay Thorin hayaan na lang na pumunta
dito. Bakit pa kailangang sunduin?"

"Hayaan mo na. Ganyan talaga ang dalawang iyon, huwag ka ng magreklamo." Ani August
kay ate.

So sinundo pala. It means nandito na pala dapat si Thorin.

"I'm starving. Sheeks! Mauna na kaya tayo kumain hon? Diba Lorraine? What do you
think? Past seven na wala pa tayong breakfast."

"Malapit na rin dumating iyon."

"Ugh. Whatever. Kung bakit kasi pumayag pa kayo na sumama ang babae na yun eh."

"Ate naman." Saway ko.

"What? It is supposed to be our family bonding. Yung tayo-tayo lang. This is our
wedding celebration also, hindi basta out of town lang. Duh!"

"Come on Laureen, don't be harsh." Saway ni August.

"Hindi ko kasi maintindihan, bakit niya pa kailangang sumama. She's just a


bestfriend, not a girlfriend."

"Are you talking about me?"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Ynna na nasa likod na pala namin. Nakaharap kasi
kami sa labas kaya hindi namin nakita na nakalapit na pala sila.

Nakangisi at masamang nakatingin ng pasimple sa amin si Ynna samantalang nasa likod


niya si Thorin, nakapamulsa at kunot ang noo na nakatingin sa amin. This is the
first time na nagtama ang paningin namin mula kanina kaya bigla rin akong umiwas.
Para akong napapaso.

"A-ah. Ikaw? No. We're just talking about my friend. Kinikuwento ko lang sa
kanila."

"Really? Who's that friend?" Ani Ynna na mukha namang naniniwala sa palusot ni ate.

Pinaghila muna ng upuan ni Thorin si Ynna bago siya umupo sa tabi ni August. Bale
ang katabi ko ay si Ate Laureen at Ynna. Oh well. Special huh.

"Someone. No need to introduce, baka makilala mo pa." Siniko ko ng palihim si ate.


She's vocal pa naman pag may kinaiinisan siya. Ngumiti lang din si ate at nagkibit-
balikat na lang si Ynna. Hindi niya nahalata ang pasaring ni ate. Maybe ang narinig
lang ni Ynna ay ang last sentence kaya hindi na big deal pa.

Nagsimula na kaming kumain after ilang chitchats. Tahimik lang ako at maya't maya
ring nag-uusap ni ate. Mas madalas ding mag-usap si Thorin at August while Ynna,
madalas nagsasalita siya ngunit wala sa aming nagrereact kundi si Thorin. Mga
kuwento niyang madalas napapatingin sa akin si ate dahil sa pagkairita.
Nayayabangan or what. I don't know. Manaka-naka ko ring sinusulyapan si Thorin
kapag na kay August ang atensiyon niya. Naisip ko na naman tuloy pinapasan ko.
Napepressure ako.

Is he worth it? Tama nga bang isantabi ko ang takot at pangamba ko para sa kaniya?
Kakayanin ko ba? Habang tinitingnan ko siya naiisip ko ang haba ng panahon na
naghintay siya, hindi ko man iyon alam naghintay pa rin siya ng matagal. I don't
know what's in me to be loved by this someone. Kung ibibigay ko ang hinihiling
niya, maging masaya kaya? Sa totoo lang, I'm not counting as my reason na teacher
siya dahil alam ko sa sarili kong balewala na iyon ngayon. Nagbago ang mga dahilan
ko. At iyon ay ang takot. Takot na pumasok sa isang relasyon. Hindi naman ako tanga
na hindi maisip na iyon ang gusto ni Thorin. Na tanggapin ko siya bilang partner,
na mahalin ko din siya tulad ng pagmamahal niya sa akin. Sino ba namang tao ang
hindi gustong markahang kaniya ang mahal niya? Bihira na ngayon ang nagkakasya lang
sa relasyon na walang label at commitent.

I do not believe in love, iyan ang paniniwala ko noon. Maging hanggang ngayon ganon
pa din siguro .Kaya siguro hindi niya ako pinapansin ngayon ay dahil sa hinahayaan
niya rin akong makapag-isip isip. Or maybe...he's trying now to get away from me.
Ganon nga kaya? Nakaramdam ako ng takot bigla sa puso ko. Iba ang takot na biglang
gumuhit dito. God. Am I feeling something special for him?

Pinag-isipan ko rin ang mga sinabi sa akin ni ate Laureen. Hindi ko alam kung paano
din mawawala ang takot na ito. What should I do to take this away?

"Lorraine..." untag sa akin ni ate. Napakurap-kurap ako at napagtantong lumilipad


na pala ang isip ko.

"Bakit?" Casual kong tanong. Lahat sila nakatingin sa akin, including Thorin.
Pinamumulahan yata ako ng mukha kaya bahagya akong yumuko.

"I'm asking you kung anong gusto mong gawin mamaya. Gusto mo jetski tayo?"

"Sige. Ikaw bahala." Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Great! Excited na ako. Haha!"

Jetski is our favorite. Madalas namin iyong ginagawa kapag nasa beach kami.
Pangalawa ang snorkling. Pero iyon ang pinakagusto ko kapag ako lang, madalas
ginagawa ko iyon nang ako lang mag-isa, nagpapasama ako sa isang bangkero na bayad
din ng resort tapos magpapakasasa na ako sumisid. Pakiramdam ko kasi nasa ibang
mundo ako kapag ganon. Iyon nga lang madalas akong napapagalitan nila mommy, hindi
kasi ako nagpapaalam.

"Tayo Thorin, anong gagawin natin? Doon tayo sa pool. You know naman I can't swim
eh."

Pfft! Parehas kaming muntik nang mapatawa ni ate. Parang lumipad yata ang laway
namin sa pagpipigil. God! Sumama siya magbeach pero hindi naman pala marunong
lumangoy!

"Bakit?" Taas ang kilay na tanong niya sa amin. Sabay kami umiling ni ate.
Sinundot-sundot niya pa ako. Hay naku mas ginanahan to mang-asar. Si August naman
ay nakahawak sa phone niya, siguro ay about business.

"Hon, bakit hindi mo na lang iniwanan ang phone mo sa kuwarto natin?"

"It's important. I'm sorry hon."

"Mas mahalaga pa yan kesa dito? Akala ko ba nandito tayo para mag-enjoy? Turn that
off. Will you?"

"Yeah yeah. Just wait a minute."

"Okay. Make sure you will." Pagkatapos non tumayo bigla si ate, sinundan naman agad
siya ni August. Siguro sa may garden nagpunta.

"Ang sweet." Komento ni Ynna.

Ugh. Tatlo na lang pala kami dito sa table. What now? Si Thorin relax lang na
nakasandal sa upuan niya. Hindi na naubos ang ilang pagkain na inorder namin.

"Good choice. Ang ganda rito."

Ngumiti lang ako ng tipid tapos inilibot na lang ang paningin sa paligid. Gusto ko
rin tumayo at umalis pero para saan? Para mapagsolo silang dalawa? No fucking way.
Ayoko. Kahit mapanisan ako ng laway dito hindi ako aalis.

"Ah.. Thorin.."

"Uhmm?"

"Turuan mo ako lumangoy mamaya ha."

"Huh? Bakit pa?"

"Cause I want to learn to swim."

"Galing ka ng states. Dapat nagpaturo ka na doon."

"Ayoko. Gusto ko ikaw."

"Huwag na. Hanap tayo ng swimming instructor dito baka meron."

"I want you." Malambing pa na boses ang iginawad grabe. Napayuko ako. Kagat-kagat
ko ang labi ko dahil naiinis na naman ako. May panahon pa silang maglambingan sa
harap ko ha. Damn!

"Ynna.. hindi puwede."

"At bakit?"

"Ayoko. I'm not good in teaching like that, baka malunod ka lang."

"Okay lang. Basta ikaw lang nakahawak sa akin. Ayoko sa iba. Kaya...please?"

Saglit na natahimik si Thorin, marahil nag-iisip. Natetempt na talaga akong magwalk


out. God! Babaliin ko yata ang promise ko na hindi ako aalis.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. " Alright." Pagsuko niya.

"Yes!! Thank you BF!"


Napapikit ako ng mariin. Nagdudugo na yata ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko.
Okay I'm done here!

"Excuse me." Tumayo na ako.

"Oh saan ka pupunta?" Binalingan ko si Ynna na parang nagmamalaki na nakatingin sa


akin. Nakatingin lang din sa akin si Thorin, siguro ay nagtataka.

"Sa suit. Maiwanan ko na kayo." Mabilis akong lumayas sa lugar na iyon. Madaling-
madali pa akong naglakad hanggang suit ko. Naramdaman ko na lang na humahapdi ang
labi ko. Ouch. Hinawakan ko ito at nakakita ako ng dugo. Jeez. Wala akong dalang
gamot. Hayst bahala na.

Naglakad ako nang naglakad. Nang papalapit na ako sa suit ko may biglang humawak sa
siko ko. Napasinghap ako. What the hell?

"Hey." Si Thorin.

"O-oh. Ikaw lang pala. Bakit mo ko sinundan?" Nanginig naman ako bigla sa hawak
niya.

"Are you okay?" Lumapit siya.

"Huh? Oo naman."

"Maybe you're not. Halika sa suit ko." Hinila niya ako pero tumigil ako.

"Bakit? Anong gagawin natin don?" Huli na nang marealize ko na may pagkamalisyoso
pala ang tanong ko.

"Just go with me." Hinila niya na naman ako. Kahit pilit kong tinatanggal ang kamay
niya sa siko ko hindi ko magawa dahil sa ang higpit ng pagkakahawak niya.

Nagaalburoto ang sistema ko. Anong gagawin niya sa akin?!

Nakapasok kami sa suit niya. Binitiwan niya naman ako nang hilahin ko kamay ko.

"Bakit mo ko dinala dito!?"

Napanganga ako nang bigla siyang lumapit sa akin at walang pasabing hinawakan ang
baba ko. Kung ang kaninang nag-aalburoto lang ang sistema ko, ngayon ay nagwawala
na!

"A-anong?"

"Sshhh!" Mas lumapit pa ang katawan niya sa akin dahilan para maamoy ko ang bango
ng kaniyang katawan. My golly. Anong ginagawa niya?

"Thorin... c-can't you...wait for a moment? I-I'm not yet r-ready for this. Hindi
t-tama ito."

"Hmmm...?"

"Thorin n-naman."

"Ano?"

"A-ano ka ba? Hindi ka na ba talaga makapaghihintay?!"


"What?" Ang lapit niya pa rin at parang inaamoy-amoy pa ako. Oh God! Anong gagawin
ko?! Dumidikit na ang pisngi niya sa pisngi ko!

"Hoy ano b-ba?!"

"Promise... Hindi kita sasaktan. I'll be gentle." Malamyos ang tinig niya sa tenga
ko. Pabulong at nang-aakit.

Damn it! Hindi sasaktan?!

"A-ano?! Holy mother of God! Naririnig mo ba sinasabi mo?"

"Oo naman. Ako ang nagsabi eh."

"Thorin naman!"

"What? I promise I'll be gentle. Ano bang kinakatakot mo?"

"Alam mo ang kinakatakot ko!"

Ugh. Pakiramdam ko naninigas na rin ako sa kinatatayuan ko. Hindi na ako makakilos
kahit gustong-gusto ko na lumabas. Natatakot ako.

"M-makakapaghintay ka naman di ba?" Pumiyok na ang boses ko.

"No. Hindi puwede. Baka lalong lumala kapag hindi naagapan."

"A-ang ano?"

"Just close your eyes and everything will be alright."

"Naman! Thorin akala ko ba mahal mo ako? Wag mo naman gawin sa akin to."

"Mahal kita... Oo... Kaya nga gagawin ko ang lahat para sayo."

Humarap siya sa akin. So close that I am holding my breath for fucking sake! Dahan-
dahan niyang hinawakan ang labi ko. Pinalandas niya iyon na tila nantutukso.
Namumungay na din ang mata niya.

Pumikit ako ng mariin. Sasabog na yata ang dibdib ko sa kaba. Handa na ba ako para
dito? Ano ba naman? Hindi ko pa nga siya sinasagot ito na agad? Ang bilis naman!

Damang dama ko ang hininga niya sa ilong ko. He's so close.

Naramdamang kong biglang lumayo siya. Hindi ako dumilat dahil natatakot akong baka
naghuhubad na siya. Nagpapanic na ako sa kalooban ko. Ayokong makita ang gagawin
niya!

And then I'm surprised nang may tila bulak na dumampi sa labi ko. Napamulagat ako.
Ano?!

Ngumiti siya ng nakakaloko. I cursed in my mind. A bullshit game of him!

"You enjoy?"

"Damn you Thorin." Pumiksi ako pero hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Hold still... I'm so sorry honey but, I can wait for that." Ngumisi siya lalo.
"Besides, maalat ang dugo. Hindi ko gugustuhing matikman yan sa ngayon. Gagamutin
ko muna at baka lalong bumuka ang sugat. Ikaw naman kasi, kung sinabi mong gusto
mong kagatin iyang labi mo, sana ako na lang gumawa. Hindi ako tatanggi." Ang lapad
ng ngisi niya saka idinampi ulit ang bulak na may ointment. Hindi na ako
nakapagsalita dahil nararamdaman ko nga ang hapdi.

Napahiya ako ng sobra sa ginawa niya! Lamunin na sana ako ng lupa!

***

May free wifi kaya nakapag-UD..

Comment ka naman. Dali!!! ^^


Happy Valentines!! Sana nagkaroon ka ng masaya at makabuluhang araw ng mga puso.
^___^

***

"Hold still... I'm so sorry honey but, I can wait for that." Ngumisi siya lalo.
"Besides, maalat ang dugo. Hindi ko gugustuhing matikman yan sa ngayon. Gagamutin
ko muna at baka lalong bumuka ang sugat. Ikaw naman kasi, kung sinabi mong gusto
mong kagatin iyang labi mo, sana ako na lang gumawa. Hindi ako tatanggi." Ang lapad
ng ngisi niya saka idinampi ulit ang bulak na may ointment sa labi ko. Hindi na ako
nakapagsalita dahil nararamdaman ko nga ang hapdi.

Makailang beses akong napahinga ng malalim habang pigil ko ito. Habang dinadampian
niya ng gamot ang sugat ko, mataman siyang nakatitig sa mukha ko na parang
kinakabisa ang bawat detalye nito. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso kaya ang
ginagawa ko iniiwasan kong magtagpo ang paningin naming dalawa. It's just so damn
awkward. Nakakailang.

"There you go. Ayos na." Aniya. Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na siya upang
ibalik ang mga ginamit na panggamot sa first aid box. Inilagay niya ako si cabinet
na nasa gilid ng kama.

"T-thank you." Nahihiya pang sabi ko.

"You're welcome. The next time you will bite your lips, make sure hindi sosobra.
Maling sa labi mo ibuhos ang galit mo."

"Anong galit sinasabi mo? Hindi ako galit... bakit naman ako magagalit?"

"Uhh... I don't know. Bakit mo nga ba kinagat ng ganyan yan kung hindi ka galit?"

"I said I'm not mad okay?"

"Really? Bakit parang hindi naman yun ang nakikita ko?" He teased.

"Nagkakamali ka lang." Inilihis ko ang paningin ko.

Natawa siya. "Lorraine... you know what?"

"Hindi ko pa alam." Pagsusuplada ko.

Mas lalo pa siyang natawa. A cool and sexy laugh. Oh God.


"Yeah you didn't know. That's why I am going to tell you now..." Unti-unti na naman
siyang lumapit kaya umatras ako. Napaupo ako sa kama niya nang wala na akong
maatrasan.

"Bakit ka lumalayo?"

"N-nothing."

"At kanina ka pa nauutal... anong nangyayari sayo?" Nanunukso niyang tanong. He


wants to play. Jeez. Ano na naman bang ginagawa niya?

Hindi ako nakasagot. Ngayon nasa harap ko na naman siya. Getting closer...and
closer. Naman! Bakit ba ang hilig niyang lumapit ng ganito?! Itinukod niya ang
magkabilang braso sa magkabilang gilid ko. Unti-unti niyang nilalapit mukha niya
kaya naiaatras ko ang katawan ko kahit nakaupo ako.

"Lorraine... kahit pinigilan ko ang sarili kong huwag kang pansinin, I still can't
hold it lalo na ngayon na... ang ganda mo sa suot mo. I really can't resist you no
matter how I tried to ignore you. Ganon kalakas ang tama mo sa akin. And when you
bite your lips, gustong-gusto kitang halikan."

Lumapit siyang lalo hanggang napahiga na ako habang siya nasa ibabaw ko. Nakatukod
pa rin ang magkabilang braso niya kaya malayo pa ng kaunti ang mukha niya sa mukha
ko. I'm so doomed! Speechless ako at hindi ko alam kung anong dapat gawin. Kung
itutulak ko ba o hahayaan ko siya sa ginagawa niya. Somehow, nagugustuhan ko ang
closeness namin na to. Oh my God.

What should I do? Kinakabahan na naman ako.

Pinalandas niya ang kanyang mga daliri sa buhok ko. The sensation is coming over
me. Para akong nakalutang.

"I know, hindi mo na maitatangi ang nararamdaman mo para sa akin. Bakit Lorraine?
Why did you need to hold yourself? Why did you need to fight kahit na nagugustuhan
mo naman na ako?"

"Thorin..." usal ko.

"I can't believe na gusto mong lumayo sa akin. What do I need to do para tanggapin
mo na ako? Kailangan ko bang lumuhod sa harap mo para akuin mo ang pag-ibig na
binibigay ko? Kailangan ko pa bang tawagin ang iba't ibang santo para lubusang
mahalin mo rin ako? Ano?"

"Thorin... hindi kasi ganoon kadali iyon."

"Yeah. Naiintidihan ko. You need time. You're afraid. And whatsoever reasons you
have there. Ganon naman lagi eh. I think I'm not yet enough and deserving for your
fucking love."

Tangkang lalayo na siya nang hilahin ko siya sa braso. Napalingon siya sa akin nang
nakakunot ang noo.

"Ano? Magdadahilan ka na naman ng kung ano-ano na kung tutuusin mahal mo na rin


ako? I think Lorraine that's stupid."

"Yeah I'm so stupid! Pero kung mahal mo ko hindi mo ako mamadaliin."

"Minamadali ba kita? Iyon ba ang sa tingin mo?"


"Oo! You keep on telling me kung anong nararamdaman mo. Pero hindi mo sinasabi sa
akin kung anong saktong gusto mo! And most importantly, sinasabi mong mahal mo ako
pero kung makadikit ka sa bestfriend mo akala mo wala ako sa tabi mo. If I'm stupid
then you're also stupid. Show me you love me, prove to me! Gusto kong mapatunayan,
gusto kong masaksihan... kasi ang gulo-gulo nang nangyayari sa atin kaya pati ako
naguguluhan kung ano bang dapat gawin at sabihin ko sayo."

"Naguguluhan ka? Puwes naguguluhan din ako sayo. You want to know what exactly what
I want? You! Ikaw! Ang buong ikaw."

"Ano?!"

"Oh hell hindi yun ang ibig kong sabihin! Gusto kong mahalin mo rin ako. Hindi man
sing lakas ng tama ko sayo basta mahal mo rin ako masaya na ako. I don't care about
a relationship or label. I just want only you. Yung makakasama kita, mayakap kita,
mahalikan kita, it's a big thing for me. Magmamakaawa na ako sayo Lorraine. Hindi
ko na kasi kaya. Hindi ko matatanggap na lalayuan mo ako nang ganon-ganon lang
matapos mong guluhin ang nasa control na puso ko."

Hindi ako nakakibo.

"And about my bestfriend...Nagseselos ka na ba sa kaniya?"

"H-ha?"

"Naiintindihan ko, ayaw mo pang aminin sa sarili mo. Sige. If that's what you want,
hindi lang ako sa salita magpaparamdam sayo. Lahat ng gusto mo gagawin ko.
Pahintulutan mo lang ako. Okay? Susubukan kong dumistansiya kay Ynna."

"Talaga?"

"Oo. Ano pa bang gusto mo?"

"Layo ka ng konti. Ang bigat mo." Ngumiwi siya at lumayo nang bahagya. Napadagan
pala siya sa katawan ko nang hilahin ko siya. Hindi ko na napansin.

Pero sa gulat ko dumagan ulit siya. Para siyang biglang naging bata na gusto
maglaro. Bumalik ang pagkaplayfull ng mukha niya na nawala kanina dahil sa
matimtimang tapatan namin kanina. Nabasag ang seryosong usapan namin kanina dahil
sa biglang pagliko ko ng usapan.

"Oy ano ba?! Hindi na ako makahinga."

"Nah."

"Sabi mo gagawin mo ang gusto ko?!"

"Please. Isa lang."

"Na ano?"

Ngumuso siya. Huli na nang marealize ko na kiss pala ang gusto niya. Heck? Sinampal
ko ng mahina ang mukha niya dahilan para mapabulanghit siya ng tawa.

"Nang-iinis ka ba? Hindi puwede!"

"Please?" Nanukso na naman. Pilit ko na siyang tinutulak pero masyado siyang


mabigat. Ugh!
"Thorin ano ba?!"

"Nah-uh. Isa lang." Ngumisi siya.

"You're not lucky so please stop acting like a child."

"Really?"

"Oo!"

"Talaga?" Kiniliti niya ako nang kiniliti. God!! Hindi ko akalaing ganito siya
kakulit kapag masaya! Nagtititili ako at pumadyak-padyak nang biglang makarinig
kami ng katok sa pinto. Parehas kaming natigilan. Patay!

"Thorin!"

Si Ynna! Nagkatitigan kami ni Thorin saka biglang bumalikwas sa pagkakahiga.

"Thorin are you there?!"

"Yeah. Just wait a minute!"

"Hoy. Anong gagawin ko? Papano pag nalaman niyang nandito ako?" Nagpanic ako.

"Hindi niya malalaman yun." Tangkang bubuksan niya na ang pinto nang hilahin ko
siya.

"San ako magtatago?"

"Doon ka na lang sa banyo."

"Okay." Kumaripas ako patungong CR at mabilis na nilock iyon. Maliit lang ang suit
na ito at malapit sa pinto ang banyo kaya maririnig ko pa rin ang pinag-uusapan
nina Thorin. Narinig kong binuksan ni Thorin ang pinto. Sa hindi rin sinasadyang
pagkakataon, biglang napangiti ako. Anong nangyari kanina? May ideya ba kayo? Ang
bilis!

"Sabi mo sandali ka lang? Hinihintay kita kanina pa. Ano bang ginawa mo dito?"
Tanong ni Ynna na sa palagay ko ay pumasok na pagkabukas pa lang ng pinto.

"Ano... ah.., nagbawas ako. Hindi ko kasi nagawa kaninang nasa bahay pa ako."

Natawa ako sa narinig ko. Sa dami nang puwedeng palusot, iyon pa talaga? Maloko rin
talaga itong professor ko ah.

"What? Yun lang?"

"Yup."

"Eh bakit ang tagal? 15 minutes yata akong naghintay. Ilang stool ba yang ibinawas
mo?" Napabungisngis ako. What the topic! Gross!!

"Come on! Huwag mo ng itanong."

"Oh sige na. Tara na, were going to swim na. I'm so excited!" Napasimangot naman
ako. Magpapaturo pa talaga?!

"Hahanapan kita ng swimming instructor."


"Eh akala ko ba tuturuan mo na ako?" Bakas ang kaartehan boses pa lang. Tsk tsk!

"Did I said that?" Sinungaling din ha.

"Of course. Come on! Tara na Thorin please. Sila August nagswim na."

"Ah talaga? Sige mauna ka na. Susunod na lang ako."

"No. Gusto ko sabay na tayo."

"Ano ba naman Ynna. Just go first. May gagawin lang ako sandali."

"Ano na naman gagawin mo?"

"Just go okay?"

"Tuturuan mo ako ha."

"Oo na lumayas ka na."

"True? Hope to die?"

"Hope you'll die. Sige na!"

"Sunod ka ha.?"

"Oo na."

Narinig ko na lang na nagsara muli ang pinto. Seems nakalabas na si Ynna. Grabe
pinagpawisan ako dito. Hooh!!

Pinihit ko na ang door knob pero naunahan ako ni Thorin magbukas nito.

"Wala na siya?" Tanong ko

"Oo. Makakalabas ka na."

"Hindi ka naiilang sa topic niyo kanina?"

"Ah... iyon ba?" Ngumisi siya. "Ganon lang talaga kami mag-usap."

"Wow."

"Oh nagseselos ka na naman."

"At sinong may sabi?"

"Ako. Haha! Come on. You can swim with us."

"No thanks."

"Yan ba hindi nagseselos?"

"I'm not jealous."

"Okay if you said so. Tara."

Ngunit sa pangigilalas ko. . "I can't help it." He smirked tapos nauna nang
lumabas. Natulala ako. Hindi ko na napansing iniwan niya na pala ako.

Did he just kissed me on the cheek?! Whoa!!!!

****

Sabaw! Haha!

Sana nagustuhan niyo.


Thinking out loud.
One of my inspiration sa story na to. :-)

***

"Loves moves in mysterious ways..."

Pamosong awitin ng isang sikat na OPM singer.

At...

"I'm thinking bout, how... people fall in love in mysterious way. Maybe just a
touch of a hand."

Ang sikat na sikat na kanta sa Pilipinas na pinasikat ng isang baguhang british


singer. Nababalitaan ko at naririnig ko ang mga kanta na to. Dito lang nagsink-in
sa isip ko ang kahulugan ng mga linyang nasa kanta.

Ang love ay isang misteryoso at nakakatakot na bagay na nag-eexist lang sa isip ng


tao. Hindi realistic dahil ito'y isa lamang ideya na pinaniniwalaan ng nakararami.
Masyadong IN at hindi mo malalaman ang kahulugan kapag hindi mo nararamdaman.

Tulala ako ngayon dito sa kinauupuan ko habang pinapanood si Thorin at Ynna na


nagtatampisaw sa swimming pool. Dito ako dinala ng mga paa ko kanina dahil hindi ko
rin alam kung makakapagswimming ako dahil sa lalim ng iniisip ko.

Napakasaya ni Ynna habang tinuturuan siya ni Thorin lumangoy. Maya't mayang


napapatili. Maya't maya ding tumatawa si Thorin. They were so happy at kahit sinong
makakakita, iisiping magkasintahan silang dalawa. Napangiti ako ng mapait. Yeah...
I was very stupid dahil ngayon ko lang tinanggap sa sarili ko na nagseselos nga
ako. Pinong kinukurot ang kaibuturan ko, I didn't know din kung paano ngunit sa
loob ng minutong tulala ko silang pinapanood, nagkaroon ng kahungkagan ang
pakiramdam ko. Thorin loves me but I do not have courage to love him back.
Kailangan ko pa palang maramdaman ang ganito katinding selos bago ko maisip na
minamahal ko na pala si Thorin.

Oo... mahal ko na siya. Ang arte ko no? Masyado akong pa-hard to get iyon naman
pala aamin din sa sarili. Ginulo ko ng husto ang isip ko. Ngayon nagiging malinaw
na ang lahat.
The fear is still here inside me. Ngunit naisip ko ang mga paliwanag kanina ni
Thorin, na hindi niya kailangan ng commitment o katawagan na kami kapag tinanggap
ko siya sa sarili ko. Ano pa nga bang kinakatakot ko? Ang malaman ng ibang tao na
involve ako sa isang professor? Na natatakot akong baka masaktan pa ang sa
pangalawang pagkakataon? Siguro tama nga si ate, na tinatakot ko lang ang sarili ko
na kung tutuusin puwede ko namang itapon. Ibigay ang dapat ibigay para sa ikasisiya
ko.

Karamihan sa tao natatakot ng magmahal ulit dahil ayaw ng masaktan. Pero para saan
pa na nasaktan tayo kung sa pangalawang pagkakataon ay susuko na tayo? Sabi nga
nila, kapag nasasaktan ang isang tao, doon siya mas tumitibay. It means there's
always a reason kung bakit tayo nasasaktan, to make us strong. Kaya kung sa
pangalawang pagkakataon ay hindi ka pa rin lalaban, hurting first is useless.
Gamitin natin ang mga mapapait na nakaraan para sa ikabubuti ng kasalukuyan at
hinaharap. Some people believes... love is sweetier the second time around, pero sa
akin ito ay para naman sa ibang tao.

Nakasilong ako ngayon sa ilalim ng malaking puting payong na may malaking mesa at
napapalibutan ng upuan. Hindi naman gaanong mainit sa puwesto ko kaya ayos lang.
Isinuot ko na ang sunglass ko upang hindi mahalata na mataman akong nakatitig sa
partikular na imahen na iyon sa pool. Iilan lang ang naliligo sa gawi nila Thorin.
Hindi talaga nagpaawat si Ynna sa gusto niya na si Thorin ang magturo sa kaniya,
she's very demanding as bestfriend. Nagtataka talaga ako kung paano nagkakasundo
ang dalawang ito.

"Join them." Napalingon ako kay ate Laureen nang tumabi siya sa akin.

"Ayoko." Hindi niya kasama si August at nakatwo piece swim suit na si ate.

"Kung ayaw mo, paano ka?"

"Hindi ko gustong makaabala. Tingnan mo sila, sobrang saya. Ayokong manggulo."

"Sus. Kanina pa kita tinitingnan, kinakain na ng selos yang katawan mo."

"How would you know? Hindi naman totoo sinasabi mo."

"Tssk. Sa akin ka pa ba naman magsisinungaling? Hello! Yang kamay mo,


nagtatransform."

Napalingon ako sa kamay ko, nakakuyom ng mahigpit. Niluwagan ko ito. Hindi ko


napansing sa kamay ko na naman pala naibaling ang inis ko. Ganito talaga ako, when
I am angry or irritated, sa kamay or labi ko naibubuhos ito nang hindi ko
napapansin. Alam yan ni ate kaya madali para sa kaniyang mabasa kapag naiinis o
nagagalit na ako.

"Paano mo ipaliliwanag iyan?"

"Hayst. Oo na oo na! Matahimik ka lang."

"Well, inamin mo rin. So... nagseselos ka na?"

"Oo." Mahina kong sabi.

"Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?"

"Oo."

Nagulat ko nang hinampas niya ang mesa ng kaniyang kamay.


"Sa wakas! Pagkatapos ng one hundres thousand fifty two years! Umamin ka na din!
Jesus Lorraine... I'm so proud of you." Aniya na humawak pa sa kamay ko.

"Ate naman! Wag ka ngang OR."

"OR?"

"You're over reacting. Tsaka huwag kang maingay. Baka may makarinig sayo."

"At sino namang makakarinig sa atin eh tayo-tayo lang dito? Gosh! So... ano nang
plano mo?"

"Anong plano?"

"You know... sasagutin mo na ba siya?"

"Ha? Sasagutin?"

"Sige ulitin mo pa."

"Ate naman kasi huwag mo ko minamadali. Isa ka rin eh."

"Sinasabi ko lang na magplano ka na. Nakalampas ka na sa first stage ng kaartehan


mo. Ang pag-amin sa sarili. Pag-isipan mo na kung anong balak mo bago pa masulot ng
umaagilid na linta." Sabay sulyap kay Ynna.

"Wala pa nga."

"Kaya nga magplano ka na...itali mo na.!"

"Ate! Ano ba yang sinasabi mo?"

"Alam mo matagal na kitang gustong batukan. Napakaarte mo sis. Sa totoo lang. Kung
mahal mo eh di gawin mo na lahat para mapasayo. Don't let it go. Huwag kang
maniwala kay Elsa."

"Paano naman naisama yang bida sa cartoon movie ha? Walang connection."

"Daming sinasabi! Plan it! Tingnan mo yung dalawa, kung iisipin mo siguro kung wala
ka, iyang dalawa ang nagkatuluyan. Just be realistic. If you love him, huwag kang
pumayag na hindi mo siya maangkin. Make him your boyfriend."

"Do you think it's too early for that? Hindi naman ako nagmamadali."

"Eh si Ynna? Palagay mo hindi yan nagmamadali? Look! Gumagawa na siya ng paraan."
Huminga siya ng malalim. "Lorraine, my sister, sabi nga nila, ang mundo ay isang
malaking Quiapo. Maraming snatcher! Kaya bago ka pa maagawan, ibulsa mo na!"

Napaisip ako sa sinabi ni ate. Hindi ko man maintindihan kung bakit siya ganito
magsalita, somehow napag-isip isip kong tama siya. I need to have him. Napakabilis.
Kakaamin ko lang sa sarili ko, ganito na agad iniisip ko.

"Okay. I will do that." Sabi ko tanda na sumasang-ayon na ako. Expert talaga si ate
sa mga ganito. Thank God I have her. Kaya siguro wala ng kawala si August sa
kaniya, masyadong matinik.

"Stand up."
"Bakit?"

"Join them."

"Ugh. Na naman? Huwag muna. Tsaka nakadress ako. Hindi ako maliligo ng ganito."

Sinulyapan ko si Thorin na hawak ang beywang ni Ynna. Ang lapad-lapad ng ngiti ni


Ynna na tila enjoy na enjoy, hindi ko rin alam kung hallucination ko pero parang
nginisian ako ng masama ni Ynna. She's acting like she's making me insecure.

"I know you have swim suit inside. Hubarin mo."

"Hala?! Ayoko!"

"Mamili ka... ako ang maglulunod sayo o maghuhubad ka?"

"You can't do that."

"Try me." Taas kilay niyang sabi.

Ugh! Ano bang nangyayari sa ate ko?!

"Huhubaran kita diyan. Sige na!"

"Argggh! Sabihin mo nga kung anong ginawa sayo ni August kanina?"

Ngumisi siya ng nakakaloko. God I didn't like the way she smirked.

"Huwag mo nang ibahin ang usapan. What? Don't you think it's time for the show?"

"I don't think so."

"Arte mo. Sige na! Sasamahan kita magswimming doon. Just show what you've got."

Napabuga ako ng hangin saka nagpasyang tumayo. Hindi ko hinubad ang sunglass ko.
Kinalas ko ang pagkakatali ng damit ko sa leeg ko and presto!!! I'm ready!

"Good girl sis! Haha! Mauna ka na."

Tumango ako at humakbang patungo sa pool. I'm wearing one piece swim suit at dahil
first time kong ginawa to, abot-abot ang kaba sa dibdib ko. Nababaliw na si ate
pero masaya ako.

May iilang napalingon sa katawan ko kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng


pagkailang. Tinitingnan ko ang mukha ni Thorin na focus na focus kay Ynna nang
biglang may sumipol, dahilan para mapalingon sa akin bigla si Thorin.

Napanganga siya at nabitawan si Ynna. Muntik na akong matawa nang makita ko ang
reaction ni Ynna na muntik nang malunod mabuti na lang kaya naman ng height niya
ang lalim ng pool. Napalingon din sa akin si Ynna ngunit pagkadisgusto ang nakita
ko doon. Cliche na masyado ang scene pero natatawa ako sa kalokohan ng ate ko.
Well, it's so good to show up my body. Kaya malakas ang loob ko na pumayag sa
kagustuhan ni ate dahil alam kong hindi ako ipapahiya ng katawan ko.

Mabilis na nakasunod sa akin si ate at sabay kaming natatawa-tawa nang makalusong


sa pool. Hinubad ko ang sunglass ko at inilapag iyon sa tabi. Sa gilid lang kami
pumuwesto.

"Sabi ko sayo eh." Ani ate


"Maloko ka ate. But, thank you na din. Pasalamat ka wala dito si Mom and Dad kung
hindi lagot ka doon. Alam mo namang mahigpit sila kapag ipinakita ko katawan ko."

"Yeah you're right. Pero sad to say, wala nang pipigil sa atin. I'm sorry Mom and
Dad." Tumingala siya at sabay kaming natawa.

"Lorraine..." napalingon ako kay Thorin na tinawag ako habang papalapit sa amin ni
ate. Nawala na lang bigla si Ynna dahil hindi ko na siya makita. Baka inilunod na.
Haha.

Nakita ko ring papalapit si August.

"Uhmmm?" Tanong ko. Seryoso ang mukha niya kaya medyo natakot akong baka galit
siya. Nakalapit siya sa amin. Napaigtad ako nang sundutin ako ni ate sa ilalim ng
tubig. Nanunukso yan.

"Gusto kitang makausap."

"Bakit?"

"Why did you do that?"

"Ah iyon ba?" Sumulyap ako kay ate na pasimpleng lumihis ng paningin. Ugh. Playing
safe si ate!

"Oo. Bakit mo kailangang gawin iyon?"

"Gusto kong maligo eh. Hindi puwedeng nakadress lang ako."

"Ah... Laureen. Excuse us."

"Ow...kay..."lumangoy palayo si ate. Sinalubong niya sa August. Binalik ko ang


tingin sa seryosong-seryoso na si Thorin.

Huminga siya nang malalim at hinila ako sa beywang. Nagulat ako syempre.

"You're so sexy. Pero ayoko nang maulit ang ginawa mo kanina. Nakabibigla ka."

Napasinghap ako sa prangkang pag-amin niya. Whoa.

***

Mwuahahaha...

Kinikilig ako!
Hello.

Vote and comment po. Salamat.

***

"You're so sexy. Pero ayoko nang maulit ang ginawa mo kanina. Nakabibigla ka."
Napasinghap ako sa prangkang pag-amin niya. Whoa!

Napatitig ako sa maganda niyang mukha. "T-Thorin..."

"Promise me. You won't do that again. Okay?"

"S-sige." Pagsang-ayon ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya hindi ako
makapagsalita ng diresto. Nauutal na naman ako. Paano kasi, sobrang dikit niya sa
akin, ramdam ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa beywang ko. Pati mukha niya at
mukha ko ay malapit na magkadikit. Oh God.

Kumalas na siya makalipas ang segundo ng pagkakatitig sa mukha ko.

"Saan na nga pala si Ynna?" Tanong ko para mabawasan ang pagkailang.

"She left. Iniwan ko na lang kasi siya basta kanina. Bakit mo hinahanap?"

"Wala. Wala naman."

"Hmm... ang ganda mo." He smiled.

Kinilig naman ako. Letse!

"Huwag mo na akong bolahin."

"No. Hindi ako marunong mambola." Natawa siya.

"Whatever." Tinawag ko si ate pero hindi niya ako nililingon. Patay-malisya lang
siguro kahit naririnig ako. Busy busyhan sa pagkausap sa asawa na ngayon ay nasa
pool na din.

"Bakit hindi ka naniniwalang maganda ka?" Tanong niya.

"Ganyan ang mga lalaki. Kahit hindi totoo, sinasabi nilang maganda ang isang babae
makuha lang ang loob nila."

"Well... a part of that is true. Pero sa case mo, totoo ang sinasabi ko."

"Sinong mas maganda sa amin ng bestfriend mo?" Ay paktay! Bakit lumabas sa bibig ko
yun?

Napabulanghit siya ng tawa dahilan para mamula ako ng sobra. Parang bigla ko ding
kurutin ang mukha niya dahil sa nakakaamaze ang kaguwapuhan niya kapag tumatawa.
Wagas!

"Your asking me if sinong mas maganda sa inyo? Lorraine... hindi ako makapaniwalang
kailangan mo pa itanong yan. Alam mo na ang sagot di ba?"

"Tsk. How would I know? Sinabi mo ba? Am I sort of psycho?"

"Hindi... Maganda nga sila pero para sa taong nagmamahal, it always make an
exception. You will be the most beautiful in my eyes Lorraine kahit gaano pa sila
kaganda."

"Saan mo nahuhugot yan?" Ngumiti ako ng walang pag-aalinlangan. Showing that I'm
happy. Kahit naman siguro pigilan ko ang sarili kong kiligin, babae pa rin naman
ako.

"Huh? Hinuhugot? Ask me once and I'll kiss you here. Syempre sa puso. Ano ba namang
tanong yan Lorraine?"

Natawa ako. "No you can't do that here. Alright tama na ang mabubulaklak na
sinasabi. Come on let's swim." Anyaya ko, hindi pa siya nakakasagot sumisid na ako.
Inabot ko ang lowest part ng tubig at matagal na lumangoy doon. Naramdaman kong
humawak sa beywang ko si Thorin, sumabay sa paglangoy sa akin. Sabay din kaming
umahon at ngumiti sa isa't isa. At least were now okay. And it's so good to be
true.

***

Pagkatapos namin magswimming sa pool nagpahinga kami saglit at kumain. After that
we headed to the beach. Kung saan saan kami nag-ikot, kasama ko si Thorin, ate
Laureen at August. Hindi namin kasama si Ynna, marahil ay ayaw niya akong makasama
dahil sa nangyari kanina. Mabuti na rin para sa akin na wala siya at least hindi
ako naiilang.

At mukhang pareho kami nang nararamadaman ni ate Laureen.

"Good timing. Wala ang atribida."

Natawa naman ako. That so harsh. Atribida talaga.

Nag-ikot kami sa buong lugar at bumili ng souvenirs. Isang bracelet na gawa sa wood
ang binigay sa akin ni ate. Nakapangalan dito ang pangalan ng resort at Puerto
Galera sa maliliit na titik.

Lumapit naman sa akin bigla si Thorin kaya hindi ko napigilang magulat. May hawak
siyang kuwintas na gawa sa taling kulay itim. Nakasabit dito ang cute na puting
shell. Isang tunay na shell na kasing-laki ng thumb ko.

"Para saan to?" Tanong ko. Nilingon ko si ate Laureen at August na busy sa pamimili
pa ng iba.

"For you. Just a simple gift." Tipid siyang ngumiti. Lumapit siya at ikinabit iyon
sa leeg ko.

Hindi na ako tumanggi. "Thank you." Pasasalamat ko. Such a sweet gesture. Noon
pinapangarap ko ang mga ganito, base kasi sa nababasa at napapanood ko isang
patunay daw ang mga ganitong gawain ng lalaki sa babae na mahal na mahal ka ng
taong iyon. Bilang isang tao kahit hindi ka naniniwala sa pag-ibig noong una, hindi
mo rin maiwasang mangarap ng prince charming. Ika nga.

Nakangiti kami pareho. I am happy now. Really.

"Please take care of that gift. Gusto ko palagi mong isusuot yan, no matter
happens...unless we're done."

"What? Bakit...anong ibig mong sabihin na unless were done? Meron bang matatapos?"

"Oo meron. Ang pagmamahal ko sayo. Pero huwag kang mag-alala forever na to. Wala
nang magbabago so habang buhay dapat suot mo yan."

Ngumisi ako habang nakahawak sa shell nito. "Paano kung ayoko?"

"Anong ayaw mo? Kung ayaw mo hindi ka papayag na isuot ko yan sayo." Siya naman
ngumisi.

Tsk. Napahiya ako don ah. "Paano kung hubarin ko rin mamaya?"
Mas lalo siyang ngumisi. Nakakaloko to ah.

"Ang tanong, gagawin mo ba?" Lumapit pa siya ng isang hakbang. Jeez! He's so close
again!

Bumuga ako ng malalim na hininga. He knows already that I like him kaya niya nasabi
iyon. Baka nga alam niya nang mahal ko na siya. Would I tell him? Ano?

"Okay. Isusuot ko to. Pero huwag kang magagalit kung sakaling malimutan ko tong
isuot."

He smiled. "Of course."

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at pumunta sa gilid ko. Intertwined pa kaya
parang bigla akong nakaramdam ng kilig. Ugh!

Napakalapad ng ngiti niya. Pakiramdam ko nababasa ko ang bawat iniisip niya at


nakikita kong walang katapusan kaligayahan ang naroon.

"Oh baka langgamin kayo." Tukso ni ate na nakatingin na pala sa amin. Bahagya akong
napayuko. Nahihiya tuloy ako. Ano ba yan.

Inangat ni Thorin ang ulo ko. Maang akong tumingin sa kaniya. Samantalang si August
at ate Laureen nakangiti lang na nakatingin sa amin.

"Lorraine... saksi ang lugar na to sa sasabihin ko sayo."

"A-ano?"

"Laureen and my brother August... As a witness, I want to say that I'm formally
courting Lorraine from now on."

Napasinghap ako at napatakip ng bibig. Suddenly, happiness came over me. Bakas din
ang kasiyahan kila ate at binati pa ako. Napayakap pa sa akin si ate.

"Gosh! I'm so happy for you Lorraine."

"A-ate...manliligaw pa lang ano ka ba." Namamasa-masa kasi ng konti ang mata ni ate
at natatawa ako sa reaksyon niya. Para bang napakagandang news talaga non para sa
kaniya. Si August naman nag manly hug sila ni Thorin.

"Ano ka ba, oo mo lang ang kulang kayo na."

"Pero hindi pa sa ngayon. OR ka naman eh."

"Ah basta!" Binaling niya ang tingin kay Thorin. "Ayusin mo ang panliligaw para
isang linggo pa lang, sasagutin ka na." Pare-pareho kaming natawa.

Saka ko napansing nakatingin at nakangiti pala sa amin ang tindera ng mga


souvenirs. Isang matandang babae na kababakasan ng kagandahan noong bata pa. Maayos
na maayos tingnan.

"Manang... pasensya na po." Hingi kong paumanhin.

Ngumiti siya sa amin ng malapad at tumango. "Walang kaso. Aba'y napakaswerte mo


naman iha. Iingatan mo lagi ang mga nagmamahal sayo ah. Huwag ka magpapaapekto sa
sinasabi ng iba."
"O-opo." Nagtataka man sumang-ayon na rin ako.

"Weird." Bulong ni ate sa akin bago kami umalis. Nilingon ko lang siya at hindi na
nagsalita.

Yeah. That's also weird for me. Parang bigla ko tuloy naalala ang panaginip ko
noong una. Bakit kaya ganon magsalita iyong matanda?

Hawak pa rin ni Thorin ang kamay ko hanggang mapagod kaming mamasyal. Napadpad na
rin kami sa malayong parte ng resort pero hindi niya binitiwan ang kamay ko. Hindi
na rin ako nagtangkang magreklamo dahil nagugustuhan ko naman ang pagdidikit ng mga
palad namin. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Hindi ko akalaing ganito pala kasarap
ang magmahal, kahit simpleng hawak kamay feeling mo buong buo na ang araw mo.
Maya't maya ring kaming nagpapalitan ng matatamis na ngiti sa isa't isa. This is so
baduy. Pero ang saya lang.

Matapos kaming nag-ikot ikot napagpasyahan naman naming gumimik sa gabi. Syempre sa
exciting iyon. Napag-usapang 8pm ng gabi aalis kaya nagpahinga muna ako sa suit.
Hindi ko rin nakita si Ynna sa maghapon and that's weird.

Tinanong ko si Thorin kinagabihan ng nasa bar na kami.

"Ynna? Why are you looking for her?" Tanong niya.

"Nothing. Nagtataka rin kasi ako bakit hindi siya sumasama sa atin."

"Bakit siya sasama kung hindi naman natin niyaya?" Sagot ni ate.

Nandito kami ngayon sa seabreeze bar ng resort na to. May mga iba pang bar pero ito
ang napili namin. Magkatabi kaming nakaupo ni Thorin habang magkatabi din si ate at
August na nasa harap namin.

"Oo nga pero di ba dapat kasama siya?"

"Huwag mo ng hanapin Lorraine. Ang taong nagtatago, ayaw magpakita."

"Maybe he's just out there." Sabi ni Thorin na nagkibit balikat na lang. Wala yata
itong pakialam sa bestfriend niya eh. Aaminin ko naiinis ako don pero kami lang ang
kasama niyang pumunta dito so we're responsible wherever she maybe.

"Why are you worried Lorraine?" Tanong ni ate sa akin.

"I'm just curious. Nakapagtataka lang na lumalayo siya."

Natawa si ate. "Let her. Baka naghahanap lang ng mabibingwit na isda."

"Don't drink too much." Awat ni August. Nagsalin na naman kasi si ate sa kaniyang
baso ng alak. Mahilig talagang uminom. Tsk. Hindi siya pinansin ni ate.

"Ano kayang reaksyon ng bestfriend mo Thorin kapag nalaman niyang nanliligaw ka kay
Lorraine. Wew! Maybe she'll choke to death. Haha."

Napailing ako sa pinagsasabi ni ate. Palibahasa may tama na kaya kung ano-ano na
nasasabi eh.

"She'll understand. Alam niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kapatid mo."
Cool lang na sagot ni Thorin saka nag-sip sa hawak niyang baso na may lamang wine.

"Talaga? Just make sure Thorin. Honestly I don't like her. Ikaw nang bahala sa
bestfriend mo."

"Yeah. I'll do that."

Ngumiti siya sa akin. Binalik ko ang ngiti na yun at uminom sa baso ko ng juice. I
don't like drinking alchohol kaya ito lang pinaorder ko. I'm such a good girl. Ayan
itaas pa ang sariling bangko.

Nasa kalagitnaan kami ng kuwentuhan nang may biglang papalapit sa aming babae na
pasway sway na ang lakad at bagsak na ang ulo. She's drunk! Doon ko siya nakilala
nang mag-angat siya ng mukha. She's Ynna!

Ngunit halos hindi ko makilala ang itsura niya dahil sa gulo ng buhok niya, kalat
kalat na eyeliner at lumalagpas na lipstick. Nakasuot siya ng tube dress na floral
din at above the knee. Gross! Anong nangyari sa kaniya?!

"You...! You!!" Dinuro-duro niya ako nang siya makalapit kaya hindi ko napigilang
matakot. Napakapit ako sa braso ni Thorin na hindi rin makapaniwala sa nakikita
niya.

"Ynna! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Thorin sa kaniya.

"Jesus! What have you done to yourself!" Tili din ni ate. Napadikit din siya sa
akin at naghanda para protektahan ako. Puno ng pagkasuya ang mukha ni ate. Naku
lagot lasing na to kaya mas naging agresibo.

May iilan din customer ang napapatingin sa amin. Kinabahan naman ako bigla.

Anong nangyari sa kanya?

***

I'm sorry late UD ito.


Maiksi at sabaw. Having a small problem eh.
"Apektado ng nararamdaman ng tao ang bawat aksyon na nagagawa niya."

***

"You bitch! Ang kapal ng mukha mo." Ani Ynna. Nagulat ako sa sinabi niya. Bitch?!
Seriuosly? Lalapit siya dito para sabihin iyan sa harap ko?

"You better be careful to your words Ynna. Go home. Lasing ka na." Suway ni Thorin
sa kalmadong boses. Nilapitan niya ito, akmang hihilahin niya ngunit pumiksi ito.

"Hindi pa ako tapos!" Binalingan niya ako. Pigil na naman siya sa braso ni Thorin.
It hurts to see him na hawak niya si Ynna nang ganon ngunit naiintindihan ko rin
naman ang sitwasyon. Nagwawala na si Ynna and she's now out of her mind.

"Thorin ilayo mo na siya." Utos ni August.

"Ynna let's go!"

"No! Ngayon concern ka? Huh! How dare you Thorin. Bestfriend mo ako! And fuck you
because you ignore me for this bitch. Hindi ako papayag na sumaya kayong dalawa."

"Tara na lasing ka na." Hinila siya ulit ni Thorin pero nagpumiglas na naman siya.
Halatang naiinis na rin si Thorin.
"Bitiwan mo ako!"

"Ynna umuwi ka na." Sabi ko. Trying to be calm. Naiinis na kasi ako sa mga
pananalita niya sa akin. Napapahiya na ako dahil sa akin din napapatingin ang mga
tao. Nasa tabi ko naman si ate at August.

"Inuutusan mo ba ako?"

"No. Sinasabi ko lang na-"

"Puwes you don't have the right to say what... I needed to do. Ano ba don't touch
me!" Aniya kay Thorin. Habang nagpupumiglas siya nakatingin siya sa akin ng
diretso. She hates me that much! Parang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin
sa akin. Ano bang ginawa ko sa kaniya at sobra ang galit niya? Ngayon ko lang siya
halos nakilala pero parang ang tagal na ng sama ng loob na kinikimkim niya.

"I said go home. Huwag mong ubusin ang pasensya ko Ynna."

"Wow! Ngayon ikaw pa ang galit? Why? Because of that girl ginaganito mo na ako?
You're hurting me so much Thorin! Bestfriend mo ako pero kung ituring mo ngayon isa
lang akong ibang tao!"

"You are making a scene! Just go home. Mag-usap tayo bukas. Bumalik ka na sa suit
mo. Ihahatid na kita."

Parang baliw na tumawa siya at lumingon muli sa akin. Seryoso, natatakot ako.

"Tss! Ako pa rin ang mas mahalaga kesa sayo!"

"You're hopeless." Bulong ko.

"Ynna let's go!"

"Thorin..." hinawakan niya ang pisngi ni Thorin. "Thorin, alam mo namang mahal kita
di ba? Di ba?" Para na siyang nagmamakaawa. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha
niya at ngayon ay para nang isang maamong tupa.

Iniiwas ni Thorin ang mukha niya pero hindi ito binibitiwan ni Ynna. She's begging
and I can't help myself to pity her. I didn't know na ganito pala siya. Hinahawakan
na ni Thorin ang beywang ni Ynna para hindi siya tuluyang matumba sa kalasingan.
Kitang-kita ko ang dikit na dikit na katawan nila kaya napapikit ako ng mariin.
This is hurting me like shit! Parang kinukurot ng pinong-pino ang puso ko at ang
sakit.

Bakit ko kailangang makaramdam ng ganito? I know it is more than a jealous thing. I


hate this feeling!

"Thorin! Hindi ba? Hindi ba?" Konti na lang tutumba na siya. Paulit-ulit siya sa
tanong niya kaya pati si ate punong puno na ng pagkadisgusto.

"Ynna..." huminga ng malalim si Thorin at humihingi ng pasensyang tumingin sa akin.


I know it's unfair to feel hurting when Ynna's just a friend to him. Pero ganito
talaga ang nagmamahal, nasasaktan kahit alam mo naman ang rason sa mga nakikita mo.

Tumango lang ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Pinapahiwatig kong okay lang. But
deep inside? Hell no.

"Come on." Sumagot si Thorin ngunit taliwas sa tanong ni Ynna. Pilit niya nang
hinihila ngunit sobrang bigat ng babaeng yun.

"I love you.. I love you!" Parang nababaliw na sabi ni Ynna.

"Jeez! What the hell is she doing? Para siyang nasisiraan ng ulo." Komento ni ate.

August looked at us. "She's always like that kaya hindi ko siya gusto as my
brother's girlfriend. Alchohol addict. Party women. Laging laman ng disco at bar.
Madalas ginaganyan niya si Thorin. I didn't know why my brother is still holding
into her kahit ganyan siya."

"My God. Hindi ba siya nahihiya na pinapahiya niya si Thorin?" Sabi ni ate.

Napatingin akong muli sa kanilang dalawa. Natural na magbestfriend ba ang ganyan?


Bakit parang pakiramdam ko may mali?

Ngunit magdududa pa ba ako? I know Thorin loves me. At napatunayan niya na iyon.
Wala naman nang dahilan para magduda pa ako hindi ba? Right. Bestfriend niya lang
si Ynna at bilang kaibigan siya ang responsable sa kung anong maaaring mangyari. I
just need to trust him. No doubts.

Nagpatuloy sa pagpapababy si Ynna. I hate her for being this stupid.

"Thorin... Thorin... Haha. Mahal kita...hindi ba mahal mo rin ako? Hik! Hindi ba
niloloko mo lang si L-Lorraine? Ako naman talaga mahal mo hindi ba? Tell me.."

"Ynna... this is too much. Halika na." Puno ng pagtitimpi ang boses ni Thorin.

Ngumiti ng malapad si Ynna. "Ano?! Halikan na?! Sure!"

"Ugh!" Napaungol si ate maging ang ibang nakatingin habang ako tila napako sa
kinatatayuan ko. What the hell happened?!

Pakiramdam ko namutla ako at nawalan ng kulay ang paligid ko. That.... should never
happened! Natulala ako sa kanilang dalawa.

Ynna just kisseed Thorin's lips! At tumagal ng 5 segundo iyon! Oh God. A-ano tong
pakiramdam na to? Ganito ba talaga katindi ang magselos at parang gusto ko isubsob
sa kumukulong tubig ang mukha ng malanding babae na yan?!

"Awesome!" Tuwang-tuwa pa ang bruhilda at pumalakpak pa! Natilihan din ang nasa
paligid at maging si Thorin hindi alam ang gagawin dahil nakikita kong natulala rin
siya.

Get hold yourself Thorin ano ba?! Ngali-ngali na akong sumigaw ngunit pinipigilan
ko lang. Kung sisigaw ako, bakit? Hindi naman ako girlfriend hindi ba? Wala akong
karapatang magreact dahil wala naman kami relasyon. Nililigawan niya lang naman
ako.

Pero mali eh! Bakit natulala lang siya?! Hindi ba dapat nagrereact siya? Kumabog ng
husto ang puso ko dahil parang nagsisimula na itong magalit. Yung tiwalang sinabi
ko kanina para gusto ko nang bawiin.

Hold yourself Lorraine. Don't be stupid. Think rational. It's not what you think.
Whoooo!!

"Ay ang landi!" Puno ng pagkadisgusto ni ate.

"Thorin is in trouble." Ani August.


"Yeah. You're perfectly right honey."

I need to go. Shit. Hindi ko na kaya ang sakit.

"Thorin wake up! Hey! Masyado bang masarap ang halik ko kaya natulala ka?" Masaya
pa si Ynna at naglean na naman kay Thorin.

I'm...(hingang malalim) gonna pull your hair you bitch. Isa pang nakakasukang
salita.

Napakurap si Thorin at bakas ang takot na lumingon sa akin. Ipinakita kong hindi ko
nagustuhan ang nangyari kaya mabilis niyang inilayo ang sarili kay Ynna. Para lang
biglang napaso. Sa ginawa niya muntik matumba si Ynna.

"Whoa. Is that sweet?"

"Ynna... you go to your suit, now!" Galit na si Thorin.

"Why? Mali ba ginawa ko? Do you want torid kiss? Pagbibigyan kita."

"No will you please stop! Nababaliw ka na! Kung ayaw mong umuwi then fine, go
alone." Humakbang papalapit sa amin si Thorin ngunit niyakap siya ni Ynna mula sa
likod.

"Ugh! I can't take it anymore. Lorraine, you okay?"

"Ano sa palagay mo ate?"

"Hindi nga ako mapalagay dahil alam kong hindi."

"Alam mo naman pala eh."

"Hold on tight. Huwag mong hayaang makawala yan."

"I know. Thanks. Hindi ako tulad ng ibang babae na walang pakundangan manglandi."

Natawa si ate. "Yan ang kapatid ko."

Pilit kinalasan ni Thorin si Ynna saka lumapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang
naramdaman ko ng bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit na parang ayaw niya akong
pakawalan.

"I-I'm sorry. Please huwag kang magalit."

"Thorin..." iniyakap ko sa kaniya ang braso.

"Sorry... I'm so sorry. Please...don't be mad at me. Hindi ko kakayanin."

"Aarrrggghh!! Thorin!" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at sabay kami


napalingon kay Ynna. Sunod- sunod na tawanan sa paligid ang narinig namin. Maging
si ate hindi napigilang matawa.

"Oh so epic! Haha."

Napanganga ako sabay napatingin kay Thorin. Nagtatanong at nagtataka. What the
hell?

Nakadapa na sa sahig si Ynna. Hindi na makabangon at halatang inis na inis dahil sa


pagbitaw sa kaniya ni Thorin. Wala namang pagsisisi sa mukha ni Thorin dahil
seryosong seryoso siya. Para bang wala na siyang pakialam.

"This will be the last time na bibitawan mo ako dahil sa babaeng yan!"

"Binalaan na kita Ynna. Kung may respeto ka pa sa pagkakaibigan natin, titigilan mo


na to."

"Hindi! Tandaan niyo to, you won't get away with this." Pilit siyang tumayo kahit
hindi niya na kaya. Inutusan ni Thorin ang ibang kalalakihan doon para tulungan si
Ynna. Hindi na siya tumanggi nang hilahin siya palabas.

"Ayan landi pa."

"She's so drunk. Ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng babae kapag nalasing."
Komento ng isa pang babae.

"I like that type. Haha!" Sigaw naman ng isang lalaki sa gilid. Lumapit sa amin
sina ate.

Matawa-tawa pang tumabi sa akin. "Ganda ng show. Nag-enjoy kami. Haha."

"Ate talaga." Suway ko.

"Infairness Thorin, para kay Lorraine gagawin mo talaga ang lahat. Hindi talaga ako
makamove on. Una doon sa pool, ngayon naman hinayaan mong madapa kanina. Ibang
klase."

"Lakas ng tama mo bro." Ani August.

"Nagkakataon lang." Sabay sulyap sa akin.

"Pero dapat hindi mo ginawa mo yun. Napahiya tuloy siya."

"Sus sis. Pagood-girl ka pa eh. If I know muntik mo nang hilahin buhok non kanina.
Haha."

"Tss." Singhal ko. Oo totoo yun, pero hindi ko naman talaga kaya yun. Sa isip ko
lang siguro oo maaari nga pero hindi ko ugaling magpakita na maleducated ako. That
wasn't the right thing to do.

"I'm sorry Lorraine."

"Ehem!" Ubo kunwari ni ate.

"Kanina ka pa nagsosorry."

"Kahit ulit-ulitin ko pa hindi ako magsasawa. Mali ang ginawa ko kanina. I should
let the security handled her."

"Tama ang ginawa mo. After all she is your bestfriend."

"Yiee. Understanding. Sasagutin na yan." Tukso ni ate. Tsk. Napagalitan na naman


tuloy ni August.

Sinulyapan ko lang si ate at ngumiti. Binalingan ko si Thorin. Nakangiti na sa


akin. A sweet and sincere smile.

Ang saya saya ko. Ang expected ko na puwedeng mangyari kanina, mag-aaway kami.
Ngali-ngali na akong magwalk-out ngunit nag-isip ako ng tama. Magiging magulo lang
kung sakaling ginawa ko ang nasa isip ko. I don't want to act stupid kaya tinimbang
ko ang tama sa mali. Hindi ko rin naman gustong may mapag-awayan kami nang dahil
lang sa selos. Nanliligaw pa lang siya. Ayokong masira ang nag-sisimula pa lang na
pagkakamabutihan namin.

