You are on page 1of 5

Chained Hearts

Kanina ko pa pinipilit pahabain ang pasensya ko habang nakikinig sa kanilang usapan. Alam kong dapat hindi naman talaga ako
kasama dito. Alam kong isa lamang akong palamuti sa hapag. Pero dahil na rin sa natitirang respeto sa magulang ko ay pinili kong
manatili.

Hindi naman maalis ang ngiti ng aking nakakatandang kapatid. Mukhang nasisiyahan pa ito sa mga komplementong natatangap
mula sa mga taong nasa kaniyang paligid. Hindi ko naman masisi ang mga tao dahil kumpara sa kaniya, higit na higit sa lahat ng
aspeto ang aking kapatid. Ayokong makipagkumpetensya dahil alam kong sa simula pa lang wala na akong laban. Sa simula pa
lang, isa na akong talunan.

"Haven't you tried enrolling to Harvard Lien? My son is there, he can accompany you."

"I'll think about it tita." Ngumiti ito pabalik sa ginang. "My sister is actually interested in passing an application to Harvard school of
Law."

Napaangat ako ng tingin sa aking kapatid. May ngising hilaw ito sa labi habang nakatingin sa akin. Natahimik naman ang hapag
dahil sa sinabi nito. My mom interrupted with an awkward laugh. "Carah is not as intelligent as Lien. I will be glad if she'll just
continue her studies here in the country."

Napayuko na lamang ako. Alam ko naman ang bagay na iyon. I can never be greater compare to Lien. She's a perfection in the
eyes of many, while I, on the other hand, is a complete failure.

Hindi ko na nakayanan ang mga salitang lalabas pa sa kanilang mga bibig at napagdesisyonan ko nang tumayo.

"May aasikasuhin lang po ako. Mauna na po ako." Ngumiti ako sa lahat ng nasa lamesa. Nakalarawan ang panghuhusga ng lahat
sa akin. They will never like me. They will never like an orphan to the family.

Alam naman ng lahat na ampon lamang ako. Hindi ko naman ikinahihiya ang bagay na iyon. My Dad who actually adopted me was
the best Dad I could have ever imagined. Hindi niya pinaramdam na iba ako. Hindi niya pinaramdam na ibang dugo ang
nananalaytay sa ugat ko. I will be forever thankful to him.

Pero ngayon ay nasa ibang bansa siya para asikasuhin ang negosyo doon. Naiwan ako sa pamamahay kasama si mommy Frea at
ang ate kong si Lien. Casual kaming tatlo sa isa't-isa.

Napagpasyahan kong lumabas at magtungo sa garden ng bahay. Madalas ay dito ako pumupunta para mag-isip o kaya’y
magpalamig ng ulo. Hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan dahil na rin sa madalas lamang akong kutyain na ampon dahil na rin sa
impluwensya na mayroon ang kapatid ko. She has all people around her bowing their head on her. Ganoon siyang tao.

“Spacing out?” Napapitlag ako ng may estrangherong lumapit sa kinalalagyan ko at umupo pa talaga sa tabi ko.

“Do I know you?” ngumisi naman ito.

“Let me think...” Tiningnan ko naman siya ng buong pagtataka. Alam kong may mga guard ang bahay namin at kung magnanakaw
man siya ay napakagaling niya para lusutan ang mga ito. “...No.”

“Then, I have to go.” Lalakad na akong palayo mula rito nang pigilan niya ako. Agad naman akong napaso sa klase nang
pagkakahawak niya kaya agad kong iniwas ang aking braso mula sa kaniya. “Magnanakaw ka ba?”

Nagulat naman ako ng tumawa ito nang malakas. Napahampas na lang ako ng palad sa noo ko. Mukhang may sapak pa ata ito.
“Masyado akong gwapo para maging magnanakaw Carah.” Nahintakutan naman ako dahil alam niya ang pangalan ko.

