You are on page 1of 120

Castillion Brothers Series 5: Fifth Castillion

by Kuyajen

COMPLETED

Bookcover: Ruffa Mhae

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Fifth Series

Enjoy reading guys! Please vote and comment. Thank you ;)


Isa si Fifth Castillion sa pitong magkakapatid na sina First, Second, Third,
Fourth, Fifth, Six at Seven. Hinahabol ng mga kababaihan, nag-uumapaw sa kayamanan
ang kanilang angkan at nagsusumugaw sa kakisigan.
Sa dami nilang magkakapatid ay siya ang natatanging nagmana sa kanyang ama na
masipag.
Masipag siya sa lahat ng bagay.
Masipag mambabae.
Masipag dumaldal.
Masipag pumasok sa kung saan saan.
Masipag kumain ng mani.
Lahat na ata ng kasipagan ay siya ang sumalo sa kanilang pitong magkakapatid.
Masayahin siyang tao na tila walang problema. Makakita lang ng magandang baba
ay kontento na ang araw niya mas lalo kung maikakama niya iyon.
Madali ang buhay para sa kanya, well siya lang naman si Azia Fifth Castillion
na nakukuha ang lahat.
Pero hindi siya aware na kapag naglaro pala talaga ang tadhana ay kakaiba.
Mapaglaro siya sa babae pero may natatanging babaeng hindi niya magawang
makuha.
Si Antoinette Francisco.
Ang babaeng susubok sa pagiging masayahin ng isang Fifth Castillion slash the
industious.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Prologue

"Let's all welcome our new star for tonight,  Nette the
goddess." Sigaw ng baklang MC bago sundan ng isang nakakaakit at maharot na musika
ang pumailanlang sa buong lugar.
Mas lalong naging wild ang mga tao habang ako ay nakigaya rin sa pagsigaw nila.
Puta! Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung laman ang nasa harapan mo.
Maning mani.
"Get it on babe." Sigaw ko habang tutok na tutok ang mga mata sa mini stage.
Naghagikhikan ang mga kababaihan na nakarinig sa sinabi ko, isa isa ko silang
nginitian at kinindatan dahilan para maging tili ang kanina ay hagikhik lang.
Kitang kita ang pamimilipit nila sa kilig sa simple sinabi ko. Gan'on kalakas ang
impact ko sa mga babae. Hindi sila ang sinabihan ko dahil iyon naman talaga ang
palagi kong sigaw kapag malapit ng lumabas ang strip dancer pero gan'on na ang
reaction nila, paano pa kaya kung para sa kanila talaga ide nasa kama na kami
ngayon.
Puta! Palaging naghuhumiyaw sa kasexyhan at ganda ang kinukuha nila bawat gabi
at alam kong gan'on rin ngayon.
"Makakatikim na naman ako ng laman." Nakangising sabi ko habang naghihintay pa
rin sa paglabas ng dancer.
"Tsk. Ibigay mo sa'kin ngayon."
Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko dahil sa sinabi ng kapatid kong si
Fourth. Ahead siya sa'kin ng isang taon pero hindi ko siya tinatawag na kuya, ano
ako bata?
"Yeah sure." Mabilis kong sagot. Mapagbigay akong kapatid lalo kapag babae, isa
pa hindi pa naman ako gan'on katigang para magdamot.
Marami namang ibang babae sa paligid na willing na willing na ibuka ang mga
mani para sa'kin.
I'm Fifth Castillion, anyway.
Nagsimula ng umusok ang gitna ng mini stage ibig sabihin ay lalabas na ang
stripper. Mas lalong naging wild ang mga tao, mapababae man o lalaki dahil ito
talaga ang pinakahigh light sa stage.
Hindi basta strip dancing ang ginagawa ng nagiging dancer nila dahil kailangan
muna nitong makaakit ng isa sa mga customer na lalaki bago ito maging regular sa
trabaho. At dahil ang mga babaeng pumapasok sa ganitong bagay ay may mga rason na
hindi ko alam or maybe gipit kaya ginagawa ang challenge na iyon.
"Woah! Ang hot!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki na nasa kabilang table.
Napakurap kurap ako at tuminging mabuti sa harapan. Hindi ko maaninag ang mukha
ng stripper dahil sa usok pero kita ko ang likod nito na nagsisimula ng gumiling.
"Puta, ang sexy nga." Nausal ko.
Nakasuot ito ng gold two piece bikini na mas lalong nagpadagdag sa kaputian ng
balat. The light is dim, the music sounds erotic and fuck, the movement of her hips
is freaking hot and sexy.
Tila isang hibla ng sinulid ang nagdudugtong sa pang-ibaba nitong saplot mula
sa pwetan hanggang harap, isang pitik lang mapuputol na iyon sigurado at ganon din
ang lace ng bra nito mula likod hanggang balikat.
Sumasabay sa harot ng musika ang malanding paggalaw ng kanyang balakang habang
nakataas ang mga kamay sa ere.
Nagsisigawan. Nagwawala. Natatakam. At parang mga hayok sa tawag ng laman ang
mga kalalakihan habang ako ay tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw na gawin ng
babaeng nasa harapan.
Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng alaga ko pero hindi ko magawang magsalita
ni kumurap.
Puta! Ilang beses na akong nakakita ng hubas na katawan ng isang babae, 'yong
iba nga ay ipinagduduldulan pa sa'kin pero ngayon lang ako namangha at napatulala
ng ganito dahil sa bagay na 'yon.

She's sexy! No, she's hot, no no, hot is underestimate how


beautiful her body is.
Tama nga ang babae kanina, she's a fucking goddess. Parang hindi totoo may
ganito kaperpektong katawan ng isang babae.
Mga tipong titingnan mo palang lalabasan ka na.
Nette the goddess ha.
"That's enough."
Doon lamang ako napakurap kurap dahil muling pangingibabaw ng boses ng baklang
MC.
"Iyon 'yon?"
"Bitin. More. More!"
"Gusto namin siyang makilala."
Iba't iba ang reaction ng lahat lalo na ang mga kalalakihan. Namalayan kong
wala na ang maharot na musikang kanina ay sinasabayan ng striper at pati ito ay
wala na rin sa mini stage.
Nagtagis ang bagang ko, bakit hindi manlang nila pinaharap para makita ang
mukha nito.
I want to see her beautiful face, though hindi ko pa nakikita ang mukha pero
alam ko na kung gaano kaganda ang katawan nito ay gan'on rin ang mukha.
"Relax people, patikim pa lang 'yon at base sa mga reaction niyo ay alam kong
nagustuhan niyon. Right?" Malanding tanong ng bakla.
Hindi ako nag-abalang sumagot habang ang iba ay nagsusumigaw na tama nga ito.
Yeah, bitin na bitin.
"At dahil halatang hindi na kayo makapaghintay ay sisimulan na natin ang ating
climax ngayong gabi."
Tahimik lang akong nakinig habang nakatingin sa mini stage kung saan nagsasayaw
ang babae.
"Para may thrill ay nilagyan namin ng panibagong twist, and guess what?"
Pabitin nito.
"Mababasag ang baso." Marahas akong napalingon sa gawi ni Fourth, nakangisi
siya habang nakatutok ang tingin sa basong hawak ko. "Mukhang hindi mo ako
pagbibigyan ngayon." Kumunot ang noo ko at ng magets ang sinabi niya.
"Tinitigasan ako sa kanya kayo sorry bro ako muna, okay?" Tugon ko.
"Sure, mukhang maganda nga naman." Lumagok siya ng alak at tumingin sa harap,
gan'on rin ako.
"This is a bidding mga babe, chaka na kasi ang naunang challenge so para maiba
naman." Humagikhik pa ang MC.
Napailing nalang ako, alam talaga nila kung paano laruin ang crowed. Kahit sino
naman kasing lalaki ay tataya kung gan'on kasexy'ng babae ang pag-uusapan dahil
siguradong isang gabi lang sulit na sulit na.
"Ang mananalo sa bidding ay magkakaroon ng chance na makasama ang ating star of
the night, isang gabi. Isang buong gabi ang magiging syansa niyo at sa isang gabing
'yon ay magagawa niyo ang gusto niyo. Sounds thrilling, right?"
"Twenty thousand."
Natuon ang tingin ko sa isang lalaking nasa unahan na syang agad na nanguna sa
pagpresyo.
Puta! Alam kong gusto lang nilang lumaki ang kita nila ngayong gabi. This is a
high end bar, malaki at para lamang sa mga mayayaman. Hindi pwedeng makapasok sa
lugar na ito kung angvyaman mo o yaman ng pamilya mo ay average lang. Within half
million and above dapat ang kita mo bawat araw bago ka makapasok dito.
Dahil hindi ito tulad ng ilang bar na kayang mapasok ng mga alagad ng batas.
Walang raid at pandadakip, kaya nga dito kami palagi pumupunta kahit napakamahal.
Member kami ng club na ito dahil kaibigan ko ang may-ari, libre pa. May privacy na
safe pa.
"50 thousand." Sabat pa ng isang lalaki sa gilid.
Nakikinig lang ako sa ginagawa nilang bidding habang ang bakla ay tuwang tuwa
na maraming willing magwaldas ng pera para makasama ang stripper na 'yon.

Puta! May parte sa'kin na nakaramdam ng inis dahil sa


isiping binibenta ng babaeng 'yon ang sarili niya. Hindi nalang naghanap ng
matinong trabaho.
Wow, kailan pa ako nakialam sa mga stripper dito.
"Higher." Ang bakla.
"Two hundred thousand."
Nagsimula na namang lumakas ang sigawan dahil sa pagtaas ng bidding. Thrilling
nga.
Walang problema sa'kin ang pera kung 'yon ang pag-uusapan dahil ipinanganak
akong nakahiga sa pero at may golden spoon kaso ayokong sumali sa kanila dahil sa
isiping magsasayang ako ng salapi para lang may maikama gayong napakarami namang
willing na magpakama sa'kin.
Nakakababa ng ego.
"Higher."
"Three hundred thousand."
"Three hundred fifty thousand."
"Five hundred thousand." Sigaw ng matandang nakaformla attire pa.
"OMG, ang laki na but higher!" Tili ng bakla. Panay ang tili niya kapag may
nagtataas ng presyo, kulang nalang ay magsilabasan ang mga stars sa mata niya sa
sobrang pagkislap sa tuwa.
"One million!"
Natigilan ako at hindi makapaniwalang napatingin kay Fourth dahil siya ang
sumigaw. Seryoso siya habang ako ay nanlalaki ang mga mata. Seriously, one million?
He's going to pay a million just to fuck? Maraming babaesa paligid at hindi na niya
kailangang gumastos.
Mas lalong lumakas ang tili ng bakla at gan'on rin ang mga kababaihan. Lahat ay
nakatingin sa kapatid ko. Kinunutan ko siya ng noo dahil sa pagiging seryoso ng
mukha niya. Gustong gusto niya ngang makuha 'yong babae base sa reaction niya.
Puta! Hindi ako gagastos, isa pa prinsipyo ko na hindi makiaagaw sa mga babaeng
kukuha ng interest ng isa man sa mga kapatid ko. Well, hindi naman niya literal na
gusto ang babae in a romantic way. He want to fuck her, yeah right but I want to
fuck her too. I want her to scream my name with pleasure and lust. I want to thrust
insidr her wet pussy and sexy ass.
Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa mas lalong pag-igting ng pagkalalaki ko
na kanina pa nag-iinit at nagagalit.
"Two million." Sigaw ko.
Inisang lagok ko ang isang baso ng hard liquor, gumuhit sa lalamunan ko ang
pait at init nito kaya napangiwi ako.
Tumahimik ang paligid dahil sa taas ng bid ko. Puta! Mataas na ang one million
pero mas mataas ang two million kaya alam kong pati sila ay nagulat, ako rin naman.
Basta ang alam ko lang kailangan kong matikman ang babaeng 'yon para mawala ang
init ng katawan ko.
"Tsk. Pasensya na bro." Tumingin sa'kin si Fourth, nagkibit balikat lang siya.
"You won, masyado ng mataas ang two million kaya hindi ko na tataasan ang bid
ko." Aniya.
Nasaan na 'yong ayaw kong gumastos para lang maikama. Wala na! Tsk.
Hirap na may sakit ng kalibugan napapasubo palagi.
"Waaaah! OMG, two million the deal is close." Sigaw ng bakla na nagtatatalon na
ngayon. Hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin. "Thank you po Mr. Castillion,
this is a big help." Aniya.
Muling pumaibabaw ang maharot na kanta at bumalik ang sigawan ng mga tao.
"Bottoms up people!" Sigaw ng bakla.
Mas lalong napadiin ang pagkakakuyom sa aking kamao ng muling lumabas ang
stripper.
"The climax!"
Puta! Tapos na ang bidding tapos papasayawin pa? Malulugi ako sa two million ko
kapag nagkataon.
Mabilis akong tumayo at malalaki ang naging hakbang papunta sa harapan. Nasa
bandang gilid ang pwesto namin ni Fourth, our usual spot pero madali kong narating
ang unahan.
Bago pa man tuluyang makapagsayaw ang stripper ay hinila ko na ito pabalik sa
nilabasan nito papuntang back stage.
"S-Sir, sir, aray ko po." Natigilan ako sa paghila sa kanya ng marinig ko ang
napakahinhin at malamyos niyang boses.
Napasinghap ako ng malingunan ang mala anghel na ganda ng babaeng hila hila ko.
Ang babaeng stripper na walang inhibisyong sumasayaw kanina sa harap ng mga tao na
tanging lacy two piece amg suot.
Natulala ako sa sobrang kagandang taglay niya. Maamo ang mata sa kabila ng
matapang nitong anyo dahil sa make up.
She's a goddess, really. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng ganda ng
isang babae. Tama ako, kung gaano kaganda ang katawan nito ay doble amg ganda ng
mukha.
Puta! Mukhang sulit ang dalawang milyon ko. Sa ganda ng babaeng 'to manliliit
ang kahit ilang halaga ng pera para bilhin ito.
But why she's into this strip dancing?
"Mr. Castillion may problema po ba?" Bakas ang kaba sa mukha ng bakla na
sumunod pala sa'min.
Nandito na kami sa likod ng mini stage at wala halos tao dito. Dinig ko pa rin
ang ingay sa labas pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil
nakapamewang akong humarap sa bakla.
"I won, ako ang nanalo sa bidding niyo." Panimula ko.
Tumango naman ito ng mabilis. "Yes, Mr. Castillion, ano po ba ang problema para
naman po malaman namin ang maging solusyon."
"Malaking halaga ang dalawang milyon at malulugi ako kung pagsasayawin mo pa
siya sa harap ng marami." Sinamaan ko siya lalo ng tingin. "Pagpepysetahan muna
siya ng iba bago ko matikman? Are you insulting me?"
"I'm sorry Mr. Castillion, hindi na po siya sasayaw. Hindi na." Hindi ito
magkandaugaga sa pagsagot.
Napangisi ako. "Mabuti kung gan'on, so..." Napahawak ako sa aking baba na animo
nag-iisip bago bumaling sa babaeng anghel na ngayon ay nakayuko at nilalaro ang mga
daliri.
Cute!
Puta! Kailan ko pa natutunan ang definition ng cute. Hindi ko tinitingnan ang
isang babaeng naghuhumiyaw sa kasexyhan na cute kahit kailan dahil palaging
mahawakan ng kamay ko ang buong parte ng katawan ng bawat babaeng matipuhan ko ang
nasa isip ko.
"Pwede ko na ba siyang matikman ngayon?"
Nakita ko ang pagsinghap nito at panlalaki ng magagandang mga mata.
Nagkasalubong ang aming mga tingin kaya mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko.
Pupusta ulit ako ng another two million kung makikitaan ba ito ng pangit na
anggulo. Puta! Kahit anong gesture sobrang ganda pa rin.
"N-Ngayon na p-po?"
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa 'po' na sinabi niya. Mukha ba akong matanda
para e'po' niya? I'm just 29 for christ sake, pero sa hitsura ko mukha lang akong
twenty four.
"Ano ka ba naman Antoinette Francisco, itatanong mo pa talaga?" Mataray na
sabat ng bakla.
So her name is Antoinette, hot!
"Julio naman." Ungot niya na parang bata.
"Oh my goddess! It's Julia, babae ako 'no." Pinaypayan pa nito ang sarili.
"Umayos ka ha."
"So..." Singit ko. "Let's go?"
"Ahm. Hmm, pwede po bang mamaya nalang?" Nag-aalangan niyang sabi.
"Why?"
"Magbibihis pa po kasi ako hindi ko naman po gustong lumabas na ganito ang
suot."
Napalunok ako ng mapasadahan ng malapitang tingin ang kanyang katawan na kanina
ko pa pinagpapantasyahan sa aking isipan.
Sa pantasya ko malapit na kaming labasan pareho tapos ngayon ni hindi ko pa
siya mahawakan manlang.
Later.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 1

Antoinette POV
"Julio, hindi ko kaya." Maiyak iyak na ako habang nagmamakaawa kay Julio na
sabihin sa lalaking tinatawag nilang Mr. Castillion na hindi ko gusto na isama ako
nito.
"Ano ka ba naman Nette ito na ang pinakamadaling solusyon sa problema mo.
Nakaya mo ngang sumayaw kanina ng halos hubo't hubad." Sermon niya.
Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng bestidang suot ko. Kanina pa ako
nakapagbihis pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil natatakot ako sa
naghihintay sa'kin palabas.
"Magkaiba naman iyon, kahit immoral ang aking ginawa ay hindi ko naman
pinagamit ang aking katawan." Apila ko ulit. Sa isipin palang na makikipagsiping
ako sa hindi ko naman asawa o nobyo ay nangingilabot na ako sa takot.
"Nakakaistress kang bata ka! Moderno na tayo ngayon kaya walang kaso ang
ipagamit ang katawan mo." Iwinagayway niya pa ang namimilantik na mga daliri sa'kin
habang maarting nakasapo sa kanyang sentido. "Kung ano lang ang may vijayjay naku
matagal ng warak 'yon."
Bigla akong napatakip sa tenga ko dahil sa mga teminong kanyang ginagamit.
Hindi ko kayang pakinggan ang gan'ong mga bagay.
"Moderno man ang panahon ngunit hindi ko nais na makisabay sa panahon."
"Kapag ikaw talaga ang kausap ko dinudugo ang ilong ko sa lalim mong
managalog." Pagtataray niya at nameywang sa aking harapan.
"Hahanap na lamang ako ng ibang solusyon, hindi ko maaatim na ibigay ang puri
ko sa isang estranghero."
Dahil sa sinabi ko ay napapalatak siya at tila hindi na alam ang gagawin
sa'kin. Mariin akong napapikit habang paulit ulit sa isip ko ang halos wala ng
saplot na pagsasayaw ko sa harap ng mga kalalakihan. Napaantada ako at nagsign of a
cross dahil sa kasalanang ginawa ko.
Patawarin niyo po ako Panginoon.
"Hindi siya estranghero, my gosh, si Fifth Castillion ang gustong maikama ka at
handa siyang magbigay ng dalawang milyon para sa'kin. Napakaswerte mo, in fact
kayang kaya niyang kunin lahat ng babaeng gusto niya na hindi manlang siya
pinagpapawisan." Patuloy siya sa pagsermon at ang tanging ginawa ko ay pakinggan
ang mga iyon.
Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Ito ang unang pagkakataon na umapak ako sa
ganitong uri ng lugar at pakiramdam ko ay isa ako sa pinakamakasalanang tao na
nabubuhay sa mundo. At hindi ko nais ang gan'ong pakiramdam.
Kung hindi lang ako nangangailangan ng malaking halaga ay hinding hindi papasok
sa isipan ko ang umapak dito. Pinahid ko ang mga luhang tuluyang kumawala sa aking
mga mata. Bago magsimula kanina ay walang humpay rin ang aking pag-iyak at gan'on
rin ngayon.
"Kahit sinong lalaki ay hindi ko kakayanin na makipagsiping." Humihikbing sagot
ko.
"Tatagan mo loob mo dahil ito lang ang pinakamadaling paraan para malutas ang
mga problema mo."
Hindi ako nakakibo. Tama siya, ito lang ang pinakamadaling paraan para kumita
ako ng milyon sa isang gabi at para malutas ang mga problema ko. Matapang naman ako
kanina pero ngayong nasa sitwasyon na talaga akong ibibigay ang aking puri at
makikipagsiping sa lalaking ngayon ko lang nakilala ay umatras ang kalooban ko.
"Ngunit kung gagawin ko ito ay hindi na ako muling makababalik sa kumbento."
Napahagulhol ako. Siya naman ang hindi nakaimik. Hindi pa man ako nagsisimula sa
pagsasayaw kanina ay malaki na ang pagkakasala ko at ayaw ko ng dagdagan pa iyon.
Kapag ginawa ko ito ay masisira ang mga pangarap ko. Ang pangarap kong
pagsilbihan ang Panginoon, ang pangarap kong maging madre. Kung itong pagsubok na
ito ay hindi ko malalampasan na nananatili akong berhin ay wala akong karapatang
magsilbi dahil may bahid ng kaimmoralan ang pagkatao ko.

Susuwayin ko ang utos ng diyos na hindi makipagsiping sa


hindi ko asawa. Sa isiping 'yon ay mas lalo lamang akong naluha.
"Kung hindi mo gagawin ano pang silbi ng pansamantala mong paglabas sa kumbento
para tulungang madugtungan ang buhay ng ate mo." Seryoso niyang tugon.
Siya si Julio o mas gusto niyang tawaging Julia dahil isa siyang binabae.
Matalik siyang kaibigan ng aking nakakatandang kapatid at siya rin ang nagbigay ng
suhestyon na gawin ko ito dahil malaking pera ang maaari kong makuha sa mamahaling
bar na ito. Siya ang manager ng mga mananayaw dito kaya madali akong naipasok.
At hindi nga naman kami naghirap na tumawad ng dalawang milyon pero walang
kabayaran ang isusugal ko kaya mukhang hindi ko kakayanin.
"Hala na't mag-ayos ka na dahil baka mainip si Mr. Castillion, napakayaman ng
taong iyon kaya hindi dapat pinaghihintay dahil masama kapag nagalit." Hinila niya
ako patayo para humaram sa salimin.
Tinanggal niya lahat ng  kuloriteng nasa mukha ko dahil nagkalat na iyon dulot
ng aking pag-iyak. Mariin akong napakagat labi upang pigilan ang pag-iyak ko.
Siguro'y makikiusap nalang ako kay Mr. Castillion na kung maaari ay sa ibang
paraan ko na lamang suklian ang dalawang milyong ibibigay niya. Napakalaking halaga
n'on at dapat lamang na may karampatang kabayaran maliban na lamang sa aking puri.
"Umayos ka, wag mong ipahahalatang galing ka sa pag-iyak at napilitan lang
dahil kapag nalaman niyang sapilitan ito ay maaari niyang ipasara ang bar. Naku,
kapag nagkataon maraming mawawalan ng trabaho." Tango lamang ang isinagot ko.
Pinagmasdan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng salamin habang suot ang
isang puting bisteda na may karaniwang tabas at desinyo pero magandang tingnan.
Malinis at kaaya aya sa paningin ko. Malayong malayo sa suot ko kanina habang
nagsasayaw.
Ipinilig ko ang ulo ko para pansamantalang waksiin sa aking isipan ang ginawa
ko kanina. Hindi ko maatim na isipin na talagang ginawa ko ang bagay na iyon.
"Tara na." Napipilitan man ay nagpatianod ako ng hilahin niya ako palaban.
Laking pasalamat ko na lamang na nahubad ko na ang may mataas na takong na sapatos
na suot ko kanina.
Ilang ulit akong humugot ng malalim na hininga habang binabaybay namin ang daan
palabas sa mga dressing home. Silid iyon ng mga mananayaw dito. Sa dulo ng pasilyo
ay naghihintay doon si Mr. Castillion. Nakasandal ito sa pader at nakapamulsa
habang humihihit at bumubuga ng usok ng sigarilyo.
Malayo pa man ay nanginginig na ang mga tuhod at kamay ko dahil sa katotohanang
ang lalaking ito ang pagbibigyan ko ng isang bagay na labis labis kong
pinakaiingatan.
Kung pisikal na anyo ang pagbabasihan ay masasabing maswerte ako sapagkat
napakagwapo niya. Matipuno ang pangangatawan, maganda ang kasuot, humahalimuyak sa
pagiging mayaman ang matigas na tindig. Siya iyong tipo ng lalaki na mapapalingon
ka ng dalawang beses kapag dumaan sa harap mo.
Ngunit sa kabila ng gwapo nitong anyo ay hindi iyon naging dahilan para maging
bukal sa loob ko ang makipagsiping sa kanya at ibigay sa kanya ang puri ko. Kahit
siguro'y ang pinakagwapo ng nilalang sa buong mundo ang magtangkang kunin iyon ay
hindi ako magiging masayang ibigay.
Naniniwala kasi akong ang pagbigay ng bagay na iyon ay sa araw ng kasal kasama
ang lalaking mahal na mahal ko na siyang aking asawa.
"Pasensya na po Mr. Castillion kung napaghintay ka namin." Magalang na tugon ni
Julio at bahagya pang yumukod.
Napayuko ako ng ngumisi ang lalaki at itinuon sa'kin ang tingin matapos patayin
ang sigarilyong hawak kanina. Kung saan niya lamang iyon itinapon ngunit walang
nagreklamo.

Umayos siya ng pagkakatayo ngunit nasa bulsa pa rin ang mga


kamay. Mula sa pwesto namin sa harapan niya ay amoy na amoy ko ang pinaghalong
pabango niyang panlalaki at amoy ng sigarilyo. Lihim akong napangiwi, napakabango
niya pero hindi ko talaga gusto ang lalaking naninigarilyo.
"It's okay." Sagot niya, baritonong baritono ang boses niya at sa tindig ay
tila pag-aari ang lahat. Hindi naman ito nagyayabang pero sa presensya palang ay
nakakapanliit na. "Lets go."
Napako lang ang mga paa ko sa kinatatayuan dahil sa sobrang kabang nararamdaman
ko. Kapag sumama ay maaring mangyari ang kinatatakutan ko. Mariin akong pumikit at
mahigpit na humawak sa braso ni Julio ngunit lumayo siya sa'kin at sumenyas na
lumapit ako kay Mr. Castillion.
"Don't be shy honey." Nakangisi pa rin siya habang sinasabi iyon na may
kaakibat na landi ng boses. "Sisiguraduhin kong mawawala 'yang hiya mo kapag nasa
kama na tayo."
Halos lahat ng santo ay tawagin ko na dahil sa mga salitang lumalabas sa
kanyang bibig. Masyadong madumi para sa'kin ang kanyang mga salita.
"Kayo na po ang bahala sa kanya Mr. Castillion." Singit ni Julio at bago ko pa
man siya mahabol ay malalaki na ang naging hakbang niya papaalis.
Napaigtad ako ng lumapit sa'kin si Mr. Castillion. Nanginginig ang palad ko at
tila bibigay na ang tuhod ko dahil sa pangangatog. Nilulukob ako ng takot dahil
bukod sa may kasalanan kaming gagawin ay ito ang unang pagkakataon na may lalaking
nakalapit sa'kin ng halos dumikit na sa katawan ko. Hidni ako sanay.
"Wag kang matakot hindi ako nangangagat." Bulong niya sa harap ng tenga ko.
Tulungan niyo po ako. Piping usal ko kahit alam kong wala na akong kawala.
"P-Pwede p-po bang mag-usap muna tayo?" Kahit nanginginig ang mga labi ko at
nauutal ay sinikap kong sabihin ang mga katagang 'yon.
Naikuyom ko ang mga kamao ko n  hapitin niya ako papalapit sa kanya at
ipinulupot ang mga braso sa maliit kong bewang.
"Kahit naman nasa gitna ng pag-ungol at pwede tayong mag-usap." Palandi ng
palandi ang boses niya at ang mabango niyang hiningang tumatama sa tenga ko ay
nagdudulot sa'kin ng kilabot.
"P-Pwede pong wag kayong maglandi?" Tugon ko habang pilit pinapatatag ang loob
ko.
Narinig ko ang pagtawa niya at pagtikhim ngunit mababakas na pele iyon. "Hindi
naman ako naglalandi, ganito talaga ako. Sa kama ko lang ipinapakita ang kalandian
na meron ako."
Kung hindi pa paglalandi ang ginagawa niya ano pa kaya kapag ipinakita na niya
ang sinasabi niyang landi.
"G-Gusto ko po muna kayong makausap." Tugon ko.
Kulang nalang ay tumili ako ng halikan niya ang noo ko at hinila ako papalabas
ng lugar. Nagsisimula na namang mag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa
nagbabadyang luha pero sinikap kong hindi iyon pakawalan. Baka kung saan niya ako
dalhin at sa laki niyang tao wala akong laban kahit na magpumiglas ako.
Nakarating kami sa parking lot at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng
kotseng tinapatan namin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagarang kotse sa
tanang buhay ko lalo at laki lamang kami sa hirap.
"Ladies first." Tugon niya ng pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Alanganin pa
akong sumakay dahil sa kintab nito. Kulay yellow iyon at masasabi kong hindi
ordinaryong klase ng sasakyan.
Pumasok ako at sinalubong ako ng panlalaki niyang pabangon. Agad akong umupo
habang siya at sa driver's seat. Mas lalong nanuot aa ilong ko ang napakabango
niyang amoy ng pumasok siya.
"Takot ka pa rin?" Bakas ang pagkamangha sa boses niya habang hindi pa rin
nawawala ang ngisi sa mga pulang labi.
Hindi ako nakasagot at itinuon na lamang ang atensyon sa mga daliri ko na hindi
pa rin nawawala ang panginginig. Nanlalamig ako dahil sa presensya ng lalaking
hindi ako sanay.
Sa buong buhay ko puro pag-aaral lang ang inatupag ko at ng tumuntong ako ng
kolehiyo ay sa kumbento na ako nag-aral para napaghandaan ang pagmamadre ko kaya
hindi ako sanay na may lalaking nasa paligid ko.
Sa lugar na kinalakihan ko ay hindi normala ng makipaglapit sa mga lalaki.
Bawal ang hindi pino at tamang pagkilos. At lahat ng mga bawal ay ginagawa ko na
ngayon kahit hindi ko gusto.
May malaki akong dahilan ngunit hindi iyon sapat para baliin ko ang mga
prinsipyo ko sa buhay.
"Anong pangalan mo, honey?" May paglalaro sa kislap ng mga mata niya dahilan
para mas lalo akong panginigan ng laman.
Honey? Iyon ba ang normal na pagtawag niya sa mga kababaihan?
"W-Wag mo akong tawaging honey hindi iyon ang pangalan ko."
Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "So anong pangalan mo? Ayoko namang hanggang
sa makarating tayo sa kama ay hindi ko alam ang pangalan mo." Panaka naka ang
kanyang pagsulyap sa'kin habang patuloy sa pagmamaneho.
"A-Antoinette pero pwede mo akong tawaging Sister Nette."
Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya at
bigla nalang inapakan ang preno dahilan para muntikan akong mapasubsob.
"Shit!" Mabilis kong tinakpan ang mga tenga ko dahil sa paulit ulit niyang
pagmumura.
"M-May problema ba?"
Bakas ang iritasyong bumaling siya sa'kin. "Bakit Sister Nette ang itatawag ko
sa'yo?" Para siyang nakakita ng multo basi sa pamumutla at panlalaki ng magagandnag
mga mata.
Nagtataka akong sumagot. "Sister Nette, madre ako." Pagmamalaki ko dahil sa
lahat ng nangyari sa buhay ko ay iyon ang nag-iisa kong ipinagmamalaki.
Hindi pa man ako ganap na madre pero sigurado akong matutupad ko ang pangarap
kong iyon. Ilang taon pa ang titiisin ko pero masaya naman ako.
"Putanginang libog 'to." Sigaw niya kaya ako naman ang nabigla.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 2

Fifth POV
"HAHAHAHAHA!" Sabay sabay na nagtawanan ang mga kapatid ko matapos kong ikwento
ang nangyari sa'kin kagabe.
"Yan napapala ng pagiging malibog mo pati madre pinapatos mo." Kantyaw sa'kin
ni Six, sinamaan ko siya ng tingin.
"Malay ko bang ang gan'ong kasexy at hot na babae ay madre." Napapailing pa ako
habang inaalala sa isip ko ang napakaganda niyang mukha at sexy'ng katawan.
"Sayang, sayang kung magmamadre siya."
Nagtawanan na naman sila. Kagabe na ata ang pinakanakakahiyang experience ng
buhay ko. Halos molestyahin ko na siya dahil sa pagnanasa ko tapos madre pala.
Pakiramdam ko ako na ang pinakamakasalanang tao kaya bago pa masagad ang kasalanan
ko ay hindi ko na itinuloy na ikama siya. Nakakapagpigil naman ako ng libog.
"Kaya pala kapag hinahawakan ko kulang nalang magsign of a cross." Uminom ako
ng kapeng nasa harap ko.
Nag-aamusal kaming magkakapatid dito sa mansyon ng pamilya namin at dahil
umiral ang kalokohan ni Fourth ay naikwento niya sa mga kapatid namin ang
nangyaring bidding kagabi at tinanong ako kung anong nangyari kaya napilitan akong
magkwento kahit alam kong matinding kantyaw ang aabutin ko.
"Itinuloy mo ang pagbibigay ng dalawang milyon?" Tanong ni Fourth na nakangisi.
Iningusan ko siya bago ako tumango.
"Tsk. Kinuha agad n'ong bakla kagabe, ibinigay ko naman dahil nasa policy
nila."
"Alam kong mayaman tayo 'bro at kahit humiga sa pera ay kayang kaya nating
gawin pero hindi tama ang magtapon ng pera." Si Kuya Second.
"Kakausapin ko rin 'yong babae pero di muna ngayon kasi natatakot akong
masunog." Tinawanan na naman nila ako.
"Sa sobrang tigang mo napapahamak ka." Si Kuya First.
"Napakaganda naman kasi ng babaeng 'yon at ang mas malala eighteen years old
lang. Magmumukha akong tatay, ayokong mapedophile."
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong nila pero halata pa rin ang pang-aasar.
"Kahit ako hindi makapaniwala dahil hubog na hubog na ang katawan niya tapos
minor de edad pa." Iritang tugon ko. Sa tagal kong nagpupunta sa bar at kumakama ng
iba't ibang babae araw araw ngayon lang nangyari sa'kin 'to kaya kinilabutan talaga
ako sa sarili ko.
"She's in legal age, you said she's eighteen."
Tumango tango ako. "I know pero kumpara sa edad ko na malapit ng mamaalam sa
kalendaryo ay minor pa ang tulad niya."
"Bakit may age qualification ba bago mo ikama?" Panunuya ni Fourth. Kahit mas
matanda siya sa'kin ng isang taon ay hindi iyon nagiging hadlang para magsalita ako
sa kanya na tila ako ang mas nakakatanda.
"Wala naman pero mabuti na 'yong nag-iingat baka mapikot ako at mawala ang
kalayaan ko sa isang iglap. Nah, no thanks." Pagmamalaki ko.
Mahal na mahal ko ang kalayaan ko at masaya na ako sa kung anong meron ako.
Nakikipagsex ako sa iba't ibang babae kung kelan ko gusto. Tanggap ko na ako ang
pinakamalibog sa'ming magkakapatid. Well, it's my libido's fault. Tanggap ko rin na
ako ang pinakababaero pero lahat ng babaeng dumadaan sa'kin ay tinatrato ko ng
tama.
Pagkatapos makipagsex ay kinakausap ko ng maayos hindi 'yong iiwan nalang na
parang condom na ibabasura pagkatapos gamitin. Hindi man ako nag-uulit ng babaeng
kinakama at least nirerespeto ko pa rin sila. Hindi ko man sila seneseryoso at
least ipinaparamdam ko naman na dapat silang alagaan.

At higit sa lahat, sa kabila ng pagiging babaero ko may


sarili akong batas. 'Yon ay, sinisiguro kong ang babaeng ikakama ko ay hindi pa
dumaan sa kahit sino mang kapatid ko.
Kahit naging fling lang nila ay hindi ko pinapatos. Ayokong may makakompetensya
sa mga kapatid ko, magbibigay at magpaparaya ako kung kinakailangan.
"Mabuti naman at hindi lang puro ulo mo sa baba ang ginagamit mo." Sarkastikong
tugon ni Kuya First, napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa pananabong ginagawa
nila.
"Wala namang problema d'on 'bro but always remember. Ang babae at nananatiling
babae at hindi sila dapat pinaglalaruan." Pangaral ni Kuya Second.
Walang pagdadalawang isip akong sumang-ayon dahil alam kong tama ang mga sinabi
niya. "I know, pero sa ganyang bagay mukhang hindi dapat ako ang kausapin at dapat
pangaralan." Makahulugang sambit ko at ngumisi sa gawi ni Fourth.
"Tsk. I'm innocent." Sabi niya kaya mapang-asar kaming nagtawanan.
Nagpatuloy ang pagpapangaral nila sa'kin na palagi namang nangyayari. Pasalamat
ko lang at wala si mommy kaya hindi naririnig ang usapan namin dahil kung hindi ay
kahit abutin ng gabi ay hindi matatapos ang sermon niya.
Pito kaming magkakapatid at pare pareho kaming sakit sa ulo mula pagkabata lalo
at lahat kami lalaki kaya naiintidahan namin kapag gan'on siya but as much I
understand my mom ayokong marinig ang mga nakakabingi niyang sermon. Masakit sa
tenga.
"KUYA wag ka ng sumabay sa'kin dahil busy ako." Yamot na sabi ni Seven na pilit
akong pinapababa sa sasakyan niya.
Tapos na kaming mag-agahan ag papunta na siya ngayon sa kanyang hospital kaya
naisip ko ng makisabay pero mukhang ayaw niya base sa pagtataboy niya sa'kin.
"Nagsialisan na silang lahat kaya sa'yo nalang ako pwedeng sumabay." Natatawang
sagot ko at mabilis na nagkabit ng seat built. Dahil sa ginawa ko ay mas lalong
nabakas ang pagkayamot niya.
"Busy ako." Seryosong sagot niya.
"Alam ko, para namang makakaistorbo ako sa'yo." Ginulo ko pa ang buhok niya
pero tinapik niya ang kamay ko kaya mas lalo akong napahalakhak.
"Yeah right, hindi ka nakakaistorbo kundi nakakasira ka ng trabaho ng may
trabaho." Inis na inis na talaga siya.
Kahit siya ang pinakabunso sa among apat ay siya naman itong seryosong seryoso
sa buhay na parang may pamilya gayong wala naman.
"Behave ako ngayon, promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko pero mukhang
hindi siya kumbinsedo.
"Ilang beses ko ng narinig 'yan." Napapailing na tugon niya bago napipilitan
buhayin ang makina ng kotse niya.
Naiintindihan ko kung bakit ayaw niya akong pasabayin dahil kapag sinabi kong
sasabay ako ay ibig sabihin mag-e-stay ako sa trabaho niya. Sa aming pito ako ang
pinakamaluwag ang schedule at ang ginagawa kong tambayan ay ang mga trabaho nila.
At hindi lang isang beses na nasisira ang mga aparato sa hospital niya dahil
sa'kin. Curious lang naman ako kung anong gamit ng mga iyon at dahil sa curiosity
ko ay nasisira ko sa huli.
"Bakit hindi mo pagtuunan ng pansin 'yang research mo?" Irita pa rin siya
habang nagmamaneho.
"Kaya nga ako sumasama sa'yo." Komportable akong sumandal sa upuan at pumikit
dahil inaantok ako.

"Ewan ko sa'yo Kuya." Sumusukong sagot niya. Napangisi


nalang ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa huminto ang sasakyan.
Kunot noong napadilat ako dahil sa pagtataka kung bakit huminto agad kami
gayong halos kalahating minuto ang byahe papunta sa hospital niya.
"May kakausapin lang ako bago tumuloy sa trabaho." Lumabas na siya ng sasakyan
at doon ko lang nakitang nasa parking lot kami ng general hospital na malapit sa
mansyon. "I have a meeting at baka matagalan ako."
"Sige lang 'bro kaya ko na sarili ko."
Tumango siya habang inaayos ang semi formal white polo shirt niya. "Sige Kuya."
Lumabas ako ng kotse niya ng makapasok na siya ng tuluyan sa hospital. Malaki
ang hospital na ito kaya hindi na ako nagtataka kung marami ring mga pasyente kahit
sa labas nito.
Ngumingiti ako sa bawat nakakasalubong ko habang nakapamulsang naglalakad
papasok. Panay ang tingin at pagmamasid ko sa paligid. Kinakabisa ko ang bawat
galaw ng mga tao at bagay sa paligid. Sanay na rin naman akong nakakakita ng mga
tao sa ganitong mga klaseng lugar dahil madalas din ako sa hospital ni Seven at
minsan na rin akong sumama sa kanyang medical mission.
Halos mapasipol ako ng makita ang isang nurse na napakasexy sa suot niyang
uniform na dumaan sa harap ko.
"Nurse." Pagtawag ko sa kanya at agad na hinanda ang matamis kong ngiti ng
humarap siya sa'kin. Nakita ko ang pamumula ng magkabila niyang pisngi at panlalaki
ng mga mata ng makita ako.
"Y-Yes?" Nautal siya ng sumagot at pasimpleng hinawi ang buhok papunta sa likod
ng tenga niya. Typical reaction ng mga babae kapag nginingitian ako.
"Pwedeng pakicheck ng puso ko?" Kunwari'y ngumiwi ako at sinapo ang didbib ko.
Mabilis niyang lumapit sa'kin na bakas ang pag-aalala. "Ano pong masakit?"
"Wala naman, gusto ko lang ipacheck kasi biglang lumakas ang tibok nito ng
makita ko ang kagandahan mo." Kinindatan ko siya. Mas lalong namula ang magkabila
niyang pisngi.
Kagat labi siyang ngumiti sa'kin. "Ang gwapo niyo po sir."
"Thank you, bagay nga tayo e. Gwapo ako tapos maganda ka." Inisang hakbang ko
ang pagitan namin at bumulong sa tenga niya gamit ang mapang-akit akong boses na
nagpapahina sa tuhod ng lahat ng kababaihan. "See you later. Hm?" Inayos ko ang
buhok niya bago nakangiting tinalikuran siya.
Maraming mga nurse at mga babaeng nakatingin sa paglalakad ko. Ang iba ay
napapalingon at namumula kapag nakakasalubong ko ng tingin.
Walang nakakapagtaka. Castillion genes.
"Miss kailangan niyo na pong bumalik sa room niyo kasi po ay mainit na ng
painit ang sikat ng araw."
"No, dito lang ako. Tsk. Mas gusto ko nalang mamatay sa sikat ng araw."
Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang usapan ng isang nurse at isang
babaeng nasa wheelchair na hindi nakapagtatakang pasyente. Nasa garden sila na
ilang hakbang lang sa kinatatayuan ko. May iba ring mga pasyenteng nandoon pero
kadalasan ay nagsisibalikan na sa loob dahil mainit na nga naman talaga ang sikat
ng araw.
"Gusto mong maging vampire?" Pabirong sabat ko kaya napalingon sila sa'kin.
Ngumiti ako at naglakad papalapit sa kanila. "Tama ang nurse mo mainit na ang sikat
ng araw. Hindi na healthy."

Nahihiyang ngumiti sa'kin 'yong nurse habang ang babaeng


pasyente ay nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin. "Do I know you?" Mataray
niyang tanong.
"Ahm. Maybe know but I can introduce myself miss beautiful." Yumuko ako at
naglahad ng kamay. "Azia." Pagpapakilala ko.
Mas lalong tumaas ang kilay niya at inirapan ako. "Tsk. Ipasok mo na nga ako sa
loob." Asik nito sa nurse niya. Hindi manlang niya tinanggap ang pakikipagkamay ko.
Hindi naman ako naoffend.
"Okay." Sagot ng nurse.
Akmang itutulak na nuto ang whellchair ng pigilan ko. "Ako nalang." Nag-
alalangan pa ito sa una pero sa huli ay tumango.
"What the hell! Ipagkakatiwala mo ako sa lalaking 'yan? Are you stupid?" Sigaw
niya. Sabay kaming napangiwi ng nurse.
"Don't worry sasama naman sya pabalik sa room mo, gusto lang kitang tulungan."
Paliwanag ko.
Sa huli ay wala itong nagawa sa kabila ng pagtataray. Tulad ng sabi ko ay
sumama sa'min ang nurse sa pagbalik sa kanya sa kwarto niya.
Ito ang gawain ko kapag napapadpad ako sa kahit anong hospital kapag vacant
time ko at wala akong masyadong ginagawa. Nakakagaan kasi ng loob na makatulong sa
mga taong lumalaban para mabuhay.
"Oh, nandito na tayo Tamia." Sabi ko pagkatapat namin sa kwarto na itinuro ng
nurse.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kunot noong tumingala siya sa'kin at bakas
sa mukha niyang hindi niya nagustuhan na alam ko ang pangalan niya.
Itinuro ko ang pinto. "I just read it." May nakapost doon na pangalan sa may
pinto at room number.
Tamia Sinon, room 135.
Bumaling ito sa nurse niya at pinandilatan ito. "Tsk. Ipasok mo na ako at wag
mong ipapasa sa iba ang trabaho mo." May diin ang bawat bigkas niya ng mga salita.
Ipinagkibit balikat ko nalang ng tuluyan na silang pumasok at ako naiwan sa
labas. Naiintindihan ko naman kung bakit gan'on ang ugali niya dahil siguro sa
pinagdadaanan niya kaya hindi ko na sinubukang pilitin siya. Though, hindi naman
bago sa'kin na makasalamuha ang katulad niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad lakad sa buong hospital para pansamantalang
malibang para matanggal ang inip sa paghihintay kay Seven. Wala akong dalang
sasakyan at hindi ako madalas magdala dahil kung saan saan lang ako napapadpad.
Napakunot ang noo ko ng makatanggap ng message sa bunso kong kapatid ng pabalik
na ako sa parking lot.
From: Bunso
Kuya, matatagalan pa ako. You can use my car if you want.
Agad akong nagreply.
Hihintayin nalang kita.
Muling tumunog ang cellphone ko dahil sa reply niya.
From: Bunso.
You can wait me an hour or two?
Napangiwi ako. Kung maghihintay ako ng isang oras o dalawa baka namatay na ako
sa pagkabagot dito. Ayos sana kung out na n'ong nurse na natipuhan ko kanina para
malibang ako pero mamaya pang gabi siguro 'yon.
To: Bunso
Well, if that's the case magcocommute nalang ako papunta sa opisina ni Kuya
Third. Hindi ko na gagamitin ang kotse mo para may gamitin ka papunta sa hospital
mo.
Nang magreply siyang ng 'okay' ay nagpasya na akong pumara ng taxi at pumunta
sa pinakamalapit na train station. Marunong naman akong magcommute.
"Sa pinakamalapit na train station 'pre." Tugon ko kay manong driver ng
makapara ng taxi.
"Sige ho."
Mabilis naman akong nakasakay sa MRT pero dahil tulad ng palaging senaryo ay
nagsisiksikan ang mga pasahero at wala akong maupuan kaya mas pinili ko nalang na
tumayo. Sari sari ang amoy ng mga tao kahit umaga pa lang at patibayan ng sikmura
para hindi masuka.
Palihim kong ihinarang ang braso ko sa harapan ng zipper ko dahil bumubunggo
doon ang pwetan ng babaeng nasa unahan ko. Nagigitgit siya ng mga sumasakay kaya
may lalo siyang napapalapit sa'kin na ilang ulit kong ikinamura sa isip ko.
Pinagpapawisan na ako dahil sa init sa loob. Mas lalong nagtulakan dahil sa mas
lalo pang pagdagsa ng mga pasahero.
"Fuck!" Hindi ko na napigilang isatinig ang malutong na pagmumura ng maout
balance ako at wala akong nakapitan para manatiling nakatayo.
"Diyos ko po, patawarin niyo po sana ang kanyang kapangahasan." Dinig kong
hysterical ng nasa likod ko na siyang natumabahan ko rin.
Nilingon ko 'yon at nagsitaasan ang mga balahibo ko ng mamukhaan ang babaeng
nadaganan ko patalikod.
Si Sister Nette.
Nakasuot siya ng pangmadreng kasuotan na balot buong katawan habang nakaupo.
Kahit na mukha lang ang kita ay kilalang kilala ko.
Nanlalaki ang mga mata niya at nagsign of a cross habang ang mga tingin ay nasa
harapan niya. Napasunod ang tingin ko doon at para akong napasong agad na inilayo
ang palad ko na nakadiin sa bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. Balot siya pero
ramdam ko ang bagay na 'yon.
"Oh God, have mercy on me." Nausal ko.
Putangina! Pati madre namanyak ko.
Nangingilabot akong napatingin sa palad ko habang umuusal ng dasal para sa
kapatawaran ng nagawa ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 3

Random update po ang ginagawa ko kaya mapapansin niyo na


walang permaninteng sched ang UD ng bawat series.
Happy reading. :)
Fifth Castillion POV
IWAS ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon, hindi ko magawang tumingin ng
deritso sa kanya dahil pakiramdam ko ako na ang pinakamakasalanang tao sa buong
mundo. I'm not guilty for what I've done dahil alam kong aksidente iyong nangyari
sa train pero ang isiping isang babaeng nagbabalak na maging madre ang nabastos ko
ay nakakapanghina.
Nagkatinginan kami pero sabay din kaming nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko
kahit na magbuhos ako ng holy water sa katawan ay hindi mawawala ang kasalanan ko.
"Ahem." Tumikhim ako para pawiin ang awkward atmosphere na nangingibabaw sa
pagitan naming dalawa.
Nandito kami ngayon sa isang maliit na café na una kong nakita ng makalabas
kami pareho sa train station. Napagpasyahan ko siyang imbitahin dito para makausap
dahil alam kong hindi na dapat patagalin pa. Hindi ko alam kong paano makikitungo
sa mga banal na tao kaya para akong teenager ngayon na natotorpe sa crush niya.
My goodness, ni pati libog ko tiklop kapag napapasadahan ko ng tingin ang suot
niya. Though kahit balot balot ito ay kitang kita ko pa rin ang malalaking hulma ng
kanyang hinaharap.
Ilang ulit akong umiling. Pilit ang ngiting ibinalik ko ang tingin sa kanya.
Magkaharap kaming dalawa ngayon at pati ito ay alam kong hindi mapakali basi sa
pagkurot kurot nito sa mga daliri na nasa ibabaw ng mesa.
"Gusto kitang makausap tungkol sa perang ibinayad ko sa bidding." Panimula ko
at bahagya kong inayos ang collar ng suot kong polo.
Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo. Bakit ba ako maiilang sa kanya? Ako? Si
Fifth Castillion naiilang sa isang babae? Never. Never. Never. Hindi dapat ako
nagpapakita ng gan'on dahil pagyurak 'yon sa pagkatao ko. Ako pa naman ang
pinakagwapo sa aming magkakapatid at kahihiyan sa lahi namin kapag makaramdam kami
ng ilang sa mga babae.
Sila dapat ang maintimidate sa'min, sila dapat ang lumuluhod sa'min lalo na
sa'kin na pinakagwapo sa lahat ng mga Castillion. Alam ng lahat na ang lahi namin
ay ang tinatawag na God's gift to women.
"T-Tungkol doon, babayaran naman kita pero gusto ko sanang humingi ng kahit
kaunting palugit." Nakayuko pa rin ito at hindi makatingin ng diretso sa'kin.
Ganyan nga Singco dapat siya ang mailang hindi ikaw. Remember, Castillion ka
kaya wag mong ipahiya ang lahi mo.
"What do you mean? Hindi mo maisasauli agad sa'kin ang pera?" Hindi ko
mapigilang pagtaasan siya ng perpektong kong kilay. Actually, lahat naman sa'kin
perpekto at given na 'yon. Small thing kumbaga. "Look, hindi naman sa minamadali
kita actually kahit hindi mo na iyon bayaran dahil mayaman naman ako. Sa sobrang
yaman ko nga kahit banggitin mo lang pangalan ko sa kahit saang mall ay manginginig
agad sila sa takot. But, but, wala naman akong dahilan na magwaldas ng isang milyon
kung wala akong makukuhang benefits."
Kitang kita ko ang pagkagat niya sa pulang pula niyang mga labi. Ilang ulit
akong napalunok habang hinihiling na sana ako ang kumakagat n'on.
Fuck! Napamura ako dahil nabubuhay na naman ang pagnanasa ko sa kanya tulad ng
una ko siyang makitang nagsasayaw.
Ano ka ba naman Singco, nakapangmadre na't lahat lahat tinatayuan ka pa rin.
"P-Pasensya na, nagastos ko na kasi ang pera sa isang napakaimportanteng bagay.
Bagama't hindi ko naisakatuparan ang napagkasunduan." Mahinhing sagot niya.

Napasentido ako at pilit ko pa ring inginiti ang perpekto


kong mga labi dahilan para lumitaw ang perpekto kong mapuputing ngipin. "What now?"
Mas lalo nitong iniyuko ang ulo. Hindi ko na nga nakikita ang mukha mas lalo
pang yumuko kaya mas lalong naitago ang kagandahan niya.
"K-Kung nanaisin mo ay maaari kong ituloy ang napagkasunduan. Na tayo ay...
tayo ay..."
Sabay kaming napasign of a cross kahit hindi niya pa natatapos ang sasabihin
niyang alam kong labag na labag sa kanyang loob.
"Patawarin niyo po ako Panginoon." Nausal ko.
Hindi ko masikmura ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko kayang makipagsex sa
kanya habang nakasuot siya ng pangmadre. Mapapadasal ako ng ama namin ng wala sa
oras. Napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili na makipag-usap sa kanya.
Tinatayuan talaga ako ng balahibo dahil sa suot niya, pakiramdam ko halloween
kapag naiisip ko ang pagkabanal niya.
"Ayokong pilitin ka sa bagay na iyon dahil alam kong labag iyon sa loob mo. I
can't force someone to have sex with me 'coz I repect women. Tangna, napapaenglish
ako." Napahilamos ako sa mukha ko.
Nanlalaki ang mga mata nitong sa wakas ay tumingin sa'kin. "Patawarin ka nawa
ng Diyos, napakadumi ng mga salitang lumalabas sa iyong bibig." Nagigimbal ang
reaksyon niya habang tutop ang mapupulang labi.
Nanggigigil akong napakagat labi. "Sarap mong kurutin sa utong." Nasabi ko.
Shit! Shit! Shit! Panay ang tahimik kong pagmumura sa sarili dahil naisatinig
ang mga salitang sana'y sa isip ko lang.
Napakamot nalang ako sa batok ko at hind na ako nagtaka ng mas lalong manlaki
ang kayang mga mata. "Jusko! Napakabastos ng iyong bunganga." Aniya, dali dali
itong may hinugot sa bulsa ng kasuotan.
Kinilabutan ako ng naglabas siya ng isang rosary. Kulang nalang ay takasan ako
ng dugo sa buong katawan nang abutin niya ang isa kong kamay at ipinatong iyon
doon. Hinintay ko nalang na biglang magliyab ang buo kong katawan.
Nang lumipas ang ilang minuto na hindi naman ako nasunog ay nakahinga ako ng
maluwag.
"Gamitin mo ito at magdasal ka araw araw upang umalis sa iyong katawan ang
masamang espiritu na nag-uudyok sa'yo na magsalita ng makasalanan." Payo niya.
Dahil sa pagkataranta ay wala sa sariling agad kong isinilid sa bulsa ko ang
bigay niyang rosaryo. Mabilis kong ininom ang isang baso ng tubig na nasa harapan
ko.
Napatingin ako sa kanya at natigilan ng makita ko ang masuyo niyang ngiti sa
mga labi. Napakurap kurap ako dahil sa sobrang ganda niya. Walang maipipintas sa
sobrang perpekto ng mukha, simula sa mga namumungay na mga mata, maliit ngunit
matangos na ilong, mapupulang labi at mamula mulang mga pisngi. Mahahaba rin ang
itim na itim na mga pilik mata.
"N-Naubos na ang pera kaya't humihingi ako ng palugit para makahanap ng ibang
paraan para mabayaran ka." Kahit ang boses nito ay parang nagduduyan ng sanggol sa
sobrang lamyos.
"Isang milyon? Paanong naubos agad?" Tanong ko ng makabawi sa pagkakatulala sa
malaanghel niyang mukha.
Ang kanina'y purong ngiti nito ay nabahiran ng lungkot. "Iginastos ko sa isang
napakaimportanteng bagay." Sagot niya at dahil mukhang wala talaga siyang balak na
magkwento ay hindi na ako nagtanong.
"Kung hihintayin kitang mag-ipon ay tiyak aabutin ka ng ilang taon." Napayuko
ito dahil sa sinabi ko, napabuntong hininga nalang ako. "Anong pwede mong maibigay
sa'kin bukod sa katawan mo?"
Nagtaas ito muli ng tingin at bakas ang kaguluhan sa mga mata. "Bukod sa
katawan ko?"
Tumango ako. "Yup, you know I can't have sex with you so what can you offer?"

"W-Wala." Nahihiyang sagot niya.


