You are on page 1of 36

Althea, The Battered Wife

Chapter 1

Isang malakas na sampal ang tila nagpabalik sa akin sa katotohanan mula sa isang napakagandang
panaginip, ang mga nanlilisik na mata ng aking asawa ang nabungaran ko sa aking pag-gising, lasing
nanaman siya kaya naman handang-handa nanaman ang kanyang mga kamao sa pananakit sa akin.
Napapikit na lamang ako ng tumaas ang isa niyang kamay, inaasahan ko na ang malalakas na sampal
na muli niyang ipagkakaloob sa akin, kaya naman awtomatikong yumakap ang aking mga braso sa
aking sinapupunan, ngunit imbes na sampal ay hinablot niya ang aking buhok saka ako hinila pababa
sa kama, halos madapa ako dahil na rin sa bilis ng kanyang paglalakad, hindi ko malaman kung ano
ang ang aking hahawakan, ang nasasaktan kong ulo o ang maumbok ko nang tiyan.

Sa kusina niya ako dinala, pabalya niyang binitawan ang pagkakahawak sa akin saka ako itinulak sa
tapat ng kalan.

"Putang ina! Pagod na pagod ako sa opisina at umaasa na may nakahanda ng pagkain sa hapag pero
ano ang nadatnan ko? Ni hindi ka man lang nagsaing babae ka! Mas inuna mo pa ang matulog!!!" Gigil
na sigaw niya sa akin kaya naman napatingin ako sa wall clock 8:30 na pala ng gabi, ganoon na lamang
ang panlalaki ng aking mga mata! napasarap ang tulog ko!

"P-pasensya ka na, magluluto na ako. M-maligo ka muna habang inihahanda ko ang pagkain m-mo"
nangangatog na ang aking buong katawan dahil sa pinaghalong takot at sakit ng mga kalamnan.

"Siguraduhin mo lang na nakahanda na ang pagkain ko mamaya pagbaba ko dito kung hindi
malilintikan ka sakin babae ka!" Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang saka mabilis na
kumilos kahit na masakit pa ang aking buong katawan dahil sa ginawa niyang pananakit kahapon at
ngayong gabi. Agad kong nagsalang sa rice cooker ng sinaing saka ko naman hinarap ang pagluluto ng
ulam, ilalaga ko na lamang ang manok na nakita ko sa ref tutal paborito naman ito ni Warren.

Maya't-maya ang ginagawa kong pagtingin sa orasan, mabuti na lamang at may katagalan sa paliligo
ang asawa ko, nagbababad pa kasi iyon para marelax ang katawan niya. Hindi rin naman kasi biro ang
minana niyang posisyon mula nang mamatay ang biyenan kong lalaki dahil sa heart attack, dahil sa
"nagawa" ko raw na kasalanan at kahihiyan sa kanilang pamilya.

"Hindi ba't ang sabi ko ay dapat nakahanda na ang hapag pagkababa ko?!" Halos mabitawan ko ang
hawak-hawak kong soup bowl dahil pagsigaw niya.

"I-ito na" mahilis pa sa alas kuwatro kong ibinaba ang bowl na naglalaman ng ulam sunod naman
akong kumuha ng kanin saka agad iyong inilagay sa mesa. Napansin kong inilapit niya ang ulam saka
kumuha ng konting sabaw pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagbato niya sa akin ng maliit na bowl
na may laman pang mainit na sabaw, napahiyaw ako sa sakit gawa ng pagtama sa akin ng babasaging
mangkok at sa sobrang init ng laman nito. Sa totoo lang ay naiiyak na ako pero hindi ko iyon gagawin
sa harap ni Warren dahil lalo lamang siyang matutuwa kapag nakikita niyang umiiyak ako sa harap
niya, kaya kahit matindi na ang pananakit ng balat ko na natapunan ng mainit na sabaw ay pinilit ko
pa ring pigilin ang mga luhang nais magsi-alpas sa aking mga mata.

"Ginagalit mo talaga ako? Bullshit! Walang lasa yang inihain ko sa akin!" Napapikit na lang ako sa
narinig kong iyon, dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko natimplahan yung ulam,.

"S-sandali lang, aayusin ko lang. Wag ka ng u-umalis diyan" pigil ko sa kanya na makita kong tatayo
nanaman siya, baka kasi umalis nanaman siya bahay at ilang araw nanamang hindi umuwi. Tanga na
kung tanga pero hindi ko maiwasang malungkot kapag hindi ko nakikita ang asawa ko, kahit na alam
kong may inuuwian siyang babae.

Agad ko ng binuksan ang kalan saka kumuha ng asin at konting paminta yun lang ang inilalagay ko sa
nga pagkaing inihahanda ko para sa kanya, ayaw niya ng may iba pang inilalagay sa pagkain tulad ng
msg.

Nung minsan ay nawaglit sa isip ko at nalagyan ko ng vetsin ang iniluto kong ulam ay katakut-takot na
pambabatok at hampas sa braso ang ang inabot ko mula sa kanya kaya naman mula nung araw na
iyon ay tinanggal ko iyon sa kusina.

Hindi naman nagtagal ay natapaos na ako sa aking ginagawa, kabisado ko na ang panlasa ng asawa ko,
kumuha muli ako ng ulam saka dahan dahang inilapag iyon sa mesa, pero hindi ito kumilos. Alam ko
kung ano ang gusto niyang gawin ko, ang pagsilbihan siya, ipinagsandok ko siya ng kanin saka ulam,
pagkatapos ay sinalinan ko ng tubig ang isang baso at ang isa naman ay juice, kahit na mahapdi na ang
paso ko ay patuloy pa rin ako sa pag-aasikaso sa kanya. Tila ba ako isang katulong dito sa bahay na ito,
bahay na kung saan kami magkasamang nangarap na bumuo ng isang masaya at malaking pamilya.
Pero mukhang malabo nang mangyari iyon lalo na at sarado na ang isip ng aking asawa sa kung anu
mang pagpapaliwanag ang nais kong sabihin sa kanya.

Nakalulungkot lang, tila isang bulang naglaho ang limang taon naming pagsasama dahil lamang sa
kasinungalingan ng ilang tao, kasinungalingang mas pinili niyang paniwalaan kaysa sa akin na asawa
niya.

"Lumayo ka sa akin, sa susunod wag kang magsusuot ng mga ganyang damit, lalo lang lumalaki ang
galit ko sayo, slut!" Gusto ko ng tumakbo sa guestroom kung saan ako natutulog, kinikilabutan ako sa
talim ng tingin na ibinigay ni Warren sa maumbok kong tiyan, isang medyo hapit na sando at short
lang kasi ang suot ko, kaya naman halata na ang mag-tatatlong buwan kong tiyan, kahit na anong pilit
ko na siya ang ama ng aking pinagbubuntis ay matigas ang paniniwala niya na ibang lalaki ang dapat
na managot sa bata.

" W-wala na k-kasi akong maluwag na damit..." nakayuko kong sabi sa kanya.

"Hindi ko na problema yun, at kung pinahihiwatig mo na kailangan mo ng bumili ng mga bagong gamit,
wala akong pakialam sayo o dyan sa anak mo sa ibang lalaki, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay."

"H-hindi lang naman iyon Warren, magpapa-check up din kasi ako." Nilakasan ko na ang aking loob,
isang beses pa lang kasi ako nakapunta sa Doktor, hindi ko na alam kung maayos ba ang lagay ng baby
ko, kailangan akong mamonitor ng aking doktor dahil mayroon akong APAS, hindi naman kasi sapat
na ibinibili ako ng gamot ng kapatid na babae ni Warren na alam ko namang labag din sa kalooban
nito, hindi nito nais na tutulan ang utos ng kanilang Mama kaya wala na itong nagaw pa. Isa pa ay nais
ko ring makasiguro na ligtas ang bata lalo na sa ginagawang pananakit sa akin ni Warren.

"San ka kukuha ng pambayad sa doktor? Sa akin? Kapal talaga ng mukha mong babae ka! Hinding
hindi ako maglalabas ng pera para sa mga taong naging dahilan kung bakit namatay ang Papa ko
tandaan mo yan" Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ako tumumba sa kinatatayuan ko,
pinagpatuloy niya ang pagkain matapos niya akong pagsalitaan ng ganoon .

"Aakyat muna ako, iwan mo na lang diyan ang pinagkainan mo, huhugasan ko na lang mamaya."

"Sige layas! Nawawalan ako ng gana sa pagmumukha mo eh!"

Hindi na ako sumagot pa dahil baka mag init nanaman ang ulo niya at pagbuhatan nanaman ako ng
kamay, nagmamadali akong umakyat sa guestroom dahil naninikip na ang dibdib ko, gusto kong
umiyak para man lang mabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan
ako sa mga sinasabi niya tungkol sa akin pero ang mas nakapagpabigat ng loob ko ay ang lantaran
niyang disgusto sa batang dinadala ko ngayon, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na siya lang ang
lalaki sa buong buhay ko, pero sa paniniwala niya ay nagsisinungaling lamang ako.

Iniyak ko lamang ng iniyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, sadya kong isinubsob ang aking
mukha sa unan para hindi marinig ni Warren ang aking pagtangis.

Pinalipas ko muna ang isang oras bago ako bumaba uli para sana maghapunan, tiyak kong nasa silid
na si Warren at nagpapahinga na pero nanlumo ako nang wala akong nadatnang kanin at ulam sa
kusina.

Tinapon nanaman niya ang sobrang pagkain, nakita ko iyon sa basurahan, sa tuwing mauuna siyang
kumain ay ganoon ang ginagawa niya, kaya naman madalas ay nakakatulugan ko na lamang ang
gutom, hindi na rin kami nadadaan sa grocery, ang Mama niya ang nagdadala ng supplies namin dito,
hindi man siya nagpapakita ng kahit na anong emosyon sa akin ay alam kong sinisisi niya rin ako sa
pagkamatay ng asawa, kaya hanggat maaari ay dumidistansya din ako.