“Sino ka ba talaga? Tatawag ako ng mga guard.” Mukha namang tuwang-tuwa pa itong makita ang galit na rumerehistro sa mukha
ko. Sasagot pa lamang ito ng dumating si Mommy Frea. Mukha pa itong nagtataka nang makitang may kasama ako. Ngunit agad
din nagbago ang rekasyon nito nang maaninagan ang mukha ng lalaki.

“Larc? My goodness! Is that you Larc?” Larc? Bakit parang pamilyar ito sa pandinig ko?

Lumapit sa amin si Mommy Frea na hindi mapaglagyan ang tuwa matapos makita ang estrangherong nangangalang Larc. Parang
narinig ko na ang pangalan niya kung saan ngunit hindi ko makumpirma kung kailan at saan eksakto.
Nasagot ang mga katanungan ko pagpasok sa loob bahay. Natatandaan ko na siya. Siya ang kapatid ni Lien nagpunta ng States
para mag-aral. Nakatira ito sa mga magulang ni Mommy Frea. Nakasama ko lamang siya ng ilang buwan noon at nagulat na lang
ako ng pinadala siya sa ibang bansa. We never talked before dahil madalas niya akong iwasan. Halos labindalawang taon na rin
iyon.

“You’ve grown so much Carah. Ni hindi kita nakilala.” Hindi ko alam kung anong tamang maging reaksyon kaya’t tumango na
lamang ako. Wala akong natatandaaang naging malapit kami sa isa’t-isa. Limang taon ang tanda nito sa akin. Labing siyam na taon
na ako ngayon.

Nauna na akong umalis sa kanila. Nagkwentuhan pa ang tatlo at napagdesisyon kong magpalit na ng pantulog. Paglabas ko ng
banyo ay nagulat akong nasa kama ko na ito.

“Bakit ka nandito kuya Larc?” Siguro naman tama lang na tawagin ko itong kuya dahil kapatid ko na rin naman ito.

“Drop the Kuya, Larc is fine. Matutulog, ano pa ba?” Tiningnan ko naman siya na halatang hindi makapaniwala sa mga salitang
lumabas sa bibig nito.

“Maraming kwarto ang bahay na ‘to. Hindi ka naman siguro naubusan at balak mong dito matulog.” Hindi ko napigilang tarayan ito
kahit wala naman ito sa pag-uugali ko. Kanina pa itong nangiinis at hindi ko na nagugustuhan. Feeling nito ay matagal na kaming
magkakilala.

“Your room is cosier. I’ll take the sofa, you take the bed then.” Kinuha nito ang ilang unan sa kama at pumwesto na sa sofa na
naroon. May kalakihan siyang tao at hindi ko lubos maisip na ipagsisiksikan niya ang sarili roon.

Napabuntunghininga na lamang ako at umayos ng pwesto sa aking kama. Nakokonsensya man ay hindi ko na ito pinigilan.
Kagustuhan niya iyon kaya wala na akong magagawa pa.

Ilang linggo na itong nasa bahay at ilang linggo na rin nitong sinisira ang araw ko. Lien always rolls her eyes on me tuwing nakikita
kami ng kuya niya na magkasama. She hates me, I know. Pero hindi naman ako ang lumalapit sa lalaki. He seemed really happy
being my day destroyer.

“Do you have liking with my brother?” isang araw tanong sakin ni Lien. Nakaupo kami parehas sa lamesa at kumakain ng agahan.

“You mean our brother. I don’t like him like what you are having in your mind right now.” Napairap naman ito sa narinig mula sa akin.
“Alam kong hanggang ngayon hindi mo pa rin ako tangap bilang kapatid but no worries the feeling is mutual.”

“Buti alam mo.”

Hindi na muli kaming nagimikan ng mula sa second floor y tumakbong pababa ang kuya namin na walang pantaas. Akala ata nito’y
may swimming pool sa sala at talagang idinidisplay pa nito ang katawan niya. Hindi naman dapat akong mailang pero hindi ko
mapigilan. Kusa akong napaiwas ng tingin mula rito.