Tumayo na ako bago dinukot ang cellphone sa bulsa ko at inilahad sa kanya.
"Ibigay mo sa'kin ang number mo at tatawagan kita kapag nakaisip na ako kung paano
kita masisingil."
Ilang minuto niya munang tinitigan ang cellphone ko bago napipilitang inabot at
inilagay ang number niya. "Dapat kapag tinawagan kita available ka."
"Ngunit--" agad kong itinaas ang palad ko para patigilan siya sa pagsasalita.
"Wag ka ng magsalita, dudugo ang ilong ko sa lalim mong managalog." Nagmano ako
sa kanya bago ako tuluyang umalis sa lugar.
Naiiling akong nasapo ang pagkalalaki ko at napamura nalang ng maramdamang
tigas na tigas iyon at mas tirik pa kaysa sa sikat ng araw.
Madalas talaga akong mapahamak dahil sa kalibugan ko.
HINDI MAPIGILAN NI Nette ang mapahugot ng malalim na hininga habang naglalaro
sa kanyang isipan ang napag-usapan nila ng binatang Castillion.
Ngayon lamang siya nakatagpo ng gan'oong lalaki dahil hindi naman talaga siya
madalas makihalubilo sa mga adan, bawal iyon sa kinalakhan niyang kapaligiran.
Napakabastos ng binata ngunit hindi niya madadaya ang sarili dahil sa kabila ng
pagiging madumi ng mga salitang lumalabas sa bibig nito ay humahanga siya sa
angking kakisigan at kagwapohan ni Fifth.
Ibang iba ito sa mga lalaking nakikita niya kapag dumadalaw sila sa iba't ibang
simbahan o nagkakaroon ng pagdiriwang ang kanilang kumbento. Sa isang tingin pa
lang ay masasabing nabibilang ito sa mga taong marangya ang buhay at humihiga sa
pera. Nakakahalina rin ang pagiging matikas ng katawan nito, ang paghapit ng suot
na kamesita sa malapad nitong dibdib pati na ang pantalon na perpektong ipinakita
ang hulma ng mga hita.
Hindi rin matatawaran ang kagwapohan nito na kapag ngumiti ay matutulala ka na
lamang. Perpektong perpekto ang makinis nitong mukha, natural na namumula ang
pisngi na tila kapag kinurot ay madaling masugatan dahil sa sobrang lambot.
Matangos ang aristokratong ilong at namumula ang mga maninipis na labi.
"Patawarin niyo po ako Panginoon dahil pinupuri ko ang isang adan, alam ko pong
mali iyon gayong hindi ko ito kasintahan o asawa." Piping usal niya.
Ilang ulit na ba siyang humingi ng kapatawaran ukol sa bagay na iyon simula ng
magkrus ang landas nila ng binata? Hindi na niya mabilang dahil kusa na lamang
itong lilitaw sa kanyang isipan, lalo na ang nakangiti nitong mukha.
"Ayos ka lang ba iha?" Pilit siyang ngumiti dahil sa tanong ni Sister Monica na
siyang tumayong ina niya mula ng pumasok siya sa kumbento sa murang edad.
"Hindi ko lang ko mapigilan na isipin kung ano na ang kalagayan ng ate." Aniya,
totoo iyon dahil kahit madalas sumagi sa kanyang isipan ang binata ay mas lamang sa
kanyang isipin ang kalagayan ng nakakatandang kapatid.
"Sabi mo't nakagawa ka na ng paraan para sa kanyang operasyon? Hindi ba't iyon
nga ang dahilan kung bakit nagpaalam ka sa'king lalabas muna pansamantala sa
kumbento?" Masuyong tanong nito habang inaayos ang telang nakabalot sa kanyang ulo.
"Nakagawan ko na po ng paraan ang pera para sa kanyang operasyon ngunit hindi
ko pa po alam kung pumayag po siya. Ayaw na po ng ate na mabuhay kaya't kahit may
pera na ay nangangamba pa rin po ako para sa kaligtasan niya." Hindi niya napigilan
ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Ang pera para sa operasyon ng kanyang ate ang dahilan kung bakit napilitan
siyang magsayaw na tila hubad kahit na labag iyon sa prinsipyong mayroon siya
simula pagkabata. Ito ang dahilan kung bakit may malaking utang siya ngayon sa
binatang Castillion.
Galit sa kanya ang kapatid at ayaw na ayaw nitong lumalapit siya dito kaya ang
kaibigan nalang nito ang pinagkatiwalaan niyang kukumbinse na magpaopera ito. Hindi
rin biro ang isang milyon kaya ipinapanalangin niya na sana magbago ang isip nito,
na sana gustuhin nitong magpaopera.
"Ipasadiyos na lamang natin na maging tama ang kanyang pagpapasya, halina't
tayo'y manalangin para sa ikabubuti ng iyong kapatid." Nakangiting tugon ng kausap.
Nagpatianod siya ng igiya siya nito papasok sa simbahan. Mabilis na gumaan ang
kanyang kalooban ng mapatingin sa altar. Simula pagkabata ay iyon na ang
nagpapagaan sa kanyang kalooban kapag may problema siyang iniisip. Ang simbahan ang
nagiging takbuhan niya kapag pakiramdam niya ay gusto na niyang sumuko mula sa
pagsubok ng buhay.
Bata palang ay tinatawag na siya ng langit upangbpaglingkuran ang diyos kaya't
ng magkaroon siya ng pagkakataon ay hindi na niya iyon pinaglagpas.
Lumuhod sila sa harap ng altar at nagsimulang magdasal.
Panginoon, narito po akong muli sa Iyong harapan upang manalangin. Sobra sobra
po ang aking pasasalamat sa lahat ng mga bibiyang Iyong ipinagkaloob sa akin at sa
mga taong nakapalibot sa'kin. Malaki po ang aking pasasalamat sa lahat lahat.
Sa kabila po ng lahat ay hindi Niyo ako tinalikuran kahit dumating sa puntong
nawalan ako ng tila sa pagmamahal Niyo sa'kin bilang anak. Ipinananalangin ko po na
sana hindi rin Kayo magsawa sa pag-intindi sa aking kapatid.
Nawa ay bigyan Niyo siya ng magandang kalooban at pag-iisip na hindi sayangin
ang kanyang buhay.
Buong puso ko pong ipinagkakaloob sa Inyo ang kanyang kaligtasan. Mahal na
mahal ko po ang aking kapatid tulad ng kung paano ko Kayo mahalin. Maraming
maraming salamat po.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos, Ispiritu Santo. Amen.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay napatitig lamang ako sa altar, sa ilaw na
nagbibigay liwanag sa buong lugar. Masuyo akong napangiti habang pinagmamasdan ang
lugar kung saan nakilala ko Siya. Kung saan ako namulat na sa lahat ng parte ng
ating buhay dapat ay bigyan natin Siya ng puwang doon. Dahil ang pagmamahal na
kasama Siya ay hindi hindi basta natitibag ng kahit anong klase ng pagsubok.
Gumaan ang kanyang loob sa simpleng pagtingin lamang sa paligid. Malaking bagay
talaga ang araw na araw niyang pagpunta dito dahil tila may mahikang pumapawi sa
bigat ng kanyang pakiramdam.
"Ayos ka na ba iha?" Muling tanong ni Sister Monica ng palabas na sila ng
simbahan.
Nakangiti siyang tumango. "Opo, palaging Siya naman po ang nagpapagaan ng aking
damdamin."
"Wag na wag mong kakalimutan palagi ang pasasalamat." Bilin nito.
"Opo." Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan ngunit ang ngiti niya ay
nahaluan ng kaguluhan dahil tila nagporma ang ulap at nakikita niya doon ang
nakangiting mukha ng binatang Castillion.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 4

Start na ulit tayo kay Malibog este Fifth. Hahaha


Enjoy reading...
Fifth Castillion POV
"NASAAN SI SINGKO?" Ilang ulit akong napalunok nang marinig ang boses ni Mommy.
Kagigising ko lamang kahit medyo tanghali na dahil napuyat ako sa pinuntahan naming
party.
Napapakamot sa batok na dahan dahan akong naglakad papuntang dinning. Tumikhim
ako pagkarating ko doon dahilan para mapatingin sa'kin ang lahat, nasa hapag na
sina Mommy at Daddy pati na rin ang mga kapatid kong wala pang pamilya na handa ng
kumain ng agahan.
Agad na sumilay ang mga ngisi sa mga gunggong kong kapatid, napapasipol pa si
Sais.
"Nasa hapag tayo!" Halos sabay kaming nagpigil ng tawa ni Seven ng sapukin ni
Mommy si Sais. Wala itong nagawa kundi sumimangot nalang.
"Karma!" Bulong ko pagkadaan ko sa pwesto niya, dahan dahan akong pumunta sa
pwesto ko habang ramdam ko ang matatalim na tingin ni Mommy, samantalang si Daddy
ay ngingisi ngising nagsimulang kumain.
"Singko!" Malumanay ngunit puno ng diin na bigkas ng aking ina. Para akong
binuhusan ng mainit na tubig na agad na napatuwid ng upo at tumingin sa kanya.
Lagot na naman ako nito.
"Yes mom?" Sadya kong pinapungay ang mga mata ko para magpaawa ngunit pagbato
ng kutsara ang natanggap ko, tinamaan ako sa ulo. Napasimangot ako dahil dinig na
dinig ko ang pagpipigil ng tawa ng dalawa kong kapatid, mabuti nalang at wala dito
si Kuya First, Kuya Second, Kuya Third, at Fourth dahil may sari-sarili ng mga
pamilya kundi puro kantyaw ang abot ko.
"Ano itong naririnig ko na halos hakutin mo na ang lahat ng babaeng
nakakasalamuha mo sa bar?" Mataray na tumikwas ang kilay niya kaya nagsimula na
akong pagpawisan ng malapot.
Galitin mo na ang lahat 'wag lang ang ina kong tinalo ang tigre sa sobrang
tapang.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "Ahm, hindi naman po sa gan'on mom---"
"Sige, magsinungaling ka at tatamaan ka sa'kin." Maangas niyang pagpuputol sa
dapat ay sasabihin ko.
"E, mom sila naman po kasi ang lumalapit sa'kin." Napipilitang pag-amin ko.
"Mom, lalaki lang ako e, bukod sa napakagwapo ko marupok din ako sa mga eba."
Napaigik ako dahil sa pagpingot niya sa tenga ko. "Hindi iyon rason para
paglaruan mo ang mga babae. Jusko kang bati ka, hindi na ako magtataka na isang
araw ay may pupunta dito sa bahay na'tin at sasabihing nabuntis mo! Mabuti na nga
iyon na makabuntis ka ng magtigil ka na, hala at kapag ako ay nainis sa'yo mag-
uutos ako ng babae na pikotin ko ng makita mo 'yang hinahanap mo." Walang humpay
niyang sermon, napatingin ako kay Daddy para humingi ng saklulo pero ang magaling
kong amo ay yukong yuko habang kumakain, kulang nalang ay mapagkalamang may stiff
neck.
"Aray ko po mom." Daing ko dahil sa sakit ng pagpingot niya.
"Bakit kasi sa lahat ng mamanahin mo sa iyong ama ay ang pagiging malandi at
babaero, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. Kung nag-aasawa ka na ngayon din ay
baka matuwa ako sa'yong bata ka." Patuloy pa rin sa pagmemesa si Mommy habang ako
ay hindi na alam ang gagawin para patigilin siya. Siguradong kahit abutin ulit kami
ng umaga ay hinding hindi siya matatapos sa mga sinasabi niya, pati nakaraan
isasali niya.
"Hindi naman po talaga ako nambababae, minsan lang." Palusot ko at laking
pasalamat ko ng bitawan niya ang tenga ko, sa wakas.
Sabay na umubo sina Sais at Syete dahil sa sinabi ko. Itong mga kumag na 'to,
imbes na tulungan ako ay nanlalaglag.

"Minsan? Pero nakikita ka halos sa lahat ng motel at hotel


dito sa syudad. My goodnesss, ipinagdarasal ko talaga na hindi na makapulot ng
sa'kin dahil diyan sa pagiging maharot mo." Napapapay siya sa sarili habang
nakapamewang sa harapan naming lahat pero pinakamalapit sa'kin.
"Palagi mo naman sigurong sinusunod ang bilin ko anak?" Sa wakas ay sabat ni
Daddy.
Napangisi ako at mabilis na tumango. "Yes dad."
"At anong bilin iyon aber?" Mataray na tanong ng mahal kong ina.
"Palaging magdala ng kapute kapag susugod sa putukan!" I said proudly, at dahil
doon ay nalipat kay Daddy ang inis ni Mommy.
"Kung anu-ano ang itinuturo mo sa mga anak mo, tingnan mo 'yang panlima mo
ngayon sakit sa ulo dahil mas mabilis pang magpalit ng babae kaysa maligo."
Napapangiwi si Daddy dahil sa pagpingot sa kanya.
"Hon, hindi naman sa kinukunsente ko--aww, ouch!" Daing niya.
"Hindi mo kinukonsente e' anong tawag mo sa ginagawa mo? Palibhasa ganyang
ganyan ka rin noong kabataan na'tin, napakahilig mo!"
Nagkatinginan kaming tatlo nina Sais at sabay sabay na natawa dahil sa hindi
maipintang mukha ni Daddy habang sinusubukang pakalmahin si Mommy. Hindi hindi
talaga siya basta basta mapapatigil sa panenermon kapag nasimulan kaya ayaw na ayaw
kong nasasagad ang pasensya niya ngunit ngayon mukhang nasagad talaga.
Ilang sandali ang lumipas bago mapaupo ni Daddy si Mommy, tahimik na ito pero
alam kong humahanap lang ulit ng butas para makasermon ulit. Gan'ong gan'on siya at
madalas ang nauuwi kami sa tawanang magkakapatid, hindi kami nagtatanim ng galit
kahit anong sermon ng ina naman dahil alam naming mali kami at tama siya. She just
wanted what's best for her sons. Isa pa ay maganda sa pakiramdam kapag may magulang
pang magsersermon at babantay sa mga galaw mo para mapabuti ka.
"Ayaw na ayaw ko ng mababalitaan na naglalaro ka ng babae, Singco." Aniya.
Agad akong tumango at kinuha ang bandihado ng sinangag para paglagyan siya sa
kanyang pinggan.
"May madre po siyang pinopormahan, mom." Biglang sabat ni Sais at kung hindi
lang kasalanan ang pumatay ng sariling kapatid ay baka nakabulagta na siya ngayon
sa sahid. Foot spa! Pangamak ka talaga!
"ANO!?" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Mommy.
"Anak di na kita matutulungan diyan." Dinig kong bulong ni Dad.
"Jusko kang bata ka! Kahabagan ka ng Diyos!" Napasign of the cross siya dahil
sa sobrang pagkabigla.
Sinipa ko ang paa ni Sais dahil sa inis sa panggagatong niya sa kasalanan ko
pero imbes na masaktan ay lalong ngumisi ang loko.
"Tapos hinipuan niya." Dugtong niya pa.
"Jusko! 'Yong anak mo, tumawag ka ng mga pari at albularyo baka madala sa
padasal at orasyon ang kalandian niya." Nagmamakaawang tugon ni Mommy sa ama naming
hindi na naman alam ang gagawin. "Hindi na ang biro ang kalibugan niya."
"Mom naman."
"Pfft." Pigil na pigil ang tawa ng dalawa, si Sais ay napapahawak na sa tiyan
at maluha luhang tumatawa.
Agad kong inabutan ng tubig si Mommy at inalo hanggang sa mahimasmasan.
Nanlilisik ang mga matang tumingin muli siya sa'kin.
"Dalhin mo dito ang babaeng tinutukoy ni Sais." Pinal na utos niya.
Napakamot ako sa kilay dahil sa labis na frustration. "Mom, 'wag kang maniwala
sa kanya asidente lang po na nahipuan ko siya." Apila ko dahil hindi ko gusto ang
ideya na maghaharap ng babae sa mga magulang ko.

Ipinangako ko sa sarili ko na ang babaeng ihaharap ko sa


kanila ay siya ring ihaharap ko sa altar.
"Dalhin mo dito, hindi ko hahayaang dumating sa punto na pati sakristan at pari
ay maisipan mong jowain." Asik niya. Napangiwi ako dahil sa mga sinabi niya.
"Hindi ko po alam kung saan siya hahanapin, I told you mom it was an accident."
Maingat na pagpapaliwanag ko dahil kapag nagkamali ulit ako ay armalite na ang
kakaharapin ko.
"No, ihaharap mo sa akin ang babaeng 'yan. My goodness son, what's happening to
you?" Napapasapo pa siya sa kanyang ulo at dibdib.
Pinanlakihan ko ng mata si Sais ngunit nag-iwas lamang ito ng tingin gan'on din
si Syete na ngingisi ngisi. Gustong gusto talaga nilang napapagalitan ako palibhasa
minsanan lang at tungkol lang sa pambababae ko.
Masisisi niyo pa ako kung ginagrab ko lahat ng opportunity? Sabi nga diba na
mali ang palagpasin ang mga biyayang bigay ng panginoon at ang mga babae ay biyaya
rin. Sila naman ang lumalapit sa akin so ako bilang lalaki ay hindi tumatanggi
dahil ayoko ring mapahiya sila.
"But mom---"
"Sige Singko ngayon mo suwayin ang ina mo kung gusto mong bukas makalawa
paglamayan na ako." Maiyak iyak niyang sagot.
"Mom, don't say that." Sabay sabay naming tugon kahit ang dalawa kong gunggong
na kapatid ay hindi naipinta ang mukha.
Ayaw na ayaw kong naririnig ang mga gan'ong salita mula kay mommy dahil parang
nagpapaalam na siya o nagpapahiwatig na aalis na. Hindi ko kakayanin 'yon at alam
kong gan'on din ang nararamdaman ng mga kapatid ko.
"Pwede namang ibang babae nalang." Sa wakas ay sabat ni Syete.
"Ibang babae? Iyong mula sa mga bar na halos ibenta na ang mga kaluwa't
katawan? Iyon ba ang gusto mong maging may bahay, gan'on ba ang mga klase ng babae
na gusto mong maging ina ng mga magiging anak mo?"
Hindi agad ako nakakibo dahil alam kong hindi ang sagot ko. Kahit man hindi ako
nagseseryoso sa babae, tulad ng ibang mga lalaki ay pangarap ko rin namang
makahanap ng babaeng mapapangasawa na desinte, matino at mother material.
'Yong tipo ng babaeng mas pipiliin ang pumirme sa bahay kaysa ang
makipaghalubilo sa iba't ibang mga lalaki sa bar. 'Yong tipo ng babaeng simple at
kung manamit ay hindi kabastos bastos. 'Yong babaeng kapag nabuntis ay hindi
aalalahanin ang body figure kundi ang kalusugan ng magiging anak namin.
At alam kong wala iyon sa mga bar na pinupuntahan ko.
Hindi naman sa mababa ang tingin ko sa mga babaeng nagpupunta at inuumaga sa
mga bar pero alam kong hindi iyon ang lugar na hanapan ng matinong maybahay dahil
ang mga kababaihan doon ay saya at aliw ang hanap.
"Mom, kung hihilingin niyo rin namang 'yong madre ang iharap ko sa inyo hindi
rin naman 'yon sasama dahil halos nga tawagin lahat ng Santo kapag lumalapit ako."
Sagot ko dahil alam kong seryoso si Mommy sa kanyang gusto. Hindi ko mapigilan ang
mapahilot sa noo ko dahil biglang sumakit.
Sa lahat talaga ng topic ang nakakapagpasakit talaga ng ulo ko ay ang usaping
pag-aasawa. I know I'm in a right age to settle down but I'm not ready yet.
"Sige, hindi ko ipagpipilitang iyon ang iharap mo sa amin pero gusto ko bago
sumapit ang anniversary ng Daddy mo ay may madala kang matinong nobya sa pamamahay
na ito." May pinalidad na tugon niya kaya ang mga kulang sa aruga kong mga kapatid
kay nagsingishan na naman.
"Mom naman, next week na ang anniversary niyo hindi naman gan'on kadaling
maghanap at hindi ba't kayo pa nga ang nagsabi noon na hindi hinahanap ang pag-ibig
dahil kusa iyong dumarating." Apila ko, tahimik lamang ang mga kasama namin pero
bakas sa mga mukha nila ang saya sa panggigisa sa'kin.
"Bakit wala ba ni isa sa mga nakadate mo ang matino?" Taas kilay niyang tanong.
Napasimangot ako. "Wala."
"Paano magkakaroon ng nakadate na matino kung siya mismo hindi matino." Banat
ni Sais.
"Fuck you." Hindi ko mapigilang mura at bigla nalang akong napangiwi dahil sa
kutsara tumama sa bibig ko, binato ako ni mommy.
"Naghahanap ka ng matinong babae pero ikaw hindi mo magawang maging matino, ang
unfair mo naman Kuya." Panggagatong ni Syete.
Nakasimangot akong tumingin kay Mommy na puno ng pagmamakaawa ang mga mata.
"Mom pwede naman sigurong sila nalang muna ang pahanapin mo ng magiging asawa."
Paglalambing ko dahil alam kong kahinaan niya ang paglalambing namin.
"NO!" Mariin niyang sagot. Lambing namin ang kahinaan niya pero siguro hindi
ngayon.
"Ikaw ang mas matanda sa kanila kaya ikaw dapat ang mauna bago ang mga kapatid
mo. So, tulad ng usapan before anniversary namin ng Dad niyo." Natulala na lamang
ako nang magpunas siya ng bibig at tumayo, nakasunod lamang ang tingin namin sa
pag-alis niya sa hapag.
"Goodluck son." Si Daddy na tumyo na rin at bahagya pa akong tinapik sa
balikat.
Hindi ako nakasagot dahil tinalo ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Para akong nakakita ng multo sa isiping maghahanap ako ng mapapangasawa, wala sa
plano ko 'yon pero heto ako ngayon. Hindi ko na mababago ang isip ni Mommy dahil
minsan lang siya makialam sa mga desisyon namin sa buhay pero kapag nakialam siya
ay siguradong ang gusto niya ang masusunod.
"Naririnig ko ang kalimbang ng kampana." Pang-aalaska ni Sais, salubong ang
kilay na tumingin ako sa kanya at ang loko ay kinindatan pa ako.
"At ang sermon ng pari." Ani Syete na ngising ngisi sa'kin.
Pagtayo ko ay mabilis rin silang sabay na tumayo at malalaki ang mga hakbang na
tumakbo papuntang second floor. Ang mga suot namin ay boxers at sando lang kaya
naging mabilis ang mga galaw nila, tumakbo rin ako ng mabilis para habulin sila.
Kahit makakutos lang ako panggante lang sa mga panggagatong nila sa sermon ni
Mommy.
Malalakas ang mga tawa nila at bago ko pa maabutan ay nakapasok na sa
sari'sarili nilang kwarto. Napapadyak ako sa inis at napahilamos sa mukha.
"Hays, hindi ako mag-aasawa. Never!" Frustrated na sigaw ko at ang mga loko
dinig na dinig ko ang mas lalong paglakas ng mga tawa.

Eii, paano ba 'yan? Ayaw mag-asawa ni Singko. Hahaha


Thank you for reading, please drop your comments. Mas maaappreciate ko po kung
magbibigay kaya ng reaction.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Kuyajen

I am really sorry for not having an update for almost a


year. I'm very busy in my studies, as in!
Wala na talaga akong time mag-update, dati nakakaya kong isingit ang pagsusulat
but sadly right now my schedule is so hectic. I can't even accommodate all of my
requirements in school so that I doubled the time focusing on my studies.
Unfortunately, I will temporarily stop writing. TEMPORARILY, so meaning I will
comeback if ever I finish all of my requirements or maybe if I finish college.
I am just a second year college student and I need more time on my studies. It
sadden me because writing and sharing my stories is part of my life but I need to
prioritize school for my future too.
Thank you for reading all of my stories, I really appreciate it a lot.
Especially, the Castillion Brothers Series which I started my dream to become a
publish author. I hope I'll become one in the future but right now I will bid my
goodbye to all of you.
I will be back soon.
Kuyajen, now signing off.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Note From Kuyajen

Castillion Brothers Series 1: First Castillion


Is soon to be published as a book. This is my first story wherein I started
dreaming as a published author. This is really a dream come true for me and I am
thanking you all again and again because of your undying support and patient to
read my works even it is not perfect.
Thank you so much. Sana po hindi kayo magsawang sumuporta sa mga akda ko.
Konting hintay nalang po at magiging libro na ang kwento ni First ko at Princess
Mimi.
Sana po suportahan niyo pa rin ako kapag naging libro na siya. SOON. ❤

____________________________________
For more questions you can reach me through these following social media
accounts.
Twitter: @msjencastillo
Intagram: @ms.jencastillo
Facebook: Kuyajen Wp
Facebook page: Kuyajen's Warriors
Email: kuyajenwp@gmail.com

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 5

Sorry for the very late update. Busy kasi talaga sa school.
Castillion Brothers Series 1: First Castillion will be available as book, SOON.
Sana bumili kayo. Thank you.
________________
"Reading is traveling the world without penny expenses."
________________
NAKAKUNOT ANG NOO at seryosong seryoso ako sa pagtatype sa laptop ko. 'Yong
yamot ko sa paghahanap ng babaeng pwedeng dalhin sa anniversary nina mommy ay dito
ko ibinubuhos. Nakakainis dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati pagiging pogi
ko hindi ko na naasikaso dahil sa problema ko.
My goodness, I don't even know where to find a material wife because I'm not
even a material husband.
Putiks! Napapaenglish na naman ako e, madami na namang maiinlove sa'kin kapag
nalamang hindi lang ako saksakan ng kapogian matalino pa.
Ano ba naman 'yan Sinco, bakit nasa'yo na ang lahat?
"Abot hanggang sahig na ang paghaba ng nguso mo." Natatawang kantyaw sa'kin ni
Sais. Hindi ko siya pinansin dahil hindi ako nakikipag-usap basta basta sa taong
hindi ko kasing pogi.
Pero kapag 'to sinapak ko mas lalo 'tong papangit.
"Wag mo 'kong simulan kasi baka masapak kita, marami akong problema at wag mo
ng dagdagan." Yamot kong sabi pero mas lalo lang ngumisi ang ulupong. Hindi ko
talaga alam kung kapatid ba talaga namin 'to, sa totoo lang siya ang pinakapangit
sa'min. Napakapangit niya.
"Seryoso ka ba talaga?" May pangangantyaw pa rin sa boses at ngisi niya alam
kasi nila na kapag may problema ako at hindi ko alam ang solusyon ay talagang
madali akong mairita.
"Tanong mo mamaya sa kamao ko kapag nasapak kitang pangit ka." Inirapan ko siya
at mulang itinuon ang atensyon sa laptop ko.
Hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko na mas lalong nagpapairita sa'kin.
Lumilipad ang isip ko dahil totoong natatakot ako kay mommy kapag hindi ko nasunod
ang gusto niya. Napakabait ni mommy pero kapag nagalit walang sinasanto, kaya nga
napakalaki sila ng matino kapag puro lalaki dahil talagang batas ang mga salita
niya.
Sila lang ang napalaki ng matino dahil ako lumaking macho at gwapong lang pero
hindi matino.
"Ilang araw nalang at anniversary na nina mommy---" parang bulkan nag-alburuto
ang isip ko dahil sa usapang binuksan ni Sais. Ayoko ngang pag-usapan 'yon dahil
nawawalan ako ng pag-asang lutasin.
"Wag mong ituloy kung ayaw mong magtapos ang pagiging magkapatid na'tin,
itatakwil kita. Madali lang sa'kin 'yon tutal allergic ako sa pangit, sige subukan
mo." Pinagdilatan ko siya ng mga mata pero ang loko humalakhak lang at
nakapamulsang naglakad papalapit sa'kin.
"Ayaw mo ng tulong ko? May brilliant idea pa naman sana akong sasabihin sa'yo
para malutas ang problema mo." Kumindat pa siya at umakbay sa'kin matapos pabagsak
na umupo sa kami ko.
Masama akong tumingin sa kanya at pabalang na inalis ang kamay niya sa braso
ko. Hindi ako nagtitiwala sa kanya dahil kung ako hindi pwedeng pagkatiwalaan sa
babae siya naman hindi pwedeng pagkatiwalaan sa mga ideya dahil mas malala pa ang
isip nito sa mga pasensya sa mental hospital ni Syete.
"Siguro akong malulutas problema mo, imbes na magmukmok ka diyan pakinggan mo
muna ako malay mo magustuhan mo ang suggestion ko ide ayos." Nakangisi pa rin siya.

Ilang saglit akong napatulala dahil iniisip ko ang mga


sinabi niya. Ako kasi wala talagang ideya sa pwede kong gawin lalo't busy ako at
may kailangang tapusin. Pero hindi talaga pwedeng pagkatiwalaan ang pangit na 'to
sa ganitong usapan.
Naalala ko noong elementary kami wala akong project at may chance na bumagsak
ako kaya panay pamroblema ko saktong dumating siya at sinabing may plano siya para
hindi ako bumagsak. Akala ko matino kaya isinagawa namin ang plano niya, hindi na
ako nagtanong kung ano dahil malaki tiwala ko sa kanya dahil magkapatid kami.
Ayon nagulantang nalang ako ng pumasok siya sa office ng teacher ko at
binuhusan ng gasolina ang lahat ng papeles doon pati na mga projects ng iba kong
kaklase tapos hinagisan ng posporong may apoy.
Ang masaklap 'yong huling salitang binitawan niya. Sabihin mo nagpasa ka at
nasama lang sa sunog.
Tapos nakapamulsa siyang naglakad paalis na tila si Ceasar Montano noong
gumanap na Bullet, may paapoy na effect sa likod niya at taas noong naglalakad
paalis.
Marami pang sumunod na mga pangyayari noon, lahat akala matino pag-iisip niya
dahil sa lahi namin pero ang totoo may sayad mag-isip. At kung papayag ako sa ideya
niya ngayon siguradong mapapahamak ako.
"Ano game?"
Pero wala na talaga akong maisip na solusyon. Tumingin ako ulit sa pangit
niyang mukha baka kasi this time may magawa siyang ipagpapasalamat ko at hindi
ikasusumpa na sana hindi ko nalang siya naging kapatid. May paltik ang utak nito.
Napabuntong hininga ako bago binalik ang tingin sa laptop ko. "Isalaysay mo
muna sa'kin ang ideyang naiisip mo." Mahirap na. Mabuti 'yong sigurado baka
matakwil ako ng nanay ko.
"Napakaeasy." Aniya at hinablot ang laptop ko na ilang ulit kong ikinamura.
"Hawakan mo na lang lahat wag lang 'to, kulang ang buhay mo para bayaran at
palitan ang mga documents na laman nito." Inis kong inagaw sa kanya ngunit may pag-
iingat sa laptop ko. May sa demonyo ang kamay nito sa totoo lang.
"Eh, paano natin gagawin ang solusyon sa problema mo?" Nakangisi pa rin siya.
"Hindi ko sinabing 'yong ideya mo ay solusyon agad sa problema ka, pakikinggan
ko muna at kung dapat mang gumamit ng laptop ako ang gagawa sabihin mo lang sa'kin,
itatakwil kita makita mo." Binatukan ko siya dahil sa panggigigil ko.
"Okay." He shrugged. "So bali gagawa tayo ng criteria o list ng characteristic
ng isang material wife." Panimula niya.
Tumaas naman ang kilay ko at hinintay ulit na magsalita siya. "Tapos gagawa
tayo ng page sa facebook, mas maganda kasi d'on dahil marami ang audience at
ipopost na'tin ang criteria na 'yon at maglalagay ng headline na 'Material Wife for
Hire' for sure madaming interesado kapag nalamang ikaw ang naghahanap." Mukhang
tuwang tuwa siya sa sarili niya habang ako mas lalong nayamot.
"Oo at kapag nalaman ni mommy ang kalokohan ko baka tuluyan akong hindi
kilalaning anak." Tumalikod na ako sa kanya dahil hindi ko gusto ang idea niya,
rejected na.
"Ipaprivate natin ang post ang sisiguraduhing hindi aabot kay mommy pwede naman
nating gamitin ang connections natin or nila kuya. Atleast kasi kapag nagset tayo
ng criteria ay siguradong pasok sa gusto ni mommy na babae." Aniya pa at halatang
gusto na pumayag ako.
Hinding hindi ko talaga tatanggapin ang idea niya dahil siguradong mas lalala
ang problema ko. Hindi, hindi, hindi. Mag-iisip ako ng iba.
May ibang paraan pa Sinco, tiwala lang.

"ILAGAY KO, malaki ang boobs at butt." Nakangising sabi ko at mabilis na


nagtype.
"Ano ba 'yan material wife ang hanap natin hindi pornstar." Komento ni Sais.

Sinapok ko siya dahil sa lakas ng bosese niya. Nagseset na


kami ng standard ng isang material wife. Sa pag-uusap namin kanina ang ending ay
napapayag ako dahil wala na akong ibang option, ilang araw nalang anniversary na
nina mommy at ito ang pinakamadali.
Magdadasal nalang ako mamaya na sana pagpalain ako sa kapahamakang dala ni
Sais. Goodluck nalang talaga sa'kin, nararamdaman kong mapapahamak na naman ako
dahil nagpauto ako.
"Ilagay mo marunong magluto." Sabi niya.
"Gago, mayaman tayo kaya hindi niya kailangang magluto." Apila ko, sayang lang
sa oras.
"Remember si mommy diba kahit gaano kadami ang pera natin at pwede tayong
kumuha kahit pa ilang chef ay gustong gusto niya na siya ang nagluluto dahil parte
iyon ng pag-aalaga kay daddy at sa atin. Ika nga nila, a way to a man's heart is
through his stomach."
"Oo na, oo na." At inilagay ko na ang una.
1. Knows how to cook.
"Okay next, maganda." Sabi ko at itatype ko na sana ng paluin niya ang kapag
kong nasa keyboard.
"Hindi dapat 'yan isali para hindi obvious na ayaw mo sa pangit, may interview
naman kaya ikaw na ang personal na pumili ng physical appearance." Napatango tango
ako dahil may point siya, kahit papa'no naman may silbi siya.
"Ilagay mo, knows how to do household chores." Aniya.
Napasimangot ako at inirapan siya. "Tapatin mo nga ako, material wife ba talaga
ang hanap natin dito at hindi kasambahay?"
Tumawa siya at napailing iling. "Material wife na handang maging kasambahay
mapagsilbihan ka lang."
"Oo na." Wala na naman akong nagawa dahil palaging tama ang sinasabi niya,
gustong gusto talaga ng ulupong na 'to na palaging idea niya ang nasusunod. Handa
siyang makipagpatayan para d'on.
2. Knows how to do household chores.
"Pagbigyan mo ako ngayon." Seryosong sabi ko bago magtype. "3. Sex expert."
Napangisi ako dahil gustong gusto ko talaga ang babaeng magaling sa kama. Gusto ko
'yong kahit hindi ko na turuan alam na ang gagawin kapag nandoon na kami.
"Tsk. Ayoko na ngang tulungan ka." Seryosong tugon ni Sais kaya pinaningkitan
ko siya ng mga mata. "Bakit naman ha? Ikaw nagsuggest nito buti nga tinaggap ko
kahit alam kong mapapahamak ako."
Napakamot siya sa ulo. "Talagang mapapahamak ka kung ang iisipin mo 'yong
kalandian mo."
"Kalandian? Aba, hoy mas matanda pa rin ako sa'yo ha." Inirapan ko siya sabay
delete ng number three.
"Pang pornstar kasi ang criteria mo, gusto mo bang masatisfy 'yang sex urge mo
pero magagalit sa'yo si mommy?" Hindi ako nakakibo. Ako ang matanda sa'ming dalawa
pero kung umasta siya parang ako si Syete. Bibinggo na talaga sa'kin ang pangit na
'to, nasasagad na ako.
Mabuti sana kung mani siya na nasasarapan ako kapag sinasagad.
Kapag natapos itong problema ko tuluyan ko na talaga siyang itatakwil bilang
kapatid. Nakakapanggigil, madali akong mairita ngayon dahil pati sex life ko hiatus
dahil sa problema kong 'to. Nakakahighblood kaya ang walang extra curricular
activity.
"Basta wag natin isasali dito ang kahit anong related sa physical appearance,
inner beauty is a must." Aniya.
"Katarantaduhan 'yan paano makikita kung inner beauty nga meaning nasa loob.
Unless kung huhubaran." Inis kong tugon at hindi ma ginanahan na magtype dahil
hindi naman tanggap lahat ng suggestions ko.
"Atleast hindi tayo titingin sa ganda lang."
Mas lalo akong nairita. "Kalokohan 'yan ng mga lalaki na hindi raw tumitingin
sa physical appearance ng babae, ang totoo mas madali nilang magustuhan ang maganda
at sexy at 'yang inner beauty inner beauty na 'yan isusunod nalang nila 'yan pero
ang totoo hindi ka liligawan kung hindi nagandahan sa'yo."

"Ikaw ba kung pango at pangit ang babae manliligaw ka agad


ha? Manliligaw ka kung hindi napeplease ang mata mo sa panlabas niyang anyo? Sa
panahon ngayon impossible na 'yan kung noon siguro pwede." Hindi na siya nagsalita
pa. Isa pa totoo naman kasi talaga ang mga sinasabi ko.
'Yong mga lalaking hindi raw tumitingin sa ganda ng babae kagagohan 'yan,
lalaki rin ako at aminado akong hindi ako naaattract sa hindi maganda. Pero kung
pag-ibig talaga ang tumama sa'yo siguro maaari pero kung ganitong naghahanap lang
through criteria ay napakaimposible.
Nakikita ba agad ang inner beauty sa isang tingin lang sa tao? Hindi.
"Ikaw na nga lang maglagay ng gusto mong standard tapos babasahin ko nalang
mamaya dahil hindi tayo matatapos kung panay talo na'tin." Dumapa ako sa kama at
nagpahinga. "Ingatan mo 'yang laptop ko kung ayaw mong mapatay kita."
"Oo na." Dinig kong sagot niya.
Pumikit ako dahil doon ko lang naramdaman ang pagod sa halos tatlong araw na
pagbababad ko sa harap ng laptop.
Mabilis akong napadilat dahil sa imahe ng mala anghel na mukha ng babaeng
bumungad sa pagpikit ko. Napailing iling ako at hindi na ulit pumikit pa dahil sa
bawat pagpikit ko ay ang nakangiti niyang mukha ang nakikita ko.
"Anong oras daw ba gaganapin ang anniversary nina mommy?" Tanong ko kay Sais
para malibang naman ang isip ko. Ayokong mag-isip dahil nakakapagod, nadedrain ako
lalo't hindi pa tapos ang trabaho ko.
"Seven in the evening sa Sunday. Paniguradong marami na namang tao."
"Ang tanga mo talaga malamang maraming tao dahil party iyon. Hays, ang bobo mo
talaga kaya nagdududa ang iba kung kapatid ka ba namin o hindi." Kantyaw ko sa
kanya at nakita ko ang pagsimangot niya. Napakapangit.
"Ako lang kaya ang matalino sa ating lahat at ako lang ang matino kaya
napagkakamalang iba sa inyo." Apila niya habang patuloy pa rin sa pagtatype. Panay
rin ang silip ko sa ginagawa niya sa laptop ko dahil baka nandedelete siya ng file.
May saltik 'to kaya ikinakatuwa niya kapag may naaagrabyaro siyang tao.
"And by the way aattend daw tayo ng mass sa linggo as usual." Napabalikwas ako
dahil sa sinabi niya.
"Saan daw tayo magsisimba?"
Nagsalubong ang mga kilay niya na tumingin sa'kin. "Ano bang klaseng tanong
'yan? Malamang sa St. Clare iyon naman palagi ang pinagsisimbahan na'tin dahil 'yon
ang pinakamalapit."
"Sabihin natin kay mommy sa iba nalang tayo magsimba dapat lumalayo din tayo
minsan sa nakasanayan para naman may new experience." Tugon ko dahil parang ayoko
munang pumunta sa St. Clare, patawarin nawa ako ng Diyos.
"Sige sabihin mo 'yan kay mommy para sapukin ka." Ngingisi ngising sagot niya
dahil alam niyang ayaw na ayaw ng ina namin na tumatanggi sa paanyaya patungkol sa
Diyos at mga Santo.
Napabuntong hininga ako at muling humiga sa kama. Ano na ba ang gagawin ko sa
buhay ko? Ilang araw lang akong walang sex life at night outs pakiramdam ko naging
ibang tao na ako.
"Done, basahin mo na." Ibinigay niya sa akin ang laptop na agad ko namang
kinuha dahil baka ihampas niya ng wala sa oras.
Inuulit ko may saltik ang isang 'to.
'Characteristics and Criteria of a Material Wife'
An applicant should possess the characteristics listed below enable for her to
pass the qualification of being the wife of Fifth Castillion.
To test if the said characteristics are followed, Fifth Castillion will
personally interview and interact with the applicant. He will decide if he will
accept the applicant to be his girlfriend and soon to be wife if the relationship
of the both party works.
Here are the list of characteristics.
1. Knows how to cook.
2. Knows how to do household chores.
3. Knows how to talk politely. (Especially with the parents.)
4. Demure and ethical in action.
5. Has no boyfriend, husband or any intimate relationship with other man. (In
short, single)
6. Has no criminal records.
7. Knows how to socialize with other people.
8. With good family background.
9. Knows how to handle useless person. (Specifically, Fifth.)
10. Last but not the least, VIRGIN!
The contract will discuss if you are choosen.
Thank you.
____________________________________
Thank you for reading. And sorry for the late update. Namimiss ko na talagang
magsulat kaya isiningi ko muna si Sinco.
If you are interested to join our facebook group and page.
Here's the links.
Facebook account: (Kuyajen Wp) https://m.facebook.com/kuyajen.wp?ref=104
Facebook group: (Kuyajen's Readers Group)
https://m.facebook.com/groups/2803260843114491?
tsid=0.7836372698657215&source=result
Facebook page: (Kuyajen's Warriors) https://m.facebook.com/kujenwp/
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 6

Sinco POV

"BAKIT kailangang ilagay na no criminal records? Sa pangit mong 'yan pati ba naman
utak mo kinakalawang na rin, ano ba naman 'yan Sais." Nayayamot kong sita matapos
kong basahin 'yong ginawa niya.
"Anong connect ng kinakalawang na utak sa pangit? Ikaw talaga maisingit mo lang
talaga ang panglalait sa'kin e." Sabat niya at padabog na tumayo.
"Bakit nga kasi pati criminal record?" Ulit ko.
"Sige matanong kita, gusto mo ba ang ipakilala mo kay mommy ay magnanakaw?
Mamamatay tao? Akyat bahay? Mandurukot? Ex-convict?" Tinaasan niya pa ako ng kilay
na tila nanghahamon samantalang ako ay pinaningkitan siya.
"Ang OA mo wala naman sigurong babaeng gan'on." Grabe naman.
"Yan kasi mani lang nila ang gusto mo kaya hindi mo alam ang realidad na
moderno na ang panahon at pati mga babae ngayon kayo nang gawin lahat ng ginagawa
ng mga lalaki." Aniya.
"O sige tama ka na pero bakit nilagyan mo nitong dapat virgin at nakacapslock
pa talaga." Ngumisi naman siya ngayon, may saltik talaga 'to.
"Para hindi mo makasex, ayaw mo sa virgin diba para walang hassle? Material
wife ang hanap natin dito at hindi ko naman sa nilalahat pero para sa akin sa
gan'on natin makikita kong tamang babae ang makukuha natin." Doon ako napatango
tango, tama siya ayaw na ayaw ko sa birhen lalo kung libog lang ang meron ako at
walang pagmamahal dahil ayokong ako ang unang makakasira ng pagiging pure ng kahit
sinong babae. Aminado akong mahilig ako sa sex pero may konsensya ako.
"So paano natin malalama na virgin? Kakalikutin ba natin?" Papayag kaya ang
applicant? Of course, oras na makita nila ang napakagwapo kong mukha alam kong kusa
nilang ibubuka mga hita nila.
"Kumalma ka, naloloka ako sa kakalikutin ano ang tingin mo sa perlas ng mga
babae sirang radyo?" Sabay kaming natawa minsan lang talaga nagiging gwapo sa
paningin itong kapatid ko e. Madalas kasi ang pangit niya pa rin. "Ipapadoctor
natin."
"Sayang akala ko tayo ang kakalikot." Nagkatinginan kami at sabay na namang
natawa.
"Basta ako na ang bahala dito sisiguraduhin kong makakahanap ka ng babaeng
ihaharap kay mommy sa araw ng anniversary nila ni daddy." Seryosong tugon niya
dahilan para yakapin ko siya ng mahigpit.
"Ang gwapo mo Sais, sunod sa'kin ang kagwapohan mo pero mas gwapo pa rin ako."
Pinupog ko siya ng halik kahit panay ang iwas niya. Nakakagigil ang sarap niyang
kagatin sa bayag.
"Ang baho mo." Sigaw niya kaya napahalakhak kami.

NETTER POV
NAPAKASARIWA ng hangin ngayon habang naglalakad kami ni father patungo sa labas
ng simbahan, kakatapos lamang ng misa at ang lahat ng tao ay pauwi na rin sa kani-
kanilang mga tahanan. Lihim akong napapangiti habang pinagmamasdan ang mga
sakristan na nagmamano sa tuwing nakakasalubong kami.
"Ang saya talagang maging bata ano?" Tugon ni father na nakangiting tumingin
sa'kin.
Tumango ako. "Opo, tila walang mga problema at napakasaya ng mga ngiti sa
kanilang mga labi."
Muli siyang naglakad na sinundan ko naman. "Ikaw bata ka pa kaya't kailangan
mong sulitin ang iyong kabataan wag mo munang ikulong ang sarili mo sa bagay na
gusto mo dahil may mga bagay na naghihintay para sa iyo." Aniya.
"Ano pong ibig niyang sabihin father?"
Nasa kanyang mga labi pa rin ang masuyong ngiti. "Nalaman ko kay Sister Monica
ang pansamantala mong paglabas sa kumbento."

Nahihiya akong napatango. "Hiniling ko po iyon upang


magampanan ang aking tungkulin sa aking nakakatandang kapatid na may sakit sapagkat
father pansamantala lamang po iyon at ako po'y patuloy na magsisilbi sa Diyos kahit
ako'y nasa labas. Hindi ko rin po iwawaksi sa aking isipan ang pagsisimba sa araw
ng linggo at ang pagdadasal araw araw." Paliwanag ko na mas lalo niyang ikinangiti.
"Masaya ako na susubukan mo ang mundong malayo sa iyong kinalakhan, hindi sa
sinasabi kong ayaw ko na maglingkod ka sa Kanya ang akin ay sa bata mong edad ay
may naghihintay pa sa'yong mga karanasan at pagsubok. Gusto ko na maranasan mo ang
mga iyon at maging masaya bago ka tuluyang maglingkod sa kanya na walang tanong sa
iyong mga isipan." Hinawakan niya ang aking ulo at umusal ng maikling panalangin.
Napangiti ako. Matapos n'on ay nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating
namin ang bukana ng tarangkahan ng simbahan. May mangilan ngilan pa ring mga taong
pauwi pa lamang.
"Magandang umaga po father, sa inyo rin po sister." Yumuko ako at nagbigay
galang sa matandang babaeng lumapit. Nagmano ito kay father at tumango naman sa
akin. Sa kabila ng pagiging matanda dahil sa may kaputiang buhok at nangungulubot
na leeg ay makikita pa rin ang kagandahan nito noong kabataan. Wala man itong
alahas o kulureting suot ay halatang may kaya sa buhay dahil sa gandang magdala ng
damit. Mas lalo akong napangiti.
"Pagpalain ka nawa ng Diyos." Sagot ni father.
"Maraming salamat father, anibersaryo ho namin ngayon ng aking mahal na asawa
at kung mamarapatin niyo ay gusto ko ho sana kayong kumbidahin." Magalang at may
suyo niyang tugon, bakas ang saya sa kanyang mga mata.
"Nais ko mang tanggapin ang iyong paanyaya Mrs. Castillion ngunit ako'y may
kailangang daluhang misa mamayang hapon ngunit maraming salamat pa rin sa iyong
paanyaya." Malugod na sagot ni father.
Hindi ko pinansin ang familiar na apelyidong binanggit ni father dahil alam
kong nagkataon lamang, may kilala akong Castillion ngunit para sa akin ay
napakaimposibleng kamag-anak niya ang ginang.
Napadako ang tingin sa'kin ng magandang ginang kaya yumuko ako at muling
nagbigay galang. Hindi ko inalis ang ngiti sa aking mga labi.
"Napakaganda mo naman binibini." Nagulat ako ng hawakan niya ang aking mukha at
masuyong haplusin. "Parang birhen ang iyong mukha at tila ngiti ng isang anghel sa
liwanag ang iyong mga ngiti."
"Maraming salamat po sa inyong papuri." Sagot ko.
"Marami akong anak na lalaki baka kako gusto mo ng magiging asawa?" Pagbibiro
niya at humalakhak.
Napatingin ako kay father na ngayon ay malaki ang ngiting ginagante sa'kin.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi dahil sa hinga, alam kong biro
lamang iyon ngunit hindi ako sanay. Wala naman kasing nagbibiro sa akin tungkol sa
ganitong bagay lalo't kapag nakita nilang nasuot ako ng belo at damit madre.
"Paglilingkod po sa Diyos ang aking nais."
"Kung sana lang katulad mo ang maging asawa ng aking ikalimang anak na lalaki
siguradong wala na akong magiging sakit sa ulo." Anito na napapailing na tila iyon
ang pinakamalaking problema nito.
"Honey." Sabay sabay kaming napatingin sa likuran ng babae dahil sa paglingon
nito sa baritonong boses na tumawag.
Natanaw namin ang lalaking halos matanda lamang ng konti sa ginang, matikas ang
pangangatawan sa kabila ng puting buhok at tila binata ang porma.
"Honey." Sagot ng ginang na lihim kong ikinangiti, ang
makasaksi ng ganitong relasyon ng mag-asawa ay ikinalulugod ko at nagbibigay sa
akin ng labis na tuwa.
Ngunit unti unting nabura ang aking ngiti at halos pangatugan ako ng tuhod ng
makilala ang isa sa tatlong lalaking kasama ng asawa ng ginang.
Mabilis akong yumuko upang itago ang aking mukha.
"Mommy." Dinig kong tugon ng isang lalaki. Ito ba ang sinasabi ng ginang na mga
anak niya? Kung gan'on ay possibleng anak niya rin si Mr. Fifth Castillion?
"Father ito po pala ang aking asawa, ang aking anak na si Seven, si Six at
Fifth. Kahit kanino sa kanila ang nirereto ko kay sister." Tuwang tuwang tugon ng
ginang samantalang ako ay lihim na ikinukuyom ang kamao upang pigilan na mapatakbo
palayo sa kanila. Ayokong mapahiya si father.
Ilang ulit na akong tahimik na nagdadasal na matapos na ang tagpong ito. Sana.
Narinig ko ang pagbati ng mga bagong dating kay father at alam kong malugod
iyong tinanggap ni father dahil likas sa kanya ang pagiging mabait.
"Sister Nette?" Mas lalo akong nanlamig dahil sa pagtawag sa'king pangalan.
"Sister Nette?" Pag-uulit nito, alam kong hindi si Mr. Fifth ang tumatawag sa'kin
dahil hindi familiar ang boses. Kilala ko ang boses niya.
Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at sa kabila ng pangangatog at pagbundol
ng kaba sa aking dibdib ay ihinanda ko ang aking masayang ngiti.
"Wow, ang ganda mo pala talaga Sister Nette." Tugon ng lalaking nakapagitna sa
tatlo, inilabas nito ang kamay na nasa bulsa at itinapat sa'kin. "Sais nga pala
sister." Aniya na may ngisi sa mga labi.
Bilang paggalang ay tinanggap ko ang kanyang kamay. "Pagpalain nawa kayo ng
Panginoon Mr. Castillion."
"Mismo, palagi talaga akong pinagpalala hindi ba Sinco?" Nakita mo ang pagsiko
nito sa kapatid na nasa malayo ang tingin. Ang kaba ko ay mas lalong nadagdagan
dahil sa pagsasalubong ng aming tingin ng bumaling siya sa'min.
Nakangiti siyang tumango, normal na siguro ang paglakip ng kislap ng kapilyohan
sa kanya dahil kahit simpleng pag-angat ng mga labi ay tila may kakaiba siyang
iniisip.
"Pagpalain din po sana kaya sister." Tugon niya na ginantihan ko ng ngiti pero
ang totoo ay tinutupok na ako ng kaba.
"Kilala mo siya Sais?" Tanong ng kanilang ina.
"Nakilala ko siya dahil kay Sinco mommy palagi siyang bukambibig ni Sinco
minsan nga kahit tulog tinatawag niya ang pangalan ni sister." Walang haba na sagot
ni Sais at halos itago ko ang sarili sa likod ni father na pangiti ngiti lang at
nagsusubaysay.
Nagdadasal ako na sana pigilan nila ang kanilang mga bibig na magsabi ng mga
katagang mas makakapagpalala sa sitwasyon, makakapagpalala sa hiya ko. Hindi ko na
kaya.
"Sinco, paano mo siya nakilala?" Seryoso na ang tinig ng ginang.
"Siya po 'yong---" agad na tinakpan ni Sinco ang bibig ng kanyang kapatid at
mabilis na sumagot sa ina. "Nagkakilala po kami sa hospital ni Seven, nakabungga ko
po siya doon at iyon nga nagkakilala kami." Tila tapat niyang sagot.
Kahit na alam kong kasinungalingan lamang iyon ay lihim kong ipinagpasalamat
dahil alam kong makakalusot ako sa gulo. Hindi mabuti na ang isang tulad ko ay
malalaman nilang nagtungo sa bar at halos hubad na nagsayaw sa harap ng mga
kalalakihan. Kahit si father ay itatakwil ako.
The end does not justify the means.
Kahit mabuti ang aking hangarin ay hindi pa rin sapat na rason dahil totoong
mali ang aking pamamaraan.
"Akala ko siya 'yong sinasabi ni Sais na madre na pinopormahan mo." Anang
ginang. Nagkatinginan kami ni Sinco at umiling siya sa'kin. Sa kabila ng tensyon ng
sitwasyong kinabibilangan ko ngayon ay hindi napigilan n'on ang pag-iinit ng aking
mga pisngi at pamumula.
"Hindi po, sa hospital po talaga kami nagkakilala." Patawarin niyo po ako sa
aking kapangahasan na magsinungaling.
"Madalas talagang magpunta si sister sa hospital dahil sa regular niyang
pagdalawa sa kanyang kapatid." Singit ni father. Lihim akong nagpapasalamat.
"Gan'on ba? Sayang akala ko talaga." Tumawa ang ginang at muling tumingin sa
akin. "Gusto mo bang dumalo sa anniversary namin sister?"
"Naku, pagpasensyahan niyo na at hindi po ako sanay sa gan'ong mga pagtitipon."
Sagot ko dahil gustong gusto ko ng makaalis sa sitwasyon na 'to at masama mang
hilingin ay sana hindi na ulit magkatagpo ang aming mga landas ni Mr. Fifth o kahit
na sino sa kanila.
Pakiramdam ko ay palagi akong mapapahamak kapag naririnig ko ang kanilang
apelyido.
"Hindi mo naman kailangang makipaghalubilo sa mga tao, gusto ko lamang nandoon
ang presinsya mo dahil sa uara mo nakakaramdam ako ng goodvibes." Galak na tugon ng
ginang bago kumapit sa braso ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na tila napakatagal
na kaming magkakilala. Hindi ko napigilan ang panunubig ng aking mga mata dahil sa
simpleng galaw niyang iyon. Ilang beses akong napakurap ngunit natigilan ng makita
kong nakatingin sa'kin si Mr. Fifth at nakakunot ang noo na tila nagtataka sa
reaksyon ko. Ngumiti lamang ako.
"Sige na pumayag ka na, mababait ang mga daughter-in-law ko siguradong
makakasundo mo sila." Pamimilit niya pa.
"Malay mo maging katulad ka rin nila." Singit ni Sais kaya nakatanggap siya ng
batok kay Mr. Fifth, napaawang ang aking bibig dahil sa sobrang gulat.
"Namumuro ka na, hindi ko na mapigilan ang pagtitimpi ko sa'yo." Gigil niyang
tugon. "Napakapangit mo itatakwil na kita. Sinasagad mo ang pagpapanggap kong
mabait." Aniya at sinabunutan ang kapatid na panay lang ang tawa.
Imbes na mawendang sa nasaksihan ay napahalakhak si father gan'on din ang mga
magulang nila. Napapailing nalang ako dahil sa pagiging isip bata niya.
"Wag mo silang pansinin sister. Aasahan kita mamaya ha? Ipapadala ko ang
imbetasyon at iyong kasuotan." Humalik siya sa pisngi ko at nagpaalam kay father.
Bago pa ako makatanggi ay tumalikod na sila at may mga ngiti sa labing nagsialisan
samantalang si Mr. Fifth ay panay pa rin ang pakikipagsabunutan sa kapatid.
"Pamilyang puno ng pagmamahal at pagkakaisa." Tugon ni father habang nakatanaw
sa pamilyang papalayo, may kislap ng saya sa kanyang mga mata. "Hindi ako
nagsisising ipinagkaloob ko siya sa iba upang tumaparin ang aking pangarap na
maglingkod sa Diyos." Bulong niya.
"Po?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala sister, tayo na at kausapin ang iba upang paghandaan ang iyong pagdalo sa
kanilang pagdiriwang." Aniya na may pangangantiyaw. Napailing na lamang ako at
muling nilingon ang pamilya na papaalis na ang magarang sasakyan na kinaluluguran
nila.
Anong gagawin ko ngayon? Sa bawat pagdadasal ko na hindi na kami muling
pagtagpuin pa ay mas lalo kaming pinaglalapit.
Naging abala kaming lahat sa simbahan hanggang sa dumating ang sinasabi ng
ginang na imbetasyon at damit. Hindi ko pa rin alam kung ako'y dadalo o tatanggi at
hihingi na lamang ng paumanhin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 7

Sinco POV
"AYOS na ba talaga sa'yo 'yong napili na'tin?" Pangungulit ko kay Sais habang
nag-aayos ng necktie. Nandito kaming dalawa sa kwarto ko habang ang mga bisita ay
nagsisimula ng magdatingan sa baba. Syempre paVIP kami dahil mga gwapo kami este
ako lang pala dahil tulad ng palagi kong sinasabi napakapangit ni Sais.
Sa sobrang pangit niya pinagkakamalan siyang hardeniro namin.
"Kailangang hindi ako pumalpak dahil baka imbes na malutas ko ang atraso ko kay
mommy ay baka mas lalong lumala." Sabi ko pa.
"Bakit ako tinatanong mo ako ba makakasama mamaya?" Pagtataray niya kaya hindi
ko mapigilang batuhin ng sapatos, nakapangisi ako ng masapol ang ulo niya.
"Siraulo ka pinaghirapan na'ting hanapin 'yon halos malusyang ako sa
kakainterview tapos ganyan sagot mo."
Naku, ayokong maalala ang pinagdaanan ko sa interview dahil kahit sinong lalaki
ay hindi nanaisin na pagkaguluhan ng naggagandahang mga babae. Napagod ako
kakangiti sa kanila at halos pabalik balik ang ambulansya dahil bawat kinikindatan
ko nangingisay. Isa kasi akong adonis kaya hindi ko sila masisisi.
Halos dalawang araw din kaming nagpaapply kung sino ang maipapakilala ko kay
mommy, sa wet market ang naging location namin dahil sabi ni Sais doon daw
masusubok kung maarte ang isang babae.
Ano ba naman sa wet market talaga? Okay sana kung pati ako magiging wet. Halos
magrambol ang mga babae doon noong makita ako.
"Hindi ka malulusyang e kahit nasa wet market tayo gusto mong makipagsex,
napagkakamalan kang asong askal." Aniya.
"Nasaan na ba ang iba nating mga kapatid? Ayoko na makasama ka for the rest of
my life Sais naiimbyerna ako sa kapangitan mo." Nakangisi sabi ko pero ang loko
hindi ako pinansin.
"Bakit kasi ayaw mong si Sister Nette nalang ang ipakilala mo? Kitang kita
naman kanina sa labas ng simbahan na gustong gusto siya ni mommy."
Natigilan ako sandali dahil aa pagbanggit niya sa pangalan ni sister. Pwe,
bakit pati ako nakikisister? Kinikilabutan na naman ako sa mga imaheng tumatakbo sa
isipan ko. Mabuti nalang kanina at ang kasamaan lang ng ugali ko ang hindi napigil
hindi nasama ang libogan dahil kung nagkataon baka nilunod na ako ni mommy sa holly
water.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mabubuhay ang libog ko kahit na nakasuot
pang madre ang isang babae? Ewan ko ba pero kapag si sister ang nakikita ko
automatic na nagiging x-ray itong mata ko.
"Gusto mo bang masunog ako? At hindi 'yon papayag dahil para siyang sumama kay
Satanas." Sa totoo lang hindi ko rin naman inalis ang option na 'yon pero kahit
anong gawing isip ko at piga sa katalinohan ko wala talaga akong makitang magandang
anggulo para maging rason na pumayag siya. Hinding hindi iyon papayag at ako naman
nagsisimula palang na magkabisa ng mga prayers panlaban sa kabanalan niya.
"Pero aminin mo napakaganda niya kahit nakabelo hindi ba? Grabe para siyang
anghel." Puno ng papuri ang boses niya na ikinataas ng kilay ko.
"Ide sa'yo na tutal parang gustong gusto mo siya."
"Hindi ako mahilig sa madre isa pa napakabata pa." Aniya.
Napailing nalang ako sa sagot niya. Ang daming sinasabing papuri tapos ganyan
din naman pala sa huli ang sasabihin, walang balls.

Bumalik ako sa pag-aayos ng suot ko habang napapangisi


dahil naaalala ko ang naging paghahanap namin ng ipapakilala kay mommy, lahat halos
ng nag-apply ay magaganda, malalaki ang mga bundok at ang balakang pamatay. Grabe,
halos magtubig ang bagang ko sa sobrang sarap nilang tignan pero halos kalahati ay
rejected agad dahil minsan na palang nakadate ng iba kong mga kapatid.
Fifth Castillion rule:
Never date a woman who are interested with your brothers.
Ayaw na ayaw kong dumaan sa'kin ang kahit na sinong babaeng dating dumaan sa
mga kapatid ko. Kahit anong libog ko kaya kong magpigil kung hindi nararapat ang
babae. Wala lang, ayoko lang ng komplikasyon o kahit anong kaguluhan na babae ang
magiging dahilan para magkaroon kami ng gap ng mga kapatid ko, kahit sino sa mga
kapatid ko.
"Hindi mo ba susunduin ang future wife mo?" May pangangantiyaw sa boses ni Sais
habang nagsusuot siya ng kurbata.
I just shrugged. "Hindi na daw kailangan hindi naman modernong Maria Clara ang
babaeng napili natin."
"Kung sa bagay bayad naman siya." Aniya.
Matapos naming magbihis ay nauna na siya sa pagbaba, medyo palalim na rin ang
gabi kaya siguradong parami na rin ng parami ang tao sa garden namin kung saan
gaganapin ang party. Wala pa ako sa mood makihalubilo sa mga tao kaya kinuha ko ang
aking laptop at nagtungo sa veranda.
Naupo ako sa upuang nakalaan doon at nagmasid sa buong paligid. Binuksan ko ang
aking laptop bago tumingin sa baba, saktong sa garden nakaharap ang veranda ng
kwarto ko kaya kitang kita ko ang pagsisidatingan ng mga tao. Lahat ng suot nila ay
magagara tulad ng nakasanayan ng aming angkan, karamihan mga business tycon at
nagpakatuxedo.
Lahat elegante at naghuhumiyaw sa karangyaan. Napangisi ako habang sinisimulang
magtipa sa aking laptop. Lahat ng nakikita ko ay hindi bago sa aking paningin dahil
hindi man sa pagmamayabang ay lumaki kami sa pamilyang hindi pinagkaitan ng
kayamanan and I'm thankful.
Maingay na ang buong harden dahil sa music at usapan ng mga taong halatang
angat sa lipunan. Politicians, artist, designers name it ay dumalo sa pagtitipon.
Habang abala ay natuon ang tingin ko sa bukana ng harden kung saan makikita ang
mga bagong dating na bisita. Napakunot ang aking noo dahil sa bisitang hindi ko
inaasahang dadalo. Napatiim bagang ako dahil sa suot niya ngayon, it's just a
simple white dress yet she became the most beautiful woman in this party.
Hindi maiwasan ng mga nagsipagdalo na lingunin siya samantalang siya ay parang
hindi alam kung gaano humahatak ng atensyon ang kanyang ganda at pagdala sa
kasuotan. Nakayuko itong dahan dahang naglakad patungo sa kung nasaan sina mommy.
Shit!
Hindi ko namalayang tumigil na ang aking mga daliri sa pagtipa sa keyboard ng
laptop. Napahilamos ako at hindi mapigilang masapo ang bumukal sa pantalon ko.
Tangina! Ano ka ba aso at siya ang amo mo? Asik ko.
Nagbawi ako ng tingin at minabuting hindi na tapusin ang ginagawa ko dahil
nawala na ako sa concentration. Matapos kong itago ang aking laptop ay bumaba na
ako.
Patungo palang ako sa garden ng matigilan ako dahil sa babaeng sumalubong
sa'kin. "Fifth, darling." At kumapit ito sa braso. Ngumiti ako dahil sa pagdikit ng
kanyang boobs sa braso ko. Ramdam naman naming mga lalaki 'yon kung sinasadya ng
babae o hindi at sa kaso niya sinasadya niya.
Heaven. Napangisi ako. "What is your name again?" Pabiro kong tanong pero ang
totoo nakalimutan ko talaga ang kanyang pangalan.
"Florence, your future wife." Proud niyang sagot.