Ipinikit ko sandali ang aking mga mata para pigilan ang mga luhang nagbabantang kumawala sa mga
ito, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko, gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa dahil wala
naman akong ibang mapupuntahan, nasa probinsya ang mga magulang at nakatatanda kong kapatid,
ayoko na ring maging alalahanin pa sa kanila, tiyak naman akong maganda na kahit papaano ang
pamumuhay nila doon, ibinigay ko kasi lahat ng naipon ko mula sa pagtatrabaho sa isang restaurant
noong ikinasal kami ni Warren, nakapagpundar na si Nanay ng maliit na kainan sa bayan at si Tatay
naman ay patuloy pa rin sa pagsasaka sa lupang minana niya sa lolo at lola ko.
Napahawak ako sa aking tiyan nang maramdaman ko ang pagkalam nito, wala na rin kasing stock ng
nga biscuit o kung anu pa mang makakain sa mga cabinet. Bukas pa ang punta dito ng Mama ni
Warren kaya bukas pa ito magkakalaman.

Wala na akong choice, kung hindi ito gagawin ay baka manghina ako ng tuluyan at lalo pang
mapahamak ang baby ko. Dahan dahan ang ginawa kong paglapit sa basurahan kung saan itinapon ni
Warren ang mga sobrang pagkain. Pikit mata akong kumuha doon at dali dali kong isinubo, hindi na
ako nag-abala pa na kumuha pa ng mga kubyertos, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang
malamnan ang kumakalam kong sikmura.

Limang subo lang ang ginawa ko, tama na siguro iyon para mapanatili ng katawan ko ang tumayo.
Agad akong naghugas ng kamay saka ko hinarap ang mga pinggan at basong iniwan ni Warren sa
lababo, nang matapos ako doon ay patakbo akong umakyat sa silid na inuukopa ko at dumiretso ako
sa cr para magsipilyo.

Nasusuka ako sa ginawa ko, pero wala naman akong ibang maaring gawin kundi iyon, hindi ako
maaaring lumabas ng bahay para bumili ng makakain pag ginawa ko iyon ay malamang na masasaktan
nanaman ako, may mga cctv na ipinakabit si Warren sa halos lahat ng sulok ng bahay, saka wala rin
naman akong pambili, mula kasi nang ikasal kami ay si Warren na ang nagbibigay sa akin ng
panggastos natigil lamang iyon ilang buwan pa lamang ang nakakalipas.

Nang matapos ako sa pagsisilpilyo ay nag-shower lang ako sandali at nilagyan ng ointment ang aking
balat na tinamaan ng mainit na sabaw kanina. Pansin ko ang unti unting pagbagsak ng aking timbang,
ang mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan ko ay halata pa rin. Hindi na nga ako nawalan nito dahil
sa araw-araw na pananakit sa akin ng asawa ko.

Isang malalim na paghinga na lamang aking aking nagawa habang hinahaplos ang mga braso ko,
napapagod na ako, pero hindi ko kayang iwan si Warren, mahal na mahal ko siya, kung kinakailangang
maranasan ko ito hanggang sa huling sandali ng aking buhay para lamang maniwala siya sa akin ay
gagawin ko. Isa pa, nag-aalala ako sa kanya, walang mag-aasikaso sa kanya kapag umalis ako.

Dahan dahan ko ng inilapat ang aking likod sa malambot na kama, gusto ko nang magpahinga, dahil
bukas ay tiyak na may panibago nanamang pananakit akong matatanggap mula sa kamay ng aking
asawa.

Chapter 2

Nagising ako sa sinag ng araw na humahaplos sa aking pisngi, tinatamad pa akong bumangon pero
kailangan kong gawin iyon para maipaghanda ko ng agahan si Warren. Linggo ngayon kaya umaasa
akong maghapon ko siyang makakasama, kahit na puro pananakit at paninigaw ang inaabot ko sa
kanya ay gustong gusto ko pa rin siyang makita.

Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago bumaba. Alas-siyete pa lang naman, malamang ay tulog pa
siya sa mga oras na ito. Garlic rice, bacon, ham at itlog na sunnyside up ang paglakaluto ang inihanda
ko para sa kanya.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbaba niya papunta sa kusina kaya naman inihanda ko
na ang mga plato at kubyertos niya, ipinagtimpla ko na rin siya ng kape.

"G-goodmorning , kain ka na." Bati ko sa kanya, matalim na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin saka
umupo sa hapag kainan para magalmusal. Nanatili lang akong nakatayo sa di kalayuan para kapag
may iniutos siya ay madali ko iyong magagawa.

"Maghanda ka, may pupuntahan tayo." Malamig na utos niya pero may hatid iyon na tuwa sa akin
dahil na rin sa narinig ko mula sa kanya.

"O-oo sige, aakyat na ako. Iwan mo lang diyan ang mga pinagkainan mo ako ng bahala diyan
mamaya." dali dali akong nagpunta sa silid ko, para maligo hindi ko maiwasang matuwa dahil sa
unang pagkakataon sa loob ng apat buwan ay ngayon na lang uli ako makakalabas ng bahay. Kaya
naman nagmamadali ang ginawa kong pagkilos baka mamaya mainip pa si Warren at biglang
magbago ang isip.
Halos kalahating oras lang ako nag-ayos, mas matagal pa ang ipinaghintay ko na matapos si Warren sa
kanyang paliligo at pagbibihis, mahigit isang oras din siyang naghanda kaya naman tinapos ko muna
ang mga hugasin na iniwan niya kanina nang mag-almusal siya. Excited talaga ako kya nang makita ko
siyang palabas na ng bahay ay agad akong sumunid.

“Buksan mo yung gate” utos niya sa akin bago siya sumakay ng kotse, inihagis niya pa sa akin ang
bungkos ng mga susi. Habang nasa biyahe kami ay wala man lang nagsasalita, tahimik na tahimik kami
sa loob ng kotse, gustuhin ko man siyang tanungin kung saan ang punta naming dalawa ay sinarili ko
na lamang iyon, ayokong sirain ang araw niya. Isang oras din ang itinakbo ng aming biyahe, inihinto
niya ang sasakyan sa tapat ng isang kilalang boutique, na sa pagkakaalam ko ay pag-aari ng kaibigan
ng kapatid ni Warren.

"Baba" yun lang ang sinabi niya sa akin bago lumabas ng sasakyan at naunang pumasok sa boutique.
Puno ng pag-iingat ang mga kilos ko, kanina kasi habang naliligo ako ay nakararamdam ako ng
pagkirot sa bandang puson ko kaya naman hindi ko maiwasan ang mag-alala sa batang nasa
sinapupunan ko ngayon. Kailangan kong alagaan ng mabuti ang anak ko, matagal ko siyang hinintay,
baka mabaliw na ako ng tuluyan kapag nawalan nanaman ako ng anak ... sa pangatlong pagkakataon.

Sa totoo lang ay nahihiya akong pumasok, isang tshirt na may kaluwagan, leggings at step in lang ang
nakuha kong isuot, isa na lang kasi ito sa mga natirang damit na ako ang bumili, ang lahat kasi ng binili
ni Warren para sa akin ay kinuha niya at pinasunog.

Papasok na sana ako ng boutique ng hindi sinasadyang napatingin ako sa glasswall nito, halos
madurog ang puso ko sa nakita ko. Oo alam ko na may ibang babae si Warren akala ko tanggap ko na
iyon pero masakit pala kung harap harapan mong nasasaksihan ang pambabae ng asawa mo.

Pinilit kong ayusin ang sarili ko bago pumasok sa loob, hindi ako magpapahalata na nakita ko silang
dalawa, magbubulag bulagan na lamang ako, tutal yun naman ang ginagawa ko sa loob ng ilang
buwan.

Nakalapit na ako sa kanilang dalawa nang hindi nila namamalayan, tumikhim na lamang ako upang
ipaalam sa kanila ang aking presensya.

"So, it's true...your wife is pregnant. I wonder kung paano mo natatagalan ang makisama sa isang
babaeng nagpabuntis sa hindi niya asawa." Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin, wala akong
pakialam sa sinasabi niya, nangingibabaw sa akin ngayon ang galit dahil sa nakita kong eksena kanina.

"Hindi ko akalain na pati pala sa mundo ninyong mayayaman ay nagkalat ang mga tsismosa," malamig
kong tugon sa kanya, napansin ko rin ang pagtaas ng isang bahagi ng kanyang labi dahil sa sinabi ko,
samantalang si Warren ay matiim akong tinitignan tila ba nagbabanta ang mga mata nito.

"Well, kilalang tao ang lalaking niloko mo kaya bawat pangyayari sa buhay niya ay nalalaman ng mga
tao, lalo na at ikaw ang naging dahilan kung bakit namatay si Tito Alfred.

"Hindi-" naputol ang sasabihin ko ng mahigpit akong hawakan ni Warren sa braso, tila ba isang bakal
ang kamay niyang inipit ang payat kong braso.

"Stop it. Huwag kang gumawa ng eksena dito." Nanggigigil na bulong sa akin ni Warren saka marahas
na binitawan ang braso ko. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang, gustong gusto ko
sanang ipagtanggol ang aking sarili pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon.

"Tss...let's go Warren hayaan na natin ang mga assistants ko ang magsukat sa kanya." Sabi niya saka
iniangkla ang mga braso kay Warren.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako nandito, wala naman kasing sinasabi si
Warren kung ano ang meron.