“Hello beautiful ladies!” Masigla nitong bati at hindi maipagkakailang nakadagdag sa dating nito ang dalawa nitong biloy sa
magkabilang pisngi. He seated beside me and I was stunned when his lips reached my cheeks. Mukhang hindi naman ito nakita ni
Lien.

“What was that for?”

“A greeting, I guess. May masama ba doon?” Siguro sa ibang bansa ay ayos lamang iyon. Siguro kung normal na magkapatid kami
ay ayos lamang. Pero ni hindi ko pa nga rin lubos maisip na kapatid ko siya. Hindi pa ako sanay sa presensya niya.

Pinagkibit balikat ko na lamang iyon. Dumiretso ako sa eskwelahan pagkatapos at normal naman naging takbo ng araw kong iyon
maliban na lang ng dumatig ang uwian. May ilang patuloy na pasulyap-sulyap sa parking lot ng school. Doon kasi ang daan ko
pagumuuwi. Sinusundo kasi ako doon ng driver namin.

Nagdire-diretso lamang ako ng lakad ng biglag may tumawag sa pangalan ko na agad kong ikinalingon. Nahagip naman ng mata ko
si Kuya na Larc na lumalakad papalapit sa akin. Malakas talaga ang dating nito dahil sa banyaga nitong itsura mula sa adoptive
father ko.

“Snobber.”

Hindi ko naman binigyang pansin ang sinabi nito. “Bakit ka nandito?”


“Sinusundo kita.”

“May driver ako.”

“Ako ang driver mo ngayon.” Napahugot ako ng malalim na hininga. “Stop being stubborn Carah.”

“I am not!” He giggled and then my world stops. This is not good. I know this will never be good for me. “Magcocommute na lang
ako.”

“I won’t allow it.” Nagulat ako nang hatakin ako nito sa kotse nito at agad pinasok sa passenger seat sabay lock nito. Hindi na tuloy
ako nagkaroon ng panahon upang tumakas.

Hindi ako umimik hanggang sa nakarating kami sa bahay. Lien automatically narrowed her eyes when she saw us getting inside the
house together.

“What’s the meaning of this Larc?” may inis sa boses nito. “Nilalandi ka ba ng babaeng ‘yan?”

“We can talk later Lien.” Ngunit hindi ito nagpatinag at lumapit kung nasaan ako.

“Ganyan ka ba ka desperado na maging kabilang ng pamilyang ‘to?! Kung sana hindi ka na lang inampon ni Dad edi sana mas
masaya ang pamilya ko. Edi sana hindi aalis si Kuya Larc!” Hindi ko naman naintindihan ang gusto nitong ipahiwatig. “You are a
wreck in this family. You will never be welcome here. Dream on pero hindi ka matatangap ng pamilyang ‘to kahit kailan! Stop flirting
with my brother! Stop messing our lives!”

“Shut up Lien!” Nanindig naman ang balahibo ko ng sumigaw na si Kuya Larc. Hindi ko pa siya narinig na nagalit simula ng
dumating siya dito.

“Bakit ba ganyan katindi ang galit mo sa akin? I tried my hardest to be your shadow. Ni minsan hindi kita sinapawan. Sa lahat ng
bagay pinagbibigyan kita. I never tried labelling myself being part of your family. Kung ano man yang hinahakit mo sa akin ay hindi
ko na problema.” Tumalikod na ako pero napatigil ako sa sinabi nito.

“We were happy before you came. Kuya Larc sacrificed his all just for you to stay. Ang tanga niya ‘di ba?” Lumingon ako pero nakita
ko na lang na hila na ni Kuya Larc si Lien papalabas ng bahay.