Yeah. Siya ang napili namin ni Fifth na ipakilala ko kay


mommy at dahil wala na rin naman akong magagawa dahil sa halos lahat ng nag-apply
siya ang pinakaclose sa standard. Except the last part, she's not a virgin at
prangka niya iyong sinabi during the interview. Proud pa nga e.
"I love you." Aniya at akmang hahalik sa labi ko kaya pasimple akong umiwas at
ipinulupot ang mga braso ko sa bewang niya. Lantad ang kanyang likod ngunit hindi
problema 'yon dahil hindi nagjujudge si mommy base sa pananamit.
And 'I love you' fakenews, ang pagsasabi ngayon ng mga salitang 'yong ay parang
pagmumura nalang. Gamit na gamit at nakakasura.
"Later, bawal tayong makita na naghahalikan sa public." Bulong ko na malandi
niyang ikinahagikhik.
And another thing she's not demure, so far sa one to ten na criteria ay dalawa
ang wala siya at iyon na ang pinakaclose kaya siya na ang kinuha namin. Ang hindi
niya nasunod ay rule number 4. Demure and ethical in action. And number 10.
At isa sa dahilan kung bakit tinanggap ko siya? Para may sex life pa rin ako.
Iyon ang nakalusot kay Sais masyado kasing ideal ang kanyang material wife.
Nakaalalay ako kay Florence hanggang sa makarating kami sa table nila mommy.
Halos walang bumati sa'kin dahil sa totoo lang wala akong kakilala sa mga bisita.
"Happy Anniversary mom, dad." Bati ko at humalik sa pisngi niya at yumakap
naman ako kay daddy.
"Thank you son."
"Hindi magiging happy ang anniversary namin hanggat hindi ka tumitino." Pataray
niyang tugon at ngumiti naman kay Florence. Napakamot ako sa ulo.
"Happy Anniversary po." Well, pareho pala kami nailulugar ang kalandian.
"Thank you iha, ngayon lang nagsama ng babae 'yang si Sinco and I'm glad na
tumupad siya sa usapan. What's your name iha?"
"Florence po, Florence Jorge." And she smiled, mukhang hindi ko pagsisisihan na
siya ang napili ko.
Nagbeso sila at nagyakapan. "Enjoy the party iha and feel at home. I want to
talk to you later, you are so beautiful and elegant by the way." Papuri niya.
"I'm flattered po."
"You can call me tita." Mabait talaga si mommy at marunong makisama 'wag nga
lang gagalitin dahil nagtatransform bilang tigre.
"Girlfriend ko mom." Sabat ko.
"Have a seat." Ani mommy at pinandilatan ako kaya wala akong nagawa kundi umupo
at gan'on din si Florence.
Alam kong gigisahin niya kami ng tanong para mahuli ako. Siguradong hindi siya
naniniwala sa mga sinabi ko dahil ngayon lamang ako nagdala ng babae dito sa bahay.
Hays, sinira ko na nga ang pangalawang rule ko para dito.
Fifth Castillion Rule #2
The first woman I will bring in our house and infront of my parents is the one
that I will marry.
Sigurado naman akong hindi si Florence ang babaeng pakakasalan ko, hindi pa
ipinapanganak ang magpapaiyak sa'kin.
"Salamat talaga Nette iha sa pagdalo mo ha? Akala ko talaga hindi ka papayag."
Imbes na sa amin ang atensyon ni mommy ay napunta kay sister.
Yes, she's here. Napatingin na naman ako sa suot niya at napailing. She's
wearing a white below the kneel lacy dress. Sleeveless at medyo lantad ang likod at
dibdib. Paired with glittery black high stiletto. Simpleng simple pero hindi ko pa
rin mapigilan na pagtaasan siya ng kilay.
Mas bagay pa rin kung nakabelo siya at nakaayos madre.
"Nakakahiya po kasing tumanggi lalo't naipadala niyo na po itong kasuotan ko."
Mahinhin niyang sagot na halos siya lang ang makarinig pero dahil chismoso ako kay
naririnig ko.
"You are so beautiful."
Di naman, medyo puti lang. Kulay lang nagdala.
"Demure and timid."
Di rin. Nagkataon lang namadre siya at kailangan niyang umastang madre dahil
wala namang madre na rock star at active ang night outs.
"Siguradong napakaswerte ng magiging asawa mo."
Di 'yan mag-aasawa kita mo ngang madre. At kung mag-aasawa man siya kawawa
asawa niya dahil sa pagiging mahinhin at tila Santa ay makokonsensyang makipagsex
sa kanya.
Banal na banal baka magrosary habang nilalabasan.
"Sinco 'yang bunganga mo. Kailan ka pa natutong sumabat sa usapan ng iba?"
Napaigtad ako dahil sa madiing boses ni mommy at doon ko lang namalayan na nasa
akin na ang mata nilang lahat.
Nanlalaki ang mga mata ni Nette habang gulat na gulat na nakatakip ang kamay sa
dibdib. Si mommy ay matalim na matalim ang tingin sa'kin. Si Florence kay nagtataas
baba ang balikat sa pagpipigil ng tawa.
At ang mga kapatid ko na hindi ko namalayang nagsidatingan na pala ay
humagalpak ng tawa. Si Sais ay halos gumulong gulo sa lupa dahil sa kakatawa.
"S-Sorry mom." Napapayukong tugon ko, napalakas ba ang pagsasabi ko ng mga
ideya na pumapasok sa isip ko?
"Kung hindi mo po mamasamain ang inyo pong bibig ay lubhang makasalanan.
Pagsapit ng linggo matapos ang simba ay pwede po kayong magpabasbas kay father
gamit ang holly water." Nababahalang tugon ni Nette at napasign of the cross.
Mas lalong lumakas ang halakhak ng mga kapatid ko dahil doon at ang mga bisita
ay natuon ang lahat ng atensyon sa table namin.
"Hindi halatang triggered si Sinco." Humalakhak ng napakalakas si Kuya Second
at halos mangiyak ngiyak na.
"Against sa lahat ng papuri kay sister, mukhang may sama ng loob." Dagdag
kantyaw ni Kuya Third.
"Ang malala 'yong huli." Si Kuya First.
"Banal na banal baka magrosary habang nilalabasan." Panggagaya ni Sais sa boses
ko kaya umirit na naman sila ng tawa.
"Kahabagan ka nawa." Nagtakip ng tenga si Nette habang ako ay halos maghukay na
ng sarili kong libingan dahil sa hiya.
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nahiya ng ganito. Inalis ko ang
pagkakahawak ni Florence sa hita ko at dahan dahan pumailalim, dinig na dinig ko pa
rin ang kanilang pangangantyaw hanggang sa magtagumpay akong makatago sa ilalim ng
mesa.
Tangina! Ayoko na.
"Nagtago na." Dinig ko si Seven na isa ring nangunguna sa tawanan.
Gumapang ako sa ilalim ng mesa para itago ang sarili ko. Alam kong napansin
nila pero wala akong pakialam. Patuloy ako sa paggapang hanggang sa makalayo ako sa
kanila. Ang tingin ng mga tao ay hindi ko pinansin.
Humanda ka sa'kin Nette dahil sa'yo ay palagi akong napapahamak. Pangit lang
ang walang gante.

____________________________________
Thank you so much for reading.
Sana po makabili kayo ng book ni First Castillion.
Soon to be published under Elf King Publishing House.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 8

Thank you for reading.


____________________________________
Singko POV

"WAG KA na mapikon Singko dahil hindi naman 'yon seniseryoso ng mga tao, you
are Castillion remember?" Nakangiting pag-aalo sa'kin ni Florence habang hinihimas
himas ang hita ko.
Sa gitna ng pagkainis ko ay naisip ng napakatalino kong utak na hindi dapat ako
mahiya dahil sanay ako sa kahihiyan. Tama.
Ngumiti ako kay Florence. "Can you kiss me?"
Ngumisi siya at hindi na ako nagdalawang salita dahil agad na niyang inilapat
ang kanyang mga labi sa labi ko. Agad na nilukob ng init ang aking buong katawan. 
Kinabig ko ang kanyang leeg upang mas lalong diinan ang pinagsasaluhan naming
halik.
Ilang araw din akong walang sex life and this is a fucking heaven. The party is
stressing me out kaya ng umalis ako kanina ay hindi na ako bumalik.
I don't want to see her.
Dahil sa pagkakaupo ay madali ko siyang nakabig kaupo sa hita ko. Napangisi ako
dahil alam na alam niya ang gagawin. She grap my cock and play it with her finger.
Naging malalim ang paghahalikan namin at mas lalo akong nag-iinit. Hindi pa rin
kumukupas ang tapang ng manok ko, tayong tayo pa rin kapag nakakakita ng inahin.
Kinagat ko ang kanyang mga labi habang siya ay pinulupot ang hababang mga hita
sa aking bewang. She started to grind while sucking my lips. I response with the
same intensity and thrust in return.
"Oh, hmm." Halinghing niya nang himasin ko ang kanyang naglalakihang mga suso.
"You like it?"
"I love it, hmm." Mas lalong bumilis ang kanyang paggiling kaya alam kong
tinatablan na rin siya ng libog.
Pinutol ko ang aming paghahalikan at ibinaba ang aking mga halik sa kanyang
leeg at dahan dahan gamit ang aking dila pababa sa gitnang bahagi ng kanyang
dibdib.
Napaliyad siya at mas lalong isinubsob ang aking mukha doon, madiin ang kanyang
pagkakasabunot sa aking buhok at tila gustong ipagduldulan ang kanya sa akin.
"Oh, lower please." Ungol niya and I know what she want.
Hinawi ko ang dress niyang nakatakip sa dibdib and I started sucking her left
nipple and trifle with the other side. Sa laki ng kanyang hinaharap ay hindi halos
masakop ng palad ko iyon.
I alternately sucked it like a hungry baby.
Mas lalong bumibilis ang pagkiwal ng kanyang balakang. "Oh, ang sarap. Oh."
Bulong niya.
Nang magsawa ay hinimas ko ang kanyang tiyan pababa sa kanyang hinaharap.
Napapangisi nalang ako kapag nakikita ang reaksyon niyang mariing kagat ang mga
labi at nakapikit, bakas na bakas sa mukhang nasasarapan.
Madali kong narating ang pakay ko. Ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng
kanyang panty dahilan para mapahiyaw siya.
I love playing pussies.

"Ah, oh ipasok mo pa." Hiyaw niya.


Sinadya ko ang dahan dahang paghimas sa kanyang mani habang ang aking hinlalaki
ay dumidiin sa kanyang klitoris. At ang gitnang daliri ay ipinasok ko sa loob,
basang basa iyon at napakainit.
"Basa ka na, madulas." Biro ko pero hindi niya ako pinansin dahil lunod na
lunod na siya sa init ng katawan.
Palakas ng palakas ang kanyang boses na ikinatuwa ko. Nasa maids quarter kami
ngayon at dahil abala ang lahat ay walang katao tao dito.
"Faster please, finger me. Faster." Paulit ulit niyang hiyaw at isinusubsob ako
sa kanyang suso.
Sinunod ko ang gusto niya lalo't mainit na mainit na rin ang aking pakiramdam,
pabigat na ng pabigat ang aking paghinga at ang aking manok ay tayong tayo na at
handa nang sumabong.
"Oh, dagdagan mo." Pagmamakaawa niya. I added my forefinger inside her and
thrusted faster than the usual.
Hinawakan niya ang aking pulsuhan at siya na mismo ang nagtutulak ng aking mga
daliri papasok sa kanya. Habang palakas pa rin ng palakas ang kanyang ungol na mas
lalo kong ikinalilibog.

Nette POV

HINDI AKO sa pagdalo sa ganitong mga pagdiriwang dahil lumaki ako sa kumbento
at ang madalas naming daluhan ay mga house blessings at misa sa iba't ibang lugar.
Ang ingay ng musika ay hindi ayon sa aking pandinig. Ayaw na ayaw ko sa ingay
dahil hindi ako nakakapag-isip ng matino, madali akong magambala kapag maingay ang
paligid.
Napakaraming tao na nagpadagdag ng kaba sa akin mula ng dumating ako dahil
ngayon lang ako nakatungtong sa ganitong lugar na tila ibang mundo. Aminado akong
mababa ang aking kumpyansa sa sarili kung kaya't hindi ako mahilig sa lugar na
maraming tao lalo't nagmula sa matataas na antas ng lipunan.
Desidedo akong hindi ako dadalo ngunit si Sister Monica ay pinilit ako katulong
si father. Gusto niyang pumunta ako dahil minsanan lang daw sa buhay ko na dumating
ang ganitong pagkakataon na makaapak sa lugar ng mga maharlika.
Hindi ko naman nais na makaapak sa lugar ng mga maharlika ngunit tugon nila ay
dapat akong lumabas sa aking mga nakasanayan. Ipagpalasalamat ko raw ito sa kanila
balang araw dagdag pa ni Sister Monica.
Kahit labag sa aking kagustuhan ay dumalo ako, naisip kong nakakahiya rin kay
Mrs. Castillion dahil sa pagmamagandang loob niya na magpadala ng imbitasyon at
kasuotan.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Mr. Six, nakilala ko na silang magkakapatid
pati na rin ang mga asawa nito at masasabi kong biniyayaan sila ng napakagandang
lahi.
"Ayos lang ho ako ngunit aaminin ko pong tinatamaan ako ng pagkabagot." Tugon
ko.
Ngumiti siya at sumimsim sa kopitang kanyang hawak. "Kahit naman ako ay
nababagot sa mga party party na tulad nito."
Napapansin ko sa kanya ang kagandahan ng kanyang ngiti na tila
nanghihipnotismo. Tipo ng ngiti na kahuhumalingan ng mga dilag, minsa'y napapakurap
ako kung tunay nga ba ang kanyang mukha. Tila napakaperpekto niyon at napakaamo,
kaiba sa ngiting mayroon si Mr. Fifth.
Hindi na ako muling nagsalita dahil nahihiya ako kahit pa napakabait ng
pakikitungo nila.
"Anong masasabi mo kay Singko?" Pagkuay tanong niya na ikinhinto ko sa
pagmamasid sa paligid.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Pilit ang aking ngiti,


nilulukob na naman ako ng kaba na kani kanina lamang kumalma.
"Anong tingin mo sa kapatid ko? Anong masasabi mo sa kanya?" Anito.
Kaming dalawa na lamang ang naiwan sa mesang kanina ay puno ng kanilang angkan.
Ang kanyang mga kapatid at mga magulang ay may kanya kanya ng pinagkakaabalahan.
Mula ng umalis si Mr. Fifth ay umalis rin ang kanyang nobya.
May parte sa'kin na nadismaya ng malamang mayroon siyang nobya dahil mas lalo
akong nahiya sa aking sarili. Hindi tama ang naging unang tagpo namin at alam kong
masasaktan ang kanyang nobya kapag nalaman iyon.
"Hindi ko alam, hindi ho ako sanay na manghusga ng kapwa." Ang totoo ay ayokong
ipagpatuloy ang usapan tungkol sa kanya. Hindi nagiging maganda ang dulot niyon sa
aking pakiramdam.
"Hindi no naman siya huhusgahan dahil lahat naman tayo ay may first impression
sa isang tao diba?" Nakangiti pa rin siya.
Tumango ako at walang nagawa kundi ang sumagot. "Mapanganib siya at mapangahas
para sa akin."
"Bakit?"
"Sa unang tingin palang sa kanya ay masasabi kong binabalot siya ng kapilyohan
at lahat ng babaeng kanya nanaisin ay tila kaya niyang kunin sa kahit anong paraang
alam niya kaya mapangahas na tunay." Totoo ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko
at habang sinasabi iyon ay bumabalik sa'kin ang mga hindi inaasahang tagpo namin.
Mula sa simula hanggang sa huli.
"Ikaw ba makukuha niya?" Tanong niyang muli.
"Po?"
"Sabi mo ay tila kaya niyang kunin ang kahit na sinong babaeng gustuhin niya sa
kahit anong paraan, ikaw ba kaya ka niyang kunin?"
Umiling ako. "Hindi ko masasabi dahil hindi ko alam ang laro ng tadhana ngunit
kung sarili ko ang tatanungin ay masasabi ko ho na hindi." Ngumiti ako sa kanya.
"Simula pagkabata ay pinangarap ko na ang maglingkod sa Diyos at maging isang madre
at kung hindi ayon sa plano ng Diyos na ako'y umibig ay siguradong hindi ako
makukuha ni Mr. Fifth."
"Paano kung plano ng Diyos na umibig ka?" Tanong niyang muli.
Unti unting naging panatag ang loob ko kay Mr. Six dahil sa banayad niyang
pagtatanong, halatang pinag-iisipan niya ang mga salitang lumalabas sa kanyang
bibig upang hindi ako matakot na kausapin siya.
"Lahat po ng plano sa atin ng Diyos ay para sa ating ikabubuti kaya kung ako po
ay iibig at dahil plano iyon ng Diyos ay siguradong para iyon sa akin. Tatanggapin
ko." Sa kabila ng ingay ay nakakapag-usap kaming dalawa dahil hindi naman kalayuan
ang kanyang kinauupuan mula sa aking pwesto. Isang upuan lamang ang pagitan naming
dalawa.
Hinimas himas niya ang baba niyang may konting bigoteng tumutubo na mas lalong
dumagdag sa pagdepina ng lalaking lalaki niyang mukha. "Kung hindi mo mamasamain
maaari ba akong magtanong ng mas personal na bagay? You can consider me as a friend
now." Aniya.
Hindi ako agad na nakasagot at sandali munang tumingin sa kanya, nakita ko ang
pagiging tapat niya kung kaya't tumango ako. "Ayos lang po."
Hindi man ako sanay na may lalaking kausap marunong naman akong makiramdam kung
masama o mabuti ang nasa aking paligid. At masasabi kong nakahanay siya sa mga
mabubuti.

"Bakit kailangan mo ng malaking pera?" Nabigla ako sa


tanong niya at tila napansin niya iyon dahil sa masuyo niyang pagngiti. "Pasensya
na sa tanong ko, minsan kasing nabanggit sa'kin ni Singko ang unang naging
pagkikita niyo at nasabi niya ang nangyari."
Napayuko ako dahil sa hiya, pinagsiklop ko ang aking mga kamay sa ipababaw ng
aking hita. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin o hindi.
"I'm sorry, wag mo nalang sagutin ku---"
"May sakit po kasi ang ate ko at iyon lamang ang paraang naisip namin ng
kanyang kaibigan upang makalikom agad ng malaking pera. Kailangang operahan ang
aking kapatid at tustusan ang kanyang pang-araw araw na gamot ngunit wala akong
mapagkunan ng salapi kung kaya't labag man sa aking prinsipyo at paniniwala ay
sumugal ako." Nakayuko kong sagot, nagsisimulang manikip ang dibdib ko dahil sa
lungkot kapag naaalala ko ang aking ate.
Ilang araw ko na rin siyang hindi nadadalaw. Namimiss ko na siya.
"I can help you." Nagtataka akong napaangat ng tingin sa kanya. "Pwede kitang
tulungan sa pagpapagamot sa ate mo."
"Naku, ayos lang po Mr. Six hindi na po kailangan sapat na po ang perang
naipahiram sa'kin ni Mr. Fifth wag na po kayong mag-abala." Kahit na sabihing
napakabait nila ay nakakahiya pa rin at isa pa gusto kong mapagamot ang aking
kapatid gamit ang sarili kong paraan upang mabayaran ko ang mga kasalanan ko sa
kanya.
"Pero hindi ba sinisingil ka ni Singko dahil hindi naman natupad ang pinag-
usapan niyo?"
"Opo pero hindi naman niya ako minamadali at ipapatawag niya ako kapag may
naisip na siyang paraan kung paano ako makakabayad." Paliwanag ko na ikinatango
niya.
Pansamantala siyang ngumingiti kapag may dumadaang mga kakilala niya kaya kahit
papaano ay nababawasan ang tensiyon sa aking sarili dahil sa pinag-uusapan namin.
Nakitang kong may isang bisitang papalapit sa aming misa kaya't iyon ang kinuha
kong pagakakataon upang umiwas sa usapan.
"Ako po muna ay magpapaalam, magpapahangin lang po ako sa labas." Tugon ko.
Sandali siyang tumingin sa'kin at tumango. Hanggang sa makalapit ang bisita ay
nakaalis na ako. Napahinga ako ng malalim at napadasal.
Tuloy tuloy lamang ang paglalakad ko hanggang sa makalabas ako sa garden.
Nakayuko lamang ako noong nasa sala na.
"Ano pong maitutulong namin ma'am?"
Napaangat ako ng tingin dahil sa maid na kumausap sa'kin. Ngumiti ako. "Saan po
ate ang banyo niyo?" Gusto kong tignan ang aking sarili kung nasa ayos pa ba ako o
nakakahiya na ang aking mga ginagawa.
"Dito po ma'am."
"Naku ate ako nalang po para hindi na kayo maabala, pakituro nalang po sa'kin
ang direksyon." Pigil ko sa kanya dahil akmang sasamahan niya ako. Nakakahiya.
"Sigurado po kayo?"
Mabilis akong tumango. "Opo." Napangiti ako ng ituro niya ang daan.
Bumabalik sa kapayapaan ang aking pakiramdam dahil mag-isa nalang ako. Gustong
gusto ko na maging mag-isa dahil hindi ko kailangang makipag-usap at makihalubilo
sa mga tao.
Nagtungo ako sa itinurong daan ni ate, hindi ko mapigilan ang mamangha sa gara
ng nadadaanan kong parte ng bahay. Tila akong umaapak sa sahig ng palasyo at tila
mga diyamante ang bawat palamuting nakasabit sa mga dingding.
Halos hindi ko naisara ang aking bibig sa pagkamangha sa paligid hanggang sa
makarating ako sa banyo. Kahit ang loob ay mas maganda pa sa bahay namin ni ate.
Napakalinis ng marmol na siyang dingding at sahig, may bathtub at kompleto sa
gamit. Hindi ito mukhang banyo dahil sa tulad kong mahirap ay tila na ako
nakarating sa five star hotel.
Inayos ko ang aking sarili pagkatapat ko sa malaking salamin. Ngumiti ako at
tinignan ang aking mukha. "Kaya mo 'to Nette, kaya mo 'to kasama mo si God."
Pampapalakas ko ng loob. Nagsisimula palang ang pagdiriwang ngunit gustong gusto ko
ng umuwi. Hindi ako sanay sa ganitong lugar.
Nagtagal ako sa loob ng ilang minuto bago ako nagkalakas ng loob na muling
bumalik. Napapatingin pa rin ako sa paligid. Napakalaking lugar, sobra.
"Oh, oh, oh faster faster."
Nakakunot ang noo ko dahil sa halinghing na aking narinig noon palabas na ako
ng kusina na siyang madadaanan kung pupunta sa banyo.
"Ang sarap, ah, ah. Ang sarap Singko." Palakas ng palakas ang halinghing ng
boses babae na tila nasasaktan.
Singko? Si Mr. Fifth? May sinasaktan siya?
Mabilis akong napatakbo sa gawi ng pinto kung saan nanggagaling ang ingay.
Hirap hirap ang boses ng babae at paos na paos na ito. Binundol ako ng labis na
kaba ng makatapat ako sa pinto.
"Aaah." Sigaw sa loob. Napasign of the cross ako dahil sa takot.
Walang katao tao kaya hindi ako makakahingi ng saklulo. Kailangan kong tulungan
ang babae sa loob, baka siya ang pinagbuntunan ng galit ni Mr. Fifth dahil sa
nangyari sa party kanina.
Patuloy sa pagsigaw ang babae kaya dali dali kong pinihit ang doorknob. Bahala
na.
Nabuksan ko iyon at napasigaw dahil sa nadatnan ko. Nakasubsob ang kanyang
nobya sa kama habang sinasabunutan ito ni Mr. Fifth at pinapalo sa pwet.
"Tulong. Tulong!" Sigaw ko dahil sa pangamba na mapatay niya ang babae.
Dahil sa mga pangyayari ay hindi ko alam na nagpapanic na ako. Pinulot ko ang
pinakamalapit na libro na nakita ko at ihinampas iyon kay Mr. Fifth para bitawan
niya ang babae.
"Diyos ko, wag mo siyang patayin. Bitawan mo siya, kasalanan iyan sa Diyos."
Paulit ulit kong tugon. "Wag mo siyang papatayin maawa ka." Halos maiyak na ako
nasalba lang ang babae. Sinasakal na niya ito kanina.
"Stop it." Sigaw ni Mr. Fifth kaya napaigtad ako. Nanlalaki ang mga matang
tumingin ako sa kanya at napatili sa abat ng aking makakaya upang hindi niya kami
masaktan.
"Mahabag ka sa Diyos, mahabag ka. Kasalanan ang pumatay." Nagmamakaawa kong
tugon sa galit na galit niyang mukha.
"Singko, anong nangyayari dito?" Maawtoridad na boses ang pumuno sa buong silid
at sabay sabay kaming napatingin sa pinto. Nandoon si Mrs. Castillion at ang buong
pamilya nila.
Salamat sa Diyos.
"Pigilan niyo po siya nais niyang kitilan ng buhay ang kanyang nobya." Tugon
ko.
Lahat sila ay nagkanganga at nanlalaki ang mga mata.
___________________________________

Thank you for reading.


Sana makabili kayo ng book ni Uno.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 9

Nette POV

Matapos ang gulong nangyari sa maid's quarter ay hindi pinaalis ni Mrs. Castillion
ang lahat, pinagbihis niya si Mr. Fifth at Ms. Florence syaka inimbitahan para
kausapin samantalang ang kaba ko ay hindi maampat.
Ramdam kong panganib na naman ang mangyayari. Puro na lamang ako kapalpakan.
"Hindi sinasaktan o pinapatay ni Singko ang kanyang nobya iha, kung iyon ang
iyong nasa isip 'wag kang matakot dahi hindi siya masamang tao." Panimula ni Mrs.
Castillion, hinawakan niya ang aking kamay at banayad na ngimiti.
Kumunot ang aking noo dahil gustong arukin ng isipan ko kung hindi niya
sinasaktan at gustong patayin ang kanyang nobya, ano ang ginagawa nila at nasa
gan'ong posisyon sila?
"Pasensya na po kung mali ang aking pang-unawa, ano po ba iyong ginagawa nila?"
Lakas loob kong tanong.
Kita ko ang reaksyon ng magkakapatid na tila nagpipigil ng tawa.
"Hindi mo alam ang ginagawa namin ha? Nagsesex, nagkakantutan kami.
Nagkakantutan." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lakas ng kanyang boses at dahil sa
bulgar niyang salita ay napatakip ako ng aking mga tenga. Napakarumi ng kanyang
bibig.
Tumingin ito sa kanyang ina habang ako ay halos atakihin pa rin sa mga salitang
lumabas sa kanyang bibig.
"Mommy naman, pati sex life ko naaagrabyado. Nasasagad na pasensya ko sa
babaeng 'yan." Pabalik balik ang kayang paglalakad habang nakapamewang at
napapahilamos sa mukha samantalang ako ay nakayuko at nagpipigil ng luha.
"Ngunit ang pagtatalik ay para sa mag-asawa lamang." Tugon ko, dapat kong
panindigan ang aking ipinaglalaban. Malaking kasalanan ang makipagtalik sa hindi mo
pa asawa at ako'y nahahabag dahil parang ipinagmamalaki niya ang bagay na iyon.
"Kesyo mag-asawa kami sa hindi magtatalik kami kung gusto namin." Bakas ang
pagkayamot sa kanyang mukha. "Hindi ko alam kung saang lugar ka itinago ng mga
magulang mo kung bakit noong nakakita ka ng may nagsesex akala mo pinapatay 'yon
babae." Tahimik lamang ang buong paligid habang lahat ay nakatuon ang tingin sa
kanya. "Kapag nakarinig ka ulit ng gan'ong sigaw ng babae wag kang makikialam ulit
dahil hindi iyon nasasaktan, nasasarapan 'yon nasasarapan."
"That's enough Singko, sumusobra na ang bibig mo. Pinagbigyan na kitang ilabas
ang saloobin mo dahil alam naming may mali siya sa parteng 'yon pero mas malaki ang
pagkakamali mo." Puno ng diing tugon ni Mrs. Castillion. "Maupo ka." Utos pa nito
sa anak.
"Aalis po muna ako mommy." Seryoso ang mukha niya.
"Uupo ka o hindi ka na makakabalik sa pamamahay na 'to?" Banta nito na
ikinatakot ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, nahihiya ako. Kahit sana anong meron
sa paniniwala ko ay hindi na ako dapat nakialam sa ibang tao.
Ngunit hindi ko alam na nagtatalik pala sila. Oo, alam ko ang salitang sex o
pagtatalik pero wala akong ni katiting na ideya na may sakalan at paluan pala ng
pwet na nagaganap kapag ginagawa iyon ng babae at lalaki. Hindi ko rin nanaisin na
alamin ang ibang detalye tungkol d'on.
Napakamakasalanan ko. Diyos ko, patawarin niyo po ako.
Umupo si Mr. Fifth sa tabi ni Ms. Florence habang ang babae ay nakataas pa rin
ang noo na tila walang kagimbal gimbal na nangyari. Ako ang nahihiya sa lahat.
"Sorry for that iha, are you okay?" Malumanay na tanong sa'kin ni Mrs.
Castillion, nanginginig ang mga kamay ko kaya't mabilis ko iyong itinago sa aking
likod. Tumingin ako sa kanya at dahan dahang tumango.
"Bakit siya ang tinatanong ng ganyan mommy? Siya ang may kasalanan at ako ang
agrabyado dito." Sabat ni Mr. Fifth kaya masama itong tiningnan ng ina na
ikinatahimik nito.

"Walang ibang may kasalanan dito kundi ikaw. Hindi hotel


ang pamamahay ko Singko, ni isa sa mga kapatid mo walang nagdala dito ng babae at
nakipagsex ikaw palang."
"Hindi niyo lang talaga nahuli mommy." Sabat niya ulit.
Napayuko akong muli ng magtama ang aming mga tingin at pinanlisikan niya ako.
Ang mga magkakapatid at ang mga asawa nito ay tahimik rin lang na nakikinig sa
usapan. Nandito kami sa malaki nilang sala at ang mga bisita ay patuloy pa rin sa
pagpaparty sa labas.
"At kailan pa naging okay sa akin na nakikipagsex ka sa kung saan saan? Kung
balak niyo palang magsex ay dapat sa kwarto mo siya dinala at hindi sa maida
quarter." Tugon pa ng kanilang ina.
"No way, ang dadalhin ko lang sa kwarto ko ay 'yong magiging asawa ko." Mabilis
na sagot niya at napakamot pa sa ulo.
"Hindi ba at girlfriend mo si Florence at magiging soon to be wife? Are you
telling me na hindi mo siya magiging asawa?" Tumaas ang kilay ng ginang habang ang
mga magkakapatid ay nagsingisi.
Nag-iwas ng tingin si Mr. Fifth. "Answer your mother Singko." Udyok ni Mr.
Castillion, ang kanilang tatay.
"Ang naantalang sex ko ang usapan dito mommy." Aniya na tila hindi alam ang
isasagot.
"Nandoon pa rin tayo sa usapan na iyon bumabase lang ako sa sagot mo." Kahit
kalmado ay natatakot pa rin ako sa tono ng pananalita ng ginang dahil maawtoridad
ito at sa laki ng kanyang mga anak ay respetadong respetado ang kanyang trono sa
pamilya, ilaw ng tahanan.
Hindi muling nagsalita si Mr. Fifth. "Alam ko ang mga pinaggagagawa mo and you
can't fool me son."
Yumuko ito. "I'm sorry mom."
"Kung hindi mo siya dinala sa maids quarter hindi kayo maiistorbo at hindi ka
ba nahihiya sa bisita? Siya pa mismo ang nakakita sa kababoyan mo at kung
pagsalitaan mo siya ay tila napakalaking mali na naantala ka sa kaluwalhatiang
kinalalagyan mo kanina." Dahil sa huling sinabi ng ginang ay hindi napigilan ng
magkakapatid na magsitawanan samantalang ako ay wala pa ring imik.
Gustong gusto ko ng umuwi at kapag nangyari 'yon hindi hindi na ako aapak sa
lugar na 'to.
Puro kapahamakan ang dulot sa'kin kapag sangkot kay Mr. Fifth, ayokong dumating
sa puntong masagad ko ang pasensya niya. Kahit papaano ay malaki ang utang na loob
ko sa kanya at anong gagawin ko kapag siningil niya ako sa utang kong dalawang
milyon?
"Hindi tama ang ginawa mo lalo't si sister pa ang nakakita." Sabi ni Mr. First,
seryoso lamang ito katabi ang asawa.
"Pasensya na po sa nangyari. Ako po ang may kasalanan at humihingi po ako ng
tawad dahil sa gulong dala ko." Hindi ko na mapigilan ang pananahimik,
nakokonsensya ako dahil sa panahong iginugugol nila dito sa sala na imbes para sa
mga bisita. "Hindi ko lang po talaga alam na gan'on po pala ang pagtatalik."
"Gusto mo malaman? Paturo ka kay Singko." Singit ni Mr. Sais kaya nagtawanan na
naman sila.
"Ako lang talaga nasasabing fuckboy dito dahil ako palagi ang nakikitaan ng
ebidensya kaya nagmamalinis kayo." Pikong tugon ni Mr. Fifth.
"Malinis lang talaga kaming trumabaho." At kumindat sa'kin ni Mr. Sais ng
makitang nakatingin ako sa kanya.
"Ayokong mauulit pa ito, gusto kong ito ang una't huli na mangyayari ito.
Nagkakaintindihan ba tayo Singko?"
"Yes mom, I'm sorry." Kahit papa'no ay nakikita kong may kabutihan siyang
taglay dahil sa pakikinig niya sa kanya ina kahit nasa gitna siya ng inis at galit.
"Hindi ka dapat magsorry sa'kin kundi kay Sister Nette, nabahiran ng kadumihan
ang inosente niyang utak." Tugon ng ginang.
"Pero mom kasalanan niya--" pinanlisikan ito ng ina. Napipilitan siyang
tumingin, tumaas ang kanyang kilay at walang kangiti ngiting nagsalita. "Sorry."

Kahit alam kong labag sa kanyang kalooban ay agad akong


tumango. "Pasensya rin mo sa aking pag-abala sa inyo, pasensya na po talaga." Hindi
niya pinansin ang mga sinabi ko.

"SIGURADO KA na ba?" Tanong ni Sister Monica habang hinahatid ako palabas ng


kumbento.
"Opo sister, kailangan ko po munang pansamantalang maghanap ng trabaho dahil
malapit na ang operasyon ni ate at kailangan ang maintenance sa gamot." Mabigat na
mabigat ang aking kalooban ngunit wala akong pagpipilian, tuloy tuloy na ang
pansamantala kong paglabas sa kumbento.
"Kahit nasa labas na ka ay wag kang makakalimot na tumawag dito kapag may
kailangan ka ha? Baka sakaling may maitulong kami para gumaan ang iyong problema."
Niyakap niya ako at maluha luhang hinaplos ang aking mukha. "Wag kang magtatagal sa
hospital upang hindi ka makakalap ng mikrobyo dahil sakitin ka." Payo niya.
"Opo, lahat po ng bilin niyo ay tatandaan ko." Pinunasan ko ang aking mga luha
at muling yumakap sa kanya. "Babalik din po ako kapag natapos na ang aking
problema."
"Bukas ang simbahan ano mang oras ka bumalik." Nang tuluyan akong makalabas ay
hinawakan niya ang aking kamay at may inilagay na rosaryo. "Palagi kang magdadasal
ano man ang pagsubok na pagdaanan mo."
"Opo Sister." Pinisil niya ang aking kamay bago tuluyang magpaalam.
Umalis ako sa simbahan na mabigat ang loob. Noon malapit na ako sa sakayan ng
tricycle ay muli akong lumingon at tumingin sa cross na nasa taas ng simbahan.
Sana po'y gabayan ninyo ako sa aking pansamantalang pag-alis sa inyong tahanan.
Humugot ako ng malalim na buntong bago muling nagpatuloy. Halos mag-iisang
buwan na simula noong party sa mansyon ng mga Castillion at laking pasalamat ko
dahil sa loob ng mga panahong 'yon ay hindi na ulit nagsalubong ang landas namin ni
Mr. Fifth o isa sa kanilang pamilya.
Nagtungo ako sa hospital upang kumustahin ang magiging opersyon ni Ate Tam.
Kahit masakit na makita siya sa kanyang kalagayan ay wala akong ibang magawa kundi
ang magdasal para sa kanyang paggaling.
Sana po gumaling na siya.
Dali ang mga prutas na binili ko ay nagtungo ako sa kwarto niya. Naabutan ko
siyang nakaupo sa kanyang higaan at kausap si Julio. Napangiti ako dahil kahit
papa'no ay nakakaya niya pa rin na umakto ng normal sa kabila ng malubha niyang
sakit.
"Hello Ate Tam." Agaw ko sa atensyon nila. May kirot sa dibdib ko dahil sa
pagkawala ng ngiti sa kanyang mga labi ng makita ako.
Tumaas ang kanya kilay at nandidiri ang mga tinging ipinukol sa akin. "Anong
ginagawa mo rito?"
Ngumiti ako at humakbang papalapit sa kanya. "Malapit na ang operasyon mo kaya
dapat maging malakas ka. Eto oh, nagdali ako ng mga prutas."
"Hi Nette, ang ganda ganda mo pa rin." Magiliw na tugon ni Julio at lumapit
sa'kin, nakipagbeso at yumakap.
"Ikaw din ang gwapo mo pa rin." Gwapo talaga kasi siya, madaming babaeng
nagkakagusto sa kanya ngunit ayaw niya dahil lalaki rin daw ang kanyang gusto.
"Sinong nagsabi sa'yo na magpapaopera ako? At isa pa bakit ka ba nandito
naaalibadbaran ako sa'yo, umalis ka nga." Asik niya pero nakangiti pa rin ako.
"Anong gusto mong kainin ate? May pera akong natabi dito."
"Pera? Mula sa pagpopokpok mo? Hindi ko kailangan ng kahit ano galing sa'yo.
Ipapakain mo sa'kin ang perang pinagputahan mo? Parang nanay mo lang." Tinignan
niya ako mula ulo hanggang paa na may pandidiri bago umiling iling.
"Binigyan kasi ako ni Sister Monica ng pansamantalang panggastos hanggang sa
makahanap ako ng trabaho para sa maintenance mo pagkatapos ng operasyon." Paliwanag
ko at nagbalat ng mansanas.
"Hindi ako magpapaopera at hindi ako iinom ng kahit anong gamot, nagtyatyaga
lang ako sa hospital na 'to dahil ayokong makasama ka sa bulok mong bahay baka
mahawaan ako ng kapokpokan mo." Parang mga sibat na tumutusok sa aking dibdib ang
mga salitang sinasabi niya ngunit hindi ako nagpatinag.
Dapat sanay na ako sa ganitong pakikitungo niya ngunit ang sakit pala ng mga
salita mula sa taong mahal mo ay hindi nakakasanayan, masasaktan at masasaktan ka
kahit sabihin mong sanay ka na.
"Ito po bagong bagsak lang nito sa palingki kaya fresh na fresh pa." Iniabot ko
sa kanya ang binalatan kong prutas ngunit napaigtad ako ng malakas niya iyong
tabigin dahilan para matapon at ang kutsilyong ginamit ko sa pagbalat ay humiwa sa
daliri ko. Mabilis ko iyong itinago sa likod ko.
"Umalis ka dito." Sigaw niya. "Umalis ka, hindi kita kailangan. Alis." Umecho
sa buong kwarto ang kanyang galit na sigaw.
"Iwan mo muna siya Nette, ako na ang bahala dito." Tugon ni Julio at inalalayan
ako palabas. Malungkot akong ngumiti.
Pagkalabas ng kwarto. "Nagmamakaawa ako sa'yo pilitin mo siyang magpaopera."
"Oo, gagawin ko lahat ng kaya ko." Aniya at bumalik sa loob.
Tumalikod ako at naglakad paalis, doon ko na hindi napigilan ang mga luha ko.
Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya sa'kin. Kahit
anong gawin ko pinandidirian niya pa rin ako.
Nakayuko akong naglalakad dahil ayokong makita ng mga tao ang pag-iyak ko,
kailangan kong maging matapang.
"Miss 'yong kamay mo dumudugo." Dinig kong tugon ng isang lalaki ngunit
nagtuloy tuloy ako.
Paliko na ako sa kabilang pasilyo palabas nang may humawak sa braso ko. "Miss
dumudugo kako ang kamay mo." Hinila niya ako para siguro humarap sa kanya ngunit
dahil sa panghihina ko mula sa pagpipigil ng luha ay nakasubsob ako sa kanya.
Doon ako napahagulhol. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil naghahalo halo
na ang bigat sa dibdib ko. Kahit lang sana pumayag siyang operahan at gumaling
kahit hindi na niya ako patawarin basta magpatuloy lamang siyang lumaban para
mabuhay.
Ilang minuto ako sa pag-iyak hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ng
matitigas na braso. Natigilan ako dahil doon lamang nagsink in sa utak ko ang
kinalalagyan ko. Nanlalaki ang mga matang napatingala ako. "M-Mr. F-Fifth."
"Wag mong ibubuka 'yang bibig mo at 'wag kang magsasalita tungkol sa pagiging
banal kung ayaw mong itulak kita. Umiyak ka lang diyan." Pabalang niyang tugon at
isinubsob ako sa dibdib niya.
_________________________________
Yeeiii, thank you so much for reading.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 10

Nette POV
"PASENSYA NA po talaga dahil kayo pa po ang naiyakan ko." Nakayuko ako habang
nakatingin sa mga daliri ko na may band aid na ngayon. Hindi ako makatingin sa
kanya dahil sa kabang nararamdaman ko. Sinasanay ko nalang ang sarili ko dahil tila
iyon na ang normal na tibok ng aking puso sa tuwing maglalandas ang aming daan.
May katagalan na rin ang huling pagkakataon na nagkita kami at akala ko'y iyon
na ang huli ngunit tila ito na naman si tadhana.
Sa kabilang banda ay may utang na loob ako at pera sa kanya kung kaya't sa ayaw
at sa gusto ko ay magsasalubong ang landas namin.
"Ayos lang kahit sinumang tao ang makita ko gan'on talaga ako kaya wag kang
mag-assume hindi porke't pinasandal kita sa malaki at macho kong dibdib ay gusto na
kita. No, ayoko masunog. Mahilig ako sa sex, kantutan gusto ko." Madaldal pa rin
siya.
Patawarin niyo po ang kanyang mga salita. Tahimik kong usal.
Hindi naman ako nag-aassume at ni minsan ay hindi iyon sasagi sa aking isipan
sapagkat ang tungkulin ang maglingkod sa Diyos hindi ang magkagusto o umibig sa
isang adan. Para sa akin ay sa simbahan ang itinakdang aking tahanan hanggang sa
ako ay mamatay.
"Bakit po kayo ganyan?"
"Bakit ano? Bakit ako gwapo? Wag mo na itanong dahil kahit ako hindi pa rin
alam ang solusyon sa mga problema ko dulot ng aking kagwapohan." Pagmamalaki niya
at iniliyad ang mga dibdib habang nakahalukipkip ang maskuladong mga braso.
Umiling ako. "Hindi po, bakit po kayo ganyan? Bakit po ang bastos ng bunganga
niyo?"
Ngumisi siya ngunit ang mga tingin ay iritado. "Nakakadami ka na talaga, isa pa
kukurotin ko na iyang utong mo sinasabi ko sa'yo."
Napayuko ako ngunit hindi na tulad ng dati na natatakot ako at nahahabag sa mga
bulgar niyang mga salita. Medyo nasasanay na ako dahil wala siyang mabuting nasabi
simula ng matapos akong umiyak at dalhin ako sa isang nurse at pinalagyan ng gamot
ang nasugatan kong daliri. Siguro'y iyon na talaga ang paraan ng kanyang
pagsasalita.
"Bakit po kayo nandoon sa hospital kanina?" Tanong ko ilang minuto matapos ang
pagbalot ng katahimikan.
"Ikaw bakit ang dami mong tanong? Ako ba nagtanong ako kung bakit ka umiiyak
kanina?"
Pilit akong ngumiti. "Bakit kayo po ganyan?"
"Ano na naman?" Nagsasalubong na ang kanyang mga kilay ngunit nakatingin pa rin
ako sa kanya.
Napakalaking bagay sa akin na may nasandalan ako kanina noong hindi ko na
napigilan ang emosyon ko. Pakiramdam ko kanina wala akong kakampi sinuman at ako na
ang pinakamadumi't masamang taong nabubuhay sa mundo.
Naninikip na naman ang aking dibdib.
"Bakit po kabaliktaran ng mga sinasabi niyo ang ikinikilos niyo? Marami na po
akong atraso sa inyo at alam ko po 'yon pero nagawa niyo pa rin po akong tulungan.
Madami na rin po ang kahihiyan na naibigay ko sa inyo at hanggang ngayon ay hindi
pa rin po ako nakakabayad sa dalawang milyong utang ko sa inyo." Nahihiya akong
napatingin sa milk tea at cake na nasa harapan ng mesa ko.
Dinala niya ako dito sa cafè na malapit sa hospital at walang sali salita
niyang iniorder para sa'kin ang mga ito.
"Tapos ngayon ay binilhan niyo pa ako ng pagkain kahit alam niyong pwede niyo
na akong iwan."

Tumaas ang kilay niya bago nagsalita. "Hindi 'yang libre


kung 'yan ang inaakala mo idadagdag ko 'yan sa utang mo. Two hundred fifty 'yan
kaya ang utang mo sa'kin ngayon ay two million two hundred fifty pesos."
Hindi ko alam ngunit dahil sa kanyang sinabi ay napangiti ako.
"Nais ko pong ipayo sa inyo na maghinay hinay kayo sa pagsasalita ng mga bastos
kung ayaw niyong makabuntis ng maaga."
"At bakit?"
"Sapagkat mga salita niyo pa lamang po ay maaari ng makabuntis." Sumama ang
kanyang tingin ngunit ilang sandali lamang ay ngumisi ito ng may kapilyohan.
"Sex, kantutan, dog style, torrid kiss, laplapan, chupaan, kainan at sakpukan."
Tuloy tuloy niyang tugon na ikinalaki ng aking mga mata. Bigla akong napatakip sa
aking magkabilang tenga, akala ko nasasanay na ako ngunit kapangahasan talaga ang
kanyang bibig.
Malakas siyang tumawa ang inilapit ang mukha sa tenga ko. "Utong, utong, utong,
utong, utong." Mariin kong kinagat ang aking mga labi at ang mga mata ngunit
naririnig ko pa rin siya.
"Tumigil na po kayo." Pakiusap ko.
"Hala lagot ka mabubuntis ka ngayon dahil sa mga sinabi ko. Sperm cells 'yon at
papunta na sa matres mo." Pananakot niya at patuloy pa rin sa pagsasalita na tila
hindi alintana ang aking reaksyon.
"Tama na po." Hindi pa rin ako dumidilat.
"Tama na po, ah, ah, oh, oh, faster harder, harder yes baby. Yeah, oh, oh."
Hindi ko na nakaya ang kanyang mga sinasabi at sa paraan ng kanyang pag-ungol ng
mga salita.
Kinapa ko ang rosary na ibinigay sa akin ni Sister Monica kanina, ito na lamang
ang alam kong paraan para matigil siya. Akmang magsasalita pa siya ay agad kong
ipinasok sa kanya bunganga ang hawak ko.
"Patawarin ka sana sa iyong kapangahasan, masamang espiritu layuan mo ang
kanyang katawan. Wag kang manira ng buhay ng iba, umalis ka sa kanyang katawan
maawa ka." Tugon ko habang tinatakpan ang kanyang bibig para hindi agad mailuwa ang
rosaryo. Wala akong dalang holy water kaya ito na lamang ang naisip ko.
Hinawakan niya ang aking kamay at inalis sa kanyang bibig. Hinihingal na
iniluwa niya ang laman ng kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang tumingin
sa'kin.
"Balak mo ba akong patayin?" Asik niya.
Umiling ako. "Hindi po ngunit kung hindi ko po ito gagawin ay ako po ang
mamamatay sa nerbyos sa inyong mga salita." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa inis
niyang mukha.
Ilang ulit kong narinig ang kanyang paghugot ng malalalim na hininga na tila
hinahabol. "Okay sana kung ang ipinakain mo sa'kin kay mani."
"Pasensya na po." Napaigtad ako dahil sa biglaan niyang pagtayo. Kinabahan ako
lalo dahil sa masama niyang tingin.
"Tara, sumama ka sa'kin."
Nanlaki ang mga mata ko. "Po? Saan po?" Nanginginig akong napaatras sa
kinauupuan ko.
Nagtatakang napataas ang kanyang kilay. "Anong reaksyon 'yan? Di kita type 'no
napakagwapo ko para sa tulad mo."
"Saan po tayo pupunta?" Umayos ako ng pagkakatayo at sumunod sa kanya sa
paglabas.
Pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na si Mr. Fifth na ngiting ngiti at
nahuhuli ko pang kumikindat sa mga babae. Gustong gusto niya ang nakukuhang
atensyon mula sa kababaihan.
"May naisip na akong paraan para mabayaran mo ako sa utang mong one million and
two hundred fifty pesos." Tugon niya habang kami'y naglalakad pabalik sa hospital.

"Totoo po? Paano?" Pinilit kong lakihan ang aking mga


hakbang upang makasabay sa kanyang paglalakad. Preskong presko siyang nakapamulsa
at tila namamasyal sa Luneta Park sa pagiging relax. Tila walang polusyon ang
hangin na nilalanghap.
"Basta, wag kang maraming tanong nawawala ako sa poise." Aniya at nagpatuloy sa
paglalakad na hindi ako pinapansin hanggang sa narating muli namin ang hospital.
Papasok na sana kami ngunit nakasalubong namin ang kanyang kapatid na si Mr.
Seven na naiiling sa kanya kuya.
"Kapag may appointment ako dito palagi kang sumasama pero palagi ka ring
nawawala, marami nga akong ginagawa palagi kuya." Nayayamot nitong tugon ngunit ng
mapatingin sa akin ay malugod itong ngumiti.
"Hello sa'yo Sister Nette." Magalang niyang tugon, gumanti ako ng yuko at
ngiti.
"Pagpalain ka nawa ng Diyos."
"Wag mo siyang simulan sa kababalan kung ayaw mong mawala ako sa mundo." Tugon
ni Mr. Fifth, ngumisi ang kanyang kapatid.
"Mauuna na ako dahil mukhang nakakita ka na naman ng target, ang gulo mo."
"Hindi mo ako pwedeng iwan dahil wala akong dalang sasakyan." Habol sa kanya ni
Mr. Fifth dahil ito ay naglakad na patungo sa parking lot.
"Hindi ka naman talaga makakapagdala dahil grounded ka, kinuha ni mommy lahat
ng susi ng sasakyan mo talagang tumakas ka lang." Tumatawa itong tumakbo patungo sa
sasakyan.
Napatili ako ng walang habas na hilahin ni Mr. Fifth ang aking braso at isinama
ako sa pagtakbo para habulin ang kanyang kapatid.
"Wag kang tatanga tanga wala tayong sasakyan pauwi." Anito.
"Pauwi? Bakit po ako kasama?" Bigla akong hindi napakali dahil naalala ko ang
aking Ate Tam, walang mag-aalaga sa kanya sapagkat malapit na ang oras ni Julio
para pumasok sa kanyang trabaho. Isa pa'y naiwan ko ang mga gamit ko sa hospital.
"Sasama ka sa'kin dahil magbabayad ka ng utang." Patuloy siya sa pagtakbo kaya
kahit ayaw ko ay napapasunod ako dahil ang higpit ng kanyang kapit sa aking braso.
"Ngunit wala pa po akong pambayad." Hinihingal kong sagot.
"Meron, ako bahala." Hanggang sa makatapat kami sa sasakyan ay syaka lamang
kami huminto, nakasandal si Mr. Seven sa sasakyang itim habang may ngising mapang-
asar.
"Iba din, holding hands while running." Kantyaw nito, napatingin sa'kin si Mr.
Fifth at tila napapasong binitawan ang braso ko.
"Hindi kami nagholding hands." Lumapit ito sa kapatid at napapikit ako dahil
binatukan niya ito. "Pinagod mo kami."
Binuksan niya ang huling pinto ng sasakyan at hinila na naman ako papasok. Wala
akong ibang magawa kundi ang magimbal sa kanya, hindi ako makapag-isip ng maayos
dahil sa bilis ng pangyayari.
Diyos ko, ano na naman po kaya ang aking kahahantungan sa oras na ito? Wag niyo
po akong pabayaan.
"Paano po ba ako makakabayad?" Hindi ako mapakali lalo't nagsimula ng umandar
ang sasakyan, ni wala akong oras na pansinin ang karangyaan nito dahil sa kaba.
Ano ang maaari kong ibayad sa kanya kung sa mga oras na ito ay wala akong pera
ni piso. Kung meron may ay hindi iyon aabot sa one thousand pesos na siyang
nakatago sa bag na naiwan ko sa hospital.
"Basta." Sumandal ito sa upuan at pumikit.
"Ngunit kailangan ko pong alagaan ang aking kapatid sapagkat wala siyang kasama
ngayon." Apila ko. Nag-aalala ako dahil baka mapa'no si Ate Tam.
"Lahat ng pasyente sa hospital na iyon ay tutok sa alaga kaya wala kang dapat
ipag-alala." Sagot niya.
Akmang sasagot pa sana ako at magbibigay ng aking rasom ngunit tinalikuran na
niya ang gawi ko. Wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga at ipagpasaDiyos ang
pag-aalaga kay Ate Tam.
Kailangan kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko sa kanya ngunit hindi ko iyon
magagawa hanggat hindi ako nakakapagbayad kay Mr. Fifth, sa ngayon ay dapat muna
akong sumunod dahil may utang ako.
Ngunit ipinapanalangin ko na sana hindi ang pagkatao o ang aking puri ang
kapalit ng lahat. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili.
Nakarating kami sa isang mataas na gusali. Hindi na bumaba si Mr. Seven dahil
patungo na raw ito sa kanyang hospital. Sumunod ako sa paglalakad ni Mr. Fifth
papasok dahil hindi ko nais na hilahin na naman niya ako.
Wala kaming imikan habang nasa loob ng elevator maging sa pagtapat sa isang
pinto. Labis labis ang aking kaba ngunit hindi ko iyon gustong ipahalata.
Kaming dalawa lang ang naririto kunh kaya't kahit ayokong pangunahan ang mga
pangyayari ay hindi ko mapigilan ang aking isipan. Natatakot ako sa kung maaari
niyang gawin sa'kin sa klase ng lugar na ito.
Mariin akong pumikit bago niya pa buksan ang pinto ngunit sa aking pagpikit ay
ibang imahe ang aking nakita. Bumalik sa aking balintataw ang tagpong nadatnan ko
noon ng kaniyang nobya.
Noong sinasakal niya ito at pinapalo sa pwetan. Napatili ako dahil doon, baka
gan'on rin ang aking sapitin. Wag naman po sana.
"Hoy, anong nangyayari sa'yo?" Tanong niya ngunit umiling ako, napaigtad ako ng
maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso. "Bakit ka pinagpapawisan at
nanlalamig?"
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya bago pinalis ang kanyang kamay
sa aking braso.
Salubong ang kilay na pinagmasdan niya ang aking reaksyon at ilang sandali pa'y
ngumisi ito ng pilyo. "Anong iniisip mo?"
"W-Wala po." Nag-iwas ako ng tingin ngunit pinigilan niya ang aking baba at
pinatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
"Anong iniisip mo?" Nandoon pa rin ang pilyong ngisi.
"W-Wala nga po."
"Sabihin mo sa'kin ang iniisip mo." Pilit niya.
"Si Lord po ang iniisip ko, ipinapanalangin ko po na hindi siya magsawang
gumabay sa akin at sa aking kapatid." Tugon ko. Ang ngisi niya ay napalitan ng
ngiwi syaka agad na binitawan ang aking baba.
"Bakit ko pa nga ba itinanong." Tuluyan kaming pumasok at ang kaba ko ay
napalitan ng pagkamangha dahil sa puno ng librong nagkalat sa buong lugar na
pinasukan namin.
"Linisin mo lahat ng ito at i-categorize mo ang genre ng bawat libro, may mga
label sa lalagyan kaya hindi ka malilito." Aniya. Binuksan niya ang mga makakapal
na kurtinang tumatakip sa malalaking bintanang yari sa salamin.
Pinagmasdan ko ang mga librong nagkalat at ang pagkamangha ko ay napalitan ng
nerbyos dahil sa mga pabalat ng mga ito. May mga aklat palang ganito? Susmaryusep.
"Oh, anong itinatayo tayo mo diyan simulan mo na para matapos mo." Tumingin ito
sa'kin samantalang ako ay ibinalik ang tingin sa mga libro.
Halos mga hubad na ang mga taong nasa pabalat at hindi ko pa naman nababasa ay
mayroon na akong ideya sa konteksto nito. Hindi ko nanaisin na mabasa ito, sinong
nasa tamang pag-iisip na nilalang ang magbabasa nito?
"Ang gaganda ng cover 'no? Pati laman niyan magaganda." Pumilot siya ng isang
libro at inilapit sa mukha ko. Napatili ako dahil sa hubad na babae at lalaki sa
larawan na ipinakita niya sa'kin.
"Susmaryusep, patawarin niyo po ang kapangahasan ng aking mga mata." Nausal ko,
ang aking puso ay halos lumabas na sa aking dibdib dahil sa nerbyos tungkol sa mga
bagay na ipinapamulat niya sa akin. Ayoko, napakamakasalanan.
"Ito pa." Panay tili ko dahil sa mga kamunduhan ng larawan. Mariin akong
pumikit upang maiwasang mapatingin doon ngunit makulit siya dahil lumapit siya
sa'kin habang malakas na tumatawa.
"Utong, utong, utong, utong, utong, utong, utong." Paulit ulit niyang tugon
hanggang sa maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo at hindi ko na namalayan ang
kaganapan sa aking paligid.

____________________________________
Salamat po sa pagbabasa. Keep on reading.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 11

Hi Kjens, I'm back. Hahaha gusto ko lang iannounce na may group page, group chat
and page kami.
Sa gustong makipagkulitan sa'kin at sa mga mambabasa ko you are very much
welcome na sumali sa mga nabanggit ko.
Wag kayong mahihiya mababait ang mga tao doon.
Kindly search the following in facebook if you are interested.
Group Page: Kuyajen Readers Group
Page: Kuyajen Stories
Kapag nakasali ka na sa dalawang 'yan we will add you in our group chat.
Thank you Kjens.
____________________________________
Nette POV

AKO'Y napangiwi nang maimulat ko ang aking mga mata dahil bumungad sa'kin ang
larawan sa kisame. Patawarin nawa ako't napunta ako sa ganitong lugar. Hindi ko
alam kung ito'y parusa o biyaya sa akin.
Naalala kong nawalan ako nang malay kung kaya't napatingin ako sa paligid.
Makalat pa rin at nandoon pa rin ang mga halos hubad na larawan na nagmumula sa
iba't ibang aklat. Ang ikinasasakit ng aking ulo ay ang wallpaper na nakalarawan sa
buong silid ay tulad rin ng mga larawang nasa libro.
Ako'y nagkakasala at sa ipinapangako kong kapag ako'y nakabalik sa kumbento ay
ang magkumpisal ang unang una kong gagawin. Nahahabag ako sa nakikita ng aking mga
mata. Tahimik ang paligid kung kaya't napagpasyahan ko na bumangon.
Nang makaupo sa kamang kinahihigaan ko na ay napatingin ako sa isang sulok at
doon nakita ko si Mr. Fifth, nakatagilid ito mula sa pwesto ko at abala sa pagtipa
sa kanyang laptop. Hindi ko ninais na lumikha ng ingay.
Pinagmasdan ko ang maskulado niyang katawan na madaling masilayan dahil sa suot
niyang itim na sando. Ang kanyang malalaking braso ay nakapirmi lamang sa maliit na
mesa ngunit ang mahahaba't malalaki niyang daliri ay hindi magkamayaw sa pagtipa.
Nasa tamang anggulo ang kanyang matangos na ilong, ang labi niyang mapupula't
bahagyang nakanganga gan'on rin ang kanyang tila charcoal sa itim na mahahabang mga
pilik mata.
Salubong ang kanyang makakapal na mga kilay na tila may sariling mundo. Ni
hindi nito inaalis ang tingin sa screen at patuloy sa ginagawa. Hindi ko namalayang
nakatulala na lamang ako dahil sa pagmamasid sa kanya.
Nakahihipnotismo ang awra niya ngayon dahil malayong malayo iyon sa maloko at
bastos kung magsalitang katauhan niya. Ngayon ay wala ni gatuldok na kapilyohan na
makikita sa kanyang mukha at tindig. Barakong barako ang kanyang pisikal na
katangian at maihahalintulad ito sa mga hubad na larawan na nagkalat at nakadikit
sa buong silid.
Natutop ko ang aking bibig at mariing napapikit dahil sa estrangherong takbo ng
aking pag-iisip. Napailing iling ako upang iwaksi ang mga makasalanang ideya na
pumapasok sa aking isipan.
"Alam ko na napakagwapo ko lalo kapag seryoso ako kaya hindi nakapagtataka na
nagkakaganyan ka." Dinig kong tugon niya na mas lalo kong ikinahiya. Kaming dalawa
lamang ang tao sa buong silid kaya't alam kong ako ang kanyang kausap. "Isa 'yon sa
mga sekreto ko actually ayaw na ayaw kong nakikita ng iba ang serious side ko kasi
hindi ko kayang panagutan kapag nabaliw sila lalo sa'kin." Aniya na bakas ang bilib
sa sarili.