Biglang-bigla rin ako sa pagyakap niya sa akin. That's the last thing that I
thought he will do. Hindi ko akalaing hihingi siya ng tawad sa bagay na kahit alam
kong may mali nga siya, pakiramdam ko bigla na lang nawala kanina. Aminado siyang
mali siya eh. At kapag naaalala ko yung takot niya nang tumingin siya sa akin
matapos ang halik, parang gustong lumubog ng puso ko. Kitang-kita ko doon ang takot
na magalit ako sa kaniya. Na para bang ikamamatay niya kapag nagalit ako. How lucky
am I to this man?

Gusto ko na yatang sagutin ito hindi pa man nag-uumpisa manligaw eh. Yikes!

***

Corny ba? Let me know. Edit ko agad. Thanks.

Love lots!
"Life is full of endless possibilities"

***

Two days vacation? Maybe happy. Maybe not. Happy dahil kay Thorin at kay ate, and
maybe not dahil sa panggugulo ni Ynna. I didn't know where she is now. Pero isa
lang ang masasabi ko, with Thorins's presence I felt like I was contented in my
life. Ganon pala talaga main-love ano, feeling mo kontento ka na kapag nagmamahal
ka na. Yung feeling na kompleto na ang buong pagkatao mo dahil sa kaniya. Hindi
naman pala masamang main-love tulad ng inaakala ko noong una. Masyado ko nga lang
yata tinakot ang sarili ko magmahal, umabot pa sa puntong naging OA na ang takot na
naramdaman ko noon.

It's so good also to face your fear. Naging worth it ang pagpapakatihulog ko sa
bangin dahil tulad ng sinabi ni Thorin noon, bumagsak ako pero hindi sa bato kundi
sa bisig niya. I am saved by his love.

Sa ikalawang araw namin sa Puerto Galera inubos namin ang mga oras sa pag-explore
ng lugar. Nagjetski kami ni ate, ginawa ko din ang paborito kong Snorkling. Si
Thorin ang sumama sa akin maging sa ilalim ng tubig. We dive and have a quality
time under the water. Nagpakasasa kami hanggang mapagod. Matapos iyon sinubukan din
namin ang pagsakay sa parachute habang hinihila ng bangka, puno ng kasiyahan ang
puso ko habang nakikita at naririnig ko ang halakhakan at sigawan namin sa ere.

Kinagabihan naman nagbonfire kaming apat sa tabi ng dagat. Marami kaming napag-
usapan ni Thorin tungkol sa mga sarili namin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko
sa kaniya dahil ano pang saysay noon kung hinayaan ko na ang sarili kong mahulog.

"I am sorry for making fun in you noong nahuli kong tumunog yung cellphone mo."
Aniya na natatawa-tawa.

"Yeah.. nakakahiya nga." Ngumiti ako at tiningnan siya sa mata. Magkatabi kami
katapat ng apoy. Sina ate nasa gilid magkayakap at nag-uusap din. May sarili silang
mundo.

"I didn't mean that actually. Natuwa lang ako sa itsura mo."

"Ano bang itsura ko non?"


"Your just like a puppy na nabahag ang buntot." Sabay tawa ng malakas.

Hinampas ko siya sa braso at napasimangot ako. Nawala din agad ang playful image ng
mukha niya nang makitang sumimangot ako.

"I'm sorry. Hindi ko rin naman akalain noong una na magiging student kita. I have
no idea. I know you were transfering at school where I am teaching but it never
crossed my mind that I'll be handling you. Noong nakita kita noon hindi ko alam ang
gagawin ko."

"Bakit naman?"

He looked at me straight in the eyes. "Kinabahan ako."

"Kinabahan? Why?" Kahit may ideya na ako, gusto ko pa ring marinig ang sasabihin
niya. Napapangiti na ako at pinipigilan ko lang.

"Uhmm... because.."

"Because...?"

"I don't know."

"Tss. Niloloko mo lang yata ako eh."

"Hindi. Alam mong hindi ko kayang gawin yan..." humugot siya ng malalim na hininga.
"Ewan ko ba, kapag nariyan ka hindi tumitigil sa pagtibok ang puso ko."

Natawa ako. "So gusto mo tumigil yan? Eh di patay ka na non."

He smiled sweetly. "Kaya mo na akong biruin ngayon ha... I mean, kapag nasa paligid
ka, mabilis at parang hinahabol ang hininga ko kapag nakikita kita. Hindi normal."

Parang namula naman ako sa sinabi niya. "Hindi kaya may heart problem ka na?"

"Uhmm.." nag-isip pa kunwari. "Oo sa palagay ko."

"Oh?! Pacheck ka na sa doctor baka kung ano na yan."

"I don't need a doctor." Ngumisi siya.

"Ah ganon? Hahayaan mo nang ganyan yan?"

"Bakit pa ako maghahanap ng doctor kung nasa tabi naman kita? Ikaw pa rin naman
makakagamot nito kahit na may problema pa....Hindi mo nakuha ibig kong ibig
sabihin... what I mean is... my heart beats fast whenever you're near because it
simply explains that I love you."

Napangiti ako ng sobra. Pinipigilan ko pero kinikilig ako! Napayuko ako nang
patagilid. Napakagat-labi ako sa pagpipigil kaya bigla na lang niyang hinawakan ang
labi ko.

"Oh tama na ang kagat. Magsusugat na naman yan."

"Ahhh...." tanging nasabi ko na lang. Tsk. It so hard to suppress the feeling kapag
kinikilig ka. God!

Ngumisi na naman siya. Ugh. Why does he need to be this damn handsome! Mas lalong
kinukurot yata ang singit ko eh. Nakakaasar ah.

"Kapag kinikilig kasi inilalabas yan."

"Sinong kinikilig?" Pagmamaang-maangan ko kahit halata naman. I don't want him to


tease me. Mabuti na lang din at gabi, kung hindi ay makikita niya ang pamumula nang
nag-iinit kong pisngi. Ganito pala ang pakiramdam, para kang sinisilyaban ng apoy.

"Baka ako?" Natawa siya.

"Tss." Singhal ko. Hindi ako aamin. No way.

Natahimik kami sandali. Parehong nagpakiramdaman. Iniba namin ang direksyon nang
aming paningin, pareho ding nakatingin sa dalampasigan na dinig na dinig ang
payapang hampas ng alon sa buhangin ngunit hindi naman makita dahil sa nababalot
ito ng dilim.

"This vacation is great. I've never been happy until now."

Umabot ang ilang sandali bago ako nagsalita. Nakatutok ang tingin sa dagat. "You
know what.. iba ka." I said in a sincere tone.

Naramdaman kong nilingon niya ako. "And may I know why?"

"You're too frank about your feelings."

"So that makes me different?"

"Oo... dahil kilala ang lalaki bilang unvocal sa nararamdaman niya. Usually, they
are always qouted as ""man of few words"". .. pero sayo," nilingon ko siya at
tiningnan sa mata. "You are an exception."

"Am I now flattered?" Pagbibiro niya. He looked flattered base sa nakikita ko.
Natutuwa siya sa papuri ko.

Natawa ako. "Siguro... ikaw lang kasi ang kilala kong laging ipinapakita at
sinasabi ang mga nararamdaman niya."

Kumuha siya ng stick na nasa tabi niya at gumuhit sa buhangin. Kung ano ano lang
naman sinulat sulat niya na hindi maintindihan.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko ngunit di niya ako sinagot.

"Tama ka. Mostly, ang mga lalaki hindi talaga nagsasabi ng mga nararamdaman nila.
Itinatago at minsan lang magsalita. I don't know. Siguro dahil nagiging mas
attractive sila kaya ganoon. Pero para sa akin, if you love someone... bakit mo pa
paiiralin ang pagiging tahimik mo. Ako aaminin kong man of few words din ako, but
when I'm in love? Sinisiguro kong nasasabi ko lahat sa taong mahal ko. Mahal mo na
nga paiiralin mo pa ba ang pagiging man of few words mo? That's bullshit. Really."

"Whoa. You have a point."

"When you are in-love, dapat ipakita at sabihin mo. They said... actions speaks
louder than words. But actions without words are also useless. Dapat magkasama.
Dapat pantay." After that he smiled.

Naamaze ako sa paliwanag niya. How come that he is like this? Hindi ko akalaing may
mga paniniwalang ganito pala si Thorin.
"So that's what I'm doing. Mahal kita. At lahat ng nararamdaman ko sasabihin ko
sayo. I don't care if someone will be hurted basta para lang sayo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Tulad ng ginawa mo sa bestfriend mo?"

"Yeah." At sabay kami nagtawanan. Napalingon sa amin sina ate Laureen at nagsimula
na namang mangtukso ng katakot-takot. Tsk!

***

Monday..

Balik eskwela na naman. Maaga akong nagising ngayong araw. Medyo masakit pa ang
katawan ko sa maghapong pagswimming nakaraang araw kaya medyo nakakatamad kumilos.
Kailangan ko pa ring pumasok kaya pinilit ko ang katawan ko.

Sabay-sabay na naman kami nag-almusal at umalis. Noong papasok na isinabay muli ako
ni Thorin sa sasakyan niya. The feeling with him inside the car is not like the
first time I ride in here. This time kakaiba na. Para bang nakakaexcite hindi tulad
ng dati na ilang na ilang pa ako sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at
bumiyahe na kami.

Hindi ko mapigilang mag-isip. Two days ago-yeah right because it's like ages
passed- I was hesitating if I'm going give up for him. Ngayon, buong-buo ko nang
tinanggap sa sarili kong mahal ko na siya at handa na akong pagbigyan ang napipinto
at mamumuong relasyon sa aming dalawa. Parang ilang araw pa lang ayoko pa pero
ngayon gustong-gusto ko na. Aaminin kong nakatulong ng malaki ang bakasyon ng
dalawang araw sa isip ko. Nakakapagod man it is really worth it. Nalinawan ang isip
ko. Nagkaroon ng kagaanan ang pakiramdam ko. Para akong nakalaya sa isang
pagkakabilanggo at ngayon ay nakalaya na at nakakahingang maluwag.

Nanliligaw na siya. Sa isipin na ito, parang naeexcite din ako. Oh my God. Ano
kayang mga gagawin niya? Paano niya aanihin ang matamis kong oo? Hindi ko mapigilan
ang sarili kong mag asam ng iba't ibang posibilidad. Na hahatiran niya ako ng mga
bulaklak, tsokolate, o kahit anong iba pa. Ugh! Hindi kaya sobra naman ako nag-
aasume? Paano kung wala naman palang ganon, eh di dismayado naman ako. Hay hayaan
na nga.

Makalipas ang halos isang oras, nakarating na kami sa harap ng school. Kinalas ko
ang seatbelt ko at lumingon sa kaniya.

"Thank you."

"You're always welcome. Sige pumasok ka na. See you inside." He smiled at me.
Tumango ako at nang bubuksan ko na ang pinto napansin ko sa harao ng kotse si
Richmond. Titig na titig sa aming dalawa ni Thorin, hindi ko mabasa ang iniisip
niya dahil sa mukha niyang walang expression.

Anong ginagawa niyan diyan? Natilihan ako kaya hindi ko na binuksan ang pinto ng
kotse. Nilingon ko si Thorin na nakatingin na rin kay Richmond. So? What now?

****
A/n : Masaya ako dahil dumadami ang reads nito. Malapit na tayo sa climax.
Suportahan niyo pa po ang unang kuwento ko. Vote and comment. Thank you sa unang
commenter ko.

Yabs!!! Wala lang! Comment ka! Haha!

Yown lang.
Sabihin niyo lang po kung may di kayo nagugustuhan. Thanks ulit. Nyahaha
So, ano to? Bakit ganyan siya makatingin sa amin? Nasa unahan siya banda ng kotse,
gawing kanan. Sa tayo niya, nagmumukha siyang multo. Seriously?

"Bakit nandyan yan?" Tanong ko.

"I don't know. Pumasok ka na. Malelate ka na."

"Pero..."

"Sige na. Don't mind him."

Sandaling nag-alinlangan ako ngunit binuksan din ang pinto pagkatapos. Lumabas ako
nang casual lang. Alam kong may mali sa paraan ng tingin ni Richmond sa loob ng
kotse pero hahayaan ko na lang siguro. Baka nagkataon lang na nandiyan siya.

"Hello." Bati ko na din.

Sinulyapan ko ang paalis na sasakyan ni Thorin papuntang parking space ng school.


Binaling ko rin agad kay Richmond na nakasunod din pala ang tingin sa sasakyan ni
Thorin.

"Una na ako." Nagpaalam ako at naglakad na patungong gate.

Nakalampas na ako ng gate nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Agad niya
namang inalis iyon.

Nalingunan ko si Richmond na sumunod na pala sa akin.

"Bakit?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Seryoso naman si Richmond. Hindi ko talaga gusto ang lalaking to. May mali sa
kaniya eh. Hindi ko alam kung ano.

"Bakit sabay kayo?" Nahinuha ko agad kung ano tinutukoy niya. Umakto akong parang
wala lang dahil wala naman talaga.

"Ahh..."

"Sabihin mo."

"Eh ano bang pakialam mo?"

"I'm asking you."

"Maybe you should learn how to mind your own business." I spatted.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko... totoo bang nakatira kayo sa iisang bubong?"
Salubong ang kilay at nakakunot ang noo na nakatingin siya sa mata ko.
Paano niya nalaman iyon? Pero hindi ako aamin. Kailangan kong umiwas dahil
delikado.

"A-ano bang sinasabi mo? Kailangan na nating pumasok. Malapit nang magstart ang
klase." Humakbang na ako pero bigla siyang lumitaw sa harap ko. Wow grabe makapag-
interrogate. Sino ba siya sa akala niya?

"Answer me." Madiin ang bawat salita niya.

"Do I need to answer you mister? Kung mamarapatin mo may klase pa tayo. Kung ayaw
mong pumasok puwes ako gusto ko. Kaya tabi!"

"Stop making excuses!"

"Damn you di ka ba makaintindi? Sabi ko tabi."

"Sagutin mo lang ang tanong ko. Bakit ka umiiwas? Dahil totoo?"

"Look... Mr. Yuu, kung hindi ka makaintindi na kailangan ko nang pumasok, don't
assume things na hindi ka sigurado. Bahala ka kung anong gusto mong isipin."
Lumihis ako ng hakbang pakaliwa pero hinarangan niya na naman ako. This time
hinawakan niya na ang kaliwang braso ko, hindi naman mahigpit pero nagulat ako.

May napapatingin sa aming ibang studyante pero wala akong pakialam. Nagsisimula na
akong mainis dahil sa kakulitan niya. Ano ba to?!

"Seriuosly, what is your problem? Hindi mo ba alam na mali nang ginagawa mo? And
please don't touch me." Pumiksi ako kaya nabitiwan niya naman.

"If you have questions Mr. Yuu, please leave Lorraine alone. Ako na lang tanungin
mo." I saw Thorin walking towards us.

"Tss. I know what you did to Ynna." Sagot ni Richmond na ngayon ay nagagalit ang
itsura.

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya na naman nalaman iyon?

"No one is asking you. Go to your room now."

Mapaklang tumawa si Richmond. "Huh! Diyan ka magaling Mr. Olivar. Ginagamit mo ang
pagiging professor mo para mapasunod ako."

"Papasok ka ba o ako mismo magdadala sayo sa dean's office dahil diyan sa mga
inaasal mo? Go!"

Walang nagawa si Richmond kundi magmaktol at lamukusin ang mukha na humakbang


patungong hagdan. Naiwan akong natitigilan sa nangyari. Nilingon ako ni Thorin.

"Pumasok ka na." Aniya.

"Ang bilis mo nakasunod ah." Puna ko.

"Alam ko ang mangyayari. Sige na." Ngumiti siya ng tipid. Trying to be casual.
Napansin kong mas dumami ang napapalingon sa gawi namin.

"Give me your phone."

"Huh? Bakit? Confiscated na naman?"


Natawa siya bigla. Nye!

"Hindi. Akin na ibigay mo sa akin."

Dinukot ko naman sa bag ko iyon at inabot sa kaniya. May pinindot-pindot siya doon
at inabot din sa akin.

"That's my number. Text me if you're already in your room."

Pagkatapos noon umalis na siya. Kunot-noo kong tiningnan ang cellphone ko. Ay??!

I LOVE YOU

0922*******

Ayan... ayan lang naman ipinangalan niya sa contact niya sa phone ko. My God. May
mas ikikilig pa ba ang ginawa niya? Ughhhhhh!!! Help me I'm drowning! Haha!

Masaya ako at hindi makapaniwalang umakyat na sa room.

Pagdating ko doon nakita ko na naman si Richmond na tingin nang tingin sa akin.


Fish na tea. Creepy ha.

"Ay umitim ang bruha."

Natawa ako kay Carol nang makalapit siya sa akin.

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Sheen.

Umupo muna ako bago ko sila sinagot. "Out of town." Tipid kong sagot.

"Ah ganon? Hindi nagyaya! Saan naman?"

"Puerto Galera."

Niyugyog ako bigla ni Carol sa balikat.

"Utang na loob ipaliwanag mo bakit hindi mo kami niyaya? Huhu! Bakeeet?"

"Ay ang OA." Ani Sheen.

"Sorry." Tipid akong ngumiti. Oo nga ano?

"Kaya pala walang paramdam. Teka! Akala ko ba may buwanang dalaw ka nong byernes?
Bakit nakapagswimming ka pa?"

Ay patay.

"A-ahhh ehh..."

"Ang OA mo ganda. Talagang talaga. Bakit, bawal ba mag out of town nang may
regla?!" Halatang inis na sabi ni Sheen. Tila nang-aasar din.

Natigilan si Carol at binatukan si Sheen. Ay nakung dalawang to.

"Makaregla naman!"

"Eh bakit ba? Malay mo tapos na kaya nakapagswimming."


"Hoy first day niya yon. Walang nireregla nang isang araw lang. Sira."

"Nakiregla ka na din. Haha! Anyway, bakit nga ba?"

Natagalan bago ako makasagot. Aba naman. Grabe tanungan ngayong umaga ah.

Mabuti na lang dumating na ang professor sa unang subject kaya medyo naging safe
ako. Mapag-iisipan pa.

Tsk. Akalain ko bang hindi pala nakalimutan ang excuse ko na yon? Paano yon?
Alangang sabihin ko naligo na lang ako sa beach or sa pool na may period ako? Hindi
naman puwede yon. Ah alam ko na. Sabihin ko na lang na nag sun-bathing ako kaya
ako medyo umitim. Hindi yata effective sunblock na ginamit ko kaya nagkaganito.
Tsk. Mausisang mga tao.

Natapos ang first period at ito na naman po ang professor na manliligaw ko. Yie!
Kinikilig pa rin ako kanina. Saka ko naaalala na pinapatxt niya pala ako. Ay patay
kang babae ka. Dali-dali kong dinukot ang phone ko bago dumating si Thorin. Mabilis
akong nagtype.

I'm sorry. Nakalimutan kong magtext kanina. Narito na ako sa room. LORRAINE

Huminga ako nang malalim.

Sending failed.

Nge. Walang load?! Nataranta naman ako sa kalooban ko. Heck? Paano na to?! Maya-
maya pumasok na si Thorin. Looking pissed.

Lagot. Kasalanan ko to eh. Bakit ko kasi kinalimutan magload? Hindi naman kasi
postpaid ang simcard ko at kailangan ko pang magload. Wala naman kasi akong
nakakatext kaya hindi ako nagloload palagi. Nagkataon lang yung tumawag ako kina
Carol na nakahingi ako regular load kay ate. Dagdagan pa nang tanungan nina Sheen
sa akin. Hay nako.

"Everybody! Stand up!" Umalingawngaw ang matigas na tono ng boses ni Thorin sa


buong classroom. Napapikit ako. Kinakain naman ng konsensya ang puso ko. Nadamay
tuloy pati classmates ko.

Ang bilis talaga magbago ng mood niya. Jeez!

Tumayo kami agad. Sa buong-buong boses na iyon wala talagang hindi mapapatayo.

Ngunit umabot yata ng minuto na nakatayo lang kami maging siya. Kitang kita ko ang
paghugot niya nang napakalalim na hininga. Inhale exhale talaga na parang exercise.
Ang tahimik ng room. Walang anumang ingay kahit paghinga.

Nanlaki ang mata ko nang nakatingin na pala siya sa mata ko. Magkahugpong ang mga
mata namin sa loob ng ilang segundo bago huminga na naman siya nang malalim.

"Class...sitdown." bigla naging kalmado boses niya.

Tumabingi ang bibig ko. Ano yon?

Nagbulungan classmates ko pagkaupo. Nawawala sa sarili si Thorin. Iyon ang


nasisiguro ko. At alam kong may parte ako kung bakit nagkaganon. Naman.

Nagpeace sign ako ng pasimple sa kaniya nang mapalingon siya sa gawi ko. I mouthed
also sorry.
Sinulyapan niya lang ako saka nagpatuloy magturo. At least napigilan niya ang galit
niya kanina. Inhale exhale lang pala katapat. Tsk.

***

Nasa canteen na kami kasama sina Carol at Sheen. Bigla na lang din sumulpot si Ace
sa tabi. Muntik pa atakehin si Carol nang gulatin siya ni Ace. Tsk. Nabuhay muli.

"Hi girls!"

"Girls mong mukha mo." Pagtataray ni Ynna. Nakiupo na rin si Ace.

"Gusto mo boys?"

"No thanks."

Natawa kami ni Sheen. Saka ko naalala.

"Ah sinong may extra regular load sa inyo?"

"Me. " presinta ni Carol. Nilabas niya ang phone niya.

"Papasaload."

"Magkano?"

"Bahala ka na."

"K."

Dumating ang 50 regular load. Nagpasalamat ako at dali-daling nagtext kay Thorin ng
pasensya at idinahilan kong wala pala ako ng load.

Ang bungad na text...

"Why are you with him, again?"

Ang ganda ng bungad di ba? Alam kong ang itinutukoy niya ay si Ace. Siguro ay nasa
paligid na naman nakatingin sa akin. Lumingon-lingon ako pero hindi ko siya nakita.

Hindi ko na muna pinansin ang pagpapalitan ng asaran ng tatlo at nagtext pabalik.

"Why? He just sit in here."

Naghintay ako ng ilang segundo nagtxt ulit siya.

"Nothing. Magkita tayo mamayang uwian. Hintayin kita sa coffee shop sa tapat. I'll
see you.

Ps. I love you"

Puwedeng tumakbo sa banyo? Naiihi ako sa kilig eh. Ayay! Haha. Hindi ko napansing
nakangiti na pala ako ng sobra na halos mapunit na sa lapad, natigilan din ako nang
tingnan ko yung tatlo halos nakangangang nakamaang sa akin.

"Bakit ganyan mga itsura niyo?" Pasimple kong tanong ngunit hindi ko pa rin napigil
ang ngiti ko. Enebe.

"Aba lumalove life!" Sabay sabi nilang tatlo.

"Heh!" Kung alam niyo lang.. pero wag na pala. Huwag niyo nang alamin.

Nagvibrate na naman ang phone ko kaya tiningnan ko ulit ito.

"Stop smiling. I can't breath."

Bigla kong natakpan ang bibig ko. Ay naku nakita niya pa ? Arrrrgggh!! Kabuwisit.
Bigla akong napahiya at yumuko. Nagtype ako ng mensahe para sa kaniya. Kahit
natatakpan na ng kamay ko ang bibig ko, nakangiti pa rin ako.

"Anong you can't breath? Masama na bang ngumiti?"

"No. Hindi ko na mapigilan ang puso ko sa pagkabog ng malakas dahil sa ganda ng


ngiti mo. Stop that okay?"

Ngumiwi ako at tinanggal ang kamay sa bibig ko. Kunwari sumimangot ako at itinukod
ang libre kong kamay sa baba ko. I pouted.

"Okay fine!"

Hindi na siya nagreply matapos iyon. Ay naku bahala ka.

"Naka-drugs ka ba Lorraine? Umamin ka."

Napanganga ako sa sinabi ni Carol.

Baka nga??

***

A/n:

Natawa ba kayo kahit konti? Comment na. Haha!


UD ulit.

^____^

***

"Nakadrugs ka nga." Pagpapatuloy ni Carol. Isa na itong statement na puno ng


kasiguraduhan.

"Anong nangyari sayo?" Natatawa namang sabi ni Ace.


Ngumuso ako. "Wala." Sabi ko na parang wala lang talaga na tono. Hindi ko puwedeng
sabihin kung anong nakakapagpangiti sa akin ng ganito. I mean sino.

Paano kapag nalaman nila? Mapapahamak pa ako. Ayoko nang maulit ang nangyari noon.
Natutunan ko nang minsan ay may mga bagay na hindi na dapat pinagsasabi lalo na
kung puwede ko pa ito ikapahamak.

Malalaman nilang nililigawan ako ng famous professor na si Mr. Thorin Olivar. Whoa.
Hindi ko maimagine ang magiging reactions nila, baka masakal pa ako ni Carol kaya
huwag na. I'm considering them as a friend pero ayoko pang magtiwala ng sobra. Bago
pa lang ang pagkakaibigan namin kaya nag-iingat ako.

"Oh by the way! I almost forgot... ano na nga pala yung tanong namin kanina
Lorraine?" Biglang tanong ni Carol. Sabay sabay kaming napatingin sa kaniya.
Pinanlakihan niya nang mata si Ace at itinaas ang hintuturo dito. "This is a girl
talk. Umalis ka na bago ka pa mandiri."

Ngumisi si Ace. "Handa akong makinig."

"Bahala ka. Oh Lorraine ano na?"

"Anong tanong?" Clueless pa ako pero parang nagkaideya ako bigla.

"Ahh.. yung tungkol sa reg-" tinakpan bigla ni Carol ang bibig ni Sheen.
Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Pinanlakihan na naman ng mata ni Carol si Sheen,
nagbanta na huwag niya nang ituloy. Sabagay, may kasama pala kaming lalaki at
nakakahiya ang word na yon.

Inalis na ni Carol ang pagkakatakip sa bibig ni Sheen at pekeng tumawa kay Ace. Si
Ace naman naguluhan bigla na nakatingin sa dalawa. "Wala iyon." Ani Sheen.

Tumango si Ace.

"So?" Nakangiting tanong ni Carol sa akin.

"Ahh.." tumikhim ako. Napaghandaan ko naman na ito eh. "Nagsun- bathing lang ako
kaya medyo naging tan ang kulay ko." At saka peke ring ngumiti.

Tinaasan lang nila ako ng kilay. Si Ace naman natawa.

"Iyan lang ba sinasabi niyong pang girls talk?"

"Talaga? Bakit hindi ka naglagay ng sunblock lotion?" Ani Carol na nakataas pa rin
ang kilay. Hindi siya naniniwala! Why the heck I need to explain?!

"Hindi kaya masyado ka nang matanong babae?" Ani Sheen kay Carol.

"Tsk. Girls." Umiling-iling pa si Ace.

"Do I need to ask the sun kung bakit niya ako pinaitim?" Tanong ko. Ingat-ingat ako
na huwag lumabas na naiirita ako sa mga tanong nila. Hindi ko din talaga macarry
ang interrogating powers ni Carol. Masyadong mausisa eh. May future yata ito sa
pagiging prosecutor. Tsk.

"Hindi naman."

"Then I don't know. I didn't swim because I have a period and that's all." I said
in a final tone. Para matapos na.
"Iyon naman pala eh." Pagsang-ayon ni Ace. Pinukol tuloy siya ng masamang tingin ni
Carol at hindi na umimik.

You know what's also one of the reasons that I didn't want to share anything to
them? Ganito sila. Matanong. Mausisa. Gustuhin mo mang magshare ng kahit ano hindi
ka magkakalakas loob dahil sa intimidating aura nila lalo na si Carol. Para bang
kapag may napansin siyang kakaiba, she will keep on asking hanggang sa mainis ka.
At medyo nakakairita.

Hindi rin talaga mawawala sa magkakaibigan ang merong matanong at hindi mo


mapagsisinungalingan.

"Natahimik kayo... Chill!! Buo pa ang mundo." Pagbibiro ni Ace. Mapang-asar talaga.
Speaking of this guy, naalala ko iyong muntik niya nang sabihin sa akin dati kung
hindi dumating noon si Thorin. Ano kayang gusto niyang sabihin?

"Can I share a table with you?"

Natigilan ako pagkarinig ko nang boses na iyon. Hindi ako sumulyap sa likod ko
samantalang sila natigilan din pero biglang naexcite. Why? Why? Why?! Delila!!

"Sure sir!" Aba't biglang nagbago ang mood ni Carol? Langya.

"Thank you." Sabay lapag ng tray ng kaniyang pagkain. Since bakante ang katabi kong
upuan, syempre katabi ko din siya di ba? Ang malas. Malas dahil parang kanina lang
inaasar niya ako sa pagkakangiti ko sa text niya, ngayon nasa tabi ko na. Malas
dahil para akong hinahabol ng sampung kabayo sa kabang nararamdaman ko. Malas dahil
parang may urge ang inner goddess ni Anastasia Steel na yakapin ang mabangong
katabi ko. Naman oh!

Napapikit ako at huminga ng malalim. Alright... my feelings are getting worst


everyday. Delikado to.

"Kumusta ang lunch niyo?" Aniya sa casual na tono. Umakto na lang ako nang normal
at baka mahalata pa. Pasimpleng ngiti ako kahit dinadaga na ang dibdib ko.

"Okay naman po sir. Masarap." Tuwang tuwa si Carol. Tinukod pa ang magkabilang
wrist sa kaniyang baba. Yung expression ng mukha parang nakakita ng artista, at
yung mata ayan kumikislap na naman. Paano ako magseshare sa kaniya nang ganyan
yan?!

"Good. Kain muna ako." Aniya.

Nilingon ko siya. Kalmado at parang wala lang na kumakain. Habang yung kashare niya
ng table, nangingisay na yata. Sinulyapan ko ang tatlo, si Carol syempre with a
twinkling eyes na nakatutok ang buong atensyon kay Thorin, si Sheen at Ace naman
maang at ngangang nakatingin kay Carol. Napangiwi ako. Anong klaseng scene ito?

Nilingon ko muli si Thorin na pasimpleng sulyap lang kina Carol habang ngumunguya.
Poised pa rin naman. Professional na professional ang kain. Tuwid ang katawan.
Marahang pagnguya. Sinulyapan ko ang braso, bahagya pang gumagalaw-galaw ang
muscles habang ginagamit ang spoon and pork kapag nagsasandok ng pagkain. Binawi ko
agad ang tingin ko nang lumingon siya sa akin.

Hayst. Nahuli pa!

"Napansin kong ang tahimik niyo yata." Puna niya sabay lagok ng softdrinks.

"Ang guwapo niyo po pala lalo kapag nasa malapitan sir." Napangiwi na naman ako at
itinagilid ang ulo sa sinabing iyon ni Carol. Sobrang prangka!

Siniko ni Sheen si Carol. Nagbulungan. Samantalang si Ace, tahimik lang din.


Naranasan niya na rin kasi ito eh, nabahala ako nang maisip na baka nagtataka na
siya kung bakit nakakadalawang beses na ginagawa ito ni Thorin. Eh alam ko namang
dahil sa akin iyon, hindi naman sa pagmamayabang. Hehe.

Ngumiti lang si Thorin. Pasulyap-sulyap din siya sa akin habang kumakain. Wala na
bang hihirap pa sa sitwasyon na to?

Nararamdaman ko na dumidikit ang katawan niya sa akin. Para bang sinasadya niya
pang gumalaw galaw ng hita sa ilalim ng mesa. Ugh!! Ngali-ngali kong sapakin nang
matauhan sa mga pinagagawa eh. Diyos ko naman!

"Psh!" Asik ko. Mensahe na iyan. Pero sa kaloob-looban ko? Kinikilig na naman po
ako!

"Bakit?" Tanong nila sa akin.

"W-wala." Napayuko at pasimpleng tinampal ang hita niya. Nakasuot pa siya nang
slacks kaya medyo dumulas ang kamay ko. Peke akong ngumiti.

Sana naman nakuha niya mensahe ko na tumigil na. Masyado nang nagugulo ang sistema
ko at parang di ko na kaya. Whoa!

"Ahh sir??" Biglang tanong ni Carol.

Napatingin kami lahat sa kaniya.

"Bakit po parang umitim kayo?"

Nanlaki ang mata ko. Oh..my.. god! Carol anong klaseng mata at isip ba meron ka?

Napamaang sandali si Thorin saka medyo tumawa. Sinusubukang hindi mahuli.

Maputi rin kasi kaya madaling mahalata. Pero bakit ba ako nag aalala? Eh ano kung
umitim? Ibig sabihin ba non malalaman agad na nagkasama kami sa Puerto Galera? Wala
naman sigurong mali kung pareho kaming umitim ng konti. Ang kaso kinakain talaga
ako ng pangamba na baka ipaghambing pa ni Carol. Na baka kung ano isipin niya which
is totoo naman. Malas lang dahil nakigamit din yan sa akin ng sunblock na hindi
effective. Ayst!

"Did I?" Sagot niya sa humurous tone.

Marahang tumango si Carol.

"Ah sir huwag niyo na pong pansinin itong kaibigan namin. Ganyan po talaga siya."
Ani Sheen na inihingi na lang paumanhin si Carol.

"Ganyan talaga siya kadaldal." Dagdag ni Ace.

"Eh totoo po talaga sir. Nagswimming po kayo?"

"A-ahh." Tinapos niya ang pagkain at ibinalik ang tingin kay Carol. "Yeah. Tama
ka."

Napakagat labi ako. Thorin please don't talk so much.

"Talaga po?"
"Uhmm..."

"Saan po?"

Nagsalubong ang kilay ni Thorin kaya natigilan si Carol. Napahiya. Ayan kasi.

"I'm sorry sir."

"Ikaw kasi." Narinig kong bulong ni Sheen kay Carol. Ngumisi lang si Ace.

"Actually... I've been in to Puerto Galera."

Napanganga na naman ako. Thorin naman!

Nagulat si Sheen at Carol sabay tingin sa akin habang si Ace clueless.

"Bakit?" Halos di marinig ang boses na sabi ko. Nagmamaang-maangan na lang ako
dahil ayokong mabuko na nagkasama kami. Kung bakit kasi kailangan niya pang ipaalam
sa kanila? Ugh.

Naguguluhang tumingin sa amin si Thorin. Nang magtama paningin namin pasimple ko


siyang pinanlakihan ng mata.

"Bakit ganyan reactions niyo? May problema ba?"

"Eh sir galing din ng Puerto Galera itong si Lorraine eh. Ayan nga po biglang
umitim." Sagot ni Sheen. Ewan ko ba kung dapat akong matakot dahil biglang
natahimik si Carol.

Eh kasi ba naman Thorin eh. Alam kong sobrang imposible kung iisipin na nagkasama
kami nung weekend pero ang masama doon napansin din nilang pareho kaming wala noong
Friday. Sinong hindi magtataka noon? Idagdag pa yung mga ginagawa niya kanina pa,
baka napansin na rin nila. Ay pahamak.

"Really?" Kunwari amazed na sabi niya.

"Opo."

"Bakit di ko alam yon?" Bulong ni Ace kay Sheen pero walang pumansin sa kaniya.
Nananahimik kami pareho ni Carol. Nagulat ako nang tingnan niya ako diretso sa
mata. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya pero huwag naman sanang tamang
hinala.

Impossible namang malaman niya kung hindi ko sasabihin di ba? Safe pa rin
iyon...sana?

"How come hindi tayo nagkatagpo doon Lorraine ano?"

"H-ha?" Kinabahan naman ako. "Sobrang laki ng Puerto Galera sir." Diniinan ko ang
salitang sir. Troublemaker. Tss.

Bahagya akong yumuko.

"Great coincidence huh." Nagsalita bigla si Carol kaya bigla din along nakaramdam
ng takot. Kakaiba na ang boses niya. Seryoso at hindi kababakasan ng anumang biro.

"Oo nga nagkataon lang." Sabi ko.


Ace chuckled. "Hindi ka nagyaya Lorraine."

"Hindi niya gagawin iyon." Napanganga na naman ako sa agarang sagot ni Thorin.
Magkaeye to eye contact na sila bigla pero itong si Ace clueless kung bakit ganon
ang sinagot.

Nakita kong umiba din ang tingin nila Sheen at Carol. Oh God. He needs now to
leave. Hindi na siya nakakapag-isip ng matino! Kung bakit naman kasi pumunta pa
siya dito? Sa ginagawa niya ibinubunyag niya na ang hindi pa dapat.

"Huh?" Sabay na sabi nilang tatlo.

"I mean...She can't? Malay mo kung family lang nila. You know."

Tumango-tango ako. "Oo ganon na nga. Hindi puwede magsama ng kaibigan. May
magagalit." Ibig kong sabihin doon ay si Thorin ang magagalit. At sigurado ko nang
alam niya na kung sino iyon.

"Talaga? Sino? Sayang naman." Ani Ace.

"Oo hindi yan nagsasama. Kung magsasama siya eh di sana kami ang isinama." Dagdag
pa ni Sheen.

"Sobrang higpit naman kung sino man yon." Carol.

Tumango ako ulit. Kagat-labi.

"At isa pa..." napatingin kami lahat kay Thorin. "Mas magagalit iyon kung lalaking
di kapamilya ang kasama."

Ay dumagdag pa!! Naku naman talaga!

"A-ah hehe... o-oo nga." Nasabi ko na lang.

"Ang arte ah." Salubong kilay na sabi ni Ace.

If possible I want to kick his ass right now. Kailangan ko na talaga siyang
paalisin dahil tila wala siyang balak umalis. Ano bang gusto niyang palabasin sa
mga sinasabi niya? Don't tell me talagang pinagseselosan niya itong si Ace kaya
ganyan ang inaasta niya? So unreasonable naman? Ugh. Grabe magmahal. Wala pa nga
kaming relasyon may pinagseselosan na. My god. Kailangan ko mag-isip ng maaaring
rason para umalis na siya.

"Ah sir... wala na po ba kayong gagawin?"

Nilingon niya ako.

"Uhmm?? Ah right I have to do someting. Maiwan ko na kayo." Tila nakahalata naman


na pinapaalis ko na siya. He stand up but before he leave nag-iwan muna siya ng
ngiti at kindat saka umalis.

Nakangangang sinundan namin siya ng tingin palayo. Anong-? Bakit pa may kindat?

Paglingon ko tuloy kay Carol balik sa kaabnormalan na naman. Anong klaseng kaibigan
ba itong mga to? Kanina lang kakaiba at seryoso, pagdating ni Thorin mukhang
nabaliw, tapos napagusapan lang ang pagbabago ng kulay sumeryoso na naman, tapos
ngayon kumindat lang nabaliw na naman?

Sabay sabay kami nila Sheen napailing at nagsign nang pag-ikot ng hintuturo sa
gilid ng tenga, ibig sabihin ay baliw na.

Pero alam ko, kahit ganyan si Carol kailangan ko pa ring mag-ingat. She's not
ordinary. Kakaiba siya mag-isip at masyadong malinaw ang pandinig at paningin. Baka
dahil sa kaniya malaman pa ang itinatago namin ni Thorin. Iyong takot ko noong una
na baka may makaalam, pinangangambahan ko na namang baka bumalik. Ayoko nang
matakot. Please lang.

Huminga ako ng malalim at makalipas ang ilang usapan umalis na kami at saka bumalik
ng classroom.

Naeexcite ako sa mangyayari mamaya. Yey. (Evil smirk)

***

A/N: pasensiya po ang daming nganga. Haha. Boring ang chapter no?

:)

I'm sorry for the late UD..

***

Natapos ang buong araw. Kakatapos lang ng last subject namin at naglalabasan na ang
mga classmates ko.

"Sabay na tayo labas?" Tumango ako kina Sheen.

Sabay sabay kaming lumabas ng classroom. Nakatanggap na ako ng text na naghihintay


na si Thorin sa coffee shop sa tapat. Ibang klase ang bilis. Tsk.

Naglalakad na kami palabas ng campus at pulos kuwentuhan ang dalawa. Samantalang


ako ito, nakangiti nang wala sa sarili. Hindi ko alam pero parang ang saya ng
pakiramdam ko na magkikita kami at posible pang magkaroon ng date. Ang gaan ng
pakiramdam ko eh. Excited yata ang tawag dito. Whoa? Kailan pa ako nakaramdam ng
excitement na makakasama ko si Thorin? Naku masamang pangitain na talaga ang pag-
ibig na ito. Nakakailang araw pa lang simula nang umamin ako sa sarili kong mahal
ko na siya pero parang ang laki laki na ng impact niya sa akin.
"Ah guys. Una na kayo uwi. May dadaanan pa pala ako." Paalam ko sa kanila. Sabay
nila akong nilingon.

"Huh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Carol.

Umiwas ako ng tingin. "Diyan lang."

"Weh?" Sabay pa nilang tanong.

Natawa ako kunwari. "Basta may dadaanan lang ako. Mauna na kayo. Okay?" Saka
mabilis na hinalikan sila bilang paalam. Tumango na lang sila saka nauna nang
maglakad. Huminto muna ako at pinanood silang makalayo. Kailangan ko lang mag-ingat
na hindi nila ako makikita. Kailangan kong makasiguro. Nang makasigurong wala na
sila sa paningin ko mabilis kong pinuntahan ang coffee shop kung nasaan si Thorin.
Walang lingon-likod na pumasok ako sa shop. Iginala ko ang paningin ko nang
makapasok ako. Nasa gilid siya at kumaway sa akin. Cinompose ko ang sarili ko at
tipid na ngumiti habang naglalakad.

"Hi." Aniya. Tumayo pa siya nang makalapit ako. He gave me fresh flowers.
Mapupulang rose na naamoy ko din ang bango. Naoverwhelmed naman ako dahil effort na
para sa akin ang binigay niya. I smiled sincerely to him.

Pinaghila niya ako ng upuan. "Salamat." Inilapag ko sa lap ko ang bulaklak.

"Anong gusto mong kainin?"

"Ah... dito ba tayo kakain?" Nag-aalangan kasi ako. Malapit lang ito sa school at
baka may makakitang studyante. Ayokong magtake ng risk at gusto ko mag-ingat.

Kumunot noo niya. "You don't like in here?"

"Hindi naman sa ganon."

"Oh? Then why?"

"Gusto ko sana sa malayo dito. Alam mo na." Pangiwi akong ngumiti. Patingin tingin
din ako sa labas. Ewan ko ba pero hindi ako siguro matatahimik kung dito lang kami.
Professor pa rin naman kasi siya. Ayokong mapag-usapan siya ng kung sino dahil may
kasama siyang eatusyante at babae pa. Ayokong masira ang image niya sa school kaya
hangga't maaari gusto kong umiwas.

"Oh... okay. Let's go somewhere."

Sabay kaming tumayo. Hindi ko na pinansin kung sino pa man ang nasa coffee shop
dahil gusto ko nang makaalis ora mismo. Dirediretso kaming lumabas habang hawak
hawak ko ang bulaklak na binigay niya.

"Saan tayo?" Tanong ko pagkapasok ng sasakyan ni Thorin.

Nag-isip siya sandali. "Gusto mo ba sa hindi mataong lugar?"

"If possible oo."

"O yung walang tao na lugar? Yung tayong dalawa lang?" Nginisian niya ako. Sa una
hindi naisip kung ano pinaparating niya ngunit nang magproseso ito sa utak ko bigla
kong binato sa kaniya ang bulaklak. Tatawa-tawa siyang umilag.

"H-hoy. Careful. Mahal bili ko diyan."


"Linisan mo yan minsan ha. Ang dumi- dumi ng isip mo." Pikon na pikon na sabi ko.

Hindi siya tumigil kakatawa. Hindi niya pa nabubuksan ang engine ng kotse sa
kakatawa niya habang hinahampas ko pa rin siya.

"Oo na. Just stop." Tumigil na ako at inistart niya na ang sasakyan. Lumabas na
kami sa parking space na tutok ang paningin sa kaniya. Napipikon pa rin ako sa
pang-aasar niya. Sira ulong to niloko pa ako.

"Sino ang madumi ang isip sa ating dalawa? Wala akong ibig sabihin doon." Aniya na
ang lapad ng pagkakangisi.

"Oh talaga?" Pagsusungit ko.

"May sinabi na ba akong lugar?"

"Wala."

"Then you're not sure. Ikaw ang madumi ang isip."

"Eh bakit ganon ka makatawa?"

"Is it bad?"

"N-no." Parang natilihang sabi ko. Nagtatalo kami sa walang kuwentang bagay. Naging
madumi nga siguro ang isip ko sa sinabi niya. Pero yung paraan ng pagkakangisi niya
iyon ang lumalabas na ibig sabihin niya. Ayst. Napahiya nga ba ako?

"It's just a joke. Don't take it seriously." Nilingon ko siya na ngiting-ngiti


habang nagmamaneho. Napangiti na rin ako nang palihim na hindi niya mismo makikita.
Saka naman tumunog ang phone ko. It's a call. Mabilis ko itong kinuha sa bag ko
then I saw who was calling. Kunot-noo ko itong sinagot. Bakit tumatawag si Carol eh
kakakita nga lang namin kanina? Sinulyapan lang ako ni Thorin.

"Hello?"

"Hello? Lorraine.." mas kumunot ang noo ko at nagtaka kung bakit napakaseryoso nang
boses niya sa kabilang linya.

"Oh? Bakit?"

"Nasaan ka?"

"Ha?" Lumingon ako muli kay Thorin. Hindi ko puwedeng sabihin na magkasama kami di
ba? I need to make a story. "Ah...nakauwi na ako sa bahay. Sandali lang ako doon sa
dinaanan ko. Hindi naman ako nagtagal."

"Ah... talaga?" Bakit parang pakiramdam ko ang sarcastic ng tono niya?

"O-oo naman. Bakit? Anong meron?" Pinilit kong maging casual ang boses ko.
Nakakapagtaka ang mga sinasabi at tono ng boses niya. Why do I feel like there is
something wrong with her? Hindi ko lang alam kung ano yon.

"Wala naman. Okay see you tomorrow. Bye." Binaba niya na. Anyare??

"Who's that?"

"My classmate. Si Carol."


"Ah yong kasama mo kanina?"

"Oo..."

"Bakit daw?"

"I don't know. She just call and then binaba niya rin. Tinatanong niya kung nasaan
ako. Weird."

"Maybe gusto niya lang icheck kung nakauwi ka na."

Nagkibit-balikat ako. "Siguro."

Naiintindihan din ni Thorin na wala talagang puwedeng makaalam na taga school na


nakakikilala sa amin ang pagkikita namin ngayon kaya hindi na siya nagtanong.

Makalipas pa ang ilang minuto nakarating na kami sa isang fine dining italian
restaurant. Ito ang napili niyang restaurant at okay lang naman sa akin. Napili
namin ang puwesto sa gilid malapit sa pintuan. Kahit ano na lang sa menu ang pinili
niya para sa aming dalawa, wala naman kasi akong alam sa mga pagkain dito. Pasta
lang ang pinaorder ko sa kaniya at siya na bahala sa iba. Iced tea naman para sa
drink.

Kapag may iba kasing pagkain ang sinusubukan ko ayos lang. Mahilig akong magexplore
ng kahit anong pagkain na bago sa panlasa ko kaya pumayag na ako na isang italian
restaurant kami kakain. It's a first date for me. Unang beses ito na lumabas kami
na kaming dalawa lang. Hindi nga ako nagkamali nang hinala na matutuloy ang dating
sa araw na ito.

"I want to ask you something." Sabi ko nang maalala ang nangyari sa cafeteria
kanina.

"What?" Aniya habang inaayos ang table cloth sa lap niya. Maselan din pala ito.
Samantalang ako hindi na naglagay.

"Anong ibig sabihin nong kanina?"

"Ang alin?" Nag abang siya nang iba pang sasabihin ko.

"Iyong ginawa mo kanina. Bakit kailangan mo pang makiseat-in sa amin? Why did you
do that?"

"Ah iyon ba...? Why? You didn't like it?"

"Come on. Don't ask me like that again kung nagustuhan ko ba o hindi ang mga
tinatanong ko na ginawa mo."

Natawa siya. "Well I just want to know your opinion. Hindi ako magtatanong kung
wala akong gustong malaman."

"Tss.. bakit nga?"

Amazed siyang tumingin sa akin. "I just want to be with you. Masama na ba iyon?"

"H-hindi naman." Pakiramdam ko napahiya ako. Oo nga naman ano. Kaya lang parang
nagmukha naman akong tanga sa sagot niya. Ugh.

"Lorraine... kahit pa kasi nagpigil ako kanina, nang makita kitang ngumiti nang
ganon.. hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit. Lalo na...lalo nang nandoon
ang Ace na iyon. I don't trust him."

"Who said you need to trust him. Kaibigan ko lang siya. Hindi ko rin siya madalas
kasama so don't be jealous. Okay?"

"How did you know that I'm jealous?" He's amazed again na para bang ang ganda
pakinggan ng sinabi ko. E di ba tama naman? Na pinagseselosan niya si Ace kaya
ganon? Alam kong medyo makapal ang mukha ko sa sinasabi ko pero alam kong totoo
iyon. At alam ko ring hindi niya itatanggi iyon.

Hindi ako agad nakasagot nang sinerve na ang foods. Maya maya pa nagsimula na
kaming kumain. Napakaganda nang ngiti niya habang kumakain. Natatawa akong
nagtanong sa kaniya kung bakit pero umiling lang siya. Hindi pa rin tumimo ang
ngiti niya kaya nagtanong ako ulit.

"Why? Bakit ganyan ka makangiti?" Sabi ko habang patuloy ang pagkain. Nag-usap kami
at panaka-naka ang pagsubo.

"Nothing. I'm just happy."

"For what?"

"For making me happy."

Napangiti ako. Hindi ko napigilan eh. "Tatawa na ba ako?" Pang-aasar ko.

"Depende sayo."

"Whatever."

Habang kumakain hindi ko pa rin mapigil ang ngiti ko. Para ang hirap lalo na kapag
masaya ka. Ganon din siya. Para kaming mga baliw na nagngingitian. Corny talaga
main-love. Tsk.

"Yeah..." Sandali siyang tumigil. Medyo naglaho na ang ngiti niya. "I'm jealous
with whoever guy is around you kahit kaibigan mo pa...anong magagawa ko Lorraine
kung iyon ang nararamdaman ko?"

Napasinghap ako at di malaman ang isasagot. Kumislot ang isang parte ng dibdib ko.
I think it's overwhelming. How lucky I am?

"Pero, kung talagang kaibigan mo lang siya...sino ba ako para ilayo ka sa kaniya?
He's just your friend, right?"

"Thorin.."

"And I'm just also a friend. Ang pagkakaiba lang naming dalawa, special ka sa akin.
I'm courting you. Lorraine hindi ako tulad ng ibang lalaki na porke mahal kita,
ilalayo na kita sa iba. Maliban na lang sa Owen na sinaktan ka... I can't let you
near him..."

"Thank you." I mean that. I am. Masyadong lumalambot ang puso ko sa mga sinasabi
niya. Kung ibang lalaki siguro ang nagsasabi sa akin ng mga ganitong bagay, iisipin
kong isa lang itong biro, pambobola or worst panloloko. But he is Thorin... sa ikli
ng panahon na nakilala ko siya, tiwalang tiwala na ako sa mga sinasabi niya. Iba
kasi pag siya na ang nagsalita ng nararamdaman niya. Every words are all full of
sincerity. Hindi ka magdadalawang isip na paniwalaan ang mga sinasabi niya. Yung
tono ng pananalita niya, yung expression ng mukha niya, yung paraan ng tingin niya,
lahat totoo. Walang halo ng pagbabalat-kayo. Naiisip ko nga, if he tries to lie to
me. Malalaman ko agad dahil nasanay ako sa mga katotohanang ipinapakita niya.
Maging ang pagsisinungaling madali ko nang malalaman dahil hindi karaniwan iyon sa
kaniya. Kaakibat na ng pangalan niya ang pagiging totoo. And it's very rare to a
guy nowadays na hindi ka pagsisinungalingan. Maybe I just know to myself. At tulad
ng sinabi ko noon, my instinct and feelings are the judge whom I would trust
myself. Hindi nga ako nagkamali na magtiwala sa kaniya. I know, Thorin is one of a
man na pinapangarap ng maraming kababaihan. Huwag ko na kaya tong pakawalan? Mas
minamahal ko pa siya dahil sa katangian niyang iyon.

"Don't thank me."

"No. I want to thank you. Your such a nice man."

"Nice?" Ngumiti siya. "Don't trust me enough Lorraine."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit? Nabasa niya ba ang nasa isip ko?

"Wala pa akong napapatunayan sa mga sinasabi ko. Don't give your trust, hundred
percent to me please."

Umiling-iling ako. "Hindi kita maintindihan."

"Sinasabi ko lang, huwag ka magbibigay ng buong tiwala sa taong wala pang


napapatunayan sayo. I'm giving you an advice. Sa kahit sinong tao, huwag mong
ibigay lahat ng tiwala mo. Kahit ako. Okay?"

"At bakit?"

Huminga siya ng malalim. "Basta. Hayaan mong may mapatunayan muna ako sayo bago ka
magtiwala. Ayokong masaktan kita pagdating ng panahon."

"Sa mga sinasabi mo, how can't I trust you?"

"Because it's all just a word. Tulad ng sinabi mo, salita ko lang iyon. You get me?
Magtiwala ka sa akin kapag napatunayan ko na lahat ng sinasabi ko."

Tumango na lang ako kahit naguguluhan ako. Pero sa kabila niyon, tila mas hinangaan
ko pa siya.

Well... siya si Thorin. A professor. My ruthless professor na minahal ako at


handang patunayan bago ko daw siya pagkatiwalaan ng buo.

Pero naguluhan pa rin ako. Ugh.

***

A/n:

He is my ideal man. Sa tulong ng wattpad. Nakabuo ako ng character ng isang


lalaking ganyan mag-isip. Trust kasi talaga pinakagusto ko. Haha. Tiwala. Yan ang
pinakasangkap ng kuwento ko. Mabusog tayo sa tiwala. Nyahaha.

Love lots.

----
Follow niyo po ako sa twitter..

Pero joke lang hehe..

Saka ko na bigay

***

"Naiintindihan ko na." Sabi ko kahit naguguluhan ako.

"Don't trust me okay?"

Psh. Sinong hindi pa hahanga sa kaniya? Siya lang ang kilala kong nagsasabi mismo
na huwag ko siyang pagkatiwalaang lubos. I mean, who's person will dare to say to
you, "oy wag mo ako pagkatiwalaan ah." Para sa akin kakaiba na iyon. In the first
place, na sa atin na kung magtitiwala tayo sa isang tao o hindi, pero
siya...kakaiba.Siya pa mismo nagsabi na huwag. Napailing iling ako sa isip ko. Sige
kung ayaw eh di huwag.

"Alright." Pagsang-ayon ko.

Itinuloy namin ang pagkain hanggang matapos ito. Nabusog ako. Nagbigay ako ng
pasasalamat sa kaniya.

"Maraming beses pa itong mauulit."

"Uhmm... tingin ko nga."

"Hi Lorraine!" Namutla ako bigla nang marinig ang tumawag sa akin mula sa likod ko.
Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Naramdaman kong lumapit siya sa amin ni
Thorin. Doon ko nakita ang pagtatagis ng bagang ng lalaking nasa tapat ko.

"Anong ginagawa niya dito." Madiin at matigas na pagkakasabi ni Thorin. Hindi ako
nakaimik.

"Lorraine... wow hindi ko akalaing makikita kita dito." Ani Owen. Yeah andito si
Owen. Bakit ba sumusulpot na lang siya bigla? Nasa gilid na namin siya. Tiningnan
ko siya at pilit na ngumiti. Hindi naman ako bastos na babae para hindi siya
pansinin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hinawakan ko bigla ang kaliwang kamao ni
Thorin na nakakuyom ng mahigpit sa mesa. Pinisil ko ito, trying to relax him.
Ganito na talaga ang reaksyon niya kapag nakikita niyang lumalapit sa akin si Owen.
Idagdag pa na para akong nabastos noong byernes lang. Hindi pa rin ako
makapaniwalang napagsalitaan niya ako ng ganon.

But what's more worrying me is that how can he come close to us like this after
what he did to me? Anong pinaplano niya?

"Obviously, kumakain. Kasama ko yung ilang faculty doon." Tinuro niya ang ibang
kasamahan niya na nakaupo sa gilid. Siguro ay nasa anim. Saka ko naalala, kilala
nila si Thorin! Mabilis kong nilingon si Thorin, nag-alala ako.

Tinanguan lang ako ni Thorin. Huminga ako ng malalim. Ibig sabihin ng pagtango niya
ay ayos lang iyon. Pero hindi na ako mapakali.
"Bakit ka pa lumapit?" Tanong ko muli.

"Wala naman. I just want to say hi. So...you're having dinner here." Ngumiti si
Owen.

God. Kailangan na namin umalis. Hindi puwedeng makita si Thorin na may kasamang
student dito, looking having a date. A date with a student! Oh my god. Hindi siya
puwede mapahamak!

"Obviously." Sagot ni Thorin. Seryoso ang boses niya. Palagay ko sinadya ito ni
Owen eh!

"Mr. Olivar, gusto mo bang mag-hi muna sa kanila?"

"Hindi na kailangan."

"Ahh... Owen. Huwag na. Kasi paalis na rin kami eh. Pakiusap lang huwag mo nang
banggitin na nandito kami."

"Ha...? Pero nasabi ko na."

"Ano?!" Tumaas ang boses ko. What the hell? Sinadya niya nga. Nanganganib na kami
dito.

"Anong sinabi mo?" Relax na sabi ni Thorin. Samantalang ako natataranta na sa


kalooban ko.

"Sabi ko nandito ka. Nagpaalam ako sa kanilang lalapitan ko kayo."

Nagkatinginan kami ni Thorin.

"A-ahh. Nakita ba nila ako?" Nababahala kong tanong.

"No."

Napabuga ako ng hangin. Heck.

"The next time you will go out, make sure you are not wearing uniform. Nakalimutan
mo na ang ginagawa natin noon Lorraine."

"Hindi mo na kailangang ipaalala ang noon." Sikmat ni Thorin.

Napatingin ako sa damit ko. Oh my bad. Nakalimutan ko nga. Stupid!

"Oo tatandaan ko."

"Ito lang sasabihin ko sa inyo... I know what's happening between you Lorraine and
him. Better be careful than the last time. Bilang pagsisisi ko sa nangyari noon,
binibigyan ko kayo ng advice. Having a student- teacher relationship is not a sin,
as long as wala kayong natatapakang ibang tao. Mag-iingat lang kayo. Lorraine, I
know kung ano ang mga mali ko. And I'm sorry. Sana sumaya kayo. So long, good bye."
Tinapik niya sa balikat si Thorin at tipid ang ngiting umalis.

Ilang minuto kaming nagkatinginan lang ni Thorin.

"Thorin... "

"Let's go?"
Tumango ako. Nilingon ko sandali si Owen na nakatingin sa amin bago kami lumabas.

Know what? I'm thankful na okay na kami ni Owen. Nagpapasalamat din ako sa mga
sinabi niya. Iyong takot ko noon tuluyan ko nang iwinaksi sa isip ko. Tama ang
sinabi niya. Walang masama kung maging kami man ni Thorin habang wala kaming
natatapakan na tao. Suddenly, I think I need to make things clear between me and
Thorin dahil kung tutuusin doon din naman kami papunta. Hindi ko na rin dapat
patagalin ang panliligaw lalo na kung pareho naman naming mahal ang isa't isa. Nag-
isip na ako nang mabuti kung paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa
nararamdaman ko.

***

Matapos ang dinner date namin deretso rin kaming umuwi sa bahay. Nadatnan naming
nanonood ng t.v sa sala si ate Laureen at August.

Nakasiksik si ate Laureen sa gilid ni August habang nakaakbay ito sa kaniya.


Napabalikwas si ate nang maramdamang dito na kami.

"Oh dito na pala kayo." Sabi ni ate. Kunwaring wala lang.

"Hay naku ate tuloy niyo na yan."

"Bakit ano ba yon?"

"Sus."

"Kumain na kayo?" Tanong ni August.

"Yeah." Sagot naman ni Thorin. Tumayo lang kami sa gilid ng couch at pareho silang
nakatingala sa amin.

"Kayo ha. Galing kayo sa date ano?" Panunukso ni ate.

Hindi ko napigilang ipaikot ang eyeballs ko. "Ay ewan akyat na ako ate." Humakbang
na ako patungong hagdan. Pinagtawanan lang ako ni ate Laureen.

"Sabay na ako."

"Hoy sa kaniya kaniyang kuwarto ang tuloy ha."

"Heh!" Sigaw ko. Natawa na naman sila sa akin habang si Thorin nangingiti na lang
sa tabi ko.

"Loko talaga yon."

"Hayaan mo na."

Nakarating ako sa kuwarto. Bale ang mauunang kuwarto ay kila ate, sunod sa akin na
dati ay kaniyang kuwarto at sunod ay ang guestroom. Ang masters bedroom nga pala
ang ginagamit ng mag-asawa na iyon.

"So...uh.. maybe it is a goodnight." Aniya. Magkaharap kami at ilang pulgada lang


ang layo namin sa isa't isa.
Nagtatalo ang isip ko kung papapasukin ko ba siya sa kuwarto ko hindi. Nababaliw na
siguro ako dahil gusto ko siya yakapin. Alam mo yung pakiramdam na parang may nag-
uutos sayong gawin ang isang bagay na sa ni hinagap di mo iisiping gugustuhin mong
gagawin mo? Ugh.

Kumakabog ang puso ko. Gusto ko siya yakapin. Pero paano ko gagawin? Oh jeez bahala
na nga!

