You are on page 1of 8

Sa Liwanag ng Buwan

Ganito pala dito, hindi gaanong magkakadikit ang mga bahay. Maluwag ang
kalsada at nakapila ang mga puno sa tabi nito, wari’y mga guwardiya na nakatayo
sa daraanan ng mga hari at reyna. Sa tabi ng kalsada ay makakakita ka ng mga
kalabaw, kambing, baka at mga manok na inaalagaan ng kanilang amo an iba
naman ay waring namamasyal lamang. Ito ang mga napansin ko habang papunta
kami sa probinsiya sakay ng inarkila ni tatay na jeep sa kanyang kaibigan na
matagal na nitong hindi nakikita, nakilala daw niya ito noong siya’y sundalo pa.
Maalikabok at lubak-lubak ang kalsada, paano’y hindi pa noon sementado ang mga
kalsada. Tinakpan ko pa ng panyo ang aking ilong para hindi ako ubuhin dahil sa
mga alikabok. Hindi ko na napansin ang oras dahil naaliw ako sa panonood ng mga
hayop at magagandang tanawing aming nadadaanan, mga ilang sandali pa ay
nakarating kami sa isang bayan, bayang ngayon ko lamang nakita at hindi ko alam
ngunit ramdam kong malapit ito sa aking buhay.

May malaking plaza sa gitna ng bayan, sa magkabilang dulo ng plaza ay mga


ring ng basketball. Pinapalibutan ang plaza ng simbahan, opisina ng kapitan ng
barangay at mga kabahayan ng mga residente ng bayan. Sa gilid ng plaza ay may
isang napakalaking puno ng acacia na may mahahabang sanga at may dahong
nagbibigay lilim para sa mga batang naglalaro sa plaza. Magtatanghali na ng
kami’y makarating, mainit ang dampi ng sikat ng araw sa balat ngunit ayos lang
sapagkat malamig naman ang ihip ng hangin. Ito ang isa sa gusto ko dito sa
probinsiya mas malinis ang hangin, masarap langhapin hindi tulad sa Maynila na
puro usok ng tricycle, jeep at iba pang sasakyan.

Pagkababa sa jeep ay naglakad kami patungo sa aming tutuluyan, at nagulat


ako nang makita ko ito, napakalaki nito ngunit halos luma na. Sinalubong kami ng ni
Aling Nita, sa palagay ko’y nasa sitenta hanggang otsenta na ito, mas matanda
siguro ng sampung taon sa tatay ko. Si Aling Nita’y isang babaeng masiyahin at
agad kaming tinulungan magbaba ng gamit sa jeep, humanga ako sapagkat sa
kanyang hitsura’y di mo aakalaing napakalakas pa nito at kayang buhatin ang
maletang naglalaman ng mga damit ko. Siya ang tagapangalaga ng bahay, may
sarili itong bahay sa hindi kalayuan ngunit pinili nitong tumira ditto at paminsan-
minsan ay umuuwi rin sa kanila. Nagtataka nga ako kung bakit malapit sila ng
tatay, agad nitong hinagkan sa pisngi at niyakap si tatay ng makit niya ito. Sabay
lumipat ang atensiyon nito sa akin at sinabing, “Oh Martin, matanda ka na rin pala,
ngunit gwapo ka pa rin” tumawa at nagtanong “ito na ba ang anak mo?” Ngumiti
lamang si tatay at pumasok sa bahay. Ang gate na sasalubong ay may magarbong
dekorasyon ngunit kalawangin na at ang sakit ng tunog sa tainga, tila kulang sa
langis para gumana ng maayos at tahimik. Ang malaking pinto ay tumutunog na rin
sa tuwing binubuksan, kaya’t alam na alam mo kung may papasok o may lalabas.
May tatlong palapag ang bahay, nasa ikalawang palapag ang kwarto ko at sa tapat
nito ay ang kwarto naman ng tatay. Ito lang ang ilan sa mga bagay na tumatak sa
isip ko noong una akong tumapak sa bayang ito.