Hindi ako nakatulog ng gabing ‘yon. Ginugulo ang isip ko ng mga sinabi ni Lien. What sacrifice is she saying? Hindi ko alam kung
anong kaugnayan ng nakaraan ko kay kuya Larc. Tanda ko lang na inampon ako ng kinikilala kong ama sa edad na pito. Nakilala
ko si Lien. Nakilala ko si Kuya Larc. Nakilala ko si Mommy Frea. Maliban doon wala na.

“Can’t sleep?” Napalinga ako sa pinto kung nasaan siya. Lumapit siya sa akin kaya umayos ako ng upo sa kama. “Kung tungkol sa
sinabi ni Lien yang pinapangamba mo, wala lang ‘yon.”

“I don’t trust your words.”

“You should. From now on, you should.” Parang may kakaibang dating ang mga salita nito na agad ko na lamang na ikinatango.
There’s something inside me that changes when he’s near me. Alam kong mali ‘yon. Magkapatid kami.

Simula ng araw na ‘yon ay pinilit ko munang iwasan si Lien kahit nagpapanabay kami sa hapag. Si Kuya Larc naman ay balik
lamang sa pangiinis sa akin araw-araw. Mukhang okay na din naman sila ni Lien kaya hindi na ako nagtanong pang muli. Nasa
hapag kaming tatlo ng dumating si Mommy Frea kasama si Daddy.

Nakangiti ito habang tinatawag kaming tatlo. Agad lumapit si Lien and hugged her father tightly. Kuya Larc seemed to be awkward
with Dad pero tumango na lamang ito. Napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako at lumapit sa kaniya para yakapin siya. It’s been a
while that I feel safe.

“Larc pagkatapos kumain pumunta ka sa office ko.” Nawala ang masayang imahe ni kuya at tumango lamang sa utos ni Dad.

Napasulyap ako kay Lien na tanging pag-irap lamang ang sinukli sa akin.

Nang tanghali ding iyon balak ko sana silang dalhan ng maiinom. Napatigil ako nang makita ang paglapat ng kamao ni Dad sa
mukha ni kuya Larc. Gusto ko itong takbuhin para patigilin si Dad pero nanigas lamang ako sa kinatatayuan ko.

“Why did you comeback, huh? I told you to stay away from Carah!”
“Anak mo pa rin naman ako ‘di ba na pinatapon mo sa America. You chose your legacy over me, over us. You chose to see me
miserable. Now I’m back Dad. You should have bid me a better welcome. ”

“You know why I did that son.” Natawa naman ito sa sinabi ng ama nito.

“Son? How lovely hearing that word from you Dad.” Sinapo nito ang mukha sakto namang napatingin siya sa direksyon ko.
“C...carah” Nakatingin lamang ako sa kaniya.

“Wala akong maintindihan. Ano ba talagang mayroon. Are you hiding something from me?”

Parehas silang walang masabi,

Pinili kong umalis at magkulong sa kwarto. Ilang beses nila akong ginustong kausapin pero ako na mismo ang umiwas. Hatinggabi
ng may kumatok sa pinto. Pagod na ako. Binuksan ko ang pinto at hindi inaasahang ito ang makikita ko.

“Papasok ako.” Hindi naman na ako nakipagtalo at pinapasok siya. Lien sat comfortably on the sofa while she crossed her legs.

“Anong pinunta mo?”

“To tell everything you didn’t know Carah. My brother is suffering hanggang ngayon ng dahil sa’yo!” Halatang may hinanakit sa mga
salita nito.

“Hindi ko alam ang mga sinasabi mo.” Umupo ako sa tapat niya at hinintay siyang magsalita.

“Thirteen years ago Dad happened to joined a charitable works. Ang bahay na pinagmulan mo ang ampunang pinuntahan nila
Daddy. We were with him. Kuya happened to see you there. Naiyak ka daw. Nakakaawa ka daw tingnan. He don’t have the courage
to talk to you so he asked Dad if he can adopt you. It took him a year for Dad to approve his request.” Napatingin siya sa akin.
“January twelve, that’s the exact date I quarrelled with my brother. Hindi ko matangap na inampon ka. Dad is okay with it, mom
didn’t complain for she loves my dad so much.”