"Ah... Thorin."

"Hmm?"

"Halika." Niyaya ko siyang pumasok ng kuwarto. Bakas tuloy sa mukha niya ang
pagtataka sa sinabi ko.

"Pasok ka muna." Tiningala ko ang katangkaran niya.

"Why?"

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo eh di-" nagulat niya ako nang bigla niya akong hilahin
papasok ng kuwarto ko.

Matawa-tawa ako pagkapasok namin.

"Akala ko ayaw mo."

"I didn't say anything."

"Ah talaga?"

"Nagtanong lang ako kung bakit."

"Okay. Sabi mo eh." Ngiting-ngiti ako tumalikod sa kaniya. Nilapag ko ang bag ko sa
study table ko. Sinusundan niya lang ako ng tingin.

"Bakit? Bakit pinapasok mo ako dito?"

Nilingon ko siya. "Hmm... hindi ko alam."

Amazed siyang tumingin sa akin. "Hindi mo alam?"

"Oo...hindi ko talaga alam. Tsaka nagtataka ka pa lagi ka naman pumupunta dito."

"Oo dahil naging kuwarto ko na ito. At noong nandito ka na, hanggang terrace lang
ako. At.." nilibot niya ang kaniyang paningin. "Mas lalo yatang gumanda dito...pero
ngayon ko lang napasok itong mismong kuwarto na ikaw na ang gumagamit."

"Talaga lang ha?" Naalala ko ang bigla niyang pagsulpot habang natutulog ako.
Pinamulahan ako bigla ng mukha. Kapag naaalala ko ang gabi na iyon, thinking that
he is Thorin parang mas natutuwa pa ata ako. Kunf bakit ay hindi ko alam. "Eh paano
naman ang gabing nagkatabi tayo sa pagtulog? Huwag mong sabihing hindi ka noon
nakapasok."

Ngumisi siya nang nakakaloko at bahagyang naglakad palapit sa akin.

"That night? Oo siguro. Pero wala akong alam pa noon. This is the first time na may
malay ako at gising na gising ako."

"Okay. Sabi mo eh." Ngumisi na rin ako.


Dahan dahan pa lumapit na naman siya sa akin hanggang halos kadikit ko na. Eye to
eye contact. Hinawakan niya ang tumakas na hibla ng buhok at isinabit iyon sa aking
tenga. Amoy na amoy ko na ang mabangong amoy ng katawan niya. Holy mother of God.
My heart beats fast.

"I love you." He kissed my forehead.

Bago ko pa man mapag-isipan ang sasabihin ko, kusa na itong lumabas sa mga labi ko.

"I love you too."

***

End of chapter.

Aminan na ang susunod.

***

Manghang tiningnan niya ako. Halos manlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. Ako
naman nagulat din sa sinabi ko pero hindi ko na iyon babawiin. Napangiti ako.

"T-totoo? Is that true?"

Natatawa tawa akong tumango. Nakakatuwa lang ang reaksyon niya na para bang
nabalitaan niyang magiging ama na siya.

"In-english mo lang eh." Sabi ko

"Hindi nga? You love me? Hindi ba ako nagkamali ng dinig?"

"Uulitin ko pa?"

Tumango siya. Ngiting ngiti. "I want you to say it again... please?"

"Okay. I love you too."

Sa sobrang katuwaan niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi lang mahigpit kundi
mahigpit na mahigpit. Oh God. He's so happy. Ramdam na ramdam ko sa yakap niya.
Kumalas siya at tiningnan ako ng maigi sa mukha.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya."

"Hmm... talaga?"
"Yeah. You know you means so much to me. Hinding hindi ka magsisisi na minahal mo
ako Lorraine. I love you."

Niyakap niya na naman ako. It feels heaven. Ganito pala talaga ang pakiramdam.
Iyong para bang nakalutang ka o may pakpak na nakaladlad sa likod mo at handa ka
nang ilipad kung saan. Napupuno ng kasayahan ang puso ko. Alam ko ding ganon siya.
Baka nga mas sobra pa. Tahimik kong ipinikit ang mata ko habang yakap niya ako.
Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib samantalang siya ay idinantay din ang
kaniyang baba sa balikat ko. Nagpakiramdaman.

Umabot yata ng minuto bago kami kumalas sa isa't isa.

"Hmmm... you need to rest. Matulog ka na." Aniya sa masuyong boses.

"Ehhh... ayoko pa eh." Nagulat ako sa iniakto ko. Boses ko ba yon? Malamyos at
naglalambing!

Natawa siya. "I need to get out of here."

"Huh? Bakit?"

"Baka hindi pa ako makapagpigil..."

Ako naman ang natawa. Nahampas ko siya sa dibdib. "Ano ba sinasabi mo. Don muna
tayo sa terrace."

Ngumisi siya. "Talagang ayaw mo akong mawala sa paningin mo."

"Hoy hindi ah."

Kunwaring lumungkot ang mukha niya. Aba tong lalaking to marunong din magdrama!

"Anong arte yan?"

"Nothing."

"Halika na. Doon tayo-"

Kumabog ng husto ang puso ko nang nakawan niya ako ng halik sa pisngi. Ngumiti siya
saka ako hinila papunta sa terrace. Hindi ako nakapagsalita! B-bakit ganon ang
reaksyon ng puso ko? Halik lang sa pisngi yun! For god sake! Bakit nagkaganon?

"Hey. Nabitin ka ba?"

Hinampas ko na naman siya sa braso nang makuha ko ang diwa ko na nilipad kung saan.
"Bakit mo ginawa yon?"

"Eh sabi mo halikan na eh." Tatawa tawa siya nang pinaghahampas ko siya ng kamay
ko. "Sadist lover ka ha. Tama na. Haha."

"Bakit ang kulit kulit mo? Iba ka."

"Iba talaga ako. Ako lang kasi ang nagmamahal sa iyo ng totoo." Ngumisi na naman
siya.

Ugh! Bakit ba kinikilig ako?!

"Corny ka Sir Olivar. Hindi bagay sayo."


"You know what?"

"Hindi ko pa alam. Hehe."

"Yeah right... when someone is in love, kahit iba pa ang personality niya magagawa
niya ang mga ganoong bagay. That's the power of love."

"Hmm.. I believe you."

"Really?"

"Oo.. nagawa kasi nito na baguhin ang paniniwala ko. Nawala ang takot ko. Nawala
ang mga agam-agam ko. Lalim no?"

Natawa siya. "Lalim nga."

Natigilan ako sandali. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "You are my
girlfriend now?"

"Yes." Walang alinlangang sagot ko.

Oo. Girlfriend niya na ako. Bakit ko pa itatanggi eh iyon naman talaga ang gusto
ko. I want him. I need him. Kung mag iinarte na naman ako ano bang mapapala ko.
Mabuti na ang ganito. Sana we can make it until the end. Alam kong maraming
pagsubok pa ang darating. Kakayanin naman siguro namin kung talagang tunay na
nagmamahalan kami. Ang pagiging teacher niya ay wala nang halaga sa akin. Ang mga
takot ko noon tuluyan nang naglaho na para bang hindi ko iyon naramdaman noon.
Ibang iba din ang nararamdaman ko ngayon para kay Thorin, iba sa naramdaman ko kay
Owen. Maybe Owen is just an admiration. Hindi ko siya tunay na minahal.

Maybre comparison of two people is sometimes useful para malaman mo ang timbang ng
nararamdaman mo para sa isang tao. Alam kong hindi dapat na pinagkokompara ko
silang dalawa, pero ganon talaga kapag napasok ka sa isang relationship. Aalamin mo
talaga ang pagkakaiba at pagkakatulad nila.

"I love you."

"I love you more." Aniya.

Pinagdikit niya ang bawat tip ng ilong namin. Langhap na langhap ko ang kaniyang
hininga. Napapikit ako, dinadama ang closeness naming dalawa. This feeling, I don't
want to end this. Masyadong nakakalunod.

"Hmm..." aniya.

"Thorin..." usal ko.

"Uhmmm?"

"A-ano..."

"Ano?"

"Ahh..."

"I want to kiss you."

"Shit..."bulong ko.
Ngumisi siya. "Excited?"

"Hindi.... medyo lang."

Naramdaman kong umaalog ang balikat niya. He's laughing silently. Tumatama sa mukha
ko ang hangin na nagmumula sa kaniyang hininga. From the nose. Buti wala tong
sipon. Tsk. Pero joke lang. Naeexcite nga yata ako!

"Stop laughing." Saway ko.

Tumigil na siya. Maya maya pinaglaruan niya ang ilong naming dalawa. He tease and
move our nose. Nose to nose yata tawag dito sabi nila.

"Ano ba ginagawa mo?" Halos di marinig na sabi ko.

"Wala."

"Tss."

"I like this."

"Ang alin?"

"This closeness."

"O-okay."

"I can't fight this feeling any longer." Natawa ako nang kumanta siya. He is a good
singer. Nagtawanan kami habang magkanose to nose pa din. Seriously, hindi ko talaga
alam kung may nilagay ba siyang glue sa mga nose namin eh. Parang ang hirap na
humiwalay.

"You're voice is so beautiful." Puri ko sa kaniya. Ngumiti lang siya.

Umihip ang malamig na hanging panggabi. I wrapped my arms around his waist. Naisip
ko, baka nahihirapan na siyang yukuin ako magpantay lang kami.

"Thorin... I think we should...uh.. move away?" Sabi ko sa nag-aalinlangang boses.


Hindi ko gustong maghiwalay kami pero baka nahihirapan na siya.

"Let's stay like this. Ganito lang. Please? Kapag gumalaw pa tayo ng konti, baka
hindi na ako makapagpigil na halikan ka. Just stay." Aniya sa namamaos na boses.
Pumikit siya at iginalaw galaw ang mga panga.

"Pero mahihirapan ka..."

Hinawakan niya ang beywang ko. He swayed a little. Para niya akong ipinaghehele.
"Pumikit ka." Utos niya.

"Ahh.. s-sige." Pumikit ako. We stayed like that about 5 minutes. Sa loob ng minuto
na iyon iginalaw galaw niya na naman ang magkadikit naming ilong.

"Damn. I want to kiss you. Pero kahit gaano ko kagusto. Hindi ko kaya."

Napamulat ako at itinangala siya. Natabingi ata ang bibig ko. Bakit ganon?
Nagpipigil siya? Ugh. Eh ako gusto ko. Hindi na ako magkakaila pero gusto ko. Kapal
ba? Aminin na nating sa ganitong pagkakataon hindi na tayo tatanggi lalo na kung
mahal naman natin ang isang tao. Ngunit hindi puwedeng ako ang mag-initiate ng
bagay na iyon. Sadyang wala naman akong lakas ng loob. Anong gagawin ko?

Natigilan kami pareho. Maya maya, pinagdikit niya na naman ang aming pisngi.
Ikiniskis niya na naman iyon. Seriously?! Ganito na lang ba talaga gagawin niya?

"Hmmm..." aniya.

Napakaromantic ng nangyayari ngayon. Pero... bakit hindi niya na lang gawin ang
gusto namin pareho? Nagpapakipot? Gusto ako gagawa? Aba langya naman yan.

"Bakit hindi mo kaya?" Lakas loob kong tanong.

Hinarap niya ako. He touched my chin and sigh. "I love you Lorraine. Pero ayokong
magmadali. I am respecting you. Kahit gaano ko pa kagusto na matikaman iyang labi
mo, hindi ko gagawin dahil ayokong masira ang tiwalang binigay mo sa akin ngayon.
Things like that can wait. I'm willing to wait. Kasasagot mo pa lang sa akin, kiss
agad?" Pagbibiro niya pa.

Ngumiti na rin ako. Naiintindihan ko. He's great. Bakit ganito siya magmahal? Mas
lalo kong minamahal ang lalaki na ito dahil sa kagandahan ng mga katangian niya.
Kung ibang lalaki lang siguro sa isang kuwento, pagka- i love you pa lang kiss
agad. Wow. As in, wow.

"Bakit ang sweet mo?" Tanong ko.

"Dahil mahal kita." Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. "Tara na." Inakay niya na
ako papasok ng kuwarto. Pinagbuksan ko siya ng pinto palabas ng kuwarto ko.

"Goodnight... have a good sleep. See you tomorrow. " Hinalikan niya ang tuktok ng
ulo ko. Ginawa akong bata?

"Sige. Goodnight din."

Ngumiti siya at lumabas ng kuwarto. Bago ko isara ang pinto pagkaalis ni Thorin
namataan ko si ate sa tapat ng kanilang kuwarto. Disbelief is written on her face.

"At tinotoo niyo nga?'" Gulat na gulat na sabi niya .

Hindi ako nagreact at taas ang kilay na isinara ang pinto. Bahala ka jan ate. Basta
ako masaya ako!

****

A/N:

Okay ba? Hindi ba corny? Sorry nangangapa ako sa ganito. Haha.

Comment sa mga nagkagusto at ayaw.

Tenk u. .

Hello. I want reactions about my story. Comment po kayo. Salamat sa mga nauna kong
supporter sa kuwento na to. Kahit naguguluhan kayo basa pa rin kayo ng basa. Haha.
Maraming salamat.
***

Magaan at maaliwalas ang gising ko kinabukasan. Masaya akong bumangon at naghanda


upang pumasok. Naligo ako at nag-ayos hanggang napagpasyahan ko nang lumabas.
Pabukas na ako ng pinto nang may biglang kumatok.

Kunot-noo ko itong binuksan.

"Good morning." Bumungad sa umaga ang napakaguwapong nilalang sa harap ko. Wide
smile and fresh looks. Bagong ligo din siya tulad ko at nakasuot ng kulay gatas na
polo. Napakaganda ng pagkakaayos niya sa kaniyang buhok. Hinawi ko ang hibla ng
buhok na tumakas patungong mukha ko. Ngumiti ako nang napakatamis sa kaniya.

"Good morning." Lumapit ako sa kaniya. Napatigil pa ako nang halikan niya ako sa
pisngi. Hindi yata ako masasanay sa mga ganito dahil lagi na lang ako nagugulat.

"Kumusta ang umaga mo?" Cool na tanong niya. Isinara ko ang pinto ng kuwarto at
humakbang na kami patungong hagdan.

"Maganda. Sobrang ganda."

"Good to hear that. Sa akin sobrang ganda dahil nakita kita."

Napatikhim ako. Pinamulahan yata ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy
maiwala ang ngiti sa labi ko. Tama nga siya, mas gumanda din ang umaga ko nang
makita ko siya. Sobra sobra.

"Ehem!" Kunwaring ubo ni ate nang makarating kami sa komedor. I mean sa dining
table. Nalalaliman na din ako. Pareho na silang nakaupo ni August at nagngingitian
na para bang may pinag-usapan silang nakakatuwa. Nakahanda na rin ang pagkain sa
mesa.

Umupo ako ngunit pinaghila muna ni Thorin. Maang na tumingin sa amin ang dalawa
nang makaupo kami. Seriously? Nakakagulat ba talaga na ganito na kami?

"Bakit?" Tanong ko

"Is there something now between you two? Umamin nga kayo." Panghuhuli ni ate.
Nakakaloko ang ngiti niya na parang alam niya na ang sagot sa question niya. Oo ate
hindi ka nagkakamali ng hinala.

Sinulyapan ko si Thorin at tumango lang siya sa akin. Nagsandok muna siya ng


pagkain sa plato ko bago sa kaniya. Nakita ko pang nakasunod ang bawat tingin ni
ate sa kamay ni Thorin. Natatawa ako sa isip ko sa reactions niya. Tsk. Si ate
talaga.

"Ate.. ano ba yan?" Puna ko. Nangingiti akong nagpasalamat kay Thorin.

"Kailan at saan kayo nagpakasal? Inunahan niyo pa yata kami magpakasal sa simbahan
eh." Tanong ni ate. Si August naman napailing iling kay ate. Kumain na lang siya at
hindi pinansin ang sinabi ng asawa niya.

"Kasal?" Sabi ko saka nagsubo. Kumakain na rin si Thorin. "Bakit mo naman nasabi
iyan?"

"Hello? Daig niyo pa ang mag-asawa sa ginagawa niyo. Mag-asawa lang ang gumagawa ng
pag-aasikaso ni Thorin sayo."

"That's normal." Wala lang na sagot ni Thorin.


"Hindi naman kami mag-asawa ate."

"Eh ano tawag diyan?"

Natigilan muna ako. "A-ano... K-kami na." Yumuko ako. Nahihiya akong umamin dahil
unang pagkakataon ito na may ipinakilala ako sa kaniya. It's very unusual. It never
happened actually.

"Talaga?!" Manghang-manghang bulalas niya. Nagulat si August sa reaksyon niya


ngunit masaya ding tumingin sa amin.

"Wow congrats. Sa tagal ng panahon Thorin naagtagumpay ka din."

"Thanks bro."

"Ate medyo OA."

"Kayo ha. Kaya pala may nakita ako kagabi." Pinanlakihan ko ng mata si ate
samantalang sabay na nagtanong ang dalawang lalaki ng ano ang nakita.

"Eh kasi naman... iyang kapatid ko pilya na."

"Ate wala yon."

"Oh really?"

"Oo nga."

"Teka ano ba yon?" Tanong muli ni August. Nagtataka rin na tumingin sa akin si
Thorin. Nginisian ko lang siya. Hindi niya alam na nakita siya ni ateng lumabas
mula sa kuwarto ko kagabi.

"I saw Thorin last night. He was there at Lorraine's room. Nakita ko siyang
lumabas."

"Whoa? Totoo ba yan Thorin?" Natatawang tanong ni August. Nangingiting umiling at


tumango naman si Thorin.

"That's also my room. Walang masama doon."

"Sus." Ani ate.

"Wala nga yon. M-may kinuha lang siya sa kuwarto ko."

"At ano yon aber?"

"Ang matamis niyang oo." Nahampas ko si Thorin dahil doon. Natatawa siya na
hinawakan ang kamay ko. Nagkatawanan kaming apat at ayon pinaulanan na naman ako ng
tukso ni ate.

Sa kabila non napakasaya ko nang umagang iyon. Inisabay din ako ni Thorin pagpasok
ngunit hindi ko inakalang magbabago ang mood ko pagdating ko sa classroom namin.
Binati ko si Carol ngunit hindi niya ako pinansin. Si Sheen naman clueless pero
nag-hi na lang siya at lumapit sa akin. Nilapag ko ang gamit ko sa upuan at hinarap
si Sheen na tila nahihirapan sa nangyayari. Ngunit iyon na nga ang problema, hindi
ko rin alam kung ano ang nangyayari.

Bakit hindi niya ako pinansin? Ni hindi niya ako nilingon na tila wala siyang
anumang narinig. Nagbabasa lang siya ng notes at walang expression ang mukha.
Nakakapanibago.

Kung ako lang ang hindi niya pinansin, ibig sabihin sa akin ang may problema.

"Anong nangyari? Bakit ganon siya?"

"Hindi ko rin alam eh. Nagkaganyan yan bigla ngayong umaga. Parang di mo makausap
ng maayos. Nananahimik na nga lang ako kasi kahit kausapin ko siya parang wala sa
sarili."

"May nangyari ba sa inyo pagkauwi niyo kahapon?"

"Ahh... sa pagkakaalala ko naman maayos kaming naghiwalay kahapon. Kaya lang, mula
nang mahiwalay tayong tatlo nagbago ang mood niya. Para siyang nababalisa at
palingon-lingon sa likod."

"Ano? Anong ibig sabihin non?"

"Yon ang hindi ko alam. Kausapin kaya natin?"

"Mabuting mamaya na lang pagkatapos ng klase or lunch break." Matapos ang maiksi
naming pag-uusap bumalik na siya sa upuan niya. Muli kong sinulyapan si Carol na
seryoso pa ring nagbabasa.

Huminga akong malalim at umupo. Nababahala ako sa ikinikilos niya. Kung ganoon, may
kinalaman ang tawag niya sa akin kahapon. Inisip kong mabuti ang maaaring dahilan
dahil malakas ang kutob ko na may kinalaman ako sa pangdedeadma niya.

Kung simula nang maghiwalay kaming tatlo nagkaganon siya, ibig sabihin... ibig
sabihin?..???? Whoa!!!

"Good morning class!!"

Natigil ako sa pag-iisip nang pumasok ang first teacher namin. Halos hindi ko
naintindigan ang lecture sa bumabagabag sa isip ko. Natatakot ako. Posible nga
kayang nangyari na ang kinakatakutan ko? Nangyari na nga ba? Kung oo, paano na?

***

Mabilis na lumipas ang isang oras at si Thorin na ang susunod na teacher. Tuliro
ako nang pumasok siya sa classroom namin. Napakaguwapo niya ngayong araw at
nakaramdam ako ng pagmamalaki sa sarili ko na siya lang naman ang kasintahan ko.

Ngunit nangingibabaw ang pangangamba ko kay Carol. Sinulyapan ko siya at nakatingin


pala sa akin. Mabilis niyang inilihis ang paningin sa akin. Nalulungkot ako.
Nalulungkot ako dahil ganyan na ang trato niya sa akin. Paano ko ba sasabihin sa
kaniya kung tama ang hinala kong may nalalaman na siya? Ang hirap.

Nagdiscuss at magaan ang oras ng pagtuturo ni Thorin sa klase. Kahit lutang ang
isip ko pinilit kong sungkitin iyon at magfocus. Ang topic sa ngayon ay literature
at sa minalas malas yata ay ang pinaka main topic ng kuwento ay tungkol sa
betrayal. He asked questions tungkol sa topic. Maaliwalas ang mukha ni Thorin.
Hindi na siya matatawag na ruthless ngayon dahil tuluyan niya nang iwinala iyon.
Maya't maya na siya ngumingiti at hindi na siya nagagalit sa mga maling sagot ng
classmates ko.
"Good. Now let us know your own opinions regarding our topic... If you are the
character on the story, how would you react if some friend of yours will betray and
lie to you?"

Napapikit ako ng mariin. Wrong timing ito. Bakit nagkataong iyan pa ang topic
ngayon?

"Anyone?" Tanong niya ulit. Nakita kong simpleng tumingin sa akin si Thorin. Sana
hindi niya napapansing wala ako sa sarili ko.

Natigilan ako nang magtaas ng kamay si Carol. "Sir!" Matigas na sigaw niya.

"Yes?"

Tumayo si Carol at seryosong sumulyap sa akin. Maging si Sheen nagulat na


nagpresentang magrecite si Carol.

"If I were the character on the story sir, I will also feel betrayed. Because,
betrayal is worst when you thought that your friend is true to you. That she..will
never lie. And that she..will never stabbed you when you are not aware of what's
happening. Yong tiwalang- tiwala ka sa kaniya pero malalaman mo na lang pala na
niloloko at pinaglalaruan ka na nang patalikod. Masakit sa part ng
pinagsisinungalin iyon. Dahil akala mo okay, pero iyon pala hindi. Akala mo walang
itinatago pero iyon pala, meron." Sabay sabay na nag-aww ang mga classmates ko.

"May pinaghuhugutan yan." Dinig kong sabi nang nasa harap ko.

"That's all sir."

"You may now take your seat."

Umupo na si siya. Mas lumalim at sinusundot na ako ng konsensya ko. Mali nga ba ang
ginawa kong paglilihim sa kaniya? It's just a white lie. Iyong nagsisinungaling ako
pero para naman sa ikabubuti iyon. Ngayon sigurado na nga akong totoo ngang alam
niya na ang tungkol sa amin ni Thorin. Ramdam na ramdam ko. Alam kong natatakot na
naman ako. Pero kung sakaling magalit man sa akin si Carol, kailangan kong tibayan
ang loob ko. This is just a challenge. Masyado nang marami ang takot na naramdaman
ko noon, paiiralin ko na naman ba muli?

It takes courage to love sabi nga nila. Sigurado naman ako sa nararamdaman ko para
kay Thorin at handa ako sa anumang bagay. Nalampasan ko na ang takot ko noon. Tama
na iyon. Tapos na ang takot. Dapat alalahanin ko na ang para naman sa aming dalawa
ni Thorin. Tama. Kung ano man ang kalalabasan ng pagkatuklas ni Carol sa
katotohanan, paghahandaan ko iyon. Hindi ako dapat magpatinag di ba? Umpisa pa lang
ito.

Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko ang lalaking nakatayo sa harap at nagtururo


nang walang problema. Ilang taon na lang makakapagtapos na din ako. Kailangan ko
lang magtiis. Hindi ko na rin siguro dapat sabihin kay Thorin ang pinoproblema ko.
Ayokong mag-alala siya. Tama nang nagsakripisyo at naghintay siya nang matagal.
Ngayong mahal ko na siya, ako naman ang gagawa ng paraan para sa ikatitibay ng
papausbong palang na relasyon namin.

Masaya ako na nagmamature ng ganito ang isip ko. Nakapagtataka na nagagawa ko at


naiisip ko ang mga ganito. Noon hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Ngunit nang
maramdaman ko na ito, tila biglang nagbago ang pagkatao ko. Naging mapagunawain,
mas lumawak ang tapang.

Ngumiti ako nang sulyapan ako muli ni Thorin. Wala nang puwang ang takot sa puso
ko. Dahil may dahilan ako para ipaglaban ang pag-ibig na ito. At siya iyon. He's
worth it for the fight. It doesn't matter if he is a teacher. It doesn't matter if
our age is far apart. Because... it's the power of love. It can change a person.
Umpisa pa lang ng laban at dapat kapag nagmamahal ka, matapang ka. Dahil kung
hindi, talo ka. Kailangan mo rin ng lakas ng loob, at iyon ang ginagamit ko ngayon.
Kung buhay lang ang pag-ibig in person, pinasasalamatan ko na siya ngayon dahil sa
nagagawa niya sa akin.

***

"Carol...!" Tawag ni Sheen kay Carol nang maglabasan para sa lunch break. Nauna
kasi sa amin siyang lumabas.

Hindi niya kami pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad. Ibang direksyon ang
tinatahak niya. Hindi ito patungong cafeteria. Nasa dulo kasi ng building namin ay
ang tagong mga puno na kadalasan ay pinanatilihan ng mga facilty workers ng school.
Walang pumupuntang studyante doon dahil masungit ang mga nandoon. Naikuwento lang
sa akin dati nang minsang mag-ikot ikot ako sa campus noon. Bumaba siya sa hagdan
na walang dumadaang studyante. Sinundan pa rin namin siya.

"Carol naman..." tawag ulit ni Sheen. Ilang steps ang layo namin sa kaniya at alam
kong naririnig niya si Sheen.

"Please stop following me!" Sigaw niya.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ba kami iniiwasan?"

Hindi siya sumagot. Siguro'y pagkakataon ko nang magsalita habang naririnig niya
kami. Baka sakaling tumigil siya. Nakarating na kami sa baba at tuloy tuloy siya
nang lakad. Kung hindi ko lang alam ang dahilan ng pagkakaganyan niya iisipin kong
nagpapahabol at nag-iinarte lang siya. Jeez! Ganito ba siya kapag may tampo o
galit?

"Carol... "tawag ko. "Huminto siya sandali ngunit naglakad na naman. Malapit na
kami sa mga puno ng mangga na nagtataasan. Sa paligid nito ay mga gamit o mga
sirang upuan. Meron ding mga pangkumpuni at ilang gamit na sira na. Napansin ko
ring walang kahit sinong tao dito. Paano niya naisipang dito dumiretso? Sa
pagkakakilala ko sa kaniya hindi niya ugaling pumunta sa mga ganito kaduming lugar.

"Carol.. kausapin mo kami." Pakiusap ko. Nakahinto na siya at nakatalikod sa amin.


Ang drama naman ng eksena na ito. Napanood ko na sa pelikula ito eh.

"Oo nga. Ano ba to? Tsaka anong gagawin mo dito?"

"Hindi niyo na dapat ako sinundan."

Huminga ako ng malalim at humakbang palapit sa kaniya. Nasa bandang likuran ko na


si Sheen. Tatlong hakbang mula sa kaniya tumigil ako.

"Bakit niyo pa ako hinabol? Kumain na dapat kayo."

"Sa palagay mo ba iiwan ka lang namin basta?" Ani Sheen. Hindi siya sumagot.

"Carol, kung...kung nagagalit ka sa akin sabihin mo. Huwag mo nang idamay si Sheen
dito. Wala siyang alam."

Humarap siya at....umiiyak na humarap sa amin. Hala??? Baket???


***

Dear readers: Sino puwedeng gumawa ng cover ng story ko? Pm po ninyo ako. Salamat.

***

Natabingi ang bibig ko nang makitang umiiyak siya. Maging si Sheen narinig kong
suminghap. Namamasa ang mata ni Carol at malapit nang tumulo.

"Anong.... bakit ka umiiyak?" Hindi makapaniwalang turan ni Sheen.

"Hindi ako umiiyak." Ani Carol. Hindi daw umiiyak pero pasimpleng punas nang igilid
niya ang kaniyang mukha.

"Umamin nga kayong dalawa. May itinatago ba kayo sa akin? Kayong dalawa ba may
problema? Bakit wala akong alam?"

"Wala akong itinatago...Baka siya meron." Turo sa akin ni Carol. Saglit na


natigilan ako sa panunukol nila. Wala nang kawala ito. "Nakita ko siya kahapon."
May diin ang bawat katagang binibitawan niya.

"Saan?"

"I...ahh... I'm sorry for keeping this secret from you. Pero, hindi ko kasi alam
kung paano ko sasabihin sa inyo lalo na sayo Carol. Alam kong napakalaki ng
paghanga mo kay Thorin, I mean kay sir Olivar. Ayokong masira ang pagkakaibigan
natin dahil doon." I paused.

"Pero hindi tama ang ginawa mong pagsisinungaling sa amin. We can say that it is
also a lie. You still didn't tell us the truth. You are our friend. Kahit alam mong
magagalit ako, sana sinabi mo pa din." Kalmado at hindi sumisigaw si Carol. Pero
mahahalatang pinipigil niya lang ang kaniyang emosyon. Isinasaalang-alang niya pa
rin ang pagiging magkaibigan namin. She's civil. Ngunit bakas sa mukha niya ang
pagkagalit at pagkainis. Hindi ako sanay ng ganito siya.

"Kayong dalawa. Linawin niyo nga sa akin. Anong koneksyon ni Sir Olivar dito? Ano
bang mga pinagsasabi niyo?!"

"I saw them yesterday. She's with Mr. Olivar and I can't believe na hindi nga ako
nagkamali ng hinala noon. Kung alam ko lang na totoo ang mga nakita ko hindi ko
sana ipinagsawalang-bahala. Hindi ko akalaing itinago mo sa amin. For God sake
Lorraine! He's our professor! Hindi ko akalaing magagawa mo ang bagay na ganito!
Wala ka na bang mapili? Ako hanggang paghanga lang pero hindi ko akalaing mas
hihigit ka pa sa akin!"

Napatakip ng bibig si Sheen at hindi nakapagsalita. I know this will happen. Pero
kahit nanghihina ako dahil sa nangyayari, pilit kong tinibayan ang loob ko. Ang
kasalanan ko lang ay ang pagtatago sa kanila ng lihim na ito ngunit hindi ang
magmahal ng isang professor o teacher. Hindi ako nagsisisi na nagmahal ako. Hindi
ko iyon gagawin.
"Nagmamahalan kami." Tanging nasagot ko.

"Bullshit! Mahal?!"

"Oo. Mahal niya ako Carol. And you saw that. Unang beses pa lang na pumasok ako sa
school na ito, ikaw ang unang nakapansin ng mga tingin niya. M-maging ako noong una
hindi rin makapaniwala. Akala mo ba madali para sa akin ang nangyari? Matagal din
akong natakot at nag-isip. Hindi ko rin akalaing mamahalin ko siya nang ganon
kadali. "

"Imposible."

"Baka posible nga ang sinasabi niya Carol. Why don't we accept the truth?"

"Mahirap lalo na kung pakiramdam ko naloko ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko
kahapon. Of all people Lorraine? Seriously?! Ikaw pa? Hindi ako nagrereact ng
ganito dahil sa may boyfriend kang professor natin kundi dahil wala kang sinabi.
Sabihin mo nga, kung hindi pa kita nakita kailan mo balak sabihin sa amin? Pagputi
ng uwak?"

"Sasabihin ko naman iyon dapat. Ang totoo, kagabi ko lang siya sinagot. Matagal pa
bago naging kami."

"Ah talaga? So paano kayo nag-uusap? Lagi kayong nagkikita after school? Wow."

Nag-alangan ako kung sasabihin ko na sa iisang bahay lang kami ni Thorin. Baka kasi
mag-iba ang tingin nila sa akin ngunit napag-isip isip kong dapat ko nang sabihin
ang lahat lahat. Hindi ko gusto na galit sila sa akin dahil kahiit sandaling
panahon pa lang ang nakalilipas, tunay na kaibigan na ang turing ko sa kanila.

Nagsimula akong nagsalaysay ng mga nangyari simula noong malaman kong nagpakasal na
si ate nang hindi ko alam at ang aksidenteng pagtira namin sa iisang bahay. Hindi
ko na binanggit ang tungkol sa aksidente ring pagtatabi namin isang gabi sa
kaniyang kuwarto. Mahirap isalaysay ang ganong kahihiyan. Isa pa hindi rin ako
komportableng mapag-usapan iyon.

Nanlalaki ang mata at nagugulat ang bawat reaction nila. Hindi makapaniwala sa mga
nangyari. Idinagdag ko rin na tunay na nagkasama kami sa Puerto Galera ngunit
nilinaw kong isa iyong group outing at hindi kaming dalawa lang.

"Jesus, Lorraine." Tanging nausal ni Sheen. Pareho silang hindi makapaniwala sa mga
sinabi ko.

"At wala ka man lang kahit anong sinabi sa mga nangyayari sayo noon? I can't
believe you. You're so impossible."

"I'm sorry talaga. And... he said also that he is my secret admirer since I was
high school." Nagtuloy-tuloy na ang dila ko sa pagkuwento. Maybe they should know
about that to understand that he's the one who started this. Mabuti nang alam nila.

Natabingi ang bibig nila pareho. Hindi talaga kapani-paniwala dahil kahit ako hindi
ko akalaing ganoon na pala ako kaganda para hangaan at mahalin ng isang tao sa
ganoon katagal na panahon.

"Nagsisinungaling ka." Utas ni Carol.

"No she's not."

Natulala ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa likod ko. He's
here! Paano niya nalamang nandito kami?!

Sa harap ng mga kaibigan ko lumapit siya at hinapit ang beywang ko palapit sa


kaniya. Ugh! This is so... humiliating. Nahihiya ako lalo na't halos mahimatay ang
dalawa sa gulat. Kitang kita ba naman nila ang ginawa mismo sa akin, sinong hindi
magugulantang?!

"Hinahanap ko kayo sa cafeteria. Mabuti may nakapagsabing dito kayo nakitang


pumunta. Halika na. I'm hungry." Aniya sa malambing na tono. Masuyo niya pa akong
tinitingnan.

Aaarrrgggghhhh!!!

Peke akong ngumiti habang nililingon-lingon ang dalawa. "A-ahhh... h-hehe. Sorry.
Mauna ka na."

Ngali-ngali ko na siyang masapak sa lantarang pagpapakita niya ng kasweetan sa


akin. Huhu! May balak pa yata siyang palalain ang alitan namin ni Carol eh!

"L-lorraine.." ani Sheen. Pati si Carol di na nakapagsalita. Namutla yata sa gulat.


Tinakasan ng kulay ang mukha.

"Nagugutom na ang girlfriend ko. Mamaya na ang pagtatalo niyo."

Napanganga ng wagas si Sheen samantalang si Carol mas lalong nanigas sa


kinatatayuan. Hindi ko na alam ang dapat na gagawin ko!

"Thorin naman." Suway ko.

"Carol and Sheen right? Hayaan niyong ipakilala ko ang sarili ko sa inyo..."
Inilahad niya ang kanyang kanang kamay. "I'm Thorin. Thorin Olivar...Her
boyfriend." Ngumiti siya at inabot ang kamay na inilahad ni Sheen. Natitigilan pa
rin si Sheen pero unti unti nang tinatanggap ang nakikita. Kaya lang, Carol is
still not moving. Natulala at natigagal siya. Ni hindi niya nagawang makipagkamay
kay Thorin.

"I'm not denying that we have..a certain relationship. Sa pagkakataon na ito, hindi
lang ako basta professor niyo lang. I am her boyfriend who's saying that all that
she said was true. Mahal na mahal ko siya. Kung tutol kayo, well wala ka na kaming
magagawa. Iyon ang totoo."

Huminga ako ng malalim. "Please... huwag na kayong magalit."

"Hindi kasi talaga kapani-paniwala Lorraine. Hindi mo rin kami masisisi kung bakit
nagkakaganito kami. Naiintindihan ko si Carol kung bakit nagkakaganyan siya. Pero
huwag kang mag-alala." Ngumiti si Sheen. "Masaya ako para sa inyo."

Ngumiti rin ako. "Salamat."

"Ayos lang."

Binalingan ko si Carol. "Alam ko galit ka. I'm sorry for not telling this to you.
Pero pasensya ka na, ganon talaga eh... mahirap para sa akin na sabihin dahil alam
kong masasaktan kita. Sorry talaga. Sana mapatawad mo ako sa pagsisinungaling
sayo."

Hinawakan ni Thorin ang kanang kamay ko. He intertwined our fingers at mahigpit
iyong hinawakan. Tila nagbibigay ng comfort at hindi siya nabigo dahil nakaramdam
ako ng kagaanan ng loob dahil sa ginawa niya. I'm thankful that he's here. Aminado
akong kaya ko naman ito pero dahil sa presensiya niya mas nagkaroon ako ng lakas at
tumibay ang tuhod ko. Kanina pa ako nanghihina dahil sa nakikitang reaction nila sa
mga ginawa ko.

Sandali pang hindi umimik si Carol hanggang tumikhim siya. "Hindi katanggap-tanggap
ang ginawa mo para sa akin Lorraine.... pero may magagawa pa ba ako?" Mapait siyang
ngumiti nang tipid. "Wala naman akong magagawa kahit magalit ako hindi ba? Sa
nakikita ko...malakas ang connection niyong dalawa, hindi basta basta. Hindi na uso
ngayon ang nag-iinarteng kaibigan. You are my friend. Pero sana, huwag muna ngayon
Lorraine. Masyado akong nakaramdam ng sakit dahil sa hindi mo pagsasabi ng totoo.
Sabihin mo nang OA pero masyado kasing naging mataas ang expectations ko sayo.
Sorry kung hihingi muna ako ng distance. It's not easy for me. Sana maintindihan
mo. Walang kinalaman dito ang malaking paghanga ko para kay sir, hindi big deal
iyon para umakto ako ng ganito. Sadyang mahirap lang talaga."

Hindi ako nakaimik at bahagya akong napayuko. Mukhang wala din akong magagawa sa
desisyon niya. Masyado siyang nakaramdam ng sakit. Siguro'y hahayaan ko na lang
muna na ganito kami.

"Sige kung yan ang desisyon mo." Malungkot kong sabi.

Napabuga ng hangin si Sheen. Sa sitwasyon na to alam kong siya ang naiipit. Bakit
kasi ang ganito kahirap ang buhay? Hay!

"Well then, shall we eat now?" Pagputol ni Thorin sa seryosong usapan naming tatlo.

"Kayo na lang na dalawa magsabay muna Lorraine." Sabi Sheen na nakaalalay kay
Carol.

"Ganon ba? Okay sige."

Umalis na silang dalawa ni Carol pero ako nanatili akong nakatayo. Hinarap ako ni
Thorin at niyakap.

"It's okay. Huwag mo nang masyadong alalahanin yon. Maybe it's hard for them at
first pero sigurado akong magiging okay din ang lahat. Huwag ka nang malungkot."

"Kasalanan ko to."

"No. Don't blame yourself. Ginawa mo lang ang sa tingin mong tama."

Huminga ako ng malalim saka nagpasyang kumalas. "Sa tingin ko hindi tayo puwedeng
magsabay kumain sa cafeteria nang tayong dalawa lang."

"You want to go out?"

"Hindi na. Dito na lang ako. Baka hindi na muna ako kumain." Nanghina kasi ako at
parang nawalan na ng ganang kumain. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito
ang simpleng pag-iingat ko eh. Mali bang maglihim sa mga kaibigan mo nang bagay na
hindi mo dapat muna pinagsasabi? Napakalaki bang kasalanan iyon? Nahirapan lang
naman kasi akong magtiwala noong una dahil sa nangyari sa akin noon. Maselan ang
mga ganitong bagay. Nag-ingat lang ako dahil ayoko nang maulit ang noon. Mali nga
ba?

"No. You'll eat. Hindi ka dapat magpalipas ng gutom."

"Kaya ko na ito."

"Lorraine stop being stupid. Huwag mong gutumin ang sarili mo dahil lang sa hindi
pagkakaunawaan niyo ng mga kaibigan mo. Everything will be okay. Just trust me.
Okay? Huwag ka nang malungkot. Don't be affected too much."

"Pero nakasakit ako-"

"Okay that's enough." Hinila niya na ako patungo sa kung saan. Malamang ay para
kumain.

Hindi na rin naman ako nagreklamo. Siguro marami ring hindi makaintindi sa mga
nangyayari, sa nirereact ko at ni Carol. But friendship is also a lovers
relationship. Kapag nag-katampuhan o nagtalo ang isang magkaibigan, everything was
affected. Nandiyan ang pagsama ng kalooban at panghihina. Lalo na kung aminado kang
ikaw ang may kasalanan kung bakit kayo nag-away. Mabigat sa pakiramdam na parang
may batong nakadagan at laging sisingit sa isip mo hanggang hindi ka na mapakali.
Ang ayoko sa lahat iyon ang may nasaktan akong tao. Nanghihina ako. Nag-aalala ako.
At naiintindihan ko si Carol kung bakit ganon siya. Kung ako ay nasa kalagayan niya
na malaman at mahuli kong nakikipagrelasyon ang kaibigan ko sa aming professor at
ni hindi niya man lang sinabi ang kahit ano sa akin, natural sasama din ang loob
ko.

Wala akong magawa dahil kasalanan ko. Sana maging okay din ang lahat tulad nang
sinabi ni Thorin. Sana nga. Sana...

***

Natapos ang araw na hindi nagbago ang pakiramdam ko. Sa loob ng classroom tila
dinadaga ang dibdib ko dahil hindi ako mapakali. Nandon ang maya't maya kong
nililingon sina Carol habang si Sheen nakikisimpatyang tumitingin-tingin din sa
akin. Patuloy lang sa hindi pagpansin si Carol sa akin hanggang mag-uwian.

Sa pag-uwi naman sabay kami ni Thorin dahil hinintay niya ako sa labasan. Mabuti na
lang ay wala akong nakitang classmate o taga department namin na nakakakilala sa
amin dahil ipinagbukas niya pa ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. Sa byahe ay
tahimik lang ako. Napatingin na lang ako sa kaliwang kamay ko nang hawakan at
pisilin iyon ni Thorin habang nagmamaneho siya. Nagkatinginan kami at binigyan niya
ako nang assuring smile. Ngumiti na rin ako.

"Gusto mong mamasyal?" Aniya.

"Pagabi na."

"It's okay. May alam akong pasyalan. Tamang tama at palubog ang araw. I want to
watch the sunset on our first daysary."

Mabigat pa man ang loob nagawa kong tumawa sa sinabi niya. "Corny mo."

Natawa siya. "It's special kaya sige na pumayag ka na."

"Okay sige. Saan ba iyon?"

"Secret. Here we go!" Lumiko kami sa isang avenue. Patungo yata itong Maynila.
Anong gagawin namin doon?

Makalipas ang medyo nakakainip na byahe, natatawa akong bumaba nang sasakyan nang
mapagtantong sa seaside sa Maynila niya ako dinala. What the heck? Dito? Wala nang
mapiling magandang lugar? Hindi naman sa minamaliit ko ang pasyalan dito pero
sadyang nakakapanibago at nakabibiglang dito ako dadalhin ng isang Thorin Olivar.

He's not cheap. He's just something. Ipinark niya ang kaniyang sasakyan sa isang
public parking lot. Nauuna siyang naglakad patungong tabing dagat.

"Really Thorin?" Mangha kong sabi.

"What? I want to watch the sunset. Ito lang ang malapit na lugar na puwedeng makita
ang sunset sa dagat. Lalayo pa eh ito na." Nakangiti niyang sabi.

Iniharang ko ang aking palad sa aking noo para hindi ako masilaw ng papalubog nang
araw. "Nice choice huh." Napapangiti kong sabi.

"I like it here."

"Talaga?"

"Oo... dito kasi nagkakilala ang daddy at mommy ko. It's a special place for them.
Kaya naging special na rin sa akin. It's not the place itself kung cheap man o
hindi. Nasa value yon ng lugar lalo na kung may halaga talaga at alaalang nabuo
dito. Kahit gaano pa kapangit o kaganda ang isang lugar, if something happened
special to that place, it will be always beautiful for you. Kaya nga may mga
historical places eh. Dahil doon naganap ang mahahalaga at special na nangyari sa
Pilipinas. Memories. Ganon."

Namamangha ko siyang tiningnan. "Wow."

He sweetly hugged me not thinking some people were watching. Inakbayan niya ako at
tumayo paharap sa dagat.

"You want to eat something?"

"Huh?"

May dumaang nagtitinda ng dalawang timba na kulay silver na nakabitin sa isang


mahabang kahoy, buhat buhat iyon ng lalaki sa kaniyang balikat. I've known this
people as magtataho.

Nagulat ako nang tawagin ito ni Thorin. "Kuya... pabili nga ako ng dalawa."

Napangiti ako ng sobra. Umiling-iling pa ako habang natatawa tawa nang abutan niya
ng bayad ang magtataho. Kinuha niya ang taho at binigay sa akin ang isa.

"Oh...? Why are you laughing?" Nakangiti niyang tanong sabay sip sa taho.

Umiling na naman ako at humarap sa araw na 1/4 na yata ang lumulubog sa edge ng
dagat na abot tanaw namin.

And this simple gesture makes my day happy sa kabila nang nangyari kanina. May mas
isusuwerte pa ba ako?

****

Wakas... wakas ng kabanata. Haha.

Vote and comment po. Thank you.


***
"Masarap?" Tanong niya sa akin nang tikman ko ang taho na binili niya.

Tumango ako. "Oo. Masarap."

"Nakatikim ka na ba ng ganyan?"

"Oo naman. Para sa akin hindi ka pinoy kapag hindi ka pa nakakatikim ng taho."

"Really?" Amazed niya akong tiningnan. "Paano kung ayaw lang talaga kainin? Hindi
ba sila pinoy?"

"Hmm... basta. Para sa akin ganon yon. Hayaan mo na, its just my opinion."

"Well... you got a point."

Ngumiti ako sa kaniya sabay abrisiete sa kanyang kaliwang braso. "Thank you sa
pagdadala sa akin dito." Sinsero kong sabi. Gumaan kasi talaga ang pakiramdam ko
dahil dito.

"Look.. ayan na ang paglubog ng araw."

Oo nga malapit na ang paglubog nito. "Bakit ang bilis naman?" Nagtataka kong
tanong.

"Hindi lang natin namalayan."

"Ang ganda."

"Yeah. So beautiful."

Namamangha naming tinanaw ang kulay dalandang araw na unti unting naglalaho. Hindi
ko rin minsan maintindihan kung bakit sinasabing paglubog ito ng araw samantalang
hindi naman talaga. Tsk. Gumana na naman ang makatwiran kong isip.

"Iniisip mo pa ba ang nangyari kanina?"

"Hmm... oo."

"Napakagandang tingnan ng paglubog ng araw. Bakit hindi mo isama sa pagtatapos ng


araw na ito ang mga alalahanin mo sa mga kaibigan mo. Pagaanin mo ang loob mo."

"Susubukan ko."

"Lorraine be strong."

Ngumiti ako. "I will."

"Mabuti. "

Matapos ang ilan pang minuto na naroon kami, napagpasyahan na rin naming umuwi.

Laking pagtataka namin pagdating ng bahay na may nakaparadang kulay itim na


sasakyan sa tapat. Hindi rin kilala ni Thorin ang sasakyan kaya inalam na lang
namin sa pagpasok sa bahay.

Nauuna akong maglakad kay Thorin hanggang sa pagpasok ng pinto. May bisita. Nakaupo
ito patalikod sa amin at isang babae! Mukhang nakikilala ko kung sino siya. Gabing-
gabi na para bumisita ah? Anong sadya niya?
"Thorin..."sabi ko sa mahinang boses. Nakikilala niya na kung sino ang bisita dahil
nagkaroon ng recognition sa kaniyang mukha.

Lumapit pa kami at tumikhim ako. Lumingon sa amin si Ynna. Napangiwi ako nang
ginawaran niya kami ng napakalapad at napakatamis na ngiti. Mas nabigyang kulay ang
kaniyang labi dahil sa mapupula niyang lipstick. Seryoso? Gabing gabi na tapos
ganyan ang get-up niya?

Excited siyang lumapit kay Thorin sabay halik sa pisngi. Maging sa akin ginawa niya
rin kaya lalong ikinagulat ko iyon.

"You're here." Panimula ni Thorin.

"And you're now here. Actually kanina pa ako dito. Ang akala ko maaga ang uwi
niyo." Aniya habang tinitingnan kami pareho.

"Namasyal kami. Tara upo tayo." Hinawakan ako sa kamay ni Thorin at inalalayang
umupo.

In an instance nakaramdam ako ng pagmamalaki dahil nakita at tinutukan ng mata ni


Ynna ang paghahawak kamay namin hanggang sa kaniyang pag-upo. Parang gusto kong
sabihing oy kami na, ano ka? Ngunit hindi ko rin naman magagawa iyon. Sa isip ko
lang siguro.

"Wala pa ang kapatid ko?"

"Yeah. Dumating ako nang si Manang Lourdes at ibang katulong ang nandito."

"Why are you here? Bakit napasyal ka?"

"Uhh.. I just want to say sorry for what happened last time. Lasing ako at hindi ko
alam ang ginagawa ko. Patawad."

"So kailangan ganitong oras ka talaga pupunta?" Hindi nakapagpigil na sagot ko.
Naiintindihan ko na kailangan niya magsorry pero talaga bang kailangan niya pang
sumadya at pumunta dito nang gantong oras? I can't believe her.

Peke siyang ngumiti. Oo peke dahil alam kong sa ginagawa niyang ito ay hindi talaga
totoo. Ewan ko ba pero parang masama ang kutob ko sa ginagawa niya.

"Hindi ako puwedeng magpunta rito nang umaga Lorraine. Baka nakakalimutan mong nasa
school kayo? Are you nuts? But oh! I'm sorry."

Aray. Namula yata ang pisngi ko sa pagkakapahiya. Shit lang. Bakit ko nga ba
nakalimutan iyon? Pero hindi ba may weekends naman? Excited much?

"Tss." Bulong ko.

"Don't worry Lorraine. I just want to make up with you. Hindi ko sinasadyang
mahalikan sa harap mo ang bestfriend ko." Ngumisi siya ngunit pabiro.

Kumulo yata ang dibdib ko sa sinabi niya. Ito ba? Ito ba ang tinatawag niyang to
make up with me or say sorry na sinasabi niya samantalang pinagdidiinan niya ang
ginawa niyang kalandian? Wala lang talaga akong pagkakataon noon o lakas ng loob
pero talagang gustong gusto ko siya sabunutan sa nangyaring iyon. At ngayong may
karapatan na ako bilang girlfriend, mukhang magbabago na ngayon ang magagawa ko.
Hindi ko masasabing makakapagpigil pa ako kung sakaling gumawa na naman siya ng
kalandian.
"Ynna..." suway ni Thorin.

"Anyway," tumayo na siya. "Iyon lang naman ang sadya ko. Nice seeing you both."

"It was nice seeing you too." Kalmado ngunit madiin ang bawat pagbibitiw ko ng
salita. Tumayo na din kami ni Thorin.

"Oh..by the way bestfriend. Gusto mo ba may ipakilala ako sayo? I know someone na
magugustuhan mo. Wala ka pa namang girlfriend di ba?" Sopistikada niyang sabi sabay
tapon ng panandaliang sulyap sa akin.

Alam kong iniinis niya lang ako ngunit hindi siya magtatagumpay. May ipapakilala?
Shit ka. Boyfriend ko na yata bestfriend mo. Tanga lang? O bulag?

Nilingon ako ni Thorin at masuyong tinitigan. Hinawakan niya ang pisngi ko pero
inunahan ko na siya sa balak niyang sabihin. I know how to handle her. Taas kilay
kong tiningnan si Ynna.

"Oh.. were sorry for that Ynna. Hindi na puwede eh."

"Oh?" Kunwaring nabiglang sabi niya.

"Oo... may girlfriend na kasi ang bestfriend mo. Baka sakaling nakikita mo?"

Humalakhak siya. Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa pagkakatawa niya. The
hell with this lady?!

"And you expect me to believe that? Come on Thorin. Don't be silly. Alam kong
nagpapanggap lang kayo ni Lorraine cause you don't want to entertain some ladies.
Stop joking... natatawa na talaga ako."

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Thorin. Nakakaubos pasensya ang babaeng to ah. So
hindi siya naniniwala. Ganon?

"Ynna... nagkakamali ka." Ani Thorin. Naramdaman niya sigurong nagtitimpi na lang
ako ng galit and his voice is now serious. Mukhang nagkamali ng akala itong si
Thorin na seryosong makikipagbati itong si Ynna. Ang totoo, mukhang nababaliw na
ang kaibigan niya. And I know this time, he's just measuring things up.

"Nagkakamali? Talaga? Oh no. I'm not buying your jokes. Kilala kita."

"No I am not joking."

"And then what? Magpapakasal na kayo? I know that stuffs. Nangyayari yan sa drama."
Natatawa tawa pa siya.

Binulungan ko si Thorin. "Ano bang nangyayari sa kaibigan mo?"

"Hindi ko alam."

Binalingan ko si Ynna. "Umuwi ka na Ynna. Magpapahinga na kami." Halatang


pinagtatabuyan ko na siya, pero sadya yatang ayaw niya pa.

"Sige na bestfriend. Just this once have a date with my friend."

"Ayaw mo talagang maniwala Ynna?" Nagpupuyos ang damdamin na sabi ko. "He is not
available on any dates anymore because he has a girlfriend. Ngayon kung iniinsist
mo pa rin ang pinaniniwalaan mo... watch this!" Hindi nag-iisip at walang pasabi
kong kinabig at hinalikan sa labi si Thorin sa harap ni Ynna.
Sa una nabigla si Thorin but I suddenly felt that he smiled and immediately respond
to my kiss. Libo-libong boltahe ng kuryente ang nanalaytay sa dugo ko na para bang
nagrecharge ako. Oh my God!! This kiss...

Ilang segundo nagtagal ang halik saka dali-dali akong bumitaw. Taas noo kong
hinarap si Ynna na nanlalaki ang matang nakatunganga sa amin ni Thorin. Napakalapad
ng ngisi ng lalaking nasa tabi ko, nagustuhan ng mokong! Oh jeez. Nakakahiya. That
was our first kiss! My. .. my first kiss.....

"And I am his girlfriend. Please respect me kaya ikinalulungkot ko Ynna... hindi na


talaga puwede eh." Nilangkapan ko nang tonong nagbibigay paumanhin ang boses ko.

Tumikhim ng maingay si Thorin saka ihinapit ako sa beywang. Ngiting-ngiti siya na


kinausap si Ynna. "My sincere apology Ynna. Pero heto, sa wakas nakuha ko na ang
pinapangarap ko. Can't you see? I'm very happy. Pasensya na pero ihanap mo na lang
siguro ng ibang date ang kaibigan mo. I'm already taken."

Natuliro pa ng ilang sandali si Ynna saka poised na ngumiti. Mabilis niyang


nabingwit ang katinunang naglaho sandali. "Oh.... okay.. So I guess, I should leave
now. I'm sorry for the last time again. See you next time."

Tipid na ngumiti siya muli saka humakbang patalikod. Inalok pa namin siyang ihatid
sa labas pero tumanggi siya.

Pagkaalis ni Ynna biglang hindi ko alam kung ano nang mangyayari. Para akong
nakaramdam ng hiya sa ginawa ko. Isa pa nahihiya akong baka hindi ako marunong
humalik. Ugh! Baka pinagtatawanan na ako ng lalaking to.

Upang makaiwas sa tanong at kung ano ano pa mabilisan akong nagpaalam sa kaniya
saka patakbong pumunta ng hagdan. Malapit na akong makapasok ng kuwarto ko nang
hulihin niya ang kanang braso ko.

He's serious hindi tulad ng mga ngiti niya kanina.

"T-thorin...ano.. magbibihis at magpapahinga lang ako."

"Really? Samahan na kita." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil nananatiling
seryoso ang mukha niya.

"Ano?! Huwag! Baliw ka ba?"

Ngumiti siya at humakbang para ipagbukas ako ng pinto ng kuwarto ko. "Why? Sa banyo
ka magbihis. Doon lang ako sa terrace... after you, my lady."

Pumasok na kami habang ako hindi na nakapagpigil matawa. "Oo na."

Pumunta na siya sa terrace habang ako kumuha na ng damit sa closet at nagbihis sa


banyo. Habang nagbibihis ako hindi ko maiwasang kabahan.

Paano pagkatapos nito? Haharapin ko siya sa labas ng kuwarto na ito. Naghihintay.


Alam kong may mali sa ginawa kong paghalik sa kaniya pero hindi ko na napigilan ang
sarili ko. Hindi ko na kinaya ang pagbubulag-bulagan ni Ynna na walang girlfriend
si Thorin kaya para lantarang ipamukha sa kaniya na kami na, nagawa kong halikan
ang lalaking unang nagpigil kagabi nang sagutin ko siya.

Napukpok ko ang ulo ko nang humarap ako sa salamin matapos kong makapagbihis. Hindi
kaya...hindi kaya tinatawanan niya na ako ngayon dahil hindi ako marunong? O
nagagalit siya dahil ipinakita ko iyon sa harap ng besfriend niya at hindi totoong
natutuwa siya kanina? Oh my God anong gagawin ko? Huhu.

Ilang minuto pa akong nag-isip at nag-alala saka ako lumabas. Nagsuot lang ako nang
maluwang na shirt at hanggang tuhod na short. Pumunta ako sa terrace at nakitang
pinapakialamanan niya na pala ang aking gitara na matagal kong hindi nagalaw. Ang
totoo hindi ko na maalala kung saan ko iyon inilagay. Saan niya naman kaya iyon
nakuha?

He strum the chords.

"Marunong ka?" Tanong ko.

"Hindi." Saka malakas na tumawa. "Sinusubukan ko lang kung may mabubuo akong tono."

"Gusto mo turuan kita?" Alok ko saka tumabi sa kaniya.

"No thanks. Do you want me to sing?"

Naexcite ako bigla. "Yes please." Natuwa ako sa pahapyaw na kanta niya sa akin
kagabi kaya gusto kong marinig muli ang boses niya.

Napatawa siya saka tumikhim. Napahalakhak ako nang tumikhim pa siya nang tumikhim
na para siyang inuubo.

"Heto na."

Sumandal ako sa balikat niya at naghandang makinig sa aawitin niya.

You're my peace of mind

In this crazy world

You're everything I've tried to find

You're love is a pearl

You're my monalisa

You're my rainbow skies

And my only prayer, is that you realize

You'll always be beautiful

In my eyes

The world will turn

And the seasons will change

And all the lessons we will learn

Will be beautiful and strange

We'll have our fate love tears

I've share of sighs


And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes

You will always be

Beautiful in my eyes

And the passing years will show

That you will always grow

Even more beautiful in my eyes

Tumigil na siya sa pagkanta at hinalikan ang aking noo. Napapikit ako, mariin dahil
pakiramdam ko maiiyak ako sa kinanta niya. Ramdam na ramdam ko sa puso ko ang
mensahe niya. And I'm still beautiful in his eyes no matter how.

"I love you. Ngunit dahil inumpisahan mo, tatapusin ko..."

Sinakop niya ang labi ko. He kissed me passionately at kahit alam ko sa sarili kong
hindi ako marunong nito, pakiramdam ko naging bihasa ako sa galing niya sa
paghalik. Napaungol ako ng di oras at napahawak sa kaniyang pisngi. He touched also
my face and then immediately move away.

Hinhingal siyang tumingin sa mata ko. "I know you don't like Ynna. Nararamdaman
kong nagseselos ka sa kaniya. Pero ito tandaan mo, ikaw lang ang para sa akin. I
love you."

He kissed me again ngunit saglit lang saka niya ako niyakap. Wala nang sasaya pa
kapag kasama ko si Thorin. Bumulong ako malapit sa kaniyang tenga.

"I love you too."

****

A/n; whuhooooo!!! Sarap daw magmahal!

***
Tunay na nakalulugod sa sinumang puso ng tao ang main-love. Masaya lalo na kung
minamahal ka pa ng higit nang taong mahal mo. Wala na siguro akong mahihiling kapag
kasama ko si Thorin. Hindi ko akalaing magkakaganito na ako sa ikli ng panahon.

Matapos ang halik na pinagsaluhan namin ni Thorin nang gabing iyon, halos hindi ako
nakatulog. That was my first amazing kiss! Naligalig ang buong sistema ko.
Nagpabaling-baling ako sa higaan ko at hindi ko na namalayan kung anong oras ako
dinalaw ng antok. Ang resulta? Ito...nakaharap ako sa salamin at muntik nang hindi
makilala ang sarili. Gulo gulo ang buhok ko at ang mata ko, nangingitim dahil
napuyat!

Napasabunot ako nang wala sa sarili. "Arrgggh!!" Nakakafrustrate. Papasok ako nang
ganito ang itsura ko! Anong gagawin ko kapag napansin nilang nagkaganito ang mata
ko? Na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Isa pa ay baka matawa sa akin si
Thorin dahil walang dudang malalaman niya kung bakit ako nagkaganito. Oh jeez!