"Hi Ma'am!" Bati sa akin ng isang babae na sa hinuha ko ay isa sa mga assistants na sinasabi ng
kasama kanina ng asawa ko. Nahihiya akong ngumiti sa kanya, agad naman itong lumapit at iniabot sa
akin ang isang portfolio.

Namangha ako sa mga nakita kong disenyo ng mga damit doon, napag alaman ko rin na ang babaeng
kasama ng asawa ko ngayon ay may mga kliyente ring kilalang personalidad sa ibang bansa.
Kaya naman pala niya agad nakuha ang pansin ni Warren, bukod sa maganda at mayaman ay talagang
may maipagmamalaki ito. Hindi tulad ko na second year college lang ang natapos.

Iginaya ako ng babae na nagpakilala sa aking Clarisse na maupo muna sa isang couch, agad ko naman
siyang sinunod pero ilang sandali pa ang lumipas ay napansin kong nakatingin siya sa akin... partikular
na sa mga pasa ko sa braso. Isang ngiti lang ang ang ipinagkaloob ko sa kanya, hinawakan niya naman
ang kamay ko at marahang pinisil iyon.

Wala mang namutawing kahit na anong salita mula sa kanyang bibig, sapat na iyon para malaman ko
na mayroong isang taong nagmamalasakit sa akin. Binilisan ko na lang ang pagtingin sa portfolio at sa
mga damit na naka display upang makaalis na kami dito dahi kitang kita ko ang ginagawang
paglalambingan ni Warren at ni Clarisse.

Tatlumpong minuto lang ay tapos na kami, ang akala ko ay sasabay pa sa amin ni Warren si Clarisse,
naringgan ko kasi ang isa sa mga nag-aayos sa akin kanina na isa sa mga imbitado sa okasyon na
dadaluhan naming mag-asawa ang kanilang boss, mabuti na lamang at mayroong dumating na
kilalang artista kaya napilitan siyang magpaiwan.

Dumiretso kami sa Mansion ng Mama at Papa ni Warren, suot ko na ang isang black haltered dress na
napili ko kanina sa boutique.

Habang pababa ng sasakyan ay iniisip ko kung ano ba ang okasyon ngayon, sa limang taon na pagiging
mag-asawa namin ni Warren ay alam ko na kung kailan ang kaarawan ng magulang at mga kapatid
niya, at wala kahit na sino sa kanila ang nagdiriwang ng kaarawan ngayon.

"Bilisan mo." Malamig niyang utos, kasalukuyan na siyang nasa harapan ko at nakapamulsa, bakas sa
mukha niya ang pagkainip at pagkairita.

"Ah- oo eto na " nakababa na ako nang ialay niya ang isang kamay sa akin kaya naman nagtataka
akong napatingin sa kanya.
"Hold my hand, huwag mo akong bigyan ng ganyang reaksyon. Napipilitan lang akong gawin ito dahil
nandito ang mga investors, dahil kung ako lang ang masusunod ay hinding hindi ko hahawakan ang
kamay ng isang malandi at mukhang perang tao na katulad mo." Bulong niya sa akin pero nakangiti
siya habang sinasabi iyon, may mga nagdadatingan na rin kasing nga bisita kaya niya ginawa iyon.

Marahil ay nag-aalala siya na mapagpiyestahan nanaman ng ibang tao ang huhay naming mag-asawa.
Kaya naman ginawa niya ito kahit labag sa loob niya.

Nagtungo na kami sa malawak na hardin kung saan naroroon ang mga bisita, natanaw ko na rin ang
mga kapatid ni Warren na masayang nakikipag-usap na ang hinuha ko ay mga kaibigan nila. Ang
Mama naman nila ay abala sa pag-iistima sa mga bisita, nakangiti ito pero bakas pa rin sa mga ang
pangungulila sa yumaong asawa.

Iginiya na ako ni Warren na maupo, pinakamalaki ang table kung saan kami pumuwesto, malamang ay
ang Mama at lima pa niyang nakababatang kapatid ang kasama namin sa table na iyon.

"Kuya!!!" Napalingon ako sa tumawag sa asawa ko, si Vernice pala, ang bunso niyang kapatid dose
anyos pa lang ito pero napakalaking bulas na, sa buong pamilya nila ay ito lamang ang hindi nagbago
ang pakikitungo sa akin mula ng mamatay ang biyenan kong lalaki.

"Be careful Vernice, ang laki mo na pero isip bata ka pa rin." Sita ni Warren sa kapatid, nakatayo pa rin
siya sa tabi ko.

"Duh!!! Bata pa rin naman ako eh, oh Hi ate Althea! You look stunning!!!" Namimilog pa ang mga
mata nito nang batiin at purihin ako.

"Salamat Vernice" nahihiya kong sagot sa kanya pero agad akong nailang ng mapako ang paningin
niya sa mga braso kong nakahawak sa aking tiyan.

Kinabahan ako bigla baka kasi makita niya ang mga pasa na bunga ng pananakit sa akin ng kuya niya,
pero sinigurado naman kanina ng nag-ayos sa akin na hindi iyon mahahalata dahil na rin sa concealer
at make up ma ginamit nila kanina.

"Oh my gosh!!! May baby bump ka na ate!!!" Naupo pa siya sa silyang katabi ko, kitang kita ang
excitement sa mga mata habang nakatingin sa akin.

"Oo nga eh, kumusta ka na Vernice?"

"I'm doing great, how about you?"

" Ayos lang din." Nahihiya kong sagot sa kanya, hindi ko nga siya matingnan sa mata baka kasi
mapansin niyang nagsisinungaling lang ako.

Nagpaalam si Warren na haharapin muna ang mga bisita kaya nawala sandali ang atensyon ng
nakababatang kapatid niya sa akin, tumango lang ako bilang sagot.

Nakalayo na ang asawa ko ng muli akong tanungin ni Vernice, ninenerbyos ako, baka kasi magkamali
ako ng sagot sa kanya, malilintikan nanaman ako kay Warren pag nagkataon.

Hindi na yata maubusan ng tanong at kuwento si Vernice, ilang minuto na rin kasi ang lumilipas pero
patuloy pa rin siya sa pagsasalita, natigil lang ito ng nagdatingan na ang iba pang mga kapatid ni
Warren, lahat sila binigyan ako ng matatalim na tingin, sumunod na dumating sa table na
kinaroroonan namin ay ang Mama at ang asawa ko aabutin ko sana ang kamay ng biyenan ko pero
itinaas nito ang kamay tanda na hindi ko na kailangang gawin iyon.

Ito na pala ang gabi kung kailan ipapahayag ng Mama na si Warren na ang opisyal na mamamahala sa
Kompanyang iniwan ng kanilang ama, wala man lang akong ideya na pormal na pala siyang itatalaga
ngayong gabi.

Nagdinner din kami matapos ang programme, masasarap ang nga nakahandang pagkain kaya naman
naparami ang kuha ko, hindi kasi ako nag almusal at tanghalian kanina puro tubig lang ang laman ng
tiyan ko. Si Warren naman ay naglunch kanina kasama yung may-ari ng boutique.

"Grabe..." napahinto ako sa pagsubo ng maulinigan ko ang bulong na iyon ng isa sa mga kapatid ni
Warren, si Allysa ang pangalawa sa kanila.

"Kuya, as far as I remember, nakapangasawa ng slut, social climber at cheap na babae, hindi ko
akalain na patay gutom din pala ang yang babaeng yan." Napabitaw ako sa hawak kong kubyertos at
napayuko. Dinig na dinig ko ang sinabing iyon ni Allysa, ang iba pa nilang kapatid pati na rin si Warren
ay bahagyang natawa sa sinabi nito tungkol sa akin. Samantalang ang kanila namang Mama ay
tahimik lamang at patuloy lang sa pagkain, si Vernice naman ay naguguluhang napatingin sa aming
lahat.

"Nagpabuntis sa ibang lalaki perol kay kuya ipinaako, kapal..." nakangising sabi naman ni Walter.

"Ma-mag c-cr lang po a-ako...excuse-"

"Oh why? Hindi ka natunawan sa dami ng food na kinain mo? Tssskk." Nang uuyam na sabi sa akin ni
Allysa

"No, mag-"

"Baka naman ate Ally, maghahanap ng maa malaking isda?"

Puro pang-uuyam, masasakit na salita ang natanggap ko sa mga kapatid ni Warren, sa kabila noon ay
hindi man lang nag-aksaya ng panahon ang asawa ko na ipagtanggol ako,nakikitawa pa siya sa mga
kapatid niya, si Vernice ay isinama ng Mama nila para maipakilala ito sa mga bisita.

Akala ko, natanggap ko na lahat ng kahihiyan sa kamay ng magkakapatid, nagkamali pala ako, dahil
mas lalo akong napahiya sa kamay ng iba pa nilang kamag-anak, at sa mga business partners ng Papa
nila na nakakaalam daw sa nangyarai sa buhay ng pamilya namin.
Naging maayos naman ang turn over ceremony maliban na lang sa mga mga pasimpleng pang-uuyam
at pangyuyurak sa aking pagkatao, gusto ko na ngang umalisa sa lugar na iyon ngunit alam kong may
kapalit nanamang sipa at suntok mula kay Warren kung ginawa ko iyon. Nakauwi na ang lahat ng
bisita, nandito kami sa loob ng silid ni Warren sa mansion nung binata pa siya, dito na lang daw kami
magpapalipas ng gabi dahil naparami ang nainom niya kanina kaya pinigilan na ng Mama at mga
kapatid na umuwi.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin magising matapos ko siyang bihisan. Nasa kabilang
side na rin kasi ako ng kama at aktong hihiga na.

"Ma-matutulog na rin sana ako--aaay!!!" napasigaw ako ng bigla na lang ako nitong itinulak dahilan
upang bumagsak ako sa sahig.