Mag-iisang buwan na rin kami dito, minsan lamang ako lumabas para
mamasyal. Isang araw ay maaga akong nagising, masarap palagi ang tulog ko,
presko at maaliwalas dito sa probinsiya. Nagligpit ako ng higaan, bigla akong

Page | 1
napalingon sa plaza, tanaw ito mula sa aking kwarto. Maraming tao sa plaza, mga
batang naglalaro, ang iba’y nag-eehersisyo ngunit may isang eksenang nagpataba
ng aking puso, nakakita ako ng mag-ama. Naglalaro sila ng bisekleta, tinutulak ng
ama ang bisekleta habang ang bata naman ay nakasaka’y roon, tuwang-tuwa at
bakas sa mukha nitong may tiwala ito sa amang hindi siya mahuhulog sa
sinasakyan nito.

Nakakatuwang eksena. Naalala ko tuloy si tatay at ang mga ginagawa namin


noong bata pa ako. Mula pagkabata ay sanay akong gumigising na maririnig ko ang
boses ni tatay, paano’y itatapat ni tatay ang kanyang bibig sa aking tainga at
dahan-dahan, palakas ng palakas nitong sasambitin ang aking panagalan
“Margaret, Margaret…” hanggang sa ako’y magising, ako nama’y agad na
babangon. Pagkagising ay ugali na naming mag-unahan sa hapagkainan at kung
sino ang mahuli ay bibigyan ng parusa, sampung halik, dalawa sa magkabilang
pisngi, dalawa rin sa noo at ilong at noong bata ay dalawa rin sa labi, noong lumaki
na ako’y anim na halik sa pisngi at wala na sa labi, tinanong ko siya noon kung
bakit, ang sabi lang nito’y malaki na raw kasi ako, hindi ko pa maintindihan noong
una. Pagkatapos ng parusa ay sabay kaming magdarasal ng tahimik, pagkatapos ay
kakain. Madalas na makita sa aming mesa ang hotdog at keso, paborito ko kasi
iyon, hindi ko alam pero gusto talaga ito ng panlasa ko, kahit ngayong malaki na
ako at magdadalawamput-anim na taong gulang na sa susunod na buwan ay
paborito ko pa rin ito. Halos araw-araw ay iyon ang aking kinakain, kung hindi sa
almusal ay baon ko naman sa pagpasok.

Tuwing sabado, buong araw kaming maglalaro, mamamasyal sa parke,


manonood ng sine at kakain sa mall o kaya sa pinakamalapit na restawran. Minsan
nga ay nagbabaon si tatay ng hotdog at keso, paano ba nama’y kahit kumain kami
sa labas ay iyon pa rin ang gusto kong kainin, tapos si tatay na lang ang oorder ng
sarili nitong kakainin. Nag-iisa akong anak, kaya naman lahat halos ng gusto ko ay
nasusunod, kapag hindi walang tigil akong umiiyak at walang magagawa si tatay
kung hindi sundin ako. Naisip ko ngang napakakulit ko at sobrang sakit ako sa ulo,
dahil na rin sa mga ginawang ito ni tatay kaya mahal na mahal ko siya. Magsisimba
naman kami tuwing linggo, iiwan ako nito sa aking guro sa Sunday school at siya
naman’y pupunta rin sa pwesto ng mga kaedad nito. Habang nag-aaral ako, si tatay
naman ay pupunta sa kanyang trabaho, pagkatapos ay susunduin ako sa paaralan,
minsan ay hindi kami agad makakauwi sapagkat yayayain ko pa siyang mamasyal
at wala nanaman siyang magagawa kundi sundin ako. Halos ganoon kami araw-
araw, hanggang sa ako ay pumasok sa elementarya pati highschool. Masasabi kong
nasusunod lahat ng gusto ko, pero gayunpaman ay hindi naging matigas ang ulo
ko, kapag may iuutos si tatay ay sinusunod ko siya, lalo na kapag malapit na itong
mamula sa inis at magalit sa akin.

May kumatok sa pinto, isang pamilyar na boses ang naririnig kong


tumatawag sa aking pangalan, “Margaret, Margaret…” sabi ko na nga ba’t si tatay
yun! Hindi pa rin talaga siya nagbabago, agad kong binuksan ang pintuan, nakangiti
siya at sinusundo ako para mag-almusal. Hindi tulad ng bata pa ako, hindi na kami
ngayon nag-uunahan sa pagpunta sa hapagkainan, medyo may edad na si tatay
kaya ngayon ay inaalalayan ko na lamang siya sa pagbaba ng hagdan papunta sa
mesa. Sabay na kaming nag-almusal. Napatitig ako sa mata ni tatay, panandaliang

Page | 2
nagkaroon ng katahimikan. Napatitig din ito sa akin. May suot ng salamin ngayon si
tatay, lumabo na sa katandaan. Naalalako na naman ang aking kabataan.