Nagdadabog na naligo ako sa banyo. Well natural banyo nga. Hindi naman ako puwedeng
maligo sa higaan ko. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos saka nagpasyang bumaba para
sa breakfast. Ang daily routine. Nilagyan ko na lang ng cream ang ilalim ng mata ko
upang di mahalata ang pangingitim. Tss. Pesteng halik yan.

Pagbukas ko ng pinto, may nakalatag na isang piraso ng red rose sa tapat nito.
Nagtatakang pinulot ko ito.

Sinong maglalagay ng ganito-----... ah.. Thorin.

Napangiti ako. Palagay ko ito na ang gamot sa masamang gising ko. Naglakad ako
patungong hagdan saka bumaba. Nakita ko pagdating sa dining table na kompleto na
silang tatlo. Nagtataka naman akong umupo dahil hindi nila ako pinapansin maging si
Thorin na tahimik lang kumakain. Anyare? Inilapag ko sa gilid ang bulaklak.

Nagtataka man tumahimik lang ako. Dahil nakataob ang plato, binaliktad ko ito para
sana lagyan na ng pagkain ngunit laking gulat ko nang may nakadikit na note dito.

Good morning my sweet lorraine. I love you- THORIN

Napakagat-labi at sumilay ang hindi mapigilang ngiti sa labi ko. Pag-angat ko nang
tingin seryoso pa rin si Thorin na kumakain habang sina ate Laureen at August
nangingiti-ngiti na nakayuko.

"A-ano to?" Tanong ko kay Thorin. Pinipigilan ang kilig.

Maang na tumingin sa akin si Thorin. "Ang alin?"

"Ito." Tinanggal ko ang note at ipinakita sa kaniya. "Ikaw ang may gawa nito."

"Ako nga." Bigla nginitian at hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning."

"Ayiiieee!!!" Tili ni ate. "Ang corny niyong dalawa! Huwag nga kayo dito!"

Natatawa rin si August sa amin. Pinamumalahan na yata ako ng mukha. Ang init bigla
ng pisngi ko. Ayst!! Bakeeeet kaseeeee!!!

"Grabe may flowers na nga may love note pa! Oh eh di kayo na. Kayo na in-love!"
Dagdag pa ni ate.

"Inggit ka hon?" Ani August. Itong dalawang to iba't iba ang tawagan sa isa't isa.
May babe na may hon pa. Naku. Nasapak ni ate si August at ngumuso.
Natawa na kaming apat. Sinandukan na naman ako ni Thorin ng pagkain. Nagpasalamat
ako saka nagsimula na ring kumain.

"What happened to your eyes?" Tanong ni ate.

"Ang mata ko?"

"Oo. Bakit parang namamaga. Napuyat ka ba?"

"A-ahh.. ano. Oo may tinapos akong report ko. K-kaya nagkaganito." Nauutal kong
sagot. Pagtingin ko kay Thorin titig na titig siya sa mata ko. "Bakit?"

"Nothing." Saka nakangising ipinagpatuloy ang pagkain.

Ugh! Napansin niya!

Nababahalang kumain na lang ako ulit. Ayst. Bahala na nga.

Bumiyahe na kami papuntang school matapos ang pagsama-sama sa almusal.


Nakakasanayan na yata ni Thorin na halikan ako dahil bago niya paganahin ang
sasakyan, ginawaran niya muna ako ng isang mas masarap na almusal mula sa kaniya.
Pero ang sama ng description ko. Ito ba ang naidudulot ng love syndrome? Tsk.

***

Mabilis kaming nakarating ng school. Sa pagtapak ko pa lang ng pinto ng classroom,


nabawasan ang kasiyahang nararamdaman ko kanina. Bumigat ang kalooban ko dahil
naalala kong may problema pa nga pala ako sa mga kaibigan ko.

Bago ako pumasok ay may humila bigla sa kanang siko ko at dinala ako sa bandang
fire exit. Si Richmond!

"Ano bang kailangan mo?" Singhal ko sa kaniya. Napakaseryoso ng mukha niya na tila
nakakatakot. Pero hindi ako nagpatinag. Anong karapatan niyang hilahin ako ng
walang pasabi?

"Bakit mo ba iyon ginagawa?!" Aniya. Nalilito ako sa iniakto niya pero isang lang
ang sigurado ko. Galit siya. Pero bakit? Ano na naman bang ginawa ko?!

"Ang ano bang sinasabi mo?"

"Hindi mo ba alam na nakakasakit ka ng tao dahil diyan sa ginagawa mo? Ha?!"

"Hindi kita maintindihan. Kung ano man yang sinasabi mo mabuti pa tigilan mo na
ako. Wala akong alam!"

"Eh ang pakikipagrelasyon sa prof natin hindi mo din ba alam?"

"P-paano mo nalaman ang tungkol don?"

"Tss...! O di lumabas din ang totoo. Estduyante ka pero wala ka ng pinili. Think!"

"Shut up! Wala kang pakialam." Naglakad ako pero hinila niya ako uli. "Huwag mo
akong hawakan."

"Don't be stupid Lorraine... ano bang nakikita ninyong mga babae sa kaniya at
hangal na hangal kayo? Para sabihin ko sayo, Ynna loves him. At nang malaman niyang
naging kayo na, muntik na siyang magpakamatay sa paglalasing kagabi! Sa palagay mo
ba wala kang naaapakang tao sa ginawa mo? Magbestfriend sila pero nasira iyon dahil
sayo!"

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. She just can't do that! Hindi ba okay naman
siya kagabing umalis? Bakit nagkaganon?

"I love Ynna. Hindi ko kayang nakikita siyang ganon. Hindi...kaya Lorraine. Please.
I'm begging you. Hiwalayan mo na si Thorin habang maaga pa." Nagtatagis ang bagang
ni Richmond. Nakikiusap din ang mga mata niya, ibang iba sa expression na
ipinapakita niya noong una. Pero ano bang ginagawa niya? Nakikiusap na hiwalayan ko
si Thorin para hindi masaktan ang minamahal niya? Ipokrito pala siya eh! Madalas
alam ko na ang ganyang katangahan dahil gasgas na gasgas na sa telebisyon ang mga
ganitong kuwento. Sacrifice for his love? Kaya para sumaya ang babaeng iyon
nakikiusap siya sa akin? Ugh. Nakakatawa!

Natawa ako sa kaniya ng mahina. Hinarap ko siya nang maayos at kumalma. "Alam mo
ba? Nakakaawa ka."

Lalong nagningas ang galit sa mata niya. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.
"Huwag mo akong ginagalit."

"Bakit? Dahil tinamaan ka? I don't even know you Richmond. Wala ako sa lugar para
husgahan ka pero huwag ka ngang tanga. Napanood ko na to sa soap opera. ""Ang
nagpapakamartir para sa taong mahal niya."" Ang tindi mo."

"Huwag mo akong baliktarin."

"Hindi kita binabaliktad. Sinasabi ko lang ang dapat na alam mo..." tinitigan ko
siyang mabuti sa mata. "Ang totoong nagmamahal, hindi pinapakawalan ang mahal niya.
If you love her, then make her love you! Hindi ko hihiwalayan si Thorin nang dahil
diyan sa kaawa-awa mong rason." Humakbang na ako para umalis. Natigilan siya kaya
napangisi ako. "Kapag ako nagmahal, ipinaglalaban ko. Sana ganon ka rin."

Sinamantala ko ang pagkatigagal niya para umalis. Mabilis akong pumunta sa room
pero minalas yata ako dahil nandon na ang prof namin. Nagbigay paumanhin ako saka
pumasok. Kasalukuyan siyang nagchecheck ng attendance at sa pagkakaalala ko ito ang
unang beses na nagcheck siya. Weird ni maam.

Umupo ako sa upuan ko at tinapunan ng sulyap sina Sheen. Nginitian niya ako
samantalang si Carol, wala na namang pakialam.

"Where is Mr. Yuu?" Kasabay ng tanong ni maam ang pagsulpot sa pinto ni Richmond.

"I'm sorry I'm late ma'am." Seryoso at matigas niyang sabi.

"Take your seat."

Nang makaupo si Richmond, nahuli kong masusing nakatingin sa akin si Carol.


Mapanuri ang kaniyang mga tingin na tila napakalalim ng iniisip niya.

And then it strike me! Anong iniisip niya?! Hindi kaya naghihinala siyang nagkausap
kami ni Richmond dahil magkasunod kaming dumating? Oh God. She's so observant! Pero
napakababaw naman kung maghihinala siya agad? That's very imposible.

Iwinala ko sa isip ko ang mga agam agam at nagfocus sa subject. Hindi ko hahayaang
pati acads ko maapektuhan ng mga nangyayari sa akin. Saka ko na iisipin ang napag-
usapan namin ni Richmond at ang mga tingin ni Carol na puno ng pang-uusig.
Hours passed hanggang lunch break. Tulad kahapon hindi ko kasabay sina Sheen dahil
may gap pa sa amin ni Carol. Nagpaiwan na lang ako sa classroom tutal ay hindi
naman bawal manatili dito.. May iilan din akong classmate na dito na kumakain dahil
may mga sarili silang baon.

Maya-maya ay may sumilip na lalaking studyante sa pinto, may dalang pagkain mula sa
kilalang fastfood restaurant.

"Ah..excuse me po. Puwede po ba kay Ms. Lorraine Olivar?"

"Walang Olivar dito. San Juan lang." Sagot ng isa kong classmate. Tahimik akong
nagsusulat sa notes ko nang marealize ang binanggit na pangalan. Napatingala ako
bigla at takang tumingin sa lalaki.

"Ay ganon ba? San Juan pala."

"Oh Lorraine may naghahanap sayo. Pasok ka."

Tumango ang lalaki at lumapit sa akin. Iniabot niya sa akin ang mga pagkain.

"May nagpapabigay po sa inyo." Freshmen ang lalaki base sa itsura niya.

"Kanino galing?"

"Yung delivery boy lang po ang nagsabi. Ihatid daw po ito sa nagngangalang Lorraine
Olivar o San Juan sa room 305 sa building na to."

"Ah ganon ba? Sige salamat."

Umalis na ang lalaki ngunit naguguluhan pa rin ako. Posibleng si Thorin pa ang
nagpadala nito.

"Ang taray ni Lorraine. May tagabigay ng pagkain." Nginitian ko ang classmate ko


saka sinimulang kumain.

Sakto namang naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. Mabilis ko itong
inopen at binasa ang message na dumating.

"Text me back if you already recieve the food. Alam kong hindi ka na naman kakain.
Eat well at ubusin mo yan. I love you." - Thorin

Lihim akong napangiti. I texted him back.

"Thank you sa pagkain. At saka hindi ako si Lorraine Olivar. Loko to."

He send a smiley as his response na may karugtong pang mensahe. "Malapit na."

Dahil doon hindi ko na napigilan ang mapangiti habang kagat kagat ang fries, kasama
sa binigay niya. Bakit ang sweet niya? Namumuro na siya sa araw na ito. Ano pa bang
alam ng lalaking to bukod sa pagpapakilig sa akin? Damn.

Masaya ko na lang pinakyawan ang medyo maraming pagkain na ipinadala niya. Binigyan
ko rin ang classmates ko na walang tigil sa panunukso. Ang sabi'y padala daw ng
admirer ko o boyfriend at kung ano ano pang spekulasyon nila. Maging nang
magsibalikan ang mga classmate ko patuloy na nagkaroon ng tuksuhan tungkol sa
nagpadala sa akin ng pagkain. Si Sheen naman nangingiti na lang, alam kung sino ang
nagpabigay sa akin. Si Carol? She's not paying attention. Wala siyang pakialam kung
anong pinag-uusapan at pinagtitilihan ng mga classmate ko, same with Richmomd na
kararating lang. Pareho silang walang pakialam sa panunukso. Wala naman akong
pakialam na hindi ako pansinin ni Richmond, pero ang pagsasawalang bahala ni Carol
ay nakakasakit sa akin. Talaga nga sigurong hindi na kami magkakaayos pa. Kung
umakto siya ay parang wala ako. And I can't bear it anymore. Ano bang dapat na
gawin ko para magkaayos na kami? Nahihirapan na ako nang ganito ang set-up.
Namimiss ko na ang makabonding sila. Ang pagiging jolly niya at ang masasaya niyang
tawa. Nakakalungkot na naapektuhan ng pag-ibig ko ang pagkakaibigan namin. Hay.

***

"How's your day? Inubos mo ba ang pagkain kanina?" Bungad ni Thorin pagsakay ko sa
sasakyan niya. Bale naghihintay na lang siya sa kaniyang sasakyan nang dumating
ako.

"Oo naubos ko. Salamat."

"Good."

Matapos ang konting usapan umalis na kami. Napagpasyahan naming dumiretso na sa


bahay. Nagyaya siyang sa bahay na lang kumain ng dinner dahil lagi na lang walang
tao doon kapag gabi. Mga katulong at si Manang Lourdes na lang daw ang nagbobonding
aniya.

Pagdating namin sa bahay, gulat pa kami pareho nang madatnang nandoon na din sina
August at ate Laureen. Napagpasyahan din daw nilang doon magkaroon ng dinner date.
Nag-ihaw sila ng barbeque at nagluto ng ilang putahe. Ang magkapatid na August at
Thorin naman ay nagkayayaang mag-inuman samantalang kami ni ate swimming sa pool.
Naghanda kami ng picnic blanket sa hardin at doon inilagay ang mga pagkain.

"Kumusta ang buhay may boyfriend?" Tanong sa akin ni ate nang nasa pool kami
pareho.

"Hmm...masaya." nilangkapan ko ng ngiti ang aking sinabi. Nanggaling sa aking puso


ang sinabi ko kay ate, talagang napakasaya. Iyon nga lang, may mga hadlang tulad
nang pagkakalabuan naming magkakaibigan.

"Eh di mabuti. Sabi ko sayo hindi ba, masarap ang main-love."

"Oo tama ka ate. Pero...mahirap din pala."

"At bakit?"

"May naapakan yata akong tao ate."

"Baka duwende. Bakit hindi mo nakita?"

"Iyon na nga eh. Hindi siya duwende pero naapakan ko. Si Ynna."

"Si Ynna? Huh? Ano ka ba, iisipin mo yung babae na yon eh masahol pa sa linta
iyon."

"I know ate but I can't change the fact that I've been hurting her."

"Hindi mo kasalanan iyon."


"Alam ko. But still, hindi lang iyon." Ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari
nitong nakaraan. Ang pagkagalit namin nila Carol at ang pag-uusap namin kanina ni
Richmond. Habang nagkukuwento ako, tutok ang paningin ko kay Thorin na masayang
kausap si August. Malayong malayo ang hitsura niya sa lalaking nakilala ko ko noong
una. Ngayon ay tuloy tuloy na ang kanyang pagtawa at madalas ang palangiti na labi
niya. He changed a lot.

"Hmm...that's hard." Komento ni ate matapos ko magkuwento. "But be brave Lorraine.


Mahal mo siya hindi ba?"

"Oo. Sobra na nga yata."

"Then call on love to guide you. He's right there. Kahit ano pang mangyari, huwag
kang susuko at manghihina. Okay?"

Tumango ako at ngumiti. Lumangoy kami muli at pagkatapos ay sinamahan sina Thorin.
Nagbalot muna ako ng balabal saka tumabi sa kaniya. Nagbigay ng comfort sa akin ang
pagtabi sa mainit niyang katawan. Pakiramdam ko ligtas ako. This man is my love.
And I'm lucky to have him.

***

Is Chris Evans is good for Thorin OLivar??


Para kasing masyado na siyang matanda...haha
Si Captain America po ang ginanapan niya.

I'm so sorry for the long wait. Nahirapan ako mag-isip eh. Wala akong mahanap na
inspirasyon. Haha!

To lotseg22: ito na si Thorin my loves mo! Haha! sorry naman...:P


***

Tumagal pa ng ilang oras ang bonding naming apat sa tabi ng swimming pool hanggang
umabot ang ganap na ika-sampu ng gabi. Kaniya-kaniya kaming paalam sa isa't isa
matapos makapag-ayos. Akala ko ay iiwan na ako ni Thorin nang magboluntaryo siyang
ihatid pa ako hanggang tapat ng kuwarto ko. Gustuhin ko mang alukin siyang pumasok,
sadyang napagod na ako kaya tahimik na ninakawan ko na lang siya ng halik sa labi.
Papasok na sana ako nang hilahin niya akong muli at gawaran ng mariing halik.

Napaungol ako saka mabilisang kumalas. Ngumiti ako. "Goodnight."

"Goodnight." Ngumiti siya saka ako pumasok. Isinara ko ang pinto at mabilis na
humiga sa kama ko. Sinulyapan ko ang aking cellphone nang ito'y tumunog. Isang
unregistered number ang nagpadala ng mensahe.

"You will regret this Lorraine. Hindi kayo magiging masaya ni Thorin hanggang
narito pa ako. Tandaan mo yan. Magiging impyerno ang sandaling magkapiling kayong
dalawa!"

Nabitiwan ko ang cellphone ko. Di sinasadyang sinalakay ako ng kaba dahil sa nabasa
ko. Anong ibig sabihin nito? Sino ang nagpadala ng text na ito sa akin? Saan niya
nakuha ang number ko? Maraming katanungan ang bumaha sa isip ko ngunit nanatili
itong walang sagot. Natatakot ako sa maaaring mangyari dulot ng isang maikling
mensahe na iyon. Ibig sabihin ay kilala namin siya. Pero sino? Hindi ko
maipaliwanag pero sa palagay ko ay may hinala na ako kung sino ito dahil isa lang
ang kilala kong nasaktan namin. Ngunit ayaw ko magpakasiguro. Hindi.

Natutulala akong humiga at tumitig sa kisame. Isang pagsubok na naman ba ulit ito?

***

"Kumusta ka naman?" Tanong ni Sheen ilang minuto bago magsimula ang klase
kinabukasan.

Marahan akong tumango. "Okay lang. Kayo? Galit pa rin ba siya sakin?" Sinulyapan ko
si Carol na tulalang pinapanood ang mga classmates kong nagkukulitan sa harapan.
Umupo sa katabi kong upuan si Sheen. Tinunghayan ko ang mata niyang kinababakasan
ng lungkot.

"Sa palagay ko hindi na masyado. Hindi mo lang alam pero kapag hindi ka nakatingin
sa kaniya, tahimik ka niyang pinagmamasdan. Alam mo ba...ngayon ko lang nakitang
nagkaganyan siya. She's always happy and jolly like there is no problem exist.
Siguro nga talagang naapektuhan siya. Ano kaya kung mag-usap kayo?"

Umiling-iling ako. "Hindi pa ako handang humarap sa kaniya ngayon. Baka kung ano
lang masabi ko."

"Pero ayaw mo bang magkaayos na kayo?"

"Gusto."

"Kaya nga dapat mag-usap na kayo sa lalong madaling panahon. Konting paalala lang
Lorraine, at sinabi ko na rin ito sa kaniya, habang pinatatagal ang problema, lalo
lang lumalalim ang puwang sa inyong dalawa. Isa pa, ako kaya ang nahihirapan sa
inyo. Namimiss ko na yung nagkakasabay tayong kumakain ng lunch kahit pa ilang araw
lang yon. Hindi sa masamang pagsabi sayo ha, pero ikaw ang nagkasala sa inyong
dalawa. Make a move Lorraine. Suyuin mo na siya."

Napaisip ako at tinitigan ang mga mata ni Sheen na waring doon ako makakakuha ng
kahit anong sagot. Para kasing ang hirap lalo na kung nananaig sa akin ang pride.
Ganoon naman talaga ang tao eh, kung sino pa yung may mali, siya pa ang hirap na
hirap humingi ng tawad.

Ngunit gusto ko na ring matapos agad ang alitan naming dalawa, pero paano? Paano?

"Ayoko siyang pilitin pa muna Sheen. Siguro darating din ang panahon na makakapag-
usap kami. Huwag muna ngayon."

"Okay sige. Ikaw ang bahala. Basta kapag handa na kayo mag-usap nandito lang ako sa
likod niyo."

Ngumiti siya kaya sinuklian ko rin iyon ng ngiti.

Dumaan pa ang ilang araw at linggo. Ganoon pa rin ang sitwasyon naming dalawa ni
Carol, hindi niya ako pinapansin pero ako nama'y nagsisimula nang tumingin sa mata
niya ng direkta, minsa'y nagagawa ko ring ngumiti pero tipid lang. Ang kaso
napapahiya lang ako dahil deadma lang.

May mga ilang araw din na mismong si Thorin ang gumagawa ng paraan para makapag-
usap man lang kami ni Carol. Minsan mismong sa subject niya pinagpapares niya kami
sa ilang group assignment, but still she doesn't care to talk to me.

Naging nakakalungkot para sa akin ang mga araw na nasa classroom ako. Lalo na kapag
lunch break. Madalas ay pinagbabaon na lang ako ni Thorin ng pagkaing ipinaluto
niya kay Manang Lourdes, minsan naman ay pinahahatiran niya na lang ako ng pagkain
kapag walang naibaon. He's so thoughtful. At ipinagpapasalamat ko na kahit may
problema ako, nananatili siya sa tabi ko.

"Lorraine!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kumunot pati ang noo ko.

"Yes?" Tanong ko sa nagtatakang boses.

Hindi ko kilala ang tumawag sa akin. Naghihikahos na dumating lang siya sa


classroom namin. Kasalukuyang lunch break at wala akong ibang kasama dito sa room.
Nagtataka man nilapitan ko siya mula sa pagkakaupo ko.

"Ikaw si Lorraine San Juan hindi ba?" Anang babaeng freshmen. Maiksi ang buhok at
mababanaag ang pagiging cute niya.

"Oo. Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Sumama ka po sa akin. May nagpapatawag po sa inyo."

"Sino?"

"Professor niyo daw po. Si sir Thorin Olivar."

Huh? Bakit niya naman ako ipapatawag?


"Sigurado ka ba?"

"Opo."

Nag-aalinlangan ako. Paano kung hindi siya nagsasabi ng totoo? Ngunit napapaisip
din ako kung paano nga ba kung totoong pinapatawag niya ako. But still its strange.
Thorin doesn't normally do this, ngayon lang.

Sa huli pumayag na lang ako. Kinuha ko muna ang gamit ko saka sumunod sa babae.

"Hi. Ako nga pala si Erika."

Ngumiti ako at tumango. "Bakit daw ako pinapatawag?"

"Hindi ko po alam eh. Basta ang sabi ng lalaki, sabihin ko daw sayo pinapatawag ka
ni prof."

Napatigil ako sa paglalakad at nakaramdam ng kaba. Ang akala ko ba mismong si


Thorin ang mismong nagpapatawag sa akin? Tumigil ang nagsabing siya si Erika at
nilingon ako. Napaka-inosente ng mukha niya. Posible bang niloloko niya nga ako?

"Ate Lorraine? Ano po?"

"A-ah. Erika. Sandali lang. May tatawagan lang ako." Dapat pala bago ako sumama sa
kaniya ay tinawagan ko muna si Thorin. Medyo lutang din ako eh. Ngayon ko lang
naalalang puwede ko pala itong iconfirm.

Tumango lang si Erika habang dinadial ko na ang # ni Thorin. On third attempt


sinagot niya na ito.

"Yes honey?" Aniya sa masayang boses.

"Tho-, ah eh, honey?" Napapikit na lang ako sa pagkataranta bigla. Muntik ko nang
masambit ang first name niya. Kahit tutol pa ang kalooban kong tawagin siyang
honey, ginawa ko na lang. Pinapanood kasi ako ni Erika. Bahagya akong tumalikod at
tinakpan ang bibig ko habang nakadikit ang phone sa tenga ko.

Narinig kong napatawa ng konti si Thorin sa kabilang linya. "Honey na tawagan


natin?"

"Hindi yan ang dahilan ng pagtawag ko sayo."

"Ay ganon ba?" May himig panghihinayang sa boses niya. "Basta honey na tawagan
natin. I'm fine with that."

"Whatever."

"Bakit ka nga pala tumawag? You missed me already? Nandito lang ako sa faculty."

Doon ako bahagyang naalarma. Does it mean wala siyang alam? Na hindi siya ang
nagpatawag sa akin? Kung siya nga ang nagpatawag sa akin hindi niya sasabihin ang
mga iyon.

"Anong? Nasaan ka?" Ulit ko.

"Why are you whispering? I'm here at the faculty room. Marami akong trabaho
ngayon."

"Hindi mo ako pinatawag?"


"Wait? What? Pinatawag?" Naalarma ang boses niya. Suddenly alarmed.

"Oo. Someone is here, pinatawag mo raw ako. Sumama ako sa kaniya-."

"Ano?! Nasaan ka? Lorraine don't. Stay where you are!"

"Oo." Nilibot ko ang paningin ko. Sa ngayon nasa floor pa lang kami kung nasaan ang
faculty. Dito ako napahinto kaya hindi ako agad nagduda na hindi totoo ang sinasabi
niya.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita!" Narinig kong humahangos siyang nagayos ng kaniyang
gamit. Damn! Bakit kasi ako pumayag na sumama? Muntik pa yata akong mapahamak dahil
hindi ako nag-iisip!

Sinabi ko ang saktong lugar kung nasaan ako. Nilingon ko si Erika na nakatingin
lang sa akin. Sa kilos niya, alam kong wala siyang alam na hindi si Thorin ang
nagpapatawag sa akin. Pero sino?

"Ate Lorraine.. ano na po?"

Pinatay ko muna ang tawag saka peke akong ngumiti saka lumapit. "Ah... Erika.
Sagutin mo ng tama ang tatanungin ko sayo ha."

"Sige po."

"Sino ang nagsabi sayong pinapatawag ako ni Mr. Olivar? "

Saglit na natigilan si Erika pero sumagot din. "Ah.. hindi ko po kilala e. Basta
ang sabi niya, puntahan daw kita at sabihing pinapatawag ka ni sir Olivar. Ang sabi
daw po kasi sa kaniya ni sir dalhin daw po kita sa stock room. Doon daw kayo
magkikita. Nakakapagtaka nga po eh."

"Erika naman!"

"B-bakit po?"

"Look... alam ko bago ka lang dito. But be smart. Maraming manloloko dito. Paano ka
niya napapayag?" Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng pagkainis sa kaniya. She should
be careful for god sake! Hindi siya nag-isip! Muntik pa akong mapahamak nang dahil
sa kaniya. Idagdag pang muntik ko siyang sisihin dahil doon.

"A-ano.. huwag mong sabihin sa iba ah." Tumango ako nang naiinip. "Nangailangangan
po kasi ako ng tulong niya. Nakita niyang napagalitan ako ni Professor Torres,
hindi ko po kasi naayos ang report na ipinasa ko. Inalok niya ako nang tulong na
siya na lang gagawa basta tutulungan ko din siya. Pumayag na lang po ako dahil
sobrang dami ng projects and requirements na pinapapasa. Bukas din po kasi agad ng
umaga hinihingi ni prof." Humihinging paumanhing sabi niya.

Kung hindi lang ako naiinis sa kaniya, napuri ko na siya sa cute gesture niya na
parang siyang pusang nabahag ang buntot o pinagalitan ng kaniyang amo.

Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Okay... so iyon ang dahilan? Erika I do not judged you because of this pero sana
nag-isip ka muna. Hindi porke tinulungan ka, agad agad ka nang papayag. Hindi natin
masasabi na baka nanloloko lang iyon at may balak gawin sa akin."
Natigilan ang kausap ko. Seems like she was startled all of a sudden. Biglang
narealize na baka nga may mali.

"G-ganoon po ba?"

"Oo. huwag mo na akong i-po. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin." Tiningnan ko
siya sa mata at nagpapakalmang nagbigay ng maaliwalas na ngiti. Medyo maliit lang
kasi siya kaya kailangan ko pang yukuin. HIndi ko rin naman gustong magalit sa
kaniya dahil biktima lamang siya ng mga ganito. Maya maya pa narinig ko na ang
humahangos na tinig ni Thorin mula sa likod ko. Nilingon ko siya agad.

"Sir..." sabi ni Erika, bahagyang natitigilan pa din.

"Anong nangyari?" tanong niya agd nang makalapit sa gilid ko. Masusing tinitingnan
si Erika.

"Wala po sir. Okay na." sabi ko, umaaktong casual. Syempre ay kailangan ko pang
mag-ingat. Kahit sino ay wala pang puwedeng makaalam.

"What exactly happened Lorraine?" aniya na kunot ang noong sumulyap sa akin.
Sinulyapan ko si Erika, she's still ashamed of what happened.

"I'll explain later, sir."

He sighed. "Alright. And who is she?" sabay sulyap muli kay Erika.

"Freshmen. Sabi niya kasi sa akin pinapatawag mo raw ako. "

"Pinapatawag? Bakit naman kita ipapatawag?"

"Aba malay ko?" Pagsusungit ko. Parang pinalalabas niya na talagang hindi nga
maaaring mangyari yun kahit na kailan. Tss.

"Ah, ate Lorraine. Sir..sorry po. Akala ko po kasi talagang pinapatawag mo siya.
Hindi ko alam na puwedeng hindi yun totoo. I'm sorry."

"It's okay. Don't worry. Hindi ko naman na talaga siya kailangan ipatawag sa kahit
sino. Okay you may go now. Baka may klase ka pa." Ani Thorin sa pormal na boses.
Ako naman napairap. So what that means huh?

Nagpaalam na si Erika matapos ang sunod sunod pang paghingi ng sorry. Hindi man
halata-eh ako halatang-halata ko- na pinaaalis niya na itong si Erika. Pagkaalis na
Erika nagpasya na akong bumalik sa classroom pero sinundan niya ako.

"Lorraine..."

"Balik na ako sa room ko. "

"oh...Okay. Sabay na tayong umuwi mamaya. Hintayin kita sa kotse. Okay?" Malambing
niyang sabi. Mabuti na lang walang studyanteng gumagala dahil kasagsagan ng klase
sa bahaging ito. Hindi kasi magkakasabay ang lunch.

Tumango ako at nagtuloy-tuloy ng lakad. Ewan ko ba pero parang bigla akong nairita.
Despite of that issue when Erika approach me to come with her. Nakakinis lang mga
sinabi niya. Tsk. Basta. Pasalampak akong umupo sa seat ko pagdating ko ng
classroom. Unti-unti nang nagsibalikan ang mga claasmate ko mula sa cafeteria
hanggang nagpatuloy ang klase.
***

A/N: Sabaw ang chapter. Huhu. pasensya na po. bawi ako next time.

Thank you sa nag-abang ng UD.

^_^
Thoraine daw ang tambalan ng dalawa.

Thumbs up yan! Haha

***

"Are you mad?"

Marahas na nilingon ko si Thorin. As usual, ito na naman siya sa aking terrace, he


climbed again like he used to do. Nakatalikod ako sa kaniya ngayon, nakatunghay sa
madilim na paligid ng bahay. Walang buwan at stars ngayon, siguro ay nagbabadya ng
ulan o makulimlim lang.

"Bakit naman ako magagalit?" Tanong ko.

"I don't know. Kaninang pauwi tayo, you didn't say or open a conversation. Tell me,
bakit?"

He wrapped his arms around my waist. Ramdam at amoy na amoy ko ang mabango niyang
katawan. Suddenly, my heart beats fast. Napabuntong-hininga tuloy ako.

"Wala naman akong sasabihin." Sabi ko sa paraang safe na idadahilan ko.

Sa totoo lang, medyo nairita lang ako sa sinabi niya kay Erika kanina. Kung bakit
ay siguro'y nagdamdam lang ako. Ganon nga talaga siguro, nakakaramdam ang tao ng
iba't ibang emotion, not knowing why or how. It's just a sudden feeling.

Inamoy-amoy niya ang leeg ko at ikiniskis ang pisngi niyang medyo magaspang na
dahil sa papatubong buhok sa kaniyang pisngi. He smell my scent like his life
depends on my skin. Naramdaman kong pumipikit na siya.

"Hindi ko alam kung anong dahilan ng ipinagkakaganyan mo. But I'm sorry."

Hindi ako nakasagot. Saglit man akong nag-atubili pero hinawakan ko ang mga matikas
niyang braso sa beywang ko. Hinimas at pinisil ko ito.

"Thorin..." usal ko.

"Hmmm...?"
"I don't know if this is pathetic or overthinking... pero may tao yatang may
masamang hangarin sakin."

"Huh? Paano mo nasabi?"

Umikot ako at hinarap siya. Half open ang bibig niya habang matamang nakatingin sa
akin.

"I received a text message last night."

Kumunot ang noo niya. "What message?"

Dinukot ko sa bulsa ng shorts ko ang aking phone. Hinanap ko ang message at


ipinakita iyon sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya habang ako pinagmamasdan
ko lang ang pagbabago ng expressions niya.

I don't want to keep this to him. Para sa akin mas mabuting malaman niya agad ang
mga nangyayari dahil unang una involve din siya rito. Hindi ako maglilihim. It's
better if we both know this things.

"Sa palagay mo...sino yan?"

Ibinalik niya sa akin ang phone matapos niya itong mabasa.

"I don't know. Kailan nag-umpisa ang mga ganito?"

"Kagabi lang."

Huminga siya nang malalim at bahagyang umatras. "That's nothing. Don't worry."

"Pero paano kung totoo yan? Thorin hindi natin alam kung ano iyan. Naalala mo yung
kanina? Maybe when that girl called me, may maaari nang nangyari sa akin kung hindi
ko lang napagdudahan."

"Huwag mong sabihin yan. Walang magtatangka sayo."

"Paano ka nakasisiguro?"

"Because I will protect you. Okay? As long as I'm here, you don't need to worry.
Hindi ko hahayaang may masamang mangyari. Malay mo, baka prank lang yan. Hindi
natin alam kung totoo nga ba iyon. At yung kanina? I'm not sure pero hindi na yun
mauulit, okay? Okay?"

"Hindi ko alam. Nakakapanibago ang mga ganito."

"Listen. Wala iyon, okay? Ikaw talaga, kung sakaling totoo man iyon, then I will do
everything, wala lang mangyari sayo."

Somehow,I'm convinced. Bago kasi ang ganito sa akin, ang makatanggap ng ganoong
text message, tapos ang muntik nang kapahamakang mangyayari sa akin kung natuloy
ang pagsama ko kay Erika. Suddenly it turned out into this. Na maaaring may tao
nang galit sa akin at hindi ko man lang kilala kung sino. Nababahala ako ng husto,
pero dahil din sa mga sinabi ni Thorin, kahit papaano ay nabawasan ang agam-agam
ko. Sana nga okay lang, sana nga wala lang ang mga ito.

Ang ipinagtataka ko din, bakit parang masyado namang OA kung sino ang taong iyon?
Ewan ko ba pero parang ayaw maniwala ng kutob ko na prank lang ang text na
natanggap ko. In the first place, I know the he/she knows me and Thorin kaya
siguradong may masama nga siyang binabalak.
Suddenly, fears filled over me again. Paano kung ibunyag ng taong iyon sa school
ang tungkol sa relasyon namin ni Thorin? Makakaya ko ba talaga? Ipagsasawalang
bahala ko na lang ba?

"Sana nga." Sabi ko matapos ang malalim na paghugot ng hininga.

Tinawid niya ang distansya naming dalawa. He kissed my forehead saka ako niyakap.
"Honey, trust me. Just, trust me."

Tumango ako. Feeling the comfort that he is giving me.

***

Nagising ako nang masama ang pakiramdam kunabukasan. Namimilipit ako dahil sa tindi
ng sakit ng tiyan ko. Oh my God.. bakit ganito katindi ang sakit ng tiyan ko?
Bumaluktot ako ng higa at diniinan ang tiyan ko. Hindi ko na rin maiwasang
mapaungol.

This pain is killing me! Anong gagawin ko? Sinulyapan ko ang oras sa alarm clock ko
sa tabi ng kama, pasado alas tres pa lang ng madaling araw. Paano to?

Naalala ko si Thorin. Pero baka kasagsagan ng himbing ng kaniyang tulog, ganon din
si ate. Ayokong makaabala sa masarap nilang tulog. Tama, maybe this won't take
long. Di naman siguro ito aabutin ng isang oras.

"Ugh!!" Tumayo ako at nagtungo ng banyo. Sinubukan kong remedyuhan ang sakit pero
kahit nakabalik na ako ng kama, hindi pa rin natatanggal ang sakit. Ano bang
nangyayari sa akin? Ano to? Hindi naman puwedeng appendicitis. Dahil sigurado akong
hindi kaliwang bahagi ng tiyan ang sakit. Maybe it's upper. I'm not sure!

Umabot na ng isa hanggang dalawang oras, the pain doesn't lessen a little. Naiiyak
na ako sa sakit! Arggh!! Bahala na! Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tinawid ko
ang distansya mula sa kuwarto ko hanggang kuwarto ni Thorin nang hindi
makadiretsong lakad. Parang bigla akong tinubuan ng bukol sa likod ko, para na
akong naging kuba dahil hindi ko na maituwid ang katawan sa sobrang sakit.

Sunod sunod akong kumatok ng mahina.

"T-Thorin..." namamaos kong sabi. Hirap sa kalagayan ko.

Nakailang tawag pa ako nang makapagpasyang ipihit ang seradura ng pinto. Bukas!
Natuwa ako saka pumasok. And then I saw him, sleeping safe and sound. He's snoring
a little nang makalapit ako sa kaniyang kama. Bahagya pa akong napangiti kahit na
hawak hawak ko ang aking sikmura dahil ganoon pa rin ang sakit. Nakadapa kasi siya
at bahagyang nakatagilid ang ulo. Natatabingan ng kumot ang kalahati ng kaniyang
katawan, lower part kaya kitang kita ko ang ganda ng kaniyang braso at likod, he's
just wearing a white sando.

Dumako naman ang mata ko sa mukha niya. Napakaguwapo kahit natutulog! His eyes,
parang ang sarap halikan. Lumuhod ako sa bahaging katapat ng kaniyang mukha.
Hinimas ko ng marahan ang kaniyang makinis na pisngi. Marahil ay nagshave na siya
dahil hindi ko na naramdaman ang mumunting buhok nito.

"Honey..." bulong ko. Hindi ko alam pero tila nabawasan ang sakit ng aking sikmura
nang matitigan ang kaniyang mukha. Pero masakit pa din eh! Ang kaliwa kong kamay
nakahawak sa aking tiyan. Naghihirap pa din ang pakiramdam.

"Thorin, honey..." panggigising ko sa mahinang boses.


Umungol siya at sa dahan-dahang momentum, unti-unting nagbukas ang kaniyang
mapupungay na mata. Limang segundo pa siguro ang nakalipas nang mahimasmasan siya
mula sa pagkakatitig sa akin.

"Lorraine! Anong? What are you doing here?!" Taranta siyang bumalikwas ng bangon
saka hinawakan ang balikat ko upang umupo. He noticed already na hindi maganda ang
aking pakiramdam. Dumako ang nag-aalala niyang mata sa kamay kong nakahawak sa
aking tiyan. I know my face is not also okay. Napapangiwi kasi ako.

"Anong nangyari? May masakit ba sa iyo?" Aniya.

"My stomach hurts...big time." Sabi ko habang napapasulyap sa kulay light blue
niyang pajamas. Nahantad sa akin ang maganda niyang katawan, white sando and
pajamas? Heck! May nararamdaman na nga akong sakit naaakit pa rin ako sa karisma ng
lalaking to. Ugh. Ang lalaking mahilig magsuot ng pajamas kapag natutulog.

"Saang part?" Aniya saka lumuhod sa harap ko.

"Upper ... maybe?"

"Upper? Are you sure?"

"I'm not. Ugh. Thorin ang sakit! Para akong manganganak na ewan! Nakakabuwisit ang
sakit!"

"Honey, hindi ko pa nalalamanan yan kaya huwag ka muna mag-assume."

Nasapak ko siya dahil don. Natawa naman siya nang mahina saka hinawakan ang stomach
ko. Diniin-diinan niya iyon.

"Dito ba?" Aniya. Kinakapa kung saan ang masakit. Nagbibigay ng ginhawa ang mga
palad niyang naglalandas sa tummy ko.

"Hindi diyan."

"Tsk. Ano bang nakain mo?"

"Pagkain malamang."

"Come on... konting patigas pa kasi ng ulo, huh?"

"Jeez! Sesermonan mo pa ako nang oras na to?"

"Dapat lang. Hindi mo ako sinusunod. Maybe this is Ulcer. Ayan na nga ba ang
sinasabi ko sayo eh." Malambing niyang turan.

"You think so?" Sabi ko sa hindi siguradong tono.

"Huwag ka munang pumasok ngayon. We'll go to a doctor later para masiguro kung
Ulcer nga ito. Honestly, wala akong alam sa ganito kaya wala tayong magagawa kundi
maghintay ng bukang-liwayway." Aniya saka tumabi sa akin.

"Honey..."

"Hmm?" Umakbay siya sa akin.

"Anong ibig sahihin ng bukang-liwayway?" Maang kong tanong. Malay ko ba eh hindi ko


naman talaga alam?
Napahalakhak siya.

"Sshhh... ang ingay mo." Pinandilatan ko siya.

Pinisil niya ang pisngi ko nang nasisiyahan. "Lorraine, my honey... ang ibig
sabihin ng bukang- liwayway ay sunrise."

"Ganon? Pero english teacher ka. Nakakapagtakang alam mo ang salitang iyan."

"Tss... ipapaliwanag ko sayo huh? I know that because I am a Filipino. Kahit ganoon
ang subject na itinuturo ko hindi naman ako nakakalimot sa tunay na wika natin.
Okay?"

Tumango ako at suminghap nang maramdaman muli ang tindi ng sakit.

"Hurts like hell?" Tanong niya.

"O-oo."

"Hmmm...Lie down." Utos niya.

"Huh? B-bakit?" Naaalarma kong tanong.

"Honey, you should relax. Humiga ka para maibsan ang sakit kahit papaano. What are
you thinking?" Ngumisi siya nang mahinuha ang naging reaction ko.

"Oo na oo na. Dami pa sinasabi eh." Humiga ako. He sat beside me. Napapahiya na
lang ako lagi sa lalaking to. Kainis huh.

Hinawakan niya ang laylayan ng damit ko kaya bigla ko siyang natapik sa braso.

"Bakit?" Maang niyang tanong.

"Eh hinuhubaran mo ko eh!"

"What?"

"Don't you dare deny it." Singhal ko.

"Hindi ko gagawin iyon honey. Ano bang sinasabi mo?"

"Eh bakit mo hinawakan yan?" Turo ko sa laylayan ng damit ko.

Ngumisi na naman siya. Ugh. Baliw na to.

"Kung huhubaran man kita, sisiguraduhin kong mabilisan at hindi mo namamalayan.


You're over thinking. Tsk." Umiling-iling siya. "Inaayos ko lang ang damit mo dahil
nakikita ko na ang hindi dapat makita." Paliwanang niya habang nangingiti.

Napanganga tuloy ako. As in open mouth. Ngunit tila pinagsisihan ko yata ang
pagnganga na iyon dahil bigla niyang itinukod ang magkabilang braso sa gilid ko
saka mabilis na tinawid ang pagitan ng aming mukha. He kissed me warmly. Hindi ako
nakatutol sa pagkabigla, ilang segundo ang nakalipas bago ko siya sinabayan sa
paghalik sa akin. Naramdaman kong napadagan siya sa akin, mabigat man hindi ko iyon
ininda. Pakiramdam ko tuloy nagkaroon ng biglaang anesthesia ang sakit ng tiyan ko
sa pagpapalitan naming halik. This kiss is sweet like it has a power to cure my
pain.
Nanatiling nakalapat ang kaniyang mga kamay sa kama. I moaned. Pero sa pagkadismaya
ko, pinutol niya ang moment na iyon at pabagsak na humiga sa tabi ko. Hinila niya
ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ko. He kissed my forehead at idinantay ang
braso bilang pagyakap sa akin.

"Sleep a while honey. Gigisingin na lang kita mamaya."

Tumango na lang ako at hindi nakapagsalita.

After minutes, I fell asleep, again.

***

Nagising ako sa siwang ng liwanag mula sa bintana. Nasilaw ako. Kinusot ko ang
aking mata at napagtantong nasa kuwarto pala ako ni Thorin. He's still sleeping
nang lingunin ko siya.

Ilang minuto ko siyang tinitigan hanggang magulat ako sa mabilisang pangyayari,


biglang may kumatok at tumambad ang nanlalaking mata ni ate Laureen.

"A-ate..." bigla akong napatalon ng kama at napatayo. Naningkit ang mga mata niya,
kasunod naman niya sa likod ay si August. Ugh! Patay! Bigla ring naalimpungatan si
Thorin at bumalikwas ng bangon. Nagugulat lahat.

"Seriously?!" Umalingawngaw ang tinig ni ate Laureen sa buong silid.

"A-ate... i-its not what you think.. okay?" Sumubok akong magpaliwanag pero iyong
mukha ni ate hindi pa rin makapaniwala.

"Bakit hindi ka pumasok sa eskwelahan? And why are you with Thorin? Hinintay kita
sa breakfast table pero pareho kayong hindi dumating. I went to your room pero wala
ka doon. Dito lang pala kita mahahanap!" Tss. Now I know, lumalabas na naman ang
protective side niya pagdating sa akin.

"I'm not okay. Kaya hindi ako pumasok."

"Hindi ka pumasok pero nandito ka? Magkasama kayong natulog sa iisang kuwarto?
Alright. Let's talk. Halika sa kuwarto mo."

"Pero ate-..?"

"No buts." Binalingan niya si Thorin. "You are the guy here Thorin. Dapat alam mo
ang tama."

"It's not what you think Laureen." Paliwanag ni Thorin. Ako naman hinila na ni ate.
Bago kami makalabas binalingan niya ang kaniyang asawa.

"Pagsabihan mo iyang kapatid mo. Hindi ako papayag na maaga silang makabuo ng
pamilya. She's still young. And...please like I said, give me space."

Kinaladkad ako ni ate matapos ang kaniyang binitawang salita kay August. Dinig ko
pang nagtanong si Thorin kay August bago kami tuluyang makalabas. "What happened to
her?"

Yeah. What happened? Bakit nagkakaganito bigla si ate? Naguguluhan man hinayaan ko
ang aking sarili na hilahin ni ate hanggang makapasok kami sa room ko.
Sinalubong niya ako nang matunog na sampal.

"Para saan iyon?!" Asik ko habang hawak ang pisngi kong nasaktan. I was suddenly
furious by her action. Ano bang nangyayari sa ate ko?! It doesn't explain by that
scene na nakita niya kaming magkatabi ni Thorin sa kama. Napakaimposible namang
nagkakaganito siya nang dahil lang doon. Ano iyon?!

***

2 updates! Enjoy!

***

"Don't be stupid Lorraine!"

"Seriously? Ano bang nangyayari sayo? This is crazy."

"Ikaw! Anong nangyayari sayo?! Bakit kailangan mo pang gawin iyon? Why did you two
slept together? Nababaliw ka na ba? Anong pumasok sa isip mo at nagawa mo iyon?"

Matindi ang galit na nakikita ko sa mata ni ate. She is very furious. Kung dahil
lang sa ginawa ko, bakit parang may hindi tama? Ganon pa man pinilit kong kumalma
kahit nasaktan ako sa sampal niya sa akin. Huminga ako ng malalim at pilit
tinimbang ang nangyayari.

"I already explain di ba? Masama ang pakiramdam ko kagabi. I don't want to disturb
you kaya pinuntahan ko na lang si Thorin. Wala kaming ginawa okay? Wala siyang
ginawa sa akin kung iyon ang iniisip mo. Don't be pathetic ate."

"Masama ang pakiramdam? Then you should knock our rooms door. Don't forget that he
is a man. Dapat sa akin ka muna pumunta bago sa kaniya. Naisip mo ba kung anong
iisipin ko kapag nakita kitang natutulog sa kuwarto niya? Ha? Lorraine?"

"Wait... why are you acting like this ate? Bakit ba galit na galit ka?! I already
told you na wala ngang nangyari. At saka ikaw pa nga itong nagtulak sa akin sa
kaniya dati. You even support my feelings for him. Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Natigilan si ate at bumuga ng napakalalim na hininga. She closed her eyes saka
dumilat. Nameywang siya at ginulo ang kaniyang buhok. Para bang bigla siyang
nahimasmasan o nabuhusan ng malamig na tubig. Saglit pa siyang natitigilan bago
ulit ako binalingan.

"I don't want this to happen again Lorraine. I'm just worried 'bout what I saw. Oo
tama ka... I've supported you two. Pero huwag mong asahang kukunsuntihin ko ang
pagsasama niyo sa iisang kuwarto sa loob ng isang gabi. That was unethical... I'm
sorry."
Napansin kong nanubig ang kaniyang mga mata. Lumapit ako kay ate at humingang
malalim. So that means nadala lang siya nang kaniyang emosyon. But still, I was
curious. Parang may iba. Sigurado akong may kinalaman dito si August. Batay kasi sa
narinig ko kanina bago kami lumabas ng room ni Thorin, may alitan silang mag-asawa.
And this sudden madness? Alam kong dulot lang iyon ng kaniyang problema.

Madali para sa akin na mabasa nang ganito si ate Laureen. We are only two who's
been together all the time. Kami na ang nagkasama simula pa lang maliit kami kaya
basang basa ko na kung anong nararamdaman niya.

Bilang respeto din, hindi na ako nagtangkang magtanong ukol sa hinala ko. Pinunasan
ko ang luhang unang pumatak sa kaniyang mukha saka siya niyakap.

"I'm sorry din ate. Hindi ko na ulit gagawin iyon. Naiintindihan kita."

"M-masakit ba ang sampal ko?" Aniya na medyo nahihiyang hinawakan ang kaliwang
pisngi ko. Pakiramdam ko nga namula nga talaga ang mukha ko.

Ngumiti ako. "Ikaw kaya sampalin ko para malaman mo?"

"No thanks." Pagsusungit niya. Natawa naman ako. She smiled also.

"Aray." Daing ko nang maramdamang sumasakit na naman ang tiyan ko. Automatically
napahawak ako dito.

Nag-aalalang hinawakan ako sa balikat ni ate. "W-what? Anong nangyayari? Are you
okay?"

"I'm not. Bumabalik ang sakit."

"Alright. Maupo ka muna." Inalalayan niya ako hanggang sa ako'y makaupo. "Thorin!!"
Sigaw niya bigla. "Come here! Quick!"

Namimilipit na naman ako sa sakit! Parang nilalamukos ang sikmura ko. Arggghh! Si
ate naman natataranta sa harap ko habang hawak hawak ang magkabilang balikat ko.

"What happened?" Bumukas ang pinto at humahangos na dinaluhan ako ni Thorin.

"Anong nangyari?" Suhog din ni August na kasunod lang din ni Thorin.

Tiningala ko si Thorin at naiiyak na tiningnan siya. "Bumalik ang sakit." Daing ko.

"Take her to the hospital Thorin!" Ani ate Laureen na halos magmakaawa na. I was
feeling like my stomach is gonna melt. Hindi ko na kaya! Napakapit ako sa braso ni
Thorin na yumakap agad sa akin.

"Dadalhin na kita." Aniya saka mabilis akong binuhat like a bride.

Dali-dali akong nangunyapit sa kaniyang leeg habang dumadaing. He moved fast.


Mabilis kaming nakalabas ng bahay habang si ate at August nakasunod lang sa amin.
Ipinasok niya ako sa passenger seat. Bago siya pumasok ay kinausap niya muna si ate
na siya na ang bahala sa akin.

Ate were so worried. Parang kanina lang galit na galit siya, pero ngayon kung
makapagreact siya, para akong nabaril at mauubusan na ng dugo. She even cried.

Inikot ni Thorin ng driver seat at mabilis na pinasibad ang kotse.

"Sshhhh... honey it's okay. Walang mangyayaring masama."


"Ang sakit." Daing ko. Bakit kasi nagkaganito ako? I didn't understand na ganito
pala ang epekto ng pagpapalipas at hindi pagkain sa tamang oras. Kung alam ko lang
sana pagpatak palang ng unang minuto ng pagkain, cinareer ko na! Huhu. Ayoko na!
Sobrang tindi ng parusa!

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Hindi ka pa manganganak honey. Hindi
ba?" Aniya.

"Baliw! Mukha ba akong manganganak? Ugh!"

Natawa siya. "Baby, hintayin mo munang makarating tayo sa hospital ah. Hindi pa
kaya ni mommy eh."

"Sinabi ngang hindi!" Sigaw ko sa kaniya. Tsk! At nagagawa pa akong biruin ng


walanghiya?!

"Honey naman... binbiro ka lang eh. Para ka kasing manganganak kung makadaing."

"Eh sa masakit eh! Ikaw kaya makaramdam?!"

"Tsk... hindi ako kasing tigas ng ulo mo. Kaya hindi ako makakaramdam ng ganyan."

"Oh eh di ikaw na."

Humalakhak siya. "Pikon... Tiisin mo muna. Malapit na tayo."

Hindi na ako sumagot at napapapikit na lang sa nararamdamang sakit. Para rin akong
napahiya sa sinabi niyang mukha akong manganganak sa kakadaing ko kaya tiniis at
sinarili ko na lang ang sakit. Napapakagat labi na lang ako at dinidiinan ang
pagkakahawak sa kamay ni Thorin. He focused on the road hanggang makarating kami sa
private hospital ilang street mula sa subdivision ng bahay.

Nang makatigil ang kotse sa parking space, bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan.
Natigil ang sakit nang hindi ko inaasahan.

"Oh? What are you feeling now?" Binalingan ako ni Thorin. Nilingon ko siya nang
bahagyang nangingiti.

"Bakit?" Dagdag tanong niya.

"Eh.... n-nawala na ang sakit eh."

Napahampas siya sa manibela at natatawang pinisil ang mukha ko. Sinigawan ko siya.

"Ang sakit huh."

"Ano? Bumalik ang sakit?"

"Ewan ko sayo!"

Humalakhak siya. "Tsk... abnormal na ang tiyan mo... halika na at baka bumalik ang
sakit. Hindi tayo puwedeng magpakasiguro."

Umo-o ako at nagpasyang lumabas na ng kotse. Tumungo kami sa doktor na magsusuri sa


sakit na nararamdaman ko simula pa kagabi. She's a woman. Napakalapad agad ng ngiti
niya nang makaharap kami ni Thorin. Hindi ko na naiwasang umirap. Tss! Palibhasa
may kabataan ang doktorang ito kaya ganito makangiti. Siya daw si Dr. Felice
Sondival. Ayon sa plate sa mesa niya. Eh ano ngayon? Ugh. Naiirita ako.
Hinawakan ko ang kamay ni Thorin. Sinikap kong makikita niya ang ginawa ko, nagulat
man si Thorin pero hindi niya pinahalata. Ngumisi siya at nagtanong na sa doktora.
Maraming chechebureche ang naganap hanggang mapatunayang...positive ako sa Ulcer.
Naman!

"I said so." Wika ni Thorin pagkalabas ng tanggapan ng doktora.

"Godness. Bakit pa?"

"So from now on, follow my orders. Huwag nang patitigasin masyado ang ulo. You
better take care of your health. Huwag pabaya."

"Oo na po, sir..." Hindi ako ngumingiting tumingin sa kaniya. Itinaas ko na lang
ang kilay ko habang nakasunod sa kaniya sa likod, naglalakad sa hallway palabas ng
hospital.

"Sir! Hi sir!"

Natabingi ang bibig ko na para akong piningot. Waahh! Classmate ko!

Bigla akong nagtago sa poste na nadaanan ko. Mabuti na lang at nagpahuli huli pa
ako sa kaniya nang kaonti dahil sa tumatakbo sa isip ko ang pagiging positive sa
akin ng ulcer. At isa pa, ang inis na bumalot din sa akin kanina doon sa flirt na
doktora na iyon. Paano ba naman kasi akala mo bida sa pang aakit na show, all eyes
kay Thorin habang papungay-pungay pa! Dagdag badtrip!

Nabigla si Thorin sa pagsulpot sa kaniyang gilid ng studyante niya. Pasilip silip


lang ako habang si Thorin palingon-lingon sa gawi ko. Sinenyasan ko na lang siya na
okay lang ako.

"Hey." Aniya kay Veronica. Ang isang fan din ni Thorin na classmate ko. She's just
somewhat...flirt? Iyon ang alam ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Ngiting-ngiting sabi ni Veronica.

"Just...having a check up."

"Po? May sakit po kayo?" Nagugulat nitong sabi.

"A-ah... yes. Ah no! No... actually binisita ko lang ang isa kong kaibigan dito.
He's a doctor."

Tumango-tango si Veronica at lumingon-lingon sa paligid. "Eh sino pong kasama


niyo?"

"You have many questions iha." Puna ni Thorin. Dahilan para mapahiya si Veronica.

"A-ah. Sorry po. Ako naman nandito dahil naospital ang kapatid ko."

"Oh...okay. Hope she will get well."

"Ah, lalaki po siya."

"Oh...okay."
Hindi ko makita ang reactions ni Veronica dahil natatakpan ng kaonti ni Thorin ang
mukha niya. Naiiling- iling ako. Sa dami ba naman ng lugar, dito pa talaga kami
magkikita? Sabagay mayayaman nga pala sila at may kalapitan ang hospital na ito.
Bakit hindi ko iyon naisip?

"Lorraine! Hoy!" Halos napatalon ako sa gulat nang may tumawag naman sa likod ko.
Mabilis ko siyang nilingon. Ay sila pala! Dahil nasa lima yata sila!

Patay ka Lorraine. Ugh.!

"Ikaw nga!" Anila.

Tipid akong ngumiti. Pilit na pilit. "O-oy. Kayo pala."

Lumapit sa akin ang class president namin na si Wella. "Anong ginagawa mo dito?"
Nakangiti niyang sabi. Sinabayan din ng tanong ng iba pa niyang kasama na classmate
din namin.

"Oy. Nandito na pala kayo! Kanina pa ba kayo? And...wow Lorraine. Sumama ka din?"
Lumapit sa amin si Veronica. Ako naman hindi na malaman ang gagawin. Bwisit na
umaga.

"A-ah.. ano."

"Siya nga pala guys, nandito si sir Olivar. Sir! " nilingon niya si Thorin. Kunwari
ako natatahimik lang, nagugulat din sa biglaang pagkikita-kita namin. Ang lima na
magkakasama ay nakasuot pa nang uniform habang si Veronica at ako ay hindi.
Civilian lang. Maaaring nanggaling pa silang school bago pumunta dito. Nang ganito
kaaga?

"Sir!!" Bati nilang lima.

Tipid na ngumiti si Thorin."Hi. Nandito kayo?"

"Bibisitahin po namin kapatid ni Veron. Hindi po kasi siya pumapasok simula pa


kahapon dahil sa nangyari sa kapatid niya." Sagot naman ng isa.

Tumango-tango si Thorin at casual lang na pinagmamasdan kaming lahat. Kabilang na


ako. He's acting as if ngayon niya lang din ako nakita dito. Magaling!

"Bakit po hindi kayo pumasok sir?" Tanong uli ng isa.

"Just visiting someone. Hindi na kasi kami nagkikita. I already filed my leave kaya
hindi ako pumasok."

Sabay sabay na nag ahh ang mga classmate ko. Binalingan ako ni Veronica.

"Eh ikaw Lorraine? Bakit hindi ka pumasok? Hindi ka naka-uniform?"

"Oo nga! " dagdag pa ni Wella. Pare pareho tuloy napatutok ang tingin nila lahat sa
akin.

Sinikap kong umakto ng maayos. Lumunok ako ng laway saka tipid na ngumiti.
"Nagpacheck up. Hindi maganda pakiramdam ko kaninang umaga. Kaya hindi ako
nakapasok."

Tumango lahat sila. Kahit si Thorin kunwari ring tumango-tango. Ako lang yata ang
nakapansin dahil nakita ko ring tumaas ang kaniyang labi, nangingiti. Tss. Pasimple
akong umirap dahil doon.

"Kami naman nagkataong wala ang first at second subject dahil wala din si sir
Olivar. Kaya naman sinamantala namin ang pagkakataong makabisita sa kapatid mo
Veronica." Ani Wella.

"Anong sakit ng kapatid mo?" I decided na umaktong curious. Hindi ko ipapahalatang


nababahala ako sa biglaaang pagtatagpo-tagpo na ito.

"Inoperahan sa gall bladder. Nagkaroon ng gall stones kaya mananatili pa siya ng


ilang araw para maobserbahan."

"Hindi ba tinatanggal na ang gall bladder kapag ganon?" Tanong ng isa.

"Oo. Nakita ko nga eh. So many yellowish things na nakakadiri. Eww!"

"Arte mo. Haha. Tara na nga. Excited na akong makita si Vincent. Naku, namiss ko
yon."

Nagkayayaan nang umakyat patungo sa kuwarto ang anim. Niyaya nila ako pero tumanggi
ako. Idinahilan kong kailangan ko nang makauwi para makapagpahinga at makainom ng
gamot na inireseta sa akin kanina, which is true, at pati rin si Thorin ngunit
tulad ko ay tumanggi din siya.

Nagtataka man pumayag na lang ang anim. Sabay-sabay na silang humakbang paalis.
Nakakailang hakbang palang sila habang nagtatawanan nang may tumawag sa pangalan ni
Thorin. Namutla yata ako dahil nasa gilid ko pa din si Thorin.

"Mr. Olivar! May naiwan po kayo sa tanggapan ni Doktora. Iyong gamit po ni Ms.
Lorraine!" Madaling madaling lumapit sa amin ang assistant kanina ni Doktora.
Inabot niya kay Thorin ang isang paper bag.

Napabuga ako ng hangin. The hell!?

"A-ahh." Hindi makapagsalitang turan ni Thorin.

Pero mas namutla yata ako nang mapansing hindi pa pala ganap na nakakaalis ang
anim. They werw both looking at us, nanlalaki ang mga mata at napapanganga.

Holy shit!!!

****

54321!!!