"Get out!!!! Dun ka sa garden matulog! Wala kang karapatang pumasok sa bahay ng pamilya ko!!!
Out!!!!" Hinaklit pa nito ang buhok ko kaya naman napatayo ako kahit na nananakit ang balakang ko
dahil sa pagakakabagsak.

"Warren, nasasaktan ako...la-labas na ako, bitawan mo lang ako please...." pilit kong iniaalis ang tila
bakal niyang kamay sa pagkakahablot sa buhok ko, patuloy siya sa paghila sa akin, natatakot na ako,
malapit na kasi kami sa grand staircase ng mansion.

"Hindi ba sinabi ko sayo na ayaw kitang makasama sa isang kuwarto?! Tapos ang lakas ng loob mong
tabihan ako ngayon?!!!" Tumigil na siya sa paglalakad pero hawak pa rin niya ang buhok ko saka
iwinasiwas, pakiramdam ko matatanggal na ang ulo ko sa ginawa niya, hindi na siya nakuntento at
dalawang beses akong sinampal ng malakas na naging dahilan para pumutok ang labi ko.

"S-sorry hindi na mauulit.." basang basa na ang mukha ko dahil sa pinaghalong luha at dugo na
nanggaling sa labi ko.
"Talagang hindi na mauulit dahil sa oras na magtangka ka nanamang tabihan ako sa kama ay titiyakin
kong mawawala na yang anak mo sa labas! Tandaan mo yan!" Banta niya sa akin.

"Nice one kuya Warren!" Sigaw ni Walter, na lumabas pa talaga sa kanyang silid para manood sa
ginawang pananakit sa akin ng kapatid niya.

Pinilit kong tumayo kahit hilong hilo na ako, pinili kong tumuloy sa garden, doon na lamang ako
magpapalipas ng gabi, baka mapahamak pa ang mga kasambahay nila pag pinatulog nila ako sa
quarters nila.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa garden, dito na lang ako matutulog, wala na akong
pakialam kung malamok at maginaw dito, pakiramdam ko kasi ay malapit na akong mawalan ng
malay kaya nagmadali akong makarating dito, may bench naman, pagkakasyahin ko na lang ang sarili
ko roon.

Chapter 3

Alas tres y medya pa lang ng madaling araw ayon sa suot kong wristwatch, gusto ko sanang pumasok
para sana kumuha ng mainit na tubig na maari kong inumin, wala naman akong balak na humingi ng
kape o gatas sanay naman ako sa ganun dahil gawain ko iyon sa probinsya pag walang pambili ng
kape ang mga magulang ko. Napahawak ako sa aking mga braso,masakit pa rin, pati ang ulo ko ay
nananakit dahil sa ginawag pagwasiwas dito ni Warren.

Niyakap ko na lamang ang aking sarili, gusto ko na atang sumuko, iwan ko na lang kaya si Warren?
Umuwi na lang kaya ako ng probinsya at doon palakihin ang anak ko?

Nag-aalala na kasi ako para sa batang nasa sinapupunan ko lalo na at nagbanta si Warren sa kung ano
ang maaari niyang gawin sa bata. Kilala ko si Warren kahit na nakainom siya ay alam niya at
natatandaan niya ang mga ginawa at sinasabi niya.
Anong oras kaya magigising ang mga kasambahay? Nangangatog na ang mga kalamnan ko sa lamig,
lalo pang tumindi ang ginaw na aking nararamdaman nang biglang umulan ng malakas, nagmamadali
tuloy akong tumakbo upang sumilong. Basang basa na ang aking damit kaya naman hindi ko na alam
kung paano pa ako makakatagal pa dito sa labas, nawawalan na ng pakiramdam ang mga paa ko,
habang walang tigil sa panginginig ang aking buong katawan. Panay na rin ang aking pagsilip sa loob
ng mansion kung may gising na bang kasambahay, ngunit nananatiling tahimik sa loob. Alas kuwatro
na nang napansin ko na may nakabukas ng ilaw sa loob kaya naman dahan dahan akong tumayo saka
mahinang kumatok sa bintana ng kusina kung saan nakita kong nag-aayos si Aling Lupe ng mga
ihahanda niya para sa almusal.

Namamadali niya akong pinapasok bakas sa mukha ang matinding pag-aalala.

"Naku hija ayos ka lang ba?" Tanong niya habang hinihipo ang noo ko."mataas ang lagnat mo anak,
sandali at kukuha ako ng gamot, tuwalya at damit, Naku kang bata ka oh heto oh" iniabot niya sa akin
ng isang tasa ng na naglalaman ng mainit na gatas at isang sandwich kaya naman napatingin ako sa
kanya.

"Para sa iyo iyan, alam kong nagugutom ka na" hinawakan niya pa ang kamay ko saka marahan iyong
pinisil. "Mas makabubuti siguro kung iwan mo na si Warren, iligtas mo ang sarili mo at ang anak mo."
Hindi ko man gusto na magpakita ng kahinaan kay Aling Lupe ay wala rin akong nagawa nang kusang
tumulo ang mga luha ko.

Marahil ay tama nga na iwan ko na si Warren para na rin sa kapakanan ng magiging anak ko. Pero
mahal ko ang asawa ko, paano na ang ipinangako sa sa harap ng altar na mananatili ako sa tabi niya
kahit anong mangyari? At higit sa lahat, wala akong ginawang masama sa kanya sa loob ng limang
taon namin bilang mag-asawa.

"Pag-iisipan ko po Nanay Lupe" pigil ang paghikbi kong sagot sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang
ipinagkaloob niya sa akin,dahil doon ay tila naramdaman kong kasama ko lamang ang Inay.

"Sandali anak, kukuha lang ako ng gamot sa kuwarto at tuwalya. Nakalimutan ko na tuloy na mas
kailangan mo iyon ngayon. Lesak na buhay ito oo.." Paalam nito bago nagmamadaling tumayo para
pumunta sa maids quarter.

Kinuha ko muna ang gatas at dahan dahang sumimsim doon, nabawasan naman ang nararamdaman
kong lamig, wala akong ganang kumain dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Kung hindi lang
dahil sa batang nasa sinapupunan ko ngayon ay hindi ko gagalawin ang sandwich na ginawa ni Nanay
Lupe mas gusto ko kasing mahiga na lamang at matulog.

"Ito hija gamitin mo muna. Pagpasensyahan mo na at puro daster lang ang mayron ako dito,hala sige
magpalit ka na ng damit at nababad na iyang likod mo. Pagkatapos ay inomin mo na rin itong gamot
ha?” iniabot niya rin sa akin ang isang tableta ng paracetamol.

"Inumin mo yan anak ha? sabi ni John Lloyd sa tv ok daw yan inumin kahit buntis."

“Opo. Salamat po." Agad kong tinungo ang cr upang maglinis ng katawan at na buntong hininga ang
aking pinakawalan.

"Mabuti pa at mahiga ka na muna doon sa silid ko hija at nang makapagpahinga ka na, hindi na kasi
maganda ang kulay mo masyado ka ng maputla, mataas pa ang lagnat mo." ani Aling Lupe nang
matapos akong magbihis,

"H-hindi na po Nanay Lupe baka po magalit sa inyo si Warren pag nalaman niya."

"Aysus! Wag mo akong intindihin kayang kaya kong harapin ang batang iyon."

"Pero po-"
"Hala sige na, humayo ka na doon sa kuwarto, ako nang bahala kay Warren, hindi naman ako
pagagalitan nun, malaki pa rin naman ang takot sa akin ng batang iyon, subukan niya lang na magalit
sa akin, mag-aalsa balutan ako."

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ang kamay ko para tumayo, hinatid pa ako ni Nanay Lupe sa
silid na ginagamit niya. Sa anim na katulong dito sa Mansion si Nanay Lupe lang ang may solong silid,
mayroon pa itong aircon, matagal na kasi siyang naninilbihan dahil ito pa ang nag-alaga sa Mommy ni
Warren noon.

Bumungad sa akin ang isang malaking kuwarto, pati ang kama ay malaki rin, may sarili rin itong cr.
Ganito nila pinahahalagahan si Nanay Lupe, sana naman maramdaman ko rin muli na pahalagahan ni
Warren.

"Mahiga ka na hija,ako na ang bahala. Huwag kang mag-alala."

"Salamat po talaga Nanay."

"Walang anuman hija."

Tinungo ko na ang kama, saka humiga, sana paggising ko tapos na ang lahat ng masasakit na
pangyayaring ito sa buhay ko.

WARREN

Kanina pa ko paikot ikot dito sa mansion pero hindi ko pa rin makita ang babaeng yun, ang sabi ko sa
garden sya matulog, kanina pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa garden para icheck kung doon
nga siya nagpalipas ng gabi pero wala ni bakas ng malanding yun.
Unti unti ng nag-iinit ang ulo ko, hindi ko talaga makita!!! Wala naman akong planong magtanong sa
mga kasambahay lalo na kay Nanay Lupe dahil sumama ang loob niya sa akin dahil sa ginawa ko sa
babaeng yun, nakita niya kasing kinakaladlad ko yung malandi kong asawa.

Matagal na akong pinagsasabihan ni Nanay, pero sa tuwing makikita ko ang pagmunukhani Althea ay
sumusulak ang galit ko lalo na at nabuntis pa siya ng lalaki niya na mahigpit na kalaban sa negosyo
namin ni Papa.

Nagtungo na ako sa dining room, nandoon na kasi sina Mama at ang mga kapatid ko para
mag-almusal, wala din doon si Althea, sa oras na malaman ko na nagkita nanaman sila ng lalaki niya
mata niya lamg ang walang latay.