Masasabi kong naging napakalapit ko kay tatay, hindi naman ito imposible
sapagkat kami na ang magkasama simula pagkabata. Wala akong kinagisnang ina,
ang kwento sa akin ng tatay ko, hindi na raw matiis ng nanay ko ang paggiging
lasinggero at pagpapabaya ng tatay ko sa amin noong maliit pa ako kaya’t
napagpasiyahan nitong umalis na lang at iwan ako kay tatay. Nagtataka lang ako,
kasi sa pagkakatanda ko’y hindi naman ganito si tatay, siguro nga nagbago na siya
mula ng iwan kami ni nanay. Lahat ng kailangan kong atensiyon at pagmamahal ay
naibigay sa akin ni tatay, kaya ay hindi ko naisip na may kakulangan sa buhay ko.
Pero sa tuwing itinatanong ko ang kung sino ang aking nanay, anong itsura nito,
maganda ba, mabait at iba pang detalye, nakikita kong agad na nagbabago ang
emosyon ng tatay ko. Ang isang detalyeng lagging ikinukuwento ni tatay ay
ipinangalan daw niya ako kay nanay. Minsa’y matatahimik ito ng panandalian,
minsan nama’y mamumuo ang mga luha nito at bago pa pumatak ay pupunasan ito
at magkukuwento. Sundalo daw dati si tatay, airforce, hindi ko alam kung totoo ito
pero maganda naman ang pangangatawan ni tatay at sapat na siguro ang mga
litratong nakauniporme ito upang maniwala ako. At dito sa bayang ito, dito raw niya
nakilala si nanay, kaya naman bumalik raw siya rito sa lugar na ito para muli niya
itong makita, bago siya mawalan ng buhay, matanda na rin kasi si tatay, sisenta y
dos anyos na ito. Siyempre, tao lang rin naman ako nais ko ring makita ang aking
nanay, kinakabahan nga ako eh, hindi ko siya nakita kailanman kahit isang litrato
wala.

Sabi ni tatay, binata pa lamang siya ay naroon na ang bahay na ito,


paupahan umano iyon noong una kaya naman malaki ang lugar, ewan ba’t sobrang
interesado si tatay dito at pinag-ipunan niya para lang mabili at saka niya ipinaayos,
medyo luma na kasi.

Mula pagkabata, lagi kong napapansin na sa tuwing bilog ang buwan nasa
rooftop si tatay, madalas itong nakatitig sa buwan. Minsan, dalawang beses sa
isang buwan, depende kung kailan bilog ang buwan. Kahit hindi nito sabihin, bakas
sa mga mata nito na malungkot siya, tila nangangarap. Matagal kong pinag-iispan
kung bakit niya ito ginagawa, hanggang ngayon hindi ko alam. Minsan nga ay doon
na ito magpapalipas ng gabi sa rooftop, tititigan ang buwan hanggang sa makatulog
ito. Ilang beses kong sinubukang tanungin siya kung bakit niya ito ginagawa o para
saan, ngunit hindi ko pa nagagawa kahit isang beses, parang hindi ko kaya, parang
may pumipigil sa akin. Paano kasi naiisip kong hindi pwede. Hindi ko maipaliwanag,
pero parang alam ko na hindi tamang istorbohin siya sa kanyang pag-iisa at pag-
iisip.

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng aking ika-dalawamput


anim na kaarawan. Mga ala-sais ng gabi, hindi pa man tuluyang lumulubog ang
sikat ng araw at kulay kahel na ang kalangitan, nagtipon-tipon kami. Konti lang ang
dumalo, si Aling Nita, ang ilang kapit-bahay, si tatay at ako. Simple lamang ang
nangyaring handaan, maraming pagkain at tila nabusog naman ang lahat. Bago pa
man mag-alas nuebe ng gabi ay natapos na ang handaan. Hindi ko na nga napansin
ang oras, at ang mga taong bumati sa aking kaarawan bago sila umuwi, paano
kasi’y nawawala sa paligid si tatay. Agad ko itong hinanap, dumungaw ko sa

Page | 3
bintana at hinanap siya sa paligid, wala siya roon. Napatitig ako sa ulap at doo’y
napansin ko ang napakagandang buwan at ang liwanag nitong bumalot sa buong
bayan. Saka pumasok sa utak ko kung saan pupuntahan si tatay. Sigurado akong
naroon siya sa rooftop at dali-dali akong tumakbo paakyat doon.