Tahaha! Yikes! Nabuo lang na ideya sa isip ko. Ayos ba? Vote and comment.

Pafollow din po, follow back ko kayo. Thanks!!

Another UD...
Ayan nakatatlo na ako. Haha. See you next update.

Enjoy! <(=^_~=)>
♥♥♥♡♡♡

***

"Katapusan na ba?" Tanging naibulong ko sa sarili ko.

"Dapat ho hindi kayo nag-iiwan ng gamit maam." Ngali-ngali kong masigawan ang
assistant ng doktora na ito. Ano ba?! Damn. Pahamak! So ano na ngayon? Buko na kami
ni Thorin ng anim na ito na kami ang magkasama rito. Sabunutan ko kaya ang kalbo na
to?!

"Hindi akin yan." Madiin kong sabi. Pinandidilatan ang pasaway na assistant. Si
Thorin naman parang wala lang samantalang nakita niya na rin ang anim na nagmamasid
sa amin, nagbubulungan kapag hinihingi ng pagkakataon. Ugh. Why he is not a
reacting? Samantalang ako ito, hindi na yata alam ang gagawin. The hell talaga!

"Hindi ba sa inyo ito?"

"Hindi nga." Pagdidiin ko muli.

"Yeah. Hindi sa kaniya iyan. Baka sa isang patient. Nakita ko siyang lumabas doon.
Habulin mo na." Ani Thorin.

"Ah ganon ba? Pasenya na ho." Mabilis itong tumakbo palabas para mahabol ang may-
ari ng paper bag.

Kainis! Nang dahil sa napagkamalan lang akong may-ari, napipintong mabuko pa kung
anong meron kami ni Thorin. Just how I'm lucky di ba? Heck! Sarap sipain papuntang
Venus. Maiba naman, wag lang laging pluto.

Manghang lumapit ang anim. Si Veronica kakaiba ang tingin, si Wella naman just
unbelieving, at ang apat nagtitinginan lang.

"You are together Lorraine? Magkasama kayo ni sir?" Interrogating na tanong ni


Veronica.

Napasinghap ako. "A-ano. H-hindi ah. Nagpapatawa ka ba?" Kunwaring natawa ako. Ang
peke ko!

"Oo kasama ko siya, actually." Seryosong sabi ni Thorin.

Napawi bigla ang ngiti ko at natabingi ang bibig ko. Ay palpak! Nabuko na nga!

"Talaga? Bakit hindi niyo sinabi sa amin kanina?" Tanong ni Wella.

Sumang-ayon ang lima. Tss. Ewan ko ba pero nababahala na naman ako. Ang buong akala
ko makakahinga na ako ng maluwag nang tumalikod na sila. Ugh. Hindi pa pala.

"Do I need to say to you, students? Hindi kayo nagtanong. So hindi ko sinabi.
That's simple. Enough questions. Nagkasama lang kami dahil kaibigan ko ang doktora
na kumonsulta sa kaniya. Now, go. Papasok pa kayo mamaya hindi ba?"

Ayan. Gumana ang pagiging prof. Sana kanina niya pa ginamit hindi ba? Tsk.
Nagdiwang ang kalooban ko dahil doon, nalusutan niya.

Napahiya ang apat at napayuko. Narinig ko pang bumulong ang isa sa katabi niya.
"Ang sungit." Sumang-ayon naman ang binulungan. Ay naku ewan ko sa inyo, pafeeling
close kasi kayo eh kilala niyo naman kung sino ang kausap niyo.

"Sige po sir. Pasensya na po. " ani Veronica.

Ganoon din si Wella at ang iba pa. Sabay sabay na silang lumayas para bisitahin ang
dapat bisitahin. Oo lumayas talaga, okay kaya yon. Mas maganda pakinggan.

***

"Kaibigan mo nga ba talaga ang doktora na iyon?" Tanong ko pagkarating sa kaniyang


sasakyan. Kakaalis lang namin sa hospital nang magtanong ako.

Nilingon niya ako. "Naniwala ka?"

"Tss...so hindi totoo?"

Tumango siya habang nangingiti. "Oo.. nakita mong nginitian ko ang doktora mo?"

"Malay ko."

"Ang sungit ng honey ko ah. Halika ka nga dito." Hinila niya ang katawan ko padikit
sa kaniya.

"Tsk."

Hinayaan ko na lang siyang akbayan ako. Napadikit tuloy ako sa katawan niya. That's
why I can't help but to smile. Natutuwa hindi dahil sa nangyari kanina kundi dahil
sa lapit namin sa isa't isa. Naramdaman ko ring nakangisi siya habang ang isang
kamay ay nakahawak sa manibela.

Ang nararamdaman kong sakit kanina ay hindi muling bumalik simula pa nang dumating
kami sa hospital. Niresetahan lang ako at binigyan ng extrang gamot para sa
pananakit. Pain killers. Para kung sakaling mananakit daw eh may pangremedyo. Tsk.
Hindi ko na naman naiwasang maalala ang mukha ng doktorang iyon kanina, she is
beautiful, I must admit.. pero hindi ako natuwa sa lantaran niyang pagpapakita ng
paghanga kay Thorin. I mean, oo..guwapo at matikas si Thorin, pero ang halos
asikasuhin niya na yata kanina ay si Thorin at hindi ako. Nakakapang-init kaya ng
ulo. Dagdagan pa ng mga nangyari kasunod non. Ugh. Hindi ko alam pero nakakaselos.
Hirap ng may boyfriend na hindi lang guwapo... sobrang guwapo. Hindi makatarungan!

"How's check up?" Salubong sa amin ni ate Laureen pagkapasok pa lang namin ng
pinto.

"Hindi ka pumasok?" Tanong ko saka dirediretsong naglakad patungo sa couch.

Sumunod sa akin si ate samantalang si Thorin umupo sa kabilang upuan, pinapanood


ang pag-uusap namin. August is not around. Tila mas lalo yatang lumalaki ang hinala
ko.

"Hindi ko kaya...so, what now? Anong resulta?"

"She has ulcer." Ani Thorin, nakadekuwatrong nakapangalumbaba.

Gulat na tiningnan ako ni ate. Napairap na naman tuloy ako. She is over reacting,
well...maybe like me. Magdugo nga. Tsk.
"Ulcer?! Paano ka nagkaroon ng ganyan?"

"Ate naman. Hindi ko naman ito ginusto, okay?"

"Pero hindi ka umiwas." Pinitik niya ang ulo ko kaya napalayo ako. Umaray ako pero
tuloy lang siya panenermon. "Ayan...kung nabubuhay pa sina mommy at daddy
paniguradong nalagot ka na doon. Paminsan minsan pakuluan mo yang utak mo para
lumambot-lambot."

"Puwede ba ate. I'm not a pig. Pakuluan ka diyan."

"Ayan sige sumagot ka pa. You're not taking care of your self! Ayan ang napapala ng
katigasan ng ulo ang pinapairal. Hindi naman tayo mahirap para magtiis ka ng gutom.
I'm not working for both of us para gutumin mo lang ang sarili mo."

Sinulyapan ko si Thorin na nangingiti habang pasimpleng tinatakpan ang kaniyang


bibig. He's surpressing his laugh! Ugh! Napanguso ako at pinandilatan siya. Kainis
huh. May gana na naman siyang pagtawanan ako. Walang hiyang to.

"Okay fine ate. Magpapakulo na ako para lumambot." Nagcross arms pa ako at
nakasimangot na tinitingnan tingnan si Thorin.

"I don't know what to do with you anymore Lorraine. You're answering out of the
main meaning of that thing. Seryoso, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Please,
be obedient. Sundin mo ang mga sinasabi ko okay? It's not for me, it's for you.
Sagutin kita kapag may masamang mangyari sayo. Tayong dalawa na lang ang
magkapamilya kaya sundin mo ako. From now on, eat your food on time. Do not skip.
Kung nakita mo lang kung gaano ka mamilipit kanina, walang taong nagmamahal sayo
ang hindi mag-aalala." Mahabang litanya ni ate.

Suddenly, my heart was overwhelmed. Maging si Thorin tumatango. He agreed. Hindi ko


naman talaga ginusto na magkaganito, and I know na mali nga talaga ako. Hindi ko
alam, baka dahil nasanay na lang ako na kakain kung kailan ko gusto. I didn't know
na ganito pala kalala ang magkaroon ng sakit na ito. Kaya as a lesson, okay susunod
na ako sa kung anong sasabihin nila.

I smiled sincerely to my sister. She is almost begging na sundin ko siya.

"Okay... I know pinag-alala kita, kaya I'm sorry. Susunod na po ako, kamahalan."

"Right. Ikaw Thorin, huwag na huwag mo pababayaan ang kapatid ko. Huwag kang gumaya
sa kapatid mo, he is a worthless husband. Be responsible to Lorraine."

"Yeah, of course. I will." Aniya.

"Kung makapagbilin naman... bakit ano bang nangyari sa inyong dalawa ni August?
Worthless agad?" Sabi ko.

"He is! Lintik na lalaking iyon. He cheated on me. I even saw him!"

"Oh ang puso mo. Ang puso mo...huwag high blood agad okay?" Natatawa tuloy ako. Si
ate naghahyperventilate bigla.

"Lorraine, that's a serious problem." Saway sa akin ni Thorin.

"Eh nagagalit eh. Ate, baka naman mali ka lang ng akala. Don't be judgemental."

"Judgemental? Nahuli ko siya, nasa kandungan niya ang babae niya. Do you think
hindi ako magiging judgemental?!"

"Saan mo ba nakita?"

"His office. That...maniac." napapapikit pa si ate sa inis habang nagkukuwento.

Napasinghap ako. "Nag-usap na ba kayo ng masinsinan?"

"I'm avoiding him simula pa kaninang umaga."

"Wait...did you see them kissing?"

"No..."

"Then let him explain. Hindi naman pala naghahalikan eh. Hear him ate. Malay mo
hindi totoo iyon. If he is determined to explain and clear himself to you, maybe he
is guilt free. "

"Madali para sayo ang sabihin ang ganyan Lorraine...pero kapag ikaw nahuli mo rin
si Thorin na ganon ang ginagawa, hindi mo masasabi kung anong mararamdaman mo."

"W-whoa!" Nagreact ang isa. "Hey. Offensive yan ah. I'm here."

Napailing-iling ako. "Kilala ko ang likaw ng bituka niyan. Tapat yan sa akin."

Nagthumbs-up si Thorin dahil doon. Natuwa sa isinagot ko kaya ayon, nagdiriwang sa


pagkakangiti. I'm serious. Wala sa pagkatao niya na pagtaksilan ako, sobrang laki
na ng tiwala ko sa kaniya. Hindi niya gagawin iyon.

"Iyan din ang akala ko kay August. But, look. He cheated on me. Huwag ka
pakasisiguro."

"Ate, magkakaiba ang pag-uugali at ikinikilos ng mga tao. Kahit magkadugo, magkaiba
pa rin sila. Alam ko ang sinasabi mo, and I understand you. Hindi naman kasi sa
lahat ng pagkakataon, kung anong nagawa ng isa, ganoon din sa isa pa."

Biglang tumabi sa akin si Thorin at inakbayan ako. "She's right. Just let my
brother explain, saka mo siya hatulan. And I promise, hinding hindi ko lolokohin
ang kapatid mo. Mahal na mahal ko yata to." Aniya kay ate na pinangigilan pa pati
ilong ko.

"Asus!" Sabi ko nang nangingiti.

"Well okay..." ngumiti si ate saka tumayo. "I hope that strong bond between you two
will last longer. Or maybe forever...Nakakainggit kayo ha. Ang tibay ng tiwala niyo
sa isa't isa. Sana pagdating ng pagsubok sa relasyon niyo, matatag pa rin kayo.
Okay! Enough for the speech! Ikaw iha, " natawa ako bigla. "Inumin mo ang gamot mo
pagkatapos mong kumain. You're not yet eating rice today. Beauty rest muna ako,
masyado akong nastress ngayong araw. Goodbye!"

As she walks towards the door nagulat na lang ako nang bigla akong itulak ni Thorin
pahiga sa couch, mabuti na lang wala akong sakit sa puso!

"Oy! Anong ginawa mo?" Tili ko.

Humahalakhak at tuwang tuwa siyang dumagan sa katawan ko. Seriuosly?!

He kissed me a second tsaka masayang tumingin sa mukha ko. Sobrang magkalapit na


naman ang mukha namin, halos hindi ako makahinga sa pagtahip ng dibdib ko. Ayst.
Stupid heart, ang bilis bilis na naman. Diyos ko.

"Nasasanay ka na ah." Sita ko.

"Okay lang, hindi naman ipinagbabawal. So your trusting me that much huh."

"Pinagsasabi mo." Kunwaring seryoso na sabi ko, but that truth is, nagpipigil na
lang ako ng ngiti.

"Oh come on! Sinabi mo pa lang iyon sa ate mo. Don't tell me, nakalimutan mo na
agad?"

Unti-unting sumilay sa pisngi ko ang kinikilig na ngiti. Ugh! I can't help it!
Masyadong nakakadala ang ginagawa niya sa sistema ko!

Ngumisi siya ng todo. "What? Bakit ganyan ngiti mo?"

"Wala."

Napakamot siya sa ulo. So cute yet handsome! Pinisil ko ang matangos niyang ilong
at inangat ang sarili para makanakaw ng halik. Napangisi ako ng sobra pagkatapos
niyon. Well, he is stunned for a moment pero mabilis din nakabawi.

"Pilya ka ha." Aniya saka kinilit ako ng kiniliti. Ako naman humahagalpak na ng
tawa habang pilit na sinusuway ang mga kamay niyang pilit na kumikiliti sa
tagiliran ko. Mamatay na ata ako sa tawa!

"A-ahh... Thorin that's enough! A-ayoko na. Haha."

"Ikaw. May pambibitin ka pang nalalaman. Tingnan natin ngayon ang tibay mo."

Hindi niya pa rin ako tinigilan hanggang sa magwarning na ako na baka bumalik ang
sakit ng tiyan ko. He stopped pero siniil niya naman ako ng halik. Naaadik na yata
ang lalaking ito eh.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang patuloy niya akong hinahalikan. I
never known before na masarap ang ganitong halik. Not being gross pero ganon talaga
ang pakiramdam ko. While he is kissing me, napapangiti siya. Maging ako.

I never thought also na puwede kong madescribe mismo ang isang halik na kasing
tamis ng strawberry or jam or kahit anong matamis na pagkain. Kapag si Thorin kasi
ang nagbigay, wala yatang kapantay.

"Harujusko!" Biglaan kaming napahiwalay nang marinig ang tinig na iyon. Napaupo
kami pareho.

"M-manang. ." Nahihiya kong sabi nang makita si Manang Lourdes na napasign of the
cross pa habang nakatagilid sa amin. Nanginig-nginig ang matanda!

"I'm sorry po." Hinging paumanhin ko.

"Doon nga kayo sa taas mga bata kayo! At ako'y magpapalinis rine. Diyos ko
barbaridad santisima purisima..."

Natawa tawa kami ni Thorin at tumayo. "Kakain pa po kami manang. Ano pong niluto
niyo?"

"Ay abaw! Sige! Dumoon kayo sa kusina at may inihanda akong pagkain."
Natatawa tawa pa ako ulit na naglakad sa kusina. Bigla nakaramdam tuloy ako ng
gutom sa nakitang nakahanda sa hapag. Napahawak ako bigla sa tumunog kong tiyan.

Humalakhak ng pagkalakas lakas si Thorin. Hindi ko siya pinansin at dumulog na sa


mesa.

"Amen." Sabi ko pagkatapos magdasal. Si Thorin naman nangingiti na pinanonood lang


ako. Pinaupo ko siya at sabay na kami kumain.

Uminom din ako ng gamot pagkatapos. It's nice to be happy. :)

♥♥♥♥
Sa mga sumunod na oras matapos akong isugod sa hospital dahil sa pag-atake ng ulcer
ko, ang tangi ko na lang siguro ginawa ay magkulong sa kuwarto, kasama si Thorin.
Hindi niya ako pinabayaan, lagi lang siya nasa tabi ko. Kung lalabas man siya ng
kuwarto ko, para lang kumuha ng pagkain o ang magpunta sa kaniyang kuwarto kapag
may kailangan siyang kunin. Katulad na lang ng pagkuha ng kaniyang mga gamit sa
pagligo, nagulat ako nang pagbukas niya ng pintuan ay may nakasabit na sa balikat
niyang tuwalya at damit.

Napasigaw ako dahil doon. "Thorin! Ano bang ginagawa mo?"

"What?" Maang niyang sabi saka dire-diretsong tumungo ng banyo. Napailing-iling ako
habang nagbabasa ng libro. Wala ba siyang cr sa kaniyang kuwarto at dito niya pa
naisipang maligo? Ano ba naman?

Maya maya bigla siyang nagpakita uli pagkalipas ng sandali, nakangising sumilip ng
pinto.

"Hon, pahiram muna ng shower gel mo ah."

Napaalpas ako sa kama. "Oy huwag!"

Tatawa- tawa niyang mabilis na isinara ang pinto. Bago pa man ako makalapit naisara
niya na iyon. Kinalabog ko ang pinto.

"Don't you dare use that. Hoy! Ano ka ba, gamitin mo yung sayo."

Pasigaw siyang sumagot. "Nah... naubos na. Hindi pa ako nakakabili! And stop
knocking please! Baka hilahin kita papasok dito hindi ka na makawala!"

Ugh! Napatigil ako bigla dahil don. Jeez! Ang walang hiyang lalaking to.
Nakikigamit ng hindi kanya eh. Bumuga ako ng hangin at hinayaan na lang na doon
siya maligo.

"Alright. Huwag kang magkakalat diyan ha." Sumusukong sabi ko. Sumampa muli ako sa
kama at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Makalipas yata ang kinse minuto, lumabas na si Thorin. Sandaling hindi ko siya
pinansin at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Tumikhim siya kaya napaangat ako ng
tingin. Tiningnan ko lang siya sa loob ng isang segundo at ibinalik agad ang tingin
sa binabasa kong libro pero napaangat ako muli ng tingin nang marealize kung ano
ang nakita ko.

"You're drooling. Close that before I'll kiss you." He's smirking.

Hindi ko mapigilang mamula. Hayst! Hindi ko napansing napanganga na pala ako! Paano
ba naman, he is topless nang lumabas siya at tanging suot lang sa ibaba ay kaniyang
maong shorts na camouflage. Nakasabit lang sa kaniyang balikat ang kaniyang kulay
red shirt.

Isinuot niya ito habang ako hindi nakapagsalita. Habang nagbibihis siya kitang kita
ko ang pagflex ng kaniyang muscles sa kaniyang braso.

Sinadya niya! Sinadya niyang huwag munang isuot ang damit niya sa kaniyang paglabas
para idisplay sa akin ang katawan niya. I know that's it! Grabe talaga. Sa sariling
banyo ko na nga naligo, sa mismong harap ko pa nagbihis! Kebarbaridad! Ano to
display?

Lumapit siya sa akin at humalik na naman sa aking pisngi.

"Ito pala ang sekreto mo ah."

"What secret?" sabi ko na hindi tumitingin sa kaniya.

"This smell of yours that I used to love. Tuwang-tuwa ako kapag naaamoy ko ang
mabangong scent ng katawan mo."

"Tsk. Whatever Thorin. Tigilan mo nga ako. Hindi naman ako mabango, dala lang
siguro ng shower gel na iyan."

"Well ayos lang...at least magkaamoy na tayo."

Napangiwi ako na tumingin sa kaniya. "Ikaw talaga, mukha ka bang mabaho eh mas
mabango ka pa yata sa akin."

Ngumisi siya at dumikit pa sa akin. Tuluyan ko nang itiniklop ang librong binabasa
ko, wala na kasi akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya sa akin. BI siguro
itong si Thorin eh.

"Basta...so how's your feeling? Sumasakit pa ba?"

Umiling ako. "Hindi na sa ngayon. Sana huwag ko na munang maramdaman. Grabe ang
tindi ng parusa."

"Parusa iyan sa katigasan ng ulo mo. Lagi mong tatandaan na uminom ng gamot kapag
sumakit at kumain sa tamang oras."

"Oo na, oo na. Alam na alam ko na iyan." Tsk. Unli na lang ba talaga lagi? Oo alam
na alam ko na ang rule na iyan hindi na kailangang sabihin paulit-ulit,
nakakatuliglig sa tenga eh. Alam ko naman na dapat ko na talagang pairalin ang
pagiging masunurin, sadyang may mga panahon lang na wala akong gana. Yaan niyo sa
susunod pipilitin ko na ang sarili ko.

Nang sumunod pang mga oras ibinuhos ko pa ang pagbabasa at ang pakikipagkulitan kay
Thorin. Ewan ko ba sa lalaking ito at kahit ipagtabuyan ko na sa kuwarto ko hindi
niya naman ako maiwan. Bahala nga siya. Hinayaan ko na lang kahit kung ano-anong
ginagawa sa akin.

******

"C-Carol, puwede ba tayong mag-usap?" Hindi ko alam kung sinadya ba ng pagkakataon


pero tila si Carol pa ang mismong lumapit sa akin. Nandito ako ngayon sa comfort
room ng mga babae, naisip ko munang magpunta rito habang hindi pa dumarating ang
susunod naming prof, kinaumagahan ng Lunes. Nagulat na lang ako nang bigla siyang
lumabas sa pintuan. Papasok pa lang siya nang wala akong alinlangan nagsabi nang
matigilan siya pagkakita sa akin. Nagkataon namang kaming dalawa lang ang nandito
dahil nakabukas ang apat na cubicles ng cr.
Dumiretso siya nang lakad patungo sa harap ng salamin. Hindi siya nagsalita ng
kahit ano tungkol sa sinabi ko at tiningan ang kaniyang sarili doon. She touched
her face like she is looking for something. Kumunot ang noo ko, is she looking for
whiteheads or blackheads or anything? Natural na makinis at flawless ang kaniyang
mukha so anong hinahanap niya?

"Carol..." Ulit ko. I need to do this dahil ito na ang nakikita kong pagkakataon
para makausap siya tungkol sa pagkakalabuan naming dalawa. Matagal ko na kasi
talagang gusto ito, sakto namang nangyari ito.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita, still facing the mirror. "Tell me what you
want to say, makikinig ako."

Tumango ako at nagsimulang magsalita. "I"m really sorry. Sorry sa nagawa ko Carol.
Hindi ko sinasadya."

Huminga siya nang malalim kapagkuwan at hinarap ako. Hindi ko mabasa ang expression
sa mukha niya na parang may gusto siyang sabihin o naggalit-galitan lang. I really
don't know.

She crossed her arms at her chest and frowned her eyebrows towards me. HIndi ko na
namalayan ang nangyari hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang hapding dulot ng
kaniyang sampal sa pisngi ko. I was stunned a moment. At para saan ang sampal na
iyon?! Did I deserve to be slapped like that? Hindi ako makapaniwalang tumitig sa
mga mata niya na ngayon ay nagbabago ang expression, mula sa galit-galitan hanggang
sa unti-unting pagliwanag ng mga mata niya.

Ngumiti siya at sumandal sa sink. "Ngayon quits na tayo." She looked at me straight
in the eyes.

"Bakit mo ginawa iyon?" nanlalaki ang matang tanong ko. Ngumiti pa siya nang
napakasweet at bigla akong niyakap. What the hell? Bigla siyang nagbago sa loob ng
isang segundo at halos tuwang-tuwang niyakap ako. Hindi ako makapaniwala sa ginawa
niya! Kumalas siya at ngumiti sa akin ng isa sa nagustuhan kong mga ngiti niya. She
smiled at me naturally tulad ng mga nakikita kong ngiti niya noong ayos pa kaming
dalawa. Seriuosly? Ano bang nangyrai?

"I'm sorry sa sampal, Lorraine. Sabi ko kasi sa sarili ko, makaisang sampal lang
ako sa iyo- yung kahit isa lang na mararamdaman mo ang sakit-magiging okay na ako.
Babalik na ako sa dati. Tsk! HIndi ako makapaniwalang umabot pa tayo sa puntong
ito."

Maang ko siyang tiningnan. "Nakadrugs ka ba? Nag-away lang tayo, sinubukan mo na?"

Alam mo pang nakakinis? Tinawanan niya lang ako tulad ng ginagawa niya dati.
Nagugulantang ako sa biglaang pagbabalik niya sa dati. I was expecting that she
will turned into a bitchy mode, but she is not! She is no longer not dahil walang
kahit anong isang hint na may masama siyang ginagawa. Kung ano ang nakikita ko sa
kaniya noon, siyang-siya ito ngayon.

"I'm not okay? Hindi ka makapaniwala? Okay hindi kita masisisi. BUt this is me.
This is the truth. Hindi naman na talaga ako galit sayo."

"Totoo ba yan? Baka niloloko mo lang ako at pagkatapos nito ay galit ka nasa akin."

"You couldn't beleive me, don't you? Alright. So here's the truth. HIndi na talaga
ako galit sayo, I promised. Ang totoo niyan matagal na kitang napatawad sa
pagsisinungaling sa amin. Noong nagtalo tayo, aamini kong nagalit talaga ako pero
hindi pa man natatapos ang araw na iyon, narealize ko na hindi na ako dapat magalit
sayo dahil naisip ko ring ginawa mo lang iyon para hindi ako masktan. I know I've
acted like a child...An nga ba naman ang karapatan kong magalit kung crsuh ko lang
naman si Sir at hindi naman kami."

"And?"

"And...pinagsisisihan ko na ang pagiging kontrabida sa iyo noon ngayon."

"At ano pa?"

"Tsk. Lorraine maniwala ka naman... Pramis hindi na talaga ako galit at okay na
ako. Kung hindi ka makapaniwala handa akong patunayan iyon sayo. Bakit ko naman
kasi itatago at dadamdamin ng sobra ang sama ng loob sayo? I know that it was
wrong. Masama ang magtanim ng galit sa kapuwa Lorraine kaya hindi ko ginawa. Sayang
naman ang mga binigay na aral sa akin noon ng mga magulang ko kung sasayangin ko
lang hindi ba? Alam mo ba, paulit-ulit pa nilang sinasabi sa akin noon, huwag na
huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa iba dahil anumang itinatanim,
tumutubo...so napag-isip-isip kong itanim na lang sa isip ko ang aral na iyon imbes
na sama ng loob. So, now you know?"

Ilang sandalki akong hindi nagsalita. "I still...don"t?" sabi ko nangpipigil ng


ngiti.

"Come on Lorraine! Ang totoo pa nga niyan sinundan talaga kita dito para makausap.
Pinagtulakan pa nga ako ni Sheen diyan sa labas."

"hindi pa rin." Ngumiti na talaga ako pero hindi niya ata napapansing naniniwala na
ako at sumigaw siya na naiiinis.

Biglang sumilip si Sheen sa pinto, alang-alala. "Hoy! Bakit ka sumisigaw? Ano hindi
pa rin kayo okay? Ano ba naman magbati na nga kayo ako na nga nhihirapan sa away
niyo eh."

Ngumisi ako. "Actually, hindi pa. Sinampal niya pa nga ako eh oh." Ngumuso ako at
kunwaring nagsusumbong.

"Ano?!"

"OH eh ano ngayon? Kailangan kong gawin yun no. Pero..." ngumiti siya "Okay na
kami." Kumapit sa akin si Carol at inakbayan ako. Tumawa ako kaya natawa na rin si
Sheen.

"Mga adik kayo. Tara na at baka dumating na si Prof." Tumango kami. Bago kami
luamabas ni Carol dahil nauuna sa amin si Sheen, masaya niya akong sinabihang
namimiss niya na ako. Napangiti ako at masayang pumasok sa room.

Aaminin kong naging magaan ang pakiramdam ko dahil sa pagkakaayos namin ni Carol. I
was flattered that my misery comes to an end. Oo, misery para sa akin ang
pagkakalabuan namin, ayoko kasi ng mga nakakaaway ako lalo na kung aabot pa iyon ng
matagal.

Maging nang dumating ang lunch time ay naging mas masaya ang pakiramdam ko. Habang
naglalakad kami patungong cafeteria ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. I
missed them like this time na magkakasama kaming nag-lulunch. Nang makarating kami
sa cafeteria ay naghihintay na sa amin si Ace. He stand up as we reached the table.

"Ang aga mo ah." Bati ni Carol.


"Syempre, hindi na ako makapaghintay na makita ka eh..." aniya kay Carol sabay
sulyap at ngiti sa akin.

Umupo kami nang natatawa dahil nakatikim ng sapak si Ace mula kay Carol. "Ulol.
Huwag mo akong ginugoodtime."

"Alam mo ikaw, sadista ka talaga."

"Para sayo oo sadista talaga ako. Tigil-tigilan mo ako ah. Sasamain ka sa aking
lalaki ka." And she's really back. Ayan na naman po siya.

"Tsk." Naiiling na umupo muli si Ace. "Sa palagay ko normal ka na ulit. Nagagawa mo
na naman akong ganituhin. Lorraine awayin mo nga ulit para hindi ako naaaway...ang
tahimik nang mundo ko nang magkagalit kayong dalawa."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Noong nag-away kasi kayo, hindi yan masyadong nagsasalita kapag kumakain kami.
She's not paying attention even if how many times I tried to tease her."

Napangiti ako dahil don. Pinanlakihan naman ng mata ni Carol si Ace. Para talaga
silang aso't pusang hindi magkasundo at ang kaalamang natahimik at hindi magawang
makipagbiruan ni Carol sa kanila nang kami ay hindi nag-usap ng ilang araw ay
nagbigay sa damdamin ko nang kaunting kirot. Para kasing naisip kong ako ang
dahilan kung bakit nagbago rin siya bigla nang mga panahon na iyon.

Nag-order kami matapos pa ang kaunting kulitan. Nang paumpisa pa lang kami nang
pagkain ay nakisalo sa amin si Thorin. Alam niya nang maayos na kami ni Carol dahil
sa sobrang katuwaan ko kanina nagawa kong agad ibalita sa kaniya, sa text nga lang.

Masaya ang naging pagsasalo namin sa mesa. Nakakatuwang okay na kaming


magkakaibigan at maging ang pag-uusap nila ni Thorin ay magaan na. No pretentions
and no hassle. Oo kasi habang nag-uusap usap kami habang kumakain ay pinapanood ko
ang kilos ni Carol at Thorin. Civil sila sa isa't isa, nagagawa pa nga biru-biruin
ni Carol ang kaniyang prof. Hinahayaan na lang din ni Thorin at minsan pa'y
tumatawa. We even share about our relationship to Ace. He is okay with what
relationship we have. Hindi na siya nabigla sa balitang sinabi namin dahil sabi
naman niya ay hindi naman daw iyon nakakagulat. Alam niya nang may namamagitan sa
aming dalawa ni Thorin dahil matagal niya na kaming napapansin.

"Talaga? Paano?" Nagtatakang tanong ko. Sa pagkakaalala ko naman ay hindi ako


naging bulgar kapag nakikiupo sa amin si Thorin.

"Nakikita ko ang love vibes sa inyong dalawa."

Natawa si Carol. "Langya. Porke may bad vibes mayroon na ding love vibes?! Corny
mo."

"What? Totoo ang sinabi ko. Ang mga tinginan niyo, may laman. Kita naman eh."

"Bakit wala kang sinabi?" Tanong ko. Tiningnan ko si Thorin pero relax lang siyang
nakaupo. Napapailing na lang ako. Kakaiba din to eh, he can seat with us pero hindi
siya gaanong nagsasalita.

"Anong sasabihin ko? Na may alam ako? No...hahayaan ko na lang dahil unang una
naiintindihan ko. You know, I was open minded. Open ako sa mga ganyang bagay. I
mean, come on. This is the new generation. Expect the unexpected dahil sa panahon
natin, pati imposible nagiging posible. "
"So may alam kang ganyan?" Pambabara ni Carol. Natawa na lang kami nina Sheen.

"Of course...tanggap ko ang ganyang pangyayari sa ating lipunan."

"Whohoo! Ikaw na. Haha!" Tawa na naman ni Carol. Ang hilig talaga mang-asar ng
babaeng to. Hindi na siya nakahirit nang makitang hindi natawa si Ace. His face
turns serious.

He sighed. "I don't want to sound ruthless to those some people who are involved.
Pero hindi na nakakapanibago ang ganitong coincidence. Maraming tao na ang
nainvolved dito at alam na alam ko iyon. Mayroon kasi akong kakilala, she got
troubled on this teacher-student relationship na sa paningin ng tao ay masama. Kung
alam niyo lang, mayroon pang mga high school students na hindi lang nakakarelasyon
ng isang teacher, worst of all nabubuntis pa nila. Talamak na halos sa lipunan
natin ang ganyan ngayon kaya hindi na ako kokontra. Hindi ko sinasabing nakikiuso
kayo ha. I'm just saying na walang pinipiling tamaan ang pag-ibig, kahit bawal
ganoon talaga. It really happens."

"Seriously?" Tanong naman ni Sheen. Tumango-tango si Thorin at ako. Oo


naiintindihan ko, I've known also some people who are involved to that forbidden
love. Eh ang sa amin ba ni Thorin bawal talaga? Hindi ko rin minsan maintindihan
ang buhay eh, may mga pinagbabawal na bagay kahit wala ka namang ginagawang masama.
Wala ka namang pinapatay pero pinagbabawal. Wala ka namang sinasaktang tao nang
pisikalan pero pinagbabawal.

"Look... hindi ko kayo tinatakot o ano. Sir excuse me lang po sa pagbibida, but I
want to give you an advice. I'm sorry for saying this pero marami pa kayong
kakaharaping pagsubok. Kapag nakatagpo kayo nang mga taong mapangmata, mas
mahihirapan kayo. Maraming mapanghusgang mga tao ngayon hindi dahil may masama
kayong nagawa sa kanila, kundi dahil ayaw nila sa paningin nila ang ganoon. Alam ko
ang mga ganito dahil nakita ko mismo ang isa kong kaibigan na nakaranas ng lupit ng
mapanghusgang mata ng tao. She love someone, but in return all her love was turned
into a misery. She suffered."

"Who is she?" Tanong bigla ni Thorin.

"Oo nga. Bakit parang wala naman kaming alam o kilalang kaibigan mo na
nagkaganyan?" Sabi ni Carol na nakakunot ang noo.

"Hindi niyo kilala." Aniya.

"Baka gawa gawa mo lang yan."

"I don't force you to believe me. Ang sinasabi ko lang, kailangan kapag dumating
man ang panahon na mabunyag kayong dalawa, at kung nagmamahalan nga kayo ng totoo,
huwag kayong matakot na lumaban."

Sandaling hindi kami nakaimik. Ipinagpatuloy ni Ace ang kaniyang pagkain habang
kami pinapanood lang siya.

"Sabi ko na nga ba sinasapian yan eh. Kung ano ano ang sinasabi." Mahinang sabi ni
Carol.

"He's right Carol." Sabi ko.

"Hmm." Tumatangong sabi ni Thorin. "Yeah, he got a point. I don't know how did you
manage to say that to us pero tatandaan namin."

"No sir. Sinapian yan kaya niya nagawa."


"Anong sinapian? Totoo ang sinabi ko. Ang epal mo talaga kahit kailan." Tinampal ng
malapad na palad ni Ace ang mukha ni Carol. Natawa na lang kami saka ipinagpatuloy
ang naudlot na pagkain.

While I was chewing my food, my mind doesn't stop thinking about what Ace have
said. Posibleng dumating ang puntong mabunyag ang tungkol sa amin ni Thorin, una pa
lang alam na alam ko na iyon. Alam kong dapat ay hindi na talaga ako matakot kaya
paninindigan ko yun. Ano't ano man ang mangyari, we need to stay strong no matter
how.

♡♡♡♡♥♥♥

A/N: I'm sorry for the delay. Ang napakahirap na gawain ng isang writer dito sa
watty, yung pinaghirapan mong buuin sa utak mo yung kuwento, nagpakahirap ka sa
pagtype pero nang iuupdate mo na, bigla na lang mabubura!

Harujusko nakakainis kaya! Oh well! Sa mga inunang basahin ang mga sumunod kong
chapter pagkatapos nito, sana nagets niyo pa rin hahaha.

Thank you for the support. Please vote each chapter please. Pafollow na din. :)
-maine

♡♡♡♡♥♥♥♥♥♥♥

Hanggang sa pag-uwi ng bahay, dala-dala ko sa isip ko ang mga bagay-bagay tungkol


sa relasyon namin ni Thorin. Zero visibility na ang takot sa puso ko pero hindi ko
pa rin maiwasang mag-isip.

Kahit handa na akong matulog bumabagabag pa rin iyon sa isip ko. Paano nga kung
makatagpo kami ng mga taong mahihilig manghusga sa kaniyang kapwa dahil hindi
maganda sa paningin ang nakikita nila. Parang mahirap isipin, sana naman hindi.
Sumasagi rin sa isip ko ang natanggap kong text nung nakaraang araw. Paano kung may
masamang banta ang tao na iyon? Paano kung may gawin siyang hindi tama? Ugh.
Nasisiraan na yata ako ng bait. Kung ano ano na nasa isip ko.

Nakatulugan ko na lang sa gabi na iyon ang pag-iisip. Kinabukasan ginawa ko ang


daily routine at bumaba sa komedor para sa almusal. Naroon na silang tatlo, as
usual huli na naman ako. Tulad nang mga nakaraang araw may note ulit mula kay
Thorin sa aking plato, saying good morning.

Sinulyapan ko ang mag-asawa, hindi nag-uusap at nagpapansinan. Ako hindi pa


natatapos sa pagkain pero nagulat ako nang biglang tumayo si ate at nagpaalam na
papasok na sa trabaho. Napaaangat kami ng tingin ni Thorin pero si August tuloy
lang sa kaniyang dahan-dahang pagsubo. Nanatiling nakayuko. Nagkatinginan kami ni
Thorin pero pareho na lang din nagkibit-balikat.

"I'm also done. Bilinan niyo na lang si manang bago kayo umalis. Excuse me."
Mabilis na tumayo si August at umalis.
Napailing-iling ako nang kami na lang ni Thorin. Tiningnan ko siya. "I'm also
done." Seryosong sabi ko.

Siya naman na nagsisip ng coffee, natigilan nang sabihin ko iyon.

"What? Anong you're also done?" Kunot-noo niyang sabi.

"I'm done eating. Kinabahan ka ano? Haha. Tara na malelate na tayo."

"Ah, akala ko naman. Tsk. Sige." Tinapos niya ang pag-inom nang coffee at tumayo.
Tinawag niya si manang at pagkatapos ng ilang bilin ay umalis na.

Mabilis lang ang naging byahe at narating namin ang school. Hindi tulad ng dati,
sabay na kami ni Thorin bumaba ng kaniyang sasakyan pagkapark ng kaniyang kotse.
Naghiwalay na lang kami ng daan kaya mag-isa na lang ako ngayon naglalakad sa usual
kong daanan kapag pumapasok. He choose to go on the other stairs na mas malapit daw
sa faculty room. Medyo nagulat pa ako sa sumalubong sa akin at sumabay si Richmond
umakyat ng hagdan.

"Bakit?" Sabi ko saka nagtuloy ng lakad. Naramdaman kong sumunod siya. Umaakyat na
kami ngayon ng hagdan.

Hindi pa rin siya nagsalita kaya nilingon ko siya. Nasa bandang ibabang baitang ko
siya kaya hindi ako nahirapang pasimple lang lumingon.

"Tsk." Singhap ko.

"Mukhang masaya ka ah." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita nang nasa ikalawang
palapag na kami. May iilan ding sumasabay na student pero hindi ko na pinansin.

"So?" Pagsusungit ko.

"Nothing. Napansin ko lang.... I wonder, kailan kaya iyan tatagal?"

Natigilan ako sa paghakbang dahil doon pero nilagpasan niya na ako at dirediretsong
naglakad. Natuliro ako bigla, ewan ko ba kung bakit. Anong ibig sabihin ng sinabi
niya? Na may limitasyon ang mga kasiyahan ko? Kahit alam kong hindi ko na siya
dapat intindihin, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa sinabi niya. Huminga ako
nang malalim at nagpatuloy sa pagpanhik patungong classroom.

Hanggang sa magsimula ang klase, lutang pa rin ang pakiramdam ko. Hindi ko na nga
nabati sila Carol dahil sa parang nawala ako sa tamang huwisyo. Until class period
ni Thorin, nahirapan akong magconcentrate. Bakit ba masyado akong naapektuhan sa
sinabi ni Richmond? Ugh. Kinurap kurap ko ang mata ko at pinukpok pokpok ang ulo
para matauhan. Matapos iyon, nasulyapan ko si Thorin na nagtuturo sa harapan pero
taka at kunot ang noong tumitingin sa akin. Nagtataka kung bakit pinupokpok ko ang
ulo ko. Ayan, nakita niya ako sa kabaliwan ko! Umiling-iling ako para sabihing ayos
lang ako.

"Regarding about the project, don't hesitate to ask me questions. Nakahanda lang
ako para sa ibang tanong. That's all for today. Goodbye."

"Good bye sir!" Sabay sabay naming paalam. Napahinga ako ng malalim. Hindi na daw
namin kailangang magexam sa kaniya para sa mid term dahil binigyan niya na kami ng
special project. By group ang gawain at kagrupo ko sina Carol, sinadya niyang
ipagsama sama kami eh. Ewan ko sa kaniya. Kasama ang dalawa pa kaya limang miyembro
kada grupo. Iba ang grupo nina Veronica at Wella. Kalat kalat ang mga magkakaibigan
pero kaming tatlo hindi niya pinaghiwalay.
Inatasan niya kaming magkaroon ng documentation report. Magtatanong-tanong kami sa
iba't ibang tao. Ang napunta sa amin ay ang mga professional, interview tungkol sa
reactions nila sa nagbabagong generation sa panahon ngayon. Ang ibang grupo ay
pareho rin pero ibang uri ng tao. May mga mangangalakal, mga nagtitinda sa
palengke, nakatira sa estero, at ilang vendors sa pampublikong lugar tulad ng
Quiapo. Icoconfile ang mga video sa isang CD at ipapasa sa kaniya kasama ang ilang
reaction paper ng kada miyembro. Napailing-iling ako, kaya pala paeasy-easy ang
lalaking ito sa bahay dahil may balak na pala siyang ipagawa. Ang expected ko,
gumagawa dapat siya ng test at TOS pero wala. Hay naku.

Naisip ko ring kaya siguro nananahimik siya kahapon noong nagsasabi si Ace tungkol
sa kalagayan namin, ay dahil iniisip niyang ito na pala ang kaniyang ipapagawa sa
groupings namin. Bah mautak talaga. Tsk. Ang deadline ng pasahan? Sa byernes lang
naman. Tuesday na ngayon, it means, dalawang araw lang kami puwedeng maghanda?! Ang
daming nagreact pagkaalis niya. Ang daming nagsireklamo at ang iba naman ay
napailing-iling. May mga naexcite dahil ibig sabihin gala time daw. Mga to talaga.
Kasama sa naexcite ang mga kagrupo ko na sina Carol, well may bago pa ba sa kaniya?

****

"Huwag ka na magreklamo. Marami kayo matututunan sa project na iyon." Umirap lang


ako at tumingin sa labas.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi. Nagulat pa ako ng halik-
halikan niya ito ng ilang ulit. Nandito na kami ngayon sa kaniyang sasakyan, pauwi
na ng bahay.

"Honey naman, " lambing niya.

Pagkasakay ko kasi agad ng sasakyan, hindi ko naiwasang magreklamo. Mula sa mga


narinig ko sa mga classmate ko, hindi puwedeng manahimik na lang din ako kung kahit
ako tutol din doon. Tutal may boses ako na dapat iparinig at iparating sa kaniya
ang sintimyento ng mga classmate ko, bakit hindi ko pa sabihin di ba? Kaya lang,
mukhang kahit ako wala na din magagawa. Final na desisyon niya. Sinubukan ko pa
ring makiusap na kahit paabutin niya man lang monday ang deadline para may sapat
kaming oras, hindi pa rin gumana. Kaya ngayon, ilang minuto na akong nananahimik sa
upuan ko. Nakatingin lang sa labas at wala nang balak magsalita.

Idinikit niya sa kaniyang pisngi ang likod ng palad ko at ikiniskis iyon. Sinubukan
kong hilahin pero mas hinigpitan niya pa. Ugh. Wala na akong balak magsalita. Okay?
Huwag mo na akong pilitin oh.

"Hmmm... bakit ang gaspang ng kamay mo? Wala ka namang ginagawa sa bahay ah."

Tiniis kong hindi magsalita. Kinagat ko ang labi ko at sinundan ng tingin ang mga
sasakyang nakakasabay namin. Tinted ang sasakyan kaya hindi naman ako nag aalala sa
mga pinagagawa niya sa kamay ko. Kiniliti niya, ikiniskis sa kaniyang ilong,
pinsgi, noo, buhok, pero hindi ako nagpatinag. Kagat labi pa din kahit gusto ko na
sumigaw dahil nakikiliti ako. Ugh. Stop tempting me Thorin!

"And your nails...ang pangit na. Hindi ka ba marunong magpamanicure?"

Sinubukan ko ulit hilahin pero wala, masyado siyang malakas sa akin. Napabuga ako
ng hangin dahil sa frustration.

"Teka lang nag-eenjoy pa ako sa kamay mo." Red light sa nahintuan naming
intersection kaya tuon na tuon ang paningin niya sa kamay ko, sinusuri na parang
bagong discovered na species. Nagtakip ako ng kanang kamay sa bibig ko, nakakatawa
ang itsura niya! Napapangiti ako kahit natatakpan ko ng palad ko ang bibig ko.
Binuka niya ang palad ko. "Alam mo, totoo ang guhit sa palad mo. Sabi kasi nila,
kapag hugis M daw, mayaman. Wow! So mayaman ka nga. Yayaman ka pa kapag napangasawa
kita." Pinaglandas niya pa ang kaniyang hintuturo sa palad ko, dahilan para
mapakislot ako sa kinauupuan ko. Nakiliti ako! Ugh. Baliw na to. Kung ano anong
ginagawa. Maang niya ako tiningnan.

"Why?"

Umiling ako. Nag green light na kaya hindi na siya ulit nangulit pero hindi niya pa
rin tinigilan ang pagkiskis ng kamay ko sa mga mukha niya. Wow ang dami. Mga parte
pala. Pilit ko tong hinila, nagtagumpay ako pero nahuli niya rin ulit.

Naku! Wag na wag niya lang ikiskis yan sa baba at masusuntok ko siya. Hay naku
bahala ka nga. Pinabayaan ko na lang hanggang sa magsawa.

Malapit na kami sa subdivision nang mapansin ko ang grupo nila Veronica na


naglalakad sa tapat ng fast food chain. Nagtataka man hindi ko na lang pinansin.
Baka nagsimula na sila sa project para sa mokong na to, sabagay si Veronica pala
yon, handang gawin ang lahat para sa 'sir' niya. Hmp!

Nakarating na kami sa tapat ng bahay at nagbusina para mabuksan ang gate. Jeez!
Hindi niya pa rin talaga binitawan kahit nasa bahay na kami.

Nakahinto na ang sasakyan sa garahe pero hindi siya umimik. Nananatiling nakahawak
sa kamay ko. Ako naman takang tiningnan siya.

"Hoy. Nandito na tayo. Baka nakikita mo?" Sa wakas matapos ang malayong byahe,
nagsalita rin ako. Nilingon niya ako at niyakap ako. Napasinghap ako sa gulat.

"Oh God Lorraine. Akala ko naputulan ka na ng dila. Bakit ngayon ka lang


nagsalita?"

Bumitaw ako at sinapak sapak siya. Tatawa tawa siyang umiilag pero hindi ko siya
tinigilan.

"Wala ka talagang hiya. Anong naputulan ng dila? Ha?!"

"Okay I'm sorry. Sorry! Opps! Tama na."

"Ewan ko sayo."

"Honey sorry na." Binuksan niya ang pinto ng kaniyang sasakyan at hinila ako. Doon
na rin niya ako pinalabas.

"Oy oy oy! T-teka lang." Reklamo ako ng reklamo ng makalabas na ako. Talaga naman!

Tuloy-tuloy kaming pumasok ng bahay. Nakasalubong pa namin si Manang na bumati pero


hindi na namin siya nabati pabalik. Kainis kasi. Kinakaladkad niya na yata ako.

Pagbagsak siyang umupo sa couch at hinila ako para makaupo din. Ay hindi pala, para
maakbayan! Nakasimangot na ako ng sobra. Ano bang ginagawa ng lalaking to? Ugh.
Naku naman!

"I really love to tease you honey." Aniya makalipas ang sandali. "But I'm sorry
kung nagalit ka sa desisyon ko ukol sa project niyo. I know magagawa niyo yon. Kayo
pa! Ikaw pa! Pagdating sa academics, sa lahat ng ginagawa ko sinisiguro kong
essential ang mga pinapagawa ko sa students ko. Na may matututunan sila. They can
do that. Kaya yan. Hindi ako nagpapagawa ng mga ganoong projects kung alam kong
walang mapapala ang students ko doon. Remember that."

Tumango ako. Finally I understand. Naging makitid nga yata din ang isip ko.

"Tandaan mo, walang ipagagawa ang professor o teacher niyo sa inyo na hindi kayo
matututo. Isa pa, kilala ang NEU sa mga mayayaman na studyante. Sa grupo niyo,
pinagaan ko iyon pero nakasisiguro akong mabuti iyon, pero inilaan ko talaga sa
classmates mong may kahinaan sa pakikipag-interact sa mga simpleng tao ang mga
ganoong uri para matuto silang makibagay, ang makisalamuha sa hindi nila kalevel sa
buhay."

Natigilan ako at hinalikan siya sa labi nang yukuin niya ang mukha. "Thank you for
making me understand. Salamat. Salamat dahil naiisip mo ang ganon."

"Hmm..." ngumiti siya. "Alright. Magbibihis lang ako. "

Kumalas siya sa akin at tumayo. Nginitian ko siya at sinundan ng tingin ng paakyat


na. Binuksan ko ang tv at naghanap ng puwedeng mapanood. Nakakatamad pa magbihis
eh. Ayoko muna.

Makalipas yata at isa o dalawang minuto, hindi pa rin bumababa si Thorin. Patingin-
tingin ako sa hagdan pero wala pa din. Bakit ang tagal non?

Tumunog bigla ang intercom, warning na mula iyon sa gate ng bahay

. Mabilis akong tumayo at sinagot ang telepono.

"Manong? Bakit po?" Sabi ko sa guard.

"Ay ma'am...si sir Thorin po?"

"Nasa taas po kuya. Nagbibihis. Bakit po?"

"May naghahanap po sa kaniya eh. " kumunot ang noo ko. Eh?

"Ah ganoon po ba? Sige tatawagin ko lang. Salamat kuya."

Binaba ko ang telepono at tinawag si Thorin. Sumigaw na lang ako nang malakas,
maririnig niya naman siguro. "Thorin...!!!!"

"Yes honey? Namiss mo na agad ako? Lakas tama ka na talaga ha." Bumaba na siya ng
hagdan. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi. Nakasuot siya ngayon ng maong
shorts na brown, at kulay puting jersey shirt na may numerong uno. One sa english.
Para maintindihan. Kita na naman tuloy ang malalaki at matitigas siguro niyang
braso. Tsk. Sana lalaki ang bisita!

"May naghahanap daw sayo sa gate eh."

Kumunot ang noo niya tulad ng pagkunot ng noo ko kanina. Tanda ng pagtataka.

"Sinong maghahanap sa akin ng ganitong oras?" Aniya.

"Baka manliligaw mo?"

Peke siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. "Ganon? Sige haharapin ko na para masabi
kong taken na ako."

"Tss." Huminto ako nang palabas na siya.


"Oh bakit?"

"Anong bakit?"

Ngumiti siya. "Sumama ka sa akin para may maipakilala agad ako. Ang sasabihin ko,
ehem! Siya po ang misis ko. " sabay tawa ng malakas. Natawa na rin ako at lumapit
sa kaniya.

Inakbayan niya ako at tatawa tawang naglakad patungong pinto. Bakit ba lagi na lang
ako nagsusungit? Eh kasi naman lagi siya ngayon nang aasar. Hay naku talaga.

Lumapit kami sa guard. Hindi na ako nakapag-isip kung baka sino ang bisita. Naisip
ko naman kasing ayos lang kung sino ang bisita niya, maybe some friends or who
else. Kampante naman ako dahil hindi naman nila siguro ako kilala.

Mukhang hindi pa pinapapasok ni kuyang guard dahil wala ito sa guard house. Parang
school lang? Eh sa may ganito talaga sila eh. Arte ng may-ari, parang si Thorin.

"Sir.."

"Oh kuya... sige papasukin mo na." Aniya habang akbay pa ako. Tumango lang ako
tapos binuksan na ni kuya ang gate.

"Sino ba daw sila?" Ani Thorin habang iniaalis ni kuya ang lock nito na nakabaon sa
semento. Kasabay ng pagpihit ni manong guard ng puting gate ay ang sagot niya sa
hindi ko napaghandaang bisita.

"Mga studyante niyo raw po."

"Hi sir!!!!!"

Napanganga ako at natulala sa tumambad sa harap namin. Ang mga kaklase ko


nandito!!!

Kasabay ng gulat ko ay ang biglaang pagkalas ng akbay sa akin ni Thorin at ang


unti-unting pagkawala ng ngiti nila Veronica at apat niya pang kasama.

Lord? Pakilamon na po ako ng lupa ngayon oh? Utang...na...loob....???

&&&&
"Lorraine?" Nanghilakbot ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanila.

Natulala ako pero agad kong hinamig ang sarili ko. Paputo-putol akong tumawa nang
mahina.

"O-oy..." ugh! I was caught! Diyos ko, katapusan ko na siguro. Para akong sira,
hindi ko alam kung ngingiti, tatawa o babati ako sa kanila. Para akong nahuli sa
akto ng pagnanakaw.

"What are you, doing here?" Seryosong tanong ni Thorin, nilingon ko siya pero
nakakunot lang ang kaniyang noo.

"Uhh.. ano po kasi..." nahiya biglang sagot ni Veronica. Ang iba niyang kasama
nagkukublitan na lang bigla dahil hindi na siguro alam ang gagawin. Ang kanina
kasing magaang mood ni Thorin, napalitan ng nakakatakot na tingin. Hindi niya
sinasadyang takutin ka dahil effortless siyang makapanakot dahil lang sa simpleng
tingin. Uma-aura ang pagkaintimidating power niya ngayon.

Hayst! Mukhang wala na akong choice, kami pala, na magtapat na sa kanila. Kung
itatanggi ko pa, baka nagmukha na akong sinungaling dahil huli na kami sa akto.
Jeez! Nagulat ako ng sobra! I didn't expect this to happen. Mabuti na lang
nakauniform pa ako, hindi halatang dito ako nakatira. Pero dangerous pa din!

Ugh! Pati isip ko ang gulo gulo. Nagkaramble-ramble na sa pagkataranta ng kaloob-


looban ko.

"What? You surprised me a visit. Sabihin niyo na." Ani Thorin. He crossed his arms
in front of his chest. Ako naman napapatingin na lang.

"K-kasi po, nakita lang namin yung sasakyan niyo na pumasok sa subdivision na ito.
Sinundan po namin ang sasakyan niyo at sinabi sa gate na studyante niyo po kami
kaya kami nakapasok. Sir, kasi may kailangan kaming itanong tungkol sa.. tungkol sa
project."

Sinulyapan ko si Thorin, mataman niya lang tiningnan sina Veronica matapos nitong
magpaliwanag.

Matapos yata ang ilang sandali, kinalas niya ang kaniyang braso sa pagkakaekis at
huminga ng malalim.

"I asked you kung anong ginagawa niyo dito, nasagot mo ng tama...Pero hindi ko
tinatanong kung paano kayo nakarating dito. I won't allow you to enter my house,
pagpasensyahan niyo na kung hanggang dito ko lang kayo makakausap. About your
question, hindi ko rin iyan masasagot sa ngayon. Hintayin niyong magkita-kita tayo
sa school. At sa susunod, huwag na kayong babalik dito. I never said that you need
to come here just to ask some questions. Is that clear?"

"Y-yes sir." Sabay sabay na sabi nila.

"Okay now you may go. And please, shut your mouth kung anong nakita niyo ngayon,
kung ayaw niyong ibagsak ko kayo. Now, go!"

Ngangang tiningnan ko siya dahil doon. Sinaway ko siya sa pamamagitan ng panlalaki


ng mata pero hindi niya ako pinansin. He's pissed off! Pero mali naman yatang
takutin niya nang ganon ang mga classmates ko? It's not right! Ang inaasahan ko ay
aamin kaming dalawa at dito naman talaga ako nakatira. Pero iba ang mga sinabi
niya. Kita ko sa mukha niya ang pagkairita dahil sa magkasalubong niyang kilay at
kunot na kunot na noo. Ipinapakitang hindi siya natutuwa. Sabagay I can't blame
him. Sino ba naman ang hindi mabibigla na makita mong binisita ka ng students mo
sa mismong bahay mo nang walang permiso mula sayo? Usually kapag professor ka ng
isang university, unknown ang bahay mo sa kanila. Hindi iyan tulad ng high school
na maaari pa kahit ilang beses nilang balik-balikan.

Naaawang tiningnan ko sina Veronica. Napapahiya sila dahil sa mga sinabi ni Thorin.
Somehow, sinisisi ko rin sila kaya nagkaganito. Nakalimutan na ba nilang hindi
ordinaryong professor itong si Thorin sa amin? He is ruthless una pa lang! Dapat
hindi nila kinalimutan iyon. Dapat naisip nilang baka maaaring hindi sila tanggapin
ni Thorin ng basta basta sa pamamahay niya. Are they thinking na close close na?
Hello? Dahil lang sa nagiging mabait na siya sa amin sa klase kaya naging kampante
sila? Ugh. Paano na ito ngayon? They already know. They saw us...dikit na dikit pa
naman ang katawan namin kanina. Sapat nang ebidensya iyon para mahinuha nila kung
ano ang meron at kung bakit ako nandito sa bahay niya. Ipagkakalat kaya nila? Ano?
Napabuga ako ng hangin sa mga frustrations ko ngayon.

Humakbang na sila Veronica patalikod, napapahiya at natitigilan. Mukhang iyon na


nga lang talaga ang dapat gawin sa mga oras na ito eh, ang umalis. Kumapit ako kay
Thorin, umaasang pipigilan o tatanggapin niya na lang pero wala siyang ginawa.
Malalim ang kaniyang paghinga na talagang nagpipigil ng galit.

"Thorin.." bulong ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa braso


niya. Pareho lang naming pinapanood ang paglabas nila ng gate.

Biglang namang sumagi sa isip ko na kailangan ko silang sundan. At least I need to


explain, kailangan may magawa ako bago sila umalis. Hindi ako matatahimik na
nanahimik lang ako at pababayaan na lang na magkaganito. Baka kung ano pa ang
mangyari.

"Thorin, wait for me. Kakausapin ko muna sila." Kumalas ako.

"Why?" Kunot-noo niyang sabi.

"Kailangan kong magpaliwanag."

"No."

"Sige na. Please?"

"Bakit ka pa magpapaliwanag? Wala ka namang naging kasalanan?"

"Basta!" Mabilis akong lumabas habang di pa nasasara ng guard ang gate. Tinawag pa
ako ni Thorin pero hindi na ako nakinig. Naabutan ko sina Veronica na pumapasok na
ng sasakyan at ang ilan ay nasa labas pa. Taka nila akong tiningnan nang makita
ako.

"Guys..."

Hindi sila nagsalita. Tinitingnan lang ako. Maging si Veronica hindi nagsalita,
hinayaan lang bukas ang pinto. Ang ibang nakapasok na sa loob, lumabas ulit.

"A-ano.. pasensya na ah. Mali ang iniisip niyo." Bumuntong hininga ako ng malalim.
Kinakabahan ako sa mga sasabihin ko. Palagay ko ay tama lang na magpaliwanag ako at
sabihin kung ano ang totoo.

"Bakit? Alam mo ba ang iniisip namin?" Ani Veronica. Nakataas ang kaniyang kilay,
hindi ko gusto ang paraan ng mga tingin niya.

"Oo nga Lorraine... hindi mo man lang kami pinagtanggol."

"Sorry." Sabi ko.

"Why are you here, either? At saka anong ibig sabihin ng nakita namin? Kayo pala?
Nagsasama na ba kayo?" Dagdag ni Veronica. Sabay sabay na tumango ang mga kasama
niya

Nailang ako sa tanong pero naglakas loob na lang ako. Huli na ako at wala na itong
lusot. Whooh! Face the consequences of your actions Lorraine. Alam ko namang aabot
talaga ang punto na may makakaalam at makakahuli sa amin, inasahan ko man, medyo
nakakakaba pa rin.

"Hindi. Hindi kami nagsasama. Pero dito rin ako nakatira."

"Ano? May pagkakaiba ba yun?" Sabi ng isa na ang pangalan yata ay Donna. Hindi ko
maaalala. I don't know the name of others also kaya hindi ko sila mapangalanan.
Tanging si Veronica lang.

"Yes. Dito talaga ako nakatira bago naging kami."

Nagulat sila doon at nagtanong uli. Sinagot ko ang ilan at tumango lang sila. They
didn't react that much na parang nagwala wala pa. They are civil kaya labis ang
pagtataka ko.

"Hindi namin akalain na dito ka din namin makikita. Marami pa kaming tanong pero
asahan mong marami kaming itatanong sayo bukas. Kailangan na naming umalis. Baka
lumabas ulit si sir at tuluyan pa kaming ibagsak." Sabi ng isa.

Ngumisi si Veronica. "Hanep hindi pa rin ako makapaniwala, Lorraine. Iba ka! Akala
ko nagkamali lang ako ng hula doon sa hospital pero di ko akalaing higit pa pala
ito sa naisip ko. Well, sige see you na lang. Wag kang mag-alala, tikom muna namin
ang aming bibig dahil ayaw naming bumagsak sa subject ng...boyfriend mo."