"Good Morning kuya!" Nakangiting bati ni Vernice sa akin, sa aming magkakapatid siya lang ang
bukod tanging hindi nagbago ang pakikitungo sa taksil kong asawa. Nakakapagtaka lalo na at nadoon
siya ng atakihin si Papa sa opisina habang kausap si Matheo Andrada, ang lalaking bumuntis sa asawa
ko.

Wala kaming inilihim kay Vernice, lahat ng nangyari at kung bakit inatake si Papa ay sinabi namin sa
kanya, na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na namin makakasama pa ang Papa ay si Althea, pero
nanatili itong malapit sa babaeng iyon.

"Good Morning Ma, morning Vernice" bati ko sa kanila ng makaupo na ako, isang linggo akong
bakasyon sa opisina, kaya naman marami akong oras para magpahinga medyo masakit pa din kasi ang
ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi.

"Kuya asan si Ate Althea? Hindi ba siya gutom? She needs to eat a lot kawawa naman ang pamangkin
ko sa tummy niya." Tanong ni Vernice sa akin, mapansin ko naman na natigilan si Mama pati na ang
iba ko pang kapatid.

"Nandyan lang, wala daw siyang ganang kumain" sagot ko na lang dahil ang totoo ay hindi ko talaga
alam kung nasaan ang malanding iyon.

"Huh? I looked for her all over the mansion pero hindi ko siya makita, diba both of you stayed here
last night?"

"Vernice, finished your food, enough of those non-sense questions" kastigo ni Allysa sa aming
bunsong kapatid si Mama, nanatili lamang na tahimik samantalang si Walter ay nakatingin sa akin
habang nakangisi. Tila naman hindi inintindi ni Vernice ang pagsuway sa kanya ni Allysa dahil nang
makita niya si Nanay Lupe ay ito naman ang inusisa niya.

"Nanay...have you seen Ate Althea?"

"Nasa silid ko hija nagpapahinga" napatingin ako kay Nanay pormal lamang ang mukha niya malayo
sa Nanay Lupe na palaging may nakahandang ngiti para sa lahat.

"Bakit nandoon siya? Diba dapat na dun siya sa room ni Kuya nagpapahinga?"

"Naku anak nasaraduhan daw siya kagabi,nahihiya naman siyang kumatok dahil tulog na tayong lahat
kaya pinili niya na lang na maghintay mg umaga sa garden, kaya ayun mataas ang lagnat ngayon."

"Oh my! Mama, can we call Ate Sophia?"

"Later sweetheart, we will call Sophia to check on Althea's condition." Isang makahulugang tingin
lamang ang binigay sa akin ni Mama.

Sinunod naman ni Vernice ang sinabi ni Mama hindi na ito nag-usisa pa ng kung anu-ano. Tinapos niya
muna ang pagkain saka nagmamadaling pumunta sa silid ni Nanay Lupe.

Hindi pa man ito nagtatagal sa silid ni Nanay Lupe ay humahangos itong bumalik sa dining room.

"Mama!!! We need to call Ate Sophia now!" Pilit pa niyang hinihila si Mama saka dinala kung nasaan
si Althea kaya naman nagkatinginan kaming magkakapatid saka sabay sabay na tumayo at sumunod
sa kanila.

Nadatnan namin doon si Althea na nakatalukbong ng makapal na kumot na tila ba ginaw na ginaw,
kitang kita ang panginginig ng katawan nito kahit na nakapatay naman ang aircon pati ang electricfan.

Lahat sila nakatingin sa akin, inaabangan ba nila kung ano ang gagawin ko sa babaeng yan.

"Warren, dalhin mo na si Althea sa kuwarto mo." Baling sa akin ni Mama na ngayon ay nasa tabi na ni
Althea na tila may magagawa ang pag-akap niya dito para maibsan ang ginaw na nararamdaman ng
babaeng iyon.

"Ma, alam mo namang----"

"Enough Warren, just do what I say. Kailangan siyang macheck ni Sophia. Nanay Lupe pakitawagan si
Sophia, pakisabi emergency "

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit, labag man sa kalooban ko ay kinarga ko siya tulad ng sinabi
ni Mama at dinala sa aking silid

Doon ay pinalitan siya ng damit ni Mama na hiniram pa mula kay Allysa, pero bago pa pumayag ang
kapatid ko ay katakot takot na pilitan pa ang nangyari. Tiyak ko na nakita ni Mama ang mga pasa sa
katawan ng babaeng iyon. Sinasadya ko na magmamarka talaga ang bawat suntok at hampas na
ibinibigay ko sa kanya dahil gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang nagingitim niyang
balat dahil sa mga pasa.

Hindi tulad ng ginawa niya sa akin at sa pamilya ko. Walang nakakakita ng sugat na idinulot niya sa
akin, sugat na tila hindi naghihilom sa bawat araw na lumilipas.

Kung sinabi niya sa akin ng maaga na ayaw niya na sa piling ko ay marahil binigay ko ang gusto niya,
pero mas pinili niyang manatili sa tabi ko habang may ibang lalaki palang siyang kinakalantari.
Sigurado ako na pera ang dahilan kung bakit hindi niya ako maiwan iwan, dahil kung ikukumpara ang
yaman ko sa lalaki niya ay milya milya ang pagitan naming dalawa. Kumabaga nasa kataas taasan ang
yaman ko samantalang ang hayop na lalaking iyon ay nasa kailailaliman ng lupa.

Nagtungo na lamang ako sa study room ni Papa, ganoon pa rin ang ayos pero bumangon nanaman ang
galit ko nang makita ang family picture namin nakasabit sa likod ng swivel chair niya. Nakangiti
kaming lahat, wala kaming kamalay malay na may kasama pala kaming ahas picture na iyon.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko, ngayon lang...ngayon lang ako umiyak, kahit nang
ilibing si Papa ay wala ni isang luha ang lumabas sa mga mata ko. Ngayon lang habang tinititigan ko
ang nakangiti niyang mukha, kung sana ay hindi ko dinala ang babaeng iyon sa buhay namin ng
pamilya ko, kung sana hindi ko siya pinakasalan...buhay pa sana ang Papa, hindi namin naranasan ang
masaktan at mawalan ng isang ama. Kung maibabalik ko lang sana ang mga nangyari noon ay hindi
hindi ko na hahayaang makapasok pa sa pamilya ko si Althea.

Si Althea, siya ang napakalaking pagkakamali na nagawa ko. Hindi ko siya mapapatawad, sila ng
kanyang kabit, isama pa ang batang nasa sinapupunan niya ngayon. Sisiguradhin kong magiging
impiyerno rin ang buhay ng anak nila.

Chapter 4

“Dito na muna kayo manirahan uli ni Althea anak” natigil ako sa akmang pagsubo ng aking pagkain,
itinuloy ko kasi ang naudlot kong pag-aalmusal kanina dahil sa babaeng iyon. Napakaraming arte,
kaya naman palang tumayo upang uminom ng gamot gumawa pa ng eksena kanina. Kahit kailan ay
kulang sa pansin ang lintik na babaeng iyon.
Kung wala lang si Mama kanina sa silid ay iningudngod ko na siya sa sahig, kaya lang talagang
binantayan siya nina Mama at Vernice hanggang sa mapainom ng gamot.

“Okay naman ako sa bahay Ma, nakakakain naman ako” sabi ko na lang saka itinuloy ang pagsubo.

“Hindi ikaw ang inaalala ko Warren, si Althea. Sa mga nakita ko kanina, hindi ako matatahimik kung
kayong dalawa lang ang magkasama sa bahay. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo? Isa pa, alam mong
buntis si Althea, alam mo rin kung ano ang kondisyon niya bakit mo ginagawa iyon? Paano kung may
mangyaring masama sa bata, kakayanin ba ng kunsensya mo na ikaw mismo ang dahilan kung bakit
nawala ang anak mo?”

“Ma, ilang beses ko bang sasabihin na hindi sa akin iyon? Pasalamat nga siya kinukpkop ko pa siya,
hindi ko siya pinalayas kahit iniputan niya ako sa ulo. Saka bakit ka concern sa kanya? Ma, siya ang
dahilan ung bakit namatay si Papa, kung hindi dahil sa kanya at sa kalandian nya buhay pa sana si
Papa ngayon” naiinis kong wika, nawalan na ako nang ganang kumain, naiinis kong pinunasan ang
aking labi saka uminom ng tubig.

“Mauna na ako Ma, may kausap ako mamayang alas dies” paalam ko, ngunit hindi pa man ako
nakakatayo sa aking kinauupuan ay mahigpit na akong hinawakan ni Mama sa isang braso.

“Hindi ka aalis Warren, mag-uusap tayo hanggang sa tumanim diyan sa isip mo na mali ang ginagawa
mo sa asawa mo!”

“Ano bang mali Ma? Hindi ba at nakita mo na ang mga ebidensya ng kalandian niya? Sino ba ang
kasiping niya sa mga litratong iyon? Ako ba? Hindi ba si Matheo?”

“Nakita ko! Pero ako anak, pinaiiral ko ang isip ko, hindi ang damdamin ko! Nagpapaimbestiga ako,
ikaw ginawa mo ba? Kailan mo titigilan ang pananakit kay Althea? Kapag patay na ang asawa mo?
Kapag nalaglag na ang bata sa sinapupunan niya? Kailan mo paiiralin ang isip mo? May pera ka! Kaya
mong magbayad ng mga private investigators para kumpirmahin ang mga ipinupukol mo sa asawa mo,
bakit hindi mo gawin anak?”
“Sapat na sa akin ang mga nakita ko Ma” wika ko saka mabilis na umalis sa dining area, nakasalubong
ko pa si Walter na mukhang hindi rin nagustuhan ang mga sinabi ni Mama.