Pagdating ko ay nakita ko si Aling Nita at si tatay, pareho silang nakatitig sa


buwan, nagkukuwentuhan sila. Mukhang malalim ang kanilang pinag-uusapan.
Interesado akong malaman kung anong pinag-uusapan nila kaya naisip kong
lumapit, hindi nila namalayang papalapit ako. Dahan-dahan lang ang yapak ng mga
paa ko, balak kong gelatin sila at itanong kung ano ang kanilang pinag-uusapan at
tila seryosong-seryoso sila. Unti-unti akong lumapit, masayang sambit ni Aling Nita
ang mga katagang ito

“Ang laki na ng anak mo, dalagang-dalaga na ah, maganda, manang-mana sa


ina. Ang bilis lang talaga lumipas ng panahon ano, noo’y grabe pa ang paghihirap
niyo sa pakikipag-laban niyo para sa pag-ibig niyo ni Margaret. Asan na nga pala
siya ngayon? Ang balita ko’y ikinasal daw siya sa anak ng Alkalde natin noon ah,
ang sabi-sabi’y nangibang bansa raw silang mag-asawa”

“Kaya nga bumalik ako dito eh, baka sakaling magkita kami ulit. Baka maisip
niyang bumalik, kahit may asawa na siya at iniwan ako, hindi pa rin nagbabago ang
pagtingin ko sa kanya. Nagbabakasakali akong kahit sandal ay masilayan ko muli
ang babaeng pinakamamahal ko”

Nang marinig ko ang mga ito, naisip kong magtago na lamang sa likod ng
pader at umupo ako. Mukha kasing maiistorbo ko sila kapag sumali pa ako sa
usapan, isa pa maririnig ko pa rin naman kung anong pinag-uusapan nila kahit
maupo lang ako ditto sa likod ng malamig na pader. Patulo’y pa rin ang pag-uusap
ng dalawa.
“Kung bakit nga naman napakalupit ng pag-ibig, lalo na sa mga taong wagas
ang pagmamahalan tulad niyo ni Margaret”

“Sa totoo lang ay nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko ang mga pangyayaring
iyon. Isa pa, iniisip ko kung anong itsura ng naging anak namin”

Bigla akong nagulat sa narinig ko, bakit sasabihin ni tatay kung anong itsura
ng anak niya eh kasama naman niya ako? Siya ang nagpalaki at nag-alaga sa akin.
Bigla akong kinabahan, nagtataka lang ako kaya ipinagpatuloy ko pa ang pakikinig
sa pag-uusap nilang dalawa.

“Ano? Hindi kita maintindihan, Martin.”

“Bakit naman Nita?”

“Hindi ba’t si Margaret ang anak ninyo? Ipinangalan mo pa siya sa kanyang


Ina, hindi ba”

“Oo, ngunit… Siguro nga ay dapat ko nang sabihin ang lihim na matagal ko
ng itinatago”

Page | 4
Pagkabanggit mg mga salitang iyon ni tatay ay biglang naninip ang didib ko,
halos dumoble ang bilis ng pagtibok ng puso ko, pinag-papawisan rin ako ng
malamig. Hindi ko alam ngunit, may nararamdaman akong hindi maganda, anong
lihim iyon? At ang sinabi kanina ni tatay tungkol sa anak nitong di niya pa nakikita,
may kapatid kaya ako? O kaya’y… Hindi naman siguro, gustong-gusto kong
malaman kung anong patutunguhan ng pinag-uusapan nila.