"Sshhh! Huwag ka na ngang kung ano anong sinasabi diyan Veron!"

"Oo nga baka ibagsak tayo ni sir, ayoko nga!"

"What? Okay fine oo na! Masyado kayong takot. Tara na nga!" Pumasok na sila pero
may nanatiling isa na nakangiti at nakatingin sa akin.

"Sige Lorraine. Ako natutuwa ako sa inyo, bagay kayo ni sir!" nginitian ko siya.

"Hoy halika na pumasok ka na! Kung ano ano pa sinasabi mo diyan."

"Oo na! Nagmamadali?! Bye Lorraine. Ang swerte mo! Nakakainggit kayo." Kinikilig
niyang sabi. Natuwa ako dahil may isa sa kanilang naging positive ang reaction sa
kaniyang nalaman.

Pumasok na siya sa kotse sabay umandar na ito paalis. Pumasok ako sa gate at
nakitang hinihintay lang ako ni Thorin. Nakatayo lang siya doon at pinagmamasdan
akong makalapit sa kaniya. Inakbayan niya akong muli at tipid na ngumiti.

"You okay?" Tanong niya.

"Oo. Salamat sa pananakot mo sa kanila ha?" Sarkastiko kong sabi. Pumasok kami sa
bahay at dumiretso sa sofa para makaupo. Nanood kami ng isang pelikula kaya hindi
ko na namalayan ang paglalim ng gabi. Halos hindi ko nga napansin ang pagpasok ni
ate Laureen sa pinto. Nakita ko siyang naglalakad na papuntang hagdan, bale
nakaharap kami sa telebisyon at nasa likod nito ang daanan patungong staircase ng
bahay. Malungkot ang mukha niya at kababakasan ng pagod. May kakaiba rin akong
napansin sa mukha niya, she's like disappointed na galit. Hindi niya kami pinansin
nang dumaan siya. Nagkatinginan kami ni Thorin pero pareho lang kami napakibit-
balikat. Kasalukuyan akong nakasandig sa kaniyang dibdib nang dumating si ate.

Dumiretso ako nang upo at binati si ate ng magandang gabi.


"Evening." Stressed niyang tugon. Parang babagsak na ang kaniyang mga mata na
parang pagod na pagod. Nahinuha ko agad na masama ang mood niya.

"Okay ka lang?"

"Hmmm..." tanging sagot niya saka humakbang sa unang baitang ng hagdan. Parang
hapong-hapo siyang humawak sa railings nito.

Madali akong tumayo at lumapit sa kaniya. She's not alright and I'm already
worried. She's so exhausted, not the usual times na kapag uuwi siya ay maayos ang
mukha niya, hindi siya badtrip at nagagawa niya pang makipagbiruan. Masyado akong
nag-aalala sa nakikita ko sa kaniya ngayon, heck? What the hell did happen?

"Maybe not. Alalayan na kita." Hinawakan ko ang braso niya pero sinaway niya lang
ako. Nag-igting ang panga ko dahil don, I'm not used to this kaya parang naiinis
ako. Bakit ba parati na lang akong may napapansin ngayon sa kaniya? Ano bang mga
nangyayari kay ate?

"I'm fine. Pagod lang ako." Aniya pero hindi niya ako tiningnan.

"Ate, I know you're not. Hayaan mong tulungan kita."

"Please Lorraine, I said I'm not!"

Napasinghap ako nang sigawan niya ako. She looked at me angrily. Napanganga ako at
talaga namang nagulat. Napalapit tuloy bigla sa akin si Thorin.

"Don't shout at your sister."

"Puwede ba?! Sabi ko okay lang ako pero ayaw niyo maniwala. Pagod ako. Kailangan ko
nang magpahinga."

I'm speechless. Nagulantang ako sa biglaang pagsigaw niya sa akin. I'm just
concerned at her, bakit kailangan niya pa akong sigawan? Napakurap ako at humanda
na sanang sumagot nang hawakan ako nang mahigpit sa kamay ni Thorin. Nilingon ko
siya ngunit tiningnan niya lang ako,nagsasabing manahimik na lang muna ako.
Nilingon ko si ate at humakbang siya muli ng isa pang hakbang, ng isa pa at ng isa
pa. Pinanood lang namin siya hanggang makarating sa ikalawang palapag.

Alam ko na dapat may nasabi pa ako, pero siguro ngang tama na manahimik at hayaan
ko na lang si ate. Naging makulit nga siguro ako kaya siya nainis. I've never seen
her like that, this is the second time that she shout at me, hindi niya nga lang
ako nasampal sa pagkakataon na ito. Hindi naiwasang magdamdam ng kalooban ko, bakit
ako? Kung masama ang pakiramdam niya o kung may mabigat man siyang problema, tama
bang sa akin niya ibuhos ang frustration niya? Mali naman yatang porke may mga
problema siya ay papasanin niya? She can always have me. As a sister I'm always
here for her pero sa palagay ko ay nakakalimutan niya na namang may kapatid siya.
Hay... kung alam ko lang sana kung anong problema niya baka matulungan ko pa siya.

Ganon pa man nagpasya na lang akong manahimik, hayaan at ipagpabukas na lang ang
pagkausap sa kaniya. Kumain muna kami ni Thorin at dumiretso sa kaniya-kaniyang
kuwarto. Bago ako matulog napagpasyahan kong nagpadala ng mensahe kina Carol at
Sheen na aksidenteng nalaman na ng iba naming classmates ang tungkol sa amin ni
Thorin. Both of them was shocked at tinanong ako kung ano nang balak kong gawin.
Sinabi kong baka hayaan na lang dahil tinakot sila ni Thorin na ibabagsak sila
kapag may sinabi sila sa iba, they laughed about it at sinabi kong sila Veronica
ang nakakaalam. Matapos ang ilan pang palitan ng mensahe, nagpasya na kaming bukas
na ipagpatuloy ang usapan tungkol pa sa iba. Isa na doon ay ang pag-aasikaso ng
gagawin naming project.
Sana nga ay maging ayos lang, sana nga ay hindi nila ipagsabi. Hindi pa ako handa
eh. Inaamin kong kinakabahan ako para bukas, dahil na rin iyon sa iniwang salita sa
akin ni Veronica kanina na may mga sasabihin pa sila sa akin bukas. Hindi ko
maiwasang mangamba. Paano na?

*****

"Ang kapal talaga ng mukha mo! I hate you! You are a liar!"

"How many times do I have to tell you? Makinig ka naman sa akin!"

"Makinig? Sa tingin mo may gana pa akong makinig diyan sa mga kasinungalingan mo?
No! I won't and I'll never will! Magsama kayo ng babae mo!"

Napapikit ako nang mariin sa biglaang pagkagising ng diwa ko dahil sa palitan ng


sigawan sa kabilang kuwarto. Nagising ako sa ingay ng away nila ate Laureen at
August. Ugh! Wala na talagang pipiliing oras? Sa kalagitnaan pa talaga ng gabi?
Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang alas dos pa lang ng madaling araw.
Napapadyak ako at nagtakip ng unan. Naririnig ko pa din ang sigawan nila. Jeez!
Hirap ng may asawa!

"Wala nga akong babae."

"I'm not stupid August. Paano mo ipaliliwanag ang nakita mismo ng mata ko kanina sa
office mo. Hindi pa man tayo nagkakaayos, umandar na naman iyang pagkalalaki mo.
And you dare to go home this hour, drunk and wasted?!"

"Shit! Hindi ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ako!"

"Enough of your stupid reasons August. We...are...done. Huwag mo ngang pinapasa sa


iba ang pagkakamali mo!"

"Where are you going?" Naramdaman kong palapit na ang boses nila sa kinaroroonan
ko.

"Wala kang pakialam."

"August anong nangyayari?" Narinig ko ang boses ni Thorin, namamalat pa siguro ay


dahil nagising din sa ingay ng mag-asawa. Tamad akong bumangon sa higaan ko at
inayos ang sarili.

"Don't mind us." Ani August kay Thorin.

"Paanong hindi kita iisipin eh maingay kayo."

"Huwag ka nang dumagdag. Hey Laureen! Shit! Don't turn your back at me! Kausapin mo
ako!"

"Tama na puwede ba!"

Bumangon ako pero laking gulat ko nang bumukas ang pinto at lumuwa si ate Laureen.
Bihis na bihis siya at may dala-dalang bagahe. Mukhang lalayas si ate!

"A-ate..." nanlalaking mata na sabi ko. Sumunod sa kaniyang pumasok si August, gulo
gulo ang buhok at nakabukas pa ang isang butones ng kaniyang polo. He is drunk.

Kumuha si ate Laureen ng travelling bag sa closet ko at pinaghuhugot ang mga damit
ko doon. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkaudlot ng masarap na tulog ko, ito na
naman! Inilagay niya ang mga damit ko doon kaya bago pa ako mabaliw sa nakikita ko
nilapitan ko na siya. Nanginginig ang mga kamay ni ate at umiiyak na.

"Ate bakit? Bakit mo iniempake ang mga gamit ko?" Natataranta kong tanong.

"Laureen will you please stop that!" Suway muli ni August. Sumunod kong nakitang
pumasok si Thorin, gulat din sa nakikita.

"No, you stop! Huwag mo na akong pigilan baka samain ka sa akin. May kasama akong
dumating, may kasama din akong aalis."

"Ano?! Ate naman." What the? Pati ako kasama sa paglalayas niya? The hell! Anong
alam ko sa away nila? Ano ako dito? Anak na isasama ng kaniyang nanay sa palayo sa
kaniyang amang manloloko? Ay pakshet.

"Lorraine help me here! Kunin mo na ang iba mo pang gamit." Aniya habang patuloy pa
din si pageempake. Hindi ako gumagalaw dahil wala sa katwiran ang nangyayari.

"Lorraine! Ano tatayo ka na lang ba diyan?"

"Hindi ako sasama ate." Sabi ko kapagkuwan.

"What?" Hinarap niya ako. "Sasama ka sa akin. Iiwan na natin ang pamamahay na to.
Tutal wala nang dahilan para manatili pa ako dito. " pinunasan niya ang kaniyang
luha at tuloy na naman sa pageempake.

"Ate naman...may pasok pa ako bukas. Please naman ayusin niyo na lang ang problema
niyo."

"She's right Laureen. I love you and you know that...wala akong ibang babae."
Nagmamakaawang sabi ni August. Sa kalasingan niya wala na siyang lakas para pigilan
pa ng pigilan si ate.

"Ikaw manahimik ka na ah. I'm not stupid para maniwala pa ako sayo. Mahal mo ko?
Kung mahal mo ako sana hindi ka nakikipagmake-out sa babae mo habang oras ng
trabaho. You...whore!" Binalingan niya ako. "I said mag-ayos ka na! Ano pang
hinihintay mo?! Huwag mong sabihin na magpapaiwan ka pa dito?! Noong una ayaw mong
tumira dito hindi ba? Then this is the time! Aalis na tayo sa ayaw at sa gusto mo!
Ako hindi ko na kayang tumira dito habang unti-unting nasasaktan ng lalaking yan.
Kung may awa ka sa akin, papayag ka!"

"Pero ate, hindi puwedeng isasama mo na lang ako basta dahil sa ginusto mo."

"Akala ko ba sa hirap at ginhawa, damayan tayo? I can't let you live here alone
nang wala ako. Uuwi na tayo sa bahay natin."

"But ate..."

"Ano ba Lorraine?! Kikilos ka ba o iiwan na lang kita dito? Iniisip mo ba si


Thorin? Makakaya mo ang nakahiwalay sa kaniya nang hindi nakatira dito."

"Laureen, huwag mo na siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sa iyo." Sabat ni
Thorin.

"Hindi ko iiwan ang kapatid ko dito. Isasama ko siya.." mabilis niyang isinara ang
bag ko.

Napahinga ako ng malalim at sinulyapan si Thorin. I saw him na parang nalulungkot


siya, umiling siya sa akin pero tila wala na akong magagawa sa desisyon ni ate. She
is my guardian kaya nagpasya na akong sumunod. Inayos ko ang ilan ko pang gamit at
isinaayos iyon sa isang bag. Pinapanood na lang ako ni Thorin at hindi na
nagprotesta pa. Kinukulit naman ulit ni August si ate pero ayaw patinag ng kapatid
ko. She is decided to leave this house at nakikita kong wala nang makakapigil sa
kaniya. Kung ano man ang nangyari sa kanilang mag-asawa, pababayaan ko na lang
siguro at sasama kay ate.

Yumakap ako kay Thorin pagkatapos kong mag-ayos at handa nang umalis. He touched my
hair and then kissed me on my lips. Naaaninag ko sa mata niya na hindi siya
natutuwang kailangan na naming umalis dito pero alam kong naiiintindihan niya ang
desisyon ko.

"I will miss you here. Mag-iingat kayo. I will always visit you sa bahay niyo para
hindi natin masyado mamiss ang isa't isa.Magkikita naman tayo sa school kaya don't
worry, we won't be far away from each other."

Malungkot akong tumingin sa kaniya. Pakiramdam ko namamasa ang mga mata ko dahil sa
pag-alis na ito. Naiinis tuloy ako. Ayokong umalis pero para kay ate, gagawin ko.

"I will miss you. Nasanay kasi ako na laging malapit sayo."

Ngumiti siya. "It's okay. Lagi pa rin akong nasa tabi mo. Magkakahiwalay lang tayo
ng bahay pero hindi ang puso natin." Natawa ako sa sinabi niya at nilingon si ate
na naghihintay na lang sa amin. Wala nang nagawa si August kundi ang manahimik.

Hinatid kami ni Thorin sa kotse at siya na rin ang nagdala ng mga gamit.
Nagpresinta siyang ihatid kami sa bahay dahil walang maayos na magmamaneho, hindi
na lang kami tumanggi. Hindi na nga siya nakapagpalit sa suot na pajamas at sandong
puti at mabilis na kinuha ang susi ng kaniyang kotse. Minabuti na lang namin munang
iwan ang sasakyan ni ate dito at ipapakuha na lang kung sinong puwedeng kumuha
kinabukasan. Iyon ay para may masakyan si Thorin sa kaniyang pagbalik. Naiwan si
August sa taas na nakayukyok na sa sobrang kalasingan, hindi ko rin alam kung tama
ba ako nang nakita ko pero nakita ko na bago kami bumaba mula doon ay umaalog ang
kaniyang balikat, dinig ko din ang mahinang hagulhol niya nang tuluyang makalayo sa
kaniya ang kapatid ko. He was hurt and he couldn't do something to stop us from
leaving.

Habang biyahe nahahabag na lang akong tumitingin kay ate na humahagulhol at


ngumangawa. Nasa backseat ako kasama ni ate, una ay gusto ko sanang sa passenger
seat umupo pero naisip kong alalayan si ate sa byahe, sa iyak niya pa lang kasi
nakakahiya namang iwanan ko siya nang ganyan. Alam ko kasing hindi niya kaya dahil
bago pa man kami makaalis sa bahay halos tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa
kaniyang mata. Hinahagod-hagod ko ang likod niya-maibsan man lang ang sakit ng
paghihiwalay nila. Alam kong dahil lang sa kalasingan iyon ni August kaya wala
siyang lakas para gawin ang lahat mapigilan lang sa pag-alis si ate. Hindi niya
gugustuhing maghiwalay sila ng ganoon lang, sigurado ako.

Napasulyap ako sa rearview mirror, nakatingin sa akin si Thorin habang nagmamaneho


siya. Ngumiti ako pero parang walang gana.

Pinukpok ni ate ang upuan sa kaniyang harapan at ngumawa na naman. Hay naku.
Napapangiwi ako kapag umaatungal siya tungkol daw sa kaniyang nakita sa opisina
kanina ni August. Naghahalikan daw ang dalawa at nasa table pa daw ni August ang
babae nakaupo habang sarap na sarap na naghahalikan ang dalawa. Iyon ang sabi niya.
Naiiling na lang ako sa nakikita ko sa kalagayan niya. Kaya pala ganoon na lang ang
itsura at mood niya nang umuwi siya kanina, dahil pala sa kaniyang nakita. Siguro
ay nag-away away sila sa opisina kasama na ang babae, kaya din nagawang
magpakalasing ni August.
Makalipas ang ilang minuto nakatulog na si ate. Hindi pa siguro ito natutulog
simula nang dumating kanina kaya nakatulog agad. Maybe she wait for August until
this hour, nag-empake rin habang naghihintay kaya nang dumating ang asawa niya,
mabilis siyang kumilos at pinuntahan ako sa kuwarto ko. Lumipat ako sa harapan at
yumakap kay Thorin habang nagmamaneho siya. Palagay ko ay medyo malayo pa kami sa
aming bahay.

Inakbayan niya ako at hinalikan at tuktok ng ulo ko. "Magiging okay din sila.
Kailangan lang siguro nila ng space para sa isa't isa."

"Siguro nga."

Pumikit ako at sumandal sa dibdib ni Thorin. Sinikap kong huwag makaabala sa


kaniyang pagmamaneho at inirelax ang sarili sa init na dala ng katawan niya sa
katawan ko.

May nakakailang minuto na ang lumipas nang magsalita si Thorin.

"Kapag tayo ba ang nagkaproblema, iiwan mo rin ba ako tulad ng ginawa ng ate mo?"

Napaangat ako ng tingin at kumalas mula sa kaniyang yakap. Inayos ko ang buhok ko
at tiningnan ang mukha niyang seryosong-seryoso sa pagmamaneho.

"Hindi..." hinawakan ko ang kamay niya. "Alam ko naman kasing hindi mo ako
hahayaang umalis, hindi ba?"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Napangiti na rin ako at sumandal sa
balikat niya.
Nakarating kami nang bahay makalipas siguro ang isang oras. Hindi ko sigurado dahil
hindi ko na namalayan kung anong oras kami saktong dumating dahil maging ako
nakatulog sa biyahe at namalayan na lang na nasa tapat na kami ng bahay. Dapat ay
gising lang ako buong byahe para maituro sa kaniya ang daan ngunit pinatulog niya
na lang ako, sa tagal daw ng panahon na sinusundan sundan niya ako noon, kahit daw
nakapikit siya, matutunton at matutunton niya ang bahay na tinitirhan ko. Tinawanan
ko na nga lang siya sa sinabi niyang yan kanina. Kahit ganong oras nagawa pang
magsalita nang ganoon eh.

Ginising ko si ate at nagpatulong kay Thorin sa pagdadala ng gamit sa loob bago


siya umuwi. Inalok ko siyang doon na mag-paumaga. Ang akala ko pa naman tatanggi
siya pero buong puso pang pumayag. Tsk. Hinatid ko muna si ate sa kaniyang kuwarto
at inalalayan siyang makahiga, ginagawa ko man siyang matanda o bata, mas
gugustuhin ko namang tratuhin siya nang ganito kesa hayaang ganyan ang kaniyang
kalagayan. Para kasi siyang biglang nagkasakit, hindi na siya makapagsalita at
natutulala. Sobra-sobra nga siguro ang sakit na nararamdaman niya, kung ako man
siguro sa kalagayan niya ay baka magalit din ako ng sobra. I didn't know the
feeling of someone na lantarang nakakita ng ganoong scene na mismong sa harap mo
nakita ang pagtataksil ng asawa mo. Para nga sigurong nakakatrauma.

Habag kong pinanood ang dahan-dahang pagpikit ng mga pagod na mata ni ate Laureen.
She calmed her breath at maya-maya pa'y marahan na ang kaniyang paghinga. Nang
makasiguro akong tulog na siya ay lumabas na ako ng kaniyang kuwarto.

I walked towards my old room, pagbukas ko pa ng pinto nito ay bahagya pa akong


nagulat ng may makita akong bulto ng tao na nakaupo sa gilid ng kama ko, doon ko
naaalalang nandito pa pala si Thorin. He was looking at my pictures na nakasabit sa
dingding, harap ng headboard ng kama ko. Binuksan ko ang malaking ilaw ng kuwarto
at bumaha sa paningin ko ang pamilyar at nakakamiss na itsura ng lugar na
kinalakihan ko.
Mayroong touch ng pink at light yellow ang walls ko at puti naman ang kisame. Hindi
ko na rin kasi dinala pa ang ibang gamit tulad ng pictures ko noong bata pa ako.
Iyong picture ko namang tinitingnan ni Thorin ay graduation picture ko noong high
school.

Lumapit ako sa kaniya. He stand up at hinalikan ang noo ko.

"Dito ka na sa kuwarto ko matulog." Sabi ko kapagkuwan.

"Why?"

"Ayaw mo?" Pagbibiro ko.

Napangiti siya. "Syempre gusto. Pero saan ako matutulog dito?"

"May nakikita ka pa bang ibang matutulugan?" Sabi ko habang iniikot ang paningin sa
buong kuwarto. Tamang laki lang naman ang kuwarto ko na sukat sa karaniwang kuwarto
ng may kayang pamilya.

Pinisil niya ang pisngi ko. "I can't sleep beside you, Lorraine."

"At bakit?"

"Hindi pa puwede."

"Bakit nga?"

"Ayoko lang. Sa sahig na lang ako. Give me at least comforter at ayos na ako."

Umiling ako. "No...I invited you to sleep here. Nakakahiya naman kung sa sahig kita
patutulugin."

"May guest roomn naman siguro kayo hindi ba? Doon na lang ako kung nahihiya ka sa
akin."

Tinabingi ko ang ulo ko nang patagilid at ngumuso. "Ayaw mo lang ako makatabi kaya
ka ganyan eh." Bulong ko sa sarili ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kaniya. Pagtingin ko ay


ngising-ngisi na siya. Ayts! Nakakapikon ah. Masama bang magtabi kami eh wala naman
kaming gagawing masama? Ngali-ngali ko nang sabihang ang arte niya eh. Wala namang
masama talaga, hindi ba?

Ngumuso ulit ako at hindi siya tinitingnan sa mata.

"Lorraine...." he sighed. "Alright. Tabi tayo."

"Talaga?"

"Uhm... nagtatampo ka na dahil doon?"

"Sinong nagtatampo? Hindi ako yon."

Niyakap niya ako bigla kaya napangiti ako ng lihim. "Matulog na tayo." Aniya.

Tumango ako. Masaya ako na makakatabi ko siya sa pagtulog, napopoison na ata ang
utak ko dahil gustong gusto ko ang makatabi siya ngayong gabi. Hindi ko nga alam
kung bakit parang nararamdaman kong maiinis ako kapag tumanggi siya eh. Naloloka na
yata ako.
Nagkakailangan pa kaming nagtabi. Pinatay ko na ang main switch kanina bago ako
humiga at binuksan lang ang lampshade sa gilid. Nasa kanan ako at nasa kaliwa naman
siya. Spell akward...ito yun. Ako kasi nakatulala lang sa kisame, hindi ko lang
alam sa kaniya dahil hindi ko naman siya nililingon. Hindi ko yata kayang lingunin
siya at baka bigla ko siyang mayakap.

Napatakip ako ng mata ko gamit ang kamay ko, ano bang naiisip ko? Ugh! Ako na ang
gumawa ng step na to, mukhang may pinatutunguhan ang isip ko. Letseng puso eh nang-
uutos na naman kasi.

Huminga ako ng malalim at bumaluktot ng higa. Nahihiya naman akong magsalita dahil
wala naman akong kahit anong sasabihin.

Abot-dinig ko din ang malalalim niyang paghugot ng hininga. Hindi siya gumagalaw at
tahimik lang. Ano kayang iniisip ni Thorin? Hindi ko maiwasang mag-isip kung anong
laman ng isip niya ngayon eh. Naiisip niya kayang may gawin sa akin? Pumikit ako
bigla nang makaramdam ako ng excitement sa naisip na yon. Bumilis ang tibok ng puso
ko. Asa naman yata ako? Eh napakalaki ng respeto niya sa akin. Dapat hindi ako nag-
iisip ng mga ganoong bagay. Hayst!

Maya-maya naramdaman kong gumalaw siya. Dumantay sa beywang ko ang kaniyang braso,
saka ko lang narealize na niyayakap niya na ako! Dumikit siya sa katawan ko habang
nakatalikod ako sa kaniya. Naramdaman ko lalo ang mas mabilis na pagkabog ng puso
ko.

"Hmmm... it's already 3:30 in the morning. Matulog ka na."

"Eh..ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?"

"Matutulog. Hmm...." inangat niya ang kaniyang ulo at hinalikan ang pisngi ko.
"Papasok pa tayo mamaya. Gigisingin na lang kita... Sleep."

"Okay...sige."

Pinikit ko ang mata ko at payapang natulog. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako
nakaramdam ng excitement sa pagtulog dahil katabi ko si Thorin. Kailanman hindi ko
naramdamang masaya at nakakaexcite kapag bedtime, usually kasi daily routine mo na
ang paghiga sa kama at natural na lang aa buhay mo iyon. Ngayon ko lang naranasang
tuwang-tuwa ang kalooban ko sa oras na to. Hay... iba talaga ang epekto kapag
inlove. Naging mahimbing ang tulog ko, kinabukasan alas singko pa lang gising na
ako.

By seven o'clock dapat nasa school na ako kaya hindi tulad dati, kailangang bago
mag-alas sais ay makaalis na kami.

Bumangon ako nang wala na sa tabi ko si Thorin. Ang sabi niya gigisingin niya ako,
bakit di naman niya ginawa? Humihikab na naglakad ako palabas. Nadatnan ko siyang
nagluluto sa kusina, malamang din ay tulog pa si ate.

"Anong niluluto mo?" Tanong ko saka umupo sa mesa.

"Bacon and egg. Nagsaing na lang ako ng kanin para mabigat sa tiyan. Gusto mo bang
magbaon ng lunch?"

Umiling ako. "Saan ka kumuha ng pagkain? Kanina lang tayo dumating at walang stock
na pagkain dito. Wala ring madalas manatili dito na katiwala."

Lumapit siya at inihain ang pagkain. Sinulyapan ko ang suot niya at nakita ang
pajama na suot niya sa pag-alis sa bahay hanggang dito. Napangiti ako. Natutuwa pa
rin akong makita siya kapag iyan ang suot. Nagmumukha kasing kakaiba para sa
lalaking tulad niya na masculine ang itsura. Kadalasan kasi sa mga lalaking tulad
niya, boxer ang suot na pinangtutulog. Iba talaga.

"Bumili ako sa palengke sa labas ng subdivision niyo."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nagawa niya yun?! "Ano? Paanong? Nakapunta ka don
nang ikaw lang?"

"It's not impossible. Early riser ang mga tao sa palengke kaya doon ako bumili.
Nagkataong may bacon naman akong nahanap so ito na lang. Alam mo naman ang mga
supermarkets, no 24 hours service."

"Walang bacon sa wet market no."

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko pagkatapos niyang lagyan ng pagkain ang pinggan
ko.

"Huwag mong maliitin ang palengke. Meron din niyan sila."

Napangiti ako. I can't imagine na nakaapak siya sa lugar na iyon. Sa itsura niya,
hindi ko naisip na magagawa niyang makarating sa palengke. Wew!

"I just can't believe na bumili ka doon. Nang nakaganyan lang ang suot mo?"

Natawa siya. "Yeah. Like this."

Natawa na talaga ako ng malakas. "Alright. Kain na tayo at baka masayang ang pagod
at oras mo. Hindi ka na yata natulog eh."

Nagsimula na akong kumain. Pinandilatan ko siya nang iharap niya ang kaniyang mukha
sa tapat ko. "What?" Tanong ko.

"Hindi ka naniniwala? You can't believe I've been there, don't you?"

"Huh....? May sinabi ba ako? Haha. Kumain ka na at papasok pa tayo."

Umiling-iling siya. "Tiniis ko ang lamig at tinginan ng mga tao na ganito ang
itsura ko. But my honey doesn't believe me. Tsk." Bulong-bulong niya sa kaniyang
gilid. Tumawa na naman ako at tinapik ang balikat niya.

"Kumain ka na nga. Oo naniniwala na ako."

"Really?" Lumiwanag bigla ang mukha niya na humarap sa akin.

"Oo naman... you smells palengke kasi. Haha!"

Ngumisi siya at kiniliti ako. Sinaway ko siya kaya inasar-asar niya na lang ako.
Ipinagpatuloy namin ang pagkain na nagtatawanan at nagngingitian. Hindi man ako
makapaniwala , hindi ko na naman napigilang humanga sa ginawa niya. He has this
nerve to step on that place. Kakaiba talaga. Tssk. Aaminin ko kasing I've never
been there kahit hindi masaydong mayaman ang pamilyang pinanggalingan ko.

Patapos na akong kumain nang may bigla akong maalala. "Wait...! Thorin!"

"Why?"

"Tsk. Bakit? Ugh! Paano ka papasok nang nakaganyan lang? Wala kang uniform!"
"Oh...shit! Nawala sa isip ko."

"Paano na yan? Dapat pala hindi ka na dito natulog. Ayan tuloy."

"Forget it. Uuwi na muna ako pagkahatid ko sayo sa school. Okay?"

Tumango ako mabilis na ring nag-ayos. Siya naman hinintay na lang ako sa sala at
nilibang ang sarili doon. Nakasalubong ko pa nga si ate nang paakyat ako nang
hagdan, maayos na ang kaniyang mukha at bagong ligo siya. Sa palagay ko ay papasok
pa rin siya ngayong araw dahil nakabihis na siya.

Tinanong ko siya kung papasok siya at ang sagot niya sa akin ay oo. Tinuro ko ang
kusina at sinabing may pagkain doon at nagmamadaling naligo at nagbihis nang
makarating ako ng kuwarto.

After almost 25 minutes, I'm ready to go. Umalis kami ng bahay bago sumapit ang
alas sais ng umaga. Iniwan na lang namin si ate dahil ang sabi niya ay malapit
naman na doon ang pinagtatrabahuhan niya at ibang way yun kaya okay na daw sa
kaniya na hindi na namin siya isabay.

Nakarating naman kami sa school, maybe 6:45. Tamang-tama lang dahil napabilis ang
byahe. Umuwi na si Thorin sa patungo kanilang bahay pagkababa ko nang kaniyang
sasakyan.

Napabuga ako nang hangin nang makapasok ako sa campus. Nabura sa isip ko ang
maaaring kahinatnan ng pagpasok kong ito. Masyado akong nawili nang magkasama kami
ngayong umaga, nakalimutan ko talaga! Pumasok na lang muli ito sa isip ko nang
makita ang ibang studyanteng naglalakad, na makikita ko ang mga classmate ko.
Nakaramdam ng kaonting kaba ang puso ko nang paakyat na ako. Jesus! Please help me.
Nagkataon namang nakasabay ko si Sheen paakyat at nagkakuwentuhan kami tungkol sa
ibinalita ko sa kaniya kagabi. Nabanggit ko rin na natatakot ako sa kung ano ang
maaaring mangyari kapag nakaharap ko na ang grupo ni Veronica na napadpad kahapon
sa bahay ni Thorin. Binigyan niya ako nang pampalakas ng loob kaya medyo nabawasan
ang pangamba ko. Isa pang nakabawas ay dahil nagpadala ng text sa akin ng mensahe
si Thorin, sinasabing kayanin ko ang araw na ito para sa aming dalawa.

Maybe he just also remember about the thing yesterday. Whooh! Kaya to! Nagmamahal
ako eh!

Nang makatapak ang aking paa sa pintuan pa lang ng aming classroom, sinalubong ako
nang masasamang tingin ng mga kaklase ko. Halos kompleto na sila at iilan pa lang
ang hindi pa dumarating, siguro ay nasa tatlo o apat na lang. Maging si Richmond,
nakatingin din sa akin, nakangisi at akala mo ay isang manyak sa pagkakangiti.
Napairap ako sa kaniya at tuloy ang lakad patungo sa aking upuan. Umupo na rin si
Sheen sa kaniyang upuan. Bale si Carol ay nandoon na rin, naaawang tumitingin sa
akin.

So thats it! It's been spread to this whole classroom! Okay fine, so what?
Tinibayan ko ang loob ko kahit na kabog na kabog ang dibdib ko. Umakto ako ng
normal at kunwaring tiningnan ko ang wristwatch ko. Ten minutes before seven.
Nagkibit balikat ako at kunwaring inabala ang sarili. Nilabas ko ang mga notes ko
at nagbrowse nito. Hinayaan ko na halos patayin ako ng malapalaso nilang tingin sa
akin. Iyong iba naman ay napansin kong wala lang, ang iba ay nakangiti. Iba't iba
ng reaksyon, pero mas nakakahigit ang masasamang tingin.

"Lorraine..."

Umangat ako ng tingin at nakitang nasa harapan ko si Wella. Bilang president siguro
ng klase kaya siya ang humarap sa akin. Nilingon ko ang mga kaklase ko, lahat sila
nasa amin ang atensiyon.

"Bakit?"

"May gusto kaming malaman mula sayo... totoo bang may relasyon kayo ng professor
natin na si Sir Olivar?" Nanliliit ang matang sabi niya sa akin.

Saglit akong hindi nagsalita. I don't know if it's the right thing to do right now,
pero ayokong ipahamak si Thorin lalo na ngayon na lahat sila alam na ang
nangyayari. Hindi sa ikahihiya ko siya pero kailangan ko munang sabihin ang sa
tingin kong tama. Napag-isip isip ko bigla na hindi pa tamang panahon para umamin,
dito ko rin naintindihan na kaya walang anumang confirmation na sinabi si Thorin sa
kanila kahapon dahil maaaring nag-iingat pa siya. Alam kong maiintindihan niya ang
sasabihin ko.

"Hindi."

"What?! And you try to deny that?" Biglang lumapit sa amin si Veronica at
pinanlalakihan ako ng mata.

"Bakit? May katibayan ka ba?" Taas kilay kong sabi. Nginitian ako ng wagas nina
Sheen. Ito ang advice sa akin kanina ng kaibigan ko bago kami makapasok dito sa
classroom. Hangga't maaari ay huwag akong aamin. Kung aamin kami sa ganito kaagang
panahon, hindi pa tama dahil unang una ay under pa ako ng subject ni Thorin, hindi
ko rin maaaring samantalahin ang pagkakataon na umamin nang hindi si Thorin ang
nagpapatunay. Maaaring magkagulo at ipatanggal sa trabaho si Thorin, hindi ko
gugustuhing mangyari iyon lalo pa ngayon na nakikita kong mahalaga para sa kaniya
ang pagtuturo. I can't let him lose his job. Masyadong pagpapakaselfish kung aamin
ako ngayon kaya ko sinabing hindi. For Thorin's sake. For my love's sake.

"Huh! Great! So ngayon nagsisinungaling ka! Bakit? Nagmamalinis ka?"

"Veron ano ba! Puwede bang umupo ka muna. " ani Wella sa kaniya. Ako nakaupo lang
at tinitingnan sila, pinilit kong umakto ng cool lang ako. Well, puwede na akong
mag-audition sa star struck!

"Nagsisinungaling siya Wella!"

"Nagsasabi ako ng totoo."

Binalingan ako ni Wella. "Kung nagsasabi ka ng totoo Lorraine, anong basehan nila
para sabihin iyon?"

"Hindi ko alam. Puwede ba huwag na kayong kung ano-anong pinaniniwalaan dahil alam
niyong imposible iyon. Studyante ako at bago lang ako sa school na ito. Hindi ba
parang masyado namang kakaiba iyon?"

Tss. Para akong nasa isang korte at ako ang nasasakdal. Si Veronica ang prosecutor
at si Wella ang judge. Wew!

"Hmmm...you have a point there." Sabi naman ni Wella.

"So maniniwala ka sa kaniya dahil lang sa sinabi niya? I already told you, may
relasyon sila ng prof natin. Kita mismo ng mga mata namin na magkasama sila kahapon
sa mismong bahay ni sir Olivar. She even confirmed that!"

"I never confirmed anything."


"Oh to hell with your lies! Ginagawa mo pa kaming sinungaling."

"Bakit, hindi ba? Gumagawa ka ng napakaimposibleng kuwento Veronica. Hindi mo alam


ang sinasabi mo."

"I know what I'm saying! Aba't! Hoy mga babae, hindi ba nakita niyo rin siya?"
Aniya sa kaniyang mga kasama kahapon. Tumango ang mga ito pero hindi na nagsalita
ng kahit ano. "See? Nakita namin siya."

"Veron...baka naman gawa gawa mo lang yan?" Ani Wella.

"Anong gawa-gawa? Mukha ba akong nag-iimbento dito? Hello?! Anong mapapala ko kung
bubuo lang ako ng ganitong kuwento? Meron ba? So simple explanation lang doon, may
itinatago silang relasyon."

"You can't be sure Veron."

"I'm sure enough to say this! Magkasama sila sa iisang bahay! Naglilive-in na
sila!"

"Veron!" Sigaw sa kaniya ni Wella.

"That's true!"

"Okay...okay. Kumalma ka nga. Oo sabihin na nating nakita mo nga sila, pero anong
ginagawa niyo sa bahay ni sir kung totoo man? Paano ka napunta doon? Naaalala mo
bang confidential sa school natin na malaman ng sinumang studyante ang bahay ng
sinumang teacher dito? Kung alam natin iyon hindi tayo puwedeng pumasok sa bahay
nila. Sa nakikita ko wala kang pahintulot mula kay sir dahil sabi ni Sonia
pinagalitan niya daw kayo nang makapasok kayo."

"Hindi yan ang kaso dito Wella. Si Lorraine na nakikipag-"

"Puwede bang huwag mo nang ipilit?! Kung totoo man yan o hindi wala kang patunay
Veron. Tandaan mo kakaibang kaso ang sinasabi mo. Hindi ka puwedeng mambintang ng
hindi ka sigurado lalo na kung professor natin ang pinag-uusapan dito. Teacher
natin siya Veron, and to think na si sir Olivar yun, tama nga si Lorraine. Hindi
yun kapani-paniwala. At isa pa... kung magkataong mapatunayan natin na tama ka, sa
palagay mo ba ligtas ang buong klase natin sa mga mangyayari? Puwede tayong madamay
dahil kaklase natin si Lorraine."

"What? Anong kinalaman natin sa kaniya? Hindi tayo madadamay doon."

"Alam mo ba kaya ko nga to ginagawa ay para malaman kung totoo nga o hindi.
Naaalala mo ba ang nangyari sa isang teacher dito sa NEU noong nakaraang taon?
Nabunyag ang relasyon nila sa buong campus. Anong nangyari? Pati buong klase ng
babae, dinamay. Dinala sa detention room. Kumalat pa at nasira ang pangalan ng
section. Gusto mo bang mangyari yon sa atin?"

Natigilan si Veronica. Hindi na siya nakakontra pa nang sumang-ayon ang iba naming
classmate. Parang doon lang nila narealize na tama nga ang ginagawa ni Wella.

Imbes na maging kalmado ako dahil naging maayos ang pangyayari, nagulo pa yata ang
sistema ko dahil sa nangyaring iyon noong nakaraang taon sa campus na ito. Gusto ko
sanang itanong kung anong nangyari sa teacher pero tiniis ko na lang ang kuryosidad
ko. Itatanong ko na lang mamaya kina Carol at Sheen. Parang bigla akong nakaramdam
ng takot hindi para sa sarili ko kundi para kay Thorin at sa mga kaklase ko.
Gugustuhin ko nga bang mangyari iyon sa kanila? Oh my God.
Nilingon ko si Richmond pero nakita kong nawala yata siya sa kaniyang sarili.
Napapaisip siguro sa kaniyang nalaman, tama. Huwag ka nang dumaldal kung alam mong
may masamang mangyayari.

Bumalik sa kinauupuan nila sila Wella nang pumasok na ang una naming professor sa
araw na ito. Nagfocus ako sa klase at pinilit linawan ang isip ko. Kailangan kong
magfocus sa pag-aaral ko dahil kailangan.

Dumating naman ang second subject at naririnig kong nagbubulungan ang mga kaklase
ko nang pumasok si Thorin. Siguro ay kakarating niya pa lamang, kasalanan ko pa
kung bakit siya nalate. Tsk. Paano na yan. Nag-aaalala na ako sa kaniya. Paano
kapag nalaman sa buong school, kakayanin pa kaya?

"Grabe, hindi ko talaga maimagine na papatol iyang si Sir sa isang studyante. Wala
sa personality niya eh." Sabi ng nasa harap ko. Kahit kailan talaga ang hilig
magtsismisan nila ng katabi niya. Napapailing na lang ako eh.

"Oo tama ka." Bulong naman ng isa. "Wala na ba siyang mapili at studyante ang
pinatulan niya?"

Bulungan pa sila ng bulungan ng mapansin sila ni Thorin. "Kayong dalawa, anong


pinagbubulungan niyo diyan?"

"Wala po sir!"

"Make sure na wala."

"Tungkol lang po sa lovelife niyo. Hihi!" Bulong ulit ng katabi. Ay buwisit naman
talaga oh! Nakalimutan kaya nilang nandito ako sa likod nila o sinasadya nilang
iparinig sa akin? Hindi na sila narinig ni Thorin dahil abala siya sa discussion
kaya ako na ang gumawa ng paraan.

Kinalabit ko ang balikat nilang dalawa at binulungan. "Mananahimik ba kayo o


isusumbong ko kayo sa mga pinagsasabi niyo tungkol kay sir?" Banta ko.

Natahimik ang dalawa at hindi na umimik. Relax akong sumandal sa upuan ko at


ngumiti nang malingunan ako nang tingin ni Thorin. Hehe. Gusto ko sana sabihin,
ayos ba? Pero huwag na lang pala. Naloloka na ako kakaisip. Ugh! Kahit kailan
panira ang lovelife sa study life!
"Ano? Totoo ba talaga?" Nag-aalala kong tanong kina Carol nang makarating at
makaupo kami dito sa cafeteria. Wala pa si Ace, marahil ay nahuhuli.

Tiningnan ako sa mata nina Sheen at Carol.

"Ano?"

"Nag-aalala ka na ano?" Sabi ni Carol sa akin. Ni hindi pa kami makapag-order ng


pagkain dahil sa nangangati na ang dila kong magtanong, malaman lang ang tungkol sa
paru-parusa na iyan.

"Heck. Hindi pa ba halata?" Sagot ko.

"Sheen...dala mo ba?"

"Ang alin?" Tanong ni Sheen.

"Yung student's handbook. Dala mo ba yung sayo? I forgot mine."

"Oo naman, dala ko lagi to. Sandali lang." Hinalungkat niya ang kaniyang bag at
inilabas ang isang kulay yellow na pocket book na may kakapalan. Ito na yata ang
student handbook. Eh anong gagawin ko diyan?

"Kapag may rules kang dapat malaman, dito ka magdepende. Dito mo malalaman ang
gusto mong malaman." Sabi ni Carol nang hawak niya na ang libro. May hinanap muna
siya sa table of contents nito tsaka nagbrowse ng page.

"Bakit walang binigay sa aking ganyan? Hindi ba dapat ay binibigyan din ang mga
transferee ng ganyan?"

"Ewan ko. Baka naubusan ng stock para sayo."

Natawa si Sheen sa kaniya. Kahit ako natawa na din, loka loka talaga.

"Okay ito!" Iniharap niya sa akin ang nakabuklat nang bahagi ng libro. Tinuro turo
niya ang isang bahagi nito. Nakita ko ang isang part ng page na nagsasabing
listahan ng mga ipinagbabawal. Hanep ah. Parang 10 commandments lang sa bibliya.
Iyon nga lang 50 commandments ang nandito at hindi sampu. Nakaturo ang hintuturo ni
Carol sa isang numero sa sengkuwenta.

Seryoso akong tinitigan ni Carol. "Mabilisan lang ito Lorraine dahil nagugutom na
ako, libre mo kami ha."

"Oo na sige na. Paliwanag mo kung ano yan."

"Una sa lahat, ito ang isa sa pinakaprime reason kung bakit nagalit ako sayo."

"Ano?" Sabay na tanong namin ni Sheen.

"Sa halos isang taon na hawak ko ang student handbook na ito, pero hindi akin to,
kaya yung akin ang tinutukoy ko, at dahil responsable akong mag-aaral ng university
na to-"

"Oo na nga! Ano na?"

"Oo na ito na. Atat?!" Huminga siya ng malalim. "Ito kasi yan... nainis at nagalit
ako nang malaman kong may relasyon kayo, hindi dahil lang sa sinekretuhan niyo
kami, kundi dahil din sa isang matatag na rule na ito. Basahin mo, bawal ang
pakikipagrelasyon ng isang studyante sa isang guro, o isang guro sa isang
studyante. Napakahigpit nila sa rule na ito Lorraine. Mahigpit na mahigpit sila sa
bagay na ito. Natakot ako sa inyo ni sir na baka mangyari din sa inyo ang nangyari
noon sa isang teacher at student na nabulgar dito. Actually, buntis ang studyante.
Kaya mas malala."

"Oh my God. Bakit hindi ko yan alam?" Ani Sheen.

"Baka tulog ka at nananaginip nung mga panahon na yon."

Nasapak siya ni Sheen. Umaray siya pero ipinagpatuloy niya ang seryosong pagkausap
sa akin.

Natigilan ako dahil sa nalaman ko."Anong nangyari sa teacher?" Tanong ko. Itinuloy
ko na ang gumugulo kanina pa sa isip ko.

"Sa student muna tayo, okay lang ba?" Ay panira ng curiosity. "Alam ko kasing atat
ka eh. Ito na.. iyon nga, kumalat sa buong campus ang nangyari sa kanila. Maging
teachers daw pinag-uusapan yan. Yung babae, her name is Fatima Rodriguez. Halos
kaedad lang natin siya. Noong nalaman na nakipagrelasyon siya sa kaniyang
professor, alam mong nangyari? Tinorture siya sa harap ng maraming studyante dahil
sa malandi daw siya. Medyo nakaumbok na pa naman ang tiyan niya pero hindi pinansin
yun ng iba at hinayaan lang na malaglag sa kaniya ang bata. I don't know kung ano
ano pa yung iba pero nakita ko mismo na pinahihirapan siya ng mga studyante.
Binuhusan ng putik, dinuraan, pinagbabato at kung ano ano pa. Dinugo na pero walang
ginawa ang may-ari ng school. Kapag ganoong kaso Lorraine, ruthless sila. Hindi na
nila iniisip kung ano pang mangyari sayo, isa lang ang nakikita nila at yun ay
lumabag ka sa isa sa pinakamahalagang rules nila. Alam mo ba kung bakit? Kasi hindi
lang yan pinagbabawal sa school na ito, nasa batas daw kasi yan kaya para malinis
ang tingin sa kanila ng iba, mahigpit nilang pinagbabawal. Para bang isa yang
napakalaking kasalanan na dadalhin ka sa impyerno. Nakakadiri at nakakasuka. Ganyan
ang paningin nila sayo kahit wala ka namang ginagawang makakasama sa kanila."

Tumango-tango si Sheen at dumagdag. "Iniingatan nila yung image ng school kaya


ganon. Parang tanga naman yan! Mas mahalaga pa pala yung sasabihin ng ibang schools
o CHED kesa sa kapakanan ng studyante nila eh. Imba!"

"A-anong nangyari sa t-teacher?"

"Ayon. Nawala siyempre sa serbisyo. Pero ang pinakamasama doon, kahit saan hindi na
siya puwedeng magturo dahil banned na sa ibang school. Ang tindi no? Dinaig pa ang
nanapak at nambugbog ka ng studyante dahil pati lisensya mo pinawalang
bisa...naiintindihan mo na ba ang sinasabi ko Lorraine? Ganito ang school na ito
pagdating sa case mo. Mabait sila kung sa mabait. Students first sila. Non-
goverment kasi ang school na ito kaya nagagawa nila ang puwede nilang gawin, pera
pera lang kasi ang gumagalaw sa ganyan. Ano, gusto mo na bang umalis? Haha. Joke
lang. But seriously, they are that...ruthless when it comes to that issue. I hope,
naging handa ka na sa mga ganitong bagay."

"H-hindi ko alam na ganito pala dito."

"Grabe pala ano. Kapag ganon lang talaga sila nagiging malupit?" Ani Sheen.

"Yup."

"Hindi ba nagreklamo ang magulang?" Tanong ni Sheen.

"Hmm...ang alam ko, ulila na ang babae. Working student at scholar pa nga daw eh.
Ibig sabihin, wala talagang tumulong sa kaniya."

"Oh God. Grabe talaga."

"Yung teacher naman, parang iniwan na sa ere ang babae dahil hindi na daw nagpakita
matapos ang pagtanggal sa kaniya sa trabaho. The hell... walang kuwenta ang ganoong
lalaki."

Sumagi sa isip ko bigla si Owen. He is like that, mang-iiwan sa iyo kapag alam
niyang siya na ang delikado. Alam ko naman kasi ang pakiramdam ng mapahiya at
pagtawanan, pero ang kalagayang sinasabi ni Carol tungkol sa Fatima na yun, mas
nakakaawa ang nangyari sa kaniya. Nasaan na kaya ang babaeng iyon ngayon? Siguro ay
nagpakalayo-layo o nagbagong buhay, or worst, maaaring patay na siya. Sa nangyari
sa buhay niya, alam kong may tendency na gawin niya ang pag suicide. Suicidal naman
kasi ang ganoong kahihiyan na kahit akong napag-usapan lang ay naisip na kunin ang
buhay ko. Pero masuwerte pa rin pala talaga ako noon dahil tsismis lang ang
natanggap ko, hindi pangbababoy at panunuya na halos pandirihan ka. Tama nga si
Ace, malas ka kung makatagpo ka ng mga taong labis kung makapanghusga.

"Lorraine..."

"Hoy Lorraine!"
"O-oh." Napakurap ako. "Bakit?"

"Kain na tayo. Yung libre mo?"

"Hanep kayo. O sige."

Bumili na kami nang pagkain at kumain agad nang makaupo muli sa table namin.

Habang kumakain ay wala na akong alinlangang nagkuwento tungkol sa karanasan ko


noon.

"Yung totoo, naranasan ko na din ang naranasan ni Fatima."

"Ha? Anong naranasan? Anong ibig mong sabihin?"

Nilunok ko muna ang pagkain ko saka nagpatuloy. "Sa dating school na pinasukan ko,
nangyari na sa akin iyong kay Fatima kaya ako napadpad sa school niyo. I had this
professor also, na kasalukuyang dito na rin nagtuturo."

"Ano?! Sino? Si Thorin din ba?" Sabay na naman nilang sabi.

"Hindi... hindi si Thorin. Pero kilala niya."

"Eh sino?" Ani Carol.

"Si sir Owen."

"Si sir Owen?" Kunot-noo nilang sabi. "Siya?!" Natumbok nila.

Marahan akong tumango. "Oo. Tama kayo ng pagkakakilala. Siya rin ang professor na
nang-iwan sa akin nang mabunyag ang nangyari. Everything was fine until that news
bombed like a grenade. Pasensya na kung...kung natrauma ako sa mga kaibigan ko noon
at nadamay ko kayo. Yun ang dahilan ko kaya hindi ko muna sinabi ang tungkol sa
amin ni Thorin. Natakot ako na baka mangyari na naman ang nangyari noon, mga k-
kaibigan ko kasi mismo ang nagpakalat ng tungkol sa amin ni Owen." Sumimangot sila
sa sinabi ko pero hinayaan lang akong magpatuloy. "I'm sorry. Hindi ko naman talaga
sinasadyang hindi sabihin, masyado kasing nangibabaw sa akin ang takot. Isa rin ang
takot kung bakit matagal ang inabot bago ko tuluyang tinanggap sa sarili ko si
Thorin...Tulad kay Fatima, pinag-usapan din ako, pinagtsismisan.. pero hindi tulad
ng nangyari sa kaniya na binaboy at tinuring na hayop. Iyon lang ang
maipagpapasalamat ko."

After what I've said pareho silang natahimik. Si Carol ay tinitigan ako ng maigi sa
mata habang si Sheen ay napapabuntong hininga na lang sa mga isiniwalat ko.

Carol sighed and start to talk. "Alam mo Lorraine...I can't believe you even
doubted our friendship. Alam mo sa sandaling panahon, tinuring ka na naming isa sa
amin. Bestfriends...pero sabagay, hindi ka namin masisisi kung nagawa mong itago sa
amin ang tungkol sa bagay na iyan. We know that your experience is very
traumatic...pero sana, nagawa mo ring mag-open up kahit man lang konti.
Maiintindihan ka naman namin eh."

Tumango si Sheen. "Tama si Carol,Lorraine. Maiintindihan ka namin kung nagsabi ka.


Hindi naman kami kasi katulad ng mga dating kaibigan mo. We are true to you, alam
mo yan. Hindi kami sila, at hindi sila kami. Gets mo?"

Tumango ako habang napapayuko na lang. Hindi ko alam na maiiintindihan pala nila
ako. I was afraid that time. Very afraid to the point na nawalan na ako ng tiwala
sa kahit sino.

"Kaya ngayon nagsosorry ako. Pasensya na kayo kung malihim ako."

"Well, ano pa nga bang magagawa namin? So...kung pagbabasehan ang mga sinabi mo sa
amin, kung magkataong maulit muli ang mga nangyari sayo noon sa, tatanungin kita,
kakayanin mo pa ba?" Ani Carol.

Tumango ako. "Una ang akala ko talaga ay hindi ko kakayanin. Pero dahil kay
Thorin...para kay Thorin...handa akong gawin kahit ano para sa kaniya."

They both smiled. Napangiti na rin ako.

"Ang swerte mo ha. Grabe ang experience mo na pala sa ganito...good luck sayo.
Sana, kung mangyari man sayo ang nangyari kay Fatima... ipaglaban mo pa rin ang
nararamdaman mo para sa kaniya. Huwag kang susuko kung ayaw mong magalit na naman
ako sayo." Napangiti ako sa sinabing iyon ni Carol. Natawa kami nang marealize na
masyado na palang naging madrama ang usapan kaya imbes na magdramahan pa,
ipinagpatuloy na lang namin ang naudlot na pagkain. Hindi dumating si Thorin sa
oras na iyon, maging si Ace, I don't know if tinaon nilang magkausap-usap kami nang
masinsinan nila Carol.

I was very thankful to this friends. Nagawa nila akong intindihin sa kabila ng mga
pagtatago ko ng aking lihim. Despite of that secrets they even accept me and loved
me. Habang kumakain kami, napapangiti at amazed akong tumitingin-tingin sa kanila.
Wala, baliw na talaga ako kung pakakawalan ko pa ang mga ganitong kabigan.

******

"Thorin..."

"Hmmm?"

"I want to ask you something."

Nandito na kami ngayon sa kaniyang sasakyan. He will drive me home kaya


kasulukuyang nasa daan kami pauwi ng aking bahay. Nais kong malaman mula sa kaniya
kung alam niya ang tungkol sa kaso ni Fatima noon. Did he know about that issue? Sa
palagay ko ay oo dahil ang alam ko ay ilang taon na rin siyang nagtuturo doon and
to think na nakaraang taon lang pala iyon nangyari. Kung may alam siya...bakit wala
man lang siyang sinasabing kahit ano sa akin?

Nilingon niya ako sandali habang hawak niya ang manibela nang nakakunot ang noo.

"What?"

"Did you know someone na Fatima ang pangalan?"

"Fatima?"

"Oo. Fatima Rodriguez. She is no longer at NEU pero nag-aral daw siya doon noong
nakaraang taon."

Nag-isip siya sandali. Napansin kong medyo bumagal ang takbo ng sasakyan.

"You know her?" Tanong ko muli.


"I think I heard that name. Bakit?"

"Alam mo ba ang nangyari sa kaniya kaya wala na siya ngayon sa school?"

"Hmmmm... If I rember it right, she is a freshmen student last year. Kung nandiyan
pa siya ay baka second year na rin siya tulad mo. I don't know if the issue was
true but I think I heard that she was known as girlfriend of Mr. Ocampo. Naging
bali-balita iyon noong nakaraang taon pero hindi ko masyadong pinagtuunan ng
pansin...Bakit? Kilala mo ba siya?"

"Why didn't you told me?"

"What?" Taka siyang lumingon sa akin. "Bakit? I didn't know that you were
interested."

"Kahit na...sana sinabi mo pa rin sa akin. Karapatan ko ring malaman ang nangyari
sa kaniya. Kung hindi lang nabanggit sa akin ay baka wala akong alam na may naganap
na palang ganoon sa school."

"Jesus...Lorraine," hianawakan niya ang kaliwang kamay ko. " I didn't know that
you'll be interested...kaya hindi ko na sinabi sa iyo. Besides, ano bang kinalaman
natin sa kaniya?"

"Malaki..."

"Ano?"

"Oo. Malaki dahil related ang issue natin sa kaniya. Thorin...paano kung...paano
kung mangyari rin sa atin ang nangyari sa kaniya?" Nag-aalala kong tanong. Hindi
ako natatakot pero hindi ko talaga maiwasang mangamba.

"Hindi iyon mangyayari, okay? Lorraine...if your fear is still over you-"

"No... Hindi ako natatakot."

"Then don't worry about that issue."

"Paanong hindi ako mag-aaalala? Narinig ko na tinanggal sa serbisyo ang teacher at


dinamay pati ang buong section ng babae. What if...what if..." huminga ako ng
malalim. "Hindi ko yata kakayanin na matigil ka sa pagtutoro."

"And there you are again...ilang beses ko bang sasabihin sayo na okay lang? Kung
mangyari man iyon, noon ko pa sinasabi sa iyo hindi ba? Handa ako sa kung ano man
ang mangyari. Ilang beses ko na rin sinabi sayong magtiwala ka. From now on, ayoko
nang makakarinig sayo ng mga ganyan, okay? Believe me...everything's gonna be
alright. Masyado mo na namang tinatakot ang sarili mo eh. Tama na, okay? Hmmm?" He
kissed the back of my hands at dinala iyon sa lap niya. Napabuga ako ng hangin.
Bakit ang tindi ng paniniwala niya samantalang ako, napakahina? Hindi siya nag-
aaalala sa kahit ano. Simula pa man siya na ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin
kapag nanghihina ang paniniwala ko.

Makalipas ang mahigit isang oras nakarating na kami sa bahay. Ewan ko pero parang
may bigla akong naramdaman sa puso ko. It suddenly beats fast at hindi ko alam kung
bakit. Nang bumaba ako ng sasakyan tumindi ang kaba kaya mabilis akong pumasok sa
bahay, wondering if something happen o kaya naman ay may nangyaring masama sa ate
ko.

"Lorraine!" tawag sa akin ni Thorin.


"Titingnan ko lang ang loob ng bahay!" Sigaw ko habang nagmamadaling pumanhik ng
hagdan.

Tinakbo ko ang silid nila ate. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay hinanap agad ng mata
ko ang mga gamit ni ate, kung naakalis ba siya o hindi siya nakapasok. Hindi nga
ako nagkamali sa nakita ko, narinig ko ring mabilis akong sinundan ni Thorin dahil
paakyat na siya ng hagdan. Naghina ako nang makita na nakahandusay si ate sa sahig,
walang malay at dinudugo!

"Ate!" sigaw ko. Lumapit ako sa kaniya at lumuhod. Bumukas ang pinto at mabilis
akong inalalayan ni Thorin. I cried when I saw her hopelessly unconscious! What the
hell happened?

"Sssshhh..." Alo sa akin ni Thorin.

"Thorin...madali ka dalhin natin siya sa hospital!"

Mabilis na binuhat ni Thorin si ate Laureen. Umiiyak na sumunod ako hanggang sa


kotse. Wala pa naman kaming ibang kasama sa bahay kaya hindi ko alam kung kailan pa
siya ganoon. I didn't even know kung kanina pang pag-alis namin ay ganoon na ang
nangyari sa kaniya. My God! Napabayaan ko siya! Posible kayang nagkaroon siya ng
miscarriage? She is bleeding na parang nalaglagan ng bata.

Habang nasa bayhe naman ay wala akong tigil ang pagbalong ng luha sa mata ko.
Nababahala ako. Paano kung mawala sa akin si ate? Paano na ako? Niyuyugyog ko siya
balikat pero hindi siya nagising, putlang putla at lupaypay ang katawan. Noong
pinulsuhan namin siya kanina bago umalis sa bahay ay mayroon pa naman, ibig sabihin
ay buhay pa siya.

We immediately hurried as we enter the hospital. Dineretso siya sa ER at hindi na


kami pinayagang sumunod pa nang ipasok siya sa operating room. Tinawagan na rin ni
Thorin si August para ipaalam ang nangyari at sinabing susunod na lang. I cried and
trembled in fear. I am afraid na baka malala ang nangyari at kung posibleng buntis
man siya, paano ang bata? I know that it's impossible for baby to survive. Tinahan
ako ni Thorin habang patuloy ako sa pag-iyak habang naghihintay sa resulta at
paglabas ng doctor.

Please, Lord...save my sister.

######

"What happened?"

Nilingon ko ang humahangos na dumating na si August. Nag-init bigla ang ulo ko at


galit akong tumayo para harapin siya.

"Kung hindi ka ba naman talaga may pagkagago, eh di sana hindi nangyari to!"
Tiningnan ko siya ng masama hangga't sa makakaya ko. He is so worthless! Kung sana
ay hindi siya nagloko, hindi sana humantong sa ganito. May karapatan pa siyang mag-
alala? He did this! Dapat ay hindi na rin siya nagpunta dito! Galit na galit ako sa
kaniya at gustong gusto ko siyang saktan. Pero pinigil ko ang sarili ko dahil
iniisip kong kapatid din siya ni Thorin.

Hinawakan ako sa balikat ni Thorin nang payakap at inalo. "Lorraine...calm


yourself."
Halos mamasa masa pa ang mata ko sa kakaiyak. Ilang minuto na ang lumipas, wala pa
ring lumalabas na doktor para sabihin kung ano na ang lagay ni ate. Peste namang
buhay to oh.