Habang nasa sasakyan ay walang tigil ang pagbabalik ng mga nangyari nitong mga nakaaang buwan,
gustong gusto kong sakalin si Althea lalo na sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwalang pati si
Mama ay nagawa niyang utuin, napangisi na lang ako, hanga talaga ako kay Althea, napakagaling
niyang artista.

Nagising ako mahihinang tapik sa aking balikat, kahit hirap na hirap akong imulat ang aking mata ay
ginawa ko pa rin, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mama, marahan niyang hinaplos ang
noo ko.

“Kaya mo bang tumayo?” malambing niyang tanong sa akin. Tango lamang ang nagawa kong isagot,
marahan akong kumilos, inalalayan naman ako ni Mama, nahihiya pa nga ako dahil sa nangyari kanina,
naabala pa sila sa pag-aagahan. Lalo na si Mama at Vernice na talaga namang hinintay pang matapos
ang pagtingin sa akin ni Ate Sophia bago umalis ng silid.

“Salamat po, naabala pa po kayo, uuwi na rin naman po kami mamaya ni Warren” nahihiya kong
sambit sa aking biyenan. Kinuha niya ang isa kong kamay at mahigpit iyong hinawakan, hindi naman
ako nasasaktan pero gulat akong napatingin sa kanya, doon ko nakita ang mga luhang unti-unting
namumuo sa kanyang mga mata.

“Mama--”

“Pasensya ka na anak” napahagulgol na si Mama, ako naman ay natigilan dahil wala akong maisip na
gawin nang mga oras na ito. Binitawan niya ang aking kamay at marahan niyang hinaplos ang aking
mga braso, paulit-ulit iyon, hanggang sa ang mukha ko naman ang marahan niyang hinaplos habang
wala siyang tigil sa pag-iyak. Ako naman ay nahihirapang na ring huminga dahil sa pagpipigil ng aking
mga luha.

“Sumama ka sa akin Althea, ihahatid kita sa Nanay at Tatay mo, ilalayo muna kita kay Warren.

“Pero Mama… paano po si Warren? Magagalit siya nang husto sa akin, natatakot po ako, baka
madamay sina Nanay at Tatay pati na ang mga kapatid ko kung aalis ako sa poder niya.”

“Huwag mong intindihin ang asawa mo, ako na ang bahala sa kanya. Kanina inisip ko na dito na lang
kayo tumira, pero narealize ko na kahit nandito kayo, kung gusto kang saktan ni Waren ay magagawa
niya, hindi ko kayang mangyari pa sa iyo ang mga pinagagagawa niya sa iyo nitong mga nakaraang
buwan, kaya naman iuuwi na lang muna kita sa probinsya ninyo hanggat sarado pa ang isip ng asawa
mo”

“Salamat po Mama…Pero baka po pati sa inyo magalit si Warren, tama na po na sa akin na lang siya
magalit, mas kailangan niya po kayo lalo na ngayon.”

“Huwag mo nang intindihin ang asawa mo hija please, isipin mo na lang ang bata, maawa ka rin sa
anak mo, hindi nyo dapat ito nararanasan hija, hindi ka dapat nasasaktan ng ganito. Diyos ko, Althea
maawa ka sa sarili mo. Anak ko si Warren pero halimaw na ang tingin ko sa kanya sa mga oras na ito,
kilala ko ang batang iyon masama talaga siyang magalit, hindi dito natatapos ang mga pananakit niya
sa iyo, kaya naman hanggat may pagkakataon umalis ka na dito” wika ni Mama, kitang kita ko sa
kanyang mga mata ang pinaghalo halong emosyon ngunit mas nangingibabaw doon ang desperasyon.

“Ito dalhin mo ito” iniabot niya sa akin ang isag tseke, ganoon na lamang ang gulat ko nang makita
ang nakasulat. Isang milyong piso, masyado na itong malaki para sa amin na simple lang ang
pamumuhay sa probinsya.

“Ma, masyado pong malaki ito-”


“Hindi anak, kulang pa nga iyan, isipin mo na lang ang mga gamot na kailangan mong inumin pati na
rin ang pang-inject mo, gusto kong makasiguro na maayos mong mailuluwal sa mundo ang apo ko.
Kapag nakapagpahinga ka na doon, ay magbukas ka ng account, at ipaalam mo sa akin ang mga
detalye upang makapag deposit ako kahit na ano mang oras.”

“Sobra-sobra na po ito” umiiyak ko na ring tugon, ayoko mang iwan si Warren ay kailangan ko nang
gawin, masakit mang aminin pero hindi na kami ligtas ng ipinagbubuntis ko sa piling ng kanyang ama,
ayoko mang talikuran ang sumpaan namin sa harap ng altar ay pikit mata akong aalis sa piling niya,
mayroong isang walang muang na bata ang maaaring mapahamak, tama na ang dalawang sanggol na
nawala sa amin noon.

“Patawarin mo sana si Warren sa mga ginagawa niya sa iyo, huwag kang mag-alala, malapit na itong
matapos”

“O-opo, mahal ko po si Warren, naiintindihan ko naman po ang pinanggagalingan ng galit niya, pero
po sana Mama, maniwala po kayo na wala po talaga akong alam sa mga ibinibintang niya, hindi ko po
sya kailanman pinagtaksilan” patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko, lahat ng mga nais kong
sabihin nitong mga nakaraang buwan ay nagawa kong bigkasin kay Mama.

“Oh siya sige, kumain ka na, inumin mo itong gamot, pagkatapos ay maligo ka na, ipinakuha ko ang
mga damit ninyo kanina sa bahay.” pagtatapos niya sa aming usapan.

“Sige po” muli niyang hinaplos ang aking pisngi pagkatapos ay tumayo na rin at lumabas ng silid, ako
naman, kahit nanghihina at wala pa ring gana ay pinilit na maubos ang inihandang pagkain, kailangan
iyon para mabilis na manumbalik ang aking lakas. Itinabi ko na ang tray sa side table at maingat na
tumayo mula sa kama, ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay biglang umikot ang aking paningin
pagkatapos ay tila nagdilim ang aking paligid.

“Hinayaan nyo na lang sana na sa bahay na lang yan Mama, magagastusan pa ako niyan” sita ni
Warren sa ina, nasa isang ospital sila ngayon kung saan dinala si Althea at kasalukuyang naka confine,
tumawag sa kanya ang ina kanina habang nasa kalagitnaan ng meeting at ibinalitang isinugod nga nila
ang babae sa ospital dahil nadatnan itong walang malay sa kanyang silid. Hini naman siya nag-alala sa
katunayan ay tinapos na muna niya ang nasabing meeting at naglibot-libot muna sa isang mall bago
niya puntahan ang asawa bagay na ikinagalit ng kanyang Mama, matagal tagal din siyang sinermunan
at tumigil lamang nang may pumasok na nurse.

“Ako ang magbabayad! Sobra ka na Warren! Wala ka talagang pagpapahalaga sa asawa at anak mo!
Sige umuwi ka na, ako na ang bahala kay Althea” pagtatboy nito sa kanya saka siya tinalikuran, inis
naman siyang lumabas ng silid na iyon, hindi naman siya aalis, babanatayan din naman niya ang
babae, mahirap na at baka makatakas pa ito sa kanyang poder. Kapag nangyari iyon ay hindi siya
makakaganti. Nagtungo lamang siya sa smoking area, yamot na nagbuga ng usok nang maalala na sa
mansyon na nga pala sila pansamantalang mamamalagi, lalo pang tumibay ang desisyon ng kanyang
ina nang malaman na kailangang mag bedrest si Althea. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang
kamao, tila ba nagangati ang mga ito at gustong manakit sa mga oras na iyon, sayang nga lang at
kasama ngayon ng kanyang Mama si Althea, dahil kung sila lang na mag-asawa ay walang sabi-sabi
niya paliliparin ang kanyang kamao sa ano mang parte ng katawan ng babae.

Chapter 5

Malakas na palo sa balikat ang gumising sa akin, nakita ko agad ang salubong na mga kilay ni Warren,
akma sana akong tatayo nang maramdaman ko na may kung anong bagay ang nakakabit sa aking
kaliwang kamay, doon ko lang naalala na nasa ospital pa nga pala ako. Mag-aapat na araw na ako dito
at kung papalarin ay makakauwi na rin ako bukas, iyon ang sabi sa akin ni Mama, yun nga lang ay
hindi na matutuloy ang plano namin na umuwi muna ako sa probinsya gawa nang maselan ang
kalagayan ko ngayon.

“Kumain ka, iinom ka pa daw ng gamot mo, pasalamat ka mahigpit ang bilin sa akin ni Mama na
pakainin ka kundi hahayaan kitang magutom diyan.” Bakas ang inis sa boses ni Warren kaya naman
pinilit kong tumayo kahit dahan-dahan. Kinuha niya ang tray saka iyon ipinatong sa aking mga hita,
mainit ang sabaw na nasa isang mangkok kaya nararamdaman ko iyon sa aking balat. Alam kong
nakikita ni Warren na hindi ako kumportable ngunit hindi man lang ito kumilos upang tulungan ako o
kuhanin man lang ang isang tray holder nasa isang sulok lang ng silid.
“Wa-Warren, puwede bang pakilagay dito yung--” hindi ko na naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko
paano ay isang matalim na tingin ang ipinagkaloob niya sa akin ngunit kumilos naman siya upang
ilapit sa akin ang bagay na iyon. Nagpasalamat na lang ako sa kanya pagkatapos, siya naman ay
tahimik na umupo sa couch at kinuha ang cellphone. Gusto ko mang tanungin kung sino ang kausap
niya ay hindi ko magawa at baka magalit nanaman siya sa akin, okay na nga nitong mga nakaraang
araw, kahit paano ay nababawasan na ang kanyang pananakit, unti-unti na ngang gumagaling ang
mga pasa na natamo ko sa mga nakaraan niyang pang bubugbog.