Nakita ko ang pamumuo ng luha nito. “You don’t know that my brother sacrifice his all at the age of eleven. He wanted to help you
so badly that everything he has, he gave it all to you. The luxurious life, he surrendered it all just for you. He’s in love with you. He
fell in love with you. He never cried when Dad learned about it and punched him straight to the face. You’re unaware of it. Wala
kang alam. Itinakwil niya si Kuya at pinatapon sa America and now he’s back. Ni hindi mo nga siya naalala ‘di ba? Kaya naiinis ako
sa’yo! Naiinis ako dahil ng dahil sa’yo itinakwil si kuya!”

Namuo ang luha sa mata ko sa mga rebelasyong nalaman ko. Hindi ko man lang siya natandaan. Hindi ko man lang nalaman itong
lahat. Bakit ngayon lang? Pero ano namang magagawa ko kung nalaman ko ito ng mas maaga?

“I don’t know.”

“At wala siyang balak sabihin. Baka nga bukas ipatapon na naman siya ni Dad. Alam kong tatangapin niya iyon para sa ikabubuti
mo. Yun naman lang ang mahalaga sa kaniya.”

Hindi ko na hinintay ang mga susunod nitong sasabihin ng takbuhin ko na nag kwarto kung nasaan si kuya Larc. Nakita ko siyang
nagiimpake ng gamit. Dahan-dahan akong lumapit. Nagtutuluan ang luha ko.

He’s in love with you.

Nung mga panahong akala ko walang nagmamahal sa akin, nandoon siya.

“Kuya Larc.” Napatigil ito pero hindi nagtangkang lumingon. “Kuya Larc, s...salamat.” Napatingala ito bumalik na sa pag-aayos ng
gamit.

“You don’t have to say thank you. Wala naman akong nagawa para sa’yo.” I hated him now for lying. “Wala ng mangugulo sa’yo.
Live just the way you are supposed to. Sorry sa abala.” Naging garalgal ang boses nito.

Hindi ko napigilan at lumapit na ako sa kaniya. He did not move. He did not utter any word. He let me hugged him tight. Natatakot
ako na pagbumitaw ako mawawala siya.

“Can’t you be selfish kuya?”


“I am selfish enough to come back here kahit alam kong hindi na dapat.” Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya.

“For thirteen years keeping a blind eye on this, I’m sorry. For thirteen years that you sacrificed for me, thank you. For thirteen years I
am very thankful to you. For thirteen years of loving me,” Bumitaw ako sa kaniya at hinarap siya. Pulang-pula na ang mata nito.
Marahan kong hinaplos and pisngi niya. “Thank you. And for coming back to us, thank you Larc.”

“You’re welcome.” Nakangiti na ito ngayon, napangiti na rin ako.”Thank you for the farewell message.”

Na unti-unting ikinabura ng ngiti ko. No, he won’t leave again. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag-umalis pa siya.

“You’re not leaving son.” Mula sa pinto ay nakatayo na doon si Dad, si Lien, at si Mommy Frea. Nabaling ang tingin sa akin ni
Daddy. “Chase your happiness with my son Carah. And son never let my daughter cry.”

I saw our Dad’s face smiling at us.

Parehas kaming napangiti sa isa’t-isa.

“Falling in love with you in span of two months is a miracle already.” Natatawa kong saad.

Nakangiti na rin ngayon si Lien sa aming dalawa.

“And falling in love with a six years old girl while crying while her underwear was showing, happened to be a miracle too.” Naningkit
ang mata ko sa sinabi nito dahil hindi na iyon matandaan.

My dad laugh, Lien is laughing her heart out same with Mom. He looked at me while laughing at hindi ko napigilang matawa na rin.

You might also like