You are on page 1of 5

TAKIPSILIM

Magandang araw po sa mga bumubuo ng Signos Philippine Horror Story at sa mga


manonood o nakikinig rito.

Ako po si Noel, 37 taong gulang at tubong Mantiquil sa Siaton sa lalawigan ng


Negros Oriental, may ilang linggo narin po ako nakasubaybay sa channel na’to kasi
mahilig rin po talaga akong makinig sa mga kwentong katatakutan lalo na pag oras
na po ng pahinga mula sa pagsasaka kaso kadalasan po ay mahina ang signal dito
sa amin ng internet kasi nga po malayo kami sa kabihasnan at kailangan ko pa
pong bumaba ng bundok para lang magpaload pa sa malayong lugar.

Simple lang po ang pamumuhay namin rito, bale ang kasama ko po pala sa bahay
ay ang aking mga magulang at yung kapatid ko naman po na babae ay bumukod
na dahil may pamilya na po sya pero malapit lang din po dito ang tirahan nila.

Sa totoo lang pangarap ko po na makapunta ng Maynila para doon magbaka-


sakali at makahanap ng trabaho kasi nga may kahirapan po talaga ang buhay
namin dito pero nag aalangan din po ako na iwanan sila Tatay, isa pa matatanda
narin sila at hirap na magsaka at isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi pa ako nag
aasawa hanggang ngayon kasi gusto ko pa silang tulungan.

Nga pala ang kwento ko pong ito ay tungkol sa malagim na karanasan ng aming
pamilya nang mawala ang tatlong anak ng aking kapatid..
3 taon na po ang nakalipas mula nung mangyari yung insidente na yun at
hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin po kami sa nangyari sa mga pamangkin ko
at ang sinisisi po ng aming angkan ay walang iba kundi ang pamilyang galing ng
kabilang Isla ng Siquijor...
Marahil ay marami na sa atin ang nakakarinig ng mga misteryo o kwentong
kababalaghan tungkol sa Isla ng Siquijor, yung tipong pag narinig mo yung
pangalan ng lugar na yun ay maiisip mo na may mga lugar doon na ang mga
naniniharan ay mga manggagamot, mga mangkukulam, mga mambabarang at ang
mga tinatawag na Aswang.
Maraming naniniwala at marami rin hindi lalo na pag hindi ka pa nakakakita,
pero dito sa lugar namin ay matindi ang paniniwala namin dyan kaya halos lahat
ng taga rito ay palaging may dalang sundang o itak na pang proteksyon at isa na
ko roon.
Simula po nung dumating sa lugar namin ang pamilya nila Mang Jacinto ay
nagsimula pong magkawala ang mga bata sa lugar namin, kadalasan po ay mga
sampung taong gulang pababa ang nawawala. Bagamay yung iba naman ay
nahahanap pero yung iba ay tuluyan ng naglaho...
Tila ba may dalang kamalasan o kung anong kababalaghan ang pamilya nila sa
aming lugar kaya naman sumibol ang usap-usapan sa amin na sila ang dahilan
kung bakit may mga nawawalang bata , na sila raw ang kumukuha, na sila raw ay
mga Aswang..
Isipin nyo nalang na sa panahon ngayon ay may mga ganong nilalang pa ba? Kahit
ako ay hindi rin makapaniwala hanggang sa isang gabi ay nagtungo sa amin ang
babae kong kapatid para ipaalam samin na ilang oras ng hindi umuuwi ng kanilang
bahay ang aking 3 pamangkin, bale dalawa silang lalake at isang babae na nasa
edad na 5,7 at 9 taong gulang.
Nag aalala na yung kapatid ko nun pati kami nila Tatay kasi alas-syete na ng gabi
nun, napagalitan pa nga sya ni Nanay kasi bakit daw nya hinayaan na magpaabot
sa dilim ang mga bata sa paglalaro, sabi nya abala daw kasi sya sa paglalaba kaya
di nya namalayan na wala pa ang mga ito.
Ayun hinanap namin yung mga pamangkin ko at bumaba narin kami ng bundok
para humingi ng tulong sa barangay o munisipyo gaya ng ginawa ng ibang taga
roon na nawalan din ng bata.
Nagpasya kaming hanapin ng buong magdamag ang mga pamangkin ko at hindi
kami titigil hanggat hindi namin sila nakikita.
Kasama ko si Tatay at ang mga malalapit namin na kapit-bahay para maghanap
habang pinaiwan nalang namin si Nanay at ang kapatid ko sa bahay bagamat
ayaw ng kapatid ko magpaiwan ay pinilit ko sya na bantayan si Nanay dahil mas
delikado sa labas, binilinan ko sya na kapag nakauwi na yung asawa nya ay
sabihan nya rin ito para maghanap sa mga bata.

Kung saan-saan na kami nakarating nung gabing yun, pasado alas-onse na nun
pero ni anino ng mga pamangkin ko ay wala hanggang sa makasalubong namin si
Damian na kapit-bahay rin namin, may dala rin itong sundang at halatang
nagmamadali.
‘’O Damian gabi na ah san ang punta mo?’’
‘’Nako Noel hindi ka maniniwala sa sasabihin ko! Sabi na eh tama ang hinala
natin!’’
Nagkatinginan kami ni Tatay at ng mga kapit-bahay namin.
dugtong pa ni Damian, ‘’Mga halimaw talaga yang pamilya ni Mang Jacinto!’’
sabay mura nya.
Nagulat kami sa sinabi ni Damian, napag isipan pa nga namin sya na baka
nakainom pero hindi naman sya amoy alak.
‘’Anong ibig mong sabihin ha Damian?’’ tanong ng isa naming kasama.
‘’Nakita ko yung asawa ni Mang Jacinto! si Aling Cora hindi sya tao!’’
Kita namin sa kanya na nangagatog pa sya habang nagkukwento.
‘’Kanina galing akong tubuhan papauwi na sana ako kaso nung maparaan ako
dyan malapit sa ilog nakita ko si Aling Cora, sinundan ko sya kasi nga nagtataka ko
bat nasa tabing ilog pa e madilim na tyaka naghihinala rin talaga ko sa kanya..’’
Seryoso kaming lahat na nakikinig sa kwento nya.
‘’Sinundan ko sya pauwi sa kanila pero hindi pa kami nakakarating sa kanila eh
nakita kong nagbago yung anyo ni Aling Cora! di ko alam kung aso ba yun o baboy
basta itim eh!’’
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Damian tungkol kay Aling Cora.
‘’Maniwala kayo nakita ko pumasok sa pintuan nila yung itim na hayop tapos
maya-maya lumabas na si Aling Cora na normal na ulit itsura nya!’’
Kilala namin si Damian, sa tagal ng pagkakakilala namin sa kanya ay ni minsan ay
hindi ito gumawa ng kwento o nagsinungaling, bihira rin sya makipag kwentuhan
sa amin dahil puro trabaho sa tubuhan ang inaatupag nito.
Saglit kaming nag usap-usap at napag kasunduan namin na puntahan ang bahay
nila Mang Jacinto...

Ano kaya ang kahihinatnan ng pagpunta nila Noel at ng mga kasama niya sa bahay
ng Pamilya ni Mang Jacinto? Abangan ang susunod na parte ng kwento.

Oo nga pala, gusto naming magpasalamat sa lahat ng nakinig sa aming mga


nakaraang kwento at mga bagong followers sa aming page sa Facebook

Sana po ay masu

You might also like