"I know it's my fault. Pero hayaan niyong nandito lang ako." I don't know if he is
worried. Parang wala na rin akong pakialam kung nag-aalala man siya. Naiinis at
nagagalit ako sa kaniya. I don't know but I need to blame someone, at siya iyon.
Bakit? May iba pa bang dapat sisihin dito kung hindi siya? Tama lang na magalit ako
sa kaniya dahil para sa akin wala siyang kuwentang asawa. Kung hindi sana kami
umalis sa poder niya, o sana'y hindi niya kami hinayaang umalis kagabi ay sana'y
naiwasang mangyari ito! Isa lang ang ibig sabihin nito, nagpabaya siya. Pinabayaan
niya si ate! At kung talagang may concern siya, sana kinaumagahan pa lang, nang
magising pa lang siya sa kalasingan niya ay dumiretso na siya sa bahay para
makipag-ayos. Ugh. I am feeling madness inside me.

"Bakit ngayon ka lang? Hindi ba dapat ay kanina ka pa nagpakita? Hinintay mo pa


bang mangyari ito bago ka lumapit? Nasaan na ang pinagkatiwalaan kong lalaki para
kay ate noon?"

"I'm sorry Lorraine. Pero hindi ko kayang magpakita pa sa ngayon-"

"Ah! So dahil guilty ka? Ganon?"

"No! May kailangan kasi akong gawin sa kumpanya dahil ako lang mag-isa ang
nagpapatakbo non."

"Mas mahalaga pa pala iyon kaysa sa asawa mo? Don't make excuses August, ayoko na
maniwala sayo."

Napadiin ang hawak sa akin ni Thorin kaya napatingin ako sa kaniya. Nagtitiim-
bagang siya.

"Hindi ko hinihiling na maniwala ka. I was exhausted at pagod-pagod ako ngayon sa


trabaho. I came here to know kung ano nang kalagayan niya, hindi ang masermunan sa
kasalanang paulit-ulit kong sinasabing, hindi ko sinasadya."

"Huwag mo nang pagdiinang pagod na pagod ka sa trabaho. Stop it." Ani Thorin.

"The hell?!"

"You are pointing something. Hindi ko gusto ang naririnig ko."

"What?!" Hindi siya mapakapaniwalang humakbabg at tinangkang sumilip sa kuwarto


kung nasaan si ate Laureen pero bigo siyang yumuko at binalingan kami muli.
"Pakiusap...huwag niyo nang dagdagan ang mga isipin ko. Nagpatong-patong na. The
company is not in a good condition kaya pagkagising ko pa lang kanina mabilis akong
pumunta sa opisina dahil nagkaroon ng malaking problema na kailangang maayos agad.
I'm not saying anything okay? I was sorry...really." Hapong-hapo siyang umupo at
nilamukos ng kaniyang palad ang kaniyang mukha. Pinanood namin siyang nagdurusa.
Very problematic based on his face. "I canceled my evening appointment sa isang
important client just to be with her... I really don't know what to do." He sighed
heavily.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkapagod. Bigla ay parang gusto ko nang


pagsisihan ang paninisi sa kaniya sa nakikita ko ngayon. Did I over reacted that
much? Umupo ako muli at humingi ng dispensa sa sinabi ko.

"I'm sorry... dala ng pag-aalala at pagod kaya ako nagalit. I'm sorry for blaming
you... kanina, pumasok ako sa school at ang akala ko pumasok din siya sa trabaho.
But when we got home, I saw her. Dinudugo at walang malay. Posibleng nakunan siya
pero hindi namin sigurado dahil hindi pa lumalabas ang doktor."

Gulat at nanlalaki ang matang tumingin siya sa akin. "Nakunan?!" Nanghilakbot siya.
"Ibig sabihin.....? Ibig sabihin... she is pregnant?"

"Walang nakukunan kung hindi buntis." Sagot ni Thorin.

Tumango ako. "Oo... I'm sorry. H-hindi ko naalagaan si ate."

"No! Don't even say sorry. It's all my fault."

Biglang lumabas ang doctor at tinanong kung sino ang kamag-anak ng pasyente. Ako na
ang kumausap dahil nakikita kong nanghihina pa rin si August. He just looked and
lazily stand up to talk to the doctor pero inunahan ko na siya.

Sinabi nang doctor na ligtas ang ate ko at kinumpirmang buntis, 4 weeks. She is
safe and at the same time, the baby also. Abot langit ang pasasalamat ko na nagawa
ni ateng lumaban. Mabuti na lang ay naagapan namin, sinabi ng doctor na ilang
minuto pa lang siyang dinugo nang makita namin kaya nailigtas ang bata.

Ang hinala ko ay nagawa pa siguro ni ateng makauwi mula sa trabaho at inabot nang
makarating siya sa kuwarto. I was thankful that it didn't happen first thing in the
morning, kung hindi ay baka si ate ay wala nang ligtas.

Matapos ang ilang pag-uusap ay umalis na ang doktor. Inilipat si ate sa pribadong
kuwarto at nang masiguro nang puwede na kaming pumasok ay mabilis kaming sumunod.
Nang makapasok kami ay nagising din si ate. She's now okay. Sa palagay ko ay hindi
na siya inoperahan o ano. Hindi ko naman maintindihan dahil hindi naman ako nag-
aaral ng medicine. Tsk. Whatever! Ang mahalaga, maayos na ngayon si ate.

Iinot-inot na lumapit si August kay ate. Hindi siguro malaman kung lalapit ba o
lalayo nang ilang hakbang mula sa kama. Sa huli nagawa niyang lumapit at hawakan sa
palad si ate. I smiled as I walk close to her at the other side. Katabi ko naman si
Thorin.

"Anong ginagawa ko dito?" Sabi ni ate.

"Nagpaparty ate." Pagbibiro ko. She just smile a bit and looked at August who's
looking at her intently. Nagsusumamo ang mga mata ni August habang hawak-hawak ang
kamay niya. Kumunot ang kaniyang noo at nanlaki ang kaniyang mata nang makilala
kung sino ang nasa kabilang gilid niya.

"Sshhh...don't say anything. Please? Makakasama sa bata kung mag-aaway pa tayo


hanggang dito." Ani August.

"Bata?" Maang na tanong ni ate. Tumingin siya sa akin pero ngumiti lang ako. Mabuti
nang ang kaniyang asawa mismo ang magsabi.

"Uhmm...we're having a baby. Kaya ka nandito dahil nagdadalang-tao ka." Mababanaag


sa mata ni August ang kasiyahan nang banggitin niya ito kay ate. Parang bigla ay
ayoko nang marinig ang pag-uusapan nila pero naisip kong kailangan kong mabantayan
ang magiging usapan nila. Baka kasi mag-away na naman sila at magkasakitan, mabuti
nang maingat.

"A baby? Pero bakit ka nandito?"

"To check on you. Umuwi ka na sa bahay please. I want to take care of you, I'm
sorry sa naging kasalanan ko. Handa akong patunayan na walang ibig sabihin ang
nakita mo. Pinahanap ko ang CCTV video para malaman mo na hindi ko ginusto ang mga
iyon.x Please believe me honey...magkakaanak na tayo oh. Magkakaroon na tayo ng
sarili nating pamilya."

Naluha si ate dahil doon. Pumatak sa kaniyang pisngi ang kaligayahan kaya hindi na
naiwasan ni August na yakapin siya. Oh God. It should be private kaya bago pa man
ako maupos sa hiya ay hinila ko na palabas si Thorin para makapag-usap sila ng
maigi. I know na bati na na sila kaya hindi ko na siguro sila kailangang bantayan.

Umupo kami ni Thorin sa labas ng kuwarto at nag-usap. Napagpasyahan na rin naming


bumili ng makakain sa labas at para na rin may makain si ate. Ang sabi ng doktor ay
bukas pa siya puwedeng lumabas kaya dinamihan na namin ang pagkain. It's already 8
oclock and we're not still yet eating dinner. Kumain kaming apat at matapos iyon ay
pinagtabuyan na kami ni August na siya na ang bahalang magbantay kay ate sa buong
gabi. Pumayag kami at hindi na tumanggi. We drive home, I mean... my house. And at
the second time around, we sleep again in a same bed. May nangyari sa amin nang
gabing iyon, pero joke lang dahil kahit siguro ako ang magyaya ay walang kahit
anong gagawin sa akin si Thorin. So gentleman...kaya lalo kong minamahal eh.

****

Kinabukasan ay dinaanan muna namin si ate Laureen sa hospital bago kami pumasok sa
school ni Thorin. We had make sure that there will be no hassle in time kaya hindi
pa man sumisikat ang araw ay nakaalis na kami sa bahay. As usual nakalimutan na
naman ang isusuot ni Thorin kaya napabili siya nang wala sa oras sa kalapit na
department store. Akalain ko ba namang may alam din siyang tindahan ng mga damit na
maagang nagbubukas? Tsk. I didn't know that there are existing stores out there.

Tumuloy na kami sa pagpasok nang masigurong ayos na ang mga dapat asikasuhin bago
siya lumabas ng hospital. August never leave her no matter what kaya noong nakita
namin ang mukha niya ay halata na ang pagod pero hindi niya iyon ininda. Siya na
daw ang bahala sa lahat. He will take my sister home to her house aniya. Pumayag na
lang ako dahil desisyon nilang dalawa iyon. Sinabi ko na lang na bahala na kung
sasama ulit ako hindi, siguro'y pagkatapos na lang ng school hours. Gagabihin din
nga siguro ako ng uwi dahil doon sa project namin.

Naging maayos ang takbo ng araw ko. Nakakahinga na nang maluwag dahil hindi ko
akalaing kagabi lang ay sobrang bigat ng pakiramdam ko pero bigla ring naging
maayos nang malamang okay na rin si ate.

By lunch ay napag-usapan ng grupo na sa labas na kumain, kasabay ng pagsagawa ng


interview sa mga professionals. Syempre para walang abala ay inuna na namin ang isa
naming teacher tungkol sa kaniyang reaction sa nagbabagong henerasyon ngayon. After
her, we proceed to hospitals. We conducted interview to the one who checked me up
when I was diagnosed with ulcer, ayon na rin iyon kay Thorin na sa kaniya na lang
daw dahil siniguro niyang maayos ang interview at pumayag na raw ito. Tsk! Ayoko
man ay pinagtiyagaan ko na lang kesa naman maghanap pa kami ng iba, medyo mahirap
na makipag-usap ngayon dahil busy ang trabaho nila. Bago pa man matapos ang oras ay
bumalik na kami agad sa school. After na ng uwian namin isasagawa ang iba.
Nagliligpit na kami nang gamit, uwian time at kami na lang naiwan sa classroom nang
biglang lumapit sa akin ang classmate kong isa sa kasama ni Veronica nang mapadpad
sila sa bahay ni Thorin nang araw na nakita nila ako. Siya rin yung kumausap sa
akin na masaya siya para sa amin.

I watched her confused.

"Lorraine..." alalang-alala niyang sabi. "Kailangan mong sundan sina Veron!"


"Bakit?"

"Pupunta sila bahay niyo! Kasama si Wella at iba pa nating classmate. Sinama nila
si Wella para patunayang nasa iisang bahay lang kayo nakatira!"

"Ano?!" What the hell? Anong gagawin nila doon? Sinusubukan talaga ako ng Veronica
na yun! Akala ko ba okay na? Na hindi na siya gagawa ng kung ano-ano?

"Oh dear! Bakit ba masyado yang atribidang kaibigan mo?" Ani Carol kay Sonia. I
know she is Sonia. I'm sure about that.

"Paano yan, Lorraine?" Tinapik ako ni Sheen.

"Ano bang gagawin nila doon? Ang akala ko ba bawal ang pumunta sa isang property ng
prof?" Sabi ko.

"Ewan ko. Hindi naman daw malalaman. Ayaw sanang sumama ni Wella pero pinilit siya.
On the way na sila ngayon kaya sundan mo na sila!"

"Ugh! Isumbong na natin sa nakakataas! O kaya isumbong mo kay Thorin." Sabi ni


Carol sa akin. Umiling ako.

"Adik ka ba? Kapag sinumbong natin, sa palagay mo ba hindi rin sila maghihinala?"
Si Sheen kay Carol.

"Hindi puwede. Tayo na." Anyaya ko.

Sumunod sila sa akin kasama si Sonia. Ginamit namin ang sasakyan ni Carol at siya
na rin ang nagmaneho. Tinuro na lang namin sa kaniya ang daan patungo sa bahay ni
Thorin at habang nasa byahe din kami ay nagpadala ako ng mensahe sa nangyayari.

Thorin, I'm heading to your house right now. Huwag mo na akong hintayin dahil may
biglang nangyari.

What? Anong gagawin mo doon? Doon ka na ba uuwi ngayon? Why didn't you told me?

No. Not now. Pupuntahan kasi ng mga classmates ko ang bahay mo para mahuli ako.
They want to confirm that I was living with you. Paano na to?

Ano bang naiisip ng mga classmates mo? Don't worry. Nasa bahay na sina August. I
will tell them to face my students and deny that you are not there and you're never
been there. Hold on, susunod ako. Take care...sinong kasama mo?

Carol and Sheen tsaka isa ko pang classmate. Ingat ka din.

I love you.

I love you too.

Matapos ang palitan ng mensahe ay nanahimik na ako sa upuan ko.

"Lorraine? Bakit hindi ka nag-aalala?" Nilingon ko si Carol nang sabihin niya iyon
habang abala siya sa pagmamaneho.

"Bakit? Kailangan ko bang mag-alala?"

"Hindi naman. Pero di ba dapat kahit konti, meron?"


"Hindi ako nag-aalala dahil wala silang mahuhuli."

"Bakit?" Sabi nilang lahat.

"Hindi na ako doon nakatira. Umalis na kami ng ate ko two days ago."

"Ngek! Eh bakit pa tayo pupunta kung wala naman palang dapat ipag-alala?"

"Oo nga. Sinayang lang natin yung gas ko." Ani Carol.

"Papalitan ko yan. Kailangan ko lang talaga silang makita. Nag-aalala ako sa mga
guards doon at baka may sabihin kapag sila ang napagtanungan."

"May magagawa ka pa ba kung ganoon na mangyari? What if mahuli tayo ng dating?


Ano?"

Napahinga ako ng malalim at tiningnan sila. Nagforward pa kasi mula sa likod sina
Sheen at Sonia para marinig ako nang maayos.

"Sana nga ay makaabot tayo...teka nga, tapos na ba kayo sa project niyo at inuna
niyo yang pagpunta sa bahay?" Sabi ko kay Sonia.

Tumango siya. "Yup. Tapos na kami at reaction paper na lang."

"Tsk. Mabuti pa kayo. Eh tayo Lorraine? Imbes na matapos natin ito ngayon, saan
tayo napadpad?" Napapailing si Carol habang sinasabi niya iyan. Oo nga pala. Ay
leche naman hindi pa pala kami tapos. Paano na yan? Bahala na. Pagkatapos na lang
siguro nito o kahit ako na lang bahala sa ibang interviews. Ako naman ang may
kasalanan dito kaya ako na ang sasagot sa problema.

"I'll be handling the other interview pagkatapos nito. Asikasuhin niyo na lang ang
reaction papers niyo."

"Sigurado ka?"

"Oo."

Nang makarating kami sa subdivision ay nagtanong kami sa tanggapan nito kung may
pumasok na grupo ng mga studyante. They confirmed it ilang minuto pa lang daw ang
nakalilipas nang dumating sila. Dali-dali kaming pumunta sa bahay ni Thorin at nang
masilayan namin ang grupo nila sa tapat ng bahay,tumigil kami sa tapat ng katabing
bahay. We watched them as they talked to one of the guards. Luckily, nang buksan
ang bintana ng kotse ay naabot ng aming pandinig ang usapan.

"Eh manong sigurado po ba kayo?" Ani Wella sa guard. Napapakamot nga ito sa ulo
kahit wala nang buhok, maiparating lang na wala silang mahihita.

"Oo nga po maam."

Nakita naming lumapit nang konti si Veronica at inis na tinitigan ang guard. God.
Grabe gagawin yata nito ang lahat, mapatunayan lang na nandoon nga ako nakatira.
Ano ba talagang pinaglalaban niya, ha?

"Kuya, huwag na po kayong magsinungaling. Nakita namin siya dito tapos, sasabihin
niyong walang sinumang Lorraine ang nakatira dito? Pakyu na lang oh."

Natawa doon si Carol kaya napalingon ako sa kaniya.


"Tss. Bunganga niya talaga." Aniya. Napailing ako at patuloy na nakinig.

"Eh sa wala nga po talaga maam. Kahit po sinong tanungin niyo dito ay hindi
nakakakilala sa kaniya."

"Niloloko niyo yata kami eh. Kami ba pinagmumukha niyo pang sinungaling?"

"Ayan. Bungangera na nga, wala pang respeto sa nakatatanda." Nagsisang-ayon ang iba
ko pang kasama sa reaction ni Carol. Hay naku. Panira ng concentration.

"Hindi po."

"Veron naman. Huwag mo nang ipilit dahil mukhang hindi naman oh." Ani Wella.

"Maniniwala ka sa kalbong to?"

Natawa na kaming apat sa kotse. Baliw na talaga.

"Irespeto mo nga si kuya."

"Paano ko siya rerespetuhin kung nagsisinungaling siya? Hay naku!"

"Ma'am wala po talaga...umalis na po kayo bago lumabas ang amo ko."

"Sinong amo? Si sir po ba? Wala pa siya dito dahil alam naming nauna kaming umalis
sa kaniya." Nagmamataas na sabi ni Veronica. Napabuga naman ng hangin si Wella,
frustrated na siguro sa kakulitan nito. Tsk. Gusto niyang pangalandakan sa mga
classmates naming tama siya. Well, I don't know but she will turned out pathetic
kung hindi niya pa rin ito ititigil.

Maya- maya ay habang nangungulit pa din si Veronica ay lumabas na sa gate si


August. Napangiti ako. Tingnan nga natin ang mga mangyayari.

"Oh my God...hindi ba siya yung nakita natin dati sa comp shop? It means kapatid
niya si sir Thorin?" Tumango ako sa sinabi ni Carol. "Grabe ang guwapo niya talaga.
Lalo na ngayon na nakapambahay lang siya...Tsk. Sabi ko na nga ba may kamukha yan
noon eh...yun naman pala si sir lang pala."

"Ayan ka na naman Carol eh." Saway ni Sheen.

"Kilala niyo siya?" Sonia

"Ay hindi! Kakasabi nga lang eh....hay"

"Ahh...H-hello po." Sabay-sabay na bati ng classmates ko. Maging sila Veronica


bumati pero natutulala. What? Because he is handsome like Thorin? Oo mas malakas pa
ang charismatic Aura ng lalaking yan.

Humakbang si August at nangungunot ang noong nagtanong. "May problema ba dito?"

"A-ah..." Lumingon si Veronica sa kaniyang mga kasama at nanlalaki ang mata. Natawa
ng bongga si Carol nang makitang kinikilig ng palihim ang mga kasama niya. Akala mo
natate kung ano eh. . "Ano po k-kasi.. may itatanong lang po sana kami."

"Hmmm? Anong itatanong niyo? May maitutulong ba ako?"

"Sabi po kasi ng mga kasama ko, sir...ano daw ho...dito daw po nakatira ang isa pa
naming classmate na nagngangalang Lorraine. Gusto lang naming patunayan kung
nagsasama daw sa iisang bahay ang classmate namin at si sir Olivar." Sabi ng isang
kasama nila. I don't know her name, wag niyo nang itanong.

"Wow grabe ka-prangka. May mahihita ka talaga diyang babae ka. Hindi na nahiya na
sabihin ang pangbibintang...well, which is true.haha" Reacted by Carol. May masabi
lang itong kasama namin eh.

"Ang ingay mo." Saway na naman ni Sheen.

"Tss."

"Lorraine? Wala akong kilalang Lorraine na dito nakatira. Baka yung aso namin oo,
hindi ko rin alam."

Natawa na naman kaming apat. Ay leche ganda talaga ng sagot. Mapapatawad ko na


talaga siya agad sa kasalanan niyang nagawa kay ate dahil sa sinabi niya.

"Sabi ko kasi sa inyo eh! Padlos-dalos kasi kayo." ani Wella. She is irritated when
she confirmed na hindi nga totoo ang sinasabi ng mga kasama niya.

Lahat sila napalingon bigla sa daan kung saan naroon kami nang may tumunog na
sasakyang palapit. Nakilala ko ang kotse at si Thorin iyon.

"Here comes the ruthless professor of our school. Ayan kasi, sugod bahay gang pa!"

"Ang ingay mo talaga Carol!"

"Abang na nga lang tayo. Sorry naman. Haha!"

Bumaba si Thorin sa kotse at pagalit na humarap sa mga classmates namin. Ako naman
ang natawa nang biglang magsiyukuan ang mga babaeng iyon na parang maaamong tupa.

"Sinong nagsabi sa inyong puwede kayong pumunta dito?!"

Napailing-iling ako. I'm loving the show and seems like the three with me is
enjoying too. Ciao!

****

Please Vote and Comment naman po...Salamat ng marami!

Sa mga una kong commentors at voters, lalo na sa first reader lagi kapag may UD
ako, maraming-maraming salamat din! Kung kilala ko talaga kayo aalayan ko kayo.
haha! Mwuah!

************************

"Explain to me everything! Bakit kayo nandito?"

Napangisi ako nang hindi sinasadya. Lumapit si Thorin sa natitigilan naming


kaklase.
"Thorin.." ani August kay Thorin.

Thorin throw a glare to Veronica and company bago niya nilapitan at kinausap si
August. Hindi na namin naŕinig ang usapan ng dalawa dahil halos nagbubulungan sila.

"Ah...sir.." panimula ni Wella. "As a president of our class, ako na po ang


humihingi ng dispensa sa biglaang pagpunta namin dito. Aalis na rin po kami."
Yumukod siya nang bahagya at humihingi ng paumanhing tiningnan si Thorin.

He cleared his throat arrogantly. "Anong sadya niyo dito?"

"May...may gusto lang po patunayan."

"Patunayang ano?"

"Kung totoo ba ang sinasabi nilang dito nakatira si Lorraine. Sorry po." Binalingan
niya sina Veronica. "Guys, wala na tayong gagawin dito. Mabuti pang umalis na
tayo."

Umiling bigla si Veronica kaya napasinghap ang mga naroon, maging kaming apat na
nasa loob ng sasakyan. The hell? Ayaw niya pa rin ba talaga magpatinag?

"Veron!" Ani Wella.

"I know what I'm doing. Alam ko kung anong totoo at alam niyo sir na hindi lang ako
ang nakakaalam noon. Don't deny it dahil alam na namin kung anong meron sa inyo ni
Lorraine."

Tumaas ang isang kilay ni Thorin at tahimik lang ding nanood at nakinig si August.
Ugh! What is she doing?! Hindi niya ba alam na mali na siya sa kaniyang sinasabi?
Oo alam kong tama siya, pero ang harapang sabihin yan kay Thorin sa palagay ko'y
out of order na. Does she forget to respect him? Kami naman dito sa kotse ay
tahimik na naghintay at nakinig sa mga nakikita namin sa labas.

"Oh yeah? Siguradong sigurado ka sa sinasabi mo iha?" Ani Thorin. Nagmumukhang


hinahamon niya si Veronica. Tanging siya na lang yata ang nananatiling matapang.
Grabe, ang laki ng pinaglalaban ng babaeng ito. Sa ginagawa niya kaya, may mapapala
siya? What will she get of pointing it out? Does she will benefit something? I
don't understand. Tsk.

"Opo. Kung tama ako nang pagkakaalala, magkasama rin kayo sa hospital nang
maospital ang kapatid ko. I know I was right and I'm not imagining things because
Lorraine even confirmed it to us. But now, she was denying it, for God sake! Hindi
ako papayag na pinagmukha niya akong tanga at sinungaling kaya gagawin ko ang
lahat, mapatunayan lang na totoo ang sinasabi ko. May relasyon po kayo, aminin niyo
na."

Umiling-iling si Thorin na tila di makapaniwala. He smirked and raise his brows.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"Veronica Silvester sir."

"Are you sure about what you are implying?"

Napahang nang konti ang bibig ko nang sumagi sa isip ko ang isang posibilidad. May
balak bang umamin si Thorin sa kanila? Oh God. Puwede niyang gawin iyon dahil sa
estado naming ito ay may tendencing umamin siya. He was not afraid like me! Kung
tutuusin pa nga ay parang gusto niya pang ipagsigawan iyon.

Ngumisi si Veronica.

"Oh God. Paano niya nagagawang gawin iyan?" Komento ni Sheen.

"Hindi siya natatakot kay Thorin dahil nasanay siyang hangaan ito noon. She can do
anything dahil malakas ang loob niya." Sagot ko. Hindi na sila umimik at patuloy
nang nakinig.

"I'm very sure. And I never been sure...nakita mismo ng mga mata ko kaya
siguradong-sigurado ako sa sinasabi ko. Handa akong patunayan iyon."

Tumikhim si Thorin at humakbang papalapit kay Veronica. I was waiting for what will
happen nang biglang lumabas din si ate mula sa gate. She was not feeling well base
on her facial expression at sa nakikita ko ay pinilit niyang lumabas ng bahay. Ugh!
Bakit kailangan niya pang lumabas nang ganyan ang kalagayan niya? Nakakainis! Para
bang bigla ko ring ginustong lumabas ng kotse pero alam kong hindi puwede.
Naramdaman ko rin ang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin, nalingunan ko si
Carol saka siya sunod-sunod na umiling. Wala akong nagawa kundi huminga nang
malalim at panoorin pa sila.

"Shit! Bakit ka lumabas? Alam mo namang hindi mo kaya?" Ani August nang mabilis
niyang daluhan si ate matapos niya itong makita.

Maging ang mga classmate ko at Thorin ay napunta sa kaniya ang atensiyon. Sinamaan
niya nang tingin si August.

"Kung alam kong hindi ko kaya sana wala ako dito. And please, huwag mo na akong
hawakan, kaya ko na ang sarili ko." Pero nanatiling nakaalalay sa kaniya si August
kaya wala na siyang nagawa. Binalingan niya nang atensyon ang mga kaklase kong
nagkakabulungan at tila nagtataka kung sino ang babaeng nasa harap nila. "Mga
studyante mo, Thorin?"

"Yes." Sagot ni Thorin.

"Oh...okay. Bakit kayo naparito?" Oh I know. My sister knows about this because
Thorin already called August about what will happen this afternoon. Kaya nga handa
ang mga guards eh. Pero ang nakakainis, pinilit niya pang harapin ang mga kaklase
ko kahit na hindi na kailangan nang presensiya niya. Talaga naman oh! Buntis pa
naman.

Si Wella ang sumagot. "Ah...wala po. Sorry sa abala. Actually paalis na nga po
kami."

"No. Stay here."

Napamaang kami lahat. "Po?" Ani Wella.

Ngumiti si ate. "I said stay here. Bakit kayo aalis? May kailangan pa akong sabihin
sa inyo. Ang totoo, kanina pa ako nakikinig sa usapan ninyo. Hindi ko na kasi
matiis ang pinagdidiinan niyo tungkol sa kaklase niyo. Excuse me, but who are you
again?" Ani ate kay Veronica pero ang kaniyang kinakausap ay hindi umimik. "Oh
okay, Veronica, right?"

Hindi tumango si Veronica. Everybody was watching my sister as she raised her
eyebrows towards my classmates. Para bang umaaktong kontrabida, ganoon ang nakikita
ko. Alam ko ang ginagawa ni ate, and I am not liking it. May bagay siyang
tinutumbok gawin at hindi ko ba alam kung tama nga bang gawin niya ito. Ang
pakikialam niya ay may ibig sabihin, pero bakit? Hindi ko maintindihan ang mga
nakikita ko. I mean, what's the big deal about this?

"Laureen," ani Thorin, tono nang nananaway.

"Alam mo Thorin, hindi ko kasi matanggap na ganito na ang naririnig ko kaya ako
nakialam. If you can't descipline your students, ako ang gagawa."

"Babe, this is not our bussiness. Mabuti pang pumasok na tayo. Halika na." Ani
August.

"Pero hindi puwede ang ganito." Mariing sabi ni ate.

"Oo nga. Pero wala sa atin ang issue na ito."

"You know I have, August!"

"Pero-"

"No!" Sigaw ni ate.

"Siya ba yung kapatid mo?" Biglang singit ni Carol.

"Magkamukhang-magkamukha sila Carol. Huwag ka na ngang epal, tanong nang tanong


eh."

"Masama bang iconfirm? Kontrabida ka na naman eh."

"Ssshh."

Binalingan muli ni ate sina Veronica. Sina Wella hindi na nagsalita nang kahit ano
pero balisa ang mukha nila. Maybe they want already to leave dahil nakakagulo na
sila ngunit si Veronica, nakatingin lang siya at tila nanghahamon pa ang mukha.

"Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina? Na may relasyon ang teacher mo at classmate
mo? Siguradong sigurado ka kamo?"

"Oo. Teka nga, bakit ka ba nakikialam dito? Sino ka ba?"

"Veron naman! Huwag ka nang sumagot-sagot puwede ba? Pinapahiya mo na ang sarili
mo." Suway ni Wella nang napapasigaw.

"Veron tama na yan."

"Oo nga. Nakakagulo na tayo dito oh. Pabayaan mo na."

"Hindi. Ginawa akong sinungaling ni Lorraine. Palibhasa okay lang sa inyo, sa akin
hindi! Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang magsinungaling kahit na alam niyang
nakita natin siya. Umamin siya sa atin pero ngayon ang pinalalabas niya ay tayo ang
sinungaling! Bakit? Ano bang ginawa natin sa kaniya para magmukha tayong katawa-
tawa sa iba? Kaya gagawin ko ang lahat, lumabas lang ang katotohanan!"

"Enough!" Sigaw ni Thorin.

"Bakit sir? Kung tutuusin, dahil sa ginawa ni Lorraine at sinabi niyo sa amin, sa
palagay mo ba may balak pa kaming respetuhin kayo pagkatapos ng nangyari? Ganito
ako dahil hindi ako makapaniwala! Sa lahat nang teacher, ikaw ang pinakapaborito
ko! But you made us a liar! Hindi ko matanggap iyon kahit alam mong nahuli ka na
namin."
Natulala ako dahil sa mga binitawang salita ni Veronica. She is right! Mas
manloloko ako kung hindi ko aaminin maski sa sarili ko na tama siya. Tinamaan ako
sa sinabi ni Veron at parang nakaramdam ako nang munting kirot sa puso ko. Oh my
God. It's all my fault! Pero kailangan kong gawin iyon para mailigtas kami ni
Thorin! Para mailigtas ko ang trabaho niya!

Nanghina ako bigla. Sinisisi ko ang sarili ko ngayon dahil sa nangyayari pero paano
kung umamin din ako kanina? Paano na? Ganon ganon na lang ba iyon? Matapos ang mga
natuklasan ko tungkol sa isang kuwento ay talaga namang nangamba ako, paano pala
kung umamin ako? Hindi imposibleng makarating sa nakatataas iyon. Kung hindi ako
magsisinungaling ay kami ang mapapahamak. Mabuti na rin siguro ito, ang makasakit
muna sa ego ni Veronica dahil pinalabas ko silang sinungaling. I am feeling guilty
inside me but I know this is the right thing to do, kailangan eh.

"Veron..." naiusal ng mga kaklase ko. Malapit nang maiyak si Veronica pero tinitiis
niya na lang siguro.

"Bakit sir? Ano po bang mali na umamin kayo? Hindi kami makapaniwala na gagawin
niyo kaming sinungaling para lang sa pansariling kapritso niyo!"

"Dahan-dahan ka sa pagsasalita mo." Nagtitimping sabi ni Thorin.

"Veron, itigil na natin ito please?" Kumapit si Wella kay Veronica pero pumiksi
ito.

Binaling ko ang paningin ko kay ate at August na nandoon pa rin at nanonood. I saw
ate sighed. She close her eyes and come closer to Veronica.

"Lorraine is a slut. Inakit niya si sir kaya naging sila. Naglilive-in sila at dito
sila nakatira. Wella naman! Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka lang pero
nakita mo rin ang nasa hospital, magkasama sila. Nagdahilan lang sila noon kaya
akala natin nagkataon lang silang magkasama, pero ang totoo, they are with each
other. Maniwala ka naman!"

"Pero hindi mo na kailangang awayin si sir dahil lang doon! Ano ka ba naman!"

"But he give us a threat!"

"W-what threat?"

"Na-"

Ate Laureen cut them off. "Bakit kayo nag-aaway? Eh nandito naman talaga nakatira
ang babaeng pinagtatalunan niyo?"

Napalingon at napamaang lahat sa kaniya. Veronica just stared at her samantalang si


Wella, nagulat. Napatiim bagang si Thorin at si August ay parang wala lang.
Samantalang ako? Kagat-kagat ang ibabang labi at nanginginig. Mahigpit ang naging
hawak ko sa kamay ni Carol na hindi ito binitawan simula pa kanina.

Ano na ngayon? Ibubunyag na ni ate ang katotohanan. Patutunayan niya na ang


sinubukan kong pagtakpan kanina. After all hurt I have given to Veronica just to
protect Thorin will be wasted just by this arguments. Napahinga ako nang malalim at
hinintay ang sunod pang mangyayari. Ang bigat ng dibdib ko.

"Ate..." usal ko sa mahinang tinig.

"Laureen... ano bang sinasabi mo?" Ani August.


"What? Natigilan kayo? Inaamin ko, nandito nakatira si Lorraine. You want me to
explain? Yes of course..." naaalerto ako nang dumako ang tingin ni ate mismo sa
sasakyan na kinalalagyan ko. Nagtama ang paningin namin saka siya ngumiti. Anong
binabalak mo ate? "Kanina...tinatanong niyo kung sino ako... well, I am Laureen San
Juan. Kapatid ko ang kaklase niyong pinagdidiinan niyong maruming babae. FYI lang
huh, hindi slut ang kapatid ko. She was living here because I am Mrs. Laureen
Olivar now. Asawa ako ng kapatid ng teacher niyo...Nandito siya nakatira dahil
nandito rin ako nakatira at hindi dahil naglilive-in sila. Kuha niyo..? If
something is wrong with living with me in the same roof ay walang kaso doon dahil
kapatid ko siya. Not because she is a slut, or not because she seduced your
teacher. Kung may mali sa pagkakaintidi niyo, o kung ano man ang sinabi nila sa
inyo, dahil lang iyon sa may iniingatan silang bagay. Iyon ay ang aksidenteng
pagtira nila sa iisang bahay na alam niyong bawal malaman sa school ninyo."

Pumalakpak nang mahina si Carol. "Ay bongga ang speech!"

"Ang galing ng ate mo Lorraine." Sabi naman ng dalawa. Hindi naman ako
nakapagsalita dahil doon. Pinagtanggol ako ni ate! Hindi man ako
makapaniwala,natutuwa ako dahil sa sinabi niya. Whoa? Ang buong akala ko, ibubuko
niya na ako. But she just make a thing to make things clear. Pinaliwanag niya ang
totoo, pero may mali pa rin eh. Umamin kasi talaga ako kina Veron nang sundan ko
sila bago umalis, paano na iyon? Ugh. Ang gulo gulo na.

"E-eh...sorry po. Kayo po pala ang ate ni Lorraine." Ani Wella

"Babe, tama na. Kailangan mo nang magpahinga. Tama na pangingialam."

"Inaapi nila ang kapatid ko!"

"Hayaan mo na sila na ang bahalang mag-ayos ng problema. Don't blame me again if


something will happen to our baby. Halika na."

"Tsk. Hoy kayong mga bata kayo, ayusin niyo pag-iisip niyo. Kung meron man silang
relasyon o wala, wala na kayo doon. Wala na kayong pakialam... may kaniya kaniyang
puso ang tao kaya kahit sino man ang magmahal, bawal man o hindi...nararamdaman
nila iyon sa puso nila. Nobody will change that maliban sa kanila...." binalingan
niya si Veronica. "I am sorry for what they did to you. Ako na ang humihingi ng
sorry sa nangyari. But if you are sure that you know something, talk to them not
other people around. Sa tingin mo ba, wala kang nagawang mali kaya ka nagmukhang
sinungaling? Kaya ka nabaliktad?"

Veronica didn't say anything. Marahil ay natumbok ng sinabi ni ate ang katotohanan.

"Thorin, papasok na kami. Ikaw nang bahala dito....pumasok na tayo." Aniya kay ate.

"Tandaan mo ang sinabi ko." Aniya muli kay Veronica saka sumama na kay August nang
hilahin na siya nito papasok.

"Tama ang ate mo Laureen. May kasalanan nga si Veronica kaya nagkaganon ang
sitwasyon."

"Hayst. Bakit ba napakahirap naman nito?" Sabi ko. Oo nahihirapan na ako. Nasaktan
ko si Veronica dahil sa pagsisinungaling ko. Ugh. What a life!

"Jeez! Haba kasi ng buhok mo."

"Paano kasi, kung sana'y nag-usap usap na lang kung sinong nakakita kahapon, hindi
na aabot sa ganito. Syempre nacorner si Lorraine , ang first impulse doon, natural
magdedeny siya." Ani Sonia. Tumango pa ang dalawa kaya sumang-ayon din ako. I was
cornered. Lalo na halos kompleto ang mga kaklase ko na nakikinig. Dapat hindi nila
pinagkalat at dapat sana ay pinag-usapan muna. Kasama si Thorin. Pero ano pa nga
bang magagawa? Nangyari na ito. Handa si Veronicang gawin ang lahat mabunyag lang
ang tungkol sa amin ni Thorin dahil pinagmukha ko siyang tanga at sinungaling.
Gantihan na lang ang nangyari.

"You'd better go home. Wala nang patutunguhan ang usapang ito." Ani Thorin.

"Sige po sir. Pasensya na po." Ani Wella saka dinagdagan ng iba pa maliban kay
Veronica. Natulala na yata.

"And...Ms.Silvester..." huminga muna siya nang malalim at nagsalitang muli. "Go to


faculty room tomorrow, together with your group when you came here the other day.
Mag-uusap tayo...Umuwi na kayo. Gumagabi na."

"Sige po sir." Ani Wella at niyaya na si Veronica. Bago pa man siya mahila ay
nagsalita muna siya kay Thorin ngayon ay nakatalikod na.

"Hindi po ako hihingi ng sorry sa mga sinabi ko kanina. Alam niyo po kung ano ang
totoo at alam niyo ring tama ako sa mga sinabi ko. Sige po, sir."

****

"I know you were there...bakit hindi ka lumabas?"

"Alam mong hindi puwede."

"Pero sana ay naipagtanggol mo ang sarili mo."

"Hayaan mo na iyon. Kasalanan ko naman talaga. I lied... kaya siya nagalit dahil
nagsinungaling ako."

"Hmmm...I'm sorry."

"Para saan?"

"Dahil nagawa mong magsinungaling para sa akin." Ngumisi siya at hinalikan ang
pisngi ko. Natampal ko siya dahil doon.

"Taas ng bilib sa sarili!"

"Kasi totoo."

Umiling-iling ako at pinagmasdan ang hardin na nasa harapan namin. Kasalukuyan


kaming nasa terrace ngayon, ilang oras matapos ang pangyayari sa tapat ng bahay.
Hindi ko pa nakikita si ate mula kanina dahil natutulog pa kaya wala pa akong
pagkakataong magtanong at magpasalamat sa ginawa niya para sa akin. Kanina ay alam
nga ni Thorin na nasa sasakyan ako, di kalayuan sa kanila kaya pagkaalis nila
Veronica ay mabilis niya akong pinuntahan. Nagbigay siya nang pasasalamat kila
Carol. Hindi na rin naman sila nagtagal, siguro ay dahil naiilang pa at wala naman
nang ibang gagawin.

Dito na ako nagpasyang magpalipas ng gabi at kinabukasan na lamang umuwi sa bahay


total ay narito na ako. Narito na rin si ate at wala na rin naman akong kasama
doon. Malulungkot lang ako. Kaya ngayon, magkasama kami ngayon ni Thorin sa terrace
kung saan lagi kaming naroon. Nakayakap siya mula sa likod ko habang nag-uusap.

"Kakasabi mo lang kanina hindi ba? Na para sa akin iyon. Para hindi magkalamat ang
trabaho ko."

"Oo.. oo sinabi ko nga iyon."

"Pero Lorraine, hindi ko sinabing gawin mo iyon. Ngayon, nakasakit ka ng tao. Paano
na yon?"

"I know...pero Thorin, para naman sa iyo ang ginawa ko. Mahal mo ang pagtuturo.
Hindi ka puwedeng mapahamak nang dahil lang sa pinangunahan kita. Please understand
that I love you kaya ko ginawa iyon. Aamin naman na talaga ako eh, pero bigla
kitang naisip. Kung may aamin man sa ating dalawa...hindi ako yun. Ikaw...ikaw ang
dapat na umamin dahil ikaw ang teacher ko na maaaring mapahamak kapag nabunyag ang
tungkol sa ating dalawa."

"Hmmm...thank you honey but I can take care of myself...handa ka nang malaman ng
ibang tao hindi ba? Then...so be it... mag-uusap kami nina Ms. Silvester kasama ka,
let's settle this...okay?"

Hinarap niya ako sa kaniya at hinalikan nang mariin at matamis na halik sa labi.
God, please let us be strong and guide us along this path. I love this man more
than myself. Kahit bawal, handa ako sa kahit anong parusa, kasing handa para sa
kamatayan.

*****

An: Sabaw ang UD. Bawi na lang next time.


*****

I was very thankful that I made myself confident to go to school despite of what
did happen yesterday. Nagkalakas-loob akong humarap sa mga kaklase ko kahit alam
kong matindi ang kinakaharap ko ngayon.

Nang makapasok ako sa classroom, lahat sila nagtinginan sa gawi ko. As if I was a
very important person na hindi nila palalagpasing mamasdan nang matagal. VIP ika
nga. Do I need to say thank you for attention? Siguro nga. Pero aminado akong
kinakabahan ako lalong lalo na nang makasalubong ko nang tingin ang mga mata ni
Veronica na puno nang pagkagalit. Taas noo akong dumiretso sa aking upuan nang
walang ibang pinapansin. Wala pa kasi sina Carol at Sheen kaya wala rin naman akong
makakausap. Baka late sila, I'm not sure. I sitted and look them straight in the
eyes. Kahit kinakabahan ako, wala naman siguro akong dapat ikatakot. Sila lang yan.
Classmate ko lang sila. Kung meron man akong ginagawang masama, sa palagay ko ay
wala na silang kinalaman doon. Nasa paningin na lang nila ang paghuhusga pero alam
ko sa sarili kong hindi ko to dapat ikahiya.

Everybody didn't speak anything from the time I had entered the room. Para bang
lahat sila takot magsalita. Bakit? Ano ba talagang big deal?

Sumunod na dumating si Sheen at Carol. Halos magkasabay pero nang makapasok sila,
minabuti nilang umupo sa kaniya-kaniyang upuan nang makitang tahimik ang buong
room. Oo nga naman, hindi ka na maglalakas loob mag-ingay kung ramdam mo ang
tensiyon ng bawat isa.
Kung ano man ang nasabi nila Veronica sa iba? Hindi ko alam. Marahil ay nabanggit
nilang pinagtabuyan lang sila sa bahay ni Thorin. Hindi ako nahuli sa tamang akto.
Ewan ko ba, hindi ko maarok sa sarili ko ang katuwaan. Katuwaan na hindi ako
nabuking kahapon, iyong officially confirmed talaga. Parang ang bigat sa dibdib na
ganito ang sitwasyon namin ni Thorin, hindi kami malaya na ipaalam sa ibang tao ang
relasyon namin. Lalo na ngayon na nakasakit na ako ng tao, una ay si Ynna. Ngayon
ay si Veronica. Sino pa kaya ang maidadagdag? Hahayaan ko pa kayang may isa pang
masaktan dahil sa iniingatan naming pagmamahalan? Hayst. This is very very very
hard.

Minsan naiiisip ko na ring, paano kaya kung umamin na kami sa mga kaklase ko. Kung
tutuusin ay nalaman na nila, not only Veronica but also the others who saw us. Sa
palagay ko kasi wala nang punto kung patuloy ko lang itatanggi. Dapat pala ay
tinanong ko si Thorin kung anong balak niyang gawin mamaya sa meeting namin. He
just said... "ako na ang bahala." That's it lang naman. Alam ko kailangan ko lang
magtiwala. And I'm giving him my trust.

Time passed until Thorin has entered the room. Everybody didn't say anything, nor
greet him good morning. Ni kibot yata nang labi wala kang maririnig. Walang ni
isang tumayo, maging ako. Bakit ko gagawin? Eh nagmukha naman akong tanga non.

"Good morning class." Aniya nang makatayo siya sa teachers table. He looked at me
and then roam around his eyes.

"I know there is some issue in this room. But I won't tolerate that issue to affect
your academics so I'm going to discuss normally. I will speak to you all pagkatapos
nang lesson ko. For now, let's start our discussion."

He discussed the continuation of topic yesterday. Nakisama naman ang mga kaklase ko
kaya walang naging problema. May nagrecite, may nakasagot nang tama at lahat ay
nagsikuha nang kaniya-kaniyang papel para sa short quiz. Nang matapos ang checking
at pagpasa sa kaniya nang mga papel, tahimik muli at inihanda ni Thorin ang
kaniyang sarili sa pagharap sa amin. I think dito na pag-uusapan ang dapat na
pagmemeetingan sa faculty. Sabagay, lahat nga naman ay involve. Pinagdarasal ko na
lang na sana ay wala pang nakakalabas na usapin na ito maliban sa amin-amin lang.
Matatabil pa naman ang dila ng iba, hindi mo mapipigilan.

He sighed and step down from the platform. Pumunta siya sa center isle ng klase at
humawak sa bakal ng upuan. Pinagtagis niya ang kaniyang mga bagang habang ako ay
inihanda na lang ang sarili sa napipintong seryosong usapan. Grabe, daig pa yata
nito ang hearing sa isang krimen. Nakakaloka ang kaba na nararamdaman ko. Ewan ko
ba.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang may sapat pang oras para sa pag-uusap na
ito. Sinadya niyang bilisan ang pagtuturo at naglaan ng oras ngayon. Bumuntong-
hininga ako at ibinigay ang lahat ng tiwala kay Thorin.

"Una sa lahat, gusto kong sabihin sa inyo lahat na ang balitang inyong naririnig
tungkol sa akin at kay Lorraine ay..." he paused and walk towards the back. Nasa
likod pa naman ako kaya nakikita ko pa rin siya. Walang ibang lumingon at tila
pigil hininga lahat. Nakita kong handa nang makinig ang lahat. Siguro'y curious na
curious kung ano nga ba ang totoo at hindi totoo. Naglakad siya patungo sa likod ng
upuan ko. He tapped my shoulder and the best that I can do right now is be ready
for what will he said next kaya pumikit ako. Minulat ko ang paningin ko at nakitang
napapasinghap sila. Shit. Ayoko talaga nang ganitong atensiyon!

"Excuse me," aniya. "Please close the door please."


"Sir?" Ani isang nasa malapit sa pintuan.

"Gusto mong may makarinig sa atin dito? Close the door, now."

Tumalima agad ang isa kong kaklase at isirana ang pinto. Ngayon ay talagang
lantaran na to. Oh God. I'm involved! Sheeks!

Nakalapat pa ang kaliwang palad ni Thorin sa balikat ko. Ni hindi niya inalis iyon.
Nagtataka tuloy ako, anong ginawa ni Thorin kaya sila napasinghap kanina? Kung
hindi rin ako nagkakamali ng akala, may naramdaman akong pumatong sa ibabaw ng ulo
ko. Ano ba yun?

"I hope something was already confirmed now. Hindi niyo na siguro kailangang gumawa
nang kung ano-anong kuwento dahil nakita mismo ng mga mata ninyo ang patunay."
Bumulonh siya akin bigla kaya gulat na gulat ang sistema ko. "Honey, I will admit
everything to them. I'm sorry."

Nakarinig na naman ako nang mga singhap. Oh God!

"Okay! Enough of the ceremonies! Aaminin ko, Lorraine and I are in love with each
other. Mahal ko siya higit pa sa pagmamahal niya sa akin. Iyon ang totoo."

Napayuko ako dahil medyo nahiya ako. Ugh. Bakit ganon naman kacheezy ang sinabi
niya?

"Girlfriend ko ang kaklase niyo. No pretentions, no lies...any violent reaction?"

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba." Bulong ni Veronica mula sa upuan niya. Lahat napunta
ang atensyon sa kaniya.

"May kaso ba doon? Hindi ko itinatanggi ang totoo. Nagawa naming umamin sa inyo
dahil tayo-tayo lang dito. Kung sasabihin niyo man sa iba, nasa inyo iyon pero mas
makabubuti kung kayo kayo na lang ang nakakaalam. Bakit? Dahil alam niyong puwedeng
ipahamak ng buong klase iyon, tama? Alam ko napaka-unprofessional nang ginagawa ko.
But if you are in love, it means you also need to sacrifice at ito na ang
sakripisyong ginagawa ko. Kung may mali man dito, well I don't care... I am willing
to tell the whole world how much I loved Lorraine kahit kapalit pa noon ang
pagkatanggal ko sa serbisyo."

Kantiyawan bigla ang sumunod na narinig ko mula sa mga kaklase ko. Oh my God
talaga. It's embarassing pero natutuwa ako nang makitang naging masaya sila bigla.
Saka ko narealize, ang nanguna sa pagtili ay si Carol. Pumapalakpak pa ang babae!
Buang talaga. Napapailing-iling ako sa pagiging prangka ni Thorin at sa kawalan ng
hiya niya na ipaaalam sa mga kaklase ko kung gaano niya ako kamahal. Pakiramdam ko
unti-unti akong lumulubog sa kasiyahan.

"Sshhh! Huwag niyong masyadong ipagsigawan." Ani Thorin.

"Ugh. Thorin talaga." Sabi ko sa nahihiyang tono.

"Ang swerte mo Lorraine!"

"Oo nga! Ikaw na mahabang buhok!"

Ngumiti ako. Totally ngiting-ngiti. Hay. Saya niyo ah.

"Classmates! " sigaw bigla ni Veronica. Natahimik lahat at tumingin naman sa kaniya
nang siya ay tumayo. Thorin just watched her as she stand seriuosly. Damn!
Magpapakakontrabida na naman?
"Ayan na naman siya." Narinig kong sabi ni Carol.

"Bakit napakasaya niyo?" Ani Veronica.

"Ano na naman ba yon Veronica?" Ani Wella.

"Don't be happy too much. Baka nakakalimutan niyong puwedeng malantad ang tungkol
dito sa buong school? Lahat tayo madadamay dito pag nagkataon. Hindi niyo ba naisip
yun?"

"Hindi yun malalaman kung walang magsusumbong."

"Oo nga!"

"Huwag ka na kayang komontra. Walang masama kung sila man. Walang mawawala kung
magmamahalan sila. Maging masaya na lang tayo para kina sir at Lorraine. Hindi ito
pelikula na okay na, eh sayo nagkokontrabida ka pa. Get a life Veron!" Sigaw ni
Sonia.

Dumagdag naman si Carol. "Yeah. Be happy for them. Huwag kang kain nang kain nang
ampalaya para hindi ka bitter."

"I'm not eating that okay?"

"Sus!"

"I don't like what's happening!"

"Naalala mo ba ang sinabi ng ate niya kahapon? Kung nagagalit ka pa rin dahil
nagmukha kang tanga... yon ay dahil kasalanan mo rin naman kaya hindi nakaamin si
Lorraine. Ipinagkalat mo sa aming lahat ang tungkol doon and you pushed her also to
admit her relationship with sir, kung ikaw kaya nasa kalagayan niya? Aamin ka din
ba? Di ba hindi? Kasi, yung ginawa mo pangcocorner yun. They was just protecting
each other. Understand them kaya kung ako sayo susuko na ako." Ani ng isa. I don't
know her name.

And then I saw Richmond- na buhay pa pala at nakikinig lang- na biglang tumayo at
mabilis na lumabas nang kuwarto. Tsk. And he is also the one who's against this.
Naku bahala siya.

"Ugh! Ewan ko sa inyo!" Walk out din ang drama ni Veronica.

Masayang lumapit sa akin sina Carol at Sheen.

"Naks! Pahaba na nang pahaba ang hair! Nagshampoo ng pag-ibig. Saan ba nabibili
yan, Lorraine? Share mo naman!"

Natawa kami pati na rin si Thorin.

"Oh paano? Mauuna na ako. Parating na ang next subject niyo." Ani Thorin and then
he kissed me on the cheecks kaya natampal ko ang pinsgi niya. Nahihiya akong
tumingin sa kanila pati na rin sa ibang nasa upuan lang nila, lahat sila
napapangiti.

Tatawa tawang umalis si Thorin. Pagkalabas na pagkalabas siya sinarado agad nila
Carol ang pinto at sunod-sunod na tanong na sa akin ang iba. Paano daw naging kami.
Ano daw ba ang ginawa ko para mainlove siya sa akin at anong gayuma daw ang binigay
ko kay Thorin para ibaba nang ganoon ang kaniyang sarili para lang maging malinaw
ang lahat.

Lahat sila natuwa. I really didn't expect this to happen na kahit si Wella ay
cinocongrats ako. I mean, di ba dapat ay galit sila akin? Pero hindi iyon ang
pinakita nila. Lahat nagkumpulan sa harap at likod ko. Nag-aalala lang ako baka
dumating na ang prof namin.

"Grabe Lorraine nakajackpot ka talaga! Napakaguwapo kaya ni sir."

"Oo nga. Mala-model yun! Sana inunahan na kita para sa akin na lang siya."

"He is a dream guy! Papangarapin mo talaga kaya ang swerte-swerte mo."

Ngumingiti lang talaga ako.

"Siguro si sir ang nagpapadala lagi sa kaniya ng pagkain noon."

"Ay oo nga!"

Ngumiti ulit ako at nahihiyang yumuyuko-yuko. "Bakit ganon?" Tanong ko.

"Anong bakit ganon?"

"Bakit ang saya saya niyo?" Sabi ko.

"Ahh.." halos sabay na sabi nila.

"Wala naman."

"Oo nga wala naman."

Kumunot ang noo ko. "Puwede ba yun?"

"Oo naman."

"Alam mo kasi Lorraine," panimula ni Wella. "Malaki ang napansin namin kay sir kaya
ganito kami kasaya."

"Bakit naman?" Tanong ko.

Nagtinginan sila.

"Kasi...noong first year pa lang kami, crush na crush na namin yan si sir. Pero
natuturn-off paminsan-minsan dahil sa ugali niya. We are watching him ever since,
pero tahimik niya lang kaming tagahanga. Noon, he will shout every hour or every
minute, kahit saang room yan, araw araw siya galit. Noon ginusto naming siya ang
maging english namin kapag umabot nang second year, pero nagdadalawang isip din
dahil nga ruthless siya. Hindi mo talaga maimagine ang ugali niya. Kaya...ngayon na
nalaman naming kayo na, sobrang masaya talaga para sa amin."

"Anong kinalaman ng kuwento niyo doon?"

Natawa sila. "Binago mo siya."

"Nge."

"Haha! Oo!"

"Bakit niyo naman nasabi?"


"Kasi ganito yun, siguro dahil nakikita namin kung anong mabuting naidulot mo sa
kaniya. He changed, malaki ang pagbabagong nangyari sa kaniya. Ngayon hindi mo na
siya maririnig na sumisigaw lagi at kapag may pagkakamali ka hindi ka na niya
pagagalitan ng bongga hindi tulad ng dati. And one of most changes we have noticed
to him is that," ngumiti muna siya at nagpatuloy. "He can smile and laugh in front
of us. Iyon ang pinakanagustuhan namin. Noon ang akala namin wala na siyang pag-
asang magbago, but when you transfer here, unti-unti siyang nagbago hindi man agad
agad pero nagbago pa din. So don't be confused if you saw us happier like this.
Kasi masaya naman talaga kami na may dahilan na si sir para ipakita kung sino
talaga siya at hindi nagtatago sa maskara ng isang gurong walang awa sa kaniyang
studyante."

Tumango ang iba pa at ngumiti.

"Tama si president. Huwag ka nang magtaka. Siguro ang inaasahan mo magagalit o


maiinis kami no? Na-uh! Bakit namin ikaiinis iyon eh dapat nga matuwa talaga kami."

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil hindi na siya magiging malupit sa amin dahil sayo. Haha!"

Nagtawanan ang iba pang nakapalibot sa akin kaya natawa na rin ako.

"Baliw ka!"

"Haha. Sira talaga to. Hindi yun ano! Kahit ruthless si sir, mahal na mahal naman
natin siya. Di ba guys?!" Ani isa.

Sumang-ayon ang iba at nagtawanan na naman. Napailing-iling ako. Habang pinapanood


ko silang nagtatawanan at masaya sa kanilang nalaman, pumasok sa isip ko ang mga
tanong.

Totoo nga bang tanggap nila? Bakit ganito? Bakit sila natanggap nila pero ang mga
dati kong kaklase at mga kaibigan ay halos isuka nila at pandirihan nila ako? Bakit
malaki ang pagkakaiba ng mga nakilala ko dito sa school na pinasukan ko? Ugh! Is
this a blessing, Lord? You gave me people around me who are understanding? Well
maliban nga lang kay Veronica at Richmond. Hindi nila matanggap pero malaking bagay
na talaga sa akin na tanggap iyon ng karamihan sa kaklase ko at hindi man lang sila
nagbigay ng negative reaction nang maconfirm na nila. Marahil nang unang ipagkalat
iyon ni Veron siguro ay naiinggit lang sila o nagselos. Maybe that's it. O kaya
naman ay nagdamdam dahil hindi ko man lang sinabi. I want to ask them but I was
afraid. Baka isipin nilang intrigera naman ako masyado.

"Oh guys! Iwan na natin si Mrs. Olivar. Baka pumasok na si Ms. Mallaga." Ani Wella
na ang tinutukoy ay ang susunod naming professor na dalaga pa.

Natawa ako dahil sa Mrs. Olivar ang tinawag sa akin sabay sinundan ng tawanan na
din ng iba. Naaalala ko rin kasi yung time na may nagpadala ng pagkain na nagmula
kay Thorin at ang paraan ng pag-aaddress sa akin ay Mrs. Olivar.

"Oo nga sabi nong nagpadala nong McDo dito para kay Lorraine...ay oo nga no! Grabe
hindi pumasok sa isip ko yun. Lorraine Olivar daw, ang akala ko nagkamali lang sa
apelyido eh. Haha!"

"Tama ka nga ano?"

"Hoy anong deliver yan?" Tanong naman nila Carol at Sheen.


"Wala yun. Narinig mo naman eh."

"Wala akong alam diyan ah! Bakit hindi ko alam?" Ani Carol

"Yun yung time na nagkagalit-galit kayong tatlo." Ani Wella.

Huh? Paano niya nalaman yon?

"How did you know that?" Tanong ko

"Hello? We have eyes, we have ears, we have heads and most of all, wala most of all
na lang! Haha. Napansin talaga namin yun noon. Huwag na nga kayong magtanong."

"Okay. Oo na huwag nang ungkatin ang tapos na." Ani Carol sabay ikot ng eyeballs.
Natawa ulit ako at nagpasalamat ng walang humpay sa diyos dahil sa kasiyahang
nadarama ko.

****

"Hey." Bati ko nang makapasok ako sa kuwarto ni ate. Umupo ako sa tabi niya habang
siya ay nakahiga, kasalukuyang nagpapahinga.

Ngumiti siya at bumango mula sa pagkakahiga. Umupo siya at binati rin ako.

"Okay ka na?" Tanong ko.

As I came after school, dumiretso ako dito sa kuwarto ni ate. Matapos kasi ang
nangyari kahapon hindi ko na siya nakausap. Tulad din kaninang umaga ay hindi ko
siya nakita bago ako pumasok kaya minabuti ko nang dito dumiretso. Thorin was in
his room already, sabay namin kaming umuwi, and like the usual times, he makes me
feel loved, over and over again.

"Hmm...oo medyo okay na. How's school?"

"Fine."

"Good."

Saglit akong hindi nagsalita saka hinarap si ate na hindi tulad kanina ay
nakatagilid ako sa kaniya. Nasa kaliwang bahagi ako ng kama umupo.

"Ahm, ate."

"Hmmm?" Medyo nananamlay na wika niya.

"Salamat nga pala tungkol kahapon."

Kumunot ang noo niya sabay tango nang maisip kung ano ang ibig kong sabihin.
"Oh...yon ba? Wala yun. Tungkulin kong gawin yun bilang kapatid mo."

"Still...thank you."

She touched my hair and smile.

"Alam mo ba, hindi ako makapaniwalang tinutulungan kita sa bagay na ito. Na


boyfriend mo si Thorin. I'm not against but I'm not also your supporter. Hindi ko
alam kung dapat ba kita suportahan sa bagay na alam kong maaari mong ikapahamak.
You know what I mean Lorraine."
Tumango ako at pinagmasdan ang mukha niyang kababakasan pa rin ng kahinaan dahil sa
medyo mapungay niya pang mata.

"Oo alam ko."

"Hindi kita pipigilan kung saan ka masaya. Pero...kapag dumating ang panahon na yun
Lorraine, nandito lang ako. I will help you. Sabi ko nga hindi mo ako supporter,
pero dahil kapatid kita...bilang kapatid mo handa akong tumulong kapag nagipit ka
na."

"Salamat ate... ahm, kayo? Kumusta na kayo ni August? Kumusta na ang baby?"

"Hmm... okay lang."

"Sumisipa na ba?" Pagbibiro ko, sinusubukang pagaanin ang mood. Ang seryoso kasi
eh.

"Baliw! Hindi pa sumisipa ang fetus." Natawa kami pareho dahil doon. Tsk. Alam ko
naman, just trying to joke. Hindi naman pinagbabawal di ba.

"Sige ate pahinga ka na. I need to eat dinner already. Baka bumalik ang sakit ng
ulcer ko mahirap na."