Napapangiwi akong napabaling muli sa kanyang at parang sa


isang iglap lang ay naroon na ulit ang pilyong ngisi sa kanyang mga labi.
"Kanina ka pa natutulog diyan kapag hindi ka agad bumangon ngayon iisipin kong
gusto mong magsex tayo." At bumalik rin ang napakabastos niyang bibig.
Hindi ko lubos maisip kung paano ako masasanay at makakasurvive sa araw kapag
siya ang aking kasama. Sa makamundo niyang isipan at pananalita ay nauubos ang
aking lakas sapagkat hindi ako sanay sa lahat ng ito.
Nagmamadali akong bumangon at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Simulan mo nang ligpitin lahat ng kalat." Tugon niyang muli. Wala akong nagawa
kundi ang mapilitang pulutin ang mga larawan at aklat, bawat hawak ko sa mga iyon
pakiramdam ko ay napakadumi na ng aking pagkatao. Para akong matutunaw kapag
napapatingin ako sa mga larawan.
Para saan ba ang mga ito? Bakit napakaraming hubad na larawan ang kanyang
silid?
"Maaari ba akong magtanong Mr. Fifth?" Hindi ko mapigilang usal sapagkat
gumugulo iyon sa aking isipan.
"Gusto mong itanong kong type kita? No, hindi kita type masyado akong gwapo
para sa'yo." Hindi ko pinansin ang kanyang tugon. Siguro'y iyon na lamang ang dapat
kong gawin ang hindi pansinin ang kabastusan ng kanyang bibig at ang kanyang
kahambogan.
"Bakit ho kayo may mga ganitong klase ng larawan?" Inililihis ko ang aking
tingin sa mga larawang hindi kaya ng aking isipan, nakakahilo.
"Gan'on talaga kapag masyadong gwapo malakas din ang sex drive."
"Ngunit hindi ho ba kayo nasusuka sa mga kahubdan na ito?"
"Bakit naman ako masusuka ang sarap ngang titigan parang dessert." Tuwang tuwa
niyang sagot.
Hindi na dapat ako nagtanong dahil wala akong mapapalang magandang sagot.
Hindi ko alam kong paano ko kinayang tapusin lahat ng mga pagliligpit na
iniutos niya at laking tuwa ko dahil sa mga sandaling naglilinis ako ay hindi
naging mahaba ang aming pag-uusap dahil abala rin siya sa pagtutok sa kanyang
laptop. Gusto ko mang itanong kung ano ang kanyang ginagawa ay hindi ko na ginawa
sapagkat alam kong may kabastusan na namang lalabas sa kanyang bibig.
"Okay are you done?" Inilagay ko sa nakalaang bookshelf ang huling aklat na
pinulot ko.
"Opo tapos na po, nailagay ko na po ang mga aklat basi sa kanilang
pagkakakilanlan." Nakatayo ako ilang diba ang layo mula sa kinauupuan niya.
"Good come here and sitdown." Aniya, napatingin ako sa maliit na bakanteng
upuan na itinuro niya. Isang maliit na mesa lamang ang bagay na mayroon doon katabi
ang dalawang maliit na silya maliban sa mga bookshelf at kama.
Ngayong nalinis na ang paligid ay masasabing napakasimple niyon. Karaniwan
lamang ang dating maliban sa wallpaper nito.
"Wag kang matakot dumidila ako pero hindi ako nangangagat." Aniya at kumindat
pa. Ramdam ko ang pangingilabot ng buo kong katawan. Nagdadalawang isip pa akong
lumapit ngunit responsibilidad ko iyon upang makabayad sa aking mga utang sa kanya.
"Ano po 'yon?" Nanginginig akong umupo sa katapat niyang silya at dahil sa liit
niyon at sa laki niyang tao ay konti lamang ang ispasiyo sa aming dalawa.
"I will tell you my conditions about your dept." May ibinigay siyang papel
sa'kin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam kong hindi mo mababayaran ang two
million within a week or month kaya hindi ako magbibigay ng talaan para doon."
"Masyado po kasing mahirap humanap ng trabaho sa ngayon lalo't first year
college lang po ang natapos ko at kahit po siguro nakapagtapos ako at nagkaroon ng
magandang trabaho hindi ko po kikitain ang dalawang milyon kahit ilang taon akong
magtrabaho." Paliwanag ko dahil totoong wala akong maibabayad sa kanya. Ngayon ko
rin lang napagtanto ang labis nilang yaman dahil nakapagbigay siya ng dalawang
milyon sa mismong gabing iyon. At walang kwentang bagay pa ang kaniyang pinaglaanan
ng salaping iyon na para naman sa akin ay napakaimportante.

"Madali kang makakabayad sa'kin kung papayag ka sa


conditions ko." Itinuro niya ang papel na hawak ko kaya't pinagtuonan ko iyon ng
pansin.
Nakasaad doon na kung magagawa ko ang mga conditions niya ay bayad na ako sa
dalawang milyon.
"Napakalaki naman po ng dalawang milyon para lang sa kondisyon niyo." Apila ko.
Gusto kong makabayad ng utang ngunit napakalaking halaga naman niyon at sobra sobra
para sa kondisyonis niya lang.
"Hindi lang lang ang mga conditions na nakalagay. Basahin mo muna bago ka
magsalita dahil baka magsisi ka. Or I will explain it to you so you can understand
it deeply." Aniya.
Kinabahan ako ngunit walang patutunguhan ang aking kaba kung iyon ang palagi
kong paiiralin, mas kailangan ko ngayon ang pagiging positibo ko para magampanan
ang responsibilidad ko sa kapatid ko.
"Pakiexplain nalang po sa'kin para mas maintindihan ko ang nais niyo."
Tumango siya. "Wala akong balak mag-asawa."
Kumunot ang noo ko at napatingin sa seryoso niyang mukha. "Paki ko po?"
Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatahimik ako. "Patatapusin mo ako o
magbabayad ka ng dalawang milyon ngayon din?"
"Patatapusin po."
Masama pa rin ang kanyang tingin sa'kin kaya hindi na ako kumibo pa. "As I was
saying wala akong balak mag-asawa o umibig hindi ako naniniwala sa bagay na 'yon."
Babaero siya ngunit ayaw niyang mag-asawa? Bakit parang napakaimposible? Ngunit
wala akong karapatang manghusga dahil bawat tao ay may kanya kanyang paniniwala at
pinagdadaanan.
"But I want a child." Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatoon ang
kanyang mga tingin sa dibdib ko.
Mabilis ko iyong tinakpan dahil bahagyang tumabingi ang aking damit dahilan
para makita ang malaking parte ng dibdib ko. Nakita ko ang pagngisi niya ngunit
muling sumeryoso.
Susmaryosep! Mukhang hihimatayin na naman ako sa mga gawi niya.
"Ayokong tumanda na nag-iisa kaya gusto kong magkaanak at gusto kong ikaw ang
maging ina ng anak ko."
Halos mahulog ako sa silyang kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.
Maging ina ng anak ko?
Kulang ang salitang gulantang sa nararamdaman ko ngayon. Ngayon lamang ako
kinabahan sa tanang buhay ko na halos lumabas ang aking puso sa aking dibdib.
"But I know we can't have sex kaya hindi iyon involve sa kondisyon ko, ayokong
sirain ang pangarap mo." Hindi ako nakapagsalita, nakatulala lamang ako habang
pinapakinggan ang mga sinasabi niya. "Surrogate mother iyon ang gusto kong ioffer
sa'yo. Kapag pumayag ka magpapacheck up tayo kung compatible ang mga cells natin
pero kung hindi ay hahanap ako ng ibang cell but I want you to bear my child."
Napasign of a cross ako dahil sa nakakapanlumo niyang ideya. Hindi ko alam kung
sino sa aming dalawa ang wala na sa katinuan.
"B-Bakit po ako?" Kusang lumabas sa bibig ko.
"Sinubukan kong humanap ng ibang babae na pwedeng tanggapin ang offer ko pero
wala akong mahanap na pasok sa standard ko na gusto kong magsisilang sa anak ko."
"At ako po pasok ako? Paano po? Bakit ako?" Naguguluhan ako sa gusto niyang
mangyari.
"Kahit ganito naman kasi ako gusto ko pa rin namang maging matino ang magiging
ina ng anak ko at wala akong ibang makitang babaeng matino maliban sa'yo. Kapag
pumayag ko hindi naman agad agad ang process, you are too young to be a mother."

"Kailan po?"
"Kapag naging twenty ka na."
"Magnanineteen na po ako."
"Exactly, bibigyan kita ng isang taon para magprepare at isa pa ay hindi madali
ang process dahil kailangang siguraduhin munang malusog ka at kaya ng katawan mo."
Nakita ko ang pagngiti niya, ngiting walang halong kapilyohan iyong ngiti na ngayon
ko lang nakita sa kanya at hindi ko inaasahan. "Wala kang dapat iproblema tungkol
sa pera dahil bibigyan kita ng lahat ng kailangan mo at bayad ka na sa utang mo."
"Bakit tila po ay buo na ang pasya niyo Mr. Fifth? Ang dating po sa akin ng
pag-uusap na ito ay binibili niyo ako, mas malala pa nga po ito sa pagbabayad niyo
ng dalawang milyon sa bar. Gusto niyo pong magkaanak bakit po hindi nalang kayo
maghintay sa babaeng para sa inyo bata pa naman po kayo." Hindi ko mapigilang sabat
dahil hindi ko gusto ang offer niya. "At paanong hindi masisira ang pangarap ko
pong maging madre kung mag-aanak ako, malaking kasalanan pa rin po iyon."
"Pero hindi naman tayo magsesex, walang sexual intercourse na magaganap."
"Kahit na masyado pong malaking bagay sa'kin ang mga usapin tungkol sa
pagtatalik at pagkakaroon ng anak. Sagrado po ang bagay na iyon at hindi
teknolohiya ang dapat na gamitin para makabuo ng isang sanggol." Yumuko ako at
tumayo bago muling nagsalita. "Hindi ko po matatanggap ang alok niyo dahil hindi ko
po masisikmura na magdala ng sanggol na hindi bunga ng pagmamahalan ng mag-asawa.
Sana po ay respetohin niyo ang desisyon ko."
Tumango siya at ngumiti. "I understand, expected ko na hindi ka papayag
sinubukan ko lang dahil nagbabakasali ako. I respect your beliefs don't worry just
forget that I offered such thing."
Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano dahil marunong naman pala siyang
umintindi sa opinyon ng iba.
"Pasensya na rin po kayo dahil hindi ko po talaga kaya ang gusto niyo, gusto ko
pong makabayad ng utang kong dalawang milyon pati na rin ang utang na loob ngunit
labag po ito sa paniniwala ko."
"I understand." Ibinalik niya ang tingin sa papel na ibinigay niya sa akin
kanina. "You can leave now and please put it in the trashbin." At muli siyang
naging abala sa pagtipa sa kanyang laptop.
Tango na lamang ang naisagot ko bago kunin ang papel at naglakad palabas ng
silid. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko pero alam kong tama na
tumanggi ngunit may parte sa pagkatao ko na tila nagsasabing mali ako.
Hanggang sa makalabas ng building ay hindi ko pa rin binibitawan ang papel.
Malalim akong napabuntong hininga bago naupo sa upuang kahoy na nasa gilid ng daan
kung saan naghihintay ang mga tao ng sasakyan.
Nanghihina pa rin ako sa pagkabigla sa offer ni Mr. Fifth ngunit kung iisipin
para sa iba siguro'y iyon na ang pinakamadaling paraan upang makabayad sa malaking
pagkakautang sa kanya.
Ngunit labag iyon sa aking paniniwala't prinsipyo.
"Hindi nakapagtataka dahil lahat nang tungkol sa kanya ay palaging labag sa
aking paniniwala't prinsipyo." Naiiling na lamang ako.
Napatingin ako sa papel na hawak ko, bahagya iyong ililipad ng hangin sa'king
kamay. Muli ko iyong binasa at tulad ng sabi ni Mr. Fifth ay magiging surrogate
mother ako isang taon mula ngayon kung papayag ako.
Nakasaad din dito na maisasailalim ako sa kanyang pangangalaga sa loob ng isang
taon hanggang sa maisilang ko ang sanggol at kung susumahin ay higit kumulang
dalawang taon iyon.
Lahat ng pangangailan ko ay sasagutin niyang lahat at awtomatikong bayad na ako
sa dalawang milyong utang kapag pumayag ako. Napakalaking tulong ito sa'kin kung
nagkataon.
"Hindi na ako mamoroblema tungkol sa pang-araw araw na pangangailangan namin ni
Ate Tam, hindi ko na kailangang humanap ng matitirahan na malapit sa hospital at
hindi ko na kailangang pagpakamatay kakakayod para kumita ng dalawang milyo." Tugon
ko sa aking sariling habang tinitimbang kung ano ang mas lamang na dulot ng offer
ni Mr. Fifth kung ang negatibo o positibo.
"Pero kapalit n'on ay ang aking pangarap at prinsipyo at kung hindi ko naman
tatanggapin ay baka kahit matanda na ako ay may utang pa rin ako sa kanya."
Napatingala na lamang ako sa kalangitan dahil sa hirap ng sitwasyon na
kinasasadlakan ko ngayon.
Lord, kayo na po sana ang bahala sa akin. Gabayan niyo po sana ako sa magiging
mga pasya ko sa buhay.
Bumalik ako sa hospital matapos kong itapon ang papel na ibinigay ni Mr. Fifth,
desidido na ako sa aking pasya na hindi ko tatanggapin ang offer niya. Alam kong
marami pang paraan upang malutas ang aking mga problema na hindi maisusugal ang
aking mga prinsipyo. Hindi ko kayang isugal ang aking pangarap.
Kailangan ko lang magtiwala sa plano sa'kin ni Lord.
____________________________________
Thank you for reading Kjens.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 12

Nette POV

KAHIT MALAPIT nang dumilim ay pinilit ko pa ring makarating sa hospital. Hindi


mawala sa aking isipan ang kalagayan ni Ate Tam, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Papasok pa lamang ako ay nakita ko na si Julio na hindi magkandaugaga sa
paglagay ng bag sa kanyang braso habang papalabas ng lugar. Nagmamadali ko siyang
sinalubong. "Kumusta po si Ate Tam?"
Agad itong napabaling sa'kin af humawak aking braso. "Naku nandoon sa kanyang
silid at nagmumukmok na naman ang bruha, ikaw na muna ang bahala sa kanya dahil
malelate na ako sa trabaho ko. Pagpasensyahan mo muna hanggang sa makabalik ako,
kailangan ko ring kumuyod kundi pare-pareho tayong nganga." Mabilis ang kanyang
pagsasalita at bago pa man ako makasagot ay nakaalis na siya.
Nakatanaw na lamang ako sa kanyang likod hanggang sa tuluyan siyang mawala sa
aking paningin. Napabuntong hininga ako sa isiping kaming dalawa ni Ate Tam ang
maiiwan sa iisang silid. Nangangamba ako ngunit kailangan kong magtiis sapagkat
walang ibang aako ng responsibilidad na pangalagaan siya.
Nakayuko akong nagtungo sa kanyang silid. Napatitig ako sandali sa nakaradong
pinto bago kumatok ng tatlong beses at dahan dahang binuksan iyon. Natigilan ako
nang makapasok dahil hindi ko inaasahang magkakasalubong ang aming mga tingin.
Tumaas ang kanyang kilay at tila mga kutsilyong binabato sa'kin ang talim ng
kanyang tingin. "Anong ginagawa mo dito? Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa harap
ng pagmumukha mo na ayokong makita ka?" Asik niya.
Umasta akong walang narinig at walang naramdaman, ngumiti ako sa kanya at
tuluyang pumasok sa kabila ng pangamba. "Kumusta po ang nararamdaman niyo Ate Tam?"
"Bingi ka ba o tanga? Hindi mo naiintindihan ang mga sinabi ko? Kailangan ko pa
bang sabihin lahat mula sa simula para lang hindi ka na magpakita sa'kin?" Unti
unting tumataas ang kanyang boses at tila ako namamanhid sa sakit ng loob dahil sa
harap harapan niyang pagtataboy sa'kin.
"Kakausapin ko po ang doktor kung kailangan po pwedeng isagawa ang operasyon
niyo." Tugon ko. Kinuha ko ang bag na naiwan ko kanina, nakapatong iyon sa sopa na
nasa kabilang bahagi ng kamang kanyang kinahihigaan. "May mga bago pong damit dito
na binili ko para may magamit kayo sa araw araw." Napaigtad ako dahil sa biglaan
niyang pagsigaw.
"Lumayas ka dito at kahit kailan ayokong makikita ang pagmumukha mo." Hindi ko
man gusto ngunit napaluha ako na agad kong pinahid. Nakatalikod ako sa gawi niya
pero tagusan ang pagpaparamdam niyang pandidiri sa'kin.
"P-Pero wala pong magbabantay sa inyo." Nakangiti akong humarap sa kanya habang
ang aking mga palad ay mariin kong pinagsiklop sa aking likuran upang pigilan ang
aking emosyon.
"Wala akong pakialam. Mas nanaisin ko pa na mag-isa kaysa makita ang pagmumukha
mo. Ayokong makita ang taong kinasusuklaman ko. Kaya umalis ka na bago pa magdilim
ang paningin ko." Kuyom ang kanyang kamao at nataranta ako sa labis na pag-aalala
dahil dumudugo na iyon. Ang Iv na nakaturok sa kanya ay natanggal na.
"A-Ate Tam 'yong kamay niyo po dumudugo. Tatawag po ako ng nurse para ayusin."
Tugon ko.
Padarag niyang tinanggal lahat ng nakaturok sa kanyang kamay ako halos mapatili
ako sa pangamba na mapano siya. "Ito lang naman ang rason diba kaya ka nagpupunta
dito? Dahil gusto mong magpagamot ako, sinisiguro mo para mabawasan ang konsensya
mo?" Itinapon niya lahat ng mga gamot na nakapatong sa maliit na kabinet sa tama ng
kanyang higaan.
Hindi ko na napigilan ang aking pagluha dahil sa sakit ng dibdib ko sa inaakto
niya. Sa akin lamang siya nagkakaganito dahil kapag ibang tao o hindi kaya si Julio
ay nagagawa niyang ngumiti at makisima nang mabuti. Ngunit kapag ako na ay puro
suklam at galit ang meron siya.

"Para mabawasan ang kasalanan ng nanay mong pokpok? Hindi


ba?" Mataas ang kanyang boses at hindi alintana ang dumudugo niyang kamay.
Napayuko ako habang patuloy sa pagdasa ang aking mga luha. "P-Patawarin niyo po
ako, I'm sorry." Usal ko.
"Patawad? Sorry? Punyeta. Iyon lang ang matatanggap ko matapos sirain ng pokpok
mong nanay ang pamilya namin. Matapos niyang akitin ang tatay ko at maging kabit."
Hindi masusukat ang galit na nakapaloob sa bawat mga sakita niya at masakit
sa'kin dahil wala akong magawa. Paulit ulit niyang isinusumbat ang naging
pagkakamali ng mga magulang namin na matagal na panahon nang nangyari. At hanggang
ngayon ay hindi niya pa rin magawang magpatawad.
Mariin kong nakagat ang aking mga labi nang hilahin niya ang aking buhok. Mas
lalo akong napaluha ngunit hindi ako nagreklamo. Wala akong karapatang magreklamo
dahil wala ito sa kalingkingan ng mga naging kasalanan ni inay sa kanila.
"Patawarin mo ako Ate Tam." Wala akong ibang mausal kundi iyon.
"Kahit kailan ay hinding hindi kita mapapatawad pati na ang ina mong pokpok."
Naghehestirical na siya habang hila hila pa rin ang buhok ko. "Wag ka nang
magpapakita sa'kin." Kinaladkad niya ako palabas ng kanyang silid. Napapatili ako
sa sakit dahil pakiramdam ko pati ang aking anit ay pinupunit kasabay ng sakit sa
aking kalooban.
"P-Pero ate kailangan niyo pong magpagamot." Humihikbing pilit kong tugon.
Pagkarating sa labas ay itinulak niya ako dahilan upang sumubsob ako sa semento
dahil sa kawalan ng balanse. Pinilit kong tumayo at yumakap sa kanya ngunit muli
niya akong itinulak.
"A-Ate."
"Wala akong kapatid, wala akong kapatid." Sigaw niya habang kuyom ang mga
kamao.
Gumapang ako papalapit sa kanya. Kahit anong sakit ay kaya kong tiisin
mapatawad niya lamang ako. Ito na lamang ang tanging bagay na makakabawas sa mga
kasalanan ng inay sa kanilang pamilya. At ayokong biguin ang aking inay, isa pa'y
gusto kong isalba si Ate Tam sa pagbalot ng galit sa kanyang puso.
"L-Luluhod po ulit ako sa harap mo upang humingi ng kapatawaran." Halos hindi
na madinig ang aking mga salita dahil sa pamamaos ng aking boses dahil sa labis na
pagluha.
"Kahit mamatay ka hinding hindi ko kayo mapapatawad." Pumailanlang sa buong
hallway ang kalabog ng pintuan dahil sa malakas niyang pagsara niyon matapos
bumalik sa kanyang silid.
Nanghihina akong napaupo sa malamig na sahig habang ilang ulit na pinupunasan
ang aking mga luha na hindi matigil sa pag-agos. Kahit anong pilit kong
pagpapakalma sa sarili ay hindi ko magawa.
Sinapo ko ang aking mukha at muling hinayaan ang sarili na humagulgol. Alam
kong matapos nito ay makakaya ko ring bumangon dahil hindi ito ang unang beses na
nasadlak ako sa ganitong sitwasyon. Sa bawat pagkikita namin ay ganito ang inaabot
ko at kung minsan ay mas malala ngunit hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa
kanya.
"Ayos lang po ba kayo miss?" Tumingala ako sa nurse na nagtanong. Ngumiti
lamang ako at tumango. Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya't kinumbinse ko ang
aking sarili na tumayo.
Kung magpupumilit akong bumalik sa silid ay alam kong hindi maganda ang
magiging resulta kung kaya't nagpasya na lamang ako na lumabas muna sa hospital at
magpahangin sa labas.
Tuluyan nang kinain ng dilim ang buong paligid. May sementong pasilyo sa gilid
ng entrance ng gusali at doon ako tumayo bago tumingala sa kalangitan.
Napakaraming bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan at ito ang nagbibigay
ng liwanag kasama ang bilog na buwan. Patuloy sa pagpatak ang aking mga luha, ang
sakit sakit ng dibdib ko ngunit wala akong mapagsabihan. Nasanay akong sinasarili
lahat ng dalahin ko sa buhay, wala akong ibang kakampi kundi ang Diyos at ang mga
tao sa kumbento at ngayon na umalis na ako doon ay tanging ang Panginoon na lamang
ang aking masasandalan.

"Nay, tay, tulungan niyo po sana ako na kumbinsehin si Ate


Tam na magpagamot. Kahit hindi na niya po ako mapatawad basta't naisin niya lang na
mabuhay ay mapapanatag na po ako." Bulong ko habang nakatitig sa isang
napakaliwanag na bituin na kumikislap sa malayong parte ng langit.
"Maaga niyo na po akong iniwan at ayoko pong iwan din ako ni Ate Tam hindi ko
na po kakayanin." Niyakap ko ang aking sarili dahil sa pag-ihip ng malamig na
hangin.
Tanging si Ate Tam na lamang ang aking pamilya kaya't kahit ako'y kinamumuhian
niya ang nagsisikap pa rin akong mapalapit sa kanya dahil naniniwala akong darating
ang araw na mahahanap niya sa parte ng kanyang puso ang pagpapatawad.

"BAKIT GANYAN ang ayos mong bata ka? Hindi ba't iyan rin ang suot mo simula
nang umalis ka kahapon dito?" Nag-aalalang agad na lumapit sa'kin si Sister Monica
nang makita niya akong nakaupo sa isa sa mga upuan sa loob ng simbahan.
"Ayos lang po ako sister." Tugon ko at ngumiti.
"Alam kong hindi ka maayos kaya halika't maligo at maghahanda ako ng iyong
makakain." Inalalayan niya ako sa pagtayo at agad na dinala sa likod ng kumbento
kung nasaan ang mga silid.
Habang hawak niya ang aking kamay akay akay patungo sa kanyang silid ay unti
unting gumaan ang aking kalooban dahil alam kong anuman ang mangyari ay narito
palagi siya para sa'kin tulad ng isang ina. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng
aking mga luha na agad ko ring pinunasan.
Natulog ako sa isa sa mga silya sa lobby ng hospital at doon na ako nagpalipas
ng umaga. Sinubukan kong bumalik sa silid ni Ate Tam ngunit nakalock iyon.
Nagtanong ako sa nurse na nag-aalaga sa kanya kung anong lagay niya at napanatag
lamang ako noong sinabi niyang ginamot na niya ang nasugatang kamay ni Ate Tam at
ayos na ang lagay nito.
At pagkasikat na pagkasikat ng araw ay agad akong nagtungo dito sa simbahan.
Walang ako ligo at kain dahil ang mga gamit ko naiwan sa silid ni ate. Tanging
ilang barya sa bulsa ko ang natira na ginamit ko pamasahe.
"Ngayon ay magkwento ka." Bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Napapangiti ako dahil napakasarap sa pakiramdam na may taong nag-aalala sa iyo.
Hanggang sa matapos akong makapaglinis ng aking katawan at makakain ay hindi
niya ako tinantanan sa kanyang mga tanong. Mabuti na ang aking pakiramdam at handa
na ulit akong lumaban sa panibagong pagsubok ng aking buhay.
"Ayokong nasesekreto ka sa akin at kahit na pansamantala kang umalis dito ay
nasa ilalim ka pa rin ng pangangalaga ko." Seryosong tugon niya at pinisil ang
aking mga palad.
Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya, ginagap ko ang kamay niya at
mahigpit iyong hinawakan. "Ayos lang po talaga ako kaya po wala po kayong dapat
ipag-alala."
"Alam kong may hindi magandang nangyari sa pagitan ninyo ng iyong kapatid dahil
sa mga kalmot mo sa mukha ngunit hindi kita pipiliting magkwento kung ayaw mo. Ang
hiling ko lamang ay wag mong gawing panangga ang iyong sarili sa kasalanang hindi
ikaw ang may gawa." Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Kilalang kilala niya ako
kapag hindi ko nais na magkwento dahil simula nang pumasok ako dito sa kumbento ay
siya na ang tumayong ama at ina sa akin.
Binalot kami ng panandaliang katahimikan bago ako kumalas at tumitig sa kanya.
"Sister kung kayo po ang tatanungin ayos lang po ba sa inyo na maging surrogate
mother ako?" Pagkuay tanong ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking
isipan ang offer ni Mr. Fifth.
"Surrogate mother? Abay iyon ba iyong pagdadalang tao ng isang babae na hindi
dumadaan sa pagtatalik?" Walang bakas ng kahit anong pagkabigla sa kanyang mukha
sapagkat bukas si Sister Monica sa ganitong mga usapin.
"Opo, may nag-aalok po kasi sa akin na maging isang surrogate mother."
"Hindi ko alam ang eksaktong proseso sa ganyang bagay ngunit kung si father ang
ating tatanungin ay alam nating labag iyon sa kanyang paniniwala dahil ang sanggol
ay hindi dapat mabuo dahil lamang sa teknolohiya." Paliwanag niya na buong atensyon
kong pinakinggan.
"Ngunit ang iyong pasya ay hindi dapat bumase sa opinyon ng iba sapagkat ikaw
lamang ang makakasagot niyan, ikaw ang gagawa ng desisyon kung kaya't sarili mo
dapat ang iyong tanungin." Hinaplos niya ang aking mukha at inayos ang aking buhok.
"Kung pwede namang daanan sa natural na paraan bakit kailangang isalalay pa sa
teknolohiya." Pagbibiro niya na ikinainit ng aking mga pisngi.
"Sister naman ang pagtatalik ay para lamang sa mag-asawa." Apila ko sa kanyang
biro.
Tumawa siya at hinalikan ako sa noo. "Binibiro lamang kita iha dahil gusto kong
ngumiti ka at kahit papaano ay gumaan ang bigat ng iyong kalooban. Abay napakabata
mo pa ngunit tila dala mo na ang lahat ng problema sa mundo."
Mas lalong akong napangiti. "Paano po kung magpasya akong tanggapin ang ganoong
alok dahil sa magandang benipisyong aking makukuha?"
"Iha ang pagpasya ay hindi dapat tumitingin sa benipisyong makukuha kundi sa
kung ano ang tama para sa mata ng Diyos at sa mga taong maaaring maapektuhan nito."
Napatango ako bilang pagsang-ayon. Muli akong yumakap sa kanya ng mahigpit. "Pero
sa huli ay sarili mo dapat ang iyong pakinggan."
Hindi ko tatanggapin ang alok ni Mr. Fifth at iyon ang pasya ko.
Pinag-isipan kong mabuti iyon sa loob ng isang araw at pinakinggan ko ang aking
sarili may konting pagpayag ngunit mas lamang ang pagtutol kung kaya't hindi ko
iyon pinakinggan. Hindi ko isusugal ang aking pangarap, prinsipyo at paniniwala.
Iyong araw ding iyon ay nagsimula akong maghanap ng mapapasukan upang kumita ng
pera. Hindi ako pwedeng tumunganga dahil lahat sa hospital ay dapat bayaran.
Kwarto, gamot at pagkain. Hindi man gusto ni Ate Tam na magpaopera sa ngayon ay
nababalitaan ko pa rin kay Julio na umiinom ito ng gamot.
"Kayang kaya ko 'to para sa paggaling ni Ate Tam." Bulong ko sa aking sarili
habang naglalakad sa nakainit na kalsada dahil sa tirik na tirik na sikat ng araw.
Gabayan niyo po ako Lord. Ang plano niyo po para sa'kin ay siyang plano ko rin
po para sa sarili ko at kay Ate Tam.

____________________________________

Thank you for reading Kjens.


Please follow my instagram account for more update.
Hope Castillana @kuyajenwp
Join our group page Kuyajen Readers Group and like our page Kuyajen Stories.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 13

Happy April fools day Kjens. Ipagdiwang na'tin ang kaarawan


ng mga taong nalako at ginawang tanga. Hahaha samantalang 'yong mga inborn na
manloloko at mapanakit wag na kayong magdiwang dahil nakakapanggigil mga mukha
niyo.
Let's welcome April with love and positivity. Pray and be safe all the time.
"All the time God is good, God is good all the time."
____________________________________
Nette POV
NANGHIHINA ako sa paghahanap ng trabaho dahil lahat ng pinagtanungan ko hindi
tumatanggap. Napahirap pala ang humanap ng trabaho kapag hindi ka nakapagtapos ng
pag-aaral, laging diploma sa kolehiyo ang kanilang hanap at dahil wala akong
maipakita ay hindi ako natatanggap. Nakakapagod ngunit hindi ako dapat sumuko dahil
para ito sa amin ng ate.
Malapit na ang pagtatapos ng hapon ay wala pa rin akong napapasukan, wala akong
kain dahil ubos na ang baryang nasa aking bulsa at naglalakad lamang ako dahil wala
rin akong pambayad sa kahit anong sasakyan.
Ngayon alam ko na kung bakit tutol si Sister Monica sa aking pag-alis sa
kumbento dahil lagi niyang sinasabi sa akin na napakahirap ng buhay sa labas at
napakahirap makasurvive sa totoong hamon ng buhay.
Napatigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng pamilyar na bulto ng isang
lalaki. Nasa isang restaurant ito na kita ang loob dahil sa salaming dingding nito.
Nakatulala lamang ako sa lalaking may kasamang babae at masayang nakikipag-usap
doon. Kumakain sila habang magkadikit na magkadikit na parang wala ng espasyo at
ang kanyang kamay ay nakahaplos sa lantad na bewang ng kanyang kasama.
Napadako ang aking tingin sa babaeng kanyang kasama at mapait na napangiti
dahil alam kong ang totoo ay ganitong mga babae ang tipo niya iyong kaunting tela
lamang ang tumatakip sa mga maseselang bahagi ng katawan. Iyong lantad na lantad
ang dibdib na halos ang umbok lamang nito ang tinatakpan.
Si Mr. Fifth.
Paano siya makakahanap ng babaeng karapat dapat na magsilang ng kanyang anak
kung ganito ang kanyang gawi.
"Wala ka namang karapatang manghusga ng tao." Tugon ko sa aking sarili,
ipinilig ko ang aking ulo at muling nagsimula sa paglalakad. Tapos na itong araw
para sa paghahanap ko ng trabaho kaya't pabalik na ako sa hospital. Kakamustahin ko
ang lagay ni Ate Tam at susubukan ko ulit na pilitin siyang magpaopera.
Gabi na nang makarating ako sa hospital at hindi pa man ako nakakapasok sa
silid ni Ate Tam ay sinalubong na ako ni Julio. Hinila niya ako patungo sa harden
ng lugar at pinaupo sa isa sa mga kahoy na upuan doon.
"Naku Nette may masama akong balita." May pangamba sa kanyang mga mata kaya
agad na nabuhay ang aking kaba.
"Ha? Ano pong nangyari kay Ate Tam, kumusta siya?" Halos hindi ako mapirme sa
kinauupuan ko.
Pinigilan niya ako sa braso nang akma akong tatakbo papasok. "Hindi ito tungkol
sa Ate Tam mo well parang pero hindi iyon ang talagang punto ng problema." Ramdam
ko ang pamamawis ng kanyang mga palad.
"Eh, ano po?"
Kahit na hindi iyon tungkol kay Ate Tam ay hindi pa rin nawala ang aking kaba
dahil sa reaksyon ng kanyang mukha. Nag-iwas siya ng tingin at binitawan ako. "K-
Kasi, kasi yong pera na pampaopera ni Tam hindi ba't inilagay muna natin sa bangko
upang maging handa sa araw na papayag siyang magpaopera?"

"Opo, hanggat hindi po siya pumapayag na magpaopera ay


hindi natin gagalawin ang perang iyon. Kakayod po ako para sa ibang gastusin
basta't hindi iyon magalaw. Mas mahalaga po ang nakahandang pera para sa kanya."
Tugon ko.
Naluluha siyang muling tumingin sa'kin. "Tumawag sa'kin kanina ang bangko para
ibalitang nabankrupt sila at humaharap ngayon sa malaking kaso dahil sa pagtalbog
ng mga cheke."
"A-Ano po?" Nanginginig akong napaupo dahil sa panghihina. Nasapo ko ang aking
mukha at napasabunot sa aking buhok dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"I'm sorry Nette, pasensya na talaga hindi ko sinasadyang magkaganito."
Napaluha ako sa sobrang panghihina.
"Ano na po ang gagawin ko ngayon? Maghuhubad na naman po ba ulit ako at
magsasayaw sa harap ng mga kalalakihan para magkapera?" Napahagulgol ako dahil sa
labis labis na problemang aming kinakaharap ngayon.
Diyos ko, tulungan niyo po kami.
Niyakap niya ako ng mahigpit kaya mas lalo akong napaiyak. Nakakapanlumong
isipin na ang perang halos katawan ko ang naging kapalit ay naglaho lamang na
parang bula. Ni hindi ko iyon pinagalaw dahil hinihintay ko ang pagpayag ni Ate Tam
na magpaopera at kapag dumating ang pagkakataon na 'yon ay may nakahanda kaming
pera.
Pero ngayon wala na, wala na lahat. Wala akong mapasukang trabaho, walang
pangkain at walang matutulugan. Hindi ko na alam, hindi ko na alam.
"Hindi ko na po alam ang dapat na gawin. Wala na akong ibang paraan para kumita
ulit ng gan'on kalaking pera." Napapaluha ako kapag naiisip kung paano ulit lilikom
ng dalawang milyon sa lalong madaling panahon hindi pa kasama ang ibang mga
gastusin.
"Hahanap tayo ng ibang paraan. Matatapos din ang problemang ito." Aniya.
Humiwalay ako sa pagkakayap sa kanya at pinunasan ang aking mga luha. Alam kong
namamaga na ang aking mga mata ngunit hindi ko iyon alintana.
"Kayo po muna ang bahala kay Ate Tam, ako na po ang gagawa ng paraan basta't
siguraduhin niyo pong maayos ang kanyang kalagayan. Kahit man lang po uminom siya
ng kanyang mga gamot sa tamang oras." Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at
nagmamadali akong umalis.
Tumakbo ako ng tumakbo kahit na nanghihina at nangangatog ang aking mga tuhod
ngunit kailangan kong magtiis. Pinipilit kong hindi pumatak ang aking mga luha.
Hapong hapo na ako dahil sa hingal ng pagtakbo pero hindi ako tumigil, hindi dapat
ako tumigil.
Ipinagdadasal ko lamang na sana nandoon pa siya, sana hindi pa siya nakakaalis
dahil wala na akong ibang malalapitan kundi siya. Hindi ko alam kung gaano kalayo
ang aking natakbo ngunit nagpatuloy ako hanggang sa marating ko ang lugar.
Napahawak ako sa aking mga tuhod dahil sa hingal, naninikip ang dibdib ko dahil sa
kakulangan sa hangin. Huminga ako nang huminga.
Nagpalinga linga ako sa paligid upang hanapin siya ngunit wala akong nakita.
Wala na sila sa kanilang kinauupuan kanina.
Kayo na po ang bahala sa'kin Lord. Usal ko.
"Ito po ba ang plano niyo para sa akin?" Naitanong ko sa sobrang panlulumo.
Nanghihina ako dahil hindi biro sa'kin ang mga pangyayari sa araw na 'to. Pinunasan
ko ang aking mga luha't pawis. Bagsak ang mga balikat na naglakad ako paalis. "Kayo
nalang po Lord ang pag-asa ko upang malutas ang aking mga problema."
"Anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pamilyar na
boses. Agad akong lumingon at halos mapatalon ako sa tuwa nang makita si Mr. Fifth
na nakasandal sa kanyang sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan hindi kalayuan sa
aking nilalakaran.

Naiiyak akong napatakbo palapit sa kanya at sa aking galak


ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. "Maraming salamat po at nandito kayo." Wika
ko.
Naramdaman ko ang paggante niya ng yakap at paghaplos niya sa aking buhok.
"Anong problema?"
"Tulungan niyo po ako, kailangan ko po kayo." Nasambit ko. Rinig ko ang bahagya
niyang pagtawa lalo't rinig na rinig ko iyon dahil ang aking tenga ay nakasandig
malapit sa kanyang leeg.
"Amoy araw ka kaya bago natin pag-usapan 'yang tulong na gusto mo maglinis ka
muna ng katawan." At giniya niya ako papasok sa kanya sasakyan. Siguro'y sa labis
na pagod ay wala akong naging pagtutol at wala akong ibang naramdaman kundi ang
kaginhawaan na sa wakas ay maaari niya akong matulungan sa aking problema.
Pagkasandig ko sa upuan ng kanyang sasakyan ay agad akong nakatulog. Pagod na
pagod ako. Nagising lamang ako ng maramdaman ko ang pagtapik sa aking pisngi.
"Nandito na tayo, sa loob ka na matulog." Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya
mabilis akong nakababa. Madilim na ang buong paligid kaya hindi ko gaanong nakita
kung nasaan kaming lugar. Wala akong pangamba sapagkat tila nakikisama si Mr. Fifth
sa aking nararamdaman ngayon.
Pumasok kami sa malaking bahay, hindi ito ang mansyon ng kanilang pamilya at
hindi rin ang silid na pinuntahan namin kahapon. Siguro'y sarili niya itong bahay.
Hindi na ako nagtaka sa pagiging magara ng lahat dahil alam ko kung gaano sila
kayaman o higit pa sa aking inaakala.
Nakasunod lamang ako sa kaniya habang papasok kami sa kabahayan. Ang kanyang
suot ay tila pambahay lamang ngunit napakabagay sa kanya niyon. Para sa akin ay
marunong siyang magdali ng damit na kanyang isinusuot hindi tulad ko na kahit pang-
alis ay nagmumukha akong nakapambahay.
"Manang paki linis po siya." Tugon niya sa matandang lumabas mula sa kung saan.
Tumingin ito sa akin na nakangiti kaya nahihiya man ay gumanti rin ako ng ngiti.
"Abay napakaganda naman ng batang ire, halika't lilinisan kita para mas lalo
kang gumanda." Wala akong nagawa kundi ang sumunod habang nililingon ko si Mr.
Fifth na paakyat sa pangalawang palapag ng kanyang bahay.
Dahil sa kawalan ng ganang gumalaw ay hinayaan ko si Manang sa kung ano ang
gagawin niya. Wala akong ibang gusto gawin ngayon kundi ang magpahinga upang
pansamantalang makalimot sa aking mga problema.
Pagkatapos na linisin at pagsuotin ng panibagong mga damit ay pinakain niya din
ako na hindi ko tinanggihan dahil gutom na gutom na rin talaga ako.
Nagbabakasakaling kapag kumain ako ay babalik ang aking lakas. Isa pa'y kailangan
kong alagaan ang aking sarili dahil hindi ako maaaring magkasakit.
"Ayos ka na ba?" Natigil ako sa pagmamasid sa paligid dahil sa paglapit ni Mr.
Fifth, nandito kami ngayon sa sala. Umayos ako ng upo at tumango.
"Maraming salamat po Mr. Fifth at pasensya na rin po sa abala." Yumuko ako
dahil ngayon ramdam ko na ang hiya dahil kaharap ko na siya.
"Wala akong panahon sa pagiging mahiyaan mo at mga pasensya pasensya na iyan
kaya wag kang yumuko." Aniya. Nagtaas ako ng tingin at sinalubong ang kanyang mga
mata. "Alam mo naman ang kapalit sa paglapit mo sa'kin diba? Do I need to
elaborate?"
Umiling ako. "Hindi na po kailangan dahil alam ko po kung bakit ako lumapit sa
inyo pati na rin po ang mga kapalit n'on."
"So tinatanggap mo ang offer ko?" Tumaas ang kanyang kilay habang nakangisi.

"Opo ngunit kahit po alam kong malaki ang aking makukuha sa


offer niyo gan'on rin naman po kayo ay gusto ko pong sumang-ayon din kayo sa mga
kondisyon ko." Kahit na nangingig ang mga kamay at tuhod ay pilit kong tinatapangan
ang aking mukha. Hindi ito ang oras upang maging mahina ako at maging kaawa awa.
Dapat kong panindigan lagat ng lumabas sa aking bibig.
"Sure, I'll listen." Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at pinagsiklop ang mga
palad, kitang kita ng aking mga mata ang mahahaba't malilinis niyang mga daliri,
kita rin ang mga ugat sa likod ng kanyang palad pataas sa kanyang braso.
Humugot ako ng malalim na hingi bago muling nagsalita. "Sa kasamaang palad po
ay nabankrupt ang bangko kung saan namin ideniposito ang pera na ibinayad niyo po
sa'min na naging utang ko." Simula ko na ikinatango niya.
"Okay, I'll sue them ."
Napalunok ako. "Wala pong kasiguraduhan na maibabalik ng bangko ang perang iyon
kaya po gusto ko pong humiling na kapag dumating ang araw na pumayag ang kapatid ko
sa operasyon niya ay kayo po ang agad na sasagot sa gastos." Mariin kong kinagat
ang aking mga labi at mariing napapikit dahil alam kong mali ang mga salitang
lumalabas sa aking bibig. Hindi ako ito ngunit kailangan kong sikmuraan para sa
kapakanan ng aking Ate Tam.
"Sure." Nanlaki ang mga mata ko at manghang napatingin sa kanya dahil sa agaran
niyang sagot. "Hindi lang ako saksakan ng kagwapohan mayaman din ako kaya kung pera
ang usapan ay wala kang dapat ipag-alala."
Napakurap kurap ako at napangiwi dahil para sa'kin ang aking ginagawa ay gawain
ng mga taong mapagsamantala ngunit para sa kanya ay wala lang iyon. "Tulad din po
ng kondisyon niyo ay kayo po ang sasagot sa lahat ng kailangan---"
"Alam ko na 'yon basta tungkol sa pera don't hesitate to ask me. So wala ka na
bang ibang kondisyon na hindi konektado sa pera?" Pagpuputol niya sa aking mga
sinasabi. Napasimangot ako dahil sa kanyang inasta. Hindi tama ang pumutol ng mga
sinasabi ng taong nagsasalita.
Biglang pumasok sa aking isipan ang nakita ko kanina sa restaurant. "Isa pa po,
hanggat po gusto niyong ako ang magdadala ng magiging anak niyo ay bawal po kayong
mambabae."
Siya naman ang nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala ang mga tingin sa
akin. "Langya, paano ang sex life ko sasagutin mo ba?"
Agad na nag-init ang magkabila kong mga pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi lang po surrogate mother ang gagampanan ko kundi pagiging mabuting ina
hanggat hindi pa po lumalabas ang sanggol sa aking sinapupunan." Tinaasan niya ako
ng kilay ngunit ipinagsawalang bahala ko 'yon. "At parte po iyon ng pagiging
mabuting ina na hindi hayaan ang ama ng bata na makipagtalik sa kung kani-kanino,
kung kayo po gusto niyo ang karapat dapat na ina na magdadala ng sanggol ay gusto
ko rin po ng karapat dapat na ama para sa kanya." Pareho kaming natigilan sa mga
sinabi ko ngunit ilang sandali lamang ay tumango tango siya na tila sang-ayon.
"Susundin ko 'yon kapag nakapagpacheck up na tayo at naging kompatible ang mga
cells natin." Aniya na seryosong tumingin sa'kin. "We will do the test as soon as
possible pero tulad ng napag-usapan kahapon ay hindi pa ngayon ang pagpaplant ng
cells sa uterus mo." Tumango ako. Ilang sandali lang ay napasimangot siya at
napahilamos sa kanyang mukha. "Pero hindi ko talaga kaya na walang sex life, parte
na iyon ng buhay ko." Bumalik na naman ang pilyo niyang mga ngisi na ikinakaba ko.
"Pero may ibang paraan  naman."
Napalunok ako dahil sa kaba. "Ano po 'yon?"
"Kaya ko ang walang sex life basta may papisil lang diyan kahit konti, kahit sa
utong lang o sa pwet." At humalakhak siya, mabilis kong tinakpan ang aking mga
tenga ngunit dinig ko pa rin ang kanyang mga sinasabi. "Ano deal?" At umakto ang
kanyang mga kamay na tila may pinipisil. Napapikit ako at umiling.
"Hindi na po ako magiging surrogate--"
Mabilis siyang sumeryoso. "Biro lang 'yon sige di na ako hihirit ng pisil."
Nakahinga ako dahil doon. "Mahabag po kayo sa inyong mga sinasabi. Parte rin po
ng pagiging mabuting ama ang kalinisan ng bunganga kaya po uminom na po kayo ng
holly water upang mabanlawan ang bastos niyong bibig." Pumailanlang sa buong bahay
ang napakalakas niyang tawa.
"Nanggigil ako kaya isang kurot lang sa utong talaga, isang pisil lang."
Napatili ako ng bigla niyang kurutin ang aking dibdib sa mismong umbok nito. Halos
lumuwa ang aking mga mata dahil sa bilis ng pangyayari. Ramdam ko ang tila apoy sa
pag-iinit ng aking buong katawan.

"B-Bakit niyo po ginawa 'yon?" Halos itago ko ang aking sarili sa likod ng sopang
aking kinauupuan dahil sa hiya.
Tumatawa pa rin siya ng malakas at halos humandusay na sa sahig. "Pasensya na
sinadya ko talaga 'yon." At muli siyang humalakhak. "Pakurot nga ulit." At akmang
gagawin na naman iyon ay tuluyan kong itinago ang aking sarili sa likod ng sopa.
Napadasal ako dahil sa kanyang kapangahasan.
Jusko! Kumusta naman kaya ang mga susunod na mga araw na kasama ko siya. Baka
po ang kapangahasan niya ang maging kamatayan ko.

____________________________________
Thank you for reading Kjens.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 14

Nette POV

"NAIS ko lamang pong itanong kung may balak po kayo na ako'y tulungan." Sabi ko
habang dala ang mga gamit ko papasok sa kanyang malaking bahay.
Kasama sa aming kasunduan ang pagbibigay niya sa akin ng matutuluyan sa oras na
naging compatible ang aming mga cells. Ngunit hindi ko naman alam na hindi lamang
siya hambog at bastos ang bunganga kundi hindi rin siya maginoo.
"Ikaw na nga patitirahan ko dito gagawin mo pa akong kargador." Tugon niya at
tuloy tuloy na humakbang papasok sa kanyang bahay matapos iparada ang kanyang
sasakyan.
Galing kami sa dating bahay namin noon bago mamatay ang aking ina upang kunin
ang mga kakarampot kong gamit. Nais ko mang mamalagi doon ay hindi na pwede
sapagkat ibeninta na ang lupa niyon upang ipagamot noon kay mama. Kaya narito ako
at magtityagang pakisamahan ang isang tulad ni Mr. Fifth.
"Hindi niya talaga ako tutulungan?" Naibulong ko at muling hinila ang isang
kartong naglalaman ng mga luma kong damit. May kalakihan iyon kaya't hindi ko
kayang buhatin.
"Naku iha tulungan na kita." Natigilan ako dahil sa paglapit ni Manang Dori.
Iyon ang nag-iisang kasambahay ni Mr. Fifth dito at may katandaan na.
"Hala manang wag na po kaya ko po ito. Magpahinga na lamang po kayo." Pigil ko.
Jusko! Ako nga na bata pa ay hindi kinakaya ang bigat paano pa kaya siya na may
edad na.
"Malakas pa naman ako iha kaya matutulungan pa kita." Pamimilit niya.
Ilang ulit akong umiling. "Hindi na po talaga manang kayang kaya ko na po ito
kung gusto niyo po talaga akong tulungan magbabible study po ako mamaya bago
matulog samahan niyo po ako't manalangin tayo."
Nakita ko ang pagkislap ng saya sa kanyang mga mata. "Talaga iha? Aba'y hindi
ako tatanggi riyan sapagkat namiss ko na rin ang magbible study."
"Opo bawat gabi po ako nagbabible study at may bibliya po ako dito, gusto niyo
po bang ibigay ko sa inyo ang isa?" Napangiti ako dahil hindi na nga siya nangulit
na tumulong. Muli kong hinila ang karton ngunit napakamot sa aking ulo nang
makitang may tatlong baitang pala na dadaanan bago makarating sa bukana ng pinto.
"Aba'y magmamadali ako mamaya sa paggawa ng mga gawaing bahay upang
makapagsimula tayo." Galak niyang tugon.
"Wag po kayong mag-alala sanay po ako sa mga gawaing bahay kaya tutulong po ako
para hindi na kayo mahirapan."
Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil iyon. "Wag ka nang mag-abala iha
nobya ka ng alaga ko kaya't hindi ka dapat gumawa ng mga gawaing bahay dahil hindi
ka katulong."
Natigilan ako at pakurap kurap na napatingin sa kanya. Hindi ko alam kong ay
nabingi lamang o tama ang pagkakarinig ko.
"A-Ako po nobya ni Mr. Fifth?" Nauutal kong tanong dahil hindi ko iyon alam.
Walang pag-aalinlangan siyang tumango. "Oo, iyon ang sabi niya sa akin matapos
ka niyang dalhin dito kagabi. Ako nga'y labis na natutuwa at sa wakas ay nagdala na
siya dito ng babae at may ipinakilala na nobya. Madalas ko iyong sabihin sa kanya
dahil kako'y hindi na siya bumabata." Tuwang tuwa siya habang nagkukwento
samantalang ako ay hindi alam ang isasagot. Akmang muli kong hihilahin ang karton
nang umangat iyon sa ere.
"Napakatagal mo." Wika niyan  Napatingin na lamang ako sa bumuhat no'n at wala
ng nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin papasok.
Napatingin ako kay Manag Dori na ngiting ngiti at may pangangantiyaw ang mga
tingin. "Hindi ka matitiis n'on kahit pilyo at kakaibang ang pananalita ng alaga
kong iyon ay may busilak iyong puso."
"Busilak po ang puso? Kailan pa po bakit po hindi ko alam?"
Natawa siya dahil sa mga lumabas sa bibig ko. Nahahapo akong umupo sa baitang
at pinunasan ang mga pawis ko. "Naku pagpasensyahan mo na minsan iyang si Singko
sapagkat sunod sa luho kaya may pagkaspoiled minsan."
"Mabuti po sa inyo minsan lang."
Tumawa na naman siya at tinulungan akong tumawa. Panay ang kanyang kwento
habang papasok kami, pagdating sa sala ay paakyat na si Mr. Fifth sa second floor
dala ang karton ng mga gamit ko. Kumunot ang aking noo sa pagtataka kung bakit doon
niya dinala iyon.
"Sandali lang po manang at kakausapin ko lang po saglit si Mr. Fifth." Tumango
ito at nagtuloy sa kusina.
Humakbang ako patungo sa hindi ko mabilang na baitang na gawa sa antigong kahoy
ngunit magara. Natakot pa akong tumapak doon ngunit sa kagustuhang tanungin siya
tungkol sa ilang mga bagay ay napilitan ako.
Mabilis akong nakarating sa pangalawang palapag at nagpalinga linga ako sa
paligid upang hanapin kung saan siya nagtungo. Nagtuloy ako sa pasilyo kung saan
napapadaan ako sa mga silid.
"Mr. Fifth?" Tawag ko pagkatapat sa isang bukas na silid, iyon lamang ang
tanging bukas kaya sumilip ako doon. Nakita ko ang karton sa loob kaya sigurado
akong naririto siya. "Mr. Fifth?" Tawag kong muli ngunit wala akong natanggap na
sagot.
Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at pumasok.
"Susong malaki." Napatili ako dahil sa malakas na boses na gumulat sa'kin ng
tuluyan akong makapasok.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa likod ng pinto at nakita ko siya
doon na nakangisi at nakahalukipkip. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa labis
sigurong gulat at hindi ko alam ang gagawin ay malalaki ang hakbang na lumapit ako
sa kanya at malakas na kinurot ang kanyang dibdib.
"Kahit po sa panggugulat ay napakabastos po ng bibig niyo."
"Aray, aray, aray utong ko 'yang kinukurot mo. Masakit, aray." Paulit ulit
niyang tugon. Diniinan ko lalo ang pagkakakurot dahilan upang mapahiyaw siya.
"Napakabastos niyo po."
"Mas bastos ka dahil kinakurot mo utong ko kapag ako nakaganti sa'yo hindi lang
kurot sa suso sisipsipin ko 'yan." Aniya, mabilis akong napabitaw dahil sa kanyang
mga sinabi at humakbang palabas sana ng silid ngunit hinila niya ako pabalik.
Napatili ako dahil sa lakas ng kanyang paghila ay tumama ako sa kanyang matigas
na katawan. Hindi ako magkamayaw sa pagpiglas ngunit walang sinabi ang lakas ko sa
lakas na meron siya.
"Lagot ka sa'kin ngayon matutunaw 'yang utong mo sa pagsipsip ko." Bulong niya
bago tumawa ng malakas malapit sa aking tenga.
"Wag po." Naiiyak kong tugon dahil nangangamba ako sa pwede niyang gawin.
"Ito na sisimulan ko na." Mariin akong napapikit at taimtim na nanalangin na
hindi niya ituloy ang kanyang binabalak. Kahit anong piglas ko ay hindi ako
makaalis sa pagkakakulong sa kanyang mga bisig. "Utong attack." Aniya na ikinariin
ng hawak ko sa kanyang mga braso.
"Kuya talaga ang hilig mangtrip." Napadilat ako at halos pasalamatan lahat ng
Santong kilala ko dahil sa pagdating ni Mr. Seven. Nakasandal ito sa hamba ng pinto
at nakangiti gawi sa'kin.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagbitaw sa'kin ni Mr. Fifth. Agad akong
umayos ng tayo at nakayukong nagpaalam sa kanila.
Salamat Lord.
"Anong ginagawa mo dito bunso?" Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang
makaalis. Tulala ako habang pababa ng hagdan dahil sa kabang hindi pa rin umaalis
sa aking dibdib. Labis akong natakot kanina ngunit kahit gan'on ay hindi ko
magawang matakot kay Mr. Fifth. Hindi ko rin alam.
Napahawak ako sa aking dibdib at ilang ulit iyong pinalo
upang tumigil sa pagkabog.
"Ayos ka lang ba iha?" Napatingin ako kay Manang Dori na hirap umakyat ng
hagdan dala ang dalawang baso ng orange juice at dalawang slice ng chocolate cake
sa iisang tray.
Mabilis ko siyang sinalubong at kinuha ang kanyang dala. "Ako na po mana, bakit
po kayo pa ang umakyat? Hinintay niyo nalang po sana ako para ako na ang gumawa
nito.
Ngumiti siya. "Napakabait mong bata, ayos ka lang ba bakit nakahawak ka sa
iyong dibdib kanina hirap ka ba sa paghinga?" May pag-aalala sa kanyang tinig na
nagdulot sa'kin ng kaginhawaan.
"Ayos lang po wag niyo lang po akong pansinin." Napatingin ako sa tray. "Kay
Mr. Fifth at Mr. Seven po ba ito?"
"Oo, nakita ko ang pagdating kanina ng bunso ng mga Castillion kaya't nagmadali
ako sa paghanda ng kanilang meryenda." Akmang aagawin niya sa'kin ang tray pero
iniiwas ko iyon.
"Ako na po ang bahalang magdala nito manag wag na po kayong tumuloy sa pag-
akyat dahil nahihirapan po kayo."
"Siya kung iyan ang gusto mo at ako'y babalik na lamang sa aking hinahandang
hapunan." Inalalayan ko siya sa pagbaba bago ako bumalik paakyat. Naaawa ako dahil
kahit matanda na siya ay nagtatrabaho pa rin siya at sa laki ba naman nitong bahay
ay alam kong napakahirap sa kanya ang linisin ito.
Kahit kabado ay iniakyat ko ang meryendang para sa magkapatid. Wala naman
sigurong masamang gagawin sa akin si Mr. Fifth lalo't nandito ang kanyang kapatid.
Ilang hakbang na lamang ang layo ko mula sa pintong inalisan ko kanina nang
makarinig ako ng  pag-uusap.
"Nalaman ko sa kaibigan kong doctor na nagtanong ka daw tungkol sa pagiging
surrogate mother ng isang babae, bakit kuya?" Boses iyon ni Mr. Seven at sa tono pa
lamang ng kanyang pananalita ay alam kong seryoso ang kanilang usapan. Natigil ako
sa paglapat. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng ibang tao ngunit hindi ko
mapigilan ang aking kuryosidad.
"I just ask him how to choose a perfect surrogate mother." Sagot ni Mr. Fifth.
"Itutuloy mo ang balak mo na kumuha ng surrogate mother at kaya nandito si
Sister Nette dahil siya ang napili mo?" Walang sumagot. "Kuya naman maraming
agencies ang pwede mong lapitan for surrogacy bakit siya pa?"
"I just want to."
"What? Ipagpipilitan mo pa rin kahit hindi pwede at alam kong nasabi niya rin
sa'yo na hindi pwedeng maging surrogate mother ang babaeng virgin. Dapat nakaranas
nang manganak o magkaanak ng babae upang maging qualified na maging surrogate
mother." Pahigpit ng pahigpit ang aking hawak sa tray.
Namamanhid ako sa isiping hindi ako pwedeng maging surrogate mother paano na
ang mga problema ko para sa pagpapagamot ni Ate Tam, ang titirahan ko at ang pang-
araw araw naming pangangailangan. Hindi ko alam kung saan kukunin lahat ng iyon.
Hindi pa kami nakakapagpacheck up dahil ngayong araw sana gagawin 'yon ngunit
sabi ni Mr. Fifth ay mabuting lumipat muna ako dito upang hindi na maging problema
kapag tapos na ang process.
"Alam ko lahat 'yon."
"So bakit pa rin siya nandito?"
Ayaw ba sa'kin ni Mr. Seven? At kung alam din ni Mr. Fifth na hindi ako pwedeng
maging surrogate mother bakit hinayaan niya akong lumipat dito at bakit sa akin
niya inioffer iyon?
Kahit ako ay nahuhuluhan sa mga nangyayari ngunit hindi dapat ako mag-isip ng
negatibo dahil pwede ko naman siyang tanungin mamaya kapag tapos na ang kanilang
pag-uusap. Huminga ako ng malalim.
Hindi na naman nakasagot si Mr. Fifth sa tanong ng kanyang kapatid. "Anong
plano mo? Don't tell me mahal mo na siya o may gusto ka sa kanya dahil
napakaimposible n'on. Spare her from your games kuya dahil magmamadre 'yong tao
kawawa naman."
Bakit kapag nagsasalita si Mr. Seven ay tila mahuhumaling ka dahil sa kabaitan.
"Mahal?" Dinig ko ang malakas na tawa ni Mr. Fifth. "Hindi ko alam 'yon at kung
ano man ang plano ko ay akin na 'yon hindi naman ako gan'on kasama para manakit ng
kapwa." Siguro'y normal lang ang kirot na nararamdaman ngayon ng aking damdamin
dahil totoo namang hindi niya magagawang magmahal at alam na iyon ng lahat sa
simula pa lamang.
"Kaya ipagpapatuloy mo na pagtirahin siya rito? Hindi ko pa rin alam ang
pwedeng maging rason."
"May rason ba dapat ang pagtulong sa kapwa?"
Si Mr. Seven naman ang natawa dahil sa tugong iyon ni Mr. Fifth. "Kailan ka pa
tumulong sa kapwa mo at kilala kita kuya kapag babae walang kapwa kapwa sa'yo."
Hindi ko na gustong pakinggan ang kanilang pag-uusap kaya nagpasya akong
tumuloy na sa aking pakay. Tatlong beses akong kumatok bago buksan ang pintuan.
Ihinanda ko ang aking masayang ngiti bago pumasok.
"Ipinaghanda po kayo ni Manang Dori ng meryenda." Habang naglalakad ako patungo
sa misang kanilang kinaroroonan ay nakasunod ang kanilang mga tingin sa'kin. Hindi
ko inalis ang ngiti sa aking mga labi.
Pagkatapos ilagay ay hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi ni Mr. Fifth upang
arukin ang kanyang iniisip, kunot ang kanyang mga noo at seryoso ang tingin.
Nginitian ko siya gan'on din si Mr. Seven bago umalis.
Hindi ako dapat mag-isip ng kung ano dahil alam kong hindi ako pababayaan ng
Diyos. Kung ano man ang pakay niya kung bakit niya nagawang mag-offer sa'kin ng
lahat ng mga napag-usapan namin ay hindi ko dapat ipangamba dahil ang mahalaga ay
mapapagamot ko si Ate Tam. Iyon lamang ang importante sa akin ngayon.
Ikikimkim ko lamang sa aking sarili lahat ng aking mga narinig at hihintayin
kong ano ang kapalit ng lahat.
Nagtungo ako sa kusina upang tulungan si Manang Dori sa lahat ng kanyang mga
gawain. Dahil sa mga narinig ko ay mas lalong hindi dapat ako tumunganga lamang
dapat akong tumulong sa lahat upang kabayaran sa tulong ni Mr. Fifth. Isa pa'y
naaawa ako kay Manang Dori, nakikita ko ang mama sa kanya.
Madilim na ang paligid at marami na ang nagkikislapang mga bituin sa langit
noong nagpasya akong pumunta sa garden upang magpahangin. Maraming gumugulo sa
aking isipan na ayaw kong pansinin dahil alam kong hindi magdudulot ng mabuti.
Minsan ay kailangan lamang ng tao ng katahimikan upang makaramdam ng kapayapaan
at kalayaan.
"Anong ginagawa mo dito? Malamig na ang hangin at mahamog kaya dapat nasa loob
ka na." Napalingon ako sa kanya at ngumiti. Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa mga
bulaklak habang nakaupo sa bakal na upuan na naririto sa gilid ng harden.
"Paano po kung hindi ako match na maging surrogate mother?" Tanong ko habang
malayo ang tingin. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kong may hawak siyang bote ng
beer kaliwang kamay at sigarilyo sa kabilang kamay.
"Magmamatch 'yan don't worry." Aniya. Tumango ako.
"Kailan po tayo magpapatest?" Gusto kong komprontahin siya at tanong ng direkta
ngunit alam kong hindi makakabuti.
"Hindi pa sa ngayon, wag mo munang isipin ang bagay na iyan magfocus ka muna sa
problema mo. Nagpahain na ako ng kaso kanina sa bangkong pinagdepositohan niyo ng
pera."
"Salamat po." Tanging naisagot ko. Kahit anong isip ko sa maaari niyang maging
rason ay wala akong ni isang ideyang matukoy. Wala naman kasi siyang mapapala sa
akin, wala akong kahit ano. "Nagtitiwala po ako sa inyo." Tugon ko habang
nakatingin sa kanyang mga mata. Nakita ko ang hindi nita mapakaling tingin.
Tumalikod na ito at muling pumasok sa kabahayan.
Sana lang hindi ako biguin ng pagtitiwala ko.