“Balak ko na ring sabihin it okay Margaret, nasa baba pa ba siya? Ngayon


siguro ang tamang panahon, hindi kasi ako makahanap ng taman tiyempo para
sabihin ito. Isa pa natatakot ako sa magiging reaksiyon ng anak ko. Mamya, bago
matulog ay ipagtatapat ko rin sa kanya”

“Ikaw ang hindi ko maintindihan Martin, puwede bang pakilinaw ng mga


sinasabi mo…”

“Bilog din ang buwan noon, tulad ng buwan ng una kong makilala si
Margaret. Maliwanag ang paligid, nasa rooftop din ako, tulad nito. Nakatitig ako sa
buwan. Naaalala ko kasi si Margaret sa tuwing kabilugan ng buwan. Maghahating-
gabi na noon, at ako lang mag-isa sa bahay, bigla akong nakarinig ng iyak ng
sanggol. Noong una hindi ko ito, pinapansin. Ngunit palakas ng palakas, nakakarindi
nga eh, pagdungaw ko sa tarangkahan ay may nakita akong sanggol sa bakuran,
nakabalot pa sa lampin kasama ng ilang botelya ng gatas. Bumaba ako at tiningnan
kung anong nangyayari doon. Pagkababa ay nilapitan ko ang bata, inikot ko ang
paningin sa paligid kung nasan ang magulang nito, baka umalis lang sandal at
babalikan din, ipinasok ko muna sa loob ng bahay ang bata sapagkat mahamog at
malamig sa labas, lumipas ang ilang oras ngunit wala. Tinitigan ko ang bata, hindi
ko alam ngunit, may nagsasabing kung hindi ito babalikan ng magulang ay
aampunin ko na lang ito. Naaalala ko sa kanya ang magiging anak namin ni
Margaret. Iniisip kong alagaan siya para naman mapawi ang lungkot ko, nagungulila
ako noon sa anak namin. Lumipas ang ilang araw, lingo at buwan, wala pa ring
magulang na naghanap o kumuha sa bata kaya naman inampon ko na ito at
pinalaki at pinangalanang Margaret. Ngayon, malaki na siya, hindi ko nga akalaing
mapapalaki ko ng maayos ang batang ‘yan, ano bang alam ko sa pag-aalaga ng
bata, sundalo ako noon at hindi nurse. Haay… si Margaret. Ang laki na niya ngayon
at di pa rin niya alam ang katotohanan tungkol sa pagkatao nito. Mamaya,
malalaman na niya, ilang taon ko ring pinaghandaan ang araw na ito.”

“ Samakatuwid ay ampon lang si Margaret?”

“Oo, at hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko parin ang tunay kong anak.


Nagungulila ako, nais ko silang Makita ni Margaret bago ako mamatay, matanda na
ako, at matagal ko nang pinapangarap na makasama ko rin siya, o kahit na makita
lamang at mayakap.”

Mangiyak-ngiyak si itay habang sinasabi ang mga kataagang iyon, ramdam


ko ang pangungulila niya, ngunit, bakit hindi niya ito sinabi noon pa lang?
Nangangatal ang mga labi ko, nanginginig ako at naluluha, hindi ko mapigilan ang
sarili ko at biglang tumulo ang aking mga luha. Hindi ako makapaniwala sa aking
mga narinig, ampon ako. Isang ampon. Pinipigil ko ang aking paghikbi para hindi
nila marinig at mapansing nakikinig ako. Ngunit hindi ko na kaya, patuloy ang

Page | 5
paghikbi ko, nanginginig ako, hindi ko matanggap, hindi lang ang katotohanang
ampon ako, kundi pati na rin ang paglilihim ni tatay sa akin. Bago pa man nila ako
marinig ay tumakbo na ako sa aking kuwarto, dahan-dahan. Ayaw kong malaman
nila na narinig ko sila. Nakababa nga ako ng hindi nila pansin, patuloy pa rin sila sa
kanilang pakikipag-usap, gusto ko man makinig ay hindi ko na kaya, isa pa, narinig
ko na ang dapat kong marinig, ang dapat kong malaman.

Humiga ako sa kama, nagtalukbong ng kumot, hindi ko mapigil ang pag-iyak.