“Pagkalabas mo dito, doon muna tayo kina Mama tutuloy” gusto ko yatang maiyak. Iyon ang unang
beses sa loob ng isa at kalahating buwan na malumanay akong kinausap ng aking asawa, tila ba
nagbago na ang ikot ng mundo ko nang hindi ko marinig sa kanyang boses ang galit, bagkus ay
malumanay niya iyon sinambit sa akin.

“Na-nasabi nga sa akin ni Mama, pasesnya na kung pati sila naabala ko” tinatamad niya lang akong
tinignan pagaktapos ay muli niyang itinuon sa kanyang cellphone ang atensyon. Napasaya niya ako
ngayon, dahil siguro doon ay naubos ko ang aking pagkain, masaya ko ring hinaplos ang aking tiyan,
natutuwa talaga ako, ngunit ang tuwang iyon ay agad na napalis nang makita kong matalim na
tinititigan ni Warren ang aking tiyan. Agad kong ipinalibot ang aking mga kamay sa parte na iyon ng
aking katawan, ramdam ko rin ang pangininig ang aking kalamnan.

“Wala akong gagawin sa iyo, kaya tigilan mo ang kakaarte mo ng ganyan” wika niya sa akin. Nang
lumabas lang siya ng silid ay doon lang ako kumalma, hirap man akong kumilos ay nagawa kong iligpit
ang aking pinagkainan at itinabi iyon sa bedside table. Isinandal ko na lang ang aking likod at
tumanaw sa bintana, sa ganoong ayos ako naabutan ni Mama at Vernice.

“Hi Ate! Uuwi ka na bukas! Sabi ni Mama doon muna kayo titira ni Kuya? Tuturuan mo ako uli sa mga
assignments ko?" tila ba nagniningning ang mga matang tanong ni Vernice, tuloy ay hindi ko napigilan
ang mapangiti.

"Pasensya ka na hija, namimiss ka na talaga ni Vernice" wika ni Mama nang makalapit siya sa akin,
hinaplos niya muna ang kamay ko bago ibinaba ag mga dala niyang prutas sa table, si Vernice naman
ay pumuwesto na ng higa sa akjng tabi.
"Kumusta na anak? Mabuti at naubos mo ang pagkain mo" ani Mama, nang mapansin niya ang mga
pinagkainan ko. "Nakausap ko nga pala si Sophia, dalawang linggo ka munang nakabedrest hija"
napatango na lamang ako, mabuti nang ganoon kaysa mawala sa akin ang ipinagbubuntis ko. Napag
usapan na rin namin ni Mama ng pahapyaw ang balak namin na pag-uwi ko sa probinsya, maaantala
lamang iyon ngunit tuloy pa rin ang plano sa oras na umayos na ang kalagayan ko.

"May ginawa ba siya uli?" usal ni Mama, hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Vernice kaya naman
nagtanong ito kung ano ang pinag-uusapan namin kaya naman inutusan muna siya ni Mama na
pumunta na lamang sa ang dalaga sa clinic ni ate Sophia uoang makapag-usap kami nang sarilinan.

"Sinaktan ka ba uli ni Warren?" tanong uli ni Mama nang makalabas si Vernice, mukhang hindi naman
siya nababahala na baka dumating si Warren, marahil ay nagkita na sila ng asawa ko bago sila
pumasok dito.

"Hindi na po Mama, galit lang po siya kapag kinakausap ako pero hindi na niya ako sinaktan uli" sabi
ko na lang, hindi ko na binanggit ang hinawang paghampas sa akin ni Warren nang ginigising niya ako
kanina. Wala naman iyon kumpara sa mga naranasan ko sa kanya nitong mga nakaraan.

"Mabuti naman, dahil kung ipagpapatuloy niya pa rin iyon sa kalagayan mong iyan ay ako na mismo
anv magpapakulong sa kanya kahit na anak ko siya"

"Mama..."

"Patawarin mo rin sana ako at ang mga kapatid niya hija"

"wala naman po kayong ginagawa sa akin" napayuko ako, nahihiya kasi ako na tignan siya sa mga
mata. Wala naman kasi siyang ginagawang masama sa akin pero heto at humihingi siya ng
kapatawaran.

"Meron hija, dahil kahit ako, ikaw ang sinisi ko noon nang mamatay ang Papa mo, pero nang makita
ko kung ano ang hirap na pinagdadaanan mo sa kamay ni Warren, at kung paanong hindi nagbago ang
pakikitungo ni Vernice sa iyo kahit na nakita niya ang mga nangyari sa opisina nang atakihin si Alfred,
para akong natauhan, hindi mo deserve iyon, lalo na at hindi mo magawang ipagtanggol ang sarili mo,
ni hindi ka namin bingyan ng pagkakataan na makapgpaliwanag, nahihiya ako sa inasal ko at nang
aking mga anak."

"Huwag niyo na pong alalahanin iyon. Naiintindihan ko naman po kayo, sana lang po, maayos namin
ni Warren ang problema namin sa madaling panahon. Ayoko naman pong isilang ang bata na galit at
hindi siya kinikilala ng Tatay niya."

"Don't worry hija, malapit nang matapos ito, sana lang sa oras na malaman natin lahat ang
katotohanan ay hindi pa huli ang lahat para sa inyong mag-asawa"

"Akala ko ba pinagbabantay ka ni Mama sa ospital?" pag-uusisa sa akin ni Walter nang datnan niya
ako sa opisina.

"May pinirmahan lang ako, nandoon naman si Mama at Vernice" wika ko saka tinungo ang aking table,
saglit na inayos ang mga papeles doon at saka siya hinarap, napakunot pa ang noo ko nang makita ang
tila nang-iinis niyang tingin at ngisi sa akin. Kumuha ako ang maaaring ibato sa kanya sa ibabaw ng
table, alam na niya ang kasunod noon kaya naman agad na itinaas niya ang dalawang kamay.

"Wala akong ginagawa!" aniya pero tumatawa na ang gago, minsan naiisip ko nakakayamot itong si
Walter pero wala akong magawa kundi ang tiisin siya dahil nga kapatid ko siya.

"Huwag mo akomg tignan ng ganyan baka makita mo hinahanap mo" kunway banta ko pa, lumapit
ako sa kanya saka mahina siyang sinuntok sa mga braso.
"Aray naman! Inaano kita?" reklamo pa niya, nginisian ko lang din siya saka inakbayan, kahit naman
nayayamot ako sa kanya siya pa rin ang itinuturing kong matalik na kaibigan, dalawa lang kasi kaming
lalaki sa magkakapatid kaya naman kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan sa mga kalokohan.

"Kuya" hinarap niya pa talaga ang mukha niya sa akin kaya nalukot nanaman ang mukha ko, sanay
naman na siya sa ugali kong iyon kaya tinatawanan na lang niya. "Hindi mo ba hihiwalayan si Althea?"
inalis ko ang pagkakaakbay ko sa kanya saka humalikipkip.

"No, wala akong balak, mas gusto ko yung nakikita ko siyang nasasaktan" tiim-bagang kong wika.

"Sigurado ka? Eh di ayos lang din sa iyo na dalhin ng anak niya ang apelyido mo? Pag nangyari yun,
para mona ring inako ang anak niya sa ibang lalaki, isa pa, magiging legal na Saavedra yung bata,
magkakaroon pa iyon ng karapatan sa pera mo."

"Mamamatay muna siya bago niya magamit ang apelyido natin Walter"

"Ikaw kuya, nasasaiyo naman iyan, desisyon mo iyan, ang sa akin lang mas okay na rin siguro na
hiwalayan mo na yang asawa mo, puro kamalasan ata dala niyan, saka baka mabrainwash pa niyan si
Vernice."

"Pag-iisipan ko" sabi ko na lang, nagpaalam na siyang babalik na sa kanyang opisina, bahagya pa
akong natawa dahil wala pa naman talagang balak bumalik uli ang isang iyon, nakita niya lang ma
sumilip na sa pinto ang sekretarya niya kaya napilitang umalis.

Napaisip ako sa sinabi ni Walter, may punto naman kasi siya, siguro nga mas mabuti kung hihiwalayan
ko si Althea, pero sisiguraduhin ko muna na wala siyang makukuha kahit na singko mula sa akin at sa
pamilya ko. Agad kong inabot ang telepono, hanggat hindi pa nakakapanganak ang babaeng iyon,
aasikasuhin ko na ang pakikipaghiwalay sa kanya. Tama si Walter, maigi nang hiwalayan ko ang
babaeng iyon, hindi naman doon matatapos ang pag-ganti ko sa kanya, sisiguraduhing kong magiging
impyerno pa rin ang buhay niya kahit magkahiwalay na kami.
Chapter 5

Malakas na palo sa balikat ang gumising sa akin, nakita ko agad ang salubong na mga kilay ni Warren,
akma sana akong tatayo nang maramdaman ko na may kung anong bagay ang nakakabit sa aking
kaliwang kamay, doon ko lang naalala na nasa ospital pa nga pala ako. Mag-aapat na araw na ako dito
at kung papalarin ay makakauwi na rin ako bukas, iyon ang sabi sa akin ni Mama, yun nga lang ay
hindi na matutuloy ang plano namin na umuwi muna ako sa probinsya gawa nang maselan ang
kalagayan ko ngayon.

“Kumain ka, iinom ka pa daw ng gamot mo, pasalamat ka mahigpit ang bilin sa akin ni Mama na
pakainin ka kundi hahayaan kitang magutom diyan.” Bakas ang inis sa boses ni Warren kaya naman
pinilit kong tumayo kahit dahan-dahan. Kinuha niya ang tray saka iyon ipinatong sa aking mga hita,
mainit ang sabaw na nasa isang mangkok kaya nararamdaman ko iyon sa aking balat. Alam kong
nakikita ni Warren na hindi ako kumportable ngunit hindi man lang ito kumilos upang tulungan ako o
kuhanin man lang ang isang tray holder nasa isang sulok lang ng silid.