_________________________________

Thank you for reading Kjens.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 15

Tamia POV

"DITO LANG po muna kayo para maarawan kayo bago ang check up niyo." Sabi ng nurse
na nakaassign para alagaan ako. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Malamang alangan namang umalis ako dito na may sakit ako." Inirapan ko siya at
alam kong pagtalikod niya ay gan'on din ang gagawin niya. Napakaplastic.
"Sige po."
"Uso sa'kin malawan ng paki." Sabi ko pa bago siya tumalikod. Naiinis talaga
ako sa mga taong walang common sense paano naman ako aalis kung pasyente ako dito
and hello nakawheelchair ako.
Napabuntong hininga ako at nagmasid sa paligid, napakaraming pasyente ang
kasabayan ko na masasayang nag-uusap usap. Napairap ulit ako dahil nagpaplastickan
lang naman ang mga 'yan. Kapag nakatalikod na sa bawat isa ay sila sila rin
nagsisiraan.
Toxic people nowadays.
"Ate gusto mo po?" Napabaling ako sa batang lumapit sa'kin. Tinitigan ko ang
hawak niyang biscuits na iniaabot sa'kin. Nakasuot siya ng patient's gown at may
balabal na nakalagay sa kanyang ulo. A cancer patient maybe.
Hindi ko ito pinansin hanggang sa umalis, hindi ko rin tinanggap ang ibinigay
niya dahil hindi ko alam kung saan galing iyon. Isa pa'y dapat siya nalang ang
kumain at hindi na ipamigay kitang kita naman na mas kailangan niya iyon dahil sa
kapayatan niya.
"Ayos lang ba na hindi muna ako bumalik dito ng ilang araw?" Nilingon ko si
Julia na aligaga sa kanyang mga gamit at papalapit sa'kin.
Tumango ako. "Oo kaya ko namang mag-isa ikaw lang naman ang ayaw akong iwan."
"Napakataklisa talaga niyang bibig mo bruha ka syempre nag-aalala ako sa'yo
lalo't abala pa ngayon si Nette para maghanap ng panggastos sa'yo dito kaya di
makapunta." Parang nagpantig ang tenga ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng
babaeng iyon. Agad na kumukulo ang dugo ko kapag nasasama ang malandi na 'yon sa
usapan.
"Mas masaya ang buhay ko kapag hindi siya nakikita at isa pa wala akong paki
kung anong ginagawa niya ngayon siya lang naman itong pasosyal na may panurse at
pakwarto pa dito." Hindi ko mapigilang maimbyerna dahil sa pagiging pabida niya.
"Ginagawa niya akong walang silbi para siya na naman ang bida at mabait."
"Dahil totoo namang siya ang mabait sa inyo dalawa bakit di ka nalang
magpasalamat bruha ka at halos ibenta niya ang laman niya mapagamot ka lang kahit
ni minsan hindi mo trinato ng mabuti 'yong kapatid mo." Kinurot niya ako sa balikat
kaya pinanlisikan ko siya ng mata.
"Alibi niya lang ang mga 'yon dahil totoo namang pokpok siya manang mana 'yon
sa nanay niya, kung ano puno siya ring bunga."
Tumawa siya ng tumawa. "So masama rin ugali ng nanay mo tulad mo? Naku sarap mo
batukan bakit ba tayo naging magkaibigan?"
Napangisi ako. "Gaga dahil mas masama ugali mo sa'kin kaya nagkakasundo tayo."
Sabay kaming natawa dahil iyon ang totoo hindi lang simulan ang baklang 'to dahil
mas itim pa ang budhi nito kaysa sa'kin.
"Pero naaawa pa rin ako kay Nette di tulad mo hindi lang itim ang budhi dahil
wala ka na sigurong budhi." Naiiling na natatawa ako sa mga pinagsasabi niya.
Siguro isa sa rason kung bakit kami naging magkaibigan sa kabila ng pagiging
mataray ko dahil siya lang ang taong nakilala ko na hindi takot sabihin sa'kin ang
gusto niya sabihin. Wala siyang paki masaktan man ako sa salita niya o hindi at
ramdam ko doon ang pagiging totoo niya.
Hindi tulad ng iba na bait baitan pero nasa loob naman pala ang kulo at may
siga pa sa loob ng pagkatao kaya sanay sa impyerno. Nakakabanas ang mga gan'on,
pademure wasak naman at mahinhin pasekreto namang lumalandi.

Tulad ni Antoinette at nanay niya.


"Gaga ka umalis ka na nga." Pagtataboy ko.
"Siya at maghahanap pa ako ng raket kailangan ko ring tumulong dahil ako ang
siyang nagdeposito ng perang iyon sa bangko. Kaloka." Nakipagbeso siya sa aking
bago kumekembot na umalis.
Natatawa na lang ako sa napakakapal at kurbang kurba niyang kilay at ang
nakakasilaw niyang blush on at lipstick na kulay purple. Para siyang coloring book
na napabayaan.
Pagkaalis niya ay humawak ako sa gulong ng wheelchair ko at pinagulong 'yon
papunta sa dulong bahagi ng garden kung saan wala masyadong tao. Mas gusto kong
nag-iisa ako dahil mas payapa kay aksayahin ko ang oras ko sa pagiging plastickan
sa mga tao.
Mga kalahating minuto siguro akong napayapa sa katahimikan ng lugar nang
makarinig ako ng mga yapak papalapit sa'kin. Automatic na tumaas ang kilay ko nang
makita ang isang lalaki na nakapamulsa at pasipol sipol malapit sa pwesto ko.
"Hilig mo tumambay dito 'no?" Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi
sinagot. "Kapag pumupunta ang kapatid ko dito ay palagi akong sumasama. He's a
psychiatrist pero kaibigan niya ang doctor na may-ari ng hospital na 'to."
Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya ang mga 'yon pero wala akong paki. "And
so?"
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito kaya kitang kita ang mapuputing
ngipin. Kung susuriing mabuti ay may hitsura siya pero umaalingasaw ang amoy niyang
babaero. Marunong akong kumilatis ng mga lalaki dahil noong wala pa akong sakit ay
naging tambayan ko ang mga bars at club. Araw araw akong nasa galaan at party
party.
At isang tingin ko palang sa kanya ay masasabi kong babaero siya.
"At palagi kitang napapansin dito."
"Interesado ka sa'kin, yeah? Sorry but I'm not interested hooking with
playboys."
"Wow, prangka." At tumawa siya, kagat nito ang may kakapalang ilalim na parte
ng labi nang bumaling ulit sa'kin. "Azia nga pala."
"I don't care." Humawak ako sa gulong para sana umalis na pero tumakbo siya
papunta sa likod ko at siya mismo ang nagtulak.
"Ako na para hindi ka mahirapan."
"Hindi ako nahihirapan at sino ka ba para pakialaman ako, you're a stanger at
kapag hindi ka umalis ay sisigaw ako." Inis kong sabi. Napakadali pa namang masagad
ang pasensya ko sa mga taong makukulit.
"I told you I'm Azia so I'm not a stanger to you anymore." Pinilit kong pigilan
ang paggalaw ng gulong pero napamura ako dahil muntikang maipit ang daliri ko.
"Ano ba sinabi ngang ako na." Singha ko sa kanya at masamang masama ang tingin
ko pero nagkibit balikat lang siya at ngumiti.
"Gusto ko lang namang makatulong isa pa malapit talaga ako sa mga tao kapag
nagpupunta ako sa kahit saang hospital." Napakadaldal niya pa. Nakakairita. "I'm
just concern you know at sana wag mong masamain."
"Concern my ass."
"Nice." Nakangisi pa rin ito.
"What?" Kitang kita talaga ang inis ko pero wala siyang pakialam doon.
"Your ass, it's nice." At namalayan kong nakatingin nga ito sa pwet ko.
"Tangina mo, gago." Hindi ko napigilan ang bibig ko at dapat lang sa kanya na
murahin dahil napakapakialamero niya.
"Hindi mo ba ako naaalala ako 'yong naghatid sa'yo noon sa kwarto mo,
pinagalitan mo pa nga 'yong nurse mo. Nagpakilala na ako sa'yo dati." Nagsalubong
ang mga kilay ko at tumitig sa mukha niya. Hindi ko alam kung kailangan iyon kaya
sinubukan kong alalahanin.

Naalala ko na, siya rin 'yong pakialamerong kumausap sa'kin


noon at magpresentang ihatid ako sa kwarto ko dahil mainit na ang sikat ng araw.
"Ouch, nakalimutan mo ang mukhang 'to?" Itinuro niya pa ang mukha niya.
Napangiwi lang ako sa kacorny'han niya. "Ikaw lang ang babaeng nagawang kalimotan
ang napakagwapong tulad ako."
"Tapos ka na sa pakikialam at mga kahanginan mo? Pwes bitawan mo na at babalik
na ako sa kwarto ko." Pilit ko siyang tinataboy pero hindi siya nakikinig. Halos
mapasabunot ako sa buhok ko dahil sa iritasyon.
"Nurse, nurse, nurse." Pasigaw na tawag ko sa nurse na nadaanan namin habang
itinutulak niya pa rin ang wheelchair papasok ng hospital. "Tulungan mo nga ako
hindi ko kilala ang lalaking 'to." Pero hindi niya ako pinansin kaya namura ko
siya.
"Are you okay miss?" Sa wakas ay nakasalubong namin ang nurse na nakaassign
sa'kin kaya tumigil siya. Pinandilatan ko ang nurse.
"May okay ba na itinutulak ng isang stranger na hindi ko alam kung mamamatay
tao o rapist. Ihatid mo na nga ako sa kwarto ko." Asik ko. Narinig ko ang malakas
na tawa ng hudlom na nasa likod ko pa rin. Sinamaan ko ito ng tingin pero tawa lang
ng tawa.
Baliw ang gago.
"Dalian mo." Sigaw ko sa tatanga tangang nurse.
"Ahm, Mr. Castillion ako na po." Yumuko ito sa lalaki.
Tumigil sa pagtawa ang hudlom at tinap sa balikat ang nurse at napatirik ang
mata ko sa inis dahil halos mahisay ito sa kinatatayuan sa sobrang kilig. Hindi
manlang nahiya kababaeng tao hindi manlang itinago ang kalandian sa katawan.
"Don't mind her ako na ang bahala lagi ko na naman itong ginagawa kapag
napapadalaw ako dito diba?" At ngumiti pa ito sa gagang natulala na at nasa ibang
dimension na siguro ng mundo napadpad ang utak.
"Ide sa iba mo gawin doon sa mga may gusto at hindi kaya mag-isa." Sabat ko.
Hindi na ako nag-aksa pa ng oras at pinagulong ko na ulit ang wheelchair. Nakahinga
ako ng maluwag dahil sa wakas ay hindi na siya sumunod.
May mga tao pala talagang pakialamero at walang magawa sa buhay kundi ang
mamerwesyo.
Pagkarating sa loob ng kwarto ko ay pabalibag kong isinarado ang pinto sa
sobrang inis. Nauubos talaga agad ang pasensya ko kapag nakakaencounter ako ng mga
taong feeling close.
Lumapit ako sa higaan ko at pinulot ang novel na hindi ko pa tapos basahin. Ito
lang naman ang nakakapagpakalma sa'kin sa kahit anong inis. Napakagaling kasi ng
istorya at hindi nakakasawa. Parang nasa dati ko pa rin akong buhay kapag binabasa
ko ito.
"Knock, knock." Mariin akong napapikit dahil sa boses na 'yon. Lumingon ako at
agad na tumaas ang kilay ko dahil siya na naman. Walang hiya itong pumasok at gusto
ko ring murahin ang sarili ko dahil hini ko nalock ang pinto.
"Who's there?" Sagot niya sa sinabi niya.
"Azia." Baliw ang gago.
"Azia who?"
"Azia'ng sawa, Azia'ng galit sumigaw mga pinagpalit. Haliheluyooo,
haliheluyaaaa." Biglang kanta at sigaw niya.
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil para siyang tanga. "Anong tinira mo?"
"Marami na akong natira kaya di ko na maiisa isa lahat." Ngumisi siya at
iginalaw galaw ang mga kilay bago niya itinaas ang mga kamay na may hawak na mga
prutas at starbucks coffee sa kabila.
Fuckboy nga ang gago.
"Kain tayo." Aya niya.
"Wow kapal naman ng mukha mo feeling close kang hudlom ka." Parang hindi na
naman niya ako marinig dahil nagtuloy tuloy lang siya at inilapag ang mga dala sa
mesa, hindi ko alam kung saan niya pinulot ang mga 'yon.
"Gusto ko lang naman na makipagkaibigan don't worry hindi lang ikaw ang
dinalhan ko nito lahat ng kwarto dito pinabilhan ko." Parang wala lang na sabi
niya. Mayaman? Tinignan ko ang suot niya, nakacargo short at plain white shirt siya
tapos nakatsinelas.
"Mayaman ka?" Naitanong ko dahil parang hindi naman pero nasabi niya kanina na
doctor ang kapatid niya at kaibigan ng may-ari ng hospital na 'to. May kaya sa
buhay?
This is a private hospital at mayayaman lamang ang nakakaafford dito at dahil
pabida at nagfefeeling mayaman ang pokpok kong kapatid ay dito niya ako kinonfine.
Siguro may sugar daddy ang loka natuluyan na sigurong ibenta ang kaluluwa.
Pangarap daw magmadre pero ang totoo nagbebenta ng laman.
"Medyo nakakaangat lang sa buhay ang mga magulang ko." Sagot niya at
nagsimulang magbalat ng mansanas. Bigla kong naalala si Antoinette kaya sumama ang
mood ko.
"Ayoko niyang mansanas hindi ako kumakain niyan." Pairap kong sabi.
"Ayos lang di naman kita tinatanong akin naman 'tong binabalatan ko." Napamura
ako sa sagot niya at napulot ang librong binabasa ko syaka naibato sa kanya.
Ngingisi ngisi niya iyong sinalo at nanlaki ang mga mata pagkakita sa cover ng
libro. "Wow, may collection ako ng series nito. Idol ko writer nito." Manghang
tugon niya.
"Sex stories 'yan kaya hindi nakapagtatakang mahilig ang mga lalaki sa ganyan."
Duh, mahilig nga sa mga porn e.
"Nagbabasa ka rin pala nito, saan mo 'to nabili?" Binuklat niya ang bawat page
nito.
Nagkibit balikat ako. "Dala 'yan ng pokpok kong kapatid di ko alam kung saan
galing 'yan pero alam kong mahal 'yan siguro sa sugar daddy niya."
Kunot noong bumaling siya sa'kin na parang naguguluhan. "May sugar daddy
kapatid mo? Sinong kapatid?"
Inirapan ko siya. "Hindi ka lang pakialamero chismoso ka rin. Akin na nga 'yan
at umalis ka na dito." Pagtataboy ko ulit pero hindi rin ito nakinig. Binitawan na
nito ang libro at bumalik sa pagbabalat ng mansanas.
Napabuntong hininga na lamang ako at kumuha ng orange mula sa dala niya. Mas
nanaisin ko pa na kumain ng dala ng isang stanger kaysa kainin ang biniling prutas
ni Antoinette. Hindi ko magagawang lunukin kapag alam kong galing sa kanya.
Nandidiri at nasusuka ako.
"May iba akong collection ng libro na 'yan." Pagkuay sabi niya.
"Pakialam ko wala akong balak na humiram dahil ibig sabihin n'on may rason ka
na naman na makialam dito so no thanks just keep it to yourself." Nagbalat na rin
ako habang pinapanood siya dahil baka magnanakaw pala ang hudlom na 'to.
"Hindi rin makapal mukha mo 'no?" At tumawa na naman siya ng malakas. "Pero
tama ka rin naman, naiintriga lang naman ako sa pagiging mataray mo uso din naman
ang ngumiti dahil libre lang naman."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo hindi mo ako kilala at hindi rin kita
kilala at wala akong balak kilalanin ka, pinayagan na kita na pakialaman ako kanina
pa at nandito ka pa rin ngayon siguro naman pwede ka na umalis at naiimbyerna na
ako sa'yo."
"Gusto ko lang namang makipagkaibigan, you know lahat na siguro ng pasyente
dito kaibigan ko na." Hindi pa rin siya nagpapatalo kaya nagsasalubong na naman ang
mga kilay ko sa inis.
"Balak mo palang mangampanya sa hospital na ito at kung boto ko ang gusto mo ay
ibibigay ko sayo basta umalis ka lang. Ayoko sa mga epal." Wala akong pakialam kung
masaktan siya sa pagtataboy ko pero mukhang malabo dahil wala lang naman sa kanya
para lang siyang bingi at bulag sa mga pasaring ko.
Humalakhak na naman siya. "Ang gwapo ko masyado para maging epal. Well, sige na
aalis na ako." Tumalikod na ito at dire-deritsong naglakad paalis ni hindi
isinarado ang pintuan. Hindi na ito lumingon pa hanggang sa tuluyang makaalis.
Iba talaga ang trip ng hudlom na 'yon.
Azia Castillion pa ang gago fuckboy naman.

___________________________________
Thank you for reading Kjens.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 16

"Nothing ever becomes real till it is experienced."


- John Keats

____________________________________
Nette POV
NILALARO KO ang mga halaman na nasa gilid ng malaking pinto, may mga mamahaling
paso na nakadisplay. Napakaganda nila. Napangiti ako dahil doon.
"Nette iha ikaw ba iyan?" Narinig ko ang boses ni Manang Dori. Napalingon ako
sa loob at mas lalong ngumiti nang makita siyang kinukusot ang mga mata at
sinisigurado kong ako nga.
"Opo Manang ako po ito." Lumapit siya sa'kin.
"Ano at lagpas hating gabi na at nandito ka pang bata ka? Malamok diyan sa
pwesto mo."
Tumingin ako sa malaking gate na kanina ko pa hinihintay na magbukas at may
bumusinang sasakyan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. "Hindi po kasi ako
makatulog siguro'y namamahay po ako at isa pa po hinihintay ko po si Mr. Fifth."
Tumabi ng upo sa kanya ang matanda at hinaplos ang kanyang braso.
"Napakalambing mo namang bata ka at natutuwa ako dahil ganyan ka sa alaga ko ngayon
ko lang nakita na may nagmamalasakit sa kanyang babae."
"Hindi ko lang po mapigilan na mag-alala dahil kaninang umaga pa po siya umalis
at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa
mapangatiyaw niyang tingin at ngiti.
"Halika na at pumasok ka na tama na ang paghihintay mo diyan at matulog ka na."
Inayos niya ang aking buhok na nagulo ng hangin. "Minsan lang kung umuwi dito si
Singko dahil may pinagkakaabalahan din ang batang iyon isa pa ay gala talaga iyon
at kung saan saan lamang napapadpad." Natatawa po siyang mga sinasabi ang huli.
Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagkukwento dahil sa kanyang pananalita
ay kita kong kilalang kilala niya si Mr. Fifth, iyong katauhan niyang hindi puro
pambababae, kabastosan at kalokohan.
"Saan naman po siya nagpupunta?" Kuryusong tanong ko.
"Kahit saan pero madalas ay sa mga trabaho ng kanyang kapatid basta't hindi
niya ugali ang pumirmi sa isang lugar."
Kumunot ang noo ko. "Ano po ba ang trabaho niya?"
"Wala, ayaw niyang nagtatrabaho."
Eh? Tambay siya? Kunsabagay ay napakayaman naman ng kanilang pamilya kaya't
kahit siya ay hindi magtrabaho ay mabubuhay siya. "Kaya halika na at mapupuyat ka
lang hindi na iyon darating siguro sa susunod na linggo pa 'yon."
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay manang dahil mukhang hindi na talaga
siya darating. Bakit ko rin naman kasi inaasahan na dito siya uuwi gayong marami
naman siyang pwedeng tuluyan.
Umakyat na ako sa kwartong nakalaan para sa akin matapos kong ihatid si Manang
Dori sa kanyang silid. Napapabuntong hininga na lamang ako dahil sobrang tahimik ng
paligid, napakagara at napakalaki nga ngunit tila walang buhay dahil parang wala
tao.
Inilabas ko ang rosaryo na nasa aking bulsa at nagdasal bago humiga. Simula pa
kahapon ay nagbible study kami ni manang at nasundan iyon kanina kaya kahit papaani
ay gumagaan ang loob ko sa kabila ng aking ng problema.
Kumusta na kaya si Ate Tam? Dadalawin ko siya bukas.
Nakatulugan ko ang ideyang iyon sa aking isipan ngunit sa kalagitnaan ng aking
pagtulog ay nagising ako dahil sa tunog ng pagbukas ng pinto. Nagtataka akong
napatingin doon ngunit hindi ko nagawang gumalaw dahil sa pagsalakay ng kaba sa
aking dibdib.
Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil sa papalapit na yabag, madilim ang
paligid dahil hindi ko magawang makatulog sa liwanag. Nagdasal ako dahil sa sobrang
takot na baka ito'y isang akyat bahay. Taimtim akong nananalangin at mariing
nakapikit ang mga mata lalo't ramdam kong may umupo sa tabi ng kamang kinahihigaan
ko.
Gusto kong sumigaw at humingi ng saklulo ngunit hindi ko magawa dahil sa
sobrang kaba.
"Bakit mo naman ako hinintay?" Halos pangapusan ako ng hininga dahil sa
pagdampi ng kamay sa noo ko at bumaba iyon sa pisngi ko habang hinahaplos ang aking
buhok.
Alam niya bang ako'y gising?
"Kaya nga pinatira kita dito para maalagaan ka nang mabuti hindi para
paghintayin ka, may balak ka bang maging guard?" At tumawa siya. Si Mr. Fifth.
Hindi ako nakagalaw dahil sa kanyang mga salita. "Don't worry hindi ka naman na
maghihintay dahil dinala ko na ang mga gamit ko rito ako na magbabantay sa'yo."
Hindi ko maintindihan kong bakit lumalabas iyon sa kanyang bibig ngunit mas lalo
akong nagugulo dahil sa kabang nasa aking dibdib, hindi iyon kaba ng takot dahil
may kagihawaan at tuwa akong nararamdaman.
Halos mapasinghap ako dahil sa pagdampi ng kanyag labi sa noo ko, humalik siya
doon at tila pinanginginigan ako sa kaba. "Goodnight, Miña Virxe."
Mabilis akong nagmulat ng aking mga mata pagkaalis niya. Napaupo ako at nasapo
ang aking dibdib na patuloy pa rin sa malakas na pagkabog. Napahawak ako sa pisngi
kong nag-iinit at napatingin sa pintong kanyang nilabasan.
Ano 'yon? Takang tanong ko sa aking sarili dahil naguguluhan ako sa mga
ikinikilos niya.

KINABUKASAN ay maaga akong bumaba dahil hindi na ako nakabalik sa pagtulog


dahil sa nangyari, bumabagabag pa rin iyon sa aking isipan.
"Hindi ko akalain na dito ka na mamalagi." Dinig ko ang boses ni Manang Dori
noong pumasok ako sa hapagkainin.
"Wala ho kasi kayong kasama dito." Sagot ni Mr. Fifth, napayuko ako nang
mapatingin ito sa'kin.
"Magandang umaga po." Bati ko sa kanila. Lumapit ako kay manang upang tulungan
siya sa paghahanda ng pagkain. "Ako na po."
"Ako na iha ayos lang naman ako magaan lamang itong paglalagay ng mga
kubyertos." Hindi ako makatingin kay Mr. Fifth na ramdam kong hindi ako nilulubayan
ng titig. Naninibago ako sa kanya ngunit wala akong lakas ng loob na magtanong.
"Umupo ka na, join me." Sabi nito kaya pilit akong ngumiti.
"Salamat po." Umupo ako sa bakanteng upuan isang pwesto mula sa kanya.
"Kumusta ang tulog mo?" Tanong niya, tumingin ako sa kanya at ngumiti dahil
mali ang hindi pagtingin sa kausap kapag ito'y nagsasalita.
"Maayos naman po, medyo napasarap po kaya pasensya na at tinanghali po ako ng
gising." Hindi ako sanay na seryoso siya dahil mas sanay ako sa kanyang kalokohan.
"Mabuti, pansamantala akong mamamalagi dito para may kasama kayo ni manang. Isa
pa'y kailangan ko rin ng pahinga ngayon." Tumingin siya sa pinggang kong wala pang
laman, hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa kaba kong malapit siya. Kinuha niya
ang sinangag at natigilan ako dahil siya mismo ang naglagay ng pagkain doon.
"Kumain ka ng marami para tumaba ka." Nilagyan niya ng itlog at tinapa. Akala ko'y
tapos na ngunit tumayo siya at pagbalik ay may dalang isang baso ng juice at tubig
at itinabi iyon sa pagkakainan ko. "Eat healthy foods and don't stress yourself too
much."

Mariin kong nakagat ang aking mga labi bago huminga ng


malalim. Tahasan akong tumingin sa kanyang mga mata. "Bakit po?"
Kumunot ang kanyang noo. "Anong bakit?"
"Bakit po bigla bigla kayong naging mabait sa'kin? Hindi po ba't noon ay tila
kayo napapaso sa'kin noong nalaman niyong ako'y magmamadre tapos po tinutulungan
niyo ako sa lahat po ng problema ko." Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya
ang intensidad ng kanyang mga titig. "Hindi ko po alam ang rason niyo pero sana po
ay hindi ganyan ang maging trato niyo sa akin sapagkat iba pa ang dating niyon."
"Iba ang dating?" Takang tanong niya na halos ikainis ko ngunit pinigil ko ang
aking sarili dahil hindi dapat.
"Lumaki po ako sa kumbento at walang muwang sa maraming bagay ngunit alam ko po
kung ang lalaki ay may ibang intensyon sa akin, bakit niyo po ito ginagawa?" Lakas
loob kong tugon dahil ayokong mabigyan ng maling kahulugan ang kanyang kabutihan
sa'kin.
"Gusto ko lang tumulong 'yon lang." Aniya ngunit hindi makatingin sa akin.
"Si Father po at Sister Monica ay nais din akong tulungan at ibang mga tao noon
ngunit hindi po sila pumapasok sa silid ko upang halikan ako sa noo at haplusin ang
aking pingi." Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay nagwawala ang aking
kalooban ngunit pinagsawalang bahala ko iyon.
Bumalik ang kanyang seryosong titig sa'kin bago ngumisi, ngising kalokohan na
naman ang kalakip. "Ang assuming mo ikaw na nga tinutulungan e." Pabalang niyang
sagot ngunit hindi ako nagpatinag.
"Bakit niyo po ginawa 'yon? Hindi po tama na pumasok kayo sa silid ng isang
babae lalo't tulog ito kahit pa sabihing sa inyo po ang bahay na ito."
"Kung tulog ka paano mo nalaman na pumasok ako? So nagtutulog tulugan ka lang
para magawa ko 'yon?" Nanghahamon niyang tanong.
"Normal lang po na magising ako sa pagpasok niyo pero hindi normal ay ang
ginawa niyo ang nais ko lang pong malaman kung bakit niyo po ginawa 'yon."
Nagtagis ang kanyang mga bagang at bakas na ang iritasyon sa kanyang mukha
ngunit agad niya rin iyong itingo. "Ginagawa ko naman iyon sa lahat ng babae kapag
gusto ko."
"Ibig pong sabihin ay may gusto kayo sa akin?" Walang habas kong balik sa
kanya.
"Aba sumosobra na 'yang mga tanong mo hindi na nakakatuwa bakit ba big deal na
big deal sa'yo ang ginawa ko? Wala lang naman 'yon." Asik niya at bahagyang tumaas
ang kanyang boses.
"Malaking bagay po iyon sa tulad ko at kung wala lang naman po pala sa inyo
bakit hindi niyo po masagot?" Hindi ko siya tinitigilan dahil gusto kong malaman
ang sagot upang alam ko ang magiging distansya sa kanya.
Padabog siyang tumayo at masama ang tingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung
bakit wala akong takot na makapa sa aking dibdib ngunit labis ang pagtibok niyon.
Tila ako'y magkakalagnat.
"Isang tanong mo pa magsisisi ka, wag mo akong subukan kung ayaw mong mapadasal
ng ilang ulit na ama namin." Tumalikod siya at naglakad palabas ng hapag.
Nakonsesya ako dahil hindi niya pa nagagalaw ang kanyang agahan ngunit aalis siya
ng dahil lamang sa aking kapangahasan pero hindi ako mapapakali, ang aking isipan.
"Sige po, iisipin ko na lamang po na may gusto kayo sa akin." Natigil ito sa
paglalakad at halos pagsisihan ko lahat ng pangungulit ko.
"Sinasagad mo talaga ang pasensya kong babae ka." Inilang hakbang niya ang
pagitan namin at napatili ako nang hilahin niya ako at lamukusin ng mariin na halik
sa labi.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makagalaw dahil sa sobrang pagkabigla sa
kanyang ginawa. Nahimasmasan ako dahil ramdam ko ang nanggigigil na pagpisil niya
sa aking pag-upo. Ang kanyang dila ay halos mapunta na sa aking pisngi sa
pagpupumilit na pumasok sa aking bibig.
Nangilabot ako, itinulak ko siya ngunit sa laki niya ay hindi siya natinag.
Napapasigaw na ako sa aking isipan dahil sa kapangahasan niya.
"Mapagtimpi ako pero ikaw lang talaga nakakasagad ng kabaitan ko." Nananakot
niyang tugon matapos sandaling ihiwalay sa'kin ang kanyang labi.
Hindi pa ako nasagad ng inis sa kahit na sinumang nilalang dahil triple ang
pagpapasensya ko sa mga taong maloko dahil naniniwala akong kailangan lang nila ng
iitindi sa kanila ngunit sa ginawa niya ngayon ay hindi dapat siya intindihin.
Mariin kong nakagat ang aking labi sa sobrang inis at masama ang tinging
ipinukol ko sa kanya. Naikuyom ko ang aking kamao lalo't nakangisi na siya sa
panonood ng aking reaksyon.
"Ang lambot ng pwet mo, mas malambot sa utong."
Hindi na ako nakapagpigil kaya hinila ko ang kanyang leeg at walang pag-
aalinlangan siyang kinagat sa tenga. Lumambitin ako sa kanyang leeg upang hindi
niya ako mapaalis.
Hindi na holly water ang kailangan niyo kundi kumukulong tubig.
"Aray, aray." Sigaw niya syaka ako hinawakan sa bewang upang ilayo sa kanya
pero mahigpit ang kapit ko. Mas lalo ko pang diniinan ang pagkagat sa kanya.
"Walang pikonan ha." Banta niya.
Napasigaw ako dahil kinagat niya rin ako ngunit ang ipinanlulumo ko dahil ang
dibdib kong nalapit sa kanyang bibig ang kinagat niya.
"Tanggal ngayon ang utong mo, lagot ka dahil lulunukin ko 'to." At tumawa siya
ng malakas. Hindi ako magkamayaw sa pagtili. Ano po ba itong sitwasyong
kinasangkutan ko. Jusko!
Mahigpit siyang nakayakap sa mga hita ko na parang tuko at patuloy sa pagkagat
sa'kin. "Manang tulong." Naisigaw ko.
"Ginusto mo 'to ako pa hinamon mo." Aniya. Igilaw galaw ko ang aking mga hita
pero wala iyong panama dahil para lang akong bata na nakakulong sa mga bisig niya.
"Ay susmaryosep kayong mga bata kayo bakit kay aga aga at nagkakagatan kayo."
Dinig ko ang gulat na gulat na boses ni Manang Dori na lihim kong ipinagpasalamat.
"Manang kinakagat niya ang dibdib ko." Naiiyak na ako dahil sa pinaghalong kaba
at hiya sa sitwasyon namin.
"Jusko Singko bitawan mo na iyang si Nette baka pa'no 'yan." Sabi ni manang na
lumapit sa'min.
Sa wakas ay tumigil siya ngunit hindi pa rin ako binibitawan. "Pasensya na po
manang sa ingay namin." At tumalikod na siya bitbit pa rin ako. "Tuturuan ko lang
po siya ng leksyon masyado po kasing makulit ang bibig."
Akala ko'y tutulungan ako ni manang ngunit malapad lang itong ngumiti at
kumindat pa sa akin. "Manang tulong." Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.
"Palo sa pwet ang makukuha mo ngayon." Tumatawa pa siya ng malakas habang para
lang akong unan na bitbit.
Pumasok sa isipan ko ang ginawa niya noon sa kanyang nobya na mas lalo kong
ikinagimbal. Wag naman po sana.

____________________________________
Thank you for reading Kjens.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 17

"Maybe this is why we read, and why in the moments of darkness we return to book:
to find words for what we already know."
-Alberto Manguel
____________________________________

Nette POV
HINDI AKO tumigil sa pagpadyak ng aking mga paa upang pakawalan niya ako ngunit
hindi niya ginawa. Halos mawala na ako sa sarili sa pagsigaw ngunit hindi niya
lamang ako pinapansin. Hanggang sa makarating kami aking silid hindi niya ako
binitawan.
"Jusko!" Nadaing ko dahil bigla niya akong hinagis sa kama. Nanlalaki ang mga
matang napatingin ako sa kanya na ngingisi ngising nakapamewang at tuwang tuwa sa
kanyang nasasaksihan.
"Higa." Madiing tugon niya. Mas lalo akong tinambol ng kaba dahil hindi ako
makapaniwala sa kanyang mga sinasabi.
"N-Naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo?"
"Oo dahil hindi ako bingi, humiga ka na."
"Ayoko po." Apila ko at akmang tatayo ako pero sumigaw siya na ikinaigtad ko.
"Humiga ka sabi e. Hihiga ka o ako maghihiga sa'yo." Pinanlisikan niya ako ng
mga mata. "At kapag ako naghiga sa'yo ay huhubaran kita." Wala na akong nagawa
kundi ang sunod sa kanya. Inayos ko ang aking suot na bestida dahil bahagyang
lumihis at lumantad ang aking hita.
"Umusog ka." Sigaw na naman niya, nasa gitna ako ng kama kaya dali dali akong
lumipat sa kabilang parte nito. Mariin kong kagat ang aking mga labi habang
nakatingin sa sunod niyang hakbang. Halos mabingi na ako sa tibok ng aking puso
samantalang siya ay pangisi ngisi lamang. "Tinakpan mo pa makikita ko rin naman
'yan mamaya." Nanlaki lalo ang mata ko dahil sa pagbabago ng kanyang boses. Tila
iyon sinasapian ng masamang espiritu at pupungay pungay ang mga mata.
"Wag niyo pong itutuloy ang binabalak niyo." Lakas loob kong sambit sa kanya.
Sumampa siya sa kama dahilan para mapausog ako, kitang kita ko ang pangtaas na
parte ng kanyang malaking katawan dahil sa kahubdan niya na ihinihingi ko ng tawad
dahil sa pagiging bastos ng aking mga mata.
Gumapang siya papalapit sa akin samantalang ako ay tila tuod na napahawak sa
kobre kama at doon ibinuhos lahat ng aking pangamba. Nag-iwas ako ng tingin dahil
sa kakaiba niyang titig at ang pagdila niya sa kanyang labi.
Bakit po ba ako nalagay sa ganitong panganib?
Naiiyak na ako at napadasal nang bigla niya akong higitin at dinamba ng yakap.
"Maawa po kayo sa akin marami po akong pangarap."
Pinitik niya ang noo ko. "Bakit ka ba natatakot sa'kin hindi naman kita
inaano." At tumawa siya bago nanggigigil na ikinulong ako sa kanyang mga bisig.
"Gusto ko lang namang matulog na kayakap ka."
Ang pangamba ko ay parang bulang naglaho at napalitan ng hindi ko mapangalanang
galak sa akin kalooban.
"Puyat na puyat ako kaya gusto kong matulog pero hindi ako dalawin ng antok
dahil wala akong katabi." Hindi ako nakagalaw. Habang yakap ako ng mahigpit ay
hinalikan niya ako sa noo at ilong bago isinandal ang mga labi sa aking braso.
"Bakit ang bango bango mo?" Wala akong maisagot dahil abala ako sa pagtatanong sa
aking sarili kong bakit nasa ganito kaming sitwasyon at kung bakit wala akong
magawa.

Meron akong magagawa upang makalayo sa kanya ngunit tutol


ang aking damdamin na kumawala sa kanyang mga bisig. Ano itong aking nararamdaman?
"Hindi ka ba nagagwapohan sa'kin?" Pagkua'y tanong niya makalipas ang ilang
minutong namayani sa aming pagitan ang katahimikan. "Ha?" Pangungulit niya noong
hindi ako sumagot.
Ilang beses akong napalunok bago nagsalita. "A-Ang pagtingin ko po sa hitsura
ng mga lalaki ay pare-pareho lamang sapagkat naniniwala akong lahat ng likha ng
Diyos ay kaayaya."
Nakita ko ang kanyang pagsimangot. "So kahit bungi ay gwapo para sa'yo?" Bakas
ang inis sa kanyang tinig.
Tumango ako. "Sapagkat hindi po dapat tayo tumingin sa pagkukulang o kapintasan
ng isang tao dahil hindi po tayo perpekto." Tumingin ako sa kisame at naagaw ng
atensyon ko ang malaking kumpol ng mga ilaw na tila brilyanteng nakasabit. Ang
ganda. "Maaaring bungi ang isang tao at magiging kapintasan iyon para sa iba dahil
iyon ang kanilang nakikita ngunit may mga taong perpekto po sa panlabas ngunit sa
kalooban ang kapintasan."
"Bakit nagpo'po' ka palagi sa'kin?" Salubong ang kanyang mga kilay nang
bumaling ako sa kanya.
"Importante po ang paggalang sa matatanda."
"Para sa'yo matanda ako?"
Tumango ako. "Kung ikukumpara po sa aking edad ay labis po ang iyong tanda."
Mas lalong sumama ang pinta ng kanyang mukha. Halatang ayaw na ayaw na tawaging
matanda, lihim akong napangiti dahil doon.
"Kahit na simula ngayon ayokong nagpo'po' ka sa'kin." May penalidad sa kanyang
tinig.
"Ngunit--"
"Wag mo na tangkain na umangal dahil sa bawat po na maririnig ko sa'yo ay isang
pisil sa utong." Banta niya.
W
ala akong naisagot dahil hindi ko alam kung paano ko siya mapapatigil sa
kanyang mga kalokohan.
"Bakit po kayo lumalapit sa akin nang ganito? Hindi po ba at takot kayo sa'kin
noon na tila kayo napapaso ng apoy kapag kayo ay nadidikit sa akin?" Hindi ko
mapigilang itanong ang gumugulo sa aking isipan.
"Ang gamo-gamo man ay hindi natakot na maglaro at lumapit sa apoy kahit alam
niyang ikamamatay niya ito."
"Pero ang gamo gamo po ay walang utak---" agad akong napatili dahil sa sobrang
gulat sa pagpisil niya sa aking dibdib.
"Isa pang po makakarami ako ng kurot sa utong mo." Ngingisi ngisi niyang
sambit. Balak kong itakip ang aking mga kamay sa aking dibdib ngunit inipit niya
iyon sa kanyang mga braso upang hindi ako makagalaw.
"Nakasanayan ko na p-" agad kong binawi ang aking sasabihin. "Mahirap baguhin
ang nakasanayan."
Tumango siya. "Hindi lang naman ikaw ang nag-aadjust para baguhin ang
nakasanayan, ako rin naman."
Kumunot ang noo ko. "Nag-aadjust kayo sa anong paraan?"
Ngumiti lamang siya at muling humalik sa aking noo. "Kung alam ko lang ang
paraan para iwasan ka hinding hindi kita lalapitan. Hindi ko pa alam kung ano 'to
pero ang alam ko kapag nagdedecide ako na lumayo sa'yo mas lalo akong hinihila
papalapit." Ramdam ko ang mas lalong paghigpit ng kanyang mga yakap.
"Kapag nalaman ko na kung ano 'to sisiguradohin kong hindi ako mag-iisa, dapat
kasama kita." Bulong niya dahilan para pumintig ng mabilis ang aking puso.

Hanggang sa makatulog siya ay mahigpit pa rin ang kanyang


pagkakayakap sa akin. Napatulala na lamang ako dahil sa kanyang mga sinabi.

Tam POV
"KUMUSTA na ang paghahanap mo ng pera?" Tanong ko kay Julia na panay na naman
ang paglalagay ng make up sa mukha niya.
"Problema pa rin dahil hindi naman ako kasing ganda ni Nette na isang giling
lang sa stage ay may magbibigay na ng dalawang milyon para makuha siya."
"Dalawang milyon?" Taas kilay na tanong ko.
"Ay oo nga pala hindi ko pa nakwento sa'yo 'yon dahil wala ka namang interest
sa pakikinig kapag tungkol sa kapatid mo." Inirapan niya ako.
"Dahil wala akong kapatid." Inirapan ko rin siya dahil nagsisimula na naman ang
pagkairita ko sa pagkabanggit ng pangalan ng pokpok na 'yon.
"Ewan ko sa'yo basta 'yong dalawang milyon ay bigay ng napakayamang lalaki
dahil gusto niyang ikama si Nette."
"Ang tanga naman ng lalaking 'yon, sugar daddy ba?" Dahil walang matinong
lalaking magbibigay ng gan'ong halaga para lang may maikama unless kung matanda na
at wala nang pumapatol.
"Gaga hindi, bata pa at napakasarap. Titigan ka palang siguradong lalabasan ka
na." Kinikilig pa siya at parang nangangarap habang sinasabi 'yon. Napakalandi
talaga ng baklang 'to.
Kasing gwapo ba ni Azia? Napangisi ako dahil naalala ko ang hudlom na 'yon,
kahit na pakialamero ay papasa siya sa mga lalaking titigan mo palang ay lalabasan
ka na pero ako hindi.
"Masyado lang talagang maganda si Nette kaya kahit balot ay may napapatigas na
sandata ng mga mandirigma lalo na kung maghubad dahil marami talagang sasamba."
Papuri niya.
"Mas maganda pa rin ako sa pokpok na 'yon partida may sakit pa ako paano nalang
kung wala." Asik ko.
"Gaga, talo ka pa rin ng kapatid mo dahil bukod sa maganda ang mukha at katawan
ay parang santa sa bait tapos wala pang sakit."
"Pokpok naman."
"Baliw ka talaga nanay niya 'yong pokpok hindi siya, judgemental ka talagang
bruha ka." At kinurot niya pa ako sa braso, inis na tinapik ko ang kamay niya at
pinagulong ang wheelchair ko palabas. "Hoy saan ka pupunta?" Sigaw niya.
"Wala kang pakialam bakla ka." Balik sigaw ko. Naiinis ako dahil palaging
ipinamumukha sa'kin ng lahat na palaging ang pokpok na 'yon ang karapat dapat sa
lahat.
Siya ang maganda, mabait at kamahal mahal pero hindi nila alam na nasa loob din
ang kulo n'on dahil walang taong puro kabutihan lang ang alam. Mapagpanggap lang
talaga ang pokpok na 'yon. Paawa at pavictim.
"Salamat po Kuya Azia sa mga regalo niyo po." Padaan ako sa garden nang marinig
ko ang sinabi ng kung sinong bata kaya pumunta ako doon upang silipin ang
pinagkakaguluhan nila.
"You're welcome baby gift 'to ni kuya sa inyo para magpagaling kayo agad."
Masaya ang ngiti niya habang binubuhat ang batang babae sa kandungan niya at
pinapalibutan siya ng mga batang may sakit.
"Napakabait niyo po kuya dahil hindi po kayo nagsasawa sa pagtulong sa'min,
nakapagchemo po ako kahapon dahil po sa bigay niyong pera." Tuwang tuwang yumakap
naman sa kanya ang batang lalaki na nakacap dahil wala na itong buhok.

"Nagpray ka ba bago ka sumalang sa chemo?" Tanong ni Azia.


Mabilis na tumango ang bata. "Opo, tulad po ng lagi niyong sinasabi na kapag
tumawag tayo kay Lord ay hindi niya tayo papabayaan."
Maraming mga laruan at kung anong mga regalo ang nagkalat sa kanilang pwesto at
kahit hindi tanungin ay alam kong galing 'yon sa kanya.
"Ngayon ko lang po kayo nakitang ngumiti simula n'ong maconfine kayo dito, ang
ganda niyo po pala talaga." Kunot noo akong tumingin sa nagsalita sa tabi ko at
nakita ko 'yong nurse ko.
"Nakangiti?" Takang tanong ko, tumango siya at tumingin sa tinitingnan ko
kanina.
"Opo, kanina pa po kayo nakangiti habang nakatingin sa kanila. Kunsabagay lahat
po talaga maantig sa ganitong tanawin, napakagwapo na nga po ni Mr. Castillion
tapos ang bait bait pa." Para siyang nangangarap habang nagsasalita kaya inirapan
ko.
Ibinalik ko ang tingin ko sa garden at hindi siya pinansin. Napakachismosa.
Kumunot ang noo ko dahil sa tumatakbong bata palapit sa pwesto ko, nasa
entrance ng garden.
"Hello po ate ganda ito po pinapabigay ni Kuya Azia." May iniabot siyang
bulaklak sa'kin, gumamela na kinuha sa mga bulaklak dito. "Palagi daw po kayong
ngumiti dahil mas lalo daw po kayong gumaganda kapag gan'on."
Ilang sandali akong nakatitig sa nakangiting mukha ng batang babae bago
nanginginig kong tinanggap ang bulaklak na inaabot niya. Mabilis din itong tumakbo
paalis, tinitigan ko ang gumamela at hindi ko napigilan ang mapangiti dahil parang
nagkukusa ang labi ko.
Tumingin ako kay Azia at naabutan kong nakatingin rin siya sa'kin. Kumindat pa
ang hudlom bago tumawa, natawa nalang ako dahil sa kacorny'han niya. Ganitong mga
galawan siguro ang ginagamit niya sa mga babae niya.
Nakita kong kinausap niya ang mga bata bago muling tumingin sa'kin,
nagsitanguan ang mga ito bato nagtakbuhan papalapit. Nagtataka akong napatingin sa
kanya na nakapamulsang sumusunod sa mga bata.
"Ate huwag na daw po kayong masungit kay Kuya Azia." Sabi ng batang babaeng
kandong niya kanina.
"Oo nga po ate mabait po sobra si kuya kaya wag niyo na po siyang sungitan."
"Gusto niya daw pong makipagkaibigan sa'yo."
"Bagay na bagay po kayo ate dahil gwapo siya at maganda kayo."
Halos sabay sabay silang nagsasalita kaya natawa ako dahil hindi ko alam kung
sino ang unang pakikinggan.
"Naghanda na ako ng back up para di ka na magsungit sa'kin." Tumingala ako sa
kanya na nakalapit na pala. Tinaasan ko siya ng kilay kaya tumawa siya.
"Anong pakulo 'to? Ginagamit mo na ba sa'kin ang mga moves mo sa mga babae mo?"
Natawa na naman siya, palagi siyang masaya. "Gusto ko lang naman
makipagkaibigan hindi kasi tanggap ng loob ko na may hindi magaan ang pakikitungo
sa'kin kapag dumadalaw ako dito."
"Bakit ka nga ba laging dumadalaw dito?" Parang wala siyang pinagkakaabalahan
dahil pansin kong kahapon lang siya wala dito at ngayon nandito na naman.
"Malapit kami sa mga hospitals dahil nakasanayan na ng family namin na magbigay
ng fund para sa mga may sakit, well minsan na rin kaming nagkaroon ng experiences
sa hospitals at hindi maganda."
"At ikaw ang nakaassign para d'on?" Ang mga bata ay naglalaro sa aming paligid
and to my whole existence ngayon lang ako natuwa sa mga bata.
Umiling siya. "Nope, tumutulong lang ako dahil wala naman akong masyadong
ginagawa and this time hindi ang kapatid ko ang kasama ko."
Hindi na ako nakaangal nang pumunta siya sa likod ko at itinulak ang wheelchair
papunta sa kinauupuan nilang bench kanina.
"Sino naman?" Walang pakialam kong tanong.
"Kaibigan ko, she's visiting her sister at hindi na ako pinayagang sumama doon
kaya dito ako nagtambay at dinala ko na rin ang gifts para sa mga bata." Napatango
tango ako. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil sa paggaan ng loob ko.
Noong una naming pagkikita ay hindi maganda ang dating niya sa'kin kahit noong
pangalawa pero ngayon pansin kong hindi naman pala siya gan'on kasama.
"Mahilig ka sa bata ano?"
Bigla siyang tumawa kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Sorry about that, may
naalala lang ako sa tanong mo baka magsungit ka na naman."
"I get it, you mean mahilig ka lumandi sa mga bata sa'yo?" Napangisi ako dahil
natigilan siya. "For sure mas bata ako sa'yo so kaya mo ako nilalandi?" Prangkang
tanong ko.
"Yeah, nitong mga nagdaang araw lang ako nahilig sa bata." At tumawa na naman
siya.
He's a happy go lucky.
"Simula noong makilala mo ako? Well, to inform you I'm just twenty four."
"Mas bata ka nga sa'kin." Sagot niya.
"You're not my type." Deritsang sabi ko, nagsalubong ang mga kilay niya na
tumingin sa'kin kaya ako naman ang natawa. "But, pwede ka na rin namang pagtiyagaan
so yeah para hindi ka na mahirapan you can court me magiging choosy pa ba ako na
may sakit na nga." Hindi siya nakasagot kaya mas lalo akong napangisi.
Alam ko kapag interesado sa akin ang lalaki at kahit noon pa  man ay hindi ako
mahilig mapahirap ng manliligaw. Bakit pa ako magpapakipot, sa panahon nga ngayon
ay halos hindi na uso ang gan'on.
Haller, twenty first century na at modern generation na tayo.

____________________________________
Thank you for reading Kjens.
Happy first month to our group page. Salute to my very much active admins and
to my Kjens.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 18

"Don't be the girl who needs a man.


Be the girl a man needs."
-Unknown
__________________________________
Nette POV

PAGPASOK KO SA silid ni Ate Tam ay tanging si Julio lamang ang aking nadatnan.
Inilapag ko ang mga dala kong prutas at mga pagkain.
"Oy dami naman niyan." Pansin sa'kin niya Julio, ngumiti ako at lumapit sa
kanya.
"Nasaan po si Ate Tam?"
Inayos niya ang mga gamit niyang pangmake up. "Nagwalk out ang bruha pero
nandiyan lang 'yan nagpapahangin."
Tumango ako bago inayos ang higaan ni ate. Isinalansan kong mabuti ang mga
libro sa maliit na mesa at iba pa niyang gamit.
"Ang dami niyang dala mo nakajackpot ka na naman ba?" Nakatingin siya sa mga
dala ko kaya alam ko na ang tumatakbo sa kanyang isipan ngunit hindi ko iyon
pinagtuonan ng pansin.
"Medyo nakaswerte lang po." Masama ang magsinungaling at sa isang tulad ko ay
siguradong kakainin ako ng aking konsensya ngunit hindi dapat ipagsabi sa iba kung
saan ko nakuha ang pinambili ko ng mga ito.
"Palagi ka talagang swerteng bata ka kulang nalang maging ikaw 'yong pusang
kumakaway sa mga tindahan na kulay ginto." Natawa ako dahil doon.
"Excuse me." Napalingon kami dahil sa boses na pumutol sa aming pag-uusap.
"Hello po Doc Ismael." Ang doctor na tumitingin kay Ate Tam.
Doctor Ismael Saccareas.
Agad akong lumapit sa kanya at yumuko. "Kumusta po? Kailangan ko na po bang
pabalikin ang ate lumabas po kasi siya upang magpahangin."
Mabait itong ngumiti. "Sinadya ko talaga na abutan ka dito, sinabi ko sa nurse
niya na tawagin ako kapag nandito ka dahil gusto kitang makausap tungkol sa lagay
niya."
Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko iyon nagawang itago. "Ano pong lagay niya sa
ngayon?"
Tumingin siya sa likod ko kung nasaan si Julio bago bumaling sa'kin. "Follow me
to my office." Tulad ng sabi niya ay sumunod ako sa kanyang paglalakad.
"Have a seat." Alok niya.
"Salamat po." Pagkaupo ko ay hinubad niya ang suot na salamin at seryosong
tumingin sa akin.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Ms. Francisco hindi na bumubuti ang lagay
ni Ms. Sinon and even blood tranfusions is not enough at her stage. The red blood
cell, white blood cell and platelet levels are very low." Paliwanag niya at
naiintindihan ko iyon, matagal nang hindi normal ang blood cell ni Ate Tam pero
binabalewa niya lamang ang mga iyon. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil natatakot
ako sa posibilidad kapag hindi ko pa rin siya napilit na magpagamot. "Kahapon ay
nagbleeding na naman siya at hindi na iyon nakakabuti sa sitwasyon." Napatingin ako
sa kanya dahil hindi ko nalaman na dinugo na naman si ate. Nangyayari na iyon dati
ngunit ngayon ay mas lalong napapadalas.
"A-Ano po ba ang option na pwedeng gawin?" Naluluha ako ngunit kailangan kong
maging matatag.
"She's too stubborn at umaasta siyang malakas kahit ang totoo ay humihina na
ang immune system niya becuase her body keeps on rejecting the treatment, and we
know that severe aplastic anemia is life threatening." Napansin ko na nga ang
pagpayat ni ate at malayong malayo ang katawan niya ngayon sa kanyang katawan noon.
Minsan ay hindi na rin niyang gustong kumain.
"Stem cell transplant and bone marrow transplant is the option but stem cell
transplant is too risky. Her body rejecting the treatment at posibleng ireject din
niya ito and it will lead to complications." Tumingin siya sa'kin at alam ko bilang
doctor ay nag-aalala din siya sa kanyang pasyente. "So bone marrow transplant is
the best and her stay here is enough for here to take the treatment."

Noon ay naisalaysay na niya sa'kin ang mga posibilidad na


ito at gusto kong mag-undergo si Ate Tam ng bone marrow transplant at iyon ang
ipinipilit ko sa kanya pero ayaw niya at hindi ako masyadong nabahala dahil sabi ni
doc ay may options pa ang antibiotics. Ngayon ay mas malala na ang kanyang lagay at
wala ng ibang option.
"P-Pero ayaw niya po kasi talaga." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa luhang
pumatak sa aking mga mata. Lumalabas na naman ang aking pagiging madamdamin.
"Isa pa iyon sa problema dahil ang pasyente mismo ang ayaw na gumaling.
Kumbinsehin mo siya as soon as possible hanggat may pag-asa pa. You need to
motivate her." Sumandal siya sa kanyang upuan at tumingin sa kawalan. Pareho kaming
nag-iisip ngunit alam naman naming wala kaming magagawa dahil mismo si Ate Tam ang
ayaw.
"Kahit ano pong gawin ko ay hindi ko siya magawang mapilit." At isa iyon sa
ikinakasakit ng kalooban ko dahil wala akong magawa. Mas nangingibabaw ang kanyang
galit sa akin kaysa ang kagustuhan niyang gumaling.
"She needs motivation and if it's not you who can motivate her find someone,
friends, family or acquintances that can cheer her to take the operation for the
transplant." Payo niyang muli ngunit mas lalo akong nawalan ng pag-asa dahil ako
nalang ang pamilya ni ate at hindi niya ako itinuturing na gan'on dahil sa
kasalanan ko at si Julio lamang ang kanyang kaibigan at wala ring magawa para
pilitin siya tulad ko.
"Sisikapin ko po doc." Tanging naisagot ko dahil kahit ako ay hindi sigurado.
"All right, that's all." Tumayo siya gan'on rin ako at sabay kaming lumabas sa
kanyang opisina. Hindi ko napigilan ang mga luha ko kaya yumuko ako.
Panginoon, sana po ay bigyan niyo ng lakas si Ate Tam at sana po ay pumayag na
siya na magpagamot.
Wala akong ibang malalapitan kundi Siya lamang. Si ate ay sumuko na sa kanyang
sarili kaya kahit gusto kong lumaban siya ay hindi ako siguradong maililigtas ko
siya sa sakit niya.
"Stop crying it won't help." Napatingin ako kay doc na tumigil sa paglalakad,
napatigil rin ako. "Here, punasan mo 'yang mga luha mo dahil baka isipin nila na
pinapaiyak kita." Tumingin ako sa puting panyo na iniabot niya at akmang kukunin ko
na iyon ng biglang may humila sa'kin at namalayan ko nalang na natumba si doc sa
sahig at tumalsik ang panyo na kanyang iniaabot.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa galit na galit na
boses ni Mr. Fifth. Napatingin ako sa kanya na mahigpit na mahigpit na nakahawak sa
pulsuhan ko. "Why she's crying, what did you do to her?" May diin ang bawat salita
niya.
Kumalas ako sa pagkakahawak niya upang daluhan si doc. "Jusko, ayos lang po ba
kayo?" Mabilis kong pinulot ang panyo at ipinahid sa dumudugo niyang ilong. Tumango
siya habang hawak ang panga.
"Ayos lang ako Ms. Francisco don't mind me." Umupo siya at tumingala kay Mr.
Fifth. "Ang sakit n'on Azia." At ngumisi siya.
"Ayos lang po ba talaga kayo?" Nag-aalala ako dahil baka mapa'no siya at wala
nang gagamot kay Ate Tam.
Titingnan ko sana ang kanyang sugat ngunit napatili ako dahil sa biglaang
pagpangko sa akin ni Mr. Fifth. Para niya akong batang kinarga sa kanyang mga
braso. "Ibaba niyo ako, hindi niya ako pinaiyak balak niya lamang na punasan ang
luha ko." Pakiusap ko ngunit sinamaan niya ako ng tingin dahilan upang matigilan
ako. "Walang ibang pwedeng pumunas sa mga luha mo kundi ako lang at lalong walang
pwedeng magpaiyak sa'yo." Asik niya. Muli siyang bumaling sa doktor. "Sa susunod
alamin mo muna kung kanino ang babaeng pupunasan mo kung ayaw mong kalimutan kong
kaibigan ka ng kapatid ko." May pagbabanta niyang sambit samantalang ang doktor ay
ngumisi lamang bago tumango.
Tumalikod na si Mr. Fifth at dahil buhat niya ako ay wala akong nagawa kundi
sumama. "Pasensya na po talaga." Sabi ko.
"Wag mo siyang kausapin." Sabat ni Mr. Fifth. Ayokong nagtatanim ng sama ng
loob sa kapwa ngunit hindi ako natutuwa sa kanyang ginawa. Pinagbigyan ko na lamang
siya sa gusto niya at hindi na umimik pa. Pinagtitinginan kami ng mga tao kaya mas
lalo akong napayuko upang itago ang mukha ko mula sa kahihiyan. Dinig ko pa ang
bulong bulungan nila.