Tumango siya." Okay." Inalalayan ko siya sa paghiga ulit saka ako lumabas. Dinaanan
ko muna si Thorin at sabay na kaming bumaba sa dining area. We eated our food
habang nagbibiruan saka naman dumating si August. Naggreet lang siya saka dumiretso
sa taas upang puntahan si ate.

"Honey, kailan natin kukunin ang mga gamit sa bahay?" Tanong ko kay Thorin habang
nakayakap ako sa kaniya dito sa damuhan kung saan una ko siyang nakitang
nakapajamma at sandong puti habang naggigitara ako noon. Nakaupo siya at nakaakbay
sa akin.

"Tomorrow after school."

Tumango ako at hindi na umimik pa.

Continuation.......

*****

I felt him squeezed my hand kaya tiningala ko siya.


"I want to tell the whole school about us."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I stare at him a second saka ako kumalas sa
pagkakayakap sa kaniya.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"But Thorin, do you think it's too early?"
"Gusto kong ibunyag ito habang maaga pa. I don't want to take this longer na
pakiramdam ko may itinatago akong sikreto na kahit wala naman talaga tayong
ginagawang masama. I am feeling guilty every single hour or every single day. If
some things will turn out wrong... I'm ready to face it even if my profession is at
stake..." he hold my both hands and kissed it while looking like begging.
"Lorraine, gusto ko sana....sana sa pagkakataon na iyon manatili ka sa tabi ko.
Okay? Always trust me, always believe in me. Hmmm?"
Tumango ako at tinitigan ang mukha niya na napakaguwapo. Huminga ako ng malalim.
"Just let me know your plans... hindi ko alam ang tungkol sa ginawa mo kanina. I
was surprised."
Ngumiti siya. "Yes.. sasabihin ko. Nakita mo naman kanina di ba? Natanggap ng mga
kaklase mo ang tungkol sa atin. Hindi na mahirap kapag ang buong school ang
nakaalam."
Napaisip ako at pinanood ang mukha niyang paiba-iba ng expression. Is it the right
thing to do right now? Ang umamin na? Bakit ganon? Bakit parang kinakabahan ako? I
didn't know but I was nervous about what might happen if we admit our relationship.
Kailangan nga ba talagang umamin na kami? Paano naman? Sino ang sasabihan namin?
Paano kung magkagulo tulad ng nangyari kay Fatima? Kakayanin ko ba? Well ilan lang
yan sa mga tumatakbo ngayon sa isip ko. Para ba akong nagkaroon ng alinlangan pero
wala din akong lakas na tumutol sa kagustuhan ni Thorin dahil nakikita ko ang
kaniyang punto. Maging ako ay ganon din ang pakiramdam, para kang nagtatago sa
isang krimen na iyong nagawa, ganon tamang idefine ang nararamdaman naming dalawa.
My mind was not in a peace anymore since Thorin and I had this relationship.
Sabagay ganon naman siguro talaga pag in a relationship ka. Lalo na kung
relationshit lang pala dahil magulong magulo na. Hindi lang sapat sa isang
relationship kasi na nagmamahalan kayong dalawa, laging may sagabal. Sometimes it
doesn't anymore. Pero sa amin ni Thorin? Nakikita kong may magagawa ang pag-ibig na
ito sa aming dalawa at hindi para gawin lang relationshit lang ang lahat.
"Thorin..."
"Hmmm?"
"Walang susuko sa ating dalawa...maliwanag ba?"
Ngumiti siya at maya maya ay natawa na.
"Why?" Kunot noo na sabi ko.
"Hindi mo na kailangang sabihin iyan sa akin dahil hinding hindi ko gagawin iyan. I
was fated to love you so no matter what happens, I will still love and be beside
you all the time." Sumeryoso ang mukha niya at napatingin sa ibang direksyon.
Hinuli ko ang kaniyang mata ngunit pakiramdam ko may malalim siyang inisip bigla.
"Thorin..." usal ko.
"I'm afraid of something, honey."
"W-what is that? Takot ka na bang ibubunyag na natin ito? Ano?"
He sighed. "I don't know pero nakaramdam ako ng takot ngunit hindi dahil doon."
"Kung ganoon saan?"
Tiningnan niya ako muli sa mata. "Na baka sa ating dalawa, hindi ako ang sumuko
kundi baka ikaw."
"Ano?!"
"I'm sorry for thinking it that way. Pero...dahil siguro noong una ayaw mo sa akin
kaya ngayon nangangamba akong baka hindi pa sapat ang pagmamahal na binahagi ko
sayo para wag sumuko, para lumaban. Natutunan mo lang akong mahalin ngayon
Lorraine. Natatakot akong baka kung paano ka kadaling nahulog ang loob sa akin ay
ganoon din kadaling mawala iyon."
"And what made you think of that?"
"Tss... maybe I was just paranoid. Ugh!"
"Hindi ako makapaniwalang naisip mo yan. Oo sabihin na nating mabubunyag ang
tungkol sa ating dalawa, maaari ring mapatalsik tayong dalawa sa school. Pero
Thorin, hindi naman ganoon iyon eh.... maling isipin mo yun. Kahit sa ganito
kabilis na panahon minahal kita ay hindi ibig sabihin na madali rin akong mafafall-
out of love sayo." Sumimangot ako at nakaramdam ng kaonting tampo sa puso ko. Hindi
ako makapaniwalang nagkulang siya ng tiwala sa pagmamahal ko sa kaniya. Hell?
Ganoon ba ang paniniwala niya? Nang dahil sa inis ko naisip kong dumistansiya sa
kaniya, hindi pa man ako nakakalayo ay niyakap niya na ako. So tight that I might
lose air to breath. Napasinghap pa ako nang dahil sa gulat. Parang naipit yung ulo
ko sa dibdib niya ngunit kahit nahihigpitan ako sa yakap niya ay pinabayaan ko na
lang. Inamoy ko ang mabango niyang katawan at inenjoy ang puwesto ko.
"Honey I'm sorry. Lahat ng tao ay may kinatatakutan, at iyon ang nararamdaman ko.
I'm sorry...sorry. Please, huwag tayong bibitaw kahit anong mangyari. Ipaglalaban
natin kung ano ang sa tingin na hindi dapat ikahiya. Okay? Love me and I will love
you more. Stay with me and I"ll stick to you more. Believe in me, trust in me.
Lalaban tayo. "
Tumango ako at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. "Yes...I will if you will too."
And then suddenly we heard a clap. Sabay namin nilingon iyon ni Thorin at nakita
sina ate Laureen at August. Napasimangot tuloy ako.
"Great....Wala na bang mas mamais diyan sa mga linya niyo?" ani ate na natatawa pa.
Lumapit sila ni August sa lugar kung saan kami nakaupo ni Thorin.
"Akala ko tulog ka na?" sabi ko
"I can't sleep. We heard your lines, grabe ang tindi ah. Haha!"
Ngumuso ako at lumayo nang kaunti kay Thorin. Natawa rin si Thorin habang si August
nangingiti na lang.
"Gusto niya raw magpahangin sa labas kaya dinala ko siya dito." Ani August.
"Bakit dito pa? Hanap kayo puwesto niyo." Pagsusungit ko. Eh kasi ba naman
nakakaasar ginugulo na naman ako ni ate. Palibhasa okay okay na ang pakiramdam.
Tsk.
"Sus! Huwag mong solohin ang romantic ambiance ng gabing ito." Nakataas na kilay na
sabi ni ate.
Umirap ako pero nagulat na naman nang bigla akong hilahin ulit ni Thorin para
yakapin. Back hugging na kaming dalawa kaya nanukso na naman si ate. That night was
full of joy with Thorin at ang manaka-nakang pangbubuska at pang-aasar ni ate
Laureen. Kinailangan lang na sandali lang siya sa labas dahil mahamog na.
Pagkatapos pa ng ilang minuto ay sumunod na kaming pumasok sa loob ng bahay ni
Thorin. I slept that night with a smile beacuse there is something that making my
self confident about what will happen the next days.

*****

Natigilan ako sa paglalakad patungong room namin kinabukasan nang marinig ko ang
aking pangalan sa nag-uusap na dalawang babae sa gilid ko.
"Di ba siya si Lorraine?"
"Oo, hindi ka nagkakamali." ani naman ng isa.
"She's not that beautiful.Anong nakita sa kaniya ni sir Thorin? Kung ako sa kaniya
ay hihiwalayan ko na si sir, sayang ang hindi kagandahan niyang mukha kung sisirain
lang ng mga students dito."
"Sssh...Narinig niya tayo."
"Eh ano naman? Hayaan mo siya. Haliparot din ang babaeng iyan tulad ni Fatima.
Porke guwapo, kahit teacher...pinapatulan."
"Yeah youre right but shut the fuck up. She's listening."
"Tss."
Napakurap ako at suminghap nang may nararamdamang bigat sa dibdib. Feeling ko
mauupos ako bigla kaya napahawak ako sa pader na malapit sa kinatatayuan ko. Nasa
bandang likod ko ang dalawa pero dahil kailangan kong tibayan ang loob ko,
nagpatuloy ako sa paglalakad. May nakasalubong naman akong tatlong lalaki na
nagtatawanan pero nang makita ako ay biglang natahimik na parang may dumaang isang
anghel. Well I know I wasn't kaya alam ko ang ibig sabihin ng pananahimik nila
hanggang sa makalagpas sila. Habang papalapit ako sa classroom ay marami pang
nakarating sa aking pandinig na kung ano-ano tungkol sa akin. Hindi ako tanga at
bulag para hindi maisip kung ano ang ibig sabihin ng mga nakikita at naririnig ko.
They knew....that's for sure. The only thing I can do now is sighed and breath
heavily and continue my life. Tumuloy ako sa pagpasok ng room. Pagkapasok na
pagkapasok ko naman nang room ay taka kong pinanood ang mabilisang pagsara ng pinto
ng kaklase ko na para bang may papasok na anumang zombie. The hell?
Tiningnan ko ang iba ko pang kaklase. Lahat sila nakaupo at natatahimik sa
kinauupuan habang si Wella naman ay nasa harapan, nakacross arms at matamang
tinititigan ang mga kaklase pa namin. Lumapit ako sa kinauupuan nina Carol at
pinangunutan sila ng noo.
"Anong nangyari?"
Tiningnan ako ni Carol at Sheen at binalaang tumahimik muna.
"Nandito na si Lorraine. Ano? Tatahimik na lang ba kayo?" Ani Wella sa galit na
tono.
I just shut my mouth and watch them. Hindi muna ako umupo at tumayo lang sa likod
na upuan nina Carol. Nilapag ko lang muna ang bag ko.
"Classmates!! Ano? May kausap ba ako dito?" Binalingan niya si Veronica na hindi ko
makita ang mukha dahil nakatalikod siya sa akin. Napansin kong halos kompleto na
rin mga kaklase ko. Ang aaga talaga lagi magsipasok.
"Ano Veron? Wala ka bang sasabihin? Huh?! Tingnan natin ngayon ang tapang mo."
"What the hell naman Wella." Mahinang sabi ni Veronica na tonong naiinip.
"Wag mo kong wina-what the hell what the hell diyan Veronica. I'm asking everybody
here and nobody even answers me. Ikaw? Wala ka bang aaminin? Uulitin ko, paano
nalaman ng iba maliban sa classroom na to ang tungkol kina Lorraine? Whoever said
that to the others, she's so....stupid!"
"Umamin na kasi kayo. Sino bang nagpakalat?" Ani Carol. She's mad also. Tiningnan
ko ang oras mula sa relos ko at malapit na magtime. Hindi ko alam kung dapat bang
mag-aalala ako o magalit kung tama ngang may nagpakalat. Ewan ko pero parang wala
akong maramdamang galit o inis. Wala lang talaga. Pero aminado naman akong
kinabahan ako kanina noong narinig ko ang mga iyon habang papasok ako dito, pero
this moment ay talagang wala na. Weird ba? I really don't know.
"Huwag niyo nga akong tingnan ng ganyan. Wala akong ginawa, okay?" Ani Veronica.
"Oh really?" Humakbang si Wella palapit sa kaniya. "Bakit hindi ka makatingin ng
diretso? May itinatago ka no?"
Marahas na nilingon ni Veronica si Wella. "Anong gusto mong palabasin ngayon?"
"And youre mad. Kung wala kang kasalanan ibig sabihin ay defensive ka."
"I don't know anything okay?! Ano bang malay ko sa mga nangyayari na yan? Wala
akong ibang sinasabihan. Wala...wala!"
"Bakit ka nagagalit?"
"Dahil pinipilit niyo ako eh sa wala nga akong alam!"
"Tsk. You know Veron, kaibigan ka namin. Kaya hindi namin palalagpasin kung may
nagawa kang masama. Alam mo sa sarili mo yan kung ano ang totoo. Sana hindi
makakasira sa buong klase natin kung ano man ang nagawa mo."
Tumalikod na si Wella at humarap muli sa lahat. "Kalat na kalat na yata sa buong
campus ang tungkol doon. We even saw some posters, it's like what happened to
Fatima last year. Gosh classmates. Kung sino man sa inyo ang nagsabi sa iba, sana
naman usigin kayo ng konsensya niyo. Hindi niyo ba naisip ang kapahamakang maaaring
mangyari hindi lang sa atin kundi sa isa nating kaklase? Hindi ba napag-usapan na
natin ito? Masyado ba talagang nangati ang mga dila niyo? Kung naiingit sana kayo
ay naghanap kayo ng lalaking kasing guwapo ni sir. Respeto na lang oh. Sana sa
nagawa niyong yan, may napala kayo. Dahil kung hindi, wag sana kayong matahimik!"
Nagmarcha na patungong kaniyang upuan si Wella at pabagsak na umupo.
Tahimik lahat. Huminga na lang ako nang malalim ant tumungo sa upuan ko.
Nanghihina akong umupo at naghintay dumating ang teacher. Whatever happened o kung
sino man ang nagpakalat, classmate ko man o hindi ay parang wala na akong pakialam.
This was destined to happened anyway.
********************

A/N: Hello readers! Nainip kayo? Haha sorry. Busy this past few day, busy busyhan
pala. Hindi ko maarok ang tamang idea eh. One shot na lang ito sa computer shop.
Para naman biglaan din ang dagsa ng isip ko. Sana nagustuhan niyo ang chapter.
Thank you.

"Gosh. Andiyan na si sir!"


Napakurap ako nang marinig ko ang salitang iyon mula sa harapan ko. Lutang pala ang
isip ko mula kanina pa at hindi napansin na nakatayo na sa pinto ng room si Thorin.
He's standing there with crossed arms on his chest like he used to do. Kunot ang
noo niya at pinapanood ang mga kaklase kong ang tatahimik na tila natuyuan na ata
ng laway dahil mula pa kaninang ni hindi ko marining kung nagsisalita ba o sadyang
nawala lang talaga ako sa huwisyo. I snapped and sigh. This is not...usual times of
his lecture. I think.
Humakbang siya patungo sa kaniyang table sa harap at itinukod doon ang kaniyang
magkabilang braso na namimintig pa ang muscles.
Pinagtagis niya ang kaniyang bagang at tiningnan lang kami sa loob ng ilang
segundo. Umirap lang ako at naghintay. Dami patalastas talaga nito.
"Ms. President..." aniya bigla kay Wella.
Napatayo siya bigla. "Sir?"
"I don't know how, it happened. But somehow....tha-"
"Ay sir! Sorry po talaga. Sorry po. Hindi ko po ginustong mangyari iyon. Iyong
totoo po wala akong alam kung sino ang nagpakalat. I'm sorry kasi kasalanan ko
dahil nagpabaya ako bilang president nila. Sana po mapatawad niyo po ako." Halos
mangiyak ngiyaka na turan ni Wella. Everybody was shocked when she stand up and beg
like it's all her fault. Hindi agad nakapagsalita si Thorin. Bago pa man siya
makapagsalita muli ay nagsalita ulit si Wella. "Mapapatawad niyo naman po kami di
ba po sir? Kainis po kasi sila hindi sila marunong makinig. Ako na po ang humihingi
ng dispensa sa kasalanan ng kung sino man ang nagbunyag ng tungkol po sa inyo ni
Lorraine," she paused and continue, "hindi naman po kayo pinatalsik agad di ba po
sir?"
"Actually, I was." Ani Thorin na nagdulot nang biglaang usal nang pagkahinayang ng
mga kaklase ko.
"Hala sir, totoo po?" Tanong muli ni Wella.
Maging ako ay nagulat pero inaasahan na rin naman namin iyon kaya hindi na sobra
sobrang pagkagulat. Magulo ba? Bahala kayo mag-isip.
"Yeah. It's true."
"Ibig sabihin po aalis na rin kayo dito sa school?" Tanong naman ng isa.
"Oh my God."
"Naku magsisi sana ang nagpakalat."
"Oo nga. Usigin sana ng konsensya."
"Eh sir di po ba talaga puwedeng dito na lang kayo magturo? Dito na lang po kayo!"
"I can't. Hindi pumayag ang council at kahit pa magmakaawa tayo, hindi na sila
papayag dahil isang matibay na rule na iyon. Nakapagdesisyon na sila."
"Awww..." sabay sabay na sabi nila. Ako naman tahimik lang. Hindi ko kasi alam kung
dapat rin ba akong magreact ngayon, kagaya nga ng dati. Inasahan na namin ito.
Ginusto na namin ito, iyon nga lang mas napabilis. Baka nga masaya pa ngayon si
Thorin na nabunyag na ang sikretong nakakapagbigat daw sa kalooban niya eh.
Oo nalulungkot ako. Dahil nangyari na ang pinangangambahan ko noon na pagkatanggal
niya sa serbisyo. But do I have a choice kung ito naman talaga ang gusto niyang
mangyari? Tatanggapin ko na lang siguro. Pero...ano kayang mangyayari ngayon sa
akin? Aapihin din kaya ako tulad nang nangyari kay Fatima Rodriguez? Bigla na lang
pumasok sa isip ko kung ano kayang mangyayari sa akin mamayang lunch break?
Pagkalabas ko kaya ng classroom ano kayang sasalubong sa akin?
"Sir...mamimiss po namin kayo." Ani Wella. Nakaupo na siya ngayon.
"Opo sir. Totoo po yon!"
"Dito na lang po kayo sir! Please!"
"No I can't. But thank you. Ms. Wella, hindi mo na nga pala kailangang magsorry."
"Po?" Ani Wella.
"Because I already admit it first to council before the news had explode. Umamin na
ako kaya hindi niyo na kailangang magsorry nang magsorry dahil wala kayong
kasalanan. Kung sino man ang nagpakalat at kung dito man sa classroom niyo yun, it
doesn't matter anymore. Okay? And don't be sad. Okay lang yan. Maybe ang papalit sa
akin ay mas mabait at mas guwapo. Malay niyo."
Napairap ako. Ayan tayo eh umarayb na naman. Yung iba naman ay natawa at ang iba ay
wala lang. Tsk. Nagjoke pa talaga.
"Pero sir, kung wala pong nagpakalat sa mga students ay sana po walang negative
reactions tsaka sana kayo- kayo lang ang nakakaalam sa office. Sorry pa din po."
"Stop saying sorry Wella."
"Sir kasi eh..." dinig na dinig at ramdam ko ang lungkot at panghihinayang sa boses
ni Wella.
"Don't blame yourself. Everybody here is responsible on their actions not because
you are an irresponsible leader. Kagustuhan nila ang nangyari. Kung mayroon mang
kasalanan dito ay hindi ikaw yun kundi sila. Okay? Huwag mo na ulit uulitin ang
salitang sorry or else..."
"Hindi na po sir."
May nagtass ng kamay na hindi ko kilala. Tinanguan siya ni Thorin na magsalita. She
stand up and talk. "Sir, saan na po kayo lilipat? Para po mabisita namin kayo."
Umiling si Thorin. "Hindi na ako magtuturo. And maybe...this will be my last day.
Regarding to your grades ay baka ibang teacher nang papalit sa akin ang magtapos
niyon. So...maybe it's a goodbye?" Ngumiti siya nang malapad at sumulyap sa akin.
Hindi ako nakangiti pabalik dahil iniisip ko ang mga nangyayari. Ako ang may
kasalanan dito hindi ba? Pero naisip ko rin namang talagang destined na nga itong
mangyari. Hay. Nakakalungkot nga. Una syempre maraming bagay ang magbabago, hindi
ko na siya magiging teacher. Kahit na magkasama kami sa bahay at alam ko namang
lagi pa rin kaming magkakasama. Iba pa rin yung gaya ng nakasanayan na lagi kaming
magsasabay papasok at uuwi. Nakilala ko rin siya bilang teacher ko kaya magiging
nakakapanibago iyon siguro pagdating ng araw.
"Sir naman eh!" Nagsabay sabay na naman na ungol ng mga kaklase ko. Lungkot na
lungkot sila pero itong si Thorin nangingiti ngiti lang. Adik lang? Siya yata
masaya pa samantalang yung iba nanghihinayang na.
"Ugh! Ano ba!" Everybody was shocked when Veronica stand up and scream. "Alam ko na
kasalanan ko kaya puwede ba wag niyo ipagdiinang ako ang may kasalanan sa pag-alis
ni sir?!"
"Seriously? Ano bang problema niya?" Bulong ng nasa harap ko.
"Problema mo na naman? At saka anong ikaw ang may kasalanan? Wala kaming sinasabing
ikaw ang may kasalanan ....unless?" Tanong ni Wella.
"Ugh! The hell! Oo na! Oo ako ang may kasalanan!"
Nanlaki ang mata ko at pati sila nagulat din. May mga napasinghap at hindi nakaimik
na kahit si Wella ay nanlaki ang mga mata. Thorin just clenched his jaws and wait
what will happen next.
Ugh! Siya may kasalanan? The hell din! I know hindi talaga siya gagawa nang tama
eh! Paano niya nagawa yon? Pakiramdam ko kumirot ang ulo ko dahil sa kaniyang
sinabi eh.
"What?!" Ani Wella na hindi makapaniwala.
"Oo! Narining mo naman hindi ba? Uulitin ko pa ba?"
"Oo. Kahit ilang ulit pa basta uulitin mo ang sinabi mo! Ikaw ang may kasalanan
Veron? How could you do that? Paano mo nagawa yan kay sir?"
"I'm sorry okay? Sorry! Hindi ko ginusto yon."
"Tss. Reasons." Hindi na napigilang utas ko. Stupid reasons na hindi daw ginusto
pero nagawa niya pa rin. I didn't believe whoever persons na nagdadahilan lang nang
hindi niya ginusto dahil unang una hindi mo gagawin iyon kung hindi mo talaga
ginusto kahit napilitan ka lang o nagipit lang ng sitwasyon.
May ilang napatingin sa akin dahil sa mahina kong sinabi. Napatingin lang sa akin
si Thorin. Itinaas niya ang kaniyang kamay at iminuwestrang lumapit ako sa kaniya
pero umiling lang ako. Hindi ko gustong lumapit sa kaniya sa ganitong sitwasyon
kahit pa alam na ng mga kaklase ko.
"Ms. Silvester...alam ko na may dahilan kung bakit mo nagawa iyon. Tell us para
maintindihan ka namin."
"I'm sorry sir." Yumuko siya nang bahagya at umangat din ang mukha. Now I can't see
the expression of her face kung nalulungkot nga ba talaga at taos sa kaniyang puso
ang paghingi ng dispensa. "Hindi ko po talaga ginusto mangyari ito. Dala lang
talaga ng kagipitan kaya napilitan akong ipagsabi sa iba ang tungkol dito."
Kumunot ang noo ni Thorin at hinayaang magpatuloy si Veronica habang kami naman ng
mga kaklase ko ay nakikinig lang sa iba pa niyang sasabihin.
"Oh God. I know I'm stupid to tell all of this now to all of you. Oo kasalanan ko
na ang lahat. Kasalanan ko na dahil iniligtas ko lang naman ang kapatid ko na nasa
hospital pa hanggang ngayon kaya ko nagawa to. Matapos niya kasi matanggalan ng
gall bladder ay nagkaroon ng iba pang komplikasyon sa iba pang internal organs niya
dahil mahihina ang mga ito. We needed an extra money for him so I was tempted to
make an ally sa isang babae. She said she will help me at all expenses that will be
needed for my brother na kahit ang pananatili niya halos sa hospital nang mahigit
isang linggo ay sasagutin niya na ang lahat ng gastos dito. I know I was too
desperate. Naging desperada na ako dahil alam niyo naman ang background ko. I am
not rich now like some of you. Kaya ko nagawa iyon."
She paused a second at bumaling sa aming lahat. "I'm sorry sa lahat ng nagawa ko.
Alam niyo ang ugali ko hindi ba? Kahit ganito ako, mas mahalaga pa rin sa akin ang
pamilya ko kaya kahit alam kong mali, ginawa ko pa rin. Tinulungan ako ng babae na
iyon sa kondisyon na ipagsasabi ko sa schoolmates natin na si sir at Lorraine ay
may relasyon. And there it was. I already did it."
"Oh God." Usal nang nasa harap ko.
Umabot din sa pandinig ko ang bulong na naghirap lang daw itong si Veronica dahil
namatay na ang kaniyang ama na nagtaguyod sa kanila mula noon. Kaya ngayon daw ay
kapit-patalim na. Naghirap naman na pala pero bakit masama pa din ang ugali niya?
Kung nagkaganyan sana ang buhay niya ay dapat magbago na siya. Hindi pinagpapala
ang taong ganyan idagdag pang gumawa siya nang bagay na maaaring mas makapagpabigat
ng mga darating pa na mga problema sa pamilya niya.
"Hindi ko talaga iyon ginusto sir. Please patawarin niyo na ako."
Naglakad si Thorin pababa ng platform at lumapit banda sa upuan ni Veronica. I
can't read his expression at alam kong kahit ang iba ay naguguluhan din kung galit
ba si Thorin o hindi.
"Sino ang bababeng ito?" Tanong ni Thorin sa matigas na boses. Lahat naman ay
tahimik lang din nakinig.
"A-ano po..."
"Who is she?" Ulit ni Thorin.
"Eh...sir sabi niya hindi daw puwedeng malaman kung sino siya."
"Did you know her name?"
"P-po?"
I heard some whispers. "Ngayon bigla siyang nabubulol. Sira-ulo pala siya eh. Kala
mo kung sinong matapang noong una."
"Manahimik ka muna at makinig. Ang daldal mo." Awat ng isa. Hindi na ako nag-
abalang lumingon kung sino at saan banda ang mga nag-uusap na babae. Hindi rin
talaga maiwasan magkaroon ng komento ang iba.
"I said...did you know her name?"
"Opo. Pero sinabi niya pong kapag may nakaalam huwag na huwag daw akong magsasabi
sa iba kung sino siya."
"And now she's stupid."
"Huh?" Maang na tanong ni Veronica. Gulat kung bakit tinawag ni Thorin na tanga ang
babaeng kaniyang binaggit.
"She's stupid. Kung ayaw niyang ipagsabi mo ang kaniyang pangalan ay bakit sinabi
niya pa sayo? Kilala mo ba siya? Kaibigan? Kapamilya?"
"Hindi."
"So you're saying is...you trusted her even if you hardly even know her? Ms.
Silvester?!"
Hindi agad nakasagot si Veronica. Nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga kaklase ko
na pati ako nalito din. Ano ba naman yan? Hindi ako makapaniwala sa nagawa niya.
Malayo sa inakala kong Veronica. Bakit parang dahil sa naging kuwento niya ngayon
ay ay ang dating Veronica na kilala ko ay biglang bumaba?
"S-sir.." Nakayuko niyang usal.
"Ms. Silvester, please tell us whoever she is... and I will forgive your mistake.
Babayaran natin kung ano man ang pagkakautang mo sa kaniya. Just tell us...sino ang
bababeng tumulong sayo?"
"Po?! Sir naman huwag na po. Hayaan niyo na lang ang pagkakautang ko." Nahihiya
niya pang sabi. Grabe ibang Veronica na nga ito.
"I can't believe you. Don't be stupid." Lahat nagulat sa biglaang pagtaas ng boses
ni Thorin na maging ako napanganga. Seriously? Feeling ko isa lang din akong
claasmate nila dito at hindi involved sa issue dahil sa pananahimik ko. Gusto ko
rin naman makihalo o magtanong o mang-usaig pero mas pinili ko na lang manahimik
dahil alam kong kaya na iyon ni Thorin.
Hindi umimik si Veronica.
"I'm asking you. Babayaran ko ang pagkakaroon ng utang na loob mo sa kaniya kapalit
nang pagbigay mo sa akin ng kaniyang pangalan. Give me her name and I will spare
you Veronica Silvester."
Medyo kalmado na ulit ang boses ni Thorin at nagtonong nakikiusap.
"Ano? Don't be afraid. Binibigyan na kita ng pagkakataon sa pagkakamali mo. I'm
only asking for a one single name! Give me her name. "
Hindi ko na naiwasan at napatayo na ako. Lumapit ako kay Thorin at tinahan siya.
Tensed na siya dahil ayaw na magsalita ni Veronica. Pinanood lang kami ng mga
kaklase ko hanggang sa marinig namin ang isang pangalan na dahilan nang panghihina
ni Thorin bigla sa braso ko na nakaalalay sa kaniya. He hold me tight and cuss.
Napapikit ako hindi dahil nagulat ako kundi dahil halfly ay inexpext ko na kung
sino ang taong ito. Kung sino man ang nagkaroon ng hinala ngayon, siguro nga ay
tama kayo.
Ugh! Shit! She can do this to us, talagang hindi na ako dapat magulat dahil sa
kabaliwan niya!

#####*****

OKay Alright. Lapit na yata ito matapos. haha! Vote and comment.

&&&&&&

"Her name is Ynna." Ang salitang binitiwan ni Veronica bago panghinaan si Thorin.
Nabawi niya naman kaagad ang panghihina nang makakapit siya sa akin ng mahigpit.

"You know her because she said she is your bestfriend sir. She never told me her
surname at ewan ko kung bakit." Dagdag pa ni Veron.

"Oh, my God." Narinig kong sabi ni Wella. Pati ang iba ay nagbulungan na naman pero
mahina lang.
Ugh. Nakakainis. Parang nag-init ang ulo ko nang malamang si Ynna ang babaeng may
gawa nito. I mean, just how dare her to do this? Ginamit niya ang kahinaan ni
Veronica para may magawa siyang masama laban sa amin ni Thorin. Ang akala ko ay
nananahimik na siya ngayon, iyon pala ay naghihintay lamang ng tamang atake. Ang
ipinagtataka ko lang, paano niya nalaman ang tungkol sa problema ni Veronica at ang
unang una ay paano niya ito nakilala?

Saka ko biglang naalala si Richmond. Tama! Siya nga! Mabilis ko siyang nilingon sa
kinauupuan niya ngunit hindi natagpuan nang aking mata ang bulto niya. Umikot ang
paningin ko hanggang maabutan ko ang bulto niya na palabas na sa pintuan. Hindi na
ako nag-aksaya nang panahon.

Binulungan ko si Thorin. "Wait. May kakausapin lang ako." Hindi ko na hinintay na


makasagot siya at sinundan ko agad sa paglabas si Richmond nang hindi pinapansin
ang mga nakasunod na tingin sa akin ng mga kaklase ko.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Richmond na lumiko sa isang pasilyo, pakaliwa.


Patungo yata iyon sa fire exit na lugar kung saan din kami nagtalo noong una.

I followed him quickly at nang makita ko siya ay tinawag ko siya. "Richmond!"

He stopped and faced me. "Bakit?" Walang emosyon niyang sabi.

Lumapit pa ako at tiningnan siya nang may pang-uusig.

"What's with that look?" Pagsusungit niya. Hindi ko pinansin iyon at pinangtaasan
siya nang kilay.

"Tell me, anong kinalaman mo sa nangyari?"

"Tss. Anong sinasabi mo?"

"Stop pretending and answer me.".

"Answer what?"

"Wow. A great pretender." Tumawa ako nang pagak at tiningnan siyang muli nang
maigi. "Paano nakilala ni Ynna si Veronica?"

Namulsa siya at tamad na tiningnan ako. Kung ibang babae lang siguro ako ay
hahangaan ko siya sa biglang pagbuga ng hangin at mga matang namumungay. Pero no
effect talaga dahil naiinis ako ngayon. I hate him for being a bridge to them. Kung
hindi dahil sa kaniya hindi magagawa ni Veron iyon dahil alam kong wala talaga
siyang intensyon na ibunyag ang kaniyang nalalaman.

"Hell what? Anong alam ko sa sinasabi mo? Mukha ba akong si kupido na magpapana ng
dalawang tao para maging konektado?"

"Dami mong rason. Sabihin mo na."

"At sinabi mo pang ang dami kong rason eh iyon lang naman sinabi ko? Seriously?"

"Are you gonna answer me or what?"

"Stop this nonsense, okay?" Umakto siyang tatalikuran ako pero mahigpit ko siyang
pinigilan sa braso.

He sighed and faced me again one more time. Wow.


"Ugh. Ano ba talaga ang kailangan mo?"

"Tanga ka ba? Sinabi ko na hindi ba? Kailangan ko pang ulitin?"

"Wow thank you...but I'm not stupid."

"Sagutin mo na ako."

Tumawa siya nang mapang-asar na talaga namang kinaasar ko. "Nanliligaw ka ba?
Nasaan ang flowers? Wala ka naman kasing sinasabi eh. Oo sinasagot na kita."

Sa asar ko ay sinampal ko siya. Bukod sa nakakaasar ang mga sagot niya, pati mukha
niya nakakaasar dahil kala mo inaaaway nang isang malditang babae. Ugh! Ang akala
niya ba nakikipaglaro lang ako dito?

He bite his lower lip at hinarap ako. Bakas na sa mukha niya na naiinis na siya sa
akin. Pero may pakialam ba ako? Isa pang pabalasubas na sagot ay hindi na ako
magdadalawang isip na sampalin siya ulit. Walanghiyang lalaking to. Kung wala lang
talaga akong kailangan sa kaniya ay kanina ko pa siya tinalikuran. But I badly want
that information para matahimik na ako.

"And you dare to slapped me. Anong klaseng babae ka? Ikaw ang lumapit lang sa akin
at nanghihingi nang sagot tapos ako ngayon ang sasaktan mo? God. Thank you very
much!"

"Isa lang naman ang hinihingi ko hindi ba? Ang matino mong sagot. Yan ang napala mo
dahil sa kadaldalan mo. Para kang bakla."

"And now I am a gay?"

"Oh shit will you please stop playing the topic?! Paano nakilala ni Ynna si
Veronica? Ikaw ba ang nagpakilala kay Ynna ng tungkol sa kaklase natin? How did she
know about her?!"

"Hindi mo na kailangang malaman."

"Pero gusto ko!"

"I don't care. Kapag sinabi kong hindi, hindi. At saka anong karapatan mong usigin
ako nang ganyan samantalang noon ay hindi mo ako pinakinggan? Huh?! Hindi ka pa din
nakipaghiwalay sa kaniya. So what did you get? Congratulations nga pala. And
condolence!"

"Ugh! I hate you."

"I won't say I love you so I hate you too. Stay away from me. Wala kang makukuhang
sagot mula sa akin."

"You know what? Diyan sa mga pagdadahilan mo ay alam ko na ang totoo. You made a
mistake Richmond. Ngayon ay tuluyan nang nasira ang pagkakaibigan nila Thorin at
Ynna."

Ngumisi siya at umiling. "You're wrong. Ikaw...ikaw ang dahilan nang pagkakasira
nila. Mula noon hanggang ngayon ay ikaw kaya wag mong ipasa sa akin ang bagay na
ikaw ang nagdulot. Hindi ko na hawak ang isip ni Ynna. So stop asking as if na may
makukuha kang sagot."

Huminga ako nang malalim at naisip at siguro nga ay wala akong mapapala sa lalaking
ito. I hate his guts talaga! Sana'y hindi na lang ako lumapit, napakawalang hiya!

"Sana...nasa tama ka. Hindi ka nagkamali sa ginawa mo, kung may nagawa ka nga
talaga. But I'm 100% sure na ikaw ang may gawa non. Ito lang sasabihin ko sayo,
kahit anong mangyari. Hindi kami maghihiwalay ni Thorin. Itaga mo yan sa bato."

Ngumisi siya nang nakakaloko." Nice line. Keep believing."

Matapos iyon ay tinalikuran ko na siya. Kahit na wala akong napala sa mga sagot
niya ay nasiguro kong siya nga ang may gawa nang bagay na iyon. Siya lang naman
kasi ang tanging nakakakilala kay Veronica at Ynna. Imposibleng akdisente lang ang
pagkakakilala ng dalawa.

Pumasok ako muli sa classroom at nakitang wala na sa room si Veronica at Thorin.


Lumapit ako kina Carol at tinanong kung nasaan sila at napag-alamang nag-usap sila
ng sarilinan. Tinanong ko kung saan at sa office daw. Habang naglalakad ako papunta
doon ay hindi ko naiwasang kabahan. Bakit? Bakit dinala ni Thorin sa office si
Veronica? Not faculty office but council office for God sake! Ang akala ko ba
sarilinan? Bakit doon pa?!

******

"You're here." Bungad sa akin ni Thorin pagbukas ko ng pinto ng office.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang silang dalawa lang ni Veronica ang
magkausap. I was relieved na hindi pala ito tulad ng iniisip ko.

Tuluyan akong pumasok at lumapit. Nagpalinga-linga ako at nakitang wala nang ibang
tao maliban sa kanilang dalawa.

"Wala ka nang makikita kahit sino diyan honey. Sinadya kong dito siya dalhin dahil
wala ang mga officials dito. There's a meeting on the presidents office. Lahat sila
nandoon. According to my coteacher dito na lang daw dahil maraming professors
ngayon sa faculty."

Kinabahan ako sa sinabi niyang meeting. Ibig sabihin kami ang issue ngayon?

"No. Hindi tayo ang pag-uusapan sa meeting ngayon. Don't worry." As if he reads my
mind kaya alam niya. Tumango ako at sinulyapan si Veronica na titig na titig sa
amin ni Thorin habang nag-uusap.

"Where did you go?" Tanong ni Thorin. Nakatayo siya paharap kay Veronica habang ito
naman ay halos nakatingala na nakatingin sa amin.

"May kinausap lang."

"Sino?"

"Richmond."

"Si Yuu? Bakit?"

"Siya ang nagpakilala kay Ynna ng tungkol kay Veronica kaya sila nagkakilala."

"Ano?" React bigla ni Veron. Hindi namin siya pinansin ni Thorin at patuloy na nag-
usap.

"He confirmed it?" Tanong ni Thorin na hindi na halatang nagulat sa sinabi ko.
Maybe he was expecting this also to happen.
"No."

"Then how can you say?"

"Eh adik eh. Nahalata ko dahil sa mga sagot niya. Ugh. By the way, " binalingan ko
ulit si Veron at pinagmasdan siyang maigi. "Veron, ano? Masaya ba ang mabuhay?"

"Tsk. Anong klaseng tanong yan?" Aniya. Tahimik lang si Thorin.

"Why? Hindi mo masagot?"

"Alam kong hindi kaya silence means no."

"Good thing you know. Pero mali ka. Masaya pa rin ang mabuhay kahit puno nang
problema. Nasa tao lang kung paano niya pagagaanin ang bigat ng bawat butil nito.
Alam mo ba? Hindi naman siguro porke problemado ka sa buhay ay hindi ibig sabihin,
patalim na lang ang puwede mong kapitan. Sometimes you also need to look to the
other side. May mas mabuti. May mas makagiginhawa kaysa sa daang napili mo. Hindi
ka namin masisisi sa nagawa mo pero hindi rin naman ganoon agad kadaling
magpatawad. But still we owe you one for telling us about Ynna."

"I hate what's happening now. I hate this! Pero mas nakakainis dahil nagsusumigaw
sa harap ko ang katotohanang kayo nga talaga ni sir!"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Saka ko narealize na ang ibig sabihin pala nang
sinasabi niya ay nakahawak sa beywang ko sa Thorin. Nakapulupot na ngunit di ko man
lang naramdaman. Kaya pala halos manigas siya sa pagkakaupo.

"I'm sorry sir. Pero hindi ako magsosorry sayo Lorraine. May kasalanan ka pa sa
akin."

"Alam ko."

"For now, I want to say thank you Ms. Silvester." Ani Thorin bigla. Napalingon ako
sa kaniya at ngumiti uli.

"Magtethank you ka pa sir eh pinahamak ko na nga kayo."

Natawa ako sa sagot niya. Oo nga naman. Pero naiintindihan ko ang ibig sabihin ni
Thorin sa kaniyang sinabi.

"Para sa amin ni Lorraine, hindi pagpapahamak iyon. Pagpapalaya."

"Patawa ka sir?" Aniya na mas ikintawa ko. Sinamaan ako ng tingin ni Veron pero di
ko talaga mapigilan ang bungisngis ko. "Tawa ka pa masaya ka eh." Pang-aasar niya
pa. Hindi ko siya pinansin at tumahimik na lang ako. Si Thorin naman nangingiti
lang. Natatawa kasi ako sa kanilang dalawa. Basta!

"Hindi ako nagpapatawa dahil alam mong hindi ako comedian."

"Ay oo nga pala. Sige sir. Tuloy niyo na."

"Dahil sayo hindi na kami mahihirapan ni Lorraine na magtago. Kahit papaano ay


nalaman na nila. Maging masama man iyon o mabuti, it doesn't matter. Wala na kaming
pakialam kung ano ang sasabihin nila basta okay na kaming dalawa."

Tumango ako. "Tama si sir Thorin. Kahit anong mangyari na susunod, ready kami
doon."
"Okay. Good for you. Bahala kayo."

Natawa ako nang mahina. Ilang minuto pa kami nanatili sa council room na hindi ko
alam na puwede na palang tambayan na mga gusto mag-usap kapag wala ang officials-
mataas na officials pala-.

Nang makabalik ako sa room without Thorin, hindi ko kayang iexplain ang mga
nangyari. Niyakap at sinuyo lang naman ako nang mga kaklase ko. Pero ang hindi ko
alam, kabaliktaran nang mga mangyayari sa akin sa paglabas. Nang umabot kasi ang
lunch time ay hindi pa man kami nakakaabot sa cafeteria, halos ilubog na ako sa
pinanggalingan ko nang mga matitinding salitang narinig ko sa mga schoolmates ko.
Many of them are on the other colleges at mga babae. Karamihan din ay mga tagahanga
ni Thorin.

Laking hinga ko lang nang malalim nang makaupo kami ay hindi ako nabuhusan sa ulo
ng kahit ano o nadungisan ang maganda kong uniform. Kasama ko sina Sheen at Carol
ngayon. Ace is nowhere at not found.

"Hayst! Iba talaga kapag sikat. Nakaligtas tayo! Yehey!" Ani Carol nang kami ay
makaupo. Tila wala sa aming tatlo ang may gana pang tumayo para bumili nang
makakain dahil nakakasulasok yata ang umuusok na nagbabagang tingin ng mga babae sa
canteen na to. Aba over description ba? Nakakaloka? Eh sa ganon talaga eh.

"Ano ba kayo. Ako lang, hindi kayo kasama."

"Pero kaibigan ka namin kaya damay damay na friend." Ani Carol.

"Oo nga." Sang-ayon ni Sheen. Nilingon niya ang iba pa at napasinghap. Sinundan ko
ng tingin ang tinitingnan niya at napanganga na lang siguro dahil sa gulat. Si
Thorin palapit at may dalang bulaklak. Anak ng tipaklong! Lantaran na ituuu!

"Hi honey." Aniya nang makalapit.

Oh gosh. Kasiraan na talaga sa pangalan niya to. This is so over! Ano to? Hindi sa
nahihiya na ako pero bakit parang sobra sobra na?

Umupo siya sa bakanteng silyang nasa tabi ko. Ngiting-ngiti pa at hindi alintana
ang napapangangang mga students ng NEU dahil sa ginawa niya. Kung mala- wattpad
siguro ito (pero wattpad talaga, haha) ay nakakakilig na kung ang gumawa ay isang
studyante na famous at mala gangster ang dating. Pero my God! Professor ang gumawa!
Record breaking! Over na yata to! Maloloka na ako dito.

"Oh bakit?" Tanong niya.

"Enebeyen ser... for screaming out loud. Enebe telege?" Ani Carol na kinikilig-
kilig pa ang babae.

"Tindi niyo sir." Ani Sheen.

"Bakit may dala ka pang ganito?" Sita ko. "At pagkalaki-laki pa. Wala naman tayo
mapaglalagyan nito mamaya sa sasakyan mo?"

"Hayaan mo na. Ngayon lang to."

"Oo nga naman Lorraine. Ngayon lang yan. Bukas baka hindi lang yan, di ba ser?"
Inirapan ko si Carol at binulungan muli si Thorin.

"Ano ka ba. Tama na alam na nila. Pinagsisigawan mo pa, hiyang hiya daw sayo ang
bulaklak mo."

"Ayaw mo ba?" Nag-alala naman ako bigla nang malukot ang mukha ni Thorin.
Nagkukurutan na lang ang nasa harap namin dahil para na yatang tinitiris. Ay nako
talaga.

Hindi naman ako nahihiya eh. Natutuwa pa nga. Ang kaso parang sobra na. Nag-aalala
ako sa maaaring epekto ng paningin ng tao hindi lang sa akin kundi higit lalo sa
kaniya.

"Wala akong sinabing ganon."

"Hmm.." ngumiti siya. " kain na tayo honey ko."

"Anak ng tupa naman yan ser. Palibre!"

"Sige. Sagot ko na."

"Yan!"

Natawa ako sa kakulitan nilang tatlo. Hay nakooo .

*****

A/n:

54321 ^^^^^

Nyahaha! Corny! Vote and comment please. Let me know po kung anong request nyo na
puwede pang mangyari! Thank you.

"Ayan tuloy ang hirap ipasok ng bulaklak." Angal ko habang nangingiti na kunwaring
pinipilit ang bulaklak na bigay sa akin ni Thorin kanina. Nasa likod ko siya at
hawak ang seradura ng pinto ng kotse. Kunwaring kandahirap ako sa pagpasok ng isang
metro na yatang bouquet ng flowers na to pero ang totoo tuwang tuwa ako. Trip ko
lang ata magreklamo.

"Anong ginagawa ng back seat?" Muntik na akong matawa sa sinabi niya. He's like
irritated yata. Jinojoke lang eh. Init ng ulo.

"Ay may back seat ba? It's okay, I want to hold it." Ngiti ko saka pumasok, umuna
muna akong pumasok saka ko ipinasok sa loob ang mahabang bouquet. Pagkapasok ko ay
sinara nya agad ang pinto saka umikot patungong drivers seat.

"Oy, galit ka?" Sabi ko matapos ang ilang minutong pananahimik niya sa biyahe.

I was half smiling by that time at noong nilingon niya ako, his face is so serious.
Huminga siya nang malalim na ikinabahala naman ng kalooban ko.

"Why?" Iwinala ko ang ngiti ko at sumeryoso. Seryoso siya eh.

"Tell me, you're not happy about this, don't you?"

"Huh? Anong sinasabi mo?" Hindi siya sumagot sa tanong ko habang patuloy na
nagmamaneho. We're going home already. "Thorin..."

"Cause if you're not, just tell me. Maiintindihan ko."


"What? Tungkol ba sa bulaklak na binigay mo? Okay I'm sorry. Binibiro lang naman
kita eh, gusto ko talaga ito. Natutuwa ako kasi ang ganda ganda niya, ang bango
pa." Sabi ko in a matter of fact tone. Inamoy-amoy ko pa ang bulaklak na hawak ko
kahit hirap akong iangat ito para lang maipakita na natutuwa ako, which is true
naman talaga. Ewan ko ba kung ano bang sinasabi niya na hindi ko ikinatutuwa.
Siguro nga ay ang pagrereklamo ko sa laki nitong hawak ko.

"I'm not talking about the flowers."

"Eh ano?"

Saglit niya akong nilingon saka nagsalita ulit. Grabe dapat na yata akong matakot
sa kaseryusohan niya ngayon.

"You're not taking this seriuosly. Ang pagkabunyag ng tungkol sa atin, sabihin mo
sa akin...are you happy?"

"Happy?"

"Maybe I was just paranoid."

"Thorin..."

"Are you happy?"

"Of course...oo naman masaya ako ano ka ba? Ano bang iniisip mo?"

"Kung masaya ka, bakit parang hindi ko nakikita?"

"Ano?" Turan ko nang natatawa na hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

Huminga ulit siya nang malalim. Ano bang sinasabi niyang hindi ako masaya? Hindi ko
siya maintindihan. Kailangan ba talagang ipakita kong masayang masaya ako?

"Honey, stop thinking non sense okay? Masaya ako. Masayang masaya." Sabi ko na lang
para hindi na siya mag-alala. Baka pagmulan pa ng away namin to mahirap na. I mean
wala pa namang away na namamagitan sa amin simula nang una pero mabuti nang amuhin
ko na siya. Hindi ko naman ata kaya na mag-aaway kami nang ganito pa kaaga.

"Talaga?"

The way he speak those words were not good to hear in my ears kaya automatic na
kumunot ang noo ko. Ugh. Anong inuumpisahan ni Thorin ngayon? Anong pinaglalaban
niya?

"May problema ba?" Tanong ko. Naguguluhan kasi ako sa inaasal niya ngayon eh.

"Wala."

"Honey, this is serious thing. Don't expect me to be happy too much."

"I'm not expecting you to be happy, too much. Nagtatanong lang ako kung masaya ka
ba dahil mukhang sa palagay ko ay hindi. Kung tutuusin nga ay parang wala kang
gaanong reaction sa nangyaring pagkabunyag ng tungkol sa atin. Hindi ba dapat ay
masaya ka? Dahil sa wakas, hindi na tayo kailangang magtago dahil alam na nila. We
are free now that's why I can't believe that I'm not seeing you happy." Mahaba
niyang paliwanag.
"Oh God. Yon ang problema?"

He didn't answer me again.

"Thorin...honey, I've come this far with you. Ano bang sinasabi mo na hindi ako
masaya? Anong inaasahan mong ipakita ko? Na masayang masaya ako dahil sa wakas ay
alam na nila at nang dahil sa akin ay natanggal ka sa pagiging professor sa school
na pinasukan mo sa mahabang taon? Do you think I'm that ruthless? I'm
happy...yes...pero hindi sapat na kasiyahan sa kaalamang hindi na natin alam kung
puwede ka pa bang makapagturo o hindi na dahil sa naganap sa atin. I'm not selfish
Thorin. Initindihin mo sanang mas iniintidi ko ang nangyari sayo, hindi yung parang
pinapalabas mo na wala akong pakialam."

After what I've said ay natigilan siya. He suddenly stop his car sa gilid ng
kahabaan ng highway na patungo nang subdivision ng bahay nila. I don't know but
suddenly also, kumirot ang dibdib ko at parang gusto kong maiyak. Pero hindi, hindi
ako puwedeng maiyak nang dahil lang doon. Kinurap ko ang aking mata at iginilid ang
ulo sa kabilang banda paiwas sa kaniya. Alam mo yung pakiramdam nang naiiyak ka na
pero pinipigilan mo lang? Ang sakit sa mata at ilong. Ugh.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya medyo nagulat ako. Idagdag pang may dalang init
ang kamay niyang nakapatong sa kamay kong nasa bag ko.

"Bakit mo hininto? Malapit na tayo. You better continue driving dahil bawal magpark
dito." Sabi ko nang hindi siya nililingon. My heart is aching. Ouch.

"Okay." Aniya. Sinunod niya ako baka dahil alam niyang bawal nga. May pahinto-hinto
pa kasing nalalaman. Kung ano ba naman kasing trip niya at nasisi ako dahil hindi
raw ako masaya. Kainis ah. Gusto niya yatang sumigaw ako at magtititili dahil
nahuli na kaming dalawa. Aba namang buhay to.

Matapos ang ilang sandali ay nakarating na kami sa bahay. Hindi ko na hinintay na


pagbuksan niya ako ng pinto nang maipark niya ang sasakyan sa garahe. Kahit hirap
ako sa paglabas dahil sa bitbit ko, binilisan ko pa rin ang kilos ko. Lumabas ako
at dirediretsong pumasok nang bahay. This is our first LQ. Sakit sa puso. My God!

Nang mapadaan ako sa couch ay nilapag ko sa mesa nang padarag ang bouquet na
binigay niya. Wala na akong pakialam kung masira dahil dalang-dala ako ng sitwasyon
ngayon. Nagugulat na lang din ako sa iniaakto ko dahil parang hindi ako. Hindi ko
matake.

"Lorraine...!" Tawag niya nang paakyat na ako pero hindi ako nag-abalang tumigil o
lumingon. Fastly and surely, I stepped the stairs hard. Pabagsak talaga. Dali-dali
akong naglakad patungo sa kuwarto at nang makapasok ay nilock ko agad ang pinto.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang maisip na hindi niya na ako masusundan.
Pati ang pinto ng terrace mabilis kong sinara. Para akong takot ngayon sa multo na
balak akong patayin pero di bale na kung parang ganon makaiwas lang ako kay Thorin
ngayon.

"Hmmmp. Ang arte kasi. I'm not happy I'm not happy daw eh hindi naman talaga.
Nakooo." Sabi ko habang nakaharap sa nakasarang pinto. Umupo ako sa kama at isa
isang naghubad ng uniform. Napapitlag na lang ako bigla nang may kumatok sa pinto
ng kuwarto. God! Nakabra na lang ako! Mabilis kong dinampot ang blusa ko at isinuot
bigla. Paano na lang kung pumasok si Thorin gamit ang duplicate key tapos ganito
ang itsura ko? Hala! Nataranta akong nagbutones.

"Honey, please let me in. I'm sorry."

Si Thorin nga. Talagang hindi yata matatahimik ang lalaking to. Sabagay kasalanan
niya eh. Napangisi ako bigla at tumayo. Well? Manigas siya! Di ko siya pagbubuksan!

"Open the door please?" Mas lumapad pa ang ngiti ko nang marinig ang boses niyang
nagmamakaawa. "Sorry na honey. Stressed lang ako kaya ko nasabi iyon, papasukin mo
na ako."

"Ayoko." Sigaw ko pabalik. "Kahit anong gawin o sabihin mo, hindi kita pagbubuksan.
Magdusa ka!" Haha. Panalo ang magdusa ah. Hugot.

"Come on. Don't push me to get the duplicate just to open this door."

"Ugh! No. Huwag mong gagawin yan."

"Try me!"

"Mamimimilit ka talaga? Bahala ka kung anong gusto mo. Try you? Well then don't try
me. Subukan mo lang buksan yan, pagsisisihan mo ang gagawin mo."

"Damn!"

Natawa na ako nang mahina nang marinig na nagmura na siya sa labas. Napikon na yata
eh.

"Suko ka na?"

Naghintay ako nang sagot pero wala. Ano nang nangyari doon? Maya-maya pa may
narinig na naman akong katok, sa kalagitnaan ng pagbibihis ko, sa pinto naman ng
terrace. Napalingon ako at natawa na naman. Lumipat lang pala kaya nawala kanina,
haha.

"Lorraine! Open this please?!"

Natawa-tawa ako habang naglalakad palapit sa pinto. Gusto ko sanang iparinig sa


kaniya, kaso baka naman lalong maasar. Mahirap na.

"Yes, honey?" Sabi ko na bahagyang nakatagilid pa.

"Buksan mo na ang pinto. Sorry na oh. Just open this and I will make it up to you.
Hindi ako makakatulog ngayong gabi na to kapag hindi mo ako napatawad. Look...hindi
ko sinasadya okay? Nagdamdam lang ako. I know that you were just concerned kaya
hindi ka totally masaya.....open this now, please?"

"Really?"

"Yes. Bubuksan mo na ba?"

"Hindi." Habang sumasagot ako sa mga tanong niya ay hindi mapigil ng bibig ko na
ngumiti nang napakalapad. Hirap hindi ngumiti lalo na kung tuwang tuwa ako na
sinusuyo niya ako nang ganito. Pero kahit natutuwa ako, pahihirapan ko muna siya
ngayong gabi. Bahala na muna basta wala pa akong balak pagbuksan siya.

"Ugh!"

"Nope and no more please dahil hindi pa rin kita pagbubuksan." Matapos kong sabihin
iyon ay tumalikod na ako mula sa pinto patungo sa kama ko. I sat down and pick up
my phone na nakalapag sa kama. Tuwang tuwa ako sa pagdurusa ni Thorin pero nang
makita ang isang text dito ay naibato ko nang malakas bigla ang phone ko.

Thorin screamed my name outside while I am trembling in nervousness. Namutla yata


ako at lumutang ang pakiramdam.

Nagtext na naman siya! Hell no! Naloko na talaga.

"Lorraine! What happened?!" Sigaw uli ni Thorin. Hindi ako nakasagot at nakatitig
lang sa cellphone na hindi man lang nawarak sa pagkakabato ko. Ang tibay ng brand
pero hindi ako sa brand natulala kundi sa text mismo.

Narinig ko na lang na may susing tumutunog mula sa pinto ng terrace. Pumasok si


Thorin at nagmamadaling humangos palapit sa akin. Sinulyapan niya ang cellphone ko
at tumabi sa akin na alalang-alala.

"Anong nangyari?" Nilingon ko siya at nagtaka na nakapasok siya agad nang ganon
kabilis. Ni hindi man lang siya umalis sa pinto hindi ba? Paanong may susi na siya
agad? Para namang nabasa niya ang nasa isip ko at sinagot ang tanong ko.

"I have this key already. Wala dapat akong balak pumasok nang walang pahintulot mo
pero narinig kong may ibinato ka kaya pumasok na ako. Ano bang nangyari? Bakit mo
ibinato ang cellphone mo? Pati ba sa cellphone may galit ka? Huwag mong idamay."

"I hate you." Maiksing sabi ko na ikinakunot nang noo niya.

"So pati yung cellphone idadamay mo sa galit mo sa akin? Nasaan ang katarungan para
sa cellphone mo?"

"Huwag mong hanapin si katarungan sa akin dahil hindi ko alam."

"Tsk. Nagawa mo pang magbiro kahit namumutla ka. Ano ba kasing nangyari?"

"Nagtext na naman siya ulit?"

"Sino?"

"The one who's threatening me. Yung nagtetext nang nakakatakot."

"Like a ghost?"

"No." Kinuha ko yung cellphone na hindi man lang talaga nabasag o namatay. I read
it on him. Maging siya ay nagulat pero hindi tulad ko na natakot.

Here's the text: Well hello Lorraine! It's been a while. Kumusta ang pagkakabunyag
nang lihim? Masaya ba? O nagdurusa ka na? Haha! Well hindi lang yan ang gagawin ko
dahil sa pagiging mang-aagaw mo! Be ready for your journey to hell!
Hahahahahahaha!!!!"

"Sino siya sa akala mo?" Tanong ko.

"I don't know. Do you have any idea?" Aniya.

"Hindi kaya si Ynna yan?"

"No. Kilala ko siya, hindi niya kayang gumawa nang ganito."

"Sigurado ka? What if siya nga? Sinabi kanina ni Veronica na siya ang nag-utos para
ibunyag sa school iyon. Hindi malayong mangyari na siya din ang may pakana nito."

Tumayo siya. "I don't know. Ang hirap paniwalaan. I'll go to my room now. Bukas na
tayo mag-usap okay? I'm sorry again." Yumukod siya at hinalikan ako sa pisngi saka
lumabas ng room ko. Napabuga ako nang hangin. Argh! Kanina masaya pa ako, tapos
nagkaganito. Halleluhiah!!

*****

"Hindi ba siya si Lorraine?"

"Oo yata. Siya yung nasa picture eh."

"Gosh. Hindi pala siya maganda sa personal."

"Tulad siya ni Fatima, girl. Feeling maganda!"

"Nyahaha! Grabe ang hard. But still, I can't believe na aabot din siya sa punto na
yon."

"Yeah. You're right. She's really crazy. All of them are crazy. Fatima and
Lorraine? Both slut. Both preggy! Haha!"

Napapikit ako nang mariin nang marinig na naman ang grupo nang mga babae sa paanan
ng puno na tila enjoy na enjoy pag-usapan ang buhay nang may buhay. Ugh. Wala na ba
talaga silang magagawang matino kundi magtsismisan? Ano ba naman yan? Dumiretso ako
nang lakad hanggang sa makasalubong ko sina Carol. Babati pa lang ako nang bigla
nila akong hilahin patungo sa gilid. Ano na naman ito?

"Bakit?" Tanong ko nang makaladkad ako dito sa sulok. Puno nang suspetsa ang mukha
nila.

"Ginawa niyo na nga ba Lorraine?"

"Ang ano?" Taka kong tanong.

"Yung yun." Sabay nguso. Pero di ko talaga magets ang sinasabi ni Carol kaya
naguguluhan ako.

"Ano ba kasi yun?"

"Tsk. Dami mong patalastas. Lorraine, oo o hindi lang ang sagot sa tanong namin
ah?" Ani Sheen. Seryoso silang nakatingin pareho sa akin kaya mas lalo akong
naguguluhan. Para akong nasa puzzle game tuloy dahil sa kanilang dalawa. Sarap
sapukin eh.

"Ang ano ba?!"

Sabay silang sumagot sa akin na nakabingi yata sa tenga ko dahil sa pagpanting


nito. "Totoo bang buntis ka?!"

"Ano??????!!!!!"

*******
**********************************
CONVERTED BY WATTPAD2ANY VERSION 1
----------------------------------

ALL RIGHTS RESERVED TO THE OWNER


OF WATTPAD.COM AND ALSO
ALL RIGHTS RESERVED TO THE AUTHOR
OF THIS BOOK

BY CONVERTING THE BOOK, YOU HAVE


ACCEPTED TO THE TOS OF WATTPAD
AND ALSO
WOULDN'T POST ANY OF THE CONTENTS
CONTAINED IN THIS FILE BY ANY MEANS
ELECTRONIC OR PRINTED, WITHOUT
THE CONSENT OF THE AUTHOR.

COPYRIGHT 2013
**********************************

You might also like