Kumuha ako ng unan at niyakap, baka sakaling humupa ang nararamdaman kong
kalungkutan. Ngunit hindi, hindi. Mga ilang sandali pa’t may narinig akong mga
yapak ng paa. Hanggang sa mga oras na iyon ay umiiyak pa rin ako, kaya’t dali-dali
kong pinunasan ang aking mga luha, alam kong papunta sila sa aking kuwarto.
Sinabi kanina ni tatay na sasabihin na niya sa akin ang totoo. Pumunta ko sa banyo,
at humarap ako sa salamin at tiningnan kung halata na umiyak ako, ayaw kong
mahalata nila na may alam ako tungkol sa pinag-uusapan nila sa taas. Namumugto
ang aking mga mata, halatang umiyak. Kaya naghilamos ako, para hindi mahalata
ang luha, ngunit alam kong kapag tumingin ako sa kanila ay mapapansin nila. Hindi
man nila ako makitang may luha ngunit halata pa rin sa aking mga namumugtong
mata.

Ilang sandal pa’y palakas ng palakas ang yabag ng kanilang mga paa.
Nagmamadali, at may kumatok nga sa pinto. Malalakas ang bawat katok, tila
nagmamadali, marahil ay sasabihin na nga ni tatay ang totoo. Nakakandado ang
pinto, kaya dahan-dahan akong nagbukas nito at bago pa man nila Makita ng
mukha ko ay agad na aakong tumalikod. At narinig ko ang mga nangangatal na
tinig ng aking ama, sabi nito’y may sasabihin siya. Pinilit kong ayusin ang aking
tinig para hindi ako humikbi, hinsi kasi ako nakakapagsalita habang umiiyak, hirap
ako. Nagtanong ako.

“Ano po yun ‘tay?” Nakatalikod pa rin ako, at dahil alam ko na nga kung
anong sasabihin nito, hindi ko na kaya pang pigilin ang nararamdaman ko at umiyak
ako.

“Bakit ka umiiyak Margaret?” Tanong nito na may malungkot na tinig.

Bigla akong humarap at nakita ko nga si tatay na lumuluha na rin, sa likod


nito’y si Aling Nita. Habang umiiyak, pinilit kong magsalita, kahit patuloy ang aking
paghikbi, sinabi ko ng buong tapang ang aking nalalaman at nararamdaman.

“Tay, nalulungkot ako.”

“Pero bakit ka nalulungkot, at bakit umiiyak ka? Ano bang nangyayari sa’yo
at namumugto pa ang mga mata mo, anak”

“Anak? Tay, alam ko na ang katotohanan, umakyat ako kanina sa taas,


hinahanap ko kayo pagkauwi ng mga bisita. Pag-akyat ko’y nakita ko kayo ni Aling
Nita na nag-uusap, lalapitan ko sana kayo at makikisali sa usapan niyo ngunit,
minabuti kong making na lamang sa likod ng pader. Tay alam ko na ang totoo, tay
ang sakit! Ang sakit, ditto oh, ditto sa puso ko, hindi ako makapaniwala, buong
buhay ko, inakala kong tunay mo akong anak, ikinukuwento niyo pa sa akin na

Page | 6
iniwan tayo ni Inay? Pero ano, lahat ng yon ay hindi totoo, puro kasinungalingan…
Ampon ako! Ampon, ampon, ampon. Perot ay, bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?
Siguro nama’y makikinig ako, at maiintindihan ko yun, ang sakit lang po talaga eh,
lumaki ako sa kasinungalingan….” Pasigaw ko itong sinabi, humuhikbi at patuloya
ng pagpatak ng luha ko.

“Anak, anak making ka…” Hindi pa man ito tapos sa sasabihin niya’y
sumabat na ako.

“Ano tay? Ano pa ang sasabihin niyong kasinungalingan sa akin?” Lumapit sa


akin si tatay at niyakap ako, ramdam ko ang pagpapatahan niya sa anak niyang
nag-uumapaw ang kalungkutan.

“Anak, Margaret, makinig ka. Tunay kitang anak.”

Hindi ko pinansin ang salitang ito, at sinabing “Tay, oo alam ko, tinuring niyo
akong tunay na anak, inalagaan niyo ako, mula sanggol hanggang pagtanda,
naramdaman ko ang tunay na pagmamahal ng isang tunay na ama, ngunit ano?
Ang totoo’y hindi niyo naman ako yunay na dugo’t laman ‘di ba? Hindi bat ay?”

Panandaliang, tumahimik, Si Aling Nita’y nakikita kong umiiyak na rin sa


isang tabi. Tapos ay sinabi nitong “Margaret, Margaret, makinig ka sa sasabihin ng
ama mo. Pakinggan mo siya, may hindi ka pa nalalaman, Margaret.”