Hanggang sa makarating at makapasok kami sa kanyang


sasakyan ay wala pa rin akong imik. Ni hindi na ako nakabalik sa kwarto ni Ate Tam
at hindi nakapagpasalamat kay Doctor Ismael.
"Matagal mo na bang nakakausap 'yong doctor na 'yon?" Tanong niya at ramdam ko
pa rin ang galit sa kanyang boses. Kitang kita ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa
monobela ngunit hindi ako kumibo.
"Nakikipag-usap ka sa lalaking 'yon na kasing edad lang ni Syete." Wala akong
ideya kung bakit niya sinasabi ang mga iyon. Ano naman kung kasing edad ni doc si
Syete?
"Sumagot ka." Tumaas na naman ang kanyang boses ngunit hindi pa rin ako kumibo.
"Bakit hindi ka sumasagot dahil ba gustong gusto mong nakakausap ang lalaking
'yon?" Pinagpapalo niya ang monobela at malalim ang kanyang paghinga dahil sa
pagpipigil ng galit. Mariin akong pumikit upang hindi magsalita, ayokong magsalita
dahil walang patutunguhan kong papatulan ko ang baluktot niyang pag-iisip.
"Kaya ba hindi mo ako pinasama sa loob para dalawin ang ate mo dahil may
kinakatagpo ka palang doctor."
"At bakit ka umiiyak? Ha? Palagi mo nalang ipinapakitang mahina ka kaya halos
lahat gusto kang alagaan. Ayokong nakikita ng iba na mahina ka." Naiiling na
bumaling ako sa kanya dahil hindi ko matiis ang walang saysay niyang mga salita.
"Pinag-iisipan mo ba lahat ng mga salitang lumabalas diyan sa bibig mo? Hindi
ako mahina at hindi ko sinasadya na maiyak." Kalmado kong sagot.
Nagngalit ang kanyang mga ngipin at halos magkulay ube na ang kamay niyang nasa
monobela. "Sinadya man o hindi dapat hindi ka umiiyak kung saan saan."
"Ano bang gusto mong palabasin?" Mas kailangan kong pahabain ang aking pasensya
dahil tila wala siya sa tamang pag-iisip, nadadala sa galit na hindi ko alam kung
saan nagmula.
"Hindi mo naiitindihan? Ayaw kong makita ka ng iba na mahina dahil ayokong
gustuhin nila na alagaan ka. I am the only one who have the right to protect you,
to care for you and to wipe all your tears. Damn it!" Taas baba ang kanyang dibdib
sa pagsigaw samantalang magkatabi lamang kami. Ilang ulit akong bumuntong hininga
upang kumalma.
Naninikip ang aking dibdib dahil sa mga pinagsasabi niya. Mas lalong
naguguluhan ang aking kalooban, mas lalong dumadami ang katanungan sa aking isipan.
"Hindi mo dapat sinasabi ang mga 'yan." Tanging naisagot ko at umiwas ng tingin
dahil hindi ko kayang labanan ang nakakapaso niyang titig.
Rinig ko ang marahas niyang maghugot ng buntong hininga at pagsandal sa kanyang
kinauupuan. "Ayokong nakikipag-usap ka sa ibang lalaki, if you need anything just
ask me and I will give you everything you want."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa labis na pagkabog ng aking
dibdib. Pinaghalong tuwa at pangamba ang nararamdaman ko habang pinapakinggan siya.
"It's my pleasure to serve you, it makes me happy everytime you ask me for help
as if I am the only one you need." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kaliwang
kamay ko, nilaro laro niya ang aking mga daliri at marahan iyong pinisil.
"I want you to need me." Nakaawang ang bibig na napalingon ako sa kanya dahil
sa paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga palad. Hindi ako makasagot dahil
parang naubos lahat ng salitang alam ko.
Ni minsan ay hindi ko nakita ang sarili ko na mapupunta sa ganitong sitwasyon.
Ano po ba ang plano niya sa akin?
Nakatitig siya sa aking mga mata nang ngumiti. "I want you to give me the right
to be jealous."
"P-Pero ang pagseselos ay para lamang sa mga taong may malalim na relasyon."
Apila ko, sa wakas ay nagkaroon rin ako ng lakas na magsalita. "At wala tayong
relasyon dahil hindi pwede."
Hindi madali na isawalang bahala ang kabang namamayani sa aking dibdib ngayon.
Hindi ko kayang ipaliwanag at hinding hindi ko nanaisin na malaman ang paliwanag
dahil alam kong wala iyong dudulot na mabuti.
Ngumisi siya at hinaplos ang aking baba paakyat sa aking pisngi. May hindi ako
mapangalanang emosyon na isinisigaw ng kanyang mga mata, ang alam ko lang ay para
akong nilulunod ng kanyang mga titig. "Hindi naman kailangan ng relasyon para
makaramdam ka ng selos. Kahit walang label pwede kang magselos dahil wala namang
pinipili 'yon."
Umiling ako. "Pero hindi ko pa rin maintindihan ang gusto mo." Nag-iwas ako ng
tingin ngunit muli niyang iniharap ang mukha ko sa kanya.
Nakangisi pa rin siya. "Hindi mo alam dahil idenideny mo. It's too obvious, I
want you Antoinette Francisco."
Hindi ko alam pero parang musika ang mga katagang iyon sa aking pandinig pero
malaki pa rin ang parte ng isip ko na nagsasabing wala akong karapatang magdiwang o
masiyahan dahil marami akong problemang mas dapat unahin kaysa dito.
Hindi ako nakakibo.
Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at ramdam na ramdam ko ang mabango niyang
hininga na tumatama sa aking mukha, bumulong siya.
"Miña Virxe, I want you to be mine. I. Want. All. Of. You. To. Be. Mine. Only."
Pagdidiin niya.
____________________________________
Thank you for reading Kjens.
Please follow my IG acc.
Hope Castillina (@kuyajen)
And like our page:
Kuyajen Stories
If you want to join our group just search on fb:
Kuyajen's Readers Group
We have also a group chat just add my fb acc.
Kuyajen Wp

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 19

"If you have the ability to love,


Love yourself first."
-Charles Bukowski
_________________________________

Nette POV
ILANG ARAW NA ang lumipas simula noong hindi ko maintindihan ang pagseselos ni
Mr. Fifth at hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa aking isipan ang mga katagang
kanyang binitawan. Hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa ang aking puso ngunit
itinatanggi ng aking isipan ang lahat.
Ayokong tanggapin kung ano man ang iniuudyok ng aking damdamin. Bago sa akin
lahat ng mga ipinaparamdam ni Mr. Fifth at hindi ko nanaising pangalanan iyon.
Matapos kong basahin ang isang pahina ng bibliya ay napapabuntong hininga
isinara ko iyon. Hindi ko alam kung bakit napakabigat ng aking kalooban.
"Napakalalim naman ng buntong hininga mo iha, kakatapos lamang natin na
magdasal pero parang napakabigat ng iyong problema." Napatingin ako kay Manang Dori
at ngumiti.
"Wala po manang, medyo may gumugulo lang po sa aking isipan."
Tinitigan niya ako bago muling nagsalita. "Dahil ba kay Singko?"
Nag-iwas ako ng tingin at napatulala sa kung saan bago ko nagawang tumango.
Naramdaman ko ang kanyang paghawak sa aking kamay na nasa ibabaw ng maliit na
center table ng sala kung saan kami nagbible study.
Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya. "Napapansin ko ang pag-iwas mo sa kanya
nitong mga nakaraang araw, ni hindi ka sumasabay sa amin sa pagkain kapag nandito
siya." Bigla siyang nakonsensya dahil doon. "Alam kong may problema at nandito
lamang ako iha handang makinig sa'yo." Ngumiti ito.
Gumanti ako ng paghawak sa kanyang mga kamay. "Sinabi po sa akin ni Mr. Fifth
na siya ay nagseselos at nais niyang sa kanya lamang ako. Hindi ko po alam manang
ngunit masaya po ang aking puso sa kanya mga sinabi pero tutol ang aking isipan."
Ramdam ko ang pag-init at pamumula ng aking mga pisngi dahil sa nangangantyaw
niyang mga ngiti. "Bakit naman magiging tutol ang iyong isipan?"
"Manang, wala po sa aking plano na umibig." Mabilis kong natutop ang aking
bibig dahil sa pagkukusa ng huling salitang iniiwasan kong banggitin.
"Umiibig ka na kay Singko?" Ang kanyang ngiti ay mas lalong lumawak. Napayuko
ako dahil sa hiya at dahil sa pagwawala ng aking dibdib, kinakabahan ako. Alam na
niya ang estado namin ni Mr. Fifth dahil naikwento ko na iyon sa kanya noong mga
nakaraang araw pati na rin ang tungkol sa aking pansamantalang paglabas sa
kumbento.
"Hindi pa ho ako sigurado at ayaw ko pong tanggapin kong sakali man." Naninikip
ang aking dibdib dahil sa mga salitang aking sinasabi. Tumingin ako sa mga mata
niya at alam kong nakikita niya ang pangamba at takot ko. "Ngayon lamang po ako
nakaramdam ng ganito kaya natatakot po ako. Manang, pangarap ko po na maging madre
at kung magpapatuloy ito ay malabo ko nang makamit ang aking pangarap kaya pasensya
na po kung nadadamay ko kayo sa pag-iwas nitong mga nagdaang araw."
Hinaplos niya ang aking braso at nakakaintinding tumango. "Wala iyon sa akin
iha naiintindihan ko ang naramdaman mo at alam kong hindi ito madali sa'yo ngunit
wag mong isara ang isang puso para sa pag-ibig dahil kung plano ng Diyos na
pagsilbihan mo siya bilang isang madre ay tiyak na magiging madre ka ngunit kung
plano niyang umibig ka at makapag-asawa ay iyon ang mangyayari." Hindi ako
nakapagsalita. "Isa pa'y maaari mo Siyang pagsilbihan sa ibang paraan kung sakali
man. Ang plano Niya ang mas mananaig kaya wag kang matakot." Lumapit niya sa akin
at masuyo akong niyakap.

"Kung plano Niya po ang umibig ako ay kailangan ko pong


maging matapang." Sambit ko, hinaplos niya ang aking buhok. "Pero natatakot pa rin
po ako." Para akong isang musmos na humihingi ng pagkampi mula sa aking ina.
"Normal lamang na matakot dahil sadyang nakakatakot nga talaga ang ganyang
pakiramdam ngunit iyan din ang lubos na magpapaligaya sa iyo." Humiwalay siya ng
yakap sa'kin at ikinulong ang aking sa kanyang mga palad. "Masaya akong masaksihan
ang pag-ibig niyong dalawa."
Sa pagkakataong ito ay mas nangibabaw ang galak sa aking kalooban sa isiping
iniibig din ako ni Mr. Fifth. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kaya hindi ko
alam kung ano ang dapat na gawin, siguro'y susundin ko na lamang ang aking puso.
"Isa pa po sa ikinatatakot ko ay napakaikli pa lamang po ng panahon mula noong
magkakilala kami ngunit ganito na ang isinisigaw ng aking damdamin."
"Alam mo iha wala sa haba ng panahon upang masabi mong iniibig mo ang isang tao
dahil ang pag-ibig ay makapangyarihan kahit segundo o minuto lamang ay maaari mong
maramdaman ang kapangyarihan niyon." Masuyo ang kanyang mga ngiti sa mga labi kaya
hindi ko napigilang mapangiti rin. Muli akong yumakap sa kanya.
"Maraming salamat po at nakilala ko kayo." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng
luha sa aking mga mata dahil bigla akong nangulila kay mama. Kung nagkataon na
buhay siya ay siguradong siya ang nandito ngayon sinasabi ang mga salitang 'yon.
"Ako rin iha nagpapasalamat na nakilala kita dahil kahit papaano'y naiibsan ang
aking lungkot." Patuloy ang kanyang paghalpos sa aking mahabang buhok kaya
napapapikit ako. Ilang sandali kaming nasa ganoong sitwasyon bago kami naghiwalay.
"Halina't matulog na tayo dahil lumalalim na ang gabi. Hindi uuwi ngayon si Singko
dahil may pinagkakaabalahan daw siya." Sabi niya kaya tumango ako at sumunod.

PAGSIKAT NA PAGSIKAT ng araw ay naghanda ako ng agahan at nagbalot ng mga


pagkaing aking niluto para dalhin kay Ate Tam. Inayos ko ang paghahain at tinakpan
ang mga iyon bago nagbilin ng sulat. Hindi pa gising si Manang Dori kaya ako na ang
gumawa ng lahat.
Dadaan muna ako sa libingan nina Mama at Papa kaya maaga akong umalis. Ilang
linggo ko na rin silang hindi nadadalaw kaya't namimiss ko na sila. Mula sa perang
ibinigay sa'kin ni Mr. Fifth ay bumili ako ng mga bulaklak. Inilapag ko iyon sa
puntod nila at umupo sa tabi. Nilinisan ko ang mga iyon at nag-alay ako ng dasal.
"Hanggang ngayon po ay hinihiling ko pa rin po na sana tulungan niyo po akong
kumbinsihin si Ate Tam na magpaopera." Hinaplos ko ang mga pangalang nakaukit at
hinayaang umiyak sa harap nila. Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin natutupad ang pangako ko sa kanilang dadating ang araw na papatawarin din kami
ni ate. Hindi ko alam kung kailan darating ang araw na iyon ngunit hindi ako
susuko, lahat gagawin ko para sa kapatawaran niya.
Malapit na ang tanghali nang makarating ako sa hospital. Nagmamadali ako dahil
alam kong nagugutom na si ate. Bawal sa kanya ang magutom o manghina.
"Assumera ka talagang bruha ka." Sa pinto pa lamang ay dinig ko na ang matinis
na boses ni Julio, bahagyang nakaawang ang pinto at kakatok na sana ako ngunit
natigilan ako sa sagot ni Ate Tam.
"Gaga, totoong nanliligaw sa akin si Azia. Sa ganda ko ba namang ito may
tatanggi ba sa'kin?" Bakas na bakas ang kilig at tuwa sa kanyang boses.
"Ano nga ulit apelyido ng Azia na 'yan?" Tanong ni Julio.
"Castillions nga."

"Sure ka? Kilala ko lahat ng Castillion dito sa Pilipinas


dahil hindi lang sila saksakan ng yaman saksakan din ng kagwapohan."
Castillion? Azia? Hindi ba't si Mr. Fifth ang kanilang pinag-uusapan? Natigilan
ako at napahigpit ang aking pagkakahawak sa paperbag na dali ko dahil sa pagbundol
ng kaba sa aking kalooban.
"Yeah, Azia Castillion iyon ang tawag sa kanya ng nurse na nakaassign sa'kin."
Masiglang tugon ni ate samantalang ako ay hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan.
Azia Castillion. 'Ang sakit n'on Azia' tila isang plakang paulit ulit na
lumataw sa isipan ko ang boses ni Doc Ismael noong tinawag niyang Azia sa Mr.
Fifth. Ilang ulit akong napalunok dahil parang may nagbabara sa aking lalamunan na
hindi ko mawari. Naninikip ang aking dibdib kaya sandali akong sumandal sa dingding
katabi ng pinto.
"Ang swerte mo bruha ka kapag nagkataon."
Dinig ko ang impit na pagtili ni ate na siyang mas lalong nagpapasikip sa aking
dibdib. "Alam mo ba na binigyan niya ako ng bulaklak sa garden tapos ginamit niya
pa 'yong mga bata para mapalapit sa'kin. He's so sweet. Ang saya saya ko talaga,
siya lang ang lalaking nakapagpakilig sa'kin." At tumili na naman siya dahil sa
tuwa.
Napahawak ako sa aking dibdib at mabilis na pinunasan ang mga luhang hindi ko
namalayang nag-unahan na sa paglabas sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit
ako umiiyak habang nakikinig sa kanilang usapan.
Ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon.
"Kapag tinanong ka kung kayo na sagutin mo agad." Napapatili ring sagot ni
Julio.
Nililigawan siya ni Mr. Fifth tapos binigyan siya ng bulaklak? Pero bakit sabi
niya sa akin ay nagseselos siya dahil nakikipag-usap ako sa ibang lalaki? Pero
bakit sabi niya sa kanya lang ako? Lahat ba ng mga iyon ay sinabi niya na rin kay
ate?
"Sa tingin ko mahal ko na siya dahil simula ng araw na 'yon palagi ko na siyang
iniisip tapos natatawa nalang ako. Shit, kahit katarayan ko hindi umobra sa kanya."
Mapait akong napangiti at lakas loob na kumatok. Hindi ko na kayang pakinggan
ang kanilang pag-uusap. Dapat akong matuwa dahil kahit papaano ay sumasaya na si
Ate Tam, sana ito na ang simula ng pagbabalik ng saya niya na inagaw namin ni mama.
"Wow, salamat naman at dumating ka Nette dahil gutom na gutom na kami."
Salubong sa'kin ni Julio pagkapasok ko. Napatingin ako kay ate na agad na nabura
ang ngiti at tumaas ang kilay.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Paasik niyang tanong. Yumuko ako at
inilapag ang mga pagkaing dala ko.
"Nagluto po ako ate ng ampalaya na may itlog 'yong paborito mo, dinamihan ko
ang kamatis para mas ganahan kang kumain." Tugon ko.
"Pati paborito kong pagkain pinapakialaman mo? Alam mo ba na sa tuwing nakikita
kita nasisira ang araw ko." Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lamang sa
paghahanda ng mga pagkain. Tinatanggap ko lamang ang pagkamuhi at galit niya sa
akin.
"Hindi ba Nette may kilala kang Castillion?" Kinabahan ako dahil sa tanong
sa'kin ni Julio. Nag-aalangan akong tumingin sa kanya, abala siya sa pagbukas ng
mga pagkaing dala ko.
Napatingin ako kay Ate Tam na mas lalong tumaas ang kilay ngunit tila nag-
aabang ng sagot ko. Nag-iwas ako ng tingin at dahan dahang tumango.
"Opo."
Napatili si Julio at niyugyog si ate. "Castillion din ang nagbigay sa kanya ng
dalawang milyon, napakayaman diba?"
"Anong pangalan?" Biglang tanong niya kaya napaigtad ako. Nasapo ko ang aking
dibdib. "Oh, anong pangalan?"
"Si Mr. Fifth po." Sagot ko, gusto kong sabihin ang totoong pangalan ni Mr.
Fifth ngunit mas malaki ang pagtutol ng aking isipan. Hindi ko kayang sirain ang
nagiging rason niya para maging masaya ngayon.
"Fifth Castillion? Itanong mo nga kung may kilala siyang Azia Castillion."
Aniya, ang kaninang puno ng pandidiri niyang tingin sa akin ay nabahiran ng kislap
pagkabanggit niya sa pangalang 'Azia'.
"Siguradong sasagot agad 'yon dahil mukhang type na type ang freshness mo
Nette." Sabat ni Julio at kumindat pa sa akin. Pilit akong ngumiti upang hindi
mahalata ang kabang meron sa kalooban ko.
"Ahm, siguro po'y isa sa mga pinsan nila dinig ko po kasing maraming pinsan na
mga lalaki ang mga Castillion." Pagsisinungaling ko, alam kong mali ang
magsinungaling ngunit wala akong ibang maisip upang pagtakpan ang totoo.
Inirapan niya ako. "Wala ka talagang kwenta." Hindi niya pinansin ang pagkaing
dala ko at pinulot ang librong nasa kanyang higaan.
Iyon ang isa sa mga librong dinala ko para sa kanya, sa lahat siguro nang
dinala ko dito para sa kanya ay iyon lamang ang patuloy niyang ginagamit at hindi
tinatapon. Libro iyon na mula sa collections ni Mr. Fifth at dahil alam kong
mahilig siyang magbasa ng mga ganoong libro ay humingi ako ng ilang piraso. Mabuti
na lamang at pumayag siya kahit may kamahalan ang mga librong iyon.
"Inlove 'yang ate mo kaya medyo kalmado ngayon." Natatawang bulong sa akin ni
Julio habang puno ang bibig ng pagkain. Napatingin ako kay ate na nakatalikod ng
higa mula sa amin.
"Nakikita ko ngang mukhang masaya siya."
Kinurot niya ako sa braso. "Naku hindi lang masaya dahil ang totoo ilang ulit
na niyang nakwento sa'kin ang tungkol sa Azia na 'yon natutuliling na ang mga tenga
ko." At malakas siyang tumawa.
"Umiinom pa po ba siya ng mga gamot niya?" Paglilihis ko ng usapan. Parang may
kumukurot sa aking puso kapag iyon ang usapan.
Tumango siya. "Noong mga nagdaang araw napapansin kong siya na ang
nagbovolunteer na uminom ng gamot, inspired na inspired ang bruha."
Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya dahil kahit papaano ay muling nabubuhay
ang pag-asa ko na gagaling siya. Naalala ko ang mga sinabi ng doktor, nagkakaroon
ng ganang mabuhay ang isang pasyente kapag may nagpapasaya dito.
"Alam mo siguro kapag naging sila ni Azia ay mamomotivate siyang pumayag na
magpaopera at kapag nagkagan'on ay malulutas problema natin sa katigasan ng ulo
niya." Patuloy siya sa pagsasabi ng kanyang mga saloobin samantalang ako ay
nalulunod sa kawalan. Nalulunod ako sa pag-iisip kung ano ang dapat na gawin sa
sitwasyong ito.
"Paki subok po na kumbinsihin siyang magpaopera." Tanging nasabi ko na lamang.
Napakabigat ng aking pakiramdam.
"Naku Nette naubos na ang powers ko pero ayaw pa rin talaga pumayag."
Napabuntong hininga na lamang ako at napahawak sa dibdib ko. Kayang kaya naman
kitang tiisin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 20

Nette POV
"NETTE iha?" Nagising ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko. "Iha, nandito si
Singko at pinapababa ka." Dahan dahan akong nagmulata at tumambad sa'kin ang
nakangiting si Manang Dori. Bahagya kong kinusot kusot ang aking mga mata at
mabilis na napaupo.
"Pasensya na po manang dahil tinanghali ako ng gising." Nagmadali ako sa
pagbangon at pag-aayos ng kama.
"Ayos lang iyon halika na at bumaba." Hinawakan niya ako sa braso at hinila.
"Sandali lang po manang hindi pa po ako nakakapaghilamos." Inayos ko ang buhok
kong nagkalat sa aking mukha dahil tinanggal ko sa pagkakatali.
"Ayos lang iyan, nagmamadali si Singko at nagkakagulo sa labas." Nanlaki ang
mga mata ko at nilukob ng pag-aalala dahil sa pagkabanggit ng pangalan ni Mr.
Fifth.
"Po? Ano pong nangyari kay Mr. Fifth?" Sumunod na lamang ako sa kanyang paghila
sa'kin. Madali kaming nakababa at naglakad patungo sa harden. Malayo pa lamang ay
nakakarinig na ako ng iba't ibang ingay.
"Wag kang mag-alala at okay lang ang alaga ko."
"Ano po ang ingay na 'yon?" Takang tanong ko dahil simula nang nakitira ako
dito ay ngayon lamang umingay ang malaking bahay.
Suot pa rin ang kulay puti kong bestidang pantulog ay nagtuloy tuloy kami sa
harden. Tumambad sa aking paningin ang mga kahoy na kasing laki ng isang puno,
buhat buhat iyon ng mga kalalakihang puro nakahubad.
Napapikit ako dahil doon. Hindi ako sanay na nakakakita ng mga nakahubad at
para sa akin ay kalapastanganan iyon.
"Magdamit na kayo akala niyo naman ang lalaki ng mga katawan niyo." Dinig ko
ang malakas na boses ni Mr. Fifth.
"Damn you Singko. Ginawa mo kaming mga kargador." Ganting sigaw ng isang.
"Kahit kailangan ang dami mong reklamo Tari."
"Ikaw Leo di nagrereklamo palibhasa tagabundok ka."
"Ayoko talagang may naiinlove sa mga pinsan natin pati tayo damay."
Nakikinig lamang ako sa palitan ng mga salita hanggang sa maramdaman kong may
humawak sa'kin. Magaspang ang kamay.
"You can open your eyes now Miña Virxe." Ang baritonong tinig ni Mr. Fifth ang
nagpadilat sa'kin. Malakas na pintig ng puso ang hatid niya sa'kin. Malamlam ang
kanyang mga mata at may kislap iyon ng ligaya habang nakatitig sa mukha ko.
Hindi ko maalis ang aking tingin sa malalim niyang mga mata na tila
nanghihipnotismo. Tila nabura ang lahat ng mga nakapaligid sa'min, tumahimik at
lumakas ang ihip ng hangin na tanging siya lamang ang aking nakikita
"Walanghiya talaga itong si Singko titig palang nakakabuntis na." Napakurap
kurap ako at mabilis na napaiwas ng tingin dahil sa malakas na tawanan ng mga
kalalakihan. Laking pasalamat ko dahil nakasuot na ito ng mga damit.
"Bakit niyo po pala ako pinapunta dito?" Napatingin ako sa likod ko upang
hanapin si manang ngunit hindi ko na siya makita.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na magsisimula na akong manligaw." Nakangiti
niyang tugon dahilan para magkantiyawan na naman ang mga kasama niya. Ang iingay
nila ngunit malalaking mga tao.

Kumunot ang aking noo. "Bakit niyo po sinasabi iyan sino po


ba ang liligawan niyo?"
"Ikaw." At kumindat siya, galak na galak naman ang aking puso pero agad ko
iyong inuway.
Hindi ko mapigilang masaktan at magtampo ang kalooban nang maalala ang sinabi
ni Ate Tam na nililigawan siya ni Mr. Fifth. Pinagsasabay niya ba kami? Gan'on ba
manligaw ang mga kalalakihan, pinagsasabay sabay? At paano ang kanyang nobya?
"Ba-Bakit po ako? At isa pa po ang pagkakatanda ko po ay may nobya kayo, si Ms.
Florence po hindi ba?"
Umiling siya. "Matagal na kaming wala ni Florence so don't worry."
"Kahit na po, hindi po ba't may iba kayong nililigawan?"
Kumunot ang noo sa pagtaka ngunit ngumising muli. "Ngayon lang ako manliligaw
sa buong buhay ko at hindi ko alam kung tama itong mga ginagawa ko pero bahala na.
I will court you the way you deserve to be propitiate, to make you feel my pure
intension."
Napatulala na lamang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.
Kahapon ay napagpasyahan kong umiwas nang tuluyan sa kanya dahil alam kong mas
lalong magagalit sa akin si ate pero ngayon ay ginugulo na naman niya ang aking
sistema.
Nakasunod lamang ang aking mga tingin sa bawat galaw niya dahil tila nawawala
ako sa tamang pag-iisip.
"Isa kang tunay na binibini kaya liligawan kita sa paraan kung paano manligaw
ang isang mabuting ginoo." Sambit niya pa bago lumapit sa malaking kahoy.
"Pinsan namin 'yan." Kantyaw ng mga kalalakihan na nasa gilid at ngising ngisi
na pinapanood si Mr. Fifth.
"Napakatagal nating pinagdasal ang pagkakataon na luluhod siya sa isang babae
at ngayon ay mangyayari na." Panay ang kanilang tawanan samantalang ako ay
nakatingin lamang sa kanya.
Pinulot niya ang palakol na nakasandal sa kahoy at kusang napangiti ang aking
mga labi nang magsimula siyang magsibak ng kahoy.
"Magsisibak ako ng kahoy kahit kaya kitang bilhan ng rice cooker, oven at
electric stove." Mas lalo akong napangiti dahil sa kapilyohan niya.
Nagpatuloy siya sa pagsisibak at sinisiguro niyang pantay pantay ang mga iyon,
gamit ang itak matapos niyang palakolin ang malaking parte.
Madali siyang pinagpawisan lalo't tirik ang araw, sinubukan ko siyang pigilan
ngunit patuloy siya sa pagtanggi. Kaya kumuha na lamang ako ng maari nilang inumin.
Nagtimpla ako ng orange juice at naglabas ng chocolate cake.
"Seryoso sa'yo 'yan." Napatingin ako sa isa niyang pinsan dahil sa seryosong
pagsasalita nito nang mailapag ko ang meryienda nila. "I'm Volt." Dugtong niya.
"Ngayon lang 'yang nagkaganyan.  Number one basher hater 'yan ni Kupido pero
ngayon lover na." Biro pa ng isa. "Fiel nga pala." Kinamayan ko lahat silang
nagpakilala ngunit tumatatak sa aking isipan ang bawat katagang kanilang
binibitawan.
"Alam naming walang perpektong pag-ibig kaya sa ayaw at sa gusto mo masasaktan
mo siya pero sana kahit anong sakit kayanin niyo." Ngumiti ito sa'kin at tumingin
kay Mr. Fifth na abala pa rin sa pagsisibak. "I'm Nixy."
Hindi ako nakasagot sa kanya at pasimple na lamang na ngumiti. Matapos ilagay
ang mga pagkain ay bumalik ako sa loob upang kumuha ng towel upang ipamunas ni Mr.
Fifth sa kanyang pawis.

"Hindi ka pa ba maliligo?" Napaigtad ako habang pababa ng


hagdan dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Iniabot ko sa kanya ang kinuha kong towel
na agad naman niyang tinanggap.
Umiling ako. "Mamaya na po sana."
Tumango siya. "Sabihan mo ako kapag maliligo ka na, mag-iigib ako."
Napasinghap ako at napahawak sa braso niya upang pigilan siya. "Naku Mr. Fifth
wag na po nakakahiya na po talaga sa inyo."
"Don't be shy Miña Virxe, I'm your suitor and it's my pleasure to serve you."
Seryoso niyang tugon.
Napailing ako, kalabisan na ang gusto niya. "Hindi ko po gusto ang ginagawa
niyo kaya maaari niyo na pong itigil---"
Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa pagdikit ng kanyang daliri sa mga labi ko
upang pigilan ako. "Pagbigyan mo muna ako syaka mo ako kausapin hindi pa ako handa
sa sagot mo." Bago pa man ako makaapila ay nakalabas na siyang muli.
Napahigpit na lamang ang hawak ko sa hawakan ng hagdan dahil ayaw niyang
makinig. Nahihirapan ako sa ganito dahil wala akong maipapangako sa kanya, ayokong
mangako dahil lamang sa bugso ng aking damdamin.
Hanggang sa umalis ang mga pinsan niya ay patuloy lamang siya sa gusto niyang
gawin, ilang beses ko ulit siyang sinubukang kausapin ngunit hindi siya kumikibo at
ngingiti lamang. Kahit noong naligo ako ay nag-igib pa rin siya ng tubig, ang
shower at gripo ay tinakpan niya upang hindi ko magamit. Hindi ko alam na gagawin
niya ang gan'ong mga bagay upang patunayan lamang ang kanyang intensyon.
Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang
katotohanang nanliligaw siya kay ate kung hindi man ay wala pa ring pinagbago.
"Bakit ka pa nag-igib Singko aba'y napakaraming tubig sa gripo." Sambit ni
manang sa likod ko habang ako ay naghuhugas ng mga pinagkainan namin samantalang si
Mr. Fifth ay nag-iigib pa rin ng tubig.
Tumawa siya. "Nanliligaw nga kasi ako manang at hindi po ba ang panliligaw noon
ay ganito rin." Ramdam ko ang tingin niya sa'kin ngunit nagpanggap akong abala sa
ginagawa.
Mga titig niya pa lamang ay para na akong natutunaw at nangangatog na ang aking
mga tuhod. Nakakapanghina ang kanyang presensya.
"Noong kapanahonan pa namin 'yon." Natatawa namang sagot ni Manang Dori.
"Noon po ay nakikita ang tunay na intensyon ng mga lalaki sa panliligaw sa
pagsisibak, pag-iigib at pagharap sa mga magulang ng babaeng nililigawan kaya iyon
po ang gagawin ko." Masayang masaya sila sa kanilang pag-uusap. "Kaya iyon din po
ang gagawin ko kay Antoinette isa pa hindi lang siya ibang babae lang. She's my
Miña Virxe." Sa pananalita niya ay parang wala ako sa paligid. Isa pa'y nagtataka
ako kung bakit palaging iyon ang kanyang tawag sa'kin, Miña Virxe na hindi ko naman
maintindihan.
Wala akong imik hanggang sa sumapit ang gabi. Masaya ang aking kalooban sa
kanyang mga sinasabi att ginagawa ngunit tutol ang aking isipan kaya't hindi ako
tuluyang nagiging masaya.
Hindi ako mapakali sa aking kinahihigaan, nakatingin lamang ako sa chandelier
na nasa ceiling habang hindi nawawala sa aking isipan ang mga titig at ngiti ni Mr.
Fifth. Sa paglitaw ng kanyang imahe sa aking isipan kay kasabay no'n ang pagwawala
ng aking puso, parang gustong tumakbo papunta sa kanya.
Mariin akong napapikit upang pilitin ang sarili na matulog kahit hindi ako
dalawin ng antok.
Natigilan ako at napatingin sa asotea dahil parang may naririnig akong musika
mula sa labas. Hindi ko iyon pinansin ngunit may nag-uudyok sa'kin na alamin kung
tama ba ang naririnig ko, parang may kumakanta.

You're my piece of mind, in this crazy world


You're every thing I've tried to find
Your love is a pearl
You're my Mona Lisa
You're my rainbow skies
Dahil hindi rin ako makatulog ay nagpasya akong pumunta doon at tingnan kung
saan nagmumula ang kanta. Ibinababa ko ang mahabang manggas ng aking bestida dahil
sa pag-ihip ng malamig na hangin pagdating ko sa balkonahi. Dumuhaw ako sa baba
kung saan ang harden at mariin napakagat sa aking mga labi upang pigilan ang
pagngiti.
Nandoon si Mr. Fifth nakatayo habang tumitipa sa kanyang dalang gitara. Nasa
tapat at ilalim ito ng kinatatayuan ko. Sumilay ang mapanuyong ngiti sa kanyang mga
labi nang magsalubong ang aming mga tingin.
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...
The world will turn
And the seasons will change
And all the lessons we will learn
Will be beautiful and strange
We'll have our fell of tears
Our share of sight
Matingkad ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa dilim ng gabi na tanging
sinag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag upang siya'y makita ko.
Nakatitig lamang ako sa kanya kaya kitang kita ko ang bawat galaw niya, pumikit
siya upang damdamin ang kanta pagkatapos ay muling dumilat at tumingin sa akin.
My only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...
You will always be beautiful in my eyes
And the passing is the show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes
And there are lines upon my face
From a life time of smiles
Natutop ko ang aking bibig dahil sa pagbuhos ng emosyon na hindi ko
mapangalanan. Naluha ako habang pinagmamasdan ang dalisay niyang mga sulyap.
Naiiyak ako dahil imbes na maging masaya ay may kirot sa aking dibdib dahil alam ko
sa sarili ko na hindi ko maibibigay ang nais niya.
When the time comes to embrace
For one long last wine
We can laugh about how time really flies
We won't say goodbye
'Cause true love never dies
You'll always be beautiful in my eyes...
You will always be beautiful in my eyes
And the passing is the show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes
The passing is the show
That you will always grow
"You are ever more beautiful in my eyes... Miña Virxe." Masuyong sambit niya.
Umiiyak akong tumakbo pabalik sa aking silid at nagtalukbong ng kumot. Gusto
kong magtago sa sarili kong damdamin. Hindi ako iyakin kaya't hindi ko alam kung
bakit tila may sariling isip ang aking mga luha.
Sa wakas ay tumigil na ang musika, mariin akong humawak sa kumot nang makarinig
ako ng mga katok. Hindi ako sumagot at mas lalong isiniksik ang sarili sa kama.
Ilang sandali pa ay tumunog ang pagbukas sara ng pinto, hindi ako nagkakandado
dahil alam kong ligtas ako sa lugar na ito.
"Miña Virxe." May lungkot sa kanyang boses ngunit ang muling pagtawag niya sa
akin ng mga katagang iyon ay nagpatalon sa aking puso. Sinaway ko ang aking sarili.
"Why are you crying?" Masuyo ang kanyang boses, hindi pa rin ako umimik ngunit
ang aking mga luha ay hindi pa rin maampat.
"I won't ask anything." Sabi niya pa. "Basta wag ka lang magtago sa kumot na
'yan para hindi ka pagpawisan." Wala akong nagawa nang tanggalin niya ang kumot.
"You can talk to me, you did not like the song? Kasama sa panliligaw ang
panghaharana kaya kinantahan kita."
Hindi ako tumingin sa kanya, yumuko ako at pinunasan ang aking mukha. "Gusto ko
po." Utal kong sagot.
"So, bakit ka umiiyak?" Akmang hahawakan niya ako sa mukha pero umiwas ako,
nakita kong nalungkot siya pero ngumiti pa rin.
Lakas loob akong tumingin sa kanya. "Wala po akong maibabalik sa inyo, hindi ko
po maibibigay ang gusto niyo." Nakatitig ako sa kanya habang binibitawan ko ang mga
salitang iyon.
Ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata ay siya ring sakit na kumidlit sa
dibdib ko.
"Wala po kayong aasahan sa akin kaya po sana ay tumigil na kayo." Sabi ko,
buong lakas ng loob ko ang inipon ko upang hindi muling mapaluha sa harap niya.
Ilang sandali siyang nakatitig sa akin bago tumango at ngumiti. "I understand,
I expected that that will be your answer."
"Pasensya na po." Hindi ko matagalan ang kanyang sulyap.
"You don't need to be sorry and please stop crying I don't want to see you in
tears." Masuyo pa rin ang kanyang boses. "I will try harder tomorrow. I will accept
your answer for now but I will make sure that you will say yes for the next days.
In fact, I'm not asking for your response so it is not counted as rejection."
Hinalikan niya ako sa noo. "I will continue courting you so please ready yourself
Miña Virxe, goodnight."
Hindi na ako nakasagot hanggang sa makalabas siya. Doon ko lamang namalayan na
pinipigil ko pala ang aking paghinga.
____________________________________
Thank you for reading Kjens.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 21

Tam POV

"PAHIRAM AKO ng mga make up mo." Inagaw ko ang make up kit na dala ni Julio
pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko.
Nagmamadali akong itinaktak lahat ng iyon sa higaan ko. "Hoy bruha bakit ba
aligaga ka sa make up na 'yan?" Malakas niya akong tinapik sa braso kaya sinamaan
ko siya ng tingin.
"Kailangan kong magpaganda." Taas kilay na sagot ko sa kanya bago muling
bumalik sa pagkalkal ng mga gamit niya.
"At bakit? Nagawa mo pang kumiringking sa lagay mong 'yan?" Hindi ko na siya
pinansin at nagpatuloy sa paglalagay ng make up sa mukha ko.
"Anong magandang shade ng lipstick nude ba o 'yong dark color?" Humarap ako sa
kanya, naiiling siyang lumapit sa'kin at hinigit ang baba ko kaya natapik ko ang
kamay niya. "Dahan dahan naman." Asik ko.
Pinitik niya ang noo ko. "Ako na magmemake up mas siguradong gaganda ka, ang
harot mo talagang babae ka."
Pinagbigyan ko siya dahil alam kong totoo ang sinabi niya. For sure mas lalong
maeemphasize ang ganda ko kapag siya ang nagmake up tulad noong wala pa akong sakit
kapag gumigimik kami.
"Bakit mo ba naisipang magmake up kapag nakita 'to ni Doc Ismael magagalit na
naman 'yon." Inirapan ko siya.
"Ganitong araw kasi pumupunta si Azia dito sa hospital kaya gusto kong
magpaganda para mas mahulog pa siya sa'kin." Ewan ko ba pero kapag sumasagi sa
isipan ko ang mukha ni Azia ay mabilis na gumagaan ang loob ko at nagiging masaya
ako.
"Sigurado ka bang gusto ka talaga ng lalaking 'yon? Bakit simula noong
naekwento mo 'yong tungkol sa garden ay hindi na nagparamdam sa'yo hanggang ngayon,
kung totoong gusto ko ng fafa na 'yon for sure palaging nandito."
"Gusto niya ako, wag ka ngang panira sa moment ko." Nagpatuloy siya sa
pagmemake up sa'kin pero ilang ulit rin ang napairap dahil palagi siyang may hirit.
"Ewan ko sa'yong babaita ka imbes na pagpapagaling atupagin mo nagawa mo pang
lumandi." Hindi ko na napigilan ang inis kaya sinabunutan ko siya saktong tapos na
niya akong make-up'an.
"Naiimbyerna ako sa'yong bakla ka." Gigil kong sabi pero napangiti rin ako
pagkakita ko ng maganda kong mukha sa salamin. "Hindi pa rin talaga kumukupas ang
ganda ko." Bago na naman may sabihin ang baklang 'to ay inayos ko ang suot kong
patient gown, kahit na ito lang ang suot ko ay hindi pa rin maitatago ang pagiging
sexy ko.
"Bago ako makabalik kailangan nakaalis ka na." Sabi ko at tumayo.
"Hindi ka magwewheelchair?" Pahabol na tanong niya pero hindi ko pinansin
nagtuloy tuloy lang ako palabas. Hindi ko naman talaga kailangan ng wheelchair
napakaarte lang talaga ng mga nurse dito dahil hindi daw ako pwedeng mapagod, hindi
naman ako lumpo.
Tinataasan ko ng kilay ang bawat taong makakasalubong ko na tumitingin sa'kin.
Inggit lang dila dahil ang papangit ng mga mukha nila. Dumiretso ako sa garden at
nagtingin tingin sa paligid pero wala akong nakitang ni aninu ni Azia. Tahimik lang
din ang paligid, naglakad ako papuntang bench at doon tumambay.
For sure this time he will come. Ilang araw na rin akong naghihintay sa
pagdalaw niya pero ngayon pakiramdam ko talaga pupunta siya. Halos oras ang
hinintay ko sa garden hanggang sa malawak akong mapangiti dahil nakita ko ang
paglapit niya sa isang nurse.
"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis." Kinikilig na bulong ko sa sarili.
Mabilis kong inayos ang suot ko at ang buhok kong nilagyan ko rin ng design.
Naglakad ako palapit sa kanya. "Azia." Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang
tumingin siya sa'kin.
Ngumiti siya. "Tamia." Nakapamulsa siyang lumapit sa'kin at tumitig sa mukha
ko. "Wow, you're so beautiful."
Hindi ko mapigilang mapakagat labi dahil sa tuwa na napansin niyang nagpaganda
talaga ako. "Busy ka ba?"

Sandali siyang napaisip habang hindi pa rin nawawala ang


ngiti sa mukha niya. Masayahin talaga siyang tao. "Medyo pero kung may kailangan ka
I can make time for you, ano 'yon?"
Bakit napakagwapo ng lalaking 'to? Hindi naman ganito ang tingin ko sa kanya
n'ong una pero ngayon halos lahat ng makita kong tao mukha niya ang nakikita ko.
Nagcecelebrate na ang buong katawan ko dahil sa sagot niya. "Pwede mo ba akong
ihatid sa kwarto ko?"
Kumunot ang kanyang noo at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Pagod ka
na ba? Bakit hindi ka nagwheelchair?"
Agad akong tumango at pasimpleng humawak sa ulo ko para sabihin niyang masakit
ang ulo ko. "Oo e, medyo nahilo ako sa paglalakad."
Inilang hakbang niya lamang ang pagitan naming dalawa at hinawakan ang noo ko.
"Bubuhatin na kita papunta sa kwarto mo." Tango lang ang isinagot ko dahil
pakiramdam ko mapapaamin ako agad agad na gusto ko siya at sinasagot ko na siya.
Napahawak ako sa leeg niya nang buhatin niya ako, bridal style. Pinagtitinginan
kami ng mga tao kaya tuwang tuwa ang mga hormones ko sa katawan. Tinarayan ko ang
isang nurse na malagkit na malagkit ang tingin kay Azia. He's mine bicth.
Isinandal ko ang ulo ko sa malapad niyang dibdib at napapapikit ako dahil sa
ganda ng pakiramdam na karga karga niya ako. Ayaw ko nang matapos ang pagkakataon
na 'to.
Hanggang sa makarating kami sa kwarto ko ay inaamoy amoy ko pa rin ang mabango
niyang dibdib. Damn, walang babaeng tatangi sa ganito kagwapo at kabait na lalaki.
Inilapag niya ako sa higaan ko, laking pasalamat ko dahil wala na dito si Julia
dahil siguradong masisira ang plano ko kapag nandito siya.
"Take a rest, okay? I will call your doctor to check you." Malambing niyang
sabi. Nang hihiwalay na sana siya sa'kin ay kinabig ko ang kanyang batok at walang
pag-aalinlangang idinampi ang labi ko sa mga labi niya.
Sinimulan kong halikan siya at napangisi ako dahil gumanti siya. Alam ko
talagang gustong gusto niya ako kaya sa ilang araw na hindi niya pagpunta dito ay
namiss niya rin ako. Ipinasok ko ang dila ko sa bibig niya at malanding napaungol
dahil sa sarap. Ibababa ko na sana ang kamay ko papasok sa t'shirt niya pero bigla
siyang tumigil at humiwalay sa'kin. Kinalas niya ang pagkakakapit ko sa leeg niya.
"That's enough Tamia." Malumanay niyang sabi na hindi pa rin nawawala ang
ngiti. Napangisi ako at hahawak na naman sana sa kanya nang pigilin niya ang mga
kamay ko at hindi iyon binitawan. "Sorry for kissing you back."
Mas lalo akong napangisi. "No problem, pinagbigyan na kita dahil alam kong
gustong gusto mo rin 'yon. We can have sex if you want." Itinaas baba ko ang mga
kilay ko at kumindat sa kanya. "I can do any position just name it."
Umiling siya. "Don't say that."
"Bakit ayaw mo ba? I am good in bed at kahit hindi sa kama, magaling din ako sa
sahig, sa CR, sa kusina at kahit saan magaling ako mapapaligaya kita." Patuloy ko.
Gusto kong maakit siya at siya na mismo ang magkusang halikan ako.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya at naging seryoso ang mga tingin. "Hindi
maganda sa babae na nagsasalita ng ganyan."
Ipinaling ko ang ulo ko para tignang maigi ang seryoso niyang mukha, mas hot at
nakakapaglaway pala siya kapag seryoso. "I'm turning you on? I'm making you horny?"
Nagtagis ang mga bagang niya na ngayon ko lang nakita, binitawan niya ang mga
kamay ko. "I need to go." Seryosong sagot niya. Tumaas ang kilay ko at bago pa man
siya makatalikod ay niyakap ko na siya sa bewang.
"You cam have me now Azia, kahit hindi mo na ako ligawan." Tumingin lang siya
sa'kin. Bumitaw ako sa kanya at hinubad ang damit ko na tanging panty at brassiere
nalang ang itinira ko.

Nabuhayan ang loob ko nang titigan niya ako mula ulo


hanggang paa at ibinalik ang tingin sa mukha ko. Wala pang lalaking nakatiis sa'kin
lahat sila ay bumibigay sa alindog ko lalo kapag naghubad na ako. I'm sexy, super
sexy as fuck.
"This is all yours." Kinagat ko ang labi ko upang dagdagan ang pang-aakit sa
kanya pero lahat ng pag-asang nasa loob ko ay naglahong parang bula nang kunin niya
ang damit ko at itinakip sa hubad kong katawan.
"Don't do this to yourself Tamia." Sabi niya. Hindi ko napigilan ang iritasyon
ako dahil sa mga kilos at pinagsasabi niya.
"Don't you get it? Gusto kita at alam kong gusto mo rin ako so bakit pa natin
papahirapan ang mga sarili na'tin kung pwede namang maging tayo agad." Inis na
sagot ko. Hindi ito ang inaasan kong mga sasabihin niya sa'kin sa kabila ng mga
ipinakita niya sa'kin sa simula palang.
Umiling siya. "Sorry Tamia, but-but I don't like you." Nakatingin siya sa mga
mata ko nang sabihin ang mga 'yon.
"What?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Are you insulting me? Ikaw
ang nanliligaw dito at hindi ako." Kumunot ang noo niya at kita ko ang pagtataka
niya.
"Sorry pero hindi ko maalalang nanliligaw ako sa'yo." Dahil sa inis ay sinampal
ko siya. Napahawak siya sa pisngi niyang agad na namula.
"Hindi ka nanliligaw? Fuck you, so 'yong concern mo para sa'kin ay wala lang
'yon? 'Yong sa garden n'ong binigyan mo ako ng bulaklak wala lang 'yon? Ang lahat
ng pangungulit mo wala lang 'yon?" Ramdam ko ang pagkabasag ng puso ko at kumikirot
na 'yon ngayon. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko.
Nag-iwas siya ng tingin at tumango. "Ginawa ko iyon dahil gusto kitang maging
kaibigan, lahat ng mga pasyente dito ay kinakaibigan ko. Walang ibig sabihin lahat
ng mga ginagawa ko. I'm sorry for giving you wrong signals."
Naikuyom ko ang mga palad ko. "Pero gusto na kita at malapit na kitang mahalin
Azia."
Tumingin siya sa'kin. "I'm sorry." Ilang ulit akong huminga ng malalim para
pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako papayag na hindi siya mapasa'kin, gagawin ko
ang lahat magustuhan niya lang ako at magkaroon ng ibig sabihin ang mga ginagawa
niya para sa'kin.
"Pwede pa rin naman nating gawan ng paraan 'yan dahil hindi naman ako mahirap
gustuhin." Dahan dahan kong tinanggal ang hook ng bra ko at walang pag-aalinlangan
kong ipinakita ang malalaki kong dibdib sa kanya. "Gumanti ka sa halik ko kanina
kaya hindi na mahirap ang painitin kita gamit ang katawan ko." Humakbang ako
palapit sa kanya hanggang sa dumikit ang dibdib ko sa dibdib niya. Napaungol ako
dahil sa tigas ng mapalad niyang dibdib. Napapikit ako dahil sa init na
nagsisimulang mabuo sa aking puson.
Ngunit napadilat ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng tela sa katawan ko.
Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanyang. Nanibago ako sa ngiti niya at ang
masuyong kislap ng emosyon sa kanyang mga mata.
"Salamat sa panunukso mo dahil nalinawan ako kung ano nga ba talaga ang
gumugulo sa isip ko. Kung siguro noon pa tayo nagkakilala at ginawa mo 'to
siguradong hindi ka mag-iisang salita dahil aangkinin agad kita." Inayos niya ang
pagkakabalot ng damit sa katawan ko. "Pero pasensya na talaga, iba na ang sitwasyon
ko ngayon e. Nagbabago na ako sawa na akong mambabae dahil iisang babae nalang ang
gusto ko."
Napatulala lamang ako sa kanya. "I already have my woman and she's too precious
to be hurt. I don't want to hurt her because I love her." Mas lalo akong nawasak
dahil sa pagmamahal na nasa mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon. "I
am a retired playboy now and I don't want to play her heart, she's too fragile to
be played." Inayos niya ang buhok ko at tinap ako sa ulo. "I'm sorry but I have to
go my Miña Virxe is waiting for me from home."
Akala ko ay tuluyan siyang aalis pero natigilan siya at napatulala lang sa
pinto. Nakita ko doon si Nette, agad na napuno ng galit ang kalooban ko dahil sa
pagtanggi niya sa'kin at hindi ito ang tamang oras para makita ko ang pokpok na
'to.
Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin kay Azia bago sa'kin at sa hitsura ko.
"Ate." Tawag niya at para akong bombang biglang sumabog.
"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko. Yumuko siya na parang maamong tupa kaya mas
lalo akong nanggalaiti sa galit. Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya at
sinampal siya. Lahat ng galit ko sa mundo ay ibinuhos ko sa kanya. Lahat ng
kabiguan at pagkasawi ko. Simula nang dumating siya sa buhay ko ay puro kamalasan
nalang ang nangyari sa'kin.
"I hate you." Sigaw ko at pinagsasampal siya.
"Tamia stop it." Umecho ang malakas na sigaw ni Azia sa buong kwarto kaya
natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko nang itulak niya ako kaya natumba ako sa
sahig. Nilapitan niya si Nette na ngayon ay umiiyak na. "Are you okay?" May pag-
aalala sa boses niya kaya mas lalo akong nagliyab sa galit. Ganito siya sa lahat ng
mga babae?
"A-Ayos lang po ako." Sagot ng malandi at pokpok na babae.
Kuyom ang kamaong muli ko siyang sinugod. "Mamatay ka na sana." Sigaw ko.
I hate you, I hate you so much.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 22

Nette POV
PAGPASOK KO sa silid ni Ate Tam ay parang may pumiga sa puso ko pagkakita kung
ano ang ayos niya at ni Mr. Fifth pero pinigil ko ang aking sarili dahil alam kong
iyon ang tamang gawin.
Nakita kong paalis na siya ngunit nagkasalubong ang aming mga tingin at
nanlalaki ang kanyang mga mata pagkakita sa'kin. Akmang bubuka ang kanyang bibig
upang magsalita ngunit umiling ako. Hindi ko nanaisin na may lumabas na kahit anong
salita sa kanyang bibig sa harap mismo ni Ate Tam. Ayokong malaman niyang
magkakilala kami ng lalaking kanyang nagugustuhan.
Tulad nang inaasahan ko ay wala pa ring pahid ng kapatawaran ang mga tingin
sa'kin ni ate at sinaktan na naman niya ako. Hindi ako gumante at nagtiis na lamang
sa lahat ng sakit. Hindi ko alam kung paano kami nakaalis sa hospital namalayan ko
na lamang na nasa sasakyan na ako ni Mr. Fifth.
Umiyak ako ng umiyak dahil hindi na halos kayanin ng kalooban ko ang galit
sa'kin ni ate at kasabay n'on ang pagkagulo ng aking isipan dahil sa nararamdaman
ko kay Mr. Fifth.
Ngunit isang bagay lamang ang sigurado ako, hindi ko sasaktan si ate kahit
kapalit n'on ang paulit ulit na pagtanggi ko sa pag-ibig ni Mr. Fifth.
"I kissed her back." Pagbasak ni Mr. Fifth sa katahimikan, mas lalo akong
napaiyak. Inayos niya ang aking buhok na tumatabing sa aking mata. Mas lalo akong
naiyak dahil sa kirot na naramdaman ng aking puso.
"Siya po ang ate ko, ang rason po ng lahat kung bakit po ako nagsayaw sa bar at
kung bakit po ako pumayag sa alok niyo."
Dinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. "Hindi ko alam na siya ang
ate mo and I'm sorry for kissing back her."
Tumango ako. "Ayos lang po iyon dahil kung tatanungin po ako ay mas gusto ko
pong ipagpatuloy niyo ang panliligaw sa kanya."
"What? Anong ipagpatuloy, wala akong ipagpapatuloy dahil hindi ko naman siya
nililigawan." Bahagyang tumaas ang kanyang boses at naiintindihan ko 'yan. "Bakit
mo nasasabi ang mga bagay na 'yan?"
Wala na akong pakialam kung ano ang totoo, kung nililigawan niya nga ba si ate
o hindi.
Umiling ako dahil pati sa sarili ko ay hindi ko alam. Tutol ako sa mga sinasabi
ko pero iyon ang tama para sa'kin. "Wala po akong pag-ibig para sa inyo at ayoko
pong magsayang kayo ng oras sa akin kaya mas mabuti pong ang ate nalang po ang
ligawan niyo." Ang sakit.
Napaigtad ako nang suntukin niya ang monobela. "Putangina, nasasaktan ako sa
mga sinasabi mo alam mo ba 'yon?" Ilang ulit niyang pinagsusuntok iyon na mas lalo
kong ikinaiyak. "Hindi pagkain ang nararamdaman ko para sa'yo na pwedeng ibigay sa
kahit na sinong nangangailangan. Wag ka namang maging ganyan sa'kin, ayos lang na
hindi mo pa ako mahal sa ngayon pero wag mo naman akong ipamigay. Doble 'yong
sakit."
Mariin kong nasapo ang bibig ko dahil sa pag-iyak. "Ayoko pong saktan ang ate
ko dahil sobra sobra na po ang sakit na dinanas niya."
"Putangina, paano naman 'yong sakit na ibinibigay niya sa'yo hindi ba sobra
sobra din 'yon? Sa nakita ko kanina alam kong hindi iyon ang unang beses na
sinaktan ka niya. She's unreasonable for hurting you." Mataas pa rin ang kanyang
boses at alam kong galit na galit siya patunay ang paglabasan ng mga ugat niya sa
kamay at braso dahil sa pagpipigil ng galit.
"May rason po siya at ako 'yon, ako po ang rason kayo gan'on siya kaya ayoko na
pong dagdagan ang kasalanan ko." Pagpipilit ko dahil alam kong hindi niya ako
maiintindihan.
"Alam mo minsan hindi na ako natutuwa sa pagiging mabait mo, ayokong nakikita
kang ganyan. Puta naman nilalamon na ako ng pag-aalala sa'yo kaya tumigil ka na sa
pag-iyak kung ayaw mong sunugin ko ang buong hospital na 'yon." Nanlaki ang mga
mata ko at napatingin sa kanya. Seryoso ang mukha niyang gumanti ng tingin sa'kin
at hinawakan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luhang bumabasa sa mga pisngi ko.
"Nagagalit ako kapag nasasaktan ka at kapag mas lalo akong nagalit hindi mo alam
kung ano ang kaya kong gawin para lang wala nang manakit sa'yo."

Walang mga salitang lumabas sa aking bibig habang nakatitig


lamang sa kanya. "Ibang iba ako mabaliw kaya wag ka nang umiyak kong ayaw mong pati
nilalakaran mo lagyan ko ng security team maprotektahan ka lang sa mga maaaring
manakit sa'yo."
Hindi ko na kinakaya ang malakas na tibok ng aking puso kaya hindi na ako
muling tumingin sa kanya. Ibinaling ko ang tingin ko sa labas at doon ko namalayang
nasa tapat kami ng simbahan. Napangiti ako dahil doon, ang imahe ng simbahan ay
siyang tunay na nagpapagaan ng loob ko kapag may problema ako. Kinapa ko ang rosary
na nasa bulsa ko at napangiti.
"At ako ang magdedesisyon kung sino ang liligawan ko at ikaw 'yon hindi ang ate
mo. Kakagatin ko 'yang utong mo kapag nagpumilit ka pa." Sabi niya pa, hindi ko
alam pero nagawa ko siyang irapan. "Aba, aba marunong ka nang umirap ngayon?
Lumaban ka na?"
Tumingin ako sa kanyang mga mata at hindi nagsalita. Napapakamot sa batok
siyang ngumiti sa akin. "Sabi ko nga wala akong palag kapag lumaban ka, sige lang
irap ka lang ng irap hanggang sa magsawa ka pero sa susunod pagtirik naman ng mata
ang aralin mo may alam akong mabisang paraan."
"Ang daldal mo." Napangiti ako dahil mabilis niyang tinikom ang labi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos. "Ihaharap muna kita kay Lord para
humingi ng basbas niya, tara pasok na tayo bago kita pasukin." At tumawa siya ng
malakas na parang hindi galit na galit sa kanya.
Napangiti na lamang ako dahil sa kalokohan niya. Gumanti ako ng hawak sa
kanyang kamay at hinaplos ang namumulang parte niyon dahil sa pagsuntok niya sa
monobela kanina.
Ayokong nasasaktan ka. Sambit ko sa aking isipan. Pero patawarin mo ako dahil
nasasaktan kita.
Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan at hanggang makapasok kami sa
simbahan. Napangiti ako nang muli kong masilayan ang imaheng nasa harap ng altar.
Lumakad ako papalapit doon at hinaplos ang bawat imahe ng mga santo.
Humaplos sa aking puso ang katahimikan at kapayapaan samantalang si Mr. Fifth
ay nakasunod lamang sa akin at patingin tingin sa paligid. Matapos kong haplusin
ang mga iyon lumuhod ako, napangiti ako dahil tumabi siya sa'kin at lumuhod rin.
Inilagay ko ang aking mga palad sa harap ng aking mukha at pinagsiklop ang mga
iyon. Gan'on rin ang ginawa ni Mr. Fifth kaya mas lalo akong napangiti.
Ginagawa niya ang mga ginagawa ko.
Pumikit ako at nagsimulang magdasal.
"Lord, ngayon lang po ulit ako haharap na inyo na walang kalokohang iniisip
kundi ang kagustuhan ko lang po na humiling sa inyo. Lalakasan ko na rin po ang
boses ko para mas marinig niyo baka po kasi busy kayo." Napapangiti ako habang
pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi. Kahit sa simbahan ay hindi niya pa rin
maiwan ang pagiging pilyo.
"Gusto ko po sanang ihiling na ibigay niyo po sa'kin ang babaeng nasa tabi ko
ngayon. Kahit siya lang po magiging masaya na po ako. Sana po mabago niyo ang isip
niya, napakagwapo ko po kaya alam kong mamahalin niya rin ako." Panay ang kanyang
dasal at hindi ko namalayang nakatitig na lamang ako sa maamo niyang mukha habang
nakapikit.
Hindi ko alam pero nabasa ng luha ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya.
Alam kong iniibig ko siya ngunit hindi iyon sapat para tanggapin ko ang pag-ibig
niya para sa'kin. Marami akong dapat na isipin hindi lamang ang sarili ko.
Akmang aabutin ko sana ang kanyang mukha upang haplusin ngunit muli ko ring
ibinaba ang aking kamay dahil alam kong hindi iyon makakatulong sa sitwasyon.
May ngiti sa mga labing tumingin siya sa'kin at inabot ang aking kamay. Dinala
niya iyon sa kanyang mga labi at ilang ulit na hinalikan.
"Kapag napasa'kin ka ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo." Ngiti lamang
ang naigante ko.
Matapos naming magdasal ay lumabas na kami sa simbahan at bumalik sa sasakyan.
Kahit paano ay gumaan ang loob ko at sandali akong nakalimot sa aking mga problema.
"May pupuntahan tayo." Aniya matapos buhayin ang makina ng sasakyan.
Tumango lamang ako at hindi na sumagot pa. Gusto kong sulitin ang mga
pagkakataong magkasama kaming dalawa dahil alam kong sa mga susunod na araw ay
hindi na mangyayari ang kapayapaang nararadaman ko sa tuwing kasama siya.
"Ilalayo muna kita sa city." Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula sa
kanya bago ako dalawin ng antok.
Nagising ako dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking katawan. Pagkamulat
ko sa aking mga mata ay binundol ako ng kaba dahil sa estrangherong silid na
kinahihigaan ko. Napatingin ako sa paligid at sa pinto ng balkonahe na nililipad
ang mga nakasabit na puting kurtina.
"Nasaan ako?" Mabilis akong bumangon at tumingin sa balkonahe. Napapalibutan ng
maraming mga puno ang paligid na nasisinagan ng buwan. Gabi na pala. Niyakap ko ang
aking sarili dahil sa napakalamig ngunit sariwang hangin.
"Mabuti at gising ka na. How's your sleep Miña Virxe?" Nakasandal si Mr. Fifth
sa gilid ng pinto sa likod ko. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Ano po ba ang ibig sabihin ng palagi niyong itinatawag sa akin?" Kuryoso kong
tanong. Inisang hakbang niya ang natitirang ispasyo sa pagitan naming dalawa.
Nakatitig lamang ako sa malalim at kaaya aya niyang mga mata.
Ngumiti siya at humawak sa magkabila kong balikat. "Wag mo nang alamin."
"Nasaan po tayo?"
"Nandito tayo sa hacienda ng pinsan kong si Leo. I want to unwind with you so I
brought your here. Peaceful and quite." Hinawakan niya ang aking baba at
pinatingala sa kanya. "Are you happy with me?" Masuyo niyang tanong.
Masaya nga ba ako? Sandali kong pinakiramdaman ang aking sarili bago dahan
dahang tumango. May kakaibang ligaya ang dulot na sa akin lalo't kapag nasa malapit
siya. Hindi iyon maipaliwanag na saya na halos sumakit na ang puso ko bilis ng
pagtibok.
"Sapat na sa'kin 'yon." Hindi ako nakagalaw nang akbayan niya ako syaka siya
tumingin sa langit. "Natatakot rin ako sa nararamdaman ko para sa'yo dahil simula
nang tanggapin ko ito ay alam kong kaya kong gawin ang lahat para sa'yo."
Umiling ako. "Wala po kayong dapat na gawin para sa akin, hindi po ako
humihingi at umaasa ng kahit na ano."
Napangisi siya ngunit malayo pa rin ang tingin. "Iyon nga ang nakakatakot e,
wala ka pang hinihingi handa na akong ibigay ang lahat para sa'yo." Imbes na
sumagot ay minabuti ko na lamang na itikom ang aking bibig. Ayokong magkamali sa
mga salitang maaaring bitawan ng aking bibig dahil lamang sa nag-uumapaw na
damdaming nararamdaman ko ngayon.
"I'm sorry, pasensya na kung hinalikan ko ang ate mo pabalik gusto kong subukin
ang sarili kung may iba akong mararamdaman kapag hinalikan ko siya. Sinubukan kong
hanapin 'yong kakaibang saya tulad ng epekto mo sa'kin." Napapansin ko ang pagiging
bukas niya sa pagpapahayag ng kanyang damdamin para sa akin at kapag nangyayari
'yon ay mas lalo akong nahihirapan.
Naiintindihan ko ang nais niyang sabihin at sobrang nalulunod ang aking puso
dahil sa kanyang mga salita.
"Pero wala, nag-iisa ka lang na kaya akong baliwin sa simpleng tingin mo.
Ngayon hindi na ako natatakot na sabihing napana na ako ni Kupido, kahit anong iwas
ko nasapol pa rin ako. Mahal na kita Antoinette Francisco at bawat araw na
lumilipas ay mas lalo kitang minamahal." Bumaling ang tingin niya sa'kin at nakita
ko ang hilam niyang mga mata ngunit may ngiti ang kanyang mga labi. Ilang ulit
akong napalunok dahil kagandahang tanawing natatanaw ko sa kanya.
Mahal na mahal din kita. Nais kong isatinig ngunit alam ko ang magiging kapalit
kapag binitawan ko ang mga salitang iyon.
"Sigurado na ako sa'yo." Nalulunod ako sa halo halong emosyong mababanaag sa
kanyang mga mata, inilapit niya kanyang labi at humalik sa aking noo. "Can you be
my Mrs. Castillion?" Nanginig ako dahil sa biglaan niyang tanong na iyon. Nanghina
ang aking mga tuhod dahilan upang mapakapit ako sa kanyang braso upang hindi
bumagsak.
Hindi ko alam ang isasagot ko tila lahat ng tumatakbo sa isip ko ay naging
blangko at nawala sa tama ang pagtakbo. Ramdam ko ang pagbaba ng kanyang labi
papunta sa tungki ng aking ilong.  "Kahit hindi pa ngayon handa akong maghintay
para sa'yo." At tuluyang masuyong dumampi ang kanyang mga labi sa labi ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 23

Warning: SPG not suitable for minors.