“Wa-Warren, puwede bang pakilagay dito yung--” hindi ko na naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko
paano ay isang matalim na tingin ang ipinagkaloob niya sa akin ngunit kumilos naman siya upang
ilapit sa akin ang bagay na iyon. Nagpasalamat na lang ako sa kanya pagkatapos, siya naman ay
tahimik na umupo sa couch at kinuha ang cellphone. Gusto ko mang tanungin kung sino ang kausap
niya ay hindi ko magawa at baka magalit nanaman siya sa akin, okay na nga nitong mga nakaraang
araw, kahit paano ay nababawasan na ang kanyang pananakit, unti-unti na ngang gumagaling ang
mga pasa na natamo ko sa mga nakaraan niyang pang bubugbog.

“Pagkalabas mo dito, doon muna tayo kina Mama tutuloy” gusto ko yatang maiyak. Iyon ang unang
beses sa loob ng isa at kalahating buwan na malumanay akong kinausap ng aking asawa, tila ba
nagbago na ang ikot ng mundo ko nang hindi ko marinig sa kanyang boses ang galit, bagkus ay
malumanay niya iyon sinambit sa akin.

“Na-nasabi nga sa akin ni Mama, pasesnya na kung pati sila naabala ko” tinatamad niya lang akong
tinignan pagaktapos ay muli niyang itinuon sa kanyang cellphone ang atensyon. Napasaya niya ako
ngayon, dahil siguro doon ay naubos ko ang aking pagkain, masaya ko ring hinaplos ang aking tiyan,
natutuwa talaga ako, ngunit ang tuwang iyon ay agad na napalis nang makita kong matalim na
tinititigan ni Warren ang aking tiyan. Agad kong ipinalibot ang aking mga kamay sa parte na iyon ng
aking katawan, ramdam ko rin ang pangininig ang aking kalamnan.

“Wala akong gagawin sa iyo, kaya tigilan mo ang kakaarte mo ng ganyan” wika niya sa akin. Nang
lumabas lang siya ng silid ay doon lang ako kumalma, hirap man akong kumilos ay nagawa kong iligpit
ang aking pinagkainan at itinabi iyon sa bedside table. Isinandal ko na lang ang aking likod at
tumanaw sa bintana, sa ganoong ayos ako naabutan ni Mama at Vernice.

“Hi Ate! Uuwi ka na bukas! Sabi ni Mama doon muna kayo titira ni Kuya? Tuturuan mo ako uli sa mga
assignments ko?" tila ba nagniningning ang mga matang tanong ni Vernice, tuloy ay hindi ko napigilan
ang mapangiti.

"Pasensya ka na hija, namimiss ka na talaga ni Vernice" wika ni Mama nang makalapit siya sa akin,
hinaplos niya muna ang kamay ko bago ibinaba ag mga dala niyang prutas sa table, si Vernice naman
ay pumuwesto na ng higa sa akjng tabi.

"Kumusta na anak? Mabuti at naubos mo ang pagkain mo" ani Mama, nang mapansin niya ang mga
pinagkainan ko. "Nakausap ko nga pala si Sophia, dalawang linggo ka munang nakabedrest hija"
napatango na lamang ako, mabuti nang ganoon kaysa mawala sa akin ang ipinagbubuntis ko. Napag
usapan na rin namin ni Mama ng pahapyaw ang balak namin na pag-uwi ko sa probinsya, maaantala
lamang iyon ngunit tuloy pa rin ang plano sa oras na umayos na ang kalagayan ko.

"May ginawa ba siya uli?" usal ni Mama, hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Vernice kaya naman
nagtanong ito kung ano ang pinag-uusapan namin kaya naman inutusan muna siya ni Mama na
pumunta na lamang sa ang dalaga sa clinic ni ate Sophia uoang makapag-usap kami nang sarilinan.
"Sinaktan ka ba uli ni Warren?" tanong uli ni Mama nang makalabas si Vernice, mukhang hindi naman
siya nababahala na baka dumating si Warren, marahil ay nagkita na sila ng asawa ko bago sila
pumasok dito.

"Hindi na po Mama, galit lang po siya kapag kinakausap ako pero hindi na niya ako sinaktan uli" sabi
ko na lang, hindi ko na binanggit ang hinawang paghampas sa akin ni Warren nang ginigising niya ako
kanina. Wala naman iyon kumpara sa mga naranasan ko sa kanya nitong mga nakaraan.

"Mabuti naman, dahil kung ipagpapatuloy niya pa rin iyon sa kalagayan mong iyan ay ako na mismo
anv magpapakulong sa kanya kahit na anak ko siya"

"Mama..."

"Patawarin mo rin sana ako at ang mga kapatid niya hija"

"wala naman po kayong ginagawa sa akin" napayuko ako, nahihiya kasi ako na tignan siya sa mga
mata. Wala naman kasi siyang ginagawang masama sa akin pero heto at humihingi siya ng
kapatawaran.

"Meron hija, dahil kahit ako, ikaw ang sinisi ko noon nang mamatay ang Papa mo, pero nang makita
ko kung ano ang hirap na pinagdadaanan mo sa kamay ni Warren, at kung paanong hindi nagbago ang
pakikitungo ni Vernice sa iyo kahit na nakita niya ang mga nangyari sa opisina nang atakihin si Alfred,
para akong natauhan, hindi mo deserve iyon, lalo na at hindi mo magawang ipagtanggol ang sarili mo,
ni hindi ka namin bingyan ng pagkakataan na makapgpaliwanag, nahihiya ako sa inasal ko at nang
aking mga anak."

"Huwag niyo na pong alalahanin iyon. Naiintindihan ko naman po kayo, sana lang po, maayos namin
ni Warren ang problema namin sa madaling panahon. Ayoko naman pong isilang ang bata na galit at
hindi siya kinikilala ng Tatay niya."
"Don't worry hija, malapit nang matapos ito, sana lang sa oras na malaman natin lahat ang
katotohanan ay hindi pa huli ang lahat para sa inyong mag-asawa"

"Akala ko ba pinagbabantay ka ni Mama sa ospital?" pag-uusisa sa akin ni Walter nang datnan niya
ako sa opisina.

"May pinirmahan lang ako, nandoon naman si Mama at Vernice" wika ko saka tinungo ang aking table,
saglit na inayos ang mga papeles doon at saka siya hinarap, napakunot pa ang noo ko nang makita ang
tila nang-iinis niyang tingin at ngisi sa akin. Kumuha ako ang maaaring ibato sa kanya sa ibabaw ng
table, alam na niya ang kasunod noon kaya naman agad na itinaas niya ang dalawang kamay.

"Wala akong ginagawa!" aniya pero tumatawa na ang gago, minsan naiisip ko nakakayamot itong si
Walter pero wala akong magawa kundi ang tiisin siya dahil nga kapatid ko siya.

"Huwag mo akomg tignan ng ganyan baka makita mo hinahanap mo" kunway banta ko pa, lumapit
ako sa kanya saka mahina siyang sinuntok sa mga braso.

"Aray naman! Inaano kita?" reklamo pa niya, nginisian ko lang din siya saka inakbayan, kahit naman
nayayamot ako sa kanya siya pa rin ang itinuturing kong matalik na kaibigan, dalawa lang kasi kaming
lalaki sa magkakapatid kaya naman kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan sa mga kalokohan.

"Kuya" hinarap niya pa talaga ang mukha niya sa akin kaya nalukot nanaman ang mukha ko, sanay
naman na siya sa ugali kong iyon kaya tinatawanan na lang niya. "Hindi mo ba hihiwalayan si Althea?"
inalis ko ang pagkakaakbay ko sa kanya saka humalikipkip.
"No, wala akong balak, mas gusto ko yung nakikita ko siyang nasasaktan" tiim-bagang kong wika.

"Sigurado ka? Eh di ayos lang din sa iyo na dalhin ng anak niya ang apelyido mo? Pag nangyari yun,
para mona ring inako ang anak niya sa ibang lalaki, isa pa, magiging legal na Saavedra yung bata,
magkakaroon pa iyon ng karapatan sa pera mo."

"Mamamatay muna siya bago niya magamit ang apelyido natin Walter"

"Ikaw kuya, nasasaiyo naman iyan, desisyon mo iyan, ang sa akin lang mas okay na rin siguro na
hiwalayan mo na yang asawa mo, puro kamalasan ata dala niyan, saka baka mabrainwash pa niyan si
Vernice."

"Pag-iisipan ko" sabi ko na lang, nagpaalam na siyang babalik na sa kanyang opisina, bahagya pa
akong natawa dahil wala pa naman talagang balak bumalik uli ang isang iyon, nakita niya lang ma
sumilip na sa pinto ang sekretarya niya kaya napilitang umalis.

Napaisip ako sa sinabi ni Walter, may punto naman kasi siya, siguro nga mas mabuti kung hihiwalayan
ko si Althea, pero sisiguraduhin ko muna na wala siyang makukuha kahit na singko mula sa akin at sa
pamilya ko. Agad kong inabot ang telepono, hanggat hindi pa nakakapanganak ang babaeng iyon,
aasikasuhin ko na ang pakikipaghiwalay sa kanya. Tama si Walter, maigi nang hiwalayan ko ang
babaeng iyon, hindi naman doon matatapos ang pag-ganti ko sa kanya, sisiguraduhing kong magiging
impyerno pa rin ang buhay niya kahit magkahiwalay na kami.

You might also like