“Anak, tunay kitang anak, hindi ako nagbibiro, alam ko mahirap intindihin
ang mga pangyayari pero pilitin mo, kumalma ka muna anak. Si Nita, siya ang
magpapatunay na tunay nga kitang anak. Alam niya ang mga pangyayaring ngayon
ko lang rin nalaman.”

“Maniwala ka Margaret. Dito sa probinsiyan ito nadestino si Martin ng walong


buwan, doon niya nakilala si Margaret. Isang magandang babaeng nag-aaral ng
narsing. Naging malapit sila at naging magkasintahan. Ngunit ayaw ni Don Enrico
na ama ni Margaret kay Martin ay pinaglayo sila ng ama ni Margaret. Paano’y
sadyang maganda ang anak nito at nais ng ama na makapangasawa ito ng anak ng
kanilang alkalde mayor na matagal na ring sinusuyo ang dalaga. Ngunit mas mahal
ni Margaret si Martin. Umalis patungong Maynila sina Margaret at ang pamilya nito
para makaiwas kay Martin. Hindi naman makasunod si Martin agad sapagkat ito ay
nasa serbisyo. At mula pala noon ay nasabi ng tatay mo na hindi na sila muling
nagkita pa, hindi nalaman ni Martin kung ano na ang nangyari sa kanyang
kasintahan at sa kanila sanang magiging anak.”

Huminahon ako kahit papaano, at nagpatuloy si Aling Nita sa pagkuwento.

“Ilang buwan ay bumalik sa apartment si Margaret at hinahanap si Martin,


may bitbit itong sanggol, hindi ko namukhaan ang bata ngunit ang tanda ko’y may
nunal ito sa leeg, yulad ng sa iyo Margaret. Tumakas daw siya sa kanyang ama para
hanapin si Martin at kapag nakita’y magpapasyang magsarili na sila kasama ng
sanggol. Ngunit noong pagpunta ni Margaret ay wala na si Martin, katatapos
lamang ng mga sundalo sa kanilang pagserbisyo sa lugar at hinanap raw si
Margaret sa maynila. Nagpasya ding iwan ni Martin ang paggiging sundalo para sa

Page | 7
paghahanap ng kaniyang mag-ina. Nag-iwan noon si Martin ng kanyang adress sa
Maynila sa akin at ito’y aking ibinigay kay Margaret. Sinabi ni Margaret na
hahanapin nito ang bahay sa adres na ibinigay ko. Ikakasal na raw pala si Margaret
sa anak ng Alkalde at inutos din ng ama na ipamigay o ipaampon ang anak bago pa
man ang araw ng kasal nila. Bumalik ditto si Margaret ngunit wala na ang bata, ang
sabi nito’y ibinigay niya ito sa kanyang ama. Hindi ko naman alam na hindi na pala
ipinaalam ni Margaret kay Martin na iniwan niya ito sa kanilang bakuran. Nagtugma
ang mga detalye ng aming pinag-usapan, napagtagpi-tagpi naming ang istorya at
sa huli’y nalaman naming na si Martin nga ang makadadampot sa batang umiiyak,
ikaw yun, Margaret, Ikaw yun.”

Matapos itong ikuwento ni Aling Nitay, humupa ang aking kalungkutan at


agad na napalitan ng saya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang plano ng Diyos sa
buhay namin. Ang ama kong, buong buhay pinangarap na makasama ang kanyang
tunay na anak ay ito nap ala ang nangyayari, wala lamang itong ideya na ako nag,
ang inaruga at pinalaki niya ang tunay niyang anak. Mula noo’y wala namang
nagbago, ginagawa pa rin namin ang dati na naming ginagawang mag-ama, pero
ngayon, alam ko at alam na ng ama kong ako, ang tunay niyang anak na matagal
na niyang pangarap na makasama.

Sa Liwanag ng buwan, nagkakilala si Margaret at Martin, ang mga magulang


ko. Sa Liwanag ng buwan, natagpuan ako ng ama ko sa kanyang bakuran. Sa
Liwanag ng buwan, nalaman ko ang tunay kong pagkatao…

Isa na lang ang kulang. Sana sa susunod na kabilugan ng buwan, o kahit sa


susunod pa, o kaya sa isa pa, makita at makasama ko naman si Inay…

Page | 8

You might also like