Nette POV

NAKAKALIYO ANG bawat pagdami ng kanyang mga labi sa aking balat. Dahil sa bumabalot
na kakaibang emosyon sa aking buong katawan ay nawala ako sa katinuan at ang
tanging nais ko lamang ay hindi na matapos ang gabing ito.
Matapos niyang pagsawaan ang aking mga labi sa pamamagitan ng banayad na mga
halik na puno ng pagsuyo ay bumaba iyon papunta sa akong baba na tila sinusundan
niya ang nagdidepina niyon patungo sa aking leeg. Nagtagal siya doon sa pagdampi ng
mga halik na nakakapaso.
Napatinga ako at mahigpit na napakamit sa kanyang damit. Nakakulong ako sa
kanyang mga bisig at hindi makaramdam ng takot dahil sa bawat galaw niya ay
nararamdaman ko ang pagmamahal at pagsuyo.
"Miña Virxe." Napapaos niyang bulong sa aking tenga bago bumaba sa akig balikat
ang kanyang mga labi.
Mariin lamang akong nakapikit habang ninanamnam ang kakaibang pakiramdam na
ibinibigay niya sa akin. Mula sa balkonahe ay hindi ko namalayan na narating namin
ang malaking kama.
Hinaplos niya ang aking mukha bahang ang mga mata ay nag-aapoy. Masuyo siyang
ngumiti bago ako dahan dahang inilapag sa higaan. Nakatitig lamang siya sa akin ng
ilang minuto at gan'on rin ako bago siya humiga sa aking ibabaw.
Nanlaki ang aking mata dahil sa pagbalik niya sa paghalik sa aking balat ngunit
ngayon ay nasa pagitan na siya ng aking dibdib. Pinisil niya ang aking dibdib kaya
ako'y napatili dahil sa kiliti niyon.
"Ano pong ginagawa niyo?" Takang tanong ko lalo't tila nasisiyahan siya sa
paglalaro doon.
"Wag kang maingay. Just go with flow." Aniya at halos lagutan ako ng hinila
dahil sa pagtanggal niya ng mga butones ng aking damit kasama ang akong bra.
Mabilis akong napatakip sa aking dibdib dahil sa paglantad niyon sa harap niya.
Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa kanya. "Ano pong ginagawa niyo? Bakit po kayo
nanghuhubad ng damit ng iba?"
Nakita ko ang pilyo niyang pagngisi at pag-alis ng aking mga braso sa aking
harapan. "Ganito talaga 'yon, makikihawak lang ako sa utong mo."
"Po? Ayoko po, bakit kayo manghahawak ng hindi sa inyo?" Nag-aalalang tanong
ko. Magkalapit pa rin ang aming mga mukha habang hindi pa rin nagbabago ang kanyang
mga titig.
"Hindi ko naman kukunin 'yan sa'yo pa rin naman makikisipsip at pisil lang
naman ako."
Umiling ako. "Ayoko po dahil baka malulon niyo dahil tila napasugapa niyo sa
pagkain ng dibdib."
"Makikisipsip lang ako promise hindi ko tatanggalin ang utong mo, hindi ko
aagawin." Bago pa man ako makaapila ay mabilis na siyang nakasubsob sa aking dibdib
at tila batang sumisipsip ng gatas ng ina.
Napatila ako ngunit agad ko ring nakagat ang aking mga labi dahil sa kung anong
namumuo sa aking puson. Mariin akong nakapikit habang ramdam ko ang kanyang
ginagawa, ang kanyang dila'y hindi ko man makita ay alam ko kung ano ang ritmo.
"Bakit niyo po minamasahe ang dibdib ko? Wala pong lupo 'yan." Sambit ko ngunit
wala siyang naging sagot.
Hindi ko alam ngunit wala akong naging tutol sa kanyang ginawa hanggang sa
kabahan ako dahil sa pag-iinit ng aking buong katawan. "Ni-Nilalagnat po ata ako."
Sa wakas ay nausal ko sa kabila ng hirap kong makapagsalita.
"Normal lang 'yan hindi ka nilalanat." Mabilis niyang sagot at muling bumalik
sa ginagawa. Hindi ko nakakaya ang init ng aking katawan dahil nilulukob ako nito.
Dahil sa hindi niya pakikinig sa akin ay napilitan akong sabunutan siya dahilan
para mapatingin siya sa'kin. "Sabi ko po nilalagnat ako may biogesic po ba kayo?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Hindi ka nga


nilalagnat." Aniya at hindi ako pinagbigyan sa aking hiling.
Bumaba ang kanyang kamay sa aking bewang at halos mawalan ako ng ulirat dahil
sa bilis nitong makapasok sa aking suot na panty. Ang malakas kong tili ay nakulong
sa kanyang bibig dahil sa biglaan niyang paghalik.
Napapabaling sa ibang direksyon ang aking ulo dahil sa kanyang ginagawa. Nasa
gitnang pagitan ko na ang kanyang malikot na mga kamay. Habol ang hininga ko nang
sa wakas ay ilayo niya ang kanyang labi sa akin.
"Jusko, ano pong kinakalikot niyo diyan?" Gulat na gulat na tanong ko dahil
tila siya may kinakalikot sa aking pwerta gamit ang mga daliri. "Wala po akong
tinatago diyan Mr. Fifth."
Hindi siya nakinig, ang aking mga tuhod ay unat na unat na dahil sa tila
mahikang ginagawa niya sa akin. Wala akong ibang maisip kundi ang bawat pagdampi
niya sa aking balat.
"This will surely hurt but please bear with me Miña Virxe." Malumanay niyang
sambit at bago ko pa man ako makapagtanong ay may kung anong ipinasok siya sa akin.
Umawang ang bibig ko dahil sa malakas na sigaw. Ramdam ko ang pagkapunit sa
gitnang parte ng aking mga hita. Sa pagkabigla ay nasampal ko siya ng pagkalakas
lakas. Bumakat ang aking palad sa kanyang pisngi.
"Aray." Daing niya. Sinubukan ko siyang itulak.
"Bakit po ang sakit ano po ba ang ipinasok niyo? Umalis po kayo diyan."
Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalik halikan iyon. Ngunit ang aking mga
luha ay hindi ko napigilan dahil sa labis na kirot sa aking mga hita. Para akong
binaril ng maraming beses.
"Malapit na akong maiyak." Nanlulumo niyang sabi.
"Aray ko po." Naisigaw ko nang bigla siyang gumalaw. Naabot ko ang kanyang
buhok at doon mahigpit na kumapit. "Bakit niyo po ako sinasaksak?" Umiiyak kong
tanong.
Hindi ko siya napigilan dahil tuluyan siyang gumalaw habang ako ay pahigpit ng
pahigpit ang pagsabunot ko sa kanya.
"Matatapos man tayo baka panot na ako." Aniya at inalis ang mga kamay ko sa
buhok niya at inilagay iyon sa ibabaw ng aking ulo.
Muli siyang gumalaw kaya muli na naman akong napatili. "Baka po mapatay niyo
ako sa dami ng saksak niyo." Natatakot ako ngunit ang aking katawan ay hindi
umaayon sa gusto ng aking isipan.
"Have mercy on me." Nakatingala siya sa taas at tila hindi na alam ang dapat na
gawin.
Nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa kahit na namamanhid na ang aking mga hita.
"Naiihi po ako." Pero hindi na naman siya nakinig. Pinilit kong ibangon ang aking
likod at nang magawa ko ay kinagat ko ang kanyang dibdib.
"Shit! Ouch, damn it." Sigaw niya at pilit inaalis ang aking mukha sa dibdib
niya. "Shit! Ang utong ko ang matatanggal nito."
"Naiihi na po kasi ako, kailangan ko pong umihi kundi magkakalat po ako dito."
Umiling siya at ilang ulit na bumuntong hininga. "Hindi ka naiihi, pabayaan mo
lang 'yan akong bahala."
Natigilan ako dahil may biglang tumibok sa pagitan ng aking mga hita kung saan
siya nakadagan. Kumunot ang aking noo at ipinatong ang aking palad sa ibabaw ng
kanyang dibdib kung nasaan ang puso. Mas lalo akong nagtaka dahil tumitibok pa rin
naman iyon.
"Dalawa po ba ang puso niyo?"
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "What?"
"Bakit po tumitibok din ang nasa gitna ng hita niyo?" Hindi ko alam ngunit
dahil sa aking sinabi ay mabilis siyang umalis aking ibabaw na ikinahinga ko ng
maluwag.

Nakapamewang siyang tumalikod. "Parusa po ba ito? Ito na po


ang sex life ko na naging chismisan." Nasapo niya ang kanyang noo.
Kumikirot ang aking mga hita at ang aking katawan ay sobrang sakit ngunit
pinilit kong umupo dahil sa kuryosidad na tingnan kong ano iyong bagay na
nakalaylay sa ilalim ng kanyang matambok na pang-upo. Lumapit ako doon at pinisil
iyon. "Ano po itong dalawang bilog na nakalaylay?"
Napuno ng malulutong na mura ang buong silid. "Tangina! Itlog ko iyan." Sigaw
niya bago tumakbo patungo sa isang pinto na hinuha ko ay banyo. Hindi ko na siya
nahintay na muling lumabas doon dahil pagod na pagod akong dinalaw ng antok.

"BAKIT lukot na lukot ang mukha mo?" Dinig ko ang mga boses na nagmumula sa
kusina pagkalabas na pagkalabas ko sa silid na aking tinulugan kaya doon agad ako
nagtungo.
"Stop asking Leo." Sagot ni Mr. Fifth. Iika ika akong lumapit sa kanila na nasa
hapag at nag-aalmusal. Parehong napalingon sa aking ang dalawang lalaki, si Mr.
Sais at Mr. Leo kung tama ang pagkakatanda ko sa pangalan ng kanyang pinsan na
tumulong rin sa kanyang magbuhat ng mga kahoy.
"Good morning Nette."
"Maganda umaga." Sabay na bati ng mga ito. Samantalang si Mr. Fifth ay tutok
lamang sa paghahalo ng kanyang kape.
"Magandang umaga din po sa inyo." Sagot ko.
"Halika saluhan mo na kami sa almusal." Alok ni Mr. Leo na hindi ko naawang
tanggihan dahil talagang gutom na gutom na ako idagdag pa ang tila ginulpi kong
katawan dahil sa sobrang sakit.
"Mr. Fifth kailan po tayo babalik sa Maynila? Nag-aalala na po kasi ako kay
ate."
"The day after tomorrow." Walang buhay niyang sagot na hindi manlang tumingin
sa akin.
"Sinabi ko kasi kay Singko na libutin niyo muna ang buong hacienda para naman
marelax kayo, pwede rin kayong mamitas ng mga prutas." Galak na wika ni Mr. Leo.
Napangiti ako dahil sa kanyang paanyaya. "Talaga po?"
"Yes, alam na iyan ni Singko." Pare-pareho kaming tumingin kay Mr. Fifth na
wala pa ring imik.
"May problema po ba?" Hindi nakatiis na tanong ko dahil hindi ako sanay na
ganito siya, mas madalas kasi siyang madaldal at maloko kaysa maging tahimik.
"Nothing, just finish your for so we can roam around the whole hacienda." Iyon
lamang at umalis na ito dala ang kanyang tasa ng kape. Napatingin ako sa kanyang
kapatid at pinsan na nagkibit balikat lamang.
Matapos kong mag-agahan ay hinanap ko si Mr. Fifth na saktong kakapasok lamang
sa kabahayan. Malaking bahay ang meron si Mr. Leo, pinaghalong luma at moderno ang
desinyo ngunit halatang mamahalin.
"Maglilibot na po ba tayo?" Nakangiting tanong ko kahit na hirap sa paglalakad
ay mas pinili kong bumangon dahil alam kong hindi ako dapat nasasanay na umaastang
prinsesa.
Tumango siya bago pasadahan ng tingin ang aking suot na damit na nakahanda na
kanina sa ibabaw ng aking hinigaan at may sulat na para iyon sa akin.
Gumaan ang loob ko pagkakitang  sa wakas ay ngumiti siya hindi tulad kanina na
salubong ang kilay at iritado. "Pasensya ka na sa naging asta ko kanina."
"Ayos lang po naiintindihan ko." Inabot niya ang aking kamay at pinagsiklop
iyon sa kanya.
"Let's enjoy this moment." Aniya bago ako inakas papalabas.
Tulad ng sabi niya ang naglibot libot kami sa hasyenda. Labis akong naaaliw sa
mga tanawin at mga taong abala sa kanya kanyang mga ginawa. Lahat ay tutok sa
kanilang mga trabaho ngunit may ngiti pa rin sa mga labi na di alintana ang pagod.
Nagtungo rin kami sa taniman ng mga prutas at hindi ko namalayan ang paglipas
ng oras ay sa pagkawili sa pamimitas. Marami rin akong nakilalang mga trabahor
habang si Mr. Fifth kay nakikisabay sa aking ginagawa.
"Napakapaya ng buhay dito 'no?" Aniya, pagkaupong pagkaupo namin sa munting
burol na malapit sa taniman. Inalalayan niya ako sa pag-akyat dito at pinatabi sa
kanya.
"Opo, tila walang mga problema ang mga tao at napasariwa ng hangin. Nakakaganda
ng pakiramdam." Masayang masaya ang aking mga ngiti at pansamantalang nalimutan ang
aking mga problema sa syudad.
Ipinasandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat habang dinatanaw namin ang
mga berdeng pananim. Napakalawak ng lupain at nakakahalina.
"Gusto mo bang tumira dito kapag naikasal na tayo?" Napatingin ako sa kanya
dahil sa kanyang mga sinabi. Bumaba ang kanyang kamay sa aking bewang at mas
inilapit ako sa kanya bago mahigpit na niyakap mula sa gilid.
"Marami pong pwedeng mangyari kaya't ayoko pong magsalita tungkol sa bagay na
iyan." Tapat kong pahayag.
Nakakaintinding tumango siya. "I undersrand. Pero kung ako tatanungin kapag
naikasal na tayo gusto ko 'yong simpleng pamilya lamang kasama ka at ang magiging
anak na'tin." Masayang pahayag niya habang ang baba ay nakapatong sa aking balikat.
Pinakatitigan ko ang kanyang malalim na mga mata kasabay ng malakas na tibok ng
aking puso. Hinaplos ko ang kanyang mukha at masuyong inilapit ang aking labi para
humalik sa tungki ng kanyang ilong.
Mahal na mahal kita.
Kahit na simple lamang ang lahat sa pagitan namin ngayon ay masasabi kong ako
na ang pinakamasayang babae sa mga oras na ito dahil nasa tabi ko siya, nakayakap
sa akin at sa bawat tingin niya ay alam kong totoo ang kanyang pagmamahal.
"Miña Virxe, wala na akong ibang mamahaling ibang babae tulad ng pagmamahal ko
sa'yo." Bulong niya.
Sabay naming pinagmasdan ang nakakabuhay damdamin na paglubog ng araw sa
kanluran.
Natatakot ako sa magiging kapalit na lungkot sa sayang nararamdaman ko ngayon.
___________________________________
Enjoy reading Kjens.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 24

Nette POV
DALAWANG ARAW ang itinagal namin sa hacienda ni Mr. Leo at pagkabalik na
pagkabalik sa Maynila ay ang hospital agad ang una kong pinuntahan. Tumawag si Doc
Ismael kay Mr. Fifth at labis ang aking pag-aalala nang ibalita nitong muling
dinugo si ate at isang araw na hindi nagising.
Nanginginig ang kamay ko pagkaapak ng aking mga paa sa hospital. Ni hindi na
ako nagpasama kay Mr. Fifth kahit na anong pilit niya dahil alam kong hindi
makakabuti sa sitwasyon.
Malalaki ang aking naging hakbang at kahit ang pagbati ng nurse ay hindi ko na
nagawang pansinin. Ilang ulit akong nagdadasal na sana ay ayos lamang siya. Nang
makarating sa pinto ng kanyang silid ay hindi ko na nagawang kumatok pa at agad na
binuksan iyon at pumasok.
Sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan. Sinuri ko ang buong silid at
nakahinga ng maluwag nang makitang nakaupo si ate sa kanyang higaan. Akala ko'y
hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon.
"Ate." Tawag ko na siyang ikinaangat ng kanyang tingin patungo sa akin.
Natigilan ako sa paghakbang papalapit nang makita ang luhaan niyang mga mata ngunit
puno ng nag-aapoy na galit.
"Malandi ka." Dumagundong ang malakas niyang sigaw na hindi ko inaasahan at
ibinato sa akin ang mga papel na kuyom niya sa kanyang mga palad.
Nagtataka kong sinundan ng tingin ang mga iyon at gan'on na lamang ang
panlalaki ng aking mga mata nang makita ang larawan namin ni Mr. Fifth na
magkasama. May naghahalikan, may nakayakap siya sa akin, sa simbahan noong
magkatabi kami at ang hubad niyang larawan kasama ako noong nasa harden kami ng
kanyang bahay.
Sinalakay ako ng matinding kaba nang ibalik ko ang tingin sa kanya. Walang
habas sa pag-agos ang kanyang mga luha, bakas na bakas ang poot niya para sa'kin at
nadudurog ako dahil doon.
"A-Ate."
"Wag mo akong tawaging ate dahil hindi kita kapatid at kahit mamatay ka ay
hindi kita ituturing na kadugo." Muli niyang sigaw. Wala akong naging imik ngunit
mariin ang pagkakakagat ko sa aking mga labi upang hindi umiyak. "Azia Fifth
Castillion. Iyon ang buo niyang pangalan at alam mong gusto ko siya." Nasasaktang
sabi niya.
"So-Sorry po." Paulit ulit kong sambit at lumapit sa kanya. Mahigpit ko siya
niyakap ngunit itinulak niya ako ng malakas dahilan para bumagsak ako sa sahig.
Hindi ko ininda ang sakit ng tuhod ko na siyang unang tumama sa semento.
"Napakalandi mo, niloko mo ako. Inagaw mo ang lalaking mahal ko, alam mong may
gusto ako sa kanya at kilala mo siya pero hindi mo sinabi sa'kin. Manloloko ka
tulad ng nanay mo, pokpok ka." Para akong binabato ng maraming mga pako sa dibdib
dahil sa kanyang mga salita.
Sinubukan kong tumayo at nang magawa iyon ay muli ko siyang niyakap. "Sorry po
ate, hindi ko po sinasadyang maglihim sa'yo. Sorry patawarin mo ako." Hindi ako
bumitaw sa pagkakayakap sa kanya kahit ilang ulit niya akong pinagsusuntok sa likod
at pinagkakalmot ang mga braso ko.
"Hanggang kailan mo balak itago? Hanggang sa mawala ako sa mundo para
mapagtawanan mo ang katangahan ko?"
"Hindi po, hindi."
"Hinding hindi kita mapapatawad." Sigaw niya, nagwawala na siya. Kasabay ng
pagbuhos ng aking mga luha.
"Sorry ate, sorry luluhod po ako kung gusto niyo mawala lang ang galit mo
sa'kin." Napahagulhol ako sa kanyang balikat at tiniis lahat ng sakit ng kanyang
kanyang mga kalmot at sabunot.
Panay ang sigaw niya at itinulak ako ng itinulak ngunit hindi ako nagpatinag.
"Malandi ka, malandi ka." Paulit ulit niyang sigaw.
"Sorry." Wala akong ibang masambit kundi ang paghingi ng kapatawaran mula sa
kanya.

"Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya pero inagaw mo. Ahas


ka, ahas ka."
Dumudugo na ang aking mga braso dahil sa walang humpay niyang mga kamot.
Sinabunutan niya ako hanggang sa pakiramdam ko ay hihiwalay na ang aking mga buhok
sa aking anit.
"Gagawin ko po ang lahat mapatawad mo lang ako ate." Alam kong kasalanan ko ang
lahat, dapat hindi ako nagpadala sa emosyon ko dapat noon palang nang malaman kong
gusto niya si Mr. Fifth ay lumayo na ako.
"Kung hindi pa nagresearch si Julia tungkol sa kanya ay patuloy mo akong
pagmumukaing tanga. Pokpok ka, wala kang kwenta hindi kita kapatid." Tila bombang
paulit ulit na nagwawasak ng aking puso ang kanyang mga salita.
Nasasaktan ako.
Halos kasing lakas na ng kanyang hagulhol ang aking pag-iyak. Yakap yakap ko
lamang siya at ayokong humiwalay dahil baka hindi ko na siya muling mahawakan dahil
sa paglala ng kanyang pagkamuhi sa akin.
Hanggang sa napagod siya sa pananakit sa akin ay hindi ako humiwalay. Kalmot,
sabunot, tulak, sipa at suntok pero walang wala ito sa sakit na naibibigay ko sa
kanya kaya wala ako karapatang magreklamo.
"Gagawin ko po ang lahat, kahit ano mapatawad mo lang ako ate." Sambit ko,
walang tigil siya sa pag-iling at pag-iyak gan'on rin ako. Nanghihina siyang
napabalik sa pag-upo sa higaan habang sinusubukan pa rin akong ilayo sa kanya.
Dahil sa panginginig ng aking mga tuhod ay dahan dahan akong napaluhod sa
kanyang harapan. Hinawakan ko ang kanyang mga palad at nilukob ng labis na pag-
aalala dahil sa pagkatanggal ng IV niya at pagdugo ng kanyang kamay, namamaga iyon.
"A-Ate patawarin mo ako. Gagawin ko ang lahat." Tila bulong lamang ang aking
mga salita dahil sa pamamalat ng aking lalamunan, para akong natutuyuan at
nawawalan boses.
Tumingala ako sa kanya habang nakaluhod sa kanyang harapan. Nagkasalubong ang
aming mga tingin, hindi man lamang nabawasan ang poot na masasalamin doon.
"Kahit magpakamatay ka sa harapan ko ay hindi kita mapapatawad sa pang-aagaw na
ginawa mo." Nagtatagis ang kanyang mga bagaw dahil sa galit.
Napayuko ako at nanghihinang napaupo sa sahig. Nasasaktan ako dahil sa'kin ay
nagkakaganito siya, simula nang agawin naman sa kanila si Papa ay ninakawan na
namin siya ng kaligayahan tapos ang lalaking nagiging dahilan ng kanyang pagiging
masaya ngayon ay inagaw ko. Wala akong kwentang kapatid.
Nangibabaw ang mga hagulhol namin at para akong sinasakal.
"Magagawa lang kitang patawarin kung magiging akin si Azia." May diin ang
kanyang mga salita, natigilan ako at nanlalaki ang mga matang muling napatingin sa
kanya. Matapang siyang nakatitig sa'kin. "Kapag minahal ako ni Azia at naging akin
siya ay syaka ko lamang pag-iisapan kung papatawarin kita."
Nasapo ko ang aking dibdib dahil sa biglaang pagkirot niyon. Hindi ko kaya.
Pero gustong gusto kong mapatawad niya ako pati ang aming mga magulang. Mas
kakayanin kong tiisin ang sakit na mawalan ng lalaking iniibig kaysa ang manatiling
kinamumuhian ng aking kapatid ang aming mga magulang at ako.
Nanginginig ang mga kamay na niyakap ko ang aking mga tuhod. Alam kong
napakahirap ng hinihiling niya sapagkat mahal na mahal ko si Mr. Fifth ngunit mas
masasaktan ako kapag nagpatuloy kaming ganito.
Sinikap kong tumango. "Ga-Gagawin ko po ang gusto niyo."
Kuyom ang kanyang mga kamao habang titig na titig sa'kin. "At gusto kong tumira
sa kung saan ka nakatira ngayon."
Hindi ko na nagawang tumingin pa sa kanya. Panibagong luha na naman ang tumulo
sa aking mga mata ngunit iba na ang dahilan. Hindi nasisiyahan ang puso ko sa
ideyang iyon pero anong gagawin ko?

Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin.


Kinapa ko ang rosaryo na nasa aking bulsa at mariing ipinikit ang mga mata. Sa
pangalawang pagkakataon ay sinikap kong tumango.
"Kung tutuusin ay walang kapatawaran ang mga nagawa mo sa'kin, kayo ng nanay
mo. Simula pagkabata ay kayo na ang naging dahilan kung bakit ako nagdurusa. Kayo
ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko at kayo ang dahilan kung bakit lumaki
akong walang ama at pamilya."
Wala akong naging salita dahil alam kong tama ang lahat ng kanyang mga
sinasabi. Nagkakilala sina Papa at Mama sa isang mumurahing club, ang aking ina ay
isang mananayaw samantalang ang aking ama naman ay suki doon. Naging magkaibigan
silang dalawa hanggang sa nagkaibigan.
Hindi alam ng aking ina na may asawa si Papa kaya sinagot niya ito, wala siyang
kamalay malay na naging kabit siya ngunit sa huli ay siya ang pinili lalo't nabuo
ako dahil tunay sila nagmamahalan kahit na mali.
Doon nabuo ang galit ni Ate Tam sa amin dahil simula ng iwan sila ni Papa ay
hindi na naging maayos ang lagay ng kanyang ina hanggang sa magpakamatay ito.
Namuhay kaming masayang pamilya ngunit lihim sa akin ang istoryang iyon.
Nalaman ko lamang ang lahat ng tungkol sa kwento ng aming mga magulang noong
nagkasakit na si Mama at wala na si Papa. Sinalaysay niya ang lahat at ibinilin sa
akin na hanapin si ate at gawin ang lahat upang humingi ng kapatawaran.
Noong isang taon ko lamang nahanap si ate at tulad ng sabi ni mama ay labis ang
pagkamuhi nito sa amin. Tinanggap ko iyon lahat at hindi ako umalis sa kanyang tabi
kahit ipagtabuyan niya ako ng ilang ulit. Mas lalo akong nagsumikap noong malaman
kong may sakit siya.
Hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin ang lahat hindi lamang dahil bilin ni
Mama at dahil sa kapatawaran niya kundi dahil gusto kong bayaran ang mga
pagkakamaling nagawa ng aking mga magulang.
"Kung hindi ka dumating sana ako na ngayon ang mahal ni Azia." Sambit na.
"Sorry." Tanging sagot ko, oo nakakasawang marinig iyon pero alam kong balang
araw mapapatawad niya kami.
At kahit masakit ay hindi ko gugustuhing ulitin at dagdagan ang pagkakamaling
nagawa namin sa kanya. Kahit kapalit ay isantabi ko ang aking pag-ibig ay gagawin
ko. Ako naman dapat ang magdusa.
"Hindi pa ba sapat lahat lahat ng mga nagawa niyo sa'kin? Hanggang kailan ako
makikipagkompetensya sa'yo, ha? Pokpok ka." Tumayo siya at sinipa ako.
"Walang nakikipagkompetensya ate, hindi po ako nakikipagkompetensya." Sagot ko.
"Pwes, kung totoong wala kang balak na pagmukain akong tanga gawin mo ang gusto
ko."
Kapag ginawa ko ang gusto niya ay si Mr. Fifth naman ang magagalit sa'kin
ngunit sino ba ang mas matimbang sa kanilang dalawa? Si Ate Tam.
Kahit alam ko na ay ninais ko pa rin na itanong dahil umaasa akong nabingi
lamang ako kanina na iba ang nais niya. "A-Ano po ba ang gusto niyong gawin ko?"
Nilagpasan niya ako at humalukipkip, nakasunod lamang ang aking tingin sa
kanya. Sinubukan kong punasan ang aking mga luha pero ang aking kalooban ay hindi
napawi ang sakit.
"Gusto kong mapasa'kin si Azia, wag mong gamitin ang kapokpokan mo para kunin
siya sa'kin dahil ako naman ang una niyang nakilala nilandi mo lang siya kaya ikaw
ang pinili niya."
Ilang ulit akong napalunok dahil sa pagbabara ng aking lalamunan upang pigiling
muling umiyak. Ayokong umiyak pero ayaw paawat ng aking damdamin.
"At alam kong sa kanya ka nakatira ngayon kayo gusto kong sumama sa'yo para
mabantayan ko ang mga galaw mo at malaman na tinutupad mo ang usapan na'tin." Nag-
iwas ako ng tingin dahil sa pagbaling niya sa akin. Ang pag-asa ko ay tuluyang
nawala dahil malinaw na malinaw sa akin ang kanyang mga salita. "May pag-asa ka pa
para hindi tuluyang matulad sa nanay mo, pokpok ka na at wag mo nang naisin na
maging kabit pa."
Mahigpit akong napahawak sa aking bestida dahil sa sakit ng mga salita niya.
Hindi ko gusto ang pagsasalita niya sa aking ina ngunit naiintindihan ko ang galit
niya dahil hindi biro ang lahat ng mga pinagdaanan niya dahil sa maling
pagmamahalan ng aming mga magulang.
"O-Opo, susubukan kong kausapin si Mr. Fifth." Napipilitang tugon ko. "At sana
po kasabay ng pagsubok niyo na hanapin ang kapatawaran sa inyong puso ay naisin
niyo rin pong magpaopera."
Tumaas ang kanyang kilay at mataray na tumingin sa akin. Alam kong magalit ko
na naman siya. "Wala kang karapatang dektahan ako sa gusto kong gawin. Magpapagamot
ako kung gusto ko."
Wala akong nagawa kundi ang yumuko na lamang at hindi na kumibo pa. Hinding
hindi ko na mababago ang isip niya alam ko 'yon ngunit kung mapapalapit siya kay
Mr. Fifth ay alam kong malaki ang magiging pagbabago niya.
Mahal niya ito at alam kong makapangyarihan ang pagmamahal. Walang imposible sa
pag-ibig.
"Papayag lang akong magpaopera kapag naikasal ako kay Azia, kapag tuluyan na
siyang maging akin syaka lang ako magpapaopera." Pinal niyang sambit bago lumabas
ng silid.
Naiwan akong nakatulala sa kawalan at paulit ulit na nadidinig ko ang kanyang
huling mga salita sa aking isipan.
Ito ba ang kapalit sa labis na kaligayahang aking nadama noong mga nagdaang
araw sa piling ni Mr. Fifth? Sa isang iglap ay tila binago ng tadhana ang aking
buhay.
Mr. Fifth patawarin mo ako. Tumatangis ang aking kalooban.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 25

Not all love story ends with a happy ending.


_________________________________
Nette POV

HALOS DALAWANG araw din ang itinagal ko sa hospital upang bantayan si ate kahit na
hindi niya gustong nakikita ako, bago ako nagkalakas ng loob na umuwi sa bahay ni
Mr. Fifth. Dalawang araw akong hindi nagpakita sa kanya dahil hindi pa ako handang
humarap sa katotohanan na kailangan kong ipagtapat sa kanya ang mga nais ni Ate
Tam. Dalawang araw na hindi ko nagawang linisin ang aking sarili dahil sa mga
gumagulo sa aking isipan.
Ilang ulit akong humugot ng malalim na buntong hininga bago nagkaroon ng lakas
ng loob na tumuloy sa loob, kanina pa ako sa labas ng malaking bahay nagdadalawang
isip na pumasok. Sinalubong ako ni Manang Dori na labis ang pag-aalala sa akin.
Ngiti lamang ang isinagot ko at nagpaalam na tutuloy na muna ako sa aking silid.
Laking pasalamat ko sa kanyang pagpayag.
Panay ang tingin ko sa paligid dahil baka sakaling makasalubong ko si Mr. Fifth
at laking pasalamat ko dahil hindi kami nagkita. Sapo ang aking dibdib pagkapasok
ko sa loob ng aking silid. Napasandal ako sa pinto dahil sa kaginhawaan.
Ngunit nanlaki ang aking mata at agad na nag-iwas ng tingin dahil ang lalaking
akala ko ay wala dito ngayon ay seryosong nakaupo sa aking kama habang abala sa
kanya laptop.
"I'm glad you're home." Salubong niyang tugon ngunit nasa laptop pa rin ang
tingin. Nakasuot siya ng salamin. Hindi ko alam ngunit naiyak ako pagkakita ko sa
kanya. Gustong gusto kong tumakbo at magkulong sa mahigpit niyang yakap upang
makahanap ng kakampi. Gusto kong yumakap sa kanya upang maramdaman kong kakayanin
ko ang lahat ngunit pinigil ko ang aking sarili.
Humakbang ako patungo sa banyo na hindi na muling tumingin sa kanya.
Pagkasaradong pagkasarado ko ng pinto ay hinayaan kong umagos ang aking mga luha.
Ilang araw na akong umiiyak at akala ko ay ubos na ang tubig ko sa katawan pero
hindi pa rin pala.
Nanginginig akong humakbang sa tapat ng lababo at pinagmasdan ang aking sarili.
Natuyo na ang dugo ng mga kalmot at sugad na natamo ko sa pagwawala ni ate, mugtong
mugto ang aking mga mata at namumula. Halos hindi ko na makilala ang aking sarili.
Para akong tumanda ng tatlong taon sa pagkalukot ng aking mukha. Puno ng lungkot
ang aking mga mata.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" Napatingin ako sa salamin at nakita ko sa aking
likod si Mr. Fifth. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa hamba ng binuksan
niyang pinto.
Mapilis kong itinago ang aking mga braso sa likod. Umiling ako. "Wala po 'to,
ayos lang po ako."
"Gusto mong kurutin ko 'yang utong mo? Sabi ko wag kang nagpo'po' sa'kin." Alam
kong nagbibiro na naman siya ngunit malungkot lamang akong napangiti. Wala akong
gana ngayon na matuwa sa kanya mga biro.
Nagtagis ang kanyang bagang at inalis ang suot na salamin bago malalaki ang
hakbang na lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang braso ko at sinuri iyon, siguro'y
ngayon niya lang napansin ang mga kulmot na nandoon.
"Sinong may gawa nito?" Hindi ako kumibo ngunit inulit niya ang kanyang tanong
ng ilang beses.
"Wala, wala." Sagot ko.
Nagdilim ang kanyang paningin lalo nang bumaling sa leeg ko na mas marami ang
sugad. Pabalang niyang inalis ang kwelyo ng suot kong bestida upang makitang mabuti
ang mga kalmot doon.
"Sabihin mo kung sino ang may gawa dahil papatayin ko." Tila kulog na
dumagundong ang kanyang sigaw dahilan upang mapaluha ako. Niyakap ko ang aking
sarili at umatras sa kanya. Hindi ako nakasagot. Nakita ko ang pagkabali ng salamin
sa kanyang kamay dahil sa mariin niyang pagkuyom.

"Kapag hindi ka sumagot ako ang gagawa ng paraan para


alamin kung sino ang may gawa sa'yo nito. Don't test my patience."
Natakot ako sa banta niya kaya napilitan akong sumagot. "Away magkapatid lang
po."
Marahas niyang ibinato ang eyeglasses na hawak patungo sa malaking salamin ng
lababo. Napaigtad ako dahil sa ingay na likha niyon at sa pagkabasag.
"Nagpaapi ka na naman? Hindi ka na naman lumaban?" Sumabog siya sa galit.
"Hindi ako pwedeng lumaban." Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtaas ng aking
boses.
"Bakit hindi? Bakit hinahayaan mong saktan ka lang ng kapatid mo?"
"Dahil kasalanan ko lahat, lahat lahat kasalanan ko." Sigaw ko, napasabunot ako
sa aking buhok dahil sa pagkabalisa sa mga nangyayari.
"Ano bang kasalanan mo para pati sarili mo ay hindi mo magawang ipagtanggol?"
Nagsisigawan na kami at ang emosyon ko ay halos sumasabog na rin. Wala na bang
katapusan 'to?
Naikuyom ko ang kamao ko upang hindi ako bumigay. Gustong gusto ko siyang
yakapin. "Kasalanan ko kung bakit lumaki siyang walang mga magulang at mas lalong
kasalanan ko dahil hinayaan kong mapalapit sa'yo." Napatulala siya sa'kin ngunit
ang pagtatagis ng bagang ay mas lalong umigting.
"Walang may kasalanan sa lahat, siya lang dahil sinisisi ka niya sa
kamiserablehan ng buhay niya." Kung makapagsalita siya ay tila alam niya ang lahat
ng mga alitan sa pagitan naming magkapatid, nakapamapanghusga ng mga salita niya.
"Hindi." Sigaw ko. "Alam kong gusto ka niya, alam kong mahal ka niya pero
nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa'yo kaya ngunit nasasaktan siya." Napakamit ako
sa lababo upang hindi mapaluhod. "Nasasaktan na naman siya at dahil na naman
sa'kin."
"Putanginang buhay 'to." Pinagsusuntok niya ang pinto, itinakip ko ang aking
mga kamay sa aking tenga habang pinapakinggan ang malulutong niyang mga mura at ang
hikbi ko.
"Gu-Gusto niyang maging sa kanya ka, nais niyang mahalin mo rin siya. Gusto
niyang tumira kasama ka at gusto niyang maikasal kayo." Para akong kandilang unti
uting nauupos dahil sa mga salitang sinasabi ko. Walang mas sasakit pa sa
katotohanang ibinibigay ko siya sa iba kahit na mahal ko siya. Ngayon lang ako may
lakas ng loob kahit ang totoo hindi ko kinakaya.
Nanlalaki ang mga matang natigilan siya at tumingin sa akin. Umiling siya na
tila hindi makapaniwalang nasabi ko iyon. Kahit ako ay hindi ko nahinuhang darating
ang araw na sasabihin ko ang mga iyon sa kanya.
"Bawiin mo ang mga sinabi mo, please bawiin mo." Mas lalo akong nanghihina
dahil sa boses niyang puno ng hinanakit. Hindi ako nagsalita dahil alam kong hindi
ko kakayanin.
Malakas siyang sumigaw at sinabunutan ang kanyang sarili. Pulang pula ang mga
mata niya nang tumingin muli sa akin. "Alam kong mahal mo rin ako, hindi mo man
sabihin ramdam ko. Pero mas mahal mo ang kapatid mo kaya nagagawa mo 'to sa'kin?"
Kitang kita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao at ang mariing pagkagat ng kanyang
labi. "Putangina! Bakit palagi nalang ang kapatid mo, bakit lahat ng magiging
desisyon mo ay palaging siya ang pinagbabasihan mo? Paano naman ako?"
Nawalan ako ng sasabihin dahil labis akong nadudurog sa sitwasyon namin ngayon.
Magsisimula pa lang sana ang aming pagiging malapit ngunit ganito na ang
nangyayari.
"Ganito lang ako, palagi akong nakangiti pero hindi ayos sa'kin ang lahat.
Nasasaktan ako at may karapatan ako dahil putangina mahal kita. Mahal kita e, hindi
ko alam kung paano at kailan pero mahal kita."
Gustong gusto ko siyang aluin upang maibsan ang sakit na ipinaparamdam ko sa
kanya ngunit pinigilan ko ang aking sarili sapagkat ayokong umasa pa kami sa isa't
isa. Itutuloy ko ang desisyon ko.

Mahal na mahal kita ngunit mas mabuting hindi mo na iyon


marinig mula sa akin.
Pinipigil niya ang kanyang pagluha ngunit may luhang pumatak pa rin sa kaliwa
niyang mga mata dahilan para umiwas ito ng tingin. Umiling siya ng umiling. "Siguro
ako lang ang umaasang mahal mo ako pero ang totoo hindi." Bulong niya. "Hindi mo
ako mahal dahil kung mahal mo ako hahayaan mong ipaglaban kita. Kung mahal mo ako
sasamahan mo ako habang ipinaglalaban kita."
"Kung papayag akong ipaglaban mo ako sa tingin mo ba magiging masaya tayo?"
Kahit anong gawin kong pagpapanggap na hindi ako apektado ay hindi ko
mapagtagumpayan na itago ang tunay kong nararamdaman. Kasi mahal ko siya.
"Oo, magiging masaya tayo dahil wala akong pakialam sa iba. Wala akong pakialam
kung mahal ako ni Tam dahil pilitin ko man hinding hindi ko siya magagawang mahalin
dahil ikaw, ikaw ang mahal ko." May diin bawat salitang kanyang binibitawan kaya
ako naman ang napailing dahil tutol ako sa kanyang mga sinabi.
"Pero ako hindi ako magiging masaya, hindi ko masisikmurang maging masaya sa
piling mo kung alam kong nasasaktan ang ate ko. Hindi ko kakayanin na maging
maligaya samantalang siya ay nadudurog. Siya na lamang ang meron ako Singko. Si Ate
Tam nalang ang pamilya ko." Unang beses ko siyang tinawag sa kanyang palayaw ngunit
sa masalimuot pang sitwasyon. Wala akong kasingsama.
Humakbang siya papalapit sa'kin ngunit umatras ako. Nakita ko ang sakit na
bumalatay sa kanyang mga mata nang makita ang aking pag-iwas. Huminto siya sa
paghakbang.
"Sa tingin mo ba kung lolokohin ko ang sarili ko at piliing manatili sa tabi ni
Tam ay magiging masaya kami pareho? Sa tingin mo ba magiging masaya rin siya kung
alam niyang hindi ko siya mahal pero mananatili ako dahil lang sa gusto mo?" Puno
ng hinanakit ang kanyang mga salita at tila ako pinagkakaitan ng hininga dahil sa
tuluyang pagbagsak ng kanyang mga luha. Ang kanina'y namumula lamang ay tuluyan ng
binaha ng mga luhang ayaw papigil.
Wala na ang Singko na maloko, pilyo at masayahin dahil ang nasa haranap ko
ngayon ay si Fifth na sasaktan, si Fifth na pagod nang itago ang sakit ng kalooban
at ang Fifth na durog na durog na ngunit wala akong magawa para saluhin siya at
tuluyang pawiin ang pagkabigo niya dahil ako mismo sa sarili ko ay wasak na wasak
na.
"Hindi ko siya mahal at kahit anong pagpapanggap ko ay hindi ko siya magagawang
mahalin." Tuluyan siyang humakbang palapit sa'kin at napahagulgol ako nang bigla
niya akong yakapin ng mahigpit.
Ang sakit sakit na pumili sa pagitan ng dalawang taong mahal na mahal mo.
"Kahit magmakaawa ako sa'yo gagawin ko, luluhod ako at hahalikan ko ang mga paa
mo kung gusto mo." Iyak siya ng iyak sa aking balikat, pilit akong humihiwalay sa
kanyang mga yakap ngunit pahigpit lamang iyon ng pahigpit.
"Kung hindi mo kayang mahalin si Ate Tam ay hindi ko rin kayang maging masaya
sa piling mo." Sabi ko na ikinalakas ng kanyang pag-iyak. Isinubsob niya ang
kanyang mukha sa aking leeg at doon lumuha. Parang mga patalim na tumatarak sa
aking puso ang mga katagang aking binibitawan kasabay ng pakikinig sa kanyang mga
hikbi.
"Alam kong ang pagmamahalan natin ay hindi para sa isa't isa kaya magagawa mo
pa ring makalimot. Subukan mong mahalin siya at kapag ginawa mo iyon ay magiging
masaya ako." Wika ko kahit ang totoo ay kabaliktaran noon ang nais ko.
"Ayoko, ayoko, ayoko." Paulit ulit niyang tugon na may pagmamakaawa. "Kung
hindi mo ako kayang ipaglaban ako ang lalaban para sa ating dalawa wag mo lang
akong piliting magmahal ng ibang babae dahil sobra akong nasasaktang
ipinagtutulakan mo ako." Hinaplos niya ang aking mga pisngi na basang basa ng luha.
Mariin akong napapikit dahil ayokong makita siyang lumuluha dahil sa akin.

Naramdaman ko ang kanyang paghalik sa aking buhok at noo.


"Lalaban ako para sa'kin kahit ipagtabuyan mo ako."
Naikuyom ko ang kamao ko upang patatagin ang kalooban at dumilat. Masakit man
ngunit kailangan kong panindigan ang lahat ng aking desisyon. Hindi ko kayang
biguin si Ate Tam.
"Wag ka nang mag-aksaya ng panahon para ipaglaban ako dahil hindi ako magiging
sa'yo." Natigilan siya dahil sa aking mga sinabi, alam kong hindi niya inaasahang
magmumula iyon sa akin. Sinalubong ko ang kanyang mga tingin. "Ang pagiging
makasarili mo ang pumipigil sa'kin na mahalin ka. Palaging sarili mo lamang ang
iniisip mo at wala kang pakialam sa ibang tao."
"Dahil kung patuloy nating iisipin ang ibang tao ay hindi tayo magiging
masaya." Aniya.
Tumango ako. "Alam ko pero ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ko, kung ang
tanging meron ka ay ang ina mo at nagkataong ayaw niya sa'kin bilang iyong
kasintahan at papiliin ka sa aming dalawa sino ang pipiliin mo?" Umawang ang
kanyang bibig ngunit walang mga salitang namutawi doon. Nakatitig lamang siya sa
akin. Mapait akong napangiti dahil gustong gusto kong ipaintindi sa kanya ang nais
kong sabihin.
"Kaya mo bang ipagpalit ang babaeng minsan lang na naging parte ng buhay mo
kaysa sa ina mo na nagluwal sa'yo at nag-alaga mula pagkabata? Hindi man si Ate Tam
ang ina ko ngunit siya nalang ang pamilya ko ngayon at ayokong mawala siya dahil sa
lalaking kadarating lamang sa buhay ko." Masakit tiisin ang sariling isinisigaw ng
puso pero mas masakit para sa akin kung mabibigo ko ulit si Ate Tam. Kung makikita
ko ulit na namumuhi siya sa akin.
"Hindi mo maintindihan dahil hindi mo alam iyong pakiramdam na ipagtabuyan at
pandirihan ng sariling kapatid dahil masaya ang pamilyang meron ka." Sambit ko pa.
Mariin siyang napapikit at pilit akong pinapatitig sa kanyang mga mata. "Hindi
mo rin alam ang pakiramdam na ipamigay at pilitin ng taong mahal na mahal mo na
umibig sa iba. Nasasaktan din ako." Kahit hindi niya sabihin ang huling mga salita
ay nababanaag iyon sa kanyang mga mata. Ngunit kailangan kong magtiis.
"Kapag hindi mo pinakasalan ang ate ay hinding hindi mo na ako makikita." Hindi
ko man nais ngunit may pagbabantang kalakip ang aking tinig.
"Ako ang gagawa ng paraan para makita ka." Pagmamatigas niya.
"Magpapakamatay ako." Mga salitang pinakamakasalanang aking nabanggit. Palihim
kong agad na kinapa ang rosaryong nasa aking bulsa. Patawarin niyo po ako sa aking
kapangahasan.
Ang pagpatak ng kanyang mga luha ay pinilit niyang punasan ngunit nang hindi
magawa ay tinalikuran niya ako. "Ganyan ka kadesperadang mapatawad ng kapatid mo?
Kahit na magkasala ka sa Diyos?"
"Dahil hindi ko kakayaning mabuhay na hindi napapatawad ng kapatid ko."
"Nasasaktan ako, nasasaktan ako ng sobra sa mga sinasabi mo. Paano 'yong
nangyari satin?"
Wala sa sariling nasapo ko ang akong tiyan. Ang pagkakasalang aming nagawa ay
walang kapatawaran ngunit iyon ang kasalanang kahit kailan ay hindi ko
pagsisisihan. Babaunin ko hanggang kamatayan. "Kung magbubunga man iyon at
maisilang ko ang sanggol ay wala tayong magiging ugnayan kundi tungkol sa kanya. Si
Ate Tam ang kikilalanin niyang ina." May bikig sa aking lalamunan dahil alam kong
hindi ko iyon magagawa.
Bumakas ang takot sa kanyang mukha habang nakaawang ang mga labi. "Hindi na
kita kilala, hindi ikaw 'yan dahil ang kilala kong ikaw ay tinuturing na malaking
kasalanan ang mga salitang 'yan."
Mariin lamang ang hawak ko sa aking kamay. Nakatitig lamang siya sa aking mukha
habang pareho kaming lumuluha. "Wag nating ipilit ang isang bagay na hindi pwede."
Sabi ko.
"At wag mo rin akong pilitin na mahalin siya dahil isa iyon sa mga bagay na
hindi pwede dahil hindi ko kaya." Seryosong tugon niya. "Sige, lahat ng gusto mo
gagawin ko hindi dahil sinabi mo kundi dahil gusto kong patunayan na kaya kong
gawin ang lahat maibigay lamang ang mga hiling mo." Dapat matuwa ako sa kanyang
pagpayag, dapat magdiwang ang aking loob ngunit alam kong lolokohin ko lamang ang
aking sarili. Mas dumagsa ang sakit sa aking kalooban at nakikisabay doon ang aking
mga luha.
"Gusto mong harap harapan tayong magkasakitan? Gusto mong mamatay tayo pareho
sa sakit, sige bukas na bukas lilipat ang ate mo dito sa bahat at tignan natin kong
saan tayo dadalhin ng mga desisyon mo." Bumagsik ang kanyang mga tingin at
lumalabas ang kanyang mga ugat sa kamay dahil sa emosyon.
"Sa-Salamat." Nasambit ko.
Ngumisi siya. "Castillion only fell once and if we fell in love for the second
time surely with the same woman and with the same reason." Tumibok ng malakas ang
aking puso dahil sa mga salitang iyon.
Muling naging masuyo ang kanyang mga tingin at haplos sa akin. "You're my first
love Miña Virxe and marrying your sister turns me into a sinful man. I don't love
her and I can't be faithful with her."
Nag-iwas ako ng tingin. "Kung gusto mong maging makasalan tayo, then fine I
will marry her." Pinakamasakit na salitang aking narinig sa tanang buhay ko.
Oo nasasaktan ako ngayon sa mga sinasabi niya at kasalanan ko iyon ngunit ang
kasiyahan ko ay hindi mabubuo kapag alam kong may taong nasasaktan dahil sa'kin.
Alam kong matututonan niya ring mahalin si Ate Tam. Sa akin lang naman hindi
maganda ang kanyang ugali dahil sa kinikimkim niyang galit at normal iyon sa isang
taong nasaktan ngunit siya ay hindi mahirap ibigin kapag lubusang nakilala ang
tunay niyang pagkatao.
"Hindi ko kayang bitawan ang mga pangarap ko kaya hindi kita magagawang
mahalin. Tutuparin ko ang pangarap kong maging madre." Tugon ko kahit ang totoo ay
hindi ko alam kung makakamit ko pa ang pangarap kong iyon, sa aking pagkakasalang
makipagsiping sa hindi ko asawa ay malaking kahihiyan kong ako ay magiging madre.
"Hindi pa pala sapat ang pagmamahal ko para ako ang piliin mo. Kung wala kang
rason para ipaglaban ako sana magkaroon ka ng dahilan na hindi ako saktan ng paulit
ulit." Puno ng hinanakit niyang sambit bago ako muling yakapin ng mahigpit.
"Nagiging pasakit na siguro ako sa'yo. Patawarin mo 'ko dahil hindi ko kayang
hindi ka mahalin." Umiiyak niyang tugon.
Tiniis ko ang aking sariling damdamin. Magpaparaya ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 26

A story with unhappy ending is endless.


______________________________
Nette POV
ALAM KONG HINDI dapat ngunit kailangan. Halos ayokong sumapit ang umaga ngunit
alam kong napaimposible niyon, gusto kong tumigil ang oras upang hindi mangyari ang
bagay na alam kong tuluyan kong ikakadurog. Pero ang nakatadhanang mangyari ay
mangyayari't mangyayari hindi man ayos sa iyong magustuhan.
"Wow, mansyon ba 'tong tinitirahan mo Nette?" Manghang mangha si Julio
pagkarating sa bahay ni Mr. Fifth. Nakaawang ang kanyang bibig habang pinagmamasdan
ang paligid.
"Kaya pala inagaw mo dahi alam mong hihiga ka sa pera." Sambit ni Ate Tam na
nakatingin rin sa malawak na bakuran. Hindi na lamang ako sumagot.
Binuhat ko ang mga gamit niya samantalang si Julio ay inalalayan siya sa
pagtulak ng kanyang wheelchair. Ngayon ang araw na dito na siya mamamalagi, ayaw
man nang doktor ang desisyong ito ay nagpumilit si ate. Dito na lamang daw gagawin
ang treatment niya.
"Bruha ka kapag naikasal kayo sama ako sa pagyaman mo ha?" Dinig kong sabi ni
Juli habang nauuna akong maglakad. Hindi ko na lamang pinansin ang pagkirot ng
aking dibdib. Nasasanay na akong panay ang kirot at pagsakit niyon kaya hindi ko na
pinagtutuonan ng pansin.
"Sure bakla, pati ikaw hihiga sa pera." Nagtawanan sila. Napailing na lamang
ako.
Pagdating sa sala ay naabutan ko si Mr. Fifth na abala na naman sa kanyang
laptop. Nag-angat siya ng tingin dahilan para magsalubong ang aming mga tingin.
Para wala lamang siyang nakita, kinuha niya ang laptop at umakyat patungo sa
pangalawang palapag.
Napabuntong hininga na lamang ako at mapait na napangiti. Matapos ang naging
sagutan namin sa aking silid ay hindi na niya ako pinansin at kinibo, naiintindihan
ko iyon kayo nagtitiis na lamang ako kahit gusto ko siyang makausap.
Nahihiya na rin ako sa kanyang mga tulong para sa aming magkapatid ngunit
nilulunok ko na lamang iyon dahil wala akong ibang matatakbuhan. Wala akong mahanap
na mapagkakakitaan na sasapat sa pagpapagamot ni ate.
"Naku iha ang dami naman niyang dala mo, tulungan na kita." Napangiti ako nang
salubungin ako ni manang.
"Wag na po ayos lang po ito, magaan lang naman." Tanggi ko at nagsimula na ring
umakyat. Sumunod siya sa akin hanggang sa makarating kami sa silid na nakalaan para
kay ate. Natapos ko na iyong linisin kaya pwede na itong tulugan.
"Kayo ba ay nag-ayaw ni Singko?" Natigilan ako sa paglapag ng mga gamit dahil
sa tanong niya. Pasimple akong nag-iwas ng tingin bago umiling.
"Hindi naman po." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko man ay iyon ang tawag ng
sitwasyon.
"Eh, kako bakit mukhang hindi kayo nagkikibuan at nagpapansinan?"
Inayos ko ang mga gamit habang siya ay nakamasid sa akin. "Siguro po'y masyado
siyang abala sa kanyang trabaho."
"Wala namang trabaho ang batang iyon at kahit na nagiging busy ay naglalaan pa
rin ng oras para sa'yo." Hindi na lamang ako nagsalita dahil ramdam ko na naman ang
pamumuo ng aking mga luha. Nitong mga nagdaang araw ay nagiging mababaw ang aking
mga luha.
Matapos ang pag-aayos ay inalalayan ko siya sa pagbaba. Saktong nasa sala na
sina ate, panay pa rin ang puri ni Julio sa paligid at hindi ko siya masisisi dahil
talagang napakarangya ng kabahayan.
"Nasaan ang kwarto ni Azia?" Napatingin ako kay ate dahil sa tanong niya at kay
Manang Dori nakahinga ako dahil malayo na ito sa amin.
Nag-aalangan akong sumagot. "Sa taas po ikatlong pinto mula sa hagda."

Tumaas ang kanyang kilay. "At ang kwarto mo?"


"Pangalawang pinto po bago ang hagdan."
Nanlisik ang kanyang mga mata dahil sa sagot ko. "So meaning magkatabi?" Dahan
dahan akong tumango. "Gusto ko doon ako sa kwarto mo."
"Po?" Hindi ko alam kong tama ba ang pagkakadinig ko.
"Gusto ko doon ako sa kwarto mo." Aniya.
"Pe-Pero----"
"Ilipat mo doon ang mga gamit ko at maghanap ka ng ibang kwarto." Asik niya.
Napatingin ako kay Julio na nagkibit balikat lamang.
"Iba, donyang donya ang mga linyahan." Kantyaw pa nito.
Upang hindi na humaba pa ang usapan ay ginawa ko ang gusto niya. Muli akong
umakyat, inilipat ko ang lahat ng mga gamit niya sa kwarto ko at doon ako lumipat
sa dapat ay kwarto niya.
Napahinto ako sa aking paghakbang nang makita ko ang pagbukas ng pinto ng
pangtlong silid at lumabas doon si Mr. Fifth. Napadako ang kanyang tingin sa dala
kong kahon.
"Lilipat lang po ako ng kwarto." Sambit ko kahit hindi siya nagtanong. Gustong
gusto ko lamang na marinig ang kanyang boses ngunit bigo ako dahil tango lamang ang
kanyang sagot bago ako nilagpasan.
Bagsak ang balikat na nagpatuloy ako sa ginagawa. Alam kong galit na siya
sa'kin ngayon at alam ko rin na kasalanan ko.
Dumating ang hapunan at nagtipon tipon kami sa hapag, umalis na rin si Julio
kaya kaming apat na lamang ang tao sa buong bahay. Ito na siguro ang pinakatahimik
na hapag na aking kinabilangan sa tanang buhay ko.
Kahit si Manang Dori ay nakamasid lamang. Ako ay nakayuko samantalang si Mr.
Fifth ay tutok sa pagkain.
"Hindi mo manlang ba ako iwewelcome dito sa bahay mo Azia?" Pagbasag ni ate sa
katahimikan.
Nag-angat ng tingin si Mr. Fifth, seryoso ang kanyang mga mata. "Welcome."
Simpleng tugon niya at muling ibinalik ang atensyon sa pagkain.
"Look, this is my favorite tikman mo." Tugon ni ate at kumuha ng ampalaya,
akmang ilalagay niya ito sa pinggan ni Mr. Fifth ay bigla ko siyang napigilan.
"Ate hindi siya kumakain niyan." Nasambit ko sa pagmamadali. Alam kong ayaw na
ayaw niya sa ampalaya iyon ang bilin sa akin ni Manang na wag na wag maghahain sa
hapag ng gulay na iyon. Kaya't kapag dinadalhan ko siya n'on sa hospital ay patago
ang aking pagluto.
Ngayon ang unang pagkakataon na may gulay na gan'on dahil alam kong paborito
iyon ni ate at nagpaalam ako kay Mr. Fifth bago magluto na tango lang rin ang
isinagot sa akin.
Nanlisik na naman ang mga mata niya patungo sa'kin kaya yumuko na lamang ako at
hindi na kumibo.
"I'm done." Pagkuay sambit ni Mr. Fifth at walang lingong umalis, napatingin
ako sa kanyang pinggan at nanghinayang dahil halos hindi niya nagalaw ang pagkain.
"Kapag tapos ka na iha ay dalhan mo ng kape si Singko dahil magmumukmok na
naman iyon sa kwarto." Paalala ni manang na siyang tumayo na rin.
"Ako nalang." Sabat ni ate. "Ako na ang magdadala sa kanya ng kape, simula
ngayon ako na ang gagawa n'on."
Napatingin sa akin si manang, nahihiya akong tumango sa kanya pero kitang kita
ko na hindi siya sang-ayon.
Pagkaalis niya ay nanggagalaiting humarap sa'kin si Ate Tam. "Kahit kailan
napakapabida mo, ubusin mo lahat ng 'yan at mabilaukan ka sana." Hinagis niya ang
tinidor sa hapag at nagdadabog na umalis.
Nasapo ko ang aking noo at napasandal sa upuan dahil sa mga nangyayari.
Pinipilit ko namang maging mabuting kapatid para sa kanya pero hindi pa rin sapat.
Akala ko magiging maayos na kami dahil ginagawa ko na ang gusto niya.

Ilang minuto akong nasa hapag bago nagpasyang ligpitin ang


mga natirang pagkain. Lumabas si manang sa kusina at malungkot na ngumiti sa akin.
"Alam kong may problema at hindi na ako magtatanong kung ayaw mong magkwento,
sapat na sa akin ang mga nakita ko." Hinaplos niya ang aking balikat. "Pero sana ay
hindi mo saktan si Singko." Masuyo niyang sambit. Bigla akong napayakap sa kanya ng
mahigpit at napaiyak. Inalo niya ako at hindi iniwan hanggang sa tumigil ako sa
pag-iyak.
"Pasensya na po."
"Nakung bata ka wala iyon, hala at umakyat ka na ako na ang bahala dito.
Magpahinga ka ng maaga dahil nangingitim na ang gilid ng mga mata mo." Aniya na
sinunod ko. Pagod na pagod na rin ako dahil sa mga pangyayari ngayong araw.
Kailangan ko ng panibagong lakas.
Apat na baitang na lamang pataas ay nakarinig ako ng malalakas na sigaw. Agad
akong sinalakaw ng kaba dahil alam ko kung sino ang nagsisigawan.
"Naging mabait ako sa'yo at itinuring kitang kaibigan pero napakasama mo pala."
Sigaw ni Mr. Fifth.
"Babaero ka, pinaasa mo ako sa mga kilos mo tapos n'ong nahulog na ako ay may
iba ka palang gusto at ang malandi ko pang kapatid."
"Hindi ko kasalanan kung napakaeasy to get mo, binigyan ka lang ng bulaklak
mahal mo na agad. Putangina! Wag tayong maglokohan dito." Malakas na dumapo ang
kamay ni Ate sa mukha ni Mr. Fifth at akmang gaganti ito ngunit agad akong lumapit.
"Tama na." Sambit ko. Nanlilisik na tumingin siya sa'kin bago humakbang palapit
sa'kin.
"Ito ang gusto mo diba?" Malamig ang kanyang mga salita bago lumagpas sa'kin at
bumaba. Ilang saglit pa ay dinig ko ang pag-ugong ng papalayong sasakyan.
Walang katapusan ang kapaguran ko ngayong araw. Mababaliw na ako. Mali ba ang
mga desisyon ko? Sa pagnanais ko na maging maayos ay mas lalong gumugulo.
Pagod na pagod na ako.
"Kailan ka ba mamamatay para tuluyan kang mawala sa buhay ko." Nanlaki ang
aking mga mata dahil sa mga salitang iyon ni Ate Tam. Nakangisi siya noong
malingunan ko.
"A-Ate." Nauutal kong pagtawag.
"Lahat ginagawa ko para lang maalis ka sa buhay ko pero makulit ka, palagi kang
umaastang santa at nagtitiis. Bakit hindi ka pa mamatay?" Nangilid ang mga luha ko
dahil hanggang ngayon pala ay sukdulan pa rin ang galit niya sa'kin. Hanggang
kailan siya magiging ganito, hanggang kailan niya ibabaling ang galit niya sa ibang
bagay papunta sa'kin?
Hanggang kailan ko matitiis ang pagbunton niya sa'kin ng galit niya sa mundo?
"Bakit hindi ka pa mamatay? Ha?" Sinampal niya ako ng pagkalakas lakas,
namanhid ang aking pisngi.
"Bakit ang tigas mo pa rin?" Muli na naman niya akong sinampal, pumaling ang
ulo ko at umagos ang mga luha.
Ang sakit sakit ng pinagsamang mga salita niya't sampal. Ang pagod na
nararamdaman ko ay mas lalong lumala. Halos lanta na ako. Ano pa ba ang kailangan
kong gawin?
"Kahit anong gawin mo hindi pa rin kita mapapatawad, mamatay ka na." Sigaw niya
at muling tumama ang palad sa mukha ko.
Naikuyom ko ang aking kamao. Sa unang pagkakataon ay may namuong tampo sa aking
kalooban para sa kanya. Pagod na ako pero siya ni minsan hindi napagod na saktan
ako sa iba't ibang paraan.
Akmang muling tatama ang kanyang kamay sa akin ay mabilis ko iyong nahawakan.
"Ano pa ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" Tumaas ang aking boses
dahilan para manlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla. Siguro'y hindi niya
inaasahan ang aking reaksyon.
Kahit ako ay hindi ko alam kong saan nanggagaling ang lakas ng aking loob.
Siguro dahil sa sobrang pagod. Sa labis kong kagustuhan na mapatawad niya ay
nakalimutan kong tao rin ako napapagod, nasasaktan at nasasagad rin ang pasensya.
"May pakiramdam din ako ate, hindi pa ba sapat ng mga isinakripisyo ko para
mabawasan ang galit mo?" Nasapo ko ang aking bibig dahil sa hikbing kumawala.
Nagtagis ang kanyang bagang. "Hindi sasapat lahat ng ginawa mo, kahit kailan
hindi sasapat."
"Tinitiis ko ang lahat mapagbigyan ka lang sa lahat ng gusto mo kahit alam kong
mali, kahit alam kong makakasakit ako. Ikaw ang inuuna ko sa lahat ng bagay kahit
na sarili ko pinagkakaitan ko ng kaligayahan para maibigay sa'yo." Kuyom niya ang
kanyang kamay habang galit na galit pa rin ang mga tingin sa'kin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, ubos na ubos na ako pati sarili kong
kasiyahan naibigay ko na mapatawad mo lang." Napasandal ako sa katapat na dingding
dahil sa panghihina, dahan dahan akong napaupo dahil sa labis na hagulgol.
Palagi nalang akong umiiyak, ayoko na.
"Wala akong ginawang tama para sa'yo, tinatanggap ko lahat ng pananakit mo
ngunit ang ipanalangin na mamatay ako ay napakasakit." Pinagsusuntok ko ang aking
dibdib upang maibaling sa iba ang nakamamatay na sakit na namamahay doon.
Ano pa ba ang dapat kung ibigay? Ubos na ako at sa bawat araw na lumilipas ay
mas lalo akong nauupos. Wala nang natira sa'kin dahil inuna ko siya.
"Hindi na darating ang araw na papatawarin kita pati ang nanay mo." Sigaw niya.
Awang awa ako sa aking sarili dahil para akong nanlilimos ng pagmamahal mula sa
kanya na alam ko naman hinding hindi niya maibibigay.
Nakakapanlumo ang katotohanang hindi na niya kami mapapatawad pero wala na
akong ibang maisip na paraan upang magmakaawa sa kanya.
Wala na akong maibibigay. Ubos na.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 27

Nette POV
ANG TAHANANG napakalaki ay tila walang tao dahil ilang araw na kaming walang
mga kibuan. Nagkikita kita kami ngunit walang nagsasalita. Gustong gusto kong
humingi ng tawad sa naging pagsagot ko at pagtaas ng boses kay Ate Tam ngunit hindi
ako nabigyan ng pagkakataon sapagkat kahit siya mismo ay hindi lumalapit sa akin.
Inayos ko ang aking higaan at kung anu ano pang pwedeng gawin upang libangin
ang sarili. Madalas ay napapatulala na lamang dahil sumasagi sa aking isipan ang
tanong na, paano kung naging iba ang sitwasyon magiging masaya kaya kami ni Mr.
Fifth? Kung nag-iba ang sitwasyong aming kinalalagyan masasaktan ko rin kaya siya
ng ganito?
Malungkot akong napangiti dahil kahit anong gawin ko walang kasagutan ang aking
mga tanong. Ibinagsak ko ang sarili sa kama matapos gawin lahat ng dapat na gawin.
Napatitig ako sa mga ilaw at hinihintay na gupiin ng antok ngunit hindi pa man ako
tuluyang nakakatulog ay malalakas na katok ang pumukaw sa akin.
Sinalakay ako ng kaba at mabilis na bumangon upang tingnan kong sino ang
pangahas na halos sirain na ang pinto.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagbuksan ang ngumahangos na si Mr. Fifth,
duguan ang kanyang mga kamay at damit.
"A-Ano pong nangyari?" Nanginig ang aking boses.
"Stop asking just come with me your sister is bleeding." Hinila niya ako
samantalang ang aking isipan ay tila nablangko pagkabanggit kay ate.
Halos himatayin ako pagkakitang walang malay na nakahiga sa kanyang silid si
Ate Tam habang ang bibig ay inaagusan ng dugo. Napatakbo ako papalapit sa kanya at
napasigaw sa labis na pangamba.
"Tumawag kayo ng doktor." Sinubukan ko siyang yugyugin ang nananalanging
dumilat ang kanyang mga mata ngunit bigo ako. Niyakap ko siya ng mahigpit habang
hindi ko na alam ang kaganapan sa aking paligid.
"No, we will take her to the hospital." Pilit akong nilayo ni Mr. Fifth kay ate
bago niya ito buhatin at itakbo palabas.
Hindi ko alintana ang pagmantsa ng dugo sa aking damit. Sumunod ako sa pagtakbo
kahit na halos himatayin ako sa labis labis na pag-aalala.
"Ate." Hagulgol ko hanggang sa makarating sa sasakyan. Hindi ko na hinintay na
papasukin ako dahil kusa kong binuksan ang sasakyan. Pinunit ko ang laylayan ng
aking bestida at ginamit iyong pamunas sa dugong walang ampat na umaagos sa kanyang
bibig.
Niyakap ko siya ng mahigpit at paulit ulit na dumadasal para sa kanyang
kaligtasan. Ipinahiga ko siya sa aking binti at sinusubukan pa ring gisingin ngunit
walang nangyayari. Nilulukob na ng takot ang buong sistema ko, ramdam ko na ang
panginginig ng aking katawan dahil sa pangamba.
Maraming beses ko na siyang nasaksihang sumuka ng dugo ngunit ito ang unang
pagkakataon na wala siyang malay at hindi na nagigising.
Hindi ko na namalayan ang pag-andar at pagtigil ng sasakyan sa hospital.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na sumisigaw upang madaliin nila ang
pagtulong sa aking kapatid.
"Ang ate ko po." Tumatangis kong sambit sa mga nurse na agad na dumalo sa amin.
Sumabay ako sa kanilang pagtakbo matapos siyang maihiga sa stretcher kahit na
pinipigilan nila ako.
Ayokong mawalay siya sa aking paningin, kung nanaisin na pagpalitin ang aming
sitwasyon ay hindi ako magdadalawang isip na pumayag. Nang tuluyan siyang maipasok
sa emergency room ay wala akong nagawa nang hindi ako payagang sumama sa loob.

Napaupo ako sa sahig dahil sa hingal at panghihina. Patuloy


ang aking pagtangis at dasal. Iligtas niyo po ang ate ko.
Lumuhod ako at napakapit sa aking tuhod habang nakatanaw sa pinasukan nilang
silid na ngayon ay sarado na. Sa bilis ng pangyayari pati ang aking isipan ay hindi
magawang tanggapin na nasa panganib siya.
Naramdaman ko na may mga bisig na yumakap sa akin. Tiningala ko iyon upang mas
lalo lamang ang dagsain ng pagluha. Si Mr. Fifth. Alam kong galit siya sa akin
dahil sa mga desisyon kong ikinasakit niya ngunit nandito siya ngayon upang
alalayan ako.
"Ku-Kung alam ko lang na sa ganitong paraan ko lang ulit siya malalapitan sana
hindi ko nalang siya sinagot sagot, sana mas lalo ko pang hinabaan ang aking
pasensya, sana mas inisip ko na kailangan niya ng mas malawak na pag-intindi mula
sa akin." Sambit ko. Isinandig niya ang aking ulo sa kanyang dibdib ngunit walang
mga salitang namutawi mula sa kanya.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at mahigpit na yumakap sa kanyang
braso. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya ngayon dito sa tabi ko, siguro'y
takasan ako ng aking sariling pag-iisip kung wala akong nasasandalan sa ganitong
pagsubok.
"Mas-Mas gugustuhin ko pa na araw araw niya akong sabunutan, sampalin at
batuhin ng mga masasakit na salita kaysa makita siyang sumusuka ng dugo at tila
wala ng buhay." Palakas ng palakas ang aking pag-iyak samantalang siya ay tahimik
lamang sa aking tabi at masuyong hinahaplos ang aking likod upang kumalma.
Ilang sandali kaming nasa ganoong posisyon at nabasag lamang iyon nang makita
naman ang muling pagbukas ng pinto. Agad niya akong inalalayang tumayo pagkakita
namin kay Doc Ismael.
"Doc ano pong lagay niya?" Hindi magkandaugaga kong salubong.
Tinanggal niya ang kanyang face mask bago seryosong tumingin sa'kin. "She's
fine as of now but I can't assure her stability for the coming days. Mas lalong
lumalala ang lagay niya dahil sa mas lalong pagbaba ng bilang ng red blood cell,
white blood and platelets." Naiiling siyang napabuntong hininga. "At alam mo ang
dapat na gawin natin para mailigtas siya. I can't cure her without her cooperation
so please motivate the patient to undergo the transplant."
Mabilis akong tumango. "Opo, doc sisiguraduhin ko pong magpapagamot siya."
Sagot ko.
"That's good, please excuse me." Pagkaalis na pagkaalis niya ay napasandal ako
sa pader at napahilamos dahil bahagyang naibsan ang aking pangamba.
"She won't take the transplant without accomplishing her conditions."
Napabaling ako kay Mr. Fifth dahil sa kanyang sinabi. Nakahalukipkip siyang
sumndal sa katapat kong pader at diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Ngayon lamang ulit siya tumingin sa akin at ngayon niya na lamang ulit akong
kinausap. Pilit kong inginiti ang aking mga labi.
Alam kong totoo ang sinasabi niya, kilala ko si ate at hinding hindi mo ito
mapipilit sa isang bagay na ayaw niya hanggat hindi nakukuha kapakit niyon. Kahit
buhay niya ay handa niyang sayangin makamtan lang ang nais.
"Alam kong kalabisan na ang aking mga kahilingin ngunit sanay pagbigyan mo pa
rin ako." Ang muling pagkabuhay ng sakit sa aking dibdib na panandalian kong
nakalimutan ay mas lalong lumala dahil sa kanyang walang pag-aalinlangang pagtango.
"I'm mad but seeing you miserable everytime she's having a seizure makes me
accept the fact that you love her so much than yourself, you love her so much than
me." Humakbang siya papalapit sa akin at kusang kumawala ang butil ng luha sa aking
mga mata nang muli kong mabanaag ang pagsuyo't pagmamahal niya para sa akin.

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa'kin, isinandal ang


kanyang noo sa aking noo dahilan upang ako'y mapapikit. Ang mabilis na pagtibok ng
aking puso ay hindi maapat ngunit masakit man ay may ligaya pa ring kumawala sa
kailaliman nito.
"Miña Virxe." Bulong niya, mariin akong napapikit at napakapit sa kanyang
balikat. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na kikirot ang akinh dibdib
kapag narinig ko ang tawag niyang iyon sa akin.
"Singko." Nausal ko at mahigpit siyang niyakap. Hindi ko kayang tiisin ang
aking sarili. Napakahirap kalabanin ng puso.
"I'm doing this for you, to make you happy and I'm willing to do everything
just for you even if it left me lost and broken." Hinalikan niya ang aking buhok
bago kusang humiwalay sa aking mga yakap. Umiwas siya ng tingin ngunit hindi
nakatakas sa akin ang pagluha niya. "Dati akala ko kalokohan ang pagsasakripisyo
pero ngayon narealize ko na iyon nalang ang tangi mong magagawa kung ang taong
gusto mong ipaglaban ay sumuko na."
"Para sa'yo handa kong baliin lahat ng paniniwala ng angkan namin, ako ang
babali sa paniniwala naming ang unang babaeng mamahalin ay siyang huli. You're my
first and last love but in a different story. Hindi ko man mahalin ang iyong
kapatid mawawalan pa rin ng saysay ang prinsipyong iyon dahil hindi ikaw ang
maihaharap ko sa altar."
Wala akong naging imik ngunit ang puso ko ay may tila tinik na nakabara,
hanggang sa tumalikod na siya sa gawi ko. Nakatitig lamang ako sa kanyang likuran
nang magsimula siyang humakbang. "Gagamitin ko lahat ng connection na meron ako
para maikasal kami sa lalong madaling panahon." Huling mga kataga niya bago
tuluyang umalis.
Para akong patay na humihinga dahil wala akong buhay na nakatitig lamang sa
daang kanyang nilisan. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang mapangiti ng mapait.
Alam kong hindi ito ang huling beses na luluha ako dahil sa aking naging desisyon
ngunit kakayanin ko.
Kung ang pagbitaw sa kanya ay kapalit ng buhay ni Ate Tam ay paulit ulit na
iyon ang magiging desisyon ko.

NAGKAKAGULO ANG LAHAT sa labas ng simbahan dahil magsisimula na ang seremonya.


Aligaga ang baklang organizer habang pinapapila niya ang lahat ng mga taong lalakad
sa pasilyo ng malaking simbahan. Nakangiti ako habang nakamasid sa lahat na suot
ang mga naggagandahang kulay ubeng mga kasuotan na gawa pa ng sikat na
tagapagdesinyo.
"Nette ikaw ang last ha?" Nakangiting sabi nito sa'kin na sinagot ko ng
masayang ngiti habang mahigpit na hawak ang bungkos ng mga bulaklak.
Pagbukas na pagbukas ng malaking tarangkahan ng simbahan ay bumungad sa aking
tingin ang napakagandang desinyo ng loob. Pinaghalong puti't kulay ube ang makikita
sa paligid. Hindi mabilang ang mga sari-saring bulaklak na kumakalat ang halimuyak
sa buong lugar.
"Congrats." Dinig kong sabi ng organizer na mas lalo kong ikinangiti. Hindi
bago sa akin ang ganitong tagpo dahil noong ako'y nasa kumbento pa ay nakakasaksi
na ako ng ganitong masasayang pangyayari ngunit ngayon ibang iba ang pakiramdam ko
dahil ako na ngayon ang lalakad sa pasilyo.
Ito'y balot ng pulang tela at bawat aapak doon ay tumitingkad ang ngiti sa mga
labi. Sumalubong rin magandang musikang mismong ang lumikha ang kumakanta.
"Kaya mo ito Nette." Sambit ko sa aking sarili. Bahagya pa akong natawa dahil
sa panginginig ng aking mga paa nang magsimula akong maglakad.
Ang lahat ay nakatingin sa akin habang may mga masasayang ngiti sa mga labi
samantalang ako ay nagsimulang mangilid ang mga luha dahil sa ganda ng musika.

You're my piece of mind, in this crazy world


You're every thing I've tried to find
Your love is a pearl
You're my Mona Lisa
You're my rainbow skies
Bumalik sa aking alaala ang unang pagtatagpo namin, noong kabado akong
tumuntong sa intablado upang magsayaw ng nakahubad. Ang pagbibigay niya ng dalawang
milyon.
"Ang ganda niya."
"Parang anghel."
Dinig ko ang mga komento ng mga tao ngunit wala doon ang aking atensyon kundi
sa lalaking nasa dulo ng altar. Gwapong gwapong nakatayo kasama ang kanyang mga
magulang at mga kapatid.
Kahit na basang basa na ng luha ang aking pisngi ay nagawa ko pa rin tumawa sa
pag-aalala ng mga panahong takot na takot siyang lumapit sa akin dahil baka raw
siya ay masunod. Ang pag-iwas niya kapag nandiyan ako dahil napasanta ko raw kung
kumilos.
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...
The world will turn
And the seasons will change
And all the lessons we will learn
Will be beautiful and strange
We'll have our fell of tears
Our share of sight
Ito ang kantang pinangharana niya sa akin na seryosong seryoso. Ayaw na ayaw
kong nagseseryoso siya dahil mas minahal ko ang maloko niyang katauhan, ang
pagbibiro niya at pananakot tungkol sa aking dibdib.
Pati ang hindi inaasahang pagtatagpo namin sa MRT noong papunta ako sa hospital
galing simbahan.
Ang pagmamahal niyang walang katulad dahil ramdam na ramdam kong totoo. Hindi
ako nag-abalang punasan ang nagbabaha kong luha sa aking mukha dahil patunay ito
kung gaano ko siya kamahal. Patunay ito na mahal na mahal ko si Azia Fifth
Castillion, lahat lahat ay mahal ko sa kanya kahit na ano pa man ang mangyari.
Hiniling ko na sana hindi na matapos ang oras na ito, sana bumagal ang oras
pero alam kong hindi mangyayari iyon.
"You're so beautiful." Iyon ang mga salitang isinalubong niya pagkarating na
pagkarating ko sa harap niya. Kagat kagat niya ang kanyang mga labi habang ang
kanyang pisngi ay basang basa na rin ng luha.
Yumuko siya at para akong ilang ulit na binasag nang marinig ko ang kanyang
paghagulgol. Hinawakan niya ang aking kamay at humalik doon dahilan upang mas lalo
akong masaktan. Pinilit kong magpakatatag habang naglalakad papalapit sa kanya
ngunit ngayon ay hindi ko nakakaya ang aking nakikitang pagkadurog niya.
Kitang kita ko rin ang pagluha ng kanyang mga kapatid habang nakatingin sa
kanya. Nanliliit ako dahil alam kong ako ang nagdulot ng sakit sa kanya.
"Mahal na mahal kita." Bulong niya nang akmang bibitaw na ako sa kanyang kamay.
Mas lalo niya iyong hinigpitan ngunit pinilit kong hindi sumagot.
"Alagaan mo siya tulad ng pag-aalaga mo sa akin. Mahalin mo siya tulad ng
pagmamahal mo sa'kin." Umiling iling siya ngunit kailangan kong magpatuloy.
"Darating ang araw na pasasalamatan mo ako dahil sa mga naging desisyon ko."
Pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay agad akong tumalikod.
"Miña Virxe." Dinig kong pigil niya ngunit nagpatuloy ako sa pagpunta sa upuang
nasa unahan na nakalaan para sa akin kung saan kasama ko ang iba pang mga bisita.
At siya namang pagpapalit ng kanta para sa paglalakad ng babaeng ikakasal, si Ate
Tam.
Ngayon ang araw ng kasal nila at nandito ako bilang bridesmaid matapos ang
halos dalawang linggong paghahanda. At tunay ngang ginamit niya ang lahat ng
konesyon niya upang maging posible ang araw na ito.
Hindi ako tumingin sa unahan dahil alam ko sa sarili ko na bibigay ako. Ayokong
sayangin ang mga sakripisyo namin dahil lamang sa aking emosyon. Kinaya ko noong
mga nagdaang araw at alam kong patuloy kung makakaya sa mga susunod pa.
Sapat na sa akin ang mga alaalang iyon kasama siya na babaunin ko hanggang sa
aking kahuli hulihang hininga.
"Manalangin ka lamang iha." Napabaling ako kay Sister Monica na nasa aking
tabi. Nakatitig lamang ako sa kanya habang hindi pa rin paawat ang aking mga luha.
Umasta akong bingi at pipi hanggang sa matapos ang seremonya ngunit hindi ko na
kinaya nang sabihin ng pari na dapat nang halikan ng lalaki ang kanyang asawa.
"Lalabas lang po ako." Paalam ko kay Sister Monica at malalaki ang naging
hakbang ko palabas nang simbahan, hindi ko na ninais na lumingon dahil alam kong
paulit ulit lamang akong madudurog.
Gusto kong mamanhid, gusto kong walang maramdaman ngunit kapag ginugusto ko mas
lalo lamang akong nilalamon ng sakit. Mas lalo akong pinapatay, ang mas masakit ay
wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang magtiis at tanggapin ang nakamamatay na
pagkawasak.
Ang pinakamasakit siguro na magiging karanasan ng isang babae sa simbahan ay
ang maging isang abay na sasaksi sa kasal ng lalaking mahal na mahal niya. Dahil
ako iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin.
____________________________________

Enjoy reading Kjens.


Next, last chapter before epilogue. Thank you for your support.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 28

Nette POV

IMBES NA dumalo sa pagdiriwang ng bagong kasal ay minabuti ko na lamang na bumalik


sa malaking bahay ni Mr. Fifth upang iimpake ang aking mga gamit. Ngayong kasal na
sila ay hindi maganda kung mananatili pa rin ako dito. Hindi ko rin makakayang
makigulo pa sa kanila habang bumubuo sila ng pamilya.
Mas mabuti na rin ito dahil hindi ko na kayang magpanggap na masaya sa harap
nila. Napapagod na ako ng sobra.
"Iha." Natigil ako sa pagtutupi ng aking mga damit dahil sa pagdating ni Manang
Dori. May malungkot siyang ngiting lumapit sa akin. "Hindi ka ba dadalo sa doon sa
hotel na pinagdadausan ng resepsyon?"
"Hindi na po manang mas mabuti po na wala ako doon upang hindi magulo si
Singko." Tugon ko at muling bumalik sa ginagawa. "Kayo po bakit nandito na po kayo
agad?"
"Kaya nga't maaga ako dahil agad akong pinasunod ni Singko dito. Kahit na wala
ka man doon ay nagugulo pa rin ang kanyang isipan." Tumabi siya sa akin at inabot
ang aking kamay dahilan upang muli akong mapatigil. "Bakit humantong kayo sa ganito
iha?"
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa namumuo ko na namang mga luha. Pagod na akong
umiyak kaya mas mainam na magtiis ako ngunit sa tahimik na paraan. "May mga bagay
lang po talaga na nangyayari sa atin sa simula ngunit hindi po para sa atin
hanggang dulo."
"Naiintindihan ko." Aniya.
Tumayo ako upang mas lalong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Mamimiss ko po kayo manang."
Mas mahigpit ang pagganti niya ng yakap. "Hindi ka na ba talaga magpapapigil?"
Ngumiti ako matapos humiwalay sa kanya. "Ito po ang tamang gawin para po maging
maayos na ang lahat. Kapag po ayos na ay dadalaw dalaw din po ako dito para
kumustahin kayo at si Ate Tam."
"Paano si Singko iha?" Hindi ako naging handa sa kanyang naging tanong kaya
wala akong naisagot.
"Paki alagaan nalang po si Ate Tam tulad po ng pag-aalaga niyo sa akin." Pag-
iiba ko ng usapan.
"Gagawin ko iha, gagawin ko para sa'yo." Muli akong yumakap sa kanya bago
itinuloy ang pagliligpit.
Hanggang sa matapos ako at naghanda sa pag-alis ay hindi humiwalay sa akin si
manang at hindi namin naiwasan na mag-iyakan noong lumabas na ako ng bahay. Mabigat
ang loob na naglakad ako palayo dala ang aking mga gamit, kailangang makaalis ako
ngayon at hindi na abutin ng umaga dito upang maiwasan na magkatagpo pa ang mga
landas namin ni Mr. Fifth.
Ako ang nagdesisyon nito kaya ako rin dapat na gumawa ng paraan upang
maisakatuparan. Iiwas ako hanggat kaya ko.
Gabi na nang makarating ako sa kumbento. Wala akong ibang mapupuntahan at alam
kong ito lamang ang tahanan na paulit ulit kong mababalikan.
Umiiyak na lumapit sa akin si Sister Monica nang makitang nasa harap ng kanyang
silid. Mahigpit niya akong niyakap at pinatuloy.
"Gabing gabi na iha kaya't magpahinga ka na, kakatapos lang na linisin ang
simbahang ginamit kanina sa kasal." Aniya. Gusto ko man siyang kausapin ng matagal
ngunit mas nangingibabaw ang pagod at antok ko kaya sinunod ko na lamang ang payo
niyang matulog.
Laking pasalamat ko dahil pagkahigang pagkahiga ko ay agad akong dinalaw ng
antok.
PAGSIKAT NA pagsikat ng araw ay agad akong bumangon at tumulong sa mga gawain
sa simbahan tulad ng nakagawian ko noon. Paminsan minsan ay napapatigil ako at
namamalayan ko na lamang na umiiyak ako ngunit nagpapatuloy pa rin ako.
Sa umpisa lamang mahirap ang lahat ngunit alam kong masasanay rin ako.
Matapos kong gawin ang lahat ay pumasok ako sa loob ng simbahan at taimtim na
nanalangin para sa operasyon ni Ate Tam ngayong araw at sa patuloy niyang
pagpapagamot.

Sariwa pa rin sa aking alaala ang labis niyang kaligayahan


noong magpropose sa kanya ng kasal si Mr. Fifth sa mismong araw na nagising siya at
kitang kita kong may rason na siya upang naisin niyang mabuhay.
Gusto kong nasa tabi niya ako ngayong operasyon niya pero alam kong hindi ako
ang kailangan niya kundi ang kanyang asawa. Ipinilig ko ang aking ulo dahil
nagsisimula na naman akong mag-isip ng kung anu ano.
"Father." Tawag ko sa kanya nang makita ko siyang lumapit sa altar. Tumayo ako
at humakbang papalapit sa kanya.
Tulad ng dati ay hindi nawawala ang masayang ngiti sa kanyang mga labi.
"Kumusta ang naging buhay mo sa labas Sister Nette?" Tanong niya. Bigla akong
sinalakay ng aking konsensya pagkarinig sa lagi niyang tawag sa'kin noon.
Napayuko ako at napahawak sa rosaryong lagi kong dala. "Fa-Father nais ko po
sanang magkumpisal, nais ko pong ikumpisal ang mga kasalanang aking nagawa sa
pamumuhay ko sa labas ng kumbentong ito." Tumingin siya sa akin at napangiti ako
dahil walang panghuhusgang mababanaag doon. "Isa pa po huwag niyo na po akong
tawaging Sister Nette, Nette na lamang po sapagkat hindi na po ako nararapat para
maging isang madre."
"Lahat ng tao sa mundo ay nagkakasala at kung iyo itong pagsisisihan at hindi
na muling uulitin ay papatawarin ka ng Panginoon." Masuyo niyang tugon. Hinawakan
niya ako sa balikat at iginiya patungo sa kumpisalan. "Halika at makikinig ako."
Pagkapasok na pagkapasok sa kumpisalan ay agad niyang itinanong kung ano ang
aking pagkakasala. Mariin akong napakapit sa aking bestida at sa rosaryo dahil tila
hindi ko pa kayang sariwain ang lahat ng sakit na aking kinikimkim sa aking puso.
Ngunit gusto kong makalimot kaya ito na ang tamang oras upang magsimula ng
panibagong buhay.
"Fa-Father." Tila naninikip ang aking dibdib habang nakatingin sa pinto ng
kumpisalan. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
"Magpatuloy ka iha." Pag-uudyok niya.
Ibinuka ko ang aking bibig upang magsalita ngunit nauwi iyon sa pagtakas ng
hikbi sa aking mga labi. "Nakipagtalik po ako sa lalaking hindi ko asawa, ibinigay
ko po ang aking kaberhinan." Tahimik lamang siya habang ako ay tila muling binubuno
ng nakaraan.
"Umibig po ako sa isang lalaki at ang lalaking iyon ay labis kong sinaktan.
Ginamit ko po siya upang mahikayat si Ate Tam na magpagamot, sinaktan ko po siya ng
paulit ulit.
Marami po akong ginawang kasinungalingan at nagawa ko rin pong sagot sagutin
ang aking kapatid. Napakadumi ko na po at hindi na po ako nararapat na maging isang
madre sapagkat may bahid na ako ng kasalanan." Wala akong narinig na sagot mula sa
kanya habang ako'y hirap na hirap na sa pagsasalita. Ang pangako kong hindi na
umiyak ulit ay hindi ko magawang tuparin dahil mismo ang aking puso ay nagdurugo at
lumuluha.
Hagulgol ko lamang ang maririnig sa buong silid bago iyon basagin ni Father
makalipas ang ilang minuto.
"Si Magdalena man ay naging madumi rin at nakipag-apid sa mga lalaking hindi
niya asawa at itinuring na marumi ng lahat ngunit ang Diyos ay hindi naging gan'on
ang naging tingin sa kanya. Tinanggap siya nito ng buong puso sa kabila ng kanyang
mga pagkakasala." Natigilan ako dahil sa kanyang mga sinabi't kahit papaano'y
naiibsan ang aking panlulumo para sa aking sarili. "Alam kong pinapatawad ka rin
Niya sa iyong mga naging pagkakasala."
Ramdam ko ang pagpuno ng ginhawa sa aking kalooban sa mga salita ni Father.
Kahit noon pa man mga salita niya palagi ang nagpapagaan sa aking damdamin kaya't
sa ganitong mga sitwasyon ay siya ang aking nilalapitan.
Matapos kong ipahayag ang aking mga kasalanan ay nagdasal ako ng paulit ulit sa
Maykapal at nangakong hindi ko na uulitin ang mga pagkakamaling aking nagawa.

"Salamat po Father." Akmang tatayo na sana ako at lalabas


ng biglang magdilim ang aking paningin at nawalan ng malay.
Nagising akong nanlalata at masakit ang ulo. Sinuyod ng aking tingin ang aking
silid dito sa kumbento at nakita ko ang biglaang pagtayo ni Sister Monica nang
magkasalubong ang aming mga sulyap.
"Iha wag kang masyadong malikot baka makasama sa'yo." Nag-aalala siyang lumapit
sa'kin at inalalayan ako sa pag-upo.
Nagtataka ako dahil sa kanyang reaksyon. "Ayos lang po ako, ano po ba ang
nangyari?"
Ngumiti siya. "Nahimatay ka doon sa kumpisalan mabuti nalang at hindi pa
nakakalis si Father."
"Po? Nahimatay ako?"
"Oo at bilin ng doktor na dapat ay magpahinga ka muna." Aniya at inayos ang
aking mga unan.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. "Siguro po sa labis na pagod dahil
nitong mga nagdaang araw ay hindi po ako masyadong nakatulog ng maayos."
Inayos niya rin ang kumot ko. "Kaya simila ngayon ay kailangan mong matulog sa
tamang oras. Pinabayaan mo ang iyong sarili sa labas kaya't muntikan nang
maapektuhan ang anak mo."
Para akong mabingi sa huling mga salita niya. Kulang ang salitang pagkagulat sa
naging reaksyon ko. "A-Anak?"
Niyakap niya ako. "Buntis ka iha." Napahawak ako sa impis kong tiyan at sa
hindi ko mabilang na pagkakataon ay muli akong binaha ng luha. Sari saring emosyon
ang namamahay sa aking kalooban, takot sa maaaring kahinatnan nito, saya dahil may
munting anghel na nabubuhay ngayon sa aking tiyan at lungkot dahil alam kong sa
maling panahon siya nabuo.

LUMIPAS ANG mga araw, linggo, buwan at umabot siyam na buwan na siyang naging
pagsilang ko sa sanggol na naging dahilan ng aking pagpupursigeng bumangon kahit
mahirap.
Paulit ulit akong umiyak, nawasak at halos mawalan ng pag-asa sa mga panahong
ipinagbubuntis ko ang munti kong anghel. Hindi ko itinago kay  Singko ang lahat at
ipinakilala ko sa kanya ang aming anak.
Nakakalungkot man ngunit sinunod ko ang aming usapan na sa kanya lalaki ang
bata kapag nailuwal ko. Nagsimulang maging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Ate
Tam at dumating ang araw na nagawa niya akong patawarin pati na ang aming mga
magulang. Nagawa na rin niya akong tanggapin bilang kapatid.
"Tita." Dinig ko ang mala anghel na boses ng isang batang lalaki na tumatakbo
papalapit sa akin.
Awtomatiko ang pagsilay ng malaking ngiti sa aking mga labi at sinalubong siya
ng yakap. Kabababa ko pa lamang sa taxi na aking sinakyan patungo dito ay siya agad
ang sumalubong sa akin mula sa malaking gate.
"Gacilian." Tawag ko at pinupog siya ng halik. Limang taong gulang na siya sa
araw na ito at labis ang aking kasiyahan dahil nakikita ko ang paglaki niya bilang
isang mabuting bata. Tulad ng kanyang ama.
"Nette, you came." Napatingin ako kay Ate Tam na malawak ang ngiting naglalakad
palapit sa akin. Yumakap ako sa kanya at humalik sa aking pisngi.
"Alam mo namang gagawa at gagawa ako ng paraan para makadalo sa kaarawan ni
Gacilian." Sinulyapan ko ang aking anak na nakapulupot ang mga braso sa aking
binti. "Alam ko gusto mong kargahin kita." Natatawang sambit ko at kinarga siya.
"Tara na sa loob nandoon si Azia." Aniya.
Mas lalo akong napangiti dahil doon. Kung noon ay may kirot akong nararamdaman
sa tuwing naaalala ko siya ngayon ay purong saya ang nararamdaman ko dahil tuluyan
ko nang tinanggap na hindi kami ang para sa isa't isa.
Tulad ng mga nagdaang kaarawan ni Gacilian ay napakaengrande ng handaan at
napakaraming tao.
"Azia nandito na si Nette." Agad na lumapit sa amin ang kanyang asawa na
nakikipagtawanan sa kanyang mga kapatid.
Normal na ang lahat dahil pare-pareho na kaming nakausad sa
nakaraan.
"Sa'yo agad lumalapit si Gaci kapag dumarating ka, kilalang kilala e." Kantyaw
niya at siya naman ang nagkarga sa bata.
Ako ang tunay na ina ni Gacilian ngunit si Ate Tam ang kinikilala niyang ina at
ako ay tiyahin lamang. Isa sa naging rason ko upang payagang lumaki sa kanila ang
bata ay dahil hindi sila nagkaanak at alam kong nalulungkot si ate dahil hindi niya
mabigyan ng buong pamilya si Singko.
"Daddy doon po muna ako sa friends ko." Ginusto ng bata na bumaba kaya
pinagbigyan ito ng ama.
"Be careful Gaci."
"Yes dad." Nakasunod ang aking mga tingin sa mumos na masayang masaya na
lumapit sa kanyang mga kaibigan.
"Kumusta ka na?" Napabaling akong muli kay Singko at masayang ngumiti.
"Ito natupad ko na ang aking pangarap na maging madre, sa una mahirap dahil sa
nakaraan ko at sa pagkakaroon ko ng anak ngunit wala namang tuntunin na nagsasabing
bawal maging madre ang isang ina. At sa tulong na rin nina Father at Sister Monica
ay nagawa akong tanggapin." Paliwanag ko.
Tumango tango siya at bakas din sa mga mata ang saya. "Mabuti naman dahil sa
kabila ng mga nangyari ay hindi ko nasira ang mga pangarap mo." At tumawa siya.
Mas lalo akong napangiti dahil halos maging guhit ang kanyang mga mata sa
sobrang pagtawa. Malayong malayo sa kanyang mga mata noong kasal niya.
"Kumusta nga pala ang check up ni Ate Tam?" Tatlong taon na simula noong
tuluyang gumaling si ate sa kanya sakit at hindi ko man nasaksihan lahat ng iyon ay
palagi ko siyang ipinapanalangin.
"Regular pa rin ang check up niya, ayokong tumigil siya para makasiguro kaming
hindi na babalik ang sakit niya." Biglang nabahiran ng pangamba ang kanyang mga
mata. "Alam mo namang hindi ko kayang mawala sa'kin ang ate mo."
Tuwang tuwa akong marinig iyon mula sa kanya dahil mababakas ang labis labis
niyang pagmamahal kay Ate Tam.
"Wag kang mag-alala malakas si ate kaya alam kong hindi na babalik ang sakit
niya."
Napatingin ako kay Ate Tam na kumakaway sa akin upang palapitin ako, naglalaro
na ngani sila ni Gacilian. Sumunod din ang tingin ni Singko sa kanila habang ang
masayang ngiti ay hindi mabura at napakaliwanag ng kislap ng mga mata.
Akmang maglalakad na ako palapit sa mag-ina nang muli siyang magsalita.
"Salamat." Kunot noong ako'y napabaling sa kanya.
"Para saan?"
"Dahil nakilala kita at salamat dahil pinili mong maging masaya ako. Salamat
dahil sa'yo nagkakilala kami ni Tamia." Ngumiti ako at tumango.
"Masaya ako dahil hindi man naging maganda ang simula niyo ay natutunan mo
siyang mahalin labis sa naging pagmamahal mo sa akin noon, sabi ko na nga ba at
ipagpapasalamat mo sa akin ang lahat." Biro ko sa mga salitang huling aking
binitawan.
May kinapa siya sa kanyang bulsa at dinukot doon ang isang bagay. Mas lalo
akong napangiti. "Salamat din dito, ito ang naging sandalan ko noong mga panahong
akala ko hindi ko kaya." Ang rosary na ibinig ko sa kanya.
"Ngayong masaya na ako gusto kong ibalik ito sa'yo para ikaw naman ang
makahanap ng kaligayahan mo."
Umiling ako at hindi iyon tinanggap. "Hindi na, mas kailangan mo iyan isa pa
hindi ko na kailangang hanapin ang aking kaligayahan dahil matagal ko na iyong
natagpuan." Itinuro ko ang taas kung saan makikita ang napakaaliwalas na
kalangitan. "Ang pag-ibig sa Diyos."
Nang wala na siyang naging kibo ay lumapit na ako kay Ate Tam at nakisaya sa
kanila. Tumulong ako sa pagkausap sa mga bisita at pagbibigay ng kanilang mga
kailangan. Lumapit ako sa mesa kung nasaan ang mga handa upang kumuha ng tubig.
"Iha." Napalingon ako dahil sa pamilyar na tinig at agad ko iyong dinamba ng
yakap nang makitang si Manang Dori iyon, matandang matanda na siya ngunit nandito
pa rin siya hindi bilang kasambahay kundi bilang lola ni Gacilian.
"Namiss ko po kayo." Masayang masayang tugon ko.
"Naku, nagkikita naman tayo kahit noong mga nagdaang araw." Tumawa siya.
"Ngunit araw araw ko pa rin kayong namimiss." Nakangiti siyang tumitig sa akin
bago bumaling kita ate kung saan karga karga ni Singko si Galician at yakap ang
ate. May mga ngiti sa labi, larawan ng isang masayang pamilya.
"Hindi nasayang ang mga sakripisyo mo." Aniya. Tumango ako.
"Sila po ang para sa isa't isa." Sagot ko habang naluluha dahil sa masayang
tanawing aking nakikita. Puro saya ang nasa aking puso at kontento na ako, wala na
akong hahanapin pang iba.
Kami ang buhay na halimbawa sa sinasabi nilang pinagtagpo nguniy hindi
itinadhana.
The End.
Epilogue will be posted tomorrow. Enjoy reading Kjens.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Epilogue

MALAWAK ang aking ngiti habang binabasa ang huling pahina ng aklat. Puno ng
saya ang aking puso sa kabila ng mga naging karanasan namin. Matapos kong mabasa ay
itiniklop ko ang libro at ilang ulit na hinamas ang pabalat niyon.
Mas lalong napalawak ang aking ngiti dahil sa pagbukas ng pinto at nakita ko
doon ang pagpasok ng pinakagwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko.
Nagkasalubong ang aming mga tingin at kumindat ito habang may mga ngisi sa labi.
"Kumusta ang book signing mo?" Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kami.
Sumimangot siya habang tinatanggap ang butones ng kanyang polo. "Hindi okay
dahil hindi ka pumunta. Unang beses ko iyon na magpakita sa mga readers ko at
ireveal ang totoong author ng mga binabasa nila."
Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at dinamba ako ng yakap. Tulad ng
nakasanayan niya kapag nalalapit sa akin ay ang dibdib ko agad ang aabutin ng
kanyang malikot na kamay. Sa limang taon naming pagiging mag-asawa ay natuto na ako
sa mga kahalayan niya at namulat na hindi naman masama kung gan'on siya lalo't
kasal kami.
Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok habang ang kanyang kamay ay abala sa
pagpisil sa aking dibdib.
"Pumunta ako at muntik na nga akong hindi makabili nitong libro mo." Itinaas ko
ang kakatapos ko lamang na aklat. "Sinubukan ko ring pumili kanina ngunit
pinagkakaguluhan ka ng mga kababaihang humahanga sa'yo kaya pinagbigyan ko na sila.
Bakit ko pa ipagkakait iyon kung pwede naman akong magpapirma sa'yo araw araw."
Paliwanag ko. Tumingala siya sa akin na may liwanag na kislap sa mga mata.
Limang taon na kaming nagsasama ngunit hanggang ngayon ay puno pa rin ng
pagmamahal ang mga tinging ibinibigay niya sa akin. Hindi siya nagbago bagkus ay
mas lalong naging sweet at maalaga.
"Miña Virxe." Masuyo niyang pagtawag sa akin. Sinalubong ko ang kanyang mga
tingin pati na rin ang marahan niyang paghalik sa aking mga labi. "Hanggang ngayon
ay hindi pa rin ako makapaniwala na akin ka. Sobra ang naging takot ko noon na
akala ko tuluyan kaming ikakasal ni Tamia pero nagtiwala ako sa prinsipyo ng aming
pamilya. Hinding hindi hahayaan ng mga ninuno namin na mabali iyon."
Hinalikan ko ang kanyang noo at hinaplos ang mukha. "Dininig ng Diyos ang ating
mga dasal kaya nalagpasan natin ang mga hamon sa buhay."
Tumango siya at mahigpit akong niyakap. "Mahal na mahal kita at kung nagkataon
na hindi tayo ang ikinasal siguradong baliw na ako ngayon. I can't see myself
cuddling with other woman, I can't myself living without you by my side."
"Ako rin naman, handa akong isakripisyo para sa ate ngunit handa rin akong
isuko ang aking pangarap para sa'yo, bakit nga ba iyon ang naging ending mo sa
libro?" Tumaas ang aking kilay at kunot noong tumingin sa kanya.
Ngumisi siya at pinupog ng halik ang aking baba. "Lumabas ako sa comfort zone
ko sa pagsusulat dahil gusto kong maranasan 'yong hindi lang init ng katawan ang
nararamdaman ko kapag nagsusulat ako dahil puro erotica ang content ko ni walang
nagaganap na conflict." Tumango ako. "Isa pa para kahit manlang sa kwento ay naging
masaya si Tam, hindi man siya naging mabuti sa'kin but still she's your sister and
she's my sister in law kaya nag-aalala din ako sa kanya dahil alam kong malulungkot
ka na naman kapag may nangyari sa kanya." Humilig siya sa aking balikat. "Basta
alam natin ang totoo sa kwento na simula noong magkasagutan kayo ay nagparaya siya
at ang mga sumunod na pangyayari ay fiction na sa aking libro, basta ito tayo
ngayon masaya. Mahal na mahal kita."

Napatitig ako sa kanya na halos maluha ako dahil iyon pala ang nasa isip niya
habang ginagawa ang akdang 'yon. Ako na naman ang iniisip niya. "Bakit ba mahal na
mahal mo ako?" Naitanong ko dahil minsan napakaperpekto na ng pagmamahal niya para
sa'kin na parang napakaimposible.
"Kasi ikaw si Antoinette Francisco-Castillion." Sagot niya na tila iyon ang
pinakaangkop na sabihin.
Dahil sa ligayang pumupuno sa aking dibdib ay hindi ko napigilang halikan siya
sa mga labi. "Mahal na mahal din kita dahil ikaw si Mr. Azia Fifth Castillion."
Madalas kapag wala kaming ginagawa ay nasa ganitong sitwasyon lamang kami,
nagkukulitan at nagkukuwentuhan ng kung anu anong bagay na magpapasaya sa amin.
Noon akala ko wala nang pag-asa dahil desidido na si Ate Tam na magpakasal sa
kanya ngunit dininig ng Diyos ang aking mga dasal. Minsan may naidudulot rin na
mabuti ang pagsagot sa isang tao kung alam mong nasa tama kang posisyon upang
matauhan sila sa mali nilang paniniwala.
Tulad sa nangyari sa amin ni Ate Tam noong nagkasagutan kami, akala ko ay mali
iyon dahil ate ko siya ngunit nasagot ko siya ng gan'on ngunit naging daan iyon
upang mamulat siya na hindi na tama ang ginagawa niya.
Kinabukasan ng araw na iyon ay kinausap niya ako upang humingi ng tawad sa mga
nagawa niya sa akin na labis kong ikinasaya. Iniurong niya rin ang kasal nila ni
Azia sa kadahilanang hindi niya ito mahal at nais niya lamang na pasakitan ako at
kunin sa akin ang lahat. Naalala ko pa ang huling mga kataga niya noon bago umalis
sa bahay ni Mr. Fifth at bumalik sa hospital.
"Marami na akong nagawang mali sa'yo at ngayon hindi ko na dadagdagan pa. Hindi
na ako manggugulo sa inyo at iuurong ko na ang kasal na hinihingi ko. At bilang
kabayaran sa mga nagawa ko ay magpapagamot ako at mamumuhay na hindi ka mag-aalala
sa'kin."
Iyon na siguro ang pinakamasayang mga katagang kanyang sinabi simula noong
magkakilala kami bilang magkapatid. Nagpaopera siya at gumaling at matapos iyon ay
sumama siya kay Doc Ismael sa ibang bansa at doon sila namuhay na magkasama.
Nabalitaan ko nalamang na ikinasal na siya.
Masayang masaya ako para sa'yo Ate Tam.
Ngunit hindi iyon ang huling pagsubok na dumating sa amin ni Singko dahil ilang
araw matapos maging maayos ang lahat ay nalaman ko ang kanyang sekreto na naging
dahilan ng paghihiwalay namin.

ABALANG abala ako sa paglilinis sa kwarto ni Mr. Fifth at maligayang maligaya


ako sa araw na iyon dahil ayos na kami ni Ate Tam.
Lumapit ako sa mesa upang ligpitin ang mga tasa ng kape na pinag-inuman niya.
Inayos ko na rin ang mga papel na nagkalat at akmang aalis na ako dahil tapos na
ako sa paglilinis ay nahagip ng aking tingin ang pangalan ko sa papel.
Nagdadalawa pa ako kung kukunin ko iyon sa mesa ngunit mas nanaig ang
kuryosidad ko kaya kinuha ko iyon, mabilis kong binasa ang mga pahina kahit na
pahapyaw lamang at hindi ko alam na sa unang pagkakataon siguro sa buhay ko ay
nagalit ako ng sobra sobra.
"Bakit nagawa mo 'to?" Lumuluhang naitanong ko sa aking isipan habang hawak ang
papel na may laman ng istorya.
Sinugod ko siya at tinanong kung ano ang trabaho niya ngunit nagsinungaling
siya. Sinabi niyang wala siya trabaho ngunit may investment siya sa lahat ng mga
negosyo ng kanyang mga kapatid at pinsan.

"Hindi mo na ako maloloko." Sigaw ko na ikinagulat niya.


Naikuyom ko ang aking mga palad dahilan para malukot ang mga papel na hawak ko.
"Miña Virxe, anong nagawa ko? Bakit galit na galit ka?"
Itinapon ko ang hawak ko sa kanya dahilan upang magkalat iyon sa sahig at
sumunod ang tingin niya doon bago dahan dahang nanlaki ang mga mata.
"Alam ko na hindi ako maaaring maging surrogate mother at alam mo rin iyon
ngunit pumayag ako na manatili dito dahil lubos akong nangangailangan. Nagtiwala
ako sa'yo kahit na hindi kita gaanong kilala ngunit aabusuhin mo pala iyon."
Panimula ko habang ang dibdib ko ay nadudurog na naman ngunit ngayon siya na ang
dahilan.
Yumuko lamang siya at hindi sumagot. "Hindi man malawak ang aking kaalaman sa
maraming bagay ay alam kong laro lamang ito para sa'yo mula sa simula. Hindi
totoong mahal mo ako kaya mo ako kinuhang surrogate mother kahit na hindi pwede,
rason mo lamang iyon upang may bago kang maisulat." Hindi ko alam na lahat pala ng
ito ay planado niya para sa sarili niyang interes.
"Ang pagpapatira niyo sa akin dito at pakikipaglapit niyo kay Ate Tam at ang
pagpapaibig sa amin ay parte ng iyong isinusulat na nobela. Kami ay eksperemento mo
lamang upang makapagsulat ka ng panibagong libro." Sigaw ko dahil sa sobrang sakit
ng panloloko niya ay hindi ko na nagagawang kumalma. Hindi ko lubos maisip na
ganito siya kasama.
"Hindi gan'on 'yon." Umiling ako dahil sa sinabi niya, malinaw na malinaw na sa
akin ang lahat. May kasagutan na ang mga tanong ko kung bakit wala siyang reklamo
sa kahit anong hilingin ko.
Sinubukan niyang lumapit ngunit itinulak ko siya. Napahilamos siya sa kanyang
mukha at nagmamakaawang tumingin sa'kin. "Miña Virxe please trust me."
"Paano ako magtitiwala sa lalaking akala ko mahal ako ngunit ginagamit lang
pala ako at ang sitwasyon ko para sa kanyang nobela? Bakit napakasama mo?
"Inaamin ko na iyon ang unang plano ko simula noong magkahiwalay tayo sa cafè
noon, nagresearch ako tungkol sa'yo at nalaman ko ang alitan niyo ng ate mo at
naisip kong magandang kwento ang buhay mo kapag naisulat ko kaya sinubukan kong
makipaglapit. Gusto kong lumikha ng panibagong nobela na malayo sa nakasanayan ko."
Mas lalo akong nadurog dahil mula na mismo sa kanya ang mga salita.
"Napakasama mo. Ginawa mong katatawanan ang kasawian ng iba sa buhay,
napakasama mo." Hindi ko alam na ganito kasama ang lalaking minahal ko.
"No, Miña Virxe please. Noong una lang iyon pero noong nakilala na kita at
napalapit ka sa'kin ay hindi ko na itinuloy dahil alam kong mali. Mahal na mahal
kita kaya itinigil ko ang kwento." Bakit gan'on hindi ko magawang maniwala sa kanya
ngayon?
"
Minanipula mo ang lahat ng pangyayari. Dahil ba sa'yo kaya nalaman ni Ate Tam
ang meron tayo? Hindi ako naniniwala na kay Julio galing iyon dahil pati ang
larawan sa hasyenda ni Mr. Leo ay nandoon." Nang tumango siya ay tuluyan akong
nanghina at napaupo na lamang. Dadaluhan niya sana ako ngunit nagwala ako. Sobrang
sakit ng ginawa niya, dahil sa kanya ay lumala ang galit sa'kin ni Ate Tam.
"Kung totoong itinigil mo na ang pagsulat sa kwento ng buhay ko hindi na dapat
umabot sa ganito. Bawat salita na lumabas sa aking bibig, mga salitang mula kay ate
at mga salitang sinabi mo sa akin ay nakasulat dito." Pinulot ko ang mga papel at
pinagbabato sa kanya. "Lahat ng nangyari sa amin ay isinulat niyo, ginawa niyo
kaming laruan sa kwento mo."
Umupo rin siya at sumandal sa dingding habang nakatitig sa
akin. May luha rin ang kanyang mga mata ngunit hindi ako makaramdam ng awa dahil
mas nangingibabaw sa akin ang sakit ngayon.
"Dalawang magkapatid na iibig sa iisang lalaki sa magkaibang sitwasyon at sa
magkaibang pangalan niyo. Napakaganda ngang istorya at siguradong papatok sa masa."
Napakapait para sa akin ng mga salitang iyon ay tila asin na bumubudbod sa aking
sugata. Napakasakit.
Kaya pala iba ang pagkakakilala sa kanya ni Ate Tam dahil sinadya iyon.
Napakasama niya.
"Congratulations sa'yo dahil nagtagumpay kayo." Pumalakpak ako upang
pagsalubong sa kanyang tagumpay. "Tunay nga kayong magaling dahil tagumpay niyo
kaming napaikot sa inyong laro." Sinikap ko ang tumayo at nanunumbat na tumingin sa
kanya. "Ang hindi niyo lang napagtagumpayan ay ang paibigin ako." Pagsisinungaling
ko dahil iyon na lamang ang tanging magsasalba sa pagkatao ko.

"Ni minsan ay hindi ko sinabi na mahal kita dahil wala akong maipapangako,
hindi ko maipapangakong iibigin kita. At ngayon sasabihin kong hinding hindi kita
iibigin." Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay tumuloy ako sa aking silid
at kinuha ang aking mga gamit hindi hindi ko na kayang makipagsama sa kanya.
Hinabol niya ako ngunit hindi ko na nagawang magtiwala pa sa kanya.

NAPAPANGITI NA lamang ako kapag naaalala ko ang lahat ng mga karanasang iyon na
siyang nagpapatatag sa amin ngayon. Pansamantalang nawala ang tiwala ko sa kanya
noon dahil doon ngunit hindi siya tumigil at ginawa niya ang lahat upang muli ko
siyang pagkatiwalaan. Ang pagmamahal ko sa kanya ang nag-udyok sa akin na muling
magtiwala.
Ang mga aklat na ipinaayos niya sa akin sa kanyang condo ay mga nobela na gawa
niya, siya rin manunulat na idolo ni Ate Tam. Kaya pala madalas siyang nasa harap
ng kanyang laptop ay iyon ang pinagkakaabalahan niya.
Kaya pala ingat na ingat siya sa kanyang laptop dahil nandoon lahat ng kopya ng
kanyang mga likha. Napakalikot ng kanyang imahinasyon lalo kung erotika ang
isinusulat.

Hindi naging madali sa amin ang lahat ngunit sa kapangyarihan ng pag-ibig ay nagawa
naming lagpasan ang mga unos sa aming buhay.
"Nagsigarilyo ka na naman ba?" Taas kilay na tanong ko sa kanya habang pababa
kami ng hagda.
Mabilis siya umiling. "Hindi po, matagal na akong tumigil. Takot ko lang na
ipalunok mo sa'kin ang stick ng sigarilyong may baga." Natatawang sagot niya.
"Mabuti dahil ayaw na ayaw kong nagsisigarilyo ka lalo't lalaki ang anak mo
baka gayahin ka pa." Sambit ko, natawa ako dahil sa pagsaludo niya.
"Gacilian baby where are you?" Sigaw ni Singko pagkababa namin.
"I'm here tatay." Sabay kaming napatingin sa ilalim ng hagdan at natawa dahil
nasa loob ng malaking banga ang anak namin.
"Bakit ka nandiyan?" Tanong ko, lumapit ako sa kanya ay kinarga siya.
"Kasi po nanay baka po habulin na naman ako ng mga girls tapos kukurutin na
naman ang pisngi ko." Napanguso pa ito. Napatingin ako kay Singko na nagmamalaki na
naman.
"Nasa lahi natin 'yan anak mas madami pang girls ang hahabol sa'yo paglaki mo
pero kapag malaki ka na hindi ka na tatakbo dahil tatanggapin mo sila lahat."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Miña Virxe hindi na mawawala 'yan dahil ang asawa mo
ay pinakagwapo sa angkan namin." Pagyayabang niya na ikinailing ko nalang.
Sanay na sanay na ako sa kahanginan niya. Kinuha niya sa akin si Gacilian.
"Wag ka na magpapakarga kay nanay Gaci dahil malaki ka na mapapagod siya."
Bilin nito sa anak.
Apat na taon na si Gacilian dahil nabuo siya matapos ang kasal namin ni Singko.
"Yes tatay." Bibong sagot ng aming anak.
"Tara laro muna tayo basketball." Pareho silang humalik sa aking pisngi bago
nagtungo sa likod bahay.
Nakangiti lamang ako habang nakatanaw sa papalayo nilang pigura. Pinunasan ko
ang luhang kumawala sa aking mga mata dahil sa labis na ligaya.
Alam ko na ngayon kung bakit ginusto ni Father noon na hayaan akong subukan ang
buhay sa labas ng kumbento dahil ang buhay dito ay puno ng surprisa. 'Yong tipong
akala ko pagmamadre ang para sa akin iyon pala ay ang maging butihing asawa ni
Fifth Castillion, ang maging Mrs. Castillion at maging ina ni Gacilian Castillion.
Hindi man ako naging madre ay kontento na ako sa buhay ko ngayon at
pinagsisilbihan ang Panginoon sa ibang paraan. Sa pagtulong sa kapwa at pagiging
mabuti sa lahat.
"Ang pamilya namin ay masaya dahil ang sentro nito ay ang Panginoon."
I'm Mrs. Azia Fifth Castillion.

______________________________

The end.
"Wala akong pinaluha na hindi ko pinasaya sa bandang huli."
Thank you for the support Kjens.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Special Chapter

Thank you for reading Kjens.


(Kuyajen)
Special chapter can be read in the published printed book and ebook.
SOON.
You can add me in my facebook account for more inquiries:
Hope Castillana

You might also like